Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Kurt Allan S.

Solinap

10-LOVE
Ang Panggagamot Noong

Klasikal na Panahon
Simula

- Ang panggagamot noong panahon ng sinaunang kabihasnan sa Gresya ay mga


pinagsama-samang mga paniniwala, kaalaman, at karanasan sa pagpapagaling ng
karamdaman.

- Halos marami sa mga nakuhang kaalaman tungkol sa panggagamot noong


klasikong panahon ay batay sa mga arkaeolohikal na patunay mula sa iba't ibang
lugar sa Roma.

- Karamihan sa mga nakuhang tala na nagpapatunay sa mga ito ay mula sa mga


pormal na kasulatang iniuugnay sa Griyegong manggagamot na si Hippocrates at sa
Romanong manggagamot na si Galen.

Gitna

-Sa mga mas naunang panahon, ang pangngagamot ay sa pamamagitan ng pagbigkas


ng mga engkantasyon, pagtawag sa mga diyos, at paggamit ng mga halamang gamot,
agimat, o anting-anting.

- Dahil wala namang sinusunod na mga pormal na kahingian upang maging


manggagamot, kahit sino ay maaaring magbigay ng payong panlunas.

- Maraming pinagmulan ang kaalaman ng mga Griyego sa panggagamot, kasama na


rito ang mgakaalaman mula sa Ehipto at ilang malalapit na bayan sa Silangan, lalo na
ang Babylonia.

- Sa Roma, kung saan ang tradisyonal na panggagamot ng mga Italyano ay


nakikipagtagisan sa mga manggagamot na mula sa ibang bansa na karamihan ay
mga Griyego.

- Ang sinoman ay maaaring manggamot, karamihan sa mga ito ay malayang


mamamayan (o hindi mga alipin).

- Ang pagsasanay upang maging manggagamot sa Gresya at Roma ay sa


pamamagitan ng pagsisilbi at pag-aaral sa ilalim ng pangangalaga ng isa nang
kinikilalang manggagamot, at pagdalo sa mga lektura tungkol sa medisina o
pampublikong demonstrasyon tungkol sa anatomiya.
Wakas

- Noong sinaunang Gresya at Roma, si Asklepios ay sinasamba bilang diyos na patron ng


panggagamot.

- Dalawa sa pinakakilalang santuwaryo o banal na pook para sa pagpapagaling ng


maysakit ay ang Epidauros at ang isla ng Kos.

- Dumami ng dumami ang tagasunod ni Asklepios dahil sa dali niyang maabot ng mga
tao, sa kabila ng paniniwala sa kaniya bilang anak ng diyos na si Apollo.

- Ang lahat ng nagpapatingin sa kaniya sa templong itinayo para sa kaniyang


pagpapagaling ay sumasailalim sa ritwal ng paglilinis, pag-aayuno, pagdarasal, at pag-
aalay.

- Naniniwala ang kaniyang mga tagasunod na sino man sa kanila ang may karamdaman
ay pagpapakitaan ni Asklepios sa kanilang panaginip upang payuhan sila ng lunas sa
kanilang karamdaman.

Mga ebidensiya Mga naging


tungkol sa
kilalang
pagkakaroon
ngsistema ng manggagamot
panggagamot noon noon

Iba't ibang Ang sitwasyon ng


mga manggagamot
paraan ng Pagbibigay ng noong sinaunang
panggagamot Impormasyon o panahon
pagbabahagi ng
kaalaman tungkol sa
sistema ng
panggagamot noong
sinaunang
kabihasnang Griyego

Pantulong na Ideya

Pangunahing Ideya

You might also like