Applied-FPL Akad Modyul 1

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 24

SHS

Filipino
Piling Larang –Akademik
Modyul 1:
Tara, Sulat Tayo!
Filipino – SHS Baitang 11/12
Piling Larang: Akademik – Modyul 1: Tara, Sulat Tayo!

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung
ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan
ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala
at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito
ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon

Panrehiyong Direktor: Gilbert T. Sadsad


Kawaksing Panrehiyong Direktor: Jessie L. Amin

Mga Bumuo ng Modyul

Manunulat: Rosemarie M. Nocedo


Editor: Leopoldo C. Brizuela Jr.
Tagasuri: Nora J. Laguda

Tagaguhit: Jotham D. Balonzo


Tagalapat: Rey Antoni S. Malate; Jotham D. Balonzo; Brian Navarro
Paunang Salita

Bilang tugon sa makabagong tunguhin sa pagkatuto ay binuo ang serye ng


modyul na ito. Nilalaman nito ang mga pinakamahahalagang kasanayang
pampagkatuto o Most Essential Learning Competencies (MELC) sa ilalim ng
kasalukuyang kalagayan ng edukasyon. Upang matugunan ang hamong
kinakaharap sa edukasyon, kalusugan at kaligtasan malaking tulong ang modyul na
ito sa patuloy na pag-aaral ng kabataan sa loob at labas ng paaralan sa
pakikipagtulungan ng mga magulang at tagagabay
Inaasahan na ang modyul na ito ay higit na makatutulong sa paglinang ng
kasanayan at kakayahan ng mga mag-aaral.

Para sa Tagagabay:
Upang lalong kagiliwan ng mag-aaral at maging kapaki-
pakinabang ang modyul na ito, tiyaking makapagbigay ng oryentasyon sa
mga mag-aaral, magulang, o sinomang miyembro ng pamilya kung paano
gagamitin at iingatan ang modyul na ito.
Ipabatidna kailangang magkaroon ng sariling sagutang papel ang
bawat mag-aaral para sa paunang pagsubok, mga gawain sa bawat
bahagi at panapos na pagsubok. Kung tapos nang sagutin ang modyul na
ito, ipaalala sa mag-aaral na kaagad itong ibalik sa guro para sa
kaukulang tunguhin.

Para sa mag-aaral:
Inihanda ang modyul na ito para sa iyo.
Kailangan mong sundin at saguting mag-isa ang
mga gawaing nasa loob nito. Huwag kang mag-
alala, kayang-kaya mo ito.Tiniyak kongmatutuwa ka
habang natututo.
Ingatan mo ang modyul na ito.Huwag mong
susulatan at iwasang mapunit ang mga
pahina.Gumamit ka ng sagutang papel o ang iyong
kuwaderno. Sige, simulan na natin!

ii
Tara, Sulat Tayo!
Panimula:

Magandang araw!
Kumusta ka ngayon?
Ok ka lang ba?

Natutuwa ako na nasa maayos kang kalagayan! Mahilig ka bang


magsulat? Anuman ang sagot mo tiyak na magiging kapaki-pakinabang sa iyo ang
araling pag-uusapan natin ngayon. Siguradong ‘di ka lang matututo mag-i-enjoy ka
pa!
Halika! Umpisahan na natin.
Sa modyul na ito ay makikilala mo ang akademikong pagsulat bilang isa sa
mga uri ng pagsulat batay sa kahulugan at at mga katangian nito.
O, ano handa ka na ba?

Sa modyul na ito, ikaw ay inaasahang


nakapagbibigay-kahulugan sa akademikong
pagsulat.

1
Ooops!
Bago ka magsimula, may mga bagong salita na dapat
mong kilalanin para sa araling ito. Magagamit mo ang
mga ito para ganap na maunawaan ang mga susunod
na talakay tungkol sa ating paksa.

Talasalitaan Simulan mo na!

Basahin natin.
pagsulat -
artikulasyon ng mga ideya,
konsepto, paniniwala at
nararamdaman na
ipinahahayag sa paraang
pasulta, limbag at elektroniko.

akademya –
lipunan o institusyon ng mga
kilalang iskolar, artist, o
siyentista na naglalayong
palaganapin at panatilihin ang
pamantayan sa isang tiyak na
larangan.

iskolar –
mag-aaral sa kolehiyo o unibersidad/
propesyonal na
nagpapakadalubhasa sa isang
larangan, may mataas na antas ng
karunungan.

sulating akademik –
pormal na sulating
isinasagawa sa isang
intelektuwal – akademikong institusyon o
kasanayan sa paggamit ng unibersidada sa isang
mataas na antas ng pag-iisip. partikular na larangang
akademiko.

2
Ano ba ang alam mo na sa ating
aralin?

Panimulang Gawain

Panuto: Basahin at suriin ang bawat talata na sinipi mula sa mga piling sulatin at
subukin
pagkatapos ay tukuyin kung anong mo nga? ang ginamit sa mga ito.
uri ng pagpapahayag
Piliin ang sagot sa loob ng kahon sa ibaba. Titik lamang ang isulat sa iyong
sagutang kuwaderno

A. PAGLALAHAD C. PAGLALARAWAN
B. PAGSASALAYSAY D. PANGANGATWIRAN

1. Sang-ayon kay Giovanni Careri, isang manlalakbay na


Italyano na nakasapit sa ating bansa noong 1696, ang mga unang
Tagalog na naninirahan sa baybayin ng dagat at mga ilog ay
sumasamba sa mga puno ng Balite. Siya ay naglibot sa mga paligid
sa Lawa ng Bai na ngayon ay tinatawag na Lawa ng Laguna at
mataman niyang pinag-aralan ang mga naninirahan dito.
- Halaw sa “Ang Alamat ng Bayan,”
Angono Rizal: Art Capital ng Pilipinas

2. Masyadong maikli ang panahon para sa preparasyon ng mga


guro. Kaya ba ng limang araw na pagsasanay na ibigay ang
karampatang kaalaman sa pagtuturo sa mga klaseng remedial para
sa buong taunang na karanasan ang mga gurong magtuturo ng
tatlong nabanggit na asignatura, iba pa rin ang katangian at
oryentasyon ng klaseng remedial. Ang mga estudyanteng
nakapaloob dito ay malamang na mabagal umintindi kaya kailangang
maging mapanlikha sa paraan ng pagtuturo at makgaroon ng
maraming gawain. Hindi kasya ang limang araw para makapagtakda
ng pamantayan sa pagtuturo ng tatlong asignatura.
- Halaw mula sa “High School Readiness Test:
Dagdag pasanin ng mga Estudyante, Guro at
Magulang.“Konteksto ni Danila Arana Araw.

3
3. “Dumating ang may-ari ng litsunan, sa ayos niya’y mukhang
siya pa ang dapat tuhugin ng kawayan at ihawin sa nagbabagang
uling.Bilog na bilog ang kanyang katawan. Wala na siyang leeg.
Nakasaklay na ang kanyang balikat sa magkabilang tainga.
Makipot ang nagma-mantika niyang labi na ibinaon naman ng
pumuputok niyang pisngi. Biik lamang ang kanyang tangkad.Kung
maglakad siya’s parang nakawalang bulog. Sumenyas
siya.Pinapupunta kami sa loob ng kanyang kural, este opisina.”
- Halaw sa “May Baboy na Di-Matuhod sa
Litsunan,”
Barriotic Punk, mga Kwento sa Baryo at Kanto
ni Mes De Guzman

4. Batihing mabuti ang isang itlog at ihalo rito ang karneng


dinurog.Timplahan ng asin, budburan ng kaunting paminta at ihalo ang
harina.Gumawa ng katamtamang laki ng bola-bola at kapag nabilog na
ay iprito sa mahina-hinang apoy hanggang sa pumula ito.Ilagay sa
mantika ang pinitpit na bawang at kapag mamula-mula na ito ay igisa
rin dito ang sibuyas at kamatis.Sabawan ng mga anim na kutsarang
tubig ang kawali hanggang sa maging parang sarsa ang sabaw.Ihalo
ang mga ginawang bola-bola at pabayaang kumulo.Pagkaraan ng
limang minuto, hanguin ang nilutong bola-bola at ihain ito nang mainit.

- Mula sa Masarap na Luto Natin nina


Maria Salud Paz at Martha E. Jacobo

5. Ngunit ang kanilang marangyang pamumuhay ay hindi po


nagtagal. Labing-isang taong gulang si Rizal nang dakpin ang
kanyang ina, palakarin ng limampung kilometro patungong Sta.
Cruz, at itapon sa bilangguan. Wala po siyang naging sala,
napag-initan lang ng isang alkaldeng sinasabing alipores ng mga
fraile. Hindi pa dito natapos ang kalbalyaro ng kanilang pamilya.
Di nagtagal, nagsimula na rin ang pagsamsam ng mga fraile sa
mga lupain at ilang ari-arian ng mg Mercado-Rizal.

- Mula sa “Tuwid na Landas ang Tinahak ni Rizal”


Binigkas sa pagdiriwang na Ika – 150 Anibersaryo
ng Kapanganakan ni Jose Rizal Calamba,L aguna,
19 Hunyo 2011 Pangulong Benigno Simeon Aquino
III

4
Binabati kita. Natapos mo ang unang pagsubok.
Alamin natin sa pahina 19 ang wastong sagot sa mga tanong.
Saang antas ka kaya nabibilang?

5 tamang sagot – NAPAKAHUSAY


3-4 tamang Sagot – MAGALING
1-2 tamang sagot – PAGBUBUTIHAN PA
0 tamang sagot – KAYA MO YAN

Wow!!! Ang galing!!!

O, diba kayang-kaya mong sagutin ang gawain.

Sakaling nahirapan ka sa pagsagot sa ibinigay na


paunang pagtataya, huwag kang mag-aalala. Ang
bahaging ito ng modyul ay lilinang sa iyong
kaalaman, kakayahan at pag-unawa.

Handa ka na ba?

Mga Gawain sa Pagkatuto:

Basahin mo.
Pagsulat sa Mataas na Antas
Ni: Rosemarie M. Nocedo

Isa sa pinakamahirap hasaing kasanayan sa komunikasyon ang pagsulat.


Totoong ang pagsulat ay isang komplikadong proseso na nangangailangan ng sapat
na panahon upang maging mahusay rito. Hindi ito dapat katakutan dahil ang
pagsasanay sa pagsulat ay nagdudulot ng higit na pagkatuto at pag-unlad sa ating
pagkatao. Ang isang taong nagnanais na maging dalubhasa sa larangang ito ay
nangangailangan magkaroon ng malawak na kaalaman lalo na sa mga uri ng
pagsulat na ginagawa sa iba’t ibang larangan.

5
Karaniwang ang mga uri ng pagsulat ay nagkakaiba-iba sa paksa, anyo o
estruktura, layunin at maging sa antas ng kaalamang nais ipabatid sa target na
mambabasa. Natatangi sa mga ito ang akademikong pagsulat.

Ayon kay Karen Gocsik (2004), ang akademikong pagsulat ay isang uri ng
pagsulat na ginagawa ng mga iskolar para sa mga iskolar. Madalas na ito ay
nakalaan sa mga paksa at tanong na pinag-uusapan at intertesante sa akademikong
komunidad at naglalahad ng mga importanteng argumento. Ito ay isang masinop na
at sistematikong pagsulat ukol sa isang karanasang panlipunan na maaaring maging
batayan ng marami pang pag-aaral na magagamit sa ikatataguyod ng lipunan.
______________________________________

Ano ang akademikong pagsulat?

Tama! Ang akademikong pagsulat ay isang uri ng pagsulat na ginagawa ng mga


iskolar para sa mga iskolar. Tandaan na nakalaan ito sa mga paksang interesante
sa akademikong komunidad at naglalahad ng importanteng argument.
________________________________________________________________
Maituturing na natatangi akademikong pagsulat pagkat ito ay intelektuwal na
pagsulat na naglalayong pataasin ang antas at kalidad ng kaalaman ng mga
mambabasa. Ilan sa mga katangian taglay nito ang pormal at piling-piling
paggamit ng pananalita, pagiging obhetibo, may paninidigan, may
pananagutan, at may kalinawan.
__________________________________________________________________

?
Ano-ano ang mga katangian ng akademikong
pagsulat?

Tama! Ang akademikong pagsulat ay pormal, obhetibo, may paninidigan,


may pananagutan, at may kalinawan.

6
__________________________________________________________________

Ano ang layunin ng akademikong


pagsulat?

Tumpak! Layunin ng akademikong pagsulat ang pataasin ang antas ng kaalaman


ng mga target na mambabasa.
___________________________________________________________________

Ang pagbuo ng akademikong pagsulat ay nakadepende sa kritikal na


pagbasa ng isang indibidwal. Kinikilala sa ganitong uri ng pagsulat ang husay ng
manunulat dahil may kakayahan siyang mangalap ng mahahalagang datos, mag-
organisa, ng mga ideya, lohikal mag-isip, mahusay magsuri, marunong
magpahalaga sa orihinalidad, at may inobasyon at kakayahang gumawa ng
sintesis.( Arrogante et .al 2004)

Sa pagsulat ng sulating pang-akademiko, gumagamit ng piling-piling salita at


isinasalang-alang ang mga mambabasa. Mahigpit din sa paggamit ng wastong
bantas at baybay ng mga salita dahil nakatuon ito sa pagbibigay ng kaalaman.
_______________________________________________________________

Kung nais mong maging mahusay na


manunulat sa larangang akademiko, ano-
ano ang mga katangiang dapat mong
taglayin?

Ang galing! Taglay mo dapat ang mataas na antas ng kasanayan sa pagsulat,


kakayahan sa pangangalap ng datos, pag-organisa ng mga ideya, lohikal mag-isip,
mahusay magsuri, marunong magpahalaga sa orihinalidad, at may inobasyon at
kakayahang gumawa ng sintesis.
___________________________________________________________________

7
Kung ihahambing sa malikhaing pagsulat (gaya ng maikling kuwento, tula, dula
at nobela) ang akademikong pagsulat ay nangangailanagn ng mas mahigpit na na
tuntunin sa pagbuo ng sulatin. Layunin nitong magbigay ng makabuluhang
impormasyon sa halip na manlibang lamang.

Layunin din nitong:

- manghikayat sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga posibleng sagot o dahilan


at ebidensiyang maaari mong paniwalaan;
- mag-analisa sa pamamagitan ng paliwanag at ebalwasyon gayundin ng mga
baryabol at ang kaugnayan nito, at panghuli;
- magbigay ng impormasyon sa pamamagitan ng pagpapalawak at
pagpapalalim sa kaalaman ng mambabasa.
-
Mayroon itong isang paksa na may magkakaugnay na mensahe. Maayos na
inihahanay ang mga pangungusap at talata upang maging malinaw ang pagkakabuo
ng mga ideya at paliwanag ng mga ito. Ang karaniwang estruktura ng nito ay may
simula kung saan nakalahad ang introduksiyon, gitna na nilalaman ng mga
paliwanag at wakas na nilalaman ng resolusyon, kongklusyon , at rekomendasyon.
___________________________________________________________________

Saang aspekto nagkakaiba ang akademikong


pagsulat at malikhaing pagsulat?

Magaling! Maliban sa paksa at estrtruktuira, nagkakaiba rin ang akademikong


pagsulat at malikhaing pagsulat sa layunin.

_____________________________________________________

Oh, nasusundan mo ba ang ating


pagtalakay? Mabuti kung gano’n. Ngayon,
paano ba “iniuulat o sinasabi” ng manunulat
ang mga impormasyong nais niyang ipabatid
sa mga target na mambabasa?

Para malaman mo ang sagot, ipagpatuloy mo


ang pagbasa.

8
Narito ang mga paraan kung paano ipinahahayag ang mga ideya sa
akademikong pagsulat:

1) Paglalahad (ekpositori) – kung ang teksto ay nagbibigay-linaw o


nagpapaliwanag hinggil sa proseso, isyu, konsepto, o
anumang paksa na nararapat na alisan ng pag-
aalinlangan.

2) Paglalarawan (deskriptiv) – kung ang teksto ay bumubuo ng isang imahe


sa pamamagitan ng paglalantad ng mga katangian nito.

3) Pagsasalaysay (narativ) – kung ang teksto ay nagkukwento ng mga


magkakaugnay na pangyayari.

4) Pangangatwiran (argumentativ) – kung ang teksto ay may layuning


manghikayat at magpapaniwala sa pamamagitan ng
pagbibigay ng mga rason at ebidensya.

________________________________________________________

Paano naiiba ang paraan ng pagpapahayag sa akademikong


pagsulat sa iba pang uri ng pagsulat?

Tumpak! May malaki ngang pagkakaiba.

Bagaman may iba’t ibang paraan ng pagpapahayag na ginagamit sa akademikong


pagsulat gaya ng sa iba pang uri ng pagsulat, karaniwan ang layunin nito ay
manghikayat sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga posibleng sagot o dahilan at
ebidensiyang maaari mong paniwalaan, mag-analisa sa pamamagitan ng paliwanag
at ebalwasyon gayundin ng mga baryabol at ang kaugnayan nito, at panghuli ang
magbigay ng impormasyon sa pamamagitan ng pagpapalawak at pagpapalalim sa
kaalaman ng mambabasa.

9
Posible bang magkaroon ng kombinasyon sa mga uri
o paraan ng pagpapahayag sa iisang teksto lamang?

Tama ka! Posible nga. Balikan mo ang tekstong sinuri at tukuyin ang mga bahaging
ginamitan ng paglalahad, paglalarawan, pangnagtwiran at pagsasalaysay.
___________________________________________________________________

Yehey!!! Aprub ba sa’yo ang ating talakay?

Mabuti kung ganoon. Natutuwa akong unti-unting nagiging malinaw


sa iyo kung ano ang akademikong pagsulat

Ngunit gusto kong malaman mo na nakatuon lang tayo ngayon sa


kahulugan at mga katangian ng akademikong pagsulat.

Ipagpatuloy mo pa.

Ano’ng mahahalagang impormasyon ang iyong nalaman?

Makatutulong kaya ang mga ito sa iyong pag-aaral?

Markahan sa ibaba ang antas ng iyong pagkaunawa:

Lubos na naunawaan
Naunawaan
Naguluhan

Ngayon, alam kong handa ka na para sa mga inihandang pagsasanay para sa’yo.
Game ka na ba?

10
Simulan mo na ang iba’t ibang gawain.

___________________________________
ISULAT MO!
Panuto: Isulat sa kwaderno ang salita o Pagsasanay 1
konseptong katumbas ng katangiang taglay
nito batay sa araling tinalakay.

Paglalarawan
Pagsasalaysay

Pangangatwiran Paglalahad

Akademikong Pagsulat

1. Ito ay nagbibigay-linaw sa mga pangyayari, sanhi at


bunga, at pagbibigay ng mga halimbawa.

2. Ito ay nakapokus na pagkakasunod-sunod ng daloy ng


mga pangyayaring aktwal na naganap.

11
3. Nagsasaad ito ng obserbasyon, uri, kondisyon, palagay,
at damdamin ng manunulat hinggil sa isang bagay, tao
lugar, o pangyayari.

4. Ito ay nakalaan sa mga paksa at mga tanong na pinag-


uusapan ng o interesante sa akademikong komunidad.

5. Ito ay nagpapahayag ng katwiran o argumentong


pumapanig o sumasalungat sa isang isyung nakahain
sa manunulat.

Kamusta ang unang pagsasanay? MADALI ba o MAHIRAP?


Tingnan ang sagot sa pahina 19.
Nakuha mo bang lahat ng wastong sagot sa pagsasanay 1?
Kung nakuha mo nang lahat, ikaw ay MAHUSAY!
Maaari mo nang gawin ang Pagsasanay 2.
Kung mababa sa 3, balikan mong muli ang hindi mo nakuha at pag-aralang
muli at pagkatapos, magpatuloy na sa pagsasanay 2.

12
Dahil madali mo lang nasagutan
ang unang pagsasanay, heto pa
Pagsasanay 2
ang isa pang gawaing
magpapatibay ng iyong
kaalaman.

KATANGIAN KO, SURIIN MO!


Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang sipi ng akademikong sulatin na makikita
sakasunod na pahina. Sa tu;long ng talahanayan, suriin ito batay sa mga taglay
nitong katangian.

Bionote ni Bienvenido Lumbera


Isinulat ni Rommel Rodriguez

Kilalang manunulat at iskolar ng kultura at panitikan, si Bienvenido Lumbera


ay ipinanganak noong Abril 11, 1932 sa Lipa, Batangas. Nag-aral sa Unibersidad de
Santo Tomas noong 1950 at sa Indiana University noong 1967. Naging propesor din
siya sa Osaka University at University of Hawaii sa Manoa, gayundin din sa iba’t
ibang unibersidad sa bansa.

Hindi matatawaran ang kontribusyon ni Bien sa larangan ng sining at


panitikan. Nakapaglimbag na siya ng mga panandang-bato na antolohiya,
nakapagsulat ng iba’t ibang dula tulad ng Tales of the Manuvu, Nasa Puso ang
Amerika at Hibik at Himagsik nina Victoria Laktaw. Pinarangalan siya bilang
Pambansang Alagad ng Sining at nagkamit na rin ng gawad mula sa Ramon
Magsaysay Awards para sa Pamamahayag.

Sa kabila ng buhay sa sining, hindi nakaligtaan ni Bien ang halaga at ugnayan


ng kanyang pagiging iskolar, guro at artista sa lipunan at bayan. Kinikilala ang
kanyang ambag sa larangan ng pagtatayo ng mga organisasyong nagtataguyod ng
pambansang demokrasya. Bukod sa pagiging Professor Emeritus sa UP Diliman,
siya rin ang Chairman Emeritus ng Concerned Artists of the Philippines at Congress
of Teachers/Educators for Nationalism and Democracy. Siya rin ang naging
tagapanguna sa pagkakatatag ng Alliance of Concerned Teachers, Philippines na
nangangalaga naman sa kagalingan ng mga guro sa Pilipinas.

Maraming beses na rin nakasama si Bien sa mga pambansang kilos- protesta.


Patuloy siyang nakikibahagi sa pagsulong ng makatuwirang sahod at karapatan ng
mga manggagawa. Inilapat niya sa kanyang mga akda ang buhay at himagsik ng
mga magsasaka. Naging lunan ng kanyang mga karanasan noong batas militar ang

13
mga obrang tula at awitin. Sa lahat ng ito, isang dakilang patunay si Bien na ang
sining ay marapat lamang magsilbi sa mga uring inaapi at pinagsasamantalahan,
habang ito rin ay mabisang paraan upang humukin ang mamamayan na makiisa
tungo sa paglaya ng bayan.

Talahanayan 1
KATANGIAN KO, SURIIN MO!

Pamagat ng Teksto:

Paksa

Layunin

Nilalaman (gist lamang)

Kahalagahan sa Mambabasa

Ang galing-galing mo! Natapos mo ang


Pagsasanay 2.
Ituloy mo na ang pagsagot sa huling
pagsasanay. Alam kong kayang-kayang
mo ito.

14
IPAHAYAG MO ANG PATUNAY!
Panuto: Gamit ang parehong teksto sa
pagsasanay 2, hanguin ang mga piling bahagi Pagsasanay 3
na ginamitan ng iba’t ibang paraan ng
pagpapahayag at pagkatapos ay magbigay ng
patunay. Sundin ang pormat sa ibaba at isulat
sa kuwaderno ang iyong sagot.

Talahanayan 2
IPAHAYAG MO ANG PATUNAY!

Piling Pahayag Uri ng Pagpapahayag Patunay

1.

3.

4.

5.

Kongklusyon:
Ang akademikong pagsulat ay …

15
Pak na pak ang galing mo! Binabati kita!

Nasagutan mo lahat na pagsasanay.

Anong naramdaman mo matapos malaman


ang resulta ng iyong pagsisikap?

 ☺ 

Ang bahaging ito ng modyul ay susukat sa mga


natutuhan mo sa loob ng aralin. Huwag kang matakot
dahil alam kong kayang-kaya mo ito. Tandaan mo
malapit ka na sa finish line! Huling pagsubok na
lamang ito na kailangan mong gawin.

Panapos na Pagsubok

Panuto: Basahin at unawain ang pahayag sa bawat bilang. Isulat ang AKADEMIK
kung ito ay tumutugon sa mga katangiang taglay ng akademikong pagsulat at DI-
AKADEMIK kung ito ay taliwas.

_______________1. Layunin ng akademikong pagsulat ang magbigay-


impormasyon, mag-analisa at manghikayat.
_______________2. Sa pagsulat ng akademikong sulatin hindi maaaring
magkaroon ng kombinasyon ng mga paraan ng pagpapahayag sa iisang teksto.
_______________3. Ang wikang ginagamit sa akademikong pagsulat ay karaniwang
di-pormal pagkat ito ay angkop na angkop sa mga mambabasa sa akademikong
institusyon.
_______________4. Masusi ang proseso ng akademikong pagsulat pagkat ito ay
nangangailangan ng pananaliksik ng mga paktwal na datos na magagamit sa
paglalahad ng mga impormasyon at pag-aanalisa.

16
_______________5. Ang akademikong pagsulat ay nakalaan sa mga paksang
interesante at pinag-uusapan ng lahat ng tao sa kahit na anong antas at estado ng
lipunan.

B. Panuto Sagutin ang tanong nang hindi bababa sa limang pangungusap.

1. Ano ang akademikong pagsulat? Paano ito naiiba sa iba pang uri ng
pagsulat? (5 puntos)
2. Ano sa tingin mo ang naidudulot ng pagbasa at pagsulat ng mga sulating
akademik sa tulad mong mag-aaral? (5 puntos)

Yehey!

Malapit mo nang matapos ang araling ito. Iwasto ang


iyong mga sagot sa pahina 19.
Ilang bituin kaya ang iyong matatanggap? Suriin sa
ibaba.

 nagawa lahat


 1 ang hindi nagawa
 2 ang hindi nagawa
 3 pataas hindi nagawa

Ang ganda ng aralin natin.


Ang dami kong natutuhan.
Na-enjoy ko rin ang mga gawain
at pagsasanay.

Hindi rin ako nahirapan sa mga


pagsasanay. Kaya parang gusto ko pa
ng karagdagang gawain.
Karagdagang Gawain
Tara magtulungan tayo!

Panuto: Matapos mong basahin, aralin at isakatuparan ang mga gawain sa modyul
na ito, isulat sa iyong kuwaderno ang mga konseptong iyong natutuhan sa tulong ng
graphic organizer sa kasunod na pahina. Ipakita at palagdaan sa magulang ang
ginawang graphic organizer.

17
Graphic Organizer

_______________________________________
Pangalan at Lagda ng magulang/Petsa

Sa wakas ay narating mo ang dulo ng aralin. Ang


saya-saya ko at napagtagumpayan mo ang mga
pagsasanay at gawain.

Petmalu di ba!!!?

18
19
Panimulang Pagsubok Pagsasanay 3
1. Pagsasalaysay (Nakasalalay sa guro ang
2. Pangangatwiran pagwawasto)
3. Paglalarawan
4. Paglalahad Panapos na Pagsubok
5. Pagsasalaysay
A.1. AKADEMIK
Pagsasanay 1 2. DI-AKADEMIK
1. Paglalahad 3. DI-AKADEMIK
2. Pagsasalaysay 4. AKADEMIK
3. Paglalarawan 5. DI-AKADEMIK
4. Akademikong Pagsulat
5. Pangangatwiran B. (Nakasalalay sa guro ang
pagwawasto
Pagsasanay 2 Karagdagang Gawain
(Nakasalalay sa guro (Naaksalalay sa guro ang
pagwawasto) pagwawasto)
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian

➢ Rodriguez, Rommel.“Ika-80 Kaarawan ni Dr. Bienvenido Lumbera, Guro at


Artista Ng Bayan, Ipagdiriwang.” Pinoy Weekly. 13 Abril 2012.Web.Inakses
noong 5 Pebrero 2016.http://pinoyweekly.org/new/2012/04/ika-80-kaarawan-
ni-dr-bienvenido-lumbera-guro-at-artista-ng-bayan-ipagdiriwang/

➢ Kagawaran ng Edukasyon. K to 12 Senior High School Applied Subject-


Filipino sa Piling Larang -Akademik (Curriculum Guide). Disyembre 2013.

➢ Santos, Corazon L. at Concepcion, Gerald P. Filipino sa Piling Larang-


Akademik (Kagamitan ng Mag-aaral). Kagawaran ng Edukasyon, Unang
Limbag 2016.

➢ Santos, Corazon L at Concepcion, Gerald P. Filipino sa Piling Lang-


Akademik
(Patnubay ng Guro). Kagawaran Ng Edukasyon. Unang Limbag 2016.

➢ https://www.tagaloglang.com.

➢ https://www.academia.edu/5641061/PAGSULAT.

➢ https://elcomblus.com

➢ https://www.coursehero.com

20
Para sa iba pang tanong at puna, maaaring sumulat o tumawag sa:

Kagawaran ng Edukasyon Rehiyon V

Regional Center Site, Rawis, Legazpi City 4500

Mobile Phone: 0917 178 1288

Email Address: region5@deped.gov.ph

You might also like