Professional Documents
Culture Documents
Activity Sheet Sa Pagsusuri NG Ilang Halimbawang Pananaliksik Sa Filipino Batay Sa Layunin Gamit Metodo at Etika NG Pananaliksik
Activity Sheet Sa Pagsusuri NG Ilang Halimbawang Pananaliksik Sa Filipino Batay Sa Layunin Gamit Metodo at Etika NG Pananaliksik
Activity Sheet Sa Pagsusuri NG Ilang Halimbawang Pananaliksik Sa Filipino Batay Sa Layunin Gamit Metodo at Etika NG Pananaliksik
Department of Education
REGION IV-A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF BATANGAS
C. Panuto
Ang mga sumusunod ang mga magiging gabay ninyo upang maisakatuparan ang
mga gawaing inihanda.
D. Pamamaraan
UNANG LINGGO
D.1 Panimula
PAGSASANAY 1(WRITTEN)
PANUTO: Panuto: Suriin ang ilang mga bahagi ng pananaliksik sa Filipino. Lagyan ng 1
ang Layunin, 2 ang Gámit, 3 ang Metodo, at 4 ang Etika ng pananaliksik.
D.2 Pagpapaunlad
PAGSASANAY 2 (WRITTEN)
PANUTO: Panuto: Suriin ang ilang mga abstrak mula sa mga halimbawang pananaliksik sa
Filipino batay sa layunin, gámit, metodo, at etika ng pananaliksik. Punan ang talahanayan na
nása ibaba. Kopyahin at sagutan sa inyong sagutang papel.
ABSTRAK
Ang paaralan ay nararapat na magsagawa ng Leaming Action Cell (LAC) session para sa
guro na ang paksa ay tungkol sa estilo ng pagkatuto, laluna sa kinestetik at awditory upang
makapagbigay ng angkop na pamamaraan na gagamitin sa pagtuturo upang mapataas ang
marka at malinang ang kakayahan ng mga magaaral ngayong 21st century.
Bata, Bata, Paano Ka Matututo? Isang Pagsusuri tungkol sa Estilong Pagkatuto ng mga Mag-aaral sa Ika-anim na Baitang sa
Paaralang Elementarya ng Kaytitinga, taong panuruan 2015-2016 Ribecca B. Fenol, ANG GURO Ikaapat na
Edisyon,Vol.7,2017
D.3 Pagpapalihan
PAGSASANAY 3 (WRITTEN)
Panuto:
Panuto: Suriin ang bawat pahayag patungkol sa layunin, gámit, metodo, at etika sa
pananaliksik. Lagyan ng tsek (✔) ang linya bago ang bílang kung ito ay tama at ekis (❌)
kung mali. Isulat ito sa sagutang papel.
____________1. Ang metodo ay tumutukoy sa paraang ginagamit ng mananaliksik sa
pagkuha ng datos at pagsusuri sa piniling paksa.
____________2. Tiyak ang layunin kung nagpapahayag ito ng kabuoang layon o nais
matamo ng pananaliksik.
____________3. Ang layunin ng pananaliksik ay maaaring maging panlahat o tiyak.
____________4. Ang mananaliksik ay dapat maging matapat sa anumang impormasyong
ilalagay niya sa kaniyang pananaliksik.
____________5. Panlahat ang layunin kung nagpapahayag ito ng mga partikular na pakay
sa pananaliksik sa paksa.
____________6. Ang kulay, tekstura, lasa, damdamin, at pangyayari ay mga halimbawa
ng datos ng kailanan o quantitative data.
____________7. Maaaring maging subhetibo ang tono ng pananaliksik.
____________8. Ang mga layunin ng pananaliksik ay kadalasang nabubuo pagkatapos
mailatag ang mga tanong sa pananaliksik.
____________9. Ang etika ay tumutukoy sa pagiging obhetibo at matapat ng anumang
pahayag sa kabuoan ng sulating pananaliksik.
____________10. Ang pag-angkin sa gawa ng iba ay tahasang paglabag sa etika ng
pananaliksik.
____________11. Nagagamit ang pananaliksik upang linawin ang isang pinagtatalunang
isyu.
____________12. Ang ginagamitan ng mga operasyong matematikal ay tinatawag na
datos ng kalidad o qualitative data.
____________13. Ang pagkopya sa ilang bahagi ng akdang hindi kinilala ang awtor kahit
pa ito ay may kaunting pagbabago sa ayos ng pangungusap ay isang halimbawa ng
plagiarism.
____________14. Isa sa etika ng pananaliksik ang pagiging kumpidensiyal at pagkukubli
sa pagkakakilanlan ng kalahok.
____________15. Ang pananaliksik ay gumagamit ng mga tiyak na pandiwa at
nagsasaad ng mga pahayag na maaaring masukat o patunayan bílang tugon sa mga
tanong.
E. Pangwakas
F. Mga Sanggunian
A. AKLAT
Dayag, Alma M. at Mary Grace G. del Rosario. Pinagyamang Pluma (Kto12) Pagbasa
at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik. Quezon City: Phoenix
Publishing House, Inc.,2016.
Habijan, Erico M. Ang Guro: Ika-4 na Edisyon.Metro Manila: St. Clair Printing
Sevices .2017
Habijan, Erico M. Ang Guro: Ika-4 na Edisyon.Metro Manila: St. Clair Printing Sevices .
2019
Habijan, Erico M. Ang Guro: Saliksik (Bertud ng mga Edukador). Metro Manila: St. Clair
Printing Sevices Vol.5 Issue No.1.2015-2016
Habijan, Erico M. Ang Guro: Saliksik (Bertud ng mga Edukador). Metro Manila: St. Clair
Printing Sevices Vol.6 Issue No.1.2016
B. SANGGUNIANG ELEKTRONIKO
LPU Laguna Journal of Arts and Sciences, “Karanasan ng Isang Batang Ina: Isang
Pananaliksik,” Nakuha noong Hunyo 7, 2020,
http://lpulaguna.edu.ph/wpcontent/uploads/2016/10/KARANASAN-NG-ISANG-
BATANG-INA-ISANG-PANANALIKSIK.pdf
Inihanda ni:
Inaprubahan ni:
BILLY G. CASTILLO
Punongguro II