Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 1

SANAYSAY UKOL SA HALALAN SA PILIPINAS

Halalan Sa Pilipinas
Umugong na naman ang mga malulutong na pangalan sa pulitka sa pagpasok ng
nakaraang buwan. Maraming ipinalabas na campaign ads sa radyo, telebisyon at iba't
ibang social media platform laman ang kanilang mga plataporma at palabra de honor ng
bawat tatakbong kandidato para sa Halalan 2022. Maigi din ang panliligaw na makikita
ng mga campagn sorties na ginagawa sa mga botante. Bunga nito, kahit na may
pandemya, ay patuloy pa din sa maiging pagpili ng mga boboto sa kung sino at anong
katangian ng mga lider sa lipuan mapalokal man o nasyunal ang dapat iloklok.

Naiiba sa lahat ang taong halalan na darating. Bukod sa may pamdemya, ay hindi
maiiwasan ang mga posibleng problemang umusbong. Isa na dito ay ang 'coventional
vote' o boboto ang botante dahil iyon ang pinili ng nakararami. Ito ay pinatunayan sa
isang panayam ni Dwight De Leon sa isang podcast ng Rappler na ayon sa kanya, "ang
gusto ng iilan ay magbabago dahil sa iba't ibang salik tulad ng pangungumbinse ng iba.
Ang ilan nga ay boboto dahil sa matunog ang apelyido - alam nating ang mga pangalang
iyon ay 'di makatarungan na maihalal sa posisyon". Masasabing problemang programa na
ng mga kandidato ang 'vote buying' na naging kalakaran na para manalo. Ang anyo
naman ng problemang hatid ng politiko sa internet ay ang nagkalap na video at artikulo
ukol sa opinyon sa kung paano mamahala ang kontra partido pagnahalal at paglalag ng
pangalan ng kalabang partido - na kung iisipin ay hindi mabuti dahil sa dibisyong hatid
na imbes mag-iisa ay bagkus nagwawatak ng mga botante. Sa kabilang banda, dagdag sa
listahan ng pagpili ang nakalaang proyektong alay ng mga kandidato na susuporta sa
bansa kung may malalang sakuna at pandemya; higit sa lahat, mga programang tutugon
sa masa. Ilang kandidato ay walang pagbabago sa mga platapormang isinumite sa
nakaraan eleksyon. Naktuon pa din sila sa pangkabuhayan, edukasyon, at agrikultura.
Nakalulugod man ngunit napakababaw pa din ng kanilang programa dahil sa minimal na
epekto nito sa ating kababayan na inaalayan ng programa. Kaya't sa pagpili ay aging
batayan na ng iilan ang matatapos na administrayon ng Pangulong Rodrigo Duterte kung
anong pinuno ng bayan ang nararapat na maihalal. Sa makailan lang na nakalap na
stadistika noong Oktubre 27, 2020, lampas 61 milyong botante ang aasahang lalahok sa
darating na eleksyon (PNA Articles, 2020). Bilang resulta, aasahan ang maiging pagpili
ng mga nakarehistrong botante tungo sa isang malinis na eleksyon at isang hakbang tungo
sa pagbabagong inaasam.

Sa pangkalahatan, hindi na bago sa bokabularyo ng politiko ang salitang 'magulo'. Sa


kasalukuyan ay patuloy pa din ang pagsusuri ng mga botante sa pangalang iboboto.
Makikita din sa iilan ang pagtakwil sa apelyido, partido, at programa dahil sa
paniniwalang nasa saloobin ng mabuting kandidatong tatakbo dapat tayo ay mapsailalim.

You might also like