Download as txt, pdf, or txt
Download as txt, pdf, or txt
You are on page 1of 623

How To Steal The Bad Boy?

by beeyotch

[Bad Boy # 2] Alam ni Kelly sa una pa lang na mayroong girlfriend si Theo. She did
her part. Iniwasan niya. Alam niya naman sa sarili niya na wala siyang pag-asa
dahil bukod sa sumasampal sa mukha niyang katotohanan na magkaiba ang antas nila sa
buhay, ramdam na ramdam niya na in love si Theo sa girlfriend niya.

But when she was finally going in the right path with a new flame, that's when her
life started messing up. Ano ang gagawin niya kung pati tadhana dinadala siya
pabalik sa pinanggalingan niya? Will all these mess be enough to justify how she
planned to steal the bad boy?

=================

How To Steal The Bad Boy?

This is a work of fiction. Names, characters, business, places, and events are
product of the author's imagination. Any resemblance to actual persons, living or
dead, is purely coincidental. 

Do not distribute without the permit of the author. 

Start: July 19, 2014

End: January 12, 2015 (8:13pm)

ps, will start this kasabay ng TCB. Will focus more on this kasi nahihirapan na
akong magsulat ng SDP-ish TCB-ish. Mas okay akong magsulat sa heavy stuff than
comedy. Hahaha but I will finish both. I promise you this much.

pps, and if you'll be kind enough to create a book cover? ;) send to


beeyotchwattpad@gmail.com thank you!
=================

-Prologue-

#HTSTBB

Prologue

 “Theo,” sabi ko at saka pilit na iniharap ‘yung mukha niya sa sakin.

He’s been avoiding me like crazy and it’s driving me insane! Alam mo ‘yung
pakiramdam na magkasama kami, nagkikita kami every goddamn day but it’s like he’s
too effin’ far away! I can’t take it anymore! Mababaliw na ako!

“What?” he spat out. Pilit niyang tinanggal ‘yung kamay ko na nakahawak sa damit
niya.

The way he looked at me... damn ang sakit pala talaga.

I mentally prepared myself for the blow. He would hurt me again. I wished that he
would just physically hurt me because that would be kinder. Mas madaling maka-
recover ‘dun kaysa sa ginagawa niya. He’s emotionally killing me... Sobra.

“Theo, please,” I begged as my last piece of self-preservation flew out the window.
“Mag-usap naman tayo...”

He looked at me with such spite that I was scared to wits.

“We have nothing to talk about, Kelly. Tigilan mo na ako.”

“But the kiss...”

“It meant nothing.”

I closed my eyes and balled my fists. “I’m calling your girlfriend about this,
Theo. I’m stealing you away from her.”

=================
Chapter 1: Units Stealer

#HTSTBB Chapter 1

Tumingin ako sa paligid ko at biglang nalungkot. So... heto na talaga 'yun. This is
what college life looks like-being alone. Which is something I wasn't good at.

"Okay ka na ba?" tanong ni Nay. Pinilit kong ngumiti para naman hindi na siya
malungkot para sa akin. Alam ko naman na mahirap din sa kanya na dito ako magstay
pero pumayag pa rin siya kasi alam niya na mas makakabuti 'to para sa future namin.

Hindi naman ako katulad nung ibang bata na ipinanganak na mayaman. I was born poor,
yes, but I will see to it that I will not die poor.

Lumapit ako kay Nay at niyakap siya ng mahigpit. "Uuwi naman ako kada buwan kaya
'wag na kayong malungkot," bilin ko sa kanya habang pinipigilan ko na maiyak. Alam
ko naman na kapag umiyak ako, mag-iiyakan na lang kami. Ang layo pa naman ng uuwian
niyang probinsya.

Pagkatapos ng ilang minutong pagpapaalala ng mga gagawin ko at pagpapaalala na


walang boyfriend boyfriend, umalis na rin si Nay. At heto ako ngayon, nakaupo sa
freedom park. Bukas pa naman kasi 'yung start ng klase. Gusto kong maglakad sa
campus kaya lang medyo natatakot ako. Mukha namang safe dito sa UPLB pero syempre
no one can be so sure. Hindi pa ako pwedeng mamatay, noh! Iaahon ko pa sa hirap
'yung mga magulang ko.

Nung napagod na ako sa pag-upo sa damuhan, tumayo na ako at pumunta sa 7-11 tutal
first day pa naman, pwede pa akong gumastos.

Nakapili na ako ng kakainin ko at nakapila para magbayad nung biglang ang tagal
nung nasa harap ko.

"Fuck," narinig kong bulong niya.

Hindi naman sa inosente ako pero medyo weird lang sa akin makarinig ng mura. Kahit
naman mahirap kami, sa Catholic school naman ako galing at bawal 'dun magmura kung
ayaw mong idiretso ka sa Guidance Counsellor. Pero since nasa UP ako, siguro expect
the unexpected? Ay ewan!

Sunud-sunod pa rin 'yung mura nung lalaki sa harapan ko. Problema nito?
"Sir, wala po ba talaga?" tanong nung babae sa unahan niya.

Hindi sumagot 'yung lalaki sa harap ko. Ewan ko ba kung chismosa ako o ano pero
kinalabit ko siya.

"Ano'ng meron?" tanong ko.

Nung humarap siya sa akin, napatigil ako.

Ay fuck!

Ah shit napapamura ako sa mukha ng lalaki na 'to!

Tinignan niya ako sandali at saka tinalikuran nung napansin na medyo napatulala ako
sa kanya. Kasalanan ko bang ang gwapo niya?! God! Talaga palang tama 'yung sinabi
ng ate ko na 'wag daw akong maglandi sa high school kasi nasa college raw ang mga
gwapo!

"Wala, I forgot to bring cash," sabi niya 'dun sa cashier at saka inilagay sa buhok
niya 'yung kamay niya. Ang ganda naman nung mga daliri niya, ang hahaba. "Do you
perhaps accept credit card?"

Napatigil ako sa pag-admire ko sa kagwapuhan nito nung narinig kong may credit
card. Wala. Mayaman 'to.

Hindi naman sa negative akong tao pero alam ko naman 'yung reality sa fiction.
Siguro sa mga love story na nababasa madali lang na magkatuluyan 'yung mayaman at
mahirap pero sa totoong buhay? Lol.

"Miss, pwede bang pahiramin mo muna siya ng pera? Dami pang nakapila sa likod, oh,"
sabi nung cashier sabay turo sa pila sa likod namin.

Automatic naman na napataas ang kilay ko. Okay lang siya? Bakit ko naman
papautangin 'to e ni hindi ko nga alam pangalan, e!

"I'll double the pay," alok ni Tisoy.

What?

"Fine, triple," sabi niya. "Oh, screw this life," isa pang sabi niya at saka
inilabas 'yung wallet niya at ipinakita sa akin 'yung ID niya. "See this?" he said
tapos winagayway sa mukha ko 'yung ID niya.
So, Theodore Angelo Henares, Student Number 20**-19583, BS Economics.

Fudge ang gwapo niya talaga!

Tumingin siya sandali sa mga naghihintay sa likuran ko. "Hindi ako magnanakaw,"
bulong niya sa akin. "I'll pay you."

Bumuntong hininga ako. Hindi naman mukhang magnanakaw 'tong si Tisoy. Ah bahala na
nga!

"Magkano ba?"

"One thousand."

"WHAT?!"

E allowance ko na buong linggo 'yun, ah! Baliw ba siya?

Napatakip naman siya ng tenga sa pagsigaw ko. Ah fudge! Sabi ko low profile lang
ako sa college, 'yung tipong kung pwedeng grumaduate ng walang masyadong eskandalo,
mas okay. Pero first night ko pa lang, wala na!

Mukhang nainis na sa amin 'yung cashier kaya pinaalis kami sa pila after kuhanin
'yung pagkain dapat namin. Akala ko ba walang discrimination sa school na 'to?
Grabe, ha!

Pareho kaming bad trip nitong lalaking kasama ko.

"Damot," sabi niya.

Ang sama ng tingin niya sa akin nung naghiwalay kami ng landas. Wow ha!

Umuwi na lang ako sa dorm ko. Bwisit na 'yan. First night ko gutom ako.

Kinabukasan, gumising ako ng maaga since may kulang pa akong isang course. Complete
units na dapat ako since freshie pa ako pero na dissolve raw 'yung isang section o
basta kung anuman ang paliwanag nung convocation. So kailangan ko pang magprerog.

Lumabas ako ng dorm ko at kumain tapos dumiretso sa CAS Annex since nandun 'yung
pagpeprerog-an ko na class. Mabuti na lang talaga upper class na 'yung isa kong
roommate kaya medyo na-brief na ako sa horror ng prerog. Sana talaga chill lang
'yung ipagawa! Wala akong talent sa pagkanta!
CAS Audi. Second floor. Okay.

Pakatok na sana ako ng pinto nung mapansin ko na may katabi pala ako.

Siya na naman?!

Ang sama pa rin ng tingin niya sa akin! Aba! Binuksan niya 'yung pinto at saka
naunang pumasok sa akin. Bwisit.

Nung nakapasok na kaming parehas, medyo napatigil ako dahil puno na 'yung audi.
Sabi sa sched ko 8:30! Bakit 8:20 pa lang puno na ng tao dito?!

"Prerog?" tanong nung mukhang prof sa harap namin.

Medyo tulala pa ako dahil nakatingin sa aming dalawa lahat ng tao sa audi. Si Tisoy
naman tumango sa prof.

"Late na kayong dumating. Isang slot na lang ang available."

Oh fudge!

Nakatingin sa amin 'yung prof at parang nageexpect siya.

Oh, my god! Eto na ba 'yung sinasabi ni Ate Gel na pagsasayawin kami?!

"What are you doing?" takang-takang tanong nung prof nung sumayaw ako sa gitna.

Kinabahan ako lalo kaya mas ginalingan ko pa ang kembot.

Hala, Kelly! Ikembot mo pa! Para sa subject!

"Bakit ka ba sumasayaw?" biglang sabi ni Tisoy sa gilid ko.

Siniko ko siya at saka kumembot pa lalo. "Transferee ka ba? Sabi sa akin sasayaw
daw talaga para tanggapin," bulong ko sa kanya.

Kumunot bigla 'yung noo niya sabay sabing, "Bobo." Dumiretso siya sa prof at saka
may iniabot. Tumigil ako sa pagsayaw nung tumingin 'yung prof sa akin.

Umiiling siya nung lumapit ako. Aba!


"Tatanggapin niyo na po ako?" tanong ko.

"As I have said, isa na lang ang slot. Sino sa inyong dalawa?"

Fudge na 'yan! Pagkatapos kong magsayaw, wala pa ring sure slot?! Niloloko ba ako
ni Ate Gel?!

Biglang tumigil 'yung mundo ko nung akbayan ako ni Tisoy. "Babe, sa akin mo na
ibibigay 'yung slot, 'di ba?"

Hindi ako nakapagsalita dahil ang lapit niya sa akin.

Ang bango niya.

Fudge ang bango niya.

Pwede akong mabuhay na nakadikit lang sa kanya.

Tama talaga. Tama na sa college na lang ako maglandi.

"Prof, mabait naman 'tong girlfriend ko," sabi niya sa prof at saka pinirmahan nung
prof 'yung form 2 niya. Lumingon siya sa akin at saka kumindat. "Thanks, babe."

Ay pesteng Tisoy 'yan! Inagawan ako ng units!

=================

Chapter 2: King of the Jerks

#HTSTBB Chapter 2

Kanina pa ako palakad lakad dito, hanap ng pwedeng pasukan na klase. Bad trip
naman! Tinapay na, naging bato pa! Bwisit talaga na Tisoy ‘yan! It was a lapse on
my judgment. Hindi dapat ako nagpaapekto sa mukha niya. Papakainin ba ako in the
future ng pagiging gwapo niya? Ugh, Kelly! Landi pa, ha! Aasenso ka dyan, e!

Kung pwede lang sapakin ko ‘yung sarili ko, ginawa ko na, pero ang hassle kung
magpapagamot pa ako. Ang layo pa naman ng infirmary sa school na ‘to. ‘Yung tipo na
patay ka na, hindi ka pa rin nakakarating ‘dun.
“Okay lang ‘yan, hanggang next week pa naman pwedeng humanap ng subject,” sabi sa
akin ni Danielle.

Hay, kung pwede lang sana... Pero ano ang sasabihin ko kay Nay pag nagtanong siya
kung bakit kulang ako ng subject? Alangan namang sabihin kong pinamigay ko ‘yung
units ko dahil ang gwapo nung lalaki?

Ayoko pa naman ng nagsisinungaling sa magulang ko. Hindi ako kumportable. Weird sa


pakiramdam.

“Kain na tayo,” sabi niya ulit. Classmate ko kasi siya sa isa kong major.

Naglalakad kami para sana maghanap ng makakainan nung nakita ko na naman si Tisoy
sa loob ng KFC. Akala ko ba mayaman ‘to? Bakit sa fast food lang nakain? Tsk.

Gusto ko sanang tumawid na lang sa kabila kasi mamaya sabihan pa ako nito ng
stalker! ‘Wag na, noh! Naiinis pa rin ako dahil inagawan niya ako ng units! May pa
babe babe pa siya dyang nalalaman! Nakakainis talaga! Ni hindi man lang ako
nakaangal! Naagawan ako ng subject ng walang kalaban-laban! At isa pa, masyado na
bang maliit ang UPLB para palagi kaming magkita?

“Uy, san ka pupunta?” tanong ni Danielle sa akin nung tatawid na sana ako ng daan.
Nako, ayoko munang makita si Tisoy. Bad vibes pa rin ako sa agawang naganap.

Tinuro ko ‘yung Chowking at Mcdo sa kabilang kalsada. “Dun na lang tayo kumain!”
sabi ko sa kanya.

“Ha? Ang daming tao ‘dun, e!” sabi niya sabay turo nga ‘dun. Ang dami ngang tao!
Blockbuster! Pero ayoko talagang kumain sa KFC. “Dito na lang tayo!” sabi ulit niya
tapos hinatak ako papasok sa KFC.

Pumasok na kami sa loob tapos naghanap si Danielle ng mauupuan. Gusto ko sanang i-


suggest na sa taas na lang kami kumain kasi medyo puno na ‘yung table sa baba pero
si gaga, pumunta ba naman sa table ni Tisoy!

“Theo!” sabi ni Danielle.

Shiz! Magkakilala sila?!

Automatic na tumingin si Theo sa kanya at saka ngumiti. Akalain mo ‘yun? Marunong


siyang ngumiti?!

“May kasabay ka?” tanong ni Danielle sa kanya tapos umiling naman siya. “Cool. Dito
na lang kami ng friend ko, ha?” sabi niya sabay hatak sa akin at pinaupo niya ako
sa tapat ni Tisoy.
Buong buhay ko, hindi naman ako naging mahiyaing bata. In fact, sumasali pa ako sa
beauty pageants dati pero ngayon, hindi ko alam kung bakit yumuko ako at medyo
tinabunan ng bangs ‘yung mukha ko para hindi ako mamukaan ni Theo. Ako na ‘yung
inagawan, ako pa ‘tong nahiya. Something’s really wrong with me.

Bigla akong siniko ng very light ni Danielle. “Bakit nakatakip ‘yung mukha mo?”
tanong niya sa akin. Hindi pa ako nakakapag-isip ng palusot nung bigla niyang
sabihin, “Theo, si Kelly, classmate ko. Kels, si Theo, brother ko.”

What the?! Magkapatid sila?!

“I mean, ka orgmate ko,” sabi niya nung makita niya ‘yung expression ko na gulat na
gulat. “Oorder lang ako ha?”

Before I even knew it, iniwan niya na kami.

Nakatingin lang sa akin si Theo na medyo mocking. Ano na naman ang tumatakbo sa
utak nito?

Medyo sumandal pa siya sa inuupuan niya at saka inilagay ‘yung kanang kamay niya sa
baba niya. Slowly, a playful smile crept up his face. “Grabe...” sabi niya.

Tumaas ‘yung kilay ko.

“Miss,” sinimulan niya. “Naniwala ka ba talaga nung sinabi kong girlfriend kita?”

Gusto ko sanang sumagot pero parang tinakasan ako ng boses ko. Hindi ako
makapaniwala sa kapal ng mukha ng lalaking ‘to! Sobra! Porke ba mukhang model siya
sa tangkad niya tapos ang ganda nung pagkaka brown ng buhok niya pwede niya na
akong inisin ng ganto?!

“Sorry pero may girlfriend na ako. Sa gwapo kong ‘to, mukha bang single ako?”

Oh, my god. Hindi ko kinakaya ‘yung kayabangan niya.

“Wow,” sabi ko.

He grinned at me at saka kinuha ‘yung bag niya na katabi niya at tumayo. “See you
around,” sabi niya at saka ako kinindatan. Ugh! Grabe! Hindi ko ma-reach ‘yung
kayabangan niya!

Nagsimula siyang maglakad palabas at ako, speechless pa rin sa kayabangan niya.


Never pa akong naka-encounter ng taong kasing-yabang niya!
Medyo tulala pa rin ako nung bumalik ng table si Danielle. Inilibre niya pala ako
ng lunch. Nagthank you muna ako at saka sinimulang kumain.

“Bakit biglang nawala si Theo?” tanong niya.

Tsk. ‘Yun nga ‘yung inaayawan kong topic, e. Ayoko sanang sumagot pero nakakahiya
naman since inilibre niya ako ng lunch. Medyo short na kasi ‘yung budget ko since
bumili pa ako ng PE shirt kanina. Hay, akala ko pa naman makakatipid ako dito sa UP
medyo hindi rin pala.

“Umalis na, e,” sabi ko... which was partly true naman.

Tumango-tango na lang si Danielle, thank you naman! Hindi ko alam kung ano ang
magiging reaction niya once na magsimula ako sa Theo rants chronicles ko! Akalain
mo na dalawang araw pa lang kaming magkakilala pero ang dami ko nang masasabing
reklamo sa kanya?

“Alam mo, weird mo,” Danielle said.

“Ha?”

She shrugged. “Wala lang. Karamihan kasi sa mga babaeng ipinapakilala ko kay Theo
kinukulit ako sa number niya, alam mo ‘yun? Pero ikaw? Wow.”

Tsk. Gusto ko sanang sabihin na ganyan din ‘yung reaction ko sa kaibigan niya
kahapon pero ‘wag na lang. Mamaya mag-iba ang tingin sa akin nitong si Danielle.
Baka ipabilang niya ako sa mga groupies ni Theo. Tsk. Okay na ako sa less than 24
hours membership ko.

“Mukha namang mayabang,” I commented.

Nagsubo siya ng fries sa bibig niya at saka sumandal. “May ipagyayabang naman
kasi,” she said. Hindi ako nagtanong kahit medyo curious talaga ako. Come on! Sino
ba ang hindi makucurious? Ang yabang ng isang ‘yun! Syempre curious ako sa kung ano
ba ang ipagmamayabang niya!

“Mayaman ‘yun, e,” sabi niya.

“E marami namang mayaman dito,” sagot ko. Mukha ngang hindi State University dito
dahil sa nagkalat na iPhone ng mga estudyante.

“I mean, ibang yaman. ‘Yung mga level na mayroong ospital? Kaya nga friends kami ni
Theo, e. Alam mo na, in the future pwedeng magpa refer sa kanya na ipasok ako sa
ospital nila!”
Tumaas naman ‘yung kilay ko.

“Pero hindi ko siya type, ah!” sabi bigla niya. “May girlfriend na ‘yun kaya kahit
sino dito sa campus hindi makalapit.”

Sino naman kaya ‘yung babae na nakatagal sa kayabangan nung Theo na ‘yun? Siguro
santa ‘yun na mayroong napakahabang pasensya. It takes the patience of a saint to
be able to stay around him.

Kahit naman yata hindi ako magtanong dito e sasabihin niya pa rin. Feeling ko tuloy
may unarticulated crush ‘tong si Danielle kay Theo. ‘Yung tipong kahit siya sa
sarili niya in denial na may crush siya. Mas matindi pa ‘to sa unrequited crush,
ah.

“Kainis nga, e.” Ngumuso pa siya sabay cross arms. Wow, may crush nga! “Tibay kasi
ni Theo, kahit wala dito ‘yung girlfriend ayaw magpatibag.”

“Sino ba ‘yung ‘maswerteng’ babae?” tanong ko. Mukha kasi siyang nagmomonologue
kapag hindi ako nagsalita, e.

Nagshrug naman siya. Akala ko pa naman expert stalker ‘to! Pangalan na lang ng
girlfriend hindi pa alam!

After some minutes, natapos na rin kaming kumain. Naghiwalay muna kami kasi
magkaibang class na kami. Pumunta na ako sa CAS basement since nandun ‘yung ENG1
class ko. Medyo maaga pa naman kaya chill lang ako sa paglalakad.

Dumating na ako sa classroom ng 5 minutes early. Bukas ko na poproblemahin ‘yung


kulang kong subject. May maaawang prof naman siguro sa akin... Siguro.

“Stalker ba kita?”

Shit! Bakit ba palagi kaming nagkikita nito?! Conspiracy ba ‘to ng universe?!

Itinaas ko ‘yung kilay ko at ikinunot ‘yung noo ko. Ang kapal, ha! Alam ko naman na
gwapo siya—malamang lagi niyang ipinapaalala—pero hindi pa naman sa level na
magiging stalker ako!  At feeling niya naman dumayo pa ako mula Bulacan papuntang
Laguna para lang sundan siya?! Grabe ang kapal ng mukha nito, hindi ko kaya!

Tumingin ako sa paligid ng classroom kung may ibang upuan pa pero wala na. Bakit
walang extra chair?!

Ngumiti siya ng pang-inis sa akin at inilagay ‘yung bag niya ‘dun sa upuan sa tabi
niya. Ang sama ng ugali niya!
“Uupo ako,” sabi ko.

“Umupo ka.”

“Alisin mo ‘yung bag mo.”

Ngumiti lang siya.

“Bakit ba ang sama ng ugali mo?” I said, slightly pissed off. Nakakainis na talaga
siya. Dahil lang hindi ko siya napautang magiging ganito na siya? E classmates pala
kami dito ng buong sem tapos ganito?! “Kaya siguro walang gustong tumabi sa’yo kasi
bwisit ka,” bulong ko at saka pumunta sa labas at kumuha ng monobloc at umupo sa
pinakalikod, malayo sa pesteng Theo na ‘to.

Nakabusangot ako habang naghihintay ng prof tapos ‘tong dalawang katabi ko kanina
pa pinag-uusapan si Theo. Seriously, bakit ba ang sikat sa school nung pesteng
‘yun?! Siya lang ba gwapo sa school?! Wala bang ibang gwapo?!

“Dapat nagpalate tayo para 'dun tayo naupo sa tabi ni Theo!” sabi nung isang girl.

“Malay ko bang classmate pala natin si Theo dito!”

“Tsk! Sayang! Malay mo maging friend sana natin siya!”

“Okay lang ‘yan, girl, may group works naman siguro dito. Makakausap din natin
‘yan!”

Okay, ang weird na talaga! Why the fascination with him?! Extinct ba masyado ang
gwapo dito? Hindi naman, ah! Kakagaling ko lang sa CEAT kanina at madami namang
gwapo. Sa Biosci din, ang daming gwapo! Pero ano ba ang meron kay Theo?!

Nasa kalagitnaan pa rin ako ng pag-iisip ko kung ano ang mayroon kay Theo nung
dumating ang prof. Medyo ang scary niya.

“Good afternoon. I’m Doyle Tablazon and I will be your professor for this
semester.”

Tahimik lang kaming lahat at nag-announce siya na magiging by partner ang grading
system dito. Meaning, kung ano ang grade ng partner mo, magiging grade mo rin. Ang
unfair naman nun!

Nagbigay siya ng syllabus at nagdasal ako internally na sana ‘wag si Theo ang
maging partner ko. Mababaliw ako. Puro papers at activities! Hindi ko yata kaya ang
isang semester na puno ng kayabangan niya!
“That’s all for now, see you on Tuesday!”

Lumabas na kami isa-isa. Medyo na-late pa ako ng labas since nag-uunahan ‘yung mga
classmates ko na lumabas kaya pinauna ko na sila. Wala naman akong class after
nito.

Nung lumabas na ako, nakita ko si Theo na nasa labas at may tinetext. Lalagpasan ko
na sana siya nung nagsalita siya nung dumaan ako.

“Baka naman magmakaawa ka pa kay Sir para maging partner ako. Matatakot na ako
sa’yo, sige ka.”

Oh, my god. Sobrang yabang niya!

=================

Chapter 3: Now You Can't Slap Me

#HTSTBB Chapter 3

Akala ko hahaba pa ang paghihirap ko pero hindi naman pala. Last class ko na ‘yung
ENG1 at matatahimik na rin ang katawang-lupa ko. Bukas ko na lang aasikasuhin ‘yung
kulang kong subject kasi pagod na talaga ako.

Umuwi ako sa dorm ko at humiga agad. Nagtext naman ako kay Nay na nakauwi na ako at
matutulog lang ako saglit. Paranoid pa naman ‘yun! Iisipin agad nun na-rape ako
kapag hindi ako nakapagtext agad. Hindi ba niya alam na mas pipiliin kong maglaslas
sa harap ng rapist bago niya ako mahawakan? Sana lang trip niya ang necrophilia
kasi hindi niya ako magagalaw hanggang buhay pa ako, noh!

So, natulog muna ako ng saglit tsaka wala pa naman ‘yung roommates ko kaya tahimik
at masayang matulog. Medyo maingay kasi dito kapag kumpleto na kami.

“Hi, ate,” bati ko nung medyo maalimpungatan ako. Tumingin ako sa relos ko at
malapit na palang mag 7pm!

Naupo si ate Gel ‘dun sa kama niya at ngumiti sa akin. “Okay na units mo?” she
asked. Napasimangot naman ako agad sa tanong niya. Nakakastress naman dito! May
pambayad ka naman pero namomroblema ka pa rin sa subject! Hay nako. “Hindi ka
tinanggap ‘dun sa GE?”
Umiling ako at saka nagpout.

“Bakit?”

At iyon nga, sinimulan kong ikwento lahat ng nangyari sa akin. Habang nagkukwento
ako, napapa-GRR ako sa inis sa Theo na ‘yun! I get it naman na gwapo siya, okay,
pero kailangan bang ipamukha niya sa akin minu-minuto? At sana lang talaga hindi
kami magkapartner sa ENG1 kasi mababaliw talaga ako!

Kung alam ko lang na ganitong napakaliit pala ng UP para sa aming dalawa, e di sana
pinautang ko na siya nun sa 7-11! Grabe makapagtanim ng sama ng loob ‘yung Tisoy na
‘yun. Over over!

“Parang familiar ‘yung dinedescribe mo...” sabi ni Ate Gel.

Tss. Baka familiar nga! Sa sobrang yabang nung si Theo malamang maraming may kilala
‘dun. At saka sikat nga yata talaga siya kasi pinag-uusapan siya nung dalawa naming
classmates na girls kahapon, e.

Umupo ako ng maayos sa kama ko at humarap kay Ate Gel. Pero baka nga kilala niya?
Upper class din kasi siya kagaya ni Theo. Ewan ko ang weird kasi ang laki ng
community dito sa UPLB pero alam mo ‘yun? Magkakakilala sila. Cool nga, e. Pero
sana naman hindi kasing yabang ni Theo ‘yung ibang lalaki dito! One Theo is enough!
Two is too much!

“Maputi?”

I nodded. Mahirap mang aminin pero maputi siya.

“Matangkad?”

I nodded again. Mahirap mang aminin pero oo, matangkad nga siya. Pero—shut up na
nga, Kelly! Hindi mo kayang kontrahin ang facts! Facts nga, ‘di ba?!

“Medyo blonde ‘yung buhok?”

Ugh! Si Theo nga! ‘Wag mong sabihing friends din sila ni Ate Gel? Hindi ko na
kakayanin ‘yung mutual friends namin, ha! Sobrang OA na!

Hindi na ako nakapagreact kasi ang obvious na masyado. Generic na sana ‘yung
description kasi marami namang maputi at matangkad dito sa campus pero ‘yung medyo
blonde talaga ‘yung sumakto, e! Bakit naman kasi ganun ‘yung buhok ni Tisoy? Half
siguro ‘yun. Half German, half shepherd leche siya!

Napangiti si Ate Gel ng very very light. Nako! “Ikaw ha, kabago-bago mo palang dito
kakilala mo na si Theo. Ayos ‘yan, Kelly,” she said with that knowing smile.

Itinaas ko ‘yung kamay ko at iwinagayway. “Ate naman! Hindi ko siya type!” okay,
nagsinungaling ako ‘dun. Syempre babae lang naman ako, mahilig magka-crush sa gwapo
pero normal naman ‘yun. Pero natatabunan talaga ng kayabangan ni Theo ‘yung
pagiging gwapo niya, e. ‘Di ko kayang tagalan. Malalagas ‘yung buhok ko sa stress
sa kanya.

Tumawa lang si Ate Gel sa akin. Inaya niya na akong kumain kaya sumama ako. Medyo
missing-in-action ‘yung dalawa ko pang roommate pero sabi ni ate normal lang naman
daw ‘yun kasi busy talaga ‘yung dalawa sa org nila. Parang ayaw ko na tuloy mag-org
kasi kakainin talaga ‘yung oras ko.

“Ate, sikat ba talaga si Theo?”

Naka-order na kami sa FC ng dinner namin. Si Ate Gel na lang ang tatanungin ko.
Ayoko na magtanong kay Danielle, noh! Mamaya sobrang crush niya pala si Theo tapos
magalit ‘yun sa akin mawalan pa ako ng friend.

Nag-nod siya at saka isinubo ‘yung saging niya.

So... sikat nga si Theodore Angelo Henares. Confirmed.

Hindi ko na kailangang magtanong dahil automatic naman na lumalabas sa bibig ni Ate


Gel ‘yung mga information. “Sikat ‘yan, e. Kahit sa CEM ‘yung college niya, kahit
sa engineering maraming nagkakagusto sa kanya. Pero justifiable naman...” sabi ni
ate. “I mean, bihira na ‘yung gwapong University Scholar! ‘Di mo rin masisisi ‘yung
girls dito kung gusto nila si Theo.”

Wow. University Scholar ‘yung Tisoy na ‘yun? Masyado ko pala siyang minaliit. He
must be really something...

Nakatapos na kaming kumain ni ate at bumalik na kami sa dorm namin. As usual, MIA
pa rin ‘yung dalawa naming roommate at okay lang naman since mas comfortable ako
kung kaming dalawa lang. Hindi kasi ako makakapag-aral ng maayos kung maingay sa
room. Since wala pa namang formal class, natulog na ako ng maaga.

Kinabukasan, gumising ako ng maaga dahil maghahanap pa ako ng class na pwedeng


pasukan. Sabi ni ate marami naman daw na GE na pwede pa akong tanggapin. So feeling
ko naman tatanggapin ako sa Natsci 6.

8:30 pa naman ‘yung class pero syempre natuto na ako! Mamaya talaga nako, baka
makita ko na naman si Tisoy! Nakikita ko na ‘yung pattern, e! Malakas ‘yung vibes
ko na magkakasalubong na naman kami ng landas ng pesteng ‘yun! So to protect myself
from further harm, pumasok na ako ng maaga.

By 8:15 nakarating na ako sa class at swerte naman na nandun na ‘yung professor.


Halos maiyak na ako para lang bigyan niya ako ng slot sa course. Shiz na university
‘to! Pahirapan pa magkaroon ng subject!  Mabuti na lang talaga at naawa siya sa
akin!

Umupo na ako sa medyo gitna ng CVM auditorium at naghintay ng official na simula ng


klase.

Nakayuko ako sa table at nag-iisip kung paano ako magsusurvive sa university na


‘to. I mean, feeling ko kasi sobrang kulang ‘yung allowance ko lalo na at Biology
major ako. Papaano kapag may fieldtrip? Activities? Projects? Hindi ko na yata
kayang manghingi kay Nay ng extra na pera kasi nakakahiya. Medyo late na rin naman
kung mag-aapply ako ng student assistant dito. Ang hirap namang maging mahirap!

Kailangan ko talagang mag-aral ng mabuti para in the future, hindi na mamroblema sa


ganitong bagay ‘yung mga anak ko. Alam mo ‘yun? Imbes na i-focus mo na lang lahat
ng energy mo sa pag-aaral, nakikihati pa sa oras mo ‘yung money problems. Kaya mo
‘yan, Kelly! Fighting spirit lang!

Nag-iisip pa ako problema ko sa buhay nung officially mag-start na ‘yung class.


Nagpamigay na ng syllabus, as usual. Habang iniaabot ‘yung syllabus, tumingin ako
sa paligid ng room at nakita kong walang Theo. Mabuti naman! Muntik ko ng isipin na
magka degree program kami dahil palagi ko siyang nakikita, e!

Ipapasa ko sana sa katabi ko ‘yung papel pero wala nga pala akong katabi.
Nakakalungkot lang kasi ‘yung ibang mga tao may mga friends na tapos ako dito
dalawa pa lang ang kakilala—si Danielle at Ate Gel—well, pwede ring tatlo kung
isasama mo si Theo sa equation. So in the end, ipinasa ko na lang sa tao sa likuran
ko ‘yung papel at—“Oh, my god!” nasabi ko sabay sapo sa dibdib ko nung makita ko si
Theo sa tabi ko.

“Problema mo?” sabi niya tapos humingi siya sa likod ng papel.

Tumingin ako sa paligid at marami naman vacant na pwesto pero sa akin pa talaga
siya tumabi! Grabe!

“Bakit ka ba nandito?!” I hissed, baka marinig ng prof, ayoko ngang mapalabas sa


klase!

He shrugged. “May class ako dito. Ikaw bakit ka nandito?”

“Duh! May class din ako!”

Tumingin siya sa akin at ngumiti. “Ikaw, ha. Medyo natatakot na ako sa’yo.”

Pumikit ako saglit at sinubukan na pakalmahin ‘yung sarili ko. Nakaka-stress ‘tong
lalaki na ‘to! Saan ba niya hinuhugot ‘yung kayabangan niya?! At bakit ba ako ang
napili niyang asarin?! Sure naman ako na maraming babaeng willing na asarin niya
kaya bakit ako ang pinepeste niya?!

“Humanap ka nga ng ibang upuan!” sigaw ko sa kanya, lumabas kasi ‘yung prof kaya
lumakas ‘yung loob ko na sigawan ‘tong peste ng buhay ko.

Umiling siya at sumandal sa upuan. Inilabas niya na naman ‘yung iPhone niya at may
itinext siya. Sino ba textmate ng bakulaw na ‘to? Minu-minuto hawak ang cellphone,
e! “Bakit mo ba ako pinapaalis? Ikaw ba may-ari nitong upuan?”

Sinamaan ko siya ng tingin. “Gago.”

“Thank you,” he said.

Ugh! Nakaka-stress, agad-agad!

Nagstart na ‘yung briefing sa klase kung ano ang dapat naming iexpect at nakakainis
dahil ang daming group activity! Okay lang sana pero tumaas na naman ‘yung
probability na magkasama kami nitong si Theo. Gwapo sana, oo, pero ang lakas mang-
asar! Imbes na makapagconcentrate ako sa activity e baka mastress lang ako sa
kanya!

Automatic din na naging group mates kami dahil magkakagroup ‘yung buong row namin.
Great!

“So, may meeting tayo later or gusto niyo fb na lang?” alok nung tumayong group
leader namin. ‘Yung iba ayaw sa fb, ‘yung iba gusto naman. Ako ayaw ko sa fb kasi
wala namang internet sa dorm. Aba ang hassle naman kung magrerent pa ako para lang
maka-meeting sila.

“San tayo magmi-meet?”

In the end, sa amphitheater na lang kami magkikita mamayang 7pm. Tsk. Bakit ba kasi
gabi sila nagpapameeting. Paano ‘yung mga takot umuwi ng gabi, ‘di ba?

Anyway, tapos na ‘yung class at kailangan kong lumipad papunta sa Math Building
para sa recit class ng Math11 ko. Shet paano ako lilipad ‘dun?!

Dali-dali kong iniligpit ‘yung gamit ko at sa sobrang pagmamadali, nahulog ‘yung


notebooks ko.

“Oh,” sabi ni Theo nung tinulungan niya akong kuhanin. Akalain mo, medyo mabait
naman pala siya! “San ba next class mo?”

“Math building,” sagot ko na lang since wala akong time makipagtalo sa kanya. Aba
10 minutes lang ang grace period at kailangan kong magmadali! Medyo malayo kasi
talaga siya at kailangan ko talagang lumipad!

Naayos ko na ‘yung mga gamit ko at ready na akong umalis kaya naglakad na ako. Ugh!
Mapapagastos na naman ako! Magji-jeep pa ako kaysa ma-late ako. Hassle pa naman daw
magturo si dela Peña!

Kasalukuyan akong naglalakad pababa sa munting kaharian ng Vet Med (seriously,


bakit kasi ang layo ng college na ‘to sa kabihasnan?!) nung may nag beep sa gilid
ko na sasakyan.

“Wanna ride?”

Kumunot ang noo ko. Theo doesn’t do good. Mamaya baka may kapalit ‘to!

“Ano’ng kapalit?”

Bigla naman siyang tumawa sa akin. “I’m feeling generous today,” sabi niya at saka
binuksan ‘yung pinto sa passenger seat. “Ano, sabay ka?”

I gritted my teeth but agreed anyways. Malilate ako kapag nag-inarte pa ako! And
besides, ang ganda ng sasakyan niya! Hindi ko lang alam kung ano ‘to kasi medyo
wala naman akong alam sa sasakyan.

“So, ano’ng degree program mo?” he said.

“Chatty much? Bakit interesado ka ngayon sa akin?”

He smiled while driving. Tsk. Rich kid. “I figured that we’ll see each other pretty
much every day so why not be friends, right?”

“Yeah, right,” I spat out. Hinihintay ko pa rin na maging mayabang siya. Duh. Hindi
siya si Theo kung hindi siya magyayabang!

Nasa tapat na kami ng CEAT at konti na lang makakarating na rin kami sa Math
building. Dapat bang mag thank you ako sa kanya dahil nakatipid ako ng 7 pesos?
Pero hindi ko naman siya pinilit! Siya ang nagvolunteer na ihatid ako... Tsk.
Ihatid. Malay ko ba kung on the way lang siya! Imposible talaga na mabait ‘tong si
Theo. Who knows baka singilin niya ako sa nangyari ngayong araw. Theo and his evil
ways!

“So, ano nga ang degree program mo?”

“BS Bio.”
Bigla siyang natawa.

“What’s so funny?”

Nakakainis kasi ‘yung pagtawa niya. Nakakainsulto na hindi mo maintindihan. Ewan ko


ba, lahat ng ginagawa niya nakakainsulto para sa akin!

“Wala, wala,” sinabi niya pero sa reaksyon niya parang hindi naman wala! Bakit ba
sa dinami-dami ng tao dito sa school na ‘to, siya pa ‘yung naging kakilala ko?!
Akala ko pa naman magiging okay ang first year in college ko!

I glared at him but he just made a face.

“Look, Miss, as much as I want to tell you, I can’t,” sabi niya and I just arched
my eyebrow. “If I say what’s in my mind, you’ll slap me... And I don’t want to be
slapped.”

I gritted my teeth in annoyance. Everything he does annoys me! Bakit may mga tao na
kahit wala namang ginagawa sa’yo pero naiirita ka pa rin?

“Ano ba kasi ‘yung iniisip mo?!”

We finally stopped in front of St. Therese tapos binuksan ko ‘yung pintuan ng


sasakyan para lumabas. Hindi ako nag thank you kasi ininis niya lang naman ako
buong byahe! Isa talaga siyang malaking peste!

“I heard Bio students are kinky,” he shouted when I was walking away. “Now you
can’t slap me,” sabi niya ulit at nagdrive paalis.

Ugh! This was what I had to endure for the whole year! Magaling!

=================

Chapter 4: So He's Taken

#HTSTBB Chapter 4

Two weeks passed at medyo okay naman 'yung lagay ko dito. By saying okay means
medyo hindi na ako inaasar ni Theo. Aba grabe naman kung kada araw may pang-asar
siya! At saka busy daw 'yun sa girlfriend niya. Meh. Curious talaga ako sa
girlfriend nun at mukhang santo na sinasamba ni Theo.
Bakit ko alam? Ganito kasi 'yun... Nung first week ng klase...

"So, saan kaya tayo pwedeng maggawa ng props?" sabi nung team leader namin na si
Cyrene. Grabe naman si Prof! Kakasimula pa lang ng class, meron na agad kaming
group presentation sa Natsci6! Totoo pala talaga 'yung sinabi nila na minsan 'yung
minors feeling major. E sa Bio lab nga wala pa kaming ginagawa masyado.

Nandito kami ngayon sa amphitheater at nag-uusap tungkol sa stints na gagawin namin


sa Friday. Hassle naman! Malapit na mag-8pm pero wala pa rin kaming napag-uusapan.
Tsk! Hanggang 10 lang kaya 'yung curfew sa dorm! Scary pa naman umuwi...

Kanina pa sila nagtuturuan kung saan pwedeng gumawa. Kahit saan naman okay ako, e.
Gusto ko na lang talagang matapos 'tong meeting na 'to kasi medyo gutom na ako.
Gusto ko sanang bumili sa 7-11 ng pagkain kaya lang wala pala akong dalang pera.
Tsk.

"Main lib?"

"Nakakatakot 'dun pag gabi!"

"E saan nga tayo? Sa Friday na kaya 'yun!"

Brrr. Bakit ba kasi ang competitive masyado ng lahat ng tao dito? Kakasimula pa
lang naman ng semester pero hassle na agad sila sa course! Hindi naman ako
masyaodng grade conscious, 'yung tipong hindi rin naman pabaya sa pag-aaral. Basta
ako pumasa, okay na, pero 'yung mga groupmates ko kakaiba, e.

Naistorbo ako sa pag-iisip ko nung sikuhin ako ni Theo. Katabi ko kasi siya.

"Bili tayo?" sabi niya.

Tumingin ako sa kanya at niliitan ko 'yung mata niya. "May pera ka ba? Mamaya wala
ka na namang dala," I said, annoying him. Hah! Alam ko kasi na ayaw niyang
naririnig 'yun. One of his most dreaded moments pa si Tisoy amp!

Umiling-iling siya. "Ililibre pa naman sana kita," sabi niya at saka tumayo at
nagsimulang maglakad. Dahil nakarinig ako ng libre, syempre sumunod ako sa kanya!
Hindi naman siguro masamang magpalibre kay Theo. Aba mayaman naman siya kaya share
his blessings dapat! At isa pa, nagbabayad naman 'yung mga magulang ko ng tax at
malay ko ba kung tax evader pala 'yung pamilya ni Theo? E di tama lang na
nagpapalibre ako.

Tsk bakit ba ang dami kong sinasabi sa isip ko?

"Uy!" sabi ko nung pumasok na siya sa 7-11.


"Ano?"

Ngumiti lang ako at saka sumabay sa kanya. Truth be told, mayabang talaga si Theo.
Proven and tested. Mayabang talaga siya... pero mabait din naman siya, in fairness.
Isinasabay niya ako papuntang Math building kasi on the way na rin naman pala
papunta sa apartment niya sa Sacay (kung saan man 'yun) pero sabi niya 'wag daw
akong feeling girlfriend dahil lang dun. So, I do conclude na behind his arrogant
face lies another arrogant face.

Kumuha ako ng slurpee at hotdog sandwich. "Lilibre mo ako, 'di ba?" tanong ko bago
ako pumila sa counter. Mamaya atakihin na naman 'to ng sama ng ugali niya at bigla
akong iwan!

Inirapan niya lang ako at saka binayaran 'yung binili ko. Siya naman bumili lang ng
coffee in can tapos sabay na kaming naglakad pabalik sa meeting place. I bet hindi
pa rin sila tapos sa never ending debate nila kung saan kami gagawa ng props bukas
ng gabi.

At tama nga ako kasi pagbalik namin, 'yun pa rin ang topic nila. Seriously, hindi
ba pwedeng dito na lang din kami ulit? Ang arte naman ng mga taong 'to!

"Sandali lang bang gagawa?" Theo said kaya tumahimik bigla. Weird lang kasi ang
tahimik ni Theo sa classroom as in pero pag nasa labas siya, ang lakas lakas niyang
mambully. Para siyang may dual personality talaga.

Nag-nod 'yung team leader namin at napanganga pa siya nung nagvolunteer si Theo na
sa apartment niya kami maggawa ng props. Sa palasyo ba 'to nakatira at ang OA naman
ng reaction nila?

Iyon lang pala ang hinihintay nila para mag dismiss. Wala naman kaming masyadong
pinag-usapan, e! Kung meeting place for tomorrow lang pala ang agenda, sana nag fb
na lang kami. Tsk!

Umalis na sila isa-isa at ako naman inihanda na 'yung pepper spray ko. Medyo
malapit lang naman 'yung dorm pero syempre para safe ako! Kaya ayokong mag-meeting
kapag gabi, e! Nasstress ako sa pag-iisip kung paano uuwi ng maayos.

Naglalakad na ako papunta sa freedom park nung biglang may umakbay sa akin.

"Ano na naman?" sabi ko sa kanya habang inaalis ko 'yung braso niya sa akin. Hindi
pa rin ako nakaka move on sa kinky comment niya baka sampali ko siya.

Ngumiti lang siya at saka inilagay sa bulsa niya 'yung dalawang kamay niya. "San ka
pupunta?"
"Vet Dorm," sabi ko. Medyo hindi naman delikado talagang umuwi, medyo paranoid lang
ako. Marami pa ngang naglalaro ng Frisbee at nagjojogging sa paligid ng freedom
park, e. Pero syempre dapat safe ako palagi.

"Saan ba 'yun?" tanong niya sa akin. Hindi niya alam 'yun malamang. Rich kid si
Theo obvious naman. Although hindi siya 'yung tipo na pinagmamalaki na mayaman
siya. Yes, mayabang siya pero sa ibang paraan. Alam mo 'yung ang lakas niya mang-
inis? Pero hindi ko pa siya naririnig na pinagmayabang niya na may hospital sila.

Habang naglalakad kami sa kalagitnaan ng freedom park at malamig ang gabi, naisipan
ko siyang tanungin. "Bakit hindi mo kinakausap 'yung group mates natin?" Ang alam
ko kasi friendly si Theo at maingay kaya medyo weird sa akin na hindi niya
kinakausap masyado 'yung classmates namin. Ako nga lang ang pinapansin niya sa
room, e.

Instead of getting an answer, I got a shrug. "Required ba akong kausapin sila?"

Heto na naman tayo sa pagiging pilosopo niya. Bakit ba lagi akong sinasabihan nila
ate na ang swerte ko dahil naging friend ko agad si Theo? Hindi naman ako yayaman
dahil kaibigan ko siya. Over fascinated lang talaga sila sa mukha ng Tisoy na 'to.

"Tsk wala ka talagang kwentang kausap."

Ngumiti na lang siya at saka sinabayan ako sa paglalakad. Medyo malayo pa 'yung
dorm pero wala na agad akong maisip. Pero teka, bakit nga ba ako sinasabayan nito?

"Bakit ka nga pala naglalakad? 'Di ba tiga labas ka?" Tumango naman siya. "Oh, e
bakit ka nandito?"

And again, I got a shrug. Hilig nitong mag-kibit balikat. "Gabi na, e. Tsaka bakit
ba ang kulit mo."

Hinayaan ko na lang siya na maglakad kasabay ko. Feeling ko nag-aalala lang 'to
kasi gabi na at mag-isa akong uuwi. Naks naman! May itinatago pala na kabaitan si
Tisoy! "Pero bakit nga ayaw mo silang kausapin?"

"'Di ko lang trip," he said.

"Labo mong kausap," sagot ko.

Hindi ko napansin na nandito na pala kami sa harap ng Vet dorm. Gusto kong mag
thank you pero hindi ko alam kung papaano sasabihin. Medyo awkward kasi alam mo
'yun, hindi naman kami friends na friends talaga. Actually, hindi nga ako sure kung
friends kami pero sure naman ako na hindi kami frenemies kasi masyado ng clichéd
'yung term na 'yun. At isa pa, hindi rin kami flings, noh! Alam ko naman kung saan
ilulugar ang sarili ko dahil may girlfriend si Theo.
As I have said, I know the difference between reality and fiction and I was walking
on the fine line. Sure, it felt nice being friends-or at least 'yung fact na
nakakausap ko si Theo. Let's face it, sikat siya sa school. Pero alam ko naman
'yung real score.

"Dito na ba 'yun?" tanong niya sa akin. I bet first time niyang makapunta sa lugar
na 'to. Tumango ako at itinuro 'yung tuktok na floor na akala mo grotto sa Baguio
sa sobrang taas. "Nandun 'yung room mo?" he asked again and I nodded. "Cool. Ang
taas pala ng inaakyat mo. Papayat ka niyan. Ayos."

"Peste ka. Hindi naman ako mataba!"

He just smirked at me. "Sabi mo, e." Ngumiti siya at kumaway. "Sige, see you
bukas," sabi niya at saka nagsimulang maglakad pabalik sa sasakyan niya.

He's weird like that.

The morning came in fast ng hindi ko namamalayan. Last night, nagreview ako sa
basic English ko dahil marami talaga akong naririnig na masamang balita tungkol sa
prof ko. Kailangan kong galingan kung ayaw kong bumagsak! Kahit na narinig ko na
marami daw nagdadrop sa ENG1 na hinahawakan niya, I shall persevere! Mahal ang
units kaya dapat hindi sinasayang!

Medyo inaantok ako nung pumasok ako sa Bio1.

"Good morning," bati sa akin ni Arkim. Ngumiti lang ako at umupo sa tabi niya at
yumuko. Inaantok talaga ako! Pero kasi napuyat talaga ako sa pagrereview sa basic
tenses at proper grammar! Maayos naman 'yung English ko pero ayaw ko kasi na
mapahiya sa klase. Terror pa naman daw 'yun. Bakit ba ang malas kong tao talaga?

Nagsimula na 'yung klase namin at nag-concentrate na ako sa pakikinig sa prof.


Sobrang nakinig ako kaya hindi ko namalayan na tapos na pala 'yung klase, akalain
mo 'yun! Nag-aayos na ako ng gamit at hinanap ko si Danielle kasi sabay sana kaming
kakain pero nagmamadali siya dahil org matter na naman. Ang alam ko bawal mag-org
kapag freshie, e. Pero hindi naman yata siya freshie. Oh, well.

"May pupuntahan ka?" tanong ni Arkim nung nag-aayos ako ng notes ko. Nag-shrug ako
dahil kakain lang naman ako tapos ENG1 na 'yung next class ko. Ayoko naman na umuwi
sa dorm kasi maaakit lang ako ng kama at baka makatulog lang ako.

So, in the end, sabay kaming kumain ni Arkim sa COOP. Cool nga kasi mukhang isang
rich kid din si Arkim pero pumayag siya na sa COOP lang kami kumain. Seriously, ang
weird. Ako lang yata ang hindi rich kid sa mga nakakausap ko sa school na 'to.
Lakas maka-La Salle!

"Ano 'yung next class mo?" tanong niya sa akin nung kumakain kami.
"Eng1."

"Sino'ng prof mo?" Nung sinabi ko na si Prof. Tablazon ang prof ko, napa-ngiwi
siya. Grabe naman! Ganun ba siya ka-scary?! Natatakot na talaga ako! "Grabe 'yung
reaction mo!" sabi niya habang tawa ng tawa.

"Pano ba naman kasi 'yung mukha mo!" sagot ko sa kanya sabay hinampas ko. Bwisit na
mga tao sa paligid ko. Balak ba nila akong bigyan ng heart attack sa pananakot sa
akin sa prof ko?!

Tawa pa rin siya ng tawa. "Pero kidding aside, terror nga 'yung prof mo, pero
papasa ka dyan."

"Che! Thank you sa pananakot!"

Nag-uusap pa kami tungkol sa kung anu-anong bagay ng biglang umupo si Theo sa


bakanteng upuan sa tabi ko. "Hey," sabi niya nung umupo sa gilid ko. "Kanina pa
kita hinahanap."

Automatic naman na napakunot 'yung noo ko kung bakit niya ako hinahanap. As far as
I was concerned, purely academic relationship lang ang meron kami. Ano naman kaya
ang kailangan ni Tisoy sa akin?

"Ano'ng meron?" I asked him, curious. Napatingin ako bigla sa katabi ko na si Arkim
at napansin ko na nakatingin siya sa akin at kay Theo. "Ah, si Arkim nga pala,
blocmate ko," pakilala ko sa kanya.

Tumango lang ng kaunti si Theo kay Arkim at saka tumingin ulit sa akin.

"Hindi mo ba alam?" he asked me at saka umiling ako. Ano bang meron? "Nagpost si
Sir sa fb group na may activity mamaya kasi nasa UPDiliman siya."

Biglang tumigil 'yung tibok ng puso ko. Shiz. Ano'ng nangyayari?! Hindi ako
informed!

Napatayo ako at pupunta sana sa room nung bigla akong hinatak ni Theo pabalik sa
upuan. Hindi ba siya nagpapanic?! Naiinis ako kasi first week of class pa lang sana
pero stressed na stressed na ako sa buhay ko!

"Chill ka lang," cool na cool niyang sabi at saka pinakita 'yung million dollar
smile niya sa akin. "Napa-print ko na 'yung activity sheet."

Ang sarap tadyakan ni Theo minsan. Gusto niya talaga 'yung tipong aatakihin ako sa
puso!
"'Dun tayo sa apartment ko gumawa?"

Tumingin ako kay Arkim na kanina pa tahimik. I kinda felt sorry for him kasi
feeling ko OP siya sa amin ni Theo. Ito naman kasing Tisoy na 'to choosy sa mga
pinapansin! Ngumiti si Arkim at saka tumayo. "Sige, Kelly, may class na rin naman
ako," sabi niya at saka nag-bye.

Nung nakaalis na siya, hinampas ko ng malakas si Theo sa braso niya. "Bakit ka ba


nanghahampas?!"

"Nasan na ba 'yung activity sheet? Ako na lang gagawa kung madali lang," offer ko
sa kanya. Ayoko lang pumunta sa bahay niya. Baka machismis pa ako dito. Alam ko
naman na sikat si Tisoy. Umiiwas lang ako sa abala.

Sinabi niya sa akin na nasa apartment niya nga daw 'yung answer sheet kaya 'dun daw
kami gumawa. Sinabi ko na ipapaprint ko na lang pero sabi niya hindi raw ako member
ng group kaya hindi ko makikita. Peste talaga 'tong lalaking 'to sa buhay ko.

Dahil last class ko na 'yung ENG1 kaya pumayag na rin ako at isa pa, blackmailer
talaga 'tong si Tisoy. Kainis. Basta ihahatid niya ako sa dorm! Ang layo kaya ng
Sacay!

Sumakay na kami sa sasakyan niya na hanggang ngayon, curious pa rin ako kung ano
ang pangalan. After a few minutes, nakarating na rin kami. At saka baliw ba siya?!
Hindi naman 'to on the way sa Math Building!

"Baliw ka ba? Hindi naman 'to apartment. Bahay 'to."

Hindi siya sumagot sa akin at tuluy-tuloy lang siya sa pagpasok sa bahay niya.
Hindi naman 'to apartment talaga! Alam niya ba ang meaning ng apartment?! Nung
pumasok ako, may naamoy akong mabango kaya feeling ko may kasamang katulong dito si
Theo. Rich kid talaga!

"Ya, ano 'yung merienda?" sigaw niya sa baba. Sumagot naman ng carbonara 'yung yaya
niya.

Tumingin ako sa paligid kasi umakyat si Theo at iniwan ako. Baliw talaga! Paano
kung member pala ako ng akyat bahay gang?! Nagkalat pa naman dito 'yung gamit niya!

Dahan-dahan akong naglakad papunta sa kusina dahil halos 5 minutes na pero hindi pa
rin bumababa si Theo. Naabutan ko na nagluluto 'yung yaya niya. Nung nakita ako ng
yaya niya, medyo nagulat siya pero ngumiti siya. "Classmate ka ni Gelo?" tanong
niya.

Tumango na lang ako kahit medyo weird na Gelo ang tawag niya kay Theo. "Nasan po
siya? Five minutes na po akong naghihintay sa sala, e."
Ngumiti naman siya at saka sumagot. "Naku, kumain ka muna at mamaya pa makakababa
'yun. Tumawag 'yung girlfriend, e. Halika," sabi niya at saka pinaghain ako ng
carbonara.

So, totoo ngang may girlfriend siya...

=================

Chapter 5: Dormant and Active

#HTSTBB Chapter 5

“Achoo!”

Nakakairita! Isa na bang essential ang pagkakaroon ng internet connection sa mga


college student? Nagkaroon pa tuloy ako ng sipon! Bakit naman kasi sa fb group pa
nagpopost ng announcement si Prof. Tablazon, ayan tuloy, clueless ako sa mga
nangyayari.

“Oh,” sabi ni ate Gel sa akin sabay abot ng tissue ulit. “Hindi ka pa rin ba member
ng group hanggang ngayon?” tanong niya sa akin at tumango naman ako. “Grabe! Two
weeks na, ah!”

Two weeks na nga simula nung officially nagsimula ang klase pero hindi pa rin ako
member nung pesteng group na ‘yun. Palagi ko naman kasing nalilimutan itanong sa
mga classmate ko at isa pa, feeling ko may kakaunting inis sa akin ‘yung girl
classmates ko dahil ako lang ang kinakausap ng Theo nila. Kasalanan ko bang choosy
‘yun? Hay! Nakakaloka ang buhay ko!
Ayan tuloy pumasok ako last week kahit wala naman palang pasok! Hindi kasi ako
informed!

Pumasok na ako sa klase pagkatapos kong maligo at kumain. Hindi na ako masyadong
nagmamadali ngayon dahil palagi namang late ‘yung prof namin. Useless lang din kung
maglalakad ako ng mabilis. After few minutes, nakarating na rin ako ng VM
auditorium dahil may shortcut naman pala! Kung hindi ka tiga UPLB, maliligaw ka
talaga dito! Pero medyo kabisado ko na naman ‘yung lugar... Well, medyo.

Nasa loob na ako ng room at tama nga ‘yung hinala ko na wala pa rin ‘yung prof
namin pero medyo nagtataka ako dahil wala pa rin si Theo. Hindi naman kasi ‘yun
nalelate. Feeling ko grade conscious ‘yun hindi lang siya obvious. US kaya ‘yun!
Alam mo ‘yung tumaas ng very very light ‘yung tingin ko sa kanya simula nung
nalaman ko na US siya? Ikaw na!

“We’ll have a quiz for today...”

Naglabas na ako ng yellow paper. Huh. Wala si Theo. Weird.

Natapos ang buong klase na walang Theodore Angelo Henares na nagpapakita. I mean,
bakit ba ako concerned na concerned sa yabang na ‘yun? Well, kasi naman US siya!
Mamaya makasira sa grade niya ‘yung absent niya! Quiz pa naman ‘yun! Ay, tama na
nga! Para akong nanay ni Theo nito.

Dahil wala siya, naglakad lang ako papunta sa Math building. Hay. Ngayon ko
narealize ang halaga niya sa buhay ko. Wala akong driver ngayon. Tsk.
“Late ka yata,” comment ni Arkim nung dumating ako ng 10 minutes late. Hindi na ako
nakasagot sa sinabi niya dahil nagsisimula na ‘yung acitivity namin sa recit.
Nagconcentrate ako sa pagsasagot kaya medyo nawala na rin sa isip ko ‘yung wonder
kung bakit biglaang nag absent si Theo.

An hour passed and my Math11 recit class was done. Medyo nadalian lang ako sa mga
ginagawa namin sa Math11 kasi parang review lang naman sa high school Algebra ‘yung
mga pinapagawa sa amin. Siguro kung Math17 pa ‘to baka nahirapan ako... But so far,
so good.

Sabay kami ni Arkim na natapos sa pinapagawang activity kaya sabay din kami na
lumabas ng room namin. Habang naglalakad pababa ng 1st floor, tinanong niya ako
kung bakit ako late. Weird naman ng fascination niya sa pagiging late ko! Nahihiya
rin naman akong sabihin na wala si Theo kaya late ako. Baka iba ang isipin nito, e.

I opted for a shrug instead. Lumabas kami para kumain. Medyo may natira naman sa
allowance ko last week kaya inaya ko siya na kumain sa LB square since baka
nagsasawa na ‘to sa pagkaing karinderya!

“Hindi yata kayo magkasama ni Theo...”

Muntik na akong mabulunan sa sinabi niya! Ano ba namang klaseng conversation


starter ‘tong sinabi niya! Inabutan niya ako ng tubig at saka ng tissue. Mabuti na
lang walang masyadong kumakain dito kung hindi nakita pa nila akong muntik ng
malagutan ng hininga sa pagkabigla sa tanong niya.

“Ayos ka na?” tanong niya sa akin at tumango naman ako. “Grabe ka naman magreact.”

“Grabe naman kasi ‘yung tanong mo!”


Ngumiti siya sa akin. “So, hindi?”

Umiling ako. Umiling ulit ako. Hindi naman kasi talaga! At nakakaloka naman! Two
weeks pa lang kaming magkakilala ni Theo tapos boyfriend agad-agad? PBB Teens lang?

Mukha namang contented na si Arkim sa sagot ko kaya tumahimik na siya pagkatapos


nun. Mabuti na lang. Sinusubukan ko kasi na iwasan ang Theo thoughts sa buhay ko. I
mean, I’m just a girl, marunong magka-crush. Crush-able naman kasi si Theo at gusto
ko na hanggang dun lang if ever na magka-crush man ako sa kanya.

“May girlfriend po siya?” parang hindi ako makapaniwalang tanong ko sa yaya ni Theo
habang pinaglalagay niya ako ng carbonara sa plato.

Tumango naman siya habang nilalagyan ng cheese ‘yung pagkain ko. So, may girlfriend
nga siya. Confirmed na confirmed! Mas lalo tuloy akong na-curious kung sino ‘yung
mahiwagang babaeng ‘yun! Siguro ang ganda niya kasi mukhang hindi naman papatol si
Theo sa mga mukhang hampaslupa. Masyado siyang mayabang para magka-girlfriend ng
mababa sa standards niyang rocket-high.

“Si Monique. 2 years na nga sila, e.”

Hmmm. Monique.
Gusto ko sanang magtanong kung ano ang itsura kaya lang naisip ko baka intruding na
‘yun so inenjoy ko na lang ‘yung carbonara niya. Naka dalawang plato na ako nung
dumating si Theo! Grabe naman ‘to makipag-usap sa girlfriend niya—telebabad ang
peg! Nalimutan na kasama niya ako!

“Sorry ‘bout that,” sabi niya at saka naupo ‘dun sa dining table. “Kausap ko lang
si Mon.”

When I saw how his eyes sparkled upon the mentioning of her name, that was it. In
love si Theo. Kaya pala back off lahat ng kababaihan dito sa UPLB.

Ngumiti na lang ako at saka sinabi na ituloy na lang namin ‘yung activity namin sa
ENG1.

Bagay sa amin ‘yung langit siya, lupa ako. Kahit saang angle hindi talaga! Kahit
obtuse o acute angle, wala talaga! Ang yaman niya, e! Hanggang friends lang kaya ng
imagination ko.

Natapos na ‘yung Chem16 ko at nakauwi na ako ng matiwasay. For the first time in
two weeks, naging tahimik ang college life ko...

Umuwi ako sa dorm at saka humiga ng saglit bago maligo. After a while, nakaligo na
ako at nagready na kumain pero hinihintay ko pa rin si ate Gel. Dumating siya nung
mga bandang 6pm.
“May net ako!” sabi niya bigla na ikinakunot naman ng noo ko. Ano’ng meron? Ngumiti
siya at saka ipinakita sa akin ‘yung wifi device ba ‘yun. “Mag nenet ka ba?” sinabi
niya tapos may binigay siyang paper na may password tapos dumiretso siya sa CR para
maligo.

Okay...

Kinuha ko ‘yung netbook ko at saka nag-internet. First time kong mag-facebook ulit!
Medyo lielow na kasi ako sa SNS simula nung college. Ewan ko. ‘Di ko masyadong feel
magfb kasi puro chismis lang naman nasasagap ko dun. Mga nabuntis na batch mate ko
na hindi man lang ako invited sa binyag ng anak nila! Grabe talaga!

Nagbobrowse ako sa newsfeed ko nung maisipan ko na tignan ‘yung friend request ko.
Ay shiz! ‘Yung facebook group nga pala! Teka, hindi ko mahanap kahit anong type ang
gawin ko. Add ko kaya si Tisoy? Hmm...

Theodore Angelo Henares

Ay walang result? Pero akala ko may fb siya? Weird nun! Nag-give up na ako.
Tatanungin ko na lang siguro siya bukas kapag nagkita kami sa klase... For now,
ichcheck ko muna kung may nag-add ba sa akin na kakilala ko.

Sinagot ko muna ‘yung text ni Nay habang nagiiscroll sa mga nag-add sa akin...
Medyo napakunot ‘yung noo ko nung may nakita akong nag-add na Theo Henares sa akin.
Wala naman akong nakita kanina nung nagsearch ako, ah! Naka-hide ba ‘tong fb niya?!

I clicked the accept button and in less than a minute, nagchat na agad siya sa
akin.
Theo: Nakababa ka na ng bundok mo at nakapag internet? Nice

Me: seen 6:27pm

Theo: :-)

Me: bakit mo ba ako inadd?

Theo: Kilig ka na niyan?

Me: shut up. Bakit nga?

Theo: May ginawa ba sa natsci?

Me: meron...

Theo: Theo Henares is typing...


 

Gusto ko sanang hinatayin ‘yung reply niya pero dumating na si Ate Gel at inaaya
niya na akong kumain. So, instead na makipagchikahan pa sa kanya, nagbye na ako.

Me: bye na. Kain pa ako

Theo: Ano number mo? Tawagan na lang kita.

Bigla akong kinabahan nung hiningi niya ‘yung number ko. Ano ba naman, Kelly! Landi
pa more! May girlfriend ‘yung tao, okay? Friendship lang ang habol sa’yo ni Theo,
isaksak mo ‘yan sa naglalandi mong utak! Tsaka ‘wag ka ngang assuming! Remember the
look on Theo’s face when his girlfriend was mentioned? He’s in love.

Don’t mistake friendship for love. It’s a game where the end is predictable; you’ll
get hurt. Okay, Kelly? Tama na. Get your head in the game!

In the end, ibinigay ko na lang ‘yung number ko pero sinabi ko sa kanya na ‘wag
niya akong tawagan kasi may gagawin pa ako—which was true. Kakain kami ni Ate Gel
kaya! Isinara ko ‘yung netbook ko nung nakaayos na si ate at sabay kaming bumaba
para kumain sa FC...
“Okay ka lang?” tanong niya sa akin kasi ang tahimik ko nung kumakain kami. Kahit
ayokong ma-bother, hindi ko mapigilan. Bakit naman kasi ang hirap pigilan maging
malandi!

Ngumiti ako ng tipid kay ate. Nakakahiya namang mag-share ng problem sa kanya kasi
may mga sarili din siyang problem. “Okay lang ako, ate,” I lied. I was far from
okay. Naiinis ako na nagsisimula na akong magkaroon ng crush sa lalaki na two weeks
ko pa lang kilala at sa lalaki na from the start, alam kong may girlfriend. Naiinis
ako sa sarili ko.

“Sure ka?” tanong niya ulit. “Basta, nandito lang ako, ha?”

I nodded and then smiled. Nagpatuloy kami sa pagkain at sa kalagitnaan, hindi ko na


napigilang magtanong. “Ate, masama bang magkaroon ng crush sa taong may
girlfriend?”

I know the answer but I needed affirmation.

She shrugged. “Dalawa kasi ang uri ng crush—‘yung isa dormant, ‘yung tipo na crush
crush lang na pakilig lang sa buhay. ‘Yung isa naman ‘yung active na tipong
lalandiin mo ‘yung crush mo. Alin ba dyan?”

Napatahimik ako sa tanong niya. Ano ako, volcano? Nakakaloka naman ‘yung analogy ni
ate! Pero hindi naman active ‘yung crush ko... Dormant lang naman, ‘di ba? Hindi ko
naman nilalandi si Theo! At saka wala akong lakas ng loob na landiin siya. Hindi
kasi talaga ako naniniwala na kayang talunin ng love ang social strata. Ang
negative kong tao pero ayoko lang namang maging hopia sa future.

Instead of answering, ngumiti na lang ako at ipinagpatuloy ang pagkain namin.


Mabuti na lang hindi na siya nagtanong pa. Kailangan ko munang mag-isip ng mabuti.
Imbes na sa school lang ako naiistress, pati dito namomroblema ako. Hanep talaga.

Naglakad lakad muna kami sa paligid ng freedom park bago umakyat sa kwarto. Si Ate
Gel may binili muna sa 7-11 pero ako sinabi ko na lalakad muna ako. Nasa may
bandang harap ako ng SU ng biglang mag-vibrate ‘yung phone ko.

Tumingin ako sa screen. Hindi ko alam pero malakas ‘yung kutob ko na si Theo ‘yung
tumatawag. Pinatay ko agad ‘yung tawag niya kasi ayoko siyang kausapin ngayon.
Medyo hindi pa rin ako settled na mga nalaman ko ngayon.

From: +63916*******

Pick up the call. -Theo

Nag-ring naman agad ‘yung phone ko at muntik ko na siyang maihagis sa sobrang


gulat. Ugh! Ang weird ko! Nagsabi naman siya na tatawag siya pero nagulat pa rin
ako!

Taking a deep breath, I pacified myself. Tawag lang ‘yan, Kelly, ‘wag kang OA.

“H-hello?”

“Shortcake, ‘wag kang maingay may kausap ako,” I heard him say. “Hello?”
I closed my eyes and pretended everything was normal.

“Ano na naman kailangan mo?”

=================

Chapter 6: Someone's Queen

#HTSTBB Chapter 6

  

I heard him laughing from the other line. Nakakainis siya. Bakit niya ako tinawagan
kung kasama niya naman pala ‘yung girlfriend niya? Tsk! E bakit ka ba naiinis,
Kelly? Girlfriend lang ang peg mo? At bakit ko ba kino-contradict ang sarili ko?
Gabing-gabi nagre-reflect ako!

Ang tagal naman ni Ate Gel bumili! Wala tuloy akong excuse para ibaba ‘yung tawag.

“You’re so rude,” he said. Naririnig ko sa background ‘yung girlfriend niya. Gusto


ko namang masuka sa shortcake niya. Hindi ko akalain na corny pala nitong si Theo!
Shortcake? Fucking shortcake. Tsk. Nakakagutom! “Nasan ka?” he said.

Bigla naman akong kinabahan. Pupuntahan ba nila ako ng girlfriend niya? Ipapakilala
ba niya sa akin ‘yung girlfriend niya para matauhan na ako sa mga pantasya ko? Na
ang layo ng agwat namin sa lahat ng aspeto sa buhay kaya magtigil na ako sa mga
ilusyon ko sa buhay?

My thoughts were interrupted when he reiterated his question. I tried to mask off
the uneven feeling inside my chest. Umayos ka nga, Kelly! Crush lang, ha! Crush!
Don’t let it escalade that quickly! 

“Bakit?”
Sa tingin ko naman hindi ako mukhang kinakabahan. Wala naman siguro siyang idea na
crush ko siya, ‘di ba? Kani-kanina nga lang ako nagka-idea sa sarili ko, e!

It was as if I could feel him doing his inevitable shrugging. Parang trademark niya
na ‘yun sa sobrang dalas niyang ginagawa. Theo and his shrugs.

“Gabi na nasa labas ka pa rin? Umuwi ka na kaya...” The softness in his voice was
making it hard to breathe. Bakit ba siya ganito? Kasama niya ‘yung girlfriend niya,
hindi ba? Bakit siya ganitong makipag-usap sa akin? He’s ruthless!

After a few attempts of making my breath even, I finally responded. “Nilalandi mo


ba ako?”

I just wanted to put it out in the open. Ayokong umasa. Habang maaga pa,
magkalinawan na kami. Alam ko kasi na ‘yung mga ganitong bagay hanggang maaga dapat
tinatapos na agad. I mean, in the end, ako naman talaga ang dehado. At isa pa,
gusto kong dormant crush lang! Ayokong maging active volcano. Ayoko.

I was waiting for his reply. Medyo bumilis ang tibok ng puso ko sa paghihintay sa
sagot niya. Nagpatuloy ako sa paglalakad lakad habang hinihintay ko ‘yung susunod
na sasabihin niya. Nararamdaman kong medyo nagpapawis na ‘yung kamay ko sa
paghihintay. Shiz naman! Gaano ba kahirap sagutin ‘yung tanong ko?!

But then I heard him laughing again.

“Kelly,” he said after his laughter. “If I am flirting with you, you’ll know it.”

Masama yata kung sasabihin ko na para akong binuhusan ng malamig na tubig dahil sa
sinabi niya. Bakit ba ako nagulat pa sa sagot niya? Alam ko naman sa sarili ko na
hindi ako ‘yung tipo ng babae na magugustuhan ni Theo. I won’t put myself down pero
alam ko lang na malabo talagang mangyari.

Instead of being a baby, I retorted back. “Mabuti na ‘yung malinaw.”

“Sige na, may gagawin pa kami,” sabi niya.

I mentally cringed upon his statement. Ano kayang gagawin nila?! Tsk! Bakit ba
hindi lang malandi ang utak ko, madumi rin! Kung alam ng mga sister sa alma mater
ko ‘yung mga naiisip ko, siguro pipilitin nila akong mag confession! Tsk!

“Okay...” sabi ko naman. “Papasok ka naman bukas, ‘di ba?”

“Yeah. Babalik na akong LB bukas.”


“Nasan ka ba?” I asked. So, wala siya dito pero kasama niya ‘yung girlfriend niya?
Pinuntahan niya pa talaga...

Ayan, ha, Kelly. Sinasampal ka na sa mukha nung katotohanan na hindi ka niya type!
Kung type ka niyan, hindi ka niya tatawagan kung kasama niya ang girlfriend niya.
It just goes to show, magiging isa kang hopia sa future kapag pinagpatuloy mo pa
‘yang delusions mo!

Then I heard his girlfriend laughing in the background. Okay. Masama ‘to.
Nagsisimula na akong mag-isip na may ginagawa silang milagro!

“Ayala Alabang,” he answered. “I’ll be back tomorrow,” he said and then paused.
“Gabi na, umuwi ka na. Good night.”

Saktong pagbaba niya ng tawag, biglang dumating si Ate Gel. Ngumiti ako sa kanya at
nagsimula na kaming maglakad.

I think it was this night that I decided to stop all these delusions.

Kinaumagahan, gumising agad ako at nagcheck ng facebook account ko. Napangiti ako
nung makita kong member na ako nung group. Sa wakas! After 2 weeks member na rin
ako! Nagcheck ako kung may pasok ba ngayon or what pero as far as I can see, wala
namang announcement. Nakakainis naman! Kung kailan nag-online ako at saka walang
nilagay si Sir.

Dahil maaga pa naman, nagdecide ako na magscroll muna sa newsfeed. Napangiti ako
nung makita ko ‘yung pictures ng mga batch mates ko. Nakakainis naman kasi! Ako
lang ang napunta dito sa UPLB. ‘Yung mga ka-batch ko panay nasa Diliman. Ako lang
ang alone and forsaken dito sa bundok tralala.

Nawala ‘yung ngiti ko nung biglang may lumitaw na picture ni Theo at ng isang babae
na yakap-yakap niya.

Ilang beses ba akong balak sampalin ng tadhana? Stop na, okay! Alam na alam ko na!
Isang tingin pa lang dito sa babae na ‘to alam ko na na wala akong panama. Ang
ganda niya. She surpassed my expectations. Tama nga lang na maging girlfriend siya
ni Theo. Damn this Monique Aldea. Durog na durog ang self-esteem ko sa kanya.

Mabilis kong isinarado ‘yung netbook ko bago pa ako tuluyang mabaliw at iadd as
friend ‘yung girlfriend ni Theo. Ugh!

--

“Ang gloomy mo ngayon, beb!” sabi ni Danielle matapos kaming lumabas sa Biosci
dahil kakatapos lang ng BIO1 namin. Hindi naman ako gloomy kagaya ng sinasabi niya.
Medyo kinakabahan lang ako kung paano ako magrereact mamaya kapag nagkita kami ni
Theo sa ENG1.
Tumingin ako kay Danielle at nag-isip kung pwede ko bang i-share ‘yung munting
problema ko sa kanya. Hindi kasi ako sure kung may crush ba siya Theo e ‘di ang off
naman kung sasabihin ko sa kanya, if ever. Pero kasi sa two weeks na nakilala ko si
Danielle, mukhang wala naman sa personality niya na aawayin niya ako kapag nalaman
niya na crush ko si Theo.

Hinintay ko na makalabas kami sa Biosci nung sinimulan ko na sabihin sa kanya ‘yung


hinaing ko sa buhay.

“Kasi...”

“Kasi ano?”

I looked at her for the last time and then sighed. “Si Theo...” Biglang nagkaroon
ng twinkle sa mata niya nung binanggit ko ‘yung pangalan ni Theo. Pero hindi iyon
kagaya ng twinkle sa mata ni Theo na in love—twinkle sa mata na gustong makarinig
ng chismis.

Hindi siya nagsalita pero ramdam ko na hinihintay niya kung anuman ang sasabihin
ko.

“Ah, ‘wag na nga!”

Bigla niya naman akong tinulak. Grabe naman ‘to! Muntik na akong masubsob ‘dun sa
mga banga sa daan sa lakas ng pagkakatulak niya sa akin.

“Ano nga? Ang KJ mo naman!” sabi niya sa akin. Hindi ko alam na ganito pala ka-
chismosa ‘tong si Danielle! Grabe, ha! “Bilis, lilibre kita sa SEARCA basta
kwentuhan mo ako.”

Hinatak niya ako papuntang SEARCA at saka kami bumili. Grabe si Danielle! Para sa
chismis, ililibre niya talaga ako? Oh, well! Grab the opportunity! Pumila na kami
sa harap at saka ako pumili ng kakainin. Geez! Magkano kaya babayaran niya dito?
Ang sasarap ng pagkain, e. Pero syempre chill lang ako para hindi masyadong obvious
na hindi ako sanay kumain sa ganitong lugar. Hindi naman porke probinsyana ako
kailangan kong ipagsigawan sa buong mundo.

After some minutes, nakaupo na rin kami at nakakuha ng drinks. Cool naman dito!
Unlimited drinks!

“So, ano na?” sabi niya sa akin bago pa man ako makasubo.

Huminga muna ako ng malalim bago ko sinimulan.


“Paano mo ba malalaman kung nilalandi ka na ng lalaki?”

Hindi ko kasi alam kung paano. Tinanong ko naman si Theo pero ang gago lang nung
sinagot niya sa akin. ‘I’ll know it if he’s flirting with me?’ E paano kung mas
dense pa ako sa dense?! Tsk! Oo at hindi lang naman ang sagot, dami pang sinasabi
pa sa akin!

Napasandal siya sa inuupuan niya at inilagay sa baba niya ‘yung kaliwang kamay
niya.

“Hindi ba mafi-feel mo naman ‘yun?”

‘Yan din ang una kong sagot pero hindi ba parang ang assumera mo naman kapag ganun?
Wala bang definite na signs para malaman mo na nilalandi ka nung lalaki? Ang hirap
naman, oh!

“E paano pag magulo talaga?”

Tumingin sa akin si Danielle at saka ngumiti ng makahulugan. “Paliwanag mo muna sa


akin para mas maayos ‘yung sagot ko...”

Bumuntong-hininga ako. She’ll never let go of this, will she? “Kasi nga ‘di ba may
girlfriend si Theo?” sabi ko at tumango naman siya. “Pero kasi he’s sending mixed
signals!” reklamo ko. “Alam mo ‘yun? Ipapamukha niya sa akin na may girlfriend siya
pero kung umarte naman siya parang nilalandi niya ako... Ayoko namang maging
assuming pero kasi iba ‘yung mga pinapakita niya sa akin...”

Nung pinapakinggan niya ako, ramdam ko na naaawa sa akin si Danielle. First time
kong magkaganito. Hindi ko kasi ineentertain dati ‘yung idea ng love. Masyado akong
goal driven... pero unti-unting nababago ‘yung direksyon ko simula nung makilala ko
si Theo. Naiinis ako.

Hinawakan ni Danielle ‘yung kamay ko na nakapatong sa table.

“Beb,” she began, “Papakilala na lang kita sa ibang lalaki, okay?”

“Ha?”

Ngumiti siya. “‘Wag ka na kay Theo. Base sa sinasabi mo, feeling ko ginagawa ka
niyang entertainment habang wala ‘yung girlfriend niya. I don’t want to hurt you
but I don’t want to lie to you. Habang maaga pa, iwasan mo na siya.”

“Tingin mo?” I asked her.

Tumango siya. “If a guy likes you, he’ll never treat you less than what you
deserve. Don’t be someone else’s second best if you can be someone’s best.”

I smiled at her. Tama siya. Why would I settle being the princess when I can be
someone else’s queen?

Pagkatapos naming kumain, dumiretso na ako sa CAS basement para sa klase namin.
Hindi ko alam pero ang laki ng epekto ng sinabi sa akin ni Danielle. Tama naman
kasi siya. Bakit ko ba ipipilit ang sarili ko sa taong hindi naman ako priority?

Dumating si Theo at agad na naupo sa tabi ko. He was looking good, as usual. Panay
pa rin ang habol ng tingin nung classmates kong babae sa kanya. Kung gusto nilang
kausapin si Theo, bakit ayaw nilang lapitan? Hindi naman bastos si Theo na
sisigawan sila. Labo nitong mga classmate ko.

“Naka-ngiti ka,” he said upon sitting down.

Mas nilakihan ko pa ang ngiti ko. “Yeah.”

Kumunot naman ang noo niya at tumingin sa akin. “Ano’ng meron? Weird mo ngayon...”

I shrugged. “Dadalhin kasi ako ni Danielle sa party ng org niya. Papakilala niya
daw ako sa mga orgmates niya para magka-love life ako.” God, I hope I didn’t sound
so desperate.

Tumingin naman si Theo sandali at saka ngumiti. “Good for you,” he said at saka
inilabas na naman ‘yung iPhone niya at itinext na naman ang girlfriend niya.

=================

Chapter 7: Party Wrecker

#HTSTBB Chapter 7

Days passed and I think I was doing a tentatively good job. I mean, medyo hindi ko
na naiisip 'yung problema ko kay Theo hindi rin naman dahil masyado akong
nasupalpal 'dun sa 'Good for you' zone niya na pinaglagyan sa akin kung hindi dahil
busy din naman ako sa pag-aaral. Nagsisimula na 'yung prelims namin kasi medyo
hassle na talaga ako dahil ang dami kong kinakabisado. Mauubusan na nga ng space
'yung utak ko sa dami ng terms sa Bio1. Idagdag mo pa 'yung Chem16 at 16.1! Wala na
akong panahon maglandi!

Nasa Mcdo ako ngayon malapit sa UP Gate at tahimik na nag-aaral. Nakakainis kasi
ang daming tao sa study area sa dorm kasi 'dun pa nila napili na gumawa ng group
project tapos sa room naman biglang umuwi 'yung dalawa kong roommate kaya ang
ingay. Wala akong choice kung hindi mapunta dito sa labas. May mock exam bukas sa
Bio kaya dito na lang ako mag-aaral dahil wala naman akong balak matulog.

Hindi ko namalayan 'yung oras dahil sobrang dami kong inaasikaso. Hindi na rin ako
nakapasok sa Natsci class ko dahil kailangan ko pang tapusin 'yung scientific paper
ko. Feeling ko naman walang ginawa masyado sa class dahil nakalagay naman sa
syllabus na by next, next week pa 'yung exam.

For the whole week, wala akong ginawa kung hindi mag-aral. I was doing really good.
Kahit na halos wala na akong tulog, okay lang sa akin kaysa sa ibang bagay ako
nababaliw.

Friday finally arrived! Tapos na ako finally sa mini hell week ko!

"God! I swear muntik na akong mamatay sa tambak ng gagawin ko!" I heard Danielle
said pagkatapos naming lumabas sa Biosci.

Napangiti ako sa kanya at natawa. I knew how she felt. Pakiramdam ko din kasi
tatakasan ako ng bait sa dami ng gagawin ko. Good thing we both survived.

Naglalakad kami papunta sa labas para kumain tapos bigla niya akong siniko.
"Bakit?"

Binigyan niya ako ng makahulugang ngiti at saka itinaas-taas pa 'yung kilay niya.
Tignan mo 'to, tinatanong ng maayos tapos taas ng kilay ang isasagot! Kailangan ko
bang i-interpret 'yung kilay dance niya?

"Ano nga?" tanong ko ulit sa kanya.

She let out an exasperated sigh. "Duh! Party party na tayo mamaya!" paalala niya sa
akin. Ay shiz! Oo nga! 'Yung org party na sinasabi niya sa akin! Nawala sa isip ko
'yun, ah! Sa dami ba naman ng ginagawa ko, ni hindi ko na nga naisip kumain minsan
e.

I looked at her with an apologetic face. Wala na yata akong energy para magparty
mamaya sa JAVA. Gusto ko na lang maging burrito sa kama ko at matulog. Mukha na
kasi akong eyebags na tinubuan ng kamay at paa.

But she didn't let me speak dahil itinaas niya ang kamay niya at itinapat sa mukha
ko, meron pang mga formula na nakasulat sa kamay niya. Baliw talaga 'to. "No," sabi
niya. "We should party! One week na tayong stressed so we need this!" sabi niya sa
akin. Magkaiba naman kasi kami ng definition ng pampawala ng stress. Kung sa kanya
gusto niyang magparty, ako gusto ko na lang matulog.

Pero hindi niya ako pinakawalan. Binantayan niya ako buong araw dahil hinatak niya
ako kung saan man ako magpunta. Nag-sit in din siya sa klase ko pero okay na rin
'yun kasi at least siya ang katabi ko at hindi si Theo.

Nagfocus ako sa klase para hindi ko siya maisip. I was doing good so far. Isa pa,
may girlfriend naman siya... Technically, I was doing him a favor.

The class ended abruptly dahil study break namin para sa long test next week kaya
maaga kaming nakaalis. Dinala ako ni Danielle sa apartment niya sa Lopez st. at
doon kami nagpalipas ng oras bago ang party. Mga 10pm pa kasi ang start e wala pa
ngang 7pm.

I was bored but I can't sleep. Pinainom ako ng energy drink ni Danielle para daw
hindi ako antukin mamaya. Grabe talaga siya. Feeling ko magpapalpitate na ako sa
sobrang dami ng nainom ko, e! Sobrang determined niya na ihanap ako ng love life.
Mas affected pa siya sa akin. Bakit ganun minsan 'yung friends mo, mas affected pa
sa'yo pagdating sa love life mo?

Hiniram ko 'yung laptop niya at nag facebook. Hindi ko alam kung nananadya ba 'yung
tadhana o ano pero picture na naman ni Theo at nung girlfriend niya 'yung nakita
ko. Mukhang nasa Tagaytay pa silang dalawa at kagabi lang 'yung picture.

Sobrang mahal niya ba 'yung girlfriend niya na tipong nakakayanan niyang


magpabalik-balik mula LB at Alabang na parang walang pasok?

I took a deep breath and managed to click the picture. Looked like everybody was
cheering for them to be together. Pero tama naman sila... bagay talaga sila. You
could see it by simply looking at how they look at each other.

Sinarado ko na 'yung laptop niya at lumabas muna ako. Hindi ako nagpaalam kay
Danielle kasi naman sigurado ako na hindi niya ako papayagan. Pero hiniram ko muna
'yung cardigan niya dahil medyo malamig at August na.

I was walking mindlessly. Gusto ko ng matapos 'yung semester na 'to. I was


continuing my peaceful walk when I bumped into Theo. Oh, God! Masyado ng scripted
'yung buhay ko!

Ngumiti ako sa kanya sandali at saka lalagpasan ko na sana siya pero hinawakan niya
ako sa braso ko.

"Kelly."

"B-bakit?" I didn't know why the hell on earth I was stuttering. Kailan pa ako
kinabahan around Theo?! Nababaliw na yata ako! Or baka naman nasobrahan na ako sa
lahat ng energy drink na ininom ko buong linggo?

Kumunot 'yung noo niya pero ngumiti naman siya makalipas ang ilang segundo.
"Nothing," sabi niya. "Nagdinner ka na ba?"
Umiling ako pero wala sa plano ko ang sumama sa kanya. Sasabihin ko sana na mamaya
pa ako kakain kasabay si Danielle pero hindi pa man ako nakakapagsalita, hinatak
niya na ako.

"Great," he said. "Wala akong kasabay kumain, e."

Hinila niya ako hanggang makarating kami sa KFC. Seriously, favorite niya ba dito?
Palagi siyang kumain, e. Pinaupo niya ako at saka siya ang umorder. Ni hindi man
lang ako tinanong. Tss. After few minutes, bumalik na siya sa table namin na may
dalang isang tray na puno ng pagkain. May bucket of fries, krushers, twister, fun
shots, mushroom soup. Ang dami naman!

Nung naibaba niya na lahat ng pagkain, napatingin ako sa kanya.

"Seryoso ka?" I asked him. Ang dami ng pagkain!

He smiled and then started digging in his bucket of fries. "Kain na," he said with
a mouthful. Nakatingin pa rin ako sa kanya. Ang weird niya. Why was he eating in a
place like this? I mean, weird lang. "Bakit?" he asked nung nakita niya na
nakatingin pa rin ako.

"Bakit ka dito kumakain? May pera ka naman..."

He smiled at me and then shrugged. "Just to spite my mom. She's a doctor and she
hates it when I eat in fastfood."

"Baliw ka."

Kinindatan niya ako. "Part of my charm."

Pagkatapos 'nun, kumain na kami pero habang kumakain kami, hindi ko napigilang
magtanong. "Hindi ka ba napapagod pumunta sa Maynila sa kalagitnaan ng klase?"

Umiling siya. "Hindi naman." Naisip ko baka naman kasi may driver siya. Hindi naman
impossible. "I like doing effort just to see Monique."

Another slap on the face.

Tumahimik ako matapos nun. Bakit ba kasi ako nagtatanong? Para akong tanga.

"Theo..." I said pagkatapos ng ilang minuto kong pananahimik. "Hindi ba magseselos


si Monique kapag may kasama kang babae?"
I tried to sound as casual as I could be. Gusto ko lang naman malaman kung papaano
siya magrereact. I was just curious.

Bigla siyang nangiti at saka umiling. "Nope, not a chance." Kumunot naman ang noo
ko sa sinabi niya. "She knows how in love I am with her."

Pagkatapos niyang sabihin 'yun, gumawa ako ng excuse para makaalis. Kailangan kong
makaalis sa lalong madaling panahon. Sumisikip ang dibdib ko sa mga naririnig ko sa
kanya. Hindi ko alam kung bakit gusto kong sinasaktan ang sarili ko.

"Why the rush?" he asked.

"May party pa akong pupuntahan."

He smiled. "Ah... that. Enjoy your night," he said as I went away.

Mabilis akong naglakad pabalik sa apartment ni Danielle. Nung dumating ako, nakita
ko na nakaayos na siya.

"Saan ka nanggaling?!" sabi niya agad sa akin pagpasok ko sa apartment niya.


"Kanina pa ako nagtetext! Malay ko ba kung saan ka nagsuot!"

I bit my lip and said sorry. Hindi nga pala ako nakapagsabi sa kanya... Nung
tinanong niya ako kung saan ako nanggaling, hindi ko na sinabi na nagkita kami ni
Theo dahil alam ko na maiinis siya. Kaya nga niya ako isasama sa party ay para
makahanap ng ibang lalaki... Medyo weird naman pakinggan.

Inayusan niya ako at pinabayaan ko na lang siya. Wala na akong gana para
makipagtalo.

"Nandun ba si Theo?" I asked her. Alam ko kasi orgmates sila ni Theo...

She shook her head. "Nope. Hindi mahilig sa party 'yun, e."

"Huh? E bakit siya nasa org niyo?"

Kumibit-balikat siya. "Ewan. Financial? Minsan kasi siya ang principal sponsor lalo
na 'pag may medical mission. Big deal si Theo sa org kaya hindi pinapakailaman 'yan
kung anuman ang trip sa buhay, e."

Muli na namang sumampal sa mukha ko kung gaano siya kayaman. Hay, Kelly. Maghanap
ka kasi ng katapat mo. At may girlfriend na 'yung tao!

Ilang minuto ang lumipas at natapos na rin siya. Tumingin ako sa salamin at maayos
naman ang itsura ko. Mabuti naman at hindi ako ginawang mukhang bakla ni Danielle!

"Ready ka na, beb!" she said in glee and then clapped her hands. Kumain muna kami
sa labas... Medyo busog pa ako pero hindi ko naman masabi na busog ako dahil
magtatanong siya ng magtatanong hanggang sa masabi ko na na magkasama kami ni Theo.
So in the end, kumain na lang ako kahit na busog pa ako. Matapos naming kumain,
dali dali kaming pumunta sa JAVA para sa party. Pagdating namin 'dun, medyo marami
ng tao dahil 11pm na rin pala.

"Wait lang, ha!" she said at saka pumunta siya 'dun sa mga tao sa stage. Ako naman,
nakatayo lang sa gilid.

So... what to do?

Tumingin ako sa paligid at wala akong makitang kakilala. Siguro dahil one semester
pa lang naman ako kaya wala pa akong mga kakilala. Niyakap ko ang sarili ko dahil
nalalamigan ako sa ipinasuot sa akin ni Kelly na crop top.

Bigla kong naramdaman na nagvibrate 'yung phone ko.

From: Theo

Enjoying the party?

To: Theo

Yup! Daming boys!

I wanted to roll my eyes. Kailan pa ako naging sinungaling? Sa totoo lang, wala
namang kumakausap sa akin dito. Maraming tao pero ako, nandito lang sa isang gilid.
Bakit ba ang pathetic ng buhay ko?

From: Theo

Hmmm. I see

To: Theo

Bakit ba text ka ng text?

From: Theo

Galit ka ba sa gwapo? Chill lang!


Ugh! Ang sakit niya sa ulo!

Nung may nakita akong beer sa bar, pumunta ako 'dun at kumuha ng isang bote. Pero
baka kulang... so kumuha ako ng apat. Free flowing drinks naman daw, e!

Lumabas ako dahil masyadong masikip sa loob. Mukha naman akong kawawa na walang
kumakausap sa akin... Ang daya. Pakiramdam ko naman mas maganda ako 'dun sa mga
babae sa loob pero sa kanila may lumalapit, sa akin wala. Si Danielle naman,
pabalik balik dahil may pinapagawa sa kanya. Naintindihan ko naman siya...

Umupo ako sa labas katabi ng apat na boto ng beer. Inihilamos ko 'yung kamay ko sa
mukha ko. Bakit ba ako nagkakaganito? Kahit ako naaawa na sa sarili ko.

A tear was about to fall when somebody took a sit beside me. "Hi," he said. "Kelly,
right?"

Dahil sa pagsabi niya ng pangalan ko, napatingin ako sa kanya. Pinunasan ko 'yung
luha ko sa pagtulo. Sinubukan kong ngumiti. "Pinapunta ka ba ni Danielle dito?" I
asked him. Baka kasi napipiltan lang siya... Ayoko naman na umupo siya katabi 'yung
loser na kagaya ko...

Umiling siya. "No. You look lonely so I came. Okay lang naman, 'di ba?" he asked. I
nodded and then offered him a bottle of beer. "No, I'm good," sagot niya.

"Bakit ka nandito?" I asked again.

"I already told you... Ang lungkot mong tignan kaya ako lumapit so tell me, bakit
ka malungkot?"

I looked at him and I was weighing if I should open myself up. Hindi ko naman siya
kakilala... But wasn't that the point? Hindi ko siya kakilala kaya siguro naman
hindi niya ako huhusgahan sa mga kaartehan na sasabihin ko sa kanya.

Ngumiti ako. "Ang loser ko kasi," sabi ko dahil 'yun naman talaga ang nararamdaman
ko.... "Ni wala man lang lumapit sa akin kahit panget na lalaki."

Bigla naman ako nagulat dahil natawa siya sa akin. Hindi ko alam kung saang banda
ng problema ko ang nakakatawa.

"You seriously have no idea?" he asked and I shook my head. Ano'ng problema niya?
Inilabas niya 'yung phone niya at may ipinakita sa akin. "Here..."

Biglang nanlaki 'yung mata ko nung makita ko 'yung email.


From: theohenares@gmail.com

Subject: Important

See this girl? Don't flirt with her, talk to her, or anything close to physical
contact. I dare you.

May naka-attach na picture ko. Fudge! Profile picture ko 'to sa fb, ah!
Nanggagalaiti pa ako sa galit nung bigla niyang i-offer ang kamay niya.

"Hi, I'm Gabe, and I'm up for the challenge."

=================

Chapter 8: Designated Driver

#HTSTBB Chapter 8

For a second, I gaped at him. Siguro lasing na siya. Ano tingin niya sa akin, task
sa Survivor Philippines na kailangan niyang tapusin? Tss. No, thanks. I already
have a 6 foot worth of problems courtesy of Theo.

But for the sake of courtesy, ngumiti ako sa kanya and then raised my bottle of
beer and took a sip. Pesteng Theo ‘yan! Kaya pala confident na confident siya sa
pagpunta ko sa party, sinira niya na pala lahat ng pwedeng mangyari! “Thanks for
the concern,” sabi ko sa kanya. “Pero hindi ako challenge, okay. Tao ako.” I didn’t
mean to sound rude pero ‘yun ang gusto kong sabihin.

I have seen movies like this one. Magsisimula sa challenge tapos sa dulo uuwi akong
luhaan. Wala akong oras sa ganun. Puro stress lang ang makukuha ko. Isa pa, mukha
pa lang nitong Gabe na ‘to mukhang loko-loko na.

Ngumiti naman siya sa akin and then stretched his legs. We were now at the pavement
looking at the starts above us. Ang ganda nung gabi, ang daming bituin sa langit.
Mas okay sana kung hindi pinepeste ni Theo ang buhay ko, baka may mga nakilala pa
akong bagong kaibigan. Bwisit naman kasi siya! Wala tuloy kumakausap sa akin kahit
isa! Kaya pala kahit panget na lalaki dito ni ayaw akong tignan.

He nodded. “Okay, fair enough,” sabi niya. “Why don’t we start off as friends?”

Kumunot naman ‘yung noo ko. Ano bang trip nito? Masyado bang challenging sa kanya
‘yung e-mail ni Theo kaya pursigido siyang maging kaibigan ako?

“Magkaaway ba kayo ni Theo?” I asked him bago pa man kung saan makarating ‘tong
pag-uusap namin. Kaunting oras na lang kasi mag-aalas dose na. “Kasi kung ginagamit
mo ako para inisin siya, ngayon pa lang tigilan mo na ako. Busy ako sa pag-aaral.”

All I got was a laugh from him. Kung kanina tinanggihan niya ‘yung bote ng beer na
inalok ko, ngayon siya pa mismo ang kumuha at ininom ‘yun. Bottoms up! Grabe!

After finishing the bottle of beer like a mad man, he looked at me and then smiled.
“First, Kelly, Theo and I are not enemies... but we’re not friends either.”

“E ano kayo?”

“Hmm... schoolmates?”
Tumango-tango ako. “Pero bakit pursigido ka na kausapin ako?” tanong ko ulit.
Parang fishy kasi na lumabas siya mula sa party para samahan akong maging emo dito
sa labas habang tumitingin sa mga starts. Mukha namang sikat din siya sa school.
Ewan ko ba, basta gwapo ka sikat ka.

“Okay, you got me, I originally wanted to talk to you because I was curious,” sabi
niya kaya napatango ako. Hindi naman ako disappointed. Sanay naman na kasi ako na
walang lumalapit sa akin. I mean, alam ko naman na medyo maganda ako pero ewan ko
ba, intimidated sa akin ‘yung mga lalaki. Bakit ba intimidated sila sa matatalinong
babae? Isang malaking kasalanan ba maging matalino?! “But then now I really am
curious.”

Hindi pa rin ako naniniwala. Mukha talaga siyang playboy. Mukha siyang character na
lumabas mula sa mga teen fiction na kinababaliwan ng mga pinsan kong bata.

“Come on!” sabi niya at saka humarap na sa akin. “What can I say that could
possibly change your mind about me?”

Umiling ako. “Wala, wala,” sabi ko, baka naman kasi isipin nito nagpapakipot ako e
friendship lang naman ang hinihingi niya. “Pwede naman tayong maging friends...”

“Yeah, I could deal with that,” sabi niya habang tumatango-tango. “So, friends?”

Inabot ko ‘yung kamay niya at saka kami nagshake hands. “Friends.”

Nanatili kaming nakaupo ng mga ilang minuto. Hindi ko pa rin kasi maintindihan kung
bakit ‘yun ginawa ni Theo... Malabo naman na may gusto siya sa akin kasi tinanong
ko naman na siya dati pa. At isa pa, palagi niyang sinasabi kung gaano niya kamahal
si Monique at nakikita ko naman—sumasampal pa sa mukha ko. Bakit kaya niya ako
ginaganito?

Galit kaya siya sa akin dahil hindi ko siya pinautang dati? Grabe naman siyang
magtanim ng sama ng loob kung ganun!

Naputol ‘yung pagde-deduct ko ng tunay na dahilan kung bakit patuloy na


sinasabotahe ni Theo ang possibility na magka-boyfriend ako nung tumayo si Gabe at
inilahad niya ‘yung kamay niya para abutin ko.

“Wanna walk?”

Tumingin ako sa kanya na parang tinubuan siya ng dalawang ulo. Baliw ba siya? Bakit
ako sasama sa kanya? Pasado alas dose na kaya! Malay ko ba kung psychotic ‘to at
biglang may gawing masama sa akin!

“Come on, I don’t bite!” sabi niya na medyo natatawa pa. Hindi pa rin ako
naniniwala. “Alright, wait here. Tatawagin ko lang si Danielle,” he said and then
steered away.

Nakatingin ako sa cellphone ko at nag-iisip kung itetext ko ba si Theo. May parte


sa utak ko na gustong malaman kung bakit niya ako ginaganito at mayroon naman na
nagsasabi na ‘wag ko ng alamin dahil baka masaktan na naman ako. Pagdating sa Theo-
meter ko, lumagpas na ako sa average daily dose ko. Kung drugs siya, malamang
kanina pa ako isinugod sa emergency room for overdose.

“Huwag mo nga akong hatakin!” narinig ko ‘yung boses ni Danielle. “Oh, Kelly!” she
said at saka niyakap ako. Lasing na yata ‘tong babaeng ‘to. She reeked of alcohol.
Tumingin ako kay Gabe. “Bakit mo ‘to dinala dito?”

He smiled and said, “Para hindi ka magduda. I’m not a criminal. I just want to
walk. Danielle, pakisabi nga dito sa kaibigan mo na hindi ako masamang tao.”

Danielle smiled at then kissed me on the cheek. “Mabait ‘yan si Gabe. Sige na lakad
muna kayo. Balikan niyo ako pag lasing na lasing na ako okay,” she said and then
shooed us away.

Pareho kaming natawa ni Gabe nung pagewang-gewang na naglakad si Danielle papasok


sa JAVA. Tutal mukhang okay naman si Gabe, pumayag na ako na maglakad lakad kami.
Ang tahimik ng paligid nung medyo makalayo na kami sa JAVA. Madaling araw na rin
kasi. Pero mayroon namang mga street vendor na nagtitinda ng mais at mga balot pero
busog pa kasi ako.

“So...” sabi niya habang naglalakad kami. “Tell me something about yourself.”

“Wala namang interesting sa akin.”

“Impossible. So, what’s your degree program?”

“BS Bio. Ikaw?”

Inilagay niya ‘yung dalawang kamay niya sa loob ng bulsa niya. “BS IE. Ilang taon
ka na?”

“17.”

“Jail bait,” sabi niya at hindi ko siya naintindihan. Jail as in nakulong na ako?!
What?! Mukhang nakita niyang clueless ako sa sinabi niya kaya sinabi niya, “That’s
a slang term, nothing offensive,” sabi niya. “Ibig kong sabihin minor ka pa.”

Napa-‘ahhh’ na lang ako sa kanya. Medyo awkward talaga kasi hindi naman kami
magkakilala. Mukhang mabait naman si Gabe at friendly pa pero hindi kasi ako
makapag-concentrate sa ginagawa naming paglalakad at pag-uusap dahil may isang
makulit na parte sa utak ko na malanding pumupunta kay Theo. Kainis naman na mga
amygdala ‘to! Sarap niyong prituhin isa-isa!

Kasalukuyang nagkukwento si Gabe tungkol sa kung anu-ano nung biglang nagvibrate


‘yung phone ko. Nakita ko na tumatawag si Theo. Ano na naman ang trip nito? Ala-una
na kaya ng madaling araw!

Nakita ni Gabe na nakatingin ako sa phone ko kaya inagaw niya ‘yun nung nabasa niya
na si Theo ‘yung tumatawag. “There,” sabi niya nung pinatay niya ‘yung tawag.

“Bakit mo ginawa ‘yun?!”

He gave me a small smile. “I’m a guy, Kelly. Trust me; I know what I’m doing.”

“Baka magalit ‘yun!” Hindi ko alam kung bakit para akong girlfriend ni Theo kung
magsalita pero hindi ko kasi nagustuhan na binabaan niya ng tawag si Theo. Paano
kung matter of life and death pala ‘yun?! E di kargo de konsensya ko pa ‘yung
pagkamatay niya!

Imbes na magsorry sa ginawa niya, nginitian niya lang ulit ako. “Give it 5
minutes,” he said.

Hinawakan niya ‘yung kamay ko kahit na nagpupumiglas ako. Teka lang, ha! Friendship
lang ‘yung iniooffer ko sa kanya at walang clause na nagsasabi na pwede kaming
magholding hands ayon sa friendship agreement!

For five minutes, nginingitian niya lang ako at pinipigilan ako na tanggalin ‘yung
pagkakahawak niya sa kamay ko. Muntik ng tumalon palabas ng dibdib ko ‘yung puso ko
nung biglang may bumusina sa likod ko. “Ay, bundok ng tralala!” sabi ko sabay hawak
sa dibdib ko. Peste sino ba ‘to?! Madaling araw na nag-iingay pa!

I was about to give the driver a piece of my mind when he rolled his window down.

“Theo?”

Hindi siya nakatingin sa akin kung hindi kay Gabe. Si Gabe naman inilagay ‘yung
bibig niya malapit sa tenga ko at bumulong. Medyo nakiliti nga ako, e. “I told
you,” sabi niya.

Pero bilang isang abnormal na kagaya ni Theo, in just a split second, biglang
bumalik na naman siya sa pagiging normal. “Madaling araw na, palaboy-laboy ka sa
daan,” sabi niya. “Sakay na, ihahatid kita sa dorm mo.”
Pilit kong tinatanggal ‘yung kamay ni Gabe pero ayaw niyang alisin. “Hindi pwedeng
pumasok sa dorm ng madaling-araw...” paliwanag ko. “Mag-oovernight ako kila
Danielle.”

Tumango-tango naman siya. “Nasan si Danielle?”

Sinabi ko na nasa bar pa si Danielle at probably nagpapakalunod sa alak na akala mo


wala nang bukas. Hindi ko na tinanong pa si Theo kung bakit niya alam na nandito
kami ni Gabe sa harap ng Centro.

Habang nag-iisip si Theo ng susunod niyang sasabihin at si Gabe naman pilit na


hinahawakan ‘yung kamay ko habang tinatanggal ko, bigla kong na-realize kung gaano
kahaba ang buhok ko. Pinapagitnaan ako ng dalawang pogi! Parang bata pa lang ako
pangarap ko na ‘to, ah! Pero hindi naman ganito... ‘Yung isa pinapaasa ako sa wala,
‘yung isa naman challenged lang kaya ako kinakausap. Malala pa ‘to sa wattpad
stories.

“Alright,” sabi ni Theo makalipas ang ilang segundo. “Let’s go to my apartment


first. Kumain ka muna at uminom ng kape.”

Hindi nga apartment ‘yun! Kailan ba niya magegets na bahay ‘yung tinitirhan niya?!
Pero hindi iyon ang point! Sasagot pa sana ako ng higpitan ni Gabe ‘yung hawak sa
kamay ko. Ayaw niya talagang bitiwan!

“Pare, she’s with me. Nakakabastos naman yata.”

“I’m not asking for your opinion.”


Okay... It’s getting hot in here! Bakit ba ang seryoso nilang dalawa?! Akala ko ba
orgmates sila?!

“Alam niyo? Bakit ‘di na lang pareho kami ni Gabe pumunta sa ‘bahay’ niyo?” sabi ko
at saka binuksan ‘yung pintuan ng sasakyan ni Theo at pinapasok si Gabe. Nung
papasok na ako, hinila ni Theo ‘yung kamay ko. “Bakit na naman?”

“Driver niyo ba ako?” sabi niya. “Dito ka sa harap.”

Ang bossy talaga ng pesteng Tisoy na ‘to!

Sumakay ako sa harap niya at saka isinuot ‘yung seatbelt. Ang bilis kasing
magmaneho ni Theo. Kung pwede lang mag car drifting dito malamang ginawa niya na
‘yun! In less than 5 minutes, nakarating na kami sa Sacay. Buti hindi kami hinarang
ng guard sa UP Gate! Tsk! Feeling ko talaga malakas ang kapit nitong si Theo, e!
Hindi kaya friends ‘yung pamilya niya at si Chancellor?

Bumaba na kami sa sasakyan niya. Ang lakas ng topak ni Gabe kasi sumama pa siya
hanggang dito. Tumabi siya sa akin habang hinihintay naming buksan ni Theo ‘yung
pintuan.

“Magkaaway ba kayo?” I hissed.

“No.”

“E bakit kulang na lang magsuntukan kayo kanina?!”


He smiled. “We just like the same things, have the same interest.”

Ang labo talagang sumagot nito! Hindi ko na siya pinansin nung buksan ni Theo ‘yung
pinto at pumasok na kami. Wala na ‘yung yaya niya, malamang tulog na ‘yun kasi
anong oras na din. Biglang nawala si Theo, as usual. Parang kabute talaga ‘yun.

“How do you like your coffee?” tanong niya.

“Uhm... hot?”

Inirapan niya ako. “Black or with cream?”

Kinagat ko ‘yung labi ko. Ugh! Mukha na naman siguro akong taong-bundok sa paningin
niya! “With cream...” Tumango-tango naman siya at aalis na sana nung nagsalita si
Gabe.

“Mine’s black.”

“Magtimpla ka ng sarili mo,” sagot sa kanya ni Theo at umalis na papunta sa kusina.


Tumayo naman si Gabe at sumunod. I have an inkling that this will be a freakishly
long night.
Sobrang curious ako kung nagsasakalan na ba sila sa kusina pero inalis ko na sa
isip ko. Tss. Ang ganda ko naman kung sakali! Inilibot ko ‘yung tingin ko at wala
akong nakitang picture frames man lang... Siguro nasa kwarto ni Theo ‘yung pictures
nila ng girlfriend niyang perfect.

Makalipas ang ilang minuto, bumalik na sila. Wala namang pasa o kung anuman. Mabuti
naman! Nagsisimula na akong magduda na magkaaway talaga sila, e!

“Thanks,” sabi ko nung iabot sa akin ni Theo ‘yung kape. Ang awkward. Bakit ba kasi
ako napunta dito e kanina lang nasa gilid ako ng kalsada at nagbibilang ng stars.
Weird.

Nakatingin ako sa sahig dahil hindi ko alam ang gagawin. Bigla namang nagsalita si
Gabe. “Let’s play!”

“Ha?”

“Spin the bottle? Ang awkward, e,” sabi niya. Akala ko naman ako lang ang
nakakapansin.

Umiling ako. “Ayoko nga. Alam ko ‘yung mga ganyan may mga kiss kiss ‘yan, e.” Bigla
namang natawa si Gabe sa akin. Bakit? Masyado na bang endangered sa panahon ngayon
ang 17 years old na wala pang first kiss?! “Ano’ng nakakatawa?”

He shook his head and then leaned in and before I could even blink, he was kissing
me in front of Theo.
=================

Chapter 9: Nothing Good Happens After 2am

#HTSTBB Chapter 9

Nung bata pa ako, madalas kong iimagine kung paano mangyayari ang first kiss ko.
Syempre perfect siya pag-iniisip ko. Mangangarap na lang ako kaya syempre itotodo
ko na. Dapat sweet tapos ‘yung tipong manghihina ‘yung tuhod ko sa sobrang kilig.
Bawat maging crush ko iniisip ko na sa kanya ko makukuha ang pinapangarap kong
first kiss. Hindi ko alam pero kasi talagang excited na akong magkaroon ng first
kiss kahit na palagi sa aking sinasabi ni Nay na bawal daw magboyfriend. E ‘di
walang boyfriend pero basta may first kiss.

Pero habang tumatanda ako, mas narerealize ko na malabo yatang makuha ‘yung perfect
first kiss. Nung high school ako kapag nag-uusap kami ng mga kaibigan ko, mas lalo
akong nadidismaya. Paano ba naman lahat halos sila palpak ang first kiss. Mayroon
na hindi sila parehas gumagalaw, ‘yung isa puro laway, ‘yung isa naman parang suso,
at kung anu-ano pa. Dahil sa kwento nila tahimik akong nagpasalamat sa Diyos at
secured pa ang first kiss ko.

But then, Gabe had to ruin everything for me.

Sa sobrang gulat, kahit nung pagkatapos niya akong halikan, nakatulala pa rin ako.

“Hey,” sabi niya at saka tumitig sa akin habang pakurap-kurap lang ako ng mata sa
sobrang gulat. The hell! Uminom lang ako ng kape, nawalan na ako ng first kiss!
“Are you alright?” tanong niya sa akin. Hindi pa rin ako makapag-react. Namimili pa
ako kung susuntukin ko ba siya o bubugbugin. Alin ba ang mas masakit? “First kiss
mo ba?”

I stood up and went and walk away after giving him a resounding slap. Served him
right. Mang-aagaw ng first kiss!

Lumabas ako sa bahay nila Theo kahit na malamig pa. Naiinis ako kay Gabe. Wala pang
isang araw kaming magkakilala pero ang dami niya ng nagawa. Ang tanga ko naman at
sumama pa ako dito! Kung in the first place hindi ako sumama kay Theo, wala namang
mangyayaring ganito.

“Kelly...”
“Umalis ka nga dito bago kita sapakin.”

Naupo ako sa wooden bench sa labas ng bahay nila at niyakap ‘yung sarili ko dahil
malamig at kulang na lang magkapulmonya ako sa igsi ng damit na pinasuot sa akin ni
Danielle. Kita lahat ng tinatago kong bilbil.

“Here,” sabi ni Gabe at saka ipinatong sa balikat ko ‘yung cardigan niya. “Look,
I’m sorry. Hindi ko naman alam na first kiss mo ‘yun...”

Tumingin ako sa kanya ng masama. Malamang hindi naman siya nagtanong! At isa pa
dapat bang ibalita ko na wala pa akong first kiss?! Masisiraan ako ng bait sa taong
‘to!

“Alam mo gusto kitang saktan ngayon.”

Ngumiti lang siya sa akin na akala mo hindi ako seryoso sa sinasabi ko. Wala bang
kahoy dito sa malapit ng mahampas na ‘tong lalaking ‘to?

Tumingin ako sa gilid kung mayroon bang pwedeng ipanghampas sa kanya nung biglang
lumuhod siya sa harapan ko.

“I’m sorry,” sabi niya ng naka praying position pa. Aba’t! “If I knew it was your
first, I would have not used my tongue.”

Oh, my god! Tell me he didn’t say that!

Napangiti siya sa reaction ko. Prankster ba siya?! Bakit natutuwa siya na halos
bumulagta ako dito sa sobrang gulat sa mga ginagawa niya at lumalabas sa bibig
niya?! “There, you’re smiling.”

Huminga ako ng malalim at tinignan siya ng matalim. “Gabe, isa pa, sasapakin na
talaga kita.”

Itinaas niya naman ‘yung kamay niya. “Hey, there’s no need to get so physical,”
sabi niya habang nakaluhod pa rin. “But seriously, I’m sorry. If I could take it
back, still, I would do it but in a more romantic way.”

“Tumakbo ka na.”

Tumayo siya. “I take pride in knowing that I’m your first,” sabi niya at saka
tumakbo papasok sa bahay ni Theo. Ugh! Wala pang isang araw na kakilala ko siya
pero mababaliw na ako sa kanya! Napahilamos ako ng kamay ko sa mukha ko. Papasok na
rin ba ako? Paano? Bakit ba ako kinakabahan sa reaksyon ni Theo?! Umayos ka nga,
Kelly! Landi landi mo talaga kahit kailan!
Naghintay ako ng ilang minuto bago ako pumasok. Huminga ako ng malalim bago ako
pumasok.

Okay, go.

Dahan-dahan akong pumasok sa loob at hinanap kung nasaan na sila. Wala sila sa
sala. Ano’ng oras na ba at hindi pa rin ako inaantok? Sabagay, Sabado na rin nga
pala technically. I looked at the clock and it told me that it was already fourteen
minutes past 2. Tama nga sila, nothing good happens after 2am.

Naglakad-lakad ako sa loob ng bahay nila hanggang sa makarating ako sa likod.


Nakita ko na nag-uusap sila kaya mabilis akong nagtago  sa gilid ng pintuan.
Something was really odd.

“What’s your deal?” narinig kong sinabi ni Gabe. “You have a girlfriend.”

Bigla na naman sumakit ‘yung dibdib ko. Bakit ba hindi ako tinatantanan ng
statement na ‘yan? Alam ko na may girlfriend, okay! Sinusubukan ko naman na huwag
umasa pero ang landi-landi ni Theo! Hindi ba pwedeng maki-cooperate siya? Mahirap
mag move on lalo na kung nagbibigay siya ng pag-asa. Babae ako, aasa at aasa
hanggang may nakikitang kahit katiting na posibilidad.

“I know,” sagot ni Theo.

“Then why are you doing this?”

“I don’t know. She seems so innocent. I like protecting her.”

Biglang natawa si Gabe. Pakiramdam ko magkakilala sila ni Theo. Impossible na mag-


usap sila ng ganito kung wala silang pinagsamahan. “Kilala ba siya ni Monique?”

Kumunot ang noo ni Theo sa sinabi ni Gabe. Sa totoo lang, nasaktan ako sa reaksyon
niya. Pakiramdam ko pinaglalaruan niya ako. Dati, akala ko unconsciously iyon
ginagawa ni Theo kaya pinapalampas ko pa pero ngayon? Ang sama-sama niya. Alam niya
na possible akong umasa dahil sa mga ginagawa niya pero ginagawa niya pa rin.

“I don’t think it’s proper for them to meet?”

“Come on! It’s not like you’re harbouring a fugitive.”

“It’s not like that. Malabo kami ni Monique lately because she’s being stubborn.”

Gabe chuckled. Kilala niya si Monique. Lahat sila pinagkaisahan ako. I felt
betrayed.

“Typical of Aldea. Ano na naman ang ginawa niya?” he asked, fascinated. Ano ba ang
meron sa Monique na ‘yan para itrato siya na parang diyos ng mga lalaking ‘to?! At
bakit sa harap ko pa? Hindi ko naman ginusto na mapasok dito sa mundo nila.

Theo shrugged. “She took UPCAT and then she didn’t put UPLB in her campus of
choice. Gusto niya yatang lumipat din ako sa Diliman,” sabi niya.

Ngumiti lang si Gabe. “3rd year ka na. Mahirap ‘yun. She’s a pain in the ass.”

“Yeah... But she’s my pain in the ass.”

Umalis na ako. Hindi ko na kaya pang pakinggan ‘yung mga pinag-uusapan nila.
Pakiramdam ko isa akong muggle na pumasok sa mundo ng mga wizard. Naguguluhan ako.
Hindi ko alam kung papaano gagalaw. Pakiramdam ko ang tanga-tanga ko. Pinaglalaruan
nila ako ng wala akong kamalay-malay.

Bumalik ako sa sala at ininom ‘yung kape ko. Kailangan ko ng umalis. Ayoko na dito.
Sumisikip lalo ‘yung dibdib ko. Naghintay ako ng ilang minuto bago sila bumalik.
Pinilit kong magmukhang normal. Ngumiti ako nung bumalik sila.

“Pwedeng ihatid mo na ako kila Danielle?” tanong ko kay Theo.

Hindi ko na aalamin kung bakit niya ginawa ‘yun. I did my resolve. Iiwasan ko na
siya. Hindi na maganda lahat ng nangyayari sa buhay ko simula ng makilala ko siya.
Para akong nasa roller coaster, ang gulo-gulo, masaya sa pakiramdam pero sa huli
ikaw rin ang masusuka. Sa huli kung hindi malakas ang loob mo, ikaw rin ang
talunan.

“It’s 2am. Ayaw mo bang dito hanggang mag-umaga?”

Umiling ako. “Ihatid mo na ako...”

“Is there a problem?” tanong niya. Gago ba siya? Pagkatapos ng lahat ng ginawa niya
nakayanan niya pang itanong ‘yan?

Pero dahil tanga-tangahan ang ganap ko, ngumiti ako at umiling. “Hindi, masakit
lang talaga ang ulo ko.” Pero hindi pa rin pumayag si Theo at sabi niya na
magpahinga muna ako sa guest room. Wala rin naman akong magawa dahil hindi ko
kayang lakarin palabas dito. Masyadong malayo at natatakot ako.

Sinamahan niya akong umakyat at iniwanan namin si Gabe sa ibaba.

“Kelly, may problema ka ba?” he asked again.


“Wala nga,” sabi ko na medyo naiirita na. It’s been a long night, hell, this week
felt so tiring. Pagod na pagod na ako. “Gusto ko na matulog.”

Tumango tango siya. “Do you need anything?” tanong niya habang inaalis ko ‘yung
sapatos ko para humiga. Pumasok siya sa loob at binuksan ‘yung aircon habang naupo
naman ako sa gilid ng kama.

“Theo...” sabi ko. Tumingin siya sa akin. “How do I unfriend you?”

Kumunot naman ‘yung noo niya at umupo sa upuan. “Naiirita ka ba sa posts ko sa


facebook?” Hindi ko napigilan na matawa sa sagot niya. Lasing ba kaming pareho?

Pinigilan ko ang pagtawa ko sa pamamagitan ng pagkagat sa labi ko. “Hindi,” sagot


ko. “Theo, hindi ka naman siguro manhid, ‘di ba?”

Bawat salita na lumalabas sa bibig ko, mas lalong lumalakas ang kabog ng dibdib ko.
The past four weeks have been nothing but crazy... I like crazy... but I didn’t
like instability. Tuwing malapit si Theo nagugulo ako. I needed to get back in my
track. I needed to remind myself why I was here in the first place.

“Kelly...”

“No, kasalanan ko naman. Masyado kong binibigyan ng kulay lahat ng sinasabi mo...”
paliwanag ko sa kanya. Mahirap sa akin ‘to. I have grown accustomed to him being
beside me every single day. But he’s not mine.

He was my choice but I wasn’t his.

“For the benefit of everybody, ‘wag na lang tayong maging friends. Don’t worry,
hindi pa naman ako in love sa’yo. Ituring mo na lang ‘to na precautionary measure.”

Hindi siya sumagot sa akin.

“Ha, Theo? Let’s not be friends. Let’s just be schoolmates.”

Tumayo siya at naglakad papunta sa pintuan. Bawat hakbang niya kinakabahan ako.
Akala ko magsasalita siya pero nagkamali pala ako. Iniwan niya akong pinipigilan
‘yung mga luha mula sa pagtulo.

Nakaupo lang ako sa kama at tahimik na umiiyak. Hindi ko alam kung bakit ako
masyadong naapektuhan sa mga nangyayari. Sandali ko pa lang nakilala si Theo pero
ganito na ako kung umasta. Sobra sobra naman ‘to...
Napatigil ako sa tahimik kong pag-iyak nung may kumatok sa pinto. Akala ko si Theo
‘yun na bumalik para magpaliwanag pero nagkamali ako. Nakita ko si Gabe.

“Bakit?” I said, trying to stifle my sobs. Ngumiti siya at pumasok. “Gabe, pagod
ako. ‘Wag mo akong asarin ngayon...”

Nagulat ako ng bigla niyang isandal ‘yung ulo ko sa balikat niya. “Cry it all out.
I won’t judge you.” Sa sinabi niya, kumawala lahat ng luha ko. Bakit ba ako
umiiyak? Naiinis ako! Wala naman sa lugar ‘yung pag-iyak ko! Ang arte-arte ko!
Hindi lang ako malandi, maarte ‘din ako.

May ilang minuto rin na umiiyak ako at si Gabe tahimik lang.

“You good?” he asked after a few minutes. “Feeling better?”  Tumango ako at saka
nagpasalamat sa kanya. “No need to thank me. We’re friends, right?”

“Pero thank you pa rin. Kung wala ka dito baka nabaliw na ako ng tuluyan,” sabi ko
sa kanya.

Tumingin siya sa akin. “You really like Theo?”

“Mukha bang trip ko lang umiyak?”

Natawa naman siya sa akin at saka ginulo ‘yung magulo ko nang buhok. “Silly,” he
said. “I mean, you do realize that he has a girlfriend, right?” Tumango ako. “So,
what’s your plan?”

I shrugged. “Wala naman akong choice kung hindi mag move on,” sabi ko. Ang weird
lang. Kung makasabi ako ng move on akala mo naman naging kami. Kung meron lang
malandi of the year award, sigurado akong ako ang kukuha nun. “Wala naman akong
panama sa girlfriend niya.”

“You’re pretty and smart. Don’t bring yourself down.”

“Tss. Bola pa.”

“No, I’m serious. There’s a reason why Theo’s keeping you in a tight leash.”

“Aso ako, ganon?”

Natawa na naman siya. “Baliw ka talaga,” he said and then leaned in and kissed my
forehead. “Things will get better, Kelly. If it’s not bound to be, I will make it
better for you.”
=================

Chapter 10: All Cards Are Laid

#HTSTBB Chapter 10

Lately, napatunayan ko kung gaano katigas ang ulo ko at kung gaano ako kalala
maging fixated sa isang bagay. Kahit na gaanong kakulit si Danielle o kung gaano
ako titigan ni Ate Gel, hindi ako bumibigay at hindi ko sinasabi sa kanila nag
tunay na dahilan kung bakit umuwi akong sabog na sabog na akala mo best friends na
kami ni Mary Jane.

Buong weekend ko ginugol ko sa pag-aaral ng exam ko sa ENG1 pero dahil classmate ko


si Theo ‘dun, naaalala ko na naman siya! Ano ba namang buhay ‘to! Kahit saan ako
tumingin naaalala ko siya. ‘Pag nasa 7-11 ako naalala ko siya, ‘pag may kotse
naaalala ko siya, ‘pag may tisoy naaalala ko siya. Daig ko pa ‘yung ginagambala ng
mga multo, ah!

Tuesday came in fast and my knees were shaking while walking. Parang tanga, Kelly!
Mag-eexam ka, hindi magcoconfess ng undying love mo kay Theo! Bakit ba pinanganak
ako na maraming add-on na kaartehan?!

Maaga pa naman since balak ko kasi na magreview sa room habang naghihintay. Kapag
nasa kwarto kasi ako, naaakit lang ako matulog dahil sa kama. Feeling ko talaga
seductive ‘yung kama ko.

“Ay palaka!” sabi ko nung biglang may umakbay sa akin nung tahimik akong
nagrereview para sa exam. “Gabe?” takang-takang tanong ko. Bakit ‘to nandito? At
saka wala man lang katao-tao dito sa basement! Ang creepy tuloy!

Ngumiti siya sa akin at saka inabutan ako ng Super Cup.

“Ha?”

“Good luck sa exam mo,” sabi niya at saka inilagay sa kamay ko ‘yung milk tea.
“Dali na, masarap ‘yan,”  he continued. Kung hindi lang ako hinalikan nito, iisipin
kong bading si Gabe, e. Ang ganda kasi ng kamay niya. Ang lambot. Bakit ko alam?
Palagi niya kasing hinahawakan ‘yung kamay ko! Nakakaloka! Boyfriend agad ang peg
nito!

Itinaas ko ‘yung kilay ko. “Bakit mo alam na exam ko?”

Ngumiti siya and said, “Danielle.”


Aba’t! Talagang inilaglag na ako ni Danielle! Balak niya ba talagang ibenta ako
dito sa orgmate niya? At ‘wag naman sana siyang obvious, noh! Ako ‘yung nahihiya,
e.

“Thank you,” sabi ko na lang sabay inom nung milktea. In fairness, masarap nga.
Ilang beses ko na kasing balak bumili nito, e. Kung hindi masyadong malayo at wala
akong time, ubos naman na ‘yung pera ko. Palaging may hadlang. Pero finally,
nakatikim na rin ako. “Hmmm, ang sarap.”

Nag-thumbs up naman siya sa akin. “May gagawin ka after nito?”

Umiling ako. Last class ko na kasi ‘yung ENG1 and kakatapos lang naman ng exams
namin sa Bio and Chem kaya wala naman akong gagawin pa ulit.

“Gusto mong kumain? My treat. Isipin mo na lang na sorry ko sa pagkuha ng first


kiss mo—although I really am not sorry.”

Tsk! Baliw talaga ‘to! Palagi niyang pinapaalala ‘yun. Nagdecide ako na ‘wag ng
masyadong isipin ‘yung first kiss ko. Aba e naibigay ko na! Alangan namang bawiin
ko?!

Ikinunot ko ‘yung noo ko. Medyo hindi pa kasi ako comfortable na kasama si Gabe.
Bukod sa last Saturday ko lang siyang nakilala, pakiramdam ko marami siyang
itinatago. Kahit na anung pilit ko na ‘wag isipin ‘yung mga narinig ko na pinag-
uusapan nila ni Theo tungkol kay Monique, bumabalik pa rin sa isip ko, e. Ang
praning ko talagang tao. Manang-mana ako sa nanay kong paranoid.

“No offense, ha,” sabi ko kahit na weird. Why tell ‘No Offense’ kung ang kasunod na
statement naman ay offensive? Itutuloy ko sana ‘yung sasabihin ko nung biglang
dumating si Theo kaya napatigil ako.

“Uy,” sabi ni Gabe at saka kumaway kay Theo. Nginitian naman siya ni Theo at saka
tumingin na naman sa iPhone niya. Katext na naman niya ‘yung perfect niyang
girlfriend. Tsk!

Hindi ko alam kung bakit pakiramdam ko nakikipagkumpitensya ako sa girlfriend niya


e ni hindi ko nga kilala ‘yun. Ang alam ko lang ay siya si Monique Aldea, 4th year
high school o kung anuman ang katumbas nun sa K-12 system, mayaman, maganda, at
perfect.

Before I even knew it, I said yes to Gabe.

“Alright,” he said and then stood up. “Good luck sa exam mo. I’ll pick you up
later.”

“Ha?” Bakit pick up? Saan ba kami pupunta? Hindi ba kakain lang kami sa labas ng UP
Gate? “San ba tayo pupunta?”

Narinig ko na pumasok si Theo sa room kahit na wala pang tao ‘dun at ibinagsak niya
pa ‘yung pinto kaya napatakip tuloy ako sa tenga sa lakas. Problema nun!

“Sa IRRI,” he said. “I think you haven’t eaten there yet. Am I right?” I nodded.
Hindi naman kasi ako lumilibot sa LB masyado kasi katumbas ng paggala ay ang
pagkalagas ng pera. Akalain mo nagrhyme pa ‘yun! “Good,” sabi niya ulit at ngumiti.
“Another first.”

Bago pa man ako makahampas ay lumayo na siya sa akin. “I’ll text you! Nakuha ko na
kay Danielle ‘yung number mo. Bye, Kelzone!”

Tsk! Istorbo talaga ‘yun. Kung hindi lang gwapo iisipin ko stalker ko ‘yun pero
dahil gwapo siya, sige na isa siyang admirer. Pero okay lang din since may libre
naman akong milktea at pakiramdam ko matatapos ko ‘yung exam ng hindi pa rin ako
tapos inumin ‘to.

Pilit kong inaalis sa isip ko na nasa loob lang si Theo at kaming dalawa lang ang
tao sa basement. Concentrate, Kelly! Isipin mong mabuti ang tamang pag-paraphrase
at pagbuo ng precis! Magagamit mo ‘yan para pumasa sa ENG1 at ENG2! Si Theo ba
magagamit mo sa pagpasa? Hindi, ‘di ba? Go for women empowerment!

Unti-unting dumating na ‘yung mga classmate namin at umupo na kami sa mga upuan
namin. Shiz na ‘yan, kinakabahan ako! Nag-aral naman ako pero terror kasi talaga si
Prof. Tablazon. Baka bigla na lang akong maihi sa upuan ko.

Pumasok na rin ako at umupo sa may row ni Theo. Hindi kami magkatabi kasi may isang
upuan sa pagitan namin pero amoy na amoy ko pa rin ‘yung pabango niya. Ang bango-
bango talaga ng hayop na ‘to nakakainis!

“Okay, go to your partners,” ang pambungad na sabi ni Sir pagpasok niya. “You have
an hour and a quarter to finish your exam. Good luck!” sabi niya at saka pinamigay
‘yung questionnaire. Nakarating sa akin ‘yung papel at nalula ako sa dami ng
ipaparaphrase at gagawan ng APA at MLA. Peste! Hindi ko pinag-aralan ‘yung MLA!

Bigla akong namutla.

“Kelly,” narinig kong sabi ni Theo.

“H-ha?”

“Nagreview ka ba?”

Tumango ako.
“Bakit ka parang nakakita ng multo?” sabi niya ng umiiling habang kinukuha ‘yung
test paper. “Akin na nga.”

Sinimulan niyang isulat ‘yung pangalan ko muna at saka ‘yung pangalan niya. “Ako na
bahala dito, inumin mo na lang ‘yang milktea mo.”

Ako lang ba ‘yun o parang may galit si Theo sa milktea ko? Ang sarap kaya!

Aarte pa sana ako na tutulong sa kanya pero naalala ko University Scholar nga pala
si Theo! Aba swerte ko naman! Kaya pala maraming gusto na maging partner siya, e.
Akala ko good for the eyes lang si Theo, good for the grades din pala!

Pero ayoko namang maging totally useless kaya lumipat ako sa tabi niya at pinigilan
‘yung inner harlot ko na dambahin si Theo. Kung si Anastasia Steele may inner
goddess, mayroon akong inner harlot. Kinuha ko ‘yung isang sheet ng questionnaire.

“Baka sabihin mo naman useless ako,” sabi ko.

Hindi siya sumagot at tuloy-tuloy lang siya sa pagsasagot. Nakakaloka! Bakit ba


kasi ang perfect ni Theo? Hindi ko naman masisi ang sarili ko na nagkaroon ako ng
crush sa kanya. Actually, hindi ko kayang sisihin ang kahit na sino. Tignan mo
‘yung mukha niya—ang gwapo gwapo kahit na mukhang palaging may binabalak na masama.
Ang bango bango din niya na akala mo naliligo sa pabango! At isa pa, ang talino!
Nako, kung wala lang girlfriend ‘to.... Wala pa rin. Hah! Mayaman masyado. Ayoko
‘dun.

Nagsimula na akong magsagot nung sa APA nung biglang agawin ni Theo ‘yung papel.

“Nanggugulo ka lang.”

“Grabe ka naman!”

Tinignan niya lang ako ng masama at saka binasa ‘yung sagot ko. Hindi kasi ako sure
‘dun sa iba kasi naman ang daming rules ng APA at MLA! Medyo naghalo na sa utak ko
pati ‘yung mga in text citation. Bakit ba kasi pinapakabisado sa amin?! Bawal bang
tumingin sa notes ‘pag nagawa na kami ng notecards?! Mga prof na ‘to feel na feel
pahirapan ang buhay namin!

Narinig ko siyang bumulong. “Puro kasi landi inaatupag mo.”

Napatigil ako. “Ano?”

“Wala,” he said and then proceeded to answering the rest of the question. Hindi ko
na siya kinausap pa. Naiinis ako.
Tahimik lang ako na nakaupo sa tabi niya hanggang sa matapos siyang magsagot.
Tumayo na siya at ipinasa sa harap ‘yung papel niya kaya sinundan ko siya. Nung
nakalabas na kami at naglalakad pababa sa hagdan ng CAS, hinawakan ko ‘yung braso
niya.

“Bakit mo ako sinabihan ng malandi?”

Pinipigilan kong huwag magalit pa ng sobra pero konti na lang talaga. Ako pa ‘yung
malandi sa aming dalawa? Baliw ba siya? Ako ba ‘yung paasa at king of mixed
signals?!

Sasagot na sana siya nung pareho kaming napatingin sa taong naglalakad.

“Ayan na pala ‘yung sundo mo,” he said and then peeled my hands from his arm.
“Bitiw.”

“Hi, Kelzone! Uy, Theo!” Gabe said with a smile. Ngumiti at tumango lang si Theo at
saka naglakad palayo sa amin. Ako naman, ngumiti lang kay Gabe.

“Mahirap ba ‘yung exam? Bakit ganyan ‘yung mukha mo?”

Umiling na lang ako at saka pilit na ngumiti. Okay lang ako. Being fine is a state
of mind. I was fine. At least I’d like to think that I was.

Inilagay ko na lang ‘yung kamay ko sa tyan ko at sinabi na, “Mabubusog ba ako sa


kakainin natin?”

He nodded a little too eagerly and then smiled. “I’ll bet my wallet on that,” sabi
niya at saka sabay kaming naglakad papunta sa sasakyan niya. Upon seeing his car,
nagduda ako na myembro din ng rich kid’s club si Gabe. Kung maganda ang sasakyan ni
Don Theo, may ibubuga din ang sasakyan ni Gabe. Ask me again why the hell was I
surrounded by these rich kids?

Pinagbuksan ako ni Gabe ng pintuan at saka ako pumasok.

“Open air or ac?” he asked.

Wala akong maisip na isasagot kaya ngumiti na lang ako. “Bahala ka.”

“Okay,” he said and then nodded and then ibinaba niya ‘yung bubong ng sasakyan
niya. It was already 4 in the afternoon and the wind felt nice against our skin.
Wala na ring araw kaya masarap maglakad lakad. Only if Theo didn’t spoil my mood,
I’d be much happier right now. Gabe was such a good company.
Nagsimula na siyang magdrive at napangiti na lang ako dahil ang sarap sa pakiramdam
ng hangin lalo na nung nandun na kami sa daan papunta sa IRRI.

“Have you tried the chocomilk?” Umiling ako. Hindi ko pa kasi nasusubukan ‘yun. Ang
layo naman kasi nung college ko sa bilihan. “I’ll buy you one next time. Hanggang
5pm lang kasi ‘yun, e.”

Gabe was so nice. Natatakot ako na baka pinaglalaruan niya lang ako katulad ni
Theo. Bakit ba ang challenging ng dating ko para sa kanya? Hindi naman ako laruan,
may feelings din naman ako. Nakakainis ‘yung mga taong paasa. Kung alam lang siguro
nila kung gaano kasakit umasa sa wala, hindi nila gagawin ‘yun...

Tumingin na lang ako sa mga palayan. Ang ganda dito. Kung may sasakyan lang ako,
palagi akong magpupunta dito.

“You like the view?” he said whilst driving.

“Oo, e. Ang ganda...” sabi ko. “Gabe...”

“Hmm?”

“Sigurado ka bang hindi mo ako pinaglalaruan lang?” I asked. I wanted to be friends


with him for real. If he was just stringing me along because of some sick games
bastards play, then ‘wag na lang. I’ve had enough of Theo’s. Tama na muna ‘yun.

He glanced at me and then stopped the car in the middle of the road. Mabuti na lang
at walang tao masyado.

Nagbuntong-hininga siya. “I’ll lay all my cards,” he said. “I wasn’t exactly honest
with you about my relationship with Theo.”

Heto na naman ang tambol sa loob ng dibdib ko. Nagsisimula na naman akong kabahan.

“You know his girlfriend?” Tumango ako. The infamous Monique Aldea. “She’s actually
my cousin.”

Muntik ng malaglag ‘yung panga ko sa narinig ko.

“I’m Gabriel Dash Aldea and I sincerely want to be your friend.”

=================

Chapter 11: Be With The Guy Who Wants You


Chapter 11

Feeling ba ng tadhana close kami kaya kung makapagjoke siya feel na feel niya? Sa
lahat naman ng gustong maging kaibigan ko, pinsan pa ni Monique Aldea! Ang galing
naman talaga! Kahit saan pala ako tumingin sinusundan ako ni Monique! Hindi ko pa
siya nakikita sa personal pero naiinis na ako agad sa kanya.

Hindi ako nakasagot agad nung sabihin iyon ni Gabe. It was too much to digest.
Kailangan ko ng oras para ipasok sa utak ko na pinsan siya ni Monique at gusto niya
akong maging kaibian—sincerely at that. Hindi ko alam kung kaya kong paniwalaan na
seryoso siya sa sinasabi niya... Pinaglalaruan niya ba ako? Alam niya ‘yung
nararamdaman ko sa boyfriend ng pinsan niya tapos eto siya?

Sorry if I would decline the friendship offer.

Nagdahilan ako para makauwi na agad. “Gabe, iuwi mo na ako. Sumama bigla ‘yung
pakiramdam ko...” I lied.

Pakiramdam ko alam ni Gabe na nagsisinungaling ako. I think anyone would’ve seen


through my lie. I wasn’t exactly the greatest liar out there. I have always felt
uncomfortable when I lie but that time, I just had to.

“Alright,” sabi niya habang tumatango. Tahimik kami pareho habang binabaybay namin
ang daan pabalik sa dorm ko. I have never had a ride as awkward as this. Gusto ko
sanang maging kaibigan si Gabe pero hindi ko talaga kayang maging kaibigan ang
pinsan ni Monique Aldea. Kung hindi sana siya kadugo, magiging mabuti kaming
magkaibigan.

Nakatingin lang ako sa labas at tahimik na pinapatahimik ‘yung tibok ng puso ko.
Sobrang mali ng mga taong nakikilala ko nung mga nagdaang araw. If I hadn’t
stumbled upon Theo that first night, hindi naman magiging ganito kagulo.

Tumingin ako sa kanya nung dumating na kami sa tapat ng dorm ko. “Salamat,” sabi
ko.

Bubuksan ko na sana ‘yung pintuan pero pinigilan niya ‘yung kamay ko. “Kelly,” he
began. Ayokong humarap kasi ayokong makita niya kung gaano ako ka-disappointed na
hindi kami pwedeng maging magkaibigan. Gusto ko siyang maging kaibigan, ‘yun ang
totoo... pero umiiwas na ako sa gulo bago pa mangyari. Pakiramdam ko kasi sobrang
magiging magulo kung papasok na ako ng tuluyan sa mundo nila ni Theo.

Nagbuntong-hininga siya at saka nagpatuloy. “Look, I told you that because I didn’t
want to lie. Kung gusto kitang gaguhin, bakit ko pa sasabihin ‘yung totoo?”
I smiled at him. “Pero pinsan ka pa rin niya. Ayoko ng complications masyado sa
friendship.”

“I don’t have any control who I become family with,” sabi niya. “Besides, you
haven’t even met Mon yet. Mabait naman ‘yun.”

Hindi niya talaga maintindihan ‘yung sitwasyon. Si Monique ay girlfriend ni Theo na


gusto ko. Kahit na santa pa ‘yan sa pagkabait, forever na ‘yang mangkukulam sa pag-
iisip ko. Iyon na nga lang ang pampalubag-loob ko, ang isipin na mangkukulam si
Monique kaya mahal na mahal siya ni Theo. Although alam ko na niloloko ko lang
‘yung sarili ko because let’s admit it, ang ganda nung babaeng ‘yun, ginagawa ko
rin kasi pampalubag-loob nga!

I looked at him and he looked so determined to be my friend. “Wala ka bang


masyadong friends at ako ang kinukulit mo?”

“I have many friends.”

“Oh, ‘yun naman pala, e.”

“Pero hindi ka naman sila.”

Hindi ako makatingin sa kanya bigla. Pesteng lalaki ‘to! Ang lakas bumanat! Hindi
niya pa ako tinigilan at hinawakan niya pa ang kamay ko. Ang lakas na talaga ng
tibok ng puso ko kaya hindi ko mapigilan ang mapakagat sa ibabang labi ko.

“Let’s be friends, okay?”

Hindi ako sumagot at mas hinigpitan niya ang hawak sa kamay ko. Inilapit niya din
‘yung mukha niya sa mukha ko.

“Okay, Kelly?”

Para siyang may hipnotismo. That exact moment, my self-control was threatening to
jump out the window. Konting lapit na lang nitong si Gabe! Naniniwala na ako na
malandi talaga ako. Ang alam ko kasi si Theo ‘yung gusto ko pero sa mga ginagawa
nito ni Gabe, hindi ko maintindihan kung bakit ang bilis ng tibok ng puso ko. Gusto
ko siyang itulak palayo pero gusto ko rin siyang hatakin palapit. Ang
contradicting! Dinaig ko pa ang law of contradiction!

“O-okay...” I said, conceding.

Ngiting-ngiti siya nung pumayag ako. Ano bang meron talaga sa akin?

“Ano bang meron at gusto mo akong maging kaibigan?” I couldn’t help but speak my
mind out.

He smiled and then tapped his fingers on the steering wheel. Sumandal pa siya at
saka tumingin sa langit. Ang ganda; kulay blue ‘yung langit. “Do you know that best
relationships start off as friends?” Kumunot naman ‘yung noo ko sa sinabi niya.
“So, let’s be friends first. Kaya ko namang maghintay na maging girlfriend ka.”

Biglang nanlaki ‘yung mata ko. Wala talagang filter ‘yung bibig ng lalaki na ‘to!

“Ewan ko sa’yo!” sabi ko at saka binuksan ‘yung pintuan ng sasakyan niya pero ayaw
bumukas! Dahil naka alis naman ‘yung bubong, balak ko sanang talunin na lang. Tawa
naman ng tawa si Gabe nung tumalon ako. Mabuti na lang at nakapantalon ako! Kung
nakapalda ako... tsk! “Sige na, bye na.”

Nakangiti pa rin siya kahit na nung nakalabas na ako sa sasakyan niya. “Nagugutom
ako. Kakain pa ako sa labas... You want anything? I’ll just buy a to-go for you and
I’ll just bring it here since you don’t want to eat with me.”

Bakit ba ang bait niya? Gusto ko sanang isipin na pa-fall din siya kagaya ni Theo
pero magkaiba naman siya. Una, wala siyang girlfriend. Pangalawa, naging honest
siya sa akin. Pangatlo, sinasabi niya talaga ‘yung gusto niyang mangyari kahit na
halos atakihin ako sa puso sa mga naririnig ko.

“Tss. Kinokonsensya mo lang ako, e.”

He chuckled. “Yeah... It’s working, right?” sabi niya sabay kindat sa akin. “Pero
seryoso, ano ang gusto mong kainin?”

Umiling ako. Ang kapal naman ng mukha ko kung magpapabili ako dito.

“Hindi na.”

“Sige na, ano nga? Bilis, nagugutom na rin ako.”

“Aish,” sabi ko at saka sinubukang buksan ‘yung pintuan ng sasakyan niya pero ayaw
pa ring bumukas. Ni-lock niya ba? “Buksan mo nga ‘to at sasama na lang ako sa’yo,”
patuloy ko. Nakakaawa naman din kasi siya na walang kasamang kakain.

Ngumiti siya na parang nanalo siya sa lotto. Siguro plano niya talaga na
konsensyahin ako!

Pero bago pa man siya magsimulang magdrive, tinanong ko siya. “Gabe,” I said.
“Hindi mo talaga ako pinaglalaruan lang, ha?”

He shook his head. “Kelzone, we’re not in a fairy-tale and I’m not some wolf
dressed in a sheep’s clothes...” Tumango ako, kumbinsido sa sagot niya. Madali lang
naman kasing magtiwala, ang mahirap ay ang bubuin ang tiwala kapag nasira ito.

“Oo na, oo na,” sabi ko at saka nagdrive na siya papunta sa kakainan namin.

--

Ilang araw na rin simula nung nagconfess sa akin na magpinsan sila ni Monique at
naging okay naman kami ni Gabe. Okay talaga siyang kasama at palagi akong nakatawa
kasi ang dami niyang sinasabing nakakatawa. Minsan nga pag sinasabi niya na crush
niya ako, iniisip ko joke lang din, e. Hindi mo kasi malaman kung kailan siya
seryoso at kailang hindi.

“Beb, ha, friends pa rin ba or more than friends na?” sabi ni Danielle nung palabas
kami ng biosci. Nandun kasi si Gabe at hinihintay ako.

“Hindi, ah!” sabi ko. Grabe naman! Halos 2 weeks ko pa lang kilala si Gabe,
boyfriend na agad?! “Kakakilala ko pa lang sa kanya, e.”

Umiling-iling siya sa sagot ko, obviously dissatisfied. “Beb, wala naman sa tagal
ng pagkakakilala ang tino ng isang lalaki. Meron nga dyan buong buhay mo nang
kakilala pero gagaguhin ka pa rin, e. It’s just a leap of faith. Try Gabe, malay mo
hindi ka magsisi?”

May malaking check sa sinabi ni Danielle. Check na check! Pero kahit na, alam ko sa
sarili ko na sobrang mali kung magkakaroon agad sa amin ng something ni Gabe. Ang
aga-aga pa, ang dami-daming time pa para magkakilala kami ng mabuti. Hindi pa naman
ako mamamatay kaya bakit ako magmamadali?

At isa pa, ayokong maniwala sa labels. Kung ako, ako. Hindi mo dapat kailangan ng
label para ma-assure ka na ikaw lang. Hindi naman leash ang label, e. Hindi ‘yan
dapat nakakasakal.

Papalapit na si Gabe sa amin pero si Danielle patuloy pa rin sa pangangaral sa


akin.

“Ayan, oh, saan ka pa makakakita ng kasing yummy ni Gabe? Teh, baka matauhan ‘yan
at malinawan sa buhay niya! Grab grab din ‘pag may time!”

Bwisit na kaibigan ‘to! Pinapalabas niya ba na nababaliw lang si Gabe kaya lapit ng
lapit sa akin? Saktan ko kaya ‘tong si Danielle?

“Kelzone,” he chirped. “Uy, Danielle,” sabi niya din nung nakalapit siya sa amin.
“Gusto niyong kumain?”
Sumingit naman si Danielle bago pa ako makapagsalita. “Gabe, may orgmeeting kaya
tayo,” sabi niya. Mukhang bigla namang naalala lang ni Gabe. “Tsk. Puro kasi Kelly
ang inaatupag, e.”

Napangiti na lang si Gabe at saka nagsorry kay Danielle. So, sabay-sabay kaming
pumunta sa tambayan ng org nila at naghintay na dumating ‘yung ibang member. Nag-
uusap lang kaming tatlo nung dumating si Theo. Medyo okay naman na kami, civil lang
sa isa’t-isa.

“Theo!” sabi ni Danielle. “First time ka yatang nandito?” sabi niya. Narinig ko
kasi na hindi naman talaga naattend ng meeting ‘to.

Tumango lang si Theo at naupo sa gilid. May inilabas siyang papel at mukhang
nagsasagot yata siya ng exer sa major niya sa Eco. Tahimik lang siya ‘dun, e. Pilit
akong hindi tumitingin sa kanya kasi nasa harap ko lang si Gabe at pakiramdam ko
kasi ang bastos ko kapag ginawa ko ‘yun pero ang cute kasi tignan ni Theo habang
nag-aaral. Ang cute cute.

“Beb, sasama ka sa trip niyo sa Sat?” Naikwento ko kasi na may fieldtrip kami sa
Natsci at gusto ko sanang sumama kaya lang walang pera. Pero siguro blessing in
disguise na rin ‘to. Kaklase ko kasi si Theo ‘dun at mamaya maging seatmates na
naman kami. Marami kayang invisible tension sa pagitan namin.

Umiling ako. “Wala akong pera, e.” Sagad na kasi ‘yung allowance ko. Ayoko rin
namang humingi.

“Saan ka hindi sasama?” tanong ni Gabe.

“Fieldtrip, wala lang ‘yun.”

“Hindi ba makakaapekto sa grades mo ‘yun?”

Ah, eto na naman si Gabe sa pagiging forever concerned niya sa akin. Paano ka hindi
madedevelop kahit paunti-unti kung ganito siya palagi? Bato lang yata hindi
matitibag dito.

Pinilit ko siya na ‘wag na ‘yung alalahanin at nag-excuse ako para magCR. Ang
pinakamalapit na CR dito ay ‘yung doon sa DEVCOM kaya tumatakbo akong pumunta ‘dun.
Napasobrahan yata ako sa milktea. Supplier ng milktea yata si Gabe, e! After kong
magCR, naglakad na ako pabalik pero nakita ko si Theo na may kausap sa phone niya
kaya lumiko ako ng daan.

“Monique...” I heard him sighing before I could even take a complete turn.
“Shortcake, please.”
He sounded so desperate. Hindi pa rin ba sila okay ng girlfriend niya?

“Huwag mo naman akong awayin ngayon. Ang layo-layo ko sa’yo,” sabi niya. Hindi ko
alam kung ano na naman ang pinag-aawayan nila ng girlfriend niya at sa tingin ko
hindi ko na dapat idamay ang sarili ko ‘dun. “I can’t go there right now, may exams
ako bukas.”

Tahimik lang akong nakikinig. Hindi ko alam kung bakit gusto kong marinig na nag-
aaway silang dalawa.

“Ah, shit,” he cursed under his breath. “‘Wag mo akong babaan ng tawag, Monique!”
sabi niya. “Fuck!” I heard him cussing dahil mukhang binabaan siya ng tawag nung
girlfriend niya.

Nagtago ako sa gilid dahil aalis na yata siya. Halos mamatay na ako sa kaba nung
dumaan siya sa harap ko at halos sumabog na ako nung dun talaga siya huminto sa may
harapan ko at dumating pa si Gabe.

“Have you seen Kelly?” he asked Theo.

Umiling si Theo. “Why? Is she here?”

“Yeah, she went here a few minutes ago... Weird.” sabi ni Gabe. Dinudugo pa rin ako
ng ilong pag nag-uusap in English ‘tong mga rich kids na ‘to. “What’s up with you?
You look angry.”

“Your cousin’s making me crazy! She’s throwing tantrums again,” sabi ni Theo.

Gabe patted his shoulders. “That’s what you get when you date a high schooler,” he
kidded. “Pupuntahan mo ba siya?” Sa wakas, nagTagalog din!

“Yeah...”

“Good luck,” Gabe said and then umalis na din siya. Naiwan ako na nandun pa rin s
alikod ng hagdanan kahit na nung umalis na rin si Theo. Pupuntahan niya si Monique
kahit na mayroon siyang exams bukas?

Tahimik akong lumabas ng pinagtaguan ko nung nakita ako ni Gabe mula sa dulo ng
hallway.

“Kelly!” he said while smiling. Ngumiti ako pabalik sa kanya. Why was I looking at
the other direction when Gabe’s here and he wants me?

=================
Chapter 12: Unrequited Love Sucks

I have school and acad works so please don't be rude in my inbox. I'm am writing
for free here in wattpad kaya naman sana respeto lang. I'll update when I have
spare time... And don't be so demanding lalo na at ni hindi pa nga kita nakikitang
magcomment dito sa story. Thank you.

#HTSTBB Chapter 12

Sabay kaming naglakad ni Danielle papunta sa klase namin. Medyo naninibago nga ako
kasi hindi nakapalibot sa akin si Gabe ngayon. Akala ko kasi ginawa niya nang daily
task ‘yung maging always available 24/7.

“Ayie! Miss mo na si Gabe?” sabi ni Danielle sabay sundot sa tagiliran ko. 

“Grabe! Makapagbintang?” sagot ko pero sa totoo lang medyo namimiss ko na si Gabe.


Kapag kasi may isang tao na palaging nasa tabi mo, darating ka talaga sa punto na
masasanay ka na sa presensya nila. ‘Di ba nga kaya pagkatapos daw ng breakup
mayroong adjustment phase? Dati-rati kasama mo palagi pero biglang after ng
breakup, daig niyo pa ng ex mo ang magnet kung makapag-repel!

Ngumiti lang si Danielle sa akin ng makahulugan. Gets niya na ‘yun! As if naman


aamin ako na miss ko na si Gabe! E di lalong pinagpilitan nun ‘yung sarili niya sa
akin!

Medyo okay lang naman ‘yung Chem class namin. Favorite ko kasi ang chem nung high
school kaya medyo positive ako na makakapasa ako with flying colors dito. After ng
class namin ni Danielle, naghiwalay na kami ng landas dahil may gagawin pa siya.
Naglakad ako papunta sa labas para kumain sana kasi maya-maya pa naman ‘yung class
ko sa ENG1. 

From: Theo Henares

No class in eng1. Writing break.

Napahinto ako sa text niya—no, wait, ‘yung fact na nagtext siya sa akin, medyo
nawindang ako! Medyo silent treatment kasi ang peg ni Theo sa akin these past few
days! Nakakaloka naman na bigla na lang siyang magtetext!

Pero dahil maganda naman ‘yung intention niya sa pagsasabi sa akin na writing break
pala namin para sa critique paper na ipapasa next week, nagreply pa rin ako! 

To: Theo Henares

Thanks!

Syempre naman friends kami ni Theo kahit papaano. At isa pa, wala pa nga kami sa
kalahati ng sem so ibig sabihin, madami pang oras na magiging magkasama kami. Hindi
ba nakakastress naman kung magkasama kami sa iisang room halos araw-araw pero hindi
kami nagpapansinan? Nako, sakit lang sa ulo ‘yun!

Besides, may girlfriend siya. Medyo nalinawan na ako... Ayokong maging babae na
naging dahilan ng paghihiwalay. Ang panget na branding. Hindi magandang pakinggan.
Hindi nakakahaba ng hair.
From: Theo Henares

Where will we write the paper?

Ah, shiz! Akala ko pa naman mere informing ang peg ng text niya! Nakalimutan ko
completely na daig pa namin ni Theo ang conjoined twins tuwing ENG1 time! Bakit
naman kasi ang tamad ni Sir Tablazon at by pair pa! Para konti ang checheck-an na
paper, ganon? Tsk!

Mamaya ko na nga rereplyan si Theo. Naglakad muna ako palabas ng UP Gate at


naghanap ng makakainan. Ayoko na sa fastfood dahil konti na lang lilipad na ako sa
mga manok na nakain ko. Tsk! Masama talagang impluwensya si Danielle. Fanatic ng
chicken joy!

‘Dun ako kumain sa siomai house dahil bukod sa umay na umay na ako sa pagkain na
lumilipad, wala na akong budget. Bwisit na mga readings ‘yan! Sila ang umuubos sa
allowance ko! By the time na graduate na ako, pwede na akong magbenta sa junk shop
ng ilang sakong papel!

Hindi ako nagmadaling kumain kasi alam ko na pagkatapos kong kumain, kailangan ko
nang magreply kay Theo. Pero parang tanga ako. Delaying the inevitable ang peg mo
ngayon, Kelly?!

While I was at it, my phone vibrated. 

From: Gabe Aldea

Lunch time, Kelzone!


Tsk! Palagi akong tinutuksong baboy pero lagi ding pinapaalala na kumain ako! Weird
din nitong si Gabriel, e!

Tahimik kong inubos ‘yung kinakain ko at nagdecide na magreply na kay Theo finally.
Mag-uusap at mag-uusap din naman kasi kami at one point. 

I sent a text asking kung saan kami magkikita. Dati tatawag na agad siya sa akin
tapos mag-uusap kaming hanggang makarating ako o siya ‘dun sa meeting place pero
ngayon, nagreply na lang siya. Weird how things can change in such a short span of
time.

Sinabi niya na sa CAS Ruins na lang daw kami magkita. Medyo na-excite pa nga ako
kasi isa sa mga favorite place ko ‘yun. Ang ganda kasi ‘dun tapos mahangin. Gusto
ko ngang mag-star gazing ‘dun kaya lang walang gustong sumama sa akin. Ang korny ko
daw. Tsk! Baka naman KJ lang sila!

Habang naglalakad ako papasok ng CAS Annex 2, nakita ko si Theo na nakaupo ‘dun.
Hihinto ba ako o ano? Tsk! Bakit naman kasi biglang ang awkward ng lahat! Pesteng
crush ‘to ang laking pahamak sa buhay ng may buhay!

Humakbang ako ng paunti-unti. 

“Uy,” I said, settling for the most conventional greeting. I was testing the water,
malay ko ba kasi kung badtrip sa akin si Theo. 

He looked up and then nodded.


Awkward. Okay, daig ko pa si Jenna Hamilton dito! Umayos ka nga, Kelly!

Naupo ako sa tabi niya and nudged him. “Uy, sorry sa drama ko last, last week, ha,”
I said, trying to sound casual. “Medyo madrama lang, alam mo na. Hehe! Pero cool
tayo, ‘di ba?”

I looked at him, expectant for an answer. Aba deserve ko naman siguro ‘yun kahit
papaano? Ang hirap kayang magsorry... Minsan nga kahit ikaw na mismo ‘yung may
kasalanan mahirap pa rin. Human nature na kasi na pangalagaan natin ‘yung pride
natin.

After a few dead seconds, he sighed.

“Look, I realized you were right. I have a girlfriend and what I did is wrong,”
sabi niya. Teka, hindi ko gets ‘yung last na sinabi niya! Ang hirap maging cool
pero nagiging madrama na naman ‘yung atmosphere sa mga naririnig ko! Tirik na tirik
ang araw tapos ang hot pa ng topic namin!

Napa-kunot ako ng noo. 

“Theo—“ I said but he cut me off.

“I shouldn’t have flirted with you...”

Oh.
“I was just missing my girlfriend that you were there. It was a fucking mistake and
I am sorry.”

If it wasn’t too much, gusto ko sana siyang sampalin pero naisip ko, para saan pa?
Magmumukha lang akong mas kawawa. I get it, I was a passing fancy for someone like
him. Kaya ayoko ng mga story na tungkol sa mahirap at mayaman na nagkakatuluyan...
Masyado kasing paasa... Alam ko naman fiction ‘yun pero fiction always has a touch
of reality. At kapag masyado kang nahulog, masisira na ‘yung realidad mo.

Instead, I smiled. 

“Ano ka ba, okay lang basta ‘wag mo ng ulitin,” I replied curtly. “So, usap na tayo
tungkol sa paper?” I said, deviating the topic.

He seemed to pick-up my cues. Ayokong pag-usapan na. Pwede bang i-categorize na


lang namin sa past lahat ng nangyari in the first two months. Kung pwede gagawin
ko. 

Nag-usap lang kami kung paano ‘yung gusto naming maging flow ng paper namin at nag-
volunteer ako na ako na lang ang gagawa ng first draft at isesend ko na lang sa e-
mail sa kanya tapos pwede niyang i-revise. This way, hindi na kami masyadong
kailangang magkita. Ito ang tinatawag kong damage control. 

“Hindi ba mas okay na sabay nating gawin?” he suggested.

I shook my head profusely. “Mas comfortable ako na magsulat mag-isa,” I said. 


“Kelly,” he said. “If you’re mad at me, tell me. Matagal pa ang sem at kung galit
ka sa akin, sabihin mo para maayos.”

Ngumiti ako. I was faking the smile. Ang totoo, gusto ko nang umuwi. Nakaka-stress
masyado si Theo. 

“No offense but don’t think highly of yourself, Theo. My life doesn’t revolve
around you,” I countered.

He sighed and then finally gave the idea up.

The weeks have been nothing but torture. Nagsisimula na ang midterms at kung muntik
na akong mabaliw nung prelims, dito nababaliw na yata ako. Paano pa kaya sa finals?
Baka magpa-confine na ako sa asylum! 

“What?” sabi ko sa kausap ko sa phone na si Gabe. Gabing-gabi tapos tatawag.

“Kain tayo.”

Ang random talaga ng lalaki na ‘to! Bigla na lang tatawag para kumain? Who does
that?
“Alas-dyes na kaya,” sabi ko. “Tsaka nag-aaral ako.”

Nasa kalahati pa lang ako ng manual ko sa BIO1 at nakatambak pa ‘yung babasahin ko.
Goodness! Kung laptop ako, malaman nagsusumigaw na ng memory full ‘yung hard drive
ko! Nakaka-stress naman ‘yung degree program ko! Tsk! Buti pala hindi ako natuloy
sa Engineering kung hindi talaga naku, malamang tinakasan na ako ng bait!

Speaking of engineering...

“Wala ka bang exam?”

“Meron pero nagugutom na kasi ako.”

“E di kumain ka,” I replied. Weird niya talaga!

“Gusto kitang kasama.”

“Para kang baby.”

“Baby mo naman ako,” he replied.


Oh, my god! Seryoso si Gabe? Ang laki-laki niyang tao tapos ganito siya makipag-
usap sa akin! Minsan talaga nakakaloko siya!

“Ang korni mo!” I countered. Buti na lang wala siya dito dahil panigurado
tutuksuhin niya na naman ako na kinikilig ako sa kanya. “Naaapektuhan na ng ES mo
‘yung utak mo.”

I heard him laugh and it was a delight. Ewan ko pero kahit ilang weeks ko pa lang
na kakilala si Gabe, ang gaan-gaan na ng loob ko sa kanya. There was something
about him that will draw you close. 

“Come on, Kelzone, 1 hour lang. Let’s eat para na ring study-break. Susunduin kita
sa dorm mo,” he offered.

Huminto ako sandali para mag-isip. Pero kasi... ang dami ko pa talagang gagawin! I
thought as I looked at the pile of papers screaming right at my face for me to
start reading them. Oo, babasahin ko kayo! Sagot ko sa kanila. Tsk! Malala na ‘to!
Kinakausap ko na ‘yung mga papel.

“Tempting but no...” sabi ko sa kanya. “Ang dami ko pa talagang gagawin, Gabe.”

Priorites first. Alam ko maraming college student na priority na magkaroon ng love-


life. Gusto ko rin namang maranasan ‘yung kilig at sparks pero mas mahalaga kasi sa
akin ang pag-aaral. ‘Yung boyfriend kaya mong makakuha na ‘yan pero ‘yung bagsak na
grades hindi mo kayang tanggalin sa transcript mo ‘yan.

“Sorry talaga, Gabe... May hinahabol kasi akong scholarship kaya hindi ako pwedeng
mag easy-easy.”
“It’s fine, Kelly. I actually admire how serious you are with your studies,” sabi
niya. “Ganito na lang, I’ll buy food for us then baba ka ‘dun sa common area niyo?”

Napangiti ako. Bakit ba ang swerte ko dito kay Gabe?

“Gabe...”

“Come on! Promise I won’t be a pest. I just want to eat with you. Aalis na agad ako
pagkatapos kong kumain,” he said abruptly. “Hindi kita pipigilan mag-aral, Kelly. I
love how driven you are.”

Minutes after, I saw him walking towards me. May dala-dala siyang paper bags mula
sa Mcdo. Akala ko ba snacks lang?! Ang dami niyang dala! Tsk! Kailan ba ako
masasanay dito kay Gabe?

“Grabe! Bakit ang dami mong dala?”

“Para matagal kitang kasama,” he said and I frowned at him. “I was kidding! Isang
burger lang ang kakainin ko then I’ll go.”

He smiled at me and then sat in front of me. Dati naiilang ako kapag tinititigan
niya ako but now, I found it sweet. Masyadong vocal si Gabe na tao. Palagi niyang
sinasabi kung ano ang nasa isip niya. Mr. No Filter.
“Makatitig ka naman!” 

“Titig na lang pinagdadamot mo pa sa akin? Grabe!”

Gusto kong tumawa sa kanya, para siyang bata! 

Inabot ko ‘yung paper bag at nakita na ang dami ngang pagkain ‘dun. Paano ko naman
‘to uubusin mag-isa e wala akong kasama sa room ngayon dahil nasa org activity
lahat ng roommates ko. Kinuha ko ‘yung apple pie.

“Sabi mo friends ang gusto mo, oh, eto ang friends,” I said and then gestured us.
“Tingin-tingin lang walang hawak.”

Natawa siya sa akin at umiling. “You’re crazy.”

Pinagpatuloy ko lang ‘yung pagkain habang siya nakatingin lang sa akin. Pagkatapos
ng ilang segundo, nagsalita siya. “You know, my friends are asking me why the hell
you’re not my girlfriend yet.”

Tumigil ako sa pagkain. “Gabe, I thought—”

He motioned for me to stop. “I know, I know. I’m not hurrying, Kelly, but tell me
if I stand a chance because having an unrequited love sucks big time.”
Alam ko naman na tinatanong niya ako kung may pag-asa ba siya. Sinabi niya naman sa
akin simula pa lang na hindi lang pagkakaibigan ang gusto niya. He wanted more. 

“Gabe, wala pang two months tayong magkakilala... Hindi ba ang weird naman kung
magiging tayo agad?” I tried to explain myself.

He nodded at me. “Alam ko and I respect your decision. I just want to know where I
stand.”

I took a deep breath and then smiled at him. “Dadating din tayo dun, Gabe. For now,
let’s enjoy being friends. Sabi mo nga ‘di ba, ‘best relationships start off as
friends?’” I said. “You stand near my heart. You’re almost there.”

=================

Chapter 13: We Could Be Them

#HTSTBB Chapter 13

Nakatingin lang siya sa akin na para bang tinubuan ako ng dalawang ulo. Grabe, ha!
Nakakainsulto namang tumingin ‘tong si Gabe! Masyado bang imposible na ma-in love
ako? Tsk!

“Almost there?” tanong niya na parang hindi makapaniwala. It’s been a few minutes
already at heto siya, hindi pa rin ma-digest ang sinabi ko. “Ibig sabihin konti na
lang?”

Tumango ako at saka kumuha ng burger at kinain ‘yun. Ayoko kasing sumagot. Ayokong
maging masyadong paasa. Para sa akin kasi, hindi naman sapat na love lang ang
dahilan para pumasok sa isang relationship. Marami kasing factor na kailangan mong
i-consider bago ka tumalon sa relation-ship. Tignan mo nakuha ko pang mag-joke!

“I promise you I’ll be the best boyfriend!” sabi niya sabay halik sa noo ko at kuha
ng isang burger. “Bye, Kelzone! Good luck sa pagrereview mo.”

Tumakbo na siya pabalik sa sasakyan niya. Baliw talaga ‘yun, sineryoso na isang
burger lang ang kakainin niya... ang dami dami kaya nito! Tinignan ko ‘yung loob ng
paper bag at nakita ko na may dalawang burger, isang chicken at mcspaghetti,
dalawang iced tea (bawal daw kasi akong mag soft drinks sabi ni Dr. Gabe dahil puro
sugar daw ‘yun), limang apple pie, at dalawang Boston Cafe black coffee. Ginawa
naman akong baboy nun!

Kinuha ko ‘yung pagkain at dinala sa room ko. Pagdating ko sa room, nakita ko na


may nagtext sa akin kaya tinignan ko.

From: Gabe Aldea

Thanks for the chance, Kelly! I’ll wait, promise. Study hard!

Napangiti ako sa text niya at parang mas lalo akong ginanahang mag-aral pero bago
ako nagsimulang mag-aral, pinalitan ko muna ‘yung pangalan niya from Gabe Aldea to
Gabriel Dash Aldea. Ang gwapo ng pangalan niya! Medyo hipster siguro ang parents
niya?
Halos two hours lang ang tulog ko dahil may 8:30 class ako at quarter to six na
nung natapos ako sa BIO1. Bangag na bangag na ako pero sabi nga nila, ang tulog
kaya mong bawiin pero ang grades hindi. Dami talagang quotable quotes ng ate ko!

Para akong zombie nung pumasok sa first class ko hanggang sa makarating ako sa
Natsci class ko. Kulang na lang gumulong ako papunta sa College of Vet sa sobrang
antok. Feeling ko rin isang kape na lang palpitation at heart failure na ang
hantong ko! 

Pagpasok ko sa room, agad kong nakita si Theo dahil seatmates kami. Wala akong
energy makipagtalo sa kanya kaya pagkaupo ko, yumuko agad ako para umidlip ng
sandali. Hindi pa ako nakakaabot sa REM part ng pagtulog ko, kinalabit ako ni Theo.

“Hey,” sabi niya.

“Ano?” sabi ko habang nakayuko pa rin. Antok na antok ako!

Kinalabit niya ulit ako at saka may iniabot sa akin na bottled water at saka isang
pill. Ano ‘to? Hindi ko alam kung para saan ‘yung inabot niya kaya tinignan ko lang
siya.

Inilagay niya sa harap ko ‘yung bottled water. “Think of this as wonder drugs.”

“Ano?!”

Nagdudurog ba ‘tong si Theo?! 


Bigla siyang natawa sa reaction ko. Lecheng Tisoy ‘to! Hindi ba niya alam na
guluhin mo na ang bansot ‘wag lang ang babaeng walang tulog?! Tsk!

“Joke lang,” sabi niya at saka inabot sa palad ko ‘yung capsule. “I drink this
during exam period. Don’t worry, safe ‘yan,” sabi niya at saka ngumiti.

Tinignan ko ‘yung gamot kung iinumin ko ba... Hindi naman mukhang papatayin ako ni
Theo at isa pa, wala naman akong allergy sa mga gamot kaya sure ako na okay lang na
inumin ‘to. Pero para safe, kinalabit ko ‘yung isa ko pang katabi.

“Kapag ako namatay, si Theo ang may kasalanan, ha?” sabi ko sabay inom dun sa
binigay niya. Natawa pa si Don Theo sa akin. Tss! Pasalamat siya busy ako sa exams
kaya hindi ko na binigyan ng space sa buhay ko ‘yung pagkairita ko sa kanya.

Dumating na ‘yung professor naman at nanahimik na kaming lahat dahil nag-discuss


siya. Mabilis lang na lumipas ‘yung oras dahil medyo interesting ‘yung topic namin.
Pagkatapos nun, tumayo na ako dahil pupunta pa akong Math Building. Lately,
nagjijeep na lang ako dahil hindi kami bati ni Theo. Ayoko namang maging user na
sumasabay pa rin ako sa kanya kahit na hindi kami okay.

“Wait,” sabi niya at saka sinabayan akong maglakad palabas ng CVM. 

“Ano?”

Nilagay niya ‘yung kamay niya sa ulo niya. “I’ll drive you there.”
Kung dati naloko niya ako na on the way naman ‘yung Math Building kaya okay lang na
sumabay ako, ngayon alam ko na. Malayo sa on the way ang pupuntahan ko sa bahay
niya! Tsk! Like nasa West ‘yung Sacay at nasa East ‘yung Math Building! Ganoon
kalayo!

“Kung nilalandi mo na naman ako, sinasabi ko sa’yo isang suntok na ang makukuha mo
sa akin,” sabi ko na may pagbabanta.

He immediately shook his head. “I learned my lesson already. Kelly naman, just
because of one mistake lahat na ng gagawin ko pagdududahan mo?”

Tsk! Nakakainis naman! Ang galing magpaawa ni Don Theo!

“Nililinaw ko lang,” sabi ko. “Ayokong maging third wheel dyan sa love story niyo
ng girlfriend mo. Madami na akong stressor sa buhay, ‘wag ka ng dumagdag.”

He nodded and then reiterated. “So, I’ll drive you there?”

“Walang ibang intention?” I made it clear by asking.

Tumango ulit siya. “I’ll never flirt with you again.”


The week ended just fine. Pakiramdam ko okay naman ang mga class ko at ang mga
exams ko. Aba dapat lang! Halos wala na akong tulog buong linggo para lang ‘dun! At
isa pa, talo pa ni Theo ang drug pusher dahil supplier ko siya nung wonder pill! In
fairness gumagana siya!

“I feel so free!” sabi ko habang nasa steel bench kami sa harap ni Oble. Saturday
afternoon at napagpasiyahan ko na next week ako uuwi ng Bulacan since wala akong
energy para bumyahe ng mahaba.

Kasama ko si Danielle at Gabe ngayon. Pupunta kaming SM Calamba mamaya para manood
ng sine. Ililibre daw ako ni Danielle since nung si Gabe ‘yung nagsabi, hindi ako
pumayag. Ayoko naman kasing maging abuso dun sa lalaki. Hindi ko naman siya
boyfriend at saka kahit na maging boyfriend ko siya, ayoko namang maging ‘bilmoko’
girlfriend. Bili mo ako nun, bili mo ako niyan. Aba hindi ATM ang boyfriend mo,
ineng!

Si Danielle nagseselfie kasama si Oble. Sinusubukan daw niya ang paniniwala. Sabi
kasi nila magiging delayed ka raw kapag may picture ka with Oble habang undergrad
ka pa pero dahil malakas ang fighting spirit ni Danielle, she’ll disprove the
belief daw.

“You look a lot better now. Nakatulog ka na?”

I nodded. “Naka semi-comatose yata ako. Straight 12 hours ang tulog ko!”

He laughed at me and the ruffled my hair. “Good for you. I was kinda worried this
whole week since I know you’re not getting enough sleep.”

“Thank you sa concern,” sabi ko. “Nako, para tuloy ayaw na kitang sagutin! Feeling
ko mas okay na manligaw ka na lang! Mas sweet ka, e!”
Napatulala naman siya sa akin na parang hindi na naman makapaniwala.

“Are you serious?”

I nodded, pinipigilan ko na huwag tumawa. Ang sarap talagang lokohin nitong si


Gabe! Ang seryoso niya palagi kapag ‘yung panliligaw ang pinag-uusapan namin. Iyong
tipong para aatakihin siya sa puso sa mga lumalabas sa bibig ko.

“Nah, you’re kidding. You can’t be serious! I’ve been itching to call you my
girlfriend!”

Ang seryoso ni Gabe bigla.

“Come on, Kelly... ‘Wag mo namang gawing joke ‘tong feelings ko...”

Suddenly, nakonsensya ako. Sobra na ba ‘yung joke ko?

Iniyuko ko ‘yung ulo ko and then whispered, “Sorry...”

Tahimik lang kaming dalawa for a few seconds. Ang ganda ng langit ngayon at ang
lamig ng simoy ng hangin. Mabuti na lang at wala si Danielle dahil gusto kong
kausapin si Gabe ngayon. Alam ko naman ang pakiramdam ng pinapaasa kaya wala akong
balak gawin kay Gabe ‘yun.

“Gabe...”

“What?”

Huminga ako ng malalim. “Wala talaga sa plano ko ang magkaroon ng boyfriend—” May
sasabihin pa sana ako pero pinutol ako ni Gabe.

“I wasn’t a part of your plan but I can be a part of your future only if you’d let
me.”

Ngumiti ako sa kanya. Ang persistent niya talaga.

“Gabe, ayoko ng boyfriend, ayoko sa commitment, ayoko ng may nagsasabi sa akin ng


pwede at hindi pwede kong gawin, ayoko ng may nagbabawal sa akin.”

Humarap siya sa akin and then the look on his face made it hard for me. 

“I will be a cool boyfriend, Kelly. Hindi naman kita pagbabawalan, magiging


supportive pa ako.”
Sana nga kasi ganun... Madami akong kilala na nung nanliligaw ang bait-bait pero
nung boyfriend na, biglang nagbago. Ayoko lang kasing maging kasama sa casualty.

Nagbuntong-hininga ako. This was my last card. “Gabe, bawal pa akong mag-
boyfriend.”

It was true. Bawal pa akong magboyfriend. Iyon nga ang kauna-unahang bilin sa akin
ni Nay nung pumunta ako dito sa UP. Dapat daw alam ko kung ano ang priorities ko,
dapat daw focused ako sa pag-aaral. Hindi daw totoo na inspiration ang lalaki,
desperation daw ‘yan. Pagkatapos daw ng sandaling kilig, suicidal thoughts ang
kasunod.

Hindi ko masisi ang sarili ko kung bakit ang cynical ko kasi ang paranoid din ng
nanay ko!

Pagkatapos ng ilang makapanindig-balahibong segundo, nagsalita si Gabe.

“Kailan ka uuwi sa province niyo?”

“Next week, bakit?”

He shook his head and muttered, “I can’t wait that long,” sabi niya at saka
tumingin sa akin. “Let’s go there tomorrow.”

“Ha?!”
Nakatingin pa rin siya ng diretso sa mga mata ko at saka hinawakan ang kamay ko.
“Kelly Angeline Acebeda, I’ll talk to your parents and tell them about my
intentions.”

“Ano?”

Hindi ko maintindihan si Gabe.

There was a hint of mischief in his eyes. Nako! May naiisip na naman na bastos
‘to! 

“Ang bastos mo na naman!”

He suddenly laughed. Kanina lang ang seryoso namin pero ngayon ang gaan na ulit ng
mood. May saltik talaga ‘to!

“Kilala mo talaga ako, Kelzone,” sabi niya habang tumatawa-tawa pa. “Yeah, I might
have fantasized about you sometimes but still...”

He sighed.

“Kelly, I’ve never been this serious with anyone. Look at that couple,” sabi niya
sabay turo dun sa magjowa na magkayakap at nagtatawanan. “We could be them only if
you’d let me.”

Ang lakas ng convincing power nitong si Aldea!

“Pulis ang tatay ko,” sabi ko pero hindi naman totoo. Government worker kaya si
Tay.

He cocked his head. Shiz ang sexy ng adam’s apple niya! Ugh, Kelly! Landi pa! “I
run fast.”

“May baril siya.”

“I have a good lawyer.”

“Ha?”

“I can sue him for shooting me and the only way for me to drop the case is if he’ll
let me have you as my girl.”

=================
Chapter 14: The Truth About Love

Twitter lurkers, please use #HTSTBB sa tweets niya para nababasa ko! Thank you! =)

#HTSTBB Chapter 14

On the way papuntang SM Calamba, ang kulit-kulit ni Danielle! Nakaka-high ba na


makipag-selfie kasama si Oble? Tsk! Lakas talaga ng tama ng babaeng ito, e! Bakit
pakiramdam ko nagdudurog lahat ng mga tao sa paligid ko? Isa pa ‘tong si Gabriel!
Mukhang timang na nakangiti!

“Baka naman kakangiti mo dyan e mabangga tayo,” paalala ko. Nakaupo kasi ako sa
shotgun seat since ayaw niya na tabihan ko si Danielle sa likod. Sabi niya
magmumukha daw siyang driver kung nasa likod kami parehas. Narinig ko na rin ay
Theo ‘yan dati, e.

He briefly looked at me and then shook his head. “We can’t die yet, Kelzone. ‘Di pa
nga kita girlfriend, e.”

And that earned me a shriek from Danielle. Grabe talaga! Mas kinikilig pa sa akin
itong babaeng ‘to!

“Kainis ang lalandi niyong dalawa!”

Humarap ako sa kanya sa likod. “Grabe! Wala naman akong ginagawa!”

Hindi na nakasagot ng maayos si Danielle dahil tumili na naman siya sa kilig.


Tignan mo ‘tong babaeng ‘to! Si Gabe kasi, e!

“Wala pang ginagawa si Kelzone kinikilig na din ako, paano pa pag meron?” he said
coolly.

Seryoso, ang life goal ba ni Gabe ay ang maging nakakakilig? Tsk!

Nagpatugtog muna kami at ako naman umidlip sandali... Kulang pa rin ang tulog ko.
Feeling ko lahat ng college student ay sleep-deprived... O ako lang ‘yun? Masyado
ko naman kasing kinakarir ang pagiging iskolar ng bayan! Kaka-stress, ha!

After a few minutes, dumating na kami sa SM Calamba. Nakakapanibago dahil wala


masyadong tao considering na Linggo naman... Okay dito, ha! Hindi kasi ako
masyadong nakakaluwas nung high school ako dahil mahigpit sila Nay. Hanggang SM
Baliwag lang ang beauty ko! At ang sikip kaya ‘dun... ‘Yung tipo na pagpasok mo
kita mo na ‘yung labas?

Sabay kaming naglakad papunta sa cinema at nagvolunteer si Gabe na pumila kaya kami
ni Danielle ay nasa Starbucks muna. Shiz! First time ko dito! Sabi kasi ni Nay mag
Kopiko 3 in 1 na lang daw ako kasi naman ang mahal ng mga kape dito! Pero binigay
sa amin ni Gabe ‘yung SB card niya kaya umorder na lang daw kami.

“In all fairness kay Gabe, ha...” sabi ni Danielle habang nakapila kami sa
Starbucks. “Spoiled na spoiled ka!”

Hindi ko alam pero medyo nahiya ako. Baka naman kasi isipin ni Danielle na
ginagamit ko si Gabe. Ayoko nun... Kaya nga ako nag-aaral ng mabuti dahil gusto
kong maging mayaman sa sarili kong pagsisikap.
“Hindi naman...”

She smiled and then siniko niya ako. “Girl, tiba-tiba ka na dyan kay Gabriel Dash!
Kita mo ba ‘yung twinkle sa mata niya? Teh, in love na in love sa’yo!”

Alam ko ‘yung sinasabi niya pero kasi... Natatakot akong sagutin siya. Paano pag
hindi ko nagampanan ‘yung pagiging girlfriend? Feeling ko kasi hindi naman ako
girlfriend material.

“Bakit ba ayaw mo pang sagutin?” tanong niya sa akin.

Ang tagal naman naming makarating sa unahan! Ang dami tuloy tanong ni Danielle...
Hindi pa naman kasi ako sigurado kung ano ba talaga ang tunay na dahilan kung bakit
ayaw ko pang sagutin si Gabe.

Nanahimik muna ako sandali. Nung makaorder na kami, naupo muna kami. Akala ko
napalagpas na ni Danielle iyong tanong pero nagkamali pala ako dahil pagkaupong
pagka-upo namin, tinanong niya ulit ako.

“Dahil kay Theo ba?”

The way she said it, para bang iyon ang katotohanan. Si Theo nga ba ang dahilan?

But I shook my head. Sabi nila the more you lie about something, the more your lie
becomes real. I wanted to lie about everything. Mas simple kasi kapag ganun.
“Hindi, ah...” malumanay kong sabi. Ayoko naman kasing magmukhang defensive. Akala
mo pa naman kasi psych student itong si Danielle kung makapag-analyze ng mga
ginagawa ko! Target palagi ako sa people watching moment niya, eh.

Tinaasan niya ako ng kilay.

“Bakit mo naman nasabi?”

Kinakabahan ako sa isasagot niya. Magsasalita na sana siya pero biglang tinawag
‘yung pangalan namin.

“Strawberry and Crème Frappe for Danielle and Kelly!”

Iniwan niya ako sa lamesa namin na may kumakabog na dibdib. Tama ba si Danielle?
Pero ang imposible naman... Kung pagiging boyfriend material lang naman ang
paglalabanan, aba e mas lamang ng light years si Gabe kay Don Theo! Siguro nga
boyfriend material din naman si Theo pero kay Monique lang ‘yun at hindi naman ako
si Monique.

Kaya nga, Kelly, ano ba ang problema mo at ayaw mong sagutin si Gabe? Alam ko naman
sa sarili ko na kung kakausapin ko ng maayos si Nay, papayagan niya naman ako. Wala
naman siyang dapat ipag-alala na mag-aala Katorse ako! Wala pa sa plano ko ang
maging nanay. Although gusto kong magkaroon ng pamilya, as of now, hindi ko
nakikita ang sarili ko na magiging mabuting ina. Ang immature ko pa.

Hindi rin naman ako ‘yung tipo na makikipag-PDA. Feeling ko matino akong babae.
Feeling ko lang naman.

Natigil ako sa pag-iisip nung bumalik si Danielle sa table.

“Ano na?” tanong ko ulit sa kanya.

She sighed. “You want my honest thoughts?”

Tumango ako. Aanhin ko naman ang fake opinion niya.

“Feeling ko, Kelly, may hang ups ka pa rin kay Theo since siya ‘yung ‘first crush’
mo dito sa UPLB. I mean, way before Gabe came ‘di ba Theo Theo ang peg mo? Pero ‘di
ba sabi ko na rin sa’yo na wala kang mapapala dyan kay Theo? Kung ako sa’yo, girl,
start learning how to love Gabe.”

Napatango ako internally sa mga sinasabi niya. May point siya.

“Lovable naman si Gabe kahit medyo bastusing bata.”

Natawa ako. Ang bastos din naman kasi ni Gabe minsan! I swear minsan ngingiti siya
tapos iyon bang halata mo na kabastusan ang iniisip niya? Tapos biglang tatawa
siya. May sira yata sa utak ‘yun, e!
“Thanks, Danielle,” sabi ko.

Nag-usap lang kami tungkol sa mga requirements namin sa school. Hanggang dito
sinusundan kami ng acads! Grabe talaga! Tawa lang kami ng tawa habang pinag-uusapan
‘yung classmate namin na bibo kid.

“Nga pala, san kayo pupunta bukas?” tanong niya bigla. Narinig niya siguro na
tinatanong ako ni Gabe kung ilang oras ang byahe pa-Bulacan.

Nagdalawang isip pa ako kung sasabihin ko kay Danielle na kakausapin ni Gabe bukas
ang parents ko... Big deal kasi ‘yun, ‘di ba? I mean, gaanong karaming lalaki sa
panahon ngayon ang maririnig mo na sasabihin na gusto niyang ma-meet ang parents
mo?

I decided to tell her kahit na hesitant ako. “Sa bahay namin...”

“What?!”

Napatingin sa amin ‘yung table na katabi namin dahil sa outburst ni Danielle. Ms.
OA of the year award talaga ‘to!

“Grabe ka naman mag-react!”

“Are you crazy?!” sabi niya sa akin. “Teh, imi-meet niya ang parents mo!”
“Alam ko!” sabi ko Bakit ba ako sinisigawan nito? “Ako nga ang nagsabi sa’yo, ‘di
ba?”

Kinuha ni Danielle ‘yung frappe niya sa table at ininom habang pinapaypayan ang
sarili niya gamit ang kamay niya. OA Queen talaga nito!

“Grabe! Kinikilig na talaga ako sa inyo!” Gusto kong matawa kay Danielle. Ihahanap
ko nga ‘to ng boyfriend para kiligin na siya sa sarili niya. “Ano ang gagawin niyo
‘dun?”

Sinabi ko sa kanya na kakausapin nga ni Gabe ‘yung parents ko na gusto nga niyang
maging girlfriend ako. Sasabihin niya din yata ‘yung intensyon niya. Tss. If I know
dirty intention ang meron ‘yung si Gabriel!

“Kakausapin lang parents ko! Mamaya kung ano naiisip mo!”

Tawa siya ng tawa sa akin. Medyo wild din kasi ‘tong mag-isip! Mamaya kung saan na
lumipad ang imagination niya, e!

Kinulit niya ako ng kinulit kung kailan ko sasagutin si Gabe. Hindi ko nga din kasi
alam! Siguro bigla na lang akong dadating sa moment na parang ‘Shiz. This is it!
Kailangan ko na siyang sagutin!’” Gusto ko ganyan, e. Ewan ko ba kung bakit ang
idealistic ko sa ganyang aspect.

“Danielle,” sabi ko. “Na-meet mo na ang parents ni Gabe?” tanong ko sa kanya.


Ngayon na gustong makilala ni Gabe ang parents ko, ewan ko pero feeling ko one of
these days, kakaladkarin niya ako para makilala ang pamilya niya. Hindi naman sa
pinangungunahan ko pero just in case, dapat alam ko kung ano ang pinapasok ko.

She nodded and then gave me thumbs up. “She’s nice! Nakilala ko siya kapag
tumatambay kami sa apartment ni Gabe since pinupuntahan siya ng Mama niya ‘dun.”

Mabait pala. Whew! Akala ko magiging ala-Sancai ako!

“Ano ang work nila?”

She shrugged. “Hmm, sa pagkakaalam ko may business sila. Nga pala!” sabi niya sabay
hampas sa akin. “I-close mo ang family nila tapos ilakad mo naman ako sa kuya ni
Gabe!”

Ang fast forward talaga ng pag-iisip nito! Ni hindi ko pa nga sinasagot, e! For the
rest of our stay there, kinulit lang ako ng kinulit ni Danielle. Lakas talaga ng
topak nito!

--

“Sorry, ang haba ng pila, e,” sabi ni Gabe nung pagdating niya. “Kanina pa kayo?”

I shook my head. Tignan mo ‘to, siya ang nahirapan sa pagpila pero kami ang
tinatanong.
Start na pala ng screening kaya umakyat na agad kami after naming bumili ng
popcorn. Lahat ng ginastos namin si Gabe ang nagbayad. Nakakahiya pero kasi nag-
iinsist siya.

Nung pumasok kami sa loob ng sinehan, nagpaalam si Danielle na pupunta daw muna
siya sa CR. Kami ni Gabe kumakain ng popcorn habang nanonood ng trailer ng mga
ipapalabas na pelikula.

“Sino ba ‘yung kuya mo? Kanina pa ako kinukulit ni Danielle na ipakilala ko daw
siya.”

Bigla namang natawa si Gabe at saka umiling pa. Looked like alam niya naman yata
‘yung crush ni Danielle sa kuya niya. “Pakilala kita ‘pag pumunta ka sa bahay
namin.”

I suddenly froze. Oh, no! Shiz! Ngayon ko lang na-realize na kapag pumunta ako sa
kanila, malaki ang possibility na makikita ko rin si Monique Aldea. Shiz naman,
Kelly! Hindi ka pa rin over sa insecurity mo?! Tama naman si Gabe, wala namang
ginagawa sa iyo ‘yung babae kaya bakit ba ganyan ang reaction mo sa kanya?

Seemed like Gabe noticed my indifference toward his statement. He held my hand.

“Chill, Kelzone. I won’t force you to do anything you don’t like...”

Medyo na-pacify ako sa sinabi niya pero nung tumingin ako sa kanya, nakita ko na
nag-wiggle siya ng eyebrow niya. Tignan mo ‘to!
Hinampas ko ‘yung braso niya. “Ayan ka na naman!”

Tawa siya ng tawa sa akin. Kahit madilim sa sinehan, kitang kita ko na namumula na
‘yung tenga niya katatawa. “Kelzone naman. Ang cute mo kasi ‘pag nakakarinig ka ng
innuendo sa akin.”

“Tss! Manyak ka kasi!”

He wiggled his eyebrows again. “Don’t worry, I’ll turn you into a maniac once you
made me your boyfriend,” sabi niya sabaya akbay sa akin. “Ouch!” sabi niya kasi
kinurot ko siya.

“Bastos bastos, ha!”

Pinapagalitan ko lang siya sa pagiging bastos niya nung dumating na si Danielle at


naupo sa tabi ko. Nagsimula na rin ang opening credits ng movie nung lumapit si
Gabe at bumulong sa akin.

“You make me so damn happy, Kelzone.”

I smiled at him.

“Pinapasaya mo rin naman ako.”


Hinigpitan niya ‘yung hawak niya sa kamay ko. “I’ll make you the happiest girl,
Kelly.”

“Puro ka promises, ha. Mamaya lahat ‘yan mapako. Naku!”

Mabuti na lang at mahaba haba ang opening credits nito kasi ang ingay ingay ni
Gabe.

He showed me his cheeky grin. “I’m a man of my word. But of course we’ll fight at
one point pero I assure you, I won’t let the day end without us mending the
problem. Wala naman kasing ideal na relationship, Kelly. Alam ko ideal man ako pero
walang perfect relationship.”

Tsk. Yabang talaga nito!

“Yabang-yabang,” I commented at natawa siya.

Umiiling-iling pa siya tapos he cupped my face. “Mas magiging mayabang ako kapag
naging girlfriend ko na ‘yung kickass na babae ng UPLB.”

Tumingin ako sa mata niya at saka bigla kong naramadaman ‘yung moment na hinahanap
ko. Mali pala ako. All along, nandito lang pala ‘yung hinahanap kong sign.

=================
Chapter 15: Something That We Are

#HTSTBB Chapter 15

Pagkatapos naming manood ng sine, dumiretso na kaming umuwi since ano’ng oras na
rin ‘yun. Nag-aaya pa nga si Gabe na manood pa kami ng last full show pero nag-aya
na ako na umuwi. Ang kulit pa nga niya pero nung sinabi ko na pupunta pa kaming
Bulacan at kailangan na maaga kaming umalis kaya dapat matulog na kami, mabilis pa
sa alas onse pumayag si Gabe. Tss.

“Good night, lovers!” sabi ni Danielle nung inihatid siya ni Gabe sa apartment niya
sa Lopez.

Sumigaw ako habang papasok siya ng gate. “Lovers ka dyan!”

“Sus pakipot pa! Soon to be lovers!” sabi niya ng natatawa-tawa tapos nagbye na
siya nung nabuksan niya na ‘yung pintuan ng apartment niya.

Nag-intay ako na magsimula nang magdrive si Gabe pero parang wala naman siyang
balak na magdrive.

“Pasko ba ang iniintay mo?” tanong ko sa kanya. Tumingin ako sa relos ko at alas
dyes na. Gusto ko nang matulog, e.

Sumandal siya sa upuan at tinapik-tapik ‘yung manibela gamit ang mga daliri niya.
Ang ganda ng daliri niya, parang kandila. Nakaka-insecure naman ‘tong lalaking ‘to!
Feeling ko pag nilagyan ‘to ng makeup mas maganda pa sa akin, e!

Habang iniimagine ko ang magiging itsura ni Gabe habang nakasuot ng makeup,


nagsalita na siya finally.

“Ayoko pang umuwi, e...”

Sus! ‘Yun lang pala ang iniisip niya! Akala ko naman matter of life ang death! Ang
tahimik niya kasi, e.

“Alam mo...” sabi ko.

“Alam ko na gwapo ako. Hindi mo na kailangang ipaalala, Kelzone. Don’t fuss over
it, okay?”

“Tss. Ang yabang mo talaga!”

Tatawa-tawa pa siya sa akin. Mabuti naman at hindi na siya seryoso! Kanina kulang
lagyan ko siya ng wrinkles at papasa na siya na dirty, old man!

“Hindi na nga. Ano ba ‘yung sasabihin mo?”

Umiling ako. Actually nalimutan ko na rin kasi kung ano ‘yung sasabihin ko dahil sa
pagyayabang ni Gabriel. Pinilit ko na lang siya na ihatid na ako sa dorm kasi antok
na antok na talaga ako. Hindi pa sapat ‘yung 12 hours worth of hibernation ko.
Feeling ko panda na ako sa sobrang laki ng eyebags ko. Nagtataka nga ako kay Gabe
kung bakit type ako nito, e. Siguro exotic ang taste nito!

Pagdating namin sa tapat ng dorm ko, bubuksan ko na sana ‘yung pinto nung nagsalita
si Gabe.

“Good night, babe, honey, sweety, love, mahal ko, iniibig ko, buhay ko, beh,” he
uttered. “Fuck ang baduy pala ng beh. ‘Wag na ‘yun, Kelzone. ‘Wag na ‘wag mo akong
tatawaging beh, ha,” sabi niya na nag-aalala. Minsan talaga ang trivial ng mga
problema sa buhay nito!

“Problema mo? Nababaliw ka na naman!”

Nakangiti lang siya na nakasilip sa akin habang nakatayo ako sa labas ng sasakyan
niya. Tignan mo ‘to parang timang na naman!

Nilabas niya pa ‘yung kalahati ng katawan niya para silipin ako. “Nagpapractice
lang. Why do I feel na malapit mo na akong sagutin?”

I tried to keep a straight face. Tss! Kainis naman ‘to!

“Nako, Gabriel, itulog mo na ‘yan. Good night,” sabi ko at saka binuksan ‘yung gate
at nag-hi kay Kuya Alex na guard ng dorm namin. Mabuti na lang at medyo ka-close ko
siya kaya nakapasok ako sa dorm kahit na lagpas na ako sa curfew na 10PM.
Dumiretso ako sa kwarto ko at saka nagpahinga muna bago maglinis. Bago ako pumasok
sa CR, nagvibrate ‘yung phone ko. Nakita ko na nagtext si Gabe.

From: Gabriel Dash Aldea

Good night, angel.

Sino’ng Angel?!

To: Gabriel Dash Aldea

ANGEL?!

After 5 seconds, nagring na agad ‘yung phone ko.

“Sino’ng angel?!”

Tawa siya ng tawa. Peste talaga ‘to! Ang lagkit lagkit na ng pakiramdam ko tapos
eto siya tinatawanan ako! Tsk!

“Ikaw. Kelzone naman, ang selosa mo, kinikilig ako,” sabi niya habang tumatawa.
Retarded talaga ‘to! Hindi ako sumagot. “You’re my angel, okay? ‘Wag ka ng magselos
pero okay lang din na magselos ka kasi I feel loved.”

I mentally rolled my eyes. Kailan ba mauubusan ng pickup lines ‘tong lalakeng ‘to?
Parang lagi siyang may baon, e.

“I’ll make you feel my love bukas. Kukurutin kita ng malakas,” sagot ko sa kanya.

“Angel naman, hindi pa nga tayo e ginagawa mo na akong battered boyfriend.”

“Seriously, ang corny mo, Gabe,” I admonished. Tawa pa rin siya ng tawa sa akin.
Parang ayoko na ‘tong maging boyfriend, feeling ko talaga mahahawa ako sa pagiging
korni at waley niya! Hindi ba ganun kapag mag-boyfriend? ‘Yung tipo na naa-adopt mo
‘yung mga characteristics at behavior nila lalo na kapag madalas kayong magkasama?

After a few seconds, nagpaalam na rin siya. We were both spent from all the walking
we did earlier, medyo kinakabahan nga ako na baka hindi ako magising on time bukas.
Ang aga pa naman ng call-time ni Gabe! Tinalo pa ‘yung field work sa NSTP!

The morning came in and as I expected, medyo late akong nagising. Hindi ko na
tinignan ‘yung cellphone ko dahil alam ko naman na malamang puro text at tawag na
ni Gabe ‘yun so instead, naligo na ako ng mabilis.

Sabi na pwede akong maging girl scout, e! In less than 20 minutes, prepared and
ready to go na ako!

Nagmamadali akong bumaba pagkatapos kong ma-check kung nadala ko na ba lahat ng


dapat kong dalhin. Mahirap na kung may malimutan ako, ang layo kaya ng Bulacan!

“Sorry, sorry,” sabi ko nung makita ko si Gabe na nakatayo sa labas ng dorm namin.
Nakasandal siya sa sasakyan niya habang nakapamulsa. Nakasuot din siya ng sunnies
kaya akala mo turista ang peg!

Nung bumaling siya sa akin at umiling-iling, ewan ko pero... Shit ang gwapo niya
pala! Fudge ang cool niyang tignan sa outfit niya ngayon!

Hindi ko pinahalata na nagkaroon ako ng instant crush sa kanya dahil for sure
lalaki na naman ang ulo nito. Hindi ko na kailangang i-boost ang ego ni Gabriel
dahil sure na sure ako na inflated na ‘to! In fact kailangan na ngang butasin sa
sobrang laki.

Tumingin siya sa akin for a few seconds and then said, “Napuyat ka na naman
kakaisip sa akin kaya ka na-late? Okay lang, Kelly.”

“Oo na, oo na,” sabi ko at saka pumunta dun sa passenger seat at naupo. As soon as
I felt the comfort of his seat, parang gusto ko ulit na matulog.

He started the engine and then turned to me and said, “Tulog ka muna, I’ll wake you
up kapag malapit na tayo.”

“Baka naman maligaw tayo,” I said, eyeing him.

He laughed and showed me his phone. “GPS, babe. GPS.”

After shaking my head in disapproval of his ways and amusement of how he can take
everything lightly, I drifted to dreamland.
Hindi ko alam kung ilang oras na akong nakatulog pero nung gumising ako, I felt so
reenergized. Medyo nabawi ko na yata lahat ng energy na naubos ko nung midterms!
Speaking of midterms, ilang buwan na lang matatapos na ako sa 1st sem! Akalain mo
‘yun? Naka-survive ako!

Tumingin ako sa gilid ko at nakita ko na nasa highway kami. Ah shiz! May


nakalimutan akong sabihin kay Gabe!

“Gabe,” I called his name while he was driving.

“Hmm?”

“Sinasagot na nga pala kita,” I said.

“What?”

“Sabi ko, tayo na.”

Feeling ko narinig ko siyang magmura pero hindi ako sure dahil ang lakas nung mga
katabi namin na bus sa NLEX kaya hindi rin ako sure sa narinig ko.

“Ayaw mo ba?” nagtataka kong tanong. Ang weird niya! Ang kulit-kulit niya na
sagutin ko siya pero ngayon na sinagot ko na siya, parang ayaw niya naman!
He looked at me briefly and said, “Bawiin mo naman ‘yun, Kelzone!”

“Ha?”

Ano’ng problema nito?!

“Bakit naman sa lahat ng lugar na napili mo, NLEX pa?! Paano ako tatalon dito o
magha-happy dance?! ‘Dun mo nga ako sagutin sa gasoline station!”

Oh, my god! Bakit ang eclectic ng pag-iisip ng taong ‘to?!

“Nasabi ko na bakit babawiin ko pa?!”

Ito na ba ang first fight namin bilang magboyfriend?! Ang babaw naman ng pinag-
aawayan namin! Sa lahat ng bagay naman!

He glared at me at hindi na siya nagsalita ulit. Tahimik lang kaming parehas


hanggang sa mag-pullover siya sa Shell sa may NLEX. Seryoso ba siya?

“Here,” sabi niya at saka tumingin sa akin. “Say it again.”


“Para kang timang.”

“Bilis na!” pilit niya sa akin.

“Wala na ako sa moment.”

“Nasa moment pa ako kaya bilisan mo na.”

Ako lang ba o para talaga kaming tangang dalawa?

“Seryoso ka ba?” I asked him kasi parang baliw lang talaga ‘yung idea niya! Bakit
ba nagagwapuhan ako dito e mukha siyang abnormal sa mga inaakto niya. Weird na rin
ba ako?

Tumango siya sa akin. “Bilis na,” he said and then scooped closer.

Pinikit ko ang mata ko sandali at huminga nang malalim. Pagbibigyan ko na nga ‘tong
unggoy na ‘to.

“Gabe,” sabi ko at saka pinilit na ‘wag tumawa pero in the end, natawa pa rin ako.
“Hindi ko talaga masabi! Sorry kasi na—”
I didn’t finish my speech because he pulled me in and kissed me.

Hindi ako nakapagreact o nakagalaw man lang. Biglang nanlaki ‘yung mata ko sa
ginawa niya.

He smirked. “Our second kiss,” sabi niya tapos hinalikan niya ulit ako. “Third,” he
repeated. Paulit-ulit siya sa ginagawa niya at ako parang tanga lang na nanlalaki
ang mata at halos tumigil na ang paghinga.

Tumawa siya sa reaksyon ko and then he snapped his fingers in front of me. “Kelly?
Babe? I could kiss you all day kapag hindi ka pa rin nagreact, sige ka,” he said.

As if on cue, kinurot ko siya.

“Aray!” he shrieked.

“Ang manyak mo!”

“E di manyakin mo rin ako para fair!” he rebutted.

Ugh! Masisiraan ako ng bait sa kanya! Bakit ba ang abnormal ng reasoning niya?!
Saan ba niya ‘yun nahuhugot?!
I glared at him repeatedly hanggang sa mapagod na ‘yung mukha ko sa expression na
‘yun. Gabe just laughed at me and then niyakap niya ako. He kissed my temple and I
got lost in his scent.

I could get used to this.

“Happy anniversary in advance, Kelzone,” he said as he cupped my face and then


kissed me again. Hindi ko na mabilang kung ilang beses niya akong hinalikan ngayon.
Partida first day pa lang! “Nagiging mas corny ako sa’yo but what the hell.”

After a few more kisses and after 10 pinches on his arm, umalis na kami papunta sa
Bulacan—which was our original plan before Gabe got sidetracked. Seriously ang
daling ma-distract ng taong ‘to!

Bumili siya ng roses para sa nanay ko at wine para sa tatay ko.

Hindi naman ako nagsalita pero nagsalita na naman siya. “‘Wag kang magselos sa rose
ng mama mo, ha. Bibilhan kita ng mas madami kapag nakalabas ako ng ligtas sa bahay
niyo,” sabi niya.

“Dami mong alam. Magdrive ka na nga.”

Quarter to 12 na nung dumating kami sa Bulacan. Nakikita ko si Nay na nagtitiklop


ng mga damit at parang gusto kong tumakbo na palabas. One month na kasi nung last
na uwi ko!
Lalabas na sana ako nung maalala ko na si Gabe nga pala.

“Ano? Ready ka na?” I asked him.

Ngumiti siya. “Hingin ko na rin kaya ‘yung kamay mo para isang beses na lang nilang
pagbabantaan ang buhay ko?”

Bigla akong natawa. Ang advance nito’ng mag-isip grabe!

Hinintay ko siya na maging ready.

“Okay na?”

He nodded. “Anything to get you, babe.”

Totoo nga ang sabi nila na kahit gaano kakorni ang tingin mo sa isang endearment,
kapag espesyal na tao ang tumawag sa’yo, ‘Fuck corny, I like this guy.’

=================

Chapter 16: The King Is Dead But The Queen Is Alive


For those concerned, wala naman akong nilagay sa HTBWTBB na si Kelly and Theo ang
nagkatuluyan so 'wag kayong magconclude... Ni hindi ko nga yata nilagay dun kung in
a relationship ba or single si Theo nung bumalik siya sa Philippines, e... Wala si
Gabe dun. Wala si Kelly. Bumalik lang si Theo because James asked him to. There are
too many stories to tell so you just have to buckle up because we're about to climb
the rocky mountain.

#HTSTBB Chapter 16

Nganga na lang siguro ang peg ng ate ko kung nakita niyang bumaba si Gabe mula sa
sasakyan. Gusto ko sanang sabihin na, ‘Teh, success! Sabi mo iprepare ko lahat ng
paglalandi sa college, look where it got me!’ pero I decided against it dahil
nandyan si Nay at baka batukan lang ako nun.

“Angge!” tawag sa akin ni Nay. Ang baho ng nickname ko pero ewan ko, nasanay na rin
ako. Para bang ipinapaalala nito sa akin kung saan ba talaga ako nanggaling.

One thing that baffles me is that why the hell do parents bother to give you your
first name kung ang balak naman pala nilang itawag ay ‘yung second name mo? Mga
bagay na gumugulo talaga sa isip ko. Tsk.

Kumaripas ako ng takbo papunta sa kanya tapos niyakap siya. Si Gabe ay tahimik lang
na nakasunod sa akin. For a change, ang tahimik niya! Grabe, ha! Tinatablan din
pala ng hiya ‘tong taong ‘to!

Pagkatapos ng ilang segundo, lumabas naman si Tay mula sa bahay namin. May dala pa
nga siyang dyaryo at kape. Tanghali na kaya! Nakakaloka naman ‘tong magulang ko!
Nagmano ako sa kanilang dalawa. Si Tay ay nakatingin kay Gabe.

“Uh... si Gabe nga po pala,” sabi ko at saka inoffer naman ni Gabe ‘yung kamay niya
para makipagshake hands.

“Magandang tanghali po...” sabi ni Gabe.

Okay, I suddenly felt the tension.

Napansin siguro ni Nay ‘yung pagtaas ng blood pressure ng tatay ko kaya sumingit na
siya. Nako! Nasaan ba si ate? Nakakaloka! Hindi ko alam ang gagawin dito sa tatay
ko!

Nginitian ni Nay si Gabe. “Ano nga ulit ang pangalan mo, hijo?”

Gabe smiled. “Gabriel Aldea po,” sabi niya. Bakit kaya inalis niya ‘yung Dash? Ang
hipster kaya! Bigla niyang iniabot ‘yung bouquet of roses. “Para nga po pala sa
inyo,” patuloy niya pa.

Aba’t!

“Salamat!” sabi ni Nay. “Nag-lunch na ba kayo?”


Gabe shook his head.

“Tara sa loob!” sabi ni Nay at saka iginiya si Gabe papasok sa bahay namin. Talaga
naman! Tsk! The best way to a woman’s heart is through a flower lang ang peg ng
nanay ko? Hindi ko akalain na nabibili ang loyalty niya, ah!

Umiiling-iling ako sa nangyari at papasok na rin sana ako nung bigla akong tawagin
ni Tay.

“Angeline,” he said, his voice poisoned with much authority.

Tumingin ako sa kanya at saka huminga ng malalim. Hindi naman ako natatakot sa
tatay ko dahil alam ko na para rin naman sa akin ang paghihigpit niya. Sino ba
namang ama ang gugustuhin na mapahamak ang anak nila?

“Po?”

“Boyfriend mo?” he asked, point-blank.

Kinagat ko ang labi ko. Kainis naman, oh! Bakit ba kasi hindi ko feel ang
magsinungaling sa parents ko? Kasalanan ba ‘to ng mga madre na kinalakihan ko sa
school?

Nagbuntong-hininga ako at saka tumango.


“Opo,” I said while biting my lower lip.

Akala ko magagalit siya sa akin dahil sumuway ako sa mga pinagbilin sa akin ni Nay
pero nung iniangat ko ang tingin ko, nakita ko na tumatango-tango lang siya.

“Hindi ka po galit?”

He shook his head. “Mas okay na sinabi mo kaysa naman nagsinungaling ka sa amin ng
nanay mo. We don’t want to breed snake in this household,” he said, smiling. “May
tiwala naman kami ng nanay mo na alam mo ang ginagawa mo.”

Napangiti ako sa sagot ng tatay ko.

“Thank you po.”

He smiled back at me and then patted my head. “Saan mo ba nakilala ‘yun?”

And then I started telling how Gabe and I met. I thought how we met was boring but
as I was telling it, damn we were far from boring.

--

Katatapos lang naming kumain at nasa sala kami at nanonood ng TV. Wala man lang
kaming cable kasi ayaw magpakabit. Hindi naman kami mahirap na parang daga. Sakto
lang. Nagmumukha lang talaga akong kamag-anak ni Mickey Mouse kapag nakadikit ako
kay Gabe at Theo.

“Ano? Okay?” I asked Gabe.

Nakasandal siya sa sofa and then he showed me thumbs up. “Ang sarap magluto ng
nanay mo. Mataas na ang expectation ko sa’yo,” sabi niya habang nakapikit.

“Bwisit na ‘to. Katulong lang ang gagawin mo sa akin? Tsk!”

Tinawanan niya lang ako at saka inabot ang kamay ko. Pinagsalop niya ‘yung kamay
namin at saka pinaglaruan niya. “Grabe talaga ‘yang imagination mo, Kelzone. Hindi
ba pwedeng mabuting asawa na ipinagluluto ang gwapong gwapo at hot na hot na asawa
niya?” sabi niya kaya kinurot ko na naman siya. “Aray naman!” sigaw niya.

“Ang yabang kasi!”

“Iba ang mayabang sa honest!”

“Iba ang honest sa—”

Hindi na naman ako nakatapos sa pagsasalita ko dahil hinalikan na naman ako ni


Gabe.
He licked his lips after that. “Hmm. Lasang leche flan.”

Kulang na lang lumubog ako sa sofa. Ugh! Kailan ba ako masasanay sa pagiging manyak
nito?!

“Ano ba!” I hissed. “Ang manyak mo!” Tatawa-tawa lang siya sa akin. “Tsk! Paano
kung nakita ng parents ko ‘yun?!”

He shook his head much to my dismay. Bwisit na taong ‘to! Bakit ang layo niya sa
pagiging seryoso?

Hinatak niya ako patayo at saka pumunta kami sa labas. Binuksan niya ‘yung pinto ng
sasakyan at pinapasok ako. “Bakit tayo nandito?”

Intently, he looked at me and then cupped my face. “I’ll kiss you, okay?” he leaned
in but then hinarang ko ‘yung kamay ko kaya ang nahalikan niya ay ‘yung palad ko.
“Ayaw mo?” he asked.

Pakiramdam ko kasing pula ko na ‘yung kamatis. Nakabukas naman ‘yung aircon sa


sasakyan niya pero ang init-init ng pakiramdam ko.

“Hindi ba ako kissable?”

Darn it! Bakit ang adorable ng unggoy na ‘to?!


“Ang awkward kasi! Sino ba ang matinong magtatanong pa? Nakakahiya tuloy!” Feeling
ko ang fail ng logic ko. Hindi ko kasi maipaliwanag ng maayos ang sarili ko.
Naguguluhan din kasi ako. Hindi ko kayang aminin na syempre, medyo gusto ko rin.
Aba as much as possible magpapanggap ako na descendant ni Maria Clara at hindi ni
Maria Ozawa, noh!

Instead of answering, he closed the distance between us sa pamamagitan ng paghalik


sa akin.

Ako lang ba ‘yun o habang dumadalas ang paghalik niya sa akin, pakiramdam ko
patagal din nang patagal? Nung unang beses na hinalikan niya ako—ugh! ‘Wag ko na
ngang alalahanin ‘yun!

It felt like all my senses were heightened. Nararamdaman ko ang bawat galaw ng labi
niya, ‘yung pagdausdos ng kanang kamay niya mula sa mukha ko pababa sa bewang ko,
‘yung marahang pagkagat niya sa labi ko.

Nakapikit pa ako nung biglang marahang pitikin ni Gabe ‘yung ilong ko.

“Kelzone, pwedeng huminga,” sabi niya.

Ay shiz! Peste! Nakakawala talaga ng pride ‘tong unggoy na ‘to! Feeling ko isa na
akong cherry sa sobra kong pula!

Tatawa-tawa pa siya sa akin habang hinahampas ko siya.


“Nakakainis ka!” paulit-ulit ko na sabi sa kanya habang hinahampas siya sa braso.

Nung mapagod na ako sa paghampas sa kanya, hinatak niya ako at niyakap. Medyo
mahirap ‘yung lagay namin. Magyakapan ba naman sa loob ng sasakyan?! Mga trip
talaga nito!

I felt him kissing the top of my head. “I love how inexperienced you are,” bulong
niya. “It makes me feel extra-lucky.”

“Aba swerte ka talaga sa akin,” sagot ko.

He chuckled. “My arrogance is rubbing off on you, babe.”

“Tss. Ipapaalala ko sa’yo regularly na maswerte ka na girlfriend mo ako. Mamaya


makalimut ka, e.”

I loved how easy things were with him. Parang wala lang. Ang saya ng buhay.

Bumalik kami sa loob ng bahay makalipas ang ilang minuto. Namumula kasi ‘yung labi
ko sa kahahalik ni Gabe. Isang araw mamamaga na talaga ‘to! Tsk! Kagatin ko nga ‘to
mamaya! Mabuti na lang at hindi na nagtanong sila kasi hindi ko alam ang isasagot.

“Alis na po kami,” sabi ni Gabe.


Ngumiti si Nay at Tay. Pinauna ko na si Gabe sa sasakyan niya. “Hindi po talaga
kayo galit?” I asked them. Ayoko naman kasi na galit pala sila sa akin... The last
thing I want is for my parents to get hurt. Ewan ko. Galitin mo na ako, ‘wag lang
talagang madamay ang magulang ko. I’d see red if you dare insult them.

Umiling si Nay at ngumiti na lang si Tay.

“Basta, ang pag-aaral, Kelly Angeline. At ayoko pang maging lola.” Parehas kaming
natawa ni tatay sa sinabi niya.

“Nay naman! Hindi ko pa keri! ‘Di ba nga e na-stress ako sa panonood ng video ng
panganganak?” paalala ko sa kanya. Grabe naman kasi sa GA! Akalain mo na panoorin
kami ng video ng panganganak! Muntik na akong bangungutin sa mga nakita ko!

Natawa si Nay sa akin. “O siya na, sige na at umalis na kayo nang hindi kayo
gabihin,” sabi niya. Nagmano lang at saka nagpaalam na.

Bumalik na ako sa sasakyan ni Gabe and I saw him smiling.

“Approved ba ako?”

“Ewan ko sa’yo,” I said as I buckled my seatbelt.

He smirked at me and then revved the engine to life. “Isang kiss nga bago ako
magdrive.” Kinurot ko siya. “Aray naman!” sagot niya. “Nako, Kelly, ha.
Pinaglilihian mo ba ako? Kurut ka ng kurot!”

Hinampas ko naman siya. “Buntis ka dyan!”

“Aray! Kung gusto mong buntisin kita, sabihin mo lang hindi ‘yang nananakit ka pa!”
sabi niya pabalik.

Ugh! Bakit ba siya ganito?!

Medyo nanahimik siya dahil umidlip ako sandali. Nakakapagod din pala makipag-usap.
Sayang nga at wala si ate. Nako for sure kukulitin ako nun kung ano’ng klaseng
lambat ang ginamit ko para ma-harvest si Gabe!

“Kelzone,” sabi niya habang nagdadrive kami papunta sa Pulilan exit. “Papakilala
kita sa family ko sa December, ha?”

Napatingin naman ako sa kanya. “Ang layo pa. October pa lang.”

He nodded. “Kaya nga. Sinasabi ko lang in advance. So alam mo na? Required ka na


‘wag akong iwanan hanggang December kung ayaw mong kamuhian ka ng mga Aldea.”

I just had to roll my eyes. Ang labo talaga mag-isip nito!


“Dami mong alam, noh?”

“Ayaw mo nun? ‘Di lang gwapo ang boyfriend mo, matalino rin? Naka jackpot ka na
sa’kin!”

Haay, Kelly. Kailangan mong humanap ng paraan kung paano mo itotolerate ang
kayabangan ng boyfriend mo...

As I was looking at his face while he was driving, hindi ko mapigilan na maisip na
ganito pala kasaya magkaroon ng boyfriend. Dati kasi ang iniisip ko kalandian lang
‘yan. Pa-forever pang nalalaman ‘yung mga tao e mas matagal pa nga ‘yung unli ko sa
forever nila... Pero ngayon? Being with someone you like makes you want to wish
that forever is real.

Shiz! Anyareh sa akin?! Nagiging deep na ako!

Pagkatapos magbayad ni Gabe sa toll gate, pailing-iling pa siya sa akin. “Tss. Sa


dinami-dami talaga ng lugar, NLEX...” bulong niya. Hindi pa rin siya maka move on
‘dun!

“Dami mong arte.”

He shot me a glance. “Sa ating dalawa, ako yata ang babae. Haay, babe,” he said
while shaking his head. Kainis! Bakit ba kinikilig ako sa babe na ‘yan! “Saan mo
gustong magdinner?”
“Sa Jollibee na lang,” sabi ko.

“First dinner natin sa Jollibee?” sabi niya. “Tapos ano? Next date natin sa ilalim
ng Kwek-Kwek Tower? Tsk! ‘Tong babaeng ‘to!” he said and then shot me a
disapproving look.

Tahimik lang ako. Bahala nga siya! Siya naman ang magbabayad, e!

Nakamasid lang ako sa labas hanggang sa makita ko ‘yung malaking globo at ‘yung
sign ng MOA. Nagpark si Gabriel at saka sabay kaming lumabas.

“First step sa pagiging girlfriend ko,” sabi niya at saka hinawakan ‘yung kamay ko
at saka inintertwine ‘yung mga daliri namin. He smiled. “Feels good, right?”

Ngumuso na lang ako. “Oo na.”

Sabay kaming naglakad papasok. Turo siya ng turo ng mga restaurant na ngayon ko
lang nalaman na nag-eexist pala. Nasa harap kami ng ice skating rink at nanonood
ako ng mga nagsskate.

“Japanese?” Umiling ako. “Chinese?” Kakakain ko lang sa Chowking, e.

May sinabi siya na Italian restaurant nung biglang nanlaki ‘yung mata ko sa nakita
ko.
Oh, holy mother of living squirrels!

Gabe smiled and then waved his hand. “Kelzone, si Theo and Monique, oh!” he said as
he pointed his fingers at the couple who was playfully hugging in the middle of the
icy rink.

=================

Chapter 17: Jealousy Is A Green-Eyed Monster

#HTSTBB Chapter 17

Minsan para sa social science subject ng roommate ko, nabasa ko ang ‘Love or Hate:
Theory of Breakup.’ Bakit nga ba kasi kahit pa mutually na kayong nagdesisyon na
maghiwalay (or one-sidedly dahil sa utak mo lang naman pala nag-exist ang imaginary
breakup at relationship niyo) ay masakit ang breakup?

Well, depende naman kasi sa tao ‘yan. May mga tao na sandali lang maging malungkot
at mayroon naman na ginawang life goal ang pagiging hopia. Pero kung tatanungin mo
ako? Sa tingin ko naman kasi depende sa isang tao kung gaano niya katagal
pagluluksaan ‘yung paghihiwalay. Iba-iba naman kasi ang depth ng relationships.
Some may just be a passing fancy, some may have touched your life. But whatever the
score might be, just remember that life is short.
Malay mo last day na pala tapos hopia ka pa rin? Kamusta naman? So as my personal
choice, I’ll try to radiate positive light.

“Gusto mo ring magskate?” tanong ni Gabe sa akin.

I shook my head. Hindi naman kasi ako marunong kaya baka matumba lang ako,
nakakahiya! Ang dami pa namang tao sa rink!

He frowned at me.

“Is it about Theo?”

Biglang nanlaki ‘yung mata ko sa narinig ko sa kanya. Grabe naman! Kapag ayaw
magskate si Theo agad ang dahilan?! Hindi ba pwedeng may issue lang kami ng
gravity?

“Ay, grabe na ‘yan, ha,” I said. “Seloso masyado? Hindi maka move on?” I said
playfully but I didn’t want him to get the wrong idea kaya nag-explain pa ako sa
kanya. “Hindi si Theo, okay?”

He stared at me, waiting for some more explanation. Nako. Ito ang isang dahilan
kaya ayoko ng boyfriend dati, e. Para bang obligasyon mo na i-justify lahat ng
ginagawa mo sa buhay. E paano kung weird mga trip mo? Pero kasi... kung
magkabaligtad naman din kami ng posisyon, I would expect some explanations from his
way...
Well, give what you expect to take na lang siguro.

“Gabe,” I said and then hinawakan ko ‘yung braso niya. “Hindi ako magaling sa
pagbabalance. Iyon lang ‘yung dahilan. ‘Wag kang paranoid, hindi nakakadagdag ng
pogi points ‘yan.”

He smiled at me and then enclosed my hand inside his.

“Okay,” he said.

“Okay? Okay na talaga?”

Tumango siya. “May tiwala naman ako sa’yo.”

Medyo natawa ako sa kanya. Hindi ko alam. Gabe has his way with words. May ibang
effect kapag may sinasabi siya, e. Tulad ngayon... feeling ko dapat akong ma-offend
sa sinabi niya pero kung iaanalyze mo ‘yung syntax okay, pero ‘yung pragmatics...
nako... Medyo malabo, ha.

So I opted na hampasin siya. “Mukhang napipilitan ka pang peste ka!”

Tumawa na lang siya sa akin. Pakiramdam ko medyo sanay na siya na hinahampas ko


siya. Aba! Ginawa ko naman yatang recreational activity ang paghampas sa kanya!
Lumingon siya sa akin. “You want magdinner na lang tayo? Hindi naman tayo nakita
nila Monique, e.”

Hindi ko alam kung paano sasagot. Sabi nga nila, all coins have two sides. Pero
ayoko naman kasi na ang makitang side ni Gabe ay ‘yung negative side. Ayokong
nagsisimula pa lang kami pero puro doubt na.

I had no idea kung ano ang eksaktong tumatakbo sa pag-iisip ng isang Gabriel Dash
Aldea pero sigurado ako na ayokong magkaroon siya ng idea na iniiwasan ko si Theo
at Monique dahil bitter ako.

Bakit ako magiging bitter? I have him. I think I got more than what I could
possibly ask for.

Inilagay ko ‘yung dalawa kong kamay sa balikat niya at sinabi na, “Makinig ka sa
akin.”

But he really knew how to spat the most nonsense answers.

“I can’t with you looking like that. Ano ba, Kelly! Stop seducing me!”

Ugh! Nakakainis! Hindi ko talaga siya makausap ng maayos!


“Ano ba!” I said and then hinampas at kinurot ko siya. Magrereklamo na naman ‘to sa
pagsamba ko sa domestic abuse. Ang daming arte talaga nitong taong ‘to. “Seryoso
nga ako sa sasabihin ko.”

He calmed himself tapos inalis niya ‘yung mga kamay ko na nasa bewang ko at
ibinalik niya sa balikat niya. “Fine. Ano ba ‘yung sasabihin mo?”

“Hindi nga si Theo, okay? I liked him. Liked. Past tense.”

“Then?”

I bit my lower lip and then sighed. “Kasi...” Hindi ko alam kung paano ko ‘to
sisimulan. “Your cousin. She’s too damn perfect. Nung may gusto pa ako kay Theo,
sobrang insecure ako sa pinsan mo. Until now, I don’t know but I can’t shake this
feeling off. I’m sorry.”

I tried drowning my demons but I guess then knew how to swim.

Niyakap ako ni Gabe sa gitna ng maraming tao. He was tracing patterns on my back
and then sinabi niya, “You’re so negative that it pisses me off.”

“Sorry.”

There’s something about him na magugustuhan mo. Sobrang warm and fuzzy ng feeling
kapag kasama mo si Gabe. Ang saya saya lang. Hindi ko maipaliwanag at hindi ko ma
pinpoint.
“You shouldn’t be sorry for me, babe. Be sorry for yourself. You’re amazing yet you
keep on thinking otherwise. It’s a shame.”

Siguro isa akong national hero nung nakaraang buhay ko. Pakiramdam ko naka-jackpot
ako kay Gabe, e.

Hinigpitan ko ang yakap sa kanya and uttered one last sorry. “Sorry. Last na ‘to,
promise...”

He broke the hug and then smiled at me. “That’s my girl,” sabi niya at saka
hinalikan ako sa noo. “Pero tara, kain na tayo. I’ll let you meet Mon some other
time.”

Umalis kami doon at saka kumain. Buong gabi na magkasama kami, hindi na namin
pinag-usapan si Theo at Monique. We talked about us. Ang saya palang maging masaya.

Halos alas dyes na nung mag-aya ako na umuwi. Nanood pa kasi kami ng fireworks ni
Gabe at inaya niya pa akong sumakay sa MOA Eye. Tss! Nabaliw na naman siya kanina!

“Kelly, dito mo ako sagutin ulit bilis,” sabi niya nung malapit na kami sa tuktok
ng MOA Eye. Ang galing nga, e! Kita ko ‘yung Star City e nagpupunta kami doon kapag
field trip namin nung high school. Ang cool dito, ha.

Inirapan ko siya. “Nako, Gabe. Obsessed ka na masyado. Move on na.”


“Hindi ba ang weird naman kung mapapangiti ako tuwing madadaan ako sa NLEX?”

“Sino ba ang nagsabi na ngumiti ka?”

Umiling siya sa akin. “Tss. Babae ka ba talaga?”

“Bakit? Napatol ka ba sa lalaki?” sabi ko habang nailing. Nagaya ko na talaga ‘yung


paraan ng pagsasalita ng mga tiga Laguna! Ang cool lang!

Hindi ko talaga maintindihan ang takbo ng utak niya. Minsan gusto kong biyakin
‘yung ulo niya at pag-aralan ‘yung utak niya. Para kasing may imbalance, e.

“Sige na, babe? Dito na lang ‘yung official na sinagot mo ako?” sabi niya.

Tumango ako, humoring him. “Oo na, oo na.”

In the end, nagrole play kami na sinagot ko siya. Grabe! Minsan nakakahiya kasama
si Gabe! Buti na lang medyo malayo ang pagitan namin sa mga tao at hindi nila
nakita na hinarass ako ni Gabe. Halik ng halik!

Hindi ko namalayan na nakabalik na pala kami sa UPLB.


“Nandito na pala tayo,” I stated the obvious.

Sinubukan kong mag-inat pero mahirap palang mag-inat sa loob ng sasakyan. Bubuksan
ko sana ‘yung pinto para umalis na nung napansin ko na nakanguso si Gabe. Ano na
naman ang problema nito?

“Bakit na naman?”

But he just smiled at me. “Wala. Sige na, good night na,” sabi niya.

I shrugged. Pagod na rin kasi ako kaya gusto ko ng matulog. Bumaba ako sa sasakyan
niya at saka umakyat pataas. Kahit na pagod na ako, naglinis pa rin ako kasi ayoko
namang matulog ng hindi naglilinis. Ang lagkit kaya sa pakiramdam.

Natulog na ako tapos pagkagising ko, pumasok pa ako sa NSTP class ko. Buti na lang
absent ‘yung prof namin kaya free cut! Mabuti naman! Antok na antok pa kaya ako! So
after waiting for an hour, bumalik na ako sa dorm at natulog ulit. Nagising ako ng
mga badang 1pm. Nalipasan na pala ako ng gutom.

“Kanina pa nagvvibrate ‘yung phone mo,” sabi ni Ate Gelle sa akin. Kahit medyo
kakagising ko lang at nag-aadjust pa ‘yung mata ko, inabot ko ‘yung cellphone ko at
nakita ko na ang daming missed call ni Theo.

Ano’ng meron?

Nagreply ako sa kanya. ‘Bakit?’ sabi ko sa text.


Para akong aning na naghihintay ng reply. Pakiramdam ko kasi importante. Hindi
naman kasi ‘yun magpapasabog ng inbox kung wala lang, e. I was impatiently tapping
my fingers on my table when my phone vibrated finally.

‘Thank God,’ I uttered to myself.

Biglang kong kinuha ‘yung netbook ko nung mabasa ko ‘yung text niya. Sabi niya kasi
isesend niya sa facebook. Baka acads related ‘to!

Mabuti na lang at 24/7 ang peg ng internet connection courtesy of Ate Gelle.
Nagbibigay din naman ako ng share. Ayoko naman kasing maging free-loader.
Nakakainis kaya ‘yung mga ganon lalo na sa school work. Mga parasite. Nako! Ang
sarap nilang lagyan ng pesticide!

Binuksan ko agad ‘yung message niya.

Theo Henares: facebook.com/groups/NATSCI1stSem2014/permalink/67926735479/

Kelly Angeline Acebeda:

OMG!!! Bakit hindi ko ‘to alam?!

Theo Henares:

Absent ka yata non. Don’t worry, I told them you were sick.

Kelly Angeline Acebeda:


Really? Thanks, Theo! May magagawa pa ba ako? Kailangan pa ba ng polishing? Shit
talaga! Sorry ang sabaw ko!

Theo Henares:

Okay lang. I just told you about this para kapag tinanong ka nila sa Wed, alam mo
‘yung sasabihin. Cyrene will hate you if she heard na pinagtakpan kita. You know
how she is.

Kelly Angeline Acebeda:

Thank you talaga, Theo! Sorry ulit! Promise babawi ako sa’yo!

Theo Henares:

It’s fine. Sige, pahinga ka muna alam kong pagod ka dahil sa kahapon.

Theo Henares went offline

Weird! Alam niya na nasa MOA ako kahapon?! Pero hindi niya naman kami nakita! Tss.
Ang weird, ha!

“Nakakunot na naman ang noo mo,” pansin ni Ate Gelle sa akin dahil kanina pa ako
nakatunganga sa harap ng netbook ko. Hindi pa rin nagsisink in sa akin na ni wala
akong idea na mayroon pala kaming ipinasa na portfolio sa Natsci class. Masyado na
ba akong lutang?

Ngumiti na lang ako kay ate. “Wala po,” sabi ko. “Naglunch ka na?”

Tumango siya sa akin. Tinatamad naman akong lumabas para kumain kaya kumuha na lang
ako ng skyflakes at tubig. Mamayang dinner na lang ako babawi.
“Ate, ‘di ba tiga CEAT ka?” She nodded. “Kilala mo si Gabe?”

“Aldea?”

“Opo.”

“Ah, oo. Ex ng sis ko ‘yun, e. Bakit?”

Natigilan ako sa narinig ko. Bakit nga ba ako nagulat? Aware naman ako na may mga
naging girlfriend na si Gabe bago pa man ako. Pero ‘yung fact na ‘yung ginagawa
niya sa akin ay ginawa niya rin para sa ibang babae dati, hindi ko kayang idigest.
Nakakainis.

I didn’t sign up for this jealousy but I guess kasama ‘to sa package ng pagiging in
a relationship. Pero at least hindi na ako bitter sa February 14 kapag nakakakita
ako ng mga babae na akala mo galing lamay sa dami ng bulaklak na dala kahit na mas
maganda naman ako sa kanila ng ilang paligo. Pwede na rin!

Instead of answering, I opted for a smile. Hindi naman kasi alam ni ate ‘yung mga
nangyayari sa akin. Ang alam niya nasa Theo phase pa rin ako.

“Si Theo nga pala, kamusta?”

“Okay naman po.”


She nodded her head. “Ang talino nun, noh? Running for Summa Cum Laude pa rin ‘yung
GWA niya. Ayos talaga! Sayang nga hindi siya nag Engineering, e. Irerecruit talaga
namin ‘yun.”

Hindi na lang ako nagcomment. Aware naman ako na fuckminded si Theo. I mean,
sobrang talino nun. Term lang kasi sa amin ‘yun. Fuckmind.

Naiinis pa rin ako. Tsk! Bakit ba napasa sa akin ‘yung jealous genes ni Gabe?
Kainis, ha!

“Sino sa sis mo ‘yung ex ni Gabe, ate?” sabi ko, hindi na ako nakatiis, e.

“Si Astrid. Miss CEAT last year,” sabi ni ate tapos kinwentuhan niya pa ako tungkol
kay Astrid. Sa kwento pa lang ni ate parang gusto ko ng manliit lalo. Bakit ba
ganyan ‘yung ex niya? Masyadong maganda! Lahat na lang ng babae maganda pwera sa
akin! Ugh! Una si Monique, ngayon si Astrid! Sino na ang next?! Mamaya pati tindera
ng bluebook pagselosan ko na rin!

Nag-excuse ako kay ate na kakain ako sa baba. Hindi ko na kasi kayang makinig pa
kung gaano ka-perfect si Astrid. Dapat ba sabihin ko kay ate na boyfriend ko na si
Gabe?

Mabuti na lang at dala ko ‘yung wallet ko kaya dumiretso ako sa 7-11 at bumili ng
Mogu-Mogu tapos pumunta sa Grand Stand. Monday naman ngayon kaya walang tao masyado
sa Freedom Park.

Pagdating ko dun, nakita ko si Theo na nakaupo. Pawis pa siya. Naglaro ba siya?


Aalis na sana ako nung nakita niya ako. “Hi,” I said. Awkward na naman! Nako!

Inabot niya ‘yung towel niya at saka pinunasan ‘yung pawis niya. “Hi,” he replied.
“Dito ka ba? Sige, alis na ako,” sabi niya. Tumayo siya at inabot ‘yung gym bag
niya pero pinigilan ko siya.

“Bakit ka aalis?” I asked.

He gave out a small smile. Ang obvious naman kasi ng tanong ko, e. Ang bobo mo
minsan, Kelly. “I don’t know. Because you’re here?”

“Repulsive ako? Ganon?”

Naupo ako at binuksan ‘yung Mogu-Mogu ko. Ang mahal nito kainis! Pero ang sarap
kasi, e.

“Thank you nga pala,” sabi ko tapos tumingala ako sa kanya. Ngumiti siya sa akin at
saka naupo. Medyo malayo sa akin pero at least hindi niya ako nilayasan. “Naglaro
ka?” I asked.

He nodded. “Pumunta ‘yung high school friends ko. Naglaro kami ng soccer... or
football. Whatever your preference is,” sabi niya.

Ah! Kaya pala may high socks siya! Naks! Bagay kay Don Theo!
“San ka nag high school?” I asked him.

Uminom muna siya ng Gatorade. “I studied for a year in LSGH then transferred in
Zobel. I met Monique and Gabe there,” he said.

Ang tagal na pala talaga nilang magkakakilala. Alam mo ‘yung pakiramdam ko isa
akong daga sa mundo ng mga pusa? Ganung feeling.

Tumango na lang ako. Hindi ko naman kasi alam ang sasabihin.

“Why do you ask?” sabi niya.

“Conversation starter? Ewan,” sagot ko.

“Seriously, may problema ba? You can talk to me. I won’t judge,” he said then I
looked in his eyes and I immediately regretted it. Parang may something sa mata ni
Theo na gugustuhin mong magconfide sa kanya. Bwisit na ‘to! Kainis!

Nagbuntong-hininga na lang ako.

“Feeling ko kasi hindi dapat ako nandito... Alam mo ‘yun?” Umiling siya. “Alam mo
na? Mayaman kayo tapos ako... maganda lang.”
He laughed at me. “You know why Gabe likes you so much?”

“Kasi weird siya?”

“No, stupid. Because you’re a breather away from all the fancy things in our world.
You’re keeping him grounded.”

“So, weird ako?”

He smiled and patted my head. “Look at it this way, Kelly. Gabe doesn’t care much
about the financial status. As long as you’re making him happy, you have nothing to
worry. It’s not always about the money, alright? Sometimes, people just want
someone who’ll make them forget how shitty the world actually is.”

Gusto ko sanang ngumiti pero mas kinabahan ako. Paano kapag hindi na masaya? 

=================

Chapter 18: You're My Whole Damn Sky

So many votes, so little comments. Boring ba masyado? Haha!

Chapter 18

 
Ilang araw na ang lumipas pero nasa utak ko pa rin ‘yung sinabi sa akin ni Theo.
Ay, bakit ang praning ko namang tao? Ang bait naman sa akin ni Gabe at ni minsan
hindi niya naman ipinaramdam sa akin na mahirap ako... Kainis! Hindi naman kasi ako
mahirap exactly. Sakto lang. Making ends meet ang peg. Bakit ba ibinababa ko ang
sarili ko masyado? Hindi bagay sa akin ang ganitong mindset, ha!

Nasa CVM ako ngayon dahil ipepresent ang portfolio namin at mabuti na lang talaga
pinagtakpan ako ni Theo! Well, not that I have plans of slacking off, noh! Pero
hindi ko rin kayang i-justify kung bakit nalimutan ko na may portfolio kami! Nasaan
ba ang utak ko non? Tsk!

We all smiled at our professor then proceeded back to our place. Nakapagpresent na
kami at mabuti na lang binigyan ako ni Theo ng blurb ng mga mangyayari. Para pa
namang dragon si Cyrene! Kapag acads related talaga hindi magpapahuli ang isang
‘yun.

“Ang ganda ng ginawa mong synthesis,” Cyrene told me and gave me thumbs up.

Napangiti ako ng awkward kasi hindi naman ako ang gumawa nun. Si Don Theo kaya ang
nagsulat nun... Gosh! Fuckminded pala talaga ‘to! I mean, ang hirap kayang i-please
ni Cyrene. As a friend, okay na okay si Cy pero kapag talaga acads na, nako
magkalimutan na ang friendship lalo na kung freeloader ang peg mo!

Pero tama naman siya, ang ganda nung ginawa ni Theo. Smooth lang ‘yung synthesis,
heavy sa technicalities pero nandun pa rin ‘yung essence at maiintindihan mo pa
rin. Well, what do you expect from a Summa Cum Laude candidate? Kahit nga exam ko
ENG1 nagpapasalamat sa kanya, e! Kami lang kaya ang naka-perfect sa lahat ng class
ni Sir Tabz! Kamusta naman ‘yun?!

“Uy, Theo,” sabi ko nung pagkatapos ng class. Wala naman kasi akong klase sa Math11
ngayon dahil nasa seminar si Sir Jeric kaya freecut na kami.
Huminto siya at saka lumingon sa akin pero hindi siya nagsalita. Ikinunot niya lang
‘yung noo niya.

Hindi ko agad nasabi ‘yung pakay ko dahil na-distract ako sa kilay niya. Ang ganda
ng kilay ni Theo! Nagpapa-threading kaya ‘to?

“What?” ulit niya ng mapansin niya na hindi ako nagsasalita. Shiz naman! Bakit mas
maganda pa ‘yung kilay niya sa akin?!

Ngumiti muna ako at saka sinabi ‘yung sasabihin ko. “Naglunch ka na? Libre kita?
Pa-thank you kasi you saved my ass?”

Tumaas ang kilay niya.

“Hindi ba magseselos si Gabe?”

“Ha?”

Bakit naman magseselos si Gabe? Tapos na kami sa Theo issue. Isinaksak ko na sa


malandi niyang utak na tapos na ako sa crush ko kay Don Theo. Ilang beses akong
nagwalkout dahil ang kulit ni Gabe kaya kinailangan ko pang umiyak para pakinggan
niya ako.

“Ugh! Ano ba, Gabriel?! Paulit-ulit na lang!” sigaw ko sa sobrang frustration sa


lalaking ‘to. May quiz pa kami sa Chem bukas pero eto ako, malapit ng sumabog sa
sobrang inis.

Si Theo na naman ang pinag-uusapan namin! Ugh! Bakit kaya hindi namin pag-usapan
‘yung ex niya na si Astrid na Miss CEAT? Tsk!

Umilag siya nung binato ko siya ng Engineering book niya. Mabuti at nakaiwas siya
dahil sigurado akong magkakaroon siya ng bukol sa sobrang kapal nun. Maghello siya
kay Bill Bolton at Engineering Science!

“Babe naman...”

“Babe mo mukha mo!”

“Kelzone.”

Napatigil ako dahil nagseryoso na ‘yung boses niya. Nakakainis na kahit ilang beses
niyang subukan ‘yung pasensya ko, kapag tinawag niya akong Kelzone, nababawasan
agad ‘yung inis ko. Ang unfair!

Umupo ako sa sofa dito sa apartment niya at inihilamos sa mukha ko ‘yung kamay ko
sa sobrang frustration. Gusto ko na lang umuwi at lunurin ang sarili ko sa
Chemistry pero nandito ako ipinapaliwanag ‘yung sarili ko kung bakit hindi siya
dapat magselos kay Theo.

“Gabe, makinig ka, okay? Huling beses ko na ‘tong sasabihin.”


 

Tumingin siya sa akin at saka tumango.

“Si Theo at ako? Classmates kami. Kung palagi na lang ‘tong pag-uusapan, mabuti
pang ‘wag mo na akong sunduin sa klase ko kasi sinisigurado ko sa’yo na makikita mo
siya palagi and there’s nothing you can do but trust me,” I said calmly.

Gusto ko si Gabe. Gusto ko siyang kasama pero ayoko ng ganito. Ayoko na palaging
pinapaliwanag ‘yung sarili ko. Ayoko ng restrictions. Ayoko ng nasasakal ako.

But fudge I like him enough to put up with his craps.

“Okay,” he said. Humarap siya sa akin at saka hinawakan ang kamay ko. “Okay,” ulit
niya.

“Okay what?”

Hinila niya ako at saka niyakap. Niyakap ko rin siya pabalik. He’s so annoying but
he’s so endearing. Best of both worlds kainis!

“Okay bati na tayo kasi ayoko na nag-aaway tayo...” bulong niya at saka sinuklay
‘yung buhok ko gamit ‘yung kamay niya. Buti na lang at walang buhol! Hassle naman
kung ma-stranded ‘yung kamay niya!

Umiling ako kay Theo.


“Hindi magseselos ‘yun, trust me,” sabi ko. “So? Ano na?”

Nagkibit-balikat siya.

“So, yes ba ‘yan?”

Tumango siya pero may sinabi rin siya. “Sigurado ka? Kasi baka mamaya sabihan mo na
naman ako na susuntukin mo ako kapag nilandi kita.”

Napaatras ako at saka itinaas ‘yung dalawa kong kamay.

“Whoah, Don Theo, sabi ko kakain tayo walang landian involved!”

Bigla siyang natawa sa akin. May nakakatawa ba sa sinabi ko? Tss! Siguro naprito na
ang neurons niya sa sobrang talino niya kaya socially dysfunctional na siya! Nako!
Downside talaga ng pagiging matalino, ha!

“Don Theo?”

Ay shiz! Nasabi ko ‘yung tawag ko sa kanya? Kainis naman, oh!


Sinubukan kong i-deviate ‘yung focus niya pero bumabalik-balik pa rin kami sa Don
Theo. Ang retentive naman ng memory na ‘to nakakainis!

“Don Theo?” he asked again.

Nagbuntong-hininga ako. “Hindi naman offending, ah?”

“But it sounds old and ancient.”

“Ayaw mo nun, antique?”

He just shook his head at me and then strapped his bag on his back. “Saan tayo
kakain?”

So there, sabay kaming naglakad papunta sa sasakyan niya. As usual, amoy lalaki pa
rin sa loob ng sasakyan niya. Medyo namiss ko ‘to. Ngayon lang kasi ako ulit
nakasakay dito kasi naiilang ako na sumakay at saka laging open-roof ‘yung sasakyan
ni Gabe. Sports car ata ‘yun? Ay ewan. Ang retarded naman ni Gabe. Sino ba ang
matinong tao na magdadala ng ganung kagarang sasakyan sa UPLB? Ayan tuloy mukhang
show-off... pero mayaman kasi talaga so whatever na lang.

Nagpark siya sa Vega at saka naglakad na lang kami. Medyo mainit pa dahil ala-una
na pero mahirap kasing maghanap ng parking slot.
“San mo gustong kumain?” tanong ko, tahimik na nagdadasal na sana fastfood lang!
Hindi kaya ng wallet ko ‘yung higit pa dun. Tsaka na ‘yung fancy kapag doctor na
ako.

“Ikaw?”

“E? Ikaw ang ililibre ko, e.”

Inilagay niya sa bulsa niya ‘yung dalawang kamay niya. “I’ll pay. Ano’ng klaseng
lalaki naman ako kung ikaw ang pagbabayarin ko?”

“Ay, ang sexist, ha!”

He just laughed at my comment. Naglalakad kami sa kahabaan ng Vega. Limited naman


kasi ng choice dito. Sa 2nd floor kaya?

“Nah. The thought that you wanted to treat me is enough. Where do you want to eat?”
tanong niya ulit.

But I kept on insisting. Feminist kaya ako! Pantay na dapat ang girls at boys
ngayon! Kaya nga hindi ako nagrereklamo kahit nakatayo ako sa HM bus pauwi kahit na
may mga lalaki na sitting pretty, e. ‘Yung ibang babae kasi gusto ng pantay na
trato pero kapag hindi pinaupo ng lalaki sa jeep o bus o kaya naman hindi
pinagbuksan ng pinto akala mo aatakihin sa puso sa galit. Aba nasaan ang logic?
Nagflush sa bowl? Tss.

“KFC tayo?”
Tumango na lang siya. Naglakad kami pabalik dun pero nung naglalakad kami, nakita
ko si Gabe sa isa sa mga photocopying center na may kasamang babae. Ayoko namang
magselos kasi may mga quiz pa ako at ayokong mastress kaya hindi ko na lang
pinansin.

Ayokong maging girlfriend na overly-attached. There’s me, there’s him, and there’s
an us. Gusto ko ‘yung may buhay kami sa labas ng relationship. ‘Yun kasi ang ideal
para sa akin.

Sabay kaming pumila ni Theo since ayaw niya naman na maghintay habang napila ako.
Ang sexist talaga ng mokong na ‘to.

After naming umorder, umakyat kami sa second floor. Siya na ang pinagbitbit ko ng
inorder namin dahil ayoko namang tapakan ang man-pride niya.

“Kamusta si Monique?” I asked him when we were settled.

He shrugged. “She’s doing fine.”

“Ooh... So, dito siya mag-aaral?” I tried to ask without sounding too prying. Hindi
niya naman kasi alam na narinig ko sila na magkausap ni Gabe, e. At saka isa pa,
hindi ako nagtatanong kay Gabe ng tungkol sa pinsan niya at hindi rin naman niya
bini-bring out. Kumbaga, taboo topic. Simula nung sinabi ko na medyo insecure ako
sa pinsan niya, hindi niya na binanggit.

Umiling siya at saka binuksan ‘yung twister niya.


“She’ll be in Diliman.”

“Ay, bakit? Ayaw niya dito?”

Umiling siya. Nakaka-curious talaga si Monique, ha!

“Not that. Her friends will go there as well. Ayaw niyang mapunta dito kung nandun
si Cass at Trish,” paliwanag niya sa akin.

Medyo na-lost naman ako. Sino naman ‘yung Cass at Trish? Mas gusto niya na kasama
‘yun kaysa dito sa pogi niyang boyfriend? Hmm. Nakaka-curious talaga ang takbo ng
utak ng mga Aldea, ha! Una si Gabe, ngayon si Monique. Gusto ko talagang biyakin at
pag-aralan ang lobes nila.

“Friends over boyfriend? Ganon? Kakaloka, ha!”

He just smiled. “Yeah, kinda.”

“Pero okay naman kayo?” I said. Parang ang fishy ko na tuloy!

Nagsalita pa siya nung biglang mahagip ng tingin ko si Gabe na naglalakad sa labas.


Ayoko talagang magduda pero hindi ba nakakapagduda kapag tawa ng tawa ‘yung
boyfriend mo kasama ang isang babae na mas maganda sa’yo?

Napansin yata ni Theo na nakatingin ako sa labas.

“Why don’t you text him?” bigla niyang sabi.

“Ha?”

Inabot niya ‘yung orange juice niya at ininom. “Ask him kung sino ang kasama niya.
He won’t lie to you, you know.”

“Ayoko nga. E ‘di overly-attached naman ang peg ko.”

“Better overly-attached than sorry, right?”

I eyed him conspicuously. “Ano’ng meron sa’yo ngayon? Ang helpful mo, ah.”

Ngumiti siya at saka sumandal sa couch. “I just like that you’re officially a part
of our world.”

Tignan mo ‘to ang weird na naman!


“I mean, I can’t be friends with everybody.”

“Bakit naman?”

Socially challenged din ba siya? Akala ko friendly ‘to? Lagi kasing may katanguan
kapag nalalakad, e. Mabenta din siya sa ‘Faces of UPLB.’

“My family’s strict. Since two of my cousins died, pinagbawalan na nila kaming
makipag-usap kung kani-kanino. I don’t know, really. I was still a kid when all
that happened so it’s a blur. But yeah, my friends are limited to my high school
mates. And then here you came.”

Bigla naman akong naawa sa kanya.

“Ibig mong sabihin dahil girlfriend ako ni Gabe pasok ako sa friend list mo?”

Umiling siya.

“Kelly, for the past months that I have known you, I know how you’re thinking. Ayaw
mong makipagkaibigan sa mga taong financially superior sa’yo as if there’s some
kind of barrier in between. So you being with Gabe made you feel obliged to be
friends with his friends. Kind of sticky situation but it works in our favour.”

Inabot ko ‘yung phone ko at nagtext kay Gabe.


To: Gabriel Dash Aldea

Kapag nalaman kong niloloko mo ako puputulan kita.

Inabot ko ‘yung chicken sandwich ko. Nagtataka ako kung bakit sobrang fascinated
nila sa presensya ko. Feeling ko tuloy isa akong circus freak.

“Ano bang meron sa akin?” tanong ko sa kanya.

Naghintay ako sa sagot niya pero nagring ‘yung phone ko. Inilagay ko ‘to sa tenga
ko. Hindi pa ako nakakapagsalita pero sabi ni Gabe, “Kelzone, you’re the star in my
dark sky. Hindi kita lolokohin, okay?”

Theo was looking at me.

“You’re the whole damn sky in the land of hopelessness.”

Nabitawan ko ‘yung chicken sandwich ko. Ay peste.

=================
Chapter 19: The Danger of First Impression

#HTSTBB Chapter 19

Napakurap-kurap ako sa narinig ko sa kanya. Hindi ko na alam bigla ang gagawin kaya
bigla kong napindot ‘yung end call sa tawag ni Gabe.

Pakurap-kurap pa rin ako. What the freak did I just hear?! Whole damn sky?!

“Ano?” tanong ko sa kanya. Baka naman kasi na-misheard ko lang.

He gave me a small smile and then nagshrug siya. “I think you clicked loudspeak,”
sabi niya. “I heard him saying you’re his star...” sabi niya.

“And?” sabi ko. Ano’ng feeling niya? He can’t say things like that! Bakit ba napaka
inconsiderate ng tao na ‘to? Nakakaasar na! Tsk.

Pero hindi ako dapat magalit. Kelly, ikaw ang matigas ang bungo na nag-aya sa kanya
na kumain kayo kaya magtigil ka dyan sa mga inaarte mo, ha. Sumali ka sa UP Dula
kung gusto mong umarte.

Sumandal siya sa couch. “And I gave him a better answer. You’re not a star, Kelly.
You should know that you’re more than that.”

Pagkatapos nun, nanahimik ako. Inubos ko na lang ‘yung orange juice ko dahil
natambak na ‘yung chicken sandwich ko. Kainis! Nasayan ‘yung 50pesos ko dahil sa
uncalled for na kalandian ni Theo!

Ayan ha, Kelly, now you know. Middle name ni Theo ang kalandian. Sa susunod, ‘wag
ka ng magdaydream sa klase para hindi ka nagkakaroon ng utang na loob kay Theo.

Pagkatapos niyang kumain, lumabas na kami.

“Hatid na kita sa dorm mo,” offer niya.

Umiling ako at saka nag-excuse. “Ay, hindi na. May pupuntahan pa ako, e.” Ano ba
naman ‘to! Nagsisimula na talaga akong magduda na socially dysfunctional siya, ha!
Hindi ba siya maka-gets ng social cues? Hindi pa ba obvious na he made me freaking
uncomfortable sa ‘Damn Sky’ comment niya kanina?! Duh! Hindi ba halata?! Kailangan
ko bang i-spell sa harap niya?!

“Hatid na kita?”

“Hindi, thank you na lang. May gagawin pa rin ako, e,” sabi ko at saka mabilis na
umalis since feeling ko magkakapilitan pa kami.

Sa totoo lang, hindi ko rin alam kung saan ako pupunta. Ang aga pa kasi at
tinatamad pa akong umuwi. Naisip ko na dumaan na lang sa Star para mag-grocery
since wala na rin pala akong shampoo.

Habang namimili ako kung Rejoice ba o Pantene ang bibilin ko, nakita ko ‘yung
kasama kanina ni Gabe na tumatawa. Hindi ko alam kung mabubunutan na ba ako ng
tinik sa dibdib dahil hindi na sila magkasama o maiinis kasi ang ganda pala nito!
Gandang-ganda na ako kanina mula sa 2nd floor ng KFC, e... Peste mas maganda pala
‘to ng face to face!

Nginitian niya ako nung mapansin niya na nakatingin ako sa kanya. “Yes?”

“Ah... ay, sorry,” sabi ko na lang sabay lakad papunta sa row ng napkin. Nako
naman, Kelly! Sige, titig pa! Alam mo naman na kahit i-push mo pa na maganda ka,
masakit talaga ang katotohanan na may mga babae na hindi mo maipaliwanag ang
kagandahan.

Shiz lang talaga! Paano pa kapag si Monique ‘yung kaharap ko? Baka lamunin akong
buhay ng insecurities ko!

Hinintay ko siya na magbayad sa counter habang nagtatago ako kasama ng mga napkin.
Hay nako! Daig ko pa ang preso dito, ha! Ano bang pumasok sa isip ko ara magtago?
Wala naman akong ginawang masama, e!

Nung makita ko na lumabas na siya, binalikan ko ‘yung shampoo ko at saka nagbayad


na rin ako. Naglakad ako papunta sa apartment ni Gabe. Malapit naman na yatang
matapos ‘yung class niya kaya hihintayin ko na lang siya sa labas ng apartment
niya. Mag-isa lang kasi siya ‘dun. Binibigyan nga niya ako ng susi kaya lang ayaw
kong tanggapin.

Bibigyan niya ako ng susi ng apartment niya... Alangan namang bigyan ko siya ng
susi ng dorm ko? Hindi kaya pwede! Tapos ano ang hihingin niya sa akin? Susi ng
pearly shell ko?! No way!

4pm ang last class niya ngayon. ‘Baka naman may pinuntahan sandali,’ I thought.
Nilabas ko muna ‘yung manual ko sa Chemlab at saka pinag-aralan habang naghihintay
kay Gabe.
Naalog na ‘yung utak ko sa mga terms na nabasa ko pero wala pa rin si Gabe. Tawagan
ko na kaya? Ay nakakaloka naman ako! Bakit ba hindi ko siya tinext?!

Sinubukan ko siyang tawagan pero ang nakausap ko ay ‘yung operator. Ano ba ‘yan!
Wala man lang akong pantawag.

Sinubukan ko rin siyang itext pero laging sending failed. Wala yata akong load.

Ayoko naman na umuwi. Sayang naman ‘yung iniupo ko rito kung wala uuwi rin ako.
Inilabas ko na lang ‘yung exer ko sa Math11 at nagsagot. Okay na rin ‘to para pag-
uwi ko sa dorm diretso tulog na ako.

Tahimik akong nagsasagot ng mga exer ko nung biglang may tumigil na sasakyan sa
harap.

“May pupuntahan lang ako. I’ll pick you up later,” sabi nung lalaki sa driver’s
seat.

May bumaba naman na babae at tumakbo papunta sa harap ng gate ng apartment ni Gabe.
“Alright. Just pick Theo up, okay? I’ll wait for Gabe here. Bye, James!” sabi nung
babae na nakatalikod. Hindi ko siya makita mula sa pwesto ko.

Itinaas nung lalaki ‘yung bintana nung sasakyan niya pagkatapos niyang sabihin.
“Aright. Text me if anything happens, Monique.”
And immediately, I froze.

Oh, chocolate fudge!

Kung idedescribe ko kung ano ang itsura niya mula sa point of view, baka hindi ko
lang mabigyan ng justice ang kagandahan niya dahil sa pagiging bitter ko. Oo na,
insecure ako pero maiiwasan ko ba? She’s no less than a queen!

When I saw her, she was in the middle of a rink pero gandang-ganda na ako sa
kanya... Pero mali pala. That did not do her beauty justice. Kahit ngayong hapon
habang nakatayo siya sa gate ng apartment ng pinsan niya, ang ganda niya na. Naka
suot siya ng kulay puti na shorts at green na pullover.

Humarap siya sa akin at sa hindi ko malamang dahilan, bigla kong nahulog ‘yung
kalung-kalong ko na mga papel.

Kumunot ang noo niya at saka binuksan ‘yung gate ng apartment at saka nakita ako.
“Hello?” sabi niya sa akin.

Abala ako sa pagpulot ng gamit ko at kinagat ko ang labi ko para sumagot. Shiz
naman, oh! Haggard moment! “Uhm... hi?” sabi ko.

Huminto siya ng ilang segundo bago niya ako biglang itinuro. Lumakas naman ang
kabog ng dibdib ko. Makaturo naman ‘tong babaeng ‘to!
“Oh, my god! I know you!” Dali-dali akong tumayo at nagsimulang maglakad palayo
pero hindi pa man ako nakakaabot sa gate, hinarang niya na ako. “Hey, bakit mo ako
nitatakbuhan?”

As she came near, my nose took a swig of her sweet scent. Ganito ba ang type ni
Theo? Feeling ko kung may langgam sa hanging lalanggamin ‘tong babaeng ‘to, e.

Iwinagayway ko ang kamay ko. “Nako, Miss, first time lang nating magkita, noh!”
sabi ko. Nadagdagan na naman ang listahan ng kasinungalingan ko!

“Really?” sabi niya na may nakakunot na noo. “But you look so familiar...”

Shiz! Ang kulit nito, ha!

“May katulong ba kayo na galing Bulacan? Nako, baka kamag-anak namin!” sabi ko.
Inilagay ko ‘yung kamay ko sa gate at saka binuksan ko. “Mauna na ako, Miss.”

Dali-dali akong naglakad palayo sa apartment ni Gabe. Akala ko nakatakas na ako


pero narinig ko siya na tinatawag ang pangalan ko at nung tumalikod ako, nakita ko
na hinahabol niya ako. Ay peste! Pinsan nga ‘to ni Gabe! Kasing kulit niya, e!

“I know you! I know you!” sabi niya habang nagtatatakbo papunta sa akin. “You’re
Gabe’s girlfriend!” sabi niya pa.

Hindi ko alam kung sinapian ba ako ng sprinter pero mas lalo pang bumilis ‘yung
pagtakbo ko nung makita ko na tumatakbo siya palapit sa akin. Napatigil lang ako sa
pagtakbo nung may nabunggo ko.
“Gabe! Gabe! She’s running away!” rinig kong sabi ni Monique habang ako naman ay
nakasubsob sa dibdib ni Gabe.

Feeling ko malaki ang budget ng mag-anak na ‘to as pabango. Grabe! Ang bango nila
talaga!

“Kelzone?” sabi niya ng takang-taka. Hinawakan niya ako sa magkabilang-balikat at


saka tumingin naman sa pinsan niya na humihingal na tumatakbo. “Oh, Monique? Akala
ko mamaya pa kayo dadating?”

Dumating na ang nightmare ko. Nasa likod ko na si Monique. Ramdam ko ang presensya
niya. Ito na ‘yung moment na matagal kong iniwasan. Nandito siya sa likuran ko,
buhay na buhay at humihinga. Within punching distance!

“Yeah, I know. Pero na-cancel kasi ‘yung classes so I went to James’ office and
turned out wala naman siyang ginagawa so here we are!” she said with glee. She even
clapped her hands. “So... she’s Kelly, huh?”

Naman, oh! Bakit ba hindi pa nauso ang matrix? Ayoko na dito! Pwede bang
magtransport ako sa ibang lugar? Kakaloka!

Kumunot ang noo ni Gabe tapos sinabi niya na, “Kelzone, ano’ng meron sa’yo? You’re
extra-weird today.”

I made a face at saka niya lang na-realize na si Monique ang dahilan kung bakit ang
weird ko ngayon.
Bigla niya akong ibinaling at ngayon, face to face na kami ng The Monique Aldea.

“Mon, she’s Kelly, my girlfriend. Babe, si Monique, pinsan ko,” sabi niya. “Hoy,
Monique, ‘wag ka ngang parang aso makatitig. Natatakot si Kelly sa’yo, e.”

Monique glared at him. “So freaking mean!” sabi niya tapos ini-extend niya ‘yung
kamay niya sa akin. “I’m Monique Aldea,” sabi niya habang nakangiti. “Did I scare
you kaya ka tumakbo? I’m sorry!” patuloy niya pa. “I was just so excited to see
you! Palagi ka kasing kinukwento—”

Hindi na nakatapos si Monique sa sasabihin niya dahil tinakpan ni Gabe ‘yung bibig
niya. “Ang ingay mo. Nasan na si kuya?”

Monique shrugged. “I don’t know. Si Theo?”

Oh. I forgot. Girlfriend nga pala siya ni Theo. Bakit ba nalimutan ko ‘yun? Nako,
nagkaka short-term memory na ako! Delikado ‘to!

“Mukha ba akong caretaker ng boyfriend mo?”

“Aish,” sabi niya at saka inilabas niya ‘yung iPhone niya. May idinial siya na
number at makalipas ang ilang segundo, may sarili na siyang mundo.
“Theo!” she exclaimed. “Where are you? I’m just curious. What? No! Hindi ako
naglakwatsa, noh! Nagtatanong lang naman! Grabe, hindi ako party girl! Okay, fine,
you’re right. Okay? Now, where are you?”

Habang naririnig ko siya, mas lalong nagliliwanag. I felt Gabe drape his arms on my
shoulder.

“So... pinuntahan mo talaga ako dito?” sabi niya at saka nag-wiggle ‘yung kilay
niya. “Kelly, ha. Dati ako lang ang in love na in love sa atin... Can’t help but
fall in love with my charms na ba?”

Dahil sa pinagsasabi niya, bigla kong naalala kung bakit ako nandito. Kinurot at
hinampas ko siya.

“Aray!” sabi niya. “Ano na naman ang ginawa ko?!”

Hindi ko naman masabi ng diretso na nakilala ko—well, not technically na nakilala


since nagkasalubong lang kami kanina nung namimili ng napkin ‘yung ex niya pero
kahit na!

“Wala,” sabi ko. “Nalimutan ko na ‘yung sasabihin ko sa sobrang tagal mo.”

“Naghintay ka?”

I nodded.
“Gano katagal?”

“2 hours? Okay lang, nasagutan ko na nga ‘yung exers ko, e,” sabi ko sabay pakita
sa kanya ng manuals ko sa Chem at Math. “Una na ako, ha. Enjoy kayo sa lakad niyo.”

Aalis na sana ako nung hinatak ako pabalik ni Gabe dahil hinila niya ‘yung strap ng
bag ko. Tignan mo ‘to!

“Sabi naman kasi sa’yo bibigyan kita ng duplicate, e.”

“Sinabi ko na naman na ayoko, ‘di ba?”

Ang kulit naman kasi nito. Ayoko nga, e. Para kasing iba na ‘yung dating kapag may
susi ako ng apartment niya. Live-in na ang peg? Hindi pa kaya ng neurons ko!

“E ‘di gawin mong keychain. Ayoko lang naman na naghihintay ka sa labas e pwede ka
namang pumasok sa loob.”

I sighed. Ano ba ‘tong pinagtatalunan namin ang babaw. “Sorry na. Besides, okay
lang naman. Nakagawa pa nga ako ng assignment, ‘di ba?”

Nag-uusap pa kami ng bigla kaming kalabitin ni Monique. “Hey, love birds, I don’t
want to ruin your mood pero Theo’s in his college daw. Let’s go to him, Gabe!” sabi
niya na parang bata.

Ang ganda at ang endearing ni Monique. Kung lalaki ka, magugustuhan mo siya... Ang
ganda niya talaga... Pero kung babae ka, siya siguro ang magiging favorite mong
object of jealousy.

“Hindi ka na natuto,” sabi ni Gabe. “Sabi ni Theo ‘wag kang pumunta ‘dun ‘di ba?”

“He’s just being OA! Tara na bilis!”

Biglang kinap-kapan ni Monique si Gabe hanggang sa makuha niya ‘yung susi ng


sasakyan ni Gabe. Nagtatakbo siya papunta dun.

“Bakit bawal siyang pumunta sa ECON?” tanong ko.

“One time kasi sinurpresa niya si Theo sa ECON e naligaw si Monique kaya
pinagtripan ng mga lalaki. Alam mo na, kahit mukhang tanga si Monique maganda kasi,
e. Galit na galit si Theo sa kanya nun, e...”

Ay, parang hindi naman fair! Kasalanan na bang maging maganda?! Parang sa rape lang
‘yan. Kahit gaano kaigsi ang shorts ng babae, hindi sapat na dahilan ‘yan para
mang-rape.

“Kawawa naman si Monique...” bulong ko.


He yawned, mukhang puyat si Gabe. Kawawa naman ‘tong unggoy. “Mas kawawa ‘yung mga
lalaki. Muntik ng ma-suspend si Theo ng one sem dahil ‘dun,” sabi niya. Natigilan
ako. Fudge for real?!

Gusto ko mang magtanong kung bakit pero hindi ko na ginawa. Masyado naman akong
magiging fishing... Besides, masyadong private matter na yata ‘yun. I think I have
heard enough for today.

Nagsimula na siyang maglakad nung huminto ako.

“Kelzone?”

“Sige, babye! Ingatan mo si Monique,” sabi ko sabay wave.

I think it’s wrong to hate someone whom you have never really talked to. Hindi
naman kasi matinong basis na ayaw mo sa posts niya sa fb, sa tweets niya, sa blog
niya... Maaaring ayaw mo sa online presence niya pero malay mo naman genuine pala
siya in person?

Naguguilty tuloy ako na hinusgahan ko agad si Monique. She seemed like a nice
person.

“You’re coming with us,” sabi ni Gabe. “Come on, Kelly. Pinsan ko pa lang ‘to. Baka
himatayin ka sa December kapag buong pamilya ko.”
“Gabe naman...”

But he was so insistent.

Lumapit siya sa akin at saka nilagay ‘yung kamay niya sa mukha ko. “Dapat nag-isip
ka muna ng mabuti bago mo ako sinagot. No return, no exchange policy, Kelly. Nung
sinagot mo ako, wala ka ng kawala sa akin. I’m yours until you want me.”

=================

Chapter 20: The Beauty of Tragedy

#HTSTBB Chapter 20

“No kidding?” sabi ni Monique habang nasa Centro kami at kumakain. Nasundo na namin
si Theo sa college niya and as expected, medyo sinamaan niya ng tingin ang
girlfriend niya pero si Monique, parang wala lang na nagalit sa kanya si Theo. In
fact, mukhang sanay na siya na pinapagalitan ni Theo dahil ang ginawa niya lang ay
ngumiti siya kay Theo at saka lumapit sa kanya at niyakap.

You don’t think fairytale-like love exists? I dare you to look at Theo and Monique.

Tumango ako.

“That’s so cool!” patuloy niya pa habang hinihiwa ‘yung burger niya. “I mean,
Theo’s out of it sometimes. He could use a friend like you,” sabi niya sabay ngiti
sa akin.
Ano ba ‘yan. Mas naguilty naman daw ako sa pagkakaroon ko ng tiny crush sa
boyfriend niya. Pero feel ko naman na sanay na si Monique dun. I mean, Theodore
Angelo Henares ang boyfriend mo. Siguro at one point masasanay ka na rin na
maraming umaaligid.

Hmmm. Masasanay din ba ako na may mga umaaligid kay Gabe? Ayoko nga. Hindi dapat
ako masanay sa feeling na constantly under threat ka.

Nagfocus na lang ako sa burger ko habang nag-uusap sila. Hindi naman kasi ako maka-
relate sa Zobel na pinag-uusapan nila. Nakita ko na rin ‘yung sinasabi ni Danielle
na kuya ni Gabe. Hot pala nun! Kaya lang ‘di ko siya type kasi ang serious ng mukha
niya.

“So sa Diliman ka na talaga?” tanong ni Gabe. Katabi ko siya tapos kaharap ko naman
si Monique. Katabi niya si Theo at ‘yung kuya naman ni Gabe, umalis pagkatapos
ihatid si Monique, dadaanan na lang daw siya ulit mamaya. Prinsesa talaga ang
turing nila kay Monique.

She nodded eagerly. “Yes, BS Psyche ang nilagay namin dun. Besides, wala namang
Psyche sa UPLB so my only choice is Diliman.”

Ay oo nga pala isa sa pinag-awayan nila ay ang pagpasok ni Monique sa college life.
Hindi kaya mahirap ‘yun? Nasa Los Bańos si Theo tapos siya naman nasa Quezon City.
Tss. Bahala nga sila. Bakit ba namomroblema ako sa love life ng ibang tao?

“Why not Human Eco? Hindi ba related naman ‘yun?”

Kanina pa kinukulit ni Gabe si Monique kung bakit dapat sa LB na lang din siya.
Napansin ko na tahimik lang si Theo na kumakain. May something weird sa kanya na
hindi ko maintindihan. Para siyang may iniisip na malalim.

“Ayoko nga!” Monique exclaimed. “Bakit ba kasi ang kulit mo, Gabe? Kainis ka na!”

Gabe just laughed at her. Bulong niya, “Isip bata talaga nito.”

Cute naman ‘yung pagiging isip-bata ni Monique, ah. ‘Yung iba kasing isip-bata ang
sarap sipain, e. Hindi naman bagay nag-iinarte pa.

Monique held Theo’s face and asked him, “Okay ka lang?” Even her voice sounded so
good! May British twang pa! Ano ba ‘yan! Wala bang bagay nakaka-turn off sa kanya?!
Nakakaloka na!

At ano ba ‘tong tumatakbo sa isip ko?! Nagiging fangirl na ba ako ni Monique?!

“I’m alright,” Theo said.

Gabe scoffed. “Alright my ass. Hindi ‘yan okay, Monique. Palagi ko ‘yang naririnig
na nagtatanong kung bakit daw ba ang tigas ng ulo mo. Give it some time, iiwanan ka
na niyan,” he said while laughing.

And that being said earned him a fries thrown at him.


Niyakap ni Monique ‘yung braso ni Theo. “Shut up, Gabriel. Theo loves me, okay? He
loves me too damn much para iwan.”

“Too much of everything is bad,” sabi ni Gabe.

“Ugh! Bakit ba ang kontrabida mo? Type mo ba si Theo?! Kelly, oh! Ang sama ng ugali
ni Gabe!” sumbong sa akin ni Monique.

Napailing na lang ako sa babaw ng pag-aaway ng dalawang ‘to. Kumain na lang kami at
nung pagkatapos namin, naglakad kami papasok sa UPLB dahil sabi ni Monique gusto
daw niyang maglakad. Sabi ni Theo baka daw mapagod lang siya dahil uuwi pa siya ng
Alabang at may pasok pa siya.

“It’s alright, They,” sabi niya.

“You sure? Mamaya kapag nalaman ko kay James na umabsent ka lagot ka sa akin,” Theo
said.

“Promise I won’t. Besides, 6pm pa lang naman. By 10 nasa Alabang na kami so please
let’s just enjoy this walk.”

“Alright.”

“Thanks, They! And please hold my hand.”


Nasa likod namin sila ni Gabe. Si Gabe katabi ko habang nakikinig kami sa usapan ni
Theo at Monique.

“So... ‘yung susi?”

“Aish. Hindi mo pa rin isusuko ‘yung susi?”

Umiling siya at saka may kinuha sa bulsa. “Ito na kasi, Kelzone. Gawin mo na lang
keychain basta alam ko na may susi ka, masaya na ako.”

Ano ba ang meron sa susi na ‘to at ang kulit ni Gabe? Umaatake na naman ang ADHD
niya!

“Fine, akin na,” sagot ko at saka inabot niya sa akin iyong susi. Inilagay ko naman
agad ‘yun sa bulsa ko para manahimik na siya. “Oh, masaya ka na?”

He smiled at saka hinalikan ako. And that made Monique produce disgusted sound.
“You’re so disgusting, Gabe! Sa gitna ng daan, really?”

“Halikan mo rin si Theo kung gusto mo. Ang arte-arte mo talaga.”

Pagkatapos nun, hindi ko namalayan na nasa Freedom Park na pala kami. Naupo kami ni
Monique doon sa may steps sa tapat ng DL Umali habang sila Theo naman nag-offer na
bibili ng tubig sa 7-11.
Wala pang isang minuto na umalis sila Theo pero nagsalita na agad siya.

“So... how’s my cousin?”

“Ha?”

She looked up and then closed her eyes. “Hindi pa kasi tayo nakakapag-usap. Is he
treating you right? Tell me if he isn’t, isusumbong natin siya sa kuya niya,” sabi
niya. Damn it. Ang bait niya rin! Wala bang flaw ‘to?! Pwede na bang i-consider na
flaw ‘yung pagiging conyo niya?

“Hindi naman,” sabi ko. “Okay naman kami ni Gabe.”

“Sure?” Natawa ako bigla. Para naman kasing pinalalabas niya na may ginagawang
hindi maganda si Gabe sa akin! “I mean, you’re the first girl that Gabe actually
want to introduce to the family. Marami naman na naging girlfriend ‘yun pero hindi
niya naman pinapakilala so I figured you must be special.”

I just smiled. Hindi ko kasi alam ang isasagot.

“And you’re Theo’s friend, as well... Damn you must be really something, Kelly.”
Hindi ako makasagot. Special ako? E ano pa ang tawag sa kanya? Extra special?

“Mas close ka naman kay Gabe and girlfriend ka ni Theo,” sabi ko na lang.

She smiled at me. “I’ve seen people try to get close to them and I’ve seen them
fail miserably. Don’t bring yourself down. If you yourself do, sino pa ang ieexpect
mo na mag-aangat sa’yo, right? Trust me, you’re something...”

Bakit siya ganito magsalita? Nawweirduhan ako.

“Ha? Ano’ng ibig mong sabihin?”

Umiling siya sa akin. “Wala ‘to,” sabi niya. “Nagiging sentimental lang ako.”

“Bakit naman?”

“Theo’s so out of it. I think the fact that I chose Diliman is getting in his
head.”

“Hindi naman siguro... mukhang open-minded naman si Theo,” sabi ko.

Narinig ko naman na sinabi ni Theo na okay lang sa kanya na sa Diliman mag-aral si


Monique. Tsaka bakit ba ang laki ng problema ng mga tao na ‘to? ‘Yung kapit-bahay
nga namin ang jowa tiga Iraq at partida sa computer monitor lang sila nagkikita
pero wala naman akong naririnig na reklamo. At isa pa, may pambili naman sila ng
gas at may driver naman sila! Nako! Mga rich kids problems talaga ang trivial!

But she just smiled at me. Nirespeto ko na ayaw niyang sabihin sa akin since hindi
pa naman kami ganoon ka-close pero na-appreciate ko na nag-open up siya sa akin
kahit papaano.

After a while, dumating na si Gabe at Theo. Nagstay kami dun sandali habang
pinapanood magjogging ‘yung mga tao at pinapanood na magpratice ng cheerdance ‘yung
mga sasali sa PALACASAN. Bandang 7pm, nagpaalam na si Monique.

“Nice meeting you, Kelly,” sabi niya habang yakap ako. Bakit ganito ‘yung sila
Theo? Mahilig yumakap? Rich kids thing ba ito? “Take care of my boys.”

“Oo naman.”

Nagbeso pa kami tapos kumaway siya habang naglalakad papasok sa sasakyan ni kuya
James. “Bye, Kelly!” Pumasok na siya sa loob tapos bigla niyang tinawag si Gabe
kaya nagpaalam na rin sa akin si Gabriel.

“I’ll call you,” he said then hinalikan niya ako sa cheeks.

Kumaway ako habang paalis na sila.

“Uuwi ka na?” I was startled when I realized na kasama ko nga pala si Theo. Tumango
na lang ako. It’s been a long day. “Tara, sabayan na kita.”
“Eh? Pano ka uuwi? Nasan ba ‘yung sasakyan mo?”

Pero nagsimula na rin kaming maglakad sa gitna ng Freedom Park. Mabuti na lang at
hindi umulan o kung ano pa man. Kadiri kayang maglakad sa gitna ng putik!

“Nasa harap ng Biosci.”

Hindi na ako nagtanong kahit na nacucurious ako kung bakit lagi siya dung nagpapark
e tiga-Econ siya. Wonders of life nga naman!

Pero dahil bothered na bothered ako sa sinabi ni Monique kanina, hindi ko


napigilang magtanong. “Okay ba kayo ni Monique?”

Napatingin siya sa akin. “Yeah, sure.”

“Weh? Mukhang hindi naman sure ‘yang ‘yeah, sure’ mo.”

Mabuti na lang at maraming stars ngayon kaya dun ko na lang ibinaling ang focus ko.
Kinakabahan kasi ako sa isasagot ni Theo. Naramdaman ko na nagvibrate ‘yung phone
ko sa loob ng bulsa ko. Siguro si Gabe ‘to. Siya lang naman ang masipag magtext sa
akin, e.
Akala ko hindi na sasagot si Theo kasi nakarating na kami sa gitna pero wala pa rin
akong nakukuha. Okay lang naman sa akin since hindi naman kami close kaya bakit
naman ako magagalit kung sakali na hindi siya sumagot, ‘di ba?

“Are you sure you wanna hear this?”

“Ha? Bakit naman hindi?”

“Because once upon a time, you liked me.”

Napahinto ako dun, ah.

“Oy grabe, ha! Hindi maka-move on! Binaon ko na ‘yun sa ilalim ng puso ko!”

Inilagay niya ‘yung kamay niya sa bulsa niya at nako! Nako! Lumabas na naman ‘yang
nakakalokong ngiti! “Precisely,” sabi niya. “Those feelings are buried but they are
still there.”

Shiz na ‘yan! Namali pa yata ako ng sagot! Dapat pala sinabi ko na na-i-flush ko na
sa toilet ‘yung feelings ko! Ano ba ‘yan! Feeling ko nagtataksil ako kay Gabe nito,
e!

“‘Wag mo nga akong gamitan ng logic mo, Theo.”


Nakakainis. Nagsisimula na naman siya.

He messed my hair at saka nagsimula na ulit na maglakad. “I was just kidding.”

“Well, then, don’t kid. Hindi nakakatuwa,” sagot ko.

“Try to tolerate me more, Kelly. I have this feeling that we’ll be around each
other for a long time.”

“Then i-dispose mo ‘yang feeling mo.”

Natawa lang siya sa akin. Bwisit. Bakit ba kasi nagtanong pa ako tungkol sa kanila
ni Monique? Nagbackfire tuloy sa akin.

“So, you wanna hear my problem?”

Inirapan ko siya. “Ayoko na. Mamaya kapag nagreact ako sabihin mo naman affected
ako kasi crush kita. Alam ko na ang takbo ng utak mo okay.”

Tawa siya ng tawa sa akin. Bwisit na ‘to! Bunutin ko ‘yang perfect mong kilay, e!

“Tawa ka dyan! Seryoso kaya ako!”


He smiled at me. Mas nauna siyang maglakad sa akin.

“I know. Precisely why I can’t tell you, Kelly.”

Hindi dapat ako magtanong pero bwisit na bibig ‘to may sarili yatang buhay.

“Bakit?”

“Because you liked me once and you might like me again. It’s just a cycle.”

A picture of Gabe shot right through my brain. Hindi pwede.

Binagalan ko ‘yung lakad ko. “I liked you once and I already know how it will end
if I’ll like you again. Parang kwento lang ‘yan na natapos mo na at tragic ‘yung
ending. Kahit na ilang beses mong ulitin, tragic pa rin.”

Pero dahil siya si Theo, kailangan nasa kanya ang huling salita. Bigla akong
nanlamig sa narinig ko. Gabe naman! Bakit mo ba ako hinahayaan na kasamang mag-isa
‘tong lalaki na ‘to?!
“That’s the beauty of tragic ending... It hurts so much that you won’t be able to
forget it. It’s a cycle. A cycle.”

=================

Chapter 21: That Fleeting Feeling

#HTSTBB Chapter 21

Kaya mo ‘yan, Kelly. ‘Wag mong kakalimutan ang goal mo kaya ka nag-aaral: kailangan
mo pang bilhan ng sasakyan ang tatay mo at kailangan mo pag ilibot sa ibang bansa
ang nanay mo.

With this thought in mind, I conquered my assignments. Kung para sa sarili ko lang
din baka matagal na akong nagdrop-out. I mean, hindi naman sa wala akong pakielam
sa future ko... Hindi lang kasi ako fan ng formal education. Feeling ko nga mas
marami pa akong malalaman kung tatambay ako sa youtube at mag-aapply ng crash
course sa coursera.org. Pero dahil nakatira ako sa bansa na katumbas ng diploma ang
matinong trabaho, kailangan kong mag-aral ng mabuti.

“Gusto mong coffee? Bababa ako,” offer ni Ate Gelle sa akin.

Ngumiti ako at nagdecline. Sobrang kape na yata ang na-consume ko nitong mga
nakaraang araw. Malapit na kasi ang pre-finals period at nagsisimula na akong mag-
aral. Ayaw ko naman kasing mangarag sa mismong week na ‘yun, noh. Mamaya magkaroon
ako ng mental diarrhea sa mental binging na gagawin ko, mahirap na.

Come to think of it, November na... Konting push na lang December na! Goodness
gracious! Naka-survive ako sa first sem ng college!
Buong gabi akong nagreview, lumipas ang buong weekend na nagrereview lang ako.
Ayokong tawagin ‘yung sarili ko na nerd dahil masyadong weird at self-degrading
pakinggan at kasalanan ‘yan ng mga tao na kapag mahilig mag-aral ibig sabihin wala
na agad social life? Kakaloka! May friends naman kaya ako... at may love life din
ako, noh! Nerd kayo dyan!

Speaking of love life...

Humiga ako sa kama ko. Monday night ngayon at kakatapos ko lang mula sa community
work ko for NSTP. Nakalimutan kong i-check ‘yung cellphone ko. May tendency kasi
ako na magzone out kapag nag-aaral, e.

From: Gabriel Dash Aldea

Kels, may gagawin ka this Saturday?

From: Gabriel Dash Aldea

No reply... so I’ll take that as a yes. Nag-aaral ka no? Good luck, Kelzone!

From: Gabriel Dash Aldea

Sunday na! Kelly, usong magtext.

From: Gabriel Dash Aldea

Babe?
Ang dami namang text nitong si Gabriel! Nakakaloka! Feeling niya ba bigla na lang
akong kikidnappin?

Isinara ko na ‘yung thread ng texts ni Gabe at binasa ko ‘yung text ni ate at ng


magulang ko tapos nagreply ako na sinasabi na nag-aral nga ako. Alam naman nila na
intense ako kapag nag-aral. Hindi lang halata pero feel na feel kong mag-aral kahit
na madalas akong magreklamo. Feeling ko kasi ang saya saya kapag nadadagdagan na
naman ng bagong kaalaman ang utak ko.

May isang text doon na nagpaasim ng mukha ko.

“Psh,” sabi ko habang tinitignan ang text ni Theo. “Bubuksan ko kaya ‘to?”

Inabot ko muna ‘yung tumbler ko ng tubig bago ako nagdecide na buksan ‘yung text
niya.

From: Theo Henares

Actions are the first tragedies of life; words are the second. Words are perhaps
the worse. Words are merciless. –Oscar Wilde

I scoffed. Pesteng ‘yan! Masyado na ba siyang matalino kaya hindi na niya


kailangang mag-aral at pasend send na lang siya ng quotes sa akin?! At hanggang
ngayon hindi pa rin siya moved on sa ‘tragic ending’ talk namin? Nung Wednesday pa
‘yun, ah! Monday na ngayon! Kakaloka!

Una ko munang nireplyan si Gabe.


To: Gabriel Dash Aldea

Sorry, nag-aaral ako. Why?

Nag-isip pa ako ng irereply ko kay Don Theo. Nakakaasar naman kasi! Ang talino niya
bwisit! At mas lalo akong naiinis dahil kahit na gaano pang-asar ‘yung lumalabas sa
bibig niya, kapag pinag-isipan mo, tama siya. Kainis, ‘di ba?!

To: Theo Henares

Mas merciless pa ang words ko dyan sa quotes mo! Tigilan mo nga ako! Block kita jan
e!

Pagkatapos nun, natulog na muna ako at nagising ako, kinabukasan na! Shit na ‘yan!

“Oh, my god,” sabi ko habang nakatingin ako sa phone ko. Absent na ako sa Chemlab
ko. Shit. Hindi tumatanggap ‘yung prof ko ng late na manual. Fudge talaga!

I overslept! Ugh! Nakakainis! Hindi ako dapat umabsent! Malapit na ‘yung prefinals
tapos ngayon pa ako umabsent?! Good job, Kelly! Magaling ‘yan! At ngayon kulang ka
na sa requirements! Gaano ba kahirap i-alarm ‘yang cellphone mo?!

Mabuti na lang at wala na ‘yung mga roommates ko dahil ayoko na makita nila ako na
naiinis. Ayoko ng may nakakakita sa akin na ganitong ka-frustrated. Bwisit talaga,
oh!
Naligo na ako dahil ayoko naman na pati sa next class ko umabsent ako. Ugh!
Nakakainis talaga!

Pagdating ko sa CAS Basement, wala pang katao-tao. Mas mabuti na ‘to kaysa
magmukmok ako sa room ko. Hindi pa rin ako makapaniwala na hindi ako nakapasok sa
Chemlab ko!

Binuksan ko ‘yung pintuan ng room at nagulat ako dahil nandun si Theo. Lumingon
siya sa akin at tinanggal niya ‘yung earphones niya. Tumingin siya sa relo niya at
saka sinabi, “Wala kang pasok?”

“Paki mo?” I snapped.

“Chill... Ang sungit mo ngayon,” sabi niya.

Umupo ako sa likod niya at saka tinitigan ‘yung manual ko. Pinagpuyatan ko ‘to
buong weekend tapos dahil lang hindi ako nagising ng maaga, nawala na lahat ng
pinagpaguran ko. Fudge talaga.

Hindi ko namalayan, naiyak na pala ako. Agad ko namang pinunasan ‘yung luha ko. Ang
babaw naman ng iyak na ‘to nakakainis!

“Oh,” sabi niya sabay abot sa akin ng panyo niya. Nung hindi ko tinanggap, ang sabi
niya, “You’ll accept this or I’ll wipe your tears off for you?”
Agad ko namang inagaw ‘yung panyo. Naiinis na ako ngayon, hindi niya na kailangang
dumagdag pa!

Pagkatapos kong punasan ‘yung luha ko, tinanong niya ako. “Ano’ng problema mo?”

“Tss.”

“Come on, akala ko friends na tayo?”

Inirapan ko siya. “Hindi tayo friends. Hindi ako nakikipagfriends sa mga taong
malandi. Theo, ‘di ka ba kinikilabutan? May girlfriend ka tapos nilalandi mo ako?
Kuya, girlfriend ako ng kaibigan mo!”

Hindi ko na mapigilan ‘yung bibig ko. Inis na inis na ako! Una ‘yung manual ko,
tapos ngayon si Theo! Naiinis ako! Tapos hindi pa ako nagbbreakfast!

“Hindi naman kami friends ni Gabe.”

Ugh! Bakit ba ang in denial nila?! Ganyan din ang sabi ni Gabe sa akin dati, ah!
Hindi pa ba sila friends nun? Bite me!

Gusto ko ng sabunutan ang sarili ko sa frustration. Si Theo lang talaga ang kayang
gawin akong ganito ka-frustrated!
“E ‘di pinsan ng girlfriend mo! Different words, same meaning!”

“So semantics?” sabi niya.

Ngayon, gusto ko siyang batuhin ng manual ko.

“Huwag mo akong gamitan ng talino mo ngayon, ha. Mainit ang ulo ko.”

Mukhang mali na naman ang salita na lumabas sa bibig ko dahil iniikot niya pa ang
upuan niya paharap sa akin.

“What?” sabi niya nung irapan ko siya.

“Ang sabi ko, mainit ang ulo ko,” I seethed.

Tumango naman siya. “And I reacted by turning around. You see, Kelly, this is
pragmatics. You said na mainit ang ulo mo and I reacted the way I see appropriate.”

Ito na ‘yung moment na gusto ko siyang hampasin ng upuan.

“For example, sinabi mo na madilim... How would I know kung ano ang gusto mong
gawin ko? Maybe I’d be a douche and say, “Then turn the switch on.” This is what
you call—”

I raised my hand and said, “Theo, will you please stop?!”

Napatigil siya sa pagsigaw ko.

“Hindi ko kailangan ng English101 mo ngayon, okay?! I’m pissed!” May kinuha siya
mula sa bag niya at inabutan niya ako ng Coke. “Ano’ng gagawin ko dyan?!”

Inilayo niya sa akin bigla.

“Geez, Kelly. What’s gotten into you?”

Ayokong magsorry dahil kanina ko pa siya sinisigawan. Kasalanan niya naman kasi!
Lapit siya ng lapit! Hirap na hirap siyang pumick up ng social cues! May Asperger’s
ba ‘to?!

Pero ayoko naman na... ugh, fine. Naguguilty ako na sinisigawan ko siya kahit wala
naman siyang ginagawa.

“Sorry,” sabi ko. “Hindi pa ako nagbbreakfast kaya hindi ako pwedeng uminom ng soft
drink,” paliwanag ko na lang.
“Oh.” Kinuha niya ‘yung bag niya tapos binuksan at may inilabas siya ‘dun na
pagkain. Hindi ko naman napigilan at natawa ako. Parang may canteen sa bag ni Theo!
“What?” sabi niya. “I’m a guy. I eat a lot.”

Kahit na nahihiya ako, tinanggap ko ‘yung inabot niya sa akin na sandwich na


nakalagay sa microwavable container. “Thanks,” I said.

Ngumiti lang siya at tumango. “So, care to tell me about your problem?”

Nagsimula na akong magkwento tungkol sa kinaiinisan ko na nangyari. Habang


nagkkwento ako, naiinis pa rin ako! Ugh! Bwisit na pagtulog ‘yan, oh!

“That’s your problem?”

Tumango ako.

“Who’s your prof again?” Sinabi ko sa kanya ‘yung pangalan ng prof ko at saka
sinabi niya na siya na ang bahala. Nung tinanong ko naman, ang sabi niya lang, “Ako
na bahala.”

Huh?

“Just... trust me, okay? At sa susunod, mag-alarm ka.”


After nun, dumating na si Sir Tabz at inannounce na wala na kaming class for the
next month pero binigyan niya kami ng list ng mga ipapasa namin na paper. Hindi ko
alam kung matutuwa ba ako na wala ng pasok o maooverwhelm sa dami ng paper na
binigay niya. May list din ng play na kailangan naming panoorin sa DL. Wow lang
talaga.

Lumabas na kami sa class tapos didiretso na pala ako pauwi pero nacurious ako bigla
kay Theo. Pinauna ko na siyang lumabas at sinundan ko siya. Papunta siya sa PhySci
kaya malakas ang kutob ko na pupuntahan niya ‘yung prof ko.

Para akong ninja na naglalakad papunta dun. Umakyat siya sa second floor at saka
huminto sa room ng prof ko.

May tinawagan siya sa phone niya.

“Mom? Yeah... I’ll ask for a favor. ‘Di ba may sorority mate ka na Chem prof dito
sa UPLB? Yeah... that one. Can you call her up and say na magpapasa ako ng late
requirement? No, no, hindi sa akin ‘to. Yes, babae ang kaibigan ko and no, I’m not
cheating on Monique. I was the reason kaya hindi siya nakapagpasa so please stop
questioning me? Okay na? Alright. Pakisabi na nilagay ko sa basket sa harap ng room
niya. Thank you.”

Mabilis akong nagtago nung papaalis na siya. Grabe. Naguilty naman ako na
sinungitan ko siya.

Hinintay ko na makaalis siya at saka ako lumabas sa CR na pinagtaguan ko. Dumiretso


ako sa dorm para magpahinga. Pagkahiga ko, tinignan ko ‘yung phone ko pero nagtaka
ako dahil wala man lang text mula kay Gabe. Weird...

-- 
Okay this was getting weird!

Tatlong buong araw na na hindi nagtetext si Gabe! Weird na talaga ‘to!

Kasama ko si Danielle ngayon dahil nagpapasama ako sa kanya sa apartment ni Gabe.


Friday ngayon at nag-aalala na talaga ako... Pinaglagpas ko ‘yung hindi siya
nagparamdam mula Monday hanggang Thursday pero sobra na ‘yung hanggang ngayon!

“Baka naman may nagawa ka, teh? Knowing you malamang meron!”

“Grabe! Bakit ako agad ang may mali?!”

Umiling siya sa akin. “Wala lang feel ko lang. Hindi naman matampuhin si Gabe, e.
Oh baka naman busy lang sa pag-aaral?”

Buti nga kung busy sa pag-aaral... Mamaya anatomy na pala ng babae ang pinag-
aaralan niya!

Inirapan ko siya. “Danielle, pareho nating kilala si Gabe. Hindi mahilig mag-aral
‘yun.” Hindi naman kasi mahilig magreview si Gabe pero mahilig siyang magbasa ng
libro kaya kapag exams, hindi siya kinakabahan.

Naglakad kami papunta sa apartment ni Gabe at dun sa labas, nakita ko na nandun na


naman si Astrid. Tignan mo nga naman.
Nung nakita niya ako, bigla siyang ngumiti at tumayo. Lumapit siya sa akin at
niyakap ako. Habang yakap niya ako, sinabi niya na, “7 days. 7 fucking days.”

Hindi ako makapagsalita dahil naka-glue pa rin kay Astrid ‘yung mata ko.

“Sino siya?” I managed to say. Kilala ko siya pero ayokong sabihin na kilala ko
siya. Nag-eexpect ako ng explanation.

Habang yakap ako, nilingon niya si Astrid. “Ah. Babe, si Astrid. Astrid, si Kelly,
girlfriend ko.” Parang may kulang sa description niya. Ex niya si Astrid, ‘di ba?
Tinatago niya ba?

Na-sense yata ni Danielle ‘yung imbalance sa atmosphere kaya nagsalita siya. “Uy,
Astrid! Long time no see, ah!” sabi niya. Magkakilala ba sila? Sikat ba ‘to? Fudge!
Miss CEAT nga pala ‘to! “Bakit ka nandito?”

Ngumiti lang siya. “Project sa EnSci.”

Feeling ko wala akong karapatan na magreklamo kay Gabe dahil busy lang din naman
siya sa pag-aaral kagaya ko. Kasalanan ko na siguro na pinatagal ko ng 7 days na
hindi kami nag-uusap.

Minsan iniisip ko kung ready na ba akong magboyfriend pero nandito na kasi. Pero
minsan talaga pakiramdam ko masyado pa akong bata at mas may iba akong priority.
Nagkwentuhan si Danielle at Astrid sa labas habang ako pinapasok sa loob ni Gabe.
Kinuha niya ako ng milktea mula sa ref niya.

“Hindi ba ex mo si Astrid?”

Natigilan siya sa sinabi ko. Sorry kasi ayoko ng mga drama. Bakit ba nagtatago pa e
dadating din naman ‘yung time na malalaman ko? Hindi naman ako tanga, hindi rin
naman ako pinanganak kahapon.

Tumango siya.

“Bakit hindi mo sinabi sa akin?”

He was quick to clear my head from doubts.

“Sorry.”

“Sorry? Okay”

Tumango siya. “Kelly, I’m not cheating on you.”


“Wala naman akong sinabi na niloloko mo ako, ah?”

Mukhang frustrated na siya ngayon. “Alam ko. Pero nasa labas kami ng apartment,
wala naman kaming ginagawa.”

Tinapangan ko ‘yung mukha ko. “Bakit ka nagpapaliwanag? Hindi naman ako nagdududa,
ah...”

“You’re being unfair.”

“I am not.”

“I hate it when we’re fighting,” sabi niya.

Sumagot ako. “Gabe, it’s not always rainbow and unicorns. There’s storm and
avalanche, okay? Now, let’s talk. Bakit mo hindi sinabi sa akin na ex mo si
Astrid?”

He was quick to answer. “Ewan. I forgot? Hindi ko alam.”

This is the problem with thinking that someone is perfect. They are bound to commit
some mistake that would destroy their perfect image and once it’s done, there’s no
turning back.
Ngayon, unti-unti kong nakikita ‘yung mali sa relasyon namin ni Gabe. Masyado
kaming carefree. Hindi pala maganda ang masyado kayong hindi nagseseryoso.

“Okay,” sagot ko. “May hindi ka pa ba nasasabi sa akin? Sabihin mo na ngayon,


makikinig ako.”

Hinawakan niya ako sa braso ko. “Come on, Kelly. You’re being unfair. Isang beses
lang akong nagkamali, gagantuhin mo na ako? Unfair naman yata ‘yun.”

Hindi ako sumagot kasi tama naman siya. Masyado yata akong naging unfair. Kung
tutuusin ako pa nga ang may kasalanan sa kanya. Sa tuwing nag-uusap kami ni Theo
nagkakaroon ako ng kasalanan kay Gabe.

“Iiwasan ko si Astrid kung siya lang din naman ang pag-aawayan natin. Come on,
Kels. Wala pa tayong two months, oh. Aabot pa tayo ng one year, ‘di ba?”

Gusto kong sumagot pero hindi ko mahanap ‘yung tamang salita na sasabihin.

“After this project, hindi ko na siya papansinin...”

Hindi ko pa rin mahanap ‘yung tamang salita. Nasan ka na ba?

“Fine, ako na lang ang gagawa mag-isa ng project namin. Babe? Kausapin mo naman
ako, oh?”
There. Nahanap ko na!

“Gabe,” sabi ko. Tumingin siya sa akin. “We don’t need to be a tragedy para maging
immemorial. Just stay beside me and never—I mean never lie to me and we’ll be fine.
I’m actually pretty patient but I can’t tolerate liars and cheaters.”

He smiled at me.

“I don’t cheat. Alam ko ‘yung meaning ng commitment, Kelly.”

“That’s what she said.”

“Sorry na, ha?”

That night, sabay kaming nagdinner tapos hinatid niya ako sa dorm ko... Nag-usap pa
kami sa labas. Ang dami niyang sinabi dahil seven days kaming hindi nagkita. Naipon
daw lahat ng gusto niyang sabihin.

“Good night na.”

“Sabado naman bukas. Usap pa tayo...”


“Uuwi ako ng Bulacan, e,” sabi ko. Nagoffer naman siya na ihahatid ako. “Eh? ‘Wag
na. Next time na lang. Umuwi ka na lang sa inyo.”

“Punta ako sa inyo sa New Year?”

Bakit ba gustung-gusto nito makita ‘yung parents ko? Weird ha! May nanay naman siya
nakiki-nanay sa nanay ko!

“Oo na,” sabi ko na lang. Malabo naman na makapunta siya. Narinig ko si Monique na
sinabi na buong Christmas break nandun sila sa US kasi nandun ang parents ni
Monique kaya buong pamilya sila na pupunta ‘dun dahil busy masyado ang parents niya
para umuwi. Weird ng setup nila.

Nag good night na kami sa isa’t-isa.

Umakyat na ako sa taas at kinuha ‘yung netbook ko. Nakapagreview na naman ako kaya
pwedeng magchill ako ngayon kahit na prefi na next week.

Nakita ko si Monique pagbukas ko ng fb ko. Friends na nga rin pala kami!

Monique Aldea: Here's all you have to know about men and women: women are crazy,
men are stupid. And the main reason women are crazy is that men are stupid!

Ooh. Nag-away kaya sila ni Theo?


Nakita ko na nagcomment si Theo sa status ni Monique ng, ‘Sa private message tayo
magusap, or text, or call.’

Sumagot naman si Monique ng, ‘seen, Theo. Seen!’

Parang bata talaga si Monique pero ang cute niya! Nilike ko ‘yung status at comment
ni Monique tapos uminom ako ng tubig. Bigla namang may nagpop na message.

Theo: Can I talk to you?

Me: Depende. Tungkol saan?

Theo: Monique

Me: Ayoko ngang sumali sa away niyo

Theo: Please?

Me: Fine. Ano bang pinagawayan niyo?

Theo: She said One Direction is hot. Sabi ko they are gay.

Ay shiz. Naghahanap pala talaga ng away ‘to, e.

Me: Stupid. Naghahanap ka talaga ng sakit ng ulo

Theo: What did I do? Was I supposed to say that they are hot?
Me: Hahahaha sorry natatawa ako. Bayaan mo na si Monique, bata pa kasi.

Theo: Yeah... sometimes I wish she’s older

Me: Tatanda din yan hintayin mo lang

Theo: I wish it’s sooner. Malapit ng sumabog yung ulo ko sa mga ginagawa niya

Me: Mahal mo naman, e. Kaya mo yan. Woooo! Go, Don Theo!

Seen  11:31pm

Kapal niya! Naseenzone pa ako! 

Nagpunta muna ako sa CR para maglinis dahil ayokong matulog ng madumi. Pagbalik ko
sa room at pagkatapos kong maglinis, chineck ko ‘yung netbook ko at ‘yung post ni
Theo ang una kong nakita.

Theo Henares: When love becomes a routine rather than a fleeting feeling, one must
find the way out.

 --

[AN: Will you please leave a comment or what? Hahaha I don't honestly care about
the votes. Sipag sipag kong magupdate so sana magcomment naman kayo... just not
'Update na po' comment. Thank you. And yeah mabagal nga ang takbo ng story. May
gusto lang kasi akong iestablish. Dadating din tayo sa climax...]

=================
Chapter 22: Half-baked Truth

#HTSTBB Chapter 22

“Acebeda, go out and answer your phone.”

Madali kong kinuha ‘yung bag ko at naglakad nang mabilis palabas ng Chemistry lab.
Kanina ko pa hinahanap sa loob ng bag ko ‘yung cellphone ko pero ito yata ang malas
na araw ko dahil bago ko pa man nakuha ‘yung phone, pinalayas na ako ng professor
ko.

Sa sobrang inis, itinaktak ko sa sahig sa hallway ng Physci ‘yung mga gamit ko.
Mabuti na lang at hindi labasan ng mga estudyante kung hindi sigurado ako na
pagtitinginan nila ako. Hindi pa ba sila nakakakita ng frustrated na babae?!

At ewan ko ba kung bakit hindi naka-silent ‘yung cellphone ko! Pakiramdam ko buong
buhay ko nakasilent siya pero biglang isang araw—which was ngayon—bigla siyang
nagdecide na tumunog ng malakas!

I was debating if I would take his call... baka kasi masigawan ko lang siya which
sounded so appealing right now. Medyo fishy na nga ‘yung tingin sa akin ng prof ko
dahil sa late requirement tapos nakadagdag attention na naman ako. Nung pagpasok sa
class ako agad una niyang hinanap! Grabe nakakakaba! Feeling ko kung hindi dahil sa
samahan ng sorority nila ng Mama ni Theo hindi niya tatanggapin ‘yung manual ko, e.
Ayan tuloy ang sama ng vibes niya dahil nakapagpasa ako kahit late.

Pero kasi hindi na nga kami masyadong nakapag-usap last week... Sige na nga.

Huminga muna ako ng napakalalim bago ko sinagot ‘yung tawag ni Gabe. Kalma ka lang,
Kelly. Hindi kasalanan ni Gabe na tatanga-tanga ‘yung cellphone mo. Kung gusto mo,
sumulat ka sa manufacturer ng Samsung sa Korea para magreklamo. Tigil-tigilan mo
ang inosenteng si Gabriel.

With that thought in mind, sinagot ko ‘yung tawag ni Gabe.

“Hello?”

“Sorry for calling, alam ko na may class ka...” sabi niya. Dahil ‘dun, nabawasan
‘yung inis ko. Akala ko naman kasi biglang napaka-inconsiderate na ni Gabe, e.

“Okay lang,” I lied. “Bakit ka napatawag?”

May mga dumadaan na tao sa harapan ko pero wala naman silang pakielam sa babae na
nakasalampak sa sahig. Walang basagan ng trip dito, okay. Kung gusto nilang mag-
alay ng itlog sa Carillion, hindi ko rin sila pipigilan.

“Tumawag kasi ‘yung mama ko...”

Okay, hindi ko gusto ang mga mangyayari lalo na kapag may involved na Mama.

“Tapos?” sabi ko. “Wait nga, alam ko magkikita tayo mamaya, e. Bakit kailangan sa
phone mo pa sabihin?”

Hindi agad siya sumagot kaya mas lalo akong kinabahan. “As I was saying, Mama
called and she wants me to bring you over.”

“Ha?”

Oo, alam ko Friday ngayon pero may plano kasi akong umuwi ng Bulacan. Aba one month
na akong hindi nakakauwi! Miss na miss ko na ‘yung kama ko sa bahay! At baka hindi
na ako kilala ng alaga kong goldfish!

“May party kasi si Mama mamaya sa bahay at dalhin daw kita.”

“Akala ko ba sa December pa ang ‘meet the family’ spiel? Bakit naging 2 months
advanced?!”

I heard him sighing. Bakit ba palagi akong nakokonsensya kapag naiinis ako kay Gabe
tapos ayan siya—kinokonsensya ako! Nakakainis na, ha!

“Kaya nga, Kelzone. Sorry for the late notice... sabi ni Mama kagabi na buong
Christmas break sa US kami magsstay kaya ngayon ka na lang daw niya kikilalanin...”
Biglang nanlalmig ‘yung kamay ko. Shiz na ‘yan! Dalawang Aldea pa nga lang ang
kilala ko, durug na durog na ang self-esteem ko! Kamusta naman ang isang bahay na
puno ng Aldea? Daig ko pa si Bella Swan na na-stress sa sobrang dazzling ng pamilya
Cullen!

“Unless gusto mong isama kita sa US?”

“Ha-ha. Feel mo naman may VISA ako,” sabi ko.


“Close ‘yung parents ko sa DFA, kayang-kaya ‘yan. Pero cool, may passport ka. San
ka na nakapunta?”

Ano ba ‘yan. Nag-eenjoy na naman akong kausap ‘tong si Gabe. Mas appealing na
magstay na lang ako dito sa sahig kaysa bumalik sa room. Bad influence talaga ‘tong
si Gabe!

“Heh. May klase ako, mamaya na tayo mag-usap. Bakit nga may party? At uuwi ako ng
Bulacan, Gabe. Miss ko na nanay ko,” sabi ko sa kanya.

Hindi naman sa ayaw kong makita ang parents niya... pero gets? Big step na ‘yun!
Paano kung biglang hindi pala talaga kami okay ni Gabe tapos nameet ko na ‘yung
parents niya tapos ang awkward kasi... okay ang scattered ng thoughts ko!

“‘Just because’ party? I don’t know. My mom throws parties kapag gusto niya but
right now, it’s ‘To-Meet-My-Son’s-Girlfriend Party’ ang meron mamaya.”

Shiz! So nagparty para sa akin?! Hindi ko sila kinakaya, ha!

“Mamaya na ba talaga ‘yan?”

“Yeah...”
“Wala akong damit! Hindi ako prepared! Naloloka ako sa nanay mo!” sigaw ko sa kanya
kaya bigla naman siyang natawa. “Ano’ng tinatawa-tawa mo dyan? Hindi trivial ‘tong
problema ko!”

I still heard his laughter echoing. Feel ko tuloy nasa CR siya kung makapag-echo
‘yung tawa niya. At bakit naman ako tinatawagan ni Gabe habang nasa CR siya? Ang
awkward, ha!

He was still recovering from his laughs when he spoke. “You’re funny, Kelzone. Your
class ends in 2:30, tama?” I nodded kahit hindi naman niya nakita. “Mine ends by
4... Okay lang bang maghintay ka o gusto mo magcut ako?”

Minsan nakakaloka si Gabe! Magvolunteer daw bang magcutting?

“Okay lang! Sige na babalik na ako sa room. Text mo ako pag okay na.”

“Cool. Thanks, babe!” sabi niya. Ibababa ko na sana ‘yung phone pero humabol pa
sila. “They’ll love you, don’t worry.”

Bumalik na ako sa room at nagninja pabalik sa upuan ko. Buti na lang engrossed si
Prof sa pinapakita niya sa harap kaya hindi niya ako napansin. Natapos ang klase at
tahimik akong naglakad papunta sa CAS basement. Makikita ko na naman si Theo at
maaalala ko na naman ang peste niyang status.

Ano ba ang care ko sa status niya? Kung gusto niyang makipagbreak kay Monique, e
‘di bahala siya! Bakit ba isinasama ko ‘yun sa bagahe ng konsensya ko? Dami ko na
ngang problema idadagdag ko pa ‘yun?
At saka malay ko naman kung ano ang meaning niya ‘dun! Napaka-cryptic na tao ni
Theo kaya minsan naloloka na lang ako! Mamaya iba pala ang ibig sabihin niya! Malay
ko ba kung code niya ‘yun na gusto niya na palang lumipat ng degree program? Bakit
ba lahat kasi love agad ang diretso pag hugot? Bawal bang humugot kapag school
problems?!

From: Gabriel Dash Aldea

I'll buy you a dress. Don't worry. :-)

Pagdating ko, nagulat ako kung bakit walang tao.

“Shiz.”

Pinukpok ko ‘yung ulo ko dahil wala na nga palang class!

I maneuvered my way out dahil wala naman akong klase pala at 4pm pa ang labas ni
Gabe at who knows kung nasaan si Danielle at—tumingin ako sa relo ko—12:30pm pa
lang!

Dahil dala ko ang laptop ko, dumiretso na lang ako sa library. Ayoko pa kasing
umuwi sa dorm dahil for sure matutulog lang ako ‘dun. Ayoko kasing natutulog, e.
Alam mo ‘yun? Instead na may kabuluhan ang ginagawa mo, natutulog ka. Hindi naman
sa walang kabuluhan ang pagtulog pero gets? Ayon sa studies, ¼ ng buong buhay mo
natutulog ka tapos dadagdagan mo pa?

Kelly Angeline Acebeda: Bulacan, oh, Bulacan, miss na kita!


Wala pang ilang segundo ay naglike na si Theo! Ano ‘to? FB buddies na ba kami?!

Theo Henares: Hindi ka pupunta sa party nila Gabe?

Me: Alam mo?

Theo Henares: Invited din ako.

Me: Ahhhh

Theo Henares is typing...

Mag-log out na kaya ako? Pero kakarating ko lang dito sa Main Lib at ang layo ng
nilakad ko! Naman ‘to kasing si Theo kausap ng kausap! Wala bang ibang friends ‘to?

Theo Henares: So, you’re going?

Me: Yeahhhhh

Theo Henares: What’s with the long yeahhhhh? Napipilitan ka lang?

Ito! Ito ang dahilan kung bakit ayoko siyang kausap! Alam mo ‘yung feeling na okay
na okay kami ni Gabe tapos biglang kakausapin ako ni Theo at biglang magkakaroon ng
idea sa utak ko na baka hindi talaga kami okay ni Gabe... na baka feeling lang
namin okay kami pero may mali talaga...

Me: Nope. Excited na nga ako!!

Theo Henares: If you say so...


Me: Excited na nga ako! Bakit di ka naniniwala?

Theo Henares: ?

Me: !!!!!!!!

Seen by Theo Henares

Aba’t! Na-seenzone na naman ako!

Dahil sa sobrang inis ko sa kanya, nagstatus ako. Bakit ba affected na affected ako
sa freakminded na ‘yun?!

Kelly Angeline Acebeda: So excited for tonight! See you later! –with Gabriel Dash
Aldea

Maglalog-out na sana ako for real nung may makita akong bagong status ni Theo sa
tuktok ng newsfeed ko.

Theo Henares: Overcompensation.

Curse you, Theo! Curse you! Grrr!

Dahil badtrip na lang din naman ako kay Theo, lumabas ako mula sa Lib at dumiretso
at bumili ng takeout sa KFC pero—“Shet.” Nakita ko si Theo na nandun sa mga single
table. Ano ba ang tawag ‘dun? ‘Yung may high stools na pang mga walang kasama. Or
loner’s seat na lang kaya?

Nung nakita niya ako, isinara niya ‘yung macbook niya. “Huhulaan ko...”

“Ano?”

“Pumasok ka sa ENG1?”

“Ha-ha. Nakakatawa ba ‘yun?” sabi ko kasi nakangiti siya. “Alam mo feeling ko


stalker kita. Sinusundan mo ba ako?”

Tinawanan niya lang ako. “So what if I am?”

Ugh! Ayan na naman siya! Lumabas na naman si Don Quixote! Nakakaloka! Bipolar ata
‘tong si Theo! “Heh. Tigilan mo nga ako.”

Nagshrug lang siya. “Pupunta ka nga mamaya...”

“Oo nga, ‘di ba? Ni-like mo pa nga ‘yung status ko, ‘di ba?!” Nakakaubos talaga ng
neurons kausap ‘tong isang ‘to! Nachchallenge ‘yung amygdala ko!

Pero umiling siya. “Hindi ko ni-like ‘yun.”


Aish! Gusto ko siyang sakalin! Hindi niya ba talaga ni-like?! Bakit kailangan niya
pang sabihin sa akin?! Gaano ba kahirap magpanggap na ni-like mo ‘yung isang status
para naman hindi ako mapahiya, ‘di ba?

Inirapan ko na lang siya kahit mas appealing na idea ang sakalin siya. “E ‘di hindi
mo ni-like. Jusko. Big deal?”

Tumango siya. “Yeah. Big deal.”

Dahil mahaba-haba pa ang pila sa KFC—which was weird kasi ang alam ko dito ang
pinakakonti ang kumakain. Ewan ko ba kung ano ang problema nila sa KFC. Bet na bet
ko nga dito dahil unlimited gravy! Siguro batang Jollibee at Mcdo lang sila.

I decided to humor Theo.

“Fine... bakit big deal?”

Humalukipkip naman siya. “You shouldn’t expect me to pretend that I like something
when in fact I don’t. That’s hypocrisy.”

Mabuti na lang at naka-earphone ‘yung tao sa harap ko. Mamaya maweirduhan ‘to sa
amin! Kainit-init ang pinag-uusapan hypocrisy! Parang nung hinatak ako ni Danielle
sa LB Square minsan, may nakita kaming group of guys na akalain mong nag-iinuman
tapos ang pinag-uusapan parallel lines at tangents?!
“That’s not hypocrisy... Theo, people are born to co-exist. Learn how to tolerate.”

“I tolerate but I don’t encourage.”

Another one of the infamous ‘Cryptic Talk with Theo Henares.’ Seriously siguro kaya
minsan luka-lukang kausap si Monique dahil nabaliw na siya sa mga lumalabas sa
bibig ng boyfriend niya!

“Ewan ko sa’yo,” sabi ko sa kanya. “Oorder na ako. O baka may comment ka din sa
chicken burger na bibilin ko?” tanong ko at saka umiling naman siya. “Good.”

Umorder na ako sa harap at dahil medyo blockbuster ngayon, maghihintay pa ako ng


kakainin ko. Mabuti na lang may isang table na may isang babae lang ang nakaupo
kaya inutusan ko si Theo na sabihin na makikiupo kami.

“Bilis na!” sabi ko sa kanya. Ayaw kasi niyang pumayag. Ang arte talaga nito!

“I don’t even know her. Bakit ko siya kakausapin?”

Oh, for the love of chicken sandwich! Bakit sa lahat ng sasabihin ko may masasabi
siya?!

“Bakit ako? Kinausap mo rin naman ako dati sa 7-11, ah!” I reminded him. Ang tagal
na rin naman pala naming magkakilala ng freak na ‘to!
He nodded.

“Oh so? Kausapin mo rin ‘yung ate ng makaupo na tayo!”

In the end, wala siyang nagawa kaya kinausap niya ‘yung babae. Kitang-kita ko ‘yung
twinkle sa mata nung babae nung yumuko si Theo para kausapin siya. Kulang na lang
abutan ko siya ng panyo at sabihin na, ‘You’re Welcome.’ Napaka-laking deal talaga
pag may kinausap si Theo! Naloloka ako dito sa UPLB!

“Namatay ka ba?” tanong ko sa kanya. “Kakausapin lang ang dami pang arte.”

Umiling-iling lang siya sa akin. Nagbangayan lang kami tungkol sa kung bakit ang
anti-social niya nung biglang ready na pala ‘yung To-Go order ko. Nalaman ko na ang
proper term—well more of mas sosyal na term ay ang To-Go at hindi Take-Out. Ito ang
napapala ko sa pakikipag-usap kay Monique sa fb. Daming alam ng bata na ‘yun. Arte
arte pero ang cute cute.

Kinuha ko ‘yung order ko at naglakad na kami palabas.

“May isusuot ka na mamaya?” Umiling ako. Sabi ni Gabe kasi siya na ang bahala, e.
Bigla niya akong hinatak patawid sa Vega at binuksan ‘yung pinto ng sasakyan niya.

“Hoy!” sabi ko habang inilagay niya ‘yung kamay niya sa taas ng ulo ko. “Kidnapping
‘to! At saka kakain pa ako!”
He pushed me inside the car and he fastened my seatbelt. Fudge ang bango bango
niya! After he’s done fastening it, he looked at me and smiled. “It’s hardly
kidnapping, Kelly. Behave,” sabi niya bago niya isinara ‘yung pinto.

Pumasok siya sa driver’s seat. He revved the engine to life at saka nagsimulang
magdrive. Bago pa man kami makalabas sa Vega, I said, “Saan mo ba ako dadalin?
Susunduin ako ni Gabe ng 4.”

He nodded as he was focused on the road. “Yeah, I know. 1pm pa lang. I’ll have you
back here before 4.”

At nagdrive na siya palayo.

“Dahan-dahan naman sa pagddrive!” sabi ko dahil nabulunan ako nung ininom ko ‘yung
coke ko. “Papatayin mo ba ako?! Muntik na akong mabulunan!”

Tawa lang siya ng tawa sa akin. “Yeah, sorry about that,” sabi niya at saka iniabot
‘yung sa may compartment niya at kumuha ng tissue at pinunasan ‘yung bibig ko.

“A-ako na.”

He shrugged at saka iniabot sa akin ‘yung tissue. Umayos ka, Kelly. Umayos ka.

In less than an hour, nakarating kami sa SM Calamba.


“Ano’ng gagawin natin dito? Manonood ng sine?”

Walang masyadong tao sa mall dahil Friday ngayon at pasado ala una pa lang. Hindi
ako sinagot ni Theo at naglakad na lang siya. Nung hindi ako sumunod, lumingon siya
sa akin. “Faster, Kelly.”

“Ha?”

“Kelly...”

“Oh?”

He just smiled at me. “Nothing.”

Tss! Weirdo talaga nito! Hinatak niya ako papunta sa mga boutique dito sa mall at
pinapili ng gusto kong isuot sa party.

“Bibilan nga ako ni Gabe mamaya!” sabi ko sa kanya. Kung alam ko lang na ito ang
gagawin niya, e ‘di sana nagpaka stunts man ako kanina at tumalon palabas ng
sasakyan niya! Kung kanina feeling ko lang na nagtataksil ako kay Gabe, ngayon sure
na ako na nagtataksil nga ako kay Gabe!

Pero hindi siya nakinig sa akin at kumuha pa siya ng isang black dress mula sa rack
at itinapat sa akin. “I know.”

“Then bakit mo ako dinala dito?!” I hissed.

He shrugged. “Then wear what he’ll buy you but for now, be a good girl and see if
this fits.”

I glared at him.

“Wear what he’ll get you, I don’t care, but let me do this for you.”

“Bakit mo ba ‘to ginagawa?”

“It makes me happy.”

And apparently, that rendered me fucking speechless.

Nagpaikot-ikot kami sa mall hanggang sa mkahanap si Theo ng damit na gusto niya


para sa akin. Ang dami niyang alam! Pati sapatos, accessories, at clutch binili
niya ako! Kung pwede lang sigurong paayusan niya ako sa salon dito ginawa niya na!

“Ang dami mong alam! Hindi ba naiinis si Monique sa’yo pag nagshoshopping kayo?”
Busy siya sa pagpili ng ipapasuot niya sa akin na sapatos tapos umiling siya. “Ayaw
niya akong kasama pag nagmamall siya. She has Trisha and Cass for that.” Tapos
huminto siya sa harap ng isang 4-inch pumps. "Try these,” sabi niya tapos lumuhod
siya sa harap ko.

Pumikit ako. Kelly, stop your thoughts. ‘Yung boyfriend mo nasa UPLB nag-aaral.
Magtino ka.

Tahimik kong isinuot ‘yung heels.

“It looks good on you,” he commented.

“Hindi ako makakalakad dito! Nakita mo ba kung gaano kataas?!”

Mula sa pagtingin niya sa paa ko, tumingin siya sa akin at oh, heavens! Hindi ko
nagustuhan ‘yung pagslow motion habang patingin siya sa akin. Behave, Kelly!

“We’ll practice,” sabi niya at saka iniabot ‘yung card niya sa babae at binayaran.
Pagkatapos ‘dun, hinawakan niya ‘yung kamay ko at lumabas kami mula sa store.
Hawak-hawak niya ‘yung paper bags sa kaliwa niyang kamay at ‘yung kanan naman hawak
niya ‘yung kaliwa kong kamay.

Nasa hallway kami ng mall at dahil walang masyadong tao, naglakad ako ‘dun.
“It’s not so hard, right?” sabi niya at inirapan ko siya. “You should wear heels
more often para tumangkad ka naman kahit papaano.”

“Ha-ha ang funny.”

Palibasa matangkad si Monique sipain kita dyan, e.

Nagpractice akong maglakad suot ‘yung heels at minsan natutumba at na-oout of


balance ako pero nandyan si Theo para saluhin ako. After few minutes, medyo gets ko
na rin kung paano maglakad.

“Tara na!” sabi ko nung makita ko na 3pm na.

Bumalik na kami sa sasakyan niya at nagdrive na siya pabalik ng UPLB. Tahimik lang
kaming dalawa at nakikinig sa boses ni Ed Sheeran. Dapat nga magpapatugtog ako ng
kanta ng One Direction para inisin si Theo pero ‘wag na lang. Next time na lang
‘yun.

“Dyan mo na lang ako ibaba,” sabi ko sa kanya at dun niya ako binaba sa tapat ng
Men’s Dorm. Baka kasi nasa labas na ng dorm si Gabe at ayokong makita niya akong
bumaba mula sa sasakyan ni Theo. Hindi naman kumontra si Theo, baka kasi alam niya
din ang iniiwasan ko. “Salamat dito.”

He just smiled at me. Inalis ko lahat ng binili niya sa paper bag at isiniksik sa
bag ko. Ayoko kasi talagang malaman ni Gabe na binili ako ni Theo ng damit.
Ikaaatake ng puso ko. Pinabayaan niya lang ako sa ginagawa ko.
“Sige, alis na ako,” sabi ko tapos bubuksan ko na sana ‘yung pinto. Bababa na sana
ako pero—

“Wait,” sabi niya at lumabas siya sa sasakyan niya at pumunta dun sa side ko. May
kinuha siya mula sa compartment. Inabot niya ‘yung paa ko.

Ngumiti siya. “There. I always hear my mom complaining about her new shoes.”
Nilagyan ng band-aid ‘yung likod ng paa ko. “You’ll be fine now.”

Pagkatapos nun, nagtatakbo na ako paalis. Isa na talaga akong makasalanan na babae.

Pag-akyat ko sa mala-Grotto na hagdan sa gilid ng FC1, nakita ko ‘yung sasakyan ni


Gabe at mas lalong lumakas ang tibok ng puso ko. Nasa malayo pa lang ako pero
nakita niya na ako.

“San ka galing? Hindi ka sumasagot sa tawag ko...”

“Ah...eh... may meeting sa Bio1,” sabi ko. “Kanina ka pa?”

Tumango siya. “Yeah pero okay lang. Ready ka na?” he asked. “7pm pa naman ‘yung
party, daan na lang tayo sa mall...”

I bit my lower lip. “Ay hindi na. Nagtext ako kay Ate Gelle, may damit daw siya na
pwedeng ipahiram sa akin kaya ‘wag ka ng mag-abala,” I lied.
Sorry po. Magkukumpisal ako next week, promise.

Gabe nodded. “Okay,” sabi niya ng nakangiti. “May kukunin ka pa ba sa taas o okay
ka na?”

“Iuuwi mo naman ako dito mamaya, ‘di ba? He nodded again. “Okay, ready na ako.”

AN: Comments! :D And you can follow me on twitter @beeyotchWP for more
announcements! Thank you.

=================

Chapter 23: The Hole That Sank The Great Ship

Chapter 23

Hindi ako mapakali buong byahe.

Hindi ako masamang babae. Hindi ako masamang babae. I kept on chanting this inside
my head... Hindi ko alam kung sino ba ang pinapaniwala ko—kung sino ba ang niloloko
ko. I knew I did wrong. Nagsinungaling ako kay Gabe, kay Gabriel na walang ginawa
sa akin kung hindi maging mabait.
I lied to Gabe...

Alam ko na masama magsinungaling. Buong elementary life ko tinuruan ako ng mga


madre sa school namin na masama ang kasinungalingan. Lies are evils... necessary
evils, I will argue. But nonetheless, evil! Magsisimula sa isang kasinungalingan,
lalaki ng lalaki hanggang sa hindi mo na namalayan na hindi mo na pala kaya pang
pagtakpan ang kasinungalingan mo.

A small hole can sink a great ship.

And I already made my hole.

Anumang oras mula ngayon, babalik na si Gabe dito sa sasakyan. Nagstop over kami sa
isang mall malapit sa bahay nila dahil may dadaanan lang daw siya. May oras pa
naman ako para bumaba at biglang maglaho, ‘di ba? Ayoko naman na ipakilala niya ako
sa magulang niya tapos ganito na may mga bwisit akong realizations sa utak ko!

Kinagat ko na ‘yung kuko ko sa sobrang frustration. Ugh! You freaking genius!


Kasalanan mo ang lahat ng ‘to! I was perfectly happy inside my little bubble tapos
bigla mong guguluhin ang utak ko!

Kailangan ko ng kausap at isa lang ang pwede kong kausapin.

“Danielle...” sabi ko.


“What’s up, butercup? Sorry if MIA ako this whole week, ha. Orgs shit lang. So
anyway, whay’s up?” aniya.

Siguro kung nakatayo lang ako, kanina pa ako palakad-lakad rito. Hindi kasi ako
mapakali... alam ko na anumang oras ay makikilala ko na ang magulang ni Gabe...
Hindi naman sa ayaw ko... Pero parang mas ang sama ko naman na babae kapag matapos
kong ipakilala at saka ko iiwan, ‘di ba?

“Okay lang,” I replied. “Busy ka ba ngayon?”

I was hoping na hindi. Ayoko kasing kausapin si Danielle kapag busy siya kasi medyo
cranky siya. At isa pa, isisisi niya sa akin kung bakit hindi siya natapos sa
ginagawa niya.

“Nah. Bukas pa ‘yung org program.”

Nagtataka ako kung member ba talaga si Gabe at Theo gayong hindi naman sila
nagpapakita sa org nila ni Danielle... pero ibang tanong na ‘yun. I was concerned
with one thing right now.

“Danielle?”

“Yes, sweetie?”

“Gusto kong makipagbreak kay Gabe.”


I was expecting her to lash out on me, to shout at me. Alam ko na masama akong
babae! Ang sama ko dahil despite the fact that I hate liars and cheaters, I managed
to lie straight at Gabe’s face... I was a self-aware hypocrite.

God, who knows if one day I’ll be able to stomach cheating! Kahit sarili ko
nasusurpresa sa mga nagagawa ko!

“Oh... okay.”

Nagulat ako dahil may pumatak na luha. Shiz. Naiiyak na ako sa mga kagagahan ko sa
buhay!

“Hindi mo ba ako papagalitan? Tatanungin? Nababaliw na ako, Danielle! Gabe is


perfect! Ikaw na ang nagsabi na mahal ako ni Gabe kaya bakit hindi mo ako
pinapagalitan?” sabi ko ng sunud-sunod. Nagsikip ang dibdib ko sa bigat ng mga
sinasabi ko.

Bakit ko ba kasi sinagot agad si Gabe? Hindi pa ako handa. Wala pa nga sa mga
priority ko ‘yang boyfriend na ‘yan, e! But that moment felt so right... Alam mo
‘yun? ‘Yung parang kailangan ko ng sagutin si Gabe. It was like it was then or
never.

And then this...

Nagbuntung-hininga siya. “Nah. You’re my bae, Kels. Alam ko sandali palang tayong
magkakilala but I treat you as my sister already. Sorry kasi ako yata ang nagtulak
na maging kayo ni Gabe...”
“What? No! Dapat mo akong pigilan, Danielle! May malaking kagagahan na gagawin ako!
Hindi mo ba ako narinig? Makikipagbreak na ako kay Gabe!” sigaw ko sa kanya.

She calmed me down before she proceeded with what she had to say.

“Kelly, baby girl, makinig ka sa akin, okay? Gabe is perfect but he isn’t your
perfect. Just because he seems perfect does not mean na siya na ang para sa’yo. ‘Di
ba nga sabi nila, ‘Other’s junk is one man’s treasure?’ Pareho lang ‘yan dito. ‘Wag
na tayong maglokohan dito, okay? Nakakasama kita halos araw-araw at alam ko na isa
lang ang taong kayang magpataas ng presyon mo.”

“No, no,” ani ko. “Danielle, listen to me. I don’t want to hurt Gabe. Ang bait-bait
niya sa akin. Bakit ko ‘to gagawin?”

Kahit ako hindi ko na maintindihan ang sarili ko. Bakit ako gumagawa ng mga bagay
na ayoko namang gawin?

“Sweetie, don’t mistake kindness for love. ‘Yan ang dahilan kaya maraming hopia, e.
You’re kind to Gabe because you’re naturally kind. Kelly, you’re one of the most
genuine person I know.”

Hindi ako mabait. Nagsinungaling ako kay Gabe. Sa mukha niya. I lied at his face.
Nakuha ko pang ngumiti sa kanya pagkatapos ko siyang lokohin. Iyon na ba ang bagong
kahulugan ng pagiging mabait?

I breathed deeply. “Danielle, hindi mo naiintindihan. Nagsinungaling ako kay Gabe.


Niloko ko siya.”

“Gusto mo siyang hiwalayan dahil niloko ka niya? You can just tell him, Kelly.
Knowing Gabe papatawarin ka agad nun if you’ll just come clean.”

Hindi ako makasagot sa sinabi niya. Tama siya. Masyadong mabait si Gabe sa akin.
Isang sorry ko lang sigurado naman ako na maiintindihan niya ako. Why is it that
good guys get the bad fish? I was Gabe’s bad fish. I was a stinky, stinky fish.

So bakit ko nga ito ginagawa?

I can’t do this anymore! Sino ba ang niloloko ko?! I was still freaking hangup on
Theo!

“I can’t... Gusto ko ng makipaghiwalay sa kanya.”

And then the door opened.

I saw Gabe smiling at me. Mas lalo akong nainis sa sarili ko. ‘Yan, Kelly! Tignan
mo ang mukha ng lalaki na sasaktan mo! Karmahin ka sana! Bumagsak ka sana sa finals
mo! I thought to myself.

“Bye, Danielle,” I said to the phone, wiped my tear-stained face, and then faced
Gabe. “Uy!” I faked surprise. “Nakuha mo na ‘yung kukunin mo?”
He beamed at me. “Yeah... So, okay ka na?” Tumango ako. Tinignan ko sa salamin
‘yung mukha ko kung kumalat ba ‘yung mascara na nilagay sa akin kanina sa salon.
Pinagbihis na ako ni Gabe at pinaayusan niya ako sa salon. Mas lalong lumalaki ang
kasalanan ko.

“Let’s go?”

Tumango ako. Gusto ko na sanang sabihin dito sa parking lot pero natatakot ako na
magkaroon si Gabe ng violent reaction at bigla niya akong sagasaan sa sobrang
ungrateful kong babae... Mamaya ko na sasabihin sa bahay nila Gabe bago magsimula
ang party, bago niya ako ipakilala sa magulang niya. That way, sigurado ako sa
safety ni Gabriel. Ayoko na dito sabihin tapos bigla siyang maaaksidente sa labas.
Hindi kakayanin ng puso ko.

Nagdrive na siya at nakangiti siya buong byahe namin papunta sa bahay niya. I hated
the fact that I was the one who will wipe that smirk off his face. Ang unfair.
Gusto ko namang maging masaya si Gabe pero ayoko namang maging sinungaling sa
kanya...

What if para pala siya sa ibang babae tapos ako nandito sa pwesto niya dapat at
niloloko si Gabe? Ayoko naman na maging future target of hate ng soulmate ni Gabe.

At ayokong maging sinungaling. One lie is enough. Many lies will destroy my sanity.

Habang papalapit kami ng papalapit sa destinasyon namin, mas lalong lumalakas ang
kabog ng dibdib ko.

Paghinto namin sa isang malaking bahay, halos mag hyperventilate ako sa sobrang
kaba. Nakatingin ako sa labas at maraming sasakyan. Nakita ko na bumaba si Theo
mula sa isang sasakyan at binuksan niya ‘yung pinto at inalalayan si Monique
palabas.

Ang unfair.

Bakit ganon? Siya ‘tong dahilan ng pagkalito ko pero parang wala lang sa kanya?
Parang tuloy pa rin ang buhay? O wala lang naman kasi ako para sa kanya kaya bakit
naman siya maaapektuhan?

Was I making a mistake? I will throw away a great man for that douche?

But I needed to do this. I wasn’t a saint, but I didn’t want to carry the stigma of
being a sinner. Habang maliit pa ang kasalanan, putulin na.

“Ang lamig ng kamay mo.” Gabe woke me up from my thoughts. Hinawakan niya ‘yung
kamay ko at hinalikan. “Don’t worry, babe. They’ll like you. They have no choice
but to like you because I like you.”

Hindi na ako nagsalita. Ayoko ng dagdagan pa ang kasalanan ko. Sa oras lang talaga
na makapagpark si Gabe, sisimulan ko na.

Ilang minuto din ang hinintay ko bago siya nakapagpark. Ang dami ng sasakyan na
nasa harap ng bahay nila. Dati, iniisip ko lang na hindi ako bagay sa mundo nila
pero ngayon? Sigurado na ako. Dapat ang themesong namin ni Gabe Magkabilang Mundo.
Lahat yata ng kakilala ng pamilya nila may sasakyan. Saan ba ako napulot ni Gabe?

“Tara na?” He motioned to open the door but I began my speech.


“Gabe?” I said. Huminga ako ng malalim. Hindi ko alam kung saan ako huhugot ng
lakas ng loob.

“Yes, babe?”

Ipinikit ko sandali ang mata ko. Ito na ‘yun, Kelly. Sabihin mo na.

“Gabe... Gabe, magbreak na tayo.”

“What?” sabi niya. Hindi pa yata nagsisink in sa kanya ang sinabi ko. God, ang
hirap pala. Ang hirap pala na ikaw ‘yung dahilan kaya masasaktan ang isang tao na
wala namang ginawa kung hindi pakitaan ka ng kabutihan.

  

I reached for his hand and enclosed it inside mine. “Gabe, I’m sorry... Pero
magbreak na tayo, please?”

His face was indescribable. Parang hindi siya makapaniwala sa mga naririnig niya.
Parang binibiyak ‘yung puso ko habang nakikita ko unti-unting tumutulo ‘yung luha
niya. Parang gusto kong saktan ‘yung sarili ko dahil alam ko na ako ang dahilan
kung bakit siya nasasaktan.

“Hindi... hindi ko maintindihan. May nagawa ba akong ayaw mo? Dahil ba kay Astrid?
Kelly, hindi ko maintindihan...”
Shit. Hindi ko kayang tignan ‘yung mukha niya habang may tumutulong luha. Para
akong unti-unting pinapatay ng konsensya ko.

Kinagat ko ‘yung labi ko. Ayokong umiyak. Kailangan ko ‘tong gawin. “Gabe, hindi mo
kasalanan... Ako ‘yung may mali, okay?”

Pero hindi niya maintindihan.

“I can’t understand. Was I too needy? Was I annoying? Give me something, Kelly! Ano
‘yan? Bigla mo na lang gustong makipagbreak just because you freaking feel like
it?! Laruan ba ako sa’yo?!”

Pinabayaan ko lang siya na sumigaw. Pwede niya akong sigawan. Binibigyan ko siya ng
karapatan na sigawan ako ngayon. Alam ko naman na ako ‘yung may mali, e.

“Gabe, I’m sorry,” I kept on saying.

He slammed his hand on the steering wheel.

“Fuck, Kelly! I don’t need your sorry! I need your explanation!”

Hindi ko kayang sabihin sa kanya na si Theo ang dahilan ng pakikipagbreak ko. Ayoko
na magkasakitan sila. Mas masakit kapag nalaman niya na dahil sa kaibigan niya kaya
nawalan siya ng girlfriend... At kasalanan ko naman talaga. May choice naman ako na
hindi sumama kay Theo pero sumasama ako... I guess in denial na malandi lang talaga
ako...

“Gabe, I don’t deserve you.”

Akala ko nakahanap na ako ng reasonable na explanation pero hindi pala.

Ni ayokong tignan si Gabe. Pakiramdam ko babawiin ko lahat ng pinaghirapan kong


masabi sa oras na makita ko ‘yung mukha niya. First time kong makita na umiiyak si
Gabe. Akala ko ba masaya lahat ng first time? Hindi naman pala. Hindi naman masaya
na makitang umiiyak dahil sa iyo ang taong nagmamahal lang naman.

“Kelly, you don’t get to decide who’s deserving of me. I get to choose. And I
choose you.”

Gabe naman... bakit mas pinapahirapan mo pa ako? Ayoko lang naman na maging unfair
sa’yo. Ayokong lokohin ka. Ayokong isipin mo na masaya tayo pero ang totoo, iba
naman ang gusto ko. Ang unfair nun para sa’yo.

Mas hinigpitan ko ang hawak ko sa kamay niya. “Gabe, please ‘wag ka ng magtanong...
Magbreak na lang tayo.”

He was about to say something when someone knocked on the window. Nung nakita ni
Gabe kung sino ‘yung nasa labas, bigla niyang pinunasan ‘yung luha niya. “It’s my
mom,” sabi niya at saka inabutan ako ng tissue. “Wipe your tears.”

I did as he said.
“Gabe, sorry. You don’t deserve this and you don’t deserve me.”

He was trying to make his breath even when he spoke.

“It’s Theo, right?”

Hindi na ako nakasagot pa dahil binuksan niya ‘yung pinto at nakita ko ang mama
niya.

“Mama...” Gabe said.

“Gabriel!” his Mom said in delight. “Kanina pa kita hinahanap! Where’s that girl
you can’t stop talking about? Let me meet her!”

Kinurot ko ‘yung sarili ko. Nababagay sa’yo ‘yan. Malandi ka.

I could hear the sadness in Gabe’s tone. “Ihahatid ko na siya sa bus terminal, Ma.
May biglaan daw siyang emergency...  Kailangan niya na daw umuwi.”

“Nonsense! Ipakilala mo man lang sa akin! Where is she? Where is the reason for my
son’s goofy smiles?”
Kung pwede ko lang sampalin ang sarili ko, siguro ginawa ko na. Sobrang sama ko na.

In less than three seconds, I was face to face with Gabe’s mom.

“You’re Kelly?” sabi niya at tumango ako. Ngumiti siya sa akin. “Do you mind
getting out of the car so I can properly hug you?”

Bigla akong nanlamig. Damn it! Bakit ba hindi na lang mala nanay ni Dao Ming Zu ang
nanay ni Gabe para mabawasan naman ang bagahe ng konsensya ko? Bakit ang bait-bait
niya?!

Dahan-dahan akong lumabas. Nanginginig ang kamay at tuhod ko.

“Come here,” sabi ng nanay ni Gabe habang papalapit ako. Nung makalapit ako,
niyakap niya ako ng mahigpit at saka sinabi na, “Thank you. Thank you for making my
son happy.”

Oh, god. I should really fucking wear that scarlette A.

“W-wala pong anuman...” I discreetly replied.

Matapos nun, hinatak niya kaming dalawa ni Gabe papasok sa pag-gaganapan ng party.
Pumasok kami sa loob ng bahay nila. Binitiwan na ng nanay ni Gabe ang kamay ko.
“I’ll take you to the bus terminal. Kaya mo bang maghintay ng sandali na kasama ako
o gustung-gusto mo ng mawala ako sa paningin mo?”

Nasaktan ako sa pagkausap sa akin ni Gabe pero alam ko naman na deserving ako sa
lahat ng masasakit na salita na maririnig ko mula sa kanya. Sinaktan ko siya... May
karapatan siya na ibalik sa akin ‘yung sakit. I will give him the right to hurt me.

“Okay lang...”

Mas pinili ko na huminga ng maayos at patigilin ang kamay ko sa panginginig. I was


concentrating on my breathing when sensed a familiar scent.

“Hey!” she chirped. “You look cute in your dress! San mo nabili ‘yan?”

Binili ng boyfriend mo para sa akin. But Monique’s such an endearing girl. Hindi
niya rin deserve na lokohin siya ni Theo... Kung wala mang nararamdaman para sa
akin si Theo, hindi pa rin tama na lokohin niya si Monique dahil lang nag-away
sila. Ang sama-sama nun.

“Salamat,” I replied instead. “Ikaw din ang cute mo.”

“Hey, Gabe! Auntie’s been looking for you. Have you seen her na?” Monique addressed
Gabe. Tumango lang si Gabe. “You look off tonight. Weird mo.”
Hindi nagsalita si Gabe. Nagpapasalamat ako dahil hindi niya sinabi kay Monique
‘yung mga napag-usapan namin. Kahit na ayoko na niloloko ni Theo si Monique, ayoko
naman na sa akin manggaling. It wasn’t my story to tell...

“Have you seen Theo?” tanong niya kay James na dumaan sa harap namin.

“Garden,” sabi ni James.

Ngumiti si Monique. “Thanks, James!” sabi niya at saka hinalikan sa pisngi si


James. Prinsesa talaga si Monique ng mga Aldea.

“Hindi mo ba pupuntahan si Theo?” I asked her and I heard Gabe scoffed. Nasasaktan
talaga ako na ginaganito ako ni Gabe... Ayokong masanay na ginaganito niya ako.
Madami kaming magandang pinagsamahan... Ayoko naman na mauwi ‘yun lahat sa wala.

A great friendship destroyed because of a shitty relationship. Classic.

Nag-uusap kami ni Monique nung biglang nagsalita ang nanay ni Gabe.

“Good evening, friends,” panimula niya. “I know I throw parties almost every week
that it became a habit rather than a special occasion,” she said and there was
laughter. “But tonight... tonight is a exceptional night because my youngest son,
Gabriel, brought his lovely girlfriend, Kelly, here with us.”

Oh, my god.
“Come here in front, Kelly, hija,” sabi niya at saka pinapunta kami ni Gabe sa
gitna. Biglang nanlamig ang kamay ko. “Come,” she said and then pinuntahan niya
kami. Lahat ng tao nasa amin ang atensyon.

Ngumiti sa akin ang nanay ni Gabe at saka pinagsalita niya si Gabe.

“She’s...” panimula niya.

Pakiramdam ko lalabas lahat ng kinain ko mula pagkabata sa sobrang kaba. Lahat ng


nandito nakatingin sa akin. Lahat sila huhusgahan ako kapag nalaman nila na nila na
niloko ko si Gabe dahil sa boyfriend ng pinsan niya.

Pero hindi ‘yun ginawa ni Gabe. Imbes na ipahiya ako katulad ng nararapat sa akin,
hinawakan niya ang kamay ko.

“She’s Kelly Angeline and she’s so special to me and I just wish that she’ll see my
worth.”

Nagpalakpakan ang mga tao sa sinabi ni Gabe at parang mas lalo akong nakonsensya sa
mga narinig ko. Parang mas gusto ko na ipinahiya niya ako kaysa dito.

Nakita ko siya na naglakad at sinundan ko siya. Nakasalubong ko si Monique at


nginitian niya ako dahil may kausap siyang dalawang babae. Sinundan ko lang ng
sinundan si Gabe kahit na nahihirapan na akong maglakad sa suot kong sapatos. Gusto
ko lang magsorry ulit sa kanya. Mas nahihirapan ako.
Napunta kami sa garden at doon, nakita ko si Theo na nakaupo sa isa sa mga upuan
malapit sa manmade pond.

Tumingin siya sa amin nung marinig niyang paparating kami. At bago pa man siya
makapagsalita...

“That’s for fucking stealing my girlfriend!”

Gabe punched him and he landed straight in the pond.

=================

Chapter 24: Catastrophic History of You and Me

#HTSTBB Chapter 24

I heard the splashing of water and damn I was lost.

Napatigil ako nung makita ko na naglakad nang mabilis si Gabe papunta kay Theo at
nung sinuntok niya ito, tuluyan na akong hindi nakagalaw.

Nakatayo lang ako dun, hindi alam ang gagawin. Nakalagay ‘yung dalawa kong kamay sa
bibig ko. Ngayon lang ako nakakita ng suntukan. Ngayon ko lang nakitang nagalit si
Gabe. I was lost for words.
Nakita ko si Theo na nasa pond at mukhang ni hindi siya nagulat sa ginawa ni
Gabe... It was like he was prepared for his anger. Sinadya niya ba ang lahat ng
‘to?

Hindi nagsalita si Theo at tumayo lang siya. Basang-basa siya. Nakatingin lang siya
kay Gabe habang tumatayo. Hindi ko rin mabasa kung ano ang iniisip niya.
Kinakabahan ako. Parang hindi ko kilala ang Theo na nakatayo sa harap namin.

Akala ko gaganti din siya ng suntok pero tumayo lang siya at saka nilagpasan si
Gabe.

From my point of view, I could see Gabe shaking vehemently from all the anger he
was feeling.

“Theo?”

I swear bigla na lang tatalon ang puso ko palabas ng dibdib ko sa sobrang kaba na
nakukuha ko ngayong gabi. Muntik na akong atakihin sa puso nung marinig ko ang
boses ni Monique. Kanina pa ba siya nandito? Narinig niya ba ‘yung sinabi ni Gabe?
Mababaliw na yata ako ng tuluyan.

“Why are you dripping wet?”

Sinusubukan kong patigilin ang panginginig ng kamay ko pero hindi ko magawa. Reflex
ko na yata ‘to kapag sobrang kinabahan ako. Sobrang nanginginig na ang kamay ko sa
sobrang pagkakaba kung narinig ba ni Monique... pero mukhang hindi naman.
Nagulat ako ng biglang hawakan ni Gabe ang kamay ko at hatakin ako papalayo sa
kanila.

Pilit kong iniwasan ‘yung tingin ni Monique dahil nakokonsensya ako. She was
freaking clueless. She looked so innocent. Ang sama-sama na talaga ng pakiramdam
ko. I have always hated lying yet here I was, proving the otherwise.

“I slipped,” Theo said. He lied so smoothly. Sanay na ba siya na nagsisinungaling


ng harap-harapan sa girlfriend niya? To lie without even batting an eyelash? “Can
you get a towel for me?”

“Oh, okay, okay, wait lang, They,” sabi ni Monique at saka mas nauna siya sa amin
ni Gabe dahil nagmamadali siyang tumakbo papasok. “Yaya! Yaya!” sigaw niya. “Get me
a fresh towel!”

Nakahawak si Gabe sa siko ko at dinala niya ako pabalik sa loob ng bahay niya.
Hindi ko alam kung ano ang ginagawa namin o kung may hinahanap ba kami dahil
palakad-lakad lang naman kami...

“Gabe, san ba tayo pupunta?” tanong ko sa kanya pero hindi niya naman ako pinansin.
Naglakad-lakad lang kami sa loob hanggang sa makita namin ang mama niya.

“Ma,” sabi ni Gabe. “I’ll drive Kelly to the terminal.”

Tumingin sa akin ang mama ni Gabe at pinilit ko na alisin ang kaba sa mukha ko.
Hanggang ngayon parang may tambol pa rin sa loob ng dibdib ko sa sobrang bilis ng
tibok. Para mabawasan ang kaba ko, kinurot ko ang sarili ko at hinawakan ang kamay
ko.
“Do you really need to go, Kelly? What’s your emergency, if you don’t mind me
asking?” malambing na sabi ng mama niya.

Hindi ko alam ang isasagot ko dahil wala naman talaga akong emergency at hindi
naman kasi talaga ako magaling magsinungaling. Wala akong balak mag masteral sa
pagiging BS Liar. One lie was enough; I didn’t need a paper trail behind me.

“It’s personal, Ma. Ihahatid ko na siya,” Gabe interjected.

“Nonsense, Gabriel! Kelly’s family.” Okay. Sobrang bait din ng mama ni Gabe.
Lumalawak na talaga ang kasalanan ko. “Tell me, what is it? Can we help? Or if it’s
really an emergency, gusto mo bang ipahatid ka na namin sa driver para diretso ka
na sa bahay niyo?”

Ayoko ng dagdagan ang kasinungalingan ko kaya sinabi ko na, “Wala naman po... OA
lang po si Gabe, wala naman pong emergency.” Pinilit kong maging normal kahit sa
harap lang ng mama niya.

Sorry, Gabe. Ayoko kasing magsinungaling sa mama mo... Alam ko naman na gusto mo na
akong mawala sa paningin mo pero ayoko na kasing magsinungaling pa.

“Pero magpapahatid na din po ako sa terminal para makauwi na ako sa Bulacan...”


pagpapatuloy ko.

Umiling ang mama niya at saka sinabi na, “Hindi ba pwede na dumito ka muna? Just
stay for a night here, marami naman kaming guest room. I want to talk to you kahit
tomorrow morning dahil maraming bisita pa ngayon... Ipapahatid kita bukas sa driver
para hindi ka na mahirap.”

Kinagat ko ‘yung ibabang labi ko dahil hindi ko alam ang isasagot.

“Gabe? Tell your girlfriend to indulge your mom,” sabi niya kay Gabe.

Narinig ko na nagbuntong-hininga si Gabe. “Kelly, do you want to stay here for the
night?”

Ngumiti sa akin ‘yung mama ni Gabe at saka pumalakpak. “So? Is it settled then?
Ipapaayos ko na ba ang guest room?”

I sighed. Gusto ko lang naman na umuwi na at magrepent sa mga kasalanan ko pero mas
lalo pang humahaba ang gabi.

Masayang umalis ang mama niya at naiwan kami ni Gabe sa gitna ng mga tao mula sa
mundo nila. Ramdam na ramdam ko na hindi ako dapat nandito. Bakit nga ba kasi ako
napunta dito? Masaya naman ako sa simpleng buhay ko... Ako yata talaga ang
naghahanap ng sarili kong sakit ng ulo, e.

“Sorry...” sabi ko kay Gabe. “Ayoko na kasing magsinungaling sa mama mo...”

Nakatingin lang ako sa baba. Hindi ko makayanan na tignan ng diretso sa mata si


Gabe. Parang nung oras na nagdesisyon ako na magsinungaling, nawalan na ako ng
karapatan.
“Sa mama ko ayaw mong magsinungaling pero sa akin ayos lang,” he scoffed.

“Gabe naman...” Ayoko yata na masanay na ganito niya akong kinakausap.

But he didn’t listen to my silent plea for him to talk to me like the human being
that I am. Nagpatuloy siya sa sinabi niya. “Ihahatid na kita sa kwarto mo,” sabi
niya.

Hindi na ako sumagot. Ayoko na na magtalo kami.

Naglakad kami paakyat sa second floor ng bahay nila. Mula dito, kitang-kita ko
‘yung mga tao na nasa party nila. Halata na mayaman talaga sila. Ayoko sa ganitong
lugar. Ayoko kasi na pag-isipan nila ako ng masama. Hindi naman ako gold digger.
Alam ko na hindi naman lahat ng mayaman mapangmata pero ayoko pa rin kasi na
masabihan ng ganun... Nag-aaral naman ako ng mabuti para sa sarili ko at sa pamilya
ko.

Huminto kami sa harap ng isang pintuan.

“I’ll just get your things in my car,” sabi niya at saka binuksan ‘yung pintuan.
Tahimik na lang ako na tumango at saka pumasok sa loob. Una kong tinanggal ‘yung
sapatos na suot ko at naglakad sa carpeted na sahig nila. Pilit akong nag-isip ng
masasayang bagay dahil alam ko ilang segundo na lang babagsak na ang luha ko.

Ayoko kasi na may nagagalit sa akin. Ayoko ng ganun na pakiramdam. Ayoko ng may tao
na may sama ng loob sa akin. Ang bigat-bigat sa loob.
Huminga ako ng malalim na malalim at saka pinakalma ang sarili ko.

“All sins will be forgiven in due time, Kelly,” paalala ko sa sarili ko. “Basta
‘wag mo ng uulitin. Masusunog na talaga ‘yang kaluluwa mo.”

Naupo ako sa dulo ng kama at tahimik na naghintay sa pagbabalik ni Gabriel. Pero


parang ang tagal niya na dumating kaya hindi ko napigilan na magpaikot-ikot sa
kwarto. Natukso ako na lumabas kaya lang natakot ako na baka may makasalubong akong
tao na ayaw kong makita kaya nagtiis na lang ako na nasa loob ng kwarto.

Naglakad-lakad ako hanggang sa makarating ako sa sliding glass door papunta sa


balcony.

Mula doon, nakita ko si Theo na nakaupo kasama si Monique. Nag-uusap silang dalawa
at nakikita ko na tumatawa si Monique habang si Theo napapangiti na lang.

“Kelly.”

Napaigtad ako sa pagkagulat sa boses ni Gabe. Nasa likuran ko na siya at mukhang


galit na naman siya sa akin.

“B-bakit?”
His knuckle was formed into a fist and I can see him trying to breathe even. He was
pissed off. He was clearly mad.

Naglakad siya papunta sa akin. Mas lalong lumalakas ang tibok ng puso ko sa bawat
hakbang na ginagawa niya. My breathing hitched when he touched the fabric of the
dress I was wearing.

“Theo got you this.”

Hindi ako makasagot dahil hindi ko alam kung paano niya nalaman. Tama naman siya.
Si Theo ang may bigay nito sa akin. Unti-unti niyang ipinakita sa akin ‘yung laman
ng palad niya at nandun ‘yung price tag nung damit pati nung kwintas na bigay sa
akin ni Theo.

Oh, shit! Nalaglag ko ba sa sasakyan niya?!

“Gabe, sorry.”

Nagsimula siyang tumawa. Nakayuko lang ako ‘dun.

“You won’t even deny it?”

Umiling ako. Ayoko ng dagdagan pa.


“For a fucking dress, you broke up with me?! You could’ve asked me to buy you a
dress, bibilhan naman kita!”

Sinampal ko siya.

May tumulo na luha mula sa mata ko. Ayoko na ginaganito ako ni Gabe. Nagsinungaling
ako sa kanya, oo, pero wala naman yata siyang karapatan na ganituhin ang pagkatao
ko.

“Hindi ako mukhang pera.” Pinipilit ko na maging kalmado dahil ayokong sumabay sa
init ng ulo niya. Walang mararating ‘tong usapan namin kung magsisigawan lang kami.

Nakahawak siya sa mukha niya at nakatingin lang sa akin.

“Kelly, I don’t give a damn if you’re a fucking gold digger who’s more curious
about my trustfund than who I really am! Mahal kita hindi mo ba ako
naiintindihan?!”

Hinihingal siya sa pagsigaw niya sa akin.

Unti-unti akong napasandal sa pader sa likuran ko. “Alam ko naman ‘yun...” mahinang
bulong ko. Hindi naman ako tanga o manhid para hindi maramdaman na mahal ako ni
Gabe. Nararamdaman ko at gusto kong suklian pero hindi ko kaya.

“Bakit mo ako ginaganito, Kelly?”


Kitang-kita ko sa mga mata ni Gabe ang pagod. Pagod na pagod na rin naman ako...

“Hindi ko alam... Sorry...”

Wala akong masasabi kung hindi sorry.

“Do you love Theo?”

Hindi ako sumagot. Hindi ko rin alam ang sagot. Naguguluhan ako sa nararamdaman ko.
Gusto ko na lang umuwi.

“Do you love him?”

Tahimik pa rin ako.

He whispered sharply, “Do you love him?” sabi niya sabay hatak sa akin para ipakita
si Theo at Monique na masayang nag-uusap sa gilid ng pool. Hindi ko na alam kung
ano ba ang dapat kong maramdaman. Halu-halo na ang lahat ng nangyari sa akin. “He
won’t breakup with Monique for you, Kelly. I’ve asked him a million times if he
likes you... Kelly, he doesn’t like you. He’s a confused asshole who doesn’t know
who he wants.”

“But me... I know who I want.”


Nasa likuran ko si Gabe at ramdam na ramdam ko ang bawat paghinga niya sa leeg ko.
“Kelly, he’ll never love you... not the way I do. I’m here, I’m real.”

Tahimik kong tinignan si Monique at Theo habang pinapakinggan ang tibok ng puso ni
Gabe. Ang sakit marinig na wala lang akong kwenta. Ang sakit na marinig na
sinasaktan ko ‘yung tao na mahal ako. Bakit ang unfair ng buhay?

Why do people keep on falling for someone who treats them like shit?

“Gabe, I’m sorry... Ayokong magsinungaling sa’yo kaya sinabi ko na agad... Hindi
man ako sobrang ganda o sobrang talino o kasing yaman niyo pero hindi naman ako
sinungaling... Sorry kung nasasaktan kita... Ayaw naman kitang saktan... Kahit
hindi ka maniwala sa akin, mahal naman kita kahit papano...”

Hindi ko na napigilan na hindi umiyak. Nahihirapan na ako sa ganito.

Naramdaman ko na niyakap ako ni Gabe at nakapatong ang ulo niya sa balikat ko. I
could feel him silently sobbing; I could feel his heavy breathing.

“I’m so sorry, Gabe. Ang bait–bait mo sa akin pero ginaganito kita... Hindi ko alam
kung ano ang mali sa pag-iisip ko...”

Mas lalong humigpit ang yakap niya sa akin.


“Kelly, gusto mo ba talaga na maghiwalay tayo?”

Hindi ako sumagot.

“Can’t... can’t we just take a temporary break? Hindi ba pwedeng cool off lang? I
can’t let go of you completely...”

Biglang napatingin sa direksyon namin si Monique at saka nagthumbs up siya sa akin


at saka sumandal siya sa balikat ni Theo. Itinuro niya kami kay Theo... at ngumiti
lang si Theo at hinalikan ang ulo ni Monique.

But you shouldn’t answer rage with wrath. Hindi dahil naiinis ako sa ginagawa ni
Theo ay gagantihan ko siya sa pamamagitan ni Gabe. I didn’t want to play this game
of cheating and lying.

“Ayoko, Gabe. Gusto ko na lang manahimik.”

Unti-unti kong tinanggal ang pagkakayakap niya sa akin at saka inilagay ‘yung kamay
ko sa mukha niya. “This would probably be the most stupid decision I will ever
make... letting go of such a great guy,” I said and then smiled painfully.

Tinanggal niya ‘yung kamay ko sa mukha niya at saka umatras.

“Sana hindi mo na lang ako sinagot kung gagaguhin mo lang din ako.”
Pinunasan niya ‘yung luha niya at iniwan ako.

=================

Chapter 25: For All The Wrong Reasons

#HTSTBB Chapter 25

“Hindi naman kita ginago, Gabe...” I muffled my tears and tried to make my
breathing even. Kanina ko pa pinipigilan na tuluyang umiyak pero sa lahat ng
naririnig ko mula kay Gabe, ang hirap gawin.

What I heard him saying made me want to bawl my eyes out. I will never get used to
the hostility.

He balled his fists and then tried to remain calm. It looked so hard to be calm at
this moment. Parang gusto mo na lang sumigaw ng sumigaw hanggang sa wala ka ng
maramdaman kung hindi pagod. “Kung hindi mo pa ako ginagago, ano ‘to, Kelly?
Because as far as I know, I’m hurting.”

Hindi na ako makasagot sa mga sinabi niya.

“Didn’t I treat you right? Saan ba ako nagkulang?” he kept on asking. Wala akong
maisagot dahil wala naman talaga... Wala akong masasabi. He treated me more than
alright. Sobrang bait niya sa akin.
But a sob was heard. Hindi ko mapigilan na mapaiyak.

“We’re really over, huh,” sabi niya na tapos bigla siyang tumawa. “Tanginang ‘yan.
Kung kailan gusto mong magseryoso at saka ka gagaguhin.”

Habang pinapanood ko siyang umalis, tuluyan na akong napaupo sa sahig.

Hindi ko alam kung papaano ko nagawa na magmukhang normal sa mata ng mama ni Gabe.
Alas-otso ng umaga at sabay-sabay kaming kumain. Mabuti na lang at wala si Theo
dahil baka mas lalong hindi ako makaakto ng maayos. At hindi ko rin alam kung paano
maipapaliwanag na nahulog at nadulas lang naman siya sa pond pero mayroon siyang
pasa sa mukha. Sigurado ako na magkakaroon dahil ang lakas ng pagkakasuntok sa
kanya ni Gabe kagabi...

Ayoko ng magpaliwanag. Gusto ko na lang magdisappear mula sa paningin nilang lahat.

“Did you have a good night sleep?” tanong ng mama niya.

Ngumiti na lang ako. “Opo, salamat po.”

For a second, parang aatakihin ako sa puso nung nagsalita si Gabe. “Ma,” he began.
“Kailan babalik si kuya sa US?”
“First week of December, why?” she asked.

Gabe looked at me briefly and I swear I saw pain shot through his eyes. Kitang-kita
ko na nasasaktan pa rin siya.

Tumango siya at saka nagsalita muli. “Can I take a break and stay there for a sem?
Don’t worry tatapusin ko muna ‘yung sem ngayon.”

“What’s gotten into you? Bakit bigla-bigla mo namang gustong mag leave of absence?”
takang-takang tanong ng mama niya.

Bigla akong nakonsensya. Dahil sa akin aalis siya ng bansa? Hihinto siya ng pag-
aaral?

“Too much stress. Nakakapagod ‘yung ginagawa ko sa school. I just need a breather,”
sabi niya pero hindi ako naniniwala. Hindi ko kayang maniwala.

Ang lakas ng kabog ng dibdib ko ng biglang may lumapit na maid na may dalang
cordless phone. “Ma’am, si Sir po, long distance,” sabi ng kasambahay.

Tumango siya at saka tumingin kay Gabe. “Hold that thought, kakausapin ko lang ang
papa mo,” sabi niya at saka naglakad paalis.

Mabuti na lang at wala ang kuya niya o kahit na si Monique. Tumingin ako kay Gabe.
“Gabe...” I said, trying to test the water. Hindi ko pa rin alam kung paano ko
sasabihin. Alam ko na galit siya sa akin at baka sabihin niya na wala naman akong
karapatan na magtanong. Ginago ko nga siya, ‘di ba? Kaya bakit naman ako
magkakaroon ng pakielam?

“What?” he spat out.

Huminga ako ng malalim.

“Dahil ba sa akin kaya ka aalis?”

I was waiting for him to say that I wasn’t the reason. I can’t be the reason. He
can’t love me that much. Impossible.

But his answer didn’t spare me from hurting.

“Don’t ask, alright. You’re not my girlfriend anymore; you don’t get to ask me
questions,” sabi niya sa akin. So this was what hostile felt like. Mahirap pala
talaga.

Tumahimik ako pagkasabi niya nun. Paano pa ako magtatanong kung sa tuwing susubukan
ko, palagi niya akong sasabihan ng ganun? Kahit na alam ko na deserving ako sa
lahat ng masasakit na sinasabi niya, hindi ko pa rin maiwasan na hindi masaktan.

One moment I was his princess, the next I was reduced to nothing.
Matagal na wala ang mama niya kaya mas nahirapan ako. Gusto ko na lang matapos
kaming kumain para makaalis na ako. Konting panahon na lang naman, tapos na ang
semester. I will start with a clean slate. No more Theo, no more Gabe. Gusto ko na
lang mag-aral.

Ni hindi ko maubos ang pagkain ko dahil sa sobrang pagkagusto na matapos na ang


lahat ng ‘to.

“Eat,” sabi niya. “You can’t ask me to buy you food later.”

Kahit na nasaktan ako sa sinabi niya, mas pinili ko na lang na manahimik. Inabot ko
‘yung tinapay at saka pilit na isinubo sa bibig ko. Pilit kong pinipigilan na huwag
tumulo ang luha ko pero parang traydor ito na bigla na lang bumuhos. Mabuti na lang
at wala ang mama niya dahil hindi ko alam kung paano ko ipapaliwanag na bigla na
lang akong naiyak habang kumakain ng umagahan.

Makalipas ang ilang minuto, bumalik na ang mama niya.

“Gabe?” she said as soon as shet sat down.

“Ano’ng sabi ni papa?” inquired Gabe.

Nagkibit-balikat lang ang mama niya. “He said he wants to talk to you personally.
But you know your dad, papayag naman ‘yun sa gusto mo,” sabi niya. “But won’t you
miss your girlfriend?”
Gabe threw me a look. “She’ll understand.”

Hindi ko alam kung magpapasalamat ako dahil hindi niya sinabi sa mama niya ang mga
nangyari sa amin o kung malulungkot ako dahil hindi ko na siya makikita.

Habang kumakain kami, panay ang tanong sa akin ng mama ni Gabe. Gusto ko na lang
‘tong matapos pero mukhang medyo imposible dahil sa dami ng sinasabi niya.

“Your taking what again, hija?”

“BS Biology po,” I answered politely. Kahit na gutom ako, wala akong gana na
kumain. Lalo na at nakatitig lang sa akin si Gabe buong pagkain namin... Hindi ko
mabasa kung ano ang tumatakbo sa isip niya.

Ngumiti ang mama ni Gabe. “Are you taking med after college?”

Tumango ako. “Sana po... Kung kakayanin po at kung makakahanap ng scholarship,”


sabi ko. Alam ko naman kasi na hindi basta-basta ang pag-aaral sa med-school. Baka
nga kahit ibenta na naman ang bahay at lupa namin ay kulang pa rin.

“I’m sure you’ll manage,” sabi niya. “If after you graduate you still want to
pursue, just tell me. Theo’s mom has a foundation and I can tell her about you.”
The mere mention of Theo’s name made my body froze. Hindi ko pa rin kaya na
mabanggit si Theo sa harap ni Gabe. It was like the scene of him punching Theo
straight in the face wouldn’t go away from my mind. Palagi siyang nagre-replay.
Paulit-ulit.

“T-thank you po,” sabi ko na lang. I saw Gabe looking like he wanted to murder
someone. And that someone must be named Theo or Kelly. Just either of the two.

“Ano ang work ng parents mo?”

Hindi ako nagsinungaling at sinabi ko ang totoo. Na hindi naman kami mayaman dahil
public school teacher ang nanay ko at ang tatay ko naman, government employee. At
hindi ko naman sila ikinakahiya. Mahal ko ang mga magulang ko kaya kahit minsan
hindi ako magsisinungaling tungkol sa kung sino sila.

“That’s good,” she commented. “May kapatid ka ba?” she asked again.

“Meron po. ‘Yung ate ko,” sabi ko. Pero mukhang naghihintay pa siya kaya naman
nagkwento ako tungkol sa ate ko. “Sa Diliman po siya nag-aaral, BS Economics po ang
kinukuha niyang degree.”

Biglang napangiti ang mama niya. “Really? May kakilala ako na nag-aaral ng Econ sa
UP Diliman,” sabi niya at saka tumingin kay Gabe. “Remember the twins? Lourd and
Chance?”

Gabe groaned. “Yeah, I remember.”


His mom chuckled. “Oh, Gabe. Hanggang ngayon ba ay hindi mo pa rin napapatawad si
Chance dahil siya na ang best friend ng kuya mo?”

Napailing na lang si Gabe at saka sinabing, “You make me sound like I have incest—
and not to mention gay feelings about kuya. At isa pa, hindi kami magkasundo ni
Lourd kaya ‘wag na nating pag-usapan,” sabi niya.

Hindi ko sila maintindihan pero nakinig na lang ako. Ang sayang tignan ni Gabe na
nakasimangot habang ginugulo ng mama niya ang buhok niya. Kaya naman pala masiyahin
si Gabe dahil masaya ang pamilya niya.

Hindi niya deserve na masaktan dahil sa akin. He was loved and I was hurting him.

Sa wakas, natapos na rin kaming kumain. Sa buong buhay ko, ngayon lang ako hindi
natuwa sa pagkain. Parang hindi na naubos ang pagdating ng pagkain sa hapag nila
kaya naman inabot kami ng isang oras sa pagkain pa lang.

Kung tutuusin malapit lang naman ang Alabang sa Cubao pero pinagbaon pa rin ako ng
mama ni Gabe ng sandwich at freshly-squeezed orange juice.

Sumakay na ako sa passenger’s seat. “Mag-ingat kayong dalawa,” she said. “Gabe,
drive safely, okay?” Gabe didn’t answer and instead throttled the engine. Humarap
naman sa akin ang mama niya at saka sinabi na, “It was nice meeting you, hija. I
like you for my son but please, ayokong maging lola agad. I’m too young to be one,”
sabi niya at pinamulahan naman ako agad.

Hindi ako nakasagot dahil na rin nagpaalam agad si Gabe at bigla na lang kaming
humarurot paalis.
Tahimik lang kaming dalawa habang nagdadrive.

“Gabe, dito mo na lang ako ibaba,” sabi ko nung makita ko na malapit na kami sa
Cubao, sa terminal ng Baliwag transit. “Gabe, lalagpas na tayo,” sabi ko nung
makita ko na nasa tapat na kami ng 5-star liner terminal.

He played some music and said, “This is the last time I’m doing you a favor, Kelly.
After this, I’m done with you,” sabi niya at saka tumingin muli sa sasakyan.

Kanina ko pa gustong magcr pero hindi ko masabi kay Gabe dahil sa takot na baka
sigawan niya ako... Alam ko naman na hindi masamang tao si Gabe but pain changes
people. It can change a person drastically.

Tahimik akong naupo sa gilid kahit na kanina pa ako ihing-ihi. Namimilipit na ako
sa sobrang pagpipigil ng ihi at mukhang napansin iyon ni Gabe dahil tumigil kami sa
gas station sa NLEX.

Pinatay niya ‘yung makina ng sasakyan sa saka sinabi na, “Bibili lang ako,” sabay
baba sa sasakyan.

Agad akong bumaba at nagtatakbo papunta sa CR. Makalipas ang ilang minuto, bumalik
na ako sa sasakyan pero laking gulat ko ng may makita akong biogesic at bote ng
tubig sa dashboard.

Hindi na ako nagpasalamat sa kanya dahil alam ko na ayaw niyang i-acknowledge ko


‘yung ginawa niya kaya ininom ko na lang ‘yung gamot. Masakit kasi ‘yung ulo ko
dahil halos wala akong tulog kagabi habang paulit-ulit na nagrereplay sa utak ko
‘yung sinabi ni Gabe.
‘Sana hindi mo na lang ako sinagot kung gagaguhin mo lang din ako.’

Pero kahit na sobrang nahihirapan ako sa mga nangyayari ngayon, hindi ko pa rin
kayang itanggi na sobrang saya ko kung mga panahon na kami pa ni Gabe. He is a
great guy... only he wasn’t the one for me.

“Gabe...”

Inipon ko lahat ng lakas ng loob na natitira sa akin bago pa man ako makapagsalita.

“Gabe... talaga bang aalis ka?”

I didn’t want him to leave.

“Kahit na alam ko wala akong karapatang magtanong, pwede bang sabihin mo sa akin
kung bakit ka aalis?” pagsusumamo ko. Hindi matatahimik ang kaluluwa ko kapag
nalaman ko na aalis siya dahil sa akin.

“Why? You’ll miss me?” he asked before he scoffed. “Who am I kidding? Nandyan naman
si Theo kaya bakit mo ako mamimiss? Baka nga hindi mo mapansin na wala pala ako,
e,” sumbat niya sa akin.

“Bakit ka ba ganyan? Gabe, mas gusto mo ba na niloko kita kaysa sa nagsabi ako ng
totoo?” I can’t help but question him. Tanggap ko naman na ganto niya ako
tatratuhin pero hindi ko lang talaga maintindihan. “Ayaw kitang lokohin... kaya
kahit na masakit, sinabi ko.”

Tumawa siya sa sinabi ko na para bang isa akong clown na nasa harap niya.

“Masakit?” sabi niya na parang hindi makapaniwala. “Don’t talk to me about fucking
pain, Kelly! Sa ating dalawa, ako ang niloko mo! I’ve been nothing but a fucking
good boyfriend pero nagawa mo pa rin akong lokohin!”

“Kaya nga sinabi ko na, ‘di ba?!”

“But that doesn’t change the fact that you hurt me!”

“Kaya nga nagsosorry ako, ‘di ba?!”

Umiyak na ako sa sobrang hindi ko na kayang kimkimin lahat ng galit at inis ko.
Konti na lang sasabog na ako.

“Sorry for what? Sorry for hurting me? For lying to me? For being my girlfriend?
For liking me? Fuck, did you even like me o ako lang ang may gusto sa atin?”

Nakatingin siya sa akin at hinihintay ako na sumagot pero hindi ako makapagsalita
dahil sa sobrang pag-iyak ko. Mali si ate... Hindi dapat ako naglandi ngayong
college. Sobrang mali.
“Do you even like me?” he asked again yet I didn’t even manage to find my voice. “I
just have to know, Kelly. Kung kahit konti ba nagkagusto ka sa akin o niloloko ko
lang ‘yung sarili ko.” Ilang segundo kaming nanahimik bago siya nagsalita.

“You’re cruel.”

Bago pa man kami umalis muli, nagring ‘yung cellphone niya. Namumuti na ‘yung kamay
niya sa sobrang higpit ng hawak niya sa manibela pero nagawa niya pa ring abutin
‘yung cellphone niya. Nakita ko na si Monique ‘yung tumatawag dahil nakapatong lang
naman ‘yung phone niya sa dashboard.

Ramdam ko na ayaw niyang sagutin ‘yung tawag ni Monique dahil siguro alam niya na
nagsisinungaling kami sa kanya... Nadamay lang naman siya sa mga kasinungalingan
ko, e.

But in the end, he answered it anyway.

“Hello?”

He was silent for a minute before he put his phone in loudspeak.

“Why is there a bruise on Theo’s face?! Did someone punch him?! Sino ang sumuntok
sa shortcake ko?!”
I could hear her fuming mad.

“Why are you calling me? Sa tingin mo ba ako ang sumuntok kay Theo?” Gabe
questioned her.

“No, idiot! Why would you punch Theo naman?! I’m asking you because aside from
James, ikaw lang naman ang kaibigan niya!” she said. “God! Kilala mo ba?! I’m gonna
strangle whoever that person is! No one gets to punch my boyfriend except for me!”
she said and then continued on and on hanggang sa si Gabe na mismo ang nagbaba ng
tawag.

Hindi ko alam kung sadya ba niyang ipinarinig sa akin o kung ano ba ang nais niyang
iparating.

But I wasn’t kept in the dark for much long.

“He won’t breakup with her for you. He loves her. You’re just his toy. You made the
wrong choice,” he said before her resumed driving.

=================

Chapter 26: For Once, Gossip is Real

#HTSTBB Chapter 26

I looked around and I saw no one.


Ang bilis pala talaga ng panahon. Parang kahapon lang palaging nasa labas ng
classroom ko si Gabe at hinihintay ako para sabay kaming kumain tapos ngayon,
parang walang nangyari.

Ilang linggo na ba ang nakalipas? Two weeks pa lang naman pero pakiramdam ko isang
lifetime na ang nagdaan. Good thing tiga CEAT si Gabe kaya hindi kami madalas
magkita. Kulang na lang magtago ako sa gilid ng PhySci tuwing may klase ako dun
dahil alam ko may mga klase si Gabe doon.

One time nagkasalubong kami at ni hindi niya ako tinignan.

Ganon ba ang feeling ng makipagbreak? Ang hirap pala talaga. Iyon bang gusto mong
kausapin ‘yung tao pero hindi mo magawa kasi alam mong masyadong maraming masasakit
na bagay ang nangyari. There was too much history between us.

But I think it was a good thing that he wouldn’t even spare me a glance. Baka kasi
hindi ko kayanin kapag nagsalita pa si Gabe... He was the nicest man I have ever
known yet he could also be the meanest. Sobrang sakit niyang magsalita... His words
pierce through my soul.

Bakit nga ba? Kasi tama naman siya... For Theo, I was no more than a toy. A
distraction.

“Okay ka lang, bebe?” Danielle asked me.

Tumango ako sa kanya. Nag-aaral kami para sa finals namin at alam niya naman na
nagbreak na kami ni Gabe... Akala ko nga magagalit siya sa akin dahil kasalanan ko
naman talaga pero hindi niya ginawa. Tahimik lang siya at hindi na nagtanong pa.
Pero ramdam ko naman kasi na alam niya na si Theo ang dahilan...
Palagi na lang si Theo.

Nag-inat siya at saka nahiga sa sofa. Dito kasi kami nag-aaral sa apartment niya.

“Nakakapagod!” she said after yawning. “Halos December na, bebe. San ka pupunta sa
sembreak?”

Hindi ako nakasagot agad. Dati kasi may plano kami ni Gabe na ipapakilala niya ako
sa pamilya nila pero ngayon, wala na akong plano. Balak ko na lang mabulok sa bahay
namin at ma-aral ng mag-aral. Iyan ang parusa ko sa sarili ko. Hindi dapat ako
maging masaya ngayong pasko...

Kung hindi masaya si Gabe, mas lalong wala akong karapatan na maging masaya. I just
had to remind myself.

“Sa bahay lang, e,” sagot ko sa kanya.

“Ay? Sama ka na lang sa akin! Pupunta kami sa Tagaytay!” sabi niya.

Ngumiti ako. “Kasama mo family mo?”

Tumawa naman siya. “Hindi, ah! Baliw! I mean sembreak outing! One week kami sa
Tagaytay ng orgmates ko...”

Bigla kong naisip si Theo. Orgmate siya ni Danielle, hindi ba? Baka kasama siya.

“Thank you na lang,” sagot ko. Dalawang linggo kong iniwasan si Theo tapos
magkikita rin kami sa Tagaytay? Hindi naman tama iyon... At isa pa, ayoko na isipin
ni Gabe na iniwan ko siya para kay Theo... Hindi naman kasi.

“Why? Masarap kaya doon lalo na ang Bulalo!” she continued. “Tara na, Kelly! May
vacation house kasi ‘yung isang close friend ko ‘dun kaya free accomodation tayo,”
pamimilit niya pa.

Pilit akong ngumiti.

“Gusto ko man pero hindi talaga pwede, Danielle,” sabi ko. “Orgmates mo ang kasama
mo, ‘di ba? Bukod sa baka ma-out-of-place ako, baka kasi nandun din si Theo at
Gabe...” I honestly replied.

Lahat talaga gagawin ko para iwasan ang dalawa na ‘yun.

She shook her head and then reached for the bottle of water. Nakakauhaw nga rin
pala na mag-aral kaya tumayo ako at pumunta sa mini-fridge niya at kumuha rin ng
tubig ko. Sandali palang kaming magkakilala ni Danielle pero magaan na talaga ang
loob ko sa kanya, para kaming magkapatid.

“‘Di mo ba narinig? Nasa States si ex mo sa sembreak... Si confused guy naman ay


hindi ko pa alam ang plano,” sabi niya sa akin habang binubuksan ko ‘yung bote ng
tubig. Ayan na naman siya sa codename niya! As if naman walang makakilala!
Halatang-halata, e.

Sinimangutan ko siya. Natawa naman siya.

“What?” sabi niya at saka ngumiti. “Apt kaya! Theo’s a confused guy. Kung ‘yung iba
mixed signals ang sinesend, siya confused signals,” patuloy niya pa.

Paano ba mawawala sa sistema ko si Theo at Gabe kung bawat araw, naririnig ko ang
pangalan nila? Kaya pala mahirap magboyfriend ng kaibigan... Bukod sa kapag
nagbreak kayo hindi lang boyfriend ang mawawala pati kaibigan, mahirap pang
makalimot. Nasa iisang circle of friends kayo. Mas mahirap talaga.

“‘Wag na nga natin siyang pag-usapan,” sabi ko, sinubukan na ibahin ang topic.

Danielle shrugged at saka humiga sa couch. “So ano na? Sama ka na kasi! Mukhang
wala ka namang gagawin sa bahay niyo, e.”

“Advance study?”

“Teh naman! Grade conscious much? Baka naman pati bangungot nag-aaral ka pa rin?!
Chill naman kapag may time!”

Bakit ba sobrang problemado si Danielle sa pag-aaral ko? Kulang na lang sabihin


niya na ‘wag akong mag-aral. Tuwi na lang sasabihin ko na nag-aaral ako ang
sasabihin niya, ‘Nakaka-stress ka, teh.’
“Sige na, Kels?” pamimilit niya. “I promise it will be fun!”

I bit my lip and avoided her stares. Kapag kasi ganito, nakokonsensya ako na hindi
pumayag, e...

“Please?” sabi pa niya sabay yugyog sa balikat ko.

Huminga ako ng malalim. “Susubukan ko...”

Hinampas niya ako. “Other way of saying ‘wag ka ng umasa!’ Sige na, Kelly? Few days
lang naman!”

Ang kulit talaga ni Danielle! “Fine,” sabi ko. “Pero magpapaalam muna ako.”

Days after that, simula na ng finals week. Kanya-kanya na kaming buhay sa loob ng
isang linggo. Kailangan kong i-focus lahat ng energy ko dahil masasayang lahat ng
gabi na naglamay ako kung hindi rin ako magtitino sa final exams ko. Make or break
‘to.

Buti na lang at marami akong kailangang aralin sa Bio at Chem kaya naman medyo
nawaglit sa isip ko si Gabe... Pero may mga araw na nakikita ko siya sa daan at ang
sakit kasi kahit alam ko na nakita niya naman ako, iniiwasan niya ako.
Alam mo ‘yung alam mo naman na deserve mo ‘yung nakukuha mo pero deep within you,
masakit pa rin?

Minsan nagkasalubong kami sa Annex dahil may pupuntahan ako na prof ko.

“Gabe,” tawag ko sa kanya.

Tumingin lang siya sa akin at hindi nagsalita. Nakatayo lang kami sa harap ng
isa’t-isa habang hinihintay ko siya na sumagot. Alam ko para akong tanga kasi kahit
na sobrang nasaktan ako sa mga sinabi niya nung huli kaming nagkita, gusto ko pa
rin siyang makausap.

Genetically wired ba tayo na habulin ang mga tao na nananakit sa atin?

“Gabriel.”

May narinig ako na boses at nakita ko si Astrid na naglalakad palapit. She seemed
to have slowed down nung nakita niya na kausap ko si Gabe.

“You done?” Gabe asked her and she nodded. “Tara na.”

Wow.

 
Gabe walked pass me. Ni ha, ni ho, wala. Ganito ba siya kagalit sa akin na kahit
presence ko hindi niya kayang i-recognize?

Sa mga movies, palaging masama ang ex girlfriend... Pero hindi, e. Bakit hindi ko
magawang magalit sa babae sa harap ko kahit na ayan siya, tinitignan ako ng masama?

“Sorry,” sambit ko. “Gusto ko lang naman na makausap si Gabe.”

Hindi ko alam kung bakit ako nagpapaliwanag.

She nodded and then pursed her lips. “Don’t take this wrong but I suggest that you
don’t talk to him anytime soon. His mind is closed, wala ka ring mapapala,” sabi
niya at saka nagsimulang maglakad palayo.

Maybe I was right. I was genetically wired to hurt myself over and over again.

“Woo!” sigaw ni Danielle. “Shet ang liberating sa feeling! Tapos na ang hell week!
Pwedeng magmura para feel na feel? Tangina!” sabi niya sabay talon pa siya. Ang
baliw talaga ng tao na ‘to.

Sabay kaming nag-inat palabas ng lecture hall sa PhySci. Tapos na finally ang hell
week. Nabunutan ako ng tinik sa dibdib.

Hinatak ako ni Danielle papunta sa apartment niya. Ayaw niya akong pauwiin kasi
alam niya na once na makapasok ako sa kwarto ko at mahiga, wala ng tayuan. May
party kasi mamaya in celebration of the end of hell week. Ewan ko ba sa mga tao sa
UPLB, lahat na lang sine-celebrate para makainom.

“Ano ba ang meron sa foam party?” tanong ko sa kanya habang nakain kami ng takeout
sa Mcdo.

Kasalukuyan siyang naghahanap ng white shirt na ipapasuot sa akin. May color code
yata.

“Basta may foam,” sabi niya sabay hagis sa akin ng white v-neck shirt. “Ano’ng suot
mong bra?”

“Ha?”

“Ano nga?”

Bakit interesado naman ‘to sa bra ko? Naalog na yata utak ni Danielle.

“Matino ba ang bra mo?” tinignan ko lang siya. Hindi ko gets ang mga sinasabi niya
ngayon, e... “Ito na lang suot mo,” sabi niya sabay bigay sa akin ng bikini top.
“Trust me, you’ll thank me later.”

Dahil wala na akong lakas na makipagtalo sa kanya, pumasok ako sa cr at sinuot


‘yung bikini top at white shirt niya. Pinilit rin niya ako na isuot ‘yung denim
shorts niya na kulang na lang makita pati ‘yung pwet ko pero hindi ako pumayag kaya
nag pantalon ako.
Pasado alas dyes nung matapos kaming kumain at magpahinga. Dumating kami sa JAVA at
may mga tao na at marami na ring medyo lasing. Humawak ako kay Danielle dahil wala
naman akong kilala dito. Habang dumadaan kami papasok, biglang sumakit ‘yung dibdib
ko. Dito kami unang nag-usap ni Gabe.

Funny how fast time flies. Dati hindi kami magkakilala, ngayon umaarte kami na
hindi magkakilala. Ironies of life.

“Grabe makahawak,” sabi ni Danielle na medyo natatawa. “Classmates natin sa chem


‘yun, oh! Hindi ka mabobore dito,” sabi niya.

Naglakad kami papunta sa bar at kumuha ng tig-isang cup ng beer. Free-flowing kasi
‘to, sponsor na naman ang org nila Danielle. Naupo kami sa reserved seats at
pinanood ‘yung mga tao na sumayaw sa gitna ng dance floor. Ang saya-saya nilang
tignan... Bakit hindi ko kayang maging ganyan? Palagi na lang akong pressured na
mag-aral. Hindi ko kaya na maging kasing carefree nila. Minsan nakakainggit din
pala...

“Time for the body shot!” sigaw nung host. “So, sino na dyan ang mga magkakasparks?
I-volunteer na ‘yan!” sabay hiwayan ng mga tao. May mga lumapit sa stage na mga
couple. “Oh, mga naghahanap naman dyan ng ka-sparks!”

Bigla akong nagulat dahil ininom ni Danielle ng straight ‘yung baso ng beer at
sinabi sa akin na, “Wish me luck.” Tumayo siya at naglakad papunta sa stage. “I
volunteer myself as tribute!”

Minsan talaga napapailing na lang ako sa trip sa buhay ni Danielle...


“Oh, one last couple pa!” sigaw nung host.

Tumayo ako para maghanap ng tubig. Hindi ko rin naman kasi nainom ‘yung beer.
Habang naghahanap ako ng tubig doon sa may cooler, napangko ako sa kinatatayuan ko.

“Muling ibalik ang tamis ng pag-ibig...”

Nagkakantahan ang mga tao sa club habang tinutulak nila papunta sa stage si Gabe at
Astrid. Sa sobrang pagtulak nila, nadulas si Astrid at mabilis naman siyang nasalo
ni Gabe. Nakita ko siya na tinanong si Astrid kung okay lang ba ito habang
nakahawak ‘yung kamay niya sa bewang.

Ano ang laban ko sa ex niya na mukhang sasali sa Miss Universe?

Napatingin sa akin si Danielle at pinilit kong ngumiti kahit ang totoo, naiiyak na
ako. Bakit ako naiiyak? Break na kami ni Gabe, hindi ba? Ako naman ‘yung umayaw
pero ako itong tanga na naiiyak ngayon.

Ayokong saktan ‘yung sarili ko kaya tumalikod ako mula sa stage. I didn’t want to
hurt myself. I deserve better. I wasn’t a masochist and I didn’t intend to be one.

Huminga ako ng malalim.

“Isang tequila nga po,” sabi ko sa bartender. He looked at me hesitatingly and I


assured him that I was sure. Binigyan niya ako at bago ko ininom, tumingin muna ako
kay Astrid at Gabe na nasa stage.
Saktong pagtingin ko, sila na ang sasalang. Umupo si Astrid at saka nilagyan nung
host ng asin ‘yung leeg niya.

It was like I was stabbed in the chest when I saw Gabe licking salt from her neck.
Tangina ang sakit pala.

I was three shots away from being completely wasted. And so I took three instead of
one.

--

My vision was blurry but I still managed to stand up and walk. Umiikot ang paningin
ko pero alam ko pa rin kung saan ako patungo. There were dancing lights and I was
smiling like an idiot.

“Bubbles!” sigaw ko na parang bata at pumunta sa gitna ng stage na punung-puno ng


foam. Ang saya-saya ng mga tao kaya nakisama na rin ako.

“Enjoying, Kelly?” sabi sa akin ng isang lalaki na familiar ang mukha. Ngumiti ako
sa kanya at nagthumbs up. I was grinning and twirling and laughing.

I stayed in the middle and danced to the beat. Damn I have never felt so free.

Danielle was nowhere to be found.


Nasa gitna ako at ang saya-saya. Basang-basa na ako at sobrang tempted na ako na
hubarin ‘yung damit ko.

I was about to take my shirt off when someone stopped me.

“Don’t.”

I turned around and saw him. Inilagay ko ‘yung kamay ko sa balikat niya and I
smiled lovingly. I cocked my head sideways to give him a better view of my neck.

“Halikan mo rin ako sa leeg, Gabe...”

Nakatingin lang siya sa akin. Bakit ganun? Hindi ba dapat mawalan ako ng problema
kapag umiinom ako pero bakit kahit ilan yatang tequila ang inumin ko, nakakaramdam
pa rin ako ng sakit kapag kaharap ko si Gabe?

“You’re drunk,” he said.

“And you’re not pero hinalikan mo pa rin ‘yung ex mo!” sunud-sunod kong sigaw. Wala
akong pakielam kung marinig ako ng mga orgmates niya. Ano ba ang pakielam ko? Alam
naman nilang lahat na break na kami ni Gabe at na si Theo ang dahilan. Kaya nga
galit sila sa akin at kaya nga kahit nakaharap ako, tinutulak nila si Gabe at
Astrid palapit.
Pinalo ko siya sa dibdib.

“Gabe, three months rule naman...” sabi ko na hinang-hina. “Wala pang isang buwan,
e...”

Akala ko maaawa siya sa akin dahil umiiyak na ako pero ang tangi niyang ginawa ay
ang pag-alis ng kamay ko sa balikat niya.

“Nandiyan si Theo, baka makita tayo, magselos pa.”

Tuluyang tumulo ‘yung luha ko.

“Gabe, si Theo pa rin? Wala ngang kami ni Theo!” sobrang inis ko kaya napasigaw
ako. Ni hindi ko nga nilalapitan si Theo! Kulang na nga lang tumakbo ako kapag
nakikita ko siya pero kung tignan ako ni Gabe, akala mo may ginagawa akong
kababalaghan kasama si Theo!

But he didn’t budge. He stood there on his ground. I was pissed.

Sinubukan kong magpaliwanag ng ilang beses pero ayaw niyang maniwala. Kaya lang
naman ako nakipaghiwalay dahil ayokong lokohin siya.  Pero dahil ayaw niya rin
naman na maniwala sa akin...

Naglakad ako papunta sa kinatatayuan ni Theo


“Now, your accusations are true,” sabi ko kay Gabe at saka ko hinila si Theo at
hinalikan.

=================

Chapter 27: No Escape

 #HTSTBB Chapter 27

Sinampal-sampal ko ang sarili ko. Ano ba ang pumasok sa isip ko?! Halikan si Theo?!
Nababaliw na talaga ako!

Kakasimula lang ng sembreak kanina at nagsiuwian na ang mga kasama ko. Dapat
kahapon pa ako uuwi pero imbes na gumalaw ako at ayusin ang mga gamit ko, hindi ako
makagalaw. Para bang paulit-ulit na nangyayari sa utak ko ‘yung ginawa kong
kagagahan. Hinalikan ko si Theo. Jesus, what was I thinking?!

Pinagmasdan ko ‘yung mga maduduming damit ko na lalabhan ko muna bago ko iuwi sa


Bulacan. Hindi talaga ako masapian ng kasipagan ngayon...

Isang beses ko pang sinampal ang mukha mo.

“Bobo ka talaga, Kelly. Ayan, masaktan ka kasi ang landi-landi mo!” sabi ko sa
sarili ko sabay kurot kahit na nasasaktan talaga ako. Tinignan ko ‘yung balat ko at
namumula na ‘yun. Meron pa ngang dugo sa lakas ng pagkakakurot ko.

Naupo muna ako sa kama ko at biglang naalala ko na naman ‘yung mukha ni Gabe nung
makita niya ‘yung ginawa ko. I did that to spite him but why was I the one feeling
all the pain? Ang daya-daya... Kahit na ako ‘yung manakit, ako pa rin ‘yung
nasasaktan. Palagi na lang ganito. Ako ‘yung nakipaghiwalay pero ako ‘yung hirap na
hirap tuwing nakikita siya kasama ang ibang babae.

Bakit ba ang kumplikado ng buhay? Hindi ba pwedeng masaya lang? Palagi bang dapat
may nangingielam?

The way his jaw tightened when I pulled Theo’s face and kissed him... The way he
turned his back and walked away... Hinding-hindi ko malilimutan.

Nagvibrate ang cellphone ko at nakita kong nagtext ang Nay ko. Tinatanong kung
kailan daw ba ako uuwi.

“Wala kasing forever,” I said to myself bitterly. “Nakakuha ka na ng prinsipe,


pinakawalan mo pa. Magdusa ka,” patuloy ko at saka tumayo.

Sinimulan kong bitbitin ‘yung mga damit ko papunta sa laundry area. Pagkatapos kong
magpabalik-balik dahil medyo marami akong lalabhan, inipitan ko ‘yung buhok ko. I
stared at the pile of clothes waiting to be washed and then gave out a deep breath.

“Kaya ‘yan,” I said, making myself believe.

Nagsimula akong maghiwalay ng de-kolor sa mga kulay puting damit at saka nilagyan
ng powder detergent iyong palanggana. Sa sobrang wala akong pakielam sa mga
nangyayari sa buhay ko ngayon, hindi ko pansin na basang-basa na pala ako at na
puro bula na ‘yung kamay at pisngi ko.
Tinitignan ko ‘yung laman ng bulsa ng mga pantalon ko dahil baka may pera o papel
pala na nakasiksik ng biglang...

Hindi ko alam. Gusto kong maiyak pero wala na akong mailabas. Nakatitig lang ako sa
litrato namin ni Gabe sa kamay ko. Nandito pala ‘yun... Ang tagal ko ng iniisip
kung saan ko ‘to naiwan. Kinuha niya ‘to gamit ‘yung kakabili niya lang na polaroid
nung dinala niya ako sa Botanical Garden.

We looked so happy. Masaya naman talaga kami.

My heart was breaking at the sight. It wasn’t cathartic. It was catastrophic.

“Kelly.”

My breathing hitched upon hearing his voice. That voice.

“Ano?” I spat out. “Ano bang kailangan mo, ha, Theo? Hindi mo ba makita kung gaano
ako ka-miserable? Kulang pa ba?”

The calmness in my voice scared me. It was scarier than shouting. The calmness
before the surging of the storm. It was deadlier...

He took a step forward.


“I’m sorry.” Saan? Para saan pa? Wala na si Gabe. Tinalikuran niya na ako.

Tumalikod ako at nagpatuloy sa ginagawa ko. Hindi ko pansin na umaapaw na ‘yung


tubig mula sa labahan.

“Okay,” sagot ko. Wala namang magagawa kahit magalit ako. Hindi lang naman siya ang
may kasalanan. Ginusto ko rin ‘to. I played with fire and I was meant to get burned
one way or another. Losing Gabe was the price I wasn’t willing to pay but I still
did anyway. Ayoko ng relasyon na puro kasinungalingan.

He took another step closer. “Kelly,” he called his name again. “Can we talk?”

Pinilit ko na maging pantay ang paghinga ko. I was calm but I knew I was too close
to losing it. Galit ako kay Theo... Galit ako sa kanya kasi siya ang dahilan kung
bakit ang sakit-sakit ng nararamdaman ko ngayon.

“Wala naman tayong pag-uusapan,” sabi ko habang nagkukusot ng damit. “At pano ka ba
nakapasok dito?” I said ang paused. “If you didn’t catch my drift, it was a
rhetorical question. Umais ka na.”

Itinuon ko ang pansin ko sa ginagawa ko pero ramdam ko na nasa likuran ko pa rin si


Theo. Hindi pa ba siya aalis? Kailangan ko pa bang magmakaawa para tantanan niya
ako? Nawala na si Gabe sa akin, pati ba naman pagtitimpi ko kailangan ding mawala?

Minutes passed but he was still there.


I gathered all my strength and faced him. He was still behind me. Bakit ba ayaw
niya akong tigilan? I already lost everything... or was there still something he
wanted to take from me?

“Ano ba?” I said, vexed. “Umalis ka na nga! Nakakairita ka na!” I hollered.

Ni hindi siya natinag o gumalaw man lang sa kinatatayuan niya. He was just there,
as if waiting for me to regain my composure. But he thought wrong. Wala na. Ubos na
‘yung pasensya ko sa kanya.

Akala ko maunawain akong tao. Pero kahit pala ‘yung pinakamabait na tao dadating
din sa punto na tama na... sobra na...

I took it to myself and stepped forward. I pushed him.

“Umalis ka na, Theo.”

“You kissed me.”

“And I am sorry for doing so. Umalis ka na,” I reiterated over and over again.
Gusto ko lang naman na umalis siya. Sobrang hirap ba nun?

I continued pushing him pero nandun lang siya. I was slowly losing my strength. I
tried my luck and shoved him away one more time but he caught my hands.
“Mapapagod ka lang,” he said calmly. “I’m not going away until you talk to me.”

I glared at him and tried to get my hand. “Ayoko ngang makipag-usap! Jesus, Theo!
Ano ba ‘dun ang mahirap intindihin?!”

He stared down at me and I could see the flood of emotions in his eyes. Akala ko
imposible. Theo wasn’t capable of showing any emotion. He was void of them. He was
cold. He was insensitive. He was everything I didn’t want for myself.

“I can’t understand why the hell you kissed me,” he spat out.

“Isang halik lang ‘yun, Theo! At alam kong alam mo na nandun si Gabe kaya ‘wag mo
akong dramahan, okay?! Ginamit lang kita para gumanti sa kanya!”

Rinig ko ang paglagaslas ng tubig mula sa gripo. Ilang minuto lang alam ko na aapaw
na ang tubig pero hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko. Hawak niya pa rin ang
kamay ko. I wanted to slap him away from me.

I never thought I’d ever feel this way. I hate him.

But he pulled me close.

“God, Kelly,” he said as his face was an inch away from mine. “You can’t,” he
whispered.
Nanginginig ang tuhod ko. Gusto ko siyang sampalin. Pilit ko pa rin siyang
itinutulak palayo sa akin.

“I can’t what? Sawa na ako sa mga laro mo, Theo. Umalis ka na.”

“I want you but I can’t have you. Screw everything,” he said and then he closed the
distance between us by kissing me.

Hindi ako nakagalaw sa kinatatayuan ko ng halikan niya ako. I could feel his lips
moving against mine at pansamantalang tumigil ako sa paghinga. His face was cupping
my face and with every brush of his tongue against my lips, I wanted to break down
and cry.

Tapos na kami ni Gabe pero bakit kahit ano ang gawin ko, pakiramdam ko nagtataksil
pa rin ako...

Pilit ko siyang tinulak palayo sa akin pero hinuli niya lang ang dalawa kong kamay.
Naglakad siya habang hinahalikan ako hanggang sa naramdaman ko ang lamig ng pader
sa likuran ko. Basa na ‘yung paa ko dahil sa pag-apaw ng tubig mula sa labahan.
Inilagay niya ang dalawa kong kamay sa itaas ng ulo ko.

“Ano ba, Theo!” I said when I finally had the chance to speak. Hinahalikan niya ang
leeg ko. “Theo naman!”

His hot breath on my neck was making me sick with guilt.


“Don’t fight me with this, Kelly. I’ve fought too long.”

He began kissing me again and I could feel myself shedding tears. Was this the
person I broke up with Gabe for?

Hindi na ako lumaban. I let him kiss me.

“Kelly.”

I kept my mum and cried silently. Nawalan na rin ba ako ng karapatan na umayaw?
Wala na ba akong karapatan?

He looked at me and then wiped my tears using his thumb. “Kelly? ‘Wag kang
umiyak...” he cooed. “God, I want you so bad.”

I tried making my breathing even and to stop my whimpers. Wala namang magagawa ang
mga iyak ko. Iniwan na ako ni Gabe. Okay na siya na wala ako sa buhay niya. I was
the commiseration in his life.

He moved on but I was still stuck in the past. Well played, life. Well played.

“Ayoko na sa’yo, Theo,” I said in between my sobs. “Ayoko na sa’yo... Akala ko


mabait ka pero ang sama-sama mo.”
Patuloy lang ako sa pag-iyak habang pinupunasan niya ang luha ko. “You don’t mean
that, Kelly.”

“I hate you,” I said over and over. “I hate you so much, Theo Henares.”

Pinagdikit niya ang mga noo namin at saka hinalikan ang dulo ng ilong ko.

“I’ll take what I can get,” he whispered.

“May girlfriend ka na...” hinang-hinang sabi ko. Hindi ko na maintindihan kung


bakit ito nangyayari. I just made one mistake. I kissed him! Bakit ba niya ako
pinaparusahan ng ganito? Sobra na!

Ramdam ko ang bigat ng paghinga niya sa mukha ko. He smelled like mint.

He didn’t answer my question.

“Theo, ‘wag mo naman akong ganituhin. Wala sa balak ko ang maging kabit.”

“Then what do you want me to do?” he asked.


I shook my head. I didn’t want him to do anything. Nasira ko na si Gabe. Ayokong
sirain si Monique. That would be too much for me. I didn’t want to wreck havoc
everything.

“Do you want me to leave Monique?”

“No!” sigaw ko. I can’t have him do that. Hindi na ako patatahimikin ng konsensya
ko kapag nangyari iyon. At alam ko na malalaman ni Gabe... at mas lalo siyang
maniniwalan na mahal ko si Theo...

Mali ka naman, Gabe...

“Then what do you want me to do? Tell me, Kelly. Tell me.”

“Tigilan mo ako. Iyon lang, Theo. Tigilan mo na ako.”

Umiiyak na ako sa harapan niya. Kulang na lang magmakaawa ako pero hindi pa rin
siya pumapayag.

“I can’t, Kelly. No matter how hard I try to run from you, you’re always there.”

“Then iiwasan kita! Theo, I’ll do everything para hindi mo na ako makita kaya
please tigilan mo na ako...” I said. “Please lang... ayoko na sa’yo...”
He held my face and stared in my eyes. I could see those dark orbs that I onced
adored. “You liked me once and you’ll like me again. Kelly, you can’t escape me.
I’m your destination,” he said and then kissed me again.

=================

Chapter 28: Something He Borrowed

#HTSTBB Chapter 28

I spent the whole day pushing Theo away. Mabuti na lang at wala ng masyadong tao sa
dorm dahil ayokong makita nila lahat ng pinaggagawa ko at marinig lahat ng sinabi
kong masakit para lang paalisin si Theo.

He’s Theo Henares and he’s famed in the campus. Ayokong mas lalo pang madikit ang
pangalan ko sa kanya. I didn’t want to give Gabe another reason to hate me. He
already has plenty... Ayoko ng dagdagan pa.

Why was that even though he hates me, I still want to see him? Masokista ba talaga
ako? Kahit ang sakit-sakit na, kaya kong tiisin para sa kanya.

“Theo, malapit ng magdilim. Umalis ka na nga,” I admonished. Pagod na pagod na ako


sa paglalaba at wala na akong lakas para itulak pa si Theo. Bakit ba kasi hindi na
lang niya ako lubayan? May Monique na naman siya kaya bakit ba ako ang ginugulo
niya? He didn’t love me, I was quite sure of that. Kasi kung mahal niya talaga ako,
makikita niyang nahihirapan ako sa lahat ng ginagawa niya. Na nasasaktan na ako. Na
ayaw ko na.
I wanted to retire early dahil uuwi pa ako ng maaga kinabukasan. I still have half
a month to relax myself. Buong December itutuon ko para mag-aral. Kailangan kong
maging busy ang sarili ko.

Sa pag-aaral na lang ako natatahimik. Kahit saan, si Gabe ang naaalala ko. Sa pag-
inom ng milk tea, sa pagdaan ko sa NLEX kapag uuwi ako, sa mga sasakyan na
dumadaan. Sa lahat na lang siya ang nakikita ko. How could he possibly destroy me
in the best way possible? He left me all these good memories that are making it
hard for me to move on.

“You haven’t eaten yet,” segunda niya sa akin. “Buong araw kang naghugas ng damit.”

I cringed at the words he used.

“Naglaba,” I corrected what he said. “At may pagkain ako sa taas. Kung gutom ka na,
kumain ka na mag-isa.”

I started cleaning up the things I used at ineexpect ko na iiwanan niya na ako pero
mali na naman ako. Naisampay ko na lahat ng damit na nilabhan ko pero nandun pa rin
siya at nakaupo sa isa sa mga upuan. Kanina pa siya naglalaro ng kung anuman sa
iPhone niya... O baka naman katext niya si Monique? Ay, ewan. Sana lang tigilan
niya na ako.

“Theo, ano ba?” I repeated after quarter an hour passed and he was still there,
persistent as ever.

He looked up to me and had his forehead creased. “What? You done?”


Huminga ako ng malalim at pinigilan ang sarili ko na sigawan na naman siya.

“Hindi mo ako madadaan sa pangungulit mo. Please, alis na?” pakiusap ko sa kanya.

Crossing his legs, he said, “You won’t get rid of me through your cold treatment.
Eat with me.”

“Ayoko nga! God, bakit ba ang kulit-kulit mo?!” I shouted at him. Wala na akong
pakielam kung nandyan man ang dorm manager namin sa labas o kung may dormmate man
ako na makarinig ng pagsigaw ko kay Theo. Inuubos niya na ang pasensya ko! Hindi ko
alam kung bakit ang kulit niya!

“Ang kulit mo rin kasi,” he answered. “I’m just asking you to eat with me. Ano ba
ang mahirap ‘dun?”

“Everything!” I shouted at him. “Socially dysfunctional ka ba?! Manhid?! Bobo?!


Insensitive?! Hindi mo ba makita kung ano ang mali sa ginagawa mo?!” sunud-sunod
kong sabi sa kanya. Hingal na hingal ako sa ginawa kong pagsigaw pero hindi ako
titigil hanggang hindi niya nakikita kung gaano kamali itong ginagawa niya.

He stood there and just waited for me to calm down. Ang hirap kumalma. Simula ng
iwan ako ni Gabe, hindi na naging normal lahat ng nararamdaman ko. I was like this
ticking time bomb. Everything was heightened. I was at the extreme of all my
emotions.

“I can’t see what’s wrong with pursuing the person I like. Hindi ba mas mali ‘yung
ginawa kong pag-iwas dati? What’s the morally right thing to do, Kelly? Tell me
because right now, everything’s too fucked up, I know, but I’m still here. Because
I want you. You’re the one I want, Kelly. It took me too long to realize but now,
I’m here.”

Bawat labas ng salita niya sa bibig niya, bumibigat ang pakiramdam ko. I can’t give
in again. He already hurt me. Ayoko na. Theo wasn’t capable of loving anyone but
himself. Sisirain niya lang ako hanggang sa tuluyan ng walang matira sa sarili ko.

He was a storm that leaves everything in a state of destruction. He was the storm
in my life.

Humakbang siya palapit sa akin.

“I’m already here in front of you but you’re pushing me away,” he said as he took
another step closer. I took a step backward. I can’t have him too close. “Ayaw mo
na ba sa akin, Kelly?” he whispered as he brushed the back of his hand against my
cheek.

I closed my eyes and then took in a deep breath.

“Ayoko na sa’yo, Theo. Please...” my voice was pleading. Umalis ka na, Theo. Please
lang...

I wanted him out of my sight and out of my mind. How can I feel this way? How can I
want and destroy a person at the same time?

“You don’t mean that.”


“Yes, I mean that. Seryoso ako, Theo,” I said again. “Tigilan mo na ako,” I begged.

He cupped my face using both of his hands and lowered his head to face mine.
Sobrang lapit niya sa akin... Sa sobrang lapit niya, kitang-kita ko ‘yung kulay ng
mata niya... Those eyes that once meant the world to me.

“No, you don’t,” he supposed before dipping his head down to kiss me.

I closed my eyes but with every move of his lips, I was lost in the sea of emotion.
I tried so hard, too hard not to kiss him. It took my everything but in the end, I
lost. Bakit ba hindi ko mabura-bura si Theo sa sistema ko? Gustung-gusto ko na
siyang burahin!

Tears were flowing down as I kissed him.

I’m so sorry, Gabe.

After stealing every breath, he leaned his forehead against mine.

“You’re still mine, Kelly. Pinahiram lang kita kay Gabe pero sa akin ka pa rin.”

--
I told him I didn’t want to eat dinner with him pero hindi niya ako tinigilan.
Pumanik na ako sa itaas pero nakasunod pa rin siya sa akin. Kahit na sinabi ko na
papagalitan siya ng dorm manager kapag nalaman na nasa loob siya ng unit ng mga
babae, wala lang siyang pakielam. Kahit nga nung sa CR ako pumunta, nandun lang
siya sa labas at nagbabantay.

“Ano ba? Feeling mo ba magpapaka superwoman ako at tatalon palabas ng CR?!” singhal
ko sa kanya. Kung pwede lang sigurong samahan niya ako papasok ng cubicle, gagawin
niya, e!

Hindi siya sumagot sa akin at patuloy lang na nakatayo sa labas.

Pagkatapos kong mag CR, nandun pa rin siya sa labas. Sunud siya ng sunod sa akin
hanggang sa pumasok na ako sa kwarto ko.

“Ano? Pati dito sasama ka?” hindi makapaniwala kong tanong sa kanya.

Hindi niya ako pinansin at itinulak lang niya pabukas ang pinto. Humakbang siya
papasok at pinagmasdan ang nasa loob. Palakad lakad siya doon at para bang may
hinahanap.

“Ano bang hinahanap mo?”

Umiling siya.

“Nakapasok na ba dito si Gabe?” he suddenly asked.


“Ha?”

Lumilibot pa rin ang tingin niya sa kwarto ko.

“Nakapasok na ba siya dito?” he asked again.

Kahit na hindi ko maintindihan kung ano na naman ang naiisip niya, sumagot ako.
“Hindi pa, bakit?”

He nodded and then sat down on my bed. “Good. Now, I have something I got first.”

“Huwag ka ngang makipagkumpitensya kay Gabe, Theo. Walang-wala ka sa kanya,” I


said. Wala akong pakielam kung masasaktan siya sa mga sinasabi ko. I wanted to hurt
him, to get even. I’ll take what I can get. Gustung-gusto ko siyang saktan. Hindi
ko alam kung bakit ganito ang nararamdaman ko.

He threw me a look.

“That,” he said, pointing at the picture that I found inside my pocket. Inilapag ko
pala iyon sa lamesa ko kanina. “If you’ll keep coming back to the past, you won’t
be able to move on.”
Inabot ko iyong litrato namin ni Gabe at inilagay sa loob ng bag ko.

“Hindi ko siya nakaraan, Theo. Ikaw ang nakaraan ko. Nakaraan na kung pwede ko lang
burahin sa isip ko, ginawa ko na. Para kang bangungot.”

But it was like he wasn’t affected by the words I said. What was so wrong with him?

“He’s gone, Kelly.”

“Hihintayin ko siya. Kakausapin ko siya kapag bumalik na siya. Kahit na magmakaawa


ako, kakausapin ko siya. Hindi ko kaya na galit siya sa akin,” I said. These days
without Gabe seemed so dull. Totoo pala na at saka mo lang marerealize ang halaga
ng isang bagay kapag wala na ito sa’yo... Bakit ganon? Why realize when it’s
already too late? When the only thing left to do is to regret?

He looked at me. “But he’s not coming back.”

Bigla akong kinabahan.

“A-ano’ng ibig mong sabihin?”

He shrugged.
“Theo, ano ba?! Ano’ng ibig mong sabihin na hindi na siya babalik?!” I bellowed.
“Theo naman!”

Bakit ba siya ganito?! Gustung-gusto ba niya na nasasaktan ako? Masaya ba siya na


halos umiyak at magmakaawa na ako sa harapan niya? Ito ba ‘yung sinasabi niya na
gusto niya ako? Bakit hindi siya nasasaktan? Kasi ako tuwing makikita ko si Gabe na
nasasaktan, mas doble ‘yung sakit na nararamdaman ko...

He stood up. “Change your clothes, magkakasakit ka,” he said and then walked
towards the door. “Come out once you’re done. We’ll eat in my apartment.”

“Theo!” I continued shouting pero hindi niya ako pinansin. Lumabas siya habang
hindi naman ako matahimik. Ano ang ibig sabihin niya na hindi na babalik si Gabe?

Napaupo ako. Hindi na ba siya babalik? Pero akala ko ba magbabakasyon lang siya?

Naihilamos ko ‘yung mga kamay ko sa mukha ko. Hindi ako makahinga ng maayos. My
breathing was ragged and my hands were shaking uncontrollably. I wanted to call him
but he wouldn’t answer my calls... Gusto ko ring tawagan si Monique pero hindi ko
kaya. Sa lahat ng pinaggagawa ni Theo, kahit marinig ko lang ang pangalan ni
Monique, sobrang nakokonsensya na ako.

Minutes have passed yet I haven’t moved an inch.

“Kelly?” he said as he knocked on the door. Hindi ako sumagot.

My lips were trembling and tears were threatening to fall.


Lumuhod si Theo sa harapan ko.

“I’ve seen enough tears for Gabe. Tama na.”

Hindi ko pinakinggan kung anuman ang mga sinasabi niya. What mattered most was
Gabe.

“Theo, ano’ng aalis na si Gabe?” I asked him again. Even I could hear the
desperation in my voice. I was desperate but that was the least in my worries.
“Theo?” I called again but he wasn’t answering my questions. “Theo naman... Ano
‘yung sinasabi mo?”

He didn’t answer any of my questions. Inilabas niya ‘yung panyo mula sa bulsa niya
at iniabot sa akin. Matapos niyang ilagay sa kamay ko iyong panyo niya, tumayo
siya.

“The next time I see you crying, make sure that your tears are for me. Pinahiram
lang kita kay Gabe, Kelly. Umalis na siya at ngayon, binabawi na kita.”

=================

Chapter 29: His Cruel Ways

#HTSTBB Chapter 29

  
That night, hindi ako tinigilan ni Theo hanggang hindi ako sumasama sa kanya sa
apartment niya. Kulang na lang umiyak ako at magmakaawa na tigilan niya ako. Pero
sa tingin ko kahit ano ang gawin ko, hindi siya titigil. He was fixated with the
idea that I was his.

Hindi ko malaman kung ano ba ang gumagalaw sa utak ni Theo para maisip niya na sa
kanya ako. Wasn’t I a living person? When was I reduced to being no more than a
thing? Isang bagay na pwede niyang ipahiram hanggang hindi niya pa kailangan at
ngayon na na-realize niya na gusto niya pala ako, babawiin niya ako regardless what
I feel and think about it.

I wanted to spat the most hurtful words but I knew it would not do anything. He was
obsessed. Hindi na malinaw kung paano siya mag-isip.

Thinking that there was no use in fighting, I let him take me in his house. Hiyang-
hiya ako sa katulong niya nung hilahin niya ako papasok. I knew she knew something
was up but she was smart to keep mum about it. Theo’s patience was thin as a
thread. Kung delikado ako sa biglaang pagsabog, mas delikado siya. He was capable
of self-destruction.

“Sit,” he said and motioned me to sit down. It was already fifteen minutes past 6
at hindi pa ako kumakain simula kaninang tanghali. Balak ko sana na kumain pero
dahil hindi ako tinantanan ni Theo, ni tubig wala akong nainom.

I sat without arguing or saying anything. What was the use? His mind was already
closed. Para lang akong makikipag-usap sa pader kung susubukan ko na magsalita.

He called his house-helper and asked her to prepare a meal for us. Nakaupo lang ako
doon at tahimik. Ubus na ubos na ang pasensya ko kay Theo. Wala na akong lakas na
sabihin na nababaliw na siya.
It was as if I could still feel the stinging sensation from the sudden contact of
my palm and his cheek. Hanggang ngayon ramdam ko pa rin kung gaano ko siya gustong
pagsasampalin nung narinig ko na sinabi niya na pinahiram niya lang ako. My ears
rang upon hearing what he said. He was mad. He lost his mind.

I was brought back to reality when he placed a glass of cold water in front of me.

“Drink,” he ordered. Sumunod na lang ako.

He watched me drink the water and it was not even making me feel unconscious. Wala
na. Ubos na lahat ng galit ko ngayong araw. Sagad na sagad na ako kay Theo.

After seeing to it that I finished rehydrating myself, he left me. Narinig ko siya
na umakyat sa taas ng kwarto niya. Nung masigurado ko na hindi niya na ako makikita
o maririnig, madali kong inilabas iyong cellphone ko. Buong araw ko ng gustong
tawagan at itext si Gabe. Kanina pa ako nababahala sa narinig ko kay Theo na hindi
na babalik dito sa Pilipinas.

Posible kaya na nagsasabi siya ng totoo?

Pero hindi pwede... Nangako si Gabe na magbabakasyon lang siya... Narinig ko na


sinabi niya sa Mama niya na sandali lang siya...

My hands were trembling while I was composing a text. I can’t even bring myself to
dial his number. Every time I would, I could see the way he looked at me when I
kissed Theo. Paulit-ulit. Paulit-ulit kong nakikita kung paano biglang nawalan ng
emosyon ang mata niya.
It was as if that was the time when he decided to finally give up on me.

That I wasn’t worth all the pain.

The he was better off alone.

And that he could live his life without me.

‘Babalik ka pa dito, di ba?’ My text was simple. Sobrang simple lang din naman ng
gusto kong matanggap na sagot. I wanted to read him say ‘no.’ Na hindi totoo na
hindi na siya babalik. Na babalik siya... Na kahit hindi para sa akin, babalik
siya.

I still wanted to see him. Kahit na palagi niya akong iniiwasan, okay lang. His
mere presence was enough to remind me that I was once happy. That all these pain
and hurting was worth it because it was all because of him.

I clicked send and with that, my heart stopped beating for a moment.

Bumilis ang pagtibok ng puso ko habang pinapanood ko na magsend ang text ko kay
Gabe. Wala akong pakielam kahit na magkano pa ang mabawas sa load ko basta ang
mahalaga, malaman ko na babalik siya.
Was I stupid for wishing that maybe... just maybe... pwede pa naming ayusin ‘to?
Was it too much to ask? Was it a farfetched dream?

I almost jumped on my seat when his house-helper placed a plate in front of me.

“Hija,” she said, her voice not very patronizing.

Tumingin ako sa kanya. Pakiramdam ko alam ko na ang maririnig ko... Halata naman
kasi. Ibang-iba ang kinikilos ni Theo ngayon. It was like he was not his usual
self. Gone was the reserved and self-composed Theo. He wasn’t like that anymore. He
was more... he was more possessive and territorial.

“Po?”

I prepared myself for the blow.

Instead of giving me a piece of her mind, she just gave out a small smile and
deeply sighed. “Alam mo naman na may girlfriend si Theo, hindi ba?” she asked.

I nodded. Alam ko, po. Alam na alam.

“Sana lang alam mo ang pinapasok mo, hija. Hindi ka magiging masaya kung alam mo na
ang kapalit ng kasiyahan mo ay kalungkutan ng ibang tao...” she said and her words
lingered.
She left me pondering about what she said.

I knew I would not be happy. Not today. Not anytime near. Maybe this lifetime...
But definitely not now.

I can’t be happy at other’s expense. I wasn’t like that.

Tumingin ako sa cellphone ko at parang tanga na umaasa na rereplyan ako ni Gabe.


Kahit simpleng oo o hindi lang naman ang hinihingi ko... Pero bakit nga ba ako
umaasa? Ako naman ‘tong nang-iwan. Ako ‘yung hindi pumayag nung nakikipagbalikan
siya. Ako ‘tong magulo.

Ako ‘tong nagsabi na si Theo ang gusto ko pero ngayon na nasa harap ko na si Theo,
si Gabe naman ang hinahanap ko.

What was wrong with me? Was I after the chase and not the end game?

Minutes passed and Theo returned. May dala siyang duffel bag.

“Ano ‘yan?” I asked. Wala rin namang silbi kahit hindi ko siya kausapin.

He sat across the table and reached for the glass of water and drank it. Ipinatong
niya ito pabalik at saka tumingin sa akin. “For Tagaytay,” he mentioned. “Sasama
ka, ‘di ba?”
“Ha?”

“Danielle said you’re coming that’s why I am coming.”

Bigla kong naalala iyong sinabi ni Danielle na pupunta sila sa Tagaytay ng isang
linggo kasama ang mga orgmates niya. Pero hindi naman ako pumayag! Ang sabi ko
magpapaalam pa ako. At isa pa sinabi ko naman sa kanya na hindi pa ako sigurado
kung pupunta ako dahil baka nandun si Theo o Gabe at alam niya naman na iniiwasan
ko iyong dalawa na ‘yon.

“Hindi naman ako pinayagan,” I lied. Alam ko na kapag sinabi ko na ayaw ko lang
pumunta, pipilitin niya lang ako. Kagaya ngayon, hindi niya ako binigyan ng choice
dahil sinundan niya ako ng sinundan hanggan sa ako na mismo ‘yung sumama sa kanya.

He cocked his head and then reached for my phone that was sitting on the table.

“Ano’ng ginagawa mo?” I asked him.

“Calling your mom,” he said and then pinakita niya sa akin ‘yung nasa phonebook ko.
“Is this it?” sabi niya sabay pakita sa number ni Nay.

Tumayo ako at inabot ‘yung cellphone ko.


“Akin na nga!”

“Kakausapin ko nga ‘yung parents mo para payagan ka.”

“Theo naman!” I almost shouted pero hindi ko magawa dahil baka marinig kami ni
Manang.

He creased his forehead and said, “Would you rather I talk to them in person
because I would, Kelly.”

Bakit ba hindi siya madaan sa simpleng ‘Ayaw ko?’ Ano ba ang sobrang hirap
intindihin doon?

“Bakit ba ang kulit mo?” hinang-hina kong tanong. Kalahating araw na akong hindi
kumakain at kanina pa ako nagagalit kay Theo. Wala na akong lakas.

“Because you’re being hard and unfair. Kapag kay Gabe kahit saan sumasama ka pero
kapag sa akin, puro ka ayaw,” sabi niya at saka tumayo at iniwan ako.

Hindi ako nakasagot sa sinabi niya dahil nabigla ako. Baliw ba siya?! Bakit naman
ako sasama sa kanya e pinipilit niya ako! At boyfriend ko si Gabe dati kaya wala
siyang pakielam kahit saang sulok ng mundo kami pumunta!

I knew I hit a nerve when I kept saying no but I didn’t even feel an ounce of
remorse. Wala na akong pakielam kahit masaktan ko ng masaktan si Theo. A tit for a
tat. He ruined my relationship and I will never cooperate in anything that could
make him happy.

Umalis siya pero nanatili akong nakaupo doon. Nagsimula akong kumain ng pasta na
inihanda ni Manang. Pakielam ko ba kung wala si Theo? Siya ang umalis kaya siya ang
bumalik. Gutom na ako at wala akong pakielam sa nararamdaman niya. Magalit siya,
hindi ko naman ikamamatay ‘yon.

I was heartily enjoying my second serving of pasta when he stormed back inside the
room.

“Hindi mo ba talaga titigilan si Gabe?” his voice was low but it was laced with
danger. He was annoyed and so was I. Pareho lang kaming naiinis sa mga nangyayari.

I didn’t even look at him. “Hindi,” I answered frivolously.

“But he’s not coming back!” His voice rose a bit.

“I have the patience of a saint, Theo. Kahit pa maisipan niyang magdoctor sa ibang
bansa, kaya kong maghintay dito. Try me,” I argued.

Inilagay niya iyong dalawang kamay niya sa gilid ng ulo niya at minasahe niya iyon.
Did he think that he will get me easy? I will always find the way out when it comes
to him. Alam kong hinding-hindi ako magiging matahimik at masaya kay Theo. All he
brings is suffering.

Wala akong pakielam kahit na tumaas pa ang presyon niya. Dinala niya ako dito para
kumain kaya kakain ako.
“He’s not coming back!” he shouted suddenly. Nabigla ako. It was the first time I
saw him this angry. He lost it. “Fuck it, Kelly! Bakit ba ang tigas ng ulo mo?!”

Huminga ako nang malalim na malalim at saka tumayo din.

“Bakit ba hindi mo rin maintindihan na ayaw ko na sa’yo?!” I shouted back.

He sharply looked at me. “Ano bang dapat kong ipakita o iparinig sa’yo para
maniwala ka na hindi ka na babalikan ni Gabe?!”

Hindi ako sumagot. Wala siyang kayang ipakita na magpapabalik sa akin sa kanya.
Wala na akong ka-amor-amor kay Theo. Sagad na sagad na.

Inilabas niya iyong iPhone niya mula sa bulsa niya at may idinial. “James?” he
said. “Is Gabe there?” My heart jumped with the mentioning of his name. “Yeah, can
you give him the phone?”

He gave me a look and then turned the phone in to loudspeak.

“Gabe,” he said.

Walang nagsalita sa kabilang linya.


“Are you coming back?”

Naghintay ako na marinig ang boses niya... It’s been too long since he last talked
to me. Simula nung hinalikan ko si Theo, hindi niya na ako kinausap. Hindi niya ako
iunfriend sa facebook pero sa tuwing imemessage ko siya, ni hindi man lang ako
naseseen. Hindi niya lang binubuksan lahat ng isinesend ko sa kanya.

He spited me that much.

“Pakielam mo?”

That voice. God.

“How about Kelly?” Theo asked.

“You can have her if you want. Magsama kayong dalawa,” he said and then the line
was cut.

Theo looked at me as if he finally proved his point. Hindi na babalik si Gabe...

I looked at him with equal intensity. Wala na si Gabe pero wala rin akong intensyon
na makasama si Theo.
“You’re the last person I want to be with, Theo. You disgust me.”

=================

Chapter 30: Gone Is The Good Guy

#HTSTBB Chapter 30

Nung isang araw pa ako tinatanong ni Nay kung kamusta na ba si Gabe at wala akong
maisagot kung hindi ngiti. Kahapon pa ako kinukulit ng ate ko kung kailan ko raw ba
siya ipapakilala kay Gabe at wala akong masabing petsa dahil maging ako, hindi ko
alam kung uuwi pa ba si Gabe sa Pilipinas o hindi na.

Hindi ko kayang magbigay ng sagot dahil alam ko na tatanungin nila ako kung bakit
at hindi ko pa kayang sabihin na ako ‘yung may kasalanan. Na ako ‘yung dahilan kung
bakit wala ng Gabe sa buhay ko.

Tumigil ka na nga, Kelly. Lalaki lang ‘yan.

Lalaki lang ‘yan.

Hindi titigil ang buhay mo para diyan. May magulang ka pa, may kapatid ka, may
kaibigan ka. ‘Wag ka ngang umarte na magugunaw na ang mundo! Sige ka, magagalit si
God sa’yo dahil napaka-negative mo. I said to myself.

Bearing that thought in mind, I breathe in and smiled.


Tama lang ‘yan, Kelly. You and Gabe broke up, wala namang namatay sa inyong dalawa.
Maniwala ka na lang sa destiny, sa serendipity, sa fate. Kung para talaga kayo sa
isa’t-isa, kayo talaga. Pero sa ngayon, ayusin mo muna ‘yung sarili mo. Kung ikaw
mismo ayaw mo sa sarili mo, paano mo ieexpect na magugustuhan ka ng ibang tao?

Lumabas ako. Kakatapos lang naming kumain at nag-iisip ako kung paano ko gugugulin
‘yung mga natitirang araw ng bakasyon. Ilang linggo pa rin pala bago magsimula ang
next sem. Parang hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala na natapos ko ‘yung
first sem. Parang ang bilis lang pero kapag naiisip ko, ang dami rin palang
nangyari.

Wala man lang kaming wifi sa bahay. ‘Di ko tuloy alam kung papaano ako
makakabalita. Kakatamad naman at nakakahinayang magpaload para sa broadband. Nako!
Mga problema ko sa buhay!

Ilang minuto na ang lumipas nung nagdesisyon ako na pumasok na sa loob. Dumiretso
ako sa kwarto ko at nahiga ‘dun.

“So, ano na? Magpapataba na lang ba ako buong sem?”

Tsk. Sobrang bored na bored na ako to the point na kinakausap ko na ‘yung sarili
ko. Malala na talaga ‘to!

I rolled on my bed and tried to sleep but to no avail. Hindi ako makatulog, hindi
rin ako sinisipag mag-aral. Wala pa naman kasi akong aaralin at saka hindi naman
ako mahilig mag-advance study masyado. Maghanap kaya ako ng trabaho? Magtutor kaya
ako ngayon?

Lumabas ako sa kwarto ko at tatanungin ko sana si Nay kung may alam siya na gustong
magpatutor ng biglang halos lumuwa ang mata ko sa nakita ko.
“Iyan ba ‘yung boyfie mo? Ang hot, ha!” sabi sa akin ni ate sabay sundot sa
tagiliran ko.

Para akong namaligno sa nakita ko.

“Ano nga ulit ang pangalan? Gabe ‘di ba?” sabi niya ulit sa akin. Hindi ako
makasagot sa sinasabi ni ate dahil hindi pa rin ako makapaniwala sa nakikita ko.
“Huy! Ano na? Kilig na kilig lang, ‘di mapansin ang tanong ng malanding kapatid?”

Dahan-dahan akong naglakad papunta sa kanya. Kung wala lang si Nay dito, siguro
nasigawan ko na si Theo. Bakit ba nandito siya?!

Naramdaman ni Nay ‘yung pagdating ko kaya napalingon siya sa akin. Kahit hindi niya
sabihin, alam ko na nagtataka siya kung bakit ibang lalaki ang nandito. Wala pa rin
siyang alam na wala na kami ni Gabe. Balak ko namang sabihin pero hindi ko pa alam
kung kailan. Hindi pa rin kasi ako masyadong makapaniwala. It felt all too sudden.

“Angeline, kaklase mo raw,” sabi ni Nay.

Biglang nabunutan ako ng tinik sa dibdib. Knowing Theo, mamaya baka magpakilala sa
nanay ko ‘yan bilang boyfriend ko! Good to know na hindi naman pala siya totally
nababaliw. Narinig ko si ate na nagsabi na hindi ko naman daw pala boyfriend ‘yung
yummy na lalaki. Si ate talaga!

Naglakad ako papunta sa kanila, hindi ko inaalis ang tingin ko kay Theo.
“Bakit ka nandito?” I asked politely but my tone wasn’t very accommodating. Hindi
ko alam kung saan niya nalaman na dito ako nakatira. As far as I was concerned, si
Gabe lang naman ang may alam na dito ako nakatira... Hindi naman siguro nanggaling
kay Gabe... Sobra naman. Bagay ba ako na ipinapamigay?

He placed his hands inside his pocket. “Wala lang,” he said.

Siguro naramdaman ni Nay ‘yung tensyon sa pagitan namin ni Theo kaya nagpaalam siya
na maghahanda siya ng pagkain para kay Theo. Gusto pa sanang sumama ni ate at umupo
pero hinila siya ni Nay papunta sa kusina.

Upon ensuring that we’re out of earshot, I began asking him.

“Bakit ka nandito?”

“I missed you. ‘Di ka nagrereply sa texts ko.”

I closed my eyes and massaged my temple. Grabe! Bakit ba napakahirap niyang


pakiusapan?

Tumayo ako. “Pagkatapos mong kumain, umalis ka na,” I said. “Hindi ko alam kung
anong laro ang ginagawa mo pero Theo, wala ako sa mood makipaglaro. Maghanap ka ng
ibang babae na payag maging kabit.”
Pumasok ako sa kwarto. Nakasalubong ko pa si ate pero tinignan ko na lang siya at
diretsong pumasok. Alam niya na ‘yun. Hindi ko kailangang ipaliwanag. Mabuti naman
kasi kung magpapaliwanag man ako, hindi ko alam kung saan magsisimula. Alam ko kung
saan ako nagkamali pero mula doon, hindi ko na alam. Masyado ng magulo. Madali lang
sana pero parang masyadong magulo kapag lalabas na mismo sa bibig ko.

Hinanap ko iyong earphones ko at nagpatugtog. Nahiga ako sa kama. Sana makatulog


ako.

I was listening to Imagine Dragon’s songs when I felt someone sat on my bed.
Lumingon ako at nakita ko si ate. Nakatingin siya sa akin at nakataas ang kilay.

“Aber? Magpapaliwanag o magpapaliwanag?”

Sumimangot ako sa kanya.

“Mas gusto mo bang si Nay ang kumausap sa iyo? Huling kita ko sa iyo, baby ka pa.
Ngayon, ang haba na ng hair mo! Nakakaloka naman ang transforming power ng UPLB!”

Si ate talaga! Bakit ba hindi na lang ako kagaya ni ate? Ang jolly niya, ang saya
niya kasama palagi ‘yung tipo na sasakit ‘yung panga mo katatawa. Tss. Ano ba ‘tong
nangyayari sa akin. Lahat na lang ng negative energy nasagap ko.

Mula sa pagkakahiga, naupo ako. Tinanggal ko ‘yung earphone sa tenga ko.

“Basta,” sagot ko.


Siningkitan niya ako ng mata. “Pero hula ko hindi siya si boyfie?” Tumango ako.
“Single ba siya?”

“Si ate naman!” sabi ko at natawa naman siya sa akin.

Ngumiti siya sa akin. “Ito naman! Pinapatawa lang kita! Boylet mo na ‘yun, wala
akong balak makiagaw! So, ano nga ang ganap? Makikinig ako, no judgment.”

Huminga ako ng malalim at nag-isip kung ikukwento ko ba kay ate... Wala namang
mawawala. At isa pa, siya lang naman ang pwede kong kausapin dito. Si Danielle,
nasa Singapore. Bukas pa siya babalik tapos kinukulit niya pa rin ako tungkol sa
Tagaytay.

Nagsimula na akong magkwento kay ate. Bahala na kung maguluhan siya. Naguguluhan
din kasi ako.

After a few minutes, natapos rin ako.

“Ooh. Wait lang, ididigest ko lang,” sabi ni ate. “So, nilalandi ka nung hottie sa
sala natin?” Tumango ako. “Wow. Wow. Speechless talaga ako.”

Nagsabi ako ng dilemma ko kay ate at nag-eexpect ako ng payo pero tignan mo siya
ngayon, hindi makapagsalita. Gwapong-gwapo kay Theo. Hindi ko naman siya masisi.
Gwapong-gwapo din kasi ako kay Theo nung una ko siyang nakita... Pero ganun talaga.
Minsan kasi kahit gaano kagwapo ang lalaki kapag masama ang ugali, wala pa rin.
Nakakainis din.
Hindi naman ako pinalaki ng magulang ko para apihin at paglaruan lang ng lalaki. At
least I know my worth.

Naghintay ako na magsubside ang pagtili ni ate.

“Alam mo, Kels,” sabi niya. “Bata ka pa. Maganda. Enjoy the ride lang.”

Napanganga ako sa sinabi niya.

“Ate, ineencourage mo ba ako na patulan si Theo?” Sinabi ko sa kanya kung ano ang
pagkakaintindi ko. Parang may mali sa sinabi niya!

She shook her head and smiled. “Hindi, ah! I mean, ang bata-bata mo pa pero kung
kumilos ka akala mo pasan mo na ang problema ng mundo. Paalala ko lang sa’yo, 17
years old ka pa lang! Dapat ang problema mo pagpasa ng course mo, hindi pang-aagaw
ng lalaki.”

“Hindi naman ako nagpaplano mang-agaw!” I countered.

She chuckled at my reaction.

“Wala naman akong sinabi, ikaw talaga! Ang akin lang, bata ka pa, Kelly. So what
kung iniwan ka ni Gabe o kung ang gago ni Theo? You’re your own person, Kelly. ‘Wag
mong hayaan na diktahan nila ‘yung magiging buhay mo. Hindi mo naman sila
kailangan, e.”

Hindi ko masyadong maintindihan ang mga sinabi ni ate pero sa hindi ko maipaliwanag
na dahilan, gumaan ang loob ko. Niyakap ko siya at nagpasalamat. Ang sarap talaga
ng may kapatid ka na palagi lang nandyan.

“O siya, nandun pa sa labas ‘yung si Theo.”

“Papaalisin ko lang siya ulit, ate,” sagot ko.

She shooed me away. “Sige lang, go lang. Mukhang type na type ka nun, magpahabol
ka. Makipagbreak siya kung gusto ka niya. ‘Wag mong ibaba ang standard mo para lang
sa lalaki. You deserve better, little sister.”

I smiled at her remark and then went out. Nandun si Theo, nakaupo tapos may
nakahain na juice at tinapay sa harap niya. Hindi pa nagagalaw. Ayaw niya sigurong
kainin. Buti pa si Gabe kahit ano ang ihain ni Nay kinakain niya... Tss. Bakit ko
ba kinukumpara siya kay Gabe? Wala na ngang Gabe, Kelly! Tigas ng ulo, ha!

Napatingin siya sa akin nung malapit na ako.

“Ano?”

“Tagaytay,” he said.
“Hindi nga ako sasama.”

“Nagpaalam na ako sa mom mo.”

“What?!”

He nodded. “I drove all the way from Alabang to Bulacan so I won’t take no for an
answer,” sabi niya. “Besides, Danielle’s there. At wala ka naman daw ginagawa dito
sabi ng ate mo.”

Ate talaga! Ugh! Akala ko ba magpahabol? Bakit parang binenta niya ako?!

Itinaas ko na lang ‘yung kilay ko at ikinunot ang noo. “Pinayagan ka ni Nay?”

He nodded. “I’m charming, Kelly. You fell for that.” Wow! Ang yabang pa rin!

Umiling pa rin ako.

“It’s still a no. Ayokong sumama. Pwede ba, makinig ka nga sa mga lumalabas sa
bibig ko. A-yaw-ko. Gets na?”
Umiling siya sa akin at saka tumayo. Habang naglalakad siya palapit, umaatras naman
ako. Jesus, Theo! Bakit ba ang tigas ng bungo mo?!

Napalingon ako sa kusina at baka nandun si Nay.

“Ano ba!” I said when he was coming nearer. Ang lapit niya na, ‘yung tipo na
naaamoy ko na naman siya. Ayan na naman ‘yung pamilyar niyang pabango.

I felt the concrete wall behind me indicating that I was trapped.

“Personal space nga!” I said, slightly stuttering.

He took another space. Ang lapit niya na naman.

“Ilang beses na kitang nahalikan tapos ngayon ka lang hihingi ng personal space?”
tanong niya sa akin. “You’re weird.”

“And you’re an asshole!”

“I’m your asshole.”


“Ano ba!” sabi ko sabay tulak nung lumapit pa siya lalo sa akin. “Theo naman! Baka
makita ka ng nanay ko!”

Pero parang wala siyang naririnig dahil imbes na umatras, inilagay niya pa ‘yung
kamay niya sa magkabilang gilid ko. Nakatingin siya ng mataman sa mga mata ko.

“Sasama ka sa Tagaytay o ano?”

“Hindi,” I said, firm.

“What, Kelly? I didn’t hear you.”

Unti-unti, pababa ng pababa ang mukha niya sa mukha ko. Kitang-kita ko na naman ang
mga mata niya. Chocolate brown. Iyon yata ang kulay.

Pakiramdam ko pinagpapawisan na ako ng malamig. Kabadong-kabado ako.

“A-ayaw ko,” I stated again.

Umiling-iling siya. “Stubborn girl,” he said. Ramdam ko ang init ng paghinga niya.
Sobrang lapit niya na talaga sa akin. “Shall I kiss your stubborness away?”

I shook my head vehemently.


He showed me his wicked smile. That evil smile from this evil person. He cleared
the tendrils from my face and whispered.

“Mas gusto ko ‘yung pumapalag, Kelly. Mas lalo mo akong tinutulak, mas gugustuhin
kong lumapit,” he said, making chills creep to my spine.

This bad guy! Ang sama niya!

“Sasama ka ba o sasabihin ko sa nanay mo na nabuntis kita? You choose.”

WHAT?!

=================

Chapter 31: Yet to Unveil His Past

Chapter dedicated to alueula! I appreciate every message you're sending! Wish to


meet you soon! =)))

#HTSTBB Chapter 31

My mouth was hanging wide open. Ano’ng problema ng lalaki na ‘to?!


For a second, naghintay ako na magsabi siya na nagbibiro lang siya, o kaya naman
punchline sa dulo but who was I kidding? Si Theo Henares ‘tong nasa harapan ko! At
hindi siya marunong magbiro.

“Subukan mo,” I said. “Theo, konting-konti na lang pikon na pikon na ako sa’yo,
ha.” My teeth were gritted. Nagtitimpi lang ako dahil malapit lang sa akin si Nay
at ayoko na makita niya akong magwala dahil sa inis sa lalaki na ‘to.

Tumayo lang siya sa harap ko pa rin pero mabuti na lang at medyo lumayo na siya sa
akin. Masyado kaming magkalapit kanina kaya kahit paghinga niya, ramdam ko. Alam ko
na imposibleng marinig mo ang pintig ng puso ng ibang tao pero bakit pakiramdam ko,
rinig na rinig ko ang tibok ng puso ni Theo?

“Just go with me, Kelly. I’ll shut up if you’ll agree to go to Tagaytay, e ‘di
walang problema,” sabi niya na para bang hindi ako naiinis o hindi siya ‘yung tao
na dahilan kung bakit gusto kong mapapadyak sa sobrang inis ngayon.

Napasandal ako sa dingding sa likuran ko at hinilot ‘yung ulo ko. Who would have
thought na ganito pala kakulit at kapursigido si Theo?

I stayed there for a while, breathing and thinking. Kung papayag ba ako na sumama
sa kanya, titigilan niya na ako? Kasi seryoso, gusto ko munang matahimik.
Kakahiwalay lang namin ni Gabe, ni hindi pa nga ako nakakapag-isip kung ano ang
gagawin ko sa buhay ko.

For minutes, I stood there, thinking. Si Theo, nakatayo lang din sa harap ko at
nakatingin sa akin. Hanggang ngayon, naguguluhan pa rin ako. Bakit ako? Bakit ako
sa dinami-dami ng babae na pwede niyang habulin? For heaven’s sake, ang ganda ng
girlfriend niya! Dahil ba hindi ako pumapayag kaya mas gusto niya akong habulin?
Bakit ba hindi niya maintindihan na hindi lahat ng tumatakbo, nagpapahabol. ‘Yung
iba, gusto lang talagang makalayo.
Heaving out a deep sigh, I motioned for him to follow me outside.

Naglakad kami pareho hanggang sa makarating kami roon sa may duyan. Mabuti na lang
at hindi umulan kaninang umaga kaya hindi basa dito. I sat on the swing and pat the
space beside me.

“Theo,” I said, my voice serious.

“What?”

“I’ll ask you questions, okay?”

“What kind of questions?” sabi niya. Pakiramdam ko tuloy marami siyang itinatago.
Theo has always been a mystery for me. Palaging parang may underlying reason sa mga
ginagawa at sinasabi niya. It was hard to determine what was real from the rest.

I began swinging. “Basta... Kapag nasagot mo, sasama ako sa Tagaytay,” I said. Alam
ko naman na hindi niya ako titigilan hanggang hindi ako sumasama so I will just
take what I can get. Besides, pagkatapos ng Tagaytay, sana naman tigilan niya na
ako. Ipapakita ko sa kanya na ordinaryo lang naman ako, na wala namang espesyal sa
akin kaya bakit niya iiwan ang girlfriend niya para lang sa akin?

He nodded.
“Mahal mo ba si Monique?”

“Yes,” he was quick to answer.

“Then why are you doing this?”

Rinig na rinig ko ‘yung hangin sa paligid namin habang naghihintay ako sa sagot ni
Theo. Hindi ko alam pero kinakabahan ako sa isasagot niya.

“I love Monique but I am in love with you.”

Tuluy-tuloy pa rin ako sa pagduyan. Hindi ko alam kung bakit kahit ilang beses ko
pang marinig sa bibig ni Theo na mahal niya ako, hindi ko kayang maniwala. Kung
nagagawa niyang lokohin si Monique na ilang taon na niyang kilala, paano pa sa
akin?

I can’t be with someone whom I can’t trust.

I let out a mocking laugh. “Theo, alam mo ba talaga kung ano ang love?” sabi ko sa
kanya. “Sa tingin ko kasi, nachachallenge ka lang sa akin dahil palagi kitang
tinutulak palayo. You’re just after the chase, tama ba ako?”

Bigla siyang nagsalita. “Maybe I don’t have a clear grasp of what love really is
because honestly, I’m one fucked up person. You know why I can’t let go of Monique
even though I am quite certain that it is you I’m in love with?”
I shook my head. Hindi ako makasunod sa mga sinasabi ni Theo. Sa sobrang bilis,
hindi ko naramdaman na nakaharap na pala siya sa akin at kagaya ng kanina, konti na
lang, halos magkalapit na naman ang mukha namin.

Damn this person and his concept of personal space!

“I can’t be alone, Kelly.”

Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. “Iyan na ‘yung reason mo?” I asked him
increduously. Sino ba ang gustong mag-isa? Lahat naman yata ng tao iyan ang
ikinakatakot!

Nagulat ako nung biglang nag-iba ang tingin niya sa akin. Mula sa tahimik na
paligid, bigla akong nanlamig. Tumayo si Theo.

“You don’t understand, Kelly. I have devils I have tried to drown but those
fucktards know how to fucking swim.”

At iniwan niya ako.

--

Theo didn’t stay for dinner. Iniwan niya na ako. Hindi ko alam kung galit ba siya
sa akin o kung ano pero sobrang naguguilty ako. Did I hit an invisible nerve? Bakit
sobrang bigat ng dibdib ko. Pakiramdam ko kailangan kong magsorry...
Wala akong ganang kumain ng hapunan dahil ‘yung utak ko, nandun pa rin kay Theo.
Bigla na lang siyang nawala, ni hindi man lang nagpaalam kahit sa nanay ko man
lang.

Dumiretso ako sa kwarto ko matapos kong magpaload ng broadband.

I immediately logged in and messaged Gabe.

Me: Gabe.

Alam kong online siya kasi naglalaro siya at aksidente siguro siyang nakapagsend sa
akin ng game invite. Kahit kailan talaga adik sa paglalaro ‘yun.

Me: Gabe. Mag-usap naman tayo.

But then five minutes passed yet there was no reply.

Nawawalan na ako ng pag-asa nung magreply siya.

Me: Ano?
Okay. I deserved that kind of reply. Niloko ko siya so I’ll accept this kind of
treatment no matter how hurtful this was.

Me: Busy ka ba? May gusto lang akong sabihin...

Gabe: Gabe Aldea is typing...

Gabe: seen by Gabe Aldea

Huminga ako ng malalim. Last na ‘to, Kelly. Tiisin mo na lang. Ikaw naman ang
naghukay ng libingan mo, e.

Me: I’m sorry. Sorry kung niloko man kita at kung nasaktan man kita. Maniwala ka
man o hindi, mahal naman kita...

Me: Pero alam kong galit ka sa akin at ayaw mo akong kausapin—

Gabe: I loved you

Me: Past tense. Deserve ko naman.

Gabe: seen by Gabe Aldea

Me: I will always remember how lucky I am na once in my life, minahal ako ng isang
Gabriel Dash Aldea. Thank you sa lahat, Gabe. I will treasure all the memories...

Gabe: seen by Gabe Aldea

Me: Minsan miss na miss na kita tapos naiisip ko kung bakit ako nakipaghiwalay.
Tapos marerealize ko na after all, tama naman pala lahat ng ginawa ko.

Me: Don’t get me wrong, ayaw ko na saktan ka, Gabe. Pag alam ko na nasasaktan ka,
mas nasasaktan naman ako. Gusto ko lang din sabihin na sobrang nagsisisi ako na
hinalikan ko si Theo. Kung pwede kong bawiin, gagawin ko.
Me: Pero narealize ko, bakit ko ba pinaparusahan ‘yung sarili ko? Nagkamali lang
naman ako. Nagsorry naman ako. Nagsisi naman ako. Dahil lang ba dun buong buhay mo
na akong kakamuhian?

Me: Tao lang naman ako nagkakamali din. Tao lang din naman ako na pwedeng humingi
ng second chance

Me: Nagsorry ako ilang beses pero ni hindi ka man lang tumingin sa akin

Me: Sobrang nasaktan ako nung para akong bagay na pinamigay mo kay Theo

Me: Akala ko pwede pang ayusin pero ayaw mo na namang bumalik

Me: I loved you, too, Gabe. I’ll always love you pero bata pa ako, madami pang
mangyayari sa buhay ko

Me: Sana maging masaya ka rin. Sana makahanap ka ng babae na hindi gaga kagaya ko

Me: Last na ‘to, Gabe. I’m setting myself free from you. Paalam.

And then I logged out and blocked him.

--

“Nay, alis na po ako!” I announced as I checked my bag.

“O siya, sige. Kailan ka babalik?” sabi ni Nay habang nagluluto ng agahan. Kagabi,
napag-isipan ko na sumama na sa Tagaytay. Hindi ko alam pero gumaan ‘yung loob ko
nung masabi ko lahat ng gusto kong sabihin kay Gabe. Para bang nabunutan ako ng
malaking tinik sa dibdib.

Nagsabi na ako na baka sa isang linggo ako bumalik pero baka 4 days lang din ako
magstay doon. Bahala na. Depende na lang siguro kung ano ang mangyayari doon.
Pumara na ako ng tricycle at nagpahatid sa terminal ng bus. Nung nasa terminal ako
ng bus, nagtext ako kay Danielle kung saan ba kami magkikita. Nakatulog ako habang
nasa Del Carmen bus ako tapos buti na lang mabait ‘yung konduktor kaya ginising
niya ako nung nasa Cubao na kami.

“Sala—”

“Sshh,” Theo said as he put his mouth on mine.

Bakit niya alam na nandito ako?!

“Ano ba! Nasa bus tayo!” I said, scandalized.

“Nasa likod naman tayo,” he said and then he leaned closer. Ngumiti siya sa akin.
“Isa pa,” he said.

Tinulak ko siya pero nakangiti lang siya sa akin. Ano bang meron? Bakit siya
nakangiti?!

“Thank you,” he said.

“Ha? At bakit ka ba nandito? Bakit mo alam na nandito ako?” sunud-sunod na tanong


ko sa kanya.
Ano’ng problema nito? Nakangiti pa rin siya.

“Sabi ni Danielle sunduin daw kita sa bus kaya nandito ako. Have you had your
breakfast yet? And ah, the thank you. Thank you for finally breaking up with Gabe.”

Biglang nanlaki ‘yung mata ko. Bakit niya alam?!

“I know everything about you.”

“Ang creepy mo! At isa pa, lumayo-layo ka nga! Ang init-init, e!” I said, trying to
hide the blush that was spreading on my face involuntarily.

He happily scooted away and then stood up. Kinuha niya rin ‘yung bag ko.

“Ito lang ba lahat ng dala mo?” he asked and I nodded. “Do you even have jacket or
pullover in here?”

“May jacket ako,” I replied.

“You pack so lightly,” sabi niya at saka hinila ako patayo. “Eat your breakfast
then we’ll buy you things.”
Nung hindi ako umorder, siya ang umorder sa akin. Dinala niya ako sa Shangri-la
Mall at pinilit kumain nang kumain. Hindi ko alam kung ano ang meron kay Theo but
he’s so happy and it was weirding me out.

“Eat,” he said.

“Bakit ba masyado kang masaya?”

“Why do you think I’m happy about?” balik tanong niya sa akin.

Hindi ko na lang pinatulan ‘yung sinasabi niya at kumain ako. Tinext ko na rin si
Danielle at pinagalitan siya kung bakit alam ni Theo na nasa bus ako! Pinasok niya
kaya lahat ng bus na humihinto? Ano ba naman kasi ang malay niya kung saang bus ako
mismo nakasakay? Tsk! Minsan hindi ko maintindihan ang takbo ng utak ni Theo!

Pagkatapos kong kumain, hinatak niya naman ako para bumili ng damit.

“Ano ba kasi ‘tong dala mo?” he asked tapos inalog niya ‘yung bag ko. “May damit
man lang ba ‘tong laman?”

Inagaw ko sa kanya ‘yung bag ko. “Paki mo ba! At saka dapat ba dala ko ‘yung buong
bahay ko?! 3 days lang naman ako dun!”
Umiling-iling siya sa akin at saka dinala ako sa mga boutique at bumili siya ng
bumili ng damit.

“Theo, ‘wag nga! Ayan ka na naman sa pagbili ng damit ko, e!” saway ko sa kanya.
Kanina ko pa sinasabi na ‘wag siyang bumili pero para siyang bingi na walang
naririnig.

Inabot niya sa akin ‘yung isang pares ng shorts at damit.

“Wear these,” he said.

Itinulak niya ako hanggang sa fitting room. Hinubad ko na ‘yung damit ko nung bigla
siyang pumasok.

Biglang nanlaki ng sobra ‘yung mata ko at sisigaw na sana ako nung takpan niya ang
bibig ko.

Aba! Gago ba siya?! Naka bra lang ako at panty!

Naghahanda na ako na suntukin siya o kung anuman nung may marinig ako na mga boses.
Oh, God.

“Monique! OMG this is so cute!”


“It’s slutty kaya, Trisha. You want James to throw a fit again if makita niya na
you’re wearing those? Tsk.”

Biglang nanlamig ‘yung kamay ko. Si Monique...

Patuloy pa rin sila sa pag-uusap sa labas at ako naman, parang anumang oras,
tatalon na palabas ng dibdib ko ‘yung puso ko. Damn it. Ganito pala ang pakiramdam
ng mga kabit? Para kang tumakas mula sa preso tapos anumang oras, pwede kang
mahuli?

I was making my breathing even when I suddenly felt Theo’s lips on mine again and
his hands on my bare back.

=================

Chapter 32: No One Would Want You

#HTSTBB Chapter 32

  

Nung grade 2 ako, naalala ko sinubukan akong halikan nung uhugin kong classmate at
sinuntok ko siya. Nung grade 6 ako, tinaasan ako ng palda nung loko-loko kong
kaklase at sinuntok ko siya. Pero ngayon si Theo? Hinahalikan niya ako at for the
love of all that are holy, halos naka hubad ako!
I was dumbfounded and I didn’t know how to react. Nanlalaki lang ang mata ko, hindi
ko malaman kung ano ang una kong gagawin. Susuntukin ko ba si Theo o sisipain siya
o papatayin siya. My mind was in chaos. I couldn’t function properly, not when his
tongue’s inside my mouth!

Mas lalo akong hindi makapalag dahil patuloy pa rin na nag-uusap si Monique at
iyong kasama niya sa labas. Para akong preso dito sa loob. Hindi ako makaangal sa
ginagawa ni Theo dahil takot na takot akong gumawa ng kahit anong ingay. Isang
salita ko lang, alam ko na maririnig ako ni Monique...

And I couldn’t afford to see that look on her face when she finally learns that her
boyfriend was cheating on her with me... with her cousin’s girlfriend.

Kaya kahit anong gawin ni Theo na paghalik, hindi ako sumasagot. I just stood
there, letting him defy me. It has always been this way with Theo. Palaging kung
ano ang gusto niya, iyon ang masusunod. How could he even expect me to like him
kung palagi niya lang ipipilit ang sarili niya sa akin?

Love cannot be forced... at least for true love.

His hands were at the small of my back, tracing patterns. God, it felt so good pero
ayokong bumigay. I could still see a ray of light. I could still save myself from
falling to the pits of darkness.

When he lowered his kiss on my neck, hindi ko na alam kung saan ako kakapit. Damn
it, Kelly Angeline! Umayos ka! Nasa labas lang ‘yung totoong girlfriend!

I tried pushing him away pero pinipigilan niya lang ako. Hindi ko na alam kung
hanggang saan na lang ang itatagal ko. I didn’t like this but my body was telling
me otherwise. Sobrang taksil.
His kisses went down and he was finally kissing and tracing my collarbone using his
lips. Wala akong suot na damit kaya ramdam na ramdam ko ang bawat halik ni Theo sa
balat ko. Every touch felt burning against my skin. I tried so hard—too hard, even—
to stop moaning and giving in.

I didn’t want him to know that he has such effect on me.

When he was about to kiss the top of my breasts, he stopped.

Ako? Nakatayo lang ako ‘dun, feeling utterly disgusted. I felt so used.

He looked right in my eye and said, “Why are you like that?” He asked like what he
was doing was the most normal thing in the world. Bakit nga ba ako nagtaka? Ano nga
ba ang normal para sa isang Theo Henares?

I couldn’t answer him, not with Monique standing just inches from us. Bakit ba
hindi siya kinakabahan? Gusto ba niya na mahuli siya ng girlfriend niya na may
hinahalikan siyang iba?

So instead I whispered, “Nasa labas si Monique.”

He nodded. “Alam ko.”


“Tapos nakuha mo pa akong halikan? You’re unbelievable, Theo,” I said, very
disappointed. Bigla kong naramdaman ang lamig dahil wala pa rin akong suot ngayon.
Pakiramdam ko, isa akong bayaran na babae. Bakit ganon? Tuwing kasama ko si Theo, I
felt like I was less than my worth. Parang ang baba-baba kong tao...

Instead of answering me, he reached for the pair of clothes that I was suppose to
wear. Binuksan niyo iyong zipper nung shorts at isinuot niya sa akin. Nung una,
pilit ko pang kinuha sa kanya pero nagpumilit siya at siya mismo ang nagsuot.

“I’m just trying to make it easier,” he replied while unbuttoning the shirt.
Isinuot niya din sa akin ‘yun at ibinutones pabalik.

“Easier? Easier na malaman na nagloloko ka?”

He shrugged.

“I want her to dump me.”

“You want her to caught you red-handed! And I am a tool!” I whispered sharply. God!
Kailan ba aalis sila Monique sa labas! Gustung-gusto ko nang lumabas dito sa loob
ng fitting room!

Inilagay niya iyong kamay niya at sinuklay ang buhok ko. Hindi ko talaga
maintindihan si Theo. Sa tuwing sinusubukan kong intindihiin siya, mas lalo akong
naguguluhan. Hindi ko mahulaan kung ano ang susunod na gagawin niya o kung bakit
niya ginagawa ang isang bagay. He was this puzzle that was making my head ache.
“I can’t break-up with her because I can’t be alone but she can dump me and you’ll
be forced to be with me.”

Biglang nanlaki ang mata ko sa mga naririnig ko mula sa bibig niya. He was crazy!
Bakit ba siya ganito?!

I pushed him away, so hard, but he caught my hand and held it.

“I know my ways are fucked up but the end always justifies the means.”

I stared at him with such intensity and said, “Theo, as long as you’re fucked up,
no one would want you.”

Sa buong pagkakakilala ko kay Theo, hindi ko na mabilang kung ilang beses ko siyang
nasabihan ng mga masasakit na salita. Lahat na yata ng mga salita na makakasakit,
nasabi ko na sa kanya. But like the insensitive person that he will always be,
hindi siya nakikinig. Para bang kung anuman ang sabihin ko, lalabas lang sa kabila
niyang tenga. Wala siyang pakielam basta makuha niya ang gusto niya. He was that
selfiesh.

He smiled at me. “But I already have you.”

That exact moment, umalis na si Monique at ang kasama niya. I waited for a minute
before I left the fitting room. Pagkalabas na pagkalabas ko, nagsimula na akong
magmartsa palayo kay Theo. That guy! Bakit ba ang hirap niyang kausap?! Kahit yata
murahin ko siya, wala siyang pakielam! I have never met such an insensitive guy!
Siya lang!
I was about to step out of the vicinity of the boutique but Theo pulled me back and
then hugged me from behind. Nagpupumiglas ako pero mas lalo niya lang hinigpitan
ang hawak niya.

“Wait,” he said.

“Ano?” I spat angrily.

“I still haven’t paid for your clothes,” he whispered and then planted a kiss on
the side of my head.

Hinawakan niya ang kamay ko at sabay kaming nagpunta doon sa cashier. The lady was
looking at us and then there was a knowing smile on her face. Pakiramdam ko alam
niya na parehas kaming nanggaling ni Theo sa fitting room at nagdududa siya na may
ginawa kami.

I normally am nice to saleslady dahil sabi ng nanay ko, mahirap daw ang trabaho sa
service industry kaya ang pinakamaliit na bagay na magagawa ko ay ang maging mabait
sa kanila. But at this moment? I was just mad and angry and frustrated at
everything so I lashed out at her.

“Why are you smiling?”

Biglang nawala iyong ngiti sa mukha nung cashier. “Nothing, ma’am,” mabilis na
sagot niya sabay abot kay Theo nung credit card.
Inakbayan naman ako ni Theo at saka ngumiti. “Sorry for her behavior. We’re
expecting a baby and she’s very hormonal lately,” saad niya.

Ngumiti ng matipid iyong cashier sa amin. “Congratulations,” she said at inabot sa


amin iyong resibo. Dali-dali naman akong bumalik sa fitting room at kinuha iyong
damit ko na nagkalat pa sa sahig. Hindi ko na lang pinansin iyong tingin ng mga
saleslady sa loob ng boutique. Inis na inis ako ngayon kaya kahit sino baka
masigawan ko na lang talaga.

Upon getting my things, I began walking away again. Ramdam ko na nakasunod sa akin
si Theo kaya mas binilisan ko pa ang lakad ko pero habang mas binibilisan ko, mas
bumibilis din ang bawat hakbang niya. Ugh! Nakakaloko na talaga siya! Ang tigas-
tigas ng ulo niya!

Paikot-ikot ako, hindi ko alam kung saan ako pupunta. Wala halos tao dito sa
Shangri-la Mall. Akala ko ba mahilig magshopping ang mayayaman? Nasaan sila ngayon
na kailangan ko sila para makalayo kay Theo?!

Naghahanap ako ng daan palabas nung makarating ako sa dead end.

“I told you, there’s no use running from me.”

Tumalikod ako at pagalit na tumingin sa kanya.

“Nakakainis ka. Nakakairita ka. Honestly, hindi ko alam kung makakatagal ba ako ng
isang araw na hindi naiinis sa’yo. Gets mo ako? Ikamamatay ko ang makasama ka araw-
araw!” I shouted at him.
Pero being Theo, wala siyang pakielam sa mga sinasabi ko. He just shrugged at
everything that I said.

“Like what they always say, it’s not always rainbow and unicorn.”

“We’re not in a relationship! Ang kulit mo!”

“Dun din tayo pupunta.”

“You’re with Monique!” I shouted, medyo nawawalan na ng pag-asa sa mga sinasabi


niya.

But when he nodded and fished for his phone, my heart momentarily stopped. Nanlaki
ang mata ko habang pinapanood siya na magdial sa phone niya. He was looking
intently at me while his phone was on his ear.

“Hello?” he said and I swear my heart almost popped out of my chest. “Monique?
Yeah... Listen, can I ask you something?”

There. My heart stopped.

“Will you dump me if you caught me cheating?” he said. Oh shit! I saw him wincing
while listening to Monique. “So basically, I’ll end up in the hospital with broken
bones?” he said and then he looked at me.
Shit naman, Theo!

Lumapit ako sa kanya at hinawakan iyong kamay niya. I shook my head, as if begging
for him not to cross that line.

“Just asking. Alright, bye. Enjoy your day.”

Pinatay niya na iyong cellphone niya at tumingin sa akin. “Tara na?” he said and
then offered his hand. Hindi na ako umangal at sumama na ako sa kanya. I just
couldn’t take more of his antics today. I have already reached pass my limit.

Pumunta kami sa sasakyan niya at nagsimula na siyang magdrive. Tahimik lang ako
doon. I felt so helpless. Parang kahit anong effort ang gawin ko sa pagtakbo,
palagi siyang nakasunod sa akin. Parang wala na akong takas.

I sat there and tried to sleep but it was too hard.

Hinahanap ko iyong cellphone ko nang aksidente kong mabuksan iyong glove


compartment niya. May nakita akong picture doon ng dalawang babae. Out of
curiosity, I stared at the picture. Kamukha sila ni Theo... Ito ba ‘yung nanay
niya?

“They’re dead,” he said all of a sudden.


Napatingin ako sa kanya. Akala ko buhay pa ang nanay niya? Narinig ko siya na
kausap iyon dati nung tinulungan niya akong ipasa ‘yung lab manual ko, ah...

“Patay na sila?” I parroted.

He nodded, as if we weren’t talking about his deceased mother... and probably


sister.

“Sorry to hear that,” I replied. Bigla na naman akong nakaramdam ng awa sa kanya.
Baka kaya siya ganito dahil patay na ang mama niya? Hindi ko talaga alam...
Pagdating kay Theo, wala akong maintindihan.

“It’s alright. It’s been years and besides, I have my new mom and she’s better than
the bitch in that picture.”

Napatingin ako sa kanya. “Theo...” I said, hindi makapaniwala sa narinig ko.

“She’s cruel, Kelly. She’s the reason why I’m not normal. She messed my life.”

=================

Chapter 33: One Problem Is Never Enough

#HTSTBB Chapter 33

I had to stop myself from asking Theo. Habang nagsasalita siya, ramdam ko na may
kakaiba. Hindi ko man siya kilala ng ganung katagal, alam ko na mayroong mali sa
kanya. Kaya kahit na gustung-gusto kong magtanong kung ano ang meron sa Mama niya,
mas pinili ko na lang na manahimik.

Naniniwala kasi ako na may tamang panahon para sa lahat ng bagay. Kapag hindi pa
dapat, ‘wag ipilit kasi magugulo lang ang mga bagay. At wala namang masama na
maghintay kaysa naman biglain mo e hindi pa naman ‘yun ‘yung tamang oras.

Buong byahe, nanahimik na lang ako. Kinuha ko ‘yung earphones ko at nakinig na lang
ako sa kanta.

“Nandito na tayo?” I asked as I yawned. Ilang oras din akong nakatulog, ah!
Tumingin ako sa paligid at nakakita ako ng mga pine trees. Hindi ko mapigilan na
mapangiti kasi first time ko lang magsstay dito sa Tagaytay. Nagpupunta naman kami
dito pero hindi overnight.

Busy ako sa pagtingin sa paligid ng biglang magsalita si Theo.

“Forget what you heard,” sabi niya.

Mula sa pagtingin sa labas, bumaling ang tingin ko sa kanya. Nakatingin lang siya
sa manibela at seryosong-seryoso ang itsura niya. Bigla akong nanghinayang. We was
opening up finally pero ngayon, balik na naman siya sa pagiging magulo niya.

But why was I trying to decode him, anyway? He wasn’t my case to study.
Kaya naman kahit na gusto ko pang itanong kung bakit, tumango na lang ako. Like I
have said, there’s a time for everything.

Matapos kong tumango, lumabas na kami sa sasakyan. Tinulungan niya akong buhatin
iyong gamit ko—na siya rin naman ang bumili sa mall. Bitbit niya ‘yung mga paper
bags nung biglang lumabas si Danielle mula sa vacation house na tutuluyan namin.

“Beb!” she shouted as she ran towards me. Niyakap ko na lang siya pabalik. Ang
hyper talaga ng babaeng ‘to! Akala mo naka enervon palagi, e! “Buti na lang sumama
ka!” she said and she turned to Theo. “What did you do to her? Last time nakasama
ko ‘to, ayaw niyang sumama, e.”

“Kissed her,” he said at saka naglakad siya papasok nung bahay. Bwisit talaga!
Bakit kailangan niya pang sabihin iyon? At naaalala ko na naman ‘yung fitting room
scene! Pakiramdam ko namumula ako mulo dulo ng buhok hanggang sa kuko ko sa paa.
Tsk!

I swear I saw Danielle’s jaw drop.

“OMG ka! Bakit may kissing scene na nagaganap?!” sabi niya. “At bakit namumula ka
dyan?”

I waved my hand, as if doing so would lessen the embarassment I was feeling. I


tried to act nonchalant, na para bang wala lang sa akin ‘yung hinalikan ako ni
Theo. Goodness! Umayos ka nga, Kelly! Bakit nararamdaman mo pa rin ‘yung hawak niya
kanina sa likod mo?

“Wala,” I meekly answered as I tugged her forward. “Tara na sa loob. Ang lamig
dito,” sabi ko pa tapos niyakap ko ang sarili ko. Malamig na talaga dito sa
Tagaytay dahil December na. Mabuti na lang pala talaga pinilit ako ni Theo kanina
na bumili ng pullover dahil baka mamatay ako sa lamig dito.

Nung hindi umalis si Danielle, pumasok na ako sa loob. Wala akong balak ikwento sa
kanya na nakita ako ni Theo na halos nakahubad na, noh! Isa iyon sa mga pangyayari
sa buhay ko na hinding-hindi ko ikukwento kahit na kanino!

Nagmadali akong pumasok at sana pala hindi ko na lang ginawa. Upon entering the
room, I was welcomed—well, welcome may be a bit of an overstatement. Nakatingin
sila sa akin. Pakiramdam ko hindi ako welcomed dito.

“Hi?” I said. Hindi ko kasi alam kung paano sila pakikitunguhan. Nakikita ko na
naman sila sa campus dati pero hindi naman kami masyadong nag-uusap dahil tuwing
nandun ako sa tambayan nila, si Gabe—naku, Kelly, ayan ka na naman. Move on, move
over na nga kay Gabe!

Some smiled at me, some just continued with what they’re doing. ‘Yung iba talaga
ayaw pa rin sa akin. Remind me again kung bakit ako sumama dito. Parang imbes na
mabawasan ang problema ko, mas lalo pang dumadami.

“Hinahanap mo si Theo?” Mielle told me. Isa siya dun sa mga orgmate nila na halos
kaibigan ko na rin. Sorry for the word pero ang bitch talaga nung ibang tao. Medyo
tolerable pa ‘yung pagtrato nila sa akin nung naging girlfriend ako ni Gabe pero
nung nalaman nila na nagbreak kami at nung nakita nila na kasama ko si Theo, nawala
na ‘yung tolerable. Hostile na ‘yung tamang term para idescribe kung paano nila ako
pakisamahan.

Tumango ako kay Mielle at itinuro niya ‘yung kwarto sa itaas. Nagpasalamat ako sa
kanya at naglakad na papunta sa itaas. Kumatok ako pero hindi niya yata narinig
kasi walang nagbukas nang pinto. Sinubukan kong pihitin ‘yung seradura at
nakikipag-usap siya sa phone niya.
“I’m not in Alabang, mom.”

Kausap niya pala ‘yung nanay niya. Isasara ko na sana ‘yung pinto dahil gusto ko
siyang bigyan ng privacy pero napatigil ako dahil sa narinig ko.

“How many times do I have to tell you that I don’t need therapy?!”

Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko. Therapy? May sakit si Theo? Kailan pa? At
anong klaseng sakit? Ito ba ‘yung dahilan kung bakit minsan hindi ko siya
maintindihan? Ang dami-daming tanong pero hindi naman ako pwedeng magtanong. Palagi
na lang akong walang alam, gulung-gulo na talaga ako.

Gusto ko nang isara iyong pinto pero natatakot ako na gumawa ng ingay dahil baka
marinig ni Theo iyon. Hindi ko alam kung paano ako magpapaliwanag at kung paano
kapag tinanong niya ako kung may narinig ba ako... Ang hirap naman kasing
magpanggap na wala akong narinig kung ang totoo ay gusto kong magtanon kung ano nga
ba ang narinig ko... Kung totoo nga ba na may pinagdadaanan siya...

Baka naman kasi maintindihan ko siya kung magpapaliwanag siya... Sawang-sawa na rin
kasi ako na maguluhan sa lahat ng inaakto niya.

“I don’t need you and your fancy shrinks!” sabi niya bago ko narinig ang pagsara ng
pinto.

Dahan-dahan kong isinara iyong pintuan at naglakad ng mabalis papunta kung saan
man, kung saanman na malayo dito.
Napaupo ako habang iniisip lahat ng narinig ko.

He’s sick.

That explains a lot.

I was in the middle of pondering about what ifs when Danielle lightly tapped my
shoulder. “Dinner na,” she said. Kumunot iyong noo ko. Dinner na agad? Parang may
araw pa kanina. Tumingin ako sa labas at gabi na nga. Ganun ako katagal nag-isip?!

Pumunta na kami sa dining room at saka kumain. Wala pa rin si Theo pero hindi na
ako nagtanong. I thought it was best for me to let him cool down. Mukha kasing
galit siya kanina nung kausap niya ang mama niya. At isa pa, hindi ko pa malaman
kung paano ko siya pakikitunguhan. I knew I was supposed to act normal around him,
to be punitive as much as possible pero ngayon na alam ko na na may pinagdadaanan
siya, it was hard to be unsympathetic. Hindi naman kasi ako apathetic.

“Tawagin mo kasi si Theo?” Danielle suggested.

“Magpapahinga pa ‘yun,” sagot ko. “Kapag nagutom, ako na lang bahala.”

She wiggled her eyebrows. “Nako, ha!”

“Tss. Sira ka talaga.”


The dinner was uneventful. Nag-uusap ‘yung mga mag-orgmates at ako, kumakain lang.
Bayaan ko nga sila. Hindi naman ako mamamatay kung ayaw nila sa akin. At hindi ko
rin naman sila kailangan sa buhay ko. Nandito ako dahil kay Danielle at Theo so to
hell with what they feel.

Pagkatapos kong kumain, I excused myself dahil busy naman sila sa pag-uusap.
Umakyat ako sa kwarto at tiningnan kung nandun si Theo. The door was ajar and I saw
him sitting on his bed kaya kumatok muna ako.

“What?” sabi niya kaagad.

“Nagdinner na kami,” I answered and he nodded. “Nagugutom ka ba?”

He faced me. “Why are you so nice? If it’s about what I told you earlier, then stop
it. I don’t need you to patronize me, Kelly.”

Kung sinabi niya ‘to kahapon, malamang nasigawan ko na naman siya at nasabihan ng
kung anu-anong masasakit na salita. But what I heard earlier was the game changer.
He’s sick and I should understand him and his ever-changing moods.

“I’m not patronizing you, you ass. Hindi mo kailangang kaawaan dahil nakakairita
ka,” I said. “Kakain ka ba o magpapakagutom?” I asked and then rolled my eyes.

Mukhang nakuntento na siya sa sinagot ko. Mas lalo tuloy akong na-curious sa past
niya. Bakit siya ganito?
“Busog pa ako,” he answered.

“Okay. Punta muna ako sa labas,” sabi ko at saka nagsimulang maglakad palabas pero
bago pa man ako makalabas, tinawag niya ako. “Ano?”

It was like he was hesitant but during the last second, decided to go for the kill.

“Stay.”

“Okay.”

Was it because of what I have heard? Emotional blackmail ba ‘to? Kahit yata sabihin
niya na yakapin ko siya, susunod ako, no questions asked.

“Do you want to play?” Kumunot iyong noo ko sa sinabi niya. “5 questions game.”

“Ha? ‘Di ba dapat 20 questions ‘yun?” tanong ko sa kanya.

He nodded and then said, “Can’t afford you asking me that many questions. I think 5
will do,” sabi niya sa akin.

To humor him, pumayag na ako. Naupo kami sa kama niya, magkaharap kami. I was the
first one to ask since sabi niya mauna na ako.
“Mahal mo talaga ako o gusto mo lang ako dahil naging girlfriend ako ni Gabe?”

“Who gives a fuck about who Gabe loves? I want you because I want you,” sagot niya
sa tanong niya.

“I give a fuck about who Gabe loves, to answer your first question,” sagot ko sa
tanong niya kaya napa-damn siya sa sinabi ko. Pang-mautak talaga ‘tong laro na ‘to.
“Seryoso ka na makikipagbreak ka kay Monique?”

“Yes,” he answered quickly, wala na siyang dinagdag dahil baka mautakan ko na naman
siya. “Wala bang chance na magustuhan mo talaga ako?”

“There’s a possibility for everything.”

“Your answers are vague as fuck.”

“That’s how you play wisely,” sagot ko sa kanya. “I still have three questions.
Now, ano ‘yung bagay na ayaw mong ipaalam sa iba?”

“I heard how my sister got killed,” sabi niya at saka nagtanong. “If I break up
with Monique, do you see yourself being my girlfriend?”

Nanlaki pa rin ‘yung mata ko sa narinig ko mula sa kanya. Narinig niya na pinatay
‘yung ate niya o nandun siya mismo nung pinapatay ‘yung ate niya?! I wasn’t in the
right mind to answer what he just asked.

“Narinig mo na pinatay ‘yung ate mo?!”

“It’s my turn to ask. Answer my question.”

I briefly closed my eyes and tried to recall what he asked. He was so hard to
understand! Wala lang ba sa kanya ‘yung sinabi niya kasi ako nabigla ako sa narinig
ko!

“It’s a possibility. Now, answer my question.”

“That’s your last question. ‘Yun talaga ang itatanong mo sa akin?”

“To answer your 4th question, yes, iyon ang itatanong ko sa kanya.”

He cursed. “Damn! Hindi counted ‘yon!”

“Play by the rules, Theo. Answer my question.”

“Yeah they told me I heard how she was killed but I can’t recall everything,” sabi
niya na parang nagkukwento lang siya na mainit ngayong araw. Hindi ko talaga siya
maintindihan. “My last question... why won’t you believe me when I say that I’m in
love with you?”

Tumayo na ako sa kama at saka humarap sa kanya. “You gotta love yourself first
before you can love anyone, Theo.”

Lumabas na ako at nakasalubong ko si Danielle sa may hagdanan. “Uy! Tatawagin sana


kita, e. Naglalaro kami ng spin the bottle sa baba. Sali kayo ni Theo?”

Tatanggi na sana ako pero nasa likod ko lang pala si Theo at pumayag na siya.
Danielle clapped her hands at saka hinila kami papunta sa labas. Gumawa sila ng
bonfire sa may damuhan at nakaupo sila malapit doon. It was a good idea since it’s
so cold.

“Thanks,” sabi ko kay Theo when he draped his cardigan over my shoulders. Naupo
kami katabi ni Danielle. Nagsisimula na pala sila.

“Ako agad?!” tanong ko. Kakaupo ko pa lang kasi tapos sa akin na agad nakatapat!

Jen, the leader of ‘I-Hate-Kelly-Why-Is-She-Even-Here’ group, told me. “Truth or


dare?”

Tumingin ako sa kanya. I knew she was asking for trouble. Alam ko na tatanungin
niya ako kung bakit talaga kami nagbreak ni Gabe. Alam ko na naghahanap siya ng
dahilan para magkaroon siya ng karapatan na sabihan ako ng malandi.

“Dare,” I said.
She showed me her devious smile.

“Kiss Theo. 60 seconds. With tongue. And oh, pakigalingan because I’m sending the
video to Gabe para naman matauhan siya and see what a slut you are.”

=================

Chapter 34: Destroying The Great Wall

#HTSBBB Chapter 34

“Jen!” Danielle and Mielle were quick to react at Jen’s words. Ako kasi, nakanganga
pa rin sa mga narinig ko. Nababaliw na ba siya?!

Jen looked smugly at them. “What? It’s truth or dare. Sana naman expected niya na
‘yung mga ganitong bagay.”

“But not like that!” Danielle screeched. “Change the dare or tapusin na natin ‘yung
laro na ‘to,” she said.

Nakatingin sa akin si Jen at ramdam na ramdam ko ‘yung pagkainis niya sa akin. I


understand that she hates my guts but I didn’t expect that her hatred comes to this
extent. May gusto ba siya kay Theo o kay Gabe kaya ganitong inis na inis siya sa
akin? I can’t even remember talking to her before! Ano ba ang nagawa ko para
kainisan niya ako ng ganito?
“Kill joy.”

Danielle and Mielle were busy scolding Jen for being so hostile when Theo spoke up.
Lahat kami nagulat at napatingin sa kanya. He rarely speaks when he’s with other
people. Lately ko lang nalaman na tahimik pala talaga siya. Kapag kasi magkasama
kami, ang dami niyang sinasabi pero napansin ko na kapag may ibang tao, hindi siya
madalas magsalita. Kaya naman pala kilig na kilig ‘yung mga classmate namin noon sa
ENG1 kapag kinakausap niya para magtanong.

“What’s your problem with Kelly, Jen?” he calmly asked.

Jen suddenly looked so scared. Parang kanina lang kulang na lang kalmutin niya ako
sa sobrang inis tapos ngayon, mukha siyang pusa na takot na takot.

“N-nothing.”

“Then fuck off,” sabi ni Theo at saka hinila ako patayo. 

Bigla namang nagsalita si Danielle bago pa man ako makaladkad ni Theo papunta kung
saanman. “Teka! San kayo pupunta?”

Hindi ako sumagot dahil wala naman akong ideya kung saan ako dadalhin ni Theo.
Pakiramdam ko hihilahin niya ako kung saan. Lahat naman kasi ng ginagawa niya
unexpected.
“In some place where people won’t judge Kelly for breaking up with Gabe.”

I was touched. Who thought Theo was capable of caring about other’s feelings? 

Bigla namang siniko ni Mielle si Jen at sinabi na magsorry ito sa akin pero iba ang
sinagot ni Jen. “Ayoko nga. She deserves whatever she’s getting.”

Napailing na lang si Theo sa narinig niya kay Jen. Hawak niya ‘yung kamay ko kaya
naman naramdaman ko kung paano humigpit iyong hawak niya sa akin. Tumingin siya kay
Jen and he said the most hurtful words any girl could ever hear.

“You’re so full of insecurities that’s why no man wants you,” sabi niya bago ako
tuluyang hinatak paalis doon.

Akala ko lalabas kami pero dinala niya ako sa kwarto na tinutuluyan ko. 

“Bakit tayo nandito?” I thought I was too stunned with the act that he pulled but I
managed to ask.

Naglakad-lakad siya sa kwarto hanggang sa mahanap niya ‘yung bag ko. Iniabot niya
iyon sa akin. “Pack your things,” utos niya.

“Ha? Kakadating lang natin,” I answered as I held on to the bag in my hand.


“I know and we’re leaving. I don’t hit girls and I don’t want to hit a girl kaya
umalis na tayo dito hanggang kaya pa,” sabi niya sabay kuha nung mga damit na
kalalagay ko pa lang sa cabinet.

Mukhang hindi ko na kailangang magligpit dahil si Theo mismo ang naglalagay nung
mga gamit ko. 

“San tayo pupunta kung aalis tayo?”

“Hotel? Anywhere far from Jen,” he said.

Hinawakan ko ‘yung braso niya na busy sa paglalagay nung mga damit ko. Oo, nasaktan
din naman ako sa sinabi ni Jen pero hindi ba sobra na ‘to? Group trip ‘to ng org
nila at ayoko naman na masira ‘to ng dahil lang sa akin... 

Sinubukan kong magpaliwanag kay Theo pero parang wala lang siyang naririnig. Ayaw
niya. Gusto niyang umalis.

“At saka, ano’ng hotel ka jan? Ayoko nga dun!”

“Why? What’s wrong with hotels?”

Ramdam ko na bigla akong namula sa tinanong ni Theo. Kailangan pa ba niyang sabihin


iyon? Hindi ba halata kung ano ang nasa isip ko? Ang dense niya talaga minsan!
“Basta,” sagot ko na lang. Ayoko ngang sabihin na kinakabahan ako dahil baka hindi
lang fitting room scene ang magkaroon kami, ayoko ngang magkaroon ng hotel scene! I
would scrap any possibilities, noh! “Dito na lang tayo. Mukha namang hindi na ako
guguluhin ni Jen,” sabi ko pa... Pakiramdam ko naman kasi talaga titigilan na ako
ni Jen. Sobrang sakit kaya nung mga sinabi ni Theo.

If you’re his girl, you will be protected but if you’re not, you’ll be damned.

He shook his head. Ang hirap niya talagang pakiusapan.

“Bakit ba ayaw mo?”

“Hindi naman sa ayaw...” 

He zipped up my bag and looked at me. “Then there’s no reason for us to stay.”
Binitbit niya ‘yung bag ko at saka hinatak ako palabas. Upon reaching the door, we
saw Danielle.

“Aalis na kayo?” she said sadly.

“Yeah,” Theo replied. 


Hindi na nagsalita pa si Danielle at tumango na lang. “Sige, mag-iingat kayo...
Text mo ako, Kels, ha,” sabi niya pa sa akin. Bakit hindi man lang niya ako
pinigilan? Grabe naman!

Hindi na kami nakapag-usap pa ni Danielle dahil hinatak na naman ako ni Theo and
before I knew it, we were speeding away from the vacation house. 

--

“Nasan na tayo?” I asked him as I looked out. Mabuti na lang at walang ulan.
Maganda ang panahon at maraming bituin sa langit

Ano’ng oras na ba? Pakiramdam ko ang layo na ng narating namin. Medyo matagal rin
kasi yata akong nakatulog. Tumingin ako sa phone ko at nakita ko na alas-dyes na
rin pala. 

“Bulalo Point.”

“Bulalo?”

“Yeah. Have you eaten dinner? Nagugutom na kasi ako,” he said.

Ay oo nga pala hindi pa kumakain ng dinner si Theo... Kahit na busog pa talaga ako,
sumama na ako sa kanyang kumain. Malungkot kaya kumain mag-isa. Ano ba ‘yan
namimiss ko na agad ang pamilya ko. Ang clingy ko naman yata.
Pumasok kami doon sa restaurant at umorder si Theo ng bulalo. Habang naghihintay,
hindi ko alam kung ano ang gagawin.

“Bakit hindi mo na lang ako hinalikan kanina? Knowing you, you’ll get every
opportunity to kiss me,” I honestly told him. Hindi naman ako assuming. I just knew
it. He would grab me and kiss me whenever. Kulang na lang gawin niyang hobby, e.

He looked at me like he couldn’t believe what he was hearing.

“Kelly, I kiss you because I like you, not because I want to objectify you.
Magkaiba ‘yun.”

Sasagot pa sana ako pero dumating na ‘yung inorder niya na bulalo. Hindi ko talaga
kayang maniwala kay Theo na gusto niya ako... Lalo na ngayon na nalaman ko na may
problema siya. Baka naman diversion lang ako. Pero anuman ang mangyari, hindi ko na
siya itutulak. That’s the least I can do for him, I think. But I can’t have him
pining after me while he’s with Monique. That’s just so wrong.

Ugh! Hindi ko na alam ang gagawin ko!

“Ayaw mo ba?” he asked as he was enjoying his bowl of Bulalo. Mukhang masarap nga
pero wala ako sa mood kumain. Gusto ko pa ring itanong ‘yung tungkol sa sakit niya
pero ano naman ang isasagot ko kapag tinanong niya ako kung saan ko nalaman? Baka
magalit siya sa akin kapag nalaman niya na nakikinig ako sa usapan ng may usapan.

Ngumiti na lang ako at saka umiling. “Busog pa ako, e.”


After a while, natapos na rin siyang kumain. Nagpahinga muna siya bago nagdrive.
Nakarating din kami sa isang hotel.

“2 rooms,” he immediately said. Akala ko sasabihin niya na sa isang room lang kami.
This trip was proving to me that Theo’s more than the jerk that he’s portraying.
He’s not that hopeless.

Iniabot niya sa akin iyong key card. “Thank you,” sabi ko sa kanya.

He nodded at saka hinatid niya ako sa harap ng kwarto ko. “We had a long day.
Matulog ka na.”

“Good night, Theo...” I said.

“Good night, Kelly.”

Tumalikod na ako at saka pumasok sa loob. I still couldn’t believe everything


that’s happening. Theo’s so nice! Kabaliktaran siya ng rude Theo na palagi kong
nakikita! Hindi kaya bipolar siya? He kept on changing personalities kaya minsan
hindi ko na alam kung paano siya pakikitunguhan.

Tinignan ko ‘yung kwarto na tutulugan ko. Ang ganda naman dito... Kitang kita sa
veranda iyong Taal Volcano. Mas maganda ‘yung view dito kaysa doon sa vacation
house... Pero kasi naiwan doon si Danielle. Tsk. Kasalanan talaga ‘to ni Jen. Bakit
naman kasi napaka-vocal niya sa hatred niya sa akin. Hindi ba pwedeng kimkimin niya
muna? I felt bad for her because she faced Theo’s sharp words.
Naglinis ako sa CR at saka nagpalit ng pantulog. Nakaupo na ako sa kama nung
biglang magvibrate iyong phone ko.

“Bakit?”

“Can I come inside your room?”

“Ha?”

“I’ll sleep on the floor... I won’t touch you. Please?”

Parang tanga naman ‘tong si Theo. Bakit pa siya nagrent ng isa pang room kung dito
rin pala siya matutulog?

“Pangit ba dyan sa kwarto mo?” I asked him as I stood up and changed shirts. Naka
sando lang kasi ako kanina at kung papasok si Theo, ayoko naman na makita niya
akong naka-sando. Kahit na halos nakahubad na ako one time, wala ng next time ‘yun,
noh.

I heard a door opening and then I heard a knock on mine. “Open up.”

Naglakad ako papunta sa pinto pero hindi ko agad binuksan. “May kapalit,” I said.
“Anything. Now, open the door,” he demanded.

May pepper spray naman ako sa bag. Subukan lang talaga ni Theo na may gawing
kalokohan, bubulagin ko siya!

“Tell me a secret,” I asked him. “Tell me one secret and I’ll open the door.”

Hindi naman ako talaga interesado sa mga sikreto ni Theo pero baka kasi sabihin
niya sa akin ‘yung tungkol sa sakit niya. Ayoko kasing magtanong kaya umaasa na
lang ako na sasabihin niya...

“I’m Monique’s first kiss. Now, open the door.”

Kumunot ‘yung noo ko. Ano ba ‘yang sinasabi niya! Napaka-walang koneksyon sa
tinatanong ko! At isa pa, ano ba ang kinalaman ko sa first kiss ni Monique?!

“Hindi ganyang secret!” I shouted.

“You never gave specifics. Now, open the door, Kelly.”

Ugh! Naisahan na naman niya ako! Nakakainis!

Binuksan ko iyong pinto at saka nakita na hindi pa rin siya nagpapalit ng damit.
Pumasok siya sa loob habang dala-dala niya iyong unan niya at comforter. Parang
tanga talaga ‘tong si Theo. Nagsasayang ba ‘to ng pera o weird lang talaga ang mga
gusto niyang gawin sa buhay?

True to his words, naglatag siya sa sahig at doon nahiga. Kahit na naaawa ako sa
itsura ni Theo sa sahig, ayoko naman siyang pahigain sa kama, noh.

Binayaan ko siya sa sahig at saka nahiga na ako sa kama ko.

“Kelly.”

“Hmm?”

“Don’t turn off the lights.”

“Okay,” sabi ko kahit na hindi ko alam kung ano ang problema sa ilaw. Baka naman
hindi lang siya sanay... ‘Yung ate ko rin kasi hindi nakakatulog kapag patay ang
ilaw, e.

Pumikit na ako at handa na akong matulog nung maalala ko ‘yung secret na sinabi
niya sa akin.

“Theo?”
“Bakit?” he murmured. I think he was already half-asleep. 

“Pag sinabing secret, ‘wag naman ‘yung masyadong intimate. ‘Yung funny secrets
lang, ha?”

Pero hindi siya sumagot. Pakiramdam ko tuloy kumakausap ako ng patay. Tsk. Pumikit
na ako at niyakap ‘yung comforter. My eyes were already closed when I heard him
saying, “I just want to be honest with you, Kelly.”

“Too honest,” I mumbled.

“That’s just a kiss...”

“Still too honest,” I sleepily muffled. “Good night, Theo...”

“Good night, future girlfriend...”

=================

Chapter 35: Future Troubles

#HTSTBB Chapter 35

 
Maaga kaming nagising pareho. Actually, mas naunang nagising sa akin si Theo pero
pakiramdam ko pagkagising na pagkagising niya, tumayo na siya at niyugyog nang
niyugyog ‘yung balikat ko hanggang sa magising ako. Nakakainis nga, e! Antok na
antok pa kaya ako!

“Tsk!” I glared at him from where I was sitting. Late na kaya kami nakatulog
kagabi! Tapos gigisingin niya ako eksaktong 6am. Nakakainis, ha!

Hindi niya ako pinansin, as usual, at sumubo dun sa kinakain niya. Isa sa mga bagay
na natuklasan ko tungkol kay Theo ay ang hilig niya sa paghila sa akin. Kanina
pagkagising ko, hinila niya ako papunta sa CR at saka hinagisan ng gamit sa loob.
Pagkatapos ko, hinila niya naman ako para maupo sa kama.

“Ako na nga!” sabi ko kasi susuklayan ba naman ako!

“No,” sagot niya at saka sinuklayan ako. “What do you want for breakfast?”

“Kahit ano,” I replied. “Akin na nga ‘yan, ako na magsusuklay,” pagpilit ko sa


kanya. I feel weird. Bakit niya ba ako sinusuklayan. Bading ba siya o may secret
fascination lang sa buhok ng babae? Tsk!

Pero hindi niya na naman ako pinansin, as usual, at patuloy lang siya sa pagsuklay
sa buhok ko. Pinabayaan ko na siya since ang sarap pala sa pakiramdam na
sinusuklayan ka. Sinusuklayan din naman ako ni Nay at ni Ate dati pero iba pala sa
feeling kapag lalaki ang nagsusuklay sa’yo. Ang soothing lang sa feeling.

Matapos ang ilang sandali, natapos na rin siya. Nako siguro kung may blower dito,
pinatuyo niya na din ang buhok ko! Minsan nagtataka na rin ako sa mga trip ni Theo.
Gusto akong bilhan ng damit, sinusuklayan ako, ano next? Siya na rin magmemakeup sa
akin?

I was imagining Theo being Thea when I was interrupted from my silly thoughts.

“Breakfast? Ano?” he reiterated.

I had to bit my lower lips to keep myself from laughing. Bwisit ang benta sa
imagination noh, ah! Thea!

“Kahit ano na lang,” I replied.

He nodded at saka sinuotan ako ng pullover at saka bumaba kami para kumain. Naupo
lang ako doon at bumalik si Theo matapos niyang makaorder. Tuwing kasama ko si
Theo, pakiramdam ko invalid ako. I mean, kahit ‘yung mga simpleng bagay na kaya ko
namang gawin, ginagawa niya para sa akin. Kagaya na lang ng pagsusuklay. Ang dali-
daling gawin pero ginagawa niya para sa akin.

Kumakain kami ng biglang magring ‘yung phone ni Theo. Tinignan niya kung sino ‘yung
tumatawag and then he scowled at it. Sino ba ‘yun at mukhang bad trip na bad trip
naman ‘tong si Theo. Hindi ko ipinahalata na tinitignan ko bawat galaw niya pero
nakita ko na pinatay niya ‘yung phone niya. Mas lalo tuloy akong na-curious.

Pinagtuloy ko na lang kumain. Bahala na. Malalaman ko rin ‘yan in due time but for
now, ieenjoy ko muna ‘tong Tagaytay trip. May 3 days pa kami dito.

“Tapos ka na?” he asked and I nodded pero nakita ko na ni hindi pa nangangalahati


‘yung kinakain niya... E kanina kaya siya pa ‘yung excited bumaba para kumain.
Siguro masyadong nakaka-upset ‘yung tumatawag to the point na nawalan siya ng
ganang kumain.

Tumayo na kami at naglakad palabas. Pagkakita ko sa sasakyan niya, may nakatayo na


lalaki.

“Sino ‘yun?” I asked.

“My driver,” he said. Naglakad kami papunta sa may sasakyan niya at saka hinagis
niya ‘yung susi niya papunta doon sa lalaki. Nagbow lang ‘yung lalaki matapos
niyang mag-good morning.

Grabe ang rude talaga ni Theo. Napailing na lang ako.

Pumasok na ‘yung driver sa loob pero kami ni Theo nasa labas pa rin. Kitang-kita ko
‘yung pagkainis ni Theo. Sobrang obvious naman kasi niya palagi. Minsan sobrang
poker-faced niya, minsan given na given kung ano ang nararamdaman niya. Kagaya
ngayon, obvious na pissed off siya.

“Grabe, ang rude mo naman sa driver mo...” I said. Nakaka-disappoint kaya. Dapat
maging mabait sa mga driver, househelp kasi ang hirap kaya ng ginagawa nila. Being
nice to them is the least thing anyone could do.

He didn’t even look at me.

Binuksan niya ‘yung pinto at pinapasok ako. Hinawakan niya pa ‘yung ulo ko kasi
baka mauntog ako. Ewan ko ba minsan nauuntog talaga ako kapag papasok sa loob ng
sasakyan.

Pagpasok namin sa loob, ang weird ng atmosphere. O ako lang ‘yun?

“Where are we heading to, Sir?”

Ay grabe! English speaking si kuya!

“Why are you here?” tanong ni Theo agad. Tsk rude.

Nakatingin lang ng diretso ‘yung driver at saka sumagot. Weird talaga ‘yung
atmosphere. Hindi ko lang ‘to perceived. “Mrs. Henares’ order, Sir.”

Nagbuntong hininga lang si Theo at saka kinuha ‘yung phone niya. Pero bago pa man
niya mai-dial, humarap siya sa akin. “Kunin mo na ‘yung mga gamit mo sa taas. Uuwi
na tayo,” he said.

“Ha?”

He sighed. “Sorry for ruining your vacation. I promise you na babalik tayo dito
just not now,” sabi niya. Hindi na ako nagtanong pa dahil mukhang seryoso siya.
Lumabas na ako ng sasakyan at umakyat doon sa kwarto ko. Habang inaayos ko ‘yung
gamit ko, hindi ko mapigilan na mas lalong ma-weirduhan kay Theo. Nakakapagduda
naman kasi ‘yung mga ikinikilos niya! Kahit sino naman yata macucurious, e!
At bakit biglang nagkadriver? Baka naman kasi nag-alala ‘yung Mama niya na baka
mapagod magdrive si Theo? Ang weird naman talaga! At saka iba ‘yung vibes nung
driver, e! Nako! Too many questions, too little answer!

Pagkalabas ko, naabutan ko ‘yung driver ni Theo na lumabas mula sa katabing kwarto.
Mukhang kinuha niya rin ‘yung mga gamit ni Theo. Tignan mo ‘yung lalaking ‘yun!
Sana sa akin niya na lang pinakuha. Mukhang may inis siya dito kay kuya e mukhang
mabait naman siya, medyo uptight lang. Mas mukha kayang body guard ‘to kaysa
driver. Iba ‘yung aura, e.

“Good morning po,” I politely greeted the guy.

Nagnod lang sa akin si kuya tapos inoffer niya na siya na ‘yung magbibitbit nung
dala ko. Pumayag na ako since medyo mabigat iyong dala ko. Siya din ang pumindot
nung pababa ng elevator. Ganito ba ang feeling ng mayaman? Na ultimo ‘yung mga
pinaka-basic na bagay, may gumagawa para sa’yo?

Habang nasa loob kami, natetempt ako na magtanong. Nakaka-curious talaga!

“Ako po si Kelly,” I introduced myself.

Tumingin siya sa akin. “Good morning, Miss Kelly,” sabi niya.

“Nako, kuya, Kelly na lang! ‘Wag na ‘yung Miss!” sabi ko while smiling. “Ikaw,
kuya? Ano ang name mo?” I segued smoothly.
“Nicholas,” he replied. Ang tipid naman nitong magsalita! Since wala naman yata
akong mapipiga dito kay kuya, hindi na ulit ako nagtanong. Pero nung nasa 3rd floor
na kami, may pumasok na babae at nalaglag ‘yung mga dala niyang papel kaya
tinulungan siya ni Nicholas. Bigla namang nalaglag ‘yung wallet ni Nicholas.

Nanlaki ‘yung mata ko. The heck?! Private officer siya?!

Bakit private officer ‘yung driver ni Theo? May nagbabanta ba sa buhay niya?
Nakakabaliw naman! Sumasakit ‘yung ulo ko sa mga nalalaman ko! Mamaya niyan malaman
ko na anak pala ng drug lord si Theo! Hindi na ako magugulat!

Nagpanggap ako na wala akong nakita hanggang sa makababa kami. Dumiretso agad ako
sa loob ng sasakyan at nakita ko doon si Theo na nakikipag-usap.

“I’ll talk to you later. Bye.” Tumingin siya sa akin. “Nakuha mo na lahat ng gamit
mo?” I nodded. “Good. Let’s get you home.”

Hindi na ako umangal. Naupo ako doon at nanood sa mga dumadaan na sasakyan. Hay,
Theo. Kailan ba kita maiintindihan?

--

I opened my eyes because of the noise that I heard.

“I said diretso sa Bulacan!” Theo hissed. Pagtingin ko sa paligid, nakita ko ‘yung


pamilyar na lugar. Dito rin ‘yung bahay nila Gabe, ah...
Oh, shit!

Napaayos ako ng upo.

“Sorry, Sir. Your mom instructed me to bring you home straight,” sagot ni Nicholas.

Napamura na lang si Theo. Bumaling siya sa akin at tumingin. I could see something
in his eyes yet I can’t quite pinpoint what exactly I was seeing. He sighed.

“Kelly,” he said. Bigla naman akong kinabahan dahil sa tono ng pananalita niya.
“When my aunt sees you, try not to freak out, okay?”

Kumunot iyong noo ko.

“Ha?”

“Basta,” he replied. “Just don’t get weirded by her. She’s nice, just a little
crazy,” patuloy niya pa.

I furrowed my eyebrows. “Ano ba ‘yan, tinatakot mo naman yata ako, e...”


Hindi niya na ako sinagot dahil huminto kami sa tapat ng isang bahay. It was an old
house—or maneur. Ay ewan. Basta maganda ‘yung bahay at may classic feels. Nasa
driveway kami ngayon at mula sa view ko, kitang-kita ko ‘yung collection nila ng
sasakyan sa garahe. Grabe ang wild! Ang daming car!

Pero natigil ang pagkamangha ko sa mga sasakyan nila nung natanaw ko ‘yung mismong
bahay nila. Nandun nakatayo ang isang babae.

“That’s my mom,” Theo said.

Napalunok ako. She was nothing like Gabe’s mom. Theo’s mom was... rather
accomodating. Nakaka-intimidate ang itsura niya.

Noong huminto ‘yung sasakyan sa mismong harap ng bahay nila, parang ayoko nang
bumaba. Mas gusto ko na lang magstay sa loob ng sasakyan.

“I’m here, okay? ‘Wag ka ngang manginig sa takot,” he said tapos napansin niya na
nanginginig pa rin ‘yung kamay ko. Bakit ba ako nanginginig? Involuntary shaking!

Theo sighed and then looked at me.

“Kelly,” he said and then made me look at him. “When I’m with you, please don’t be
scared. You’re making me feel useless.”

Tsk. Ayan na naman siya sa mga banat niya. Imbes na gumaan ang loob ko, mas lalo pa
tuloy akong kinabahan. Ang touchy kasi ni Theo! Mamaya hawakan niya pa ‘yung kamay
ko sa harap ng Mama niya, paano na ‘yun? Ang alam ko kasi boto ‘yung Mama niya kay
Monique!

Ay! Kailan pa ako nakipagkumpitensya kay Monique?!

Theo pep-talked again hanggang sa mapilit niya na akong lumabas. Nakakahiya naman
kay Nicholas, narinig niya pa ‘yung ka-dramahan namin ni Theo sa buhay.

“G-good morning po...” sabi ko sa Mama ni Theo.

She just looked at me from head to toe. “Kelly, right?” sabi niya sa akin. Tumango
ako. Nabigla ako nung may yumakap sa akin. “Ate!” sabi nung Mama ni Theo.

Kumunot ‘yung noo ko. Bakit ako niyayakap nung babae na ‘to? Ang weird! Lahat na
lang ng kunektado sa buhay ni Theo, weird!

“Auntie...” sabi ni Theo.

Kumalas na sa pagkakayakap ‘yung auntie ni Theo sa akin pero kung makatingin siya
sa akin, ang weird!

“Sorry,” she uttered. “You’re Kelly, right?” sabi niya sa akin. Tumango ako. “I’m
Selina. You can call me Auntie Selina...” sabi niya pa habang nakangiti.
Kahit na mukhang mabait naman siya, naweweirduhan pa rin ako. Kakakita niya pa lang
sa akin, may yakapan nang naganap? Nakakaloka!

Ngumiti na lang din ako sa kanya. Biglang hinawakan ni Theo ‘yung siko ko. “Why did
you ask for us?” Theo said.

His mom sighed. “You ran away without telling me where you’d go! Am I not allowed
to be worried?”

Theo’s face softened. Kahit na hindi niya ‘to tunay na nanay, I think he has a soft
spot for the woman. Kahit naman kasi mukhang masungit ‘yung stepmom ni Theo, halata
na nag-aalala siya kay Theo. Bihira na lang mga mababait talaga na stepmom, ‘di ba?
Ang swerte ni Theo.

“Sorry,” he replied. “But why is auntie here?”

Grabe magtanong! Ang rude!

“She wants to meet Kelly,” she answered.

Ha? Ano ba ang meron sa akin?

Matapos ang short introduction, pinapasok na kami sa loob. Pinaghanda kami ng


makakain ulit. Busog pa kaya ako. Grabe naman.
Nacoconscious ako dahil nakatingin sa akin ‘yung auntie ni Theo. Ni hindi tuloy ako
makainom ng tubig!

“Selina, don’t stare at the girl,” Theo’s mom reprimanded.

Ngumiti lang ‘yung auntie ni Theo sa akin. “Bakit hindi mo ginagalaw ‘yung pagkain
mo? Ayaw mo ba? May iba ka bang gusto? Sabihin mo at ipapaluto natin,” she said.
Umiling na lang ako at sumagot na busog pa ako.

Ang hirap na nasa iyo lahat ng atensyon. Ako ang kinakausap buong oras.

“I heard your mom’s a government worker?” Theo’s mom asked. Tumango na lang ako.
“How much is your family’s annual income? Is that enough for your family?”

Bigla naman siyang sinaway ng auntie ni Theo.

“Andrea!” she said. “Huwag mo ngang takutin ‘yung bata,” saway niya.
“Pagpasensyahan mo na si Andrea at matalas lang talaga ang dila niyan,” she
continued.

Ngumiti na lang talaga ako. Damn ang weird talaga.

Patuloy lang nila akong kinausap hanggang sa tuluyan na akong mag-freak out. Lalo
na doon sa auntie niya. Weirdness overload. Ayoko namang maging judgmental pero
naman kasi tinititigan niya ako!
After a while, natapos na rin iyong usapan! Thank heavens!

Habang naiwan kaming dalawa, I asked Theo.

“Bakit ganoon ‘yung auntie mo?” I just couldn’t help but voice out my question.

“You look like my deceased cousin. That’s why I can’t bring you here, that’s why I
was hesitant to ask you out before, that’s why Gabe got to you first. I know how my
auntie will freak out. She’ll want to adopt you and all that shit. It’s just
crazy.”

Nanlaki ‘yung mata ko sa narinig ko.

“Seryoso?!”

He nodded.

“Yeah... sadly but yeah. It feels like some incest shit. Good thing we’re not real
cousins.”
Oh, my god! Ano’ng pag-ampon na usapan ‘to?!

=================

Chapter 36: Words Cut Like Knives

#HTSTBB Chapter 36

Dapat kanina pang tanghali ako nakauwi ng bahay pero ayaw akong pauwiin ng Auntie
ni Theo. Kesyo daw nagpaalam naman ako ng apat na araw akong nasa Tagaytay kaya
bakit daw hindi na lang ako doon mamalagi sa natitira pang tatlong araw. 

I would admit that at first, I found her really creepy. I mean, sino ba ang
matinong tao na hindi matatakot? E kung pwede niya lang siguro akong ilagay sa
bulsa niya malamang ginawa niya, e! Matatakot na sana talaga ako pero wala naman
siyang masamang ginagawa sa akin so far. Talagang sa akin lang nakatutok ‘yung
atensyon niya. Literal. Sa akin lang talaga.

Nandito ako nga sa kwarto na tutuluyan ko. Katabi ‘to nung kwarto ni Theo.

“Ayos ka na ba dito, Kelly?” sabi niya sa akin habang pinapakita sa akin ‘yung
kwarto.

Tipid naman ako na ngumiti. As I have said, wala namang ginagawa pang masama sa
akin. Baka naman kasi kamukha ko ‘yung anak niya? Ay ewan. Hindi ko pa kasi
nakikita iyong picture para naman masabi ko talaga na may resemblance between us.

“Okay na po ‘to,” sagot ko sa kanya.

Inilagay ko ‘yung gamit ko sa mga sofa at saka naupo. Grabe, napagod ako doon
kanina, ah! Kahit na nakaupo lang kami at kumakain, pakiramdam ko ubus na ubos ang
energy ko! Grabe talagang magtanong ‘yung Mama ni Theo! Ang sungit niya! Ngayon
alam ko na kung saan nahugot ni Theo ‘yung kasungitan niya.

Pero okay naman ‘yung si Auntie Andrea. Kahit ang sungit niya, ewan ko, natutuwa
ako sa kanya kasi sobrang alaga niya si Theo. As in baby ‘yung turing niya. Kahit
na hindi niya anak, sobra-sobra ‘yung care na pinapakita niya para kay Theo. Ang
galing lang, e.

Napatingin ako kay Auntie ni Theo at nakita ko na nakatayo pa rin siya doon.
Awkward moment na naman.

“Uhm, may sasabihin po kayo?” I politely asked. 

Umiling lang siya at saka nginitian ako. “Sige, aalis muna ako. Kapag may kailangan
ka, mag-utos ka lang sa mga kasambahay. Feel at home, Kelly,” she said as she left.

Nung makalabas na siya ng pintuan, nakahinga na ako nang maayos. Free at last!

Nahiga ako sa kama at isinara iyong mata ko and then I dozed off.

--

I woke up because of a light tap on my face.

I groaned and then looked at the intruder in front of me.

“Auntie Selina?” sabi ko habang minumulat-mulat pa ‘yung mata ko. Naupo ako at saka
nagstretch. Mula sa kinauupuan ko, nakita ko na madilim na sa labas. Ilang oras ba
akong nakatulog? “Ano’ng oras na po?” I asked her.

Tumingin siya sa relo niya at saka sinabing, “6pm. Ayaw pa sana kitang gisingin
dahil mukhang pagod na pagod ka pero baka kasi malipasan ka ng gutom.”

Tipid na ngumiti ako at saka umayos ng upo. “Ah, sige po, punta lang ako sa CR,”
paalam ko sa kanya.

“Baka naman inaantok ka pa talaga? Gusto mo padalhan na lang kita ng pagkain dito?”
alok niya sa akin.

Tumanggi ako since nakakahiya naman. Hindi naman ako prinsesa dito, noh. At isa pa,
as far as I was concerned, bahay ‘to nila Theo at ayaw sa akin ng Mama niya. Hindi
dapat ako mag feel at home masyado.

Pumasok ako sa banyo at saka naghilamos. Napatingin ako sa salamin at saka


tinitigan nang maayos iyong mukha ko. Posible ba iyon? Posible ba na may taong
kamukhang-kamukha ka? I mean, look-a-like siguro pwede pa pero ‘yung as in sobrang
kamukha? Grabe ang weird lang. At saka nasa iisang lugar pa talaga kami, ha! Ni
hindi man lang napunta sa kabilang panig ng mundo ‘yung kakambal ko ng mukha!

Tinignan ko nang mabuting-mabuti ‘yung mukha ko. Tsk. Makahingi nga kay Theo ng
picture nung Jamie na ‘yun. Grabe nakakacurious na talaga kasi, e.

Makalipas ang ilang minuto, lumabas na ako mula sa CR at nandun pa rin at


naghihintay si Auntie Selina.

“Okay ka na?” she asked.

Tumango na lang ako. Bakit ba siya bantay-sarado? As if naman tatalon ako mula
second floor para takasan siya. Siguro dito nagmana si Theo ng kakulitan.

Nagsuklay lang ako sandali tapos sabay na kaming naglakad papunta sa kainan.
Pagdating namin doon, hindi ko nakita si Theo. Hindi ko naman matanong si Auntie
Andrea since hindi naman kami magka-vibes. Gusto kong itext kung nasaan si Theo
kaya lang naalala ko na naiwan ko nga pala sa kwarto iyong cellphone ko.

Nagsimula na silang kumain, ni wala man lang naghanap kay Theo.

“Ano’ng gusto mong kainin?” Auntie Selina asked.

Tinuro ko lang ‘yung mga gulay sa harapan ko at magsasandok na sana ako pero may
kasambahay pa na naglagay para sa akin. Hanep talaga! Ano ba? Bawat galaw ko ba
dito may magvovolunteer na gumawa? Nakakaloka na talaga!

Ilang minuto na ‘yung lumipas pero wala pa rin si Theo. Ang weird na talaga, ha.
Nasaan na ba ‘yun?

I was about to finally asked them about his whereabouts when Auntie Selina asked
me. “Kailan ang birthday mo?”

“Last month lang po,” sagot ko habang inaabot ‘yung tubig sa unahan ko. Binilisan
ko nga e kasi mamaya may mag-abot pa sa akin! Hindi maproseso ng utak ko ‘yung mga
kaganapan sa bahay nila Theo! Every move may maid na gagawa para sa iyo!

Kumunot naman ang noo niya. “So, nagdebut ka?” she asked. I heard Auntie Andrea
scoffed. Grabe, ha, ang matapobre niya, hindi ko kinakaya.

Umiling na lang din ako. Hindi naman sa hindi afford... I mean, pwede namang
mangutang sila Nay kung gusto ko talagang magdebut pero naisip ko, bakit pa? Wala
na si Gabe, walang escort if ever. At isa pa, gastos lang ‘yan. Isang gabi na
sasayaw ka tapos kinabukasan, fifty thousand poorer ka na—minsan may utang ka pa.
Ay ‘wag na lang, noh.

“Hindi po, e. Gastos lang po ‘yun,” sagot ko.

Napailing na lang ‘yung Mama ni Theo. Ay, bahala ka dyan, Auntie Andrea. Ano bang
care ko sa iniisip mo? Si Theo nga na anak mo hindi ko na maintindihan, paano pa
kaya ikaw? Ang gulu-gulo ng pamilya nila, I swear!
Nawala iyong focus ko sa pagpuna sa Mama ni Theo nung nagsalita na naman si Auntie
Selina. Grabe na talaga! Aampunin niya ba talaga ako? Hindi ba siya aware na may
pamilya ako?!

“Minsan lang magdebut ang babae, Kelly,” she said. “I’ll throw a party for you.”

“Hala ka! ‘Wag na po!” I was quick to answer.

But she shook her head. “I insist and besides, wala naman akong ginagawa. Pagbigyan
mo na ako, Kelly...” she said, while sadly smiling at me.

Ano ba ang trip sa buhay ng mga Henares? Nung una damit lang ang ibinibigay sa
akin, ngayon naman party na! Ano na ang susunod? Bibilhan na nila ako ng sasakyan?
House and lot? E kunin na rin kaya nila akong scholar! Grabe, ha!

Hindi ako makapaniwala sa naririnig ko. Sinubukan ko na hindi tignan ‘yung mukha ni
Auntie Selina dahil sobrang baka bumigay ako. Pero ayoko nga! Grabe ang kapal naman
ng mukha ko kung magbbirthday ako tapos siya ang magbabayad! Ano ako, sinuswerte? 

At besides, nakakahiya! As in nakakahiya in the very sense of that word.

“Please, hija?” she recapped.

I crossed my hands in front of me. “Nako, Auntie, hindi naman sa maarte pero ayoko
po... Nakakahiya po at saka hindi niyo naman po ako kaano-ano...” I said, defending
my decision.

But she reached for my hand and held it.

“I insist, hija. Wala na naman akong anak, at wala akong mapagkakaabalahan kaya
pagbigyan mo naman sana ang hiling ng matandang babae...” she said, using emotional
blackmail. Grabe!

Nag-iisip pa ako ng sasabihin para ‘wag na niya akong kulitin noong sumingit si
Auntie Andrea.

“Selina, kung ayaw, ‘wag pilitin.”

Hindi siya pinansin ni Auntie Selina at patuloy siya sa pangungulit sa akin. Nako!
Nasaan na ba si Theo?! Dinala-dala niya ako rito tapos iiwanan niya ako kasama
iyong baliw niyang Aunti at matapobre niyang stepmother! Gusto niya bang mabaliw
ako?! 

“What’s happening?”
After a few minutes, Theo finally arrived! Aba mabuti naman! Muntik na akong
tumakbo palabas! Napakakulit ng Auntie niya! Gaano ba karami ang pera nito at sa
akin ginagastos? Aba kanina pa siya nagbabanggit ng hotel a paggaganapan ng ‘debut
party’ ko, ng designer na gagawa ng gown ko, ng catering, ng souvenir, ng number of
guests, ng afterparty. Ni hindi pa nga ako pumapayag, pakiramdam ko planado na ang
lahat!

Nung dumating si Theo, humarap sa kanya ‘yung makulit niyang tiyahin.

“Theo, hijo, tell your girlfriend to agree with my plans,” she said.

Kumunot iyong noo ni Theo.

“What? When did you talk to Monique?”

Oo nga pala, hindi nga pala tayo. Si Monique nga pala ‘yung girlfriend. ‘Wag ka
ngang masyadong madala sa mga nangyayari, Kelly. Kaya ka nandyan kasi kamukha mo
‘yung namatay na pinsan ni Theo. Hindi ka nandyan kasi girlfriend ka. Know your
boundaries din ‘pag may time.

Umiling si Auntie Selina. “I’m talking about Kelly!”

Napatango si Theo at saka naupo sa tabi ko. “Ah... So, what were you saying?” sabi
niya. Bakit ba ganito siya makipag-usap? Ni walang kagalang-galang at ni hindi man
lang siya sinasaway.

At saan ba siya galing?

“I was saying that you should help me convince her to agree to my plans,” Auntie
Selina said. 

Tumingin si Theo sa Mama niya. “Mom, I told you that she’ll bother Kelly. Why is
she even here?”

“Theo,” her voice was laced with authority. “She’s just fond of her. Don’t be so
hostile on your Auntie.”

Pero umiling na lang si Theo. Tsk! Ni hindi man lang ako tinulungan! Hello! Kanina
pa kaya ako kinukulit ng Auntie mo! Malapit na akong mabaliw talaga!

Akala ko wala na siyang balak na iligtas ako pero humarap siya sa Auntie niya.

“Auntie,” Theo said. “Kelly is not Jamie, okay? She has her own family. They just
look alike but she’s not your daughter.”
Bakit ba sobrang straight to the point magsalita ni Theo? Ni wala man lang
pasakalye. Diretso agad sa gusto niyang sabihin! Ang honest niya, minsan
nakakasakit na! At isa pa, alam niya naman na namatayan ng anak ‘yung Auntie niya
so sana dinahan-dahan niya kahit papaano. Grabe naman kasi, dire-diretso siya sa
mga sinabi niya!

“I know,” she replied.

“Good. Because you’re creeping her out,” sabi niya kaya hinampas ko siya. Grabe
‘to! “What?” he said. “It’s true. Nakikita kong naweweirduhan ka sa kanya.”

Kulang na lang lumubog ako sa kinauupuan ko. Bwisit na ‘to! Wala talagang preno
‘yung mga lumalabas sa bibig niya!

Nahihiya tuloy akong tumingin sa Auntie niya dahil sa sinabi ni Theo...

“It’s alright, hija,” she said.

But I bit my lip. Nakakahiya pa rin.

“Sorry po... Si Theo kasi... Hindi naman po ako naweweirduhan... Medyo naninibago
lang po,” I said, phrasing my thoughts more appropriately.

Nginitian niya lang ako at saka humarap kay Theo.

“Theo, hijo, I know that she’s not my daughter but she’ll be family. You will marry
her.”

=================

Chapter 37: The Conspirer

#HTSTBB Chapter 37

  
“Kasal?!”

Bigla akong napatayo dahil sa narinig ko. Kamuntikan na rin akong mabulunan. Ano’ng
kasal?! I take back everything that I have said. Baliw ang Tita ni Theo! Baliw!
Ano’ng kasal?! Alam niya naman na may girlfriend si Theo tapos gusto niya kaming
ipakasal?!

Akala ko lahat kami nagulat pero mas nagulat ako dahil parang wala lang narinig ang
Mama ni Theo at si Theo. Patuloy lang sila sa pagkain. Ako na lang ba ang normal na
tao sa mundo?! Hindi ba nila narinig ang sinabi ni Auntie Selina? Ipapakasal ako
kay Theo?!

Tumingin sa akin si Auntie Selina at kumunot ang noo. “Bakit, Kelly? Hindi ba sa
kasalan lang din naman matutuloy ang relasyon niyo ni Theo?”

‘Yun na nga ang problema, Auntie!’ I was tempted to say. Wala namang relasyon kaya
ano ang matutuloy? Ano ba ang meron kami ni Theo? Pseudo-relationship? Landian
kapag may time? So kung iyon ang meron kami, ano ang itutuloy namin? Magiging home-
wrecker ako, ganon? Itutuloy ko na ba ‘tong career na ‘to?

“Selina, si Monique ang girlfriend ng anak ko.”

For the first time since I met Theo’s Mom, ngayon lang ako natuwa sa presensya
niya. Mabuti naman at sumali na siya sa usapan. Malapit na akong maniwala na baliw
nga ang pamilya Henares. Sa lahat ng pamilya na nakasalamuha ko, sila ang pinaka-
weird. Lalo na si Auntie Selina. Weirdest of the weird.

“They’d break-up eventually,” Auntie Selina replied. “Masyadong bata pa si Monique


para kay Theo,” sabi niya.
Napailing na lang si Auntie Andrea. Mukhang ayaw niya talaga sa akin. Hindi ako
natutuwa na ayaw niya sa akin pero at this moment, nakakatulong sa akin ang
pagkamatapobre niya. Pangarap ko rin naman na yumaman pero hindi sa ganitong
paraan. Ayokong yumaman dahil lang nakasal ako sa mayaman. At saka ayoko na
pinipilit nila ako na ikasal kay Theo! For heaven’s sake ni hindi ko boyfriend
iyong tao! At hindi ko siya maintindihan mas madalas kaysa minsan! Paano ako
magpapakasal sa isang tao na naguguluhan ako? Na madalas pakiramdam ko hindi ko
kilala?

“Kelly is just the same age as Monique,” sabi ni Auntie Andrea.

Tinignan lang nang masama ni Auntie Selina si Auntie Andrea. Hindi ako makapaniwala
sa nakikita ko. Talaga bang pag-aawayan pa nila ‘yung relasyon naming tatlo nila
Monique? Ako nga gulung-gulo kung saan ako lalagay, e! Ano ang karapatan nila na
magdesisyon para sa hinaharap ko?

Bumaling ako ng tingin kay Theo. Kumakain pa rin siya, oblivious to everything that
was happening. Hindi ko malaman kung hindi niya ba napapansin o ayaw niya lang
pansinin... Minsan iniisip ko kung bakit siya ganito. Bakit imbes na harapin niya
‘yung problema, tinatakasan niya lang, nagpapanggap lang siya na parang walang
nangyayari.

Matapos tignan nang masama ni Auntie Andrea si Auntie Selina, natahimik kaming
lahat sa lamesa. Binilisan ko iyong pagkain ko. Any more second in this setting
would give me a panic attack. Things were escalating very fast. Kanina, pag-ampon,
naging kasalan, mamaya ano na ang sasabihin ni Auntie Selina? Mga posibleng
pangalan ng mga magiging anak namin ni Theo?

It was rude but I just had to excuse myself. “Aakyat na po ako,” I said to them. Ni
hindi ko na hinintay na bigyan nila ako ng permiso o kung pagalitan nila ako sa
pagiging bastos ko. I just needed to get out of there as soon as possible. Nakaka-
suffocate.
Madali akong umakyat pabalik sa kwarto ko at ini-lock ko ‘yung pinto. Mahirap na
kasi baka sundan na naman ako ni Auntie Selina. I swear another moment with her
would make me consider jumping off the window. Nakakabaliw siya!

Nahiga ako sa kama kahit na bagong kain pa lang ako. Gusto ko nang matulog! Ugh!
Kanina pa ako pagulong-gulong sa kama pero hindi ako makatulog. Sana pala
pinabayaan na lang ako ni Auntie Selina na malipasan ng gutom. Mas okay pa ‘yun
kaysa dito, e! Para akong tino-torture na hindi ko maipaliwanag.

Hindi ako makatulog kaya naman tumayo ako at pumunta sa may veranda. Mga ilang
minuto rin akong nakatayo doon bago ko nakita si Theo. He was outside and he was
talking to someone on the phone. Nakatalikod siya mula sa kinatatayuan ko kaya
hindi ko malaman kung sino ang kinakausap niya. His face and expression were dead
give-away. Sometimes, Theo was an open-book... Iyon nga lang sobrang dalang. Most
of the time, he was a cryptic message waiting to be decoded.

Ilang minuto ko siyang tinignan bago siya sumakay sa sasakyan niya at nagdrive
palayo. I didn’t know but it felt like he was going to Monique. Malakas lang ‘yung
pakiramdam ko na si Monique ‘yung pupuntahan niya.

Malamang, Kelly. Girlfriend, e. Ano ba ‘yang inaarte mo?

Pero bakit ba ako nagkakaganito? As if naman girlfriend ako ni Theo. Reality check,
Kelly, hindi pa rin umuusad ang relationship status mo: forever umaasa ka lang at
forever naguguluhan ka lang.

I was in deep thought when I heard a soft knock on the door. Ayokong buksan dahil
malakas ang kutob ko na si Auntie Selina iyon. Just for this night, sana naman
magkaroon ako ng katahimikan. Kanina pa ako naguguluhan dahil sa mga inaarte niya.
Determinado na akong magpanggap na natutulog nang marinig ko ‘yung boses ni Auntie
Andrea.

Bakit kaya siya nandito?

Curiously, I went and opened the door. Agad akong bumati, baka naman kasi sabihin
niya na bukod sa mahirap ako, wala pa akong manners.

“Can we talk?” sabi niya. Tumango ako.  Pumasok siya sa kwarto at saka naglakad-
lakad hanggang sa makarating siya sa veranda. Pagdating niya doon, ni hindi siya
naghintay bago niya sinimulan kung anuman ang pakay niya sa pagpunta dito. “I’ll be
honest with you. I don’t like you for my son.”

Hindi ako sumagot sa sinabi niya. Alam ko naman. Ramdam ko naman.

“You’re quite aware that he’s with Monique, right?” she asked. Hindi ako agad
nakasagot pero hindi rin siya nagsalita. She was waiting for my answer, waiting for
the confirmation that I was digging my own hole.

Biting my lower lip, I nodded. “Alam ko po...”

“Then what’s wrong with you? Hanging out with someone who’s committed? Hanging out
with Theo is one thing, but this? You know yourself that this is wrong. Hindi ka
naman siguro tanga.”
Hindi ako makasagot. Ano nga ba ang mali sa akin? Alam ko naman kasi na hindi
pwede, na mali, na mayroong masasaktan pero ako itong gaga, sige lang ng sige. Alam
ko sa utak ko na hindi dapat pero iba ‘yung ginagawa ko. Ang ipokrita ko lang
talaga.

Conflicting thoughts and actions. Iba ang iniisip sa ginagawa.

But what can I do? Tao lang naman ako. Minsan kahit ano’ng isipin ko, kahit ilang
beses ko kasing isaksak sa utak ko na hindi pwede, ang hirap pigilan. Tao lang
naman ako. I’m seeking for affirmation, for intimacy, for closeness.

And Theo was the only one who’s left.

“He’s with Monique and I like her for my son. So please, distance yourself from
him.”

“Sinusubukan ko naman po...” mahina kong sabi. Nakayuko ako. Ni hindi ako
makatingin o makaharap sa kanya. Hiyang-hiya ako sa sarili ko.

But it was as if she didn’t hear the struggle in my voice. “Then try harder,” she
said. “I know my son; he doesn’t stop until he gets what he wants. Avoid him
yourself, Kelly. You know it yourself. Hindi kayo bagay ng anak ko.”

That was the last of what she said. Iniwan niya ako sa kwarto, feeling so degraded.

Ano ba kasi ang basehan? Pera? Palagi na lang pera. Paano kung mahal ko naman pala
si Theo? Hindi pa rin kami pwede dahil sa pera? What a fucked up world!
Akala ko ubos na ‘yung luha ko. Naiyak ko na kasi yata lahat nung iniwan ko si Gabe
pero mali pala ako. May natitira pa pala. Alam ko na hindi naman ako umiiyak dahil
kay Theo. Ang liit-liit lang kasi ng tingin ko sa sarili ko...

Bawat salita na binitiwan ng Mama ni Theo, tagos sa puso ko. Pakiramdam ko kasi
tama siya. Masama akong babae. Sumasama ako sa lalaki kahit alam ko na may ibang
nagmamay-ari sa kanya. Ipokrita ako. Mahirap ako. Ako na lahat.

Ilang beses kong sinubukan na patigilin ‘yung luha ko. Parang tanga naman kasi.
Bakit ko ba iniiyakan ‘yung mga ganung bagay? Alam ko naman sa sarili ko na kahit
lait-laitin ako ng Mama ni Theo, alam ko naman na may maipagmamalaki ako. Hindi
naman ako masamang babae... If ever I’d fall in love with Theo, hindi naman pera
‘yung habol ko. I’d gladly sign a prenup in front of her to prove my point.

Naupo ako sa kama, kanina ko pa pinupunasan ‘yung luha ko. Kainis naman! Bakit ayaw
niyang tumigil?!

“Kelly?”

Napatingin ako at nakita ko si Auntie Selina na nakatayo sa may pintuan. Tsk.


Tignan mo nga naman itong si Auntie Andrea, ni hindi man lang isinara iyong pinto.
Ayan tuloy bukod sa problema ko kung paano papatigilin itong luha ko, ngayon
problema ko na rin kung paano ko tatakasan si Auntie Selina... Kukulitin na naman
ako nito panigurado...

“Po?” sabi ko, pilit ko na pinapahiran ‘yung luha. Hindi ko kasi alam ang isasagot
ko kapag tinanong niya ako kung bakit ako umiiyak. Ayaw kong sabihin kasi natatakot
ako na baka pag-awayan pa nila iyon ni Auntie Andrea... Kanina nga lang kamuntikan
na silang mag-away...
Naglakad siya papunta sa kama ko at naupo sa tabi ko. “Are you crying?” she asked.

Umiling ako. “Hindi po, napuwing lang.” Parang tanga. Halata naman na umiyak ako.

She heaved a sigh and then looked at me. “Why are you crying?” she implored.
“Sabihin mo sa akin...”

I looked at her and as if on cue, tears started brimming down my cheeks once again.
Iyong mga luha na kanina ko pa sinusubukang patigilin, bumagsak na naman.

Pero ayoko talagang sabihin. Umiling lang ako.

“Come on, Kelly. Bakit ka umiiyak?”

Her voice was soft, so was her face. Gusto niya talagang malaman. It was like she
was begging for me to open up. Pero ayokong pag-usapan. Nakakahiya. Nakakahiya na
marinig niya kung gaano ako nanliliit sa sarili ko.

She stayed there for minutes, asking me why I was crying.

“Si Andrea ba?” she asked.


I didn’t have to say anything.

“What did she say?”

My tears spoke for me.

Auntie Selina shook her head and then pulled me into a hug. Niyakap niya ako ng
sobrang higpit at hinagod ang likuran ko. “Whatever she said, don’t believe it,
Kelly. Trust me, you’ll end up with Theo. I’ll see to it.”

“H-hindi naman po iyon...” I said, my voice cracking. “W-wala naman po talagang


kami ni Theo... Mahal niya po si Monique...”

“He fell in love with her, he’ll fall out of love. Trust your Auntie,” sabi niya sa
akin. “Answer me, Kelly, do you like Theo?

She broke the hug and then looked at me. Nakatingin lang ako sa kanya. Hindi ko
alam kung paano ko sasagutin ‘yung tanong niya. Gusto ko ba si Theo? Alam kong
gusto ko siya... Pero kailangan ko bang sabihin? Kailangan ko pa bang gatungan
lahat ng pantasya na naiisip ng tiyahin ni Theo?

It felt like digging my own grave but I just had to hold the shovel. And so I
nodded.
Ngumiti siya sa akin.

“I knew it. You’re destined to be a part of the family.”

“Ayaw po sa akin ng Mama ni Theo... Mahirap lang kami. Hindi ako bagay kay Theo.”

She shook her head. “I am richer than Andrea and her family. If money were the
issue, I’d slap her on the face with my money. You’re a daughter to me, Kelly. I’d
do everything to have you in my family, in our family.”

Tumayo siya at nagsimulang maglakad. Pinahiran ko naman iyong mga luhang natitira.

“You’ll be having your debut party in a week.”

“Auntie... ‘Wag na po...”

“It’s final. And besides, Theo would be your escort.”

Napapikit na lang ako. Bakit ba ako rin ang gumagawa ng sakit ko sa ulo?

“Auntie, thank you po pero ‘wag na po talaga. At may girlfriend po si Theo. Ano na
lang po ang sasabihin niya kapag nalaman niya na escort ko si Theo? Kaya ‘wag na po
talaga... Ayoko po ng gulo,” paliwanag ko.
Pero parang wala namang kwenta lahat ng sinasabi ko. She was firm and there was no
stopping her.

“Then we won’t invite Monique. We’ll place her name in the blacklist. Kelly, trust
me when I say I would do anything para lang maging isa ka ring Henares.”

=================

Chapter 38: End Of Hesitation

#HTSTBB Chapter 38

Buong hapon akong wala sa bahay dahil dinala ako ni Auntie Selina sa mall. Pinag-
shopping niya ako ng kung anu-ano. Nung una ayoko sanang sumama dahil balak kong
hintayin si Theo. I was feeling really guilty dahil sa mga binabalak gawin ng
auntie niya. I mean, he really didn’t deserve it kahit na ang asshole niya. It was
like we were planning on sabotaging his relationship with Monique. I was 18 and a
relationship-wrecker. Ang gandang title.

But hours passed and yet no Theo was in sight. I guess kasama niya na naman si
Monique. Kaninang umaga pa siya umalis pero malapit ng gumabi, wala pa rin siya.
Kaya naman nung tinanong ulit ako ni Auntie Selina kung gusto kong sumama sa kanya,
pumayag na ako.

At first akala ko isasama niya lang talaga ako habang namimili siya pero mali yata
ako sa inakala ko. Ako ‘yung pinamili niya. Bawat boutique na pinasukan namin, may
binibili siya para sa akin. I knew it was wrong but it felt so good. Ngayon lang
ako nakaranas ng ganitong bagay. Ang sarap pala na mayroong tao na kayang ibigay
lahat ng gusto mo.
We strolled around the mall for hours hanggang sa mapagod kaming dalawa. I cannot
and didn’t even want to think kung magkano ang ginastos sa akin ni Auntie Selina.
Muntik na kasing tumalon iyong eyeballs ko palabas nung nakita ko ‘yung price tag
nung bag na binili niya para sa akin. Sino ang matinong tao ang gagastos ng 25,000
para sa isang bag?! Nakakabaliw!

“Gusto mo bang kumain ng Japanese food?” she asked.

Tumango na lang ako. “Okay lang po,” I replied.

She clapped her hands and then beamed at me. “You’ll like the food. Paborito rin
kasi ito ni Jamie,” sabi niya at saka iginiya ako papasok sa resto. Doon kami
pumasok sa VIP area at saka nag-order si Auntie Selina para sa akin. Habang nag-
oorder siya, biglang nagvibrate ang cellphone ko.

From: Nay

Kumain knb?

Bigla akong nakonsensya. May nanay ako pero heto ako, nagpapanggap na anak ng may
anak. Hindi ko na talaga alam kung saan ilulugar ang sarili ko.

Nagreply ako kay Nay na kumain na ako at kumain na rin sila. Tinanong ako kung
kailan ang uwi ko at kung nag-eenjoy ba ako sa Tagaytay. Sobrang nakokonsensya ako
at namimiss ko na sila. Bakit naman kasi kamukha ko pa ang anak ni Auntie Selina.
Bigla tuloy nagkagulo ang lahat. At isa pa ‘tong si Theo.
After a while, dumating na iyong mga pagkain namin. Nagsimula na kaming kumain at
nagkwentuhan lang kami ni Auntie. Mabait naman siya. Makwento kaya lang once in a
while, bigla niya akong tatawagin na Jamie o kaya naman anak. Okay lang naman sa
akin pero ang kinatatakot ko, baka paniwalain niya ‘yung sarili niya na anak niya
ako.

I didn’t want her to be obsessed with me. Okay lang na ganito minsan, sasamahan ko
siya, pero sana alalahanin niya na may pamilya ako. I want her to know where to
draw the line.

An hour later, natapos na rin kaming kumain at nakabalik na kami sa bahay. I was a
little surprised nung may mga tao sa bahay nila Theo. I mean, oo hindi ko iyong
bahay pero medyo nagulat lang ako kasi may mga tao.

Upon stepping inside the premise of the house, someone shook my hand.

“I am Hanniel and I will be your organizer. You’re Kelly, right?” sabi niya sa
akin. I was overwhlemed kaya napatango na lang ako.

Tumingin ako kay Auntie Selina at nakita ko na busy siya makipag-usap doon sa mga
babae na nakaupo sa sofa. Nakita ko rin si Auntie Andrea at napailing na lang siya
sa akin. There was judgment in her stare.

For the next hour, everything was a blur. May mga kumausap sa akin tinatanong kung
ano ang gusto kong motif, kung ano’ng klaseng cut ng gown ang gusto ko, kung saang
hotel ang gusto ko, kung may DJ ba akong gustong i-request, kung ano’ng set of
food, kung anu-anong bagay.

Hanniel looked at me and then smiled. “You’re one, lucky girl, Kelly. This will be
one epic party. That’s Mrs. Henares’ specific instruction: organize the best party
ever.”

I just heaved a deep breath. Sana hindi magkagulo.

--

It was quarter to 11pm when Theo arrived. Hindi naman sa hinintay ko siya pero
hindi ako makatulog ng maayos. Kahit na pagod na pagod na ako sa lahat ng ginawa ko
kanina, kahit ano’ng pikit ang gawin ko, hindi ako makatulog. Tumayo ako sa kama at
naglakad palabas ng bahay. Mga isang oras na akong nakaupo sa swing sa may garden
nila Theo noong marinig ko ‘yung pagdating niya.

Hindi ako tumayo at pinuntahan siya. I just heard him arriving.

Nung nagsawa na ako sa kinauupuan ko, doon naman ako sa may gilid ng pool naupo.

“Hey.”

Syempre hindi ako humarap dahil obviously si Theo ‘yung nagsalita sa may likuran
ko.

“Why are you here?” he asked at saka siya naupo sa may tabi ko.

“Hindi ako makatulog,” I replied shortly. Tumango lang siya at saka nanatili sa
tabi ko. Ilang minuto rin kaming nanahimik bago siya nagsalita.
“I heard you’re having a party next week?”

I nodded. “Si Auntie Selina kasi...” At ikaw kasi. Sana hindi mo na lang ako dinala
dito. Puro kaguluhan lang ang nangyayari. At saka kung iiwanan mo rin lang pala ako
at pupunta kay Monique, sana pinauwi mo na lang ako sa Bulacan. O kaya naman
ibinalik sa vacation house sa Tagaytay. Mas feel ko pa ‘yung kasamaan ng ugali ni
Jen kaysa sa Mama mo na sagad sa buto ang sakit ng pananalita.

Inilagay niya ‘yung kamay niya sa batok. “Yeah... sorry about that. Did she harass
you?”

“Saan ka ba kasi galing?”

Kumunot iyong noo niya, parang hindi niya ineexpect na magtatanong ako. Hindi naman
kasi ako nagtatanong dati kasi alam ko na wala naman akong karapatang magtanong.
Narealize ko na meron pala akong karapatan. ‘Yung Mama niya mismo ang nagparealize
sa akin. What we’re doing wasn’t friendly anymore. What we have is anything but
friendly.

Label na nga lang ang kulang pero ano’ng magagawa ko? Na kay Monique pa rin ang
label.

“I went out.”

I dipped my feet in the pool. Shit ang lamig!


“Galing ka kay Monique, noh?”

His head creased. “What? Saan nanggaling ‘yan?”

I let out a mocking laugh. Parang tanga. Ano ba ‘yan. Ang drama-drama naman ng
buhay ko. Pakiramdam ko bida kami sa isang low-budget film na sinulat ng isang
writer na walang alam kung ‘di ang gasgas na plot ng kabit at legal wife. Only
here, girlfriend at girlfriend wannabe. Shit na ‘yan wala bang originality man
lang?

“Sus, deny ka pa dyan. Okay lang naman umamin na galing ka kila Monique,” sabi ko
sa kanya.

“Monique’s in Singapore kaya paano ko siya mapupuntahan?” tanong niya sa akin. “Are
you jealous?”

Umiling ako tapos tumango tapos umiling.

“Ewan ko. Bakit, ‘pag sinabi ko bang nagseselos ako, may gagawin ka? Tss.”

I was just asking theoretically. I knew Theo. Sasabihin niya lang na


makikipaghiwalay siya kay Monique but in reality, hindi niya gagawin. He’s too
invested in her. Hindi niya kayang iwanan.
“Why? Are you jealous? Answer me first.”

“Hay nako, ewan ko sa’yo, Theo.”

Tatayo na sana ako pero hinatak niya ako kaya na-out balance kami at sabay na
nahulog sa tubig.

“Oh, my god!” sigaw ko pagkabagsak na pagkabagsak ko. Fudge ang lamig!

Theo, on the other hand, was laughing at my reaction. Ni hindi man lang ba siya
nalalamigan?! Damn para akong nasa ice bucket challenge! Ang lamig ng tubig parang
may yelo!

My teeth were chattering and I was feeling really, really cold. Ang lamig bwisit!

“B-bwisit k-ka,” I said in between chatter. Shit ang lamig talaga! May tinunaw na
yelo ba dito?!

“You look funny,” sabi niya na mukhang amused na amused sa itsura ko. Bwisit bakit
hindi siya tinatablan ng lamig?!

“K-kasalanan m-mo ‘to!” I tried my best to sound pissed as possible. Ugh!


Magkakasakit ako pagkatapos nito!
He slowly walked towards me and then pulled me into a hug.

“A-ano b-ba,” I said.

“Body heat,” sabi niya at saka hinigpitan iyong yakap sa akin.

Hindi na ako nagreklamo. It felt good to be hugged by him. Pero shet malamig pa
rin!

“Malamig pa rin?” he asked.

I nodded. “B-bwisit ka. B-bakit mo k-kasi ako hinatak.”

He broke the hug and then cupped my face. Umiling-iling siya habang pinagmamasdan
ang mukha ko. “Is it really that cold? Your lips’ turned violet,” sabi niya habang
nakatitig sa labi ko.

Unti-unti siyang lumalapit.

Damn.
Bakit biglang umiinit.

Shit na ‘yan.

Swimming pool scene naman?!

“Let’s turn that lips back to being red again, alright?” sabi niya saka ako
hinalikan.

Nakahawak iyong dalawa niyang kamay sa mukha ko, na para bang ayaw niyang
pakawalan. Everytime his lips would touch mine, mas lalong lumalalim iyong paghalik
niya.

Damn Theo and his addictive kisses!

I instinctively closed my eyes and let myself kiss him back.

I wrapped my hands around his waist. Sa sobrang pagkadala ko sa mga halik niya,
hindi ko napansin na malamig pala at na nasa loob na pala ng t-shirt ko ‘yung kamay
niya.

While responsding to his kisses, inaalis at kinukurot  ko iyong kamay niya sa likod
ko. Ang likot-likot!
He bit my lower lip.

“Aray!” I said. “Bakit mo ako kinagat?!”

He was about to speak pero hinatak niya na lang ulit ako.

“Just kiss me and stop pinching my hand.”

--

“Where’s your towel?” he asked. Ilang minuto din kaming nasa pool and doing God
knows what. Pakiramdam ko magkaka hypothermia na kami sa sobrang lamig. O baka ako
lang ang nalalamigan. Kulang na lang magtanggal ng shirt si Theo.

“Wala akong towel. Hindi naman kasi ako magsuswimming,” I said. Ayan maliligo na
naman tuloy ako. Si Theo naman kasi kailangan pang manulak sa tubig.

Hinatak niya ako paahon sa pool. Mabuti na lang may maid pa na gising kaya
nagpakuha si Theo ng robes, towels, at slippers. May kinapa siya sa bulsa niya at
nandoon ang iPhone niya, soaking wet.

“Tsk,” that was all that he said.

“Hala sayang naman!” sabi ko habang nakatingin sa iPhone niya. Magkano kaya ‘yun?
Sayang talaga!
He just shrugged. “It’s already soaked. Besides, I enjoyed kissing you so it’s
worth it,” sabi niya kaya namula na naman ako. Damn him and his words! Nakakainis!

Dumating na iyong pinapakuha ni Theo at sabay kaming umakyat sa taas. Madali akong
naligo dahil nalalamigan na talaga ako. Pumasok ako sa CR at saka naligo. Mabuti na
lang pala at dinala ko na iyong damit ko sa CR dahil paglabas ko, nandun si Theo at
nakaupo sa kama ko.

“Bakit ka nandito?” I asked as I was drying my hair using a towel.

“I’ll sleep here.”

“Ano? Okay ka lang?”

He nodded and then patted the space beside him. “Bilis. Let’s cuddle.”

I creased my brow. Naka-drugs ba ‘to? “May lagnat ka ba?”

Pero imbes na sumagot, tumayo lang siya at hinatak ako pahiga. Inilagay niya iyong
kamay niya sa bewang ko at niyakap ako mula sa tagiliran ko. Inilagay niya iyong
mukha niya sa gilid ng leeg ko.
“You smell so nice.”

“Duh kakaligo ko lang.”

“Kakagatin kita.”

“Subu— aray!” sabi ko dahil bigla niya akong kinagat. “Bakit mo ako kinagat?!”

Umiling siya. “Bite me, too.”

“Ayoko nga!”

Tapos tumango siya. “Alright. Ako na lang ang kakagat sa’yo. Tara dito,” sabi niya
tapos hinatak na naman ako.

Pilit kong tinutulak si Theo dahil pinapapak niya iyong leeg ko nung biglang
bumukas iyong pinto. Sa sobrang pagkabigla, muntik ko ng maitulak pababa ng kama si
Theo.

“A-auntie Selina?”

She was looking at us and she was smiling widely.


“Nakakaistorbo ba ako?”

“Hindi po!”

She didn’t believe my answer. “Well, anyway, pagkatapos niyo sa ginagawa niyo, try
to sleep early. Maagang dadating iyong organizer and we’ll practice for your
cotillion,” sabi niya at saka isinara iyong pinto.

I looked at Theo.

“Ikaw daw ang escort ko.”

“I know.”

“Hindi ka man lang aangal?”

He shook his head. “Why would I? Bakit? Sino ba ang gusto mong escort? ‘Yung ex
mo?”

Bakit napunta doon ‘yung usapan? Parang tanga lang.


“Ewan ko sa’yo. Nagtatanong lang ako, e.”

Humiga na ako at tumalikod sa kanya. Bahala siya dyan.

“I’m the one who’s here so please, stop looking for someone else.”

=================

Chapter 39: Don't Count The Chickens Before They Hatch

#HTSTBB Chapter 39

“Nasaan po si Theo?” I asked Hanniel.

She looked around and said that she didn’t know where he is. Kanina pa kami
nagpapractice para sa cotillion but Theo was nowhere in sight. Okay lang sana kung
nagsabi siya kung saan siya pupunta but no. One minute he was here, the next he was
somewhere else.

Hanniel gave us water break at naupo ako sa may upuan. Kinuha ko iyong phone ko.

No Theo.
Bukas na iyong party pero ni hindi pa siya nagpapakita. Alam ko naman na busy siya
at kung anu-ano pa pero sana naman magpakita siya. I mean, siya ang nagpasok sa
akin sa gulong ‘to so have a decency to show his face.

To: Theo Henares

San ka?

I sent the message at saka itinago iyong phone ko sa bag ko. Tumayo ako at saka
nagpatuloy sa pagpapractice.

Ilang minuto din kaming nagpractice bago na-satisfy si Hanniel at pinagpahinga


kami. Kinuha ko ‘yung bimpo ko at umiinom ako ng tubig nung aksidenteng narinig ko
siyang nakikipag-usap.

“What?! Singapore?!” sigaw niya bigla sa phone. “But the party’s tomorrow!”

Ayokong makinig sa problema ni Hanniel dahil marami na akong problema sa sarili ko


pero dahil mukhang may kinalaman ako sa pinag-uusapan nila nung kausap niya, naupo
ako doon. She was pacing back and forth while massaging her temple. Mukhang
stressed na stressed na siya.

“Margaux, you’re my assistant so you do your work. Bring Theo back here in Manila
tomorrow morning!” sigaw niya. “I don’t know! You’re my assistant so make that
happen!” sigaw niya ulit at saka ibinalibag iyong pinto papalabas.

Theo’s in Singapore? Pero nandun si Monique...


My heart throbbed. He’s such a liar.

--

I was pacing back and forth. Kanina pa ako kinakabahan. Alam ko naman na malaking
party iyong inihanda ni Auntie Selina para sa akin pero hindi ko inexpect na ganito
siya kalaki. Nung tumingin ako sa labas, ang daming sasakyan na nakaparada.
Pakiramdam ko kalahati ng pupunta ay hindi ko kakilala. Paano wala namang mga
sasakyan iyong mga kakilala ko!

“Are you alright?” Hanniel asked me siguro dahil napansin niya na kanina ko pa
pinaglalaruan iyong kamay ko. Tipid akong tumango at saka pinagsalop ang mga kamay
ko. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko. Daig ko pa iyong kaba ko nung pilit akong
isinali ng mga classmate ko sa pageant nung high school. “Good because everything’s
going to be fine. Just relax and put on your best smile, okay?”

Narinig ko na nakabalik na si Theo kaninag umaga. Ni hindi ko pa siya nakikita at


hindi ko alam kung gusto ko siyang makita. I was annoyed at him. Bakit hindi niya
na lang sinabi sa akin na pupuntahan niya si Monique?

Ano ba ang gusto niyang mangyari? May Monique na, may Kelly pa? Aba maswerte naman
ata siya.

Huminga ako nang malalim at saka ngumiti ng tipid sa kanya. Iniwan niya na ako para
bumaba. Imbes na sa hotel, dito sa bahay nila Auntie Selina gaganapin ang party.
Akala ko nagmamalaki lang siya noong sinabi niya na mas mayaman siya kina Theo pero
mukhang totoo nga. If Theo’s house was large, this was larger—not to mention
grander.

Tumingin ako sa salamin at nakita ko ang sarili ko. I changed. I can see it. I was
changing and I was doing nothing about it.
Ayoko ng maging ipokrita. I want Theo. I want him kahit na niloloko niya ako. I
want this. I want everything. Sino nga ba kasi ang aayaw sa ganitong buhay? Auntie
Selina would give me anything I want—Theo included. Ito ‘yung buhay na matagal ko
nang pinangarap, ‘yung matagal ko nang gustong makuha.

Why was I running away from this? It was the easy way. I never wanted the easy way
pero ngayon na nandito na sa harap ko, it was hard to pretend that I didn’t like
this.

How can something so wrong feel so right?

I was disturbed by a knock.

“Kelly?”

Tumingin ako sa salamin at nakita ko si Theo na pumasok sa loob. He was still in


his shirt, hindi pa siya nagpapalit dahil siguro kakagaling niya lang sa airport.
Dalawang oras pa rin naman kasi bago ang party at baka mamaya pa siya magbibihis.
Ako lang naman ang inayusan na ng buhok.

“Bakit?” I asked him coldly. Nakakainis na harap-harapan siyang nagsisinungaling.


If only I could play his game.

Surely he wouldn’t barge in here kung wala lang siyang sasabihin. Theo would never
do nonsense things. Pagdating sa kanya, laging may dahilan lahat ng bagay.
Tumingin siya nang mataman sa akin bago nagsalita, probably because he was still
weighing whatever he was going to say to me. Since when did he care? Dati naman
basta na lang siyang nagsasalita, ni walang pakielam sa mararamdaman ng ibang tao.
Maybe there’s still hope for him, after all.

Inilagay niya iyong kamay niya sa batok niya.

“Bakit, Theo?” I asked again, mukhang nagdadalawang-isip kasi siya sa itatanong


niya.

“Monique texted.”

Awtomatik na sumeryoso ang mukha ko noong nabanggit ang pangalan ni Monique.

Posible pala talaga na sa loob ng isang iglap, magbago ang tingin mo sa isang tao.
Kahit na ano ang bait sa akin ni Monique, may isang parte sa loob ng utak ko na
nagsasabi na hindi kami pwedeng maging magkaibigan. Na mas mahirap ‘yung ganito,
‘yung nagpapanggap ako na kaibigan niya gayong ang totoo, kinukuha ko ‘yung kung
ano ang sa kanya.

Pakiramdam ko kasi nasa kanya iyong dapat sa akin. I knew it was the other way
around but this was how it felt.

Kumunot ang noo ko. “Ano’ng kinalaman ko sa pagtetext ni Monique?” tanong ko sa


kanya, hindi ko maiwasan na maging sarcastic ang tono ng boses ko. Hindi niya naman
kasi alam na alam ko na pinuntahan niya si Monique...
“She’s asking me to fetch her. She’ll arrive in an hour.”

‘Pero magkasama kayo kahapon pa!’ I was tempted to rebut.

“So ibig mong sabihin gusto mong umalis at sunduin si Monique kahit na alam mo na
sandali na lang, magsisimula na ang party?”

Bago pa siya sumagot, naglakad siya palapit sa akin at lumuhod sa harap ko.
Hinawakan niya ang dalawa kong kamay at saka hinalikan iyon. “I’ll be back and you
won’t even notice that I went out. I just need to fetch her, okay?” sabi niya
habang nakahawak pa rin sa mga kamay ko.

“Theo naman...” sabi ko. “Hindi ba pwedeng iba na lang ang sumundo sa kanya?”

It’s my day. Hindi ba pwede na kahit ngayon lang, ako naman ang priority? Palagi na
lang ba akong priority kapag wala si Monique? Na kapag nandyan na ang original,
etsapwera na agad ako?

“I already told her that pero sabi niya ako daw ang dapat sumundo sa kanya.”

I looked at the clock that was ticking and it says it’s quarter to 4. 6pm ang
simula ng party. Paano kung traffic? Mula Alabang papuntang airport, paano kung
hindi umabot si Theo?
Magkasama naman sila kahapon... Hindi ba pwede kahit ngayon ako muna?

But I stared at his face and it seemed like he really wanted to go to his
girlfriend.

“Okay,” iyon na lang ang sinabi ko at saka marahang binawi iyong kamay ko mula sa
kanya.

“Kelly,” he said. “Kelly, look at me,” sabi niya at saka hinawakan ang mukha ko at
iniharap sa kanya.

“Umalis ka na,” I said. “Baka malate ka sa pagsundo kay Monique.”

Tumayo siya at saka tinignan akong muli. “I’ll be back.”

I just nodded at him and then stared at my reflection on the mirror. Yeah sure.

Tumalikod na siya at saka nagsimulang umalis. I looked at his retreating back and I
just knew that he would not return anytime soon. Palagi namang ganon.

--

“Where’s Theo?” tanong sa akin ni Hanniel. Halos thirty minutes na lang at


magsisimula na ang party pero wala ni anino ni Theo na makikita dito. Nagtext siya
kanina na nakarating na siya sa airport pero matapos nun, wala na akong natanggap
na balita mula sa kanya. Maybe he’s on a date with her, who knows?
But I didn’t want him to be in trouble. Alam ko na somehow, magagalit sa kanya si
Auntie Selina kapag nalaman nito na pinuntahan niya si Monique. In her mind, ako
ang girlfriend ni Theo, that Monique was nothing but his ex.

“May pinuntahan lang sandali,” I lied for him.

Hanniel nodded and said, “Can you contact him and tell him to come back asap? The
program will start in a few minutes.”

“Of course,” I said and faked a smile.

Iniwan niya na ako. Tinignan ko ‘yung phone ko, deliberating kung tatawagan ko ba
si Theo o hindi. Gusto ko pero parang ayaw ko. Ewan ko, ang gulu-gulo. Kahit ako
mismo hindi ko maintindihan ang sarili ko.

But I didn’t want to cause my own misery kaya in the end, tinawagan ko pa rin siya.
At least kung hindi siya makarating, I could say that I did my part.

“Hello?”

“I’m on my way,” he said. Narinig ko na tinanong niya ‘yung driver niya kung gaano
pa katagal at ang narinig kong sagot ay traffic kaya baka matagalan. “Shit,” I
heard him utter.
Huminga ako nang malalim.

“Okay... Bilisan niyo na lang,” sabi ko na lang.

“Are you mad?”

Mad? I wasn’t mad. I was disappointed but who cares.

“Hindi, ah. Sige na, tinatawag na ako ni Hanniel,” sabi ko at saka binaba iyong
tawag. Hindi ko na siya hinintay na magpaliwanag pa. I used to look forward to this
day but now, I just want to get this over and done with.

Naglakad ako palabas at nakita ko si Auntie Selina.

“Bakit hindi ka pa nagbibihis?” she asked. “And where’s Theo?”

Hindi ko alam kung paano sasagot. She was going to get mad at Theo kapag nalaman
nito na pinuntahan niya si Monique. And so to divert her attention, I asked the
question that was begging to be verbalized.

“Uhm, Auntie... sino po ‘yung mga tao sa baba?”


She looked at me. “What do you mean?”

I took a deep breath. “Kasi po mukhang mayayaman iyong mga bisita e hindi naman po
mayaman ‘yung karamihan sa mga kaibigan ko...” I answered. Ewan ko. Siguro sila
Danielle, oo mayaman, pero hindi naman ganoon karami ang kaibigan ko sa college.
Come to think of it, sila Theo lang ang kaibigan ko. Hindi pala ako masyadong
friendly.

She gave a small smile and then said, “Silly. ‘Yung ibang nandun, mga high school
friends mo. I asked Hanniel to track them down and your parents are also
downstairs.”

Biglaang nanlaki ang mata ko.

“A-ano po?”

“I invited your parents. I want to know them and I want to tell them that I don’t
have any ill intentions.”

Oh, my god.

Nag-excuse ako kay Auntie Selina at saka nagmadaling bumalik sa kwarto upang kunin
ang cellphone ko. Agad kong tinawagan si Nay at sumagot naman siya.

“H-hello po?”
She wasn’t answering. Mas lalo akong kinabahan.

“N-Nay...” I said, my voice breaking. “Nasan po kayo?”

Hinihintay ko ang sagot ni Nay pero boses ni Ate ang sumagot sa akin. “Kels, punta
ka sa garden, nandito kami.”

I bit my lower lip. God, sabi ko na nga ba magkakaroon ng problema. Bakit ba ang
hilig-hilig kong bigyan ng problema ang sarili ko?

“G-galit ba si Nay?” I asked her. Kahit na alam ko na galit siya sa akin, gusto ko
pa ring marinig. Shit naman, Kelly! Ano ba ang nangyayari sa’yo? Nababaliw ka na
talaga!

Narinig kong nagbuntong-hininga si Ate. “Basta bumaba ka na lang dito. Naguguluhan


kami. Baba ka na,” she said and then ended the call.

Pababa na sana ako nung makasalubong ko si Hanniel. Sinabi ko na kailangan ko


munang bumaba pero ayaw niya akong pakinggan. Dinala niya ako pabalik sa kwarto at
saka binihisan. Kahit ano’ng sabi ko, ayaw niya akong paalisin. I was getting
teary-eyed because of frustration pero pinagalitan niya lang ako at sinabi na
masisira ang make-up.

“Hanniel, sandali lang. Kakausapin ko lang ‘yung nanay ko tapos babalik agad ako,”
sabi ko.
“Magsisimula na ang party. Can’t you talk to her after?”

I sighed. I looked at the mirror. Ang ganda ko. But I can’t be happy right now.
Gusto kong makausap ang pamilya ko. Wala pa si Theo. Ang gulu-gulo.

“Where’s Theo?” I heard her ask the people around us.

“He just arrived,” sagot nung babae.

“Good,” sabi ni Hanniel at saka tinignan ako. “Stop tearing up, okay? The party
will start in a few. Smile,” she instructed as she left me.

Tumingin ako sa cellphone ko.

No calls, no texts. Oh, god. Please, magpapaliwanag ako, Nay.

Pinaupo nila ako doon sa loob ng ilang minuto pagkatapos ay nakita ko si Theo. He
was wearing a tuxedo and he looked dashing.

Agad siyang lumapit sa akin. “Something wrong?”


I nodded pero hindi ko na sinabi. Wala naman siyang kinalaman doon... At saka hindi
si Theo ‘yung tipo ng tao na nakikielam sa problema ng may problema.

“Come on, ano’ng problema mo?” he asked again.

Hinawi ko ‘yung kamay niya. “Wala nga, e.”

“Kelly,” he said, exasperated.

“Don’t Kelly me! Sinungaling na ‘to!” sigaw ko sa kanya. Mabuti na lang at walang
tao ngayon kung hindi, nakakahiya.

Kumunot ang noo ni Theo. “What?”

“Magkasama na kayo ng girlfriend mo kahapon, tapos kanina kailangan ikaw na naman


ang susundo? Nakakahiya naman baka nakaabala pa ako sa bonding moment niyo,” I
sarcastically remarked.

Kung maririnig ko lang siguro ang sarili ko, baka bintukan ko na ang sarili ko. I
sounded like a deranged woman begging for attention.

Hinuli niya iyong kamay ko. “Kelly...” he said, his voice begging to be heard. “You
know how Monique will always be close to my heart. Pero alam mo rin naman na ikaw
na ‘yung gusto ko, ‘di ba?”
I scoffed. “Puro ka salita.”

“I’ll break up with her tonight.”

Napatingin ako sa kanya. “Ano?”

He held my hand tightly and kissed my forehead. “I’ll break things off with her,
alright? Kapag ba ginawa ko ‘yun, hindi mo na ako sisigawan for no apparent
reason?”

I sighed and gave in. “Fine.”

“Now, tell me, ano ‘yung problema mo kanina?” he asked again. Sinabi ko sa kanya
iyong nangyari tapos bigla niya akong hinila palabas ng kwarto.

“Magagalit si Hanniel,” sabi ko, nag-aalala.

Hindi siya tumigil sa paglalakad. Napansin ko na papunta kami sa garden ng bahay


nila Auntie Selina. Habang naglalakad kami, nakakita ako ng portrait ni Jamie.
Magkamukha talaga kami. Sobra. Kung hindi lang ako sigurado na anak ako ng nanay
ko, baka nagduda ako kung kanino ba talaga akong anak...

“That’s your mom, right?” he said. Tumingin ako sa tinuro niya at saka tumango. He
hleld my hand. “Go talk to them. I’ll wait for you here, alright?”
Napangiti ako. “Thank you,” I said.

He just smiled back at me. “Go,” he said.

Lumapit ako sa kanila and I was welcomed with a question.

“Kelly, ano mo ba si Theo?” tanong agad sa akin ni Nay. Nakatingin siya sa akin, na
para bang sinasabi niya na huwag akong magtatangkang magsinungaling.

I looked at her. I couldn’t disappoint her.

“Boyfriend ko po,” I said.

Nanlaki ang mata ng Ate ko. “Kailan pa?!”

“Last week?” sagot ko. Hindi ko na alam. Bahala na. Sabi rin naman ni Theo
makikipaghiwalay siya kay Monique. Hindi ko lang talaga kayang madisappoint sa akin
si Nay. Mahaba pa ang ipapaliwanag ko sa kanya. Alam ko na nasaktan siya dahil may
ibang tao na nagpaparty para sa akin.

Ano ba naman kasi ang pinapasok ko sa buhay ko.


“Paano si Gabe?”

Huminga ako ng malalim. “Matagal na po kaming break ni Gabe...” At least there’s


one thing I was honest about.

Agad kong pinuntahan si Theo at hinatak siya papunta sa pamilya ko.

“Theo, my family. Nay, Tay, Ate, si Theo, boyfriend ko,” I formally introduced him.
Nakita ko na nanlaki ang mata niya.  

Sorry but you asked for this. I can play your game, Theo.

(AN: I have no idea kung gaano pa kahaba ito. I know things are going haywire
(!!!!!) but there's always that awesome redemption. And yeah there's a reason for
everything. Just wanna point this out for those peeps that keep on telling me how
everything is so magulo. I love crazy plots so yeah xx Eydee)

=================
Chapter 40: Last Scene of The Good Girl

#HTSTBB Chapter 40

Ilang minuto na ang lumipas simula nung sinabi ko sa pamilya ko na boyfriend ko si


Theo. Ilang minuto na rin simula nung huli niya akong kinausap.

“Theo,” I called his name. Kakatapos lang ng cotillion at magkatabi kami sa upuan.
He was silent simula nung sinabi ko na boyfriend ko siya. “Theo,” sabi ko ulit.

Tumingin siya sa akin but he didn’t say a thing.

“Galit ka ba?” I asked him.

“No,” he replied shortly tapos tumayo siya. “Do you want anything?”

Umiling ako at saka iniwan niya ako doon. Bigla akong tinawag nung host kaya
napilitan akong ngumiti. She was asking me kung nasaan ‘yung escort ko pero isang
matipid na ngiti lang ang ibinigay ko. Hindi ko nga din alam kung nasaan siya.

The program went on and no Theo was in sight. Malapit na ‘yung 18 roses pero wala
pa rin siya. I could feel my eyes tearing up.

Malapit na talaga akong maiyak nung maramdaman ko ‘yung kamay niya.


“Ano’ng meron?” he asked.

I looked at him. Parang wala lang sa kanya na malapit na akong maiyak. Hindi ko
talaga siya maintindihan. Para siyang insensitive robot. Ang gulo niya.

Bago pa man ako makasagot sa kanya at masabi kung gaano siya nakaka-frustrate,
biglang dumating si Hanniel at saka inalalayan ako papunta sa gitna. The program
started again. Tama nga si Auntie Selina, kilala ko lahat ng invited... Hindi ko
lang akalain na kilala ko sila. Lahat sila nakabihis ng maayos. And some of them,
it’s been years mula nung huli kong nakita. Nagmistula tuloy na mini-reunion ‘tong
party.

When it was my father’s turn, hindi ako makatingin sa mata niya. Nahihiya kasi
ako... Sobrang bait ng tatay ko sa akin. Sobra kaya hindi ko maisip kung bakit ako
gagawa ng bagay na makakasakit sa kanila. Doing so would be like hurting myself.

“Masaya ka ba?” he asked me.

Tumingin ako sa kanya, uncertain of what I should say. “Galit po ba kayo?” I could
not help but ask. Of course their opinion matters. Sila ang pamilya ko... At the
end of the day, sila ‘yung pipiliin ko. Palagi namang ganun...

“Basta masaya ka, doon kami ng nanay at ate mo.”

Throughout the dance, I hugged my father. I kept on whispering how much I am


thankful that I have him as my father. Sobrang bait kasi ng tatay ko, ‘yung tipo na
kami muna ang uunahin niya bago ang sarili ko. Sa lahat ng bagay ganun kaya ayaw ko
talaga na nadidisappoint sila sa akin.

Bata pa lang ako sinasabi na nila sa akin na masama raw mang-agaw ng hindi sa’yo.
Kahit bata pa lang ako pinapagalitan na ako kapag nang-aagaw ako ng candy ng kalaro
ko... Paano pa kaya ngayon na hindi na lang candy ang inaagaw ko?

But I could not let them know about this. Kailangan ako na talaga ang girlfriend ni
Theo. I could lie to my parents but not for long.

When it was Theo’s turn, tumingin sa kanya si Tay at sinabi na, “Alagaan mo ang
anak ko.”

I just could not help but compare... Gabe was so nice to my parents. Palagi niyang
kinakamusta, nakikibalita, dinadalhan ng pagkain... He was like a son to them...
Pero si Theo? He just nodded at my father. Ni walang salita, ni walang kahit ano.
It was like if he could run away, he would.

“Bakit ba kanina ka pa ganyan?” tanong ko sa kanya. Hindi ko na mapigilan. Kanina


pa ako naiinis sa kanya. Kung may ayaw siya, sabihin niya agad. Hindi naman ako
manghuhula na huhulaan kung ano ang nasa isip niya!

Imbes na sumagot, inilagay niya na lang ‘yung kamay niya sa bewang ko. “Let’s just
dance,” he said. Kinuha nung isa niyang kamay ‘yung kamay ko at ipinatong sa
balikat niya. “It’s your day so don’t ruin it. Nothing’s off.”

But I would not back down. Alam ko naman kasi na may mali. He’s acting weird. Dahil
‘to sa sinabi ko kanina, alam ko...
“Sabi mo sa akin makikipagbreak ka kay Monique,” I told him.

“Yeah... pwede bang mamaya na lang natin ‘to pag-usapan?”

I scoffed at him. “Tapos ano? Mageexcuse ka na naman? Ano? Makikipagbreak ka ba o


niloloko mo lang talaga ako?” I asked him.

Humigpit iyong hawak niya sa bewang ko at tumingin siya sa akin. I could see the
hesitation in his eyes. Alam ko naman na nahihirapan siya. Ilang taon na ba sila ni
Monique? Two years? Three years? Hindi naman talaga madaling itapon ‘yung relasyon
na ganun na katagal... But he promised me. Didn’t that mean something? Puro salita
lang ba lahat ng ‘yon?

“Hindi ba talaga pwedeng mamaya na lang?”

I shook my head.

He stared at my eyes and then sighed. “Fine,” he said before dipping his head down
to kiss me.

Hinalikan niya ako. Sobrang bilis pero ramdam ko ang pagbilis ng tibok ng puso ko.
I knew everyone’s attention was on us. He just kissed me in front of all these
people!

“There. I just kissed you publicly. Okay na?”


But before I could say anything in return, tumigil na ‘yung tugtog. He quickly
helped me get back to my place at saka nag-excuse ulit siya. Palagi niya na lang
akong iniiwanan!

I touched my lips. He just kissed me... I looked at my parents and I could see my
mother smiling at me. Hindi ko pa siya nakakausap ng maayos pero magpapaliwanag ako
sa kanya. Kailangan ko lang talagang maayos kung anuman ang dapat ayusin ngayon.

Malapit na ring matapos ang sembreak kaya sana maayos na ang dapat maayos. I wanted
to have a clean slate. Gusto ko pagbalik ko sa school, makapagfocus na ako sa pag-
aaral. I didn’t want any of these unnecessary drama back with me.

Right after Auntie Selina’s quick words, dinner was served. May banda na kumanta
kaya naman inexcuse ko muna ang sarili ko. Hanniel was keen on the instructions she
was giving me pero hindi ko na siya masyadong pinakinggan. I have my own problems.
Bahala na siya muna dyan.

Dumiretso ako sa cr at saka itinago doon ‘yung heels na suot ko. Sa sobrang laki ng
cr nila, pwedeng-pwede kang magtago ng bagay. Kinuha ko rin ‘yung bathroom slippers
at saka iyon ang sinuot ko. Ang sakit-sakit na ng paa ko ‘dun sa pinasuot sa akin.

Naglakad ako papunta sa kung nasaan man si Theo nung makita ko na nasa garden siya
kasama si Monique. At si Gabe. What? Bakit nandito si Gabe?!

Gusto ko sanang pumunta at magtanong kung ano ang nangyayari pero hindi ako
makaalis sa kinatatayuan ko dahil nandun si Gabe. Simula nung nagbreak kami, hindi
pa kami nag-uusap ng matino.
And I blocked him on facebook!

Wala akong mukhang maihaharap sa kanya!

I turned my back and went inside the closest room. Nakasandal ako sa pintuan. Ni
wala pang isang minuto na nandun ako nung may kumatok sa pintuan.

“Kelly.”

When I heard Theo’s voice, agad kong binuksan iyong pintuan. Bumungad sa akin ang
mukha niya.

“Monique’s here,” he said, stating the obvious. “She wants to see you.”

Agad na bumilis ang tibok ng puso ko. Ito na ba ‘yung sinasabi nila na thrill ng
pagiging third party? Bakit hindi thrill ang nararamdaman ko, pakiramdam ko anumang
oras aatakihin ako sa puso sa sobrang kaba.

“B-bakit daw?” I asked.

“She’ll give you her gift.”


“Ha?”

“She heard that it’s your birthday kaya pumunta siya dito.”

“Saan niya nalaman na birthday ko?!” I exclaimed. Ano ba namang gabi ‘to! Puro na
lang problema! Kailan ba ‘to matatapos?!

Hindi sumagot si Theo at sinabi na lang niya na, “Come on, lumabas ka na dyan tapos
kunin mo ‘yung regalo ni Monique...” he said.

“And then what? Magpapasalamat ako? Yayakapin ko siya? Baliw ka ba?! Sa tingin mo
ba sobrang wala akong konsensya?!” sunud-sunod na sigaw ko sa kanya. “Theo,
girlfriend mo ‘yun! Hindi ako artista, okay! Kapag ako lumabas dun, one way or
another, masasabi ko lahat ng pinaggagawa natin. I’m going to tell everything.
Hindi ako expert na sinungaling!” I berated him.

Sobrang bilis ng kabog ng dibdib ko, rinig na rinig ko na. The fact na isang metro
lang ang layo sa amin ni Monique... at damn pati si Gabe nandito!

“Bakit nandito si Gabe?” tanong ko sa kanya nung medyo kumalma na ako.

He looked at me. “Why are you asking me? I don’t talk to that guy,” sabi niya.

Inilagay ko na lang iyong dalawang kamay ko sa sentido ko. Ano ba ‘tong gulong
pinasok ko.
But I needed to get away from this. May problema pa ako sa pamilya ko. Kailangan ko
na ‘tong maayos. Ayokong mabuhay na puro problema. I knew that one way of another,
I would have to face these things...

Hindi na ako tumingin kay Theo dahil binuksan ko ‘yung pinto at diretsong naglakad
papunta kay Monique. Sinubukan ko na huwag tumingin kay Gabe. I can’t look at him.
Sobrang nakokonsensya ako hanggang ngayon.

Upong reaching them, Monique stood up and hugged me.

“Happy birthday!” she said at saka inabot sa akin ‘yung box. “I didn’t know it’s
your birthday buti na lang I saw Gabe’s gift for you!” she beamed tapos siniko niya
si Gabe.

Napatingin ako kay Gabe pero nag-iwas siya ng tingin sa akin. Mas may tatalo pa ba
sa pagiging awkward ng sitwasyon na ‘to?

“Bilis na, Gabe! Give your gift to her na!” she nudged Gabe.

“Shut up,” Gabe told her, making Monique roll her eyes. Tumalikod si Gabe sa amin
pero nandun pa rin siya sa hindi medyo kalayuan. Maybe he could not stand looking
at me. Pareho lang naman kami. Hindi pa rin ako okay na makita siya.

Walang decent sa paghihiwalay na naganap sa pagitan namin.


“I hate it that you two broke up but I’m sure maaayos niyo ‘yan. I really like you
pa naman, Kels...” she said, giving me a sorry look. “But I’m glad we’re still
friends!” Monique winked at me. “Kahit na over na kayo ni Gabe, he still cares!
It’s a small box. I bet it’s a necklace!” she shushed.

Pilit na lang akong ngumiti sa kanya. Tinignan ko siya. She was so naive... She
didn’t deserve any of Theo’s shit... Ayoko na ako ang magsasabi sa kanya pero kung
hindi ako, sino? Kung hindi ngayon, kailan?

Theo will just drag this thing on and on hanggang sa lahat kami, sirang-sira na.

“Monique?”

She sweetly at me. “Yes?”

Shit. Hindi ko kaya.

I smiled at her. “Wala... Sorry hindi kita nainvite... Sabi kasi ni Theo nasa
Singapore ka daw...” I lied.

She just waved her hand and smiled back at me. “It’s alright, noh. Besides, I will
be in Australia tomorrow. I just went to Singapore because of Gabe,” sabi niya sa
akin.

I briefly looked at Gabe. Nakatalikod pa rin siya sa amin. Alam ko na gustong


magtanong ni Monique pero hindi niya ginagawa... I wish I could extend the same
courtesy.

“Sino nga pala ang escort mo?” she asked and then giggled. “I heard the guy kissed
you, ha! It made Gabe jealous! I saw his jaw clench! If you could have seen it, it
was so funny!”

Instead of answering, ngumiti lang ako ng tipid. Nasaan ba si Theo?!

“Monique?” I called her name. Hindi ko alam kung bakit ko laging tinatawag iyong
pangalan niya... Dahil ba alam ko na pagkatapos nito, hindi na kami magiging
magkaibigan?

“Yes?” she said again, that sweet smile showing.

“K-kayo pa rin ba ni Theo?”

I wanted to close my eyes para hindi ko makita ang reaksyon niya pero hindi, e...
Kitang-kita ko ang pagkunot ng noo niya sa tanong ko. Kitang-kita ko ang pag-ayos
ng pagtayo ni Gabe dahil sa tanong ko.

“What do you mean?” she asked.

I held on to my fingers and took a really deep breath.


“S-sabi kasi ni Theo makikipagbreak na daw siya sa’yo...” I whispered loud enough
para marinig niya.

Parang naka-slow motion. Kitang-kita ko ang paglaki ng mata niya.

“A-ano?” she said, stuttering. “Break-up?”

I nodded, letting what’s left of my self-righteousness fly out the window. Hindi na
siya sumagot pa at umalis na lang siya bigla. Ni hindi ko matingnan ang pag-alis
niya. I was wallowing in self-pity. Nakakaawa na talaga ako.

“Sorry,” I whispered.

Iniabot sa akin ni Gabe ‘yung panyo niya. “Never say sorry for something that makes
you happy.” At saka inabot niya sa akin ‘yung regalo niya.

Nakaupo lang ako doon. I knew that any minute from now, magsisimula na ulit ang
program pero wala ako sa wisyo para ngitian sila. Truth be told, I’d rather go home
and be alone.

I just hurt one of the people who treat me as her sister.

I came back to the party and spent the night alone. I had to make an excuse para
kay Theo para hindi magduda si Auntie Selina.
All night I stared at the door waiting for his return but the night ended and no
Theo was in sight.

=================

Chapter 41: No One Will Be Happy

#HTSTBB Chapter 41

Nakauwi na ako at lahat pero ni isang text, wala akong nakuha mula kay Theo. Hindi
naman ako tanga o nagbubulag-bulagan para hindi malaman na iniiwasan niya ako.
Simula nung masabi ko kay Monique iyong balak niyang pakikipaghiwalay, ni ha ni ho
wala akong narinig sa kanya. Bakit ba ako nagulat? He was Theo. He was the master
of dodging me and making me feel useless.

Ilang araw na lang magpapasko na but nothing was Christmas enough. Parang ang bare
ng buong mundo o ako lang ba ‘yun?

“Tutulong ka ba sa pag-aayos ng Christmas tree?” tanong sa akin ni ate. Ngayon pa


lang kasi namin aayusan ‘yung Christmas tree. Gusto kasi nila Nay na magkakasama
kami kapag inayos ‘yun. Talagang hinintay nila ako para sabay-sabay naming gagawin
‘to.

Dahil nakonsensya naman ako na nandito ako sa bahay pero lumilipad iyong isip ko,
tumayo ako at lumapit sa kanila.
“Saan ilalagay ‘to?” tanong ko kay Ate habang hawak ‘yung isang Christmas ball.

For the past hour, tinulungan ko lang sila Nay na magdecorate sa buong bahay.
Masaya pala. Sa dami ng pinoproblema ko sa buhay ko, nalimutan ko na masaya nga
palang mabuhay. Minsan kasi sa dami ng problema mo, nakakalimutan mo ‘yung mga
bagay na nagpapasaya sa’yo.You become too preoccupied with things that bother you
that you forget the things that actually matter.

Ngumiti ako noong nakita ko ‘yung Christmas tree. Malapit na talaga ang pasko.

“Hoy, pasko ang theme, hindi undas. Nakaka stress ng festive vibes ‘yung face mo,”
sabi ni ate sa akin habang nagkakabit siya ng Christmas lights dun sa may pintuan
namin.

Pagkatapos kasing tumulong sa pagdedecorate, bumalik na ako sa upuan ko at


hinawakan na naman iyong cellphone ko. Kanina pa ako naghihintay sa text ni Theo.
Ayoko na kasi siyang tawagan. Naka-ilang missed calls na ako. Tama na ‘yun.

Minsan kasi kahit gusto mo, dapat alam mo ‘yung limit. Gusto ko siyang makausap
pero hindi ako magmamakaawa. I’m better than that.

Pinilit kong ngumiti kahit mukhang tanga. “Ayan, festive na ba?” I asked her tapos
inirapan niya lang ako.

Habang naglalagay siya nung mga pailaw, sabi niya, “Alam mo ba kung bakit malungkot
kapag undas?”
Ang weird naman ni Ate. Pero dahil ramdam ko na naiirita na siya sa pagmumukha ko,
sinakyan ko na lang kung anuman ang gusto niyang pag-usapan namin.

“Bakit?” I asked her while staring at my phone.

“Kasi kapag binaliktad mo ang undas, ang mababasa mo ‘sad nu,’” sabi niya at saka
siya tumawa nang tumawa sa sarili niyang joke. Napailing na lang ako sa kababawan
ng Ate ko. Ganito ba talaga kahirap sa Diliman? Na tinakasan na ng tino ang kapatid
ko?

Tawa pa rin siya ng tawa kaya nagdesisyon ako na iwanan na siya. Bahala nga siya
dyan. Dumiretso ako sa kwarto ko at nahiga. Ilang araw pa bago ang pasukan pero
nauubusan na ako ng gagawin. Sobrang bored na bored na ako. Dati naman kahit nasa
bahay lang ako hindi ako nababagot... Sobrang bilis naman magbago ng panahon...

Before I even knew it, nakatulog na ako habang hawak ang cellphone ko.

--

“Hoy, Kelly!” sigaw ni Ate sabay kalembang doon sa hawak niyang kaldero.

Inabot ko ‘yung unan at saka itinakip sa tenga ko. “Ate naman!” I groaned and then
tried to sleep again despite her attempt to annoy me.

Pero imbes na tumigil na siya sa ginagawa niya, mas lalo pa niyang nilakasan iyong
tambol niya. Sa sobrang inis ko, hinagis ko sa kanya ‘yung unan pero hinagis niya
lang sa akin pabalik. Bakit ba siya ganito!

“Ate naman!” I shouted again tapos napaupo na ako. Ang sakit-sakit sa tenga nung
tunog ng kaldero!

Pinukpok niya pa ng isang beses bago siya tumigil.

“Gising ka na?” she asked, beaming widly.

I glared at her. “Hindi ba obvious?”

“Maligo ka na at lumayas ka dito,” sabi niya.

“Ano?!”

Naglakad siya papunta sa cabinet ko at saka humugot ng damit doon at saka hinagis
papunta sa kama ko. Kinuha niya din ‘yung twalya na nakasabit sa hanger at iniabot
sa akin. “Maligo ka na at puntahan mo ‘yung boyfriend mo. Naiirita lang ako sa
mukha mong nakabusangot. Nakakabawas ng Christmas vibes, e.”

Humiga ulit ako sa kama ko. “Papagalitan ako ni Nay at saka wala akong pera,” I
said at saka tinakpan ng braso ko ‘yung mukha ko. Inaantok pa ako, e. Kainis naman
si Ate napaka istorbo sa pagtulog.
Kakapikit ko pa lang pero kinalampag na naman niya iyong kaldero. Napaupo tuloy ako
ng wala sa oras!

“Ate!” I shouted.

“Maligo ka na kasi!” she shouted back. “Ako na ang magsasabi kila Nay tsaka
bibigyan kitang pera basta matigil lang ‘yang simangot mo at konti na lang tatamaan
ka na sa akin,” sabi niya sabay hatak sa akin patayo at hila sa akin papunta sa CR.

Hinagis niya iyong twalya kasama ko sa loob at saka sinabi. “Bilisan mong maligo
para hindi ka gabihin.”

Tsk. Baliw na babae. Buti na lang hindi ako baliw kagaya niya.

Ilang minuto ako naligo. Ang lamig-lamig nga pero nung narinig ni Ate na ni hindi
pa ako nagbubuhos, kinalampag niya ng sandok ‘yung pinto ng CR. Baliw talaga ‘yun!

“Hoy, lumubog ka na ba dyan?!” sigaw niya mula sa labas.

“Nagshashampoo na! Binabantayan mo ba ako?!” sigaw ko pabalik habang nagbabanlaw.


Siguro kung hindi lang nakakadiri papasukin ako nito at siya mismo ang magpapaligo
sa akin, e!

Makalipas ang ilang minuto, lumabas na ako at dumiretso sa kwarto para magbihis.
Hindi na ako natagalan dahil nakaayos na sa kama ko ‘yung susuotin ko na damit.
“San ‘to galing?” tanong ko sa kanya kahit na nasa labas siya.

“Regalo ko sa pasko pero sige na, advance na. Bilisan mo, iboblower pa natin ‘yang
tingting mong buhok,” sabi niya. Napailing na lang ako. Magkapatid ba talaga kami?
Hindi kaya napalit lang si Ate sa ospital? Hindi naman ako ganyan, mas lalong hindi
ganyan si Nay at si Tay... Tsk.

Lumabas na ako ng kwarto tapos dinala ako ni Ate sa salas. Nandun nakasaksak na
‘yung blower niya tapos nakalatag ‘yung mini makeup kit niya. Pinatahimik niya lang
ako habang inaayusan niya ako. Sabi niya gagawin niya daw akong mukhang bakla kapag
nag-ingay ako. Si Ate talaga, oh.

Nung natapos siya...

“Ang galing ko talaga!” sabi niya na parang tuwang-tuwa siya sa sarili niya.

Inagaw ko ‘yung salamin mula sa kamay niya. Wala namang nagbago sa mukha ko. Mas
umayos lang ‘yung buhok ko dahil sa plantsa at saka nilagyan niya lang ako ng
konting lipstick. Kung makapagreact naman kasi siya akala mo nag makeover siya sa
akin.

Pumunta siya sa kwarto at saka inabutan ako ng pera.

“Ibalik mo sa akin ‘yung sukli,” bilin niya pa nung itinawag niya ako ng tricycle
para ihatid sa terminal.
“Ang kuripot mo.”

“Tss. Sige na, umalis ka na bago pa magbago ang isip ko,” sabi niya sa akin. Umalis
na ako. Siya na daw kasi ang bahalang magpaliwanag kay Nay. Nasa palengke kasi sila
at namimili ng ipanghahanda namin bukas. Pasko na bukas. Ang bilis ng panahon!

Sumakay na ako sa Del Carmen at nagbayad sa konduktor. Pinilit kong matulog pero
hindi ako makatulog. Hindi ko kasi alam kung ano ang mararamdaman ko. Halos one
week na kaming hindi nag-uusap ni Theo. Kahit saan naman kasi ayaw niya akong
pansinin. Sa fb, sa text, kahit saan ayaw.

In an hour and half, nakarating na ako sa Cubao. Sumakay ako ng bus hanggang sa
makarating ako sa pinakamalapit at saka ako nag taxi. Mabuti na lang at natatandaan
ko pa kung saang village sila nakatira at mabuti na lang talaga medyo malaki ‘yung
bigay ni Ate na pera.

Nagpahatid ako sa mismong bahay nila Theo. Muntik na akong hindi makapasok dahil
masyadong mahigpit sa subdivision nila pero mabuti na lang at natatandaan ako nung
guard kaya napakiusapan ko.

“Dito na lang po, manong...” sabi ko sabay bayad sa kanya. Bumaba ako at
nagsimulang maglakad.

Okay, Kelly. Kaya mo ‘yan...

Nasa pintuan na ako nila Theo nung makita ko si Auntie Andrea. Kumunot ang kilay
niya ng makita niya ako.
“Kelly?” she asked, naguguluhan kung ano ang ginagawa ko sa bahay nila.

“H-hello po...” I said. Natatakot ako sa presensya niya. Ramdam na ramdam ko kasi
‘yung pag-ayaw niya sa akin. Kung hindi siguro dahil kay Auntie Selina, baka
pinatapon niya na ako sa labas at binigyan ng restraining order.

She looked at me, wondering why the hell was I there. “Why are you here?”

Ni hindi talaga uso ang salitang hospitality pagdating sa akin.

“Si Theo po?” I said.

“He’s inside and he’s with Monique. Bakit ka nandito?” she said, again, but this
time with hint of annoyance.

Yumuko ako sandali. “Pwede po ba siyang makausap?”

Pagdating talaga kay Theo, nauubos ang hiya ko. Kahit ano’ng sabi ko na magtitira
ako para sa sarili ko, wala ring nangyayari. In the end, it was all futile attempt.

Tumingin si Auntie Andrea sa likod at saka tinawag ‘yung isang kasambahay. “Call
Theo and tell him to proceed to the study room. Make sure na hindi sasama si
Monique,” she said. Umalis na ‘yung kasambahay kaya tumingin siya sa akin. “You
heard me. Sa study room.”

“Thank you po...” sabi ko kahit nakayuko pa rin.

Umiling lang siya sa akin. “Why can’t you just call him? You went all the way para
lang puntahan siya. Tsk. I’m not that heartless para ipagtabuyan ka,” she said.

I bit my lower lip. “Hindi po kasi siya sumasagot sa tawag o text...” sagot ko.

She sighed and then looked at me.

“And that’s telling something already,” she replied. “Look, Kelly. I’m not against
you just because you don’t measure financially. I don’t care kahit sa pulubi
magkagusto si Theo. What I don’t like is that nakipagrelasyon ka sa anak ko despite
the fact that he has a girlfriend. You may be a good person but that action alone
tells me something about you. And that is my reason why I don’t like you for my
son.”

Dahil sa sinabi niya, wala na akong magawa kung hindi mapayuko. Tama naman siya...
but what’s done is done. Ang hirap pagsisihan ng bagay na wala ka na namang
magagawa.

Matapos niyang sabihin ‘yun, iniwan niya na ako. Dahil ilang araw din akong tumira
sa bahay nila Theo, halos alam ko na kung nasaan ang study room.

Dumiretso ako doon. Mula sa kinatatayuan ko, rinig na rinig ko ang tawa ni
Monique...

So I guess okay na ulit sila ni Theo...

Ganito pala ang pakiramdam ng pinaglumaan na damit. Kapag ayaw na sa iyo, babalik
siya dun sa paborito niya tapos ikaw, disposed na.

Kahit na ang hirap, dahan-dahan akong naglakad papasok sa study room. Hindi ako
makaupo. Nakatayo lang ako doon, hinihintay na pumasok si Theo.

“Theo...” I said.

Napalingon siya mula sa pinanggalingan ng boses at halata sa mukha niya na nagulat


siya na makita ako.

“Iniiwasan mo ba ako?” I couldn’t help but ask. Lahat na ng pwedeng gawin para mag-
usap kami ginawa ko...

“No,” he said.

“Hindi mo ba narereceive iyong texts ko?”

Hindi siya sumagot.


“Nandyan si Monique...” I stated. “Kayo pa rin?”

Tumingin siya sa akin. “You told her I was breaking up with her,” sabi niya sa
akin.

Hindi ko mapigilan na kabahan sa paraan ng pagtingin niya sa akin. Parang galit


siya na hindi ko maipaliwanag. But I needed to face my demons. “Sabi mo naman kasi
talaga makikipaghiwalay ka sa kanya, ‘di ba? Pinabilis ko lang naman...” I
answered.

Napailing na lang siya sa akin. “Are you really Kelly? I feel like I don’t know you
anymore.”

“Ako pa rin naman ‘to...” I said, my voice breaking. “Sorry... Kasi ang hirap na.
Sabi mo iiwan mo si Monique pero parang hindi naman... Hindi kasi maganda sa
pakiramdam na maging kabit.”

“Monique’s innocent. I told you I’ll break up with her.”

I bit my lip. “Kaya nga...” I said. Sobrang konti na lang iiyak na ako. “Sorry
na... Hindi ko naman sinasadya na unahan ka, e...” Pero hindi siya humarap sa akin.
“Theo,” sabi ko at saka pilit na iniharap ‘yung mukha niya sa sakin.

He’s been avoiding me like crazy and it’s driving me insane. Alam mo ‘yung
pakiramdam na magkasama kami, nagkikita kami halos araw-araw pero heto siya ngayon,
like he’s too far away. I can’t take it anymore. Mababaliw na ako!
“What?” he spat out. Pilit niyang tinanggal ‘yung kamay ko na nakahawak sa damit
niya.

The way he looked at me... damn ang sakit pala talaga.

Hindi pala talaga ako. Pamalit lang pala talaga ako.

I mentally prepared myself for the blow. He would hurt me again. I wished that he
would just physically hurt me because that would be kinder. Mas madaling maka-
recover ‘dun kaysa sa ginagawa niya. He’s emotionally killing me... Sobra.

“Theo, please,” I begged as my last piece of self-preservation flew out the window.
“Mag-usap naman tayo...” I said. “Kausapin mo naman ako... One week na...” my voice
broke. Tuluyan nang kumawala ‘yung mga luha ko na kanina ko pa pinipigilan.

He looked at me with such spite that I was scared to wits.

“We have nothing to talk about, Kelly. Tigilan mo na ako.”

“But the kiss...” I said. “Hinalikan mo ako sa harap nila...”

“It meant nothing.”


“Theo, ipinakilala kita sa magulang ko! Alam ng mga kaibigan ko! ‘Wag mo naman
akong ganituhin!” I shouted and begged pero hindi siya naawa sa akin. He just
looked at me like I didn’t matter.

“I really like you, Kelly, but you’ve changed. Hindi na ikaw ‘yung Kelly na
nagustuhan ko.”

I was tempted to slap him. He pushed me to be like this! Siya ang may gawa nito
tapos sasabihin niya na hindi niya na ako kilala?!

I closed my eyes and balled my fists. “I’m telling your girlfriend about this,
about us. I’m stealing you away from her. If I can’t be happy, neither can she,
neither can you.”

=================

Chapter 42: The Ex

#HTSTBB Chapter 42

Para akong basang sisiw.

Bakit ganon? Malungkot na nga ako tapos sasabayan pa ako ng ulan... Parang ang
unfair naman. Sinaktan na nga ni Theo ‘yung damdamin ko, tapos mauulanan pa ako at
magkakasakit.
Nakatingin ako sa langit at tinatanong kung bakit naman sabay-sabay yata dumating
‘yung kamalasan sa buhay ko. Hindi ba pwedeng time-first? Hindi ba pwedeng isa-isa
lang ang dating? ‘Wag naman sana ‘yung tipong ‘When it rains, it pours.’ Baka naman
kasi bigla na lang akong mabaliw kapag ganoon ang nangyari sa akin...

Kanina pa ako pagala-gala dito sa subdivision nila Theo. Hindi pa ako pwedeng
umiwi. Hindi ako pwedeng umuwi na ganito ang itsura ko. Sigurado akong susugurin ni
Ate si Theo kapag nalaman niya ‘yung ginawa sa akin... Hindi na mahalaga kung sino
‘yung may kasalanan. Sabi ng ate ko, wala siyang pakielam kung sino ‘yung may mali.
Basta ang alam niya, ‘wag na ‘wag mong papaiyakin ang kapatid niya dahil ikaw ang
malilintikan.

Mas lalo akong naiyak nung naisip ko ang Ate ko. Nakakainis. ‘Yung ibang tao
pinoprotektahan ako pero ako, iniiyakan ko ‘yung tao na nananakit sa akin. Ang
ironic lang talaga ng buhay.

Gusto kong magalit kay Theo dahil ang gago niya. Ang gago-gago niya. Hindi ko alam
kung ilang gago ang kailangan kong ilagay sa isang sentence para mag suffice kung
gaano siya kagago. Pero bakit ganon? Hindi ko magawang magalit talaga... Kasi alam
ko kasalanan ko rin naman.

In some ways, I asked for this. No harm will remain unpaid. Lahat ng gawin ko na
masama, alam ko na babalik sa akin.

I knew I deserve this.

Nakarating ako sa isang park at naglakad ako papunta sa isa sa mga swings. Malilim
‘yung panahon pero walang masyadong mga bata... Mabuti na lang. Ayoko na makita
nila ako na naglalakad habang umiiyak. Baka matakot lang sila sa akin dahil mukha
akong baliw.
Nakaupo lang ako sa swing at tahimik na hinihintay na mapagod ako sa pag-iyak.
Seriously, Kelly? Kailan ba mauubos ‘yang luha mo? Infinite ba ang supply niyan at
tila walang katapusan ang pagbuhos? Ako mismo pagod na pagod nang umiyak pero may
tumutulo pa rin. Bwisit na buhay ‘to.

Nagsuswing ako gamit ang paa ko nung mapagod ako. Muntik na akong mapasigaw sa
gulat nung may tumulak sa akin.

Lumingon ako at nakita ko siya.

The last person I wanted to see right now.

“Gabe,” I said.

Nakatingin lang siya sa akin habang nakalagay sa loob ng bulsa niya iyong kamay
niya. Alam ko na alam niya na kanina pa ako umiiyak. Kapansin-pansin naman kasi
ako.

Wala siyang ginawa nung tawagin ko ang pangalan niya. He just stood there and
looked at me. But I can’t have him pitying on me. Pinili ko ‘to, e. Kahit na ilang
beses niya sinabi sa akin na gago si Theo, na paglalaruan lang ako ni Theo, wala.
Hindi ako nakinig.

“Pwede mo nang sabihin na ‘I told you so,’” sabi ko sa kanya habang nakayuko. Medyo
namamalat na ‘yung boses ko dahil sa pag-iyak. Gusto ko nang tumigil sa pag-iyak.
Ayokong umuwi sa bahay na mugto ang mata at garagal ang boses. Ayoko naman na
magpapasko na lang, problema na naman ang ibibigay ko sa magulang ko. Alam ko kasi
na kahit hindi man sabihin sa akin nila Nay na may tampo sila. Bakit nga ba naman
kasi ako pumayag na ipaghanda ako ng ibang tao?
Instead of ridiculing me because of my idiocy, naupo lang siya sa swing sa tabi ko.

“Bakit ka nandito?” I asked him. Pinunasan ko ‘yung luha ko. Alam ko na alam niya
na umiiyak ako pero ayoko naman na umiyak sa harap niya.

He just shrugged. “Nakita kitang naglalakad.”

“Akala ko ba galit ka sa akin?”

Tumango siya. “Yeah...”

“E bakit ka nandito?”

Nagpatuloy lang siya sa pagsuswing habang ako naman, naghihintay sa sagot niya.
Ewan ko ba pero gusto kong marinig na galit sa akin si Gabe. Para mas lalo kong
maramdaman ‘yung mga desisyon ko sa buhay.

Nung mapagod na siya sa pagduyan, humarap siya sa akin at iniabot ‘yung panyo niya.
“Yeah, I’m mad but that doesn’t mean that I don’t care,” sabi niya at saka inilagay
sa loob ng palad ko ‘yung panyo niya nung hindi ko tinanggap. “You know what? You
can’t be mad at someone whom you don’t care about. Kung wala kang pakielam sa isang
tao, hindi ka magagalit dyan kasi kahit ano naman ang gawin niya, wala kang paki.”
I hugged myself when the wind brushed against my skin. Malapit na malapit na nga
talaga ang pasko. Ang lamig-lamig na ng simoy ng hangin.

“Mas okay na galit ka sa akin...” I whispered. “Mas lalo akong naguguilty kapag
mabait ka sa akin.”

Tumango siya at saka humarap sa akin. Nung humarap siya, pansin ko na may nagbago
kay Gabe. Ganun pa rin ang itsura niya pero may isang bagay na nagbago sa kanya.

He doesn’t smile the way he used to smile.

“That’s your problem, not mine,” he replied. “Your conscience is killing you but
mine isn’t. Wala naman kasi akong maling ginawa sa’yo. I just loved you.”

And that made me bit my lip to prevent another batch of fat tears from falling.
Ilang beses kaming nag-iwasan, ilang beses kaming nagsigawan. Ngayon lang kami nag-
usap nang matino ni Gabe. Halos mag-iisang buwan pa lang pala kaming break. Ang
bilis ng panahon.

“I’m sorry,” I answered. “Sorry, Gabe. Sobrang sorry. Kung pwedeng magsorry ako
sa’yo ng isang milyong beses, gagawin ko. Sobrang naguilty ako... Sorry dahil
sinagot kita kahit na alam ko na may feelings pa rin ako kay Theo. Alam ko naman
ang gago ko dahil pinaasa kita.”

Sumagot siya sa akin makalipas ang ilang segundo. Parang inipon niya lahat ng gusto
niyang sabihin sa akin.
“You know what’s the worst part?” he asked. “I still want you in my life despite
the fact that you’re just toying with me. Weird, noh?”

Gusto ko sanang hawakan ‘yung kamay niya at sabihin na wala naman akong balak na
paglaruan siya. He was a part of my life. Masaya ako nung nakasama ko siya noon...
It’s just that no matter how jerk of a guy Theo is, there’s something about him
that draws me in.

Kahit na ang labo-labo niya at palagi niya na lang akong pinapaiyak, at the end of
the day, bumabalik pa din ako doon sa sakit na ‘yun. It felt like I was attracted
to the pain.

“I’m sorry,” iyon lang ang nakayanan kong sabihin.

“Nah, I feel sorry for myself already, hindi mo na kailangang dumagdag,” saad niya.
Tumingin siya sa akin at saka pilit na ngumiti. “Why do girls always fall for the
jerks?”

Tumingin lang ako sa kanya at hindi sumagot. Hindi ko rin kasi alam kung paano ako
sasagot.

“And why did I fall for the girl who fell for the jerk?”

He stretched his limbs and then stared at the sky above us.

“I wish I could be a jerk but I can’t,” sabi niya. “I wish that I could push you
away like what Theo’s doing but I can’t. Every time I see you, naaalala ko na
prinsesa ka kaya dapat kitang ituring na prinsesa.”

Napangiti ako sa mga naririnig ko kay Gabe. Bakit ba hindi na lang siya? Mas masaya
sana. Mas madali sana.

Tumayo siya at inilahad ang kamay niya sa akin. “Tara, ihahatid kita sa inyo,” he
said pero umiling ako. Ayokong magkaroon na naman ng utang na loob sa kanya. Lubog
na lubog na ako.

“‘Wag na,” I replied.

“Malapit nang dumilim,” he stated.

“May bus naman.”

He sighed and looked at me straight. “Look, Kelly, I don’t want you back but I
can’t have you not to be in my life. Do you get me? I’m still not over you so
please, pabayaan mo akong magpakabaliw sa’yo hanggang sa isang araw, magsawa ako at
marealize na ang tanga-tanga ko na pala.”

Tumingin din ako sa kanya. “Paano ka makaka move on kung palagi mo akong makikita?”

“That’s my problem.”
“Ayokong mas masaktan ka. Makikita mo ako na hahabulin si Theo. Gusto mo ba ‘yun?”
I asked him. Sigurado ako na isang araw, magpapakatanga na naman ako at hahabulin
ko si Theo. I think humans are genetically wired to chase after those who are
hurting them.

He shook his head. “No.”

“Then distance, Gabe. At isa pa, hindi ba sa Amerika ka na mag-aaral? Makakalimutan


mo rin ako.”

Kumunot ang noo niya. “San ako mag-aaral?”

“Sa Amerika sabi ni Theo,” I replied. Sabi ni Theo noon, doon na daw siya mag-
aaral. Dahil doon, mas narealize ko na sobra ko palang nasaktan si Gabe.

He just scoffed and put his hands inside his pocket. “Tara na? Ihahatid na kita...”

“Gabe...” I said. “Huwag na nga kasi.”

“Kelly, please.”

Tumayo ako mula sa swing and hinarap siya. Ayoko ng ganito kasi. Mas mahihirapan
lang siyang kalimutan ako at ako, mas makokonsensya ako. Tuwing ganito na makikita
ko siya at sasabihin niya sa akin na mahal niya pa rin ako, mas lalo akong kinakain
ng konsensya ko.
“Gabe, look, ‘wag na kasing ipilit. Maybe we’re not built to become friends. ‘Wag
na, okay?” I tried to say as calmly as I could. Wala na rin kasi akong lakas para
makipagtalo sa kanya. All the crying I did for Theo drained my energy.

He looked at me. “Who says friends?”

Hindi ako nagsalita. Pakiramdam ko kahit ano ang lumabas sa bibig ko, no matter how
reasonable I try to sound, wala ring magagawa. He was fixated with the idea of
having me in his life. Masokista ba siya? Bakit gusto niya na masaktan?

He said it himself. Alam niya na makikita niya ako na paulit-ulit na magpapakatanga


kay Theo pero gusto niya pa rin akong makasama. Bakit ba siya ganito? Bakit gusto
niyang makita na naghahabol ako sa ibang tao... Hindi ba niya alam na pati ako
masasaktan dahil alam ko na nasasaktan siya?

“I don’t wanna be your friend, Kelly. We can never be just friends.”

Gusto kong mapasabunot sa ulo ko. Bakit ba niya ako ginugulo!

“I’ll stand by your side, papanoorin kang magpakatanga kay Theo, papanoorin kang
masaktan paulit ulit.”

I sneered. “Ang what will you get in return? Satisfaction na nakikita ako na
nasaktan? Iyon ba ang kabayaran kita sa tingin mo pinaglaruan lang kita?” I said,
not believing what I was hearing from myself.
“No.”

“Then what?! Ang gulo mo!”

“I’ll help you get what you want. Si Theo ba? I’ll give it to you.”

Gusto kong sabunutan ang sarili ko. Hindi ko siya maintindihan! Ano ba ang punto ng
pag-uusap namin?!

“What?!” I shouted.

He cocked his head. “I’ll help you have him because you know what? One day, you’ll
get tired of his shits.”

And he stopped for a moment.

“One day, you’ll realize that loving the good guy is better than crying over and
over because of the bad guy.”

=================
Chapter 43: Girlfriend Over Cousin

#HTSTBB Chapter 43

Pakiramdam ko hindi ko na kilala ‘yung Gabe na kasama ko. Sure, in some ways he
acted like he was the same old Gabe but I knew better. Mayroong nag-iba sa kanya
pero hindi ko matukoy kung ano iyon. Hindi naman ako pwedeng magreklamo dahil as
far as I was concerned, he was one of the few people who was willing to lend an
ear.

I still couldn’t find it in me na kausapin si Theo. I knew I love the guy but I
still have my pride. Ni hindi ko kayang sabihin ‘yung pangalan niya na hindi ako
naaasar. Alam ko matino akong babae dati pero pinagtulakan niya ako hanggang sa
mapunta ako sa sitwasyon na ‘to tapos ano ang sasabihin niya sa akin? Na hindi na
niya ako gusto dahil iba na ako sa dating Kelly na nakilala niya?!

Was he freaking insane?!

And Monique. God, hindi ko na alam kung paano ako gagalaw. She would send a text at
ako, hindi ko alam kung saan ako lulugar. Dapat ba huwag ko na lang siyang pansnin
hanggang sa mapansin niya na may mali? She wasn’t dense not to notice that
something was wrong... Or Theo was just too damn good at lying.

Either way, all was lost.


Hindi ako makapagfocus sa mga bagay na dapat kong gawin.

Kahit hindi sabihin sa akin ni Danielle, alam ko na sobrang sama na ng tingin sa


akin ng mga orgmates nila. Siguro naniwala sila sa mga sinasabi ni Jen tungkol sa
akin. Na malandi ako, na mang-aagaw ako, na sinira ko ang relasyon nina Monique at
Theo. Alam ko na ang normal na reaksyon ay ang magalit pero hindi ko magawa. Parang
sawa na akong magalit. Gusto ko na munang manahimik.

I wanted to stay still and let all these emotions bottle up inside me until I self-
combust.

“Ano ‘yan?” I asked Gabe.

Nandito kami ngayon sa mall malapit sa bus terminal. Mula kanina sa park kung saan
niya ako kinausap, dinala niya ako dito. Akala ko papakainin niya lang ako pero
binilhan niya pa ako ng damit dahil daw baka magkasakit ako.

He couldn’t really be a jerk. Deep inside, Gabe will always be Gabe. He would
always care.

“Invite.”

I raised my brow.

Inilapag niya iyong kakakuha niya pa lang na kape mula sa barista at saka naupo sa
harap ko. “Before you dumped me, sinabi ko sa’yo na magkaka party sa December, ‘di
ba?” he asked and I provided a nod. “This is the invite for that party.”

Kumunot ang noo ko. Hindi ko maintindihan kung bakit niya ibinibigay sa akin ‘to.
Sinabi niya na imbitado ako sa party pero noong kami pa ‘yon... Marami nang
nagbago.

“You’re invited,” he said.

“Bakit?”

He shrugged. “My mom likes you.”

Mas lalong nalukot ang noo ko. Paano niya akong magugustuhan? I hurt his son. I
made him cry.

It was as if Gabe can read my mind because he said, “My mom doesn’t know about the
dumping.” Iniabot niya ‘yung kape at saka dahan-dahang humigop. “As far as she’s
concerned, we’re still together.”

Napaawang ang bibig ko sa narinig ko mula kay Gabe. So, hindi pa alam ng Mama niya
na hiwalay na kami? At gusto niya pa na pumunta ako sa party? Nababaliw na ba
siya?!

“Ano?” I said incredulously. Gusto kong mapahilamos ng mukha. Ineexpect niya ba na


magsisinungaling ako sa harap ng nanay niya?! I have had enough lies to last a
lifetime!
Sumandal siya at saka tinignan ako. “Sasabihin ko naman...” he began. “But for now,
let’s just let them think that we’re together. Besides, gusto mong makuha si Theo,
‘di ba?”

I still couldn’t believe what I was seeing and hearing. Seryoso ba siya sa sinabi
niya na tutulungan niya ako na makuha si Theo? Pinsan niya si Monique, for heaven’s
sake! Mas pipiliin niya ako kaysa sa pinsan niya? Ganito ba siya kabaliw sa akin?
Na kaya niyang gaguhin at paiyakin ‘yung pinsan niya para lang makuha ‘yung gusto
ko?

Napailing ako.

“Nababaliw ka na,” I said.

“Baliw ka rin naman kay Theo. We’re meant to be,” sagot niya sa akin.

I sighed. I was right; he changed. He wasn’t the same Gabe.

Ilang linggo ko lang siyang hindi nakita but it felt like a lifetime had passed.
Maybe it’s true that pain can change someone drastically.

“Tumigil ka nga, Gabe. Pinsan mo si Monique. Huwag kang gumawa ng bagay na


makakasira sa inyong dalawa,” I said. Kung gusto ko mang kunin si Theo, gagawin ko
‘yun mag-isa. Ayoko na dahil sa akin masira din si Monique at Gabe. I’ve had my
fair share of relationship I broke. Tama na muna. Quota na ako.
Humingto siya ng ilang segundo. Umasa ako na kahit papaano ay naintindihan niya
ako. But I was wrong.

“Theo doesn’t deserve you and Monique. Nakikita mo ba kung gaano siya kagago? Sa
tingin mo papayag ako na mapunta ka sa kanya o si Monique?” he said. “I’ll let you
have him because I’m certain that you’ll get tired of him one day.”

Sa pagsabi niya, napagtanto ko na seryoso siya. He was determined to help me get


Theo and to break Theo and Monique apart.

Hindi na ako sumagot pa dahil pakiramdam ko, wala rin namang silbi. His mind was
closed. Any attempt to reason would be useless.

And I was tired.

Tough times do not last but tough people do. This, too, shall pass.

I wanted to rest and regain my energy. I still have to get Theo from his
girlfriend.

--

Two days have passed. Christmas had passed. There was nothing festive about the
day.
Umalis sina Ate papunta kina Lola at nagpaiwan na lang ako dahil tinatamad akong
bumyahe papuntang Nueva. Nagvolunteer ako na magbabantay ng bahay dahil bukas pa
naman babalik sila.

Natapos ko nang basahin ‘yung mga notes ko from last sem sa mga prereq subject para
makapagrefresh ako para sa mga kukunin kong course this sem. Mabuti na lang at
kukuha na ako ng major subject at para naman maging busy ako.

I still hadn’t do anything para kontakin si Theo. May pride naman ako kahit
papaano. Ayokong magmakaawa. I’ll get him without lowering my pride. At hindi
umiiyak. I vow to never cry for the same old reason.

Kasalukuyan akong nanonood ng TV ng may marinig akong katok mula sa pinto. Dahil
hindi naman uso dito sa probinsya ang masasamang tao na mananaksak na lang bigla,
agad akong tumayo. Binuksan ko ‘yung pinto at bumungad sa akin ang mukha ni Gabe.

“Gabe?” I asked, weirded out.

Hindi siya sumagot sa akin dahil pumasok siya sa loob ng bahay. May dala-dala
siyang kahon at saka iniabot niya sa akin.

“Ano ‘to?” I asked, still bewildered.

Diretso siya hanggang sa makarating siya sa salas. Naupo siya doon sa may sofa at
saka pinagkrus pa ‘yung binti niya. Prente siyang nakaupo habang nakatingin sa
akin. “Naipagpaalam na kita sa mama mo,” he said.
Kumunot na naman ang noo ko. “Ha?”

He showed me his phone. “I called her.”

“May number ka ng Nay ko?”

He nodded. “Yeah, we’re textmates,” sagot niya. “But anyway, magbihis ka na.”

“Ano? Ipaliwanag mo nga! Naguguluhan ako!”

Inirapan niya lang ako. “Mamaya na ‘yung party. Iyang box sa kamay mo iyong
susuotin mo. Do I need to spell out everything?”

I rolled my eyes equally. Binuksan ko ‘yung box at tumambad sa akin ang kulay
champagne na long dress. Napaawang ang bibig ko dahil sa ganda nung damit.

“You like it?”

I slowly nodded.
He looked pleased with himself. “Thought so. Do I have better taste than Theo? Mas
gusto mo ba ‘yan kaysa sa mga binibigay niyang damit sa’yo?”

Dahil sa sinabi niya, nabawasan iyong saya ko. Hanggang ngayon ba


nakikipagkumpitensya pa rin siya kay Theo?

I frowned at him.

“What? Just asking,” he rebutted.

“Stop,” sabi ko. “Tapos na tayo, ‘di ba?”

He nodded. “But I also told you, I’m not yet done with you.”

Napailing na lang ako. Hindi na kami nakaalis sa usapang ‘to.

Makalipas ang ilang sandali, iniwan ko na siya doon na nanonood ng balita. Ayaw
niya kasing manood ng teledrama sa TV. Naiirita daw siya sa mga palabas. Sabagay,
ako rin naman. Kasi naman bakit ang mga palabas kalahating baboy-ramo, kalahating
palaka, kalahating kung anu-ano. Wala na bang ibang maipalabas?

Kinuha ko ‘yung gagamitin ko at inilagay sa isang bag. Pagkatapos, naupo muna ako.
Makikita ko na naman mamaya si Theo, sinabi sa akin ni Gabe iyon... Pero ang
tanong, okay na ba ako?
Kahit ano namag pagdeny ang gawin ko, hindi ko maitatanggi na nasaktan talaga ako.
I went there and placed my bet on him, on the promises he gave me... but what did I
get? Outright rejection.

But he’s Theo...

He didn’t know what he wants. King of indecisive.

Alam ko na gusto niya ako. He told me so. Naguguluhan lang siya. I’ll make him
realize why he wanted to be with me instead of Monique in the first place.

Minutes after, I was ready to go. Itinext ko muna si Nay at hindi nga
nagsisinungaling si Gabe nung sinabi niya na ipinagpaalam niya ako... Kaya naman
pala okay na okay lang kay Nay nung hindi ako sumama sa Nueva. Tsk. Mas
kinakampihan niya pa si Gabe ngayon.

Dahil ba hindi siya boto kay Theo? Ay ewan.

“What’s your plan?” he asked me nung nasa NLEX na kami.

“Ha?”

“How to get Theo? Ano’ng plano mo?”


Hindi ko alam dahil hindi ko naman iniisip iyon. Kailangan ko bang magplano?

“Wala akong plano,” I replied. “Ayokong magplano.”

He continued driving but I can tell that he wasn’t even near on letting this matter
rest. Ilang minuto lang ang lumipas nung bumalik kami sa usapan. “Wala kang plano?”

I nodded. “Yes, wala akong plano. Mahirap bang paniwalaan?”

I was satisfied when he didn’t answer. For once, nagkaroon din ng katahimikan.

We arrived in his place early that evening at hindi pa nagsisimula ang party. He
wasn’t kidding when he said that this was a party—a formal party. May mga sasakyan
sa labas at maraming waiter at waitresses ang nagkalat sa loob. Totoo palang may
annual reunion sila at umuuwi lahat ng mga Aldea mula sa iba’t-ibang bansa.

Inihatid ako ni Gabe doon sa kwarto na tinulugan ko dati para makapagbihis. Sandali
lang ako nagbihis at lumabas agad ako para hanapin si Gabe. Bumaba ako at ang
daming tao. Medyo nahirapan akong hanapin si Gabe pero nakita ko siya na kausap ang
Mama niya.

Nahihiya akong lumapit at hihintayin ko na lang sana na matapos siyang kausapin ang
Mama niya pero nakita niya ako agad.
“Kelly!” His mom said in recognition. “You look really good in that dress,” she
commented.

I smiled at her remark. “Salamat po...”

She chatted with me for a while bago niya kami iniwan para kausapin ‘yung Auntie ni
Gabe.

“Ang bait talaga ng mama mo...” I couldn’t help but comment.

Gabe nodded. “Yeah... she really likes you.”

Hindi ako makatingin sa kanya. Alam ko naman kung ano ang ipinapahiwatig niya. If
only I would be with him, things will be easy... But it doesn’t work like that.
When you want someone, you want someone. Damn all the diversion, I’m gonna get that
guy.

Nung may dumaan na waiter na may dalang champagne, kumuha siya at iniabot sa akin.

“Drink. You will need that.”

Kumunot ang noo ko pero ang ginawa niya lang ay iginiya ang baso sa labi ko at
pinainom ako.
“Drink up, Kelly. You’re going to need all the Dutch courage you can get,” sabi
niya at saka inilagay ang kamay niya sa likod ko at saka dinala ako sa banda kung
saan nag-uusap sina Theo, Monique, James, at dalawang babae.

Awtomatikong nanigas ako pagkakita ko kay Monique. Ito na ba ang tinatawag nilang
Guilty Conscience’s Reflex?

“Hey, Gabe,” the girl chirped. “Who’s she?”

Mas humigpit ang hawak ni Gabe sa bewang ko. “Hey, Cassandra. She’s Kelly, my
girlfriend,” sabi niya at saka hinalikan ang gilid ng ulo ko. “Smile, Kelly. The
show’s about to begin,” bulong niya sa akin.

Hindi ko maintindihan kung ano ang gusto niyang ipahiwatig.

Nakatayo ako doon habang pinakinggan silang mag-usap. Unang umalis si James dahil
may kakausapin siya, sumunod naman sina Cass at Trisha. Naiwan kaming apart nina
Theo, Monique, at Gabe.

Sa kalagitnaan ng usapan, biglang nagsalita si Gabe.

“Monique, I remember that Mom was asking for you.”

“Really?”
Tumango si Gabe. “Yeah, she was looking for you earlier, nalimutan ko lang sabihin.
I’ll go with you.”

Monique nodded and then stood up and kissed Theo on the cheek. “I’ll just look for
Auntie, They,” sabi niya at saka nagsimula na siyang maglakad. Gabe also stood up
and then he gave me a meaningful glance.

I looked at Theo. What now?

=================

Chapter 44: That Resounding Slap

#HTSTBB Chapter 44

I had a strange feeling about this. I mean, oo alam ko na gusto akong tulungan ni
Gabe na makuha si Theo—it sounded so silly in my ears yet not that I was alone and
face to face with Theo, I realized that these were all too real.

He was really intent on helping me steal his cousin’s boyfriend.

With Theo looking at me, I was suddenly lost for words. Parang noong isang araw
lang kabisado ko lahat ng sasabihin ko sa kanya, kung ano ‘yung mga bagay na
isisigaw ko sa harap niya. Pinagpraktisan ko pa lahat kung paano ko sasabihin pero
ngayon? Ngayon na heto na siya at nasa harap ko, bigla akong napipe.
Nakatitig lang ako sa kanya na parang tanga.

I missed that face. I missed him even though he was nothing but a jerk to me.

Bakit ba kasi may mga taong masokista? Bakit ba kasi may mga tao na kahit alam nila
na masakit na, na kahit ilang second chance ang ibigay nila ay wala pa rin silang
mapapala ay balik pa rin ng balik? Nakaka-adik ba talaga ang masaktan?

Tinignan ko siya ng huling beses bago ako nagbaba ng tingin.

“You’re back with Gabe?” he suddenly asked.

I was stunned at the question. He cares? Huh. The last time I checked, wala siyang
pakielam sa akin.

I rolled my eyes at him and then finished my glass of champagne. Mukhang napaparami
na yata ang inom ko nito, ah.

“Wag mo nga akong itulad sa’yo,” I snarked. “Hindi ako kagaya mo na pabago-bago ang
pag-iisip.”

From my peripheral vision, I swear I saw him sighed. Nakakapanibago si Theo. Palagi
na lang siyang nagbabago. Minsan mabait, minsan magulo, minsan malambing, minsan
walang pakielam. Nahihilo na ako. Hindi ko na alam kung ano ang paniniwalaan at
panghahawakan ko.
“What happened to you, Kelly?”

Napaawang ang bibig ko. Heto na naman siya, impying that I changed.

“You hurt me, you jerk!” pilinit ko na hinaan ang boses ko. Maraming tao sa paligid
at hindi ko gusto na mang-agaw ng atensyon. Puro Aldea ang mga tao rito at tiyak
ako na kapag nalaman nila na inaagaw ko ang boyfriend ni Monique, hindi na ako
makalalabas pa ng buhay.

Theo sighed and then held me by my arm. “Let’s talk outside,” sabi niya pa. Hindi
na ako nagpumiglas pa dahil gusto ko rin naman siyang makausap. Ang dami kong
gustong sabihin, ang dami kong gustong linawin. Ano ba talaga ang nangyari? Parang
noong nasa Tagaytay kami ang saya-saya namin pero biglang isang iglap, nawala ang
lahat.

Pakiramdam ko tuloy nanaghinip lang ako.

Habang dinadala ako ni Theo paalis sa mismong pinagdadausan ng party, nakita ko na


nakatingin sa akin si Gabe. Hindi siya nagsasalita, wala siyang ginagawa,
nakatingin lang siya sa akin. Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko para sa
kanya. Gusto ko na kalimutan niya na lang ako dahil iyon ang tama pero hindi ko
naman hawak ang pag-iisip niya.

Ang sabi niya kusa niya daw akong malilimutan... Pero paano niya magagawa iyon kung
ako ang lagi niyang kasama?

I timidly smiled at him and let myself into whatever awaits me.
Ilang segundo pa ang nakalipas ng makarating kami sa likurang parte ng bahay nila
Gabe.

“Nasan tayo?” I asked.

“I don’t know,” he said.

Hindi na lang ako nagkumento pa. Gusto ko lang makausap si Theo, tanungin siya kung
ano ang nangyari. I was sure he has feelings for me... He wouldn’t go through all
the trouble kung pinaglalaruan niya lang ako, hindi ba?

“Theo,” I began. “Theo, akala ko ba mahal mo ako?”

My heart was beating wildly against my chest. Kinakabahan ako sa maaari niyang
isagot. Palagi namang ganito kapag siya ang kasama ko, hindi ko alam kung ano ang
mangyayari.

Siguro isa na rin ‘to sa dahilan kung bakit gusto ko si Theo. Nakakakaba,
nakakaexcite, palagi akong nag-aabang kung ano ang susunod o pwedeng mangyari. I
guess I wasn’t tailored for consistency.

“I am in love with you,” he said kaya naman nabuhayan ako ng pag-asa.


“Pero ano ang nangyari?”

While I was waiting for his answer, I couldn’t help but feel scared. Alam ko na
maraming issue si Theo sa buhay. Mga bagay na wala akong alam o kaya naman ay hindi
niya kayang sabihin. Gusto kong malaman pero alam ko naman na hindi pa ito ang
tamang panahon... Pero natatakot lang kasi ako na baka ito ang dahilan kung bakit
palagi na lang magulo... Dahil hindi ko siya maintindihan.

If only he would open himself up to me things would be so much better.

“I don’t know,” sagot niya. “Palagi mo akong pinipilit na iwanan si Monique.”

“Because you promised me!” I shouted.

Mabuti na lang at walang tao. Ngayon, gusto kong ilabas lahat ng frustration na
nararamdaman ko para kay Theo. Inis na inis ako. Asar na asar ako. Lahat ng naipon,
gusto kong ilabas ngayon.

“Alam ko,” he said and sighed. “But it’s not easy.”

“Nothing’s easy, Theo. Lahat ng bagay, mahirap. Pero kung palagi kang may dahilan
para hindi gawin, ano pa ang saysay ng buhay?”

Naghintay ako ng sagot pero wala akong nakuha mula sa kanya. Gusto kong mapasabunot
sa sarili ko dahil sa inis.
“Sa tingin mo ba madaling saktan si Gabe?” I asked him. “Hindi, Theo. Hindi
madaling saktan ‘yung tao na nagpapahalaga sa ‘yo,” pagpapatuloy ko. Hindi ko alam
pero biglang may tumulong luha galing sa mata ko. Akala ko matagal na akong tapos
sa pag-iyak pero mali pala ako. Pagdating kay Theo, hindi ko alam kung hanggang
kailan ko kayang masaktan.

“Alam ko na mas masasaktan ako kapag sinaktan ko si Gabe pero ginawa ko pa rin.
Bakit? Kasi gusto kita,” sabi ko.

I took a step forward and held his face.

“Alam ko na hindi mo gustong saktan si Monique pero paano naman ako, Theo? Mas okay
ba na ako na lang ‘yung masaktan?”

I was determined to make sense to him. Hindi ako titigil hanggang hindi niya ako
naiintindihan.

“Theo...”

He was intently looking at me. “Please stop crying,” sabi niya. “You’re always
crying because of me. Stop it.”

Hindi ko pinunasan ang luha ko. I just continued caressing his face. Damn I missed
him. I missed him kahit puro pag-iyak lang naman ang ginagawa niya sa akin.
“I’ll stop crying if you tell me why. Bakit bigla ka na lang nagbago ng isip,
Theo?”

Ilang sandali ang lumipas bago siya nagsalita. Inialis niya ang kamay ko sa mukha
niya at saka hinawakan ang kamay ko. It felt so nice being held like this by him.

“I don’t know how to break up with Monique,” sabi niya. “I want to but I can’t.
She’s been with me since then, she put up with all of my issues. I know my reason
sounds stupid but it’s the truth, Kelly. I have no idea how to leave her. Not after
all that we’ve been through.”

It hurts hearing how much memories they have together. Alam ko na doon pa lang,
wala na akong laban.

“We can make our own memories, Theo. I can put up with all of your issues.
Magtiwala ka naman sa akin,” I pleaded.

He gave out a small smile.

“I know,” sagot niya.

Mas hinigpitan ko ang hawak sa kamay niya. Alam ko na may pag-asa pa. I can
convince him to be with me instead of her.

“Then be with me.”


He stared at me with those set of dark orbs. I wanted to get lost in the moment but
I had to remind myself that I have to get him. I have to get him from Monique
tonight. Ayoko na mas pahabain pa ‘to. Ayoko na mas maraming masaktan. Alam ko na
masasaktan ko si Gabe at si Monique. Mas mabuti na ngayon na para hindi na tumagal
pa.

“I can’t.”

I held on tighter.

“It’s either she gets hurt or I get hurt. Theo, may masasaktan at masasaktan. Hindi
mo kayang pigilan ‘yun.”

Hindi siya sumagot. Alam ko kung ano ang pumipigil sa kanya.

Iniabot ko ang kamay niya at saka hinila siya palabas kung ano’ng lugar man ‘to na
pinagdalhan niya. Nung nasa labas na kami, hindi ako nangimi na bitiwan ang kamay
niya. Nanlamig ang buo kong pagkatao pagkatapak namin sa labas... Alam ko na kilala
nila ako biglang girlfriend ni Gabe at si Theo naman bilang boyfriend ni Monique.
Parang tatalon ang puso ko palabas ng dibdib ko sa tuwing may makakasalubong kaming
mga tao.

Nakita ko si Gabe at Monique na nakatayo sa may gilid ng pool. Huminga ako ng


malalim.

“Kung hindi mo kaya, ako ang gagawa,” sabi ko kay Theo.


Biglang nanlaki ang mata niya pero huli na ang lahat. Natawag ko na ang pangalan ni
Monique.

“Why?” she asked. Nakangiti siya sa akin at unti-unting tumaas ang kilay niya noong
nakita niya ang magkahawak na kamay namin ni Theo. “Why are you two holding hands?”

Akala ko magiging madali lang ang lahat. Akala ko magiging madali lang na sabihin
kay Monique na ako ang mahal ng boyfriend niya.

“Monique...” I began.

I could see how her smile slowly faded. It was as if she knew what was coming.

“What the hell is happening?” her voice rose.

Ipinikit ko ang mata ko at saka huminga ng malalim. This was the moment I have been
dreading.

“We’re together.”

Nakita ko kung paano nanlaki ang mata ni Monique at kung paano nabagsak ang basong
hawak niya.
Biglang lumuwag ang pagkakahawak ni Theo sa kamay ko kaya naman mas hinigpitan ko
ang kapit. I’ve come this far; there’s no room for backing down.

“What?” sabi niya habang nanginginig ang labi niya. Maybe it felt all too sudden
for her... But for me, I have been waiting for this moment all along. Not this with
all the drama; just this part where Theo will be finally mine.

Hindi ko alam kung kaya ko pang ulitin kung anuman ang sinabi ko.

“Kami ni Theo,” I said. “One month na kami,” I lied.

It took less than a second before a resounding slap was heard.

“Monique!” I heard Gabe saying. Hinatak niya si Monique palayo sa akin habang
nakahawak ako sa pisngi ko. Pakiramdam ko nagpantig ang pandinig ko sa lakas ng
sampal niya sa akin. That was a well-deserved slap.

“Bitiwan mo ako!” Monique hissed. “Ano ang sinasabi niya?! How could she be with
Theo? She’s your girlfriend!” she asked Gabe, looking so desperate to confirm that
all of there were but lies.

Napatingin ako kay Theo. Kitang-kita ko na nahihirapan siya para kay Monique.
Nasasaktan ako. Hindi ba niya nakita na sinampal ako ni Monique? Hindi ba siya
nasasaktan para sa akin?
“Calm down! Stop shouting, damn it!” sabi ni Gabe noong pilit hinahablot ni Monique
ang buhok ko.

“Let go of me!” she shouted habang nagpupumiglas. “Theo! What the hell is she
talking about?!”

Ni hindi makasagot si Theo kay Monique. And that confirmed her worst nightmare.
Bumaling siya sa akin at saka dinuro ako.

“I trusted you!” she said to me and then charged at me. Walang nakakakita o
nakakarinig sa amin dahil nasa labas kami.

Tama nga si Theo. It was hard telling her. But this needed to be done. Ayokong
mabuhay sa kasinungalingan. No matter how cold of a truth this was, she needed to
hear it.

“Monique, I’m sorry...” I said.

Pinabayaan ko siya na kalmutin ako, na saktan ako. She was outraged. Kung ako man
siguro ang nasa posisyon niya, magagalit ako. But I wasn’t. The only thing I could
give to her was this. The satisfaction of physically hurting me.

I looked at Theo and Gabe and pleaded them to let her pull my hair. Kahit dito man
lang...
“Kailan pa?” sabi niya nung mapagod siya na saktan ako. She was breathing raggedly.

“Hindi ko alam...” I said.

“Fuck,” she whispered. “Siguro mukha akong tanga. You all were playing and I was
the naive one. I’m so stupid.”

Nagpunas siya ng luha at saka sinampal ako. “That was for stealing my boyfriend,”
sabi niya at saka sinampal ulit ako. “That was for betraying my trust.” Isa pang
sampal. Hindi pa siya nakuntento at itinulak niya ako sa pool. “Please do me a
favor and drown yourself,” she icily said.

Lumapit siya kay Theo at saka ito sinampal. She was looking intently at him and
then he said, “I’m sorry.”

Pagkasabi na pagkasabi ni Theo non, natahimik si Monique. A tear fell from her eye.

“All I ever did is understand you, Theo. Ang sama-sama mo,” sabi niya at saka
umiyak. Nilapitan siya ni Gabe at saka hinawakan sa braso para dalhin papalayo sa
amin.

Gusto kong maawa kay Monique pero naaawa din ako sa sarili ko. Kung hindi niya
deserve na masaktan, ako ba deserving na masaktan? Pareho lang naman kaming
nagmahal...
Tumingin siya sa kanya. “Do you know about all these?” her voice croaked. Tumingin
siya kay Gabe.

Hindi sumagot si Gabe.

“I’m your cousin, Gabe. I’m your family...” she said and then let out a mocking
laugh. “I can’t believe it. I hope all of you die.”

She said and then she left us three.

=================

Chapter 45: Wild Heart

 #HTSTBB Chapter 45

I was soaking in the pool.

Iniwan kami ni Gabe para habulin si Monique. God, she was crying so hard na
pakiramdam ko sobrang sama kong tao. Masama na ba ako dahil ayaw ko rin lang naman
na masaktan? Parehas lang naman kami ni Monique na pinaglaruan ni Theo pero bakit
ang pakiramdam ko, ako lang ‘yung masama?

After a second, saka lang napagtanto ni Theo na nahulog ako sa pool. Tinulungan
niya ako na makaakyat at saka hinubad niya iyong suot niya na coat at ipinatong sa
balikat ko.

No one was talking. It was as if what happened earlier was a taboo—a topic that
should be avoided at all cost.

Inalalayan niya ako papasok ng bahay nina Gabe at nung may dumaan na server, agad
siyang nagrequest ng tuwalya para sa akin. Mabuti na lang at hindi na nagtanong pa
ang maid kung bakit ako mukhang sisiw na basang-basa sa tubig.

Good thing no one was around because I had no idea how to explain myself. Lahat ng
tao sa bahay na ito ay kapamilya ni Monique kaya naman hindi na ako magtataka na
kung sa oras na malaman nila kung ano ang nangyari, hindi na ako makakalabas pa ng
buhay. Ako naman ang may kasalanan. Alam ko naman. Pero mas gugustuhin ba nila na
maglokohan na lang kami habang buhay?

It would all boil down to someone getting hurt. Masama ba ako dahil mas ginusto ko
na matapos na kaysa pahabain pa?

“Theo,” I called his name because it was like he was in trance. Nakatayo siya sa
tabi ko pero parang wala siya.

Nung tawagin ko ang pangalan ko, napatingin siya sa akin.

“Theo, hindi mo naman na ako iiwan, ‘di ba?” I asked, just to be sure. Knowing
Theo, hindi malabo na magbago na naman ang isip niya. I hated how he was so unsure
of everything. Pakiramdam ko biglang isang araw, mawawala na lang siya bigla. He
was the only thing in my life that was uncertain. Palagi na lang may pagdududa at
pangamba.
He looked at me and I couldn’t read what was on his mind. And I was scared because
of that.

“I need to talk to Monique,” sabi niya sa akin.

Hindi ako makasagot. Ano ba ang dapat kong sabihin? Na huwag kasi baka magbago na
naman ang isip mo? O sige pero siguraduhin mo na sa akin pa rin ang balik mo?
Nakakainis na wala akong pinanghahawakan sa amin ni Theo.

“Theo naman...”

He looked at me straight and said, “I need to talk to her.”

Hinawakan ko ang braso niya. “And I need you here. Theo, hindi madali ‘yung ginawa
ko kanina. I just hurt someone deliberately! Please naman ‘wag mo akong iwanan,” I
begged.

Hindi ko yata kakayanin kung sa kabila ng lahat ng ginawa ko, sa lahat ng taong
sinaktan ko, hindi ko pa rin makukuha si Theo. It was like placing your bet on
something and ending up with nothing. Ang sakit. Sobra.

Slowly, he removed my grasp and enclosed my hands inside his. Suddenly, I felt
safe.

“Alam ko,” he said. “I’ll get you clean clothes and then stay inside my car.
Kakausapin ko lang si Monique. Wait for me.”

I had no time to react because he kissed my forehead and then I just stared at his
retreating back.

Ilang minuto ang lumipas nung may dumating na maid na may dalang tuwalya at damit.
Ayokong isipin na si Monique ang may-ari nito dahil baka mas piliin ko na lang na
magkaroon ng sakit kaysa suotin. Sobrang naguguilty ako sa nagawa ko. Normal naman
iyon, hindi ba? Mas magtataka ako kung ni hindi man lang sumama ang pakiramdam ko
sa ginawa ko.

“Hey.”

Lumingon ako sa likuran ko at nakita ko si Gabe na nakasandal sa may gilid ng


pintuan. His left cheek was red. Mukhang sinampal na naman siya ni Monique.

“I’m sorry,” bulong ko.

“Magpalit ka na,” he said instead. “Magkakasakit ka niyan.”

Napakagat ako sa labi ko at naramdaman ko na maluluha ako. What did I do to deserve


this guy? Bakit ba ang bait niya sa akin? Sigurado naman ako na mas maraming babae
na karapat-dapat niyang mahalin. Bakit ako pa?

“Gabe, sorry talaga...”


Nagbuntong hininga siya at inilagay ‘yung mga kamay niya sa loob ng bulsa niya.

“We’ll talk later, okay? For now, magbihis ka na. Basang-basa ka,” sabi niya.

Hindi na ako sumagot pa at nagpunta na ako sa loob ng banyo. Hirap na hirap akong
alisin ‘yung damit ko at nilalamig ako. Medyo nagtagal ako sa loob dahil naligo
ako. Makalipas ang ilang oras ay lumabas na ako at nakita ko si Gabe na nakatayo pa
rin at hinihintay ako.

“Sorry, medyo natagalan,” I said.

He just nodded and then got the towel from my hand and helped me dry my hair.
Nakatingin lang ako sa mukha niya habang ginagawa niya ‘yun. Sobrang swerte ko
dahil mahal ako ni Gabe. I wasn’t deserving yet he chose to stay. Siguro ay isa
akong santo nung nakaraang buhay ko kaya ganito ako ka-swerte ngayon.

Ilang segundo rin ang lumipas bago siya natapos sa pagpapatuyo sa buhok ko.
Inilagay niya iyong tuwalya sa may upuan at saka dinala ako sa labas ng bahay.
Maaga pa at rinig na rinig ko ang kasiyahan sa loob ng bahay nila. Nagtataka at
kinakabahan ako dahil wala pa rin si Theo... Ano kaya ang pinag-usapan nila?

“G-Gabe...”

Hindi niya ako nilingon at patuloy lang siya sa paglalakad.


“Gabe, nakita mo si Theo?” I just had to ask him. Ayokong mapunta sa wala lahat ng
ginawa ko. I came this far, I have hurt too many people. Hindi pwedeng mabaliwala
ang lahat.

Nakarating kami sa isang sasakyan.

“Yeah. Kausap niya si Monique.”

And then, my heart sank.

It was like he could read what’s in my mind. Sinabi niya na, “Don’t worry, hindi na
sila magkakaayos.”

Tumingin ako sa kanya. Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko. Masasaktan ba
ako o maaawa para kay Gabe? Alam ko na masakit sa kanya na saktan ‘yung pinsan niya
para sa akin.

“Gabe, sorry... Magpaliwanag ka kay Monique; sabihin mo na wala kang alam, na


pinilit lang kita. Gabe, hindi ko mapapatawad ‘yung sarili ko kapag nagalit siya sa
‘yo. Magpinsan kayo, e...” I explained myself.

Sumandal siya sa sasakyan at saka bumuntong-hininga.

Sana matapos na ang Christmas break. Mababaliw na yata ako. Gusto ko nang bumalik
sa pag-aaral. Mas gusto kong malunod sa dami ng ginagawa sa eskwelahan kaysa sa
ganito. Pakiramdam ko konti na lang pipitik na ‘yung katinuan ko.
“Kelly, do you know how true love only comes once in a lifetime?” bigla niyang
tanong sa akin. Napatingin na lang ako sa kanya dahil hindi ko alam kung ano ang
isasagot ko.

“Monique is family. One day, she’ll understand why I did what I did... but you,”
sabi niya at saka tumingin nang diretso sa mata ko. “You’re my once in a lifetime.”

His every word was sharp like knife. Kahit na hindi naman ako dapat masaktan,
nasasaktan ako. It was so unfair how I was continuously hurting the person who did
nothing but love me. Ang daya-daya.

Hindi ako nakasagot.

I saw him gave out a small smile.

“Don’t blame yourself. Everything happens for a reason, Kelly. Don’t worry about
Monique, she’ll be fine. May makikilala rin siya na lalaking hindi siya
lolokohin...” he admonished. “Worry about yourself.”

Napatingin ako sa kanya. Hindi ko maintindihan.

“Theo is not your ideal guy, Kelly. He’ll hurt you, make you cry, and break your
heart over and over again. Mas alalahanin mo ang sarili mo. You’re about to have
your heart pounded into pieces.”
Pagkatapos niyang sabihin iyon, hinubad niya iyong coat niya at ipinatong sa
balikat ko. Naupo kami sa may pinakamalapit na bench. Ang lamig ng hangin.

Gusto ko sanang magtanong kung ano na ang nangyari kay Monique pero wala naman
akong karapatan. Sobrang biglaan ng mga nangyari. Ni wala sa plano ko ang sabihin
sa kanya ngayong gabi. I was too selfish because I didn’t want to prolong my agony.

I was cruel. Monique was just telling me how she was so excited for this night.
Uuwi kasi ang mga magulang niya at ang mga Tito niya mula sa ibang bansa. She was
so beautiful in her midnight blue gown. She was so happy. And I ruined her night.

I was pretty sure she’d remember this night. The night she got her heart broken...
pero hindi lang naman siya. Lahat naman kami ay nasaktan then.

Lumalalim na ang gabi pero wala pa rin si Theo. Kinakabahan na talaga ako.

“Gabe, nasaan na ba si Theo?”

“Maybe he’s still with Mon,” sagot niya. “Pagod ka na ba?” he asked and I shook my
head.

Biglang kumalam ang tyan ko. Ni hindi pa kasi ako kumakain. Ang haba ng araw na
‘to. Parang kanina lang ay nasa bahay ako at sinundo ako ni Gabe. Ngayon, ang dami
kong sinirang bagay.
Napangiti si Gabe at saka ginulo ang buhok ko.

“Tsk. Nagugutom ka pala ni hindi mo man lang sinabi,” he said. “Tara, kain ka.”

Hinila niya ako patayo pero pinigilan ko siya. Natatakot ako na pumasok dahil baka
alam ng mga kamag-anak nila ang nangyari.

“Bakit?” he asked.

“Natatakot akong pumasok,” I answered truthfully.

He nodded and then said, “Alright. Wait for me, kukunin ko lang ‘yung susi ko sa
loob. Isip ka na kung saan mo gustong kumain, okay?” and then he sprinted back
inside.

Napaupo ulit ako nung umalis siya. Wala ako sa mood para mag-isip kung saan ko
gustong kumain. Kung pwede nga lang magpapahatid na lang ako sa Bulacan para
matapos na ‘tong araw na ‘to, e. Tuwi na lang nandito ako sa lugar na ‘to, ang
daming masamang bagay na nangyayari. Pakiramdam ko tuloy may sumpa.

May narinig ako na yapak mula sa gilid ko.

“Kahit sa Jollibee na—”


Napahinto ako sa sasabihin ko dahil si Theo ‘yung nasa gilid ko. Napatayo ako agad
dahil namumula iyong pisngi niya.

“Theo,” I said and then crossed the distance between us. Hinawakan ko iyong mukha
niya at napaigtad siya. His cheek was swollen. Damn it. He took a lot of hit from
Monique.

I saw him wince when I tried to touch his face.

“Naghintay ka ba ng matagal? Sorry, Monique was hysterical. I waited for her to


calm down.”

Gusto kong magtanong kung sino ba ang nakakaalam. If Monique was shouting, malamang
may mga nakakita at nakarinig. Iniisip ko pa lang, gusto nang tumalon ng puso ko
palabas ng dibdib ko.

Umiling na lang ako.

He pulled me into a hug and I could hear his heavy breathing.

“I’m so tired,” he said. Mas hinigpitan niya ang pagyakap sa akin.

Gumanti ako ng yakap nung makita ko si Gabe na naglalakad palapit. Huminto siya
nung makita niyang kayakap ko si Theo. It broke my heart how his face sank into
that sadness upon seeing us. His face was now devoid of any emotion.
Gusto ko man siyang puntahan, alam ko na mas kailangan ako ni Theo... Alam naman
siguro ni Gabe iyon...

We stayed like that for a while.

Nung matapos niya akong yakapin, pumasok kami sa sasakyan niya. Pinaalis niya ‘yung
driver niya at sinabi na aalis lang kami sandali. Walang nagsasalita sa aming
dalawa nung paandarin niya ‘yung sasakyan.

Akala ko lalayo kami pero nasa loob pa rin kami ng subdivision.

“Theo...” I said.

Tumingin siya sa akin.

He was staring at me. “I hope you’re worth it,” he whispered.

Kumirot ‘yung puso ko. He wasn’t sure about all of these... but I couldn’t ask for
more. I already asked too much from him. There was no way I was going to back down.

“I’m not Monique. Hindi ako sobrang ganda, hindi ako mayaman, hindi ako kasing
perpekto niya, wala akong masyadong alam sa nakaraan mo... Pero Theo, isa lang ang
sigurado ako... Mahal talaga kita.”

He stared at me and then in a blink of an eye, he cupped my face and then kissed
me.  My heart was beating so loudly inside my chest.

Maybe this was the reason why my heart was inside a cage—because my heart was wild.
And it’s wilder every time Theo would kiss me. Like this.

=================

Chapter 46: Normal Is Boring

 #HTSTBB Chapter 46

Dinala ako ni Theo sa bahay nila pagkatapos naming mag-usap. Sinabi ko na ihatid
niya na lang ako sa bus station para makauwi na ako pero sinabi niya na gabi na
raw. Napatingin ako sa oras at oo nga, pasado alas-dyes na rin pala. Kahit ihatid
niya ako wala na rin akong masasakyan...

Wala ang mama ni Theo. Hindi na rin ako nagtanong kung nasaan ito pero ayon sa
narinig ko na sinabi ng kasambahay nila, nasa ospital daw. Ngayon ko lang naalala
na may-ari nga pala ng ospital sila Theo.

“Coffee or tea?” tanong niya sa akin.

Napatingin ako sa kanya. Hindi ko alam kung bakit hindi ako makasagot. Ang simple
lang naman ng tanong niya sa akin, e.

He turned his gaze at the house-helper. “Hot choco. Tsaka pagkain na rin,” he said.
Tumingin siya sa akin at saka pinatayo ako. “Take a bath,” he continued.

“Nakaligo na ako.”

“You sure?”

I nodded.

Umalis muna siya papunta sa kwarto niya para makapagbihis. Iniwanan niya ako dito
mag-isa. Minsan naiisip ko kung hanggang kailan ko matatagalan si Theo. He’s not
exactly what people would call gentleman. I could count the times he was one. Pero
kaya ko naman siyang intindihin... He’s got issues. Sana naman tumagal ako. I
wouldn’t be able to accept losing him after all the hell I have been through.

Tahimik lang ako na naghihintay. Tinignan ko rin ang cellphone ko. Kanina ko pa
gustong itext si Gabe para humingi ng dispensa. He was there for me pero isang sabi
lang ni Theo, iniwan ko agad siya. I felt so bad.

Ilang minuto rin akong nakipagtitigan sa cellphone ko bago ako nakapagdesisyon.


Bahala na.

To: Gabriel Aldea


Sorry kung iniwan kita kanina... Thank you talaga, Gabe. Sobra.

And the moment I clicked send, itinago ko ang cellphone ko. Ayokong mabasa kung
anuman ang irereply niya... at ayoko rin na madisappoint kung hindi siya
magrereply.

A few moments later, Theo emerged. Nakapagpalit na siya ng puting t-shirt at cargo
shorts. Nilapitan niya ako at inabutan ng sweater.

“Your teeth are chattering,” sabi niya. “Pagkatapos mong kumain, akyat tayo sa
kwarto ko. I already adjusted the thermostat for you.”

And then, I realized why I stuck for too long. Theo has his ways of making me feel
loved. His own little ways.

Nung dumating ‘yung pagkain na pinaluto niya at saka ko naramdaman ang gutom. Akala
ko nalipasan na ako dahil sa sobrang kaba. Hanggang ngayon kasi parang may tambol
pa rin sa loob ng dibdib ko.

I was waiting for Theo to open up... gusto ko kasi na malaman kung ano ang pinag-
usapan nila ni Monique. He was gone for too long. Imposible naman na sa buong
panahon na ‘yun ay pinagsasampal lang siya ni Monique.

But I couldn’t exactly pry because that would be pushing my luck. Kung may isang
bagay man ako na natutunan kay Theo, iyon ay ang ‘wag siyang pilitin. He would tell
you things when he wants to. Pushing him to do so will only result to him pushing
you away.
Natuto na ako. When I asked him to leave Monique and he told me to wait for him,
sinabi ko na payag ako... but when I took the matter in my own hand, mas lalo lang
lumala. Kaya naman ngayon, magiging matyaga na lang ako. Pasasaan ba at malalaman
ko rin lahat ng tinatago ni Theo Henares.

Sabay kami na umakyat sa kwarto niya. Hindi na kami tinitignan ng mga kasambahay
gaya ng dati... Marahil dahil baka ilang beses na rin naman ako na nandito. Pero
siguro nagtataka pa rin sila kung ano ba ako ni Theo... Alam ko na alam naman nila
na si Monique ang girlfriend.

But they already broke up.

Does that mean na ako na ang girlfriend?

Nakapasok na kami sa loob at gumaan ang pakiramdam ko. Mainit kasi dito sa kwarto
niya kumpara sa labas na sobrang lamig. Inalis ko na iyong sweater na pinasuot niya
sa akin at saka naupo sa kwarto niya.

I looked around and then my eyes landed at the picture on his bedside table.

“Gaano nga kayo naging katagal ni Monique?” I probed.

“Three years and six months.”

Ang tagal pala talaga nila.


“First year high school pa lang si Monique kayo na?”

He nodded. Hindi na ako nakapagsalita. I felt so inadequate. Ang layo pa ng


tatakbuhin ko kung gugustuhin ko na mapantayan kung ano man ang pinagsamahan nila
ni Monique. She’s been with him since forever. Bata pa lang sila magkakilala na
sila... Ano naman ang laban ko ‘dun?

Nung mapansin niya na tahimik ako, hinatak niya iyong upuan at naupo sa harap ko.

“Why?” he asked. Napatingin ako sa kanya. Wala akong balak na sabihin kung anuman
ang nasa isip ko. “If it’s about Monique, wala na ‘yun, Kelly. What’s done is
done.”

I smiled bitterly. Naalala ko na naman ‘yung ‘I hope you’re worth it’ na sinabi
niya kanina. I sincerely do hope so. Sana ‘wag niyang biglang maisipan na iwanan
ako. Too many people have been hurt already. ‘Wag niya naman sana akong idagdag sa
listahan.

Pumunta siya sa may harapan ng ref niya sa kwarto.

“Do you want anything?” sabi niya.

Umiling ako. Siya naman, kumuha ng soft drinks. Naalala ko na naman na kaya siya
umiinom ng softdrinks ay para inisin ang mama niya. Baliw din ‘to minsan, e.
Pagkatapos niyang kunin ‘yung softdrink, umupo siya sa tabi ko. Kinuha niya iyong
remote at saka tabi kaming nakaupo at nakasandal sa bed frame.

“What do you want to watch?”

At nanood kami ng movie. Nagpakuha rin si Theo ng popcorn. Sa tagal naming


magkakilala, ngayon lang kami may ginawa na normal. Kapag kasi aalalahanin ko lahat
ng nangyari sa amin, baka puro problema at masamang alaala lang ang maalala ko.
Pero ngayon? Parang bigla akong nagkaroon ng pag-asa. Baka mayroon pang pag-asa na
maging normal kami ni Theo...

Nung matapos na ‘yung movie, napatingin siya sa akin. Sakto naman na nakatingin din
ako sa kanya at hindi ko mapigilan na mangiti. Kahit kasi kung tutuusin sobrang
pangit ng araw na ‘to, at least may isang magandang bagay na nangyari...

“Why are you smiling?” kunut-noo niyang tanong sa akin.

“Parang ang normal kasi...” I replied.

“Are you implying na abnormal tayo?” sabi niya. “And besides, so what if we’re not
normal? Normal is boring.”

“Baliw,” I answered. “Ang ibig kong sabihin, tignan mo, parang normal na couple—”
sabi ko pero napahinto ako. Hindi ko kasi alam kung kami na ba talaga. Ang hirap
naman kasing mag-assume lalo na dito kay Theo. Masyadong maraming gulo. King of
mixed signals. Proprietor ng push and pull movement.
“What?” sabi niya.

Umiling ako. “Wala,” sabi ko. ‘Di pa ako handa na tanungin siya ‘dun. One step at a
time lang muna, Kelly. Pasaan ba at maitatanong mo rin sa kanya iyan.

“What?” pirmi na tanong niya. “Kung may gusto kang itanong, itanong mo.”

Huminga ako nang malalim at saka inihanda ang sarili ko.

“Fine,” sabi ko. “Girlfriend mo na ba ako?”

Nakita ko kung paano nanliit ang mata niya at kumunot ang noo niya. So, tama nga
ako. Bakit pa kasi ako nagtanong. Knowing Theo, malamang hindi niya pa alam. Sana
pala naghintay na lang ako.

“Sorry. ‘Wag mo na palang sagutin,” pagbawi ko sa tanong ko at saka bumaba ng kama.


“Good night. Punta na ako sa guest room.”

Naglalakad pa lang ako paalis ng kwarto niya pero nahatak niya na ako agad pabalik
sa kama niya.

“What do you think?” he asked, I could feel his breath on my face. Ang lapit-lapit
niya na naman.
Hindi ako makapagconcentrate kapag ganyan na sobrang lapit niya sa akin.

“E-ewan ko. Kaya ko nga tinatanong, ‘di ba?” I gave him back his question. Sasagot
ulit sana siya nung magvibrate ang cellphone ko sa loob ng shorts ko. Kukunin ko
sana iyon pero laking gulat ko nang si Theo ang kumuha phone ko. “Ano ba naman!” I
said, nakakagulat kasi! Bigla niya na lang ipapasok ‘yung kamay niya sa bulsa ko!

Kumunot na naman ang noo niya.

“I know I’ve told you before to stop talking to Gabe,” sabi niya. Binalik niya sa
akin ‘yung phone. Hinahanap ko ‘yung bagong text pero wala akong makita. Pati
thread ng messages namin ni Gabe nawawala!

“Ano’ng ginawa mo?”

Sa halip na sagutin iyong tanong ko, hinawakan niya iyong mukha ko.

“Listen to me,” sabi niya. “You’re now my girlfriend.”

Hindi ako makapagsalita.

“That being said, I forbid you to text Gabe, to talk to Gabe, or to even think
about Gabe.”
“Are you—” sabi ko bago pa man ako makatapos.

He nodded. “Banish him from your life.”

“He’s my friend.” At siya rin ang tumulong sa akin nung panahon na iniwan mo ako
kasi sabi mo nagbago na ako.

“And I am your boyfriend,” sagot niya. “You don’t need him. You only need me.”

Tinignan ko siya. Mukhang seryoso siya na ayaw niya na mag-usap kami ni Gabe...
It’s not as if pipiliin ko si Gabe. Ilang beses ko na nasaktan iyong tao... Wala na
akong hiya kung babalikan ko pa siya.

Pero hindi ako sumagot. Ayokong mangako na hindi ko na kakausapin si Gabe. He will
always be close to my heart. Marami rin naman kaming pinagsamahan... At close siya
sa mga magulang ko—something na mukhang imposibleng mangyari kay Theo.

“Promise me,” he prompted me.

I kept my eyes down but he tilted my chin and made me face him.

“Promise me you won’t talk to Gabe,” he reiterated.


“Kaibigan ko lang naman si Gabe. Bakit ba kailangan pa ‘yan?”

It took him seconds bago nakasagot.

“He’s your first boyfriend, your first kiss, your first holding hands, your first
in almost everything. Tama na ‘yun. Ako na sa mga natira. I don’t want him anywhere
near you.”

Bigla akong namula sa sinabi niya. Ito ba ang paraan niya ng pagsasabi na
nagseselos siya kay Gabe? Si Theo? Si Theo na walang pakielam sa nararamdaman ng
ibang tao ay nagseselos kay Gabe? Magugunaw na ba ang mundo?

“Are we clear, Kelly?”

Nung hindi ako nakasagot, mas inilapit niya pa ang mukha niya sa akin. “Are we on
the same page, Kelly Angeline?”

And then without an ounce of thought, I just nodded. I saw him smile, please with
himself.

“Good,” he said and then kissed me yet again.

Inihatid ako ni Theo sa kwarto. Sinabi ko sa kanya na ayokong matulog sa kwarto


niya pero dahil mapilit siya, dito rin siya matutulog sa kwarto. Minsan
naweweiduhan ako sa kanya. Palagi niyang gustong may katabi matulog.

Nasa CR ako para magtoothbrush nung maisipan ko na tignan kung ano ang ginawa ni
Theo sa cellphone ko. Wala naman akong makita na kakaiba... well, aside sa binura
niya ‘yung thread ng message namin ni Gabe. Hindi ko tuloy malaman kung may sinend
ba siya na text o kung anuman.

Sinubukan kong i-dial ang number ni Gabe para magtanong pero out of coverage. Hindi
ko alam pero medyo kinabahan ako.

Ano ba ang ginawa ni Theo sa phone ko?

=================

Chapter 47: The Heart Wants What It Wants

#HTSTBB Chapter 47

Mabilis na natapos ang sembreak at bago pa man ako tuluyang makapagrelax, tapos na
pala ‘to. Nakakainis lang dahil kung kailan may panahon na ako para makapagpahinga
at saka naman nagsimula ang online registration.

Isa sa mga bagay na pinaka-ayoko sa UPLB: registration. Grabe talaga.

Nag-ayos na ako ng mga gamit ko dahil luluwas na ako pabalik sa UPLB maya-maya.
Namili lang din sandali sila Nay ng mga dadalhin ko. Ang dami nilang pabaon na
canned goods tsaka mga biskwit. Ang swerte ko talaga sa kanila. Mabuti na lang
hindi sila nagalit sa akin ‘dun sa party... Pero alam ko naman na kailangan ko pa
ring magpaliwanag.

Nagtitiklop ako ng damit nang biglang magvibrate iyong phone ko.

“Hello?” sagot ko kay Theo. Inabot ko ‘yung headset para naman makapagtiklop pa rin
ako habang kausap siya.

“You’re leaving today, ‘di ba?” he asked and I gave him affirmation. Palagi kasi
kaming magkausap ni Theo kapag gabi. “I’ll pick you up. Sabay na tayong bumalik sa
LB...”

“Sigurado ka? Out of the way naman...” I argued. Syempre gusto ko rin naman na
magpasundo sa kanya. Isang linggo na kasi kaming hindi nagkikita pero ayoko naman
na iasa sa kanya ‘yung lahat. Nakakahiya kaya.

Theo being Theo, of course may comeback siya sa lahat ng sasabihin ko. “I will
always go out of my way for you. See you in two hours. Bye, love,” sabi niya at
saka ibinaba ‘yung tawag.

Love.

Bwisit. Para akong batang naniniwala sa forever na kinikilig.

Tinapos ko na ‘yung tinitiklop ko at saka inilagay sa bag ko. Kinuha ko na lahat ng


kailangan kong dalhin dahil malakas ang kutob ko na isang buwan pa ang lilipas bago
ako makauwi sa bahay. Sobrang demanding kasi ng mga courses ko. Gusto ko mang umuwi
pero mas gugustuhin ko na magstay sa UPLB at tapusin ang reports ko. Matter of
priorities na lang. It will pay off in the future din naman.

Dahil tapos na ako, pinuntahan ko si ate sa kwarto niya. Nagtitiklop din siya ng
damit dahil babalik na siya sa Diliman. Hindi ko malaman kung kailan ga-graduate si
ate. Sensitive topic daw. Baliw talaga.

“Ate,” sabi ko tapos pumasok ako sa kwarto niya at naupo sa kama niya.

“Ano’ng meron?” she asked habang inaayos niya ‘yung handouts niya.

I shrugged. Hindi ko rin alam kung bakit ako pumasok dito, e. Baka dahil namimiss
ko lang si ate. Kahit naman kasi magkasama kami dito buong sembreak, parang hindi
rin. Parang ang lagay ko, physically present pero wandering ang utak. Sobrang
lumilipad ang utak ko. Hindi ako makapagfocus lalo na nung magulo pa ang lahat sa
amin ni Theo... Magulo pa rin naman ngayon pero sabi nga nila, baby steps.
Naniniwala ako na darating ‘yung araw na tatawanan na lang namin ‘tong lahat.

Tinapik ni ate ‘yung space sa tabi niya. “Halika nga rito,” sabi niya at saka
niyakap ako. “Dalaga na talaga si bunso. Puro ganda problems na lang ang
inaatupag.”

Ngumuso ako. “Ate naman.”

Tumawa si ate. “Basta, Kelly, ha. Tandaan mo na pag-aaral ang problemahin mo. ‘Wag
kang maniwala sa forever dahil kapag nagfocus ka sa landi, magkakaroon ka talaga ng
forever singko sa transcript mo.”
Baliw talaga ‘tong kapatid ko.

“Bata ka pa. Alam ko paulit-ulit ako sa sinasabi ko pero totoo kasi, bata ka pa.
Mas madami ka pang makikilala na mas. Mas matalino, mas gwapo, mas sa lahat ng
bagay. ‘Wag kang magmadali, okay?”

Alam ko naman ‘yun. Pero ayoko ng mas. Okay na ako kay Theo.

“At isa pa, ‘wag mong ibigay lahat. Magtira ka sa sarili mo para kung dumating man
‘yung panahon na maiwan ka, at least makakayanan mo na bumangon. Kapag kasi hindi
ka nagtira sa sarili mo, kawawa ka naman.”

Hindi ko alam kung saan nahuhugot ni ate ‘tong mga sinasabi niya sa akin. Ang alam
ko naman wala siyang love life. Puro acads life lang ang meron si ate, e... Baka
naman masikreto lang talaga siya.

Nginitian ko na lang si ate pero sinigurado ko na isasa-isip at puso ko lahat ng


sinabi niya. Syempre nagke-care lang naman siya kaya sinabi niya ‘yun sa akin.

Iniwan ko na si ate para matapos na siya sa pagliligpit niya. Papayag kaya si Theo
na ihatid na namin si ate? On the way naman ang Diliman... at saka kawawa naman si
ate, ang dami niyang dala-dala. Mukhang dadalhin niya ‘yung buong bahay pabalik sa
Diliman, e.

Bumalik na sila Nay mula Angat. May dala silang mga pagkain tapos nakalagay na rin
‘yun sa isang bag. Pumasok muna ako sa kwarto at natulog. Gigisingin naman nila ako
pag-dumating na si Theo, e.
--

Gumulong ako sa kama at nag-inat. Inabot ko ‘yung cellphone ko at nakita ko na alas


dos na pala.

Napabangon agad ako dahil sigurado ako nandito na si Theo. Bakit hindi man lang ako
ginising nila Nay?

Nagsuklay lang ako at saka pumunta sa labas. Narinig ko na nag-uusap si Nay at si


Theo kaya napatigil ako sa paglalakad. Hala ka! Ayaw pa naman ni Theo na kino-
korner siya!

Agad akong naglakad papunta sa kanila. Wala akong panahon mag-spy.

“Theo?” I said. Napatingin siya sa akin. “Ano’ng pinag-uusapan niyo?” tanong ko sa


kanila. Nandito rin pala sa salas sila ate at Tay. Pinagkakaisahan ba nila si Theo?
Grabe naman.

“Nag-uusap lang,” sagot ni Nay. Tumingin ako kay Theo at tumango siya.

“Hindi naman namin pinahirapan ito,” sabi ni Nay. “Basta ba ‘wag mong papaiyakin si
Kelly e wala tayong problema.”

Sasagot sana ako pero natigilan ako nung nagsalita si Theo. Bigla akong kinabahan
sa kung ano ang sasabihin niya. Alam ko kasi na kakaiba si Theo... Hindi siya
kagaya ni Gabe na alam kung ano ang dapat sabihin para matuwa sa kanya ang mga
magulang ko... Theo was a different case. He speaks honest thoughts—makasakit man o
hindi, katotohanan lang ang sasabihin niya... That was why I was hurt plenty of
times by him. He prefers harsh truth more than enticing lies.

“She’ll cry at one point because that’s how relationship goes but rest assured that
I’ll take care of her.”

Tumango lang sila kay Theo. Alam ko naman na hindi pa rin panatag ang loob ni
Nay... Alam ko na sa loob-loob niya, ikinukumpara niya si Theo kay Gabe. Hindi ko
naman siya masisisi. Gabe was the epitome of a perfect boyfriend... Too bad the
heart wants what it wants... and that’s Theo.

Isinakay na ni Theo sa sasakyan niya ‘yung mga gamit ko. Sinabi ko kay ate na
sumabay na lang siya pero ayaw niya, hindi naman daw sila close ni Theo. Biniro pa
niya ako na kung si Gabe daw ‘yun, kahit sa front seat okay lang. Baliw talaga si
ate...

“You done?” he asked. Nasa labas siya ng sasakyan at mukhang hinihintay niya ako.

Tumango ako at lumakad papunta sa kanya. I hugged him and uttered, “Thank you.”

He hugged me back and kissed the top of my head.

Pumasok na kami sa loob ng sasakyan. During the whole ride, nakahawak sa kamay ko
si Theo. Natulog kami ng magkatabi habang nakapatong ang ulo ko balikat niya.
Mukhang puyat si Theo kaya naman kahit gusto kong magtanong, hindi ko na ginawa.
Dumating kami sa LB tapos dumiretso kami sa bahay niya.

“Sa dorm ako pupunta...” sabi ko.

“Stay with me tonight.”

I stared at him. Gusto ko man pero alam ko na hindi pwede... Sabi nga ni ate,
magtira ako ng konti sa sarili ko. Ayaw kong ibigay lahat kay Theo.

“Hindi pwede,” sagot ko.

He stared at me. “Please?”

I sighed. Pinapahirapan naman ako nito...

“Theo naman...”

Hinawakan niya iyong kamay ko. He looked at me so intently. “Please, love? I’m in
my last semester... I won’t be around much because of thesis and practicum.”

Kumunot ang noo ko.


“Thesis ka na? Bakit may ENG1 ka pa last sem?” Ang weird naman ng timeline ng
courses ni Theo!

Ipinaliwanag niya sa akin na nagwave siya ng courses kaya sabay-sabay niyang kinuha
‘yung mga naiwan niya. Hindi ko maintindihan ‘yung karamihan sa mga sinabi niya
pero ang naalala ko lang, halos hindi na siya sa LB mamamalagi dahil sa practicum
niya.

“Bakit ngayon ko lang ‘to nalaman?” I couldn’t help but ask.

“You weren’t my girlfriend before.”

Oo nga pala. Kabit nga lang pala ako dati. Kaka-promote ko pa nga lang pala sa
pagiging legal na girlfriend niya. Wala nga pala akong karapatan na magtanong dati.

Natahimik ako sa sinabi niya pero bigla niya akong niyakap. “But you are now... so
stay with me tonight.”

Unti-unti ko siyang itinulak pero ayaw niya akong pakawalan. Nakakainis na konting
ganto niya lang sa akin, nawawala ‘yung inis ko. Ganito ba talaga? Ni wala ng self-
preservation na natira sa akin.

“Hindi naman tayo mag-asawa. May dorm ako na uuwian,” sabi ko.
“Kelly, you won’t see much of me these coming days. Masama ba na gustuhin ko na
makasama ka ngayon? Bawal ba ‘yun?”

“Hindi naman—”

“So stay.”

Napabuntong-hininga na lang ako. Bakit ba palagi na lang siyang ganito? Nakakainis


na talaga.

“Ayoko nga.”

Iniwan niya ako sa sasakyan niya matapos niyang utusan na lumabas ‘yung driver.
Baliw na ‘to! Ano akala niya, hindi ko kayang maglakad pabalik sa dorm? Neknek
niya!

Kahit na bigat na bigat na ako sa mga dala ko, nagsimula akong maglakad. Mabuti na
lang at may araw pa kaya hindi ako natatakot. Medyo malayo-layo pero kaya. Sa oras
na makakita ako ng jeep, sasakay agad ako. Bwisit na Theo ‘to! Bipolar talaga!

Naglalakad ako nung bigla kong mabitwan iyong dala ko dahil kay Theo.

“Ano ba?!” sabi ko.


“You’re so stubborn.”

“Bumalik ka sa Monique mo!”

Hindi na ako naka-amba pa dahil hinila niya ako at hinalikan. Nagpupumiglas ako
pero mas lalo akong umangal, mas lalong humihigpit ang hawak niya. Nagkamali ako
nung buksan ko ang bibig ko para sumigaw dahil...

“Why are you so fucking insecure?” Ramdam ko na naiinis na siya sa boses niya.

Tinalikuran ko siya at pinulot ‘yung dala ko. Wala akong panahon na makipagsigawan
sa kanya.

Pero sinundan niya ako. Nakakainis na siya!

Ibinagsak ko ‘yung dala ko at saka sinigawan siya.

“Kasi lagi mong pinapamukha na mas si Monique! Mas sa lahat ng bagay! Peste ka e
‘di sana pinakasalan mo na!”

Wala akong pakielam kung may makarinig sa amin. Inis na inis na ako rito kay Theo!
Palagi niya na lang pinagpipilitan ‘yung gusto niya! Paano naman ‘yung gusto ko?!
Alam ko na sinabi ko na iintindihin ko siya pero ‘wag naman palagi. Tao rin naman
ako. Kailangan ko rin magpahinga.
“You and your insecurities.”

“You and your asshole-ness!”

Nung humakbang siya palapit sa akin, automatic na humakbang ako paatras. “Huwag ka
ngang makalapit sa akin. Susuntukin kita sinasabi ko sa’yo.”

“Kelly Angeline Acebeda,” he said, his voice low. “If I don’t think you’re fucking
better than Monique, I won’t be here. I don’t make it my mission to stick with
someone I don’t give a damn about—let alone hurt someone I really care about for
you.”

He took another step.

“Listen to me because I’ll say this only once.”

Pakiramdam ko malulunod ako sa mga titig niya.

“I’m in love with you.”

Tumigil siya sa harap ko. Bigla na lang may tumulo na luha mula sa mata ko.
Inilagay niya ang kamay niya sa mukha ko at pinunasan ang luha ko. Damn Theo and
his moves.
“My future is uncertain, my whole life is full of uncertainties. Kelly, I would
probably mess up more than what you and I could imagine and for that, I am sorry...
but I promise you that I will try to be the best person I could be for you.”

Patuloy pa rin ang luha ko sa pagtulo.

“I love you, love. Please don’t give up on me.”

With my tear-stained cheeks, I nodded. “Kahit bwisit ka, mahal din kita.”

=================

Chapter 48: Opportunity Cost

#HTSTBB Chapter 48

Nagsimula na ang enlistment, wala na akong masyadong panahon para mag-isip ng ibang
bagay. Wala kasi akong masyadong nakuhang units sa systemone. Bwisit na ‘yan!
Manual reg tuloy ako!

Dalawang araw na akong naghahanap ng matinong subjects. 6 units pa, kumpleto na


ako. Mabuti na lang classmates kami ni Danielle sa isang course kaya hindi na ako
kinakabahan. Halos kasi lahat sa orgmates nila, mainit ang ulo sa akin lalo na si
Jen. Ay ewan, bakit ko ba sila pinoproblema?
A day after, nakumpleto ko na rin ang units ko. Kumakain kami ni Danielle sa KFC.
Namiss ko naman bigla si Theo. Hindi na nagpapakita ‘yung lalaking ‘yun, e. Busy na
kasi siya sa practicum niya kaya pabalik-balik siya sa LB at Makati. Minsan na lang
kami makapag-usap pero ayos lang, nag-aaral naman siya. Basta ‘wag lang siyang
magloloko, okay lang ako.

“Nasan si Theo? Missing in action, ah.”

“Practicum na sa Makati,” sagot ko.

“Weh? Hala ka gagraduate na siya this sem? Ang cool!” sabi ni Danielle. Fudge. Oo
nga. Gagraduate na siya by the end of the sem. Bakit ba laging nawawaglit sa isip
ko na matalino si Theo, na sa sobrang talino niya, accelerated siya hanggang
college. ‘Yung 4-year degree program tinapos niya in 3.5 years. Ang galing niya
talaga.

Nakakalungkot kasi maiiwan ako dito... Pero kaya naman namin ‘yun. Sa dami nang
napagdaanan namin, sigurado ako wala lang ‘to.

Natapos kami sa pagkain ni Danielle at bumalik na kami sa campus. Nagpunta na ako


sa room ko at nagsimula na magklase. Araw-araw ganoon lang ang nangyayari sa akin.
Papasok then minsan sa isang linggo, kakain kami ni Theo sa labas. Every Wednesday-
Friday ng hapon lang kasi siya nasa LB.

“What’s wrong?” tanong niya sa akin. Kanina pa kasi ako tahimik. Hindi ko alam kung
paano ako kakain nang maayos gayong alam ko na may malaking problema sa bahay.
Natanggal kasi sa trabaho si Tay dahil nagbabawas ng empleyado ‘yung pinapasukan
niya. Okay pa naman kami ngayon pero paano sa mga susunod na araw? Malapit pa naman
na mag-thesis at practicum si Ate kaya kailangan talaga ng pera...

Umiling ako.
“Wala,” I said. “Namiss lang kita.”

Kumunot ang noo niya. “Ano nga?” he asked again. “You’re not a good liar, Kelly.
Tell me what’s bothering you.”

Huminga ako nang malalim bago ko sinimulan. Parang bigla kong gustong umuwi sa
bahay. Nung sinabi kasi sa akin ni Nay ‘yun sa telepono, ramdam ko na hindi lang
iyon ‘yung problema... Para bang ayaw nilang sabihin sa akin kung ano pa ang
problema.

Kapag ba tinago nila, mawawala ba ‘yung problema? Hindi naman. Tignan mo, mas
paranoid na tuloy ako.

“Iyon ‘yung problema ko,” sabi ko. “Pero sure naman ako magiging okay rin ang
lahat,” pagpapatuloy ko. Naniniwala kasi ako na nakakatulong ang positive thinking.
Sabi nila, kapag positibo ka sa mga bagay, mahahawa ‘yung mga bagay sa paligid mo.
‘Yung ripple effect ba.

He nodded.

Natapos ang dinner namin at inihatid niya ako sa dorm ko. Bago ako pumasok, niyakap
niya ako ng mahigpit.

“We feel so normal,” sabi niya.


“Bakit naman?” sagot ko habang mas hinihigpitan ko ang yakap sa kanya. Namiss ko
talaga ‘tong lalaki na ‘to. Kahit na ang bipolar niya, minsan ang weird niya
talaga.

He kissed the top of my head. “This. We eat out and then we talk about things.
We’re like a normal couple,” sabi niya.

Napangiti ako. Tama siya. Ang normal namin ngayon. Kahit na nakakaguilty dahil
ilang tao ang kailngan masaktan bago kami makarating dito, minsan iniisip ko na
lang na parte iyon ng buhay. Some will be happy, some will hurt.

“Pero sana walang nasaktan. Mas masaya sana kung ganon...”

I felt him nodding. “Think of it as an opportunity cost. You can’t get everything
for free. Sometimes, you need to hurt someone to get what you want... The hurting
is necessary but it will make sense soon.”

Sana nga kasi ganon talaga. Sana dumating ‘yung oras na maintindihan ko kung bakit
kailangang masaktan ni Monique at Gabe. Parang hindi kasi justifiable.

The night ended. Balik na naman kami sa dating routine. Pero isang araw, tumawag si
Nay nang umiiyak. Hindi ko kinaya. Nagcutting ako ng klase at saka umuwi agad sa
Bulacan. Wala akong pakielam kung absent ako sa isang long quiz namin. Pag-umiyak
na ang nanay ko, nawawala lahat ng reason at logic sa utak ko.

Ang lakas ng kabog ng dibdib ko. Pagdating ko sa bahay, nandun din si Ate. Mas
lalong lumakas ang pangamba ko.
Nanginginig pa ang tuhod ko habang naglalakad ako papasok ng bahay.

“Nay?” sabi ko, my voice on the verge of breaking. Naabutan ko si Nay na nag-aayos
ng gamit. Pagtingin niya sa amin, nagpunas siya ng luha niya. My heart broke at the
sight of my mother crying. Ang hirap.

Naglakad ako papunta sa kanya. I asked her what was wrong. Ang hirap. Ang hirap
dahil bawat segundo na lumilipas, mas kinakabahan ako. Ang dami kong naiisip at sa
loob-loob ko, tahimik ako na nagdadasal na sana hindi totoo kung anuman ang naiisip
ko... Sana okay lang ang lahat... Hindi ko yata kakayanin kung may masamang
nangyari sa pamilya ko. Ikakamatay ko yata.

Hindi pa nakakasagot si Nay pero bigla na agad bumuhos ang luha niya. Niyakap namin
siya ni Ate.

“Ang tatay niyo kasi.”

That was all we could get from her frantic sobbings. Iyak siya nang iyak. Puro
tatay ang naririnig ko. Wala rito si Tay kaya parang gusto ko na lang din umiyak
kasama si Nay pero hindi pwede. Dapat maging matatag ako. Kung iiyak din ako, paano
na kaming lahat? Kailangan kong maging matapang para sa amin.

“Simula nung nawalan ng trabaho, hindi na siya napahinga. Gusto niya kasing
makahanap agad dahil nga nag-aaral kayong dalawa ng ate mo...” sabi ni Nay. Bumuhos
na naman ang luha niya.

Ayokong tumingin, sa totoo lang. Hindi ko kayang makita ‘yung nanay ko na umiiyak.
Pakiramdam ko kasi pinapatay ako unti-unti. Sobrang hirap makita. Pero kailangan
kong magpakatatag.

“Bigla na lang inatake tapos ngayon—”

Hindi niya na naituloy ang sinabi niya dahil iyak na siya nang iyak.

Hindi ko napigil. Tumulo na rin ang luha ko. Pinunasan ko agad iyon. Walang panahon
para maging mahina, Kelly.

Agad kaming pumunta sa ospital na pinagdalhan kay Tay. Nasa private hospital siya
at nung chineck ko ang bill, bigla akong nanlumo. Kailangan ng magbabantay kay Tay.
Nagtatrabaho si Nay at hindi na kakayanin ng pamilya kung hihinto siya sa trabaho.

I sat on the pavement outside our home. Umuwi muna ako para kumuha ng bagong damit.

“Kelly.”

Naramdaman ko na umupo sa tabi ko si Ate. Lumingon ako sa tabi niya at pilit na


ngumiti. Pagod na ako. Isang linggo pa lang pero parang bibigay na ang katawan ko.
Ang hirap sa loob na makita ‘yung nanay mo na umiiyak sa isang gilid habang ‘yung
tatay mo ni hindi makapagsalita dahil sa stroke.

“Bakit, ate?”
Tumingin siya sa langit. Ang ganda ng mga bituin.

“Bumalik ka na sa LB, ako na ang bahala dito,” sabi niya. Napatingin ako sa kanya.
Nakangiti sa akin si Ate. “Mag-aral kang mabuti, ha? Maghahanap na ako ng trabaho
para may maipadala ako sa’yo don. Tutulungan ko si Nay dito at ako na ang mag-
aalaga kay Tay. ‘Wag mo na kami masyadong isipin, basta mag-aral ka don.”

Hindi ko na napigilan. Umiyak na talaga ako.

“Ate naman!”

Hinawakan niya ‘yung kamay ko. “Ako ‘yung ate sa ating dalawa, ‘di ba? Ngayon na
may sakit si Tay, ako ang dapat tumulong. Ikaw, ang gawin mo ‘dun e mag-aral nang
mabuti. Tuwing nahihirapan ka na mag-aral, lagi mong iisipin na nahihirapan din
kami ni Nay magtrabaho pero hindi kami sumusuko dahil sa’yo.”

Pero hindi ako pumayag. Ayoko na may magsakripisyo na naman dahil sa akin. Sobra
na.

“Hindi, ate,” sabi ko. “Patapos ka na... ako na lang ‘yung titigil, nasa first year
pa lang naman ako. Ako ang magbabantay kay Tay at tatanggap din ako ng tutorials.
Tapusin mo ‘yung pangarap mo. Sigurado akong hindi matutuwa sina Nay kapag nalaman
nila kung anuman ang inisiip mo.”

Mahaba-habang paliwanagan ang naganap. Hindi ako pumayag na siya ang titigil.
Kinabukasan, bumalik ako sa UPLB para asikasuhin ang LOA ko. Hindi ko alam kung
kailan ako babalik. Babalik lang ako sa pag-aaral kapag okay na si Ate at kapag
maayos na si Tay. Hindi ko rin kayang mag-aral nang maayos habang iniisip na hindi
okay ang pamilya ko.
Pinilit ko na tapusin sa loob ng isang araw lahat ng dapat tapusin pero hindi pala
pwede. May mga pipirmahan pa.

Kinabukasan, maaga akong gumising.

“Kelly, may naghahanap daw sa ‘yo sa baba,” bungad sa akin ni ate Gel pagkagising
ko. Namumugto pa ang mata ko sa pag-iyak kagabi. Mabuti na lang at hindi sila
nagtanong. Hindi ko rin kasi alam kung ano ang isasagot ko.

Bumaba ako matapos kong maghilamos, toothbrush, at suklay.

“Auntie Selina?” I asked. Tama ba ako ng kita? Si Auntie Selina ba talaga ‘to?

Hindi ko alam kung nasobrahan na ba ako sa iyak kaya naghahallucinate na ako pero
nung pagbaba ko, si Auntie Selina nga ang nakita ko.

Pagkababa na pagkababa ko pa lang, agad niya akong niyakap. She was caressing my
hair with her hand.

“Bakit po kayo nandito?” I asked her. Bigla na lang siyang nandito.

She looked so sad. Naupo kami sa mga upuan doon at saka hinawakan ni Auntie Selina
ang kamay ko.

“I’ve heard about what happened to your father,” sabi niya. “I’m so sorry, Kelly.”

Ngumiti ako nang tipid.

“And I’ve also heard about your leave of absence. Bakit ka magloloa?” she asked.
Pinaliwanag ko ang sitwasyon sa bahay namin. Hindi ko mapigilan na maiyak habang
sinasabi ko ang kalagayan ni Tay. Nalulungkot ako para sa sarili ko. Gusto ko
talagang mag-aral pero mas gusto ko na makatapos si Ate. Opportunity cost sabi nga
ni Theo... Necessary sacrifice.

She nodded and then held on to my hand tighter.

“Be my scholar, Kelly.”

“Ano po?”

“I will send you to school. I will pay for your expenses. Ako na rin ang bahala sa
dad mo. I will hire a private nurse for him. Don’t worry about him; he will be in
the best hands in the country. I will pay for his rehabilitation.”

Napatingin ako sa kanya.


“Bakit niyo po ito ginagawa?” I had to ask. It was too much of her.

“You remind me of my daughter. Jamie didn’t get to finish her college... and I
can’t bear seeing that happen to you, Kelly. You’re a smart girl and it will be a
waste kung titigil ka sa pag-aaral,” she explained.

Hindi ako makasagot. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko.

“H-hindi ko po alam...” I replied.

She held on tighter. “Please, Kelly?” she said. “Please do this for you, your
family, and me.”

Matapos ang usapan na iyon, sinamahan niya ako sa taas para kuhanin ang mga gamit
ko. Sabi niya na sa isang private school sa Maynila ako mag-aaral. Doon ako titira
sa isang condo na pagmamay-ari nila. Sinamahan niya ako sa Bulacan at siya ang
kumausap sa Nay ko. Hindi ko alam kung ano ang pinag-usapan nila pero sa huli,
tahimik na tinulungan ako ni Nay na ayusin ang mga gamit ko.

“Nay...” My voice was broke. Tumutulo na ang luha ko.

She looked at me with sad eyes.

“Mag-aaral ka, Kelly, ha?” paalala niya sa akin. “Pasensya na at walang magawa ang
nanay mo para sa’yo.”
“Nay naman...”

Hindi ko na napigilan. Patuloy na sa pagtulo ang luha ko.

“Pagbutihin mo ang pag-aaral at ‘wag mo na kaming alalahanin.”

Niyakap ko si Nay at nag-iyakan lang kami.

Sumakay na ako sa sasakyan ni Auntie Selina. Gabi na nung makarating kami sa bahay
nila. Doon ako natulog sa guest room. Ipinapaayos niya na daw ang magiging kwarto
ko. Ayokong isipin pero pakiramdam ko pinaampon na ako ng mga magulang ko.
Pakiramdam ko isa akong pusa na pinamigay.

“Tomorrow, everything will change,” she said. Hinalikan niya ang noo ko.

=================

Chapter 49: Armageddon

#HTSTBB Chapter 49

Tumingin ako sa paligid ko. Nasa private school na nga talaga ako. Panay English
ang usapan ng mga tao dito. Nahihiya ako. Parang isa akong outsider na dinala sa
bahay na punung-puno ng mga taong magkakakilala na.
Tinignan ko ang schedule sa kamay ko. Nasa tamang building at floor naman ako.
Huminga ako nang malalim. Pumasok ako sa loob at may professor sa harapan.

Lumingon siya sa akin. “Good morning. You are?” tanong sa akin nung matandang babae
na professor.

Nagbow ako kaunti at saka iniabot sa kanya ‘yung hawak ko na papel. Naihabol ako ni
Auntie Selina kahit na halos isang buwan na nagsisimula ang klase. Sana naman
makahabol ako.

Tumango iyong professor at saka pinaupo ako sa gilid. Puro mukhang mga Chinese ang
kasama ko. Mayroong mga Pilipino pero kakaunti lang. Mas maraming mga foreigner.
Nasa international school yata talaga ako. Wala na talaga ako sa UP.

Nagsimula na ang klase at hindi agad ako makasabay. Nireview ko naman iyong binigay
sa akin na module pero nahihiya ako na magrecite. Ang tatalino nung mga classmates
ko. Tahimik lang ako sa classroom dahil unang-una, wala akong kakilala dito.
Kaninang umaga, may binigay sa akin na laptop si Auntie Selina. Ayaw ko pa ngang
tanggapin nung nakita ko na macbook air pala ‘yun. Sobra-sobra na kasi ‘yung tulong
na ibinibigay niya sa akin... Pero ngayon na nandito na ako? Naintindihan ko na
kung bakit.

Walang notebook ‘yung mga nag-aaral dito. Kung hindi iPad, sa macbook sila
nagtatype ng kung anu-ano. Napag-alaman ko rin na available pala sa server ng
school lahat ng presentation na pinapakita sa classroom. Spoon-feeding dito.
Naninibago talaga ako.

Pagkatapos ng klase, lumabas na ako. Dumiretso ako sa isang lugar na walang


masyadong tao. Para akong nasusuffocate dito. Dumaan muna ako sa CR at nanibago ako
sa nakita ko. I looked so different. Mula ulo hanggang paa, mamahalin lahat ng suot
ko.
Huminga ako nang malalim. Kaya ko ‘to.

Inilabas ko ‘yung cellphone na bigay sa akin ni Auntie Selina at nagtext ako kay
Nay at Ate. Nagtataka ako dahil kagabi ko pa sila kinokontak pero ni ha, ni ho wala
akong natatanggap.

Gusto kong mag-alala pero sila na rin ‘yung nagsabi na magfocus ako. Sa oras na
maging okay na, babalik na agad ako sa amin. Para akong malulunod sa lahat ng
ginagawa at binibigay sa akin ni Auntie Selina. Natatakot ako na dumating ‘yung
araw na ako na mismo ‘yung umayaw na umahon.

It’s been two months since then. Medyo nasasanay na ako sa kalakaran sa school.
Ramdam ko kung bakit sobrang mahal ng tuition fee dito.

One time, tinawagan ko si Theo. Wala pa rin kasi akong kaibigan dito. Puro sila
sobrang yaman, hindi ako makasabay sa mga pinag-uusapan nila.

“Theo?” I said.

He wasn’t speaking. Nalulungkot ako.

“Nasaan ka?” I tried to sound casual. Nagbabago na lahat sa buhay ko... Sana naman
‘wag siya. Kailangan ko ng isang bagay na normal. I wanted him to keep me uprooted.
He sighed. “Makati. Where are you?”

“Dito sa school.”

“Alright. I’ll pick you up,” sabi niya.

I smiled. “Hindi naman ikaw ‘yung nagdadrive, e. Baliw ka ba.”

I could feel him smiling from the other end of the line. I think I heard him
‘tsked.’ “Be there in a few minutes,” sagot niya bago binaba ‘yung linya.

Tumingala ako sa langit. Can I get used to this? Masyado na akong napapaligiran ng
mga materyal na bagay. Sana hindi dumating ‘yung panahon na mabulag na ako nito.
Sana talaga hindi.

Dumating si Theo ilang minuto ang nakalipas.

“Pano ka nakapasok dito?” I asked him. Kanina kasi, napansin ko na sobrang higpit
ng security sa school na ‘to. Pati may color code lang ‘yung mga saskyan na pwedeng
pumasok. Panay kulay black lang ‘yung mga naghahatid sa mga estudyante dito. Paano
kaya nakapasok si Theo? Kulay red kaya ‘yung sasakyan niya. Ferrari pa yata ‘yun.

Hinawakan niya ‘yung kamay ko tapos binuksan niya ‘yung pinto para makapasok ako.
“Stockholder,” sabi niya.

“Ikaw?” I asked him and he nodded. “Ang bata mo pa, ah.”

He just shrugged. “Ask my dad. Anyway, saan mo gustong kumain?”

“May class ako!” sabi ko sa kanya.

He gave instructions to his driver na dalhin kami sa BGC. Humarap siya sa akin.
“Don’t you trust your stockholder boyfriend?” sabi niya. Nailing-iling na lang ako.
Pagdating namin sa BGC, dinala niya ako sa isang restaurant. Hindi ko alam pero
hindi ko ramdam na out of place ako kahit na naka school uniform ako. Ewan ko pero
parang may certain power na dala ‘yung uniform... Siguro dahil puro sobrang yaman
nung mga tao na nag-aaral doon.

Umorder na siya.

“Kamusta UPLB?” I just had to ask. Kung pwede, doon pa rin ang gusto ko. UPLB is
home.

He shrugged. “Same old. I’m almost done with my practicum,” sabi niya.

“Oh? ‘Di ba kakasimula mo lang?”


He shook his head. “I already began during the sembreak. I’m almost done with
everything.”

Minsan, nawawaglit sa isip ko na matalino nga pala ‘tong bipolar na ‘to. Sabi nung
nabasa ko na article, mataas daw talaga ‘yung tsansa na mataas ang IQ level ng mga
bipolar na tao. Nagfifixate daw kasi sila sa isang bagay. In this case, nagfixate
si Theo sa acads.

Nag-usap lang kami sa tungkol kung saan. Nakita ko na pumasok si Monique at kasama
niya si James pero nung nakita niya kami, agad siyang tumalikod at naglakad paalis.
Tinignan ako nang matagal ni James at saka tinalikuran ako. Mabuti na lang at hindi
iyon nakita ni Theo... Hindi pa rin namin napag-uusapan nang maayos si Monique.
Hindi ko alam kung ano ang estado nila. Kung may closure na ba na naganap o kung
ano... Kung tutuusin clueless pa rin ako.

After naming kumain, ibinalik niya na ako sa school. Dahil namiss ko na rin naman
‘yung isa kong subject, tumambay muna ako sa library. Tumingin ako sa mga yearbook
doon hanggang sa marating ko ‘yung page na may pangalan na Thea Angela Henares. Ang
ganda nung babae. Kapatid ba siya ni Theo?

Pero patay na ‘yung kapatid ni Theo...

Out of sheer curiosity, I searched for the girl’s name. And I wished I didn’t.

News about her passing flooded the search engine. Mga balita kung paano siya
nakidnap... Kung papaano sila ni Theo nakidnap. Bigla akong naawa kay Theo. Reading
all these articles made my heart throb. Ito ba ‘yung sinasabi niya sa akin dati na
narinig niya na pinatay iyong Ate niya?
I kept on reading. Kahit na awang-awa na ako kay Theo, pinilit ko na tapusin
basahin ito. Kailangan kong maintindihan kung bakit siya ganon... Ito ba ‘yung
dahilan kung bakit minsan hindi ko siya maintindihan?

As I finished, hindi ko na kayang pumasok pa. My mind was plagued with the image of
young Theo afraid for his dear life. Nanghihina ako. Ayoko na muna pumasok.

Tinawagan ko ‘yung driver ni Auntie Selina at nagpasundo. Gusto ko sana na kausapin


si Theo pero hindi ko alam kung saan ako magsisimula. Paano ko siya tatanungin ng
ganung bagay?

Nagpahatid ako sa bahay nila Theo. I just wanted to hug him tight and tell him that
everything’s fine now.

Pagdating ko sa bahay nila, I hugged him.

“Something feels wrong. Bakit ka nandito?” he asked but returned my hugs,


nonetheless.

I cupped his face and tiptoed and kissed him.

“Wala lang,” sagot ko.

“Ano nga?”
Umiling ako. “Movie marathon tayo?” aya ko sa kanya. Naweirduhan siya sa akin pero
pumayag siya. Habang namimili siya ng papanoorin namin, lumabas ako sa
entertainment room nila. Naglalakad ako nung makita ko si Auntie Andrea. Mukhang
kakagaling niya lang sa ospital.

Kumunot ‘yung noo niya pero tinanguan niya ako.

“Where’s Theo?” sabi niya. Sinabi ko kung nasaan si Theo.

I felt like an intruder but I just had to ask someone. Not knowing kills me. I knew
it wasn’t my secret to know but I wanted to be there for Theo... Paano ko malalaman
kung palagi na lang siyang naglilihim sa akin? I was always in the shadow.

“Okay,” she said. “If you’ll excuse me,” sabi niya pa at lalagpasan na sana ako.

“Auntie...”

Tumigil siya sa paglalakad at tinignan ako. Kumunot ang noo niya at hinintay kung
ano pa ang sasabihin ko.

I bit my lower lip. I was finding it inside me, how to ask. Huminga ako nang
malalim.
“P-pwede po bang magtanong?”

She gave me a scrutinizing look but nodded anyway.

“T-tungkol sa ate ni Theo.”

“Why are you asking me this?”

“Hindi ko po alam kung paano tanungin si Theo,” sagot ko.

“Then maybe that should tell you that you shouldn’t ask,” matigas na sabi ni Auntie
Andrea. “You may be Theo’s girlfriend and for god knows the reason why, anak ni
Selina, but that doesn’t give you the right to pry into our lives. What happened to
Theo before is none of your business. Know where to stick your nose,” sabi niya at
saka ako iniwan.

Napatigil ako doon sandali. Bigla akong napatigil sa pag-iisip nung tinapik ako sa
balikat ni Manang.

Nginitian niya ako. “Pabayaan mo na ‘yung si Andrea,” sabi niya. “Sensitibo talaga
‘yun kapag napag-uusapan ‘yung totoong nanay ni Theo. Intindihin mo na lang, hano?”
pagpapatuloy niya bago ako iwanan.

Bumalik ako at may movie na napili si Theo.


“Are you my hugging machine? Kanina ka pa yakap nang yakap,” sabi niya. Nginitian
ko lang siya at isiniksik ang sarili ko sa gilid niya.

“Hindi ba natin papatayin ‘yung ilaw?”

He shook his head.

I shrugged.

Nagsimula na ‘yung pelikula pero hindi ako makapagconcentrate. Mas lalo akong
nacurious kung ano nga ba ang nangyari kay Theo... It must have been more horrid
that what I had thought.

Nasa kalagitnaan pa lang kami nung bigla niyang pindutin ang pause.

“What’s bothering you?”

Gusto ko mang sabihin pero hindi ko alam kung papaano. Paano nga ba magtanong
tungkol sa ganong bagay?

“Wala,” I answered.
“Come on, what’s wrong?”

Huminga ako nang malalim. This needed to be done. I’ll take the risk.

“Dati...” pagsisimula ko. “Dati ‘di ba nabanggit mo ‘yung ate mo at totoo mong
mama?” sabi ko.

His expression turned serious.

“Ano ‘yung nangyari, Theo?”

“Why are you asking this?”

Hinawakan ko ‘yung kamay niya but he flinched. “Because I want to understand you...
and I can’t do that if I don’t even know what’s bothering you.”

Tumayo siya mula sa couch. “I don’t want to talk about this right now, Kelly.”

“Theo naman...” I said. Gusto ko siyang intindihin pero hindi ko magagawa ‘yun kung
hindi niya ako tutulungan.

“There are lines you shouldn’t cross.”


“But I should cross. Theo, paano kita iintindihin kung ayaw mong magpaintindi?
Palagi na lang akong nahihirapan. Gusto lang naman kitang intindihin, mahirap ba
‘yun?”

We stood there, nagtitinginan lang. For a second, akala ko wala ng pag-asa. Theo
was a hard shell to crack. I was about to lose hope when he spoke...

“I was 10 when my mom decided to leave my dad. She brought us with her to the mall
because she wanted to spend time with us before she leaves. But then, her guy came.
Iniwan niya kami sandali ng ate ko and then we got kidnapped.”

My heart started beating rapidly. It was like I was given the chance to understand
Theo once and for all.

“I thought we got kidnapped... but I was wrong. ‘Yung asawa nung lalaki ng nanay ko
‘yung nagpakuha sa amin. Apparently, she lost her baby because of that bitch. Gusto
niyang gumanti. A tooth for a tooth. She wanted us both dead to avenge her
daughter.”

Napatakip ako sa bibig. Oh, my god, Theo.

“They kept me inside this room. I was alone and it was so dark...”

Shit. Kaya ayaw niya sa madidilim at kaya gusto niya na laging may kasama.
“But the door was ajar and I can hear the cries of my sister. They raped her. Nung
una, rinig na rinig ko bawat iyak niya pero nung tumagal, puro katahimikan na lang
‘yung narinig ko. I figured my sister was dead already. She wasn’t speaking when
they dumped her body beside me.

“They left me there, probably thinking that I will die eventually. But I didn’t
die. After another week, they found us. I underwent tons of therapy. I didn’t cry
when my sister was cremated. I didn’t speak for months. I silently hated on that
bitch. She didn’t even have the audacity to cry for ate. She was the one who got us
there.

“And then I met Monique...”

He smiled a little upon mentioning her name.

“She was the one who got me to speak. Dinala siya ni James sa bahay and she just
wouldn’t stop until I talk to her. She’s so special, Kelly. She was there when I
was my worst. She picked up the pieces.”

Hinawakan ko ‘yung kamay niya.

“Nandito na ako ngayon, Theo... Aalagaan din kita. I promise you,” I assured him.

He smiled a little.
“Promises are meant to be broken. Just stay, it’s more than enough.”

=================

Chapter 50: Schluss

#HTSTBB Chapter 50

Iniwasan ako ni Theo matapos niyang sabihin sa akin kung ano ang nangyari dati. For
weeks, puro sa text lang kami nag-uusap. Gusto ko sanang malungkot pero inisip ko
na lang na kailangan niya ng space. Hindi rin kasi biro iyong mga sinabi niya sa
akin.

Nagdesisyon ako na magfocus sa pag-aaral ko. Tahimik ako mag-isa sa condo. Twice a
week, may dumadating dito para maglinis. Dumadaan din si Auntie Selina para dalhan
ako ng groceries. Sobrang wala na akong kailangang hilingin pa... Kung magrereply
lang sana sa texts ko sila Nay, mas okay sana iyon.

After kong mag-aral para sa pre-finals, nagdesisyon ako na pumunta kina Theo. Tama
na ‘yung two weeks na silent treatment. Kailangan na naming mag-usap.

Pagkababa ko sa sasakyan, sinabi ko sa driver na magtetext na lang ako kapag uuwi


na ako. Balak ko kasi na samahan si Theo buong araw. Pumasok ako sa loob at nakita
ko si Auntie Andrea na nagbabasa ng magazine.

“Good morning po,” bati ko sa kanya. Lalagpasan ko na sana siya nung tawagin niya
ako. “Bakit po?”
Ibinaba niya iyong magazine at saka pinaupo ako sa harap niya.

“I talked to Theo,” sabi niya. Hindi ko alam pero may hindi ako magandang
pakiramdam sa kung anuman ang pag-uusapan namin.

“Ano po ‘yun?”

Huminga siya nang malalim at mataman na tumingin sa akin.

“I have been talking to him for ages, asking him to undergo therapy,” sabi niya.

Kumunot ang noo ko. Akala ko ba nagtherapy na siya?

“But he’s been adamnant ever since. Now that you’re finally aware about his
history, will you help me talk to him and convince him?”

I bit my lip.

“It’s Theo’s choice po, Auntie... Ayoko naman po na makielam...” sagot ko. She held
my hand and I was shocked. For the first time since makilala niya ako, ngayon niya
lang ako hinawakan.

She was looking in my eyes. She wanted this.


“Kelly, please. You’re the only one who can convince my son. Please give it a
shot,” sabi niya pa.

I gave in. Tumango ako at sinabi na susubukan ko but knowing Theo? May sarili
siyang pag-iisip. He’s his own person.

Umakyat ako sa loob at nakita ko si Theo na nagbabasa. Nakahiga lang siya sa kama
niya. Alam ko na alam niya na nandun ako but he didn’t make any efort of
acknowledging my presence.

Umupo ako sa tabi niya.

“Theo?” sabi ko. Nakailang ulit ako na tawagin ang pangalan niya pero hindi siya
sumasagot. Nung nainis at napagod na ako, inagaw ko ‘yung libro na hawak niya.
“Kausapin mo nga ako,” naiinis na sabi ko.

His forehead was creased. “What?”

“Bakit mo ba ako iniiwasan?”

“You’re paranoid,” sabi niya at saka iniabot ulit ‘yung libro. “What brings you
here?”
Huminga ako nang malalim at saka inabot ‘yung kamay niya. “You’re drifting apart.
Palagi na lang bang ganito? Push and pull? Theo, girlfriend mo ako. Nandito lang
ako palagi para sa ‘yo...”

Tinignan niya ako at saka binitiwan muli ‘yung hawak niya na libro. Tumayo siya
mula sa kama niya at saka pumunta sa mini fridge niya. Kumuha siya ng bote ng tubig
doon at saka uminom.

“I know,” sagot niya.

“Then why won’t you talk to me?”

“Because there’s nothing to talk about. Nasabi ko na sa ‘yo ‘yung mga gusto mong
malaman, ‘di ba? Wasn’t that enough?”

Hindi ko alam minsan kung paano sasagot kay Theo. Para kasi kahit ano ang sabihin
ko, hindi sapat. He’s the most complicated person I know. Too complicated I can’t
even begin to decode him.

“Why are you so enclosed, Theo? Alam ko naman na may history ka pero paano ka
magmomove on kung ganyan ka palagi?”

He rashly put the bottled water on the table and looked at my with spite. “Because
I can’t move on! You have no fucking idea what hell I am going through every day.
Tuwing pipikit ako, maaalala ko ang ate ko. Ni hindi nga ako makatagal ng walang
kasama! It haunts me every single day!”
Tumayo na rin ako. Lumapit ako sa kanya.

“If you think you got it bad, Theo, somebody out there got it worse. Don’t pity on
yourself too much.”

Nilagpasan niya ako.

“You don’t know anything.”

Hinawakan ko siya sa braso niya. “Theo, I love you. Nag-aalala ako sa ‘yo... Hindi
pwede na ganyan ka palagi...”

Dahan-dahan niyang inalis ‘yung hawak ko sa kanya.

“I’m perfectly fine,” sabi niya.

“You’re in denial.”

“I know myself, Kelly. Trust me, I’m fine.”

Nafufrustrate na ako kay Theo pero ayoko siyang pilitin. Kinuha ko iyong bag ko at
saka naglakad papunta sa pinto.
“Bahala ka, Theo... But always remember, nandito lang ako, okay? I may not be the
best adviser but I can be the best listener.”

Binuksan ko na ‘yung pinto at nagsimulang maglakad paalis. Sana dumating ‘yung araw
na maging okay na si Theo... Nahihirapan ako para sa kanya. Paano siya mabubuhay ng
normal kung kahit mismong pagpikit, nahihirapan siyang gawin?

Naglalakad na ako pababa ng hagdan nila nung sundan niya ako.

“Wait,” sabi niya.

Lumingon ako sa kanya. Nakita ko ang paghinga niya ng malalim. It was like he was
pondering on what to do next. I was silently wishing na sana gawin niya kung ano
ang mas makakabuti sa kanya. I just wanted the best for him, iyon lang naman.

Hinawakan niya ‘yung kamay ko at saka dinala ako sa living room. Nandun na ulit si
Auntie Andrea.

“Mom,” sabi niya. Agad na ibinaba ni Auntie ‘yung binabasa niya at nginitian si
Theo. Kahit na hindi ako gusto ni Auntie, hinahangaan ko siya. Kahit na kasi hindi
niya tunay na anak si Theo, kitang-kita ko kung gaano niya kamahal ito. Parang anak
niya talaga.

“Yes?”
Theo heaved a deep breath and then closed his eyes briefly.

“I’m accepting your offer,” sabi niya.

Agad na napatayo siya. “What? Are you sure?”

Hinigpitan ni Theo ang hawak niya sa kamay ko at saka tumango. “Yeah. I want to be
the best guy for Kelly and the only way to be that person is to fix myself.”

Sumimangot si Auntie.

“You’re not broken, Theo. You just need to be realigned.”

Tahimik lang ako na nakikinig. Hindi ko alam na ganito pala ang gustong mangyari ni
Auntie Selina. Akala ko therapy lang...

“Once you’re done with all your requirements, you’ll fly to Germany,” sabi niya. “I
will talk to my friend there. You will be in the best hands, Theo.”

Hindi ko napigilan.
“Bakit po sa Germany? Hindi po ba pwede na dito na lang sa Pilipinas?”

Iniisip ko pa lang na magkakahiwalay kami ni Theo, nahihirapan na ako. Kung dito


nga na magkasama kami, nag-aaway kami, paano pa kapag malayo?

“He needs to learn how to be alone, Kelly. Not all of a sudden but gradually.
Someone will accompany him there for sometime but eventually, he will live on his
own. He will be with the best pyschologists and psychiatrists.”

Wala na akong masabi. Nakaplano na pala ang lahat.

“Gaano katagal po?”

“As long as it takes for him to regain his normal life.”

Sa mga huling linggo na nasa Pilipinas pa si Theo, magkasama kami halos araw-araw.
May pakiramdam kasi ako na magtatagal... I had a bad feeling about it but I chose
to ignore it. Ang gusto ko lang kasi ay ang mapabuti si Theo.

Akala ko ilang buwan lang. Pero lumpas ‘yung buwan. Naging taon. Walang Theo na
bumalik.

=================
Chapter 51: Abscheu

#HTSTBB Chapter 51

“Oh, my god, I am so nervous!”

Hindi ko na pinansin pa si Kempt. Nakilala ko siya sa review center nung nag-aaral


ako para sa NMAT. He was cool—maybe a little too girly but that was fine. I was
lacking in the department of friends so he was more than welcome. For three months,
araw-araw kaming magkasama kaya halos magbest friend na kami.

“Me, too. Pareho lang tayong kinakabahan but you’re making it worse by fidgeting,”
saad ko. Hinihintay namin ‘yung resulta ngayon. Today was critical. Kailangan ko ng
perfect grade para makapasok ako sa gusto kong pag-aralan na school abroad. I was
still to ask Auntie Selina about the mechanics. Ang gusto niya kasi ay magrelax
muna ako. I just graduated tapos heto ako, gusto agad sumabak sa med school.

I can’t relax. I never wanted to relax. Gusto ko parati akong may ginagawa dahil
kapag nababakante ako, horrid memories always came flashing back.

Sabi nila masakit daw mang-iwan... pero pakiramdam ko mas masakit maiwan. Umaasa ka
kasi na may babalik pero wala naman pala. Para kang kandila na unti-unting nauubos.
Ang torture. Sana sinabi na lang na walang aasahan hindi ‘yung ganito na taon ‘yung
naubos sa pag-asa.

Another minute passed. Hindi ko na kaya. Tumayo ako mula sa bean bag ko at saka
inabot ‘yung wallet at cap ko.
“I’m going out. I can’t take all these pressure,” sabi ko kay Kempt. Dahil hindi
siya gumalaw, I presumed na ayaw niyang sumama. Pinabayaan ko na lang siya na mag-
isa. Condo niya naman ‘yun.

I pressed ground floor. Pagkababa ko, dumiretso ako sa office ni Gabe.

“Lunch?”

He looked at me from the pile of papers he was signing. Engineering ang tinapos
pero pagmamanage din ng kumpanya nila ang ginagawa. Out of line talaga siya kahit
kailan.

Gabe motioned for me to sit down. “5 minutes, Kelzone. I just need this be done.”

Umupo ako at inilabas na lang ‘yung phone ko. Today was not like any other day.
Today was Theo’s return. Babalik pala siya ni hindi man lang ako sinabihan. Kung
hindi pa sinabi sa akin ni Auntie Selina, clueless pa rin ako malamang.

Ano ba ang nagawa ko sa kanya para ganituhin niya ako? I loved him. I understood
him. I patienly waited for him. Yet in the end, I was left behind.

My agenda wasn’t really lunch. Gusto ko na samahan ako ni Gabe sa welcome home
party ni Theo. Hindi ko kaya pumuntang mag-isa dahil baka masampal ko lang bigla si
Theo sa sobrang inis.

In less than 5 minutes, natapos na agad si Gabe sa ginagawa niya. Niluwagan niya
‘yung tie niya at saka inakbayan ako. “San tayo kakain?”
“Mag-iisip muna ako...” I said. “May gagawin ka ba mamayang gabi?”

Naglalakad kami at pinagbuksan niya ako ng pinto ng sasakyan niya. Sanay na ako na
pinagtitinginan kami ng mga empleyado nila. Nalilito kasi sila sa amin ni Gabe.
Hindi kami pero parang kami. Pinaliwanag ko naman kay Gabe na ayoko. Hanggang
kaibigan lang talaga kaming dalawa.

My mind was still full of things about Theo. Good things and bad things.

He shrugged. “Tapos na ako sa gagawin ko ngayon, e. Why? May pupuntahan ka ba?”

Hindi ko alam kung dapat ba na sabihin ko kay Gabe... But knowing Gabe, baka alam
niya na bumalik na si Theo. Or baka hindi. Simula nung incident three years ago, he
moved out. Hindi na siya kinakausap ni Monique. Pati ‘yung kapatid niya, nagkaroon
na sila ng gap. I said sorry plenty of times but he just said that it wasn’t my
fault, that it was his choice to make.

I was his once in a lifetime, sabi nga niya sa akin dati.

“You do know about Theo’s return, right?” sabi ko habang nagdadrive siya. His
knuckles turned white from pressing too hard. Ngayon alam ko na na aware siya.
“Sino ang nagsabi sa ‘yo?”

“Si kuya.”
“I thought you’re not in talking terms with him?”

“We talk. We’re brothers, Kelly. Ano naman ngayong kung nasa Pilipinas na ‘yung ex
mo?”

Ex ko nga ba si Theo? Hindi ko alam. All I know is that one day, he stopped
calling. He stopped communicating altogether. Then poof! Wala ng Theo na
nagparamdam. He was like this ghost from my past. He kept on lingering but not
really.

“May welcome party siya mamaya,” I absent-mindedly said.

“And you intend to come,” sagot niya.

“Gusto ko siyang makita.”

He didn’t respond for a minute. I wasn’t dense. Maybe I was numb because of Theo
but I wasn’t dense. Alam ko na mahal ako ni Gabe. All these time, ako lang ‘yung
mahal niya. Kahit na may dinedate siyang ibang babae, in the end, sa akin pa rin
siya bumabalik.

Hindi ko maintindihan kung ano ang meron sa akin. I made it clear—nothing’s going
to happen between us. Gabe’s a great guy and he deserves nothing but the best. At
ako? Wala na akong kwenta. Pinaglumaan na ako ni Theo. Gabe deserves someone who
will be his, totally his, and that will never be me.
“Okay,” matipid na sagot ni Gabe.

Dumaan kami sa paborito ko na restaurant at si Gabe na ang umorder para sa akin.


Wala ako sa sarili ko. I kept on imagining what would happen tonight. Sasampalin ko
ba si Theo? Magsosorry ba siya sa akin? Ipapaliwanag niya ba kung bakit bigla na
lang siyang nawala?

My mind was a pool of questions waiting to be asked.

“Kelly,” sabi ni Gabe. Tumingin ako sa kanya mula sa pagmumuni-muni ko. “Eat. Ang
payat mo na. Kumain ka naman.”

I smiled at little at him and began eating. I will need all the energy I could get.

Matapos naming kumain, bumalik muna kami sa condo ko. Wala na ako sa mood na tignan
‘yung resulta ng NMAT. Sigurado naman ako na ginalingan ko... And whatever the
result maybe, I was pretty sure it was nothing money couldn’t fix. Auntie Selina
will surely find a way; that’s how much she loves me.

After a while, I took a nap. Iniwan ko si Gabe sa salas na nanonood ng kung ano.
Naalala ko pa nung magkita ulit kami ni Gabe, kakabalik niya lang galing States.
When he learned about what happened to my family and about how Theo dumped me,
dumiretso siya dito sa condo ko.

The look on his face when he saw me will forever be etched on my mind. Kitang-kita
ko ‘yung awa niya sa akin. Maybe he was thinking how miserable I was. My entire
existence was in a state of Armageddon. At that point, I just wanted to give up.
But he stayed. Tinulungan ako ni Gabe na bumalik sa dating ako. He kept on
insisting that there’s more to life than pain. He didn’t stop until he got me to
get out of my unit.

He will forever be my little ball of sunshine.

Nagising ako ng bandang 6pm at nakita ko si Gabe na natutulog sa couch. Umupo ako
sa tabi niya at saka niyakap siya. He stirred in his sleep.

Deciding that I didn’t want to disturb him from his slumber, tumayo ako. Mukhang
pagod na rin kasi siya. Ang alam ko, naka leave kasi ang kuya niya kaya siya ang
nag-aasikaso ng kumpanya nila mainly. James was one mysterious man. Seriously,
nakaka-curious siya minsan at ang pagka-obsessed niya sa kaibigan ni Monique.

Pumunta ako sa kitchen at chineck kung ano ang available na ingredients. Pinagluto
ko si Gabe and he woke up just in time. Kumain kami ng dinner habang kinukwentuhan
niya ako sa mga ginagawa ng kuya niya. It fascinated us both, the length his
brother was willing to take just to have Trisha.

“Nabuwag na ‘yung Project Mandarin,” sabi niya.

Napanganga ako. “Really? So ibig sabihin...”

He nodded. “Yeah, he won, finally.”


Oh, my god. After all these years, nanalo rin si James. I wonder kung ano ang
reaction ni Trisha kung malaman niya ang Project Mandarin. Kung ako ‘yun, papatayin
ko si James. But who knows? Those two was the weirdest couple you would ever meet.

Pagkatapos namin kumain, dumiretso na kami sa club na pag-gaganapan ng welcome


party ni Theo. Puro high school friends ang nandun... May ilan na kilala ako, mga
tao mula UPLB. Hindi ko alam kung nagbago lang ba ako ng itsura o hindi lang talaga
ako importante sa kanila kaya hindi nila ako pinapansin.

I opted to stay on the side. Ayaw kaming papasukin nung una dahil by invites lang
daw itong party. But as I have said, nothing money couldn’t solve.

Naupo kami ni Gabe sa dulong parte, hinihintay ang pagdating ni Theo. After a few
minutes, the devil came. He was smiling radiantly. Wala ng bakas nung Theo dati. He
looked really different.

I clutched on my bag tightly. I was there when he was at his lowest. Nung bumuti
siya, iniwan niya ako na parang bula.

“Theo! Si Monique, oh!” sabi nung isang kaibigan niya. Everyone on the club turned
their gaze at her. Ang ganda ni Monique.

Napatulala si Monique sa kinatatayuan niya. Si Theo, dahan-dahan na lumapit sa


kanya. He tried speaking but it was like Monique was in daze. Tinapik ni Theo ang
balikat ni Monique.

From where we were sitting, hindi ko marinig kung ano ang pinag-uusapan nila. I
wanted to listen to what they have to say so badly. Makalipas ang ilang minuto,
lumabas silang dalawa. I looked at Gabe. I didn’t have to utter a word,
naiintindihan niya ako.
Sinundan ko sila sa labas.

“I missed you, shortcake.”

Asshole!

“Fuck off,” Monique said.

Papaalis na si Monique nung biglang hilahin ni Theo ‘yung kamay niya. “It’s been
years; hindi mo pa rin ba ako napapatawad?”

I wanted to laugh. Ang kapal ng mukha niya. Paano ako? Ni hindi man lang siya
nagsorry sa akin! Taon ‘yung sinayang ko! For years, I waited for him! This
asshole!

Nag-usap pa sila nung may dumating na isang lalaki.

“Sino ka ba?” the guy asked him.

“First love ni Monique,” Theo said smugly. I wanted to break his face.
“Natatabunan ng first love ang true love. ‘Wag ka ngang mayabang,” the guy said.

I turned my back. Ang ironic. ‘Yung tao na hinihintay mo, may ibang namimiss. Gago
ka pa rin, Theo. MVP ka ng mga gago.

Pumasok ako pabalik sa loob. Iniabot ko ‘yung bourbon at ininom. Hindi ako umiinom
but tonight was an exemption. I wanted to strangle Theo and choke the life out of
him.

We went at the exit. Nagpahatid ako kay Gabe sa condo ko. Hindi na siya nagsalita
pa. He just kissed my forehead and went away.

When he was gone, dumiretso ako sa bahay nila Theo. I waited in his room. Pasado
ala-una na ng madaling-araw nung dumating siya.

“Kelly?”

Tumayo ako mula sa pagkakaupo.

“Wow, kilala mo pa pala ako?” I retorted sarcastically. “Akala ko kasi nalimutan mo


na ‘yung existence ko, e.”

Inilapag niya ‘yung dala niya sa mga upuan doon at saka naglakad papunta sa kama
niya. Naupo siya doon at saka tinanggal ‘yung sapatos niya.
“Why are you here?” tanong niya.

Kumuyom ang kamay ko. May gana pa siya na tanungin ako niyan! Gago na ‘to!

“Why?” I asked. “Why did you do that to me, Theo? Tatlong taon. Ni ha, ni ho wala.
Girlfriend mo ako pero ni hindi mo nagawang magparamdam!”

Huminga siya nang malalim.

“Sorry,” una niyang sinabi. “I wanted to tell you but your father just died. Hindi
ko kaya na saktan ka ulit. That would be cruel.”

I let out a mocking laugh. “Cruel? Don’t talk to me about being cruel, Theo! Mas
okay ba na for three years, I was wondering what the hell was wrong with me?! Sana
nag email ka man lang! ‘Hi, Kelly. Let’s breakup.’ Kahit ganon lang, pwede na!
Mukha akong tanga, gago ka!”

“I’m sorry,” sabi niya ulit. “That was wrong of me. Sorry, Kelly, you didn’t
deserve any of that.”

Sinampal ko siya. “Asshole.”


“I know. I’m sorry.”

Slowly, I started crying. All these bottled up emotion coming out. Lahat ng inipon
ko sa loob ng tatlong taon, lumalabas ngayon.

Napaupo ako sa sahig habang umiiyak. Lumuhod si Theo at niyakap ako. He kept on
muttering that he’s sorry, that I didn’t deserve getting hurt.

“I hate you,” I said in between sobs. “I hate myself for still loving you.”

Natigilan siya sa sinabi ko. Unti-unti siyang tumayo.

“I moved on already, Kelly. Please move on. Hindi na kita mahal.”

He knew how to kill me with his words.

=================

Chapter 52: Gepäck

#HTSTBB  Chapter 52
 

Hinatid ako ni Theo sa condo ko. Habang papunta kami dun, iyak ako nang iyak.
Tahimik lang ako na umiiyak. Wala akong pakielam kung isipin nung driver ni Theo na
nababaliw na ako. Malapit na talaga akong mabaliw kay Theo.

“Ihahatid na kita sa taas,” sabi niya.

Hindi ko siya pinansin. Bumaba ako agad sa sasakyan niya at saka tumakbo papasok ng
building. Nagpunas lang ako ng luha dahil sobrang basang-basa na ‘yung mukha ko.
Mabuti na lang at wala ng tao sa lobby. Mag-isa akong sumakay sa elevator, patuloy
lang sa pag-iyak.

Nakatakip na ‘yung kamay ko sa mukha dahil hindi ko na mokontrol pati ‘yung


paghinga ko. Hindi na yata ‘to iyak, e. Humahagulgol na ako. Ang galing ni Theo.
It’s been three years pero kayang-kaya niya pa rin akong paiyakin.

Dumiretso ako agad sa unit ko. Humiga ako agad sa kama ko at tumagilid. Patuloy pa
rin sa pagbuhos ‘yung luha ko. Wala na talaga silang katapusan.

Biglang nagvibrate ‘yung phone ko.

From: Gabriel Aldea

If you’re gonna cry, cry for someone who’s actually worth your tears.

 
Hindi ko na alam kung worth it pa ba si Theo... pero itong puso at isip ko,
palaging sinasabi na siya talaga. Hinihiling ko na sana mapagod na ako. Gusto kong
mapagod—‘yung tipo na ako na mismo ‘yung susuko kasi hindi ko na talaga kaya.

To: Gabriel Aldea

If I could, you know I would.

Kung kaya ko lang, bakit hindi? Pero paano ko malilimutan si Theo kung araw-araw,
pinapaalala siya sa akin ni Auntie Selina? Lagi niyang sinasabi na hintayin ko raw
si Theo, na kami raw ni Theo ang para sa isa’t-isa. Palagi niya akong tinatanong
kung ano raw ba ang relasyon namin ni Gabe... Magkaibigan lang namin kami pero
laging nagdududa si Auntie. Ang gusto niya, para lang ako kay Theo.

Ang unfair. Ako ay para lang kay Theo pero si Theo, ayaw na sa akin. Ipagpipilitan
ko ba ‘yung sarili ko?

From: Gabriel Aldea

You’re not even trying.

I’ve tried. I’ve tried far too many times. Pero ano ang ending? Kay Theo pa rin. Sa
gago pa rin ako bumabagsak. Nakaka-pakshet talaga minsan ‘yung buhay ko. When it
rains, it pours palagi.

To: Gabriel Aldea

Pag sobrang pagod na ako, kusa akong susuko. Pabayaan mo muna ako sa katangahan ko.
Good night, Gabe.

 
That night, I had the worst sleep I have ever had. I kept on sobbing. I didn’t even
know if I could call that sleep. Para kasing nakapikit lang ako pero hindi talaga
ako natutulog. I was silently hurting.

Kinabukasan, agad ko na nabungaran si Auntie Selina. May dala siyang mga pagkain
mula sa bahay nila. Pinapagalitan niya kasi ako kapag puro take-out lang ‘yung
kinakain ko.

“Good morning,” bati niya sa akin.

Nagkusot pa ako ng mata habang naglalakad papunta sa kusina. Naglagay siya ng plato
sa harap ko at nilagyan ‘yun ng pancakes at bacon.

“Good morning,” sagot ko sa kanya. “May pupuntahan po tayo?”

She smiled at me. “Sabi sa akin, nagpunta ka raw kila Theo kahapon. Am I right,
dear?” sabi niya. Bakit pa ba ako nagugulat? May mata si Auntie kahit na saan. Kaya
nga minsan napapagalitan ako kapag inaakbayan ako ni Gabe. Pangit daw tignan. Kahit
ilang beses ko sabihin sa kanya na wala na kami ni Theo, ayaw niyang maniwala. In
denial talaga siya.

Tumango na lang ako at saka pinasakan ng pancake ‘yung bibig ko.

“Good,” sabi niya ng nakangiti. “After finishing your breakfast, didiretso tayo
kina Andrea. Take a bath, okay? May pupuntahan lang ako sandali,” sabi niya. She
kissed me on the cheek at saka lumabas ng unit.
Napatingin ako sa couch, may mga paper bag na naman. Pinamili niya na naman ako. I
sighed. Sobra na kasi ‘yung mga binibigay niya sa akin kaya hindi ako pumapayag
kapag inaaya niya akong magshopping pero hindi pa pala sapat ‘yun para tumigil
siya. Ikinuha niya ako ng personal shopper. Halos kada linggo, may dumadating na
delivery ng bags, damit, at sapatos dito sa condo unit.

Habang kagat ko pa ‘yung pancake, dumiretso ako doon. May nakalagay na note sa
isang paper bag. Nakalagay doon na iyon daw ang isuot ko. Kinuha ko iyon at
tinignan, isang white eyelet dress at black flats.

Pumunta na ako sa cr at naligo. Bahala na. Bahala sila kapag bigla ko na lang
sinampal si Theo mamaya.

After an hour, natapos na ako sa pag-aayos. Naghihintay sa akin si Auntie sa may


salas. She smiled upon seeing me.

“Ready?”

Naglakad kami pababa at sumakay sa sasakyan niya. Buong byahe, gusto kong itext si
Gabe. Alam ko kasi na nagtatampo siya sa akin. Palagi kong sinasabi sa kanya kung
gaano ako namumuhi kay Theo pero isang balita lang na nandito siya sa Pinas,
tumiklop agad ako.

Posible ba na mahal ko ‘yung tao pero at the same time gusto ko siyang patayin?
Ganun kasi ang nararamdaman ko kay Theo.

Nung dumating kami, dumiretso kami sa may dining room. May mga pagkain na nakahain
doon. Nakita ko ang daddy ni Theo.
“Hi po,” I greeted him. Minsan ko lang siya makita dahil busy siya sa trabaho.
Pansin ko rin na hindi sila close. Mas close pa nga si Theo sa step-mother niya.

Naupo ako doon. Katabi ko si Theo. Sobrang tempted ako na sikuhin siya ng
mabilaukan siya.

Ngumiti si Auntie Selina.

“So...” tumingin siya kay Auntie Andrea. Napailing na lang ito. ‘Yung daddy ni
Theo, bumuntong-hininga na lang. Medyo kinakabahan ako sa mga sasabihin nila. “We
will be planning your engagement party. Now that Theo’s back at mukhang nakapag-
usap naman na kayo kagabi, I hope everything will go just fine.”

My just dropped. Ano ang okay sa amin ni Theo? Hindi ba halata na gusto ko siyang
sakalin? Na gusto kong itarak ‘tong steak knife sa puso ni Theo? I know a way kung
saan isang saksak ko lang titigil agad sa pagtibok ang puso niya. Gagamitin ko
‘yung pagiging Bio-major ko para sa kanya.

“Auntie...” sabi bigla ni Theo.

Tumingin sa kanya si Auntie. “Yes, Theo?”

“Don’t you think you’re planning our lives ahead of us? Not to disrespect you, but
this is our lives, this is my life.”
Hindi ako sanay na magalang si Theo. Hindi ako sanay sa lahat ng ikinikilos niya.
Nagbago na talaga siya.

Ngumiti si Auntie Selina. “3 years na kayo. Don’t you agree that it’s long due na
maikasal kayo?” Tumingin siya sa parents ni Theo. “Right?”

Walang nagawa ang parents niya. Hindi ko alam kung ano ang ginawa ni Auntie Selina
para mapapayag sila... I knew her. Kapag gusto niya, gagawin niya. And as it looked
like, there’s no stopping her from getting us married.

“Were not—”

Hindi ko pinatapos si Theo dahil nagsalita ako.

“Okay po,” I said while smiling sweetly. “Okay po, Auntie Selina.”

Ang laki ng ngiti ni Auntie Selina. Pilit inaalis ni Theo ‘yung hawak ko sa kamay
niya pero hinigpitan ko iyon.

Nagpatuloy sa pag-uusap sina Auntie at ang parents ni Theo habang nagsalita naman
si Theo sa tabi ko. “Ano’ng problema mo?” sabi niya sa akin.

I shrugged. I cut my steak and ate silently. Natapos kaming kumain. Nag-excuse
‘yung mga nakakatanda dahil may pag-uusapan pa raw sila na business related. Ako
naman ay hinatak ni Theo papunta sa study room sa bahay nila.
“What’s wrong with you, Kelly?”

“Nothing. Bakit? Ano naman ang masamang magpakasal tayo? Sabi nga ni Auntie, 3
years na rin naman tayo.”

Inilagay niya ‘yung kamay niya sa sentido niya. “We broke up! That’s why it’s so
wrong!”

Naalala ko na naman ‘yung mga panahon na mukha akong tanga kahihintay sa tawag at
texts niya. Ang gago talaga ng tao na ‘to.

“You broke up with me, I didn’t agree to it.”

“That’s practically the same!” sigaw niya sa akin.

I measured up to his gaze. Hindi ako magpapatalo ngayon. Kung dati, kayang-kaya
niya akong saktan, ngayon, sisiguraduhin ko na masaktan man ako, hindi niya
malalaman iyon.

“You’re a law student, ‘di ba? You should know that mutual consent is needed bago
maverify ang isang kasunduan. Hindi ka tanga at mas lalong hindi ako tanga.”
Huminga siya nang malalim at napapikit sa frustration. Kung frustrated siya sa
akin, paano pa ako? Gusto kong ibato sa kanya lahat ng vase at figurine dito sa
kwarto.

“We’re not getting married,” ani niya matapos ang ilang segundo.

Tinalikuran ko siya. “We are.”

“I don’t love you anymore, Kelly. Ano ba ang mahirap intindihin ‘dun?”

I stopped on my tracks. “Sinaktan mo ako.”

“And I am sorry.”

“No need to feel sorry for me, I am already doing a perfect job at that,” sabi ko
at lumabas na ako ng tuluyan sa kwarto.

Diretso akong lumabas sa bahay nila at dumiretso sa condo ni Kempt. Ayoko munag
kausapin si Gabe kasi mas masasaktan siya kapag nalaman niya na pumayag ako na
ganun ang mangyari.

“Stressed? Pasado ka kaya sa NMAT.”


Ni hindi man lang nabawasan ‘yung kalungkutan ko.

“Bumalik na ‘yung ex ko.”

Biglang nabuhayan si Kempt. One time, naikwento ko sa kanya si Theo. Sobrang


depressed kasi ako nung araw na ‘yun. Dapat third anniversary na namin kung hindi
lang siya gago...

“Tapos ikakasal na kami.”

“Wait, what? Gaga ka ba? Bakit ka magpapakasal sa tao na ang tanging ginawa sa
buhay mo e ang gawin kang emotional dumpsite? Babe, alam ko martyr ka pero ‘wag mo
namang iupgrade!”

Napangiti ako. Wala naman akong balak pakasalan si Theo. I just want him
humiliated. Sa araw ng kasal, walang Kelly na dadating... pero parang tanga lang
ako. Baka kasi wala ring Theo na dumating.

“I have plans.”

Bumuntong-hininga siya. “I hope your plan doesn’t backfire.”

Ngumiti ako sa kanya. Kinahapunan, dumiretso na ako sa condo ko. Nagulat ako dahil
nandun si Theo.
“Bakit ka nandito?”

“Kelly,” he said. “Ano ba ang gusto mo? One mistake can’t be corrected by making
another.”

I rolled my eyes and walked pass him. I punched in my code at pumasok sa loob ng
condo. Alam ko na sumunod siya sa akin.

“Don’t get wise on me, Theo. Alam ko ‘yung ginagawa ko.”

“So stop this madness. Bakit tayo magpapakasal? I don’t love you.”

Bakit ba palagi niyang kailangang ipaalala na hindi niya ako mahal? Hindi ba niya
alam na kahit hindi ko ipakita, nasasaktan ako. Damn this guy.

Hindi ako nakasagot sa sinabi niya. Dumiretso ako sa may ref at kumuha ng orange
juice.

“I don’t care. Bakit? Babalik ka kay Monique?”

Hindi siya sumagot. I took that as a yes. This freaking asshole.


“Babalik ka kay Monique?” I reiterated. Natawa ako. “Alam mo? Fuck you! Ang sama ng
ugali mong gago ka!”

Tahimik lang siya na pinakinggan ako habang minumura ko siya. Bakit ba siya ganito?
I hated this Theo. I wanted the old Theo back.

“You stole 3 years of my life!”

Nakatingin lang siya sa akin. I took a step forward.

“Bakit, Theo? You told me you want to be the best person for me... What happened?”

Natatakot ako na marinig ‘yung sagot pero alam ko na dapat kong malaman. I didn’t
want to stay in the shadow. As much as it would hurt, I was willing to bet on that.
Umaasa ako na baka may chance pa na matahimik ‘yung kaluluwa ko. Baka may pag-asa
pa for redemption.

He stared at me.

“Tell me,” I urged him.

He took deep breaths. “My doctor said that I should let go of my baggages...”
Hindi ako makapaniwala sa mga narinig ko. “I was your baggage?”

He nodded.

“You remind me of everything I wanted to forget. I needed you out of my life.”

=================

Chapter 53: Auf Wiedersehen

#HTSTBB Chapter 53

Kanina pa naiirita sa akin si Kempt. Nanonood kami ng marathon ng series pero


kanina ko pa siya tinatanong.

“Sino’ng matinong psychiatrist ang magpapayo sa pasyente niya na biglang hindi


magparamdam sa girlfriend niya?” sabi ko sabay kain ng chips. Ang ganda sana nung
pinapanood ko pero naiirita pa rin ako.

Hindi ba dapat payuhan at tulungan niya si Theo na mas mapabuti? Paano siya
mapapabuti kung tuturuan niya siya na maging paasa? Parang inupgrade niya lang
‘yung pagiging gago ni Theo, e.

Napailing na lang sa akin si Kemp. Inabot niya ‘yung remote at saka pinindot ‘yung
pause. Humarap siya sa akin.

“Babe, according to the info you relayed to me, pakshet. Meron kayong pakshet na
relationship ni Theo. Relationship is supposed to make you a better person pero sa
inyo ni Theo, nagiging wasted person kayo.”

Hindi na ako sumagot. Aminado naman ako na minsan, I mean mas madalas sa minsan,
hindi kami maayos ni Theo. Pero para sa akin, parte lang naman ‘yun ng kung anuman
‘yung meron kami. Kung napagtiisan ko nga si Theo noon, pwede pa kaya ngayon?

“Kapag mahal mo kasi, lumilipad lahat ng reasons.”

Umiling si Kempt. “Wrong. Alam mo ‘yung reasons pero ginagamit mo lang ‘yung love
para maging explanation.”

“Kung makapagsalita ka parang hindi ka na-in love, ah.”

Kempt shrugged. Simula pa nung unang beses na naikwento ko sa kanya ‘yung sa amin
ni Theo, tutol na talaga siya. Binansagan niya pa nga kami na ‘pakshet couple.’
Puro bad news lang daw kasi ang dala namin sa isa’t-isa. Kumbaga, we bring the
worst in each other.

“I love love but when it’s toxic, you should know when to stop.”

“Hihinto naman ako,” I answered.

Napailing ulit siya. “Necessary ba talaga ‘yung revenge? Kasi trust me, may friends
ako na nastress ako before dahil sa revenge keme niya. Ayun, na-erase ang memory
dahil naaksidente.”
Hindi ko alam kung kailangan ba talagang maghiganti. Pero alam mo ‘yun? Ang hirap
sa pakiramdam na nasaktan ka tapos ‘yung taong nakasakit sa ‘yo, ayun, ayos lang,
patuloy pa rin ang buhay. I wanted him to feel as awful as I was. Kahit konti lang.
Kahit papano sana maramdaman niya kung gaano ako naging ka-miserable.

“I’m tired of getting mad. I want to get even.”

“Hay, babe. Sana lang talaga hindi ikaw ‘yung matamaan niyan sa huli.”

Hindi ko na pinansin pa si Kempt. Siguro kapag dumating sa buhay niya ‘yung tao na
kaya niyang masaktan ng paulit-ulit pero sa huli iiwan din pala, maiintindihan niya
ako.

Tinapos ko lahat ng pinapanood namin at saka nagpasundo ako sa driver. Magpapahatid


na sana ako sa condo pero sabi nung driver, sa bahay daw ni Auntie Selina ako
didiretso. Hindi na ako nagtanong kung bakit dahil parang alam ko na naman kung ano
ang ipupunta ko doon.

May mga nakaparada na sasakyan sa labas kaya parang nakumpirma na rin ‘yung hinala
ko. Naglakad ako papunta sa loob at may nakita akong mga tao.

“Good morning,” bati ko sa kanila. Binati rin nila ako tapos naglakad ako papunta
kay Auntie Selina na busy sa pagtingin sa isang wedding magazine. “Good morning,
Auntie,” bati ko sabay halik sa pisngi niya.

Naupo ako sa tabi niya. Tumingin ako sa paligid at nakita ko na wala si Theo. Hindi
ko alam pero pakiramdam ko kasama niya si Monique ngayon.
Tinimbang ko muna kung paano ko sasabihin kay Auntie Selina. Malaki ang utang na
loob ko sa kanya kaya hangga’t maaari, ayoko na pinapasama ‘yung loob niya. Yes,
sometimes she goes overboard at kung umarte siya parang anak niya talaga ako but I
just let those pass. Siya ang nagbayad sa lahat ng medical expenses ng tatay ko
pati na sa pagpapalibing... The least I could do was to agree to her whims.

But what Kempt said was true. This was my life. At kung papayag ako na makasal kami
ni Theo, parang pumayag na rin ako na maging permanent emotional dumpsite niya.

Tsk. Kailangan ko na rin yata ng psychiatrist.

“Look at this, ang ganda, noh?” sabi niya sabay turo doon sa empire cut na wedding
gown. Ang ganda nga niya pero gusto ko kung isusuot ko ‘yan, para sa tao na
mamahalin ako at aalagaan habang buhay.

And I was thinking that it wasn’t Theo.

Hanggang kailan ba ako mabubuhay sa uncertainties niya? Palagi na lang akong


nagugulat sa mga gagawin niya, sa mga sasabihin niya. Isang araw mahal niya ako, sa
susunod na araw pabigat ako. Hindi ko na talaga alam kung ano ang role ko sa buhay
niya.

Nginitian ko siya. I took a really, really deep breath. “Auntie,” panimula ko.
Tinignan niya ako at saka nginitian.

“Yes, hija?”
Hindi ko alam kung sa paanong paraan ko ipapaliwanag na maiintindihan niya. Sa isip
at sa sariling mundo kasi ni Auntie Selina, masaya kami ni Theo. Pero sa real
world? We’re both miserable—o baka naman ako lang ‘yun.

Misery is a choice. And now, I want to choose myself.

“Auntie, hindi ko po kayang pakasalan si Theo.”

Naibaba niya agad ‘yung magazine na hawak niya.

“What do you mean?”

“Auntie, matagal na po na wala kami ni Theo...” paliwanag ko sa kanya. “Almost 3


years na po, simula nung pumunta siya sa Germany.”

Inside, I was praying na sana pakinggan ako ni Auntie. Alam ko naman na gusto niya
na mapabilang ako sa pamilya nila, na maging Henares din ako, pero ang hirap naman
kasing ipilit.

“Kelly, you two are meant to be.”

And I was starting to believe that we were meant to destroy each other.
“Auntie...” pagsusumamo ko.

She enclosed my hand inside hers at saka mataman na tinignan ako sa mga mata ko.
“Kelly, hija, I have waited for this, and I know you have waited for his return.
Theo loved you once at alam ko na mamahalin ka niya ulit. You just have to find
your way back to his heart.”

Hindi naman kasi alam ni Auntie kung gaano kasakit na palaging marinig na sinasabi
ni Theo na hindi niya ako mahal, na pabigat lang ako sa buhay niya, na ako ‘yung
nagpapaalala sa mga masasamang nangyari sa buhay niya. Ang sakit-sakit nun.

“Auntie naman...”

“This is my wish, Kelly. Please do this for me, for the person who helped your
family,” sabi niya at saka tumayo at iniwan ako doon.

Hindi ako makapaniwala sa narinig ko.

She knew I couldn’t do this anymore but she was blackmailing me. Hindi ko na alam
kung saan pa ako pupunta.

--

That afternoon, sinukatan nila ako ng wedding gown. Hindi ako makahindi dahil
nakamasid si Auntie Selina buong hapon. Parang nawalan ako ng karapatan para
magdesisyon para sa sarili ko.

“Andrea, where’s Theo?” sabi niya sa telepono. Matatapos na kasi ako pero wala pa
ring Theo na nagpapakita.

Nasigaw na si Auntie at ako, pilit kong hindi pinapakinggan ang sinasabi niya pero
hindi pa rin ito nakaligtas sa pandinig ko. Na kina Monique si Theo kaya hindi siya
nakapunta. Hindi pa rin talaga siya makalimot.

Alam ko naman na malaki ang parte ni Monique sa buhay niya pero tapos na ‘yun.
Tapos na sila.

“Done,” sabi sa akin nung nagsusukat.

Nginitian ko siya at saka ko inabot ‘yung bag ko. Nakikipagsigawan pa rin si Auntie
sa telepono kaya naman minabuti ko na umalis na. Bahala na kung magagalit siya sa
akin, ayoko na talagang tumagal pa ng kahit isang segundo sa bahay niya.

Naglakad ako palabas ng subdivision at saka sumakay ng taxi. Hindi ko alam kung
saan ako papunta. Nakarating ako sa SM at dumiretso ako sa garden.

Ilang oras na akong nakaupo doon nung biglang mahagip ng paningin ko ‘yung lalaki
na kausap ni Monique nung isang araw. Nakaupo lang siya dun at mukha siyang
problemado.

“Hi,” bati ko sa kanya nung ilang minuto na rin akong nakatingin sa kanya.
Tumingin siya sa akin at saka kumunot ang noo. Oo nga naman, ang weird naman na may
isang babae na hindi mo kilala na biglang kumausap sa ‘yo. “I’m Kelly. Sorry for
asking pero boyfriend ka ba ni Monique?”

“Sino ka ba?”

Tumayo siya at saka iniwan ako. Ang sungit naman nito.

Ayoko sana siyang kausapin pero gusto ko lang malaman kung may boyfriend na ba si
Monique o kung anuman ang nangyayari sa buhay niya. It’s been years pero ‘yung
bigat ng konsensya ko sa ginawa ko sa kanya, ganoon pa rin. Hindi ko pa rin tanggap
na nasaktan siya dahil sa akin.

“I’m Theo’s fiancee,” pakilala ko. Ayoko sana na sabihin iyon pero ‘yun lang ang
nakikita kong paraan para kausapin niya ako.

Napahinto siya sa paglalakad. “He has a fiancee?” Tumango ako. “That asshole,”
bulong niya.

Naghintay ako ng ilang segundo bago ako muling nagtanong. “How’s Monique?”

He shrugged. “I don’t know; why don’t you ask her yourself?”

Hindi ko alam kung saan ako makikibalita kasi kahit si Gabe, walang balita.
Sinabihan yata ni Monique si James na ‘wag magsasabi ng kahit ano na tungkol sa
kanya kay Gabe. She totally banished him from her life. Sana sa akin na lang siya
nagalit... Wala namang kasalanan si Gabe, nadamay lang siya.
“Mahal mo ba si Monique?”

“You’re a fucking weird stranger,” sabi niya sa akin. “But yeah, I love her.”

I smiled. Gumaan ang pakiramdam ko kahit papaano.

“If you don’t mind me asking, bakit mo siya mahal?”

He stopped for a while. “I’m willing to hurt all the people around me just to
protect her. I love her though the only thing she’s good at is hurting me. Ewan.
Basta alam ko mahal ko si Monique and everything else is a pool of blurry shit.”

“Kahit na makasakit ka?”

He nodded.

“Paano kapag ayaw mong makasakit?”

He shrugged. “Then give up. Love is a game for the strong-hearted.”


“Thank you,” saad ko kahit na bakas sa mukha niya na naguguluhan siya kung bakit
ako nagpapasalamat.

Iniwan ko siya doon at naglakad pababa. I called Theo’s phone.

“Hello?” I said.

Hindi siya nagsalita.

“Theo...”

Wala pa rin akong naririnig.

“Good bye.”

=================

Chapter 54: Mein Letztes Geschenk

#HTSTBB Chapter 54

Gabriel Dash Aldea

 
“Anak, is she even worth all the hurting?”

“Siguro.”

Iniligpit ko na lahat ng gamit ko. Sasamahan ko pa si Kelly mamaya. Bakit naman


kasi nawawala si Theo. Alam ko naman na gago siya pero bigla-bigla na lang siyang
nawawala. Ni hindi man lang niya inisip si Kelly.

“Where are you going?” tanong ni Mama sa akin.

Ayoko sana na sabihin na sasamahan ko si Kelly sa pagpapasukat ng wedding dress


niya kasi panigurado, magagalit na naman sa akin si Mama. Naiintindihan ko naman
siya kasi mula yata nung ipinakilala ko sa kanya si Kelly at nalaman niya na iniwan
ako, hindi na siya boto sa kanya. Palagi niyang sinasabi sa akin na marami namang
ibang babae kaya bakit ako nagpapakatanga sa kanya. Pero iyon nga ang problema.
Kung magpapakatanga na lang din ako, kay Kelly na.

“Basta,” sagot ko na lang. “Baka hindi na ako makasabay sa dinner,” sabi ko pa.
“Bye, Ma.”

Bumaba ako at hinintay ‘yung driver ko. Mabuti na lang napakiusapan ko na siya na
‘wag i-report kay Mama kung saan ako nagsususuot. Bakit naman kasi missing-in-
action si James, ako tuloy ang binabantayan ni Mama.

“Sa FHF po,” sabi ko. Tinext ko si Kelly kanina kung may kasama siya. Nung isang
araw kasi, nagtaste test sila para sa mga pagkain. Walang Theo na dumating. Kahit
hindi sabihin ni Kelly, alam ko na nalungkot siya at napahiya. Sino ba naman kasing
matinong groom ang hindi sisiputin ang bride niya sa preparations sa kasal nila?
Ilang minuto ang lumipas at nakarating na kami doon. Pumasok ako sa loob at
pinapunta nila ako sa waiting area. Nakita ko roon si Auntie Selina na naghihintay.

Tinignan niya lang ako sandali at saka binalik ‘yung mata niya sa binabasa niya.
Hindi talaga magaan ang loob niya sa akin. Minsan nga nasabi pa ni Kelly na
pinasundan daw kami dati ni Auntie Selina dahil nagdududa siya na may relasyon kami
ni Kelly. Paniwalang-paniwala talaga siya na may relasyon pa rin si Theo at Kelly.
Tsk.

Minsan iniisip ko na may diperensya sa pag-iisip si Auntie Selina. Nakikita ko kung


paano niya ituring si Kelly. She bribes her with material things and offers help
when it wasn’t even asked of her.

Naiinis ako kapag sinasabihan nila si Kelly na malandi. Hindi naman kasi nila alam
kung ano ang nangyayari. Alam ko na napipilitan at naiipit lang si Kelly. She’s a
victim like everybody else. I wouldn’t love her this much if she’s half as devious
as what other people say she is.

Another fives minutes passed. Napatingin ako sa harap ko nung lumabas si Kelly mula
sa fitting room.

Shit. Wrong move.

“You look divine, hija,” sabi ni Auntie Selina.

I stood there, unable to think of anything to say. Ang ganda niya. Shit talaga
bakit ba ako nandito? Akala ko okay lang sa akin na makita siyang nakasuot ng
wedding gown—ng gown na isusuot niya para sa kasal nila ni Theo.

Why do I always overestimate myself when it comes to Kelly? Palagi ko kasing


iniisip na kaya ko pero kapag mag-isa na ako, at saka ko marerealize na kawawa pala
ako. When these all end, I will end up alone.

I never liked being alone. But when I see Kelly hurting, nawawala ‘yung takot ko
mag-isa. Mas okay na na ako ‘yung nasa tabi niya para at least kahit papaano hindi
na siya malungkot. Kung marami akong problema at kinatatakutan, mas marami nun si
Kelly. And for that, I want to be strong enough for her. I want to be her hero.

Kaya ako nasasabihan na bakla ni James, e. Tsk.

“Gabe.”

Naputol ang pag-iisip ko nung tawagin ako ni Kelly. Nakatingin siya sa akin. She
was smiling but it didn’t even reach her eyes.

Tumayo ako mula sa kinauupuan ko. Nag-thumbs up ako. I can’t even verbalize how
beautiful she looked right at this moment.

Binigyan ako ng masamang tingin ni Auntie Selina bago siya lumapit doon sa nag-
aayos ng gown. Narinig ko na gusto niyang pasikipan ‘yung gown. Ano ba ang gusto
niya? Hindi na makahinga si Kelzone?

Naglakad ako palapit kay Kelly.


“Ayos ka lang?” she nodded. “Sigurado ka?”

“Oo naman,” sabi niya sabay ngiti. “Pangarap ko ‘to, ‘di ba?”

Pinitik ko ‘yung noo niya. “Sinungaling.”

She just smiled at me. “Wait lang, ha. Magbibihis lang ako, ang sikip nitong suot
ko,” sabi niya tapos pumasok ulit siya sa dressing room.

Sumama sa akin si Kelly pagkatapos niyang magbihis. Of course Auntie Selina wasn’t
happy about that pero hinayaan niya na lang kami. She already got Kelly under her
skin, pagbigyan niya naman kahit minsan. Kung hindi lang ako pinalaki ng mga
magulang ko na rumerespeto sa mga nakakatanda, matagal ko ng sinagot-sagot si
Auntie Selina. Para na kasi siyang baliw.

Dinala ko si Kelly sa paborito niyang restaurant.

“Ayaw mo na ba dito?” tanong ko sa kanya nung ibaba niya ‘yung menu. “Gusto mong
lumipat?”

She shook her head. “Hindi, ah. Bawal daw kasi akong masyadong kumain at baka hindi
ako magkasya sa wedding gown.”
“Come on, isang steak lang?”

“Hindi talaga, e. Sige, ikaw na lang ang kumain, magsasalad na lang ako,” sagot
niya.

It continued. Sa loob ng isang buwan, ako ang madalas kasama ni Kelly. Hindi ko
alam kung saan nagsuot si Theo. Sabi naman ni Kelly, nakakausap niya ito. Nag-
aalala lang kasi ako na baka sa mismong kasal ay walang dumating na groom.
Papatayin ko talaga ‘yun kapag pinagmukha niyang tanga si Kelly.

‘Yung babaeng pinapangarap ko ginagago niya lang? Gago pala siya, e.

Then the day before her wedding came.

“You’re getting married.”

It felt so surreal. Parang dati nakita ko lang si Kelly sa labas ng bar. Mukha
siyang bata at kawawa kaya ko siya nilapitan. Ang cute niya pa nga dun dahil mukha
siyang out of place at nahihiya. Pilit niya pang ibinababa ‘yung suot niya na
shorts. Ang bilis talaga ng panahon.

Parang dati pangarap ko lang siya pero ngayon, ipapaubaya ko na sa iba ‘yung
pangarap ko.

Mahal ko si Kelly pero wala naman akong balak na sirain ‘yung kasal nila ni Theo.
Kung sa kanya talaga siya sasaya, kahit na hindi ko maintindihan kung bakit,
pababayaan ko siya. As long as she’s happy, I will try to be happy.

“Oo nga, e,” sagot niya.

“Nasaan na si Theo?”

I had to ask. Hindi ko alam kung nasaan siya, not that I care about his welfare. He
could be drowning in Indian river and I wouldn’t care. Pero kailangan siya ni Kelly
and that matters in my world.

But she didn’t answer. All I got was a shrug.

“You do know where he is, right?”

She still didn’t answer.

“Kelly,” I said. “Alam mo ba kung nasaan si Theo?”

Tumingala siya at saka ngumiti. “Alam mo ba na nakakapagod pala maghabol? Kasi


kahit gaano mo kagusto ‘yung tao, kahit na marami kang energy para habulin siya,
kung ayaw niya talagang magpahabol at magpahanap, hindi mo talaga siya makikita.”

Humarap ako sa kanya. “Kelly.”


“Gabe, pagod na akong ipilit ‘yung sarili ko kay Theo.”

“You’re not answering my question.”

She sighed and then smiled. “I am. Theo’s in some place I do not know.”

“What?! Kelly, kasal niyo na bukas!”

“Alam ko,” sagot niya.

“And you’re not even worried!”

“Pagod na akong mag-alala. When he said goodbye, I knew it was for the best. Gabe,
nakakapagod kasing mabuhay araw-araw na alam mong unwanted ka, na wala kang choice
para sa sarili mo. I was existing but I wasn’t living.”

Tumayo ako mula sa kinauupuan ko.

“Hahanapin ko si Theo,” I stated. Aalis na sana ako pero hinawakan niya ako sa
braso. “Kelly,” I said, warning her. “Bitiwan mo ako.”
She looked me in the eye and smiled again. Naiinis ako na ngumingiti siya kahit
alam ko na hindi naman siya masaya.

“I’m done fighting for him. Pabayaan mo na siya,” sabi niya.

“And what? Let you look miserable tomorrow?”

Hindi siya makasagot.

“Kelly, just cancel the damned wedding kung wala naman palang Theo na dadating!
Magmumukha ka lang tanga!” sigaw ko sa kanya.

“Si Auntie Selina.” Iyon lang ang sinabi niya.

Nakakainis. Bakit ba kasi sa lahat na lang ng ginagawa ni Kelly, kailangang kasama


sa desisyon si Auntie Selina? Siya ba ang may hawak ng buhay ni Kelly? She offered
helping. Kelly didn’t ask for any of those. Wala siyang karapatan na manghimasok sa
buhay ng may buhay.

“Desisyon ko naman ‘to. Pabayaan mo na ako.”

I looked at her and then shook my head. “Never.”


Iniwan ko siya at pumunta sa office. Agad akong dumiretso sa conference room.
Sinabihan ko ‘yung secretary ko na tawagin at papuntahin doon ‘yung lawyer ko at
accountant ko.

Kanina pa tawag nang tawag sa akin si Kelly pero hindi ko sinasagot. Nakakainis.
Nakakagalit ‘yung ginagawa niya sa sarili niya. All these time, alam niya na walang
Theo na dadating pero para siyang puppet na sumusunod sa gusto nung baliw na
babaeng ‘yun. Nakakagago talaga.

Sumasakit ‘yung ulo ko.

Napaayos ako ng upo nung may pumasok sa conference room.

“Sir Gabriel? Mr. del Rio and Mr. Alcausin are outside.”

“Let them in.”

Pumasok na sila at naupo sa harap ko. I took a deep breath. This will be the last.

“I need you to do something for me,” panimula ko sa kanila. “And I need you to do
what I will ask of you.”

They looked at me and saw how serious I was. Nagsimula na ako sa sasabihin ko. I
knew I would sound crazy but I can’t help being crazy whenever Kelly is involved. I
didn’t sign up for all these craziness but with Kelly, everything seemed tolerable.

“Go to Selina Henares. Chris, list down and compute every cent she spent on Kelly
Acebeda. Mula tuition fee hanggang sa gasolina na ginamit niya panghatid.
Everything. And when you’re done, bayaran mo siya. I want every cent paid.”

Mukhang nagtataka si Chris. He’s been my accountant since I graduated at alam niya
na hindi ako mahilig gumastos. I have been saving up because I want to have my own
legacy. Ayaw ko na umasa sa kumpanya ng mga magulang ko.

“If I may ask, who is this Kelly Acebeda? Is she your girlfriend?”

I didn’t answer. I didn’t even know who I was in her life. Best friend? Ex-
boyfriend? Hindi ko talaga alam.

“Adrian, accompany Chris. I want this done today. Pagkatapos ni Chris ayusin lahat,
puntahan niyo agad si Selina sa bahay nila. I will forward the address to you.
Bayaran mo siya sa lahat ng nagastos niya kay Kelly pati na sa pamilya niya. I
don’t care kung magkaano. Make her sign an agreement that tells that she’s
releasing Kelly from all her fucked up ways. Threaten her, scare her, I don’t care.
Do as I said.”

Tumayo na ako matapos kong sabihin ‘yun. Umuwi ako sa condo ko habang hinihintay ko
sila na matapos. Binuhay ko ‘yung cellphone ko at nakita ko na nagtext na naman si
Kelly.

I read her texts and replied. “Dinner tonight.”


From: Chris del Rio

4.8 Million. Already sent the breakdown in your email. The clothes and shoes aren’t
accounted for. I don’t have access to Kelly’s wardrobe.

To: Chris del Rio

6 Million to cover everything.

From: Chris del Rio

Are you serious about this?

To: Chris del Rio

I am always serious when it comes to her. Make it happen.

I have waited for hours bago tumawag sa akin si Adrian. And as I expected, he got a
signature. Magaling na abogado si Adrian. He plays dirty and that’s why he’s an
asset.

“Thank you,” sabi ko sa kanya.

He sighed. “You’re a fool just like your brother. Throwing all these money for
women.”
I smiled to myself. “This is the last. Thank you ulit,” sabi ko bago ko ibaba ang
telepono.

Nagbihis na ako bago ako pumunta sa restaurant na kakainan namin ni Kelly. She was
already there waiting for me. Tumayo siya nung makita ako. I motioned her to sit
down.

“Sorry,” panimula niya. “Ayaw ko lang naman—”

“Here.” Ibinigay ko sa kanya ‘yung scanned copy nung pinirmahan na papel ni Selina.
“You’re free.”

Mayroong pagtataka sa mukha ni Kelly. Binasa niya iyong papel. “A-ano ‘to?”

I smiled at her.

“This is the last favor I will be doing for you, Kelly. Your freedom is my last
gift.”

I stood up and for the first time in my life, I walked away from her, from my once
upon a time. 

=================

Chapter 55: Was Die Zukunft

#HTSTBB Chapter 55
Kelly Angeline Acebeda

Maybe it’s time to choose myself for once.

Nakatingin ako sa ibinigay ni Gabe na papel sa akin. It’s been minutes since he
left pero heto ako, ni hindi pa rin makagalaw sa kinauupuan ko. It felt like I was
in daze. Hindi ako makapaniwala sa mga narinig at sa kung ano ang nakikita ko.
Nananaginip ba ako? What was he saying that my freedom would be his last gift for
me? Was he planning on leaving me again?

Nawala na si Theo, pati ba naman si Gabe?

I stayed there and stared at the paper. It was right in front of me—my freedom. Ito
‘yung bagay na matagal ko nang gusto pero bakit ngayon na nandito na siya sa
mismong harapan ko, pakiramdam ko hindi ako masaya. Pakiramdam ko sana hindi ko na
lang ‘to nakuha... kung ang magiging kapalit lang rin naman ay ang pagkawala ni
Gabe sa buhay ko.

It felt like it wasn’t all worth it. Magiging malaya nga ako pero mawawala naman si
Gabe... Ang tao na hindi ako iniwan kahit na gaano na kahirap manatili sa buhay ko.

I neatly put the scanned copy inside my bag and went outside. Tumakbo ako,
sinubukan ko na mahabol si Gabe pero paglabas ko, wala na akong Gabriel na
naabutan. Ramdam ko ang bigat sa pakiramdam. Maisip ko pa lang kung ano’ng klase ng
buhay magkakaroon ako na wala si Gabe doon, naninikip na ang dibdib ko. Nasanay ako
na nandyan siya para sa akin palagi. No matter what the circumstances were, he
stood by my side. And I just couldn’t begin to imagine living a life without him.
There was a familiar throbbing inside my chest.

I fished for my phone inside my pocket and tried to call his phone. Puro ring lang
ang naririnig ko. Naka-ilang tawag na ako pero hindi niya talaga sinasagot. Was he
serious when he said that my freedom was his last gift? Talaga bang aalis na siya
sa buhay ko? He didn’t even say goodbye!

Tears were threatening to fall.

Hastily wiping them before they even fall, I hailed a cab. Ang dami ko ng naging
pagkakamali sa buhay ko. I won’t add another one on my pile. I won’t let Gabe go
away. I would never want him out of my life. He was one of the constant things in
my life that urges me to go on living. If not for him, hindi ko alam kung saan ako
pupulutin.

Ilang minuto akong kinabahan. Bumaba ako agad sa harap ng bahay nila. My feet were
shaking. Sa ilang taon na naging magkaibigan ulit kami, ngayon lang ako ulit
nakapunta dito.

Hindi naman ako tanga. Alam ko na may galit sa akin ang buong pamilya ni Gabe...
Who wouldn’t be mad at me? Kahit nga ako sa sarili ko nagagalit, e.

I took a deep breath. Kaya mo ‘yan, Kelly. Don’t be a coward for once.

“Is Gabe inside?” tanong ko sa guard nila. Hindi ko alam kung bakit ako nandito.
Malakas ang kutob ko na wala siya sa condo niya.
Bago pa man siya makasagot, I heard someone speak behind me.

“Why are you here?”

Nanigas ako sa kinatatayuan ko. It’s been years simula nung huli ko siyang makausap
pero hindi ko makakalimutan ang boses niya. I wanted to answer but my voice was
lost in the oblivion.

“Monique,” it was all I was able to come up with.

She was standing right in front of me. After all these years, nanliliit pa rin ako
sa sarili ko sa tuwing nakikita ko siya.

Hindi siya sumagot sa akin. Galit pa rin kaya siya? Malamang. Kagalit-galit naman
talaga ang mga ginawa ko sa kanya. If only I didn’t steal Theo from her, things
wouldn’t be as complicated as it was.

She just gave me a small nod and started walking her way inside. But I couldn’t let
her get away from me again. I needed to make a new start... at magagawa ko lang
iyon kung hihingi ako ng tawad sa mga taong nasaktan ko.

“I’m sorry.”

Nakita ko na huminto siya mula sa paglalakad niya. Ilang segundo ang hinintay ko
bago ako nakakuha ng sagot mula sa kanya. It gave me a ray of hope.
Lumingon siya at humarap sa akin. “It’s alright,” sabi niya. May maliit na ngiti sa
mukha ni Monique. “I’ve also had my fair share of mistakes. Naiintindihan na kita
ngayon.”

Hindi ko alam kung ano ang tinutukoy niya pero masaya ako na napatawad na ako ni
Monique. Ang bait niya sa akin dati pero ginago ko siya. She didn’t deserve any of
those... If only I could turn back time...

“Thank you,” sabi ko. “Sobrang salamat...”

Nagulat ako sa sunod niyang ginawa. She took a step closer and hugged me. Hindi ako
magalaw. Hindi ko alam ang gagawin.

“You wanna know what I learned after all these years? It is that people make
mistakes. Nobody is perfect. Nagkamali ka, nagkamali ako, nagkakamali lahat ng tao.
We’re wired to fail one way or another. It’s what makes us humans.”

I was hesitant to hug her but I did anyway. Kahit na sandali lang kaming naging
magkakilala ni Monique, I cherish the times we spent together. Kung hindi lang ako
naging baliw dati, e ‘di sana magkaibigan pa rin kami.

Right now, all I needed was a friend. And I was about to lose another one.
Pakiramdam ko wala na talagang matitira sa akin.

“What I did is unjustifiable...” bulong ko sa kanya. “Hindi mo deserve lahat ng


ginawa ko... I can’t forgive myself for what I did to you... I’m sorry, Monique,”
my voice broke.
I was always thinking how I scarred Monique for life. Siguro dahil sa akin,
nahihirapan siyang magtiwala sa ibang tao. Bakit nga ba hindi? Kahit sino naman
sigurong tao mahihirapan. He boyfriend cheated on her, I stole her boyfriend... and
her cousin chose me over her. The world was once cruel on her. And I played a part
on it.

She patted my back. “You need to forgive yourself. If you could forgive other
people for what they did to you, do the same. Forgive yourself.”

“I don’t think I can,” I answered.

“But you should,” she said. “Forgive yourself. That’s the only way to be happy.”

I hugged her tight and then broke the hug. Ngumiti ako sa kanya.

“You’re so good to me,” sambit ko.

Umiling siya sa akin. “I was mad at you, I was enraged. I wished I never knew you.
But I’m already way passed that. I realized everything happens for a reason. Theo
and I were never meant to be together. I am happy now, Kelly. Things aren’t perfect
but I know I am chasing the right guy,” she said. “So if you really love Theo,
fight for him. All the pain is worth it if you’re fighting for the right guy.”

Hindi ako sumagot. Ni hindi ko nga alam kung ano ang nararamdaman ko para sa kanya.
It’s scary how one day you love the person and the next day you don’t anymore.
Screw feelings.

“You might not understand things right now but soon, it will all make sense,” she
said and then smiled.

Nagpasalamat ako kay Monique. Sure, she already forgave me but that didn’t mean na
okay na ang lahat sa amin. Trust is a fragile thing. Once broken, you can never
mend it back to its original form.

Parang salamin lang ‘yan, once na mabasag, hindi mo na siya kayang ayusin pa at
ibalik sa dati. May lamat na.

Bigla ko na namang naisip ang pamilya ko. Kahit na kinakausap ako ni Nay at ni Ate,
alam ko na hindi na maiaalis lahat ng nangyari. It was hard for me nung halos
ampunin na ako ni Auntie Selina... but I realized it was harder for them.

Gaano ba kasakit na makita ‘yung anak mo na nasa ibang poder dahil hindi mo siya
kaya pang pag-aralin? It must have hurt like a bitch.

I have always tried to make things work pero sumuko din ako. Nakakapagod din kasi
na tuwing uuwi ako sa bahay, malamig ang pakikitungo sa akin ni Nay at Ate... I
gave up a long time ago pero sa tingin ko dapat na akong umuwi.

I didn’t need this lavish life. I wanted my old life back. I want my family back.
Napagdesisyunan ko na uuwi na ako bukas. Gagawin ko lahat para maging maayos ang
lahat. I want to fix all the things I wrecked.

Nauna na si Monique pumasok sa loob. Tinanong niya ako kung papasok din ba ako pero
naunahan ako ng hiya at takot. Hindi ko kasi alam kung nandyan ba ang mama ni
Gabe... Mabait ang mama niya pero alam ko na alam niya na niloko ko si Gabe dati.
Hiyang-hiya ako.

I was about to turn and walk away when I saw Gabe. His forehead was in a crease.

“Bakit ka nandito?”

I knew he didn’t mean that as an offense but I found it heart-breaking. Ito na ba


ang simula ng pag-alis niya sa buhay ko?

It took me seconds bago ko nahanap ang boses ko. I was quivering on the inside.

“Hindi ko maintindihan,” pagsisimula ko. “Last gift?”

He looked at me with his tired eyes and then said, “Let’s talk somewhere else.”
Dinala niya ako sa loob ng sasakyan niya at saka nagdrive siya. Tahimik lang ako sa
loob. Hindi ko rin kasi alam kung ano ang sasabihin ko. I have a long list of
things I wanted to say yet I couldn’t find it in me to verbalize my thoughts. I was
utterly lost in the sea of all these uninvited emotions.
Kalaunan, nakarating din kami sa isang park. Naaalala ko, dito rin niya ako nakita
nung umiiyak ako. Palagi na lang palang si Gabe ang dumadamay sa akin tuwing
malungkot ako.

Walang nagsasalita sa amin.

I sighed. “Gabe.”

“I wanna leave,” sabi niya at natigilan ako. “No, I am leaving.”

Hindi ako makasagot. Hindi ko siya matignan. Hindi ako makapaniwala sa mga
naririnig ko.

I had so many unspoken questions.

“Why can’t you just stay?” Nakakahiyang sabihin. Alam ko naman na wala ako sa
lugar, na wala akong karapatan na hilingin na manatili siya.

He placed his hands inside his pocket.

“Leaving you will kill me. But staying does just the same.”

Bawat salita na lumalabas sa bibig niya, para akong sinasaksak. Alam ko naman.
Matagal ko namang alam na nasasaktan siya dahil sa akin... pero wala akong
naririnig mula sa kanya. Tahimik lang siya na nanatili sa tabi ko. Or was I just
too insensitive? Matagal na ba siyang nasasaktan at hindi ko lang napapansin? Was I
blinded by the things around me? Bakit hindi ko napansin na nahihirapan na pala si
Gabe?

“I’m sorry,” mahina kong sabi.

“Sabi ko naman sa ‘yo, getting hurt is a choice. I chose you. And now, I’m choosing
myself. I want a life of my own and I don’t think I could do that with you around,”
he said. “My life revolves around you and will probably revolve around you. I’m
like the moth and you’re my fire. No matter how dangerous you are for me, I keep
coming back for more... too much that I forgot about my life and my sanity.”

Tahimik lang ako na nakikinig sa mga sinasabi niya. All these time, ako lang ang
pinakikinggan niya.

“I want to leave but I also want to be assured that you will be fine. I have done
everything that I can, Kelly. Ubos na ako. I am done physically and mentally. I
just want to get away and have a fresh start.”

I took a deep breath.

“Okay.”

One word. One word but it meant the whole world to me.
“But please come back.”

He just looked at me.

“Babalik ka, ‘di ba?”

He smiled at me.

“Oo naman.”

“I will wait for you.”

“Don’t.”

“But I want to.”

Mayroon siyang inilabas na box mula sa bulsa niya. It was a velvet box. “This is my
mom’s wedding ring. She said that I should give it to the person I want to marry...
You used to be that person. No, you are still that person. I will always love you,
sigurado ako ‘dun. But marriage isn’t all about love. Kailangan din ng tiwala at
consistency. I think I lost that in the process of protecting and loving you.”

Hindi ko alam kung saan kami papunta dito sa pinag-uusapan namin.


“You said you want to get married when you turned 26, right?” he asked and I
nodded.

Binuksan niya ‘yung box.

“That’s 3 years from now.”

“You will wait for me?”

Umiling siya.

“No.”

“Bakit hindi?”

“I don’t wanna marry someone who’s not completely and utterly in love with me. I
think I deserve better.”

I smiled.
“I hope you would find that person, Gabe.”

He nodded.

“But if after three years, wala pa rin ‘yung tao na ‘yun...” he said and then
kneeled down in front of me. “Will you marry me after three years, Kelly Angeline
Acebeda?”

=================

Epilogue (Part 1)

#HTSTBB Epilogue [Part One]

Theo Angelo Henares

“Trish and Cass will go to Diliman. Please, They? We’ll text each other everyday
naman and we could meet every weekend. It will work and you love me naman so I
trust you and you should trust me.”

I had no choice but to agree to her decision. It’s her life, after all. I think I
have already stolen half her life; it’s time she lives her own. For years, she
stood by my side, patiently waiting for me to be alright. I think it’s about time
that I return the favor.

“Sure,” I said, smiling a little. “Enjoy Diliman.”

She hugged me tight. “I will. Ayaw mong magtransfer na lang ‘dun?”

I shook my head. I wanted to study somewhere far that’s why I chose Diliman. My mom
originally wanted me to study in one of the schools where I am a stockholder but I
didn’t agree. Gusto kong pumunta sa malayong lugar. And UPLB was the perfect
choice.

All my life my family tried to protect me. The moment my sister died and my
biological mother flee to only God knows where, I have been sheltered. My new mom
wouldn’t let me out of her sight. I have attended countless of theraphy session.
It’s funny to think how they expected me to be okay after everything that happened.
I lost my sister and I was there and I heard it all. No fucking theraphy could ever
fix me.

But then Monique came. I was so thankful she came. At first, I found her annoying.
She was so girly and her voice was always too high—it was like she’s in constant
sugar rush. But I found out she was exactly who I needed—someone who was a breather
from all the pity I was getting from the people around me. I didn’t need them
pitying me. I didn’t need them patronizing every move I make. All I needed was
space. And time.

“Kainis. You’ll be in Los Baños. Ang layo, They,” she said and then linked her arm
with mine. She rested her head on my shoulder. She always smell so nice. “Bakit
kasi hindi na lang tayo magka-age. Kainis.”

I patted her head. “It’s alright. I’ll visit you often,” I assured her.
Studying in UPLB was easy. I had fun meeting different people from different walks
of life. It was refreshing.

I know I promised Monique I’ll keep in touch but sometimes, I can’t. I was enjoying
a life away from all the people who knew about what happened. It was like a
rebirth.

But I can never really break up with Monique. I owe her my sanity. She saved me
when I was on the verge of drowning from all unnecessary poison in my life. She was
there to pick up the pieces though I never really asked that from her. She stayed.

“I love you,” she declared on her 14th birthday.

I stared at her eyes and I saw love. It felt like I had no choice but to love her
back.

“I love you, too,” I said.

Being with Monique was fun. She was fun. She was beautiful. She was everything a
man could ask for... but she wasn’t for me, I know that for sure. I was looking for
something I couldn’t quite pinpoint at.

But it wasn’t love.


Then came my last year in college. I met Kelly. She was different—way too different
that I became fascinated with her.

One night, I decided to run to 7-11. I was about to pay when I realized I forgot my
wallet. I turned and I saw this naive looking girl. She looked like she was
engrossed with everything she sees. There was sparkle in her eyes.

I tried talking to her.

“I’ll double the pay,” I said when I tried borrowing from her. I have never
borrowed money my entire life. But I don’t know what’s with that night that I felt
the urge to do so.

With her forehead creased, she walked away after hearing I was about to borrow one
thousand. Weird girl.

The next day, I went to one of the class I want to take. Actually, I didn’t need
that class but I was underload. And then I saw her again.

“As I have said, isa na lang ang slot. Sino sa inyong dalawa?” the professor said.

I took the opportunity to talk to the girl. “Babe, sa akin mo ibibigay ‘yung slot,
‘di ba?” I asked.

Her skin was pale and it was a delight seeing her reddening up because of me. She
was cute.

The next few days were fun. We were classmates in three courses and I was enjoying
myself. She was so outspoken and I was having the highlight of my college life
because of her.

We spent so much time together that I actually forgot about Monique.

One time, we went to my apartment. Actually, I forced her. I was annoyed because
she’s so oblivious. When someone likes her, it was as if she doesn’t know about it.
Manhid ba siya o ano?

I asked my househelp to bring her food because apparently, Monique was calling all
day long. I ran to my room and called her.

“Monique?” I said. She called and told me she’s been having problems with her
family. She was crying. I told her I’ll come as soon as I could. That was the
moment when I realized what a jerk I was.

Was I cheating on Monique? It was a halfway yes and a halfway no. Stupid life.

I was gone for almost a week. I wasn’t worried because my Mom wrote me a medical
certificate. Perks of being her son, I would suppose. I stayed with Monique and
told her everything’s gonna be fine. I tried to be the person she needed... but the
longer I stayed with her, the faster I realized who I really wanna be with.

“Nilalandi mo ba ako?”
I was quite taken aback when she asked me that. Oo, nilalandi ko siya. Who was I
kidding if I said I wasn’t? I was into Kelly. I was into her the moment I saw her.
But I was taken.

“Kelly, if I am flirting with you, you’ll know it.”

And she should have known I was flirting then and there.

The next few days, she was acting weird and strange. I presumed it was because all
of our tests were getting into her system but I was wrong. My foreheard was in full
crease when I learned that she’ll attend a party and she was hoping to meet
someone.

“Stop being Kelly’s pimp,” I told Danielle. We’re not really close but we get
along.

Danielle shrugged. “Ewan ko sa ‘yo, Theo. May girlfriend ka na kaya. Bigyan mo


naman ng chance maging masaya si Kelly. ‘Wag kang selfish, kuya,” she said and then
dismissed the idea.

I was pissed but I knew she was right. I had a girlfriend back then. But I knew who
exactly I want.

I sent an email to all my orgmates.


See this girl? Don’t flirt with her, talk to her, or anything close to physical
contact. I dare you.

But apparently, I wasn’t serious enough for Gabriel. That asshole.

I have eyes everywhere and it came to my knowledge how he talked to Kelly. He had
the gall to talk to my Kelly. He even asserted that he’ll come with us. He wasn’t
anywhere near being invited. What an ass.

We were talking and playing when he suddenly leaned in. And the moment he kissed
Kelly in front of me, I almost wanted to kill him. Fucking asshole.

I was there and he kissed her. I can’t explain how much I wanted to strangle him
and feed his dismembered pieces to the dogs.

I went out to get fresh air. I was so close to breaking his neck.

“What’s your deal? You have a girlfriend,” Gabe said. He followed me out. Annoying
prick.

I shrugged. This was one of the moments when I wish I wasn’t taken. I wanted to
kiss Kelly myself but I knew that that would be crossing the line. And that was
something I wasn’t yet ready to do. I wasn’t ready for all the repercussions that
might follow if ever I decided to leave Monique and pursue whatever it could be.
“I know.”

“Then why are you doing this?”

I lied. I lied when I said it was just because I like protecting her. I was almost
in love with Kelly. It was weird but I knew what I was feeling.

“Kilala ba siya ni Monique?”

“I don’t think it’s proper for them to meet,” I answered. And I didn’t like the
idea of them meeting. It would be asking for trouble come my way.

“Come on! It’s not like you’re harbouring a fugitive,” he argued. But I was Kelly’s
fugitive. She already owns a part of me without her even trying.

Monique was being a kid. She was a kid.

“Ihatid mo na ako...” Kelly said. She wanted to go home but it’s already 2 in the
morning... And besides, I wanted to spend time with her. Gabe already stole her
first kiss. I just wanted time with her. It wasn’t too selfish of me, I would like
to believe.

I asked her what the problem was. She was acting weird.

“Theo, hindi ka naman siguro manhid, ‘di ba?”


And right then and there, I knew it was about to get messy.

The following days were a blur. She started spending time with Gabe. Too long that
I started hating both of them. Tanga ba si Kelly? Can’t she notice how I was
throwing daggers whenever she and Gabe were together? I didn’t know. Should have I
spelled it out for her? Was she that dense?

Girls. Tss.

And then I found out that Gabe’s courting her. What a bummer.

I started avoiding her at all costs. I focused all my attention to Monique. I


realized that she’s always there and she’ll never hurt me. Hindi pa nga kami ni
Kelly sinasaktan na niya ako. What more kung magiging kami? So I decided that
Monique’s the better choice.

“Monique... Huwag mo naman akong awayin,” I pleaded.

But I realized being a relationship with someone who’s younger than is a challenge.
She’s whiny and sometimes, she asks for things that I find troublesome. But at the
end of the day, she’s still a part of my life. But sometimes, I want someone who’s
mature and doesn’t ask for much.

“I promise I’ll never flirt with you again,” I told Kelly but I knew one way or
another, I would break my word.
She’s with Gabe but she’s supposed to be mine.

“I hate you!” Monique screamed in my ears. “I hate you! May babae ka na ba?! Bakit
hindi mo na ako pinapansin?! I hate you!”

I took a deep breath. Isip bata talaga ‘to.

“Wala,” I answered. “At ‘wag kang sumigaw, please.”

“Bakit?! Natatakot ka na malaman ni Auntie na niloloko mo ako?!” she said and then
she threw the pillow at my face. “I hate you, Theo! I hate you to bits!”

It was my fault. She saw me looking at Kelly’s picture. Picture nila ni Gabe
magkasama. Tss. Ang landi nung dalawa na ‘yun sa fb. Mabuti na lang naisara ko
‘yung iPad bago pa makita ni Monique nang tuluyan... but that didn’t stop her from
shouting and berrating my ears.

“I’m not cheating on you.” Technically.

“You’re lying. I hate you.”

The next few days, iniwasan ko si Monique. She will be the death of me. She always
shouts at me. Mas madalas niya pa akong sigawan kaysa kausapin. But I couldn’t
exactly get mad at her. She had the right to get mad. I was into someone else.

I tried to keep it all to myself but it was damn hard. Kelly and Gabe together?
What an eyesore.

“You’re the star in my dark sky,” I heard Gabe say.

I scoffed.

“You’re the whole damn sky,” I said. She’s the sky. She’s everywhere. “In the land
of hopelessness.” I was losing hope but she’s always there. She’s the tiny ray of
light in the evading darkness.

And right there and then, I knew I have a chance. That glint in her eyes tells me I
could still steal her from him.

As I was beginning to think of ways on how to tell Monique I want out, she said
she’s sorry. I wasn’t cruel. How could I break up with her when she’s smiling at me
and she just told me she loves me too much to stay mad at me?

And when Monique met Kelly, the urge to be with Kelly strengthened. Everytime I
would see that jealousy in her eyes, I just wanna hug her and kiss her. I was damn
smitten.

“Once upon a time, you liked me,” I told her when she said she’s over me.
“Oy, grabe ha! Hindi maka move on! Binaon ko na ‘yun sa ilalim ng puso ko!” she
said, convinced that she’s over me.

But of course I knew better. She’ll come back to me.

I stalked her, talked to her, did everything to be with her. I knew I was slowly
stealing my place back.

When I brought her to the mall, I knew I was already getting to where I was
supposed to go.

“You make me happy,” I told her.

And that moment, I knew she’s already mine. 

=================

Epilogue (Part 2)

#HTSTBB Epilogue [Part Two]

I have tried to think of the nicest possible way to break up with Monique. Was it
possible? I think not. Because no matter how much thought I have put into shielding
her from the pain, breaking up is bound to bring pain one way or another. Someone’s
bound to get hurt.
As I stared at her eyes, I reminded myself how I would be scarring her for life.
When she first came into me, she was full of life. She was a ball of happiness.
Sometimes she’s full of hatred but still in a very cute way. She’s Monique. She’s
innocent and she’s a ray of sunshine. I know how James would probably kill me for
doing this but prolonging our relationship was slowly killing me in the inside. I
was hurting Kelly with every second that I stay with Monique. I didn’t know
anything but at that point, I realized it better be me who’s hurting than Kelly.
She’s suffered enough. It was my time to carry the burden.

I was prepping myself for the break up. I would break up with her. I knew I would.

“Come on, ano’ng problema mo?” I asked her but to no avail. “Kelly.”

“Don’t Kelly me! Sinungaling na ‘to!” she suddenly shouted at me. Lately, she’s
always fuming mad. I understood. I knew where she’s coming from so as much as I
could, I was trying to understand her. But sometimes, I hate it when she’s pushing
me to break up with Monique. I would. But I needed to break it to her in the
gentlest way possible. Monique’s fragile. I didn’t wanna break her into pieces. She
never deserved that.

I sighed. I had no idea what I did this time.

“Kelly...” I said, my voice begging to be heard. “You know how Monique will always
be close to my heart. Pero alam mo rin naman na ikaw na ‘yung gusto ko, ‘di ba?”

“Puro ka salita,” she whispered.


The pain in her voice shot through me. Of course, Theo. She’s hurting. If you’re
hurting, she hurting worse.

“I’ll break up with her tonight,” I said with finality. Someone’s bound to get hurt
anyway. Then let that someone get hurt tonight. I just fucking hope it’s me. I
deserve this after all the shit I pulled.

It’s her party so I didn’t want to disappoint Kelly but my jaw dropped with what
she did next. “Theo, my family. Nay, Tay, Ate, si Theo, boyfriend ko,” she said as
she introduced me to her family.

It was rash of her but I didn’t want to blame her. It was my fault. She felt
threatened because truth be told, I can’t break up with Monique. I was having a
hard time to. How can I break up with the person who’s been there for me since day
one? Who saw me at my lowest state? She was there all along and I just can’t stomp
on her heart now that I was finally alright. That would be heartless of me. I can’t
betray Monique like that.

I received a slap from Monique.

“Break up?” she said, her voice quivering. “You’re thinking of breaking up with
me?”

The tears from her eyes fell down slowly. I can’t even look at her face without
wanting to hurt myself for hurting her. Damn it. Can’t I be happy without anyone’s
expense?

“Theo?”
I wasn’t able to utter anything. Her crying face was making it hard. I want to end
things with her but I can’t hurt her. Damn it.

She closed the distance between us and then hugged me tight. She never hugged me
this tight. “Theo, hindi naman totoo ‘yun, ‘di ba? Kelly’s lying, ‘di ba? Hindi
naman totoo ‘yung sinabi niya na gusto mo akong hiwalayan, ‘di ba?”

Upon hearing Kelly’s name, I pulled her. “Kelly said that?”

She managed to nod with her tear-stained cheeks. “Oo. Sabi niya gusto mo na daw
akong hiwalayan. Theo, itatapon mo na lang ‘yung taon na pinagsamahan natin? Ganun
lang? You haven’t even told me why...”

That night, I hugged her to sleep. She was crying until she fell asleep. I looked
at her stirring figure. She’s so innocent. I can’t bear hurting this little girl
beside me. I spent the remaining days of my vacation with Monique. I felt so guilty
for causing her tears. I knew I was such a jerk for ditching Kelly midway but at
that moment, all was lost. I had no fucking idea what to do. It was like whatever I
do, I would hurt someone. With every move, someone would receive the hurting end.
It was maddening.

“Theo.” She appeared in our house. I have been ignoring her texts and calls. I knew
she was worried but she wronged Monique. I can’t believe she deliberately wanted to
hurt Monique. She was nothing but nice to her. Kelly was starting to change. I knew
I caused that change but still, I couldn’t believe my eyes. Gone was the
fascinating girl I saw. She’s now changed. Before my every eyes.

“Hindi mo ba narereceive ‘yung texts ko?” she asked. “Kayo pa rin?” she said, but
it was more of an affirmation rather than confirmation. She knew.
“I told you I would break up with her.”

She was crying. Shit naman. Palagi na lang may umiiyak sa harapan ko. Fuck.

“Theo...” she said, her voice broke down. She was clinging on my arms. “Theo, sorry
na... Promise hindi ko na sasabihin kay Monique, promise maghihintay na ako...” she
said in between sobs.

I was a jerk for saying this but better be a jerk than a liar.

“I really like you, Kelly, but you’ve changed. Hindi na ikaw ‘yung Kelly na
nagustuhan ko.”

I wanted to wipe her tears off for her but every time I would remember Monique, I
can’t. I was fucking torn. Her face that was once full of pain was now void of any
emotion. Her face was impassive.

She closed her eyes and balled her fists. “I’m telling your girlfriend about this,
about us. I’m stealing you away from her. If I can’t be happy, neither can she,
neither can you.”

I knew I created a monster out of her. I wanted to say that I was in love with her
but hearing her say all these things made me stop. I can’t be with her if she’s
full of hatred.

Days passed. I tried my hardest not to call and text Kelly. I love her, that’s for
sure, but my definition of love was as clouded as my personality. I can’t put a
definition of what love really is. Maybe I was too shady and fucked up for love.
Maybe I wasn’t tailored for one. Maybe I was meant to end up alone.

“We’re together.”

I saw how Monique held her breath when she heard Kelly. I had an idea what will go
down tonight but I can’t bring myself to stop Kelly nor to take Monique away. I
knew one way or another, this ugly truth would come out. And now it was messier
than ever. I wished I finished this long time ago... That way it wouldn’t haunt me
every single night. I couldn’t sleep thinking how Kelly was hurting with every call
I rejected. I was the sheer definition of the word douche.

“What?” Monique’s voice was shaking. She looked at Kelly’s hand on mine. Damn it. I
can’t look at her now that she’s hurting.

But Kelly was determined. She wanted this done tonight. And Gabe’s helping her.
Shit. What about Monique? I betrayed her, Kelly betrayed her, and now, Gabe
betrayed her, too. She’ll be damned.

“Kami ni Theo,” she said throught gritted teeth. “One month na kami.”

She slapped Kelly and I was too messed up to move. She could’ve slapped me. I would
give her the permission to hurt me over and over again because I knew I was more
than deserving. Kelly was but a victim of my stupid decisions. I was too afraid of
being alone that’s why all these shit happened.

“Bitiwan mo ako!” Monique hissed. “Ano ang sinasabi niya?! How could she be with
Theo? She’s your girlfriend!” she asked Gabe.
She was shouting whilst crying.

“I trusted you!” she said to me and then charged at me. I let her hurt me. She
deserved that, to the very least. “Kailan pa?” She was breathing raggedly.

I couldn’t answer. It would hurt her further.

“Fuck,” she whispered. “Siguro mukha akong tanga. You all were playing and I was
the naive one. I’m so stupid.”

She slapped Kelly. “That was for stealing my boyfriend,” she said and then slapped
her again. “That was for betraying my trust.” And again. “Please do me a favor and
drown yourself,” she icily said.

She went near me and slapped me. A tear fell from her eye. She was hurting.

“All I ever did is understand you, Theo. Ang sama-sama mo.”

I followed her suit. She went to her room, crying. She was crying too hard that
breathing was hard. I wanted to hug her and to console her but I knew it was a bad
idea. I didn’t deserve an inch of Monique. She was perfection and I destroyed that
perfection. I hope someone would fix the things I messed up. I hope someone would
see how amazing she is.
“Sorry,” I whispered. I knew this wouldn’t change a thing but I wanted to verbalize
it. “I was an ass. I’m sorry.”

She was still crying. Her face was red from all the crying.

“Why?”

It was one, simple question yet I couldn’t find it in me to answer.

“Why, Theo? Akala ko masaya tayo pero ganun? What did I do to deserve that?”

I didn’t want to answer her question.

“Theo, please,” she begged. “What’s wrong with me? Was I too needy? Was I too
uptight? What the hell is wrong with me?!”

I shook my head.

“Nothing’s wrong with you.”

“Then why?!”
I took a deep breath.

“I’m in love with her.” My voice was too low that I, myself, didn’t hear much of
it. It was a declaration. I love Kelly but I never thought I could ever do this. I
never thought I could ever tell Monique about it.

Another tear fell from her eye.

“I was with you yet you’re in love with her...” she whispered.

She took a really deep breath. “I don’t wish you happiness, Theo. I wish that you’d
be miserable. I loved you. I just loved you... hindi dapat ako nasasaktan ng ganito
pero sinasaktan mo ako... You promised me you will never hurt me. Was all of that
empty words, Theo? Bakit ang dali mong magsawa? At bakit kailangan mong
magsinungaling? You could’ve told me.”

I could not look at her eyes.

“But you chose to hurt me. And to devastate me. Congratulations, Theo, you just
did.”

And maybe I don’t deserve to end up happy, after all.


=================

Epilogue (Part 3)

#HTSTBB Epilogue [Part 3]

My mom had always convinced me to go to this session and that therapy. I had always
declined. I knew she meant well but I just can’t see how that would make me feel
better. Why would I bother anyway? It wasn’t like all the bad memories would
magically vanish if I did. And I was living fine... At least that’s what I would
like to think.

But with Kelly. Damn I just wanna be the best person for her.

I knew I was fucked up. I knew I was screwed. I knew I wasn’t the most normal
person but I wanted to be with her.

And the only way to be with her was if I would fix myself up because I knew I was
bound to mess up and that would drive Kelly away. I would rather be gone and be
alone and fix my issues than to lose her for good.

“Once you’re done with all your requirements, you’ll fly to Germany,” mom said. “I
will talk to my friend there. You will be in the best hands, Theo.”

I knew I was in for something long. What happened in the past fucked me up so hard
that I needed to be away for so long. Kung pwede lang na isama si Kelly, I would.
But that would be too unfair for her. I already messed up so many things in her
life, I didn’t also want to be the person who ruined her future. She’s a smart
girl. She needed to finish her studies. I didn’t want to be the hindrance.
So I accepted my mom’s offer and flew to Germany. The first few days were alright
because I still got to talk to Kelly every night. No, why was I lying? Those days
were horrible. I hated being alone. I hated all of this. I wanted to go home as
soon as I landed here.

“How’s Germany?” Kelly asked one time.

“It’s fine,” I lied. “Wanna come here? I’ll tour you around.”

Another day here would kill me. Wala akong makausap. It was maddening in a whole
new level.

“May exams kami, e...” she said. I knew I asked for this but damn, I miss her. I
can’t function properly because I kept on thinking about Kelly and how she’s all
alone in the Philippines. I wanted to go home. Fuck all this shit.

The days passed and I just kept on getting worse and worse. I can’t even get up
from the bed because I didn’t see the reason why. I wasn’t getting any better. I
was going worse.

“I’m going home,” I told my psychiatrist. “I can’t stand being here for another
minute.” I was pacing back and forth and massaging my temple. I haven’t heard from
Kelly yesterday and it was driving me insane. I knew she wasn’t obliged to call me
every single minute of her day and that’s making me lose it all! What if Gabe was
there? I haven’t heard from that guy! I knew how madly he’s in love with Kelly!
Shit! Shit! Shit!

Dr. Müllar told me to calm down and asked me to sit down. But I can’t.
“Theodore,” he said. “If you would go home now, then all these weeks you’ve stayed
here would be useless.”

“I don’t care, alright? I just wanna go home!”

He shook his head and then this time, made me sit down. We sat on the couch and
then he faced me.

“Alright, let’s talk.”

That’s all we ever did! Talk and talk and talk some more! Tangina mas mababaliw
yata ako dito!

“I’ve had enough of your talking,” I said and then stood up. “I’ll be leaving for
Manila.”

Dr. Müller was good to me so I just felt like I should inform him about my
departure. I booked a flight next day and then I was in Manila before I even knew
it. I wanted to surprise Kelly but when I saw her, I just couldn’t. It was the
first time I saw her like that.

She was smiling while talking to her classmates. I followed her and she seemed
so... normal. I knew I stole all the normalcy she could have in her life. I made
her life miserable; I made her lie; I made her the person she never thought she
would be. And now, seeing her rebuild her life again made me guilty. She didn’t
never a do-over of the things I made her experience.
The first time I met her, she was this strong woman who knew what she wanted. But I
destroyed that person.... And then I was seeing it again for the first time.

I turned my back. I didn’t have it in me to destroy the person I fell in love with
for the second time around. I decided I would go back and fix myself. If not for
me, then for Kelly.

We resumed the therapy sessions and I was slowly opening myself up. Dr. said that I
was one hard shell to crack. I wasn’t the perfect patient because most of the time,
I didn’t want to answer their questions. It felt like opening a wound that had long
healed. I didn’t want to undergo the same pain again. But after all these
realization that hit me, I finally opened up. And it felt good. Talking about your
problems and the things that haunt you made me feel like loads of things have been
lifted off from my chest.

Dr. Müller wasn’t the only doctor I was seeing. I was seeing many doctors. At
first, it made me feel like I was this really broken toy because it took lots of
doctors to fix me but soon, it didn’t feel like that. It was like I was just
talking to them and opening up. It was enlightening.

I attended the sessions and began to look for something to make myself busy. I only
get to talk to Kelly during night. I didn’t want to disturb her when she’s in
school. Even though I wanted to talk to her every second of the day, I had to
restrict myself. I shouldn’t. I had come this far and I shouldn’t ruin it this
time. I knew I was so near. Kaunting tiis na lang...

And then I met Fier. She’s a doctor.

“Hey,” she said as she sat up. “Sorry. I had to drive Emma to the daycare,” she
said.
“Okay lang,” I said. Emma’s her really cute daughter.

She sat on the chair in front of me and then ordered coffee. She’s one of the few
Filipino I met in Germany. She’s nice—kind of. But she’s a Filipino and I was dying
for someone to remind me of the Philippines.

We just meet for coffee and talk about things. Random things. Sometimes, I listen
to her psychology crap. She’s taking up her doctorate here in Psychology. She had
no idea that I was undergoing therapy. I didn’t want her to treat me as a flight-
risk. It was nice to have some friends who were unaware of what a broken toy you
really were.

“Oh, my god. Am I boring you with my psych shits?” she asked. “Sorry. Anyway,
kamusta na si Kelly? We haven’t finished our convo about her.”

Kelly. How was she? My mom said that she’s busy with her exams so I haven’t called
her for days. And Dr. Müller said that it’s nice that I could go on a day without
being eaten up by my paranoia. I was one step better.

“She’s busy,” I answered. “She’s studying to be a doctor.”

I was so proud of her. She’s in for something great. I have always known that.

“So, tell me something about her. I have been mumbling about my acad shits. I
promise I’ll be a good listener,” she said and then fixed a smile on her face.
I figured that since she’s a psychologist and she had no idea that I was under some
sessions, it would be nice to get an opinion from her. It would be a different
perspective from Dr, Müller’s and his team.

She patiently listened to my story.

“Oh,” that’s all she said after I was done. “Theo, I hate to say this but you two
are terrible together.”

I wasn’t able to give her a reply for that. I always knew we were trouble but
hearing it first hand was like having my nightmares come to life.

“Look, ang pangit ng simula niyo. You cheated on your girlfriend and from what I
have heard, this Kelly girl went from being the nice girl to being the desperate
girl. I mean, you two are toxic when you’re together.”

She looked at me and then sighed.

“Theo, do you know that the foundation of the relationship is the most important
element? Kaya nga tinawag na foundation, ‘di ba? And you and Kelly... God, what a
terrible backstory! Puro agawan! I’m not saying na mabait ako, alright? I’ve had my
fair share of mistakes and relationships ruined but at least I’m not someone who
tolerates cheating. I don’t cheat and I won’t cheat.”

I wanted to tell her that I love Kelly and it doesn’t matter if we began on the
wrong side of the road. What are future for if all I’m gonna focus is the past?
Wasn’t I worthy of a second chance? Wasn’t we worth it?
“How can you two be happy if behind those smiles would be the people you hurt?
Trust me, Theo, you two will never be truly happy. Not at the expense of your ex-
girlfriend.”

“I already told her that I am sorry,” I answered.

She reached for her coffee and shook her head. “Sometimes, sorry isn’t enough. I’m
pretty sure she’s scarred for life because of what you did.” I hated it when she’s
right. “I know we just met and I’m not your friend. But anyway, this is just my
opinion as an outsider.”

I stared at her and then sighed. I was so messed up.

“I’m so messed up,” I said.

“Everyone’s worthy of a second shot at life and love” she replied. “You just have
to let go of your baggages and start anew. Fix yourself and then fix your
relationship with her. It’ll get better.”

After that, I gradually cut all communications with Kelly. Fier was right; we had a
terrible start and we can never be happy knowing that we hurt people who love us in
order to achieve that. I spent the first few months struggling not to call her. It
was hard. It was terrible. I knew she was having a hard time. I kept on checking up
on her through my mom. But I had to forget about her. We’re each other’s baggage.

Months passed and then years.


James called me and told me about this guy. He didn’t ask me to go home but I came
up with the idea, anyway. I wanted to go to Kelly’s place but I was afraid to do
so. I managed to avoid her for years.

“You loved Kels better than me,” Monique said. I kept on telling her how I want her
back. I thought that if I could lie to her, then I could lie to myself as well.

But I really can’t avoid Kelly. I was damn attracted to my fire. I saw her smiling
and talking to her friend. She looked really good. I wanted to walk up to her and
hug her and listen to her voice.

God, I was still so pathetic about her.

I have tried so many times to tell her how much I wanted her back but I knew I
didn’t deserve her. I didn’t deserve her smile, her laughter, her love. I deserved
her hate and animosity. I deserved it all for being a jerk and leaving her all of a
sudden.

I didn’t deserve to be happy.

“Bakit, Theo? You told me you want to be the best person for me... What happened?”
she asked. Being this close to her was maddening. It was all coming back again.
“Tell me,” she urged.

I looked at her eyes and saw her in the brink of tears. I didn’t want to lie
anymore. She deserved my honesty.
“My doctor said that I should let go of my baggages... You remind me of everything
I wanted to forget. I needed you out of my life.”

She walked out on me. I deserved that. She should’ve punched me and screamed at my
face. I shouldn’t have gone home. I was wrecking all the good things in her life
yet again.

We’re terrible when we’re together. We’re better people when we’re apart. Why can’t
she see that?

I was about to go back to Germany when my aunt went nuts again. She wanted me and
Kelly to get married! What the freaking hell?! And what drove me insane was the
fact that Kelly wanted to push it through!

“Hello?” she said on the phone. I didn’t want to speak to her or to have anything
to do with her. I just wanted to be gone from her life. I shouldn’t have come back.
I should have continued on my exile. “Theo...”

But Jesus! Hearing her voice like this was driving me insane!

“Goodbye.”

And then I hung up. I can’t do this anymore.


=================

END

Two years later...

Kelly was studying to be a doctor. Sinusuportahan siya ng ate niya para makapag-
aral siya. At first, akala niya wala na siyang pag-asa. Nasanay kasi siya na lahat
ng kailangan niya, si Auntie Selina ang umaasikaso... But she knew she didn’t
deserve her kindness and her cruely. She just wanted to live a normal life.

Oo, mahirap. Hindi lang kasi si Auntie Selina ang nawala sa buhay niya. Nawala si
Theo... nawala rin si Gabe. She lost all the people she cares about. But she knew
life wouldn’t stop just because she got hurt.

Nadapa siya pero tumayo ulit siya. Wala naman kasing tutulong sa kanya kung hindi
ang sarili niya.

Nakausap niya si Theo a month after he ran from their wedding. He said his side and
she forgave him. Wala naman kasi siyang choice kung hindi ang magpatawad. She
didn’t want to live a life full of regret and what ifs.

He was right. Hindi sila magiging masaya knowing that they consciously hurt the
people who love them. It will haunt them. Always.

Oo, nasaktan siya ni Theo but the pain was worth it. She loved him dearly. Minahal
niya si Theo ng totoo... Pero baka kasi ganun talaga. Some people aren’t meant to
stay in your life, they are just meant to make a difference.
“Hi,” the person in front of her spoke.

“Hello,” she replied.

The person smiled and then placed a box in front of her.

She smiled and reached for it and then opened it. “Akala ko ba three years? Two
years pa lang...”

“Hindi ko na kayang maghintay. Ikaw lang talaga, e. Ayokong maghanap ng iba. Wala
akong pakielam kung sasabihin nila na ang tanga ko dahil kahit sinasaktan mo lang
ako, balik pa rin ako nang balik sa 'yo. They don't understand. You're that person.
You're that person who makes everything worth it. 'Yun kahit na ilang beses akong
masaktan, okay lang kasi alam ko na ikaw lang din naman 'yung kayang magpasaya sa
akin. You're my dream and my nightmare. You're my life. Kelly, you're everything I
have ever wanted. So please be my wife and let me spend the rest of my life with
you,” he said while staring at her eyes. “Please say yes?”

She stood up and kissed him.

“Yes.”

=================

Author's Note

Yes, we reached the end, finally! Thank you for reading. I know not all of you are
pleased with the ending but that's how I pictured it. I purposely didn't put names
so that you could use your imagination. But rest assured that they all got what
they deserve (although most of you argue that Kelly doesn't deserve Gabe-- trust
me, I do too :P) I don't really want to explain my characters so I'll leave you to
judge them or what. I created personalities for each one of them so their
personalities must speak for themselves. Right? Right?

And now, we're off to book3 and the final installment of the Bad Boy trilogy! You
could check out How To Tame The Bad Boy in my works. It's also in the external link
so just click click click and then add to lib! Idk if you could search it up since
it's miraculously placed in the English categ :))) And as of today, it's top10!
COOL RIGHT???? But I want it that way. I want to conquer the English Wattpad (a
girl can dream, okay. Hahaha!)

Anyway, thanks for reading! 

Ps, there are THREE epilogues, okay? I know some of you didn't read it because you
jumped to the End hahahaha

-@beeyotchWP 

You might also like