Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 17

10

Filipino
Ikalawang Markahan – Modyul 3:
Nobela mula sa Estados Unidos
(Panitikan ng mga Bansa sa Kanluran)

1
Filipino – Ikasampu na Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikalawang Markahan – Modyul 3: Nobela mula sa Estados Unidos

Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi
sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o
tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin
ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o
trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-
ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng
materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang
anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng
mga ito.

Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anumang paraan
nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon – Rehiyon III


SDO - Science City of Muñoz
Dante G. Parungao, CESO VI
Zurex T. Bacay Ph.D.

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Kristine R. Pajarillo, Cynthia E. Labe
nunulat: Editor: Tagasuri: Tagaguhit: Tagalapat:
John A. Ocampo, PhD, Bennedick T. Viola, Irene R. Macabante Gilda S. Panuyas, Augusto A. Mateo, Bennedick T. Viola Romeo B
apamahala:
Romeo B. De Castro Jr. Larry B. Espiritu, PhD Rodolfo A. Dizon, PhD Augusto A. Mateo
Norma R. Framo

Inilimbag sa Pilipinas ng:

Department of Education – Region III


SDO – Science City of Muñoz
Curriculum Implementation Division-
Learning Resource Management Section (CID-LRMS)
Office Address : Bgy. Rizal, Science City of Munoz, 3119 E-
mail Address : munozscience.city@deped.gov.ph

2
Alamin
Sa modyul na ito, pag-aaralan natin ang isang Nobela mula sa bansang Estados
Unidos na gagabayan ng mga sumusunod na MELC (Most Essential Learning
Competencies):
 Nabibigyang-kahulugan ang mahihirap na salita, kabilang ang mga terminong
ginagamit sa panunuring pampanitikan F10PT- IIf-74
 Nasusuri ang nobela sa pananaw realismo o alinmang angkop na pananaw/teoryang
pampanitikan F10PB-IIf-77
 Nagagamit ang angkop at mabisang mga pahayag sa pagsasagawa ng suring-basa o
panunuring pampanitikan F10WG –IIf-69

PAMAGAT: SENATE BILL AND NO

ESSAY: 3-4 PARAGRAPHS


PANGALAN, space dalawa, TITLE, space dalawa,

Inaasahang pagkatapos ng Modyul na ito, ang mga mag-aaral ay nakapagpapamalas


ng pag-unawa at pagpapahalaga sa akdang pampanitikan ng Estados Unidos sa tulong ng
teknolohiya at mga estratehiya na gagabay sa mga mag-aaral sa higit na malalim at kapaki-
pakinabang na pagkatuto.

Subukin
Panuto.Basahing mabuti ang bawat tanong, isulat ang titik ng tamang kasagutan
sa iyong sagutang papel.
1. “Maayos siyang naglalayag kasama ang huling isda subalit may nakikita siyang isang
panganib dahil kumakalat sa tubig ang dugo ng isda.” Batay sa pangungusap, bakit
isang panganib ang pagkalat ng dugo ng isda sa karagatan?
a. dahil ito ay makakasama sa huli nyang isda
b. dahil marami itong maaakit na pating
c. dahil maibebenta na lamang niya ang isda sa murang halaga
d. wala sa nabanggit
2. Ito ang simbolong kumakatawan sa lugar ni Mang Ernesto Santiago na kung saan
doon siya namumuhay bilang isang matandang mangingisda.
a. dalampasigan c. isla
b. dagat d. bangka
3. “Hindi ako natutuwa sa pagkakapatay ko sa pating, napatay ko siya sa pagtatanggol
ko sa sarili at pinatay ko siyang mahusay.” Ang damdaming ipinahihiwatig sa
pahayag na ito ay .
a. nalulungkot c. nagagalit
b. nagagalak d. nagsusumamo
4. Teoryang pampanitikan na ang katotohanan ang binibigyang- diin at may layuning
ilahad ang tunay na buhay.
a. Romantisismo c. Humanismo
b. Realismo d. Eksistensyalismo
5. Ito ang isdang nilikha para manginain sa lahat ng isda ng dagat, napakabilis,
napakalakas at armadong-armado kaya walang sinuman ang nananakit.
a. marlin c. sea lion
b. pating d. dolphin
Aralin
Nobela mula sa Estados Unidos

ati kita at matagumpay kang nakarating sa ikatlong aralin ng ating paglalakbay sa mundo ng panitikan ng Kanluranin. Samahan mo kam

untong mo sa panibagong bahagi ng iyong pag-aaral sa asignaturang Filipino. Ako naman si Serio, sasamahan ka namin ni Thalia hangg
unit bago yan ay alalahanin mo muna ang iyong nalalaman sa nagdaang aralin tungkol sa Dagli upang masagot mo ang susunod na mg

Balikan
Gawain 1: Alalahanin mo
Panuto: Punan ng angkop na salitang nagpapahayag ng damdamin ang mga
patlang.
1. Dumating ang araw na pinakahihintay, nakita mo sa listahan ng mga pumasa sa
pagkapulis ang iyong pangalan kaya napasigaw ka sa sobrang .
2. Nakita ko ang isang matandang naghahanap ng pagkain sa basurahan,
nakaramdam ako ng kaya binilhan ko siya ng kanyang makakain.
3. Sa kasagsagan ng bagyong Ulysses ay nakaramdam si Anna ng dahal sa
dala nitong malakas na hangin.
4. Walang mapagsidlan ang nadarama ni Sonny dahil sa nakamit
niyang mga karangalan.
5. Matagal nang nasa ibang bansa ang iyong ama, dahil sa pandemyang
nararanasan ng mundo. Sa wakas ay napagdesisyunang bumalik o umuwi kung
kaya’t nag-uumapaw na ang iyong nadama.

g-aralan noong nakaraan tungkol sa mga salitang nagpapahayag ng damdamin. Ngayon naman ay dadako na tayo sa panibagong aralin
Tuklasin

Alam mo ba na …
ang nobela ay itinuturing na makulay, mayaman sa makabuluhang anyo ng panitikang
tuluyan? Binubuo ito ng mga yugto na nagsasalaysay ng mga kawing-kawing na pangyayari
ng kolum ng mga tao na bukod sa nagbibigay-aliw ay nagpapakilos at pumupukaw sa
damdamin ng kamalayan.
Sa nobela, maraming pangyayari ang inilalahad samantalang sa maikling kuwento,
iisang pangyayari lamang ang inilalahad. Iisa ang balangkas ng nobela sa maikling kuwento
ngunit nagkakaiba lamang ito sa nilalaman dahil ang mga pangyayaring isinasalaysay dito
ay maaaring may kaugnayan sa lipunang ginagalawan ng mamamayan na naglalarawan sa
kultura ng bawat bansang pinanggalingan nito.

Elemento ng Nobela
a. Tagpuan - lugar at panahon ng mga pinangyarihan
b. Tauhan - sa nagpapagalaw at nagbibigay-buhay sa nobela
c. Banghay - pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari
d. Pananaw - panauhang ginagamit ng may-akda (a. una-kapag kasali ang mayakda; b.
pangalawa- ang may-akda ang nakikipag-usap; c. pangatlo- batay sa nakikita o obserbasyon
ng may-akda)
e. Tema - paksang-diwang binibigyang-diin sa nobela
f. Damdamin - nagbibigay-kulay sa mga pangyayari
g. Pamamaraan - estilo ng manunulat/awtor
h. Pananalita - diyalogong ginamit
i. Simbolismo - nagbibigay nang mas malalim na kahulugan sa tao, bagay, at pangyayari

Isang bagong kaalaman ang inyong natutuhan tungkol sa nobela at elemento


nito. Inaasahan ko na lumawak ang inyong kaalaman sa mga katangian,
elemento, pagsulat ng nobela at pag-unawa sa layunin mula sa kabuuan nito.
Ngayon naman ay may inihanda kaming isang nobela mula sa Estados Unidos.
Handa ka na ba? Tara, alamin na natin ang pakikipagsapalaran ng pangunahing
tauhan sa kwentong iyong babasahin.

Ang Matanda at ang Dagat


“Old Man and the Sea” ni Ernest Hemingway
Isinalin sa Filipino mula sa Ingles ni Jesus Manuel Santiago
Hinalaw nina Kristine R. Pajarillo at Cynthia E. Labe
(bahagi lamang)

Pumalaot si Santiago sa dagat upang mangisda at hindi niya lubos maisip na siya ay
makahuhuli ng malaking isdang nagngangalang Marlin. Maayos siyang naglalayag kasama
ang huling isda subalit may nakikita siyang isang panganib. Kumakalat sa tubig ang dugo
ng isda na maaaring maging sanhi ng kanyang kapahamakan dahil maaaring maakit ang
maraming pating sa karagatan dahil dito. Kaya’t kailangang maging handa si Santiago dahil
anumang oras ay sasalakay ang itinuturing na hari at pinakamabangis sa karagatan at yun
ay ang mga pating. Dumating ang oras ng may isang pating ang mabilis na lumalangoy
patungo sa direksyon ng kanyang bangka. Sinusundan nito ang dugong humalo sa tubig.
Ang pating na ito ay isang Mako, matulin itong lumangoy at walang takot na gawin ang
lahat ng gusto nitong gawin. Inihanda ng matanda ang kaniyang sarili gayundin ang
kanyang kagamitan na salapang at lubid.
Habang ang Mako ay papalapit, nasambit ni Santiago “Sana’y panaginip na lamang
ito.” Tunay na hindi mapipigilan ng matanda ang pag- atake ng pating ngunit kailangan
niya itong magapi! pinuntirya ng pating ang kaniyang huling isda, nginatngat ang karne sa
may ibabaw ng buntot nito. Hindi mapigilan ni Santiago ang kaniyang sarili dahil sa
ginawa ng pating na ito kaya isinalaksak niya ang kaniyang salapang sa ulo ng pating at
napuruhan ang kinalalagyan ng utak nito. Napatay ng matanda ang pating na sumalakay at
pagkaraan ay dahan- dahan na itong lumubog sa kailaliman ng karagatan. Labis ang
kabang nadarama ni Santiago sa pangyayaring iyon ngunit kailangan niyang maging
malakas at matatag dahil ito pa lamang ang simula ng mga pagsubok.
Halos ayaw titigan ni Santiago ang kanyang isda dahil sa nagkagutay gutay na ang
laman nito at sa nakikita nitong labis na pagkalat ng maraming dugo na humahalo sa tubig.
Ngunit hindi niya pa rin lubos na maisip na napatay niya ang isa sa pinakamalaking
dentuso na nakita niya sa kanyang pangingisda, sa kabila nito nakaramdam siya ng
pagsisisi dahil napatay niya ang pating.
Paparating na ang masamang panahon wala na siyang salapang dahil natangay ito
ng pating pailalim ng karagatan. Napanghihinaan na ng loob ang matanda ngunit pilit niya
itong nilalabanan, kinakausap niya ang kaniyang sarili upang maiwaglit ang pangambang
kanyang nararamdaman.
Sa kanyang paglalayag ay naramdaman niya na gumaan ngayon ang kanyang
dalahin sapagkat nawala ang ilang laman ng kanyang isda.
Hindi sinayang ni Santiago ang oras, nag- isip siya kung anong maaari nitong
gamitin kapag may may mga pating na muling sasalakay. Biglang sumagi sa kanyang isip
ang kanyang lanseta, maaari niya itong itali sa puluhan ng isang sagwan. Napawi nang
kaunti ang pangamba ng matanda at unti- unting nakaramdan ng pag- asa. Napaisip siyang
muli “Kasalanan nga ba ito?” naitanong niya sa kanyang sarili, pilit na iwinawaglit ang
isiping iyon, “Hindi mo pinatay ang isda para lamang mabuhay ka o ibenta bilang pagkain,
pinatay mo siya dahil sa iyong dangal at dahil isa kang mangingisda. Minahal mo siya
noong siya ay buhay pa at minahal mo siya pagkatapos. Kung mahal mo siya, hindi mo
kasalanan na patayin mo siya. O mas malaking kasalanan iyo?”
Napasigaw ang matanda sa kaniyang mga naiisip, naguguluhan na ang kanyang
puso’t isipan.
“Hindi ako natutuwa sa pagkakapatay ko sa pating, Napatay ko siya sa pagtatanggol
ko sa sarili, at pinatay ko siyang mahusay” sigaw ng matanda.”
Ayaw ng mag- isip pa ni Santiago, napasandal na lamang siya sa isang gilid at
kumurot sa kapirasong karne ng kanyang isda dahil naubos na rin ang kanyang dalang
mga pagkain. Nginuya niya ang laman nito at nalasahan niya ang sarap at kalidad ng lasa
ng isdang kanyang nahuli. Natitiyak niyang mataas ang presyo nito sa palengke ngunit ang
amoy nito ay mananatili sa tubig at alam ng matanda na sa ilang sandali ay darating ang
malaking kamalasan.
Tumayo si Santiago, tinanaw ang kalayuan ng dagat , wala siyang nakikita ni isa
mang bangkang naglalayag. Dalawang oras na siyang naglalayag, kailangan niyang
magpahinga at magpalakas ngunit natanaw niya ang mga paparating, hindi siya nagkamali
may nakikita siyang dalawang pating.
Inihanda niya ang kanyang sandata, ang sagwan na tinalian niya ng kanyang
lanseta. Pinag- aaralan ng matanda ang galaw ng mga pating, sinagpang ng mga ito ang
kanyang isda sa dakong nakagat na. Inulos ni Santiago ang sagwan na may lanseta sa
pating na sumasagpang sa kanyang isda. Binitiwan ng pating ang sinagpang na isda at ito
ay dumausdos, lulon- lulon ang kaniyang nakagat habang ito ay unti- unting namamatay.
Nakipagpambuno muli siya sa isa pang pating, buong lakas na inulos ni Santiago ang
lanseta at bumaon ito sa gitnang bahagi ng ulo ng pating. Hinugot ng matanda ang kanyang
talim at muli niyang ibinaon ang lanseta sa ulo nito. Napuruhan ang pating at dumausdos
pailalim. Si Santiago ay nanlumo sa kanyang nakikita, nagkalasog- lasog na ang laman ng
kanyang isda. Inisip muli ng matanda na sana ay panaginip na lamang ang lahat ng ito at
hindi na rin sana siya nagpalaot- laot pa. Mas lalong naging magaan na ngayon ang
kanyang isda “Ikinalulungkot ko isda,” nasambit ng matanda.
Nagkagutay- gutay na ang tiyan nito, natangay ng mga pating ang pinakamahusay
na laman nito. Ngayon ay sinlapad na ng maluwang na daan sa dagat ang nililikhang bakas
ng isda na pagsusumundan ng lahat ng pating. Naisip niya na ang kanyang nahuling isda
ay mairaraos na ng isang tao para sa buong taglamig.
Nagpahinga na lamang ang matanda para ihanda ang kanyang sarili upang
maipagtanggol niya ang nalalabi sa kanyang isda.
Wala na siyang ibang dapat pang isipin ngayon kundi ang hintayin ang mga susunod
pang hamon sa kanyang paglalayag. Napabuntong hininga siya at nasabi na lamang sa
sarili na “Sana panaginip na lamang ito.”
la ng Estados Unidos sa iba pang akdang pampanitikan tulad ng Nobela sa Pilipinas? Masasalamin ba ang kanilangkalagayang p

pagkakaunawa sa binasang nobela. Halina at sama-sama nating sagutin ang mga inihandang gawain upang lubos nating maunawaan an

\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\GAWAIN 2: Paglinang ng Talasalitaan


Panuto: Tukuyin mo ang kahulugan sa hanay B mula sa mga salita na nasa hanay A na
ginamit sa akdang binasa. Isulat ang letra ng tamang sagot sa iyong kwaderno.

Hanay A Hanay B
1. salapang a. matalo, kasalungat ng salitang "manalo"
b. Ang salitang ito ay nagmula sa salitang espanyol na
2. magapi ang ibig sabihin ay malalaki at may matatalim na
ngipin.
3. Inulos c. hawakan ng isang kutsilyo o sagwan
4. puluhan d. mabilis ang pagsaksak sa isang bagay
e. Ito ay isang uri ng sibat na may tatlong matutulis sa
5. dentuso dulo na may mga pangkawil ang bawat isa. Kalimitan
itong ginagamit sa panghuhuli ng malalaking uri ng
isda.
Nagawa mo ba ng walang kahirap-hirap ang unang gawain? Kung may katanungan kayo ay huwag mahihiyang tanungin a

GAWAIN 3: Pag-unawa sa Akda

Panuto: Ilahad at sagutin ang sumusunod na tanong. Isulat ang sagot sa iyong kwaderno.

1. Tukuyin ang mga naging suliraning naranasan ni Santiago sa kanyang paglalayag


upang mangisda, ilahad din kung anong mga paraan ang ginawa sa paghahanda at
paano niya ito nasolusyunan. Gayahin ang grapikong reprensentasyon at isulat ang
sagot sa inyong kwaderno.

Problema:

Mga Hakbang sa pagsolusyon sa Problema:

Kinahinatnan o Kinalabasan:

2. Balikan ang tauhan sa nobelang binasa. Isa-isahin ang mga kilos o gawi, paniniwala
at saloobing taglay nito na maaaring gawing huwaran tungo sa mabuting
pamumuhay. Ihanay ang sagot sa talahanayan sa ibaba.

SANTIAGO KILOS o GAWI SALOOBIN O PAANO GAGAWING


PANINIWALA HUWARAN?

3. Ano-anong pagpapahalaga sa buhay ang pinanghahawakan ng tauhan? Saan kaya


ito nagsimula o nagmumula? Ipaliwanag ang mga sagot.

4. Sa iyong palagay, bakit pinamagatang “Ang Matanda at ang Dagat” ang nobela?
Ano ang positibong epekto na naidulot ng dagat kay Santiago?

5. Ano-anong kalupitan at karahasan sa lipunan ang malinaw na inilalarawan sa


nobela? Nangyayari ba ito sa kasalukuyang sistema ng ating lipunan?
Ang karahasan at kalupitan sa lipunan na malinaw na inilalarawan sa nobela ay ang karahasan
sa likas yaman, tulad ng ginawa ni Santiago sa mga pating na humahabol sa kaniyang bangka.
Opo, nangyayari ito sa kasalukuyang panahon dahil maraming tao ang malupit at mapang-abuso
sa ating likas na yaman tulad ng ating dagat.

Magaling! Natapos mo na namang sagutan ang isang gawain. Makatutulong ang mga impormasyon na
iyong natutuhan8para sa ating pagsusuri sa susunod nating paksa.
Suriin

Alam mo ba na…
Ang panunuri ay isang uri ng pagtalakay na nagbibigay-buhay at diwa sa
isang likhang-sining? Hindi lamang ito nagsusuri o nagbibigay-kahulugan kundi
ito’y isang paraan ng pagsusuri sa kabuuan ng tao-ang kaniyang anyo, ugali, kilos,
paraan ng pagsasalita at maging ang kaniyang pakikipag-ugnayan sa kaniyang
kapwa at sa lipunang kinabibilangan.
Halimbawa sa panunuri ng maikling kuwento, dapat suriin ang mga
elementong taglay nito: tauhan, tagpuan, banghay, tunggalian, simbolo, pahiwatig,
magagandang kaisipan o pahayag at maging ang paraan kung paano ito nagsimula
at nagwakas. Samantala sa nobela, karaniwan na inaalam ang mga katangiang
pampanitikang napapaloob sa akda (tulad ng elemento ng maikling kuwento);
inaalam din ang aspektong panlipunan, pampolitikal, pangkabuhayan at
pangkultural na nakapaloob sa nobela at paggamit ng angkop na teoryang
gagamitin sa pagsusuri.
Ang suring basa ay isang anyo ng pagsusuri o rebyu ng binasang teksto o
akda tulad ng nobela, maikling kuwento, tula, sanaysay o iba pang gawa/uri ng
panitikan. Ang pagsusuri o rebyu ay ang pag-alam sa nilalaman (content),
kahalagahan (importance) at ang estilo ng awtor o may-akda (author’s writing
style). Sa pagsasagawa nito maaaring gumamit ng isang balangkas o format ng
suring-basa
tulad ng sumusunod:
I. Pamagat, may-akda, genre
II. Buod (kung maikling kuwento, sanaysay, nobela)
III. Paksa
IV. Bisa (sa isip, sa damdamin)
V. Mensahe
VI. Teoryang Ginamit

Natunghayan mo ang ilang impormasyon tungkol sa pagsusuri ng


isang akda, tiyak na ang mga kaalamang ito ay makatutulong sa
mga susunod pa nating paglalakbay. Tama ba Thalia?

Tunay nga Serio, pero bago kayo magsuri ng isang akda narito ang isang
gawain na susukatin ang inyong husay sa paghahanap o pananaliksik ng
mga impormasyon. Halika na at iyong gawin.

9
Gawain 4: Saliksikin mo!
Panuto: Maghanap ng mga impormasyon tungkol sa mga Teoryang Pampanitikan na
nakalagay sa kahon upang masagot ang gawain, maaaring humanap sa internet o di kaya
ay sa mga libro. Piliin ang tamang sagot sa kahon at isulat ito sa kwaderno.

Realismo Moralistiko Feminismo Romantisismo Humanismo


Klasismo Imahismo

1. Ang layunin ng panitikan ay ipakita na ang tao ang sentro ng mundo; ay


binibigyang-tuon ang kalakasan at mabubuting katangian ng tao gaya ng talino, talento atbp.
2. Ang layunin ng panitikan ay ipakita ang mga karanasan at nasaksisan ng
may-akda sa kanyang lipunan. Samakatuwid, ang panitikan ay hango sa totoong buhay ngunit
hindi tuwirang totoo sapagkat isinaalang-alang ng may-akda ang kasiningan at pagkaepektibo
ng kanyang sinulat.
3. Ang layunin ng panitikan ay magpakilala ng mga kalakasan at
kakayahang pambabae at iangat ang pagtingin ng lipunan sa mga kababaihan. Madaling
matukoy kung ang isang panitikan ay feminismo sapagkat babae o sagisag babae ang
pangunahing tauhan ay ipakita ang mabubuti at magagandang katangian ng tauhan.
4. Ang layunin ng teoryang ito ay ipamalas ang iba’t ibang paraan ng tao o
sumasagisag sa tao sa pag-aalay ng kanyang pag-ibig sa kapwa, bansa at mundong kinalakhan.
Ipinakikita rin sa akda na gagawin at gagawin ng isang nilalang ang lahat upang maipaalam
lamang ang kanyang pag-ibig sa tao o bayang napupusuan.
5. Ang layunin ng panitikan ay ilahad ang iba’t ibang pamantayang
sumusukat sa moralidad ng isang tao – ang pamantayan ng tama at mali. Inilalahad din nito
ang mga pilosopiya o proposisyong nagsasaad sa pagkatama o kamalian ng isang kilos o ugali
ayon sa pamantayang itinakda ng lipunan. Sa madaling sabi, ang moralidad ay
napagkakasunduan ayon na rin sa kaantasan nito.

bawa ng mga Teoryang Pampanitikan, alam mo ba na malaki ang maitutulong nito sa pagsusuri ng akda ngunit bago yun ay basahin mo

Pamagat: Di Mo Maalipin ang Langit


May-akda: Benjamin Pascual
Genre: Maikling Kuwento
Buod:
Ang kwentong ito ay tungkol sa lalaking nakulong dahil sa isang pagkakamali. Sa galit niya sa mga doctor at nars na hindi m
IV. Paksa: Hindi pantay na pagtingin
V. Bisa (sa isip, sa damdamin)
Damdamin- Matapos kong mabasa ang akdang ito nakaramdam ako ng
pagkapoot tulad ng naramdaman ng tauhan sa akda sapagkat hindi man
lang siya tinulungan ng mga taong may kakayahang magpaanak sa
kanyang asawa. Nakakalungkot isipin na kung sino pa ang mga taong
nasa mataas na antas ay siya pang walang pagmamalasakit sa kapwa
Isip- “Ang nawala na ay hindi na maibabalik.” Ito ang naikintal ko sa
aking isipan matapos kong mabasa ang kwentong ito. Bagamat alam na
niyang hindi na niya maibabalik ang kanyang anak na namatay dahilan
sa mga taong walang pagpapahalaga. Gumawa pa rin siya ng paraan na
alam niyang hindi tama, kaya sa bandang huli siya rin ang nagdusa.
Gayundin sa pagsusuri ng akdang ito napagtanto ko na hindi talaga
pantay ang antas ng pamumuhay sa ating lipunan. Ngunit
magkagayonman nararapat na bigyang halaga ang mga taong
nangangailangan ng higit na pang-unawa at pagmamalasakit.
VI. Mensahe
Ang tao’y magbanat man ng buto ngunit kung ito ay nasa ilalim ng
dominanteng uri (mga kapitalista) ay walang halaga ang kanilang
pagsisikap na mabuhay ng masagana at maayos sapagkat kulang na
kulang ang kanilang sahod upang matustusan ang mga
pangangailangan nito.
VII. Teoryang Ginamit
Moralistiko- Ipinapakita sa akda ang pagsasawalang bahala ng mga
taong nakapaligid sa kanya. Hindi nila binigyang halaga ang pakiusap
ng taong humihingi ng tulong. Ipinakita rin dito ang hindi magagandang
pag-uugali ng mga tauhan gaya ng pang-aapi sa mga mahihirap.

https://www.slideshare.net/JonahlyneBarrameda/pagsusuri-ng-maikling-kwento-73307271

Batid ko na naunawaan mo na ang hakbang sa pagsusuri ng isang nobela.


Tandaan ang aral na ating natutuhan at mga impormasyon mula sa ating
binasa dahil ito ay makatutulong upang masuri natin nang mabuti ang
nobela. Halika na at gawin mo ang susunod na gawain.

Gawain 5: Suriin mo…


Panuto: Suriin ang binasang akda na “Ang Matanda at Ang dagat” gamit ang balangkas o
pormat sa pagsusuri. Isulat ang iyong sagot sa kwaderno.
I. Pamagat, may-akda, genre
II. Buod (kung maikling kuwento, sanaysay, nobela)
III. Paksa
IV. Bisa (sa isip, sa damdamin)
V. Mensahe
VI. Teoryang Ginamit
Binabati kita sa iyong masigasig na pagsagot sa mga gawain. Batid ko na nagamit mo ang tamang b
Pagyamanin
Gawain 6: #SuringPelikula
Panuto: Alalahanin ang iyong mga napanood na pelikulang Pilipino, pumili ng isang
pelikula na iyong naibigan at suriin ito batay sa balangkas o pormat sa pagsusuri. Isulat
ang iyong sagot sa iyong kwaderno.

I. Pamagat, may-akda, genre


II. Buod (kung maikling kuwento, sanaysay, nobela)
III. Paksa
IV. Bisa (sa isip, sa damdamin)
V. Mensahe
VI. Teoryang Ginamit

Mahusay! Napagtagumpayan mong suriin ang pelikulang iyong


napanood. Ngayon naman ay susubukin ang iyong husay sa pag-
alala ng iyong natutuhan tungkol sa nobela at pagsusuri ng akda.

Isaisip
Gawain 7: Dugtungan tayo…
Panuto: Batay sa mga impormasyon na tinalakay tungkol sa nobela at suring basa, ilahad
ang iyong natutuhan sa pamamagitan ng dugtungang pagsasalaysay. Isulat ang iyong sagot
sa kwaderno.

Natalakay sa araling ito ang tungkol sa nobela maging ang halimbawa nito at suring
basa. Tumatak sa aking isipan na ang nobela ay

.
Isa ang halimbawa nito ay ang akdang “Ang Matanda at ang Dagat” ito ay tumukoy
sa_
.
Marami ang pinagdaan ng pangunahing tauhan sa kanyang paglalayag sa karagatan at isa
na rito ang

Ang aral na napulot ko sa nobelang ito ay


.

Samantala ang pagsusuri ng isang akda ay hindi madali


sapagkat

kahit gayon pa man marami pa rin akong natutuhan dito tulad ng

.
Isagawa

Gawain 8: #SKL (Share ko lang)


Ang buhay natin ay puno ng pagsubok, ang lahat ay nakararanas ng mga problema
na hindi natin inaasahang darating. Ikaw bilang isang mag- aaral ngayong new normal
paano mo hinaharap ang mga pagsubok sa iyong pag- aaral ngayong taon. Ilahad ang
iyong karanasan.
Panuto: Magsalaysay ng pangyayari sa iyong buhay na may pagkakatulad sa ilang
pangyayari mula sa buod ng nobelang iyong binasa “Ang Matanda at ang Dagat”. Isulat ang
iyong sagot sa iyong kwaderno.

__
__
__
___
__
__
__

Pamantayan sa Pagsulat ng Salaysay:


1. Nilalaman 10 %
2. Kalinawan sa paglalahad ng Kaisipan-----------------------5 %
3. Paggamit ng mga pang-ugnay---------------------------------5 %

Kabuuan 20 %

Tayahin
Pagsasanay 1
Panuto: Basahing mabuti ang bawat katanungan. Isulat ang titik ng tamang sagot iyong
kwaderno.
1. "Tunay na nakamamangha ang husay ni Santiago sa paggapi ng mga pating na
sumasalakay sa kanyang bangka. Ipinakita nya ang kanyang tapang at lakas upang
malagpasan ang mga hamon habang siya ay naglalayag sa karagatan, kaya't labis
akong humahanga sa kanyang mga ginawa". Ang suring ito ay tumutukoy sa :
a. bisa sa isip c. suliranin
b. bisa sa damdamin d. mensahe
2. Ang suliranin sa kwento ay masasabing naging problema o engkwentro sa
masamang pangyayari. Sa kwento ng Ang Matanda at Ang Dagat, naging suliranin
dito ang di- sadyang pagpatay ng isang simpleng mangingisda sa isang pating. Ang
pataas na pangyayari ng kwentong ito ay nang ang dugo ng mangingisda ay tumulo
sa tubig na umakit sa pansin ng pating bago niya ito mapaslang. Ano ang kultura
na ipinakita sa kuwento?
a. pagiging agresibo c. pagiging maawain
b. pagiging may takot d. lahat ng nabanggit
3. Hindi naging madali kay Santiago ang bawat nangyari sa kanyang buhay na kung
saan napaliligiran siya ng pating bilang mga pagsubok sa bawat araw na
pakikipagsapalaran sa gitna ng dagat at sa mga alon na lumalampas sa kanya pati
na ang buhay na pwedeng mawala kung siya ay hindi susuwertehin. Ito ay
nagpakita ng tunggalian sa:
a. tao sa kalikasan c. tao sa isip
b. tao sa damdamin d. kalikasan sa damdamin
4. Teoryang pampanitikan na nagpapakita tungkol sa mga naganap sa buhay ng isang
tao at may paniniwalang ang mga nangyayari sa kanyang buhay ay bunga ng
kanyang sariling pagpili.
a. Realismo c. Romantisismo
b. Humanismo d. Eksistensyalismo
5. ipinakita ni Santiago ang kanyang husay sa pangingisda at buong
lakas niyang ginapi ang mga pating na sumalakay sa kanyang isda. Punan ng angkop
na pang-ugnay upang mabuo ang pangungusap.
a. Tunay ngang c. Tama ngang
b. Datapwa’t d. Sadyang

unit napakagandang pagkakataon namang madagdagan ang iyong kaalaman sa Nobela mula sa Estados Unidos at ang mga hakbang
Susi sa Pagwawasto

Sanggunian
Mga Aklat

Ambat, V. Cariñ o, E. et.al. (2015). Panitikang Pandaigdig. Modyul para sa mga


mag- aaral.Vibal Group Incorporation. Pasig City.

Santos, C. Bautista Jr., G. (2015). Diwatik-Modyul sa Filipino (Baitang 10) Batay


sa Kurikulum ng K-12- Unang Markahan.JIMCZYVILLE Publication.Malabon City.

Internet
Macapas, Ma. Kathrina S., August 21, 2017, “Pagsang- ayon at Pagsalungan sa
Pagpapahayag ng Opinyon”https://www.slideshare.net/kathy_mac/pagsang-
ayon-at-pagsalungat-sa-pagpapahayag-ng-opinyon. October 29, 2020

Barrameda, Jonahlyne, March 19, 2017, “Pagsusuri ng Maiklig Kuwento”


https://www.slideshare.net/JonahlyneBarrameda/pagsusuri-ng-maikling-
kwento-73307271. November 3, 2020
Para sa mga katanungan, puna, o suhestyon maaring sumulat o tumawag sa:

Department of Education – Region III SDO – Science City of Muñoz Curriculum Implementation Division-
Learning Resource Management Section (CID-LRMS) Bgy. Rizal, Science City of Munoz, 3119
Telephone No.: (044) 806 - 2192
E-mail Address:

You might also like