Q2 Summative 1 Filipino

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Pangalan: ___________________________________________ Grade and Section:____________

Ikalawang Markahan
Filipino V- Summative Test No. 1
I. Panuto: Basahin ang sumusunod na talaarawan at sagutin ang kasunod na mga tanong.

Mahal kong Talaarawan,

,Maganda at maayos naman ang aking umaga ngayon dahil maaga akong nakapunta sa paaralan.
Pero bago ako pumasok, naligo muna ako, nagbihis nang maayos, nagsuklay ng buhok, kumain at
nagsisipilyo ng ngipin. Pagkatapos kong magsipilyo ng ngipin ay hinatid ako ng papa ko sa paaralan.
Pagdating ko sa paaralan ay bigla na lang sumakit ang ngipin ko. Kaya uminom agad ako ng gamot
upang mawala agad ang sakit ko sa ngipin.
Sa tanghalian naman ay masaya kaming nagkainan sa "BBQ-han" at pagkatapos ng kainan
namin ay dumiretso agad kami sa silid-aralan namin. Nag-aaral din ako sa paksa namin sa Ingles dahil
magkakaroon kami ng pagsubok o pagsasanay. At iyan ang mga ginagawa ko sa araw na ito.

Nagmamahal,
Shekainah ay masaya

Sagutin ang mga sumusunod na mga tanong. Isulat ang sagot sa patlang.

1. Sino ang nagsulat ng talaarawan?


________________________________________________________________________________
2. Ano ang unang ginawa ni Shekainah bago pumasok sa paaralan?
________________________________________________________________________________
3. Sino ang naghatid sa kanya sa paaralan?
________________________________________________________________________________
4. Ano ang nangyari kay Shekainah ng siya ay nasa paaralan na?
________________________________________________________________________________
5. Saang subject nagkaroon ng pagsubok o pagsasanay si Shekainah?
________________________________________________________________________________

II. Panuto: Basahin ang sumusunod na mga tanong at piliin sa loob ng kahon ang titik ng tamang
sagot.Isulat ang sagot sa patlang bago ang bilang.

a. talambuhay b. journal c. anekdota d. talaarawan

_______6. Ito ay tala ng mga obserbasyon sa paligid na nakatawag ng atensiyon ng isang indibidwal.
_______7. Ito ay tala ng nangyayari sa bawat araw.
_______8. Anyo ng panitikan kung saan nagsasaad ng kasayasayan ng buhay nga isang tao batay
sa tunay na tala, pangyayari o impormasyon.
_______9. Ito ay maikling kuwento ng isang nakawiwiling insidente sa buhay ng tao.
_______10.Ito ay maaaring repleksiyon ng mahahalagang pangyayari na nakapukaw sa isang
damdamin.

III. Panuto: Hiramin at baybayin nang wasto sa Wikang Filipino ang sumusunod na mga salita.

11. airplane- _________________________________


12. image- ___________________________________
13. pollution -_________________________________
14. cancer - __________________________________
15. ballpen- __________________________________
16. janitor - __________________________________
17. leader- __________________________________
IV. Panuto: Basahin ang mga sumusunod na tanong at piliin ang titik nang tamang sagot. Isulat ang
sagot sa patlang bago ang bilang.

_____18. Ang tamang baybay ng salitang schedule?


a. skedyul b. oras c. iskedyul d.takda
_____19. Ano ang tamang baybay ng salitang hiram na dialogue kapag ito ay isinalin sa wikang
Filipino?
a. salaysay b. dayalog c. dayalogo d. kuwento
_____20. Kahit mga estudyante pa lang ay may magagawa tayo. Ano ang kahulugan ng salitang-
hiram na estudyante?
a. bata b. mamamayan c. mag- aaral d. publiko

PERFORMANCE TEST

Panuto: Sumulat ng iyong talambuhay. Tiyakin na naisalaysay o naisulat ang mga mahahalagang
pangyayari sa iyong buhay.

RUBRIK PARA SA PAGSULAT NG TALAMBUHAY


Pamantayan Napakahusay Mahusay Hindi Mahusay
4 3 2
Naitala o naisulat ang
mga mahahalagang
pangyayari sa aking
buhay.
Nakagagamit ng
tamang bantas sa
pagsusulat tulad ng
tuldok(.), tandang
pananong (?), kuwit (,)
at iba pa.
Malinis at malinawa
ang pagkakasulat ng
sariling talambuhay.

You might also like