Download as txt, pdf, or txt
Download as txt, pdf, or txt
You are on page 1of 57

zzzzzzzzzzzzzzzzzzzz==========zzzzzzzzzzzzzzzzzzz

MY ENIGMATIC STAR

Part 1
a/n: ngayon pa lang pasensiya na po sa typo at grammatical errors na makikita
ninyo. unedited version po ito. :)

               

ALL the guests saw the side of Zander Uijleman we have never seen before – the
talkative, smiling and oh so romantic Zander. But hey, we have no complaints. This
hunk model is still God's gift to women. Only, he chose to be a one-woman man.

Saglit na huminto sa pagtipa sa laptop niya si Coffee at tumitig sa isinulat niya.


Pagkuwa'y muli niyang naalala ang pinuntahan niyang press conference ng Fashion
Week noong nakaraang linggo kung saan lahat silang press people ay hindi inaasahan
ang pagdating ni Zander Uijleman, ang number one male model sa Asya. Ang huli kasi
nilang balita ay aalis na ito ng bansa at sa Europa na itutuloy ang pagmomodelo.

Nasagot ang tanong nila nang biglang dumating ang isang magandang babae, na
napagkamalan niya pang bagong modelo. Iyon pala ay empleyado ito ng Timeless
Modeling Agency, ang agency ni Zander. And to their amazement Zander confessed his
love to her. It turns out that the girl he called Erica is the reason why he
doesn't want to leave the country.

Napangiti na naman siya. To be able to see events like that is what makes her job
as a reporter enjoyable for her. Noon pa mang high school siya ay member na siya ng
school paper nila at talagang nabubuhay ang dugo niya kapag nag co-cover siya ng
mga event sa school nila. Kaya naman walang pagdadalawang isip niyang kinuha ang
kursong journalism. Isa pa, ayon sa mga nakakakilala sa kanya, chismosa raw siya
kaya bagay sa kanya ang ganoong career.

Pagkagraduate niya ay nakapasok kaagad siya bilang contributing writer sa Star


Magazine, isang malaking showbiz magazine sa bansa. At ngayon nga ay may sarili na
siyang column bukod sa pagsusulat ng mga article na nire-request ng kanilang editor
in chief.

Alam niyang hindi lingid sa marami pero madumi ang kalakaran ng pagsusulat sa show
business. Marami ring galit sa kanila dahil pinakikielaman daw nila pati personal
na buhay ng mga celebrity. Ang hindi alam ng mga tao, hindi rin mabubuhay ang show
business kung wala sila. Sila kasi ang nagbibigay ng publicity sa mga gustong
sumikat. Madalas pa nga ay binabayaran sila para lamang isulat nila sa column nila
ang isang artista.

Iyon nga lang, may mga reporter na pinagkakaperahan na iyon. But not her. Hindi
siya nagpapabayad ng ganoon. Madalas kapag kumukuha siya ng impormasyon ay
impormasyon din ang kapalit na gusto niya. Never money. Hindi rin siya tumatanggap
ng magpapasulat talaga. Iyong mga tipong kahit hindi totoo ay kailangan niyang
palakihin para magkatunog ang pangalan ng isang tao. For her, that's a disgrace in
her career.

So, she writes in her own pace. Puro katotohanan lang din ang isinusulat niya.
Kapag sa tingin niya ay malaking kaso ang isusulat niya ay ineembistigahan niya
iyon ng mabuti at kumakalap siya ng sapat na ebidensya bago niya iyon isusulat.
Iyon nga lang, matagal iyon kaya madalas napapagalitan siya ng editor niya. May mga
pagkakataon din na ang editor niya mismo ang may ipinapasulat sa kanya. Sa mga
ganoong pagkakataon ay wala siyang nagagawa kung hindi ang sundin ito.

Mabuti na lamang at may mga pangyayaring tulad ng nangyari sa presscon ng Fashion


week, may naisusulat siya.

Bigla na naman tuloy niyang naisip ang mala-cinderellang kwento ni Erica. Hay
nakakainggit sila. Hindi niya mapigilang maisip. Maraming babae ang siguradong
nangangarap na mangyari sa kanila ang eksenang iyon. Masuwerte si Erica. No,
actually kung siya ang tatanungin ay mas masuwerte si Zander na nakilala nito si
Erica.

Dati kasi ay parang hindi tao si Zander sa kalamigan. Siya nga ay hirap na hirap
itong interviewhin. At kapag naman nagkakaroon siya ng pagkakataon ay parang pilit
na pilit lang ito sumagot. Si Erica naman, base sa kanyang obserbasyon ay natural
na masayahin at makulit na babae. So, in her opinion, they really suit each other.

Natigilan siya at muling napatitig sa screen. Pagkuwa'y tumipa siya. Hmm... what
love could really do huh? I'm envious!

Muli niyang binasa ang sinulat niya mula sa umpisa. Pagkatapos i-edit ang mga
typographical errors ay sinave na niya iyon. Ayan tama na iyan. May maipapasa na
akong article para sa column ko sa next issue.

She sighed with relief. Sinaid niya ang laman ng pangalawang tasa niya ng kape.
Mabuti na lang at bottomless ang kape sa Sweet Fanstasy cake shop kung saan siya
naroroon. Kung hindi ay mamumulubi siya sa lakas niya uminom ng kape.

Iyon ang downside ng pagiging tapat na manunulat ayon sa mga kasamahan niya sa
Star. Hindi raw siya yayaman kung masyadong mataas ang pride niya at hindi siya
magpapabayad. Pero walang kaso sa kanya iyon. Sarili lang naman niya ang binubuhay
niya kaya sapat na sa kanya ang sweldo niya.

Besides, kape lang naman ang kailangan niya para mabuhay sa isang araw. Bihira siya
bumili ng pagkain dahil madalas naman ay may libreng pagkain para sa press ang mga
event na pinupuntahan niya. Doon na lang siya bumabawi.

Napangiti siya. Dahil malakas siyang magkape ay madalas iyong gawing biro ng mga
kaibigan niya noong nag-aaral pa siya. Na kaya daw siguro Coffee ang ipinangalan sa
kanya ng mga magulang niya ay nahuhulaan na ng mga ito na magiging coffeeholic
siya. She always laughed when they say it.

"Ngumingiti ka na naman mag-isa, dear customer. May maganda bang nangyari sa


assignment mo?" pukaw sa kanya ng isang boses lalaki.

Nag-angat siya ng tingin. Ang nakangiting mukha ni Yuuji- ang may-ari ng Sweet
Fantasy at manager ng main branch na iyon ang nakita niya. Sa dalas niyang tumambay
sa shop na iyon ay naging kaibigan na niya ito. Nginitian niya ito. "Yep. Masaya
ang event na napuntahan ko. Sa sobrang saya ko tapos ko na ang article ko. Pwede na
akong humanap ng bagong scoop."

Tumawa ito. "Ang workaholic mo talaga. Masama iyan. Dapat bagalan mo naman ang
pacing mo minsan," payo nito kasabay nang pagsalin nito ng kape sa tasa niya.

Pabiro niya itong inismiran. "Huwag mo nga akong igaya sa iyo. Besides, I love
being busy," sagot niya.

"Hmm... you know what? I heard somewhere that people who love being busy are those
people who are lonely," komento nito.
Siya naman ang natawa. "Then mali iyang kung sino man ang nagsabi niyan. I'm not
lonely."

"Talaga? Hindi ka ba talaga nalulungkot? Hindi ka naghahanap ng mga brasong yayakap


sa iyo sa gabi? And something beyond that?" tanong nitong kumindat pa.

Pinanlakihan niya ito ng mga mata. "Tse. Hindi ko naiisip yan no."

Tumawa ito. "Sabi mo eh."

"Waiter!" tawag ng isang customer na babae.

Nilingon iyon ni Yuuji at nginitian iyon. Tila nagpa-beautiful eyes naman ang
babaeng tumawag rito.

Napataas ang kilay niya. "Waiter ka na naman ngayon? Ikaw lang ang owner na kilala
kong nag-we-waiter," komento niya rito.

Ngumisi ito. "Yep. I can't settle in the office. Wala namang sasaway sa akin dahil
ako ang may-ari nito," anitong tumawa pa.

Awtomatiko siyang napatingin sa paligid. Halos babae ang customer doon. At halos
lahat ay pasimpleng sumusulyap kay Yuuji. Well, she cannot blame them. Yuuji is a
very handsome man. Mukha rin itong approachable. Na siyang totoo naman. Pero siya
kasi, dahil sanay na yata siya sa itsura ng mga celebrity na nakakasalamuha niya ay
hindi na apektado sa itsura ng isang tao. Tuloy, wala rin siyang magustuhang lalaki
sa personal na paraan. O siguro, hindi pa lang talaga niya nahahanap ang lalaking
pupukaw sa kanya. Iyong tipong walang kinalaman sa trabaho niya.

Napailing siya ng makitang nakikipagngitian na si Yuuji sa customer na iyon.


"You're doing that because you want to flirt with the female customers am I right?"
amused na sabi niya rito.

Muli itong tumawa. "Wow, Coffee, kilalang kilala mo na talaga ako ha. Dahil diyan
bibigyan pa kita ng libreng tasa ng kape."

Tumawa siya. "Bottomless kaya ang order ko. But I'll use that free cup next time."

"Sure sure. Wait, the lady is waiting for me already. Enjoy your coffee, Coffee,"
sabi nitong natawa pa. Napangiti na lamang siya at sinundan ito ng tingin nang
lumapit ito sa babaeng tumawag dito kanina.

Inalis niya ang tingin dito at muling sumimsim ng kape. Lonely? Hindi niya akalaing
dito niya maririnig iyon. Kung may mukhang malungkot sa kanila, ito iyon at hindi
siya. Sino bang taong masaya ang makikipagdate sa napakaraming babae? Wala. Dahil
kung masaya ang isang tao, sapat na sa kanya ang isang karelasyon. E paano ang mga
walang karelasyon na gaya mo? Tanong ng isang bahagi ng isip niya.

She shrugged. I'm happy with my freedom. Besides, work is my priority okay. Tama
ganoon iyon. Kaya kakalimutan na niya ang sinabing iyon ni Yuuji. There's no way he
could be right.
Part 2
               

"OKAY na itong article mo," sabi ng editor in chief niya pagkatapos na pagkatapos
basahin ang article niya. bahagya pa nitong ipinilantik ang kamay ng ibaba ang
sinulat niya.

Napatuwid siya sa pagkakaupo sa silyang nasa tapat ng lamesa nito at tumitig dito.
Alanganin siyang ngumiti. "But you don't seem please Sir," lakas loob na komento
niya.

Sumadal ito sa swivel chair nito at bahagyang ngumiti. "It's not that Coffee. I
mean, siguradong maraming magkakainteres sa balitang ito. It's Zander anyway.
Maraming fans iyon at tiyak na i-ki-clipping pa nila ang article mo," anitong
ikinumupas kumpas pa ang kamay.

Huminga siya ng malalim. Parang alam na niya kung ano ang susunod nitong sasabihin.

"But...I want something different. A scoop that will be the talk of the town.
Something shocking."

Alam niyang tumabingi ang ngiti niya. Sinasabi na nga ba niyang iyon ang sasabihin
nito. Alam nilang lahat na nagtatrabaho sa Star Magazine na mahilig sa eskandalo
ang editor nilang ito. At hindi lang basta eskandalo ang gusto nito. Ang gusto pa
nito ay sila ang unang maglalabas niyon. Ayaw nito iyong tipong lalabas daw na
nakikisawsaw lang daw sila sa balita ng iba. At kapag hindi niya ito nabigyan ng
article na gusto nito ay sigurado siyang hindi siya nito titigilan.

"So, Coffee, I'll be waiting for that shocking article okay? Since you are my best
reporter.    Maasahan ba kita?" sabi nitong ngumiti pa.

Pinilit niyang ngumiti. "I'll try my best sir," sabi na lamang niya.

Kinumpas na naman nito ang kamay "Oh, I know you can do it. Ikaw pa. So, I expect
the article before the month ends okay. Sige na, may i-ko-cover ka pang event sa
peninsula ng alas siyete hindi ba?" pandidismiss nito.

Napipilitang tumayo na siya. "Sige po sir," paalam niya rito at mabilis na lumabas
ng opisina nito.

Napabuntong hininga siya. Ibang klase talaga ito. Pasimple mag-pressure. You can do
it ikaw pa. What was that? Para namang ang dali-daling humanap ng "shocking" scoop
na sinasabi nito. Hay naku naman! Nakalabas na siya ng opsina nang magazine nila
nang tumingin siya sa wristwatch niya. Mag-aalas sais na pala. Sana may "shocking"
news na sa pupuntahan ko.

"SORRY about this Ace. Ang hirap tanggihan ni Mrs. Cornillez. Sinabi ko na sa
kanyang may photoshoot ka ngayon. Kahit man lang daw dumaan ka lang. Pina-book ka
pa nga niya ng kuwarto para dito ka na rin daw magpahinga," sabi ni tita Sally
habang naglalakad sila patungi sa pavilion ng hotel kung saan ginaganap ang
birthday celebration ni Marga Cornillez, isang may edad na socialite at asawa ng
may-ari ng isang malaking advertising company.

Tipid na nginitian ni Ace si tita Sally. "It's okay tita. Nandito na rin naman
tayo. Besides, Mrs. Cornillez is an important client right?" malumanay na sabi niya
rito.

Ngumiti ito. "Yes. Pero magpapakita ka lang pagkatapos ay ihahatid na kita sa


kuwarto mo dito. Alas nuwebe ang schedule ng photoshoot mo para sa Young and Free
Magazine bukas. Malapit lang naman dito ang resort kung saan gagawin ang shoot na
iyon. Kung dito ka manggagaling ay mahaba-haba ang magiging tulog mo."

Tumango na lamang siya dahil narating na nila ang venue. Marami nang tao roon,
karamihan ay mga babaeng amiga ng may kaarawan na lahat ay nagniningning ang mga
katawan sa alahas. Hindi nakaligtas sa paningin niya ang biglang pagtingin ng mga
bisita sa kaniya. Yet, he didn't look at anyone in particular. Kapag kasi may
inentertain siyang kahit na sino maliban sa celebrant ay mahihirapan siyang umalis
sa party na iyon.

Iyon ang iniiwasan niyang mangyari. Because honestly, he's damn tired at the moment
and socializing with these people is the last thing on his mind. Maghapon siyang
nagpalipat-lipat ng location dahil sa mga photoshoot niya sa araw na iyon. Ang huli
nga ay ang group photoshoot niya sa Young and Free.    At wala siyang ibang gustong
gawin sa mga oras na iyon kung hindi ang matulog. Besides, he has no interest in
talking with these flashy people. Because they remind him of someone he doesn't
want to remember even for a second.

"Oh, Ace, I'm glad you came!" masayang bati ni Mrs. Cornillez habang naglalakad
palapit sa kanila.

Malawak niya itong nginitian. "Happy birthday Mrs. Cornillez. You are very
beautiful tonight. I'm sorry if we're late," aniya rito. He's already used to woman
like her. The only way to their hearts is flattery. At base sa ekspresyon ng mukha
nito ay tama siya.

"Oh, thank you. And it's okay. Ang mahalaga ay nakadaan ka kahit sandali. My guests
are dying to get a glimpse of you since I told them that I invited you. Almost all
of my visitors are your fans Ace," anitong bahagya pang tumawa.

He maintained his smile kahit pa bahagya siyang nakaramdam ng inis sa sinabi nito.
So, she just intends to make him as jewelry for tonight. Gusto nitong ipagmayabang
sa mga bisita nito na malapit sila sa isa't isa. He suddenly wanted to get out of
there fast.

"Halika, kumain ka muna. Then ipapakilala kita sa mga amiga ko," excited na sabi
nito. Hinawakan pa siya nito sa braso.

He did his best not to shove her away. The truth is, he hates it when someone
touches him without his permission. There's really no reason behind it. He just
doesn't like people who act too close to him when they don't even know who he
really is.

Nginitian niya ito at hinawakan ang kamay nitong nasa braso niya. He saw her blush.
Parang gusto niyang mapailing sa reaksyion nito. For goodness sake, she's already
married!

Marahan niyang inalis ang kamay nito sa kanya. "I do want to stay in your party.
However, I have a very early shoot tomorrow. And I really wanted to rest already,"
nakangiting sabi niya rito.

Bumakas ang disappointment sa mukha nito. "Oh is that so? Well, that can't be
helped then. Gamitin mo na lang ang silid na bi-nook ko para sa iyo ha?" nakangiti
ng sabi nito.

Tumango na lamang siya at inaya si tita Sally palabas. "See? That's it. A little
flattery from you and she's already happy. Though I think she still wants you to be
her escort for her party. Really, ibang klase talaga ang mga mayayaman," komento
nito.

Napailing siya. "Geez tita, I'm not a gigolo."

Tumawa ito. "Aba, talagang hindi. Hay mahirap lang tanggihan iyon kasi nga malaki
ang kinikita natin sa kanya. Anyways, magpahinga ka ng mabuti. Doon na tayo magkita
sa venue dahil may tiwala naman ako na hindi ka malelate. Si Eman ang kailangan
kong kulitin para bukas dahil baka hindi na naman magising ng maaga ang lalaking
iyon," sabi nito. Ang tinutukoy nito ay ang pinakamalapit niyang kaibigan na si
Emmanuel Pelayo na kapwa niya modelo sa Timeless Modeling Agency. Si tita Sally rin
ang handler nito.

"Okay. But can I have a favor tita?" tanong niya nang nasa tapat na sila ng
elevator.

"Ano iyon?"

Tiningnan niya ito. "Please book me a different room in this hotel."

Muli itong natawa. "Natatakot ka bang gapangin niya mamaya?" biro nito.

Nagkibit balikat siya. "Mabuti na ang nakakasiguro."

"O siya sige. Wait here." Pagkasabi niyon ay umalis na ito.

Nanatili siyang nakatayo roon. Walang katao-tao sa parteng iyon ng hotel at


naipagpasalamat niya iyon. Saglit lamang ay bumalik na si tita Sally. "O, ito ang
susi mo. I'll call you tomorrow morning okay," sabi pa nito sa kanya.

Nginitian niya ito. "Thanks tita. Ingat ka sa pag-uwi."

Tumawa ito. "Ako pa."

Sinundan niya ito ng tingin hanggang sa makalabas ito ng hotel. Pagkuwa'y bumuntong
hininga siya. He really needs a rest.

Nang marinig niya ang pagtunog ng elevator ay kumilos na siya upang lumapit doon.
Pagkabukas niyon ay lalakad na sana siya papasok doon nang makita niyang may sakay
iyon. Napahinto siya ng marekognisa kung sino iyon.

Nasalubong niya ang mga mata ng isang babae na sa kabila ng edad ay sopistikada pa
rin ang itsura. Saglit na tila nagulat din ito. Pagkuwa'y ngumiti at lumabas ng
elevator. "Fancy seeing you here Ace Ricafort," anito.

Napatiim bagang siya. She was the last person he wanted to see at that moment.
Carmela Bernado, a socialite, a famous veteran actress, and much to his dismay, his
mother.
Part 3
               

HAY naku naman, wala namang kabali-balita rito, puro sosyalan lang. Naiiling na
muling inilibot ni Coffee ang paningin sa bulwagan kung saan ginaganap ang kaarawan
ni Marga Cornillez. Pero kahit sa tingin niya ay boring ang party na iyon ay wala
siyang magagawa kung hindi ang isulat ang tungkol doon. Malaking kliyente kasi ng
magazine nila ang advertising company ni Mrs. Cornillez.

Muli siyang napabuntong hininga at lumabas na ng pavilion. Ilang oras na niyang


sinasayang ang oras niya roon. Nakakain na rin siya at nakainom na ng ilang baso ng
wine kaya aalis na siya. may pupuntahan pa siyang photoshoot kinabukasan. Baka doon
ay may masaksihan siyang interesante.

Naglalakad siya patungo sa entrance nang may marinig siyang dalawang boses na
mahinang nag-uusap. Nang lumingon siya sa pinanggalingan niyon ay nahagip ng mga
mata niya ang dalawang pigurang nakatayo sa harap ng elevator.

Her eyes grew wide when she saw Ace Ricafort, isa sa pinakasikat na modelo sa
bansa. Pagdating sa itsura ay pumapangalawa ito kay Zander Uijleman sa opinion
niya. Only, Ace is more approachable and talkative than Zander. Palagi rin itong
may ngiting nakahandang ibigay sa lahat. But for her, there's something unusual
with Ace Ricafort. She had sensed it the first time she saw him on his debut
photoshoot years back.

Sa lahat ng mga celebrity na sinusubaybayan niya ang mga galaw, ito lang ang nag-
iisang wala siyang malaman laman tungkol sa nakaraan nito. Tuwing sinusubukan niya
itong tanungin kapag may interview ay pasimple nitong iniiwasan ang mga tanong
niya. Ang sinasagot lang nitong mga tanong ay mga tanong na may kinalaman sa career
nito at sa lahat ng activities nito mula ng magmodelo ito.

Ang tanging alam lang niya ay hindi ito sa Pilipinas lumaki. Si Nicolo, ang may-ari
ng Timeless, ang ayon sa nalaman niya ay nakadiscover dito sa Amerika. Bukod doon
ay wala ng nagli-leak na impormasyon tungkol sa personal nitong buhay. Kung may
pamilya ba ito, o kung Ace Ricafort ba talaga ang totoong pangalan nito. And that
gives him a mysterious aura. Napapansin niya rin na kahit parang ang friendly nito
sa lahat ay parang may pader na nakapalibot dito at sa ibang tao. May limitasyon
ang pakikipaglapit nito sa mga tao.

At ang pagiging malihim nitong iyon ang sa tingin niya ay dahilan kung bakit palagi
itong natatagpuan ng mga mata niya. Kahit saan siya magpunta, kahit hindi niya
intensyon ay nakikita niya ito. Kahit maraming tao, o kahit nakatalikod ito ay
nakikilala niya ito. At sa tuwina ay hindi na niya magagawang maialis ang atensyon
niya rito.

Kasi naman binubuhay nito ang dugong chismosa niya. Kating-kati siyang malaman ang
mga sikreto nitong mukhang wala itong balak sabihin kahit pa pakiusapan ito.
Gustung-gusto niyang malaman kung ano pang ekspresyon ang kaya nitong ipakita
maliban sa ngiting palagi nitong ibinibigay sa lahat at sa mga ekspresyong ginagawa
nito sa mga shoot. She so wanted to penetrate his world. Na alam niyang mahirap
gawin hindi lamang para sa kanya kung hindi maging sa lahat ng taong nasa paligid
nito.

"Sumara na ang pinto, aren't you going up?" narinig niyang sabi ng malamyos na
boses ng isang babae.

Lalo siyang na-curious. Mabilis siyang nagtago sa likod ng isang malaking halaman
ilang hakbang lamang mula sa elevator. Pasimple siyang sumilip. Her eyes grew wide
when she recognized the woman with Ace. It was Carmela Bernado, the famous veteran
actress and a wife of a multi-millionaire businessman! May malambing na ngiti sa
mukha nito na tila pamilyar na pamilyar it okay Ace. Oh my God! May sugar mommy si
Ace!

Naitakip niya ang dalawang kamay sa bibig niya bago pa siya makagawa ng anumang
tunog. Mahirap ng mahuli. Pero kasi naman, hindi niya inaasahang mga matatandang
may asawa pala ang mga tipo ni Ace. Ang guwapo naman nito, mayaman, sikat... iyon
pala... Bigla tuloy siyang nakaramdam ng panghihinayang.

"Will you stop using that tone to me?" sabi naman ni Ace sa tila galit na tono.

Malamyos na tumawa si Carmela. "Why not? I always talk this way. Siguro ay nasanay
ako sa pakikipag-usap sa mga bata sa orphanage na tinutulungan ko."

Ace smirked. "It's so disgusting, the way you act like a very kind and caring
woman. When we both know you're not."

Natigilan si Coffee sa sinabing iyon ni Ace. She had never heard Ace talk rudely
like that. In fact, she never heard him angry like the way he is at that moment. At
sa isang babae pa. Lover's quarrel?
Lalo niyang pinag-igi ang pagsilip sa mga ito. Napansin niyang wala na ang ngiti sa
mga labi ni Carmela. "Stop talking to me like that Ace Ricafort. After all, I am
still your –

"Don't even mention it. I have no relation to you whatsoever," putol ni Ace sa
sinasabi nito.

Bahagyang nanlaki ang mga mata niya nang makitang tila bumakas ang sakit sa
magandang mukha ng babae. Nasasaktan ito na dinedeny ito ni Ace? You're so mean
Ace! Ngunit dagli ring nawala iyon. Naging seryoso ang mukha nito na para bang
hindi ito apektado sa narinig nito.    Bigla tuloy siyang humanga sa galing nitong
magpalit ng facial expression. Well, she's not an award winning actress for
nothing.

"Is that how you talk to your mother Ace?" malamig na sabi nito.

Napasinghap siya sa tanong nito. Tama ba ang dinig niya? Anak nito si Ace? Pero
kung totoong anak nito si Ace, ilang taon ito ng ipanganak nito ang binata? She
computed mentally. Then, she must be just sixteen years old then! Now, this is what
her editor call "shocking".

"I don't have a mother," he said in a deadly tone. Pagkuwa'y pinindot nito ang
button ng elevator.

Muling bumukas ang pait sa mukha ni Carmela. "Then, how did you exist in this world
without a mother?"

Nagkibit balikat si Ace. "I don't know. By accident I guess. Maybe, the woman who
conceived me had an affair to a powerful man to advance in her career and was not
able to do some precaution. At least that's what I hear –

Hindi nito natapos ang sasabihin nito nang bigla itong sampalin ni Carmela. "You
have no right to talk about me like that. Don't be to high and mighty just because
you're famous now. You're still nothing compared to me. Be thankful at nagdesisyon
pa akong ipanganak ka kahit pwede naman kitang ipa-abort noon!"

Nakagat ni Coffee ang ibabang labi niya. Those were very hurtful words for Ace.
Kahit siya na hindi naman sinasabihan niyon ay nasaktan sa sinabi nitong iyon. Lalo
na siguro kay Ace. Patunay iyon ng hindi nito pag-imik.

Tila naman na-guilty ito sa sinabi. "Oh my, Ace I- I'm sorr –"

"Then you should have done that," malamig na sabi ni Ace.

Napatitig si Coffee rito. She shivered when she saw his expressionless face.
Tumuwid ito ng tayo at ni hindi man lang tinangkang hawakan ang namumula na nitong
pisngi.

"You should have aborted me from the start. Since you abandoned me after you gave
birth to me and went back to your usual life anyways," patuloy nito.

"That's not true!" mariing sabi ni Carmela.

Ace stared at his mother. "Unfortunately, we have a different view on what is true.
Umalis ka na. Hinihintay ka na ng asawa at mga anak mo," anitong may pait ang
tinig.

Napahikbi si Coffee. Mabilis siyang sumiksik sa halaman nang biglang sumulyap sa


direksiyon niya si Ace. Narinig kaya nito ang hikbi niya? Hindi naman siguro. Pero
kasi naman, hindi niya napigilan. Tahimik niyang pinunasan ang namamasang gilid ng
mga mata niya. Her heart is aching for Ace. It is one of the downside of her job,
being able to see painful things like this.

Bigla tuloy siyang nakonsiyensiya na nakikinig siya sa usapang iyon. Pero natatakot
din siyang umalis sa pinagtataguan niya. Besides, bakit ba siya nakakaramdam ng
konsiyensiya sa pakikinig sa usapan ng may usapan? E gawain naman niya iyon noon
pa. Hindi siya makakakalap ng magagandang balita kung hindi niya gagawin iyon.

"Ace –

"I said leave!"

Napaigtad siya sa bahagyang lumakas na boses ni Ace. Muli siyang sumilip sa


direksyon ng mga ito. Nakita niyang saglit na tumitig rito ang aktres bago walang
salitang umalis. Naiwang nakatayo roon si Ace na madilim pa rin ang mukha. He
looked formidable and mysteriously handsome at that moment. At the same time, he
looks so lonely in her eyes. Malayung-malayo sa image nitong palaging nakangiti at
approachable. For a second, she had the urge to run to him and hug him.

Bigla siyang natigilan sa naisip niya. Pagkuwa'y marahas na napailing. Bakit ba


niya naisip ang bagay na iyon? Isa iyong malaking kalokohan!

Nang bumukas ang pinto ng elevator ay humarap na ito roon. Nakahinga siya ng
maluwag. Makakalabas na siya sa wakas. Kumilos siya at tahimik na humakbang palayo
sa halamang pinagtataguan niya. Nang marinig ang pagsara ng pinto ng elevator ay
napangiti na siya. Mabuti naman at nakaalis na si Ace. Dumeretso siya ng tayo at
lumingon sa may elevator.

Nawala ang ngiti niya at nanlaki ang mga mata niya nang makitang nakatayo pa rin si
Ace sa harap ng elevator. At madilim pa rin ang mukha nito habang nakatitig sa
kanya!

Shit nahuli ako! Tili niya sa isip. Napaatras siya nang magsimula itong lumakad
palapit sa kanya. Gusto man niyang tumakbo ay wala rin namang silbi. He knew her
anyway.

Napalunok siya nang nasa mismong harap na niya ito. "So? Was what you've heard all
worth a page of your magazine then? Coffee?" malamig na tanong nito.

Binuka niya ang bibig upang sumagot pero bago pa niya magawa iyon ay marahas na
nitong hinawakan ang braso niya at marahas siyang hinatak palapit sa elevator. "T-
teka!" tarantang saway niya rito.

Hindi ito nagsalita at ni hindi lumuwag ang pagkakahawak nito sa braso niya.
Tiyempo namang bumukas ang pinto ng elevator. Walang kahirap-hirap na nahatak siya
nito papasok doon. Pinindot nito ang buton ng tenth floor. At nang muling sumara
ang pinto ng elevator ay marahas siya nitong isinandal sa isang sulok ng elevator.
Umangat ang kamay nito at inilapat sa gilid ng mukha niya at bahagya siyang niyuko.
Bigla siyang kinilabutan.

"May limitasyon ang pagiging usyusera, Miss Reporter," anito sa hula niya ay
pinipigilang galit.

Napangiwi siya. Damnit! I'm in trouble!


Part 4
               

LUMUNOK muna si Coffee bago lakas loob na sinalubong ang mga mata ni Ace.
Pakiramdam niya ay mabibingi siya sa kaba. Nakakatakot naman kasi tumingin ang
lalaking ito. "K-kakarating ko lang naman," palusot niya.

Lalong tumiim ang pagkakatingin nito sa kanya at bahagya pang inilapit ang mukha sa
kanya. Bahagya siyang napasinghap nang maamoy niya ang mabangong hininga nito. Ano
ba Coffee, bakit mo pa napapansin ang hininga niya sa ganitong sitwasyon!    "For a
showbiz reporter, you are not a good liar," pabulong na sabi nito.

Nahigit niya ang hininga nang humaplos sa mukha niya ang hininga nito. It was the
first time she was this close to him. In fact, it was the first time she was this
close to any man. And to a scary man at that. Yes, Ace Ricafort is really scary.
Pero hindi dahil natatakot siyang sasaktan siya nito. In fact, she has a feeling
that he will not do that. But there was something about him at that moment that
makes her heart beat so fast. And that is what makes her scared of him.

Sinasabi na nga ba niyang may other side ang cool personality nito sa harap ng
maraming tao. Pero hindi naman niya gustong sa ganoong paraan niya malaman ang
sikretong bahagi ng pagkatao nito.

"O-okay fine. I heard everything. But I decided that I will keep it a secret. Kaya
pakawalan mo na ako okay. Kailangan ko ng umuwi," aniya rito at bahagya pa itong
itinulak palayo.

Hindi ito tuminag. Tiningala niya ito. Lalo siyang nataranta nang makitang mas
madilim na ang mukha nito. "Sa tingin mo ba talaga pauuwiin kita basta-basta
pagkatapos mong marinig ang lahat kanina?" malamig na tanong nito.

Nakagat niya ang ibabang labi niya. Iyon ang unang beses sa buhay niya na
nakaramdam siya ng ganoong takot. Hindi naman kasi siya nahuhuli sa aktong
pakikinig sa usapan ng may usapan dati.

Bahagyang nanlaki ang mga mata niya nang mula sa mga mata niya ay bumaba ang tingin
nito. Nakatingin ba siya sa leeg ko? Sasakalin niya ba ako hanggang sa malagutan
ako ng hininga pagkatapos ay itatapon niya ang bangkay ko sa kung saan. Sa ganoong
paraan nga naman ay hindi na niya masasabi sa kahit kanino ang nalaman niya. it
makes sense.

Binasa niya ang labi niya sa labis na kaba. Nahigit niya ang hininga nang
maramdaman niyang kumilos ito. My God sasakalin na niya ako! Mariin siyang pumikit.
"I promise I will keep it a secret. Wala akong narinig, wala akong nakita! So,
please don't kill me!" malakas na sabi niya.

Huminto naman ito. Nang hindi ito nagsalita ay dahan-dahan siyang dumilat.
Alanganing tiningala niya ito. She realized their faces are only inches apart.
Nakakunot ang noo nito. Ngunit napansin naman niyang hindi na masyadong madilim ang
mukha nito. Bahagyang tumaas ang sulok ng mga labi nito. Was that a smile?

"What an imagination you have there," sabi nito at bahagyang lumayo sa kanya.
"Well, at least you know how serious I am regarding this matter." Pagkasabi nito
niyon ay bumukas ang pinto ng elevator.

"That's why I told you I will not tell any – teka!" sigaw niya nang bigla na naman
siya nitong hatakin palabas ng elevator. "Ano ba!" tili niya ngunit tila wala itong
narinig. Walang salitang hinatak siya nito patungo sa kung saan.

HUMINTO si Ace sa tapat ng isang silid at hindi binibitawan ang braso niyang
binuksan nito ang pinto niyon. "We're not done talking yet," simpleng sabi nito at
hinatak siya papasok roon. Nang maisara nito ang pinto ay saka lamang siya nito
binitawan. Awtomatiko niyang nahimas ang parte ng braso niyang hinawakan nito.
Walang anumang umupo ito sa couch na naroon. "I'm still not convinced that you will
not write about what happened. Your magazine loves this kind of news right?"

Napangiwi siya. Totoo naman kasi iyon. Hindi nga ba at kanina lang ay naisip niyang
iyon na ang "shocking" scoop na pinapahanap sa kanya ng editor niya?

He smirked. "See? Hindi ka makasagot."

Napatikhim siya. Huminga siya ng malalim at umupo sa katapat nitong couch. "Nag-
iisip lang ako kaya hindi ako makasagot. But as I have promised, hindi ko ilalabas
ang nalaman ko okay?"

Tila naman nag-isip ito at tumingin sa kanya. Bumuntong hininga ito at sumandal sa
backrest ng couch. Mukhang pagod na pagod ito. Napatitig siya sa pisngi nitong
namumula pa rin. Muli siyang tumikhim. "Anyway, may shoot ka bukas hindi ba? Mas
makabubuti kung dadampian mo ng kahit anong malamig ang pisngi mo para mawala iyang
pamumula niyan," suhestyon niya.

Muli itong napatitig sa kanya kasabay ng pagangat ng kamay nito sa pisngi nito. for
a moment, there was that surprised and lonely look in his eyes. Na para bang iyon
ang unang pagkakataong may nag-alala para dito. lalo tuloy siyang nakaramdam ng
curiousity para dito. Pagkuwa'y tumayo ito at lumapit sa refrigerator. Kumuha ito
ng bote ng mineral water at idinikit iyon sa pisngi nito bago bumalik sa pagkakaupo
sa couch. Hindi ito nagsasalita.

"Ergh, so... she's really your –" Mabilis niyang itinikom ang bibig ng biglang
tumalim ang tingin nito sa kanya.

"I thought you are going to forget what you've seen," inis na sabi nito.

"Ang sabi ko lang hindi ko ipagkakalat. Pero hindi ko sinabing kakalimutan ko iyon.
So, you can just tell me about it pero off the record," sabi niya.

Kumunot ang noo nito. "What would you get kung malaman mo man at hindi mo
isusulat?"

Nagkibit balikat siya. "It will satisfy my curiousity."

Saglit itong tumitig sa kanya. Pagkuwa'y umismid at tumayo. "I have no plans in
satisfying your curiousity. Gusto ko lang siguruhing na hindi mo ilalabas ang
tungkol sa nangyari kanina. At kung kakalimutan mo iyon mas mabuti. It's not that I
care actually, since hindi naman ako ang pinakamaapektuhan ng isusulat mo but her. 
  Still I just don't want unnecessary publicity."

Tumayo na rin siya. "I told you I can't just forget about it. In fact, lalo lang
akong na-curious. Like right now, I am wondering why you have to keep it a secret
that she's your mother in the first place? Kaya ba sa amerika ka lumaki ay dahil
inilihim niya sa lahat ang pagbubuntis niya at doon ka ipinanganak?" tanong niya.

Dumilim na naman ang mukha nito. "I'm not answering any of your questions. Umalis
ka na nga," sabi nito at binuksan pa ang pinto.

"Isa pa, I am really curious why you don't answer any personal questions sa mga
interview. Hindi ka rin nagsasalita about your childhood in the States."

Muli itong bumuntong hininga. "I really wonder why I carried you here in the first
place," tila sa sarili lamang na sinabi nito. Ngunit dahil matalas ang pandinig
niya ay narinig niya iyon. Pagkuwa'y bumaling ito sa kanya. "Look, I'm really tired
so just go. Besides, for sure ay mas marami ka pang scoop na makukuha na mas higit
sa nalaman mo ngayong gabi so just forget about it."

"I told you I just can't –

"Coffee," nagbabanta na ang tinig nito.

Mabilis siyang lumapit sa bukas na pinto kung saan ito nakatayo. Tiningala niya
ito. "Bakit ka ba ganyan? You always act cool and nice pero ganyan ka pala," aniya
rito.

Naningkit ang mga mata nito. "It's none of your business," anito at bahagya siyang
itinulak palabas ng silid. Bago pa niya ito malingon ay nasara na nito ang pinto.

Napatitig siya sa pinto at namaywang. Ibang klase naman pala ang lalaking iyon. May
dual personality. Oo nga pala, iyon ang unang pagkakataon na nakausap niya si Ace
ng matagal. Iyong tipong walang appointment. Ang hirap kasi nitong kausapin kung
hindi interview talaga.

Pero ngayong may nalaman siya rito ay mas gusto niya pa tuloy halukayin kung sino
talaga ito. Hindi rin siya matatahimik kung hindi. Bahagyang naningkit ang mga mata
niya. Hindi pa tayo tapos Ace Ricafort. Lalo pa ngayong mas tumindi ang curiousity
ko sa iyo. Hindi ako titigil hangga't hindi ko nalalaman ang tungkol sa mga sikreto
mo.

With that thought, she left.


Part 5
               

NAPANGITI si Coffee nang pagpasok niya sa resort kung saang ginaganap ang
photoshoot ng Young and Free ay natanaw niya agad si Mandy, isa sa mga staff ng
magazine at ang kanyang matalik na kaibigan.

Nagkakilala sila sa unang araw pa lang nila sa kolehiyo at naging magkaibigan agad.
Kaya naman sa buong apat na taon nila sa kolehiyo ay hindi sila naghiwalay. At
hanggang ngayon na pareho na silang may trabaho sa magkaibang magazine ay matibay
pa rin ang pagkakaibigan nila. In fact, madalas silang magpalitan ng impormasyon
kung kailangan.

Mabilis siyang lumapit dito. "Mandy!" tawag niya rito.

Lumingon ito sa kanya at ngumiti. "Ang aga mo ngayon Coffee. Madalas patapos na ang
shoot pag pumupunta ka ah," bati nito.

"Maaga lang akong nagising," palusot niya at umagapay na rito sa pagpunta sa pool
area. Ang totoo ay gusto niya lang maobserbahan ng matagal-tagal si Ace. Ang alam
niya kasi ay ito at ang isa pa nitong kasamang modelo sa Timeless na si Emmanuel
Pelayo ang kukunan sa araw na iyon.

Nang makarating sila sa pool area ay si Ace ang nakalusong sa swimming pool at
kasalukuyang kinukunan. Napahinto siya sa paglakad at napatitig rito nang makitang
swimming trunks lang ang suot nito. And she realized, for the nth time how perfect
his body is. Wala itong kataba-taba sa katawan. Firm na firm ang muscles pero hindi
naman bulky. Masyado ring prominente ang height nito na six feet three inches.
Idagdag pa ang to-die for six pack abs nito at ang napakaguwapong mukha nito ay
wala ka ng maipipintas dito.

His eyes are small but round, with a dark black color. Matangos ang ilong nito at
makurba ang mga labi, iyong tinatawag na kissable. Tuloy ay kapag nakatikom ang mga
labi nito ay kay sarap sarap niyong titigan. He is so manly and cute as a girl at
the same time. Bagay na bagay rin dito ang hanggang batok sa habang buhok nito. And
he can easily melt everyone's heart with his smile. Hindi na nga niya mabilang kung
ilang showbiz writer at fans ang nagbigay rito ng description na "sexy". Dahil kung
may lalaki mang sexy, si Ace iyon.

"Huy, kung makatitig ka kay Ace ha. Bago iyan ah," pukaw sa kanya ni Mandy na
bahagya pa siyang siniko sa tagiliran.

Natauhan naman siya at sinulyapan si Mandy. "Huwag ka ngang malisyosa diyan," sabi
niya rito at muling bumaling kay Ace.

Tumawa ito. "Sabi mo eh. Sabagay, bestfriend kita kaya alam ko na wala kang interes
sa lalaki, maliban na lang kung may kinalaman sa trabaho mo."

"Alam mo naman pala eh," sagot niya.

"Bakit si Ace ba ang bagong beat mo?" tanong nito.

Beat nga ba iyon? Nagkibit balikat siya. "Hindi. Pero hindi ako matatahimik
hangga't hindi niya nasasagot ang lahat ng tanong ko."

"Tulad ng?"

"Tulad ng –" Natigilan siya nang biglang bumaling sa direksiyon nila si Ace.
Napalunok siya ng magtama ang mga mata nila. Kung makatingin ito ay parang iniisip
nitong sinasabi na niya kay Mandy ang sikreto nito. Muntik na nga.

"Huy, Coffee," muling pukaw sa kanya ni Mandy.

Inalis niya ang tingin kay Ace at bumaling sa kaibigan niya. "Tulad ng kung ano
siya bago siya maging modelo. Ilang taon ko ng tinatanong sa kanya iyon hindi pa
rin siya sumasagot."

Tumango tango naman ang kaibigan niya. "Sabagay. Kahit ako gusto ko ring malaman
iyan," komento nito. Hindi siya kumibo.

"Okay, let's take a break!" sigaw ng photographer dahilan upang sabay silang
mapalingon sa swimming pool.

"Teka, maiwan na muna kita Coffee," ani kaibigan niya at tinapik pa siya bago
lumapit sa photographer.

Wala na tuloy siyang ibang pwedeng tingnan kung hindi si Ace na kasalukuyang
lumulusong sa pool. Saglit siyang natulala. Bakit ba kahit sa paglusong sa tubig ay
parang ang graceful nito? Ni hindi nawawala ang ganda ng tindig nito. Napakurap
siya. Teka nga muna, Bakit ba niya ito tinititigan ng ganoon? Sa tagal ng panahon
na kilala niya si Ace Ricafort ay hindi niya ito tinitigan ng husto kahit kailan.
Pasulyap-sulyap oo, Pero titig? Never. At least, as far as she could remember.   
At kung pakaiisipin niyang mabuti ay hindi pa siya tumitig sa lalaki kahit kailan.
Ngayon lang.

"Good work Ace," nakangiting sabi ng isang staff rito at inabot dito ang isang
roba.

Nginitian ito ni Ace. "Thank you."

Napataas ang kilay niya sa mabait na ngiti nito sa babaeng gumanti ng ngiti na may
kasamang pagpungay pa ng mga mata. Oo nga pala. Kaya niya ito tinititigan ngayon ay
dahil may sekreto na itong nalaman niya.

Isinuot nito ang roba nito at muling nginitian ang babaeng hindi pa rin umaalis sa
tabi nito. "I'm okay now. Baka naiistorbo ko na ang iba mong trabaho," nakangiting
sabi nito sa babae. Tumalima naman iyon.

Hindi niya tuloy napigilan ang tunog ng pinipigilan niyang tawa. Now that she's
closely observing him, she realized that he's good at dismissing people in a subtle
way. Hindi man halata ay mukhang ayaw nitong may lumalapit dito ng matagal.

Natigil siya sa pagtawa nang bigla itong lumingon sa kanya. Tuluyang nawala ang
ngiti niya nang magsimula itong lumakad palapit sa kanya. "What are you laughing
at?" tanong nito.

Nagkibit balikat siya. Ah, hindi siya dapat matakot dito. Imposibleng ipakita nito
ang nakakatakot na side nito sa lugar na iyon. Tiningala niya ito at matamis na
nginitian. "Wala naman. Natawa lang ako sa reaksiyon ng staff dahil lang nginitian
mo siya."

Bahagyang umangat ang kilay nito. "Bakit pakiramdam ko may iba kang gustong
sabihin?" nagdududang tanong nito.

"Wala no. Masyado ka namang mapaghinala."

Lalong tumiim ang pagkakatitig nito sa kanya. Bigla tuloy siyang nailang. "Or maybe
that's your way of distracting me. You haven't told anyone about it have you? I saw
you talking to someone a while ago," nagdududang tanong nito.

Inismiran niya ito. "Hindi no. Huwag ka ngang paranoid. May dignidad ako. When I
said it's off the record, it's off the record. Kahit itanong mo pa sa iba. Besides,
I don't have the heart to expose a very sensitive issue like that," she honestly
said.

"You mean not yet. Dahil marami ka pang gustong malaman at wala ka pang mapapala
kung sabihin mo man iyon. But if you gained enough information, I bet you'll write
it. That's your job in the first place," sabi nito na tila hinuhuli siya.

She lifted her chin and proudly said,    "Para sabihin ko sa iyo Ace Ricafort,
hindi ako nagsusulat ng mga sensitive issues hangga't maiiwasan ko. Malalaman mo
iyan kung nagbabasa ka ng column ko. And I would not write what I've heard because
I symphatize you. Ayokong maging usapan ang isang bagay na ganoon ka pribado. I
told you I have dignity and I have a soft heart kahit hindi halata," nakahalukipkip
sa sabi niya rito.

Tumitig ito sa kanya na parang noon lamang siya nakita.    For a moment, she saw a
different glint in his eyes. Parang bumait ang mga mata nito. Ngunit bago niya
masiguro kung tama ang nakita niya ay nawala na iyon. "Really huh?" tila wala sa
loob na sabi nito.

"Yes. So, you can really tell me everything. Hindi mo kailangang mag-alala na may
makakaalam na iba," aniya rito. Nagbabakasakali siyang madadaan niya ito sa
pakiusapan.

"No way," walang kaabog-abog na sabi nito. "Humanap ka na lang ng ibang magugulo mo
huwag na ako," kaswal na sabi nito at mukhang balak na siyang talikuran.

Napasimangot siya. Ang hirap talaga nitong kausap. At ni hindi marunog tumanggap ng
simpatya mula sa iba. Naiyak pa naman siya para dito noong naririnig niya ang
usapan nito at ng ina nito. She even had the urge to comfort him then.
Mabilis niya itong nahawakan sa braso bago pa ito makaalis. "Sige na naman. Kapag
naman sinabi mo na sa akin ang lahat hindi na kita guguluhin eh," pangungumbinsi
niya pa rito.

"Bakit ba ang kulit mong babae ka," sabi nitong hinawi ang kamay niya. Napalakas
ang pagkakahawi nito dahilan upang mawalan siya ng balanse.Muntik na siyang
mapatili nang maramdamang mahuhulog siya sa pool kung hindi lamang nito maagap na
nahatak siya sa baywang pabalik. Tumama ang katawan niya rito. At ang kanyang mga
labi ay – nanlaki ang mga mata niya nang maramdamang lumapat iyon sa mga labi nito.

Hindi siya nakahuma. At maging ito ay tila natigilan rin. Bigla siyang nayanig sa
init ng mga labi nito.    Parang may kuryeteng kumalat sa mga ugat niya. It was a
new feeling for her. And it rendered her speechless.

At ang buwisit na lalaki ay parang ayaw pang lumayo sa kanya. Worst, maraming tao
sa paligid nila!
Part 6
               

SI ACE ang unang nakabawi sa kanila. Hinawakan siya nito sa magkabilang balikat at
marahang inilayo sa katawan nito. Bigla siyang napayuko. Biglang nablanko ang isip
niya. And for the first time after so many years, ay may nakapagpatahimik sa kanya.

"Ang kulit mo kasi," sabi ni Ace pagkuwan.

Noon niya ito tiningala. Saglit na tila hindi rin nito alam kung ano ang sasabihin
nito. "Ang sabihin mo gusto mo lang talaga akong ihulog sa pool!" naibulalas niya
dahil wala siyang ibang maisip na sabihin.

Kumunot ang noo nito. "Jumping to conclusions? I thought you always rely on facts
Miss Reporter. If you left    me alone you would not lose your balance at hindi
sana - "

Nag-init ang mukha niya sa sadyang pambibitin nito sa sasabihin nito. parang
ninakawan siya nito ng vocabulary dahil wala siyang makapang salita. Na noon lamang
nangyari sa kanya. Kahit noon bata pa siya, walang nakakapagpatahimik sa kanya.
ngayon lang. At dahil sa mga labi ng lalaking ito.

Nanatili itong nakatitig sa kanya. pagkuwa'y bigla itong napangiti sa pagkamangha


niya! "You look funny Coffee," komento nito.

Awtomatiko siyang napahawak sa magkabilang pisngi niya. muli niya itong tiningnan
nang marinig niyang may tunog na lumabas sa bibig nito. Was that a laugh?

"So may makakapagpatahimik naman pala sa iyo," sabi nitong bakas na ang amusement
sa mukha.

"At least kapag nalaman kong ikinalat mo ang tungkol sa naktia at narinig mo, I
know what to do," he then said with an evil smile. Suddenly he looked like a demon
king in her eyes.

Pagkuwa'y tinapik nito ang pinsgi niyang sigurado siyang namumula pa rin. "So be
careful what you say now Coffee. or else, you know what I will do to you," mahinang
sabi nito at kaswal na lumayo sa kanya.

Manghang napasunod na lamang siya ng tingin dito. Kaswal na lumapit na ito kay Eman
na nakaayos na para sa shoot. Parang noon lang umayos uli ang utak niya.
                    Blackmail ba iyon? He was blackmailing me that he will... kiss
me if I tell anybody about it? Parang biglang gusto niyang magsisigaw doon. Sanay
siyang mablackmail. Marami na siyang threat na natanggap dahil sa mga sinusulat
niyang sensitive issue. Pero kahit kailan ay hindi siya natinag sa mga pananakot na
iyon.

                    Pero paano siya hindi matitinag kung halik ang panakot ng


lalaking iyon? E iyong aksidenteng naglapat lang ang kanilang mga labi na blanko na
siya, paano pa kaya kung totoong...

                    Muli niyang naramdaman ang pag-iinit ng mukha niya. Buwisit!


Hindi ko dapat inaaunder estimate ang Ace na iyon! And why on earth was he so
unpredictable? Noong una ay galit ito, then the next minute he was silently
laughing then he will suddenly turn into a demon king! Lalo lang tuloy siyang
nawiwindang.

"Hey, anong nangyayari sa iyo?" tanong ni Mandy na hindi niya namalayang nakalapit
na pala sa kanya. Nilingon niya ito. "You looks so intimate with Ace a while ago.
Akala ko ba beat mo lang siya. May hindi ka ba sinasabi sa akin?" naghihinalang
dugtong nito.

Alanganin siyang tumawa. "Ano ka ba mali ang iniisip mo Mandy. Muntik lang akong
mahulog sa pool at tinulungan niya lang ako," palusot niya. Pero sabagay, totoo
namang iyon ang nangyari – without the accident lips bump of course. Hindi niya
kayang sabihin iyon kahit kanino, kahit pa sa matalik niyang kaibigan.

"Kung tinulungan ka lang niya bakit ang tagal tagal na magkadikit kayo? Ang tagal
bago ka niya binitawan? Wag ka magdeny maraming nakakita sa inyo," sabi pa nito.

Napangiwi siya. Noon niya lang uli narealize na marami nga palang tao sa paligid.
Pasimple niyang iginala ang tingin. Pasimple ngang nakatingin sa kanya ang mga
staff na naroon! Awtomatikong napatingin siya kay Ace na parang balewala lang dito
ang lahat. Nang lumingon ito sa kanya ay naroon pa rin ang nakakainis na kislap sa
mga mata nito.

Urgh. Nakakainis. But if that is his way of driving her away, kailangang maipakita
niya rito na hindi siya matitinag. Makukuha niya ang impormasyong kailangan niya.
Ngunit sa ngayon ay aatras muna siya. hindi na kaya ng mukha niya ang pagkapahiya
sa paraan ng pagtingin sa kaniya ng mga tao roon.

Bumaling siya kay Mandy. "Paano Mandy, mauna na ako ha. Wala akong mapigang
impormasyon sa kanya eh," sabi na lamang niya

Tila naghihinala pa rin siyang tiningnan ni Mandy ngunit hindi na ito nagkomento
pa. "Okay. Kailangan na rin ako ni Bernard eh," anitong tinutukoy ang
photographer.   

Tiningnan niya ang photographer . "Mag-iingat ka sa kanya ha. Playboy iyan hindi
ba?" tukoy niya sa photographer.

Tumawa si Mandy. "Nye, loyal nga yan sa girlfriend niya. Sige na," sagot nito at
umalis na.

Napailing siya sa balewalang sagot nito at tumalikod na rin sa pool area. Ngunit sa
hindi niya malamang dahilan ay parang may bumulong sa kanya na lumingon. And when
she did, she saw Ace looking at her. Parang hinahamon siya nito sa paraan ng
pagkakatingin nito. But there was something else in his eyes that she could not
name yet. Basta ang alam niya, wala iyong kinalaman sa sikreto nitong ayaw nitong
ipaalam niya. it was different and far more mysterious than that.
She suddenly felt a weird sensation on the pit of her stomach. A sensation she
never felt before. Bigla tuloy siyang nalito. Mabilis na nagbawi siya ng tingin at
tuluyang umalis ng resort.

SO, she has a weakness too. Hindi inalis ni Ace ang tingin kay Coffee hanggang sa
tuluyan na itong mawala sa paningin niya. Pinigilan niya ang nagbabadyang pagsilay
ng ngiti niya. He can't help but get amused by her. She seems to be strong and
independent and almost liberated by the way she acts and talks. She was known to be
fearless and strong. But she wavered with just an accidental kiss like some teenage
girl. Really she's a walking contradiction.

Although, kahit siya ay hindi kaagad nakahuma sa nangyari. He used to kiss a lot
of women in the past. But hers was different. He could not explain it. But there
was something about her lips that gave him the urge to kiss her for real. Mabuti na
lamang at naalala niyang maraming tao sa paligid nila. Nailayo niya ito sa sarili
niya bago mahuli ang lahat.

Bigla niya tuloy naalala ang gabing narinig nito ang usapan nila ng kanyang ina. It
was the worst night for him. Pagod siya noon at walang ibang gustong gawin kung
hindi ang magpahinga. At ang pinakahuling bagay na gusto niyang gawin ay makita at
makipagtalo rito. but it happened. He almost had the urge to say so many hurtful
words to her.

Nang makarinig siya ng hikbi sa kung saan. At sa pagbaling niya ay nakita niya si
Coffee na mabilis na isiniksik ang sarili sa malaking indoor plant, not knowing
that he could still see her. Kahit nakatalikod ito, he knew it was her. Hindi niya
rin alam kung    paano niya ito nakikilala. But there was something about her from
the moment he first saw her many years before that always makes him look at her.
Until he had grown a weird instinct of recognizing her despite her usual disguises.

Maybe it has something to do with her carefree attitude. Ito ang tipo ng babaeng ni
hindi yata aware na babae ito. she always roams around, always talking with
somebody, always nosy, always on the go na parang walang kapaguran. And he just
could not help but wonder if she has something she was no good at. Something she
doesn't know. Now he know. Hindi na naman tuloy niya mapigilang mapangiti.

Tuloy biglang parang gusto niya pang ipagpasalamat na nakasalubong niya si Carmela
sa gabing iyon. True he was angry then, and he was irritated to see her
eavesdropping. But that irritation suddenly decreased when he saw that unfamiliar
alarmed look on her face. Na para bang takot ito sa kanya. Lalo na ng paulit-ulit
nitong sinasabing hindi nito iyon sasabihin kahit kanino na parang batang nahuling
may ginawang kasalanan. He fought the urge to laugh then.

Because the truth is, he believed her when she said she will keep it a secret.
Because despite all the things he said to her, he believed in her good reputation.
It was just that, he could not help himself from teasing her that night.

Hindi niya alam kung dala ba iyon ng pagod, o may masamang hangin na pumasok sa
utak niya, but she suddenly looked more adorable in her eyes with that funny look
in her face, muntik na nga niya itong mahalikan nang nasa elevator na sila. But she
ruined the mood by saying out loud what she thinks. Akala nito ay balak niya itong
sakalin. And that was very funny he had difficulty trying hard not to laugh in
front of her. She was not aware of it, but she made him feel a lot better that
night.

And as he expected, kahit sinabi nitong hindi nito iyon ipagkakalat ay mukhang
walang plano si Coffee na kalimutan na lamang ang narinig nito. In fact, ay mukhang
hindi pa sapat para dito ang impormayon na iyon at kinukulit na siya. Sa totoo lang
ay iyon ang pinaka ayaw niya sa lahat, ang hinahalukay ang mga bagay tungkol sa
buhay niya. Lalo na ang tungkol sa mga magulang niya at tungkol sa kanyang
nakaraan. Dahil iyon ang mga bagay na pilit niyang kinakalimutan.

But with her, it doesn't feel that bad. Really, he's crazy. Or maybe because he
just have a soft heart when it comes to her. Kaya kahit gaano ito kakulit at
matinik na pakielamera at usyosera ay napagbibigyan niya ito. But of course, he
would never let Coffee know that or else ay sasamantalahin nito iyon.

It was because of what she said to him noong nagsisimula pa lamang siya sa
industriya. At the time when he was not familiar with the country and the language,
when he was just a nobody, when no one even the press take notice of him aside from
his looks.   

He remembered that she looked at him straight in the eye and said, "You are going
to be really famous. I cannot put into words why so don't ask me. I just can feel
that there's something about you that is very extraordinary. And not just your
looks okay. Besides, modeling is not all about looks. Because if it is, then there
should have been thousands of models in this country."

Until now, he could not forget those words of her. kahit sigurado siyang
nakalimutan na nito iyon. sa dami ba naman ng salitang lumalabas sa bibig nito sa
isang araw.

"Huy Ace, ano pang tinatanaw mo diyan? Kanina pa siya nakaalis," pukaw sa kanya ng
boses ni Eman.

Nilingon niya ito. May magkahalong amusement at panunudyo sa mukha nito. "Hindi ko
siya tinatanaw," pabalewalang sabi niya at lumakad palapit sa kinauupuan ni tita
Sally. Kilala niya si Eman. Kapag pinatulan niya ang pangaasar nito ay hindi siya
nito titigilan.

"Hindi raw. Anong tingin mo sa amin bulag at hindi namin naktia ang intimate moment
niyo sa gilid ng pool?" Narinig niya pang bulong nito. Hindi na lamang niya ito
pinansin at umupo sa tabi ni tita Sally. Tila may balak pang sabihin si Eman at
lumakad pa patungo sa kaniya. Mabuti na lamang at tinawag na ng photographer si
Eman. Nakatakas siya sa mukhang balak pa nitong panguusyoso.

"Tapos na ba ang shoot mo Ace?" tanong ni tita Sally sa kanya. Hindi tulad ni Eman,
mukhang wala itong balak na usyusohin siya.

Nginitian niya ito. He likes tita Sally alot. Hindi lang ito basta handler para sa
kanila. Maalaga ito at palagi silang inaalala. She's almost a mother to him because
of that. In fact, mas binigyan pa siya nito ng matinding pag-aaruga kumpara sa
tunay na naglabas sa kanya sa mundong iyon.

"Kukunan pa raw ako for safe shots. Pagkatapos 'non tapos na," imporma niya rito.

Tumango-tango ito. "Mabuti naman. Pinapapunta ka kasi ni Nicolo sa office. Dumaan


ka roon pagkatapos mo rito."

Napakunot noo siya. "Why tita?" takang tanong niya.

Nagkibit balikat ito. "Hindi niya sinabi eh. Malabong tungkol iyon sa trabaho dahil
ipapasabi na lang niya sa akin iyon. So, malamang ay personal iyon." Hindi siya
nakaimik. Tumingin ito sa kanya at bahagyang ngumiti. "Alam kong ayaw mong
pinapakielaman ang personal mong buhay kaya hindi ko na itinanong kung tungkol
saan," malumanay na sabi nito.
Napabuntong hininga siya. He was thankful that tita Sally is a very understanding
person. Nginitian niya ito. "Thank you tita. Dadaan ako roon mamaya."
Part 7
               

TULAD ng ipinangako ni Ace ay sa Timeless siya dumeretso pagkatapos ng photoshoot


niya. Mabilis niyang i-pinark ang ford expedition niya sa parking lot nang lumang
building kung saan naroon ang opisina ng Timeless. Marami ang nagtataka kung bakit
sa kabila ng pagiging matagumpay at popular ng mga modelo ng Timeless ay sa ganoong
klase ng building matatagpuan ang modeling agency nila.

Ganoon din ang tanong niya kay Nicolo nang una siya nitong dalhin doon galing
amerika. Ang sabi nito ay noong itinayo kasi nito ang modeling agency ay gipit pa
raw ang budget nito at ang space sa fourth floor ng building na iyon lamang ang
pinakamura sa mga napagtanungan nito. At nang umasenso ang agency ay napamahal
naman ito sa building na iyon. Naniniwala rin ito na suwerte dito ang building na
iyon kaya hindi na ito nagtangka pang lumipat ng opisina.

Matapos tanguan ang security guard ng building na iyon ay dumeretso siya sa isa sa
dalawang maliit na elevator na naroon. May mga pagkakataon na humihinto ang
elevator na iyon dahil sa kalumaan. Dati ay madalas niyang ireklamo at murahin
iyon. Ngunit sa katagalan ay nakasanayan na niya iyon. Kaunting pukpok lang naman
ang katapat niyon.

Nang makarating siya sa waiting area ng opisina ng Timeless ay wala ng katau-tao


roon. Napatingin siya sa wristwatch niya. Mag a-alas sais na pala. Hanggang alas
singko lang ang VTR sa Timeless. Inalis niya ang tingin sa waiting area at lumakad
papasok ng mismong opisina ng agency.

Kumatok muna siya sa pinto ng opisina nito bago binuksan iyon at pumasok sa loob.

Mula sa pagkakayuko sa mga papeles na sa hula niya ay mga kontrata ay nag-angat ito
ng tingin. "Ace. Sit down," malumanay na sabi nito.

Walang salitang tumalima siya. Umupo siya sa silyang katapat ng lamesa nito. "You
have something to tell me?" deretsong tanong niya.

Sumandal ito sa back rest ng swivelchair nito at bumuntong hininga. "Your mother
called me. Nagkita raw kayo. She wanted me to say she's sorry about what she said
but didn't elaborate," seryosong sabi nito.

He suddenly had a bitter taste in his mouth when he remembered that night. She
really thinks highly of herself if she thought he could forget all the words she
said that night because of a simple sorry. Hindi sapat ang sorry nito para sa mga
sinabi nito at maging sa mga pagkukulang nito sa kanya sa mahabang panahon. "I will
never forgive her," malamig na usal niya.

Nicolo sighed. Alam niya na may gusto pa itong sabihin pero mas piniling huwag na
lamang iyong isatinig. Kahit noon ay palagi siya nitong binibigyan ng pagkakataong
magdesisyon sa sarili niya. Kahit pa kung tutuusin ay kaya siya nitong utusan ng
kung anu-ano. He was afterall, his savior. Ito ang dahilan kung bakit naroon siya
sa kinatatayuan niya ngayon. At that moment in his youth when he thought his life
was just a crap, when he had nothing, when he was about to succumb to the dark
side, he met him.

"I still hope the time will come na magkakaayos kayo. After all, she is still your
mother. But anyways, I will not force you to change your mind right away,"
mahinahon pa ring komento nito.
He sighed. "Just don't put your hopes too high."

Mahina itong tumawa. "I had always had high hopes in you Ace. That's why I didn't
hesistate to bring you here. Speaking of which, Lucia also called me a while ago."

Napatingin siya rito. "Aunt Lucia? What did she say?" tanong niya. Si Aunt Lucia ay
isang half Filipino half American na nagalaga sa kanya noong nasa California pa
siya. Ito na ang nakalakhan niyang kasama sa buhay. Ngunit nang pumunta siya ng
pilipinas ay nagpaiwan ito roon. Paminsan-minsan ay dinadalaw niya ito roon.

Nicolo smiled widely. "She's going to visit you in two weeks time. May palagay
akong nag-aalala pa rin siya sa iyo hanggang ngayon at mukhang gusto niya lang
siguruhin na nasa maayos kang kalagayan. Tatawagan ka raw niya kapag pasakay na
siya ng eroplano. She wanted to see you."

He smiled despite the hollowness he suddenly felt with what he heard. "I want to
see her too," he said honestly. Aunt Lucia is one of the few people who understands
and knows him well and still loves him despite of all his imperfections. Hindi
iilang beses na nahiling niya na sana ito na lamang ang kanyang ina.

"But you know the real reason why she will visit you right? She wants to make sure
you are doing great in here and that there is someone taking care of you," pukaw sa
kanya ni Nicolo.

He sighed. "I know." Hindi iilang beses na tuwing tumatawag sa kanya si Aunt Lucia
ay tinatanong nito kung may kasintahan na siyang nag-aalaga sa kanya. Sa ganoon
lamang daw ito mapapanatag na nasa maayos siyang kalagayan.

Sa tuwina ay sinasabi niyang may espesyal na babae sa buhay niya. kahit ang totoo
ay hindi siya nagkaroon ng seryosong relasyon sa tagal niya sa pilipinas. Not that
he doesn't want to. It's just that, he could not find anything special on the women
who's chasing after him. Well, except for one of course. Subalit iba ang gusto nito
mula sa kanya.

Tiningnan siya ni Niccolo sa mata. "Pareho kami ng gusto ni Lucia Ace. We want you
to be happy. I want you to find someone who would be very special for you. I still
have high hopes that you will heal soon Ace."

Mapait siyang ngumiti. "How many years have you been wishing about that I wonder?"

Tipid itong ngumiti. "Well, maybe this year it could come true."

"Who knows," tanging nasabi niya.


Part 8
               

"COFFEE, nasaan na ang article na pinapagawa ko sa iyo? Ang boring ng naka line-up
na article natin for our next issue! We need a spicy scoop!" matinis na sabi ng
editor niya sa kabilang linya.

Bahagyang inilayo ni Coffee sa tainga niya ang cellphone niya at bahagyang itinirik
ang mga mata. Iyon na ang panglimang beses na tinawagan siya nito sa araw na iyon.
Nasa Sweet Fantasy pa naman siya at kasalukuyang umiinom ng kape nang tumawag na
naman ito. This time ay halata na sa boses nito ang pagkataranta. Nang bahagya ng
humina ang boses nito sa kabilang linya ay muli niyang idinikit sa tainga niya ang
cellphone niya.

"Sir, alam niyo naman na hindi ako basta-basta nagsusulat ng hindi kumpleto ang
detalye kaya hindi ko pa po masasabi kung kailan ko magagawa ang gusto niyong
article," mahinahong sabi niya. Sa tagal niyang nagsusulat para dito ay nakasanayan
na niya ang mga outburst nito na tulad niyon. Kung bakit naman kasi lagi siya ang
hinahanapan nito ng ganoong klase ng article.

"Pero may scoop ka na ganoon ba? Kailangan mo na lang ng time para kumpletuhin ang
impormasyon mo? Ganoon ba Coffee?" tanong nito sa expectant na tono.

Napangiwi siya. Nangako siyang hindi niya ilalabas ang tungkol kay Ace pero paano
niya ba sasabihin sa makulit niyang editor na ito na wala pa siyang scoop? "Well,
hindi pa naman sigurado ito –

"That's great! Kaya ikaw ang paborito kong reporter. Hindi mo binibigo ang
expectations ko sa iyo! Hay, kahit papaano ay naging okay na ang pakiramdam ko
ngayong alam kong may inaasikaso kang exposè! I'll be waiting for that okay,"
mahabang litanya nito hindi pa man siya tapos magpaliwanag.

"Teka, Sir –" Hindi na niya natapos ang balak niyang pagpapaliwanag nang putulin na
nito ang tawag. Napatitig na lamang siya sa cellphone niya at marahas na
napabuntong hininga. Ito ang hirap sa ganitong trabaho. Pressure.

"Ang lalim ng buntong hininga mo ah." Napaangat ang tingin niya nang marinig ang
boses ni Yuuji. Hinatak nito ang katapat niyang silya at umupo roon.

Muli siyang napabuntong hininga. "Yung editor ko kasi, pasimple mag pressure. Ang
hirap kaya ng pinapagawa niya."

"Wow, so nahihirapan ka rin pala," komento ni Yuuji.

Natigilan siya. Come to think of it, hindi naman talaga siya dati namomroblema ng
ganoon. Dati, kapag may nalaman siyang sikreto ng isang celebrity ay na-e-excite
siya at mabilis niyang nakakalap ang impormasyong kailangan niya pagkatapos ay
maisusulat na niya kaagad ang column niya. Bakit ngayon ay nagdadalawang isip siya
kung isusulat niya ang nalaman niya tungkol kay Ace o hindi?

Ano bang mayroon ang lalaking iyon at nagugulo ang utak niya ng ganoon? Dahil ba sa
tingin niya ay masyadong sensitibo ang isyung iyon? Pero hindi rin. Dati nga ay
nagsulat siya ng tungkol sa eligitimate child ng isang artista. Kaya bakit siya
namomroblema nga ganoon dahil lamang kay Ace ang sikretong nalaman niya?

Baka ayaw mong mahalikan ni Ace ganoon ba iyon? Marahas siyang napailing sa biglang
pumasok na iyon sa isip niya. iyon ang pinakanagpapawindang sa isip niya e. Ang
banta nitong iyon.Dalawang linggo na siyang litong talilong dahil dito.

"Huy, kung saan na lumipad ang isip mo Coffee," pukaw sa kanya ni Yuuji na
iwinagayway pa ang kamay sa harap ng mukha niya.

Napakurap naman siya. "Iniisip ko lang kung bakit ako nahihirapang magreveal ng
sikreto ngayon. Hindi kaya, tinubuan na ako ng konsiyensiya?" wala sa loob na
tanong niya.

Bigla itong tumawa. "May konsiyensiya ka naman talaga."

"E bakit dati hindi naman ako nagdadalawang isip isulat ang sikreto ng may sikreto?
Bakit ngayon, parang... hindi ko kayang ipagsabi kahit kanino ang nalaman ko,"
muling tanong niya.

Ngumisi ito. "Aba, malay ko sa iyo."

Inirapan niya ito. "Ang tino mong kausap grabe."


Tumawa ito. "Alam ko."

Napailing siya. Hindi sinasadyang napatingin siya sa pinto ng shop nang bumukas
iyon. Natutok ang mga mata niya sa matangkad na lalaking pumasok. Naka-baseball cap
ito na masyadong nakababa sa mukha nito kaya mahirap aninagin ang mukha nito sa
kabila ng liwanag. Naka-brown leather jacket ito at kupas na maong. Bahagyang
naningkit ang mga mata niya habang sinusundan ito ng tingin. Para kasing pamilyar
sa kanya ang lalaking iyon. Parang nakita na niya dati ang paraan ng pagkakatindig
nito. Aside from that, there was something about his aura that is so familiar to
her.

Nang bahagya itong mapaharap sa panig niya ay nanlaki ang mga mata niya nang
makilala ito. It was Ace! Sa totoo lang ay hindi naman talaga nakakapagtaka kung
mapapadaan ito roon. Isang block lang naman ang layo ng Sweet Fantasy sa building
ng Timeless.

Subalit ang nakaagaw ng curiousity niya ay ang katotohanang nakadisguise pa talaga


ito. Mailap din ang mga mata nito habang iginagala ang paningin sa paligid. Marahil
ay sinisiguradong walang nakakakita rito. Nang tila nakuntento ito ay tumingin ito
sa mga pastries na nakadisplay at may itinuro sa tauhan ni Yuuji. Kakain ba siya ng
cake? Pero ayon sa research ko hindi naman siya mahilig sa matamis. Kung ganoon ay
may pagbibigyan siya? Hindi kaya makikipagbati na siya sa mama niya? Actually,
hindi naman bago sa kanya ang mga celebrity na nagdi-disguise kapag gusto ng mga
itong payapang makapunta kung saan. But then it was Ace that's why she's so
curious. Subalit paano niya ba malalaman ang sagot sa mga tanong niya nang hindi
siya nito makikita? Mahirap na baka totohanin nito ang banta nito sa kanya.

"What are you looking at Coffee?" curious na tanong ni Yuuji. Biglang nabaling ang
tingin niya sa nagtatakang mukha nito.

Bigla siyang napangiti nang may maisip siyang ideya at bahagyang inilapit ang
mukha rito. "Yuuji."

Kumunot ang noo nito. "Bakit?"

"Nakikita mo ang lalaking iyon?" nguso niya kay Ace.

Sinundan naman ito ng tingin ni Yuuji. "O bakit? Crush mo?"

"Oo ay hindi. Ano ba? Hindi yun. Basta, tulungan mo naman ako. Alam kong kaya mong
malaman kung saan siya pupunta at kung kanino niya ibibigay iyang binibili niya
hindi ba? Sige na itanong mo naman," aniya rito.

Tumitig sa kanya si Yuuji. "Bakit?" naghihinalang tanong nito.

Bigla siyang nailang sa paraan ng pagkakatingin nito. "Trabaho 'to. Sige na


magkaibigan naman tayo hindi ba?" nakangiti nang sabi niya rito.

"Bakit hindi ikaw ang magtanong? Ikaw ang reporter," sabi pa nito.

E kasi baka halikan niya 'ko.    Pero siyempre hindi niya sasabihin iyon. Ayaw mo
ba? Marahas siyang umiling para pawiin ang buwisit na bulong na iyon mula sa kung
saang parte ng utak niya. bumaling na lang siya kay Yuuji.    "Sige na naman
Yuuji," pangungumbinsi niya rito.

Napailing ito at bahagyang tumawa. "Pasalamat ka hindi kita matanggihan. Sige na


nga. Baka magka boyfriend ka na kapag ginawa ko ito," anito at tumayo na.
Napangiwi na lang siya sa sinabi nito at hindi nagkomento.Sinundan niya ng tingin
si Yuuji na lumapit na kay Ace. May tiwala siyang magagawang makuha ni Yuuji ang
impormasyong kailangan niya. Yuuji is a smooth talker. At mukhang tama siya dahil
nakikipag-usap na rito si Ace. Maya-maya pa ay inabot na ni Ace ang naka-box na
cake na binili nito at mukhang nagpaalam na kay Yuuji. Bahagya siyang tumagilid
patalikod sa mga ito. Mahirap na baka bigla siya nitong makita.

"Nakaalis na siya," pukaw ni Yuuji sa kanya na muling umupo sa silyang nasa harap
niya.

Mabilis siyang umayos ng upo at tumingin dito. "Anong sabi?"

Ngumisi ito. "Ang sabi niya ibibigay niya raw sa pinakaespesyal na babae sa buhay
niya ang cake na binili niya. Susunduin niya raw ang babaeng iyon sa airport
ngayon. Looks like he knows that woman back in the States pa."

Saglit siyang hindi nakahuma. Kung ganoon ay may kasintahan naman pala si Ace. At
kaya wala silang makalap na impormasyon tungkol doon ay dahil nakilala nito ang
babaeng iyon noon pa mang nasa ibang bansa ito. Somehow, she felt a little...

"You look disappointed Coffee."

Awtomatiko siyang napatingin sa mukha ni Yuuji nang sabihin nito iyon. May bakas ng
panunudyo ang ngiti nito.

Eksaherado siyang tumawa at bahagya pang tinapik ang braso nito. "Hindi no. Ano ba?
Pero naku-curious ako sa kung ano ang itsura ng babaeng iyon. Magandang scoop din
yan dahil bihira lang may lumabas na balita tungkol sa personal na buhay ni Ace."

Tumingin sa kanya si Yuuji na tila sinisiguro kung totoo ang sinasabi niya bago
nagkibit balikat. "If you really want to know, why don't you follow him? Trabaho mo
iyon hindi ba?"

"Oo nga no? Ang galing mo talaga Yuuji. Sige mauna na ako sa iyo," sabi niya at
mabilis ng tumayo.

Nang makalabas siya ng Sweet Fantasy ay natanaw niya pa ang sasakyan ni Ace na
paalis ng parking lot. Saglit siyang nagtago bago maingat na lumapit sa kanyang
segunda manong mazda at pumasok roon. Muli niyang tinanaw ang sasakyan ni Ace
kasabay ng pagbuhay ng makina ng sasakyan niya.

"Huwag mo akong ititirik ngayon ha," kausap niya sa sasakyan niya na madalas
siyang itirik. Hindi pwede iyon ngayon dahil bihira ang pagkakataong may malaman
siya tungkol sa napakamisteryosong buhay ni Ace sa Amerika. Saglit pa ay nakasunod
na siya sa kotse nito.
Part 9
               

NAKAHINGA ng maluwag si Coffee nang sa wakas ay makarating na siya sa airport.


Nagpark siya sa may kalayuan sa pinarkan ni Ace ngunit natatanaw niya pa rin ito.
At base naman sa kilos nito ay mukhang hindi naman nito napansin na sinusundan niya
ito. Pinatay niya ang makina ng sasakyan niya at mabilis na hinablot ang kanyang
disguise coat sa back seat at isinuot iyon. Pagkuwa'y isinuot naman niya ang
kanyang    ever so reliable na sombrero at ang kanyang malaking shades. Tiningnan
niya ang sarili sa rearview mirror. Nang makitang mukha na siyang hindi makikilala
ay binitbit na niya ang shoulder bag niya at lumabas ng sasakyan.

ANO kayang itsura ng girlfriend niya? Siguradong napakagandang babae niya knowing
Ace na parang walang interes sa mga babae dito sa pilipinas. Hindi iyon maiwasang
maisip ni Coffee habang naglalakad ilang metro ang layo mula kay Ace na deretso
lamang sa paglalakad. Ni hindi ito lumilingon sa ibang direksiyon. And in fairness
to Ace, mukhang magaling itong mag-disguise dahil tila wala namang nakakapansin
rito. Masyado lang siguro talagang matalas ang paningin niya kaya napansin niya ito
kaagad.

"No! Ayoko ng makinig sa iyo. Just leave me alone!" malakas na sigaw ng isang babae
na biglang nagpalingon sa kanya. Napahinto siya sa paglakad at napatingin sa isang
bahagi ng airport kung saan may ilang mga taong tila may tinitingnan. May ilang mga
taong naglalakad din sa panig niya ang napahinto at napatingin doon.

"Tiffany! Narinig mo ba lahat? As in hanggang sa dulo ng usapan namin?" tanong ng


isang boses na pamilyar sa kanya.

Teka, si Tiffany ba iyon at si... Andrew? Bahagya niyang pinaningkit ang mga mata
at pilit tinanaw ang nagtatalong iyon. Humakbang siya palapit sa pinagkukumpulan ng
mga tao. Nanlaki ang mga mata niya nang makumpirmang si Tiffany Del Valle nga iyon
at ang kuya ni Mandy na si Andrew.

"No, hindi ko na kailangang gawin iyon. Ayoko nang marinig pa ang iba mo pang
sasabihin!" muling sigaw ni Tiffany na tinatangkang makawala sa pagkakahawak ni
Andrew.

Nabuhay ang curiousity niya. Nakapagtatakang nagtatalo ang mga ito ngayon.
Samantalang nang huli niyang makita ang mga ito ay halatang mahal ng mga ito ang
isa't isa. Lalo na si Andrew na bumisita pa sa shoot ni Tiffany para sa Young and
Free. Nagselos pa nga ito sa modelong kapareha ni Tiffany. At base naman sa kwento
sa kanya ni Mandy ay mukhang ayos naman na ang mga ito. Ah, isang malaking kabiguan
para sa isang reporter na gaya niya ang hindi makasunod sa balitang gaya niyon.

Puro kasi si Ace ang nasa isip mo. Nang maisip iyon at bigla siyang natauhan. Oo
nga pala, sinusundan niya si Ace! Inalis niya ang tingin kina Tiffany kahit kating-
kati siyang makinig sa usapan ng mga ito at iginala ang paningin sa paligid. Hindi
na niya makita si Ace!

Tarantang lumakad siya patungo sa direksiyon kung saan niya huling nakitang papunta
si Ace. Nakahinga siya ng maluwag nang makitang nakatayo ito sa di kalayuan.
Nakatingin rin ito sa panig kung saan naroon si Tiffany at Andrew. Pagkuwa'y muli
itong tumingin sa mga taong lumalabas ng arrival area.

At least alam kong nandiyan ka lang. She sighed with relief. Muli siyang sumulyap
kina Tiffany na mukhang naguusap na ng maayos. Gusto niya talagang marinig ang
usapan ng mga ito ng malapitan. Pero baka kasi bigla ring dumating ang girlfriend
ni Ace at hindi siya magkaroon ng pagkakataong makita ito. Muli niyang tiningnan si
Ace. Tumitingin na ito sa wristwatch nito. Ah, hindi naman siguro ito aalis doon.
Sa naisip ay mabilis siyang lumakad palapit kina Tiffany.

Nang makalapit siya ay nakangiti na si Tiffany. May hawak itong isang malaking
papel na mukhang blue print ng isang bahay.    "It's beautiful. Bakit ang daming
kuwarto? Sabi ko tatlo lang," sabi pa nito na palipat-lipat ang tingin sa blue
print at kay Andrew.

Ngumisi ang lalaki. "I am planning to give you a lot of kids you know. I want you
to have a very warm and noisy household. That is if you'll marry me."

Tumawa si Tiffany at niyakap si Andrew ng mahigpit. "Of course I will."

Napangiti si Coffee at mabilis na hinugot ang cellphone niya. Dina-ial niya ang
number ni Mandy. Dapat malaman ng best friend niya ang development na ito para
masabi na nito sa mga magulang ng mga ito na natupad na ang kahilingan ng mga ito
na lumagay na sa tahimik ang panganay na anak ng mga ito.

"Hello? Mandy? Yes, mukhang may iuuwi ng babae si Andrew sa parents mo. Matutuwa
sila," masayang balita niya rito.

"Talaga?! Nagkasundo na sila? Yes!" tili ni Mandy sa kabilang linya. Napangiti


siya. Ni hindi na siya nagtakang alam nitong nagkakatampuhan sina Tiffany at
Andrew. Katulad niya ay may kakaibang katangian din ang kaibigan niya kung paano
kakalap ng chismis.

"Anong ginagawa mo rito kape ka?" biglang pukaw ni Andrew sa kaniya.

Lumingon at napangisi nang makitang nakatingin na ang mga ito sa kanya. Iyon na
talaga ang tawag sa kanya ni Andrew noon pa man, lalo na kapag naiirita ito sa
kanya. "Napadaan lang. Sige lang ituloy niyo lang iyan bago mabitin ang mga
nanonood sa inyo," pilyang sabi niya at tumalikod na sa mga ito.

"My God, teka tatawagan ko na sina mommy!" excited pa ring sabi ni Mandy pagkuwa'y
pinutol na ang tawag.

Ngingiti-ngiti pa ring sinulyapan niya si Ace. Mabilis ngunit maingat siyang


humakbang palapit dito. Ilang pulgada na lang ang layo niya mula rito nang bigla
itong lumingon sa panig niya. Bahagyang nanlaki ang mga mata niya nang masalubong
ang mga mata nito. Tumagilid siya at nagkunwang may hinihintay. Imposible namang
makilala siya nito dahil naka-disguise siya.

Makalipas ang ilang minuto ay pasimple niya itong sinulyapang muli. Napasinghap
siya nang makitang naglalakad na ito palapit sa kanya. Nakatutok ang mga mata nito
sa kanya at bahagyang salubong ang mga kilay. Bigla siyang nataranta. Diyata't
nakilala siya nito?

Kasabay ng pag-atras niya nang malapit na ito ay ang paghablot nito sa braso niya.
"Sinasabi ko na nga ba at sinusundan mo na naman ako. May pa disguise disguise ka
pang nalalaman halata namang ikaw iyan," sabi nito. Napangiwi siya. Hinahanda na
niya ang sarili niya sa galit nito at tumingin rito.

Tila may sasabihin pa itong kung ano nang bigla itong matigilan. Pagkuwa'y nawala
ang pagkakakunot ng noo nito at tila may naisip na kung ano. hindi nito inalis ang
pagkakatitig sa kanya.

"B-bakit ganyan ka makatingin?" kabadong tanong niya. Para kasing lumalapit ang
mukha nito sa kanya.

Tumaas ang sulok ng mga labi mo. "You came at the right time. You want to know all
the answers to your questions right? Off the record?"

Nagtaka man sa biglang pagiiba ng tono nito ay tumango siya.

"Great," sabi nito at bigla siya nitong hinawakan sa kamay at hinatak palapit sa
kanina ay kinatatayuan nito. "You came at the right time."

"Teka, anong ibig mong sabihin diyan?" tarantang tanong niya. Bakit ba kasi bigla
nitong hinawakan ang kamay niya nang walang pasabi? Nagitla tuloy siya sa biglang
tila kuryenteng naramdaman niya nang hawakan nito ang kamay niya.

"If you want to get the information you want, you need to work for it," simpleng
sabi nito at luminga linga sa panig kung saan lalabas ang mga pasahero. Ni hindi
ito nagtangkang bitawan ang kamay niya.
"P-paano?"

Niyuko siya nito. "Oh simple. Just act as my girlfriend."

Manghang natitig siya rito. Anong parte ng sinabi nito ang simple?! Isa pa, hindi
ba kasintahan nito ang hinihintay nito roon? isasatinig pa lamang niya ang mga iyon
nang makarinig siya nang boses babae na may American accent.

"Ace!"

Sabay pa silang napalingon ng binata sa may ari ng boses na iyon. lalo siyang
natameme nang makita ang babaeng patakbong lumapit sa kanila at mahigpit na yumakap
kay Ace.
zzzzzzzzzzzzzzzzzzzz==========zzzzzzzzzzzzzzzzzzz
Part 10
               

"MY, MY, you're still gorgeous as ever my boy," masayang sabi ng may edad na
babaeng yumakap kay Ace. Bahagya pa nitong tinapik-tapik ang likod ng binata na
parang isang bata.

Marahan itong inilayo ni Ace sa katawan nito at masuyong nginitian. "And you still
look as beautiful as the last time I saw you Aunt Lucia."

Tumawa ang babae. "Oh, you're still good in flattery," she said with a loving look
on her face.

Maang na nakatingin lamang si Coffee sa mga ito. Kung ganoon, ang espesyal na
babaeng tinutukoy ni Ace ay hindi kasintahan kung hindi ang tiyahin nito? Mali na
naman siya! but why does he need a girlfriend?

"Oh, Ace, you brought your girlfriend! I am really surprised! Hello hija, I am
Ace's aunt," anito at sa pagkamangha niya ay bigla pa siyang niyakap ng mahigpit.

Lalo siyang nawindang. Girlfriend niya talaga ako?! Awtomatiko siyang napatingin
kay Ace na nakatitig na naman sa kanya. Bahagya pa itong tumango na waring
sinasabing makisakay na lang siya. She made a note to get an explanation from him
later.

Kumalas sa kanya si Aunt Lucia at nagniningning ang mga matang tumingin sa kanya.
"Oh, my you are so beautiful hija. What's your name?"

Alanganin siyang ngumiti. "Coffee."

"Coffee! What a cute name! And you really wore a disguise to match his disguise.
How sweet," putol nito sa sasabihin niya pa. Pagkuwa'y tumingin kay Ace. "Oh Ace I
am so happy. I am really worried about you you know. But I am okay now since you
got yourself a girlfriend already. That means there is someone taking care of you
here already."

Tipid na ngumiti si Ace at inakbayan ang tiyahin. "That's why I told you not to
worry too much about me Auntie. Let's go, I know you are tired," malambing na sabi
nito sa tiyahin nito.

Saglit siyang napatitig sa mukha ni Ace. He has that soft expression on his face na
noon niya lang nakita. And it suits him better than his cool demeanor in the
modeling world.
Bahagya siyang napaigtad nang masalubong niya ang mga mata ni Ace. Ngumiti ito sa
kanya. "Ano pang ginagawa mo? Let's go honey," anitong muling hinawakan ang kamay
niya at inakay na rin siya. Hindi siya makapagreklamo dahil nakangiting nagmamasid
sa kanila ang tiyahin nito. Ang hula niya ay    pinepressure nito si Ace na
magkanobya na. kaya siguro sinabi nito kaninang right timing siya.

And he called her honey. It was the first time someone called her honey. At bakit
ang ganda sa pandinig na dito nanggaling iyon?

Ngunit kahit alam niyang umaarte lamang si Ace sa harap ng tiyahin nito ay hindi
niya pa rin maiwasang makaramdam ng kakaiba. Naglalakad na sila palabas ng airport
nang hindi nakatiis na pasimple niya itong tiningala. Hindi ito tumingin sa kanya
ngunti naramdaman naman niya ang marahang pagpisil nito sa kamay niya.

Hindi niya alam kung banta ba iyon o assurance. Isa lang ang sigurado niya, ang
sarap sa pakiramdam.

NAPAMAANG si Coffee habang nakatitig sa mga pagkaing walang kahirap-hirap na


inihain ni Ace sa dining table nito. Nang sabihin ni Aunt Lucia habang nasa biyahe
sila na nagugutom na ito at excited na itong kumain ay inakala niyang dadalhin sila
ni Ace sa isang mamahaling restaurant. Sa halip ay dumeretso sila sa Condominium
Unit nito at naghain ng mga pagkain na ayon sa tiyahin nito ay ito mismo ang
nagluto.

"Oh, I really miss your cooking Ace. Especially this steak," nakangiting sabi ni
Aunt Lucia pagkatapos sumubo ng steak.

Ngumiti si Ace habang nakatingin sa babae. "I know you would say that."

Napatitig si Coffee sa nakangiting mukha ni Ace. His smile is full of affection and
love. Iyon ang unang pagkakataon na nakitaan niya ito ng ganoong ekspresyon.

"O hija, why are you not eating? Nagsasawa ka na ba sa luto ni Ace? I bet he's
always cooking for you," pukaw sa kanya ni Aunt Lucia.

Napakurap siya at bumaling dito. Pilit siyang ngumiti. "Of course not Auntie."
Pagkuwa'y sumubo na siya. Natigilan siya ng malasahan iyon. It was delicious.
"Hmm... sarap!" manghang bulalas niya.

Tumawa ang may edad na babae. "The way you say it sounds like it's your first time
eating something he made. That's how great cook you are hijo. At least ngayon hindi
lang ako at ang sarili mo ang pinagluluto mo hindi ba?" sabi pa nito.

Muli siyang napatingin kay Ace. Nakatingin lamang ito sa kanya na para bang noon
lamang siya nito nakita. Malawak niya itong nginitian at binigyan ng thumbs up.
"Sarap talaga, grabe," puri niya rito.

She saw his lips twist. Pagkuwa'y malawak itong ngumiti. Hindi siya nakahuma.
Because she suddenly realized, that it was the first true smile he gave her since
the first time they met. And it was the first time that her heart felt warm just
with a single smile. Gumanti siya ng ngiti. There's really more to you than meets
the eye Ace Ricafort.

Napagana tuloy siya ng kain.

ACE could not help himself from staring at Coffee. Magana itong kumakain ng niluto
niya. at halata sa mukha nitong sarap na sarap ito. that's one of the things he
really noticed about her. He could easily read what she thinks and feels on her
facial expression. Hindi katulad ng ibang babaeng nakasalamuha niya, kasama na ang
kanyang ina, na iba ang tunay na naloloob sa sinasabi at pinapakita. And despite
her being nosy, she is really honest. Even his Aunt Lucia seems to like her so
much. At alam niya na hindi lamang iyon dahil ipinakilala niya ito bilang
kasintahan niya.

Dahil noong nasa amerika siya ay sinubukan na rin niyang magpakilala rito ng
girlfriend. But she never liked any of them. Si coffee lamang ang nag-iisang
babaeng pinakitaan nito ng ganoong pagkaaliw. Kung sabagay, kahit naman siya, kahit
anong pagtanggi ang gawin niya sa sarili niya ay hindi maiwasang maaliw dito.

She just has that charm not everyone has. A charm that made her one of the most
well known showbiz reporter in the industry.

Pinigilan niya ang matawa nang isubo nito ang malaking hiwa ng steak. Umungol pa
ito na para bang iyon ang pinakamasarap na pagkaing natikman niya sa buong buhay
niya.

Iyon ang unang pagkakataon na may pumuri sa kanya tungkol sa isang bagay maliban sa
itsura niya.    Then again, iyon din naman ang unang pagkakataon na may nakaalam ng
ibang bahagi ng buhay niya maliban sa pagmomodelo. And he feels so satisfied that
it was Coffee who was tasting the food he cooked.

Tumingin ito sa kanya at malawak na ngumiti. It was the warmest smile he had ever
seen in his life.

There is really a lot more to you than I think Coffee. And he was thankful they are
on the dining table or else he could have hugged her because of that smile.

He doesn't even have any right to do that in the first place. But at that moment,
that was what he wanted to do.
Part 11
               

"COME visit me in the States with Ace next time hija. Our apartment is not as big
as this unit but you are welcome there," nakangiting alok kay Coffee ni Aunt Lucia
kasabay ng paggagap nito sa mga kamay niya. "I really like you Coffee. I feel like
I can tell you everything since you are very special to Ace. I feel like you will
surely understand and love him," sabi pa nito.

Natouch naman siya. Sa totoo lang ay gustong gusto niya rin si Aunt Lucia.
Makuwento ito at palangiti. Bigla tuloy siyang nakonsiyensya. Niloloko lang naman
kasi niya ito dahil wala naman talagang namamagitan sa kanila ni Ace. But it is too
late to back out now. Besides, she really wants to know more about Ace.

Kaya naman ng ayain siya nito sa sala upang magkuwentuhan ay hindi na siya
tumanggi. Nakikinig lamang siya rito habang nagkukuwento ng tungkol sa ginagawa
nito sa amerika. Ngunit nang biglang nagpaalam si Ace dahil may tumatawag rito ay
bigla itong nagpalit ng topic. Nagsimula itong magkuwento nang tungkol kay Ace.
Sinamantala nito ang pagkakataon na nasa loob ng kuwarto si Ace at may kausap sa
telepono na malamang ay si tita Sally.

She was amazed to know what Ace was like when he was in the States. Nalaman niya na
may pagkabasagulero daw pala si Ace noong nasa amerika pa ito. Palagi raw itong
napapaaway. Madalas raw ay kapag may tumawag sa bahay ng mga ito ng dis oras ng
gabi ay kinakabahan na siya. Dalawa lang daw kasi ang maaaring tumatawag rito. It's
either a police station or a hospital. Ganoon daw kadalas mapaaway si Ace noon.

"I can't believe that he is that wild when he was young. Because here, he is known
for being cool and collected," manghang komento niya.
Biglang lumungkot ang ngiti nito. Pagkuwa'y napabuntong hininga. "There are times
that I really cannot blame him for being rebellious hija."

Natigilan siya. "D-does it has something to do with his.... mother?" alanganing


tanong niya.

Napatingin ito sa kanya at tipid na ngumiti. "So he told you about her huh? That
means you're really important to him."

Alanganin siyang ngumiti. Binabagbag na talaga siya ng kanyang konsiyensya. Hindi


naman kasi totoo ang inaakala ni Aunt Lucia na namamagitan sa kanila ni Ace. But
then, there's a part of her that wonders how it feels like to be someone really
special to Ace. Someone he would cook for and talk secrets with. May pakiramdam
siya na si Ace ang tipo ng taong hindi basta basta nagpapasok ng kung sino sa mundo
nito. At hindi ito basta basta nagsasabi ng tungkol sa sarili nito.

Naipilig niya ang ulo niya. Hindi siya dapat nagiisip ng kung anu-anong bagay.
"Actually wala ho siyang sinasabi. Aksidente lang ho na nalaman ko ang tungkol sa
mama niya," sagot niya.

Muli itong bumuntong hininga. Pagkuwa'y nilingon nito ang silid kung nasaan si Ace
bago muling humarap sa kanya. "You see hija, Ace and I, we are not really blood
related. I just met his mother in the states. Nang mga panahong iyon ay napansin ko
nang buntis si Carmela. She was just sixteen then you know. At mukhang palagi
siyang problemado. And since she will be a young mother I symphatize her. Kaya nang
manganak siya ay inalalayan ko siya. Then one day, sinabi niya sa akin na ako muna
ang mag-alaga sa anak niya dahil may kailangan siyang puntahan. I agreed since I
really adored her baby. But she never came back."

Awtomatiko siyang napatingin sa nakapinid na pinto ng silid kung nasaan si Ace.


Muli siyang nakaramdam ng awa para dito. Mas lalo niya itong hindi masisi kung
bakit galit ito sa ina nito. Anyone would feel that way if your own mother
abandoned you. "It must have been hard for him," mahinang komento niya.

"No, actually hija, mas maayos ang lagay niya noong hindi niya pa alam ang tungkol
sa kanyang ina. He used to be a normal boy," sabi ni Aunt Lucia na muling
nagpabalik ng tingin niya rito.

"What do you mean auntie?" takang tanong niya.

Muli itong bumuntong hininga. "Actually, he started to be rebellious when she


showed up in our door step when he was fourteen years old."

Napakunot noo siya. "Why?"

Bago pa nito masagot ang tanong niya ay narinig niya ang pagbukas ng pinto ng silid
ni Ace. Sabay silang napatingin ni Aunt Lucia roon nang lumabas mula roon si Ace.
Bigla na naman siyang nakaramdam ng guilt sa paguusyoso niya sa buhay nito.

"That was a long talk hijo," bati rito ng tiyahin nito.

Lumakad muna ito palapit sa kanila at umupo sa one seater couch nito bago
nagsalita. "Yeah, it was my handler. Something about work. Pinapapunta niya ako sa
Timeless bukas. Mukhang marami rin kayong pinaguusapan," puna nito at bumaling sa
kanya.

Alanganin siyang ngumiti sa paraan ng pagkakatingin nito sa kanya. Hindi naman ito
mukhang galit. Pero hindi niya rin masiguro kung natutuwa ito. O baka naman
pinipigilan lang nito ang galit nito dahil kaharap nito ang tiyahin nito?
Napalingon siya kay Aunt Lucia nang tumayo ito. "I suddenly felt sleepy," anitong
naghikab pa.

Tumingin si Ace sa wristwatch nito. "That's because it's already twelve midnight,"
kaswal na sabi nito.

Nanlaki ang mga mata niya. "It's already twelve!" aniya. Ni hindi niya namalayan
ginabi na pala siya roon. O mas tamang sabihing inumaga.

"Oh. It's already this late? That's why I'm so sleepy. Coffee, you are going to
stay for the night right? Don't mind me I'm open to this kinds of things," sabi ni
Aunt Lucia na kumindat pa sa kanya.

Hindi niya naiwasan ang pag-iinit ng mukha niya sa implikasyon ng sinabi nito.
Hindi tuloy niya magawang tumingin kay Ace na nararamdaman niyang nakatingin sa
kanya. Alanganin siyang ngumiti sa may edad na babae. "Don't worry about me auntie.
I need to go home. May mga trabaho akong kailangang gawin eh," tanggi niya.

                    "But it's already late hija. Come on, just stay for a night.
Para makakasabay pa kita sa umaga. I still have a lot of things to tell you. Don't
worry, hindi ko kayo iistorbohin ni Ace," giit pa nito na may pilyang ngiti sa mga
labi.

                    Magdadahilan pa sana siya nang makita niya sa gilid ng kanyang


mga mata ang pagtayo ni Ace. "Ihahatid na kita sa kuwarto mo Aunt Lucia."

                    Maang na natingala niya si Ace. Payag itong magpalipas siya ng


gabi doon? Nagpatiuna na si Aunt Lucia sa paglakad. Pasunod na rito si Ace nang
hindi niya napigilang hawakan ang laylayan ng t-shirt nito. Niyuko siya nito.
Naumid ang dila niya nang makita ang seryosong ekspresyon sa mukha nito. "Wait
here," sabi nito.

                    AT ano ang ibig sabihin nito sa pagsasabi nito niyon? Na doon


siya matutulog? Bigla siyang nataranta. Hindi niya alam kung bakit pero bigla
siyang ninerbiyos nang maisip na matutulog sila ng magkasama.

                    Besides, hindi naman talaga siya nito girlfriend kaya hindi


iyon tama! Ah, ang mabuti pa ay umalis na siya habang nasa loob pa ito ng silid ni
Aunt Lucia. Para wala nang paliwanagan pa.

Sa naisip ay napatingin siya sa pinto ng unit nito. Pagkuwa'y mabilis ngunit


maingat siyang humakbang palapit sa pinto. Hawak na niya ang doorknob nang
mapaigtad siya nang may kamay na pumigil sa kamay niyang may hawak niyon. Pagkuwa'y
may isang kamay na lumapat sa pinto na malapit sa mukha niya. Then she felt the
presense of a body behind her. It was too close she could actually smell that
familiar woodsy scent that Ace uses.

"And what do you think your doing?"    mahinang usal ni Ace malapit sa tainga niya.

Nakaramdam siya ng kakaibang kilabot nang maramdaman niya ang hininga nito sa
tainga niya. Mariin siyang napapikit upang itaboy ang pakiramdam na iyon. Ano bang
nangyayari sa akin?!
Part 12
               

"SO? WHAT do you think your doing?" pukaw sa kanya ni Ace na tila walang balak
umalis sa puwesto nito sa likuran niya. Bigla tuloy siyang nakaramdam ng kaba.
Hindi niya alam kung natatakot ba siya rito o kung ano man. Basta, mabilis ang
tibok ng puso niya sa hindi niya maipaliwanag na dahilan.

"U-uuwi na," mahinang sagot niya.

"Without telling me? At alam mo naman siguro kung anong oras na.There is no way I
would let you go at this time. Baka nakakalimutan mong babae ka at maraming
masasamang loob sa paligid," anito sa tonong nanenermon.

Bigla siyang natigilan. Tama ba ang pakahulugan niya sa sinasabi nito? Concerned
ito sa kanya? Parang lalo yatang nagrigodon ang dibdib niya sa naisip niyang iyon.

Huminga siya ng malalim.    "May kailangan kasi akong tapusing article nawala sa
isip ko. Bukas na nga pala ang deadline 'non. Kaya uuwi na ako. Salamat nga pala sa
pagkain. Ang sarap grabe. So, babye," palusot niya at muling tinangkang galawin ang
doorknob. Ngunit humigpit din naman ang hawak nito sa kamay niya.

Awtomatiko niyang nabawi ang kamay nang tila may kuryente siyang naramdaman nang
higpitan nito ang hawak sa kamay niya. Bigla siyang nalito sa sensasyong iyon.
"Ah... babye na," muling sabi niya.

Ilang segundo ang lumipas bago ito nagsalita. "Huwag nang matigas ang ulo mo
Coffee. Madaling araw na. Come on," sabi nito at ipinihit siya paharap dito.

Bahagya pa siyang nabungo sa katawan nito. noon niya lang napagtanto kung gaano
sila kalapit sa isa't isa. Awtomatiko siyang nagangat ng tingin. Nasalubong niya
ang mga mata nito. And somehow, there's that weird expression on his eyes again.
Katulad ng nakikita niyang ekspresyon nito kapag bigla na lamang itong mapapatitig
sa kanya. That expression that always makes her heart beat abnormally. "Ace," usal
niya. Ni hindi niya alam kung bakit niya ito tinawag.

Parang may hinahanap siya. Parang may gusto siyang sabihin dito. Parang may gusto
siyang hingin na hindi niya mawari kung ano.

At ito naman ay nanatiling nakatitig sa mga mata niya. Pagkuwa'y bumaba ang mga
mata nito. Nahigit niya ang hininga ngunit hindi siya tuminag. She heard him cursed
silently then without any warning, bent his head and kissed her.

It was soft, as if he was just testing waters. Ngunit sapat na iyon upang tumayo
ang mga balahibo niya. It was different from that moment when her lips accidentally
bumped into his. It was much better. And she did her best to respond to him.
Hanggang sa maramdaman niya ang paghawak nito sa braso niya. Marahan siya nitong
isinandal sa pinto nang hindi inaalis ang pagkakalapat sa mga labi niya. she was
about to put her arms around him when he stopped.

Hinihingal na lumayo ito sa kanya. Lutang pa ring napatingin siya sa mukha nito, He
seems to be in pain.    Pagkuwa'y tila frustrated na hinawi nito ang buhok nito at
tuluyang lumayo sa kanya. Nanatili siyang nakasandal sa pinto.

"It's already midnight and you don't even have your car. Despite what you think of
me I'm still considerate enough to not let a woman go out at this hour. Delikado
ang panahon ngayon. Bukas ka na umuwi," mahabang sabi nito pagkalipas ng ilang
sigundo.

Sa sinabi nito ay noon niya lang naalala ang kotse niya. "Ah! Ang kotse ko naiwan
ko sa airport!" tarantang sabi niya. Tumingin siya kay Ace na manghang nakatingin
lang sa kanya.    "Kawawa naman yun doon! Ace puntahan natin yung kotse ko!"
pakiusap niya rito.

Saglit itong nanatiling hindi umiimik na nakatingin sa kanya. Pagkuwa'y namangha


siya ng bigla itong tumawa. Tawa ito ng tawa sa hindi niya malamang dahilan.
Napakunot noo siya. "Bakit ka tumatawa?"

Tatawa-tawa pa rin ito ng magsalita. "Nothing. Anyways, madaling araw na. kapag
maliwang na doon na lang natin kunin ang sasakyan mo," simpleng sabi nito.

"Hindi pwede! Kahit ganoon iyon mahal ko iyon. Ace sige na, sasamahan mo naman ako
hindi ba?" giit niya at hinawakan pa ito sa braso at bahagyang niyugyog.

Muli itong napatitig sa kanya bago bumuntong hininga. "Fine. Tara kunin natin ang
kotse mo nang matahimik ka na," sabi nito.

Nakahinga siya ng maluwag. "Thank you Ace!"

Muli itong natawa at tinapik ang pinsgi niya. "Ang galing mo talaga sobra," komento
nito.

"Ha?" takang tanong niya. Parang hindi niya nakuha ang sinabi nito.

"Nothing. Let's go."

ACE glanced at Coffee for the nth time. Nakaupo ito sa passenger's seat ng kotse
niya at tila hindi mapakali habang nakatingin sa labas ng bintana. Kung saan kung
tutuusin ay wala naman talaga itong makikitang kakaiba dahil halos wala ng sasakyan
sa kalsada. Paanong hindi, ala una na ng madaling araw at papunta sila sa airport
upang kunin ang sasakyan nitong sa pagsunod nito sa kanya ay nakalimutan nito ang
sarili nitong sasakyan.

Although it was partly his fault. Hinatak niya ito basta-basta at pinagkunwaring
kasintahan niya bago niya pa mapagisipan kung tama ba ang ginawa niya.
sinamantalaga niya na may gusto itong malamang impormasyon sa kanya. Nalaman kasi
niya kay Nicolo ilang oras bago niya sunduin si Aunt Lucia sa airport na ang tunay
na dahil nito sa pagdalaw sa kanya ay upang ihanap na siya ng kasintahan kung wala
pa siya niyon. And knowing her, siguradong hindi ito babalik ng amerika hanggat
hindi nito nasisiguro na may steady girlfriend siya.

It was a last minute decision on his part. Though he was sure he will not do
something as crazy as getting a pretend girlfriend if it wasn't Coffee he saw then.

Muli niyang itinutok ang tingin sa kalsada. Ngunit hindi rin siya nakatingin at
muli itong sinulyapan. He tried not to smile when he saw her biting her lower lip.
Mukhang napakaimportante nga rito ng kotse nito. And because of that car she seemed
to already forgotten that they were kissing a while ago.

At the moment that he doesn't know how to change the atmosphere between them, she
swiftly turned it back to normal by that honest reaction of hers. Biglang
nabalewala siya at ang halik niya dahil sa kotse. And he really found it funny. She
was funny.

"Ace wala ka na bang ibibilis magpatakbo?" biglang tanong nito.

He resisted a smile. "Fine," simpleng sagot niya at diniinan ang accelerator.


Nakita niya sa gilid ng mga mata niya na napakapit ito sa gilid ng pinto ngunit
hindi nagreklamo.

Ibang klase talaga ang babaeng ito.

Makalipas ang wala pang tatlumpung minuto ay nasa parking lot na sila ng NAIA.
Nagpaikot-ikot sila roon habang hinahanap nito ang kotse nito. "Ayun!" excited na
turo nito sa isang lumang modelo ng mitsubishi lantern.

Naipagpasalamat niya na na bakante ang space na nasa tabi niyon. Kumabiyo siya at
ipinark ang kotse niya roon. Pagkapatay niya ng makina ay mabilis na itong bumaba
ng kotse niya. Naiiling na bumaba rin siya.

"O bakit bumaba ka pa? Okay na ako bumalik ka na sa kotse mo at umuwi na," sabi pa
nito.

Napailing siya sa sinabi nito. it was just on impulse. He want to make sure she
will safely get in her car. Subalit wala siyang balak sabihin iyon dito. "Sumakay
ka na. ang dilim pa naman dito," sabi na lamang niya.

Tinitigan siya nito bago binuksan ang pinto ng driver's seat nito. Papasakay na ito
nang makarinig sila ng paparating na mga yabag. Napatingin siya kay Coffee.
pinigilan    niyang mapailing nang makitang nagliwanag ang mukha nito. at kahit
hindi nito sabhin ay sigurado siyang gumagana na naman ang pagiging usyusera nito.

"Sakay na," ulit niya. ngunit tulad ng inaasahan niya ay hindi ito nakinig sa
kanya. bagku's ay sumilip silip ito sa pinanggagalingan ng mga yabag. Pagkuwa'y
bigla siya nitong hinawakan sa braso at hinatak papasok sa kotse nito. "What the!"

"Shh!" saway nito sa kanya. Pinausog siya nito sa passenger's seat at umupo naman
ito sa driver's seat. Pagkatapos ay isinara nito ang pinto.

"What are you doing?!" manghang tanong niya.

"I know her!" sabi nitong sumilip silip sa bintana.

Napakunot noo siya at umusog palapit dito. Nakisilip na rin siya sa tinitingnan
nito. isang may edad na lalaki ang naglalakad. Nakaabriste rito ang isang sexy at
magandang babae habang may ilang unipormadong lalaki sa likuran ng mga ito.

He instantly recognized the old man. Sa pagkakaalam niya ay isa iyong politiko. And
the woman beside her is...

"That's Natalie Alonso! Socilite and a poltician's daughter. Oh my, so totoo ang
nakalap kong chismis na may karelasyon siyang DOM," sabi nito.

Napakunot noo siya. "Don't jump into conclusions," saway niya rito. kilala niya sa
pangalan si Natalie Alonso. Sa pagkakaalam niya ay sumali ito sa isang reality
show. At kung tama ang pagkakatanda niya at nakita niya ang pangalan nito sa
listahan ng mga modelong kasali sa bagong collection ng Bench na ipinakita sa kanya
ni tita Sally.

"I'm not jumping into conclusions," asik nito at marahas na lumingon sa kanya. He
heard her gasped. Their faces are only inches a part. But he didn't dare move.
Nanlaki ang mga mata nito habang nakatingin sa kanya. And based on the changing
expressions on her face, he was sure she suddenly remembered what happened on his
unit just almost an hour ago. He tried to suppress a smile.
Part 13
               

NAPALUNOK si Coffee habang nakatitig sa mukha ni Ace. Hindi niya alam kung
pagsisisihan niya o hindi na bigla siyang lumingon. Malay ba niyang lumapit pala
ito sa kanya at sa paglingon niya ay ilang pulgada lang ang magiging layo ng mukha
nila sa isa't-isa. Bigla niya tuloy naalala ang halik na pinagsaluhan nila kanina
sa tapat ng pinto ng unit nito. Bagay na nakalimutan na nga niya nang dahil sa
kotse niya, pero heto at bigla na naman niyang naalala.
At bakit ba hindi gumagalaw si Ace para lumayo sa kanya kahit kaunti lang? Bigla na
naman tuloy nagrigodon ang tibok ng puso niya. And despite the dim light, she was
sure there was a tiny smile on his lips,as if he was enjoying her discomfort.

Mabilis niyang ibinalik ang tingin sa bintana para mapalayo ang mukha niya rito
dahil mukhang wala itong balak na gawin iyon. Nakita niyang papasok na si Natalie
Alonso at ang politikong kasama nito sa isang itim na mercedez benz. At hindi lang
basta-basta ang politikong kasama nito – kung hindi isa rin sa malapit na kaibigan
ng ama nito.

Pumasok ang dalawa sa sasakyan ngunit nanatili sa labas ang mga bodyguard.
Pinaikutan ng mga ito ang sasakyan. Napakunot noo siya. "Hindi pa ba sila aalis?"
malakas na tanong niya.

"I wonder about that," biglang sabi ni Ace. Naramdaman niyang lumayo na ito sa
kanya.

Huminga siya ng malalim bago nilingon si Ace. Nakasandal na ito sa backrest ng


passenger's seat na parang pagod na pagod. Bigla naman siyang nakonsiyensiya.
"Sorry," she said.

Lumingon ito. "For what?"

"For dragging you in here. Alam ko pagod ka. Sige na umuwi ka na," aniya rito.

Hindi nito inalis ang tingin sa kanya. "As if I could still go. Hindi na ako
pwedeng lumabas hangga't hindi pa sila tapos sa ginagawa nila. Nagbabantay ang mga
guwardiya niya o," anito.

Napakunot noo siya. "Anong.. ginagawa?"

Umangat ang gilid ng mga labi nito. "Tingnan mo. Kakasabi mo lang na magkarelasyon
sila hindi ba?"

Muli niyang nilingon ang sasakyan na hindi pa rin umaalis. Nanlaki ang mga mata
niya nang makitang umuuga iyon. "Shit! They are..." ni hindi niya matapos ang gusto
niyang sabihin. Siya ang nahihiya para sa mga ito.

"You got it," tila balewalang sabi ni Ace.

"Pero... ano ba ang dami dami nilang pera hindi nila gawin yan sa hotel," hindi pa
rin makaget over na usal niya.

"Maybe that man came from an out of a country trip at hindi na niya kayang
maghintay hanggang sa makarating sila sa hotel. Inside the car is the very
convenient way."

Manghang muli niyang ibinalik ang tingin kay Ace. "At alam na alam mo talaga ha?"
komento niya,

Sinalubong nito ang tingin niya. "Do you want me to answer that?"

Inalis na lang niya ang tingin dito at sumandal na lamang rin. Tama ito, hindi sila
pwedeng    umalis doon hangga't hindi pa umaalis ang love birds na iyon. wala na
ring salitang namagitan sa kanila ni Ace.

Maya-maya lang ay umandar na ang mercedez benz. Nagkatinginan sila ni Ace. Muli
niyang sinilip ang sasakyan at ang kasunod nitong kotse na sa hula niya ay sasakyan
ng mga body guards nito.

"Uuwi na kaya sila?" hindi niya maiwasang itanong.

"Are you crazy of course not," sagot ni Ace na binuksan na ang pinto sa panig nito.

Tinignan niya ito. May ideya siyang naisip. Bababa na ito ng tumingin ito sa kanya.
kumunot ang noo nito. "Hey, don't even think of following them okay?"

Ngumiti siya. As if naman mapipigilan siya ng kahit na sino. Pagkakataon na niya


iyon. magandang scoop si Natalie Alonso. Not that she will write it right away.
Pero mabuti nang may nakatabi siyang ebidensya para sa future purposes niyon.

Nagsalubong ang kilay ni Ace. "Don't you dare woman. Didn't you see those body
guards? Hindi ka sasantuhin ng mga iyon kapag nahuli ka nila. Umuwi ka na at
matulog na lang. Umaga na," banta nito.

Napasimangot siya. "Bakit ba e trabaho ko ito?"

Lalong dumilim ang mukha nito. "I'm warning you Coffee. Kung hindi susundan kita
kahit saan ka magpunta masiguro ko lang na hindi ka pupunta sa lugar na mapapahamak
ka," seryosong sabi nito.

Hindi siya nakasagot. Naguguilty na nga siya na nagpahatid siya sa airport kahit
dapat ay nagpapahinga na ito. hindi na kaya ng konsiyensiya niya kung susundan pa
siya nito. nakikita niya kasi sa mukha nito na seryoso ito.

Bumuntong hininga siya. "Fine. Uuwi na nga eh," sumusukong sabi niya."

"That's not an act isn't it?" naghihinala pang sabi nito.

"Hindi no! Uuwi na nga ako eh. Uuwi na. Umuwi ka na rin baka hinahanap ka na ni
Aunt Lucia. Hindi tayo nagpaalam."

Saglit pa siyang tinitigan nito bago tumango. Tuluyan na itong lumabas at isinara
ang pinto. Sinundan muna niya ito ng tingin hanggang sa makapasok ito sa sasakyan
nito bago niya binuksan ang makita ng kotse niya.

Ang weird ni Ace. At unpredictable. Yet, there are instances like that time na
parang concerned ito sa kanya. She suddenly remembered the kiss they shared. Nag-
init na naman ang mukha niya.

Marahas siyang napailing at pinaandar ang kotse niya. Hindi    pa rin normal ang
tibok ng puso niya. Pati isip niya windang pa. Ergh, this is all that demon king's
fault! Ginugulo nito ang isip niya pati na ang damdamin niya! Dapat yata iwasan
niya munang mapalapit dito. Baka kasi tuluyan siyang mahulog dito at mahirapan na
siyang umahon. Alam kasi niya, na hindi siya ang tipong magugustuhan ni Ace ng
totoo. Kaya nga siya ang pinagpanggap nitong kasintahan hindi ba? Madalas kung sino
ang pinakamalabong magustuhan ng isang tao, iyon ang pinagpapanggap ng ganoon. At
no way siyang papayag na ma-heart broken.

Marahas siyang napabuntong hininga.


Part 14
               

HINIHINGAL pa si Coffee nang makarating sa venue ng photoshoot ng clothing line na


Bench. Maaga naman siyang nagising at kung tutuusin ay hindi naman traffic. Ang
kaso ay hindi iilang beses na naghingalo ang makita ng sasakyan niya kaya ang tagal
bago siya nakarating doon.
Marami nang tao ang naroon. Karamihan ay mga pamilyar na mukha sa kanya. Ang mga
modelo ay nakaayos na. Sa dami ng tao roon ay agad na huminto ang tingin niya sa
isang lalaking nakatalikod sa panig niya. Kausap nito si Emannuel Pelayo, isa ring
modelo.

Naka tight fitting jeans ang nakatalikod na lalaki at walang pang itaas. May kulay
pulang checkered na tela na nakapaikot sa mga braso nito. At kahit hindi ito
humarap, alam niya kung sino iyon. Si Ace.

Ilang araw na ba nang huli niya itong makita? Mag-iisang linggo na rin pala. Nang
maghiwalay sila sa airport ang huling beses na nakita niya ito. sinadya niyang
huwag magpakita rito. Alam niya kasi ang schedule nito. Nabobother na kasi siya sa
damdaming unti-unti niyang nararamdaman para dito. mabuti nang agapan iyon bago pa
mahuli ang lahat.

Ibinaling na lang niya ang paningin sa iba. Nahagip ng tingin niya ang isang
matangkad at mukhang amerikanang babae. Si Natalie Alonso. Naalala na naman niya
ang nasaksihan niya sa parking lot.

Napakunot noo siya nang mapansing may tinititigan ito sa kung saan. Sinundan niya
ang tinitingnan nito. Napataas ang kilay niya nang makita kung saan ito nakatingin.
Si Ace ba ang tinitingnan nito?

Tinapik ni Ace ang balikat ni Eman at umalis na. Awtomatiko siyang napatingin kay
Natalie na nagsimulang lumakad. Akala niya ay susundan nito si Ace. Ngunit himbis
na gawin iyon ay lumapit it okay Eman at matamis na ngumiti. At si Eman naman ay
gumanti ng ngiti at nagsimulang makipag-usap sa babae. Hmm... So si Eman pala ang
target mo ha. May karelasyon na nga itong iba ay mukhang balak pa rin nitong
humanap ng iba.

Dinukot niya ang mini notebook niya sa bag niya. Pinapalabas pa lamang ang reality
show kung saan kasali si Natalie ay inoobserbahan na niya ito. She feels that there
is something wrong with her. Sa telebisyon ay mukhang mabait, palakaibigan at
mahinhin si Natalie. Dahil doon ay iyon ang image nito sa madla. Pero ayon sa ilan
sa mga kasama nito sa palabas na iyon, maging ilan sa mga staff ng show na kakilala
niya ay maldita raw talaga si Natalie. May iba namang nagsabi ng may sugar daddy
daw ito. Ayaw lang magsalita ng hayagan ng mga nakausap niya dahil natatakot ang
mga itong masabihang naninira. May fan base na kasi si Natalie. At bilang isang
reporter, trabaho niyang siguruhin kung totoo ang mga narinig niya.

Palapit na siya sa mga ito nang makita niya si Darlyn. Nakatayo ito sa di kalayuan
at nakatingin sa mga ito. There was a troubled expression on her face. May ideyang
pumitik sa utak niya at maingat na lumapit dito.

"That's Natalie Alonso, a socialite. A politician's daughter. She joined a reality


show on television and now has numerous modeling projects. This is her first
clothing line endorsement," basa niya sa nakasulat sa mini notebook niya.

Mabilis itong lumingon sa kanya at napaatras pa nang tila makilala siya. "Coffee,
bigla bigla ka na lang nagsasalita," sabi nito.

Napangiti siya at tumingin dito. "Because I know you're asking yourself, 'who is
she?' Right? Sinagot ko lang ang tanong na nasa isip mo."

Kumunot ang noo nito. "Mind reader ka na rin ba ngayon Coffee?"

Natawa siya. Obvious na nga ito nag dedeny pa. "Naks, nagjo-joke ka na ngayon
Darlyn. But you see I have a different feeling sa babaeng iyan. Hindi ko pa nga
lang alam kung ano. But I will make sure I will know it. Anyways, I am more
interested on Natalie's relationship with Emmanuel Pelayo. May alam ka ba? Have
they been dating already? Kailan pa? Paano sila nagkakilala?" dere-deretsong tanong
niya rito.

Ngumiwi ito. "I don't know. Ngayon ko lang siya nakita. At bakit ako na naman ba
ang tinatanong mo?"

Ngumisi siya. bahagya niyang inilapit ang mukha rito. "Dahil sa lahat ng kilala ko,
ikaw ang pinakamalapit kay Eman. You're his childhood friend right?"

Sumimangot ito "I cannot say that we are like that," tanggi nito.

"But you've been living together since –" Napahinto siya sa pagsasalita nang sa
paglingon niya ay nasalubong niya ang tingin ni Ace. Pagkuwa'y nagsimula itong
lumakad patungo sa direksyon nila na hindi pa rin inaalis ang tingin sa kanya.
"Shit!"

"Bakit?" gulat na tanong ni Darlyn sa kanya.

Ngumiwi siya. "I saw a demon coming. Mauna na ako sa iyo ha. Kapag may nalaman ka
tungkol sa dalawang iyon sabihin mo sa akin ha. Hinaharass na rin ako ng editor ko
eh. Kailangan ko nang makapagpasa. Bye!" paalam niya at mabilis na tumalikod

Para siyang praning. Pero hindi pa niya kayang makita si Ace sa malapitan. Hindi pa
kaya ng puso niya. hindi pa nawawala ang munting damdaming nabuhay sa puso niya
dahil sa mga pag-aalala nito sa kanya at dahil sa halik nito.

Palabas na siya ng studio nang biglang may humablot sa braso niya. Kahit hindi siya
tumingin ay alam niyang si Ace iyon. Napasinghap siya nang bigla siya nitong
pihintin paharap dito.

"Why the hell are you running away this time?" anitong nakakunot noo.

"Ace! Ikaw pala iyan!" kunwa'y gulat na sabi niya. Alanganin siyang tumawa.

Lalong kumunot ang noo nito. "You know it was me. That's why you run away. Don't
tell me hindi ka nakinig sa akin ng nakaraan at itinuloy pa rin ang balak mo noon
kaya pinagtataguan mo ako?" anitong hindi pa rin inaalis ang pagkakahawak sa braso
niya.

So, aware pala ito sa ginagawa niyang pag-iwas rito. teka, bakit parang naiinis
ito? Hndi ba parang kailan lang ay gusto siya nitong itaboy? "B-bakit mo nga pala
ako hinabol?" tanong niya.

Tumingin ito sa kanya pagkuwa'y may inabot sa kanyang papel na noon niya lang
napansin na hawak pala nito sa isang kamay. "Aunt Lucia told me to give you this."

Takang inabot niya ang papel. "Kumusta na nga pala si Aunt Lucia?" tanong niya.

"She went back to the States yesterday. Gusto niyang ihatid mo siya sa airport but
I cant find you anywhere. Hindi ko rin alam kung paano ka kokontakin so I told her
you're in an out of town business. Pinabibigay niya yang address at phone number
namin sa states," mahabang sabi nito.

Bigla naman siyang nakaramdam ng panghihinayang na wala na ang matanda sa bansa.


Mabait naman kasi ito sa kanya. "Hindi ko man lang siya naihatid," aniya sa sarili.

"That's because you are being a coward," sabi nito.


Tiningala niya ito. Nakatingin lamang din ito sa kanya. Biglang naginit ang mukha
niya. Kung makatingin kasi ito sa kanya ay para bang alam na alam nito kung ano ang
iniisip at nararamdaman niya.

"Hindi ko alam ang sinasabi mo!" mabilis na sabi niya at tumalikod na rito. Patakbo
siyang lumabas ng studio upang kahit papaano ay kalmahin ang sarili. hindi pa siya
pwedeng umalis dahil hndi pa siya nakakapag interview.

Napahawak siya sa dibdib niya. Her heart is beating wildly. Kailangan niyang
kumalma. Ano ba! Kalma sabi e! Ang hirap utusan ng puso niya.
Part 15
               

ALAS SINGKO na ng hapon natapos ang shoot. Pagkatapos niyang mag-interview sa mga
personality na naroon ay dumeretso na siya sa parking lot. Wala na siyang iba pang
pupuntahan sa araw na iyon kaya uuwi na siya.

Nakapasok na siya sa loob ng kotse niya at handa na para umalis nang bigla siyang
matigilan. Ayaw magstart ng kotse niya! Muli niyang sinubukang i-start iyon pero
ayaw talaga. Umugong lang iyon pero hihinto rin agad.

Napaungol siya. Kaya pala kumakarag karag na ito kaninang papunta siya roon. Dapat
pala dineretso na niya iyon sa kasa kanina pa. "Pambihira naman," usal niya. Muli
niyang sinubukang paandarin iyon pero ayaw talaga. Hanggang sa sumuko na siya.
Iiling-iling na binitbit na lang niya ang mga gamit niya at lumabas. Pinaalalahanan
niya ang sarili na kailangan niyang tumawag ng towing company para madala iyon sa
kasa.

Naglalakad na siya palabas ng parking lot nang makarinig siya ng sunod-sunod na


busina sa likuran niya. Takang lumingon siya. Bigla na namang kumabog ang dibdib
niya nang makita ang sasakyan ni Ace. Huminto siya at hinintay na lumampas ito.
Ngunit huminto rin iyon sa gilid niya. Pagkuwa'y bumukas ang bintana ng passenger
seat niyon. Sumungaw si Ace.

"Why are you wandering around the parking lot?" biglang tanong ni Ace.

"I am not wandering around. Ayaw umandar ng kotse ko kaya iniwan ko na lang dito."

Kumunot ang noo nito. Pagkuwa'y dumukwang ito at binuksan ang pinto ng passenger
seat. Natitigilang napatitig siya rito. "Sakay na. Ihahatid na kita," kaswal na
sabi nito.

Napatitig siya rito. Kapag tumanggi siya ay mas lalo nitong mahahalatang iniiwasan
niya ito. Buntong hiningang sumakay siya sa kotse nito. "Salamat," hindi
tumitinging sabi niya rito.

"Is that how you say thank you? You're not even looking at me," komento nito.

Napipilitang tumingin siya rito. "Salamat."

"KAIN na," sabi ni Ace kay Coffee. Tumalima naman siya at niyuko ang pagkain niya.
Ngunit naka-isang subo lamang siya ay hindi na naman siya nakatiis at sinulyapan
itong muli.

Ang akala niya kanina ay ihahatid na siya nito ng deretso sa apartment niya.
Subalit nagulat siya nang bigla itong lumiko sa mamahaling restaurant na iyon. Ang
sabi nito ay nagugutom na raw ito dahil hindi pa ito kumakain mula kahapon. Alam
niyang totoo iyon dahil ganoon talaga ang ginagawa ng mga celebrity kapag may shoot
ang mga ito kinabukasan, lalo na ang mga gaya ni Ace na pinapakita talaga ang
katawan.

Hindi niya lang talaga inaasahan na isasama siya nito roon. Siguro hindi lang
talaga nito matiis ang gutom nito.

"Coffee hindi ka ba nagugutom?" tanong nito.

"Nagugutom," aniya at ipinagpatuloy ang pagkain. "Sa totoo lang mas masarap pa ang
luto mo kaysa sa pagkain dito eh," mahinang sabi niya. Bigla itong tumingin sa
kanya. "Walang halong biro iyan ha," dugtong niya.

He smiled. "Para sa isang babae masyado kang bolera. Kumain ka na nga lang," sabi
nito at muling inabala ang sarili sa pagkain.

Napatitig siya rito. That smile just took her breath away. Then, a realization hit
her. She was really in love with Ace Ricafort already. Anong gagawin niya?

TAPOS nang kumain sina Ace at Coffee at palabas pa lang sila ng restaurant nang
bumukas iyon at may parehang pumasok. Natigilan si Coffee nang makita kung sino mga
iyon. Si Carmela Bernardo at ang asawa nitong businessman na si Denmark
Montecarlos. Bumakas ang pagkagulat sa mukha ng batikang aktres ng mapatingin sa
kanila ni Ace. Ngunit saglit lamang iyon dahil ngumiti ito agad "Fancy seeing you
here Ace," bati nito. Pagkuwa'y bumaling sa kanya. "You're Coffee right? The
showbiz reporter? I didn't know you two are dating," nakangiti pa ring sabi nito.

Hinintay niyang sumagot si Ace pero mukhang wala itong balak magsalita. Alanganin
na lamang niyang nginitian ang babae.

"Who is he darling?" tanong ng matandang lalaki kay Carmela.

"Darling he's Ace Ricafort. He's a very famous model."

Bumaling kay Ace ang lalaki at ngumiti. "A model huh, I dreamed to be a model when
I was young but I am not as good looking as you are Ace. Come to think of it
darling, magkahawig kayo hindi ba? Maybe celebrities looks alike," magaang na
komento nito na nginitian lamang ni Carmela.

Naalarma siya nang maramdaman ang biglang pagkatense ni Ace sa tabi niya. Tiningala
niya ito. Pormal ang ekspresyon nito. But for a moment, she saw a glint of pain in
his eyes. "Thank you Sir. If you'll excuse us," pormal na sabi nito at muling
naglakad.

Palampas na sila sa mag-asawa nang muli siyang sumulyap kay Carmela. Napakunot ang
noo niya nang makitang may kung anong emosyong kumislap sa mga mata nito. Was it
sadness? Ngunit bago niya pa masiguro iyon at tuluyan na silang nakalampas sa mag-
asawa. Pasimple niyang tiningala si Ace. Seryoso pa rin ang mukha nito. Pero
sigurado siya. It was pain she saw on his face a while ago. And it was sadness she
saw on Carmela's face. They are both in pain. But looks like they are both not
aware of it. If only I could help you Ace.

But then ano ba ang magagawa niya? kapag naman nagtanong siya ay siguradong
magagalit ito. oo at mabait ito sa kanya. ngunit iyon ay dahil hindi niya
binubuksan ang isyu ng tungkol sa ina nito. nang huli niya iyong gawin ay hindi
naging maganda ang mood nito. at ayaw niyang magalit ito sa kanya. lalo na ngayon
na mas malinaw na sa kanya ang damdamin niya para dito.

WALANG narinig si Coffee kahit isang salita kay Ace habang nasa biyahe sila. Ni
hindi rin siya nagtangkang magsalita dahil alam niyang hindi iyon ang magandang
gawin sa mga oras na iyon.nagkasya na lang siya sa manaka-nakang pagsulyap niya
rito habang ito ay tutok na tutok ang mga mata sa kalsada.

Hanggang sa makarating sila sa tapat ng apartment niya ay hindi pa rin nagbabago


ang ekspresyon sa mukha nito. Nagdadalawang isip tuloy siya kung iiwan na ba niya
ito o hindi pa. Baka kasi maaksidente ito kung hahayaan niya itong magmaneho ng
ganoon.

"Pumasok ka na," pukaw nito sa kanya.

"Okay ka lang?" hindi niya napigilang itanong.

Tumingin ito sa kanya. Hindi pa rin nawawala ang seryosong ekspresyon nito. "I'm
fine. It's not like this is the first time I saw them together. I'm getting used to
it. i don't even dream of having a complete family since my biological father has
his own family too. You know that she was sixteen when she got pregnant right? Alam
ko na nasabi na iyon sa iyo ni Aunt Lucia."

Na-guilty naman siya. "Sorry."

Tumingin ito sa kanya. Now, the pain she saw earlier on his eyes is more evident.
"She got pregnant because she had an affair with a very old politician. I heard she
was campaigning him for election then. Pero hindi na nila sinabi sa akin kung sino
dahil namatay daw sa isang ambush ang politician na iyon noong sampung taong gulang
pa lamang ako. As if I care about him when I was ten," may pait na sabi nito.

Hindi siya nakaimik. Tama ba ang naririnig niya? He was telling her about himself!

Bumuntong hininga ito at muling tumingin sa harap nito. "Hey, these are off the
record okay?" biglang sabi nito.

Napatitig siya rito at tipid na ngumiti. "Don't worry sabi ko naman sa iyo diba
pwede mo sabihin sa akin ang lahat pero off the record."

Muli itong tumingin sa kanya. "My life was a lot better when I didn't know about
her you know. But then she showed up when I was fourteen. She wants me to come with
her in the Philippines. But she said that she was a famous actress here kaya hindi
ko pwedeng sabihin na siya ang ina ko kapag nasa pilipinas na ako. I asked her
why... and she told me everything. I was devastated kaya hindi ako sumama sa kanya.
then she started saying things like she regretted having me. That I was nothing to
her at naguguilty lang siya kaya dinalaw niya ako. That was so stupid."

"Ace," aniya. Bago pa niya mapigilan ang sarili niya ay nayakap na niya ito. She
felt his body tense. Pero hindi siya kumalas at tinapik tapik ang likod nito. kasi
naman, ang lungkot lungkot nitong tingnan. And she wishes that he could make up
with his mother. Dahil kung hindi habang buhay itong malulungkot.

"Why are you suddenly hugging me?" tanong nito pagkalipas ng ilang segundo.

"This is called comforting," sagot niya.

Bahagyang yumugyog ang mga balikat nito sa pigil na pagtawa. Saglit itong gumanti
ng yakap sa kanya bago siya nito inilayo sa katawan nito.

"How could you do that?" biglang tanong nito

"Do what?"

"How could you make me feel better? How could you unconsciously say and do things
that makes me alright?" tanong nito.

"Ergh, natural talent?" patanong na sagot niya.

He chuckled. "Yeah. I guess so too," anito. Pagkuwa'y nagulat siya nang dumukwang
ito upang tanggalin ang seatbelt niya. Biglang sumasal ang tibok ng puso niya nang
malanghap niya ang pabango nito. Hindi tuloy siya nakagalaw. Pagkatapos nitong
tanggalin ang seatbelt niya ay ito na rin ang nagbukas ng pinto ng passenger seat.
"Sige na," anito nang umayos na ito ng upo.

Walang salitang tumalima siya. "S-sige," paalam niya. Huh? Bakit gumagaralgal ang
boses mo Coffee!

Tumango ito at tipid na ngumiti. "Ipaayos mo ang sasakyan mo."

"Oo."

Saglit pa siya nitong tiningnan bago tuluyang    pinaandar ang kotse nito palayo.
Part 16
               

"HUY, natutulog ka pa yata eh," pukaw ni Yuuji kay Coffee kasabay nang paglapag
nito ng isang tasa ng kape sa harapan niya.

Napakurap naman siya. "Salamat sa kape," sabi niya rito at wala sa loob na hinigop
iyon. Napaaray siya nang mapaso kang dila niya sa init niyon.

Tatawa tawang umupo sa tabi niya si Yuuji. "O ano gising ka na?"

"Ang init!" reklamo niya. pero in fairness ay nagising nga siya ng dahil doon. Kasi
naman, hindi siya nakatulog kagabi kahit anong pilit ang gawin niya.    Kahit ano
kasing gawin niya ay nagpapabalik-balik ang mukha ni Ace sa isip niya.

Ang pinakamatindi pa-ay ang aga aga siyang binulabog ng editor in chief niya.
Kinukulit na naman siya tungkol sa article na pinapagawa nito. how could she
possibly write something about Ace when she saw that painful expression of his?
Hindi kaya ng puso niya iyon. Kaya ang huling baraha niya ay ang tungkol kay
Natalie Alonso. Kaya nga lang ay pinigilan siya ni Ace, At siya naman ay
nagpapigil!

Napabuntong hininga siya. Never siyang na stress ng ganoon sa maraming taon niya
bilang reporter. Paano kasi hinaluan mo ng personal ayan tuloy. Muli siyang
napabuntong hininga.

Pumalatak si Yuuji. "May problema ka? May hihingin sana akong pabor sa iyo pero
kung ganyan... di bale na nga lang," sabi nitong tila sarili lang ang kinakausap.

Kunot noong napabaling siya rito. "Anong pabor?" Wala sa itsura ni Yuuji ang
humihingi ng pabor.

Tumingin ito sa kanya at bahagya pang umusod upang mapaharap sa kanya. "Do you
remember when I told you that Risha Abejar was my schoolmate?"

Tumango siya. Naalala niya nga na dati na itong nagtanong sa kanya tungkol sa
background ng modelong si Risha Abejar. At dahil doon ay nalaman nitong si Risha
nga ay schoolmate nito noong kolehiyo. "O ano ang tungkol kay Risha?"

"Well you see, the truth is, Risha is my bestfriend's first love."
Tuluyan nang nakuha ni Yuuji ang atensyon niya. "Teka, may nasabi nga sa akin si
Risha dati tungkol sa first love niya. Pero ang sabi niya ay isa raw iyong masakit
na nakaraan na ayaw na niyang balikan."

Napakamot sa batok si Yuuji. "Well you see they had a misunderstanding. Pero bago
pa iyon maayos ni George – that's my friend bigla nang nawala sa school si
Patricia. Then George had to go to the States kaya ayun, nagkahiwalay sila nang
hindi nagkakaayos. Pero kaming lahat ng barkada, alam namin kung gaano ka mahal na
mahal ni George si Risha. He's just not good with words kaya hindi niya masabi sabi
ng maayos kay Risha."

Ganoon pala ang nangyari sa nakaraan ni Risha. "So ano naman ang maitutulong ko
diyan?"

"Well, George just came back from the States and you know he saw Patricia again.
He's been meaning to see her for such along time but now Patricia is angry at him.
Kasi nga akala niya niloko siya ni George. But my friend is willing to do anything
to get Risha back. So I want to ask you kung alam mo ang schedule ni Patricia para
magkaroon ng pagkakataon si George na masuyo si Risha you know, things like that."

Napangiti siya. "Sus, yan lang pala eh." Dinukot niya ang mininotebook niya sa bag
niya at binuklat iyon.    "Let's see. Ang susunod na project ni Risha ay... a,
photoshoot ng Young and Free. Pero wala pang venue. Ang sabi ni Mandy – taga Young
and Free siya – nahihirapan daw silang humanap ng beach resort na pasok sa budget
nila. Beach kasi ang setting ng photoshoot at maraming celebrity ang kukunan."

"Beach ba kamo? That's great!" masayang sabi ni Yuuji na parang nanalo sa lotto.

"Bakit?" takang tanong niya.

Ngumisi ito. "George has a private beach resort in Batangas. Pwede na ba iyon? at
least kapag sa resort niya mas may chance siya na mapalapit uli kay Patricia."

"Baka naman di kaya ng budget ng Young and Free yan?"

Tumawa ito. "Mayaman naman yon. Kakausapin ko siya para libre. Kunwari sponsored
niya. O diba. Magsakripisyo naman siya sa ngalan ng pag-ibig."

Natawa siya. "Hindi bagay sa iyo yang sinabi mo. Pero sige kausapin mo yang
kaibigan mo kakausapin ko si Mandy. Siguradong matutuwa yun. Sa ngalan ng pag-
ibig," natatawa pa ring sabi niya.

"Great! You are really the best at things like this Coffee!" sabi nito at walang
pakundangang niyakap siya. "Dahil diyan sagot ko lahat ng kakainin at iinumin mo
rito sa araw na 'to!"

"Wow galante! Di ko tatanggihan iyan," natatawang sabi niya at tinapik tapik pa ang
likod nito.

Nasa ganoong ayos sila nang maring niya ang pagbukas ng pinto ng Sweet Fantasy.
Tila tumalon ang puso niya nang makitang si Ace iyon kasama si Eman. Pagkuwa'y
biglang bumaling ang mga ito sa kanila. Nasalubong niya ang mga mata ni Ace.
Ngingitian niya sana ito ngunit natigilan siya nang makita ang madilim na ekpresyon
ng mukha nito. Bad mood siya?

"Uy Coffee! Nakikipag date ka rin pala ah," bati sa kanya ni Eman.

Kumalas sa kanya si Yuuji at tumingin sa mga bagong dating. "Siyempre naman babae
din naman 'tong si Coffee," nakangising sagot ni Yuuji.
Tiningnan niya ito. "Date ka diyan," aniya rito.

Tumingin ito sa kanya at malawak na ngumiti. Pagkuwa'y tumayo na ito. "Okay.


Magtatrabaho na ako. Huwag mong kalilimutan ang pinag-usapan natin ah."

Napangiti siya. "Siyempre naman."

Sinundan niya ito nang tingin hanggang sa makarating ito sa counter.    Pagkuwa'y
bumaling siya kina Eman at Ace. "Ngayon ko lang kayo nakitang nagpunta rito sa
tagal kong tumatambay dito ah," nakangiting puna niya.

Ngumisi si Eman. "Biglang gustong magkape ni Ace eh. Pero ang hula ko may nakita
lang siyang babae na gusto niyang makita kaya pumasok dito bigla," sabi nito at
tumingin sa kanya ng tila makahulugan. Hindi nga lang niya nakuha ang gusto nitong
sabihin. "Right Ace?" baling naman nito sa kasama.

Himbis na sumagot ay tumingin ito sa kanya. "What's you up to?" walang ngiting
tanong nito.

Ngumiti siya.    "Ah ang pinag-uusapan ba namin ni Yuuji? We are planning to


reunite Risha and her first love. Wala pang venue ang shoot ng Young and Free diba?
E may beach resort pala ang first love ni Risha sa Batangas kaya gagawan namin ni
Yuuji ng paraan para doon ganapin ang shoot," excited na kuwento niya.

Hindi nagbago ang ekspresyon ng mukha nito. "And you really have to hug each other
just because of that? And stop being nosy with other people's affairs," malamig na
sabi nito bago dumeretso ito sa counter nang hindi man lang siya tinitingnan.

Hala. Anong nangyayari dito? parang ang bait lang nito noong huli silang magkita a?
Bakit ngayon ay parang back to square one na naman sila?

"Huy Ace," tawag dito ni Eman na sumunod dito.

Walang magawang nasundan na lamang niya ito ng tingin. May kumudlit na kung ano sa
puso niya sa kalamigang ipinakita sa kanya ni Ace. Iyon na nga ang sinasabi niya
eh. Sa kanilang dalawa ni Ace siya lang itong baliw na nahulog ang loob. E naging
mabait lang naman ito dahil tinulungan niya ito sa Auntie nito. At noong huli ay
ibinigay lang nito ang pinaabot ni Auntie Lucia. Ngayong wala na ang tiyahin nito
ay wala ng dahilan upang maging mabait ito sa kanya. bukod doon at nakuha na rin
naman niya ang impormasyong gusto niyang malaman. Ang tungkol sa buhay nito sa
amerika at tungkol sa ina nito. ano pa ba ang hinahanap niya?

At bakit ba siya nasasaktan? Para namang hindi siya sanay na iniignora siya nito.
Noon naman madalas din siya nitong iwasan. Nakilala niya lang ito nang kaunti
nagkakaganoon na siya.

Napatitig siya sa likod nito at walang magawang napabuntong hininga.


Part 17
               

"WOW, ang sosyal naman pala ng beach resort ni Mr. Calma," hindi napigilang bulalas
ni Coffee habang iginagala ang paningin sa paligid ng Calma Beach Resort, ang
resort na pag-aari ng kaibigan ni Yuuji na si George.

"Oo nga eh. Ang swerte dahil malaki ang natipid namin sa venue," sang-ayon ni
Mandy.

"At makakatulong pa kayo para magkaroon ng happy ending ang love story ni Risha at
George," dugtong niya.

"Have you met him?" curious na tanong ni Mandy.

Ngumisi siya. "Yep. And he's a very serious man. But he has difficulty in telling
what he feels. Kaya nga tutulungan ko siya dahil obvious naman na mahal na mahal
niya si Risha," excited na sagot niya.

"Pero bakit ganyan ang outfit mo Coffee? Parang may pinagtataguan ka na ewan," sabi
ni Mandy at kunot noong tumingin pa sa kanya.

Napatikhim siya sa sinabi nito at inayos ang malaki niyang sunglasses. "Wala akong
pinagtataguan no. Mas madali lang maki mingle sa mga celebrities kung hindi nila
ako makikilala," palusot niya.

Sa araw na iyon ay naka beach disguise siya. Malaking sombrero ang sinuot niya
kapareha ng malaki niya ring sunglasses para siguradong walang makakakilala sa
kanya. At dahil beach iyon ay sinuot niya ang kanyang paboritong two piece swimsuit
na pinatungan niya ng semi-see through na malong. Dahil kung may maipagmamalaki
siya sa sarili niya, iyon ay ang katawan niya.

Naghihinalang tiningnan siya ni Mandy. "Coffee Mendoza, alam mo naman siguro na


hindi umuubra sa akin ang mga palusot mo hindi ba?"

Sinimangutan niya ito. kailan ba niya huling narinig na may tumawag sa kanya sa
buong pangalan? In the showbiz world, she is just Coffee. "Hindi ako nagpapalusot
no."

Magsasalita pa sana ito nang may isang van na huminto sa entrance ng resort. Sabay
pa silang napatingin doon. "Sino na kaya ang mga yan?" curious na sabi niya.

Noon bumukas ang pinto niyon at bumaba si Erica. Kasunod sina Zander, Eman at...
bigla siyang naalarma nang makita si Ace.    "O magtrabaho ka na Mandy. Aalis na
ko!" paalam niya sa matalik niyang kaibigan. Bago pa man ito makasagot ay tumalilis
na siya. Ayaw niya munang lumapit ng isang metro kay Ace hangga't hindi pa nawawala
ang damdamin niya para dito.

Dahil noong sinungitan nga lang siya nito sa Sweet Fantasy ay nasaktan na siya
paano pa kaya sa susunod? Ayaw niya ng ganoon. Hindi siya ipinanganak na masokista.
Usyosera oo pero hindi masokista. At masasaktan lang siya kapag dumikit pa siya sa
isang Ace Ricafort.

"HUY Ace kanina ka pa palinga-linga. Sino bang hinahanap mo?" pukaw ni Eman kay Ace
habang inaayusan sila para sa photoshoot ng Young and Free. Nasa dalampasigan na
sila at hinihintay na lamang na tawagin para kunan.

Mula sa pagtingin niya sa paligid ay ibinaling niya ang tingin rito. "I'm not
looking for someone," sagot niya.

Tila hindi naniniwalang tumingin ito sa kanya. "Ows? Pero sa tingin ko may
hinahanap ka. At sa tingin ko ay kilala ko kung sino. Ikaw kasi eh. Iniiwasan ka
tuloy baka natakot na sa iyo," tila hindi papaawat na komento nito.

Umiling siya. "You are really nosy too Eman. Why don't you just mind your own
problem?

Saglit itong natigilan bago nagkibit balikat. "I just can't leave a friend alone
you see. Especially a jealous friend," sabi nitong nilangkapan pa iyon ng
pangaasar.
Marahas na napatingin siya rito. "I'm not jealous," mariing tanggi niya. He never
got jealous his entire life in the first place.

"Oh believe me you are. Maayos naman ang mood mo noong papunta tayo ng Sweet
Fantasy. Ikaw pa nga ang nagyaya hindi ba? At kahit hindi mo sabihin alam kong
dahil nandoon si Coffee. nasabi sa akin ni Erica na madalas tumambay doon ang
babaeng iyon eh. Pero nagiba ang mood mo nang makita mo siyang may kayakap na ibang
lalaki. Then you ignored her. At halatang nag-init ang ulo mo 'non. Believe me Ace
I know that feeling, lagi kitang pinagseselosan eh."

Saglit siyang hindi nakaimik. Well that was partly true. bigla talagang nag-init
ang ulo niya nang pagpasok niya roon ay makita niyang may lalaking nakayakap kay
Coffee. and who the hell was he anyway? Sa pagkakatanda niya ay nakita na niya dati
sa shop na iyon ang lalaking iyon. But he didn't know that he was that intimate
with Coffee.

At ang babaeng iyon naman ay bakit nagpapayakap ng ganoon sa kung sino? That tick
him off big time. Worst, after that day ay hindi na naman niya ito makita. Alam
niya pinagtataguan na naman siya nito. Alam niya iyon dahil sigurado siyang alam
nito ang schedule niya. At kahit doon sa resort na iyon para sa shoot ay hindi niya
ito makita. Though he knows she is just around. Bakit ayaw nitong magpakita sa
kanya?!

Bigla tumikhim si Eman dahilan upang muli siyang mapatingin dito. "Never mind. Pero
hindi ba dati palagi mong iniiwasan si Coffee? Bakit ngayon hinahanap hanap mo na?
sabi ko na nga ba may crush ka sa kanya eh. Nahuhuli ko ang mga kakaibang tingin mo
sa kanya kahit noon kala mo ba," anitong bumalik na naman ang panunudyo sa tinig.

Nakaligtas siya sa pagsagot nang may lumapit na isang staff sa kanya. It was his
turn to pose. Tinapik niya lang sa balikat si Eman bago tumayo sa harap ng kamera.
He tried to do his best to ignore what Eman had said. Ngunit hindi na naman niya
napigilang igala ang paningin. Pero hindi niya pa rin makita si Coffee.

But maybe Eman was right. Maybe he really did like Coffee from the moment she said
those encouraging words to him. That's why he was unconsciously following her. But
she always seems oblivious about him. Kumbaga para dito isa lamang siyang beat. At
kung wala itong makukuhang interesanteng kwento sa kanya ay hindi siya nito
kakausapin.

That's why that night when she overheard his conversation with his mother, he could
not help but use it to make her stay beside him. aniya kahit na may tiwala siya
rito ay nagkunwa siyang hindi naniniwala rito. And she did. And her precence became
essential to make his life livelier than it was.

But then she started to stop showing up in places where he is. She stopped
following him, stopped getting close to him. She did left him alone. Until he
started to always skim the crowd in hope the he will find her. at alam niyang hindi
iyon dahil sa marami itong alam tungkol sa kanya. But because his day could not be
completed without seeing her. And when did her existence became this important to
make his day in the first place? He has no idea.

Subalit iyon nga. Bigla itong umiwas. And it all started after that day with that
man. Whoever he was.

"Let's start Ace!" sigaw ng photographer.

Ipinilig niya ang ulo niya. Tama na muna ang mga tanong. Time to do his job.
Part 18
               

"LOOKS like all turned out well right?" nakangiting sabi ni Yuuji kay Coffee.
nakatayo sila malapit sa isang cottage. Papalubog na ang araw at nag-wrap up na ang
photoshoot ng Young and Free para sa araw na iyon. ang mga staff at ilang modelong
guest ay nagsipag lusong sa tubig. Ang iba ay nakaupo sa buhanginan at masayang
nanonood sa mga lumalangoy.

Nilingon niya si Yuuji. "Yep. Kaunting push na lang magkaka happy ending na si
Risha at George," sangayon niya.

Sa buong maghapon na iyon, habang humahanap ng scoop ay nagastang kupido siya.


Habang may shoot kanina ay nakita niyang tahimik lamang na nagmamasid si George kay
Risha at mukhang balak na lang tiisin ang selos kaysa ang lapitan ito. Kaya ang
ginawa niya ay binigyan niya ito ng encouraging words para kumilos.    Na siyang
ginawa nito.   

"At ikaw napakasupportive mong kaibigan ha? Nagpunta ka talaga rito para siguruhing
magkakaayos sila," aniya kay Yuuji. Habang inuusyoso niya kanina sina Risha sa loob
ng branch ng Sweet Fantasy doon ay nagkita sila ni Yuuji. Nag join forces sila para
tundyuin ang mga ito.

Tumawa ito. "Siyempre naman."

Ngingiti-ngiting iginala niya ang paningin. Huminto ang mga mata niya sa likod ng
isang lalaking nakaupo sa dalampasigan katabi ni Darlyn. Her heart suddenly felt
fussy. I found you again... Ace. Tumitig siya sa likod nito.

Ang labo niya rin eh. Dahil natatakot siyang masaktan dahil sa nararamdaman niya
para rito ay umiiwas siya. Pero buong araw ay wala naman siyang ginawa kung hindi
ang sundan ito ng tingin kahit anong ginagawa nito. Kabisado niya nga kung sino ang
mga nakausap nito. And it somehow disappointing on her part when she realized that
he doesn't seem to be bothered that she was not around him. Napabuntong hininga
siya.

Akala niya dati, kaya palaging kay Ace napupunta ang paningin niya ay dahil na ku-
curious siya sa mga lihim nito. Now, she knows that is not the case. It was
because, even for the first time she saw him, he had awaken inside her an
unfamiliar feeling.    An uncomphrehensible interest, and an urge to always see him
even from afar.

Alam niyang iyon nga ang tunay na dahilan kung bakit palagi niya itong nahahanap
kahit hindi siya nag-e-effort na alamin ang schedule nito. Dahil kahit ngayon, na
alam na niya ang mga gusto niyang malaman tungkol dito, kahit nasagot na nito ang
mga tanong niya tungkol sa pagkatao nito, ay palaging ito pa rin ang hinahanap ng
mga mata niya.. at ngayon.. pati ng puso niya.

"How about you? Are things going well between you and that model?" biglang tanong
ni Yuuji.

Marahas siyang napatingin dito. May nanunudyong ngiti sa mukha nito. "A-anong
sinasabi mo diyan ha?"

Lalong lumawak ang ngiti nito. "Yung lalaking pinalapitan mo sa akin nung nasa shop
tayo, that was Ace Ricafort right? Sa malayo hindi ko siya nakilala pero nang
makalapit ako nakilala ko siya. What happened when you followed him?"

Naiilang na tumawa siya. "A yun ba? Ano ba trabaho iyon no."
"Hmm.. but then he went to the shop that day too right? When we are talking about
our plan to get Risha and George back together. At iba ang paraan ng pagkakatingin
niya sa atin nang dumating sila. Maybe because he saw me hugging you."

Napakunot noo siya. "Ano bang sinasabi mo diyan?"

Nagsalubong ang kilay nito. "What? You mean you don't notice it?" manghang tanong
nito.

"Notice what?"

Lalong itong nagmukhang mangha pagkuwa'y natawa. "Ano ba naturingan kang reporter,"
naiiling na sabi nito.

Magtatanong pa sana siya nang nahagip nang mga mata niya si Natalie Alonso na
naglalakad papasok ng sa main building ng resort. May dalawang babaeng nakasunod
dito.walang salitang lumakad siya pasunod sa mga ito.

"Huy Coffee saan ka pupunta?" malakas na tanong ni Yuuji. Nilingon niya ito at
pinanlakihan ng mga mata. Pambihira itong lalaking ito ayaw isigaw ang pangalan
ko?! Itinikom naman nito ang bibig nito at nagsimulang lumakad pasunod sa kanya.

Hindi na niya ito pinansin at tuluyang pumasok sa kung saan pumasok sina Natalie.
Nakita niya ang mga ito sa isang walang taong lugar.

Bahagya siyang sumiksik sa pader    na ilang dipa lamang ang layo mula sa mga ito
at sumilip.

"Have you printed the pictures already?" tanong ni Natalie.

"Yes, here it is," sabi ng isang babae at may iniabot na sobre kay Natalie.

"Good. Naiinis na ako sa pa hard to get attitude ni Eman. I don't have enough time.
Kapag nakita niya ito, siguradong pakakasalan na niya ako."

Kung ganoon ay may balak si Natalie na pikutin si Eman! Pero bakit? Ano ang dahilan
nito at –

Napasinghap siya nang may kamay nahumawak sa kanya at pinihit siya paharap. Si
Yuuji. "Ano bang ginawa mo diyan?" takang tanong nito.

Mabilis niyang itinakip ang kamay sa bibig nito. "Shh," saway niya rito. Naalarma
siya nang biglang tumigil ang mga nag-uusap "Hala Yuuji anong gagawin natin? Hindi
pa niya pwedeng malaman na may alam ako masisira ang diskarte ko. Kasalanan mo
ito," pabulong na asik niya.

Lalo siyang nataranta nang maramdaman ang tunog ng takong na tila naglalakad
palapit sa kanila.

Halatang naguguluhan si Yuuji. Ngunit pagkuwa'y bahagyang nagliwanag ang mukha nito
na tila may naisip. "Coffee, marunong ka bang umarte?" pabulong na tanong nito.

"Depende ano bang arte?"

"Like we are making out here." Pinanlakihan niya ito ng mga mata. "This is very
effective believe me. Huwag kang mag-alala hindi ka madedehado magaling akong
umarte," sabi nito.

Parang ayaw niya paring pumayag sa naiisip nito ngunit palapit na ng palapit ang
mga yabag sa kanila. Napipilitang tumango siya.

WHERE did they go? Nagpalinga-linga si Ace habang naglalakad palapit sa entrance ng
main building ng resort. Kanina, nang tumayo siya sa pagkakaupo sa tabi ni Darlyn
dahil sa kakatingin ni Eman ay parang narinig niyang tinawag ng kung sino ang
pangalan ni Coffee.

And when he looked around he was sure he saw Coffee and that guy following her.
Binilisan niya ang paglakad patungo sa mga ito ngunit agad ding nawala ang mga ito.
pumasok na lamang siya sa entrance kung saan niya nakitang nagpunta ang mga ito.

Kanina pa niya minumura ang sarili niya sa ginagawa niya. He's acting like a
stalker for pete's sake! Pero ayon siya at ni hindi naman umatras at pinagpapatuloy
ang paghahanap sa mga ito.    Napatingin siya sa isang panig kung saan parang may
narinig siya na mga kalsukos. Napakunot noo siya. Parang hindi maganda ang kutob
niya. Yet, he started to walk towards it.

And there he saw them. Coffee, with that guy, kissing passionately in that far
corner. Napahinto siya sa paglakad. Parang may kung anong sumipa sa dibdib niya
habang nakatingin sa mga ito. then, pain suddenly enveloped his whole being, pain
far stronger than what he felt when he learned that his mother abandoned her. then,
it was replaced by anger. He clenched his hands.
Part 19
               

"MAPAPANIWALA ba natin sila ng ganito?" mahinang sabi ni Coffee kay Yuuji.


Magkalapat ang mga pisngi nito at kunwa'y hawak ng dalawang kamay nito ang mukha
niya, kaya marahil sa tingin ng makakakita sa kanila at mukhang naghahalikan sila.
Nakapulupot din ang mga braso niya sa batok nito at manaka nakang ginagalaw nito
ang ulo nito.

"Oo yan," ganting bulong ni Yuuji.

Ipiangpatuloy nila ang performance nila hanggang sa marinig nilang lumayo na ang
mga hakbang. Pasimple siyang sumilip sa sahig na naipagpasalamat niyang makintab na
halos makikita na ang mga naglalakad. Nakahinga siya ng maluwag nang wala na siyang
matanaw na anino.

"Wala na yata sila Yuuji," aniya rito.

Kumalas naman ito sa kanya at sumilip. "Wala na nga," nakangiting sabi nito.

Napangiti na rin siya. "Thank you Yuuji the best katalaga!"

Tumawa ito. "I know. Sabi ko naman sa iyo magaling ako eh," proud pang sabi nito.

"I agree. Tara na nga," aya niya rito.

Palakad na sila pabalik sa beach nang matigilan siya. nanlaki ang mga mata niya
nang makita si Ace na nakatayo di kalayuan mula sa kanila. Madilim ang mukha nito
at deretso ang pagkakatingin sa kanila.

                    Biglang bumilis ang tibok ng puso niya. "Ace," tawag niya rito.

                    Namulsa ito. "Sorry did I disturb the two of you? You can
continue what you were doing now. I'll be leaving," malamig na sabi nito at akmang
tatalikod.

                    Tarantang napahakbang siya palapit dito. she suddenly had the


urge to explain to him everything. Hindi niya alam kung bakit. Alam niya rin na
kung tutuusin ay wala itong pakielam doon. But she wants to explain nonetheless.
"Ace sandal! Yun ginagawa namin –

                    "I don't care," putol nito sa sasabihin niya. tiningnan siya


nito. his eyes were cold. Parang hindi ito si Ace. The usual Ace has a warm eyes
kahit na madalas ay nagsusuplado ito. "It's not as if I have anything to do with
your personal life anyway. And it's not as if you have anything to do with mine,"
malamig pa ring sabi nito.

                    May gumapang na sakit sa puso niya sa sinabi nito. alam naman


niya iyon. alam niyang wala naman talaga silang kahit anong relasyon. Siya lang
naman ang tangang minahal ito. but does he have to point that out?

                    "But next time, try to do it in somewhere private. I dont


believe you are that easy Coffee," nanguuyam pang sabi nito.

                    Lalo siyang nasaktan sa sinabi nito. pagkuwa'y nakaramdam siya


ng pagrerebelde.

                    "Teka lang pare, offensive naman iyang sinasabi mo," singit ni


Yuuji.

                    Ni hindi tiningnan ni Ace si Yuuji. Nanatili itong nakatitig sa


kanya. she pursed her lips and stared back at him. So ganoon pala ang tingin nito
sa kanya. "So what?" she said in controlled fury.

                    May kung anong kumislap sa mga mata nito. Ngunit masyado itong
malayo sa kanya upang masiguro niya kung ano iyon. "I just thought... you are
different," mahinang sabi nito at mabilis nang tumalikod.

Hanggang sa mawala ito sa paningin niya ay nanatili siyang nakatayo roon. somehow,
that last words he said made her want to cry. He said it not in a cold way. He said
it as if.... He was in pain.

"Coffee, don't take it to heart okay. he's just –

"I'm fine," putol niya sa sasabihin nito.

Hindi na nagsalita si Yuuji. Bagkus ay inakbayan siya nito. "I think I should talk
to him," komento nito.

Umiling siya. "You don't have to. You heard him. I have nothing to do with his
life. So why would you bother," she painfully said.

Bumuntong hininga si Yuuji. "Coffee he was just – oh forget it. halika na nga,"
anitong inakay na siya.

Nagpaakay siya rito. dahil parang anumang oras ay mapapadausdos siya sa sahig. She
pursed her lips tightly to fight the tears.hindi siya iiyak. Hinding hindi. She was
Coffee the fearless reporter. Nothing will make her cry.

But Ace might be the first.

BUMUNTONG HININGA si Coffee sa hindi na niya mabilang na beses at muling itinutok


ang tingin sa laptop niya. Marami siyang article na kailangang gawin para sa
magazine nila. Una ay ang tungkol sa pagkakabalikan ng modelong si Risha Abejar at
ng CEO ng Calma Food Corporations. Kailangan niya ring isulat ang kagulat gulat na
confession ni Emmanuel Pelayo kay Darlyn sa mismong Press Conference ng launching
ng 100 Sexiest Men and Women Issue ng Young and Free.

Pinagbigyan siya ng editor niya na ang mga iyon ang susunod na ipasa dahil naibigay
naman niya rito ang inaasam nitong shocking news – sa pamamagitan ng paglalabas
niya sa natuklasan niyang lihim ni Natalie Alonso.

Dahil sa narinig niyang pinag-uusapan nito at ng dalawa nitong kaibigan ay bumalik


siya agad ng maynila upang imbestigahan ito. at nalaman niya na kaya nito balak
pikutin si Eman ay dahil buntis ito sa isang matandang businessman na kaibigan pa
ng ama nito. upang hindi malaman ng ama nito ang lihim na iyon ay gusto pa nitong
mamikot ng inosenteng lalaki. Tuloy ay nagkaroon pa ng hindi pagkakaunawaan si Eman
at Darlyn. At dahil humingin ng tulong sa kanya si Eman kaya inilabas niya ang
balitang iyon.

"O kape," biglang sabi ni Yuuji na nagpaangat ng tingin niya. May inilapag itong
isang tasang kape sa lamesa niya.

Nginitian niya ito. "Salamat." Katulad ng dati ay sa Sweet Fantasy na naman siya
tumatambay.

Ayaw niyang manatili sa apartment niya. ayaw niyang mapag-isa. Dahil sa tuwina,
kahit ayaw niya ay naalala niya si Ace. At sa masakit na katotohanang ito mismo ang
naglinaw. Na wala siyang kinalaman sa buhay nito.

Ang mas masakit pa ay hindi iilang beses na muli silang nagkita pagkatapos ng araw
na iyon. Ito ang kasama ni Eman nang magpunta ito sa apartment niya. at kahit ayaw
niya itong makita ay wala siyang nagawa kung hindi ang patuluyin siya sa bahay
niya. alam naman kasi niya na walang alam si Eman.

Nakita niya rin ito sa pressconference ng launching ng 100 Sexiest Men and Women
Issue ng Young and Free. Ngunit tulad ng dati ay hindi sila nagpansinan.
Nakakadepress pero wala naman siyang magagawa. Ayaw nito sa kanya iyon lang iyon.
At hindi siya ang tipo ng taong ipinipilit ang sarili sa iba.

Yet she feel so miserable.

"Huy, saan na naman ba lumilipad ang utak mo? A alam ko na, dun sa modelo na naman
ano? Sabi ko naman sa iyo kakausapin ko na siya" sabi na naman ni Yuuji.

Frustrated na tumingin siya rito. Bakas ang pag-aalala sa mukha nito. alam niya na
nakokonsiyensya ito. feeling daw nito ito ang may kasalanan kaya mukhang
mauunsiyami ang happy ending niya. Worst, kung kailan miserable siya ay saka naman
may out of town work si Mandy. At sa lugar na wala pang signal of all places kasama
si Mr. Photographer! Napabuntong hininga siya.

Bumuntong hininga rin si Yuuji at inakbayan siya. "Come on Coffee cheer up. Kung
papayag ka naman kasing kausapin ko siya e di hindi ka na nahihirapan ng ganyan,"
sabi pa nito.

"What difference would it make if you talk to him? Wala siyang pakielam sa akin,"
frustrated na sabi niya.

"I don't think so. It's obvious that he loves you you know."

Pagak siyang tumawa. "Okay ka lang Yuuji?"

"Of course. I am sensitive to men getting jealous of me you know. I'm used to it.
At ang lalaking iyon ay parang lagi akong gustong umbagin kapag nakikita niya akong
kasama ka. Palagi akong pinagseselosan nun eh. Kaya nagalit siya kasi nga nakita
niya tayo sa hindi kanais-nais na sitwasyon," maagap na sabi nito.

Napailing siya. she doesn't want any false hopes.

"Well, ayaw mong maniwala?"

"Hindi ayaw, talagang hindi ako naniniwala," hindi kumbinsidong sabi niya.

"Kung ganoon patutunayan ko sa iyo."

Napabuntong hininga siya. "Bahala ka."


Part 20
               

MARAHAS na naapakan ni Ace ang break ng sasakyan niya nang tulad ng dati ay
sumulyap siya sa cake shop na malapit sa Timeless kung saan palagi niyang nakikita
si Coffee na nakaupo sa tabi ng bintana at may kung anong ginagawa.

Naningkit ang mga mata niya nang makitang kasama na naman ni Coffee ang lalaking
iyon sa lamesa. And worst, nakaakbay pa ito sa babae. He suddenly had a bitter
taste in his mouth again.

He never thought he could be this stupid really. Alam niya na hindi niya
magugustuhan ang makikita niya. but he could not help but look inside the shop just
to know if she was there. Sometimes she was alone on that same table, typing on her
laptop and sometimes spacing out. But oftentimes she was with that guy.

And here he was watching on the sideline.

Inis na inalis niya ang tingin sa mga ito at muling pinaandar ang sasakyan niya.
Kung bakit naman kasi nadadaanan ang lintik na shop na iyon bago makarating sa
Timeless? Nahihirapan tuloy siyang ialis sa sistema niya ang pagsulyap doon.

Siguruhin lang ni Niccolo na importante ang dahilan kung bakit siya nito biglang
pinapunta sa opisina nila. Dahil kung hindi ay lalong masisira ang araw niya.

KUMATOK muna si Ace sa pinto ng opisina ni Niccolo bago binuksan iyon. "What do you
want to talk about?" bungad niya. Natigilan siya nang makitang may bisita ito.
napatiimbagang siya nang makita si Carmela. "What are you doing here?" malamig na
tanong niya.

"Ace, she wants to tell you something," sagot ni Niccolo na tumayo. Lumapit ito sa
kanya at tinapik siya sa balikat. "Please Ace, this time, listen to her. Pag-usapan
niyong mabuti ang hindi niya pagkakaunawaan. She is still your mother and you are
still her son. Put an end on this misunderstanding okay?" iyon lang at lumabas na
ito ng opisina nito.

Hindi siya kumilos at nanatiling nakatingin sa babae. Bakas ang pag-aalinlangan sa


mukha nito. "Ace, why – why don't you sit?" basag nito sa katahimikan.

Ilang saglit siyang nanatiling nakatayo bago nagdesisyon na sundin ito. umupo siya
sa tapat nito. "What is it that you want to talk about?" malamig pa ring tanong
niya.

Huminga ito ng malalim. "I'm tired of this already Ace. I'm tired of pretending na
wala lang sa akin ang lahat kahit na galit ka sa akin. Pagod na akong makipagtaasan
ng pride. I can't take it anymore. I just want... I just want to be with my son.
Wala na akong pakielam kung ano pa ang isipin ng ibang tao. So please Ace, even a
little, please forgive me for all the things that I wasn't able to do as your
mother," anito.

Tinitigan niya ito. She seems to be suffering. "What.. made you think that now?"

Humikbi ito. "Not now Ace. I... have always wanted to do this. But I am always
afraid of what the media will say about me kapag nalaman nila ang lahat. That i
bore a son at sixteen. I was so scared my career might be affected. Pero ng
makilala ko ang asawa ko... at sinabi ko sa kanya ang lahat, sinabi niyang dapat
hindi ako matakot. Na alam naman niyang mahal na mahal kita kaya naiintindihan niya
ako. That's why I decided to go back to the states para isama ka pauwi. But you...
you were really angry at me. And I am sorry, for saying harsh words to you.. oh,
forgive me Ace."

His heart clenched when he saw the pain on her face. And he knew, she's not acting.
Yet, he could not find any words to say to her. Naikuyom niya ang mga kamao habang
nakatingin dito.

"Let's stop this now Ace. Alam ko na hindi magiging madali sa iyo na mapatawad ako
sa lahat ng mga pagkukulang ko. Pero sana, hayaan mong subukan kong maging ina sa
iyo. Kahit paano, I hope we can be closer."

Huminga siya ng malalim. Tumayo siya at lumapit dito. Dinukot niya ang panyo   
niya at inabot dito. "I get it. Wipe you tears now," sa wakas ay may salita ring
lumabas sa bibig niya.

Tiningala siya nito at lalo lamang umiyak. Inabot nito ang panyo at pinunasan ang
mga luha. "Thank you Ace. Thank you," paulit-ulit na sabi nito.

He sighed and sat beside her. "I'm... really sorry too. For being rude, and
stubborn. I just thought.. that you really regret having me you know," mahinang
sabi niya.

"No, I never regretted it. What I regret most is that, I wasn't able to be a mother
to you. If only I am stronger, then you should not have lived in the States away
from me."

Kinabig niya ito at niyakap. It was the first time that he hugged her. And he felt
his chest tightened again. Dapat yata, noon niya pa ginawa iyon. "I get it. You
don't have to sacrifice your career just to show me you regret it okay?"

Tumango ito at muling napahagulgol. Ilang minuto ang lumipas bago ito tumangan.
"Hey Ace."

"What is it?"

Tumingin ito sa kanya ang ngumiti. "Could you come to my birthday party next week
this time? I have been sending you invitations every year and I can't blame you for
not attending. But this time, could you come?"

He smiled at her. "As you wish.... Mother."

Muli na namang namasa ang mga mata nito. "Oh, thank you."

IGINALA ni Coffee ang paningin sa loob ng malaking pavilion na iyon ng Peninsula


Hotel kung saan ginaganap ang kaarawan ni Carmela Bernardo. Parang kailan lang ay
naroon siya para sa kaarawan ni Mrs. Cornillez. Ngayon naman ay para kay Carmela
Bernardo.

Kanina pa nga niya pinapagalitan ang sarili sa kakatingin niya sa kung saan-saan.
Kasi naman, umaasa na naman siya na baka naroon si Ace kahit alam niyang imposible.

Napabuntong hininga siya. Maglalakad na sana siya palayo sa entrance nang may
mahagip ang mga mata niya. Nanlaki ang mga mata niya nang makita si Ace na pumasok
sa pavilion. Naka amerikana ito at ang ang guwapo guwapong tingnan. At alam niya na
hindi lang siya ang nakatingin dito.

Tila may hinanap ito sa karamihan ng tao at nang makita iyon ay nagsimula itong
lumakad. Sinundan niya ito ng tingin. Her eyes grew wide when he saw him walking
straight to the birthday celebrant. Saglit na tila bumakas ang pagkasorpresa sa
mukha ni Carmela. Ngunit lalo siyang nagulat nang makitang masuyo itong ngumiti at
nagsalita. Nang mapatingin siya kay Ace ay nakangiti rin ito. Pagkuwa'y binati rin
nito ang asawa ni Carmela.

Nakahinga siya ng maluwag at napangiti.    Mukhang okay na sila. Salamat naman.


Masaya siya na mukhang nagkaayos na si Ace at ang ina nito at nakikita niyang
ngumingiti ng natural si Ace sa harap nito. mas mabuti kung hindi niya ako makikita
para hindi masira ang gabi niya. Napabuntong hininga siya.

Tatalikod na sana siya nang bigla itong bumaling sa direksiyon niya. Their eyes
met. Bigla siyang nablanko. And she realized that she missed him. She bady missed
him. She missed those times that she was always around him. She missed the time
that she was his girlfriend for a day. She missed his sublte concern. She missed
the food he cooked, his smile, his laughter, even the evil glint in his eyes. And
his kiss, she missed his kiss. She suddenly had the urge to cry.

Kaya bago pa mangyari iyon ay siya na ang unang nagbawi ng tingin. Tumalikod na
lamang siya rito.
Part 21

               

MAPAIT na ngumiti si Ace nang biglang mag-iwas ng tingin si Coffee at tuluyang


tumalikod sa kaniya. Sinaid niya ang red wine na kinuha niya sa isang waiter at
tumalikod na rin. He just don't want to do what he always do again. Ang sundan ito
ng tingin sa kung saan man ito magpunta. Besides, he should enjoy the night. It is
his mother's birthday anyway. And not just a birthday. It is her first birthday
that he attended to.Inilapag niya ang walang laman na niyang kopita sa isang lamesa
at muling kumuha ng isa pa.

Napalingon siya nang may pumalatak sa tabi niya. Naningkit ang mga mata niya nang
maktita kung sino iyon. Coffee's man. "You planning to get drunk?" nakangiting
tanong nito.

He fought the urge to just throw a punch on that face. Hindi niya ito pinansin at
ininom ang hawak niya. at bakit ba naroon ang lalaking ito?

"You know what, wala ka naman talagang dapat ikagalit sa totoo lang pare. Coffee
and I are just friends. Yung nakita mo sa resort, it was just an act. She was
lisening to Natalie Alonso's plan para pikutin yun Eman na ang alam ko ay kaibigan
mo at muntik na kaming mahuli. So we pretended that we were making out. Pero fake
yun kahit itanong mo sa mga artista rito sa party," mahabang sabi nito na tila
nagkukuwento lang ng tungkol sa panahon.

Marahas na napatingin siya rito. tumingin ito sa kanya. "And that was the truth.
Iyon ang gustong sabihin sa iyo ni Coffee noon. If only you were not so jealous,"
anitong sumimsim pa sa hawak nitong red wine.
Awtomatikong hinanap niya ng paningin si Coffee. He saw her talking with an actress
on the far corner of the pavilion. Come to think of it. he was so consumed with
pain ang anger at that moment that he didn't want to listen to her then. She was
trying to say something then. He really never thought he could be that stupid.

Bigla siyang nakaramdam ng guilt. He said something unacceptable then. Napahigpit


ang hawak niya sa kopita.

Biglang pumailanlang ang malamyos na musika. May ilang mga bisita ang nagpunta sa
gitna ng pavilion at nagsimulang sumaway.

"Arent you going to ask her? Kung hindi ako na lang," sabi ni Yuuji na akmang
lalakad na.

Mabilis niyang ibinaba ang basong hawak at malalaki ang hakbang na lumakad siya
palapit kay Coffee. there is no way he could let him steal Coffee away from him
again.

NASA kalagitnaan si Coffee nang pakikipag-usap sa isang batang artista nang


pumailanlang ang isang malamyos na musika. Nagsimulang kumuha ng pareha ang ilang
bisita at sumayaw sa gitna.

"That was so sweet right?" nakangiting sabi ng kausap niya.

Ngumiti siya. "Yeah."

Napakunot noo siya nang bahagyang lumaki ang mga mata nito at lumampas ang paningin
sa likuran niya. Takang napalingon siya.

Natigilan siya nang makita kung sino iyon. Si Ace. Nakatayo ito sa karap niya. noon
niya lang ito nakita nang malapitan mula noong nasa resort sila. Bakit nakatayo ito
sa harap niya ngayon? At bakit ito nakatitig sa kanya nang ganoon? Na para bang
marami itong gustong sabihin sa kanya.

"Let's dance," simpleng sabi nito at inilahad ang kamay sa kanya.

Manghang napatingin siya sa kamay nito. Pagkuwa'y sa mukha nito. "Why are you..
asking me?" mahinang usal niya.

Himbis na sumagot ay ito na mismo ang kumuha sa kamay niya at inakay siya patungo
sa gitna ng dance floor. She was aware of the eyes that were following them. But at
that moment, she doesn't care. She was more focused on Ace's closeness, on his
hands on hers.

Nang nasa gitna na sila ng dance floor ay iniharap siya nito. napatitig siya sa
mukha nito. "Ace, why?" I thought... galit ka sa akin?"

Himbis na sumagot ay ipinulupot nito ang isang braso sa baywang niya at walang
sabing hinapit siya nito palapit sa katawan nito. hindi nito binitawan ang isa
niyang kamay.Pagkuwa'y nagsimula itong gumalaw. Litong ginaya niya ang galaw nito.

"Coffee, do you remember the first time you talked to me?" biglang tanong nito.

Napatitig siya sa mukha nito. He was looking straight at her. she tried to remember
that first time he talked to him. "It was on a shoot for a teen's magazine," she
said."I was the one who first talked to you."

May munting ngiting sumilay sa mga labi nito. "Yes and you said I will get famous
someday."

Napamaang siya rito. "You... remembered that?"

"Yes. I liked you in that instant. Dahil sa sinabi mong iyon hindi ko palaging
maiwasang tingnan ka kapag nasa iisang event tayo. But you were always on the go,
always carefree. It was only recently that I had the chance to actually interact
with you. Kung wala ka pang impormasyong gusto sa akin, siguradong hindi mo ako
pagtutuunan ng panahon," seryosong sabi nito habang mabagal pa rin silang
sumasayaw.

"Ace." She could not believe she was hearing this!

"but when I got the chance to get to know you, to be with you, Bigla nasanay ako
masyado. And when you stopped being all over me para akong nawalan ng bagay na
mahalaga sa akin."

"That was because I got scared!    I got scared of my feelings for you. Natatakot
akong masaktan dahil para sa akin malabo naman na magkagusto ka sa akin."

He sighed. "I know. I know that you're scared. I know you feel something for me.
But I still got jealous. Kasi ako hanggang tingin lang sayo. Pagkatapos makikita ko
palagi kang may kasamang iba. And then I saw the two of you making out and all."

"Ace ang totoo that was just an act, I swear!" mabilis na sagot niya.

"I know. He told me. And I am sorry, for saying those things to you. I don't really
mean that."

"Si Yuuji? Papaanong? Kailan?" takang tanong niya.

"He's here. Bisita rin siya ni mama."

"Oh, I'm happy na nagkaayos na kayo ng mama mo."

Ngumiti ito at bahagyang hinigpitan ang pagkakahawak sa baywang niya. "Yes. At


gusto ko ring magkaayos na tayo sa totoo lang. Because I cant take this anymore! I
cant take meeting you in the same room and seeing you divert your eyes away from
me! I cant take the fact na wala ka ng kailangan sa akin, na wala ng dahilan para
lumapit ka sa akin. I cant take it!"

She was touched.        "Ace..."

"I just.... miss you. I miss your nosiness, your voice, your laughter, your
mannerisms, your    disguises,    your crazy ideas, your praises on the food I
make,    everything.    I'm tired of just following you with my eyes everytime I
see you.    I'm tired of getting pissed off whenever I saw you with that guy.    I
just want you to stay by my side. I just want to be able to hold you and kiss you."

Tila naumid ang dila niya sa mga sinabi ni Ace. He missed her. he missed her too.
Hindi lang siya ang nakakamiss dito. Ang saya!

He sighed. "Say something    will you? I have said so many words today compared to
the last years of my life so say something."

Pinigilan niya ang ngiting kanina pa gustong umalpas sa mga labi niya. "Are you
really sure that you will not drive me away again?"

"Yes," mabilis na sagot nito.


"Kahit na makulit ako, pakielamera, rekless, and almost crazy?" tanong niya pa.

"Yes."

"Kahit na madaldal ako at walang ibang alam gawin kung hindi ang mangusyoso ng
ibang tao?"

"Yes."

Teka, bakit ngayon ay parang maiiyak naman siya? "Why?" mahinang tanong niya. she
just wanted to hear him say it. kahit kung tutuusin ay hindi na kailangan. Sapat na
ang paraan ng pagkakatingin nito sa kanya. ang pagsasabi nito kung gaano siya nito
namiss at ang paghigpit nang hawak nito sa baywang niya.

"Why? Because I love you

Napasinghot siya nang makita ang sinseridad sa mukha nito. "Talaga?"

Lumapit ito sa kanya. Tuloy ay isang pulgada na lamang ang layo nila sa isa't isa.
"Yes. I have loved you even before you loved me remember?"

"Sabi ko nga. But I love you just the same. Promise I am not going to be a coward
anymore. Hindi na ako matatakot na mahalin ka," pangako niya rito.

He smiled and planted a soft kiss on her lips. "Dapat lang. because from now on,
were are going to love each other."

Napangiti siya. "Right. Hey, can I put this on my column? Wala na akong scoop eh."

Tumawa ito. "Whatever you wish. But not after we visit Aunt Lucia okay?"

Ngumiti siya. "That's a deal."


Epilogue
               

STAR REPORT

By Coffee Chikadora

A note for the readers of this column.

Our beloved Coffee Chikadora is currently on leave. With this, we will temporarily
replace her column with other showbiz reports starting with the next issue. She
just flew to United States with her model boyfriend Ace Ricafort without giving any
detailed explanation for a vacation away from the spotlight.

So, let's just wait for their return and hear everything from her, avid
chickadoras!

---The Editor

~end~

a/n: dito po nagtatapos ang series na ito. maraming maraming salamat sa sumubaybay.
:)
zzzzzzzzzzzzzzzzzzzz==========zzzzzzzzzzzzzzzzzzz

You might also like