Pananaliksikkabanata 12

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 10

KATANGGAPAN NG PATTY NA GAWA SA BALAT NG SAGING NA

CARDAVA ( MUSA ACUMINATA x BALBISIANA )

Inihanda nina:
Flores, Jhan Hendrix B.
Peralta, Daryl Joy
Bacani, Janverly Mhay
Balcita, Mariele
Bucsit, Jhann Omar
Martinez, Mark Clarence
Flores, Stuart

STEM 4 – Filipino

Bb. Arica G. Apalla


Guro
KABANATA 1

Kaligiran ng Pag-aaral

Marami na sa atin ang pamilyar sa manis-namis and napakalambot na

laman ng saging, ngunit kaunti lang ang sumusubok sa balat nito. Hindi man

karaniwan para sa atin ang pagkain ng balat ng saging, maraming cuisines sa

ibat ibang lumalop ng mundo ang gumagamit nito bilang kasangkapan. Ang

saging ay isa mga mga prutas na kilala at karaniwang kinokonsumo sa buong

mundo. Saging ang may pinaka mataas na produsyon na umaabot ng 116.78

million metric tons sa buong mundo kada taon.

(https://www.statista.com/statistics/264001/worldwide-production-of-fruit-by-

variety/). Kabilang din ang saging sa listahan ng mga pinakamasustansyang

prutas (https://www.goodhousekeeping.com/health/diet-

nutrition/g28511617/healthiest-fruits/). Kalimitang tinatapon at nagiging

basura ang balat nito pagkatapos makain ang laman. Lingid sa alam ng

nakakarami ang hatid na benepisyo ng balat ng saging. Di lamang nutrisyon

ang hatid ng pagkonsumo ng balat ng saging, maging ang ilang usapin tulad

ng malnutrisyon, food waste, at kakulangan ng pagkain ay kaya nitong

tugunan.

Ang balat ng saging ay ligtas kainin

(https://spoonuniversity.com/lifestyle/are-banana-peels-poisonous) at may

hatid na mga benepisyo ngunit ito'y taliwas sa alam ng nakararami. Malaking

porsyento ng mundo ang kumakain ng saging ay hinahayaan na lamang


mabulok sa mga basurahan ang balat nito, samakatuwid malaki ang

kontribusyon nito sa malaking bilang ng food waste sa buong mundo. 35% ng

kabuuan ng saging ay balat (Giri, Jun, Sukumaran, Park, 2016). Ang balat

nito ay mayaman sa ilang nutriyents tulad ng carbohydrates, vitamin A,

Vitamin C, potassium, dietary fiber, polyunsaturated fats, at essential amino

acids. Nagtatalagay din ito antioxidants. Napatunayan ding pinapababa ng

balat ng saging ang sintomas ng depresyon dahil sa taglay nitong trytophan,

pagpapalinaw ng mata, fiber na nagpapabuti ng digestive system at maging

ang ilang sakit sa puso at cancer dahil ang balat ng saging ay naglalaaman

ng polyphenols, carotenoids at ilang antioxidant.

(https://www.webmd.com/diet/health-benefits-banana-peel).

Ang mga tao sa mga ispisipikong bansa tulad ng India at Brazil ay

pinapakinabangan ang masustansyang panlabas na proteksyon ng saging

(https://organicsunlimited.com/can-and-should-you-be-eating-the-banana-

peel/). Habang sinayang natin ang masustansyang parte ng saging,

maraming pandaigdigang suliranin ang kayang tugunan ng pagrerecycle ng

balat ito tulad ng kakulangan sa pagkain lalo na sa mga mahihirap na bansa,

kakulangan sa nutrisyon na may kaugnayan sa kahirapan at maging ang

pangkalikasang usapin natin sa food waste. Isa ang malnutrisyon sa mga

global na usapin, at sa mga bansang salat sa nutrisyon, malaking tulong ang

hatid ng pagkonsumo sa balat ng saging. Ayon sa ulat ng WHO, isa ang

Pilipinas sa 20 bansang sa Asya na kinakaharap ang problema sa

malnutrisyon na resulta ng kahirapan. Ang Pilipinas ay kilala bilang bansang


agrikultural at mayaman sa mga likas na yaman. Isa ang saging sa mga

pangunahing nitong produkto at isa sa may pinakamalaking produksyon,

kalakip nito ang balat na magiging basura na lamang.

Upang tugunan ang ilang problema ng bansa, ang mga mananaliksik ng

pag-aaral na ito ay naglalayong makapagbigay at makagawa ng produktong

pagkain na masagana at madaling matagpuan. Upang magamit at

mapakinabangan ang likas na yaman na napupunta lamang sa basurahan.

Ang produktong kanilang gagawin ay patty mula sa balat ng saging. Ang mga

mananaliksik ay magsasagawa ng experimentong pag-aaral upang masuri

ang pagkatanggap ng nasabing produkto batay sa tugon ng mga

respondante.

Kahalagan ng Pag-aral

Ang pag-aaral na ito ay isasagawa sa paglalayong malaman ang

kakayahan ng balat bilang pangunahing kasangkapan sa pagawa ng patty.

Ang resulta ng isasagawang pag-aaral ay tiyak na makakatulong sa mga

sumusunod:

1.Sa mamamayan- Ang pag-aaral na ito ay makakatulong sa mga

mamamayan upang matugunan ang ilan sa mga suliraning kinahaharap nila.

Itoy makakatulong sa mga kapos sa buhay upang matugunan ang

kakulangan sa pagkain, sa mga kulang sa nutrisyon dahil sa kahirapan, at

upang makatipid dahil ang balat ng saging ay masustansya ngunit kalimitang


itinatapon lamang. Magbebenipisyo rin dito ang mga mamamayang pinipili

ang gulay kesa sa karne o kung tawagin ay "vegetarian".

2.Sa kapaligiran- Ang pag-aaral na ito ay makakatulong sa ating kapaligiran

sapagkat nababawasan nito ang food waste maging ang mga greenhouse

gases na nakakasira sa ating kapaligiran.

3.Sa mag-aaral- Ang pag-aaral na ito ay makakatulong sa mga mag-aaral

upang magsilbing gabay nila sa kanilang isasagawang mga pananalilsik at

magbigay ng bagong ideya na magagamit nila sa kanilang mga experimento.

4.Sa entrepreneur- Ang pag-aaral na ito ay maaring gamitin ng mga

entrepreneur upang makagawa ng masustansyang produkto sa maliit na

puhunan na maibebenta nila sa merkado at maging panimula nila sa

pagtatayo ng maliit na negosyo.

5.Sa susunod na mananaliksik- Ang pag-aaral na ito ay magsisilbing

sanggunian ng mga susunod na henerasyon ng mga mananaliksik sa

paggawa ng kanilang pag-aaral na may kaugnayan sa balat ng saging bilang

alternatibo sa karne sa paggawa ng patty.

Suliranin ng Pag-aaral

Ang pag-aaral na ito na may paksang "Balat ng Saging: Alternatibo sa

Karne sa Paggawa ng Patty" ay naghahangad na masagot ang mga

sumusunod:

1.Katanggap-tanggap ba ang itsura ng patty na gawa sa balat ng saging?

2.Katanggap-tanggap ba ang lasa ng patty na gawa sa balat ng saging?


3.Katanggap-tanggap ba ang tekstura ng patty na gawa sa balat ng saging?

4.Katanggap-tanggap ba ang aroma ng patty na gawa sa balat ng saging?

Balangkas Teoretikal

Isang pagsusuri noong 2017 ng J Ethnopharmacol sa mga barayati ng

saging na karaniwang matatagpuan sa Timog-silangang Asya, sinasabing

lahat ng parte ng saging hindi lamang ang laman ngunit pati ang balat,

bulaklak, maging ang mismong halaman ay ginagawang pagkain, o traditionl

na panlunas ng sakit (https://pubmed.ncbi.nlm.nih.gov/27988402/).

Sa isang pag-aaral noong january 2018 ng University of Newcastle, ang

balat ng saging ay kakikitaan ng mas mataas na konsentrasyon ng

kompawnd na kung tawagin ay phenolic kumpara sa ibang prutas. Ang

kompawnd na ito ay mayaman sa antioxidant, antimicrobial at antibiotic

property. At ang phenolic sa pangkalahatan ay mai-uugnay sa iba't ibang

mga benepisyo sa kalusugan tulad ng pag-kontra sa mga sakit sa puso,

kanser, diabetis at labis na timbang o obesity

(https://www.sciencedirect.com/science/article/abs/pii/S1756464617306783?

via%3Dihub).

Ayon sa kay Leber, ang mga tao sa Venezuela ay nakaisip ng ideya ng

paggamit ng mga balat ng saging bilang alternatibong pamalit sa karne.

Gumagamit sila ng balat ng saging sa loob ng maraming taon upang ma-


veganize ang mga rehiyunal na resipe ng karne tulad ng Carne Mechada.

Maaring ang ideyang ito ay umusbong dahil sa kakulangan sa pagkain na

umiiral sa Venezuela ng maraming taon (https://www.discover-

vegan.com/en/bbq-burger-made-from-banana-peels/).

Balangkas Konseptwal

INPUT PROSESO AWTPUT


KASANGKAPAN:
TRITMENT 1 1. Hugasang mabuti
5 balat ng saging ang balat ng saging at
6 kutsarang harina pakuluan ng 15-30
4 ngipin ng bawang minutos.
1 pulang sibuyas
1 itlog (midyum)
1 kutsarang soy 2. Hiwain ng pino ang
pinakuluang balat ng
TRITMENT 2 saging at ilagay sa
7 balat ng saging isang mangkok
4 kutsarang harina
4 ngipin ng bawang
1 pulang sibuyas 3. Ilagay ang ibang
1 itlog (midyum) kasangkasap (harina,
BANANA PEEL
1 kutsarang soy tinadtad na bawang at
sibuyas, itlog, soy at PATTY
TRITMENT 3 oyster sauce) at
10 balat ng saging haluing maigi.
2 kutsarang harina
4 ngipin ng bawang
1 pulang sibuyas 4. Sa kawali
1 itlog (midyum) magpainit ng mantika
1 kutsarang soy at iprito ang patty na
1 kutsarang oyster gawa sa balat ng
sauce saging na cardaba.

KAGAMITAN:
Kaserola, kawali, 5. Paggawa ng
kutsilyo, panukat na talatanungan, pag-
kutsara, mangkok, bibigay
sandok, chopping interpretasyon,
board. pagkalap ng datos.

Talatanungan
Hipotisis

1.katanggap-tanggap ang itsura ng patty na gawa sa balat ng saging

2.Hindi Katanggap-tangap ang lasa ng patty na gawa sa balat ng saging.

3.Katanggap-tanggap ang tekstura ng patty na gawa sa balat ng saging.

4.Hindi katanggap-tanggap ang aroma ng patty na gawa sa balat ng saging.

KABANATA 2

Disenyo ng Pananaliksik

Ang isinagawang eksperimental na pananaliksik na pinamagatang

"Katanggapan ng Patty na Gawa sa Balat ng Saging na Cardava (Musa

Acuminata x Balbisiana)” ay gumamit deskriptibong metodolohiya na

naglalayong suriin ang balat ng saging upang alamin kung katanggap-

tanggap ito bilang patty batay sa itsura, lasa, tekstura at aroma sa tatlong

tritment na isinagawa na nagkakaiba sa dami ng pangunahing kasangkapan.

Descriptive Survey Research Design ang angkop na napili ng mga

mananaliksik na ginagamitan ng survey questionnaire o talatanungan na

pupunan ng mga repondente na siyang panggagalingan ng mga datos.

Naniniwala ang mga mananaliksik na ang disenyong ito ang pinakaangkop na

gamitin sapagkat mas madaling makakalap ng mga kinakailangang datos

mula sa napiling respondente.


Respondente

Ang mga napiling respondente sa pag-aaral na ito ay apatnapu (40)

residente ng barangay Dallangayan Este sa lungsod ng San Fernando.

Instrumento

Ang survey questionnaire o talatanungan ay ginamit upang makalap at

maipakita ang mga datos na kinakailangan sa pag-aaral na ito. Ang mga

katanungan ay sasagutan ng mga napiling respondente upang matukoy kung

anung tritment ang tatangkilin.

Tritment ng Datos

Ang istatistikal na tritment na pagkuha ng mean ang siyang ginamit sa

pag-aaral na ito upang makalap ang mga detalye at impormasyon. Ang

pgkuha sa average mean ng bawat tritment ay makakatulong upang maibuod

ang datos upang matukoy ang "Katanggapan ng Patty na Gawa sa Saging na

Cardava (Musa Acuminata x Balbisiana). Ang mga ito ay itinutuos sa

pamamagitan ng sumusunod:

X= EX÷N

X- average mean

EX- kabuuang marka

N- kabuuang dami ng repondente

You might also like