Banghay Aralin Sa Edukasyon Sa Pagpapakatao

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Banghay Aralin sa Edukasyon sa Pagpapakatao

Pangalan: Elnora S. Romiscal


Asignatura: ESP
Integrasyon: Music, Filipino, EPP

I. Layunin: Napahahalagahan at napapangalagaan ang mga halaman at pananim na likha ng


Diyos.
II. Paksa: Pagmamahal sa likha ng Diyos.
Sanggunian: Edukasyon sa Pagpapakatao
LM – 308 -318, TG – 192-194
Kagamitan: cartolina strip, manila paper, larawan
III. Pamamaraan:
A. Awit : Mahal ng Diyos (Music)
B. Balik-Aral :
Sa kwentong binasa natin kahapon, Ano ang ginawa nina Maan at Teejay?
Pwede ba nating gawin ang ginawa nina Maan at Teejay?

Balikan natin ang awit. Ano-ano ang mga halaman na nabanggit sa ating awit?
Ano-ano ang mga halamang nakikita ninyo sa paligid?

Pangkatin sa apat na grupo. Uriin ang pangngalan ayon sa pangalan ng gulay,


prutas, punongkahoy, at bulaklak.
Unang Pangkat – Bulaklak
Pangalawang Pangkat – Gulay (Filipino)
Pangatlong Pangkat - Punong kahoy
Pang-apat na Pangkat – Prutas

C. Pangganyak:
Nagpakita ng larawan ng isang halaman.
Magkaroon ng talakayan tungkol sa larawan.

D. Paglalahad:
Tingnan ninyo ang larawan. Ano-ano ang makukuha natin sa mga halaman?
Sino ang nagbigay sa mga halamang ito?
Sa palagay ninyo, sino naman ang mag-aalaga sa mga halaman na binigay ng
Diyos?

E. Pagtatalakay:
Ano ang gagawin natin para maparami at mapalago ang mga halaman?
Kung wala kayong bakanteng lote o lupa paano kayo makapagtanim? (EPP)
Ano ang nararamdaman mo kung mamumulaklak at mamumunga ang iyong
halaman?

F. Paglalapat:
Pangkatin ang mga bata sa 4 na pangkat.
Pangkat I

Itala ang maaari mong gawin upang makatulong ka sa pagpaparami sa mga halaman.

ARAW Mungkahing Gawain Upang Mapalago O Maparami Ang


Mga Halaman
Lunes-Biyernes
Sabado
Linggo

Pangkat II

Isulat kung paano mapalago at mapaparami ang mga halaman.


1. _____________________________________
2. _____________________________________

Pangkat III

Buuin ang kaisipan sa pamamagitan ng paglalagay ng mga titik sa ibabaw ng bilang.


Gamitin ang alpabetong may katumbas na bilang sa ibaba upang mabuo ang kaisipan.

A B C D E F G H I K L M N O P Q R S T U V W X Y Z
1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 11 12 13 14 15 16 17 18 19 20 21 22 23 24 25

Pangkat IV

Isulat sa loob ng puso ang nararamdaman mo sa sumusunod na sitwasyon.

1. Sa mga malulusog at namumungang gulayan sa aming bakuran. Ang aking


nararamdaman ay

2. Sa mga natutuyo at namamatay na halaman. Ang aking nararamdaman ay


IV. Pagtataya:
Bilugan ang titik ng tamang sagot.

1. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng pangangalaga sa mga halaman?


A. Dinidiligan ang mga halaman araw-araw.
B. Pinutol ang mga kahoy.
C. Pinitas ang mga bulaklak.
D. Lagyan ng mga basura ang mga halaman.
2. Ang tatay ay nagtatanim ng halamang gulay. Ano ang gagawin mo?
A. Maglaro lang.
B. Tutulong sa pagtatanim.
C. Makikipagkuwentuhan sa kapitbahay.
D. Manood lang.
3. Ano ang dapat mong gawin upang mapalago at maparami ang produkto?
A. Lagyan ng basura.
B. Pabayaan na lang.
C. Lagyan ng organic fertilizer.
D. Sunugin ang halaman.

4. Ano ang kalalabasan kung magtatanim tayo ng mga halaman?


A. Marumi ang paligid
. B. Babaho ang paligid
C. Gaganda ang paligid
D. Magugulo ang paligid

5. Ayaw makikiisa ang mga kaklase mo sa kampanya tungkol sa pagtatanim ng


mga puno. Ang gagawin mo?
A.Ipagpatuloy ang kampanya at pabayaan na lamang ang mga kaklase.
B. Isusumbong sa guro.
C. Aawayin ang guro.
D. Huwag ng ituloy ang kampanya

V. Takdang Aralin:

Magdadala ng ibat-ibang larawan ng halaman.

You might also like