Q2 As WK 1 Filipino

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

DIVISION OF GEN.

TRIAS CITY
Project ISuLAT – ACTIVITY SHEETS IN FILIPINO 1
(Intensified Support to Learning Alternatives Through Activity Sheets)

Pangalan: WEEK 1

Baitang & Pangkat : IKALAWANG KWARTER

Sanayang Papel: Pabula


Inabel
Ang pabula ay kuwento na mga hayop ang siyang tauhan. Ito ay kathang-isip lamang ngunit nag-
iiwan ng aral sa mambabasa.
A. Pakinggan ang babasahing pabula ng iyong kasama sa bahay. Sagutin ang mga tanong sa kabiláng
pahina.

Ang Langgam at ang Tipaklong


Isang umagang maganda ang sikat ng araw, may isang tipaklong
na masayang naglalaro. Patalun-talon siya sa damuhan. Di nagtagal,
dumaan ang isang langgam na karga-karga ang butil ng bigas.
"Kaibigang Langgam, bakit gawa ka nang gawa? Tingnan mo ako, masayang naglalaro. Halika,
maglaro tayo at maganda ang sikat ng araw," ang anyaya niya sa kaibigang si Langgam.
"Salamat, mahal kong kaibigan, ngunit marami. pa akong hahakuting pagkain. Kailangan ko itong
gawin upang kapag dumating ang tag-ulan ay may sapat akong kakainin. Sa gayon, hindi ako
gugutumin."
"Matagal pa iyon. Tingnan mo't napakaganda ng sikat ng araw. Kaysarap-sarap sumayaw! Halika
na," pamimilit ng tipaklong.
"Iyon na nga. Maganda ang sikat ng araw kaya dapat tayong magtipon ng pagkain," at nagpatuloy
ang langgam sa paglakad. Naiwan ang tipaklong na patuloy na naglalaro sa damuhan. Maghapon
siyang sasayaw-sayaw at pakanta-kanta.
Sumapit ang tag-ulan. Walang makain si Tipaklong. Naisip niya ang kaibigang langgam. Marami
itong tinipong pagkain.
Isang gabi habang naghahapunan ang langgam, nakarinig siya ng marahang katok sa pintuan.
Binuksan niya ang pinto.
"Ako'y nagugutom at giniginaw. Para mo nang awa, kahit kaunting pagkain ako'y iyong bigyan,"
ang pagsusumamo ni Tipaklong.
Naawa ang langgam sa kaibigan. Pinatuloy niya ito. Humanga si Tipaklong sa dami ng pagkaing
naitabi ni Langgam.
"Salamat, kaibigan. Ngayon ay alam ko na ang sinasabi mo na habang maganda ang panahon ay
dapat magtipon. Hindi katulad ko na walang ginawa kundi sumayaw-sayaw sa panahon ng tag-
araw," ang wika ni Tipaklong.
"Huwag ka ng mag-alala. Marami akong pagkain. Heto kumain ka na. Ang mahalaga ay natuto ka
na sa iyong pagkakamali," ang may kababaang-loob na sagot ni Langgam. Nahihiyang kumain si
Tipaklong. Masaya naman si Langgam sa nakikita niyang pagbabago ng kaibigan.

1
WRITTEN WORK 1 ISKOR: /
5
A. Sagutin ang sumusunod na mga tanong. Bilugan ang letra ng tamang sagot.
1. Sino ang masayang umaawit habang naglalaro?

A. si Langgam B. si Tipaklong C. si Leon

2. Sino ang nag-iipon ng pagkain para sa nalalapit na tag-ulan?

A. si Tipaklong B. si Leon C. si Langgam

3. Ano ang nangyari kay tipaklong ng dumating ang umulan?


A. Walang makain si Tipaklong
B. Maraming pagkain si Tipaklong
C. Masayang-masaya si Tipaklong

4. Ano ang ginawa ni Langgam kay Tipaklong nang magpunta ito sa kanyang bahay?
A. Hindi pinagbuksan ng pintuan si Tipaklong
B. Pinatuloy niya si Tipaklong at binigyan ito ng pagkain.
C. Hinayaan niya lamang ito sa labas.

5. Ano ang natutuhan mo sa kwento?


A. Maging masipag
B. Maging tamad
C. Maging madamot

PERFORMANCE TASK
Sino ang gusto mong gayahin, si Langgam o si Tipaklong? Kulayan ang iyong sagot. Bakit siya ang iyong
pinili? Bakit siya ang gusto mo? Ipaliwanag

________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________

You might also like