Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Pagsusulit

Panuto: Ibuod ang artikulo sa ibaba nang hindi lalagpas sa 10 pangungusap. Isaalang-
alang ang tuntunin at hakbang sa pagbubuod ng teksto na tinalakay sa Aralin 2. (25 pts)

Paano masasabing 'fake news' ang nakikita sa social


media?
ABS-CBN News

Posted at Dec 02 2019 03:33 PM | Updated as of Dec 02 2019 03:45 PM

Sa panahon ngayon, napakadali nang magpakalat sa social media ng "fake news" o maling
impormasyon na ibinebenta bilang lehitimong balita at may layong manlinlang.

Pero paano nga ba masasabing peke ang impormasyong nakikita online?

Isa sa mga katangiang nagpapahiwatig na maaaring "fake news" ang binabasa ay kung "parang
mahirap paniwalaan" ang impormasyon, ayon kay Danilo Arao, na nagtuturo ng journalism sa
University of the Philippines-Diliman.

Kaduda-duda rin daw ang istoryang nakikita kung walang mga detalye o impormasyong
sumusuporta rito.

"Walang iba pang mga impormasyon na magko-corroborate doon sa item na 'yon," ani Arao sa
programang "Sakto" ng DZMM.

Kadalasan daw ay kung mahalaga ang balita ay maraming media organization ang nag-uulat nito.

"Halimbawa, sa isang website lang nakita tapos tiningnan mo sa ibang website tapos parang hindi
mo makita 'yong same information. Usually kasi 'pag media, mahalagang impormasyon,
mahalagang balita, pare-pareho," paliwanag ni Arao.

Hindi rin gaya ng mga fake news account o website, maaari umanong panagutin ang mga
lehitimong news organization kapag naglabas ang mga ito ng maling impormasyon dahil
inilalagay kung kanino nanggagaling ang istoryang inilalathala ng mga ito.

"Sa isang fake news site, kadalasan hindi malinaw kung kanino nanggagaling [ang
impormasyon]," ani Arao.

Kapag naglabas din ng maling impormasyon ang mga lehitimong news organization ay agad nila
itong itinatama at humihingi ng public apology, ayon kay Arao.

Ipinayo ni Arao sa mga social media user na maging mapanuri sa mga istoryang nakikita online.

Mainam din umanong iwasan ang pag-share ng mga artikulo kung titulo lang ang binasa at hindi
ang buong istorya.

Ang palagay kasi ng iba ay kapag nag-share ng istorya ang isang tao sa social media ay
pinaniniwalaan at pinaninindigan na niya ito, ayon kay Arao.

"Basahin nang buo iyong isang bagay na ishe-share kasi hindi puwedeng sasabihin mo na, 'Totoo
ba ito?' tapos shinare mo na lang," aniya.
Nagbabala rin si Arao na hindi lamang sa pamamagitan ng text story o mga retrato maaaring
kumalat ang maling impormasyon kundi maging sa mga video.

You might also like