Q2 Filipino 7 - Module 1

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 21

7

Filipino
Ikalawang Markahan
Sariling Linangan Kit 1:
Awiting Bayan at Bulong
Filipino – Ikapitong Baitang
Ikalawang Markahan – Sariling Linangan Kit 1: Awiting Bayan at Bulong
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung
ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan
ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa Sariling Linangan Kit
na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga
ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga
tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban
sa SLK na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon – Rehiyon XI


Regional Director: Allan G. Farnazo
Assistant Regional Director: Maria Ines C. Asuncion

Bumubuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Phelma O. Camacho, Fardia C. Pawai, Juliet O. Ano-os
Editor: Yvette Rosanna P. Escalera
Tagasuri: Rene P. Sultan, Yvette Rosanna P. Escalera
Tagaguhit: Hareld Candari
Tagalapat:
Tagagawa ng Template: Neil Edward D. Diaz
Tagapamahala:
Allan G. Farnazo Reynaldo M. Guillena
Mary Jeane B. Aldeguer Alma C. Cifra
Analiza C. Almazan Aris B. Juanillo
Ma. Cielo D. Estrada May Ann M. Jumuad
Mary Jane M. Mejorada Rene P. Sultan

Inilimbag sa Pilipinas ng Kagawaran ng Edukasyon XI


Department of Education – Sangay ng Lungsod ng Davao
Office Address: Daang E. Quirino Davao City
Telefax: 224-3274
E-mail Address: davaocitydivision@deped.gov.ph
7

Filipino
Ikalawang Markahan
Sariling Linangan Kit 1:
Awiting Bayan at Bulong
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:
Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang
kaalaman ang mag-aaral kung paano gamitin ang Sariling Linangan
Kit na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang pag-unlad nila
habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling
pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin
at gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing
nakapaloob sa SLK.
Para sa mag-aaral:
Ang Sariling Linangan Kit na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong
pangangailangan. Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral
habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong madulutan
ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.
Ang sumusunod ay mga paalala kung paano gagamitin ang SLK:
1. Gamitin ang SLK nang may pag-iingat. Huwag susulatan ang
bawat pahina nito. Gumamit ng ibang papel na maaaring
sulatan ng mga kasagutan mula sa iba’t ibang kasanayan.
2. Huwag kalimutang sagutan and Subukin Natin bago dumako sa
susunod na gawain.
3. Basahin at unawaing mabuti ang mga panuto bago isagawa ang
mga gawain.
4. Inaasahan ang inyong katapatan at integridad sa pagsagawa,
pagsagot at pagwawasto ng mga gawain.
5. Tapusin muna ang kahingian ng bawat bahagi bago ka dumako
sa susunod na gawain.
6. Isauli/ Ipasa ang SLK sa inyong guro o tagapagdaloy pagkatapos
ng mga gawain.
Kung may mga bahagi ng SLK na ito na nahihirapan ka sa
pagsagot, huwag mag-atubiling komunsulta sa inyong guro o
tagapagdaloy. Tandaan na hindi ka nag-iisa sa gawaing ito. Inaasahan
namin na sa pamamagitan ng SLK na ito, ay mararanasan mo ang
isang makabuluhan, masining at malalim na pagkatuto at pag-unawa
sa mga kasanayang pampagkatuto. Kaya mo yan!

ii
Alamin Natin

Sa SLK na ito, matututuhan mo ang mga awiting bayan at bulong na


laganap sa Kabisayaan bago pa man dumating ang mga Kastila. Ang mga ito
ay tinuturing na mga pasalindilang panitikan dahil lumaganap ang mga ito
sa pamamagitan ng pagsasalin-salin ng pasalitang tradisyon mula sa iba’t
ibang salinlahi. Bukod sa mga ito, pag-aaralan mo rin ang iba’t ibang antas
ng wika na ginagamit sa pakikipagtalastasan.

Pagkatapos mong pag-aralan ang araling ito, inaasahang matatamo


ang sumusunod na kasanayang pampagkatuto:

1. naipaliliwanag ang mahalagang detalye, mensahe at kaisipang nais


iparating ng napakinggang/nabasang bulong, awiting-abayan,
alamat, bahagi ng akda, teksto, tungkol sa epiko sa kabisayaan;
2. nabubuo ang sariling paghahatol o pagmamatuwid sa ideyang
nakapaloob sa akda na sumasalamin sa tradisyon ng mga taga
Bisaya;
3. nasusuri ang antas ng wika batay sa pormalidad na ginamit sa
pagsulat ng awiting-bayan (balbal, kolokyal, laalwiganin, pormal).

Subukin Natin
Panuto: Bago mo pag-aralan ang aralin, sagutin ang sumusunod. Isulat ang
titik ng tamang sagot sa patlang.

1. Ang awiting “Lawiswis Kawayan” ay nagmula sa _____________.


A. Cebu C. Bohol
B. Samar D. Negros Occidental

Para sa mga bilang 2-3

Sabi ng binata, halina O hirang


Magpasyal tayo sa lawiswis kawayan
Pugad ng pag-ibig at kaligayahan
Ang mga puso ay pilit magmahalan.

Lawiswis Kawayan
(Saling Tagalog ng Mabuhay Singers)
Pluma 7 pahina 148

1
2. Anong saloobin ang ipinakikita sa saknong ng awiting-bayan?
A. Nagmamahalan ang dalaga at binata.
B. Nagdadalawang-isip ang binata sa kaniyang pagmamahal.
C. Nagpapanggap ang binata na mahal niya ang dalaga.
D. Nag-aanyaya ang binata sa kaniyang hirang na mamasyal.

______ 3. Anong antas ng wika ang salitang may salungguhit sa taludturan


sa itaas?
A. pampanitikan C. lalawiganin
B. pambansa D. kolokyal

4. Sa kulturang Pilipino, ang kulay itim ay karaniwang naiuugnay


sa ___
A. kayamanan C. kamatayan
B. kasaganaan D. kaligayahan

5. Sa anong antas ng wika napabilang ang sumusunod: bagets,


yosi, parak, ermat?
A. pambansa C. kolokyal
B. lalawiganin D. balbal

Aralin Natin

Handa ka na bang pag-aralan ang bagong aralin? Nalulugod ako


dahil nasagot mo ang mga tanong sa itaas. Batid kong handa ka na upang
mag-aral ng bagong aralin. Pag-aaralan mo ngayon ang mga awiting-bayan
at mga bulong na galing sa Kabisayaan. Narito ang mga tekstong dapat
mong basahin upang matamo mo ang ilang impormasyon tungkol sa paksa.

AWITING-BAYAN AT BULONG

Bahagi na ng tradisyon ng mga Pilipino ang mga awiting bayan. Isa ito
sa mga pasalindilang panitikan. Sa mga awit na ito nailalarawan ang mga

2
ugali, tradisyon at mga kalinangan ng tinalikdang panahon. Sa iba’t ibang
panahon at pagkakataon, may tanging awiting bayan ang inaawit ang mga
sinaunang Pilipino na maaaring hanggang ngayon ay buhay na buhay pa sa
iba’t ibang rehiyon sa bansa.

Ang sumusunod ay ilang uri ng awiting bayan:

Balitaw - awit ng pag-ibig na ginagamit sa paghaharana ng


mga Bisaya
Kundiman - awit ng pag-ibig sa mga Tagalog; inaawit kapag
dumadalaw ang binata sa kaniyang nililigawan
Dalit - awit na panrelihiyon; awit ng pagpupuri sa
Maykapal
Diyona - awit sa pamamanhikan o kasalan
Dung-aw - awit sa patay; pagluluksa (ng mga Ilokano)
Kumintang - awit ng digmaan o labanan
Kutang-Kutang- mga awiting karaniwang inaawit sa mga lansangan
Soliranin - awit sa paggaod o pamamangka
Maluway - awit sa sama-samang paggawa
Oyaye o Hele - awit sa pampatulog ng bata
Sambotani - awit ng pagtatagumpay
Talindaw - awit habang nagsasagwan

Ngayon, nalaman mo na ang iba’t ibang awiting-bayan sa kulturang


Pilipino. Ang mga nanirahan sa mga kapatagan, malapit sa dagat o maging
sa mga bulubundukin ay may inaawit sa iba’t ibang sitwasyon lalong-lalo
na sa mga pagdiriwang ng mga ritwal at iba pang okasyon ng kanilang
tribu.

Si Pilemon Si Pilemon
(Awiting-Bayan ng mga Cebuano) (Awiting-Bayan ng mga Cebuano)

Si Pilemon, Si Pilemon Si Pilemon, Si Pilemon


namasol sa kadagatan nangisda sa karagatan
nakakuha, nakakuha nakahuli, nakahuli
ug isdang tambasakan ng isdang tambasakan
guibaligya, guibaligya pinagbili, pinagbili
sa merkado’ng guba sa isang munting palengke
Ang halin puros kura, ang halin Ang kaniyang pinagbilhan, ang
puros kura Igo ra i panuba. kaniyang pinagbilhan, pinambili
ng tuba.
Mula sa: Pinagyamang Pluma Baitang 7, Mula sa: Pinagyamang Pluma Baitang 7,
Phoenix Publishing House Phoenix Publishing House

3
Dandansoy Hiligaynon Lullaby

Dandansoy, bayan ta ikaw Ili, Ili, tulog anay


Pauli ako sa payaw, Wala diri imong nanay
Ugaling kong ikaw hidlawon Kadto tienda, bakal papay
Ang payaw imo lang lantawon Ili, Ili tulog anay

Dandansoy, kon imo apason, Batang munti, batang munti,


Bisan tubig di magbalon matulog ka na,
Ugaling kong ikaw hidlawon wala rito ang iyong ina,
Sa dalan magbubon-bubon. Siya ay bumili ng tinapay
Batang munti, batang munti,
matulog ka na.
Pinagkunan:
https://www.affordablecebu.com/load/literature/mga_halimbawa_ng_mga_bisayang_awiti
ng_bayan/22-1-0-957

Ang bulong ay isa pang yaman ng ating katutubong panitikang pasalindila.


Ito ay ginamit ng ating mga ninuno noon subalit magpahanggang ngayon,
ang bulong na tinatawag ding orasyon ay binibigkas pa rin ng marami
nating kababayan lalo na sa probinsiya o lalawigan.

Sa Ilonggo Salin sa Tagalog

“Tabi-tabi…. “Tabi-tabi…
Maagi lang kami Makikiraan lang kami
Kami patawaron Kami’y patawarin
Kon kamo masalapay namon.” Kung kayo’y masagi namin.”

Mula sa: Pinagyamang Pluma Baitang 7,


Phoenix Publishing House

Ang lahat ng mga ito ay nagpapatunay na mayaman sa mga awiting-


bayan ang ating mga ninuno. Marahil ay natutuwa ang iba lalo na sa mga
nakakaalam at gumagamit ng mga wikang ito na ngayon pa lang nakaharap
sa mga kantahing ito. Sana ay hindi mawaglit sa ating puso at isipan ang
himig at berso ng mga ito. Ito ang mga pundasyon sa mga nagsisilitawang
magagandang awitin ngayon na tatak-Pilipino. Ang mga salita ay maaaring
lumitaw dahil sa mga salik pangkapaligiran, panahon, lugar o sa mismong
taong gumagamit nito. Ang teksto sa ibaba ay magbibigay sa iyo ng mga
impormasyon hinggil sa mga antas ng wika.

4
Upang lubos mong maunawaan ang akda sagutin mo ang
katanungan.

A. Panuto: Basahin at unawain ang katanungan. Isulat ang titik ng


tamang sagot sa sagutang papel.

1. Alin sa sumusunod ang hindi awiting-bayan na nagmula sa


Kabisayaan.
a. Dandansoy c. Ili Ili Tulog Anay
b. Manang Biday d. Si Pilemon

2. Ito ay awit ng pag-ibig na ginagamit sa paghaharana ng mga Bisaya.


a. Diyona c. Balitaw
b. Kundiman d. Kumintang

3. Awit ng pag-ibig sa mga Tagalog; inaawit kapag dumadalaw ang


binata sa kaniyang nililigawan.
a. Balitaw c. Dung-aw
b. Soliranin d. Kundiman

4. Awit na pampatulog ng bata.


a. Talindaw c. Oyayi o Hele
b. Soliranin d. Balitaw

5. Awit na panrelihiyon; awit ng pagpupuri sa Maykapal.


a. Dalit c. Dung-aw
b. Diyona d. Talindaw

Sa ating pakikipagtalastasan sa araw-araw, mapapansin mong


nagkakaroon ng iba’t ibang salitang ginagamit ang ating mga kausap
depende sa lugar, okasyon, panahon, gayundin sa taong kausap. Kahit sa
simpleng pagbati lamang natin sa ating mga makasasalubong sa umaga
maaaring magkakaroon ng pagkakaiba-iba ang paraan o pormalidad sa
pagbati depende kung sino ang babatiin mo. Maaaring nakababata sa iyo,
nakatatanda o mas mataas ang estado niya sa buhay o posisyong kanyang
hinahawakan sa lipunan.

ANTAS NG WIKA BATAY SA PORMALIDAD

(1) Mga Salitang Pormal. Istandard na anyo ng wika. Ginagamit ito sa


mga pormal na talastasan tulad ng mga panayam, ulat, mga
talakayan sa paaralan, mga pananaliksik at mga intelektwal na
gawain.

5
• Pambansa ang tawag sa mga salitang pambuong bansa ang
gamit. Nauunawaan ito ng nakararaming gumagamit.
Halimbawa
1. pangyayari 4. pera o yaman
2. intelektwal 5. asawa
3. kolehiyo
• Pampanitikan ang tawag sa mga salitang karaniwang
ginagamit sa pagsulat ng akdang pampanitikan. Tinatawag din
itong panretorikal na antas ng wika.
Halimbawa
1. balat-sibuyas 4. di-maliparang uwak
2. haligi ng tahanan 5. nagbibilang ng poste
3. ilaw ng tahanan

(2) Mga Salitang Di-Pormal. Mga salitang ginagamit na karaniwang


talastasan. Ito ay nauuri sa tatlo:
• Balbal ang tawag sa mga salitang ginagamit sa kalye (salitang
kanto) kaya’t hindi karaniwang naririnig sa mga usapang
pormal.
Halimbawa:
1. datung (pera) 4. bagets (kabataan)
2. ermat (nanay, mommy) 5. bato (shabu)
3. yosi (sigarilyo) 6. parak (pulis)

• Kolokyal ay mga salitang pinaiikli sa pamamagitan ng


pagbabawas ng ilang titik o bahagi ng salita.
Halimbawa:
1. kelan (kailan) 4. nasan (nasaan)
2. p’re (pare) 5. meron (mayroon)
3. te’na (tayo na) 6. pa’no (paano)

• Lalawiganin ay mga salitang karaniwang ginagamit sa mga


probinsiya o sa mga pook kung saan karaniwang ginagamit ang
isang wika.
Halimbawa:
1. Tanan mula sa salitang Bisaya na ang ibig sabihin ay “lahat”
2. Ambot mula sa salitang Bisaya na ang ibig sabihin ay “ewan”
3. Manang at manong mula sa salitang Ilocano na ibig sabihin
ay “kuya” at “ate”
4. Ngarud mula sa salitang Ilocano na katumbas ng katagang
‘nga”
Mula sa: Pinagyamang Pluma Baitang 7,
Phoenix Publishing House

6
May iba pang mga gawain ang inihanda upang lubos mong maunawaan ang
paksa.

Gawin Natin

A. Panuto: Tukuyin ang kaisipang nais iparating ng awiting-bayan.


Isulat ang titik ng tamang sagot.
1. “Si Pilemon, Si Pilemon namasol sa kadagatan
Nakakuha, nakakuha ug isda’ng tambasakan”
(“Si Pilemon, Si Pilemon, nangisda sa karagatan,
Nakahuli, nakahuli ng isang tambasakan”)
Isinasaad ng mga linyang ito na _____________

A. Isa sa pangunahing kabuhayan sa Bisaya ang pangingisda


B. Libangan ng mga tao sa Bisaya ang pangingisda
C. Masaya siyang nakahuli ng isda

2. Guibaligya, guibaligya sa merkado’ng guba


Ang halin puros kura, ang halin puros kura igo ra I panuba.
(“Pinagbili, pinagbili sa isang munting palengke
Ang kaniyang pinagbilhan, ang kaniyang pinagbilhan, pinambili ng
tuba.”
Isinasaad ng mga linyang ito na:
A. ang tauhan ay nagnenegosyo ng tuba
B. ang tauhan ay mahilig uminom ng tuba
C. libangan nila ang pag-iinom ng tuba

3. Ili-ili tulog anay,


Wala diri imong nanay.
Kadto tienda bakal papay.
Ili-ili tulog anay.
(Batang munti, batang munti, matulog ka na,
Wala rito ang iyong ina,
Siya ay bumili ng tinapay
Batang munti, batang munti, matulog ka na.)

Isinasaad ng awiting-bayang ito na:


A. Ang pag-awit para sa sanggol ay bahagi ng kulturang Bisaya.
B. Ang pag-awit para sa sanggol ay paraan para siya ay maging
mahusay na mang-aawit.
C. Ang pag-awit para sa sanggol ay paraan para siya ay mapatahan
sa pag-iyak.

7
B. Panuto: Tukuyin kung balbal, kolokyal, lalawiganin, pampanitikan o
pambansa ang sumusunod na salita. Isulat sa sagutang papel ang
sagot.
1. bugnaw ___________
2. ermat ___________
3. bagets ___________
4. kano ___________
5. kaligayahan ___________
6. mag-iisang dibdib ___________
7. pag-asa ___________
8. kelan ___________
9. tsibug ___________
10. utol ___________

Sanayin Natin

A. Panuto: Tukuyin ang kaisipang nais ipahiwatig ng awiting-


bayan. Isulat ang titik ng tamang sagot sa sagutang papel.

1. Ay, ay! Kalisud, kalisud sang binayaan


Adlaw gab-I firme kita ginatangisan
(Ay, ay, Kalisud, kay saklap ng iniwanan
Gabi’t araw, ang mata ay laging luhaan)
Isinasaad ng awiting-bayang ito na…
A. Masakit ang mabigo sa ngalan ng pag-ibig
B. Ang pagluha ay isa sa mga katangian ng tao
C. Nahihirapan magpatuloy sa buhay

2. Dandansoy, bayaan ta ikaw (Dandansoy, iiwan na kita


Pauli ako sa payaw Babalik ako sa payaw
Ugaling kung ikaw hidlawon Kung sakaling ika’y mangulila
Ang payaw imo lang lantawon Sa payaw, ikaw ay tumanaw)
Isinasaad ng awiting-bayang ito na ____
A. pinaglalapit ng isang awit ang dalawang nagmamahalan.
B. napakahirap sa kalooban ang pagkakahiwalay ng dalawang
nagmamahalan.
C. pagpapahayag ng damdamin sa minahal sa pamamagitan ng
pag-awit.

8
3. Ang dalagang Pilipina
Parang tala sa umaga
Kung tanawin ay nakaliligaya
May ningning na tangi’t dakilang ganda.
Isinasaad sa awiting-bayang ito na _____
A. magandang pagmasdan ang dalagang Pilipina sa umaga.
B. ang dalagang Pilipina ay may angking ganda na natatangi sa
iba.
C. ang ganda ang isang dalagang Pilipina ay maihahalintulad sa
isang tala.

B. Panuto: Tukuyin ang kahulugan ng salitang balbal na ginamit sa usapan


nina Dindo at ng kaniyang kaibigan sa Hanay A. Piliin sa Hanay B ang titik
ng tamang sagot sa inyong sagutang papel.

Hanay A Hanay B
____________ Dindo: Masaya ang
tipar kina Jun
kagabi A. ama
____________ Rico: Oo nga, pero
B. bata pa
maaga akong
umuwi. May sakit C. party
kasi si erpat kaya
kailangan ko siyang D. hindi
bantayan.
____________ Niño: Dehins ako E. ina
nakarating.
F. kapatid
Dumating kasi si
utol kaya sinundo G. kotse
muna namin sa
airport. H. pera
____________ Bong: Ako nama’y
nasiraan ng kotse I. pulis
nang papunta pa
J. matanda
lang. Sinita nga ako
ng lespu. Sa gitna
ng kalye ba naman
kasi ako tumirik.
____________ Dindo: Palitan mo
na kasi ‘yang tsekot
mo ngt tsedeng para

9
hindi ka na
nasisiraan.
____________ Rico: Wala pa
tayong datung. Pre,
saka na ‘yan.
____________ Niño: Bagets ka pa
naman. Mag- ipon
ka pa at tiyak na
makabibili ka rin ng
tsedeng balang-
araw.
____________ Bong: Pangarap ko
‘yan bago ako
maging gurang.
____________ Dindo: O paano, uwi
muna ako. May
iniuutos pa kasi si
ermat.

Tandaan Natin

Ang awiting-bayan na tinatawag ding kantahing-bayan ay isa sa mga


uri ng sinaunang panitikang Pilipino na naging popular bago pa man
dumating ang mga Espanyol. Ang awiting-bayan ay nasa anyong patula na
inaawit at karaniwang binubuo ng labindalawang pantig sa bawat taludtod.
Ang karaniwang paksa ng mga awiting-bayan ay ang pang-araw-araw na
pamumuhay ng mga tao sa isang bayan. Masasalamin dito ang kanilang
mga kaugalian, karanasan, pananampalataya, gawain o hanapbuhay.
Masasalamin sa mga awiting ito ang mayaman at makulay na
kulturang Pilipino sa iba’t ibang bahagi ng bansa. May kani-kaniyang
awiting-bayan ang mga naninirahan sa kapatagan at maging sa
bulubundukin ng Luzon, Bisaya at Mindanao.
Isa pang sinaunang panitikan ay ang bulong. Ginagamit ito ng ating
mga ninuno bilang pagbibigay galang sa mga naninirahan sa kalikasan.

Samantala, may iba’t ibang salitang ginagamit sa iba’t ibang


pagkakataon. Nagkakaroon ng pagbabago ang salita dala ng pagbabago ng
panahon at lugar o pagkakataon kung kailan ito ginagamit. Ang antas ng
wika ay nahahati sa dalawa:
1. Salitang Pormal – mga salitang istandard dahil ang mga ito ay

10
ginagamit ng karamihan ng mga nakapag-aral sa wika. Ito ang mga
salitang ginagamit sa paaralan, sa mga panayam, seminar, gayundin
sa mga aklat, ulat, at sa iba pang usapan o sulating pang-intelektwal.

A. Pambansa ang tawag sa mga salitang pambuong bansa ang


gamit. Nauunawaan ito ng nakararaming gumagamit.
B. Pampanitikan ang tawag sa mga salitang karaniwang ginagamit
sa pagsulat ng akdang pampanitikan. Tinatawag din itong
panretorikal na antas ng wika.

2. Mga Salitang Di-Pormal. Mga salitang ginagamit na karaniwang


talastasan. Ito ay nauuri sa tatlo:
A. Balbal ang tawag sa mga salitang ginagamit sa kalye (salitang
kanto) kaya’t hindi karaniwang naririnig sa mga usapang
pormal.
B. Kolokyal ay mga salitang pinaiikli sa pamamagitan ng
pagbabawas ng ilang titik o bahagi ng salita.
C. Lalawiganin ay mga salitang karaniwang ginagamit sa mga
probinsiya o sa mga pook kung saan karaniwang ginagamit ang
isang wika.

Suriin Natin

Panuto: Basahin at unawain ang mga pahayag. Isulat ang titik ng


tamang sagot sa sagutang papel.

1. Ang awiting “Lawiswis Kawayan” ay nagmula sa _____________.


A. Cebu C. Bohol
B. Samar D. Negros Occidental

Para sa mga bilang 2-3

Sabi ng binata, halina O hirang


Magpasyal tayo sa lawiswis kawayan
Pugad ng pag-ibig at kaligayahan
Ang mga puso ay pilit magmahalan.
Lawiswis Kawayan
(Saling Tagalog ng Mabuhay Singers)
Pluma 7 pahina 148

11
2. Anong saloobin ang ipinakikita sa saknong ng awiting-bayan?
A. Nagmamahalan ang dalaga at binata.
B. Nagdadalawang-isip ang binata sa kaniyang pagmamahal.
C. Nagpapanggap ang binata na mahal niya ang dalaga.
D. Nag-aanyaya ang binata sa kaniyang hirang na mamasyal.

3. Anong antas ng wika ang salitang may salungguhit sa taludturan


sa itaas?
A. pampanitikan C. lalawiganin
B. pambansa D. kolokyal

4. Sa kulturang Pilipino, ang kulay itim ay karaniwang nauugnay


sa _____.
A. kayamanan C. kamatayan
B. kasaganaan D. kaligayahan

5. Sa anong antas ng wika napabilang ang sumusunod: bagets,


yosi, parak, ermat?
A. pambansa C. kolokyal
B. lalawiganin D. balbal

Payabungin Natin

I. Panuto: Tukuyin ang antas ng wika (balbal, kolokyal, lalawiganin,


pampanitikan, pambansa) ng sumusunod na salita. Isulat ang titik ng
tamang sagot sa inyong sagutang papel.

________________1. banal _____________6. ngarud


________________2. utol _____________7. syota
________________3. kaligayahan _____________8.nag-aamoy bawang
________________4. emote na emote _____________9. pag-iisang dibdib
________________5. manang _____________10. salapi

12
II. Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang awit. Isulat sa sagutang
papel ang titik ng tamang sagot.

Si Pilemon
Si Pilemon, Si Pilemon
nangisda sa karagatan
nakahuli, nakahuli
ng isdang tambasakan
pinagbili, pinagbili
sa isang munting palengke
Ang kaniyang pinagbilhan, ang kaniyang pinagbilhan,
pinambili ng tuba.

Mula sa: Pinagyamang Pluma Baitang 7, p. 148,


Phoenix Publishing House
(Awtor-Koordineytor: A. Dayag)

1. Anong damdamin ang naramdaman mo habang inaaawit ang


awiting- bayan na Si Pilemon?
A. masaya
B. malungkot
C. mabahala

2. Ang awiting bayan ay tungkol sa mangingisda na ____


A. mahilig sa kasiyahan.
B. pinambili ng tuba ang kaniyang kinita sa pangingisda.
C. pumunta sa munting palengke.

3. Ano nais ipakahulugan ng mga tatudtod mula sa awiting-bayan?


“Si Pilemon, Si Pilemon nangisda sa karagatan nakahuli ng isdang
tambasakan.”
A. hirap makahuli ng isda
B. pinagbili ang huling isda
C. nakahuli siya ng isda

4. Ano nais ipakahulugan ng mga taludtod mula sa awiting-bayan?


“Pinagbili, pinagbili sa munting palengke
Ang kaniyang pinagbilhan, ang kaniyang pinagbilhan,
pinambili ng tuba.”
A. Ipinambili niya ng pagkain ang kaniyang kita.
B. Ipinagpalit niya sa damit ang kaniyang huling isda.
C. Binenta ang huling isda sa palengke at pinambili ng inumin.

13
III. Panuto: Ipaliwanag ang sumusunod na bulong. Kailan natin ito
ginagamit? Naniniwala ka ba sa mga ito? Isulat ang sagot sa loob ng
kahon.

1. “Huwag magalit kaibigan, aming pinuputol lamang, ang sa ami’y


napag-utusan.”

2. “Tabi-tabi…
Makikiraan lang kami
Kami’y patawarin
Kung kayo’y masagi namin”

Pagnilayan Natin

Panuto: Paano mo pahahalagahan ang mga awiting-bayan at bulong na


iyong napag-aralan bilang bahagi ng kultura ng mga Pilipino? Gamitin ang
mga antas ng wika sa pagpapahayag ng iyong sagot. Isulat ang iyong sagot
sa sagutang papel.

Pamantayan:
Nilalaman - 10%
Kalinasan ng pagkasulat - 5%
Kaayusan ng mga pangungusap - 5%
Wastong gramatika - 5%
Kabuoan 25%

Binabati kita dahil maayos mong nagawa ang mga gawain sa modyul
na ito. Ipagpatuloy ang pagiging masigasig sa pag-aaral

14
15
Payabungin Natin Suriin Natin
I. 1. B
1. pambansa 2. D
2. balbal 3. A
3. pampanitikan 4. C
4. kolokyal 5. D
5.lalawiganin
6. lalawiganin
7. balbal
8. pampanitikan
9. pampanitikan
10. pampanitikan
II.
1. A
2. B
3. C
4. C
Sanayin Natin Gawin Natin Subukin Natin
A. A. 1. B
1. A 2. B 3. B 1. A 2. B 3. A 2. D
3. A
B. B. 4. C
tipar – C 1. lalawiganin 5. D
erpat – A 2. balbal Aralin Natin
dehins – D 3. balbal
utol – F 4. kolokyal 1. B
lespu – I 5. pampanitikan 2. C
tsekot – G 6. pampanitikan 3. D
datung –H 7. pambansa 4. C
bagets – B 8. kolokyal 5. A
gurang – J 9. kolokyal
ermat - E 10. balbal
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian

Dayag, Alma M. et.al. Pinagyamang Pluma 7 (2018). Phoenix Publishing


House, Quezon City.
Santiago, Alfonso O. et. al. Makabagong Balarilang Pilipino (2003). Rex Book
Store Inc. Manila City.
https://www.affordablecebu.com/load/literature/mga_halimbawa_ng_mga_
bisayang_awiting_bayan/22-1-0-957

16
For inquiries or feedback, please write or call:
Department of Education – Region XI
F. Torres St., Davao City
Telefax:
Email Address: lrms.regionxi@deped.gov.ph

You might also like