Abstrak

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

ABSTRAK

Ngayong Salita ng Taon 2020 Edisyong Pandemya, pag-usapan natin ang

mga salitang tumatak sa lipunan sa panahon ng pandemya at alamin kung gaano at

paano nito nabigyan ng higit na kulay ang diskursong Filipino sa kasalukuyan. Sa

pagsisimula ng krisis sa pandemyang COVID-19, naging laman ng diskurso ang

mga salitang pangkalusugan, pang-agham, pang-edukasyon, at pang-ekonomiya.

Sa panahon ng pandemya ay umusbong ang iba't ibang salita na binigyan ng

depinisyon ng mga mamamayang Pilipino. Sa pagpili ng Salita ng Taon 2020, ang

aming mungkahing salita ay "Protokol".

Ika-30 ng Enero taong kasalukuyan nang iulat ng Departamento ng

Kalusugan (DOH) ang unang kaso ng COVID 19 sa ating bansa. Hindi inaasahan ng

lahat ang mabilis na pagakyat ng bilang ng mga kaso ng COVID 19 sa bansa kaya't

sa patuloy na pagtaas ng mga nahawahan ay naglabas ng mga protokol ang

Departamento ng Kalusugan kaugnay sa mga dapat gawin ng mga mamamayan.

Naging matunog ang mga protokol na inilabas ng ating pamahalaan. Sa mga

nagdaang buwan ay lalong pinag-igting ng ating pamahalaan ang pagpapatupad ng

mga protokol sa pamamagitan ng iba't ibang ahensya at mga indibidwal. Kabilang sa

mga protokol ang tamang paggamit ng mga PPE, paglayo ng pisikal, at tamang

kalinisan sa katawan. Sa pandemyang kinakaharap ng buong mundo, mahalaga ang

magiging pagtugon natin sa mga protokol na ipinatutupad ng gobyerno.

Ang salitang ‘’Protocol’’ ay sinuring mabuti kung ito ba ay nararapat gawing

salita ng taon dahil marami pang salita ang nanomina. Hindi maitatanggi na karapat-

dapat itong hiranging Salita ng Taon sa Edisyong Pandemya dahil isa ito sa

pinakamatunog na salita na umusbong ngayong panahon. Isang salita pero nasa


kanya na ang lahat ng patungkol sa pandemya na ito kagaya ng social distancing,

alcohol, peysmask, disinpek at marami pang iba. Nakapaloob na rito ang lahat ng

salita na may kinalamat sa kwarantin. Kadalasang maririnig ang salitang ito sa mga

opisyales ng barangay o gobyerno upang mapuksa o maiwasan ang pagdami pa ng

kaso sa ating bansa. Ang salitang napili ay naglalarawan ng isang mahalagang

pangyayari sa kasaysayan sa Pilipinas at gumigising sa damdamin tungo sa

pagbabago o paghahanap ng solusyon sa isang problema sa lipunan, at ito ang

katangian na dapat tinataglay ng Salita ng Taon.

You might also like