Professional Documents
Culture Documents
Training To Love Published Under Mpress 5219510
Training To Love Published Under Mpress 5219510
jonaxx
Published: 2016
Source: https://www.wattpad.com
Training To Love
---------------------------------------------------------------------------------
Thank you for reading jonaxxstories! I love you readers! <3 Support niyo snaa 'to.
<3
Simula
Simula
"Eto na!" Binubuksan ko ang isang sulat sa harap ng mga kaibigan ko.
Napalunok ako ng ilang beses bago biglang hinila ito palabas ng envelop.
Pinasa niya ito sa iba pang kaibigan ko. Napamura ako sa isipan ko habang
tinitignan ang paligid dito sa corridor. May ibang nagtatatalon sa tuwa, yung iba
naman ay malungkot. Gusto kong umiyak nang umiyak.
"Paano nila ako nireject? Andami kong internship na ginawa! Singapore, Cambodia,
Thailand!? Tapos sino yung kinuha nila? Yung mga walang experience?" Sabi ko habang
tinitignan ako ng mga kaibigan ko.
Tinapik ni Beatrice ang balikat ko at hinaplos naman ni Camille ang ulo ko. Lintek
na Le Marcelle! Alam kong malaking hotel ito pero utang na loob naman, hindi ba
nila iki-credit yung mga experience ko? Ito na lang yata ang kulang eh!
"Oo nga! Kaya nga di yung ibang branch nila yung pinasukan ko, diba? Kaya nga dito
lang sa Pilipinas na Le Marcelle yung inapplyan ko kasi baka sakaling pwede ako!"
Umirap ako.
Nakita ko yung mga nagtatatalon sa tuwa. Ang alam ko, ang mga babaeng ito ay
hanggang Singapore lang ang inabot. May common sa kanila! Matangkad, makinis,
maganda at payat. Yun ang mga kinukuha nila!
Napatingin ako sa sarili ko. Hindi ako kasing puti nila at kasing tangkad nila!
Halos umusok yung ilong ko habang tinitignan pa lalo ang paligid.
"Trish, alam mo kung anong gagawin mo?" Tanong ni Earl na boyfriend ni Emma.
Tinititigan parin nila ako hanggang ngayon. Natatakot yata sila nag magwala ako
dito. First time kong mareject sa isang internship! Magaling yung interview ko!
Kahapon, sigurado akong makakapasok ako. Pero ngayon? Gumuho ang mundo ko.
Tanginang Le Marcelle na yan! Alam kong sikat ka kaya nga ako nag iintern sayo
diba?
"Ano?" Kumunot ang noo ko.
Itinuro niya ang isang lalaking pinapalibutan ng mga kaibigan niya. Tumatawa ang
mga kaibigan niya dahil sa joke na sinasabi niya. Tumaas yung kilay niya nang
nakitang nakatitig ako sa kanya. Agad naman niyang tinignan ulit ang mga kasama.
May mga babaeng matangkad at magaganda din sa paligid niya. Paminsan-minsan ay nan-
cha-chancing siya sa pamamagitan ng paghawak ng mga baywang nila. Bumubungisngis
naman ang mga babaeng ginagawan niya ng ganun. Nakipag-apir siya sa mga lalaking
kausap niya at umambang aalis na.
Alam mo yung feeling na ganun? Yung ayaw mo sa kanya kasi ayaw mo lang. Nakakainis
lang talaga siya. Lahat ng ginagawa niya naiinis ka lang. Kasi wala lang. Talagang
nakakainis lang siya.
Troy Ezekiel S. Salazar - Add Friend? Friend mong mukha mo! Angas! Bwiset! I-report
kita at i-block diyan!
Kainis yung mukha niya sa profile picture! Naka-nganga siya at naka-dirty finger
habang nasa likod niya ang Eiffel Tower. Sarap sirain ng iPad! Sobrang yabang niya!
Ano ngayon kung nakapunta na siya diyan? Marami na namang nakapunta ng Paris samin
ah? Alam ko yung ibig sabihin niya... Kasi naman, stock holder sila ng Le Marcelle
Chain of Hotels! Kaya pwedeng doon siya sa Paris forever! Hula ko may visa na siya
sa kahit anong lugar. 50 countries lang naman nakatirik ang 120 hotels ng Le
Marcelle!
Sarap niyang tirisin sa picture! Kainis ang mokong! Alam kong di niya ako kilala
pero nakakainis isiping kilala ko siya! Kahit na kinaiinisan ko siya, kilala ko
parin siya!
Sinundan ko siya buong hapon. Tama! Umabsent ako sa ilang klase ko para sundan siya
sa klase niya.
Habang tumatagal, lalong lumalaki ang galit ko sa kanya. Lahat ng ekspresyon niya
sa mukha at aksyon niya, mayabang! Mayabang pati yung hibla ng buhok niyang parang
Astroboy. Ang sarap niyang sipain.
Alas singko nang sa wakas ay dalawa na lang ang kasama niya. Nakilala ko yung
dalawa na sina Theo at Nash na matalik niyang kaibigan. Nag apir ulit sila at
nagtawanan nang nakarating kami sa parking lot.
"Tignan ko, dude! Sige! Punta siguro ako!" Sigaw pabalik ni Troy habang kinakapkap
ang bulsa para sa silver na Audi A5 Coupe. Hindi ako ganun ka stalker para malaman
ng kumpleto ang specs ng sasakyan niya pero pagkabalik ko galing Singapore nung
March, ito ang bukambibig ng mga schoolmates ko.
"O sige! Bihis lang din kami!" Sigaw ni Nash sabay talikod sa kay Troy para pumunta
na sa sasakyan niya.
Rich kids! Heh! Ganun naman yung mga gusto ni Troy eh. Gusto niyang napapalibutan
siya ng popular at mayayamang batang tulad niya.
Tumigil siya sa paglalakad. Napatigil din ako. Pumihit siya at kumunot ang noo nang
nakita ako.
"Are you stalking me?" Lumiit ang mata niya nang tinanong ako.
Ngumisi siya.
"Troy!" Sigaw ko nang tumunog na yung Audi niya. Hudyat na papasok na siya.
"Hmmm?" Ngumuso siya at tinaas ang kilay sakin. Lumiit agad yung mata niya nang
nakita akong nandoon parin. "Sino ka ba?" Tumingin siya sa paligid na walang tao.
"May CCTV dito, kung balak mong mang hold up, ikaw rin."
Napanganga ako sa sinabi niya at inisip na lang ang internship sa Le Marcelle! Mas
malaki pa yata sa universe ang inis ko sa kanya ngayon. Sarap mag mura ng isang
araw dahil sa sinabi niya! OMGGGGGG! Kainis! Nanginginig ako sa inis.
I swear, nanginig din yung labi ko nang sinagot ko siya, "Trisha G. Roncesvalles,
HRM student." Mapride ko yung sinabi.
"Uh-huh?" Binuksan niya ang sasakyan niya at may kinuha siya sa loob.
"At tsaka... ermmm." Natameme ako nang narealize kong di ko inisip kung paano ko
sasabihin sa kanyang na reject ako sa hotel nila!
"Eto oh? Sorry miss ah?" Sabay lagay ng 1 thousand bill sa harap ng sasakyan niya
para ibigay sakin. "Mali-late na kasi ako sa lakad ko eh. Wala akong time para
ihatid ka. Mag taxi ka na lang." Nagkibit balikat siya at pumasok sa loob ng
sasakyan niya.
"Oi!" Sigaw niya na parang nadumihan ko ang sasakyan niya. "Oi! Miss! Umalis ka
dito!" Sigaw niya.
"Isaksak mo sa baga mo yang pera mo! Hindi ako magpapahatid sayo! Gag0!" Sigaw ko.
"Oo na! Sige na! Alis ka na! Sht naman!" Sigaw niya. "Gulo mo! Alis na!"
Sinaksak ko rin sa baga yung letter ng Le Marcelle at ngumisi sa kanya.
"What's this?" Tanong niya habang hinahawakan yung letter na parang nandidiri.
Humagalpak siya sa tawa nang nakitang na-reject ako sa OJT na inapplyan ko.
Tumingin siya ng diretso sa dibdib ko at mas tumawa lalo, "Alam ko kung bakit ka na
reject!" Tawa ulit. "Eh ang liit nung boobs mo!"
Suminghap ako habang tinitignan siyang tumatawa. WALANG HIYA! ININSULTO PA AKO?!
Humanda ka ngayon, Troy at magpapatiwakal ka talaga sa gagawin ko.
Una sa lahat. Alam kong namumugad si Troy sa branch ng Le Marcelle na inaaplyan ko.
Dun niya dinadala ang mga modelong nilalapa niya gabi-gabi. Pangalawa. Siya ang
tumatayong CEO ng kompanya tuwing umaalis ang Daddy niya papuntang Lehman Bros
Group, ang samahan ng stock holders ng Le Marcelle. Pangatlo. May pinapangalagaan
siyang pangalan dahil nga CEO siya minsan ng Le Marcelle Philippines.
"Isang araw, Troy, napadaan ako sa Le Marcelle. Nagkataong open yung pintuan ng
kwarto mo kaya gumapang ako papasok at vinedeohan kung anong ginawa mo dun..."
"Tapos? Tadaaaah! This is your freakin sex scandal, Troy Ezekiel Salazar!"
Kinuha niya agad sa kamay ko at binasag ang CD. Nalaglag ang panga ko sa ginawa
niya at narealize na dapat hindi ganun ang reaksyon ko.
"Bye bye, sex scandal." Ngumisi siya. Malademonyo. Kulang na lang sungay.
"Anong akala mo sakin? Girl scout ako! May kopya pa sa laptop ko, sa desktop ko, sa
cellphone, at sa lima pang CD na nakatago sa bahay. Meron pa sa USB."
"Damn!" Tinignan niya ang resume ko. "Trisha Roncesvalles. Titignan ko kung anong
magagawa ko-"
"Hindi mo titignan, Troy! Gagawin mo ang lahat! Narinig mo ako? Gagawin mo ang
lahat ng magagawa mo para makapasok ako sa Le Marcelle or else, you'll be ruined!"
Ngumisi ako.
"Freak!" Bulong niya sa sarili niya. "Okay! Whatever! O ayan! Kasama ka na sa mga
OJT! Akin na lahat ng kopya ng scandal na yan!"
"I need the letter... At patapusin ang semester na 'to with flying colors!" Tumaas
ang kilay ko.
HAHA! Hawak ko na sa leeg ang mayabang na si Troy! Ang hindi niya lang alam... ay
loko lang lahat ng iyon. Wala akong sex scandal niya. My God, maliligo ako ng holy
water kung makahawak ako ng sex scandal ng pinakakinaiinisan kong tao sa balat ng
lupa.
My plan worked! This is it! Bye bye, mayabang Troy Ezekiel S. Salazar. From now on,
you're my puppet! Haha!
Kabanata 1
Kabanata 1
"Hindi ako naniniwala na may sex tape ka sakin." Ngumisi siya nang nagkasalubong
ulit kami sa school.
Ngumisi din ako. Alam kong marerealize niya ito. Kaya inutusan ko si Earl na gawin
'to para sakin.
"Eto oh," Sabay pakita ko ng isang flash disk sa kanya. "Gusto mong tignan?
Bibigyan kita ng isang oras. At wa'g mong isiping ito lang ang kopya ko dahil
marami pa yan." Ibinalandra ko ang flash disk sa ere.
Tinignan niya itong mabuti nang nakakunot ang noo. Kukunin niya na sana pero
inilayo ko 'to sa kanya.
"Tandaan, hanggang mamaya lang ang letter ah? Magsisimula na ang interns bukas. Ito
na lang ang kulang ko kaya dapat bilisan mo." Ngumisi ako at biglang may kumuha sa
flashdisk.
"Ano 'to, Trish?" Tanong niya at kinuha yung laptop sa bag niya. "Anong meron?"
Tanong niya.
"Akin na yan, Earl!" Sigaw ko sabay kuha sa flashdisk, pero syempre, pinahirapan
niya kuno ako.
Sumimangot si Earl.
Namutla si Troy habang tinitignang binubuhay ni Earl ang laptop niya para tignan
kung anong meron sa loob ng USB.
Sinapak ni Troy ang kamay ni Earl kaya tumilapon yung USB sa isang makitid na
kanal.
Tumingin siya sa paligid at namutla. Nakatingin ang iilang estudyante saming tatlo.
Kinindatan ko si Earl bago siya umalis.
"Walang hiya yung kaibigan mo! Muntik niya nang makita yung sex tape!" Sigaw niya
sakin.
"Ikaw ang walang hiya! Nasira na at nawala yung USB ko dahil sa katangahan mo!"
Fake tears ang umaapaw sa pisngi ko habang hinarap siya. Sarap tumawa. Nanginginig
na nga ang bibig ko dahil sa pagpipigil ko nang tawa.
"I will ruin your life, Troy Ezekiel Salazar." Madrama ko siyang tinalikuran dahil
di ko na talaga kayang hindi tumawa.
Kinagat niya ang labi niya at pumikit. Pinipigilan niya ang galit niya sa ginawa
ko.
Napatingin ako sa paligid. May ibang natigilan na talaga sa ginawa ko. Paano ba
kasi, sinampal ko ang the great Troy Ezekiel Salazar!
"Hindi mo pa nga kinakalat yung sex tape, sinisira mo na ang buhay ko. I hate you!
Damn!" Umiling siya at pinatunog ang sasakyan niya.
Pinunasan ko yung fake tears ko at kinapalan ang mukha sa pagsakay ulit sa sasakyan
niya. Umiling siya nang nakita ako sa front seat. Tinitigan niya ako. Hindi ko alam
kung bakit pero ganyan ba talaga ka expressive yung mata niya? Brown ang kulay ng
mga mata niya at pag tinitignan mong mabuti ay parang makikita mo yung kaluluwa
niya.
"Oh my God! Gusto ko nga niyan kasi may lihim na pag tingin ako sayo!" Ngumisi ako
at sumimangot. "Hinulog mo ang USB ko sa kanal at tinawag mo ulit akong freak,
nararapat kang sampalin!" Sigaw ko pabalik sa kanya.
Suminghap siya at pinaandar ang sasakyan, "God! I hate you!" Bulong niya sa sarili
niya.
Inayos ko ang sarili ko habang nag di-drive siya patungong Le Marcelle. Naka pony
tail ang buhok ko at nilagyan ko ng pressed powder ang mukha ko. Sumusulyap siya
paminsan-minsan. Naglagay din ako ng lipstick at blush on. This is it! Finally! Mag
O-OJT na ako sa Le Marcelle. Makukuha ko ngayon ang letter pagkarating namin.
Genius talaga ako sa pag gamit ko kay Troy!
Tumaas ang kilay ko, "Ang sama mo! Bakit daming nagkakandarapa sayo? Eh ang sama
mo!" Umirap ako at lumabas.
"Whatever!" Umiling siya at naglakad papasok ng hotel.
Ang laki ng Le Marcelle! Maraming pool. May Infinity pool pa! May pool pa sa
rooftop. Pagkarating mo dito, kung guest ka, para ka talagang queen.
Yumuyuko yung mga nagtatrabaho dito. Hindi ko alam kung sa lahat ba ng guest or sa
kay Troy lang na mayabang na tinatahak ang red carpet papasok ng main hotel.
Agad-agad? Di ba pwedeng upo muna tayo? Bakit tatawagin agad ang 24 years old na
professor namin sa HRM at manager ng Le Marcelle?
Umupo si Troy sa sofa at sinandal ang ulo niya doon habang hinihintay si Sir
Jayden.
Nilingon ko siya. Nakapikit siya habang sinasandal parin yung ulo niya sa sofa. May
grupo ng mga babaeng interns din siguro galing sa ibang school na tumitili habang
tinitignan siya.
Dumilat siya. Narinig niya siguro sa boses ko ang kaba ko. "Kinakabahan ka sa
manager pero di ka natitinag sa acting CEO?" Kumunot ang noo niya at umiling.
"Iba si Sir Jayden sayo. 24 years old siya at professor namin sa Hotel Management.
Ikaw, schoolmate kita k-kaya hindi ako kakabahan sayo-"
"I'm 20 years old, Trisha. Apat na taon lang ang agwat namin ni Jayden at ako ang
acting CEO dito. You should atleast respect me."
Umirap ako, "Isang taon lang ang agwat natin, Troy. At di ka pa tapos ng college.
Kwits lang tayo. Kung naka baon pa ako sa lupa, ikaw din. Si Sir Jayden, lumilipad
na sa matayog na lugar. MBA graduate na siya kaya wala kang laban kahit na acting
CEO ka pa. Ipinanganak ka lang na mayaman." Umirap ako.
Halos bumigay ang tuhod ko nang hinarap ko si Sir Jayden Corpuz. Yung tikas niya
sobrang nakakahimatay. Naka white button down shirt siya. Simple lang pero gwapong
gwapo. Kitang kita mo rin yung malalagkit na tingin ng mga receptionist sa kanya
(na tumitingin din kay Troy). Iba talaga pag mejo older na yung lalaki. Ang lakas
ng dating. Kaya crush na crush ko siya. Okay, well... ngayon ko lang aaminin sa
inyo na kaya din ako desperadong desperado na makapasok sa Le Marcelle ay dahil sa
kanya.
"Ito si Trisha Ronces-ano yun?" Natigilan si Troy at tumaas ang kilay sakin.
Tinanggap ito ni Sir Jayden at nakipagkamayan sakin. Oh! My! Goodness! Parang na
electrify ang buong katawan ko sa ginawa niya. Natulala ako.
Binalewala yun ni Sir Jayden at ngumiti sakin, "Estudyante kita diba? Sa HR 41?"
Tanong niya.
Halos sumuka ako ng rainbow sa saya. "A-A-A Oo eh." Uminit ang pisngi ko.
Halos magtatalon ako sa tuwa dahil pinaglaban ako ng gwapong si Sir Jayden. Tahimik
si Troy na tinitignan ako habang pinipigilan ang pag burst.
Ngumisi siya. Malademonyong ngisi. Tumindig ang balahibo ko nang nakita ko ang mata
niya.
Pure evil. I'm not sure which of the seven deadly sins... ang sin niya.
"May pang bablackmail ka sakin, may blackmail din ako sayo. Paano ba yan?"
Namutla ako sa sinabi niya, "Troy! Utang na loob, professor siya. Hindi pwedeng
magkarelasyon ang estudyante at professor kaya wa'g mong sabihin kahit kanino, lalo
na sa kanya."
Halos umusok yung ilong ko nang sinabi ko ang salitang 'relasyon'! Ako at si Sir
Jayden, may relasyon? KYAAAA! Mahihimatay na yata ako sa kilig.
Umiling siya at sumimangot, "God! I really, really hate you! Diyan ka na nga!" Sabi
niya at iniwan ako.
Sumimangot ako.
"Huy! Excuse me! Baka ikaw pang lumapit sakin. Kapal muks mo! Nilapitan lang naman
kita para makapasok ako sa Le Marcelle. Yun lang yun. Baka akala mo isa ako sa
fanatic sayo, nagkakamali ka huy, hater mo ako. Tseh!"
Buong drive papuntang school, halos mabilang na ang mga ngipin ko sa kakangiti.
Siya naman, mura nang mura sa kahit anong bagay. Badtrip masyado si senyorito!
"Bakit ba sobrang galit mo? Ano bang problema mo?" Sabi ko nang nakangiti.
Nanlilisik ang mga mata niya nang ibinaling niya ang tingin sakin, "Pwede ba? For
once, just keep quiet?" Umiling siya at nagmura ulit sa traffic.
"Araw-Araw May Dalaw. Mr. Araw-Araw May Dalaw." Tumawa pa ako lalo.
"God damnit! Shut up, Trisha! Ang ingay mo!" Ginulo niya ang buhok niya.
Masaya talaga pag badtrip ang taong hate mo ano? Music to my ears ang galit niya.
Kabanata 2
Kabanata 2
Akala ko Nakatalikod
"Masaya si Mommy at Daddy na nakuha ako sa Le Marcelle. Maging masaya na rin kayo!"
Sabi ko habang tinitignan ang sarili sa salamin.
"Binlackmail mo si Troy Salazar. At! Pustahan tayo, gusto mo lang pumasok dun para
mapalapit ka kay Sir Jayden." Umiling si Emma.
"Hayaan mo na lang Em! Eh ako nga muntik na akong nag shift sa HRM nung nakita ko
si Sir Jayden. Ang gwapo niya talaga!" Tumili pa si Camille.
Tinignan ko siyang mabuti. Tawa siya nang tawa. Sigurado akong mag mo-mood swing
yan ngayon pag makita ako. At tama nga ako! Nang nasulyapan niya ako at ibinalik
ulit ang tingin niya sakin, bahagyang nanlaki ang mga mata niya at sumimangot agad.
"Bakit ba kasi may mga gwapo at mayabang at the same time? Hindi ba pwedeng gwapo
at mabait tulad ni Sir Jayden?"
Ngumisi ako at nilapitan si Troy. Nang nakita niya akong lumalapit na... sobrang
laki na ng pinagbago sa ekspresyon ng mukha niya. Talagang mukha na siyang may
dalaw ngayon!
"Troy!" Mahirap siyang lapitan dahil sa nakalibot na mga tao sa kanya.
"Ew? Who is she, Troy?" Sabi nung modelong nakita ko nung isang araw.
Pa-conyo pa ito. Suntukin kita diyan! Tignan natin kung makapag english ka pa
diyan.
"Huh?" Pa blind naman itong si Troy kahit na mukha na siyang may dalaw.
"Miss, walang time si Troy sayo kaya sorry ka na lang. Tsaka di siya mahilig sa
tulad mong nobody!" Inirapan ako ng modelong conyo.
Bago pa ako nakapagsalita, "Tayo na nga!" Tapos tinalikuran nila ako at umalis na.
Sa soooobrang inis ko parang ako na ang may dalaw! Nagngingitngit ako sa galit!
Hindi pa ako kailanman nainsulto ng ganun! I know! Nobody ako kaya hindi pa ako na
expose sa opinion ng ibang tao, except kina Emma, Camille, Beatrice at Earl na mga
kaibigan ko na simula pa nung unang panahon.
"ALAM MONG KILALA MO AKO! AT ALAM MO RIN KUNG ANONG GAGAWIN KO KUNG DI MO AKO
PAPANSININ!" Sigaw ko.
"Back off, missy! Isa ka lang sa mga may gusto sa kanya. Baka isipin mo na by
showing up here in front of people, you'll get his attention. Ew! Back off!" Sigaw
nung makinis sakin.
WHAT THE EF? Napapikit pa ako sa sigaw niya. Sumugod agad si Emma, Camille,
Beatrice at Earl sakin.
"Sabi na eh! Nagkataon lang yun nung isang araw!" Sabi ni Emma.
Mabilis parin ang pintig ng puso ko habang palayo nang palayo ang gang ni Troy.
Bushet na Troy! Anong ibig sabihin nito?
Buong araw hininap ko siya sa school pero hindi ko na ulit siya mahagilap. Bulung-
bulungan agad sa school na sinugod ko si Troy NA UMIIYAK. Okay! Exage talaga huh?
Nang nag alas syete na ng gabi at di ko parin siya mahagilap, umiyak na talaga ako.
Sinabi ko na kay mommy at daddy na napasok na ako sa Le Marcelle. Anong sasabihin
ko pag nalaman nilang hindi pala? Baka nalaman ni Troy na nagsisinungaling ako sa
sex tape kaya nagpasya siyang kalimutan na lang na nangyari ako.
"May make up class kami sa accounting, Trish." Sabay tingin ni Emma sa relo niya.
"O-Okay lang." Napahikbi ako. Mag iisang oras na akong umiiyak. Narealize ko na
kasi na mukhang wala na talaga akong pag asa. "Sige na, iwan niyo na ako dito."
"Haaay! O sige! Tama na yan. Tawagan kita mamayang gabi. Umuwi ka na muna." Sabay
iling at pahid sa luha ko.
Tumango ako at umalis na dun. Papalabas ako ng school. Walang hiyang buhay! Nasakin
na, nawala pa! Wais din ang Troy na yun ah?
"AHHHHHHHHHHHHHH!"
Biglang may yumakap sakin galing sa likuran at hinila ako paatras. Pumiglas ako.
"Nasa school pa ako at gaya ng sabi ni Troy, may CCTV dito! Kaya lagot kang
holdaper o rapist ka! OMYGOD! Mari-rape ako? Rapist! AHHHH!" Tinakpan niya ang
bibig ko.
Rapist! Rapist!
"Shut up, Trisha!" Napahingang malalim si Troy pagkatapos akong tinapon papasok ng
front seat niya. "Damn, ang ingay ingay mo talaga!" Umiling siya.
Napaiyak ako sa kaba... at sa relief...
"Huy!" Nag snap siya ng daliri sa mukha ko nang nakitang nag break down na ako. "B-
Ba't ka umiiyak?"
Nilock niya yung pintuan ko at umikot sa driver's seat para umupo. Hinarap niya
ako.
Sinuntok ko ang dibdib niya pero di siya natinag. Ewan ko ilang beses kong sinuntok
yun.
"Lanya ka, Troy! Akala ko rapist! Akala ko di ko na makukuha ang Le Marcelle! Akala
ko mabibigo na ako! Akala ko mamatay na ako!" Nagwala ako sa sasakyan niya.
"Rapist? Talagang inisip mo pang rapist? May man ri-rape ba sayo eh halos wala kang
laman?" Tanong niya.
Sinapak-sapak ko na naman ang dibdib niya sa inis ko. Pero tumatawa lang siya na
parang di nasasaktan. Nag-ekis na lang yung braso niya para di ko na siya masapak.
Napasinghap siya pagkatapos niyang tumawa at agad sumimangot, "Diba sabi naman sayo
wa'g mo akong lalapitan sa school kasi nakakahiya ka?"
Sinapak ko ulit.
May kinuha siya sa backseat. Tumingin lang ako sa malayo habang kinakalma ang
sarili ko. Jusko! Akala ko talaga katapusan ko na! Akala ko headlines ako ng dyaryo
bukas! Sayang, na rape, pinatay, ang ganda pa naman sana. Tapos mag wewelga ang
lahat ng nagmamahal sakin at ipapaclose ang school kasi di reliable ang security.
Kinalabit ako ni Troy nang nakangisi.
Mas lalong lumaki ang ngisi niya habang kinakalabit parin ako.
"Ay? Nakaharap ka na pala. Akala ko nakatalikod ka, ang flat kasi ng chest mo
parang likuran? HAHAHAHA!"
Sinapok ko na ang mukha niyang tumatawa ng wagas! Bwiset na bwiset talaga ako sa
kanya! Pa'g maganda ang mood ko, siya yung galit. Pag siya naman ang may maganda
ang mood, ako naman ang galit. Hindi ba pwedeng sabay kaming masaya?
"Huy! Aray! Sakit ah! Wa'g nga sa ulo, Trisha!" Sigaw niya nang sa wakas ay
nasaktan ko na.
Inayos niya ang buhok niya at tinignan ang sarili sa salamin. Yung buhok niyang
parang kay astroboy o kung anong tawag ng hairstyle na yan.
OFFICIALLY ACCEPTED!
"Wa'g mo na ulit akong gambalain ah? Lalo na dito sa school. Di alam ng mga
kaibigan kong may kilala akong tulad mo."
Hindi ko alam na pwede pa palang mas lumala yung dislike ko sa taong kinamumunhian
ko. Kay Troy lang yata yun mangyayari. Makasarili at vain siya. Yung reputasyon,
mukha, pangalan, at kapangyarihan lang ang importante sa kanya. I doubt kung
'friends' niya ba talaga ang mga kaibigan niya. Tingin ko dumidikit lang sila sa
kanya dahil mayaman at gwapo siya. Nakakainis!
Kabanata 3
Kabanata 3
Na-assign ako sa top floor, left wing. Pagkatapos kong mag ayos at mag iwan sa
locker ng mga gamit, narealize ko talaga kung gaano ka high end ang hotel na ito.
Tingin ko, ito ang pinaka engrandeng hotel sa buong Pilipinas. Lahat ng tao sa
hotel na ito ay profesional. Gagawin ko ang lahat para di ako pagalitan ng floor
supervisor... at syempre lalo na ng manager.
Narealize ko na baka mali yung ginawa ko. Kahit anong utos dapat ng mga regulars
dito, dapat u-oo ka lang. Nakakacurious kasi sa ekspresyon ng mukha niya kaya
nagawa kong magtanong.
"Ah. Sorry. Sige, ma'am, punta na ako." Sabi ko at tumango naman siya.
Nakakacurious naman yung pagpula ng pisngi niya. Hindi kaya may multo sa mga rooms
na yun? Tinulak ko yung cart na nagdadala ng mga panlinis at iba pa sa mga suites
dito.
Unang room, walang tao. Sumunod na room, magulo. Habang naglilinis ako dun... may
naririnig akong dumadaing... hindi... umuungol sa terrace ng kwarto.
Sinarado ko agad. Ok. Balik sa trabaho, Trish. Confidential yun kaya wa'g nang i-
disclose.
"Trisha, Sir. I'm sorry. I can come back later." Kinagat ko ang labi ko.
Ok. Standard protocol na hindi dapat pumasok pag may tao na pero since gusto ng
guest... hindi. Talagang hindi pwede. Hindi ko pa nasusubukan na magkaroon ng
ganitong guest na okay lang mag housekeeping kung nasa loob pa siya. Hmmm?
Binuksan niya ang pintuan. Sumalubong sakin ang mala demonyong ngisi ni Mr. Araw-
Araw May Dalaw. Messy ang buhok niya. At sorry kung sasabihin kong mapupuri ko
talaga siya kung ganyan lagi ang mukhang ipapakita niya.
Humugot ako ng malalim na hininga nang nakita kong naka boxers siya. I think... I
think... lunok... nagbababad siya sa gym.
"Clean it, Trisha!" Mas lalo niyang binuksan ang pintuan. "And close your mouth."
Sabay tulak niya sa baba ko para maisarado ko ang kanina pang nakangangang bibig.
Umiling siya at humalakhak habang lalong ginugulo ang buhok. Imbis na pasadahan ko
siya ng tingin ay napatingin ako sa sala ng suite niya. Rated SPG, Trish. Alam
nating lahat na mejo may pagka manyak ako pero never been touched ang beauty ko no!
"What? May sextape ka sakin diba? Kita mo na lahat sakin. Ba't ka nahihiya pa
riyang tignan ako?"
Nakatapis lang ito ng tuwalya. Tumingin ang babae sakin at pabalik kay Troy.
Narinig kong humalakhak si Troy nang lumapit na ang babae sa kanya. Tingin ko ay
half-foreigner si Danica.
"It's not Danica, Troy. I'm Lian!" Narinig ko ang pagsimangot ni Lian.
Pagkatapos nun ay iba na ang narinig ko. Ang 'friction' ng mga labi habang
naghahalikan.
This guy... is such a horndog. Hindi ako makagalaw sa ginagawa nila. Seriously,
girl? One night stand? Alam ko namang marami na talagang nagpapaloko sa Troy na yan
pero ngayon lang talaga ako nagkaroon ng Live Version!
Sumulyap ulit ako at nakitang itinigil niya si Lian sa paghalik para harapin ako.
Nakapamaywang siya at ngumisi ulit.
"Troy..." Pero tumigil si Lian at tinignan ako. Masamang tingin. Para bang nabitin.
Ako pa ang may kasalanan eh si Troy naman ang pumigil sa kanya.
Nakita kong nanlaki ang mata ni Lian. NOT WHAT YOU'RE THINKING!
"Ooohhh na, whatever!" Pinigilan ko siyang tapusin ang punto niya dahil mukhang
magkakaheart attack na si Lian sa sinabi ni Troy. "Iba siya Troy pag live na. Yung
nakita ko, video lang-"
"Bakit? Nakapikit ka ba nung kinuhanan mo yun?" Tumaas ang kilay niya.
May point si Mr AAMD! Pero sa araw na 'to, mukhang wala siyang dalaw kasi ako yung
iniinis niya.
Tinalikuran ko sila at sinarado ang pinto. Hindi niya naman siguro ako isusumbong
sa floor supervisor diba? Ito siguro ang ayaw ni Jane? Ang makita o marinig ang mga
sigaw sa suites ni Troy. Napabuntong-hininga ako...
"Ms. Roncesvalles?"
Naaninaw ko ang naka suit and tie na si Sir Jayden sa harapan ko. Lumakas ang
pintig ng puso ko at unti-unti akong nanlamig. Kay. gwapo. niya. talaga!
Ngumiti siya.
Uh, sir, pulutin ko lang yung panty ko ah? Nalaglag yata? JOKE! Oh my god! Sobrang
gwapo niya! Yung clean cut na buhok, matangos na ilong, mejo singkit na mga mata at
makisig na katawan.
"You okay? Ang pula ng pisngi mo ah?" Tumingin siya sa likuran ko at umiling. "Is
it Troy?"
Suminghap siya, "I know what's going on. Lagi yan dito. Pinormahan ka ba niya?
Nagtangka ba siyang... halikan ka or something?"
"Trisha?" Nakita kong nag alala ang mukha niya. "Hinalikan ka ba niya?" Lumapit
siya sakin at pinasadahan ng tingin ang mukha ko.
Para bang naghahanap siya ng dumi.
Sumusuka na talaga ako ng rainbow sa sandaling ito. Isang dangkal na lang ang layo
ng mukha naming dalawa at mukhang lumipad na ng bongga ang panty ko.
Napalingon ako kay Troy at Lian. Nakabihis na si Lian na parang ready to go.
May binulong si Troy kay Lian. Kumunot ang noo ni Lian, sinulyapan ako at umalis
din.
"Now... wala na akong kasama. And you're right, she's an intern so kailangan niyang
linisin ang suite ko." Nagkatitigan si Troy at Sir Jayden.
"Para saan? Para paglaruan siya tulad ng ginagawa mo sa halos lahat ng interns
dito, Troy?"
Sumimangot si Troy. Nagbalik yung pagiging Mr. Araw Araw May Dalaw niya. "Why would
I? Hindi siya attractive. Hindi ko siya type. I just want her to clean my room,
that's it. Got a problem?"
"Troy! Anong klase kang lalaki? Bakit mo sinasabing hindi siya attractive! I'm
concerned because she is attractive. Siya yata ang pinakamaganda ng interns dito
kaya bakit mo yan sinasabi?"
Kita kong galit na galit si Troy habang tinitignan si Jayden, "So? Anong balak mo,
Mr Manager? Pull her out from this floor? I'm the CEO here... gusto mo yatang
ipaalala ko sayo yun?"
Umiling si Sir Jayden na para bang disappointed siya kay Troy, "Napaka immature mo
parin talaga."
"No... I'm not. Let' see? Tanungin kaya natin si Trisha? Ano, Trish? Maglilinis ka
ba dito o hindi?"
Dapat ako yung nabablackmail dito? Dapat ako yung nasusunod! Paano ko tatanggihan
si Sir Jayden nang di ko siya na ooffend? Talaga bang pipiliin ko si Troy?
Nakatingin silang dalawa sakin at...
Nanlaki ang mga mata ng badtrip na si Troy. Ngumiti naman si Sir Jayden sakin.
HAHA-HA-HA! AHHHH! Yebah! Coffee at ikaw, pwede? Namatay na yata sa inis si Troy
kasi di niya na ako ginulo ulit habang paalis kami ni Sir Jayden.
Kabanata 4
Kabanata 4
Hawak Sa Leeg
"Well, oo naman. Sa break time. At break time naman ngayon kaya pwedeng pwede."
Tumango siya sakin at ngumiti.
Ngiting Close Up, ah? Uminit agad ang pisngi ko nang nakitang tinitigan niya ako
nang mas matagal. Kakasabi niya lang sakin na maganda raw ako. Diba puro magaganda
yung mga tinanggap ng kurimaw na Troy na yun, paanong sa mata ng gwapong si Sir
Jayden ay ako yung maganda?
"Hmmm. May ginawa ba si Troy sayo?" Tanong niya pagkarating namin sa ground floor
kung nasaan yung bar at restaurant ng Le Marcelle.
"W-Wala naman."
"Hmmm. Sorry kasi sanay ako sa mga babaeng interns dito na lagi niyang..."
Natigilan muna siya bago magsalita ulit. "Pinaglalaruan. Abuse of power yung
ginagawa niya. Pero wala akong magagawa since yung mga babae, parang nagugustuhan
din ang ginagawa ni Troy."
Tumango ako.
Actually, halos wala akong maintindihan. Tinitignan ko lang siya at kung paan o
niya igalaw yung bibig niya habang nagsasalita siya. Para pa akong nakalutang sa
ere habang naglalakad kaming dalawa.
"Eliz!" Bati ni Jayden at inarangkada ang ngiti niyang worth million dollars.
"Hay! Dapat tigilan mo na yang pagpapart time mo, mapapagod ka na mamayang gabi."
Sumulyap siya sakin.
Tumawa si Jayden at sumulyap sakin, "Its okay. Passion ko ang pagtuturo. Natutuwa
ako sa mga estudyante. By the way, this is Trisha, one of my students."
"Pwede namang sa opisina mo na lang ipahatid, bakit dito pa?" Tanong ni Eliz.
Nakikiusyuso! Pakialam mo ba, nag momoment kami dito ang epal mo!
"Dito na lang. May pag-uusapan lang kami ni Trisha, saglit. Magaan ang loob ko sa
kanya eh."
Nagkibit balikat si Eliz habang nag susuka ako ng rainbow. Okay. Sobrang lakas na
ng pintig ng puso ko. Tingin ko may kabayo na sa dibdib ko.
Binigyan din kami ng kape ni Eliz at umalis na pagkatapos ngumiti ni Sir Jayden sa
kanya. May nakita akong grupo ng interns na nag bi-break din. Napatingin pa sila
sakin nang nakita si Sir Jayden. Narinig kong nag tilian sila ng bahagya. Masakit
talagang isipin na napigilan nila yung tili nila para kay Sir Jayden pero halos
nanisay sila sa tili nung nakitang lumabas si Troy sa elevator. SOBRANG TILI NILA
NA HINDI KAYANG I-EXPLAIN THROUGH CAPSLOCK.
Naka wayfarers si Troy. Nakasimangot siyang habang nag titext sa cellphone niya.
Papasok na yata siya sa school. Nakita ko agad na pumark sa tapat ng Le Marcelle
yung Audi niya. May lumabas sa driver side na naka black tux at ipinakita ang susi
kay Troy.
Mga mahaderang babae! Anong lakas ng dating dun? Sobrang vain na tingin ko'y bading
siya.
"I'm surprised na hindi mo pinili si Troy over me." Sabi ni Sir Jayden.
"Ha? Bakit ko naman pipiliin si Troy? Syempre, ikaw ang pipiliin ko!" Sabi ko na
agad ko namang kinahiya.
Yun ang bad sides ng pagiging madaldal. Minsan, walang filter ang sinasabi mo. Kung
anong trip ng utak mo, yun ang lalabas sa bibig. Kaya kung trip mo ng makamundong
pagnanasa, kagat labi na lang para di ka makasuhan ng public disturbance.
"I-I mean-"
Tumawa siya, "You're amusing. Talagang iba ka." Tumango siya at uminom ng kape.
Uminom din ako ng kape para makapagpasikat sa kanya kahit alam kong di yun
tinatanggap ng tiyan ko. Masarap. Pero mamaya, kakabagin ako ng bongga. Wala pa
naman akong dalang Kremil S.
Tumaas ang kilay ko, "Marami namang ayaw kay Troy eh." I lied. Okay... Marami
kasing ako sa mundo.
Suko na ako! Ang totoo, ako lang yata ang may ayaw sa kanya. True that! Maraming
nayayabangan sa kanya. Pero admit it, kung gaano siya kayabang, ganun din siya ka
gwapo, ka-hot, at kayaman. Kaya pag ikaw nagtaray sa kanya at salidahan niya ng
isang beses na lambing, titiklop ka parin. Kahit si Emma na naturingang best friend
ko, nagu-gwapuhan kay Troy. Ako lang yata ang nakukurimawan sa kanya.
"Hmmm. Hindi naman talaga siya galit. In fact, cool naman yung pakikitungo namin sa
isa't-isa. Minsan kasi, sinasaway ko siya sa mga ginagawa niya kaya nagagalit. Of
course kasi ipinagbilin sakin ng daddy niya na bantayan ko si Troy. And as manager,
kailangan ko ring pangalagaan ang Le Marcelle."
Mas lalong tumaas ang paghanga ko kay Sir Jayden. Napaka responsable niyang tao.
Magkasalungat sila ni Troy. Puro sarili lang ang iniisip nun. Puro babae, pera,
karangyaan at iba pa.
"Nah! That's not my priority." Tinignan niya ako. "Tinutulungan ko lang ang Le
Marcelle."
"May I?" Nakita kong umaamba siyang punasan ang mukha ko.
"Huh?" Instinct na pinunasan ko agad yung mukha ko gamit ang kamay ko.
Ngumiti ulit siya, "Ako na." Pinunasan niya ang taas ng lips ko. "There. Better."
Excuse me, CR lang ah? Susuka lang ng rainbow?
Buong araw akong masaya dahil sa nangyari samin ni Sir Jayden. Muntik ko ng kunin
yung tissue na pinagpunasan niya sa taas ng labi ko kung di lang sana siya
nakatingin. Ang saya-saya ko nang biglang sumakit ang tiyan ko.
Badtrip. Shutanginabeks sobrang sakit. Alam kong hangin ang laman nito dahil sa
kape. Pero hindi ko kayang i-risk kaya agad na akong nag-out. Buti di ko
nakasalubong si Sir Jayden at baka di na talaga ako makapag pigil.
*BOM!*
Narinig kong padabog na isinarado ni Troy ang Audi niya at hinagis dun sa naka tux
ang susi.
"May kukunin lang ako. Wa'g ng ipark. Diyan lang yan. Saglit lang ako tapos uuwi
rin." Malamig na sinabi ni Troy sa naka tux.
Alam kong badtrip na naman si Senyorito Troy pero wala na akong ibang magagawa.
Tawagin ko man lahat ng santo, walang CR na lalapit sakin. Alam ko, may common CR
naman dito sa first floor. Ang problema nga lang ay natatakot akong umalingasaw ang
baho ko at malaman pa ni Sir Jayden yun. Hindi ko yata makakaya yun kaya itong si
Troy ang pinagdiskitahan ko.
Para siyang nainsulto sa sinabi ko. Sa mukha niya ngayon parang ang sama kong tao.
Parang ako yung suspect sa mga bombings na ibinabalita.
Sinundan ko na.
"Ba't di ka dun magpatulong sa Jayden mo? Tuwing may problema ka lang yata
pumupunta sakin eh."
"Bilisan mo!"
HALLELUJAH!
Hindi na ako nakapagsalita dahil sa pagpapawis ko. Luckily, hindi naman ako natae.
Ewan ko kung bakit ganun pero ganun talaga ang nangyayari tuwing umiinom ako ng
kape. Kabanas!
"Tignan mo? Tuwing okay ka na, wala ka lang. Kung may problema, ako ang takbuhan."
"Salamat ah?" Sarcastic kong sinabi. "Pagnakita tayo ni Sir Jayden sa baba, iisipin
nun na tayo. Isa ako sa mga maruruming babae mo-"
"Ano ngayon kung isa ka? You should be flattered! When in fact, you're not even
that pretty." Umirap siya.
"Blabla, Troy. Wala akong pake sa opinyon mo. Sinabi ni Sir Jayden na attractive
ako at mas maganda ako sa mga babae dito. Dyan ka na!" Sabi ko at umalis na.
"Wala na si Jayden ngayon, FYI. Kanina pa nag change ng shift habang tumatae ka sa
suite ko. Wala ka talagang utang na loob, no?" Sinundan niya ako pababa ng
elevator.
Oo nga pala! Nagmuni-muni ako sa elevator. May punto si Mr. Araw Araw May Dalaw.
Mukha na siyang may dalaw ngayon kaya pwede na akong ngumisi.
"Troy..." Malambing kong binanggit ang pangalan niya pagkalabas namin ng elevator.
"TROY!!" Sigaw ko habang pinupukpok ang salamin ng Audi niya. Nasa loob na siya.
Lumabas siya ng sasakyan at binawi ang magkabilang braso ko sa dalawang naka tux na
humahawak nito.
"Harmful animal!" Binuksan niya ang pintuan ng front seat at tinapon ulit ako dun.
Kabanata 5
Ang Offer
"Wa'g mo ngang pakealaman ang mga gamit ko." Sabi ni Troy habang nagd-drive siya.
Hinahalungkat ko kasi ang drawer niyang may lamang condom, gamit para sa buhok,
lotion, at iba pa...
Tumikhim siya.
"Napaka gulo mo talaga, ano? Kung di ka nag iingay, nakikialam ka?" Aniya.
"Ikaw din! Parati ka na lang naiinis sa lahat ng actions ko. Lagi kang mukhang may
dalaw araw-araw. Alam mo bang binansagan kita sa utak kong Mr. Araw-Araw May
Dalaw?"
Natahimik siya. Mukhang malalim ang iniisip. Ilang sandali pa bago siya
nagsalita...
Tinitigan ko siya. Nakatingin lang siya sa labas habang may malalim na iniisip.
"Si mommy lawyer. Si daddy surgeon. Nag iisang anak lang ako. Nakakaantok sa
bahay." Sabi ko.
"Ikaw? Saya ng life mo no? Dami niyong negosyo. Balita ko namamalagi ka sa casino.
Poker? Ano pang nilalaro mo?"
"Grabe! Sobrang daldal mo talaga!" Napabuntong hininga at iling ulit siya. "Nga
pala... ano bang nakain mo at bakit ka nag LBM?" Nabigla ako sa tanong niya.
"Coffee. Hindi naman ako nagkaLBM. Kabag lang or something. Ganun talaga pag
umiinom ako ng coffee." Tumango-tango ako sa kanya.
Sumimangot ako. Nang nakarating na kami sa Domino Heights, itinuro ko sa kanya ang
daanan patungong bahay namin.
"Yun yung bahay namin." Sabay turo ko sa white and maroon combo na bahay namin.
"Tseh! Di pwede! Ano pang sabihin ng mommy at daddy ko. Hmp!" Sabay labas ko sa
sasakyan niya.
Humagalpak siya sa tawa habang tinitignan ako palabas, "Okay, next time then!"
Malademonyong ngiti ang huli kong nakita sa mukha niya bago siya umalis.
Ganoon palagi ang eksena sa Le Marcelle, araw-araw. Syempre, may mga araw na wala
si Troy. Yun ang mga araw na nagdiriwang ako. Ayoko kasing naglilinis sa kwarto
niya ng mga... alam niyo na. Errr. Si Sir Jayden, lagi nariyan. Nginingitian niya
ako palagi pag nagkakasalubong kami. Malaking effort ang ginagawa ko para di ko
siya gaanong makausap. Paano ba naman kasi, ang daming matang nakatingin samin.
"Trisha, may something ba sa inyo ni Sir Jayden?" Tanong ng isang intern na gaya
ko.
"W-Wala. Bakit?"
Dalawang linggo lang ang nakalipas ay ganun na agad ang tingin nila. Paano ba naman
kasi, lagi kaming nagkikita ni Sir Jayden sa restaurant o bar tuwing breaktime.
Kainis! Andito na naman si Mr. AAMD. Dapat siya yung naiinis pag ako ang makita
niya eh.
"Ba't ka nandito?" Pabulong kong tanong sa kanya.
Nagtitilian na yung ibang employees sa gilid. Walang lumalapit kasi may dadampot
agad na security kung maharass siya.
"Masanay ka na. Palagi naman tayong nag uusap eh. Gusto mo ng kape?"
Nakita kong sumulyap si Troy sa table namin habang nakasimangot. Kape. Ang salarin
kung bakit ako natatae.
Nauutal talaga ako kaya di ko maipagpatuloy ng maayos ang sinasabi ko, "K-Kasi...
Overtime ng parents ko mamaya... wala akong kasamang magdinner. Ako lang... Kaya...
baka sakaling.. p-pwedeng... t-tayo?"
Ilang beses akong nag ensayo sa linyang yan sa harap ng salamin. Sa wakas ay nasabi
ko rin. Yeah boyyy!
"Hmmm. Sorry, Trisha. Pero may klase kasi ako." Nakita ko ang disappointment sa
mukha niya habang umiinom ng kape.
Laglag ang panga ko sa sinabi niya. Oo nga naman pala! Bakit di ko yun naisip!
Hindi siya pwede tuwing gabi kasi may klase siya. Napahiya tuloy ako. Hindi na ako
sigurado kung mapula ako ngayon o namumutla na. Hiyang-hiya ako. Nakita kong halos
di rin siya makatingin sakin. Argh! Pwedeng lamunin na lang ako ng lupa ngayon din?
Kainis eh! Bakit ko pa kasi siya niyaya? Grrrr...
Tumango si Sir Jayden at tumayo, "I'm really sorry. Siguro next time?" At
tinalikuran ako para umalis.
Napahinga ako ng malalim nang umalis na siya. Humagalpak naman sa tawa ang isang
demonyo sa kabilang table.
Like I said, maligaya siya pag mukha akong AAMD. Maligaya ako pag siya naman ang
AAMD.
Tumayo ako at umambang lalapitan siya para sapakin. Pero natigilan siya sa
pagtawa...
"Oh! Oh! Easy lang! Walang lapitan pag umaga! Maraming nakatingin! Akala nila
girlfriend pa kita." Tumawa ulit siya. "Such a loseeeer!"
"Hoy mga manong! Kilala ko tong amo niyo. Di ako baliw kaya wa'g niyo akong
mahawakan-"
Napabaling ako kay Troy. Nakakagat labi siya habang ngumingisi. Nakakapanindig
balahibo kasi tinititigan niya ako.
Kabanata 6
Kabanata 6
Sabay Tumawa
Paeffect pa tong si Troy. Anong gagawin namin sa suite niya? Mamaya na nga lang.
Mag tatrabaho muna ako. Nagtrabaho ako na parang house elf sa Le Marcelle. I'm sure
pumuputi na ang mga mata ni Troy ngayon sa kaka antay sakin. Iniisip ko palang
tuwang tuwa na ako! Nakakasaya sa puso.
Alas singko na nang bigla kong naisipang lumapit sa left wing, kung nasaan ang
trono niya.
"TRISHA!" Narinig kong sigaw niya.
"Uy! Troy! Ikaw pala..." Pinipigilan ko ang tawa ko. "Kamusta? Lalo yatang
tumitingkad ang kagwapuhan mo ah?"
Halos magsiputukan ang mga veins niya sa ulo habang tinitignan ako. I swear, may
nakita pa akong usok sa ilong niya.
"ANONG BA'T ANG TAGAL MO?" Ginulo niya ang buhok niya.
"LIKA NA NGA!" Sabay hila niya sakin papasok sa suite niya. "Alam mo bang ilang
oras akong naghintay? Tsss! Ikaw na nga itong tutulungan... kaw pa ang nag iinarte
diyan!"
Tinapon niya ako sa sofa ng sala niya. Napakurap-kurap ako. Sa mukha niya parang
may gagawin siyang makamundo sakin kahit galit eh. Talaga? O masyado lang akong
manyak?
"Apat na oras, Trish. Apat na oras mo akong pinaghintay! Alam mo bang wala pang
taong nakakagawa sakin niyan?" Tanong niya.
"BALIW KA TALAGA! FREAK! Damn, girl!" Ginulo niya ang buhok niya at umupo sa tabi
ko.
Ilang sandali pa bago siya bumaling ulit sakin. Nang nakuha ko na ang atensyon
niya, nakangisi na siya na parang may masamang binabalak.
Uminit ang pisngi ko. Hindi ako makatingin sa kanya kaya mas lalo siyang ngumisi.
Kinagat niya ang labi niya at kinurot ang pisngi ko.
"Gusto mo siya."
Sarap sapakin! Makapanlait 'to parang gwapo... pero gwapo nga siya... pero di yun
dahilan para manlait sa gwapong si Sir Jayden, "HEXCUSE ME lang ah? Pero hindi siya
singkit! At hindi siya matanda!"
"Singkit siya, bulag ka ba? Tsaka matanda na siya! 24? By 24 may apo na ako!"
Sinapak ko ulit.
"Wa'g mo akong masapak-sapak! Hinahayaan lang kita kasi hawak mo ang leeg ko! Pag
napuno ako, idedemanda na talaga kita at wala na akong pakealam sa kahihinatnan ng
pangalan ko!" Sigaw niya sakin.
"Hindi siya singkit, Troy. Para nga siyang korean actor! Duh! Palibhasa tingin mo
ikaw lang itong gwapo... kahit hindi naman talaga! Tsaka anong pake mo kung gusto
ko ng mejo older?"
Sumimangot ako, "Nang ano? Isang taon? Salamat na lang! Mas matanda pa yata akong
mag isip sayo!"
"Okay, whatever... So... gusto mo nga siya. Gusto mo bang i-train kita kung paano
maakit ang taong gusto mo?"
"What? I'm helping you!" Lumitaw ulit ang ngisi sa mukha niya.
"At di ako maniniwala sayo! Hah! Akala mo ah? Siguro ay aambushin mo ako? Baka
pumalpak at sa huli ay ikaw ang tatawa. No way, Troy!" Panuya ko.
"Trisha, I'm freaking bored with my life. Kaya gusto kong gawin ito-"
"Bored with your life? Bored ka pa sa lagay na yan eh pwede ka namang mag casino o
makipagharutan sa mga babae mo? Balita ko gabi-gabi ka sa Penthouse? Bored ka pa
diyan? Anong tawag mo sa buhay ko aber? Nakakamatay sa kaboringan?"
"Come'on, Trish! I'm helping you. It will benefit both of us. Ako, hindi na mabo-
bore. At ikaw, maaakit mo si Jayden. Wala naman tayong pwedeng pagkatiwalaan kundi
ang isa't-isa diba? You have the tape. If I... If I mess this up, you can always
threat me with that." Seryoso niyang sinabi.
"Troy, hindi ko intensyong akitin si Sir Jayden." Uminit ang pisngi ko. "Hindi
naman ako tulad mo na puro pang aakit ang ginagawa. Gusto ko magustuhan niya ako.
Ma inlove siya sakin."
Humagalpak siya sa tawa. Para bang mamamatay na siya sa kiliting nadarama niya.
"ANO BAH!?" Agad siyang natigil sa sapak ko. Inarapan niya ako at... "There is no
such thing as love, Trisha." Tumawa ulit siya. "There is only seduction."
Iyan! Iyan ang nagpapagaan ng konsensya ko. Hindi ako nakokonsensya na ginagamit ko
siya ngayon dahil sa prinsipyo niyang yan.
"LOVE for family, maybe. Pero yung 'in love'? Butterflies in your stomach? Heart
beating fast? Heart aches? Stupid tears? That's for pussies, Trish."
"I'm not a pussy! Pero totoo yan, Troy! Totoong may pag ibig!"
"Troy, wala pa akong naging boyfriend. Pero alam kong totoo yung 'in love'."
Wow! Parang naannounce ko lang na hindi pa extinct ang mga dinosaurs ah? Sa mukha
niya parang milagro yung nagawa ko.
"Got a problem with that? Hindi naman kasi yan, milagro Troy! Actually, kung ayusin
mo lang ang paghahanap, marami ang kalahi ko. Never been touched, kissed, never had
a boyfriend. Marami kami."
"Alam ko. I just... I didn't know you belong there." Kumunot ang noo niya at
tinanggal ang tingin sakin.
"Paano naman natin yan gagawin, aber? Siguraduhin mo lang na ma iinlove sakin si
Sir Jayden niyan, huh? Actually, di ko naman kailangan ng tulong dito. Pero...
since nag offer ka, why not, diba?"
Tumango siya na parang wala parin sa kanyang sarili. Anong problema nitong Mr.
AAMD? Mukhang magkakadalaw na talaga siya ah?
Tinawagan niya ang room service para dalhan kami ng pagkain sa suite niya.
Napangisi ako sa dami ng inorder niya para sakin.
"So... what do you think, Trisha?" Tanong niya pagkarating ng mga pagkain.
"Good idea!"
Sa unang pagkakataon, sabay kaming ngumisi sa isa't-isa. Kumislap ang brown eyes
niya habang tinitignan akong ngumingiti ng abot tainga.
"Make over?" Natigil ako sa pagkain. "Hindi na kailangan! Maganda na ako!" Sabi ko.
"Whatever you say! Pero yung mga matatandang tulad ni Jayden, they dig for girls na
hindi tulad mo."
Nalaglag ang panga ko sa sinabi niya. Hindi ako makapaniwalang iniinsulto niya na
naman ako.
"Bungisngis ka kasi masyado. Dapat pormal. Para kang bata. Parang high school. Kaya
ka siguro di nag kaka boyfriend."
Nilunok ko na lang ang sarili kong laway at tinanggap ang sinabi niya. May point
siya pero masakit sa pride eh. "Hindi ako bungisngis, jolly ang tawag dun!"
Hindi niya pinansin ang sinabi ko. "Maybe you should consult a stylist? Or
whatever. Tapos wa'g ka masyadong magsalita. Kasi sa sobrang laki ng bibig mo, para
kang buwaya minsan."
Sinapak ko siya. At for the first time, sabay ulit kaming tumawa.
Kabanata 7
Kabanata 7
Alis Na!
"Di ka ba nag da-diet?" Tanong ni Troy habang pinagmamasdan akong nilalantakan yung
steak na hinatid sa suite niya.
Sabado ngayon at aniya'y nagpapunta siya ng stylist dito para ayusin ang buhok ko.
"Grabe ka eh. Mga kilala kong babae, hinay-hinay naman sa pagkain. Ikaw parang
monster."
"Troooy! Baby! I missed youuuu!" Sabay beso nung isang kilalang stylist na bading.
Nakita kong napabuntong hininga silang tatlo. Umiling naman yung babae at ngumiti.
"Pag araw-araw tayong nagkikita, Troy, baka araw-araw din akong himatayin sa ngiti
mo." Saby ni Hugo.
Nakita kong tumingin nalang ang babae sa overlooking terrace ni Troy habang
pinipikit ang mga mata.
"You are so handsome that it hurts!" Sabay hipo ni 'Toni' sa braso ni Troy. "Ang
sabi ng gym instructor mo dumadalas daw ang pag ji-gym mo nitong mga nakaraang
araw. He's right!" Nakatingin siya sa braso ni Troy.
"Enough about that, I have here Trisha Roncesvalles." Sabay tingin nilang tatlo
sakin.
"No... She's an intern here. I want you to dress her up... Make her look like a
lady."
"Tama ka. What's with the bangs, dear? Di na uso yan! Tsaka, nagsusuklay ka ba?
Mukha kang hinahabol ng suklay ah?"
"Minsan, nag po-ponytail siya at umaaliwalas naman ang mukha niya. Pero di siya
marunong mag make up kaya disaster parin." Sabi ni Troy.
Sarap kumuha ng tinidor at itapon kay Troy eh. Di bali! Isipin ko na lang na libre
itong ginagawa ni Troy... nagmamagandang loob! Subalit tuwing nakikita ko ang ngiti
niyang nanunuya sakin, naiinis ako lalo.
"Cropped t-shirt, bleached shorts... okay rin to ah? Pero not lady enough." Tumango
ang dalawang bading.
"Hey, you can use my room if you want. Babalik lang ako mamaya, ah? Need to go
home, Hugo..." Sabi ni Troy.
"Aww! Akala ko pa naman masisilayan ko ang kakisigan mo the whole time." Nag
beautiful eyes pa si Hugo.
"Kel, maraming salamat." At hinaplos ni Troy ang mukha nung namumulang babae.
"Mauna na ako, Toni." Yung isang bading naman ang pinasadahan niya ng ngiti.
Ibang klase din 'tong si Troy, noh? Stone heart! Di ba niya nakitang halos mag
hyperventilate na yung babae kanina? Tingin ko may nakaraan sila.
"Oo! Sinabi ko na kay mommy at daddy na may lakad kami ng mga kaibigan ko. Pero
dapat hanggang 12 lang ah? Ihatid mo ako sa bahay. Tsaka... inimbitahan ko na rin
yung mga kaibigan ko para di ako mabuking."
"Shall we?"
Mahaba na ang bangs ko at nasasabit na sa tainga. Pero sinabi nila sakin na mas
mabuting pahabain ko yun para di ako mag mukhang bata. Ewan ko din kung bakit daw
mukhang bata pag may bangs? Grrrr. Tsaka pinayuhan nila akong bumili ng flats at
tsaka sandals imbes na mga keds at vans ang sinusoot ko. Binigyan nila ako ng
magazines. Binigyan nila ako ng isang dress na mahal at pumps na mahal. Courtesy of
Troy Ezekeil Salazar. Ni-trim din nila ang buhok ko at ginawang layered para daw
bagay sa bangs at di ako magmukhang sadako sa straigh cut kong buhok. Mas maganda
daw sana kung lagyan ko ng waves ang dulo ng buhok ko para mas mukhang mature kaya
nilagyan nila.
Alas otso ng gabi nang natapos kami. Light make up lang ang nilagay nila sakin.
Tinuruan din ako ni Kelly (yung matangkad na babae) kung paano mag make up. Nalaman
kong si Kelly pala ay isang stylist ng isang sikat na magazine. Si Hugo naman ay
make up artist at may ari ng isa sa pinaka sosyal na bar sa buong Pilipinas. Yun
ang pupuntahan namin ni Troy mamaya. Si Toni naman ay isang image consultant ng mga
artista.
Nalaglag ang panga ko nang nakita ko na ang sarili ko sa salamin. Okay! Bias...
alam ko yun pero hindi ko alam na may igaganda pa pala ako!
"Wow! Salamat!"
Tumango silang tatlo.
"Sana ay sundin mo ang mga payo namin. Oh..." Sabay hagis sakin ng suklay. "Eto,
gift ko yan sayo. I bet wala kang suklay diyan sa purse mo. May mga shampoo at hair
products din ako dito, ibibigay ko sayo. Pasalamat ka malakas si Troy sakin... Ano
ba talagang relasyon niyong dalawa?" Tanong ni Toni.
"Uh... wala. May utang siya sakin kaya binabayaran niya lang."
Ilang sandali ang nakalipas, tinawagan ko sina Emma at Earl. Pupunta kami sa isang
bar. Ang sabi ni Troy, pag lalagpas ng sampu ang magyaya sakin sa pagsayaw o pag
bigay ng number, tatalab na ang new look ko kay Sir Jayden!
Sige! Maniniwala ako sa Master of Seduction na yan! Dapat sa Lunes, magsusuka ako
ng maraming rainbow! Kung hindi, lagot si Troy sakin.
Sasama si Emma, Earl, Camille at Beatrice. Hindi naman kami nagpupupunta sa mga bar
kahit na uso yun sa school. Pero since mula nung naging intern ako sa Le Marcelle,
di na nila ako nakita, nagsilbi itong reunion sa amin.
"Done?" Binuksan ni Troy ang pintuan ng kwarto niya habang nag aayos ang mga
stylist.
Nakatingin parin ako sa salamin. Tinitignan ko yung likod ko. Mukhang hindi maayos
ang pagkakazipper ng dress.
Hindi siya gumalaw. Tinignan niya lang ako at parang na bilaukan siya sa sariling
laway dahil napaubo siya ng bongga.
"Tubig, Kell!" Tawag ni Hugo.
"Wala!" Umirap ako. "Bilis na... Ayusin mo yung zipper!" Sabi ko at nakitang
halfway na ang zipper sa likod ko. Ayan kasi, sinusubukan kong ayusin, mas lalo
yatang bumababa.
"Erm... Aryt." Nakita kong nahirapan siyang lumunok bago hinawakan yung zipper.
"Tapos na?" Sabi ko nang di na ulit gumalaw ang kamay niya pero nakapirmi parin sa
likuran ko.
Nanlaki ang mga mata niya nang makita akong nakaharap na sa kanya.
"Hindi! Ang plain parin!" Umiling siya at ibinaling ang tingin sa kama niya.
"Ewan ko. La naman akong alam sa mga pagpapaganda ng babae kaya di ko alam. Para
sakin ganun parin siya."
Sumimangot dina Hugo. Ang sama din nitong Troy na 'to! Pinaghirapan kaya ito nina
Hugo, Toni at Kelly! Bakit niya sasabihin yun? Ako ang nagpasalamat sa kanila nang
umalis na sila. Nag tatantrums na naman kasi si Troy. May dalaw ulit si Mr. AAMD.
Napabuntong hininga siya at umalis kami sa suite nila. Wala na si Sir Jayden ngayon
kasi gabi na. Sobrang ganda ko siguro kasi nganga yung mga taong nakakita sakin.
Buti walang nakakakitang morning shift kaya di ko kilala ang lahat ng nag tatrabaho
ngayon.
"Marami bang tao sa bar? Anong oras ba dadami ang tao? Baka nandun si Sir Jayden?
Ah! Hindi yun nagbabar kasi matured yun." Uminit ang pisngi ko. "Pang boys lang
kasi yung bar... he's a gentleman!" Tumili ako.
Pinark niya ang sasakyan niya sa tapat ng Penthouse. Maraming pumapasok. May ilan
pang napansin ang sasakyan ni Troy. Mukhang mga kaibigan niya yun ah.
"Troy, diba sabi mo di ako pwedeng makita ng mga kaibigan mo? Itago mo na ako
bilis!"
"I-drop mo na lang ako dun tapos magkita na lang tayo sa loob. Kita ko na rin yung
sasakyan ni Earl sa parking lot, nandito na sila." Sabi ko.
Ginulo niya ang astroboy niyang buhok. Tapos inayos yung itim na v-neck t-shirt
niya na para bang naiinitan siya, "Hanggang 11 lang ah? Wa'g ka masyadong malikot
sa loob. Dumikit ka sa mga kaibigan mo. Pag gusto mo mag CR, isama mo sila. Wa'g
kang mag kakalat at baka mapaaway ako dun!" Sinigaw niya sakin ang huling
pangungusap.
As in sobrang gulo! Halos mapaiyak ako habang iniisip ang mga ginawa nina Hugo para
maging presentable siya.
"What the?"
Kabanata 8
Kabanata 8
Art of Seduction
Iniwan ako ni Troy sa labas nang magulo ang buhok. Ang lintik na lalaking yun
talaga!
Habang naglalakad ako patungong Penthouse, inaayos ko ang magulo kong buhok. Buti
na lang at smooth at madaling ayusin 'to ngayon. Sinuklay ko siya at bumalik din
naman sa dati. Inis naman ako sa pumps na soot ko. May mga pumps naman ako pero
sinisigurado kong di ganun ka taas ang heels, ito? Susmaryosep! 5'5 lang ako at
matangkad si Troy. Kanina nung nagkalapit kami, pansin ko yung paningin ko nasa
labi niya na. Alam kong tumangkad talaga ako ng husto dahil dito.
"Oo. Bakit?"
"Oh my God!" Ni-head to foot nila ako. "Saan ka nag iinternship? Bakit gumanda ka
ng husto?"
Hindi ko alam pero nakakainsulto yung sinabi niya ah? Pero palalagpasin ko na nga
lang! "Le Marcelle."
"Nakakaganda pala ang Le Marcelle?" Sabi nung isa at nanlaki ang mata niya. "Oh my
God! CEO si Troy Ezekiel Salazar dun ah? Nagpapaganda ka ba para sa kanya?"
Hinila nila ako papasok sa loob. Marami ng tao sa loob at maingay na. Malamang
dahil kadalasan, ganitong oras dinudumog ang mga bar.
*KRIIIIING*
"Andito na ako. Sandali lang. Ang ingay!" Sabi ko pero namataan ko siyang kumakaway
sa mag sofa sa pinakadulo ng bar.
"Hi, Miss! Sayaw tayo?" May humarang na dalawang lalaki sa harap ko.
"O my God!" Dinig ko na sinigaw ni Emma kahit maingay. "Ang ganda ganda mo na! Sa
wakas may nakapag introduce na ng suklay at parlor sayo?"
"Wooooh! Sayaw tayo! Wooooh!" Sigaw ni Beatrice habang winawagayway ang isang shot
glass.
Na realize kong kanina pa pala sila nandito at mejo nakainom na. Hayun at sumayaw
na si Beatrice at Camille na parehong single. Mukhang may nakuha pa yatang lalaki
sa dancefloor. Nag P-PDA naman si Emma at Earl sa gilid ko.
"Yes?"
Napatingin na naman ako kay Troy. Nakatitig parin pala siya sakin kahit malayo na
kaming dalawa.
Oo nga pala. Hindi ko alam kung o-oo ba ako pag may nag yaya o hindi. Hindi niya
kasi sinabi eh.
"Sure!" Ngumiti ako.
Hinawakan niya ang kamay ko. Wala namang masama. I'm single! Pwedeng makipagharutan
kahit kanino! Syempre, may crush akong si Sir Jayden, pero wala naman siya dito
diba?
Hindi ako marunong kumanta pero sobrang passion ko ang sumayaw. Member ako ng
dancetroupe noong highschool. Sumasayaw ako sa bahay pag may time kaya hindi ako
nahirapang makipagsayaw sa lalaking nagyaya.
"Whoaaa!" Sigaw niya nang nakita akong sumayaw ng agresibo sa harapan niya.
"Miss, want a drink?" May isa pang lumapit. "Wait... are you... Trisha
Roncesvalles?"
Nakakahilo ang lights na sumasayaw kaya kinailangan kong tumigil sa pagsasayaw para
makita ko ang mukha ng lalaking nakatayo. Kaklase ko rin to noon. At kung
papipiliin ako kung sinong isasayaw ko, mas gugustuhin ko yung kilala ko.
Kumunot ang noo ng classmate ko, "Kanina pa siya tumigil, sasama siya sakin, kita
mo ba?"
Napatingin ako sa kinauupuan ni Troy. Nakita kong nakatitig parin siya habang
umiinom ng beer.
"Ang yabang mo ah!" Nabigla ako nang sinuntok ng kasayaw ko ang classmate ko.
Napasigaw ang ibang nagsasayaw na nakakita. Yung iba naman ay walang pakealam.
Tumingin ulit ako kay Troy. Nakita ko siyang tumayo na at umaambang pupunta sa
kinatatayuan ko.
Sinuntok din nung classmate ko ang kasayaw ko. Napasigaw na rin ako sa bigla! May
lumapit na mga bouncer sa kanila. Umalis naman ako at dumiretso sa table namin nina
Emma.
Tumango ako, "Lalabas lang ako saglit." Sigaw ko sa kanya dahil di kami
magkarinigan.
Napatingin ako kay Troy na kausap na ang mga bouncer ngayon. Napatingin din siya sa
banda ko. Iminuwestra ko sa kanyang lalabas ako kaya tumango siya ng bahagya.
"Hay! Grabe Troy! Yun yata yung pinakaunang pagkakataon na may nag aaway dahil
sakin!" Sabi ko sa kanya nang lumabas kaming dalawa.
He clenched his jaw. Galit ba siya? Hinila niya ang braso ko palayo sa bar.
"Huy?! Ano?!"
"Are you crazy? Sumasayaw ka sa isa tapos sasama ka sa iba? And have you seen
yourself? Yung pagsasayaw mo?" Padabog na binuksan niya ang pintuan ng sasakyan
niya.
"Anong problema dun? Tsaka... kilala ko yung sasamahan ko dapat. Kaklase ko siya."
"Get in!" Sigaw niya ulit sakin at uminuwestra ang front seat.
"Ang problema sayo, masyado kang easy to get." Sabi niya nang pareha na kaming nasa
loob.
"Pag may magyaya sayo, patagalin mo naman o pahirapan mo! May nagyaya lang, bumigay
ka naman agad." Aniya.
"Sabi mo dapat sampu yung magyaya kaya syempre mas marami, mas okay sakin-"
Ako:
"Pagkausap kita, hindi ka pwedeng mag text o may katawag na iba." Seryoso niyang
sinabi.
Nalaglag ang panga ko habang tinitignan siyang nag drive, "Ano bang problema mo at
bakit ang sungit sungit mo? Sabi mo kanina dapat marami akong mabingwit na lalaki.
Ngayong may nabingwit nga ako nagsusungit ka diyan!"
Tinigil niya ang sasakyan sa tapat ng isang business center. May mga coffee shop,
cafe at iba pa.
"Sabi mo tuturuan mo ako kung paano kunin ang loob ng mga tao, o ngayon, turuan mo
na ako." Humalukipkip ako.
May kinuha siya sa drawer ng sasakyan. Nakita kong may nakasulat na Heineken ang
kulay green na lata. Isang beer. Ibig sabihin, hindi kami lalabas sa sasakyan niya.
Dito lang kami. Sa bagay, ayaw niya rin naman kaming nakikita ng marami. Wala pang
nakakaalam na friends kaming dalawa. Yun ay kung matatawag mo ngang 'friends' kami.
Ininom niya ito at may kinuha ulit siya sa drawer na orange juice.
Ininom ko na rin.
"First, Trisha, pag magyaya sayo, hindi ka agad bibigay. Let's say, may nagyaya
sayong sumayaw..."
"Ermm... Okay." Napalunok siya at uminom ulit ng beer. "May nagyaya sayong sumayaw.
Pwede mong sabihing, 'no thanks, may hinihintay pa kasi ako.' Ganun ka simple. That
way, iisipin nilang hindi lang sila yung nag po-pursue sayo... may iba pa... at may
mas nauna."
"Hindi ko maintindihan."
"Okay. Example... niyaya ka ni Jayden mag lunch. Pwede mong sabihin, 'Kailan? Hindi
ako pwede mamaya kasi maglu-lunch kami ni Troy.'"
Kumunot ulit ang noo ko, "Nakakaloka! Hindi ko yan sasabihin sa kanya! Baka isipin
nun na isa ako sa mga babae mo! Hindi ko yan sasabihin-"
"Pambihira ka naman! Example lang naman!" Sabi niya. "Pwede kang gumamit ng ibang
pangalan! Example nga diba?" Inirapan niya ako.
"Okay. Bakit ko naman gagawin yan? Edi mawawala na yung opportunity kong makasama
siya sa lunch. Duh!?"
"That's the Art of Seduction, Trish. Kahit na sabihin mo yun sa kanya, hindi ka
tatantanan ng pag iisip niya. Uulitin niya yan at sa sumunod na pagkakataong
yayayain ka niya, pwede mo na siyang pagbigyan. Kailangan mong iparamdam sa kanila
na maraming humahabol sa iyo. Na hindi lang siya. Na marami kang options. Never
make them feel na sila lang talaga ang gusto mo. The best way to get people to like
you is not to like them too much."
Kabanata 9
Kabanata 9
V Line
Gulat na gulat si mommy nang nakita ang bago kong anyo. LOL. Parang naging diosa
bigla? Masaya din siya dahil sa wakas ay bumili na ako ng damit na pasok sa panlasa
niya. Puro dress at floral tops ang binili ko (tulad ng sabi ni Kelly).
Usap-usapan sa buong morning shift ang bagong buhok ko. Nilugay ko lang siya para
maipakita ang loose curls. Pinagkaguluhan din ang bago kong pumps na halos sambahin
ng ibang interns.
"Whoa! Kung wala kang scarf, iisipin kong board ka dito." Sabay iling ni Jane.
"Salamat." Ngumiti ako. "New look lang para maiba. Nakakasawa na rin kasi yung
dati."
Wala si Troy sa suite niya kaya malaya akong nakakatrabaho sa loob. Nang nag break
na, kinabahan na ako ng husto. Ilang beses akong napalunok habang tinitignan ang
repleksyon ko sa salamin.
Magkikita na ulit kami ni Sir Jayden, kasama ang new look ko! Sa sobrang kaba ko
tingin ko papalpak ako. Okay!!! Relax, Trish! Ang sabi ni Troy, wa'g magpapahalata
na gusto mo siya. Dapat hard-to-get. The best way to get people to like you is not
to like them too much. Be confident!
Naglakad ako papuntang restaurant. Nabigla ako nang nakita ko agad ang mga mata ni
Sir Jayden na naka titig sakin. Nakaupo siya sa isang table at may dalawang kape na
sa hapag niya.
Nagdalawang isip pa ako sa pagsagot, "Wala, inisip ko lang kung saan magandang
umupo."
Teka lang ah? Break muna, Troy, susuka lang talaga ako ng rainbow? Inisip ko ang
inis na mukha ni Mr. AAMD habang nagmumura sa pagiging engot ko, pero di tumatalab
sa ngayon. Nilipag na yata talaga ng hangin ang isipan ko dahil sa titig ni Sir
Jayden. Ngumisi pa siya nang nakita ang mukha ko.
Mas lalo siyang ngumiti sa sinabi ko. Saglit lang talaga, ah? Mukhang lumipad ang
butas-butas na panty eh! "Diba sabi ko sayo, Jayden na lang? Bakit may Sir parin
hanggang ngayon?" Kumunot ang noo niya.
Bumungisngis ako at naalala na naman ang lintik na mukha ni Troy kaya inayos ko ang
sarili ko, "Sorry, nakalimutan ko kasi."
Lintik! Mapapamura talaga ako ng wala sa oras nito kasi nakatitig na lang siya
sakin ng walang sinasabi.
"Maganda ka na noon, pero mas lalo ka pang gumanda ngayon." Ngumiti ulit siya.
Naghuhuramentado na ngayon ang sistema ko. Hindi ko lubos maisip noon na posible
palang mangyari ang pagkakataon na ito. Nakanganga lang ako dati habang nagtuturo
si Sir Jayden ng Hotel Planning and Design sa school. Akala ko talaga hanggang doon
na lang yun. Pero ngayon, ano to? Bakit sinasabihan niya na akong maganda?
"Salamat, Jayden." Ngumiti ako pero bakit pakiramdam ko mukha akong aso?
Salamat, Jayden.
Langya! Mukhang bumabaha na ng rainbow dito sa resto ah? Kanina pa pala ako naihi?
"No problem, totoo naman eh." Ngumisi siya. Ang cool niya talaga!
At dahil ayokong biguin siya, kinuha ko yung kape at 'ininom' kahit hindi naman
talaga. Mukha lang ininom pero ang totoo, todo higpit ang kagat ng labi ko sa tasa
para di ko siya mainom ng tuluyan, mamaya mag kabag attack ulit ako eh.
Halos matapon ko yung kape sa tanong niya. Oh yes, that embarrassing moment!
Nanigas na ako sa puntong iyon. Its a matter of life and death. Hindi ko alam na
ganito niya ako kabilis tatanungin nun! Akala ko matatagalan pa. At ano ang
isasagot ko? Susundin ko ba si Master of Seduction?
"Wala. Pinag research ko ang mga estudyante ko. Ganun ba? Sayang naman."
Errrr. Bakit ganito? Ako yata ang nase-seduce kay Jayden! Shemay!
"Sayang nga. May kasama na kasi akong mag dinner mamaya eh." Si Troy - example niya
yun. Lokong yun! Kainis!
Kinuha ko na lang ang cellphone ko para itext sana ang lintik na hayop na yun. Baka
naman sinasabotahe niya ako dito, huh?
Ayun. Nagsuka na ulit ako ng rainbow. Bakit kailangang ganito? Bakit kaakit-akit
lahat ng alok niya?
"Sige, Trish. Salamat. Itetext na lang kita mamaya." Aniya at umalis na.
Ohhhh, boy! I love you, Jayden! Uminit ang pisngi ko habang pinagmamasdan siyang
nagmartsa palabas ng restaurant. May binati pa siyang maswerteng costumer nang
binuksan niya ang transparent double doors.
"Trisha... You don't do that. Whatever it is... dapat ikaw ang unang umalis. Pag
magkasama kayo, dapat sasabihin mong, 'mauna na ako, may gagawin pa kasi ako'."
"The Art of Seduction, Trisha! You have to trust me." Umiling siya at kumunot ang
noo niya. "Kung sakaling mangyari ulit yun, kailangan mauna ka sa pag alis. Dapat
lagi kang busy. Dapat di siya ang mundo mo."
Nilantakan ko na lang ang mga steak na nakalatag sa suite niya. Di bale na nga
lang! Susundin ko na siya kasi ang sarap ng mga inihahain nila dito sa kanya eh.
"Pag nagtext siya sayo, wa'g mo agad siyang replyan." Sabi niya.
"HUH? Is that really part of this, Troy? O sinasabotahe mo lang ako?" Tumigil ako
sa pagkain.
"Pagnag text siya ngayong gabi, bukas ng umaga mo na siya sagutin. Sabihin mo,
exhausted ka or nabusy ka, make excuses. Make him feel that he's not the only one."
His lips parted. Tinitigan niya ako. That same intense gaze I saw at the bar.
"Huy! Troy!"
Hindi ko mapigilang mabighani sa muscles niya. True! He is really damn hot! Well
cut! Kahit na ayaw ko sa kanya, naaakit ako sa hubog ng katawan niya. That V line
na nagsisimula sa hips niya patungo sa-- oppps SPG!
Nakita kong nakangisi na siya at nakakagat labi nang nakita akong nakatitig sa V-
line na yun. Damn! Uminit ang pisngi ko.
"Ang init! Got a problem with that?" Narinig kong nilakasan niya ang aircon.
Bakas din sa boses niya ang ngiti niya kaya di ko na lang siya titignan pang muli.
Inisip ko ang makisig na si Jayden. Ano kayang meron pag hinubad na yung white
button-down shirt niya ano? Iniisip ko pa lang naluluha na ako ng rainbow.
"Make him feel that he's not the only one, Trisha."
Kabanata 10
Kabanata 10
Hamon
Hindi ko alam kung bakit hindi ko matanggal ang tingin ko sa V-line ni Troy. At
feeling ko naman nananadya siya. Alam niyang masyadong kaakit-akit yun kaya
binalandra niya sa harapan ko.
"Okay," Halos di ko manguya ng maayos yung karne habang dinudungaw ang plato ko.
"Enumerate natin. Una, ayaw mong pansinin ko siya masyado. Sunod, ayaw mong mag
agad ko siyang samahan sa dinner. Ngayon ayaw mong magrereply ako agad sa text
niya. Yung totoo, Troy. Sinasabotahe mo ba talaga ito?" Kumunot ang noo ko at di
parin makatingin sa kanya.
"Kinikwestyon mo ba ang itinuturo ko sayo?" Nabigla ako nang umupo siya sa harapan
ko at kumuha na rin ng pagkain.
Ito ang unang pagkakataon na nagsabay kaming kumain ni Troy dito sa suite niya.
Half-naked pa siya kaya disturbing masyado sa paningin. Nakaka aburido namang
gawain ito. Nagpatuloy na lang ako sa pagnguya ng karne.
"Haaay! Ginugutom ako." Sabi niya nang napansing natameme na lang ako sa pagkain
niya.
Sinubo niya yung kapirasong steak. Bakit ang swerte ng tinidor na ginamit niya? OH
MY GOD! Nagnanasa na ba ako sa kanya? Matindi talaga ang nagagawa ng tukso. Minsan
kahit ayaw mo sa tao, matutukso ka parin lalo na pag nakahain siya sa harap mo.
Bless my soul, O Lord!
Maingay akong napalunok nang nakita ko ulit siyang sumubo ng isa pang karne. Nakita
kong may something sa gilid ng lips niya: Yung sauce ng steak! And from then on,
nalaman ko kung gaano siya ka dangerous.
Ipinilig ko na lang ang ulo ko para makalimutan ang nakakagambalang pag iisip na
iyon.
"Troy, how can you be so sure that this will work?" Nanliit ang mga mata ko habang
tinititigan parin yung sauce ng steak sa gilid ng labi niya.
Halos mag palpitate na yung kilay ko habang tinitignan yun. Naiinis ako. What's
with that sauce? Bakit siya nandyan sa lips ni Troy? Bakit di siya pumasok na lang
sa bibig niya? Bakit siya nag ha-hang-out diyan?
Nanlaki ang mata ko sa tanong niya. Ipinilig ko ulit ang ulo ko para ilipad ng
hangin ang iniisip kong weird, "Actually, meron, and, its annoying. Dito." Sabay
turo ko sa sauce na malapit sa lips niya.
At imbis na kumuha siya ng tissue para tanggalin yun, dinilaan niya na lang!
Napasinghap ako sa ginawa niya.
Hinuli niya ang tingin ko at nang sa wakas ay nahuli niya, inirapan ko agad siya.
Binasa ko yung mensahe nina Emma, Camille at Beatrice na puro 'I miss you'. Tapos
isang unknown number.
"We're not talking, Troy." Umirap ulit ako at binuksan ang mensahe.
Hi Trisha! This is Jayden. I hope you'll save my number. How's your dinner out?
"O! M! G! Si Jayden-"
Kinuha ni Troy ang cellphone ko at binasa ang mensahe ni Jayden, "Old fart!"
Kinuha ko ulit pero may pinindot siya doon bago ko nakuha, "Binura mo?" Nanlaki ang
mata ko habang tinataas niya ang kilay niya at ngumiti.
"I told you. Don't reply! Bukas ka na magreply! Sabihin mo, 'Napasarap yung usapan
namin ng kasama ko kaya di ko na namalayan ang cellphone ko. Sorry. Good morning!'
Voila!"
"Why? Have you ever seduced someone, Trisha? Coz I've been seducing women all my
life." Tumango siya sa huling pangungusap at ngumiti. That leering smile. Damn!
Sinapak ko na ulit siya. Wala na akong pakealam kung matamaan itong mga pagkain
namin sa gitna ng mesa. "At bakit mo binura yun? Sabi mo wa'g akong magreply? Hindi
naman ako nagreply, ah? Kailangan ko ang message na yun! His first text ever! OH MY
GOD! You ruined our history!"
Kumunoot ang noo niya na para bang di niya naiintindihan ang sinasabi ko. "You're
crazy." Ngumiti siya.
Napa-face palm ako. Parang na flush sa inidoro lahat ng rainbow na nangyari ngayong
araw na ito dahil sa Troy na ito. Nakakahawa din talaga yung Dalaw ano? "Okay, I
won't reply Troy. At susundin ko lahat ng advice mo sa Training na 'to in one
condition."
"I think that's invalid. I did that so many times, Trisha. Sa school. At nung
naglinis ka dito."
Nanliit ang mata ko sa sinabi niya. Ginulo niya ang buhok niya at nanlaki ang mata
ko. Tingin ko yung V-line ang dahilan ng lahat kung bakit gumwapo siya ng konti
sakin ngayon. At mas gumugwapo siya pag magulo ang astroboy niyang buhok.
"Oh, don't look at me like that! Alam kong kilala mo ako noon pa. At alam mo kung
anong mga ginagawa ko-"
"No Troy! I want you to do it, in front of me. Siguro na se-seduce mo lang sila
dahil gusto ka na nila noon pa. That's easy. I want you to seduce someone else."
Napalunok siya sa sinabi ko. Para bang naging uneasy siya sa upuan. Ginulo pa niya
lalo ang buhok niya at naramdaman ko ang tensyon sa features niya.
Napangiti ako. Good, Trisha. Kahit nakita mo ang half sa makarne niyang katawan,
lumiligaya ka parin pag mukha siyang aburido! You're still you! Hindi ka nagpakain
sa kadilimang dala ng Master of Seduction na ito.
"Friday night, punta ulit tayo sa Penthouse. Ako ang mamimili kung sino ang
popormahan mo."
Pipili ako ng sopistikadang mga babae. Yung mukhang may boyfriend na? Pwede ring
mga suplada. Kahit ano. Pipili ako ng mabuti. Tignan natin kung hanggang saan siya.
All out ang buntong-hininga niya sa balita ko at ngumisi ulit. Bumalik ang
confident niyang mukha. Ginulo niya pa ang buhok niya. "No problem. Hanggang sa
magsawa ka, Trisha. Kahit ilan."
"In one condition. You won't go out with Jayden... yet... And don't wear that same
fitting dress again... And you take this training seriously after that... and don't
put make up on your... plain face-"
"Isang sentence lang yun, Trisha." Ngumisi ulit siya. "And... sa ngayon, you should
still follow what I'll tell you."
"Whatever. O sige! Game ako sa hamon- I mean HA-MON... H-Hindi hamon." Kumunoot ang
noo ko sa sinabi. BAKIT HAMON YUNG NASABI KO? HAMON! YUNG KLASE NG KARNE? What the
heck is wrong with me?
Nininerbyos naman ako sa tawa niya kaya uminom na lang ako ng tubig. Still. Not.
Good.
What the f? HAMON? Talagang yung hamon na pagkain? Oh my gosh! Such a big fat
steamy fail!
Hindi ko nireplyan si Sir Jayden. Guilty ako at di ko matanggal sa isipan yung text
niyang binura ng kurimaw na yun. At paminsan-minsan sumasagi yung maswerteng sauce
sa nag hang-out sa labi niya minsan ngayong araw na ito.
Ako:
Good morning, Sir! Sorry sa late reply. Hindi ko namalayan yung text mo kagabi.
Hihi.
Jayden:
Ayan! Buo na ang araw ko! Kakaulan lang ba? May rainbow kasi sa langit ko! Aw!
Kailangan kong isipin yung mga sinabi ni Troy. Nililipad naman kasi ng hangin
tuwing nginingitian niya ako eh.
"Hi!" Aniya.
AHA-AHA-AHA! Masakit mang isipin pero unti-unti na talaga akong naniniwala kay
Troy. Tumatalab talaga ang mga tips ng unggoy na yun! Bakit niya binabalik-balikan
yung dinner kagabi? Over thinking ba ito o talagang may nangyayari na nga sa
sistema ni Jayden?
"Okay naman." Napalunok ako sa sinabi ko.
OVERJOYYYYEDDD! Hahaha! Bakit? Bakit ang daming rainbow? Para akong nakalunok ng
ilang durian bago ko siya nasagot.
"O-Old friend---s..."
Nakita ko agad ang pag gaan ng ekspresyon sa mukha niya. Mas lalong na emphasize
yung damit niyang longsleeve at kulay light blue na naka fold hanggang siko niya.
Ngumiti siya at naglakad kasama ko papuntang elevator. Pero pakiramdam ko, hindi
ako naglalakad... lumilipad ako.
Kabanata 11
Kabanata 11
Laglag Panty
Hinintay ko talagang mag Friday dahil sa usapan namin ni Troy. Pero unti-unti ko
ring nakalimutan ang excitement ko sa pagdi-daydream ko kay Jayden. Minsan, nauuwi
ang pagdi-daydream sa katotohanan.
Ngumiti siya at tinignan ang paligid. "Okay ka lang ba dito sa floor mo? Wala bang
nanggugulo?" Bumaling siya sakin.
"Hmm. Mabuti naman. Malapit na kayong mag shift diba? Saan ang susunod mong shift?"
Tanong niya.
Ngumiti si Jayden kay Jane. "Kamusta kayo dito ni Trisha, Jane? Wala bang
problema?"
Nanlaki ang mata niya, "Hindi ka nag si-Sir sa kanya? OMG!" Niyugyog niya ako.
"Hindi. Talagang wala." Pero deep inside, nag diriwang na ang sistema ko.
Nagtatapon na ng confetti ang puso ko.
Nakaupo si Sir Jayden sa upuan namin lagi doon sa restaurant. As usual, inaabangan
niya akong pumunta doon. Hindi na ako nagpaliguy-ligoy. Dumiretso na ako sa kanya.
Ngumiti siya, "Ganyan talaga sila. I mean, hindi lahat, pero kung ikukumpara mo
sila sa mga pinoy, di hamak na mas malinis ang mga pinoy sa kanila."
Tumango ako, "I agree. Nung sa Singapore ako, kahit na sa Restaurant yung shifts
ko, nahihirapan talaga ako sa mga di-Asian. Although, okay sila dahil madaling
makipag usap sa kanila, pero minsan sila yung sobrang demanding tsaka mayabang."
Narealize kong habang nagsasalita ako, tinititigan niya pa ako lalo. Sa init ng
pisngi ko, pakiramdam ko pwede nang magprito ng itlog doon.
Tumango naman si Eliz at agad kaming dinalhan ng kape. Ayan na naman ang kape!
Halos araw-araw kong pinipeke ang pag inom dito eh.
AYAN NA NAMAN. Nag li-leak na naman ng rainbow sa mga pores ko. "Huh?"
"Meron talaga! Alam mo, nung ikaw ang prof ko? Dami kong natutunan! Syempre...
Uh... ilang taon ka nga pala nung second year ako?" Tanong ko.
"Hmmm, 23. Last year palang naman yun. Ang bata ko pa para magturo sa inyo."
Ngumisi siya.
"Oo! Bata tsaka successful na! Gumraduate ka ng MBA, 22 ka diba?" Stalker mode on.
"Okay naman sakin yung pagiging doctor at lawyer pero I'm really into business.
Tsaka... feel ko talaga yung course ko. Gusto ko ng mga hotels." Ngumiti ako.
"Tsaka... wala na akong place sa Gozon Law Firm." Tumawa ako.
"Oh! Kasama ang mommy mo sa Law Firm ng mga Gozon?" Tanong niya.
Tumango ako, "Sina mommy at kanyang mga kapatid ang nagtatag nun." Umamba na naman
akong iinumin ang kape. "Gozon ang middle name ko." May something na biglang
tinapon ang kung sino sa kape ko kaya nag splash ng konti ang kape sa mukha ko.
Umiinom siya ng shake na may maliit na payong sa gilid. Bakit kailangan ganyan ang
scene pag siya ang nakikita ko? Palaging may disturbing things?
"Nadulas? Paano madudulas yun? Hinagis mo yun!? Ano yun?" Sabi ko.
"Troy, can you just leave Trisha alone?" Nabigla ako sa sinabi ni Jayden.
Nakita kong uminom si Troy sa shake at nang bumaling na siya samin ay seryoso na
ang mukha niya.
"Hindi ako nangungulit gaya ng inaakala mo, Jayden. Kasi sa totoo lang, kung
nangungulit ako sa kanya, wala siya diyan sa table mo ngayon." Sumulyap siya sakin
at tumayo. "Kung kinukulit ko nga siya, di mo na siya makakausap pa. Kasi pag ako
nangulit, sa akin ang buong atensyon."
Madramang nag walk-out ang unggoy. Wala akong pakealam sa kanya. Mamaya ko na siya
pepektusan. Ang importante ngayon ay ang pagtatanggol ni Jayden sakin.
Hindi niyo na talaga maimagine kung ilang kulay ang makikita niyo sa isipan ko.
"Bakit ka iinom ng kape? Para sumakit na naman yung tiyan mo? Damn, Trisha!"
Pambungad na bati ni Troy sakin nang sinundo niya ako sa labas ng Domino Heights.
"WHAT?"
Nakakabigla ang ekspresyon niya. Ginulo niya ang buhok niya at tinitigan ako. Mas
lalo akong kinabahan nang inilapit niya ang mukha niya sakin.
"A-Ano?"
Isang pulgada na lang ang agwat ng mukha naming dalawa. I can clearly see his
perfect brown eyes, perfect nose, perfect jaw, bakit puro perfect siya? Pati ang
skin niya, perfect din!
"Anong nalaglag ang panty, Trisha?" Mas seryoso niyang tinanong sakin yun.
"HUH?" Tinulak ko siya pabalik sa personal space niya.
Napalayo siya ng konti pero ibinalik niya rin ang maliit na distansya namin.
"Expression lang yun! Hindi mo ba alam yan? Ganyan kaming mga babae. Nalalaglag ang
panty... Kinikilig. Ganun yun." Napalunok ako.
Tumitingin lang siya sa kawalan. Seryoso parin ang mukha. Hindi ko mabasa ang
iniisip niya.
Kabanata 12
Kabanata 12
Magaling na Troy
"Jusko! Halos manisay na ako sa kilig! Minsan kahit nakakairita ka, okay parin yung
nagagawa mo dahil maganda ang timing!" Sabi ko habang tinitignan ang mga lights
galing sa mga sasakyan at mga building.
Minsan, may nakikita akong mga tao na napapalingon samin. Tinted naman ito kaya
sigurado akong yung sasakyan niya ang tinitignan nila.
"Oo naman. Bakit? Ikaw kasi, dirty minded ka masyado! Napakaliteral ng iniisip mong
pagkakatanggal ng panty! Hindi naman ako tulad mo na manyak." Sabi ko.
Sumulyap siya sakin nang nakasimangot.
Kumunot ang noo ko at napaawang na lang ang bibig habang tinititigan si Troy na
tumitingin sa daanan. Paminsan-minsan ay naliliwanagan ang mukha niya sa city
lights at mas lalong naliwanagan ang mukha niya. Napalunok ako. Kahit nakasimangot,
gwapo parin. How can someone be this handsome?
"What do you mean?" Nanliit ang mata ko habang tinutulak ang mga kababalaghan sa
pag iisip ko.
Bumuntong hininga siya, "Marami na siyang karanasan sa sex, Trisha. 24 na siya kaya
paniguradong normal na sa kanya ang pag-"
"No! No! Impossible! Ikaw lang naman ang manyak dito kaya wag mong itulad ang
pagiging manyak mo sa kanya. Iba siya!"
"Really? Can you ask him, then? Diba you always have the guts? Why don't you ask
him? Kung sino sa mga ex niya ang nauna? Kung ilang beses sila sa isang linggo-"
Bumuntong-hininga ulit siya, "Trisha, sorry, pero ikaw na lang yata ang
conservative dito sa mundo-"
"Hindi pwede!"
Natahimik ako. Tama si Troy. May punto siya. Siya nga na 20 pa lang ay marami nang
nakaganun, si Jayden pa kaya na 24 na? OMG! Ilan na kaya ang naging ex ni Jayden?
Or may girlfriend kaya siya ngayon? OMG! Naninikip ang dibdib ko habang iniisip ko
yun. Inaamin ko talaga, may point ang kurimaw na ito. Umaasa akong sana ay ang una
ko ay siya ring huli. Uminit pa lalo ang pisngi ko habang iniisip yun. BAKIT ITO
ANG INIISIP KO NGAYON? Kainis si Troy!
"Hmm? Anong iniisip mo?" Tanong niya habang nagpapark kami sa parking lot ng
Penthouse.
"Wala." Sabi ko.
Tumaas ang kilay niya, "Ayusin mo yung soot mo. Pag umuupo ka, umiikli. Tsaka yung
imaginary cleavage mo, takpan mo. Wa'g kang sumayaw doon ah? I see the way you
danced that night." Lumiit ang mata niya.
Natahimik siya ng ilang segundo bago nag salita ulit, "Not tonight. Its my game,
remember?" Tumaas ang kilay niya.
"Okay, whatever. So... ingunguso o ituturo ko sayo kung sino ang gusto kong
pormahan mo ngayong gabi."
"Hindi ko naman kailangan ng lesson na yan, Troy." Nabola nga kita na may sextape
ka ngayong wala naman. Talo na nga kita.
Ngumisi siya at binalewala ang sinabi ko. "You have to say something weird. Say
something different. At pwede mo rin siyang pintasan."
"Pintasan?"
Marami parin pala akong di nalalaman. Pumwesto ako sa bar. Hindi ko tinitignan ang
mga tao para di na makaagaw ng atensyon.
"Boyfriend mo?" Tumaas ang kilay ng lalaking bartender habang tinuturo si Troy sa
malayo.
"WOOOOH!!! PARTY!" Sigaw nung model-type na babae habang tinataas ang shot glass
niya. Sumasayaw pa.
Ilang sandali ay nakahanap na ako ng mga prospect. Nakita ko ang isang sikat na
batang designer ng mga bags. Si Kate Anika. Tahimik lang siyang nakaupo sa table
nila. Maingay at sosyal din ang friends niya pero hindi naman sila mukhang fanatic
ni Troy kaya susubukan natin.
Tumayo ako at naglakad patungo sa isang table malapit kay Kate Anika. Hindi ko na
kailangan pang ituro iyon kay Troy kasi kanina pa siya nakamasid sakin. Na gets
niya agad kaya tumayo siya at pumunta malapit sakin... pumunta kay Kate Anika.
Bilib ako sa kapal ng mukha niya para umupo sa table nila, huh! Naweirduhan pa ang
mga kasama ni Kate nang tinignan nila si Troy.
"Uy! Kumusta Troy!" Sabi nung isang lalaki sabay apir kay Troy.
"Okay din! Buti napunta ka dito samin!" Sabi nung lalaki. "By the way guys, this is
Troy Salazar!"
Narinig kong napasinghap ang iilang babae sa kanila. Halos ako mapa buntong-hininga
na rin sa killer smile na yun eh. Dun palang, panalo na siya!
Ilang sandali pa bago siya nakilala nang husto ng mga tao dun. Nang sa wakas ay
sumayaw na ang iba at may amats na yung ibang kasama ni Kate, saka bumaling si Troy
sa kanya.
"Bakit wala kang kasama? Lahat ng mga kaibigan mo may kasama ah? Napansin kong ikaw
lang ang wala."
Napatingin si Kate kay Troy, "Hindi naman kailangan ng kasama to have a good time,
diba?"
Taray ni Ate! Tignan natin ang galing mo Troy.
"No. I think you're wrong. Mas masaya kung may kasama." Ngumisi siya.
Napatingin ulit si Kate kay Troy, ngayon, mas matagal na tingin na. Halos tinitigan
niya na nga si Troy. Uy, girl! Maubos yang mukha ni Troy sa kakatitig mo huh?
"Its really better to dance with someone. Personally, ayokong sumayaw mag isa."
Dagdag ni Troy habang umiinom ng beer niya. "How bout you? Do you dance alone?" He
chuckled. Sexily. Fvck!
I know for sure... sa puntong ito, kuha niya na ang loob ni Kate.
Humanap pa ako ng iba. Umalis ako sa tabi nila at nakahanap ng mas okay. Mukhang
mataray ang isang 'to. Maganda siya, sobrang tangkad at mukhang suplada. Lumipat
din agad si Troy doon nang nakita ako.
"It's none of your business." Hindi niya parin tinitignan si Troy hanggang ngayon.
"Well, if I were you, I'd dump the guy who made me feel that way." Uminom si Troy
ng beer.
"No one should make you feel that way. Maganda ka at sexy pa." Pinasadahan siya ng
tingin ni Troy hanggang sa nagtagpo ang mga mata nila. "Hmmm. Let's see. Maybe mas
maganda kung ilugay mo yung buhok mo? Di kasi masyadong attractive ang hairstyle mo
pero maganda ka and I'm sure mas gaganda ka pa kung ganun ang gagawin mo." Kumindat
si Troy.
Ngumiti din ang babae at tumango. Napailing na lang ako sa kinauupuan ko.
Nagkatitigan sila ng ilang segundo bago bumitaw si Troy sa titig. I swear na kung
nadagdagan lang sana yun ng lima pang segundo ay nagkahalikan na silang dalawa.
Nang nag CR ako, nakita ko yung babae sa CR na nilulugay ang buhok at nagrereklamo
sa salamin.
"Pangit ba talaga pag nakaponytail ang buhok ko? Mas maganda ba ang lugay?" Habang
sinusuklay suklay ang buhok niya. "Gosh! Hindi ko makalimutan yung sinabi niya!"
Okay... I guess I should take note. Pinintasan ni Troy yung babae, imbes na ma-
offend yung babae, hindi niya na maalis sa isipan niya si Troy. Dapat marunong ka
talagang dumala ng pintas para maging effective.
Napabuntong hininga ako paglabas ng CR. Ilang minuto pa bago ako nakahanap ng
bagong prospect. Mag isa ang babaeng ito at mukhang sopistikada. Nakalugay ang
straight niyang buhok at nakasoot ng itim na dress habang tulala sa bar counter.
Hinanap ko si Troy at nakita kong naliligo siya sa kamay ng mga kaibigan niyang
babae. Halos lapain siya ng buhay doon sa table niya. Nakangiti lang siya habang
tinitignan ang nanlalaking mata ko. Hinalikan pa ng isa ang leeg niya. WHAT A
SIGHT! Galit kong nginuso sa kanya ang ikatlong prospect.
"I'm sorry, I'm not interested. May boyfriend na ako." Sagot nung babae.
"Well, I know you have one. Sa ganda mong yan, impossibleng wala." Sagot ni Troy at
umupo parin sa tabi ng babae.
"Pero bakit ka niya hinahayaang mag isa dito?" Concern na ang mukha ni Troy ngayon
habang tinitignan ang babae.
"He's busy. But I'm really loyal. So I'm not into this."
"Its okay, miss. Hindi naman kita aagawin sa kanya. Tsaka... its not like
magpapaagaw ka." Uminom si Troy ng beer. "And if I were him, hindi kita hahayaang
pumunta sa mga ganitong bar na mag isa."
Tinitigan siya ni Troy kaya napatingin na rin ang babae sa kanya. Nanliit ang mata
ni Troy habang pumupula ang pisngi ng babae.
"You look like someone I know... Kamukha mo yung tita ko." Tumango si Troy. "She's
old... but really pretty."
Halos matawa ako sa sinabi niya. WHY IN THE WORLD? Kung ako yung babae, sasampalin
ko si Troy!
"Excuse me?" Mukhang na offend yung babae. Pulang pula ang pisngi niya habang
tinitignan ang seryosong si Troy.
"Really. She's so pretty. Naaalala ko siya sayo. Only that your lips are way
sexier." Nakatingin si Troy sa lips ng babae.
"You told me I look like her... and that she's old! How can that be pretty!?" Sagot
ng babae.
I know what you did there, Troy! Unresponsive ang babae kaya halos ininsulto niya!
At ngayon ay nakangiti na ang kurimaw dahil sumagot yung babae.
"Wait? Sinabi kong pretty siya diba? You're pretty, too. Don't insult my tita,
missy. I love her, you know!" Sumimangot si Troy.
Luminga-linga ang babae at napalunok ng halos limang beses bago nakapagsalita ulit,
"I-I'm sorry. It's just weird."
"I know... The world is." Nagkatitigan sila ni Troy. "Like... you have a boyfriend.
I don't have a girlfriend. Bakit di na lang tayo gayung bagay naman tayo? Diba? The
world is really weird." Tumawa si Troy.
Kumindat si Troy at, "Hey, I need to go back to our table. Baka hinahanap na ako
eh. Sige, see you around Gela!"
Una siyang umalis, tulad ng sinabi niya sakin: dapat una kang umalis. Okay!
Tinitigan siyang mabuti ni Gela habang naglalakad palayo at pabalik sa table nila.
Halos lumuha na siya habang tinitignan si Troy. Nanghihinayang yata sa pag alis
niya.
Sa dami kong natutunan sa gabing ito, halos di ko na maorganisa sa utak ko. Grabe
si Troy! Tatlo pa lang yun pero na prove niya na sakin kung gaano siya kagaling.
Syempre, plus points talaga ang looks.
Isang lalaking maypagka astroboy din ang buhok. Nakalahad na siya ng kamay at
nakangisi pagkalingon ko.
"Uhmmm, I'm-"
Bago ko pa nasabi ang pangalan ko, may bigla nang humila sa kamay ko. Hinila niya
ako palabas ng bar.
Kabanata 13
Kabanata 13
Hiningal ako sa pagkakahila niya. Sa bilis ng lakad niya halos tumakbo na ako.
"D-Diba bumabalik k-ka palang..." Hindi ko matapos sa hingal ko. "Sa t-table niyo?"
"Oo nga. Liningon kita, ikaw naman yung pinopormahan. Umuwi na nga tayo! Wa'g kang
magtiwala sa mga lalaki diyan sa bar."
"Alam ko. Tsaka... ano sa tingin mo? Loyal tong puso ko kay Jayden." Sa wakas at
nakarecover na ako sa hingal.
Binuksan niya agad ang driver's seat at pumasok sa loob. Anong problema ng kurimaw
na ito? Pumasok na rin ako sa front seat at tinitignan siyang naka busangot ang
mukha.
"Ano? Uhmm... Let's see... Pinintasan mo yung babae, nilait, pero pinuri parin.
Ganun yun diba para di ka matanggal sa isipan nila?"
"So... ganun ang gagawin ko kay Jayden." Ngumisi ako. "Para di na ako matanggal sa
isipan niya."
Kinuha ko ang cellphone ko. Nalaglag ang panga ko nang nakitang may mensahe si
Jayden doon.
"ANO BAH!" Sigaw niya sakin at inayos ang buhok niya. "Kainis ka naman oh! Wa'g mo
ngang guluhin ang buhok ko."
Pero di ko hinayaang makuha niya sakin dahil baka idelete niya na naman ang text na
'to.
Jayden:
Tumili ako sa loob ng sasakyan ni Troy. Halos mabingi na nga siya sa tili ko.
Tinignan ko kung anong oras niyang tinext yun, mga alas otso pa pala, gayung
10:30PM na ngayon.
Ako:
Sumimangot ako sa tanong ni Troy, "Na marami akong ginagawa kaya late ako
nakapagreply."
Jayden:
"Huh?"
Tumango ako.
"Mag reply ka after 5-10 minutes. Hindi ka pwedeng mag reply agad. That's another
tactic."
"HUH?" I swear lalabas na yung eyeballs ko. "Talaga bang kasali yan, Troy?"
Umiling siya sa kawalan bago ako binalingan ulit, "Sa larong ito, Trisha, kailangan
mo ng disiplina sa sarili. Alam kong nagkakandarapa ka kay Jayden. Alam kong atat
kang makareply. Pero kung susundin mo ako, hinding-hindi ka na niya lulubayan
ulit."
Pinaandar niya ang sasakyan niya at napansin ko agad na di papuntang bahay ang
nilikuan namin.
"Mag di-drive ako kung saan-saan hanggang sa matapos kayong mag text. Saka kita
iuuwi."
Bakit parang naninikip ang dibdib ko sa sinabi niya? Bakit parang may nag li-leak
doon? Hindi ko alam kung ano. Siguro dahil lang yun sa pag iisip ko na mahal ang
gas ngayon... at kung gagawin niya ang sinasabi niya, mag-aaksaya lang siya.
Tumawa siya, "May rason kung bakit ako si Troy Ezekiel Salazar, Trisha." Sumulyap
siya at kinilabutan ako sa ngiti niya.
Narealize kong magulo na pala ang buhok niya. At dahil magulo na ito, mas lalo
siyang gumugwapo. Posible ba talaga yan? Ang alam ko, pumapangit ang mga tao pag
magulo ang buhok nila. Pumapangit din sila pag galit pero bakit si Troy, hindi?
He's dangerous.
"Replyan mo na. Sabihin mo hindi ka busy." Sabi niya nang nakitang natulala na ako
sa mukha niya.
"O-Okay."
Ako:
"Matagal akong nagrereply tapos sasabihin kong di ako busy, Troy? Bakit?" Tanong
ko.
DARN! Pwedeng itigil at maglakad na lang akong mag isa. Parang ayoko na yatang
kasama si Troy lalo na pag ginagawa niya yan! Tinignan ko pa yung kamay niyang
tamad na nakahawak sa manibela. Bakit parang lahat ng moves niya ay cool tignan?
Bakit?
"Para mabaliw siya sa kakaisip kung anong ginagawa mo. Sinabi mong di ka busy, pero
matagal kang nag rereply. O diba?" Tumawa siya.
May point ang kurimaw. Luluhod na ako at sasambahin siya. Master of Seduction nga!
Jayden:
Ako:
Nakita kong dumadaan na kami ni Troy ngayon sa isang madilim na kalsada. Walang
streetlights.
"Troy! Ba't tayo nandito? Di ka ba natatakot dumaan dito? Baka may mumu!" Sabi ko
habang tinitignan ang labas.
Tama siya! Mas matingkad ang kulay ng mga bituin kung nasa madilim na lugar ang
tumitingin. Tinignan ko ulit si Troy. Nakita kong nakangisi lang siya habang nag
di-drive. Tapos ay may inabot siya sa gitna ng sasakyan. Nagpatugtog siya ng music!
Kinuha ko ang iphone para tignan kung anong mga music doon. Halos party music ang
lahat ng nandoon kaya wala akong choice kundi pumili ng ganoong klaseng music.
"Huh? Kaya ko pa namang makipag text sa kanya ah?" Bumabalik na kami sa dinaanan
namin ngayon.
"Sige na. Sabihin mo na lang. Para maiuwi na kita. Tsaka... dapat ikaw ang unang
bumitiw sa text niyo. Hindi pwedeng ikaw yung matulugan niya. Dapat ikaw yung
makatulog."
Ako:
Sorry, nakaidlip ako. Inaantok na kasi ako. Tulog ka na rin. Good night, Jayden.
Jayden:
Napangiti ako sa text niya at ibinaling ko ulit ang tingin ko sa seryosong mukha ni
Troy.
"Anong sabi niya?" Tanong ni Troy nang narealize na nakatitig na ako sa kanya.
"Oo. Bakit? Ganyan pag crush, Troy. Wala ka bang crush?" Tanong ko.
Sumulyap siya sakin. Matagal siyang nagsalita. Sa sobrang tagal akala ko nagalit
siya sa tanong ko.
Kabanata 14
Kabanata 14
Paghanga
Susundin ko na lahat ng sinabi ni Troy sakin kahit na mahihirap ang mga ito.
Aniya'y kailangan nga ng disiplina ang Art of Seduction.
Importante daw ang eye contact pero maganda rin kung tumingin sa ibang bagay para
di kabahan ng bongga.
Tinignan ko na siya ngayon, "Oo nga. Excited na akong makihalubilo sa mga tao."
Humalakhak ako.
"Mejo. Pero sa school hindi naman ako masyadong nakikihalubilo." Ngumisi ako.
Nabigla siya sa sinabi ko. Kinabahan naman ako at baka nainsulto ko siya.
Tinignan kong mabuti ang buhok niya. Ilang ulit ko rin 'tong pinag isipang mabuti.
Hindi ako makapaniwalang gagawin ko na talaga ito ngayon!
"Mejo mahaba na kasi. Mas bagay sayo iyong clean cut." Tumango ako at ininom ang
juice na kararating lang.
Natahimik siya habang hinahawakan ang buhok.
Dinig na dinig ko naman ang kabog ng puso ko habang hinihintay ang sasabihin niya.
Hay salamat!
Sa sumunod na araw, nagpagupit nga siya. Laglag ang panty ko at naihi ng rainbow
nang nakita ko siyang inaantay ako sa pintuan ng Le Marcelle na nakangiti.
OH MY GOD! Sobrang gwapo niya talaga! Clean cut na ulit yung buhok niya at
kumikislap ang mga mata niya habang nakangiti sakin.
"Careful."
Nabawi niya agad ako bago pa ako nakahalik sa tiles. Nanlaki ang mata ko nang
nakitang natulala si Jayden sa mukha ko. Nakapulupot parin ang braso niya sa
baywang ko.
Pareho kaming nabunutan ng tinik kaya napabitiw siya sa pagkakahawak sakin. Umayos
din ako. Ngayon, di na ako makatingin ng diretso sa kanya. Nanginig pa lalo ang
legs ko dahil sa nangyari. Shet naman oh! Umayos naman kayo!
Nabigla ako nang pumasok din siya sa elevator! Nanlaki ang mga mata ko habang
tinitignan siyang nakangiti.
"Joke lang ah? Baka seryosohin mo." Humalakhak siya. "Tsaka sisimulan ko na rin
yung pag chi-check sa buong Le Marcelle. Dumating na kasi ang daddy ni Troy galing
California kaya kailangan i-check ng mabuti ang buong hotel."
"Ah? Ganun ba? So hindi na acting CEO si Troy kasi nandito na ang dad niya?" Tanong
ko.
Kinabahan ako sa tanong niya. Ito na ba yung sinasabi ni Troy na pangalawang beses
na pagyaya sakin? Mukhang epektibo talaga lahat ng tips niya!
"Hmmm. Kailangan ko pang pumunta ng school para ibigay ang hand-outs sa students.
Pagkatapos, pwede na tayong mag dinner. Okay lang ba yun sayo?" Tanong niya.
Nalulunod na ako ng rainbow dito sa loob ng elevator. Napatili ang buong sistema ko
pero sinubukan ko paring maging pormal. Di pwedeng mahalata niyang nagkakandarapa
ako sa kanya.
"Great!"
"Pero pwede bang umuwi muna ako pagkatapos ng shift? Ayoko kasing mag dinner na
naka uniporme." Sabi ko.
"Oo naman!"
"Kita na lang tayo sa school mamaya? Doon na lang ako maghihintay sayo." Sabi ko.
Nang nakaalis na siya sa palapag namin, doon pa lang ako nakahinga. Posible pala
talagang mangyari iyon? Hindi ko inakala na mangyayari pa iyon. Noon, akala ko
hanggang tingin na lang ako sa kanya. Pag tungtong ko ng Le Marcelle akala ko yun
na ang pinaka malapit na agwat naming dalawa. Pero ngayon, dahil sa Art of
Seduction ni Troy, mas lalo siyang napapalapit sakin!
He asked me out!
Enjoy!
Hindi na ako makapaghintay! Troy isn't that bad! Akala ko noon sobrang vain at
selfish niya, pero ngayong nakilala ko na siya, nakakatulong din naman pala.
Pagkatapos kong mag bihis, dumiretso na agad ako sa school. I'm sure nandoon pa sa
classroom o faculty si Jayden kaya nakipagkita muna ako kina Emma, Earl, Camille at
Beatrice.
"Sino bang nakapagpabago sayo?" Nanliit ang mga mata niya. "Mag dadalawang buwan ka
pa lang doon sa Le Marcelle pero mukhang mas malaki na agad ang pinagbago mo
kumpara nung nag Singapore ka. May pa doll shoes at sandals ka ng nalalaman? Nasan
na yung Vans at Keds mo? Parang huminhin ka yata?"
Nagtawanan sila.
"Tseh! Hindi no! Ganun parin! Mukha lang yung nag bago! Naisipan ko lang namang mag
ayos."
"Hmmm!" Tumaas ang kilay ni Emma. "Sana naman tuwing Sabado sumama ka samin sa
mall. Di ka na masyadong sumasama."
Isa-isang naglaglagan ang panga nila. Natahimik ang maiingay kong kaibigan nang
makita kung sino ang nasa likuran ko.
"Ah!" Uminit ang pisngi ko lalo na nang nakita ko ulit ang ekspresyon sa mukha
nilang apat.
"Kilala niyo naman siguro siya diba? Si Jayden, yung prof ko noon."
Tumango ako.
"Eto nga pala si Camille, Beatrice, Emma at Earl." Sabi ko kay Jayden nang
nakabalik na kami sa kanya. "Mga kaibigan ko."
Tahimik silang tumango. Nanibago agad ako dahil tahimik sila pero hinayaan ko na
lang. Nakakawindang din kasi ang nangyayari.
Nanlaki pa ang mga mata nila habang tumatango sakin. Nagpaalam na rin si Jayden sa
kanila. Mas lalo yatang nagri-rainbow ang paningin ko dahil sa reaksyon ng mga
kaibigan ko!
Tahimik ako habang kumakain kami sa Candy's. Hindi parin ako makapaniwalang sumakay
ako kanina sa sasakyan niya. Hindi kasing engrande ng sasakyan ni Troy pero sweet
dahil pinagbuksan niya ako ng pintuan.
Bawal umaming nahihiya. Ang sabi din ni Troy, tumahimik na lang kung di ka sigurado
sa sasabihin mo. Less talk, less mistakes. - YUN MISMO ANG NARIRINIG KO SA UTAK KO
NGAYON. Ibang klase din si Troy, ah? Kahit wala siya naririnig ko ang boses niya sa
likod ng utak ko.
"Hmmm. May boyfriend ka na ba? Baka may magalit sakin dahil magkasama tayo ngayon?"
Seryosong tanong niya.
Kabanata 15
Kabanata 15
Unang Halik
"W-Wala naman. Hindi pa ako nag kaka boyfriend eh." Uminit ang pisngi ko at di ako
makatingin sa kanya.
Lintek na puso! Puro tibok lang ang nalalaman! Dinig na dinig ko na! Nag leak na ng
tuluyan yung rainbow na kanina ko pa pinipigilan.
"Hindi. Okay lang naman. Matagal na yun." Ngumiti siya. "Yung una, masyado pa kasi
kaming bata nung naging kami. High school pa lang. Apat na taon kaming nagtagal.
Tapos narealize namin na we've grown. Iba na yung pananaw namin sa buhay. Iba na
yung mga gusto namin kaya naghiwalay kami."
Umiling siya. "Its okay. Yung ikalawa naman, girlfriend ko nung college. Uh... 3rd
year college, to be exact. Tumagal din kami. Limang taon. Pero di ko natagalan kasi
sobrang selosa." Aniya.
Tumawa din siya, "Hindi naman. Pag ako na inlove, hindi ako titingin sa iba. Ikaw
lang talaga. Pero hindi maiwasang may ibang babae din sa work place kaya lagi
siyang nagseselos. Kinukumbinsi ko siya araw-araw na siya lang talaga."
Tumango siya, "Oo. Kahit sino. Sayang nga eh. Mahal na mahal ko yun. Pero that's
okay. Matagal na yun. Mag dadalawang taon na kaming wala."
Hindi ko alam kung bakit mas lalo akong nahumaling sa kanya ngayon. Matatagal ang
relasyong pinagdaanan niya. Ibig sabihin, magaling siyang mag handle ng
relationship. Hindi padalos-dalos. Kung may problema, pinag uusapan muna. Mature.
Yun ang gustong-gusto ko sa kanya. Nung prof ko pa lang siya, halata na sa kanya
ang pagiging ganitong klaseng tao.
Namula ako. Kanina pa pala ako nakatitig sa kanya habang nag mumuni-muni.
"Ye-Yep. Sorry. Humahanga lang talaga ako sayo." Mas lalong uminit ang pisngi ko sa
sinabi ko.
Napaawang ang bibig niya pagkatapos niyang marinig yun. Nakita kong pumula ang
pisngi niya.
"Huh? B-Bakit ka humahanga sakin?" Nauutal na tanong niya.
"Kasi seryoso ka kung makipagrelasyon. Yung uso kasi ngayon ay yung mga laro."
Tulad ng ginagawa ni Troy: Seduction. Love ang gusto ko. At ito yun... Ganun yun...
Yung ipinapakita mismo ni Jayden. Ganun ang love!
"Pero ikaw kasi mula high school, seryoso na agad." Sabi ko.
Napalunok siya, "Oo. May pagka hopeless romantic kasi ako noon eh. Actually,
hanggang ngayon." Humalakhak siya.
Isang lalaking hindi ka talaga sasaktan at papaiyakin - Si Jayden. Kung mahal niya,
mahal niya talaga. Walang biro. Seryoso. Ganun siya.
"Ikaw? Ba't di ka pa nag bo-boyfriend? Sa ganda mong yan?" Tumawa siya. "Akala ko
nagkaboyfriend ka last month. Bigla ka kasing nagbago. Yung pananamit mo tsaka pag
tinitext kita parang lagi kang busy."
Less talk, less mistakes. - Troy. Kaya tumawa na lang ako at nagkibit balikat.
"Talaga! Kung meron akong boyfriend, siguradong wala ako dito sa harapan mo. Siya
mismo ang kasama ko ngayon. Pero wala eh. Wala na yatang magkakagusto sakin."
Tumawa ulit ako.
Nagpalpitate ang buong katawan ko. Oh my goodness! Natulala ako sa sinabi niya
habang umaapaw ang rainbow sa mata, bibig, tainga, ilong, at mga kuko ko. Oh my
God! Talagang niya yun?
Pabalik na kami sa kotse niyang kulay puti. Pinagbuksan niya ulit ako ng pintuan.
Agad naman akong pumasok at ngumiti sa kanya. Mauubusan na talaga ako ng rainbow
nito. Hindi talaga ako makapaniwalang ganito ang nangyayari!
Habang umikot siya para sa driver's seat, tinignan ko naman ang cellphone ko. May
mga message doon ang mga kaibigan ko at maging si Troy!
Emma:
Camille:
Beatrice:
Oh my God!
Troy:
Ano na?
Nireplyan ko si Troy:
Kailangan mong mag text sakin. Kunware marami kang ka text. Make him feel that he's
not the only one.
Ako:
He reached out for my seatbelt. Amoy na amoy ko yung pabango niya. Naramdaman ko na
naman yung kamay niya sa may balakang ko. Inabot niya yung seatbelt at dali-daling
nilock. Napapikit ako sa bango niya. Humilig pa ako lalo sa kanya para maamoy ang
bango niya.
Bigla siyang lumingon sakin. Nagtama agad yung lips naming dalawa. Agad naman
siyang umatras. Dumilat ako at nanlaki ang mga mata sa nangyari.
OH MY FIRST KISS! GALING SA ULTIMATE CRUSH KO! IN A PERFECT NIGHT! Mariin ang halik
niya kahit saglit at aksidente lang ang nangyari.
He looked away.
"I'm so sorry! Do you hate me?" Tanong niya. "I'm sorry! Was that your first kiss?"
Hindi parin ako sumagot sa kaba ko. Nabigla ako kaya mukhang mas lalo siyang nag
panic.
"I'm stupid! I'm sorry! Really sorry! Pero totoo yung sinabi ko kanina sayo. I like
you. I-I'm attracted to you." Napalunok siya at nag-iwas ng tingin.
Oh. My. Goooooooooosh! I can't contain what I'm feeling right now.
Kabanata 16
Kabanata 16
Pangalawang Halik
Jayden:
Halos mapatili ako habang binabasa iyon. I can't believe it! Totoo ba talaga 'to?
Pakiramdam ko tuloy ang ganda-ganda ko na! Grabe! Ang bait ko talaga at deserve ko
ang grasyang ito. Sobrang thankful ako sa mga magulang ko, sa mga taong nandyan
noong ugly duckling pa lang ako, at sa lahat ng... kay Troy pala! Asan na nga ba
yung ungas na yun? Tumatae na ako dito ng rainbow at wala siya para
makipagcelebrate sakin?
Nireplyan ko si Jayden:
Take care din. Okay lang, kaya ko namang umuwi mag isa.
Tili ulit ako nang nasend na yun. Kaya ko talagang umuwi mag isa kasi nandito ako
sa parking lot ngayon at sumasandal sa sasakyan ni Troy. Nasa suite niya siguro. At
baka nagdala siya ng babae dun kaya di ko na lang iistorbohon. Dito ko na lang
hihintayin.
"Oh no."
Wala kasi akong mapagbuntungan kaya si Troy na lang. Umilag siya sa salubong kong
panggigigil.
Nagpatuloy siya sa pag ikot na para bang wala siyang pakealam sakin. Kumunot ang
noo ko nang narealize kong naka wayfarers siya.
"Troy! Mag gagabi na! Bakit naka wayfarers ka parin?" Sinubukan kong tanggalin iyon
sa kanya pero pinigilan niya ang kamay ko.
"TRISHA!"
Nabigla ako nang kinuha niya ito sakin at nakita kong bloodshot ang mga mata niya.
WTF? Anong ginawa nito at bakit pula ang mga mata niya. Sinoot niya ulit ang
wayfarers.
Natigilan siya at agad kong nalaman ang sagot sa katanungan ko. Sumulyap ulit siya
sakin.
"As in lasing na lasing talaga? Nag lalasing ka naman tuwing weekends diba? Pero di
naman ganito ka lala na kailangang bloodshot ang mga mata mo. Siguro nasobrahan ka
sa paglalandi sa mga babae no?" Sabi ko.
"Well, anyway! Ayaw mo bang malaman ang good news ko?" Tanong ko.
Narealize niya sigurong useless nang mag wayfarers kasi nakita ko na ang mga mata
niya kaya tinanggal niya ito at ginulo ang buhok.
"Ano? Hindi ba good news na yung nag date kayo? Ano pa bang pwedeng mas good news
doon?" Tamad niya ako nilingon.
Napasinghap ako nang nagtagpo ang mga mata namin. Damn, shet! Bakit? Magulo ang
buhok niya at bahagyang bloodshot ang mga mata. Mukhang puyat siya. Hindi nakatulog
ng ilang araw. Magulo ang buhok at tamad na nakasandal ang kamay niya sa manibela.
Hindi pa umaandar ang sasakyan pero umaandar na ang pagtataksil ng utak ko. He's so
damn good-looking. May tao pala talagang kahit mukhang puyat, sobrang gwapo parin?
In fact, mas lalo siyang gumugwapo.
"Ano?" Untag niya.
Nakatitig na pala ako sa kanya kaya umubo ako para di masyadong mahalata.
Nakita kong nanlaki ang mga mata niya. Hindi siya nagsalita.
"Anong problem-"
"Bakit ang OA mong maka react diyan? Parang ikaw yung na-first kiss ah?" Sabi ko.
Hindi siya gumalaw. Tinignan niya ako na para bang may halong disappointment sa
mukha niya. Bahagya pang bukas ang bibig niya. Perpektong ekspresyon sa isang taong
hindi makapaniwala sa nangyari.
"Well, hindi naman talaga yun sinasadya. Aksidente lang. Ano kasi inayos niya ang
seatbelt ko-"
"Tinulungan niya kasi ako. Tapos ayun. Nagtama ang mga labi namin." Uminit ang
pisngi ko.
"YOU DON'T EVEN KNOW HOW TO KISS!" Sigaw niya kaya napatahimik na naman ako.
"Ano naman ngayon kung di ako marunong humalik. It was just a smack, Troy."
"Tuturuan kita." Parang biglang may umilaw sa utak niya pagkasabi niya nun.
Iyon na rin siguro ang ipekto ng titig niya ngayon. His intense gaze was
intoxicating. Yung tipong hindi ka makakatanggi. Kahit seryoso ang mukha niya,
tingin ko parin ay pinaglalaruan niya ako sa alok niyang iyon.
"Troy, di ako matalino, pero di rin ako estupida. Pwede bang maituro ang halik-"
Habang nagsasalita ako. Inatake niya na agad ang labi ko. Nanlaki ang mga mata ko
nang naramdaman ko ang init ng labi niya. Shet! Troy!
"HA?"
Inosente kong tinanong siya ng 'Ha?' dahil hindi ko siya maintindihan pero nang
nabuksan ko nga ang bibig ko pa magsalita ng 'Ha?' ay agad niya na naman itong
inatake.
This is it. I hate to say this to you, Trisha G. Roncesvalles but the Master of
Seduction is kissing you passionately.
Itinulak ko siya pero di siya natinag. Naramdaman ko na lang na mas lumalim ang mga
halik niya.
Hey, wait? So this is how kissing is? French kissing? Waiiiit a minute? Bakit
parang pinupulupot ko na yung braso ko sa leeg ni Troy. Nang naramdaman niya yun ay
ngumisi pa siya at hinuli ulit ang labi ko.
"Troy!" Sigaw ko at tuluyan na siyang naitulak pabalik sa upuan niya.
Oh my God! Ginulo ko rin pala ang buhok niya! Kinagat niya ang labi niya habang
nakangising tinitignan ako.
"And you don't kiss anyone on the first date. That's the rule. Aryt?" Sabi niya at
ginulo pa lalo ang buhok niya.
"Ewan ko sayo! Troy! Hinalikan mo ako!" Halos mapanganga ako sa mga salitang gusto
kong sabihin pero di ko mabanggit habang tinitignan siya.
Bakit mo ako hinalikan? You don't kiss someone you don't date? Parte ba ito ng
lessons? Unethical talaga kahit saan ko tignan na maghalikan ang dalawang taong
wala namang pakiramdam sa isa't-isa!
Nakita ko siyang tulala habang kinakagat yung index finger niya. Tulala siya sa
mukha ko.
Nakaawang parin ang bibig ko. Para akong nagsasalita na walang lumalabas na sounds
sa bibig ko. Naka mute na TV.
"It's not like its your first kiss, Trisha. Wa'g ka ngang OA!" Sabi niya.
I could not believe this guy! Alam kong hindi siya ang first kiss ko. Tingin niya
man ay walang kwenta ang halikan namin, may kwenta ito sakin! Syempre dahil hindi
naman ako araw-araw na nakikipaghalikan!
"Troy, kung akala mo tulad lang ako ng mga babae mong pwede mong halikan kahit
kailan mo gusto, nagkakamali ka-"
"I was teaching you how to kiss, what is your problem?" Tumaas ang kilay niya.
"Nagkahalikan na nga kayo sa first date niyo, ano pa sa second date?" Umiling siya
at nagsungit na naman.
"H-Hindi no! Troy! Hindi ganun si Jayden!" Uminit ang pisngi ko.
"Trisha, he's 24! What do you expect? Mag laru kayo ng bahaybahayan? For goodness
sake! Be open-minded!"
"So ano? Sinasabi mo na sa second date namin ni Jayden ay maghalikan kami, ganun ba
iyon, Troy?" Tumaas ang kilay ko.
"No..." Umiling siya at nag isip. "Ahhh!" Ginulo niya ang buhok niya.
"Sige na! Tayo na nga lang! Kung anu-ano pa ang sinasabi mo. Ililibre kita kasi
masaya ako."
"Kasi nga ayun! Nagkahalikan kami ni Jayden at sinabi niyang gusto niya ako.
Tsaka... wa'g mo nga akong halikan! Panira ka naman! Kainis ah!"
"Hahalikan kita kung tingin ko ay dapat. Lesson yan, Trisha. Unless lumalakas ang
pintig ng puso mo pag hinahalikan kita. At hindi naman sa pagmamayabang pero
nasarapan ka sa halik ko. Pero ako? Hindi. May kulang pa, Trisha. Marami."
Napasinghap siya at umirap sakin.
Uminit ang pisngi ko sa sinabi niya. Speechless na naman ako. "Troy, Seriously?"
Napatikhim ako. Napabuntong hininga, iling at buntong hininga ulit.
Hindi ko kailanman maiintindihan ang sinabi niya. Tama ba talaga na tuturuan niya
ako sa pag halik? ALAM NG UTAK KONG HINDI EH! Pero kung makapagsalita ang Master of
Seduction na ito parang propesyunal!
"Huh? Anong may kulang? Sabi mo kanina, 'Wow' yung halik ko!?"
Nabigla siya sa sinabi ko. "Wow kasi... 'Wow! Hindi ka marunong!' Ganun yun!
Tsss..." Umiling siya.
Maloloka na talaga ako! Well, hindi ko na lang siya hahayaang halikan ulit ako.
Kahit na alam kong manyak siya, kilala ko na rin siya kaya alam ko ring hindi siya
hahalik kung sasabihin kong hindi.
"And I don't let the ladies pay, Trish. Ako ang manlilibre."
"Huh? Hindi na Troy! Ako naman yung nag yaya! Tsaka... hindi mo naman ako 'lady'
para magpaimpress ka sakin." Sabi ko.
"No, Trisha. I really don't let anyone pay for me. And I-I'm slightly happy."
Seryosong sinabi niya.
Sumulyap siya sakin, "Wala ka na dun. Pag mejo happy ako, gusto kong manlibre. Pag
sobrang saya ko na, bibigyan kita ng bahay, kotse, at kung anu-ano pa. You have to
make me happy always kung gusto mo." Ngumisi siya.
Tumawa ako, "Hindi ko naman kailangan yan eh! So ibig sabihin, 'slightly' happy ka
tuwing kasama ako kasi lagi mo akong nililibre eh?" Tumaas ang kilay ko.
Nag iwas siya ng tingin at di na umimik. Hindi ko alam kung bakit kinukurot ang
puso ko habang tinitignan ko siyang malungkot na pinaandar ang sasakyan.
Kabanata 17
Kabanata 17
Saan Tayo?
Mas naging regular na kay Jayden ang itext ako. Halos araw-araw na nga kung di ko
lang pinipigilan ang sarili ko minsan. May mga pagkakataong di ko siya nirereplyan
kasi sinabi ni Troy na kailangang mag panggap na busy.
"Talaga? Weh!"
"Ayan ka na naman. Pinagdududahan mo na naman ang mga tips ko." Umiling siya.
"May Art of Seduction ba talaga, Troy? Iniisip ko kasi naakit mo na lang yung mga
babae sa kagwapuhan mo eh. Hindi ko alam kung dahil ba yun sa seduction o sa
kagwapuhan." Sabi ko.
"H-Huh? So inaamin mo na gwapo nga ako?" Inayos niya ang buhok niya at ngumisi
sakin.
Hindi na lang ako nagsalita. Nanunuya na kasi ang mukha niya. Para bang nagwagi
siya sa kung anong contest dahil sinabi kong gwapo siya.
Ngumisi pa siya lalo at ginulo ang buhok, "May mga babaeng nagpapakipot, may mga
babaeng bumibigay agad. Madaling makuha ang loob nila. But! I want them frustrated,
Trisha. I want to frustrate women. I want them to beg for me. To beg for more. Sa
tinagaltagal ko na sa mga larong ito, alam ko na ang formula kung paano ma attract
ang opposite sex and I call it art of seduction." Nagkibit balikat siya.
"Okay, ganito... Pag nagkita kayo ni Jayden kasama ang ibang taga Le Marcelle,
pansinin mo lahat tapos wa'g na wa'g kang makipag eye contact kay Jayden, kahit
anong mangyari. Umalis ka na lang pagkatapos mong batiin yung mga kasama niya."
Hindi ko alam kung bakit nakatitig ako sa labi niya habang nagsasalita siya.
There's something about his lips... Argh!
"W-WHAT?"
Ngumisi siya. Hindi ko alam kung dahil ba nahuli niya akong nakatitig sa kanya o
dahil sa reaction ko. "Yes, Trisha. Do it! Kung sana di mo inamin sa kanyang gusto
mo siya, hindi mo na sana kailangang gawin 'to."
"Iisipin niyang okay na lahat kasi gusto ka niya. Pero sa oras na di mo siya
papansinin, magbabalik ang misteryo mo sa kanya... 'Bakit di niya ako pinansin?
Sinabi niyang gusto niya ako diba?' You should be nervous around him. That's
natural if you like someone. Pero ibang usapan na kung confident ka parin... at
kaya mo pa siyang i-deadma!"
Hindi ko alam kung posible ba talaga iyon? Magagawa ko ba talaga yung hinihingi ni
Troy sakin? All I have to do is to trust his expertise. May tiwala ba ako kay Troy?
Okay, so far wala pa namang pumapalpak. Kaya gagawin ko ang sinasabi niya.
Lokong Master of Seduction na yun! Ang hirap hirap ng mga pinapagawa. Well, no
pain, no gain!
Yung labi kasi ni Troy masyadong nakakadistract. Tuwing bumubuka yung bibig niya,
napapaawang din yung bibig ko. Iyon na yata yung epekto nung walang pasubaling
halik niya eh.
Napatalon ako nang tapikin ako ni Sunny - isang intern na may kahalayan sa pag
iisip, lalo na pag tungkol kay Troy!
Nasa front desk na kasi ako ngayon. Mahirap dito kasi pati yung mga walang kwentang
questions ay nababato sayo.
"Excited na ako sa next shifting natin. Saan ka sa next?" Tanong ni Sunny sakin.
"Ganun? Ako sana sa 30th floor? Maninilip talaga ako kay Troy! Kita mo na bang half
naked siya? Damn! Nakakaturn on!"
O. M. G. Mahalay na rin yata ang pag iisip ko kasi pilit na pumapasok sa isipan ko
ang gabing iyon. Yung gabing nag hubad siya ng t-shirt sa harapan ko. Yung V-line.
Yung sauce sa labi niya. Yung labi niyang nahalikan ko last week. O-M-G! I don't
like this.
"Ito naman! Pa inosente pa. Nung na hire ako dito akala ko talaga makaka-make-out
ko man lang si Troy. Pero hanggang ngayon wala pa siyang pinapansin sating mga
interns." Bumuntong hininga siya. "Di naman siya ganyan dati."
Napakamot na lang ako sa ulo habang binabati ang kakapasok lang na foreigner.
Nakaka allergy naman itong si Sunny, dalawang araw pa lang kami dito sa front desk
pero malaya niya nang sinasabi sakin ang makamundong pagnanasa niya kay Troy.
Naisip ko din tuloy kung sino ba talaga yung gusto ni Troy at bakit di siya
magustuhan nun?
Nang nag break, pumunta na agad ako sa restaurant. Nakita kong napalibutan si
Jayden ng mga dating estudyante niya (na interns na ngayon). Sa dalawang buwan
namin dito sa Le Marcelle, siguro ay wala pang napopormahan si Troy sa kanila at
naiinip na sila kaya eto at si Jayden naman ang pinagdidiskitahan.
Tumaas ang kilay ko at bahagyang nainis. Nakita kong tumatawa si Jayden sa joke
nung pinakamalapit sa kanya na si Tammy (kaklase ko noon). Ang gaganda at ang
tatangkad pa naman ng mga ito. Itong si Troy kasi ang may kasalanan. Yung looks
lang ang inisip nung na hire niya ang mga ito. Yun naman pala sana hinalay niya na
lang ang mga ito nang di sila lumilipat sa iba.
TING! Naisip ko tuloy gawin yung tip ni Troy ngayon! Nginitian ako ng mga babaeng
nandun sa table ni Jayden. Ngumiti din ako.
Hinila niya ang mukha ko at bumulong sa tainga, "Sana bumalik ka dun. Yung pumalit
sayo, ang arte. Literal pa siyang nag hyperventilate nang lumabas si Troy nang naka
tuwalya lang."
NAKATUWALYA LANG SI TROY NA LUMABAS NG SUITE NIYA! Tinakpan ko na lang ang bibig ko
at tumango. Wala ako sa sariling lumagpas sa kanila.
Wa'g ka ngang lumalabas ng suite mo na naka tuwalya lang. Kung gusto mong maligo,
umuwi ka sa bahay niyo. Wa'g sa suite niyo.
AHHH!
Tapos bigla kong naisip yung ginawa ko kanina. Ginapangan ako ng hiya habang
iniisip kong di ko pinansin si Jayden! Sasadyain ko talaga sanang di siya pansinin
kanina tulad ng sabi ni Troy pero mukhang ginawa kong hindi sinadaya yun.
"Trisha."
Napatalon ako nang biglang sumulpot si Jayden sa harapan ko. Seryoso ang mukha
niya. Halos masuka ako ng rainbow sa kagwapuhan niya. Palagi naman. Pero minsan ko
lang kasi siya nakikita ng harap-harapan. Yung nakatitig siya sakin. Yung dalawang
dangkal lang ang layo namin. Naiisip ko tuloy yung unang halik ko.
"Miss, there's a costumer." Tinignan ni Jayden ang lalaking nasa harap ni Sunny.
Mukha namang naalimpungatan si Sunny at bumaling sa lalaki, "Yes? What can I do for
you, sir?"
"Galit ka ba sakin?" Bumaling siya sakin. Seryoso parin.
"H-Huh?"
Ewan ko nga kung may panty pa ba ako ngayon. Naiwan ko na yata ng tuluyan eh.
Nilipad ng hangin! Alam mo yun? Walang kwenta naman yung simpleng tanong niya pero
may electricity talagang naglakbay sa mga buto ko. Kinikilig ako. Ng sobra sobra.
Sa tanong niya.
Troy is freakin right about everything! Luluhod ako at sasambahin si Troy mamaya.
"Di mo ako pinansin kanina." Parang tinadyakan ng kabayo ang puso ko.
I'm trying so hard to smile and not to look away. He's really handsome.
Saka ko nasilayan ang ngiti niya, "Thank you. Pero dadaan muna ako ng school para
mamigay ulit ng instructions. Okay lang ba yun sayo?"
"Uhm... Sure. Pero di na lang muna ako sasama. Uuwi lang ako para magbihis.
Tsaka... magpapahatid na lang ako kay-" Troy. Damn! Muntik kong nasabi! "... sa
uhm, driver namin. Saan ba tayo mag di-dinner?" Tanong ko.
Sinubukan ko lang naman. Handa na sana akong pumara ng taxi nang bigla siyang
nagreply.
Troy:
Ako:
WHAT?
Troy:
Napakamot na lang ako ng ulo. Ano bang nangyari sakin at bakit dirty minded ako?
Pero sa text ni Troy mukhang sinasadya niya naman eh.
Tumatawa siya habang nilalabas ang ulo sa sasakyan niya. Sinalubong ko naman ang
sasakyan niya ng nakasimangot.
"Sinasabi ko na nga ba! Ang bastos mo talaga, Troy!" Sigaw ko at umikot na para
sumakay sa sasakyan niya.
"Ano? Saan tayo?" Nakangisi paring tanong niya pagkapasok ko. "Ginugutom ka ba?"
"Hindi, Troy. Pwedeng pahatid sa bahay please? Magbibihis ako. May dinner kami ni
Jayden."
Unti-unting napalitan ang ngiti niya ng simangot. Umiling siya at bumuntong hininga
habang pinaandar ulit ang sasakyan ng walang imik.
"Sorry... Babawi talaga ako next time. Magtataxi lang naman sana ako pero naisip
kong makipagkita muna sayo para sa tips. Next time, babawi ako." Hindi ko naman
kasi alam na agad pala siyang pupunta pag itext ko siya.
"Be yourself. He'll fall in love with you for who you are... just like how..."
Bumuntong hininga siya. "...how I fell for that girl. Damn."
"May pinagdadaanan ah?" Tumawa ako. "Ipakilala mo nga yan sakin nang matulungan
kita."
Pero di siya umimik. Seryoso lang siyang nag drive papuntang bahay.
Kabanata 18
Kabanata 18
Alam niyo ba kung anong naging kapalit ng paghatid ni Troy sakin? Hindi ko alam
kung bakit naisipan niya ang trip na ito pero ito talaga ang hiningi niya sakin.
Ito ang unang pagkakataong nagpakilala ako ng isang lalaki dito sa amin. Ay, hindi
pala. Naipakilala ko na si Earl at ang iba ko pang lalaking kaibigan nung
highschool pa ako pero ito lang yata ang 'mukhang' espesyal na pakilala.
Confident na naglakad si Troy papunta sa kay daddy (na tumatayo na ngayon para
salubungin si Troy). Naglahad si Troy ng kamay nang nakangisi sa nakasimangot kong
daddy.
"Nako, hijo, maupo ka." Sabi ni mommy at agad-agad hinawakan ang braso ni Troy para
gabayan siya sa upuan.
"Ma... wa'g na po. Kakain... uhm... kami sa labas." Sabay turo ko kay Troy.
"Huh? Bakit? Dito na lang." Sabi ni mommy at hinila ako palayo kay daddy at Troy.
"Jusko Trisha! Nagmana ka talaga sakin! Kay gwapo gwapo naman niyang boyfriend mo!"
"HA?" Pumupula na yata ang pisngi ko na parang kamatis kasi nanunuya na ang tingin
ni mommy sakin.
Padabog na lang akong umakyat sa kwarto ko. Nagkakaigihan na yata si daddy at Troy
kasi nag uusap at nagtatawanan na sila nang bumalik akong nakabihis.
Tinitigan pa ako ni Troy nang pababa ako sa hagdanan. Nakangisi siya at kinakagat
ang labi. Shet! Alam mo namang kahinaan ko yan, ginagawa mo pa! Hindi ko siya
magawang tignan.
"Dad... uhm... alis na muna kami." Pinutol ko si daddy sa kung ano mang sinasabi
niya kay Troy.
"Tito..."
"May lakad pa po kasi siya. Sasamahan ko lang. Next time po, kung pwede sanang
bumisita ulit ako dito."
"HAAAAAA?"
"Oo! Sige! naku sayang naman! Next time kasi Trisha, sabihin mo naman nang di kami
mawindang dito!" Sabi ni mommy.
Hinayaan naman kami ni mommy at daddy na umalis. Yun nga lang, hinatid kaming
dalawa palabas ng bahay.
"Saya ng mommy at daddy mo ah?" Tumawa si Troy nang palabas kami sa subdivision.
"Kainis ka talaga Troy! Para saan naman yan? Bakit mo hininging ipakilala kita?"
Nakangisi parin siya habang nag di-drive. Binalingan niya ako nang tingin nang
nagtraffic. Kitang kita ko na naman ang pag kislap ng mga mata niyang kulay brown.
Nakakahypnotize. Hindi niya na talaga kailangan ng Art of Seduction para maka akit
ng babae. Walang hirap niyang maakit ang mga babae sa ngiti at mata niya pa lang.
"Gusto ko lang." Bumaling ulit siya sa kalsada at ngumiti nang naka kagat-labi.
May Diyos talaga dito sa mundo. Linikha niya talagang perpekto si Troy. Tinignan ko
ng maayos ang features niya... Yung mga mata, ang kilay na tama sa kanyang mata,
ang ilong na perpekto ang tangos, labing mamula-mula at mukhang laging ready-to-
kiss, panga na sa bawat pagkainis niya ay nag ta-tighten. At wa'g na nating pag
usapan ang katawan niya dahil baka mauhaw ako ng wala sa oras.
Nag iwas ako ng tingin. Tumingin ako sa labas. Malayo ang Candy's. Ibig sabihin
kanina pa ako nakatitig sa kanya.
Paglingon ko sa kanya, agad kong naramdaman ang paglapat ng labi niya sa labi ko.
"Open your mouth." His voice was husky. "And close your eyes, Trisha."
Hindi ko alam kung bakit ang bilis ng pintig ng puso ko. Hindi ako makahinga. Damn!
Ginawa ko ang sinabi niya dahil sa bawat segundong lumilipas mas lalong lumalalim
ang halik niya, mas lalo akong na hi-hypnotize sa halik niya. Parang kami lang
dalawa. Kaming dalawa. Wala nang iba.
Kinuha niya ang kamay ko at nilagay sa dibdib niya. Ang isang kamay ko naman ay
nilagay niya sa balikat niya.
OMG!
"Troy~" Hindi ko alam kung bakit mahina at lasing ang boses ko.
"Walang hiya ka Troy!" Pinunasan ko ang labi ko. "Nabura tuloy yung lipstick ko!"
Sabi ko.
Tumatawa pa siya habang padabog kong sinarado ang sasakyan niya. ARGH! Umiling na
lang ako sa sarili ko. His kisses... Damn hot! Nasasapian na yata ako. Hindi ko
alam kung saang parte ko maisisingit ang rainbow. Parang naubusan yata ako ng
rainbow sa ginawa niya.
Tulala ako hanggang sa nakapasok ako sa Candy's! Right! I'm here with Jayden. Damn
you, Troy! Umalis ka sa sistema ko. Yung lips mong nakahalik na ng milyun-milyong
babae? Salamat na lang!
"No... Kakarating ko lang din." Hindi matanggal ang titig niya sakin.
Ngayon ko lang na realize na nasa fine dining section pala kami ng Candy's at may
candles sa hapag namin.
Ngumiti siya.
"Okay lang naman. Uhm... mas busy kumpara sa 30th floor." Sabi ko.
Pagkatapos ng tawanan ay awkward silence naman. Nag iwas ulit ako ng tingin habang
tinititigan niya na naman ako.
"You're so cute."
Tumawa ako, "Wa'g mo naman akong paulanan ng puri. Lalaki ang ulo ko nito."
"Trisha..." Seryoso ang mukha niya nang napawi na ang tawanan namin.
Agad kong narinig ang mabilis na pintig ng puso ko habang tinitignan siya straight
sa mga mata. I really like him. Umaapaw ang saya sa puso ko tuwing pinagmamasdan ko
siya. Umaapaw ang rainbow sa paligid tuwing kinikilig ako.
"WHAT THE-, Olivia! What are you doing!" Nabigla ako sa biglang pagtayo ni Jayden
at sa pagkabasa ko.
Natulala ako habang tinitignan ang mga nagbubulung-bulungang tao sa paligid. Parang
naeskandalo ang mga mukha nila. May ibang awang-awa sa kalagayan ko. Nilingon ko na
lang sa likuran ang dahilan ng lahat.
Nakita ko ang isang naka pulang dress na babae. Kulot ang kanyang buhok at na-
smudge ang make up sa mukha dahil umiiyak siya.
"Is this the girl, Jayden?" Sigaw niya sa nag papanic na si Jayden.
Hinila agad ako ni Jayden papunta sa kanya. Basang basa ako. I have never been
treated this way... ever. Maaring dahil wallflower lang ako kaya walang extreme na
nangyayari sa araw-araw kong buhay noon. Pero simula yata nung nakilala ko si Troy
ay nangyayari na ang mga bagay na hindi ko inisip na pwedeng mangyari sakin.
Halimbawa doon ang pag aaway ng mga lalaki sa bar... at ito pa. Ang buhusan ako ng
isang babaeng luhaan.
"Sino ka? Bitch! He's my boyfriend! Oh my God, Jayden! You're cheating on me!"
Sigaw ng babae habang tinuturo si Jayden. "With this bitch! Oh my God! I can't
believe you-"
"Olivia!" Galit na galit si Jayden habang pinagmamasdan ang umiiyak na babae. "get
out here... right now!"
Umiling ako habang umaapaw ang luha sa mga mata. Tumakbo agad ako bago pa siya
makapagsalita... bago pa ako masktan ulit.
Tinawagan ko agad ang numerong tanging naisip ko sa oras na yun. Tumatakbo parin
ako. Hindi ko alam saan ako patungo. Umiiyak ako habang tumatakbo. Sana hindi ako
nasundan ni Jayden.
Hindi siya sumagot. Tahimik lang siya ilang sandali bago sa wakas ay natauhan.
Kabanata 19
Kabanata 19
Agad pumarada ang sasakyan niya sa harap ko. Lumabas siya agad nang nakitang
umiiyak na ako at di makagalaw sa kinatatayuan ko.
Niyakap niya agad ako. Niyakap ko rin siya. Hindi ko alam kung bakit mas lalo akong
nasasaktan nung niyakap niya ako.
Hinila niya ako papasok sa sasakyan niya. Wala na akong lakas. Naiwan ko na yata
ang buong lakas ko kay Jayden. Sinaktan niya ako! Sinaktan ako ng taong
pinagkatiwalaan ko. Akala ko di niya ito magagawa sakin.
"What the hell happened, Trisha?" Nakita ko ang galit na mukha ni Troy nang umupo
na siya sa driver's seat.
Hindi ko mapigilan ang pag iyak ko habang tinitignan ko siya. May kinuha siya sa
likuran ng sasakyan niya at sinoot niya sakin ang isang itim na jacket. Kumuha din
siya ng tissue at panyo para punasan ang buhok ko... at ang luha ko.
His jaw clenched, "Anong ginawa ni Jayden sa'yo?" Dinig na dinig ko ang banta sa
boses niya.
Umiyak lang ako. Hindi ko masabi sa kanya. Gusto ko nang tumigil sa pag iyak pero
tuwing susubukan kong magsalita, mas lalo akong naiiyak.
He cheated on me. And he cheated on her. Sabi niya matagal na silang wala nung ex
niyang selosa?
Padabog na nagdrive palayo si Troy sa kinatayuan ko kanina. Hindi ko alam kung saan
siya pupunta pero nagustuhan ko ang pag alis namin.
"Lika." Sabay hawak niya sa kamay ko nang pinagbuksan niya ako ng pinto.
Humupa na yung pag iyak ko pero ganun parin ka saklap ang nararamdaman ko.
Pumasok kami sa 7eleven. Maraming nakaagaw agad ng pansin samin. May ibang
nakakakilala pa sa kanya. Syempre, si Mr. AAMD ay Mr. Popular din at the same time.
Nakita kong mas lalong sumimangot si Troy nang tinignan ako ng lalaki. Hinila niya
ako sa likuran niya na para bang pinoprotektahan sa tingin ng lalaki. Hindi
siguro... Itinatago niya ako kasi ayaw niyang may makaalam na mag kaibigan kaming
dalawa.
"Sino yan? Bagong babae mo?" Tanong nung lalaki sa naiiritang si Troy.
"Hinde. Alis na, dude. Ayoko ng istorbo." Nilagpasan niya ang lalaking nakatingin
parin sakin.
"Sana nagpaiwan na lang ako sa kotse mo. Baka may makakita pa sating dalawa.
Hinahawakan mo pa yung kamay ko." Napalunok ako.
Bumaling siya sakin habang nagbabayad ng binili niya, "Pagkatapos mong manahimik,
ito yung sasabihin mo sakin? What the hell happened? Bakit basa ka? At wa'g kang
mag-alala, wala naman si Jayden sa paligid kaya di ka masisira sa kanya." Umirap
siya.
Kumunot ang noo ko. Kinuha niya agad yung binayaran niyang kape.
"Oh... Mainit yan. Inumin mo at baka siponin ka. Saan mo gustong pumunta? Kumain ka
na ba?" Tanong niya.
"Oo. T-Tapos na." Yumuko ako habang hinahawakan ang binigay niyang kape.
Binuksan ko yun at narealize agad na hindi pala yun kape... Hot chocolate ang
binigay niya sakin. Hindi kape... Hindi kape... Gusto ko siyang yakapin. Hindi ko
alam kung bakit pero naiiyak ako. He knows almost everything about me.
Sobrang daming tumitingin at nakikiusyuso samin. Alam kong hindi kilala ng ibang
tao si Troy pero kasi minsan nakakaeskandalo talaga yung mukha niya. Sa kagwapuhan
niya, kahit na inaantok ka, lalaki talaga ang mata mo. Yung mga soot niya pa minsan
ay tama sa hubog ng katawan niya. Alam mo talagang sa loob ng mga t-shirt, pants, o
ano pa man diyan ay may nakakatakam na katawan.
Nasa loob na kami ng sasakyan ngayon habang nag da-drive ulit siya sa madilim na
kalsada kung saan kitang-kita ang mga stars.
I didn't cry. Tulala lang ako nang sinabi ko yun. Sumulyap siya sakin at tinigil
ang sasakyan sa tabi ng isang cafe. Overlooking ang buong syudad dito. Kitang kita
ko ang city lights... Kitang kita ko ang Le Marcelle. Kitang kita ko lahat ng
skyscrapers ng buong syudad. At kitang kita ko rin ang mga mata ni Troy na
nakatitig sakin.
"What?" Tanong niya.
"Binuhusan ako ng tubig nung girlfriend niya." Nagsimulang mamuo ang luha sa gilid
ng aking mga mata.
Ginulo niya ang buhok niya at kinagat ang labi habang tinitignan akong umiiyak.
Kinuha niya ulit yung tissue para punasan ang luha ko. Ang init ng kamay niya.
"Oo. Niloko niya ako. Niloko niya kami, Troy." Sabi ko.
"Then who's worth the tears, Troy? I think I..." Napaluha ako lalo habang iniisip
ang mukha ni Jayden nang umalis ako. He's a wreck. "...I love him." Kinagat ko ang
sarili kong labi at pinikit ang mga mata.
"That's impossible!-"
"May love, Troy! Totoo yan. Dahil kung wala... ano tong nararamdaman ko ngayon?
Bakit ako nasasaktan?"
Pumikit siya nang idilat ko ang mga mata ko. Ginulo niya pa lalo ang buhok niya at
hinampas ang manibela.
"I can't be just attracted to him. Right? Kasi nasasaktan ako. Umiiyak ako ngayon.
At diba ikaw na rin ang nagsabi na you fell for someone? You must be in love
then... At hindi ka niya magustuhan diba? You're broken, too. I'm broken, too."
"Stop it, Trisha!" Sabi niya at tinignan akong mabuti. "Just stop it."
Nagkatitigan kami. Naghalf-open ang bibig niya. Wala na akong lakas para tumanggi
sa halik niya ngayon. Pero bago pa kami nagkalapit ng husto ay tumigil na siya.
"Stop crying, aryt? It's gonna be okay. Lagi akong nandito. Kahit anong mangyari. I
know its cheezy but I think I won't be able to leave your life anymore, Trisha."
"Hindi, Troy. Di yun ganun ka dali... Kung sana ganun ka daling di masaktan edi
pinigilan ko na ang sarili ko." Lumandas ulit ang luha sa mga mata ko.
Nakita kong nag iwas siya ng tingin habang hinahawakan ang sariling labi.
"Yeah. I-I guess you're right. Hindi nga ganun ka daling 'di' masaktan."
Natahimik kaming dalawa sa sinabi niya. Paano niya nasabi iyon? Ang alam ko di siya
naniniwala sa Love. Bakit ngayon parang may pinaghuhugutan siya?
"Let's go! Gumagabi na. Hinahanap ka na siguro. At ako ang malalagot kung di ka
bumalik ng bahay ninyo. Ayokong pangit ang impression ng parents mo sakin."
Pinaandar niya ulit ang sasakyan niya.
Hindi ko alam kung paano ako papasok sa susunod na araw. Pwedeng umabsent? Pwedeng
mag pa excuse? Hindi ko alam kung paano ko haharapin si Jayden nang hindi umiiyak o
di nagagalit. Naiinis ako sa kanya. Cheater! Liar! Umiyak ako magdamag sa kama.
Buti hindi yun napansin nila mama.
Jayden:
Troy:
Hindi ko alam kung saan ako humugot ng lakas para bumangon at mag ayos. Pumunta ako
ng Le Marcelle na parang walang nangyari. Alam kong namumugto ang mga mata ko kasi
mahapdi at mabigat ang mga ito. Tinakpan ko ng make up pero alam nating lahat na
walang make up ang makakawala ng eyebags pag buong gabi kang umiyak.
Nakita ko agad ang pagdating ni Jayden. Bumilis ang tibok ng puso ko sa kaba.
Malulutong na pagmumura ang binulong ko saking sarili habang humihinga ng malalim.
Diretso ang tingin niya sakin kaya nagpasya akong umalis sa front desk at
magkunwaring mag CR.
Bago pa ako tuluyang nakapasok sa bathroom, hinila niya na ang braso ko.
Sinimangutan ko siya habang namumuo ang mga luha sa mata ko, "Hayaan mo na ako,
please."
Dumiretso ako sa CR. Doon, umiyak ulit ako. Shucks! Ganito pala pag heart broken?
Parang tanga lang. Hindi ko alam na darating ako sa point na iiyak sa CR. Noon
akala ko korny ang mga ganito pero ngayon narealize kong makatotohanan pala talaga
ang pag iyak sa CR. Pinigilan ko ang pag hikbi at inayos ulit ang sarili.
Bakit di ka umabsent?
Ako:
Nang natapos na ang araw na yun, saka ako nakahinga ng malalim. Nakita kong umalis
na si Jayden. Nasaktan ako kasi di niya man lang ako hinintay. Di man lang niya
sinubukan ulit.
Argh! Ako na nga itong nasasaktan... ako pa ang parang nagmamakaawang kausapin niya
ulit.
Mahinang-mahina ako nang umalis sa Le Marcelle. Naglakad ako palabas nang may
biglang humila ulit sa braso ko.
True. Gusto kong habulin niya ulit ako pero masakit yung nangyari...
"Makinig ka muna, Trisha. Hindi ko girlfriend si Olivia. She's my jealous ex! Ganun
siya palagi..."
Umiling ako at tinanggal ang braso ko sa kamay niya. Umiiyak na naman ako at
ayokong makita niyang naapektuhan ako ng ganito ka tindi sa nangyari.
Masaya ako sa sinabi niya pero di ko mapigilang di umiyak. Sana totoo... sana hindi
niya nga girlfriend... sana nagsasabi siya ng totoo... sana bawiin niya yung sakit
na nararamdaman ko...
"I think ayaw niyang makipag usap sayo, Jayden." Malamig ang boses ni Troy sa
likuran ko.
Sumimangot agad si Jayden nang nakita si Troy, "Wa'g kang manggulo dito. This is
none of your business, Troy."
Hindi ko alam kung bakit pero sinuntok agad ni Troy sa panga si Jayden.
Napa sigaw ang ibang taong nakakita. Mabuti na lang at wala masyadong nakakita
dahil madilim na. Nasa labas pa naman kami ng Le Marcelle. Syempre, may nakakitang
mga guards pero inoobserbahan pa nila yung scene. Hindi sila makalapit dahil si
Troy at ang Manager ang nag aaway.
"Ayaw mo na, diba? Bakit ka nasa tabi niya?" Sumugod si Troy para suntukin ulit si
Jayden pero pinigilan ko siya.
Tumigil naman siya. Kitang kita ko ang disappointment at galit sa mukha niya habang
tinitignan ako.
"AHHHH!" Ginulo niya ang buhok niya at sinipa ang gutter. "Pathetic!" Sigaw niya
nang tinalikuran kami.
Kabanata 20
Kabanata 20
Natulala ako habang tinitignan si Troy na umaalis. Sinalubong siya ng mga security
guards. Tinaboy niya ang mga ito kaya nag sialisan din hanggang sa nawala na siya
sa paningin ko.
Nakita ko ang katotohanan sa mga mata niya. Hindi ako makapagsalita. Tinulungan ko
na lang siyang tumayo.
"May pasa ka sa panga... Uhm... Panu na yan? Diba may pasok ka pa-" Hindi na ako
natapos sa pagsasalita.
"I don't care about anything anymore. I only care about you..."
Amoy na amoy ko yung pabango niya habang nakabaon ang mukha ko sa balikat niya.
Mahigpit ang yakap niya. Para bang ayaw niya na akong pakawalan.
Hindi ako nakagalaw. Tinignan ko lang siya. Naiiyak ako. Sobra akong na touch sa
sinabi niya. Hindi ko na alam kung kinikilig pa ba ako sa pag apaw ng rainbows o
naiinlove na ako. Talaga.
Nang hindi ako nagreact ay kinuha niya na agad ang kamay ko at hinila ako papuntang
parking lot.
Itinigil niya ang sasakyan sa tapat ng isang flower shop. Walang imik siyang
lumabas ng sasakyan. Ilang saglit lang ay bumalik siya nang may dalang white roses.
Binigay niya yun sakin nang pumasok siya sa sasakyan.
"Alam kong nasaktan kita. Alam kong nasaktan ka. Pero believe me... Olivia is my ex
girlfriend. Nalaman niyang may nagugustuhan na akong iba last week. She's stalking
me. I'm sorry hindi kita na protektahan sa kanya. She's always been like that. Sa
ilang taon naming magkasama, I got fed up with her insecurities. Sinubukan kong
ayusin siya dahil minahal ko siya pero mas lalo siyang lumalala. I'm sorry. I'm
sorry..." Tumingala siya at huminga nang malalim bago tumingin ulit sakin. "I know
this is too fast, Trisha... Pero I think I'm falling for you. I can't deny that..."
Pansamantalang tumigil ang pag hinga ko. Sinabi niya ba talaga yun? In love siya
sakin? No. Way... This is just a dream, right?
Tahimik kaming dalawa. Tinitigan niya lang ako na para bang natatakot siya sa
maaring sabihin ko. It breaks my heart to see his eyes look that way.
"Trisha... Please, say something. Natatakot akong mawala ka sakin. Hindi ko kayang
mawala ka just by that stupid mistake."
Hindi ko na mapigilan ang luha ko habang tinitignan ko ang white roses na binigay
niya. Honesty. Sincerity. White Roses.
"Thank you..." Niyakap niya ulit ako ng mahigpit. "Akala ko hindi mo na ako
mapapatawad." Nabasag ang boses niya.
Tinulak ko siya para matignan ang mukha niya. I love him... I really think I'm
falling in love with him.
Kung sana pwedeng mag joke habang tinitignan ang takot sa mga mata niya kanina ko
pa nasasabing bumabaha ng rainbow ang buong mundo ko... cuz he loves me back...
"Alam kong mabilis... I'm sorry... I'm really sorry. Hindi ko rin alam kung bakit
mabilis akong nainlove ngayon pero..." Umiling siya. "I'm madly in love with you. I
can't stop thinking about you everyday... The way you move... The way your eyes
sparkle... I can't seem to help it..." Napalunok siya.
Narealize kong kanina pa pala namuo ang luha ko. Nag blur agad ang paningin ko
dahil sa luha hanggang sa tumulo na ang mga ito.
Agad niya namang pinunasan ang bawat luhang tumulo sa mga mata ko.
Bumaling siya sa kalsada at pinaharurot ang sasakyan. Inisip ko tuloy kung ano na
ang ginagawa ng mga estudyante niyang inindian ngayong gabi... Saan kami pupunta?
Agad namang nasagot yung tanong ko nang niliko niya ang sasakyan niya sa isang
residential area.
"Let's go meet my parents."
Mas lalong lumakas at bumilis ang pintig ng puso ko sa sinabi niya. Parang naubos
ang dugo sa mukha ko nang tinignan ko ang sarili ko sa salamin.
"Pero Jayden, uhm, bakit natin ime-meet ang parents mo?" Tanong ko.
"Dahil ayokong isipin mong nagsisinungaling ako. Sila lang ang makakapag patunay na
hindi ko na girlfriend si Olivia."
"It's not enough for me, Trisha. I want you to be confident about that. I want you
to know that you're the only one."
I think I melted. Mamamatay na yata ako sa kilig. But I can't seem to fully smile.
Parang kakagaling lang namin sa malungkot na pangyayari. Tapos na ba yung malungkot
na pangyayari? Bakit pakiramdam ko hindi pa?
Masaya ako sa mga sinabi ni Jayden pero bakit di ko malubayan yung nangyari kanina?
Kumunot ang noo niya, "Yep... That boy... nangingialam siya. Magkaibigan na ba
kayo?" Tanong niya.
Guilty ako kaya mas lalo tuloy akong kinabahan. Mabuti at hindi niya ako sinulyapan
kaya nakaya ko pang magsinungaling, "Hindi... Uhm... Magkakilala lang kasi
tinulungan niya akong makapasok ng Le Marcelle. Sinabi ko na yun sayo."
Tumango siya, "Napadaan lang siguro yun tapos badtrip kaya napagbuntungan ako.
Tsk... Humanda yun sakin pag nagkita kami." Ngumisi siya at sumulyap sakin.
"Joke lang! Pagsasabihan ko lang siguro... Masakit din kasi talaga..." Sabay hawak
niya sa panga niya. "Will you mend it, please?" Nagpacute pa siya kaya di ko na
napigilan ang pagtawa ko.
"And by the way, we're here." Aniya nang nakita ang pagtitig ko sa gate.
Ginapangan ako ng hiya at kaba. Lalo na nang lumabas na siya sa kanyang kotse para
pagbuksan ako.
"Hindi nila alam na pupunta ka dito. We'll surprise them." Ngumiti si Jayden.
"Hindi na ako dito nakatira. I have my own condo unit. Kaya mabibigla din sila sa
pagbisita mo."
Tumango ako.
Bigla niya naman akong hinalikan sa pisngi. Napatalon ako sa ginawa niya.
"Uhmm... First time ko kasing maipakilala sa parents ng... uhm..." Uminit ang
pisngi ko. Hindi ko matapos ang sinasabi ko.
"Maaaa, andito si Kuya." She said without taking her eyes off me. "May kasama!"
Dagdag niya.
Tumawa si Jayden, "Jen, this is Trisha... Trisha..." Tumingin siya sakin. "This is
Jennifer. Kapatid ko."
Tumango ako. Shucks! I'm not good at introductions! "Uhm, hello!" Kumaway ako.
Mabuti at naglahad siya ng kamay. Hindi ko naisip yun ah! Malaki ang ngisi niya
habang nag kakamayan kami.
Ilang sandali lang ay nagpunta na rin ang ilan pa sa pamilya ni Jayden. Unang
nagpunta ng sala ang kanyang mommy, tapos ang kanyang kapatid na lalaki, tapos ang
kanyang daddy.
Nakatitig lang sila sakin. Para bang nabigla sila sa pagpunta ko dito. Talagang
nakakabigla naman. Pati nga katulong nila ay nandun sa pagpapakilala sakin.
Tumango ang mama at papa niya. Umupo naman yung kapatid niyang lalaki kasama si
Jennifer.
"Naku! Hindi mo sinabi Jayden... Kumain na ba kayo?" Tanong ng mama niya. "Dito na
kayo mag hapunan."
Bumubungisngis si Jennifer nang papunta na kami sa dining table nila. Para bang may
pinag uusapan sila ng kapatid na lalaki ni Jayden na si Jude. Nakatingin sila samin
minsan... para bang kami ang pinag uusapan.
And it struck me! Pangit pala pakinggan na professor ko siya at estudyante niya
ako! Hindi ko na alam kung anong idadagdag ko!
Tumango si Jen at tumili, "Sweet. Sabi sayo eh." Sabay siko niya kay Jude.
Tumawa naman si Jude. Mukhang high school pa itong si Jude or kung college man ay
first year pa lang.
Nakalimutan ko yun ah? Napatingin ako sa pasa ni Jayden... si Troy. Sumakit ang
dibdib ko.
Tumango ang mama niya pero mukhang di naniwala, "Hot compress na lang mamaya."
Hindi ko alam kung kanino niya yun itinanong... Sakin ba o kay Jayden?
Kumakain lang si Jayden na parang walang narinig. Ilang sandali ay tumawa siya at
umiling.
Tumindig lahat ng balahibo ko sa sinabi niya. OMG! Napatili din yung kapatid niyang
si Jen.
"Uhm, Trisha, will you be my girlfriend?" Tumaas ang kilay ni Jayden habang
tinitignan ako.
Hinimas niya ang likod ko. Ngumiti naman ako kahit na nag aalab na talaga yung
pisngi ko sa hiya.
"Again, Trisha, will you be my girlfriend?" Tanong niya nang humupa na yung ubo ko.
Mas lalo kong narealize kung ano ang nangyayari sa ngayon. Jayden is asking me to
be his girlfriend in front of his family.
Napahinto na pati ang papa niya sa pagkain. Uminom na lang siya ng tubig habang nag
aabang sa sagot ko.
Kinakain ako ng takot, hiya, kaba at kung anu-ano pa. Confused ako... At ayaw kong
mapahiya... ayokong mapahiya si Jayden at ang sarili ko. Gusto ko siya... I think I
even love him. Hindi ako makapaniwalang sa harap ng pamilya niya ako tatanungin.
"I know it's too early to ask you this. But I'm really sure about you and my
feelings." Hinawakan niya ang kamay kong nasa mesa.
Nanlaki ang mga mata niya sa sinabi ko, "Yes?" Para siyang di makapaniwala. "Yes?
You're my girlfriend now?"
Hindi pa ako nakasagot ay niyakap niya na ako. Tumili ang kapatid niya si Jen at
kumantsyaw naman si Jude. Tumawa na lang ang mama at papa niya samin.
Kabanata 21
Kabanata 21
Mas Masakit
Hindi ko alam kung saan ako magsisimula. Sa sobrang saya ko hindi ko alam kung
sinong una ko pagsasabihan sa nangyari. Si Emma? Sina Earl, Beatrice, at Camille?
Si mommy at daddy? Hindi... Hindi ko kayang sabihin kay mommy at daddy na kami na
ni Jayden. Malabo. Bukod sa 'mukhang' imoral yun dahil professor ko siya noon, mas
matanda pa siya sakin kaya mas lalong aayaw ang konserbatibo kong mga magulang.
"It's okay. Hindi naman ako nagmamadaling ipakilala mo ako sa mga magulang mo eh."
Ngumiti siya sabay sulyap sa bahay namin.
Tumango ako at ngumiti din. Nabasa niya ang kanina pa nagpapabagabag sa isipan ko.
"Okay lang. I'm gonna wait." Hinaplos niya ang pisngi ko.
Naghuramentado na naman ang sistema ko. Sukang suka na ako ng rainbow simula nung
sinagot ko siya. Hindi talaga ako makapaniwala!
"Uhm... O-Okay lang ba kung di muna natin... uhm sasabihin sa lahat. Uunti-untiin
ko muna. Baka kasi ma heart attack yung mga kaibigan ko."
Tumawa siya. Natawa na rin ako. "Syempre! Ganun din kasi ang plano ko. Hindi na
lang muna natin sasabihin, unless may mag tanong... Ayoko kasing pagtsismisan tayo.
Ayokong pagtsismisan ka. Lalong lalo na dahil manager ako at professor mo pa noon."
"Hmm... So ano, sige na? Pumasok ka na. Gabi na eh. Thank you for this day. You
made me the happiest man alive!"
"O-Okay. Sige... Uhm... salamat! Sobrang saya ko din!" Bumungisngis ako at agad
namang inayos ang sarili.
Umamba siyang bubuksan ang pintuan kaya pinigilan ko.
"Wa'g na. Ako na..." Humalakhak ulit ako at binuksan ang pintuan.
Natigilan ako at lumingon sa kanya, "I love you, too." AHHHH! Sasabog na talaga ako
sa kilig.
Ngumiti siya at agad akong hinalikan sa lips. As usual, mabilis na halik kaya
nabigla na naman ako. Lagi niya lang akong binibigla.
Ginapangan na naman ako ng pagtindig ng balahibo kaya lumabas na ako sa kotse niya.
"Okay! Sige! Ingat ka..." Oh em gee! Hindi ko na talaga maitsura ang sarili ko
habang sinasabi sa kanya yun.
Buti hindi naman napansin ni mommy at daddy. Kinumusta lang nila ako sa araw ko.
Wala naman silang tinanong na kahit ano.
"Malapit na nga pala ang wedding anniversary namin, Trish. Okay lang ba sayo kung
magva-vacation muna kami ng di ka kasama?" Tanong ni mommy.
"Oo naman ma! Lagi niyo naman yang ginagawa tuwing anniversary niyo. Sanay na ako.
Hehe. Saan ang punta niyo?" Tanong ko.
Pupunta daw sila ng Macau. Syempre, suggestion ko agad yung Le Marcelle na hotel
doon. Pero hindi pa daw sila sigurado kung sa Macau lang ba sila mag va-vacation.
They deserve this vacation. Lalo na kay daddy. Minsan kasi nag tatrabaho siya kahit
na dapat ay bakasyon. Iilan lang kasi ang magaling na surgeon sa bansa.
Nang nasa kwarto na ako at inisip ulit yung nangyari, may naalala ako.
Ako:
Hindi siya nagreply. Matutulog na sana ako nang tinawagan ako ni Jayden. Masarap
siyang kausap... Iba-iba ang topic namin. Kung saan-saan kami napapadpad. PEro
mostly, tinanong ko siya tungkol sa mga estudyanteng iniwan niya sa araw na yun.
Aniya ay nag absent na lang daw siya.
Nang binaba ko na ang cellphone ko. Sinabi niyang matutulog na daw siya. Sinabi ko
ring matutulog na ako.
"Oo. Ikaw rin. Good night! I love you, too." Hindi ko mapigilan ang pag init ng
pisngi ko nang sinabi ko yun.
Pero isang oras na ang nakalipas at di parin ako makatulog. Iniisip ko kung nasan
si Troy ngayon. Of course, malamang nasa bahay nila. Napabuntong-hininga na lang
ako sa kakaisip. Gusto kong sabihin din kay Emma na kami na ni Jayden, kaya lang
natatakot akong kumalat ng husto ang balita at masisira yung plano naming ilihim
muna pansamantala, unless may magtanong.
Ako:
Kinabukasan, wala parin akong natanggap na mensahe bukod sa 'good morning' message
ni Jayden.
Lintik na Troy! Akala ko ba 5-10 minutes lang pwedeng idelay ang message? Wa'g
siyang magdadahilan na wala siyang load! Sa yaman niyang yan? GRRR...
"Huy! Girl! Dinig ko nagsuntukan daw si Troy tsaka Sir Jayden? How true?" Usyuso ni
Sunny sakin nang nasa front desk lang kami. "Nandun ka daw sa crime scene?"
"Huh? Hindi... Ewan ko. Hindi naman yung totoo. Nag away lang sila sa harap ko,
kaya ayun. Hindi naman nag suntukan." Ayokong masira ang imahe ni Troy. Ewan ko
kung bakit.
May iilan pang nagtanong din sakin gaya nang tinanong ni Sunny. Pero dahil mga body
guards atsaka security guards lang ang nakakita sa pangyayari, walang nakakaalam ng
tunay na istorya kaya naniwala din sila agad sa sinabi ko.
Hindi naman kami masyadong nagpahalata ni Jayden. Ganun parin ang tratuhan namin.
Nag order parin siya ng kape para sakin. Yun nga lang, may ibang nakaupo na rin sa
table namin... Nandun si Jane at Sunny. Nagtatawanan kami dahil sa kwento ni Jane
pero nagkakatinginan din kami ni Jayden minsan. Napapangiti na lang ako sa kanya.
"Mag lunch ka na. Wa'g ka ng maghintay ng lunch break. Akong bahala sayo." Sabay
ngiti niya.
"Mamaya, hindi kita mahahatid." Sumimangot siya. "Pero hihintayin kong mag out ka
para maipasakay kita ng taxi-"
"Huh? Wa'g na... Baka sunduin ako ng driver... O baka mag co-commute na lang ako.
Kaya ko naman."
"Masanay ka na, Trisha. Ipapasakay kita ng taxi. At ako ang magbabayad ng pamasahe
mo."
Nang nag out na kami, narealize kong hindi ako masusundo ng driver. Nasanay din
kasi yun na hindi na ako sinusundo kaya nakakaligtaan na.
Ayoko pang umalis. Gusto kong maghintay kay Troy... Gusto kong makausap siya. Gusto
kong malaman kung anong iniisip niya. Gusto kong magkwento sa kanya...
"I love you." Sagot niya sakin nang papasok ako sa taxi.
Ngumiti siya at umalis na yung taxi. Shemay! Ayoko pang umuwi eh. Pero meant to be
nga talaga yata kasi hindi pa kami nakakalayo sa Le Marcelle, na ispatan ko agad
ang kotse ni Troy malapit Hybrid Square - isang lugar na puno ng bar at kung anu-
ano pa.
Kitang kita ko naka bukas ang headlights ng sasakyan niya. Alam kong nandyan siya
sa loob.
Agad naman niyang tinigil ang taxi. Binayaran na siya ni Jayden ng sobra kaya
willing siyang huminto agad. I'm sorry, Jayden pero kailangan kong makausap si
Troy.
"Troy!" Agad kong hinampas yung salamin ng sasakyan niya. Hindi ko siya makita sa
loob. Masyadong tinted itong sasakyan niya eh.
Ilang sandali pang paghampas ko ay bumukas yung bintana. Nakita kong mag isa siya
sa loob. Tamad na naman ang mukha niya. Naka plaster din sa mukha niya ang
pagkairita... tulad ng mukha niya noong una kaming nagkita.
"Troy naman! Sorry na! Pero sinuntok mo si Jayden. Nag eskandalo ka na kahapon eh.
Masisira ka niyan." Humalakhak ako.
Natuyo yung lalamunan ko sa sinabi niya. Tuluyan na akong natulala sa mukha niya.
Marami akong gustong itanong... gustong sabihin... pero hindi ko masabi. Masyado
akong nabigla at natouch sa sinabi niya.
Hindi ko amhugot sa sarili ko kung saan nanggaling yung hatred ko sa kanya noon. Sa
pagiging vain? Pagiging conceited? Pagiging self-centered... selfish... mayabang...
feeling... pero bakit ngayon... ganito?
Wala talang ka gentle-gentle itong si Troy. Nagmartsa agad ako papuntang front seat
at hinarap siya. Nakatingin lang siya sa kalsada, tulala.
"Hindi. Bakit?"
Nakita ko ang pagkabigla niya. Bahagyang napaawang ang kanyang bibig habang
tinitignan ako.
"Gusto kong mag sorry sayo... Hindi kita nakampihan. Kasi naman sinuntok mo si
Jayden. Bad manuntok, Troy!" Sabi ko.
"Diba hinihintay mo naman ako lagi? Bakit maaga kang umuwi ngayon?"
Hindi ako makapagsalita. Syempre... alam kong kailangan kong sabihin kay Troy na
kami na ni Jayden. Hindi ko nga lang alam kung paano magsisimula.
Hindi siya nagtatagal ng tingin sakin. Habang ako, panay ang titig ko sa kanya.
"Ang daya nito. Sinasabi ko naman ang problema ko sayo. Tapos ikaw, ayaw mong
sabihin sakin?"
Umiling siya, "Tara na nga! Ihatid na lang kita sa bahay niyo. Tapos ka ng mag
sorry. Pinapatawad na kita." Umiling ulit siya na para bang di siya makapaniwala.
Umakma siyang papaandarin ang sasakyan niya pero natigilan siya sa pagtitig ko.
Hinalikan niya na naman ako. Hindi ko alam kung bakit habang hinahalikan niya ako,
kahit nakapikit ang mga mata niya, nagkakasalubong naman ang mga kilay niya.
Hindi ko alam kung applicable ba talaga yun sa mga naghahalikan... na lagi kang mag
ki-kiss back.
Tinulak ko siya pero hinawakan niya ang leeg ko. Para bang dinidiin niya pa lalo
ang halik niya sakin. His kisses we're too passionate. I can't help but kiss him
back... Lumalalim at mas lalong sumasarap ang halik niya. Tumindig yung balahibo ko
sa sobrang init ng mga halik niya. Then I realized, its wrong...
Hinahalikan niya parin ako hanggang ilang sandali ay tinulak niya ako na para bang
nandiri siya sakin.
"What did you say?!" Tumaas ang boses niya na ikinabigla ko.
"K-Kami na-"
Kumunot ang noo ko, "Troy, alam kong nagagalit ka kasi di ko sinunod yung lahat ng
payo mo. Pero mas marami naman akong sinunod doon kesa sa hindi. Dapat maging proud
ka nga kasi nagtagumpay ako dahil sayo." Habang sinasabi ko ito ay ginugulo niya
ang buhok niya.
"Ano bang problema mo? Diba ito naman talaga yung goal natin?"
"You are so damn dense!" Sigaw niya sabay hampas na naman sa manibela.
May kinuha pa siya sa drawer niyang bottled water. Uminom siya sa katahimikan ko.
"We... we're never friends..." Malamig niyang sinabi sakin. Sa ngayon, nagkatitigan
na kami.
Namuo agad yung luha ko sa sinabi niya. Hindi ko alam kung bakit naninikip yung
dibdib ko. Nanunuyo at nagbabara ang lalamunan ko. I hate his words... I hate it so
much. Hindi ko kaya ang sinabi niya. Masakit. Mas masakit pa ito sa lahat ng
nangyari samin ni Jayden. I can't believe it!
"A-Alam kong ayaw mong aminin na kaibigan mo ako d-dahil sa mga kaibigan mo Troy,
pero-"
Nalaglag yung panga niya nang nagsimula akong humikbi sa pag iyak ko.
"B-Bakit ka umiiyak?"
"Why are you crying for me? Tell me!" Sigaw niya.
Umiling ako. Hindi parin ako makapagsalita. Parang waterfall na tumutulo ang luha
ko sa mga mata ko.
"Ano ang nararamdaman mo para sakin? At bakit ganyan ka kung makaiyak?" Tanong
niya.
"Troy, magkaibigan tayo, diba? Diba? Bakit ayaw mong kaibigan ako? Alam k-kong...
Alam kong... nagsimula tayo sa mali... pe-pero aminin mo... magkaibigan tayo!"
Hindi ko mapigilan ang paghikbi ko.
Please, Trsiha. Stop it! Ang OA mo! Pero kasi ang sakit ng sinabi niya! Masakit!
"D-Dahil lang ba hindi ko sinunod yung isa sa mga payo mo, itatakwil mo na agad
ako? You care for me! You cared! Why can't you see that? And I care for you, too."
Sabi ko.
Umiling siya at mas lalong ginulo ang buhok. Malulutong na pagmumura ang sinalubong
niya sakin.
"Damn! Damn! Fvck! Damn! Bullsh1t! Fvck this! Fvck! Fvck it!" Hinampas niya ang
manibela niya.
Napalunok siya at binigyan ako ng tissue. Tinanggap ko naman. Hindi parin tumitigil
ang mga luha ko. Bumuhos pa lalo ito nang tinignan kong seryoso na ang mukha niya
nang pinaandar ang sasakyan.
"Wipe your own tears cuz I quit on you."
Kabanata 22
Kabanata 22
Pupuntahan Ko Siya
Hindi na ulit nagsalita si Troy pagkatapos niya akong hinatid. Umiiyak parin ako.
Ayokong umalis sa sasakyan niya. Natatakot akong pag umalis na ako, mawala na siya
ng tuluyan sa buhay ko.
"Troy..." Hinampas ko ang dibdib niya. Mahina lang kasi wala na akong natitirang
lakas.
*KRIIIIIINGGGG*
Napatalon ako nang narinig ko ang cellphone kong nag ri-ring. Agad kong pinunasan
ang mga luha ko. As if makikita yun ni Jayden pag sinagot ko ang cellphone. Pero
mas lalo akong napahikbi habang ginagawa ko yun kaya nagpasya akong wa'g na lang
sagutin.
Nabigla ako nang umalis si Troy sa driver's seat para pagbuksan ako ng pinto.
Lintek talaga... Magiging gentleman na nga lang sa pagpapaalis pa sakin.
"Troy, mag usap muna tayo..." Sabi ko. Halos mag makaawa na ako sa kanya.
"Trisha, para saan pa? Bakit pa tayo mag uusap? Tapos na yung Training natin. Balik
na tayo sa dati-"
"Troy, yung pinagsamahan natin..." Tumulo pa lalo ang luha ko nang sinabi ko iyon.
Padabog niyang sinarado ang pintuan ko. Para bang may na realize siya.
Nang nakabalik na siya sa driver's seat ay pinaandar niya ito agad. Lumabas kami sa
Domino Heights at nag drive na siya pabalik yata ng Le Marcelle.
Natigil ako sa pag iyak. Hay! Salamat! Kahit ano na basta wa'g lang kaming
maghiwalay muna sa ngayon. Baka pag naghiwalay kami ay tuluyan na siyang mawala
sakin.
Niliko niya na naman sa daanan kung nasaan yung cafe na over looking ang syudad.
Hindi parin siya sumulyap sakin hanggang ngayon. Humupa na yung luha ko nang
nakarating kami doon. Hindi siya lumabas. Tumunganga lang siya sa driver's seat...
pati ako.
Nanikip ulit ang dibdib ko sa sinabi niya. Why are you so harsh? Hindi naman ako
tinatablan ng harsh words noon pero bakit masakit sa dibdib yung harsh words ni
Troy?
Tinignan niya ulit ako. Pumungay ang mga mata niya nang nakitang namuo ulit ang
luha ko. Hindi ko na maitsura yung mukha ko sa salamin. Naligo yata yung mukha ko
sa luha kanina.
Habang tinititigan niya akong humihikbi... nilapit niya na naman ang mukha niya
sakin. Unti-unti... dahan-dahan.
Natigil ako sa paghikbi. Naka tingin na lang ako sa kanya na dahan-dahang
inilalapit ang kanyang sarili sakin. Nakatingin siya sa mga labi ko. Pumikit ako at
naghintay...
Naghintay...
Naghintay...
Dinilat ko ang mga mata ko at nakita kong pinaandar niya ulit ang sasakyan niya.
Natigil ako sa pag iyak. Hindi ko na magawang umiyak ulit. Ang tanging naramdaman
ko na lang ay kahihiyan at pagtataka. Nahihiya ako dahil pumikit ako kanina. Para
bang inaasahan kong hahalikan niya ako. At nagtaka ako kung bakit hindi ko nagawang
umilag sa kanya... bumigay ako. Hinintay ko ang halik niya.
"Hinahanap ka na siguro, umuwi ka na." Sabi niya nang hindi nakatingin sakin.
Pinaulanan pa ako ni mommy at daddy ng mga tanong kung kumain na ba ako o okay lang
ba ako. Sa ngayon, wala akong pakealam kung maramdaman man nilang may problema ako.
Kinatok pa ako ni mommy pagkarating ko sa kwarto.
Pinigil ko na ulit ang luha ko at pinagbuksan ko siya para hindi na mag alala.
"O-Okay lang po. Nainis lang ako sa isang costumer sa Le Marcelle..." Totoo
naman... Hindi nga lang siya costumer doon.
Ayokong gumawa ng kwento dahil baka sulungin niya lang ang 'costumer' na yun para
kasuhan.
"Wala... uhm... wa'g na mommy. Normal lang naman iyon. Hindi ko naman first time
ngayon. Sa Singapore at Thailand, ganito nga minsan doon. Okay lang..." Humiga ako
sa kama ko.
Nang umalis na siya, gumapang ulit sakin ang drama namin ni Troy kanina. Tinawagan
ko siya pero hindi siya sumasagot...
*Krrrriiiing!*
"Hindi mo kasi sinasagot yung tawag ko kanina pa. Nag-alala tuloy ako. Nakauwi ka
na ba?" Tanong niya.
"Oo. Sorry... Ginugutom kasi ako kaya nung dumating ako ng bahay kumain na ako ng
diretso kaya n-nakaligtaan ko na ang cellphone ko." I lied.
"Sa pangalawang klase na ako ngayon. Sige... tawag na lang ako mamaya pag natapos
na ito, okay?"
"Okay."
Tumunganga na lang ako sa kwarto ko habang tinitignan ang cellphone ko. Tinext ko
ulit si Troy...
Ako:
Anong klaseng goodbye yun? Sagutin mo naman ang mga tawag ko.
Tinawagan ko ulit siya... Limang beses. 10 minutes ang interval. Hindi niya
sinasagot. Ugh! Tinigil ko na lang yung pagtawag ko nang tinawagan na ako ni
Jayden.
"Goodbye, Trisha..."
"Huy! Ayan ka na naman!" Aniya. "Tulala. Broken hearted ka ba?" Tanong niya.
"Ano? H-Hindi!"
Ngumisi siya, "Alam ko... Hmmm... Pero... hmmm" Binigyan niya ako ng makahulugang
titig.
Sa lahat kasi ng tao dito sa Le Marcelle, siya ang pinaka nakakakita sa kasweetan
ni Jayden sakin. Mukha ding alam niyang ayaw pa naming ipaalam sa mga tao kaya di
siya nagtatanong.
"Buti ka pa may love life. I'm so broken..." Bumuntong hininga siya. "Mag da-
dalawang linggo nang di napapadpad si Troy dito, alam mo ba yun?" Tanong niya.
"Hindi... Siguro umuuwi sa bahay nila. Haaay..." Umiling siya at bumaling sa isang
costumer.
Minsan, 'naliligaw' ako sa 30th floor para tignan ang suite ni Troy. Pero malinis
iyon at walang bakas niya. Kahit na amoy niya ay di ko na mahagilap... Ang unan
niya na lang ang nagdadala ng amoy niya.
Dalawang linggo na siyang hindi nagpapakita. Hindi na rin siya nag paparamdam
sakin.
Nanood kami ng sine noong nakaraang Sabado. Naramdaman ko na rin sa wakas ang
feeling na may boyfriend ka. Ang sarap! Yung parating may naghihintay at nakaabang
sayo. Hindi ko alam kung dahil ba mature si Jayden o talagang ganito ang feeling
pag nagkaboyfriend ka. Secure.
Gentleman talaga siya. Ni hindi niya pa ako nahalikan tulad ng pag halik ni Troy
sakin. Hindi naman sa hinihintay ko yung halik niya... pero tama kasi si Troy,
mature na siya, at malamang sanay siyang makipaghalikan... Alam niya din sigurong
bata pa ako at siya ang una ko kaya nag iingat siya.
"Mag ingat ka." Aniya at hinalikan ako sa lips.
Halos marinig ko na si Troy sa tainga kong sinasabi ang, 'Open your damn mouth,
Trisha.'
Ngumiti siya nang kumalas sa halik. Uminit ang pisngi ko sa ginawa niya. Halos
manginig na ako sa habang umuupo sa loob ng taxi. Malulunod na ako sa bumabahang
rainbow nito.
Tumango siya, "Text me when you get home. Tatawagan kita pagkatapos kong
magtrabaho."
Simula nung naging kami ni Jayden, mas naging conscious ako sa pananamit at mas
naging OC ako sa hygiene. Kung noon ay naglilinis ako sa katawan, mas dumoble na
yun ngayon. Tuwing breaktime, nagsusuklay ako ng buhok. Noon kasi sa umaga lang ako
nagsusuklay. Isang beses lang akong nagsusuklay ng buhok noon kaya siguro ako
sinasaway ni Troy, pero ngayon, iba na.
Tinatawagan niya rin ako gabi-gabi bago matulog. Nag-go-goodnight ako kahit na
isang oras pang dilat ang mga mata ko sa kakaisip sa mga nangyayari.
Tinext ko si Emma:
Emma:
Naalala kong busy si Jayden bukas sa school dahil sa pagpapasa ng grades at pag
comply ng requirements kaya hindi kami makakapagdate.
Ako:
Okay game!
Emma:
Excited na ako! Ano ba kasi yang mga chika mo at bakit di mo na lang sabihin sa
text. That better be life changing.
Ako:
It is.
Emma:
Sinubukan kong matulog... Wala sina mommy at daddy ngayon. Nagpunta sa Macau. Yung
driver lang namin at katulong ang kasama ko tuwing anniversary nila. Sinabihan pa
nga nila akong pwedeng mag sleep over sina Emma dito. Kaso tumanggi sila dahil may
exam pa sila bukas ng umaga.
Maungay ang background. Para bang may party... Tinignan ko yung screen para makita
kung sinong tumatawag...
Agad dumilat ang inaantok kong mga mata. Tinignan ko ang orasan. Nakita kong ala
una na ng madaling araw.
"Troy, okay ka lang pare?" Dinig ko ang boses ng isang lalaki sa background.
"Pre, lasing na yan..." May bumulong sa background. "Troy, beer pong?" Dagdag niya.
DAMN SHET! Hindi na ako nagpaliguy-ligoy pa... lasing si Troy at iinom pa siya! Nag
bihis agad ako. Pupuntahan ko siya. Kung ayaw niya sakin, pwes ako, gusto ko siya.
Kabanata 23
Kabanata 23
Di Makawala
Kinatok ko ang katulong namin. Ilang sandali pa bago nabuksan ang pintuan niya.
"Manang, uhm, emergency lang po... Aalis muna ako. Pupuntahan ko lang ang kaibigan
ko. Uhm... Tatawagan ko na lang si mommy at daddy mamaya. Paki gising po kay manong
Bert. Papahatid lang ako sa, ano, sa highway tapos mag tataxi na lang ako para
makatulog na ulit siya."
"Ihatid na lang kita kung saan ka pupunta." Antok na sinabi ng driver namin.
"Wa'g na po. Malapit lang naman yun dito. Sige na po... Wa'g na..." Sabi ko nang
palabas na kami sa Domino Heights.
At ngayon eto naman ang po-problemahin ko... Kung nasaan si Troy ngayon.
"Ganun po ba? Saang bar po may beer pong?" Tanong ko kahit hindi ko talaga alam
kung ano ang beer pong. Yun kasi yung narinig ko sa background.
Una, aayaw-ayaw pa siya pero nang binigyan ko ng tip, agad naman kumanta.
Nagbihis talaga ako ng maayos para papasukin ako sa bar. May ibang bar kasi na
masyadong mapanghusga... pag di maayos ang bihis mo, sasabihing fully booked na
(yun ang sabi ni Troy).
Mahaba ang listahan ni manong guard. Dumugo naman ang ilong ko. Mauubos yata ang
pera ko sa kakataxi. Mabuti na lang at meron ding mga bars malapit dito sa
Penthouse ang may beer pong.
Dalawang beses akong nahipuan sa tatlong bar na pinuntahan ko, kung saan wala si
Troy. Damn shetttt! Mga walang hiyang manyak!
Sinubukan kong tumawag kay Troy pero patay na yata yung cellphone niya.
TING! May naalala ulit ako. Doon sa Hybrid Square (kung saan ko nakita yung
sasakyan niya nung isang araw). Sinuyod ko ang buong Hybrid Square. Ilang libo na
ang naubos ko sa kakapunta sa mga bar. Sheeeet! Uuwi ba akong walang napapala?
Inisip kong mabuti kung saan siya maaring nagpunta. Mayaman si Troy kaya malamang
sa mga pinaka eksklusibong bar siya nagpunta. Well, wala siya sa Penthouse kaya
maghahanap ako ng mas exclusive na bar.
Tribe Lounge. May event sa bar na ito. Yahoo Awards Party? Hindi ko alam kung ano
yun.
"Manong saan po ba yung mga nag be-beer pong dito?" Tanong ko.
"Huh? Exclusive doon miss. Hindi ka pwede dun. Ano bang pangalan mo?" Tanong ng
bouncer.
Maingay sa loob. Amoy alak at sigarilyo. Ang daming ala-model na mga babae. Walang
duda, nandito si Troy.
Sumimangot ako. Naiiyak na ako. Hindi ako makakapasok sa kung saan si Troy! Tapos
may bumangga sakin!
Nanlaki ang mga mata ko, "Uhm? Nash!" Tawag ko sa bumangga saking kaibigan ni Troy.
"Uh-"
Ngumisi siya. Nag evil-smile. At alam ko agad kung ano ang ibig sabihin ng ngiti
niya.
"Oo." Patay ako kay Troy nito. Malalaman ng kaibigan niyang magkakilala kami. Shet!
Pero bakit ako kilala ng isang ito?
"Tara!"
YES! Tinahak muna namin ang maraming nagsasayaw. Mukha pang meron talagang fashion
show dito kanina kasi kitang-kita ko ang mga kilalang artista at kilalang modelo.
Pumunta kami sa mas secluded na lugar. May double doors doon. Closed ito at mas
intimate kumpara doon sa party.
Pagkapasok namin, bumungad agad sakin ang isang malaking room na puno ng mga
tables. Billiard tables...
May nakita agad akong mga nag pi-pingpong. Ibang klaseng pingpong ito dahil sa
magkabilang dulo ng pingpong table, may naka hilerang plastic cups na may lamang
beer. Ito na siguro ang beer pong.
Nag tatawanan ang lahat habang naglalaro ng beer pong. Mukhang ang talo, ay iinom
ng isa sa naka hilerang beer.
Naka black jacket siya. All black. Magulong-magulo ang buhok niya. Nakangisi at
nakakagat labi. Isa sa kamay niya ay nakahawak sa upper thigh ng katabing babae.
Ang isa naman ay nakahawak sa isang inumin. Yung mga mata niya naman ay nakatingin
sa dalawang babaeng sumasayaw na halos hubo't-hubad sa harap niya.
"Tawagin ko siya para sayo?" Tanong ni Nash. Tumaas pa ang kilay niya habang
tinitignan ako.
Pinagmasdan ko siyang mabuti. Naninikip ang dibdib ko. Gusto ko siya... Hindi ko
alam kung anong extent... Pero gusto ko siya... Siguro bilang kaibigan... Si
Jayden? Si Jayden na perfect! Hinding hindi niya ito magagawa sakin... Pero si
Troy? Okay, I get it... Nung nakilala ko si Troy, ganyan na siya. Nakita ko na siya
noong nakikipaghalikan siya sa isang babae pero ngayon parang ang sakit.
Unfocused na ang kanyang mga mata habang tumatawa sa nagsasayaw. Napalunok ako.
Ilang sandali lang ay nakita kong hinahalikan na siya ng babaeng nasa tabi niya.
Hindi ko na mapigilan ang sarili ko... Sumugod na ako doon.
Napatalon siya nang narinig ang boses ko. Talagang tumayo siya at nasabuyan pa ng
inumin niya yung babaeng humalik sa kanya kanina. Nanlaki ang mga mata niya at
nalaglag ang panga nang nakita ako.
"Na Wrong number ka ba kanina o para sa akin talaga yung sinabi mo?" Sabay tulak sa
kanya.
Hindi ko na napigilan ang sarili ko. Hinarangan ako ng babaeng humahalik sa kanya.
Nakita kong isang sikat na rising star ito ng isang malaking network. Marami pa
siyang commercial na sikat ngayon sa sobrang ganda niya. Feeling ko nga magiging
idol ko siya kung hindi ko siya nakita dito!
Hindi ko siya binalingan. Nakatingin lang ako sa mga mata ni Troy na sa wakas ay
focused na sakin.
Lintek! Pakiramdam ko ang tanga tanga ko para mag punta dito. Sinasabi ko na nga ba
eh. Hindi para sakin yung tawag na yun. Inisip ko agad na para sakin. Kahit na may
split second na nag isip akong baka hindi yun para sakin... na baka na wrong number
lang siya... pero mas inisip ko ang gusto ko. Inisip kong para sakin iyon.
Maraming nakatingin sakin. Nagbubulung-bulungan pa ang mga ito. Yung iba, hindi na
talaga nahiya... wala silang pakealam kung marinig ko man.
"Sino yan?"
"Oo nga... Hay... Bawal ang mainlove para kay Troy... Ayan! Bagay sa kanya."
Nagmartsa agad ako papuntang pintuan. Aalis na ako. Matutulog sa bahay. Iiyak
magdamag...
Pero hinila niya ako. Ayan na naman ang istilo niya. Kinaladkad niya ako palabas ng
Tribe Lounge.
"What are you doing here?" Tanong niya at ginulo ang buhok nang hinarap ako.
Naiiyak na naman ako. Masakit. Masakit dahil nagkamali ako. Ang dami niyang babae.
Hindi ko alam kung bakit naiinis ako. Mahal ko naman si Jayden pero bakit naiinis
ako sa mga babae ni Troy. Ibig sabihin ba nito ay mahal ko siya? Pero alam kong
hindi pwede... Sobrang dami ng babae niya. Hindi siya naniniwala sa love.
"Wa'g mo nga akong tawagan kung ayaw mo akong nandito!" Sigaw ko.
Nalaglag ulit ang panga niya nang sinabi ko yun, "You came here cuz I called you?"
Nagtaka siya.
Sinasabi ko na nga ba, na wrong number siya! "OO! YOU DRUNK DIALED MY NUMBER, YOU
IDIOT! Now, I'm going home!"
Tinalikuran ko siya para maghanap sana ng taxi pero hinila niya na naman ako.
"You're going HOME with me!" Hinila niya ako papasok sa sasakyan niya.
Hindi siya sumagot. Umikot siya at nagpunta sa driver's seat. Ni lock niya yung
pintuan ko nang nakapasok na ako. Ni lock niya lahat ng pintuan nung nakapasok na
siya. Pinaharurot niya agad ang sasakyan. Sa sobrang bilis ng takbo nito,
kumpirmado ko na talaga kung gaano siya kalasing!
"TROY! SLOW DOWN!" Sigaw ko nang may muntik na kaming mabunggong sasakyan!
Hindi parin siya umiimik. Tinitignan ko ang magulo niyang buhok. Unfocused na naman
ang mga mata niya. Half-open pa ang lips niya habang nag di-drive. Agad kaming
nakarating sa Le Marcelle.
Pagtigil ng sasakyan niya doon, agad siyang lumabas at pinagbuksan ako at hinila na
naman papalabas.
Hindi niya napindot ng maayos ang button ng elevator. Tumawa siya nang napindot
niya yung '3' imbes na '30'. Tumawa siya at sumandal sakin.
"You're drunk, Troy! Hindi ka lang tipsy. Talagang drunk!" Sabi ko at sinimangutan
siya.
OH GOD! Kinilabutan ako dun. Nakakakaba yung ginagawa niya. Natahimik na lag ako at
ako na ang pumindot ng '30' sa mga buton.
"Ihahatid kita sa... uhm... suite mo. Tapos uuwi na ako. Magpahinga ka na lang
doon." Matabang kong sinabi sa kanya nang natauhan na ako.
"But I'm drunk? Take care of me, please?" Nakangising sinabi niya.
TING! Nakarating na kami sa 30th floor. Ayaw gumalaw ni Troy sa kinatatayuan niya.
Para bang nakatulog na yata... Ugh! Nahirapan pa ako sa paghampas sa kanya para
lang magising.
Dumilat ang isang mata niya at ngumisi siya nang nakitang nakarating na kami.
Inakbayan niya ako habang naglakad kami papuntang suite niya.
Wala kaming nakasalubong na kahit sino. Malamang kasi tulog na ang mga tao ngayon.
Pa ekis-ekis pa yung lakad niya.
"Kaibigan mo naman ako diba? Take care of me... Friends take care of each other."
Tumawa siya.
He's drunk, I know... Pero pag lasing diba nasasabi mo ang tunay mong saloobin?
Kung ganun kaibigan din ang tingin niya sakin. Kung ganun hindi totoo yung 'We were
never friends.' na sinabi niya.
WTF?
Yung lasa ng bibig niya ay halong alak, sigarilyo, at mint... Kung agresibo man
siyang humalik noon, masasabi kong mas agresibo siyang humalik ngayon! DAMN SHET!
"Troy!" Pumiglas ako pero malakas siya kaya hindi ko nagawang umilag sa bawat atake
ng kanyang labi.
Idinikit niy pa lalo ang sarili niya sakin. Nakasandal na ako sa pintuan niya kaya
mas lalong di ako makawala.
Marami siyang nahalikang babae sa gabing ito at isa ako sa kanila. Nakakasuka.
Ayokong isipin ang ibang babae pero hindi ko magawang kaligtaan. Hinalikan niya nga
yung artista kanina... hindi mawala sa utak ko ang halikan nila.
Inangat niya pa ako para mas lalong mahalikan. Sinampal ko na siya... Sinampal ko
kasi hindi ngustuhan ang ginawa niya at mas lalong hindi ko nagustuhan ang
nararamdaman ko.
May boyfriend ako. At mahal ko si Jayden... Pero bakit iba ang pakiramdam ko para
kay Troy. I know for sure na kailangan kong makipag break kay Jayden dahil sa
puntong ito, hindi na talaga biro ang ginagawa ni Troy sa sistema ko. Naiiyak na
ako, naiisip ko pa lang. Masasaktan ko si Jayden... Ang problema na lang ay kung
kailan... Ngayon o bukas ko man gawin, masasaktan ko parin siya.
Mukhang hindi lang ang mukha niya ang nasaktan ko... Pati na yata ang ego! Galit na
galit siya. Hinihingal siya... yun nga lang, hindi ko alam kung dahil ba iyon sa
galit niya sakin o dahil sa agresibo niyang halik. Kasi maging ako ay hiningal
doon.
Nanlaki ang mga mata niya nang sinabi niya yun pero pumungay ulit pagkatapos naming
matigilan sandali. He's so drunk.
"Sabi mo kiss eh... Edi kiss..." Humalakhak ulit siya at sumandal sa pintuan.
May kinuha siya sa bulsa niya at binigay sakin. Yung keys! Kinuha ko yun agad sa
kamay niya at binuksan ang pinto.
Pagbukas ko ng pinto, agad siyang humilata sa sahig. Nakasandal naman kasi siya sa
pintuan habang binubuksan iyon kaya malamang matutumba siya pag nabuksan ko na.
Umupo siya ng maayos at ngumisi sakin. Tinignan ko yung ulo niya. Inisip ko
talagang may dugo doon or something. Thank God!
"Umayos ka nga! Wa'g kang mag inarte! Sige na! Pumasok ka na doon sa loob... Halika
na!"
"Sure!" Tapos nilapit niya agad yung mukha niya sakin at hinalikan ulit ako.
"Tama na nga yan, Troy!" Uminit ang pisngi ko dahil nakatitig, nakangisi, at
nakakagat labi na siya nang tumingin ako sa kanya.
"Sabi mo halikan-"
Saludo din ako sa sarili ko dahil kahit na naghuhuramentado na ang sistema ko,
nagagawa ko parin siyang sawayin ng ganito. Siguro dahil alam kong lasing siya. At
hindi niya sinasadya ang mga ginagawa niya.
"Lift me up, will you?" Naglahad siya ng kamay sakin at nagpapatulong sa pagtayo.
Kinuha ko naman ang kamay niya at hinila siya patayo pero hinila niya ako pabalik
sa kanya...
Akala ko hahalikan niya na naman ako pero yung tainga ko ang nilapitan ng labi
niya.
"Stay for tonight, please... If you really are my friend. You'll stay." Seryosong
sinabi niya.
Kabanata 24
Kabanata 24
Nakakapagpagulo Sa Isip
Tinulak ko siya para makaupo na siya sa sahig. Hindi ako makatingin sa kanya.
Hiyang-hiya ako sa sarili kong desisyon.
"Sa ibang kwarto ako matutulog. Hindi tayo pwedeng mag t-tabi..." Sabi ko.
"Thank you." At mabilis akong hinalikan sa cheeks tapos tumayo rin agad bago ko
masapak.
"Troy! Tigilan mo nga yung paghahalik mo sakin! Kainis ka!" Sigaw ko.
"Ayos ka lang ba, Troy? Ano ba kasing ininom mo? Hindi ka naman ganito pag nag
babar ka!" Dinaluhan ko ulit at ngayon, nakita kong dumugo na talaga yung noo niya.
Konting galos lang naman sa perpektong mukha niya. Siguro nainis yung tadhana sa
kagwapuhan ng mokong kaya ayun at ginalusan niya ng konti.
"Uhm... gagamutin ko 'to. Humiga ka na nga lang muna sa kwarto mo... este sa
kabilang kwarto kung saan mo balak matulog. Uhm... Gagawa siguro ako ng soup or
ipagtitimpla kita ng hot chocolate or kape... May pagkain ka ba sa ref? Para
malutuan kita."
Ngumisi siya.
"Yun lang ba inaalala mo kaya mo ako sinampal kanina nung hinalikan kita?" Ngumisi
siya at kinagat ang labi habang tinitignan ako.
"Mag to-toothbrush na lang ako para makalimutan mo, okay!?" Tumayo ulit siya.
Kahit may konting dugo sa noo niya ang gwapo niya parin. Makisig parin siya kahit
lasing. Naiinis nga ako sa t-shirt niyang soot... palaging mukhang gustong
magpahubad. Laging pinapakita yung upper muscles niya.
"Troy, mag ingat ka nga!" Sigaw ko nang nakitang nabunggo niya ang isang silya
doon.
Hindi siya sumagot kasi nag to-toothbrush na siya. Sumunod naman ako sa kanya para
tignan kung anong laman ng ref. Halos lahat processed foods. May nakita pa nga
akong asparagus soup na powderized. Hay! Puro processed. Pero sige na nga lang.
Nahihiya naman akong magyaya sa kanyang mag order sa kitchen ng Le Marcelle.
Tatlong beses siyang nag toothbrush. Anong problema ng mokong nito at talagang
tatlong beses niyang inulit iyon? Tumawa siya nang nakita niyang sumisimangot akong
nakatingin sa kanya.
Habang kinukuha ko yung processed soup para lutuin na, iniisip ko yung lasa ng
halik niya kanina. Alak, sigarilyo at mint... Bakit nagustuhan ko ang lasa nun.
Naninigarilyo ba si Troy o yung babaeng kahalikan niya lang? Ilang babae ba yung
nahalikan niya ngayong gabi? Kainis! Bakit nakakafrustrate na ganito? Bakit
nanghahalik siya ng ibang babae? Anong klaseng pagkagusto ba itong nararamdaman ko
para kay Troy?
May mainit akong naramdaman sa likuran ko. Bago pa ako lumingon, pinulupot niya na
ang braso niya sa baywang ko. Yung ulo niya ay nakasandal sa balikat ko.
"Ang tagal mo naman. Wa'g ka na lang magluto..." Bulong niya sa tainga ko.
Bumibilis na naman ang tibok ng puso ko at tumitindig na naman ang balahibo ko.
Falf naked na naman siya habang niyayakap ako. Iniisip ko pa lang yung v-line,
napapalunok na ako ng ilang beses. Nakita ko pang nag flex yung muscles niya sa
braso habang hinihigpit yung yakap sakin.
"I won't wait for you, Trisha..."
Napasinghap ako sa sinabi niya. Amoy na amoy ko ang toothpaste sa hininga niya.
Kahit na kumukulo na ang soup, ayokong itigil dahil natatakot akong makaharap siya.
Narinig ko ang pabulong na paghalakhak niya. Hindi ko na alam kung ano ang gagawin
ko.
"Troy, tumigil ka ah..." Sabi ko. "Wa'g mo nga akong halikan kung saan-saan! Hindi
mo naman ako girlfriend..."
Pagkatapos kong sabuhin iyon, kumalas agad siya sa pagkakayakap niya. Nabigo ako sa
ginawa niya pero alam kong mali... Mali itong ginagawa namin gayung hindi pa kami
nag bi-break ni Jayden.
Alam ko namang maaring ginugulo lang ni Troy ang utak ko. Hindi ako sigurado kung
gusto niya ba talaga ako o hindi... Hindi ako sigurado kung pareho ba ang
nararamdaman namin dahil marami naman siyang babae. At mas lalong di ako sigurado
sa nararamdaman ko sa kanya... Mahal ko na ba siya? Posible bang magmahal ng
dalawang tao at the same time? Kung hindi man... sino ang tunay na mahal ko sa
kanila? Paano ko malalaman iyon? Ano ang mga sagot?
Naging busy na lang ako sa paglalagay ng soup na yun sa bowl para mainom na niya at
magamot ko na yung sugat niya sa noo.
Pero habang nilalagay ko yun sa bowl ay yinakap niya na naman ako galing sa
likuran.
"I never thought this day would even come, Trisha."
His voice was husky but his message was clear, "Kahit konting atensyon, kahit
minsan, kahit tuwing gabi lang, kahit tuwing wala si Jayden, pahingi naman..."
Halos mapaso ako sa soup. Nataranta ako sa sinabi niya. Ano ang ibig niyang
sabihin?
Hinarap ko siya. Nakangisi siya pero malungkot ang mga mata niya.
Hindi ko alam kung lasing ba siya o talagang totoo yung sinabi niya. May gusto ba
siya sakin? O pinaglalaruan niya lang ako? He's evil... sometimes... posible kayang
ginugulo niya lang kami ni Jayden dahil galit siya kay Jayden? Hindi ko alam. Hindi
ako sigurado sa lahat. Ang alam ko lang ngayon... at sigurado ako... na gusto ko
siya...
"I'm so drunk on you..." Mapupungay ang mga mata niya habang tinitignan ako.
"Kumain ka muna... Para matigil na yang kabaliwan mo..." Sabi ko at nilapag agad sa
mesa yung bowl.
"Sige na... Uhm... may gamot ka ba para sa sugat na yan? Gagamutin ko na lang
habang kumakain ka..."
"Ang arte mo Troy! Di kita ma gets! Iba-iba ang mood mo!" Sabi ko at inirapan na
rin siya. "Diyan ka na nga lang! Matutulog na ako. Gamutin mo yang sugat mo mag
isa."
Nag walk-out ako. Nang nakarating ako sa kwarto niya ay ni-lock ko na agad. Ayan!
Di ka makakapasok dito. Matatahimik ako dito at makakatulog na. Buti walang duty si
Jayden bukas kaya malaya akong makakalabas ng Le Marcelle nang di niya nakikita.
Nalungkot ako nang inisip si Jayden. Mahal ko siya pero gusto ko si Troy? Ang
tanging magandang naiisip kong gawin sa ngayon ay ang hiwalayan siya. Kahit na
hindi ako sigurado sa nararamdaman ko kay Troy at di rin ako sigurado kung ano ang
ibig sabihin sa actions ni Troy, kailangan ko paring itigil ang sa amin ni Jayden.
Humiga ako sa kama niya at inamoy ang unan niya. Amoy Troy... Hindi ko alam kung
anong shampoo o body wash ang ginagamit niya pero sobrang bango talaga. Siguro
dapat na akong mag perfume madalas para masarap din akong amuyin... Ang sarap din
yakapin ng comforter niya. Nakapasok na ako dito noon pero ibang klase ang feeling
pag humihiga ka sa kama niya... Amoy Troy kahit alam kong nililinis naman ito ng
mga taga hotel.
Unti-unting bumukas ang pintuan habang inaamoy ko yung comforter niya. Natigilan
agad ako at nalaglag ang panga.
"Kainis ka naman!" Kinabahan ako doon ah? Akala ko may masama siyang gagawin.
Nakahanap naman ako at kinuha ko iyon para magamot na ang sugat niya.
"Pagkatapos nito, dun ka na sa kabilang kwarto ah?" Sabay nudnod ko sa bulak doon
sa sugat niya.
"Konting ingat naman! May hinanakit ka yata sakin eh! Aray!" Aniya.
Tumaas ang kilay ko, "Daming babae pang nahalikan. Kainis ka rin, ano?"
Natapos ko ng gamutin ang sugat niya at tinabi na yung betadine sa mesa sa tabi ng
kama niya. Nang tinignan ko na siya para sana ay tarayan at paalisin niya, nakita
kong nakatitig siya sa akin. His gaze was so intense. Inisip kong sober na siya
dahil sa titig niyang iyon.
"Huh?" Sinubukan ko siyang tignan at nakita kong napaawang na ang kanyang mga labi.
Mahina at mainit ang halik niya. Para bang nag sho-shoot ng pelikula. Unti-unti
itong naging malalim bago ko natanggihan. I kissed him back. Damn! Is that even
possible? May mga halik ba talagang di mo kayang hindi i-kiss back? Kasi ito lagi
ang nararamdaman ko sa kanya... sa mga halik niya... Him and his kisses.
Tinulak niya ako sa kama. Naidilat ko ang nakapikit kong mga mata dahil sa ginawa
niya.
Pero hindi siya nag paawat. Nilagay niya ang kamay niya sa lower back ko. Ang isa
naman ay nasa leeg ko. Yung paa niya naman ang tumulak sa magkabilang paa ko para
makahiga siya in between them. Uminit ang daloy ng dugo ko... SHEEEEEEEEEEEEEET!
Ito na ba ang sinasabi nila?
Mas lalong lumalim ang halik niya... Sa sobrang lalim, nalalasing na ako. Para bang
may pinaghuhugutan siya sa halik niya.
Mabilis din ang paghinga niya. Para bang kinakabahan siya habang humahalik sakin...
Para bang ayaw niya akong pakawalan. Parang... its now or never...
Gumapang ang kamay niya sa ilalim ng dress na soot ko. KItang kita na yung panty ko
pero nakatoon ang buong atensyon niya sa halikan namin. Nilagpasan din ng kamay
niya ang panty ko... sa bra siya tumigil.
Uminit ang pisngi ko sa ginawa niya. I feel like I'm totally exposed... And I'm
freakin dizzy with his kisses. OH MY GOD!
"Troy... Tama na..." Sabi ko nang nagsimula na siyang humalik sa leeg ko.
Tinulak ko siya. Nagpatulak naman siya. DAMN! Bakit ko siya tinulak? Yun lang ang
tanging naisip ng instincts ko pero mas nag do-dominate ang utak ko. Mas lalo kong
nakita ang v-line niya. So damn hot... So drop dead sexy! Pero hindi ako pwedeng
magpadala sa kanya... He's all seduction... I want love.
"No! I'm not that kind of girl, Troy! Bakit mo ginagawa sakin 'to?" Namuo ang luha
sa mga mata ko.
Nakita kong nanlaki ang mga mata niya. Lumapit siya at hinawakan ang wrist ko.
Pinaypayan ko ang sarili ko at pinigilan ang luhang nagbabadya sa mga mata ko.
Tahimik lang siya habang hinahawakan ang wrist ko... Para bang may hinihintay
siya..
"Troy..."
"You're freakin in love with me!" Sabi niya habang tinitignan ang wrist ko.
Napatingin din ako sa wrist ko. Nakita kong diniin niya ang daliri niya sa pulso
ko. PINUPULSUHAN NIYA AKO! KAYA NIYA NASABING NININERBYOS AKO!
"I can't be in love with you! You manwhore! Pinaglalaruan mo ako!" Sabi ko at
lumayo ako sa kanya.
Hindi matanggal sa isipan ko yung sinabi niyang 'cheat'... I can't cheat on Jayden.
But I feel guilty. I think I already did! Sh1t!
"Why can't you see that? Break up with him, Trisha! Break up with, Jayden! Dahil
alam mong gusto mo ako pero pinipigilan mo ang sarili mo! Break up with him and
stay with me!"
"And if you can't..." Napalunok siya... "If you are in love with him, too, cheat
with me... Coz I know you're in love with me! And I can compromise for you! Kahit
gusto kong ako lang... Kahit alam kong para sakin, ikaw lang... Kahit na masakit
pag may kahati... I can compromise! Kaya kong tumanggap ng tira-tira... kung yun
lang ang kaya mong ibigay."
Hindi ko alam kung saang dictionary pa ako maghahanap ng mga salita. Parang
naubusan ako. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko sa kanya. Gusto kong mapag
isa. Gusto kong mag isip ng maayos dahil may masasaktan ako dito... Ano man ang
magiging desisyon ko, may masasaktan ako.
Ilang sandali ang nakalipas ay tumayo na siya. Hindi ko siya tinignan. Ayoko...
Pakiramdam ko bibigay na ako sa kanya kahit na alam kong kailangan ko pang mag isip
kung ano ang tama...
Bago siya umalis sa kwarto ay ito ang sinabi niyang mas lalong nakakapagpagulo sa
isip ko.
"Kung hindi kita makukuha through seduction, Trisha... Then I'm going straight to
your heart... Cuz you fvckin have mine! Let's get even!"
Kabanata 25
Kabanata 25
Hindi Ko Na Alam
Hindi ako makatulog. Hindi ko kayang matulog. Ang dami kong iniisip. Una sa lahat,
si Troy. Totoo kaya yung sinabi niya? I have his heart. Does that mean, he's in
love with me? And if he is, he's willing to share me... Pero hindi ko yun kaya.
Dapat may piliin ako. Dapat nga pakawalan ko silang dalawa. I don't deserve them.
Isang oras lang ang tulog ko. Half awake pa ako nun sa kakaisip ko sa kanilang
dalawa.
Kung si Jayden ang pipiliin ko, safe... magtatagal kami. I won't be unhappy with
him. Gusto ko siya at gusto niya rin ako. Simple lang siguro ang buhay ko ngayon
kung hindi ginugulo ni Troy ang utak ko. Pero kung ginugulo lang ni Troy ang utak
ko, dapat hindi ko na maiisip na hiwalayan si Jayden. Mahal ko na ba si Troy?
Bumangon ako at inayos ang sarili sa salamin. Lumabas ako ng kwarto at nagpuntang
kitchen. Agad kong nakita si Troy. Nakasandal siya sa upuan. Half naked parin.
Tamad siyang nakaupo at tulala doon. Sa harap niya ay isang cup ng kape.
Hindi ako makatingin sa kanya. He's all that sh1t! So drop dead hot and sexy kahit
na mukhang nasasaktan.
"Ihahatid na kita."
Lumakas naman ang tibok ng puso ko.
Alam kong kino-consider ko na na hiwalayan si Jayden para kay Troy. Pero ayokong
malaman niya yun. Sa oras na malaman ni Troy na iniisip ko yun, tingin ko mas
lalong masasaktan si Jayden. Para bang pinagkaisahan namin siya ni Troy. Na alam
namin ni Troy na may gusto kami sa isa't-isa, si Jayden na lang ang bulag. Gusto
kong akin na lang ang katotohanang yun hanggang sa maging okay ang lahat...
Malalaman din yan ni Troy... Not that he doesn't know anything about my feelings.
He knew... He's the Master of Seduction, after all. Sa mga halik ko pa lang sa
kanya, ramdam niya na yun. Yung pulso ko na lang ang hinintay niyang confirmation.
And yes, he's right about that.
Napalunok siya bago ako pinutol, "I know! Please, hayaan mo na lang akong ihatid
ka. Mauna ka na sa labas ng Le Marcelle... Mag hintay ka sa tapat. Susunod ako.
With my car... Just wait for me... Kung ayaw mong may makakita satin."
Pinipiga na ang puso ko. Alam kong nasasaktan ko siya. Ayoko ng ganito. Gusto kong
sabihin sa kanya na makikipaghiwalay din ako kay Jayden. Pero for Jayden's sake,
pinigilan ko ang sarili ko.
Umalis siya sa harapan ko para sunduin kung sino man ang naghatid ng breakfast
namin.
Mukhang babaeng taga Le Marcelle ang nagdala nito. Narinig ko pang tumili siya.
Umirap ako. I'm sure naglalandi na naman si Troy doon.
Hindi na ako nakinig. Pero nakasimangot na ako nang dumating si Troy na nakangisi.
Lintek na buhay! Nakakatunaw ang ngisi niya. Bahagya pang nanlaki ang mata ko nang
nakita na siya ng tuluyan. Half naked nga pala siya. Klarong-klaro yung V-line at
abs niya. Magulo pa ang buhok... Para bang kakagaling lang sa... mainit na...
uhm... ganun?
Lust lang ba itong nararamdaman ko sa kanya? Or there's more? Yan din ang dapat
kong malaman sa sarili ko.
Naaasiwa ako kasi nakabalandra lang yung katawan niya. Nakakapanghina. Part ba ito
sa seduction na ginagawa niya?
Tahimik kaming kumain. Naalala kong may lakad pala kami nina Emma ngayon. Naalala
ko ring kailangan kong tawagan si mommy at daddy... Naalala ko ring tatawagan din
ako ni Jayden... o baka tinawagan niya na ako.
"Hello?"
"Good morning!"
"Uhm... Makikipagkita ako sa mga kaibigan ko. Ang tagal ko na ring hindi sila
nakita eh." Sabi ko.
Halos maibuga ko sa mesa ang tubig na ininom ko. Napaubo tuloy ako...
Nakita kong umiling si Troy at humalukipkip. Para bang hinihintay niyang matapos
ang pag uusap namin ni Jayden.
"Magmumukmok sa opisina. Ang dami kong naiwang trabaho. Mag oovertime siguro ako.
Pati bukas... Pero tignan natin kung magkakatime ako bukas magkita tayo, okay ba
yun sayo?"
"Uhm... Oo! Pero wa'g mong madaliin yung trabaho mo. Kaya ko naman maghintay
hanggang Monday para magkita tayo eh."
Parang dragon na bumuntong-hininga si Troy. Talagang pinaparinig niya sakin ang mga
disappointments niya.
Nagkasalubong ang kilay ko at napatingin ako kay Troy, "I... I love you..." At
pinutol ko agad ang linya.
"Pag oras ko, Trisha, dapat oras ko lang... Ayokong may katawagan ka o katext
habang tayo ang magkasama. Minsan na nga lang kita nakakasama, hinahati mo pa. Alam
kong pumayag akong may kahati ako..." Napalunok siya. "Pero hindi ako masaya dun.
Hindi ako proud dun... Hindi ko gusto yun. Kung ako ang magpapasya, gusto ko akin
ka lang, walang kahati, buong-buo. Pero dahil alam kong wala akong magagawa sa
ngayon, kahit yan na lang ang hinihingi ko."
"Troy," Napapikit ako sa sobrang sakit na nararamdaman ko. "Please, hayaan mo akong
mag isip. Gulong gulo ang utak ko... Hayaan mo muna ako."
Tahimik ulit kaming kumain. I really couldn't believe it. Is he really damn in love
with me? How? Playboy siya. Mas marami siyang kilalang mas maganda sakin. Hindi
kaya nachachallenge lang siya sakin? Kasi mahirap akong kunin? Kasi kay Jayden ako?
Kasi hindi ko siya gusto? Yun kaya?
"Hindi pa ba sapat na magpaparaya ako para sayo? Hindi pa ba yun totoo? Damn!
Trisha, if I could stop this feeling, I would, but I couldn't!"
Namuo ang luha ko. Sobrang sikip ng dibdib ko. Nagbabara na ang lalamunan ko.
Tumitigil na ako sa paghinga.
"You're a damn gift and a curse... Sarap mong mahalin pero masakit din at the same
time. Akala mo ba madali yun?"
"How can you speak of love right now, Troy!? Nung nakilala kita sabi mo sakin love
is for pussies-"
"Kung hindi ito LOVE sabihin mo sakin kung anong tawag nito kasi hindi ko alam...
Sige... ikaw ang magpangalan sa nararamdaman ko... Kala mo ba madali yun para
sakin? Madaling aminin sa sarili na nababaliw ako sa isang babae?"
"Hindi, Troy, na cha-challenge ka lang. Kasi mahirap akong kunin. Kasi may mahal
akong iba... Kasi nakatali ako... Yung iba mong babae hindi... Gusto ka nila
agad... Easy to get... walang challenge... Ako, hindi..."
"Tingin mo ba hindi ko pa nasusubukan ang mga nakatali na, Trisha? Think again!
Kasi bago mo 'to inisip lahat kagabi, napag isipan ko na 'to ng ilang buwan.
Hinding hindi ako susugal kung hindi ito totoo!"
Hinalikan niya na naman ako. Uminit ang pisngi ko nang naramdaman ang agresibo
niyang halik. Kisses again.
"I'm so addicted to you, Trisha. Damnit! I'm just so addicted." Sabi niya bago
inatake ang mga labi ko.
Muntik na akong nadapa dahil sa halik niya. Hinila niya ako palapit sa kanya...
without breaking our kiss.
Inangat niya ako. Hinawakan niya ang magkabilang legs ko. Nakita kong nag flex yung
biceps niya sa pag angat sakin. Nilagay ko ang braso ko sa leeg niya at ginulo ko
ang buhok niya habang bumibigay sa mga halik niya.
Naglakad siya habang inaangat ko. Hindi ko alam kung saan kami papunta. I don't
care. I want his kisses. Whatever this is... whatever happens... bahala na. Ang
importante ay si Troy... Siya lang.
Naramdaman kong sa malamig na surface niya ako nilabag. Sa gilid ng mga mata ko,
nakita kong katabi ko na ang sink. Damn! Its so hot! Yung kamay niyang galing sa
legs ko ay unti-unti niya na namang pinagapang sa loob ng dress ko.
Tinulak ko siya. I want to kiss him but I couldn't take it to the next level. Nang
bumitiw siya sa halikan namin, nabigo na naman ako. Para bang ayaw ko at gusto ko
at the same time. Si Jayden! Wait! I still need to think about this! Definitely,
no!
Nakita kong napaawang ang bibig niya habang nakatingin sa mga labi ko. Hinihingal
na naman siya.
"Feel it, Trisha." Kinuha niya ang kamay ko at nilagay sa matigas niyang dibdib.
Damn! He's just so hot and sexy... Tingin ko lust lang tong nararamdaman ko sa
kanya. Pero nasasaktan ako pag may kasama siyang iba. Nasasaktan ako pag iniisip
kong wala siya. Mahal na ba ito? Nagmamahal na ba ako?
"Hindi lang yan tuwing hinahalikan kita. All the time, yan, Trisha... Now tell me,
how to call it. You're the genius when it comes to love, right? Tell me, Trisha.
How do we call this?"
Damn! I think we're both really in love with each other. But I don't wanna rush it.
Ayokong magkamali. Kung mabilis yung samin ni Jayden, gusto kong unti-untiin itong
kay Troy. Ayoko nang magkamali pa ulit.
"Troy!" Napabuntong-hininga ako. "I want to think about it... Umuwi na muna tayo,
please... It's dangerous when I'm with you."
Diniin niya ang sarili niya sakin at hinalikan ang tainga ko.
Damn sh1t! Hindi ko alam na may mas grabeng bagay pa dito sa mundo... Maninisay na
ako sa kabaliwan.
"Let's go... I can wait fot it, Trisha. Kaya kong may kahati sa ngayon. But please
know that I won't settle for anything like that. Magiging akin ka rin ng buong-
buo... walang kahati... Just don't hurt me too much. Kung may intimate kang
sasabihin o gagawin sa kanya..." Pumikit siya at umatras ng konti sakin. "S-
Siguraduhin mong di ko alam. Na di ko nakikita. Kasi di ko kaya."
Napalunok ako sa sinabi niya. Tumulo na ang luha ko. Umiiyak ako dahil hindi ko na
alam ang gagawin ko. Umiiyak ako kasi mahal ko na yata siya at di ko kayang
nakikita siyang nasasaktan ng ganito.
"Iuuwi na kita sa inyo. Itetext kita palagi... Maghihintay ako kung kailan tayo
pwedeng magkita ulit... Wa'g mo akong paghintayin ng matagal dahil nafu-frustrate
ako tuwing ganun." Inayos niya ang damit ko. "Wa'g kang umiyak." Pinunasan niya ang
luha ko. "I couldn't even quit on you."
Kabanata 26
Kabanata 26
Jayden:
Jayden:
Nireplyan ko na:
"Jusmiyo naman, Trisha! Ikaw na nga itong minsan lang namin mahagilap, ikaw pa
itong late. Tapos na kaming mag lunch! Mag lunch ka na rin! Umorder ka na!"
Salubong ni Emma sakin.
"Tsk. Ibang-iba ka na talaga kung makapanamit ah? Ang bango mo pa! Nagsusuklay ka
narin." Tumawa si Camille habang tinatapik yung upuang dapat kong upuan.
Binigyan agad nila ako ng menu. Wala parin sina mommy at daddy. Next week pa ang
uwi ng mga iyon kaya si manang lang yung naghahanda ng pagkain sa bahay. Ayoko
namang kumain mag isa sa panahong ito kaya mabuti na rin na kasama ko sila.
Habang sinasabi ko sa waiter kung ano ang order ko, napalingon kaming lahat sa
isang grupong nagtatawanan sa kabilang table. Ang dami nila. Parang mga bubuyog na
nakapalibot sa beehive.
Tumaas na parang giraffe ang leeg ko para tignan kung nandoon ba si Troy.
"Hmm. Kumusta na nga pala yung pag mamanipula mo sa kanya? Epektibo talaga, huh?
Paano kaya pag nalaman niyang ganun ang ginawa mo?" Tanong ni Beatrice.
"Huh?" Wala pa ako sa sarili.
Mas lalo akong nawala sa sarili nang nakita kong nandoon nga si Troy sa gitna nila.
Nakangisi siya at pinapalibutan na naman ng mga sosyalerang mga barkada niya. Sa
magkabilang sides niya pa ay parehong babae.
Ibinaling ko na lang ang tingin ko kina Emma, Earl, Beatrice, at Camille na pare-
parehong nakatingin na sakin. Uminit ang pisngi ko. Hindi ko alam kung bakit.
"Anong life changing ba ang sinasabi mo sakin, ha, Trisha?" Tanong ni Emma sakin.
"Hindi ko tatanggapin yang 'wala' mo, Trisha! Hindi na nga tayo nag kikita, ito pa
ang isasagot mo samin?" Umirap si Emma.
"Kasi... uhm... Hindi ko masabi. Magulo. Magulo ang utak ko." Sabi ko.
Pumikit ako habang umiinom ng tubig. Ilang kutsara pa lang ang nakakain ko,
nawawalan na ako ng gana.
"Jayden? The professor? You kidding me, Trisha?" Kinamot niya ang ulo niya.
"PAANO? Nanligaw siya? What the hell happened? Ba't ang bilis?"
"OH MY GOD!"
"Tapos?!"
Si Emma naman ay nakikipaglampungan na kay Earl. Para bang na inspire siya masyado
sa story namin ni Jayden kaya in the mood siya para sa labing-labing.
Ni hindi ko nga alam kung maihaharap ko siya ngayong naguguluhan ako kay Troy.
"Masaya naman yan! Anong gusto mo humandusay siya sa sahig sa kakiligan? Ibang
Trisha na kaya yan!" Pinaglaban pa ako ni Beatrice.
"Nood na lang tayo ng sine!" Anyaya ni Earl. "Wa'g yung love story ah?" Dagdag
niya.
At dahil busy naman si Camille at Beatrice sa pag uusap tungkol samin ni Jayden,
pumayag kami ni Emma sa suggestion ni Earl.
Tumayo ako. Nanginig agad ang mata ko nang nakitang nakangiti si Troy dahil sa joke
ng isa sa mga barkada niya... Nakangiti siya pero nakatingin sakin.
Napaubo ako at nag iwas ng tingin sa kanya. Lalagpasan pa namin sila bago kami
makaalis sa cafe na ito kaya mas lalong nanginig ang nininerbyos kong mga paa. Para
akong lumulutang sa ere.
"Saan kayo?" Dinig na dinig ko ang biglang sigaw ni Troy galing sa table nila.
Parehong napatingin sina Emma, Camille, at Beatrice sa kanila. Napatingin din ang
mga barkada ni Troy samin. Para bang nagtataka sila.
Kinilig naman si Camille at Beatrice. Ang alam ko, may gusto yata sila sa isa sa
mga barkada ni Troy. Either Nash or si Theo na nasa harapan ni Troy pero nakatingin
samin.
Walang sumagot samin pero bumubulong si Camille na, "nood ng sine, sama kayo?" At
humahalakhak.
Nakita ko ngang pumula ang pisngi niya at nagtago kay Beatrice. Umiling ako sa
hiya.
Siya ang naunang tumayo sa kanila. Pumasok kami sa mall at nabigla ako nang
nakabuntot parin sila hanggang dito. Tama talaga ako sa hinala ko. Si Troy na
talaga ang walking beehive. Kung saan siya pupunta, nandoon ang mga kaibigan niya.
Para bang siya ang star sa kanila. Leader. Master. Hindi ko alam kung paano niya
nakuha ang loob ng mga sosyalera, sosyalero, at mga conyong iyan. Wa'g ko na lang
kayang alamin.
Naasiwa pa ako lalo nang nasa likuran namin sila habang nag papareserve ng seats sa
sinehan. Windang ang mga nakakakita sa kanila. Parang mga artista silang gumagala
sa mall. Alam kong di nila ito ginagawa kasi may nag reklamo na...
"Manonood ba talaga tayo ng sine? Wow! This is new!" Sabi nung isang model na
laging nakabuntot kay Troy. (Inaway ako nito noon eh)
"Dream come true! OMG! OMG!" Tili sila nang tili nang papasok na kami sa loob ng
sinehan.
Nasa likuran parin namin sina Troy. Hindi ko alam kung nag fefeeling ba ako o tama
talaga ang hinala ko... na sinasadya ito ni Troy. Sa likuran namin sila umupo. Is
he stalking me?
Wait... Alam niyang wala si Jayden ngayon kaya niya ba ito ginagawa?
Tahimik naman sila nang nanonood kami ng movie. Minsan nga lang ay natatawa kami
nina Emma kasi may weird comments si Troy at si Nash sa mga characters at mga
nangyayari.
Natapos kami sa panonood ng sine nang mga alas syete ng gabi. Kumain na lang ulit
kami sa isang fastfood na paborito ni Emma.
After 10 minutes pa siyang nag reply. Kasi naman, talak sila nang talak ng mga
kasama niya, malamang di niya yun mababasa agad. Nakangisi pa siya doon sa mga
babae. Mukhang nakakaaliw talaga yung pinag uusapan nila, ah?
Troy:
Umiling ako at lumingon ulit sa kanila. Nakita kong bumaling si Nash sakin. Ilang
beses pa niya akong tinignan ulit bago nanlaki ang mga mata niya. Now you know...
you remember. Itinuro niya pa ako habang nakaawang ang bibig niya at tinignan si
Troy. Bumaling na agad ako kina Emma at huminga ng malalim.
Habang kumakain kami ng inorder namin, hindi parin mapawi ang usapan nila tungkol
samin ni Jayden. At inspeaking of Jayden, nag text siya.
Jayden:
"Ano?" Bago ako makalingon ay tinakpan niya na ng palad ang mga mata ko.
Ngumisi na kang ako at dahan-dahang kinalas ang pagkakatakip niya sa mga mata ko.
Imbes na si Jayden ang tignan ko, napatingin ako sa table nina Troy. Nandoon
siya... Nakamasid samin... Laglag ang panga at natutulala sa mukha ko. DAMN SHET!
Nasasaktan ko na naman siya!
Nagtawanan sila.
"Kayo na ba?" Bulgar siyang tinanong ni Emma.
DAMN SHET! How about Troy? Suminghap ako. Di ako mapakali. Hindi nila namamalayan
ang reaksyon ko dahil pare-pareho silang nakikipag usap kay Jayden. Habang
nakapulupot yung kamay ni Jayden sakin ay hinahalikan niya ang noo ko. Damn! How
about TROY?
*Text message*
Troy:
Lumingon ako sa table nila at nakita kong nagmartsa na siya palabas. Iniwan niya
ang mga kaibigan niya.
Tulala ako habang nag uusap si Jayden at mga kaibigan ko. Nang natapos na iyon ay
niyaya ko na si Jayden na umuwi. Pumayag naman si Jayden kaya nagpunta na kami sa
sasakyan niya.
"Trisha, next week kasi anniversary ng Lehman Bros. Magiging busy ako. At may day
off kayong mga taga Le Marcelle pagdating ng Friday. Magpaparty sa pool side ang
mga empleyado. Kasali kayo doon. Buong araw. Yun ang aasikasuhin ko this Monday.
Baka nga magtungo pa ako ng Singapore eh." Sabi niya nang sumusulyap-sulyap
paminsan sakin at sa kalsada.
"Yep. I think I won't be there till Friday. I'm sorry." Bumuntong hininga siya.
"It's okay..." Ngumiti ako. "I understand... Uhm, so anong gagawin sa Friday?"
Tanong ko.
Habang nagsasalita siya ay nakikita ko naman ang sasakyan ni Troy sa side mirror ni
Jayden. Damn! That guy! Sinundan niya pa talaga kami?
Linapit ni Jayden ang mukha niya sa mukha ko. Bahagya naman akong umatras. Buti
hindi niya napansin. Tapos hinalikan niya ako. Tulad ng huli niyang halik, mas
matagal ito. Hindi ko binuksan ang bibig ko gaya ng utos ni Troy sakin tuwing
hinahalikan niya ako.
Kumaway siya at umalis na. Umamba akong papasok sa bahay hanggang sa nakitang
nawala na ang sasakyan niya. Ilang sandali ang nakalipas ay ang sasakyan naman ni
Troy ang lumiko sa street namin.
Nagmartsa ako para salubungin siya. SINASABI KO NA NGA BA! Sinusundan niya talaga
kami!
Kabanata 27
Kabanata 27
Konting Oras
"TROY EZEKIEL S. SALAZAR! Anong ginagawa mo dito?" Sigaw ko sabay hampas sa salamin
niya.
"I just want to know what your up to. Is that wrong?" Tanong niya.
Suminghap ako at napa face-palm sa sinabi niya. Alam ko... Alam kong maaaring
ginagawa niya ito para mabantayan ako kay Jayden. Pero nang dahil sa kanya, hindi
ko nasabi kay Jayden ang mga gusto kong sabihin. Kailangan wala si Troy. Problema
ko 'to. Problema namin 'to ni Jayden, dapat di siya kasali.
"Pakainin mo ako sa bahay niyo. Hindi ako nakapag dinner ng maayos dahil sa
pagiging PDA niyo, pakainin mo ako sa bahay niyo."
"Trisha naman. Konting oras lang ang hinihingi ko sayo, hindi mo pa maibigay-"
Damnit! Ginulo niya ang buhok niya... I can really see how frustrated he is right
now.
"Kakain lang naman ako. Tapos uuwi rin, Trisha." Matabang niyang sinabi sakin.
Pinipiga na ang puso ko. Gusto ko siya. Mahal ko na talaga yata. Ewan ko pero
mukhang hindi ko na nararamdaman si Jayden sa puso ko. Hindi ko lang masabi sa
kanya kanina kasi natatakot akong manggulo si Troy samin. Next week, magiging busy
siya. Kailan ko sasabihin sa kanya? Siguro after next week? Oo! Yun nga ang right
time. Pero sa ngayong hindi pa kami nag b-break, hindi ko pa pwedeng sabihin kay
Troy itong nararamdaman ko para sa kanya.
Nang pumasok ako, nawindang agad si manang kay Troy. Naghanda si manang ng pagkain
para saming dalawa kahit paulit-ulit kong sinabing tapos na akong kumain at si Troy
lang ang di pa nakakakain.
Natahimik siya...
Hindi ko alam kung anong tawag ko sa ginagawa niya. May boyfriend ako... Tapos
nandyan siya. Am I two timing? Sumikip ang dibdib ko. Hindi ko inakalang ganito ang
mangyayari. Parang panaginip at bangungot...
"Hindi po."
Buti at tinantanan din ako ni mommy sa mga tanong. Sinabi niya lang sakin na
pauwiin ko na daw si Troy pagkatapos kumain para di siya gabihin. Yun ang ginawa ko
pero ayaw niyang umuwi. Umupo lang siya sa sofa at nanood ng HBO.
"Hindi... Maya na... Konting oras lang naman, Trisha." He glared at me.
"TROY!" Bago pa ako nakaalis sa sofang iyon ay humiga na siya sa lap ko.
"Please naman, ito lang naman!" Naiiritang sinabi niya. "I won't kiss you... I
promise."
Kinabahan agad ako. Ramdam ko yung ulo niya sa legs ko. Kahit nakahiga lang siya at
nakatingin sa TV, pakiramdam ko para kaming nag jo-jogging sa sobrang lakas ng
pintig ng puso ko.
I want to tell him, I love him, too. I love him so much. I'm falling for him. Hard.
So hard. I can't stand anymore.
Naiiyak ako habang tinitignan ang mga mata niyang kumikislap dahil sa palabas sa
TV. Nanonood siya pero hindi ako sigurado kung may naiintindihan ba siya sa
pinapanood niya.
"Trisha..."
"Hmmm?"
Hindi siya tumitingin sakin. Nakatoon ang mga mata niya sa TV. Sinubukan kong
kumalma... Kumalma ang katawan ko pero hindi ang puso. Sinuklay ko ang buhok niya
gamit ang daliri ko... tulad nang ginawa nung babae kanina.
"I wonder how it feels to have you in public? To hold hands with you in public? To
hug you or kiss you in public? Yung hindi mo ako kinakahiya-"
"Troy, hindi naman... hindi kita kinakahiya... Ikaw nga itong ayaw akong ipakita sa
mga kaibigan mo dahil ikinakahiya mo ako, diba?"
"Nung una ayokong ipakilala ka... coz I thought you were temporary. Later on, ayaw
kitang ipakilala dahil ayokong may makaagaw ng atensyon mo... coz you're now
permanent for me."
Napalunok ako sa sinabi niya. Hindi ako nagsalita. Pag nagsalita pa ako, baka
mabasag lang ang boses ko.
Ilang sandali kaming natahimik. Sinusuklay ko ang buhok niya at pinipigilan ang
luha ko.
"Hindi mo naman talaga ako pwedeng maipakita sa public kasi ang alam nila, kayo ni
Jayden." Kinuha niya ang kamay ko at hinawakan ng mahigpit. "But I want to... I
want everyone to know that I'm in love with you... And you're mine... But you're
not... Not mine, alone."
DAMN SHET! Tumulo ang luha ko. Tumulo sa noo niya bago ko pa napunasan iyon. Saka
siya bumaling sakin. Nang nakita niyang nagpupunas na ako ng luha, napaup siya at
hinarap niya ako.
"Bakit mo pinapahirapan ang sarili mo? Bakit mo ako pinapahirapan?" Tanong niya at
pinunasan ang mga luha ko.
It's not simple. Kailangan kong malaman kung totoo ba itong nararamdaman niya...
Kailangan ko rin ng tyempo kay Jayden. Kung mag hiwalay man kami ni Jayden, hindi
yun ang basehan ng pagiging kami ni Troy. I have questions... too many questions...
Hinawakan niya ang wrist ko. Hinayaan ko siya. Tinulungan ko pa nga siya eh.
Pinulsuhan niya na naman ako. Kinuha niya ang isang kamay ko at nilagay sa dibdib
niya.
Hindi ko maibigay yung isang kamay ko dahil umaapaw ang luha ko. Kailangan kong
punasan.
Kaya hinila niya ang ulo ko. Hinila niya palapit sa dibdib niya.
"Pakinggan mo."
And I heard it! Sinandal ko ang ulo ko sa dibdib niya. Para bang niyayakap niya ako
ng nakaupo. I can hear his heart beating so fast, wild and loud.
"Troy, imposible 'to. You're a playboy... You've kissed so many lips... Made love
to so many girls-"
"Have sex with women, Trisha. Not make love... Iba yun. Having sex with them is all
about the body... Not the heart."
"Pero ikaw, hinahalikan pa lang kita, nagwawala na ako. Hinahawakan pa lang kita,
nanginginig na ako... Tinitignan pa lang kita, nasasaktan na ako... Iba ito. I
know. And you know it, too."
Buong gabi na naman ako umiyak. Umuwi na si Troy nang tinawagan ako ni Jayden.
Tinanong ko si Jayden kung free ba siya bukas, aniya'y busy daw siya kaya di kami
magkikita.
Monday at Tuesday, busy din si Jayden. Sinabihan ko na ang driver namin na sunduin
ako sa Le Marcelle. Hinahatid naman ako ni Jayden sa sasakyan namin. Sobrang gulo
parin ng utak ko. Ang dami kong iniisip.
Napalunok ako.
"Trisha?"
"Uhm... O-Oo."
"WHAAAT?"
Pareho ang reaksyon nila kina Emma. Hindi sila makapaniwala. Umalis si Jayden
patungong Singapore noong Tuesday ng gabi. Saturday pa daw yata ang dating niya.
Hindi ko nagustuhan iyon. Maaantala ang pag uusap namin. Pero wala akong magagawa.
"Hindi mo ba ako ma mi-miss?" Tanong niya sa cellphone bago mag board sa eroplano.
"Uhmm. Mami-miss... Uhmm.. Bilisan mo... Uhm... May pag uusapan kasi tayo pag uwi
mo."
My heart broke! Damn shet! Kung alam mo lang kung anong sasabihin ko.
"Hehe! Sige! Mag ingat ka sa byahe ah?" Sabi ko. Kinagat ko na lang ang labi ko
para di ko na madagdagan.
Papasok na sana ako sa sasakyan namin, Wednesday night nang bigla akong hinila ni
Troy.
"Troy, ano?"
Nakangisi siya... That playful evil smile. "Kailan dating ng parents mo?" Tanong
niya.
"Nothing will happen, Trisha. Sa kabilang kwarto ako. I just want us to talk.
Tatlong araw kitang pinagmamasdan lang sa malayo dahil kay Jayden. Pagbigyan mo
ako!" Sabi niya.
Lumunok siya at tinignan akong mabuti. Para bang anytime may sasabihin akong
ikakasakit ng damdamin niya. Ginulo niya ang buhok niya at kinagat ang labi...
"Fine. Iuuwi kita. I promise. Just be with me. Pahingi... ng konting oras." Lumunok
ulit siya.
I can't believe this. Tumango ako ng dahan-dahan. Hindi ako makatingin sa kanya.
Hiyang hiya na ako sa pinag gagawa naming dalawa. This temptation is too much.
Kabanata 28
Kabanata 28
Sinabihan kong umuwi na lang si Manong. Tinext ko din kay mommy na baka matagalan
ako sa pag uwi tonight dahil may lakad kami ng mga kaibigan ko.
Reply niya:
Saan kayo pupunta? Anong oras ka uuwi? Ihahatid ka ba o magpapakuha ka kay Manong?
Ako:
It was not a lie. Kasi pupunta kami ni Troy sa mall ngayon. Hindi ko alam kung
bakit...
Reply ni mommy:
Anong oras ka uuwi? Kung gagabihin ka na, mag sleepover ka na lang? Delikado na eh.
Diba may duty ka pa bukas?
Ako:
Opo. Titignan ko... Sige po... Ingat kayo ni daddy. I love you.
"Sino yang ka text mo?" Sabi ni Troy habang nag dadrive siya.
"Bakit may I love you?" Sabi niya at nilalakihan ang mata para makita ang tinext
ko.
Kinuha ko agad. Hindi naman kasi mahirap kunin dahil busy siya sa pag d-drive.
Ngumisi siya nang narealize na si mommy nga ang ka text ko. Inirapan ko na lang.
"Bakit tayo pupunta ng mall? At bakit sa malayong mall pa? May malapit naman, ah?"
Tanong ko.
"Oo. Wala pa naman masyadong nakakaalam na kayo na ni Jayden, diba?" Sumulyap siya.
Tumango ako.
"Kung maglalakad tayo sa malayong mall, mas lalong walang nakakakilala sayo, mas
safe... Hindi sila magsusumbong kay Jayden. I want to feel it, Trisha. Gusto kong
malaman kung paano maglakad kasama ka in public... na tayong dalawa. Together. Like
we love each other... Like you really love me... And you are really mine."
Nilunok ko ang mga luhang nagbabadya. Katahimikan na lang ang naibigay ko kay Troy.
Oo... mali itong ginagawa namin... Pero damn shet! Hindi ko ito kayang ipagkait sa
taong mahal ko. Hindi ko kaya. Ni hindi niya alam... o di ko pa naaamin kung gaano
ko siya kamahal tapos ipagkakait ko pa sa kanya ito?
Halos isang oras din ang byahe patungong mall ng kabilang syudad. Pagkatapos naming
mag park sa carpark ng mall, pumasok na kami sa loob.
Maraming tao. Tama si Troy, wala kaming kilala dito. Hindi namin kilala ang mga
tao.
I squeezed his hand. Hindi ko talaga kayang ipagkait sa kanya ang kaya ko namang
ibigay ng buong puso.
Abot langit ang ngiti ni Troy habang hinihigpitan ang hawak sa kamay ko.
Namataan kong nakatitig silang lahat sakin kahit nandyan si Troy sa harap nila.
"No... way!" Sabi nung isa. "Si Troy Salazar may Girlfriend?"
Uminit ang pisngi ko. Hindi na ako makatingin sa kanila. Manhid na ang mukha ko sa
hiya.
Tensyonadong nanahimik ang mga nakasalubong namin. Kumuyom ang isang kamay ni Troy.
Bumibilis na rin ang pag hinga niya.
Walang pasubaling umalis kami ni Troy sa harapan nila. Kung bakit ba kasi sikat ang
kurimaw na ito. Kahit sa kabilang syudad ay kilala... Hay naku!
"Ang pikon mo! Kasalanan mo rin naman at playboy ka!" Sabi ko habang hinihila siya
palayo sa nakasalubong namin.
Puro na lang kami tawanan ni Troy habang kumakain. Nakakataba at init ng puso pag
kasama siya.
"Ganun ang ginagawa ng mga boyfriend diba? Binibilhan ang girlfriend? Hayaan mo na
nga lang ako. Ikaw din naman ang makikinabang!" Tumawa siya.
Sinapak ko na, "May pera ako para bumili ng damit! Hindi mo naman kailangang bumili
para sakin."
"Dami mo pang satsat... Bibigay ka rin naman! Sige na naman!" Nagpuppy eyes pa
siya.
Binilhan niya ako ng kumpletong outfit. Mas natuwa pa siya kesa sakin. Gusto niyang
mag sukat ako ng maraming damit. Niyaya ko rin siyang mag sukat ng para sa kanya.
Hindi ko kinaya ang pinili niyang brand ng mga damit. Ayoko na nga siyang maging
boyfriend eh... Isang buwan akong mamumulubi para sa isang damit niya lang. Ang
mahal!
"Boyfriend mo ba yang si Mr. Salazar?" Tanong ng manager nung clothing line na iyon
habang nagbibihis si Troy.
Uminit ang pisngi ko. Hindi ko alam kung anong isasagot ko... Pero let's stick to
the correct answer, "Hindi..."
Laglag ang panga namin nang lumabas si Troy. Bawat damit na sinusukat niya ay
nakakamangha. Bagay sa kanya lahat. Toned naman kasi ang muscles niya at gwapo pa
kaya malamang bagay talaga. Napapalunok ako tuwing ngumingisi siya at kinakagat ang
labi. Tuwang-tuwa yata sa reaksyong pinapakita ko.
Kinurot ko na lang ang ilong niya. So naughty! "Tumahimik ka na nga lang!" Umirap
ako pero uminit ang pisngi.
"Ikaw talaga! Dinadaan mo ako sa pag mamakaawa mo! Kainis! Ayoko! Sumusobra ka na!"
Sinapak ko na.
Damn! Halos labasan na ng usok ang tenga, ilong at bibig ko sa hiya ko sa kanya.
Tinakpan ko na ang bibig niya. "Ang manyak mo talaga! Kainis! Playboy! Kadiri!
Ilang babae na ang naka ano mo? Di kaya may STD ka na?! Yuck!?"
Tumawa na lang siya... "Hay nako! You wanna know? Try me!" Kumindat na naman ang
kurimaw.
Hindi siya nagpaawat sa pagbili ng underwear. Pink pa ang kulay ng binili niya at
maraming lace.
Nalaglag ang panga niya. Hindi ko naman alam bakit. Unti-unti siyang ngumisi.
"Talaga? Patingin?"
Binatukan ko na. Natatawa ako pero gusto kong magseryoso. Hindi ako makapaniwalang
naapektuhan siya sa maliliit na bagay. Kung manyak talaga! Kainis!
"Hindi... pa... Bakit?" Kinagat niya ang labi niya. Busy siya sa pagmamaneho sa
liku-likong daanan.
Hindi ko maiwasan ang pagtitig sa kanya. Perpekto talaga ang mukha niya. Bakit kaya
gumawa ang Diyos ng gwapo at mayaman na tulad niya? Masyadong unfair. Ang swerte
niya... Swerte nga ba talaga siya? Nasasaktan siya ngayon...
Napalunok ako.
"Wala lang. Saan pa tayo?" Tanong ko at inabot ang buhok niyang astroboy ang tawag
ko.
"Sa Le Marcelle? Kainin lang natin 'tong take out natin at tumambay ng konti."
"Umuuwi. Bakit? Busy parents ko. Silang dalawa sa Lehmans. Si mommy lang ang tao sa
bahay minsan pag wala si daddy. Pero madalas magkasama silang bumyahe kasi ayaw ni
daddyng mahiwalay sa kanya eh." Ngumisi siya.
"Talaga?" Sweet.
Akala ko mag aagawan kami pero binalewala niya ako. Pagkaswipe ko sa homescreen,
tumambad agad sakina ng facebook profile ko.
Pagkakataon na para iview ko rin ang mga pictures niya. Nandoon na naman yung mga
pictures na kinaiinisan ko noon. Yung naka dirty finger siya na may background ng
Eiffel Tower. Meron pang ginagaya niya ang Christ the Redeemer ng Rio. May pictures
na nag be-beerpong siya (na sa paligid niya ay mga babae).
Ilang sandali pa bago siya nagsalita, "Hindi pa nga tayo, hindi ko na kaya ulit
lumapit sa iba... Paano na kaya pag talagang tayo na?"
Sinapak ko siya, "Bolero! Nung gabi sa Tribe Lounge, may humahalik sayong babae.
Hinihimas mo pa yata ang hita nung babae. Tseh!" Umirap ako.
"Kainis ka eh. Paano kung hinihimas din ni Jayden yung hita mo sa panahong iyon? I
wanna get even with you... with everything. That time."
"I know... I'm bad. So bad. To want you this way... Na kahit may iba ka na, kaya ko
paring makihati. Wala pa namang nagsasabi sayong mabuti akong tao, diba? I'm really
bad... But I don't care." Lumunok siya. "I want you to want me the way I am... To
love me the way I am..."
"Pero ayokong may iba kang kasama. Kung ako, Troy, dapat ako lang."
Matinding break ang tinamo ng sasakyan. Akala ko may nabangga kami pero hinarap
niya ako. Seryoso ang mukha niya.
"I want that, too, Trisha. Kung ako ang gusto mo, ako lang dapat. Can you do that?
Because I know I can... Damn! Kung ang kapalit ng faithfulness ko ay ang maging
akin ka ng walang kahati, magpapatali agad ako sayo."
Kumabog ang dibdib ko. Naghuhuramentado ang buong sistema ko sa sinabi niya. Alam
kong wrong move yung nasabi ko kanina pero hindi ko na napigilan... na carried away
na ako sa usapan namin. This is really wrong. I need to talk to Jayden. Nasaan na
ba siya? Sana bumalik na siya.
"Choose me, Trisha. Choose me over anyone. Damn! Damn!" Hinampas niya ang manibela
at ginulo ang buhok niya. "You frustrate me so much! Damn!"
Kabanata 29
Kabanata 29
Maliit na Sakripisyo
"Mauna ka na doon. I'll take the foods and the things with me. Susunod ako."
Tumango ako at lumabas sa sasakyan niya. Naramdaman ko talagang tinitigan niya ako
palabas at palayo ng sasakyan niya. Nakakaconscious tuloy. Wala naman ako masyadong
kilala sa night shift kaya safe lang.
Marami akong nakasabay sa elevator. Nagui-guilty ako. Hindi ko alam kung bakit di
ako mapakali.
Dali-dali ko namang binuksan ang pintuan ng suite niya. Bumuntong hininga ako nang
nakapasok ako. Damn! I think this is cheating! Alam kong isa akong dakilang
sinungaling... noon pa... Pero hindi pa ako nakonsensya ng ganito.
Biglang nag ring ang cellphone ko. Tumatawag si Jayden. Bumilis ang pintig ng puso
ko. This time it's because I'm guilty.
"H-Hello!"
Gusto kong sabihin sa kanya ang lahat pero hindi pwedeng ganito. Hindi pwedeng sa
cellphone. Kailangan sa personal.
"Kumusta?" Tanong niya. "I'm sorry, wala akong time mag check sayo..." Suminghap
siya. "I miss you so much. I miss your voice."
"I miss you, too. Kailan nga ba ang balik mo?" Tanong ko.
"I have a lot of things to do right now... Tumawag lang ako to check on you... Lagi
akong tumatawag ng ganitong oras diba? Inaantok ka na ba?" Tanong niya.
"Nope. I have things to do..." Narinig ko ang ngiti niya. "Okay... Sige na, matulog
ka na. I miss kissing you."
Humalakhak siya, "Okay... Sige na.. Good night. Sleep tight, alright? I love you."
"Yep. Ikaw din. Good night! I can't wait to see you.." I hung up.
Oh my God! Tinakpan ko na lang ang bibig ko ng palad ko. I really can't do this...
Natulala ako hanggang sa dumating si Troy dala-dala ang pagkain at mga damit na
binili namin.
Umiling ako, "Troy... Hindi ko na kaya ito. I've been lying for us..."
Inilapag niya ang dala-dala niya sa table. Humalukipkip siya habang pinagmamasdan
akong tulala.
Kinabahan agad ako. Dahil alam kong magkakasala ako lalo pag malapit siya.
Temptations. Nananalaytay yata sa dugo niya yan. Umupo siya sa tabi ko.
"Sabihin mo sa kanya ang tungkol satin." Umupo siya sa tabi ko. "Ayoko rin naman sa
arrangement natin, Trisha. Dahil kung ako si Jayden, hindi ko kayang ganito ang
gawin mo sakin. At first, oo, wala akong pakealam. Pero ngayong naiisip ko na
magiging tayo in the future, ayokong gawin mo 'to sakin."
"Just for this, Trisha. Just once... Isang beses lang na pagkakamali... Para
mangyari tayong dalawa. Yan lang ang hinihingi ko."
Humigpit ang yakap niya sakin. Tapos unti-unti itong lumuwang. Kinulong niya ang
pisngi ko sa dalawang palad niya habang pinupunasan ang luha ko.
Hinila niya ako palapit sa kanya. Hinalikan niya ako. Mahina... Para bang gusto
niyang sulitin ang pagkakataon ng halikan namin.
Tinignan ko yung kamay niya habang dahan-dahang nilukot ang skirt ko pataas. Nang
tinignan ko naman siya, nakaawang ang bibig niya. Para bang naghihintay pa ng
halik.
Electricity na naman ang naramdaman kong tumakbo sa likuran ko. Hindi ko kayang
nakaawang lang ang bibig niya. Kailangan kong halikan para mapawi ang naramdaman
kong iyon.
Hinalikan ko siya. Ngumiti ako nang nakita kong nanlaki ang mga mata niya.
"The first time... you initiated." Kinagat niya ang labi niya at hinalikan ulit
ako.
Ramdam ko ang kamay niya sa tiyan ko pagkatapos lukutin ang skirt. Ang isang kamay
niya naman sa likuran ko gumagapang at tinutulak ako palapit pa lalo sa kanya.
Tinanggal niya ang butones ng soot ko. Unti-unti. Dahan-dahan. May rhythm. Parang
pinag aralan. At talagang epektibo. Kasi habang ginagawa niya yun ay naramdaman ko
na naman yung kuryenteng tinutukoy ko kanina.
"I love you..." Bulong niya sa tainga ko habang tinitignan ko ang kamay niyang
tinatanggal ang blouse ko.
Pumikit ako at kinagat ang labi. I shouldn't say it back... Not yet...
Ngumisi siya nang hinawakan na ang bra ko. Uminit ang pisngi ko sa ginawa niya.
Lalo na nung hinalikan niya na ang leeg ko.
"Troy..."
OMG! Mali talaga ito! Maling mali! Mas malayo pa ang narating ni Troy kesa sa kay
Jayden! This is so wrong! So... So... Wrong!
Kuryente na naman yung naramdaman ko sa likod. Hindi lang yun basta kuryente kasi
sinabayan talaga iyon ng kamay niyang gumagapang sa likod ko. Para bang alam niyang
mararamdaman ko yun. Lintek na Troy! Ang daming alam! Ang daming experience!
"We can't do this..." Sabi niya habang hinahalikan ang leeg ko.
Pababa na siya. Ginulo ko ang buhok niya. Hindi na ako makarinig at makakita ng
maayos dahil sa ginagawa niya.
"We can't..." Aniya pero pinagpatuloy niya ang paghalik sakin sa dibdib.
"Huh?"
"Make out make out lang ang ginagawa natin." Ngumisi siya.
Umirap ako at uminit ang pisngi habang inaayos ang lukot kong skirt.
UGH! Bakit ganito ang nararamdaman ko kahit normal lang yung sinabi niya?
Lumapit ako sa kanya ng nakatalikod. Ginapang ng kamay niya ang likuran ko para
ayusin ang bra ko habang bino-butones ko naman ang harap ng blouse ko.
Habang hinagawa niya yun... Hinalikan niya na naman ang leeg ko.
"You're not my type... Pero nanginginig na ako tuwing hinahalikan kita." Bulong
niya sa tainga ko.
DAMN SHET!
"Dalawa lang yan, Trisha... Excitement or Fear. Kung kinakabahan ka... dalawa lang
ang dahilan. Ano ang dahilan ng sayo?" Tanong niya.
"Both!" Naramdaman ko ang ngisi niya sa tainga ko. "Takot kang may mangyari... At
excited ka coz you want more."
I wanna crawl inside a cave and never go out again. Nakakahiya yung sinabi niya.
Humalakhak siya sa tainga ko. Nilingon ko siya.
Close up ang ngiti niya habang kinakagat ang labi. Magulo ang buhok niyang ginulo
ko kanina. Perfect ang mukha niya... Matangos na ilong, brown eyes, perfect jaw
lines.
Napalunok ako. "Baka naman ikaw ang maghanap ng iba. Wala naman akong alam."
"I'll never get bored of you. Wanna try? Sige... Makipagrelasyon ka sakin ng 100
years, tignan natin." Tumawa siya.
"I love your kisses, Trisha... They turn me on, too much. They make me high. You
make me so high. If you were a drug, I'd be so freaking high as fvck with you."
"I love your kisses, too." Napalunok ako sa mapangahas kong sinabi.
KInalas niya ang yakap niya sakin nang nakangisi at tumayo. Hinubad niya ang t-
shirt niyang soot. Bumalandra agad yung perpektong katawan niya. Abs, biceps,
triceps, V-freakin-line. Water please?
"Mag sho-shower lang ako. Magpalit ka ng damit. Ipapalaba ko yang uniform mo. Dito
ka na matulog..." Kumunot ang noo niya. "Are you allowed?"
"I think so..." Napalunok ulit ako at kinuha ang cellphone ko para itext si mommy.
"Good. Yung binili nating mga damit, yun na lang muna ang sootin mo. Aryt?"
Umiling na lang ako habang tinitignan siya palayo sakin at papunta sa banyo.
"Stop staring! Baka hilain kita papasok dito nang tayong dalawa ang maligo!" Sigaw
niya sakin at humagalpak sa tawa.
"TSE!" Uminit ang pisngi ko at tumayo para kunin ang mga binili namin.
Ginawa ko ang sinabi niya. Nagbihis ako sa damit na binili namin. Gusto ko sanang
maligo kaya lang nahihiya ako. Bukas ng umaga na lang siguro. Mas lalo akong nahiya
nang lumabas siyang nakatuwalya lang sa bangyo.
HELL YEAH! Tumutulo pa yung tubig sa muscles niya. Parang hinuhubog ng tubig ang
muscles niya. Damn shet! Hindi ako makatingin. Troy WET LOOK!? Naintindihan ko na
kung bakit nag hyperventilate yung intern nang makita si Troy na nakatuwalya lang.
Nakakawala naman talaga sa ulirat ang pag mumukha at katawan niya.
Ilang sandali ay may kumatok sa suite niya. Nagtago agad ako. Narinig ko na lang na
humalakhak si Troy at tumili ang babaeng taga kuha ng damit na lalabhan.
GRRR! Ganyan talaga eh no? Kinukuha niya talaga ang loob ng mga tao. Alam niya kung
paano ang larong ito kaya nilalaro niya palagi. PLUS! Half naked pa siya!
Kinabahan ako.
"Okay, po!"
"Para naman sayo yun. Tsaka... sinabi kong girlfriend. For your information, wala
pa akong babaeng inangkin as 'girlfriend'." Tumawa siya. "Pero naka ilang beses na
ako sayo."
"Huh? Bakit?" What's with his V-line? What's with that body? Grrr! Magbihis ka na
nga!
"Gusto ko magkasama tayo. Pag nasa kama tayo, baka gapangin na kita dahil di na ako
makapagpigil. Kaya dito na lang." Sabay turo niya sa sofa.
Tumawa ulit siya. "Hindi naman... Pinigilan ko naman diba. Sakit nga nun eh!
Uhmm.." Humagalpak na naman siya sa tawa. "Uupi ako... Tapos dito ka sa lap ko
hihiga para makatulog ka. Okay?"
Tumango siya, "Maliit na sakripisyo lang yan kumpara sa pakikihati ko kay Jayden...
So, no sweat."
Natigilan siya at nilingon ako, "I want to do this... Please, let me."
Kabanata 30
Kabanata 30
Tinalikuran Ako
Nakatulog kami ni Troy nang ganoon ang posisyon. Sarap ng tulog ko. Ngitng-ngiti
ako habang nananaginip ng panaginip na nakalimutan ko.
Naalimpungatan ako sa boses ni Troy. Unti-unti kong minulat ang mga mata ko. Blurry
pa ang paningin ko pero nakikita ko na ang isang lalaking naka suit ng itim at
nakapamaywang sa harapan ko.
Napatalon ako paupo nang nakita ko kung sino ang nakapamaywang sa harapan ko. Daddy
ni Troy!
"Mr. Salazar!" Sabi ko at inayos ang sarili ko.
Baka may muta pa ako o may laway. Damn Shet! Inayos ko ang mukha ko at buhok ko.
Napansin niyang inaayos ko ang buhok ko kaya nilagay niya sa tainga ko ang buhok na
nakatakip sa mukha ko. Uminit ang pisngi ko lalo na nang nasulyapan ko ang daddy ni
Troy na nakatingin saming dalawa.
He cleared his throat, "I'm surprised you didn't sleep in your room." Ani Mr.
Salazar.
Hindi ko alam kung maglalahad ba ako ng kamay o tatayo o ngingisi na lang o ano?
Pero ngumisi na lang siya sakin.
"Buti umuwi yung mommy mo... Magpapakain yun pag naabutan kayong natutulog na ganun
LANG ang posisyon." Umiling ang seryoso niyang daddy.
Anong nakakatawa sa sinabi ko? Tinignan ko si Troy pero nagkibit balikat na lang
siya at humikap. Tamad siyang tumayo para kunin ang uniprome kong nasa table na
pala. Nandoon na rin pati ang breakfast namin.
"Dad, sige na, umuwi ka na... Ako na bahala sa Le Marcelle. Magpahinga na lang muna
kayo ni mommy sa bahay." Tamad na sinabi ni Troy.
"'Ikaw na ang bahala sa Le Marcelle'? I never heard that before." Ngumisi ang daddy
niya.
Tinignan ako ng daddy ni Troy. Tinignan ko naman si Troy pero hindi siya makatingin
sakin. Hinuli ko ang tingin niya pero nakita kong namula ang pisngi niya at
tumalikod ulit para tignan (o magkunwaring tinitignan) ang uniporme ko.
Tapos bigla siyang humarap ulit sa daddy niya nang nakanga-nga at nanlalaki ang mga
mata.
Napatingin din ako sa relo ko. 7:00AM na pala. Isang oras na lang at duty ko na.
Buti nandito lang ako sa Le Marcelle. Maliligo lang ako, mag b-breakfast at
magbibihis. Di ko na kailangang mag isip ng traffic.
Kumunot pa lalo ang noo ng daddy niya. Inayos niya ang eyeglasses niya habang
tinitignang mabuti si Troy.
Agad siyang tumingin sakin nang nakaawang ang bibig. Nagkasalubong na lang ang
kilay ko sa kanya.
"Anyway, son. Pahinga na ako... Uuwi na muna ako. Ikaw na ang bahala dito? I expect
you're finally responsible now." Tumawa siya at tinapik ang balikat ni Troy.
"Sure, dad... Sige! Ingat ka..." Aniya pero di parin natatanggal ang bigla sa mukha
niya.
Hinintay niyang umalis ang daddy niya bago siya nagsalita.
"Get ready! Jayden is here..." Hinagis niya sakin ang uniporme ko at ginulo niya
ang buhok niya.
Pumunta agad siya sa kwarto at kinuha ang cellphone... May mga tinawagan siya...
Hindi ako makapag isip. Tinignan ko na lang siya. SHOCK! Yun lang ang tanging
tumama sakin sa oras na ito.
Natauhan ako sa sigaw niya. Agad akong tumakbo papuntang bathroom para maligo.
Naligo ako ng 10 minutes dahil sa sobrang kaba ko. Halos di na ako makahinga.
Tulala ako nang lumabas ako. Pero alam kong kailangan kong magmadali. Bahala na
kung basa pa ang buhok ko. Hindi pa ako nakapag ayos ng maayos.
Nang nagpunta na ako sa sala, tinamaan na ako ng adrenaline rush. Aalis na sana ako
pero hinila ako ni Troy.
"Troy, yung hot chocolate na lang please? Hindi ko kayang kumain! Kinakabahan na
ako!" Sabi ko.
Nakatayo akong ininom ng isang lagok ang hot chocolate. Hindi na iyon masyadong
mainit kaya nakaya kong inumin ng isang inuman lang.
"Use mine."
"Wala bang-"
"Come on, Trisha! Its not like you haven't kissed me! Use it..."
Napalunok ako. Wala akong magagawa sa ngayon. Pwedeng gamitin ko na lang ang daliri
ko para mag toothbrush sa ngipin or gamitin ko yung kay Troy. Pero sa huli, ginamit
ko na rin yung sa kanya. First time kong makagamit ng toothbrush ng iba.
"Ihatid na kita-"
Hindi ko alam kung bakit malungkot ang mga mata niya. Pero gaya ng sinabi ko noon
pa, si Troy ang isa sa mga taong kahit malungkot tumitingkad parin ang kagwapuhan.
Minsan nga naisip kong baka yung brown eyes niya ay talagang mas kumikinang tuwing
malungkot siya. Para bang ibinigay talaga ito ng tadhana sa kanya dahil mas lalo
siyang gumugwapo tuwing malungkot siya.
"Use the elevator, hanggang 2nd floor. Bumaba ka sa stairs at dumaan sa likuran ng
Le Marcelle. You have to trick him, right? Kailangan mong dumaan sa usual na
dinadaanan mo para di siya magduda."
Napalunok ako at mas lalong kinabahan, "Bakit? Nandito talaga siya? Ngayon? Hindi
siya... u-umuwi?"
"Hindi. Nandito siya. Nasa lobby." Ngumuso siya para bang may malalim pang inisip.
"I'm helping you right now, Trisha. Dahil ayaw kong mahirapan ka sa inyo ni
Jayden."
Naglakad siya palapit sakin. Napaatras ako kaya tumigil siya at tumagilid ang ulo
niya.
"Why?"
He took another step forward. Pinigilan ko ang sarili kong umatras. Ayokong saktan
siya. Mahal ko siya pero di ito ang panahon para maging intimate sa kanya.
Mahina... Malungkot... Sa halik niyang yun, naramdaman kong binuhos niya ang lahat.
Para bang wala siyang pinalagpas. Napalitan ang kaba sa puso ko ng pintig at kabog
na para sa kanya.
"Just remember to choose me... The earlier, the better. Kung mahal mo ako, mahal mo
ako. Walang pag aalinlangan."
Tumango ako. Naninikip ang dibdib ko. Masyado akong maraming iniisip. Si Jayden na
naghihintay sa 1st floor, si Troy na malungkot, ang sitwasyon, ang plano, ang
lahat, pati puso ko.
Pumikit ako. Baka sakaling malimutan ko lahat ng alalahanin ko... Pero hindi... I'm
in between this thing.
Siya ang nagpabalik sakin sa sarili ko. Yung malungkot niyang boses. Yung malungkot
niyang mata na bumungad sakin pagdilat ko. Bakit kailangang malungkot siya? Hindi
ba pwedeng playful na lang siya palagi?
Tumango ulit ako. Hindi ko masabi... Tinalikuran ko na lang siya at tumakbo palabas
ng suite niya.
Ginawa ko yung sinabi niya. Mabilis kong tinahak yung mga daanan. Elevator hanggang
2nd floor. Stairs. Back door.
Hiningal ako sa ginawa ko. May nakakitang intern sakin. Nakangisi siya habang
tinatawag ang pangalan ko pero nagmadali akong umalis. Tatlong minuto akong tumigil
muna para pakalmahin ang sarili ko. Kinalma ko ang hininga ko at naghuhuramentadong
puso.
Dumaan ako sa dating daanan ko. Parang walang nangyari. Stay Calm, Trisha!
I crossed my fingers...
Kumunot ang noo ko nang may bumating foreigner sakin. Ngumisi na lang ako.
"DAMN SHEEET!"
May dalang pulang hearts balloon ang lahat ng interns. Si Sunny ay kumakaway sakin
at kinikilig sa nangyayari.
Nalaglag ang panga ko. Tinakpan ko na lang ng palad ko dahil di talaga matanggal
ang pagkabigla ko.
May cake na dala si Eliz. Ilan sa mga tao doon ay may dalang banner na may
nakalagay na, 'Surprise! I love you, Trisha! I'm home when I'm with you.'"
Napaluha ako. Hindi sa saya kundi sa sakit. Sakit dahil nakangisi ang mga taong
bumati sakin... at higit sa lahat... nakangisi si Jayden sa gitna... may dalang
bouquet. His arms were wide. Para bang inasahan niyang tatakbo ako patungo sa
kanya.
Hindi... Naglakad lang ako with my stunned face. May nag vi-video pa sa nangyayari.
Tumili ang mga tao at nagtawanan. Hindi ko na mapigilan ang sarili ko. Napaluha na
ako ng todo-todo.
"Ikaw ha! Hindi mo sinasabing kayo na pala ni Manager!" Sabi nung isang intern.
Wala akong masabi. Hindi ko alam kung sasabihin ko ba ang totoo o hindi. You don't
deserve me, Jayden! KUNG ALAM MO LANG! Napapikit ako sa pag iyak.
"Of course! Who wouldn't, Sir Jayden! Naiiyak na nga siya sa saya!" Tumawa sila.
Pero ang wais na parte ng sarili ko ang nagsabing hindi... Hindi dahil masasaktan
ko si Jayden. Oo, masasaktan ko rin naman siya pero hindi sa ganitong paraan. Gusto
ko kaming dalawa lang. Kung masaktan ko man siya, hindi yung sa harap ng mga tao. I
can't do that to him. He's so good to me... I can't just break his heart in front
of this people. May konsiderasyon naman ako. Kahit na alam kong malaki na ang
pagkakasala ko, naiisip ko parin siya... ang reaksyon niya. I care for him. I
cared. And I still care. Iba na nga lang ang tibok ng puso ko.
I can't do this to him. Not now... Maybe some time na kami lang... just not now...
Pinunasan ko ang luha ko. Ang sakit sakit. I hate myself for this but I know its
the right thing. Mamaya... o kung may pagkakataong kami lang dalawa, sasabihin ko
talaga sa kanya. Just not now. Troy, I'm sorry.
Inabangan ko talaga ang reaksyon ni Troy. Mas lalo akong naiyak nang nakita ko ang
paghugot niya ng malalim na hininga at pag iwas ng tingin sakin. Umiling siya at
tinalikuran kami... tinalikuran ako.
Kabanata 31
Kabanata 31
Tinahan ako ni Jayden. Good vibes ang lahat ng tao sakin at kay Jayden kaya walang
galit kahit di pa ako tumatayo sa front desk para mag trabaho. Nasa sofa parin ako
ng lobby, isang oras na ang nakalipas sa sorpresa ni Jayden. Tulala ako pero
humihikbi parin. Naubusan na yata ng luha.
"Are you happy?" Nakangiting tanong ni Jayden habang pinupunasan ang basa kong
pisngi.
"I'm so happy na napaiyak kita sa saya." NIyakap niya ako at hinalikan ang noo.
Wala na talaga si Troy. Hindi ko alam kung saan siya nag punta. Gusto kong mag text
sa kanya.
"Yes?"
"Diba sabi mo ilihim muna natin na tayong dalawa? Bakit pinaalam mo na?" Tanong ko.
"We'll go public, eventually, Trisha. Hindi naman talaga kailangang ilihim eh."
Niyakap niya ulit ako.
Malalaki ang ngisi ng mga taga Le Marcelle habang tinitignan kaming dalawa.
"Sorry kagabi. Di ko sinabing uuwi ako. Gusto ko talagang supresahin ka." Ngumiti
siya at humikab ulit. "But right now, I really need to rest." Hinalikan niya ulit
ang noo ko. "Pagod ako sa byahe at sa mga ginawa namin. Kailangan ko pang magpunta
ng school mamayang gabi." Bumuntong hininga siya. "Will you be okay today?"
"Uhm... Oo naman."
"I can't be with you later. Sorry... Sobrang busy. Di bale, after this week, free
na ulit ako. Ready ka na ba sa pool party niyo this Friday?" Tanong niya.
"Uhm... Oo. Maghihintay pa kaming mga interns sa Dean. Kung papayag ba siyang
kasali kami since di naman talaga kami parte ng Le Marcelle."
"Kinausap ko na yung Dean niyo, pumayag naman siya. Lagi naman siyang pumapayag.
Last year, pinayagan niya rin naman ang mga interns."
Tumango ako.
"Stop crying... Masaya ka... Masaya tayo kaya dapat nakangiti." Humalakhak siya.
Hinalikan niya ako sa pisngi at nginitian ulit. Ngumiti din ako sa kanya. Pero ang
sakit na... Gusto ko ng sabihin sa kanya ang nangyayari sa puso ko pero wala akong
pagkakataon.
"Uuwi na muna ako. Magpapahinga. See you tomorrow, okay? Sige... Take care sa work
mo. Ititext kita pag nakauwi na ako sa condo. Okay?"
Wala na akong naramdaman kundi sakit. Hindi ko na napigilan ang sarili ko.
"P-Pero busy tayo tomorrow sa pool party. Busy ka. Diba ikaw yung mag hahanda?"
Tanong ko.
"Oo. Pero may time naman tayong mag usap. Hindi ganun ka busy... Kaya, tomorrow,
okay?" Hinaplos niya ang pisngi ko.
Umalis din siya. Iba't-ibang tanong ang natanggap ko galing sa mga intern at ibang
taga Le Marcelle.
"Hindi ako makapaniwalang kayo talaga! Pero nakaramdam na ako nun. Araw-araw ka
niyang hinahatid eh..."
Hindi ako mapakali. Sinubukan kong kalimutan ang nangyari... ang mukha ni Troy...
ang mga mata niya... ang pagtalikod niya sakin pero di ko magawa.
Ako:
Troy:
School.
Ako:
Sorry...
Troy:
DAMN SHEEEET! Naiiyak na naman ako. Nanginginig ang boses ko nang bumaling ako sa
costumer. Nagawa ko pang ngumisi at dahan dahanin ang pagsagot sa mga tanong niya.
Nilunok ko na lang ang luha na alam kong lalabas na anytime.
"Uy... Sino yung katext mo? Si Sir Jayden ba?" Tanong ni Sunny.
"Uhmm..."
"Nakuuu!" Ngumisi siya. "Ibang klase talaga kayo ah? HAAAY! Ang swerte mo. Ang
mature-mature ni Sir Jayden. Ang gwapo pa. Malakas ang dating, tsaka sweet... wala
ka ng hahanaping iba pag siya ang boyfriend mo! Kakainggit ka!" Aniya.
Nabunutan ako ng tinik sa sinabi niya. Ganun ang unang naging reaksyon ko kay
Jayden noon. Mature, gwapo, malakas ang dating, sweet, gentleman, perfect!
"Syempre! Sinong may ayaw sa mga mature? Mas masaya yun. Hindi ka masasaktan.
Tsaka... magaling na sa kama!" Humagalpak siya sa tawa.
Uminit ang pisngi ko sa sinabi niya. "K-Kung ganun gusto mo rin pala si Jayden? A-
akala ko ba si Troy ang gusto mo?" Tanong ko.
"Uy! Don't get me wrong ah? Gusto ko si Sir Jayden as a person kasi nga Mr. Perfect
siya. Si Troy naman... ewan ko... May something sa kanya. Kung papipiliin ko sa
kanila ni Sir Jayden? Mahihirapan ako. Kung seryoso si Troy, siya ang pipiliin ko.
Pero kung one night stand lang? No way... So pipiliin ko si Sir Jayden." Natulala
na siya habang sinasabi ito sakin. Sumimangot siya at tumingin sakin, "Ba't mo ba
sila kinukumpara?"
"Si Troy naman talaga! Ewan!" Tumawa na lang siya at bumaling ulit sa isa pang
costumer.
Hindi ako kinuha ni Troy pagkatapos ng duty ko. Galit talaga yata siya. Pero mas
mabuti na rin yun dahil kinakabahan ako lalo pag kasama ko siya ng palihim. Gusto
ko rin ng time para makapag isip-isip. Kasi pag nandyan siya, nagugulo pa lalo ang
isipan ko.
Nakarating ako sa bahay dala-dala yung mga binigay ni Jayden kanina sa surprise.
*KRRIIIING*
"Hello?"
"Oo. Marami pa kasi akong trabahong nakaligtaan. May klase pa. Buti na lang at
malayu-layo pa ang finals."
You are so sweet, Jayden. Kung sana di ko nakikita sa likod ng utak ko ang mga mata
ni Troy, nagsuka na sana ako ng rainbow ngayon... Kung sana di ko mahal si Troy,
baka nasuklian ko na rin ang pagmamahal mo sakin.
Di bale na. Kung infatuated man si Troy sakin, ako, mahal ko siya. Mas mabuti nang
sundin ang puso kesa magkunwaring mahal mo ang isang taong tulad ni Jayden.
"Hindi pa..."
"Ye-Yeah. I think you're right. Ibababa ko muna 'to? Ginugutom na rin ako eh." He
chuckled.
"Love you, Jayden." I really do. Kaya nag iingat akong wa'g kang saktan.
I love you, Jayden. But I'm sorry, I fell in love with Troy. Hard. Deep-rooted.
Kung mahal man kita, Jayden, as a friend na lang. Wala na akong ibang nararamdaman
para sayo kundi ito.
Umiyak ako sa realization kong iyon.
*KRIIIIING*
"Hello, Jayden..." kinagat ko ang labi ko para pigilan ang pag hikbi.
"Pero mas masakit na tawagin mo ako sa pangalan niya. Damn! Bakit ganun?" Bulong
niya sa sarili niya.
Napalunok ako, "Troy... Mahirap... Pero..." Mahal kita. I will choose you...
Hindi ko pwedeng sabihin sayo. Mas lalaki ang kasalanan ko. Natin.
Umiyak ako. I feel so damn stupid! Isang oras akong umiyak pero di niya binaba.
Pinakinggan niya lang ang paghikbi ko.
Mas lalo akong umiyak. Nagpanic siya. Dinig na dinig ko sa boses niya ang
frustration, desperation at panic.
"I'm sorry, Trisha. Will you still choose me? Kahit napaiyak kita?"
"Good. I don't have a life without you..." Narinig ko ang pag singhap niya.
"Okay.. Good night, Trisha. I'm completely damn smitten with you. I don't care if I
sound like a total asshole or a pussy, but this is how I feel. This pain is
excruciating and agonizing. Pero di ko alam kung bakit nandito parin ako...
naghahabol sayo... Please, don't leave... Kahit na masama akong tao... kahit na
ganito ako... kahit na playboy ako noon... please, don't ever leave. I can't
believe I'll be the one to beg you to stay kahit na ilang beses mo na akong
sinaktan at kahit na ayaw ko ng ganito... kahit na hindi ako naniniwalang
magkakaganito ako. Kung ibabalik ang panahon nung binlackmail mo ako, hindi ako
sigurado kung tatakbuhan ba kita o yayakapin kita. Hindi ako sigurado dahil mahal
kita pero nasasaktan mo ako ng sobra-sobra. Hindi ko inisip na may makakasakit pala
sakin ng ganito. Kung alam ko lang ito noon pa, iniwasan na kita. Pero huli na ang
lahat... bago ko pa naiwasan, natamaan na ako. I'm so in love with you. Kung may
bagay man sa buhay na worth it kung paghirapan ko, ikaw na yun, mahirapan man ako,
masaktan man ako, okay lang... makuha lang kita ng buong-buo."
Natahimik siya. Habag na habag na ako. Nawalan na ako ng lakas sa sinabi niya.
Hindi talaga ako makapaniwala. Magkagalit kami noon pero ngayon ay ganito na ang
nararamdaman niya para sakin.
"Damn! I can't believe I said that." He chuckled. Pero, unti-unting napawi ang
halakhak niya.
Kanina pa ako umiiyak. Hindi ko na nga mahabol ang hininga ko dahil sa sinabi niya.
There's no easy way to break somebody's heart. Kaninong puso ang pipiliin ko?
Walang duda, kay Troy. Kung pinaglalaruan niya man ako, hindi bale na, ang
importante ay nagpakatotoo ako. Bukas... Bukas... mag uusap na kami ni Jayden.
Kabanata 32
Kabanata 32
Naka faded short pants ako at loose cropped shirt pagdating ko ng Le Marcelle.
Hindi ko kasi alam kung anong susuotin sa pool party. Yun pala, dress ang dapat na
sinoot ko. Nakita kong dress ang sinoot nina Sunny at iba pang interns. Ako lang
yata ang naka shorts.
"See you sa pool. Titignan ko lang kung okay ba lahat ng departments." Bilin niya.
Nagsi tilian naman ang mga interns sa simpleng ginawa ni Jayden. Napangiti na lang
ako sa kanila.
Maiksi lang ang program. Nag speech ang daddy ni Troy, at nagpalakpakan kami.
Maraming pagkain. Kumakain ako samantalang busy sina Sunny at kapwa interns ko sa
paglalagay ng sunblock para maligo.
"Daming expats!" Sabi ni Sunny habang tinitignan ang pool na may mga expats na
costumers ng Le Marcelle.
Nag tilian sila. Hindi ko alam kung bakit. Basta ako, kumakain lang ako dito sa
ilalim ng malaking payong sa sun lounger.
Nag ha-hyperventilate siya habang ngangang nakatingin sa kabilang banda ang lahat
ng intern. Walang pumapansin sa nag ha-hyperventilate.
Kinalabit ko si Sunny pero di niya ako pinansin. Nairita pa nga siya nang kinalabit
ko siya ulit.
"Teka lang! Si Troy!" Aniya.
Si Troy Ezekiel Salazar ay madramang tinatahak ang gilid ng pool. Naka board shorts
lang siya at nakabalandra na naman ang madugong katawan niya. Laglag na rin ang
panga ko. Halos mailuwa ko ang kinakain ko sa kanya.
Ginugulo niya ang buhok niya habang nakaawang ang bibig na tumitingin sa malayo.
Yung V-line niya ay nakakaagaw ng pansin. Parang sumisigaw na 'hubaran niyo ako!'.
Umupo siya sa isang sun lounger at nagsimulang maglagay ng sunblock sa biceps niya.
Nag unahan ang apat na makakapal ang mukhang intern patungo sa kanya. Hindi ko na
narinig ang pinag usapan pero alam kong hiniling nilang sila na yung mag lagay ng
sunblock.
Walong kamay ang nanghihimas sa kanya ngayon. Nakangisi pa ang mga babae. Lalo na
yung naglalagay ng sunblock sa abs niya. SHEET! Yung V-line! Sheeeet!
Nakatalikod siya samin kaya hindi ko makita ang reaksyon niya sa ginawa ng apat na
babae. Nag flex pa ang muscles sa likuran niya at tumingala siya habang pababa ang
dalawang babaeng naglalagay ng sunscreen sa kanya. BULLSH1T! Pagkatapos ng sinabi
niya sakin kagabi, may ganitong eksena kinaumagahan? Nakakaloka!
Nagkunware akong tapos ng kumain. Tumayo ako at dadaan sa kanila. Nang dumaan ako
at naharap na si Troy, nakita kong nakaawang ang bibig niya at nakapikit ang mga
mata niya.
Mahalay ba akong mag isip o sadyang mahalay lang ang mukha at ginagawa nila.
"Uhm... mag C-CR lang sana." Hindi ako makatingin sa kanya. "Pero... hindi na lang.
Ikaw?"
"M-Maliligo din."
Uminit ang pisngi ko. Bago pa ako makaangal ay hinila niya na ako sa tapat ng sun
lounger nina Troy.
"Alam naman nilang lahat na tayo na... Kaya, wa'g ka ng mahiya." Aniya.
Sinimulan niya ang paglalagay ng sunblock sa braso ko. Hinayaan ko na lang siya.
Pinagmasdan ko ang ginawa niya.
Sumulyap ako kay Troy. Malapit ng matapos ang paglalagay ng apat na intern. Dilat
na ang mga mata niya. Diretso sa akin ang mga titig niya.
"Your bikini looks good on you." Hinaplos ni Jayden ang pisngi ko.
Bago ko pa siya naitulak ay nahalikan niya na ako. Napansin niya ang bahagyang pag
tulak ko.
Tinignan ko ang paligid. Konti lang naman ang nakapansin saming dalawa.
Nilagyan niya ang likod ko. May kasama pang masahe ang paglalagay niya.
Binigyan niya ako ng sunblock. Nilagay ko na agad sa dibdib ko. Nakakakiliti pa ang
pag lagay niya sa likuran ko. Tumagilid ako ng konti.
Napalingon kami agad nang may narinig kaming mga nabasag na pinggan.
Natigil si Jayden sa paglalagay ng sunblock sakin. Natigilan din ako. Isang waiter
ang nabangga ni Troy kaya tumilapon lahat ng drinks sa tray. Nabasag ang mga
goblets at shot glass.
Hindi ako makasagot. Tulala ako hanggang sa natapos ni Jayden ang paglalagay ng
sunblock.
Nilagyan ko rin siya pero mabilisan na. Kailangan kong makausap si Troy!
"Uhm... Babalik lang ako, ah? Naiihi na talaga ako eh." Sabi ko.
Ngumisi at tumango si Jayden, "Hihintayin kita para sabay tayong maligo sa pool."
Nagpasya akong hanapin siya sa 30th floor. Pero bago pa ako nakapunta sa elevator,
may humila na agad sakin papunta sa loob ng CR.
"Masarap ba yung ginawa ni Jayden sayo, Trisha?" Ikinulong niya ako sa mga braso
niya.
"Ikaw nga itong sarap na sarap sa ginawa nila eh! Diba!? May papikit pikit ka pa!
Ang landi-landi mo!" Sigaw ko sa kanya.
"Kaya ba hinayaan mo rin si Jayden na haplosin yang katawan mo?! HA?! Ginawa ko yun
kasi naiinis ako sayo! Ang dami mong pagkakataon, di mo ginagawang makipag break sa
kanya! Trisha naman! Ang dami mong pagkakataon! Kanina? Sinabi mo na ba?" Sigaw
niya.
"Kahit na, Troy! Naiinis ako sayo! Hindi makatuturan na pinagselos mo ako para lang
diyan sa estupidong rason mo!" Sigaw ko. "Ang sama-sama mo talaga!"
"Alam ko... At alam mo ring masama ako, diba? Kaya kung hindi mo pa nasasabi,
gagawin ko lahat ng pwede matulak ka lang... mapilit ka lang sa pagsasabi mo nun!"
Hindi ko na nasabi ang gusto kong sabihin. Hinalikan niya na agad ako. Idinikit
niya pa ako lalo sa dingding ng CR.
Iba ang halik niyang ito... para bang nang-aangkin. Parang naiinis... na fu-
frustrate...
Hinalikan niya ang leeg ko. Napapikit na lang ako sa kiliti ng mga halik niya.
Dinilat ko agad ang mga mata ko at buong lakas kong itinulak si Troy.
"Oh my God!" Sabi ko.
Napaparanoid na ako. Panay ang tingin ko sa CR. Hinihintay kong lumabas si Troy.
Mabuti na lang at di siya lumabas hanggang nakalayo na kami.
"Sure... Uhm.... Bakit parang namumutla ka?" Kumunot ang noo niya.
"Jayden, please, mag usap muna tayo. Tayong dalawa lang..." Sabi ko.
THIS IS IT!
Kabanata 33
Kabanata 33
Unti-Untiin Mo Naman
Nanikip agad ang dibdib ko. Hindi ko kayang tumayo at tignan siya ng ganito. I
looked away.
"Trisha, ano ang sasabihin mo?" Hinaplos niya ang mukha ko at hinuli ang mga mata
ko.
Nagkatinginan kami. Mas lalo akong nasaktan nang tinignan ko siya. Pero habang
tinitignan ko siya, nakita kong lumabas si Troy sa CR sa likuran ni Jayden. Malayo
siya. Hindi niya kami naririnig.
Suminghap si Jayden at sinoot sakin ang polong hinubad niya kanina. Napalunok ako.
Nanginginig pala ako kaya niya ginawa yun. Malamang dahil naka bikini top lang ako
at shorts dito. Pero hindi ko naman alam kung nanginginig ba ako dahil sa lamig o
dahil sa sakit ng gagawin ko ngayon.
Tumunog ang cellphone niya. Nadistract kaming dalawa. Agad niya namang pinatahimik
iyon kaya balik ulit kami sa tensyon.
Hindi ako maririnig ni Troy. Sobrang layo namin pero nakatingin siya sa mga mata
ko. Para bang hinihintay niya talagang makawala ako kay Jayden.
Tumunog ulit ang cellphone ni Jayden. Laglag ang panga niya habang pinapatahimik
ulit ang cellphone niya.
Tatlong beses siyang suminghap. Tumingala pa siya. Oh my god!? Talaga bang nasabi
ko yun sa kanya? Unti-unting nabasag ang puso ko. Naramdaman ko talaga ang unti-
unting paninikip ng dibdib ko habang tinitignan siya.
"J-Jayden... Uhm..."
Tumunog ulit ang cellphone niya. Pinatahimik niya ulit.
Namuo na ang mga luha ko. Hindi ko alam na ganito pala. Kahit ikaw yung
nakikipagbreak, naiiyak ka parin...
"Bakit, Trisha?"
"Did you fall out of love?" Napalunok siya sa sariling tanong niya.
Tumunog ulit ang cellphone niya. Ang tagal naming nanahimik. Ang tagal ng di kami
gumalaw. Sa wakas ay nagpasya siyang tignan kung sino ang tumawag.
Tumagilid siya ng konti sakin. Humikbi ako pero pinigilan ko ang luha ko. Sana may
pumaypay sa kalooblooban ko kasi talagang mag ha-hyperventilate na ako sa kakapigil
sa luha ko.
"What? Saan?" Tinignan niya ako.
Pinunasan ko ang umapaw pang luha sa mga mata ko at tinignan siyang mabuti. Buti na
lang at dahil sa ekspresyon ng mukha niya, mejo nawala ako sa concentration sa
nangyayari samin.
Nakita ko ang sobrang lungkot niyang mukha. Habag na habag na ako. Hindi ko na siya
kayang tignan. Hindi ko kaya ang ginawa kong ito. Hindi ko mapapatawad ang sarili
ko.
"Jayden, I'm sorry. Pero ito ang desisyon ko... Ayokong masaktan ka pero alam kong
nasasaktan kita... Mas masasaktan kita kung di ko 'to sinabi-"
"Trisha... Nasa ospital si papa... Inatake sa puso. Please, come with me... I need
you so much right now."
Ako naman ngayon ang nalaglagan ng panga. Hindi ko na maorganisa nang mabuti ang
mga iniisip ko. Ano ang gagawin ko? Bakit ganito ang nangyari? Anong nangyari sa
papa niya? Wrong timing! OH MY GOSH!
Bago ko pa naibigay ang nagaalinlangan kong kamay ay kinuha niya na ang kamay ko at
hinila ako palabas ng Le Marcelle at papuntang carpark.
Ngayon ko lang napansin na nakahubad pala siya ng top at sleeveless na lang ang
soot niya.
Marami akong iniisip. Si Troy... ang nangyari... Si Jayden... Pero tingin ko ang
dapat kong isipin ngayon ay si Jayden. Kaka-wasak ko lang sa puso niya pero may
problema na agad siya. Hindi ko siya magawang iwan. Totoong nag alinlangan akong
sumama sa kanya pero alam ko namang di ko siya kayang tanggihan. Kahit ito na lang
yung huling pabor ko sa kanya.
Tahimik ang mga kapatid niya habang naghihintay sa labas ng room ng daddy niya.
"Bigla na lang siyang inatake." Umiiyak yung mama niya habang nagkwento kay Jayden
sa nangyari.
Umupo na lang ako sa upuan kasama ang mga kapatid niyang tahimik. Tumabi si Jayden
sa akin at narinig ko ang pabalik-balik na pagsinghap niya.
Dalawang oras kaming tahimik. Hindi ko inistorbo ang pag-iisip ni Jayden. Ilang
sandali ay niyakap niya ako. Hindi ko alam kung yayakapin ko ba siya pabalik o
hahayaan ko na lang siyang yumakap sakin. Pero sa higpit ng yakap niya, hindi ko
kayang di siya haplosin man lang.
Awang-awa ako sa kanya. Inis na inis ako sa sarili ko. Gusto kong lumayo... Gusto
kong kamunhian ako ni Jayden dahil yun ang nababagay sakin. Ayokong harapin si
Troy. Hindi ko kayang mainlove sa kanya habang nasasaktan si Jayden. Hindi ko na
talaga alam ang gagawin ko.
"He's stable..." Marami siyang sinabi pero ito na lang ang naging klaro sa pag-
iisip ko.
"Tungkol dun sa sinabi mo..." Binasag ni Jayden ang katahimikan namin sa gitna ng
pag di-drive niya. "Is there someone else, Trisha?"
Napalunok ako.
Tama na siguro ang inabot niya ngayong araw na ito. Hindi ko na kailangang dagdagan
pa. Totoong nakapanakit na ako ng mga tao pero hindi naman ako yung tipong walang
konsiderasyon. Hindi ko kayang nadapa na nga ang tao, ilulugmok ko pa siya sa lupa.
Kaya kong magtimpi... Kaya kong maglihim kung kinakailangan. Alam kong malalaman
niya rin ito pero hindi na muna sa ngayon...
"Trisha, pwede bang unti-untiin mo muna? Hindi kita maintindihan. Anong pagkukulang
ko? Dahil ba naging busy ako this week? Trisha, sabihin mo sakin kung anong
pagkukulang ko..."
Pinipiga na ang damdamin ko. Pinipilit na ng mga luha kong kumawala sa mga mata.
Hindi na rin nila kaya ang pagpipigil ko.
"Jayden, w-wala kang kasalanan... Ako lang... I fell out of love. Wala akong
pagkukulang."
"Can we please try again, Trisha... Mag iisang buwan pa lang tayo, give up ka na
agad. We can make this work."
Itinigil niya ang sasakyan niya sa traffic. Hinarap niya ako. Nakita kong lumuluha
na siya.
"Oh my God! Oh my God!" Yun na lang ang naibulong ko sa sarili ko habang tumitingin
sa labas.
I didn't see this coming! Akala ko di niya ako mapapatawad sa gagawin ko. Pero
bakit darating sa ganitong punto?
Umiling ako at hinarap siya, "Hindi ko alam, Jayden... Pero ito talaga ang
nararamdaman ko ngayon... At hindi ko rin alam kung makakaya ko pa bang subukan
ulit. Ayokong ma disappoint ka sa magiging resulta. Paano kung wala talaga? Paano
kung di talaga mag work?"
"Trisha, hindi pwede 'to... Please, let's try again..." Hinawakan niya ang kamay
ko.
Nakita kong kasabay ng pagbuhos ng luha naming dalawa ay ang unti-unting pag
ambon...
Tahimik kaming dalawa. Sobrang bagal pang umusad ang mga sasakyan. Lumakas pa ang
ulan. Hindi ko na marinig ang sariling paghikbi ko. Hindi ko siya kayang lingunin.
"Jayden, I fell out of love." Inulit ko. "At hindi ayokong subukan ulit...
Nasasaktan akong nakikita kang nasasaktan. Hindi ko na kayang makita kang masaktan
pa ulit. Hindi ko na kaya yun." Sabi ko ng hindi tumitingin sa kanya.
Kabanata 34
Kabanata 34
Di Pa Sapat Na Iniwan Ko
Umiyak ako hanggang nakatulog. Hindi ko kinaya ang nangyari. Hindi ko kayang isipin
pagsabay-sabay ang sitwasyon.
Sabado nang dumating sina mommy at daddy. Wala akong ganang icheck ang mga
pasalubong nila sakin. Sinubukan kong maging interesado sa mga dala nila pero hindi
ko magawa.
Bahagyang namumugto pa ang mga mata ko sa nangyari. Tulala ako most of the time.
Hindi ko inakalang ang mga eksenang sa mga dramang teleserye ko lang nakikitang
natutulala ang mga tao sa kakaisip ng mga bagay-bagay, pero eto na naman at
nangyayari sakin.
Siguro may isang point talaga sa buhay ng tao na nangagayari ang mga bagay na iyon.
Makatutuhanan din pala ang mga iyon.
Lunes at kinabahan akong pumasok sa Le Marcelle. Hindi na ako tinext ni Troy simula
noong huli naming pagkikita sa CR. Okay na rin sakin iyon. Ayokong dagdagan pa ang
alalahanin ko.
Agad naman siyang lumapit sakin at ngumiti. Pero hindi na yun tulad ng dating
ngiti... malungkot na ang mga ngiti niya.
Ilang beses ba kailangang mabasag ang puso ko? Nilunok ko na lang ang nararamdaman
ko.
Umiling ako.
"OH MY GOD! Bakit? Trisha... Bakit? Anong problema? Ang saya-saya niyo pa nga nung
isang araw!"
Kinausap ko si Sunny na wa'g na munang ipagkalat ang nangyari. Masyado pang fresh
ang lahat sa amin ni Jayden. Ayoko munang pag usapan ng buong mundo ang nangyari
samin. Mabuti at napipigilan niya rin naman ang sarili niya.
Lumipat na ako sa restaurant. Dahil ilang beses na akong napunta sa chef's side, sa
bar na ako nilagay. Si Eliz naman ang kasama ko ngayon. Mataray siya pero
hinahayaan ko na lang. Wala ako sa mood para makipag kompetensya sa kanya.
Dalawang linggo ang nakalipas. Ganun parin ang tratuhan namin ni Jayden. Palagi
niyang binabanggit sakin ang pag ta-try ulit sa relationship namin. Palagi akong
nasasaktan pag inaalok niya ako niyan.
Nakita ko siyang galit na papunta sakin. Hinanda ko ang sarili ko para salubungin
kung ano man ang sasabihin niya... Papalapit na nang palapit si Troy sakin nang
biglang...
Hindi ko naman alam kung anong gagawin ko sa mga bulaklak ni Jayden. Gusto kong
tanggihan pero sobrang sakit ng ginawa niya sakin kaya di ko na kayang tanggihan pa
siya kahit sa maliit na bagay na ito.
Isang linggo niya akong sinuyo sa mga bulaklak. Hanggang sa isang araw ay nasabi ko
na ang gusto kong sabihin...
Napawi ang ngiti sa mukha niya at napalunok, "Trisha, let's keep the fire burning.
Baka may konting pagmamahal ka pang natitira sakin."
"Jayden,-"
"I know, Trisha... Pero sinusubukan ko lang naman." Napayuko siya at umalis.
Paano kung ginamit niya lang ako? Paano kung galit lang siya kay Jayden at ngayong
nagtagumpay na siyang saktan si Jayden ay iniiwan niya na ako?
OH MY GOD!
Umiling ako, "Sorry, Jayden. Magtataxi ako pauwi. Mali-late ka na rin sa klase
mo... Don't worry about me..."
Damn Shet! I don't deserve his kindness. Mabuti na rin siguro na hindi nanlalandi
si Troy sakin ngayon at baka maguilty ako ng sobra-sobra. Isang buwan na lang,
tapos na ang internship ko dito sa Le Marcelle. Magbabalik na ako sa school.
Kinakabahan ako tuwing naiisip ko iyon. Ibig sabihin makikita ko na si Troy halos
araw-araw.
Ayokong nilalandi mo ako ngayon pero langya, miss na miss na kita! SOBRA!
Narinig kong may biglang 'nabasag' sa harap ko. Nakita kong nanggagalaiti ang mukha
ni Jayden habang tinitignan ako. Hinahabol niya ang hininga niya at may nakita
akong pasa sa pisngi niya.
Kumunot ang noo ko habang tinitignan siyang tinuturo yung CD. Pinulot ko yung CD.
Maraming nakatingin saming dalawa. Natigilan halos lahat ng nagtatrabaho sa Le
Marcelle. Napansin iyon ni Jayden kaya hinila niya ako palabas ng Le Marcelle.
Ibinalandra niya sa mukha ko ang CD. Napalunok ako. Hindi ko alam kung paano mag
rereact. Nalaman niya na ang tungkol samin ni Troy? Paano? At ano ang CD na iyan?
OH MY GOD! Nalaglag ang panga ko.
"J-Jayden, calm down-" Yun lang ang nakaya kong banggitin pero pinutol niya iyon.
"CALM DOWN? Trisha! Nag two-time ka! For god's sake! I thought you were mature! I
thought you we're true! Pero all this time, ito pala ang ginagawa niyo ni Troy sa
likuran ko?" Sabay panginginig ng kamay niyang nakahawak sa CD.
Inayos niya ang sarili niya. Lumapit siya sakin.
"Why don't you two be together right now? Ngayong wala na tayo!? I'm sorry, Trisha!
Pero you lied to me! All I ever did was love you sincerely! I can't believe you did
this to me! Sa lahat ng tao ikaw pa?" Umiling siya.
"THAT IS THE EVIDENCE!" Sigaw ni Jayden. "Ang kapal ng mukha niyo ni Troy na
maghalikan dito sa Le Marcelle..." Umiling siya. "I can't believe it, Trisha! I
just can't believe it! At ano pa ang ginagawa niyo bukod sa halikan? Tell me!
Please!"
Nilagay niya ang kamay niya sa noo niya. Suminghap siya at nakita kong may luha sa
mga mata niya.
Habang pinagmamasdan ko siya, narealize ko din kung ano ang ibig sabihin nito...
SOMEONE RECORDED OUR KISSING SCENES! SINO? At paano nakuha ni Jayden? Sino ang
sumuntok sa kanya at bakit may pasa siya sa pisngi niya. Naiiyak na ako pero mas
nangibabaw ang galit ko. Maraming problema si Jayden. Sobrang nasaktan ko na siya
at bakit kailangan pang mas masaktan siya ngayon?
May konting hinala ako pero dahil mahal ko siya, hindi ko magawang sabihin yun sa
utak ko.
Hindi... Hindi pwedeng si Troy ang gumawa nito. Hindi niya ito magagawa sakin.
Maghihintay siya diba? Hindi niya to gagawin.
Para bang ang tagal ko ng hindi nakapagreunion sa boses kong ito... Nagbalik sakin
ang espiritong akala ko ay matagal ng nagbago. Iyon naman pala, nagtatago lang sa
kaibuturan ng puso ko. Naghihintay kung kailan ko gigisingin at gamitin ulit.
Hindi ako makahinga sa sobrang galit ko. I was freakin right about everything! He
was using me! Using my feelings to have this! REVENGE! Naghiganti siya sa sextape
kong wala namang katotohanan. Kaya ito at gumawa siya ng eskandalo. He made me fall
for him. Of course he can! He's the Master of Seduction! At ngayong nagtagumpay na
siya, iniiwasan niya na ako. At ngayong wala na kami ni Jayden, saka niya kami
ginulo ulit. And you know what's worst? TOTOONG MINAHAL KO SIYA!
Nagsakripisyo ako para saming dalawa... Dahil umasa akong mahal niya rin ako. Ito
ang napala ko? Hindi ko kayang isipin. Hindi ko lubos maisip kung paano ko siya
nahalikan noon. Magaling talaga siya. Magaling siya sa pagpapanggap. Magaling na
magaling na kahit ang wais na si Trisha ay naloko niya.
"Kanina! Bago siya nagpunta sa school! He bragged about you being such a good
kisser!"
Nagpalpitate ang kilay ko habang dinidinig ang kagaguhang ginawa ko. Ginawa namin.
Ginawa namin ng hampas lupang si Troy.
Hindi ito totoo. Mali yung narinig ko. Bakat gagawin ni Troy sakin iyon? Diba mahal
niya naman ako? Pero konting-konti na lang ang naniniwala dun. Puso ko na lang ang
naniniwala sa 'mahal' na iyon. Tumaas na yata ang dugo ko sa sobrang galit.
"I haven't even kissed you that way, Trisha! At ako ang boyfriend mo sa mga oras na
iyon!" Mas naaninaw ko ang namuong mga luha sa mga mata niya.
"I-I'm sorry, Jayden..." Sinubukan kong pigilan ang pag nginig ng boses ko pero
hindi ko magawa sa sobrang galit na naramdaman ko.
"You should be... Because he's a jerk. A playboy. Ginamit ka lang niya para
makaganti sakin. I hope you've seen his face."
Maaring ganun din. Galit si Troy kay Jayden kaya pwedeng isa yun sa mga rason.
Hitting two birds in one stone, Troy? Si Jayden at ako... Si Jayden at ako ang
hinulog mo sa bitag!
"S-Sigurado ka bang si Troy yung nagsabi?" Sinabi niya bang mahal niya ako?
Naninikip na ng sobra-sobra ang dibdib ko. Maaring dahil alam ko na ang sagot sa
tanong na di ko binanggit.
"One more thing, Jayden... What exactly did he say?" Tanong ko.
"He told me that you cheated on me... with him. Na hindi naman talaga ako ang mahal
mo kundi siya. Na tinulungan ka lang niya para maakit ako. At inakit ka niya...
Kaya sinuntok ko siya. That demon laughed... At sinuntok niya rin ako. I can't
believe you cheated on me with that kind of guy! With Troy? Seriously? Akala ko ba
alam mo kung paano siya mag handle ng mga babae! He's a freaking playboy. He can
manipulate you! At nagtagumpay siya!" Pumikit si Jayden at umiling. "I can't even
believe you really cheated on me, Trisha."
"I'm sorry, Jayden. It was a mistake... He's a mistake... I regret it so... much!"
Tinanggal ko yung scarf kong kanina pa nangangati sa leeg ko. Sa sobrang galit ko,
nagawa kong iwan si Jayden nang walang pasubali. Hindi ko siya nilingon. Diretso
lang ang tingin ko... Humanda ka, Troy Ezekiel S. Salazar.
Kinuha ko ang cellphone ko at tinawagan si Emma.
"Hello, Tri-"
"Hello, Em. Nasan ka? Do you have time? Can you please find Troy for me?" Sabi ko.
"Nandito siya sa cafeteria. Classmate kami sa isang minor. Nagbreak muna kami. Alam
mo na, three hours yung-"
Kabanata 35
Kabanata 35
Nabasag Na Salamin
Lumabas ako sa taxi nang nanginginig sa galit. Maraming estudyante ang nakatingin
sakin... Siguro ay nagtataka kung bakit ganito ang soot ko. Ang iba sa kanila,
hindi pamilyar sa internship uniform ng Le Marcelle. May ibang tumawag sakin - mga
classmate ko noon.
Liliko na sana ako nang nakita kong naka park sa gitna ng parking lot ang sasakyan
ni Troy.
Nagdilim ang paningin ko. Sobrang dilim, halos wala na akong makita.
'I hate you so much. Sana umalis ka na sa buhay ko. Pinagsisihan ko ang araw na
nakilala pa kita.'
Buong lakas kong tinapon ang bato sa salamin ng driver's seat. Tumunog agad ang
alarm. Yumuko ako at tumakbo palayo sa sasakyang wasak ang salamin. Tanging Troy!
Agad nagpuntahan sa sasakyan niya ang mga tao. Ineksamin nila ito at
pinagkaguluhan. Nagsipuntahan halos lahat ng estudyante doon. Inayos ko ang sarili
ko.
"I feel much better." Sabi ko sa sarili ko kahit na masakit ang puso ko.
Syempre... sa lahat ng nagawa niya... sa galit ko... hindi ko parin matangging may
feelings pa ako sa kanya. Ang sasakyan niyang iyon ang nagdadala sakin sa mga lugar
na siya lang ang kasama ko. Parang panaginip ang lahat. Yung mga gabing magkasama
kami, mga bituin sa langit, mga mata niya, ngiti niya, ang Troy na kilala ko...
panaginip. Hindi... Bangungot. Bangungot na iyon sa ngayon.
Nilagpasan ko ang mga taong nagsipuntahan sa sasakyan niya. Iniwasan ko rin ang mga
shortcut.
Sinubukan kong ngumiti. Magaan sa mukha ang pagngiti ko ngayon pero mabigat sa
dibdib. Di bale na. Nasaktan niya na ako, hindi pwedeng makita niyang mahal ko
parin siya sa ginawa niya sakin.
Tumatawag si Emma!
"Trish? Nasan ka na? Yung gwapong pinapabantayan mo sakin wala na dito. Umalis.
Dinumog yun ng mga tao. Hindi ko alam bakit."
Oo nga. Weird para sa kanya dahil wala namang nakakaalam na magkaibigan kami ni
Troy. Kahit sina Emma, walang alam.
"Wala. Basta. Sasabihin ko na lang sayo..." Pinutol ko ang linya.
Ilang sandali pa bago ako nakarating sa cafeteria. Nang nakarating ako, naririnig
ko na ang usap-usapan ng mga tao sa tabi-tabi...
Napangisi pa ako lalo sa mga narinig ko. DEATH THREAT! Oo! Tama yang sinasabi niyo.
Death threat nga iyon.
Umupo ako sa harapan nila... sa tabi ni Beatrice. Pinasadahan nila ako ng tingin at
sinimangutan.
"Wa'g ka ngang mag bulakbol." Sabi ni Emma. "Bakit ka ba... andi..." Hindi niya
matapos ang sinasabi niya dahil nakanganga na siya habang nakatingin sa likuran ko.
Tinignan ko si Earl at Camille sa harap ko. Ganun din ang reaksyon nila. At ganun
din ang mga estudyante sa harapan ko. Kahit yung mga nagbubulung-bulungan ay
nakatingin sa likuran ko.
"WHAT THE FVCK, TRISHA RONCESVALLES?" Umalingawngaw ang sigaw ni Troy sa buong
cafeteria.
Tama si Troy. Dalawa lang ang tanging dahilan ng pagiging kabado ng isang tao.
Either fear or excitement. Pero sa ngayon, excitement lang talaga ang nafi-feel ko.
Excited akong makaharap ang galit niyang mukha... Gaganti ako. Para kay Jayden.
Para sa sarili ko. At para sa lahat ng pag asang binigay niya sakin.
Hinarap ko siya. Laglag talaga ang panga ng buong sambayanan. Nakita ko pang
naiiyak yung mga alipores niya sa likuran. Kahit nakikipag away na sakin, mukha
paring beehive si Troy. Maraming bubyog ang nakaaligid.
Nakita kong inawat ni Nash at Theo si Troy pero itinulak lang sila ni Troy.
Matagal nakabawi ang mukha niya. Agad ko nakita ang bakat ng mga kamay ko sa
kaliwang pisngi niya. Pula. At may dumudugo pa sa ilalim ng mga mata niya. Useful
din pala ang kuko na namanicure... matulis.
Nailabas ko ang galit ko. Oo. Nagtransform iyon sa sampal pero agad akong nahabag
nang nakita kong napa-half open ang bibig niya at nakatagilid parin ang mukha dahil
sa sampal ko. Umapaw ang dugo sa ilalim ng mga mata niya.
OH MY GOD! But I need to be firm! That's what you get, Troy! My sweetest b1tchslap
for you!
Maraming lumapit sakin. Sinugod ako ng mga tao. Ng mga babae... Kinalmot ako sa
braso at hinila ang buhok ko.
Pero imbes na hayaan ako ni Troy, hinila niya ang kamay ko. Pumiglas ako sa hila
niya. Pero ibang klase talaga pag fullforce niyang ginawa ang isang bagay, hindi
sakin ang choice, dahil hindi ko magawang kumawala sa kamay niya.
Pinagtulakan ni Troy ay mga taong hinihila parin ang buhok ko. Ikinulong niya ako
sa braso niya. I can't think straight anymore.
Naiiyak na ako. I WILL NOT CRY - eto na lang ang inisip ko nang pabalik-balik.
Binalewala ko lahat ng tao sa paligid. Si Troy ang kaharap ko. Siya lang. Siya lang
ang iisipin ko.
Hindi niya man lang pinunasan yung dugong tumulo galing dun sa ilalim ng mga mata
niya.
Naglakad ako patungo sa kanya. Hindi siya umatras. Hinintay niya lang akong
makalapit sa kanya. Seryoso ang mukha niya at diretso ang tingin niya sa mga mata
ko.
"Oo." Buong tapang niyang sinabi yun. Parang pinangalandakan niya talaga sakin.
Hindi na ako makapagtimpi sa mga luha ko. Kasi alam niyo? Umasa akong itatanggi
niya ito. Umasa akong si Jayden ang nagsisinungaling!
Sinampal ko ulit siya sa kabilang pisngi. Hindi na ganun ka grabe dahil wala na
akong lakas. I am so disappointed. I HATE HIM SO MUCH!
Nagalit si Troy at hinawakan niya ang magkabilang braso ko para di na ulit ako
makasampal pa. Pumiglas ako. Hindi ko kayang di siya nililigo ng sampal!
"I am not an option, Trisha!" Sinigawan niya ako. "Kung mahal mo ako, ako lang
dapat! Mahal kita, ikaw lang mag isa! Pagod na akong makihati! Ilang beses kang
nangako na pipiliin mo ako! Pero nakakafrustrate ka na! Hindi ko na kaya dahil alam
kong ikaw lang talaga ang gusto ko... at hindi lang ako ang gusto mo!"
OH MY GOD!
"Sinungaling! Ginamit mo lang ako kasi galit ka kay Jayden! Hindi ko alam kung ano
ang problema niyo, Troy pero nakakagag0 ka! Napakawalang hiya mo! Ang sama-sama
mong tao! Paano mo nagawa iyon? Problema namin 'to kaya dapat hinayaan mo na lang
kaming dalawa! Nahihirapan na siya, bakit kailangan mo pang dagdagan ang paghihirap
niya?!"
"Ano, Trisha? Ako pwedeng maghirap? Okay lang? Kasi secret naman ako... Wala namang
nakakaalam sa paghihirap ko kasi wala namang nakakaalam sakin. Kasi..." Napalunok
siya. "Kabit lang ako?" Nabasag ang boses niya.
"Hindi ako naniniwala sayo. Ang sabihin mo, bored ka lang sa life mo kaya
pinaglaruan mo kaming dalawa. Galit ka sakin dahil hawak kita sa leeg... galit ka
kay Jayden... k-kasi..." Hindi ko alam.
Natahimik ako sa sinabi niya. Bakit niya pinagpipilitan na talagang mahal niya ako?
Na totoo yung mga sinabi niya? Talaga bang ganun siya kasama? Kaya niyang isiwalat
kay Jayden ang mga hindi dapat para lang makuha ang gusto niya?
"Yeah right! I'm just a nobody for you! Damn, Trisha! Kung totoong mahal mo ako
aaminin mo yun ng harapan ni Jayden hindi yung nagsisinungaling ka. For what?
Umaasa ka bang balikan ka niya kung hindi tayo mag work? Kaya ganun?!"
"Hindi mo ako mahal! Sinungaling! Kung mahal mo ako, hindi mo yun magagawa sakin."
Natigilan siya. Nanlaki ang mga mata niya at mukhang nag alab pa lalo ang galit
niya sakin. Ngayon ko lang siya nakitang ganito ka galit!
May isang upuan pa siyang sinipa. Naputol yung dalawang paa ng upuan dahil sa sipa
niya. Humarap siya sakin. Basa na ang mga mata niya nang humarap siya sakin.
"Ano ako? Casualty lang sa gyera niyo ni Jayden? Damay lang? Trisha? I cannot
believe I'm in love with a girl like you!"
Narinig ko ang mga komento ng mga tao... mga pagsinghap... mga bulungan... mga
iyak... lahat. Pero natahimik sila nang nilapitan ako ni Troy.
Napalunok ako at napaatras. Galit na galit talaga siya... Nanginginig ako sa takot
dahil kitang-kita sa mga mata niya ang galit. Pakiramdam ko, guguho na ang mundo
ko.
"Sabi mo hihiwalayan mo na siya? Wa'g kang paasa! Umasa ako! Pero ano? Kayo parin,
diba? Kaya sinabi ko sa kanya ang lahat... Kung hindi mo masabi, ako kaya kong
sabihin. Kung hindi mo maamin sa lahat ng tao na mahal mo ako... ako kaya ko.
Ngayon sabihin mo sakin sino ang nagsisinungaling satin! SABIHIN MO SAKIN SINO ANG
NANGGAGAMIT DITO? SABIHIN MO SAKIN KUNG SINO ANG PINAIKOT!? SABIHIN MO SAKIN KUNG
SINO ANG NALOKO?"
"Damn!" Pinunasan niya ang isang luhang nakawala sa mga mata niya.
Pinipiga na ang puso ko. Manhid na ang buong katawan ko. Manhid na ang buong
sistema ko. Ako ba ang nagkamali? All this time, akala ko siya ang may maling
desisyon sa pagsabi kay Jayden nun... Mali talaga siya kahit saan ko tignan! Paano
niya nagawang i-video kaming dalawa? Pero bakit bumibigay ako? Bakit parang okay
lang... wa'g lang siyang mawala... Wa'g lang siyang makitang ganito... Bakit okay
lang na masama siya... na mali yung ginawa niya? Nagkamali ba ako?!
"This isn't healthy anymore... I can't lose myself just because I found you...
You're not worth it."
"Wipe you're own tears, cuz this time, I'm really quiting on you." Sabi niya nang
nakatalikod.
Kabanata 36
Kabanata 36
Mga Hinala Ko
Tulala ako nang sinamahan ako nina Emma, Earl, Beatrice, at Camille palabas ng
school.
"Saan tayo?" Tanong ni Emma kay Beatrice at Camille na parehong nagkibit balikat.
Nasa front seat si Emma, si Earl naman ang nag di-drive. Nasa magkabilang-gilid ko
si Beatrice at Camille.
Lumunok ako, "Hindi muna. Uhm... Ihatid niyo na lang sana ako sa isang mall or
something. Hindi ko pa kayang umuwi."
Tulala parin ako. Gusto kong umiyak dahil masyado nang masakit at masikip ang
dibdib ko pero wala ng luhang lumalabas. Pagod na ang mga mata kong umiyak.
"Ano ako? Casualty lang sa gyera niyo ni Jayden? Damay lang? Trisha? I cannot
believe I'm in love with a girl like you!"
"This isn't healthy anymore... I can't lose myself just because I found you...
You're not worth it."
"Wipe you're own tears, cuz this time, I'm really quiting on you."
Nag oorder pa si Earl ng pagkain namin. Silang mga babae lang ang kaharap ko.
Pareho silang mukhang curious at naaawa sakin.
I need them, so much! Naiyak ako. Naiyak ako hindi dahil frustrated na ako sa
nangyayari, kundi dahil hindi ako makapaniwalang nasamahan nila ako ngayon dito.
Wala na akong masasandalan.
"Sorry kung ngayon lang ako makakapagkwento..." Pinunasan ni Emma ang mga luha ko.
Maasim ang mukha niya habang tinitignan ako. Para bang nasasaktan siya para sakin
kahit hindi niya pa naman talaga alam kung anong nangyari.
Dumating si Earl dala ang mga pagkain. Sinabi ko sa kanila ang lahat ng nangyari.
LAHAT-LAHAT. Sa pagkakaibigan namin ni Troy... sa pagtuturo niya sakin paano ko
maaakit si Jayden... nang naging kami ni Jayden... nang nagsimula akong magkagusto
kay Troy at nang niyaya niya akong mag cheat kay Jayden... nung nainip na siya...
nung sinubukan kong makipagbreak. LAHAT. Panghuli ay yung video naming dalawa.
Hindi na ako naiyak. Sa aming lima, si Earl lang yata ang may ganang pumapak ng
fries. Ni isa sa kanila, walang kinain.
"No... He deserved it! Paano ka maaawa sa kanya? Who in their right mind would tape
something like that? Kung mahal niya si Trisha, di niya yun magagawa." Untag ni
Camille.
"No... Troy is a playboy. Spoiled brat. Cam, he's used to having everything he
likes... Trisha is no exception. Ganun ang paningin niya."
"This is a lesson for him. Hindi lahat ng gusto niya ay makukuha niya. Lalo na si
Trisha." Ani Beatrice.
"Si Jayden ang totoong kawawa dito." Singit ni Earl. "He's the boyfriend. Nag cheat
yung girlfriend niya." Sumulyap siya sakin. "Sorry, Trisha, pero tingin ko mali
yung ginawa mo. When you get into a relationship, you need to commit. Kahit may mas
gwapo, mas malandi, mas kahit ano diyan, tatanggi ka sa nararamdaman mo. It's a
decision not a feeling. Totoong ma fifeel mo yun, pero desisyon mo ang pakiramdaman
yun araw-araw... Desisyon mo ang mag stay. Hindi option ang kumabit sa kahit anong
relasyon."
Napainom ako ng coke float sa sinabi niya. Sinapak siya ni Emma.
"Huy! Oo na! May mali silang lahat... Well..." Umubo siya at sumulyap sakin.
"Ganito. May kasalanan kayong lahat. First of all, si Jayden... Si Jayden, walang
kamalay-malay sa mga inner turmoils mo, Trish. Kaya akala niya mahal mo siya tulad
ng pagmamahal niya sayo. I don't blame you kung sinagot mo siya. Napikot ka kasi
harap iyon ng pamilya niya."
"And then, I won't blame Troy for falling in love na huli na ang lahat. Hindi mo
naman talaga malalaman kung kailan ka maiinlove, diba? Kung gaano siya ka naughty
tignan, ganun din pala ang ugali niya. Tinempt ka niya. And that's probably his
nature... and his only way. He's probably desperate. At may point si Beatrice...
Hindi siya sanay na hindi kanya yung gusto niya. Now... the last choice is yours,
Trisha. Kung kakagat ka sa kanya o hindi... at kumagat ka."
Nahihilo na ako. Masaya ako kasi nag open up ako sa kanila. Mas naliliwanagan ako.
"So there... Temptation siya, at kumagat ka. Iyan ang puno't dulo. Kung nasasaktan
man si Troy ngayon, kasalanan niya rin yan kasi sumugal siya kahit alam niyang may
iba ka... At kung nasasaktan ka ngayon, kasalanan mo yan kasi kumagat ka kahit
mahirap ang sitwasyon ninyong dalawa."
"Si Jayden ang biktima dito." Singit naman ni Earl. "You should say sorry-"
"No way!" Sabi ni Beatrice. "Pag magsosorry si Trisha, ibig sabihin sorry kasi
mahal niya si Troy!"
Umirap si Camille, "I agree with Earl. Sorry lang naman kasi she cheated on him."
"Lie low ka muna, Trish. Ang gulo!" Untag ni Emma. "Pero di biro yung ginawa ni
Troy, ah? Umamin siya sa harap ng tao."
"But he gave up." Dagdag ni Camille. "Wa'g mo siyang habulin, Trish! He made a
video! Unethical! Hindi justifiable. So wrong!"
Habang tumatagal ako sa pag iisip ng mga sinabi nila, narealize kong mas lalong
humirap ang problema ko. Mas dumami ang options.
Nanggalaiti pa ang iba dahil sa ginawa ko. Naligo ng hatemails ang Facebook account
ko. Dalawang araw. Pero sa ikatlong araw ng confrontation namin ni Troy, nawala ng
parang bula ang mga post nila.
May gumawa pa ng page na nakalaan sa mga bashers ko. Ayoko ng bumalik sa school.
Pero lahat ng iyon ay nawala sa internet...
Inisip ko ang lahat. Tinimbang ko ang lahat. Ayoko na. Tama na. Mas mabuting wala
akong piliin kahit masakit.
Hindi na ako tinitignan man lang ni Jayden. Wala siyang bukambibig kundi trabaho.
Hindi na rin ako naglakas loob na magsorry. Pahuhupain ko sana.
"Yang ingratang iyan! Naglalandi kay Jayden! Susmaryosep!" Umirap siya. "Ay...
sorry? Bitter ka pa ba sa break up niyo?" Humalakhak siya at umirap sakin.
Umiling na lang ako. Ayokong patulan. "Bakit? May hiring pala dito?"
"Ewan ko. Hindi ko alam. Basta alam ko lang naikama yan ni Sir Troy noon."
Nagflashback sakin lahat ng nangyari nung una ko nakilala si Jane. Ayaw niyang sa
suite ni Troy siya maglinis. Kasi may kasama si Troy noon... at maingay silang
dalawa! Obviously, may ginagawang milagro.
"Last week? Are you kidding me? Wala na nga si Sir Troy last week." Umirap na naman
ang masungit na si Eliz.
"Umalis! Pumunta daw yatang Monaco? Hindi ko alam baket basta ganun."
"Kelan niya nga ba... uhm... naikama si... Jane?" Nanikip ang dibdib ko.
"Nagseryoso na siguro yun. Baka nga kasama niya yung girlfriend niya sa Monaco eh.
Baka magpakasal na sila dun." Tumawa si Eliz.
Hindi ako makatulog sa araw na iyon. Masyado akong maraming iniisip. Kaya naisip
kong i-view yung cd na ipinamukha sakin ni Jayden.
Sino kaya ang nagvideo nito? Binayaran ba ito ni Troy? Pero kung sinadya ito ni
Troy, bakit hindi navideohan nung taga video ang kissing scene namin sa loob ng
suite niya. Hanggang doon lang siya sa labas. Hindi siya lumapit sa kwarto. Isang
minuto lang yung video. Pero pag natapos mo, lalo na sa part kung saan sinarado na
ang pinto, parang may nangyari talaga sa loob.
Kung sinadya 'to ni Troy, bakit di nasali ang nangyari sa loob? Siguro dahil sapat
na yung sa labas? Sino ang nagvideo nito?
Marami akong gustong itanong sa kanya. Ilang interns at mga taga Le Marcelle na ang
tinanong ko tungkol sa rason ng pagkakasibak ni Jane sa trabaho. Gusto kong
malaman... Dahil may duda ako kung bakit. Hindi ko nga lang alam kung anong gagawin
ko kung totoo ang mga hinala ko.
What is the truth? And will it set me free? Will it ease my frustrations?
Kabanata 37
Kabanata 37
Napaghahalataan na rin ng mga katrabaho ko. Syempre, tinanong nila ako, sinasabi ko
ang totoo: na wala na kami.
Tatlong linggo na ang nakalipas nang nangyari yun sa school. Mabuti na rin siguro
at umalis si Troy para di na mas magkagulo. Pero damn! Hindi ko talaga maiwasang
isipin siya minsan. At pag iniisip ko siya, nafu-frustrate ako, naiinis, naiiyak,
naninikip ang dibdib.
Binibisita din ako nina Emma dito sa Le Marcelle. Simula nung nangyari yun sa
school, mas naging concerned na sila sa kalagayan ko. Ngingitian ko na lang sila.
I'm not good for him. Ako ang may kasalanan dito. PInaglaruan ko silang dalawa. Ako
ang dapat parusahan. Totoong baguhan pa lang ako sa pag-ibig pero dapat alam ko
kung ano ang pinasok ko bago pa ako pumasok.
Tama talaga sina Emma sa sinabi nila... Ako ang puno't-dulo dito. Baguhan din si
Troy sa pag-ibig, nag offer lang siya sakin dahil mahal niya ako, ako yung mahina,
ako yung kumagat. Ako ang may kasalanan. Kaya ako din ang mag-aayos nito.
Balang araw, magkakaayos din kami ni Jayden...
Pero nagdaan ang mga araw, ayoko mang isipin, pero may puwang sa puso kong hindi
kayang punan ng trabaho, ng kaibigan, o kahit ano... MAy pangungulila akong
naramdaman. This is the first time I felt this way.
Naiiyak ako pero alam kong hindi pwede. I need to stay strong and firm... Maybe...
maybe I should let it all go. Pero hindi iyon ganun ka dali. Madaling sabihin pero
mahirap gawin. Madaling sabihin kung ikaw ang nanonood sa akin, mahirap kung ikaw
ang nasa sitwasyon ko. Ito pala yung mga sinasabi nila. Heartaches.
"Pwede bang mahiram yung keys ng room na nasa dulo?" Tanong ko sa kapalit ni Jane.
"Kasi may nawala ako doon sa loob nung last time akong naglinis riyan."
Mabuti rin at di niya alam na ilang buwan na ang nakalipas nung naglinis ako sa
suite ni Troy. Binigay niya agad sakin.
"Oo-"
Napalunok ako.
"Oo."
Iniwan ko na lang siya. My gusto siya kay Jayden kaya tinatarayan niya ako. Ganun
din si Eliz sakin. Maraming may gusto kay Jayden... pero bakit sa dami, napunta pa
siya sakin? Sakin na walang ginawa kundi pagtaksilan siya?
Sa lahat ng nagawa niya sakin, sa video, sa mga sinabi niya kay Jayden, tumitibok
parin ang puso ko sa kanya.
Pumasok ako ng kwarto. Nakita ko agad ang nakalapag niyang cellphone sa tabi ng
mesa.
Nanikip ang dibdib ko. Siya yung nagpawala sa mga bashers ko?
"No. Lalayo ako. I can't hold on anymore." - Eto ang naunang message ni Troy.
Hindi ko na namalayang umiiyak na pala ako. Lalo na nung nabasa ko na ang ibang
mensahe niya.
Alam kong hindi siya usually ganito. Nakilala ko siya as someone na walang drama sa
katawan. Hindi niya kilala ang pag-ibig. Paano ko ba siya biglang napagbago? Paano
siya na in love sakin? Ang sama ko namang tao! Niloko ko siya sa sextape na yun! My
God!
Hanggang sa bigla kong nakita ang isang mensahe galing kay Jane:
Troy, please, sorry. Hindi ko naman yun sinasadya. Wa'g mo naman akong sisantehin.
Akala mo natatakot akong ikalat mo iyon? I would rather have my heart broken over
and over again. Sorry but I'm not the one night stand Troy anymore.
Napalunok ako.
Nagulo pa lalo ang isip ko. Anong ikakalat ni Jane? At bakit ang kapalit nito ay
ang broken heart ni Troy. Natulala ako. Wala ng ibang mensahe doon.
Mag gi-give up na sana ako nang bigla kong nakita ang mga keys sa table. Keys ito
dito sa suite niya. Yung kanya talaga. Marami itong kasamang keys...
May isang may key jacket. May nakalagay doon na, CCTV room.
"OH MY GOD! Ang bobo ko! Bakit ngayon ko lang naisip yung mga CCTV ng Le Marcelle?"
Agad akong pumunta sa CCTV Room. Hindi ko na kinailangan ang keys kasi may tao sa
loob.
"Kuya, pwedeng pa view ng mga navideohan sa CCTV mo? Yung last last month yata?"
"Hindi pwede, miss..." Kumunot ang noo niya. "Confidential-"
"Kuya! Please!"
Trenta minutos ko siyang kinumbinsi na ipatingin sakin iyon. Ayaw niya parin.
Naiiyak na ako...
"Please, kuya, kuya, kailangan ko talaga." Nabasag ang boses ko. "Nagmamakaawa
ako."
Hindi ako makapaniwala nang pinaupo niya ako at hinayaang mag scan sa mga videos
for the last six months. Madali kong nakita yung video na lasing si Troy.
Syempre, itinago ko kay kuya yung screen. Pinagalitan nga ako pero hinayaan niya
rin naman ako dahil busy siya sa pagmamasid sa mga grounds ng Le Marcelle.
Nanlaki ang mga mata ko nang nakita ko si Jane sa gilid na nagvi-video samin.
Kahit na morning shift siya, nagawa niyang pumunta doon ng madaling araw para
videohan kami. Hindi kaya stalker siya ni Troy? OH MY GOD! Niyaya niya ba si Troy
ng one night stand kapalit ng pananahimik ng video na iyon?
OH MY GOD!
Sinuyod ko ang buong videos. Nalipasan na ako ng gutom hanggang sa nakita ko yung
video sa parking lot. Sa araw kung kailan ako kinumpronta ni Jayden.
"Troy, mag usap tayo..." Nilakasan ko pa yung volume.
"May kailangan lang po akong malaman. Please lang po. Kailangan ko po talaga-"
"O siya siya! Lakasan mo yung volume nang marinig mong mabuti. Masesesante naman
ako nito dahil sayo. Basta wag mong kopyahin yan at wag kang magsasalita tungkol
dito."
"Don't play dumb! You know what this is!" Sigaw ni Jayden.
"Wala! Kita mo naman diba? Kaya nga hanggang ngayon, kayo parin kasi wala lang
kami-" Nasuntok na siya ni Jayden bago pa siya matapos magsalita. "WHAT THE FVCK,
Jayden? What do you want me to say? Na inakit ko siya? Na mahal niya ako? Na niloko
ka niya? Or you want me to assure you that she loves you? Na ikaw lang mahal niya?
Na ikaw lang ang gusto niya? You know what?" Tumawa si Troy. Umalingawngaw ang tawa
niya sa buong parking lot. "I won't do that. Kung yun ang totoo, kung ikaw nga ang
mahal niya sating dalawa, hindi ko yun sasabihin sayo para pampalubag ng loob mo-"
"You prick! Immature brat! Walang hiya ka! Inagaw mo siya sakin!!! Imoral kayong
dalawa!"
"Don't call her that! Fvck you, Jayden. Tinulungan ko pa naman siyang makuha ang
loob mo tapos ngayon kaya mo siyang tawaging ganyan? Yes! Inakit ko siya! Pero
damnit minahal ko ang girlfriend mo!"
This is the biggest damn mistake!
Kabanata 38
Kabanata 38
Windang ako sa lahat ng nalaman ko. Inalala ko yung mga sinabi ni Jayden nung
kinumpronta niya ako.
Si Troy ang nagsabi na may namamagitan saming dalawa. Pero hindi niya sinabing si
Troy ang nagbigay ng CD.
Ang tanga ko! Marami akong naging padalos-dalos na desisyon pero ito na yata ang
pinakagrabe. Sinaktan ko ang taong mahal ko dahil sa maling akala. Sinaktan ko siya
dahil wala akong tiwala sa pagmamahal niya. Sinaktan ko siya dahil puro sarili ko
na lang ang iniisip ko. This time... gusto kong magbago. Gusto kong ako naman ang
magsakripisyo para sa kanya...
Naiiyak ako kahit alam kong walang magagawa ang luha ko. Simula pa lang sarili ko
lang ang iniisip ko eh. Nung nilapitan ko siya at binlackmail tungkol sa sextape
niyang walang katotohanan, sarili ko lang inisip ko.
"Jayden..." Sa wakas ay nagkaroon ako ng lakas ng loob para tawagin ang pangalan
niya
Hindi ako bitter sa nangyari. Gusto ko lang ng clean slate. Gusto ko magsimula
ulit. Hindi samin ni Jayden, hindi samin ni Troy kundi sa sarili ko.
Liningon niya ako. Napaawang ang bibig niya habang tinignan ako. Ito ang kauna-
unahang pagkakataong tinignan niya ulit ako ng ganito ka tagal.
Yumuko na lang ako. May ibang nakatingin samin dalawa. Syempre, issue din dito na
hindi na kami nag uusap.
"Sorry kasi nasaktan kita. Sorry sa ginawa ko. I've been so selfish."
Nanlaki ang mga mata niya, "Hindi madali, Trisha. Yung ginawa mo..."
Nararapat lang na tawagin niya akong imoral kasi totoong nagpaka imoral ako. Simula
palang ako na ang may kasalanan. Gusto kong itama ang lahat at isa ito sa una kong
gagawin.
"I'm really sorry." Umiling na lang ako. "Sana one day, mapatawad mo ako. I care
for you. I care for your feelings-"
Napalunok ulit ako, "Oo. Guilty ako kasi inibig ko siya habang tayo pa. Hindi ko
napigilan ang sarili ko. I'm immature. But I'm trying to be mature right now. Kaya
ako humihingi ng tawad. I'm not expecting you to accept me as a friend with arms
wide open right now... I just want to say sorry. Sana lang maging okay tayo."
"It's not that simple, Trisha. You've hurt me too much. Pinagtaksilan mo ako. Ni
hindi mo sinabi sakin na may namamagitan sa inyo ni Troy noong iniwan mo ako."
Liningon ko ang view ng Le Marcelle. Ang front desk, ang pulang carpet, ang
chandelier, si Sunny - ang regular sa front desk, ang restaurant na maraming
foreigners, ang elevator, ang stairs, ang lahat...
He's still the same Jayden. Gwapo parin, chinito, clean cut ang buhok, naka fold
ang sleeves hanggang forearm, naka dark slacks, black shoes... Safe. He looks like
home. Feels like home. Parang pakiramdam pag nasa bahay ka na sa gitna ng matinding
bagyo. Safe ka sa kanya. Pero hindi eh... hindi siya ang mahal ko. Mahal ko ang
mata ng bagyo. Ayokong umuwi sa bahay... Gusto kong nasa gitna ako ng bagyo... At
si Troy ang mata ng bagyo. Puro pasakit at komplikado ang sitwasyon naming dalawa
pero willing akong maghirap para lang sa kanya.
Pero hindi ako sigurado kung babalik pa iyon dito. At kung babalik man siya, di ako
sigurado kung hahayaan ko na lang ang tadhana saming dalawa o gagawa ako ng paraan
para mapatawad niya ako.
Hiningal ako nang nakaharap ko na siya. Gusto kong maglahad ng kamay pero di ko na
ginawa.
"Jayden, I just want to say thank you for everything." Hinabol ko ang hininga ko.
"Salamat sa lahat ng naituro mo sakin. At sorry talaga sa nangyari s-satin. Sana
maging masaya ka..."
Hindi ko na siya hinintay na magsalita. Tinalikuran ko siya. Pero bago ako tuluyang
maglakad palayo, hinawakan niya ang braso ko.
Napalunok ako at umiling, "Hindi. Nagsisi ako kasi ginawa ko iyon ng tayo pa... I'm
really sorry." Yumuko ako.
Nakatingin lang ako sa labas, sa mga kotseng dumadaan, sa mga taong naglalakad...
Binatukan siya ni Emma. Pabiro pa silang nagtalo pero nang tinignan nila ako
seryoso na silang pareho.
"Hindi. Hihingi lang ako ng tawad. I don't think I deserve him..." Nanikip ang
dibdib ko. "Marami siyang nagawa para sakin. Hindi makatarungan kung tatanggapin
niya pa ako pagkatapos ng lahat-lahat-"
"WHAT? You'll just give up?" Suminghap si Beatrice. "Trisha naman! Obviously,
umalis siya dahil mahal ka pa niya-"
Nasaktan ako sa sinabi niya. Napalingon ako sa kanya. Inirapan niya naman ako.
"I'm not being selfish here... okay? Kaya ko nga siya lalayuan dahil alam kong
nakakasama ako sa kanya-"
"NO! Lalayuan mo siya kasi tingin mo hindi ka na niya mahal dahil sinabi niya sa
video na yun na, 'minahal' ka niya! Yun yun! Ayaw ng ego mong masaktan kaya di mo
siya ipu-pursue!"
"Effort mo, Trisha." Singit ni Camille. "Hindi ko nagustuhan ang ginawa niyo ni
Troy kay Jayden, pero tingin ko tama si Beatrice. Alam kong you are trying to be
mature through leaving him alone. Pero at least sabihin mo ang totoong nararamdaman
mo sa kanya... At least mag effort ka. Si Troy lang ba laging mag eeffort dito?
Dapat ikaw rin. Give and take, Trisha. Isang buwan ng tahimik ang buhay mo. Isang
buwan ka ng nag iisip at nag lie low. Ganun din si Troy. Sana this time, ikaw naman
magbigay."
Ni hindi ko nga alam kung uuwi pa ba siya. Anong ginagawa niya sa Monaco.
Nasa kanya pala itong iPad ko. Kinuha niya siguro kanina. Tinignan naming lahat.
Seryoso ang mukha ni Troy. Seryosong seryoso lalo na ang mga mata niya. Parang
tagos sa puso niyang tinignan ang nag pi-picture sa kanya. At kahit picture na lang
ito, tagos parin ang titig niya. Yung buhok niya, as usual, astroboy parin ang
hairstyle niya. Naka itim na leather jacket siya. Mukha siyang action star na
nakahalukipkip at tumititig sa camera. Sa likod niya ay ang skyline ng Monaco. May
malalaking buildings at sa likod nila ay malawak na dagat ang makikita mo.
"Ang caption ng picture na ito ay, 'The best picture of me is a picture with you'.
Maraming comments sa ibaba nito pero alam naman siguro nag sambayanan kung sino ang
tinutukoy niya diba? Kaya di na natin kailangang basahin ang comments." Sabi ni
Emma.
Nanikip lalo ang dibdib ko. Gulung-gulo na ako. I really don't deserve him... Mahal
ko siya pero nasaktan ko siya ng sobra. Parang gusto ko na lang parusahan ang
sarili ko. Pero at the same time gusto ko rin siyang makasama.
"Uuwi siya... Sunday ng semestral break. Bago mag simula ang first day of school
for the 2nd semester, Trisha. Anong gagawin mo?"
Di bale na pag ayaw niya na sakin? Di bale na pag may iba na siyang gusto?
Ngayon pa lang, kabado na ako sa pag uwi niya. Two things, Trisha... Excitement or
fear... And this time, pareho ko na naman silang nararamdaman. Sabay.
"Bakit?" Tanong ni Beatrice na ngayon ay mukhang okay na. Hindi na high blood.
"Naalala mo yung Trojan Horse na pumasok sa ancient City of Troy? Kahit grabe yung
walls ng Troy, natalo parin sila dahil pumasok ang Trojan Horse. Parang puso lang
ni Trisha..." Sumulyap siya sakin. "Kahit may ibang mahal siya, kahit mahirap ng
matibag yung walls ng puso niya, nakapasok parin si Troy sa puso niya."
Nagkibit-balikat na lang si Beatrice at Camille sa sinabi ni Emma. Ako naman,
napaisip. Ano ba talaga ang magiging desisyon ko?
Kabanata 39
Kabanata 39
Napatingala ako sa langit habang nagtatambay sa labas ng isang coffee shop ng isa
sa pinakamalaking mall sa Pilipinas. Pinili kong tumambay kami dito nina Emma,
Earl, Camille at Beatrice dahil malapit ito sa airport.
Nope! You're wrong kung iniisip niyong sasalubungin ko si Troy. Hindi. Kailangan ko
lang makita ang eroplanong sinasakyan niya. Dumadaan kasi dito lalo na ang mga
international flights.
"Oh I get it... Si Troy ba ang sakay nun?" Sabi ni Emma nang nakangisi.
Pero hindi rin nagtagal ang pagkikita namin. Puyat ako sa gabing iyon dahil hindi
na ako makapag antay mag bukas. First day of school. At para sa semester na ito,
wala akong internship na kinuha. Kukunin ko lahat ng behind minors at advance
majors ko. Flying colors nga ang internship ko sa Le Marcelle kaya siguradong
bebenta ako lalo sa mga hotels abroad pero pinili kong manatili.
Una ko ulit siyang nakita nung nasa cafeteria ako. Ang weird lang kasi dito din
kami huling nagkita.
Nag slow motion ang lahat. Para akong lumilipad sa kinatatayuan ko. May dala akong
tray kung saan nandoon ang heavy lunch ko. Hindi kasi ako nakakain ng almusal dahil
sa kaba ko. Ayan tuloy gutom na gutom ako ngayon.
As usual, may nakaaligid sa kanyang mga babaeng tuwang-tuwa sa kung anong joke na
sinasabi niya. Nagtama ang tingin nila nung morenang may dimples. Nakangisi silang
pareho habang papalapit na sakin. Hinaplos nung morena ang pisngi ni Troy. At
hinawakan naman ni Troy ang kamay na humahaplos sa pisngi niya.
Parang kaming tatlo lang. Unti-unti ko na lang naramdaman ang sakit sa dibdib ko.
Para itong unti-unting lumulubog. Ang bigat.
Pagkatapos ng maiksing moment na iyon ay agad nagtama ang mga mata namin ni Troy.
Nakangisi parin siya dahil sa nangyari. Naglalakad parin siya papunta sakin.
Mas lalong lumubog ang puso ko nang nakita kong hindi siya naapektuhan sa tinginan
namin. He just looked away. Nakangisi parin siya habang nakikipag high five sa
bawat taong dumaan.
Napatingin ako sa mga tao sa paligid. Nakita kong kanina pa pala sila nakatingin
sakin. At nang nakita kong nakatingin na sila sakin, saka sila bumitiw at nag
bulung-bulungan.
Napalunok ako.
Ibabaling ko na naman sana ang titig ko kay Troy nang biglang may pader na bumangga
sakin.
Tumilapon ang mga pagkain sa tray ko. Nak ng potek! Ang dami nung inorder ko.
Laslas na nga lang?! Sobrang haba ng pila dito tapos yung janitor lang pala ang
makikinabang?
Napa squat agad ako para pulutin yung Coke in can ko na okay pa. Pero naiiyak ako
habang tinitignan ang steak na kakainin na yata ng mga langgam.
"Sorry, miss."
"I mean, sorry Trisha." Aniya. "Uhm? Babayaran ko na lang yung mga pagkain. Sorry
talaga!" Alam kong di niya yun sinasadya.
Bakas sa mukha niya ang pagsisisi sa nangyari pero hindi ko kailangan ng bayad
niya. Dahil sa ngayon ay kaya kong magutom mag isa. Si Troy ay seryosong
nakahalukipkip habang tinitignan akong naka squat sa gitna ng madlang people.
Parang umugat na ang paa ko sa sahig. Ayaw ng umalis. Buti na lang at hinila ako
palabas ng cafeteria ni Camille at Beatrice.
"DAMN SHET! Bakit sa harapan pa ni Troy?"
Parang sasabog ang pisngi ko sa init. Halos makita ko na nga ang pulang aura ng
mukha ko. Damn shet talaga! Bakit ganun? Naiisip ko pa lang ang mukha niyang
seryoso nanginginig na ako. Isa pa... naiinis ako sa moment nila ng morenang may
dimples na iyon. Isa ba iyon sa mga babae niya o seryoso na yun?
Kasalanan ko rin 'to. Pinakawalan ko siya. But its never too late... Pakiramdam ko
kaya kong magdusa... mahalin niya lang ulit ako.
Hindi ko nakita ang sasakyan niya sa parking lot ng school kaya di ako
makapaghintay. Hindi ko rin alam kung nasa school pa siya. Alas syete na ng gabi at
nilalamok na ako dito sa parking lot. Konting ilaw lang ang nandito. Nagtityaga na
lang akong umupo sa isang gutter habang iniisip ang speech ko kung makita siya.
Alas singko pa nang tumambay ako dito sa rasong makita siya at makausap pero
dalawang oras na ang nakalipas ay wala parin siya. Pero nang nakita ko ang anino
niya habang lumalapit sa isang pulang Mazda 6. Iba na ang sasakyan niya?
Tumayo ako. Nanginig agad ang paa ko. Binisita ulit ako ng kaba. Buti na lang at
mag isa siya. Wala kaming audience. Hindi lang iyon, ibig sabihin, hindi seryoso
yung morena kanina... Pero di parin sila matanggal sa isipan ko.
Lumingon siya sakin. Hindi siya umimik pero kitang-kita ko ang pagsasalubong ng
kilay niya. Nakabukas na yung pintuan sa sasakyan niya. Pero nang nakita niya ako,
sinarado niya ulit ito. Ang gwapo niya talaga. Ang lakas ng dating. Yung buhok,
mata, labi, ilong, jaw, hubog ng katawan, pananamit, lahat, perpekto! Godlike! Pati
ang pagsimangot niya sakin ay napupuri ko na. Bakit ang gwapo gwapo niya lalo na
tuwing nagsusungit?
Tumaglid yung ulo niya at kinagat niya ang labi niya. Pagkatapos ay kinalas niya
ang kamay niya sa kamay ko.
"I mean..." Nilahad niya ulit ang kamay niya. "Akin na ang sex tape."
Uminit ang pisngi ko. Hindi ko na siya natignan pa ulit. Yumuko na lang ako.
Pinisil at kinurot ko ang kamay ko. Nakakainis! Nakakahiya! Shet! Shet! Pakingshiz!
Lahat ng mura ang gusto kong isigaw.
"Walang sex tape." Tumingala ako sa kanya at nakita ang unti-unting pagbabago ng
ekspresyon niya.
Seryoso siya nung una pero habang tumatagal ang pagtititigan namin ay nagiging
galit na ang mukha niya.
Ginulo niya ang buhok niya, pinikit ang mata, kinuyom ang kamay at marahang
sinuntok ang sariling noo.
"No, you didn't use me..." Nakapikit parin siya habang inuulit-ulit ang sinabi
niya.
"I-I'm sorry, Troy. Walang sextape. Nagsinungaling ako... Nag sinungaling ako...
I'm sorry... I'm so sorry... At sa lahat ng ginawa ko-"
"I don't care!!! Fvck! You lied to me... so many times... You used me... so many
freakin times... I'm done with that. I'm done with you! Leave me alone." Ibinaling
niya ulit ang tingin niya sa sasakyan niya.
"Troy, mag usap tayo-" Basag na basag na ang boses ko dahil sa pinipigilang pag
iyak at baradong lalamunan.
"Leave me alone, Trisha." Inulit niya at tinanggal ang kamay ko sa braso niya.
Nabigla ako dahil buong-buo ang boses ko nang sinabi ko iyon. Humupa yung kaba ko
sa pag alis niya nang hinarap niya ulit ako.
Nakatingin siya sakin gamit ang malulungkot niyang mga mata. Hindi ko alam bakit
mas masakit ang mga titig na ito. Sana galit na lang siya... Sana inis na lang...
Wa'g lang ganitong malungkot yung mga mata niya. Magulo na ang buhok niya pero
halos kumislap parin ang kakisigan niya.
Dahil galing talaga ito sa puso. Hindi bibig ang nagsasalita ngayon, kundi puso.
Nanliit ang mga mata niya habang tinitignan ako. Naiiyak na ako. Kanina pa pero
parang di ko na kayang pigilan ngayon.
"You really know how to do it, huh?" Malamig ang boses niya.
Lumapit siya sakin. Mahihina at maliliit na hakbang ang ginawa niya habang
nagtititigan kaming dalawa. Mas lalo akong kinakabahan. Inuunti-unti niya ang
paglapit, sobrang nakakakaba. Parang tatakbo na yung puso ko sa kaba.
Tumigil siya sa harapan ko. Sobrang lapit na namin at natatakot na akong marinig
niya ang puso kong malakas at mabilis na pumipintig.
"You know how to get my attention. You know it so much. You know cuz I can't do it.
Alam mong hindi ko kayang sabihin sayong di kita mahal dahil mahal na mahal kita!"
Napapikit ako sa sigaw niya. "Hanggang ngayon! Damn, Trisha! And I hate it so
much!"
Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Nanghina ako. Uminit ang puso ko sa sobrang
saya. Hindi ko pa kailanman nararanasan 'to. Sobrang saya at lungkot ko at the same
time. Is it really possible to feel that way? Two feelings at the same time? So
many feelings for only one boy?
Pumungay ang mga mata niya habang hinaplos ang pisngi ko. So gentle. So Troy.
Napapikit ako nang nakita kong yumuyuko siya at lumalapit ang mukha niya sakin.
Inasahan ko ang paglapat ng labi niya sa labi ko lalo na nung hinila niya na ang
chin ko palapit sa kanya. I can feel his breath. Gusto ko rin siyang halikan. Damn!
Pero di niya ginawa. Di niya ako hinalikan. Bumulong lang siya malapit sa labi ko
para maamoy ang mabango niyang hininga... It brings back so many memories.
"But this time, Trisha. I won't let you ruin me again. If you want me... If you
really love me, Earn me."
Kabanata 40
Kabanata 40
Akala Ko
Gulong gulo ako. Hindi ko alam kung paano ko gagawin ang 'Earn me' na sinabi niya.
"Paano ko gagawin!? Hindi ko alam paano!? Troy!" Hinila ko ang soot niya.
"You know the Art of Seduction, right? Why don't you try me?" Ngumisi siya.
It was a leering smile. Nanunuya din ang mga mata niya. Naghahamon. Napalunok ako
nang narealize ang sinabi niya. I probably should review my notes.
"Erm... But you just said you love me... Why can't we be t-together?"
"Bakit?" He smirked.
Isasarado niya na sana yung pintuan. Nilagay ko ang kamay ko sa loob kaya naipit
tuloy ako.
Napalabas si Troy sa sasakyan niya para daluhan ako. Tinignan niya ang marks ng
pintuan sa kamay ko.
Kainis 'tong si Troy! Gusto kong supalpalin pero hindi ko magawa kasi gusto kong
magpa impress.
Actually, hindi 'as if' dahil totoong masakit. Yun nga lang mas nagiging oa ako.
Pumikit-pikit at suminghap ako sa sakit.
Art of Seduction, huh? Sige! Tatanggapin ko ang hamon niya. Magiging kami rin ni
Troy. Alam kong mali na maghabol sa kanya pero hindi ko naman yun gagawin dahil
gaya ng sinabi ko, Art of Seduction. Let me show you how to do it, Troy Ezekiel S.
Salazar.
"Okay lang ako." Yumuko ako. Charot naman! "Uuwi na lang ako, Troy. Sa bahay ko na
lang ito gagamutin."
Naglakad ako palayo. Naramdaman kong di parin siya umaalis sa kinatatayuan niya.
Para bang hinihintay niya akong lumingon pero di ko ginawa. Suminghap na lang siya
nang nakalayo na ako.
Tumakbo siyang bigla kaya napalingon ako. Hinila niya agad ako papuntang sasakyan
niya.
"May pupuntahan pa ako. Hindi kita ihahatid sa inyo! Mag taxi ka na lang!" Aniya
habang pinapapasok sa sasakyan niya.
"Huh? Uhm... Okay lang naman ako. Pwede namang sa labas na ako mag taxi o di kaya
mag jeep."
Padabog niyang sinarado ang pintuan ko. Umikot siya para umupo sa driver's seat at
pinaandar agad.
"Ang sungit mo naman. Ikaw na nga yung may atraso sakin, ikaw pa 'tong-" Tumigil
ako sa pagsasalita nang nakitang tinitigan niya na ako nang nakasumangot.
Mr. Araw Araw May Dalaw is back! But I didn't know I'll find him this sweet. Kahit
na masungit siya at parang galit palagi sakin, sweet parin ang nakikita ko.
Nakasimangot parin siya at magulo parin ang buhok habang nakatingin sa kalsada.
"Can't believe were inside my car again." Pasinghap niyang sinabi.
"Huh? Uhm... Teka, ano bang nangyari bakit ayaw mo ng gamiting yung Audi?"
Sumulyap siya sakin. Mas lalo pa yatang kumunot ang noo niya, "Ewan ko sayo."
"Huh? Kala mo naman pinasabog ko yun. Sinira ko lang naman ang mirror."
"Sungit mo naman! Hmp! Saan mo ako ido-drop ng makapag hike na ako pauwi samin-"
"Hike na lang ako. La na ako pera eh. Naubos na kasi bumili pa ako ng pagkain ulit.
Nahulog ko kasi diba?"
"Troy naman! Wa'g mo akong idamay sa pagpapakamatay mo!" Sigaw ko nang muntik ulit
kaming nabunggo.
Lagi kasi tong nangyayari pag mabilis ang patakbo niya. Binatukan ko na.
"Ang arte mo talaga. Ikaw na siguro pinaka maarteng lalaki na nakilala ko. Haaay!"
"Hindi."
Inirapan ko siya kahit na nakatalikod siya at di niya ako nakikita. Pumasok siya sa
isang restaurant na nag hahain ng lechon. Maraming tao sa loob nang pumasok din
ako. May napapatingin talaga sa kanya sa sobrang lakas ng dating niya. Marami pang
bumabati sa kanya. May iba ring napapatingin sakin. Yung iba nag bulung-bulungan,
yung iba naman nakangisi.
Nilingon ako ni Troy kaya nakita niya ag pag irap ko sa lalaking iyon. Napa half-
smile siya at ibinaling ulit sa patutunguhan niya.
I should have known. Nang pumasok ako dito, alam ko dapat na pang barkada ang
restaurant na ito. Dahil nang sa wakas ay nakarating na kami sa table nina Troy,
nakita kong kumpleto ang mga sosyal na kaibigan niya. As usual, dress to kill parin
ang nakahilerang babae dito. Yung mga lalaki naman, nakakapraning sa sobrang gwapo
at yabang.
Tumaas agad ang kilay ng mga babae nang nakita ako. Hindi na ako lumapit. Napalunok
na lang ako sa tabi. Pero napalunok na talaga ako ng sampung durian nang nakita
kung saan umupo malapit si Troy.
Damn shet! Wala akong nagawa kundi tumunganga doon at mapaawang ang dibdib.
Hindi kaya yun ang bago niya? Sa tagal ng pagkakakilala ko kay Troy, hindi pa siya
kailanman nag settle sa iisang babae lang. Parati iyong paiba-iba. Bakit ngayon iba
ang kutob ko? Bakit parang palaging sila?
Nag ngitian pa yung dalawa. Maganda naman yung babae pero bakit naiinis ako sa
kanya?
Hindi ko narin alam kung alin yung mas masaklap, yung may babae siyang pa iba-iba o
may babae siyang iisa lang?
Napatingin si Nash at Theo sakin. Pareho nilang tinignan ang busyng si Troy na
nakikipag usap ng maigi sa morenang may dimples na yan.
Tinalikuran ko na lang sila. Imbes na magbabad dito para masaktan, siguro ang dapat
kong gawin ngayon ay i-plot na kung paano ko siya maakit. Gagamitin ko ang Art of
Seduction pero dapat may adlib din ako. Kung pinaglalaruan niya lang ako para
makapag higanti, at least I tried.
Masakit pero wala akong magagawa. Ako ang nagdala sa sarili kong mga paa dito.
Masakit pero at least I tried. No regrets. Sinabi niyang mahal niya ako, I have to
have faith in that. Pero minsan talaga, kulang pag salita lang, kailangang may
gawa. Kailangang maramdaman.
Damn! This is hurting me! But I'm not going to give up without putting a fight.
Tatanggapin ko ang hamon niya. I will endure the pain because I deserve it.
*Kriiiiing*
Hindi ko namalayang nakalayo na pala ako sa Hybrid Square. Dinala ako ng paa ko
dito sa sakayan ng taxi. Hindi pa ako pumapara. Naglalakad lang ako na parang alam
ko kung saan patungo pero ang totoo, hindi naman talaga.
"Hello?"
"Nasan ka?"
Napatingin ako sa cellphone ko. Unknown number. Pero boses iyon ni Troy.
"New number? Ni register mo parin ang number ko k-kahit nagbago ka ng cellphone."
"What the heck are you waiting for?" Sigaw niya kung saan.
Natulala ako nang nakita ko ang sasakyan niya sa harapan ko. Nakapark pala siya sa
harapan ko at nakababa pa ang salamin ng front seat.
"Really?" Masaya kong sinigaw. "Oh my gosh! Thank you, Troy!" Niyakap ko siya.
He stiffened.
"Get off me." Aniya.
Umawang ang bibig niya. Naghintay ako sa sasabihin niya pero di na siya nagsalita
ulit. Tinikom niya na lang ang bibig niya at tahimik na nagdrive.
How will I get in his heart? How will I really melt the walls of Troy? Yes! Pumasok
siya sa puso ko. Pero sa ngayon, ako pala yung Trojan Horse. Ako ang papasok sa
walls ng puso ni Troy. Sana, tulad ng sa story, matalo ko siya. Sana... mapasuko ko
siya sa pakikibaka niyang wa'g akong papasukin.
"Akala ko ba makikipag dinner ka kasama siya? Akala ko ba ako lang yung uuwi? Akala
ko ba-"
"Believe me, Trisha. Akala ko rin. Kaya tumahimik ka na lang. Don't stir up my mind
too much. Kakarating ko lang ng Pinas, ikaw na agad ang inaatupag ko. Damn this!"
Umiling siya.
Kabanata 41
Kabanata 41
Pag magti-text, dapat hindi mag rereply agad. Dapat may mga weird comments ako.
Kung insulto man, hindi ko na kailangang gawan yan ng script dahil natural ko
siyang naiinsulto minsan. Dapat ako yung hard to get dito. Pero paano mangyayari
yun kung hard to get din si Troy?
Maybe his Art of Seduction isn't enough. Dapat gumawa din ako ng sarili kong moves.
Napangisi ako sa kawalan.
"Trisha..." Kinalabit ako ng sexyng classmate ko sa isang major subject isang araw.
"Bakit?"
"Hindi ka pa ba nadadala?"
Bigla kong naramdaman ang mga titig ng mga kaklase ko saming dalawa ng babaeng ito.
Mukhang curious silang lahat sa isasagot ko.
"I mean... Akala ko ba ayaw niya na sayo at ayaw mo na rin sa kanya. Nagkasakitan
kayo diba? Naghahabol ka ba sa kanya?"
Mas lalong tumaas ang kilay ko. Narinig ko ang paglakas ng bulung-bulungan sa loob
ng classroom namin.
Alam ko kung ano ang iniisip nila. Isang buwan kong pinag isipan ang mga reaksyon
ng mga tao... Pero hindi ako ganoong klaseng babae na magpapaapekto kung anong
sinasabi ng iba.
Totoo, nagkamali ako noon. Nagkamali ako sa mga desisyon ko. Gusto ko rin namang
lumayo kay Troy pero hindi ko magawa kasi talagang mahal ko siya at alam kong mahal
niya rin ako. I just need to push this. Nasaktan ko siya, magbabayad ako. Kaming
dalawa lang. Ano man yung iniisip ng ibang tao, sa kanila na lang dapat yun dahil
useless lang kung pangungunahan nila ako.
"Actually, gusto niya parin ako. Hanggang ngayon mahal niya parin ako..." Ibinaling
ko na lang ang tingin ko sa mga libro ko.
"Ah? Talaga? Sure ka ba? Kung ganun sino yung morenang kasa-kasama niya palagi?"
Napilitan akong ibaling ulit ang atensyon ko sa babae. Kumunot na lang ang noo ko.
"Kung totoong mahal ka niya, dapat wala ng flings. Baka naman gusto niya lang mag
higanti sayo?"
Madrama siyang umalis at napalunok ako. Tama siya. Inalog ko ang ulo ko para
malimutan ang sinabi ng babae.
Isa pang kaklase ang tumawag din sakin. Napalingon ako at sabay nilang nginuso si
Troy sa labas. Laglag ang panga ko nang nakita ko siyang kasama na naman ang mga
kaibigan niya, at nasa tabi niya na naman yung morenang may dimples. Nagtatawanan
sila sa joke na sinabi yata ni Troy. Sinapak pa siya ng marahan nung morena.
"Gusto mo malaman ang pangalan niya?" Tanong nung babae sa likuran ko.
"Hindi. Hindi na naman kailangan eh." Sabi ko pero sinusundan ko parin ng tingin si
Troy hanggang nawala na siya ng tuluyan.
Tumayo ako at lumabas na. Mabuti na lang at late yung professor namin ngayon kaya
nagawa ko pang lumabas para sundan si Troy. Hiningal ako sa pagtakbo. Nasa kabilang
corridor na kasi sila.
Lumapit pa ako lalo. Di parin niya ako tinitignan. Ito ba ang Art of Seduction
niya? Paano kung nilalabanan niya din ako gamit ng Art of Seduction? Ano ito?
Labanan ng Art of Seduction?
"Can I talk to you for a sec?" Sabi ko nang hinahabol ang hininga.
Tinignan niya ako. Nakatingin na rin sakin ang mga kaibigan niya.
Si Nash at Theo lang ang patuloy sa pagtatawanan. Humupa din ito nang nakita ako sa
harapan nila. Syempre, marami ding usiserong nakatingin sakin.
"Bakit?"
Kinagat ko na lang ang labi ko para iwasang magmura sa harapan ng mga usisero.
Tumango ako.
"Sure ka ba, Troy? Na makikipag usap ka sa kanya?" Tanong ng isa sa mga babaeng
kasama nila.
Ako parin naman diba? Kaya kaya niyang talikuran ng panandalian ang mga kaibigan
niya kasi ako ang kakausap sa kanya? Hindi naman siguro siya maghihiganti sakin
diba?
Nanikip ang dibdib ko habang sinusundan siya. Papunta siya sa soccer field - kung
saan walang tao.
"I-I'm sorry, Trisha..." Tumawa pa siya lalo, "But I'm too high maintenance.
Mahirap akong idate na tao."
Napawi ang tawa niya, "noon yun, syempre, bago ko nalamang ginamit mo lang ako at
nagsinungaling ka sakin."
Napalunok ako.
Alam kong wala akong karapatang mag reklamo tuwing ipinamumukha niya sakin ang mga
pagkakamali ko noon. Pero nasasaktan ako. Hindi ko naman alam na ganun ang
mangyayari. Siguro kailangan kong tanggapin ang mga consequences sa mga nangyari
noon. Ito na ang kaparusahan ko.
"Hindi parin matanggal sa isipan kong hindi totoo yung sextape. Hindi ko matanggap
kasi yun ang simula ng lahat, diba?" Seryoso niyang sinabi.
Siguro babalik na lang ako sa susunod na araw pag nakalimutan ko na yung sinabi
niya. Maaring aksidente niya lang na nasabi yun. Kilala ko siya. At ganun talaga
siya, noon pa. He's really evil and reckless sometimes. Kaya nga nagawa niya akong
i-tempt noon para mag cheat, diba?
Mahina akong lumingon sa kanya. Hindi ko magawang ngumiti para magpanggap na okay
ako. Tumigil ako sa paglalakad. Siya naman ang naglakad papunta sakin.
Ngumisi siya.
"Huyy!" Tumakbo siya papunta sakin at hinarap agad ako. "Diba may pasok ka?" Masaya
niyang tinanong sakin.
"Uhm... Troy, diba may klase ka rin? Pumunta ka na doon. Fourth year ka pa naman.
Baka bumagsak ka."
Tumawa siya. Di naman ako natawa kaya napawi din ang tawa niya.
"You okay?"
Natigil ang mga tsismis na pinag uusapan ng mga kaklase ko nang nakita nila sa
pintuan si Troy kasama ko. Lalo na syempre nung hinawakan niya ang braso ko.
Ramdam ko na naman ang frustration niya. Bakit pagkatapos niya akong saktan ay
pinapainit niya naman ang puso ko. Push and pull. Ganun ba ang klase ng seduction
meron siya? Siguro dapat ko ring iapply sa kanya yun? O mas epektibo kung
magtatampo ako sa kanya tulad ng ginagawa ko ngayon?
"You're not. I didn't mean that, Trisha. Gusto ko lang malaman mo na nasaktan ako
sa ginawa mo."
Bumulong ako para di ako marinig ng mga tsismosang kaklase ko, "I know... at wala
akong karapatang magalit kasi totoo naman ang mga sinabi mo." Umiling ako at nag
iwas ng tingin. "The worst isn't when you are in love with someone who doesn't love
you back, the worst is when you are in love with somebody who used to love you."
Tinanggal ko ang braso ko sa kamay niya at umupo na agad.
Akala ko umalis na siya pero na realize kong hindi pa pala dahil sa text niya.
Troy:
Rereply na sana ako pero naalala ko ang Art of Seduction. Nabuhay ang dugo ko sa
text niya. Ginalit niya ako kanina pero mabilis niya namang nabawi dahil sa
nangyari. Alam niyang nasaktan niya ako sa sinabi niya kaya ganito siya kung
makapag effort. NOW I KNOW HOW TO DO IT! Art of Seduction, huh? Tignan lang natin
ngayon.
Ako:
May klase ka pa. Pumunta ka na dun.
After 10 minutes, nag reply siya. Kainis ah? Parang may ginagawa sa labas? Nakatayo
lang naman yun. Talagang ginagamit niya parin sakin ang Art of Seduction.
Troy:
Ako:
Am I important?
Hindi na siya nagreply hanggang sa natapos ang klase ko. Nagmadali akong umalis ng
classroom at nakita kong nakasandal siya sa dingding ng classroom namin sa
kakahintay sakin.
"Weeeh! Hinintay mo ako eh!" Sarap sa puso kahit na nagsusungit na naman siya.
"Ah... ganun ba? May ka date ka sigurong iba." Sinubukan kong bitter ang tono ng
boses ko.
Suminghap na lang ako at, "Di bale na nga lang... Wa'g na lang kung ayaw mo. Di
naman kita ma didiktahan sa anong gusto-"
"Oo na! Ngayong Sabado!" Aniya habang ginugulo na naman ang buhok niya.
Now I know how to really frustrate him. Ganito ang Art of Seduction for Troy.
Sige... Humanda siya!
Kabanata 42
Kabanata 42
Selosan
Alam niyo ba yung pinaghandaan ko talaga ang araw na ito. Ang resulta ay di ako
masyadong nakatulog kagabi. Nagpaganda talaga ako. Mahaba na yung buhok ko at
naging loose curls na yung curls ko noon. Nilagyan ko talaga ng hair products ang
mejo magulo kong buhok. Naglotion sa buong katawan. Nag perfume din. Simple lang
ang damit ko pero naka PUSH UP bra ako. Yes... Shet! Hiyang-hiya ako habang
sinusoot ito sa harap ng salamin.
Epektibo talaga siya. Kahit naka loose v-neck shirt lang ako, kita mo talaga na may
pagbabago. Mas malaki. Hindi na siguro yun magrereklamo.
Iniisip ko na yung gagawin ko. Push-pull. Minsan sweet, minsan masungit, magtatampo
ako, at ang pinaka importante sa lahat?
"G-Ganun po ba?"
Sabay kaming bumaba ni mommy at sinalubong si Troy sa labas. Nakapark lang sa labas
ng gate ang sasakyan niya.
"Haaay! O sige! Mag ingat kayo ah? Trisha, ayusin mo ang pag trato mo kay Troy!
Memorize ko pa naman ang ugali mo."
Umiling na lang ako habang nakikitang tumatawa na si Troy. "Sige tita! Akong bahala
kay Trisha!" Kumaway siya kay mommy.
Una akong pumasok sa front seat niya. Nahuli siya dahil nagpacute pa kay mommy.
Tumatalab talaga ang pagpapacute niya kay mommy. Na gu-gwapuhan kasi si mommy sa
kanya. Talaga lang huh? Pati si mommy natatamaan sa kagwapuhan niya?
Abot tenga ang ngiti niya habang pinapaandar ang sasakyan niya. Umiiling-iling pa
siya sa kawalan.
"Tanggap ka na ni mommy. Kulang na lang talaga maging tayo na." Sabi ko habang
tumitingin sa kalsada.
Napasulyap siya sakin at dumiretso ang sasakyan niya sa hump kaya napatalon kaming
dalawa sa inuupuan namin.
That's how you do it with Troy. Syempre, ganyan dapat pag nagpapakipot siya. Dapat
straightforward ka.
"Sa mall lang tayo, Troy." Untag ko nang nakitang ibang daan ang dinadaanan niya.
"Ayoko, may iba akong restaurant na gusto. Wala yun sa mall na gusto mo." Aniya.
"Saan? Fine dining, ba? Baka di ako maka afford?" Kinabahan ako.
Ako naman kasi yung nagyayang mag date at alam kong naghihiganti siya sakin kaya
malamang ako yung pagbabayarin niya sa mga pagkain.
"Nakalimutan mo na ba, Trisha? I don't let women pay for me." Aniya.
"Kahit na. Tingin mo ba ikaw pa lang ang unang nagyaya sakin? Marami nang nagyaya
sakin noon at hindi ko sila hinahayaang magbayad para sa akin."
Napalunok ako. Bakit tuwing may binabanggit siya tungkol sa ibang babae niya noon
ay nasasaktan ako? Nagiging OA ba ako o talagang masakit lang? Inalog ko ang ulo ko
at nilunok lahat ng sakit.
"Ako ang magbabayad sayo! Sa ayaw at sa gusto mo!" Binuksan ko ang pintuan niya at
lumabas na.
Ilang sandali pa siya bago lumabas. Think, Trisha! Kailangang maalala ko lahat ng
theories. Push and pull. Malamig ngayon, sweet mamaya... Make him feel that he's
not the only one.
Nagtaka siya sa inasal ko, "T-Tayo na." Marahan parin ang pagkakasabi niya.
Una, hesitant pa ako. Gusto kong tumanggi. Gusto kong mag decide para saming
dalawa. Pero bago pa ako nakapagprotesta ay naglakad na siya papunta doon. Equally
cold Troy. Nakasimangot ko siyang sinundan.
Pumasok siya sa isang Thai restaurant. Dire-diretso ang pasok niya. Naisip kong
mabuti na lang at dito kami, hindi masyadong mahal. Keri na siguro ang isang libo
para saming dalawa. WAIT!? Para saming dalawa?
Nabigla ako nang nakita ko ang mga pamilyar na mukha sa isang malaking table. Si
Theo, Nash, isa pang lalaki na hindi ko kilala, kasama ang tatlong magaganda at
mapuputing babae at modelo na laging kasa-kasama ni Troy... at syempre, magpapahuli
ba yung bagong myembro nila? Hindi. Nandito rin si morenang may dimples.
"What is she doing here?" Maarteng tanong ng isang modelo sabay turo sakin.
Ngumiti siya saming lahat, "Ano ba... Okay lang naman..." Malambing niyang sinabi.
Nagngitian na lang mga kaibigan niya. Para bang may secret message sila para sa
isa't-isa. Ako lang ang walang kapares. Ako lang ang echepuwera. Ako lang ang
nakikisawsaw sa kanila. At pinuri niya pa si Abbie sa harap ko.
Pati sa upuan ay nahirapan silang paupuin ako. Kasi naman, nakikisawsaw lang ako
dito. Extra. Extra din ang chair ko.
"Trisha, this is Abbie, Nash, Theo, Andrei, Mona, Erika, and Irene."
Ngumiti ako pero indifferent lang ang mga babae. Ang mga lalaki lang ang sumukli ng
ngiti sakin.
Kumakain na lang ako imbes na magsalita. Wala rin naman kasi akong nasasabayan sa
mga pinag uusapan nila.
Marami silang pinag usapan na hindi ko ma gets. Yung mga 'casino'-topic, beerpong,
bar, djs, labas ng bansa, brand ng mga mamahaling damit, beauty products (sa mga
babae), modeling at marami pang iba.
Lintek na Troy! Akala ko kaming dalawa lang. Ano ba ang gagawin ko sa ganitong
sitwasyon? Nakakawala ng confidence pag mag isa ka, pag wala kang kakampi...
Tumingin na lang ako sa kabilang table. Halos lahat ang may kasamang ka-date rin.
Yung iba, barkada. Ako lang yata ang nakasimangot dito. No. This isn't right. I
should be able to turn the tables through Art of Seduction.
Chin up. Breast out. Tumayo ako at diretso ang tingin sa CR. Wala akong tinignan
kahit na sino. Kahit na parang lumulutang ako sa ere habang naglalakad. Naka
bluegreen dress ako at naka flats lang kaya malabong madapa kahit na lumulutang.
Inayos ko ang sarili ko sa salamin pagkarating ng CR. Iniisip ko ang straight at
shiny na buhok ni Abbie. Nakakainsecure. Lalo na dahil siya ang kinakausap parati
ni Troy. Hindi ko pa marinig ang pinag uusapan nila kasi pabulong-bulong sila.
Well, whatever! Pinapaselos lang ako ni Troy! - Yan ang dapat kong iniisip para
mabalik ang confidence ko.
Kung pinapaselos niya ako, papaselosin ko rin siya. Make him feel that he's not the
only one.
Nagkunwari akong normal lang na naglakad sa likuran niya. Pero nang nakarating na
kami sa maabot ng vision ni Troy, agad ko siyang binangga. Binangga ko ang balikat
ko sa likuran niya.
"I'm sorry, miss. Ayos ka lang ba?" Mahina niyang hinaplos ang braso ko.
Hindi ko pa tinitignan si Troy pero damang dama ko na ang nanlilisik niyang mga
mata na nakabaling samin. That's what you get, Troy. Selosan ba ang gusto mo? Akala
mo ikaw lang ang may karapatan? You made me feel like I'm just one of your women,
now, I will make you feel that you're not the only one.
"Sorry..."
"Hindi mo naman kailangang mag sorry. Ako naman yung bumangga sayo." Unti-unti
akong ngumiti sa kanya.
"Uhmmm-"
Pareho kaming napatingin sa bandang table namin. Lahat naman ng kumakain ay parang
naeskandalo at napatingin sakin. Mabilis ang paghinga ni Troy habang tinitignan
akong nakikipagngitian sa artistang ito.
"Boyfriend? Sorry."
Nakangiti ako habang tinitignan si Troy na titig na titig sakin. Na weirduhan din
ang mga kaibigan niya sa inasal niya.
"Bill?" Tanong ko. "Para samin ni Troy lang." Sabay lapag ko sa isang libo.
Please, suklian niyo na lang ako ng five hundred. Joke! Kaiyak pag wala ka ng pera.
Pero sige na nga lang. All for the 'effect'.
"Troy doesn't want you to pay for him. He doesn't want anyone to pay for him."
Matabang na sinabi ni Irene (na katabi ni Nash).
Napainom si Irene at Abbie ng tubig. Wait a minute... Sensitibo akong tao kaya alam
kong may something dito. Ang buong akala ko ay si Nash at Irene ay mag M.U kasi
sila ang magkatabi sa table. Pero ngayon ko lang na confirm na mukhang may gusto si
Irene kay Troy.
Nakita kong nagpanic si Troy sa loob. Nilagay niya ang dalawang kamay niya sa
pintuan para ma detect na may sasakay pa. Hinila niya agad ang kamay ko papasok ng
elevator.
"Ang bagal mo namang mag lakad! Ano bang problema mo?" Sigaw niya sakin nang nasa
elevator ako.
Umirap siya at pinasadahan ng kamay ang buhok niya. "Really? Huh!" Umiling siya sa
kawalan.
Inirapan ko na lang ang kawalan. Leche! Ayan na naman ah? Mr. Araw-Araw May Dalaw
mode on.
"Mag bi-billiard tayo ngayon. Marunong ka ba nun?" Bigla akong tinanong ni Nash.
Paano ba naman kasi, yung ka date niya ay nakikisawsaw kina Troy. Para silang
nagaagawan ni Abbie ng laruan. At si Troy ang laruang iyon.
Umiling ako habang tinitignan si Troy, Abbie at Irene na nag-uusap. Parang na a-out
of place si Abbie pero sinasali siya sa usapan ni Troy. Paminsan-minsang sumusulyap
si Troy sakin.
Bumulagta sakin ang isang room na may apat na billiard table sa fifth floor ng Park
mall.
"Turuan mo na lang kaya ako?" Sinabi ko nang wala sa sarili kay Nash.
Nang narealize ko ang sinabi ko, tumawa na lang ako para lumabas na biro. Pero
sineryoso niya naman.
"Kayo muna ni Troy! Pool!" Sabi ni Nash habang kinukuha na ang cue stick sa
lalagyan.
Inexamin niya ito. Tinignan ko naman siya habang ineexamin niya ang tako.
"Busy si Troy eh..." Nginuso ni Theo si Troy na nagtuturo kay Abbie kung paano
hawakan ang tako.
Naka bend si Abbie sa billiard table at si Troy ay naka bend din sa likod niya.
Nakahawak ang kamay ni Troy sa kamay ni Abbie na nakahawak din sa tako. Pareho
silang ngumingisi. Yun nga lang... nakatitig si Abbie sa bola sa harapan, si Troy
naman ay nakatitig sakin.
Nag bend din ako tulad ng ginagawa ni Abbie. Nakita ko sa gilid ng mga mata ko ang
pag bitiw at pag layo ni Troy kay Abbie.
Unti-unti niyang hinawakan ang kamay ko. Hindi ako komportable pero inis ako kay
Troy kaya hinayaan ko siya. Kung kaya niyang humawak ng kamay ng iba, kaya ko ring
magpahawak sa iba.
Tumayo na si Nash at nag back off sakin. Mukha at tono pa lang ni Troy, alam na ng
lahat kung gaano ka intense ang galit niya.
"Uyyy, Nash... Tama ba ito? Di ako sinasagot ni Troy eh. Just say yes... or no of
course..." Ngumisi ako kay Nash.
Nabigla ako nang pumasok ang tatlong bola sa pocket. Tinaas ko talaga ang kamay ko
at nagtatalon kaharap si Nash.
Pilit na pumalakpak si Nash. Sina Theo, Andrei, Mona at Erika naman ay tahimik na
lang na naglalaro sa kabilang table.
Lumapit pa ako kay Nash dahil sa sobrang saya ko pero bago ko pa tuluyang mahawakan
ang kamay niya para makipag shake hands sa success ko ay hinila na ng galit na si
Troy ang braso ko.
Nalaglag ang panga niya at napatingin pabalik kay Irene at Abbie na parehong
mukhang nawasak ang puso sa sinabi niya.
"Haaaay!" Ginulo niya ang buhok niya. "Come with me." Madrama niya kaming
tinalikuran.
"Sorry, Nash-"
"Why are you apologizing?" Pinutol ako ni Troy sa speech ko para kay Nash. Umirap
siya at tumalikod ulit para maglakad palabas ng room.
WHATEVER, TROY!
Tumigil siya sa pinutuan at nilingon ulit ako nang nakaawang ang bibig.
Kabanata 43
Kabanata 43
"What the fvck, Trisha?" Sinalubong niya ako nito pagkalabas naming dalawa.
Mabuti na lang at wala masyadong tao sa lobby ng fifth floor. Mukhang casino talaga
ang lugar na ito. Yun nga lang, nasa loob pa ng rooms ang mga slot machines. Yung
babae sa reception lang at isang matandang lalaki ang nanonood saming dalawa.
"I didn't seduce him! Tsaka ni hindi nga kami nag usap sa restaurant-"
"Anong problema mo? Kung ayaw mong may makapansin saking iba edi angkinin mo na
ako!"
Nalaglag ulit ang panga niya sa sinabi ko. Unti-unting nanliit ang mga mata niya
habang humahalukipkip ako.
"N-No, Trisha." Umiling siya. "Is that your best shot?" Tanong niya.
Napansin kong sumulyap siya sa dibdib ko. Bigla siyang lumapit sakin at hinawakan
ang likuran ko. Hinawakan niya yung lock ng bra.
"Nagpu-push up bra ka na rin? You have to stop that, Trisha!" Galit niyang sinabi.
Uminit ang pisngi ko sa sinabi niya. "Ano naman ngayon kung mag push up bra ako?
Mas lalo akong attractive kung ganito-"
"Sino ba talagang siniseduce mo? Ako o yung ibang tao? Nung yumuko ka kanina sa
billiard table kitang kita yang cleavage mo, pagkatapos mong akitin si Nash, sino
isusunod mo? Si Theo? Si Andrei?"
Napaawang ulit ang bibig niya. "Your best shot is not enough for me, Trisha. You've
got to stop this."
"Make me stop this, Troy. And I know you know how..."
Ayan na naman si Mr. Araw Araw May Dalaw! Ibang klase talagang mag mood swing ang
kurimaw na ito. Daig pa ang babaeng may dalaw.
"Hay nako! Ang sungit mo talaga! Nagseselos ka lang naman eh!" Sabi ko.
"Hindi ako nagseselos!" Umirap siya. "Bakit naman ako magseselos at kanino?"
Naagaw ko agad ang pansin niya sa sinabi ko, "Ewan ko sayo, Trisha Roncesvalles!
Sana di kita sinama eh!"
"Akala ko naman kasi tayong dalawa lang kaya nag push up bra ako ng bongga!"
Namula siya sa sinabi ko. Diretso ang tingin niya pero pulang pula ang pisngi niya.
DAMN SHEEET! Parang yung dati lang ah? Yung mga Make Out Make Out Lang moments
namin. Miss na miss ko na yun.
"Oo. Pero ayaw mong tayo lang dalawa kaya ayan tuloy..."
"Kung ayaw mong nandito ako, uuwi na nga lang ako!" Sabi ko at tinalikuran siya.
Hinawakan niya na naman ang braso ko, "Wa'g kang uuwi, sabay tayo mamaya. Ako
maghahatid sayo."
"Eh wala naman akong gagawin dito. Group date niyo 'to. Nakikisawsaw lang ako dito
sa inyo. Wala akong ka date-"
"So ganun? Gusto mo dalawa yung sayo? Edi Kayo na lang ni Abbie at Irene tapos kami
ni Nash! Simple! Compromise!"
Ewan ko kung anong meron sa sinabi ko pero galit na galit siyang bumaling sakin.
"Hindi pwede!" Sigaw niya. "No freakin way, Trisha! No way! Sa tabi kita mamaya
pagpasok sa loob. Sa tabi kita palagi. Hindi ka pwedeng mawala sa tabi ko."
"O-Okay lang ba kayo? They asked me to check on you two..." Napalunok siya.
Napatingin si Abbie kay Troy. Mukhang badtrip na talaga si Troy at hindi iyon
mapapawi ni Abbie. Naiinis ako sa kanya. Pwede namang umalis na lang kaming dalawa.
Pwede namang bumigay na lang siya tutal mahal niya naman ako. Alam ko malaki talaga
ang atraso ko sa kanya... ilang beses ko siyang nasaktan at gusto niyang i-prove ko
sa kanya na mahal ko siya. Pero ngayon feeling ko talagang pride na lang ang
nagpapatayo sa kanya. Kita sa actions niya na nagseselos at concerned siya kaya
alam kong mahal niya talaga ako.
Nawala nang parang bula ang mga iniisip kong iyon nang biglang:
Humagalpak ng tawa si Troy sa ginawa nila. Kailan ba ang birthday ni Troy at bakit
'advance happy birthday'?
Si Abbie lang ang may gift sa kanila kaya panay ang kantsyaw nila sa dalawa.
Niyakap naman ni Abbie si Troy.
Nanikip agad ang dibdib ko. Mahigpit ang yakap ni Abbie. Talagang pinulupot niyang
mabuti ang mga braso niya sa leeg ni Troy. Nagtwanan sina Troy.
Nanlilisik ang mga mata ko habang tinitignan si Andrei. Tinignan niya rin ako pero
binalewala na lang. Mukha yatang wala talaga akong kakampi dito.
"Uy! Wa'g naman kayong ganyan." Pula ang pisngi ni Abbie nang binitiwan ang leeg ni
Troy.
BUSHET! Alam ko talagang pinapaselos niya ako pero... damn shet... sa totoo lang
tumatalab na talaga sakin ah? Hindi ako nagpahalata. Ngiting aso ang ipinakita ko
sa kanya. Kaya pa 'to, Trisha! Kaya pa!
"Hinay-hinay lang tayo sa hard liquors ah? May Friday pa." Kumindat si Troy sa
kanila. "Punta kayo!"
Tumawa si Troy sa bilis kong magtanong, "Kasama ba siya, Troy?" Maarteng tanong ni
Irene.
HINDI NA NGA LANG! Bwusit talaga! Kung sana kaya kong i give up na lang si Troy
dahil sa mga kaibigan niyang parating galit sakin. Mabuti pa si Nash kanina,
mabait, pero yun nga lang, ayaw ni Troy na lumalapit ako kay Nash.
"Hmmm... Sa Tribe Lounge yata. Ipapaclose yung special rooms para sa birthday
niya." Sagot ni Nash.
"Sa Tribe Lounge, Trisha. Kukunin kita sa inyo sa gabing iyan. Ako mag papaalam sa
mga magulang mo para makasama ka sa birthday ko pero bakit ang layo mo sakin
ngayon?" Nabigla ako sa dirediretsong pagsasalita ni Troy. "Diba sabi ko sa tabi
lang kita?"
Paano niya nagagawang sabihin yun sa harap ng mga kaibigan niya? Sa harap ng
umaasang si Abbie? Oh well, we can't really expect him to be kind to anyone.
Awkward yung mga sumunod na moments sa kanila ni Abbie. Mabuti at hindi gaano nag
tampo si Abbie kay Troy kaya unti-unti silang naging okay. Pero bakit parang na
relieve ako na okay sila? Hindi ba dapat masaya ako pag magkagalit sila?
Humikab na ako sa sobrang inip. Tumayo na lang ako pagkatapos kumain ng cake at
sumubok na namang humawak ng cue stick.
"Uhmm..." Hinawakan niya ang end ng tako at nag demonstrate kung paano ko
hahawakan.
"Damn it! Tigas ng ulo talaga! Let's go home!" Biglang tumayo si Troy at pumunta
sakin.
"Tsss. Uwi na kami... Umuwi na rin kayo. Thanks for this! See you this coming
Friday."
Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya habang pumapasok kami sa elevator. "Gusto mong
landiin kita sa harap ni Abbie?"
Nakita kong pumula ang pisngi niya, "Ano? Ibibigay mo na lang ba ako? Hahayaan mo
na lang ba akong maagaw sayo? Okay lang? Kasi alam mong patay na patay ako sayo?"
Dirediretso ang salita niya sa sobrang galit niya. Ilang shots lang naman ang
nainom niya at alam ko kung paano siya malasing. Hinding hindi siya lasing ngayon.
May ulirat siya habang sinasabi niya yun.
Nilapitan ko na agad siya at pinulupot ko ang braso ko sa leeg niya. Nabigla siya
sa ginawa ko. Nabigla siya sa sobrang lapit ko. Nabigla siya sa pagiging agresibo
ko pero damn shet hindi ko alam kung anong sasabihin ko sa kanya pagkatapos nung
sinabi niya sakin.
Marahan at mariin ko na lang siyang hinalikan. The boy who taught me how to kiss.
Pamilyar pero bago ang naramdaman ko sa halik ko sa kanya. Nanigas na lang siya sa
ginawa ko. Hindi siya gumalaw pero nakaawang ang bibig niya.
Dumilat ako at napangiti nang nakitang kinakabahan siya. Sa sobrang kaba niya,
mabilis ang pag hinga niya at halos marinig ko na ang kumakabog niyang puso kasabay
ng pagkabog ng sakin.
*TING*
Tinulak ko siya agad at nakitang may sasakay na mga tao. Basement na pala. Nandito
ang parking lot ng park mall kaya lumabas na agad ako.
Nilingon ko si Troy at nakitang stunned parin siya sa ginawa ko. Nakaawang parin
ang bibig niya at nakatingin sakin. Hindi makagalaw.
Kinuha ko ang kamay niya at pinulsuhan siya tulad ng ginagawa niya sakin noon. Tama
ako, kumakabog nga ng malakas ang puso niya ngayon. Sobrang lakas ng pintig ng
pulso niya na agad kong nahanap sa wrist niya.
"Damn! This is what you do to me!" Umiling siya at pinatunog ang Mazda.
"Kinalimutan ko na dapat lahat eh. Damn!" Umiling na naman siya at pumikit. "I
said, I can't lose my self just because I found you... I really can't-"
Nanigas pa rin siya. Hindi siya makagalaw. Para bang hinihintay niya ang sarili
niyang mag desisyon kung ano.
"Tri-"
Hindi ko siya pinagsalita. Mas lalo ko na lang pinalalim ang mga halik ko.
Then when he finally kissed me back, dumilat ako. Nakita kong nakapikit na siya at
dinamdam ang halikan naming dalawa. I missed this so much! I miss his kisses so
much. Gusto kong ipaalala sa kanya ang mga gusto niyang kalimutan.
Na frustrate siya dahil kakabigay niya lang sakin ng mga halik niya ay pinutol ko
agad. Yes, this is how you frustrate him. Ayoko mang gawin sa kanya ito pero
kailangan ko dahil ganito si Troy. Hindi siya basta-bastang bumibigay lalo na
ngayong alam niyang vulnerable ang puso niya sakin.
"Why were you trying to forget me?" Tumaas ang kilay ko.
Natahimik siya.
"Yun ba ang ginawa mo sa Monaco? Gusto mo makalimutan ako kaya pumunta ka doon?
Anong nangyari? Nakalimutan mo ba ako, Troy? Si Abbie? Ginagawa mo bang panakip
butas? Para kalimutan ako? Anong nangyari? Nakalimutan mo ba ako? Kung lalayo ako
ngayon... ano sa tingin mo ang mangyayari, makakalimutan mo kaya ako?"
"Alam mong madaya ako simula pa lang." Sabi ko. "At alam kong madaya ka rin. We're
just even."
"We'll never be even, Trisha. You've been in love with someone else... I'm only in
love with you..."
What is this all about, Troy? Nanikip ang dibdib ko sa sinabi niya.
Kabanata 44
Kabanata 44
"Bakit parang mas lalo kang tumamlay ngayong nagbalik na si Troy?" Tanong ni Emma
isang araw sa cafeteria.
Umiling na lang ako. Ayokong pag usapan lahat ng nangyayari. Tama na sakin na nag
aaway na ang puso at isipan ko. Gusto kong magpatuloy sa ginagawa namin ni Troy
dahil mahal ko siya pero ayaw ng utak ko dahil tapos na ako sa pag po-prove sa
kanya na kaya ko siyang habulin.
Ano ang kailangan niyang matutunan? Hindi naman siguro kailangang saktan ako para
matutunan niya yun diba? Kung mahal niya ako hindi niya 'to magagawa. Dapat na ba
akong sumuko? Baka totoong naghihiganti lang siya sakin?
"Hindi? Bakit?"
"Of course, mahirap. You can't expect Troy Ezekiel to be easy." Sabi ni Camille.
Yes, he's not easy but he's worth it. Pero hindi ko na alam kung hanggang saan ako
para lang makuha ulit yung Troy noon. Mahal niya ako, diba? Bakit kaya niya akong
tiisin ng ganito?
Worth it ba ako sa kanya? Kung ayaw niyang masaktan, hindi niya isusugal ang puso
niya sakin. Pero di niya ako mahal kung tingin niya ay di worth it ang pagsugal
niya, diba?
Troy:
You okay?
Agad kong dinelete ang text niya. Sumusikip ang dibdib ko habang iniisip ang lahat.
Hindi ko na kasi talaga siya naiintindihan. Mahal ko siya pero di ko na siya
maintindihan. Hindi ko na alam kung saan ako huhugot ng lakas para magpatuloy pa sa
ginagawa naming dalawa. Ang alam ko, ginawa ko na ang lahat. Pero dahil sinabi niya
saking, 'I can't....', natauhan na ako. Ibig sabihin hindi niya talaga ako pwedeng
tanggapin.
Tumawag siya.
Hindi ko sinagot.
Troy:
Answer my call.
Hindi ko siya maintindihan. Ayaw niya sakin pero naghahabol siya minsan. Ganoon ang
eksena buong gabi. Hindi niya ako tinantanan.
Troy:
Ako:
Nagreply agad siya. Para bang nakalimutan niya na yung rules ng Art of Seduction.
Troy:
Birthday niya na sa araw na ito. Papalabas ako ng classroom sa huling klase ko nang
nakita ko siyang papalapit sa classroom namin. Tumakbo ako at nagtago dahil ayokong
magkita kaming dalawa... ayokong makipag usap muna... ayokong sumama sa birthday
party niya.
Troy:
DAMN SHET! Ibang klase din si Troy, huh! Kung di niya ako maabutan sa school ay
dito siya sa bahay naghihintay? Nakapark ang sasakyan niya sa labas ng bahay namin.
Hindi lang yun basta-bastang sasakyan kasi Audi niya ang nakapark doon. Yung binato
ko noon ay ginagamit niya na ulit!
Lumabas ako sa taxi. Nanginig agad ang buong sistema ko habang papasok ako sa gate.
Nung pumasok na ako sa pintuan, bumulaga sakin ang malungkot na mukha ni Troy na
nakaupo sa sofa habang kinakausap si mommy at daddy.
"Dad, Mom!"
Humalik ako kay mommy at daddy. Sinundan ako ng titig ni Troy pero binalewala ko na
lang.
"Ano ka ba, Trisha! Batiin mo naman si Troy! Birthday niya pala ngayon." Sabi ni
mommy nang nakangiti.
"Happy birthday, Troy." Malamig kong sinabi. "Bihis lang ako ng pambahay, mom."
Seryoso ang mukha niyang nakatitig parin sakin. Tahimik siya. Para bang may pinag
usapan sila dito bago pa ako dumating.
"Sige... Anong oras ka uuwi, Trisha? May duty ako mamaya kaya pwede kitang sunduin
kung matatagalan ka." Sabi ni daddy.
Laglag agad ang panga ko habang tinitignan nang pabalikbalik si mommy at daddy.
Ngumiti si mommy at tumango. Wala namang reaksyon si daddy sa ginawa ni Troy.
Nagdalawang isip pa ako sa paglalagay ko ng kamay sa kamay niya. Sabi ko ayoko na,
diba? Bakit siya naman ang gumagawa ng paraan ngayon para magpatuloy ako?
Tumango lang si daddy at di parin naalis ang tingin niya sa kamay namin ni Troy.
Nang pumasok na kami sa loob ng sasakyan, tahimik na lang ako. Ayokong may masabing
mali. Ayokong masaktan ulit sa mga sagot na maririnig ko sa kanya pag nagtanong
ako. Hindi ko rin alam kung bakit sumasama pa ako sa kanya ngayon. I guess I need
to try this out... for the last time.
"Iniwasan mo ako ng isang linggo. Are you mad at me?" Tanong niya sakin.
Umiling ako.
Hindi ako nagsalita. It's just not enough. He's too complicated. He wants me to
earn him and use his Art of Seduction pero sasabihin niya saking 'I can't.'. Maybe
its time for my own Art...
Art of Letting Go. Lalayuan ko na siya. Hindi ako maghahabol. Dahil kung mahal niya
ako, hindi niya ako papahirapan ng ganito.
"Troy, bilisan mo pagmamanehp, baka nag start na yung party mo." Sabi ko.
"We'll talk later." Kahit wala akong planong makipag usap sa kanya.
Nasabi ko na ang lahat. It's up to him... Siya na ang magdedesisyon. He's just
making things complicated. I tried my best but I think my best isn't good enough
for us.
Malungkot siya nung dumating kami sa Tribe Lounge. Hindi ko na pinansin ang
mapupungay niyang mga mata at malungkot niyang mukha.
Hindi ako nagsalita. Tinignan niya lang ako na para bang naghihintay na may gawin
para pasiyahin siya. Wala akong maibibigay kung ako mismo ay malungkot at malamig
sa sitwasyon naming dalawa. I'm sorry, Troy. I felt drained. This is what you do to
me...
Dahan dahan niyang binuksan ang exclusive room ng Tribe Lounge. Doon, kumpleto ang
mga kaibigan niya.
Tumili sila nang nakita si Troy. Binalewala nila ang presensya ko. Of course, ayaw
nila sakin. Bad idea talaga na pumunta pa ako dito. Kung sana hindi niya ako
pinuntahan sa bahay, di na ako pumunta dito.
"OUR GIFT FOR YOUUU!" Sigaw nilang lahat sabay turo sa isang napakalaking box. Life
size box.
Ano yan? Washing machine? Wala akong gift kay Troy kasi wala naman akong balak na
pumunta ngayon. Pero anndito na naman ako kasama siya. Tinitignan ko na naman siya
habang binubuksan yung gift sa harapan niya sabay tawa.
Dali-daling binuksan ni Troy ang gift niyang pagka laki-laki. Nanlaki ang mga mata
ko nang nakita ko kung ano... hindi... sino ang nasa loob.
Tumatawang bumabati si Abbie sa loob ng gift ni Troy. Niyakap niya si Troy
pagkatapos niya buksan si Abbie sa loob.
Hindi ko na marinig ang mga sinasabi ng mga tao. Sobrang ingay ng tawanan at tilian
nila.
"Excuse me..." Sabay tulak sakin ng isa sa mga kaibigan ni Troy na nagpipicture sa
nangyayari.
Echepwera na naman ako as usual. Ako ang dinala ni Troy dito pero ako naman ang
naOOP.
"WHOAAAAAA!"
Passionate ang halik ni Abbie sa kanya. Hindi gumalaw si Troy. Nanigas siya habang
hinahalikan siya ni Abbie.
"Hindi ka sasaktan niyan! Hindi ka gagawing kabit niyan!" May sumigaw ng ganito sa
mga kaibigan niya.
Tumalikod ako bago pa may lumandas na luha sa mga mata ko. This is the sign I've
been waiting for. I'll give him up. I quit on him.
Tumango ako kahit alam kong kitang-kita ang mga luha ko, "Yep." Nabasag ang boses
ko.
Ayokong humingi ng comfort kahit kanino. Lalo na sa kanya. Sinaktan ko siya noon at
dapat hindi kabaitan ang ipinapakita niya sakin.
Mas lalo akong naiyak sa yakap niya. Sana binalewala niya na lang ako nang matigil
na ako sa pag iyak. Pag kino-comfort kasi ako mas lalo lang akong naiiyak.
"Trisha... Bakit ka nandito? Anong ginagawa mo dito?" Tanong niya at hinarap ako.
"Sinong nagpaiyak sayo?" Tanong niya.
Hindi ako sumagot. Pinunasan ko na lang ang luha ko. "Let's go..." Aniya.
"Wa'g na Jayden, I'm okay here..." Sabi ko nang hinila niya ako.
"Sinaktan ka ba niya?"
"Sinaktan kita-"
"Shhh..." Nilagay niya ang index finger niya sa labi ko at nilapit ang mukha niya.
Nanlaki ang mata ko nang narealize ko kung anong gagawin niya. Hinalikan niya ako
pero agad ko siyang naitulak.
Napatalon ako nang biglang nag ring ang cellphone ko at tumatawag si Troy. Hindi ko
iyon sinagot.
"I'm really sorry... Hope you find someone better. Excuse me..." Sabi ko at umalis
para pumara ng taxi.
Hindi niya ako sinundan. Tinignan lang ako ni Jayden. Mas gusto ko iyon. Sa ngayon,
narealize ko na ang pagkakamali ko noon. Kung faithful ka at mahal mo ang isang
tao, masaktan ka man, kailanganin mo man ang comfort ng ibang tao, dapat alam mo
rin ang limitasyon mo. Mahal ko si Jayden noon pero mahal ko rin si Troy,
unconsciously kaya nakaya kong mag cheat kay Jayden.
Pumara ako ng taxi at pumasok sa loob.
Aalis na sana ang taxi ng bigla itong nag break dahil sa humarang na Audi sa harap.
Sobrang galit ako sa ginawa niya. Punong puno na ako sa mga nangyayari saming
dalawa. Padabog kong binuksan at sinarado ang pintuan ng taxi.
"ANO BA? Hindi mo ba maintindihang pagod na ako sayo!? AYOKO NA! TAO LANG AKO!
Napapagod din! I'm not Superwoman! I QUIT ON YOU!" Sigaw ko sa kanya.
Kabanata 45
Kabanata 45
"Trisha, I'm sorry, hindi ko naman inasahang ganun ang mangyayari." Sabi niya
sakin.
Sa sobrang inis ko sa kanya, nilapitan ko na siya. Gusto kong manampal pero alam
kong wala ako sa lugar ngayon. Wala na akong mapaghugutan ng lakas.
"Hindi lang yun, Troy. Marami! Gulong-gulo na ako sayo! Mahal mo ba talaga ako?"
Nanliit ang mga mata ko.
"Kasi tingin ko hindi eh. Tingin ko naghihiganti ka lang. Hobby mo lang ang saktan
ako."
"No, Trisha... I'm sorry... Mahal kita... Pero-"
"Pero ano? May gusto kang matutunan?" Tumawa ako. "Oh edi pakawalan mo na ako!
Matuto ka na lang ng mag isa. Wa'g mo akong gawing tanga!" Umirap ako.
"Ano ba talagang gusto mong mangyari dito, Troy? Ang hirap hirap mong ispellingin!"
Tinalikuran ko siya.
Hinila niya ang braso ko, "Kung hinahayaan mo akong umalis pag nag ku-quit ako,
sakin hindi pwede yan."
"ARAY!" Sigaw niya at nakita kong dumugo yung isang daliri niya.
Na konsensya naman ako pero hindi parin napawi yung galit ko sa kanya.
"La akong pakealam! Buti nga sayo! I wish I didn't love you!" Sigaw ko habang
tumutulo na ang luha ko.
Hinila niya ako papasok sa sasakyan niya. Umikot siya agad at pinaandar ito. Fast
and furious lang ang peg nang nag drift siya. Natigil yung luha ko sa sobrang kaba
ko. Akala ko makakasagasa kami o mabundol kami ng ibang sasakyan.
"Ano 'to, Troy You're pushing me to my limits! Pag nag quit ako, ikaw naman
hahabol? Tapos pag magmakaawa ako sayo na tayo na lang sasabihin mo sakin, 'you
can't!'? Ano 'to? Laru-laro lang? Joke joke?" Sabi ko.
Mabilis at matulin ang patakbo niya ng sasakyan. Miss na miss ko ang lugar na
dinadaanan namin. Bakit siya nagda-drive sa madilim na lugar na ito? Hindi ba kami
babalik sa Tribe Lounge? Paano yung party niya? Birthday niya ngayon tapos umalis
siya sa sariling party niya?
"Iuwi mo na ako, Troy! Ayoko na talaga!" Sabi ko habang pinapark niya sa isang
cliff na over looking.
Dito niya ako dinala noong nasaktan ako ni Jayden. Agad kong padabog na binuksan at
sinarado ang pintuan. Gusto kong umalis. Ganun din ang ginawa niya pero tumakbo
siya papunta sakin at kinulong niya agad ako sa braso niya.
"ANO PA ANG PAKIKINGGAN KO SAYO? Yung 'I can't'? Hindi pa ngayon? Hindi pa pwede?
Masyado kang nasaktan? Yes, damn shet! Nasaktan ka pero damn shet nasasaktan mo na
rin ako!"
"Don't you dare kiss me with your filthy lips!!!" Untag ko sa kanya.
Hindi parin siya natitiniag pero tumigil siya sa sa pag ambang hahalik sakin.
"Hinalikan ka ni Abbie, diba? Edi kayo na! Wa'g mo akong mahalik-halikan gamit yan.
I hate you! Ang sama sama mo talagang tao! Noon pa alam ko ng masama ka eh... Kaya
nga pinapaasa at sinasaktan mo ako ng ganito, diba? Punong-puno na ako sayo-"
"You know what? You should learn how to freaking shut your mouth up... Siguro
pareho lang tayong dalawa... Hindi mo parin yan natututunan. Ako, hindi ko parin
'to natutunan: THAT I'M NO GOOD WITHOUT YOU! Kailangan kong matutunan na maari kang
mawala sakin anytime mong gusto! Kailangan kong tanggapin na hinding hindi kita
madidiktahan sa mga desisyon mo... Dahil tanging naiisip ko lang... tanging gusto
ko lang ay ang diktahan ka palagi na dapat dito ka sa tabi ko... dapat sakin ka..
sakin ka lang magmamahal... sakin lang titibok ang puso mo... ako lang titignan
mo... ako lang ang papansinin mo... magseselos ka pag may iba ako... at matatakot
ka kung mawala ako kasi I freakin wanna get even with you!!! Kasi ganun ang
nararamdaman ko sayo. Kailangan kong tangggapin na hindi ka bagay na pwedeng
angkinin... na kailangan kang palayain. Na may sarili kang desisyon... Tulad ng
pagdedesisyon mong mahalin ako kahit na kayo pa ni Jayden. Pero hindi ko kayang
matutunan yun dahil walang second option ang pagmamahal ko sayo. Walang fall back.
Dahil mahal kita, ikaw lang talaga... Wala akong plan B! Ikaw lang meron ako!"
Sobrang lakas ng kabog ng puso ko. Sobrang lakas... Wala pa akong nararamdamang
ganito ka lakas na pag pintig ng puso. Parang ngayon lang ako nabuhay.
Nakakapanghina ang mga sinabi niya. Hindi ko na alam kung anong sasabihin ko. Hindi
ko alam kung saan ako pupulot ng mga salita.
"Damn... Hindi ba talaga kita pwedeng halikan?" Napalunok siya habang tinitignan
ang labi ko.
Napalunok ako sa sobrang kaba. Pareho kaming hinahabol ang hininga. Halos di na
talaga ako makahinga dahil sa paghuhuramentado ng puso ko.
"You are the girl of my dreams and the girl of my nightmares, Trisha. Damn!"
Kinagat niya na naman ang labi niya at sinuntok ang sasakyan niya.
Marami pa kaming issues na hindi pa na-sosolve pero bakit tumitiklop na agad ang
puso ko?
"Trisha??" Hinaplos ni Troy ang pisngi ko at tinignan ako ng diretso sa mga mata.
"Nagbago ba ang isip mo sakin dahil sa mga ginawa ko sayo?" Nabasag ang boses niya.
"Trisha... M-Mahal mo pa ba ako?"
"Of course, damn, can't you see how much I'm in love with you?"
"Prove it to me."
Suminghap siya.
Ayan na naman ang puso kong parang sinisipa ng kabayo. Tumabi siya sakin at
sinandal ang buong katawan sa sasakyan niya.
Hindi ako makapagsalita. Tuyo na yata ang lalamunan ko. Ilang sandali ang
nakalipas, naramdaman ko ang ulo niyang humihilig sa balikat ko.
"Troy..." Sabi ko at tinignan siya.
Hindi siya nagsalita. Maaga pa naman pero tingin ko tama na 'to sa araw na ito.
Alam kong pagod na siya at pagod na rin ako sa nangyayari samin.
"Hmmm?"
"Uwi na tayo."
"I can't drive.... I'm really sleepy right now. Give me a minute..." Paos niyang
sinabi sakin.
Gumalaw siya ng konti at kinuskos ang mga mata niya bago ako pinagbuksan ng
pintuan.
Pumasok ako sa loob. Pumasok din siya sa driver's seat at humiga sa lap ko.
Tinignan kong mabuti ang mukha niya. Napailing na lang ako sa sarili ko dahil
masyadong mabilis ang tibok ng puso ko kahit wala siyang ginagawa. I love him so
much. I really love him. Kahit ang dami na naming pinagdaanan, kaya ko parin siyang
tanggapin. Pero marami din naman siyang sakit na natamo sa pagmamahal niya sakin,
at heto parin siya nagmamahal.
Gusto niya pang matutunan na mahalin ako nang di nagdadamot. Siguro ay ito ang
epekto nang nakita niyang pagtataksil ko kay Jayden. Natatakot siya na gawin ko yun
sa kanya.
Pero hindi ko yun magagawa. Hinding hindi na ulit... Nagkamali ako kay Jayden noon.
Iniisip ko pa lang na magkakamali ulit ako kay Troy, namamatay na ako sa sakit.
*KRIIIIING*
Nakita kong panay ang tunog ng cellphone niya. Gigisingin ko na sana siya pero
ayoko namang istorbohin konting tulog niya. Sinagot ko ang cellphone...
"We're really sorry. Hindi naman namin sinasadya. Gusto ka lang naming pasayahin.
Alam mo naman sila, ayaw nila kay Trisha kasi two timer siya noon, galit ka pa ba
samin? Troy?"
"Hello, Troy, pre?" Dinig ko si Nash. "Pasensya ka na. Ito kasi sina Andrei at yung
mga kaibigan mo nung high school ito ang pakulong iniisip. By the way, okay naman
si Andrei, nag nosebleed pero okay na siya. Ikaw? Okay ka lang ba?"
Nosebleed?
"Hello, Nash?"
Natahimik siya ng konti bago sumagot, "Uhm... Nagalit siya eh. Nagwala. Tapos
hinanap ka niya. At mejo nagkagulo dahil sa pakulong yun... Asan ba siya? Okay lang
ba siya? Bakit... ikaw?"
"Uhmm.. Yep."
Narinig ko ang pagbuntong-hininga ni Nash, "It's okay. Kami nga dapat mag sorry
sayo. His party isn't totally ruined anyway... kasi magkasama naman kayo."
Ngumuso ako at ilang sandali pa bago nagsalita, "Sige. Baba ko na 'to. Bye..."
Kabanata 46
Kabanata 46
At Nagsimula Na Siya...
Kinuskos ni Troy ang mga mata niya. 30 minutes din siyang natulog. Tinignan ko lang
siya habang nakahiga siya sa lap ko.
"Si Abbie."
Dahan-dahan niyang dinilat ang mga mata niya at umupo ng maayos. May kinuha siyang
can sa drawer niya. Nakita kong isang Royal na softdrink at Heineken. Binigay niya
sakin ang softdrinks at agad niya namang ininom ang Heineken.
"Uhmm. Akala niya ikaw yung kausap ni Abbie kaya kinausap niya rin ako. Tapos
tinanong ko kung anong nangyari, sinira mo ang birthday party mo?" Tanong ko.
Umiling siya, "I deserve the best birthday party, Trisha." Aniya.
Hinaplos niya ang mukha ko... Lumakas na naman ang kabog ng puso ko. Sobrang lakas
parang may nabubuhay na isang pulutong na sundalo sa loob, nagmamartsa at
nagpapaputok, para bang gusto nilang kumawala.
"Hindi pa tayo pwedeng mag kiss, diba? Nililigawan mo pa lang ako." Sabi ko.
Natahimik ako.
Ngumiti siya at kinagat ang labi. Damn, I miss him so much. Parang ang tagal niyang
nawala. Ngayon lang siya nakabalik ulit... Miss na miss ko na siya na gusto ko na
rin siyang halikan.
Uminit ang pisngi ko nang narealize kong nakita niya ang pagtitig ko sa labi niya.
Sumulyap siya sa wrist watch niya habang pinapaandar ang sasakyan.
"Diba yun ang gusto mo? Eh naudlot yung party niyo... Baka gusto mo mag Penthouse
or something."
Ngumisi siya.
Kinagat niya ang labi niya. Nag iwas na lang ako ng tingin sa sobrang hiya. Hindi
ko alam kung bakit sobrang hiya ko sa kanya ngayon. Siguro dahil sa mga sinabi
niya.
Bago pa ako maka react ay nasa tapat na kami ng isang malaki at puting bahay. May
pinindot na mga buton si Troy sa kanyang sasakyan at unti-unting bumukas ang
pagkalaki-laking gate.
"Hindi naman ako natakot nung pumunta ako sa bahay niyo ah?"
"Tsss! Nagdadahilan ka lang kasi ayaw mong maipakilala kita." Lumabas siya sa
sasakyan at pinagbuksan ako.
Umuurong na talaga ang sikmura ko. Nakilala ko ang daddy ni Troy pero aksidente
lang iyon. Hindi ko kayang makilala ang daddy niya ng pormal... at mas lalong hindi
ko kaya makilala ang mommy niya. OH MY GOSH! I can only imagine.
Para akong nakalunok ng limampung durian habang papasok kami sa halos all white
nilang bahay. Mga green plants ang palamuti sa loob. Sa sobrang laki,
magmimistulang kwarto lang ang bahay namin dahil dito.
KIta ko rin ang swimming pool sa labas ng bahay. Oo nga naman. Major stock holder
sila Le Marcelle chain of hotels kaya malamang mala hotel din ang bahay nila.
May sumalubong samin na mga maid. Tinanguan lang ni Troy at umalis agad.
Diretso ang lakad ni Troy. Ni hindi niya ako binalaan na ang papasukan naming room
ngayon ay ang dining room nila kung saan kumakain sa kasalukuyan ang mommy at daddy
niya.
Damn Shet! Napapamura na ako ng paulit-ulit. Mas napamura ako nang nakita ko ang
mukha ng magandang mommy ni Troy. Kumakain lang sa long dining table pero animo'y
kumakain sa mamahaling restaurant sa Paris. Simple lang ang daddy niya pero damn
shet ansabe ng pearls ng mommy niya. Hindi ako makapag eye-to-eye contact.
"Trisha?" Tumaas ang kilay ng mommy niya at nagtinginan sila ng daddy niya.
"The first girl you ever introduced me... And the first you brought home. Tapos sa
birthday mo pa. May something ba?" Mas lalong tumaas ang kilay ng mommy niya.
Kinabahan agad ako. Sobrang kaba na naman ang nararamdaman ko. Halos manginig na
ang buong sistema ko.
"That's good. Sa liit naman ng pamilya natin, nangangarap din akong magkaapo ng
marami. I hope this is soon." Tinignan ako ng mommy niya nang naka taas parin ang
kilay.
"Mom, tooth brush lang ako ah?" Aniya at hinila ako palabas ng dining room.
"At akala ko ba may party ka tonight? Sinasabi ko na nga ba, sana nagpaparty tayo
with relatives? Hey! I'm not yet done with her!" Tawag ng mommy niya.
"You can ask her questions later. Ni hindi niya pa sinasagot ang tanong ko
magtatanong ka na." Humalakhak si Troy at umalis na kami.
"Troy, wa'g mo akong dalhin sa kwarto mo ah?" Sabi ko agad nang nakita kong
papalapit kami sa stairs.
"Hindi no... Sa bathroom lang. Bibilisan ko baka maabutan tayo ni mommy." Tumawa
siya. "Dito ka lang maghintay." Pinaupo niya ako sa sofa at agad na siyang tumakbo
kung nasaan yung bathrrom nila.
Habang nakaupo ako, may narealize ako. Hindi lang pala yung lips niya ang may
pagtataksil na ginawa sa araw na ito. Sa dami nang nangyari, ngayon ko lang
naaalala na nahalikan pala ako ni Jayden. Hinawakan ko ang labi ko. DAMN SHET! I
can't kiss him, too!
Gusto kong maging fair sa kanya sa lahat ng bagay. Ang pangit ng history namin,
ayokong maulit yun. Na-guilty agad ako kahit di ko naman ginusto yung paghalik ni
Jayden sakin. Kinabahan agad ako.
Kinabahan ako sa ginawa ko pero napawi din dahil tumawa na lang siya.
"I don't know, Trisha. Ewan ko na kung anong mas masarap sakin. Kung hard to get
ka, na fu-frustrate ako at mas lalo kitang nagugustuhan. Pag bumibigay ka naman,
naaddict ako, then I'll want more. I really don't know anymore." Ngumisi siya at
kinagat ang labi.
This is the worst temptation so far. Alam kong isang kalabit na lang ay bibigay na
ako.
Naisipan naming pumunta sa Penthouse. This time, kaming dalawa lang ang para sa
isa't-isa. Wala siyang ise-seduce na kahit sino. Wala siyang ibang gagawin kundi
ang sumama sakin.
Papasok pa lang kami, agaw atensyon na. Parang di niya alam na pinagtitinginan na
kaming dalawa. Sabay lang naman kaming naglalakad pero panay na ang bulung-bulungan
ng mga tao sa paligid.
Ngumingiti siya sa mga nakakasalubong niyang kakilala. May iba sa kanila parang
gustong tanungin kung bakit kami magkasama pero tinikom na lang ang bibig.
"Happy birthday, Troy!" May mga bumati rin.
Bago siya nilubayan ng mga kausap niya, kinuha niya ang kamay ko at hinalikan sa
harapan nila.
May nakita akong babaeng nanlaki ang mata at sinundan talaga yung kamay namin ni
Troy. May narinig akong mga suminhap at bumuntong hininga sa likuran. Ibang klase
talaga ang dating ni Troy. Ang daming nanghihinayang sa kanya pero mukha namang di
niya iyon napapansin. Sarili niya lang yata ang napapansin niya.
Nagkamali ako. Ako at ang sarili niya ang iniisip niya sa ngayon. I taught him to
care for others... coz he never cared for others (except for his family). Kaya
noong una kong sinabing totoo yung 'LOVE', ang sagot niya ay totoo ang LOVE for the
family, pero hindi yung romantic love.
Umiling ako sa ingay ng music sa loob at tumawa sa reaksyon niya. Ngayon ko lang
napansin ang soot niyang t-shirt dahil may jacket siyang soot kanina.
"ORGY DONOR?" Nanlaki ang mga mata ko habang binabasa ang makahulugang print doon.
Sinabi ko noong passion ko ang sumayaw pero bakit parang nako-conscious na akong
gumalaw ngayon dahil siya ang kasayaw ko.
Nakangisi siya at nakakagat ang labi habang sumasayaw sa harapan ko. Hindi ako
makagalaw. Laglag panga lang ang nagawa ko habang tinatakpan ng palad ang pisngi
ko.
Lahat na yata ng mura nasabi ko na. Inilapit niya pa lalo ang katawan niyang
sumasabay sa tugtog ng music.
Uminit ang pisngi ko. Lalo na dahil unti-unti niyang hinaplos ang kamay ko, pataas
ng braso ko, tapos sa leeg, tapos sa likod... Hindi ko na masundan kung saan niya
ako hinapalos. He's really good at this. Scary. Dangerous. Tempting.
Idinikit niya pa lalo ang sarili niya habang napaawang ang dibdib niya.
"Look at me..."
SH1t! Pinagpapawisan na ako ng malamig. Nag iiwas ako ng tingin pero hinuhuli niya
ang mga mata ko.
"Shall I earn you, this time?" Bulong niya sa tenga ko.
May istorbo pang waiter na namimigay ng isang bote ng beer sa gitna ng sayawan.
Tinanggap ni Trot ang isa. Binigyan rin ako ng waiter pero umiling si Troy.
"No... Anyone can drink except you... I want you sober when you kiss me. I want you
sober when you give in." Bulong niya ulit sa tenga ko.
Damn. Sh1t! Humalakhak pa siya at mas lalong sumayaw nang nakadikit na sakin.
At nagsimula na siya...
"I missed you so much, Trisha." Sabi niya bago ako hinalikan.
Siniil niya ako ng maiinit na halik. Nakakalasing. Nakakabuhay ng dugo. Iba talaga
siya. Ibang iba. Dahil sobrang bilis at lakas ng pintig ng puso ko.
Ngumiti siya pagkatapos ng halikan namin. Kinagat niya ulit ang labi niya.
"I don't think I have the chance to be over you... No quitting this time, aright?"
Kabanata 47
Kabanata 47
Airborne Kisses
Hindi ako makatulog sa gabing iyon. Hindi matanggal sa isip ko yung ngisi ni Troy
habang nag di-dirty dance sa harap ko. Natatawa ako. Nakikiliti ako habang iniisip
na nag sensual dance pa talaga siya sa harapan ko. Ni hindi ko na inisip kung anong
mga reaksyon ng mga tao doon sa dancefloor habang ginagawa namin yun. Naghalikan pa
talaga kami.
Wala siyang ibang sinayaw kundi ako. Buong atensyon niya, nakatoon sakin. At halos
di ko na rin makita ang mga tao sa paligid dahil siya na lang ang klaro sa paningin
ko.
"Troy..."
Pagkatapos ng usapan namin, agad na akong nagbihis. Inisip ko baka may kasama na
naman kami sa date namin ngayon. Baka kasama na naman namin yung mga kaibigan niya.
Excited ako pero natatakot din at the same time. Iniisip ko kasi yung nangyari
noong huling date namin.
Pero nang dumating na kami sa 'date' na gusto niya, nabigla ako kasi kaming dalawa
lang.
"Asan na yung push-up bra mo?" Tumawa siya habang nagpapark siya.
Uminit agad ang pisngi ko. "Tseh!" Umirap na lang ako sa hiya.
May kinuha siya sa backseat. Habang inaabot niya iyon ay kinuha ko ang cellphone
niya at ni-swipe agad.
Nang lumingon ako sa kanya ay nakatago na ang mukha niya sa bouquet of flowers na
kinuha niya sa back seat. Kinuha ko iyon sa kamay niya.
Ngumisi siya pero napawi agad nung nakita akong hawak-hawak ang cellphone niya.
"Bakit?"
Inabot niya pero inilayo ko naman. Nabigla ako sa reaksyon niya. Kung pulang parang
kamatis yung pisngi ko kanina, mas malala yata yung sa kanya. Hindi siya makangiti
ng mabuti dahil sa frustration niya nang makitang tinitignan ko ang phone niya.
Hinawakan niya ang magkabilang wrist ko. Makukuha niya na talaga ang cellphone niya
dahil masyado siyang malakas at mabilis kumilos.
Hindi ko na maitsura ang mukha ko. Halong kaba at curiousity na ang nararamdaman
ko. Ano ang tinatago niya sa cellphone niya?
"Damn!" Umiling siya at ginulo ang buhok habang sumandal na lang sa upuan niya. "I
give up..." Humalakhak siya at mas lalo pang pumula ang pisngi niya.
"HOW TO COURT A GIRL? Sa Google?" Pumula din ang pisngi ko pero di dahil sa
kahihiyan, dahil sa katatawanan. "Si Troy Ezekiel Salazar, Master of Seduction, may
doctorate sa Art of Seduction ay nag go-Google nito?" Humagalpak ako sa tawa. "Ano
'tong nakalagay dito?"
"Take her to an amusement park, picnic, mall, watch movies, give her flowers..."
Mahaba pa ang listahan. "Kaya ba tayo nandito sa amusement park kasi yun ang
lumabas sa Google?" Humagalpak ulit ako sa tawa.
"Sa bagay... Wala ka pa namang nililigawan. First ba ako?" Tumawa ulit siya. "Hindi
mo naman kasi pinaghihirapan ang mga babae mo."
"HUH?"
"Sino?" May ibang babae pa pala siya bukod sakin? "First love? Sinong first love
mo?"
"Sh1t naman! Minsan ang talino mo... Minsan ang hina mong pumick up!" Umirap siya
at lumabas sa sasakyan.
Umikot siya para pagbuksan ako pero ako na yung nagbukas ng pinto ko kaya mas lalo
siyang nag sungit.
"Pwede bang minsan hayaan mo naman akong pumorma sayo? Kailan ba ako mag ti-take
over sa relationship natin? Lagi ikaw nasusunod. I can give you the world, give up
your own! Ako muna, pwede ba?" Umirap siya at sinarado ang pintuan ko.
"Ano? May dalaw ka ngayon?" Tumaas ang kilay niya nang nilingon ako.
"HA? Sabi ko ikaw ang may dalaw kasi ang sungit mo na naman today!"
Ngumisi siya at kinagat ang labi. "So ibig sabihin wala kang dalaw?"
I don't know if its a gift or curse... but I like him this way. Kahit marami na
siyang experience sa mga medyo green na bagay ay may respeto parin siya sakin.
Nakakatulong din ang pagiging masungit niya at pagiging over confident niya minsan.
Kung noon ay naiirita ako sa sobrang yabang niya, na memesmerize na ako ngayon.
Hindi ko na alam kung bakit. Side effects of being in love, I guess.
Nasa amusement park kami. Kumain kami ng ice cream (kahit na ayaw niya), cotton
candy (na gusto niya dahil malambot daw), at sumakay sa isang cup and saucer.
"No!" Ngumisi siya at tinuro ang pinakamalaking ride sa buong amusement park.
That's cheezy, too! Pero siguro di niya yun makita dahil nga... again... side
effects of being in love.
Pinagbigyan ko siya. Excited siya papuntang Ferris Wheel. Kaming dalawa lang sa
loob. Nagsimula nang umikot ang ferris wheel. Ang akala ko ay titignan niya ang
magandang tanawin sa labas pero nagkamali ako... dahil ako ang tinignan niyang
mabuti...
"Ang ganda ng view..." Sabi ko para ma distract siya.
"Ano?"
Hinaplos niya ang pisngi ko. Troy can really do this thing so well. Kahit dapat
natatakot na ako ngayon dahil sa taas namin dito, nakakaya niya parin akong
idistract sa kahit ano. Kaya niya akong idistract, itempt... Kaya niyang agawin ang
atensyon ko sa kahit ano... kaya niyang agawin ang puso ko kahit kanino...
"Hindi ba nanliligaw ka pa lang? Dapat di tayo nag ki-kiss eh. Saka na pag tayo na!
HMP!" Sabi ko.
"Oo! Ganun yun!" Umirap ako. Oo nga pala... baguhan siya sa panliligaw kaya di niya
yun alam. Malamang sa sobrang liberated ng babaeng nakukuha niya ay nakakaligtaan
na nila ito.
"But airborne kisses, Trisha. Pwede bang kahit ngayon lang? Pagkatapos nito, hindi
na muna kita hahalikan ulit hanggang sa sagutin mo na ako."
Hindi ko mapigilan ang pagngiti ko. Hindi ko inakalang kaya niya yung sabihin
sakin. Nag expect ako na wala siyang pakealam sa tradisyunal na courtship. Alam ko
nakailang beses na kami sa halikan noon pero hindi ko alam na tatanggapin niya ang
sinabi ko.
"I like airborne kisses, too." Napalunok ako at pumikit na... hanggang sa nagsimula
na siya sa mahihina at maiinit na halik. Nilagay niya ang kamay niya sa likod ng
leeg ko. Ang isang kamay niya naman ay hinahawakan ang kamay ko.
Nilagay niya ang kamay ko sa dibdib niya. At alam ko na naman kung ano ang ibig
sabihin nun. Sobrang lakas ng kabog ng dibdib niya na pati ako'y nahahawa na rin.
Malakas yung sakin pero mas malakas at mas mabilis yung kanya.
Nakaawang pa ang bibig ko dahil sa sobrang sarap, init at diin ng halik niya.
Pababa na kami nang siniil niya ulit ang labi ko ng mga halik.
Kinuha niya ang dalawang legs ko at pinatong niya iyon sa hita niya. Hindi ko
mapigilan ang sarili ko. Pinasadahan ko na rin ang dibdib at abs niya ng haplos.
Kinuha niya ang kamay ko at nilagay sa ilalim ng t-shirt niya.
Naramdaman ko agad ang tigas ng abs niya. Naiimagine ko pa lang ang katawan niya
napapahamon at napapakarne na ako. I can still remember the lines of his muscles
clearly. Yung V-line, yung abs, yung biceps... lahat...
Masyado na yatang mahalay ang pag iisip ko kasi napunta na ako sa pagsasayaw niya.
Paano kung nakahalf-naked siya habang nagsasayaw siya sakin kahapon. OH MY GOSH!
Uminit ang pisngi ko at nahalikan pa siya lalo.
Lasing parin ako sa halik niya at sa maka mundong pagnanasang naiisip ko. Natauhan
lang ako nang bigla siyang tumigil at tumawa.
"Damn! Sayang naman nun! Nag iinit ka na yata eh." Tawa siya nang tawa.
YUN NAMAN PALA! Nasa baba na ulit kami!!! SHIIIIT NA MALAGKIT! Maraming nakakita!
Tinakpan ko ang mukha ko.
Sinapak ko siya.
"Maybe you should list the things you want me to do with you... Lalo na pag tayo
na." Aniya habang nakatakip parin ang kamay ko sa mukha ko. "Like... you want us to
kiss airborne, sa airplane, sa Paris, sa Rio, or maybe you want us to make love air
borne... o pwede ring sa 150 plus na branch ng Le Marcelle. Ako ang bahalang
tumupad sa lahat ng gusto mo."
Kabanata 48
Kabanata 48
Nanlambot Ako
"First time ko kaya yun. Ano yun? Live show?" Umirap ako.
"I know its not your first time, Troy." Matabang kong sinabi.
Beterano na siya sa mga ganitong bagay kaya hindi ko na tatanungin kung naka ilang
beses na siya na ganun ang nangyari...
Seryoso na siya ngayon. Magkasalungat sa patawa-tawa niya kanina. Kinabog agad ang
puso ko habang tinitignan ang mga mata niyang seryosong nakatitig sakin.
"I'm in love with you... I want all your first times with me. Kahit hindi ako ang
first boyfriend, kahit di ako ang first kiss, kahit di ako ang first love mo...
Ikaw yung akin. And I want to be your only one. Your last man."
Kinurot ang dibdib ko sa sinabi niya. Kahit na matamis yung mga linya niya ay
naiiyak ako. Hindi ko alam kung bakit.
Hinaplos ko ang pisngi niya habang namumuo ang luha ko sa mga mata. I've never felt
this way before. Yung halu-halo ang emosyon. Masaya, malungkot, nawawasak ang puso,
nanlalambot, kinikilig...
"Alam kong mali yung mga ginawa ko sayo noon. Alam kong marami akong pagkakamali
sating dalawa... And I don't want us to do the same mistakes again, Trisha."
Marami din akong pangamba sa kanya. Syempre, dati siyang playboy... Mukhang napaka
imposibleng magiging one woman man siya. Pero marami na rin siyang na prove sakin.
"Hmmm?"
As usual, mukhang hindi na naman niya napapansin yung mga tsismosa at tsismoso sa
paligid. Syempre, alam ng sambayanan ang nangyari samin ni Troy noon kaya
nakakaintriga talaga itong paglalakad naming dalawa nang di nag aaway.
Nilingon niya ako at tumingin siya sa paligid. Ngumiti siya at kinagat ang labi.
Naramdaman ko ang ilang daliri niya sa daliri ko. Nung una akala ko aksidente lang.
Kahit ganun, bumilis parin ang pintig ng puso ko. Napatingin ako sa kamay naming
dalawa. Hanggang sa naramdaman ko na talaga ang dahan-dahan na pag dausdus ng mga
daliri niya sa kamay ko. Uminit ang pisngi ko. May narinig pa akong ilang
napapabuntong-hininga sa paligid.
"Uhmmm... Bakit mo hinahawakan ang kamay ko?" Pabulong kong sinabi sa kanya.
"They want something to talk about, right!? Oh hayan. At okay lang kasi pangarap ko
rin naman ito eh. Yung maka holding hands ka in public... at sa harap pa ng mga
kaibigan natin." Ngumuso siya sa harapan.
Nakita ko ang sabay-sabay na paglaglag ng mga panga nina Emma, Camille, Beatrice,
at maging si Earl.
"Dito muna ako? Uhm... Kita na lang tayo mamaya." Sabi ko kay Troy.
"Aryt!" Yumuko siya ng konti para maabot ang pisngi ko. Mabilis niya akong
hinalikan. Kaya mabilis din akong namula.
"No french kissing... Pasalamat ka nga sa cheeks yun. Kasi iniisip ko pag hahalikan
kita sa labi, baka di ko na mapigilan ang sarili ko kaya sa cheeks na lang muna."
Sinapak ko ang dibdib niya. Hinuli niya ang kamay ko at nilagay pabalik sa dibdib
niya.
"Pag tayo na, hindi big deal sakin pag halayin mo ako." Humagalpak siya sa tawa
habang umiinit ng sobra sobra ang pisngi ko.
"As long as I can touch you anywhere I want... And I can kiss you anywhere I
want..."
"Gusto ko talaga yung nahihiya ka... I'll do something about that pag tayo na."
Halos pasigaw niyang sinabi.
"Ano ba yan! Diba away pa kayo nung isang araw ba't ngayon may pang SPG ng eksena?"
Sabi ni Camille.
"SPG!? Kulang pa yun no! Parental Guidance pa lang. OMG!" Tili ni Beatrice.
Nahihiya akong mag share sa kanila sa mga nangyayari pero ginawa ko parin. Hindi ko
na kayang maglihim ulit sa kanila. Sila ang mga kaibigan ko kaya dapat alam din
nila ang nangyayari sa buhay ko.
"Trisha..." Narinig ko ang isang pamilyar na boses nung papasok na ako sa next
class ko.
Hinatid ako nina Emma dito sa classroom dahil hindi nila ako matantanan sa mga
kwento ko. Pero bago pa ako nakapasok ay may tumawag na agad sakin. Nakaalis na
sina Emma kaya imposibleng sila. Lumingon ako at nakita ko kung sino.
"Jayden?"
Ngumiti siya. My heart broke. May nag iba sa kanya. Hindi ko alam kung ano.
Nilapitan ko agad siya.
He's a good man. Hindi bagay sa kanya ang sinasaktan. Wala siyang ginawa kundi
mahalin ako pero ano ang ginawa ko? Nagtaksil lang!
He cleared his throat, "By the way, I'm here... to say goodbye." Napalunok siya.
"B-Bakit? Saan ka pupunta?"
"I left Le Marcelle about a month ago. May malaking offer abroad."
Tumango ako, "That's great, Jayden! Mas lalo kang magiging successful niyan."
Ngumisi siya, "Hindi naman... Uhm... Sorry, nagpunta pa ako dito. I just don't want
to leave the Philippines without..." Lumunok siya. "Saying goodbye to you..."
DAMN DAMN DAMN SHET! Nasasaktan ako para sa kanya. Sana naging malupit na lang siya
sakin. Sana naging masama siya sakin para may karapatan akong sibihing mabuti na
lang at nag kahiwalay kami. Pero hindi... wala siyang kapintasan. Ako ang may
kasalanan. Ako lang. Ako ang mali.
"Uhm... Jayden. Thank you sa lahat. I'm really sorry. I'm so sorry... Alam kong
paulit-ulit na ako but I just need to say it again and again... coz I really am
sorry." Nabasag ang boses ko.
"Pero hindi ka nagsisisi diba?" Ngumiti siya at naglakad palapit sakin. "It's okay,
Trisha. We're over. It's all over. Everything between you and Troy better be
perfect. Kung hindi, babalikan ko kayo dito, at ako naman ang aagaw sayo. And Thank
you din. And I'm sorry for being insensitive." NIyakap niya ako.
Tinalikuran niya ako. Habag na habag na ako. Gusto kong mag sorry ulit sa kanya...
Gusto ko paulit-ulit na mag sorry. Naiyak ako habang tinitignan siyang umaalis.
Hindi ko na siya mahal pero naiinis ako sa sarili ko. Naiinis ako kung paano ko
siya tinrato noong kami pa.
"Abbie?"
"What?"
Nanlaki ang mga mata ko habang tinitignan siyang nakasimangot, galit na galit. Ito
ang unang pagkakataong nakita ko siyang galit. Siguro masyado siyang apektado samin
ni Jayden. Siguro ay nasaktan siya para kay Troy!
"May video na kumalat. Hinalikan ka ni Sir Jayden somewhere near Tribe Lounge at
ngayon kitang kita ko kayong dalawa na nagyayakapan dito."
"Niyakap ko siya kasi nagpaalam na siya! Tsaka... Si Jayden ang biglang humalik
sakin sa mga oras na yun!" Sabi ko.
"Defensive ka masyado. Hindi ako naniniwala. Two timer ka nga talaga." Umiling
siya.
"I like Troy. Pero kung ikaw ang gusto niya hahayaan ko siya... Hahayaan ko siya
kung totoo ka sa kanya... Kaya lang hindi eh... You're a two timer. Old habits die
hard, huh?"
Kabanata 49
Kabanata 49
Pumasok ako sa klase kahit di ako mapakali. Gusto kong itext si Troy at balaan siya
sa mga rumors. Nag sisi din ako kung bakit di ko sinabi sa kanya yung nangyari.
Natatakot akong mahusgahan. Alam kong may kasalanan ako at ito na siguro ang naging
karma ko. Patuloy na manghuhusga sakin ang mga tao dahil nagawa ko na ito dati.
"Kanina pa kita napapansing tuliro! Yun pala, nag titext ka diyan!" Lumapit siya
sakin. "I will confiscate your cellphone... Kunin mo 'to sa office mamaya."
Naglahad siya ng kamay. Tinignan ko lang ito. Pinagpawisan ako ng malamig habang
nagkakatinginan kami ng professor ko.
Mabagal ang oras habang tinitignan ko ang cellphone ko sa mesa ng professor ko.
Walang pumapasok sa utak ko kundi yung video na sinasabi ni Abbie!
I need magic right now! Sana habang tinitignan ko ang cellphone ko ay lilipad siya
patungo sakin!
Isang oras ang nakalipas ay nag ring na ang bell at nag dismiss na ang professor
ko.
Habang nagliligpit ako ng gamit ay mabilis siyang naglakad paalis. Hindi ko na alam
kung saan ko naipasok yung mga ballpen ko ang importante ay nailigpit ko lang lahat
sa loob ng bag ko.
"T-Tapos?"
Ibig bang sabihin nito ay di niya pa nakikita ang video? "Tapos? Anong nangyari?"
"Nasa cellphone kasi ng mga kaibigan niya. Tapos pinakita sa kanya. Galit na galit
siya umalis. Pinaharurot yung sasakyan niya palabas ng campus pagkatapos niyang
tignan yun! Buti na nga lang di kinalat ang video sa buong campus pero syempre alam
nila ang nangyari."
Napatingin siya sakin nang nakakunot ang noo, "Nasa building yata nila? B-Bakit?"
Naglakad na agad ako papuntang building nila pero pinigilan ako ni Earl.
Ilang sandali ko pa bago naiproseso ang sinabi niya. Una sa lahat, kukunin ko muna
ang confiscated cellphone ko.
"Kapal! Nainlove lang si Troy sa kanya may karapatan ng mag two time?"
"Two timer! Akala ko si Troy magtataksil, yun naman pala siya! Syempre! Nagtaksil
nga siya sa ex niya eh."
May mga galit. May mga pinagtawanan ako. Marami. Iba-iba ang naging pananaw ng mga
tao. Gusto kong isaksak sa kokote nila ang totoong nangyari pero tama si Earl, si
Troy ang importante sa ngayon. Wala akong pakealam ano ang tingin ng sambayanan,
ang importante ay tama ang tingin ni Troy.
"Ma'am, may I get my phone back?" Hinihingal pa ako habang sinasabi ko iyon.
"No, Ms Roncesvalles. Buti nagpunta ka dito... You should first do these tasks..."
Gumuho ang mundo ko. Sasabog na ako at magmumura sa harapan niya pero nilunok ko
ang lahat ng galit at inis ko. Galit na galit ako sa sitwasyon. Inis na inis ako sa
mga ginagawa ng mga taong nakapaligid sakin.
"Tapos na po..." Pagkatapos kong i-file lahat ng mga walang kwentang records niya
sa cabinet.
Mura ako nang mura sa utak ko. Hindi ko na kaya ito. Sasabog na ako sa galit at
frustration.
"Trisha Roncesvalles, two timer since forever!" May mga ganitong chant akong
naririnig kung saan.
Nakaraos ako at nakaabot sa gate ng buhay na buhay pa rin. Naligo nga lang ako ng
mura at bash galing sa mga tao pero worth it kung magkita na kami ni Troy!
Hindi na ako nag isip pa kung nasaan si Troy. Alam na alam kong sa Le Marcelle siya
matatagpuan. Hindi sa bahay nila... hindi kahit saan.
"Paki bilisan po. Importante lang." First time kong mag request ng ganito sa
driver.
"Uhmmm... Oo-"
Naisip kong wala nga pala akong keys sa suite niya. Swerte ko talaga ngayong araw
na ito!
Agad kong sinugod ang pumalit kay Jane para sabihing kailangan kong pumasok sa loob
ng kwarto ni Troy.
Wala akong pakealam kung ipapatapon ako dito basta ang importante ay mabuksan ko.
Pero nang nabuksan ko na... agad akong kinabahan. Paano kung may kasama siyang iba?
Yun lang ang pabalik-balik kong naisip...
Tahimik sa loob. Pero may naririnig ako sa kwarto niya. Hindi ko nga lang alam kung
ano yun.
Napalunok ako habang tinitignan sa harap niya ang isang flatscreen na TV. Doon ay
pabalik-balik na nakaplay ang video ng paghahalikan namin ni Jayden. Malayo ang nag
video nito dahil hindi naririnig ang pinag usapan namin.
Basta pinakita lang doon na naghalikan kami. Nakita din doon na bahagya ko siyang
tinulak pero agad pinutol. Pabalik-balik ang pagplay nito. Nagsimula sa pagkikita
namin bigla. Sumunod ang pagyakap niya sakin. Kasunod doon ang halik. Naputol at
nag play ulit.
Nakita kong bahagyang nag relax ang mga mata niya nang narinig ako.
Narinig ko siyang suminghap. Dahan-dahan kong kinuha ang kumot sa mukha niya. Umupo
ako sa tabi niya.
Nakita kong may mga luha sa pisngi niya. Pinunasan niya agad kahit nakapikit parin
siya.
"Troy, please, maniwala ka sakin. Ikaw ang mahal ko noon pa lang... Hindi ko
magagawang magtaksil sayo..."
"I never thought I'd be this crazy for a girl." Basag ang boses niya nang sinabi
niya yun.
"UGGHHHH! HAAAAAAAAY!" Ginulo niya ang buhok niya at umupo sa kama nang dilat na
ang mata.
"You know, aksidente lang din yung paghalik ni Abbie sakin. You didn't want me to
kiss you that time kaya pinag toothbrush mo ako. Pero yun naman pala... ikaw din
pala." Natawa siya.
That leering laugh. I didn't like it. Kinabahan ako. Nagbara ang lalamunan ko
habang nakikita kong lumalayo siya sakin habang lumalapit ako sa kanya.
"Troy, alam mong nagsasabi ako ng totoo, diba? Hindi ko kayang mag cheat sayo...
No!" Sabi ko.
Tumango siya sa kawalan, "Do you still have feelings for him?" Tanong niya.
Umiling ako, "I... I'm just sorry for us... Pero ikaw na ang mahal ko ngayon. Hindi
ko magagawang magcheat kung hindi ikaw..."
He's still that same beautiful overconfident boy. Bakit pagdating sakin ay wala
siyang confidence? Parang anytime pwede akong mawala sa kanya?
"Diba sabi mo sakin noon na ayaw mo sakin? Pero ngayon, gusto mo na ako. Natatakot
ako na ngayon, sinasabi mong ayaw mo sa kanya, pero baka sa susunod na araw
magustuhan mo na." Matabang na sinabi niya sakin.
Umiling ako, "Iba na ito, Troy. I've grown! Kung ikaw ang mahal ko, I'm going to
commit... I'm going to be really faithful and loyal to you."
"Trisha, I know I've been such a jerk before. Alam kong marami na akong naging ka
fling at pwede mo rin akong husgahan gamit ang mga iyon pero wala akong minahal sa
kanila! Minahal mo si Jayden.. May chance bang..." Napalunok siya.
"May chance bang magkabalikan kayo ulit? May chance bang mahalin mo siya ulit?"
Hindi niya pa tinatapos ang tanong niya ay umiiling na ako at lumalapit sa kanya.
"First time kong mainlove. First time kong maging baliw ng ganito at tingin ko di
na ulit to mauulit. I think you're my karma..."
Hinaplos ko ang pisngi niya. Napapikit siya sa haplos ko.
"But if you really are my karma, okay lang kahit karmahin ako paulit-ulit."
Napalunok ako sa sinabi niya. Nanginig agad ako nang dahan-dahan niyang hinawakan
ang kamay kong nakahawak sa pisngi niya.
"Kahit na saktan mo ako. Okay lang. Sige saktan mo lang ako. Ikaw naman yung
nanakit eh. Ikaw lang ang gusto ko. Sa kahit anong paraan."
"Ang sakit kasi sa gabing iyon akala ko ako lang talaga ang nahalikan mo. That was
my freaking birthday." Mariin ulit siyang pumikit. "Inaamin kong nasaktan na rin
kita kaya di kita masumbatan... but god damnit it hurts so much, Trisha! It hurts
so much!"
Lusaw na lusaw ang puso ko habang tinitignan siya. Half naked at malungkot sa
harapan ko.
"Troy, I'm in love with you... Hindi ko yun magagawa sayo. I'm different now... I'm
all yours. There is nothing to worry about."
Pinunasan niya ang mga luha ko at niyakap ng mahigpit. Sobrang higpit na halos
maramdaman ko na kung gaano siya ka frustrated saming dalawa.
"I want you for my self alone... I love you so much at ayoko ng kahati. Ayokong may
iba kang kahalikan. Ayokong may maaksidenteng makaagaw ng mga halik mo. Ayokong may
pumorma sayo. Ayokong may ibang kahalikan... ayokong may ibang tignan. Ni hindi na
ako makapag isip ng kahit ano kundi ikaw... Trisha! If I keep you in my life, I
might lose my freaking self..."
"But letting you go will really kill me..." Bulong niya sa tainga ko.
Hindi ko alam kung ano pang masasabi ko. Wala na akong gustong gawin kundi ang
iparamdam sa kanya kung paano ako kasaya.
"So I'm keeping you... I don't care if I lose myself... At... wala akong pakealam
kung sino pang hahadlang satin. Handa akong harapin sila. Let's prove them wrong,
Trisha. We'll last. Really last-"
Pinutol ko ang pagsasalita niya at hinalikan na agad siya. Hindi ako makapaniwala
sa laki ng pinagbago niya. Ibang-iba na siya noon. Ang akala ko'y self centered
siya. Well, siguro self-centered siya nung nakilala ko. Ngayon, ibang iba na siya.
Agresibo at mainit ang sinukli niyang mga halik. Napahawak ako sa dibdib niyang
wala nga palang saplot. Idiniin niya ang sarili niya sakin. Naiiyak ako sa mga
halik niya. Naiiyak ako s asobrang saya. Ganito pala talaga ang feeling. Masaya ka
at kinakabahan. Malakas ang pintig ng puso ko habang hinahalikan niya ako.
Pinatong niya ulit ang hita ko sa hita niya at nagpatuloy sa paghalik pababa sa
leeg ko.
"Sana di kita tinuruan sa art of seduction. I regret that day." Sabi niya in
between his kisses.
Hinalikan niya ang leeg ko habang kinukuha ang kamay ko. Naramdaman ko na lang na
may malamig siyang nilagay sa isang daliri ko.
Nung una akala ko guni-guni lang yun pero sinulyapan ko parin ang daliri ko.
Nabigla ako sa nakita ko. Isang gold-plated diamond ring na may naka sulat sa
magkabilang gilid. Patuloy siya sa paghahalik.
"No chance of saying no to me, Trisha... There's no chance." Bulong niya sakin at
nagpatloy sa paghalik.
Napapikit ako sa mga halik niya pero DAMN SHET hindi ito ang oras para bumigay sa
makamundong pagnanasa. I think he slipped an engagement ring on my finger!!!
Nilapit ko sa mga mata ko ang daliri ko at nabasa ang encarved italic words sa
gilid.
"Semper Fidelis."
"Always faithful... Let's stay that way... Coz I will always, Trisha." Aniya.
Sa kabilang side naman ng singsing ay initials: TR at isang TR pa na pabaliktad ang
pagkakasulat.
"Don't worry, may pinagawa ako kaninang wedding rings na nasa likuran na ang
dalawang TR at Semper fidelis."
"WEDDING RINGS!?"
Kabanata 50
Kabanata 50
Hinagis Sa Ere
Nanginginig pa ang mga kamay ko habang tinitignang mabuti ang binigay ni Troy.
Nakahawak ang isang kamay niya sa manibela habang ang isang kamay niya naman ay
nakahawak sa kamay ko.
"Troy, mga kaibigan mo sila. Karapatan din nilang malaman kung ano talaga ang
nangyari."
"I already told them you're not cheating on me." Lumunok siya.
"Oo tapos inaway mo sila dahil sa pagdududa nila sakin? Of course magdududa sila
kasi may history akong nag cheat. Tsaka di nila ako kilala, Troy... Ang akala ng
mga kaibigan mo ginagamit lang kita."
Ang akala ko noon, kung magkakaboyfriend ako, tahimik lang at hindi iniintriga
tulad ng sa amin ni Jayden noon. Pero ngayong kay Troy ako nahulog at siya na ang
naging boyfriend ko, nawala nang parang bula ang mga inakala ko. Hindi kailanman
matatahimik ang buhay dahil maraming nakakakilala sa kanya. Maraming may gusto sa
kanya kaya malabong maubusan ako ng karibal. Maraming mas lalo pang sisira sa
pagkatao ko. Maraming makikiusyuso sa pribado naming buhay.
Marami na kasing nakaabang sa paglabas niya. Ang akala siguro nila ay mag isa lang
siya dahil nagsilakihan ang mga mata nila nang nakita akong lumabas. Kinuha agad ni
Troy ang kamay kong may engagement ring.
Nilagpasan naming dalawa ang mga nakiusyuso. Ni hindi ko na kayang tignan ang mga
mukha nila dahil alam kong puno lang yun ng galit para sakin. Naiinis sila dahil
akala nila napaikot ko na naman si Troy kahit may ebidensya na sa pagtataksil ko.
Napatingin ako kay Troy na diretso lang ang tingin sa daanan namin. He's still so
cool even when he's beside me. Kahit na pangit ang image ko dito sa school, hindi
ko siya kayang hatakin pababa. Ganun ka tayog ang tingin ng mga tao sa kanya.
Gwapo, matipuno, mayaman, suplado pero puno parin ng charisma... kaya mahal siya ng
mga tao. Mahal siya ng mga tao kaya kinakamunhian naman ako.
"Sino kaya yung nag video?" Tanong ko sa kay Troy habang naglalakad kami papunta sa
mga kaibigan niya.
Umiling siya.
"Si Abbie?"
Hindi siya umimik. Malakas ang pakiramdam ko na hindi si Abbie yung nag video. Isa
lang ang pinaghinalaan kong talaga. Dahil nagawa niya nang mag video samin noon,
kaya niya ulit akong siraan para lang makuha si Troy. I think she's obsessed.
Napalingon siya sakin. Hindi siya umimik pero alam ko na agad na tama ako.
"Wait!!!" Tumigil ako sa paglalakad. "May inalok na naman siya sayo ano? Ano yun,
Troy? Diba nung huling pagvideo niya satin, binlackmail ka niya? One night stand or
ipapakalat niya ang video? Inulit niya na naman ba yun?"
Suminghap siya.
"Hayaan mo na, Trisha. This isn't the first time anyway. Marami nang nangblackmail
sakin noon pa pero hinahayaan ko na lang. Hayaan na natin."
"Hayaan na natin? Naka ilang ulit na siya nito, ah? She'll do it again!" Sabi ko.
Ewan ko pero hindi ko kayang may ganoong mga klaseng babae ang nakaaligid sa kanya.
"Nakakaadik ka ba talagang ka ano? Bakit ganyan sila sayo?" Seryosong tanong ko.
Tumawa siya, "Why don't you try it, then? Pag naadik ka sakin, we're even!"
Binatukan ko ulit.
Humagalpak siya sa tawa, "Wa'g mo naman akong sinasaktan! Haha! Why don't you try
it, Trisha? You know, making smoking hot love?"
Binatukan ko siya sa pangatlong beses dahil umiinit na naman ang pisngi ko.
Iniwan ko na siya sa kinatatayuan niya. Sinundan niya ako habang tumatawa. Natigil
lang yung tawa niya nang nakita namin ang mga kaibigan niya sa tapat ng building
nila.
Nakatoon ang buong atensyon nila samin ni Troy. Para akong nakalunok ng limampung
durian habang papunta sa kanila. Halatang galit parin sila sa akin. At halata din
kay Troy ang tensyon.
Naglaglagan na lang ang mga panga nila nang hinawakan ulit ni Troy ang kamay ko sa
harapan nila. Itinaas niya ito para ibalandra ang engagement ring na ibinigay niya
kanina.
"Nothing... no one will tear us apart." Salubong niya sa mga kaibigan niya.
Tahimik silang lahat. Maging ang mga usisera at usiserong sa likuran ay tahimik.
"Sorry kong napagbuntungan ko kayo kanina. Mainit ang ulo ko. Totoo. Nabigla ako sa
video. Nasaktan ako. Hindi ko alam na may ganung nangyari. Nabigla lang din siya sa
nangyari."
"Nasaktan ako kasi mahal ko siya. Ayokong nakikitang may ganung nangyayari. I have
doubts... but my love for her is greater."
"Corny pero totoo. Alam kong akala niyo di ako ma iinlove. Akala ko rin eh... Let's
all erase the doubts. We've learned from our mistakes... We won't do it again.
Marami akong nasaktan." Sumulyap siya kay Abbie. "Marami akong ginamit... I'm
sorry." Aniya.
"I'm sorry din." Sabi ko. "I'm sorry kung nasaktan ko si Troy-"
"How sure are you, Troy? Gaano ka kasiguradong di ka niya ipagpapalit?" Pinutol ako
ni Abbie.
Nilunok ko na lang lahat ng gusto kong sabihin. May karapatan siyang magtanong ng
ganun. Nagamit siya ni Troy, isa siya sa nasaktan, casualty sa gyera namin ni Troy.
"She loves me, too. At gaya ng sabi ko, we've learned from our mistakes." Sabi ni
Troy.
Nagbulung-bulungan ang mga kaibigan niya. Nakita kong umiyak na sa gilid si Irene
habang tinatahan ng mga kaibigan niyang models. Si Abbie naman ay umiiling habang
kinakausap si Andrei. Si Theo at Nash ang unang tumapik sa likuran ni Troy at
naglahad ng kamay.
Sarap sa pakiramdam na naging okay na sila ng mga kaibigan niya. Hindi baling may
ayaw parin saming dalawa. Ang importante ay nasabi niya ang mga importanteng
bagay... ang mga katotohanan.
Habang nagkakatuwaan sila ay may napansin akong isang babaeng nakatingin sakin.
Nabigla ako sa nakita ko!
"Troy, uhm, iwan ko lang kayo sandali... May pupuntahan lang ako." Sabi ko.
Nang nasa kabilang kalsada na siya sa labas ng school, tumigil siya sa paglalakad
at tinignan ulit ako. Nakita ko ang malulungkot niyang mga mata.
"Jane! Halos dalawang buwan tayo sa 30th floor. Wala ka bang konsiderasyon sakin? I
cannot believe you!" Sabi ko.
Ikinabigla ko ang pagsasalita niya. Pero mas lalo kong ikinabigla ang laman ng
salita niya.
"No, you don't love him, Jane! Lust lang ang nararamdaman mo sa kanya."
Umiling siya, "Nagmamalinis ka? Bakit ikaw? Lust din yan, Trisha! Alam mo akala ko
noon, ikaw yung tipong di niya mabibilog kaya hinayaan kitang maglinis sa kwarto
niyang puno lagi ng iba-ibang babae!"
Nagseselos o naiinggit siguro siya noon kaya hindi niya maatim na maglinis sa
kwarto ni Troy.
"Nakita kita... Kasama siya habang kayo ni Jayden! How dare you do that to Troy!
Oo!" Nakita kong lumandas ang luha sa mga mata niya. "Oo! Nagpagamit ako sa kanya
noon. Matagal na yun pero mula noon minahal ko na siya. Pero di niya tinanggap.
Wala siyang tinanggap. Kaya di maaring nainlove siya sa isang babaeng tulad mo!
Ginamit mo lang siya! Hindi siya pwedeng second option, Trisha! Napaka..."
Suminghap siya. "Napaka walang hiya mo! Napakalandi mo! Naiinis ako sayo!"
Nanggigigil siyang sumugod sakin para sampalin o sabunutan ako. Nanlaban ako!
Hinila niya ang buhok ko. Hinila ko rin ang buhok niya. Tinulak ko siya palayo
sakin.
"Stop this, Jane! Magkaiba tayo! Kung sana hindi ka naging ganito ka kitid, baka
nagustuhan ka na niya. Patahimikin mo na lang kami! Stop this! Kung mahal mo talaga
siya, hahayaan mo kami! Kung patuloy kang ganito, ibig sabihin obsessed ka lang sa
kanya. Lust lang ang lahat ng iyan!"
Nanlaki at nanlisik ang mga mata niya. Sinugod niya ulit ako. Ang akala ko ay
hihilain niya ulit ang buhok ko kaya pinigilan ko siya. Pero imbes na hilain niya
ang buhok ko, ang engagement ring ang hinila niya sa daliri ko.
*PEEEEEEEEEEP*
I'm gonna die! Gusto kong tumakbo kahit alam kong huli na ang lahat. May tumulak
sakin kaya tumilapon ako sa gitna ng lane.
Nabagok ng konti ang ulo ko. Napapikit ako sa sakit. Nang narinig ko ang malakas na
tunog ng banggaan ay agad kong dinilat ang mga mata ko.
Tumigil ang mga sasakyan at marami nang papunta kay Troy. Hindi ako makagalaw.
Gusto kong gumalaw pero ayaw sumunod ng mga paa ko.
Nakita kong dumudugo ang ulo niya. I think he’s also unconscious. Nakapikit lang
siya at nakahiga.
Umapaw agad ang luha ko. Pinalibutan na siya ng mga tao. Nandoon din ang mga sakay
ng van. I can’t freaking move. THIS IS JUST A DREAM!
"Excuse me!! Excuse me!" Sigaw ko sa mga usisero habang tinutulak sila palayo nang
natauhan na ako. "TROOOY!" Sigaw ko.
Gumalaw siya ng konti. Dumapo agad ang kamay ko sa bibig ko nang nakita ko siyang
umubo at may lumabas na maraming dugo sa kanyang bibig.
Nanghina ang mga tuhod ko. Am I dreaming? Nakapikit parin ang mga mata niya habang
pinagtutulungan siyang buhatin sa loob ng van.
I feel so damn helpless. Nakatunganga ako sa harapan niya habang nanginginig ang
mga tuhod ko. Gusto kong pigilan ang mga dugong lumalabas sa katawan niya. Gusto
kong gisingin siya! Gusto kong pilitin siyang idilat ang mga mata niya at aminin
niya saking binibiro niya lang ako!
Tumango ako.
"Kaano-ano? Langya! Sana maagapan pa 'to! Langya!" Hinilamos nang tao ang kanyang
kamay. Halatang kinakabahan at nagpapanic na.
Hindi na gumalaw ulit si Troy. Natigil na ang pag ubo at pag suka niya ng dugo.
Nanghihina ako habang tinitignan siya. Hinawakan ko ang kamay niya. Hindi ko na
alam kung saan ako huhugot ng lakas para hawakan pa ang kamay niya. Sa ngayon,
kamay ko na lang talaga ang may lakas. Humagulhol na lang ako sa pag iyak. Tunog
nang tunog ang cellphone ko pero di ko sinasagot. Kay Troy lang ang buong atensyon
ko. I swear to God, kaya kong i-give up lahat lahat sa buhay ko maging maayos nlang
ulit siya. Kaya kong magsakripisyo nang kahit ilang beses, maging okay lang siya.
Please! Hindi na ako makahinga ng mabuti sa kaba! Hindi pa nag si-sink in sakin ang
lahat. Hindi ko alam kung magwawala ba ako o sasabunutan ko na lang ang sarili ko.
Please, let him be okay! He's my damn life!
Dumating kami sa ospital. Emergency room. Puro naka puti ang mga tao. Si Troy lang
ang nababalot ng dugo. May dugo rin ako sa damit pero wala akong pakealam.
Ni check ang vital signs niya habang nag di-dress ng sugat ang mga nurse. Yung iba
naman ay kinakabitan siya ng mga iba’t-ibang tubo sa dibdib.
Nakita kong umiling ang doktor habang kinukuha ang defibrilator sa kamay ng nurse.
Yun ang huling nakita ko bago sinarado ang pinto sa Emergency Room.
Special Chapter - Troy's POV
You may not read this. Wala naman dito yung susunod na mangyayari... just a special
chapter for those who want Troy's POV. Nicut ko sobrang haba kasi... Sorry kung
madidisappoint ko kayo dito.
-----------------------------------------------------------------------------------
----------
Special Chapter
Lahat ng nangyari, nagflashback sakin. Madilim nung una pero biglang lumiwanag kasi
nakita ko ang mga mata niya.
At first, I thought it’s funny. This game is really funny. This girl is really
funny. In love siya sa manager ng hotel namin. She’s really straightforward. Niyaya
niya ang manager na makipag dinner, pero tinanggihan siya. Of course, that was
freaking scary. Who would want to date her anyway? Well, let’s face it, maganda
siya pero di lang marunong mag ayos. Hilaw pa ang katawan niya. She doesn’t look
nineteen. Late bloomer. Wala pa nga siyang boobs, parang kaka high school lang.
Umiling ako, why am I stressing over her problems? I don’t care... And she’s just
using me anyway…
"TROY! Pagamit naman ng CR! Please!" Isang gabi sinabi niya sakin ‘to, natatae
yata.
Pwede namang umuwi na lang siya at mag taxi, bakit ang kapal ng mukha niyang
makigamit sa CR ko? Hindi ba siya nahihiya sakin? This girl is really crazy.
Natural sa mga babaeng nahihiya sa mga ganyang bagay pero itong isang ‘to, walang
hiya. Lalo na sakin.
Para siyang linta, hindi siya maalis-alis sa sistema ko. Syempre, hawak niya ako sa
leeg dahil sa sex tape na yan. Pero ginawa ko na naman ang sinabi niya diba?
Pinapasok ko siya sa Le Marcelle para makapag On the Job Training. Tama na sana
yun. Okay na sana ang lahat. Pero ginawa kong kumplikado ang lahat…
Hindi siya marunong kung paano maobsess ang mga tao sa kanya. She’s too clingy and
straightforward. Kailangan niyang mag paka mysterious para makuha niya ang atensyon
ng Jayden na yun. Well, I’m not helping Jayden here. I dislike him… Kaya nga
tinutulungan ko si Trisha. I dislike them both, kung magkatuluyan sila, edi good
for them. Bagay naman sila… Mga panira sa buhay ko.
Damn! I knew she's pretty but I didn’t think she could be this pretty. Pagkatapos
ng make over, umaliwalas ang mukha niya. Ganun parin naman pero may nadagdag, hindi
ko alam kung ano pero alam kong meron.
This is the story of how I fell in love… She taught me how to love… and I broke her
heart….
"What the hell happened, Trisha?" Sigaw ko sa kanya habang tinitignan ang mga luha
niya.
Hindi ko maintindihan kung bakit galit na galit ako. I suddenly have that burning
passion to kill someone! Masakit sa puso. Dinig na dinig ko yung bilis ng tibok ng
puso ko habang hinihintay siyang magsalita.
Hindi parin siya nagsasalita. I need to calm down. Hinila ko siya papasok sa
7eleven para makainom siya ng hot chocolate.
"Sana nagpaiwan na lang ako sa kotse mo. Baka may makakita pa sating dalawa.
Hinahawakan mo pa yung kamay ko." Aniya.
Ang tagal niyang di nagsalita tapos ito pa ang inaalala niya? What a girl!
"Pagkatapos mong manahimik, ito yung sasabihin mo sakin? What the hell happened?
Bakit basa ka? At wa'g kang mag-alala, wala naman si Jayden sa paligid kaya di ka
masisira sa kanya." Matabang kong sinabi.
Nagdrive ako papunta sa paborito kong lugar. I need to wait for her to talk. Gusto
kong malaman kung bakit basa siya, bakit umiiyak siya, anong ginawa ni Jayden sa
kanya? Nag dinner sila diba? Bakit ganito ang kinahinatnan ng lahat?
Hindi ko alam kung bakit kinurot ang puso ko nung sinabi niya yun. Of course, I’m
not affected for Jayden! Kung may girlfriend siya, wala akong pakealam! Pero bakit
nakikipag date siya kay Trisha? Nasaktan tuloy si Trisha! Bakit siya basa? Don’t
tell me may nangyari sa restaurant?
Fvck! Yan na nga ba ang sinasabi ko! Wala akong ibang nagawa kundi ang maging
frustrated para kay Trisha. Ginulo ko na lang ang buhok ko. Gusto kong suntukin si
Jayden ngayon. Ang kapal ng mukha niyang mag two time! Hindi ako nagmamalinis. I’m
not ethical either, but Trisha is. Kung gusto niya, gusto niya talaga. Dapat siya
lang. She deserves to be the only one.
"Stop crying. He's not worth your tears, Trisha." Sabi ko.
"Then who's worth the tears, Troy? I think I...I love him.” Pumikit siya.
Para bang nasasaktan siya habang sinasabi niya yun. Nasasaktan siya kasi mahal niya
pero niloko siya. Pero hindi ko alam kung bakit pati ako ay nasasaktan dito. Not
because I can feel her pain, but because she declared her love for him! Naiinis ako
kasi in love siya sa lalaking yun. It’s not worth it! Sana di ko siya tinuruan ng
Art of Seduction, hindi sana siya napasubo ng ganito.
"That's impossible!-"
"May love, Troy! Totoo yan. Dahil kung wala... ano tong nararamdaman ko ngayon?
Bakit ako nasasaktan?"
Pumikit ako… Pumikit ako dahil damang dama ko yung sakit. It is real. Nasasaktan
talaga ako. Not just because she is hurting right now… but because she’s in love.
And I hate that she’s in love… She’s in love with another man and not with me!
FVCK!
"I can't be just attracted to him. Right? Kasi nasasaktan ako. Umiiyak ako ngayon.
At diba ikaw na rin ang nagsabi na you fell for someone? You must be in love
then... At hindi ka niya magustuhan diba? You're broken, too. I'm broken, too."
Kailangan pa ba yung explanation, Trisha? HA? Tama na yung inamin mo saking mahal
mo siya! Di ko na kailangang marinig ang mga detalye ng pagkaka hulog mo sa tao, o
hayop na lang kasi mas bagay!
STOP TELLING ME HOW MUCH YOU FREAKING LOVE SOMEONE! COZ I THINK I’M IN LOVE WITH
YOU AND I’M HURTING BECAUSE YOU ARE IN LOVE WITH SOMEBODY ELSE!
"Stop crying, aryt? It's gonna be okay. Lagi akong nandito. Kahit anong mangyari. I
know its cheezy but I think I won't be able to leave your life anymore, Trisha."
YES, FVCK! Ano ngayon kung mahal ko siya samantalang may mahal siyang iba?
STOP HURTING ME! Mukha akong seryoso at okay pero ang totoo, naghuhuramentado na
ako deep inside! Bullsh1t! I cannot be in love… This can’t be happening! Sa kanya
pa!?
"Hindi, Troy. Di yun ganun ka dali... Kung sana ganun ka daling di masaktan edi
pinigilan ko na ang sarili ko."
"Yeah. I-I guess you're right. Hindi nga ganun ka daling 'di' masaktan." I get it.
Hindi ko siya kayang pasayahin. Hindi ko siya kayang pakalmahin dahil si Jayden ang
sagot sa mga sakit na nararamdaman niya.
Sinulo ko na lang ang buhok ko. Nandito pala kami sa school at kanina pa ako di
kumikibo sa kanila.
Hindi ko sinagot si Nash. Kinuha ko na lang ang cellphone ko. May naramdaman akong
kamay sa leeg ko.
“Hey, Troy, you game tonight?” Tanong ni Irene habang gumuguhit ng kung ano sa
dibdib ko.
“Trisha Roncesvalles?”
Tumaas ang kilay ni Nash, “Kelan ka pa ba nagdadamot sa mga babae mo?” Tanong niya.
Tinanggal ko ang kamay ni Irene sa dibdib ko. Tumayo ako kaya napatingin silang
lahat sakin.
“Not just another girl, huh?” Dinig ko ang halakhak ni Nash galing sa inuupuan ko
kanina.
Nagpunta ako sa Le Marcelle para harapin si Jayden pero naabutan kong nag da-
dramahan sila ni Trisha.
"Makinig ka muna, Trisha. Hindi ko girlfriend si Olivia. She's my jealous ex! Ganun
siya palagi..."
Kitang kita ko na ayaw nang makipag usap ni Trisha sa kanya. Umiiyak pa si Trisha.
Nasasaktan na naman!
Tinapik ko ang likod ni Jayden, "I think ayaw niyang makipag usap sayo, Jayden."
Sabi ko.
"Wa'g kang manggulo dito. This is none of your business, Troy." Tinanggal niya ang
kamay ko sa likod niya.
"Troy!" Sinigaw ni Trisha ang pangalan ko pero si Jayden ang dinaluhan niya.
Umamba ulit ako ng suntok kay Jayden habang nasa sahig pa siya.
"Ayaw mo na, diba? Bakit ka nasa tabi niya?" Sigaw ko kay Trisha.
Damn, her tears are killing me. Why shed so many tears for the same jerk?
“AHHHH! Pathetic!”
Gusto kong sipain si Jayden pero di ko ginawa. Sinipa ko na lang ang gutter at
ginulo ang buhok ko habang tinatalikuran ko sila. Pareho silang pathetic!
Nakakainis!
I will not reply. You frustrate me, Trisha. I’ll frustrate you, too.
Bakit siya nandito? Hinanap niya ba ako? Miss me? NO! FVCK! She’s in love with
someone else!
"Troy naman! Sorry na! Pero sinuntok mo si Jayden. Nag eskandalo ka na kahapon eh.
Masisira ka niyan." Tumawa siya.
Napabuntong hininga ako habang tinitignan siyang nabigla sa sinabi ko, "Get in."
Iminuwestra ko ang loob ng sasakyan ko sa kanya.
"Diba hinihintay mo naman ako lagi? Bakit maaga kang umuwi ngayon?" Tanong ko sa
kanya nang nakapasok na siya sa loob.
"May iniisip lang ako." Ikaw ang iniisip ko, stupid girl! Kainis! Di parin niya
napapansin na sobra ako kung makareact pag siya ang pinag uusapan. Sobrang manhid!
"Ang daya nito. Sinasabi ko naman ang problema ko sayo. Tapos ikaw, ayaw mong
sabihin sakin?"
"Tara na nga! Ihatid na lang kita sa bahay niyo. Tapos ka ng mag sorry. Pinapatawad
na kita."
Yes, ganun ka dali. Ni hindi ko alam kung bakit nung nakita ko siya biglang napawi
ang galit ko sa ginawa niyang pagkampi kay Jayden eh.
“Uhmmmm…”
Lumapit siyang bigla sakin. Napaatras ako kasi dinig na dinig ko ang kaba sa puso
ko. Pinagpapawisan ako dahil sa ginagawa niyang paglapit at pagbulong eh.
Hindi ko na napigilan ang sarili ko. Hinalikan ko siya. Ang lambot ng labi niya.
Nangingiti ako habang iniisip na hindi pa siya marunong humalik. Nakapirmi lang ang
bibig niya at nanigas lang siya na parang istatwa habang sinisiil ko siya ng
maiinit na halik.
And she did! I knew it! May hidden desire siya sakin. Damn! Ang saya ko! Lalo ko
pang pinag igihan ang paghalik ko. Sanay ako na ang babae yung naghahabol ng
hininga sa mga halik ko. Sanay ako na ang mga babae ang kinakabahan sa halik ko
pero lintik bakit ako itong naghahabol ng hininga sa sobrang kaba ngayon?
"Troy..."
Yung malambing at lasing na pagtawag niya sa pangalan ko ang mas lalong nagpainit
sakin. NO WAY! I can’t be this turned on! Naghahalikan pa lang kami, sasabog na ako
sa kawalan… Ni hindi ko pa nga siya nahahawakan. Wala pa nga siyang ginagawa! DAMN!
WOOOOOOOOW!
Kinuyom ko ang kamay ko para pigilan ang sarili kong hubaran siya. DAMN FREAKING
SH1T!
And in between her hot and steamy kisses she told me, “Troy, kami na.”
Nagpatuloy ako sa paghalik hanggang sa nag sink in sakin ang lahat. Tinulak ko
siya. Sobrang bilis ng kabog ng dibdib ko. Sobrang bilis pa ng paghinga ko. Ang
sarap na nun eh! Muntik ko nang ma prove sa sarili ko na hindi lang ako yung may
gusto sa kanya… that we’re even… that I can still save her from him!
Pero ngayong sila na? What does she mean about that? Sila na? Naghalikan na sila?
Ano pa?
"I TOLD YOU TO PLAY HARD TO GET!" Sigaw ko sa sobrang bigla ko sa sinabi niya.
"Troy, hindi na naman siguro kailangan. Gusto niya na ako. Tagumpay na to..
Nagtagumpay na tayong dalawa-"
"Ano bang problema mo? Diba ito naman talaga yung goal natin?"
"You are so damn dense!" Hinampas ko ang manibela sa sobrang frustration at inis sa
kanya.
Napainom ako ng tubig. Tumingin ako sa labas. Hindi ko siya kayang tignan. Alam
kong isang tingin niya lang, bibigay ulit ako, okay na ulit lahat… na okay lang na
sila na… ang importante andito rin siya sakin.
"T-Troy, bakit di ka masaya? Magkaibigan tayo, dapat masaya ka dahil-"
And I regret it! Sabi na nga ba… Hindi ko talaga siya matiis. But I need to be
really firm on her.
Binibisita na naman ako ng pagsisisi. Hindi ko kayang ganito. I want her… I want
her in any way possible. Pero baka dahil firm ako sa kanya, marerealize niyang
gusto niya rin ako kaya I need to sacrifice.
"A-Alam kong ayaw mong aminin na kaibigan mo ako d-dahil sa mga kaibigan mo Troy,
pero-"
"Shut it!"
Damn! Wa’g mo akong dramahan tungkol sa mga kaibigan ko dahil kung alam mo lang!
TRISHA, kung alam mo lang! Kung akin ka sana ngayon edi pinakilala na kita ng
mabuti!
Barado na rin ang sarili kong lalamunan. Maiiyak na yata ako. PAKSHET NA BUHAY! May
ganito pala talaga?
"Why are you crying for me? Tell me! Ano ang nararamdaman mo para sakin? At bakit
ganyan ka kung makaiyak?" Sigaw ko.
I can almost hear her say it… Say you love me, Trisha. Say it!
"Troy, magkaibigan tayo, diba? Diba? Bakit ayaw mong kaibigan ako? Alam k-kong...
Alam kong... nagsimula tayo sa mali... pe-pero aminin mo... magkaibigan tayo! D-
Dahil lang ba hindi ko sinunod yung isa sa mga payo mo, itatakwil mo na agad ako?
You care for me! You cared! Why can't you see that? And I care for you, too."
DID SHE JUST DUMP ME? Na friendzone ba ako? REALLY? No freaking way! I know she
loves me! Bakit iba ang pinapakita niya sa sinasabi niya? Stop confusing me,
Trisha!
"Damn! Damn! Fvck! Damn! Bullsh1t! Fvck this! Fvck! Fvck it!" Patuloy ang pag
mumura at paghahampas ko sa manibela.
I get it… She dumped me. Kumuha ako ng tissue at binigay sa kanya.
Ilang araw ko lang siyang di nakikita pero parang tagtuyot na sa buhay ko. Hindi ko
maintindihan kung bakit siya lang laman ng isip ko. Hindi ko maintindihan kung
bakit bukambibig ko siya minsan pag si Nash at Theo ang kasama ko.
Naka ilang death stick na rin ako. Hindi ko maiwasang di manigarilyo… Lagi kong
naiisip yung sarap ng halik ni Trisha. Mas lalo yata akong maaadik sa sigarilyo
dahil sa kanya.
“Troy, didn’t know you’re a chain smoker.” Tumawa si Hanna at umupo sa tabi ko.
Ilang araw ko nang ginagawa ‘to. Consecutive ah? This is really bad but it’s my
only way to forget her!
Nagpunta akong bathroom. Lasing na lasing na ako. My world is spinning. Natatawa
ako kasi para akong baliw. Umiinom para kalimutan ang isang babae? Huh? This is
new!
Tinignan ko ang cellphone ko at nakita ang number niya. Sana dinelete ko na lang
ito. Ilang weeks na naman ang nakalipas mula nung nagkita kami eh. Para tuluyan ko
na siyang makalimutan, idedelete ko na ito.
“DELETE…”
Pero di ko nagawa.
O sige, last call. I’m gonna call her and hear her voice just to make sure she’s
okay.
“Damn, I miss you.” Sabi ko sa kanya nang nakapikit pagkatapos kong narinig ang
boses at hininga niya sa kabilang linya.
Stupid life! Of course she doesn’t care about me! She’s happy with her freaking
life! Why would I beg for her love?
“TROY!”
Natauhan ang buong sistema ko nang narinig ko ang boses ni Trisha. Sinugod niya ako
kaya napatayo ako. Sobrang kaba ko… Please, don’t leave me… I’m not cheating on
you, Trisha… I wanted to forget you… But I couldn’t… Ginamit ko lang sila… Please
don’t be mad at me… Please, don’t leave me… Please, I love you.
"Na Wrong number ka ba kanina o para sa akin talaga yung sinabi mo?" Sigaw niya
sakin.
Wait!? What? She’s here, of course, because I called her. Ano ba yung mga inisip ko
kanina. Bakit pakiramdam ko girlfriend ko siya… Bakit naisip kong ginawa ko lahat
ng ito dahil gusto kong gumanti sa kanya… for cheating on me with Jayden… tapos
bigla siyang sumulpot at nahuli ako with other girls… kaya agad akong kinabahan at
nag explain... This is madness!
"You're going HOME with me!" Kinaladkad ko siya palabas ng Tribe Lounge.
Nagdrive ako papuntang Le Marcelle kasama siya. Lasing na lasing ako. I can’t
barely remember anything.
"Stay for tonight, please... If you really are my friend, you'll stay." And in the
end, I still begged her to stay.
But she did. She stayed… Kahit ano na basta, stay, Trisha. Kahit anong kondisyon,
payag ako, just stay with me.
"Troy, tumigil ka ah... Wa'g mo nga akong halikan kung saan-saan! Hindi mo naman
ako girlfriend..."
Hindi ko alam kung dahil ba lasing ako o dahil ito talaga ang gusto ko… no… hindi
ito ang gusto ko. Sasabihin ko ito dahil wala na akong choice.
"Kahit konting atensyon, kahit minsan, kahit tuwing gabi lang, kahit tuwing wala si
Jayden, pahingi naman..." Nabasag ang boses ko simula gitna.
Hinarap niya ako. Bakit yung mga mata niya nagsasabing ako ang mahal niya pero ang
lahat ng lumalabas sa bibig niya ay iba?
I want to kiss her… Nag tooth brush na ako para mahalikan siya.
Pero tinalikuran niya ako, "Kumain ka muna... Para matigil na yang kabaliwan mo..."
Hobby niya yata ang i-frustrate ako! Damn! Andyan na eh! Klarong-klaro na yung
gusto niya sakin. Ayaw niya lang aminin!
Ginamot niya ang sugat ko dahil pinilit ko siya. Gusto kong makasama siya. God, I’m
addicted. So addicted.
Hinalikan ko na agad siya. Dahan-dahan. Gusto kong iparamdam sa kanya kung ano man
yung pinaparamdam niya sakin. Maiinit ang mga halik ko kaya di niya mapigilang di
humalik sakin. She kissed me back again! Talagang may gusto siya sakin! Talagang
may pag-asa pa ako!
"Troy~" She moaned.
Fvck! I’m so turned on. Tinulak ko ang magkabilang paa niya at pinahiga siya sa
kama. Nasa likuran niya na ang kamay ko at ang isa ay nasa dibdib. Hinalikan ko pa
siya ng mas malalim.
I want you, Trisha. I love you… I can’t get enough of you… I’m seriously addicted
and frustrated. No one frustrates Troy Ezekiel Salazar.
So I will frustrate you. Dahan-dahan kong pinagapang ang kamay ko sa loob ng dress
niya… I want her so bad pero dadahan-dahanin ko. Uunti-untiin ko para di niya ako
makalimutan.
Hinawakan ko yung dibdib niya. Bakit… Bakit parang ako yata yung naapektuhan? Nag
init ang buong sistema ko. My plan failed! Dapat siya yung naghuhuramentado sa
sarap ng ginagawa ko pero bakit ako yung nababaliw sa kanya?
Hinalikan ko ang leeg niya pero tinulak niya ako, "Troy... Tama na..."
I know and I get it! It’s not as simple as, ‘Yes, I like you, Yes I love you’… You
have a boyfriend and you love him so much. And I’m just the freaking extra villain.
But I’ll lose my mind if you dump me…
Alam kong masakit ito pero kakayanin ko. Nanlaki ang mga mata niya.
Please, I’m begging! Sin with me, Trisha! Cheat! Cheat with me!
"No! I'm not that kind of girl, Troy! Bakit mo ginagawa sakin 'to?" Namuo ang luha
sa mga mata niya.
I can feel her fast and loud pulse. She is in love with me… She’s nervous. She’s
freaking in love with me!
"You're so nervous, Trisha. You're freakin in love with me!" I accused her.
"I can't be in love with you! You manwhore! Pinaglalaruan mo ako!" Lumayo siya
sakin.
Damn! Ang sakit! I know I’ve been such a jerk. I don’t know how to explain it…
Hindi ko alam paano ko sasabihin sa kanya na mahal ko na siya… na nagmamahal na
ako… na gusto ko siya… na mahal ko siya… na hindi ko kayang mawala siya… na payag
akong may kahati basta nandyan lang siya… na hindi ko kayang iwan niya ako… na
maghihintay ako… hindi ko alam paano.
"Why can't you see that? Break up with him, Trisha! Break up with, Jayden! Dahil
alam mong gusto mo ako pero pinipigilan mo ang sarili mo! Break up with him and
stay with me!"
Nalaglag ang panga niya at umiyak pa siya lalo sa sinabi ko. See, you’re crying!
You are in love with me! You are just guilty because you love me so much and you
can’t just leave him!
"And if you can't..." Napalunok ako. "If you are in love with him, too, cheat with
me... Coz I know you're in love with me! And I can compromise for you! Kahit gusto
kong ako lang... Kahit alam kong para sakin, ikaw lang... Kahit na masakit pag may
kahati... I can compromise! Kaya kong tumanggap ng tira-tira... kung yun lang ang
kaya mong ibigay."
Tumunganga siya. I can’t believe it. Hindi parin siya makapagsalita. Alam kong
gusto niya rin ako… Anong problema sa offer ko. I know it’s unethical… I know it’s
really evil. Pero pwede niya namang iwan si Jayden kung ayaw niya sa masamang daan
diba? She can choose to leave him. Just leave him, please?
"Kung hindi kita makukuha through seduction, Trisha... Then I'm going straight to
your heart... Cuz you fvckin have mine! Let's get even!" Tinalikuran ko siya.
Ilang beses ko siyang pinagmamasdan habang kasama niya si Jayden. She’s really
happy with him. Nag bu-blush siya tuwing may sweet gestures si Jayden. Nangingiti
siya tuwing may sinasabi ni Jayden. Nag hoholding hands sila at nagyayakapan.
I want to feel her hands, too. I want to be the one to hold them when she’s happy
or sad. I want to make her happy. I want to put that smile on her face.
“Why don’t you just screw her… you don’t care with ‘the’ boyfriends right?”
Tinitigan ko siya, “Iiwan niya ako kung gagawin ko yan. I’m not aiming for a one
night stand, Nash…”
“Sabihin mo sa kanya ang tungkol satin. Ayoko rin naman sa arrangement natin,
Trisha. Dahil kung ako si Jayden, hindi ko kayang ganito ang gawin mo sakin. At
first, oo, wala akong pakealam. Pero ngayong naiisip ko na magiging tayo in the
future, ayokong gawin mo 'to sakin. Just for this, Trisha. Just once... Isang beses
lang na pagkakamali... Para mangyari tayong dalawa. Yan lang ang hinihingi ko."
Sabi ko sa kanya nang gabing iyon.
"Use the elevator, hanggang 2nd floor. Bumaba ka sa stairs at dumaan sa likuran ng
Le Marcelle. You have to trick him, right? Kailangan mong dumaan sa usual na
dinadaanan mo para di siya magduda." I can’t believe I’m asking her to pretend she
was not with me last night.
"Just remember to choose me... The earlier, the better. Kung mahal mo ako, mahal mo
ako. Walang pag aalinlangan." Sabi ko. "I'll let you go... But you have to choose
me..."
Tumango siya. I held on to her words. I held on to her actions… I held on to her
love.
But she failed me. She didn’t choose me. So I walked away.
Sa lahat ng nagawa ko, ito na siguro ang pinaka heroic. Pagkatapos niya akong
saktan ng mabuti ay nagawa ko paring mahalin siya. Sinampal niya ako… yung klase ng
sampal na nanunoot sa balat mo at tumatagos sa puso. Yung puno ng galit at poot.
Yung parang di na ako matatanggap pa ulit. Tutal sinaktan niya naman ako ng ganito,
sinabi ko na lahat ng gusto kong sabihin. Wala akong pakealam kung sinong makarinig
at kung magmukha man akong tanga sa harap ng maraming tao.
Siya parin ang umuukupa sa puso at isip ko buong oras na nasa Monaco ako. Lintek na
babae! Ganun ba ka lakas yung sampal niya? Shit! I still can’t forget her!
'I hate you so much. Sana umalis ka na sa buhay ko. Pinagsisihan ko ang araw na
nakilala pa kita.'
Bakit ganun lang kadali para sa kanya na saktan ako? Ni hindi ko nga maisipang
sasaktan ko siya! DAMN!
"I'm not your freakin boytoy! I am not an option, Trisha! Kung mahal mo ako, ako
lang dapat! Mahal kita, ikaw lang mag isa! Pagod na akong makihati! Ilang beses
kang nangako na pipiliin mo ako! Pero nakakafrustrate ka na! Hindi ko na kaya dahil
alam kong ikaw lang talaga ang gusto ko... at hindi lang ako ang gusto mo! Ano,
Trisha? Ako pwedeng maghirap? Okay lang? Kasi secret naman ako... Wala namang
nakakaalam sa paghihirap ko kasi wala namang nakakaalam sakin. Kasi… Kabit lang
ako?"
DAMN! Inaamin ko. Ako yung nag alok sa kanya na maging kabit niya ako. Ginusto ko
yun dahil wala na akong magagawa. Pero pinaasa niya ako. Sana humingi siya ng
panahon para di ako umasa at masaktan ng ganito. Kaya ko namang maghintay pero siya
mismo ang nagsabi saking sasabihin niya na kay Jayden pero di niya nagawa!
"Wipe you're own tears, cuz this time, I'm really quiting on you."
I’m done with her. That’s enough. I should move on. Yung ang sabi ko sa sarili ko
nang nakita ko siyang nabangga ni Nash sa cafeteria. Kitang kita ko ang nerbyos sa
mga mata niya.
DAMN! Dapat ako yung bumangga eh. Dapat ako yung nandyan sa kalagayan ni Nash.
Dapat sakin yung atensyon niya. Dapat SIYA YUNG PINAPASELOS KO PERO BAKIT GANTO?
Ako yung nagseselos!? Bakit ako palagi yung nabubwiset? Bakit laging ako ang
nasasaktan?
I changed my car so I can forget all of the memories with her. Pero bakit ngayon,
gusto ko ulit bahiran ng bagong alaala yung bagong sasakyan ko. Bakit gusto ko na
ulit makipaglaro sa kanya? Bakit madaling tanggapin? Bakit madaling magpatawad? Ni
hindi pa nga siya nag sosorry, namamagnet na ako pabalik sa kanya? This is not
happening.
Everything is just futile because I love her. And all I wanna do right now, again,
is to get even.
Wakas
Wakas
Masarap ang simoy ng hangin dito. Masarap mag unwind dahil sa tanawin at sa klima.
Tinanggap ko ang internship na ito sa kagustuhan niya. Hindi ko nga maintindihan
kung bakit gusto niyang nandito ako. Napalunok ako habang iniisip ang mga posibleng
dahilan.
I'm wearing this white flowing maxi dress. Magmumukha akong white lady kung nasa
Manila ako pero dahil nandito naman ako sa Spain, bagay parin.
Bago ako umalis, binilin niya saking bisitahin ko raw agad itong lumang cathedral
dahil ito daw ang paborito niyang lugar dito.
Napalunok ulit ako. Nasasaktan ako. Nasasaktan ako kasi hindi ko maintindihan kung
bakit nandito ako kung saan wala siya. Hindi ba pwedeng magkasama kaming dalawa?
Pero wala, eh, ito ang hiniling niya. Hindi ako nakaimik noong hiniling niyang
kunin ko ang internship na ito, as my last internship.
Gusto kong gumanti kay Jane sa lahat ng nangyari. Kinausap ko siya nang nakita ko
siyang palaboy-laboy sa ospital ilang araw pagkatapos nung aksidente.
Sinabunutan ko! Wala akong pakealam kung mag eskandalo ako dito.
Ni hindi nila alam ang sinasabi nila. Kung alam lang nilang itong babaeng ito si
Jane - yung dahilan ng lahat ng kaguluhang ito.
"WALANG HIYA KA! ANONG INIISIP MO NA AKO YUNG MASASAGASAAN? AT ANO ANG NANGYARI
NGAYON? SANA TALAGA AKO NA LANG EH!" Nabasag ang paos kong boses. "Langya ka!
Walang hiya ka! Mag gana ka pang pumunta dito!"
Umatras siya.
"G-Gusto ko lang malaman kung okay ba siya... L-Lalayo na ako. H-Hindi na ako
manggugulo." Aniya.
Nakita kong lumandas ang mga luha sa mga mata niya bago kami tinalikuran at
tumakbo.
"Wala kayong alam kaya wa'g niyo akong husgahan!" Yun lagi ang linya ko tuwing may
nagpaparinig na baka ako yung may kasalanan.
Kung sana daw di ko pinulot yung engagement ring... Itong engagement ring na soot
ko ngayon... Kung sana di ko yun pinulot o di ako nakipag away kay Jane o di ko
sinundan si Jane... sana di ito nangyari.
Bakit? Akala niyo ba di ako nagsisisi? Bakit? Hindi pa ba sapat na pati ako ay
nagsisisi simula pa lang? Kailangan pa talagang ipangalandakan ng lahat na ako yung
may kasalanan?
"Oh my God! He's our only son..." Humagulhol ang mommy ni Troy habang pinagmamasdan
namin siya sa labas ng kwarto niya.
Nakakabit ang iilang apparatus sa kanya. KItang kita din ang heart beat niya sa
screen.
Nalaman din ni mommy at daddy ang buong nangyari. Bumibisita sila kay Troy sa
ospital.
Hindi ako umimik. Hindi rin naman nila ako pinipilit. Nag aaral parin naman ako
pero madalas akong absent dahil nagbabantay kay Troy. Tuwing nasa school naman kasi
ako, si Troy parin ang iniiisip ko kaya useless lang.
Umiiyak ako tuwing hinahawakan ko ang kamay niya. Parag paulit-ulit na nag sink in
sakin ang aksidente at ang pagkakaratay niya dito sa kama.
Kung mawawala ka, Troy, mas mabuti sigurong mawala na din ako. I know my thoughts
are too morbid. Ito lang talaga ang naiisip ko. I can't lie to myself. Kaya kong
magpakatatag kung kinakailangan pero sa oras na bibitiw siya, mawawalan na talaga
ako ng lakas.
Nang gumalaw ang daliri niya sa kamay ko, halos mapatalon ako sa tuwa. Tinawagan ko
agad ang mommy at daddy niya.
Unti-unting bumukas ang mga mata niya. Ako ang unang taong nakita niya.
Gumapang agad sakin ang kaba. Paano kung nagka amnesia siya? Paano kung masyadong
nabagok ang ulo niya kaya hindi niya ako maaalala? Paano kung tulad sa mga
koreanovela ang mangyari samin?
Napalunok ako habang nagkakatitigan kami.
Nawalan agad ako ng lakas. Hindi ko alam kung bakit nawalan ako ng lakas sa ngiti
niya. Parang hinigop ng lupa yung lakas ko habang pinagmamasdan ang ngiti niya.
Lumandas agad ang mga luha sa mga mata ko.
Pinilit niyang tinaas ang kamay niya para abutin ang pisngi ko.
THANK GODNESS HINDI SIYA NAGKA AMNESIA! Alam kong sa titig niya pa lang, nagbalik
na siya. Hindi ko nga lang alam kung anong iniisip niya pero sobrang saya ko na.
Naisip ko na lang agad na wala akong pakealam kung mag ka amnesia nga siya... ang
importante ay nabalik siya sakin.
Niyakap niya ang namimilipit na si Troy. Nag diwang agad ang mommy at daddy niya sa
nakita. Maging ang mga doktor at nurse na huli ko nang tinawag ay nagdiwang na rin.
"Uhmm, tita, aalis na ako." Napalunok ako habang sumisingit sa kasiyahan ng pamilya
nila.
Pinasadahan ko ulit ng tingin si Troy habang isa-isa niyang tinignan ang mga tao sa
paligid.
"Ilang araw ba akong tulog?" Mahina ang boses niya habang tinatanong ang daddy
niya.
Kinurot ang puso ko sa unang mga salitang binanggit niya. Umatras na lang ako at
dahan-dahang umalis sa kwarto. Hahayaan ko siyang mag diwang kasama ang pamilya
niya. Tutal kung kailangan niya ako, he'll ask for me.
Hindi ko hinintay na tawagin niya pa ako. Araw-araw kong dumalaw sa kanya para
dalhan siya ng pagkain.
Bakit parang naiilang ako sa titig niya. Naka upo siya sa kama. Iilan na lang ang
mga pasa niya kaya halos balik sa dati na ang katawan niya. Nakangisi pa siya
habang tinitignan ako. Bakit tagos na tagos ang titig niya? Nakakailang tuloy.
Parang ibang tao.
Pinagpawisan ako habang tumatayo sa gilid. Hindi ako nag eenjoy sa katahimikan kaya
sinagot ko na lang siya gamit ang mga salita.
Napatingin ako sa kanya. Nakangisi parin siya. Yung tipong may hinihintay na
sagot... sagot na hindi ko alam. He looked so amused but I don't know why.
"Dinig ko may offer ka daw na internship sa Spain?" Tumaas ang kilay niya.
Tama ba na kahit normal conversation ay kinakabog ang dibdib ko. Lumala na yata ako
eh. Hindi naman ako ganito ka lala bago siya naaksidente ah? Bakit sobrang kaba ko
na ngayon pag kausap siya?
"Huh? Uhm... Oo." nagkibit balikat ako.
"You refused?"
"P-Paano mo nalaman?" Kahapon ko nalaman ang offer sa Spain pero agad kong
tinanggihan.
Hindi ako baliw? Kakagising lang ng boyfriend ko ngayon at di ako pwedeng mawala ng
parang bula para lang sa internship na yan. Alam kong malaki ang kompanyang nag
aanyaya sakin sa internship na ito. Ako lang ang binigyan nila ng opportunity na
mag intern sa kanila. Pero 'sinayang' ko lang daw lahat. Hindi naman kasi sayang.
Yung sayang ay kung pupunta ako doon at iiwan si Troy dito. Ni hindi ko nga inisip
yun. Hindi sumagi sa utak ko ang internship na yun pagkatapos kong tinanggihan.
Patunay lang yan na hindi talaga ako interesado.
"Sabi sakin ng mommy mo." Seryoso naman siya ngayon habang umiiling.
Napayuko ako.
"Bakit?" Ulit ko. "Uhm... Ayoko. Uhm... Gusto ko dito lang ako."
"Pero mas maganda sana kung may ibang background ka pa." Umiling ulit siya at
nagmukhang disappointed.
Hindi ka ba masaya na pinili kong dito na lang muna kasi gusto kong makasama kita?
Kung hindi nangyari ang aksidente, pareho parin ang gagawin ko. I will still reject
that offer!
Suminghap siya at seryosong umiling ulit.
Nag init ang ulo ko. Kinagat ko na lang ang labi ko at nag iwas ng tingin. Ayokong
makipagtalo gayong nandito pa kami sa ospital. He's not totally okay.
Natahimik siya. Isang nakakabinging katahimikan ang bumalot saming dalawa. Bakit
ganito agad ang pinag uusapan namin? Hindi ba pwedeng sabihin ko muna kung gaano
ako nag alala sa kanya dahil sa nangyari. Na sana hinayaan niya na lang na ako yung
masagasaan? Bakit seryoso agad na tanungan? Bakit tungkol pa sa school?
"Of course... You can't lose your self just because you found me." His words were
marked with finality.
Kinilabutan ako. Tumindig ang mga balahibo ko pero hindi dahil sa kilig, dahil sa
takot.
"Troy, di yun ganun ka dali. Kakagaling lang natin sa isang aksidente... Kakagising
mo pa lang gusto mo na agad na wala ako sa paningin mo?" Nanginig ang boses ko.
He looked away.
DAMN SHET! Kanina ko pa ito napapansin pero hindi ko lang inaamin sa sarili ko: may
nagbago sa kanya. He's not like this. Gagawin niya ang lahat makasama lang ako.
Bakit tinutulak niya na ako palayo ngayon?
"You're free. Kung makakapagpabuti yun sa buhay mo, tanggapin mo. Let's grow up
together. Wa'g nating paikutin ang mundo natin sa isa't-isa lang. The world is big,
Trisha. And if we're really meant to be, we will be."
Nanginig agad ang mga labi ko habang pinipigilan ang pag iyak ko.
"Yeah..." Kinagat ko ang labi ko para pigilan ang pag nginig ng mga ito. "Yeah, I
guess you're right."
Sana lumabas siya at habulin niya ako. Sana sabihin niya saking hindi niya
sinasadya lahat ng sinabi niya. May point siya, alam ko, pero pwede naman naming
gawin yun pag okay na ang lahat. Bakit ngayon? Bakit agad-agad?
Ganun na lang ba yun, Troy? May nangyari ba sa aksidente kaya nagkaganito siya?
"Good luck sa Spain! Maganda ang Barcelona. Pasalubong ah? Ilang months ka nga
doon?" Tanong niya sa mga sumunod na araw.
Parang walang nangyari ah? Parang di niya ako nakitang umiyak habang pinagsasabihan
na kunin ko yung internship.
"Pwede namang mag extend. Try ko mag apply ng 1 year para masaya." Sana mapansin
niyang sarcasm ito.
I need air... Hindi ako makapaniwala sa lahat ng asta niya... sa lahat ng sinabi
niya. He's so damn cold.
Pinunasan ko na lang ang sarili kong luha habang tumitingin sa malayo. I love you,
Troy. Pero masakit yung ginawa mo sakin ah? O sige, like what I promised,
tatanggapin ko lahat ng consequences maging okay ka lang. Kung nakalimutan mong
mahal mo ako, tatanggapin ko iyon.
Suguro mas maigi na ring nandito ako sa Barcelona nang di ko siya makaharap at di
kami mag talo... Nang di ko siya naiinis dahil sa mga frustrations kong ito.
Naiyak na lang ako lalo habang tinitignan ito. Nasa loob na ako ng simbahang
sinasabi ni Troy. Wala gaanong tao. Lumuhod na lang ako sa at pinikit ang mata.
Sana makaya ko lahat ng consequences. Sana maging okay na ang lahat. Mahal na mahal
ko si Troy at alam kong magbabakasakali ako sa abot ng aking makakaya para saming
dalawa.
Biglang nag play ang piano sa simbahan. Hindi ko dinilat ang mga mata ko.
Nagpatuloy ako sa panalangin ko.
*Faster than a shooting star, baby you stole my heart and I never want it back...*
May mahinang boses na kumakanta. Inisip ko sana si Troy yun pero hindi eh. Foreign
yung boses na yun. Napangiti ako sa sarili ko habang nakapikit. Bakit ko naman
maiisip na si Troy yun? Nasa Barcelona na ako, wala na sa Pilipinas. We're almost
light years away... Imposible.
*When you're lost, lost, lost in love, you never wanna find your way out...*
Nababaliw na yata talaga ako kay Troy. Sana naman madapa siya ngayon at maalala
ako.
Para akong baliw, kanina ngumingiti pero ngayon umaapaw na ang luha. Nasasaktan
ako, damn shet! Sobrang sakit kasi iniisip ko siya dito pero hindi ko alam kung
naiisip niya pa ba ako.
Dinilat ko ang mga mata ko at pinunasan ang luha ko. Tumayo na lang ako para umalis
na sana pero nabigla ako sa nakita ko.
Ako na lang pala mag isa sa simbahang ito... Mali. Hindi. Hindi ako mag isa.
Gusto kong magmura ng malakas. Hindi ako makapaniwala. Tumingin ako sa likod, baka
kasi na Wow Mali ako dito. Binaling ko ulit ang tingin ko kay Troy. Kinusot ko ang
mga mata ko at nakitang siya nga... hindi ito panaginip!
Lahat ng duda ko ay napawi. Wala pa nga siyang sinasabi, kumbinsido na agad akong
planado niya ang lahat nang ito.
Sinugod ko siya. Sinugod ko siya hindi para sampalin o batukan siya. Sinugod ko
siya para mayakap ko siya.
Inangat niya ako habang niyayakap. Mag iisang buwan na rin mula nung nakalabas siya
sa ospital pero pakiramdam ko may sugat parin siya kaya agd akong bumaba.
Hindi ko mapigilang hampasin siya. Marahan lang kasi natatakot akong masaktan siya.
Tumawa na lang siya sa ginawa ko. Umaapaw ang luha ko. Hindi ko masabi lahat ng
gusto ko!
"Oo!" Hindi niya ba alam na halos mabaliw ako sa kakaisip. Umiyak pa ako lalo.
Pinunasan niya ang mga luha ko. Ngayon, mapupungay na ang brown eyes niyang tagos
kung makatitig sakin. Ngumiti siya habang tinitignan ang mga luha kong umaapaw.
Pakiramdam ko ang pangit-pangit ko lalo na ngayong umiiyak ako dito sa harapan
niya. Pero, siya? As usual, perfect parin! Magulo ang astroboy na buhok, well cut
ang katawan, perpekto ang jawline at tangos ng ilong. Kasalanan na yata yang
kagwapuhan niya eh. Hindi ko na naman mapagtanto kung anong pinakain ko sa kanya at
bakit nagawa niyang ibuwis ang buhay niya para sakin?
"Kala mo ba madali yun?" Sabi ko. "Hindi! Pakiramdam ko nawala na ang lahat. Gusto
ko nang sumuko sayo pero mahal na mahal kita, hindi ko kaya..." Nabasag ang boses
ko.
"Shh... Hindi rin madali sakin, Trisha. Kala mo madaling magpanggap na malamig
sayo? Hindi rin ah?! Sacrifice ang tawag dun. Para mapunta tayo ngayon dito.
Because my feelings never changed. Kung nagbago man, hindi kailanman nabawasan,
nadadagdagan lang. That accident was the proof... I love you so much na hindi ko na
inalala ang sarili ko. Ikaw lang laman ng utak at puso ko. Wala akong bukambibig
kundi ikaw. So we're here... para legal na ang kabaliwan ko sayo. Para hindi na ako
magmukhang tanga kung bukambibig kita..."
Napalunok ako, "You planned this? My God!" Kinalma ko ang sarili ko.
Ngumisi lang siya. May tatlong taong lumapit samin galing sa altar.
Nalaglag ang panga ko habang narerealize kung bakit sila nandito. May dalang biblia
ang isa, yung isa naman may dalang mga papeles.
"I will not ask you anymore, Trisha. Coz there's no choice. You're going to be Mrs.
Salazar right here... right now..."
"Magpapakasal din tayo doon, Trisha. I just can't wait. At gusto ko dito... tayong
dalawa lang... walang ibang tao. Kasi mahal kita at mahal mo ako. Walang ibang tao
sa relasyon natin. Tayong dalawa lang. I just need three things, Trisha."
Kumunot ang noo ko.
"A-Ano?"
"Say 'I do.', sign the marraige contract and love me forever." Sinabi niya ito
habang nilalagay ang isang singsing sa daliri ko.
"Because, Trisha, I do... I'm so in love with you. I want you mine forever."
Naglahad siya ng kamay at ipinakita ang isa pang singsing.
Bumuhos ulit ang luha ko. Kinuha ko ang singsing at dahan-dahang nilagay sa daliri
niya.
"I do, Troy... I love you, too." Nanginginig kong sinabi. "Kahit ilang choices pa
ang ibigay mo sakin, ito parin ang mangyayari... Magpapakasal parin ako sayo..."
"Semper Fidelis, Trisha. I will always be faithful. I will always love you no
matter what. Don't ever doubt that."
Notes
Hi! Thank you so much for following me here on Wattpad. Recently, I am trying to
find ways provide a free and better experience for my readers. I assure you that I
will take into consideration all your concerns: free reading, offline reading, and
etc. In the meantime, I would like all of you to please regularly visit my site for
the updates. I will be regularly updating it more in a few weeks, I hope you won't
miss it!
This is my temporary site:
http://www.jonaxxstories.com