Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 21

Drama Presentation

Title: Hanggang Saan, Hanggang Kailan

Bawat simula ay may kaakibat na hangganan. Bawat kasalanan ay may


kapalit na pasakit at pagdurusa. Kadalasan nakukuntento lang tayo sa
buhay na pabor at nasusunod ang ating mga hangad sa buhay. Buhay na
masaya, buhay na malaya na naghahatid saatin sa sa mundo na puno ng
iba't ibang uri ng kasalanan at higit sa lahat BUHAY NA MALAYO SA
DIYOS.

Ngunit hanggang saan, hanggang saan aabot ang katigasan ng ating


puso't isipan. Hanggang saan pa tayo dadalhin ng maling pananaw sa
buhay. Hanggang kailan tayo magtitiis at magbulag-bulagan. Haggang
kailan natin isasarado ang ating puso sa buhay na walang hanggan na
hatid ng Diyos. Ang desisyon mo ngayon ang magdidikta ng iyong
kinabukasan. Isang malaking katanungan, HANGGANG SAAN, HANGGANG
KAILAN....

Tunghayan natin ang kwento ng isang kabataan na tapat at may


pagmamahal sa Diyos, ngunit sa isang maling desisyon sa buhay ay
nalugmok at nasilaw sa makasalanang mundo.

Scene 1:

Isang active na kabataan at sunday school teacher si Esperanza. Bata pa


lamang sya ay nasa simbahan na sya at tapat sa kanyang ministry.

Esperanza: Mga bata gusto nyo bang maging katulad ni David?

Mga Bata: Opooo Ms. Ezra

Esperanza: Bakit gusto nyong maging katulad nya?

Bata: Kasi po matapang sya at mahal sya ng Diyos

Esperanza: Okay, pero alam nyo ba lahat naman tayo ay mahal ng Diyos
sa iba’t ibang paraan nya lang pinapakita. Katulad ni David Kahit bata
lamang sya ay may pananampalataya sya na ililigtas sya ng Diyos at
sasamahan sa kanyang laban kaya sya ay nagtagumpay. Kaya gayahin
natin si David isang mabait na bata at may takot sa Diyos.

Mga Bata: Opooo

Esperanza: Okay, sa susunod ang kwento naman natin ay tungkol kay


Zaqueo at kay Jesus. Tayo na tayong lahat at tayo’y aawit. “Ang klase
tapos na, uuwi sa bahay, paalam paalam ang Diyos nagbabantay”

Mga Bata: Bye Ms. Ezra

Esperanza: Babye balik kayo ha. Ingat kayo

(Habang naglalakad pauwi)(May nakabanggaan)(Nahulog ang gamit)

Sebastian: Ay sorry miss..(sabay pupulutin ang gamit…magkakatitigan)

Sebastian: Sorry..hindi ako tumutingin sa daan..nabulag ata ako sa iyong


kagandahan.

Esperanza: (nabigla)

Sebastian: (Natawa) biro lang, sorry ulit, ako nga pala si Sebastian, Sevi
for short, gwapo for you.

Esperanza: Una na ako..

Sebastian: Uy teka.. nagbibiro lang ako…anong pangalan mo?

Esperanza: Ako si Ezra, sige mauna na ako….

Sebastian: Sana magkita pa tayo ulit Ezra….

(Nakita si Bestfriend)

Theresa: Uyy si Esperanza dalaga na.. sino yung poging kausap mo ha?
Sumbong kita kay pastor..

Esperanza: Tigilan mo nga ako hindi ko kilala yun nakabungguan lang at


hindi sya pogi…
Theresa: Sus. Ang pogi kaya, ikaw ha, nagkabungguan daw parang
teleserye lang ah..yieeeh

Esperanza: Ewan ko sayo yan kasi puro lalaki ang nasa isip mo kaya ka
laging natatamaan sa preaching ni pastor..

Theresa: Arayy naman..alam mo ikaw talaga darating ang araw


maiinlove kadin tingnan natin..

Esperanza: Never…abala lang yan sa buhay nakuu..(parating si Pastor)


Ayan na pala si Pastor… good morning po pastor, bless po…

Pastor Vince: Oh Esperanza, Theresa anong pinagtatalunan nyo kanina


pa.

Theresa: Kasi po Pastor yang si Esperanza, may kasamang gwapo


kanina….

Esperanza: Tumigil ka nga… wala po pastor hindi ko naman po yun


kilala..

Pastor Vince: Naku kayong dalawa mag ingat kayo sa mga lalaki, ibang
kalaban ang pag-ibig maaaring ilayo kayo nyan sa ministry. Kung may
nagugustuhan kayo. Invite nyo sa simbahan..Tara na nga at may Bible
Study tayo ngayon..Sasama ba kayo?

Esperanza: Sasama po ako Pastor…(kinurot si Theresa) (Binulong) alam


ko ikaw ang daldal mo

Theresa: Arayyy…haha

NARRATOR: Nagpa tuloy sa kanyang ministry si Esperanza. Ngunit hindi


makakaila na habang dumadaan sya sa may park ay naaalala nya ang
gwapong lalaki..

Isang araw nagulat sya at may isang lalaking nakaabang sa kanyang


dadaanan..

Sebastian: Sa wakas, andito na ang kokompleto ng araw ko..Hi Ezra,


namiss mo ba ako?
Esperanza: Miss mo mukha mo..

Sebastian: Uyy wait, tampo ka naman agad..umalis kasi kami kaya hindi
mo ako nakikita.. flowers for youu

Esperanza: Tinatanong ko ba?

Sebastian: Sungit mo naman babe..aalisin natin yan tara samahan mo


ako may pupuntahan tayo mag eenjoy ka dun..hindi to date promise…
gusto ko lang mapasaya ka. Tara tara..

Esperanza: Tekaaaa…

Samantala….

Pastor Vince: Theresa..anong nangyari kay Esperanza, bakit hindi ko na


sya nakikita?

Theresa: Hindi ko nga po alam pastor kung anong nangyari sa kanya,


iniiwasan na po ako..pero palagi ko po syang nakikita kasama yung
lalaking gwapo na sinasabi ko po noon.

Pastor Vince: Naku..ano kayang nangyari? Pag nakita mo sya sabihin mo


gusto ko syang makausap..

Scene 2:

NARRATOR: Dumaan ang mga araw ay hindi na talaga nagpakita si


Esperanza sa simbahan. At nabalitaang laging kasama si Sebastian. Isang
araw nagkaroon ng pagtatalo ang dalawa.

Sebastian: Ano ba naman yan Esperanza, puro nalang simbahan,


simbahan ang bukambibig mo naririndi ako sayo..

Esperanza: Pero Sevi kasi, antagal ko nang hindi nakakasimba pwede


bang huwag muna tayong lumabas sa linggo magsisimba ako o sumama
kana lang sakin sa simbahan.
Sebastian: Pag aawayan na naman ba natin to? Diba sinabi ko naman
sayo, wala naman akong napapala sa pagsimba, lahat naman nang gusto
ko nakukuha ko. Bakit ba puro kana lang simbahan ha? Oh baka naman
may iba kana ha? Baka may kasintahan kana sa simbahan nyo ha?

Esperanza: Sevi wala, baka lang kasi hinahanap na nila ako o nag aalala
na sila sakin madami akong kaibigan.

Sebastian: Nakikita mo naman sila sa labas ah..bahala ka nga, basta sa


linggo kapag hindi ka dumating tapos na ang relasyong ito. Hihintayin
kita, mamili ka, simbahan o ako? (umalis)

Esperanza: (malungkot) Sevi naman..

NARRATOR: Lumipas ang mga araw, buwan hanggang sa naging isang


taon ay tuluyan na ngang nawala sa simbahan si Esperanza. Tunghayan
natin ang kanyang naging buhay sa kanyang piniling landas kaysa sa
maglingkod sa Diyos.

(Habang naglalakad si Esperanza (buntis) at Sebastian)

Sebastian: Pambihira naman Esperanza! Anong ginagawa mo rito? Tara


na umuwi na tayo diba sabi ko sayo huwag kang lalabas ng bahay.

Esperanza: Bakit ba! Ikaw bakit nandito ka sabi ng mga kapitbahay may
babae ka raw..sino yun ha?

Sebastian: (nasampal si Eperanza, natumba)

Esperanza: Ahhhh….

Sebastian: (nashock)

(Dumating ang isang lalaki)

Antonio: (Sinuntok si Sebastian) anong ginagawamo sa kapatid ko ha…

Esperanza: (Umiiyak) Tulong tulong!!! Tulungan nyo ako ang baby


koooo huhu iligtas nyo ang anak ko.
Sebastian: Mahal, mahal sorry hindi ko sinasadya patawad dadalhin kita
sa ospital

Esperanza: Umalis ka dito!!! Pag may nangyaring masama sa baby ko


hinding hindi kita mapapatawad

Sebastian: Hindi ko sinasadya....

Esperanza: Umalis kanaaaaa!!!

Antonio: (Tinulak si Sebastian) Umalis kana daw, wala kang kasing


sama…

Esperanza: Ang baby koooooo….(umiiyak)

____taas kurtina____

Tuluyan nang nasira ang buhay ni Esperanza sa kanyang piniling


desisyon na piliin ang pag-ibig kaysa sa Diyos. Hanggang saan, hanggang
kailan sya magtitiis at patuloy na magbubulag-bulagan.

Makalipas ang 15 taon…….

Scene 3:

Osang: Ale, palimos po! Gutom na gutom na po ako! Wala na po kaming


makain..ale kahit barya lang po..

Daniela: (tinulak) anuba! kadiri naman don’t touch me…(alcohol)

Osang: Maawa po kayo gutom na gutom na ako….

Daniela: kainis naman why ba ang poor poor mo and dirty dirty mo pa…
kawawa ka naman… okay okay bibigyan kita wag ka lang lalapit…
(kumuha stick, binigay pera) wag na wag ka nang magpapakita
sakin..hmppp! 1k na yan

Osang: (hinawakan sa kamay) K po ba to, e isang libo to eh hindi 1K

Daniela: You’re stupid din pala…(roll eyes, paalis na pero hinabol)


Osang: salamat po! malaking halaga to may makakain na po kami…
babye poooo

Daniela: Omggggg!!yaksss mommyyyyy

Masayang umuwi si Osang sa bahay nila dahil sa nakuhang pera…Habang


nasa daan nakita nya ang kanyang kapatid….

Dodot: (nangongolekta na bakal, bote, yero) Plastik, bakal, bote, yero po


kayo dyannn…para lang po sa pagkain namin…plastic bakal bote yero po
kayo dyan

Baduy: Huyyy anak araw! ang ingay ingay mo para kang sirang
plaka..umalis ka nga rito…

Dodot: Wala naman masama sa ginagawa ko ah..nagtatrabaho ako para


magkapera hindi tulad mo tumatambay lang..

Baduy: Aba’t sumasagot kapa! (kwelyuhan - akmang susuntukin)

Osang: Kuya Dodotttt!!! Wag mo sasaktan ang kuya koooo (tinulak)!!

Baduy: Isa pang anak araw….may araw din kayo sakin…pweeee! (umalis
na)

Dodot: Oh osang…saan ka galing?? Kanina pa kita hinahanap diba sabi


ko huwag kang lalayo…

Osang: Kuya, namalimos lang ako… tadannnn(pinakita ang pera)

Dodot: Hala Osang! Saan galing yannnn? Saan mo kinuha yan hindi ka
naming tinuruan magnakaw, tara ibalik na natin yan…naku naman
Osang…

Osang: Kuya hindi ko to ninakaw binigay to nung mataray na ale


kanina…may pambili na tayo ng pagkain kuyaaa tara naaa…

Scene 4:

NARRATOR: Masayang umuwi ang magkapatid na Osang at Dodot sa


kanilang bahay. Bumili sila ng pagkain para sa kanilang magkakapatid..
BAHAY.

Osang: Kuyaaa Bentong!! Andito na kamiii

Bentong: (bulag, mali ang tingin) Osang, ikaw ba yan saan kayo galing…
(nanghina dahil sa gutom)

Dodot: Kuyaaaa!! Kuya

Bentong: Gutom na gutom na kasi ako… wala pa kasi si nanay inuuwi pa


ang mga nilabhan nyang damit

Dodot: heto kuya, may pagkain kaming dala kumain ka muna…

Bentong: (kumain) saan kayo kumuha ng pera pambili…

Osang: May nagbigay sakin kanina kuya isang magandang ale pero
medyo mataray…

Bentong: Nanlilimos kaba Osang?

Osang: Hmmm..hindi kuya binigay nya lang to…

Dodot: Namalimos yan kuya…

Bentong: Osang naman…

May dumating na bisita…

Bro. Hori: Tao po! tao po..

(Lumabas si Sisa galing sa kwarto)

Sisa: Shhhhhhh!! May kalaban huwag kayong gagalaw ako bahala…

(tinawanan lang ng magkakapatid)

Dodot: Sige na Sisa buksan mo na…

Sisa: 1, 2, 3…

Bro. Hori: (Na-shock)


Sisa: Gulat ka noh? Hihihihi hahahaha (inikot ikutan si Bro.Ambo) nasan
ang mga anak ko? Crispin? Basillo? huhuhuhu

Dodot: Sisa!! Tama na yan, pumasok kana dun sa loob.

Bro. Hori: Magandang araw po ako po si Bro. Ambo from Mountain Road
Bible Baptist Church, dyan po ang simbahan namin sa may crossing.
Andito po ako para magshare ng word of God. Pwede po ba?

Dodot: Kuya bible bible daw

Bentong: Papasukin mo na..ano pong kailangan nyo wala po sina nanay..

Bro. Hori: Ayos lang, andito lang ako para magshare ng salita ng Diyos,
saglit lang to. Handa na ba kayong makinig?

Osang: Opo opo sir

Bro. Hori: Okay so ang pag uusapan natin ngayon ay ang pag-ibig ng
Diyos satin..(preach salvation-pasunod sa prayer) Okay dahil tinanggap
nyo na ang Diyos ng buong puso nyo ay sa langit na pupunta ang inyong
kaluluwa.

Osang: Yeheyyy!

Sisa: Langit lupa impiyerno..saksak puso tulo ang dugo..patay buhay

(Pumasok si Esperanza pagod na pagod sa pag labada)

Osang: Nayyy! Mano po..

Esperanza: Pasensya na mga anak ngayon lang ako nakabalik heto may
dala akong pagkain pumasok muna kayo… (napatingin a bisita)(kinuha
ni Sisa ang pagkain at tumakbo)

Bro. Hori: Ah magandang araw po Aling Esperanza

Esperanza: Kilala mo ako?


Bro. Hori: Ah opo, member po ako sa MRBBC nakukuwento ka po samin
ni pastor..alam ko pong dati kayong kabataan ng simbahan gusto ko po
sanang mag conduct ng bible study dito kung gusto nyo po?

Esperanza: Pasensya na wala kasi kami lagi at hindi papayag ang asawa
ko..

Bro. Hori: Ah naiintindihan ko po, pero pupunta po ako ulit dito pag may
oras po kayo..salamat po mauna na po ako..

Dodot: Tara na Osang, magsaing na tayo at baka gutom na si nanay..

(Lumapit kay Bentong)

Esperanza: Anak ayos ka lang ba? Bakit ka malungkot?

Bentong: Yun pong lalaki kanina nay, lahat po ng sinabi nya tumatak dito
(puso)nay gusto ko po magsimba sa simbahan nila. Totoo po ba nay ang
sinasabi nyang dati kang miyembro ng simbahan?

Bentong: Nay…nanjan ka pa po ba?

Esperanza: Oo anak totoo yun. Basta ang tatandaan mo palagi, huwag na


huwag kang tutulad kay nanay ha…patawarin nyo ako hindi ako
mabuting ina…

Bentong: Nay, nay huwag kang magsalita ng ganyan..pinagpala po kami


para magkaroon ng nanay na masipag at handang magsakripisyo para sa
mga anak..

Esperanza: May mga maling desisyon kasi ako anak sa nakaraan na


pinagsisihan ko. Pero alam mo ang hindi ko pinagsisihan ay ang
dumating kayong mga anak ko sa buhay ko..hmm kaya kung gusto mo
anak magsimba susuportahan kita, gusto kong itama mo ang mga
pagkakamali na mga nagawa ko noon..

Bentong: Magsama-sama tayo nay sa simbahan..

Esperanza: Hindi ko pa kaya anak, wala na akong mukhang ihaharap sa


simbahan, hiyang hiya na ako sa Diyos…
Bentong: Pero nay..

Esperanza: Sige na anak…punta na ako sa kusina baka parating na ang


tatay nyo ipaghahanda ko ng hapunan..

Bentong: Nay….si tatay po…

Esperanza: Anak huwag mo ng ituloy..

Bentong: Nay bulag lang ako pero hindi ako manhid..alam kong
sinasaktan ka ni tatay nay..

Esperanza: Anak kasalanan ko kaya nagalit ang tatay mo normal away


mag-asawa lang ha, sige na pasok kana sa kwarto puntahan mo na si
Sisa.

Bentong: Pero nay, hindi normal yun eh. Hindi normal ang halos araw
araw at kahit walang dahilan ay sinasaktan ka pa rin..nayyy

Esperanza: Anak!!! huwag kang makulit..ginusto ko to, ito ang buhay na


pinili ko. mahal ko ang tatay nyo kahit hindi ko napansing naubos na
pala ang pagmamahal ko sa sarili ko..at alam mo ang mas masakit sa
lahat, alam kong lahat ng nangyayari sa akin ay dahil sa isang maling
desisyon na nagawa ko noon pero hindi ko na magawang itama kaya
naipon na..punong puno na ako..at konti nalang ikamamatay ko na kaya
pakiusap…

Bentong: Sorry, Nay. Hindi pa naman huli ang lahat nay eh…

Esperanza: Magpahinga kana anak..baka dumating na ang tatay mo…

----taas kurtina----

Samantala sa Mountain Road Bible Baptist Church, naghahanda ang


Youth Leader na si Joshua para sa door to door soulwinning na gagawin
nila sa kanilang barangay.

Joshua: Bro. hori mamayang hapon na magsisimula ang door to door


soulwinning natin. Sabi ni Pastor Vince wala daw tayong dapat
palampasin na tao, lahat ay may kaluluwa lahat ay dapat makarinig ng
salita ng Diyos.

Bro. Hori: Okay brod. Puntahan ko yung ibang mga kabataan para mag
grupo grupo na tayo para mas madaming mapuntahan..syanga pala bro
nakilala ko si Aling Esperanza, huwag natin tigilan ramdam ko pa rin ang
kagustuhan nyang bumalik sa simabahan tila ba may pumipigil lang
sakanya, at ang kanyang mga anak ay positive din sa salita ng Diyos.

Joshua: Talaga brod sige gusto ko din nga silang makilala. okay bro..kita
kita nalang tayo ulit mamaya…

(parating si Pastor)

Pastor Vince: Josh..

Joshua: Bless po pastor, naghahanda po kami para sa door to door


soulwinning mamaya

Pastor Vince: Amen, praise God. Natutuwa ako sa pagmamahal nyo sa


ministry. Ipagpatuloy nyo yan..

Joshua: Sya nga po pala pastor, pupuntahan po namin sina Aleng


Esperanza at ang kanyang pamilya mamaya para maiparamdam natin na
mayroon pa rin syang puwang sa simbahan na to at tayo’y naghihintay sa
kanyang pagbabalik.

Pastor Vince: Salamat, Josh. Gustuhin ko man na sumama ngunit hindi na


kaya ng aking katawan. Sana’y makita ko pa si Esperanza na magsimba
bago ako mawala sa mundo.

Joshua: Huwag ka naman po pastor magsalita ng ganyan. magsasama


sama pa po tayo ng matagal sa ministry. Mauna na po ako pastor.

---taas kurtina---

NARRATOR: Nagsimula ang door to door soulwinning sa Brgy. Casay. Sa


kabila ng madaming pag uusig ay patuloy pa rin ang kasigasigan ng mga
kabataan na ipamahagi ang salita ng Diyos. Nakasalamuha nila ang iba’t
ibang uri ng tao, ugali at pananaw sa buhay ngunit ang kaligtasan ay
walang pinipili.

SOULWINNING:

Habang naglalakad si Bro. Luke at Gela upang mag soulwinning, sa di


inaasahang pangyayari…

--baba kurtina--

(nagkabungguan Bro.Luke & Keana)

Bro. Luke: Opps. Sorry bro…

Keana: (Tulala)

Bro. Luke: (Wagayway kamay) Bro..ayos kalang..

Keana: Huh. Ah eh ih oh uh oo oo.. (panlalaki) ayos lang…


(pangbakla)uhhh I mean yesss I’m fine..

Bro. Luke: Pwede ba kitang….

Keana: Isayaw? Ng mabagal?

Bro. Luke: Ay hindi bro. I mean pwede ba kitang mashare-ran ng gospel.


Tinatanggap mo ba si Jesus bilang sariling tagapag ligtas..

Keana: Oo oo tinatanggap kita sa aking puso..uhh I mean tinatanggap ko


si Jesus…at ikaw…(pabebe)

Bro. Luke: Uhh, sya nga pala gusto sana kitang imbitahan sa church
namin crossing sa darating na youth fellowship namin. Available kaba?

Keana: Omg date ba to? Sure sure..

Gela: Luke tara na nga..Huy Keana umaayos ka nga

Keana: Gela naman tagal nating magkakilala pero hindi mo ako iniimbita
sa simbahan.
Gela: Excuse me. Araw araw kaya kitang niyayaya, sabi mo boring dun

Keana: Halerr, hindi ko sinabi yan ah..hindi dun boring kahit araw araw
pa ako sa church..

Gela: Ewan ko sayo..ang sabihin mo hindi simbahan ang gusto mong


puntahan.

Keana: Am I too obvious? hehe

Sa kabilang dako, habang naglalakad sina Joshua, Bro. Hori at Rina.

Marites 1: Mare, mare may chika ako dali. Alam mo ba nakita ko kanina
si Sebastian yung asawa ni Esperanza.

Marites 2: Hala ano na namang kaguluhan ang ginawa?

Marites 1: Doon sa kanto may mga kahina hinalang ginagawa, nakuu


feeling ko talaga nagtayo na yun ng sariling sindikato..

Marites 2: Kawawa naman si Esperanza at ang kanilang mga anak

Marites 1: Kawawa talaga, tuwing makikita ko si Mareng Esperanza puro


pasa nalang ang katawan..nakakaawa kung ako yun hindi ko na matitiis
ang ganung klaseng asawa..

Marites 2: At ang mga anak pa, palaboy laboy na sa kalye para


makahanap ng pera samantalang ang ama ay walang ginawa kundi
maghanap ng gulo.. nakuuu

Joshua: Magandang araw po..ako po si Joshua ng MRBBC mag


sosoulwinning and Bible Study po kami kina Aleng Esperanza, kung wala
po kayong ginagawa ay baka gusto nyo po sumama..

Marites 1: Kina Esperanza ba kamo? Nakoww kung ako sainyo hindi na


ako tutuloy.

Rina: Bakit po? Anong meron?

Marites 2: Hindi bakit kundi sino..


Marites 1: Anong meron? Umuwi lang naman ang asawa nyang hudlom
kaya anong meron? Gulo..

Bro. Hori: Kailangan po kasi naming makausap si Aleng Esperanza.

Marites 2: Ay bahala kayo, tara na nga mare..

Joshua: Una na po kami..tara na huwag kayong matakot kasama natin


ang Diyos.

---taas kurtina---

Sebastian: Dodot, nasan nanay nyo?

Dodot: Tay? Bakit ngayon ka lang umuwi?

Sebastian: Ang tanong ko kung nasaan ang nanay mo?

Dodot: Tayy..bakit po? nasa likod po si nanay madaming kinuhang


labada sa kapitbahay.

Sebastian: Pumasok kayo sa kwarto at huwag na huwag kayong lalabas.

Osang: Tay bakit po? Ano pong nangyayari? Natatakot po ako…

Sebastian: Pasok bilissss!

-------

Sebastian: Esperanza!!

Esperanza: Sebastian? Bakit?

Sebastian:(hawak sa buhok) Bat ako ang usap usapan ng mga kapitbahay


natin…sinisiraan mo ba ako sa kanila na wala akong kwentang asawa at
ama?

Esperanza: Ano bang sinasabi mo? Ni hindi na nga ako makalabas ng


bahay kakakuha ng labada para may makain ang mga anak natin..
Sebastian: Bakit anong pinapalabas mo na hindi ko kayo kayang
buhayin?

Esperanza: Wow..Sebastian..sa loob ng labing limang taon..nasan na ang


pangako mong magandang buhay? Ito ba? Ha? Ito ba? Ito ba? (ipakita
ang pasa at peklat) nasan na ang Sebastian na minahal ko? ni minsan ba
itinuring mo akong asawa o punching bag?

Sebastian: Tigil tigilan mo ako sa kakadrama mo Esperanza, huwag


mong iniiba ang usapan.

Esperanza: Alam mo bang kaya mo ako nakikita ngayong buhay sa


harapan mo ay hindi bilang asawa kundi bilang ina sa mga anak KO.

Bentong: Nayyy….

Sebastian: Aba’t sinabi kong sa kwarto lang kayo ah.. (akmang


hahampasin si Bentong ngunit sinalag ni Eperanza)

Bentong: Nay…nay… anong ginawa mo sa nanay ko?

Esperanza: Okay lang ako anak…nadulas lang

Sebastian: pambihirang buhay to..

-------

(Darating si Sisa)

Sisa: Bad…tay..bad..tay.. (tinulungan bumangon)

Sisa: love..nay..love..nay..(niyakap)

Bentong: Ngayon nay..pagtatakpan mo na naman ba si tatay..nay kahit


para nalang kina Osang, Dodot at Sisa..pakiusap..umalis na tayo sa bahay
na to..

Joshua: Tao po..tao po..

Esperanza: Nak, may tao (punas-luha) (bukas-pinto)

Joshua: Magandang araw po Aleng Esperanza


Bro. Hori: Ayos lang po ba kayo?

Esperanza: Ayos lang ako, tuloy kayo..Anong sadya nyo?

Joshua: Nais po naming mag bible study dito sainyo kung ayos lang po?

Esperanza: Oo naman sige upo kayo..Osang, Dodot upo na kayo kukuha


lang ako ng maiinom.

(Sharing of Gospel)

Osang: Punta na ba tayo sa langit?

Sisa: Sama..sama

Dodot: Siguro mister madaming pagkain sa langit?

Joshua: Oo naman

Dodot: Sige sama na rin ako..

Joshua: Aleng Esperanza, pwede ka po ba naming makausap?

Bentong: Osang, Dodot, Sisa tara muna sa kwarto..

Joshua: Hindi po lingid aming kaalaman ang inyong nakaraan , gusto


lamang po naming ipaalam na naghihintay ang ating simbahan sa iyong
pagbabalik.

Esperanza: (naiiyak)

Bro. Hori: Mauna na po kami.. hihintayin po namin kayo sa Linggo…

MASSACRE:
Isang kagimbal-gimbal na pangyayari ang tuluyang magpapamulat kay
Esperanza.

Osang: Bang!!(Binaril)
Dodot: Osangg!!!! (bang!!!)

Osang: Kuya…

Dodot: Osang!!

Sisa: (Kinuha ang laruang baril – tinutok sa kalaban) Banggg!!!

Esperanza: Waaaahhhhhh! mga anak koooooo! Tama na!! tama na!!

Bentong: Nayyy!! Anong nangyayari nayyy??!!

Esperanza: Bentong dapaaaa anak…

Bentong: (pumunta sa ina at sinalag ang bala na tatama sana) Bang!!

(Wang Wang Police Mobile)

Esperanza: tulungan nyo kamiiiii tulongggggg!

(Darating ang mga tsismosa sa pangunguna nina Marites 1 and Marites 2


at pinag uusapan ang pangyayari)

HOSPITAL:
Dr. X: Time of Death – Patient 1: 10:41 Patient 2: 10:42 Patient 3: 10:43
Patient 4: 10:44

(Lalabas si Dr. X)

Dr. X: Sorry Misis, ginawa namin ang lahat ng aming makakaya ngunit
walang ni isang lumaban sa kanila. Nakikiramay po ako..

Esperanza: (nanghina) Hindi totoo yan Doc. nagbibiro ka lang diba? Doc
nasan mga anak ko uuwi na kami…Osang, Dodot, Sisa, Bentong…

(Dumating si Theresa)

Theresa: (Niyakap si Esperanza) Ezra…shhh..

Dr. X: Nililipat na ang mga labi sa morgue, kayo na po ang bahala.


Nakikiramay ako..
---taas kurtina---

(Pumunta sa Morgue)

Esperanza: (tulala sa kawalan)

Sebastian: (paparating) (binuksan isa isa ang telang puti –umiiyak)

Esperanza: Bakit nandito ka?

Sebastian: Anong nangyari?

Esperanza: Anong nangyari??? Nakiusap ako sayo..ako nalang..ako


nalang..Huwag ang mga anak koooo…huwag ang mga anak koooo…

Sebastian: (lalapit) patawad.

Esperanza: Maibabalik ba ng patawad mo ang buhay ng mga anak ko???

Sebastian: Mga anak ko rin sila…

Esperanza: Hindi mo sila anak, dahil kahit kailan hindi ka naging ama at
asawa.. alissss!!!! Huwag na huwag ka nang babalik.

(Dumating ang Pulis)

PO1: Inaaresto kita sa salang pagkakasangkot sa illegal na gawain. May


karapatan kang kumuha ng iyong sariling abugado at kung wala kang
kakayanan bibigyan ka ng gobyerno. Anumang sasabihin mo ay pwedeng
gamitin laban saiyo sa hukuman. (posas)

PO2: Sumama ka nalang ng maayos ..

Sebastian: Teka lang mga sir, hindi ko iiwan ang asawa’t mga anak ko..

Esperanza: Hindi kita kailangan dito!!!mabulok ka sa kulungan o sana


ikaw nalang ang namatay hindi ang mga anak koooooo!!!

Theresa: Parang awa mo na Sebastian, umalis kana.. ikaw ang puno’t


dulo ng lahat ng ito anog karapatan mo pang pumunta dito..mga sir
dalhin nyo na po yang lalaking yan …
Sebastian: Bitawan nyo akoooo! Esperanza… mga anak kooo..sir ibalik
nyo akooo

---taas kurtina----

SA LOOB NG KULUNGAN:

Sebastian: Sir, pakiusap palabasin nyo ako! Kahit sa huling hantungan


man lang maihatid ko ang mga anak ko..Sirr pakiusap…

MAKALIPAS ANG LIMANG ARAW, ARAW NG LINGGO:

Sa Mountain Road Bible Baptist Church, Linggo ng umaga.

Esperanza:(darating)

Bro.ambo:(lalapitan)Magandang umaga po aleng Esperanza tuloy po


kayo.

Esperanza:(mauupo)

Theresa: Mabuti at nakarating ka. kumusta na ang pakiramdam mo?

Esperanza: (tumingin kay Teresa…malungkot ang kanyang mga mata at


blanko ang kanyang mukha) Hindi ko na alam, hindi ko na alam kung
paano pa ipagpapatuloy ang buhay.

(Darating si Pastor Vince)

Esperanza: Bless po pastor

Pastor Vince: Masaya akong makita kang muli Esperanza.

Esperanza: Wala na po akong mukhang maihaharap pastor, patawad po


sa lahat ng nagawa ko.

Pastor Vince: Alam mong hindi ka sakin dapat humungi ng tawag


Esperanza.

PREACHING

Esperanza:(luluhod sa altar at makikipag usap sa Diyos)


Esperanza: (umiiyak) Panginoon, patawarin niyo po ako, tunay na ako ay
nagkasala sa inyong harapan. Hindi po ako karapat dapat, maraming
pagkakataon Niyo akong sinubok, ngunit pinili ko paring magmatigas at
piliin ang maling landas. Panginoon, isinusuko ko po ang lahat ng bagay
sa aking buhay, kayo na po ang bahala sa akin. Patawarin niyo po ako sa
lahat ng mga nagawa kong pagkakasala. Salamat po Panginoon at sa
bandang huli ibinalik nyo parin ako sa tamang landas.

You might also like