Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Mala-masusing Banghay-aralin sa Filipino para sa Ikaunang Taon sa Hayskul

I. Mga Layunin:
Sa loob ng isang oras na talakayan, 80% ng mag-aaral ay inaasahang:
a) naibibigay ang katuturan ng Tula,
b) nailalahad ang iba’t ibang paraan sa paglalahad ng Tula; at
c) napapahalagahan ang Tula sa pamamagitan ng makasining na paglalahad.

II. Paksang-Aralin:
Paksa: Tula at ang Paraan sa paglalahad nito:
Sangunian: https://documents.tips/documents/ang-tulappt.html
Kagamitan: Projector, PPT, Printed Materials, Video presentation, Chalk at Chalkboard,
at Audio Media.

III. Pamamaraan:
a. Panalangin
b. Pagbati
c. Pagtatala ng lumiban
d. Pagbabalik-aral
1. Pagganyak
Pagaayos ng mga letrang “Tula” na nakabaligtad kaakibat nito ang kahulugan at
pagkatapos ipapadikit ng mga mag-aaral sa blackboard at magpapakita sa isang
larawan gamit ang kanilang sarili tungkol sa expresyon ng taong tumutula o
naglalahad ng tula.
2. Paglalahad ng Aralin (Aktibidades)
Ang mag-aaral ay manonood ng paglalahad ng tula.
3. Pagtatalakay sa Aralin (Analisis)
Naibibigay ang katuturan ng tula, at natutukoy ang iba’t-ibang paraan sa
paglalahad ng tula sa pamamagitan ng pagpapakita ng mga mag-aaral sa
konsepto nito.
4. Paglalahat (Abstraksyon)
Paglalahad at pagsasaayos ng guro sa konseptong ipinakita ng mga mag-aaral
tungkol sa:
a. Katuturan ng tula
b. Iba’t-ibang paraan sa paglalahad ng tula
5. Paglalapat (Aplikasyon)
Ipapangkat ang mag-aaral sa 3-5 upang maglahad ng isang tula sa makasining
na paraan.
Pamantayan sa Paglalahad ng Tula:

Wastong bigkas, diin, antala at hinto 30%


Wastong galaw, tindig, at ekspresyon 30%
ng muka
Pagkamalikhain at pagkamasining sa 40%
paglalahad
Kabuuan 100%

IV. Ebalwasyon
Sa kalahating papel sagutin ang mga sumusunod:
1. Ano ang katuturan ng tula?
2. Ibigay ang iba’t-ibang paraan sa paglalahad ng tula.
3. Paano mo mapapahalagahan ang kasiningan ng tula?

V. Takdang Aralin
Sa isang kalahating papel, isulat ang element ng tula at ang kahalugan nito

Inihanda ni :
Deserie P. Edora

You might also like