Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 20

1

Ikalawang Markahan – Modyul 7-Week 7:


Pagtukoy sa Kahulugan ng mga Salita
Filipino-Unang Baitang
Ikalawang Markahan – Modyul 7-Week 7: Pagtukoy sa mga Kahulugan ng Salita

Unang Edisyon, 2020


Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung
ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan
ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito
upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga
tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit maliban
sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga
ito.
Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa
anumang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng ADM Modyul

Manunulat: Marivic A. Abad


Editor: Cherry G. Vinluan, EdD, EPS-Filipino
Tagasuri: Cherry G. Vinluan, EdD, EPS-Filipino
Ellaine D. Chua, PDO- LRMS
Tagaguhit: Carlo D. Yambao, Timothy M. Bagang (Cover Arts and Icons)

Tagalapat: Roland M. Suarez, Angela Berlin Valencia-Manalac


Tagapamahala: May B. Eclar, PhD, CESO V-Schools Division Superintendent
Melissa S. Sanchez, PhD, CESE-Asst. Schools Division Superintendent
Shirley B. Zipagan, PhD-Asst. Schools Division Superintendent
Celia R. Lacanlale, PhD, Chief, CID
Cherry G. Vinluan, EdD, EPS-Filipino
Ruby Murallo Jimenez, PhD, EPS-LRMS
June D. Cunanan, ADM Division Coordinator

Inilimbag sa Pilipinas ng Kagawaran ng Edukasyon, Rehiyon III - Division of Pampanga


Office Address: High School Boulevard,Brgy. Lourdes
City of San Fernando, Pampanga
Telephone No: (045) 435-2738
Email Address: pampanga@deped.gov.ph

ii
Alamin
Ang modyul na ito ay naglalayong mahubog ang iyong kasanayan
sa Pagtukoy sa Kahulugan ng Salita Batay sa Kumpas, Galaw,
Ekspresyon ng Mukha; Ugnayang Salita-Larawan; Kasalungat

Inaasahan din ang pagkakaroon ng kawilihan sa pagsasagawa sa


mga gawaing nakapaloob sa modyul na ito.

Pagkatapos ng modyul na ito, ikaw ay inaasahang:


1. Naibibigay ang kahulugan ng mga salita sa tulong ng mga
ilustrasyon, larawan at pakitang kilos o kasalungat nito
2. Nasasagot ang mga tanong tungkol sa nabasang kuwento.

Subukin
Basahin ang bawat pangungusap sa ibaba. Iguhit sa patlang
ang kung tama ang nakasaad sa pangungusap at naman
kung mali ang nakasulat.
________1. Ang pandemya ay sakit na mabilis kumalat at lubhang
nakakahawa.

________2. Ang batang dali-daling kumilos ay dahan-dahan


gumalaw.

________3. Ang labis na kasiyahan ay sobrang kagalakan.

________4. Ang mga tao ay naapektuhan ng pandemya kaya


hindi sila naperwisyo.

________5. Ang biyaya ay grasyang dapat ipagpasalamat.

1
Aralin Pagtukoy sa Kahulugan
1 ng mga Salita
Ang kasanayan sa pagtukoy sa kahulugan ng salita ay
napakahalaga. Ang kahulugan nito ay maaaring batay sa kumpas,
galaw, o ekspresyon ng mukha. Sa pamamagitan ng mga ito, madali
mong maunawaan at maramdaman ang anumang mensahe mula sa
kwentong iyong pinapakinggan.

May mga pagkakataon ding maaaring gumamit ng ugnayang salita-


larawan upang lalong matukoy ang kahulugan ng mga salitang
nakapaloob sa mga kwento.

Sa tuwing ikaw ay nagbabasa o nakikinig ng kwento, ang mga salitang


kasalungat ng iyong binabasa at naririnig ay maaari ding makatulong
nang sa gayon ay higit mong maunawaan ang mga salitang iyong
nababasa.

Balikan

Basahin nang may sapat na lakas ng boses, wastong bilis,


ekspresyon at damdamin ang kwento. Matapos mo itong basahin maaari
mo ng sagutin ang mga katanungan sa ibaba.

2
Manok na Puti
Ni: Gng. Marevic A. Abad
Labis na naapektuhan ang pamilya ng batang si Agi sa kumakalat
na pandemya sa mundo. Nalungkot ang batang si Agi sa kanilang
kalagayan. Natatakot man, nanatiling masunurin sa tagubilin ng
magulang si Agi. Naniniwala siyang magiging maayos din ang lahat.
Kahit na nahihirapan, pinili ng pamilya ang maging matatagNagdarasal
sila na sana ay matapos na ang paghihirap ng lahat. Isang araw,
nakatanggap ang kanilang mag-anak ng biyaya. Natuwa si Agi ng
makita ang mga taong may dalang tulong para sa kaniyang pamilya.
Dali-daling kinuha ni Agi ang manok na puti na iniabot ng mga taga-
barangay at saka nya ito dahan-dahang ipinasok sa kulungan.
Masayang nagpasalamat ang pamilya ni Agi sa mga nagpaabot ng
grasya sa kanilang pamilya. Dala ng labis na kasiyahan, muling
nakaramdam ng pag-asa ang mag-anak. Kinagabihan, muling
nanalangin at nagpasalamat ang mag-anak sa Panginoon.

Basahin at sagutin ang mga sumusunod na tanong:


1. Sino ang mga tauhan sa kwento?
2. Ano ang pinagdadaanan ng buong mundo sa kasalukuyan?

3. Anu-ano ang nangyari sa batang si Agi at sa kaniyang pamilya ng


dumating ang pandemya?
4. Paano nila hinarap ang mga pagsubok?
5. Ano ang biyayang kanilang natanggap habang may pandemya?

3
Mga Tala para sa Guro
Nararapat isaalang-alang ng guro ang mga kailangang kasanayan
upang mapaunlad ang kakayahan sa pagkatuto kabilang na dito ang
dating kaalaman upang lalong palawakin at patatagin ang
natutunan. Ang modyul na ito ang magsisilbing daan upang
matugunan ang kakulangan sa kaalaman hanggang sa matamo ang
sapat na pagkatuto sa

Tuklasin
Ang pag-unawa sa binasa ay mahalagang gawain kung saan ang
bawat salitang iyong bibigkasin ay nararapat lamang na iyong
nabibigyang kahulugan. Isang paraan upang malaman ang kahulugan
ng salita ay sa pamamagitan ng pagkilala sa kasalungat nito.

Basahin ang pangkat ng mga salita sa bawat bilang. Piiliin at


bilugan ang dalawang magkasalungat na salita.

1. nawalan naalis nagkaroon natanggal

2. tumalon nalungkot natuwa lumipad

3. mahaba malakas mabilis mabagal

4 umawit umiyak tumawa lumakad

5. kasiyahan kawayan kalungkutan katawan

4
Suriin
Naibigan mo ba ang kwento ng pag-asa ng batang si Agi?
Magaling kung ganoon. Ngayon magbabasa kang muli. Unawaing
mabuti ang bagong kwentong iyong babasahin.

Ang Malikot na si Toto


Ni: Gng. Marevic A. Abad

May isang g aso) kasama ng kaniyang

Nakatira sila sa isang malapit sa

. Araw-araw ay masayang naglalaro ang tutang si

Toto sa loob ng kanilang .

5
Isang araw, kinausap ng ang kanyang

. “Huwag kang lalabas ng .

Maari kang madulas at malunod sa .

Ngunit ang na si Toto ay sadyang malikot.

Sa kakalaro niya ng ay nakalabas na pala siya

ng
Patuloy lang siya sa paglalaro. Tuluyan siyang nadulas at

nahulog sa . Nanginginig sa takot na lumangoy patungo sa pampang ng


sapa ang tutang si Toto.

A. Basahin at sagutin ang mga tanong. Isulat ang iyong sagot sa


patlang
1. Saan nakatira ang aso at ang kaniyang mga tuta?
______________________
2. Kailan sila naglalaro? _________________________

6
3. Ano ang bilin ng aso sa kanyang mga anak?
_________________________
4. Bakit nakalabas ng bahay ang tutang si
Toto?_________________________
5. Ano ang nangyari sa tutang si Toto?________________________

B. Ngayon naman, pumili ka ng angkop na kahulugang salita para


sa bawat larawan. Pagtambalin ang hanay A sa hanay B.

Hanay A Hanay B

inahing aso
1.

2. sapa

tuta
3.

kubo
4.

bola
5.

7
Pagyamanin

Gabay na Gawain 1

Basahin ang mga pangungusap sa ibaba. Piliin ang


kahulugan ng salitang may salungguhit. Idrowing ang sa
patlang ng napili mong sagot.
1. Dapat tayong manalangin sa panahon ng pandemya.
_____ mag-ingay _____magdasal

2. Panatilihin nating matatag ang ugnayan ng pamilya.


_____malakas _____mahina

3. Maging malusog tayo at umiwas sa sakit.


_____masigla _____sakitin

4. Hangad ng lahat ng tao na matigil na ang pandemya.


_____ayaw_____gusto

5.Gawing malimit ang pag-eehersisyo.


_____madalas _____bihira

Gabay na Tayahin 1
Piliin sa dalawang larawan ang nagpapakita ng kahulugan ng mga
salita sa kaliwa. Kahunan ang napili mong sagot.

1.dalawang manga

8
2. malawak na
bahay

3. masustansiyang
pagkain

4. malinis na tubig

5.Mahimbing na
tulog

Gabay na Gawain 2
Naritong muli ang bagong kwento para sa iyo. Basahin at
unawain mo itong mabuti.

May Napulot si Ben


Sinulat ni Gng. Marevic A. Abad

9
Isang araw, natagpuan ni Ben ang isang basket. May bagay na
nakita sa loob ng basket si Ben. Puting parang ulap ang balahibo nito.
Wala itong mga kamay pero nagtataglay ito ng mga pakpak. Mayroon
din itong dalawang paa at mabalahibong buntot. Nagulat ang paslit ng
biglang tumilaok ang nasa loob ng
basket. “Ay, gansa pala!” ang sabi ng batang si Ben. “Salamat po
Panginoon. Meron na po akong bagong alaga”, dagdag pa niya
habang hawak ang gansa. Natuwa siya at agad-agad iniuwi ng bahay
ang bago niyang alaga.
1. Sino ang tauhan sa kwento? Ano ang napulot niya?
2. Ano ang itsura ng bagay na kanyang nakita? Ano ito?
3. Bakit nagulat si Ben?
4. Kanino siya nagpasalamat?
5. Natuwa ba si Ben? Bakit?

Gabay na Tayahin 2
Gumuhit ka ng larawan sa loob ng kahon ayon sa salitang
nakasulat sa bawat bilang.

1. basket

2. balahibo ng
gansa

3. pakpak

10
4. buntot ng
gansa

5. paa ng
gansa

Malayang Gawain 1
Panuto: Panuto: Tukuyin kung tama o mali ang nakabigay na kahulugan ng
salitang may salungguhit. Kulayan ng pula ang kung tama ang
kahulugang naibigay at dilaw naman kung mali.
1. Ang natagpuan ni Ben ay ang nakita niyang basket.
2. Ang tilaok ay tunog na gawa ng gansa.
3. May pakpak na bahagi ng katawan ang isang tao.
4. Ang paslit ay ang isang bata.
5. Ang agad-agad na pagkilos ay mabagal na paggalaw.

Malayang Tayahin 1
Panuto: Tumukoy ng limang salitang hango sa kwentong “May
Napulot si Ben”. Isulat ang mga ito sa loob ng bituin. Sa ilalim ng
bituin, isulat ang kahulugan ng napili mong salita.

11
Malayang Gawain 2
May kaibigan ka ba? Mabuti kung ganoon. Dahil diyan, tiyak na
magugustuhan mo ang susunod na kwentong babasahin mo. Simulan
na natin ang masaya mong pagkatuto.

Ang Magkaibigan
Sinulat ni Gng. Marevic A. Abad
Si Mak-mak at Bik-bik ay magkaibigan. Masaya sila sa tuwing sila
ay naglalaro. Isang araw, inaya ni Mak-mak na maglaro sa sapa ang
kaibigang si Bik-bik. Sasama na sana si Bik-bik nang maalala niya ang
laging tagubilin ng kaniyang Nanay Unding. “Tara na, maglaro na tayo
ng bangkang papel sa sapa”, ang yaya ni Mak-mak. “Ayoko. Dito na lang
tayo sa bahay maglaro”, sagot ni Bik-bik sa kaibigan. ”Sabi kasi ni
nanay, delikado daw maglaro malapit sa sapa. Baka daw ako ay
malunod”, dagdag

12
pang sabi ni Bik-bik. Walang nagawa si Mak-mak kundi umalis na lang
mag-isa.
Makalipas ang ilang sandali, nakarinig ng sigaw si Bik-bik.
“Saklolo! Saklolo!”, malakas na sabi ni Mak-mak. “Nalulunod ako!”,
hiyaw ng batang suwail. Dali-daling tinulungan ni Bik-bik ang kaibigan.
Hinawakan niya pataas ang kamay ni Mak-mak. Pagkaahon sa tubig,
nagpasalamat si Mak-mak at saka niya naisip ang sinabi kanina ng
kaibigan. “Sana, naging masunurin na lang din ako tulad mo. Nakinig na
lang sana ako sa payo ng nagulang natin na huwag maglaro sa sapa”,
nagsisising sabi ng batang si Mak-mak.

Panuto: Piliin mula sa kahon ang salitang nakasalungguhit


tinutukoy sa bawat pangungusap.

magkaibigan delikado saklolo

suwail hinila humihiyaw

1. Sumisigaw ng malakas si Mak-mak.

2. Hinawakan pataas ni Bik-bik ang kamay ng


kaibigan.
3. Ang bata ay humingi ng tulong nang mahulog
siya sa sapa.
4. Hindi mabuti ang maglaro malapit sa sapa.

5. Si Mak-mak ay hindi marunong sumunod sa utos


ng magulang.

13
Malayang Tayahin 2
Gumuhit ka ng larawan na kasama mo ang iyong matalik na
kaibigan. Gawin ito sa loob ng hugis puso. Pagkatapos magbigay ng
limang katangian ng iyong kaibigan.

1.______________________________________________________________

2. ______________________________________________________________

3. ______________________________________________________________

4. ______________________________________________________________

5. ______________________________________________________________

Isaisip
Ang mga salita ay may kani-kaniyang kahulugan. Maaaring
maunawaan ang kahulugan ng mga ito sa tulong ng mga larawan,
pagpapahiwatig at pagsasakilos. Maging ang mga kasalungat na salita
ay maaari ring makatulong upang lubos mong maintindihan mga
mensahe ng iyong binabasa.

14
Isagawa

Ngayong may dinaranas tayong pandemya, maraming bagay ang


ating natutunan. Isa na dito ang magpasalamat sa anumang biyaya na
ating natatanggap. Gumuhit ka ng larawan ng tatlong (3) bagay na iyong
ipinagpapasalamat sa loob ng bawat bilog. Sumulat ka rin ng salitang
kahulugan ng iyong iginuhit sa loob naman ng bawat kahon.

Tayahin
Tukuyin ang kahulugan ng mga salita sa ibaba. Kulayan ng
asul ang ng sagot na sa tingin mo ay tama.
1. Kasalukuyang nagkakagulo ang mga tao dahil sa pandemya.
Nag-aaway nagkakasundo nagkakaisa

2. Ang magulang ay natutuwa sa masunuring anak.


naiinis nasisiyahan Natatakot

15
3. Ang dalangin ng bata ay gumaling na sana ang mga maysakit.
dasal nais gusto

4.Laging sundin ang tagubilin ng iyong mga magulang.


utos bigay taguan

5.Ang lahat ay dumaranas ng pagsubok.


pagkatakot pagkagutom paghihirap

Karagdagang Gawain
Kumpletuhin ang tsart sa ibaba. Sa kaliwa, iguhit ang larawang
angkop para sa salita. Sa kanang hanay naman, isulat ang kahulugan
ng salitang nasa gitnang hanay.

Larawan Kahulugan
Salita

mag-anak

inahing manok

paslit

magkaibigan

pandemya

16
Susi sa Pagwawasto

17
18

You might also like