Lit104 Modyul3 Plaza M.A.

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 11

PANGALAN: MARLA ALTHEA S.

PLAZA

MGA PANANALIG/TEORYANG PAMPANITIKAN

Gawain I:
Gawan ng balangkas ng mga katangian at kalikasan ang bawat
teorya at pananaw pampanitikan na tinalakay sa kabanatang ito.

MGA TEORYANG PAMPANITIKAN


• HUMANISMO- itinuturing na pagbabalik ng klasismo. Ang teorya ay
binibigyang tuon ang kalikasan, mga mabuting katangian ng tao at
ipinapakita na nag tao ang sentro ng mundo. Kumikilala rin sa kakayahan
ng tao para mag-isip at magpasiya sa kaniyang tadhana.
• IMAHISMO- binibigyan diin ang pagpili ng tiyak na salita, kalayaan sa
pagpili ng mga paksa, porma at mga paggamit ng mga salitang
karaniwang ginagait sa araw-araw. Layunin nitong gumamit ng mga
imahen na higit na maghahayag sa damdamin, kaisipan at iba pang nais
ibahagi ng may akda.
• ROMANTISISMO- nagpapakita ng pagmamahal sa kapwa, bayan at iba
pa. Mas binibigyan ng pansin ng teoryang ito ang pagtakas sa
katotohanan. Mas binibigyang halaga ang damdamin kaysa sa isipan.
• EKSISTENSYALISMO- tumutukoy sa paninindigan, paniniwala at
prinsipyo ng pangunahing tauhan. Ang teoryang io ay nagpapakita ng
usapin g indibidwal na kalayaan at pagpili.
• FEMINISMO- ito ay nakatuon sa kababaihan bilang mambabasa at
manunulat. Pumapaksa ang teoryang ito sa malayang pagbuo ng babae sa
kaniyang sarili. Nagpapakila ito ng mga kalaksan at kakayahang
pambabae at iangat ang pagitan ng lipunan sa mga kababaihan.
• MARXISMO- ang layunin ng teoryang ito ay ipakita na ang tao o
sumasagisag sa tao ay may sariling kakayahanna umangat buhat sa
pagdurusuhang dulot ng kahirapan at suliraning panlipunan at
pampulitika.
• REALISMO- layon nitong ipakita ang tunay na karanasan ng tao at
lipunan sa isang makatotohanang pamamaraan.
• PORMALISMO- ang teoryang ito ay nasa porma o kaanyuan ng akda
ang kasiningan nito. Ang tungkulin ng pormalismo ay matukoy ang
nilalaman, kaanyuan o kayarian at paraan ng pagkasulat ng akda.
• SOSYOLIHIKAL- ang teoryang ito ay nagbibigay ng pangunahing
halaga sa tao, dahil dito ang tao ay sentro ng daigdig.
• DEKONSTRUKSYON- sa teoryang ito, hindi lamang wika ang
binubusisa ngunit pati na rin ang teorya ng reyalidad o pilosopiya at
pagkakahubog nito sa kamalayang panlipunan.
• BAYOGRAPIKAL- ang layunin ng teoryang ito ay ipamalas ang
karanasan o kasagsagan sa buhay ng may-akda.
• SIKOLOHIKAL- nakikita ang takbo ng isip ng may katha, antas ng
buhay, paninindigan, paniniwala, pinapahalagahan at mga tumtakbo sa
isipan at kamalayan ng may-akda.
Pagsusuri:
Bilang mag-aaral, ano ang mga kinakailangan tandaan upang maging
makabuluhan ang pagsusuri at makuha ang nais ipabatid ng akdang binasa?

Ang isang akda ay hindi naiintindihan kung hindi binabasa. Ang unang
kinakailangang gawin ay ang basahin ang akda. Walang magaganap na pagsusuri kung
hini binasa ng mabuti ag isang kuwento o akda. Para maging kabuluhan ang iyong
pagsusuri, kinakailangan na alam mo ang lahat ng laman o kung anong nais ipabatid sa
akdang binasa. Kinakailangan mong malaman ang damdamin, asal at kaisipan sa
kuwento. Ibig sabihin lamang niyan na dapt mong suriin ang isang akda ayon sa paksang
nakapaloob, ayon sa nilalaman, tauhan , tagpuan at banghay. Suriin ito ayon sa taglay na
bisa at suriin ayon sa kaugnay sa kamalayang panlipunan. Sa pagsusuri sa anumang akda
ay kailangan na organisado ang paglalahad dahil bahagi iyan sa disiplina ng pagsusuri.
Bago ka magsimula sa pagsusuri, kinakailangan rin na gusto at malinaw sa iyo ang napili
mong akdang susuriin. Higit sa lahat, dapat may kaalaman ka patungkol sa teoryang
pampanitikan dahil ito ang tulay upang malaman ang layuning nais ipabatid ng may-
akda. Sa tulong ng kaalamam mo sa teoryang pampanitikan, maaarin kang makakalap ng
imporamsyon at mamulat ang iyong isip sa mga kaganapan sa ating paligid.
Paglalapat:
Maraming mga akda ang sinali at tinalakay, mamili ng dalawang akda at suriin ito
ayon sa iyong komprehensibong pagtatalakay.

“Ang Kuwintas”

I. PANIMULA

A. Uri Ng Panitikan
Ang “Ang Kuwintas” ay isang akdang piksyon na napabilang sa maikling kuwento. Ang
piksyon ay mga kwento na nagtatampok ng mga istorya na galing sa imahinasyon o kathang isip
lamang at hindi totoo. Mga kwento ito na may mga karakter, bagay o pangyayari na kathang isip
lamang. Ang maikling kuwento naman ay isang maiksing salaysay hinggil sa isang mahalagang
pangyayaring kinasasangkutan ng isa o ilang tauhan at may iisang kakintalan o impresyon
lamang
B. Bansang Pinagmulan
Ito ay nagmula sa bansang France. Ang bansang France ay isang bansa sa Europa na bahagi
ng Unyong Europeo (UE). Isa ito sa mga pinakamalaking bansa sa Europa.
C. Pagkilala Sa May-Akda
Si Henry-René-Albert-Guy de Maupassant o mas kilala bilang si Guy de Maupassant ay isang
manunulat na pranses. Nakilala o naging tanyag siya dahil sa kanyang sinulat na maikling kwento
na “Ang Kwintas”. Ang isa sa nag-udyok sa kanya na maisulat ang akda na ito ay ang pagsisikap
na maitatag ang Paris bilang larawan ng lipunang Petiburges sa kinis, kislap, at gawi ng mga
gitnang ring namumuhay sa lungsod. Bilang produkto ng teoryang realismo, ang kaniyang mga
kwento ay nagtatanghal ng pagkaganid sa kayamanan at naglalaman ng madilim na aspekto sa
kalikasan ng tao.
D. Layunin Ng Akda
Ang nakita kong layunin ng akda ay iparating sa atin o maipakita niya sa atin ang mga nangyayari
sa ating mga tao at sa ating lipunang ginagalawan. Layunin nito ay pangaralan ang mga
mambabasa tungkol sa pagiging kontento kung ano ang meron tayo, na may mga bagay talaga
na hindi natin makakamit, at minsan ang problema pa ang siyang magiging dahilan ng pagbabago
ng isang tao.
II. PAGSUSURING PANGNILALAMAN

A. Tema O Paksa Ng Akda


Napapanahon at makabuluhan ang paksa at tema ng kwentong "Ang Kwintas" sapagkat ang tema
ng kwentong ito ay maari nating iugnay sa mga nangyayari sa atin sa realidad o sa tunay na
buhay. Ang naging paksa naman ay naging mapaghangad sa buhay ang tauhan sa akda. Ibig
sabihin na ang kuwento ay may paksang pagiging kuntento sa kung anong mayroon sayo.
B. Mga Tauhan/Karakter Sa Akda/Personsa
• Mathilde- babaeng nangarap na magkaroon ng marangya at magandang buhay. Hindi
siya marunong makuntento sa kung anong mayroon sa kaniyang buhay. Naghahangad
siya ng mga bagay na hindi agad natutupad ng kaniyang asawa.
• G. Loisel- siya ang asawa ni Mathilde. Ginagawa niya ang lahat upang mabigay ang lahat
ng gusto ng asawang hindi marunong makuntento.
• Madame Forestier- siya ang kaibigan ni Mathilde na hiniram at nagpahiram ng kuwintas
kay Mathilde.

C. Tagpuan/Panahon
Ang tagpuan sa kuwento ay sa bahay ng mag-asawang sina Mathilde at G. Loisel. Isa rin sa
tagpuan ay sa Palasyo ng Ministeryo kung saan ginanap ang nasabing pagdiriwang na pinuntahan
ng Mathilde at G. Loisel
D. Balangkas ng mga Pangyayari
• Si Mathilde ay nagmula sa lahi ng mga tagasulat at siya’y nagpakasal kay G. Loisel.
• Inanyayahan ang mag asawa sa isang pagdiriwang gaganapin sa Palasyo ng Ministeryo,
at nanghiram ng alahas si Mathilde sa kanyang kaibigan.
• Naging masaya si Mathilde sa gabi ng pagdiriwang, nung pauwi na ay Nawala ang alahas
na hiniram ni Mathilde sa kanyang kaibigan.
• Hinanap nila ito ngunit hindi na nila ito makita, Nangutang na lamang sila at
nagpakahirap upang mapalitan ang nawalang alahas.
• Napalitan na nila ito subalit nalaman nilang ang hiniram nila ay imitasyon lang pala.
Naipapakita dito ang pagbabagong nangyari sa buhay ni Mathilde at ng kaniyang asawa nang
dahil sa pagiging hindi makutento ni Mathilde sa kung anong mayroon siya.
E. Kulturang Masasalamin sa Akda
Ang kulturang makikita sa kuwentong ito ay ang pagkahilig ng mga taga Paris sa mga
magagarang damit. Sila ay kilala sa matataas na uri ng Fashion Houses. Naipapakita din dito ang
pagkahilig ng mga taong nakatira sa Paris sa mga pagdiwang o mga kasiyahan.

III. PAGSUSURING PANGKAISIPAN

A. Mga Kaisipan/Ideyang Taglay Ng Akda


Ang "Ang Kwintas" dahil nga sumasalamin ito sa nangyayari sa realidad na ang pangunahing
tauhan ay tayo, ang mga tao sa lipunan. Ang mga kaisipang makikita sa kuwento ay ang mga
sumusunod:
• Dapat na mas inuuna natin yung mga bagay na ating kailangan kaysa sa mga luho lamang.
• Dapat makuntento tayo kung ano lang ang mayroon sa atin. Hindi dapat tayo mag asam ng
mga bagay na wala tayo o mag asam na magkaroon ng ganitong bagay sapagkat pwedeng
humantong ito sa pagkakaroon ng hindi magandang pangyayari sa ating buhay.
B. Estilo Ng Pagkasulat Ng Akda
Ang estilo ng pagkasulat ay pasalaysay sapagkat isnalaysay dito ang mga pangyayaring makikita
natin sa reyalidad. Ang pasalaysay ay pagsasaad ng mga pangyayari o karanasang magkaugnay.
Katulad ito ngpagkukwento ng mga kawil-kawil na pangyayari.Isinalaysay dito ang buhay ng
mag-asawa at , upang ma-iayon natin sa ating buhay at kapulutan ng aral ang naging karanasan
ng mag asawa.

IV. TEORYANG GINAMIT

A. Dulog Kritisismo Mga Teoryang Pampanitikan


Mailalapat ang Teoryang Realismo sa akdang “Ang Kwintas”. Ito ang Teoryang
ipinapakita ang mga karanasan at nasasaksihan ng may akda sa lipunang ating ginagalawan. Sa
teoryang ito ipinakita o ipinaglaban ang katotohanan kaysa kagandahan. Ang sinuman tao o
anumang bagay ay dapat maging makatotohanan ang paglalarawan at paglalahad.
B. Pagpapatunay sa Teoryang Ginamit
Ang mga sumusunod ay nagpapakita ng Teoryang reyalismo:
• Ang paghiram ni Mathilde ng isang kwintas upang mas maging magarbo sa okasyong kanyang
dadaluhan ay nagbigay sa kanya ng mas malaking suliranin at kahirapan ng ito ay kanyang
maiwala.

• Ang pagiging hindi makuntento ni Mathilde ay nagpapakita sa ating reyalidad na may


mga taong ninanais mag-asam ng mga bagay na hindi angkop sa tunay na estado sa
buhay.

V. BUOD
Ang maikling kwento ay patungkol sa ginang na nang hiram ng kwintas sa kanyang
kaibigan upang gamitin sa pagtitipon na pupuntahan ng mag-asawa. Nawala ang kwintas na
ginamit niya kaya ang mag-asawa ay naghirap sa kanilang buhay sa pag-aakalang isang
mamahalin na kwintas ang kanyang ginamit, ngunit pagdating sa huli ay nalaman lang nang
ginang na ang kwintas ay gawa lamang sa pwet ng baso at hindi ito katulad ng mga totoong
ginto.

VI. IMPLIKASYON

Ang hindi marunong makuntento sa buhay ay hindi talaga magiging maligayang tunay.
Nakasisira ang maghangad ng mga bagay na hindi angkop sa iyong estado sa buhay.

“Ang Kuwintas”

VII. PANIMULA

A. Uri Ng Panitikan
Ang “Ang Kubo ng Notre Dame” ay isang akdang piksyon na napabilang sa kuwentong bayan.
Ang Kuba ng Notre Dame na isinulat ni Victor Hugo na inilathala noong 1831, na mayroong
temang Romance at Gothic ay nabibilang sa panitikan na Kwentong Bayan . Ang kuwentong-
bayan ay mga kathang isip na kuwento o salaysay na ang mga kumakatawan ay ang mga pag-
uugali at mga uro ng mga mamamayan sa isang lipunan.
B. Bansang Pinagmulan
Ito ay nagmula sa bansang France. Ang Paris ay ang kabisera at pinakamalaking lungsod ng
Pransiya, na matatagpuan sa pampang ng Ilog Sena, sa hilagang Pransiya, sa kalagitnaan ng
rehiyong Pulo ng Pransiya (o Rehiyong Parisino).

C. Pagkilala Sa May-Akda
Si Victor-Marie Hugo (26 Pebrero 1802 – 22 Mayo 1885) ay isang Pranses na makata,
mandudula, nobelista, manunulat ng sanaysay, artistang pangbiswal, politiko, aktibistang
pangkarapatan ng tao, at tagapagtaguyod ng kilusang Romantiko (tagapagtangkilik ng
Romantisismo) sa Pransiya.

D. Layunin Ng Akda
Ang layunin sa kuwento ay maipahatid sa mga mababasa na ang pag-ibig ay umiiral sa iba’t
ibang paraan. Maipapakita din dito ang mga pag-uugaling dapat atglayin ng isang tao at mga
dapat hindi taglayin.
VIII. PAGSUSURING PANGNILALAMAN

A. Tema O Paksa Ng Akda


Pinapakita sa kuwentong ito na karamihan parin sa mga tao ay tumitingin sa pisikal na kaanyuan
ng isang tao, nanghuhusga sila batay sa panlabas na anyo ng isang tao. Ngunit may mga tao pa
rin na handang tanggapin ang isang tao sa kabila ng pisikal na anyo nito at mas binibigyang
pansin ang panloob na anyo.
B. Mga Tauhan/Karakter Sa Akda/Personsa
• Quasimodo- siya ay ang kuba ng Notre Dame na itinanghal bilang “Papa ng
Kahangalan” dahil sa taglay niyang labis na kapangitan. Sa kabila ng kanyang pisikal
na kaanyuan, siya ay may magandang kalooban.
• La Esmeralda- ang dalagang mananayaw,handang mamatay para sa kanyang mahal.
Claude Frollo- ay isang pari ng Notre Dame. Paring may pagnanasa kay La Esmeralda;
amain ni Quasimodo; siya ay sakim sa pagmamahal. Dahil sa labis na kagustuhan sa
dalagang mananayaw, nakalimutan na niya ang buong pagkato niya at kung ano ang
kanyang katayuan.
• Pierre Gringoire- ay ang nagpupunyaging makata at pilosopo sa lugar na handang
tumulong sa kanyang mahal sa buhay.
• Phoebus- kapitan ng mga tagapagtanggol sa kaharian, may malalim ding gusto sa
babaeng mananayaw na si La Esmeralda. Itinuturing na mas mahalaga ang
kapangyarihan niya bilang kapitan kaysa tulungan ang dalagang napamahal na sa
kanya.
Sister Gudule- ay dating mayaman subalit nawala ang bait nang mawala ang anak na babae. Siya ay ang ina
ni La Esmeralda. Isang dakilang ina na walang tigil sa paghahanap sa nawawalang anak.
C. Tagpuan/Panahon
Ang tagpuan sa kuwento ay sa Katedral Ng Notre Dame.
D. Balangkas ng mga Pangyayari
• Si Quasimodo ay isang napakapangit na kuba na inampon ni Fr. Frollo at umibig sa isang
napakagandang mananayaw na si La Esmeralda. Si Fr. Frollo man ay umiibig din kay La
Esmeralda at gumagamit ng itim na mahika para makuha ang gusto niya.
• Isang araw tinambangan ni Fr. Frollo si La Esmeralda ngunit hindi natuloy ang masama
nitong balak sa dalaga. Pinaako niya kay Quasimodo ang ginawa at nakatakdang bitayin
si Quasimodo ngunit nakiusap si La Esmeralda kaya't pinalaya ito.
• Isang kapitan ng kawal ang umibig kay La Esmeralda ngunit pinagtangkaan itong patayin
at pinagbintangan si La Esmeralda kaya siya hinatulang ibitay. Pinapamilil siya ni
Fr.Frollo "bitay o ang ibigin siya", ngunit mas pinili ni La Esmeralda ang mabitay. Nang
makita ni Quasimodo na wala ng buhay ang dalaga ay inihulog niya mula sa tore ang pari
bilang paghihiganti.
• Mula sa araw na iyon ay hindi na siya nakita pa ngunit nang hukayin ang labi ni La
Esmeralda ay nakitang nakayakap sa kalansay nito ang kalansay ng isang kuba.

E. Kulturang Masasalamin sa Akda


Ang kulturang makikita sa kuwentong ito ay pagdiriwang ng “Araw ng kahangalan” at may
itinatampok na isang tao bilang simbolo taon-taon. Sa Pilipinas itinatampok ang pista ng “Itim
na Nazareno” taon-taon (Ika-9 ng Enero) upang gunitain ang kapistahan ng santong patron,
kung saan itinuturing ito bilang isa sa pinakamalaki at tanyag na kapistahan sa Pilipinas.

IX. PAGSUSURING PANGKAISIPAN

A. Mga Kaisipan/Ideyang Taglay Ng Akda


Nagpapahayag ng damdamin ng may akda at siyang tumatalakay sa pamumuhay ng isang taong
lubos na kinasusuklaman ng ibang mamamayan. Tulad ng mga alipin noong unang panahon na
itinuturing na parang hayop sa kadahilanang hindi kaaya-aya ang anyo nito. Maipapakita din dito
ang kaibahan ng trato sa mahirap at mayaman.
B. Estilo Ng Pagkasulat Ng Akda
Ang estilo ng pagkasulat ay pasalaysay sapagkat isnalaysay dito ang mga pangyayaring makikita
natin sa reyalidad. Ang pasalaysay ay pagsasaad ng mga pangyayari o karanasang magkaugnay.
Katulad ito ngpagkukwento ng mga kawil-kawil na pangyayari.Isinalaysay dito ang buhay ng
isang taong nilalait nang dahil sa kaniyang pisikal na anyo. Nagsasaad lamang ito na kadalasan
sa mga tao ay tumitingin lamang sa panlabas na anyo ng isang tao.
X. TEORYANG GINAMIT

A. Dulog Kritisismo Mga Teoryang Pampanitikan


Ang Kuba ng Notre Dame ay isang Teoryang Humanismo. Ipinapakita dito ang tao ang
sentro ng mundo. Kung saan binibigyan tuon ang kalakasan at mabubuting katangian ng tao.
Nakasentro ang may akda sa katangian ng bawat tauhan dito.
B. Pagpapatunay sa Teoryang Ginamit
Ang mga sumusunod ay nagpapakita ng Teoryang humanismo:
• Ang ginawa ni Esmeralda kay Quasimodo, nang ito ay binigyan niya ng tubig na
maiinom.
• Iniligtas ni Quasimodo si Esmeralda sa kaparusahang hinaharap.
XI. BUOD
Isang napakapangit na sanggol ang ipinanganak na iniwan sa simbahan. Inalagaan ito
ng paring si Claude Frollo na nakatira sa katedral, makalipas ang ilang taon nasilayan ng pari
ang kagandahan ng isang mananayaw na si la Esmeralda hindi nagtagal nasabik siya na mahalin
siya nito kayat naisipan nitong ipadakip na lamang kay Quasimodo ngunit nabigo ito dahil sa
pagdating ni phoebus na isang kapitan ng mga tagapagtanggol sa kaharian.Naparusahan si
Quasimodo dahil sa kanyang ginawa na iniutos lamang ng pari.Samantala hindi sinasadyang
nagkagusto sa isa’t isa sina phoebus at la Esmeralda kaya naisipan ng dalawa na magkita upang
magbigay impormasyon sa isa’t isa dahil rito nagalit ang pari kaya’t nais nitong patayin si
phoebus gamit ang kaniyang natutunang itim na mahika na siya ring dahilan kung bakit
tinalikuran niya ang diyos.Dahil roon naparatangang mangkukulam si la Esmeralda kung
kaya’t pinarusahan ito ng kamatayan ngunit sinagip ito ni Quasimodo dahil sa pagtingin nito
kay la Esmeralda at dinala ito sa tuktok ng katedral ngunit tinangka ng pari na hamakin si la
Esmeralda at di sinasadyang naitulak ni Quasimodo ang pari at yoon ang naging dahilan ng
pagkamatay nito.Hindi nagtagal nadakip si la Esmeralda at natuloy ang parusa nito ngunit
kasabay nito si Quasimodo ay hindi narin natagpuan…Laking ng gulat ng isang lalaki ng
hukayin muli ang puntod ni La Esmeralda ng makita ang bangkay ni Quasimodo na siyang
nakayakap sa bangkay ni La Esmeralda.

XII.IMPLIKASYON

Ang wagas na pagmamahal ng isang tao na handang iaalay ang buhay niya sa taong
minamahal niya, ito ang ipinakita ni Quasimodo sa kwentong ito ,ang wagas na pag
mamahal niya kay La Esmeralda.
Ang mga tao ay tumitingin lamang sa panlabas na anyo ng tao at sa estado sa buhay nito.
Sa kabila ng pagiging malupit ng ibang tao, may mga tao pa rin na handang tumulong at
yakapin ang iyong panlabas at panloob na anyo.

You might also like