Download as txt, pdf, or txt
Download as txt, pdf, or txt
You are on page 1of 315

---------------BOOK DETAILS----------------

[BOOK NAME] Academy of Witchcraft and Wizardry Book 2


[TOTALPARTS] 17
-------------------------------------------
[ BOOK DESCRIPTION ]
--------------------------------------------
Hindi madali para sa Infinity ang tanggapin ang katotohanan na ang taong
pinagkatiwalaan niya ang siyang bumura sa kanyang alaala. Paano niya tatanggapin
ang lahat ng revelations na nalaman niya at paano niya makakayanan na makuha ang
kapangyarihan ng apat na ORBS. Ang
mas exciting na adventure, bagong revelations, new characters at kilig scenes ay
narito sa book 2. Again po, hindi po ito HARRY POTTER ni JK ROWLINGS pero may
pagkakatulad sila. SAna mabasa nyo rin ito ang continuation ng Academy of
Witchcraft and Wizardry.
Enjoy reading... ;)
-------------------------------------------

*******************************************
[1] Hey It's Me (ღ˘⌣˘ღ)
*******************************************
Sa lahat po ng readers at fans po ng Academy of Witchcraft sobrang nagpapasalamat
po ako sa support nyo at mga votes at ang favorite ko po basahin everyday mga
comments nyo po.. sobrang nakakataba ng puso!!!! (✿ ♥‿♥)

Hahaha! Drama ko diba? Basta guys, super salamat po talaga! As In SUPER!.. So sa


Book 2 po welcome po ulit ang votes comments suggestion at malulupit na hirit! At
bawat chapters po, idedicate ko dun po ulit sa deserving kasi sobrang happy ako pag
may nagsa suggest as in!

ヽ(愛'∀`愛)ノ (ღ˘⌣˘ღ) (●'□')♡ (●'∀`)ノ♡

So guys, enjoy reading po and still lahat po ng basic spell na nagwork sa akin,
syempre ishare ko pa rin sa inyo!!! Love yeah guys! (。♥‿♥。)

Spell for my work to be successful

My iron Will, my patient skill,


Within this chant instill
That I may fare successfully,
As I will, so mote it be!

*******************************************
[2] Chapter 1: Section Wind Eagle
*******************************************
Zaiden's POV

First day of school year. Second year na ako. Tatlong buwan na ang lumipas mula ng
mamatay ang Daddy ko, and sa ngayon ako na lang mag- isa sa mundo.

Naging malungkot sa akin ang bakasyon na yon, 2 mahalagang tao ang nawala sa akin
at yung isang mahalaga din sa buhay ko ay nawala rin. Choise ko naman yon, at
tingin ko mas ok na ginawa ko yon.

Asa harap ako ng mataas na gate ng Academy. Maraming estudyanteng pumapasok na.
Masaya silang lahat sa pagbubukas ulit ng school.

Ako naman ay nakatambay dito sa may gate, may hinhintay akong isang espesyal na tao
na gusto kong makita bago ako pumasok sa loob.

Lumingon ako sa paligid. Maaga pa naman, wala pa siya. Hintay pa ako ng 1 oras,
lumingon ulit ako sa paligid. Sa wakas nakita ko na ang kanina ko pa hinihintay.

Nakangiti itong naglalakad papasok sa mataas na gate, kasama niya si Castor.

"Hi!"

Tumigil sa Castor at Oceane sa harap ko.

"Bakit di ka pumasok?"

"Hinihintay ko kayo..."

Nakatingin lang si Oceane sa akin. Masakit kasi hindi na niya ako natatandaan.
Sabay sabay kaming pumasok sa loob ng Academy.

Nagtataka ba kayo kasi di kami nag aaway ni Castor ngayon? Magkaibigan na kami
ngayon. Tinulungan ko siya na ibalik ang kaluluwa ng mga kalahi niya at ngayon ay
gumawa sila ng isang maliit na animoy bayan sa teritoryo ng mga Elf.

Pinayagan si Castor ni Principal Alyora na pumasok sa Academy bilang isang normal


na estudyante. Alam naman kasi ni Castor kung kailan siya dapat hindi pumasok dahil
nga sa kanyang kalagayan.

Section Fire Phoenix din siya napunta kaya naman magkakasama kaming tatlo.

KKKKKKRRRRRRRRRRRRIIIIIIIIIINNG!

Tumunog na ang bell, ibig sabihin malapit na magsimula ang klase. Magkaklase kaming
tatlo. At ang unang subject namin para sa araw na ito ay Magical Creatures and its
Origin.

"Good Morning Second year! Kilala nyo na ba ako? I'm Saatchi, your professor for
Magical Creatures and its Origin."

Tulad ng dati, pagpapakilala, kwentuhan at ang boring na talent portion. Nakaupo


lang ako malayo kina Oceane at Castor. Though hindi naman sila magkatabi.

Nakatingin lang ako kay Oceane. Nalulungkot ako na masaya. Pinagmamasdan ko ang pag
ngiti niya kaya naman nangiti na rin ako. Masaya siyang nanonood sa mga classmate
namin na nagtalent sa unahan.

Habang nakatingin ako sa kanya may kanta na pumapasok sa isip ko...

Put away the pictures. ♪♬

Put away the memories.

I put over and over ♫

Through my tears
I've held them till I'm blind

They kept my hope alive

As if somehow that I'd keep you here

Once you believed in a love forever more? ♪♬

How do you leave it in a drawer?

Now here it comes, the hardest part of all

Unchain my heart that's holding on ♪♫♬

How do I start to live my life alone?

Guess I'm just learning,

Learning the art of letting go. ♪♫♬

Try to say it's over

Say the word goodbye. ♪♫♬

But each time it catches in my throat

Your still here in me

And I can't set you free

So I hold on to what I wanted most ♪♫♬

Maybe someday we'll be friend's forever more

Wish I could open up that door

Now here it comes, the hardest part of all

Unchain my heart that's holding on

How do I start to live my life alone? ♪♫♬

Guess I'm just learning,

Learning the art of letting go

Watching us fade

What can I do?

But try to make it through

the pain of one more day ♪♫♬

Without you

Where do I start, to live my life alone?


I guess I'm learning, only learning, ♪♫♬

Learning the art of letting go.♪♫♬♪♫♬

Napatingin siya sa akin. Para akong bata na, biglang iwas ng tingin sa kanya.
Palihim akong sumilip at nakita ko na kausap na niya si Castor..

Lunch Break. Dumiretso kami sa dining area. Magkakasabay kaming tatlo. Hindi ko
kayang nakikita na masyadong kumportable si Oceane kay Castor kaya naman palagi
akong nasa unahan nila.

"Castor, bakit ganyan yung friend mo? Parang natatakot siya sa akin?"

Narinig kong tanong ni Oceane.

"Akala mo lang yan..."

Sagot naman ni Castor sa kanya. Nauna akong pumasok sa dining area. Natigilan ako
ng makita ang grupo ng mga first years na nakaupo sa table kung saan lagi kong
nakakatabi si Oceane. Naglakad ako papalapit sa table ng mga second year.

Malayo ako sa kanilang dalawa. Masasanay din ako na hindi pinapansin si Oceane.

Oceane's POV

"Alam mo weird talaga yang kaibigan mo? Nakakatakot na siya ha!"

Bulong ko kay Castor. Napapansin ko kasi na lihim na sumusulyap sa akin yung


Zaiden.

"Wag mo na siya pansinin..."

Yun lang ang sinabi ni Castor sa akin. Kahit hindi nakikipag usap sa akin yung
kaibigan ni Castor, feeling ko may kakaiba sa kanya. Ewan ko lang kung ano.

Next subject namin Potion for Secondary Wizard. Maganda naman yung room, maaliwalas
at malamig sa loob. Pagpasok sa loob wala yung prof namin.

Wala naman sigurong sitting arragement kaya naupo ako sa bandang gitna. Asa labas
pa ng room si Castor, mas gusto niya kasi na pumasok lang sa room pag andun na yung
prof namin.

Napansin ko na naman na katingin sa akin ang lalaking yon kaya lumipat ako ng
upuan. Ilang sandali pa dumating na ang prof.

"Kamusta second year? Well ako ang magiging prof ninyo sa Potion for Secondary
Wizard. I'm Malcus and I want you to arrange your sits in alphabetical order... so
Mr. Alfiro dito ka and you Miss Gyresky.."

Napatingin muna sa akin yung Zaiden bago lumipat ng upuan sa unahan. Sumunod naman
ako sa kanya at naupo sa tabi niya.

Nakakabadtrip ang kalahating oras na parang umaapoy ang pwet ng katabi mo. Kulang
na lang ay itulak nya ako palayo.
"So I'll be teaching you guys on how to nake a wish potion.. so everyone open your
cabinet under your table and do the potion."

Dirediretsong sabi ng prof. Ipinatong ko sa ibabaw ng table ko ang salt, ang cup at
my note na kailangan ng isang hibla ng aking buhok.

"Put the salt in water then hair strand and say:

"I drink this and receive a wish of three.."

"Put salt in water then hair strand and say

"i drink this and reicievea wish of three."

Ginawa ko ang nakasulat sa board at saka ibinulong sa hangin ang wish ko.
Napatingin ako sa katabi ko. Biglang iwas tingin siya sa akin ng mapansing
nakatingin ako sa kanya.

'Ano kayang problema nito? Nakakapikon na!'

"May problema ba?" mataray kong tanong

Lumingon ito sa akin.

"Ha?"

"Bingi! Nakakapikon ka na ah!"

"What? Ano bang ginawa ko sayo?"

"Bakit ba lagi kang nakatingin sa akin? May problema ka ba sa akin?"

Natawa ito. Mas lalo naman akong napikon.

"Tumatawa ka pa dyan.. lalo mo ba akong inaasar?"

"Wala! I just remembered someone...."

Pagkasabi nun ay bigla itong tumayo. Dun ko lang napansin na tapos na pala ang
klase namin.

Habang naglalakad kami para sa susunod na subject, panay ang reklamo ko kay Castor.

"Nakakapikon talaga siya alam mo ba yon?"

Hindi ito nagsasalita. Patuloy lang sa paglalakad.

"Hey nakikinig ka ba?"

Tumingin ito sa akin habang patuloy kami sa paglalakad

"Ang akala ko isip lang ang nakakalimot, pati pala ang puso.."

Napataas ang kilay ko.

"ANO?! Saan mo ba nakuha yang ganyan ka korny at maalikabok na sentence ha?"

Umiling lang ito saka ako iniwan.


"Kahit kelan ang weird nito!"

Tumatakbo akong sumunod sa kanya.

Next subject namin ay Spells 2. Magkatabi kaming naupo ni Castor sa tabi ng


kaibigan niyang Alfiro.

"I'm Chanter a Class X Witch.. i'll be teaching you Spells 2: Spell Caster."

Mukhang ok naman yung prof namin. Pero ewan ko ba, para kasing ibang teacher ang
gusto kong makita ngayon. Alam mo yung feeling na parang, nangyari na ito kaso
parang iba? Gets nyo ba?

"So everyone I suggest to arrange your sits alphabetically so it i can recognize


you guys..."

"From first name po ba?"

Tanong ni Bryan, ang classmate ko na parang uminom ng isang dosenang growing


potion. Sobrang tangkad nya kasi, mabuti na lang mataas ang kisame ng room.

"No! From your last name. Starts with Alfiro, Gyresky, Hattler........"

'Hmp! Again? Ulyanin na ba ang mga prof na ito, hindi ba pwedeng by first name na
lang? Katabi ko na naman itong Alfiro na ito.'

Not like sa ibang subject, asa likod kami ni Zaiden Alfiro ngayon. Ewan ko ba,
nakakainis siya talaga.

"We can be friends pa rin naman right?"

Seryosong sabi ni Zaiden Alfiro habang nakatitig sa akin. Ako ngayon ang hindi
makapagsalita. Para akong na starstruck sa sinabi niya.

"Ha? Ahm!"

'Anong sinabi nya? Naging friend ko na ba siya?'

"Wait lang ha? Hindi ko na gets ang sinabi mo.."

"It's just simple, i'm asking you if we can be friends?" Nakangiti nitong sabi

"Eh hindi naman yan ang sinabi....."

"That's good.. so I want to intruduce myself.. I'm Zaiden Alfiro and you are?"

Nakatingin lang ako sa kamay niya na naghihintay na abutin ko yon.

"I don't have a name..."

Napatawa ito ng bahagya. Tapos ay umayos ng upo at humarap na siya sa unahan para
pakinggan ang kanina pang nagsasalita na prof.

"Everyone repeat after me.. "ha- nehm"."

"Ha- nehm!"

"Ha-nehm means to fix.. so if you want to fix something hold your wand, swish it
and together with the flick say Ha-nehm."
Ginawa naming lahat ang sinabi ni Prof Chanter. Yung sirang bagay na nasa table
namin ay nabuo ulit na parang hindi nasira.

"So guys tandaan nyo lang na ang ha-nehm is use to fix the object ok?"

Tumango naman ang lahat ng estudyante. Pagkatapos ay pinalipad niya ang mga libro
papalapit sa mga lamesa namin.

"Share your books with your seatmates... and turn it to page 10."

Dahil nga share daw ng book unti unting lumapit si Zaiden sa akin. Halos magdikit
na nga ang balat namin. Lumayo ako ng bahagya. Hindi ako kumportable na magkalapat
ang mga balat namin. Para akong nakukuryente.

"This is a simple and basic spell to protect your belongings... if someone touches
an object enchanted with this they will turn into a lobster or anything you want
them to be. Tingnan nyo ito guys.."

Isang libro ang inilapag ni Ms. Chanter sa table niya pagkatapos ay sinabi nya ito.

"Make anyone who touches cursed,

Give them claws and make thyem shrink,

A lobster they will be."

"Joy come here and touch this book."

Nagdadalawang isip pa si Joy habang dahan dahang tumayo at naglakad papalapit kay
Miss Chanter.

"Wag ka matakot. Sige touch it.."

Nang mahawakan ni Joy ang libro, napangiti pa siya dahil wala naman nangyari sa
kanya pero after ng mga 30 seconds ay naging lobster siya. Lobster na may ribbon
(*°∀°)=3

"See? Ganyan ang mangyayari sa mga malilikot ang kamay!"

Tumatawa pa rin kami sa itsura ni Joy. Kahit lobster na mukha pa ring maarte.
Ibinalik din ni Miss Chanter si Joy sa dati. Mabilis itong bumalik sa kinauupuan
niya.

"Page 12 na tayo guys... sino ang familiar sa transfiguration spell?"

Marami ang nagvtaas ng kamay.

"Good! So na try nyo na ba?"

Lahat ay sumagot ng hindi pa.

"Ituturo ko sa inyo ang basic transfiguration spell, basic lang muna kasi mga
estudyante pa lang kayo... so sinong gusto magvolunteer?"

Walang nagtaas ng kamay sa amin kahit isa. Natawa naman si Miss Chanter.

"Hey guys wag kayo matakot.. basic spell pa nga lang ang itinuturo ko.."
Wala pa ring nagtaas ng kamay sa amin.

"Ok sige ako na lang! Use your imagination, isipin nyong mabuti kung ano ang gusto
nyo maging... concentrate lang.. and then chant this.. "I herby wish for you to be
cat!"."

Hindi pa kami kumukurap ng makita naming maging cute na cute na pusa si Miss
Chanter. Umakyat ito sa lamesa at nag palakad lakad pa ito sa ibabaw. After 5
minutes bumalik na ulit siya sa dati.

Pumalakpak naman kaming lahat. Mukhang may favorite teacher na ako.

Natapos ang mag hapon. Tumambay kami ni Castor sa may fountain. Ewan ko ba, bigla
ko na lang naisip na tumambay dun after class. Umakyat siya sa puno at nahiga sa
sanga nito.

"Bumababa ka nga dyan.."

"Ayoko dyan sa baba.. dito na lang ako."

"Ha? Bakit?"

"Ayoko na pinagtitinginan ako.. "

"Hmp! Arte mo naman..."

Padabog akong naupo sa bench. Pagkatapos ay tumayo ako at lumapit sa fountain.

Pumikit ako. Parang napanaginipan ko na ito. May bumalong sa tenga ko

"Make a wish..."

"Just close your eyes.."

"Is there any sense of throwing coins into the water?"

Napadilat ako. Parang totoo ang panaginip na yon. Napalingon ako sa di kalayuan,
nakita ko si Zaiden Alfiro na nakatitig sa akin. Nang mapansin niyang napatingin
ako sa kanya, kumaway ito.

Hindi ako ngumiti sa kanya. Imbes ay bumalik ako sa bench at naupo. Nagbuklat ako
ng libro. Ewan ko ba, para kasing may dapat akong makita dito na papel, pero wala
naman.

"Oceane!"

NApalingon ako sa nagsalita. Si Zaiden Alfiro nakaupo sa tabi ko.

"Kala ko ba hindi mo alam ang name ko?"

NApangiti ito. NAkaramdam ako ng kaba. Lumayo ako ng bahagya sa kanya.

"Gusto mo mamasyal sa Night Market?"

NAkatitig na naman siya sa akin. Sa tuwing tinitingnan ko ang mga mata niya,
nakikita ko lang ay lungkot kahit nakangiti siya.

"S-----sige! Ok lang ba isama ko si Castor?"


"Yeah! It would be great!"

Ngumiti lang ako. Napansin ko na naman na nakatitig siya sa akin.

"Alam mo nakakatakot ka na.. bakit ba palagi ka nakatitig sa akin?"

Huminga muna ito ng malalim saka sumagot.

"Na miss kasi kita!"

Para akong mawawalan ng malay ng mga sandaling iyon. Bakit ba ang lakas ng impact
ng salitang yon sa akin. Grabe! Ano yun? inlove ako sa taong ito? Eh kanina ko nga
lang siya nakilala.

Tambayan ni Castor ang kuarto ko sa dorm, ewan ko nga kung bakit pumapayag si
Principal Alyora na may lalaki sa akong kasama sa silid ko. Pero ok na din yon. Si
Castor lang naman ang kaibigan ko sa school.

Sina Minah at Aesha mga kaibigan ko sa labas ng Academy. May bahay kami sa Elfwood.
Tapos si lolo, este yung Old Elf Sorcerer siya ang great great grand father ko.

Pumayag si Castor na pumasyal kami sa Night Market kasama ang weird niyang friend.
Habang nakatingin ako sa bintana, isang katok sa pinto ang narinig ko.

Binuksan ko ang pinto.

"Hi!"

Nakangiting bati ni Zaiden Alfiro pagbukas ko ng pinto. Nagtaka naman ako.

"P---paano mo nalaman ang silid ko?"

"Ha?"

Ewan ko ba, parang nag iisip siya ng isasagot niya. Napakamot ito sa batok.

"Sorry! Nagtanong tanong kasi ako..."

Tumango na lang ako bilang pagsang ayon. But deep inside hindi ako kumbinsido.

"So? Tara na?"

Lumingon muna ako sa loob ng silid ko bago ko tuluyang isinara ito. Habang
naglalakad kami sa hallway ng dorm, napansin kong napapatingin sa amin ang lahat.

"Anong meron? Bakit nakatingin sila sa atin?"

Lumingon lingon na naman si Zaiden Alfiro.

"Wag mo sila pansinin."

Pagbaba namin sa dorm, isang gwapong lalaki ang sumalubong sa amin. Tinitigan ko
siya, parang kilala ko na siya kaya lang hindi ko siya maalala.

"Zaiden pare!"

Umakbay pa ito kay Zaiden Alfiro pagkatapos ay tumingin sa akin.

"Kamusta ka na?"
Nakangiti nitong bati.

"O---ok lang!"

Tinitigan muna ako nun lalaki bago siya tumingin kay Zaiden, feeling ko pinag
uusapan nila ako gamit ang mga mata.

Bumaling ulit ang lalaki sa akin.

"I'm Tim!"

"Hi!"

Nakangiti ko namang bati. Ilang sandali pa dumating si Castor. Tulad ng tipikal


niyang araw. Naglalakad ito na nakalagay ang isang kamay sa bulsa habang seryo lagi
sa buhay.

"Tayo na!"

Yun lang ang sinabi ni Castor. Apat kaming naglakad sa kagabutan para sa portal
papunta sa Night MArket.

Habang naglalakad, napansin kong tinititigan ako nun Tim. Naiilang tuloy ako sa
magkaibigan na yon. Ano ba kasing meron at kailangan pa nila akong titigan.

Napansin naman ni Castor ang paghawak ko sa braso niya.

"Bakit?"

"Ha? Wala! Wala lang!"

Hanggang sa makarating kami sa Night market nakahawak ako sa braso ni Castor. Halos
lahat nga ng dinadaanan namin ay napapatingin sa amin. Ikaw ba naman ang may
kasamang bampira, nakakakapit pa ako sa braso niya, pag di nga kayo tumingin.

Dumaan kami sa tindahan ng broomstick. Ewan ko pero nun makakita ako nito, parang
natuwa ako na biglang nakaramdam ng kaba...

"Bakit?"

Nagulat pa ako ng magsalita si Zaiden Alfiro, hindi ko napansin na nasa tabi ko na


pala siya.

"Ha?"

"May problema ba?"

Nakatitig na naman siya sa akin, pero ngayon imbes na lungkot ang nakikita ko sa
mga mata nya, pag aalala naman.

"W-wala wala naman..."

Mabilis akong umalis sa tabi niya. Tumakbo ako papalapit kay Castor.

"Bakit ba parang ang weird talaga ng mga kaibigan mo?"

Lumingon pa ako kina Zaiden Alfiro at dun sa Tim na kaibigan nito.


"Hindi ko sila kaibigan..."

"Ha? Bakit kilala ka nila?"

"Sila ang mga kaibigan mo diba?"

Mabilis ang pag iling na ginawa ko.

"Ofcourse not!..."

"Hindi ganyan ang naririnig ko sayo noon..."

Napansin kong bahagyang ngumiti si Castor. Bakit? Ano ba sinasabi ko dati? Weird
nila lahat...

3 oras din kaming nagpaikot ikot sa Night Market para bumili ng mga requirements sa
school. Habang abala ako sa pagbubutbot ng mga pinamili ko sa bag.

"Aray!"

Napaupo ako. Nabangga kasi ako. Mabilis akong tumayo.

"Ano ba? Bakit ba kayo tumigil?"

Naiinis kong sabi sa tatlo. Parang nakakita ng multo sina Zaiden Alfiro at yung
kaibigan nito. Si Castor naman, bagaman natigilan din wala naman itong reaksyon

Napalingon ako sa tinitingnan nila. Isang lalaki na nakaupo sa isang coffee ang
tinititigan nila.

"Hey anong nangyari sa inyo?"

Wala ni isang sumagot sa tanong ko. Napansin kong tumingin si Zaiden Alfiro kay
Castor.

"Hey! Ano bang nangyayari sa inyo?"

Wala pa rin sumagot sa tanong ko. Sa sobrang buysit ko, mabilis kong nilapitan ang
lalaking tinititigan nila.

"Hi!"

bati ko sa lalaki paglapit ko. Lumingon siya sa akin atsaka ngumiti.

"Hi!"

Ewan ko ba pero nahawa ata na ako dun sa tatlo na nakatitig sa lalaki.

Hindi ako mapakali ng mga sandaling iyon habang nakatingin ako sa kanya. Yung
feeling na sobrang masaya ako na biglang nalungkot tapos natakot.

Ewan ko, nakakahawa pala ang pagkaweird.

"May problema ba?"

Nagtataka namang tanong sa akin ng lalaki.

"Ha? Wala naman..."


"Have a sit..!"

Naupo naman ako sa table habang di ko maalis ang pagkakatitig sa kanya.

"You want something?"

"Ah no.. ok lang ako."

Ngumiti ito. Isang pamilyar na ngiti na di ko alam kung kanino.

"Anong Section mo sa Academy?"

"Ikaw anong Section ka?"

Napalingon ako sa nagsalita, si Zaiden yon kasama ang dalawa.

Hindi namalayan ang paglapit nila sa amin.

"Section Wind Eagle.."

Napansin kong nagkatinginan ang tatlo sa sinabing yon ng lalaki.

"Pare anong pangalan mo?" tanong naman ni Tim

"Hey! Masyado na yata siyang hinaharrass nyan.."

"Nagtatanong lang kami, walang harassing dun."

Napasimangot ako. Bastos talaga ng Alfiro na ito.

"Yeah! I'm Frost..."

Iniabot nito ang kamay niya sa akin, pero ng aabutin ko na, biglang sumingit ang
isang kamay.

"Zaiden...."

"Tim Pare!"

"Castor.."

Lahat sila ay nakipagkamay maliban kay Castor na animoy sumaludo lang. Lumapit ang
isang magandang babae sa amin. Parang nakita ko na siya pero hindi ko na naman
matandaan.

"Tara let's go!"

Tumayo naman si Frost.

"Alyssa?" sabay sabi nila Tim at Zaiden

Napalingon naman ang babae. Kitang kita ko ang pagkabigla sa mukha nito ng makita
kami.

"G--guys kamusta?"

"May dapat ka ba ipaliwanag Alyysa?"

Napalunok si Alyysa bago siya ngumiti.


"Wala akong dapat ipaliwanag sa inyo. Tayo na Frost.."

Hinawakan niya sa braso ang lalaki at sabay silang umalis.

"Impossible..." umiiling na sabi ni Tim

"Ang alin?"

"Hindi mo ba natatandaan yung lalaki?"

"Tim!" sabay pa na sabi nila Zaiden at Castor

"Natatandaan? Nakilala ko na ba siya noon?"

"Let's go...."

Hinawakan ako ni Castor sa braso para umalis na sa lugar na yon.

"Ano ba? Masakit kaya..."

"Kailangan mo na bumalik sa dorm mo...'

"Ha? Bakit ba?"

Hindi nagsasalita sina Zaiden at Tim. Hindi man lang ako ipinagtanggol kay Castor.
Pagpasok na pagpasok ko sa silid ko mabilis na umalis yung tatlo. Hindi ko alam
kung saan sila nagpunta.

Zaiden's POV

Ibang klase talaga, kahit sina Castor at Tim hindi makapaniwala. Nakita ko ang
reaksyon nilang dalawa, walang pinagkaiba sa naging reaksyon ko.

"Pare.. hindi talaga ako makapaniwala sa nakita ko kania... in flesh talaga pare
nakamayan ko pa."

Kwento ni Tim habang nakatambay kami sa silid ni Castor.

"Kailangan ba natin sabihin ito kina Principal Alyora?"

Tanong ulit ni Tim

"Sa ngayon siguro wag na muna... Hindi pa tayo sigurado kung siya nga yon at isa pa
nakapasok siya dito sa Academy, ibig sabihin alam ni Principal Alyora ang lahat."

"Tama siya, subaybayan na muna natin ang dalawa..'

"Sinong dalawa?" tanong ni Tim

"Sina Frost at Allysa.. malalaman din natin ang totoo.."

After ng usapan namin ay bumalik na kami ni Tim sa silid namin. Pag upo ko sa kama,
sakto naman na dumalaw si Altheia sa akin.
"Kamusta na mahal ko?"

"Tigilan mo nga ako Altheia... kelan ka pa bumalik?"

Naglakbay si Altheia kasama ang apat pa na fairy para maghanap ng halamang gamot na
maaring mapakinabangan ni Old Elf Sorcerer Alberich.

"Kaninang umaga.. nagpahinga lang ako pag dating kaya ngayon lang ako nakapunta
sayo."

"So kamusta naman ang misyon nyo?"

Lumipad papalapit sa akin si Altheia saka tumayo sa ibabaw ng ilong ko.

"Weird nga eh..."

"Oh bakit wierd?"

"Nakita ko sa Virgin forest yung taga lupang kaibigan ni Oceane.."

Napabalikwas ako. Nahulog sa kama si Altheia dahil sa bigla kong pagbangon.

"Nakita mo???"

"Oo nga! Hindi ganyan ang expect kong reaksyon mo... yung ganito dapata... Wag mo
nga ako niloloko Altheia.. o kaya naman... weh! Imagination mo na naman... ganun
dapat!"

"Sigurado ka ba sa nakita mo?"

"Oo naman.. bakit ba ang OA ng reaksyon mo?"

"Wala naman.... may nakilala rin kasi kami kanina..."

"Talaga? Kamusta nga pala si Oceane?"

"Ok naman siya... hindi niya ako naalala.."

"Bakit ba kasi ginamitan mo siya ng memory spell?"

"Magpapahinga na ako Altheia, bumalik ka na lang bukas.."

"Tama! Namimiss ko na rin asarin si Oceane eh.. magandang gabi!"

Lumipad palabas ng bintana si Altheia. Ako naman ay nahiga ulit sa kama. Mukhang di
ako dadalawin ng antok ngayong gabi.

Castor's POV

Nandito ako sa silid ni Oceane, dumaan ako sa bintana niya para siguruhin na ligtas
siya. Tama, hindi pa patay si Baragor at nasa panganib pa rin ang Infinity.
Kailangan siyang protektahan hanggang sa sumapit siya sa 18 taong gulang.

Naabutan kong hawak ni Oceane ang sagradong libro habang nakahiga sa kama niya.
"Anong ginagawa mo?"

"Iniisip ko lang kung bakit mo ito pilit na ipinababasa sa akin.. ang kapal kaya
nito."

Gusto kong matawa sa itsura niya, para siyang bata. Naupo ako sa tabi ng kama niya
at kinuha ang libro.

"Ito ang kailangan mo.. lahat ng laman nito ay dapat mong matutunan.. kailangang
maging handa ka bago ka dumating sa tamang edad.."

"Pareho kayo nila Mama at Papa.. ano bang mangyayari pag naging 18 na ako?"

"Pag di mo binasa ito at pinag aralan.. mamamatay ka!"

Tumawa ito. Nang aasar sa akin.

"Mamamatay? Sinong papatay sa akin? Si Baragor?"

"Pwede ba Oceane, magseryoso ka naman.. hindi biro itong sinasabi ko sayo.."

Tumayo ako at inilapag sa study table niya ang libro.

"Para saan pa ang ginagawa naming pagprotekta sayo kung hindi ka makikinig sa
amin."

Sabi ko pa habang naupo ako sa upuan. Nagulat ako ng yakapin ako ni Oceane sa
balikat. Nakatalikod ako nun.

"Oh ano ba?"

Inalis ko ang pagkakayakap niya sa akin. Tumayo ako at lumapit sa may bintana.

"Ito naman, naglalambing lang ako. Parang di kita kaibigan.."

Padabog itong naupo sa kama.

"Matulog ka na, kung ayaw mong basahin ang libro. Aalis na ako.."

Tumalon ako sa bintana. Hindi na ako lumingon pa kay Oceane.

Sa silid ko, dahil nga bampira ako. Hindi ako sanay na laging tulog. Mas gising ako
sa gabi at sleepy naman sa araw. Tao pa din naman ako kaya may feelings pa rin ako.

Napangiti ako habang naalala ang ginawa ni Oceane.

First time niyang yumakap sa akin. Gusto ko sana maging masaya, kaso alam ko naman
ang totoo. Na hindi niya naaalala ang lahat.

Ang alaala na meron siya any ang gawagawang kwento naming lahat.

Naiintidihan ko naman si Zaiden Alfiro kung bakit niya ginawa yon. Sumang ayon din
naman ang m,ga magulang ni Oceane na sina Miranda at Nazar.

Biglang buhos ng milyong milyong impormasyon kay Oceane nun nakaraang taon, bukod
pa sa pagpanaw ng matalik niyang kaibigan na si Jacob.

Tragic ang naranasan niya noon, kaya masminabuti namin na sang ayunan na lang si
Zaiden sa ginawa niya.
Kinabukasan, maaga kong binisita si Oceane sa silid niya.

Nagtataka kayo kung bakit pwede na akong maglabas pasok sa silid ni Oceane?

May permiso ako kay Principal Alyora. Ako ang tagapagbantay ng Infinity, kailangan
kong masiguro na ligtas siya sa lahat ng pagkakataon.

Pagpasok ko sa bintana, nakita kong nakahiga pa si Oceane. Tulog na tulog pa rin


ito.

Hindi ko naman napigilan ang sarili ko na lapitan siya. Dahan dahan akong naupo sa
gilid ng kama. Naghihintay ako na magising siya.

'Aamin ko na masaya ako sa status ng friendship natin ngayon.. pero mas masaya sana
kung lahat ay naaalala mo.'

Kumilos si Oceane at tumagilid. Napangiti na naman ako, dahil maaga pa tumambay


muna ako sa labas para makapang hunting ng pagkain ko.

Oceane's POV

Isang katok ang gumising sa akin. Hindi ko naman pinansin, pero patuloy pa rin ito
sa pagkatok, kaya napilitan akong bumangon at binuksan ko ang pinto.

'"Tim?"

"Magandang umaga!"

Nakangiting bati nito.

"Bakit? Anong meron?"

"Malapit na magbreakfast, maligo ka na at magbihis baka malate ka sa klase.."

Napatingin ako sa alarm clock ko sa gilid ng kama. Malapit na mag 7am.

Agad kong isinara ang pinto at naligo, pagkatapos ay nagbihis na ako ng uniform
namin.

Naghihintay pala sina Tim at Zaiden sa may sala ng dorm. Nakaupo ang dalawa habang
seryosong nag uusap.

"Serious?"

Napalingon sila sa akin.

Ewan ko ba, kahit kakaiba ang pakiramdam ko sa dalawang ito.

Magaan naman ang loob ko sa kanila. Para bang matagal ko na silang kilala.

"Bilis mo ah! Tara na!"

Tumayo naman ang dalawa at sumabay sa akin sa paglalakad.


Tulad ng dati, panay sulyap sa akin ni Zaiden Alfiro.

Hindi ko naman siya pinapansin. Sa dining area, nagbubulungan ang lahat at para
bang may nangyari na di ko pa nababalitaan.

Pagpasok namin sa malaking pintuan ng dining area, lahat sila ay nakatingin sa


aming tatlo. Pero hindi eh, nakatingin sila sa akin.

Bago ang araw na ito, kasi kasabay namin kumain ang mga prof mula sa ibat ibang
Section at Level.

"Anong meron?"

Nagkibit balikat lang si Tim habang himiwalay na ito ng lamesa. Kami ni Zaiden
Alfiro ang magkatabi sa upuan.

Dahil wala nga si Castor, alam ko na kung anong ginagawa niya ngayon.

"Nakatulog ka ba?"

Napalingon ako kay Zaiden Alfiro. Kakaiba ang ngiti nito ngayon.

"Ayos naman.. nakatulog naman ako."

Lumingon ulit ako sa grupo ng mga prof sa bandang gilid. Parang may open forum sila
doon.

"Ano kayang meron? Bakit parang kakaiba ang araw na ito?"

"Siguro dahil dun sa guy na na meet natin kahapon.."

"Siguro nga.."

Tulad nga ng hinala namin, tumayo ang Section Head ng Wind Eagle.

"HRRRRMMM!"

Panimula nito. tumahimik ang lahat.

"Magandang umaga sa inyo mga mahal naming estudyante! Ako nga pala si Professor
Zamu Wiseforester. Ako ang Head ng Section Wind Eagle.."

Pumalakpak naman ang lahat. Nasa edad 40's na siya, matangkad at gwapo. Isa siya sa
founder ng Academy.

"Marahil ay naguguluhan ang lahat at nagtataka dahil sa ang isang bago naming
estudyante sa Section Wind Eagle ay kahawig ng dati nating estudyante sa Section
Earth Lion... ngayon ay malugod ipinapakilala ang aming bagong mag aaral na si
Frost Youngwhite."

Napatingin ang lahat sa lalaking tumayo at nakangiting nakatingin sa mga kapwa niya
mag aaral.

"Siya po ay mula sa angkan ng mga Neverclaw.. at nandito ang kanyang pinsan na si


Allysa Sightwater para ipakilala siya bilang si Frost."

Boring ang umagang yon. Halos 1 oras at kalahati ang naubos nilang oras para
ipakilala lang ang isang estudyante. Hindi ko maintindihan kung bakit kailangan pa
nila gawin yon, at sino naman ang kahawig ng Frost na yon?
Subject namin Magical Creatures and its Origin.

"Nakakita na ba kayo ng Bogies? Or Boggarts o Boggey Man?"

"Hindi pa po ako Sir!" sigaw ni Lantis, ang epal sa level namin.

"Bogies are short, dark, and furry goblins who like to scare children, as they are
the only ones who can easily see them. They are quite sly and mischevious, but are
not very intelligent.They are small with black fur, and have red eyes that
occasionaly glow with mischeif."

"Nakita na pala ako nya.." si Lantis ulit

Diba sabi ko sa inyo epal..

"Tumahimik ka na Lantis.." saway ng Prof

Naupo naman si Lantis. Pero patuloy pa rin sa pagsasalita at pag epal.

"Marami tayong pwedeng panlaban sa Boggart pero pag grupo na yan or Boggart Army
kung tawagin, ang tanging kailangan natin ay Healing Elixir.."

Bagong picture na naman ang ipinakita niya sa amin.

"Perytons are the souls of men who have died far from their homes. They look like
green feathered deer, but their shadows are human, revealing their original form.
They lived on the island of Atlantis. The only way for the soul of the dead person
to be freed was for them to kill someone and trap that person's soul in their
Peryton's body."

"Totoo po ba sila?" tanong ko naman

"Totoo sila..." sabi naman ni Lantis

"Ok sige na..hmp epal!"

"Leprichauns are some of the most well-known creatures from Celtic mythology. They
appeared as small old men with grey beards and twinkling eyes. They originally were
thought to wear red coats with silver button, brown pants, black shoes with silver
buckles, and a green pointed hat. Leprichauns often wore white aprons and a hammer,
stemming from the belief that Leprichauns were shoemakers. The modern dress of a
leprichaun is in all green, stemming from his association with St. Patrick's Day.
Leprichauns love to play tricks on humans, especially those humans who search for
their hidden pots of gold. It is said that if someone can catch and hold onto a
Leprichaun then the Leprichaun will give his stash of gold to that person."

"Leprichauns are related to faries. They are excellent secret keepers and will
never tell a lie, although they don't always tell the whole truth."

Napalingon ako kay Zaiden Alfiro, paano niya nalaman yon?

"Very Good Mr. Alfiro! Nagbabasa ka ng libro.."

'Hmp! siya na ang magaling!'

Next Subject Divination Second Level

"Dreams are an open window into our subconscience. Often the things we see in our
dreams can be our minds trying to tell us something that our conciounce mind can't
understand. Dreams can sometimes be messages from spirits, ghosts or other
supernatural sources."

Nganga naman kaming lahat kay Prof Mikida Seekerwell. Yung itsura niya ay mukhang
model at pambato ng Wizarding World sa Miss Universe. Ang ganda ganda niya at mukha
siyang fairy.

Wala tuloy kaming naintidihan sa mga sinasabi niya. Natapos ang maghapon namin.
Hindi ko na nga nakita na pumasok sa lahat ng subject si Castor.

"Oceane!"

Patuloy ako sa paglalakad habang nakatingin kay Zaiden Alfiro.

'Ano na naman kaya ang kailangan nito?'

"Saan ka pupunta?"

"Lalabas, mamasyal lang.."

"Pwede bang samahan kita?"

"Sasama ka?"

"Yeah! Ok lang ba?"

"Sige!"

Paglabas namin ng gate ng Academy, nakaramdam na ako ng lamig ng simoy ng hangin.


Hapon na kasi yon at malakas ang hangin. Tamang tama lang para makaramdam ka ng
relax sa katawan.

"May ibibigay nga pala ako sayo.."

"Talaga? Ano?"

Isang amulet ang inilabas nito sa kanyang bulsa. Mukhang pamilyar.

"Maari ko bang isuot sayo?"

"S--sige!"

Unti unting inilapit ni Zaiden Alfiro ang kanyang mukha sa akin.

Nakaramdam ako ng kaba. Ilang inches na lang ang layo niya sa mukha ng ikabit niya
ang kwintas. Dahan dahan din itong lumayo sa mukha ko.

"Lagi mong isusuot yan para pag nalulungkot ka, maaalala mo ako."

Napatingin ako sa kanya. Napanaginipan ko na ang salitang yon.

Nagkakatotoo pala ang panaginip? Kasi sa panaginip ko nangyari na ito.

Hinalikan ko pa nga daw yung nagbigay nito sa akin, kaso hindi ko matandaan ang
mukha niya.

"Salamat ha!"
Nakangiti kong hinawakan ang pendant ng kwintas.

"Next week Ball na.. para siyang Prom night sa mundo ng mga tao.."

"Talaga? Wow naman!"

"Pwede ba kitang maging date?"

Napatingin ako sa kanya. Niyaya nya ako na maging date niya sa Ball Night..Paano si
Castor?

"Ha? Pwede bang pag isipan ko muna?"

"Yeah sure! Pwede naman.."

Napakamot ito ng batok. Nagpatuloy kami sa paglalakad.

Nakarating kami sa isang napakagandang puno. Kulay pink ang dahon nito at mabango
ang mga bulaklak nito.

"Ang ganda!"

Hindi ko napigilang mamangha sa ganda ng punong yon.

"Nagustuhan mo?"

"Oo naman.. ang ganda ganda kaya!"

Nakita kong ngumiti siya. Hinawakan ko siya sa kamay saka tumakbo kaming paikot sa
malaking puno.

Nang matapos maikot ang puno. Nahiga ako sa lilim nito.

"Ngayon lang ako nakaramdam ng ganito.."

"Talaga? Sana ang mga alaalang ito na lang ang makikita mo sa panaginip mo.."

"Aray!"

Napabangon ako. May pumasok sa loob ng mata ko.

"Bakit?"

"Ang mata ko.."

"Let me see.."

Inalis niya ang kamay ko sa mata ko.

Nakapikit pa rin ang mga mata ko dahil hindi ko maidilat.

Naramdaman ko ang hininga niya sa pisngi ko. Ibig sabihin malapit na naman ang
mukha niya sa akin. Ilang centimeters na lang ay mahahalikan na niya ako.

Maingat niyang idinilat ang mata ko saka hinipan ito. Pagkatapos ay isang insekto
ang kinuha niya dito.

"Ok na ba?"
"Oo.. salamat!"

Nagluha ang mata ko dahil sa puwing. Isang panyo ang iniabot niya sa akin.

"Heto.."

Kinuha ko naman yon at ipinunas ito sa mata ko. Naamoy ko ang pabango nito. Bigla
na naman akong nakaramdam ng kaba.

"Bakit?"

Nakita ko sa mga mata nito ang pag aalala.

"Masakit pa ba?"

Hindi ako sumagot. Tumitig lang ako sa kanya. Naramdaman ko naman na naconcious
siya sa ginagawa ko.

"Sino ka ba talaga?"

"Ha?"

"Kasi iba ang nararamdaman ko pag nakikita ko sa mga mata mo ang totoo mong
nararamdaman.."

"Talaga? Nakakabasa ka ng isip thru eye contact?"

"Hindi naman.. para lang kasing there's something in you na hindi ko


maipaliwanag.."

"Ikaw talaga, kung ano anong iniisip mo.."

Pinisil niya ang dalawa kong pisngi habang pinaglapit niya ang mga tip ng ilong
namin.

"Kaya namimiss kita.." mahina niyang sabi

"Ano?" kunwari kong tanong

"Wala, tayo na baka hanapin ka na ni Castor.."

Nauna siyang tumayo at inalalayan niya akong tumayo. Sabay kaming naglakad pabalik
sa Academy.

Napasimangot ako. Bakit parang ang layo na namin pabalik. Nalibang siguro ako
kanina sa pakikipagkwentuhan sa kanya kaya di ko napnsin na malayo pala ang
napuntahan namin.

"Pagod ka na?"

"Hindi pa!"

"Kilala kita pagod ka na.."

"Hindi nga..."

Naupo ito sa harap ko.

"Sumakay ka sa likod ko, bubuhatin kita gang makarating tayo sa Academy."


"Mabigat ako, di mo ako kaya,.."

"Eh di kakayanin ko.. Sige na.."

Sumakay ako sa likod niya. Malayo na ang nalalakad niya ng magtanong ako.

"Kaya mo pa ba?"

"Oo naman.."

Mukha naman siyang hindi nahihirapan. Nun una ay nahihiya akong yumakap sa balikat
niya.

Pero dahil binuhat niya ako at mukha namang di siya masama, yumakap na ako sa
balikat niya para mas maging komportable din ang pagbubuhat niya sa akin.

Ang akala ko ay iiwas din siya kagaya ni Castor, pero hindi naman siya umiwas.
Pagdating sa gate ng Academy ay ibinaba na niya ako.

"Aray ang sakit ng balakang ko..."

"Hala! Sabi ko sayo mabigat ako.."

"Joke lang!... tara na sa loob.."

"Arte mo.."

Inakbayan niya ako papasok gang makarating kami sa tapat ng silid ko.

"Mag aral ka na.."

Nakangiti nitong sabi sa akin

"Ikaw ang mag aral dyan.."

Tumawa ito.

"Ok po ako na ang mag aaral.."

"Yan very good.. sige."

Isasara ko na sana ang pinto ng silid ko ng tumakbo siya at iharang ang kalahati ng
katawan niya dito.

"Ano bang ginagawa mo?"

Ibinukas ko ulit ang pinto para makalabas siya.

"Good night!"

Napangiti ako sa sinabi niya.

"Ok sige! Good night!"

"Sabay tayo mag breakfast bukas, susunduin kita dito."

"Ewan ko sayo dyan ka na nga!"


Isinara ko ng mabilis ang pinto para di na siya makasiksik pa.

Habang nagpapalit ako ng damit, napapangiti ako sa nangyari kanina. OA ako sa mga
naging reaksyon ko kanina.

"Saan ka nanggaling?"

Narinig ko ang boses ni Castor mula sa labas ng cr. Mabilis akong nagbihis at
lumabas ng cr.

"Namasyal lang!"

"Mukhang masaya ka ah!"

"Uy hindi ah!"

Naupo siya sa bintana.

"Binasa mo na ba ang libro?"

"Magbabasa pa lang po.."

"Basahin mo na para may malaman ka kahit konting spell.."

"Hmp!"

Natawa si Castor sa reaksyon ko.

"Castor, may naging girlfriend ka na ba?"

"Wala."

"Weh.."

"Magtatanong ka tapos di ka maniniwala."

Napangiti na lang ako. Nabaling ang pahina ng libro sa isang spell. Memory Spell
yon. Nakaramdam ako ng sakit sa ulo.

"Aahh!" hawak ko ang ulo ko

Taranta namang nilapitan ako ni Castor.

"Bakit? Anong nangyari?"

"Ang ulo ko sobrang sakit......"

"Ha? Mahiga ka muna, magpahinga ka!"

Inalalayan niya ako mahiga sa kama, tapos ay kinuha ang librong hawak ko.. Hindi ko
na nga namalayan na nakatulog na pala ako.

Castor's POV

Habang mahimbing na natutulog si Oceaane.


Tahimik ko siyang pinagmamasdan.

Maingat kong hinihilot ng aking kamay ang ulo niya. Pagkatapos ay naupo ako sa
bintana, hawak ko ang libro at hinanap ko ang pahina na binabasa niya kanina.

Nakita ko ang pahina, may lukot pa ito dahil sa pagkakahawak niya kanina.

"Memory Spell!"

Napaisip ako. Dahil lang sa salitang yon ay sumakit na ang ulo niya? Napaka
imposible naman.

Binantayan ko siya hanggang sumikat ang araw.

Isang katok ang gumising sa kanya. Agad ko siyang nilapitan para kamustahin.

"Ok na ako.. sobrang hindi ko lang kinaya ang sakit ng ulo ko kagabi."

Isang katok mula sa pintuan. Ako nagbukas nito.

Kitang kita ko ang bahagyang pagkabigla sa mga mata ni Zaiden Alfiro. Hindi niya
inaasahan na ako ang magbubukas ng pintuan.

"Andito ka pala,"

"Bakit?"

Sumilip ito sa loob ng silid, hindi niya makita si Oceane dahil dumiretso ito sa
banyo.

"Nagbibihis siya sa banyo."

"Ah sige, hintayin ko siya dito sa labas.."

Tumalikod na si Zaiden at sumandal sa pader sa harap ng silid ni Oceane. Mukhang


masaya ito.

Lumabas ako ng silid at nilapitan siya.

"May limitasyon ba ang memory spell na ginamit mo sa kanya?"

Napalingon siya sa akin.

"Wala, bakit? May problema ba sa kanya?"

"Wala naman, naitanong ko lang."

Naasar ako sa totoo lang, kakaiba ang ngiti niya ngayong umaga. Ang ngiti na una
kong nakita sa tuwing magkasama sila ni Oceane.

"Tara na!"

Sabay kaming lumingon ni Zaiden Alfiro. Nakangiting lumapit si Oceane sa amin.

"Anong nangyari sa inyo?"

"Wala!"
"Sige tayo na.."

Sabay sabay kaming tatlo na naglakad sa hallway ng dorm at naglakad papuntang


dining area.

Bago pa man din kami nakalapit sa table namin, napansin kong papalapit sa amin si
Frost. May dala itong bulaklak.

"Good Morning!" nakangiting bati nito

"Good Morning!" masaya namang bati ni Oceane

"Para sayo nga pala.."

Iniabot niya ang isang kulay puting rose kay Oceane.

"Wow! Salamat! Sweet mo naman.. naalala ko tuloy, isang tao lang ang palahing
nagbibigay nito sa akin si..... si....."

Napansin kong nag isip si Oceane.

"Maraming nagbibigay sayo nyan...Isa na kami ni Castor.."

Napatingin ako kay Zaiden Alfiro. Napansin din pala niya ang nangyari.

"Talaga?" kunot noong tanong ni Oceane

"So balik na ako sa table namin. Bye!"

"Bye!"

Mabilis na bumalik sa table si Frost.

May katabi itong babae, napatingin ako dito. Hindi familiar ang mukha niya.

Habang abala sa pagkain ang dalawa, hindi ko naman maalis ang tingin ko sa babaeng
kausap nun Frost.

"Bakit Castor?"

Napalingon ako kay Alfiro. Napatingin din ito sa babaeng tinitingnan ko.

"Kilala mo siya?" tanong ko

Sandaling nag isip si Zaiden Alfiro.

"Not personally!... nakita ko na siya sa Night Market months ago, anak siya ni
Adushe Catlesnake."

"Kaya pala familiar ang itsura niya.."

"Nagtataka nga ako, bakit nakapasok siya dito sa Academy?"

Ganoon din ako. Dark Wizard ang family ng mga Castlesnake. Bukod kay Valkoor
Alfiro, isa ang pamilya nila sa tagasunod ni Baragor.

"Atsaka diba? Nakapagtataka na may isang tao na kamukhang kamukha ni Jacob? I mean
maraming magkakahawig sa mundo pero bakit si Frost at Jacob ay iisa lang ang taas,
ang mukha, ang kilos. Kung mapapansin mo nga sa pangalan lang sila nagkaiba."
Napatingin ulit ako sa babaeng katabi ni Frost. Tama naman si Zaiden,

Lumipas ang buong araw, hindi ako pumasok sa klase para bantayan ang babaeng
Castlesnake at si Frost.

May mga kakaiba kasing nangyayari at hindi pwedeng basta basta ipagwalang bahala.

Zaiden's POV

Naiilang na ako, gusto ko na nga agawin ang bulaklak na yon at itapon. Wala kasing
ginawa si Oceane kundi titigan ang bulaklak.

"Kaya kitang bigyan nyan, masmarami at masmaraming kulay."

Tinawanan lang ako ni Oceane.

"Bakit ka tumatawa?"

"Para ka kasing bata.."

"Nakakapagselos naman kasi.. kulang na lang ilagay mo sa frame yang bulaklak na


yan. Hindi mo nga ako napapansin."

"Asus! Nagseselos ka? Bakit ka magseselos?"

"Wala naman..'

Tumahimik ako. Pinagmasdan ko na lang si Oceane habang nakatingin sa bulaklak.

"Pasyal tayo.."

"Saan?"

"Dun sa Elf Forest.. ipapakita ko sayo ang mga trolls.."

Nakita kong naagaw ng atensyon niya sa bulaklak ang sinabi ko.

"Sige tara.."

Sakay sa broomstick, lumipad kami sa buong kagubatan.

Mula sa itaas kitang kita ang lawak ng Academy. Ang malawak na kagubatan at ang
makinang na tubig mula sa mga ilog at sapa.

Pagdating sa Elfwood, dahan dahan kaming bumaba sa broomstick at maingat na nagtago


sa likod ng malaking bato.

Kitang kita naming ang grupo ng mga elf, abala ang mga ito sa kanilang ginagawa.

"Wow!"

Manghang sabi naman ni Oceane. Isang kulay asul na troll ang nakita naming, tatlo
ito.
"Ha? Bakit ganoon? Anag laki laki nila tapos pumapayag silang utusan lang ng mga
Elf?"

"Kasi kahit malaki sila, bilang paggalang sa mga high elf kailangan nilang sumunod
sa mga utos nito. Slave sila ganoon."

"Talaga? Eh si lolo ang pinaka mataas sa kanila diba?"

"Oo, isa kayo sa kilalang pamilya sa buong Elfwood, ang pamilya nyo ang itinuturing
na dugong bughaw.."

"Talaga?"

Napangiti ako sa itsura niya. Para na naman siyang bata.

After ilang minute na panonood sa mga Elf ay niyaya ko ulit si Oceane. Sumakay kami
sa broomstick at lumipad muli sa ere.

"Wow!"

Sabi ni Oceane pagkababa naming sa broomstick.

"Ang laki ng bahay nyo.."

"Tara sa loob.."

Nandito kami sa bahay ngayon. Pumasok kami sa sala ng bahay.

"Wow! Ang ganda ng bahay nyo...."

"Talaga?"

Tumango naman siya habang nakatingin sa akin.

Hinagod ng kamay niya ang paborito kong piano. Pag wala akong magawa ay tumutugtog
ako ng piano.

"Bakit parang ang lungkot? Walang mga pictures..."

"Itinago ko na.."

"Ha? Bakit? Buti pumayag ang Mama mo.."

"Wala na si Mama... ang totoo ako na lang mag isa ngayon.."

"Wala ka nang pamilya?"

Bahagya lang ako ngumiti. Napansin kong nalungkot ang mga mata ni Oceane.

"Sorry!"

Inakbayan ko siya sabay pisil sa pisngi niya.

"Bakit ka nagsosorry? Kasalanan mo ba kung bakit mag isa na lang ako ngayon?"

Tumahimik lang ito. Naupo siya sa upuan na katabi ng piano.

"Bakit?"
Naupo din ako sa tabi niya.

"Nalulungkot lang ako para sayo.."

"Bakit naman?"

"Kasi mag isa ka na lang... malungkot kaya mag isa..."

Humarap ako sa kanya habang hawak ko ang magkabilang balikat niya.

"Hindi naman ako nag iisa... kasama naman kita kaya masaya na rin ako."

Tapos ay bigla ko siyang niyakap. Hindi ko sinisisi kay Oceane kung bakit mag isa
ako ngayon. Kagustuhan nila ang lahat ng nangyari at ako, pinili ko lang ang tama.

Castor's POV

Hindi ko nakikita si Oceane kanina pa. Ganoon din si Zaiden Alfiro. Naghintay ako
sa may gate ng Academy. Ilang minute pa ay dumating na ang dalawa.

"Saan kayo nanggaling?"

"Namasyal lang kami.."

"Bakit di ka nagpaalam?"

"Hmp! Feeling ka naman masyado.. ikaw nga di nagpapaalam pag aalis ka.."

Naglakad si Oceane habang nakatayo lang kami ni Zaiden Alfiro sa harap ng gate.

"Ipinasyal ko lang si Oceane.."

Paliwanag naman ni Zaiden Alfiro. Hindi ako nagsalita. Sabay kaming naglakad
papasok sa dorm.

"Kamusta ang lakad mo?"

"Ayos naman, may napansin lang ako sa Frost na yon."

"talaga? Ano?"

Nasa harap na kami ng silid ni Oceane. Nakatayo ito sa may pintuan.

"Ano bang pinag uusapan nyo?"

"Wala.. boys talk.."

"Hmp! Boys talk.. maniwala ako sa inyo."

Parang batang ibinagsak ni Oceane ang pintuan ng silid niya. Natawa kaming dalawa.

"Para talaga siyang bata.."

"Atleast hindi mo yan naalis sa kanya kahit ginamitan mo siya ng memory spell."
Naglakad ulit kami gang makarating kami sa silid naming dalawa. Magkatabi lang ang
silid naming ni Zaiden Alfiro.

Pumasok ako sa bintana ng silid ni Oceane. Nakita kong abal ito sa pagbabasa ng
librong ibinigay ko.

"Very good.." bati ko

Ngumiti lang siya.

"Anong nakain mo at seryoso ang pagbabasa mo nyan ngayon?"

"Castor, malapit na ang Ball Night.."

"Oh ano naman ngayon?"

"Hindi ka ba a- attend?"

"Wala naman akong hilig sa ganyan, isa pa matatakot lang sa akin ang mga
estudyante.."

Tumayo ito at lumapit sa akin. Inilapit niya ang mukha niya sa akin sabay ngiti.

"Hindi mo ba ako yayain para maging date mo?"

Tulad ng dati, umiwas na naman ako. Tumayo ako at naupos sa gilid ng kama.

"Hindi nga ako dadalo dyan..."

"Hmp! KJ mo talaga!"

"May importante akong gagawin..."

"Sige na..."

"Pag iisipan ko.."

"Sige ka pag di ka pumayag si Zaiden Alfiro ang magiging date ko."

"So?"

"So ka dyan.."

"Babawi na lang ako sayo ok?"

"Hmp!"

Naupo ulit ito sa study table niya. Hindi na niya ako kinausap.

Napansin ko naman na nakalagay sa flower vase ang bulaklak na bigay ni Frost sa


kanya.

Nilapitan ko ito, napansin kong hindi nalalanta ang bulaklak.

Habang pinagmamsdan ko ang bulaklak. Napansin ko na hawak ni Oceane ang ulo niya.

"bakit?"

"Sumasakit na naman ang ulo ko.. Nahihilo ako..."


"Mahiga ka muna.."

Binuhat ko siya at maingat na inihiga sa kama.

"Masakit na masakit ba?"

Hindi ito sumagot. Pero sa itsura niya, sinagot na niya ang tanong ko.

"Makinig ka Oceane.. sabihin mo ang sasabihin ko Ok?'

Tumango lang siya.

"My head is twisting.."

"My head is twisting.." si Oceane

"Churning, hurting"

"Churning, hurting" si Oceane

"Please stop the spinning"

"Please stop the spinning" si Oceane

"Please stop the burning"

"Please stop the burning" si Oceane

"Kamusta pakiramdam mo?"

"Medyo masakit pa rin.."

Sandali akong nag isip.

"Help her sleep, help her sleep

Help her rest with this wiccan spell

Help her sleep, help her sleep

Help her rest with this wiccan spell

Help her sleep, help her sleep

Help her rest with this wiccan spell"

Ilang sandali pa ay nakatulog na siya. Binuklat ko muli ang libro, pero iba na ang
binabasa niya kaya nakapagtataka kung bakit sumasakit ang ulo ni Oceane.

*******************************************
[3] Chapter 2: Scent of Evil Rose
*******************************************
Zaiden's POV

TOK TOK TOK TOK


"Ang aga mo ah!"

Ngumiti lang ako sa kanya.

"Wait lang ha! Tingnan mo nga di pa ako nagsusuklay.."

"Sige, magsuklay ka na baka matakot pa sila sayo.."

"How dare you!"

Nakangiting tinampal niya ako sa balikat. Hindi na niya isinara ang pinto ng silid
niya, kaya kitang kita ko habang inaayos niya ang buhok niya.

Napangiti ako. Simpleng pony tail lang ang ginawa niya sa buhok niya pero nagbago
kaagad ang itsura niya. Mas nahighlight ang ganda mg mukha niya.

Palagi kasi siyang nakalugay. Semi curly ang buhok niya kaya naman mukha siyang
manika. May kulay pa ito pag nasisinagan ng liwanag ng araw.

"Tara na!"

Sabay kaming naglakad sa hallway ng dorm. Lahat ay napapatingin sa amin, dahil


siguro katulad ko first time nilang nakita na nakapony tail si Oceane.

"OA nilang lahat! Ano bang mali sa akin at nakatingin silang lahat?"

"Wala! Nanibago lang sayo.."

"Ha? Bakit?"

Hindi na ako sumagot pa. Nang makalabas kami sa dorm, marami ng estudyante sa labas
ng hallway papuntang dining area.

"Hindi ko yata napapansin si Castor?"

"Ah siya? Ewan ko dun.."

Hindi na ako nagtanong pa.

"Palagi kasi sumasakit ulo ko nagsusumbong na siguro yon kina Mama at Papa.."

"Sumasakit ang ulo mo? Bakit?"

"Ah ewan ko nga rin. Basta sumasakit siya sa gabi, pag asa loob lang naman ako ng
room ko."

Napaisip ako. Masaya pa naman siya kagabi at mukhang ok.

"Anong sabi ni Castor?"

"Wala naman, nagtataka lang.. tapos ginagamitan niya ako ng spell para makatulog.."

Kahit ako ay nagtataka. Hindi naman, siya ganyan dati. Naiisip ko tuloy nab aka
epekto yon ng memory spell na ginamit ko.

Kaya ba nagtatanong si Castor sa akin kung may limit ang memory spell na ginamit
ko?

"Good Morning!"
Napatingin ako sa lalaking nakatayo sa harap namin. Asa tapat na kami ng pintuan ng
dining area.

"Hi!"

"Para sayo nga pala!"

White rose ang iniabot ni Frost kay Oceane.

"Uy Salamat!"

"Sige.."

Mabilis na umalis si Frost at naglakad papasok sa dining area at naupo sa table


nila.

"Bakit ba palagi ka niya binibigyan nyan?"

Naupo na kami sa table naming. Maraming pagkain ngayon. Ang Masaya dito sa Academy,
lahat ng pogkain ay iba iba every meal, everyday.

Walang inuulit na pagkain kaya naman hindi nakakasawa.

"Well siguro, napansin niya na friendly ako.."

"I don't think so.."

"Eh ano ba reason?"

Hindi ako sumagot. Lumingon lang ako sa table ng Section Wind Eagle. Abalang
nakikipag kwentuhan si Frost sa katabi niyang babae ang Catlesnake.

Inipit ni Oceane ang tangkay ng rose sa libro habang nakalabas naman ang pinaka ulo
nito para di malanta.

Naiinis ako sa Frost na yon. Masyado na siyang pumapapel kay Oceane. May problema
pa ako kay Castor tapos sisingit pa siya.

Habang abala ang lahat sa pagkain, dumating si Principal Alyora kasama ang iba pang
prof. Naupo sila sa gilid ng dining area.

"Kamusta kayong lahat?"

Panimula ni Principal Alyora.

"Sa Friday ay gaganapin an gating taunang Ball Night.. kaya naman iniimbitahan ko
ang lahat, estudyante mula sa first level hanggang sa 4 level na dumalo sa ating
kasiyahan."

Marami ang natuwa sa announcement. Pumalakpak pa ang iba.

"Pipili kami ng King and Queen para sa gabing iyon. Kaya naman mga boys... yayain
nyo ng idate ang mga crush ninyo para naman magkaroon kayo ng date.."

Tumawa naman ang lahat. After breakfast nagging usap usapan ang tungkol sa Ball
Night. Lahat ay abala sa paghahanap ng date.

Hindi naman ako nangulit kay Oceane, nayaya ko na siya at hinihintay ko na lang ang
sagot niya.

After class, tumambay kami sa may fountain. Napansin kong may binabasa siyang
libro. Makapal ito at luma na.

"Ano yan?"

"Ito? Pinapabasa sa akin ni Castor.."

"Bakit?"

"Kailangan ko raw matutunan ang mga sinaunang spell.. para daw mas maging malakas
ako before ako mag 18."

Nakita kong mabilis na lumipad si Altheia at nagpaikot ikot ito sa mukha ni Oceane,
nagging dahilan naman yon para mas kumalat sa hangin ang fairy dust niya.

"Aaaaccchhhooo!"

Sabay takip ni Ocean eng ilong. Ayaw na ayaw niya ang fairy dust ni Altheia kaya
naman palagi silang nag aaway.

"Ikaw talaga!!!!"

Gamit ang dalawang kamay, hinuhuli niya si Altheia. Tuwang tuwa naman ang maliit na
fairy sa ginagawa ni Oceane.

"Altheia nakakainis ka na ha!"

Napahinto sa paglipad si Altheia.

"Huli ka!"

Gamit ang dalawang kamay, naikulong niya si Althiea. Inipit niya ang katawan at
pakpak nito kaya naman hindi ito makagalaw.

Napatingin ako kay Altheia. Nakakunot ang noo nito.

"Kilala mo ako?"

"Oo naman.. bakit tingin mo nagka amnesia ako at di kita makikilala?"

Inalog ng inalog ni Oceane ang kamay niya habang hawak ang fairy, dahilan yon para
mahilo ito. Pagkatapos ay inilapag niya ito sa upuan.

"Baliw ka talaga panget ka!"

Reklamo ni Altheia habang hawak ang ulo.

"Paano mo siya nakilala?" tanong ko

"Ha? E-ewan ko... Paano nga ba?"

Baling nito kay Altheia.

"Ewan ko sayo!"

Napaisip na naman ako. Natatandaan niya si Altheia? Pero lahat ng alaala niya ay
nabura na. Hindi maalis sa isip ko ang nangyari. May magulo sa nangyayari. Kung
naaalala niya si Altheia, possible kaya na unti unti ng bumabalik ang alaala niya?

Oceane's POV

Badtrip talaga ang Altheia nay un. Sinipon tuloy ako. Nakahiga na ako sa kama ng
biglang sumulpot si Castor.

"Saan ka nanggaling?"

"Binisita ko lang ang mga magulang ko."

Hindi na ako kumibo pa. Gamit ang tissue suminga ako.

"Sipon?"

"Oo, buysit kasi yung fairy na yon palagi na lang ako pinagtitripan."

"Sinong fairy?"

"Si Altheia.."

Napansin kong kumunot ang noo ni Castor, katulad ng reaksyon ni zaiden Alfiro
kanina.

"OA nyo ha! May napapansin na ako sa inyo ni Zaiden Alfiro.."

"Ano?"

"Pareho kayong kumukunot ang noo tuwing may sinasabi ako. Pinagkakaisahan nyo ata
ako."

Tumawa lang siya sa sinabi ko.

"Bakit mo naman naisip yan..oh eto padala ni Miranda.."

Iniabot niya sa akin ang isang paper bag.

"Ano ito?"

"Malay ko."

Naupo siya sa bitana. Binuksan ko naman ang paper bag. Nagulat ako sa nakita ko.
Agad ko itong inilabas at iniladlad sa hangin.

"Wow!"

Inilapat ko ang damit sa katawan ko. Tapos ay nagpaikot ikot ako. Tumawa naman si
castor sa akin.

"Isukat mo na kaya!"

"Hmp! Ayoko, maluluma kaagad.. sa Ball na lang!"

Kumindat pa ako kay Castor bago muling itinupi ang damit at inilagay sa cabinet ko.
"Kamusta ka naman?"

"Ok lang... bakit ba masyado kang nag aalala.."

"Flower again?"

Hindi ko napansin na nilapitan pala ni Castor ang vase malamit sa kama ko.

"Yeah! Binigay sa akin ni Frost..."

"Nanliligaw?"

"Ofcourse not!"

"Then what's the reason?"

Nilapitan ko si Castor, tinitigan ko saka ko pinisil ang ilong niya.

"Daig mo pa si Papa kung mag imbestiga ah!"

Sabay naupo ako sa study table ko at binuklat ang libro. Nagulat pa ako ng agawin
ni Castor ang libro sa akin.

"hey! Bakit?"

Reklamo ko. Kahit anong agaw ang gawin ko hindi ko makuha sa kanya. Mabilis ko
siyang itinulak at di nya yon inaasahan. Natumba siya sa sahig.

"Bakit mo ako itinulak?"

Tatayo sana siya ng tapakan ko ang dibdib niya. Nakapamewang pa ako.

"Alam mo Mr. Silverwood, wag kang bastos ok? Binabasa ko kinukuha mo kaagad."

Hinawakan niya ang paa ko at tinabig ito. Na out of balance tuloy ako. Natumba ako
sa ibabaw niya. Mabuti na lang at naipang tukod ko sa sahig ang dalawa kong kamay.

Halos 3 inches na lang ang layo ng mga mukha namin. Muntik ko na siyang mahalikan.

"Salbahe ka talaga!"

Mabilis akong tumayo. Wala namang kibo na tumayo si Castor, pero hindi pa rin niya
isinoli sa akin ang libro.

"Magpahinga ka na muna.. may gusto lang ako malaman kaya sa akin na muna ang
libro."

Pagkasabi nun ay walang lingon man lang na tumalon siya sa bintana.

'Hmp! KJ talaga ng mga bampira.'

Nahiga ako sa kama. Maaga pa at walang magawa. Umupo ako at pinagmasdan ang vase,
napangiti ako sa mga bulaklak.

'Bakit parang hindi ata nalalanta kaagad ang mga ito?'

Ilang sandali pa, nakaramdam na naman ako ng sobrang sakit ng ulo. Nahihilo ako at
nasusuka. Dahan dahan akong nahiga sa kama. Ipinikit ko ang mga mata ko. Masakit pa
rin ang ulo ko. Walang nangyayari.
Kahit hirap ako magsalita, mahina kong sinabi ang spell.

"Help me sleep, help me sleep

Help me rest with this wiccan spell

Help me sleep, help me sleep

Help me rest with this wiccan spell"

Ilang sandal pa ay nakatulog na ako.

Zaiden's POV

Bukas na ang Ball pero wala pa rin akong nakukuhang sagot mula kay Oceane.

"Bakit?"

Umiling lang ako.

"Para ka na naman kasing timang dyan, nakatitig ka na naman sa akin ."

Asa dining area kami at kumakain ng agahan. Syempre mawawala ba naman ang white
rose from Frost.

"Nanliligaw siya sayo!"

"Alam mo pareho kayo ni Castor.. napaka advance ng utak nyo. Nanliligaw agad pag
nagbigay ng flowers.. di ba pwedeng nakikipagkaibigan lang muna?"

"Lalaki kami Oceane, we know what's in the guy when they...'

"Stop!"

Nakita kong nairita siya sa sinabi ko. May masama ba sa sinabi ko?

"I'm just.."

"Zaiden Alfiro I said stop!"

Hindi na ako nagsalita pa. Kahit kelan, maipilit nya lagi na tama siya.

Hindi ako pinasin ni Oceane maghapon. Feeling ko tuloy sobrang sama ko dahil lang
sa sinabi ko na nanliligaw si Frost sa kanya.

Hindi niya ako pinansin sa klase naming buong maghapon.Kahit magkatabi kami.

"Sorry na.."

Hindi man lang ito lumingon sa akin. Parang walang narinig. Last subject namin yon,
at malapit na matapos matpos ang oras naming sa klase.

"Galit ka ba talaga?"
Hindi pa rin niya ako pinansin. Kinalabit ko siya ng tatlong bese sa balikat niya.

"Ano ba?" inis niyang sabi

Natapos ang klase, wala si Castor maghapon kaya naman mas okey sa pakiramdam ang
mangulit ngayon kay Oceane.

Paglabas ng room, diretsong naglakad sa hallway si Oceane walang lingon lingon.

'Ayaw mo talaga ako pansinin ha!'

Mabilis akong tumakbo para mahabol siya, tapos ay humarang ako sa dinadaanan niya.
Inis naman siyang gumagawa ng paraan para makalagpas sa akin.

"Nakakapikon ka na.."

"Sorry na kasi..."

Hindi siya nagsalita patuloy pa rin sa paglakad lakad para malampasan ako.

Itinulak niya ako at bahagya akong na out of balance kaya naman napaupo ako sa
sahig. Mabilis na naman siyang naglakad.

"OCEANE I'M SORRY!"

Malakas kong sigaw. Halos napatingin sa akin ang lahat ng estudyanteng naroon.
Nagtataka at nagtatawanan naman ang iba.

Tumigil si Oceane at lumingon sa akin. Nagulat pa ito ng mapansing halos maglakapit


na ang mga mukha naming paglingon niya. Hindi niya kasi namalayan na asa likod na
niya ako.

"Uy girl patawarin mo na...'

"Oo nga.."

"Kakakilig naman yan.. patawarin mo na.."

Halos sabi ng mga estudyante. Napansin kong nagblush na siya, saka ko mabilis na
hinawakan ang kamay niya at hinila palayo sa mga tao.

Sa garden kami nagpunta, sa garden ni Prof Wylun Prof naming nun First Level sa
Elemental Studies tanda nyo pa?

"Bakit ba ang kulit mo?" inis niyang sabi

"Sorry na kasi.. "

"Nakakapikon ka kasi.... Masyado ka ng feeling close sa akin kaya pati personal


kong buhay pinapakialaman mo."

"Sorry na.."

Hindi siya kumibo. Naupo ako at hinawakan ang dalawa kong tenga habang paikot ikot
na tumatalon.

"Sorry na.."

Hindi pa rin siya tumitingin. Tumalon ako papalapit sa kanya.


"Patawarin mo na ako,.."

Patuloy pa rin ako sa pagtalon. Ilang sandal pa narinig ko na siyang tumatawa,


nakatakip ang bibig nya para hindi ko marinig.

Tumayo ako. Tapos ay mabilis ko siyang niyakap. Bumulong pa ako sa may tenga niya.

"I'm so sorry, it won't happen again promise!"

"Oo na sige na, pinapatawad na kita."

Agad ko inalis ang pagkakayakap sa kanya. Napangiti ako.

"Minsan, hindi kita maintindihan, kung magsalita ka parang..."

"Parang ano?'

"Wala, tara na nga..."

Bago siya tuluyang makalakad ay himawakan ko ang braso niya.

"Bakit?"

"Mamayang gabi na ang Ball.. just want to know your answer.."

Natahimik ito sandali, parang nag iisip.

"Ok lang naman.. I'm not forcing you to be my date.. just..."

"I'll be your date tonight!"

Napatingin ako sa kanya. Nakangiti ito.

"Seryoso?"

Tumango lang ito pagkatapos ay naglakad na palayo.

Ewan ko ba, para akong tanga na hindi na nakakilos sa kinatatayuan ko.

Nang mapansin kong malayo na siya, hindi ko na napigilan pa ang sarili ko, tumalon
ako sa tuwa.

"YES! WOOOHOOO!"

Night of the Ball

Oceane's POV

Kakatapos ko lang magbihis, excited na ang lahat sa ball.

Habang naglalakad ako sa hallway papuntang ball, naririnig ko na ang masayang


tugtug. Bumukas ang pintuan ng bulawagan.
Nakaramdam ako ng sobrang kaba. First time ko sa ganito, ang dami pang tao.

Mabilis akong naglakad papalapit kina Tim at Zaiden.

"Wow!"

"Pwede ba Tim... nahihiya na nga ako.."

Tinitigan kasi ako ni Tim, tapos feeling ko halos lahat ng naroon ay nakatitig sa
akin.

Lahat ng Section ay naroon. Isa yong malaking acquaintance party para sa mga
estudyante.

May isang malaking table na nasa bandang kaliwa ng bulwagan.

Maraming inumin at pagkain na naroon. Andun din ang lahat ng mga -prof ng ibat
ibang section.

"Miss...'

Napalingon ako. Napasimangot ako kay Zaiden.

Nagulat ako sa itsura niya tonight.

Sobrang gwapo niya, mas tumingkad ang kagwapuhan niya sa suot niya. Mas kapansin
pansin nga siya ngayon.

"Hmp! Isa ka pa ha!"

"You look great.... And beautiful."

Namula ako sa sinabi niyang yon. Paano ba naman, sobra kung makatitig sa akin.
Parang nakakita ng kung ano. Tumalikod ako sa kanya para hindi mahalata na
nagbablush ako.

"Ang ganda mo talaga ngayon Oceane.... Para kang prinsesa sa isang kwento."

"Hmp, bola mo lang yan Tim.."

Nagulat pa ako ng biglang sumulpot sa harapan ko si Zaiden Alfiro.

Ewan ko ba, sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Biglang namatay ang ilaw, isang
sweet melody ang maririnig sa buong paligid.

"May I have this dance my princess?"

Iniaalok niya ang kanyang braso para mahawakan ko.

Ilang Segundo din akong nag isip para sumama sa kanya sa kanya magsayaw sa gitna.

Pagdating namain sa gitna hinawakan niya ang mga kamay ko at ipinatong ito sa
balikat niya. Hindi niya inaalis ang pagkakatitig niya sa akin.

Nagulat pa ako ng bahagya niya akong hapitin papalapit sa kanya.

Hindi ako marunong magsayaw pero ewan ko, pakiramdam ko ay marunong na din ako.
Para pa nga ako nakalutang sa alapaap.
Napangiti siya.

"You look nervous...."

"Kasi naman.. nakatitig ka sa akin.. naiilang ako.."

Inalis ko ang tingin ko sa kanya habang sinasabi ko yon. Nahihiya talaga ako.

"Hindi ko kasi maiwasang hindi ka titigan.. you're too beautiful tonight..."

Halos pabulong na niyang sabi.

"Pareho kayo ni Tim, bolero.." sabi ko na lang

Hinawakan niya ng mahigpit ang mga kamay ko, mahigpit na hawak na hindi masakit,
parang may ibig sabihin. Parang may gustong ipaalala.

Napatingin ako sa kamay ko habang hawak niya niya. Nagpalit ng music, pero sweet pa
din at pamilyar sa akin.

If I have to live my life without you near me ♩ ♪ ♫ ♬

My days will be so empty

The night it seems so long

Would you I see forever oh so clearly ♩ ♪ ♫ ♬

It might have been in love before

But it never felt this strange

Our dreams our young and we both know

They'll take us where we want to go

Hold me now touch me now

I don't want to live with out you ♩ ♪ ♫ ♬

Iba na talaga ang nararamdaman ko ngayon, sobrang bumibilis ang tibok ng puso ko.

Parang, may gusting sabihin ang puso ko pero hindi ko maintindihan.

Nothings going to change my love for you ♩ ♪ ♫ ♬

You ought to know by now how much I love you

One thing you can be sure of

I'll never ask for more than your love ♩ ♪ ♫ ♬

Nothings going to change my love for you

You ought to know by now how much I love you

The world may change my whole life through ♩ ♪ ♫ ♬


But nothings going to change my love for you

Hinaplos ng daliri niya ang pisngi ko.

Nakangiti siya, habang pinagmamasdan ko siya, may imahe na sumisiksik sa isip ko.

May mga salitang parang ako lang ang nakakarinig.

Ano bang nangyayari sa akin?

If the road ahead is not so easy ♩ ♪ ♫ ♬

Our love will lead a way for us

Like a guiding star

I'll be there for you if you should need me ♩ ♪ ♫ ♬

You don't have to change a thin

I love you just the way you are

So come with me and share the view ♩ ♪ ♫ ♬

I'll help you see forever too

Hold me now touch me now

I don't want to live without you ♩ ♪ ♫ ♬

Inilapit niya ang mukha niya sa akin. Kinabahan pa ako, akala ko kasi hahalikan
niya ako, hindi pala. Lumihis siya at may ibinulong sa akin.

"I........."

"Pare I can dance her?"

Nagulat pa kaming pareho ni Zaiden ng narinig namin ang nagsalita. Napatingin kami
dito. Si Frost.

"S----sure.."

Napatingin ako kay Zaiden, pumayag siya na makipagsayaw ako kay Frost ng hindi man
lang ako tinatanong kung gusto ko bang kasayaw ito.

Hinawakan ko ang kanina pang nakalahad na kamay ni Frost. Iba na ang music ng oras
na yon at umalis na rin sa gitna si Zaiden Alfiro.

Napatitig ako kay Frost. Isang imahe na naman ang biglang pumasok sa isip ko.

"You're so beautiful...."

Nakangiti nitong sabi. Hindi ko maipaliwanag pero, tulad ng naramdaman ko kay


Zaiden Alfiro kanina parang may gusting sabihin ang puso ko na hindi ko
maintindihan pero hindi kasing intense tulad ng naramdaman ko kay Zaiden.

"Thanks."

Nakangiti kong sabi.


"Bagay talaga sayo ang white rose..."

Hindi ako nagsalita ngumiti lang ako.

Habang sumasayaw kami, napansin kong nakatitig sa amin si Alyssa. Nakatayo ito
katabi ng isang babae at pareho silang nakatingin sa amin.

"Ahm, p---pagod na ako.. ok lang ba magpahinga na muna tayo?"

"Sure.. ihahatid na kita sa table mo.."

Hawak pa rin ni Frost ang kamay ko hanggang makarating kami sa table ng section
namin.

"I'm so grateful and flattered na nakasayaw kita Oceane.."

"Me too!"

Hinila pa niya ang upuan ko at inalalayan ako sa pag upo bago ito tuluyang
nagpaalam.

Hindi naman nagsasalita si Zaiden Alfiro sa tabi ko, hindi nga rin ako tinitingnan.

Ilang minute pa ang lumipas nagsalita na ang host ng ball.

Syempre may King and Queen.

Masaya ang lahat ng tawagin ang pangalan nila Alyssa at Frost. Bagay silang dalawa.

Nagulat lang ako ng hawakan ni Zaiden Alfiro ang kamay ko, pero hindi ito
nakatingin sa akin.

Madaling araw na natapos ang ball. Halos napagod ang lahat, inihatid ako ni Zaiden
at Tim sa tapat ng silid ko.

"Mauna ka na Tim, susunod na lang ako."

"Ok.. Oceane good Morning.."

Tumatawa itong naglakad patalikod habang papalayo.

"Ang ganda mo ngayon Oceane.. crush na kita.." sigaw pa nito

Mas natawa ako sa itsura niya. Para siyang bata.

"Nag enjoy ka ba?"

"Oo naman.."

"So paano? Mamaya na lang.."

"Ok sige.."

Tumalikod ako at hinawakan ko na ang doorknob ng pinto.

"Nga pala.."

Napalingon ako sa kanya ng magsalita pa siya. Pero hindi ko inaasahan na malapit


lang pala siya.

Alam nyo na ang nangyari, he accidentally kissed me on my lips.

"Good Morning! Sweet Dreams!"

Parang naging slow motion ang lahat.

Nakatitig lang ako sa kanya.

Nagulat ako ng bumukas ang pinto ng silid ko.

Muntik na akong matumba sa sahig mabuti at nasalo ako ni Castor.

Siya pala ang nagbukas ng pinto ng silid ko.

"Oh anong nangyari?"

Inalalayan pa niya ako tumayo.

"Wala.. sige na.. " sabi ko kay Zaiden Alfiro.

Tinapik lang nito sa balikat si Castor saka tuluyan ng umalis. Pumasok naman ako
kuarto si Castor na ang nagsara ng pinto.

Agad akong naupo sa kama. Naupo naman sa bintana si Castor.

"Kamusta ang party nyo?"

"Ok lang..."

"Nag enjoy ka ba?"

"Medyo..."

Pumasok ako sa CR at nagbihis ng damit.

Medyo matagal ako a CR dahil naglinis pa ako ng katawan.

Nagulat pa ako ng paglabas ko ng CR ay nakaupo pa rin sa bintana si Castor.

Mukhang malalim ang iniisip.

"Sana sumama ka kanina, para magkaroon ka maraming kaibigan.."

"Hindi na kailangan.."

"KJ mo talaga.."

Gamit ang towel ay pinatuyo ko ang buhok ko. Naupo ako sa kama. Naka Indian sit
ako.

"Inaantok ka na ba?"

Napalingon ako kay Castor.

"Hindi pa naman, bakit?"

"May gusto sana ako ipakita sayo.."


Mabilis akong tumayo sa kama at nilapitan ko siya.

"Ano yon?"

Nakasakay ako sa likod ni Castor. Tumakbo siya ng mabilis at umakyat kami sa


pinakamataas na puno sa gitna ng gubat.

Tapos ay tumigil kami sa isang sanga ng puno, dahan dahan niya ako ibinaba sa
kanyang likuran.

"Anong gagawin natin dito?"

"Maghintay ka lang..."

Naupo siya at naupo na rin ako. Naramdaman ko na malamig ang hangin.

Nakapantulog na ako, pero sobrang lamig pa rin ng hangin, tumatagos sa suot kong
damit.

Pinaglapat ko ang kamay ko saka ko hiningahan para mainitan.

Isang cloak ang inilabas ni Castor mula sa kanyang bulsa.

Magic cloak yon, kahit sobrang laki at kapal nito pag tinupi mo ay parang papel sa
sobrang nipis nito kaya pwedeng ilagay sa bulsa.

Iniladlad niya ito at ipinatong sa likod ko.

"Salamat!"

Naupo siya ulit at nakatingin sa malawak na lawa.

"Anong gagawin natin dito?"

"Kamusta ang party nyo?"

"Naitanong mo na yan diba? Nasagot ko din.."

Napangiti lang si Castor sa sagot ko. Hindi na siya nagsalita pa. Tahimik lang kami
at hindi na nag usap pa.

Castor's POV

NAkatulog na siya habang nakasandal sa balikat ko ang ulo niya.

Hindi ako kumikilos para hindi siya magising.

Ilang sandali pa, sumikat na ang araw.

Napangiti ako, kahit tulog siya, ok lang kasi kasama ko siya ngayon, habang
pinapanood ko ang pagsikat ng araw.
Binuhat ko siya hanggang makarating kami sa Elfwood.

"Mukhang nag enjoy naman siya sa Ball kagabi.."

Nakaupo kami sa tree house na ginawa ng mga Elf.

Tree house ang bahay nila Miranda at Nazar. Hindi mo nga mapapansin na may bahay
pala sa itaas ng puno.

Ginawa nila yon para maging ligtas pa rin kay Baragor.

"Dapat kasi sumama ka na sa Ball na yon Castor."

Inakbayan ako ni Nazar.

"Hindi ako mahilig sa mga ganun klaseng kasiyahan.."

"Nga pala Castor, nandito kahapon ang mga magulang mo.."

"Talaga?"

"Naisip kasi naming ni Miranda na magpatulong sa kanila na gumawa ng gamut para kay
Oceane.."

"Para hindi siya masaktan ni BAragor. Hawak pa ni Baragor ang apat na Elemental Orb
kaya naman dapat pa rin nating ingatan si Oceane."

Tumango lang ako sa sinabi ni Miranda.

Ngayon, maayos na ang pakikitungo ni Miranda sa akin, nasanay na rin siya siguro sa
akin.

Isa pa hindi naman ako masama, hindi ko rin ginusto na maging ganito.

"Sisilipin ko lang si Oceane.."

Tumayo si Miranda at umalis. Naiwan kami si Nazar.

"Totoo ba ang sinasabi mo nun isang araw?"

Tinutukoy niya si Frost, naikwento ko sa kanila ang pagkakahawig nit okay Jacob at
ang babaeng kasama nito bukod kay Alyssa.

"Oo.. wag ka mag alala, binabantayan ko silang mabuti."

Nagulat kami ng lumapit si Miranda sa amin.

"Nazar.. Nazar.."

Tumayo kaming dalawa ni Nazar.

"Bakit? Anong nangyari?"

"Si Oceane..."

"Ano?"

Mabilis kaming tumakbo papasok sa silid ni Oceane.


Tulog pa rin ito, pero kapansin pansin ang kakaibang kulay at mantsa sa kanyang
balat.

Naupo si Miranda sa gilid ng kama, at dahan dahang iniangat ang braso ni Oceane.

"Hindi ito pasa Nazar, kakaiba ito..."

"Mabuti pa tawagin ko si Alberich.."

Mabilis akong bumaba ng tree house at pinuntahan ang underground house ng mga Elf
sa malalaking puno.

"Lason?"

"Oo.. wag kang mag alala Miranda, kaya pa yan agapan..."

Tumalikod si Alberich at kinausap ang mga Elf. Pagkatapos ay mabilis na umalis ang
tatlong Elf.

"Nagpatawag na ako ng Ajouga para malunasan yan.."

"BAkit lason? Anong lason yan?"

"MAghihintay pa tayo Nazar, masmabuti kung mga Ajouga ang titingin sa kanya..."

Tulog pa rin si Oceane. Wala siyang malay sa dami ng taong nakapaligid sa kanya.

Ilang sandai pa dumating ang tatlong matandang ajouga.

Sila ang mga kilalang manggagamot. Kinausap muna nila si Alberich para magbigay
pugay sa Old Elf Sorcerer, pagkatapos ay nilapitan nito si Oceane.

Ilang minute din nilang paulit ulit na sinuri ang dugo ni Oceane at ang buong
katawan nito.

"Anong sabi nila?"

Tanong ni Miranda kay Alberich.

"Tama nga ang hinala natin.."

"Castor may alam ka ba dito?"

"Wala akong napapansing kakaiba na lumalapit sa kanya.."

Kinausap muli ng mga ajouga si Alberich, panay naman ang tango ng matandang Elf.
Pagkatapos ay humarap ito sa amin.

"Kailangang mahanap ang lason na yon... para maging antidote."

"Ako na ang gagawa niyan.."

Mabilis akong umalis at bumalik sa Academy.

Una ko munang kinausap si Alyora at pumayag naman ito na mag imbestiga ako sa buong
Academy.

"Ano?"
"Hanapin natin ang lason para mailigtas si Oceane bago tuluyang kumalat ang lason
sa buo niyang katawan."

"Sige tutulong ako.."

Sa buong paligid ng Academy kami nag umpisa.

Hindi naming alam kung ano ang hahapin at saan ito hahanapin.

Wala kaming kahit anong idea ni Zaiden.

Nalibot na naming ang kabuoan ng Academy pero wala pa rin kaming nakuhang clue.

"Para tayong naghahanap ng karayom sa tumbon ng dayami.."

"Nakalusot sa akin ang isang yon..."

Nagkuyom ako ng palad. NAging pabaya ako kay Oceane.

"Simulan kaya natin sa silid ni Oceane?"

Sumang ayon ako kay Zaiden Alfiro at mabilis naming pinuntahan ang silid,
nakasalubong pa naming sina Alyssa at Frost kasama ang isang babae.

Hindi namin sila binati o nilingon man lang, at ganun din sila. Pagdating sa silid
nagsimula kami mag imbestiga.

Okey naman ang buong silid, malinis at maayos sa gamit si Oceane, lahat ay naka
organized.

Naupo ako sa gilid ng kama habang nasa loob ng cr si Zaiden Alfiro.

Napansin ko ang isang vase na puno ng white rose.

Nilapitan ko ito at pinagmasdan, napansin ko na may lamang tubig ang vase.

"Ilang araw na yang rose na yan, hindi pa nalalanta..."

Napatingin ako kay Zaiden Alfiro at ganun din siya sa akin pagkatapos ay mabilis
naming kinuha ang vase at bumalik sa Elfwood.

"Hindi talaga titigil si BAragor hanggat hindi napapatay ang anak natin NAzar.."

"Wag ka na mag alala.."

Tama nga ang hinila naming ni Zaiden Alfiro, ang amoy ng rose ang nagpapasakit ng
ulo ni Oceane at dahil nalalanghap niya ang amoy ng bulaklak unti unting pumapasok
sa looob ng katawan nito ang lason.

Sabi ng mga ajouga kaya pa naman agapan ang ito. Hindi pa kumakalat sa buong
katawan niya ang lason.

"Miranda sabi ng mga ajouga nakatulong ang tatlong rose para hindi malanghap ng
mabuti ni Oceane ang lason."

Napatingin kami sa matandang elf. Apat ang bulaklak na naroon.

Yung tatlong rose ay binigay ni Frost kay Oceane at yung isa... hindi ko alam kung
saan nanggaling.
"Hindi ko maintindihan Castor... ibig bang sabihin na iniligtas pa ni Frost si
Oceane sa kamtayan?"

Napatingin lang ako kay ZAiden, napapaisip din ako.

Zaiden's POV

Maghapon ng tulog si Oceane. Patuloy pa din naman ang mga ajouga para maalis ang
lason sa buong katawan ni Oceane.

Sa labas lang ako ng kuarto ni Oceane, nag aalala ako.

Bakit ba kasi hindi ko namalayan ang nangyari, bakit hindi ko napansin na may
lumalason na pala sa kanya.

Napansin kong tahimik lang si Castor. Nakaupo ito sa sanga ng puno sa taas ng
terrace.

Tree house ang bahay nila Oceane, malaking tree house talaga.

Tatlong malalaking puno ang sakop ng tree house kaya naman malaki at maluwag ang
buong bahay nila.

Naupo lang ako sa tabi ni Castor. Napalingon siya.

"Ano ng balita sa kanya?"

"Hindi pa natatanggal ang lason sa katawan niya.. aabutin daw ng magdamag pa bago
tuluyang maalis ang mga ito."

Sinuntok ni Castor ang inuupuan naming sanga, malakas siya kaya naman umalog ang
malaking sanga ng puno sa ginawa niya.

"Ano bang balita sa pagmamatyag mo sa kanila?"

"Maingat sila masyado, pero malakas ang kutob ko na may kinalaman sila sa
pagkalason ni Oceane."

"Eh yung Frost? Anong tingin mo dun?"

"Hindi ko nga alam.. kaduda duda kasi ang ginagawa niya.."

"Ako rin, hindi ko maintindihan ang gustong mangyari ng Frost na yon...."

"Bantayan mo siya ako na ang bahala sa Sightwater at Reedweek.."

"Reedweek?"

Hindi na sumagot si Castor. Hindi na rin ako nagtanong pa.

Lumipas pa ang buong magdamag. Iniwan ko na sa pwesto niya si Castor.

Naupo ako sa terrace, nang mainip ako at pumasok sa silid ni Oceane.


Naroon pa rin ang mga ajouga, pero malayo ito sa kama ni Oceane.

Abala ang mga ito sa kanilang ginagawa.

Hinawakan ko ang kamay niya at naupo sa upuang naroon sa tabi ng kama.

'Gasgas na itong sasabihin ko pero, sorry.. sorry kasi hindi kita nabantayan ng
maayos.

Hindi ko nga napansin na may lumalason pala sayo.. masyado akong naging kampante.'

Bago sumikat ang araw, bumalik ako sa dorm.

Sabado naman kaya walang klase, ang mga mortal students naman ay tumawid na
kabilang mundo.

Nagpalit lang ako ng damit at babalik ako muli sa bahay nina Oceane.

"Zaiden.."

"Altheia, mabuti nandito ka.."

"Hmp! Bakit? May iuutos ka noh?"

"Meron nga! And it's very dangerous.."

"Ha? Mapanganib pala yan, bakit ako pa?"

"Tulog pa rin si Oceane ngayon, may nagtangkang lasunin siya.."

"Talaga? Malas talaga nya noh?"

"Yung sinasabi mong kamukha ng kaibigan ni Oceane na taga lupa, andito ngayon
bilang si Frost. Section Wind Eagle ang location niya. At gusto kong subaybayan mo
siya."

"Sige na nga ako na ang bahala, basta para kay Oceane.."

Lumipad na palayo si Altheia. Ako naman ay mabilis na lumabas ng dorm. Sa


pagmamadali ko, hindi ko napansin na may nabangga na pala ako.

"Sorry!"

"Yeah! It's useless.."

Napalingon ako. Babae pala ang nabangga ko. Natumba ito, bumalik ako at tinulungan
ko tumayo.

"Sorry ha! I'm in hurry kaya di kita napansin.."

"Yeah, it's ok.."

"I have to go.. sorry ulit!"

Mabilis akong tumakbo palabas ng gate.

Oceane's POV
Lumingon lingon ako sa paligod. Wala kong makita na tao.

Nakarinig ako ng kaluskos mula sa likod ng kurtina.

Dahan dahan akong bumangon at naglakad papalapit sa may kurtina.

Nagtakip ako ng bibig ng makita ko ang mga naroon.

Baka kasi mapasigaw ako kaya agad kong tinakpan ng kamay ang bibig ko.

Tatlong malilit na tao ang naroon, may katandaan na ang mga ito, mahaba ang tenga
at matatangos ang ilong, medyo kulubot na ang mga balat nila.

Dahan dahan akong naglakad paurong para hindi nila ako mapansin pero nabangga ko
ang upuan at natumba ako.

Nakuha ko ang atensyon nila, lumingon sila at nag usap usap, kitang kita ko ang
ginagawa nila sa likod ng kurtina dahil sa anino nito doon.

"Oceane anak, anong ginagawa mo dyan?"

Tinulungan ako ni Mama na tumayo.

"Ma.. ma.. may mga.. may mga..." sabi ko habang nakaturo ang kamay ko sa likod ng
kurtina

Natawa naman si Mama sa akin. Napikon ako, mukha ba akong nakikipagbiruan?

"Halika, maupo ka muna dito."

Inalalayan ako ni Mama paupo sa kama. Hinaplos pa niya ang pisngi ko habang
nakangiti.

"Sobrang nag alala ako sayo anak.."

"Bakit?"

Mula sa likod ng kurtina ay lumabas ang tatlong maliliit na taong iyon. Papalapit
sila sa akin. NApahawak ako kay Mama.

"Wag ka matakot anak, gagamutin ka lang nila."

"Ano? Bakit? Wala naman ako sakit.."

Gamit ang homemade nilang pang injection, itinusok nila ito sa braso ko. Sobrang
pait ang naramdaman ng panlasa ko, para akong masusuka.

Hinagod naman ng kamay ni Mama ang likod ko.

"Gamot yan para mailabas ng katawan mo ang lason anak.."

"Anong lason?"

Bago magtanghali ay umalis na ang tatlong ajouga. Inihatid sila ni Papa sa baba ng
tree house.

Nakatingin lang sa akin si Mama, Zaiden, Castor at Alberich, ang old elf sorcerer.

"Nakakatakot kayo alam nyo ba yon?"

Napangiti silang lahat. Tumaas naman ang kilay ko sa kanila. Ano bang meron?

"Nilason ka anak, kaya palaging sumasakit ang ulo mo dahil dumadaloy na sa buong
katawan mo ang lason. Mabuti nga at napansin ko kaagad ang balat mo."

"Saan naman ako nalason?"

"Kanino nanggaling ang kulay puting bulaklak na nasa vase ng silid mo sa dorm?"

Napatingin ako kay Castor. Seryso naman masyado ang mga ito.

"Ah yun diba kay Frost?"

"Hindi yung mapuputing bulaklak ang sinasabi ko, ang kulay dirty white na
bulaklak."

"Ah, binigay lang nun babae sa akin, sabi nya kasi bagay daw sa akin yun bulaklak."

"Sinong babae?"

"Hindi ko kilala.. nakita ko lang siya sa Night Market last time.."

"Bakit ka tumatanggap ng isang bagay sa taong hindi mo naman kilala?"

Tumaas na naman ang kilay ko, sa time na ito kay Zaiden Alfiro naman.

"Hey ano ba? Para bulaklak lang..."

"Wag mo nga sabihin yan, muntik ka na mapahamak sa pagtanggap mo ng bulaklak na yon


sa taong di mo naman kilala."

"Aba't sumusobra na..."

"Tama na nga yan... kayong dalawa daig nyo pa ako kung mangaral sa anak ko ah!"

Naupo si Papa sa tabi ko, inakbayan ako saka hinalikan sa noo.

"Ang weird nyo ha.."

"Sige na, alam kong nagvugutom ka na kaya maghahanda na ako ng tanghalian.."

Tumayo si Mama at pumunta sa kusina ganun din si Papa, naiwan kaming tatlo.

Nakatingin lang silang dalawa sa akin. Gusto kong matawa sa mga itsura nila.

"Pag may mga taong lumalapit sayo na di mo kilala, sasabihin mo sa amin ni


CAstor.."

"Para naman kayong ewan dyan.."

"Iniingatan ka lang namin.."

"Echos nyo..."
After magtanghalian, umalis si Castor ewan ko kung saan na naman pumunta yun.

Si Zaiden naman sa bahay tumambay.

Masyado nga siyang close kay Mama, kulang na lang dun na patirahin sa bahay.

Ok lang naman, kasi ulila na si Zaiden at mag isa na lang. Siguro naaawa lang si
Mama sa kanya.

"Bakit?"

"Wala.."

Inakbayan ako ni Zaiden, ewan ko ba. komportable talaga ako na kasama siya.

"Alam mo bang sobrang nag alala ako sayo?"

"Bakit naman?"

"Akala ko iiwan mo na ako..."

Itinulak ko siya.

"Oh bakit?"

"OA mo naman kasi, para namang mamamatay na ako.."

"Eh di nga ba? Kasi may gustong pumatay sayo."

Castor's POV

Nandito lang ako sa taas ng puno. Nakaupo lang at pinapanood silang dalawa.

Parang walang nagbago, parang hindi nakalimot si Oceane pag kausap niya si Zaiden.

Pag nakikita ko silang ganyan, masaya, sinisisi ko ang mga alagad ni Baragor kung
bakit nila ako ginawang ganito.

Na sana ibang wizard na lang ang nabiktima nila, para normal din ako.

Pero pag kasama ko naman siya, naiisip ko na kung hindi ako ganito, hindi ko siya
makikilala.

'wag kang maniwala d'yan. 'di ka n'ya mahal talaga ♩ ♪ ♫ ♬

Sayang lang ang buhay mo kung mapupunta ka lang sa kanya

Iiwanan ka lang n'yan, mag-ingat ka ♩ ♪ ♫ ♬

Dagdag ka lamang sa milyun-milyong babae n'ya

Akin ka na lang (akin ka na lang) ♩ ♪ ♫ ♬

Iingatan ko ang puso mo


Akin ka na lang (akin ka na lang) ♩ ♪ ♫ ♬

Wala nang hihigit pa sa 'yo ♩ ♪ ♫ ♬

Natawa ako sa naiisip ko. May kung anong musika ang bumubulong sa akin.

'Hay! Makatulog na nga lang!'

Nahiga ako sa sanga at ipinatong ang braso sa noo ko.

Oceane's POV

"Alam mo minsan, feeling ko ang tagal na kitang kakilala..."

Nilapitan ako ni Zaiden at tumabi sa akin, nakatayo lang siya.

"Yung there's something in you na parang alam ko na, na parang nangyari na..'

Nakatingin lang siya sa akin. Hindi nagsasalita

"Natahimik ka?"

"Paano kung..... matagal na nga tayong magkakilala.."

"Eh di mabuti..."

"Tapos naging bad guy ako sayo.. "

"Ikaw?"

"Mapapatawad mo kaya ako?"

Nakatitig siya sa akin. Seryoso ba siya?

"I don't know.... mapapatawad ko siguro.. pero reasonable naman kung magagalit ako
diba?"

"Syempre naman.."

"So serious talaga usapan natin?"

Pinitik niya ang ilong ko. Napahawak naman ako kaagad sa ilong ko, masakit kaya.

"Salbahe ka.."

"Ang cute mo kasi..."

"Ah ewan ko sayo.."

Bumaba ako sa kinauupuan ko. At naglakad na papasok sa loob ng bahay.

"Oh nagtampo ka na?"

Sumunod naman sa akin si Zaiden, habang nagkukunwari akong galit.


*******************************************
[4] Chapter 3: Unicorn's Blood
*******************************************
Oceane's POV

Hindi nabalita sa Academy ang nangyari sa akin.

Mas mabuti na yon, kesa naman ako ang center ng usapan ng mga tsismosa kong
schoolmate.

Paborito kong tambayan ang garden ni Prof Wylun. Mabango kasi ang mga bulaklak at
marami na rin akong kaibigan na fairies dun.

"Hi!"

Napalingon ako sa nagsalita,si Frost. Nakatayo sa likuran ko.

"Hi!"

"Is this taken?"

"No! Please have a sit.."

Naupo naman siya.Nakatitig siya sa akin.

"Kamusta kana?"

"Ha? Ok naman ako.."

"Masaya ako kasi hindi ka na pahamak, umabot sa tamang oras ang pag bukadkad ng mga
bulaklak.."

"What do you mean?"

"AlamkoanglahatOceane."

"Ikaw ba ang nag tatangka sa buhay ko?"

Bigla akong napatayo at lumayo ng bahagya sa kanya.

"Nagkaka.." Gusto niya akong hawakan

"Wag mo akong hahawakan..."

"Hindi kita gustong saktan.."

"Hindi na ako naniniwala sayo.."

Mabils akong tumakbo palayo sa kanya..

'He's a fraud! Pinaasa nya ako na maganda ang intension niya sa akin..'

"Hey!"

Napalingon ako.Sakay sa broomstick si Frost.


Mula sa bulsa ko, kinuhako ang wand ko at itinutok yon kay Frost.

"Hindi akonatatakotsayo..sigelumapitka and I will kill you.."

"I told you hindi kita sasaktan.."

Bumaba ito sa broomstick.

Naglakad siya papalapit sa akin, ako naman ay naglakad paatras para makalayo sa
kanya.

"Sinabi ko na sayo wag kang lalapit..."

Patuloy kami sa ganoong eksena hanggang sa mapunta akosa may maliit na sapa.

"Hey mag ingat ka.."

Pero bago pa ako nakasagot ay natumba na ako sa sapa.

Malamig ang tubig at basang basa ang damit ko.

Tumakbo siya ng nilapitanako.

Mabilis niya akong binuhat at dinala sa maliit na kubo sa garden ni Prof Wylun.

"Tingnan mo nangyari sayo, tigas tigas kasi ng ulo mo.."

Kinuha niya ang panyo sa bulsa niya saka niya pinunasan ang mukha ko..

Hinubad din niya ang robe niya at ibinalot iyon sakatawan ko.

Nanginginig naman ako sa sobrang lamig. Bewitched ang sapang yon kaya naman malamig
yon, animoy tubig mula sa north pole.

"You're freezing!"

Hindi ako makapagsalita. Nanginginig ang buong kalamnan ko sa sobrang lamig.

Naramdaman ko na lang na biglang uminit ang buong katawan ko.

Ilang minute rin ang lumipas bago ako nakapagreact. Yakap yakap ako ni Frost.

Gusto kong magalit sa kanya, pero natouch talaga ako sa ginawa niya.

"Halika na, ihahatid na kita sa dorm nyo.."

Inalalayan niya ako tumayo, nakaakbay pa siya sa akin habang naglalakad kaming
dalawa sa hallway.

"Oceane anong nangyari? Bakit basing basa ka?"

Napatingin ako kay Zaiden.

Nakita kong kunot noo nitong tinitigan si Frost.

Para bang nagtatanong kung ano ang ginawa ni Frost sa akin.

"Kasi....."
"Naglalakad siya kanina sa may sapa sa garden ni Prof Wylun, hindi nya napansin
yung sapa kaya nahulog siya."

Napasimangot ako. 'Ganun? So lumalabas ngayon na tatanga tanga ako?'

Tumingin si Zaiden sa akin, nagtatanong ang mga mata niya kung totoo.

Hindi ako nakasagot agad.

"Mabuti pa Alfiro, ihatid mo na siya sa silid nya para makapagpalit na siya ng


damit."

Walang imik na inakbayan ako ni Zaiden at sabay kaming naglakad papasok sa dorm.

Hindi ko na nga nilingon si Frost.

Hindi nagsasalita si Zaiden habang naglalakad kami.

Pag pasok ko sa silid ko, hindi na siya nangulit pa tulad ng dati.

Naglinis ako ng katawan at nagpalit ng damit. Si Castor naman hindi ko pa nakikita


mula kaninang umaga.

Wala naman akong idea kung asan na siya.

Nagbabasa ako ng libro na binigay ni Castor ng may kumatok as pinto.

TOK

TOK

TOK

TOK

TOK

Binuksan ko ang pinto. Nakangiti si Zaiden.

"Bakit?"

"May dala akong pagkain... dun tayo sa sala."

"Sige.."

Konti lang ang estudyanteng tumatambay sa sala ng dorm naming.

Naupo kami a isa sa mga sofa na naroon.

"Hi Zaiden.."

Bati ng isang third level sa kanya. Kasama nito ang mga barkada nito.

"Yeah! Hi!"

Nakangiti naman silang binati ni Zaiden. Narinig ko pang biniro nun isang babae
yung bumati.

'Hmp! Aasa pa kayo sa kanya..'


"Bakit?"

"Wala..."

"Ano bang nangyari sayo kanina?"

Hindi ako nagsalita. Kinain ko lang ang dalang pagkain ni Zaiden.

Hindi na naman siya nangulit, pero tumahik siya.

Susubo sana ako ng tinapay ng pigilan niya ang kamay ko.

"Bakit?" kunwari kong tanong

Nagulat ako ng yakapin niya ako.

Napatingin sa amin sa ibang estudyante. Namula naman ang pisngi ko sa sobrang hiya
ko.

"Nakakahiya Zaiden..nakatingin sila sa atin.." bulong ko sa kanya

Inalis niya ang pagkakayakap niya sa akin.

UUUUUUUUYYYYYYYY!!

Sabi naman ng mga andun.

Maslalo akong pinamulahan ng mukha. Hiyang hiya na ako.

"Hey tama na nga kayo..."

Napatingin ako sa nagsalita si Tim pala yon.

"Masyado kayong PDA guys.." brong sabi ni Tim

Nagulat ako ng tumayo si Zaiden at hilahin ako palabas ng dorm.

"Hey! Saan kayo pupunta?"

Narinig ko pang sigaw ni Tim.

Tumakbo siya ng tumakbo at ako naman ay hinila niya ng hila gang makalabas kami ng
Academy. Malapit na kami sa fairywood ng huminto siya.

Kinapos naman ako ng hininga sa bilis ng takbo niya.

Paghindi ako sumabay baka magaladgad ako.

"Na-nakakainis ka na.... bakit ba kailangan mo pa hilahin ako?"

"Nakakainis ka kasi, bakit ba kailangan mong maging mabait sa lahat?"

Napakunot ako ng noo. Nagagalit ba siya kasi friendly ako?

"Look Oceane, pag masyado kang mabait sa lahat alam mo bang....alam mo bang..."

"Alam ko na ano?"
"UGH!"

Tumalikod siya sa akin at hindi na nagsalita pa. Mas nainis naman ako sa ginagawa
niya ngayon.

"Ano ba? Bakit ayaw mo ituloy sasabihin mo?"

Naglakad ako at hinarap siya, pero umiwas siya sa akin.

Inulit ko ulit ang ginagawa ko, hinarap ko siya pero umiwas siya ulit.

"AAAHHH, nakakainis ka talaga.. lagi mo akong iniiwang nakalutang sa ere.."

Sa sobrang inis ko ay nag walk away ako, eksena sa mga telenovela ano?

Nakakainis kasi.

May sasabihin tapos bigla na lang di itutuloy, nagmumukha tuloy akong tanga.

Malayo layo na rin ang nalalakad ko at hindi ako lumilingon sa kanya. Nang
magsalita siya ulit.

"Mahal kita!" sigaw niya

Napahinto ako. Pero hindi ako lumilingon, hinayaan ko muna mag sink in sa tenga ko
ang sinabi niya baka mamaya di naman pala para sa akin yon.

"Sobrang mahal kita Oceane..." sigaw nya ulit

Napalingon na ako.

Seryoso siya pag lingon ko, though malayo rin ang pagitan naming, kailangan nya
talaga sumigaw para marinig ko.

"Nagseselos ako pag may ibang lalaki na lalapit sayo, naiinis ako as sarili ko kasi
hindi ko masabi sayo ang nararamdaman ko." Sigaw niya ulit

'Nagseselos? Mahal daw niya ako?'

Nakaramdam ako ng pagbilis ng tibok ng puso, feeling ko aatakihin ako sa sobrang


bilis nito. Pakiramdam na naramdaman ko na noon na hindi ko naman matandaan.

Mabilis siyang naglakad para lapitan ako.

Halos ilang inches na lang ang layo naming sa isat isa. Nakatitig siya sa akin
habang hawak ang mga kamay ko.

"Pilit ko naman pinipigilan pero hindi ko maiwasang magselos.."

Hindi ko naman alam ang sasabihin ko.

Nakatitig lang ako sa mga mata niya, naghahanap ng sagot sa tanong ko na totoo ba
lahat ng naririnig ko?

Zaiden's POV
Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko ngayon, gusto kong pag sisihan ang ginawa
ko kay Oceane. Kahit anong gawin ko ngayon, wala na ang dating samahan namin.

"Problema mo?"

Lumilipad lipad si Altheia sa harapan ko. Nakaupo ako sa bintana ng silid ko.

"Wala.."

"Wala daw... kilala kita Zaiden Alfiro.."

Nakita kong nagcross arm ito at kahit maliit ang mukha nito kitang kita ko ang pag
aalala sa mga mata niya.

"Wala ito.."

"Si Oceane ba?"

"Hindi."

"Kilala kita, alam ko na si Oceane lang ang pwedeng magpalungkot sa mukha mo."

"Wag ka nga magbintang Altheia.."

Umalis ako sa bintana at nahiga sa kama ko,. Mag alas nuebe na ng gabi pero hindi
pa rin ako dinadalaw ng antok.

"Hindi talaga si Oceane?"

"Oo nga.."

"Ah!"

Tumahimik si Altheia. Lumipad ito papalapit sa mukha ko at tumayo sa dulo ng ilong


ko.

"Nakita ko si Oceane dun sa may fountain..."

Hindi ko pinansin ang sinasabi niya.

"Kasama nya yung kamukha nun taga lupa niyang kaibigan."

Hindi pa rin ako nagsalita. Pinipigilan ko ang sarili ko.

"Mukha ngang close na sila ulit..."

Hindi pa rin ako tumayo sa pagkakahiga ko.

"Sige aalis na ako... sisilipin ko muna silang dalawa baka kasi nag mwah mwah tsup
tsup na sila.."

Lumipad si Altheia palabas ng bintana.

Nang masiguro kong wala na sila, mabilis akong bumangon at tumakbo palabas ng silid
ko.

Tama nga ang sinabi ni Altheia, naroon nga sina Frost at Oceane.
Nakaupo sila sa bench malapit sa bench malapit sa fountain.

Naririnig ko pa ang pinag uusapan nila.

"Kaibigan ako, hindi ka naman dapat matakot sa akin.."

"Paano kung isa ka sa gustong pumatay sa akin?Paano kung maging malapit na tayo sa
isat isa, mas madali mo akong mapapatay.."

"I'm not like that..."

Tumahimik silang pareho.

Nakaramdam ako ng kaba habang pinagmamasdan sila.

Kitang kita ko sa mga mata at kilos ni Frost na parang matagal na niyang kakilala
si Oceane.

"Bagay sila ano?"

Napalingon ako sa nagsalita. Si Altheia, nakangisi sa akin habang nagtatago din sa


likod ng halaman.

"Hindi ka nakakatawa.."

"Hmp! Eh ikaw? NAkakatawa ka... kunwari ka pa.. nagseselos ka naman.."

"Pwede ba wag ka maingay baka marinig ka nila.."

Sumilip ulit ako sa kinaroroonan nila, nagulat pa ako ng makita si Allysa doon.

"Ano ito date?"

"Allysa!"

"What are you doing here Frost?"

"Nagsorry lang ako sa kanya dahil sa nangyari kanina.."

"Okey.. bakit? hindi ka pa ba niya pinapatawad?"

Hindi nagsalita si Oceane, nakatingin lang ito kay Allysa.

"Allysa anong ginagawa mo dito?"

Yumakap pa ito sa braso ni Frost bago sumagot.

"Kanina pa kita hinahanap.. bawal tayo dito sa building na ito."

"I know... nga pala.."

Isang tela ang iniabot ni Frost kay Oceane.

Nakita ko na hinabol ni Allysa ng tingin ang tela.

"Sige Oceane.."

Hinila na ni Allysa si Frost. Malayo na ang dalawa, nakatitig pa rin si Oceane sa


kanila habang papalayo.
Bago ako tuluyang lumapit sa kanya, isang spell ang ginawa ko.

"Magic forces black and white

I transcend thee through space and light.

Be ye far or be ye near,

i summon the darkest of rain clouds here"

Ilang sandali pa, nagdilim na ang langit at bumuhos ang malakas na ulan. Hindi pa
rin umaalis si Oceane sa kinatatayuan niya kaya nilapitan ko na siya.

Hinubad ko ang damit ko at ginawang pansangga sa ulan.

"Hey umuulan na..tara na.."

"Hup!"

Nagtakip ng mata niya si Oceane.

"Magdamit ka nga!"

"Oo sige pero dun muna tayo sa hallway.."

Ipinatong ko sa ulo niya ang damit ko habang sabay kaming mabilis na naglakad
papalapit sa hallway.

"Grabe ang ulan noh?"

Imbes na sumagot ay tumalikod si Oceane.

"Magdamit ka na PLEASE!"

Napangiti naman ako. Kitang kita ko kasi na namumula ang tenga niya.

"Okey na.."

"Sigurado ka ha? Pag hindi naku gagawin talaga kitang palaka...."

Nakangiti ako habang nakatingin siya sa akin.

"Hmp! wag mo na uulitin yon ha.."

"Ang alin?'

"Maghubad ng pangtaas na damit sa harap ko.."

"Wala naman masama dun.."

"Meron noh, babae ako.."

Inakbayan ko na lang siya saka ko pinisil ang ilong niya.

"Yes Maam!"

"Hmp! Ewan ko sayo.."


"Halika ka na nga..."

Castor POV

Tuwing tinitingnan ko sila. Nagseselos ata ako. Gusto ko na si Oceane kahit picture
lang niya ang nakita ko nung una. Hindi ko nga maipaliwanag kung bakit parang may
koneksyon kami nun.

"Para kang nalugi.."

Naupo ako sa tabi nya. Sabado ngayon kaya nakatambay kami sa bahay nila sa Elfwood.

"Naiinis lang ako!"

"Kanino naman?"

"Kay Allysa.."

"Bakit?Anong ginawa sayo?"

"Tuwing magkausap kami niFrost ,palagi siyang umeepal.. para bang aagawin ko sa
kanya si Frost."

"kung alammo lang..'

"ANg alin?"

Tumayoako."Wala!"

"Hmp! You always like that. Magsasalita ka tapos di mo itutuloy. Feeling ko may
itinatago ka sa akin."

Hinawakan ko ang kamay niya saka hinila ko patayo

"Tara pasyal tayo.."

"Saan?"

"Basta.."

Binuhat ko siya sa likod ko saka ako mabilis na tumakbo

Zaiden's POV

Excited ako ngayon. On the way ako papunta sa bahay nila Oceane.

Gusto kong mas mapalapit ang loob niya sa akin, atleast may bagong memory na
mabubuo sa aming dalawa.

Walang masamang memory na pwedeng makasira sa binubuo ko ulit na magandang alaala.


"Wala siya, umalis kasama si Castor.."

Masaya akong sinalubong ni Miranda, ipinaghanda pa niya ako ng meryenda ang


paborito kong cake na gawa sa katas ng mga bulaklak sa fairywood.

"kanina pa po ba sila umalis?"

"Hindi naman, 15minutes pa lang..."

"Ganoon po ba?"

Tumayo ako at nagpaalam na.

"Babalik na lang siguro ako mamaya..."

"No! Dito ka na lang muna, wala ka naman kasama sa bahay mo.. "

"pero.."

"I insist Zaiden.."

Napangiti na lang ako. Hindi talaga ako makatanggi sa kanya. Naaalala kosi Mommy sa
kanya.

Castor's POV

"Ang ganda..."

Napangiti ako ng makita ko ang mukha ni Oceane.

Para siyang bata na nakakita ng magandang manika.

Naupo kami sa sanga ng isang puno at inalalayan ko siya maupo

"Ito ang tambayan ko..."

Isang kubo ang ginawa ko pinaka mataas na puno sa Lebreska.

"After hunting dito ako tumatatambay.Minsan pag sobrang naiinis ako sa mundo andito
rin ako, Pumupunta ako dito kasi hanggang ngayon di ko matanggap na ganito ako. Na
kailangan ko maghunt para mabuhay."

Naramdaman ko na yumakap sa braso ko si Oceane, pagkatapos ay isinandal ang ulo


niya sa balikat ko.

"Tao ka pa rin naman Castor. Iba nga lang ang pangangailangan mo sa pagkain at iba
ang lakas mo sa mga katulad ko. Pero tao ka pa rin."

Napalingon ako kay Oceane

"Hindi ka na ba natatakot sa akin?"

"Hindi!"

"Dati kasi, halos ipagtabuyan mo ako sa harapan mo."


"First impression ang tawag dun... kakaiba ka kaya natural lang na matakot ako
sayo.."

Kumunot ang noo ko. Inalis ko ang ulo niya sa balikat ko at tinitigan siya.

"Bakit?"

"P---- paano ba tayo nagkakilala? N---natatandaan mo pa ba?"

"Ha?"

Nag isip siya. Napansin kong pilit niyang binabalikan ang oras na nagkakilala kami.

"Hindi mo ba maalala?Ako rin eh..ang tagal na kasi.."

Palusot kong sabi sabay iwas ng tingin sa kanya. Napansin kong tumahimik na siya
mula noon. Hindi ko alam kung ano ang iniisip niya, sigurado akong may nasabi akong
di dapat.

"Natahimik ka?"

"May iniisip lang ako.."

"Wag mo na seryosohin ang sinabi ko, binibiro lang kita."

Hindi siya sumagot.Kinabahan ako, sa tuwing mananahimik siya alam kong malalim ang
iniisip niya.

Hinawakan ko ang kamay niya. Malambot pa rin tulad ng dati.

"May problem ba?"

Ngumiti siya, ngiting alam mo na pinilit lang. Ngit ina hindi totoo.

"Wala naman..umuwi na tayo..."

"Sige.."

Zaiden's POV

"Tulala ka Zaiden..anong iniisip mo?"

"Wala naman..."

Ilang sandali pa, dumating na sina Oceane at Castor.

"Dun na muna ako kay Nazar.."

Yun lang ang sinabi ni Castor at umalis na ito. Si Oceane naman ay tahimik lang,
parang may malalim na iniiisp.

"Bakit?"

"Wala.. napagod lang siguro ako..."


Hindi ako nagsalita, wala akong masabi. Napapagod siya, kahit gusto kong yayain
siya mamasyal siguradong tatanggi siya.

"Kanina ka pa?"

"Yeah! Ok lang naman yon, ..."

Bahagya siyang ngumiti.

"Dun tayo sa room ko.."

Hinawakan niya ang kamay ko at hinila niya ako papasok sa kuarto niya.

Pagkatapos ay naupo siya ng indian sit sa kama.

"Bakit nakatayo ka lang dyan?"

"Ha? Ano bang gagawin natin dito?"

"Maupo ka dito bilis.."

Hinawakan niya aulit ako sa braso saka ako hinila para maupo sas harap niya.

Pagkatapos ay tinitigan niya ako sa mata.

"hey ano vbang ginagawa mo...>?"

"Kaya mo ba ako titigan ng matagal?"

"Oo naman..."

'Palagi nga kita tinititigan eh..' sabi ng isip ko

Ilang minuto rin niya akong tinitigan.

Habang tinititigan nya ako, nakikita ko rin ang nasa isip nya. Umiwas ako ng
tingin..

"Hey ano ba? Bakit binawi mo ang..."

"Masakit na kasi ang mata ko.."

Alibi ko lang yon, alam ko ang ginagawa niya.

Hindi ako baguhang wizard para hindi malaman ang gusto niyang mangyari.

"KJ mo rin.. hmp!"

Tumayo ito at lumabas ng silid.

Sinundan ko siya pero paglabas ko ng silid wala na siya. Minabuti ko na lang na


tumambay sa terrace ng bahay nila.

'Paano niya natutunan yon ganung trick? Gusto niyang makita ang past ko... pero
bakit?'

Hindi nagsasalitang naupo sa tabi ko si Castor. Nakatingin lang ito sa kawalan.


"Nahalata mo rin pala..' sabi niya

Napatingin lang ako sa kanya.

"Hindi pa ako sigurado pero tingin ko may iniisip siya.."

Huminga ako ng malalim.

"Sinubukan niya kanina na makita ang past ko.."

Bahagyang tumawa si Castor.

"Talaga?"

Hindi na ako nagsalita pa. Tumahimik kami ng ilang minuto.

"May bago akong impormasyon sa babaeng Castlesnake.."

"Ano?"

"Napansin ko kasing kaduda duda ang kilos ng babaeng yon, kaya nilapitan ko siya.."

"Paanong nilapitan?"

"Nagpakilala ako sa kanya personally.."

"Paanong naging kamukha ni Frost si Jacob? at paano nila nakilala si jacob?"

REWIND 2 DAYS AGO

Castor's POV

Palihim kong sinusundan and babaeng Castlesnake. Namimili siya sa Night Market ng
lapitan ko siya.

Sakto namang marami siyang bitbit na pinamili niya at halos hindi na niya madala.

"You need help?"

Napalingon sa akin ang babae. Ngumiti ako sa kanya

"Taga Academy ka rin diba?" tanong ko

Tumango lang siya at ipinagpatuloy ang paglalakad.

"Let me help you.."

Kinuha ko ang ibang dala niya at ako ang nagbuhat.

"Ako nga pala si Castor..."

"Ashlyn Castlesnake.."
Yun lang ang sinabi niya. Ilang minuto lang kami naglakad ng makarating kami sa
store nila.

Binuksan niya ang pinto nito at pumasok kami sa loob. Ipinatong ko sa table ang mga
dala ko.

"Salamat!"

"Ok lang!!! sige mauna na ako..."

Palabas na ako ng pinto ng hinabol pa niya ako para ihatid sa labas ng store nila.

"Salamat ulit Castor.."

Ngumiti lang ako at umalis na.

Habang nasa ,loob ako ng store mabilis kong naigala ang mga mata ko, marami akong
nakita na karaniwan lang sa tindahan.

Kailangan ko pa siyang subaybayan.

Alam kong sila ang gustong pumatay sa Infinity.

Kinabukasan, kakatapos ko lang maghunting.

Naglalakad ako sa Green Forest ng makasalubong ko siya.

"Hi!" bati ko

"Hi! Anong ginagawa mo dito?"

"Namasyal lang.. alam mo na, vampire ako kailangan kong maghunt.."

Hindi ko naramadaman na natakot siya o kinabahan man lang ng sabihin ko na vampire


ako. Hindi katulad ng ibang witch o wizard na nakilala ko na naririnig ko na ang
tibok ng puso nila.

"Hindi ka ba natatakot sa akin?"

Ngumiti lang siya. "Ikaw natatakot ka ba sa akin?"

Napangiti ako. Wala sa itsura niya ang pilosopo.

"Bakit andito ka?"

"May kailangan kasi akong bagay na dito ko lang makikita.."

"Talaga? Delikado dito gusto mo samahan na kita?"

"Noh! Malaki na ako, di ko na kailangan ng body guard!"

Pagkasabi nun ay mabilis itong naglakad palayo.

Nakakapagtaka na ang isang babaeng katulad niya ay maglalakad sa delikadong lugar


na mag isa. Kaya naman palihim ko siyang sinundan.

Mabilis siyang naglalakad sa gubat ng hindi man lang lumilingon.

'Nakapagtataka naman! Hindi man lang ba siya nagduda na maari ko siyang sundan?'
Napailing ako habang nagtatago sa mataas na sanga ng puno.

Tumigil siya at saka lumingon sa magkabilang panig.

Ano kayang gagawin niya sa Oger Forest ng nag iisa? Imposible naman na hindi niya
alam na delikado ang gubat na ito.

Mabilis siyang naglakad muli papasok sa loob ng gubat. Ako naman ay tumalon sa mga
sanga ng puno ng buong ingat para hindi niya ako makita.

Dahan dahan niyang inilabas mula sa kanyang bulsa ang wand niya. Isang unicorn ang
nasa di kalayuan.

'Anong gagawin niya? Ipinagbabawal ang pagpatay sa unicorn..'

Dalawang maliwanag na kulay ang lumabas sa wand niya at tumama ito sa kawawang
unicorn. Ilang sandali pa ay natumba na ito.

Mabilis siyang lumabait dito at gamit ang patalim, sinugatan niya ang walang buhay
na unicorn at inipon ang dugo nito sa isang kakaibang bote.

BACK TO PRESENT

Zaiden's POV

"Anong ginawa niya sa dugo ng unicorn?"

"Gusto kong magtanong kaso baka masira ang plano ko pag minadali ko ang lahat."

"So ano bang plano mo?"

"Hihintayin kong sabihin niya sa akin ang lahat.."

Napaisip ako ngayon. Anong kailangan ng isang babaeng katulad niya sa dugo ng
unicorn?

Dito sa mundo namin, ang unicorn's blood ang pinaka sagrado sa lahat ng hayop dito
bukod sa phoenix.

May paniniwala kasi ang mga OLD SORCERER na ang dugo ng isang unicorn ay
nagtataglay ng Elixir of Life.

Ibig sabihin kahit sinong uminom ng dugo nito ay magkakaroon ng immortality o buhay
na walang hanggan.

Tulad ng kwento ni Castor, balitang balita sa buong Academy ang pagpatay sa


unicorn, though walang idea ang lahat kung sino ang gumawa nito.

Breakfast namin, usual na ginagawa ng mga estudyante before class.

"I really don't have idea kung bakit issue masyado ang unicorn na yon.. hindi naman
siguro artista o talking unicorn yun diba?"
Natawa ako sa sinabi ni Oceane. Magkasabay kami nagbreakfast.

"Hindi naman nagsasalita ang hayop.. depende na lang kung kaya mong maintindihan
ang sinasabi nila."

"Meron bang wizard na kayang makipag usap sa hayop?"

"Meron pero hindi lahat.. may wizard na kayang makipag usap sa snake, meron naman
sa cat at meron sa phoenix."

Maingay pa rin sa dinning area. Bulong bulungan ng mga estudyante mula first level
gang fort level.

"So bakit kailangan patayin yung unicorn?"

"Kasi ang dugo ng isang unicorn ay kakaiba sa lahat ng hayop. Nagtataglay kasi ito
ng Elixir."

"Elixir? Ano yun?"

"Elixir, normal people call it Immortality o buhay na walang hanggan."

"Talaga? As in? Forever na buhay? Walang kamatayan?"

Tumango lang ako bilang pag sang ayon. Nakita ko na naman ang pagkamangha sa mga
mata niya.

"That's why it's forbidden right?"

"Right!'

"Kung forbidden yun, bakit may gumawa pa? Siguro wala pang malupit na parusa para
sa kanila."

"Meron! Kaya nga iniisip ng lahat na isang malakas na wizard ang gumawa nun."

'At nandito lang siya sa Academy..'

"Ano bang parusa?"

"If they caught you, you will be imprisoned to UnderWorld."

"UnderWorld? What's in there? Monster?? Grrrrwwr!"

Natawa ako kasi pagkasabi niya ng Monster, umarte pa siya na isang monster. Tumawa
rin siya sa ginawa niya.

"More than that.. not only monster.."

"Ha? Meron pang iba?"

"Yeah! That place is Cursed and anyone brought there never came back.."

"Nakakatakot naman.."

"According to hearsays, pagnapatunayan na may ginawa kang labag sa Wizard's Law yun
tipong above average na, like doing Dark Arts, may isang Black hooded figure na
magpapakita sayo na may hawak na Cursed Stone. Hihigupin ka ng Cursed Stone and
within a second andun ka na sa UnderWorld."

"Parang portkey?"

"Right! But for information, tanging ang Black Hooded Figure lang ang nakakalabas
pasok sa UnderWorld. Not unlike other porkey na ginagamit natin, kahit sino pwedeng
makapag transport."

"Sounds interesting!"

Napakunot ako ng noo. Interesado ba siyang makarting sa UnderWorld?

Naglalakad na kami sa hallway para sa first subject namin ng harangin kami nila
Luke at Blaze. Mga Fort Level sila at pasaway pa rin hanggang ngayon. Hobby nila
ang mang bully ng mga estudyante.

"Alfiro mukhang bantay sarado ka sa girlfriend mo palagi ah!"

"Tara let's go.." yaya ni Oceane

"Tatalikuran mo kami?"

Nahawakan ako ni Luke sa robe ko. Halos naangat ako sa sahig ng 3 inches

"Nag iisa ka na lang kaya wala ka ng kakampi..."

"Kung dati, palagi nakasuporta sayo ang tatay at kuya mo ngayon mayayari ka na sa
amin.."

"Put him down!"

Napatingin ako kay Oceane. Hawak niya ang wand niya at nakatutok ito kay Luke.

"Gagamitin mo ba yang wand mo para saktan ako?"

Binitiwan ako ni Luke at hinarap si Oceane. Itinapat pa sa mukha niya ang dulo ng
wand ni Oceane.

"Sige nga, tingnan natin kung ano ang itinuro sayo ng mga magulang mo?"

"Gusto mo malaman?"

Nakangising tumango si Luke. Itinaas ni Oceane ang wand niya saka mabilis na
ibinaba. Napapikit si Luke sa pag aakalang maglalabas ng kapangyarihan ang wand.

Tumawa si Luke matapos malaman na walang ginawa si Oceane.

"Anong nakakatawa? Diba gusto mong malaman ang itinuro ng mga magulang ko?"

"Yan na ba ang itinuro sayo? Walang kwenta..."

Sabay na tumawa ang dalawang bully.

"Hindi noh! Eto ang itinuro ng Mama ko..."

Humawak sa magkabilang balikat ni Luke si Oceane, pagkatapos ay mabilis niyang


itinaas ang tuhod at tumama ito sa harapan ni Luke.

Mabilis itong napahiga sa sahig habang umuungol sa sakit. Natawa ako sa sa itsura
ni Luke habang namamaluktot na nakahiga sa sahig.

Itinutok naman ni Blaze ang wand niya kay Oceane.

"Papatulan kita, masyado kang maangas!"

Itinaas na ni Blaze ang wand niya pero napahinto itong ibaba ng maramdaman niya ang
wand ko sa loob ng tenga niya.

"Subukan mong saktan siya, tingnan lang natin kung hindi kaagad maubos ang utak mo
sa ilalagay ko sa loob ng tenga mo."

Nakita kong kumunot ang noo ni Blaze. Takot siya sa pwede kong gawin.

"What you guys doing here?"

Napalingon kaming lahat. Si Prof Malcus pala.

"Hindi ba kayo magsasalita?"

Napatingin siya kay Luke na nakagulong pa rin sa sahig.

"And you? What are you doing there?"

"Bastos kasi siya Prof Malcus."

Napatingin ako kay Oceane. Hindi man lang natakot nab aka magalit si Prof Malcus at
ipadala kami sa detention.

"I think Mr. Bluelif kailangan mong magpatingin sa clinic baka mangamoy ang bugok
na itlog.. Let's go.."

Napatawa kami ni Oceane sa sinabi ni Prof Malcus. Akala ko talaga mapapagalitan


kami.

Oceane's POV

After class pumunta ako sa enchanted garden ni Prof Wylun.

Bisitahin ko sina Mryt at Floral, mga flower fairy sila.

Pero hindi pa ako nakakapasok sa garden ng makita ko si Frost.

"Frost?"

Nakangiti siyang lumingon sa akin.

"Anong ginagawa mo dito?"

"Gusto ko kasi pumasok kaso ayaw nila ako papasukin.."

Nakacross arms sina Mryt at Floral.

"Nakita namin ang nangyari nun nakaraang araw, masama ka kaya hindi ka maari
pumasok dito."
"Tama!"

"Okey na kami.. nagkamali lang ako ng pagkakakilala sa kanya.."

"Magkaibigan na kami.. sinabi ko na yan sa inyo diba?"

"Hindi kami maniniwala hanggat di nanggagaling kay Oceane.."

"Totoo ba na magkaibigan kayo?"

Nakangiti akong tumango bilang pagsang ayon. Pansin kong hindi pa rin kumbinsido si
Floral.

"Floral, maniwala ka na, magkaibigan na kami ni Frost.."

Tinitigan ako ni Floral saka siya tumango. Ibig sabihin, pwede kaming pumasok sa
garden.

Habang naglalakad kami, hindi ako nagsasalita ganun din si Frost.

Though naiilang pa ako sa kanya, kailangan kong panindigan kina Myrt at Floral na
magkaibigan kami.

"You know what, this garden makes me feel relax and comfortable.."

"Me too!"

Napansin kong may dala siyang libro.

Medyo makapal ito at medyo nakatupi habang nakaipit sa bulsa niya.

Nakarating kami sa may bench. Naupo kami dun.

"Nabalitaan mo na siguro yung tungkol sa pagpatay sa unicorn."

"Hot issue yun ngayon..'

Tumawa siya sa sagot ko.

"Can I ask you something?"

Nakatitig siya sa akin. Isang pamilyar na mata ang nakikita ko, pero hindi ko
maalala.

"A-ano?"

"If you will give a chance to own the unicorn's blood, will you drink it?"

"Ha?"

Naalala ko ang sinabi ni Zaiden kanina.

"Kasi ang dugo ng isang unicorn ay kakaiba sa lahat ng hayop. Nagtataglay kasi ito
ng Elixir."

"Elixir, normal people call it Immortality o buhay na walang hanggan."

"No!"
"Bakit?"

"What's the point of being immortal if every people I love will die?"

Nakatitig na naman siya sa akin, tapos bahagya siyang napangiti.

"Bakit? Mali ba ang sagot ko?"

"It's your opinion and belief, walang mali dun.."

"Then why you are smiling?"

"I just remember something.."

"Pwede mo naman ikwento.."

"It's a long story.."

"I will listen.. mahaba pa naman ang oras.."

Ngumiti na naman siya, pagkatapos ay huminga ng malalim.

"Okey if you don't want to..."

"She's too special for me.."

'She? Meaning babae.. si Allysa ba?'

"She's my childhood best friend.. Palagi kami magkasama at sa sobrang close


naming, akala ng iba magkasintahan kami.."

"Hindi ba?"

Tumingin siya sa akin. Agad kong tinakpan ng kamay ko ang bibig ko sabay senyas ng
peace. Ngumiti siya.

"Hindi kami magkasintahan. Nalaman niya na may nililigawan ako, nagalit siya.. nag
away kami. Nasaktan ko siya ng sobra. Akala ko mawawala ang feelings ko sa kanya
kung itataboy ko siya.."

Habang nagkukwento siya, nakaramdam ako ng sobrang sakit. Kumirot ang puso ko,
hindi ko alam kung bakit.

"But when I realized that I can't hurt her anymore, she's inlove with someone
else.... Though masakit kasi dapat ako yung guy na yon, tinanggap ko kasi,
kasalanan ko naman eh.. ako ang nagtulak sa kanya para mapunta sa guy na yon.. then
strange thing happened the night of her birthday.. I.."

"Die.."

Lumingon siya sa akin.

"You're crying..."

Umiling ako. "Hindi ah!"

Gamit ang thumb niya, pinahid niya ang luha ko sa pisngi. Nagulat ako, umiiyak nga
ako. Pero bakit? Masyado ba akong nadala sa story niya?
"Mahamog na.. ihahatid na kita sa dorm nyo.."

Inalalayan niya akong tumayo. Hindi kami nagsalita o nag usap hanggang sa
makarating kami sa labas ng dorm ko.

"Good Night!"

Ngumiti ako. "Good Night, see you tomorrow!"

++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++

Author's Eklavu!

Guys xenxa na sa grammar at sa dami ng error, hahaha! kung pwede lang math na lang
para masmadali hehehe! Thanks sa patuloy na pagsuporta..luv yah all!!!

*******************************************
[5] Chapter 4: Frost Youngwhite's Identity
*******************************************
Frost POV

Sa terrace ng dorm namin ako tumambay mula ng makabalik ako dito. Naupo ako sa sofa
habang nakatanaw sa lawak ng school.

"Juice?"

Isang baso na may likidong kulay dilaw ang humarang sa tinitingnan ko. Nakangiti
kong nililingon si Allysa sabay kuha ng baso.

"I've been looking for you every where for an hour. Where have you been?"

Naupo ito sa tabi ko habang iniinom ang juice niya.

"Sa library.."

"You've been in the library for two hours? So boring!"

Natawa ako sa kanya. Ayaw na ayaw niya sa library, inaantok daw siya dun.

"And you borrowed this?"

Kinuha niya ang librong nakapatong sa lap ko. Binasa niya ang title ng libro.

"Spellcraft: A Wizard's Story.."

"I bought that at Old Heagens Book Store.."


"When?"

"The day you bought your coat remember?"

"So this is the dusty and smelly stuff I smelled that time..."

"Yeah!.. Don't worry, I already cleaned it."

Binuklat niya ng mabilis ang bawat pahina ng libro. Hindi ko alam kung nabasa ba
niya ang bawat letra dun sa sobrang bilis.

"Here!" inabot niya ang libro sa akin

"You want to read?"

"No! I have read that book when I was a kid."

"Really? So what's your opinion with the story?"

"It's too dramatic. I hate the guy for being so naïve."

Natawa ako sa sinabi niya.

"The story is so sad and unfair. I really hate that book. That was the first and
last story I've ever read."

"Why unfair?"

Hindi niya sinagot ang tanong ko, imbes nagtanong din siya.

"Why do you like that book?"

"I'm curious with the author."

"Why curious with the author not with the story?"

"Every word written in every page of the book comes from the heart."

Bahagya siyang natawa sa sinabi ko.

"it is like"

"Every scene in this story makes you feel you're one of the characters."

Hindi siya nakatingin sa akin ng sabihin nya yon.

"When they are happy, you feel happy, when they are sad, you feel sad. There are so
many emotions, over flowing with sadness and hatred. In the end you will realize
that world is unfair."

"Is the world unfair to you?"

"Yes!"

Seryoso siya kaya tumahimik ako.

"Unfair because I can't have you."


Kitang kita ko na umagos ang luha niya sa pisngi niya.

Hahawakan ko sana siya pero pinigilan ko ang sarili ko.

Sa tuwing hahawakan ko siya, iba ang iniisip niya, mas nasasaktan ko siya pag
ginagawa ko yon.

"Why don't you forget that bitch and choose me."

Hindi yon tanong kundi isang utos.

"I saved you from death; I risked my life for you to live. After all, what do I
got? Nothing! I'm not asking you Frost to love me... I'm begging you!"

Patuloy na sa pag agos ang luha niya. Hindi ko alam ang sasabihin ko dahil oras na
magsalita ako, masasaktan ko na naman siya.

"Forget her and choose me please!"

"Allysa, stop crying!"

Tumayo siya at mabilis na tumakbo papasok sa dorm. Nagi-guilty na naman ako.

Malaki ang utang na loob ko kay Allysa at sa Neverclaw Clan, pero unfair naman sa
aming dalawa kung lolokohin lang namin ang mga sarili namin.

'Hindi ko pa kayang iwan si Oceane, pinili kong maging si Frost Youngwhite dahil
kailangan pa niya ako, Ako bilang kaibigan niya at itinadhana bilang kanyang Soul
Guardian.'

Castor's POV

"Hindi ka na naman um-attend ng klase, absent ka na naman."

"May pinuntahan lang ako."

"Talaga? Saan?"

Natawa ako sa itsura niya. Para kasi siyang si Mama.

"Basta!"

"Hmp! Feeling ko may inililihim ka sa akin."

"At ano naman kaya ang inililihim ko sayo?"

Tumayo siya sa study table niya saka umikot sa akin, pagkatapos ay tinitigan ako at
inilapit ang mukha niya sa akin. Nararamdaman ko na nga ang hininga niya sa pisngi
ko.

Naamoy ko na rin ang scent ng dugo niya.

"Tigilan mo nga yang ginagawa mo baka ma..."

Tumayo ako naupo sa dulo ng kama niya.


"Ano?"

"Baka masaktan kita."

"Sasaktan mo ako?"

"Hindi! Pero sa tuwing lalapit ka sa akin ng ganun natatakot ako."

"So takot ka sa akin?"

"Hindi ako takot sayo, what I'm trying to say is I'm a vampire."

"And what?"

"Ang kulit mo talaga! Bampira ako at bigla kong gawin sayo ito..."

Hianawakan ko siya sa beywang niya sabay hapit papalapit sa akin.

Nakatitig lang siya sa akin. Masmalakas ko ng naririnig ang tibok ng puso niya.
Normal lang at walang kaba.

"Hindi ka ba natatakot?"

"Nararamdaman mo bang takot ako?"

"Kung ganito...."

Magkadikit na ang katawan namin.

Nakahawak lang siya sa dibdib ko, sinubukan kong mas ilapit pa ang mukha ko sa
kanya na halos 1 inch na lang ang layo ng mukha naming sa isat isa.

Normal pa rin ang tibok ng puso niya, at nakatitig pa rin siya sa akin.

"Hindi ka pa rin ba natatakot? With this position I can easily suck your neck
and...."

"Hindi ako natatakot."

Nakatitig lang din ako sa kanya. I can feel her warm breath, I smell her feminine
scent. I can kiss her but...

"Bakit hindi ka natatakot? Dati Makita mo pa lang ako takot na takot ka na.."

Halos pabulong ko ng sabi.

"Why? Because I know you can't hurt me."

Tama siya. Hindi ko siya kayang saktan. Binitiwan ko siya saka naupo sa bintana.

"See? I'm right.."

"Oo na! Magbasa ka na nga lang ulit."

Tumawa lang siya sabay inilabas ang dila. Nang aasar pa siya sa akin. Napangiti
naman ako.

'Parang bata talaga!'


Before eve of full moon, nakaramdam ako ng pagkagutom.

Kaya naman ng masiguro ko na mahimbing na si Oceane, mabilis akong emeskapo sa dorm


at naghunting ng pagkain ko.

Nang matapos masolusyunan ang gutom ko, tumayo ako. At nakahanda ng umalis.

"Hi!"

Pamilyar ang boses kaya kilala ko na kung sino. Tumingin lang ako sa kanya at hindi
nagsalita.

"Poor bear. Siya ang nagging hapunan mo."

Lumapit sa akin si Ashlyn Catlesnake habang inilalabas ang panyo sa kanyang bulsa.
Walang sabi sabing pinunasan niya ang bakas ng dugo sa may labi ko.

Ngumiti siya sa akin pagkatapos.

"Mas gwapo ka pala sa malapitan.."

Hindi ako ngumiti sa sinabi niya.

"Anong ginagawa mo dito sa gitna ng gabi?"

"Wala naman.. Let us say namamasyal kasi hindi ako makatulog."

Naglakad siya sa di kalayuan pagkatapos ay naupo.

"Tara upo tayo.."

Naupo naman ako sa tabi niya.

"You want to ask something?"

"No!"

Ngumiti siya.

"Dahil alam ko na ang lahat. Nakita ko."

Hindi ko nakita sa mga mata niya ang pagkagulat o pagtataka.

"Then ask me something.."

"I won't do it..'

"Why?"

"I know you will tell me.."

Bahagya siyang tumawa sa sinabi ko.

"You can read minds?"

"No! It's your action who tells me."


"I thought vampires can read minds!"

"Not the half vampire."

"Right!"

May kinapa siya sa bulsa niya saka kinuha iyon at ipinakita sa akin.

Yun ang boteng pinaglagyan niya ng dugo ng unicorn.

"Alam mo na siguro ang laman nito."

Bawat ikot niya sa bote, sumasabay ang kulay pulang nlikido sa loob nito

"Kung bakit at kung para saan, malalaman mo din. Not now, not tomorrow.. soon!"

Zaiden's POV

"S-sinong hinahanap mo?"

Napansin ko kasing kanina pa siya lumilingon. Breakfast nun at magkasama kami.

"H-ha? Wala.."

"Wala? Halos humaba na yang leeg mo.."

Padabog kong tinusok ng tinidor ang karne sa plato ko.

Nagseselos na naman ako. Bakit ba ang hirap hirap makuha ang pansin ni Oceane
ngayon?

"Saan ka na naman nanggaling?"

Tanong niya ng maupo sa tabi namin si Castor. Siya ba ang hinahanp ni Oceane?

"Bakit ganyan ka magtanong?"

Sagot naman ni Castor na tumingin pa siya sa akin.

Napansin ko naman kaagad na papalapit sa amin si Frost.

'Ano ba naman araw ito? Bakit kumpleto ang mga karibal ko?'

"Good Morning!"

"Hi!Good Morning!"

Hindi kami nagsalita ni Castor. Nakatitig si Castor kay Frost, tingin ko nagseselos
din siya.

"I just want to give you this.."

Isang maliit na manika ang iniabot ni frost kay Oceane.


"Wow! Thanks!"

"Frost.."

Nakatayo sa di kalayuan si Allysa. Masama ang tingin nit okay Oceane.

"See you later..'

'Ano daw? May plano pa siyang makipagkita kay Oceane mamaya.'

Ngumiti lang si Oceane, napansin din kasi niya na nakatitig sa kanya si Allysa.

After breakfast diretso kami sa room namin for whole day class.

"Bakit ganyan ka makatingin?"

"Wala.. naman.."

"Wala? Kulang na lang saksakin mo ako eh."

"OA ka masyado Oceane.. alam mong di ko kayang gawin yan sayo."

"Bakit nga?"

Nagbubulungan kami ni Oceane habang abala ang iba namin kaklase sa pag gawa ng
potion.

"Nagseselos ako.."

Nakita kong tumawa siya sa sinabi ko.

"I'm serious.. ang hirap makuha ng atensyon mo ngayon.. sobrang nasasaktan na


ako.."

Tumigil siya sa pagtawa. Pagkatapos ay tumayo ako at lumapit kay Prof Malcus.

"Sir, will you please excuse me I'm not feeling well.."

"Ok just go to the clinic.."

Hindi na ako lumingon pa kay Oceane, diretso akong lumabas ng silid.

Tumatakbo akong bumalik sa dorm. Inihagis ko ang gamit ko sa kama.

Kinuha ko sa cabinet ang broomstick ko at lumipad ako palabas ng Academy.

Habang nasa ere, nakatigil lang ako sa itaas ng malawak na lawa.

Sabi nila, mahiwaga ang lawang ito.

Dito daw makikita ang tinatawag na Brook Horse. Kelpies describes shape- shifting
horses. Makikita sila tuwing maulap ang panahon, at sinasabi na kung sino man ang
sumakay sa likod nito ay hindi na makaalis pa.The horse would than jump into the
river drowning the driver.

At kaya ako nandito dahil gusto ko siyang makita, gusto kong malunod. Sobrang
naiinis ako.
Sa sobrang tagal ko palang nasa ere, hindi ko namalayan na palubog na pala ang
araw.

Habang papasok ako sa Academy at diretso sa kuarto ko, dadaan ako sa bintana,
nakita si Oceane sa may fountain.

Tumingin ako sa malaking orasan sa Main building, pasado alas syete na ng gabi.
Maliwanag ang buwan kaya naman nakita ko siya kaagad.

'Anong ginagawa niya dun?'

Mabilis kong pinalipad pababa ang broomstick ko at bumaba ako sa harapan niya.

"Gabi na."

Naupo ako sa tabi niya. Hindi siya nagsasalita. Hindi rin siya tumingin sa akin.

"Hey!"

Ilang sandali pa ay nawala ang imahe ni Oceane sa tabi ko.

Mabilis akong tumayo at lumayo ng bahagya sa bench. Inilabas ko ang wand ko.

'Illusion spell!'

Isang anino ang nakita ko mula sa likod ng fountain.

"Show yourself.."

Inihanda ko na ang wand ko. Isang pamilyar na amoy ang kumalat sa paligid.

"Kamusta ka na Zaiden?"

Natutula ako san g makita ko kung sino ang aninong yon.

"K-kuya Justin?"

Habang papalapit si Kuya sa akin, dahan dahan naman akong humahakbang palayo.

"Nagulat ka ba?"

Hindi ako nagsalita.

"Sorry kung biniro kita, hindi ka na nasanay sa akin."

Naupo ito sa bench. Nag stretch pa ng katawan saka ngumiti sa akin.

"Ano ka ba? Natatakot ka ba sa akin?"

"Ang----- diba------ paanong-----"

Hindi ako makapagsalita ng maayos. Gusto ko sanang sabihin na, patay na siya.

"I'm alive Zaiden.."

Kumaway pa siya sa akin.

"I owe you an explanation bro. So if you could just listen and let me tell you
everything, hindi na ganyan ang magiging reaksyon mo."

Hindi pa rin ako nagsasalita. Hinayaan ko lang siyang magpaliwanag. Masyado akong
naguguluhan at nagulat.

"Dad didn't kill me. It was a part of his plan."

"A-ano?"

"The night you saw Daddy trying to kill me is just an illusion. He wants you to
think that he's evil."

"H-hindi ikaw ang kuya ko.."

"Ofcourse ako ang kuya mo, don't be so stupid Zaiden.."

Umiiling lang ako. Hindi talaga ako makapaniwala.

"May misyon ako kaya nawala ako. Kaya inisip mo na pinatay ako ni Daddy. Isang
mahalagang bagay na alam kong magugulat ka pag nalaman mo."

"Anong misyon?"

"Sa ngayon hindi mo pa dapat malaman. Ayokong mapahamak ka.."

"Bakit ako mapapahamak? Kanino?"

"Just trust me Zaiden.. basta kailanganin mo ako.."

May kinuha siya sa bulsa niya. Isa iyong salamin na bilog. Halos kasing laki ito ng
takip ng mga delata.

"Zaiden, alam mo naman kung ano ito diba?"

Tinitigan kong mabuti ang salamin na hawak niya. Hindi ko na napigilan ang sarili
ko na kunin sa kanya ang salamin.

"I---ito yung..."

"Tama!"

Isang kakaibang ingay ang narinig ko. NApalingon kami ni Kuya sa buong paligid.

"Anong nangyayari?"

"Kailangan ko ng umalis.. ingatan mo yan ha!"

Mabilis na tumakbo si Kuya pagkatapos ay sumakay sa broomstick niya.

Nakita ko pa ang anim na di kilalang wizard ang nakasakay din sa broomstick.

Hinabol ko pa sila ng tingin habang parang may hinahanap sa paligid.

Itinago ko ang salamin sa aking bulsa at mabilis akong tumakbo papasok sa Dorm.

Napadaan ako sa room si Oceane,

'Siguro kailangan ko muna layuan ka... sobra na akong nasasaktan.'


Sandali lang ako huminto at dumiretso na ako sa aking silid.

Oceane's POV

Hating gabi na pero hindi pa rin ako makatulog.

Ewan ko ba, naiinis ako sa sarili ko kasi bakit sobrang affected ako sa pagtatampo
ni Zaiden sa akin? Naiinis talaga ako.. naupo na lang ako sa study table at saka
walang ganang binuklat ang libro na binigay ni Castor.

Wala siya ngayon. Masyado na siyang abala nitong mga nakaraang araw.

Halos hindi na nga kami nagkakasama ng matagal.

Habang isa isa kong binubuklat ang pahina ng libro. May isang pahina na nakuha ang
aking atensyon.

"Ito ang...."

Binasa ko ang pahina ng librong yon.

Kinabukasan maaga akong umalis sa dorm at bumisita sa library ni Prof Corvan.

Gusto kong mahanap ang librong yon.

Zaiden POV

Hindi ko nakikita si Oceane mula pa kaninang umaga. Kahit naman gusto ko siyang
layuan, hindi ko naman kaya na hindi siya nakikita.

"Ha? Hindi ko siya nakita.." si Tim

"Nag aalala kasi ako, kaninang umaga ko pa siya hinahanap. Hindi rin pumasok sa
klase."

"Baka may ginawa ka, tapos nagtatampo."

"Wala naman akong ginagawa sa kanya.."

"Ganito pare.."

Inakbayan pa ako ni Tim.

"Wag mo na siya masyadong isipin. Kasi ligtas naman siya dito."

"Alam mong hindi totoo yan Tim.."

"Kasi naman, baka asa dorm pa yun.. o kaya naman kasama nun bampira."

Hindi na ako nagsalita pa.


Lumipas pa ang ilang oras. Hindi ko pa rin nakikita si Oceane.

Naupo ako sa may fountain, tambayan kasi nya yun pagkakatapos ng maghapon ng
klase.

Hindi pa rin ako mapakali. Malapit na lumubog ang araw.

Habang naglalakad lakad ako sa buong Academy at hinahanap siya.

"Problema?"

Napalingon ako kay Castor.

"Hindi mo ba kasama si Oceane?"

Hindi sumagot si Castor. Iisa lang ang ibig sabihin nun, hindi pa sila nagkikita.

"Maghapon ko na siyang hinahanap, hindi siya umattend ng klase, hidni rin kumain.."

Mabilis na umalis lang si Castor. Malamang maghahanap na yun kay Oceane. Nilibot ko
na rin ang buong paligid ng Academy.

"Anong ginagawa ng isang Alfiro dito sa building natin?"

"Allysa.."

"Wag mong sabihin na may pinupuntahan ka dito?"

Nakatingin sa akin ang ibang level ng Section Wind Eagle.

Nag baka sakali na rin ako sa ibang Section's Building.

Napansin ko kaagad si Frost sa di kalayuan. Papalapit pa lang ito sa amin. Mabilis


ko siyang nilapitan.

"Can we talk?"

"Sure!"

Lumayo kami sa iba pang level na nandun para lang makiusyoso.

Napansin ko ang pagtataka sa mukha ni Frost.

"Asan siya?" bulong ko

"Sino?"

"Alam mo ba kung asan si Oceane?"

"Nawawala ba siya?"

"Don't be so stupid Frost! Hahanapin ko ba siya kung hindi siya nawawala?"

"Bakit sinong nawawala?"

Lumapit na sa amin si Allysa na kanina pa gusting makialam sa usapan namin

"Sige salamat!"
Mabilis na akong umalis. Ayokong malaman pa ni Allysa ang nangyayari.

Kahit magkakabata kami, hidi kami ganun kaclose ni Allysa.

Narinig ko na ang pagtunog ng malaking orasan sa main building.

Pabalik na ulit ako sa building namin ng makasalubong ko si Prof Corvan sa labas ng


pintuan ng library.

"Mr. Alfiro.."

"Magandang gabi po Professor Corvan.."

"Maari mo ba akong tulungan sandali?"

Natatandaan nyo ba si Prof Corvan? Siya yung History Prof naming nun first level pa
lang kami.

Siya yung maliit naming na Prof na kahawig ng matandang wizard logo ng EK sa


Laguna.

"Ahm....kasi po..."

Gusto ko sana sabihin na busy pa ako, maghanap na lang siya ng ibang makakatulong
sa kanya.

Binuksan na nito ang pinto ng library, naglakad kami papasok sa loob habang abala
siya sa paghawak sa lampara.

"Ano po bang gagawin nyo dito Prof?"

"Nakalimutan ko lang yung isang aklat ko, kailangan ko siya makuha.. maari mo bang
kunin para sa akin?"

"Saan po ba?"

Naglakad kami ng naglakad paikot sa mataas at malawak na library.

"Sandali lang ha! Hindi ko matandaan kung saan ko ba naiwan.."

Sobrang naiinis na ako, masyado ng naaksaya ang oras ko. Baka mamaya napahamak na
si Oceane.

"Nakita nyo nap o ba?"

"Nagmamadali ka ba Mr. Alfiro?"

Hindi naman siya galit habang nagtatanong.

"Hindi naman po masyado.."

Naglakad pa kami ng ilang minute pa.

"Ah! Eto na.. dito dito Mr. Alfiro.."

Umakyat ako sa hagdan. Ilang patong pa ng shelves ang nilagpasan ko bago ko nakuha
ang librong ipinaaabot ni Prof.

"Ito po ba?"
Itinaas ko pa ang kamay ko habang hawak ko ang libro.

"OO yan nga.. yan nga..."

Dahan dahan akong bumaba ng hagdan. Mabilis kong iniabot kay Prof ang libro.

"Alis na po ako Prof, nagmamadali po ako.."

"Sige sige! Salamat sayo Mr. Alfiro!"

Mabilis kong nilakad ang pintuan ng marinig kong ang boses ni Prof.

"In Merlin's Hand!!!"

Sahil sa sigaw ni Prof Corvan, mabilis na naman akong bumalik sa mga shelves.

Pero dahil nga hindi ganun kaliwanag sa loob, hindi ko siya nakita kaagad. Isa pa,
wala ng ilaw ang dala niyang lampara.

"Prof Corvan?"

"Andito ako Mr. Alfiro!"

Nang marinig ko boses niya agad ko na siyang pinuntahan.

Nakita kong naluhod siya sa sahig habang maingat na hawak nito sa kanyang braso ang
ulo ng isang babae.

"A-ano pong nangyari?"

"Tulungan mo ako..."

Nang masinagan ng lampara ang mukha ng babaeng hawak ni Prof, dun ko lang napansin
na si Oceane pala yon.

Agad ko siyang binuhat papunta sa clinic.

Though malayo ang clinic sa Library, mabilis ko siyang naitakbo dun.

Pagpasok naming ni prof sa clinic, nagkamakamalay na si Oceane.

Dahan dahan ko siyang ibinaba sa kama.

"Kamusta ka Hija?"

Nag- aalala naman na natanong ni Prof.

"Ayos lang po ako."

"A-anong nangyari sayo?"

"Wala naman..."

"Heto inumin mo.."

Habang iniinom ang gamot, hindi inaalis ni Oceane ang tingin niya sa akin.

Hindi ko maintidihan, nag iba ang pakiramdam ko ng mga sandaling yon.


"How do you feel now Hija?"

"I feel good Prof.."

"Okey! So Mr. Alfiro, hindi ba't nagmamadali ka kanina? Maari ka na sigurong


umalis.."

Feeling ko masyadong sarcastic ang sinabing yon ni Prof. Ipinagtatabuyan nya talaga
ako.

"Hindi na Prof.. "

"Are you sure?"

"Yes."

Ilang sandali lang ay naglakad na kami pabalik sa dorm.

Hindi ako kinakausap o tinitingnan man lang ni Oceane.

Hanggang sa makarating kami sa tapat ng silid niya. Hinawakan na niya ang door knob
ng magsalita ako.

"I'm sorry!"

Hindi siya lumingon pero, hindi rin siya nagsalita.

"Galit ka ba sa akin?"

Lumingon siya habang nakangiti.

"Ofcourse not! Sige, papasok na ako good night."

Agad niyang binuksan ang pinto at pumasok siya sa loob. Habang naglalakad ako
pabalik sa silid ko, napaisip ako.

'There's something wrong with her.. parang may kakaiba sa kilos nya.'

OCeane's POV

Ibang klase talaga ang naramdaman ko kanina, sobrang lakas na kapangyarihan ang
bumalot sa buo kong katawan. Nahimatay ako dahil nabigla ang katawan ko sa
intensity nun.

Naupo ako sa study table habang hawak ko ang isang pahina ng libro na pinunit ko.

"Hey! Anong nangyari sayo?"

Nagulat pa ako ng magsalita si Castor mula sa likod ko.

Hindi namalayan ang pagpasok niya sa silid ko.

Nakita ko sa mukha niya ang sobrang pag aalala, kagaya ng nakita ko sa mukha ni
Zaiden kanina.
"Asa library lang ako.."

Palihim kong itinago sa bulsa ko ang pahina ng libro. Nakatitig sa akin si castor.

"Nag alala ako sayo, akala ko kung napano ka na.."

Hindi ko naiwasang mapangiti sa sinabi niya. Dahil sa itsura ko, napakunot na siya
ng noo.

"Wag mo nga bigyan ng malisya ang sinabi ko..."

Napansin kong umiwas siya ng tingin sa akin sabay naupo sa bintana.

"Wala naman akong sinasabi ah!"

"Alam ko na yang mga ngiting ganyan.."

Nilapitan ko siya. Pagkatapos ay hinawakan ko ang kamay niya.

"Gusto mo bang maging normal na wizard ulit?"

Matagal siya bago nakasagot, tinitigan niya muna ako.

"Oo naman."

Inalis ko ang pagkakahawak ko sa kamay niya saka ako bahagyang tumingkayad para
mahalikan ko siya sa labi.

Nagkamali ako sa iniisip ko kung ano ang magiging reaksyon niya.

Imbes na umiwas siya gaya ng dati. Hinayaan nya lang na mahalikan ko siya.

"What's in you?"

"Wala bakit?"

"Wala.. wag mo na uulitin yon ok?"

"I can't promise that!" sabi ko sabay kindat sa kanya

"Ikaw talaga.. mamaya may makakita sa atin dito..."

"Yes boss!" sabi ko sabay saludo

Hating gabi na. Nakahiga sa sanga ng puno malapit sa bintana ng silid ko si Castor,
habang ako naman ay hindi dinadalaw ng antok.

Kinuha ko sa bulsa ko ang papel atsaka binasa ito ng tahimik

TOK TOK

TOK TOK

TOK TOK

Alam ko na kung sino ang kumakatok. Si Zaiden Alfiro.

Mabuti na lang at maaga akong nakapagbihis.


"Tara na?"

Ngumiti lang ako habang isinasara ko ang pinto.

Napansin kong nakatingin sa akin ang ibang estudyante habang naglalakad kami
papunta sa dining area.

"Anong meron?"

"Ha?"

"Bakit nakatingin silang lahat sa akin?"

Tumigil sa paglalakad si Zaiden. Hindi ko yon napansin kaya naman, nabangga ako sa
dibdib niya.

"Aray!"

"Sorry! Sorry! Nasaktan ka ba?"

Hinimas niya ng daliri niya ang noo ko.

"Hindi ko napansin na tumigil ka.."

"Sorry!"

Hindi ako nagsalita. Sumimangot lang siya sa akin. Napansin kong napangiti siya.

"Para saan ang ngiting yan?"

"for you syempre.."

Hindi na ako nagsalita pa. Ewan ko ba, simpleng bola lang yon pero tumalon na ang
puso ko.

Magkatabi kami sa dining area.

Abala siya sa paglalagay ng pagkain sa plato ko.

Hindi sinasadyang napalingon ako sa table ng Section Wind Eagle.

Napansin kong kumaway si Frost habang nakatitig sa akin.

Napansin ko din na nakatitig sa akin si Allysa. Parang kakain ng tao.

"Oceane, anong nangyari sayo sa library kahapon?"

"Ha?"

Kunwari kong tanong. Ang totoo ayaw kong pag usapan ang nangyari.

"Wala kang malay ng makita ka namin ni Prof Corvan.."

"Over fatigue siguro."

"I don't believe you.."

"Magtatanong ka tapos di ka maniniwala."


"Okey, naniniwala na ako.. next time magsasabi ka kung saan ka pupunta okey?"

Hinarap ko siya. Tiningnan ko siya ng diretso sa mata.

"Alam mo Zaiden, alam kong nagmamalasakit ka sa akin.. but you know, you're over
protective."

"Tingin mo?"

"yeah! We're friends right? So tingin ko masyado mo akong pinoprotektahan.."

"You know the reason why I do this.."

Nakaramdam ako ng guilty. Ewan ko ba, nakakainis na nga.

Sino ba kasi sa buhay ko itong Zaiden Alfiro na ito?

"Anong meron?"

"Its just nothing.."

"Alfiro mag usap tayo mamaya, may mahalaga akong sasabihin sayo.."

"Sige!"

"Anong pag uusapan nyo?"

"Boys business..."

Tumaas lang ang kilay ko. Ano kayang pag uusapan ng dalawang ito?

Castor's POV

"Anong problema?"

"Alam ko na kung sino talaga si Frost Youngwhite!"

Hindi siya kumibo. Natahimik siya.

"Sino siya?"

Napansin kong bahagyang gumalaw ang kanyang panga.

"He's Jacob."

He closed his fist. Tumingin siya sa malayo.

"He's in danger.."

"So what?"

"We need to help him.."

"Do we really have to?"


"Siya ang Soul Guardian ng Infinity..."

Hindi siya nagsalita. Obvious naman nun pa na nagseselos talaga siya kay Jacob aka
Frost.

"Well with that face hindi ka interesado iligtas ang Soul Guardian.."

Mas prefer ko na lang sabihin na soul guardian kesa naman Jacob o Frost.

Walang sabi na umalis na lang ang Alfiro na yon.

NAiwan ako mag isa dun. Bahagya akong napailing. Bitter pa rin siya.

"NAkangiti mag isa? Masama na yan."

Napalingon ako. Si Ashlyn, nakasandal sa puno di kalayuan sa pwesto ko.

Hindi ako nagsalita. Lumapit siya sa akin.

"You're too serious.."

Hindi ako kumibo. Tiningnan ko lang siya.

Ewan ko ba kung bakit hindi ko magawang makipagplastikan sa babaeng ito. Dahil


siguro sa kaaway ko siya o dahil may gusto akong iba?

"Try mo kaya ngumiti.. mas gwapo ka pag nakangiti ka!"

"Wala kang klase?"

"Meron.. nakita ko kasi kausap mo siya so I'm curious!"

"With what?"

"Busy ka ba?"

Bago pa ako nakasagot mabilis na niya hinawakan ang kamay ko at hinila ako habang
mabilis kaming tumatakbo.

Hinayaan ko lang na hilahin niya ako at tumakbo kung saan niya gusto.

Hindi ko na nga napansin na malapit na kami sa gitna ng gubat. Unfamiliar na gubat


ang pinasok naming.

Tingin ko malapit na ito sa portal sa kabilang mundo, ang mundo ng mga normal.

"Dito tago tayo.."

Sa isang mataas at madahon na halaman kami naupo para magtago. Nakita namin ang
isang babae.

Matangkad ito at kulay blue ang kulay ng katawan nya.

"Ano yang mga yan?"

Ngumiti muna siya bago sumagot.

"Ciguapa!"
"Ano?"

"Ciguapa!"

"Ano sila?"

Tumawa siya ng bahagya.

"I thought nakatawid ka na sa portal.. bakit wala ka yata alam about normal
people?"

Hindi ako nagsalita.

"A harbinger of death. Yan ang tawag sa kanila ng mga normal."

'Kaya ba sila malapit sa portal, para masmadali sa kanila na makatawid sa kabilang


mundo?'

Mula sa aming pinagtataguan, kitang kita namin ang ginagawa nila. Labas pasok sila
sa portal.

"Sila yung tinatawag ng mga tao na angel of death or what they called it, ahm? A
hooded man with sickle on his hand.."

"Ang dami mong alam tungkol sa mga tao.."

Ngumiti lang siya.

"Ewan ko ba kung bakit natatakot sa kanila ang tao pag nakikita sila... they looked
beautiful."

'Bulag ka ba? Ganyan ang maganda sayo?'

"Masyado kang tahimik..."

Ngumiti siya ng pilyo.

"Don't tell me natatakot ka rin sa kanila.."

"Wala akong kinakatakutan...."

'Ang kinatatakutan ko lang ay ang ireject ako ni Oceane..'

Hinawakan na naman niya ang kamay ko saka ako muling hinila papalayo sa lugar na
yon.

Tama kayo. Nag cutting classes ako ngayon just to be with this girl.

Zaiden's POV

"Something's wrong?"

Nagulat pa ako ng magsalita si Oceane. Nakalimutan kong nasa tabi ko pala siya.
"Ha?Wala naman bakit?"

"Masyado kang tahimik."

"May iniisip lang ako, sorry!"

"You know what, lagi kang nagso-sorry."

Napatingin ako sa kanya.

"I'm trying to say is, masyado ng gasgas ang sorry.

Kailangan ba na palagi mo yang sinasabi kahit hindi naman valid?"

"I mean it.. kaya ko siya sinasabi."

Natawa lang siya ng bahagya sa sinabi ko.

"So anong nangyayari sayo?"

Seryoso na ang boses niya kaya naman napalingon ako sa kanya.

"Wala naman.. may iniisip lang ako."

"Like what?"

'Ang kulit mo talaga!'

"Hey sabihin mo na.."

Tinitigan ko siya. Hindi ako sigurado kung kayak o bang itanong talaga sa kanya
ito.

"I'm waiting Mr. Alfiro.."

Bago pa ako nakapag salita. Mula sa likod ni Oceane kitang kita ko na papalapit sa
amin si Frost.

Hindi na ako nakapagsalita pa.

"Hi!"

"Ikaw pala.."

"Anong ginagawa nyo dito?"

Mas lalo na akong na OP sa dalawang ito.

Gusto ko sana emeksan 'hey andito pa ako..' kaso nawalan na ako ng gana.

That night, mas ginusto kong umuwi sa bahay.

Dahil Friday night na, wala na kaming klase kinabukasan.

Walang pasabi akong umuwi. Hindi ako sigurado kung hahanapin nya ako.

Tulad ng inaasahan ko, walang ibang tao sa bahay maliban sa kaibigan kong Brownies
na siyang naglilinis ng bahay ko araw araw.
Wala siya ng dumating ako, malinis ang paligid, siguradong babalik yun mamaya para
kunin ang buns na ipinangako ko.

Pumasok ako sa office room ni Dad. Namimiss ko silang lahat.

NAupo ako sa paborito niyang upuan at tumingin sa paligid.

Kahit masama si Dad, di pa ako masyado sigurado kung masama talaga siya dahil sa
nalaman ko, nagging Masaya naman kaming tatlo kahit wala si Mommy.

Inilapat ko ang nook o sa table ni Dad. Nakakaramdam na ako ng lungkot ngayon.


Nararamdaman ko na na mag-isa lang ako.

Isang kaluskos mula sa may bintana ang nagpabalikwas sa akin.

Agad kong kinuha sa bulsa ko ang wand ko at dahan dahan akong lumapit sa bintana.

Bukas pala ang bintana, ngayon ko lang napansin.

Sumilip ako sa paligid, wala naman tao.

'Hangin lang siguro..'

Isasara ko n asana ang bintana ng isang malakas na baga ang tumama sa tiyan ko.

Natumba ako sa sahig. Nagulat ako ng Makita ko si Kuya sa ibabaw ko

"Kuya???"

Mabilis siyang tumayo at nagtago sa sa gilid ng bintana.

"Isara mo ang bintana.."

Walang tanong tanong kong sinunod ang sinabi ni Kuya.

"Hilahin mo ang librong kulay asul sa shelf ni Dad.."

Lumapit ako sa shelf pagkatapos ay hinanap ko ang asul na libro.

Hinila ko iyon at nagulat pa ako ng biglang gumalaw ang larawan nina Dad at Mommy
sa dulong bahagi ng silid. Malaki ang larawan iyon.

Isang pintuan ang nakita ko sa likod ng larawan. Napatingin ako kay Kuya.

Dahil hindi ko binuksan ang ilaw sa silid na iyon, tanging liwanag ng buwan ang
nagsisilbing ilaw nito.

"Cantenum Imperious!"

Bumukas ang pintuan at mabilis akong hinila ni Kuya papasok sa loob.

Pagpasok namin ay mabilis na sumara ang pintuan. Isang hagdan ang napansin ko
pababa. Gamit ang wand ko, gumawa ako ng liwanag para Makita namin ni Kuya ang
loob.

"Ako na!"

Pinatago ni Kuya ang wand ko at sumenyas sa akin.


"Luminus!"

Sa isang iglap, lumiwanag ang buong paligid. Kitang kita ko ang maayos ngunit
kakaibang silid na yon. Hindi ko alam na may sikretong silid sa office ni Dad.

"Kung papaya ka, dito muna ako magtatago.. para makasama kita."

"Bahay mo rin ito Kuya, syempre papayag ako."

"Maupo ka muna dito..'

Medyo marumi na ang sofa. Pinagpagan ko ito saka ako naupo. Napansin kong nakatitig
sa akin si Kuya.

"Bakit?"

"May iniisip ka ba? Malungkot ang aura mo.."

"Wala ito Kuya.."

"Any way Zaiden, alam kong nagtataka ka kung paano nagkaroon ng sikretong silid si
Dad, at paano ko ito nalaman.."

Tumango lang ako.

"As I have told you before, lahat ay nakaplano.. masyado na siyang sinasakal ni
Baragor kaya palihim na nagtaksil si Dad. Pareho tayong ginamit ni Dad para
mailigtas sa kamay ni Baragor."

Hindi ako nagsalita. Masakit pakinggan ang salitang ginamit.

"Ikaw para mapalapit sa Infinity at ako para mabuhay tulungan ka."

Medyo magulo ang sinasabi ni Kuya pero hindi ako nagtanong.

"Alam ni Dad na mangyayari ang lahat ng nangyari sa atin, ang pagkamatay niya
lahat! Matagal na niyang alam na wala ng pag asa pang ibalik ni Baragor si Mommy.
Dun siya nagsimulang gumawa ng plano para mailigtas tayo."

"Kung alam niya, bakit gumawa siya ng planong mali? Bakit kailangan niyang gamitin
tayo at bakit kailangan niyang magpakamatay?"

"Dahil nga saw ala ng plano pa si Baragor na ibalik si atin si Mommy, palihim
siyang nakikipag ugnayan sa mga tao."

"What? Tumawid siya sa kabilang mundo?"

"May mga normal na tao na kayang makakita ng mga bagay na nakikita natin. They
called it Third Eye. Dun siya nakipag ugnayan. Nalaman niyang mag- aaral sa Academy
ang Infinity, kaya dun ka rin nag- aral.."

"Dun ako nag aral kasi dun ka nagtapos.."

Umiling si Kuya. Nakaramdam ako ng kaba ng magpatuloy siya.

"Hindi mo ba natatandaan nun bata ka pa, may isang larawan kang iginuguhit?"

Napaisip ako. Tama! Mahilig akong magdrawing ng kung ano anong bagay o tao o hayop
na papasok sa utak ko.
Pero lahat naman ng drawing ko ay nawawala na lang kaya nawalan na rin ako ng gana
magdrawing muli.

Naglakad sa isang shelf si Kuya. Isang kahon ang kinuha niya mula dun. Mukhang luma
na ang kahon. Binuksan niya ito.

"Wala naman.. may iniisip lang ako."

"Like what?"

'Ang kulit mo talaga!'

"Hey sabihin mo na.."

Tinitigan ko siya. Hindi ako sigurado kung kayak o bang itanong talaga sa kanya
ito.

"I'm waiting Mr. Alfiro.."

Bago pa ako nakapag salita. Mula sa likod ni Oceane kitang kita ko na papalapit sa
amin si Frost.

Hindi na ako nakapagsalita pa.

"Hi!"

"Ikaw pala.."

"Anong ginagawa nyo dito?"

Mas lalo na akong na OP sa dalawang ito.

Gusto ko sana emeksan 'hey andito pa ako..' kaso nawalan na ako ng gana.

That night, mas ginusto kong umuwi sa bahay.

Dahil Friday night na, wala na kaming klase kinabukasan.

Walang pasabi akong umuwi. Hindi ako sigurado kung hahanapin nya ako.

Tulad ng inaasahan ko, walang ibang tao sa bahay maliban sa kaibigan kong Brownies
na siyang naglilinis ng bahay ko araw araw.

Wala siya ng dumating ako, malinis ang paligid, siguradong babalik yun mamaya para
kunin ang buns na ipinangako ko.

Pumasok ako sa office room ni Dad. Namimiss ko silang lahat. NAupo ako sa paborito
niyang upuan at tumingin sa paligid.

Kahit masama si Dad, di pa ako masyado sigurado kung masama talaga siya dahil sa
nalaman ko, naging Masaya naman kaming tatlo kahit wala si Mommy.

Inilapat ko ang nook o sa table ni Dad. Nakakaramdam na ako ng lungkot ngayon.


Nararamdaman ko na na mag-isa lang ako.

Isang kaluskos mula sa may bintana ang nagpabalikwas sa akin.

Agad kong kinuha sa bulsa ko ang wand ko at dahan dahan akong lumapit sa bintana.
Bukas pala ang bintana, ngayon ko lang napansin. Sumilip ako sa paligid, wala naman
tao.

'Hangin lang siguro..'

Isasara ko n asana ang bintana ng isang malakas na baga ang tumama sa tiyan ko.
Natumba ako sa sahig. Nagulat ako ng Makita ko si Kuya sa ibabaw ko

"Kuya???"

Mabilis siyang tumayo at nagtago sa sa gilid ng bintana.

"Isara mo ang bintana.."

Walang tanong tanong kong sinunod ang sinabi ni Kuya.

"Hilahin mo ang librong kulay asul sa shelf ni Dad.."

Lumapit ako sa shelf pagkatapos ay hinanap ko ang asul na libro.

Hinila ko iyon at nagulat pa ako ng biglang gumalaw ang larawan nina Dad at Mommy
sa dulong bahagi ng silid. Malaki ang larawan iyon.

Isang pintuan ang nakita ko sa likod ng larawan. Napatingin ako kay Kuya.

Dahil hindi ko binuksan ang ilaw sa silid na iyon, tanging liwanag ng buwan ang
nagsisilbing ilaw nito.

"Cantenum Imperious!"

Bumukas ang pintuan at mabilis akong hinila ni Kuya papasok sa loob.

Pagpasok namin ay mabilis na sumara ang pintuan.

Isang hagdan ang napansin ko pababa. Gamit ang wand ko, gumawa ako ng liwanag para
Makita namin ni Kuya ang loob.

"Ako na!"

Pinatago ni Kuya ang wand ko at sumenyas sa akin.

"Luminus!"

Sa isang iglap, lumiwanag ang buong paligid. Kitang kita ko ang maayos ngunit
kakaibang silid na yon. Hindi ko alam na may sikretong silid sa office ni Dad.

"Kung papaya ka, dito muna ako magtatago.. para makasama kita."

"Bahay mo rin ito Kuya, syempre papayag ako."

"Maupo ka muna dito..'

Medyo marumi na ang sofa. Pinagpagan ko ito saka ako naupo. Napansin kong nakatitig
sa akin si Kuya.

"Bakit?"

"May iniisip ka ba? Malungkot ang aura mo.."


"Wala ito Kuya.."

"Any way Zaiden, alam kong nagtataka ka kung paano nagkaroon ng sikretong silid si
Dad, at paano ko ito nalaman.."

Tumango lang ako.

"As I have told you before, lahat ay nakaplano.. masyado na siyang sinasakal ni
Baragor kaya palihim na nagtaksil si Dad. Pareho tayong ginamit ni Dad para
mailigtas sa kamay ni Baragor."

Hindi ako nagsalita. Masakit pakinggan ang salitang ginamit.

"Ikaw para mapalapit sa Infinity at ako para mabuhay tulungan ka."

Medyo magulo ang sinasabi ni Kuya pero hindi ako nagtanong.

"Alam ni Dad na mangyayari ang lahat ng nangyari sa atin, ang pagkamatay niya
lahat! Matagal na niyang alam na wala ng pag asa pang ibalik ni Baragor si Mommy.
Dun siya nagsimulang gumawa ng plano para mailigtas tayo."

"Kung alam niya, bakit gumawa siya ng planong mali? Bakit kailangan niyang gamitin
tayo at bakit kailangan niyang magpakamatay?"

"Dahil nga saw ala ng plano pa si Baragor na ibalik si atin si Mommy, palihim
siyang nakikipag ugnayan sa mga tao."

"What? Tumawid siya sa kabilang mundo?"

"May mga normal na tao na kayang makakita ng mga bagay na nakikita natin. They
called it Third Eye. Dun siya nakipag ugnayan. Nalaman niyang mag- aaral sa Academy
ang Infinity, kaya dun ka rin nag- aral.."

"Dun ako nag aral kasi dun ka nagtapos.."

Umiling si Kuya. Nakaramdam ako ng kaba ng magpatuloy siya.

"Hindi mo ba natatandaan nun bata ka pa, may isang larawan kang iginuguhit?"

Napaisip ako. Tama! Mahilig akong magdrawing ng kung ano anong bagay o tao o hayop
na papasok sa utak ko.

Pero lahat naman ng drawing ko ay nawawala na lang kaya nawalan na rin ako ng gana
magdrawing muli.

Naglakad sa isang shelf si Kuya. Isang kahon ang kinuha niya mula dun. Mukhang luma
na ang kahon. Binuksan niya ito.

"Gusto mo makita ang loob?"

*******************************************
[6] Chapter 5: The Truth
*******************************************
Zaiden's POV

Nagulat ako ng makita ko ang mga lumang papel sa loob ng kahon.


Lahat yon ay mga iginuhit ko nun bata pa ako.

"Ang akala ko.."

"Itinatago yan ni Dad.. tingnan mo ang lahat ng naiguhit mo."

Napansin ko na iisa nga lang ang iginuhit ko. Isang larawan ng babae, may hawak na
wand at mahaba ang buhok.

Tinitigan ko ang bawat papel, may naramdaman akong kaba ng mapansin kong may suot
na kwintas ang babae.

"Ito ang tatak ng isang Infinity..."

Itinuro ni Kuya ang kwintas sa larawan.

"Itong mga drawing mo ang basehan ni Dad na makikita at makikilala mo ang


Infinity."

Hindi ako nagsalita. Nagkataon lang ba ang lahat o nakatadhana talaga kaming
magkita ni Oceane?

"Ngayon dahil naging malapit ka na sa Infinity, sigurado si dad na ligtas ka.


Gumawa siya ng paraan para isipin mo na masama talaga siya at ipagpatuloy ang
makikipagkaibigan sa Infinity."

"Hindi ko pa rin maintindihan kung bakit nya kailangan gawin yan."

"Alam mong hawak tayo sa leeg ni Baragor Zaiden. Malalakas na Wizard ang pinagmulan
ng Infinty at bukod pa dyan, may dugo siya ng isang Dark Sorcerer. Kailangan ka ng
Infinity para matupad ang nakatadhana sa kanya. Hindi tayo papakawalan ni Baragor
kaya ginawa ni dad yon."

Naupo ulit ako sa sofa habang hawak ang mga papel na iginuhit ko noon.

"Hindi ba't ipinadukot ni Dad ang Infinity noon? Hindi yon isang kagustuhan o
pansariling desisyon. Ipinagutos yon ni baragor kapalit ng buhay nating dalawa.
Ayaw ni Dad na mapahamak tayo sa kamay ni Baragor. Alam niya na may pagtingin ka sa
Infinity at kaya mo siyang talikuran para iligtas ang babaeng mahal mo. Sinamantala
ni Dad ang nararamdaman mo para mailayo ka sa kapahamakan."

"Anong misyon ang sinasabi mo?"

Nagulat si Kuya sa tanong ko. Hindi siguro niya inaasahan na magtatanong ako kaagad
tungkol dun.

"Nasa panganib ang Infinity sa ngayon. Oo alam kong nasa panganib talaga ang buhay
niya hanggat buhay si Baragor. Ang sinasabi ko, may tatlong malalakas na Wizard ang
nagmamatyag sa kanya sa loob ng Academy."

"Ano?"

"Bukod pa dyan, nasa panganib din ang kanyang Soul Guardian.."

Hindi ako nagsalita. Narinig ko na naman yan.

"Pupuntahan ko sina Nazar at Miranda para makipagkasundo at gumawa ng plano.. ikaw


na ang bahala sa Infinty at sa Soul Guardian."
Oceane's POV

Kakaiba si Zaiden ngayong araw. Medyo naguguilty ako, masyado ba akong rude sa
kanya?

Nakaupo ako sa study table ko habang hawak hawak ko ang pahinang nakuha ko sa
library.

May mga bagay na gusto kong malaman at mga tanong na gusto kong masagot.

May mga panaginip ako na parang totoong nangyari. masyado na akong naguguluhan.

Binasa ko ang nasa pahinang iyon.

Humarap ako sa salamin. habang nakasindi ang isang puting kandila. Hawak ko naman
sa kabilang kamay ko ang papel, panulat at tubig.

Gamit ang tubig, gumawa ako ng hugis bilog. Ipinatong ko naman ang kandila sa upuan
kung saan ay kayang maliwanagan nito ang aking mukha.

Gamit ang papel at panulat isinulat ko:

i wish to see who i have been in my past life ,

at the time when all was going well reveal to me in this shining glass.

i summon old ,me.

Mabilis kong sinunog ang papel sa apoy ng kandila. Maya maya pa ang nakikita ko na
sa salamin ang iba't ibang mukha doon.

Habang pinagmamasdan ko ang mga mukha sa salamin, para naman ikinukwento ng isip ko
ang lahat ng nangyari.

Hindi ko na napigilan ang sarili kong umiyak matapos ang ilang minuto.

Sa ilang minutong humarap ako sa salamin nakita ko ang lahat ng nangyari sa buhay
ko.

Maaga akong gumising kinabukasan. Diretso ako sa dining area. Wala doon sina Castor
at Zaiden.

Mabilis akong kumain, at lumabas ng dining area.

Tumambay ako sa Spell room. Wala pa dun ang mga kaklase ko at at Prof.

Habang nakaupo ako at nakatingin sa kawalan.

Nakaramdam ako ng kakaibang aura sa paligid.

Unfamiliar ito. Mabilis akong umiwas ng maramdaman ko ang kakaibang spell na


pinakawalan.

Nagulat ako ng isang 1st level ang nasa may pintuan.


Hawak nito ang kanyang wand.

Muli niya itong itinaas at isang kulay itim na liwanag ang papunta sa aking
kinaroroonan.

Tumakbo ako at nagtago sa ilalim ng table.

Inilabas ko ang aking wand at...

"Danem!"

Isang dilaw at puting liwanag ang lumabas sa dulo ng aking wand.

Mabilis itong tumama sa babae natumba ito at tingin ko ay nawalan ng malay.

Maingat ko itong nilapitan.

Tiningnan ko ang kanyang palad. 1st level sa section namin ang babaeng ito. Bakit
nya ako gustong saktan?

Tumunog ang malaking orasan sa main building ibig sabihin, malapit na magsimula ang
klase.

"jam tibi impero et praecipio maligne spirutus!

Ut confestem allata abesque omni strepito

torre clamore et foetote asque sine omni damno

mei tam animae quam corporis!!!"

Dahil sa gabi gabi kong pagbabasa ng Book of Spells, nakakabisado ko na ang ilang
spells na nakasulat dun.

Isang Memory spell ang ginawa ko sa babaneg 1st level, malilimutan niya ang
nangyari ngayong umaga.

Hindi ko siya ginising, bumalik ako sa upuan ko na parang walang nangyari.

Ilang sandali pa dumating na ang mga kaklase ko at nagising din ang babae dahil sa
ingay ng mga estudyante.

Kitang kita ko sa kilos niya na wala siyang maalala sa nangyari. Bahagya akong
napangiti.

"Hi!"

Kilala ko na ang boses. Hindi ako lumingon. Naalala nyo ba na magkatabi kami ni
Zaiden Alfiro sa lahat ng klase namin.

"May nangyari ba dito?"

Narinig kong tanong ni Prof. Magulo kasi ang loob ng room. Wala naman sumagot sa
lahat ng estudyanteng naroon.

Napansin ni zaiden Alfiro na wala akong kinakausap o pinapansin buong maghapon.


Kahit palagi siyang nakabuntot sa akin hindi ko siya pinapansin.
"May problema ba?"

"ha? Wala naman..."

"Masyado kang tahimik..'

"Kagabi nanaginip ako..."

"Ano?"

"Sabihin mo nga paano ko ba nagawa itong wand ko?"

Nakita ko sa mukha niya ang pagkabigla at pagtataka.

"Kasi, tinitigan ko ito kanina.. hindi ko maalala kung paano ko ginawa.. alam mo
ba?"

"Oo. Ako ang kasama mo nun ginawa natin yan.."

Tumahimik ako. Ganun din naman siya. Napadaan kami sa garden ni prof Wylun. Tumakbo
ako papalapit sa mga fairy.

"Sabi nila may isang lalaki daw na nagpakilala sa akin kung ano sila.."

Nakatingin lang siya sa akin. Nakaramdam ako ng sobrang pagkainis.

"tara na.."

Pabalik na kami sa dorm ng makita kong walang nakaupo sa paborito kong bench sa may
fountain. Tumakbo akong papalapit dun saka naupo.

Naupo din naman siya sa tabi ko.

Tumingin ako sa langit. Tinitigan ko ito hanggang sa makaramdam ako ng kakaibang


kuryente na dumadaloy sa buong katawan ko.

"Tempestatis procella magna voco!"

Halos bulong sa hangin ang pagkakasabi ko sa spell.

"Oceane?"

Nakangiti akong humarap sa kanya.

"Bakit?"

Ngumiti lang siya.

"Alam mo ba sobrang galit ako ngayon..."

"Bakit? Kanino?"

Huminga muna ako ng malalim.

"Sobra akong nasaktan..."

Unti unting bumuhos ang ulan, na hiniling ko kanina.

Ilang sandali pa bumuhos na ito ng malakas. Hinila niya ako para di kami mabasa.
"Dito lang tayo, ienjoy natin ang ulan please.."

Binitiwan niya ako. Naupo ulit siya sa tabi ko.

"Baka magkasakit ka..."

"Ok lang yon.."

Hindi niya napapansin na kasabay ng ulan ang pagtulo ng luha ko. Hindi ko matanggap
na binura niya ang alaala ko, hindi ko matanggap na siya ang nagpahamak sa buhay
ko.

Tinitigan ko siya. Galit na galit ako sa kanya.

"Diba sabi mo dati mahal mo ako?"

"Hanggang ngayon naman... mahal pa rin kita."

Castor's POV

Nakikita ko sila sa di kalayuan, pinapanood ko ang ginagawa nila. Basang basa na


sila sa ulan pero nakaupo pa rin sila sa bench.

"Ano kayang ginagawa nila dun?"

Nakaramdam ako ng inis kay Zaiden Alfiro.

Kahit malakas ang ulan, bulong ng puso at isip ko ang naririnig ko.

Nais kong malaman niya ♪♬


Nag mamahal ako
'Yan lang ang nag-iisang pangarap ko
Gusto ko mang sabihin ♪♬
Di ko kayang simulan
Pag nagkita kayo
Paki sabi na lang
Paki sabi na lang na mahal ko siya ♪♬
Di na baleng may mahal siyang iba
Paki sabing 'wag siyang mag-alala
Di ako umaasa
Alam kong ito'y malabo ♪♬
Di ko na mababago
Ganun pa man paki sabi na lang
Sana ay malaman niya
Masaya na rin ako ♪♬
Kahit na nasasaktan ang puso ko (kahit na nasasaktan ako)
Wala na 'kong maisip na mas madali pang paraan
Pag nagkita kayo
Paki sabi na lang ♪♬
Paki sabi na lang na mahal ko siya
Di na baleng may mahal siyang iba
Paki sabing 'wag siyang mag-alala ♪♬
Di ako umaasa
Alam kong ito'y malabo
Di ko na mababago
Ganun pa man paki sabi na lang(paki sabi na lang) ♪♬
Umiibig ako
(Lagi siyang naririto sa puso ko)
Paki sabi na lang
(Pwede ba?)
Paki sabi na lang na mahal ko siya ♪♬
Di na baleng may mahal siyang iba
Paki sabing 'wag siyang mag-alala
Di ako umaasa
Alam kong ito'y malabo
Di ko na mababago
Ganun pa man paki sabi na lang ♪♬
Paki sabi na lang na mahal ko siya
Di na baleng may mahal siyang iba
Paki sabing 'wag siyang mag-alala
Di ako umaasa ♪♬
Alam kong ito'y malabo
Di ko na mababago
Ganun pa man paki sabi na lang
(mahal ko siya)
Ganun pa man paki sabi na lang
(paki sabi na lang)
Paki sabi na lang ♪♬
(paki sabi na lang)
Mahal ko siya
(paki sabi na lang)
Paki sabi na lang
(paki sabi na lang)
Mahal ko siya ♪♬

Frost's POV

Palabas ako ng Academy ng biglang umulan.

Mabilis akong tumakbo para makasilong.

Napad pad ako sa small terrace kung tawagin, para yung cottage na mallit lang na
halos sakto lang ang tao sa loob.

Mula doon, nakita ko sina Zaiden Alfiro at Oceane na naka upo sa bench habang
malakas ang ulan.

"ano kayang ginagawa nila dun?"

Oceane's POV

Gusto kong sabihin na sinungaling siya, masama siya, manggagamit.. pero hindi ko
pwedeng sabihin.

Hahayaan ko lang siya na isipin na hindi ko pa rin naaalala ang lahat.


"Alam kong marami na akong nagawang masama sayo..."

Hindi ako tumingin sa kanya.

"Lahat naman yon ay pinagsisihan ko, lahat yon ay nasaktan din ako, lahat yon ang
naging dahilan para maging mag isa na lang ako."

Hindi ako nagsalita. Gusto kong sumagot.

"Alam ko naman na alam mo na ang lahat... naalala mo na ang lahat."

Napatingin na ako sa kanya. Paano niya nalaman? Ganoon ba ako ka obvious?

"Isa akong Wizard Oceane... "

Yun lang ang sinabi nya para maipaliwanag sa akin kung bakit niya nalaman na
naaalala ko na ang lahat.

"Pwede mo naman akong saktan, sumbatan sa lahat ng yon."

"Kulang pa yon... kulang pa yon sa ginawa mong panghihimasok sa buhay ko."

Hindi na ako nakatiis.

"Wala kang karapatan na burahin ang memorya ko, wala kang karapatan na magdesisyon
para sa sarili ko..."

Sobrang nagagalit na talaga ako.

"Ginawa ko yon para mailigtas ka sa sakit, sa pangit na alaala.."

"Sabihin mo ginawa mo yon para maging malinis ka muli sa paningin ko, para muling
ibigay sayo ang tiwala ko..."

"Hindi yan totoo.."

"wala ng totoo sa sinasabi mo Alfiro.. mula ngayon, hindi na ako papayag na


mapaikot mo."

Mabilis akong tumakbo. Pero hinabol niya ako. Isang yakap mula sa likuran ko ang
ginawa niya

"I'm sorry..."

"Bitiwan mo ako."

Pilit kong inalis ang braso niya sa beywang ko. Hinarap ko siya. Isang malakas na
sampal ang ginawa ko para matauhan siya.

"You know what? Bakit ako nagagalit? Bakit ako ganito? Coz I've trusted you..."

Hindi ako sigurado pero parang nakikita ko sa kabila ng lakas ng ulan kasabay nito
ang pagpatak ng luha niya.

"Itinuring kitang kaibigan, pinagkatiwalaan kita ng buhay ko... sobrang sakit ng


ginawa mo sa akin.. kahit paulit ulit mong ipaintindi sa akin na ginawa mo yon para
mailigtas ako sa sakit.."
Napaupo ako sa bermuda. para na kasi akong nanlambot.

"Sa tingin mo ba, ngayon alam ko na ang lahat, ngayon naaalala ko na ang lahat,
hindi ako nasasaktan? May pinagkaiba ba yon kung hindi mo binura ang alaala ko?
Masnadagdagan pa nga ang sakit kasi nalaman ko ang totoo.."

Naupo na rin siya sa harapan ko.

"Oceane.."

"I want you out of my life.... I want you to stay away from me and NEVER interfer
with my life AGAIN.."

Tumayo ako at tumakbo papasok sa dorm.

Zaiden's POV

Para akong patay na buhay ngayon. Hindi ko kaya tumayo. Sobrang inis, galit at
pagkamuhi sa sarili ko ang nasa puso ko ngayon.

"AAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAHHHHHHHHHHHHHHHHHHH!"

Eve of full moon. Nakaupo ako sa harap ng fireplace namin sa bahay. Hindi pa rin
ako nagpapalit ng damit. Nakatingin lang ako sa apoy.

"I'm so stupid.... "

Isang malakas na suntok ang ginawa ko sa pader. Hindi ko naramdaman ang sakit pero
nakita kong pumatak sa sahig ang dugo mula sa kamao ko.

Kinuha ko ang broomstick ko at sumakay ako dito.

Sa Hover's Bar ako tumambay. Isa yung tambayan ng mga matatandang wizard.

Dahil kaibigang matalik ni Dad si Mr. Hover, nakakapasok ako sa loob nito.

Rootbeer lang naman ang ibinigay ni Mr. Hover sa akin pero di tulad ng
pangkaraniwang rootbeer. May halo itong prutas na nakakalasing.

Hindi naman ganun kalakas ang tama nito pero makakaramdam ka ng hilo at pag kulo ng
tiyan na parang nasusuka.

"Alam mo naman ang tama nyan diba?"

Napalingon ako. Si Allysa. Naupo ito sa tabi ko.

"Tito ko ang may ari nitong Bar.."

Bahagya akong napangiti.

"Anong problema mo at umiinom ka ng ganyan karami?"

Nakatingin siya sa pitong bote ng rootbeer sa lamesa.

"Mind your own business..'


"Sarcastic ka talaga... "

Tumayo ito at aalis na sana ng hilahin ko ang braso niya.

"Have a seat please, i need someone to talk to.."

Naupo naman siya.

"Masama ba talaga ako?"

"In what way????"

"Being a friend..."

"Hindi naman tayo magkaibigan kaya hindi ko masasagot ang tanong mo.."

"Yeah right! Being an aquiantance?"

"Don't ask me that stupid question, hindi kita kilala kaya..."

"Selfish ako... masama... stupid.."

"Nagkakaganyan ka ba because of that bitch?"

"Never call her bitch.."

"Ano bang meron siya ang iniiyakan nyo pa?"

Hindi ako sumagot. Inubos ko lang ang isang bote pa at tumayo na ako.

"Where are you going?"

"Anywhere...bye!"

Though nahihilo ako, hindi naman siguro ako lasing. Sumakay ulit ako sa broomstick.
Nakaramdam ako ng pag kaantok.

Dahil nakasakay ako sa broomstick, pinigilan ko ang antok. Pero kusa ng pumikit ang
mata ko.

Castor's POV

Nakaupo sa bintana habang pinagmamasdan ko lang si Oceane na nakadapa sa kama.

Though hindi ko naririnig na umiiyak siya, nakikita ko naman na gumagalaw ang


balikat niya.

Talaga bang iniiyakan niya si Zaiden Alfiro? Ano bang nangyari kanina sa kanilang
dalawa? Mag tatlong oras na akong nakaupo dito at nakatingin sa kanya.Hindi man
lang siya lumilingon

Maglimang oras na akong nakatingin lang sa kanya.

'ano ba kasing nangyari?'


Dahan dahan ko siyang nilapitan.

Dun ko lang napansin na nakatulog na pala siya. Maingat ko siyang iniayos sa


paghiga. Basa ang bedsheet at damit niya.

Hindi kasi siya nag palit ng damit matapos pumasok dito sa silid matapos magpaulan
sa labas.

kailangan ko siyang mapalitan ng damit baka kasi magkasakit siya kung matutuyo sa
katawan niya ang damit niya.

Buong ingat ko siyang iniangat sa kabilang kamay ko habang yung isa naman ay
inaalis ko ang bedsheet nya para mapalitan ng malinis at tuyong pansapin.

Vampire ako kaya kayang kaya ko siyang buhatin gamit lang ang isang kamay.

Matapos kong maayos ang kama niya. Maingat ko siyang binalotng kumot. Pagkatapos
nun ay inilabas ko ang wand ko sa bulsa ko.

'Kailangan ko pa rin tanggalin ang damit nya kahit gagamit ako ng magic...'

Ibinalik ko ang wand ko sa bulsa ko. Aalis na lang ako. Naglakad ako papalapit sa
bintana.

'Baka magkasakit siya, basang basa pa kasi ang damit niya...'

Naglakad ulit ako pabalik. Dahil nakabalot ng kumot ang katawan niya. Muli ko itong
inalis. Kumuha ako ng malinis na damit sa closet niya.

Inilabas ko muli ang wand ko.

'Tama levitating spell na lang gagamitin ko para hindi ko siya mahawakan.

Naupo ako sa may bintana para medyo malayo sa kanya. Gamit ang wand ko, nahubad ko
ang lahat ng suot niyang damit sa katawan.

Pasulyap lang ang tingin ko sa kanya. Levitating spell ang ginamit ko para maisuot
sa kanya ang malinis na damit.

Para akong naubusan ng hangin habang ginagawa ko yon, kaya naman nakahinga na ako
ng maluwag ng matapos ko siyang bihisan.

Nilapitan ko siya ulit para ayusin na ang kanyang pwesto para makatulog ng maayos.

Frost's POV

Hindi ako makatulog ngayon. Iniisip ko kung ano yung nangyari kanina. Parang nag
away sila, ano naman kaya ang pinag awayan nila?

Lumabas ako ng dorm para makapag pahangin.

Dahil mahimbing ng natutulog ang ibang estudyante, malaya akong nakalibot sa buong
Building namin. May sarili kaming garden at fountain gaya ng ibang section.
Tumambay ako sa may fountain, naupo ako sa bench. Malamig ang hangin.

Ilang minuto pa lang ako nakaupo may kakaibang aura na akong naramdaman sa paligid.
Unfamiliar na aura. Palihim kong hinawakan ang wand ko.

Tumayo ako at nakiramdam sa paligid. Mayamaya tatlong di kilalang lalaki sakay sa


broomstick ang nasa harapan ko.

Bahagya akong napaurong.

'Sino itong mga ito?'

Bumaba sila sa broomstick.

Oceane's POV

Nakaramdam ako ng lamig. Napatingin ako sa bintana.Sarado naman.

Binalot ko ng kumot ang katawan ko.

Napabalikwas ako ng mamalayan kong iba na pala ang suot kong damit, pati kombre
kama ko ay iba na rin.

Mabilis akong tumakbo sa CR habang nakabalot pa rin ng kumot ang katawan ko.
Napatingin ako sa salamin.

Napahawak ako sa dibdib ko.

'Wala akong panloob..'

Tinakpan ko ang bibig ko para di ako mapasigaw.

'Anong nangyari? Paano ako nakapagpalit ng damit?'

May narinig akong nagbukas ng bintana.

"Oceane?"

'Si Castor..'

Nakabalot ako ng kumot habang dahandahan akong lumabas sa CR.

Nakatayo na pala sa harap ng pintuan ng CR si Castor. Muntikan ko pa siyang


mabangga.

Nakatingin lang ito sa akin.

"Gabing gabi na, bakit andito ka?"

Mabilis akong naupo sa gitna ng kama. Naglakad naman siya sa may table ko.

"Bakit?"

Hindi niya kasi inaalis ang tingin sa akin.


"Oh gosh..."

Niyakap ko ang sarili ko, habang nakabalot pa rin ako ng kumot.

"Bakit?"

"Wala ka bang xray vision?"

"Seryoso ka ba sa tanong mo o nagbibiro ka?"

"I'm damn serious ok?"

"vampire ako, hindi ako si superman bakit ba?"

Natahimik ako. Oo nga naman, bampira siya.

"Wala...."

"Kamusta ka naman?"

Naupo siya sa ibabaw ng table ko habang abala sa pagbubuklat ng Book of Spells.

"Not Fine..."

Hindi na siya nagsalita.

Nilapitan ko siya. Naupo ako sa silya at hinarap siya.

"Bakit di mo sinabi sa akin?"

"Ang alin?"

"Bakit di mo sinabi sa akin ang totoo?"

"Anong totoo?"

Nangilid na naman ang luha ko. Hindi ko napigilan na umagos ito sa pisngi ko.
Nakita ko sa itsura niya na nag alala siya.

"Bakit ka umiiyak?"

"Diba may tambayan ka?"

Kumunot ang noo niya.

"Pwede bang dalahin mo ako dun?"

"Sige dadalhin kita after class..."

Pinahid niya ng daliri niya ang luha ko. Nasinagan na ako ng araw. Umaga na pala.

"Wag ka na umiyak, magbihis ka na at pumasok na tayo ok?"

Tumango lang ako bilang pag sang ayon.

Magkasabay kaming naglakad ni Castor papunta sa Dining area. May kakaiba na akong
naramdaman pagpasok ko pa lang sa loob.

Yung feeling na kulang. Naupo ako sa dulong upuan kung saan di ko makikita si
Zaiden Alfiro.

Napatingin naman ako sa kabilang section, wala si Frost at Allysa.

"Kilala mo?"

Napansin ko kasing kinawayan si Castor ng isang babaeng taga ibang section. Akala
ko pa nun una ako ang kinakawayan.

"Acquaintance..'

"really?"

"Di ka naniniwala?"

Hindi na ako sumagot. wala naman ako pakialam sa lovelife niya. Kumain na lang ako,
hindi ko maiwasan na hanapin ng mata ko si Zaiden Alfiro.

Nakakainis, bakit ko ba siya hinahanap? Diba galit ako sa kanya? diba inutusan ko
siya na layuan ako?

"May hinahanap ka ba?"

"Ha? W---wala wala.."

Hindi na nagtanong ulit si Castor. lakas talaga ng pakiramdam nito.

Magical creature and its origin Class namin. Hindi ko pa rin napapansin si Zaiden.
Hindi ko tuloy maiwasang maguilty.

'Bakit ba kasi naguiguilty ako? May kasalanan naman siya sa akin eh, dapat lang na
magalit ako diba?'

Nakatingin lang ako sa pahina ng libro, abala ang lahat ng kaklase ko sa


pagbabasa. Napatingin din ako kay Castor,busy rin ito.

Inilipat ko ng pahina ang libro matapos ako magsawa.

Isang creature ang nakaagaw ng pansin ko.

Binasa ko ng tahimik ang nakasulat sa baba ng larawan

"Griffins have the head, claws, and wings of an eagle and the body of a lion.
Griffins make their nests in the highest mountains and line them with gold. They
hate horses, but occasionally will mate with them; the resulting offspring is
called a Hippogriff."

Though nakakatakot ang creature sa larawan, Hindi ako nakaramdam ng takot, imbes
excited ako makakita ng katulad nito sa personal.

"Hhhhrrrrm!"

Napalingon ako, nakita kong nakangiti sa likuran ko si Prof. Kahit nakangiti,


napansin kong seryoso naman ang mata niya. Mukhang yari ako!

Frost's POV
Malamig na likido ang naramdaman ko sa pisngi ko.

Dahan dahan kong idinilat ang aking mata.

Madilim ang paligid, hinawakan ko ang aking mata para malaman kung nakadilat na nga
ba ako.

Masyadong madilim sa paligid.

Mayamaya ay may napansin akong liwanag at papalapit ito sa akin. Kinapa ko ang
bulsa ko.

'Ang wand ko..'

Nataranta ako bigla. Nawawala ang wand ko.

Muli akong napatingin sa papalapit na liwanag.

Nasisilaw ang mga mata ko, bahagya kong itinakip ang palad ko sa aking mata para
makita ko pa rin ang paparating.

Pagtataka at pagkabigla ang naramdaman ko ng mga oras na yon.

"Anong ibig sabihin nito?"

Isang pang asar na ngiti lang isinagot niya sa tanong ko.

Castor's POV

Dahil sa kalokohan ni Oceane, eto at naghihintay ako sa labas ng room. kinausap


siya ni Prof dahil sa nangyari kanina.

'Ano ba kasing nasa isip niya?'

Lumipas pa ang 30minutes, bumukas na ang pintuan ng office.

Agad ko siyang nilapitan nun lumabas siya.

Napansin kong namamaga pa ang mga mata niya.

'Napagalitan ba talaga siya ng sobra kaya namamaga ang mata niya?'

Mukha kasing kakatapos lang niya umiyak.

"Napagalitan ka ba?"

Ngumiti siya saka yumakap sa braso ko.

"Yung promise mo... dadalhin mo ako sa tambayan mo dun sa gubat."

"Ok sige.."

Naupo ako sa harap niya. "Oh sakay ka na sa likod ko."


Mabilis siyang yumakap sa akin sa likod at tumakbo naman ako para makalabas na kami
ng Academy.

Hindi ko alam kung bakit siya nagyaya sa tambayan ko, basta masaya ako kasi kasama
ko siya.

Ilang sandali pa, nakarating na kami sa tree house.

Tamang tama lang ang dating namin dahil palubog na ang araw.

Kitang kita sa lawa ang imahe ng araw.

Naupo kami sa sahig ng tree house habang nakalaylay naman ang mga binti namin.

"Ang sarap dito.. peaceful!"

Napatawa ako ng bahagya.

"Bakit ka ba nagyaya dito?"

Tumahimik siya. Di siya nagsalita. Hindi na rin naman ako nagtanong.

"Malapit ko na matapos ang Book of Spells na binigay mo.."

"really? very good!"

Tumahimik siya ulit saka siya ngumiti.

"Dahil sa pagbabasa ko sa librong binigay mo....."

Napatingin ako sa kanya. Diretso siyang nakatingin sa lawa.

"Naalala ko na ang lahat!"

Hindi ako nakapagsalita. Kaya siguro nag talo sila ni Zaiden Alfiro kahapon dahil
sinusubukan nitong magpaliwanag sa kanya.

"I hate him..."

Gusto ko sana maging masaya kasi, galit na siya kay Alfiro, meaning wala na akong
karibal. Pero hindi ko naman kaya na mag kaaway silang dalawa at lalabas na
mapagsamantala ako.

"Bakit di mo sinabi sa akin?"

Tumingin siya sa akin. seryoso ito at halos hindi ko na makita pa ang mata niya
dahil sa puno ito ng luha na mukhang pinipigilan niyang umagos sa kanyang pisngi.

"Dahil alam ko na malalaman mo rin ang lahat sa tamang panahon.."

Nagsinungaling ako.

"Talaga?"

Bahagya pa siyang natawa. Pinahid ng kamay niya ang luha niya.

"Hindi ba siya nagpaliwanag sayo?"


"Hindi ko siya binigyan ng pagkakataon.. para saan pa ang paliwanag?"

"Para maintindihan mo kung bakit niya ginawa yon."

Ano ba itong sinasabi ko. Para ko tuloy pinagtatanggol si Alfiro.

"Oo tama siya, pero Castor... nanghimasok na siya sa buhay ko, binura niya ang
alaala ko...pinagkatiwalaan ko siya tapos..."

Nagulat ako ng isang bolang apoy ang nagawa niyang ilabas mula sa kanyang palad at
ibinato ito sa harapin namin.

Nakatingin lang ako sa kanya. Wala man lang siyang reaksyon sa ginawa niya.

"Marami na akong alam gawin Castor.. sorry sobrang nagalit lang ako.."

Hindi na siya nagsalita pa. Hindi rin ako makapagsalita dahil di ko rin naman alam
kung ano ang dapat ko sabihin sa kanya.

Ilang oras din ang lumipas. Nakaramdam ako ng kakaiba.

Mabilis akong tumayo.

"Tayo na ihahatid na kita.."

"Mamaya na ayoko pa umuwi.."

"Halika ka na Oceane.."

Hinila ko siya sa braso at napilitan siyang tumayo. Buong lakas ko siyang binuhat
saka mabilis akong tumakbo.

Malayo layo pa kami sa Academy ng tumigil ako. Halos maibagsak ko siya sa lupa.

"Tumakbo ka na please..."

"Bakit? Anong problema?"

"Tumakbo ka na Oceane bilis..."

Nakatayo lang siya sa harapan ko na naguguluhan.

Hindi ko na kaya pang pigilan ang pagkauhaw ko...

"TTTTUMAKBO.... Ka..na.."

Yun lang at mabilis na siyang tumakbo. Naramdaman yata din niya na iba na ang boses
ko.

Oceane's POV

Mabilis akong tumakbo. Hindi na nga ako lumilingon.

Mukhang kailangan niyang kumain ngayon.


Napatingin ako sa langit. Malapit na pala maghating gabi at sakto pang bilog ang
buwan.

Nakaramdam ako ng kaluskos mula sa likuran ko.

'Nasundan kaya niya ako?'

Hindi pa rin ako lumilingon. Sige lang ako sa pagtakbo.

Napatigil ako ng makita kong wala na akong ibang tatakbuhan. Nasa tabi ako ng lawa.
Open area na kaya wala ng puno na pwedeng pagtaguan.

Tumakbo pa rin ako. Kahit kaibigan ko siya, siguradong hindi niya mapipigilan ang
kanyang uhaw pag nakita niya ako.

Isang kamay ang humila sa akin. Nagulat ako.

"C---castor..."

Natatakot ako. Ibang iba ang itsura niya. Mukhang gutom na gutom siya.

"A---ako ito si Oceane..."

Imbes na paikinggan ako ay mashinigpitan nito ang hawak sa braso ko at hinapit ako
papalapit sa kanya.

Iba ang kulay ng mga mata niya, iba rin ang kulay ng balat niya.

Masyado na siyang malakas. Hindi ko magawang kuhanin ang wand ko sa bulsa ko. Hindi
ako makakilos.

"C---castor..."

Hindi na ako makahinga. Mas naramdaman ko pa ang higpit ng pagkakahawak nya na


halos di na yata dumaloy ang dugo sa braso ko.

Isang malakas na enerhiya ang tumama kay Castor. Bumagsak ako sa buhangin.

Napalingon kami pareho ni Castor kung saan nagmula ang enerhiya. Nakita kong
nakatayo sa di kalayuan si Zaiden Alfiro. Nakaramdam ako ng tuwa ng makita ko siya.

Pero hindi niya ako tiningnan man lang, na para bang di niya ako kilala.

Nakita kong namula ang bahaging yon ng braso ko..

Kinuha ko ang wand ko sa bulsa ko at isang fire bendinf spell and ginawa ko.

"Ares biningual Brisingir!"

Swish and flick!

Isang malaki at malakas na apoy ang bumalot sa katawan ni Castor.

Mabilis akong hinila ni Zaiden Alfiro para makalayo kami sa kanya.

Sa labas ng Dormitory namin..

Inalis na ni Zaiden Alfiro ang pagkakahawak sa kamay ko.


Pagkatapos ay tumitig lang siya sa akin at naglakad na papasok sa dorm.

Iniligtas na naman ni Zaiden Alfiro ang buhay ko, tapos isang pagkakamali lang
niya, nagawa ko siyang saktan at ipagtabuyan.

Tumakbo ako para habulin siya. Hinarang ko ang katawan ko para hindi siya makadaan.

"Wait!"

Tumigil naman siya. Nakatitig lang siya sa akin.

Naramdaman ko ang lungkot niya ng tumingin ako sa mata niya. Mas lalo ako naguilty.

"May sugat ka!"

Hinagod ko pa ng daliri ko ang sugat niya sa noo. Natuyo na ang dugo sa paligid
nito.

"Gagamutin ko ang sugat mo.."

Naglakad ako papasok sa silid ko. Sumunod naman siya sa akin pero hanggang sa
pintuan lang siya.

Hinila ko pa siya papasok. Naupo siya sa dulo ng kama ko habang kinukuha ko sa


drawer ang first aid kit ko.

Medyo malalim ang sugat niya. Inilabas ko ang wand ko at malinis na panyo.

Ipinatong ko sa sugat niya ang malinis na panyo pagkatapos ay

"The power of light will do me good to heal this mans/womans pain.I let light into
this wound to give him relief"

Pagkatapos ay dahan dahan kong inalis ang panyo sa sugat niya.

"So Mote It Be!"

Mayamaya ay bahagyang sumara ang kanyang sugat. Mabuti na yon, baka tahiin pa ang
noo niya.

"Pinaglalaruan mo ba ako?"

Napatingin ako sa kanya.

"Masyado na akong nasasaktan sayo.."

"Hindi kita pinaglalaruan, ginamot ko lang ang sugat mo to say thank you sa
pagliligtas mo sa buhay ko."

Tumayo ito at naglakad palabas ng silid ko. bago siya tuluyang lumabas ng silid,
nagsalita pa siya na di man lang tumitingin sa akin.

"Patas na tayo.."

Tuluyan na niyang isinara ang pintuan ng silid ko.

*******************************************
[7] Chapter 6: Wendigos
*******************************************
Zaiden's POV

Nahiga ako sa kama. Sobrang nag alala ako sa kanya kanina. Nun oras na yon ko lang
napatunayan na hindi ko kayang mapahamak siya.

Kahit alam kong ipagtatabuyan niya ako o sisigawan o sasaktan niya ako, wala na
akong pakialam, mailigtas ko lang siya kay Castor.

Hindi ko siya maintindihan, magagalit siya tapos biglang mag aalala.Ilang bese ko
ng sinabi sa kanya na mahal ko siya pero wala naman akong nakukuhang sagot.

TOK

TOK

TOK

Binukasan ko ang pinto. Nagulat pa ako ng makita ko si Oceane sa labas ng silid ko.

Gusto ko sanang mag tanong kung bakit siya naroon, kung ano kailangan niya pero
hindi ko maibikas ang bibig ko.

"Can I talk to you?"

"Para saan pa?"

"To clear everything between us.."

'ano ito? hindi pa nga kami, magbebreak na kagad?'

"Pwede ba akong pumasok?"

Hindi ako nagsalita, hinawi ko lang ang katawan ko para makadaan siya.

Dumiretso siya sa loob ng silid ko.

Naupo siya sa silya malapit sa study table ko.

Napatingin siya sa picture na nandun.

Picture namin dalawa yon nun tumawid ako sa mundo ng mga tao.

"Itinatago mo pala ito?"

Napansin kong nakangiti siya habang nakatitig sa larawan.

Siguro ay naalala niya ang nagyari nun oras na yon.

"I'm sorry for being so rude to you.."

Nakatingin lang ako sa kanya.

"ang sama ko talaga noh?"

Huminga muna siya ng malalim bago siya muling nagsalita.

"After all the good things that you've done to me, nagawa kitang saktan ng dahil sa
pagmamagandang loob mo sa akin."

Naglakad pa siya papalapit sa akin.

"Alam kong galit ka kasi masyado akong naging unfair sayo.

Masyado akong naging selfish at hindi man lang nakinig sa paliwanag mo."

Habang nakikinig sa kanya, gusto ko siyang yakapin at sabihin na ok lang yon, alam
ko naman na nagkamali ako.

Hindi ako makapagsalita. Nainip siguro siya kaya tumayo nalang siya at umalis.

Kinabukasan maagang maaga pa lang nagising na ako.

maganda ang gising ko at mukhang maganda ang buong araw ko. Last day ng klase,

Tok

Tok

Tok

Medyo matagal niyang buksan ang pintuan.

Tulog pa yata siya.

Mabilis akong tumakbo pabalik ng silid ko at kinuha ko ang broomstick ko.

Dumaan ako sa bintana at umikot sa building namin.

Nakita ko mula sa bintana ng kanyang silid na binuksan niya ang pinto at sumilip
siya doon.

"Ay kalabaw!"

Napaupo siya sa sobrang gulat ng paglingon niya ay nasa likuran niya ako.

"Alfiro!"

Inis niyang sabi sabay tumakbo siya sa CR.

"Hey sorry na!"

"Nakakabadtrip ka talaga alam mo ba yon?"

"Kaya nga sorry na eh..'

"Umalis ka na muna... bakit ba ang aga aga mo dito mambuysit?"

Hindi ako nagsalita. Ilang minuto rin ang katahimikan sa pagitan namin.

Lumabas siya ng silid niya at lumingon lingon pa sa paligid.

Nagulat pa siya ng bigla ko siyang yakapin s akanyang likod.

"Ano ba? Alfiro! Nakakinis ka na.."

Galit na siya pero sa halip na umalis ako. Bumulong ako sa may tenga niya.
"Mahal na mahal kita.."

Pagkatapos nun ay hinarap ko siya atsaka ko siya hinalikan sa labi.

Hindi siya nakapag react sa ginawa ko. Hindi niya inaasahan na hahalikan ko siya.

Halos isang minuto ko siyang nahalikan ng sandaling iyon.

Ngumiti ako saka ako mabilis na lumabas ng kanyang silid.

Habang hinihintay ko siya sa labas ng dorm, hindi ko maiwasan mapangiti.

ewan ko ba, para bang ang lahat ng bagay ngayon sa paningin ko maganda.

Nakita kong pababa na siya ng hagdan palabas ng dorm, agad akong pumwesto sa may
pintuan.

"Good Morning!"

Nagulat siya ng tatlong white roses ang humarang sa paningin niya habang papalabas
ng pintuan ng dorm.

"G---good Morning!"

Kinuha niya ang roses. Sabay kaming naglakad sa hallway papasok sa dining area.

Sabay kaming naupo sa section year level namin.

Habang abala ako sa pag sisilbi ng pagkain sa kanya.

Napapansin kong nakatingin siya sa akin.

"Bakit? May dumi ba ako sa mukha?"

"Wala naman,, masyado ka lang ata masaya today?"

Ngumiti lang ako. Maya maya, napasimangot ako. Nakita ko kasi na papalapit ang
bampira.

"Hi!"

Naupo siya sa tabi namin ni Oceane. Napansin ko na may tali ng tela ang bandang
kaliwa ng braso niya.

"O--ok ka lang ba?"

Napansin din pala ni Oceane ang benda niya.

"Oo naman.. ikaw? Nasaktan ba kita kagabi?"

'hello guys??? andito kaya ako..'

"Hindi naman, mabuti dumating ako..."

Tinampal ni Oceane ang braso ko. Totoo naman kasi ang sinasabi ko

"Buti dumaan si Zai kagabi..."


"Pasensiya ka na pinilit ko naman pigilan ang sarili ko kaya lang..."

Inakbayan pa ni Oceane si Castor.

"Ok lang yon... it's my fault anyway.."

"Hrrrrm.. kumain na kaya tayo malapit na magsimula ang klase.."

Inalis ko ang kamay ni Oceane sa balikat ni Castor.

Napakunot noo naman ang dalawa sa ginawako.

"What's in to you Alfiro?"

"Wag mo na pasinin yan si Zaiden, ganyan na kanina pa umaga.."

"Bati na kayo matapos ang madrama nyong 48 hours?"

"Yeah!"

Napansin kong napailing na lang si Castor.

Castor's POV

Habang naglalakad kami sa hallway papuntang klase, napansin kong ok na nga sila.

Bumalik na sila sa dati. Sa dati na una ko silang nakilala.

Nahihiya ako kay Oceane, dahil sa nangyari kagabi.

Muntik ko na siyang mapatay dahil sa katangahan ko, at muntik na rin ako mapahamak
kung di lang dahil sa babaeng yon, siguradong patay na ako.

REWIND... Last Night

Ang naaalala ko lang ay nabalot ang buong katawan ko ng apoy.

Pagkatapos ay nawalan na ako ng malay.

Nagising ako sa lilim ng isang puno.

"You're finally awake.."

Napabalikwas pa ako ng makita ko ang babaeng Catlesnake. Si Ashlyn.

'Bakit ganyan ang itsura mo? You should've thank me for saving your life
Silverwood.."

"Anong ginagawa mo dito?"

Ngumiti lang siya. Pagkatapos ay maingat na itinali sa braso ko ang malinis na


tela.

Iniwas ko pa ang braso ko sa kanya nun una,pero maingat niya itong hinila papalapit
sa kanya.

"Dapat lagi kang nag iingat..."

Hindi na ako sumagot.

"Malalim ang sugat mo, malakas na Wizard ba ang nakalaban mo?"

Napaisip tuloy ako. Malakas na ba talaga si Oceane?

Marami na siyang alam na spells na nagpagulat sa akin.

"But to inform you, muntik ka ng mabiktima ng Wendigos.."

Napatingin lang ako sa kanya. Tapos na niyang bendahan ang sugat ko.

"Kahit bampira ka, may dugo at puso ka pa rin, you're still human.. kaya hindi ka
papalampasin ng mga Wendigos.."

"Thanks."

Ngumiti lang siya. Saka Tumayo.

"We better go, malapit na mag umpisa ang agahan.."

Mabilis siya tumakbo. Para siyang ako, I mean, para siyang bampira sa mga kilos
niya at bilis.

Atsaka bakit ba kung asan ako andun din siya? Sinusundan ba niya ako? Di ba ako
dapat ang gumagawa nun? Nakahalata na ba siya?

BACK TO PRSENT

"Guys what do you know about black Magic or what do we call Dark Arts?"

Napatingin ako sa Prof. Hindi ko namalayan na dumating na pala siya.

"Mostly kasi guys hindi tinuturo sa Academy ang about sa Dark Arts, but then I will
Teach you on how to cross to the underworld portal."

isang estudyante ang nagtaas ng kamay. Si Philip

"Prof, may nabasa po akong libro about Crucio Curse, ano po ba yon? Black Magic o
White Magic?"

Nakita kong nag iba ang aura ni Prof.

"It's from Dark Arts.."

Nagkatinginan ang mga estudyante.

"Ok sige guys ipapaliwanag ko kung bakit siya Crucio Curse...."


Tumahimik naman ang lahat.

"This spell is used strickly for self defense and saving the world. Or if you need
to use it. Its a powerful curse, it gives physical pain and sometimes mental and
phiscal pain so be wise!"

Nagpatuloy si prof sa paliwanag.

"Sinong nakakaalam sa inyo sa spell?"

Tumayo si Oceane. "I know the Crucio spell Prof.."

"Ok sige come here in front and have an example."

Isang kahon ang inilabas ni Prof. May laman itong isang uri ng Gremlin.

Nagulat pa ang lahat. siguradong ang Gremlin na yan ang mapaparusahan.

"Ok curse the Gremlin."

Inilabas ni Oceane ang wand niya. saka itinutok sa Gremlin.

"The blood, mudand dirt mix in with my hate

Make this Gremlin pay for what he did

So give him a hell today!"

Ilang sandali lang parang baliw na ang Gremlin. Halos mamilipit ito sa sakit ng
kanyang ulo.

Makikita mo sa itsura niya ang pagkaramdam ng sobrang sakit.

"Prof tama na po Prof.."

Sigaw ng isang estudyante.

Hindi pa nagsasalita si Prof tumigil na sa pamimilipit ang Gremlin.

"Emily, hindi naman ako masama para patagalin ang curse sa Gremlin. It will took 5
minutes to feel the so much pain."

"Tama siya guys, ang curse and depende lang kung ano ang nararamdaman ng caster.
Kung sobrang galit siya, hindi lang 5 minutes ang itatagal ng curse kundi habang
buhay.."

Habang nakatingin ako kay Oceane, nakaramdam ako ng kaba. Nakikita ko ang ibat
ibang kulay ng aura na nakapaligid sa kanya.

"Silverwood...'

Bigla akong napatayo.

"Bakit nakatitig ka sa kanya?"

Tumawa ang lahat. Nahiya naman ako bigla sa ginawa ni prof.

"May gusto ka ba sabihin sa kanya?"


Nakatingin lang si Oceane sa akin.

"Wala naman po.."

"Pwede na ba ako magpatuloy?"

"Pwedeng pwede na po."

Naiiling akong naupo ulit. Hindi ko napansin na nakatingin pala sa akin si Prof.

Oceane's POV

Naglalakad kami para sa susunod na subject. magkakasabay kaming tatlo sa hallway.

"Oh saan ka pupunta? Aalis na muna ako. Pinahiya ako ni prof kanina..sige!"

Mabilis na umalis si castor.

"bakit ba kasi nakatingin siya sayo kanina?"

Napatingin ako kay Zaiden. Tumaas ang isang kilay ko.

"What's the problem with that Alfiro?"

Ngumiti lang siya.

Malapit na kami sa next room ng maramdaman ko na unti unting lumalapat ang kamay
niya sa kamay ko, and with a snap, hawak na niya ang kamay ko.

Itinaas pa niya ito na para bang ipinagyayabang pa sa mga estudyanteng nakasalubong


namin.

"Hey ano bang ginagawa mo?"

Palingon lingon pa ako sa paligid.

Inalis ko ang pagkakahawak niya sa kamay ko.

pero Inakbayan naman niya ako hangang sa makapasok kami sa room.

Habang abala ang lahat sa pakikinig saprof, abala naman sa pagtitig sa akin si
Zaiden Alfiro. Nakakaasar pala yun ganun noh? Masyadong nakakakaconcious kasi may
nakatitig sayo.

"Nakakailang na yang ginagawa mo..."

"Masayang masaya lang ako..."

"Ok class, are you all done?"

Mabilis namin na iniabot kay Prof ang parchment.

"Very good guys!"


Nakangiti siya habang pinagmamasdan isa isa ang mga hawak niyang parchment.

"Hey you two... what's the problem?"

Umiling ang dalawang estudyante. Nilapitan niya ang mga ito.

"Naririnig ko ang mga boses nyo, anong pinag uusapan nyo?"

Alanganin ang pagsagot ng isang estudyante.

"I'm waiting..."

"Kinukwento lang po ni Michael yung tungkol po sa nangyari sa bayan kagabi.."

Napansin ko na natigilan si Prof.

Pagkatapos ay bumalik ito sa table niya at parang walang nangyari na muling naupo
dun.

"Totoo po ba ang balibalita?"

Tanong ng isang estudyante. Napatingin ako kay Prof. Bakit ganun, palagi akong huli
sa balita??

"Alam nyo guys, masmaganda kung susunod na lang kayo sa mga patakaran ng school na
ito para manatili kayong ligtas..."

Zaiden's POV

Kanina pa walang kibo si Oceane, mukhang may nakakuha na naman ng atensyon niya.

Tapos na ang klase namin at nasa dining area na kami for dinner.

"Wendigos yon.."

"Ano yun?"

"Sila yung mga cannibalistic spirits that possess a human or monster that human
could physically transform ito. They are usually called cannibals..."

Napansin kong tumahimik lalo si Oceane, habang pinagmamasdan ko ang mukha niya,
napansin kong namutla siya. Natatakot ba siya????

"What's wrong? Ok ka lang?"

"Y---yeah, i just want to ask if... if..."

"If...."

"Masmalakas ba sila kesa... kesa sa vampire?"

"I'm not sure, pero base sa strength halos magkasin lakas sila... Vampire is a
wizard, may kapangyarihan sila.."

Hindi na siya nagsalita. Patuloy naman ako sa pagkain.


Napalingon kaming lahat ng dumating ang lahat ng Prof mula sa ibat ibat section.

"Anong meron? Sino sila?"

Napalingon ako kay Oceane. Hindi pa nga pala siya pamilyar sa mga Headmistress at
Headmasters ng bawat Sections at lahat ng Prof sa lahat ng subject ng buong
Academy.

"Siguro may nangyari kaya kumpleto sila..."

"Kumpleto? Bakit? Ano bang nangyari?"

"Nakikita mo ba yung lalaki katabi nina Prof Eara?"

"Yung mukhang...."

"Wag mo na itituloy, looks are deceiving.."

Napasimangot si Oceane. Gusto nya talagang sabihin ang itsura ng Headmistress ng


Section namin.

"Sino ba yun?"

"Siya ang Headmistress ng Section natin. Astrya Cliffwood."

"Talaga?"

"Yung lalaki naman na may balbas si Headmaster Beldor Beasthut ng Water Dragon.."

"AAhhh.."

Natawa pa ako sa itsura nya.

"Sino naman sa Earth Lion?"

"Headmaster Clouis Dunershield.."

"Kilala ko na dun sa Wind Eagle.."

Hindi ako nagsalita. Napangiti lang ako. Pero nakapagtataka talaga, ang nangyayari.

Tumayo si Principal Alyora. Siya ang unang magsasalita.

"Kamusta kayong laha? Marahil ay nagtataka kayo kung bakit kumpleto kaming lahat na
nandito sa harap nyo ngayon."

Tahimik ang lahat ng naroon.

"Alam kong nabalitaan nyo na ang nangyari kagabi sa bayan. Though malayo ang
Academy sa bayan na yon, naghihigpit kami sa inyo para masiguro ang kaligtasan ng
bawat estudyante namin dito."

Hindi ako makapaniwala sa sinasabi ni Principal Alyora.

Malayong malayo ang bayan na sinasabi nya dito sa Academy, pero bakit kailangan
maghigpit naman?

"Alam kong may hindi pamilyar sa Wendigos.Konting impormasyon kung ano ang
Wendigos... they are the cannibalistic spirits that possess a human or monster
that human could physically transform ito. They are usually called cannibals."

Umugong ang bulong bulungan sa buong dining area.

"Tulad nga ng sinabi ko sa inyo, wala kayong dapat ipag alala dahil sinisiguro
naming lahat na ligtas kayo sa loob ng Academy."

Lumapit si Headmaster Clouis Dunershield at siya naman ngayon ang magsasalita.

"HHHHHHHRRRRRRM!"

Wala kasing nakikinig kaya nagpapansin siya sa amin.

"Ipapaliwanag ko sa inyo ang lahat ng lugar na hindi nyo dapat puntahan mga oras na
dapat nyo iwasan.."

Tumahimik na naman ang lahat. Napatingin ako kay Oceane. Nakatitig siya sa kabilang
table.

"Bakit?"

"Bakit wala si Frost? Kanina ko pa siya hindi nakikita..."

Hindi ako nagsalita. Wala naman ako pakialam ke Frost na yon kung nandito siya o
wala, pero dahil mahalaga siya kay Oceane sige, nag aalala na rin ako.

"Kahapon pa siya wala.."

Napalingon kami kay Castor.

"Kahapon?" tanong ni Oceane

"Hindi ko na siya napapansin kahapon pa."

"Pupuntahan ko siya sa Section nya mamaya.."

"Sasamahan kita."

Nakatingin lang sa aming dalawa si Castor na para bang nang iinis.

"May lakad akong iba mamaya.."

Nagpapaalam ba siya kay Oceane na aalis siya?

"Anong lakad? Atsaka may sugat ka pa.. magpahinga ka kaya muna."

"Importante ito. Magkikita kami ng Nazar."

"Magkikita kayo ni Papa? Bakit?"

"Alfiro, ikaw na bahala sa Infinity.."

"Ok!"

Oceane's POV
Nakakaasar talaga ang dalawang lalaking yon. Kainis talaga.

Naglalakad kami ni Zaiden Alfiro sa hallway ng Section Wind Eagle.

Maraming estudyante na nakatingin sa amin.

Feeling ko nga ay mababalatan na ako sa sobrang titig nila sa amin.

Bakit ba ganito itong mga estudyante dito? Iisa naman Academy ang pinapasukan namin
pero kung makatingin parang galing kaming ibang school at may balak silang masama
sa amin.

"Wow!"

Nakita namin si Allysa. Nakaupo ito sa bench sa hallway.

"Ok na kayo? Parang kahapon lang halos magpakamatay ka na..."

Nakatingin ito kay Zaiden. Hindi ko alam ang sinasabi niya pero nakakainis ang
ngiti niya.

"Hinahanap namin si Frost."

Si Zaiden na ang nagtanong. Nag iba ang aura ng mukha niya.

"Hindi ko pa siya nakikita."

"Hindi ba't lagi kayong magkasama?"

"Yeah! Pero nagtampo ako sa kanya lately, nakalimutan nya kasi ang monthsary
namin."

Nakatitig siya sa akin na para bang naghahanap siya ng emosyon ko sa sasabihin


niya.

"Monthsary?"

Si Zaiden ang nagtanong ulit.

"Oo. Bakit? Hindi ba kayo nagse-celebrate ng monthsary?"

"Wala naman dapat icelebrate kasi hindi naman kami."

Napalingon ako kay Zaiden ng ilang segundo, tapos ay ibinalik ko ang tingin ko kay
Allysa.

"Ow... akala ko kasi kayo.. alam mo na, yung closeness nyo kasi kahit sinong
makakita, mapapansin na there's something between the two of you."

"Pag nakita mo na lang si Frost, pakisabi na hinanap namin siya. Tara na Zaiden.."

Tumalikod na ako pagkasabi nun. Malayo layo na kami ng marinig ko ulit magsalita si
Allysa.

"Makakarating ang sinabi mo, Oceane Louis Gyresky Wovenspear. I'm warning you, si
Frost ay akin and stop flirting with him, mahiya ka naman kay Zaiden Alfiro,
nakikipagflirt ka na sa kanya, pati boyfriend ko inaahas mo pa."
Napatigil ako. Nanginginig ako sa galit, gusto ko siyang saktan. Naramdaman ko na
hinawakan ni Zaiden ang kamay ko. Bumulong pa siya sa akin.

"Never mind her."

Sabay na kaming naglakad ni Zaiden palabas ng hallway ng Section Wind Eagle


building.

Sobrang inis na inis na inis ako. Talagangbinuo pa niya ang pangalan ko ha! Anyway
pala, mula ng malaman ko ang totoo kong pagkatao, binigyan na ako ng karapatan ni
lolo, este ng Old Elf Sorcerer na maging isang Gresky at si papa naman bilang isang
Wovenspear.

"Wag mo ng pansinin si Allysa, ganun talaga ang ugali niya."

"Narinig mo naman ang sinabi niya kanina..."

Tumigil ako sa paglalakad at hinarap ko si Zaiden. Tumigil din ito sa paglalakad at


nakatingin lang sa akin.

"Do you also think that I'm flirting with Frost?"

Bago pa siya nakasagot. Nag walk away na ako.

Feeling ko kasi napapahiya na ako sa kanya.

Bakit ba kasi kailangan ko pa magpaliwanag sa kanya, hindi ko na naman


siyaboyfriend.

"Oceane sandali!"

Sumisigaw si Zaiden habang hinahabol ako. Nang maabutan niya ako agad niyang
hinawakan ang braso ko.

"Sandali nga muna Oceane,please!"

Huminto ako sa paglalakad.

"Bakit ba ganyan ka? wala naman ako sinasabi nakikipag flirt ka diba?"

"Hindi ka sumagot. And silence means yes!"

"Paano ako sasagot, bigla ka nalang tumalikod at iniwan ako pagkatanong mo... you
didn't even give me a chance to answer your question."

Tumahimik ako. Tama na naman siya, ako, ako ang mali.

"Allysa is such a bully, wa mo na pansinin ang sinabi niya."

"Eh nakakainis naman kasi. Frost is my friend, and he's been good to me. Wala ba
ako karapatan mag-alala sa kaibigan ko?"

"Nagseselos si Allysa kaya siya ganyan sayo."

Natigilan ako.

"What? Bakit naman siya magseselos sa akin?"


"Ganyan na siya noon pa. Ikaw ang pinag iinitan niya dahil naiinis siya sayo."

Gusto kong matawa na mainis sa narinig ko.

"Hindi mo ba kilala si Frost?"

napalingon ako kay Zaiden. Seryoso siya.

"What kind of question is that Mr. Alfiro?"

"Si Jacob kilala mo?"

Matagal ako bago sumagot. Naalala ko si Jacob, ang kawawa kong kaibigan.

Namatay siya ng walang laban. Nangingilid ang luha ko.

"Ano bang gusto mong isagot ko Zaiden?"

May halos pagkainis na ang tanong ko sa kanya. Masyado na siyang weird.

"Buhay si Jacob..."

Bahagya akong natigilan sa sinabi ni Zaiden, at hindi ko na napigilan ang bahagyang


matawa.

"Lakas ng trip mo Zaiden..."

"Si Frost at Jacob ay iisa.."

"Wag ka nga magbiro ng ganyan,,,,"

Napatingin ako kay Zaiden. Seryoso siya. Naitakip ko sa bibig ko ang kamay ko.

"Natuklasan ni Castor ang tunay na katauhan ni Frost, curious kami kasi hawig
nakahawig niya si jacob. Kaya inalam ni Castor ang lahat."

Kaya pala, kaya pala galit si Allysa sa akin, kaya pala kahit anong gawin kong iwas
at pagkainis kay Frost hindi ko magawang tuluyang magalit dito, dahil siya, siya
pala si Jacob?

Naramdaman ko na ang luha ko na umaagos sa pisngi ko.

Niyakap ako ni Zaiden. Naiinis ako sa sarili ko, bakit hindi ko kaagad siya
nakilala?

Madilim ang paligid ko. Palingon lingon ako para makahanap ng liwanag.

"Mama? Papa? Zaiden? Castor?"

Sumisigaw na ako para marinig nila ako. Kinapa ko ang bulsa ko, nandun ang wand ko.
Gagawa ako ng ilaw, para makita ko ang daan.

Pero bago pa ako nakakilos, may nakita akong liwanag papalapit sa kinatatayuan ko.

"Tumakas ka na Oceane...."

May narinig akong tumatawag sa pangalan ko pero hindi ko makita. Nasisilaw ako sa
liwanag.
"Tumakas ka na Oceane..."

"Castor ikaw ba yan?"

"Tumakas ka na bilisan mo..."

"Zaiden? Zaiden ikaw ba yan? Hindi kita makita.."

"Tumakas ka na Oceane.... bilisan mo..."

Papalapit ng papalapit ang boses na naririnig ko.

Ilang sandali pa, nawala na ang liwanag. isang lugar na hindi ko pa nararating ang
kinaroroonan ko. Gubat din ito pero hindi pamilyar sa akin.

Isang lalaking duguan ang nasa harapan ko, nakatali siya ng isang kulay itim na
animoy usok.

Tinitigan kong mabuti ang lalaking kaharap ko.

"J-------jacob??"

"Tumakas ka na, bilsan mo Oceane..."

Sumisigaw ito.

Nagulat pa ako ng sa isang iglap ay nasa harap ko na siya habang hawak ko siya sa
leeg.

Hindi ko maalis ang kamay ko sa pagkakahawak sa leeg ni Jacob. Nanlalaban ito sa


ginagawa ko.

"Jacob... Jacob..."

Umiiyak na ako habang pinipigilan ng isa kong kamay ang isang kamay ko na sumasakal
kay Jacob.

Pilit siyang nagsasalita.

"Hindi ka masama, labanan mo yan Oceane..."

"Jacob...... J A C O B!!!!!!!"

Bigla akong bumangon.

Lumingon lingon ako sa paligid ng silid ko. Walang ibang tao kundi ako, wala rin si
Castor.

Panaginip lang pala ang lahat. Basa ang pisngi ko, totoo pala akong umiyak. Huminga
ako ng malalim saka ko muling inalala ang panaginip ko.

Ako ang sumasakal kay Jacob. Tinitigan ko ang kanang kamay ko. Hindi ko alam kung
ano ang ibig sabihin nito, pero natatakot ako.

Mabilis akong nagpalit ng damit at lumabas ng silid. Wala ng tao sa hallway,


dumiretso ako sa labas ng building namin para alamin kung bumalik na si Frost sa
building nila.
Castor's POV

Nalibot ko na ang buong Academy pero hindi ko pa rin makita si Oceane. Tulog na
tulog siya kanina ng iniwan ko.

"Ako ito si Castor.."

Inalis na ni Zaiden Alfiro ang pagkakatutok ng wand niya sa akin.

Nasa loob ako ng silid niya, walang dudang malakas na wizard talaga ang isang ito.
Matalas ang pakiramdam.

"Anong ginagawa mo dito?"

"Nawawala si Oceane.."

"Ha?"

"Mahimbing siya kanina ng iwan ko, pero wala na siya pagbalik ko."

"Hanapin natin siya.."

Mabilis itong nagpalit ng damit at lumabas kami ng dormitory. Ako gamit ang bilis
ko at siya sakay sa broomstick.

Muli naming inikot ng magkahiwalay ang buong Academy, pero tulad nung una wala pa
rin bakas ni Oceane sa paligid.

"Hindi kaya lumabas siya ng Academy?"

Nagkatinginan kami ni Zaiden Alfiro.

"Mapanganib ang lumabas ng Academy, mapapahamak siya.."

Mabilis kaming lumabas ng Academy. Nilibot namin ang kagubatan at ang bawat sulok
ng Academy ngunit wala pa rin.

Tatlong oras kaming naghanap ni Zaiden Alfiro.

'Saan kaya siya nagpunta?"

Bumubulong na tanong sa sarili ni Alfiro.

Isang kaluskos ang nagpaalerto sa aming dalawa. Halos magkasabay namin kinuha sa
bulsa ang wand namin.

Kakaibang ingay ang naririnig namin na papalapit sa aming kinaroroonan

Ilang sandali pa, mabilis kaming inatake ng Wendigos.

Isang Wendigos lang ang nasa harap namin. Magkasunod kaming umatake ni Zaiden
Alfiro. Gumawa siya ng apoy at ako naman ay kidlat na tumama sa halimaw.

Hindi naman natinag ang malaking katawan ng Wendigos. Nasa anim na talampakan ang
taas ng Wendigos at nakakabingi ang mahina ngunit matinis na tunog na nagmumula
dito.
Muling sumugod ang Wendigos sa amin. Tingin ko sa bawat atake nito, gutom ito. At
malamang na hindi lang ito ang Wendigos na nandito sa gubat.

Umatake ako habang abala ito sa pag atake naman kay Alfiro. Ngunit, mabilis ako
nitong natabig palayo kaya naman humagis ako sa di kalayuan at tumama ang katawan
ko sa malaking puno.

Unti unti akong tumayo para tulungan ang Alfiro, pero bago pa ako nakalapit dito
nakita ko ng unti unting bumagsak sa lupa ang walang buhay na wendigos.

Nilapitan ko si Alfiro. Hirap siyang tumayo, marahil ay nasaktan siya ng Wendigos.

"Ayos ka lang?"

"Oo, tara na hanapin na natin si Oceane, baka mapahamak siya sa mga yan."

Nakatingin kami sa walang buhay na wendigos. Pinagmasdan kong mabuti ang wendigos
na yon.

'Ano kayang ginawa ni Alfiro at bigla na lang nawalan ng buhay ang wendigos
pagkatapos siya nitong daganan?'

Maraming kaluskos na naman ang narinig namin. Minabuti pa namin na sumakay nalang
sa broomstick at pagmasdan ang lahat mula sa itaas.

Isang kakaibang liwanag ang nakita namin sa di kalayuan. Mabilis kaming lumipad
papunta dun.

Nagulat kaming dalawa ng makalapit kami sa liwanag.

Mula sa itaas nakita namin si Oceane na pinalilibutan na apat na kulay ng liwanag


habang bahagyang nakaangat sa lupa ang kanyang mga paa na animoy nakatayo sa
hangin.

At sa di kalayuan sa kanya ay isang lalaking duguan at walang malay na nakahiga sa


lupa.

Isang hooded figure naman ang nasa harap ni Oceane at napapalibutan ng itim na usok
na animoy isang ahas ang bawat galaw at kilos ng itim na usok.

Pagkatapos nun ay nagsamasama ang apat na kulay na nakapalibot kay Oceane at bumuo
ito ng isang hugis. Pinagmasdan kong mabuti ang hugis na iyon.

"Ang Fire Phoenix..."

Halos sabay naming nasabi ni Alfiro. Mabilis itong umatake papalapit sa hooded
figure. Isang itim na usok na hugis ahas naman ang naging pananggalang ng hooded
figure sa atake ni Oceane.

Gumawa ng malakas na enerhiya ang dalawang kulay na nagtama, unti unting umaangat
sa lupa ang lahat ng bagay na kaya nitong palutangin.

Ilang sandali pa, pumasok sa katawan ng hooded figure ang Fire Phoenix na nabuo
mula sa apat na kulay na nakapalibot kay Oceane at sa isang iglap, kumalat sa
hangin ang itim ngunit makinang na liwanag.

Unti unti namang nawala ang Fire Phoenix at ang kulay na nakapalibot kay Oceane.
Bago tuluyang bumagsak sa lupa ang nawalan na malay na katawan ni Oceane, nasalo
siya ni Zaiden Alfiro.

Nilapitan ko naman ang lalaki sa di kalayuan. Nagulat pa ako ng makita ko kung sino
ito.

"Frost?"

Binuhat ko si Frost at si Oceane. Kailangan na naming makabalik sa Academy. Wala pa


kami sa kalagitnaan ng gubat ng makarinig kami ng maraming kaluskos.

Mas binilisan ko ang pagtakbo. Nakaalalay naman si Zaiden alfiro sa akin. Ilang
sandali pa, napansin na namin na anim na Wendigos ang humahabol sa amin.

Hindi ako pamilyar sa gubat na ito kaya naman nahirapan din kami hanapin ang daan
palabas. Halos 30 minutes kaming nagpaikot ikot sa gubat na yon habang hinahabol ng
mga Wendigos.

Wala pa rin malay ang dalawa kaya naman, buhat buhat ko pa rin sila.

Hindi nagtagal, nakita namin ang daan palabas ng gubat. Nagulat pa kami ng makita
sina Miranda at Nazar sa di kalayuan.

Hawak ng mga ito ang wand nila, pagkatapos ay puting kulay ang lumabas sa mga wand
nila para atakihin ang anim na wendigos na sumusunod sa amin.

Kinuha ni Nazar si Oceane at sa akin pa rin si Frost. Abala naman sina Miranda at
Alfiro sa pagpigil sa mga wnedigos na sumunod sa amin.

"Aishetimon Brisingir!"

Narinig kong sinigaw ni Miranda. isang malakas at malaking apoy ang ginawa niya.
Napigilan nito ang mga wendigos na sumunod sa amin.

Dumiretso kami sa Elfwood para magamot si Frost.

Old Efl Sorcerer's POV

Malala ang mga sugat ng batang lalaki, habang pinagmamasdan ko ito. Ginagamot na
ito ng mga Ajouga. Wala pa rin naman malay ang aking apo, nakatitig lang ako dito.

Ikinuwento sa akin nina Alfiro at Castor ang nasksihan nila kanina. Hindi ko alam
kung ano ang mararamdaman ko.

Nakuha na ng aking apo ang kapangyarihan ng Fire Phoenix at nasa loob na ito ng
kanyang katawan.

Hindi ko inaasahan na ganun kabilis niyang mapapasunod ang Fire Phoenix.

"Ano po bang ibig sabihin nun?"

"Alam nyo na ba ang History ng apat na Orbs?"

Walang sumagot kina Alfiro, Castor, Nazar at Miranda.


"Siguro nga ay hindi ninyo alam dahil hindi na ito itinuro sa Academy ilang dekada
na ang nakakaraan."

"Maari nyo bang ikwento sa amin?"

"Sige.. ikukwento ko sa inyo..."

*******************************************
[8] Chapter 7: Four Elemental Orbs and the Academy
*******************************************
(Old Elf Sorcerer's POV)

For normal people they are the only human lives. But now the magical portal for two
different worlds is open to non- magical folks who have the ability of a pure blood
wizard.

The alchemist and class Z wizard, Gulber Meadwer found the four powerful elemental
orbs. With four orbs you can destroy and rebuild the two worlds.

When the wizard people heard the news, each of them tries to kill Gulber to get the
orbs and become the most powerful wizard in the world. They hunt him everywhere and
no one in the community helped him. He hid himself in the forest where no one on
the community tries to enter.

Years passed and Gulber lives in the forest peacefully. One day, while fetching
water in the river he met Sogr Fireup. He was his master, a very kind man he had
ever met. Sogr, offer him to build a school for every children in the two worlds.

Gulber likes the idea. In two years they finished the school and call it Academy of
Witchcraft and Wizardry. Gulber and Sogr cast a powerful spell protect the Academy
from the Dark Magic. The four orbs choose their students and give them a mark on
their palm to sort them by their abilities and strength.

The Academy runs for a hundreds of years, when Sogr die, Gulber and his wife Xeria,
continue to run the Academy. But when the Dark Sorcerer Mousa found out that Sogr
is dead, he used his power to kill Gulber and Xeria.

Even the two die, Mousa can't enter the Academy. He used his whole power and
strength to invade the school but nothing happened. He wastes his life planning on
how to get the four orbs. One night while he was in mansion, a seer came and tells
him about the Academy in the future. Mousa get angry and kill every wizard and
witches in the Community. He killed everyone he saw.

A beautiful young witch Mera caught his eye and forced her to marry him. After a
month, Mera gave birth to a baby boy and she named him Baragor. Mera tries to
escape from the mansion with her baby on her arms. But when Mousa caught her, he
killed her. Mera's dead body fell beside her baby who was crying.

Mousa get the baby and leave Mera's body. Years passed and Baragor is now powerful
like his father Mousa. Baragor is more cruel and brute than his father. Mousa found
it and planned to kill his son. Baragor heard it and that night he kills his father
with the forbidden spell. And until now he is known as the Dark Sorcerer.

"Hindi ko alam ang tungkol sa kwentong yan ni Papa."

Seryoso si Nazar ng mga sandaling yon.

"Nakita ko sa picture ang lolo ko pero hindi ko alam ang pangalan niya."
"Marahil Nazar, galit ang iyong Amang si Baragor kay Mousa kaya hindi na niya
sinabi pa sa iyo ang tungkol sa lahat."

Hndi na kumibo si Nazar. Hinawakan naman ni Miranda ang kamay ng asawa para maibsan
ang nararamdaman nito.

"Alberich..."

Hindi ko napansin ang paglapit sa akin ng ajouga.

"Kamusta ang binata?"

"Kailangan niya ng pahinga, maayos na mga sugat niya."

"Maraming salamat sa inyo..."

"Ang Infinity...?

"Maraming chakra ang nawala sa kanya, pahinga lang ang kailangan niya para
manumbalik ang kanyang lakas."

"Mabuti naman kung ganoon."

(Nazar's POV)

'Ganun ba talaga kasama ang pinagmulan ko? ANg dugong meron ako ay dugo ng mga Dark
Wizard.'

Naramdaman ko ang haplos ng kamay ni Miranda sa likod ko.

"Matagal na yun, wag mo na isipin."

Inakbayan ko siya habang nakatayo kami sa terrace ng tree house namin.

"Nahihiya ako sa Clan mo Miranda..."

Tumingin lang siya sa akin.

"Clan ko ang sumira ng lahat ng ginawa ng Clan mo. Magkaibang Clan ang pinagmulan
natin, pero tayo ang nagkatuluyan at ang anak pa natin ang tatapos sa lahat ng
sinimulan ng pareho nating angkan."

"Kaya nga nandyan ang anak natin para naguhin ang lahat, para maitama ang lahat."

Niyakap ko na lang ng mahigpit ang babaeng mahal na mahal ko.

(Castor's POV)

Hindi ko maiwasang mapangiti habang pinagmamasdan ko sina Miranda at Nazar.

Napatingin ako sa langit habang, nakahiga sa paborito kong sanga ng puno. Hindi
talaga ako makapaniwala sa mga nasaksihan ko kagabi.

Ang Fire Phoenix, nasa loob ng katawan ni Oceane. At talagang sobrang lakas niya.

'Sino kaya ang hooded figure na yon kagabi?'

"Bumaba ka dyan Castor.."


Tinatawag ako ni Nazar.

Mabilis akong tumalon pababa ng puno.

"PAlagi ka na lang nandun sa itaas.."

"Mas komportable ako dun.."

Inakbayan ako ni Nazar, habang naglalakd kami.

"Tahimik ka yata.."

Napansin ko kasing di siya nagsasalita.

Ngumiti siya sa akin.

"Sa narinig ko kanina... nakaramdam ako ng matinding pagkapahiya. Pakiramdam ko


matutunaw ako kanina..."

Hinayaan ko lang na magkwento si Nazar. Alam ko naman na gagaan ang pakiramdam niya
pag sinabi nya sa akin kung ano ba ang nasa isip niya.

"Si Miranda... si Oceane... pakiramdam ko kahihiyan ang dulot ko sa mag ina ko..
hindi ko matanggap na ang dugong bumubuhay sa akin ay galing sa dalawang masamang
tao. Na ako ay isa sa naging bunga sa kasamaan na ginawa nila.."

"At ikaw din ang tutulong sa anak mo para maitama ang lahat, na maibalik sa dati
ang lahat ng winasak ng lolo at ama mo."

Nagsmirk siya. Hindi ko alam kung naiinis siya sa sinabi ko o natatawa siya dahil
sa sinabi ko.

"Isa pa nga yan... nagkaroon ng mabigat na responsibilidad ang anak ko sa mga bagay
na wala naman talaga siyang kinalaman."

"Nakatadhana ang lahat Nazar... kaya nga tayo pinagtagpo tagpo ng tadhana para
matulungan ang anak mo na baguhin ang lahat. Na ibalik ang lahat sa dati."

"Alam mo, ang swerte ko talaga sayo Castor..."

Natawa naman ako sa sinabi niya.

"Kung pwede nga lang na maging anak kita... mas gusto kasi kita kesa sa binatang
Alfiro."

"Syempre halos sayo na ako lumaki eh... ngayon mo lang naman nakikila si Alfiro.."

"Ikaw talaga.."

Ginulo ni Nazar ang buhok ko.

(Zaiden Alfiro's POV)

Pinagmamasdan ko lang si Oceane na mahimbing na natutulog sa kama niya. Nakaupo ako


sa sofa malapit sa kama.

Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko ngayon. Sa mga nakita ko kagabi, sobrang


lakas ng kapangyarihan ang naramdaman ko. Halos hinihigop din nito ang lakas namin
ni Castor kagabi.
At yung hooded figure, sino siya? at bakit kasama ni Oceane si Jacob kagabi? Bakit
sugatan si Jacob?

"Hmmmmmmn...."

Napansin kong kumilos si Oceane. Nag iba ito ng pwesto sa pagtulog. Humarap siya sa
akin.

Nilapitan ko siya at naupo ako sa harap ng kama. Napangiti ako habang pinagmamasdan
ang mukha niya.

'Ano bang meron ka at sobrang mahal kita?'

"Hrrrrrrmn..Hrrrmn!"

Bigla akong napalingon. Si Miranda nakatayo sa likod ko.

"Hindi ka ba nagugutom? Kumain ka muna..."

Tumayo ako at bumalik sa sofa.

"Hindi pa po ako gutom.."

"Talaga? Sigurado ka?"

Tumango lang ako. Nahiya ako bigla. Nahuli nya kasi ako na nakatitig sa anak niya.

Napansin kong nakangiti siya sa akin. Maslalo tuloy ako nakarmdam ng hiya.

"Gusto mo talaga ang anak ko noh?"

"Poh?"

"Ok lang naman sa akin yan, mga bata kayo at natural lang naman na makaramdam kayo
ng ganyan, isa pa dumaan din ako sa stage na ganyan."

Ngumiti lang ako, hindi ako makapagsalita.

"Alam mo Zaiden, nag aalala ako sa anak ko.."

Seryoso na siya.

"Narinig mo naman ang kwento ni Old Elf Sorcerer kanina... hindi namin maiwasang
mag alala ni Nazar para sa kanya..."

"Kahit naman po kami ni Castor ay nag aalala.."

Ngumiti lang si Miranda sa akin.

"Ngayon na nasa katawan na niya ang Fire Phoenix, may tatlo pang natitira Water
Dragon, Earth Lion at Wind Eagle. Hindi ko alam kung kakayanin pa ng anak ko ang
apat na malalakas na kapangyarihan sa loob ng katawan niya."

Hindi ako nagsalita. Kahit ako ay nag aalala kay Oceane.

(Castor's POV)

Hindi ako mapalagay sa hooded figure na nakalaban ni Oceane kagabi. Kailangan ko


mag imbestiga para malaman kung bakit at paano niya napapasunod ang mga Wendigos.

"Saan ka pupunta?"

Gabi na pero nakita ko pa si Nazar sa labas at nakatayo ito sa lilim ng puno.

"SA tambayan lang.."

"Hindi ako naniniwala sayo... kilala kita. Meron kang gagawin at balak mo yon gawin
na hindi ipinapaalam sa akin."

Bahagya akong natawa.

"Ano naman ang ginagawa mo dito?"

"Alam kong aalis ka.. nakita ko sa kilos mo na gagawin ka."

"Ibang klase ka talaga, ganyan mo na ako kakilala."

"Sasamahan na kita."

"Wag na. Hayaan mo muna na ako ang umayos nito."

"Pero.."

"Nazar, please kahit ngayon lang.."

Huminga muna siya ng malalim bago ulit nagsalita.

"Sige, pero ipangako mo na ipapaalam mo sa akin ang lahat."

"Yes boss!"

Mabilis na akong tumakbo at iniwan si Nazar.

Habang naglilibot ako sa gubat, napansin ko ang isang babae sa lilim ng puno.
Tingin ko ay sugatan ito.

Agad ko itong nilapitan. Habang papalapit ako sa kanya. Nakaamoy ako ng malansa.
Kakaibang amoy ng dugo na hindi ko gusto.

Nang makita ko ang abbae ng malapitan, bahagya akong nagulat sa nakita ko. Kilala
ko siya.

Siya ang babaeng Catlesnake. Sugatan siya at tingin ko ay wala siyang malay.

Tinitigan ko lang siya habang walang malay na nakaupo sa ilalim ng puno.

Tumalikod ako at aalis na sana, pero biglang nagflash back sa isip ko ang mga
naitulong niya sa akin.

Nilapitan ko siya at binuhat. Dinala ko siya sa tambayan ko, dun sa mataas na puno.

Marami siyang sugat, pbase sa mga sugat nya inatake siya ng kung anong klase ng
hayop.

SIra sira ang damit niya at halos puro dugo ang katawan niya. Unti unti kong
nilinis ang sugat niya.
'Bakit ganito ang amoy ng dugo niya? Sobrang baho?'

Ilang sandali pa natapos ko na linisin ang katawan niya. Matagal din siyang walang
malay.

Tinitigan ko siyang mabuti.

'Maganda siya.'

Tumayo ako at lumayo ng bahagya sa kanya.

'Ano ba itong sinasabi ko?'

Tumayo ako at tumalikod sa kanya. Umakyat pa ako sa taas ng puno at duon ako
nahiga sa sanga nito.

Ilang oras pa ang lumipas. Mula sa itaas nakita ko na gising na siya.

(Ashlyn's POV)

'Aah! Ang sakit ng katawan ko.. asan na ako?'

Lumingon lingon ako sa paligid. Walang tao.

'Paano ako napunta dto?'

Dahan dahan akong tumayo para makita kung asan ako.

Malakas na hangin ang sumalubong sa akin pagtayo ko.

Nakaramdam ako ng sobrag ginaw. Niyakap ko ang sarili ko.

Dun ko lang napansin na may mga benda na ang sugat ko at malinis ang katawan ko.

Lumingon lingon ulit ako. NApansin ko ang ganda ng lawa mula sa knatatayuan ko.
Kumikinang ang tubig nito dahil sa liwanag ng buwan at mga fairies na naglalaro.

Inamoy ko ang benda sa braso ko. Hindi ko mapigilan na hindi ngumiti.

'Si Silverwood ang tumulong sa akin..'

Hinanap ko kung saan siya nagtatago. MAyamaya naramdaman ko na siya sa likod ko.

Bigla akong lumingon. Muntik ko na siyang mahalikan ng mga sandaling yon. Natigilan
kami pareho ng ilang segundo.

Siya ang unang lumayo sa akin. Nakatingin lang siya.

"SAbi ko na nga ba ikaw ang tumulong sa akin."

"Paano mo nalaman?"

"ALam ko lang."

Hindi na siya nagsalita. Ngumiti naman ako at nilapitan siya.

Pagkatapos nun ay hinalikan ko siya sa pisngi.

"Salamat ha! Utang ko ngayon sayo ang buhay ko."


Lumayo naman siya sa akin.

"Wala kang utang sa akin. Patas na lang tayo ngayon."

Ngumiti lang ako at hindi na nagsalita pa.

"Ayos ka na ba?"

Ngumiti lang ako sa kanya.

"Oo naman.. ayos na ako."

Naglakad ako para magpasikat lang sa kanya.

Hinawakan niya ang braso ko, pero maingat naman yon.

"Tumigil ka na nga."

Agad niyang inalis ang benda sa braso ko at pinalitan iyon. Pinunit niya ang suot
niyang damit at ito ang itinal niya sa sugat ko na dumudugo na.

"Napwersa na ang sugat mo kaya dumudugo."

Habang abala siya sa pagbebenda sa sugat ko, nakatitig lang ako sa kanya.

Bakit ba masaya ako pag nakikita ko siya? BAkit ang bilis ng tibok ng puso ko pag
magkalapit kami? Hindi kaya....?

"Bakit?"

"Ha? W---wala wala.."

"Ano bang nangyari sayo?"

Sa ngayon tapos na niyang bendahan ang sugat ko.

"Inatake ako ng mga Wendigos..."

Tumahimik lang siya. Hindi niya pwedeng malaman kung sino talaga ako at kung ano
ang misyon ko.

"Bakit tumahimik ka?"

"Wala.. may gagawin pa ako. Ibababa na kita dito at umuwi ka na mag isa."

"S----sige.."

Binuhat niya ako sa likod niya at bumaba kami ng puno.

Nakayakap ako sa likod niya. Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko ngayon.

'Hindi pupwede ito... magkaiba kayo...'

"Pwede ka ng bumaba."

Nagulat pa ako ng magsalita si Silverwood, nasa baba na pala kami.

"S---orry!"
Dahan dahan akong bumaba sa likod niya.

"May gagawin pa ako, kaya mo na ba umuwi?"

"Salamat! Kaya ko na.."

"Sige!"

Mabilis na siyang umalis at naiwan ako sa gitna ng gubat.

(Castor's POV)

Bakit ba kasi kung nasaan ako, nandun din ang Catkesnake na yon? Imposible naman na
nagkataon lang dahil halos palagi kaming nagkikita sa iisang lugar.

At bakit ba kailangan pa niya akong halikan?

Kinuha ko ang panyo sa bulsa ko at pinunasan ko ang buong mukha ko.

Habang pinupunasan ko ang mukha ko may pumasok sa isip ko.

'Hindi kaya may gusto siya sa akin?'

Napailing ako. Masyado naman ata akong assuming.

Patuloy ako sa paghahanap ng sagot sa tanong ko. At ano ba kasing ginagawa ng


babaeng yon sa gubat sa ganitong oras?

(Frost POV)

Malabo ang paningin ko. Masyadong maliwanag, patay na ba ako? Tuluyan na bang
bumigay ang katawan ko?

May narinig akong nag uusap. Malabo ang usapan pero alam ko na may nag uusap.

Muli kong ipinikit ang aking mga mata at dahan dahan akong nagdilat.

Ilaw, may nakikita akong ilaw sa harapan ko. Lumingon lingon ako ng maging malinaw
na ang paningin ko.

Nakahiga ako sa isang kama sa isang silid.

'Nasaan na ako?'

Bumangon ako ng dahan dahan, masakit ang buo kong katawan. Halos nanlalambot pa ang
mga tuhod ko kaya hindi ako makatayo ng maayos.

Babagsak ako sa sahig, pero bago ako tuluyang bumagsak, isang tao ang sumalo sa
akin.

Nakatingin sa akin ng diretso si Zaiden Alfiro habang hawak hawak niya ako. Siya
ang sumalo sa akin. Hindi siya nagsasalitang inalalayan ako pabalik ng kama.

"Salamat!"

Sabi ko na lang ng makabalik ako sa kama. Naupo naman sa sofa si Zaiden. Nakatingin
lang ito sa akin.
"Alam kong may sasabihin ka.."

"anong nangyari sayo?"

Sa tanong na yon, biglang nagflash back ang lahat sa isip ko.

REWIND (the night he was kidnapped)

"Bakit ginagawa mo ito sa akin?"

Nasa harapan ko ang taong pasimuno sa pagdukot a akin. Si Tzin Zummer.

Siya ang kaibigang matalik ni Allyssa.

"Dahil sagabal ka sa mga plano ko.."

"Anong plano?"

Hindi siya sumagot, imbes ay ginamitan niya ako ng spell.

Isang itim na usok ang pumulupot sa buo kong katawan. Bawat paggalaw ko ay
humihigpit din ang pagkakapulupot nito sa akin.

"Ano bang ginagawa mo? Pakawalan mo ako..."

Hindi siya nakinig sa akin, isang kulay itim at puting liwanag ang lumabas mula sa
kanyang wand.

Nang tumama sa aking ang dalawang liwanag, nakaramdam ako ng sobrang sakit,
pakiramdam ko ay pinupunit ang aking laman at balat.

Napansin ko ang pag agos ng dugo sa aking katawan sa ibat ibang parteng nasugatan.

Halos nagdilim na ang paningin ko ng isang malaking aso ang nakita kong galit na
umatake kay Tzin.

Natabig nito si Tzin at tumalsik ito sa malayo. Agad akong Isinakay ng malaking
asong yon sa sa kanyang likod at mabilis itong tumakbo.

Hindi ko na alam ang mga sumunod na nangyari. pakiramdam ko kasi ay mamamatay na


ako ng mga oras na yon.

BACK TO PRESENT

"Aso?"

Tanong ni zaiden sa akin.

"Malaking aso ang nagligtas sayo?"

Tumango lang ako bilang pagsang ayon.

"Wala ka na talagang maalala..."

"Bakit ano bang nangyari?"

Tumingin na naman sa akin ng diretso si Zaiden. Pakiramdam ko ay galit siya sa


akin.
"Iniligtas ka ng Infinity..."

"Ano?!"

Hindi ko alam kung anong magiging reaksyon ko. Paano naman ako maiiligtas ni oceane
kung hindi niya alam na nawawala ako.

"Nakita namin ang nangyari kagabi... Walang malay ka habang nakikipaglaban sa isang
hooded figure ang Infinity."

"Hooded figure?"

"Hindi mo ba alam na hooded figure ang suot ng kumidnap sayo?"

"Hindi siya naka hood, nakarobe si Tzin ng gabing yon at natatandaan ko yon."

"Anong sinabi mo? Kung ganoon sino ang hooded figure na kalaban ng Infinity
kagabi?"

Nagkatinginan kami ni Zaiden. Sino nga ba yon? Sigurado akong hindi si Tzin ang
tinutukoy niya.

(Zaiden Alfiro's POV)

Habang nakatitig ako kay Oceane, naisip ko ang sinabi ni Frost kanina. Kung hindi
si Tzin ang nakalaban ni Oceane sino yon? Hindi kaya si Baragor?

"Bakit ka nakatitig sa akin?"

Bahagya pa akong nagulat ng marinig kong nagsalita si Oceane. Gising na siya. Agad
ko siyang nilapitan, naupo ako sa gilid ng kama at hinawakan ko ang kamay niya.

"Kamusta ka na?"

"Ayos lang ako, bakit ano bang nangyari?"

"H--hindi mo naalala?"

Umiling lang ito sa sinabi ko. Hindi nya naalala na nakuha na niya ang
kapangyarihan ng Fire Phoenix?

"Iniligtas mo si Frost kagabi?"

"Ha? Paanong...."

Napansin niya ang tatak sa kaliwang braso niya, ang tatak ng FIRE Phoenix. Hinaplos
pa niya ito habang tinititigan.

"Nasa loob na ng katawan mo ang kapangyarihan ng Fire Phoenix, kaya mo na siyang


pasunurin sa ano mang gusto mong ipagawa sa kanya."

"Nailigtas ko siya dahil sa tulong ng Phoenix..."

halos bulong lang ang sinabi nyang yon, pero malinaw sa pandinig ko ang sinabi
niya.

'Nasan na si frost?"

"Nasa kabilang silid, kailangan niya ng pahinga dahil sa dami ng tinamo niyang
sugat.. pero ayos na siya. Ginamot na siya ng mga ajouga."

Hinawakan ni Oceane ang dalawa kong kamay. Mahigpit yon.

"Bakit?"

Tanong ko sa kanya, kakaiba kasi ang hawak niyang iyon, parang may ibig sabihin.

"Masaya ako kasi ikaw ang una kong nakita.."

Ngumiti siya sa akin pagkasabi nun, kakaibang ngiti na ngayon ko lang nakita. Hindi
naman mapakali ang puso ko, halos hindi na nga makahinga sa sobrang bilis ng tibok
nito.

"Masaya din ako kasi ligtas ka.."

"Si Castor?"

"Hindi ko alam, kanina ko pa siya hindi nakikita.."

Ok na sana bakit hinanap pa niya ang bampirang yon?

Tinitigan ko si Oceane habang nakatingin sa bintana.

Kitang kita ko na nag iba ang kulay ng mga mata niya. Tumayo ako bigla sa nakita
ko.

"Tatawagan ko lang sina Miranda at Nazar.."

"Ok sige..."

Iniwan ko si Oceane sa silid. Agad kong hinanap sina Nazar at Miranda. Nalibot ko
na ang buong silid ngunit hindi ko sila makita.

'Asan na kaya sila?'

Isang silid aklatan ang aking napasok. Hinanap ko doon kahit ang Old Elf Sorcerer.
Walang tao sa loob. Isang aklat ang nakabukas sa lamesa ang napansin ko ng
papalabas na ako ng silid aklatan.

"Anong ibig sabihin nito?"

Sa curiousity ko, naupo ako a silya at binasa ang librong iyon.

Isa yung libro tungkol sa apat na elemental orb.

"Mr. Alfiro..'

Bigla akong napatayo ngmarinig ko ang boses ng Old Elf Sorcerer.

"Pasensiya na po.."

"May kailangan ka ba Mr. Alfiro?"

"May sasabihin po sana ako sa inyo.."

"Ano iyon?"

Ikinuwento ko sa kanya ang napansin ko kay Oceane. napansin ko rin ang biglang
pagkabigla ng Old Elf Sorcerer.

"Ganun ba?"

"Ano po bang ibig sabihin nun?"

"Mamaya ko na sasabihin. Maari mo bang tawagin Nazar at Miranda?'

"Sige po..."

Hindi na ako nangulit pa, hinanap ko kaagad sina Miranda at Nazar.

Ilang minuto ko din silang hinanap, nang makita ko sila ay agad kong sinabi na
pumunta sila sa silid aklatan. papasok na rin ako ng bahay ng dumating naman si
Castor, sabay kaming pumasok sa silid aklatan.

"Bakit po, may nangyari po ba?"

Tanong ni Miranda sa Old Elf Sorcerer.

"may mahalaga lang akong sasabihin.."

"Ano yon?"

"Hindi lang pala isang orb ang pumasok sa katawan ni Oceane..."

"Ano?"

Halos sabay sabay namin tanong.

"Hindi lang Fire Phoenix ang nasa loob ng katawan ng Infinity?"

"Ang Wind Eagle ay nasa katawan na rin niya."

Walang nagsalita sa amin. Tumahimk ang lahat.

"Ano pong sinasabi nyo?"

NApalingon naman kaming lahat. Nasa may pintuan si Oceane at nakatayo.

"Anak?"

"Gising ka na pala..."

Agad siyang nilapitan nina Nazar at Miranda. nakatayo lang si oceane habang yakap
yakap ni Miranda.

Inalalayan pa siya ng kanyang mga magulang niya para maupo.

"Apo, ibig kong malaman mo na, ang dalawang banal na orb ang Fire Phoenix at ang
Wind Eagle ay nasa loob na ng katawan mo."

"Po? Paanong...'

"Marahil naramdaman ng dalawang orb na kaya mo na silang kontrolin."

"Pero wala naman po akong nararamdamang kakaiba.."

"ang emosyon ay maraming kayang gawin na hindi kayang pigilan ng ating isip. Hindi
mo namalayan na nailabas mo ang natatago mong kapangyarihan dahil sa emosyon mo.'

"Anak nakaramdaman ka ba ng sobrang galit o pagkabigla?"

"Galit, galit po ang naramdaman ko ng mga oras na yon...'

Nakatingin lang kaming lahat kay Oceane.

"Nakita kong hinahabol ng isang hooded figure ang isang malaking aso, at sa likod
nito ay may isang lalaking walang malay... ng makita ko ito ng malapitan, nakilala
ko kung sino, si Frost ang lalaking walang malay. Duguan ito at maraming sugat..'

"Yung malaking aso?"

"At yung hooded figure?"

Magkasunod namin na tanong ni Castor.

"Kulay krema ang malaking aso. Nakita kong pilit niyang inililigtas si Frost kaso
naabutan sila ng hooded figure. Pagtakatapos ay isang kakaibang liwanag ang lumabas
mula sa wand ng hooded figure at parang latigong tumama ito sa malaking aso."

"Narinig ko ang malakas na pag alulong ng malaking aso,tingin ko nasaktan siya ng


mga oras na yon."

"Paulit ulit siyang nilalatigo nun hooded figure. Pagkatapos ay dumating si Tzin,
nakikita niya lahat ng nangyari..Pilit na sinusubukan ng malaking aso na makalapit
sa hooded figure pero hindi nya magawa dahil sa sunod sunod na paglatigo sa kanya.'

"Mula sa likuran ko, nakaramdam ako ng kaluskos at mga kakaibang ingay, pinilit
kong umakyat ng puno kaso masyadong mataas kaya naman, tumakbo na lang ako
papalapit sa kinaroroonan ni Frost, halos labing limang Wendigos ang lumabas mula
sa mga matataas na damo."

"Mabilis nitong hinabol si Tzin, kahit anong takbo ang gawin niya, naabutan pa rin
siya nito, pilit siyang lumalaban gamit ang wand niya."

"Agad din naman kaming napansin ng mga Wendigos, hindi ko magawang maitakas ng
mabilis si Frost."

Huminto sa pagkukwento si Oceane. napansin kong pinipigilan niyang maiyak habang


nagkukwento.

"Anong nangyari anak?"

Inakbayan siya ni Miranda habang marahang hinahaplos ang likod niya.

"Nalito po ako, masyadong marami ang Wendigos na papalapit sa amin... hindi ko alam
kung matatalo ko ba sila..gamit ang wand ko lang.."

"Sobrang natakot na ako ng isang Wendigos ang nakalapit kay Frost. Wala pa rin
siyang malay ng mga sandaling iyon... hindi ko alam kung paano at kung saan
nanggaling."

"Isang malaki at malakas na apoy ang lumabas sa aking mga palad., nagawa kong
mapatay ang isang wendigos. Naramdaman kong kumikirot ang braso ko, sobrang sakit
niya na para bang pinapaso ako."

Hinaplos ni Miranda ang hugis na Fire Phoenix sa braso ni Oceane.


"Naramdaman ko na ang kakaibang init sa buong katawan ko, lumayo ako ng bahagya kay
Frost. Pagkatapos... wala na po akong matandaan."

Tumahimik lang kami lahat. Tiningnan ko ang Old Elf Sorcerer, parang malalim ang
iniisip niya.

"Anong nangyari kay Tzin? at dun sa malaking aso?"

Hindi ko maintindihan pero pakiramdam ko masyadong interesado si Castor sa aso at


kay Tzin.

"Nakatakas si Tzin, sinamantala niya na abal ang mga Wendigos at ang hooded figure
sa akin. Yung malaking aso, wala na siya ng makita ko."

"Oceane, ang Wind Eagle... naramdaman mo ba ito sa katawan mo?"

Tanong ko naman ng hindi na nagsalita pa ang iba. Marahil ay mga nag iisip sila.

Umiling lang si Oceane.

"Old Elf..."

Tanong naman ni Miranda sa Old Elf.

"Tingin ko ay hindi pa handa ang Infinity para mapasunod sa gusto niya ang Wind
Eagle."

"Pero nakita ko pong nagbabago ang kulay ng mata ni Oceane kanina."

"Tama po si Zaiden, nararamdaman ko pong may kakaiba sa akin. Nakikita ko ang isang
lugar na mahigit 20 kilometro ang layo at halos isang milya ang pagitan."

Hinawakan ng Old Elf ang braso ni Oceane na may marka ng Fire Phoenix.

"Mabuti pa maghanda ka na muna ng pagkain Miranda para makakain ang aking apo..."

"Mabuti pa nga.. halika duon tayo sa kusina.."

Naiwan kaming mga lalaki sa silid aklatan. naupo ang Old Elf Sorcerer sa kanyang
lamesa at may binabasang aklat.

"Nazar..."

"Bakit?"

"Castor at Alfiro.."

"Bakit po?"

"Ayon sa legend, malakas ang kapangyarihan ng Fire Phoenix, at ayaw nitong may
kahati sa isang bagay na alam na niyang kanya itong pag aari."

"Ang ibig sabihin ay hindi makapasok ng tuluyan sa katawan ng aking anak ang Wind
Eagle dahil sa pinipigilan itong Fire Phoenix?"

Tumango naman ang matandang Elf

"Hindi po ba delikado para kay Oceane ang pag aagawan ng dalawang Orb sa kanyang
katawan?"

"Iniisip ko nga rin yan, kaya kailangan ko muna pag aralan ang lahat ng tungkol sa
apat na orb.."

"Ano pong mangyayari kay Oceane pag hindi tuluyan nakapasok ang Wind Eagle sa
katawan niya?"

Curious ako na malaman.

"Pag nangyari yan, walang ibang orb ang maari o makakapasok sa katawan niya.
Tanging ang Fire Phoenix lang ang magagamit niya sa pakikipag laban."

"At hindi yon maari dahil, manginganib ang buhay niya oras na magkaharap sila ni
baragor, tama ba Old Elf?"

"Tama ka Nazar. Bukod pa dyan, ang iniisip ko pinakamalakas na Orb ang Fire Phoenix
kailangang tama at dalisay ang paggamit ng kapangyarihan."

"Kailangan pa ba niyang magsanay?"

"Oo Nazar. Si Castor dahil sa bilis, lakas at talas ng pakiramdama, maaris niyang
tulungan magsanay ang aking apo."

'Ano? Bakit si Castor? Kaya ko din naman turuan si Oceane,...'

"At ang batang Alfiro, malakas siya at maraming alam na spells na siguradong
makakatulong sa aking apo. At ikaw Nazar, dahil may alam ka sa Dark Arts,
matutulungan mo ang iyong anak na balansehin ang mabuti sa masama."

"Anong ibig sabihin nun?"

"Nakikita ko ang aura ng Infinity at sa aura niya ay may itim na aura na


nakapalibot.."

"Hindi maari yon.."

"Dapat maalis natin ang itim na aura sa kanya, at tulungan siyang makontrol ang
emosyon para hindi nito masakop ang boung aura niya na maaring makaapekto sa Fire
Phoenix sa loob ng kanyang katawan."

*******************************************
[9] CHAPTER 8: Mysterious Guardian Wolf Master
*******************************************
(Castor's POV)

Ilang araw na rin ang lumipas mula ng mangyari ang kakaibang gabing yon. May kanya
kanya kaming schedule para sanayin ang Infinity na mabalanse ang kanyang
kapangyarihan.

"Bakit nakatambay ka na naman dyan? May klase tayo.."

"Tinatamad ako pumasok kayo na lang.."

"Castor Craven Silverwood?!"

Napatingin ako kay Oceane. Nakapamewang ito at nakataas pa ang kilay. Kasama niya
si Zaiden Alfiro, walang kibo itong nasa tabi niya.

"I want you to go down and attend the class."

"Why should I follow you?"

"You should follow me or I will turn your body into ash."

Tumawa lang ako sa sinabi niya.

"Hayaan mo na si Castor, para namang di mo siya kilala."

Narining kong sabi ni Zaiden Alfiro.

"Hmp! Wag kang papasok sa silid ko mamaya."

Pagkasabi nun ay mabilis siyang umalis. Nagkibit balikat naman si Zaiden Alfiro sa
akin bago sinundan si Oceane.

Boring kasi ang klase, divination. Hindi ko hilig ang subject na yon, bukod sa
boring na, hindi ako interesado na malaman kung ano ano ang ibig sabihin ng mga
araw araw kong gawain, at isa pa, ayokong malaman ang future ko.

Hindi na exciting ang life kung alam mo na ang mangyayari sa kinabukasan diba?

Tambayan ko na ang kagubatan kaya naman, lumabas ako ng Academy para maghanap ng
pagkain.

Isang mataba at may kalakihang baboy ang nakita ko. Mabilis ko iyong hinabol at
ilang sandali lang ay nahuli ko. Hawak hawak ko ang katawan nito para hindi na
makatakbo.

"Too early to feed.."

Napatingin ako sa nagsalita. Ang babaeng Catlesnake na naman.

'Bakit nandito siya?'

"Hi!"

Habang nakatingin ako sa kanya, napansin kong may nagbago sa kanya.

"Why expressions like that?"

"I'm just thinking kung bakit palagi tayong nagkikita?"

"I-I don't know.."

Pagkasabi niyang yon, ay naglakad na ako at nilampasan ko siya.

"Hindi ka umattend ng klase?"

Nakasunod siya sa akin.

"Malamang! Andito ako eh."

Gusto kong mainis siya sa akin para layuan niya ako. Tapos na ang pagmamatyag ko sa
kanya, wala ng dahilan para makipaglapit pa ako sa kanya.
Patuloy lang ako sa paglalakad. Nang makarating ako sa tabi ng lawa, saka ko inalis
ang gutom at uhaw ko. Malapit na rin lumubog ang araw, kaya naman kahit nakabantay
sa akin ang babaeng Catlesnake naenjoy ko ang aking pagkain.

Nagulat pa ako ng bahagya ng lumapit siya sa akin at pinunasan ng panyo ang gilid
ng labi ko.

Nakangiti pa siya sa akin.

"Talagang nakabantay ka pa sa akin ano? Hindi ka ba natatakot na baka ikaw ang


maging hapunan ko?"

Tapos na niyang punasan ang labi ko. Hindi man lang ako nagpasalamat, yabang ko
diba?

"Kaya naman kitang labanan kung sakaling ako ang gawin mong hapunan."

Nakangiti pa nitong sabi. Napailing na lang ako sa sagot niya.

Ewan ko ba, sobrang romatic para sa akin ang paglubog at pagsikat ng araw. Marahil
sa kakaibang kulay nito na nagpapaganda ng kulay sa buong kagubatan.

Nakaupo lang ako sa buhangin at ganun din siya.

"It's so weird watching the sunset with you.."

"Weird? I didn't even invite you."

Ngumiti lang siya.

'Ngiti lang ba ang kaya nitong iganti sa mga pambabara ko sa kanya? Kung si Oceane
siya malamang nabungangaan na ako nun.'

"Can I invite you with my place the day after tomorrow?"

"Why?"

'Hello ano naman gagawin ko dun? Mga Dark Wizards ang lahi nyo, hindi ako
magsuicide noh?'

"I want you to know me better."

Hindi na ako sumagot pa sa sinabi niya.

'May gusto ba ito sa akin? Hindi ko naman siya type. Hindi ko kasi maipaliwanag
kung ano ang dapat ko maramdaman sa kanya. May kakaiba siyang amoy na hindi
pangkaraniwan."

"Iisa lang naman ang gusto nating mangyari, ang mawala si Baragor at maibalik ang
lahat sa dati."

'Hindi ako naniniwala sayo. Mula ka sa kampon ni Baragor, paano ako magtitiwala sa
isang Dark Wizard?'

"The way you look, you have doubt. Anyway hindi ko naman ipipilit sayo na magtiwala
ka. Para saan pa ang pag spy mo sa akin noon kung hindi mo naman nalaman ang
totoo?"

"Alam kong alam na sinusundan kita, kaya alam ko na rin na hindi mo ipapakita sa
akin ang lahat."

Ngumiti na naman siya.

"That's why I'm inviting you to visit my place to reveal everything that may help
you."

"Sige pupunta ako, isasama ko si Nazar at Miranda..."

"I only trust you Silverwood. I want you alone."

Nakita ko sa mga mata niya na nagsasabi siya ng totoo. At sa mga sandaling


yon,naririnig ko na rin ang pagbilis ng tibok ng puso niya.

"Are you nervous? Your heart beats faster.."

"I don't have idea either."

Tumahimik ako at ganoon din siya, pero nakatitig pa rin siya sa mukha ko. Nag
uumipisa na akong mailang sa ginagawa niya.

"What are you doing?"

"Pinag aaralan ko lang ang hugis ng mukha mo."

Isang matamis na ngiti ang ginawa niya. Ngiti na naramdam mong hindi peke.

"You know what Silverwood?"

Nakatingin lang ako sa papalubog na araw. Hindi na ako muling tumingin sa kanya.

"I really like you..."

Dun ako muling napatingin sa kanya.

"Gusto mo ako?"

"You're different, there's something in you that makes my heart beats faster."

'Inlove nga sa akin ang Catlesnake na ito. Seryoso ba talaga siya?'

Bago pa ako nakapag react sa kanya, isang kakaibang nilalang na ang papalapit sa
amin. Nasa likuran ito ni Ashlyn kaya naman hindi niya alam.

Nagulat pa ako ng maunahan niya akong bunutin ang wand mula sa bulsa at patamaan ng
spells ang isang malaking nilalang.

Agad kaming tumayo para makalayo naman sa mga nilalang na dumadami. Hindi namin
alam kung ano ang mga ito dahil nagtatago sila sa buhangin.

"Alam ko na kung ano sila, sila ang mga Sluagh."

"Ano? Bakit nila tayo inaatake?"

"Hindi ko din alam, mabuti pa tumakas na lang tayo! tayo na.."

Agad kaming tumakbo ng mabilis. Hindi na ako nagulat pa ng makipagsabayan ng bilis


sa akin si Ashlyn. Mabilis din siya pero hindi siya kasing lakas ko.
Hinahabol kami ng mga Sluagh. Sila ang host ng unforgiving dead.

'Bakit kami hinahabol?'

(Ashlyn's POV)

Mula sa kawalan bigla na lang sumulpot ang mga sluagh pagkatapos ay hinahabol kami.
Sabay kaming tumakbo ni Silverwood.

Sila ang tinatawag na kamatayan. Wala kaming laban ni Silverwood oras na mahawakan
nila kami. Sa ayaw at gusto namin, mamamatay kami ng mga oras na yon.

"Ano bang problema nila?"

Tanong ni Silverwood habang tumatakbo kami.

"Tingin ko may nag-uutos sa kanila na patayin tayo.."

Tumingin lang siya sa akin.

Patuloy kami sa pagtakbo hanggang sa makarating kami sa Academy. Hindi kami


tinigilan ng mga sluagh.

Mabilis na sumara ang gate ng makapasok kami sa loob ng Academy.

"Grabe! Ang bibilis nila, desidido silang patayin tayo."

Sabi ko sa kanya.

"Castor???!!!"

Sabay kaming napalingon sa nagsalita. Ang Infinity, kasama ang Alfiro. Nakatingin
ito sa amin. At base sa itsura niya, mukhang naiinis siya.

"Saan ka nanggaling?"

"I need to feed myself.."

"with her?"

'Anong problema ng babaeng ito? Bakit para naman may ginawa kaming masama kung
makatingin siya.'

"Do you believe in coincidence?"

Sabi ko sa kanya. Naiiinis talaga ako the way na magsalita siya.

"I'm not talking to you Miss."

Tiningnan niya ako ng may pagkasupladita. Ano ba ito? Akala ko ba ang boyfriend
niya ay si Zaiden Alfiro? Bakit ganyan siya makareact na parang girlfriend siya ni
Silverwood.

"Araw mo ngayon Castor."

"I know.. sige tayo na."


Tiningnan muna ako nun babae saka siya tumalikod at naglakad paalis.

Nakaramdam ako ng kakaiba habang pinagmamasdan sila palayo.

Umiinit ang pakiramdam ko, sobrang init.

'Anong gagawin ko? Hindi ako maaring lumabas, nakaabang sa akin ang mga sluagh..'

"May problema Miss Catlesnake?"

Napalingon ako. Si Principal Alyora nakatayo sa likod ko.

"Kailangan ko po ng tulong.."

(Oceane's POV)

Gabi na pero hindi pa rin kami nangangalahati ni Castor sa pagsasanay.

"Hindi ganyan ganito.."

Iwinasiwas niya ang kanyang katawan na akala mo ay papel lang na lumipad sa hangin.

"What's with you bakit ang tigas ang ulo mo ngayon?"

Nagsasanay kami sa garden ni Prof Wylun, may bahaging bakante dun sa loob ng garden
at maari kaming magsanay dun. Kinausap na rin ni Zaiden si Prof Wylun para pumayag
ito.

"Naiinis kasi ako sayo."

Badtrip kong sabi.

"Dahil hindi ako nagpaalam? Bakit ba kailangan ko pa ipaalam sayo kung saan ako
pupunta? Hindi naman kita..."

Pinigilan ko na magsalita si Castor. Sumingit ako sa sinasabi niya.

"Kaibigan mo ako. May commitment tayo today, ilang oras ako naghintay."

Nagtatampo kong sabi. Nagsmirk siya.

"Hindi ka na nasanay sa akin."

Yun lang ang sinabi niya.Sumimangot ako.

Wala si Zaiden ngayon, kailangan kasi pribado ang mga ituturo ng bawat taong
magsasanay sa kakayahan ko.

"Tama palagi ka naman ganyan."

Mula sa aking kamay, isang malaking bolang apoy ang nagawa kong ilabas. Agad akong
nilapitan ni Castor at hinawakan ang braso ko, hindi iyon mahigpit.

"Ano ba Oceane?"

Isang kisap nagawa kong ipasok muli sa katawan ko ang apoy. Pagkatapos ay inis
akong tinanggal ang kamay ni Castor sa braso ko.
"Magagalit si Prof pag inilabas mo ng ganyan kalakas at kalaki ang apoy. Matuto ka
ngang pigilan ang emosyon mo."

"I'm trying ok?"

Pagkatapos ay lumayo ako sa kanya.

"Let me rest for 10 minutes."

Sabi ko habang naglalakad ako papalapit sa bench. Agad akong naupo dun.

Kasunod ko pala si Castor, naupo din siya sa tabi ko.

"Bakit ba nagagalit ka sa akin?"

Mahinahon yon, pero hindi siya tumitingin sa akin. Nakatingin lang siya sa mga
fairy na naglalaro sa di kalayuan.

"Naghintay kasi ako."

"Kailangan ko kasi maghunt muna bago humarap sayo. Ayoko na mangyari ulit ang
nangyari noon."

Ewan ko ba, malambing ang pagkakasabi niya.

Hindi na ako nagsalita pa. Inirelax ko ang sarili ko sa bench, naupo ako ng maayos
saka ko ipinikit ang mga mata ko.

"Sorry!"

Sabi pa ni Castor.

"Sorry din, I'm just being so selfish."

Hindi ako tumingin sa kanya, nakapikit pa rin ang mga mata ko.

Nagulat ako ng bigla na lang akong halikan ni Castor. Hinalikan niya ako sa lips.
Ilang Segundo din yon, pagkatapos ay hindi niya inalis ang pagkakalapit ng mukha
niya sa akin. Nakatingin lang ako, gusto kong magsalita pero walang boses na
lumalabas.

"Galit ka pa ba?"

Tanong niya sa akin, ilang inches lang ang layo ng mukha niya sa akin.

"Ahm, ah, h---hindi hindi na ako galit diba? Nagsorry na ako kanina."

Ngumiti siya pagkatapos ay hinalikan ulit ako. Smack lang yon pangalawa. Saka niya
inilayo ang mukha niya at inayos ang upo.

Inayos ko na rin ang upo ko. Dati ayaw na ayaw niya na yayakapin ko siya o
hahalikan ngayon siya na mismo ang gumawa.

(Zaiden's POV)

"Wala siya, nagsasanay siya kasama si Castor."


Nakaupo ako sa may fountain ng lapitan ako ni Frost. Hinahanap niya si Oceane.

"Ganoon ba?"

"Bakit mo siya hinahanap?"

"Magpapasalamat lang ako sa pagliligtas niya sa buhay ko."

"Sasabihin ko na lang sa kanya mamaya."

Ipinagpatuloy ko ang pagbabasa ko ng libro. Naupo si Frost sa tabi ko. Napalingon


lang ako, pero hindi ako nagsalita.

"Kamusta na kayo?"

Bahagya akong natigilan sa tinanong niya. Kelan pa siya nagging interesado sa


status ng relationship naming ni Oceane?

"Ok naman."

"Kayo na ba?"

Hindi ako kaagad sumagot.

"Don't worry, I will never interfere with your relationship with her."

"Hindi pa naman kami. We're still friends. Hindi naman namin minamadali ang lahat.
We're happy on what relationship we have right now."

Ngumiti lang siya.

"Sorry sa mga nangyari last time.."

"Nangyari na yon."

"She's too important to me. Nasanay lang siguro ako na sa akin ang atensyon niya,
hindi pumasok sa isip ko na makakakilala siya ng ibang kaibigan at ibang
magugutuhan."

"That's life."

Tumawa lang siya sa sinabi ko. Pagkatapos ay iniabot sa akin ang kamay niya.

"I hope we can be friends?"

Tiningnan ko muna ang kamay niya. Mukha naman siyang sincere kaya kinamayan ko rin
siya.

"Yeah! Friends!"

(Ashlyn's POV)

"Anong nangyari sayo? Ang tagal mo nawala?"

Hinihintay pala ako ni Allysa sa hallway.


"May pinagawa lang si Papa sa akin."

Imiwas ako kaagad ng salubungin ni Allysa ang mga mata ko.

Magkababata kami ni Allysa. Family friend nila ang ginagisnan kong mga magulang.
Tama ang narinig nyo, hindi ako legitemate na Catlesnake.

"Anyway, nabalitaan mo naba ang nangyari sa flirt na babaeng yon?"

Hindi ako nagsalita pero kumunot ang noo ko. Meaning hindi ko na gets ang sinasabi
niya.

"Come on Ash, I'm pertaining with...."

"Infinity?"

"Who else?"

Naglakad siya papunta sa Dorm, sumbay naman ako.

"I really hate that flirt... kumukulo ang dugo ko pag naririnig ko ang pangalan
niya at gusto ko siyang saktan pag nakikita ko naman siya."

'What's the sense of hurting her if she's not committed with Frost?"

"Wala nga silang relasyon, pero siya ang gusto ni Frost."

"Si Frost nga ang may feelings at hindi si..."

Huminto siya at hinarap ako.

"Tama ba ang naririnig ko? Ipinagtatanggol mo ang flirt na babae na yon?"

"H--hindi ko siya ipinagtatanggol Allysa."

Tumaas lang kilay niya saka ako tinitigan. Tapos ay tumalikod na at naglakad na
ulit palayo.

Pagpasok ko sa loob ng silid ko, nagulat pa ako ng makitang nagkalat ag lahat ng


gamit ko. Magulo ang lahat ng gamit.

'May pumasok sa silid ko.'

Mabilis kong binuksan ang pintuan at sumilip dito ganun din ang ginawa ko sa
bintana. Wala namang tao.

Biglang may pumasok sa isip ko. Mabilis kong binuksan ang kabinet ko, pagkatapos ay
hinanap ko ang ipinamana ng mga ninuno ko sa akin.

'Asan na yon? Imposibleng may kumuha nun iba, ako lang ang nakakaalam kung saan ito
nakalagay. At sinaunang spell ang ginamit ko dito.'

Kakaibang amoy ang naamoy ng ilong ko. Papalayo na ito.

Hindi ko na inayos pa ang silid ko. Mabilis akong tumakbo palabas ng silid ko.
Hinabol ko ang amoy na yon.

Mabilis akong tumakbo, kailangan makuha ko ang Talisman. Naramdaman yata ng


magnanakaw na sinusundan ko siya.
Bago ako makalabas ng Academy nawala na ang amoy.

'Nawala na ang amoy, nasaan na siya?'

Lumingon lingon ako sa paligid. Wala na talaga ang amoy.

Narinig ko ang boses ni Castor sa di kalayuan, kaya pinuntahan ko ang lugar na yon.

Isang magandang garden ang pinasukan ko, masaya naman akong binati ng mga fairies
dun.

May narinig akong nag uusap. Agad ko naman nakita ang nag uusap.

Nagtago ako sa likod ng mga bulaklak.

(Castor's POV)

"Kailangan mo lang gawin, balansehin ang lahat ng emosyon mo. Para mabalanse mo din
ang kapangyarihan mo."

"Oo na! Kanina mo pa sinasabi yan eh."

"kasi ang bilis mag init ng ulo mo. Dapat mag isip ka muna bago sumugod."

"Oo na Oo na paulit ulit talaga?"

Napangiti ako ng sumimangot siya. Nakaramdam ako na parang may nakamasid sa aming
dalawa ni Oceane.

Alam ko na kung sino ang may ari ng amoy na yon. Alam ko rin na matalas ang kanyang
pakiramdam at pandinig.

"Alam mo..."

Tumingin lang sa akin si Oceane.

"Hindi."

Pagkasagot nyang yon ay walang paalam na hinalikan ko si Oceane. Hindi ko alam


maipaliwanag ang pakiramdam ko ng mga sandaling iyon.

Lumipas ang isang minuto ay inilayo ko na ang mukha ko sa kanya. Ilang inches lang
yon, nararamdaman ko pa nga ang hininga niya sa pisngi ko.

"B---bakit mo ako..."

"I really like you.."

"H---ha?"

"I'm so stupid for being so coward telling you what I really feel."

"A--ahm..."

"Don't worry alam ko naman hindi tayo pareho ng nararamdaman, dahil si Zaiden
Alfiro ang laman nito.."
Itinuro ko ang puso niya. Tumahimik siya at ganun din ako.

"Are you done with your practice Oceane?"

Sabay kaming lumingon ni Oceane, nakatayo sa likod ko si Zaiden Alfiro. Base sa


aura niya, galit siya.

"Ahm oo, oo tapos na kami,"

Tumayo na si Oceane at lumapit kay Zaiden Alfiro.

"T--tara na...halika na.."

Hinila na palayo ni Oceane si Zaiden Alfiro.

Ewan ko ba kasi kung bakit pumasok sa isip ko na halikan siya. Naramdaman ko na


papaalis na siya, papalayo na rin kasi ang amoy niya.

Mabilis akong tumakbo at nilapitan siya. Agad kong iniharang ang katawan ko sa
daan.

"Anong ginagawa mo dito?"

"May hinabol ako pero hindi ko naabutan kaya ako napunta dito."

Pagkasabi nun ay tinabig nya ang katawan ko para makadaan siya. Hindi na ako
nagsalita pa. Hinayaan ko na lang na umalis siya.

(Zaiden's POV)

Naglalakad kami ni Oceane pabalik sa dorm. Ewan ko ba, hindi maganda mood ko
ngayon.

"Y---yun nakita mo kanina..."

Tiningnan ko siya. Ngumiti ako.

"Nakita? Wala naman ako nakita kanina?"

"W---wala kang n--nakita?"

Huminto ako. Hinarap ko siya.

"What are you talking about?"

"W---wala, wala naman."

"Tell me.."

"Wala nga! Ang sinasabi ko yung practice ko kanina..."

Huminga ako ng malalim.

"Ah yun ba? Hindi eh, privacy nyo yun, sekreto ang bawat itinuturo namin sayo kaya
dapat walang ibang makaalam."
"Ok I see."

Nakarating na kami sa tapat ng silid niya.

"Good Night Zai!"

Nakangiti niyang sabi bago buksan ang pinto. Ngumiti din lang naman ako. Tuluyan na
niyang binuksan ang pintuan.

"Ah Oceane...'

"Hmmmmn?"

Nilapitan ko siya saka ko niyakap.

"B---bakit?"

Inalis ko ang pagkakayakap ko sa kanya.

"Good Night!"

And I kiss her on her forehead. Kunot niya siyang pumasok sa silid niya at isinara
ko naman ang pinto.

Naglakad na ulit ako papunta sa silid ko. Uneasy ang mood ko.

Naupo ako sa kama ko. Naalala ko yung nakita ko kanina.

'Bakit ba ginto ang nararamdaman ko? Nagseselos ba talaga ako? Pero hindi pa naman
kami. Mapapahiya naman ako pag nagreact na naman ako ng ganito sa harap niya.'

"Wow! sentiments?"

Lumipad ng lumipad si Altheia sa paligid ng mukha ko.

"Altheia... nang-aasar ka na naman."

"Hindi ah! Kung makikita mo lang itsura mo kanina... parang ganito oh!"

Nagmake face siya at ginaya nga niya ang itsura ko kanina, pero imbes na matawa ay
napikon ako sa kanya.

"Ganyan ka lang pag nagseselos ka, ano na naman ba ginawa nya sayo ha?"

"Wala naman siya ginagawa at hindi ako nagseselos.."

"Kilala kita wag ka nga sinungaling.."

"ALTHEIA????"

"Oo aalis na sungit! Hmp!"

Lumipad si Altheia palayo.

Nahiga ako sa kama. Hindi talaga maalis sa isip ko ang nakita ko kanina. Sobrang
sakit naman kasi.

Kinuha ko ang wand ko. nilaro laro ko ito sa mga daliri ko habang pinapanood ko
ito.
TOK

TOK

TOK

Tumayo ako at binuksan ang pintuan. Si Oceane.

"Hi! Nagising ba kita?"

"Ha? Hindi naman, hindi pa naman ako natutulog."

"I just want to invite you to walk with me.."

"Sure! Tara!"

Mabilis akong lumabas ng silid at inilock ito.

Naglakad lakad kami sa may fountain. Hindi kami nag uusap ni Oceane mula ng lumabas
ako ng silid, tahimik lang kami naglalakad hanggang sa maupo kami sa bench.

Malamig na ng mga oras na yon, though maaga pa naman. 9pm pa lang at may ibang
estudyante pang nakatambay kasama namin.

"M--may problema ba?"

Hinawakan lang niya ang kamay ko, saka siya ngumiti.

Ngumiti din naman ako. Naghihintay ako na magsalita siya.

"Pwede ka bang gumawa ng ulan?"

"Ha? Ulan?"

Tumango lang siya sa akin.

"Bakit gusto mo ng ulan?"

"Please?"

"Ayoko."

"Hmp! bakit?"

"Bad memories sa akin ang ulan, kasi pag umuulan, ibig sabihin masasaktan ako."

Tumahimik siya. Alam kong nagets niya ang sinabi ko.

"Sorry! Wala naman akong..."

"Yeah I know.. "

Ngumiti siya pero hindi na tulad ng kanina.

"Gusto mong mamasyal?"

Umiling lang ito, ibig sabihin ayaw niya. Bigla akong nakonsensiya. Nagsabi lang
naman ako ng totoo, pero hindi ko naman intesyon na saktan siya o ibalik ang
nakaraan na.

Tumayo si Oceane, lumingon lingon.

"Bakit?"

"May panganib.."

"Ano?"

"Wind Banshee.."

Ang Wind Banshee ang isang magandang Elf na invisible sa mata ng tao at
mararamdaman lang sa hangin. Sila yung bumubulong sa mga tao na may mangyayaring
tragedy o disaster.

'Pati yon ay nararamdaman niya? Ibang klase talaga ang kapangyarihan ni Oceane
ngayon.'

"A--anong sabi ng Wind Banshee?"

"Hindi ko din alam, binalaan nya lanf ako na may mangyayaring masama..."

Lumingon lingon din ako sa paligid.

Napansin kong tumahimik si Oceane, at nag iba na naman ang kulay ng kanyang mata.

"May papalapit na coven.."

"Ano?"

"Kailangang masabi natin kay Principal Alyora... tayo na!"

Though naguguluhan, sumunod ako sakanya.

(Alyora's POV)

"Ano?"

Nakita ko ang pagkagulat sa mukha ni Principal Alyora, though alam nya lahat ng
nangyayari nagulat lang siya na talagang malakas na si Oceane at pati ako ay
nagulat ng sabihin na niya ang eksaktong kinaroroonan ng mga Black Werewolves.

"Ibang klase talaga ang kapangyarihan mo Infinity... Sige ako bahala sa


proteksyon."

"Kaya kong tumulong!"

"Kaya mo na bang gumawa ng shield?"

Tumango lang si Oceane.

Ipinatawag ko ang lahat ng Professor ng lahat ng Section.

Base sa sinabi ng Infinity, apat na oras bago tuluyang makarating sa Academy ang
mga black werewolves.
Ipinag utos ko na dalahin sa Oudiko ang amg estudyante. Bawat building ay may
Oudiko o isang silid na wala sa present time.

Isa iyong illussion room. Ligtas iyon para sa mga estudyante. Ginawa iyon ng aking
mga ninuno, sabihin na nating ng mga nagtayo ng Academy na ito.

Nang masiguro ng lahat na nakapasok na ang mga estudyante ay nagmeeting kami ng mga
professor sa labas ng Academy.

Ipinaliwanag ko sa kanila ang nangyayari at tulong tulong kami na gumawa ng isa


pang malakas na shield para hindi sila makapasok sa Academy.

Hindi basta bastang mga prof ang nagtuturo sa Academy, mula sila sa mga Class S to
Z na Witch at Wizard. May taglay silang lakas at galing kaya sila napili para
maging professor ng Academy.

(Zaiden's POV)

Inutos ni Principal Alyora na magtungo kami sa Oudiko, o ang illussion room. Mas
ligtas daw kami doon.

"Hindi nila kakayanin ang mga black werewolves.."

"Pero sabi ni.."

Hindi pa ako tapos magsalita, nabitiwan ko na ang kamay ni Oceane. Mabilis kasi
itong tumakbo at hinabol ang tuluyang pagsara ng pintuan.

Sumunod naman ako sa kanya. Mabilsi kaming tumatakbo sa hallway.

"Bakit ka sumunod sa akin?"

Sabi ni Oceane habang tumatakbo kami.

"Hahayaan ko ba naman na mapahamak ka?"

Umiling na lang si Oceane at mas binilisan pa ang pagtakbo.

'Ibang klase talaga siya ngayon, para tuloy hindi ko na siya kilala.'

Bago kami tuluyang nakalabas ng Academy, nasalubong namin si Castor at may kasama
itong babae, si Ashlyn Catlesnake.

"Anong ginagawa mo dito?"

Tanong ni Castor kay Oceane. Para lang na hindi nya ako nakita diba?

"May panganib na paparating.."

"Kami na lang ni Alfiro ang tutulong kina Principal ALyora.."

"What?"

Tumigil kaming lahat sa pagtakbo.


"Hindi mo pa alama gamitin ang kapangyarihan mo, kaya masmakakabuti kung hindi ka
na muna..."

"AYOKO!"

"Tingin ko Oceane tama si Castor.."

"Narinig nyo ang sinabi ko.."

"Pero..."

Sasagot pa sana ako ng maramdaman ko na uminit ang palad ko. Nakahawak ako sa braso
ni Oceane.

"Ouch!"

Tumingin naman sa akin ang dalawa. Sina Ashlyn at Castor.

"Pabayaan nyo na siya sa gusto niya, masmakakabuti yon para sa inyo."

"Ano bang sinasabi mo? At bakit nandito ka?"

Tanong naman ni Castor sa katabi niya.

"Naamoy ko kasi sila!"

Napatingin kaming lahat kay Ashlyn.

"Naamoy?"

Sabay naming tanong ni Castor.

"Isa kang..."

"Imbes na magdaldalan tayo dito tulungan na natin sila."

May napansin ako kay Ashlyn Catlesnake. Pinigilan niyang maituloy ni Oceane ang
sasabihin niya.

'Isa nga bang ano si Ashlyn?'

Paglabas namin, nagulat kami sa nasaksihan namin.

Malalaking werewolves na kulay itim at kulay abo ang nasa harapan namin.

Tingin ko ay nasa 10feet ang taas ng mga ito.

"Merlin's slave ang laki naman ng mga yan?"

Halos iisa lang ang mag naging reaksyon namin. Ilang segundo rin kaming namangha sa
nasa harap namin, nang mapansin namin na handa na ang mga witches at wizard sa
harap din namin.

"Anong ginagawa nyo dito?"

Galit na tanong ni Principal Alyora sa amin. Nakita nya kasi kaming apat na
nakatayo sa likod niya.

"Hindi ba't sinabi kong dun lang kayo sa Oudiko?"


"Sina Papa..."

Naalis ang tingin sa amin ni Principal Alyora ng marinig ang sinabi ni Oceane.

Nasa kaliwang bahagi namin sina Miranda at Nazar.

Kumaway pa ito sa anak nila.

"Konsintidor talaga yang Ama mo Oceane... hindi ba nila naisip na maari kang..."

"Kaya ko naman pong makipagsabayan sa kanila."

"Hindi ako papayag... para saan pa ang ginagawa namin kung ipipilit mo ang gusto
mo?"

Galit talaga si Principal Alyora.

"Kayong tatlo isama nyo na ang Infinity. Bumalik na kayo sa loob ng Academy..."

Hinawakan ko sa braso si Oceane. Naramdaman ko na naman ang init sa katawan niya.

"Halika na.."

Mahinahon at walang kibong sumunod si Oceane.

Pagpasok namin sa loob ng Academy, mabilis na sumara ang mataas na gate. Marahil ay
ginamitan ni Principal Alyora ng spell.

"NAKAKAINIS!"

Nakatingin kaming tatlo kay Oceane.

"Oceane!"

Lalapitan ko sana siya ng makita ko ang kulay ng aura niya. Isang hakbang lang ang
nagawa ko at hindi na ako nagtangkang lumapit pa sa kanya.

"Naiinis ako! Lahat sila andun sa labas at makikipaglaban."

"Gusto ka nilang iligtas Oceane!"

Galit niya akong nilapitan.

"Lahat ng nandun sa labas proffesor natin, sila ang nagtuturo sa akin ng lahat.
Nasa labas din ang mga magulang ko, ang nagsasanay sa akin ng lahat. Kayo? Ang mag
estudyante dito... "

Isang bolang apoy ang inilabas niya mula sa kanyang kamay. Pagkatapos ay inikom
niya ito saka nawala ang apoy.

"Naisip nyo bang lahat ang nararamdaman ko?"

Walang nagsasalita sa amin.

"Alam ko na, at tanggap ko na palaging nasa panganib ang buhay ko, pero naisip nyo
ba na sa ginagawa nyong pagbabantay at pagliligtas sa akin, nasa panganib din ang
buhay nyo at may posibilidad na mamatay kayo?"
"Ginagawa namin yon para iligtas ka, dahil ikaw ang INfinity. Ikaw ang magpapabago
sa lahat."

"That's so stupid!"

"Sa ginagawa nyo bago pa ako maging Infinity patay na kayo ng lahat. Bago pa ako
maging Infinity wala na ang mga ililigtas ko...!"

Biglang lumingon si Oceane sa gate.

Napansin kong nag iba na anman ang kulay ng kanyang mata.

"Dehado na sila sa labas... kailangan na nila ng tulong natin.."

"Paano mo nalaman?"

Tanong ni Ashlyn. Walang sumagot sa tanong niya.

Mabilis na kinuha ni Oceane sa kanyang bulsa ang wand niya. Bago siya makabigkas ng
spell...

"Wag mong gawin yan!"

Sigaw ni Ashlyn sa kanya. Lumingon naman si Oceane.

"Oras na gawin mo yan, mawawala ang shield na ginawa nila para sa mga estudyante."

"Damn!"

Inis na ibinaba ni Oceane ang wand niya.

"Nanganganib sila sa labas. Mga Black Werewolves sila."

"May alam akong lagusan palabas.."

Napatingin kaming tatlo kay Ashlyn.

(Ashlyn's POV)

Naglakad kami papunta sa fountain ng main building.

"Anong gagawin natin dito?"

Tumingin lang ako kay Zaiden Alfiro.

"Ayeshitare Voyage!"

Mula sa gitna ng fountain, gumalaw ito atsaka nagkaroon ng butas sa gitna.


Nakatingin sa akin ang tatlo.

"Paano mo nalamang may lagusan dito?"

"Dahil ako ang gumawa nyan.."

Kumunot ang ulo ng tatlo.


"Ikaw?"

"Oo."

Nagulat pa ako ng biglang hawakan ni Zaiden Alfiro ang braso ko at at pilit itinaas
ang buhok ko.

"Ikaw nga...."

Nagtakip ng bibig si Oceane habang nakatingin sila sa akin.

"Paanong????"

"Ikaw ang sinasabi nilang Mysterious Wolf Master?"

*******************************************
[10] Chapter 9: Vampire and the Wolf
*******************************************
(Ashlyn's POV)

"Mamaya na tayo magkwentuhan please? Tayo na!"

Mabilisakong tumalon sa loob ng butas sa gitna ng fountain. Pagbaba ko, madilim ang
buong paligid kaya gumamit ako ng spell para magkaroon ng liwanag.

Narinig ko ng dumating ang tatlo. Habang mabilis na anglalakad, nararamdaman ko ang


matalas na tingin ni Silverwood.

'Ano na naman kayang iniisip niya sa akin?'

Tumakbo kami hanggang sa makalabas kami sa Academy ng walang nakakaalam. Paglabas


namin, nakita namin na sugatan na ang ilang mga professor pero patuloy pa ring
lumalaban.

Hindi na namin napigilan ang Infinity ng tumakbo ito papalapit sa mga Black
Werewolves.

Sa isang kisap, nag simulang lumabas ang apoy sa kanyang katawan. isang malakas na
aura na hugis Phoenix ang nakikita ko.

Dahil sa malakas na kapangyarihan, nabaling ang atensyon ng mga werewolves sa


Infinity.

Mabilis naming nilapitan ang mga sugatan na Prof at sina Principal Alyora.

"Ibang klase sila...."

Sabi ni Prof Mikida

"Anong ginagawa nyo dito? Ang tigas talaga ng mga ulo nyo...."

"Principal ALyora wag na muna kayo magalit sa ngayon..."

Pakiusap ko sa kanya. Nakita kong abala na pala sina Zaiden at Silverwood sa


pakikipaglaban sa mga black werewolves.

Samantala, habang lumilipas ang bawat minute, palakas ng palakas ang kapangyarihan
ng Infinity, nahihigop na nito ang lahat ng aura na nakapaligid sa kanya.
Maririnig sa buong kagubatan ang mga nakakatakot na alulong ng mga black
werewolves.

Mula sa nag aapoy na aura ng Infity, animo'y mga fireworks ang mga bolang apoy na
nagkalat sa buong paligid.

Kahit kami ay nanganib sa ginagawa ng Infinity, tingin ko hindi nya alam ang
ginagawa niya.

"Ano bang nangyayari?"

Tanong ni Principal Alyora sa lalaking katabi niya.

"Hindi na niya makontrol ang kapangyarihan ng banal na Fire Phoenix..."

"ano?"

"Kailangan ko siyang mapigilan bago mahuli ang lahat!"

Sabi naman ng lalaki.

Pinagmasdan ko ang Infinity, bukod sa makinang na kulay apoy sa kanyang aura, may
unti unting lumalaki na kulay itim sa palibot niya.

'Anong ibig sabihin ng itim na aura na yon?'

Napansin kong pilit tumatayo ang lalaki, habang dahan dahan niyang ibinaba ang
walang malay na babae.

Duguan ang lalaki at halos di makalakad ng maayos. Hindi naman siya mapigilan ni
Principal Alyora dahil sa kalagayan din niya.

Halos maputol ang dalawang binti ng batang Principal. Sugatan din ang iba pa.

'Anong nangyari dito? Bakit ganito ang kinalabasan ng malalakas at magagaling na


Witch at Wizard.'?

Habang iginagala ko ang tingin ko sa paligid, isang anino ang nakita kong nagtatago
sa di kalayuan. Mabilis ko iyong pinuntahan, ngunit nawala ito ng makarating ako
doon.

Kakaibang amoy ang na amoy ko sa palibot ng batong iyon.

'Baragor!'

Lumingon lingon ako sa paligid, wala na siya, pero ang masangsang na amoy niya ay
naiwan duon.

Bumalik ako sa mga Professor na sugatan. Patuloy sa paglalakad ang lalaki, kahit
hirap na hirap. Ilang sandali pa bumagsak na ito.

Tatakbo sana ako para lapitan ito ng, mabilis siyang nalapitan ni Silverwood at
binuhat sa katabi ni Principal Alyora.

Naglakad ang Infinity at nilapitan ang mga Black Werewolves.

Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko kung paano patayin ng Infinity ang mga ito.
Puno ng galit ang mga mata ng Infinity habang tumagos sa puso ng mga wolves ang
kamay ng Inifity. Gamit ang spells, nagawa niyang pahintuin ang pagtibok ng puso ng
bawat werewolves na naroon.

Nagawa niyang patayin ang lahat ng wolves ng ilang minute lang. Napansin ko rin na
ang kaninang maliit na itim na aura sa palibot niya ay lumalaki at halos nasasakop
na nito ang kulay apoy na aura.

"Castor, pigilan mo ang Infinity.... Pigilan mo.."

Nakita kong mabilis na sinunod ni Silverwood ang sinabi ng lalaki.

Hindi na kumikilos ang Infinity habang nakatingin ito sa mga walang buhay na Black
Werewolves na unti unting nagiging tao.

Naramdaman niya yata ang paglapit ni Silverwood, lumingon at diretsong nakitingin


sa kanya.

Sa isang iglap, mabilis itong nakalapit kay Silverwood at walang sabi sabing
sinakal nito ang kaibigan. Sumunod naman na lumapit sa kanya si Zaiden Alfiro.

Nakita kasi ni Alfiro na nagpupumiglas si Silverwood sa pagkakasakal ng Infinity sa


kanya. Pero tulad ng nangyari sa una, sakal sakal na rin ito ng Infinity.

Tumakbo ako papalapit sa kanila saka biglang nagpalit ako ng anyo bilang isang
malaki at putting werewolf.

Mabilis kong dinambahan ang Infinity at saka kinagat sa braso. Nabitiwan niya ang
dalawa at plano pa sana nitong lumaban sa akin ng mawala ang kulay apoy na aura sa
paligid niya at bumagsak ito sa lupa ng walang malay.

Agad naman siyang nilapitan nina Silverwood at Alfiro. Ilang sandali pa, bumalik na
ako sa dati kong anyo.

(Nazar's POV)

Nagising ako sa hospital ng paaralan, halos lahat kami ay sugatan at ang iba ay
wala pa ring malay.

Katabi ng higiaan ko ang kama ni Miranda. Gising na ito at kinukulit ang ajouga
para samahan siya sa anak namin.

Nilapitan ako ni Castor. Bahagya itong nasagutan sa may kaliwang binti.

"Kamusta ka na?"

"Eto baldado na yata.."

"Ganyan na nga ang nangyari sayo nagbibiro ka pa."

"Nasaan ang anak ko?"

Hindi sumagot kaagad si Castor. Naplingon ako kay Zaiden Alfiro na noon ay nasa
tabi ni Miranda, inaawat niya ito na tumayo.

"Bakit hindi ka sumasagot? Anong nangyari sa anak ko?"


"Nawawala siya..."

"ANO????"

Nahawakan ko sa leeg si Castor, hindi naman ito kumikibo.

"Nung hawakan namin siya ni Alfiro, biglang naglaho ang katawan niya."

"ANOOO????"

Napalingon ako kay Miranda.

"Nawawala ang anak ko?"

"Hindi po namin alam ang nangyari, nang lapitan naming siya, unti unting naglaho
ang katawan niya."

Hindi na ako nagsalita pa, ganoon din si Miranda. Hindi na rin namin napansin ang
iba pang taong nasa paligid namin

(Zaiden's POV)

Apat na araw na namin hinahanap si Oceane mula ng araw na yon. Hindi namin alam
kung saan siya napunta.

Ngayon lang ako umuwi ng bahay. Sinuguro ko muna na maayos na ang kalagayan ni
Miranda at Nazar at ng iba pang mga Prof.

Dumiretso ako sa sa silid ko, nahga sa kama. Sobrang pagod ang naramdaman ko. Ilang
gabi na rin akong walang tulog.

Naramdaman ko ang kakaibang lamig sa paa ko. Naalimpungatan ako. Napatingin ako sa
paanan ko.

Isang itim na usok ang nasa may paanan ko.

Bago pa ako naka kilos, nawalan na ako ng malay.

Nagising ako ng makaramdam ako ng sobrang lamig. Maliwanag ang paligid dahil sa
liwanag ng buwan mula sa mga butas ng lugar na iyon.

'Asan na ako? ANo itong lugar na ito?'

Wala naman masakit sa katawan ko, nakatayo ako kaagad hanggang sa makaring ko ang
kalagitnaan ng lugar na iyon.

Nakarinig ako ng mga boses na papalapit sa kinaroroonan ko.

"Hindi talaga ako makapaniwala... Nagawa niyang makuha ang Infinity.."

"Anong plano niya sa Infinity? Papatayin ba niya ito?"

"Hindi ko rin alam.."

Malakas na ingay ang umalingawngaw sa buong paligid. Mabilis na tumakbo ang dalawa
palabas ng lugar na yon.
'Kailangan kong makuha si Oceane... si Baragor ang dahilan ng pagkawala niya.'

Tinangka kong tumakas pero, naka sealed ito ng black magic. Hindi ko magawang
makalabas.

Wala ang wand ko. Hinanap ko sa buong katawan ko at sa lugar na kinahihigaan ko


kanina ngunit wala.

'Kinuha nila ang wand ko.. paano ako makakalabas dito?'

Naghanap ako ng malaking bato para ihagis sa sealed shield na yon. Pero kahit ilang
malalaking bato ang ihagis ko hindi mawawasak ang shield. Pinapagod ko lang talaga
ang sarili ko.

KAilangan ko mag isip ng ibang paraan makalabas.

"Karasetera!!!"

Isang liwanag ang at boses ang nagpalingon sa akin sa kaliwang bahagi ng madilim na
lugar na iyon.

"Zaiden ayos ka lang?"

"Kuya Justin?"

Nilapitan ako ni Kuya sabay yakap sa akin.

"Sinaktan ka ba nila?"

Imbes na sagutin ang tanong niya ako ang nagtanong

"Anong ginagawa mo dito Kuya? Sinong kasama mo?"

"Ako lang, nakita kong dinukot ka ng mga Soul Keeper na yon..."

"Soul Keeper?"

"Ikukuwento ko na lang sayo sa daan, sa ngayon tumakas na tayo."

"Hindi pwede Kuya.."

"Ano?"

"Dinukot nila si OCeane, kailangan ko siyang itakas sa kanila."

"ANong sinabi mo? Dinukot nila ang Infinity?"

"Oo. Kuya, tulungan mo akong iligtas si Oceane.."

Nakita kong huminga muna ng malalim si Kuya bago sumagot.

Sige. Tayo na!"

Habang maingat at patago kaming pumapasok sa loob ng lugar na iyon...

"Bakit kilala mo sila Kuya?"

"Sila ang mga taong humahabol sa akin."


"Sila ba yon?"

Tumango si Kuya.

Tinahak namin ang maputik na daan. Tingin ko ay nasa ilang na gubat kami at duon
nila ako ikinulong sa kwebang nasa likuran namin.

Sa di kalayuan, nakita ko si Oceane na walang malay na nakahiga sa putik.

(Castor's POV)

"Soul Keeper?"

Ikinuwento sa akin ni Alfiro ang nangyari

"Ano naman kailangan nila sayo?"

"Hindi ko rin alam, may kakaiba sa mga nangyayari."

"Kamusta na siya?"

"Sabi ni Old Elf ayos naman siya..."

"Wala bang kakaiba sa kanya?"

"Wala naman daw..."

Iba ang pakiramdam ko. Imposible naman na iwan na lang nilang walang malay ang
Infinity. Pagkakataon na ni Baragor para patayin niya ito.

"Anong ginagawa nyo dito?"

"Ikaw? Anong ginagawa mo dito?"

Alam kong sarcastic ang pagkakatanong ko, eh ano naman. Si Zaiden Alfiro ang
nakipag usap sa kanya.

"Pwede mo na siguro ipaliwanag sa amin ang tunay mo katauhan..."

Tumingin muna siya sa akin bago siya siya nagsalita.

"ANg tunay kong pangalan ay Akitsuka Seeker. Ako ang natitira sa lahi ng mga Wolf
Guardian."

"Bakit ka nandito?"

Tumingin siya sa akin.

"Ang alam ko legend lang kayo, what I mean is pinaslang ang lahi nyo hundreds of
years ago. At sabi walang natira sa lahi nyo."

"Walang nakakaalam na buhay ako. NA may anak ang pinuno ng mga Guardian Wolf. Dahil
hindi ako lumakisa kanila."

"Hindi ka pinalaki kasama ang parents mo?"

Patuloy silang dalawa sa pag uusap, nakikinig lang ako. Umakyat ako sa sanga ng
puno habang nakaupo sila sa bench.

"Kailangan nilang mapaniwala ang lahat na wala silang anak. Kaya ibinigay nila ako
sa mapagkakatiwalaang kaibigan. Ipinagtapat ng mga kinilala kong mga magulang ang
lahat bago sila namatay."

"Paanong napunta ka sa mga Catlesnake? At ang alam ko wala ka pa sa tamang gulang


para makapagpalit ng anyong tao."

Sa narinig ko, napatingin ako sa kanila talaga bang isa pa siyang tuta? bakit kaya
niyang makapag palit anyo na malaking lobo?

"Tama ang sinabi mo.. hindi pa ako maaaring magpalit anyo bilang tao, labag iyon sa
batas ng kalikasan at batas dito sa mundo natin."

Huminga muna siya ng malalim.

"Kailangan ko ng dugo ng unicorn para makapagpalit anyo."

"Dugo ng unicorn? Ibig sabihin ikaw yung....."

"Kailangan kong gawin yon, kahit alam kong mali at bawal"

"Bakit kailangan mo pa ang dugo ng unicorn?"

"Ang taga lupang si Jacob, iniligtas ko siya sa kamatayan.."

"Ano?"

"Ang akala ng lahat, ibinalik ang katawan ng taga lupa sa mundo nila. Nagpanggap
akong kapatid niya kaya nakuha ko ang katawan niya. BAgo tuluyang makaalis sa
katawan niya ang kaluluwa niya, kailangan ko siyang maipasok sa isang makalumang
ritwal."

"Tapos?"

"Nang matapos ko ang ritwal, nakita ako ni Allysa pero hindi bilang isang tao kundi
isang lobo. Sinubukan niya akong patayi gamit ang wand niya. MAlalakas na spell ang
na cast niya, para hindi halata na ako ang nagligtas sa taga lupa, kailangan kong
labanan siya."

"Naglaban kayo ni Allysa na hindi niya alam na ikaw ang Ashlyn na kaibigan niya?"

"Kinailangan ko rin siyang saktan para mas maging katotohanan ang pagpapanggap ko.
Nang masiguro kong naniwala na si Allysa, dun lang ako umalis."

"Paano ka naman napunta sa mga Catlesnake?"

"Alam ng mag asawang Ricardo at Lisha Catlesnake. Walang silang anak kaya kahit
alam nila na isa akong lobo, kinupkop nila at tinuruan ng potion para makapagpalit
anyo ako bilang tao. Ipinakilalang anak nila."

"Sila ang nagsabi sayo na kailangan mong pumatay ng unicorn para makapag
transfigure ka bilang tao?"

Napatingin silang dalawa sa akin.

"Akala ko hindi ka na nakikinig."


"Hindi lang ikaw Alfiro ang interesadong malaman ang sekreto ng babaeng lobo na
yan."

"Oo. Oo ang sagot ko sa tanong mo."

Nag smirk ako.

"Kung mabuting tao ang kumupkop sayo hindi ka nila uutusan na pumatay ng isang
hayop lalo na ng isang unicorn."

Tumayo ang bebeng lobo at hinarap ako. Tumingin siya sa akin.

"Hindi ba't pumapatay ka rin naman ng hayop? Wala tayong pinagkaiba Silverwood!"

"Meron Lobo. ANg pinagkaiba natin, hindi ako pumapatay ng unicorn."

"Sumosobra ka na bampira!"

Nakita kong nagpipigil na siya ng galit niya.

"Bakit? Nagagalit ka ba sa sinasabi ko?"

"Tama na yan."

Saway naman ni Alfiro.

"Maupo ka na Ashlyn, please."

Naupo naman siya. Hindi na rin ako nagsalita pa.

"GUsto kong malaman ang lahat, kung maari sana sabihin mo."

"Nang malaman ko na natagpuan na ang Infinity, at dito siya nag aaral sa Academy,
kinausap ko sina Ricardo at Lisha na hayaan akong mag aral dito. Ako ang Itinakdang
Guardian ng Infinity. Ako ang magiging partner niya sa pagpapabagsak sa Dark
Magic."

"Pero bakit ngayon mo lang ipinagtapat sa amin ang lahat?"

"Masyadong magulo pa nun una, maraming di pa sigurado, ngayon alam ko na ang anak
nina Miranda at NAzar ang Infinity, kailangan ko ng ipakita sa inyo ang tunay kong
katauhan."

"Bakit ayaw mong ipalam kay Allysa ang totoo?"

"Oo nga bakit ba?"

NApalingon kaming lahat ng makita si Frost sa likuran nina Alfiro at ng babaeng


lobo.

"FRost!"

"Narinig ko lahat, thank you for saving my life.. akala ko si.."

"Hindi na kailangan Frost. Kung maari sana wag mo na lang sabihin kay Allysa ang
totoo."

"Pero Ash, alam mo naman na araw araw ipinamumukha ni Allysa sa akin ang
pagliligtas nya sa buhay ko, tapos malalaman ko hindi pala siya ang..."
"Siya ang nagligtas Frost. Siya lang!"

Bahagya akong natawa sa usapan nila. Mabubuhay sila sa kasinungalingan.

Nakatambay ako sa sanga ng puno sa tapat ng silid ni Oceane sa Dorm. Wala pa rin
siya, marahil hindi siya pinayagan ni Nazar na pumasok na.

Ilang oras na akong nakatambay sa puno ng mapansin kong bumukas ang pintuan ng
silid ni Oceane.

Nakita ko si Alfiro na pumasok doon. Lumingon lingon ito sa paligid. Nang makita
kong papalapit ito sa bintana kaya nagtago ako.

'Anong ginagawa nya sa silid ng Infinity?'

Nang matapos sumilip sa bintana. Isinara nito ang bintana.

Kaduda duda ang kilos ng Alfiro na yon. Tumalon ako sa mataas na puno. Bahagya pa
akong nagulat ng makita sa harapan ko ang babaeng lobo.

"Anong ginagawa mo dito?"

"Halika!"

Hinila ako ng babaeng lobo at tumakbo kami sa kabilang bahagi ng dorm. Mula sa baba
nakita kong nakaupo sa bintana ng silid niya si Alfiro habang kausap ang kaibang
fairy.

Pagkakta ko noon, mabilis akong bumalik sa puno malapit sa silid ni Oceane. Mabilis
ko yon inakyat at kinuha ko ang wand ko at gumamit ako ng spell para mbuksan ang
bintana.

Saktong tumalon ako pag bukas ng bintana. Naroon pa sa loob ang pekeng Alfiro.

Nagulat pa ito ng makita ako. Lalabas ito ng pinto pero pagbukas niya nakita niya
ang totoong Alfiro. Nagulat din ito ng makita ang kamukha niya.

"Karatumera!!!"

Parang bula na nawala ang pekeng Alfiro, lumipad sa hangin ang itim na usok.

Agad kong kinuha sa sahig ang Book of Spell na pinag aaralan ni Oceane. Lumapit
naman sa akin si Zaiden.

"Ano yung nakita ko?"

"Dark arts yon, sinubukan nilang nakawin ang Book of Spells..."

"Paanong nakapasok yun dito?"

"Nakita mo naman diba? Ginaya nya ang anyo mo.."

Pagkasabi ko nun naglakad na ako papalapit sa bintana.

"Dadalawin mo ba si Oceane?"
"Oo."

Tumalon na ako ng bintana at mabilis na akong tumakbo.

Isang malaking aso ang kasabay kong tumatakbo. Ang babaeng lobo na naman. Huminto
ako

"Anong kailangan mo?"

"Sasama ako sayo.."

"Bakit?"

"Hindi ba't pupuntahan mo ang Infinity?"

Hindi na ako nagsalita pa. Nawalan lalo ako ng gana ng malaman ko ang totoo tungkol
sa kanya, bukod sa libong taon na siya, masasangsang pa sa ilong ko ang amoy nya.
Hindi talaga namin gusto ang amoy ng mga taong lobo.

Bago namin marating ang Elfwood, isang kakaibang pakiramdam ang nagpatigil sa aming
dalawa sa pagtakbo.

Nakiramdam kami sa paligid.

"Isang shadow snake..."

"Ano?"

Nakarinig kami ng kaluskos mula sa di kalayuan. Isang malaking kung ano na kulay
itim ang papalapit sa akin, mabilis akong hila ni Ashlyn.

"Hindi ka dapat malapatan ng usok na yan, kundi mamamatay ka."

"Bakit? Ano bang meron yan?"

"May lason ang buong parte ng katawan ng shadow snake. Tao ka parin, may buhay kaya
maari kang mamatay pag nahawakan o lumapat ang balat mo sa kanya."

"Hindi ako natatakot mamatay.."

MAbilis kong sinugod ang shadow snake na yon. Ginamitan ko sya ng malalaks na
spells na alam ko. Pero gaya ng inaasahan nyo sa ibang kwento, walang nagyari sa
ginawa kong pag atake.

"Itigil mo na yan, walang mangyayari sa ginagawa mo magpapagod ka lang!"

Narinig kong sigaw ng babaeng lobo.

Hindi ao naking sa kanya, ipinagpatuloy ko lang ang ginagawa ko.

(Ashlyn's POV)

Ang tigas talaga ng ulo ng Silverwood na ito. Hindi siya nakikinig sa mga sinasabi
ko.
Mula sa aking likuran dalawa pang shadow snake ang lumabas mula sa likod ng mga
damo.

'Ano kayang ibig sabihin nito?'

Isang shadowsnake ang muntik ng malapatan ng katawan ni Silverwood. Agad akong


nagpalit ng anyo.

Mabilis ko siyang kinagat ng bahagya saka ko ako mabilis na tumakbo.

"Pwede ba ibaba mo ako??"

Nagpupumiglas siya na makawala sa pagkakakagat ko sa katawan nya. Hinahabol pa rin


kami ng mga shadow snake.

Isang malamig na bagay ang naramdaman ko sa bandang lkuran ko, ilang sandali pa,
naramdaman ko na ang sobrang paghapdi nito na para bang nasusunog ang aking balat
at mga balahibo.

Hindi ko na natiis ang sobrang sakit. Bumagsak ako sa lupa at umuungol. Sobang
hapdi talaga ng nararamdaman ko.

"Anong nangyari sayo?"

Narinig kong tanong ni SIlverwood. Ilang sandali pa, kusa ng pumikit ang mga mata
ko.

(Frost's POV)

Isang malakas na spell ang ginawa ko.

"Aquarestarum!"

Napag aralan ko na ang gaya ng mga shadow snake. Takot sila sa tubig at apoy.

"Brisingir!"

Sigaw naman ni Zaiden Alfiro.

Unti unting sumasama sa hangin ang shadow snake. Mabilis namin nilapitan sina
Castor at Ashlyn.

Hindi pa rin nagbabalik ang anyong tao ni Ashlyn. Isang malaking lobo pa rin siya.

"May sugat siya, at kumakalat na ang lason sa buong katawan niya."

"Pupuntahan ko si na Nazar at Old Elf para magamot siya ng mga ajouga."

"Mabuti pa nga Castor, mas mabilis ka kumilos sa amin." sabi naman ni Zaiden

"Silverwood, kung maari bilisan mo, tingnan mo ito.."

Tumingin kaming lahat sa walang malay na pting malaking lobo. Kasin laki na ng
kamay ko ang unti untng nasusunog na balat nito

"Sige, mauna na ako."

Nakita namin ni Zaiden Alfiro na tinitigan muna ni Castor ang lobo bago tuluyang
umalis.
"Nag aalala rin siya kay Ashlyn."

Napatingin ako kay Zaiden Alfiro.

"Ganyan ganyan siya kay Oceane, kaya naman nagseselos talaga ako."

Tumahimik ako. Isang paunang lunas ang ginawa kong spell sa sugat. Pero pang alis
lang yun ng matinding sakit.

"Tingin ko nakatulong ang ginagawa mo."

"Maaliwalas na ang mukha niya ngayon kesa kanina."

Tumahimik kami ni Zaiden Alfiro pagkatapos ng usapang iyon.

Ilang sandali lang bumalik na si Castor kasama sina Miranda, Nazar at Old Elf
Sorcerer, may kasama silang mga ajouga. Dahil malaki ang lobo, si Castor ang
bumuhat dito at dinala sa bahay ng Old Elf.

Dahil lason iyon, hindi nakayanan ng katawan ni Ashlyn ang lason. Kaya ng mga
werewolf na gamutin ang sariling sugat sa loob lamang ilang minuto. Kusang
naghihilom ang mga sugat nito.

Lumipas pa ang 3 oras nagising na si Ashlyn.

"Salamat sa inyo."

"Sa susunod wag kang masyadong nagmamagaling lobo."

Napalingon ako kay Silverwood. Masyado siyang sarcastic kay Ashlyn.

"Salamat sayo Silverwood, hindi motalaga ako matitiis.."

Nagsmirk lang si Castor sabay nagwalk out. Napakibit balikat na lang kami ni Zaiden
Alfiro

(Nazar's POV)

"A--anong ginagawa mo dito sa labas anak?"

Nakita ko kasing nagmamadali siyang naglalakad papasok sa loob ng bahay namin.

"N--nagpahangin lang po ako."

"Hindi ka pa maaring lumabas.."

Naupo lang siya sa sofa.

Hindi ko maintindihan pero nababalutan ng itim na aura ang aura ng Fire Phoenix at
ng Wind Eagle.

Habang pinagmamasdan ko ang anak ko, wala naman siyang kakaibang ginagawa.

"Bakit po?"

Napansin kasi niya na nakatitig ako sa kanya.


"Wala naman anak.."

Ngumiti lang ito sa akin. Nilapitan ko si Miranda.

Ikinuwento ko sa kanya ang napapansin ko sa aming anak.

"Iniisip mo lang yan Nazar.."

"Baka nga, pero para makasiguro babantayan natin ang anak natin."

"Babantayan natin talaga ang anak natin dahil, gusto pa rin siyang makuha ni
Baragor."

Niyakap ko si Miranda.

"Napakaswerte ko talaga sayo inyo ng anak ko.. hindi ko pagsisisihan kailan man ang
desisyon kong piliin ka."

"Mama?.. Hrm! Sorry Nakaistorbo yata ako."

"Hindi naman anak... may kailangan ka ba?"

Nilapitan ko siya saka ko inakbayan.

"Nagugutom ka ba?"

"Hindi naman po, magpapaalam lang po ako na babalik na po ako sa Academy."

"Ha? Ayos ka na ba?"

"Opo. Baka mahuli na po ako sa mga aralin namin sa klase."

Pinayagan ko siyang bumalik sa Academy.

(Zaiden's POV)

Nakita kong naglalakad sa hallway, hindi siya lumilingon diretso lang siyang
naglalakad.

"Hi Oceane!"

Bati nun isang 4 Level,pero hindi naman ito nilingon man lang niya. Para bang
walang narinig.

"Oceane!"

Tumatakbo akong nilapitan siya.

"Oceane!"

Ngumiti siya sa akin.

"Zaiden.."

"Magaling ka na ba?"
Tumango ito. SAbay kaming naglakad papunta sa silid niya.

"Masaya ako at ok ka na.."

"NApag alala ko ba kayo?"

"Ha? Alam mo naman na mawala ka lang sa paningin ko nag aalala na ako.."

SAbi ko sabay kamot sa ulo ko. NAsa tapat ba kami ng silid niya.

"Samahan mo naman ako mamasyal.."

"Oo ba! Saan mo ba gusto?"

"SA Mage City.."

"Sa city?"

Tumango ulit siya.

"Sige.. sunduin kita mamaya.."

"Hindi!"

"Ha? Ayaw mo na sunduin kita?"

Umiling ito.

"Ipapasok ko lang ag gamit ko, tapos pupunta na tayo dun."

Mabilis siyang pumasok sa silid niya at ilang segundo lang ay lumabas na siya ulit.

"Handa na ako."

Nagulat pa ng makapagpalit siya ng damit sa loob lang ng 10 segundo.

"Paano mo..."

Ngumiti sya sa akin, sabay pitik sa dulo ng ilong ko.

"Aray!"

Tumawa lang siya.

"Ikaw talaga..."

Mabilis niya akong itinulak atsaka siya mabilis na tumakbo.

"Lagot ka sa akin pag naabutan kita.."

Mabilis din ako tumakbo para habulin siya.

Ang Mage City ang pinaka sentro ng mundo namin. Dito makikita at mabibili mo lahat
ng kailangan mo bilang Wizard.

Naglalakad kami sa gubat papunta sa lagusan, papasok sa Mage City.

Napapansin kong may itim na aura na nakapalibot sa aura ni Oceane.


"Ayos ka lang ba?"

"Oo naman.. bakit ba tanong ka ng tanong?"

"May kakaiba kasng aura na nakapalibot sa aura mo."

Tumahimik siya sandali pagkatapos ay huminto sa paglalakad.

"Oh bakit?"

"Hindi mo pa ba ako tuturuan magsanay?"

Oo nga pala, bago siya nakidnap, sinasanay namin siya na balansahin ang
kapangyarihan niya.

"Akala ko ba pupunta tayo sa..."

"Maaga pa naman, mamaya na tayo mamasyal sa Mage City.."

Mabilis niya akong sinugod, mabuti na lang at nakaiwas ako sa atake niya.

Namamangha talaga ako sa bilis at liksi niya ngayon.

Hindi kami gumagamit ng wand, simpleng muscle power lang. Taidoku ang tawag namin
sa martial arts na ito.

Hindi siya tulad ng sa mga normal na tao na gumagamit ng kamay at paa, bilang pag
atake at depensa.

Gumagamit kami ng chakra o aura para maging pandepensa sa mga atake ng kalaban.

Malakas na siya at talagang maliksi pero hindi pa siya ganun ka alerto.

Nagawa niya akong hawakan sa braso at mabilis niya akong naitumba.

Tinapakan pa niya ako sa tiyan ko.

"Bilib ka na sa akin ano?"

"Oo naman..wait!"

Hinawakan ko ang binti niya saka mabilis ko siyang inihagis.

Napangiti pa ako ng para siyang ;ibon na lumipad sa ere at nakatayo pa rin


bumagsak.

"ANg galing mo na!"

Tumayo ako sa pagkakahga ko sa damuhan.

"Ikaw lang nagsabi niyan."

Naupo ito sa damuhan saka nahiga.

"Napagod ako.. malakas ka talaga.."

Sabi pa nito.

"Oh anong ginagawa mo?"


Iniharang ko kasi ang mukha ko sa pinagmamasdan niyang langit.

"Napagod ka?"

"Oo, umalis ka nga dyan, hinaharangan mo kaya ang pinagmamasdan ko."

NAtawa ako sa reaksyon niya. Nahiga ako sa tabi niya at pinagmasdan ko rin ang asul
na langit.

"Naalala ko ung una tayong nagkita, hindi ka pa ganyan ka galing... simple ka lang
at..."

NApalingon ako sa kanya. NAtutulog na siya. Bahagya akong tumagilid at pinagmasdan


ko siya.

Napangiti naman ako habang pinapanood siyang mahimbing na natutulog.

Nakarinig ako ng kaluskos. NApabalikwas ako.

Agad kong kinuha ang wand ko sa bulsa ko. Nilingon ko ulit si Oceane, tulog pa rin
ito.

"Bakit?"

Lumabas mula sa mataas na damo si Castor.

"Ikaw lang pala."

Muli kong ibinalik sa bulsa ko ang wand ko.

(Nazar's POV)

Hindi ko maintindihan pero nababalutan ng itim na aura ang aura ng Fire Phoenix at
ng Wind Eagle.

Habang pinagmamasdan ko ang anak ko, wala naman siyang kakaibang ginagawa.

"Bakit po?"

Napansin kasi niya na nakatitig ako sa kanya.

"Wala naman anak.."

Ngumiti lang ito sa akin. Nilapitan ko si Miranda. Ikinuwento ko sa kanya ang


napapansin ko sa aming anak.

"Iniisip mo lang yan Nazar.."

"Baka nga, pero para makasiguro babantayan natin ang anak natin."

"Babantayan natin talaga ang anak natin dahil, gusto pa rin siyang makuha ni
Baragor."

Niyakap ko si Miranda.

"Napakaswerte ko talaga sayo inyo ng anak ko.. hindi ko pagsisisihan kailan man ang
desisyon kong piliin ka."

"Mama?.. Hrm! Sorry Nakaistorbo yata ako."

"Hindi naman anak... may kailangan ka ba?"

Nilapitan ko siya saka ko inakbayan.

"Nagugutom ka ba?"

"Hindi naman po, magpapaalam lang po ako na babalik na po ako sa Academy."

"Ha? Ayos ka na ba?"

"Opo. Baka mahuli na po ako sa mga aralin namin sa klase."

Pinayagan ko siyang bumalik sa Academy.

(Zaiden's POV)

Nakita kong naglalakad sa hallway, hindi siya lumilingon diretso lang siyang
naglalakad.

"Hi Oceane!"

Bati nun isang 4 Level,pero hindi naman ito nilingon man lang niya. Para bang
walang narinig.

"Oceane!"

Tumatakbo akong nilapitan siya.

"Oceane!"

"Ngumiti siya sa akin.

"Zaiden.."

"Magaling ka na ba?"

Tumango ito. SAbay kaming naglakad papunta sa silid niya.

"Masaya ako at ok ka na.."

"NApag alala ko ba kayo?"

"Ha? Alam mo naman na mawala ka lang sa paningin ko nag aalala na ako.."

SAbi ko sabay kamot sa ulo ko. NAsa tapat ba kami ng silid niya.

"Samahan mo naman ako mamasyal.."

"Oo ba! Saan mo ba gusto?"

"SA Mage City.."

"Sa city?"
Tumango ulit siya.

"Sige.. sunduin kita mamaya.."

"Hindi!"

"Ha? Ayaw mo na sunduin kita?"

Umiling ito.

"Ipapasok ko lang ag gamit ko, tapos pupunta na tayo dun."

Mabilis siyang pumasok sa silid niya at ilang segundo lang ay lumabas na siya ulit.

"Handa na ako."

Nagulat pa ng makapagpalit siya ng damit sa loob lang ng 10 segundo.

"Paano mo..."

Ngumiti sya sa akin, sabay pitik sa dulo ng ilong ko.

"Aray!"

Tumawa lang siya.

"Ikaw talaga..."

Mabilis niya akong itinulak atsaka siya mabilis na tumakbo.

"Lagot ka sa akin pag naabutan kita.."

Mabilis din ako tumakbo para habulin siya.

Ang Mage City ang pinaka sentro ng mundo namin. Dito makikita at mabibili mo lahat
ng kailangan mo bilang Wizard.

Naglalakad kami sa gubat papunta sa lagusan, papasok sa Mage City.

Napapansin kong may itim na aura na nakapalibot sa aura ni Oceane.

"Ayos ka lang ba?"

"Oo naman.. bakit ba tanong ka ng tanong?"

"May kakaiba kasng aura na nakapalibot sa aura mo."

Tumahimik siya sandali pagkatapos ay huminto sa paglalakad.

"Oh bakit?"

"Hindi mo pa ba ako tuturuan magsanay?"

Oo nga pala, bago siya nakidnap, sinasanay namin siya na balansahin ang
kapangyarihan niya.

"Akala ko ba pupunta tayo sa..."


"Maaga pa naman, mamaya na tayo mamasyal sa Mage City.."

Mabilis niya akong sinugod, mabuti na lang at nakaiwas ako sa atake niya.

Namamangha talaga ako sa bilis at liksi niya ngayon.

Hindi kami gumagamit ng wand, simpleng muscle power lang. Taidoku ang tawag namin
sa martial arts na ito.

Hindi siya tulad ng sa mga normal na tao na gumagamit ng kamay at paa, bilang pag
atake at depensa.

Gumagamit kami ng chakra o aura para maging pandepensa sa mga atake ng kalaban.

Malakas na siya at talagang maliksi pero hindi pa siya ganun ka alerto.

Nagawa niya akong hawakan sa braso at mabilis niya akong naitumba.

Tinapakan pa niya ako sa tiyan ko.

"Bilib ka na sa akin ano?"

"Oo naman..wait!"

Hinawakan ko ang binti niya saka mabilis ko siyang inihagis.

Napangiti pa ako ng para siyang ibon na lumipad sa ere at nakatayo pa rin bumagsak.

"ANg galing mo na!"

Tumayo ako sa pagkakahga ko sa damuhan.

"Ikaw lang nagsabi niyan."

Maya maya ay nakatulog siya sa sobrang pagod na rin siguro. Tinitigan ko siya
habang natutulog. Maganda talaga siya. Nakaramdam ako ng aura sa paligid. Tumayo
ako at inilabas ang wand ko, nakiramdam ako.

Bumagsak sa harapan ko si Castor ng nakatayo. Mula siya sa mataas na puno malapit


sa aming pwesto. Itinago ko na ang wand ko sa aking bulsa

"Anong ginagawa mo dito?"

Tanong ko sa kanya habang nakatingin siya kay Oceane na tulog pa rin hanggang
ngayon.

"May naramdaman kasi akong dark aura at dito ako dinala."

"Pero wala naman akong nararamdaman dito."

"PAg dating ko dito, nawala na rin ang black aura."

Lumingon lingon kaming dalawa sa paligid. Wala naman kakaiba.

Naupo si Castor, nakaluhod ang kabilang binti nito sa damuhan at bahagyang


nakaangat naman ang kabilang binti.

"Nagsanay kami, napagod siya kaya nakatulog."


"Masyado niyang pinupwersa ang sarili niya."

"KAya nga inaalalayan ko siya sa paggamt ng pwersa."

Tumayo na si Castor saka hinarap ako.

"Bakit kailangan nyo pa dito magsanay? Hindi ba't pinayagan na tayo ni Principal
Alyora a magsanay sa Enchanted Garden?"

"Oo alam ko, pero hindi kami nandito para magsanay.

Naisipan lang nya na magsanay kanina, pero ang totoo

pupunta sana kami sa Mage City."

Kumunot ang noo ni Castor.

"Bakit? Anong gagawin nyo doon?"

"Siya ang nagyaya na pumasyal sa City."

"Delikado para sa kanya ang pagpasyal na malayo sa Academy o sa sino man taong kaya
siyang protektahan."

"Kaya ko siyang protektahan.."

Nagsmirk siya. NAkita ko pa ang maputing pangil niya.

"Sasama ako sa inyo."

"Ako rin."

Napalingon kaming pareho ni Castor. Nakatayo sa di kalayuan ang malaking puting


lobo.

Nakikipag usap siya gamit ang isip lang.

"Ano na namang ginagawa mo dito?"

Napansin ko ang inis sa boses ni Castor.

"Ako ang Guardian ng Infinity, nakatakda kaming magtulungan kaya nararapat lamang
na ako ang

kasama ng Infinity kesa sa inyong dalawa."

"Hindi mo nga siya kayang iagtanggol."

Lumabas ang pangil ng lobo. NAkita ko sa itsura nito na napipikon ito kay CAstor.

"Ano bang problema mo sa akin Silverwood?"

"Ayoko sayo lobo!"

Napansin kong nag iba ang itsura ng lobo, napansin ko rin na maluha luha ang
kanyang mga mata. NAlungkot ito.

'Tama ba itong papansin ko? May pagtingin si Ashlyn kay Castor?'


Bahagya akong napangiti. Bakit? KAsi naman, si Frost may Allyssa na, si Castor eto
may Ashlyn na. Syempre si Oceane akin lang.

"Anong nangyayari?"

Nagising na pala si Oceane. Tulad pa rin ng dati mas maganda siya pagbagong gising.

"Wala, nagkukwentuhan lang kami."

Pagsisinungaling ko sabay tingin kina CAstor AT aSHLYN.

"Anong giagawa nyo dito?"

"NApadaan lang."

Sabi naman ni CAstor.

"Siguro umuwi na muna tayo, napagod talaga ako."

"Sige, masmabuti pa nga.."

Naglakad kaming apat pabalik sa Academy.

NAramdaman namin ang black magic sa paligid.

Maingat namin inilabas ang mga wand namin maliban kay Ashlyn na isang lobo pa rin.

"Marami sila, mabuti pa mauna na kayong dalawa Zaiden.."

"Tama yon Alfiro.. mauna na kayo ng Infinity."

Sumunod naman kami ni Oceane. Naiwan namin sina Ashlyn at CAstor.

Habang tumatakbo kami, may nararamdaman pa rin kaming itim na aura na sumusunod sa
amin.

Tatlong Soul Keeper ang humarang sa daan namin, sinubukan namin na tumakbo pakaliwa
pero may 2 soul keeper na nakaharang, ganun sa kanang bahagi namin at sa likuran.

Hinila ko si Oceane papalapit sa akin. MAsyado na ilang marami para sa aming


dalawa.

"Ibigay mo sa amin ang Infinity.."

Sabi pa ng isa. Mga hooded din ang suot nilang coat na itim.

Kitang kita ko ang mga itim na aura sa bawat isa sa kanila.

"Hindi ko siya ibibigay sa inyo."

"Patayin ang lalaking yan!"

Sabay sabay na sumugod ang mga soul keeper. Hindi ko binibitawan ang kamay ni
Oceane.

"Bitiwan mo ako para makalaban tayo ng maayos.."

"Hindi! Hindi ko hahayaan na mahiwalay ka sa akin sa pangkakataong ito."


Mabilis kong sinira ang pang itaas kong damit atsaka itinali iyon sa kamay namin.

"Ano ba itong ginagawa mo?"

"Sinabi ko na sayo, proporotektahan kita kahit mamatay ako."

Tumahimik si Oceane, pagkatapos ay nakita kong umapoy na naman ang isa niyang
kamay, yung hindi nakatali.

"Masusunog ang kabugatan pag ginawa mo yan."

Hindi niya ang pinansin. Inihagis niya ang bolang apoy sa dalawang Soul keeper.

Tumilapon naman ang mga ito habang nasusunog ang katawan.

"Brisingir!"

Gamit ang wand ko, inatake ko ng apoy ang dalawa ring Soul Keeper.

Isang soul keeper ang nagawang hawakan si Oceane at pilit nitong inaalis ang
pagkakatali ng tela sa kamay nito.

Itinutok ko sa bandang tiyan niya ang wand ko

"Imperaderum!"

Isang pulang liwanag ang umagos mula sa aking wand.

Isa sa forbidden spell ang "Imperaderum". KAya ito ipinagbabawal dahil, masyadong
brutal ang spell na ito.

Kailangan may contact sa katawan ng biktima ang wand mo para gumana ang spell.Bakit
kailangan? Ang spell na ito ay masyadong mapanganib para sa mga baguhan. Oras na
mabigkas
mo ang spell, parang asido na tinutunaw nito ang parte ng katawan na matamaan nito.

Sa sitwasyon ngayon, laman loob ng soul keeper ang tinarget ko.

"Oceane.."

Agad kong hinila si Oceane papalapit sa akin.

Hinawakan ko ulit ang kamay niya.

'KAilangan namin makaalis dito..'

Mabilis kaming tumakbo, may dalawa pang soul keeper na sumusunod sa amin.

Wala pa rin sina Ash at Castor.

(Castor's POV)

Malayo na sina Alfiro at Oceane ng sumugod ang mga soul keeper. Base sa kwento ni
Alfiro, sila nga ang mg soul keeper.

Nakatingin ako sa babaeng lobo. Seryoso pa rin siya hanggang ngayon.

'Nagalit ba talaga siya sa sinabi ko kanina?'


Naunang sumugod ang babaeng lobo.

Ang bilis niyang kumilos, na para bang isang hangin na hindi ko na makita.

Gamit ng wand ko, gumawa ako ng malaking apoy sa palibot namin.

KAhit delikado, kailangan kong maikulong ang mga soulkeeper na ito.

NApansin ko sa pag atake ng lobo na yon ang sobrang galit dahil nilapa niya ang
dalawang soul keeper.

Napatingin siya sa akin at nakita ko na nanlilisik ang kanyang mga mata.

"Denersia!"

Isa iyong spell of illusion. Wala silang makikita kundi ang sarili nila at kalaban
din ang tingin nila sa sarili nila.

Ito ang ilusyon na parang totoo, walang pinag iba sa normal na paligid ang makikita
mo, pero may isang salamin ito na maglalabas ng kinatatakutan mo at siyang
magpapalabas ng kinatatakutan mo at ito ang makakalaban mo.

Black magic ito at si Nazar ang nagturo sa akin.

(Zaiden's POV)

Hindi ko namalayan na maputol ang tali sa mga kamay namin ni Oceane.

Hindi ko alam kung paanong nagawa ni Oceane ng isang maliit na ipo ipo. Nahigop
nito ang mga soul keeper.

Pero napansin namin na may mga bago na naman na soul keeper.

Muli gumamit ng malakas na kapangyarihan si Oceane.

Ginamit niya ang wand niya, napansin kong nag iba ang itusra nito.

May mga kakaiba ng ukit sa katawan ng wand nito.

Isang itim na liwanag ang pumapalibot kay Oceane,

Halos nasasakop na nito ang makinang niyang aura.

Lumakas ang hangin sa paligid. Napalibutan siya nito. SA sobrang lakas, nabuwal ang
mga puno sa lupa, lumipad sa hangin ang lahat.

Kumapit ako ng mahigpit sa pinakamalking puno.

Samantalang lumutang sa hangin ang ibang soul keeper.

Ilang minuto ang lumipas, tumigil ang malakas na hangin. Sumunod noon ang malakas
na ulan.

Bumagsak ako sa lupa, ng tumigil ang hangin. Nakita ko na lang na tumatakbo


papalapit sa akin si Oceane.

Paglapit niya sa akin, bigla siyang yumakap. Nagulat pa ako ng mawalan siya ng
pwesa at muntik na siyang matumba mabuti na lang at hawak ko siya.

"Oceane?"

"O--ok ka lang ba?"

"Oo ok ako.."

Tuluyan na siyang nawalan ng malay habang hawak hawak ko siya. Napatingin ako sa di
kalayuan.

Isang Dark Wizard ang nakatingin sa amin.

Napatingin ulit ako kay Oceane. Nakita kong may kung anong sugat siya sa bandang
likod niya.

MAy dugo ito.

"Oceane... oceane.."

Tinapik ko ang pisngi niya, pero walang nangyari.

Tiningnan ko ulit ang Dark Wizard sa kinaroroonan niya, wala na ito.

Doon na ako nakaramdam ng takot at kaba.

(Castor's POV)

Abala ako sa pakikipaglaban sa mga Soul Keeper.

Bihasa sa Dark Magic ang mga ito kaya naman nahirapan din kami na labanan siya.

Ilang minuto pa, natapos namin ang mga kalaban.

"Natapos din! Ikaw lobo kamusta ka?"

Nagulat ako ng makita siyang tao na ulit, walang damit at walang malay na nakahiga
sa damuhan.

Mabilis ko siyang nilapitan, hinubad ko ang suot kong robe at isinuot iyon sa
kanya.

Tinapik tapik ko ang pisngi niya. Hindi pa rin siya nagising.

Agad ko siyang binuhat at dinala sa Academy Hospital.

(Zaiden's POV)

Nasa loob pa rin ng emergency room si Oceane. Hindi ako mapakali ng mga sandaling
iyon.

'ANg tanga tanga ko, hindi ko nagawang protektahan siya..'

Nagulat ako ng makita si Castor na buhat buhat si Ashlyn suot ang kaninang suot
niyang robe.

"Anong nangyari?"
"Hindi ko alam... si nurse Ayo?"

"Nasa loob, kasama ni Oceane.."

"ANo?"

"Anong nangyari dyan?"

Napatingin kami sa nagsalita, si nurse Cara.

"Nawalan po siya ng malay.."

"Halika ipasok mo dito sa loob.."

Ipinasok naman ni CAstor sa loob ng silid si Ashlyn.

Matagal tagal din oras ang lumipas bago siya lumabas.

Nakaupo pa rin ako sa harapan ng emergency room.

"May balita na kay Oceane?"

Dun ko lang napansin na nakalabas na pala ng silid si CAstor.

"Hindi pa rin lumalabas si nurse Ayo.."

"Ano bang nangyari? BAkit nasaktan si Oceane..?"

Ikinuwento ko kay Castor ang nangyari. Hindi rin siya nagsalita matapos mapakinggan
ang nangyari.

"Naipahamak ko na naman siya!"

Tumayo ako at sinuntok ko ang pader ng ilang ulit. May bakas na ng dugo sa pader.

"Wala kang kasalanan dun. Iniligtas ka ng Infinity, magpasalamat ka na lang."

Lumabas sa silid si nurse Ayo. MAbilis ko siyang sinalubong.

"Ano pong balita?"

"Black Magic ang ginamit sa kanya, mabuti na lang malakas ang resistensiya niya,
agad ni reject ng kanyang katawan ang lason."

Nakahinga naman ako ng maluwag sa sinabing iyon ni nurse Ayo.

"Si Ashlyn po ano pong balita?"

TAnong naman ni CAstor

"Alam mo Silverwood, nagtataka ako, parehong pareho sila ng marka ng Infinity sa


likod."

"Ano pong marka?"

"Kung ano yung nangyari sa Ifinity ganun din ang resulta ng pagsusuri namin sa
kanya."
"Ano pong ibig sabihin nun? Magkalayo po kami ng mangyari ang..."

"SAlamat po nurse Ayo... "

Agad kong pinuntahan si Oceane. Wala pa rin itong malay.

HIndi ko napigilan ang sarili ko na hindi siya halikan ng mga sandaling iyon.

Hinalikan ko siya sa kanyang noo.

"Sorry hindi kita naipagtanggol.."

"Ok lang yon Zai.."

Napatingin ako sa kanya. Gising na pala siya.

"Hayaan mo naman na ako ang magbuwis ng buhay para sayo. Ikaw, ilang ulit mo ng
ginagawa sa akin yan."

"Hindi mo kailangan gawin yon.."

Hinawakan ko ng mahigpit ang kamay niya.

(Castor's POV)

"Anong ginagawa mo dito?"

"I'm just checking if you're okey."

Lumingon sa may bintana si Ashlyn. Hindi siya nagsalita.

"Umalis ka na.."

Hindi ako nagsalita. NAupo lang ako sa sofa. Lumingon siya ulit at nagsalita

"Can't you hear me? I said leave!"

"Ano na naman bang problema mo?"

"Ikaw, ikaw ang problema ko.."

Nagsmirk lang ako at di nagsalita.

"You're always like that.. hindi kita maintindihan. Bakit ba ang bastos mo sa
akin?"

Nanginginig ang boses niya.

"Wala kang respeto sa babae.. tao ka pa rin SIlverwood!

Hindi lang ang Infinity ang babae sa magkabilang mundo, matuto kang rumespeto."

"Sino ka para sabihin sa akin yan? Hindi mo ako kilala!"

Napikon ako sa sinasabi niya. Kung manghusga siya parang kilala niya ako.

Lumabas ako ng silid.


(Zaiden's POV)

"Bakit?"

Napansin ko kasi na parang malungkot ang mga mata niya.

" Hindi ko rin alam, parang... parang bigla akong nalungkot, parang nasasaktan ako
ng hindi ko alam kung bakit.."

Agad ko namang hinawakan ang kamay niya habang nakaupo ako sa kama kung saan siya
nakahiga.

"Sorry kung nasasaktan kita.."

Ngumiti si Oceane.

"Hindi ko naman sinabi na sinasaktan mo ako.."

"Oo nga, pero nandito ka ngayon dahil hindi kita naipagtanggol ka..."

Naupo si Oceane saka hinawakan ng dalawang kamay niya ang mukha ko.

Tinitigan niya ako saka hinalikan sa labi.

Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko ng mga sandaling iyon.

Para bang punong puno ng fireworks ang paligid sa sobrang ingay dahil hindi ko na
marinig ang tibok ng puso ko.

Kahit sandali lang yon, para bang sobrang tagal ng oras na magkalapat ang mga labi
namin.

Nang ilayo niya ang mukha niya saka ako nagdilat ng aking mga mata. NAkangiti siya
sa akin.

Ngumiti din naman ako.

"NApapagod ka na ba?"

"Saan?"

"Sa akin.."

"Sinabi ko naman sayo diba? Hindi hindi ako mapapagod na mahalin ka."

Pinisil ko pa ang ilong niya.

"Natatandaan mo ba ito?"

Gamit ang wand niya itinutok niya ito sa sentindo ko.

Biglang bumalik lahat ng alaala mula nung una kaming nagkita.

"Nakakatawa talaga kayong mga taga ibang mundo. Next time wag ka nakatunganga.."

"Kumain ka na.. di ka naman mag iisa pag wala siya. i'm here.."
"Ang ganda mo talaga.."

"Want to make a wish?"

"Paano?"

"Close your eyes."

"Ganoon lang? Walang baryang ihahagis sa tubig?"

"Is there any sense of throwing coins into the water?"

The moment she first hugged me...

The first time we've kissed...

The time na una ko siyang inakbayan...

Time na una kaming nag away...

Lahat yon ay nagflash back sa isip ko.

Ilang sandali lang inalis na niya ang wand niya sa sentindo ko.

"B--bakit mo ibinabalik ang mga alaalang yon?"

Ngumiti lang siya. Hindi na siya muling nagsalita.

(Ashlyn's POV)

Nagulat ako ng makita ko sina Alfiro at ang Infinity na pumasok sa silid ko sa


Hospital.

"Kamusta ka na?"

"Ayos naman ako.."

Napansin kong malungkot ang mga mata ng INfinity.

"BAkit parang ang lungkot mo?"

Ngumiti lang ang Infinity.

"HIndi ko rin alam.."

"Wala si Castor dito?"

Hindi ako sumagot sa tanong ni Zaiden. Masyado na akong nasasaktan sa ginagawa


niya.

"UMalis na siya.."

Tumambay sina Oceane at Zaiden sa silid ko. PAra naman daw hindi ako mainip.

Habang pinagmamasdan silang dalawa nakaramdaman ako ng inggit.

'Kelan kaya ako mapapansin ni Silverwood?'


Nakaramdam ako ng sandaling hapdi sa isang daliri Nakakita na lang ako ng dugo.

"Nasugatan ka!"

"Ah hindi naman,.." sabi ko

Napalingon ako sa dalawa. Akala ko ako ang kinakausap ni ALfiro.

"Akin na yan.."

"HIndi na, maliit na sugat lang ito."

Napansin kong pareho kaming may sugat ng Infinity sa parehong daliri.

NAsugatan siya dahil nahiwa siya ng papel, ako naman ay nakaupo lang dito sa kama
pero nasugatan ako.

'B---bakit parang.. '

"May problema ba Ash?"

Hindi ko namalayan na nasa tabi ko na pala silang dalawa.

"May sugat ka rin sa daliri?"

TAnong ni Zaiden sa akin.

"Ha? Hindi hindi gagaling din ito.. remember werewolf ako, i can heal myself."

"Maiwan ko muna kayo dito, lalabas lang ako para kumuha ng pagkain.."

"Sige sige.."

Lumabas ng silid si ZAiden Alfiro. Naiwan kaming dalawa sa silid.

"Alam ko ang iniisip mo.."

"Ha?"

"I can read your mind.."

Nagulat pa ako sa sinabing iyon ng Infinity.

"Hindi ko nga rin alam kung bakit, ikaw lang ang tanging tao na babasa ko ang
iniisip."

"Hindi naman talaga ako tao..."

Ngumiti lang ito.

"BAkit kaya nababasa ko ang iniisip mo? Yung sa akin ba nababasa mo rin?"

Umiling lang ako. NAgtataka rin ako kung bakit. Pagnasasaktan siya, nasasaktan din
ako.

*******************************************
[11] Chapter 10: Centaurs Territory
*******************************************
Dedicated also to f0reVeR_aLonE ;)
(Allysa's POV)

Ilang araw ko ng hindi nakikita si Frost.

Naglalakad ako palabas ng Academy ng makita ko siya, kasama si Ashlyn.

'Ano kayang ginagawa nila?'

Lumapit ako sa kanilang dalawa. Napansin kong ngumiti sa akin si Ashlyn, ganun din
si Frost.

"Anong meron?"

"Ah, may pinag uusapan lang kami."

Tumingin ako kay Ashlyn, nakangiti ito.

"Anong pinag uusapan nyo?"

"We're planning for a surprise birthday party."

"Bakit sino bang may birthday?"

"ANg Infinity!"

Napasimangot ako.

'That bitch, paimportante na naman.'

"Hindi na namin sinabi sayo kasi alam namin na hindi ka naman interesado."

Prankang sabi ni Frost.

"Yeah, hindi nga.."

"Sige mauna na ako."

Paalam ni Ashlyn. Nang makalayo si Ash, hinarap ko si Frost.

"Interesado ka pa rin sa kanya."

Hindi iyon isang tanong.

"I know my place Ally, hindi na ako umaasa sa kanya. Pero Aaminin ko na i still
love her."

Sana sinampal na lang nya ako. Ipamukha daw ba sa akin na mahal pa rin niya ang
bitch na yon.

"Sige!"

Iniwan na lang ako ni Frost mag isa sa hallway.

HAbang tinitingnan ko siya palayo, nakaramdam ako ng awa para sa sarili ko.

'Why do i still love him? He always rejecting me and treat me like a junk.'
(Zaiden's POV)

Sinabi ni Frost sa amin ang plano nila ni Ashlyn para sa nalalapit na birthday ni
Oceane.

Nakahiga ako sa kama ko, habang masaya kaming nagkukwentuhan ni Altheia.

May iba kasi akong plano para sa birthday niya.

"Anong plano mo?"

"I want something special, memorable and...."

"Nagawa mo na yan dati diba?"

Tumayo ako at naglakad papalapit sa bintana.

"Ano bang magandang iregalo sa kanya?"

Lumipad papalapit sa akin si Altheia.

"Mag iisip ako.."

Lumingon lingon ako sa paligid. Bigla akong napangiti.

"MAy naisip na ako."

"Talaga? Ano?"

"Basta.. umuwi ka na Altheia, magpapahinga na rin ako."

Bumalik ako sa kama, saka lumipad palabas ng silid ko si ALtheia.

Habang iniisip ko ang plano ko, hindi ko mapigilang hindi mapangiti.

'Alam kong magugustuhan niya ang ireregalo ko.'

Kinabukasan, maaga akong dumaan sa silid niya.

Sabay kaming mabebreakfast. Kumatok ako sa silid niya.

Tok Tok

Tok Tok

Tok Tok Tok

Ilang beses pa akong kumatok pero wala naman sumasagot.

'Asan na kaya siya? Bakit walang tao?'

Tumatakbo akong palabas ng dorm. Ewan ko ba, pag wala siya sa paningin ko
pakiramdam ko nasa panganib siya.

"ALFIRO!!!!"
Hindi ko pinapansin ang isang estudyanteng kakwentuhan ko lagi. Tinatawag nya ako.
Wala akong time sa kanya ngayon.

"Hoy Alfiro!"

Hinabol naman nya ako. Humarang siya sa daan ko.

"Hey Alfiro..."

"Feril, wala akong time makipagkwentuhan ngayon, nagmamadali ako."

"ha? Mamayapa naman ang klase ah! ang aga pa kaya."

'Kulit naman nito...'

"I'm busy with something else okey?"

Pagkasabi ko nun mabilis akong tumabakbo ulit. Habang papalayo ako, naririnig ko
ang sigaw niya sa akin.

"KUNG HINAHANAP MO SIYA , NAKITA KO SIYA SA MAY FOUNTAIN, KASAMA ANG GWAPONG LALAKI
NA TAGA WIND EAGLE..."

Napahinto ako sa pagbaba sa hagdan. Ilang steps na lang at nasa baba na ako ng
maupo ako sabay hawak sa ulo ko.

Sobrang nagseselos ako, pag tuwing kasama niya si Jacob aka Frost. Sinuntok ko ng
malakas ang pader.

"Hey Zaiden?"

Kahit hindi ako lumilingon alam kong si Tim ang nagsalita dahil sa boses nito.

"Anong ginagawa mo dito?"

"Wala!"

"Wala ka dyan.. lokohin mo ang binging higante, hindi ako naniniwala sayo."

Hindi ako nagsalita.

"Oh eto."

May iniaabot siyang papel sa akin. Hindi ko naman iyon kinuha.

"Eto oh, kunin mo na."

Hindi ako kumilos. Hindi rin ako nagsalita.

"Sige ka babasahin ko ito.."

Wala akong pakialam kung basahin man nya yon. Alam ko naman na galing lang yon sa
mga admirers ko sa Academy.

Maraming babaeng sumusulat sa akin para lang magpapasin at sabihin na crush nila
ako at gusto nila akong maging boyfriend.

Tumayo ako at nag umpisang maglakad. Bago ako tuluyang makalabas ng pintuan ng
dorm, binasa ni Tim ng malakas ang nakasulat sa papel.

"GOOD MORNING ZAI! WAG KA MAGTATAKA KUNG WALA AKO SA SILID KO NGAYON, PUMUNTA KA SA
MAY FOUNTAIN.. OCEANE."

Nagsmirk ako habang inikom ko ang mga kamay ko.

'Para ano? para makita ko sila ng jacob na yon?'

Imbes na dumiretso palabas ng dorm, mabilis akong umakyat muli sa hagdan at mabilis
na tumakbo papasok sa silid ko.

Kinuha ko ang broomstick ko atsaka sumakay doon at lumipad palabas ng silid.

Sa Night Market ako tumuloy. May hotel na pag aari ang aking pamilya. Sa mundo
namin Inn ang tawag dito. Doon ako tumuloy, nagbabad ako sa bathtub. Binalak ko pa
nga na lunurin na lang ang sarili ko.

'Kung may diary ako ng mga bad at sad memories ko, mayidadagdag na naman ako. At
ito, ito ang araw na yon. Masmabuti pang lumayo muna kesa naman masaktan ako habang
nakikita sila.'

Bumalik ako sa Academy ng ilang minuto bago maghating gabi. Tulad ng inaasahan ko,
tulog na ang lahat.

Sa sala ng bintana ng dorm ako dumaan sakay ng broomstick ko. naglakad ako sa
hallway ng dorm habang bitbit ko ang broomstick.

Huminto ako sa tapat ng silid ni Oceane. Bukas ang ilaw pero walang sinyales na may
gising pa sa loob ng silid.

Huminga ako ng malalim bago naglakad ulit papunta na sa silid ko. Napansin kong may
taong nakatayo sa tapat ng pintuan ng silid.

Nang makalapit ako, nakita ko si Oceane. Nakita kong tumutulo ang luha niya habang
binibigyang ilaw ng liwanag ng buwan mula sa bintana.

Lumapit siya sa akin, tinitigan nya muna ako, ramdam kong malungkot siya talaga.

Naramdaman ko na lang ang palad niya sa pisngi ko. Sinampal niya ako kasabay ng pag
agos ng luha niya sa kanyang pisngi.

Pagkatapos ay umiiyak itong tumakbo sa kanyang silid.

Ilang minuto akong tulala sa nangyari, bago nag sink in sa isip ko ang ginawa niya.

Hinawakan ko ang pisngi ko habang hawak ko din ang doorknob at tuluyang buksan ang
pinto.

Dumiretso ako sa loob, napansin ko ang fairy dust ni Altheia. Lumipad ito papalapit
sa akin.

"Kamusta? bakit di ka masaya?"

Excited niyang tanong sa akin. Hindi ko siya pinapansin. Naupo lang ako sa kama.

"Zaiden, ano na? Anong nangyari bakit ganyan ang itsura mo?"

"Altheia, i'm tired please leave me alone."


"Ha? Ano? Hindi ka ba pumunta?"

"I said LEAVE!"

Galit kong sabi.

"Okey fine, hindi mo kailangang sumigaw."

Sabi nito habang papalapit sa bintana.

"Base sa reaction mo, hindi ka pumunta sa may fountain.... matagal siyang naghintay
sayo. Ilang oras ka niyang hinintay."

Hindi ko pinansin ang sinabi ni Altheia. Nakahiga pa rin ako sa kama habang
nakatingin sa kisame ng silid.

"KUNG HINAHANAP MO SIYA , NAKITA KO SIYA SA MAY FOUNTAIN, KASAMA ANG GWAPONG LALAKI
NA TAGA WIND EAGLE..."

"GOOD MORNING ZAI! WAG KA MAGTATAKA KUNG WALA AKO SA SILID KO NGAYON, PUMUNTA KA SA
MAY FOUNTAIN.. OCEANE."

"Base sa reaction mo, hindi ka pumunta sa may fountain.... matagal siyang naghintay
sayo. Ilang oras ka niyang hinintay."

Napabalikwas ako sa kama ko at nagmamadaling lumabas ng silid ko.

Huminga muna ako ng malalim bago kumatok sa pintuan ng silid niya.

Tok Tok Tok

Tok Tok Tok

Walang sumasagot, walang nagbubukas ng pintuan. Ilang beses akong kumatok.


Pagkalipas ng ilang minuto pa, napagdesisyonan ko ng umalis na lang at bumalik sa
silid ko.

Bakit? Ang tanga ko kasi, nagselos ako kaagad, hindi muna ako nag isip. Ilang
hakbang pa lang ang nagawa ko ng may narinig akong nabasag mula sa loob ng silid
niya. Bumalik ako sa tapat ng silid saka muling kumatok.

Nang walang nagbukas o sumagot ay gumamit ako ng spells para mabuksan ko ang
pintuan.

Nakita kong lumutang sa ere si Oceane habang nababalutan ng itim na aura. Lumingon
lingon sa paligid kung may ibang tao, ngunit wala naman akong nakita o napansin man
lang.

"Oceane?"

Bigla siyang nagmulat ng mata saka dahan dahan siyang bumaba mula sa pagkakalutang.
Nawala na rin ang itim na aura na bumabalot sa kanya.

"And what are you doing here?"

Walang emosyon niyang tanong sa akin.

"Anong ginagawa mo kanina? Bakit..."


"Wala kang pakialam sa ginagawa ko!"

Galit siya ng mga sandaling iyon. Alam ko naman kung bakit, pinaghintay ko siya ng
halos kalahating araw sa fountain, bukod pa sa pinagdudahan ko siya.

"I'm sorry..."

Yun lang ang nasabi ko. Lumapit siya sa akin saka ako tinitigan.

"It's okey.."

Ngumiti siya. Matagal ko muna siyang tinitigan saka ako ngumiti muli.

Lumabas siya ng silid niya. Sumunod naman ako.

"Saan ka pupunta?"

Hindi siya sumagot, diretso lang siya sa paglalakad. Nang makarating kami sa sala
ng dorm, lumapit siya sa isang bookshelf doon at may kinuhang makapal na libro saka
naupo sa sofa.

"Magbabasa ka pa? Hindi ka ba inaantok? May klase pa tayo bukas."

Naupo ako sa tabi niya. Inilabas niya ang wand niya saka itinuktok iyon sa libro.

Umilaw ito ng bahagya saka mabilis na bumukas ang libro at nagpalipat lipat ang
pahina nito. Huminto lang ito sa isang pahina, sinilip ko ang nakasulat.

"Centaurs?"

"Anong alam mo tungkol sa kanila?"

"Ha?"

Hindi ako nakasagot kaagad, nabigla ako sa tanong niya.

"What do you know about centaurs?"

"Para silang sina Prof Zeveray at Ms. Mikida, they know how to read stars, they
know about the constellation..."

Ngumiti lang siya.

"Sa mundo ng mga tao, may mgalibro na nasulat about centaurs. Nors and, greek
mythology, ilan sa mga nasulat na libro ay nabasa ko na."

Nakatingin lang ako sa kanya habang nagsasalita.

"Dati hindi ako naniniwala sa kanila, sa fairies, sa witchsa magic. Kasi sabi ng
matatanda doon sa mundo ng mga tao, kathang isip lang ang mga yon. Walang ganyang
nilalang... maliban sa mga paniniwala nila na tayo ay mga maligno."

"Maligno?Ano yon?"

Tumawa siya bago nagsalita muli.

"tayo yon..."
"Ha?"

Maslumakas ang tawa nya sa sandaling iyon, napangiti na lang ako.

"Ang mga centaurs, isa sila sa magagaling na creatures, meon silang dalang bow at
arrows to protect themselves from strangers. Magaganda silang nilalang, tawag pa
nga sa kanila sa mundo ng mga tao, tikbalang..."

"Tik...tik ano yon?"

"Tikbalang! Half human half horse......"

"Ah!"

"Most of them are wild and savage, kilala sila for lustfulness and drunkeness.."

"Yeah nabasa ko nga yan sa history..."

"Ang hindi mo alam, sa mundo natin ngayon hawak sila sa leeg ni Baragor. Nanggugulo
sila sa ibang bayan para mangrape at magnakaw."

"What?"

Tumango lang siya.

"Paano nalaman yan?"

"Nakikita ko milya milya man ang layo... isa sa kakayahan ng Wind Eagle..."

"pero..."

"Kung ako sayo, sasabihin ko na ito kina Principal Alyora at kay lolo.."

Nakatitig ako sa kanya. Seryoso siya, kaya naman hindi na ako nagtanong pa.

"Ano bang plano mo?"

"Hindi ako maaring lumabas ng Academy... nararamdaman ko ang kapangyarihan ni


Baragor..natatakot ako."

Hinawakan ko ang kamay niya.

"Andito naman ako, hindi mo kailangang matakot."

Ngumiti siya saka pinisil ang kamay ko.

"Inaantok na ako..."

Tumayo siya at sumunod naman ako. Inihatid ko siya sa silid niya.

(Castor's POV)

"Ano na naman ginagawa mo dito?"

"Zaiden, nabasa mo na ba ang news paper?"

Hindi ako pinansin ng babaeng lobo. Asar talo pa rin siya hanggang ngayon. Pero
wala naman ako magagawa. Kailangan ko siyang bantayan at protektahan dahil, pag
napahamak siya siguradong ganun din ang Infinity.

Kailangan kong pagtyagaan ang ugali ng lobo nito at pagtyagaan ang mabalahibong
amoy nya.

"Bakit ka nakatitig sa akin? May problema ka na naman ba sa akin?"

"Hoy lobo, hindi kita tinititigan."

"Hmp! Bampira ka!"

Nakatingin lang sa aming dalawa si zaiden Alfiro. Nang mapansing tumingin ako sa
kanya ay nag iwas na ito ng tingin niya.

"Ilang centaurs na ang napabalitang nanggugulo sa mga bayan.. ang nakapagtataka,


hindi naman ganun ka despirado ang mga centaurs para lumusob pa sa mga bayan para
lang makapanggulo. Tahimik silang mga nilalang, nangugulo lang sila pag may pumasok
sa teritoryo nila."

"Baka may kinalaman si Baragor?"

Napatingin kaming dalawa ng babaeng lobo kay Alfiro.

"Bakit mo nasabi?"

"Nagusap kami ni Oceane kagabi tungkol sa mga centaurs, at naikwento nya sa akin na
ginagamit ni Baragor ang mga centaurs para manggulo sa mga bayan at magnakaw."

"Paano naman nya nalaman?"

"Nakita daw nya. Isa kakayahan ng Wind Eagle ang milya milyang makita ang dapat at
gusto niyang makita."

Sandaling tumahimik sina Ashlyn. Mukhang may iniisip.

"Yeah given na nakikita nya ang nangyayari. Pero how come na pati ang usapan ay
naririnig niya?"

"Yun din ang nakapagtataka.. hindi ko magawang itanong sa kanya kagabi."

Nagsasabi ng totoo si Alfiro. Kitang kita sa mukha niya.

"Parang may mali.."

Napatingin kami sa babaeng lobo.

"Parang mali talaga."

"magsalita ka na pwede? Puros ka mali.."

Inis kong sabi sa kanya. Nakakaasar naman kasi.

Sumimangot siya sa sinabi ko. Bahagya naman akong napangiti sa itsura niya. Hindi
ako nagpahalata.

"Simula ng makabalik ang Infinity mula sa kamay ni Baragor.. may napansin na akong
mga kakaiba."
"Gaya ng ano?"

"Una may mga itim na aura na nakapalibot sa kanya, alam kong napapansin nyo lahat
yon. At bawat araw na lumilipas, masnasasakop nito ang maliwanag na aura."

"Tama napapansin ko rin yan."

Hindi ako nagsalita.

"Pangalawa, may kakaiba sa mga kilos niya.."

Tumahimik kami ni Zaiden Alfiro.

"Naalala mo bampira ng makaramdam ka ng Dark auras sa gubat at dinala ka nito sa


lugar kung saan naroon ang Infinity at si Zaiden Alfiro?"

Bahayga akong napaisip, tama ang sinabi niya, imposible naman kasi na biglang
mawala yon kung naroon sina Oceane at Alfiro, hindi nga namalayan ni Alfiro ang
Dark aura.

"Pero yung nangyari sa kanya. Siya ang sumalo ng spell na dapat ay sa akin.."

Napaisip ulit ako. May katwiran si Alfiro.

"Naiisip ko na nga rin yan. Nakausap ko rin si Nazar at Miranda ilang araw matapos
ang pangyayari. Naikwento ni Nazar na may kakaiba siyang napapansin sa anak niya.
May mga kilos ito na hindi pamilyar sa kanya."

"Napapansin din ni Nazar?"

Tumango naman ang lobo sa tanong ko.

'Ang nakapagtataka, hindi ko maramdaman yon pag nakatabi ako sa kanya o malapit ako
sa Infinity.'

"Kailangang subaybayan ang Infinity, Zaiden ikaw ang masmakakaalam nyan."

"Ok sige. Anong plano nyo as mga centaurs?"

"Sasabihin ko na lang sa Old Elf para sila ang gumawa ng plano."

Sabi ko naman.

(Oceane's POV)

Bakit ganito, naririnig ko ang usapan ng mga tao. Nakaupo ako sa bench sa fountain.

'Anong nangyayari? Bakit ang daming laman ng utak ko? Bakit ang daming boses sa
isip ko?'

Aura ni Zaiden Alfiro, naramdaman kong papalapit siya sa akin.

"Zai!"

"Paano mo nalaman?"

Nakatalikod kasi ako kaya nagtaka siya. Naupo ito sa tabi ko.
"I sense the aura.."

"Ayos ka lang? Namumutla ka!"

"Ang isip ko, ang daming boses, ang sakit sa ulo."

"Ha?"

"Naririnig ko ang iniisip ng ibang tao, kahit malayo."

"Gaano kalayo?"

Tumingin ako sa isang estudyante na nasa hallway, may kausap itong lalaking
estudyante rin.

"Hindi mo ako binisita sa silid ko kagabi, akala ko ba pupuntahan mo ako? Sorry na,
nahuli ako ni Mr. Week kaya hindi ako nakarating."

Napatingin ako kay Zaiden, kunot noo siyang tumingin sa akin.

"Ano bang nangyari bago ka namin matagpuan sa gubat?"

Sandali akong tumahimik. Nag isip akong mabuti, ano nga ba ang nangyari?

"Maaalala mo ba kung ano ang nangyari?"

Itinapat ko sa sentindo ni Zaiden ang dalawang daliri ko. Pumikit ako at nag isip
ng mabuti.

FLASH BACK......

Apat na nakaitim na robe at may hood ang kumuha sa akin matapos akong bumagsak sa
lupa. Sa sobrang bilis nga ng pangyayari, walang nakapansin sa pagdukot sa akin.

Nagising ako sa isang madilim na lugar, madilim ngunit sobrang lamig.

'Asan na kaya ako?'

Lumingon lingon ako sa paligid. Nakatingin lang sa akin ang apat na hooded figure
na iyon. Tumayo ako at Kinuha ang wand ko sa bulsa ko.

"Sino kayo? anong kailangan nyo?"

Walang nagsasalita sa mga iyon.

"Tonitrus!"

Maputing ilaw ang lumabas mula sa aking wand. Kidlat iyon na nagbounce na sa bawat
sulok ng sealed shield na kinaroroonan ko.

'Kainis!'

Inulit ko ang spell, sinabayan ko ito ng apoy.

"Tonitrus Ignis!"
Wala pa ring nangyari nagbounce back lang spells na ginamit ko.

"Exarmo!"

Tumilapon palayo ang hawak kong wand. Napalingon ako sa lalaking papalapit sa akin.
Di naman ito katandaan, tingin ko nga ay halos nasa edad 40 lang ito. Makinis pa
ang mukha at mestiso.

Kukunin ko sana ang wand ko ng magsalita ito.

"Hindi mo naman kailangan yan apo!"

Nanlaki ang mata ko sa narinig ko.

'Apo! Ibig sabihin siya si... Baragor?'

Ngumiti siya ng mapansin niya ang naging reaksyon ko.

"Ako ang iyong lolo... bakit ganyan ang naging reaksyon mo? hindi ka nasasabik na
makilala ang ama ng iyong ama?"

"Matagal ko na po kayong gustong makilala, pero hindi po sa ganitong paraan,


ipinadukot nyo ako at papatayin."

"Saan mo naman nakuha ang idea na yan? Oo ipinadukot kita, pero hindi kita
papatayin."

Humakbang siya papalapit sa akin. Napaatras naman ako.

"Bakit ka lumalayo? Natatakot ka ba sa akin?"

Ang totoo hindi nakakatakot ang itsura nya gaya ng iniimagine ko. Pero nakikita ko
na itim na aura ang nakapalibot sa kanya.

"Hindi kita sasaktan.. eto."

Itinaas niya ang wand niya saka itinago sa suot niyang robe na black.

"Hindi kita sasaktan, gusto lamang kita makilala apo!"

Muli siyang lumapit sa akin. Hinawakan niya ang braso ko at inalalayan na maupo sa
sofa na naroon.

"Hindi mo kailangan yan, itago mo na yan."

Hindi ako kumilos, hawak ko pa rin ang wand ko.

"Ok sige, bahala ka na kung ayaw mo itago yan."

Hindi ako nagsalita. Hindi ko rin inaalis ang tingin ko sa kanya. Binabasa ko ang
bawat galaw nya.

Nagkwento lamang siya ng nagkwento tungkol kay Papa. Lahat ng bagay na di ko alam
tungkol kay Papa sa kanya ko nalaman.

"Mali ang ibinibintang nila sa akin. Hindi kita gustong patayin..."

"anong kailangan nyo sa akin at palagi nyo akong pinapapatay sa mga kampon nyo?"
"Dahil inilalayo ka nila sa akin, wala akong ibang pagpipilian kung di ang
pwersahin ka na makuha sa kanila."

Hindi na ako nagsalita pa.

"Hindi lamang naiintindihan ng iyong Ama ang gusto ko, ang makasama kayong dalawa."

Habang nakikinig ako sa mga sinasabi niya, nakaramdaman naman ako ng awa sa kanya.

Maya maya ay iniwan nya ako, may gagwin lang daw siya.

Pagbalik niya makalipas ang ilang minuto may dala siyang bowl, sand, parchment at
blood ink.

"Ano po yang na itim na bote?"

"Ito ang bat's ink.. ito ang ginagamit ko pansulat."

Hindi na ako nagsalita pa. Pinagmamasdan ko lang ang ginagawa nya.

Isinalin niya ang sand sa bowl pagkatapos ay nag chant siya ng isang spell

"Fac apel la deochi vechi, pentru a incanta acest nisip cu putere"

Hindi ko naintindihan ang sinasabi niya.

Pagkatapos ay may isinulat siya sa papel at mulang nag chant ng spell

"Obligati deochi aceast persoan n numele de noapte i ntuneric. Deci, ei nu pot


trimitemi fac ru sau rea voin. Dup cum dorete el zeia, Mote aa s fie"

Pagkatapos ay tinupi niya ang papel at inilibing sa buhangin. Lumabas ito at


inilagay sa pintuan ang bowl na may lamang buhangin kung saan nakabaon ang
parchment.

Itinaas niya ang kamay niya sa langit at nag chant muli ng spell.

"N numele de nyx i erebusului, obligati aceasta vraja, astfel nct s fie Mote"

Pagkatapos nun ay nakaramdam na ako ng kakaiba sa aking katawan.

Bigla akong nahilo at nawalan na ako ng malay.

PRESENT...

"Alam mo ba kung ano ang ginagawa nya nun mga oras na yon?"

Umiling lang ako. Napansin kong seryoso si Zaiden, nag iisip ng malalim.

"Bakit ano ba ang ginagawa niya?"

"Latin ang ginamit niya. Sinaunang spells... isa yung binding spells."

Para akong binuhusan ng malamig na tubig pagkarinig ko noon.

"A---anong ibig sabihin nun?"


Matagal bago siya nagsalita.

"Ikaw at si Baragor ay iisa na.."

Namutla na ako sa sinabi nyang yon.

"a----ako..."

"Hindi ko alam kung ano ang dapat gawin Oceane, mabuti pa puntahan natin si
Principal Alyora."

Wala sa sariling naglakad ako sa hallway papunta sa office ni Principal Alyora.

(Alyora's POV)

Habang ikinukwento ni Zaiden Alfiro sa akiin ang nangyari, hindi ko mapgilan na mag
isip.

"Ibang klase talaga si Baragor..."

Umiiling ako na nagpalakad lakad sa office ko.

"Ano po bang gagawin natin para mawala ang spell kay Oceane?"

"Hindi ko pa alam Alfiro.. Sinaunang latin spell ang ginmit sa kanya."

"Si Old Elf Sorcerer po kaya alam nya ang..."

"Maari po bang lumabas kami ng Academy para mapuntahan si Lolo?"

"Hindi. Hindi kayo maaring lumabas.. ako na ang magpapatawag sa kanila. Masligtas
kung dito ka lang sa loob ng Academy."

Hindi ko alam ang gagawin ko ng mga oras na yon. Hindi maaring lumabas ng Academy
ang Infinity. Dahil ginamitan siya ng binding spell, hindi nila maaring patayin ang
isa't isa. Balewala ang mga orbs sa katawan niya kung di nya mapapatay si Baragor.

"Mabuti pa, bumalik kayo sa dorm. Wag muna kayo umattend ng klase. Ipapatawg ko
kayo pag nandito na sina Nazar."

"Sige po.."

Sabay na lumabas ng office ko sina Oceane at Zaiden. Nang tuluyang maisara ang
pintuan, Mabilis kong kinuha ang broomstick ko at Sumakay ako dito. Pupuntahan ko
ang OLd Elf Sorcerer.

(Zaiden's POV)

Napansin ko sa labas ng bintana na sakay ng kanyang broomstick si Principal Alyora


habang naglalakad kami pababa ng hagdan.

'Sa itsura ni Principal Alyora, mukhang may di magandang mangyayari..'

"Oceane mabuti pa siguro na.."


Wala siya sa tabi ko. Lumingon lingon ako sa paligod.

'Saan siya napunta?'

Mabilis akong bumaba ng hagdan at hinanap siya.

Humihingal ako pagbaba ng hagdan.

"Bakit nagmamadali ka?"

"Hinahanap kasi kita..."

Wala sa sarili kong sagot. Napalingon ako sa nagsalita.

"paanong napunta ka dito? Saan ka ba nanggaling?"

"Sa taas, diba magkasama tayo?"

"Pero..."

Gusto ko pa sana sumagot pero hindi na lang ako nagsalita. Kakaiba talaga siya
ngayon, kaya mabuti pang bantayan ko na lang siya.

(Nazar's POV)

"Matagal ko na rin yan napapansin Alyora.."

"Kung ginamitan siya ng iyong Ama ng defense spell, paano natin mapapatay si
Baragor kung mamamatay din ang anak natin?"

"Anong gagawin natin sa mga centaurs?"

"Old Elf..."

Napatingin kami sa Old Elf. Malalim itong nag isip.

"Susubukan ko muna kausapin sila..

(Zaiden's POV)

Nakaupo na naman sa enchanted garden ni Prof Wylun. habang nakatitig ako sa kanya
mula sa kanyang likuran, napangiti ako.

"Nakatitig ka na naman sa akin.."

Bahagya pa akong nagulat, naramdaman pala niya ako. Nilapitan ko siya.

"anong ginagawa mo dito?"

Naupo ako sa tabi nya.

Lumingon siya sa akin at nakatitig siya.

Ito ang pakiramdam na gusto ko, ang kami lang dalawa, habang nakatingin ako sa
magaganda niyang mata.
"Bakit ba palagi kang nakatitig sa akin?"

Napakamot ako ng batok.

"Alam mo naman na mahal kita noon pa.. a---ang pagtitig sa maganda mong mukha ang
nagpapabilis ng tibok ng puso ko."

Ngumiti siya. napangiti rin ako.

Alam ko na kahit na hindi maging kami, espesyal ako sa kanya.

ewan ko ba, hindi ko maalis ang tingin ko sa kanya.

"alam mo masaya ako..."

"bakait naman?"

"kasi, nakilala kita, naging kaibigan kita.."

Ngumiti naman ako.

"So, susunod ba nun, mamahalin mo na rin ako?"

Tumahimik siya.

"Don't worry, happy naman ako kung ano tayo ngayon... it's just that.."

"Oo..."

Napahinto ako sa pagsasalita.

"Anong oo?"

"Oo ang sagot ko sa tanong mo."

Tinitigan ko siya, hindi ako nagsasalita. baka nagbibiro lang siya, mapahiya ako.

"Alam ko naman na bata pa tayo para sa love, para magseryoso pero naniniwala naman
ako sayo na hindi mo ako sasaktan diba?"

habang nagsasalita siya, parang slow motion ang lahat, parang nabingi ako na
tanging boses lang niya ang naririnigko.

'Totoo ba ito? mahal rin niya ako?'

"Alam mo, nakakaasar yang reaksyon mo, inindian mo na nga ako nung isang araw,
tapos hindi ka pa masaya sa..."

Hindi pa siya tapos magsalita ng hawakan ko siya sa batok sabay hapit papalapit sa
akin.

Tama hinalikan ko siya. Hindi ko inaasahan ang mga sandaling iyon, sa dami ng
nangyayari, hindi ko naisip na may pag asa pala ako, na may hinihintay pala ako.

(Ashlyn's POV)
Habang nakatingin ako sa kanilang dalawa, kinikilig ako, naiiningit din ako. Muli
akong nagtago sa likod ng puno saka sumadal dito.

Hindi nila alam na nasa di kalayuan lang ako. Dahil matalas ang pandinig ko,
naririnig ko ang pinag uusapan nila.

'Buti paang Infinity may zaiden na... ako kaya? kelan kaya ako mapapansin ni
Silverwood?'

Huminga ako ng malalim.

(Zaiden's POV)

"Mahal na mahal kita.. hindi ako makakapangako na hindi kita sasaktan dahil kahit
anong gawin ko may mga pagkakataon na kahit di ko sinasadya, masasaktan ka,..'"

"anong..."

Tinakpan ko ng daliri ko ang bibig niya.

"Ang sigurado lang ako ay, mamahalin kita magpakailan man.."

Muli ko siya hinalikan, smack lang yon. Pagkatapos ay niyakap kko siya ng mahigpit.

Magkahawak kaming naglalakad sa hallway. Ito ang pianakamasayang araw ko. Tumigil
lang kami sa paglalakad ng bigla rin siyang huminto.

"ayos ka lang?'

"Si Lolo..."

Humarap siya sa akin, nag aalala ang mukha niya.

"Si Lolo, pupuntahan niya ang mga centaurs.."

"Ano?"

"Hindi siya maaring umalis sa Elfwood.."

Mabilis itong bumitaw sa pagkakahawak ko at mabilis na tumakbo papalapit sa mataas


na gate.

Hinabol ko naman siya. Pagkatapos ay hinawakan ko ulit ang kamay niya.

Lalabas kami ng Academy at siguradong mga Dark Wizards ang nagaabang sa amin.

Tulad ng inaasahan ko, may mga nakaabang na nga sa amin sa gubat. Hindi pa namin
nararating ang Elfwood ng harangin kami ng mga centaurs. Asa apat ang mga ito.

Mataas sila sa amin, may dala silang mga pana at nakasabit ito sa kanilang likuran.

"zaiden..."
Naramdaman ko na mahigpit na ang pagkakahwak niya sa kamay ko.

"Wag kang matakot, hindi ka nila masasaktan hanggat nandito ako."

"sumama na lang kayo sa amin..."

"Hindi namin kayo sasaktan..'

Lumapit ang isang centaur sa amin at lumuhod ito sa tabi namin.

"Ako si Kiro, sa akin na kayo sumakay..."

Hindi kami kumikilos ni Oceane.

"Sige na, kailangang makaalis na tayo dito bago sila dumating.."

"Sino?"

"pakiusap magtiwala kayo sa amin."

Tumingin ako kay Oceane. Nakatingin lang ito sa akin.

"Pakiusap mahal na infinity, sumama na kayo.."

Hinawakan ko sa pisngi si Oceane.

"Sumama tayo sa kanila."

"Pero zaiden.."

"Magtiwala ka sa akin please?"

Tumango lang si Oceane. Inalalayan ko siyang sumakay sa likod ng centaur.

Pareho kaming nakasakay sa likod ng centaur na nagngangalang Kiro.

*******************************************
[12] Chapter 11: Nightmare
*******************************************
Dedicated to Ms. Lucy mae Santiago Bautista (thanks for reading guys ;)

Mga short cut ang dinaanan namin. Nakapgtataka panay ang lingon ng mga centaurs.
Ilang sandali pa, pumasok kami sa kweba sa likod ng falls.

Dahan dahan kaming ibinaba ni Kiro.

"Bakit nyo kami dinala dito?"

Tanong ko sa kanila. Mayamaya ang lumabas pa ang ibang centaurs mula sa dilim.

"Dito kami nagtatago.."

Napansin ko ang paligid pagkasabi nun, mga alitaptap ang nagsisilbing liwanag sa
loob ng kweba. Maingay ng bahagya sa loob dahil sa ingay ng tubig na bumabagsak
mula sa itaas.
"Anong ginagawa nyo dito bakit kayo nagtatago?"

'Dahil gusto nilang patayin kami.."

"sinong gustong pumatay sa inyo?"

Tanong naman ni Oceane.

"Si Balsag, gusto niyang patayin ang mga centaurs na hindi sumunod sa utos niya."

"Sino ba si Balsag at bakit gusto nya na sumunod kayo sa utos nya?"

"Isa siya sa tagasunod ni Baragor.. ....."

"Paanong naging tagasunod sila ni Baragor? Paanong naging kakampi sila ng Dark
Arts?"

"Ang totoo hindi lahat ng centaurs ay gusto na sundin siya. Binihag lang ni Baragor
ang kanilang mga pamilya.."

"Ilan lang kami sa mga nakatakas sa teritoryo kaya nakarating kami dito."

"Anong dahilan at dinala nyo kami rito? Nasa panganib ang lolo ko."

Nakita ko ang mukha ni Oceane, naguguluhan.

"Dahil kung makukuha ng mga Dark Wizard o kaya ng ibang centaur, papatayin ka
nila."

"Nakuha na nila ako dati, nakaharap ko na si BAragor.."

Kitang kita ko ang pagkabigla sa mukha ng bawat centaur na naroon.

"ngunit hindi niya ako sinaktan o tinangkang patayin."

"Dahil ginamitan ka ng binding spell. Ikaw ang itinakdang Infinity, ikaw ang
papatay sa kanya, ikaw ang nakatadhana na patayin siya. Kung hindi mo siya
mapapatay o ikaw sa kanya. Mananatili siyang buhay, at ikaw lang ang tanging
mamatay sa inyong dalawa dahil sa sakit o katandaan."

"Ibig bang sabihin na..."

"Tama! Immortal na siya.."

"Ano???"

"At ikaw lang ang tanging mamatay sa inyong dalawa."

"Paano siya naging immortal???"

"May isang taga lupa siyang nakuha at ito ang tumulong sa kaya para maging
immortal."

"Sinong taga lupa?"

Tumahimik ang lahat. Marahil walang nakakaalam kung sino ang sinasabing taga lupa.
Napaisip ako, matalino at mautak si BAragor. NAisip nyang gamitin ang forbidden
binding spell maisahan lang niya ang sariling apo.

NApailing nalang ako.

"Zai paano si lolo? Pupuntahan niya ang mga centaurs?"

Napatingin ako sa mga centaurs.

"Mag iisip tayo ng magandang plano.."

Sabi naman ng isang centaurs.

Hinarap ko ulit si Oceane. Hiawakan ko ang kanyang baba.

"Mag iisip tayo ng magandang plano okey? Don't worry.."

Saka ko siya mahigpit na niyakap.

Ilang oras ang lumipas. Tahimik lang si Oceane. Parang nag iisip siya. Hinawakan ko
ang kanyang kamay.

"Anong iniisip mo?"

"HA? Wala.. wala.."

Inakbayan ko siya. Saka ko itinaas ang kanyang mukha gamit ang isang daliri ko sa
kanyang baba.

Tinitigan ko siya. Saka ako bahagyang ngumiti

"Wag ka na mag alala okey?"

"Si lolo kasi..."

Sandali ako nag isip.

"Anong iniisip mo?"

"Hindi ba't mag kaugnay kayo ni Ashlyn?"

Tumango naman siya bilang pag sang ayon.

"Kaya mo siyang kausapin gamit ang isip mo.."

"Telepathy?"

"Kailangang magconcentrate ka para..."

"Umalis na kasi tayo dito.."

Tumayo siya, pinigilan ko siyang umalis. Hinawakan ko siya sa braso.

"Mapanganib sayo..."

"Pero.."
"Please trust me okey? Ayoko na may mangyaring masama sayo.."

Hinawakan ko siya sa magkabilang balikat.

"Makinig ka sa akin please,!"

Sumimangot siya. Pinisil ko ang ilong niya saka ko siya inakbayan.

"Sige na, gawin mo na yung ideang naisip ko para macontact natin sina Castor at
Ash, siguradong nag aalala na yun sayo."

Naupo kami sa malaking bato sa loob ng kweba. Relax na pinaupo ko si Oceane.

"Pumikit ka at irelax mo ang sarili mo. Isipin mong nakikita mo si Ash at


kinakausap mo siya."

(Oceane's POV)

Sinusunod ko ang bawat sinasabi ni ZAi.

Pumikit ako at inirelax ang akng isip.

SCENE

Nakita kong naglalakd si Ash sa hallway. Gamit ang isip ko tinawag ko siya.

"Ash.. Ash"

"Huh?"

Lumingon lingon siya.

"Ash ako ito si Oceane.."

"Asan ka? Hindi kita makita..."

"Kinakausap kita gamit ang isip.."

"Talaga?"

"Oo. Hihingi ako ng pabor sayo maari ba?"

"Oo naman, ano bang pabor?"

"Kailangang ma inform mo sina lolo ang Old Elf at sina PApa na wag na silang mag
abal pumunta pa sa teritoryo ng mga centaurs.."

"Bakit? MAy panganib ba?"

"Oo. Pagkatapos ay sumunod kayo ni CAstor dito sa Serenity Falls, nandito kami ni
Zaiden ngayon."

"Anong ginagawa nyo dyan? Ano bang nangyayari?"

END SCENE
Bigla akong nakaramdam ng sobrang pagkahilo. Hindi ko na napigilan ang pagsusuka.

NAramdaman ko naman ang paghaplos ng kamay ni Zaiden sa likod ko.

"Ok lang yan, ganyan talaga ang effect nyan.."

Inabot niya sa akin ang panyo niya.

"Hindi na ito mauulit promise.."

"Pasensiya ka na, yan lang ang paraan natin..."

"Sa mundo na kinalakihan ko may tinatawag doon na communication.. landline and


cellphone."

"Ano yon?"

Napalingon naman ako kay Zaiden. Kunot noo siyang nakatitig sa akin. Bigla naman
akong tumawa sa reaksyon niya.

"Bakit ka tumatawa?"

"Wala! Sige pag tumawid ako sa kabilang mundo bibilhan kita, pero sana lang may
signal dito..."

Nagulat ako ng bigla nya akong yakapin.

"Oh bakit?"

Bumulong siya sa tenga ko.

"Please wag kang tatawid sa kabilang mundo na hindi ako kasama.."

"Ha?"

Pagkatapos ay humarap siya sa akin.

"Natatakot lang ako na..."

Pinasil ko ang ilong niya.

"Aray!"

"Minsan wag madrama okey?"

Ngumiti na lang ako. Hinawakan naman niya ang magkabila kong pisngi.

"Ilove you..."

Hindi ako sumagot.

"Sabi ko I LOVE YOU..."

"Opo I Love You Too.. ang kulit kelangan talaga sasagot.."

Pagkatapos ay niyakap nya ulit ako ng sobrang higpit.


(CAstor's POV)

"Bakit pinapunta mo ako dito? Anong problema mo?"

"Wala akong problema."

NAgsmirk lang ako

"NAkipag usap sa akin ang infinity.."

Kumunot ang noo niya.

"Hindi ko siya nakikita kanina pa, asan ba siya?"

"Samahan mo ako sa Old Elf dahil may mahalaga akong sasabihin sa kanila."

ELFWOOD

"Ano? Paanong..."

"Kahit ako ay naguluhan din.."

"Marahil dahil sa magkaugnay kayong dalawa."

Napalingon lahat kay Olf Elf Alberich.

"Magkaugnay sila?"

Tanong ni Principal Alyora.

"Tama, dahil ang aking apo ang itinakdang Infinity, at siya naman ay mula sa mga
Wolf Master.. sila ay ginawang isa."

"Pero hindi ba't mas delikado iyon para sa Infinity? Dahil kailangan din natin
siyang protektahan."

"Tama ka Alyora, ngunit magaling ang binibining ito, at isa pa nanjan naman si
Silverwood para protektahan siya, at ang batang Alfiro para naman sa Infinity."

Tumahimik ang lahat.

"Old Elf, kung sinabi na ng Infinity na wag na kayong pumunta pa sa mga centaurs
masmakabubuti pang puntahan na lang natin sila sa Serenity Falls."

"Mawalang galang na po Master, ngunit kami lamang po ni Silverwood ang gusto niyang
makarating doon sa Serenity Falls."

"Ngunit..."

"Nazar, tingin ko maspagtuunan nyo ng pansin kung paano maaalis ang forbidden
binding spell na ginawa ni Baragor..."

"Tama si Silverwood Miranda, Nazar.. habang nakatali pa sa spell sina Baragor at


Oceane, hindi magagawang saktan ng bawat isa ang bawat isa."

Tumango naman ako bilang pagsang ayon kay Principal Alyora.


Lumipas pa ang ilang oras, naglalakad na kami sa kagubatan ng buong ingat para
hindi masundan ng ibang mga wizards.

"Hindi na ba ulit pumasok sa isip mo si Oceane?"

"Hindi."

Tumahimik na ulit si Silverwood.

"Allysa?"

Napalingon pa siya at bahagyang nagulat ng makita kami.

"Ash..."

"Anong ginagawa mo dito Ally? Gabi na ah!"

"Hinahanap ko kasi si frost.."

Nakatingin siya kay Silverwood habang nagsasalita.

"Bakit? Nag away na naman ba kayo?"

"No.. Nag aalala lang ako, kanina pa siyang umaga nawawala kaya hinahanap ko siya."

"Masmabuti pa Allysa, bumalik ka na sa Academy, masyado ng delikado sa gubat na


ito."

"Eh kayo anong ginagwa nyo dito at kasama mo pa ang bampirang yan?"

"Wala ka ng pakialam pa dun.."

"Aba't ang bastos mo ah"

"Allysa pasensiya ka na sa kanya."

"Ewan ko sa inyo, magsama nga kayo..hmp!"

Naglakad ng paalis si Allysa. Tinanaw ko pa siya hanggang lamunin siya ng dilim.

"Napaka rude mo talaga.."

"I'm not."

"Ewan ko sayo.."

Naglakad na ako ng mabilis para iwan siya.

(Allysa's POV)

Kinabahan talaga ako kanina, akala ko ay nahuli nila ako. Diretso akong naglakad
pabalik sa Academy.

"Where have you been Ally?"

Napalingon ako bago pumasok sa silid ko.Nakatayo sa likod ko si Frost.


"Sa gubat."

"Why?"

Hinarap ko siya.

"Kelan ka pa naging palatanong sa mga ginagawa ko Frost?"

"N--nag aalala lang ako.."

Bahagya akong tumawa.

"Nag aalala sa akin? Nagbibiro ka ba?"

"Hindi."

Tinitigan niya ako. Syempre kahit supladahan ko siya pagtinititigan na niya ako,
lumalambot ang puso ko.

'Bakit ba ang bilis kong manlambot sayo?'

"Maraming balibalita kaya nag aalala ako sayo."

"Well Thanks for your care, sige..."

Mabilis akong pumasok sa silid ko,inilock ang pinto saka sumandal dito.

"Hindi kita kayang supladahan... nakakainis talaga.."

(Zaiden's POV)

Malapit na mag eve of full moon ngunit wala pa rin sina Ash at Castor. Mahimbing
na natutulog si Oceane sa ginawang kama ng mga centaurs.

Malapit na ang kaarawan niya. Ilang araw na iyon mula ngayon. Dahil sa sitwasyon
ngayon baka hindi ko na maipakita sa kanya ang surpresa ko.

"Maari ka ba namin makausap?"

Napalingon ako sa centaur. Pagkatapos ay nilapitan ko sila.

"May problema ba?"

"Malaki ang problema natin.."

"Bakit ano iyon?"

"Tingnan mo ang kalangitan..."

Itinuro niya ang malawak na langit.

"Ang mga bituin ay may mga hugis na binubuo..."

Tama siya, may pattern na binubuo ang mga butuin.

"Anong ibig sabihin nyan?"


(Oceane's POV)

Nagkakagulo ang lahat, ng magising ako. pasan pasan naman ako ni Zaiden sa likuran
nya.

"Anong nangyayari Zaiden?"

"Kailangan kitang mailayo rito.."

"Bakit? anong nangyari?"

"Natunton tayo ng mga centaurs at gusto ka nilang patayin."

"ano?"

"Hmp!"

Narinig kong bahagyang umungol si Zaiden. Pagkatapos ay napaluhod, bumagsak ako sa


lupa.

"Zaiden?"

Nakita kong may tama siya ng palaso sa likuran niya. Kinuha ko ang wand ko saka ako
gumawa ng invisibilty shield para hindi nila kami makita.

Ngunit nakapagtataka hindi ito nanggaling sa wand ko kundi sa kamay ko. Isang apoy
na liwanag ang lumabas sa palad ko saka ito gunawa ng shield.

"Zai ok ka lang..."

"Oo Ayos lang ako.."

Hinawakan niya ang kabilang pisngi ko. Bahagya pa siyang ngumiti

"Ikaw? Ayos ka lang ba?"

Tumango naman ako bilang pagsang ayon.

"Asan sina ash at castor? Bakit di sila nakarating sa kweba?"

"May nagyari sa...."

Hindi ko maintindihan ang sinasabi ni Zaiden. Parang may bumubulong sa tenga ko.

Hinawakan ko ang ulo ko.

'Patayin mo siya, unahan mo na siya.. siya ang papatay sayo.. patayin mo siya..'

"Oceane ayos ka lang?"

"O---oo Oo."

Ngunit patuloy sa isip ko ang boses na yon.

"Halika na tumakas na tayo..."


Inalalayan pa niya ako na tumayo kahit sugatan pa siya.

'Patayin mo siya... siya ang papatay sayo sa ikalabing walong taong kaarawan mo.'

"Zai!"

Napahinto ito sa paglalakad. Mabilis ko siyang nilapitan ang sinakal.

"O--ceane b---bakit?"

"Zaiden.."

"Oceane.. oceane gising..."

Nang maidilat ko ang mga mata ko mabilis akong bumangon para yakapin siya.

"Ok lang yan, panaginip lang ang lahat..."

Sabi niya habang hinahagod niya ng kamay ang likod ko.

Umiyak na ako, iniisip ko pa lang na mawawala si Zaiden sa tabi ko natatakot na


ako, yun pang nakita ko na ako mismo ang papatay sa kanya.

"Ok lang yan..."

Pinunasan niya ang luha ko gamit ang kanyang daliri.

"panaginip lang yon ha! wag ka na umiyak."

Tumango lang naman ako.

"ano bang napanaginipan mo?"

Hindi ako makasagot kaagad.

"Sige na sabihin mo na.."

"Iiwan mo daw ako..."

"Yun lang ba kaya mo ako niyakap?"

Tumango naman ako ulit na parang bata.

"Ikaw talaga, panaginip lang yon hon, alam mo naman na hindi kita iiwan diba?"

Ngumiti ako.

'Alam ko naman yon, ngunit ako ang magiging dahilan kaya mo ako iiwan.'

"Wag ka na umiyak, promise hindi kita iiwan kahit anong mangyari..okey na ba?"

Tumango ulit ako. Saka ko siya niyakap.

"Matulog ka na ulit, hihintayin ko sina Ash at Castor."

"Ayoko matulog.. "


"ikaw bahala ka.."

Saka niya pinisil ang ilong ko.

(Allysa's POV)

Nakatingin ako sa kalangitan. Ang mga bituin ay may binubuo ng pattern.

'Malapit ng maganap ang nakatakda..'

"Allysa?"

Napalingon ako.

"Frost."

"Anong ginagwa mo dito sa terrace?"

"Wala, nagpapahangin lang."

"Maari ba kitang makausap?"

"Sige. Tungkol saan?"

Naupo ako sa sofa doon at ganun din siya.

"Dito..."

Ipinakita niya sa akin ang palad niya.

Alam ko na ang tinutukoy niya. Nag iba ang marka sa palad niya.

(Kung naalala nyo guys, marka ng eart lion ang unang mark sa palad ni frost/jacob
nun unang pasok niya sa academy.)

"Bakit Wind Eagle?"

"Hindi ko alam..."

"Anong hindi mo alam? Hindi ba't ikaw ang nagligtas sa buhay ko?"

Hindi ako makapagsalita. Hindi ko alam kung aaminin ko sa kanya ang totoo.

"Allyssa..."

"Bakit ba interesado ka pa dyan?"

"Ano ka ba Allyssa?"

"Hindi ko alam wag mo na ako kulitin."

Tumayo ako at naupo sa beranda ng terrace para umiwas sa tingin nya. Hindi niya
maaring malaman ang totoo dahil magagalit siya sa akin. Magagalit siya dahil
nagsinungaling ako sa kanya.
(Zaiden's POV)

Magkatabi kaming naupo ni Oceane sa malaking bato, habang nakatanaw sa langit.

"Alam mo ang saya saya ko..."

Tumingin lang siya sa akin.

Tinitigan ko naman ang mga mata niya. Pagkatapos ay napangiti ako

"Ikaw ang pinaka magandang nangyari sa buhay ko.."

Ngumiti lang siya sa akin.

Ang pakiramdam ko ngayon ay para akong bata na naghahanap ng taong magmamahal sa


akin, at si Oceane lang ang tanging makakapagparamdam sa akin nun.

"Wala ka man lang bang sasabihin??"

"Ha? Ano bang sasabihin ko?"

"Na masaya ka rin kasi tayo na?"

Natawa siya sa sinabi ko.

"Ikaw Mr. Alfiro, ikaw ang pinaka cute, pinaka gwapo at nag iisang lalaking
mamahalin ko..."

Ngumiti ako.

"Sabi mo yan ha!"

Tumango naman siya.

"Magjingle lang ako Zai.."

Tumayo ako at bumaba sa malaking bato.

"Saan ka pupunta?"

"Ha? Sasamahan kita."

Pinisil niya ang ilong ko.

"Aba't sisimple ka pa ha! Dito ka, ako lang mag isa ang aalis ok?"

"Pero..."

"Shhh..."

Natawa naman ako.

"Ok fine...sige na.."

(Fros'st POV)

Kanina ko pa napapansin na balisa si Allyssa. Kaya palagi ko siyang sinusundan.


"Anong meron sa langit at palagi kang nakatingin?"

Lumingon siya sa akin.

"Wala."

"Wala?"

"Oo. Wala."

Hindi ako naniniwala sa sinasabi niya. Balisa siya at di mapakali kanina pa. Alam
kong may iniisip siya.

"Ally...."

Hindi ito sumagot, hindi yata ako narinig

"Allysa..."

Lumingon siya sa akin.

"What?"

"Ano ba talagang problema?"

"Itold you walang problema.."

(Oceane's POV)

Iba ang nararamdaman ko ng mga sandaling iyon.

'Kinakabahan ba ako?'

Tinapos ko ang aking ginagawa saka ko tinaas ang pambaba ko at bumalik kung saan
naroon si Zaiden.

Isang mabahong amoy ang naamoy ko, yumanig ang buong kweba at di sinasadyang
bumagsak sa akin ang mlaking bato.

(Zaden's POV)

Inip na ako limang minuto ng wala si Oceane sa tabi ko. Malapit lang naman ang
pinuntahan niya bakit kaya wala pa siya?

Nakaamoy ako ng mabahong amoy. Bigla akong kinabahan, kaso bago pa ako makahakbang
papalayo yumanig ang buong kweba

'Anong nangyayari?'

dahil malakas ang pagyanig sa loob ng kweba hindi ako makalabas o makatayo kaagad,
bukod pa dyan bumabagsak ang mga malalaking bato mula sa taas nito.

Hindi ako mapakali, kaya naman mabilis akong tumakbo at maingat na umiiwas sa mga
bumabagsak na bato. Kailangan kong mapuntahan kaagad si Oceane baka mapahamak siya.
Nakasalubong ko ang isa sa mga centaurs si Machabo.

"Anong nangyayari?"

"Nasa itaas ang mga kasama naming centaurs at sinisira nila ang kweba..."

"Ano?"

"Nakita na nila ang pinagtataguan natin.."

"Buysit... sige sige hahanapin ko muna ang Infinity.."

Mabilis akong umeskapo. Hindi ko makita si Oceane. Kinabahan ako lalo.

"Oceane!"

Sigaw ko. Ngunit di siya sumasagot.

Naglakad pa ako, napansin ko ang ipit niya sa buhok sa likod ng malaking bato agad
akong tumakbo papalapit doon.

(Allysa's POV)

Naganap na. Huminga ako ng malalim saka naupo sa sofa. Nakasunod naman si Frost sa
akin.

"Alam kong may nangyari Ally, sabihin mo na,,,"

'Bakit ko sasabihin sa kanya? Hindi ko sasabihin...'

"Wala nga bakit ba ang kulit mo?"

Mabilis akong tumayo at naglakad papasok sa silid ko.

"Ally wait.."

Hindi ko siya nilingon at pumasok na ako sa silid ko at inilock ko ang pintuan.

(Zaiden's POV)

Tinapik ko ang pisngi niya, ngunit di pa rin siya magising. Pinasan ko siya sa
likod ko. Nag simula na naman kasi gumuho ang mga bato sa loob ng kweba.

'NAkakainis, bakit ba ayaw kami tigilan ni Baragor.'

Nagkakagulo ang lahat. Tumatakas na ang iba pang unicorn na may mga maliliit na
anak para iligtas ang mga ito.

"Anong nangyari sa Infinity?"

"Nabagsakan siya ng bato kaya nawalan ng malay."

"Ayos lang ba siya?"

"Oo. Saan ba ang tamang daan para makalabas tayo dito?"


"Dun sa kaliwang bahagi ng kweba may lagusan doon palabas. Mag ingat kayo, iligtas
mo ang Infinity."

Tumango lang ako at iniwan na ang centaur.

(Oceane's POV)

Nagkakagulo ang lahat, ng magising ako. pasan pasan naman ako ni Zaiden sa likuran
nya.

"Anong nangyayari Zaiden?"

"Kailangan kitang mailayo rito.."

"Bakit? anong nangyari?"

"Natunton tayo ng mga centaurs at gusto ka nilang patayin."

"ano?"

"Hmp!"

Narinig kong bahagyang umungol si Zaiden. Pagkatapos ay napaluhod, bumagsak ako sa


lupa.

"Zaiden?"

Nakita kong may tama siya ng palaso sa likuran niya. Kinuha ko ang wand ko saka ako
gumawa ng invisibilty shield para hindi nila kami makita.

Ngunit nakapagtataka hindi ito nanggaling sa wand ko kundi sa kamay ko. Isang apoy
na liwanag ang lumabas sa palad ko saka ito gunawa ng shield.

"Zai ok ka lang..."

"Oo Ayos lang ako.."

Hinawakan niya ang kabilang pisngi ko. Bahagya pa siyang ngumiti

"Ikaw? Ayos ka lang ba?"

Tumango naman ako bilang pagsang ayon.

"Asan sina ash at castor? Bakit di sila nakarating sa kweba?"

"May nagyari sa...."

Hindi ko maintindihan ang sinasabi ni Zaiden. Parang may bumubulong sa tenga ko.

Hinawakan ko ang ulo ko.

'Patayin mo siya, unahan mo na siya.. siya ang papatay sayo.. patayin mo siya..'

"Oceane ayos ka lang?"


"O---oo Oo."

Ngunit patuloy sa isip ko ang boses na yon.

"Halika na tumakas na tayo..."

Inalalayan pa niya ako na tumayo kahit sugatan pa siya.

'Patayin mo siya... siya ang papatay sayo sa ikalabing walong taong kaarawan mo.'

"Zai!"

Napahinto ito sa paglalakad. Mabilis ko siyang nilapitan ang sinakal.

"O--ceane b---bakit?"

"Zaiden.."

*******************************************
[13] Chapter 12: Stars Pattern
*******************************************
heartly dedicated din po kina Im_an_angel, IsabellaJose, Little_Firefly,
SharmaineGloria, allona_kaye, cybergur, Philidopia, CaNdYcAnEkIsSeS4U, BubblyEmo,
ImSoStupid, JohnRonnieRetoni, Terrien04, blueroses_27, iwanttokillyou, crisss014,
CHarRBebe, Michiko26 , JeccaMae, CassieXiahtic, AckieLee, Enshiiiiiii,
trishatanish. Sa inyong lahat THANK YOU PO.. sobrang salamat po sa pagbabasa at pag
vote... luv yah all!!!!!

Hindi ko mapigilan ang sarili ko.

"O---oceane.. anong--- anong nagyayari.."

Parang may ibang tao sa katawan ko ng mga sandaling iyon.

Kumikilos ang katawan ko sa paraan na di ko naman ginusto.

'Zaiden... Zaiden..'

Umiiyak na ako. Nakikita kong nasasaktan ko na siya. At nahihirapan na siyang


huminga.

'PAtayin mo siya..... siya ang papatay sayo pagsapit ng ikalabin walong taon."'

"Ayoko... hindi yan totoo.. hindi ko siya papatayin.."

'Baliw... pag di mo siya pinatay ngayon siya ang papatay sayo.. papatayin ka niya.'

"Hindi.. Hindi ako naniniwala, mahal nya ako at hindi nya magagawa sa akin yon."

'Hindi mo ba naalala? Pinahamak ka na niya dati, kaya rin niyang gawin yan ngayon..
makinig ka sa akin.'

Umiling ako. Kahit alam ko na nagawa na ni ZAiden na ipahamak ako dati, may tiwala
ako sa kanya ngayon na hindi na niya ako ipapahahamak pang muli.
(Ash POV)

Iba ang nararamdaman ko. Sigurado akong may nangyayari sa INfintiy.

Masbinilisan ko ang pagtakbo, nagpalit na ako ng anyo bilang wolf para masmabilis
ang pagtakbo ko

Parang may kung anong bagay na pilit na pumapasok sa isip ko. May mga naririnig
akong nagsasalita ngunit di ko naman maintindihan.

'Anong nangyayari sa akin?'

Naramdaman ko ang panghihina ng katawan ko, kaya napahinto ako sa pagtakbo at ganun
din si Silverwood.

"Anong nangyari sayo lobo?"

Dahil nga sa lobo ako ng mga oras na yon hindi ko siya makausap ng maayos. TAnging
ungol ko lang ang naririnig nya.

"Ang ulo ko..."

"MAgpalit ka nga ng anyo para maintindihan kita..."

SAbi ni Silverwood.

"Anong nangyayari sayo? MAy nangyayari ba sa Infinity?"

"Oo. NAsa panganib ang Alfiro..."

Pero syempre ungol ng isang aso lang ang naiintindihan niya.

Dumating ang grupo ng mga DArk Wizards.

(Castor's POV)

Dumating ang mga Dark Wizards. Hindi ko pa alam kung anong nangyayari sa kanya.
Pero isa lang ang sigurado ko, may nangyari kay Oceane.

Tinitigan ko ang mga Dark Wizards at isa sa napansin ko ay yung mga tatak nila.
Class S Wizards ang mga ito.

Napaisip ako.

'MAy laban ba ako sa kanila? Estudyante pa lang ako at asa Class A Wizard.'

Kinuha ko sa bulsa ko ang wand ko.

"Nag iisa ka lang Silverwood..."

"WAla akong pakialam..."

'Hindi ba nila napansin ang malaking lobo na ito? BAkit nila naisip na ang iisa
lang ako.'

"Anong kailangan nyo sa akin?"

"Wala kaming kailangan sayo Silverwood."


"Talaga? Eh anong ginagawa nyo? Pinagtitripan lang ako?"

Nagsmirk ang isa sa Dark Wizards.

"Lalaban ka pa ba?"

Nakatingin ito sa wand na hawak ko.

"Plano mo bang lumaban sa amin?"

"NAisip mo ba na kaya kitang patayin ngayon din?"

"Hindi akonatatakot sa inyo at isa pa alam kong ikaw ang bampirang gustong pumatay
sa akin...

Ikaw ang wizard na ginawa akong ganito!"

Nangininginig ako sa galit. Bukod sa isang wizard na napatay nun kidnapin nila si
Oceane. Itong Wizard na kaharap ko ang siyang kumagat sa leeg ko

Tinitigan ako nun Wizard, saka tumawa.

"Natatandaan mo mo pa pala ako..."

"Oo naman ikaw ang sumira ng buhay ko.. bakit naman kita makakalimutan?"

"Dapat nga magpasalamat ka sa akin dahil hindi ka magiging malakas kundi dahil sa
akin."

"Walang dapat ipagsalamat sa ginawa mo sa akin."

Mabilis kong itinaas ang wand ko at itinutok ito sa kanya.

"Plano nyong patayin ako.."

Itinaas ng Lalaki ang wand niya at itinutok iyon sa akin.

"Wag kang magkakamali.."

Pero bago pa ako nakakilos ay sinunggaban na siya ni Ash. Tumilapon ang kanyang
wand, sumumugod naman ang tatlo pang Dark Wizards.

(Oceane's POV)

'Zaiden I'm sorry..'

Umiiyak ako habang sakal ko pa rin si ZAiden. Nakikita kong bahagya na siyang
gumagalaw.

'ZAiden...'

'Patayin mo na siya, sige na...'

"Hindi ko siya papatayin.. kahit kelan kahit ako pa ang patayin nya hinding hindi
ko siya sasaktan."

Naramdaman ko ang kakaibang init sa katawan ko. ANg kapangyarihan ng Fire Phoenix,
dumadaloy sa katawan ko.
'NApahanga mo ako bata.. sige ibibigay ko sayo ang nararapat na kapangyarihan para
sayo..Tanggapin mo ang kapangyarihan ko!'

Parang sinusunog ang buong katawan ko, nabitiwan kong walang malay si Zaiden.
Sobrang init ng buong katawan ko.

Naramdaman ko ang pagbigat ng katawan ko, ilang sandali pa ay gumaan ako na parang
nakalutang sa ere. Pagkatapos ay lumalakas ang paglabas ng aura sa paligid ko. At
pilit kong inilabas ang kapangyarihan at nagbounce ito sa buong paligid.

(FRost POV)

Malakas na pagyanig ang naramdaman ko. NApabangon ako sa kama ko at patakbong


sumilip sa bintana.

'ANo yon?'

Mabilis akong lumabas ng silid ko at nagkakagulo sa buong dormitory.

Hindi ko nakita si Allysa, pinuntahan ko siya sa silid niya nakalock ito.

"Allysa anjan ka ba?"

WAlang sumasagot. Kumatok ulit ako

"Allysa.. allysa.."

Binuksan niya ang pintuan na parang walang nangyari.

"What do you want?"

"Naramdaman mo ba yon?"

Tumitig lang siya sakin.

"May alam ka ba sa nangyayari?"

Hindi siya nagsalita, imbes na isasara niya ang pinto niya.

Pinigilan ko ito.

"What's happening Allysa?"

Galit na ako. Hinawakan ko na siya sa braso.

"Nasasaktan ako Frost."

"Sabihin mo na ang nangyayari."

"Why do I have to tell you? Sino ka ba? Wala ka naman pakialam sa akin diba?"

"Sino naman ang may sabi sayo na wala akong pakialam sayo?"

"Hindi na kailangang sabihin pa, dahil yon ang ipinararamdam mo.."

Nakita kong pumatak ang luha niya. Naguilty ako, totoo kasi ang sinasabi niya.

Niyakap ko siya.
"I'm sorry for taking you for granted Ally... I'm really sorry."

Itinulak niya ako palayo.

"Dahil sa ginawa ko hindi yan ang sasabihin mo.."

"What do you mean?"

"Galit ako kay Oceane, galit ako sa Infinity..."

"Alam ko naman yon..."

Umiling siya. Pagkatapos ay pumasok sa silid niya at naupo sa kama. Hinayaan kong
bukas ang pintuan ng silid at sumunod ako sa loob.

"B---bakit ano bang ginawa mo?"

"Hindi mo na kailangan pang malaman.."

"Ally..."

"Magagalit ka sa akin at tuluyang lalayuan ako, ano pa para malaman mo?"

"Ally alam mong hindi ako ganun.."

"Ganun ka.."

Hinawakan ko ang kamay ni Ally. Espesyal siya sa akin kahit palagi ko siyang
tinetake for granted. Bukod kay Oceane, siya ang babaeng nagtyaga sa ugali ko.

"Itinuro ko sa daddy ko ang pinagtataguan ng Infinity..."

"What?"

"Galit kasi ako sa kanya at habang buhay akong galit sa kanya."

"Hindi ba't..."

"isa sa Dark Wizard and daddy ko, sinabi ko sa kanya ang totoo, ang lahat
nangyayari dito sa academy."

"What? Allysa bakit mo ginawa yon?"

"Sinabi ko na diba, galit ako sa kanya.."

"Pero hindi dahilan yon para..."

"Sinasabi ko na nga ba, you can't understand me, you can never understand me.."

Galit siyang tumayo at hinarap ako.

"Ngayong oras na ito sigurado ako na nasa panganib na ang minamahal mong
Infinity... hindi siya bubuhayin ni Daddy."

Pagkatpos ay mabilis na siyang tumakbo palabas ng silid.

"Allysa... Allysa...!!!!"

Napasuntok ako sa kama niya.


'Bad trip!'

(Castor's POV)

Nagulat ako ng sandaling iyon.

"Buysit!!!"

Narinig kong sabi ng isa.

Hindi nila ako magawang patayin. Hindi nila mailapit ang wand nila sa katawan ko o
kaya naman ay ba-bounce back ang spells na ginagamit nila.

Sinubukan ko rin ang wand ko at nag cast ako ng spell.

'Anong nangyayari bakit ayaw?'

Malakas na enerhiya ang yumanig sa buong kagubatan. LAhat kami na naroon ay


nabigla.

"Anong nangyari?"

Mabilis na nagteleport ang mga Dark Wizards.

NAgpalit na rin ng anyo si Ash bilang tao, wala na naman siyang saplot kaya hinubad
ko ang robe ko at ibinalot ko sa kanya ng di siya titinitngnan.

"Salamat!"

"Alam mo ba kung anong nangyayari?"

Inaayos niyang isuot ang robe na binigay ko.

"Ang pagyanig ng lupa ay mulas a Infinity."

Hindi ako nagsalita.

"Nagtataka ka kanina kung bakit hindi ka nila masaktan at ganun ka din sa kanila?"

Tumingin lang ako sa kanya.

"Dahil pareho kayong bampira. Hindi maaring patayin ng isang bampira ang katulad
niyang bampira. TAnging ibang nilalang na hindi nila kauri ang maaring pumatay sa
inyo."

"Kaya pala..."

"Tayo na puntahan na natin ang Infinity."

(Oceane's POV)

Agad kong pinuntahan si ZAiden kahit nanghihina pa ako. WAla siyang malay.

"Zaiden...Zai...gising.."

Hindi ito nagsasalita o kumikilos man lang.


Pinakiramdaman ko ang dibdib niya. Humihinga siya.

Niyakap ko ang ulo niya. Umiiyak na talaga ako.

ANg buong akala ko napatay ko siya.

"Mahal na mahal kita ZAiden.. please gumising ka na.."

Umiyak ako habang yakap ko ang ulo niya.

"MAhal din naman kita..."

Napatingin ako sa kanya.

"Zai?"

"Wag ka na umiyak ayos lang ako..."

Bumangon siya at niyakap ako.

"Mahal na mahal kita Oceane..."

Hindi ako nagsalita. NApansin niyang lumiwanag ang tatak sa braso ko.

"NAkuha mo na ang KApangyarihan ng Fire Phoenix?"

Tumango lang ako. Hindi ko sinabi na mahapdi pa rin ang tatak s abraso ko.

"Ang mga centaurs..."

"Mahal na INfinity..."

Napalingon kami sa grupo ng mga centaurs.

"Hindi pa tapos ang laban natin, napapalibutan tayo ng iba pang centaurs sa labas
ng kweba."

"Kalaban ba sila o kakampi?"

"Kalaban."

Nakaramdam na ako ng kaba. May aura ng mga Dark Wizards sa labas ng kweba, hindi
nila itinago iyon, mukhang ipinaaalam nila na malapit lang sila sa amin.

"Asan na ba sina Castor at Ash?"

"Hindi ko alam...."

(Ash's POV)

Mula sa di kalayuan, nakita namin ang grupo ng mga centaurs. NAkapalibot sila sa
harap ng Serenity FAlls.

"Anong nangyayari? BAkit nanjan sila?"

Tanong ni Silverwood sa akin

"Hindi ko rin alam... parang binabantayan nila ang FAlls..."


Pinakinggan kong mabuti ang pinag uusapan nila.

"Oh ano na?"

"Hinihintay nila lumabas ang ibang centaurs at ang Infinity.."

"Ano? BAkit?"

"Tingin ko mga kalaban ang mga centaur na yan ang nasa loob na kasama ng Infinity,
ang siyang nagligtas sa kanila."

"Tayo na..."

Hinawakan ko siya sa braso.

"Sandali..."

Tiningnan lang niya ako.

"Delikado para sa Infinity kung susugod tayo agad. MAg isip muna tayo ng magandang
paraan ok?"

(Allysa's POV)

Andito ako sa fountain ng Academy. NAkaupo habang nagkakagulo ang lahjat. ANg totoo
masaya ako dahil nasa panganib ang buhay ng flirt na yon.

Bukod pa sa mawawala siya, masosolo ko na si Frost. Wala ng lalandi pa sa kanya.

"Ally..."

Boses ni Frost. NAkatayo siya sa likuran ko.

"MAg usap tayo please..."

"What for?"

NAupo ito sa tabi ko. Seryoso siya at mukhang malungkot.

'MAlungkot siya dahil sa babaeng malanding yon... kailangan ba talagang ipamukha


niya yon sa akin para makonsensya ako?'

"Ally sorry ha.."

NApatingin ako sa kanya.

"Sorry kasi binabalewala kita.. kung alam mo lang sana.."

"Ang ano?"

"How much special you are to me... "

Hindi ako nagsalita.

"Aaminin ko na mahal ko si Oceane, marami kaming pinagsamahan mula pagkabata. Pero


ano na ba ako sa kanya ngayon wala na diba?.. Pero sa mga ginawa ko sayo andyan ka
parin para maging kaibigan ko."
Tumutulo ang luha ko. Ano ba kasing gusto mong palabasin?

"Ally mhala naman kita.. hindi ko lang masabi sayo dahil hindi pa ako sigurado sa
nararamdaman ko."

"BAkit sigurado ka na ba kaya sinasabi mo na sa akin?"

Umiling lang siya. ANo ito lokohan?

"Hindi naman kasi ganoon kadali na maalis ang pagmamahal, na parang dumi lang na
pag pinunasan mo mawawala kaagad. I'm here now telling you this that give me time
to move on.. give me time to show you that i love you more.. that you're different
from her.. I want to love you for who you are.."

Tuluyan na akong umiyak. Sobrang sweet ng sinabi niya sa akin, naramdaman ko.
NAkatitig kasi siya sa mga mata ko habang sinasabi yon kaya naramdaman ko ang
sincererity niya.

Hinawakan niya ang baba ko saka dahan dahang inangat.

"Will you give me a chance Ally?"

HAbang tumutulo ang luha ko, tumango na lang ako.

Niyakap niya ako ng mahigpit saka bumulong sa tenga ko.

"Thank you Ally.."

(Castor's POV)

Naiinip na ako, ilang minute na rin kaming nagtatago dito habang nakatingin lang sa
mga centaurs na yon.

"Wala pa ba tayong gagawin?"

"Maghintay ka lang pwede?"

"Masyado ka naman nagmamagaling..."

Tumayo ito at tinitigan ako. Namumula na siya sa galit sa akin.

"Sige sumugod tayo doon, makipaglaban tayo sa grupo ng mga centaurs. Baka
nakakalimutan , konektado ako sa Infinity.."

"Eh di maiwan ka dito at iligtas ang sarili mo. Para di na rin mapahamak pa ang
Infinity."

"Kelan ka ba matuto na makinig ha? Masyado ka na kasing nakakapikon."

"Kung napipikon ka umalis ka na dito."

Isang malakas na sampal ang dumapo sa pisngi ko.

"Aba't..."
"Para matauhan ka."

Pagkasabi nun ay iniwan ako nito at sumugod sa mga centaurs.

Kahit naman lagi ko siya inaaway, kailangan ko ap rin siya protektahan kahit di ko
kagustuhan.

Konektado siya sa Infinity, ako ang tagapagprotekta nya.

Nahila ko siya bago pa siya nakita ng mga centaurs.

"What do you think you're doing?"

Inis kong sabi habang nakahawak ako sa braso niya.

"Diba atat ka na sumugod? And that's why I'm doing.."

Hinila ko siya sa likod ng malaking puno. Malakas pwersa ang ginawa kong pagtulak
sa kanya para mapasandal siya ng tuluyan sa puno.

Nasa gitna siya ng dalawa kong kamay na nakasandal sa katawan ng puno.

"Pinipikon mo ako noh?"

"ikaw itong pinipikon ako."

"bakit ba ang tigas ng ulo mo?"

"Ikaw itong matigas ang ulo."

"Bakit ba ibinabalik mo sa akin ang sinasabi ko?"

"Dahil para sayo naman ang mga salitang sinasabi mo."

Sa sobrang inis ko, sinuntok ko ang katawan ng puno at gumalaw ito.

Nagbigay yon ng atensyon sa mga centaurs na malapit doon.

Maingat akong umakyat ng puno habang karga ko siya.

Naupo kami sa sanga at natatakpan iyon ng mga dahon kaya di madaling makita.

"Tingnan mo, inagaw mo pa ang atensyon nila..."

"Pwede ba tumahimik ka muna?"

Tumahimik naman siya.

Nakatingin ito sa dalawang centaurs na nasa baba naming. Hinahanap nila kung sino
ang naroon.

Dahil sobrang lapit ng mukha namin sa isat isa naramdaman ko ang hininga niya at
ang amoy aso niyang amoy.

Natitigan kong mabuti ang mukha niya.

'Ano ba itong nangyayari sa akin?'

"What?"
"Wala, amoy aso ka talaga..."

Sasagot pa sana siya kaso maririnig na kami ng centaurs sa baba.

(Ash POV)

Sa totoo lang pikon na pikon na ako sa bampirang ito.

'Kung di ka lang talaga gwapo nakkkkkkkkkkkuuuuuu!'

"Amoy aso ako dahil isa akong lobo."

Sabi ko sa kanya ng makaalis ang mga centaurs.

"Kaya di ka magustuhan ng Infinity kasi mayabang ka."

"Stop saying that dahil hindi mo ako kilala."

Hindi ako nagsalita, mag aaway na naman kasi kami pag sumagot pa ako sa kanya.

Kailangan kong makaisip ng plano para mailigtas sina Oceane at Zaiden.

"Sa palagay ko, may ibang sekretong lagusan ang Serenity Falls.."

"Saan naman?"

"Yan ang hahanapin natin.."

(Zaiden's POV)

Nagsimula na naman gumuho ang mga malalaking bato sa kweba.

"Anong gagawin natin Zai?"

Inakbayan ko siya at niyakap.

"Kailangang masiguro natin na hindi nila tayo makikita sa lihim na lagusan."

Hinila ko siya at mabilis kaming tumakbo. Kasunod noon ang mga centaurs.

Tatlong centaurs ang nasa unahan namin para maging gabay namin palabas.

"Wag kang bibitaw sa akin ha?"

Tumango naman siya sa akin. Kahit malakas na siya, di pa rin siya tapos magsanay at
hindi pa niya alam gamitin at kontrolin ang kapangyarihan niya.

Mahabang at madilim ang lagusan, halos ang dinadaan namin ay kasyang kasya lang ang
isang tao dahil tubig na ang ibang bahagi nito.
Nauna akong maglakad sa kanya, malamig na sa bahaging iyon ng kweba.

Huminto ang nasa unahan namin na mga centaurs.

"Bakit?"

Tanong ko naman sa kanila. Alanganin ang paghinto namin dahil nga sa makipot na
daanan.

"Kailangan nating maghiwalay dito."

Napatingin kami sa dalawang lagusan sa harapan namin.

"Bakit pa?"

"Ang isang lagusan ang magliligtas sa inyo, ngunit itong dadaanan naming ay
mapanganib."

"Pero, dapat lang na lahat tayo ay maligtas.. bakit kailangan pa natin na


maghiwalay?"

Tanong ni Oceane.

"Pag pareho tayo ng dadaanan, maari kang mapahamak mahal na Infinity, masmahalaga
ang buhay mo kesa sa amin dito."

"What? Lahat ng may buhay mahalaga... hindi pwedeng kami lang ni Zaiden ang
maligtas.."

"Pakiusap mahal na Infinity, pag ikaw ang nawala, mawawala rin kami, ngunit pag
ikaw ang naligtas, maliligtas rin kami."

"Hindi maaari..."

Binuhat ako ng isa sa mga centaurs at inihagis sa kanang bahagi ng kweba ganun din
si Oceane, mabuti na lang at nasalo ko siya kaya pareho kaming natumba.

Hindi na kami nakapagpaalam sa kanila dahil mabilis na silang tumakbo sa kabilang


lagusan.

Inalalayan kong tumayo si Oceane, madilim sa buong paligid. Ginamit ko ang wand ko
para mgkaroon kami ng liwanag.

Sobrang lamig sa paligid. Habang yakap yakap ko si Oceane, nararamdaman ko ang


panginginig ng katawan niya.

"You're freezing!"

"Ayos lang ako Zai.."

"No you're not, you're freezing to death..."

Tumigil kami sa paglalakad. Hinawakan ko ang pisngi niya, leeg niya at kamay.
Nanlalamig talaga siya. Para kasing may yelo sa loob ng kwebang yon.

"Sandali lang..."

Liwanag na lang ng wand niya ang nagbibigay ng liwanag sa kweba.


"Pumikit ka Hon..."

Nang makitang nakapikit na siya, ako naman ang pumikit. Habang magkahawak ang kamay
namin dalawa.

"Today is cold, now make it warm

I plee, I cry, I am cold

Iwant fire, I want heat

So mote it be"

Naramdaman ko ang init na angmumula sa kanya na umaagos papunta sa akin. Pag dilat
ng mata ko, nakangiti siya, nagliliwanag ang buong katawan niya.

"Salamat sa tulong mo Zai, nagawa kong ilabas ng maayos ang init ng Fire Phoenix sa
katawan ko."

Nakatulala lang ako sa kanya. Niyakap niya ako at nagpatuloy kami sa paglalakad.

(Frost's POV)

Tambay pa rin kami ni Allysa sa fountain. Hindi na siya galit sa akin at ngumingiti
na rin siya.

Totoo naman ang sinabi ko, kilala ko si Oceane kaya alam kong wala na talaga akong
pag asa sa kanya.

Isa pa sa hirap ng dinanas niya na tanging si Zaiden Alfiro lang ang nasa tabi
niya, wala naming duda na madevelop siya dun.

Hinawakan ni Allysa ang kamay ko saka hinaplos ang marka na roon.

Gusto ko sana itanong kung bakit nalipat ako ng Section at bakit pati marka ko ay
naiba rin.

Hinayaan ko muna, alam kong sasabihin din nya sa akin ang totoo baling araw.

"tapos na.."

"Ang alin?"

Kunot noo kong tanong sa kanya.

Kinuha niya ang wand niya at gumawa siya ng ilaw. Nagdrawing siya sa hangin habang
kinokonekta ang mga bituin sa kalangitan

Nang matapos ang pagguhit, napansin kong may kakaibang simbolo siyang nabuo.

"ano yan?"

"Simbolo ng kamatayan..."

"Sa mga bituin?"

Tumango siya.
"Simbolo yan na pinaniniwalaan ng mga Wizards..."

"Bakit?"

"Limampung taon bago muling gumawa ng gayang simbolo ang mga bituin.. "

Nakikinig lang ako.

"Siguradong may isang Wizard ang mamamatay sa loob ng tatlong araw."

*******************************************
[14] Chapter 13: The Wizards Death
*******************************************
heartly dedicated to ArranjoyceRojero6, AngelaZaragoza : Thank you for reading my
story.. luv yah!!!!

(Castor's POV)

Habang maingat kaming tumatawid sa kabilang parte ng falls, nakikita naming na


abala sa pagwasak ng falls ang mga centaurs.

May dala silang mga malalaking maso at winawasak nila ang kweba, dahilan yon para
yumanig sa loob nito.

"Ano kayang kailangan nila sa Infinity? Bakit nila winawasak ang Serenity Falls?"

"Tingin ko, tagasunod ni Baragor ang isang yon..."

Madali kong napansin ang sinasabi ng babaeng lobo.

Mas malaki ang katawan ng isang yon sa lahat ng mga centaurs na naroon.

Patuloy kami sa paglakad, nakatawid kami sa likod ng Falls ng hindi man lang nila
napapansin.

Pagdating naming doon ay mabilis kaming tumakbo papasok. Madilim sa paligid ng


kweba.Kailangan kong gumamit ng liwanag.

"Wag kang gagamit nyan..."

Saway sa akin ng lobo.

"Maari yang mapansin ng mga centaurs mula sa labas at malalaman nila na may lagusan
pala na maari nilang daanan."

Tama naman siya kaya hindi na ako nakipagtalo.

Maririnig pa rin ang kakaibang ingay mula sa pagbagsak ng tubig sa Falls,. Matalas
pa rin ang mga mata ng lobong ito dahil alam pa rin niya ang daan kahit madilim na.

Ilang minute pa nasanay na rin ang mga mata ko sa dilim, nakikita ko na ang
dinadaanan namin.
Nakarinig kami ng ingay sa di kalayuan, mga yabag ng paa. May papalapit sa amin.

Tumigil kami at naghintay.

Nagtago kami sa eskinita na kasya lang kaming dalawa kung nakatagilid.

Isang grupo ng centaurs ang maingat na naglalakad habang papalapit sila sa amin,
kitang kita namin ang mga ito habang dumadaan sa aming harapan.

Hindi nila kami napapansin dahil sa madilim ang paligid at nakatago kaming dalawa
nitong babaeng lobo.

Ilang minuto ang lumipas at malayo na sila sa amin.

Sabay kaming kumilos ng babaeng lobo. Dun lamang namin napansin na sobrang sikip
pala ng eskinita na iyon para sa aming dalawa. Magkaharap kaming parehong
nagpupumilit makaalis sa pagkakaipit.

"Look what you've done.... naipit tayo.."

"ako pa may kasalanan ngayon babaeng lobo?"

"Eh sino pa ba?"

Hindi na ako sumagot. Ramdam ang makinis nyang balat habang lumalapat ito sa aking
malamig na balat. Mainit iyon, parang ang sarap niyang yakapin na parang isang
malambot na unan.

'Ano na naman ba itong iniisip ko?'

"Mauuna ako ok?"

Inis ngunit mahinahon niyang sabi.

"Fine."

Hinayaan ko siyang dumiskarte na makalabas sa eskinita. Ilang sandali pa ay


nakalabas na siya.

Nauna siya sa akin sa paglalakad. Hindi ko napapansin na nakangiti pala ako ng mga
sandaling iyon, nakita ko lang ang itusra ko ng mapatingin ako sa malinaw na tubig
na umaagos sa gilid ng dinadaanan namin.

'Ano bang nangyayari sa akin? Hindi kaya.......'

"Ano ba? Tatayo ka na lang ba dyan?"

NApatingin ako sa kanya.

"MAy ililigtas tayong buhay nakakalimutan mo na yata."

Napailing ako. Ang sungit niya, dati naman mukha siyang anghel na sa sobrang
tahimik.

Patuloy kami sa paglalakad. Nakatingin lang ako sa babaeng lobo.

Bahagya pa akong nagulat ng bigla siyang tumigil at humarap sa akin. Kitang kita
ang nagniningning nyang mga mata sa dilim ng lugar na yon.
"May gusto ka sa akin ano?"

Seryoso ang mukha niya, maya maya ay napansin kong ngumiti ito.

"Wag kang assuming lobo..."

"Fine!."

Wala na kaming naririnig sa paligid. Tanging lagaslas na lang ng tubig mula sa


falls ang maririnig.

"May naririnig ka ba? naamoy?"

"Wala."

"Wala???"

"Wala! As in wala..."

Napikon ako sa kanya. Binubuysit talaga ako ng babaeng lobo na ito.

"So anong plano mo ngayon?"

"Nag iisip ako.. tumahimik ka nga dyan.."

Tumahimik naman ako. Mayamaya ay parang may naamoy o narinig siya.

"ano na?"

"May paparating.."

Lumingon lingon kami walang mapagtataguan.

"Kainis..."

"Malapit na ba?"

"Oo.. 10..9..8..7...6..5."

"Halika!"

Hindi na siya nakatanggi ng bigla ko siyang hilahin.

Naririnig ko na ang mga yabag, malapit na ito sa kinaroroonan namin.

"Hawakan mo akong mabuti..."

Pabulong niyang sabi sa akin. malapit kasi ang mukha niya sa mukha ko.

"Mauuna akong mahulog bago ka..."

Nakasandal sa bato ang babaeng lobo, habang ako naman ang nasa ilalim niya. Getsnyo
ba? Nasa taas kami ng kweba, sa pinaka kisame nito.

"Anong ginagawa niya dito?"

"sino?"
"Si Qualixter Sightwater..."

"ano?"

tumahimik siya. narinig kong nag uusap ang dalawang wizard sa baba namin.

"Nakatakas na sila... sumpain ang mga centaur na tumulong sa kanila."

Narinig kong sabi nun isang Wizard.

"Hayaan mo na, marami pa tayong pagkakataon para makuha ang Infinity.."

"Palpak kasi yung anak mo Qualixter..."

"Ginawa niya ang iniutos mo, walang maling ginawa ang aking anak Hegard. Mag iingat
ka sa pananalita mo."

Napansin kong gumalaw ng bahagya ang panga ni Qualixter Sightwater. Ibig sabihin,
nagpipigil ito ng galit.

At bakit kasama sa usapan nila si Allyssa? ano bang sinasabi nila?

"Totoo naman ang sinasabi ko... hindi kumpleto ang impormasyon ng anak mo kaya
nakatakas ang Infinity ngayon."

Hindi nagsalita si Qualixter, pero naktingin parin ito sa kaharap na Wizard.


Lumingon lingon sila sa paligid.

Naramdaman ba nila kami?

"Bakit?"

Tanong ng isa.

"Parang may nagmamasid sa atin..."

Lumingon naman si Hegard.

"tama ka, naaamoy ko ang lobo..."

'Kahit kelan talaga pahamak ang babaeng lobo na ito.'

"Nandito lang siya sa paligid.."

'Hindi pa ba sila aalis'

"Retang-le!"

Nawala ang pagkakakapit ko sa bato. Nahulog kaming dalawa ng babaeng lobo. Nahulog
siya sa ibabaw ko.

'Peste, malas talaga kasama ang babaeng ito.'

"Malas talaga!"

Reklamo ko.

Hindi siya nagsalita, pero dinibdiban niya ako bago siya tumayo.
"You....."

Hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng magsalita ang dalawang Wizard. nakalimutan


ko na sila.

"Ashlyn hija anong ginagawa mo dito?"

Sa tono ni Qualixter, may halong pag aalala ang boses nito. Nag aalala ba siya
dahil nakita ni Ashlyn ang lahat o dahil may malasakit siya dito?

Tumayo ako na parang walang nangyari.

"Uncle...."

"Kilala mo sila Qualixter?"

Tanong ng isang Wizard.

"O--oo pamangkin ko ang batang babae...'

"Yung isa ano?"

"Hindi ko siya kilala."

Mabilis na kinuha ni hegard ang wand niya at itinutok niya sa akin.

"Wag...."

"ashlyn... ano bang ginagawa mo?"

"Kaibigan ko siya uncle..."

"Nakikipagkaibigan ang pamangkin mo sa babang uri ng..."

"Hindi ako isang mababang uri..."

Pagkasabi ko nun, agad kong inatake si Hegard.

"Brisingir!"

Mabilis kong hinawakan sa braso ang babaeng lobo, saka ko siya hinila at mabilis
kaming tumakbo papalayo sa dalawang Wizard.

"Anong ginawa mo?"

Tanong ng babaeng lobo habang mabilis kaming tumatakbo.

Nagsmirk ako. "Anong klaseng tanong yan?"

"hindi tayo titigilan nun isang Wizard..."

"Alam ko. Kaya nga tatakas tayo diba? Ngayon alam natin na ligtas na ang Infinity,
tayo naman ang dapat maligtas.."

"Nakalimutan mo na ba na..."

"Alam ko..okey..kaya nga inililigtas kita diba? dahil pag napahamak ko, di ko
mapapatawad ang sarili ko. Ikaw at ang Infinity ay iisa.."
Nagulat ako ng bigla siyang magpalit ng anyo. Naging malaking lobo na naman siya at
mabilis siyang tumakbo. Pilit ko siyang hinabol.

(ash pov)

Naiinis ako. Sobra talaga.. Bakit ba ang manhid manhid nya? bakit ba lagi na lang
nya ipinapamukha sa akin na mas mahalaga sa kanya ang Infinity? Nakakainis...

'Akala ba niya, kahit anong takbo ang gawin namin, matatakasan namin ang mga yon?'

Nahinto ako sa pagtakbo ng biglang sumulpot sa harapan ko si Hegard. Nakatutok sa


akin ang wand niya.

Nagpalit anyo ako bilang tao. Hubad ako ng mga sandaling yon. Naramdaman ko na lang
ang telang biglang bumalot sa buong katawan ko.

"Nakita na niya ang buong katawan mo."

Napalingon ako. Si CAstor nasa tabi ko na. Nakita ko sa mga mata nya ang selos.

'Teka selos ba yon? Imposible...'

"Akala nyo siguro makakatakas kayo..." sabi ni Hegard na hindi pa rin inaalis ang
wand niya na nakatutok sa akin

"Hegard!"

Mula sa likuran ni Heagard sumulpot si Qualixter.

"Pakiusap wag mo na idamay pa si Ashlyn..."

"Hindi maari..."

Ininutok ni Qualixter ang wand niya kay HEgard

"Subukan mong saktan siya...."

"Wag mo akong takutin Qualixter. Kilala mo ako."

Silang dalawa ang nagharap. NAkatayo lang kami ni CAstor habang pinapanood sila.

"Hindi kita tinatakot Hegard..."

"Tayo na..."

Hinihila ako ni CAstor. Pero hindi ako gumagalaw sa kinatatayuan ko.

"Hayaan mo na sila, halika ka na.."

"NO!"

"Ha?"

"Ililigtas ko si Tito.."
"Are you out of your mind?"

Nakita ko sa mukha niya ang pag kainis sa sinabi ko.

"Gusto mo ba talaga na mapahamak ka?"

"Kailangan kong tulungan si Tito, papatayin siya ng Wizard na yan..."

Abala ang dalawang Wizard sa pagpapalitan ng spells. Hinila ako ni Castor sa likod
ng malaking bato.

"Ang labo mo talaga lobo.."

Hinawakan niya ako sa magkabilang balikat.

"Alam mong mapapahamak ka pag tinulungan mo pa si Qualixter. Alam mo naman ang


mangyayari pag napahamak ka."

"Hindi ako tanga para hindi ko isipin ang Infinity. Malakas ang loob ko dahil alam
kong kaya ko siyang tulungan."

"But you're acting stupid... hindi ba katangahan ang gagawin mo?"

"Pwede ba stop acting that you care for me.. wag kang ingrata."

"Bakit ba ang kulit mo?"

Napipikon na siya sa akin. Tama lang, makaganti man lang paminsan minsan.

"Ililigtas ko si Uncle sa ayaw at gusto mo.."

Kinuha ko ang wand ko.

Mabilis akong tumakbo pabalik. Bahala na basta di ako patatahimikin ng konsyensiya


ko pag may nangyari kay Uncle.

Malayo pa ako nakikita ko na ang mga kakaibang liwanag na naglalaban sa dilim.


Sigurado ako na sina uncle yon.

"You brat....."

Narinig kong sabi ni Silverwood mula sa aking likuran. Sumunod pala ang masungit na
ito sa akin.

"Magpapakamatay ka talaga ano?!"

Sabi pa niya ngunit di ako nagsalita.

Pinapanood ko ang laban ng dalawang malalakas na wizard.

Napansin ko na lang na biglang natumba si uncle.

Agad ko siyang nilapitan.

'Humihinga pa siya!'

"Mabuti naman at bumalik kayo, hindi na ako mahihirapan pang habulin kayong
dalawa."
Pagkasabi nya ay napalibutan kami ng itim na usok na kung tawagin ay Cursed Smoke.

Ang Cursed Smoke ang sinaunang spell na ginagamit para patayin ang kalaban ng
paunti unti hanggang sa tuluyan ng makain ng sumpa ang buong katawan nito.

Unti unti ko na rin naramdaman na kinakapos na ako ng hininga. Napatingin ako kay
Silverwood at ganun din siya.

Napaluhod ako habang hawak ko ang dibdib ko.

Zaiden's POV

Nasalo ko kaagad si Oceane. Bigla kasi itong natumba at tingin ko ay nahihirapan


siyang huminga.

"Are you ok?"

Hinawakan ko si Oceane sa pisngi niya habang sinasabi ko iyon.

Ngumiti lang siya ng pilit na ayaw niyang ipakita sa akin na nahihirapan siya.

"Anong nararamdaman mo?"

Hindi na sumagot si Oceane. Napansin ko kaagad ang pag iiba ng kulay ng kanyang
balat.

"Anong nangyayari? Oceane..."

Hindi na ako mapakali ng hindi na siya magsalita at hawak na niya ang dibdib niya.

Kinapa ko ang kanyang pulso. Pahina ng pahina ang tibok ng kanyang puso.

'Black Magic?'

Hinawakan ko ulit ang kanyang pisngi. Malamig na ito.

Nablanko ang isip ko. Hawak ko ang wand ko pero wala akong maisip na spell. Tanging
si Oceane lang ang naiisip ko.

"Alfiro!"

Napatingin ako sa taong nagsalita sa harapan ko.

Castor's POV

Black Magic ang ginamit ng wizard na ito. Kaya naman hirap na hirap akong labanan
ito.
Isa pa, hindi ko hawak ang wand ko.

Tiningnan ko ang babaeng lobo. Unti unti kong napapansin na nagpapalit siya ng anyo
mula sa pagiging tao at pagiging lobo.

Nilapitan siya ni Hegard, hinawakan niya ang babaeng lobo sa leeg.

"Kakaiba ka talaga babae ka..."

Sabi pa nito.

"Wag mo siya hahawakan!!!"

Sigaw ko naman sa kanya.

Ngumisi si Hegard sa akin. Hindi niya ako pinansin.

Nakita ko na pinagmamasdan niya ang babaeng lobo. Dahil nga sa nanghihina na si


Ashlyn, mapapansin na nagpapalit na ito ng anyo.

Walang sinuman sa aming mundo ang nakakaalam na ang misteryoso at sagradong


werewolf ay si Ashlyn.

Ang alam ng mga wizard at witches ay alamat lang ang tungkol kay Ashlyn. Bukod sa
mga kaibigan naming Elf, wizards at witches kaming apat lang ang nakakaalam ng
totoo.

Zaiden's POV

"Alaister Reedwick!"

Siya ang lalaking nakatayo sa harapan ko. Mula siya sa angkan na bihasa sa pag
gamit ng Black Magic.

"Anong ginagawa mo dito?"

Tanong ko naman sa kanya habang nakatutok ang wand ko sa dibdib niya.

"Anong nangyari sa kanya?"

Humakbang siya papalapit sa akin.

"Step back! I will not hesitate ko kill you!"

Nag smirk siya sa sinabi ko pero di siya natinag sa banta ko.

"I said step back Reedwick!"

Ulit ko sa kanya.

"Tingnan mo itsura ng kaibigan mo. She's dying!"


Sabi pa niya habang nakatingin kay Oceane.

"I know, I can save her. Leave us alone!"

"You're acting like you're the boyfriend of that girl!"

"You're right! I'm her boyfriend!"

"Then stop being arrogant and help her!"

Sabi niya.

Natigalan ako. Wala pa rin pumapasok sa isip ko. Mas nangingibaw ang pag aalala ko.

"Move!"

Itinulak niya ako palayo kay Oceane. Nabitiwan ko ang pagkakayakap ko sa kanya.
Hindi ko namalayan na nakalapit na pala siya sa akin.

Nang makalayo ako kay Oceane, agad niyang hinawakan ang pulso ni Oceane.

Habang pinagmamasdan ko si Alaister Reedwick, napansin ko ang porma niya.

"Stop!"

Castor's POV

'Ano ba Alfiro, wala ka pa rin ba nagagawa ng paraan para mawala ang Cursed Smoke
sa katawan ni Ashlyn? Sigurado akong pareho ng sitwasyon sina Oceane at babaeng
lobo.'

Pinagmamasdan ko ang babaeng lobo. Unti unti na itong nangingitim. Bahagya na rin
itong kumikilos.

Pilit akong gumagalaw sa pagkakagapos mula sa itim na usok.

Pero sa paggalaw ko, maslalo kong nararamdaman ang pagbilis ng pagpasok ng usok sa
loob ng katawan ko.

"Anong......"

Narinig kong sabi ni Hegard habang nakatitig sa babaeng lobo.

"Totoo ang alamat!"

Sabi pa ulit nito.

"Ikaw ang...."

"Ecrono Lubrica!"

Isang sigaw ang narinig ko. Nag cast ito ng spell. Naramdaman ko ang pagluwag ng
aking paghinga.
Zaiden's POV

Huli na ang lahat. Nahalikan na niya si Oceane sa labi. Tumagal ito ng isang
minuto.

Walang malay pa rin si Oceane ng mga sandali iyon. Hindi niya alam na may ibang
lalaking nakahawak at humalik sa kanya.

Matapos ang isang minuto. Inilayo na ni Alaister Reedwick ang labi niya kay Oceane.

Agad ko siyang itinulak palayo kay Oceane.

Tinapik ko ang pisngi niya.

"Love???? wake up please!"

Bulong ko habang tinatapik ang pisngi nya.

"She's safe!"

Sabi ni Alaister Reedwick. Tiningnan ko siya ng masama.

"With that gaze.... you're jealous!"

"Yes I am! Dahil hinalikan mo ang girlfriend ko!"

Nagsmirk siya sa sinabi ko

"Don't be fool Alfiro, you know what I did..."

Tama siya. Alam ko ang ginawa niya. Healer's Spell. Isa yung makalumang paraan ng
spell upang matangal ang sumpang may lason sa katawan. Tamang posisyon at tamang
oras ang kailangan para gumana ang Healer's Spell. Isang halik mula sa isang
malakas na wizard o witch upang matangal ang sumapang may lason.

"You should thank me Alfiro.."

Hindi ako sumagot. Hindi ko rin siya tiningnan.

Castor's POV

Kahit nanghihina ang katawan ko, pinilit ko lapitan ang walang malay na babaeng
lobo.

Yakap ko siya habang nakaupo sa damo.

Napansin ko kaagad na nag iba na ang kulay ng balat nya. Bumalik na ito sa dati
kulay.

'Nawala na ang epekto ng sumpa!'

"Kamusta kayo? Ayos lang ba kayo?"

Isang lalaki ang lumapit amin at naupo sa tabi ko. Si Frost.

Dun ko lang siya napansin, nakatayo sa likod nito si Allysa habang walang kurap na
nakatitig kay Hegard.

Sila ang tumulong sa amin para makawala sa itim na usok.

"Daddy?!"

Sabi ni Allyssa sabay takbo papalapit sa walang malay paring Ama.

Niyakap niya ito at pinakinggan ang dibdib nito.

"Daddy! Daddy!"

Umiiyak na sabi nito habang tinatapik ang pisngi ng kanyang ama.

Hindi niya napansin na nakalapit na sa kanya si Hegard. Agad siya nitong hinila
patayo at saka hinila papalayo sa walang malay na si Qualixter.

"Allyssa!"

Tumayo si Frost saka itinutok ang wand niya kay Hegard.

"Wag kang lalapit binata... masasaktan ang palpak na babaeng ito."

Sabi ni Hegard habang hawak hawak sa leeg si Allyssa.

"Pakawalan mo siya..."

Sigaw naman ni Frost habang unti unti na humahakbang papalapit.

"Nagpapatawa ka bata!"

Nakangiting sabi pa ni Hegard. Sa napansin ko mas hinigpitan nito ang pagkakahawak


sa leeg ni Allyssa.

Naririnig ko pa ang malakas na kabog ng dibdib ni Allyssa at ang matindi niyang


takot.

"Dahil sa kanya kaya nakatakas ang Infinity..."

Naguluhan kami ni Frost sa narinig namn. Kanina ko pa alam na may kinalaman si


Allyssa sa mga nangyayari ngunit di ko alam kung ano eksakto ang ginawa niya para
mapahamak ang Infinity.

"A-----anong sinasabi mo?"

"Hindi nyo alam? Itong babae na ito ang nagplano ng lahat. Siya ang nagbigay sa
amin ng impormasyon para makuha ang Infinity."

"Anong sinabi mo?"


Malakas kong tanung.

"Sigurado ako na may dahilan siya kaya nya ginawa yon katulad ng nangyari kay
Zaiden Alfiro!"

Sabat naman ni Frost.

"Wala akong pakialam sa dahilan nya. Simula pa noon ayaw na niya sa Infinity.
Sarili lang niya ang iniisip niya!"

Inis ko namang sabi.

Hindi na nagsalita pa si Frost.

"Brisingir!!!!"

Sigaw ni Frost habang umiiwas na sa mga atake ni Hegard.

'Dapat ko ba sila tulungan?!"

Nagdadalawang isip ako. Dahil sa nalaman ko. Kaya kami nandito sa sitwasyon na ito
dahil sa kanya.

"Bitiwan mo ang anak ko Hegard!"

Napalingon kaming lahat kay Qualixter.

Walang nakapansin sa amin na nagkamalay na siya.

"Bitiwan mo ang anak ko at ako ang harapin mo!"

Hamon ni Qualixter kay Hegard.

Ngumiti muna si Hegard bago ginamit ang wand niya para ihagis ng malayo si Allysa.

"Allyssa!"

Mabilis na tumakbo si Frost para masalo si Allyssa pero.....

"ALLYSSA!"

Malakas na sigaw ni Frost. Kitang kita ko na yakap ni Frost si Allysa.

'Anong nangyari?'

Pagkatapos nun makikita sa paligid ang ibat ibang liwanag mula sa mga wand ng
malalakas na wizard.

Natahimik ako ng maramdaman ko ang unti unting paghina ng aura ni Allyssa.

"No!"

Napalingon ako sa lugar nila Frost.

Dahan dahan kong inilapag sa damo ang katawan ng babaeng lobo atsaka ko mabilis
nilapitan si Frost.

Una kong napansin ang dugo na umaagos sa kamay ni Frost habang hawak nito si
Allyssa.
Napalingon muli ako sa dalawang wizard na abala pa rin sa laban.

Binalikan ko ang wand ko para kunin ito. Tinitigan ko muna sina Frost sa di
kalayuan.

'Hindi ko ugali na makialam... pero...'

Unti unti kong itinaas ang wand ko.

'Hindi ko alam kung ano ang maitutulong ko pero susubukan ko'

"Gran Incendio!"

Isang malakas at mabilis na pulang apoy ang lumabas mula sa dulo ng aking wand at
diretso itong tumama kay Hegard.

Hindi niya inaasahan na lalabanan ko rin siya.

"Plano nyo pa na pagtulungan ako?"

Mabilis siyang umatake sa aming dalawa ni Qualixter. Balewala nga lang ang atake
namin sa kanya, mabilis pa rin itong nakakakilos para makaatake ng mabilis.

'Anong klaseng wizard ba ito?'

Tanong ko sa sarili ko habang patuloy ako sa pag ilag sa mga atake niya.

"Pagbabayaran mo ang ginawa mo saanak ko Hegard!"

Sigaw naman ni Qualixter.

Sunod sunod na atake ang ginawa niya ngunit nagagawa pa ring salagin ito ni Hegard.

Zaiden's POV

Hindi ko maintindihan kung bakit hindi pa rin umaalis ang lalaking ito?

Nakasandal siya sa isang puno habang nakatingin sa amin. Inalis ko ang tingin kay
Alaister, si Oceane ang muli kong pinatuunan ko ng pansin.

"Wag mong pilitin ang sarili mo kung di mo kaya..."

Sabi ko sa kanya habang inaalalayan ko siya sa pag upo.

Naramdaman ko ang biglang paghigpit ng pagkakahawak niya sa braso ko.

"Hanapin natin sila... Zai hanapin natin sila.."

Mangiyak ngiyak niyang sinasabi sa akin.

"Sino? Sino ang hahanapin natin?"


Naguguluhan ko naman na tanong sa kanya.

"Nakita ko.. nakita nasa panganib sina Castor at Ashlyn.. kailangan nila ng tulong
natin."

"Paano mo...."

Tinitigan lang ako ni Oceane pagkatapos ay inilapat niya sa nook o ang isa niyang
daliri.

Nang sandaling iyon kitang kita ko ang mga nangyayari. Maliwanag ito na parang
nanduon din ako sa mga sandaling iyon.

Nakaramdam ako ng hilo ng alisin ni Oceane ang kanyang daliri sa aking noo.

"Tulungan natin sila...."

Tumango naman ako at inalalayan si Oceane sa pagtayo.

Napahinto siya ng mapansin si Alaister

'Hindi pa rin pala umaalis ang isang ito!'

"Sino siya?"

Tanong ni Oceane sa akin, pero bago pa ako nakasagot ay nakalapit na sa amin si


Alaister.

"Alaister Reedwick!"

Nakangiti nitong pagpapakilala, wala naman akong nakita na kahit anong reaksyon
mula sa mukha ni Oceane.

"Tayo na!"

Anyaya ko naman kay Oceane.

Nagumpisa kami maglakad ngunit di pa kami nakakalayo muling nagsalita si Alaister.

"Hindi dyan ang daan. Alam ko kung saan sila makikita!"

Napahinto kami ni Oceane at sabay na napalingon.

"Wag kang maniwala sa kanya Oceane.. sinungaling ang lalaking yan."

Halos pabulong kong sabi.

"You should trust me I save your life!"

Ashlyn's POV

Kahit nararamdaman ko pa ang panghihina ng aking mga kalamnan, nagpumulit pa rin


akong tumayo.

Alam kong may epekto sa Infinity ang nangyayari sa akin ngayon, at alam ko rin na
maayos na ang kanyang kalagayan, ngunit hindi porke na maayos na siya ay ok na ako,
o kaya naman na maayos na ako ay ok na siya.
Dahil isa akong lobo, mas nakakaramdam ako ng matinding sakit dahil sa hindi ako
natural na tao.

Kahit nararamdaman ko ang matinding sakit nagagawa ko rin naman na pagalingin ang
aking sarili.

Ngunit ito ay nangangailangan ng malakas na pangangatawan.

Lumingon lingon ako sa paligid.

Napansin ko si Frost na yakap yakap ang isang babae, at si Castor naman ay abala sa
pakikipaglaban kay Hegard at ganun din si Qualixter.

Pilit akong tumayo at nilapitan sina Frost at ang babae.

"Ashlyn..."

Mahinang sabi ni Frost ng bumagsak ako sa tabi niya. Nagawa ko pa rin naman na
ibalanse ang aking katawan.

"Anong nangyari? Sa kanya?"

"Nanghihina na siya, mabagal na ang tibok ng kanyang puso."

Hindi ko napigilan ang maluha habang nakatingin sa kalagayan ni Allyssa.

Dinama ko ang kanyang pulso at dibdib, tama nga si Frost masyado ng mahina ang
tibok ng puso ni Allyssa.

Napatingin ako sa tatlong wizard na abala sa paglalaban.

Zaiden's POV

Mula sa di kalayuan nakikita na naming ang mga kakaibang ilaw. Sigurado ako na mula
iyon sa mga spells na pinapakawalan.

"Salamat sa paghatid sa amin dito..."

Sabi ni Oceane bago kami tuluyang makapasok sa gubat.

"Wag mong isipin yon."

"Maari ka ng umalis, kaya na naming dalawa."

Inis kong sabi kay Alaister.

Nagsmirk lang ito.

"Talaga naming hanggang ditto ko lang kayo sasamahan, ayokong makisali pa sa gulo
nyo.. sige!"

Pagkasabi nun ay tinapik pa ako sa balikat at saka siya naglakad papalayo.


"Bilisan na natin..."

Anyaya naman ni Oceane.

Habang naglalakad kami papalapit sa mga liwanag ay inilabas ko na mula sa aking


bulsa ang aking wand at ganun din si Oceane.

Isang bolang apoy ang sumalubong sa aming dalawa. Mabuti na lamang at mabilis
kaming nakaiwas dito.

Abalang pinatutulungan ni Castor at ng isang lalaking wizard na kung di ako


nagkakamali ay si Qualixter at ang pinatutulungan nila ay si...

"Uncle Hegard?"

"Uncle mo siya?"

Napalingon ako kay Oceane.

"Puntahan natin si Ashlyn, ayun siya.."

Mabilis akong iniwan ni Oceane at tumakbo ito papalapit kay Ashlyn.

Castor's POV

Hindi talaga mapatumba ang wizard na ito. Masyado siyang malakas para sa isang
Class A wizard na kagaya ko.

"Papatayin kita Hegard!"

Galit na sigaw ni Qualixter.

"Expellente!"

Isang malakas na pwersa ang naramdaman ko ng sandaling iyon. Malakas na hangin din
ang humaharang sa aking paningin.

Bago tuluyang humapdi ang aking mata sa lakas ng hangin kitang kita ko nainilipad
nito si Hegard.

Mabilis kong sinundan ang wizard para mapatay ito ngunit hindi ko na ito nakita
pang bumagsak sa lupa.

"Anong nangyari? Saan na nagpunta ang Wizard na yon?"

Lumingon lingon ako sa paligid.

Unti unti nang nawawala ang spell at bumalik na sa dati ang paligid.

'nawala siya!'

Napalingon ako sa kinaroroonan nila Ashlyn, nun ko lang napansin na naroon na pala
si Oceane na yakap yakap ang babaeng lobo at si Zaiden Alfiro na tumatakbo
papalapit sa kanila.
Ashlyn's POV

"Masaya ako at ligtas ka Oceane!"

"Ako rin..."

Naramdaman ko sa yakap ng Infinity na totoong nag alala siya.

"Anong nangyari sa kanya?"

Narinig kong tanong ni Zaiden Alfiro.

"Mahina ang tibok ng kanyang puso..."

Sagot naman ni Frost na nakayakap parin kay Allyssa.

"Anak ko... Allyssa anak!"

Mabilis na niyakap ni Uncle Qualixter si Allyssa. Umiiyak ito.

"bakit ka pa pumunta dito?"

Umiiyak na sabi nito.

"Dalahin natin siya kina Old Elf para magamot siya..."

Sabi naman ni Oceane.

"Sa kalagayan niya, hindi siya aabot kahit ako pa ang magdala sa kanya."

Napalingon ako kay Silverwood.

"anong gagawin natin? Baka mamatay siya?"

Taranta naman na sabi ni Oceane

Napatitig ako sa kanya. Kahit masama ang ugali ng pinsan ko iniisip pa rin ng
Infinity ang kaligtasan niya.

"Allyssa anak ko..."

Patuloy sa pag iyak ni Uncle.

Huminga ako ng malalim bago muling nagsalita.

"May naisip ako na paraan..."

Napalingon ang lahat sa akin.

"Ano?"

Tanong naman ni Frost.

"Ashlyn wag mong sabihin na...."


Hindi na naituloy ni Uncle ang sasabihin niya dahil tumango na ako bilang pagsang
ayon.

"Wag mo ng ituloy.... Mapanganib ang gagawin mo.."

"Paano po si Allyssa? Wala ng ibang paraan para mabuhay siya."

"Anong paraan yan lobo?"

Tanong ni Silverwood sa akin.

Hindi ako lumingon para tingnan siya. Hinawakan ko lang ang kamay ni Allyssa.

Niyakap ko muna si Oceane sumunod si Zaiden Alfiro.

"Ash..."

Sabi ni Oceane.

Ngumiti lang ako kay Castor.

"Silverwood.... Mamimiss kita!"

Hindi ko na hinintay pa ang magiging reaksyon ni Castor. Inumpisahan ko na ang


dasal.

Castor's POV

Kumunot ang noo ko ng sabihin nya yon.

'Ano na naman ba ang ibig sabihin ng babaeng ito?'

Hindi niya ako tingnan man lang ng sabihin nya yon. Nag umpisa siyang gumawa ng
ritwal.

"Etinum aber, katerika decenter....."

Tumayo si Qualixter at tinangkang pigilan si Ashlyn.

Nagulat kaming lahat ng lumipad siya sa ere at tumilapon ilang metro din ang layo.

"May shield ang pagitan natin at nilang dalawa."

Sabi naman ni Frost na nakatitig pa rin sa ginagawa ni Ashlyn.

"Ano bang plano niyang gawin?"

Tanong ko naman.

Hindi ko alam kung may nakakaalam ng sagot sa tanong ko.

"Zai alam mo ba?"

Narinig kong sabi ni Oceane.


Napatingin ako sa kanilang dalawa ni Alfiro.

Matagal bago nakasagot si Alfiro.

"Teransfura...."

Walang nagsalita sa aming lahat. Naramdaman ko ang paglapit ni Qualixter sa amin.

"Teransfura! Isang makalumang spell na ginagamit noong unang panahon para sa


paglipat ng buhay ng isang nilalang sa isa pang nilalang."

"ANO?!"

Nang marinig koi to, agad kong nilapitan ang babaeng lobo, pero kagaya ni Qualixter
lumipad ako sa ere.

"Castor!"

Narinig kong sigaw ni Oceane.

Qualixter POV

Lahat sila ay walang idea sa kung ano ang Teransfura. Isa itong mapanganib na spell
na walang sinuman ang may lakas ng loob na gawin. Tanging ang mga sinaunang taong
lobo ang bihasa sa paggamit nito.

'Paano nalaman ni Ashlyn ang tungkol dito?'

Habang wala akong magawa para pigilan ang aking pamangkin, napansin ko ang unti
unting paglabas ng isang malaking puting lobo.

'Anong....'

"Nababaliw siya, alam ba niya ang ginagawa niya?"

Narinig kong sabi pa ng batang lalaki sa aking tabi.

"Hindi nya dapat gawin yan, alam nya na pag may nangyari sa kanya..."

Patuloy ng binata, ngunit di nito natapos pa ang sasabihin ng pigilan siya ng


batang Alfiro.

"Castor!"

Isang malakas na suntok ang ginawa nito sa shield na pumoprotekta sa aking anak at
sa aking pamangkin.

Napansin ko kaagad ang nilikha nitong lamat sa shield.

"Ang lakas mo para sa isang...."

Di ko na natapos pa ang sasabihin ko ng mapansin ko ang babaeng katabi nito.


'Ang Infinity..'

Ipinagpatuloy ng binatang iyon ang pagsuntok sa shield.

Habang patuloy sa pag agos ang dugo sa magkabila niyang kamao, unti unti naman
lumalaki ang lamat sa shield.

"Castor...."

Napigilan ng Infinity ang pagsuntok ng binata ng hawakan nito ang duguan nitong
kamay.

Ilang sandali pa, lumiwanag ang kamay ng Infinity hanggang sa bumalot ito sa buong
paligid.

Hindi ko na namalayan ang lahat ng nangyari, parang masyadong mabilis ang lahat.

Basta ang naaalala ko yakap ko ang aking anak habang nakaupo ako sa gitna ng gubat.

*******************************************
[15] Chapter 14: Hunting
*******************************************
Castor's POV

Pagkatapos ng lahat ng nangyari ilang araw na ang nakakaraan, napapansin ko na


parang may kakaiba kina Alfiro at sa Infinity.

Pakiramdam ko meron silang di sinasabi sa akin.

Nakatambay ako sa silid ni Oceane sa school dorm.

Alam nyo naman na yon ang tambayan ko pag school days.

"Tara dun tayo sa Night Market..."

Sabi ni Oceane.

"Ano namang gagawin ko dun?"

Inakbayan nya ako. Muli kong naamoy ang feminine scent nya.

"Para hindi mo siya masyadong mamiss.."

"Wala akong nami miss na kahit ano at kahit sino."

"Weh?"

"Pwede ba!"

Tumalon ako sa bintana papunta sa sanga ng puno.

Naupo ako dun habang naupo rin sa bintana si Oceane.


Naalala ko ang lahat ng nangyari ng oras na yon.

REWIND....

Naramdaman ko ang init na nagmumula sa palad ni Oceane, ilang sandali pa ay umaapoy


ang aura niya.

Hindi lang iyon ang naramdaman ko ng mga sandaling iyon.

'Nakakaramdam ako ng takot, hindi! Kaba yata ito...'

Hindi ko maipaliwanag ang emosyon na bumabalot sa aking puso.

Basta ang pinaniniwalaan ko, hindi iyon isang panaginip.

Ang pakiramdam bilang isang normal na tao, na mahabang panahon ko na rin hindi
narararamdaman ay biglang pumasok sa akin.

Isang masarap na pakiramdam, isang bagay na matagal kong inaasaam.

Napahawak ako sa aking braso.

'Masakit...ano itong...?'

Dinama ko pa ng mabuti ang aking braso.

Isang pulang likido ang umaagos sa aking balat.

'M------may sugat ako... nasasaktan ako!'

Napapikit ako ng kumirot ito habang hawak ko.

'T------tao na ba ako ulit?'

Yun ang pumasok na tanong sa isip ko.

Hawak pa rin ng Infinity ang kabila kong kamay.

Napansin ko ang pag iiba ng kulay ng kanyang mga mata.

Kulay apoy.

Nakatitig siya sa babaeng lobo.

Kahit hawak niya ako, nakikita ko rin ang nakikita niya.

Naramdaman ko din ang nararamdaman niya.

'Anong....'

Napatitig ako sa kanya.

Hindi siya ang babaeng pinoprotektahan ko.


Hindi rin siya ang babaeng mahal ko.

Ibang nilalang na siya.

Nakakatakot ang kanyang mga mata.

Matalas tumingin na tumatagos sa kaluluwa.

'Ang Wind Eagle at Fire Phoenix ang siyang nasa katawan ng Infinity.'

Isang lengwahe ang lumalabas sa kanyang mga bibig na wala namang boses.

Nabigla pa ako ng magsalita ng kusa ang aking bibig.

Kinokontrol niya ang katawan ko.

Nagagawa niyang gamitin ang aking katawan kahit hindi ako umaalis sa katawang lupa
ko.

"Ako ang Infinity... ako ang nakatakdang bumuhay sa lahat ng namatay... ako ang
tagapagtanggol ng ating mundo laban sa itim na kapangyarihan.!"

Nakatingin lang ang lahat sa Infinity at sa akin.

Lahat ay tulala at walang kumikilos.

"Aves Trinity Rebula Quireja!!!!!"

Pagkasabi nun ay parang isang malakas na pwersa ang biglang tumulak sa akin kaya
naman lumipad ako sa ere kasama ng iba pa.

...,...............

..,.............

...........

.......

....

'Anong nangyari?'

Tumayo ako habang hawak ko ang aking ulo.

Pakiramdam ko biglang bumilis ang oras.

Lumingon lingon ako sa paligid.

Walang ibang tao.

'Asan na sila?'

Tanong ko naman sa sarili ko.

Pamilyar na amoy ang nalanghap ko.

'si Ashlyn...'
Mabilis kong hinanap ang amoy na yon.

Tumigil ako sa pagtakbo ng may napansin ako sa sarili ko.

Pinagmasdan kong mabuti ang aking balat.

Dinama ng aking dila ang aking mga ngipin.

Napapikit ako at saka huminga ng malalim.

'Bampira na ulit ako.'

Kaya pala mabilis kong narecognize ang amoy ng babaeng lobo.

Hinanap ko muli ang amoy.

Habang papalapit ako sa lugar kung saan naaroroon ang amoy na yon......

Muli akong napahinto.

Isang malaking puting bagay ang aking nakikita di kalayuan sa aking kinatatayuan.

Agad kong nilapitan iyon

'Ashlyn'

Nang tuluyan akong makalapit, tama nga ang hinala ko, ang babaeng lobo.

Sa anyong malaking puting lobo ang Ashlyn na hawak hawak ko.

Pinagmasdan kong mabuti ito.

"Ashlyn wake up.."

Hindi gumagalaw ang lobo.

"Wake up!"

Ulit ko pa ngunit wala paring reaksyon ito.

"Wake up Ashlyn please!"

Mahina lang iyon.

Mahinang bulong sa kanyang malaking tenga.

Walang reaksyon ang lobo.

Isang kulay puting bilog na bagay ang nagpaikot ikot sa akin.

Pagkatapos ay biglang itong nagliwanag ng sobra.

Napansin ko na unti unting nawawala ang bahagi ng katawan ng lobo.

Mula sa mahabang buntot nito.

Sa paa...

Sa katawan...
At sa ulo.

......

....

...

Ilang minuto na rin akong di gumagalaw sa posisyon kong iyon

Nawala sa pagkakahawak ko ang katawan ng lobo.

PRESENT TIME.....

"Alam mo, wala pa rin akong naaalala sa mga nangyari."

Bahagya pa akong nagulat ng magsalita si Oceane.

"May nawala na naman ng dahil sa akin."

Napansin ko ang paglungkot ng kanyang mukha.

"Wala ka naman kasalanan dun... tama lang na mawala siya."

Bago siya nag react sa sinabi ko, ngumiti siya ng bahagya sa akin.

"Sige na.. labas tayo..."

Tinitigan ko muna siya.

"Sige na nga. Ang kulit mo!"

Zaiden's POV

Bumaba ako ng broomstick ko habang maingat na naglalakad.

Lumingon lingon pa ako sa paligid bago tuluyang pumasok sa isang bahay inuman sa
Night Market.

Bawal sa mga katulad kong estudyante pa lang ang pumasok sa Black Crikets.

Isa iyong bahay inuman para sa mga Black Wizards.

Legal naman ang Black Crikets dahil otorisado ito ng Legal Ministry for the Blacks.

Dahil nga sa labanan ng Black at White Magic naging magulo noon ang buong Wizarding
World.
Kaya naman naisipan ng aking ama na gumawa ng batas para bigyan ang mga Black Magic
users nang pantay na karapatan kagaya ng mga White Magic users.

Hindi lahat ng "Black Magic Users" kung tawagin ng iba ay gumagamit ng Black Magic.

Ang karamihan dito ay hindi nila kagustuhan. Katulad ko, ang aking ama ay mula sa
angkan ng mga Dark Wizards.

Kahit kilala ang mga Alfiro sa ganoong paniniwala, hindi ako basta basta gumagamit
ng Black Magic.

Sila yung mga wizards at witches na gumagamit ng White Magic ngunit minalas na
nagmula sa lahi ng mga Dark Wizards.

Lumingon ako sa kabuoan ng silid para mahanap ang aking hinahanap.

Sa di kalayuan, isang kaway ang aking napansin.

Huminga ako ng malalim bago siya nilapitan.

Castor's POV

Bahagya akong nakaramdam ng galit ng marinig ko ang bagay na iyon.

Inamin na kasi sa akin ni Oceane na may namamagitan na sa kanilang dalawa ni


Alfiro.

" Wala ka bang sasabihin?"

Nakatitig siya sa akin.

"Wala."

"Hindi ka ba magagalit? Hindi mo ba ako sesermunan?"

Seryosong sabi pa niya

"Siya naman talaga ang gusto mo diba?"

Pagkasabi nun ay tumayo na ako.

Uminom kami sa sikat na HoneyBear sa Night Market.

Honey Beer ang kanilang sikat na inumin doon.

Uri ng alak ito na maaring inumin ng kahit na sino, bata man o matanda.

At tulad ng ibang alak, may halo ito na nakalalasing.

"Ayos ka lang?"

Bahagya siyang nahilo ng tumayo siya, mabuti na lamang at nasalo ko siya kaagad.
"Hindi ako sanay sa ganitong inumin."

Paliwanag pa niya.

"Sa sobrang tamis niya, para lamang akong umiinom ng chocolate kaya di ko namalayan
na masyado pa lang malakas ang tama nito, parang redhorse."

"Ano? Redhorse?"

Tumawa siya imbes na sagutin ang tanong ko.

"Usong alak yon sa mundong kinalakihan ko.

Yun ang palaging binibili ni Mama noon."

"Halika ka na, umuwi na tayo..."

Inalalayan ko siya papalabas ng pinto.

"Pwede mo ba ako buhatin?"

"Nahihilo ka na ba?"

Tumango lang siya na parang bata.

Napangiti ako.

Tumalikod ako sa kanya at naupo.

"Sumakay ka na."

Agad naman siyang sumakay sa likod ko.

Nakayap siya sa aking mga balikat, habang ang kanyang ulo ay nakapatong sa isa
akong balikat at ginawa niyang unan ang kanyang isang braso na nakayakap sa akin.

Nag umpisa akong maglakad. Maraming tao ng gabing iyon sa Night Market.

Ang iba ay habol tingin pa sa akin, ang iba naman ay deadma lang.

"Hindi mo ba namimiss ang kinalakihan mong mundo?"

tanong ko sa kanya.

"Gusto ko nga bumalik dun...."

tumahimik ako.

"Sa mundong yon, kahit san damakmak ang mga halang ang bituka, masasamang tao....
ramdam ko dun na tao ako."

Bahagya akong natawa sa sinabi nya.

"Dun sa mundong yon, dun ako natuto maging mabuting tao sa kabila ng hirap ng
buhay...."

"Sabagay, dito nasa panganib palagi ang buhay mo. Lahat gusto kang patayin. May
napakalaki at napakabigat na responsibilidad na naghihintay sayo dito. Para sa edad
natin, dapat isang normal na etudyante lamang tayo."
Napansin kong hindi na siya nagsasalita.

'Tinulugan na ako.'

Nakangiti akong umiiling habang naglalakad.

Diretso akong nakatingin sa daan ng makita ko si Alfiro na lumabas sa isang bahay


inuman.

Bahagya akong huminto at nagtago sa di kalayuan.

'Si Zaiden Alfiro nga...'

Lumingon lingon muna ito sa paligid bago sumakay sa kanyang broomstick at umalis.

Napatingin ako sa pangalan ng bahay inuman.

'Black Criket. Anong ginagawa nya dun?'

Zaiden's POV

Imbes na dumeretso ako sa bahay, dumeretso ako sa dorm namin.

Bumaba ako sa may fountain.

Tumingin pa ako sa building namin.

"Anong ginagawa mo dito?"

Napalingon ako.

Si Castor pala habang buhat niya sa likod niya si Oceane.

"Nakatulog siya?"

Tanong ko naman sa kanya.

"Oo."

Simpleng sagot niya sa akin. Nagsimula na ulit itong maglakad.

"Sandali."

Tumigil naman si Castor.

Hinarap ko siya. Hindi ako nagsalita.

Nabasa naman nya ang ibig kong sabihin.

Maingat niyang inilipat sa likod ko si Oceane na mahimbing pa ring natutulog.

"Salamat."
Yun lang ang sinabi ko saka ako naglakad palayo.

Castor's POV

Malapit na sumikat ang araw.

Nakaupo pa rin ako dito sa tambayan ko.

'Ano kayang nangyari sa kanya?'

Hanggang ngayon, yun pa rin ang tanong ko sa hangin.

Walang makapagsabi kung patay na ba ang babaeng lobo.

'Ano bang nangyayari sa akin?'

Sinuntok ko ng sinuntok ang ulo ko.

'Nakakainis.. di talaga ako tinigilan ng makulit na yon. Ahhhhgrr..'

Para mawala siya sa isip ko tumalon ako sa mataas na punong iyon.

Nang bumagsak ako sa lupa. Isang mahinang tawa ang narinig ko.

Napalingon ako sa aking kanan at isang lalaki ang nakasandal sa puno ang nakita ko.

Tumayo ako ng tuwid at tiningnan lang siya habang papalapit sa akin.

Kinapa ko ang wand ko sa aking likuran.

"Hindi naman ako makikipaglaban sayo Castor Craven Silverwood tama ba?"

Sabi pa nito hanggang sa tuluyan siyang makalapit sa akin.

"Bakit ganyan ka makatingin? Ow, don't tell me na nakalimutan mo na ako."

Pinagmasdan ko ang mukha niya.

Kumunot ang noo ko ng makilala ko siya.

Siya si Alaister Reedwick.

Naalala nyo ba na may inimbestigahan ako noon na mula sa lahi ng mga Reedwick?

Siya ang lalaking yon. Masyado siyang malapit kay Ashlyn Catlesnake noon kaya
silang dalawa ang inimbestigahan ko.

"Anong kailangan mo?"

"Ha? May itatanong lang sana ako sayo."


Hindi ako nagsalita. hawak ko pa rin sa likuran ko ang wand ko.

"Anong nalaman mo sa akin after mo akong sundan ng buong 1 linggo?"

Hindi ako nagsalita. Pinagmamasdan ko ang bawat galaw ng bibig at katawan niya.

"Hey! Baka gusto mong sumagot."

"Kung ano naman ang nalaman ko tungkol sayo akin na lamang yon."

Nagsmirk ito.

"Masyado ka naman suplado. Anyway, habang pinagmamasdan kita kanina parang may
iniisip ka."

"Wala ka ng pakialam pa doon."

"Yeah right..."

"Ano bang kailangan mo sa akin?"

Hindi ito sumagot. Imbes ay bigla itong umalis.

Hindi ko na inalam pa kung saan siya pupunta. Babalik na ako sa Academy.

Oceane's POV

"Masyado ka yatang tahimik?"

Napansin ko kasi na malalim ang iniisip ni Zaiden.

"Ha? Wala may iniisip lang ako."

Hindi na ako nagsalita. Naglalakad na kami sa hallway para magbreakfast sa dining


hall.

Habang palihim ko siyang pinapakiramdaman, napapansin kong lumilipad talaga ang


isip niya.

"Ouch!"

Reklamo ng isang forth level student. Nabangga kasi ito ni Zaiden.

"Pasensiya na.!"

"Badtrip, aga aga oh! Tumingin kasi sa daan."

Sabi pa ng lalaki habang papalayo.

Pagdating namin sa dining table, sabay kaming naupo.

Hindi siya kumukuha ng pagkain kaya naman ako na ang kumuha para sa kanya.
Hinawakan niya ang kamay ko para pigilan ako sa pagkuha ng pagkain para sa kanya.

Ngumiti siya sa akin saka hinalikan ang kamay ko.

"Bakit?"

Umiling lang siya.

"Yung kamay ko Zai..."

Itinaas pa niya ng bahagya ang kamay ko at itinapat ito sa dibdib niya.

"I love you..."

Ngumiti siya ulit.

Hindi na ako nagsalita.

Unang klase namin, hindi pa rin niya binibitawan ang kamay ko.

"Zai baka makita tayo ni Prof..."

"I don't care..."

Nakangiting sabi pa niya sabay kindat.

Bahagya akong napatawa sa paagkaweird niya.

"Hrrrrrm..."

Nagulat pa ako ng mapansin ko na nasa harap na pala namin si Prof Saatchi.

Agad kong inalis ang kamay ko sa pagkakahawak ni Zaiden.

"Something wrong?"

Tanong pa ni Prof sa aming dalawa.

Umiling lang ako.

"Nothing Prof.."

Nakangiti pang sabi ni Zaiden.

"Kung ganoon, get your books and turn it to page 346."

Sabi ni Prof habang naglalakad siya pabalik ng table niya.

Kinuha ko naman ang libro sa drawer sa table.

"Have you guys heard about Piscine Humaniods?"

Tanong ni Prof.

"How about Amphibian Humaniods?"

Walang sumagot sa amin. Lalo na ako malay ko ba sa mga mythical creatures na yan.
" Well, sila yung mga tao na may characteristics ng isang isda o amphibians. Sa
mundo ng mga tao, maraming kwento tungkol sa kanila. Nasulat sila sa iba't ibang
libro bilang myth."

Habang nagsasalita si Prof Saatchi, napapansin kong panay ang sulyap ni Zaiden.

Hindi pa yan, sumulat pa siya sa isang parchment at maingat na ibinigay ito sa akin
para di mapansin ni Prof.

"Ano ito?"

Mahinang tanong ko sa kanya.

Ngumiti lang siya.

"I love you?"

Bahagya akong napangiti.

"Ms. Gyresky?"

Agad kong itinago ang papel sa libro.

"Prof?"

"Bakit nakangiti ka?"

"Ha? Wala po.. wala po."

Kumunot ang noo ni Prof. Alam kong di siya naniwala sa alibi ko.

Lumingon ako kay Zaiden.

Nakangiti pa rin ito.

"Karamihan sa pinaniniwalaan sa myth ng mga tao ay Adaro, Dagon, Ea, Glaucus,


Heqet, Huh, Iaras, Matsya, Vishnu, Pincoys at marami pa."

Napatingin si Prof muli sa akin ng magtaas ako ng kamay.

"Yes Ms. Gyresky?"

Tumayo ako.

"Prof... nag e-exist pa po ba lahat ng creature na yon?"

Tumingin sa akin si Prof.

Base sa tingin nya parang gusto nya akong pagtawanan.

Hindi pa sinasagot ni Prof ang tanong ko ng magtaas ng kamay si Zaiden

"Prof..."

"What Mr. Alfiro?"

"Si Ms. Gyresky po ay nanirahan sa mundo ng mga normal for 15 years kaya wala po
siyang idea sa mga existing creature."
"Really?"

Tanong ni Prof sa akin. Tumango naman ako bilang pagsang ayon.

"Well, Sorry for that Ms. Gyresky.. ikaw lang ang nagtanong sa akin ng ganyan."

Napanganga ako.

'Weh di nga? As in kahit yun ibang normal na tao hindi man lang nagtanong?
Imposible!'

"Second Level ka na Ms. Gyresky... dapat alam mo kung ano ang totoo at di totoo.
Dapat alam mo kung ano ang nage-exist at ang folklore lang."

Sasagot pa sana ako, pero ng mapansin kong nakatingin na lahat sa akin ang mga
classmate namin, di na ako nagsalita pa.

Masyado na akong napahiya.

Zaiden's POV

"Yeah! Siguro nga wala pang nagtanonng ng ganoon kay Prof Saatchi."

Napasimangot siya sa sinabi ko

"Kahit pa, di naman nya kelangan ipahiya ako ng ganun."

"Hayaan mo na..."

Sabi ko sabay pisil sa ilong niya.

"At ikaw, ano bang trip mo kanina ha?"

Nakaupo kami sa dining area para sa tanghalian.

"Mamimiss kasi kita."

Nakangiting sabi ko sa kanya.

Kumunot ang noo niya.

"Bakit?"

Tanong ko.

"Bakit saan ka pupunta? Aalis ka ba?"

Matagal din bago ako nakasagot. tinitigan ko muna ang naging reaksyon ng mukha
niya.

"Oo eh.. may kailangan akong asikasuhin."


"Ano naman yon? Bakit? Mahalaga ba yon? Bakit kelangan mo pa umalis?"

Sunod sunod niyang tanong.

"Mahalaga yon..."

"Mas mahalaga kesa sa akin?"

Ngumiti ako.

"Basta pakabait ka ha?"

"Hindi mo na sinagot ang tanong ko."

"Ikaw... Ikaw lang ang mahalaga sa akin."

"Then why...."

Hinalikan ko na siya bago pa niya maituloy ang sasabihin niya.

Smack lang yon. Kaya walang nakakita sa ginawa ko kahit maraming estudyante sa
dining area.

"Dadaan ako sa silid mo mamaya bago ako umalis ok?"

Hindi na siya nagsalita pa, pero kitang kita ko sa mukha niya ang lungkot

Matapos ang klase. Nakipagkita ako ka Castor bago ako tumuloy sa silid ni Oceane

"Bakit?"

tanong ni Castor sa akin.

"May mahalagang bagay lang akong aayusin..."

"Gaano kahalaga?"

"Akin na lang yon. Basta ipinauubaya ko sayo ang kaligtasan ni Oceane habang wala
ako."

Nag smirk ito sa sinabi ko.

"Wala naman akong pakialam kung nandito ka o wala. Handa kong ibigay ang buhay ko
para sa kanya Alfiro."

Nakaramdam ako ng selos ng mga oras na ito.

Alam kong may pagtingin si Castor kay Ashlyn pero bakit si Oceane pa rin ang
pinapansin niya?

"Alam ko naman yon.... sige mauna na ako sayo."

Bago ko tuluyang maisara ang pintuan ng kanyang silid narinig ko pa ang sinabi
niya.

"Mag iingat ka Alfiro."


Huminga muna ako ng malalim bago aki kumatok sa silid ni Oceane.

Tok Tok Tok

Tok tok tok

tok tok tok

Matagal bago niya binuksan ang pintuan.

"Aalis na ako..."

Hindi siya nagsalita. Nakatingin lang siya sa akin.

Hinawakan ko ang pisngi niya.

"Wag ka naman malungkot..."

Hindi pa rin siya nagsasalita.

Niyakap ko siya ng mahigpit.

"Kailangan kong gawin ito.... ipapaliwanag ko sayo ang lahat pagbalik ko."

Hindi pa rin siya nagsasalita pero nararamdaman ko ang paghikbi niya.

"Magtatagal ka ba?"

"Hindi ko alam... pangako babalik ako. Babalikan kita."

Naririnig ko na ang kaninang mahina niyang hikbi.

Mas niyakap ko pa siya ng mahigpit.

Mahirap para sa akin ang iwan siya, pero kailangan ko itong gawin para sa
kaligtasan niya.

Gamit ang aking isang daliri, pinunasan ko ang kanyang luha.

Nararamdaman ko ang sobrang kalungkutan habang tinititigan ko ang kanyang mga mata.

Unti unti kong inilapit ang aking mga labi sa kanya para mapawi ang lungkot na
nararamdaman ko.

Castor's POV

Habang nakaupo ako dito sa sanga ng puno sa tapat ng bintana ni Oceane, kitang kita
ko ang lungkot sa kanyang mukha.

Hindi ako sigurado kung may naiintindihan siya sa Book Of Spells na binabasa niya.

Ilang oras na din ang nakalipas mula ng umalis si Zaiden Alfiro.


Tumalon ako papasok sa bintana.

Hindi ko pa rin maintindihan ang sarili ko, hindi ko siya matiis kahit alam ko na
iba naman ang laman ng puso niya.

Nilapitan ko siya ng di ako nagsasalita.

Bahagya pa akong nagulat ng yakapin nya ako habang patuloy siya sa pag iyak.

"Bakit ka ba umiiyak?"

Tanong ko sa kanya.

Dati agad kong inaalis ang mga braso niya sa akin pag yumayakap siya, ngayon ok
lang kahit ganito ang posisyon namin, kahit gaano pa katagal.

"Wala.."

Humihikbi niyang sagot.

"Wala ka dyan.. "

Inilayo ko ng bahagya ang mga braso niya.

Tinitigan ko siya.

Gamit ang malamig kong daliri, pinunasan ako ang mga luha niya.

"Wala naman dapat iyakan."

Sumimangot lang siya.

Ewan ko ba. Habang tinititigan ko ang kanyang mga mata, ramdam ko ang lungkot niya.

"Wag ka na umiyak..."

Sabi ko pa sa kanya.

Hindi na siya nagsalita pa.

Kahit ganoon, hindi ako umalis sa tabi niya.

Oceane's POV

Mula nun umalis Zaiden, nawalan na ako ng gana mag aral.

Alam mo yung feeling na parang me kulang sa buhay mo.

Palagi kaming magkasama at palagi rin siya nasa tabi ko.

Kaya ang hirap naman mag adjust pag bigla ka niya iiwan.
"Kumain ka na..."

Puna sa akin ni Castor.

Mabuti na lang at palagi siyang nasa tabi ko.

"Wag mo sabihin na wala ka na naman gana."

Bahagya lang ako ngumiti sa kanya.

Hapunan na. Tapos na ang buong araw ng klase.

Palagi kong kasabay sa pagkain si Castor.

Iniisip ko nga kung di ba niya namimiss si Ash, kahit palagi silang nagtatalo, alam
kong espesyal si Ash sa kanya.

"Ano na naman ibig sabihin ng tingin na yan?"

"Yun totoo..."

"Anong totoo?"

"Wala ka ba talaga naging feelings kay Ash?"

Tinitigan nya muna ako bago siya huminga ng malalim.

"Babaunin ko na lang ito sa room ko..."

Tumayo ako saka naglakad palabas.

Sa hallway nagulat pa ako ng bigla akong akbayan ni Castor.

"Gusto mong mamasyal?"

"Saan?"

"Basta."

Zaiden's POV

"Akala ko hindi ka na darating..."

Sabi pa sa akin ni Uncle Hegard habang nakaupo siya sa terrace ng kanyang masyon.

"May isang salita ako..."

Tumayo si Uncle nilapitan niya ako saka inakbayan.

"Yan ang gusto ko sayo Zaiden... madali kang kausap, hindi kagaya ng walang kwenta
mong Ama."

Nang marinig ko yon, nakaramdam ako ng galit.


Pinilit kong pigilan ang aking emosyon.

"Bakit aako pa ang kailangan humanap sa kanya?

Marami ka naming tauhan na pwede mong utusan."

Tumawa siya sa sinabi ko

"Ikaw ang gusto ko, pagkatapos ng nangyari nun gabing iyon, agad akong nag
imbestiga at nalaman ko na kaibigan mo ang Legendary Wolf Master, katulad ng half
vampire na si Silverwood at ang pinaka mahalaga sa lahat ang Infinity."

Hawak pa rin niya ang glass wine sa kanyang kaliwang kamay at sa kanan ay ang
kanyang wand.

"Maupo ka Zaiden.."

Naupo naman ako. Hindi ko inaalis ang paningin ko sa kanya.

"Look at you hijo... kung di mo ako tinanggihan noon eh di sana ay isang malakas na
wizard ka na."

Uminom muna siya ng wine bago muling nagsalita.

"Mula ng mawala ang iyong Ama at ang iyong nakakatandang kapatid, alam ko ang
naging pakiramdam mo.Na mag isa ka na."

'Hindi ako nag iisa. Kasama ko si Oceane.'

"Dito ka na tumira sa akin, sinasabi ko sayo Zaiden, magiging malakas ka."

Hindi ako nagsalita.

Castor's POV

Buhat buhat ko na naman siya sa aking likuran.

Napangiti ako ng marinig ko ang kanyang pagtawa.

Habang pasan ko siya sa aking likuran ay mabilis akong tumatakbo palipat lipat sa
mga puno.

Natutuwa naman ako sa tuwing mapapasigaw siya pag nagbibiro ako.

Mula sa pinakatuktok ng mga puno, walang sabi sabi akong tatalon pababa.

Para sa akin ay nag eenjoy ako sa ganoong ginagawa ko, ngunit siya naman ay walang
ginawa kundi ang bugbugin ako at hampasin ang aking likuran sa tuwing gagawin ko
iyon.
"Ano? Magdadrama ka pa ba?"

Tanong ko sa kanya. Nakaupo na kami ngayon sa dalampasigan.

"Ang sama pala ng feeling pag nasanay ka sa isang bagay o kahit sa tao na lagging
andyan sa tabi mo tapos biglang mawawala sa isang iglap lang."

Hindi ako nagsalita, parang alam ko ang pakiramdaman na yon.

Na palaging may naiinis sayo at palaging may handang makipagtalo sayo anumang oras.

Nagulat pa ako ng bahagya ng hawakan niya ang noo ko gamit ang kanyang thumb.

Muli, nakaramdam ako ng init sa katawan. Gumaan ang aking pakiramdam na para akong
nasa langit.

Biglang nawala ang masarap na pakiramdam na yon ng alisin niya ang kanyang thumb.

Pagdilat ng aking mata, una kong nakita ang maganda niyang mukha habang nakangiti
sa akin.

'Hindi ko maitatanggi, masmatimbang ka sa puso ko Oceane...'

"Thank you ha! Atleast ngayon hindi presence ni Zai ang hinahanap ko. Alam ko na
hindi rin siya mapapalagay kung palagi ko siya iniisip."

"Can I have a favor?"

"Sige.. Ano ba yon?"

"Maari bang wag mo iisipin si Zaiden Alfiro pag magkasama tayo?"

Hindi siya nagsalita.

"Magkaibigan naman kami ni Alfiro ngayon hindi ba?... Gusto ko lang sana na
magkaroon tayo ng magandang memories together."

"Tayong dalawa?"

"Alam mo naman na may feelings ako sayo right? What I'm trying to say is, ginagawa
ko lahat para hindi ka malungkot, para hindi mo siya maalala palagi... I mean.."

Umiwas ako ng tingin sa kanya. Pakiramdam ko nababasa niya ang naisip ko.

"Yeah! I'm sorry... alam ko ang sinasabi mo.."

Sabi niya sa akin.

"Tara umuwi na tayo..."

Nauna akong tumayo saka ko siya inalalayan sa pagtayo.

Muli ay binuhat ko siya sa aking likuran at mabilis akong tumakbo pabalik sa


Academy.
Zaiden's POV

Hindi ako makatulog, iniisip ko si Oceane.

Alam kong paranoid na ako, pero maiaalis nyo ba sa akin na hindi mag isip?

Maraming nakapalibot na lalaki sa kanya.

Una na si Castor, si Frost at ang iba pang forth level sa Academy. Marami akong
karibal sa kanya.

'Alam kong ako lang ang mahal ni Oceane, sa dami ng pinagdaanan namin, hindi nya
basta basta itatapon na lang yon para sa sandaling panahon na nawala ko.'

BBBBBBBBBBRRRRRRRAAAAAAGGGGGGG......

BBBBBBBBBLLLLLLLLLLLLLAAAAAAAAAAAAM....

Napabalikwas ako.

'anong ingay yon?'

Hinawakan ko kaagad ang wand ko. Nakiramdam ako sa paligid.

Mayamaya pa ay nagliwanag ang fireplace sa silid ko.

"aray! Aray.. nakakainis, di ba ito pinapalinis ni Uncle?"

Boses babae ang aking narinig. Pamilyar na boses.

"Gaeia?"

Napalingon ang babae ng marinig nya ang boses ko.

"Zaiden Alfiro????"

Tama nga ako, si Gaeia nga. Agad tumayoito at niyakap ako.

"Tama nga si Uncle nandito ka...."

"Gaeia wait..."

Pilit kong inaalis ang pagkakayakap niya sa akin.

"Aren't you happy to see me? Ang tagal natin di nagkita..."

Sabi pa nito bago niya ako tuluyang binitiwan sa pagkakayakap.

"What are you doing here?"

Tanong ko naman sa kanya. Lumayo ako ng bahagya dito.

"Isn't it obvious? I'm here to see you..."

Si Gaeia ang tunay na kadugo ni Uncle Hegard. Kababata ko siya, pero ayoko sa
kanya.

"Zaiden... bakit parang di ka masaya na makita ako."

"Tama ka."

Naupo ako sa kama.

"Pagod ako, maari ka ng lumabas.. nagpapahinga ako istorbo ka."

Swish and flick sa wand ko kusang bumukas ang pintuan ng silid ko.

Nakasimangot na naglakad si Gaeia papalabas sa pinto.

"Nga pala Gaeia.."

"Ano yon?"

"Pwede bang gumamit ka ng tamang daanan pagpapasok ka sa silid ko. Ayoko na


magtransport gamit ang transportal papasok dito."

"Hindi ka pa rin nagbabago.. wala pa rin akong pakialam basta.."

Nagsasalita pa siya ng ikumpas ko ulit ang wand ko para isarado at ilock ang
pintuan.

"Good Night."

Inis kong sabi sa hangin.

Muli akong nahiga sa kama.

'Kailangan mahanap ko siya kaagad para makabalik na ako kay Oceane. Hanggat nandito
si Gaeia magiging miserable ang buhay ko.'

Frost's POV

Akala ko, ang mundong ito ang magbibigay sa akin ng magandang memories, nagkamali
ako!

Lahat ng nangyari sa akin dito ay di maganda.

Una nawala ang bestfriend ko sa akin, ngayon naman bilang Frost hinayaan kong
mawala sa akin ang babaeng nagmamahal sa akin.

Pagkatapos ng nangyari sa gubat, hindi ko alam na makakabalik pa ako dito sa


Academy.

"Anong ginagawa mo dito?"

Napalingon ako.
"Akala ko tulog ka na..."

"Hindi pa..."

Naupo siya sa tabi ko.

Di kagaya ng dati na halos magdikit na an gaming mga balat, ngayon ay pwede pang
maupo sa gitna namin ang isang tao.

Hinubad ko ang robe ko at ibinalot iyon sa kanyang balikat.

"malamig ngayon baka sipunin ka!"

Nguniti lang siya.

Sa sitwasyon namin ngayon, ako ang nasasaktan dahil sa guilt.

"Hindi ako makatulog.."

"Bakit?"

"Napapanaginipan ko si Daddy.. hawak daw niya ako, yakap yakap.."

Si Qualixter Sightwater ang Dad ni Allysa at sa kasamaang palad, namatay siya ng


gabing iyon.

Walang nakakaalam sa amin kung ano ang eksaktong nangyari, matapos ang sobrang
liwanag at malakas na enerhiya na naramdaman ng lahat wala ng nakaalam pa ng
sumunod na nangyari.

REWIND.....

Hindi ko maipaliwanag pero isang kakaibang pakiramdam ang pumasok sa loob ng aking
katawan.

Nakakaramdam ako ng sobrang galit at pagkamuhi.

Nasa harapan ko ang walang malay na si Allysa at ang kanyang Ama na hawak ang
kanyang mga kamay.

Habang pinagmamasdan ko si Allysa at ang kanyang Ama, hindi ko alam kung bakit
nakaramdam ako ng sobrang galit.

Sa isip ko sang flashback ang nakikita ko.

Unang pagdating namin sa mundong ito......

Ang away namin ni Oceane.....

Ang pagseselos niya kay Allysa.....

Ang pagigng malapit niya kay Zaiden Alfiro....

Ang pagseselos ko...


Ang pagkamatay ko...

Ang pagliligtas sa akin ng isang nilalang...

Ang pagtira ko sa bahay ng mga Sightwater...

Ang muling pagpasok sa Academy...

Nalaman ko na may gustong lumason kay Oceane....

Ang mga bulaklak....

Ang spell....

Si Ashlyn Catlesnake....

Ang pagliligtas niya sa akin....

Ang pagdukot sa akin ng Dark wizards....

Ang pagliligtas sa akin ng Infinity....

Ang pagtatapat ni Allysa....

Niligtas namin sina Castor Silverwood at Ashlyn Catlesnake....

Pag aagaw buhay ni Allysa...

Lahat ng iyon ay bumalik sa aking isipan.

Kaya ng makita ko ang wand ko sa aking tabi agad ko itong kinuha at itinutok kay
Allysa at Qualixter Sightwater.

Sila ang dahilan ng nangyari ito, sila ang dahilan kaya kami nandito sa sitwasyong
ito.

Itinaas ko ang aking wand......

Oceane's POV

Habang nakaupo ako sa kama, pumasok sa isip ko ang sinabi ni Castor kanina.

'Naging unfair ba ako sa kanya?'

Tanong ko sa sarili ko.

Kalagitnaan na ako ng Book of Spells. Binabasa ko lang ang mga nakasulat dito.
Hindi ko nga pinag iinteresan na kabisaduhin pa ang mga ito.

Naaagaw ang pansin ko ng isang kakaibang bulaklak na lumulutang sa harapan ko.


Hinawakan ko ito.

May nakasulat dito.

'Wag ka na malungkot, andito pa naman ako para sayo...'

Napangiti ako.

Lumingon ako sa may bintana. Nakita ko kaagad si Castor sa sanga ng puno sa tapat
ng bintana ng aking silid.

Kumaway pa ito sa akin.

Ewan ko ba kung bakit ang swerte ko dahil ang daming nagmamahal sa akin.

Itinabi ko ang libro sa aking cabinet saka ako nahiga sa kama.

'Ano ito?!'

Ibang klase.

Lahat ng nakasulat sa libro ay nasa utak ko.

Lahat ng pahina nito mula sa umpisa at kung saan ako tumigil magbasa ay nasa isip
ko.

Isang pahina ang nakuha ang atensyon ko.

Gaeia POV

Super happy ko talaga kasi nandito si Zaiden Alfiro!

Siya ang ULTIMATE CRUSH Ko at siya rin ang first love ko.

Bata pa lang kami magkakilala na kami, family friend namin ang mga Alfiro.

Ako ang favorite pamangkin ni Uncle Hegard. Binata kasi si Uncle, kaya wala siyang
anak.

'"Ano po?"

"Pagkakataon mo na ito para mapalapit kay Zaiden hija..."

"You're right Uncle, but he hates me... masyado siyang bastos sa akin."

"Hindi naman siguro hija... para ano pa ang pagiging Class J Witch mo kung di mo
siya kayang paibigin?"

Seryoso si Uncle. Nakatitig siya sa akin.

'Gusto ba niya na gamitan ko ng spell si Zaiden?'


Castor's POV

Sabado ngayon. Niyaya ako ni Oceane sa Elfwood kaya naman maaga pa lang papunta na
ako dun.

'Ano kayang sinasabi niya kanina?'

Pagdating ko sa bahay nila sinalubong ako ni Nazar.

"Oh ang aga mo Castor?"

"Pinapunta ako ng Infinity dito."

"Talaga? Bakit daw?"

Hindi ako sumagot dahil wala talaga akong idea.

"Asan ba siya?"

"Maaga dumating kanina pero maaga ring umalis.."

"Ha?"

'Akala ko ba pinapupunta nya ako dito?'

"Nagpaalam sa akin. Sabihin ko raw sayo na magkita kayo sa tabing lawa.."

Napalingon kami ni Nazar.

"Salamat.."

Sabi ko na lang kay Miranda.

Ngumiti naman ito saka kumaway.

Mabilis ulit akong tumakbo at tumalon talon sa mga puno hanggang sa makarating sa
tabi ng lawa.

Malayo layo pa ako ng matanaw ko siya.

Nakatayo siya habang yakap ang sarili.

Habang papalapit ako sa kanya, nararamdaman ko na ang malakas niyang kapangyarihan.

Masmalakas ito sa nakasanayan kong aura niya.

"Akala ko ba sa Elfwood?"

Sabi ko paglapit ko sa kanya.

Napansin ko kaagad ang pag iba ng kulay ng kanyang mga mata.

"Oh bakit ka nakatitig?"


"Yung.... wala.. wala.."

Hinarap niya ako saka hinawakan ang kamay ko.

"Gusto mo bang maging katulad ko?"

"Ha?"

Malaking question mark ang nakapatong sa ulo ko.

"What I mean is, gusto mo pa bang maging tunay na tao? Yung katulad ng mga
classmate natin.. katulad namin ni Zaiden.."

"Tanggap ko na ang kapalaran ko, half vampire ako.."

Tumahimik siya.

Sa pagtitig niya sa akin, para bang alam niya ang iniisip ko.

"Tanggap ko na kasi, kung hindi ako ganito hindi ko makikilala si Nazar, hindi ako
magiging malakas at bihasa sa abiladad ng isang bampira.. at higit sa lahat hindi
kita makikilala."

Ngumiti siya.

"So sinasabi mo ba na ayaw mo ng maging normal?"

"Pangarap ko yon at kahit kelan hindi ko yon aayawan... sinasabi ko lang na tanggap
ko na kung ano ako ngayon."

Ngumiti na naman siya.

"Bakit ba naitanong mo yan? Plano mo bang gawin akong normal?"

Tumango siya sa sinabi ko.

Nagsmirk ako.

"Hindi ito spell Oceane.. kinagat ako ng bampira.. kahit anong potion at spell ang
gawin mo.. walang mangyayari."

"Alam ko..."

"Then tigilan na natin ito..."

Hinawakan ko siya sa braso.

Hihilahin ko sana siya ng pilitin niyang bumitaw sa pagkakahawak ko.

"Oh bakit?"

"Ako ang Infinity diba?"

Hinarap ko siya.

"Alam ko naman yon.. pero hindi ka pa malakas... pag napatay mo na si Baragor at ok


na ulit ang Wizarding World... pagiging normal ang unang hihilingin ko sayo.."
"Bakit kailangan mo pa hintayin ang araw na yon? Matagal pa yon. Kaya kitang gawing
normal na Wizard ngayon."

"Pag ngayon mo ako ginawang normal, hindi kita mapoprotektahan laban sa mga Dark
Wizards na gustong patayin ka."

"Tama siya.."

Napalingon kami ni Oceane.

Hindi ko naramdaman ang paglapit niya sa amin.

"Ikaw yung...."

Sabi pa ni Oceane.

"Mula siya sa Clan ng mga Dark Wizards..."

Sabi ko naman.

"Anong ginagawa mo dito? Ugali mo ba talaga ang umepal?"

"Masyado kang mapagbintang Silverwood..."

"Ano bang kailangan mo?"

Hawak na ni Oceane ang wand niya.

"Ikaw naman Miss Gyresky Wovenspear... nakalimutan mo na ba na iligtas kita sa


kamatayan.?"

Wovenspear ang surname ni Nazar.

"Anong kailangan mo?"

"Ang totoo napadaan lang ako ng maramdaman ko ang malakas na kapangyarihan.


Sinundan ko ito at dito ako dinala.."

Hindi kami nagsalita ni Oceane.

"Alam mo Miss, delikado ang sobrang lakas ng aura mo. Maari kang mapatay ng ibang
Wizards na makakaramdam ng kapangyarihan mo."

Tama si Reedwick. Malayo pa lang ako naramdaman ko na ang lakas ng kapangyarihan ng


Infinity.

"Salamat sa paalala, maari ka ng umalis."

'Alam kaya niya na si Oceane ang Infinity?'

Zaiden's POV
Bago sumikat ang araw ay nagsimula na akong maghanap sa buong Wizarding World.

Sakay lang ako sa broomstick ko, kung pumayag ako sa kagustuhan ni Uncle noon
siguro ay pareho kami ni Gaeia na isa ng Class J Wizard.

Siya ang tinuruan ni Uncle noong hindi ako pumayag kaya naman malakas na siyang
Witch sa edad namin ngayon.

Nagfocus ako sa paglipad.

Kailangan kong mahanap kaagad si Ashlyn..

Hindi para sundin si Uncle kundi ang iligtas siya para hindi siya makuha ni Uncle.

Alam ng lahat na wala na siya pero walang makapagsabi kung ano talaga ang nangyari
sa kanya.

Alam ng mga Dark Wizards ang tungkol sa alamat ng Mysterious Wolf Master.

Ayon kasi sa alamat..... hindi namamatay ang mga Wolf Master.

Ang mga ito ay katulad ng mga Phoenix na nabubuhay muli.

Dahil mga espirito lang sila, kaya nilang pumasok sa mga babaeng nagdadalang tao.

Kinukuha nila ang katawan ng mga sangol sa loob ng sinapupunan ng isang buntis na
ina.

Kalimitan pinapasukan nila ay ang mga babaeng malapit ng manganak.

Kaya naman kailangan kong mahanap ang babaeng buntis na siyang pinasukan ni Ashlyn.

Alam ko mahirap ang maghanap ng mga buntis na ina, pero madali ko itong mahahanap
dahil sa kulay ng buhok ng babaeng buntis na pinasukan nito.

Isang maningning na kulay puting buhok ang makikita sa buntis na ina at ito ang
magsisilbing palatandaan na siya ang napili ng Wolf Master na magsilang sa kanya.

Gabi na ng tumigil ako sa paghahanap.

Nagpahinga ako sa isang silid na aking inupahan sa unang bayan ko na pinuntahan.

'Hintayin mo lang ako Oceane.. babalikan kita.'

Nahiga ako sa kama.

Malalim na ang gabi ng makarinig ako ng kaluskos mula sa labas ng bahay.

Itim na usok ang nalanghap ko mula sa labas.

Dahan dahan akong sumilip sa maliit na butas ng bintana.

'Rectus?'

Isang maliit na black fairy ang lumilipad sa labas ng bintana.

'Hindi kaya pinapasundan ako ni Uncle?'


Bumalik ako sa kama at muling nahiga doon.

Hindi ko pa rin binibitawan ang wand ko.

'Ibang klase ka talaga Uncle...'

Oceane's POV

"Bakit gising ka pa apo?"

Naupo sa tabi ko si Lolo.

Pinagmamasdan ko kasi ang mga bituin sa langit sa terrace ng tree house namin.

Ngumiti lang ako.

"Iniibig mo talaga ang batang Alfiro?"

"Mahal ko po siya Lolo... sigurado na po ako sa nararamdaman ko."

Hinawakan ni Lolo ang kamay ko.

"Bata ka pa apo... marami pang maaring mangyari sa buhay mo."

"Alam ko po Lolo... at gusto ko po kaming dalawa ni Zaiden ang haharap sa lahat ng


mangyayari."

"Sana nga apo.. sana nga ganoon ang mangyari."

Ngumiti ma lang ako kahit di ko alam ang ibig sabihin ni Lolo.

Naramdaman ko ang init na nagmumula sa liwanag ng araw.

Idinilat ko ang aking mga mata, bumangon at saka binuksan ang bintana ng aking
silid.

Tok Tok Tok

"Bukas po yan..."

sigaw ko.

Pumasok si Mama at sinalubong ako ng mahigpit na yakap.

"Anong meron ma?"

"Wala!.. Masaya lang ako na dito ka nagstay sa bahay ngayong weekends.."

"Parang sinabi nyo na rin Ma na masaya kayo dahil wala si Zaiden."


"Parang ganoon na nga!"

Tumawa siya pagkasabi nun.

"Mama naman eh..."

"Hrrrrrmmmm..."

Si Papa, nasa tapat ng pinto ng silid ko.

"Mukhang nagkakatuwaan kayo ah!"

"Hmnp! Usapang babae ito.."

sabad ni Mama.

"Mabuti pa anak, mag agahan kana dahil may lakad tayo."

"Lakad po?"

"Saan yan Nazar?"

"Basta..."

""Sige po, magpapalit lang ako ng damit."

Castor's POV

'Ano ba yon?'

Nakatayo ako sa tuktok ng pinaakamataas na puno.

Malakas ang hangin pero kaya ko naman labanan para hindi ako matangay nito.

Iniisip ko ang flash back sa utak ko kagabi.

'Anong ibig sabihin nun?'

Paulit ulit kong tanong sa sarili ko.

Bigla kasing pumasok sa isip ko ang babaeng lobo, nasa panganib siya.

Pero paano naman mangyayari yon? Wala na siya diba? Wala ngang nakakaalam kung saan
siya napunta.

Pero kagabi, isang babae ang nakita ko sa isip ko, malabo ang mukha niya, di ko
makilala.

Ilang iba't ibang liwanag ang nakita ko. Parang yung babae ang pinupuntirya ng
liwanag.
'Ibig sabihin ba nun na nasa panganib ang babaeng lobo? Paano ko malalaman?'

Nazar's POV

"Pa anong gagawin natin dito?"

Tanong sa akin ng anak ko matapos kaming tumigil sa paglalakad.

"Ilabas mo ang wand mo.."

Inilabas naman niya ito ng walang tanong tanong.

'Tama nga ang hinala ko...'

"Pa?"

Napansin nya siguro na tinitigan ko ang wand nya.

Napatingin ako sa mga mata nya. Nag iba ito ng kulay.

"Pa! Bakit?"

"Yung.... mata mo.."

"Po?"

"Anak ang Evil Eye stone suot mo pa ba?"

Inilabas niya ang kwintas na suot nya.

Hinawakan ko ito

"May problema ba Pa?"

"Wala naman anak..."

"Bakit ganyan po ang reaksyon nyo?"

"Sinisuguro ko lang ang kaligtasan mo anak."

Niyakap ko siya. Kailangan ko makausap ang Old Elf.

Zaiden's POV
Napapansin ko pa rin ang black fairy na pinadala ni Uncle.

'Dapat ako mag ingat nito...'

"Hi!"

Bahagya pa akong nagulat ng sumulpot sa harapan ko si Gaeia. Gumamit na naman ito


ng transportal.

"Anong problema mo?"

Inis kong tanong sa kanya.

Nagpatuloy ako sa paghahanap.

Naglakad lang ako ng mga sandaling yon.

"Nandito ako para tulungan ka sa paghahanap..."

"Hindi ko kailangan ng katulong.."

"Sungit mo naman, nag ooffer na nga ng tulong."

Hindi ko siya pinansin.

Nazar's POV

"Maari yang iniisip mo Nazar.."

"Anong gagawin ko Old Elf?"

Kinakausap ko kaagad ang Old Elf Sorcerer.

Dahil ayaw kong mag alala si Miranda, hindi ko ipinaalam sa kanya ang pag uusap
namin.

"Dahil siya ay nagmula sayo, hindi natin maaring alisin ang bagay na iyon sa kanya.
Ang maari nating gawin ay turuan siya na pigilan ang itim na aura nya."

"Ngunit hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa kanya. Kung paano ko


ipaliliwanag."

"Matalino ang anak mo Nazar.. sabihin mo sa kanya ang totoo para maintindihan nya
ang nais mo."

Hindi na ako nakapagsalita pa. Tama naman ang Old Elf. Ang iniisip ko ngayon ay
kung paano ko ipapaliwanag sa anak ko.

Castor's POV
Habang naitaas ako ng mataas na bahay sa bayan, pinagmamasdan ko ang lahat ng tao
na nasa ibaba.

Anong ginagawa ko dito? Hindi ko rin alam. May enerhiyang nagtutulak sa akin na
pumunta dito.

Malayo ito sa Academy at mas malayo ito sa Elfwood.

Mga 150 kilometers ang layo nito sa Academy at 500 kilometers naman sa Elfwood.

Hhindi ito ang bayan na pinakamalayo, ngunit ito ang bayan na halos di napapansin
sa lahat.

Binubuo lamang ito ng 100 pamilya na halos ay magsasaka.

'Ano bang hinihintay ko dito?'

Tanong ko sa sarili ko.

Apat na oras na akong nakatayo dito, ngunit hanggang ngayon ay puzzle pa rin ang
isip ko.

Iginala ko ang mga mata ko, isang babae ang nakuha ang atensyon ko.

Pinagmasdan ko ito. Nakaupo ito sa balconaje ng isang bahay habang hinihimas nito
ang kanyang tiyan.

Kakaibang kulay ng kanyang buhok ang magpalapit sa akin sa kanya.

Nagtago ako sa di kalayuan.

'Buntis?'

Naguguluhan talaga ako. Isang buntis na babae ang pakay ko dito?

Maghapon akong nagbantay sa babae. Ang totoo bored na ako pero may naagsasabi sa
akin na wag akong aalis dahil nasa panganib ito.

Oceane's POV

'Saan kaya siya?'

Kanina ko pa hinahanap si Castor ngunit di ko siya makita.

'Iniwan na nga ako ni Zaiden, pati ba naman siya?'

"Sinasabi ko na nga ba ikaw yan..."

Napahinto ako sa paglalakad ng marinig ko ang nagsalita.


"Ikaw na naman?"

"Masyadong malakas ang kapangyarohan mo kaya madali kitang matrace."

Hindi ako sumagot.

"Anong kailangan mo?"

"Ikaw ang may kailangan sa akin.."

Nagsmirk ako.

"Sinabi ba sayo ng mayabang mong kaibigan kung bakit siya umalis?"

Nakunot ang aking noo.

'Si Zaiden ba ang tinutukoy nya?'

"Si Alfiro ang sinasabi ko, alam mo ba kung bakit siya umalis?"

Hindi ako nagsalita. Hindi ko naman talaga alam ang totoong dahilan.

"Umalis siya dahil hinahanap niya ang Wolf Master."

"Ano? Nagpapatawa ka."

'Bakit nya hinahanap si Ash?'

"Hinahanap niya ang Wolf Master para ihatid kay Hegard."

"Nagsisinungaling ka! Kung wala kang masasabing matino, leave me alone."

Bago ako nakakilos, nahawakan niya ang kamay ko na hawak ang wand ko.

Nakahawak din siya sa beywang ko saka ako hinapit papalapit sa kanya.

Masyado siyang mabilis kaya hindi ko siya naiwasan kaagad.

Masyado ring mahigpit ang pagkakahawak niya sa akin kaya di ako makakilos.

Halos ilang inch na lang ang layo ng mukha niya sa akin.

Tinitigan niya ako saka ngumiti.

"Kaya pala nahumaling sayo si Alfiro dahil maganda ka talaga."

Inalis niya ang pagkakahawak niya sa akin

"Sorry kung masyado akong naging harrass..."

Hinawakan ko lang ang namumula kong braso.

"Maari kitang samahan kung saan naroon si Alfiro para maniwala ka sa sinasabi ko."

"I don't trust you."

"Hindi kita pipilitin. Any time na magbago ang isip mo just let me know."

Pagkasabi nun ay umalis na ito.


Kumaway pa ito sa akin bago tuluyang nawala sa kakahuyan.

'Dapat ba akong maniwala sa kanya?'

Zaiden's POV

"Bakit ba ang kulit mo?"

Pikon kong baling kay Gaeia.

"Bakit ba ang suplado mo ha?"

"This is nonsense..."

Badtrip akong naglakad. Hindi ko na siya pinansin pa.

Ayoko sa lahat ako ang nililigawan. Isa pa hindi ko siya gusto noon pa man.

"Zaiden tulong!"

Narinig ko ang sigaw niya pero di ko ito pinansin.

"Zaiden tulong..."

Hindi ko talaga planong lingunin siya ngunit ng marinig ko ang mga kakaibang
boses....

"Golem!"

Sa tingin ko ay nasa dalawang pong golems ang nasa paligid.

At ang apat dito ay hawak hawak si Gaeia.

Nagkagulo sa buong bayan.

Maraming sinirang mga gamit ang mga ito.

Kahit may mga wand ang mga naninirahan dito, wala pa ring takot na sumusugod at
nanggugulo ang mga golems.

"brisingir!"

Sunod sunod kong atake sa apat na golems.

Nang mabitiwan ng mga ito si Gaeia, mabilis itong tumakbo papalapit sa akin.

Nang makabalanse muli ang mga ito ay mabilis silang tumayo at hinabol kami.

Hinawakan ko sa braso si Gaeia para makasabay sa akin sa mabilis kong pagtakbo.

Nakahanap kami ng pagtataguan sa likod ng mga dayami.


"Bakit ba nakangisi ka dyan?"

Inis ko namang tanong sa kanya.

Napatingin ako sa kamay ko.

Hawak ko pa rin pala ang braso niya. Mabilis ko itong inalis.

"Salamat sa pagliligtas sa akin."

"Alam mo, nagtataka ako sayo. bakit biglang nanggulo ang mga golems? diba mataas na
ang ranggo mo bilang wizard? bakit nagpatulong ka pa sa masmababang klase ng
wizard?"

"Yan ba ang tingin mo sa sarili mo? mababang klaseng wizard?"

Hindi ako sumagot. Ni hindi ko siya tiningnan.

"Ganyan talaga ang mga golems mahilig manggulo alam mo yan Zaiden. Wala akong
kinalaman sa kanila."

Hindi ko pinansin ang paliwanag niya. Tumayo ako ng masigurong wala ng golems sa
paligid.

Nagsimula na ulit akong maglakad.

Castor's POV

Mukha na akong tanga habang nagmamasid sa babae.

Ilang minuto pa ang lumipas napansin kong nakatingin na ito sa akin.

"Bakit ka nandyan? Halika dito."

Sabi pa ng babae.

Sumunod naman ako sa anyaya niya para malaman ko rin ang totoong dahilan kung bakit
ako nandito.

"Anong pangalan mo?"

Hindi ako kagad nakasagot sa tanong niya.

Napatutulala pala ako habang nakatitig sa kanya.

'Ang... ganda nya!'

"M-----may problema ba?"

"Ha?W-----wala naman."

Ngumiti ito.

Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko ngayon.


'Inlove ba ako sa babaeng ito?'

Isang kulay dilaw na bagay ang humarang sa paningin ko.

Iniaabot pala niya sa akin ang isang baso na may lamang likido.

"Mag meryenda ka muna."

Kunuha ko ang baso pero hindi ko pa rin maalis ang tingin ko sa kanya.

"Alam mo ilang oras na kitang napapansin na nakamasid sa akin eh, may kailangan ka
ba?"

"Ha?"

"May kailangan ka ba sa asawa ko?"

"Asawa mo?"

"Akala ko kaibigan mo ang asawa ko.."

"Ang totoo nyan...."

"Ahhh!"

Bago ko natapos ang sasabihin ko. Napahawak siya sa tiyan niya.

Naramdaman ko rin ang tibok ng puso ng bata sa kanyang tiyan. Gumagalaw ito.

Tumawa siya.

"Nagwawala ang anak ko ah!"

Simpleng sabi niya sa akin.

"Mukhang gusto niya na kausap kita."

"Gusto nun bata dyan sa tiyan mo?"

Tumango ito.

Oceane's POV

"Sigurado ka ba sa desisyon mo?"

Tanong ni Alaister sa akin.

Napagpasyahan ko na alamin kung totoo ang sinasabi niya.

"Sigurado ako."

"Teka muna, pwede magtanong?"


Tinitigan ko siya sa mata.

"Totoo bang kasintahan ka na ni Alfiro?"

Imbes na sumagot. Tinaasan ko siya ng kilay.

"Alam mo kasi attracted ako sayo... ang ganda mo kasi."

Napatawa ako sa sinabi niya. Para kasi siyang bata.

"Seryoso ako.. kung nagkakilala lang sana tayo ng mas maaga, liligawan kita."

"Tama na yang pambobola mo... hanapin na natin si Zaiden para malaman ko na ang
totoo."

Sumakay ako sa binili ni Papa na broomstick.

Kinulayan ko ito ng pink para mas girlie ang dating.

Malayo na ang nalilipad namin ng makita ko si Zaiden.

Bababa sana ako sa broomstick ng makita kong may kasama siyang babae.

"Di mo ba siya lalapitan?"

"Hindi pa..."

Yun lang ang nasabi ko.

ZAiden's POV

Nararamdaman ko na ang aura ng napiling babae. Malapit na ako sa kinaroroonan nito.

"Alam mo masyado kang seryoso..."

Hindi ko pinansin si Gaeia.

Malapit na ako kay Ashlyn, dapat hindi malaman ni Gaeia ang plano ko, baka
magsumbong pa siya kay Uncle Hegard.

"Wala ka bang planong iwan ako?"

"Wala!"

"Hindi ako makakilos ng maayos dahil sayo, sagabal ka eh!"

"Why you always like that? Wala naman ako ginagawa masama sayo..."

Hinarap ko na siya.

"May girlfriend na ako at mahal na mahal ko siya. Kaya please stop flirting..."

"May girlfriend ka na?"


"Oo. At gusto kong matapos na ang misyon na ito para makabalik na ako sa kanya.
Kaya if you don't mind stay away from me."

Tumalikod ako at naglakad.

Humarang siya sa daan ko.

Galit ang nababasa ko sa kanyang mga mata.

Ilang sandali pa, ngumiti ito. Nawala ang emosyong galit sa kanya.

Nagulat pa ako ng bigla nya ako halikan.

Hindi ako nakapagreak sa ginawa niya.

Nang mawala ang pagkabigla ko, itinulak ko siya palayo sa akin

Seryoso ang mukha niya.

"Hindi mahalaga sa akin kung may girlfriend ka na o kahit ayaw mo sa akin. Ang
importante sa akin, gusto kita... gustong gusto kita."

Pagkasabi nun ay nagteleport ito.

'Ibang klase siya talaga, problema siya.'

Oceane's POV

Kitang kita ko ang lahat. Hinalikan siya ng babae.

"Owwww!"

Reaksyon ni Alaister. Nakita rin kasi niya ang eksena.

Hindi ako nagsalita.

"Yan lang ang reaksyon mo?"

Tiningnan ko siya.

"May ibang babae na humahalik sa boyfriend mo, nakita mo yon tapos... ganyan lang
reaksyon mo?"

"Ano ba dapat ang magiging reaksyon ko?"

"Ha?"

Kumunot ang noo niya.

"Hindi ka ba magagalit at susugod dun?"

Hinarap ko si Alaister at tinitigan.


"Ang sinasabi mo ay para lang sa mga babaeng walang tiwala sa boyfriend."

"Ano?"

"Tama ka nakita ko nga na hinalikan siya ng ibang babae. Dapat na ba ako sumugod at
magalit sa kanya dahil lang sa nakita ko?"

"Eh ano pa nga ba?"

"Hindi ko pa alam ang istorya kaya hindi ko huhusgahan ang boyfriend ko. Aalamin ko
muna ang paliwanag niya. Hindi ako ang tipo ng iniisip ko Reedwick."

"O-----ok...!"

Yun na lang ang nasabi niya.

Totoo na nakaramdam ako ng selos,pero hindi ko dapat husgahan kaagad si Zaiden. May
tiwala ako sa kanya. Alam kong may dahilan ang lahat.

Castor's POV

Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko ng hawakan ko ang tiyan ng babae.

Gumagalaw talaga ang bata sa loob ng kanyang tiyan.

"Mukhang may kaibigan na ang anak ko di ko pa siya naipapanganak..."

Inalis ko na ang kamay ko sa tiyan niya.

"Bakit?"

"Hindi ka ba natatakot sa akin?"

"Ha?"

"Alam mo bang...."

"Alam ko. Half vampire ka.."

Hindi ako nagsalita.

"Hindi ko nga maipaliwanag. Parang may bumubulong sa akin na mabait ka... para
ngang matagal na kitang kilala."

"Castor?"

Napalingon ako ng makita ko sa likuran ko si Zaiden Alfiro.

*******************************************
[16] Chapter 15: Elders Forbidden Scroll
*******************************************
Castor's POV
"Anong ginagawa mo dito Alfiro?"

"Ikaw anong ginagawa mo dito?"

Pareho kaming napatingin sa babae.

"Bakit?"

Maang na tanong naman nito sa amin.

"Maari ba tayong mag usap sandali?"

Tanong naman ni Zaiden sa akin.

Lumayo kami sa babae ng ilang yarda.

"Anong ginagawa mo dito Castor?"

"Hindi ko alam..."

"Anong hindi mo alam?"

Hindi na ako nagsalita pa.

"Mabuti na rin at nandito ka.."

"May problema ba?"

"Castor kailangan natin itago ang babaeng yan.."

Tiningnan ko lang ang babae.

"Bakit?"

"Hindi mo ba alam ang tungkol sa alamat ng Wolf Master?"

"Hindi."

"Ang babaeng yan ang napiling magsilang sa Wolf Master."

Kumunot ang noo ko.

"Ganito yon...."

Ipinaliwanag ni Zaiden sa akin ang tungkol sa alamat.

"Ibig sabihin..."

"Siya ang magsisilang kay Ashlyn, kaya dapat siya mailigtas hanggang sa maisilang
niya ang Wolf Master."

"Kanino siya ililigtas?"

"Kaya ako umalis dahil ipinahahanap siya ni Uncle Hegard para..."

"Uncle mo ang Wizard na yon?"


Tumango naman siya.

"At ikaw ang tumulong sa kanya para makatakas nung gabing yon?"

"Kailangan kong gawin yon..."

"At ngayon hinahanap mo pa ang babaeng ito dahil inutos sayo ng Dark Wizard na
yon..."

"Pwede ba shut your mouth and listen first?"

Tumahimik ako. Susubukan kong makinig sa paliwanag nya.

"Tama ka, inutusan ako ni Uncle Hegard, pero nandito ako hindi para sundin siya
kundi para mailigtas ang babaeng yan."

"Anong plano mo ngayon?"

"Naniniwala ka na sa akin?"

"Hindi..."

Umiling ito.

"Alam mo ba kung kelan siya manganganak?"

Nilapitan ko ang babae.

"Kelan ka manganganak?"

"Malapit na.. sa susunod na buwan.."

"Ilang araw yon mula ngayon..."

Sabad ni Alfiro sa likuran ko.

"Bakit? May problema ba?"

Nagkatinginan kami ni Alfiro.

Oceane's POV

'Saan na kaya siya?'

"Dapat sinundan mo siya kanina..."

"Alam mo ikaw, iba ang kutob ko sayo... dinala mo ako rito para ipakita lang sa
akin na may kasamang babae si Zaiden."

"Ofcourse not!"

"So anong ginagawa pa natin dito?"


"Nakikita ko na sila.."

"Sila?Sinong sila?"

Huminto kami sa paglipad.

Mula sa itaas, nakikita ko sina Castor at Zaiden. May buntis na babae sa di


kalayuan.

"Anong ginagawa ni Castor dito?"

"Aba ewan ko..."

Sumimangot ako. Ano kayang plano ng dalawang ito at hindi nila ipinaalam sa akin?

"Yun babae, siya ang napili ng Wolf Master na magluwal sa kanya."

"What? Di ko magets..."

Ipinaliwanag ni Alaister sa akin ang lahat.

"Bakit ganyan ang itsura mo?"

"Ibig sabihin baby pa si Ash pag isinilang siya nun babaeng yan. Ibig sabihin
matanda na si Castor pag nagdalaga si Ash."

Tumawa ito.

Napatingin ako sa kanya. May nakakatawa ba sa sinasabi ko?

"Sorry pero nakakatawa ka kasi."

Tumaas ang isang kilay ko.

"Hrrmmn. Eh kasi naman, para ka namang di pure blood kung mag isip. Para kang
mortal kung mag isip."

"Lumaki ako sa mundo ng mga tao na tinatawag mong mortal."

"Ah kaya pala."

Hindi ko siya pinansin. Nakatingin lang ako sa baba.

"Magugulat ka pag nakita mo ang Wolf Master pagkatapos niyang isilang..."

"Bakit?"

"You'll see..."

Puzzle pa rin sa akin ang sinabi ni Alaister kanina.

Lumubog na ang araw. Nandito kami sa labas ng bahay ng buntis na babae.

Nasa loon naman sina Castor at Zaiden kasama ang mag asawang nakatira doon.

"Bakit? Problema mo?"


Asar kong tanong kay Alaister.

Nakatitig kasi siya sa akin.

"May idea ka ba kung sino ako?"

"Wala."

"Bakit nagtiwala ka kaagad sa akin?"

Hindi ako makasagot.

'Bakit nga ba?'

"Mahirap ba sagutin ang tanong ko?"

"Hindi ko alam ang sagot."

Tumawa ito.

"I can tell you if you allow me..."

"Talaga? You think you know everything? Pati feelings ko alam mo, ganun?"

Natatawang umiling ito.

"I am not a psychometric to know what you feel, what I am telling you is that...."

"Alaister Reedwick, hindi ako sumama sayo dahil may tiwala ako sayo and know that."

Sumeryoso ang mukha nito.

"Alam ko yan. But you can't deny yourself that we have connection.. like Zaiden
Alfiro."

"What?"

"Isa kang Wovenspear, ibig sabihin iisa ang dugo na dumadaloy sa atin..."

"Excuse me...?"

"Hindi mo ba alam ang pinagmulan mo? May dugo kang Sorcerer."

"I know, I'm the great grand daughter of the well known Old Elf Sorcerer..."

"And also the grand daughter of the Dark Sorcerer.. nakalimutan mo."

Natigilan ako.

'Ano bang gusto niyang sabihin?'

"Apo ka ni Baragor.. ang kilala ng lahat na Dark Sorcerer... pero si Baragor half
breed... hindi siya purong Sorcerer, ganun din ang iyong Ama.."

Nakinig lang ako sa kanya. May gusto siyang ipahiwatig sa akin.

"Hindi mo ba napapansin na..."


"Oceane?"

Nahinto siya sa pagsasalita.

Napalingon kami kay Zaiden Alfiro.

"Anong ginagawa mo dito at bakit magkasama kayo?"

Napaansin ko ang selos sa mga mata ni Zaiden.

Bumaba kami ng puno. Agad akong hinawakan ni Zaiden sa kamay ko.

Mahigpit yon.

"Anong ginagawa mo dito?"

Narinig ko ang boses si Castor.

"Reedwick... anong nangyayari dito?"

Tumabi siya sa akin. Nasa gitna nila akong dalawa.

"Siguro aalis na muna ako."

Nakapagteleport ito.

Nagulat pa ako ng makita yon, hindi ko alam na kaya nya gawin yon.

"Bakit kasama mo siya?"

Hindi ako sumagot.

Zaiden's POV

Tiningnan ko si Castor. Nahalata naman nya ang gusto kong ipahiwatig.

Naiwan kami ni Oceane sa labas ng bahay.

Hawak ko paa rin ang kamay niya.

Naiinis ako na nakita ko naa magkasama sila ni Alaister Reedwick.

"Oceane..."

Hindi kasi siya nagsasalita.

"Sinabi nya na kaya ka umalis dahil hinahanap mo si Ashlyn..."

"What?"

"Ano ba kasing nanngyayari? Bakit kailangan nyo pang ilihim yon sa akin?"

"Diba sinabi ko naman sayo na ipapaliwanag ko sayo ang lahat pagbalik ko?"
Hindi ko siya hinayaan na makapagsalita.

"Atsaka bakit sumama ka sa lalaking yon? Hindi mo siya lubos na kilala, paano
kung...kung napahamak ka?"

Hindi siya kumibo.

"Hindi ko sinabi sayo ang totoo dahil ayaw ko na mapahamak ka... ikaw ang kailangan
ng mga Dark Wizards... kailangan nila ang buhay mo."

Nakita kong tumulo ang luha niya.

Lumambot ang puso ko ng makita ko na umiiyak siya.

Gamit ang magkabila kong daliri pinunasan ko ang luha niya.

"Hindi ako galit sayo.... nabigla lang ako na makitaa ka dito tapos kasama mo pa
ang lalaking yon."

Hindi pa rin siya nagsalita.

Parang bata niyang pinunasan ng likod ng palad ang kanyang luha.

Niyakap ko siya.

Sa totoo lang na miss ko siya ng sobra. Gusto ko nga siyang halikan ng matagal at
yakapin ng mahigpit.

"Tahan na ok?"

Humihikbi pa siya.

"Halika doon tayo."

Inakbayan ko siya habang naglalakad kami papunta sa balconaje ng bahay.

"Tahan na..."

Iniangat ko ang mukha niya gamit ang dalawang daliri ko sa baba niya.

"Tayo na Zaiden, kailangan na natin umalis..."

Sabi ni Castor na nakatayo sa may pintuan.

Castor's POV

Ako ang may buhat sa babae. Angkas ko naman sa broomstick ko ang asawa niya habang
nakasabay sa amin si Oceane gamit ang sarili niyang broomstick.

Habang patuloy kami sa pagtakas,.

"Castor mabuti pang mauna na kayo ng babae... may sumusunod sa atin, sigurado akong
padala yon ni Uncle..."
"Ako ang bahala."

"Oceane..."

Baling nito sa kanya.

"Mauna ka na rin, kailangan nyo silang maihatid sa bahay ng Old Elf, masligtas sila
doon. Ako na ang bahala sa sumusunod sa atin."

"No!"

"Tama siya Oceane, tayo na..."

Sabad ko naman.

"Promise susunod ako.. sige na."

Napansin ko pang nagdadalawang isip pa si Oceane na umalis.

"Sumunod ka na sa kanya Miss... kailangan mailigtas ang mag ina ko."

Bumitaw si Oceane sa pagkakahawak kay Zaiden. Sumakay naman sa broomstick niya ang
lalaki.

"Tayo na..."

Yaya ko naman sa kanya.

"Oceane.."

Narinig kong sabi pa ni Zaiden.

"Kanina ko pa gustong gawin ito..."

Nakatingin lang kaming tatlo kina Oceane at Zaiden.

Hinalikan ni Zaiden si Oceane. Isa, dalawa, tatlo, apat, lima.....

Halos 30 segundo ang eksena nilang yon bago siya binitawan ni Zaiden.

"Mag iingat kayo... i love you!"

Hindi na nakasagot pa si Oceane ng sumabad ako.

"Tayo na nasasayang ang oras..."

Hinaawakan ko si Oceane.

Tumango naman si Zaiden Alfiro.

Kailangan na namin umalis.

Apat na Dark Wizards ang sumusunod sa amin.

Mabibilis din ang mga ito.

Hindi ako makagamit ng wand ko para tulungan si Oceane na pigilan ang mga ito.
"Castor kaya mo ba silang dalawa?"

"Ano?"

"Kailangan harapin ko sila. Isa sa amin ang kailangan nila. Iligtas mo muna sila,
ako ang haharap sa mga yan, balikan mo na lang ako pag ligtas na sila."

"Pero..."

"Sige na..."

"Sige."

Binuhat ako ang lalaki sa kabila kong kamay. Malapit na lang naman ang Elfwood 300
kilometro na lang ang layo nito.

"Mag iingat ka babalikan kita.."

"Ikaw rin."

Mabilis akong umalis buhat ang mag asawa.

Oceane's POV

Nang masiguro kong malayo na sila Castor....

"Ang Infinity..."

"Ako muna ang harapin nyo..."

Hawak ko ang wand ko.

"Hindi ikaw ang pakay namin Mahal na Infinity."

Hindi ako kumilos. Nakatutok pa rin sa katawan nila ang wand ko.

"Ang Wolf Guardian ang kailangan namin."

"Bakit nyo siya kailangan?"

"Ako na ang magpapaliwanag."

Isang malamig na boses ang narinig ko.

Lumabas ito mula sa kawalan.

"Baragor!"

Kahit kinakabahan ako, hindi ako nagpapahalata.

"Apo ko..."

"Wag mo akong tawagin na apo."


"Bakit? Siniraan na ba ako ng magaling mong lolo na si Alberich?"

Hindi ako nagsalita.

"Kung papatayin kita, noon ko na sana ginawa nung huli tayong nagkita."

Tama siya, dapat pinatay na niya ako noon pa lang.

"Anong kailangan nyo sa Wolf Master?"

"Apo, kailangan kong patayin ang lobong iyon.. dahil pag isinilang muli ito ikaw
ang papatayin niya."

"Sinungaling!"

"Bahala ka kubg ayaw mong maniwala hija. Sa ika labing walong kaarawan mo siya ang
papatay sayo..."

"Hindi ako naniniwala sayo."

Nagulat pa ako ng bigla siya makalapit sa akin ng di ko namamalayan.

Hinawakan niya ako sa leeg.

"Magsisisi ka kung hindi mo papatayin ang lobong yon apo..."

Sabi nya habang unti unting lumuluwag ang pagkakasakal niya sa akin.

"Pagkakataon mo na na patayin ako, gawin mo na....!!!!"

Hamon ko naman sa kanya.

Tumawa lang ito saka inilabas ang punyal na kulay itim.

"Sige patayin mo ako...."

Ngumiti ito.

Nakita ko na biglang sumiklab ang itim na aura niya.

Nag uumapaw ito.

Hinigop ng itim na punyal ang itim na aura.

Pagkatapos ay isinaksak niya ito sa dibdib ko.

Naramdaman ko ang sobrang sakit.

Sumiklab din ang kulay apoy at kulay purple na aura ko.

Zaiden's POV

Isang malakas na sigaw ng babae ang narinig ko.

Umeko kasi ito sa buong kagubatan.


'Oceane!!!!'

Ewan ko ba, hindi ko alam kung siya nga yong sumigaw pero mabilis akong lumipad
sakay ng broomstick ko.

Mula sa itaas kitang kita ko ang dalawang enerhiyang naglalaban.

Sa tingin ko pilit na hinihigop ng itim na aura ang dalawang kulay ng aura.

'Pamilyar ang aura na yon....'

Ilang sandali pa ay nakalapit na ako sa dalawang naglalaban na aura.

"Oceane.......!!!!!!!"

Dalawang Dark Wizard ang humarap sa akin.

Isang tao ang nagtatago sa harapan ni Oceane. Nakaatalikod kasi siya akin

"Dyan ka lang binata..."

Sabi ng isang hooded figure sa harap ko.

Hindi ako makakilos dalawang Dark Wizards.

Parehong nakatutok sa akin ang mga wand nila.

Ilang sandali pa nakita kong nag iba iba ang kulay ng mata ni Oceane.

Pagkatapos ay unti unti na itong bumagsak sa lupa.

Mabilis na nagteleport ang lalaking nakayakap sa kanya kanina.

Nang makita ko siya, sobrang takot ang naramdaman ko.

Hindi ako sigurado kung sino ang lalaki.

Sumunod naman ang dalawang Dark Wizard na nagteleport.

Hindi ako makapaglakad papalapit kay Oceane.

Pinilit kong makahakbang papalapit kay Oceane na walang malay pa rin na


nakahandusay sa lupa.

Nanginginig ang buong katawan ko.

Lumuhod ako agad at niyakap si Oceane.

"Oceane?..wake up.. wake up.."

Tinapik ako ang pisngi niya.

Unti unting naglalaho ang aura niya.

Wala naman akong nakita na kahit anong sugat sa kanya.

Idinikit ko ang aking tenga sa dibdib niya. Wala akong naririnig na tibok.
Niyakap ko siya ng mahigpit.

'Hindi ito pwede.'

"Wake please...wake up..."

Ilang minuto na akong paulit ulit na pinupulsuhan si Oceane.

Malapit na ako mawalan ng pag asa ng may narinig ako na tibok ng puso niya.

Muli kong tinapik ang pisngi niya.

Pinakinggan ko muli ang dibdib niya. Unti unti ng nagiging normal ito.

Castor's POV

Pabalik na ako sa gubat. Ngayon pa lang ako makakabalik para tulungan si Oceane.

May dalawang Dark Wizards na sumunod sa akin.

Wala akong magawa kundi umiwas at ipagpatuloy ang pagtakbo para mailigtas ang mag
asawa.

Muntik na ako mapuruhan kung di ako tinulungan ni Nazar.

Hindi ko alam kung anong ginagawa nya sa labas ng Elfwood pero nagpapasalamat ako
na nandun siya.

Siya ang nakipaglaban sa dalawang Dark Wizards at ako naman ay dumiretso sa


Elfwood.

Ilang minuto pa nakabalik na si Nazar.

Nagpaalam ako para balikan si Oceane. Saka na namin ipapaliwanag ang lahat.

Habang papalapit ako sa lugar na pinag iwanan ko kay Oceane, bigla akong kinabahan
dahil pakiramdam ko wala na siya.

Hindi ko maramdaman ang aura niya.

Nang makarating ako sa lugar, isang malakas na pwersa ang nagpalipad sa akin sa ere
at ganun din si Zaiden Alfiro na tumama pa sa akin kaya kami napahampas sa
malalaking puno.

Dahil doon apat na puno ang naitumba namin dalawa.

Sa isang kisap, nawala ang itim na aura.

Bumangon si Alfiro, ni hindi man lang niya ako napansin dahil diretso siya sa
kinaroroonan ng Infinity.

Nanatili akong nakaupo at pinagmasdan sila.


Zaiden' s POV

"Zaiden....Zaiden.."

Umiiyak siya habang papalapit ako sa kanya.

Hawak niya ang dibdib niya.

Tingin ko nga sa kanya ay mahinang mahina siya.

Agad ko siyang niyakap.

Ngunit bago ko pa magawa yon, walang malay na siyang bumagsak sa mga braso ko.

Elfwood...

Sa silid aklatan kami nagpulong maliban kay Oceane na nagpapahinga sa kanyang


silid.

"Sino pong Elder?"

Tanong ni Seda. Siya ang babaeng napili.

"Sila yung may mga sapat na kaalaman, kaaranasan at may talino sa pamumuno sa isang
community."

Paliwanag naman ng Old Elf.

"Selda, alam mo na ba ang tungkol sa baatang dinadala mo?"

Tumango naman si Seda.

"Ipinaliwanag na nila sa akin ang lahat.

"Mabuti naman kung ganoon... ngunit hindi lahat ay maliwanag sayo."

"Naintindihan ko po lahat..."

"Hindi hija... sa palagay ko mga binata may nakalimutan kayong ipaliwanag sa


kanya."

"Lahat ng alam ko ay naipaliwanag ko na sa kanya."

Umiling ang Old Elf.

"Meron pa po ba akong nakalimutan?"

"Alam mo Seda hija... bilang isang Napili.. marami kang pagdadaanan na hirap. Ang
isa mong paa ay nakaapak sa bangin na anumang oras ay maari kang mahulog."

"Anong ibig nyong sabihin?"


"Kanina habang natutulog ka, kumuha ako ng hibla ng iyong buhok. Paumanhin Seda!"

Sabi pa ng old elf.

Mas lalo kami naguluhan.

"Anong gagawin nyo sa buhok ni Seda?"

Tanong naman ni Nazar.

Tumayo ang old elf, naglakad ito sa isang shelves sa aking kaliwa.

Kumuha siya ng isang aklat at gamit ang wand niya binuklat niya ang pahina nito.

Pagkatapos ay gumamit ito ng levitating spell para lumutang papalapit sa amin ang
aklat.

Bumagsak ito sa kamay ni Miranda.

"Basahin mo apo!"

Tumingin muna siya sa aming lahat bago niya sinimulang basa.

"Ang siyang " napili " ay mamamatay matapos niyang ipanganak ang Wolf Guardian..."

"Ano? Mamatay si Seda?"

Pagkabigla ang mababakas sa mukha ni Zaq, asawa ni Seda.

"Hindi maari..."

Sabi pa nito.

"Hijo..tapusin muna natin ang pagbabasa.."

Huminahon si Zaq, ngunit bakas sa mukha nito ang galit.

"Sige na apo, ituloy mo..."

"Ang siyang " napili " ay mamamatay matapos niyang ipanganak ang Wolf Guardian. Ito
ang nakatakdang mangyari sa babaeng "napili". Ngunit ito ay hindi kamatayang
katulad ng iba, "kamatayan" ang tawag ng mga wolf guardian sa isang animo'y sumpa.
Bilang ina ng isisilang, siya ay magiging taong lobo tuwing kabilugan ng buwan. "

"Taong lobo?"

Sabad ulit ni Zaq.

"Ang sumpang ito ay nakatadhana na, ngunit bilang isang Wolf Guardian at isang
Alchemist, napag aralan ko at natuklasan ko ang katotohanan. Hindi ito tadhana at
lalong hindi sumpa. Ito ay isang Forbidden Spell, bahagi ito ng aming Immortality
para mapangalagaan ang aming lahi. Katulad ng Wolf Guardian na isisilang, ang
"napili" ay may dugong banal. Ibig sabihin siya ay nagmula sa aming Clan, iisa ang
dugo namin."

"At sa aking pagtuklas ng katotohanan, nalaman kong ang Forbidden Spell ay


nasusulat. Upang hindi magpalit ng anyo ang "napili" tuwing sasapit ang kabilugan
ng buwan, isang sinaunang potion ang nararapat na inumin bago niya maisilang ang
sanggol."

"Saan matatagpuan ang scroll?"

Tanong ko naman.

"Hindi ko alam kung makakaya nyo makuha ang scroll."

"Bakit? Saan ba ito nakatago?"

"Sa Dungeon..."

"Aling Dungeon?"

"Wise Oak Death's Gate..."

Wala ni isang nakapagsalita kaagad.

"Siguro...siguro naman hindi magiging lobo ang asawa ko... wala siyang dugong
lobo."

"Hindi tayo sigurado dyan..."

Sabad ni Miranda

"Sigurado yon Miranda..."

Lahat kami ay nakatitig sa Old Elf..

Naguguluhan kami. Malinaw ang binasa ni Miranda.

"Hindi ko pa nasasabi sa inyo ang naging resulta ng pagsusuri ko sa buhok ni Seda."

Wala pa rin nagsalita sa amin.

"Siya ay may dugong lobo at bampira."

Maslalo kami naguluhan. Paano mapipili si Seda ni Ashlyn para siyang magsilang sa
kanya kung hindi ito pure blood bilang lobo.

"Kahit ako ay nagtataka kung bakit siya ang napili? Hindi ko maisip ang dahilan..."

"Mapapahamak pa rin ba siya kahit di siya pure blood?"

Tanong ko naman

"Maari dahil may dugo pa rin siya ng mga lobo..at mas mapanganib para sa kanya
ito."

"Mapanganib din ba ito para sa bata?"

Tanong naman ni Nazar.

"Ang totoo mapanganib na ito ngayon pa lang kaya dapat na mainom niya ang potion
para maging ligtas silang mag ina. Dapat niya maisilang ang Wolf Guardian, dahil
ito ang kanang kamay ng Infinity. Pag di naisilang ang bata, hindi kumpleto ang
kapangyarihan ng Infinity kahit hawak pa niya ang apat na Spirit Orbs."
Oceane's POV

'Asan ako?'

Mabilis akong bumangon dahil hindi ako makahinga.

Hawak ko ang dibdib ko habang sumasagap ako ang hangin.

Ang katawan ko...

Masakit ang mga kalamnan ko...

Napatingin ako sa salamin sa kaliwang bahagi ng silid ko.

May kung ano sa leeg ko.

Tumayo ako at lumapit sa salamin.

Dinama ng daliri ko ang kakaibang marka sa leeg ko.

Ilang segundo pa..

Gumalaw ito.. mas tumindi ang sakit na nararamdaman ko.

Habang pinagmamasdan ko sa salamin..

Gumagapang ang marka sa aking leeg papunta sa aking dibdib.

Paghinto ng marka sa aking dibdib, nakaramdam ako ng matinding sakit dito.

Parang inuukit ang aking puso.

Kinakapos na ako ng hininga.

Nanghihina ako sa tindi ng sakit na naramdaman ko.

Castor's POV

Kasama si Alfiro, Nazar at ang asawa ni Seda na si Zaq, naglakbay kami papunta sa
Dungeon.

Ang Wise Oak Death's Gate ay dungeon na halos walang sinumang buhay ang nagtangkang
pumunta dito. Bukod sa sumpa na maihahatid nito, mapanganib ang pagpasok dito.

Malawak na gubat, mataas na talon, malalim na bangin at kailangan pa umakyat ng


mataas na bundok, at isang malawak na kweba.

"Malapit na ba tayo sa lugar?"

Inip na siguro si Zaq.


"Malayong malayo pa Zaq.."

"Nazar, nakarating ka na ba doon?"

Napatingin sa akin si Alfiro.

""Oo... nagawa na akong ikulong ng aking ama doon."

"Ano?"

Oceane's POV

"Anak anong nangyari?"

Tumatakbo akong nilapitan ni MAma.Tinulungan nya ako bumangon.

Inalalayan hanggang sa makahiga ulit ako sa kama.

"Anong nararamdaman mo anak?"

Hindi ako nagsalita. Ayokong malaman nila ang ginawa sa akin ni Baragor.

"Anak... sinabi na sa amin ni Zaiden ang nangyari at gusto kong magsabi ka ng


totoo.. anong ginawa ni Baragor sayo?"

Hindi ako nagsalita.

"Anak... sabihin mo na ang totoo... para matulungan ka namin ng lolo mo."

................................

"Sinaktan ka ba niya?"

...............................

"Anong ginawa nya sayo?"

.............................

"Oceane ano ba?"

Galit na si Mama.

"Bakit ba ayaw mo sabihin? May sinabi ba siya sayo kaya natatakot ka sabihin ang
totoo? Ano?? Magsalita........."

Hindi natapos ni Mama ang sasabihin nya ng titigan ko siya sa mata.

"A---- ang mata mo...."

Inalis ko kaagad ang tingin ko sa kanya. Pinipigilan ko ang emosyon ko.

"Ma.... maari po bang iwanan nyo muna ako. Gusto ko pong mapag isa."
"Anak..."

"MA PLEASE IWANAN NYO MUNA AKO.."

Nagulat pa si Mama ng tumilapon sa harapan niya ang mga luma kong libro.

Ilang oras na din na umalis si Mama sa kuarto ko.

Natatakot ako. Natatakot ako sa nangyayari sa akin.

Nararamdaman ko sa sarili ko na may unti unting nagbabago sa akin.

Ang emosyon ko.... nahihirapan na akong pigilan ito.

Naramdaman ko na naman ang hapdi sa dibdib ko. Sa talas ng paningin ng Wind Eagle
kahit ang sarili kong aura ay nakikita ko.

Halos malapit ng maubos ang makulay na aura na dati ay nakapalibot sa akin.

++++++++++++++++++++++++++TO BE CONTINUE+++++++++++++++++++++++++++++++++

*******************************************
[17] Author's Note
*******************************************
TO ALL MY FOLLOWERS AND READERS:

Thank you ulit sa suporta... tapos na po ang Book 2 sana po ay nagustuhan nyo...

Subaybayan nyo po sana ang BOOK 3..

MARAMING SALAMAT PO!!!!

LUV YAH ALL!!!

************************************************
STORY END
*******************************************
*******************************************

You might also like