Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 8

GAWAING PAGKATUTO sa Edukasyon sa Pagpapakatao (EsP) 9

Kwarter 2, Linggo 2.2


Ang Karapatang Pantao sa Panahon ng Pandemya at Ang Pananagutan Bilang Tao

Pangalan : ______________________________________ Petsa: ____________

l. Panimulang Konsepto
Ang kaayusan ng lipunan ay makakamit lamang kung
binibigyang halaga ang dignidad ng bawat tao sa lipunan gaya na
lamang ng pagkilala sa kanyang karapatan at mga pananagutan. Sa
panahong ito ng pandemya, napangangalagaan ba ang karapatang
pantao? Paano matitiyak ng mamamayan at pamahalaan na
napapangalagaan ang karapatan ng bawat isa kasabay ng
pagganap sa mga tungkuling kaakibat nito? Tuklasin at alamin natin
sa modyul na ito ang mga kasagutan sa mga gabay na tanong.

ll. Kasanayang Pampagkatuto mula sa MELCs

Naisasagawa ang mga angkop na kilos upang ituwid ang mga nagawa o
naobserbahang paglabag sa mga karapatang pantao sa pamilya, paaralan,
baranggay/pamayanan, o lipunan/bansa.

lll. Mga Gawain

Paunang Pagtataya/Pagtuklas ng Dating Kaalaman

A. Panuto: Lagyan ng tsek(√) ang kolumn na K kung ang sitwasyon ay tumutukoy sa


Karapatan at ang kolumn naman ng T kung ito ay tumutukoy sa Tungkulin.

Mga Sitwasyon K T
1. Isilang na malusog at ligtas sa anumang panganib.
2.Suportahan ang pamilya sa sapat at
masustansiyang pagkain.
3.Pangalagaan ang kalusugan at sarili sa mga
panganib ng katawan at kaluluwa
4.Pangalagaan at palaguin ang mga ari-arian upang
mapaunlad ang sarili at makatulong sa kapwa
5. Malayang makapaglaro at makapunta saan mang
lugar na nais puntahan

B. Panuto: Lagyan ng tsek(√) ang kolumn na S kung sumasang-ayon ka na kumikilala


ang sitwasyon sa karapatang pantao at ang kolumn naman ng HS kung hindi
sumasang-ayon sa karapatang pantao.

RO_Edukasyon sa Pagpapakatao_Grade 9_Q2_LP 2


1
Mga Sitwasyon S HS
6. Pamamalo ng pulis sa isang residenteng lumabag
sa Enhanced Community Quarantine (ECQ)
7. Patas na pamamahagi ng SAP sa mga
nangangailangang mamamayan.
8. Limang binatilyong nahuling lumabag sa ECQ
ikinulong sa kulungan ng aso.
9. Pagpapahubad ng isang barangay kagawad sa
isang quarantine violator na nahuli at pagpopost pa ng
mga larawan ng nasabing pangyayari sa social media.
10. Pagpapanood ng videos sa tunay na epekto ng
Covid-19 sa mga residenteng nahuli sa paglabag sa
ECQ upang lalong maintindihan ng mga mamamayan
ang kahalagahan ng health safety protocols na umiiral,
tulad ng pagsusuot ng face mask, physical distancing,
quarantine, at iba pa.

IV. Pagpapalalim

Ang Karapatang Pantao sa Panahon ng Pandemya at Ang Pananagutan bilang


Tao

Ang karapatan ay ang kapangyarihang moral na gawin, hawakan, pakinabangan at


angkinin ang mga bagay na kailangan ng tao sa kaniyang estado sa buhay. Moral ito dahil
hindi maaaring puwersahin ng tao ang kaniyang kapuwa na ibigay sa kanya nang sapilitan o
puwersahin ang mga bagay na kailangan niya sa buhay. Kaakibat sa karapatan ng isang tao ang
obligasyon ng kaniyang kapuwa na igalang ito. Kapag nilabag ang karapatang ito, magkakaroon
siya ng damdamin ng pagsisisi.

Ano ang tungkulin?


Ito ang obligasyong moral ng tao na gawin o hindi gawin (o iwasan) ang isang
gawain. Moral ang obligasyong ito dahil ito ay nakasalalay sa malayang kilos-loob ng tao.
Kailangang tuparin ang mga tungkulin dahil ito ay nararapat at nakabubuti. Kasama ito sa
pagiging moral ng tao. Moral na gawain ang pagtupad ng tungkulin dahil ang moral ang siyang
nagpapanatili ng ating buhay-pamayanan (Dy, 2013). Ang pagtalikod o hindi pagtupad sa mga
tungkulin ay pagsalungat sa buhay-pamayanan na may malaking epekto sa sarili at sa mga
ugnayan.

Anim na Uri ng Karapatang Halimbawa ng Tungkuling kaakibat ng


Hindi Maaalis (Inalienable) Paglabag sa mga karapatang pantao
Ayon Kay Santo Tomas de Karapatang Pantao
Aquino (Quito, 1989)

1. Karapatan sa buhay Ang aborsyon ang isa sa May tungkulin ang tao na
pinakamabigat na pangalagaan ang kaniyang
Ito ang pinakamataas sa
halimbawa ng paglabag kalusugan at ang kaniyang
antas ng mga karapatan
sa kasagraduhan ng sarili sa mga panganib ng
dahil kung wala ito, hindi
buhay. Ang bawat katawan at kaluluwa.
mapakikinabangan ng tao
sanggol sa sinapupunan

RO_Edukasyon sa Pagpapakatao_Grade 9_Q2_LP 2


2
ang ibang karapatan. ng bawat ina ay may Gaya halimbawa ngayong
Dapat itong mangibabaw karapatang isilang at panahon ng pandemya
sa ibang karapatan kung matamasa ang lahat ng (Covid-19), pinapayuhan
sakaling ito ay malagay sa karapatang likas sa ang lahat na magsuot lagi ng
panganib. kaniya bilang tao. face mask, PPE’s at
sumunod lagi sa social
Sa panahong ito naman
distancing protocol upang
ng pandemya sa ating
maiwasan ang paglaganap
bansa, mayroong mga
ng sakit at mapangalagaan
paglabag sa karapatang
ang buhay.
pantao tayong
napapanood sa mga
telebisyon gaya na
May tungkulin ang tao na
lamang ng pagtangging
paunlarin ang kanyang mga
tanggapin sa ilang
talento at kakayahan. Mag-
ospital ang mga may
aral upang umangat ang
karamdaman, ang
karera at maitaas ang antas
pananamantala ng ilan
ng pamumuhay. Paglinang
na kumita ng malaki
ng mga birtud upang
kaya itinatago ng mga ito
malampasan ang mga
ang mga alcohol,
pansariling kahinaan.
disinfectant products,
gamot, pagkain at iba
pang mga
pangangailangan
medikal na kailangan ng
tao upang
makapagbenta sa mas
mataas na presyo. Ang
mga gawaing ito ay
nagpapakita ng pagsikil
sa karapatan ng tao
upang mabuhay.

2.Karapatan sa pribadong Ang pagsira o pag- May tungkulin ang tao na


ari-arian angkin sa gamit o ari- pangalagaan at palaguin
arian ng iba ng walang ang anumang ari-arian niya
Hindi maaalis sa tao ang
pahintulot ay isang at gamitin ito upang
karapatang ito dahil
halimbawa ng paglabag tulungan ang kapuwa at
kailangan niya ang mga ari-
sa karapatang ito. paunlarin ang pamayanan.
arian upang mabuhay nang
Kaya nga sa panahon ng
maayos at makapagtrabaho Ang paggamit din ng ari-
sakuna, kalamidad o
ng produktibo at nakikibahagi arian upang manikil o
pandemya (Covid-19) may
sa lipunan. manamantala sa
mga taong may mabubuting
kahinaan ng iba ay
puso at nakakariwasa sa
tuwiran ding
buhay ang tumutulong sa
pagpapamalas ng
mga nangangailangan sa
paglabag sa karapatang
pamamagitan ng
ito.
pagbabahagi ng pagkain,
damit, gamot, alcohol at
mga PPE’s.

RO_Edukasyon sa Pagpapakatao_Grade 9_Q2_LP 2


3
3. Karapatang Ang fixed marriage o May kaakibat na tungkulin na
magpakasal sapilitang kasal ay suportahan ang pamilya at
halimbawa ng paglabag gabayan ang mga anak
May karapatan ang tao na
bumuo ng pamilya sa sa karapatang ito. upang maging mabuting tao
pamamagitan ng kasal. ang mga ito. Kasama rito
Noong panahon ng ECQ
Pinag-iingat sa pag-aasawa ang pagiging mabuting
dahil sa pandemya
ang mga may halimbawa sa mga anak,
(Covid-19) may ilang
nakahahawang sakit o may pag-iwas sa eskandalo na
kasalan ang ipinagbawal
sakit sa isip, kahit taglay pa maging sanhi ng pagsira ng
ng pamahalaan na
rin nila ang karapatang pangalan ng pamilya, at
isagawa bagamat labag
magpakasal. pagsasabuhay ng mga birtud
ito sa karapatang ikasal
bilang isang pamilya.
sinasaalang-alang
naman ng gobyerno ang
karapatan sa buhay na
siyang
pinakapangunahing at
pinakamataas na
karapatang dapat
matamasa ng bawat
indibidwal.

4. Karapatang pumunta Ang pagkulong o May tungkulin na igalang


sa ibang lugar pagpigil sa isang tao na ang mga pribadong
makalabas o pumunta boundary. Kaakibat ng
Kasama sa karapatang ito
sa lugar na nais niyang karapatang ito ang tungkulin
ang karapatang lumipat o
puntahan ay tuwirang na kilalanin ang limitasyon
tumira sa ibang lugar na may
paglabag sa karapatang ng sariling kalayaan at
oportunidad tulad ng trabaho
ito. Gaya halimbawa sa pribadong espasyo ng
o komportableng buhay o
mga kababayan nating kapuwa.
ligtas sa anumang panganib.
OFW na nakakaranas
Sa panahong ito ng
ng kalupitan sa kamay
pandemya bagama’t may
ng kanilang mga amo na
kalayaan tayong pumunta sa
ikinukulong, sinasaktan
lugar na nais natin nilapatan
at pinagbabawalang
ito ng pamahalaan ng ilang
umuwi sa kanilang
mga restriksyon o limitasyon
pamilya.
upang maligtas tayong lahat
Sa panahon ng ECQ sa sa pagkakaroon ng sakit na
ating bansa dahil sa dulot ng Covid-19. Ang
pandemya (Covid-19) pagkilala sa halaga ng buhay
pansamantala ding inalis at kaligtasan ng bawat
sa atin ang kalayaang indibidwal sa lipunan ang
pumunta sa mga lugar pinakamahalagang
na nais nating puntahan tungkuling dapat nating
upang makapamasyal, isaalang-alang sa panahong
ang ilan nating ito ng pandemya.
kababayan ay hindi rin
pinayagang makauwi sa
kanilang mga pamilya sa
mga probinsya sapagkat
ipinagbabawal ang
RO_Edukasyon sa Pagpapakatao_Grade 9_Q2_LP 2
4
paglabas ng mga
tahanan. Muli bagamat
labag ito sa karapatang
pumunta sa ibang lugar
moral pa ring maituturing
ito sapagkat
sinasaalang-alang
lamang ng gobyerno ang
karapatan sa buhay na
siyang
pinakapangunahing at
pinakamataas na
karapatang dapat
matamasa ng bawat
indibidwal.

5. Karapatang Ang pagpilit/pagobliga May tungkulin na igalang


sumamba o ipahayag ang sa isang indibidwal na ang relihiyon o paraan ng
pananampalataya maging kasapi ng isang pagsamba ng iba. Kahit
institusyong magkakaiba ang relihiyon,
May karapatan ang bawat tao
panrelihiyon o ang may pagkakapareho rin ang
na piliin ang relihiyon na
pagbabawal sa isang tao mga ito- ang pagsamba sa
makatutulong sa kaniya
na ipahayag ang isang nilalang na higit na
upang mapaunlad ang
kaniyang makapangyarihan sa tao.
kaniyang pagkatao at
pananampalataya ay Kasama sa tungkuling ito
pakikipag ugnayan sa Diyos
tuwirang paglabag sa ang paggalang sa paraan ng
at kapuwa. Hindi maaaring
karapatang ito. pag-alala sa mga patay at
gawing obligasyon ang
ninuno.
pagkakaroon o paglipat sa Ngayong panahon ng
isang partikular na relihiyon pandemya bagamat
upang matanggap sa trabaho nilimitahan ang mga
o maging opisyal sa panrelihiyong pagtitipon
pamahalaan. hindi naman ito
ipinagbabawal at hindi
rin ito maituturing na
paglabag sa karapatang
pantao sapagkat
isinasaalang-alang
lamang ng pamahalaan
ang kaligtasan at buhay
ng bawat tao sa lipunan

6. Karapatang magtrabaho May iba’t-ibang May tungkulin ang bawat isa


o maghanapbuhay. halimbawa ng paglabag na magpunyagi sa trabaho o
sa karapatang ito gaya hanapbuhay at magpakita ng
May obligasyon ang lipunan
o pamahalaan na magbigay na lamang ng kahusayan sa anumang
ng trabaho o disenteng diskriminasyon dahil sa gawain. Mahalaga ang
hanapbuhay sa mga anyo o katayuan sa katapatan ng mga
mamamayan upang buhay, paggamit ng empleyado sa kanilang
mapakinabangan nila ang kapangyarihan o trabaho. Kasama na rin dito
karapatang mabuhay. impluwensiya bilang ang pagiging produktibo ng
batayan upang
RO_Edukasyon sa Pagpapakatao_Grade 9_Q2_LP 2
5
matanggap sa trabaho, manggagawa sa oras ng
ang hindi sapat na trabaho.
pagpapasahod o
May tungkulin ang
pagbibigay ng tamang
pamahalaan na tiyaking
benepisyo sa mga
magkakaroon ng maayos na
manggagawa.
pagkakakitaan ang mga
Sa panahong ito ng mamamayan nito upang
pandemya merong mga makapamuhay ng maayos
kababayan natin ang sa lipunan lalo na sa
nawalan ng hanapbuhay panahong ito ng pandemya.
gaya ng mga jeepney
drivers, mga piloto at iba
pang mga pribadong
manggagawa sa mga
pribado at maliliit na
kompanya ang mga ito
ay maituturing na
paglabag kung hindi
mabibigyan ng tulong at
pagkakataon ang mga
manggagawa na
makapagtrabaho o
kumita para matugunan
ang kanilang mga
pangangailangang
kailangan nila para
mabuhay.

Ilang karapatang pang-indibidwal ang kinilala sa encyclical na “Kapayapaan


sa Katotohanan” Pacem in Terris:
1. Karapatang mabuhay at kalayaan sa pangkatawang panganib
2. Karapatan sa mga batayang pangangailangan upang magkaroon ng maayos na
pamumuhay (pagkain, damit, tahanan, edukasyon,pagkalingang
pangkalusugan,tulong sa walang trabaho, at tulong sa pagtanda)
3. Karapatan sa malayang pagpapahayag ng opinyon at impormasyon
4. Karapatan sa malayang pagpili ng relihiyon at pagsunod sa konsensya
5. Karapatan sa pagpili ng propesyon
6. Karapatan sa malayang paglipat sa ibang lugar upang manirahan (migrasyon)
7. Karapatan sa aktibong pakikilahok sa mga pampublikong gawain o proyekto
8. Karapatan sa patas na proteksiyon ng batas laban sa mga paglabag sa mga
karapatang ito

RO_Edukasyon sa Pagpapakatao_Grade 9_Q2_LP 2


6
Kaakibat sa karapatan ng isang tao ang
Ang mga karapatang kinilala ni Santo
obligasyon ng kaniyang kapuwa na
Tomas de Aquino at ng Pacem in Terris
igalang ito at ang kaniyang obligasyon
ay masasalamin sa Pandaigdig na
na tuparin ang kaniyang tungkulin.
Pagpapahayag ng mga Karapatan ng
Mahalaga sa bawat isa, lalo na sa
Tao (Universal Declaration of Human
yugtong ito ng kabataan, ang
Rights). Ibinatay ang mga karapatang
pagsasaloob ng mensaheng ito.
kinilala ng Pandaigdiga na
Matutugunan mo ang tawag sa pagbuo
Pagpapahayag sa dignidad ng tao,
ng iyong pagkatao sa lipunan kung
patas at hindi maaalis na karapatan ng
igagalang mo at ng kalipunan ang mga
bawat kasapi ng sangkatauhan bilang
karapatan ng iyong kapuwa at kung
pundasyon ng kalayaan, katarungan at
tutuparin mo nang mapanagutan ang
kapayapaan sa buong mundo.
iyong mga tungkulin.

V. Pangwakas na Gawain
Punan ang tsart sa ibaba base sa iyong mga natutuhan at mga karanasan.

Tungkulin o Hakbang na
Mga sitwasyong nagpapakita ng
Aspekto isasagawa upang ituwid ang
paglabag sa karapatang pantao
mga nagawa o naobserbahang
paglabag sa karapatang pantao

1. Pamilya

2. Paaralan

3. Baranggay/Pamayanan

4. Lipunan/Bansa

RO_Edukasyon sa Pagpapakatao_Grade 9_Q2_LP 2


7
VI. Pagbubulay (Repleksyon)
1. Bakit mahalagang maunawaan ang kaugnayan ng karapatan at tungkulin ng tao
sa lipunan at sa pagkatao ng tao? Pangatwiran.
VII. Rubrik Para sa Pagbibigay ng Marka sa mga Gawain

VIII. Sanggunian/Reference for Learners


1. Edukasyon sa Pagpapakatao 9, Modyul Para sa Mag-aaral, Unang Edisyon 2015,
Department of Education
2. Pagpapakatao 9, Twila G. Punsalan, et,al., Batayang Aklat sa Edukasyon sa
Pagpapakatao sa Sekondarya, Rex Book Store, Inc., 201
Susi sa Pagwawasto

Paunang Pagtataya

A. B.
1. K 6.HS
2. T 7. S
3. T 8. HS
4. T 9. HS
5. K 10. S
Pangwakas na gawain: Gamitin ang rubrik para sa pagbibigay ng marka sa mga
tanong.

Inihanda ni:

JEAN E. CAMANO
May-akda

RO_Edukasyon sa Pagpapakatao_Grade 9_Q2_LP 2


8

You might also like