Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 14

Pauline R.

Serrano Garde 11- Obedience

Vlogging is Life!

Ang pagba-vlog ay ang pag-record sa sarili habang nagbabahagi ng pananaw, reaksyon, damdamin,
mahahalagang pangyayari o mga ginagawa ng isang tao sa kaniyang buhay. At ang paraan na ito ang napili ko
upang maipakita ang aking naunawaan sa iba’t ibang gamit ng wika.

Ang aking mga natutunan na magagamit sa tunay na buhay ay ang wastong paggamit ng wika sa mundong
realidad o wastong pakikipag-ugnayan sa ating kapwa tao. Sa aking ginawang individual na performance task ay
nabatid ko ang iba’t ibang gamit ng wika sa lipunan. Ang regulatori, instrumental, interaksyonal, personal,
heuristiko at marami pang iba. Nagkaroon ako ng mas malalim na pagkakaunawa sa mga gamit ng wika, lalo na ng
maikonekta ko ang mga karaniwang ginagawa ko sa aking buhay bilang estudyante. Dito ay mas naunawaan ko
ang pagkakaiba ng mga gamit at layunin ng wika sa lipunan.

Ang aking paboritong bahagi sa paggawa ng proyektong ito ay ang pag-record ko sa aking sarili. Nagbigay
ito ng kagaanan sa aking loob. Dito ay naipakita ko ang natural kong reaksyon sa mga bagay-bagay. Hindi ito
naging mahirap para sa akin sapagkat, nag-enjoy ako na gawin iyon. Pati narin sa pag-edit ng video ay masyado
akong nag-enjoy. Sa gawaing ito ay ginamit ko ang aking malikhaing kaisipan upang makabuo ng maayos na
konsepto sa aking proyekto. Tinitiyak ko din na hanggat maari ay maging impormatibo at kakaiba ang aking
output.

Ang natutunan ko tungkol sa aking mga kasanayang pang-akademiko sa proyektong ito ay ang wika ang
bumubuo sa isang tao. Kung paano tayo makipag-usap sa ibang tao at sa ating sarili ay gumagamit tayo ng wika.
Dahil sa wika, nabibigyan tayo ng pagkakataong maipakita ang tunay na pagkatao sa mundo. Kung kaya’t
masasabi ko na ang wika ang napakahalagang elemento sa paghubog ng kaisipan at pagkatao ng isang indibidwal.
Dahil din sa wika, nagkaroon ang bawat isa ng kalayaan na maipahayag ang damdamin, posisyon at sariling
pananaw.
Sa kabuuan, naging masaya ako sa paggawa ng Individual Performance Task. Sa una ay natagalan ako sa
pagpili ng medium na gagamitin sa pagpapahayag ng aking natutunan. Subalit sa huli, naging matagumpay ang
aking napili. Nagkaroon man ako ng kalituhan at pag-aalinlangan sa pagpili, para sa akin ay nakabuo ako ng output
na angkop at organisado. At nagkaroon din ako ng malalim na pag-unawa at integrasyon ng araling napili sa
totoong buhay.

SELF-ASSESSMENT

Pangalan : Pauline R. Serrano Seksyon: 11- Obedience

1. Nakilahok ako sa paggawa ng performance tasks _____Oo ______.

2. Ipinagmamalaki ko ang natapos na output dahil ito’y angkop sa tema at pinaglaanan ko ng oras, lakas at
panahon.

3. Malaki ang naiambag ko sa pangwakas na output_____Oo _____ . Sumagot ako ng Oo sapagkat, simula sa
pagbuo ng konsepto hanggang sa pagsasaayos ng mga ideya ay ginawa ko ang aking output gamit ang
aking buong kakayahan.

4. Makakatulong ako sa aking mga kamag-aral sa pamamagitan ng pagpapakita sa kanila ng aking output at
magsilbi itong instructional material upang mas maunawaan nila ang iba’t ibang gamit ng wika sa lipunan.

5. Kailangan ko ng karagdagang tulong sa kaalaman sa pag-eedit ng mga video. Nais ko pang madagdagan
ang aking kaalaman sa pag-eedit ng mga video.

A-peer Tayo Buddy

Ang media presentation ay isang uri ng paglalahad ng kaalaman gamit ang pictures, text, audio streams at
marami pang iba. Ito ay pinagsasama-sama upang makabuo ng isang konkretong konsepto. Ako at ang aking
kapares ay napagdesisyunang gamitin ito sa paglahad ng aming kaalaman patungkol sa pinagdaanang pangyayari
sa pagbuo ng Wikang Pambansa.
Ang aking mga natutunan na magagamit sa tunay na buhay ay ang patuloy na paggamit at pag-angkin sa
wikang Filipino. Dahil sa ating wika, ay nagkaroon tayo ng kalayaan na ilahad ang nararamdaman, perspektibo at
hinaing patungkol sa isang paksa. Dahil sa nagbibigay ito ng kalayaan sa atin, ang paggamit nito ay isang paraan
upang mabigyang pugay ang mga taong nakipaglaban para sa kasarinlan ng bansang Pilipinas sa kamay ng mga
banyaga. Ang paggamit ng wikang sariling atin ay tunay na kalugod-lugod sa mga taong nakipagsapalaran
magkaroon lamang ng isang wikang magbubuklod sa ating mga Pilipino.

Ang aking paboritong bahagi sa paggawa ng proyektong ito ay ang pananaliksik sa kasaysayan o mga
kaganapan bago magkaroon ng isang wikang pambansa ang Pilipinas. Dito ay nasaksihan ko ang masusing proseso
na ginawa ng gobyerno magkaroon lamang ng pagkakaunawaan ang mga mamamayan. Nakita ko rin ang pagtutol
ng ilang mga grupo sa kadahilanang, nakapokus lamang sa iisang wika ang pamahalaan at ipinagsasawalang bahala
na ang ibang wika. Kumbaga’y walang bahagi ang ilang katutubong wika sa wikang Pambansa ng Pilipinas.
Napagtanto ko na labis na mahalaga ang wika sa isang tao anuman ang pangkat na kinabibilangan mo.

Ang natutunan ko tungkol sa aking mga kasanayang pang-akademiko sa proyektong ito ay hindi naging
madali ang pagbuo sa wikang pambansa ng Pilipinas. Simula sa wikang tagalog, na naging wikang Pilipino at
kalauna’y naging wikang Filipino. Madaming proseso at saligang batas ang nabanggit sa pagpapatupad ng wikang
pambansa. Ilan lamang sa mga ito ay ang Batas Komonwelt 570 o ang pagproklama na ang Pilipino ang wikang
pambansa ng Pilipinas at ang pag alis sa linyang “na nakabase sa Tagalog” sa Saligang Batas ng 1973. Mayroon
ding mga kilusang nabuo upang ipaglaban at mas mapaunlad pa ang wikang pambansa ng Pilipinas. Sina
Innocencio V. Ferrer at Geruncio Lacuesta. Ang dalwang personang ito ay ipinaglaban ang kanilang pananaw
tungkol sa wikang Tagalog bilang wikang pambansa.

Sa pangkalahatan, naging matagumpay kami sa paggawa at paglahad ng aming ideya patungkol sa

kasaysayang pinagdaanan ng ating wikang pambansa. Sa pamamagitan ng performance task na ito ay naunawaan
namin ang kwento sa pagkakabuo ng wikang pambansa ng Pilipinas, ang Filipino.
PEER REVIEW

Name (Your name) : __Pauline R. Serrano_____________________________

Name of Partner : __John Paul Faurillo______________________________

KATEGORYA Not yet Sometimes Most of the Always

time

1. Nakikinig kami sa mga ideya ng bawat isa

2. Inaayos naming ang mga ideya, proseso o

gawain sa akibiti na hindi aming
napagkakasunduan.
3. Naabot aming ang mga kasunduan sa kung ano
ang dapat gawin at sino ang gagawa.

4. Kinukumpleto ko ang lahat ng mga gawain na

nakatalaga sa akin habang ginagawa ko ang
aking makakaya upang maging maganda ang
kalabasan ng aming output.

5. Pinagsama aming ang aming mga ideya sa

aming output.

6. Malulutas aming ang salungatan ng mga ideya

at di pagkakaunawaan.

STEM Balita Oragon

Ang radio broadcasting ay ang paghahatid ng balita o mga detalye gamit ang radyo o boses lamang ng
tagapagbalita. Hindi dito nakikita ang pisikal na katauhan, facial expression at gestures ng tagapagbalita. Ang
paraang ito ang napagkasunduang paraan ng aming grupo upang ipahayag ang konsepto ng wika. Dito ay gumawa
kami ng sariling pangalan ng istasyon at ito ay ang “STEM Balita”.

Ang aking mga natutunan na magagamit sa tunay na buhay ay ang mahusay at epektibong paggamit ng wika sa
berbal o di-berbal na paraan. Sa gawaing ito, higit kong naunawaan ang estruktura o komposisyon ng wika. Kung
kaya’t matutulungan ako nito sa mga pagkakataon na magsusulat ako ng sariling akda at sa tuwing
makikipagtalastasan ako sa aking kapwa. Malinaw kong maipapahayag ang aking ideya sa ibang tao at madali
nilang mauunawaan (decode) ang mesahe na nais ko sa kanilamg iparating.
Ang aking paboritong bahagi sa paggawa ng proyektong ito ay pagpapanggap na isang broadcaster o
nagbabalita. Simula pa noon ay pangarap kong makasama sa isang broadcasting team (Tagalog) subalit, dahil sa
pandemiya ay hindi ko iyon natupad. Interesado ako sa mga aktibidad na ginagamitan ng boses upanng
maipahayag ang isang pahayag o impormasyon. Nagustuhan ko rin ang bahagi na nagsusulat kami ng sariling
balita. Dito ay nangalap kami ng impormasyon mula sa mga mapagkakatiwalaang site sa google. Hindi lamang
kami natutong magsulat ng balita subalit, kami din ay nagkaroon ng kamalayan sa nangyayari sa aming paligid.

Ang natutunan ko tungkol sa aking mga kasanayang pang-akademiko sa proyektong ito ay mayroon palang
malawak na konsepto ang wika. Mula sa tunog na nagagawa natin mula sa ating bibig, sunod ay nagiging letra ito
hanggang sa pagsama-samahin ito na nagiging salita. At ang mga salitang ito ay pinagsasama-sama na nagiging
mga pangungusap na ginagamit sa pakikipagtalastasan sa ating kapwa. Ipinapakita lamang nito na ang wika ay
may mahalagang gampanin para sa matibay na ugnayan ng mga tao. Masasalamin dito na ang wika ay ang
pangunahing instrumento sa maayos na koneksyon ng mga tao.

Sa pagsusuma, ang konsepto ng wika ay malawak subalit may iisang layunin. Ang layunin nito ay ang
komunekta ng mga tao sa pamamagitan ng paglalahad ng mga impormasyon. Ito ay daan ng pagkakaunawaan ng
lahat. Kung kaya, dapat natin itong gamitin sa tama upang maiwasan ang maling impormasyon at hindi
pagkakaintindihan. Naniniwala ako na, ang wika ay nagbubuklod, hindi bumubuwag sa maayos na relasyon ng
mamamayan sa isang lipunan.
GROUP PERFORMANCE REVIEW

Gaano naging kahusay ang iyong naiambag at paano ka nakilahok sa paggawa ng proyekto?
Pangalan : Pauline R. Serrano
Marka* : Excellent
Komento** :Nagpakita ng kahusayan at pagiging malikhain sa paggawa ng itinakdang gawain at naibigay ito sa
tamang oras.

Gaano naging kahusay ang naiambag ng iyong kagrupo at paano sya nakilahok sa paggawa ng proyekto?
Pangalan : Ahrron D. Capitrano
Marka* : Excellent
Komento** : Nagpakita ng kahusayan at pagiging malikhain sa paggawa ng itinakdang gawain at naibigay ito sa
tamang oras.

Gaano naging kahusay ang naiambag ng iyong kagrupo at paano sya nakilahok sa paggawa ng proyekto?
Pangalan : Marc Christian R. Sabocor

Pangalan : Jeselle Rose Q. Alagbate

Pangalan : Jarellyn Y. Morales

Pangalan : Mark O. Kalugdan

Pangalan : Antoinette O. Quintela

Pangalan : Mary Claire C. Domingo
Marka* : Excellent
Komento** : Nagpakita ng kahusayan at pagiging malikhain sa paggawa ng itinakdang gawain at naibigay ito sa
tamang oras.

Facebook is The Key

Karamihan ng mga tao sa buong mundo ay kilala na ang Facebook. Dito ay naibabahagi ng mga tao ang
kanilang damdamin o kahit anong bagay na nais nilang ipakita sa mundo. Ito din ay daan para sa maayos na
komunikasyon o koneksyon ng mga tao saan mang sulok ng mundo. Kung kaya’t napagdesisyunan ng aming grupo
na gumawa ng isang media production na naglalayon na ipakita ang gamit at halaga ng Facebook sa modernong
panahon. Kasabay sa pagpapakita ng halaga nito, ipinakita din namin ang konseptong pangwika na nakapaloob sa
paggamit ng Facebook.

Ang aking mga natutunan na magagamit sa tunay na buhay ay ang patuloy na paggamit ng facebook. Ito
ang tutulong sa akin na maibahagi ang mahahalagang pangyayari sa aking buhay, ideya o damdamin. Sa paggamit
ko din ng facebook ay magkakaroon ako ng matibay na koneksyon sa aking mga kamag-aral, guro, kaibigan at mga
mahal sa buhay. Ang paggamit nito ay hindi lamang tutulong sa akin upang magkaroon ng maayos na koneksyon
sa mga tao, kundi na rin sa paghubog ng kakayahan sa pakikipagtalastasan. Ang paraan kung paano ako makitungo
at makihalubilo sa ibang tao sa mundo ng social media ay patuloy na nalilinang dahil sa Facebook.

Ang aking paboritong bahagi sa paggawa ng proyektong ito ay ang pagbuo ng balangkas sa gagawin
naming konsepto upang maipahayag ang konsepto ng wika sa paggamit ng Facebook. Ang bawat isa’y
nagtulungan at nag-enjoy sa pagbuo ng isang angkop na ideya para sa aktibidad na ito. Hindi nahirapan sa
pagbigay ng ideya ang bawat isa dahil, kami ay lumaki sa mundo ng pag-usbong ng social media. Naging paborito
ko din ang pagcompile sa mga video na ipinadala sa akin ng aking mga kamag-aral. Dahil dito, nagamit ko ang
aking malikhaing kaisipan sa pagbuo ng isang output na may organisado at malinis na pagkakasunod-sunod. Para
sa akin, sa huli ay naging kaaya-aya ang output na aming ginawa.

Ang natutunan ko tungkol sa aking mga kasanayang pang-akademiko sa proyektong ito ay napatunayan ko
na tunay na mabisa ang paggamit ng modernong social media sa pagpapaliwanag sa konseptong pangwika. Sa
paggamit nito ay nakikita ang kahalagahan at uri ng wika sa pagpapayahag ng ideya o persepsyon patungkol sa
isang bagay. Dahil sa may kalayaan ang mga tao na magbahagi ng kanilang opinyon ay maari silang gumamit ng
pormal o di-pormal na wika o iba’t ibang wika na makatutulong sa pagbabahagi ng kanilang damdamin o ideya. Sa
modernong social media ay mas napaiigting ang esensya ng wika sa ating buhay.
Sa kabuuan, ang paggamit ng social media sa pagpapaliwanag ng konseptong pangwika ay isang mabisang
paraan upang higit na maintindihan ito. Ito ay dahil ang pangunahing elemento na ginagamit sa Facebook ay ang
wika. At ang wika sa modernong panahon ay mabilis at palagiang ginagamit ng mga tao na nagreresulta sa malalim
na pag-unawa nila sa kahalagahan at layunin nito.

GROUP PERFORMANCE REVIEW

Gaano naging kahusay ang iyong naiambag at paano ka nakilahok sa paggawa ng proyekto?

Pangalan : Pauline R. Serrano

Marka* : Excellent

Komento** : Nagampanan ang lahat ng responsibilidad o tungkulin upang makabuo ng isang organisadong
output. At naibigay sa tamang oras ang itinakdang gawain.

Gaano naging kahusay ang naiambag ng iyong kagrupo at paano sya nakilahok sa paggawa ng proyekto?
Pangalan : Ahrron D. Capitrano

Marka* : Excellent

Komento** : Nagampanan ang lahat ng responsibilidad o tungkulin upang makabuo ng isang organisadong
output. At naibigay sa tamang oras ang itinakdang gawain.

Gaano naging kahusay ang naiambag ng iyong kagrupo at paano sya nakilahok sa paggawa ng proyekto?

Pangalan : Marc Christian R. Sabocor

Marka* : Excellent

Komento** : Nagampanan ang lahat ng responsibilidad o tungkulin upang makabuo ng isang organisadong
output. At naibigay sa tamang oras ang itinakdang gawain.

Gaano naging kahusay ang naiambag ng iyong kagrupo at paano sya nakilahok sa paggawa ng proyekto?

Pangalan : Jeselle Rose Q. Alagbate

Marka* : Excellent

Komento** : Nagampanan ang lahat ng responsibilidad o tungkulin upang makabuo ng isang organisadong
output. At naibigay sa tamang oras ang itinakdang gawain.

Gaano naging kahusay ang naiambag ng iyong kagrupo at paano sya nakilahok sa paggawa ng proyekto?

Pangalan : Jarellyn Y. Morales

Marka* : Excellent

Komento** : Nagampanan ang lahat ng responsibilidad o tungkulin upang makabuo ng isang organisadong
output. At naibigay sa tamang oras ang itinakdang gawain.

Gaano naging kahusay ang naiambag ng iyong kagrupo at paano sya nakilahok sa paggawa ng proyekto?

Pangalan : Mark O. Kalugdan

Marka* : Excellent
Komento** : Nagampanan ang lahat ng responsibilidad o tungkulin upang makabuo ng isang organisadong
output. At naibigay sa tamang oras ang itinakdang gawain.

Gaano naging kahusay ang naiambag ng iyong kagrupo at paano sya nakilahok sa paggawa ng proyekto?

Pangalan : Antoinette O. Quintela

Marka* : Excellent

Komento** : Nagampanan ang lahat ng responsibilidad o tungkulin upang makabuo ng isang organisadong
output. At naibigay sa tamang oras ang itinakdang gawain.

Gaano naging kahusay ang naiambag ng iyong kagrupo at paano sya nakilahok sa paggawa ng proyekto?

Pangalan : Mary Claire C. Domingo

Marka* : Excellent

Komento** : Nagampanan ang lahat ng responsibilidad o tungkulin upang makabuo ng isang organisadong
output. At naibigay sa tamang oras ang itinakdang gawain.

You might also like