Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

MEMORANDUM NG KASUNDUAN

Ang kasunduang ito ay ginanap noong ika (PETSA) ng Mayo 2021 sa (Address), Bataan,
Pilipinas, sa pamamagitan nina:

Ang (SCHOOL) sa ilalim ng KAGAWARAN NG EDUKASYON, isang pambansang ahensya ng


Republika ng Pilipinas, binuo sa pamamagitan ng Batas Pambansa (B.P.) No. 232 “The Education Act
of 1982” na sinusugan ng Republic Act (R.A.) No. 9155 na mas kilala bilang “Governance of Basic
Education Act of 2001”, na nasa (address), Bataan, kinakatawan ng Punong-guro (Pangalan), na
tinutukoy bilang “Senior HS”;

-at-

(Pangalan ng Magulang), na nasa wastong edad at kasalukuyang nakatira sa (Address),


Bataan, Republika ng Pilipinas, na tinutukoy bilang “User”;

SUMASAKSI: NA

KUNG SAAN, ang Senior HS ay nagsasaliksik, nagbubuo at nagpapanday ng iba’t ibang


pamamaraan ng pagkatuto at pagtuturo upang maipagpatuloy ang pagseserbisyo tungo sa maganda at
kalidad na edukasyon sa panahon ng pandemya dulot ng CoVid19;

KUNG SAAN, ang Senior HS ay naniniwala na upang maisakatuparan at matugunan ang


pangangailang sa edukasyon lalo na sa mga distant learners ay sa papamagitan ng pagbibigay ng
educational multi-media modalities gaya ng Mobile Tablets o Gadgets para sa mga programa,
impormasyon pangkaalaman at pangkomunikasyon;

KUNG SAAN, ang DepEd ay nagpalabas ng OUA Memo 00-0620-0030, para sa Minimum
specifications for ICT Equipment and Internet Services to be Donated to Schools, Teachers and/or
Learners, Microsoft Licensing, and donation matters ;

KUNG SAAN, ang DILG ay nagpalabas ng Memorandum noong June 11, 2020 para sa lahat ng
Local Government Units sa Pilipinas na magbigay ng tulong at suporta sa DepEd para sa BE-LCP ;

KUNG SAAN, ang DILG ay nagpalabas din ng Memorandum Circular Bilang 2020-096, upang
ipaalala sa Local Government Units sa Pilipinas na magbigay ng tulong at suporta sa DepEd para sa
BE-LCP, na nakapaloob sa talatang 2.c na:
“c. Provide/Donate laptops, desktops, tablet PCs, tablets, smartphones,
internet services and other learning resources to public schools, teachers,
and/or students provided that they should comply with the Memorandum
issued by the DepEd providing for minimum specifications for ICT equipment
and internet services to be donated to schools, teachers or learners as
provided in DILG Memorandum dated June 11, 2020.”

KUNG SAAN, ang Panlalawigang Pamahalaan ng Bataan ay nangako sa pagbibigay ng serbisyo


publiko na nakabatay sa mga Memorandum na ipinalabas ng DILG upang makamit ang layunin na

1
pinangungunahan ng DepEd para sa multi-media modalities para sa maayos na edukasyon lalo na sa
mga apektadong mag-aaral;

KUNG SAAN, ang Senior HS ay tatanggap ng mga Mobile Tablets mula sa Panlalawigang
Pamahalaan ng Bataan at magiging tagapangalaga nito upang ipahiram sa mga mag-aaral;

KUNG SAAN, kinikilala ng User ang mga saklaw ng kasunduang ito sa pagpapahiram ng mga
tablets mula sa paaralan;

SAMAKATUWID, sa mga bagay na isinaalang-alang ng mga sumusunod na saligan at mga


tuntunin at mga kondisyon na itinakda, ang bawat partido ay parehong sumasang-ayon sa mga
sumusunod:

Seksyon 1 Katawagan ng Proyekto / Gawain

Ito ay kikilalanin bilang Senior High School Mobile Tablets Project mula sa
Panlalawigang Pamahalaan ng Bataan at SDO Bataan:

Seksyon 2 Mga Karapatan at Pananagutan ng Bawat Partido

2.1 Ang Senior HS ay minarapat na:

2.1.1 Magbigay ng mga gabay na pampolisiya at direksyon upang


maisakatuparan ang maayos na pagsasagawa at makumpleto ang
proyekto/gawain;

2.1.2 Makipag-ugnayan sa mga may kinalaman sa pagsasagawa ng proyektong


ito;

2.1.3 Magsagawa ng orientation at training sa mga magulang para sa maayos


na paggamit, pangangalaga, ibayong pag-iingat sa pagkasira nito sanhi ng
kalikasan at gawa ng tao, at itala ang mga ito kapag naiturn-over sa mga
magulang/guardian/learners gamit ang Property Acknowledgement
Receipt (PAR) or Inventory Custodian Slip (ICS);

2.1.4 Maglabas ng mga nararapat na dokumento at pagtatala para sa proyekto


o gawain;

2.1.5 Isaayos ang wastong pagtatala ng mga Mobile Tablets para sa mga mag-
aaral at pagsunod sa wastong panuntunan alinsunod sa batas;

2.1.6 Isagawa ang nararapat na gawain sa mga Mobile Tablets na pag-aari ng


pamahalaan kung sakaling nawala o ninakaw;

2.1.7 Sumunod sa warranty statement ng supplier;

2
2.1.8 Magsagawa ng regular monitoring para sa kalagayan at pagsasagawa ng
mga updates at preventive maintenance para sa mga Mobile Tablets; at

2.1.9 Magbigay ng ulat o updates sa mga Mobile Devices sa SDO-Bataan at


Panlalawigang Pamahalaan ng Bataan sa pamamagitan ng mga
nararapat na dokumento.

2.2 Ang User ay minarapat na:

2.2.1 Dumalo sa mandatory training na isasagawa ng paaralan, kasama dito


ang wastong paggamit, pangangalaga, paglilinis at pagtatago, at pag-iwas
na manakaw o mawala ito;

2.2.2 Siguraduhin ang mahigpit na pagsunod sa COVID 19 safety protocols ng


paaralan;

2.2.3 Sumang-ayon na may kaakibat na pananagutan sa wastong paggamit ng


devices na nakasaad sa mga pinirmahang dokumento gaya ng (PAR/ICS)
at Borrower’s Card;

2.2.4 Siguraduhing gamitin ng mag-aaral ang mga devices upang makadalo sa


mga online training courses at sa mga online classes lalo na sa mga
online tools gaya ng DepEd Commons, LR Portal, at iba pang websites;

2.2.5 Sumang-ayon sa kaakibat na pananagutan kung sakaling mawala o


masira ang device sa kanilang pangangalaga kung ito ay naging sanhi ng
kapabayaan;

2.2.6 Ibalik ang Mobile Device kung nakapasa sa susunod na grade level ang
mag-aaral, pagkatapos ng school year, lumipat ng ibang paaralan sa loob
o labas ng SDO-Bataan, at nakatapos na K to 12 Basic Education
Program;

2.2.7 Ibabalik sa paaralan ang Mobile Device na itinakda ng Senior HS para sa


monitoring, preventive maintenance at pag-uupdate ng mga contents nito;

2.2.8 Sumunod sa warranty statement ng supplier;

2.2.9 Hindi ipagbibili/isasangla ang Mobile Tablet at accessories;

2.2.10 Sumunod sa mga polisiyang pampaaralan ukol sa mga wasto at di-naayon


na paggamit na ayon sa Senior HS;

2.2.11 Dagliang irereport sa Senior HS kung sakaling nawala o ninakaw ang


Mobile Device sa madaling panahon gamit ang mga legal na dokumento;
at

3
2.2.12 Palitan ang Mobile Device na may katumbas na katangian /
ispesipikasyon at modelo / brand kapag napatunayang nawala o ninakaw
ito.

Seksyon 3 Saklaw ng Proyekto. Ang proyektong ito ay nakapaloob sa mga mag-aaral ng


pampublikong Senior HS ng Lalawigan ng Bataan.

Seksyon 4 Pagsasabisa ng Proyekto. Ang Memorandum ng Kasunduang ito ay magkakabisa


lamang sa pmamagitan ng pagpirma ng parehong partido at mananatili sa panuruang
2020-2021.

Seksyon 5 Kakayahan at Awtorisasyon. Ang bawat partido ay nagpapatunay na sila ay may


parehong kakayahan, pagkakaunawa, at awtorisasyon sa kasunduang ito.

Seksyon 6 Pagkakahiwalay na Sugnay. Kung alinmang bahaging ng Kasunduang ito ay


nagsasaad ng kawalan ng bisa, hindi ito makakaapekto sa ibang bahagi na
nakapaloob sa mga probisyong itinakda.

Seksyon 7 Paglabag ng Kontrata. Anumang paglabag o pagbawas sa alinmang bahagi ng


probisyong nakasaaad sa Kasunduang ito ay magiging batayan upang ikansela o
sagipin na hindi nangangailangngan ng aksyong legal o ng korte.

Seksyon 9 Pagsususog. Ang Kasuduang ito ay maari lamang palitan, susugan or baguhin sa
pamamagitan ng pagsulat na isinagawa at nilagdaan ng lahat ng partido.

NILAGDAAN sa petsa at lugar ayon sa nakasulat sa unang talata ng Kasunduang ito.

Senior HS User

Punong-Guro Magulang o Tagapangalaga

NILAGDAAN SA PRESENSYA NINA:

School Class Adviser School ICT Coordinator

4
ACKNOWLEDGMENT
REPUBLIC OF THE PHILIPPINES)

_______________________________ ) ss.

BEFORE ME this _________(date)____________ , personally appeared:

_____________________ CTC#_______________, Issued on/at________________

______________________CTC#______________, Issued on/at ________________

Known to me and to me known to be the same persons who executed the foregoing instrument, and
they acknowledged to me that the same is their free and voluntary act and deed, and that of the
corporations herein they represented. This Memorandum of Agreement consists of ___ pages including
this page in which this acknowledgement is written, signed by the parties in their instrumental witnesses
each and every page thereof.

WITNESS MY HAND AND NOTARIAL SEAL, on the date at the place first written above.

Doc. No. _______


Page No._______
Book No._______
Series of _______

You might also like