Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 8

SELF-LEARNING HOME TASK (SLHT)

Subject: TLE/HELE 5 Grade: Five Quarter: 2nd Week: Wk7-Module 7___

MELC ___Pagpaplano at Pagluluto ng Masustansiyang Pagkain


Competency Code: EPP5HE-Oi-24

Name ___________________________________ Section ________ Date _________

School __________________________________ District _________________________

A.BABASAHIN/DISKUSYON

PAGPAPLANO NG MASUSTANSIYANG PAGKAIN PARA SA PAMILYA

Mahalagang pagtuunang mabuti ang pagpaplano ng pagkain ng mag-anak. Maraming


bagay ang isinasaalang-alang upang maayos na maisakatuparan ito. Ilan ditto ay ang mga
taong pinaglalaanan, pangangailangan, salaping nakalaan at tagal ng paghahanda.

Talaan ng mga Putahe ( Menu Pattern)

Ginagamit ito sa pagpaplano ng menu ng pagkain upang makabuo ng resipi para sa


tiyak na age group. Ang tradisyonal na food based menu pattern ay ang agahan, tanghalian, at
hapunan. Mahalaga ito dahil napag-iisipang mabuti ang mga ihahaing pagkain. Natitiyak din
na ito ay masustansiya at naayon sa kalusugan at pangangailangan ng bawat kasapi ng
pamilya at natatantiya ang inaasahang halaga o badyet para sa ihahanda.
RESIPI

SQUASH MALUNGGAY PANCAKES

1 piraso ng dilaw na kalabasa

1 pirasong itlog

½ harina

2 kutsarang sibuyas

1 kutsaritang asin

1 kutsaritang Baking powder

Ginadgad
Ito ay talaan ng na kalabasa
mga sangkap at sibuyas para sa paghahanda ng isang lulutuing
at pamamaraan
putahe o ihahandang pagkain. Tiyaking kompleto ang mga gagamiting sangkap sa pagluluto
Paghaluing mabuti ang mga sangkap sa isang
upang tuloy-tuloy anglalagyan.Maglagay
paghahanda. ng isang serving ng pancake sa
paglulutuan at hintaying maluto
MENUito.Isang haluan ay
makagagawa ng 12 piraso .

½ cup shortening

2 egg yols

½ teaspoons vanilla extract

Procedure:

Heat oven to 375 degrees F. Mix butter, shortening,


egg yolks and vanilla in a mixing bowl. Blend-in cake
mix until well blended. The result will be more like
Ito ang talaan dough
ng mgathan
pagkain at inuming
cake batter. ihahain
Chill for aboutsa15oras ng kainan.
minutes for
easier handling.

TANDAAN: Shape into desired shapes and place on a silicone mat


or ungreased baking sheet. Bake for 10 to 15 minutes
Mahalagang isaalang-alang ang menu pattern, menu, at resipi sa
or until golden. Cook cookies slightly before removing
pagpaplano ng from
pagkain upang hindi maisasakripisyo ang kalidad ng
the baking sheet.
pagkaing ihahain at upang hindi rin maaksaya ang inihandang pagkain.
Maari ding gumamit ng food shopping list kapag kayo ay pupunta sa
palengke upang mamili ng mga sangkap na inyong gagamitin sa pagluluto.

PINOY FRIES

Ingredients:
MGA ASPETONG DAPAT ISAALANG-ALANG SA PAGPAPLANO AT
PAGLULUTO NG PAGKAIN

1. SUSTANSIYA NG PAGKAIN. Mahalagang bigyang pansin ang food pyramid upang


maging gabay sa pagtiyak na ang mga ihahandang pagkain ay masustansiya.
2. BADYET PARA SA PAGKAIN. Ibabatay ang pagkaing ihahanda sa perang nakalaan
para sa lulutuing pagkain.
3. LAKI NG MAG-ANAK. Laging isaalang-alang ang bilang, edad, at kasarian ng
bawat kasapi ng mag-anak sa paghahanda ng pagkain.
4. PANAHON. Higit na Magana kumain kapag malamig o tag-ulan ang panahan kaysa
tag-init.
5. ORAS NA GUGUGULIN SA PAGHAHANDA NG PAGKAIN. Kailangang sapat
ang oras sa gagawing paghahanda at pagluluto. Kailangang ihanda ng maaga ang mga
sangkap na gagamitin para hindi gahulin sa oras ng pagkain.
6. LUTONG IHAHAIN. Dapat malaman kung gaano kadali o kakomplikado ang mga
pagkaing iluluto. Iwasan ang pag-uulitn ng pagkain sa isang kainan.

MGA URI NG PAGKAING IHAHANDA

AGAHAN- Ito ang unang pagkain sa loob ng isang araw. Ang batang katulad ninyo ay hindi
dapat laktawan ang agahan para sa tamang pagsisimula ng araw. Ito ang pinakamahalagang
pagkain sa buong araw. Inihahanda ng almusal ang katawan para sa mga gawaing sinisimulan
sa umaga pagkalipas ng mahabang oras na walang laman ang tiyan sa buong magdamag. Ito
ay maaring ihain mula 5:00am hanggang 9:00 am ng umaga. Maaring ang almusal ay
magaan, katamtaman at mabigat ayon sa gawain ng kakain.

TANGHALIAN- Inihahain ang tanghalian mula 11:00am hanggang 1:00 ng hapon. Bahagi
ng tanghalian ang sabaw, kanin, ulam na sa sagana sa protina, gulay at himagas.

HAPUNAN-Maari itong ihain mula 5:30 ng hapon hanggang 10:00 ng gabi. Katulad ng
tanghalian ang pattern na ginagamit ng hapunan.

Alin-alin sa mga ito ang natikman mo na? Para sa dagdag kaalaman, bisitahan ang
https://you.tu/KlpLKfoXaVs
Narito ang isang halimbawa ng meal pattern ng masustansiya, mura at sapat na
pagkain sa loob na isang linggo.

Araw Agahan Tanghalian Hapunan

Lunes Saging Cream of corn soup Sinigang na baboy


Daing nga bangus Adobong manok Kanin
At kamatis Ginisang ampalaya Pinya
Sinangag Kanin
Tsokolate Pakwan
Martes Mansanas Halaan soup Nilagang baka
Hotdog Inihaw na bangus Kanin
Hotcake Ginisang sayote Fruit Salad
Gatas Kanin
Manggang Hinog
Miyerkules Avocado Vegetable soup Asparagus soup
Scrambled egg with Mechado Pritong Tilapia
tuyo Kanin Kangkong with
Kanin Minatamis na saging oyster sauce
Tsokolate Kanin
Atis
Huwebes Saging Tinola Bido soup
Champorado with Tortang talong Sarsiyadong isda
tuyo Kanin Adobong sitaw
Gatas Leche flan Kanin
Tropical Salad
Biyernes Papaya Crabs and corn soup Miswa soup
Tocino with Kamatis Inihaw na baboy Paksiw na bisugo
Sinangag Adobong Kangkong Ginisang repolyo
Tsokolate Kanin Kanin
Saging Pinya
Sabado Tropical Salad Mushroom soup Chicken soup
Arroz Caldo Apritada Beefsteak
Gatas Chopsuey Vegetable salad
Kanin Kanin
Pakwan Saging
Linggo Chico Sinigang na hipon Pesang lapu-lapu
Pritong Itlog with Pritong Tawilis Ginisang kamatis
Longganisa Kanin Kanin
Kanin Avocado Tropical Salad
Juice
A.UNANG GAWAIN

Panuto: Gamit ang isang Venn Diagram, isulat ang pagkakaiba at pagkakatulad ng
mga pagkaing dapat ihanda kapag AGAHAN, TANGHALIAN at HAPUNAN.

Test B.

Panuto: Maglista nang limang bagay na iyong isinasaalang-alang sa pagpaplano at pagluluto


ng masustansiyang pagkain ayon sa badyet ng inyong pamilya. Ipaliwanag kung bakit.

Mga Bagay ng dapat


isaalang-alang Paliwanag

Hal. Badget Ibabatay ang pagkaing ihahanda sa perang nakalaan.


1.
2.
3.
4.
5.
B. IKALAWANG GAWAIN

Panuto: Gumawa ng sariling menu pattern para sa inyong pamilya sa loob ng isang lingo.
Gamitin ang mga sumusunod na rubric upangmasukat ang kasanayan sa paggawa ng menu
pattern.

ARAW AGAHAN TANGHALIAN HAPUNAN


Hal. Linggo Pritong itlog,kanin at Pinakbet,pritong Adobong
gatas isda,kanin at saging baboy,kanin at pinya

Rubrik sa Sariling Menu Pattern

Iskor
Pamantayan
5 4 3 2 1
1. Nakabatay sa Food
Pyramid
2. Isinaalang-alang ang
mga edad ng kakain.
3. Nasa badyet ng pamilya
ang nakatalang mga
putahe.
4. Madali masustansiya,
hindi komplikado ang
paghahanda sa
nakatalang mga putahe.

5. Angkop sa agahan,
tanghalian at hapunan at
nasa balance diet.
Kabuuang Puntos

Pagpapakahulugan:

20-25= Napakahusay 5-9=Hindi Gaanong Mahusay

15-19= Mahusay 1-4= Kailangan pang Paunlari

10-14= Mahusay-husay
C. PAGTATAYA

Panuto: Basahing mabuti ang mga katanungan. Ilagay ang inyong mga sagot sa isang
buong papel.

A. Ibigay ang tinutukoy sa bawat bilang. Buuin ang salita. Punan lamang ang mga
patlang ng nawawalang titik upang mabuo ang salita.

__ga__a__ 1. Ito ang pinakamahalagang pagkain sa buong araw.

b__d__e__ 2. Nakalaang gugugulin para sa handaan.

__ang__al__an 3. Inihahain mula 11:00 ng umaga hanggang 1:00 ng hapon.

__e__u 4. Talaan ng mga pagkain at inuming ihahain sa kainan.

f__o__ __y__am__d 5. Batayan ng pinakamahusay na inererekomendang pangkunsomo ng


pagkain mula sa bawat grupo nito.

B. Hanapin sa hanay B ang sagot sa tinutukoy sa hanay A. Gamitin ang arrow sa pag-
ugnay ng mga ito.
A B

1. talaan ng mga putahe


tanghalian

talaan ng mga
table
2. sangkap at paraan ng
appointments
pagluluto
gabay sa paggawa ng
3. recipe
menu

inihahain ito mula


4. menu pattern
11:00 hanggang 1:00
ng hapon
5. Dinnerwares, food pyramid
flatwares at
glasswares

D. KARAGDAGANG GAWAIN

Tumulong sa iyong ina sa pagluluto. Ilista ang mga sangkap na inyong ginamit pati na
rin ang paraan ng inyong pagluluto. Isulat ang mga ito sa isang buong papel ang bigyang
pamagat ito. (Halimbawa: “Neneng’s Adobo Recipe”).
MGA SANGGUNIAN

Libro
Peralta, G.A. et.al. Kaalaman at Kasanayan Tungo sa Kaunlaran.GOP-Textbook Funds
Lee,E.G. et.al. Masiglang Pamumuhay para sa Kinabukasan. Phoenix Publishing House

Web Page

https://images.app.goo.gl/8WNWEFprFddffPbZA

https://images.app.goo.gl/EN1HSPHBmJjgYVhB8

https://images.app.goo.gl/qX1tKSvEXEGKYEfX6

https://images.app.goo.gl/T92GcEyeJUQdL8Sv7

https://images.app.goo.gl?ZWJ8rd2Wh9Wgmr7EA

https://youtu.be/7YHhGwviZ3o

https://youtu.be/ntDFpNAopGI

https://youtu.be/KlpLKfoXaVs

Prepared by: Edited by:

JIRLY ANN G. LA ROSA MARY JANE D. DINAMPO


T-3 MT2

Reviewed by:

RAUL JUMAO-AS
EPP/TLE Division Supervisor

GUIDE

For the Teacher


For the Learner
For the Parent/Home Tutor

You might also like