Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 1

Panuto: Ano-ano ang implikasyong dulot ng kawalan ng trabaho

sa bansa?

Sa kabataan
Nakaapekto ang pagtaas ng kawalan ng trabaho sa mga kabataan nang higit pa sa pisikal na kalusugan ng mga
ito, dahil sa suliraning ito, maraming nasa bracket ng kinse-anyos pataas ang napipilitang lumihis sa kursong
kanilang natapos. Karamihan ay nagtitiis sa mas mababang sweldo sa mga trabahong hindi naman dapat para
sa kanila, na kadalasan ay nagdudulot ng kanilang pagiging “depressed at stressed” . Kinikitil ng
unemployment hindi lamang ang mga pangarap ng karamihan sa kabataan, ngunit pati na rin ang self-esteem na
kinakailangan nila lalong-lalo na ngayong panahon ng pandemya. Kahit na ako’ y nabigyan ng sapat na
pribilehiyo upang kamtin ang aking mga pangarap ay hindi ko ring maiwasang maisip kung bakit ang aking kapwa
kaedad ay hindi nga naman “ sinwerte ” na magkaroon ng oportunidad na gaya ng iba kong kakilala... tunay
ngang napaka-kabilanin ng buhay, nakalulungkot.
Sa pamumuhay ng mga tao
Ang kawalan ng trabaho ay nakaaapekto naman sa pamumuhay ng mga tao, sapagkat ito ay nagdudulot ng
problemang mga pinansiyal at kawalang “savings” ng mga tao. Apektado rin kung ganun ang siyang antas o
kalidad ng buhay ng mga nawawalan ng pagkakataong magtrabaho, na nagpapalala sa pagkadamay ng kani-
kanilang mga pamilya. Maraming nawawalan ng pagkakataong makakain nang tatlong beses sa isang araw,
makapag-aral sa maayos na kalidad ng edukasyon, makatira sa disenteng mga tirahan at marami pang iba.
Nagbubunga rin ito ng kawalan ng pag-asa at maging ang pagkakalulong sa alkohol, na kalaunan ay
nagdudulot ng malulubhang mga komplikasyon sa kalusugan. May kaugnayan rin ito sa kakulangan ng “access ”
sa serbisyong medikal at gamot ng mga tao, hindi magandang nutrisyon at mga gawaing lalong nakasisira ng
kalusugan gaya na lamang ng paninigarilyo, pagdudroga, at pagsusugal. Tumataas rin ang antas ng krimen,
sapagkat maraming napipilitang umasa na lamang sa “easy money” kung kanilang tatawagin.

Sa pag-unlad ng ekonomiya ng bansa


Kahuli-hulihan, lubhang nakaaapekto rin ang unemployment sa pag-unlad ng ekonomiya ng isang bansa, dahil
kapag lumala ang kawalang ito, kakaunti rin ang nakokolekta ng pamahalaan na mga buwis na gaya ng tax
revenues , income tax at marami pang iba. Sa pagbaba ng paggugol ng mga tao dahil sa kawalan ng trabaho,
bumababa rin ang nakakalap na buwis, kaya apektado ang pananalapi ng pamahalaan na para sana sa
pagbabadyet ng mga serbisyo at proyekto para sa bayan. Patuloy ring mahihirapan ang mga korporasyon sa
paggawa ng maraming mga serbisyo at kalakal kapag kakaunti ang mga trabahador o empleyado. Dahil dito,
mula sa aking natutunan sa Ekonomiks noong nakaraang taon, bababa ang “gross domestic product o GDP” ng
bansa at magbubunga ng mahinang “economic growth” . Bunsod rin ng unemployment, nadaragdagan pa ang gugol
ng pamahalaan tulad na lamang ng mga alokasyon sa ayuda, pagkain, unemployment benefits at tulong
pinansiyal sa pagpapagamot ng mga unemployed. “Domino effect” nga kung kanilang tawagin, kaya ang
problemang kawalan ng trabaho ay marapat na seryosohin ng mga mamamayan at kinauukulan.

You might also like