Professional Documents
Culture Documents
Teen Clash 2 Battle Between Heart and Mind 10375977
Teen Clash 2 Battle Between Heart and Mind 10375977
Ai
Published: 2017
Source: https://www.wattpad.com
© 2014 by iDangs.
All rights reserved. No part of this book may be reproduced in any written,
electronic, recording, or photocopying form without written permission of the
author.
Prologue
May nakapagsabi na kapag natapos na ang isang storya, tapos na rin ang buhay ng mga
bida. Pero sa kwentong ito, hindi dahilan ang pagkakasulat ng “The end” sa dulo ng
istorya, para masabing tapos na nga ang kwento nila. Dahil ngayon pa lang
maisusulat ang totoong pangyayari sa bawat buhay nila.
Masyado pang maaga para maideklara na happy ending nga ang kinalagyan nila. Ang
tunay na buhay ay magsisimula palang paglabas nila ng eskwelahang pinagmulan ng
lahat.
May darating.
May mawawala.
May magbabago.
Sa laro ng pag-ibig, ano nga ba ang dapat sundin? Ang utak na laging nagdidikta ng
tama o mali? O ang puso na nagsasabi kung sasaya ka o hindi? Love will always be a
battle- battle between what you really feel and what you think you should feel.
Isang tanong na madaling sabihin, pero isa ring tanong na mahirap sagutin. Ikaw,
ano ang iyong pipiliin?
Heart or Mind?
**
Battle 1
Sab’s POV
Si Ice at Zoe? Wala na. Hindi na sila. Ang akala kong seryosong si Ice, hindi rin
pala magagawang magseryoso. Papaiyakin at sasaktan lang din si Zoe. Kung kailan
mahal na siya ni Zoe, saka lang niya ito iiwan.
Si Xander at Yannie? Nauwi rin sa hiwalayan. Ang akala namin nakalimutan na talaga
ni Yannie si Tom pero isang gabi, napaginipan niyo ito at ang lahat feelings na
akala niya ay wala na, ay nagsipagbalikan. Nasaktan si Xander ng malaman ito at
nagmakaawa kay Yannie na ‘wag siyang iwan pero wala. Iniwan pa rin siya ni Yannie.
Si Ayu at Ken naman, sa hiwalayan din ang punta. Paano, itong si Ken na akala kong
pinakamatino sa kanilang lahat, may tinatago palang babae. Nasaktan si Ayu pero
pinatawad niya si Ken. Magmukha man daw siyang tanga, ayos lang kasi mahal naman
niya. Kaya lang ang minsang panloloko ni Ken ay naulit ng naulit hanggang sa hindi
na kinaya ni Ayu at nakipaghiwalay.
At syempre, kami ni Josh.. naghiwalay din sa hindi ko malamang dahilan. Sabi niya
makiuso raw kami sa kanilang apat. Pero alam kong hindi iyon ang totoong rason
niya. Nakipaghiwalay siya dahil sawa na siya. Ganoon naman talaga dapat ‘di ba.
Ngayon, hindi ko alam kung ano ang gusto kong mangyari. Kung ibalik ‘yung mga
panahong mahal pa naman ang isa’t isa o kung bumalik sa panahon kung saan hindi pa
namin kilala ang isa’t isa. Kasi kung ganoon, hindi kami magkakasakitan. Hindi kami
iiyak. Hindi kami malulungkot at wala kaming pagsisisihan. Pero alam ko naman na
hilingin ko man ang dalawang ‘yan, wala rin mangyayari kasi imposible.
Ang pagsasamahan na nabuo dahil sa isang clash, mukhang magtatapos din at mauuwi sa
panibagong clash.
Pero syempre, joke lang lahat ng ‘yan. Unang una, masyadong seryoso parang hindi
naman ako ang nagsasalita, at pangalawa, ha! Asa pa kayong mabuwag ng ganun ganun
lang ang samahan na pinundar namin. Kagatin man ng lahat ng langgam si Ice, habulin
man ng lahat ng aso si Xander, mabagsakan man ng lahat ng libro si Ken at tamaan
man ng dalawampung kidlat si Josh, parang malabo ng mangyari ‘yan.
Si Ice at Zoe, going strong. Mas sweet sila ngayon. Mas matured ng mag-isip. O ‘di
ba, may napala si Ice sa pagtanggal ng pagkatorpe niya. Siya lang eh, makulit.
Si Xander at Yannie ganun din. Sweet pa rin. Minsan nga nandidiri na ako kay Xander
sa sobrang pagkacheesy. Ito namang bruha kong kaibigan mukhang tuwang tuwa pa.
SI Ken at Ayu, ganun pa rin. Sweet. Hindi kasing cheesy nila Xander at Yannie kasi
parehas matured mag-isip ang dalawa hindi tulad namin na may mga pagkaisip-bata pa.
Kami ni Josh? Cool off. Hindi na ‘to joke. Totoo na ‘to. Walang halong biro. Paano
kasi nag-away na naman kami. Gusto ko nga sabing kumain sa Mcdo pero pinagpipilitan
niya ang Jollibee. Sa sobrang inis ko, winalk-out-an ko siya pero hindi man lang
ako hinabol nung bakulaw. Kaya ayan, cool-off na kami. Bwisit.
“Ano na namang trip mo, Zoe? Magkwekwento ka ng lakad niyo nung yelo? ‘Wag muna at
baka masapak pa kita.”
“Hard! Sampalin kita dyan eh. Ang sinasabi ko lang may naghahanap sa’yo sa labas.
Bahala ka nga dyan.”
Lumabas na si Zoe ng kwarto ko. Sinilip ko sa bintana kung sino ang naghahanap sa
akin. Sino pa nga ba edi ‘yung Bakulaw. Bahala siya dyan. Manunood na lang ako ng
movie dito.
Five minutes.. ugh! Pasalamat siya hindi ko siya kayang tiisin.
Nang babain ko si Josh, nginitian niya agad ako at binigyan ng isang papel. Anong
gagawin ko dito? Binaliktad ko ang papel at nabasa ang mga salitang, “I’m sorry.
Bati na tayo, please? Treat kita sa Mcdo.”
Bakulaw talaga. Natawa na lang ako at binalik ang papel sa kanya, “Kung gusto mo sa
Jollibee na lang.”
“Okay lang kahit saan. Mcdo, Jollibee, any fastfood pa. Basta ikaw ang kasama kong
kumakain dun okay lang."
***
Foundation week namin ngayon at nag-iisip kami kung saan kami unang pupunta. Ang
dami kasing nice booths ang hirap mamili. Pero dahil nga sa si Ice na ang mag-aya
na magbike, minsanan lang ‘to, go na agad.
Kinapos kami sa isang bike. Bilang mabait na dalaga, i-ooffer ko na sana na ako
nalang ang walang bike pero naunahan na ako ni Ice.
“Damoves! Astig ka talaga ‘pre! Magkano binayad mo sa mga tao sa booth na ‘to para
sadyain na pitong bike lang ang marerent? Papachansing ka pa kay Zoe!”
Nagtawanan kami sa sinabi ni Xander. Pasimple talaga kahit kailan ‘tong si Ice.
Ayaw pang diretsyuhin gusto naman palang magpachansing kay Zoe.
Pagkatapos namin magbike ay naglibot libot muna kami pero napahinto kami sa isang
mysterious-looking booth. Para siyang ‘yung mga nasa circus. Ibang klase kasi ang
tent niya. Medyo creepy pa ‘yung itsura. Pero sige na lang, maganda naman.
Paalis na sana kami ng may lumabas na babae. Isa siguro sa mga estudyante sa
university. Mukha kasing kaedaran lang namin.
“Magpapahula kayo?”
Nagkatinginan kami. Hula? Uso pa pala ‘yun. Umiling si Ken, “Nadaan lang.”
Aalis na sana kami pero tinawag ulit kami ng babae, “Sab, Ayu, Yannie, Zoe.”
Kinilabutan ako kasi alam niya ang pangalan namin.
“Paano mo nalaman ang panglan namin?” Bakas sa boses ni Yannie ang pagkagulat.
Tinuro niya ang kaliwang dibdib namin. Sa puso. Ohmyghad! Gusto niyang kunin ang
puso ko? Ayoko! Naibigay ko na kay Josh ‘yun. Hindi na pwedeng bawiin. No return,
no exchange.
“Nametags.” ‘Yun lang. Sabi ko na nga ba ang OA kong tao. “Walang pumapasok sa
booth ko eh. Sige na, pasok na kayo. Kahit i-try niyo lang.”
“Ayoko nga. Baka mamaya may mahulaan kang masama edi matakot pa kami.” Reklamo ni
Josh at hinihila na ako paalis
Pinalo ko ng mahina si Josh, “Salbahe ka talaga. Hayaan na natin. Saglit lang naman
‘to.”
“Ayoko talaga."
“Kami na nga lang.” Sabi ni Ayu. “Susunod na lang kami sa inyo sa kainan. Saglit
lang ‘to.”
Umupo kaming apat sa tapat ni ate. Para siyang may sapi na iniikot ikot ang kamay
sa bolang kristal niya. Makaarte ‘tong si Ate akala mo totoong manghuhula. Hindi
naman.
Nagkatinginan kaming apat. Kahit na nga ba lokohan ‘to bigla akong nakaramdam ng
kaba. Loko man o hindi, ayokong may mawala.
“May darating.”
“May mag-iiba.”
Lalong bumilis ang tibok ng puso ko. Ang creepy ni ate, seryoso.
Positive naman siguro ‘tong huli. Ay, ewan ko! Ang gulo ng babaeng ‘to. Dapat hindi
nalang kami pumasok sa lugar na ‘to. Sana sumama na ako kila Josh kanina nung
pumunta sila sa kakainan namin.
Matapos ng nakakalokong session na ‘yun, hindi muna kami nakasunod agad sa apat na
lalaki. Naupo kami sa isang bench malapit lang sa tent or weird na booth ng weird
na babae.
“She’s creepy. Nagtayuan balahibo ko sa kanya.”
“Ano ka ba, Sab, ‘wag mo masyadong isipin ‘yun. Siya na mismo nagsabi na trip trip
lang niya ‘yun.”
Natawa sa akin si Zoe at tinapik ako, “Hula lang ‘yun, Sab. Kaya nga hula, kasi
ibig sabihin walang kasiguraduhan.”
Inirapan ko si Zoe at humarap kay Yannie at Ayu pero paglingon ko wala na ang
dalawa, “Nasaan sila?”
“Nawala na. Baka sila ‘yun. Tara na. Sunod na tayo sa kanila.”
Napabuntong hininga na lang ako at susunod na sana pero biglang dumating si Ice,
“Sunduin ko na raw kayo.”
Kumapit si Zoe sa braso ni Ice at lumingon sa akin, “May darating.” Kinindatan niya
ako kasi ang darating na sinasabi niya ay si Ice.
Nauna na pala sa amin si Yannie at Ayu sa kainan. Nang makarating kami nila Zoe,
tinanong na nila ang kanya-kanyang order namin. Nang masabi na namin lahat, inulit
‘yun ni Xander, kasi siya ang oorder.
“Teka. Iibahin ko ‘yung akin. Ayoko pala ng softdrinks. Iced tea na lang.” Sabi ni
Ayu.
Lumingon sa akin si Zoe and mouthed the words, “May mag-iiba.” Tama nga. May mag-
iiba ng order.
Umiling kami at umalis na si Xander kasama si Ice para umorder. “May hindi mag-
iiba.” Bulong ni Zoe.
Tama. Hindi ko masyado dapat isipin ang mga sinabi ni ate sa weird na booth. Hula
lang ‘yun. At kung tutuusin, hindi naman talaga siya manghuhula. Ako lang talaga
‘tong ginagawang big deal ang mga sinabi ni ate. Hindi ‘yun totoo. Hindi siya
mangyayari.
***
Twitter: @iDangs_
Facebook: Ai Dangs
Battle 2
Yannie's POV
Hi, Ma. Tambay tayo mamaya kung saan man. Sunduin kita mamaya sa inyo. I love you.
Napangiti ako sa bouquet at card na iniabot sa akin ni Ayu, "Hindi nyo naman
anniversary. Hindi niyo monthsary. Walang spesyal na okasyon. Bakit ang effort at
ang sweet ng boyfriend mo?"
Bakit nga ba? Hindi ko rin alam at wala na akong balak alamin pa ang dahilan.
Masaya ako. Masaya kami. Tapos ang usapan.
Kinuha ko ang phone ko para itext siya at magpasalamat na rin sa pinadala niya.
What a great way to start the day. Ang sweet talaga ng boyfriend ko.
Kung may isang bagay akong ipagpapasalamat na nangyari sa buhay ko, 'yun ay ang
lumipat kami ng eskwelahan noong 4th year highschool kami.
Noong panahong 'yun pakiramdam ko nasa kailaliman ako ng nararamdaman ko. Noon,
akala ko hindi ko na ulit makukuhang ngumiti. Pero tulad nga ng sabi nila, best
things happen when you least expect it.
I wasn't expecting him to enter my life, but he did. Pumasok si Xander sa madilim,
boring at malungkot kong buhay at ginawa itong maliwanag, exciting at masaya.
He came in my life and made me happy again. He made me believe in love again. He
made me smile at aminin ko man o hindi, I'm the happiest when I'm with him.
Kinuha ko ang card na may sulat niya at inilagay ito sa kahon kung saan ko iniipon
ang iba pang cards na binibigay niya. Madalas niya akong bigyan ng cards, letters o
kahit na ano mang papel na naglalagay ng mga nararamdaman niya- nararamdaman para
sa akin.
Ginawa ko ang lahat ng dapat kong gawin at nag-ayos para kapag dumating sya, aalis
nalang kami at okay na.
"Sira! Mabuti ng handa. Kesa naman pagdating niya, saka palang ako mag-aayos."
"Hindi naman ako parang ikaw na sobrang tagal kumilos. Baka biglang dumating -- "
Nginitian lang ako ng tatlo at humarap ulit sa tv. Kaibigan ko ba talaga ang mga
'to?
Naging kissing monster ang boyfriend ko nang magcollege kami. Nag-aadik daw kasi
siya sa lips ko. Pwede na rin 'yun kaysa sa ibang lips siya mag-adik.
Ginulo ko ang nakawax niyang buhok saka pumasok sa kotse. Nang makapasok din siya,
tiningnan niya ako ng masama, "Namiss mo ko."
Unlike kanina, hindi na 'yun tanong, but a statement. Naiinis na rin siguro siya
kasi ayaw na ayaw nyang ginugulo ko ang buhok niya lalo na kapag nakawax siya.
Inayos niya 'yung rear view mirror at humarap doon para ayusin ang buhok niya. Boys
and their hair. Hay.
Hinawakan ko ang magkabilang pisngi niya saka iniharap sa akin, "Sorry na. Natutuwa
kasi talaga akong guluhin ang buhok mo."
Inayos ko ang buhok niya kahit medyo mahirap pasunurin kasi nga may wax. Salita ako
ng salita tulad ng, 'ang tigas ng buhok mo', 'wag ka na magwax', 'pagupit ka na'
nang bigla na naman niya akong i-kiss dahilan para manahimik ako. Kissing monster.
"Ang cute mo, Ma. Hayaan na nga natin 'yang buhok mo. Sa'yo lang naman ako papapogi
kaya ayos na 'yan. Ikaw naman umayos niyan.
Napangiti na lang ako, paano ang sweet sweet talaga ng taong ‘to. Ako ang babae
pero siya ang mas sweet kesa sa aming dalawa.
Nagdate kami. Usual lang. Malling. Kakain kung saan saan. Magaarcade.
Magwiwindowshopping. Paulit-ulit lang ang ginagawa namin pero hindi nakakasawa.
Kailan ba ako magsasawa kasama si Xander? Never, forever.
Nang ihatid niya ako sa bahay, naisip kong itanong kung bakit ang sweet niya. Alam
kong hindi naman dapat tinatanong ang ganung bagay, pero curious ako at baka hindi
ako makatulog kung hindi ko ‘to matatanong.
“Da, why are you so sweet? Ako ang babae sa atin, ‘di ba ako ang dapat sweet? Pero
bakit ikaw pa ang mas?"
He chuckled then hug me, “Nagsasawa ka ba sa kasweetan ko?” Nagsasawa? Hindi sabi
ako masasawa sa kanya.
Pinalo ko siya sa likuran niya at bumitaw saka inistretch ang dalawa niyang pisngi,
“Hindi ako masasawa sa’yo kahit kailan. Natanong ko lang kasi curious ako."
He smiled, put his hands on my waist and moved me closer to him. Inipit niya ang
buhok ko sa gilid ng tenga ko and held my face, “Let’s just say that I love you
that much and I want you to feel it every second of every day.”
Dalawang taon na kami pero ang epekto niya sa akin ay ganun pa rin. Walang nagbago.
Hindi nabawasan ang kilig na nararamdaman ko sa kanya. If possible, nadadagdagan pa
nga.
“I know.”
At anong ginawa niya pagkatapos? Ginawa niya ang bagay na paborito niyang gawin, he
kissed me.
Pakiramdam ko lumilipad ako sa ulap. Lagi man niya ‘tong ginagawa, lagi pa rin
akong kinikiliti ng kung ano mang mga insekto sa tiyan ko. Sanay ako, oo. Pero
everytime he kisses me, pakiramdam ko ayun ang first time niyang gawin ‘yun. It
seems so magical. Parang fairytale. Ganun ang nararamdaman ko ngayon.
“Oh, PDA. My eyes. Grabe, my eyes. Maghiwalay na nga kayong dalawa.” At sa mga
fairytales, laging may kokontra sa kaligayahan ng bida.
Xander broke the kiss and smile. Saka niya nilingon ang impaktang gumulo sa moment
namin, “’Wag ka ngang inggitera, Sab. Bitter ka lang palibhasa lagi kayong cool-off
ni Josh.”
Magsasalita sana si Sab pero tinikom niya ang bibig niya saka kami inirapan, “Paki
ko?”
***
Sab’s POV
Bwisit na Xander ‘yun. Ano naman kung lagi kaming cool-off ni Josh? At least
nagkakabalikan.
“Hoy, pikon ka na niyan?”
Pumasok na lang ako sa kwarto ko at nanuod. Mas masaya pa ‘to kaysa kausapin ang
magjowang PDA na ‘yun.
Tuwang tuwa na ako sa panunuod ng magvibrate ang phone ko. At dahil ayokong maputol
ang panunuod ko ng movie, hindi ko na lang ‘yun pinansin. After 5mins, nagvibrate
ulit siya. Pero deadma pa rin. Desidido ako. After 3mins, nagvibrate ulit. Deadma.
After 2mins, umulit na naman, deadma. 1min. Deadma. 30 seconds. Deadma. 10. No. 5.
WTH.
Agad agad kong kinuha ang cellphone para icheck kung sinong baliw ang text ng text
sa akin. Oh, puro ‘yung Bakulaw. Ano na namang trip nito ngayon?
Halimaw. <3
Uy, busy?
Poor!
OY SAB!
Ano na namang trip ng Bakulaw na ‘to? At dahil tinatamad nga akong magtext,
tinawagan ko na siya.
“Bakulaw ka! Ano bang trip mo at nanggugulo ka?!”
“Nanunuod ako, Istorbo ka! Ano ba kasing problema mo? Miss mo ko?!”
“Mas pangit ka!” Sagot ko saka siya binabaan. Bahala nga siya. Basta tatapusin ko
ang pinapanuod ko.
Patapos na sana ‘yun kaya lang bigla na namang nagvibrate ang phone ko. Ang topak
talaga ng bwisit na bakulaw na ‘to. Panay ang text. Sino kaya ngayon sa amin ang
poor at walang pantawag.
Hindi ko na lang pinansin ang text niya hanggang sa matapos ang palabas.
Binuksan ko na ang message niya at nanlaki nalang ang mata ko sa nabasa ko.
Posible kayang nandito siya? Sinilip ko ang labas ng bintana ko at nakita nga ang
nakaupong si Josh sa gilid. Hindi ko na sinuot ang tsinelas ko at tumakba agad sa
labas.
Nakaupo lang siya at nakayuko sa gilid. Nilapitan ko siya at pinalo. Napatayo naman
siya agad.
“Aray. Grabe ka ha! Ang tagal ko ng naghihintay dito tapos papaluin mo lang pala
ako.”
Tiningnan ko siya ng masama saka niyakap, “Kainis ka! Bakit hindi mo agad sinabi sa
akin na nandito ka? Edi sana hindi ka naghintay ng matagal. Kanina ka pa nandito
‘no? Nung unang text mo pa lang? Kainis ka talaga.”
Natawa siya at ginulo ang buhok ko saka yumakap, “Namiss na nga kasi kita. Oh, ‘wag
lalaki ang ulo.”
Hindi ako sanay na ganito ka-sweet si Josh. (Oo, sweet na siya ng lagay na ‘to.)
Mukhang alam ko na kung bakit ganto ‘to. Malamang sinabi ni Xander ang nangyari
kanina.
Tumango siya, “Nainggit ka raw kasi sa kanila. Aba, ayokong mainggit ka sa dalawang
‘yun. Alam kong hindi ako sweet pero.. hindi talaga ako sweet.”
May kinuha siya sa gilid niya at itinaas ang plastic na kinuha niya, “Ice cream?
Lusaw na nga lang.”
***
Ayu’s POV
Tinuro ng magaling kong kapatid ang katabi niyang si Sab na kain ng kain ng ice
cream.
“Akala ko pa naman dinadalaw mo ang baby sister mo. ‘Yun pala, ‘yung girlfriend ang
dinadalaw.”
“Kakaalis mo lang sa bahay kanina. Mahiya ka naman kung sabihin kong namimiss kita.
Kadiri na, Ayu. Napapadalas.”
Ang sweet na kapatid talaga nito. Binelatan ko na lang siya at nagpaalam na para
umakyat sa kwarto ko. First si Xander, tapos si Josh. Sino ang kasunod si Ice?
“Psst.” Aba. Tinatakot ba talaga nila ako. Ha! Effective. Natatakot ako
“Psst.” Huminga ako ng malalim at ready na para magbilang hanggang tatlo para
tumakbo, pero nasa number 2 palang ako ng magsalita na ang multong kinatatakutan
ko.
“Ayu.” At sa pagsabi niya ng pangalan ko, alam ko ng siya ‘yun. Si Ken. Bumaba ako
para puntahan siya. Bwisit ‘to. Tinakot ako.
“Nagtext kasi si Xander kanina. Nagpunta raw siya dito at nagdate sila ni Yannie.
Nainggit ako kaya pumunta ako dito.”
Natawa nalang siya at umupo sa sahig. “Teka, may exams ka bukas ‘di ba?”
“Meron.”
“Bakit nagpunta ka pa? Inuna mo pa ‘yang inggit mo. Dapat nagreview ka na lang
muna.”
“Magrereview nga.”
Nakakaloko. Dumayo pa ba talaga si Ken dito para magreview? Anong kalokohan ‘to?
Lumapit siya sa akin at hinalamos ang kamay niya sa mukha ko, “Alam ko ‘yang
mukhang ‘yan. Mas masarap kasing magreview kasama ka. Pakiramdam ko palagi akong
motivated.”
Nambola pa. Jusme. Hinawakan niya ang mga kamay ko at hinalikan ito, “Para naman sa
atin ‘tong ginagawa ko.”
Pasa saan? Para sa amin? Biglang lumakas ang tibok ng puso ko. Nakikita ko naman na
si Ken ang kasama ko sa future hanggang sa pagtanda, pero ngayon ko lang narinig sa
kanya ang ganitong bagay.
Tumawa na lang ako at pinalo siya sa braso. Hindi ko rin naman kasi alam kung
seryoso ba siya. “Eighteen palang kaya tayo.”
“Legal na ‘yun.” Totoo ba ‘to? Anong nakain ni Ken? “Ayu, ‘wag ka ngang nerbyusin
diyan. Hindi pa naman ako nagpropropose. Alam kong maaga pa para doon. Pero ‘wag
kang mag-alala. Darating din tayo diyan. ‘Wag kang excited.”
Ang nerbyos ko kanina, napalitan na dahil sa sinabi niya, “Wow ha. Ako pa ngayon?
Lakas ha.”
“Joke lang. Ito naman. Pinapagaan ko lang pakiramdam mo. Alam ko kasing nagulat ka
sa sinabi ko.”
“Seryoso na. Totoo. Nag-aaral akong mabuti para sa’yo. Para sa atin. Para
makapagtapos ako ng maayos at mabigyan ka ng magandang buhay nang dahil sa sarili
kong pagsisikap.”
Mababaliw na ata ako. Ano ba ‘tong mga sinasabi ni Ken? Hindi ko alam kung
kikiligin, kakabahan, nenerbyosin o kung ano man ang mararmdaman ko sa mga sinabi
niya.
Pero kahit na naghalo-halo ang mga nararamdaman ko, isa lang ang sigurado ko, at
‘yun ay ang ayaw kong tumanda na hindi si Ken ang makakakasama ko.
“Bata pa kayo.”
Naputol ang titigan namin ni Ken ng sumulpot si Josh at Sab. Istorbo talaga ang
dalawang ‘to kahit kailan.
***
Zoe’s POV
Dinig na dinig sa kwarto ko ang tawanan sa ibaba. Naligaw na naman kasi si Ken at
Josh. Gabing gabi na ayaw pang magsiuwi. Habulin sana sila ng mga aso mamaya pag-
uwi nila.
Matutulog na ako pero hindi ko magawang makatulog. Naikot ko na ang buong kama pero
ayaw talaga. Ang ingay kasi ng mga tao sa ibaba. Sa sobrang inis ko, babain ko na
sana sila ng may marinig akong tumunog sa may bintana.
Sinilip ko kung may tao ba sa ibaba, at tama nga ang hinala ko. Nasa ibaba ng
bintana ng kwarto ko ang pinakahot na yelo sa balat ng lupa.
“Anong ginagawa mo?” tanong ko sa kanya ng mabuksan na ang bintana.
“Wala lang?”
Nagkibit-balikat siya at saka nagpamulsa. Jusko, yelo ka. Ang gwapo talaga ng
lalaking ‘to. Hindi ko lubos maisip kung bakit patay na patay sa akin ang Ice na
‘to.
“So, anong feeling mo? Romeo and Juliet tayo? Kaloka ka. Teka nga.”
Magtatalo na naman ang dalawang ‘to. Bahala nga sila. “Late na ha? Saan punta mo?”
tanong naman sa akin ni Ken.
“Sa tabi-tabi. Basta, bahala na kayo dyan. At please lang, Ken at Josh, umuwi uwi
na kayo at sawang sawa na ako sa pagmumukha niyo. Gabi na rin.”
Tinawanan lang nila ako. As if namang nagjojoke ako. Epal talaga ng mga ‘yun.
“Naligaw ka?”
“Oo.”
Bwisit. Kikiligin na sana ako sa yelong ‘to kaya lang naudlot. Hindi naman pala
ako. Malusaw na sana siya bwisit siya.
Ohmyghad, Ice. Don’t do this to me. Paano kita titiisin kung ganyan ka? “Joke lang
naman. Syempre ikaw pupuntahan ko dito.”
Pinilit ko talagang hindi siya pansinin at ‘wag siyang harapin kahit na kating kati
na ang paa kong humarap sa kanya at ang kamay kong yakapin siya.
“Bilis magtampo.” Bulong niya pa at hingpitan ang yakap sa akin saka ako hinalikan
sa gilid ng ulo. “I love you.”
At gumuho ang dingding na tinatayo ko. Humarap ako sa kanya at niyakapa siya,
“Kainis.” Bulong ko na ikinatawa naman niya.
Umupo kami sa may garden. Pero joke lang. Humiga pala kami sa damuhan sa garden.
Ipinatong ko ang ulo ko sa chest niya, “Time flies. Parang kahapon lang noong una
ko kayong makilala. Kaaway pa kita noon.”
“Nakaamin naman.”
“Hindi mo ko ipagpapalit?”
“Hearts don’t forget, Zoe. And you’ll always be in my heart kahit na bumalik man sa
school sila Phineas and Ferb at malaman nilang secret agent si Perry the Platypus.
I’ll always be in love with you. Always.”
Hearts don’t forget. Napangiti na lang ako sa naging sagot niya. Kung sobrang
sigurado siya sa akin, sobrang sigurado rin ako sa kanya.
Battle 3
Ayu’s POV
“Nasaan ka?"
“Kita tayo?”
Ano na naman ang trip ni Ken? Si Sab lang ang kasama ko kasi kami lang ang sabay
ang vacant ngayon. Nagjournalism ako. Si Sab naman, interior design ang kinuha
habang si Yannie, Business Ad. Si Zoe, Fine Arts major in Digital Cinema.
As for the boys, parehas na Business Ad si Xander at Ken. Kaklase nila si Yannie.
Si Josh ay MassCom habang si Ice parang kay Zoe rin.
Naghiwahiwalay kami kasi sawang sawa na kami sa pagmumukha ng isa’t isa. De, joke
lang. We’re just following our dreams.
“Guess who?” may nagtakip sa mata ko dahilan para mapangiti ako. Amoy palang ata
niya alam ko na. May paguess who guess who pa.
“Miss me?”
What? Miss agad e kakakita ko lang sa kanya kahapon. Bah! Who cares? Minsan nga
kakahiwalay pa lang namin ng landas namimis ko na siya. Hala. Ang OA ko na yata.
Nagpaawa siya ng itsyura at hinarap ako sa kanya. Nako. Nagpapacute pa ang loko
Dapat tumigil na siya. Kasi effective ang pagpapacute niya.
“Hindi mo ako namimiss kahit na ikaw palagi kong namimiss. Kahit kasama pa kita
namimiss kita. Tapos ako pala hindi mo namimiss. Siguro kahit umalis ako ng bansa
hindi mo pa rin ako mamimiss.”
Hindi pwede. Paano nga kung umalis na naman si Ken? Ano na naman ang gagawin ko?
Naranasan ko na ‘yun dati. Ayoko ng maulit ‘yun ngayon. Hindi ko na alam ang
gagawin ko kapag umalis si Ken.
Kumunot ang noo niya at maya maya ay humagalpak ng tawa. Ano ang nakakatawa? Halos
atakihin at magpanic na ako dito tapos siya tatawanan lang ako? Nasaan ang
hustisya?
Maya maya lang nilamutak na niya ang mukha ko at ginulo ang buhok ko.
Mukha akong ewan. Sabukot ang mukha, gulong gulo ang buhok. At mabilis ang tibok ng
puso. Ano bang nakain ng Ken na ‘to?
Huminto siya sa pagtawa at huminga ng malalim sabay lunok. Pinipigil niya ang tawa
niya. Halata naman. Kainis.
“Anong sumapi sa utak mo at naisipan mong aalis na naman ako? Hindi na nga ‘di ba?
Isa pa, nag-aaral pa kaya ako.”
Nakakaasar talaga. Bakit nagagawa niyang magjoke na aalis siya? Kung alam lang niya
ang iniyak ko nung araw na umalis siya. Kung siya ang nasa pwesto ko, baka matakot
din siya at maramdaman ang nararamdaman ko.
OA man sa panginin ng iba, wala kong pakialam. Hindi naman kasi sila ang umiyak,
natakot at nasaktan nung panahong ‘yun. Hindi sila kundi ako.
Padabog kong inilagay sa lamesa ang bag ko at kumuha ng libro. Nakakabadtrip ang
katabi ko kaya mas pipiliin ko munang harapin ang librong ‘to kung saan pwede kong
takasan ang katabi ko at magpunta sa ibang mundo.
“Ayu.”
Kinakalabit niya ako pero hindi ko siya pinapansin. Nakaharap man ako sa libro ko,
nasa kanya naman ang atensyon ko. Kahit pagbabasa ang paborito kong gawin, bukod sa
mahalin siya, hindi ko pa rin magawang magfocus kasi nakatabi ako sa kanya. Ang
sabi ko kanina tatakas ako sa kanya at papasok sa bagong mundo pero hindi ko kaya.
Hindi ko kayang takasan siya.
Hinawakan niya ang kamay ko. Pilit ko ‘yung binabawi sa kanya pero ayaw niyang
bitawan, “Bati na tayo, please?”
But I can’t.
Napabuntong hininga ako at tiningnan siya. “’Wag ka kasing magjoke na aalis ka.
Paano kung magkatotoo ‘yang joke mo? Paano ako?”
“I won’t go anywhere, Ayu. At mangyari man ‘yun, sisiguraduhin kong para sa’yo
naman ang dahilan ko. Bago ka magreact, no. Hindi ako aalis. So stop worrying.
Nandito lang ako. Dito lang ako sa tabi mo. Okay?”
Tumango na lang ako. Nakakainis. Ang sensitive ko talaga sa topic ng pag-alis niya.
Pakiramdam ko para akong bata na nag-iinarte. Para akong bata na ayaw bitawan ang
manikang bigay ng magulang niya.
“Okay na? Bati na kayo? Pwede na kayong manahimik? May nagrerview dito oh.”
Habang tumatagal talaga nagiging kontrabida ‘tong si Sab. Palibhasa naiinggit lang
‘to eh. Kaya ayaw nakakakita ng masayang couple sa harap niya.
Naikwento rin ni Yannie na kinontra sila ni Sab nung nakaraang gabi ng nakitang
nagswi-sweetan sila ni Xander. Diabetic na ata ang bruha.
“Nasaan ang nagrereview dyan, Sab? Kaharap mo ang tablet mo at nagtwitwitter ka
lang panigurado."
“Bakit, sinabi kong ako ang nagrereview? Sila kaya.” Turo niya sa katapat naming
magkakaibigan na nag-aaral. Baliw talaga ‘to kahit kailan.
Nagkwekwentuhan kami ni Ken ng magligpit ng gamit si Sab, “Oh? Saan punta mo?”
Pinalo niya naman sa ulo si Ken ng tablet na hawak niya, “Bwisit. Malelate na ako.
Dyan na nga kayo. Oy, ‘wag pumunta kung saan saan ha. At pakiusap, pumasok on time.
‘Wag PDA.” Pagpapaalala niya sabay walk-out.
“PDA ba tayo?”
“Hindi naman tayo si Yannie at Xander.” Sagot sa akin ni Ken na ikinatawa ko.
May lumapit sa amin na kablock nila Ken, “Ken, pinapatawag ka sa Dean’s office.”
Anong gagawin nito sa Dean’s? Oh. Nagkuhanan nga pala ng grades nung nakaraan. Baka
nalate lang ‘yung dean nila at sasabihing nasa Dean’s Lister na naman si Ken. Ang
galing talaga ng lalaking ‘to kahit na loloko loko minsan.
“Saan kayo nanggaling? Maaga kayong naidismiss ‘di ba? Nagdate na naman siguro
kayo.”
“Hindi ha. Si Ken lang ang maagang nadismiss. Palibhasa nakatapos agad sa quiz.
Kami, ayun. Subsob.” Ah. Kaya pala.
“Dyan ka lang ba, Ayu? Oh gusto mong sumama muna sa amin ni Yannie? Kakain lang.
Baka matagal pa kausapin ni dean ‘yang si Ken. Baka nag-iinuman pa sila sa loob.”
Napalunok si Xander at umakbay kay Yannie, “Tara. Fastfood na tayo. Bye, Ayu!
Ingat!”
Kita mo si Xander. Ayaw lang kasi uminom kasama si Yannie palibhasa alam niyang
madaling malasing si Yannie. Ayaw lang magbuhat ng lasing na girlfriend pag-uwi. I
mean, asawa. Err.
“Akala ko hindi na eh. Nagkaproblema kasi ako sa isang subject ko dati ‘di ba?”
Ah, oo. I remember. One time kasi muntik na siyang magreklamo kasi nakakuha siya ng
dos. E kung magkakados siya, mawawala siya sa dean’s lister. Ayaw niyang mawala
kasi gusto niyang maging Summa Cum Laude. Ken and studies. Oh well. Pero papunta
palang kami sa office ng prof niya, lumabas na ‘yung prof para hanapin din pala
siya. Nagkamali daw siya ng grade. So in the end, uno ang nakuha niya. Flat.
Napanguso siya at ginulo ang buhok ko, “Sige. After na lang. Hatid na lang kita sa
room mo?”
Tumango ako at nagpahatid na nga sa room. Nasa labas pa lang kami ng room, dinig na
dinig na namin ang sigawan ng mga kablock ko. “May party ba sa loob?”
I opened the door at nagsipagtahimikan sila. Pero nang marealize nilang ako lang
‘yun, nagsigawan ulit sila. May mga saltik na talaga ang kaklase ko.
“May ano at nagwawala kayo?”
Natawa na lang ako sa kanya. Kinuha ko ang phone ko para sana itext si Ken na wala
akong prof pero lumabas ang message ng prof ko.
“Wait lang guys!” sigaw ko kaya nagsipagtahimikan sila. “May gagawin daw tayong
article.”
At as usual, nagsipagreact na naman ang mga nakakaloka kong kaklase. Sinabi ko lang
lahat ng gagawin at nagpaalam na sa kanila para puntahan si Ken.
Kaya lang ng makalabas ako, saka ko lang naalala na hindi ko alam kung saan
hahanapin si Ken kasi hindi ko nga pala siya naitext kaya naisipan kong tawagan na
lang siya.
Isang ring palang nasagot na niya agad ang tawag ko, “Miss mo agad ako?”
“Wala kaming klase. Saan ka? Kain na tayo.” Masayang bati ko sa kanya.
Tumalikod ako at napangiti ng makita ko nga siya sa upuan sa likod ko, “Hindi ka
umalis?”
"No. Hihintayin sana kita dito hanggang matapos klase mo e mukhang ayaw mo akong
paghintayin.”
Nang makapunta na nga kami sa fastfood chain, nakita ko kaagad si Yannie at Xander
na nakaupo at nagtatawanan lang sa isang tabi. Hindi naman kumakain. Anong trip ng
dalawang ‘to? Nakikiupo lang?
“Mawalang galang lang. Lumayas na po ang mga hindi naman kumakain para makaupo ang
mga kakain talaga.” Natigil sa tawanan ang dalawa ng sabihin ‘yan ni Ken at
napatingin sa amin.
“Edi ‘wag kayong kumain. Basta makikiupo kami ni Ayu. Oorder na ako. Bahala kayo.”
Tumayo na si Ken at pumunta sa may counter. Sumunod naman sa kanya si Xander kaya
naiwan kami ni Yannie.
“Walang prof.”
“Swerte.”
“’Wag feeling. Ni hindi nga namin nabanggit pangalan mo.” Banat sa kanya ni Yannie.
Nasa kalagitnaan kami ng pagkain ng may lumapit na dalawing lalaki sa table namin,
“Hi. Uhh, pwedeng makuha number – “
Napakamot ng ulo ‘yung lalaki at umalis sa table namin. Pero bago sila tuluyang
makalayo narinig pa namin ang bulungan nila, “Sabi mo kaibigan. Boyfriend nila
‘yun. Tanga nito. Mapapaaway pa tayo dahil sa’yo.”
“Tss.”
“Inis ka na niyan? Nako. ‘Wag ka na mainis. Kitang umalis na nga ‘yung lalaki oh.
As if namang ibigay ko rin or ni Yannie number namin sa kanila. Asa pa.”
Napangit siya at inakbayan ako. Fries na lang naman ang kinakain niya kaya
nakaakbay lang siya sa upuan at sa akin na rin kasi nakasandal ko.
“Mahirap talaga naiiwan kang mag-isa. May nangunguha ng number mo. Dapat talaga
binabakuran kita. O kaya naglalagay ka ng ID na nakasulat, ‘Taken. Off-limits.’. O
kaya ipapagawa kita ng damit na nakalagay na ‘May boyfriend na ako. Back off
kayo.’”
“Ideas mo ‘no? ‘Wag kang mag-alala. Hindi naman ako papalapit sa mga ‘yun. Ako na
kusang lalayo. Anong gagawin ko sa kanila e may Ken na ako. ‘Di ba?”
“Naniwala ka naman Ken. Binobola ka lang naman ni Ayu.” Pang-inis din ‘tong si
Xander kahit kailan eh.
Tawa naman ng tawa si Yannie pero bigla siyang napahinto sa pagtawa at napakunot
ang noo. “Bakit?” tanong sa kanya ni Xander.
Nakakunot pa rin ang noo niya at nakatingin sa labas pero maya maya ay tumingin din
kay Xander at umiling sabay ngiti. “Wala. Wala lang. Nag-aadik lang.”
Battle 4
Ice' POV
Two years? Sino mag-aakalang dalawang taon na pala magbuhat ng mapasagot ko siya.
Mahirap sa una, buti sa dulo, nakuha ko rin siya.
Napatingin siya sa akin at napakunot ang noo, "Nakatitig ka na naman. Malusaw ako
niyan." Nginitian ko lang siya kaya tiningnan niya ako ng masama at napairap.
"Ice." hindi ako sumagot at tiningnan lang siya. "Tingnan mo nga mga 'to. Ano mas
maayos na shot?"
Ihinarap niya ang laptop sa akin. Tiningnan ko 'yun saglit at tiningnan ulit siya.
Damn. Bakit parang habang tunmatagal lalo siyang gumaganda sa paningin ko?
Parang dati lang patingin tingin lang ako sa kanya sa malayo tapos ngayon kami na.
"Ito kasing third, maganda sana pero parang medyo malayo. Kung izozoom ko naman,
baka lumabo."
'Yung nakaraang dalawang taon ang pinakamasayang taon ng buhay ko. Masaya naman ako
nung wala pa siya. 'Yun nga lang, mas sumaya ako nang dumating siya.
Kaya lang ngayon, mukhang hindi ko na magagawang sumaya kung hindi ko siya kasama.
Maisip ko pa nga lang 'yun parang mababaliw na ako. Nakakabading man sa paningin ng
iba pero wala eh. Panang pana ako ni kupido.
"Kaya lang 'yung pang-apat parang.. hindi ko alam. Ugh! Bakit ba hindi na lang
dalawang picture ang i-feature sa school newspaper para hindi ako nahihirapan mag-
isip ng flaws ng dalawang picture na 'to."
Dati rati nababaduyan ako sa mga taong sasabihing pinana sila ni Kupido pero
ngayon, ito ako.. T*ngina, mahal na mahal ko 'tong babaeng 'to at hindi ko alam
kung bakit lagi ko nalang iniisip kung gaano ko siya kamahal.
Siguro kung bibigyan ako ng pera sa bawat minuto na inisip ko si Zoe, ang yaman ko
na siguro.
"ICE!"
"Huh?"
"Ay naman! Hindi ka pala nakikinig! Kanina pa ako nagsasalita dito!" nagagalit na't
lahat maganda pa rin. "Ano ba kasi 'yang iniisip mo at tulala ka na naman?!"
Napangiti ako sa tanong niya. Tae. Naiisip ko palang na naiisip ko siya nangingiti
na ko.
"Wala naman."
"Bwisit 'yang wala naman na 'yan. Kainis. Sumagot ka na nga lang. Ano ba mas
maganda sa dalawang picture?"
Tinuro niya ang dalawang litratong pinagpipilian niya at inobserbahan ko naman 'yun
parehas. Nang makapili na ako ay tinuro ko 'yun sa kanya at inedit niya naman.
Nakangiti siyang umiiling-iling saka kinurot ang ilong ko. Ayun na 'yun? Walang 'I
love you too'? Ano ba naman 'tong si Zoe. Bihira talaga maging sweet.
"Understood na 'yun."
"Ang alin?"
Pinapagtripan na naman ako nito. "Wala. Sige, mag-edit ka lang. Matutulog muna
ako." inilagay ko ang earphone ko at saka humiga sa sofa nila. Panira ng sweetness
girlfriend ko.
Nagising ako dahil pakiramdam ko may humahawak sa mukha ko. Una sa pisngi hanggang
pati ang korte ng ilong ko ay sinundan niya. Nanatili akong nakapikit hanggang sa
hawakan niya ulit ang kaliwang pisngi ko at hinalikan ang kanang pisngi ko.
Tinanggal niya ang earphone ko at binulungan ako, "Alam kong gising ka na. Kunyari
ka pa."
Napangiti ako sa sinabi niya. Kilala niya talaga ako. Kaya lang bigla niya akong
pinalo sa noo.
"I love you." mas lalong lumawak ang ngiti ko sa sinabi niya. "Sagot ko sa sinabi
mo kanina."
Umupo ako at kinurot ang magkabilang pisngi niya, "Patay na patay ka talaga sa
akin." Alam ko namang ako ang mas patay sa kanya. Mang-iinis lang.
T*ngina. Kalalaki kong tao kinikilig ako. Grabe ang epekto sa akin ng girlfriend
ko.
“Mabibitin lang naman ang tulog ko kapag umidlip pa ako. 5:30 na rin kasi."
Magrereklamo pa sana siya pero pinigilan ko na. Nang sasandal na siya sa may sofa,
pinigilan ko siya. “Akala ko ba pinapatulog mo ko? Ano ba talaga?"
Tumayo ako at umupo sa sofa. Ganun din ang pinagawa ko sa kanya kahit na nung una
ay magproprotesta pa siya. Sumandal ulit siya at pumikit. Kung ganito ang posisyon
niya, malamang magkastiff neck siya. Kaya para maiwasan ‘yun, inakbayan ko siya at
pinasandal sa akin. Ayos ng ako ang mamanhidan ng braso kaysa siya pa ang mangawit
ang leeg.
She snuggles closer to me which made me smile even more. “Tsansing ka talaga.”
Inaantok na sabi niya.
“Ikaw.”
“At ikaw.”
Isang oras lang ang nakalipas at nagising na si Zoe. Sabi ko two hours matulog.
Pasaway talaga.
“Zoe.”
“Oh?”
“Aalis ako.”
“Huy.”
“Anong gusto mong sabihin ko? ‘Aalis ka na? Good for you. Happy trip ha.’ Ayun ba
ang gusto mong sabihin ko? Hello, Ice! Hindi naman ako baliw para sabihin ‘yun.
Anong ineexpect mo? Magpapaparty ako? Ibang bansa, Ice! Ibang bansa for Pete’s
sake. Ano babalik ka pa ba? Kailan? After 3 years? 5? 10? O hindi na talaga?
Sabihin mo ng mas maaga – “
I cut her off by giving her a peck on the lips. She’s starting to panic. Hindi ko
naman alam na magiging ganito ang reaksyon niya at ganito ang interpretasyon niya
sa sinabi ko.
She pushed me away at magwawalk out ng hawakan ko ang kamay niya at hilahin siya
para yakapin.
“Aalis ako. Pero hindi ko naman sinabing hindi ako babalik. Nagpapaalam lang ako
sa’yo. Magbabakasyon kasi kami dun ng pamilya ko. Isang linggo lang naman ako
mawawala. ‘Wag ka ng magalit.”
Humiwalay ako at hinawakan siya sa magkabilang balikat. Umiiyak siya? “Oh? Bakit ka
umiiyak? Saglit lang naman ako. Pero kung ayaw mong umalis ako, sige, dito na lang
ako.”
“Kainis ka!” sabay palo niya sa akin. “Akala ko matagal kang mawawala. Magagaya pa
pala ako kay Ayu kung sakali. Saglit ka lang pala.”
Natawa ako sa kanya at niyakap na lang ulit siya, “Hindi naman ako mawawala ng
matagal. Hindi ako ang aalis ng matagal.”
***
Sab's POV
Binatukan ko si Ice na nakikipagharutan kay Zoe sa sofa. PDA talaga kahit kailan
mga kaibigan ko. Nakakaloka.
Point well-taken. Kaya lang kung itetext ko siya baka isipin niyang napakaclingy
ko. Eh hindi naman totoo. Iniwan ko na lang 'yung dalawa at lumabas para maglakad
lakad. Mag-iikot-ikot nalang ako. Pero kung itext ko nga kaya para malaman ko kung
nasaan siya. Kaya lang baka hindi magreply sayang naman ang effort ko. E bakit
naman hindi ako rereplyan nun e girlfriend niya ako? Itetext ko na nga.
Bakulaw. Nasaan ka? Bakit ... ay teka. Erase. Erase. Hindi naman niya ako tinetext
kaya hindi ko siya itetext.
Nakakadalawang ikot na ata ako ng hindi ko na natiis at tinext siya para itanong
kung nasaan na siya. Nakalipas ang isa, tatlo, lima, sampo, dalawampung minuto pero
hindi pa rin siya nagrereply. Baka walang load.
"Nasaan na?" salubong na tanong sa akin ni Ice ng makabalik ako sa bahay. Nandito
pa rin ang yelo.
"Malay ko. Bat 'di mo tanungin isa ka naman sa bestfriend." sagot ko sa kanya at
umakyat ng kwarto.
Tatlong buong araw ng hindi nagpaparamdam ang Bakulaw. Kainis. Nasaang lupalop na
ba 'yun?
Tinext ko ulit siya pero wala pa rin. Inulit ko, wala pa rin. Ulit pa pero wala pa
rin. Gaano ba kahirap ang pumindot sa cellphone para hindi niya ako mareplyan?
Nakakainis.
Pakiramdam ko ang clingy clingy ko na pero hindi ko mapigilang itext siya kasi
hindi ako mapakali ng hindi ko alam kung nasaan siya. Baka mamaya, may nangyari na
sa kanya. 'Wag naman sana.
Medyo kinakabahan na ako kaya tinawagan ko na siya. Dalawang ring palang ng sagutin
niya ang tawag ko.
"Bakit ba?! Naglalaro kami ng mga pinsan ko. Pustahan 'to. Baka matalo ako."
At siya pa ang may ganang magtaas ng boses? Kung inis siya, 'wag niya lang akong
madamaydamay. Sa pagkabwisit ko, hindi na ako nagsalita at ihininto ang tawag.
Badtrip!
Napairap ako ng makitang si Josh lang pala. Pagkatapos niyang gumanun kagabi
dadalaw dalaw siya. "Break time mo? Tara, lunch tayo."
Sinilip niya ang room at pinanliitan ako ng mata, "Wala kayong prof."
"Darating."
Nang makapasok ako ng room at naupo sa silya ko, naghintay pa ako sandali at
tumingin sa may pinto. Seryoso, hindi niya ako susundan? Ang dense talaga kahit
kailan.
***
Ibinalik ko ang phone sa bag ko. Alam ko naman na nasa parking lot lang ang mga ‘to
kaya doon na ako dumiretsyo pagkatapos ng klase. Buti na lang Friday at pareparehas
kaming walang Saturday class kaya free kaming tumambay sa No Name ngayon.
Nang makarating ako sa parking, halos nandun na ang lahat pwera sa akin at kay
Josh. Wala pa pala ang Bakulaw.
“Ha?”
“Ha?”
Ayoko na ngang kausapin ‘tong si Ken. Hindi makagets ng sarcasm. Matalino na sana
eh.
“Nasaan ka na ba?” dinig kong tanong ni Xander sa kausap niya sa phone. “Bilisan mo
kaya. Ikaw na lang hinihintay.” Tumingin sa akin si Xander sandali, “Nandito na."
“Nasaan na raw?” tanong ni Yannie kay Xander ng maibaba na nito ang phone.
Court? Wow ha. May practice pala siya o game. Hindi man lang ako nainform. Paano na
lang kung hindi ako nag-iinarte sa kanya? Edi hanggang ngayon baka naghihintay pa
rin ako sa room na sunduin niya ako?
Nang makarating siya, yayakapin niya sana ako pero tumalikod ako at sumakay sa
sasakyan, “Tara na, guys. Kumpleto na.”
Nang makarating kami ng No Name hindi pa rin kami nagpapansinan ni Josh. So ano
‘to? Kapag naiinis ako sa kanya dapat naiinis din siya sa akin? Nakakainis na
talaga ha. Wala talaga siyang pakialam.
Nagpalipat lipat nang tingin sa amin silang lahat. Badtrip. Center of attraction na
naman kami.
Nakakatuwa naman. Kung pag-usapan nila kami parang wala kami sa harapan nila.
Nakakatuwa talaga.
“Nakakainis!”
Naiinis na nga ako dito, ayaw pa ako tantanan ng mga kaibigan ko. Nakakabadtrip na
sila seryoso. Kanina si Josh lang. Ngayon silang lahat na.
“Ano ba kasing problema mo?!” nag-init ang tenga ko ng marinig ang boses ng bwisit
na Bakulaw na ‘to. Ako pa? Ako pa ang may problema? “Bigla kang mag-iinarteng
ganyan. Wala naman akong ginagawa.”
“Kailan pa naging problema ‘yun, Sab? Wala nga akong ginagawa ‘di ba? Bakit
magagalit ka kung wala akong ginagawa?”
“Tanga ka ba o nagtatanga-tangahan?”
“Alam mo hindi naman ako nagagalit kanina eh! Naiinis lang. Pero ngayon, sa
pasigaw-sigaw mong ‘yan, letse, nakakagalit ka na talaga!”
“Nakakafrustrate ka, Sab! Hindi kita maintindihan! Bakit ba kasi nagagalit ka? ‘Wag
mong idadahilan na wala akong ginagawa.”
“Lintek naman, Josh! Ulit-ulit na lang ba? Sabi ng naiinis ako sa’yo! Kasi wala
kang ginagawa!” sasagot pa sana siya pero hinarang ko ang kamay ko sa mukha niya,
“Patapusin mo ako. Wala kang ginagawa, Josh. Tinetext mo ba ako? Hindi. Sumasagot
ka ba sa text ko? Hindi rin. Sinasabi mo ba kung malelate ka kapag susundin ako?
Hindi. Wala kang ginagawa.”
“Naman, Sab! Dahil dun?! Dahil lang dun? Anong gusto mo? Itext kita minuminuto?
Sabihin ko sa’yo kapag kakain, matutulog, manunuod ng TV, magdodota,
magbabasketball ako? Baka gusto mo ipaalam ko rin sa’yo kada hinga ko?”
"Hindi ko naman ‘yan hinihingi sa’yo. Ang akin lang naman, sana isipin mong may
girlfriend ka pa. Minsan lang kita itext, Josh. Hindi ako clingy, alam mo ‘yan. Sa
minsang ‘yun, hindi ka nagreply. Tinawagan pa kita ‘di ba? Pero anong sabi mo?
‘Bakit ba. Naglalaro kami ng mga pinsan ko.’ Inis na inis ako sa’yo dahil dun.
Sige, sabihan mong mababaw. Mababaw na kung mababaw. Nakakainis lang kasi na ito
ako, nag-aalala sa’yo- na baka may nangyaring hindi maganda sa’yo tapos nang
makausap kita, parang ang labas ng sinasabi mo, ‘Mamaya ka na. Istorbo ka.’ Hindi
ko alam kung ayun ba ang ibig mong sabihin pero ayun ang naisip ko. Masisisi mo ba
ako?”
Natahimik siya. Pakiramdam ko sasabog na ang puso ko kapag hindi ko nailabas lahat
ng ‘to.
“Tapos ano? Pinuntahan mo ako sa classroom kanina. Naiinis pa rin ako dahil sa
kagabi. Nagpakacold ako aaminin ko. Kasi gusto kong lambingin mo ko. Gusto kong
tanungin mo ako kung bakit ako ganun sa’yo. Pero hindi mo ginawa. Pumasok ako ng
room at iniwan ka. Ineexpect kong hahabulin mo ako dahil ganun ang ginagawa sa mga
movies pero hindi mo pa rin ginawa. F*ck those movies for making believe in that
kind of scene.”
Lalo akong napaiyak sa sinabi niya. Naiinis ako sa sarili ko kasi hindi ko magawang
mainis ng sobrang tagal sa kanya. Isang sorry lang niya nanlalambot na ako.
Humiwalay siya sa akin at hinawakan ang magkabilang pisngi ko saka pinunasan ang
luha ko, “I’ll make it up to you, Sab. Promise.”
Battle 5
Ayu's POV
Ito na ang huling subject ko kaya bago pa man ako tuluyang lumabas ng classroom,
tinawagan ko na si Ken.
"Ay. Sige, maglilibot libot muna ako at kapag nainip ako, okay lang bang mauna na
akong umuwi?"
Ano kaya ang magandang gawin habang naghihintay kay Ken? Maglibot? Kaya lang
sasakitan ako ng paa. Kumain? Kaya lang hindi naman ako gutom baka masayang lang.
Manuod ng mga varsity at cheerdancers? Nah. Mainit sa gym.
Ang boring ko na kasing tao. Feeling ko 0 level na ang social life ko. Ano bang
magandang gawin? Dapat yung hindi ko ginagawa madalas.
Napatigil ako sa pag-iisip ng makapa ang bag ko. Napangiti ako. Alam ko na ang
gagawin ko.
Magbabasa ako.
Umupo ako sa may upuan sa gilid ng corridor at inilagay ang earphone sa tenga ko
habang tumutunog ang instrumental ng mga korean songs na theme song ng kdramas at
sinimulan ang pagbabasa ng libro ko.
Nasa kalagitnaan ako ng pagbabasa ng may umupo sa tabi ko. Base sa itsyura niya,
mukha siyang taong palaging gagawa ng kalokohan. May kulay ang buhok. May isang
hikaw. May tatlong singsing sa daliri pero malinis at mabango.
Hindi ko na lang siya pinatulan at pinansin at ibinalik ang tingin sa libro ko. Ang
angas. Wala pa rin naman siyang panama kay Ken.
Narinig ko ang tanong niya pero hindi ko 'yun sinagot at nagpatuloy sa ginagawa ko.
Kung magbabasa ako, magbabasa ako. Hindi ako makikipagkwentuhan kung kanino.
"E dila, meron ka?" Epal. "Bakit hindi ka nagsasalita? Pipi ka ba?"
Ang ingay! Paano kaya ako magbabasa ng maayos nito. May panira pa kasi sa tabi.
Nakakairita.
Isinara ko ang libro saka siya tiningnan ng masama at umalis. Feeling close
masyado. Sa iba na lang ako magbabasa. Nakakabanas 'tong taong 'to.
Nang makita ko ang dalawang kablock ko nakatambay sa student lounge, naisipan kong
sumama at makipagkwentuhan nalang sa kanila.
Kilala na sa classroom si Ken. Paano kasi parang kaklase na rin namin siya. Kapag
kasi vacant niya at vacant ko, kami ang magkasama. Kapag naman vacant niya at may
klase ako, nakikisit-in siya sa amin basta hindi terror ang prof. Kapag may klase
naman siya, ako ang nakikisit-in sa kanila nila Yannie since hanggang ngayon,
magkaklase pa rin si Ken, Yannie at Xander. Kapag parehas kaming may klase,
ihahatid at susunduin niya ako sa classroom namin. Ganun palagi ang set-up.
“Wow. Ang tagal na pala. Pero kung titingnan kayo parang bago pa lang kayong
magcouple kasi sweet sweet niyo pa rin.”
Yes, yes, we are. Gusto ko sanang sabihin sa kanya ‘yan kaya lang ‘wag na lang.
Nahihiya ako eh. Pero ang sarap palang marinig sa iba ‘yun. Na ganun ‘yung tingin
nila sa amin. Actually, wala naman talaga akong pakialam sa kung ano man ang
sasabihin ng iba. Kaya lang, kapag narinig mo pala sa kanila ‘yung ganun parang
nakakakilig din.
“Kaya lang, hindi kaya sa bandang dulo magkasawaan kayo?” nawala ang lahat ng kilig
na nararamdaman ko ng marinig ko sa kaklase ko ‘yan. Magkasawaan? Sounds bad.
“Kasi palagi kayong magkasama. Ni hindi man lang kayo magpamiss sa isa’t isa. No
offense pero parang umikot ang mundo niyo sa isa’t isa. Paano na lang kung mawala o
umalis ang isa?”
“Ang iba ngang mag-aasawa sa iisang bubong pa nagsasama sa loob ng limampung taon
pero hindi nagkakasawaan. Pwede rin siguro kami ni Ken maging ganun kasi tulad nila
mahal din naman namin ang isa’t isa.” Tumango tango siya.
“Pero ang ibang mag-asawa naghihiwalay rin ‘di ba? Kasi kahit gaano sila katagal
nagsama, sa bandang huli, narealize nilang hindi na nila mahal ang isa’t isa.”
“Hindi na? Hmm. Tama bang sabihin mong hindi na nila mahal? Or hindi talaga nila
mahal? Kanya kanya sigurong paniniwala ‘yan about sa length ng time ng love. But
for me? Sa tingin ko wala namang oras kung kailan ka in love o kung kailan nawala
ang love. In the first place, hindi naman nawawala ang love. It’s either you love
him, or you don’t. Walang in between. Hindi pwedeng mahal mo siya noon tapos hindi
na ngayon. Kapag mahal mo siya nung simula, mahal mo siya hanggang dulo. Sige, una
na ko. Bye.”
Bago pa ako may masabing hindi maganda, aalis na lang ako. Umaandar na naman ang
pagkamasungit ko. Sabihin na kasi niyang maghihiwalay ang lahat, ‘wag lang kami ni
Ken. Naiisip ko palang parang hindi ko na kaya.
“Kapag sinabihan kang ‘no offense’ ibig sabihin, ‘wag kang mapipikon. Nainform ka
ba dun?”
‘Yung maangas na lalaki na naman? Ano bang problema ng lalaking ‘to? Nasagi lang
ang mata ko sa kanya kanina sumusunod na agad? Ang kulit. Kainis.
“Myghad! Nakakafrustrate na, okay? I don’t even know you pero bakit ba kausap ka ng
kausap? Nakakainis. ‘Wag ka ngang feeling close.”
Sa sobrang inis ko, binilisan ko pa ang paglalakad pero makulit talaga ang lahi ng
lalaking ‘to. Sunod pa rin ng sunod. Nakakabwisit na ha. Gusto niyang sumunod?
Fine. Papasok ako sa C.R. Tingnan ko lang kung makasunod pa siya.
Dirediretsyo ako sa C.R. at isinara ang pinto saka nagngiting tagumpay. I got rid
of him finally. Lumapit ako sa may sink para tingnan ang reflection ko sa mirror ng
biglang magsigawan ang mga babaeng nasa loob kasama ko. Napatingin ako sa pinto ng
magsigawan sila and my eyes automatically double its size ng makitang nasa loob na
ng C.R. ‘yung lalaki. He’s unbelievable!
At ang kapal ng mukha. Tumawa pa. Sa bawat tawa niya gustong gusto ko siyang
pakainin ng bato. Nakakainis talaga.
I was shocked ng may humawak sa bewang ko. Agad akong napatingin sa tumabi sa akin
and my heart automatically double its beat ng makita si Ken.
“Hindi ko pinapakilaman kung sino ka kaya bakit tatanungin mo kung sino ako?” peste
‘tong lalaking ‘to!
“He’s some weirdo, Ken. Tara na.” hinila ko si Ken pero nakatingin pa rin siya sa
lalaki. Epal kasi.
Binitawan ni Ken ang kamay ko at humarap ulit sa lalaki, “T*ngina pare bulag ka ba?
Nandito na nga ang boyfriend pumapapel ka pa.”
“Ken, ‘wag mo ng patulan. Tara na.” kumapit ako sa braso niya at binubulungan siya.
Nag-iinit na panigurado ang ulo ni Ken. “Ken, please.”
Labag man sa loob niya, tinalikuran na lang namin ang lalaki at umalis. Pahamak na
lalaki ‘yan.
Habang bumabyahe kami pauwi ni Ken, sobrang tahimik. Walang umiimik sa amin. Hindi
siya nagsasalita kasi halata namang badtrip siya. Hindi rin ako nagsasalita kasi
baka mag-away lang kami. Hihintayin ko munang lumamig ang ulo niya.
“Sa bahay ako nila Daddy uuwi ngayon.” Sabi ko sa kanya. Ayoko mang magsalita,
dapat sabihin ko sa kanya kung saan ako uuwi.
Nagpagawa ng bagong bahay si Daddy para magkasama na sila ni Mama. Pinili ni mama
na ayun na lang ang itawag ko sa kanya para raw hindi ko isiping pinapalitan ko ang
mommy ko sa buhay namin. Hindi naman daw niya kaya at hindi rin niya balak gawin
'yun.
Nang makarating kami sa bahay, sinubukan ko siyang papasukin muna pero tumanggi
siya. Papasok na sana ako ng magtanong siya.
“Sino ‘yun?”
“Sino?” mukhang mali ang tanong ko dahil kumunot ang noo niya.
“’Yung g*gong lalaki kanina.” Sabi ko na nga ba iniisip pa rin niya ‘yung kanina.
“Kaibigan mo?”
“Hindi ko siya kilala.”
“Kaya pala ang saya saya niyo at tawa kayo ng tawa.” Chill, Ayu. Chill. ‘Wag mong
sasalubungin ang init ng ulo ni Ken. Chill ka lang. “Saglit lang ako nawala may
bagong kaibigan ka na. Nakakatuwa naman ‘yun.”
“Wala. Sinasabi ko lang na may bago kang kaibigan. Lalaki. Walang pakialam kahit na
kasama mo na ang boyfriend mo. Mukhang may gusto sa’yo.”
“Ken! Hindi ko nga siya kaibigan, okay?! Siya ‘tong lapit ng lapit sa akin!”
“Hindi lumalayo?! Kung alam mo lang kung paanong pagtakas ang ginawa ko sa lalaking
‘yun. F*ck, Ken! Nakakainis ka na ha! Kung mainit ‘yang ulo mo dahil dun sa pesteng
lalaking hindi ko naman kilala, pwes ‘wag mo kong dinadamay! Mainis ka sa sarili mo
kasi ikaw naman ang may kasalanan kung bakit nakita at sinundan sundan ako ng
lalaking ‘yun.”
“Bakit ako? Nagtanong ka kanina kung pwede ka ng maunang umuwi ang sabi ko okay
lang. O, bakit nasa akin ang sisi? Kung umuwi ka, edi sana hindi ka niya nakita.
Kasalanan mo kung tutuusin.”
Napakagat na lang ako sa labi ko para pigilan ang inis ko. Ang liit liit na issue
pinapalaki niya. At sa akin pa talaga niya isinisisi na nilapatan ako nung lalaki?
Nakakainis ‘tong lalaking ‘to.
“Sorry ha! Sorry kung hinintay pa kita. Sorry kung gusto kong sabay tayong umuwi.
Sorry kung gusto kong makasama ka kahit sandali lang. Sorry talaga.”
“Ayu.. “
Narinig kong tawag niya pero hindi ko siya nilingon at pumasok na lang sa bahay.
Gusto ko lang naman na sabay kami tapos ako pa ang sisisihin niya. Sana kasi
dinretsya na lang niya ako na umuwi na ako para hindi na ako naghintay. Para hindi
na rin ako sinisi sa kasalanan ko raw.
“Nandun pa ba?”
“Wala."
“Sungit. Nagtatanong lang. Kung ako sa inyo ‘wag na kayong mag-away. Para kayong
tanga. Maghihiwalay na kayo nag-aaway pa kayo.”
“Maghihiwalay?!”
“OA naman nito. Hindi magbrebreak. Maghihiwalay lang ng lugar. Pupunta siyang
States kaya dapat ayos na kayo. Alam mo namang napili bilang exchange student ‘yang
boyfriend mo tapos away pa ba ipapabaon mo sa kanya? Magbati na lang kayo.”
Teka. States? Hiwalay? Exchange student? Bakit wala akong alam sa nangyayari?
Naging exchange student si Ken? Kailan pa niya nalaman ‘to? Bakit hindi ko alam?
Bakit wala akong alam? Ano ba ako dito?
“Hindi ko alam, okay. Hindi ko alam na aalis siya. Wala akong alam.”
***
Battle 6
Ayu's POV
Hindi ako makapaniwala. Aalis na naman siya. Iiwan na naman niya ko.
Halata sa mukha ni Josh ang nerbyos. Malamang nagulat siya na wala akong alam sa
nangyayari sa buhay ng boyfriend ko.
"Ano.. Ayu. Kasi baka nag-iisip pa rin siya kung tutuloy o hindi."
Napangiti ako ng mapait sa sinabi niya, "I guess hindi ako kasama sa plano niya."
"Sa lahat? Kaya pala hindi ko 'to alam. Sige, sa kwarto muna ko."
Una, nag-away kami dahil sa puny*tang pagseselos niya sa lalaking hindi ko kilala.
Pangalawa, nalaman kong aalis pala siya papuntang ibang bansa. Pangatlo, nalaman
kong alam ng iba pero ako walang alam.
Ako ang madalas niyang kasama pero hindi niya nagawang sabihin sa akin ang tungkol
doon. Wala ba siyang pakialam sa nararamdaman ko?
Niyakap ko ang tuhod ko at ipinatong ang ulo ko saka yumuko. Nakakatawa nalang. I
feel so stupid.
Tumunog ang phone ko at pagtingin ko sa screen, pangalan ni Ken ang nakita ko.
I rejected the call thinking na wala ako sa mood kausapin siya. Nagpalamon ako sa
inis at sakit na nararamdaman ko dahil sa kanya. It was on his 15th call when I
decided to answer the phone.
"Marunong ako pumunta dun mag-isa. Bye." Alam ko naman na kaya didiretsyuhin ko na
siya.
Nagtuloy tuloy ako at umupo sa tapat niya. "May gusto ka bang kai --"
“Wala akong gana.”
"Kailan?"
“Dammit, Ken! ‘Wag ka ng magtangatangahan. Alam kong alam mo kung ano ang tinutukoy
ko.”
“Kanino mo nalaman?”
“Hindi na mahalaga kung kanino. May balak ka bang sabihin man lang sa akin ‘to?”
Wala. Wala siyang balak sabihin sa akin. Pumikit ako sa pag-asang pagdilat ko,
mawawala ang sakit na nararamdaman ko. Siguro hindi ako maiintindihan ng ibang tao.
Iisipin nilang maliit na bagay pinapalaki ko. Kaya lang hindi naman sila ang
iiwanan. Hindi naman sila ang malalayo sa taong mahal nila. Hindi naman sila. Ako.
Ako ang iiwan at ako ang mahihirapan. Ako ang magdudusa sa long distance
relationship. Ako ang maghihintay. Ako ang mawawalan.
Inipon ko ang lahat ng lakas ng loob ko at pinigilan ang pagtulo ng luha ko.
Hindi pa rin niya ako tinitingnan. Bakas sa mukha niya ang guilt. Nahihirapan din
siya alam ko. Kaya lang mas nahihirapan ako.
“Sh*t Ken. Sasagot ka lang. Pati ba naman ang pagsagot sa mga tanong ko ipagkakait
mo pa sa akin? Hindi ka pa ba masaya na naitago mo na ‘to sa akin? Ken! Ano ba.
Nahihirapan na ako.”
“Hindi lang ikaw ang nahihirapan, Ayu. Akala mo ba madali para sa akin ‘to? Akala
mo ba gusto kong itago sa’yo ‘to? Hindi ko gustong maglihim, Ayu. Hindi ko gusto!”
Matagal na rin niyang alam. Napangiti na lang ako ng mapait. Matagal na pero hindi
niya sinabi.
“Tinanggap mo na?”
“Yes.”
Binawi ko ang kamay ko at tumayo, “Looks like wala na tayong dapat pang pag-usapan
dito.”
Tinabig ko ang kamay niya at lumabas na ng coffee shop. Pinilit kong panindigan ang
pagiging matapang ko kaya pinilit kong ‘wag tumulo ang luha ko.
Nang makalabas ako hinawakan niya ulit ako sa braso at inihrap sa kanya.
“Ayu, don’t be like this. Please. Please, unawain mo naman ako. Hindi ko naman
gustong itago sa’yo ‘to. Hindi ko alam kung paano sasabihin. Natatakot ako dito.
Natatakot ako kasi alam kong ganito ang magiging reaksyon mo. Baka – “
Hindi ko na natagalan ang pagpigil sa luha ko kaya tuluyan na itong tumulo. Sunod-
sunod ang bawat patak. Kasabay ng pagtulo ng luha sa mata ko ang pagtulo rin ng
luha ng puso ko. It kills me deep inside knowing na magkakalayo kami ng taong lagi
kong kasama ilang taon na.
Napahinto si Ken sa pagsasalita and I can see pain in his eyes. His eyes mirrors
mine.
I felt a stab on my chest. Hindi lang isa. Hindi lang dalawa. Paulit-ulit. Walang
tigil. It doubles the pain knowing that he’s hurting as much as I am. We’re both
hurting pero wala kaming ginagawa to ease the pain.
“No. Space lang ang hinihingi ko sa’yo. Time. Time to think about this.. I don’t
know. Parehas magulo ang utak natin ngayon. As much as I want to be calm, nauuwi pa
rin ako sa pagsigaw ‘cause I can’t calm down, Ken. I can’t! Just spare me some time
bago pa ako makapagsabi ng bagay na hindi ko magugustuhan at pagsisisihan ko lang
sa bandang huli. Do both of us a favor. Please.”
‘Wag kang haharap, Ayu. Mas mahihirapan ka lang kung titingnan mo ulit siya. Keep
moving.
Bago pa ako tuluyang makaalis may ibinulong siya pero sapat na ang lakas para
marinig ko.
***
Katulad kanina, hindi ko pa rin siya pinansin. Kung tutuusin, siya talaga may
kasalanan ng lahat ng ‘to.
Kung hindi niya ako kinulit at kinausap, hindi kami makikita ni Ken. Kung hindi
kami nakita ni Ken, hindi kami mag-aaway. Kung hindi kami mag-aaway, hindi ako
kakausapin ni Josh tungkol sa bagay na ‘yun. Kung hindi niya ako kinausap tungkol
sa pag-alis ni Ken, hindi ko malalaman. Kung hindi ko malalaman, hindi kami mag-
aaway ngayon.
Nakakainis.
Pero kung tutuusin din naman, mas mahirap na wala akong alam. Mas okay na rin
siguro na dumating ‘tong bwisit na lalaki na ‘to dahil pinag-away niya kami ni Ken
at nalaman kong aalis si Ken ng bansa.
Tiningnan niya ako na parang nababaliw at saka tinaasan ng kilay. “You’re weird.
Hindi mo naman ako pinapansin tapos bigla kang magpapathank you. Para saan?”
“Hindi mo kasi naiintindihan. Alam mo ‘yung dahil sa pag-aaway namin, may nalaman
akong isang mahalagang bagay na hindi niya sinasabi sa akin. Kaya salamat sa’yo
kasi nalaman ko ‘yun.”
“What?”
“Magsheshare ako sa’yo ha? Ang sabi kasi nila mas madaling mag-open sa taong hindi
mo naman kilala. Kasi in that way, hindi ka nila pwedeng husgahan kasi nga hindi ka
naman kilala.”
Hindi ko rin alam kung tama ba na sabihin ko sa kanya ‘to. Sa halip na kila Zoe ako
lumapit, sa ibang tao pa. Pero siguro okay na rin ‘to.
“Aalis ng bansa ang boyfriend ko. Hindi ko alam. Nalaman ko lang dahil nag-away
kami ng pagselosan niya ang taong hindi ko naman kilala. Alam mo yun? Nakakainis
kasi hindi man lang niya sinabi sa akin. Nakakainis kasi alam na ata ng lahat pwera
lang sa akin. Naisip ko tuloy, siguro okay lang sa kanyang iwan ako. Okay lang sa
kanyang umalis na wala akong kaalam-alam.”
Hininto ko ang sinasabi ko kasi nag-eexpect akong may sasabihin ang estrangherong
‘to. Pero wala. Nakadiretsyo lang siya ng tingin.
“Walang comment?”
Nagkibit balikat siya at saka inilagay ang dalawang kamay sa likod ng ulo at
sumandal sa pader. “Continue.”
Kahit naweirduhan ako sa naging reaksyon niya, sinunod ko naman ang sinabi niya.
Nagpatuloy ako sa pagkwento.
“Ayun nga, nagalit ako sa kanya tapos nag-away kami. Pinag-awayan namin yung pag-
alis niya ng bansa para maging exchange student. Hindi pa naman niya tinatanggap
‘yung offer sa kanya. Pero alam ko gusto niya. Kaya lang ang pinakanagpagulo at
nagpakirot ng puso ko ay yung sabihin niyang handa siyang manatili basta sabihin ko
lang sa kanya na ayaw ko siyang umalis. Naloloka na ako kakaisip. Hindi ko na alam
ang dapat kong gawin.”
Agad akong napadilat ng marinig ang sinabi niya sa akin. Oo, tanggap ko pa na weird
at baliw ako. Pero ang sabihang makasarili? Aba. Ako nga itong iiwan, tapos ako pa
ang selfish. Ako pa ba ang madaya? Ako pa?
“At paano ako naging makasarili? Ako ang iiwan ‘di ba? Hindi mo man lang ba naisip
na masasaktan ako? Na mahirap para sa akin ‘to? Gusto niyang umalis. Ako ang
maiiwan. Ako pa ba ang makasarili?”
“Pero sinabi mong mananatili siya basta sinabi mo. He’s willing to give up his
future just for you. He’s willing to let the opportunity pass kasi mas mahalaga ka.
Narinig mo ba ang side niya? Pinag-explain mo ba siya? I bet not. Pinangunahan ka
malamang ng inis mo. Tell me, sino ang mas selfish? Ang taong hindi pinakinggan ang
explanasyon ng boyfriend niya kasi mas pinili niyang paniwalaan at panindigan ‘yung
gusto niyang paniwalaan, o ‘yung taong handang isakripisyo ang gusto niya ‘wag lang
mawala sa kanya ang taong mahal niya?”
Pakiramdam ko nilaman ako ng guilt lalo na ng pain. Maybe he’s right. Maybe I’m too
selfish. Inisip ko lang ang nararamdaman ko at hindi ko inisip ang nararamdaman
niya. But anyone who’s in my position will do what I did, right?
Kapag kasi nasasaktan ka nagsasarado ang utak mo at puro puso ang pinapagana mo.
Nagpapalamon ka sa sakit at ayaw mong may maramdamang iba. Masokista ang mga tao
hindi lang halata.
Hindi ako nakasagot sa tanong niya kaya tumayo ‘yung lalaki at naglakad na palayo
habang iniwan akong nag-iisip. Hindi pa man din siya ganun kalayo pero huminto siya
at nagsalita ulit ng hindi humaharap sa akin.
“Siguro kaya ikaw ang huling nakaalam kasi sa iyo siya pinakanahihirapan magpaalam.
Baka kasi ikaw ang pinakaayaw niyang iwan. Pinakamahirap magpaalam sa taong ayaw
mong iwan. He doesn't want to say goodbye because he doesn't want you to say
goodbye, too.”
Battle 7
Ayu's POV
Ilang araw na akong ginugulo ng problema ko. I lose track of time. Hindi ko na alam
kung anong gagawin.
Alam kong may point yung estrangherong nakausap ko. Alam kong dapat kong bigyan ng
pagkakataon magsalita si Ken. Kaya lang paano ko gagawin 'yun kung ako mismo hindi
ko magawang bigyan ng pagkakataon ang sarili kong tanggapin na totoong aalis siya.
"So.."
Para akong kriminal na pinapaikutan nila Zoe, Yannie at Xander. Hindi ko alam kung
anong trip nila at bigla nalang ako hinila sa may dining area, pinaupo, pinatay ang
ilaw at nagtira ng sobrang liit na liwanag saka ako pinalibutan.
Ang dami ko ng iniisip dadagdag pa 'tong mga baliw kong kaibigan. Lalong sasakit
ang ulo ko dahil sa kanila.
In three..
two..
one..
"Ohmyghad!" sigaw nya habang nakatakip ang dalawang kamay sa bibig. "Kailan pa kayo
naghiwalay?!" halos maghysterical na sya at halos lumuwa na ang mata niya.
"Wala naman siyang sinabing hiwalay na." sabi ni Xander na nakaupo sa may lamesa.
Napasuklay si Xander sa buhok niya gamit ang daliri at saka nag-indian seat, sa
ibabaw pa rin ng lamesa, at ipinatong ang mga siko sa tuhod, "Seriously, Zoe? Sabi
mo kaya 'wag syang magsalita."
Sasagot pa sana si Zoe pero para siyang isda na ibinuka lang ang bibig at itinikom
din agad.
"Is it mandatory for girls to overreact?"
Pasagot na sana ako para depensahan ang sarili ko ng hambalusin at paluin ni Yannie
si Xander ng placemat sa braso, "Anong sabi mo?"
Napahimas siya sa braso niya at saka ngumiti kay Yannie, "Wala. Ganda mo kako.
Pakiss nga."
Lalapit na sana si Xander ng iharang ni Yannie ang kamay niya sa mukha ni Xander.
Suits him well. No kiss for him.
I am surrounded by three crazy people. What am I gonna do? Ipipikit ko na lang 'to.
"Break na kayo?"
This time mahinahon na ang boses ni Zoe. Napadilat ako at pati ang kaninang madilim
na dining ay may ilaw na.
Nakaupo na ngayon ang tatlo sa lamesa habang ako ay nakaupo pa rin sa silya sa
harapan nila.
"Hindi. Kami pa rin." Tila nabunutan ng tinik ang tatlo sa naging sagot ko. "Kailan
niyo nalaman?"
Para akong bata na nagtatanong ng kung ano sa magulang. Halatang nagtuturuan ang
tatlo sa kung sino ang sasagot. Pinanlalakihan kasi nila ng mata ang isa't isa.
"Ikaw Xander, kung alam mong ipapatapon ka sa ibang bansa, sasabihin mo ba agad kay
Yannie?"
"Oo."
Ayan ang sinasabi ko. Bakit si Xander kayang gawin samantalang si Ken hindi?
"May mga bagay na madaling sabihin pero sobrang hirap gawin. Madali para sa akin na
sabihin na masasabi ko agad sa kanya ‘yun kaya lang alam kong hindi ko kayang gawin
agad. Unang-una, maiisip ko agad kung ano ang pwedeng maramdaman niya. Pangalawa
baka magalit siya. Pangatlo alam kong malulungkot siya. Ayaw kong mangyari 'yun. Sa
halip na mahirapan din siya, kikimkimin ko na lang. Kesa malaman pa niya."
"Alam ko. Kaya lang takot akong saktan siya. Kapag wala siyang alam, hindi siya
masasaktan."
"Your just prolonging her agonoy. Naisip mo ba 'yun? Kasi sooner or later, she'll
know. And once she did, mahihirapan siya at masasaktan. It's inevitable."
Napatahimik si Xander siguro kasi wala na siyang maisagot. I hit the bull's eye.
"Masyado kang matalino, Ayu. May mga rason ka sa bawat bagay. Mahirap magpaliwanag
sa'yo." but he hit it, too.
Bumuntong hininga ng sobrang lakas si Zoe, "Hindi siya mawawala, Ayu. Aalis lang
siya pero hindi siya mawawala. Magkaiba ang dalawang 'yun."
"Mahirap din talaga 'yung matalino 'no?" napatingin ako kay Yannie na ngayon ay
nakaakbay kay Xander pero nakatingin sa akin. "Nakasarado kasi utak mo. Parang sa
tingin mo wala ng ibang tama kundi ikaw lang. Kung sa tingin mo ikaw lang ang
nasasaktan, papaniwalaan mong ikaw nga lang ang nasasaktan. Kaya lang hindi ganun
yun. Kung ang alam mo ikaw lang ang nasasaktan, sana naisip mo rin na baka mahirap
din para sa kanya 'to."
Ako na nga 'tong iiwanan, bakit parang ako pa ang lumalabas na may kasalanan? Bakit
parang ako pa ang lumalabas na masama? Kasalanan ko pa ba na maiwan? Kasalanan ko
bang magdamdam kasi ako ang huling nakaalam?
Nung kinausap ako nung estranghero, tanggap at nakikita ko pa ang punto niya. Alam
kong may pagkaselfish ako. Aminado ako. Kaya lang bakit parang ako lang ang may
mali dito? Bakit parang si Ken ang mas kinakanpihan nila?
"Kinakampihan niyo pa siya? Sa tingin niyo tama ang ginawa niya at kasalanan ko pa
ang magreact ng ganto? Ganun ba?" tanong ko kay Yannie.
"Wala kaming kinakampihan. Wala kaming sinabing tama siya. Wala kaming sinabing
kasalanan mo pa 'to. Ayu, for once, just listen and try to look on the stories'
both sides. Wag yung iyo lang."
"Are you sure wala kayong kinakampihan? Because it's not the way I see it."
"Sh*t, Ayu. Gamitin mo naman ang talino mo dito. Wag mong kitiran ang utak mo. Ikaw
lang 'tong balak tulungan, kami pa ang lumalabas na masama. Salamat ha?!" sigaw ni
Yannie at saka nagwalk-out na sinundan naman ni Xander.
"Ang sakit kasi, Zoe. Kahit anong pilit kong kalimutan 'yung sakit lagi lang
bumabalik."
"Saan ka ba nasasaktan? Dahil sa ikaw ang huling nakaalam, dahil aalis siya, o
dahil handa siyang magstay para sa'yo kahit na gusto niyang umalis?"
Tuluyan ng tumulo ang luha ko. Ilang araw ko rin pinigilan ang maiyak. Ilang araw
ko pinigilan ilabas ang nararamdaman ko.
"Kung nasasaktan ka dahil ikaw ang huling nakaalam, sana inintindi mo na lang.
Hindi dahil sa ikaw ang huling nakaalam ibig sabihin sayo siya pinakawalang
pakialam. Siguro kasi sa'yo lang siya pinakatatakot magpaalam.
"Kung nasasaktan ka dahil alam mong kaya niyang magsakripisyo para sa'yo, sana
naisip mo na lang na pwedeng ikaw naman ang magsakripisyo para sa kanya.
Pinatunayan niyang mas mahalaga ka sa kahit na anong pangarap niya. Ipakita mo rin
na mas mahalaga para sa'yo ang makita siyang masaya kahit na mahirapan ka pa.
"Love is sacrifice. You should be willing to let go in order to give him his
happiness. You'll put his happiness first. Susunod na lang ang sa'yo. He did that
for you. Sana ikaw rin gawin mo 'yan sa kanya."
***
Ken’s POV
Choices. Mahirap mamili sa dalawang bagay. ‘Yung isa, ‘yung gusto mo. ‘Yung
pinapangarap mo. ‘Yung alam mong makakatulong sa kinabukasan mo- sa kinabukasan
niyo. Oo, seryoso ako nang sinabi ko kay Ayu na lahat ng gagawin ko ay para sa
kinabukasan namin. Malaking opportunity ang natanggap ko ng alokin ako ng dean
namin para maging exchange student. Mas mapapalawak ang kaalaman ko dun.
Nakilala din nila ako dahil sa research paper na ginawa ko at may isang kumpanya
doon ang gusto’y kausapin ako tungkol sa naging research ko. Bibigyan na ata nila
ako ng sure spot sa company nila kung sakaling tatanggapin ko ang alok na
makipagkita at makipag-usap sa kanila sa darating na sem.
Babawiin ko ba ang “oo” ko sa Dean? Kung ibang tao ang naalokan ng ganito
paniguradong hindi na ‘yun babawiin. Kaya lang wala namang “Ayu” sa buhay nila.
At dito na papasok ang isa pang choice. It’s either I’ll go and accept the offer,
or stay and be with Ayu. Kahit na gustong gusto ko ang offer, handa pa rin akong
talikuran ‘yun basta sabihin lang ni Ayu.
Tiningnan ni Josh ang nanlalaking matang si Sab, “Subukan mong sumagot ng mali,
sige.”
“Hindi ko kayang sagutin ang tanong mo. Nandito si Sab. Baka saktan ako.”
Sabi ko nga wala akong mapapala kay Josh. Bakit ba siya pa ang tinanong ko.
Ibinaling ko na lang ang tingin kay Ice, “Sa tingin mo?”
“Wrong, halimaw. Syempre sasabihin niyang utak. Walang matalinong tao kapag puso
ang usapan. Ganito kasi pare. Kung nag-aalangan kang tumuloy kasi ayaw mong magalit
si Ayu, edi ‘wag kang tumuloy. Sapat na rason na na nag-alinlangan ka para
manatili. Kung totoong gusto mong umalis, kahit ayaw ni Ayu, tutuloy ka. Pero dahil
sinabi niyang ‘wag kang tumuloy, nagdoubt ka. Kasi nga mas importante ‘yung iiwan
mo kesa sa pupuntahan mo.”
“Teka lang Bakulaw ha. Kung nag-aalangan siyang magstay dahil sayang ang
opportunity, edi tumuloy siya sa pag-alis. Sapat na rason na rin naman siguro ‘yun
para umalis siya. Isa o dalawang sem lang naman. Isang taon na ang pinakamatagal.
Kung ako si Ayu, kahit masakit hahayaan kitang umalis. Hindi dahil sa hindi ko
gustong kasama ka. Kundi dahil gusto kong maging masaya ka. Gusto kong gawin mo ang
bagay na gusto mo. Mahal ka niya Ken at maiintindihan niya ‘yun. Naging ganito lang
ang reaksyon niya kasi nabigla siya.”
“There are times in life wherein you shouldn’t follow your heart. ‘Wag kang mabuhay
sa kasabihan na ‘Follow your heart’. May mga bagay na dapat tinitimbang mo ng
husto. Hindi sa lahat ng panahon tama ang puso.” Seryosong sabi ni Ice.
Nagtalo talo ang tatlo sa harapan ko. Lalo lang akong naguluhan. Kung pwede lang
sinipa ko na mga ‘to palabas ng bahay.
Pinipilit ni Josh na puso ko raw ang sundin ko. Pinipilit naman ni Sab at Ice na
gasgas na ang linyang ‘yun. Minsan talaga masakit na sa ulo magmahal. Pero hindi ko
‘yun pagsisisihan kahit kailan.
Napahinto sa pagtatalo talo ang tatlo at napatingin sa babaeng nasa harapan namin
ngayon. Si Ayu. Nagpalitan ng tingin at tatlo at sabay sabay tumayo at naglabasan.
Mga walang paalam.
Nasa harapan ko si Ayu. Ilang araw ko na siyang hindi nakita. I’ve been dying to
see her again. And now, she’s here. In front of me.
“I’m sorry, Ken. I’m sorry kasi hindi kita inintindi. Sorry for being so selfish.”
“No, Ayu. I’m sorry for hiding this to you. Natatakot kasi akong magpaalam sa’yo.
Alam kong malulungkot ka. Sorry."
“Sigurado ka? I’ll stay kung ‘yun ang gusto mo. Kung ayaw mong umalis ako, okay
lang.”
“No. Umalis ka. Ayoko namang itali ka sa akin. Bata pa tayo. Hindi kita dapat
limitahan sa mga bagay na gusto mong gawin. Ayokong magsisi ka balang araw dahil sa
maling choice.”
Nanatili akong nakatitig sa kanya. Nang magsink in na ang lahat, napangiti ako and
hugged her again. “Tandaan mo kahit malayo ako, iiwan ko ang puso ko sa’yo.” Sa
wakas, naging isa na rin ang sinabi ng puso at utak ko.
Battle 8
Ken’s POV
Ngayon lang ulit naging magaan ang kalooban ko sa loob ng nakalipas na isang buwan.
Mahirap ang may tinatago. Para akong nabunutan ng tinik ng malaman ni Ayu ang
tungkol sa pag-alis ko. Sa una, sobrang hirap. Ilang araw kaming hindi nag-usap at
nagpansinan. I’ve been dying everyday. Gustong gusto ko siyang puntahan kaya lang
ang sabi nila bigyan ko siya ng space, kaya ayun ang ginawa ko. I gave her what I
thought she needs.
“You should message me everyday. Mag-skype tayo every night. Send me pictures.”
Napangiti ako sa mga sinasabi niya. Nakakatuwa at tanggap na tanggap na niya ang
pag-alis ko.
“Huwag ka ngang mangaral ng ganyan. Parang pinapaaga mo ang alis ko. Ilang buwan pa
naman bago ako umalis.”
Lumapit siya ng upo sa akin at yumakap, “Natatakot ako. Matagal din ang six months.
Mas matagal ang one year. Natatakot ako sa pwedeng mangyari.” Inilagay ko ang kamay
ko sa balikat niya at isinandal ang ulo ko sa kanya saka hinaplos ang buhok niya.
“Will make it through, right?”
Sa totoo lang maski ako natatakot sa pwedeng mangyari kapag umalis ako. Pwedeng
makalimutan niya ako. Pwedeng mapagod siya sa paghihintay sa akin. Pwedeng makakita
siya ng iba, ‘yung malapit lang at hindi ‘yung makakausap lang niya sa Skype,
Facebook o kahit na anong networking sites. Pwedeng ipagpalit niya ako. Mahirap ang
long distance relationship. Dalawa lang naman ang pwedeng mangyari kapag nalayo ako
sa kanya: mamimiss niya ako, o kaya makakalimutan niya ako. Both thought scares me.
Dahil sa ako ang aalis, mas malaki ang itinataya ko dito. Pwedeng sa pag-balik ko,
wala na pala akong babalikan. But I trust her. Naniniwala ako sa aming dalawa.
We’ll make it through. Distance won’t matter. It’s our love and trust for each
other will.
***
Zoe’s POV
Mula sa kusina, nakasilip ako kay Ayu at Ken na nag-uusap sa sala. Ang hirap siguro
ng sitwasyon nila. Palagi silang dalawa ang magkasama tapos all of a sudden aalis
na si Ken. Ang hirap baguhin ng nakasanayan.
Agad akong napaharap kay Ice ng magsalita siya. Busy siya sa pagkain ng niluto ko.
“Uhh. Hindi kaya. Kasi –“
“Sigurado ka bang sa akin ka pa magdedeny?”
Napasibi na lang ako at umupo sa katapat niyang upuan. Nangalumbaba ako at pinanuod
siyang kumain. “Dahan dahan sa pagtingin. Baka lalo kang mainlove niyan.
Yabang! Ang layo na ng Ice ko ngayon sa Ice na nakilala ko dati. He was arrogant,
mean, silent and well.. tongue tied. Ngayon hindi na siya ganun. Nasasabi na niya
ang mga gusto niyang sabihin. Medyo tahimik kapag ibang tao ang kaharap pero
maingay kapag kami kami na lang. It’s funny how time can changes things.
“Ice?”
“Hmm?”
He stared at me for a brief moment and started eating again. “Hindi ka ba naaawa sa
kanila?”
Sinamaan ko siya ng tingin, “At least show some affection here you know.”
“Look, Zoe. Naiintindihan kong naaawa ka sa kanila but that won’t make things
easier for them. You told Ayu to let someone go if she really loves that person.
She already did. Tapos ngayon parang nagsisisi ka kasi pinayo mo ‘yun? Is that what
you’re trying to state?”
“Hmm. Partly. Mali ba ako para i-push siya na hayaang umalis si Ken? Kasi di ba
pwede namang magstay na lang siya basta sinabi ni Ayu. Kaya lang hindi ganun. Aalis
pa rin siya at magkakahiwalay sila.”
“Hindi naman ikaw ang nagdesisyon. Desisyon nila ‘yun. Sometimes people need to
give up certain things for them to attain better ones.”
"Pero alam mo yelo, kawawa naman si Ayu. Maiiwan siya dito ni Ken."
"I told you not to pity on them, but I guess you'll never stop. Pero sa tingin ko,
mas kawawa si Ken."
"Mahirap din sa kanya yun. Hindi dahil siya ang mang-iiwan ibig sabihin hindi na
siya nasasaktan. Sa totoo lang mas swerte si Ayu. Mas mahirap para kay Ken 'to.
Kapag umalis na si Ken, si Ayu, mapapalibutan pa rin ng mga taong nagmamahal sa
kanya. Pero kapag umalis si Ken, mag-isa na lang siya. Mas mahirap 'yun."
I stared at him and smile. Ang dami niyang alam sa totoo lang. Parang everytime na
nagkakasama kami ni Ice, lagi akong may nalalaman na bago sa kanya.
Nagkwentuhan kami ni Ice bago siya tuluyang umalis na ng bahay kasama si Ken.
Nagtext si Ice. Bakit ang dami? Binuksan ko ang thread para mabasa ang messages
niya.
Good morning, Love. Nakatulog ka ba ng mahimbing? I hope you did. Guess what. You
visited my dream last night. I'm loving you even in my dreams. That sounds so
cheesy, right? Lol. Namiss tuloy kita. I love you!
Still sleeping?
Ohmyghad. Bakit extra sweet si Ice ngayon? Ang aga aga pinapakilig ako ng ganito.
"Hinay hinay sa pagngiti. Maaga pa. Magtira para mamaya."
"Loka! Bakit ba nandito ka pa? Nakuha mo na ata hinahanap mo. Layas na."
"I'm still watching you having those goofy smile. Ang agang ligawan niyan ng yelo
mo ha." biro pa niya at lumabas na.
Good morning, pogi. Uy, ngingiti na ‘yan. Kakagising ko lang. Sorry ka hindi early
riser ang girlfriend mo. Love you!
Good. Mag-ayos ka na sa org, malelate ka na. I’ll pick you up. Sabay na tayo.
***
“Malelate pala ha. Ayan, wala pala tayong meeting sa org. 3 hours vacant ngayon.”
Pang-iinis ko kay Ice.
“Syempre hindi. Hindi ka nakinig kanina ‘no? May activity kaya tayo.”
Guilty. Naglalaro kasi ako sa phone ko kaya hindi ako nakinig nung may inaannounce
‘yung president namin na gagawin pala.
“Anong activity?”
“Sabi na nga ba. Pictures of nature. Baka gumawa rin tayong animations
pagkatapos.”Napatango naman ako.
Magkasama kaming naglilibot ni Ice habang hawak ang kanya- kanyang camera. Click
dito. Click doon. Nakakita ako ng paru-paro at napangiti. Naisip ko, sa garden
masarap magkuha ng litrato. Yung tipong pipicture-an mo ‘yung flowers, ‘yung bushes
with flying butterflies everywhere.
Busy ako sa pag-click dito at pag-click doon. I’m fascinated by what I’m seeing.
Nang matapos ako, tiningnan ko ang lahat ng nakuhanan ko at napangiti feeling proud
of myself.
“You’re good.” Halos maisampal ko sa lalaking nagsalita sa likod ko ang camera ko.
“Kumukuha ka ba ng litrato sa mga events?”
Hinahanap ko si Ice ng may kumalabit sa akin. Siya na naman. Yung lalaki kanina.
“Are you sure ayaw mong mag-take ng pictures? Sayang ang opportunity. May
compensation naman.”
Sampalin ko kaya ‘to ng isa. Mukha bang makukuha ako sa malakihang sweldo?
“Sorry talaga.”
“Sayang naman. Naghahanap kami ngayon ng magagaling mag-take ng pictures para sana
sa event ng course namin. It’s actually a huge event since invited maski ang mga
nasa entertainment industry. We think na kapag estudyante ang mag-cover ng event,
pwedeng maging parang promotion ng university ‘yun.”
Sayang din pala ‘to. For the benefit of our university din pala. Pero I think dapat
kong konsultahin si Ice.
“May ways pa ba para mabago ko desisyon mo?” hopeful na tanong niya.
Lumiwanag ang mukha niya and his smile grew even more.
“Event ng course namin. Theater arts. Parang magkakaroon ng mini play sa Summer.
Nag-imbita kami ng ibang directors, writers, producers, artista, fellow schoolmates
at ibang students from different university."
“Wow. Bigtime.”
“Medyo. Nagtake kami ng risk para kumuha ng photographer na estudyante. Ayun ang
gusto ni dean. Para raw maadvertise ang ibang org. Are you on Photography?”
"Yes.”
“I see. Anyways, kung magbago ang isip mo, you can give me a call. Okay lang ibigay
ko sa’yo number ko?”
Ibibigay ang number niya? Baka magalit si Ice. Kaya lang for school purposes naman
‘to. Wala namang masama siguro. Kaya kinuha ko nga ang number niya.
“May hinahanap ako – “ hindi pa man din ako tapos magsalita ng makita ko si Ice na
nakatingin sa amin.
Nakatayo lang siya sa gilid ng garden at parang hinihintay ako. Gaano katagal na
kaya siyang nakatayo? Kasi kung matagal, mukhang away na ‘to.
“Kilala mo?” tanong nung lalaki ng makitang nakatingin ako kay Ice at nakatingin
lang din siya sa akin.
Tumango ako at lalakad na sana palapit kay Ice ng may lumapit na babae sa kanya.
Napatingin siya dun at umalis kasama ‘yung babae.
Magsasalita pa sana ang lalaki pero nagpaalam na ako at umalis. Nag-ikot-ikot lang
akong mag-isa kasi iniwan ako ng magaling kong boyfriend dahil sa pesteng
pagseselos niya. Ano yan, dalawang oras akong mag-isa? Fine.
Kung saan saan na ako umikot ng maisipan kong tumambay sa student’s lounge ng
sumulpot si Yannie at Xander.
“Magkaaway kayo? Weh?” sinamaan ko ng tingin si Xander kaya napataas siya ng kamay.
“Kaninang umaga nagliligawan pa kayo sa text tapos ngayon magkaaway na kayo? Anong
nangyari?”
Hindi ko na lang ulit sila pinansin. Nakakainis talaga. Bwisit na yelo ‘yun.
“Ice!” sigaw ni Xander. Hindi ako lumingon kahit na sinabi nilang papalapit na sa
amin si Ice.
Maski nung umupo siya sa tabi ko hindi ko pa rin siya pinansin. Ganun din naman
siya kaya quits lang. Pataasan na ng pride ‘to malamang. Knowing him, hindi yan
magbababa agad ng pride.
Aware akong pinapanuod kami ng dalawa pero nagpatuloy lang ako sa paglaro sa
cellphone ko habang nakasandal sa wall samantalang ‘yung isa, busy sa camera.
“Hindi ba kayo magpapansinan?”
“Busy siya sa phone. Baka may katext.” I mentally rolled my eyes ng marinig kong
sinabi niya ‘yan. Napakunot ang noo ko. Nakakainis. Hindi naman niya alam ang
nangyari makapag-assume lang.
Tumayo ako, “Malelate na ko. Una na ko.” paalam ko sa dalawa. Magkaklase kami ni
Ice pero kaya ko ng pumuntang mag-isa sa room. Bahala siya. Wala naman siguro
siyang pakialam sumabay man ako o hindi.
Napaaga ang dating ko sa room kaya wala pang prof pero naghanap na ako ng
mapupuntahan. Umupo ako sa likod para isandal ulit ang ulo ko sa pader at pumikit.
Naramdaman kong may tumabi sa akin pero hindi ko na lang iyon pinansin.
“May nagtext sa’yo. Baka ‘yung bagong textmate mo.” Dinig kong sabi ng katabi ko.
Napakunot ang noo ko at hinarap siya, “Alam mo ang childish mo. Badtrip ka. Parang
ako pa ang may kasalanan e mas nakakainis ‘yang ginawa mo.”
“Anong nakakainis sa ginawa ko? Binigyan lang kita ng time para makapag-usap pa
kayo nung lalaki.”
“Wow ha. Utang na loob ko pa? Sino ba ang umaalis sa atin ng hindi man lang
namamansin tapos may kasamang ibang babae.”
“Binigay niya ang number niya para sa event ng Theater Arts na course. Gusto niya
akong magcover ng event na gagawin nila. Hindi ako agad umoo kasi sabi ko
magpapaalam pa ako sa’yo. Sana kasi nagtatanong ka muna. Hindi ‘yung papaandaran mo
ako ng pagseselos mo. College ka na, Ice!”
“Nagpunta akong dean’s para tanungin yang event na sinasabi mo tho hindi pa ako
umoo. Theater arts din ang babaeng nakita mong lumapit sa akin. Inalok niya sa akin
ang inalok din sa’yo nung lalaki.”
Nagulat na lang ako ng hawakan niya ang kamay ko. Pilit ko ‘yung inaagaw pero ayaw
talaga niyang bitawan kaya in the end, I gave in at hinayaan na lang siya.
Medyo lumapit siya at bumulong, “Two weeks na lang aalis na ako. Baka pwedeng bati
na tayo?” hindi ko na lang ulit siya pinansin. Ipapanakot pa niya sa akin ang pag-
alis niya.
“Dali na. Bati na tayo. Paano na lang kapag umalis akong magkaaway tayo? Baka
mamaya hindi na ko bumalik niyan.”
Agad akong napatingin sa kanya at pinanlakihan siya ng mata. “Don’t say that.”
“Sabi ko lang naman baka. Kapag hindi lang naman tayo nagbati.” Medyo natatawa pa
niyang sabi.
“Oo nga.”
Natawa siya ng konti at pinisil ang kamay ko, “Nanglalambing lang. Don’t worry,
wala akong balak mag-extend dun. Uuwi agad ako. Bibilisan ko pa para sa’yo. Baka
mamaya sa sobrang bilis hindi na natin maalala na umalis pala ako.”
Battle 9
Zoe’s POV
Sabi nila mabilis lang daw ang oras sa panahon ngayon. Sa sobrang bilis pumikit ka
lang pagdilat mo kinabukasan na pala. Pero joke lang. Ang OA nung sa pagpikit na
‘yun. Kaya lang, seryoso, mabilis ang takbo ng oras. Mabilis ang takbo ng panahon.
Bumilis ba ang ikot ng mundo?
Parang nung isang araw lang nagsimula ang school year. Parang kahapon lang nang
magsimula ang second sem. Parang kanina lang ng magfinals at magbakasyon na kami.
Ngayon, huling araw na ni Ice tapos lilipad na siya sa ibang bansa bukas. It’s
funny how time flies when you’re in love. Mushy.
Pagkatapos naman ng ilang araw, si Ken na ang aalis. Napaaga ang flight ni Ken kaya
nagkagulatan na lang kasi malapit na pala siyang umalis. Handa naman na ang lahat,
ewan ko lang si Ayu.
“Huwag na.”
“It’s hard to turn my back away from you. I can’t walk away knowing you’re just
there.. staring.” Sobrang lungkot ng boses niya. Kaya lang hindi siya magaling na
aktor kaya alam kong nanggugoodtime lang ‘to.
Sinuntok ko siya ng mahina sa braso at tumawa, “Arte mo. Huwag ka nga lang
magpakacheesy. One week lang.” Natawa rin siya at ipinatong ang kamay sa sandalan
ng sofa para maakbayan ako.
“Excuse me! May tao dito in case hindi kayo aware. Friends here!” taas kamay ni
Yannie at inilibot ang pointing finger niya.
Now I realized, lahat nga pala sila ay nasa amin ngayon. Despedida raw ni Ice and
Ken. Tanggap ko na nagpadespedida si Ken kasi matatagaln siya bago bumalik, kaya
lang bakit si Ice na isang linggo lang mawawala nagpaganto rin? Makiuso pa. At
bakit sa bahay namin? Oo nga, teka, bakit sa bahay namin?
“Bakit nga pala dito niyo naisipan maghanda? Hindi naman kami ang aalis. Mauutak
kayo ha! Gusto niyong dito para kami ang magligpit ‘no?”
Nagkatinginan ang apat na lalaki at tumawa. Parang mga baliw. Wala namang
nakakatawa sa sinabi ko.
“Ngayon ko lang naisip ‘yang naisip mo, Zoe. Sana noon ko pa naisip ‘yan.”
Natatawang sagot ni Josh.
“Dito namin naisipan maghanda kasi dito kami matutulog.” Sagot naman ni Xander.
“What? Ayun ang unang naisip ko.” pagmamaang-maangan niya pa. “Pero seryoso,
bawal.”
Napangiti ang apat na lalaki habang mga naiiling. Ano na namang trip nila? Joke
time ata kanina.
“Nagpaalam na kami. Pumayag na sila. Wala namang masama. Para namang may gagawin
tayong hindi maganda. At para ipaalala ko sa inyo, nagsamasama na tayo sa iisang
bubong noon. Tatlong araw pa ‘yun.”
Point well taken. Kung ganun naman pala ang kaso, edi wala ng dapat pang
pagdebatehan.
Tatayo na sana ako para ilabas ang mga pagkain na inayos namin kanina ng biglang
may nag-doorbell.
Bumalik siyang nakangiti, “Seems like the gang is almost complete.” Sa likod niya,
nakasunod si Ate Cass at Manager Ry.
We gave them a one big group hug. Dahil naging busy kami sa finals, hindi na rin
namin sila masyado napagkikita. Mabisita man namin si Manager Ry sa No Name, hindi
kami kumpleto. Laging may kulang. Dahil naman sa bakasyon na ngayon, malaya na kami
para makapagkita kita.
“So ganun na lang ‘yun? Magyayakapan kayo diyan ng ganyan habang ako parang ewan na
nanunuod dito sa gilid? Ano ako ngayon dito, audience?”
“Paanong –“ hindi pa man din natatapos magtanong si Ice, sumagot na siya, “Kung
hindi ba naman tanga at kalahati ang huling pumasok dito. Hindi man lang isinara
ang gate.”
Napatingin kaming lahat kay Ate Cass at Manager Ry at pinagtawanan sila dahil sa
awkward smile na ginawa nila. Sinugod din namin si Ashley at binigyan ng group hug.
Nang maghiwahiwalay na kami, huminga siya ng malalim at inayos ang buhok niya, “Are
you trying to kill me? Nakakasuffocate.”
“Sino ba ang nareject nung first try niya kasi biruin mo, nagkagusto sa boses.”
Biro ni Manager na ginatungan namin ng tawanan. Parang kailan lang ng mareject siya
ni Ayu at lumipad siya sa ibang bansa.
Sinaaman ng tingin ni Ken si Manager, “Sino rin ba ang nareject ng hindi lang isa
pero maraming beses?”
Napasimangot si Manager at ngayon naman ang oras namin para pagtawanan siya.
“Makatawa kayo. Kahit papaano naman ang lakas ng loob ko at hindi ako tumigil.
Hindi tulad ng iba diyan na hindi makaamin sa taong gusto niya.” Sabay tingin niya
kay Ice.
Nasamid naman si ice at napakunot ang noo, “Talaga bang lagi nating ipapasok ang
usapin na ‘yan sa eksena?” nakatanggap siya nga tango sa lahat. Maski sa akin. “At
least ako kahit papaano alam ko kung sino ang gusto ko. Hindi katulad ng iba dyan
na tumatakbo at laging idinadahilan ang CR.”
“Grabe! Nananahimik ako dito!” depensa ni Sab sa sarili. Guilty. “Ayos lang. Hindi
naman ako umiwas ng umiwas tapos biglang naghabol sa airport ng malaman na aalis na
pala ‘yung taong iniiwasan ko.”
Napatahimik kaming lahat at matapos ang ilang segundo’y nagtawanan. Nanlaki kasi
ang mata ni Ayu at sinamaan ng tingin si Sab. If looks could kill, patay na si Sab.
“At least hindi niyo ako kailangang lasingin mapaamin lang.” This time, she smirked
at Yannie who’s busy laughing.
Nang marinig ni Yannie ‘yun nanliit ang mata niya, “At least I haven’t dumped my
suitor based on wrong assumptions.”
Grabe! Pasahan ba talaga ‘to ng mga kabaliwan at kapalpakan sa buhay? Maski ako
dinadamay. Kung ganun ang gusto nila, edi ganun ang ibibigay ko. Pinagtawanan nila
ako kaya napairap na lang ako, “Hindi naman ako naduwag at humanap ng iba kahit na
ang akala ko noon, niloloko ako.”
Naningkit ang mata ni Xander ng paringgan ko siya, “Sino ba ang tumakbo sa bahay ng
babae para sana i-comfort siya dahil akala niya sinaktan nung isang lalaki ‘yung
babaeng gusto niya. Ako ba? Hindi naman ‘di ba?”
“That was all your fault.” Sisi ni Josh sa kanya pero nagkibit-balikat lang si
Xander, “Hindi naman ako nagsabing hindi ako maiinlove kasi pang mahina lang ‘yun.
Hindi naman ako ‘di ba, Ate Cass?”
Napanganga si Ate Cass para sana magsalita pero napatikom din ulit, “That was way
way back then.” Natatawang sagot niya. “Ayos na ang kainin ko ang mga sinabi ko
kaysa mag-aya ng randon stranger para maging boyfriend ko. Who does that anyway?”
“Ash.” Sabay sabay naming lahat sabi dahilan para magtawanan kami ng sobrang lakas
na akala mo liliparin na ang buong bahay.
“Nakakatawa na lang balikan ang past, ano? It’s nice we all made that stupid
gestures kasi nagcontribute din naman ang mga ‘yun kung ano na tayo ngayon. The
actions we did, stupid or not, made us who we are today.” Sabi ni Ate Cass na
sinang-ayunan naming lahat.
I guess this gang will never be this strong kung hindi namin pinagdaanan ang mga
pinagdaanan namin noon. Kaya laking pasasalamat ko sa mga problema namin dati. Kasi
it brought us to where we are now.
Nagpatuloy ang kwentuhan at nang maghating gabi na, nagpasya na kaming magtigil at
magsipagtulugan. Ihinatid ni Manager si Ate Cass at Ashley. Nagpunta naman na
kaming walo sa bawat kwarto.
***
Sa kwarto ko, nakahiga si Ice sa sahig habang sa kama naman ako. Siya na ang
nagprisinta para raw hindi ako mailang. How gentleman.
Sinubukan ko ang lahat para makatulog ako pero hindi ko magawa. Kanina lang nung
nasa baba inaantok ako tapos ngayong nakahiga na ako, nilayasan ako ng antok ko.
How ironic.
Tumagilid ako at medyo lumapit sa gilid ng kama para silipin kung tulog na si Ice.
Tulad ko, mukhang hindi rin siya makatulog. Pabaling-baling siya parang naghahanap
ng tamang pwesto. Hindi ko siya masisisi, masakit siguro talagang matulog sa sahig.
“Ice, gising ka pa?” alam ko namang gising pa siya pero mabuti ang sigurado.
“Oo.”
Ilang segundo siyang hindi sumagot. Akala ko nakatulog na agad. “Okay lang?”
“Oo.”
Tumabi siya sa akin. Ang akala kong mararamdaman kong ilang, hanggang akala na lang
pala. Kasi sa halip na mailang, yumakap pa ako sa kanya at isinandal ang ulo ko sa
dibdib niya. I feel so comfortable and there, I realized, this is my favorite place
on Earth. Ang katabi siya.
“Why?”
“Can you please sing for me?” Naramdaman ko ang paghinga niya ng malalim and
suddenly, he nodded.
I'm with you ‘til the end of the road (end of the road)
Bago ako tuluyang makatulog, he kissed me on my head and whispered those three
little words.
***
“Pare, size 10.” Sabi ni Xander kay Ice at tinapik ito sa balikat.
“Kapatid, ang pagkakatanda ko isang linggo lang naman tayong aalis. Bakit dala mo
ang buong baranggay?” biro ni Ate Cass.
“Parang ikaw hindi mo kasama ‘yang lima.” Turo ni Ice sa mga kaibigan ni Ate Cass
na sila Ate Megan, Kuya Zac, Ate Kate, Ate Sheena at Manager.
“Hindi lang naman ako. Si Ash din.” Turo naman ni Ate Cass sa limang kasama ni Ash.
Nang tawagin na ang flight nila Ice, nagpaalaman na. Bago tuluyang umalis si Ice,
niyakap ko siya at bumulong, “Kapag nalaman ko kila Ate Cass na nakakita kang sexy
na amerikana at kinalimutan mo ako, baka sugurin kita dun at ipapakalimot ko sa’yo
maski pangalan mo.”
Natawa siya at hinalikan ang gilid ng noo ko, “One week lang ako dun, remember.
Nobody compares to you. And I told you before, Hearts don’t forget, Zoe.”
***
Dalawang araw pa lang ang nakakalipas ng makaalis si Ice, pero ngayon nasa airport
na naman kami. Hindi para sunduin sila, kundi para ihatid si Ken.
Inalalayan naman namin si Ayu na umiiyak pero nakangiti, “Bye, Ken! Take care,
okay? I love you!” sigaw niya na sinagot naman ni Ken ng “I will” at “I love you
too.”
So. Anim na lang kami ngayon. I’m looking forward sa araw na magkakasama sama ulit
kaming walo. Maybe after 6 months, or a year. Who knows.
***
Another update. Hihi. Sa nakabas na ng story ni Cass at Ash na The Love Project at
Wanted: Someone to Love, gets niyo 'yung naging throwback for sure. :)) Peace out,
guys. Much love. <3
Battle 10
Zoe’s POV
“Nalayo nga ang mga boyfriend niyo pero mas madalas niyo pa silang makita kaysa sa
amin ni Sab.”
“Nakakaumay na sila.”
“Oo. Reklamador naman talaga mga ‘to ‘di ba. Ano pa bang bago?”
He laughed and we talked about things. Four days na ang nakalipas ng umalis si Ice,
and all we do is see each other through Skype. In that way, parang nandito rin
siya. Ang difference lang siguro, hindi ko siya magawang hawakan. At kung minsan,
puro pixels ang nakikita ko sa kanya. Damn connection.
“Nakausap ko nga pala ‘yung mga tiga Theater Arts. Ang sabi nila by next week na
ang shoot. I said okay kasi nakauwi ka naman na by then.”
“Ang alin?”
“Ah. Tulad ng sinabi nila, magkakaplay nga. Invited ‘yung ibang big personalities.
Ibang students from different universities na rin. Our friends will be there, too.
Parang nagkaroon din kasi ng bentahan ni ticket kaya ayun, bumili agad ‘yung lima.
One of us will video the whole event, and the other one will take pictures. What do
you want to do?”
Natawa siya sa naging sagot ko and we talked for another hour until I decided to
sleep. Ang hirap nito in fairness. Ang tulog niya, gising ko. Ang gising ko, tulog
niya. Kaya bilib ako kay Ayu kapag nasurvive nila ni Ken ang ganung sistema. Not
that I doubt their relationship. Mahirap lang talaga. No matter how strong the bond
is, there’s still no guarantees. Life is full of surprises.
***
“Ang alin?”
“Hindi ko nagagawa ‘yun. I always miss her. I just don’t show it. Saka ‘wag mong
itulad ‘yung sa amin, sa inyo ni Ken. Si Cass, kapag umaalis ng bansa, ang
pinakamatagal na niya ay isang buwan.”
“Kaya mo naman ng wala siya. Gusto mo lang na nandyan siya kaya ganyan ka.” May
point si Sab.
Minsan nasa utak na lang natin na hindi natin kaya ang isang bigay. Pero ang totoo,
kaya naman talaga.
“Siguro kapatid nahihirapan ka lang ngayon kasi hindi ka sanay. Bago pa lang kasi.
Oras na makasanayan mo ‘yan, magugulat ka na lang kasi isang araw paggising mo,
nakabalik na pala siya.” Payo naman sa kanya ni Josh. Tama nga naman.
Napatingin kaming lahat sa dalawa. “Let’s take a moment to appreaciate the Halimaw
and Bakulaw.” Mahinang sabi ni Xander na nagpatawa sa amin nila Yannie, Ayu at
Manager at nagpagusot naman ng mukha nung dalawa.
“Tayo na nga lang mag-usap, Halimaw. Tayo lang naman ang nagkakaintindihan.” Lalo
kaming natawa sa inasal ng dalawa. Parang mga bata na napagalitan. Mga nagtatampo
kuno pa.
Lumapit ako at bumulong, “Okay ka lang?” Sa ginawa ko, mukhang bumalik siya sa
katinuan at kumurap-kurap.
“Yung.. Hindi mo nakita?” Napakunot ang noo ko sa sinabi niya. Nakita ang alin? Is
she seeing things normal people don’t see? Okay, that’s creepy. “Nevermind.”
Anong nangyari dito? Nababaliw na ata ‘tong kaibigan ko. Tiningnan ko ulit ang
pinto, ganun pa rin naman. May nagpapasukan at naglalabasan na tao. Anong bago dun?
Ayun naman ang purpose ng pintuan. Maging daanan.
Tatanungin ko pa sana ulit siya ng bigla siyang magsalita, “Teka lang, guys. May
nakalimutan ako sa kotse. Kunin ko lang.”
Pinanuod ko lang siyang magdaan sa may pintong tinitingnan niya. I stared at the
door for I don’t know how long. Nagbabakasakali na makita ang nakita niya. Pero
wala pa rin.
Lumabas ako at una kong tiningnan ang lugar kung saan kami nakapark. Nandun naman
si Yannie. So, totoo ngang may kukunin siya sa kotse? She’s acting strange.
Nakakabother.
“Wala pala. Naiwan ko ata sa bahay ‘yung hinahanap ko.” Am I buying her reason?
Napabuntong hininga ako at napatango na lang. Baka nga nagsasabi siya ng tao.
“Ikaw, bakit ka lumabas?”
Ayun lang. Anong idadahilan ko? “Uhh. Naiwan ko ata panyo ko dito. Titingnan ko
lang.” Lie. Wala naman akong dalang panyo.
“Oh. Sige, I’ll help you find it.”
She bought it kaya nagtungo na kami sa loob. Bago magpunta ng tuluyan sa kanila,
dumaan muna kami ng CR. Habang naghuhugas pa ako ng kamay, pinauna ko na siya sa
kanila na sinunod naman niya.
Ilang segundo lang at sumunod na ako, nakatayo pa siya sa tapat nila. Naririnig ko
ang usapan nila. Tinatanong nila kung nakita ba ni Yannie ang naiwan niya raw sa
sasakyan. Nakita ko ang pagtango ni Yannie at ipinakita ang phone na hawak niya, “I
found it.”
She lied. Hindi sa akin kundi sa kanila. Wait, maybe parehas sa amin. She lied sa
aming lahat? She lied to me by saying na naiwan niya sa bahay ang hinahanap niya. I
assumed wala talaga siyang hinahap. She lied to them by saying na nakita niya ang
hinahanap niya. Ang phone niya. That’s obviuosly not true. Pinahawak niya pa sa
akin ang phone niya kanina bago siya magpaalam lumabas and just took it again from
me. Bakit ang weird niya?
Aalamin ko kung anong problema niya. Sa ngayon, alam kong hindi pa siya
magsasalita.
***
Nakatulog ako ng iniisip kung ano ang nangyayari kay Yannie at kung may sikreto ba
siyang tinatago. And I woke up na ayun pa rin ang unang pumasok sa isip ko. The
hell with this curiosity.
Ginulo ko ang buhok ko at bumangon. I checked my phone at napangiti. Ito talaga ang
pampagoodvibes ko. Nakita ko na naman ang pangalan ni Ice. This is one of the
million reasons na ikinakikilig ko sa kanya. Ang mga good morning texts niya.
Ineexpect ko nga na titigil ang mga 'yun for one week kasi nasa ibang bansa siya
pero hindi eh. Hindi ‘yun tumigil. Kahit mahal ang charge, tinetext pa rin niya ako
ng good morning.
I smiled and opened the message. Pagkabasa ko ng message niya, nawala ang ngiti sa
labi ko. I couldn’t smile with that news. Ang aga, ayun agad ang bumungad sa akin.
Why?
Good morning, Love. Good night sa akin. Just wanna let you know that they decided
to extend our vacation here. We’ll stay for another month.
Battle 11
Zoe's POV
Napaupo ako sa kama ko habang binabasa ang second text niya. One month. Gaano
kahaba ang isang buwan? Hindi naman siguro ako dapat magoverreact sa additional one
month niya, di ba? Oo, nakakainis kasi mas matagal na hindi ko siya makikita kaya
lang kasama naman niya ang pamilya niya. Kung si Ken at Ayu nga mas matagal hindi
magkikita, ano ba naman ang isang buwan lang para sa amin ni Ice?
“Zoe?”
Nilingon ko si Yannie na nakadungaw sa pinto ko. “Totoo ba? May sinabi kasi sa akin
si Manager.”
“Syempre nakakainis kasi mamimiss ko siya. Pero okay lang. One month lang naman.”
Tumango siya at saka yumuko lang. Teka. May naalala akong dapat itanong sa kanya.
Okay. Fine. Ayaw niyang magsalita. Hindi ko muna siya pipilitin. In time, malalaman
ko rin kung anong nangyayari sa kanya.
Umiling ako at humiga ulit, “Wala naman sila Daddy dun kaya wala rin akong kasama.
Dito na lang ako. Ikaw?”
“Uuwi. One week lang ako dun. Marami pang inaayos dito eh. At para may kasama ka na
rin. Hindi pa ba umuuwi parents mo?”
Patayo na sana ako para maligo ng biglang bumukas ang pinto ko at isinuka si Sab.
“Totoo?! Mas matagal pa dun si Ice?”
“Yup!”
“Hindi ko pa nakakausap.”
“Kung one month pa siya dun, paano na ‘yung pagkuha niyo ng pictures dun sa Theater
Arts?”
Napahinto ako sa pagkuha ng damit ng magsink in ang sinabi ni Sab. Pesteng yelo
‘yan. Iniwan akong mag-isa sa pagkuha ng litrato.
Sa kalagitnaan ng pagkainis ko, biglang nagring ang phone ko. Kinuha ‘yun ni Yannie
at hinarap sa akin ang screen, “Ice.”
“Peste ka, Ice! Okay lang talaga yung one month eh! Kaya lang nakalimutan kong
kukuha dapat tayo ng litrato nun. Ano na ngayon? Solo flight ako? Sige. Bwisit.
Maghahanap ako ng ibang makakasama ko!” sigaw ko sa nasa kabilang linya.
“Uy sorry na. Pagnaghanap ka, ‘wag yung lalaki. Sorry –“ hindi ko na siya pinatapos
at inend na ang call.
Napatingin ako sa dalawa at bigla silang nag-iwas ng tingin. Pasipol sipol na
lumabas si Sab at sumunod si Yannie sa kanya.
Ilang minuto lang at nagring ulit ang phone ko. Siya na naman. Pumikit ako sandali
at huminga ng malalim bago ito sinagot.
“What?!”
“Zoe naman. Sorry na. Sige na please. Sila kasi inextend nila. Gusto ko ng umuwi
pero tinago ng magulang namin passport naming tatlo. Minsan lang daw kasi sila
maging hindi busy kaya lulubusin na raw nila. Zoe.” Parang batang nagpapaliwanag si
Ice. “Sige ganto na lang, kakausapin ko sila hanggang pumayag silang umuwi ako.
Kahit gumawa pa ko ng kalokohan para maging wanted dito at ipatapon ako ng magulang
ko pabalik ng Pilipinas gagawin ko.”
Napabuntong hininga ako at napailing. Ang pangit ng paraan na naisip niya. Minsan
talaga hindi gumagamit ng utak ‘tong si Ice.
“Bwisit. Huwag mong gawin ‘yun. Sige na. Okay na. Hindi ko naman pwedeng ipagkait
sa magulang mo ang isang buwan. Basta wala ng extensions after, okay?”
“Yes, ma’am! Pero huwag lalaki ang partner na kukunin mo sa pagshoot ha?” natawa
ako sa sinabi niya. Selosong yelo talaga.
“I can’t promise you that. Hindi naman ako ang hahanap ng partner. Sila.”
“Zoe naman.”
“Damn it. Ipapabakuran kita kay Xander at Josh habang wala ako.”
“Baliw ka talaga. Basta! Sige na, babye na at pupunta pa ako kay dean para mapag-
usapan yung shoot. I miss you. I love you. Bye!”
“You take care while I’m away. When I’m back, I’ll take care of you. I miss you so
much. I love you too.”
***
“Ikaw na bahala, Zoe. Tiwala kami sa talent mo. I know you can cover everything.”
Nagpunta akong backstage para kunan ang behind the scenes ng play. Matapos ang
ilang shoot, lumipat na ako sa mismong hall at nagpicture. Unti unting
nagdadatingan ang mga tao. Ang kanina’y walang laman na hall ay napuno sa ilang
saglit lang.
Tinutuloy ko lang ang trabaho ko ng may lumapit sa akin na lalaki, “Yes?” tanong ko
dito at ibinaba na muna ang camera.
“Are you the photographer?”
“Uhh. Yes.” Gusto ko sanang sabihing obvious naman kaya lang baka mapagalitan ako
ni dean kapag nalamang nagtaray ako ng manunuod.
Sa halip na umalis, sunod pa siya ng sunod sa akin habang click ako ng click ng
camera. Bwisit ‘to. Napakaepal. Sa sobrang inis ko hinarap ko na siya, “May
problema po ba?”
Hindi ako sumagot at tinaasan lang siya ng kilay, “Anong number mo?” Jerk.
Napairap ako at tumuloy na lang sa pagkuha ng litrato pero sunod pa rin ng sunod
‘yung lalaki at tanong ng tanong ng number ko. “Wala akong number, okay?!” baling
ko ulit sa kanya kasi ayaw pa rin niyang tumigil.
Nakakayamot ‘tong lalaking ‘to. Daig pa aso kakasunod. Kung nandito lang si Ice
isang tingin lang siguro niya sa lalaki lalayas na ‘to. Kaya lang ngayon wala siya.
Paano ko papalayasin at papatigilin sa pagsunod ang bwisit na ‘to?
“Zoe, may problema ba?” nakahinga ako ng maluwag ng marinig ang boses ni Xander.
Napatingin ako sa lalaki at sinundan naman iyon ng tingin ni Xander. “May problema
ka ba, pare?”
Tinaasan ko ng kilay ang lalaki ng tumingin siya sa akin. “May boyfriend na ‘tong
ginugulo mo kung hindi mo alam.” Tinaas lang ng lalaki ang kamay niya at tumalikod.
“No problem. Bilin ka sa amin ni Ice kaya bawal lumapit sa iyo ang kahit na sinong
lalaki bukod sa amin.”
***
Yannie’s POV
Dumiretsyo kami sa No Name matapos nung play. Aayusin pa ni Zoe ‘yung mga nakuha
niyang litrato bago ipasa sa dean.
“Congrats, Zoe! Dala mo ang pangalan ng university!” sigaw ni Sab at itinaas ang
basong hawak niya. Ginaya namin siya at nagtama tama ang mga baso namin.
Magsasalita na sana si Zoe ng tumunog ang phone niya. Malamang si Ice ‘to.
“Alam kong maganda yan. Walang duda. Nga pala. Hoy Xander, Josh! Ano na nangyari
dun sa lalaking sumusunod sa kanya kanina? Itumba niyo na.”
Baliw talaga si Ice. Ang sama. Dinadamay pa ‘yung dalawa. Tinanong ni Zoe kung
paano nalaman ni Ice yun at syempre, nalaman niyang nabalita agad nung dalawa kay
Ice ang nangyari. Mas chismosa talaga ang mga lalaki.
Nagpatuloy ang usapan hanggang sa lumabas na si Zoe para mag-usap sila ng solo ni
Ice.
“Ako rin naman.” Pagmamalaki ni Josh na hindi na lang namin pinansin. Purong
kasinungalingan lang naman ang sinabi niya.
Nagulat na lang ako ng biglang tumayo si Xander at umalis. Napatingin ako sa mga
naiwan na naguguluhan pero napailing na lang ang iba samantalang si Sab ay
sinabihan pa akong lagot ako. Bakit naman? Ano bang ginawa ko? Sabi ko lang naman
sweet si Ice.
Nakakailang minuto na pero wala pa rin si Xander. Nakabalik na si Zoe't lahat, wala
pa rin siya. Hindi nga kaya nagtampo ‘yun?
Tatayo na sana ako para magpaalam na hahanapin si Xander ng biglang may tumugtog sa
stage. Napalingon ako only to find him there sitting while staring straight at me.
May nagpapiano sa gilid niya samantalang nakaupo siya sa gitna katapat ng mic.
“Good evening.” Marami akong narinig na nagtilian na mga babae. Hanggang ngayon
talaga habulin ‘tong lalaking ‘to. “I dedicate this song to my girlfriend.
Naiinggit ata sa kasweetan ng isa kong kaibigan.” Biro niya na nagpatawa sa akin at
sa mga nanunuod.
“Bwisit ‘to.” Bulong ko habang pailing iling pa. Hindi ko mapigilan ang ngiti ko.
“Kinikilig ka na ba, Ma? Ganda ng ngiti mo dyan.” Lalo akong natawa at binelatan
lang siya. “Hoy, Yannie! Mahal kita.” At sumabog na ang puso ko.
And I'm so dizzy, don't know what hit me, but I'll be alright
'Cause all of me
Mukha namang nagulat si Zoe at agad tinago ang camera niya, “I’m.. Yes. Yes. Okay
lang.” Sagot niya at agad uminom ng tubig. Nawala rin ang kulay sa mukha niya.
Alam na alam namin na nagsisinungaling si Zoe pero hindi namin siya pinilit
magsalita. Baka gusto niyang hindi muna namin malaman kung ano ang problema niya
kaya siya nanahimik. Pero ilang minuto lang ang lumipas at nag-aya na siyang umuwi.
Pumayag naman kami kasi tingin namin hindi maganda ang pakiramdam niya. Pinauna
niya kami sa parking at may tatawagan lang daw siya. Si Ice malamang.
“No. I think it’s more than that.” Kontra ni Sab sa sinabi ni Josh.
Dumating na si Zoe at mukhang medyo nagkakulay na ang mukha niya. Mukhang si Ice
nga ang nakausap niya. Bumuti na kasi ang itsyura niya. Only Ice can do that.
Tatabi sana ako sa kanya pero tumingin siya saglit sa akin at lumipat ng upuan.
Anong problema niya?
Habang nasa byahe, ilang beses ko pang nahuhuli ang pagtingin tingin sa akin ni
Zoe. Ako ang kinakabahan sa kinikilos niya.
“Thank you. Goodnight.” Ayun lang ang sinabi niya kila Xander ng maihatid kami at
pumasok agad sa bahay.
Nagpaalam na rin ako at agad sinundan ang nagmamadaling si Zoe. Inabutan ko siyang
nagmamadaling umakyat ng kwarto niya, “Zoe, sandali.” Gusto ko man palagpasin ang
problema niya, hindi ko magawa. Para kasing natatakot siya na hindi ko
maintindihan.
Dahan dahan siyang humarap sa akin at bumalik ‘yung maputla niyang mukha. “I.. I..”
“Zoe?” nauutal pa rin siyang sumagot.
“Zoe, ano?”
“Zoe, may masama bang nangyari?” hinawakan ko ang kamay niya. Nanlalamig ang kamay
niya. Mukhang kinakabahan talaga siya.
Nakatingin lang ako sa kamay niyang malamig. Pagtingin ko sa kanya, nakatingin din
siya sa akin at niyakap ako na ikinagulat ko.
“Zoe?”
Nang bumitaw siya ay bigla siyang sumandal at pumikit. Pinanuod namin siya nila
Sab. Nagkapalitan kami ng tinign pero wala ni isa sa amin ang mayroon kahit
katiting na clue kung bakit nagkakaganto si Zoe.
Agad namang kinuha ni Ayu ang camera na inilapag kanina ni Zoe at iniwan kung saan
para umakyat agad dapat.
Binigay niya ‘yun kay Zoe. Binuksan ni Zoe ang camera niya na tila may hinahanap.
Nagkapalitan ulit kami ng tingin nila Ayu at Sab.
Kaya lang hindi pinansin ni Zoe ang sinabi ni Sab at patuloy na pumindot sa camera
niya. Ilang segundo lang ay huminto siya at tiningnan kami.
“I think I took a picture of him. He was there. Tom was at the play awhile ago.”
Battle 12
Yannie’s POV
“Alam ko, Sab. Alam ko. Kaya nga nagulat ako. Ang laki ng picture na ‘yan.
Kamukhang kamukha ni Tom. Parang.. Parang siya talaga.”
“Paanong nangyaring nandun siya kung matagal na siyang wala. Hindi ba naaksidente
nga siya? Ilang taon na ‘yun? Four years ago? Kung ganun, bakit ngayon lang niya
naisipan magmulto? Bakit ngayon pa? Hindi ko makita ang point.”
Nagmumulto? Posible kayang nagmumulto siya? Kaya lang, hindi naman ata pwede ‘yun.
Ang gulo.
“What if..” napatingin kaming lahat kay Ayu na mukhang seryosong nag-iisip. “What
if buhay pa siya?”
Pagkasabing pagkasabi pa lang niya nun, agad ng bumilis ang tibok ng puso ko. Ano
nga kaya kung buhay pa si Tom? Posibleng buhay pa siya. Kaya lang, kung buhay siya,
sino ang inilibing noon? May inilibing nga ba noon?
“Imposible ‘yan, Ayu.” Kontra ni Sab sa sinabi ni Ayu. “Hindi pwedeng mabuhay ang
matagal ng patay.”
“Ano ka ba, Ayu. Huwag ka ngang magsalita ng ganyan. Hindi siya buhay, okay? Wala
na siya. Matagal na. Siguro ‘yung nakita ni Zoe sa camera niya, parang ano..
parang, kamukha lang. Ganun. Naalala niyo ‘yung nakita natin dati na kamukhang
kamukha ni Ice? Baka parang ganun lang din ‘to. Hindi pwede ‘yang iniisip mo.”
“May pumunta ba nung libing niya na isa sa atin? May pumunta ba sa burol niya?
Hindi tayo nagsipunta kasi hindi natin maiwan iwan si Yannie. Maybe hindi talaga
siya namatay. Pwedeng pinalabas lang na ganun ang nangyari kahit hindi naman
totoo.”
May katwiran si Ayu. Pwedeng buhay si Tom. Wala ni isa sa amin ang nagpunta nung
namatay siya. I was so miserable that time na hindi ko magawang paniwalaan na wala
na siya. Pinaniwala ko ang sarili kong hindi totoong namatay siya kaya hindi ako
nagpunta sa burol maski sa libing niya. Kinulong ko ang sarili ko sa kwarto. Hindi
ako lumabas ng bahay ng ilang buwan. Maski lahat ng connections ko pinutol ko.
Noong panahong namatay si Tom, pakiramdam ko sumama ako sa pagkamatay niya.
Pero ngayon naisip ko, pwedeng buhay pa siya. Pwedeng hindi talaga siya nawala.
Siguro. Siguro nga.
“Kung totoo man ‘yang naiisip mo, bakit hindi siya nagparamdam kay Yannie? Apat na
taon ‘yun. Four freaking years.”
Tama si Zoe. Kung buhay nga siya, bakit hindi niya ako binalikan? Bakit hindi siya
nagpakita? Bakit bigla na lang siyang nawala?
Naramdaman ko ang paglipat ng tingin nilang tatlo sa akin pero hindi ko sila
pinansin. Pinipilit kong ipasok sa utak ko lahat ng posibleng sagot sa tanong na
pareparehas gumugulo sa amin.
Pwedeng hindi si Tom ‘yun. Pwedeng kamukha lang niya. Pwedeng nagmumulto nga siya.
Pwedeng siya nga ‘yun at buhay pa. Kaya lang sa lahat ng posibleng scenario na
‘yan, ano ba ang gusto kong totoong nangyari? Ano ba ang mas madaling
mapapaniwalaan ko? Ano ba ang mas tatanggapin ko?
Nauna akong umakyat pero hindi nila ako sinundan. Ramdam ko ang panunood nilang
tatlo sa akin. Huwag na kayong mag-alala sa akin, okay lang ako. Gustong gusto kong
sabihin sa kanila ang mga salitang ‘yan pero hindi ko magawa. Hindi ko mabitawan
ang mga salitang ‘yun dahil alam kong hindi naman sila maniniwala. Maski ako, hindi
maniniwala kung sasabihin ko man ‘yun. Dahil ang totoo, hindi ako okay.
***
“Paano kung tama ang hinala ni Ayu?” dinig kong tanong ni Sab kay Zoe.
Niyaya ko silang kumain muna. Habang nag-oorder si Ayu at Sab, parang baliw na
nakatitig sa akin si Zoe. Kung hindi lang siya babae iisipin kong may gusto siya sa
akin.
“Stop staring.” Pagsusungit ko sa kanya pero hindi naman niya ako sinunod at
tumitig pa rin. “Zoe, ang weird mo na. Stop it!”
“Inanalyze ko ang lahat. Kagabi, puro ayan lang ang inisip ko.”
“There’a possibility na totoo ang theory ni Ayu. Pwedeng buhay nga si Tom pero
hindi ka nagsasalita. Kagabi habang nag-uusap kami, nakatulala ka lang. Bakit,
Yannie?”
“Bakit hindi ka makasagot? Kasi alam mong tama ang hinala ni Ayu? Alam mong
posibleng buhay si Tom ‘di ba?”
“Paanong --?”
“Alam ko, Yannie. Sinundan kita, ‘di ba? Maniniwala na sana ako sa palusot mo kung
hindi ko lang narinig ang pagsisinungaling mo sa iba. Kaya lang nagugulahan ako.
Kung alam mo, bakit hindi mo sinabi sa amin? Bakit sinasarili mo ‘yan? Akala ko ba
magkakaibigan tayo? Ano bang role namin kung itatago mo lang din ‘yang nalalaman
mo?”
“Hindi ganung kadali, Zoe. Gulong gulo ako. Nagulat ako. Twice. I saw him twice
pero hindi ako agad naniwala na siya ‘yun. Inisip ko.. baka kako namalikmata lang
ako. Hindi totoo ang nakita ko. Hindi ko gustong paniwalaan ang teorya ni Ayu kahit
na alam kong malaki ang posibilidad na totoo ‘yun. Naguguluhan ako kasi bakit dito
ko pa siya nakita? Hindi tayo tiga-dito, Zoe. Sa ibang lugar tayo nanggaling. Sa
ibang lugar din siya. Kaya lang kung siya nga ang nakita ko, bakit siya nandito?”
Napapikit ako kasi hindi ko na alam kung ano ang mga pinagsasabi ko. Lalo lang
akong naguluhan. Sa halip na maliwanagan, lalo lang lumabo.
“He’s my ex, Zoe. Syempre may pakialam ako. He left me hanging. He left me tapos
bigla na lang siyang babalik. Para saan? Bakit nagpakita pa siya?”
“Kung siya nga ‘yun, hindi siya nagpapakita. Nakikita mo lang siya. Hindi sadya ang
ginagawa niya.”
“Sadya man o hindi, ano naman? The point is, he’s alive. He’s f*cking alive, Zoe!
Ilang taon akong naniwala na wala na siya. Ilang taon! Tapos malalaman ko na ilang
taon na rin pala akong naniniwala sa bagay na hindi naman totoo. That’s bullsh*t!”
Nakonsensya ako bigla. Buong gabi si Tom ang inisip ko. Ni hindi ko naisip na
mayroon akong Xander. Parang ang lagay ay pinagtaksilan ko si Xander ng hindi niya
nalalaman.
Gusto kong sagutin ang tanong ni Zoe pero parang may nakabara sa lalamunan ko.
“Bakit big deal sa iyo ang pagbabalik ni Tom? Nandyan naman si Xander ‘di ba? Bakit
hindi na lang siya ang isipin mo?”
“Mahal mo pa ba si Tom?” kahit nandito na ang dalawa, ayaw pa rin tumigil ni Zoe.
“Mahal mo ba si Xander?”
“Kung ganun, buhay man o patay si Tom, hindi ka dapat magworry. Kasi nandyan naman
si Xander. Siya ang kasalukuyan mo. Siya ang bigyan mo ng pansin.”
***
Dinalaw kami ni Josh at Xander sa bahay. Habang nag-uusap kami ni Xander, napansin
ko ang kanina pa pagtingin tingin sa akin ng tatlo. Alam ko naman na ang mga nasa
isip ng mga ‘to.
Napansin siguro niya na medyo seryoso na ang boses ko kaya parang medyo nagbago na
rin ang expression ng mukha niya.
“N..naalala mo pa si.. Tom?” napakunot ang noo niya at nagtanong, “What about him?”
Ang sabi nila makakasira ng isang relasyon kapag may sikretong tinatago ang isa.
Ayokong masira kami ni Xander kaya gusto kong maging honest sa kanya. Gusto kong
malaman niya ang bagay na ‘yun. Gusto kong alam niya ang lahat ng nasa isip ko. At
kung sakaling buhay si Tom, ayokong matakot siya. Ayokong matakot si Xander na
pwedeng bumalik ang nararamdaman ko kay Tom. Kasi kahit bumalik man siya o hindi,
gusto kong malaman ni Xander, na siya at siya lang ang pipiliin ko kasi siya ang
mahal ko.
Battle 13
Yannie's POV
Ilang segundo lang na nakatitig sa akin si Xander ng marinig ang sinabi ko. I can't
read him. Hindi ko alam ang nararamdaman niya.
"Hindi naman sigurado but malaki ang posibilidad na buhay pa siya." Tinitigan ko
sya pero mukhang wala pa syang balak magsalita kaya tinuloy ko ang pagpapaliwanag
ko. "I saw him twice. Hindi ko alam kung sya but.. I think sya nga yun. Zoe took a
picture of him last time. We don't know if it's really him or maybe a twin. I don't
know."
Natapos ako sa pagpapaliwanag pero ganun pa rin ang reaksyon ni Xander. Iniwas niya
ang tingin niya sa akin at sumandal.
"Unang beses ng makasama natin si Ayu at Ken habang vacant time. Pangalawa, nung
tumambay tayo sa No Name matapos umalis ni Ice at Ken."
"Xander.."
"But it's okay. Wala naman akong dapat ikabahala buhay man siya o hindi 'di ba?"
Bumalik ang masayahing Xander na kilala ko. He's smiling widely at me. I can't help
but to smile back.
"Then it's cool." Masaya niyang sabi at saka lumapit sa akin at umakbay, "Let's
just watch movie.
Xander's POV
I told her it's okay and I'm cool with it. But I'm lying. I don't want her to
worry.
Sa totoo lang, hindi ayos yun. Hindi rin yun cool. Yung ex niya ang pinakamalaking
bangungot sa buhay ko ngayon. Wala na nga siya sa mundo noon pero hirap na hirap
akong palitan siya sa buhay ni Yannie. Paano pa ngayon na malaki ang posibilidad na
buhay sya at posibleng nasa tabi-tabi lang?
"Ha! Asa ka pa. Sa gwapo kong 'to tingin mo ba may insecurity pa ako sa katawan?"
Nginisian ako ni Sab at umupo sa tapat ko, "Deny pa. Halata na."
Nagkibit balikat sya at sumandal, "I wasn't with her the first time she saw Tom.
Ikaw ang kasama di ba?"
"Hindi ko na maalala naging reaksyon nya nun. Hindi ko naman kasi alam na may
nakikita na pala siya. Ano na lang naging reaksyon niya ng ipakita ni Zoe yung
picture?"
"Hindi siya agad nagsasalita. Parang nawalan ng dugo yung mukha niya. But after
that, nag-aya na lang siya matulog. Maybe hindi naman siya ganun kaapektado. Kung
anong naging reaksyon namin, ganun lang din yung kanya. Of course she has all the
right to be shocked. Kung kami nga nagulat. Siya pa kaya di ba?"
Shocked. Ayun lang naman siguro ang naramdaman niya. Hindi naman siya siguro
natuwa. Hindi naman niya siguro naisip na wala siyang boyfriend. Hindi naman siguro
niya naisip na posibleng madugtungan yung natapos na nilang relasyon.
"Insecure nga." Napatigil ako sa pag-iisip at napatingin kay Sab. Balik na naman sa
usapan ng insecurity ko. "You were saying your thoughts out loud."
"Alam mo Xander, hindi ka naman dapat siguro matakot. Si Tom, past na yun ni
Yannie. It took her quite some time to leave her past pero nagawa naman niya di ba?
At dahil yun sa tulong mo. Do you still doubt Yannie's love for you?"
She loves me, right? Hindi naman niya ako iiwan. Hindi naman niya ako ipagpapalit
para sa nakaraan. Her love for me is bigger than the shadow of her past.
"Dapat lang. You shouldn't doubt her. Besides, she didn't hide the truth from you.
Sinabi naman niya. Hindi niya hinintay na malaman mo pa sa iba."
She wanted this relationship to be build on trust. That's why she didn't hide the
truth from me. She's been true and honest. And for that, I shouldn't be scared.
"Her dead ex? What about him? Nagmumulto ba?" Biro ni Josh at uminom. Nagkapalitan
kami ng tingin ni Sab dahilan para maibuga ni Josh ang iniinom niya. "Nagmumulto
nga?!"
"Tanga. Posibleng hindi namatay. Wala namang umattend nung libing nun. Baka buhay
pa."
Pinalo ni Sab ang ulo ni Josh. "Asa. Magtigil ka nga. Feeling mo naman teleserye
ang buhay nila."
"Iniisip ko lang ang mga bagay na posibleng mangyari. Sinasabi ko lang din kay
Xander para handa na siya sa mga mangyayari."
***
Siraulo talaga yung epal na Josh na yun. Ginulo utak ko. Paano nga kaya kung
bumalik yung Tom para kunin si Yannie?
Sinamaan niya ako ng tingin pero hindi ko mapigilang ngumiti ng makitang mamula ang
pisngi niya. She blushed. Bihira to.
"Yannie."
"What?"
Dapat bang manghingi ako ng assurance na akin lang sya? Na hindi niya ako
ipagpapalit? Kung gagawin ko yun.. parang pinagdudahan ko na rin yung pagmamahal
niya sa akin.
"Wala."
Nang makabili ako ng ticket, nagpaalam siya para magCR kaya ako na lang ang bumili
ng pagkain namin.
"Sir, sir, sukli niyo po." Nilingon ko yung tinatawag nung nagtitinda pero mukhang
wala siyang naririnig kasi may nakasalpak na earphone sa tenga niya.
Lumapit ako sa kanya at kinalabit siya. Nanliit ang mata ko ng makaharap siya.
Pamilyar ang lalaking 'to. I think I saw him from somewhere.
"Bakit?"
Weird.
"Xander. Tinatanong ka nung nagtitinda kung ano bibilhin mo." Nakarating na pala si
Yannie.
"Ha? Ah. Oo. Oo." Tiningnan ko ang nagtitinda at tumingin ulit sa paligid pero
nawala na yung lalaki.
Habang nasa byahe kami nararamdaman ko ang paulit ulit na tingin ni Yannie sa akin.
I must be acting weird again. Damn, Xander. Stop acting weird.
"Yannie. Stop staring. I know I'm handsome and all pero huwag mo naman akong
lusawin sa mga titig mo. Picture-an mo na lang ako para kahit hindi tayo magkatabi
may matititigan ka pa." I joked to lighten up the mood.
"Oo naman."
Nakatingin man ako ng diretsyo sa daan, nararamdaman ko pa rin ang titig ng babaeng
nasa tabi ko.
"Yannie.."
"Dapat bang sinabi ko pa yun sayo? Sa totoo lang nung una iniisip ko kung tama bang
malaman mo. Natatakot kasi ako na mangyari 'to. 'Yung matakot ka. At first I was
scared, too. Nasaktan ako sa posibilidad na hindi pala totoo lahat ng pinaniwalaan
ko. Pero hindi ibig sabihin nun na may nararamdaman pa akong pagmamahal sa kanya. I
may have loved him before pero ikaw na ang mahal ko ngayon. Ayokong matakot ka at
magduda. Just trust me, Xander. Okay?"
Hininto ko ang kotse at pinarada sa may gilid. Napapikit ako at buntong hininga,
"You know me too well. Yes, I'm afraid. But I trust you, Yannie. It's him that I
don't trust. What if bumalik siya dito para manggulo?"
"I won't let him. At saka hindi naman sya nagpapakita sa akin. Malamang wala rin
yung balak. Apat na taon na ang nakalipas. Nakamove on na ako at malamang ganun din
siya."
Tama. Pinapangunahan lang talaga ako ng takot ko. Hindi ako iiwan ni Yannie. Hindi
niya ako ipagpapalit. Hindi niya yun babalikan. I love her. She loves me. That's
all that matters.
Ilang araw pa ang nagdaan at walang nagbago sa relasyon namin. Nawala ang mga takot
ko noon. Masaya kami ni Yannie.
Naglalakad kami palabas ng No Name. Nakaakbay ako kay Yannie habang nasa harap
namin si Zoe at Ayu. Sa likod naman si Sab at Josh.
Malapit na kami sa may kotse ng may maaninag akong isang anino na nakatalikod
habang nakasandal sa kotse na katabi ng sa akin. Nakikipag-usap sa phone.
"Ikaw?"
"Umalis na. Thanks for your advice nga pala. Malaking tulong yun. Salamat."
"No worries. By the way, what's your name again? Hindi mo na sinabi." Natatawang
sabi nung lalaki.
Binanggit ni Ayu ang pangalan niya at tinanong din kung ano ang pangalan nung
lalaki, "Ram." Pinakilala rin niya kami dito.
"Nice to meet you, guys. Pasok na ko at baka hanapin pa ko ng mga kasama ko."
"Ram!!"
Tumalikod ako para tingnan kung sino ang tumawag sa kanya. Pamilyar. Ito yung
lalaki sa sinehan.
Tumango ako at ngumiti. Napaharap din ang iba kong mga kasama sa lalaki at nakita
ko ang pagbabago ng reaksyon nito ng humarap ang mga kasama ko.
"Sab. Ayu. Zoe." Banggit niya sa mga pangalan nila Zoe. "Yannie." Bulong niya.
"Tom."
When I heard his name, pakiramdam ko huminto sa pag-ikot ang mundo ko. Kaharap ko
na ang bangungot ko.
Battle 14
Xander's POV
Gago. Papalabasin na patay siya tapos maglolong time no see lang? Aba,
napakacasual. Parang nagpaalam lang bumili sa kanto tapos okay na. Siraulo rin tong
lalaking 'to.
"Gago ka?" Mukhang nagulat si Tom sa sinabi ni Sab. "Long time no see mo mukha mo.
Ano ka ba? Kakambal ni Tom? Ay wait. Walang kakambal yun. So, ikaw ba si Tom? Ay
teka lang ulit. Patay na yun e. Multo ka ba?"
Bakas sa tono ni Sab ang pagkainis. Malamang naiinis siya para sa kaibigan niya.
"Ako, galit? Ha. Nagpanggap ka lang naman na patay ka na, na naging dahilan para
iyakan ka ng bongga ng kaibigan ko. Medyo pinaglaruan mo lang naman ang damdamin
niya at pinaniwala kami sa bagay na hindi pala totoo. Tingin mo ba sapat na dahilan
na yun para magalit ako sayo?"
Bumilis ang tibok ng puso ko. Namuo na naman ang kaba na nawala na noon. Hinawakan
ko ang kamay ni Yannie.
"I just don't care anymore. You were part of my past, yes. Pero hindi ka na kasama
sa kasalukuyan ko. Lalong lalo na sa kinabukasan ko. Whatever your reason for
pretending you're dead, wala na kaming pakialam. So if you'll excuse us, uuwi na
kami."
Hinila na ako ni Yannie pero napahinto siya ng magsalita si Tom, "Sorry, Yannie.
But I miss you. I really really miss you."
Bwisit. Hindi ba niya nakikita ang kamay namin na magkahawak? Tanga ba tong
lalaking to o nagtatangatangahan? Naiwan ata ang utak six feet below the ground.
"You want her back?" Sab faked a laugh, "E t*ngina ka pala. Iiwan iwan mo ng walang
dahilan tapos bigla mong babakilan kasi you want her back. Ay siraulo 'to."
"Hi, Tom. Ako nga pala si Josh. Boyfriend nitong babaeng nang-aaway sayo kanina.
Hindi mo ko kilala panigurado."
Nalipat ang atensyon namin kay Josh na biglang umeksena. Nababaliw na talaga tong
lalaking to.
"Tapos yung lalaking katabi ni Yannie, si Xander yun. Boyfriend niya. Tingnan mo
yung kamay nila, magkahawak di ba? Next time nga bago ka magbitaw ng mga
nakakasukang linya sisiguraduhin mo munang single pa yung inaartehan mo. Magtanong
tanong minsan para di napapahiya."
"Boyfriend?"
"Pero -- "
"Let's stop this. Magsipag-uwian na tayo." Singit ni Zoe at hinila na ang iba.
Unti-unti ng napapayapa ulit ang puso ko pero gumulo ulit ng marinig ko ang pahabol
na salita ni Tom.
"I really want you back. Please, Yannie. Come back to me."
Magsasalita na sana ako ng unahan ako ni Ayu, "Tom. It's good your alive. Kaya lang
you’re few years late already. Masaya na si Yannie. Sana maging masaya ka na rin.
It's nice seeing you again, but I hope na ito na rin ang last."
"People appreciate the value of what they have when it's already taken away from
their hands. It's human nature." Paliwanag ni Ayu. “I once experienced that.”
"Nakakainis kasi ang mga lalaking yan. Mas gusto yung naghahabol. Niligawan na nila
noon dapat pinahalagahan na hanggang dulo."
"There are different kinds of boys, Sab. May mga nang-iiwan dahil sadyang gago
lang, may mga nang-iiwan dahil may dahilan, meron din namang may mga paninindigan.
Some boys aren't that stupid you know." Katwiran ni Josh. "Ayan hirap sa mga babae.
Nilalahat ang mga lalaki.”
Sinamaan niya ng tingin si Sab, “Nameet mo na ba lahat ng lalaki para sabihin ‘yan?
Makapagsalita ang Halimaw na ‘to. Akala mo naman prepekto kayong mga babae. If you
think boys are stupid, then I think girls are stupid too. Tinatanggap pa rin nila
ang mga taong nang-iwan sa kanila. Sino ngayon mas tanga?”
“That doesn’t show stupidity. Ibig sabihin lang nun, malambot ang puso namin.
Malambot to the point na magbibigay pa kami ng chance kahit nasasaktan na kami.”
“Malambot puso? Psh. Aminin mo na lang kasi na stupid din ang mga babae.”
“Fine. Maybe girls are stupid. Maybe I’m stupid. Stupid for liking someone as
stupid as you!”
“Then that make us two stupid people. ‘Cause I’m also stupid for liking a stupid
girl like you.”
Nagkatinginan kaming apat nila Zoe, Ayu at Yannie. Weirdo talaga ang dalawang ‘to.
Magbwibwisitan tapos maglalambingan. “At dito na papasok ang kantang Stupid Love.”
Biro ni Zoe dahilan para tingnan siya ng masama ni Sab at Josh.
“I’m afraid.” Bulong niya. “Natatakot ako na matakot ka kasi dumating na ang araw
na ‘to. Natatakot ako na baka kabahan ka. Natatakot ako na baka isipin mo na
mahalaga pa siya. Natatakot ako na baka akalain mong iiwan kita kasi dumating
siya.”
I stroke her hair and smile. Totoo. Natatakot ako sa lahat ng posibleng mangyari.
Kaya lang.. ang marinig ang mga salitang ito ni Yannie, pakiramdam ko ba nawala ang
mga takot ko. Nawala ang mga pagdududa ko. She loves me. I love her. Screw the
fears. Screw that nightmares. Screw Tom.
“Aaminin kong natakot ko. Maybe I still am. Pero hearing those words, ano pa ba ang
dapat ikatakot ko? You’re mine. Mine alone.”
“Xander..”
“Kahit na bumalik siya at manggulo, hindi ako papayag. Kahit na agawin ka pa niya,
hindi kita bibitawan. Kahit na pakiusapan mo akong bitwan ka, hindi ko gagawin yun.
Magalit ka man, hindi kita hahayaang mawala. I won’t let you go.”
A tear escaped from her beautiful eyes. I barely see her crying at hindi ko ala,m
kung bakit umiiyak siya ngayon. I wiped the tears away and she smiled at me. That
smile. That smile that makes me fall everytime.
“Promise.”
Basag trip din ‘to e. Naglalambingan kami ni Yannie tapos biglang eeksena.
“May nagtext kasi. Sabi.. Hindi ko alam ang relasyon ni Tom sa lahat sa inyo. Ang
alam ko lang, he really loves this girl named Yannie. Sorry kung nakagawa man
kaming gulo kanina. Huwag sana kayong magalit kay Tom.”
“Wow. May tigapagtanggol pa ‘yung siraulong ‘yun? Sino ba ‘yan?!” pasigaw na tanong
ni Sab.
“Ram.”
“I think so.”
Yumuko ako at tiningnan si Yannie. Nakatingin lang siya kay Ayu pero nilipat niya
ang tingin niya sa akin at ngumiti.
***
Guys, meet Tom! :)) Thank you kay Yel para sa suggestion. <3
Battle 15
Yannie's POV
Pinapanuod ko siyang umikot ikot sa kama habang paulit ulit na sinasabing namimiss
na niya ang boyfriend niya.
"Ang bagal ng oras! Ang tagal makauwi ni Ken." Ngawa niya sabay upo sa kama at
bagsak ulit ng katawan.
"If you miss him that much why don't you do something?"
Napaupo na naman siya at napatingin sa direksyon ko. Walang duda na si Ayu ang
pinakamatalino sa aming mga babae. Kaya lang paminsan minsan may pagkatanga rin at
ayaw gamitin ang utak.
"Bakasyon naman Ayu. Walang klase. Yung Daddy mo wala rin naman sa inyo. Maski yung
Mama niyo ni Josh wala rin. Si Ken wala rin. Nasa ibang bansa."
Tinitigan niya ako ng matagal at ng magsink in na siguro ang sinabi ko, lumapit
siya sa akin at bigla akong niyakap saka bumitaw at napatalon habang pumapalakpak.
"Genius! You're a genius, Yannie!" Tuwang tuwa niyang sabi at lumabas na ng kwarto
ko.
Hay. Nga naman. Ang tagal niyang nakatunganga pero hindi sumagi sa isip niyang
sundan si Ken.
As if may malaking antenna si Zoe at biglaang napasok sa kwarto ko. "I heard my
name. Ano meron?" Tanong niya sabay subo sa kinakaing ice cream.
Happiness. Napangiti ako nang marealize na susundan nga ni Ayu si Ken. Kusa lang na
pumasok ang ideyang ito sa akin. Hindi ko naman naisip na gagawin ni Ayu ito para
habulin ang kaligayahan niya. In the name of love. Sweet.
Umiling lang siya, "I'll stay. One month lang naman si Ice. Kahit miss na miss ko
na siya, titiisin ko na lang. Kailangan niyang magbonding ng pamilya niya. Balato
ko na sa kanila yun."
May mga tao talagang handang habulin ang kaligayahan nila at mayroon din namang mga
handang magsakripisyo ng kaunting panahon bago tuluyang makasama ang mahal nila.
"Anong nakakatawa?"
"Huh?"
"Nakakatawa what people can do for love. Yung isa, handang habulin ang taong mahal
niya. Yung isa naman handang magtiis. People in love."
Sinasabi nitong si Zoe? "Xander and Tom lang ang dating." Bwisit.
"Whatever. Anyway, uuwi nga pala ako sa amin saglit. One week siguro. I don't
know."
Tumango ang dalawa. Napagpasyahan din ni Zoe na sumama sa akin pag-uwi. Samantalang
si Ayu, desidido sa pagsunod kay Ken.
Nang makauwi si Sab ay sinabi namin sa kanya ang plano. Plano na rin daw pala
niyang umuwi kaya magsasabay-sabay na lang kami.
"Da, uwi ako sa amin ha?" Paalam ko kay Xander habang kausap siya sa phone.
"Hindi."
Natahimik ang nasa kabilang linya. Kilala ko 'to. Kunyari nagtatampo pero hindi
naman.
"Joke lang. Mamimiss kita. Kung pwede lang kitang isama isinama na kita."
Paglalambing ko sa kanya. Alam ko namang hindi ako matitiis ng lalaking 'to.
"Bakit bawal akong sumama?" Tanong niya na parang bata.
"Kasi wala kang tutuluyan. Baka mapalayas ako ng magulang ko kapag nagpatira ako ng
lalaki sa amin sa loob ng isang linggo."
"Edi kila Zoe na lang ako titira. O kaya kila Sab. O kila Ayu."
Hindi ko mapigilan mapangiti sa tono ng boses niya. Xander. "Di pwede. Babae lahat
yun. Bawal din sila 'no. At isa pa, aalis si Ayu. Dadalawan si Ken."
Dinig sa kabilang linya ang pagtawa niya. How I love the sound of his laugh. Music
to my ears.
"I know!"
"I can't blame her. Ganun naman kadalasan. If you really love someone, you'll do
everything just to be with that person. You'll swim the ocean. You'll climb the
mountains. You'll fly if you could. No excuses."
Magsasalita palang sana ako ng magsalita ulit siya, "People do the impossible for
the sake of love. I'll do the impossible for you too Yannie. I never saw myself
being this in love. Not until the moment my heart beats for you. You're driving me
crazy. Do you know that? Ghad, I'm so in love with you."
Pakiramdam ko may naghahabulan na kabayo sa loob ng puso ko. Parang may mga
nagwawalang hayop sa tiyan ko. Gusto kong tumili sa sobrang kilig pero hindi ko
magawang ibuka ang bibig ko. Ang lakas talaga ng epekto ni Xander sa akin.
"Sige na. Matulog ka na. Alam kong di ka na makapagsalita sa sobrang kilig."
Natatawa niyang sabi. "See you in my dreams, Ma. I love you."
And the call ended. Nakatitig lang ako sa phone ko. Hinihintay na humupa ang kilig
sa katawan ko.
Nang masigurong okay na at normal na ko, I dialled Xander's number. Wala pang
tatlong ring ng sagutin niya ang tawag ko.
"I love you. I love you. I love you." Then I hang up.
***
Tatlong araw na magbuhat ng makauwi kami sa amin. Nag-iikot ikot lang ako sa
village ng matanaw ko si Zoe na nakatambay sa may park.
"Nagpapahangin."
Umiling yung bata, "Hindi po akin galing yan. May nagpapabigay lang po."
Inilibot ko ang paningin ko sa paligid sa pag-asang makita kung sino ang nag-abot
pero wala. Wala ng tao bukod sa akin, kay Zoe, ang bata at mukhang yaya niya na
nagtetext lang habang nakaupo sa gilid. Kanino galing 'to?
Pinag-uusapan pa rin namin ni Zoe kung kanino nanggaling ang bulaklak habang
naglalakad pabalik sa kanya-kanyang bahay.
"Hindi ko alam pero may feeling ako na galing 'yan sa magaling mong boyfriend."
"Oo nga 'no. Pero malay mo naman. Hindi raw tiga dito yung lalaki. Kaya huwag ka ng
magulat kung pagbukas mo ng pinto, nandun na yung boyfriend mo nag-aabang sa'yo."
I smiled at the idea of seeing him waiting for me. Kinontra ko man si Zoe, deep
inside, umaasa ako na si Xander nga ang nagpabigay.
But I was wrong. Hindi si Xander. Walang Xander ang inabutan ko sa tapat ng bahay
namin. It wasn't him who's there waiting for me. Iba pa.
Sa halip na pumasok si Zoe sa bahay nila, she stayed by my side and held my hand.
Nilingon ko siya, ngumiti at umiling, "It doesn't matter anymore, Zoe."
Binitawan ako ni Zoe pero alam kong nakasunod siya sa akin. Tuloy tuloy akong
naglakad papasok ng bahay nang hindi man lang pinapansin ang taong nakaupo sa may
gawing halamanan sa labas namin habang nakayuko.
Hinarap ko siya with my emotionless face. I was about to speak ng magring ang phone
ko. Si Xander.
Napakunot ang noo ko sa narinig sa kabilang linya pero hindi rin nagtagal ng
mapangiti at mapailing ako. Ang weird talaga ng lalaking ‘yun. Ni hindi man lang
ako ginawang pagsalitain. Baliw.
“Yannie.”
Kung nandito si Tom, malamang ko siya ang nagbigay ng bulaklak na iniabot ng bata.
Sa kabilang village lang siya nakatira. Pero ang nakakatawa, kung kalian ako umuwi
sa amin, natapatan pa na umuwi rin pala siya. Ang pagkakaalam ko, sa isang
university malapit sa university na pinag-aaralan ko nag-aaral si Tom base sa
nakuhanan ni Zoe na picture noong may play. Kaya siguro nagdodorm din siya at
bihirang mauwi sa kanila. Pero dito pa nga ba siya nakatira, o hindi na? Hindi ko
alam. Wala na akong pakialam.
“Please, Zoe. Hayaan mong makapag-usap kami.” Hindi ko alam kung ano pero may
kakaiba sa boses niya. Parang nagmamakaawa na hindi ko maintindihan.
“Tom – “
“Huwag muna ngayon, Tom. Kung kakausapin mo ako, gusto ko alam ni Xander. Hangga’t
maaari gusto kong katabi ko siya habang magkausap tayo. Pwedeng bigyan mo muna ako
ng kaunting panahon? Nagawa mo namang mawala ng apat na taon, bakit hindi mo
subukang mawala ulit ngayon? Kahit sandali lang?”
Ginawa ko ang lahat para hindi siya tarayan- para hindi lumabas na harsh ang mga
salita ko. Hindi ko alam kung nagtagumpay ako pero kung ibabase ko sa naging
reaksyon niya, parang hindi. Parang.. nasaktan ko siya. Ayun ay kung may kakayahan
pa akong saktan siya.
***
Nagising ako sa pakiramdam na may nanunuod sa akin. Ewan ko kung anong problema ng
pandama ko at naisip kong may nanunuod sa akin habang natutulog ako.
Nakumpira lang ang pakiramdam ko ng may maramdaman akong kamay na naghawi ng buhok
ko. At nang buksan ko ang mata, I saw Xander smiling widely at me.
Anong ginagawa niya dito? Bakit siya nasa kwarto ko? Nanaginip ba ako?
Umupo ako sa kama at kinurot yung pisngi niya dahilan para mapadalit siya.
“Just checking if you’re real. Bakit ka nandito? Anong ginagawa mo dito? Paano ka
nakapasok?”
“Wala man lang bang, ‘I missed you. Masaya ako kasi nandito ka’?” Sa halip na
sagutin ang tanong niya, tiningnan ko lang siya ng masama. “Fine. Namiss kita kaya
nandito ako. Iniwan niyo kami ni Josh dun kaya ang lungkot. Pumunta na lang ako
dito. At bago mo sabihing wala akong tutuluyan, meron po. Kila Ayu. Magkapatid na
sila ni Josh di ba? Edi may susi si Josh ng bahay nila dito.”
Tinuro niya ang bintana, “Magkalapit lang kayo ng bintana sa kwarto ni Josh. Doon
ako nagdaan. Next time nga ila-lock mo ang bintana mo. Baka mapasukan ka ng
magnanakaw.”
“Sige.” Sagot ko at tatayo na sana pero hindi niya ako binitawan, “Let’s stay like
this, Yannie.”
Ano pa nga bang magagawa ko? Wala naman. Besides, gusto ko rin naman, “Sweetdreams,
Xander.” Sabi ko sa kanya na sinagot naman niya ng halik sa ulo ko.
“What are you two doing here?” naguguluhang tanong ni Zoe ng makita si Xander at
Josh na kasama namin ni Sab sa park.
“Namiss kasi ako.” Turo naman ni Josh kay Sab kaya nakatanggap siya ng suntok sa
balikat.
Naiba lang ang lugar pero kami kami pa rin ang magkakasama. Hindi na ba talaga
namin kayang maghiwahiwalay? Hindi na.
Nabanggit ko na rin kay Xander na nakita at pinuntahan ako ni Tom kahapon. Nainis
man siya ng kaunti, natuwa pa rin siya kasi sinabi ko raw sa kanya.
Napatingin sa akin si Zoe kaya nagkibit-balikat lang ako, “Yes. Hindi sila nakapag-
usap ni Yannie pero may nalaman ako.”
“Ano?”
“Oo.”
“Okay lang naman siguro ‘yun. Malaki naman ‘yun kaya hindi rin siya siguro
makakapanggulo kila Xander.” Sagot naman ni Sab.
Kaya lang napansin kong kakaiba ang mukha ni Zoe. Iba ang naging reaksyon niya kasi
napasimangot siya, “Bakit, Zoe?”
Napataas ang isa kong kilay sa sinabi ni Zoe. Paanong naging malabo? Malaki naman
talaga ang school so maliit lang ang possibility na magkita kami.
“Nalaman kong Business Ad ang course niya. So malaki ang possibility na maging
kaklase niyo si Tom sa ibang subjects, Yannie at Xander. Parehas kayo ng course.”
Battle 16
Sab’s POV
Sa lahat talaga ng kwento, may mga bida at mayroon ding kontrabida. May mga matagal
ang exposure, mayroon din namang mga extra. Kung nagbabasa ka lang sa libro, kaya
mo pang hulaan kung sino ang bida, o kung sino ang hindi. Mahuhulaan mo pa kung
sino ang end game. Kaya lang sa libro lang yun. Kapag sa tunay na buhay, mahirap
na.
Akala mo prince charming mo na pero hindi pa pala. Akala mo siya na, hindi pa rin
pala. Akala mo hindi mo magugustuhan, pero mali ka na naman pala. Ganyan naman sa
tunay na buhay, lahat ng akala mali. Lahat ng akala, hindi totoo.
Bakit ako nagdradrama? Wala lang. Naisip ko lang pagkatapos bumalik ni Tom na
napakamapaglaro pala ng tadhana.
Sobrang tagal naghirap, umiyak at naniwala si Yannie sa bagay na hindi naman pala
totoo. Akala niya si Tom na pero namatay pa siya. Tapos dumating sa eksena si
Xander. Nagawa niyang tibagin yung nakaharang na pader sa puso ni Yannie. Masaya na
sila. Kaya lang kung kalian hindi na kailangan, saka pa bumalik si Tom. Nakakaloko.
Parang nanandya ang tadhana. Parang nambwibwisit.
“Hoy. Huwag kang feeling seryoso dyan. Making ka na lang kaya sa kwento ko.”
Ayan ang sinasabi ko. Sa bawat istorya, nandyan ang kontrabida. Kung sa storya ng
mga kaibigan ko ako ang kontra, pwes, sa istorya ko, itong Bakulaw na Josh na ‘to
ang kontrabida at walang ibang ginawa kundi kontrahin ang gusto ko.
“Huwag kang basag trip, Bakulaw. Minsan na lang ako mag-isip kokontrahin mo pa.
Solohin mo ang kwento mo at hindi ako interesado.”
“Aray. Nakakasakit ka na, Halimaw ha. Pagkatapos kitang sundan dito sa inyo para
hindi mo ko mamiss ganito lang igaganti mo sa akin? Nasaan ang hustisya?!”
“Hustisya? Makukuha natin parehas ang hustisya kapag nanahimik ka.”
Tinulak niya ako ng mahina at saka umakbay, “Why so serious, Sab? Problema mo?”
“Shut up.” Pagputol ko sa sasabihin niya. Kaartehan talaga ng lalaking ‘to, “Mag-
iinarte ka pa. Hindi ganun ‘yun. I mean, iniisip ko lang kung bakit ngayon pang
okay na okay na yung dalawa saka pa siya babalik. Parang nang-iinis na hindi mo
alam.”
Napatango si Josh at bumalik sa pagkakakbay sa akin, “Nung unang beses natin siyang
nakita, pansin ko na nasaktan siya ng malamang walang pakialam si Yannie. Halata sa
expression niya. I guess he’s still in love with Yannie. Kaya lang.. ano ba namang
magagawa niya. He’s four years late already. Hanap na lang siyang iba.”
“Ang pinag-iisipan ko, ano kaya ang rason niya? Bakit siya nang-iwan? Ang tagal ng
apat na taon. Kung mahal niya talaga si Yannie, bakit niya pinaniwalang wala na
siya tapos biglang babalik-balik?”
Ano ba yan. Wala talagang sense kausap ang lalaking ‘to. “Umuwi ka na nga.”
At bilang masunuring nilalang, umuwi nga si Josh. Buti naman at hindi ko na pala
siya kailangan pang ipagtabuyan mapauwi lang. Madaling kausap.
“Magbihis ka. Aalis tayo.” Anong problema ni Zoe at napakabossy? Kasi ba tinarayan
ko si Josh e ang layo ng nilakbay niya tapos siya walang Ice na kasama?
Kaysa mangatwiran, sumunod na lang ako sa gusto niya. Mukhang mainit ang ulo. Wala
pa akong balak mamatay kaya susunod na lang ako. Baka mabwisit pa siya at may
magawang hindi maganda sa akin.
***
“Wala akong magawa e. Manuod na lang tayo ng sine.” At dahil gusto ko rin naman,
sumunod na lang ako.
Matapos naming manuod, kumain lang kami at nag-ikot-ikot. Kung kanina, medyo bad
vibes si Zoe, ngayon mukhang napaka-energetic niya. Medyo parang si Ice din ang
babaeng ‘to e. Parehas bipolar. Sala sa init, sala sa lamig.
Habang naglalakad kami sa parking lot, parang hindi siya mapakali at kalikot ng
kalikot sa bag niya, “Anong hinahanap mo?”
“Tara, balikan natin.” Aya ko sa kanya at tumalikod na pero pinigilan niya ako.
No choice, so nauna na nga ako sa kanya. Papasok na sana ako sa may kotse ng may
magtakip ng bibig ko. Lilingunin ko pa lang sana kung sino ‘yun kaya lang may
naglagay na rin ng kung ano man sa mata ko.
Am I being kidnapped? Grabe bakit ako pa ang kinidnap nila? Dahil ba sa maganda ako
at mukhang mayaman? Grabe talaga.
Sinubukan kong kumalas sa pagkakahawak nila pero matindi ang pagkakahawak sa kamay
ko. Hindi ko magamit ang lakas ko kasi tig-isang tao ang nakahawak sa magkabilang
kamay ko.
Zoe, nasaan ka na ba? I need your help. Baka mamaya kung saan ako dalhin ng mga
hindi ko kilala. Baka mamaya ma-rape ako. Baka ibenta nila yung lamang loob ko.
Baka ipagbenta ako sa mga gumagawa ng illegal. Hala. Ayoko pang mamatay. Mahal ko
ang buhay ko. Marami pa akong gustong gawin. Hindi pa ako nagkakaroon ng sariling
pamilya na ako ang nanay. Bata pa ko.
Natawag ko na ata ang lahat ng superheroes pero wala ni isa ang dumating. Wala ni
isa ang tumulong sa kawawang dalaga na tulad ko. Paano na ‘yan?
Ni hindi man lang ako nakapagpaalam ng mabuti kay Josh. Hindi man lang ako
nakapagpaalam sa pamilya ko. Dito lang ba ako magtatapos? Goodbye Sabrina Fortalejo
na ba?
Ipinasok ako sa sasakyan ng kidnapper. Hindi ko man nakikita, nakakaramdam naman
ako. At in fairness sa kidnapper na ‘to ha, mabango. Akala ko kasi ang mga
kidnapper na napapanuod ko sa TV ‘yung mga amoy pawis tapos hindi kagandahan at
hindi ilong friendly ang scent. Mali pala ako.
Walang sumagot pero nakarinig lang ako ng pag “tsk” ng isang lalaki. So siya pa
naiinis e siya na nga nangingidnap?
“Ang saya niyong kausap ha. Sumasagot kayo. Saan niyo ba kasi ako dadalhin?
Nakakabwisit na ha.” Ayaw talagang magsisagot bwisit.
Pinilit kong manahimik pero hindi ko talaga magawa. Minuminuto akong nagtatanong at
sumusubok makipag-usap sa kanila pero deadma lang talaga. Parang kumakausap ako sa
pader. Kainis.
Naputol ang pagsaslita ko ng may magtanggal ng piring sa mata ko. Pagdilat ko,
tiningnan ko agad ang mukha ng hinayupak na kumidnap sa akin. At nang makita ko
kung sino yun, tinulak ko ang mukha niya at pinalo sa ulo, “G*go ka, Xander! Anong
trip ba ‘to? Bwisit. Letse. Peste!” Halos bugbugin ko na siya ng pigilan ako ni
Yannie.
“Isa ka pa! Kaibigan ba talaga kita?! Mga pakulo niyo nakakainit ng ulo!”
Napairap na lang ako at bumaba ng sasakyan. Bwisit na mga tao ‘yun. Ang lakas ng
trip. Halos lumabas na ang puso ko sa sobrang kaba tapos joke lang pala.
Sa sobrang inis ko, naglakad na lang ako ng naglakad habang nakayuko kahit hindi ko
alam kung saan ako pupunta. Patuloy lang ako ng may biglang humawak sa braso ko.
“Wrong way ka, miss. Dito ka sa kabila dumaan.” Natatawa niyang sabi.
At dahil sa mainit ang ulo ko, hindi ako nakinig at nagpatuloy sa paglalakad.
Nakakahighblood. Mukhang ang saya pa nilang bwinisit nila ako. Sila na ang masaya
at ako na ang hindi.
Okay na sana ang pagwawalkout ko kaya lang biglang may bumuhat sa akin na parang
sako.
“Ayoko. Kapag ibinaba kita aalis ka lang. Sasama ka sa akin sa ayaw at sa gusto
mo.”
“Ano ba! Hindi nga nakakatuwa! Nakakainis na. Nakakabwisit.”
Ako na nga ang dinadala kung saan, ako pa ang papagalitan. Magaling.
Ibinaba niya ako at ng tingnan ko ang paligid, nasa may park lang naman pala kami.
Ang daming arte manong sinabi na lang na makikipagkita siya sa akin sa park.
“Di ba sabi ko sa’yo dati babawi ako? Ito na. Bumabawi na. Natagalan lang.”
Nang tingnan ko ang paligid, nakita kong may nakalatag na kumot sa isa sa tabi ng
mga puno. Sa mga sanga naman ng puno may mga nakasabit na heart shaped papers na
nakatali sa yarn. May mga pagkain at gitara rin na nakalagay. At.. “Laptop?” tanong
ko sa kanya ng may makita akong laptop sa gilid.
Napangiti at napatango ako. Papalapit palang sana ako sa may lugar na ‘yun ng
biglang pumapalakpak si Josh at nagbukas ang nakapaikot na lights sa puno. Kitang
kita ko pa kung gaano kahaba ang ginamit nilang extension para lang mapailaw ‘yun.
Hinawakan niya ang kamay ko at hinila ako papunta sa lugar na pinaghandaan niya.
Kumain kami. Nagkwentuhan at nanuod ng palabas. Habang nasa kalagitnaan ng
panunuod, bigla na lang niya akong niyakap mula sa likod na naging dahilan para
bumilis tibok ng puso ko. Ganun pa rin ang epekto niya sa akin. Walang nagbago.
“Haranahin kita.” Sabi ko sa kanya na ikinatawa niya.
Kukunin ko palang sana ang gitara pero inunahan na niya ako. “Ako ang manghaharana
sa’yo.” Wala na akong nagawa ng magsimula na siya.
Napangiti ako dahil sa lyrics ng kanta. Parang ginawa ang kanta para sa amin.
Totoo. Kahit gaano kahaba ang forever, parang hindi pa rin ‘yun sapat. Parang
kulang pa rin.
“Sorry kanina.”
“Para saan?”
“Kasi sinungitan kita e ikaw na nga lang ‘tong nag-effort puntahan ako dto.”
“Sino nagsabing pinuntahan kita? Sinamahan ko lang si Xander. Namiss kasi si
Yannie.” Magsasalita pa lang sana ako ng magsalita ulit siya, “Joke lang. Syempre
namiss din kita. Wala akong kaaway dun e. Walang kumokontra at nananakit sa akin.”
Hay. Ang saya talagang makahanap ng taong kumportable at masaya kang kasama. Yung
walang drama.
Battle 17
Sab’s POV
Parang ewan ‘tong si Josh. Nang umuwi na kami sa kanya-kanyang bahay matapos niya
akong i-date, agad siyang tumawag sa akin para lang tanungin kung bawi na siya.
“Oo? Ang effort kaya nun. Akala mo ba madaling mag-isip ng surprise date para sa
‘yo? Hindi ha. Kailangan ko pa ng tulong ng iba. Kasi kung hindi, baka bugbog
sarado na ako nung kinikidnap pa lang kita. At isa pa, napilitan akong magpakasweet
para lang dun.”
“So utang na loob ko pa ba na ginawa mo ‘yun? Ay thank you ha. Sorry rin at naabala
pa kita.” Sarkastiko kong sagot.
“Apology accepted.”
Pero kung tutuusin, ang saya na magkaroon ng ganitong klaseng relasyon. Hindi kami
sweet sa isa’t isa palagi. Madalas pa kaming mag-away pero hindi naman kami
naghihiwalay.. uhh, naghihiwalay ng matagal, I mean. Cool-off kunyari pero
nagkakabalikan din naman. Kung bakit ganito yung relasyon namin, kaming dalawa ang
dapat sisihin. Hindi kasi kami nabiyayaan ng sweetness. Meron man, siguro bihira
lang lumabas. Pero mas okay na sa akin ang ganito. Para kasing nagkaroon ako ng boy
bestfriend, enemy at boyfriend sa katauhan ni Josh. Three-in-one na ‘yan.
Magrereklamo pa ba ako?
***
Mabait talaga ‘tong Zoe na ‘to. Kung ako ‘yan, hindi ako magtyatyagang i-enroll si
Josh.
Hanggang ngayon wala pa rin kaming balita masyado kay Ayu. Iniform niya lang kami
nang makarating siya kila Ken. After one week, sinabihan lang niya kami na uuwi
siya kapag enrollment na pero hindi siya nagkwekwento. Malamang ko ba ay masyado
silang nag-eenjoy ni Ken at sinusulit ang oras kaya nawalan na ng panahon para
balitaan man lang kami.
Nag-aayos ako ng requirements para sa enrollment ng makitang may ibang class cards
ang nasa akin. Kay Josh. Bakit nandito ‘yun?
Ah, oo! Naalala ko na. Hindi niya nakuha ang grades niya dahil nakipagpustahan siya
sa basketball noong araw na kuhanan nito. At dahil nakiusap siya at sinuhulan niya
ako, napapayag akong kunin na lang ‘yun.
Nagulat na lang ako ng biglang mag-vibrate ang phone ko. Speaking of the devil..
“O?”
Wala na naman paniguradong makalaro ‘yung Bakulaw na ‘yun kaya ako ang inaya mag-
laro.
Kaya lang hindi ko alam kung bakit lagi ko siyang kinokontra sa gusto niya pero sa
bandang huli, susunod din naman ako. Parang ngayon lang. Ayoko namang maglaro ng
video games pero ito pa rin ako.. nagbihihis at nag-aayos. Sumunod sa utos niya.
Ang gulo ko.
Nilapitan niya ako at inakbayan saka pinisil ang ilong ko, "Ayan ang gusto ko sa
'yo e. Hindi mo ako matiis." Tama. Hindi ko siya matiis. Tama pa ba 'yun? Ayos pa
ba ang ganun?
***
“Boom!” napatayo ako at dinaganan si Josh.
Nasa may sala nila kami at kasalukuyang nag-aadik sa video games. Mag-aaya aya,
wala naman pala.
“Pinagbibigyan? Kaya pala halos panggigilan na niya ang controller kanina para lang
manalo. Ayaw talaga nagmumukhang talo ng isang tao. E palagi naman talaga siyang
talo.
“Loser ka!”
Sa halip na sumagot, tumayo na lang siya, “Kukuha lang akong pagkain.” Grabe ang
shifting sa topic. Ayaw sigurong maalala ang pagkatalo niya.
Ihininto ko ang pagkain ko at napakunot ang noo habang nakatingin sa kanya. Ang
akala ko napag-usapan na namin nung nakaraan na sabay kaming mag-eenroll? Bakit
wala na naman ‘tong alam?
“Mag-eenroll kaya tayo. Lumilipad na naman ‘yang utak mo.”
Nang maalala ‘yun, agad siyang tumayo at tumakbo paakyat. Malamang sa kwarto niya.
Ang bastos. Iniwan akong mag-isa dito. Bwisit talaga ‘yung lalaking ‘yun kahit
kalian.
“Wala.” Nakasimangot niyang sabi ng makababa siya dala dala ‘yung bag niya.
“Anong wala?”
Ay bongga! Ang ulyanin talaga. Malamang wala sa kanya at hindi naman siya ang
kumuha ng class cards niya dati. Ako kaya. Baliw talaga.
“Wala talaga.” Inilabas at halos itaktak na niya ang buong laman ng bag niya
mahanap lang ‘yun pero wala pa rin.
Nakakaawa naman siya at nakokonsensya na rin ako kaya naisipan kong ibigay na sa
kanya ang class cards niya. Pasalamat siya dala ko ‘to.
Ihinagis ko ‘yun sa kanya kaya napatigil siya sa paghahanap at napatingin sa akin
saka ngumiti ng pagkalaki-laki.
Napairap na lang ako sa kanya. Kahit kalian ang burara. Tapos napakamakakalimutin
pa.
“Ipinagmalaki mo pa ang mga tres mo. For you information, mister, hindi lahat
pasado. May isa ka kayang ibinagsak na subject. Muntikan ka pa ngang i-drop ng is
among prof kung hindi ko lang napakiusapan.”
“Dapat kasi balansehan mo ang pag-aaral at paglalaro. Kung hindi mo kaya, set your
priorities straight.”
***
Nakatambay kami nila Zoe sa student lounge dahil hinihintay namin ang iba para
sabay sabay na kaming mag-enroll. Nakauwi na rin si Ayu at mukhang tuwang-tuwa ang
loka sa pagbisita sa boyfriend niya. Kung pwede nga lang daw na mag-extend pa siya
ginawa na niya. Si Zoe naman, siya na ang nag-asikaso ng kay Ice kasi sa isang
linggo pa raw ang uwi nung yelong ‘yun.
“Tagal naman nila. Napakapachix.” Reklamo ko habang paypay ng paypay. Ang init init
na nga pinaghihintay pa kami ng matagal.
“Saan?!”
“Nandito na.” ibinaba ko ang phone ng makita siyang nakatayo sa harap ko.
Tatayo na sana ako para makapag-enroll na kami pero piniglan niya ako, “Ano?”
“Nang?”
“Basketball.”
“Josh naman. Bakasyon ngayon. Bakit kailangan niyong mag-practice?!”
Inilhad ko ang kamay ko dahil alam ko na ang kasunod nito. Hihingi lang naman yan
ng pabor para ako na ang mag-ayos ng kanya.
At tulad ng inaasahan, inabot naman niya sa akin ang lahat ng requirements saka ako
niyakap at hinalikan sa gilid ng noo, “You’re my lifesaver. Thanks, Halimaw.”
Ginulo niya ang buhok ko at saka tumakbo paalis. May bago pa ba? Syempre sa akin na
naman siya aasa. Ano na lang gagawin niya kung wala ako dito? Kinain ko na naman
ang sinabi ko nung nakaraan na hinding hindi ko siya ieenroll kahit kailan. Hay
buhay.
Battle 18
Sab’s POV
Minsan ng naisip ko na parang mas malapit lang si Ken kaysa sa kanya. At least kasi
si Ken, constant 'yung pag-uusap nila ni Ayu. Kapag nag-uusap sila, as in usap
talaga. Hindi 'yung parang si Josh na nakakausap mo nga pero parang hindi rin. He's
so close and yet so far.
“Basketball.” Tanging naisagot ko ng tanungin ako ni Ice kung nasaan na nga ba si
Josh.
He's changing. He's slowly drifting away. He's becoming a stranger to me- to
everyone of us. Ewan ko kung may pagkaparanoid lang ako o kung totoo na ba 'tong
napapansin ko. Whatever, maybe I'm just thinking too much.
Hindi na ako nagulat ng may umupo sa tabi ko at umakbay. Okay-- scratch that.
Nagulat ako. Nagulat ako kasi nandito siya. "Buhay ka pa pala?"
Kung pwede lang lapitan at yakapin ngayon si Ice dahil sa sinabi niya ginawa ko na.
I wanted to say that pero I decided na huwag na lang. Minsan na lang nga kami mag-
kita, gugustuhin ko pa bang sa bangayan na naman mauwi ang pagkikitang 'yun?
"Grabe ka naman pare. Nagpractice lang naman akong basketball saglit. Ikaw nga dyan
ang buong bakasyon nawala." medyo mapang-inis na sagot ni Josh kay Ice.
Siguro tinamaan si Ice sa sinabi ni Josh kaya napatahimik na lang. Napairap naman
ako sa naging sagot niya. Seryoso ba siya? At least si Ice kapag nandito laging
pinaparamdam kay Zoe 'yung importance niya. E siya? Parang hindi naman.
"Joke lang." natatawang dagdag pa ni Josh.
"Valid naman ang reason niya noong nawala siya. Ang layo kaya niya saka pamilya
naman niya kasama niya." pagtatanggol ni Zoe sa boyfriend. "E ikaw, bakit ka ba
madalas wala? Ang dalas mo pa kaming hindi samahan sa mga lakad."
"Reasonable din naman ang excuse ko ha? Nagprapractice ako ng basketball. Pride
kaya ng university 'yun kapag ginalingan ko."
"So you're aiming for MVP pala." patango-tangong sagot ni Zoe. "Sana habang
pinupursue mo 'yang pagiging most valuable player mo, huwag mong kalimutan maging
most valuable boyfriend kay Sab at friend sa amin."
Napakamot ng ulo si Josh at halatang medyo naiinis na, "Ilang taon na tayong
magkakasama. Ano bang gusto mo, Zoe? Na paikutin ko ang mundo ko sa inyo lang? Na
isarado ko na lang 'yung pinto ko sa lahat ng opportunities kapag hindi 'yun
related sa inyo? Don't you think it's too much?"
Masyadong makitid ang utak ni Josh. I'm on Zoe's side hindi dahil sa kaibigan ko
siya. Nasa panig niya ako kasi alam at naiintindihan ko ang sinasabi niya.
Napapikit at buntong hininga si Zoe at til inaalalayan siya ni Ice dahil sa lagay
niya, mukhang any moment, aawayin na niya talaga si Josh. And to avoid the conflict
between the two, ako na ang sasangga.
"Ako pa? Ako pa ba ang dapat magpalawak ng pang-unawa? Ako pa ba ang dapat
umintindi? Bakit kayo, ayaw niyong lawakan ang pang-unawa sa akin?"
Napangiti ako sa sinabi niya, "Tanga ka ba o manhid?" My statement seems to caught
him off guard pero ibinalik niya ang nauna niyang reaksyon. Knowing him, hindi siya
magpapatalo. "Nakakahiya naman at hindi pa pala malawak ang pang-unawa namin sa
lagay na 'to. Sorry ha. Sorry at kami pa pala ang kailangan mag-adjust sa'yo at sa
pagbabasketball mo. Sorry at ang kitid pala ng utak namin sa pag-unawa sa'yo. Sorry
at iniisip lang namin na baka iwan mo ang barkada dahil lagi mong pinipili ang
teammates mo over us."
"Ayan. Ayan ang sinsabi ko. Kung anu-ano na ang iniisip niyo dahil lang sa
pagkawala ko ng ilang araw. Tingin niyo ba ipagpapalit ko kayo ng ganun ganun lang?
Am I really drifting away or you pushing me away?"
"Tinutulak ka namin palayo? Oh c'mon, Josh. Lagi ka namin hinihila pabalik pero
ikaw 'tong laging wala. Mag-aaya sila, sumasama ka ba? No. Kasi may practice. Kasi
aalis kayo ng teammates mo. Noong umuwi si Ice, sumama ka ba sa pagsundo? Hindi
rin. Anong katwiran mo? Makikita mo naman siya so para saan pa? Noong enrollment,
ang akala ko makakasama ka namin pero hindi. Bakit? Kasi may practice ka! Ako pa
ang pinag-enroll mo."
"Teka. Ano bang issue dito? 'Yung unti-unti akong nawawala o 'yung pakikiusap kong
i-enroll mo ako? Jusko, Sab! Katiting na pabor lang 'yun!"
"Walang patutunguhan 'tong usapan na 'to. Uuwi na lang ako at ikaw, pumunta ka na
sa teammates mo."
***
"May bisita ka." Bungad ni Ayu pagpasok na pagpasok ng kwarto ko. "Boyfriend mo."
Two days. It took him two days para bisitahin ako. Sabagay, never ko nireplyan ang
mga mesages niya. Hindi ko rin sinasagot ang mga tawag niya. Nagpunta nga rin pala
siya dito kahapon pero pinauwi lang ni Yannie at sinabihan na bigyan ako maski
overnight para matahimik. So he did.
"Papasukin mo." Humupa naman na ang inis. Nawala na rin 'yung galit. I already gave
time some time.
And there he is. Ang napakagaling na si Bakulaw with matching bouquet pa. Well,
this is the first.
"Sorry." mahinang sabi niya habang papalapit sa akin at iniaabot ang hawak niyang
bulaklak. So not him. "Sorry, Sab. Alam ko namang kasalanan ko at ako talaga ang
mali sadyang ayoko lang magpatalo."
When you really love someone no matter how pissed you are at them, konting sweet
words or actions lang wala na agad ang inis mo. Ito ang lagi kong nararamdaman sa
lalaking 'to. Nakakainis na minsan.
"I'm sorry, Sab. Sorry for taking you for granted. Sorry kasi ganito ako. Sorry
kasi -- "
Ilang saglit lang, nag-ring na ang phone niya. Mukhang alam ko na na isa sa
teammates niya ang tumatawag. Hindi niya sinasagot ang phone pero dahil sa
naiingayan ako, ipinasagot ko na sa kanya 'yun. Niloud speaker niya pa.
"O?"
"Pass! Kasama ko girlfriend ko." at inend niya ang call sabay hagis ng phone sa
kama ko.
Battle 19
Sab's POV
Aaminin ko, kinilig ako sa sinabi niya. Naisip ko, ang special ko pala. Oo,
girlfriend niya ako pero bihira kong maramdaman 'yun. We're more like best of
friends or worst enemy. Yeah, ganun kami. Walang in beween.
Bihira siya maging sweet. Let's say.. once every two months? At sa pagiging sweet
na 'yun, hindi pa all in. Alam mo 'yun. Hindi pa rin achieve 'yung sweetness na
ginagawa ni Ken kay Ayu, ni Ice kay Zoe, lalo na ni Xander kay Yannie. Kumbaga sa
flavor, mild lang.
Not that I'm complaining kasi alam ko namang iba-iba sila. Iba't iba 'yung way ng
sweetness nila. Kaya lang syempre as a girlfriend, nandun 'yung kagustuhan mong
maging sweet din siya sa 'yo. Nandun 'yung longing na sana gawin niya 'to, gawin
niya 'yan. Nandun din minsan 'yung inggit kapag nakikita ko 'yung sweetness ng
ibang boys kila Zoe, Ayu at Yannie. Pero okay na rin 'to kesa wala talaga siyang
katiting na sweetness sa katawan 'di ba? I'll take what I can get ika nga.
But, wait. Ang cheesy na ata ng sinasabi ko. Ang pangit ng iniisip ko. Kadiri. Of
course, mas gusto ko ang ganitong Josh. Walang cheesiness sa katawan. Wala rin
masyadong drama. Chill lang kumbaga. Okay, ang gulo ko.
Nagsimula na ang panibagong sem. Halos second week na namin 'to at so far so good
naman ang lahat. Except siguro sa fact na kaklase ni Yannie at Xander sa dalawang
subjects ang nagbabalik sa hukay na si Tom. Awkward malamang.
"3."
"Sunduin kita."
"Walang practice?"
"Meron, pero pwede naman akong bumalik pagkahatid ko sa 'yo sa inyo. 5pm pa naman
ang start. No sweat."
Patalikod at papasok na sana ako sa room ng tawagin niya ulit ako. "What?" Sa harap
ko, may hawak siyang isang box ng chocolate.
"Ano 'yan?"
"Wala. I assumed kasi ayaw mong kunin. At bago ka pa magsalita, binibigyan kita
nito kasi sa pagkakaalam ko, ganito ang ginagawa ng mga boyfriends sa girlfriend
nila."
Inirapan niya ako at saka ako itinalikod sa kanya, "Pumasok ka na nga lang.
Kainis." Alam kong nagjojoke lang siya sa tono niya kaya tumawa na lang ako at
sumunod sa sinabi niya.
***
Limang minuto pa bago ako aalis sa room. Nakakatamad. At isa pa, sa sobrang dami ng
tao sa hallway ngayon, bago humulas ang beauty ko. Dito na lang para manatili ang
kagandahan ko.
Nang magsawa na kaming magkwentuhan ng mga walang kwentang bagay, nag-aya na rin
akong lumabas ng room.
"Hindi ka ba talaga papahatid sa No Name?"
"Nope. Sasabay na lang ako kila Zoe. Magpractice ka na nga." tulak ko sa kanya ng
maihatid na niya ako sa parking.
"Hindi rin naman ako malelate sa practice. Bakit ba kanina ka pa kating kati
paalisin ako?"
"Hindi ha."
"Oo kaya!"
Sasagot palang sana ulit ako ng may umubo sa gilid namin. Bastos. Uubo na lang
tatabi pa sa akin. At pagharap ko, ang mukha ni Zoe at Ice ang nakita ko.
"Bangayan forevs. Ano pa nga bang bago?" iiling iling na sabi ni Zoe.
Nang mag-gabi na, nakatambay pa rin kami sa No Name. Nakarating na rin sila Ayu,
Xander at Yannie. Si Josh na lang ang hinahanap nila. At kanino pa nga ba hahanapin
si Josh? Edi sa akin. Inutusan nila akong i-text si Josh at papuntahin. Kinuha ko
naman ang phone ko at saktong umilaw 'yung screen at nag-flash 'yung pangalan nung
Bakulaw.
"Yes?"
Hmm. Sabi nila papuntahin ko siya e. So.. "Huwag na. Uuwi na rin naman kami maya-
maya. Saka pagod ka sa practice. It's okay."
"Sigurado ka?"
Napatango ako at halos makalimutan na hindi nga niya pala ako nakikita, "Oo."
***
Isang linggo pa ulit ang nakalipas at ganun pa rin ang routine namin. Susunduin
niya ako everyday sa amin kahit na sinasabi kong huwag na kasi may sasakyan naman
ako. Magpapagod pa siya. Minsan susunod siya, minsan magmamatigas at susunduin pa
rin ako. Kapag naman tapos na ng klase, gusto niyang ihatid ako palagi pero syempre
naisip ko naman na may practice siya so huwag na lang kako. Pagod lang 'yun kung
ihahatid niya ako tapos babalik sa school para maglaro.
Thrice na rin niya akong binibigyan ng chocolate this week at halos mapatanong ako
sa sarili kung gusto ba akong patabain at maging diabetic ng lalaking 'to. Kapag
tinatanong ko kung bakit nagbibigay siya, lagi lang niyang sasabihin na, "I want
to." Tapos mauuwi sa pambabara ko sa kanya na hindi bagay sa kanya ang ginagawa
niya.
Usually, iiling ako at sasabihing hayaan magpahinga si Josh pero this time, bigla
kong na-miss ang Bakulaw kaya tinawagan ko na para papuntahin. Dalawang ring lang
ng sagutin na niya ang tawag.
"Tapos na practice?"
"Nasaan ka na niyan?"
"Pass muna kamo. Sobrang bugbog katawan ko sa practice. Sobrang lapit na ng laban
sa kabilang school. Triple hirap ngayon."
The following week, mas naging busy na si Josh sa practice kasi sa halip na MWF,
naging everyday na ang practice nila. May mga pagkakataon na hindi na niya ako
nasusundo at nahahatid. Syempre, pagod siya. Naiintindihan ko naman.
Kaya lang nagdaan ang isa pang linggo at hindi na talaga niya ako nahatid at
nasusundo. So ako, bilang girlfriend, nagtatampo. Feeling ko nababalewala na naman
ako.
"Punta kaming No Name after class. Sama ka?" tanong ko sa kanya habang naglalakad
kami papuntang parking. "Pass muna. Nakakapagod e." Rejection for the nth time.
Napatango na lang ako, "Ah, okay. Lagi naman e. Sige, pahinga na lang."
Napahinto siya at kumunot ang noo niya, "What was that about?" umiling lang ako at
sumakay ng sasakyan habang naiwan siyang nakatayo sa gilid.
Nagdaan pa ulit ang mga araw. I tried asking him again kung sasama ba siya sa No
Name. As usual, pass na naman daw. Sana raw maintindihan ko kasi pagod na pagod
siya at babawi siya kapag tapos na ang tournament. Tinanong ko rin siya kung
mahahatid at masusundo niya ako pero hindi na naman. He's tired. I'm starting to
get tired.
***
Tumango lang ako at bumulong sa sarili ko, "Sanay na naman kaming hindi ka sumama
kaya ayos lang." Too bad narinig niya.
"Fine. Gusto mo ng direct to the point? Edi sige. Oo. May problema. Lagi ka na lang
hindi pwede. Lagi ka na lang pagod. Kapag inaaya ka namin tatanggi ka kasi nga
pagod ka. For your information, napapagod din akong mareject mo palagi."
Magsasalita na sana siya pero napatikom ulit siya at napakamot sa ulo niya.
Halatang naiinis na siya pero gusto niyang sabihin ko ang problema, edi ayan,
sasabihin ko na.
"I feel like I'm being taken for granted. Again. And it's gettng tiring. I'm
tired."
"Bullsh*t. This is bullsh*t, Sab. Ako? Taking you for granted?! If I'm taking you
for granted then why am I here? Bakit nandito ako sa tabi mo ngayon?"
Napakamot na naman siya sa ulo niya at halatang inis na inis na, "Ano bang issue
dito, Sabrina? Issue ba dito na nagpupunta lang ako sa 'yo kasi wala akong
basketball? Issue ba na hindi kita hinahatid at sinusundo araw-araw sa inyo? Issue
ba na hindi ako nagpapakaboyfriend sa 'yo?"
"Few weeks ago, kapag nag-iinsist akong sunduin ka, sinasabi mong huwag na.
Mapapagod lang kasi kamo ako. Kapag sinasabi kong ihahatid ka, tinutulak mo ako
palayo. Sinasabi mong may practice ako kaya huwag na lang. Kapag nagtatanong ako
sa'yo after ng practice ko kung nasa No Name ba kayo para mapuntahan at makasama
kayo, sasabihin mong huwag na kasi pagod ako. Kapag nagbibigay ako sa'yo ng sweets,
binabara mo ako at sinasabing hindi bagay sa akin magpakaganun. I'm trying my best
here, Sab! Sinusunod ko ang mga gusto mo pero kahit saan ata ako lumugar laging
mali sa 'yo."
Napatahimik na lang ako at napapikit. Hindi ko alam pero bigla na lang naglabasan
ang luha sa mata ko kaya medyo tumagilid ako para hindi niya makita. Masakit para
sa akin na nagkakagulo na naman kami. Lagi na lang kaming ganito. Magbabati at mag-
aayos saglit tapos babalik sa dati. Either may isa sa amin na magkakaroon ng issue.
Hindi ko na alam. Naguguluhan ako.
"Ngayon, Sab, tatanungin kita. Anong gusto mong mangyari?" malumanay pero alam kong
nagpipigil na lang siya.
Napalunok ako at napapikit. Napabuntong hininga ako and I don't know what get into
me. Basta sinabi ko na lang, "Let's take a break."
"What?!" his reaction pains me even more. "Are you trying to say that you're
breaking up with me?!" napatayo na siya at kitang kita ko ang frustration sa mata
niya.
"Josh - "
"Why?! Ang babaw ng rason mo, Sab. We've been through so many trials already tapos
dahil lang sa simpleng bagay na 'yun makikipaghiwalay ka? Are you even serious?
Kasi kung nagjojoke ka, hindi 'to nakakatawa!"
"Ayun nga kasi, Josh! Ang dami nating issue. Parang every other month
nagkakaproblema tayo. HIndi tayo nag-iiba. Hindi tayo nagbabago. We're growing old,
but we're not growing up. I want this relationship to work until the end kaya ang
gusto ko, bigyan muna natin ng space ang isa't isa para makahinga. Baka kasi kapag
naghiwalay tayo, maging mas mabuti at mahanap natin ang mga sarili natin para sa
susunod na maging tayo ulit, ayos na ang lahat. Hindi na tayo 'yung isip batang
Josh at Sab ngayon."
"You're just trying to find a reason, Sab. We can grow up together, per mas gusto
mong magkahiwalay tayo. You want to grow up? What if I tell you that as we're
growing up, we're also both growing apart?"
"Josh - "
"Fine. Gusto mong maghiwalay. Edi sige, maghiwalay." sagot niya at kung hindi ako
nagkakamali, I saw a tear escaped from his eyes at tinalikuran ako.It just makes my
heart hurts even more.
Alam kong masakit para sa kanya 'to at masakit din para sa akin. Ginagawa ko 'to
para sa aming dalawa. I want "us" to be forever pero kung ganito ang lagay namin.
parehas kaming immature, baka ilang years, or worse months lang, maghiwalay na kami
for good. If I'll do this, may chance pa na I can take him back when we're both
ready and mature enough to handle this relationship.
Huminto siya pero hindi ako nilingon. Pero may sinabi siya which caused my heart to
shatter into pieces.
"If you really love me, you won't let me go. But you did. How am I supposed to
believe you now? You gave up on us. You gave up on me."
Battle 20
Ayu's POV
It's sad to know that the things you thought would last forever, end in an instant.
It will make you wonder if forever really exists. As for me, I think forever exists
in a way that human mind will not understand. There's something deeper about
forever.
I was on skype with Ken ng tawagin ako ni Zoe at Yannie para mag-ayang kumain sa
labas. Wala ni isa sa amin ang nagluto ng hapunan kaya ang solusyon para dito ay
mag-fastfood or restaurant. Problem solved. Piece of cake.
"Nasaan si Sab?" tanong ko sa kanila habang hinihintay nila akong magpaalam kay
Ken.
Napangisi ako ng marinig ang pangalan ng magaling kong step brother. Nahiya naman
ako sa kanya na hindi na niya nagawang kamustahin ang step sister niya kahit nasa
loob lang pala kami ng iisang bahay ngayon.
"Hey, Ken." Balik ko sa cam, "Kain lang kami sa labas. Talk to you later kung hindi
ka pa busy?"
"I love you, too. Take care, okay?" I nodded and turned the webcom off.
Pag talikod ko, busy sa phone ang magaling kong mga kaibigan. Minsan naisip ko, ito
ang cons ng technology ngayon. Kahit may kasama kang iba and actual people, mas
pipiliin mo pang humarap sa phone mo para kausapin ang ibang tao which make you
forget na may kasama ka at nasisira at supposedly "bonding" niyo ng mga kasama mo.
But then again, narealize ko na without technology, mas magiging mahirap ang
sitwasyon namin ni Ken. Mahirap na nga, mas lalo pang hihirap. At ayun naman ang
isa sa pros ng technology. It can let you talk to people kahit nasa kabilang parte
man sila ng mundo. Parang kahit papaano, nababawasan yung longing mo sa taong yun.
You may not be able to touch him, kaya lang, makita o makausap mo lang siya masaya
ka na.
But, wait. Remind me again why I'm lecturing about the pros and cons of technology?
I'm so weird.
"Get up, guys. Tara na!" Sigaw ko na naging dahilan para bitwan nila ang mga phone
nila at tumayo.
Papunta na sana kami sa garden pero pagbaba namin ng hagdan, inabutan namin si Sab
na nakayuko sa sala, "Saan na si Josh?" Casual na tanong sa kanya ni Zoe. Hindi
siya humaharap sa amin kaya nilapitan namin siya at kinalabit only to find her
crying.
"What's wrong?" Medyo nagpapanic kong tanong. Bihirang umiyak si Sab kaya alam kong
may nangyaring hindi maganda. "Nasaan si Josh?"
Tinitigan niya kami and the mere mention of Josh' name made her cry even more. Then
it hits me. Something's not right.
Binigyan namin siya ng panahon hanggang sa naging kalmado na siya. Umiiyak pa rin
pero hindi na tulad ng kanina. "Wala na kami. Hindi na rin kami nagulat malaman
yun. Not because we expected it to happen but because we saw how Sab cries.
"Nakipaghiwalay ako sa kanya. Sa tingin ko hindi magwowork ang relasyon namin kung
parehas kaming hindi natututo. At some point, people have to make decisions even
though it'll tear them up inside. So I made mine."
Sa puntong 'yun, gustong gusto kong sabihin kay Sab na sana hindi niya pagsisihan
ang ginawa niya kaya lang hindi ko magawa. Kasi alam ko, at some point, tama siya.
Ang selfless nga niya kasi kahit masakit para sa kanyang gawin yun, ginawa niya pa
rin para lang sa ikabubuti ng lahat. I admire her. I really do. Kaya lang, malaking
sugal ang ginawa niya. Walang kasiguraduhan kung anong mangyayari sa kanila
pagkatapos nito. Kilala ko si Josh. Ayaw ko man aminin, pero alam kong matatagal
bago niya maintindihan kung bakit ganito ang naging desisyon ni Sab.
***
"Hindi ko alam kung ano ang naging reaksyon ni Josh pero sigurado ako na hindi 'yun
maganda. Ikaw ba naman hiwalayan ng girlfriend mo as if tanggapin mo ng buo 'yun.
Kaplastikan naman 'yun 'di ba?"
"Nakikita ko naman ang punto nilang dalawa. Kaya lang matanda na sila, alam na nila
ginagawa nila."
"Sana nga."
Kwinento ko kay Ken kung ano ang nangyari kila Sab at Josh. Nanghihinayang talaga
ako sa relasyon nila pero tama si Sab. Tama rin si Josh. Ay ewan.
"I wanna see you again." Natigil ako sa pag-iisip ng sabihin niya yan. "Miss na
miss na kita."
Sobrang lungkot ng boses niya at ramdam na ramdam kong gusto na talaga niya akong
makita.
"Kung wala akong pasok, bibisitahin ulit kita. Kaya lang meron e. And for the
record, I miss you, too."
Nang puntahan ko siya, isa 'yun sa pinakamasayang summer sa buhay ko. Nag-space out
na naman ako ng bigla siyang kumanta, "There's only so many songs that I can sing
to pass the time. And I'm running out of things to do to get you off my mind.♫"
Napangiti ako ng maalala ang naging reaksyon ni Ken nang sorpresahin ko siya at
puntahan sa States. Binigay niya ang address niya sa akin bago pa man umalis kaya
hindi ko na siya kailangan pang tanungin which is a good thing kasi hindi niya ako
mahahalata.
Kumatok ako sa dorm room niya at halos lumuwas ang mata niya ng makitang ako ang
nasa harapan niya. Tinitigan lang niya ako habang nakangiti ako ng sobrang lapad.
Nagulat ako noon ng umiling siya at kinamot ang ulo niya, "Nababaliw na ata ako.
Siguro masyado ko na talaga siyang naiisip na kaya pati imagination ko dinala na
siya sa tabi ko." And that made me smile at napatalon ako payakap sa kanya, "Baliw
ka nga. Totoo ako."
Sinulit namin ang panahon naming dalawa. Masyadong bitin ang halos dalawang linggo
para sa aming dalawa. Nag-aaral pa siya kaya mas lalong umikli ang oras.
I stayed at an apartment at siya naman sa dorm. Sa tuwing may pasok siya, nag-iikot
ikot ako para hindi siya mamiss lalo. Sa umaga, bago siya pumasok kakatok muna siya
sa apartment ko na malapit lang naman sa dorm nila para magpaalam na papasok na
siya. Kapag uwian naman niya, ganun din ang ginagawa niya at kung wala akong sa
apartment, tatawagan niya ako para puntahan kung saan man.
Sa tuwing magkasama kami parang bumibilis ang oras. Ganun naman talaga di ba?
Bumibilis ang oras kapag masaya ka at bumabagal naman ito kapag malungkot o may
hinihintay ka. Time is really a playful element.
Kapag weekends naman hindi na kami naghihiwalay. Mula umaga hanggang gabi,
magkasama kami. At noong last day ko, sa apartment ko siya natulog. With him by my
side, parang gusto kong patigilin ang oras. Gusto kong ganoon na lang kami forever.
Kaya lang hindi naman posible 'yun.
Nakayakap siya sa akin at ang akala ko tulog na siya pero bigla siyang nagsalita
noon, "I wish we could stay like this forever." At that moment, gusto kong sabihin
na ayun din ang gusto kong mangyari kaya lang parang nawala ang lahat ng words na
alam ko at nanahimik na lang ako.
"This set-up is killing me. I want to be with you pero hindi pwede. We're half a
world away. After this night, maghihintay na naman ako ng ilang buwan para makita
ka, or worse, mas matatagalan pa kung isang school year ako nandito.
"Most of the time, natetempt akong umuwi na. Kaya lang kapag nakakausap kita kahit
sa kabila lang ng screen, umookay na ako. Then I'll remember, para sa atin din
naman 'to. Ayokong umasa sa iba. Gusto kong patunayan ang sarili ko. Na kaya kong
maging successful nang hindi ako umaasa sa magulang ko. Kapag nagawa ko 'yun,
pakiramdam ko ako talaga ang tamang tao para sa'yo.
"Maybe we're too young in other people's eyes. Sasabihin nilang kalokohan lang
'tong ginagawa ko. But I don't care. As long as I proved myself to you, I'm more
than okay."
Napangiti ako sa lahat ng sinabi niya as I hugged him tighter. Pakiramdam ko ako na
ang pinakaswerteng babae sa buong mundo. Parang dinaig ko pa ang lahat ng prinsesa
sa fairytale. What I have is not a prince charming. What I have is real. Hindi
dream. Hindi fantasy. Reality.
"I love you, Ken. Ano man ang mangyari, ikaw pa rin ang tamang tao para sa akin.
You already proved yourself to me without you even knowing. And that's more than
enough."
"Bakit ka nakangiti?"
Natigil ang flashback sa utak ko ng magsalita na naman siya. Hindi ko man lang alam
na nakangiti na pala ako. Pero everytime naaalala ko ang eksenang 'yun, napapangiti
talaga ako. Being in love is a good feeling. Being loved is a better feeling. But
being in love with him is the best feeling.
"Kung alam mo lang." I told him while smiling at ngumiti siya sa akin pabalik.
Oh, time. Bilisan mo para kasama ko na si Ken dito.
***
A/N: Kapag nag-end na ang Teen Clash 2, saka palang ako magdededic at nakabase siya
sa comments. Naisave ko na ang possible readers na bet ko ang comment para sa
dedic. Mamimili na lang ako pagtapos. And thank you for reading. >:D<
Battle 21
Ayu's POV
"Pinaatras? O napaaga?"
August? August na ha. Hindi na rin masama. Stress na stress na ako sa mga school
works kailangan ko na atang mag-enjoy muna kahit sandali lang. Sa itsyura ko ngayon
mukhang mas ako pa ang nastress at nadepress kaysa kay Sab. Buti pa si Zoe at
Yannie, kahit pagod forever blooming.
Kinalabit ko 'yung isang mas malapit sa akin at nagtanong, "Sorry, not that I'm
eavesdropping pero saan mo nalaman na nalipat ng date 'yung foundation week?"
"Ah. Sinabi lang sa akin 'yun ng kaklase ko. Hindi ko pa kumpirmado kung totoo,
pero may ibang nagsasabi na nakapost daw sa bulletin malapit sa office ng president
'yung announcement."
Bakit nga ba inaalam ko pa kung na-move ang date o hindi? At talagang umeffor pa
ako magpuntang bulletin? Nandito na rin lang naman ako, edi tuloy tuloy na.
Tumango silang dalawa at napagdesisyunang sumama na lang sa akin dahil vacant naman
daw nila. Medyo maraming tao ang nakikisilip sa bulletin. Sabi ko na nga ba. Hindi
lang ako ang at si Sab ang chismosa sa university na 'to.
Makikigitgit na sana ako pero mayroon na namang tumawag sa pangalan ko. Okay? In
demand ba ako ngayon?
Isang lalaki ang lumalapit sa akin habang nakangiti pa. Sino ba 'to? Itatanong ko
pa lang sana sa nasa tabi kong si Yannie at Xander pero nang makita ko kung sino
ang kasama nung lalaking tumawag sa akin, alam ko na. Si Tom 'yung kasama niya kaya
ang lalaking ito ang kaibigan ni Tom. Ram, if I'm not mistaken?
"Anong ginagawa mo dito?"
"Uhh, may titingnan lang?" I said unsure. Yes, nakausap ko na siya dati. Nag-advise
pa siya sa akin noon tungkol sa pag-alis ni Ken. Pero kahit baligtarin ko man ang
mundo, hindi kami friends. We're not even close.
"Ano?"
Balak ko sanang hindi sumunod sa sinabi niya at makigitgit sa mga tao. Papunta na
nga ako katunayan dun pero hindi ko tinuloy at napatalikod. Hindi ko pwedeng iwan
na sila Tom, Xander at Yannie lang ang nandito. Baka sumabog ang university.
"Uhh, Yannie, Xander, next time ko na pala titingnan. Ano.. tara na lang. Samahan
niyo akong kumain."
"Saglit lang, Ayu. Hintayin mo si Ram. Saglit lang 'yun." pigil sa akin ni Tom.
Naguluhan naman ako dun. Hihintayin ko siya? Close ba kami? "Hindi. Mauna na kami
--" Ngunit naputol ang sasabihin ko ng may kumalabit sa akin. Si Ram.
Wait, tiningnan niya?Nilingon ko ulit 'yung nagkukumpulan na mga tao sa may harap
ng bulletin at napatingin ulit sa kanya, "Ang bilis. Paanong --"
"Charms."
"Ha?"
"Ginamit ko charms ko." Automatic naman napairap ako. Charms his face. Kung si Ken
siya maniniwala pa ako.
***
Sino ang hindi gaganahan at hindi magkakaroon ng energy kapag kausap niya ang mahal
niya? Wala naman ata.
"Are you tired?" I asked. Medyo stress kasi ang mukha niya at medyo pakaway na ang
eyebags niya. Malamang ko ba hindi na naman natutulog 'to kakaaral.
Ngumiti naman siya at umiling, "I'm fine. Kausap na kita e." Mga banat. Myghad. My
heart. "Nagiging busy lang this past few days. School."
"I feel you. Huwag ka masyado magpakastress. Have fun once in a while. O kaya
magrest ka muna. Huwag mo sagarin sarilli mo. Mahirap na baka magkasakit ka pa. No
one will take care of you."
"Ang layo mo kasi." malungkot na sabi niya.
Tinanguan at nginitian naman niya ako. Nagkwentuhan lang kami saglit at pagkatapos
ng isang oras, pinagpahinga ko na siya. May bukas pa naman. Ayokong mas mapagod pa
siya lalo.
***
Ngayon ang simula ng foundation week. And yes, super excited ako kasi pakiramdam ko
for the first time in forever, makakapag-enjoy ako. May kulang nga lang. Wala kasi
si Ken. Sabi naman niya sa akin mag-enjoy ako kaya ayun ang gagawin ko. Mag-eenjoy
ako para sa sarili ko at para sa kanya na rin.
Naghihintayan kasi kami bago pumasok sa university. Naging ritual na rin namin ang
magsama-sama sa tuwing foundation week, but obviously, kulang nga kami.
"Si Sab na lang. May dinaanan lang ata." sagot naman ni Yannie.
Naramdaman ko ang pagkatense ni Josh. Napadiretsyo siya ng upo. After their break-
up, hindi na sila madalas kung magkita ni Josh. I mean nagkikita pero hindi
nagkakasama. Ngayon pa nga lang ata ang pangalawang beses na magkakasama sila after
nung hindi magandang nangyari. Syempre super awkward nilang dalawa. Nakakapanibago
kasi walang nag-aaway at nagbabangayan. Ni hindi nga sila nagjojoke kapag nakikita
ang isa't isa. Hindi friends ang turingan nila. Ni hindi nga rin acquiantance, kasi
kung ganun, magbabatian pa sila. Hindi rin naman stranger kasi alam nila pangalan
ng isa't isa. Parang.. paano ko ba ieexplain? Basta! Ayun na yun. Hindi sila okay.
Tapos.
"Sorry sa paghihintay." malumanay na sabi niya. Kung okay sila, babarahin na yan ni
Josh pero hindi e. Nanahimik lang siya.
Habang naglalakad kami, pinipilit namin pagaanin ang atmosphere pero walang epekto.
Silang dalawa kasi ang madaling nakakagawa nun pero mukhang malabo 'yun ngayon. At
dahil ayaw ko namang ma-spoil yung araw namin pareparehas, huminto ako at hinarap
sila dahilan para mapatigil sila sa paglalakad.
"Gusto kong mag-horror house." may halong pagtataka sa mga mukha nila pero
pinanglakihan ko ng mata ang katapat ko, si Xander. Ma-gets mo sana.
"Ha?" Kakalbuhin ko talaga 'tong si Xander kapag hindi niya maintindihan. "Ah,
hindi! Ayoko dun. Nagugutom ako. Hindi pa ako kumakain magbuhat paggising ko."
"Kain muna."
Nagtataka ang iba sa ikinikilos namin ni Xander. Nang mapalingon ako kay Zoe at
Ice, pinanlakihan ko rin sila ng mata. Pati na rin si Yannie.
"Maghiwalay na lang nga tayo. Iba iba naman tayo ng gusto." sabi ni Xander.
"Sige. Maghohorror house kami ni Zoe, Ice at Sab. Ikaw, si Yannie at Josh naman
kumain. Bahala kayo."
Nasunod nga ang hatian pero hindi kami sa horror house unang nagpunta. Tulad nila,
kumain din kami pero sa ibang lugar nga lang. Nagtaka noong una si Sab pero nagets
din naman niya.
Naglilibot kami ng mapansin ang pamilyar na booth. Ito 'yung booth na pinuntahan
naming girls dati. Yung may manghuhula.
"Naaalala ko kayo." masayang bati sa amin nung nanghula. "Pasok muna kayo."
Sumunod naman kami sa alok niya. Hallos walang pagbabago ang lugar niya. Si Sab na
nasa tabi ko, medyo hindi pa rin kumportable hanggang ngayon. Ayaw daw niya nung
mga naging hula kasi dati. As if naman kasing may nagkatotoo sa hula niyang 'yun. E
wala naman.
"Di ba sabi mo hindi ka naman totoong manghuhula? Bakit tinayo mo ulit yung booth
na 'to? tanong ni Sab pero nginitian lang siya ng babae at hinawakan ang baraha
niya.
"Nag-break kayo nung lalaking nakita kong kasama mo dati pero hindi pumasok dito?"
tanong nung babae kay Sab at halos tayuan ako ng balahibo sa narinig ko.
"Paano mo nalaman?" medyo kinakabahan na tanong ni Sab pero bago pa makasagot 'yung
manghuhula, sumabat na si Zoe, "Hindi kasi kayo magkasama. Ganun 'yun." ngumiti
naman 'yung manghuhula at hinawakan ulit yung baraha niya.
"May hindi mag-iiba." Kung hindi nagkakamali ang memorya ko, ayun ang sinabi niya
dati. Paano namang napasok sa usapan namin ngayon 'yun? "Parehas kayong hindi nag-
iiba ng ugali. Parehas kayong mga isip-bata na umabot na sa puntong kailangang
magdesisyon kung ipagpapatuloy niyo pa ang relasyon niyo o hindi."
Napatayo at napasunod naman kami sa kanya pero bago pa kami tuluyang makalabas may
sinabi pa siya dahilan para magtayuan ang mga balahibo ko sa katawan.
***
Teen Clash is already published under Summit Media Pop Fiction, guys! Yay! Hahaha.
Paki-visit na lang ang page ng Pop Ficiton page para makita ang book cover at para
na rin makita ang ilan pang books na ipapublish nila. Just search Pop Fiction or
click the external link sa gilid. :)
Taglish ang story. Gusto niyo kamo yan e. Hahaha. 195php lang. Isang book lang
siya. Kumpleto na. (Boys vs. Girls) Hindi ko pa alam kung saan saang bookstores
available pero kung bibili kayo (na sana gawin niyo. Lol.) paki-inform naman ako
kung saan niyo siya nabili. Kung bet niyo rin mag-selfie, sige go. Pwedeng ipadala
sa Twitter ko (@iDangs_) o sa FB ko (Ai Dangs). Lol. Naisegway ang promotion. Anw..
thank you guys sa suporta. Dahil sa inyo 'to. ;) <3
BTW, yung book cover ay inillustrate ni Midori Mitsui kaya siya ang pasabugan niyo
ng compliments kung nacute-an kayo sa cover.
Last! May pa-game ang OP ng Teen Clash lead by @PalabanNaZoe. Free signed book ang
price. What you have to do is to make a photo quote of your favorite Teen Clash 1
or 2 line AND along with the photo quote, ilagay niyo sa caption ang sagot sa
tanong na.. "Paano ito nakaapekto sa buhay niyo? O kaya paano nito binago ang
paningin niyo sa buhay?" Bawal gumamit nung Wattpad App para sa photo quote. Effort
kung effort. Lol.
PAHABOL. YUNG BOOK 1 LANG NG TEEN CLASH ANG MAPAPUBLISH. ITONG BOOK 2, ON GOING PA
AT TATAPUSIN KO SA WATTPAD.
Nagmamahal,
sa EXO ;)
Battle 22
Ayu's POV
Nakakakilabot. Kahit alam kong hindi naman totoo kasi hula nga lang, hindi ko pa
rin mapigilan ang matakot. Baka kasi mamaya totoo. Baka mamaya mangyari nga. It's
frightening not knowing what will happen next. The future is a very scary place.
Who or what will change? Is it for the better or for the worse?
"She's creepy." Bulong ni Zoe. "Last time, nung na-meet natin siya, never ko
inexpect na totoo ang hinula niya. Sabi niya kasi hindi naman talaga siya
manghuhula. Kaya lang paano niya nalaman 'yung kila Sab? Sinabi mo ba, Sab?" lingon
ni Zoe kay Sab.
Nag-isip ako ng mabuti. Clues. Wala nga. Wala siyang nabanggit na mga clue. Pero
may mga sinabi siya. May mga binanggit siya na pwedeng mangyari. May hindi mag-
iiba. May magbabago. May mawawala. May darating. Kung hindi ako nagkakamali, ayun
ang mga sinabi niya dati.
“Oo. Tama. Naaalala ko pa ‘yan. Ganyan nga ang mga sinabi niya.” Pagsang-ayon naman
sa akin ni Zoe.
“Hindi mag-iiba.. ako ‘yan at.. siya, di ba? Sabi niya?” pagtukoy niya kay Josh.
She can't even say his name.
Napatango ako at inilagay ang daliri sa baba ko. “Hindi nag-iba ng ugali si Sab at
Josh kaya nauwi sila sa hiwalayan. Magbabago? Ano naman kaya yun?” Walang sumagot
sa tanong ko pero biglang napapalakpak si Sab.
“What?”
“Alam ko na ‘yung mawawala. Si Ken. Kasi ‘di ba nasa ibang bansa siya? So ibig
sabihin, siya ang mawawala.” Feeling proud na sagot ni Sab. Pakiramdam ata niya
nakasagot siya ng isang bugtong.
“Tama! Wow, Sab! Gumana ang utak mo ngayon ha. Ayan ba ang epekto ng –“ bago pa man
din maituloy ni Zoe ang sasabihin niya, napatikom na siya ng bibig. Nakuha sa
masamang tingin ni Sab.
“Mawawala. Umalis si Ken, oo. Pero hindi siya nawala. Kapag nawala ang isang tao o
bagay, hindi mo siya makikita. Hindi mo siya makakausap. Hindi mo alam kung nasaan
siya. Iba ang kaso ni Ken, Sab. Nakikita ko siya. Siguro sa kabila ng screen, pero
nakikita ko pa rin siya. Nakakausap ko rin siya. Nakakakwentuhan. Napapakinggan.
Alam natin kung nasaan siya. Napuntahan ko pa nga siya, di ba? Kaya sigurado ako.
Hindi siya ‘yan.”
“Siguro nga. Malay mo chamba lang. Hula lang ‘yan. Ibig sabihin hindi sigurado.
Pwedeng magkatotoo, pwedeng hindi. Huwag niyong i-spoil ang araw na ‘to sa pag-
aalala sa ibang bagay.”
May katwiran si Ice. Siguro nga pinapangunahan lang namin ang mangyayari. Baka
mamaya wala naman pala talaga. Gumagawa lang siguro kami ng sarili naming
bangungot.
Natauhan kami sa sinabi ni Ice kaya binalewala na lang namin ang lahat ng worries.
Aaminin ko, may part pa rin sa akin ang natatakot sa mga pwedeng mangyari pero ano
man ang dumating at sumalubong sa amin, handa akong harapin.
"Ayu!"
Kakababa lang namin ng mini roller coaster ng may tumawag sa akin. Sino kaya yun?
Binaling ko na kung saan saan ang paningin ko pero wala naman akong makita.
Nangtritrip lang siguro 'yun.
Bago pa man din kami makalayo, may isang mukha ang sumulpot sa harap ko kaya ang
initial reaction ko ay manampal. Out of shock, maybe?
"What are you doing?!" Sigaw ko kay Ram na ngayon ay nakahawak sa pisngi niya.
Pinalo ko ang kamay niya at bumitaw din naman agad, "Close tayo?"
"Sa tingin ko.. oo! Nasabihan mo na ako ng problema mo tapos pinayuhan pa kita."
Assuming din pala 'tong lalaking 'to. Nakakainis pa. Lagi na lang kasi sumusulpot
kung saan saan.
But wait.. nasaan na sila? Iniwan ako? Aba, magaling. Sa sobrang daming
estudyanteng nagkalat sa tabi-tabi, malamang ko ba mahilo muna ako bago sila
makita.
No choice. Ayoko naman mag-isang maglibot at magmumukha akong loner. Bumalik ako
kung nasaan si Ram. Nakasandal siya sa may railings habang nakapamulsa. Wow ha.
Porma porma. Tss.
"You're back." Mapang-inis niyang sabi, "Nakita ko silang umalis kanina. Hindi nila
napansin na hindi ka nakasunod. Ano na? Libot na tayo?"
Nagkwekwento siya ng kung anu-ano habang naglilibot kami. Sinubukan din namin ang
bawat rides at mga booths na ma-feel-an. I must admit, hindi naman pala siya ganun
kasamang kasama. Siguro maangas lang siya sa unang tingin at kapag hindi mo kasama
pero kapag nakasama mo pala, ayos lang din.
"Ewan ko. Trip ko lang." Tinaasan ko siya ng kilay kaya natawa siya ng kaunti,
"Fine. Actually, when I first saw you, target talaga kita."
"Target na ano?"
"Maganda ka kasi."
"Nakakatawa ka. Huwag kang mag-alala, noon lang naman 'yun. Ganto kasi yun. Nung
makita kita, attracted ako sayo. Tapos sumulpot boyfriend mo. May boyfriend ka pala
hindi ko alam. Kaya naisip ko, paghihiwalayin ko kayo."
"Asa ka namang mapaghiwalay mo kami."
Nagkibit balikat siya at itinuloy ang kwento, "Kaya nga. Nung araw na sinabi mo
sakin problema mo narealize ko na hindi ko pala kayang pataubin yung masungit mong
boyfriend. Kaya huwag na lang. Mapapagod lang ako sa kalokohan ko. Kaya gagawin
nalang kitang kaibigan kasi gusto kita." Tinaasan ko siya ng kilay kaya tinuloy
niya ang pagsasalita, "But I don't love you at hindi ko rin pinangarap mang-agaw ng
pagmamay-ari na ng iba. I don't like you in a romantic way. Chill ka nga lang
dyan."
Ang vocal ng taong 'to. Hindi naman siguro siya masamang tao kaya okay lang namang
makipagkaibigan sa kanya. Kaya sige, push ang friendship.
Tinanggap ko ang pagkakaibigan niya at naglibot na naman kami. Nang mapunta kami sa
tapat ng ferris wheel ay napahinto ako. I remember him. I remember, Ken. And I miss
him so bad.
"Sakay tayo." Kinaladkad na niya ako bago pa man din ako makasagot. Sabagay hindi
naman siya nagtanong kung gusto ko bang sunakay o hindi.
Kaya lang kung mamalasin ka nga naman, nang papasok na kami hinarangan kami nung
nagbabantay para sabihin na cut-off na ang pila. Balik na lang daw. Actually, I
don't mind. Kaya lang mas maganda kung makakasakay ako.
"What? Are you serious? Pasakayin niyo nga kami." Sabik na sabik ba ang lalaking
'to at ganyan kung makareact?
"Ipanalangin niyo na lang na may matakot at bumaba bago namin tuluyang paikutin to
para makasakay kayo."
"Fine." Maangas na sagot niya at saka tumingin sa nasa tapat naming dalawang babae
na nakasakay na sa may balloon. Tinitigan niya iyon at nginitian.
Problema nito? Gusto kong matawa kasi nagawa niya pang mang-flirt but I decided to
hold it in kasi nasa harap pa kami nung mga pinagpapacute-an niya.
Nagulat na lang ako ng bumaba yung dalawang babae, "Just give them our spot." Ngiti
niya at bumaling kay Ram saka may inabot na papel.
Ohmyghad. What just happened? Ang ngiti lang niya ang katumbas para maakit yung mga
babaeng yun? So.. he is really a playboy, then? Halata sa itsura kasi medyo bad boy
na may pagka boy next door ang dating.
Nang makaupo na kami ay pinunit niya yung papel na inabot ng babae at tinapon
basta, "Bakit mo tinapon?"
"Bakit mo pa rin tinapon? You're obviously flirting with her so it means you like
her. You should text her or something."
Tiningnan niya ako ng may halong pang-iinis at saka tumawa, "You really think I
like her? I don't. I'm just using her para makasakay ng ferris wheel. Kaninang
umaga ko pa kaya gustong sumakay dito. Hinintay ko lang maggabi para mas maganda
yung view."
"Siguro. Sa buhay, kailangan mong matutong lumaro bago pa ikaw ang mapaglaruan."
Sabi niga sabay kindat.
Ang mga playboy talagang lalaki ang sakit sa ulo. Ang seselfish. Nakakaloko.
Sasagutin ko palang sana ang napakawalang kwentang statement niya ng mag-ring ang
phone ko. I checked the caller ID at automatic na ang pagngiti ko. Tinatawagan ako
ng happiness ko.
"I see. The boyfriend's calling." Natatawa niyang sabi at sinabihang sagutin agad
ang tawag.
Ilang segundo pa bago siya makasagot. Pagod na naman ba 'to, "Nothing. I just..
miss you. Sige na. I'll hang up. I love you."
"I love you, too, Ken." I said. "And --" balak ko palang sanang sabihin na
magpahinga siya pero naibaba na niya ang tawag. Mukhang pagod nga.
***
Battle 23
Ayu's POV
Maybe he's tired. Kawawa naman si Ken. He must be studying so hard. Baka mamaya
mangayayat siya dun.
Tiningnan ko ulit ang phone ko at nakitang may missed calls galing kay Zoe, Ice,
Sab at Yannie. Siguro kanina pa nila ako tinatawag. Pero kung kailan si Ken ang
tumatawag saka ko lang narinig na nagriring ang phone ko? Instincts na lang siguro.
Nag-ring ulit ang phone ko pero si Josh naman yung tumatawag. Tiningnan ko muna si
Ram pero mukhang tuwang tuwa siya sa nakikita niyang view mula sa taas kaya sinagot
ko na ang call.
"Kasama mo 'yung kaibigan ni Tom?"
Seriously? Ayun agad ang ibubungad niya sa akin? At paano niya nalaman?
"Nakita ko kayo kanina pasakay ng ferris wheel." Wow. Mind reader lang? "Pagbaba
mo, uuwi na tayo. Kasama na namin sila Sa -- Ice. Ikaw na lang. Bye."
Naging tahimik ulit ang paligid, but I am loving the silence. Nakakarelax. Sumandal
ako at ipinikit ang mata. Dadamhin ko na 'to dahil pagkatapos nitong foundation
week, paniguradong babawian kami ng mga prof.
Nang buksan ko ang mata ko, sinalubong 'yun ng titig ni Ram. Crap! Is he staring at
me the whole time? Naconscious ako dahil hindi ako sanay ng may tumititig sa akin
kaya ibinaling ko sa iba ang tingin ko. Particularly sa mga nasa ibaba namin.
"Maganda." Napatingin ulit ako sa kanya at tulad kanina, ganoon pa rin siya.
Nakatitig.
"Uhh, pagbaba natin dito, pupuntahan ko na friends ko. Hinahanap na nila ako."
Iniwas ko ulit ang tingin ko pero ramdam ko pa rin ang nakakalokong titig niya.
Huminga ako ng malalim at humarap sa kanya ng nakakunot ang noo at salubong ang
kilay.
Natawa siya at napailing saka tiningnan ulit ang view, "I can't help it. You're
pretty. Nailang ka naman."
"Of course! Who wouldn't?! Kahit sinong babae ang titigan ng kahit sino maiilang at
mabwibwisit."
Why is he so full of himself? Yes may itsyura siya. Gwapo na, sige! Pero hindi
naman lahat ng babae kikiligin lang dahil sa titig. Lalo naman ako. Duh.
Inirapan ko siya, "Asa ka pa. Eww lang naman. Hindi ko naman sinasabing pangit ka
kaya lang I can't see myself na kinikilig sa ibang lalaki bukod kay Ken. He's my
happiness."
"I can't wait to see you so whipped." Mapanghamon kong sagot kaya inirapan lang
niya ako.
Nang makababa na kami ng ferris wheel, nag-aya siyang ihahatid ako kung nasaan ang
barkada pero tinanggihan ko siya.
"Why?"
"Ayoko lang."
"Fine. I'll go ahead. I had a great time. Bye!" Nakapamulsa siya at tinaas ang
isang kamay saka tumalikod at umalis.
Patalikod na rin sana ako pero tinawag niya na naman ako. "I hope we'll do this
again next time."
Itinaas ko ang kamay ko at nag thumbs up. Nakatalikod man ako, alam kong gets na
niya yun.
***
"He isn't that bad after all." Depensa ko kay Ram ng husgahan siya ng magaling kong
kapatid. "Just because he looks like a bad boy doesn't mean he really is."
Paano ba naman kasi sinermonan agad ako ng Josh na 'to pagkitang pagkita sa akin.
What?! So ayun ang issue. Kaibigan siya ng nanakit sa kaibigan namin. Inis na inis
ako kay Tom. Given na yun pero hindi ko maitatanggi na naging mabuti siyang
kaibigan sa amin habang sila pa ni Yannie until dumating na nga sa panglolokong
wala na siya sa mundo.
"Petty. You're so petty, Josh. But to calm you down and to avoid conflicts, fine.
Lalayo na ko sa kanya papalapit palang siya. But at least let me tell him why. Para
hindi naman ako magmukhang kontrabida."
Pumayag siya. He should. Kahit hindi rin naman, sasabihin ko pa rin sa kanya ang
reason.. in a less offensive way.
***
It's been four days magbuhat nung huli ko siyang makausap habang nasa ferris wheel
ako. Hindi kasi kami magkatyempuhan. Kapag online siya, ako hindi. Kapag naman ako
ang online, siya naman ang hindi.
"Sorry, Ayu. I've been pretty busy these past few days. You know, school and
business. I'll talk to you soon. Love you." message niya sa akin isang araw.
Habang nag-aaral ay pinagtrabaho din pala siya ng parents niya dun. Siya ang pinag-
manage ng isang branch nila doon. I can't imagine kung gaano siya kapagod ngayon.
Sana okay lang siya.
Nang makita kong nag-pop ang name niya hudyat na online na siya, halos mapatalon
ako sa upuan. Hinihintay kong tawagan niya ako but instead, message lang ang
natanggap ko.
"Malelate na ako sa school. Sorry can't talk right now. I hope you're doing well.
Loveyou."
Nasa kalagitnaan ako ng pag-aalburuto ng mag-ring ang phone ko. Hindi ko na chineck
kung sino yun basta sumagot na lang agad ako, "Hello." Walang buhay kong sagot.
"Are you avoiding me?" Napaupo ako sa kama at napatingin sa screen ng phone ko.
Gosh, it's Ram.
"Tss. Why?"
Napabuntong hininga ako, "Fine you win. Oo iniiwasan kita. Related ka kasi kay Tom.
Para hindi magkagulo sa barkada, lalayo ako sa mga taong konektado sa posibleng
makagulo sa amin."
Nabwisit ata siya kaya medyo matagal bago nakasagot, "You can't judge someone when
you don't know their reason. You're just seeing things you want to see. Tom isn't a
bad person. He may have lied, but he did it for a reason."
And for the first time ever since nainis ako kay Tom, I felt guilty. Bakit laging
may point ang taong 'to? Naging judgmental nga ba talaga kami? We based only on
what we know. We must be too harsh, but harsh din naman si Tom sa ginawa niyang
pangloloko. I don't know. I can't think straight.
***
Damn it, Ken! One straight week na tayong hindi nag-uusap. Sobrang busy mo ba na
hindi mo na nagawang makipag-usap sa akin?
As if on cue, nagpop ang name ni Ken sa Skype ko. He's calling. Ohmyghad! He's
calling me!!
Inayos ko ang sarili ko at inaccept ang call. Hindi nga lang video call ngayon.
"KEN!!"
"I'm getting tired." Napakunot ang noo ko sa bungad niya. Pagod saan? Sa studies?
Sa work? O sa... napailing ako. Hindi pwede. "Maghiwalay na tayo"
Pakiramdam ko gumuho ang mundo ko. Tuloy tuloy ang pagdaloy ng luha sa mukha ko.
Nanginginig ang kamay ko.
Sana mali ako ng rinig. Sana hindi to totoo. Sana nananaginip lang ako. Gisingin
niyo ako parang awa niyo na. This can't be happening.
"You're joking, right?" I still managed to ask kahit na sobrang nanginginig na ang
boses ko.
"I'm dead serious. Ayoko na. I'm tired. Let's stop this relationship already. You
deserve someone better, Ayu."
"K-ken.. plea -- "
"How could you say I deserve the best? Who are you to decide who's better for me?
Don't do this Ken. Please. I love you so much. I don't -- "
"Sorry. Bye."
Nanginginig pa rin ako. Pakiramdam ko may naghagis sa akin ng bomba at pumutok ito
sa harap ko. Masakit. Sobra. Kahit isang daang bomba pa ang sabay sabay na sumabog
sa harapan ko, hindi pa rin nito mapapantayan ang sakit na nararamdaman ko.
Battle 24
Ayu's POV
Masakit. Sobrang sakit. Kahit ilang daang beses ko atang sabihin na masakit, wala
pa rin. Kahit ilang beses ko pang iiyak ang nararamdaman ko, hindi pa rin nito
mababawasan ang lahat ng sakit sa puso ko.
Isang linggo na magbuhat ng makipaghiwalay siya sa akin. Ang happiness ko.. ano ng
nangyari sa happiness ko? Happiness pa ba ang dapat itawag ko sa kanya kung puro
sakit at pagtataka na lang ang nararadaman ko ngayon dahil sa kanya.
Ang daming tanong na bumabagabag sa isip ko. Bakit siya nakipaghiwalay? Napagod
lang ba talaga siya o nagsawa na? Baka habang nandun siya, may nakilala siyang
babaeng makakapagpasaya sa kanya? Yung katabi niya. Yung kasama niya. Yung
nahahawakan niya. Yung nayayakap at nahahalikan niya. Hindi yung tulad ko na sa
likod lang ng screen nakikita. Hindi mahawakan, hindi makasama.
Sa tuwing naiisip ko 'to pakiramdam ko dinadagsa ng mga pison ang puso ko. Parang
patuloy na sinisiga at sinisilaban. Sana mamanhind na lang ako. Sobrang sakit.
Hindi ko na alam ang gagawi ko. Mababaliw na ata ako.
Isinantabi ko ang pride ko. Hinayaan kong magmukhang desperada ang sarili ko.
Sinubukan ko siyang tawagan pero hindi siya sumasagot. Sinubukan ko siyang i-
message pero hindi siya sumasagot.
Hi Ken. Namimiss na kita. Sobra. Matatapos na ang first sem dyan. Isang linggo na
lang ba? Malapit ka na ulit umuwi. Isang sem na lang.
Pinindot ko ang send. Nagtutubig na naman ang mata ko. Nagbabadya na naman umagos
ng mga luha ko.
***
Zombie. Siguro ayan ang best description sa akin ngayon. I am a walking zombie.
Walang tulog. Kumakaway ang eyebags. Walang buhay.
"Ayos ka lang ba?" Tanong minsan ni Zoe ng makitang nakatulala lang ako sa isang
tabi.
Wala pa silang kaalam-alam na wala na kami. Ang akala nila, kami pa rin. Ayaw ko
kasing sabihin na wala na kami kasi kapag sinabi ko yun, pakiramdam ko totoo na.
Pakiramdam ko final na yun. Wala ng bawian. Ayoko pang tanggapin ang totoo kaya
hindi ko magawang sabihin sa kanila. Mas pinili kong magpalamon sa aking ilusyon.
"Pagod lang to kakareview. Don't worry." I lied. Salamat na rin at hindi niya
ipinilit magtanong pa.
Masaya kaya siya dun ngayon? Siguro I should give him some time to think. Baka
naguguluhan lang siya dahil sa sobrang stress sa school pati na rin sa work. Siguro
hindi naman talaga niya gustong sabihin yun. Siguro hindi siya nakakapagreply kasi
hindi na niya magawang makapagbukas ng internet sa sobrang busy.
"Nakakalunod."
Siguro ganun nga ang itsyura ko ngayon. Parang baliw na nakaupo sa upuan na
nakalagay sa corridor, nakatulala at malalim ang iniisip.
"Oo."
Napaiwas ako ng tingin. Sa mga kaibigan ko nga hindi ko pa nagagawang sabihin ang
nangyari tapos sa kanya pa kaya?
"I know you don't want to talk to me or even be with me because I'm friends with
Tom. But I can listen, Ayu. At least let me listen."
Tuluyan ng pumatak ang mga luha ko. Tinakpan ko ang mukha ko gamit ang kamay ko.
Ang hirap dalhin nito. Pakiradam ko any moment sasabog ako.
Nang pakiramdam ko ay naiiyak ko na ang lahat ng luha ko, nasa tabi ko pa rin siya
at nakatingin sa akin.
"He broke up with me."
"Minessage ko siya ng maraming beses pero hindi siya nagrereply. Gusto ko siyang
tawagan."
Of course sasabihin niya yan. Hindi naman kasi siya ang tatawag e. Ako. Hindi naman
siya ang kakausap. Ako.
"At least you try to fix things. It's better than doing nothing, right? Take all
the risks so that at the end of the day, you wouldn't regret the chance you didn't
take."
Tiningnan ko siya at saka tumingin sa phone ko. Dapat ko bang tawagan si Ken?
Bago ko pa man din tuluyang matawagan si Ken, may tumawag kay Ram. It was Tom.
Tiningnan muna ako ni Ram. Tapos ay lumingon ulit kay Tom.
"Are you okay?" Nag-aalalang tanong sa akin ni Tom. He was a friend before so
posible ng mag-alala naman siya, di ba?
"Yes. Thanks for asking. Okay lang ako. Pwede na kayong umalis ni Ram."
"No. Hindi naman kami nagmamadali. Pwede kong iwan si Ram dito."
"Ayos lang talaga. Okay lang ako. You two may go." Tiningnan nila akong dalawa.
Malamang ko ba sinisigurado kung kaya kong ako lang. Nginitian ko sila, "Go."
Nang makaalis sila, tiningnan ko ulit ang phone ko. Tatawagan ko ulit si Ken.
Ipinikit ko ang mata ko at inayos ang sarili ko. Kaya ko 'to. And hit call.
Ring lang ng ring ang phone niya. Walang sumasagot. I-eend ko na sana ang tawag
pero bigla siyang sumagot at nabuhayan na naman ang tanga kong puso.
"K-ken?"
"Sorry, I can't talk right now. Call some other time. Bye!"
Kung posibleng madurog pa ang puso ko, baka nadurog na siya lalo. Pero hindi.
Imposible. You can't break a broken heart.
Nakatambay kami sa may No Name. Ako walang pagbabago. Lutang. Wala sa sarili.
"Ayos ka lang ba? Huwag mong subukang magsinungaling." Bulong sa akin ni Zoe.
"Ilang weeks na yan, Ayu. Two? Three? You're not your usal self. Pinalagpas ko ang
halos tatlong linggo dahil alam kong kailangan mo ng oras sa sarili mo. Baka ngayon
pwede mo ng sabihin ano ang bumabagabag sayo?"
"Hi."
"I'm not with Tom. And even if I'm with him, you have no right to judge me that
easily."
Nanlaki halos lahat ang mga mata namin sa sinabi niya. Sasabihin niya yun kay
Xander tapos tatanungin niya bigla yan? Nasa matinong kaisipan pa ba to?
Napangisi si Ram at umupo na sa space na nasa tabi ko, "One, kasi nakaupo na ko.
Two, wala na akong maisip. Three, bakit ko pa kailangan mag-isip kung nakaupo na
nga ako?"
Sa una, medyo nagkakailangan pa sa table namin dahil sa pag-upo ni Ram pero hindi
rin nagtagal at bumalik na yung ingay. Parang walang nangyari kanina. Baka siguro
narealize nilang hindi naman masamang tao si Ram.
"Mukha kang bad boy na babaero na boy next door." Sabi sa kanya ni Zoe na tatawa
tawa. Natawa rin naman ang iba pwera kay Ice. Possessive. Gusto siya lang
pinapansin.
"Ano? Mabubugnot ka na dyan?" Lingon ni Zoe kay Ice, "Don't worry. Ikaw naman,
mukha kang yung future husband ko."
"Boom!" Sabay na sigaw ni Josh at Sab. Nagkatinginan lang sila sandali at bigla na
namang natahimik.
"Masaya sana kung nandito si Ken." Pambawi ni Josh dahil sa nangyaring katahimikan.
"Ohmyghad, why are you crying?" Nagpapanic na tanong ni Sab. Akala ko walang
nakapansin. Akala ko maitatago ko pa. Mukhang hindi na pala.
Sa pagsigaw ni Sab, napatingin sa akin ang barkada. Halata sa mukha nila ang
confusion at pag-aalala.
Hinigpitan ni Rama ang hawak sa kamay ko. Pakiramdam ko hudyat na yun para sabihin
ko sa iba ang totoo.
Pinunasan ko ang luha ko at nginitian sila, "Wala na kami ni Ken." And my tears
started to fall.. again.
Battle 25
Ayu's POV
"Sa tingin mo iiyak siya ng ganyan kung hindi?" Masungit na sagot ni Sab saka
lumingon sa akin, "Kailan pa?"
"Few weeks ago." Halos pabulong ko na lang na sagot. The pain is still here. The
pain is still etched in my heart.
"Bakit daw?"
Nagkibit-balikat ako at napasandal, "He got tired, I guess." Inabutan na ako ni Ram
ng tubig dahil halos pahikbi hikbi na ako.
Binalot ng katahimikan ang buong table namin. Napapalibutan nga kami ng ingay ng
mga tugtog at mga tao sa paligid na nasa No Name, pero parang wala pa rin kaming
naririnig. O ako lang?
Seryoso ang mga mukha nila. Alam kong naaawa sila ngayon sa akin pero ayokong
kaawaan ako. Ayoko.
"Anong nangyayari sa kanya? Ilang araw pa hindi nagpaparamdam 'yun. Parang laging
busy. Kausapin mo naman palaging wala sa mood. Anong problema niya?" Iritang sabi
ni Xander.
"Nakakainis. Nakakainis. Ang sarap niyang sapakin. He's changing. Akala ko seryoso
tapos ganun lang pala makikipagbreak na. Dahil lang sa napagod siya. Damn, Ken. We
need to talk to him." Tulad ng reaksyon ni Xander, ganun din ang reaksyon ni
Yannie.
Sumang-ayon ang halos lahat sa gustong mangyari ni Yannie pero biglang nagsalita si
Ice, "Let him be."
"T*ngina naman, Ice." Nagulat na lang kami ng mapatayo at mapamura si Josh. Halata
ang pagkainis sa mukha niya. Sabagay. Sino nga ba namang kapatid ang gugustuhing
makitang malungkot at sinasaktan ang kapatid niya? Wala naman siguro. "Gin*go ni
Ken ang kapatid ko at kaibigan niyo pero gusto mong hayaan lang natin siya? Anong
kagag*uhan yun?!"
"Huwag tayong magconclude agad. We know Ken too damn well. We can't judge him that
easily."
"We can't judge him that easily? Psh. He broke Ayu's heart so easily. Look at her.
Mukha bang okay lang siya? Hindi! Nasasaktan siya at sinasabi ko sa'yo, hindi yun
masarap sa pakiramdam. Nakakabaliw. Nakakaloko. Lagi mong tatanungin sa sarili mo
kung anong mali sa'yo, kung bakita ka nasasaktan ng ganito. Maiisip mo kung kulang
pa ba ang pagmamahal na ibinigay mo. Nakakag*go yun, Ice. Sobra!"
Nanikip ang dibdib ko sa lahat ng sinabi ni Josh. Alam na alam niya ang
nararamdaman ko dahil alam kong ganito rin ang naramdaman niya ng maghiwalay sila
ni Sab.
Sab.. wait. Nakipaghiwalay si Sab kay Josh dahil may mali. Mayroong problema. May
gusto siyang ayusin. Paano kung ganoon lang din si Ken? Paano kung may problema
lang din siya na kailangan niya munang ayusin? Kilala ko si Ken at kahit halos
gustong gusto na ng utak kong sumuko sa lahat ng dinaranas ko ngayon, 'yung puso ko
patuloy pa rin nakakapit sa kanya.
If this is what he wants, then this is what I'll give hin. Pero alam ko at
nararamdaman kong may pag-asa pa kami. Tama. I shouldn't lose hope. In time, when
everything is finally in its proper place, we'll be back in each other arms. In
time.
Matagal din natahimik ang grupo namin. Ayoko naman na hindi sila mag-enjoy dahil sa
nakikisimpatsya sila sa nararamdaman ko. I appreciate it. I really do. Kaya lang
ayokong hilahin sila sa drama ng buhay ko.
"So.. what's new sa inyo? Masyado tayong naging busy sa studies. Ano ng balita?"
Sinubukan kong mag-open ng topic para mapagaan ang kwentuhan. Sa simula, halata ang
pag-aalangan nilang sagutin ang tanong ko. Parang mga nagkatinginan pa at
nagtitimbangan kung sino ang unang magsasalita. Hindi rin naman nagtagal at
sinakyan na nila ang pangangamusta ko at nauwi na sa kwentuhan.
It's better this way. I don't want to drag them below. This is my problem. I
wouldn't share this with them.
"Kayo? Lalabas kayo? Sinong kayo? May kasama ka bang hindi namin nakikita?" Tanong
ni Josh na dahilan ng pagtawa naming lahat, bukod kay Sab na ngumiti lang.
Kahit papaano naman ay nabawasan ang tensyon sa grupo magbuhat ng naghiwalay ang
dalawa dahil siguro sa bumalik din naman sila sa usual self nila. Nagagawa pa rin
magpatawa ng dalawa. Ang kaibahan nga lang ngayon ay nagpapatawa sila pero parang
hindi nila nakikita ang isa't isa. Walang pansinan o ano man.
"Kami ni Ayu." Sagot lang ni Ram sabay hila sa kamay ko. Ni hindi man lang hinintay
ang pagsagot ng mga kaibigan ko pati na rin ang paghintulot ko.
Nang makalabas na kami, dumiretsyo agad siya sa sasakyan niya at pinapasok ako.
Akala ko lalabas lang pero bakit pumapasok ng sasakyan? Adik ba 'to?
Hindi ko alam kung bakit niya tinatanong yun pero tinuro ko pa rin ang daan sa ice
cream house na alam ko.
Napairap na lang ako at bumaba ng kotse. Ice cream. My comfort food. I need this
right now.
Tuwang tuwa akong kumakain ng mapansin kong ganun din siya. This guy is weird. May
pagkachildish pero kung titingnan mo sa panglabas ng anyo parang laging sasabak sa
gulo.
Automatic na napataas ang kilay ko sa tanong niya. May pagkamayabang din talaga.
Inirapan ko ulit siya. Nagiging hobby ko na ang pang-iirap sa kanya. Hindi na rin
naman niya ako pinansin dahil busy siya sa ice cream niya.
Nung una akala ko dinala niya ako sa ice cream house para mapagaan ang loob ko.
Kaya lang mukhang dinala niya ako dito kasi gusto lang talaga niya ng ice cream.
"Eat your ice cream. It'll melt." Sermon niya ng direstyo pa rin ang kain sa ice
cream niya. Hindi ba siya tinatablan ng brain freeze?
Like a little child, I obeyed. Ice cream is happiness. Everytime kakain ako ng ice
cream para akong nagslaslide sa rainbow. Para akong batang nakakita at nakasakay sa
unicorn. Yes, ice cream affects me this much.
***
Ilang linggo ulit ang lumipas. Konti na lang at sembreak na. Magagawa ko na ulit
mag-relax. Maaya nga silang magbakasyon somewhere.
"Kamusta quiz?"
Habang nagtatagal, saka ko lang narerealize na sobrang lakas pala ng dating niya sa
mga babae. Hindi dahil sa nakikita ko mismo sa kanya yung "dating" na nakikita ng
iba, pero dahil sa nakikita ko ang reaksyon ng blockmates ko habang nakikita siya.
Kung minsan kasi ay sinusundo o hinahatid ako ni Ram sa klase at kulang na lang ay
tilian ng mga kaklase kong babae si Ram. Palibhasa kasi itong isa tuwang tuwa sa
atensyon na binibigay sa kanya.
Nagkunwari akong nasaktan at sinabing tama ang hinala niya pero pinagtawanan lang
niya ako.
I don't know how it happened but we became close friends. Me and Ram. Maski sa iba
kong kabarkada ay naging close na rin niya.
"You guys will sing later?" Tanong niya ng maihatid ako sa may parking.
Napaisip ako. Meron nga ba kaming gig mamaya? Inaya kasi kami ni Manager Ry na
kumanta minsan sa No Name kapag walang ginagawa kasi namimiss na ata kami ng ibang
customers niya.
"Oo ata?"
"Hmm. You're not sure. Whatever. I might go there later. Tom might come with me."
"Bawal ba kami dun? Hindi naman kaya huwag kang kumontra." Sasagot pa lang sana ako
ng itaas niya ang kamay niya at itapat sa mukha ko, "Stop complaining, Ayu. We've
been patrons of the bar for I don't know how long, but have we ever made a scene?
No. You'll stay with your friends while Tom and I will stay with ours. No worries,
Ayu."
Sabagay. Sino ba naman ako para ipagdamot sa kanila ang No Name? Ang weird lang na
ang tagal na pala nilang tumatambay dun pero hindi namin sila nakikita. May pagka
ninja ba sila o ano?
***
Requests night ngayon kaya kung ano ang kakantahin namin ay nakabase sa gusto ng
tao.
"May requests ng Let Her Go na pa-piano. Sino may kaya sa inyo?" Tanong ni Manager
na nasa stage at naka-mic pa. nang mabunot ang isang papel sa fish bowl.
Napatigin silang lahat sa akin. Mukhang ako ang kakanta ha. Sabagay ako lang naman
kasi ang marunong mag-piano dito.
"Ken?" Banggit ni Sab sa pangalan niya. Halos ibulong na lang yun ni Sab.
Well you only need the light when it's burning low
Matapos kumanta ay bumaba siya at lumapit sa table namin dahilan para bumilis ng
sobra ang tibok ng puso ko. Siya ba talaga 'tong lalaking nakatayo sa harapan
namin?
Battle 26
Ayu's POV
Hindi ako makapaniwala sa nakikita ko. Nandito nga siya. Nandito nga si Ken sa
mismong harapan ko. Pakiramdam ko huminto ang ikot ng mundo at ang atensyon ko ay
naiwan sa lalaking nagpapatibok ng puso ko.
"Anong.. paanong.." Mukhang hindi mahugot ni Sab sa dulo ng dila niya ang gustong
itanong kay Ken.
Napatayo at napayakap ang mga kaibigan namin sa kanya bukod sa akin at kay Josh na
katabi ko ngayon.
Umupo siya sa tapat ko. Yung ngiti niya nandun pa rin. Hindi nawala. Hindi nabura.
He seems fine, but I won't be fooled. Alam ko may mali. Alam kong may problema.
Napangiti ako at tumango. Honestly, I'm not, but I know I will be eventually.
Nakatitig ako kay Ken pero ni isang beses ay hindi man lang niya nagawang pasadahan
ako ng tingin. Iintindihin ko siya kung maski ang tingnan ako ay hindi niya magawa.
Seryoso? Kailan pa siya bumagsak? Sa tinagal tagal ko siyang kilala, ngayon lang
siya bumagsak. He's a freaking genius for crying out loud.
Tulad ng naging reaksyon ko ay ganun din ang mga kaibigan ko. Daig pa namin ang
nakakita ng mga aliens o unicorn.
"Finals kasi nun. I forgot to scan my notes before taking the exam. I was at a
party and had a massive hangover that time."
Kung posibleng mas manlaki pa ang mata nila, malamang ko ba ay mas nanlaki na nga
ang mga ito. Of course everybody will be shocked knowing that Ken chose a party
over studying. Finals pa.
Bago ko pa mapigilan ang sarili ko ay nakapagsalita na ako, "I thought you were
busy with your studies and business."
He finally noticed my existence. Nagawa na niya akong tingnan. Saglit nga lang.
Tiningnan lang niya ako at hindi pinansin.
I must admit, that hurts. Pero hindi pwede. Kahit gaano kasakit, wala akong
pakialam. I won't give up on Ken. Alam ko may rason siya.
Ramdam ko ang tingin sa akin ng mga kaibigan ko pero hindi ko na lang sila
pinansin.
Napalingon din ako kay Josh na ngayon ay halos umusok na sa galit dahil sa inaakto
ng kaibigan niya. Hinawakan ko na agad ang kamay niya bago pa man din siya makagawa
ng eksena.
"Don't, Josh."
Naiintindihan ko siya. If ever siguro pointless din ang reason ni Sab nang
makipagbreak siya kay Josh, baka magalit din ako. Pero hindi naman.
Tinanguan ko ang iba as a signal na ayos lang at mag-usap-usap sila. Kaya ganun nga
ang ginawa nila. Kaya lang dumating na naman 'yung awkward scene kaya binalot na
naman kami ng katahimikan.
Napangisi na naman si Ken at napahawak sa tenga niya, "Cool, isn't it? Trip ko lang
magpaganito para maiba."
"Who are you and what have you done to Ken?" Tanong ni Zoe na nagpatawa kay Ken.
"What's so funny?"
Totoo nga bang nagbago ka na? Hindi na nga ba ikaw ang Ken na nakilala ko? Magbago
ka man o hindi, hindi ako bibitaw sa'yo.
"Lahat."
Hinawakan ko ulit ang kamay ni Josh. Nawawala na ang pasensya sa katawan niya.
Pinanlakihan ko ng mata si Zoe at nagets naman ata niya ang gusto kong sabihin kaya
dinaldal na ulit nila si Ken.
Nakikinig lang ako sa kanila ng biglang humarap sa akin si Ken, "You? How are you?"
Nakangiti niyang tanong na para bang walang nangyari noon.
"F..fine." I lied.
Tumango lang siya at binaling ulit ang atensyon sa iba. At least he talked to me.
That's better than nothing.
"Damn it!" Napahinto kaming lahat sa biglaang pagsigaw ni Josh. "Magtigil nga
kayong lahat sa pag-arte na parang walang nangyari. Naglolokohan lang tayo dito.
Alam nating lahat na may mali. Huwag na tayong maglokohan."
"Ano bang trip mo Ken? Sabihin mo na ng mas maaga. Nakipaghiwalay ka kay Ayu kasi
napapagod ka sa set-up niyo tapos ngayon babalik balik ka dito na para bang walang
nangyari. Anong problema mo?!"
"G*go ka ba?!"
Napahilamos sa mukha niya si Josh at umupo ulit, "Ken, siguro naman ito na 'yung
tamang panahon para madepensahan mo ang sarili mo. Ayaw mo bang gawin 'yun?"
Ken just stared at Josh blankly at nagpaalam para mag-CR sandali. Maski ako
naguguluhan kay Ken. Pero kahit ganun, I'll never stop understanding him.
Nang makaalis si Ken ay pinagsabihan ni Ice si Josh. Hindi naman daw sa kampi siya
kay Ken. Ayaw lang niyang gumawa ng eksena sa No Name at mag-away ang magkaibigan.
Siguro tulad ko, Ice believes that there's a deeper reason why Ken acts that way.
"Let's give him a chance. Kung wala siyang gagawin sa pagkakataon na ibibigay
natin, saka ka na magalit. Saka ka na gumawa ng aksyon." Dagdag pa ni Xander kay
Josh.
Paulit-ulit nila akong tinatanong kung ayos lang ba ako kaya paulit-ulit ko rin
niloloko ang sarili ko sa pagsabing oo.
Nagpaalam si Josh na magpapalamig lang daw. Siguro ayun nga ang maganda. Magpalamig
muna siya. Wala namang mangyayari kung dadaanin sa init ng ulo ang lahat.
Ilang sandali lang ay nakita ko ng naglalakad papabalik si Ken. Seryoso ang mukha.
Kaya lang bago pa man din siya makaupo, halos tumalsik siya sa ginawang panununtok
ni Josh.
Agad napatayo at napasigaw ang mga kasamahan ko maski ako. Masyadong mabilis ang
pangyayari.
Lalapit pa sana si Josh para suntukin si Ken pero inawat na siya ni Xander at Ice,
"G*go kang hayop ka! May babae ka kaya ka nakipaghiwalay sa kapatid ko di ba?!"
I froze. Babae? May iba siya? Bago ko pa man mapigilan, nag-una unahan na rin sa
pagbagsak ang luha ko.
Napatingin ako kay Ken. Masama ang tingin niya kay Josh pero hindi siya nagsalita.
Ken, please sabihin mong mali si Josh. Mali lang siya ng intindi.
Nilapitan ako ni Yannie kaya napatingin sa akin si Ken. Ayokong makita niya akong
uniiyak pero hindi ko magawang pigilan ang pagpatak ng mga luha ko.
Hindi ko alam kung namamalikmata ba ako pero nakita ko ang pag-aalala sa mata ni
Ken. Kaya lang pagkurap ko, balik na sa dati ang mga mata niya. Puno ng coldness.
"Iuuwi ko na si Ayu." Galit na sabi ni Josh pero bago pa man niya ako mahawakan sa
braso, may nauna ng humawak sa kamay ko.
Si Ram.
"Hihiramin ko muna siya sa inyo." Sabat lang niya at hinila na ako palabas.
***
A/N: To the rescue si Ram. :)) Thank you guys sa pagbasa nito at nakakatuwa ang mga
comments ko siya previous chapters. :)) Pero huwag niyo naman pasabugan ng death
threats si Ken. Hahaha. Thank you na rin pala sa mga bumili ng books. Love love. <3
Battle 27
Ayu's POV
Bago pa man ako makasagot, nag-unahan na naman ang pagbagsak ng mga luha ko. Mga
luhang hindi maubos ubos. Nakakasawa na rin umiyak kaya lang hindi ko naman
mapigilan. Ayaw paawat. Laging nagkakarerahan sa pagbagsak.
Naramdaman ko ang braso ni Ram sa balikat ko at bago pa man din ako makapagreact,
niyakap na niya ako. Hindi ko alam kung dapat ba akong matuwa na niyakap niya ako
kasi mas lalo lang akong naiyak sa ginawa niya.
Nang makatahan na ako ay bumitaw na ako sa yakap, napakamot naman siya sa ulo niya.
Baliw talaga ang lalaking 'to. Pinalo ko lang siya ng mahina at sumakay na kami
parehas sa sasakyan niya. Alam ko naman na kahit gaano ko kagusto ng ice cream,
wala ng epekto yan sa nararamdaman ko ngayon.
"Kayo pala ang gagawa ng eksena sa No Name. May nalalaman ka pang pagpigil sa amin
pumunta para walang umeksena."
Oo nga pala. Sinabihan ko siyang huwag ng pumunta ng No Name kung kasama si Tom e
ayun pala at kami pa ang eeksena. Ano na kayang nangyari sa kanila ngayon dun? Sana
hindi na sinaktan ni Josh si Ken.
"He's back, Ram. I don't know what to feel. Gusto ko siyang yakapin nung makita ko
siya kaya lang baka ipagtabuyan niya lang ako. Natatakot ako. Mukhang wala na
siyang pakialam sa akin pero pinapaniwala ko pa rin ang sarili ko na may dahilan
siya kung bakit ginagawa niya ang ginagawa niya."
Hindi sumagot si Ram at nagpatuloy sa pag-drive. And I thank him for that. I just
need someone who'll listen.
"Sabi ni Josh may babae si Ken. Of course I don't believe him. Hiniwalayan man niya
ako, alam kong walang iba. Instincts. Laging tama ang instincts ng mga babae 'di
ba? Kaya lang nandun pa rin yung sakit sa posibilidad na totoo ang sinasabi ni
Josh."
"Kaya lang syempre, hindi ako maniniwala. Hindi sa nagpapakatanga ako o ano.
Sadyang malakas lang ang paniniwala ko sa kanya. Or maybe because I love him so
much kaya kahit masakit, kakapit pa rin ako sa maliit na chance na bumalik pa kami
sa dati."
Tiningnan ako saglit ni Ram at lumingon ulit sa daan, "If it hurts you that much,
then stop, Ayu. Stop holding on to the things that hurt you. You love him, but it's
not enough. Give up."
Napangiti ako sa sinabi niya. Tulad ng sinabi ko dati, madaling magsalita, mahirap
lang idaan sa gawa.
"You don't give up on the people you love. I won't give up on Ken."
Napabuntong hininga siya at napailing, "Lucky bastard." I heard him muttered under
his breath pero di ko na lang pinansin.
Sarado na ang ice cream house na kinainan namin ng makarating kami dito kaya ang
ginawa na lang namin ay bumili ng ice cream sa isang convenience store at tumambay
sa may sea side.
Nagpapakaaliw ako sa ice cream na kinakain ko ng bumanat ang lalaking katabi ko,
"Kung ako ba siya, mapapansin mo?"
"Ha?"
"Joke lang. Kanta 'yun. Gusto ko lang sabihin sa'yo."
"Ayu, tayo na lang kaya." Halos maibuga ko ang kinakain kong ice cream sa kanya.
Baliw ba 'to? Anong pumasok sa utak niya at naisip niya 'yun? "What?! I'm just
suggesting."
"Baliw ka ba?"
"Oo. Baliw sa'yo." He winked. Sinamaan ko siya ng tingin kaya natawa na naman siya,
"Joke lang. Sinasuggest ko lang naman yun para pagselosin natin yung ex mo. Malay
mo hindi makatiis tapos bumalik sa'yo. O kaya naman baka ikaw ang hindi makatiis at
main-love sa hindi man katalinuhan pero ubod na gwapong nilalang na kagaya ko?"
Ang sarap niyang itulak para mabasa. Nakakaloko. But I must admit, he made me laugh
sa idea niyang yun, "Saan mo napulot yang ideyang yan?"
"Sabi kasi sa books ganun daw 'yun. Not that I'm reading books. My girls just told
me about that."
"Proud to be."
Bakit nga ba may mga lalaking playboy? I mean.. why don't they stick with one girl?
Ikamamatay ba nila ang maging loyal sa isang babae? Kapag ba marami silang babae
magiging masaya sila? Nandun ba yung contentment na hinahanap nila? Boys are
complicated.
Kumain ulit ako pero hindi ko maalis sa isip ko ang mga posibleng dahilan kung
bakit nagkakaganun si Ken. Masyadong mababaw ang rason niya na napagod lang siya
kaya sumuko siya. Hindi siya yun. Masyado ko siyang kilala para paniwalaan yun.
"Feeling ko may problema si Ken na ayaw lang sabihin. Tingin mo dapat bigyan ko
muna siya ng time bago liwanagin ang bagay bagay? Ayoko kasing makulitan siya sa
akin."
"Ha?"
Ang weird talaga ng lalaking 'to. Nag-eemote ako dito kung anu-ano sinasabi niya.
Hindi ko na lang siya sinagot at kumain ulit. Ilang minuto na ata ang lumipas ng
magsalita ulit siya.
"I don't know if I should support you or not. I don't know Ken personally so I
don't have the right to judge him or tell you what you should or should not do.
You're the only one who can answer your questions."
Why is he so reasonable?
"My heart and mind is battling. My heart wanted to hold on, but my head wanted to
let go."
"That sucks."
"Naranasan mo na?"
"Not yet. I just know it sucks. No matter how reasonable I am, I don't think I can
give you advices for now. There are some battles you need to fight alone."
Alone. Yes. I'm fighting alone. There's no assurance if I'll win or not. But
whatever happens, I won't give up on Ken. Hangga't kaya ko pa, lalaban pa.
Tinapos ko ang kinakain ko at umuwi na. Habang pauwi, narealize ko na Ram came at
the right moment in my life. I'm really grateful na naging magkaibigan kami.
***
Nang makarating kami sa bahay, nagpaalam lang ako sa kanya at umalis na siya.
I was about to enter the house ng mapalingon ako sa gilid ko. I was so shocked I
felt my heart dropped. Ken is here. Nasa labas ng bahay namin. Am I hallucinating?
Pumikit ako at inakalang sa pagdilat ko ay wala na siya pero mali na naman ako.
He's still here.
"I dropped by to give this to Sab. She left it awhile ago." Iniabot niya sa akin
ang pouch at tumalikod na.
I wanted to stop him. I wanted to follow him pero parang nadikit na ang paa ko sa
lupa at nazipper ang bibig ko.
"Ayu." I froze. Again. Tinawag niya ako. Tinawag niya ako sa pangalan ko.
Nilingon ko siya. Gusto kong tanungin kung bakit pero hindi ko maibuka ang bibig
ko.
At tuluyan na siyang tumalikod sa akin at umalis. Ang gulo ni Ken. Hindi ko na alam
kung ano ang ibig sabihin ng mga ikinikilos niya.
Iniabot ko kay Sab ang pouch ng magkita kami. Napakunot ang noo ni Sab sa iniabot
ko. Problema nito?
"What's so funny?"
"Ha?"
"This is not mine. Nag-effort pa siyang bumili ng pouch para makapunta dito. Pwede
namang sabihin na lang niya na gusto ka niyang makita. Ang gulo talaga ng mga
lalaki. Kaloka." Iiling iling na sabi niya at iniabot sa akin ang pouch bag, "Ayan,
itago mo na lang. May price tag pa. Buti may nahanap pa siyang mabiblhan ng gantong
oras."
Napatulala ako sa iniabot ni Sab. Totoo nga kayang gusto lang niya akong makita
kaya nagpunta siya sa bahay at nag-abala pa siyang bumili ng pouch bag? Kung totoo
'yun, lalo lang akong naguguluhan. Ken, why are you so complicated?
Battle 28
Ayu’s POV
An aga aga nambwibwisit ‘tong lalaking ‘to. Pasalamat siya marami na siyang
naitulong sa akin kaya hindi ko siya maaway. Tumatanaw naman ako ng utang na loob
kahit papaano.
“Huwag ka ngang magulo.” Irap ko kay Ram at ipinagpatuloy ang ginagawa ko.
Oo na. Hindi ako petiks na tao kaya lang lutang talaga utak ko kagabi. Hindi ko
magawang magfocus sa ginagawa ko. Lalo pa at ako lang mag-isa noong panahon na
‘yun. Sobrang tahimik pa kaya ‘yung utak ko napupunta sa kanya.
Nakakains na nga e. Paano naman kasi kapag wala akong ginagawa, naiisip ko si Ken.
Kaya ang last resort ko para hindi siya maisip ay magpakabusy. Kaya lang wala rin.
I kept myself busy with things to do, but I always end up thinking about him. Na-
invade na niya ang bawat sulok ng utak ko.
Pinalo ko siya ng mahina sa braso niya. Bakit ang dali para sa kanyang sabihin
‘yun? ‘Yung ibang lalaki kaya hindi kumportable magtanong ng ganun. Kakaiba talaga.
“Mamaya ko ikwekwento pag natapos na ‘tong ginagawa ko. Pero ngayon, manahimik ka
muna at nagcracram na ako.”
Bilang masunuring tao, nanahimik nga siya sa gilid ko at nagpaalam na lang na aalis
na kasi malapit na raw ang next class niya.
Sakto pagdating ko sa classroom, wala pa ang prof. Sinabihan din niya ang isa kong
ka-block na malelate daw siya ng halos kalahating oras. Kung alam ko lang eh di
sana kumain muna ako. Ngayon bababa ulit ako para bumili ng pagkain ko. Hay,
pahirap. Pagod na nga, puyat pa, gutom pa. Buhay!
Napalingon ako sa iniabot sa akin ng kaklase ko. Ibang klase. Pagkain! May
nakastyro na food at drinks. Dininig na ba agad ang hinaing ko?
“Ayaw ipasabi. Pero kilala mo naman. Kilala rin namin syempre. Wala na akong clue.
Ayan na ‘yun.”
Weird. Sino naman kaya ang magpapabigay? Bubuksan ko na sana ang pagkain ng
lingunin ulit ako ng ka-block ko. “Ang sabi pa pala niya huwag ka raw magpalipas ng
gutom. Masama raw ‘yun.”
Sino nga kaya? Nag-iisip ako kung sino ang posibleng nagbigay, but deep inside, I’m
hoping it was Ken. Sana concern pa siya. Kaya lang parang imposible naman na si Ken
ang nagbigay. Kasi wala naman siya sa school. I mean, hindi pa siya ulit dito nag-
aaral. Exchange student siya so next sem pa ang balik niya sa school at papaano
naman niya nalaman na hindi pa ako kumakain if ever sa kanya galing ‘to?
Wait. Kung kilala ng mga kaklase ko, baka naman galing ‘to kay Ram. Kasi siya ang
kasama ko habang gumagawa ako ng requirement kanina. Kasama ko siya so alam niyang
hindi pa ako nagla-lunch. Kaya lang, paano pa siya nakabili kung nagsimula nga ang
klase niya agad?
***
“Ng alin?”
“Food.”
Oo. Si Ken. Gusto ko sanang isagot ‘yan kaya lang napaka-ewan ko naman kung
sasabihin ko ‘yan. Nagpapakamartir na nga ako dito, magpapaka-ilusyunada pa ba?
Tama na sigurong isa lang sa kanila.
“Malay mo may secret admirer ako at binigyan niya ako nun.” Biro ko sa kanya.
Tumawa naman siya ng parang wala ng bukas. Ganoon ba kahirap paniwalaan na may
secret admirer ako? Grabe naman ‘to. “Marunong ka ng mag-joke ngayon ha. Pasalamat
ka na lang.”
Napairap na naman ako pero sinunod pa rin ang sinabi niya, “Fine. Thank you.”
***
Kasalukuyang kumakanta si Sab sa may stage. Nasa No Name kami. Requests night
ngayon. Kaya ang mga gusto nilang kanta ang kakantahin namin. Hindi tulad ng dati,
hindi na kami nagpapart-time dito. Kumakanta na lang kami kasi pinakiusapan kami ni
Manager. For free na lang.
“Zoe, bakit mo ba siya dinadaldal? Hayaan mo munang pakinggan niya ang boses ni
Sab. Nagcoconcentrate ang tao ginugulo mo.”
“Ken!” sigaw ni Josh at hinila papatabi sa kanya si Ken. “Buti dumating ka. Wala
akong kakampi dito.”
Teka lang naman. Anong nangyari? Parang kahapon lang sinuntok pa ni Josh si Ken
tapos ngayon buddy buddy na ulit sila? Nagkatinginan kami nila Zoe at Yannie at
alam kong iisa lang ang tanong sa mga utak namin. Anong nangyayari?
“What’s happening?” preskong tanong niya at sumandal sabay de quarto at uminom. Not
the usual Ken.
Kwinento ni Yannie kay Ken ang ginagawang pang-aalaska kay Josh kahit na maski siya
ay mukhang hindi alam ang nangyayari. Natawa naman si Ken at nagtanong kung bakit
naghiwalay si Sab at Josh.
“Kailangan daw nilang magpakamature parehas. Tama naman si Sab. Ang hirap din kasi
nung on-off relationship nila. Parang naglolokohan lang.”
Hindi sumagot si Josh kaya lang biglang dumating si Sab at umupo sa tabi ko. “Ano
na usapan?” chill niyang sabi.
Ramdam ko ang pagkagulat ni Sab sa sinabi ni Ken. Syempre ganun din ako kasi hindi
ko inakalang kaya niyang i-open ng ganun ganun ‘yung topic na ‘yun kay Sab. Kung si
Xander at Ice, pwede pa kasi may pagka-harsh kung minsan ang dalawang ‘yun. Pero
hindi si Ken. Kasi si Ken iniisip ang nararamdaman ng iba. Dati.
“Hmm?”
Napalingon ako sa ibang direksyon ng marinig ang tanong ni Sab. Masakit pa rin kasi
na marinig na hiwalay na talaga kami. Alam kong hindi intensyon ni Sab ang saktan
ako at gusto niya rin lang malaman mula kay Ken ang totoo.. katulad ko.
“Kagabi, ‘yung pouch – “ bago pa man din ituloy ni Sab ang sasabihin niya, sumabat
na si Ken.
I must admit, I’m disappointed. Gusto ko kasing malaman ‘yung tungkol sa pouch.
Kaya lang mukhang hindi ko na malalaman kung totoo ba ‘yun o hindi.
“Kakanta.”
“Ken! May nakakamiss sa paggitara mo. Acoustic ka magaling. Tara dito!” sigaw ni
Manager.
Nanlaki ang mata ko ng marinig na pagsasamahin kami ni Ken. Bakit siya pa? Nang-
iinis ba ang mga tao? Makakakanta ba ako ng maayos nito?
Sa bandang huli, wala rin siyang nagawa at sumama sa akin sa may stage. Ang
awkward, grabe. Magkatabi kami pero parang hindi kasi ni hindi man lang
nagkikibuan. Kaya ba naming makakanta ng maayos?
Napatingin ako sa sheet na nasa harapan ko. Napalunok na lang ako ng makita ang
kantang kakantahin namin. Ito kasi ang kanta ko para sa kanya ngayon. Timing nga
naman.
Or a beautiful sunrise
Pagdating ko sa chorus, nagulat na lang ako ng sabayan niya ako. Bumilis din ang
tibok ng puso ko pero hindi ko pinahalatang kinakabahan ako kaya ipinagpatuloy ko
na lang ang pagkanta ko.
To do some navigating
Napangiti ako ng bigkasin ko ang mga lyrics na ‘yun. Totoo nga naman. Maghihintay
ako kay Ken. Maghihintay ako hanggang sa maging okay na ang lahat. Hindi ko siya
hahabulin. Bibigyan ko siya ng space. May tiwala kasi ako na babalik kami sa dati.
Panghahawakan ko ang pag-asa kong ‘to.
Nang bigkasin ko ang huling linya ng kanta, ramdam ko na na halos patulo na ang
luha ko. Hindi dahil sa sobra na naman akong nasasaktan. Siguro dahil sa sobrang
dama ko ‘yung kanta, ‘yung emotions ko nag-uumapaw na. Wala ng paglagyan kaya gusto
ng kumawala.
Sa pagbanggit ko ng huling linya, napatingin ako sa kanya only to find him staring
at me. Saktong paglingon ko sa mukha niya ay bumagsak ang luha ko. Napahinto siya
sa paggigitara at nanatiling nakatitig sa akin.
Hindi ko alam ang gagawin ko kaya humarap na lang ulit ako sa may audience at
napatingin sa mga kaibigan ko. Mukhang sila lang ang nakahalata ng nag-uumapaw na
emosyon na nararamdaman ko.
“Okay lang.” magsasalita pa lang sana si Sab ng unahan ko na siya. “Labas lang ako
saglit. Medyo mainit dito.”
Bumuntong hininga ako at babalik na sana sa loob ng may biglang yumakap sa akin
mula sa likod. Pakiramdam ko sasabog ang puso ko. Nakatalikod man ako alam kong
siya ‘to. Amoy palang ni Ken alam na alam ko na.
“Stay still.” Sinunod ko siya. Hindi ako makapagsalita. Nakayakap lang siya sa akin
at nakasandal ang ulo niya sa ulo ko.
Hindi ko alam kung gaano katagal na siyang nakayakap sa akin kaya nagsalita ako.
Pinilit ko. “K..ken.”
“Ssh. Please don’t make this harder for me, Ayu.” Ang lakas na ng kabog ng dibdib
ko. Parang any moment makakawala na siya sa katawan ko. “Don’t cry again, please.”
“How – “
He kissed my head and before I know it, he left again. Napahawak ako sa dibdib ko.
Hindi ko naintindihan kung ano ang nangyari pero isa lang ang sigurado ko, I won’t
give up on him. No matter how tough the situation is, I’ll still fight for him.
Battle 29
Ayu's POV
I am happy I survived this sem. Kinaya kong magfocus sa exam sa kabila ng lahat ng
nangyayari sa akin this month.
Sabihin na lang natin na ever since he hugged me the other night, I felt relieved.
Pakiramdam ko pwede pa, kasi sa ginawa niyang 'yun, ramdam at alam ko na mahal niya
ako.
Hindi ko alam kung bakit kapag naaalala ko 'yung pagyakap niya sa akin, napapangiti
pa rin ako. Siguro maraming mag-iisip na ang baliw ko kasi nangingiti ako sa
simpleng bagay na 'yun lalo na na nangingiti ako e iniwanan na nga ako. Kaya lang
hindi ko talaga mapigilan kiligin e.
I wanted to hug him the moment I saw him when he came back. I wanted to hug him so
bad. I wanted to, but I can't. I can't because I don't have the right. I don't have
the right because we're not together anymore.
So he did me a huge favor by hugging me even for just a short period of time.
"O tapos?"
Napakunot ang noo ko sa naging sagot ni Ram sa kwento ko. Kwinekwento ko kasi sa
kanya lahat ng nangyari. 'Yung pouch, 'yung hug, 'yung kilig na nararadaman ko na
kulang na lang sumabog ako.
Panira rin 'tong si Ram. Pinapatay ang kilig ko. Siguro bitter kasi walang
girlfriend.
"Bakit ganyan ka? Kainis. Kaibigan kita kaya dapat matuwa ka sa kwento ko."
"I don't get girls. You are more complicated than a Math equation."
"Can you stop talking about your ex when we're together? Wait, fine. For a fews
hours or so. Can you do that?" Iritang tanong ni Ram.
Okay. Naguilty naman ako dun. Para na siguro akong 'yung ibang babae na walang
ibang ginawa kundi ibida 'yung kwento nila. Ayoko sa mga ganung tao pero nagiging
ganun ako. I'm being inconsiderate.
"Sorry. I'm just pissed. It's like I'm with you, but you're not with me."
Kung posibleng mas maguilty, edi sige. Mas guilty na. Binibida ko ang kwento ko
pero hindi ko man lang inisip kung may problema ba siya. Ang selfish ko namang
kaibigan.
Umalis ako ng hindi nagpapaalam sa kanya. Mukha namang hindi niya napansin kasi
busy siya sa panunuod sa mga nasa gilid niya.
Napapangiti ako sa ibibigay ko sa kanya. Matapos kong bilin yun, bumalik ako kay
Ram at itinapat sa mukha niya ang binili ko.
"Ano 'yan?"
Napangiti siya at tinanggap naman 'yun at kinain, "Just so you know, I'm not mad.
Thanks for the ice cream tho."
"May problema ka ba?" I asked out of the blue. Tinaasan niya ako ng kilay na parang
nagtatanong kung bakit ko sinabi 'yun, "Alam mo 'yung mga kadramahan ko sa buhay
pero wala akong alam masyado sa 'yo. Narealize ko lang na ako lang ang panay
kwento. Ikaw, anong kwento mo?"
"Nothing."
"Pwede ba 'yun?"
"I don't have issues like yours. My life is kinda boring. Typical playboy. I do the
same thing everyday."
Medyo bago sa pandinig ko na boring ang playboy. Kailan pa sila naging boring? Ang
nasa utak ko kasi, kapag playboy, automatic na yung parties, excitement, thrill.
Yung mga ganun.
"Parties. Girls. Drinks. Same old routine. That's pretty boring, right? Unlike you,
I don't have any special someone. I don't experience that giddy and cheesy stuff
you're feeling. But I don't care. Whatever."
Boring din ang buhay ko noon. Aral, kanta, basa. Wala rin akong pakialam sa mga
romance stuff na sinasabi nila. Not until I met Ken. Dati ipinipilit niya na binago
namin ang buhay nila, without him knowing that he changed my life as well.
"Ang?"
"Ma-in love."
Tinitigan niya ako, which I must admit made me conscious, at saka ngumiti.
"Bakit ka nakangiti?"
"Ikaw?"
He chuckled, "No. Let's just say that love isn't just about those things."
Napahinto siya at napakunot ang noo. Parang nag-iisip ng mabuti. Ano ang mahirap sa
pagsagot ng tanong ko.
"F*ck." O?! Problema nito at minumura ako?! "Ikaw, paano mo nalaman na mahal mo na
si Ken?"
"Ewan ko. Nagising na lang ako isang araw at nasabi ko sa sarili ko na in love na
ako. Ikaw nga ba kako? Na in love na?"
"Maybe."
Nginitian na naman niya ako. Kaya lang unlike ng mga natural na ngiti niya, yung
ngiti niya ngayon parang ang lungkot. Parang may mali. "Who can hurt you so much,
Ayu? It's Ken, isn't it? Why? It's because you love him. The only person who could
hurt you is the one you wish who wouldn't."
So ang ibig ba niyang sabihin.. "What you're thinking is right. I think I'm in love
because I can feel pain. Ganun naman di ba? Love can cause you too much happiness
or too much sadness. Sad to say it causes me the latter."
All this time naglalabas ako sa kanya ng hinaing sa kay Ken tapos may pinagdadaanan
din pala siya? Ang insensitive ko. "Anong -- "
"Don't ask."
Fine. Huwag. Siguro sensitive pa ang topic na 'yun sa kanya. I'll let it pass.
***
Inaya ako ni Sab magpuntang mall at dahil sa wala rin naman akong magawa, sumama na
ako.
Napailing ako. Pero alam kong sa kanya yun. Weird. Kailan pa nga naman nahilig sa
kape 'tong si Josh? At kape sa gantong oras?
"Pasok tayo."
Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko at pinasok ko 'yung cafe. Dinamay ko pa
si Sab.
Kaya lang pagpasok namin, halos pagsisihan ko ang ginawang pagpasok dito.
Pakiramdam ko lahat ng pag-asa na bumalot sa katawanan ko noong mga nakalipas na
araw, lahat nawala. Lahat natapon.
Saktong pagpasok namin ni Sab ay ang papalabas na si Josh. Tama nga. Nandito siya.
Kasama si Ken at dalawa pang babae.
Napahawak ako kay Sab at ganun din siya sa akin. Napaatras ako at ang gusto ko na
lang ay ang makalabas na dito. Kaya lang bago pa man din kami makalabas ay nakita
na nila kami. Hinila ko agad si Sab pabalik sa sasakyan pero ang di ko alam ay
nakasunod pala ang dalawa.
"Ayu."
"Sab."
Napahinto kami parehas ng tawagin nila kami. Wala akong nagawa kundi ang harapin
siya. Nakatitig lang siya sa akin at mukhang nag-aalala.
"T*ngina." Dinig kong pagmumura ni Josh at tulad ni Sab, ay naglakad na lang din
papabalik sa sasakyan nila.
Naiwan kami ni Ken na nakatitig sa isa't isa. Ang gulo gulo ni Ken. Sobrang gulo
niya. One moment nagkakapag-asa ako tapos nawawala rin.
Hindi ko na naman napigilan ang pagtulo ng luha ko. Awang awa na ako sa sarili ko.
"It's okay. K..kung may iba ka na, sige. Ayos lang. Sino ba ako para magreklamo?
Wala naman akong karapatan."
Bago pa ako humagulgol sa harap niya, tumalikod na agad ako at nagtangkang puntahan
si Sab. Kaya lang hindi pa man din ako nakakalayo ng magsalita siya.
Paano pa ako maniniwala? Gusto kong itanong 'yan kaya lang wala ng boses na
kumawala sa akin.
"Then stop making me cry!" Lakas loob kong sagot sa kanya. "Hindi ako nagreklamo,
Ken. Wala kang narinig sa akin magbuhat nung makabalik ka. Kaya lang nakakapagod
na. Nakakasawa ng umiyak. Kung gusto mong sumuko ako, sana sinabi mo na nung una pa
lang. Kaya lang nagbibigay ka ng mixed signals kaya hindi ko alam kung anong
gagawin ko. Ngayon, siguro nasagot na ang mga tanong ko. Alam ko na kung anong
gusto mo. Gusto mong sumuko na ako sa'yo. Gusto mong mag move on na ako kasi ikaw
nakamove on na. Kung ayan ang gusto mo, edi sige. I'll give up -- "
And then something unexpected happened. Hinawakan niya ako sa braso at ihinarap sa
kanya. He kissed me. Masyadong mabilis ang pangyayari and the next thing I knew ay
nakapikit na lang ako letting him kiss me.
I broke the kiss pero hindi siya lumayo. He rested his forehead on mine and said a
word, just one damn word, that made me hold onto him again.
"Don't."
Battle 30
Ayu's POV
Kiss. Don't. Paulit-ulit na umiikot sa utak ko ang mga salitang 'yan. Nakakabaliw.
Just when I'm about to give up, he made me hold onto him again. Wala e. Isang
salita lang nawala na naman lahat ng galit at inis ko. Isang salita lang nagawa na
naman niya akong pahakbangin papalapit sa kanya. Nakakaloko. Sa tuwing hahakbang
ako ng isang beses palayo sa kanya, hihilahin niya ako dalawang hakbang pabalik.
Walang kawala.
"Sino raw 'yung kasama nila kanina? Sino 'yung dalawang babaeng umeeksena sa love
story ng dalawang kaibigan ko?" Inis na tanong ni Yannie.
Pinuntahan nila agad ako sa kwarto para magpakwento ng malaman nila kay Sab na
nagkita-kita kami nila Ken at Josh kanina.
"Bakit dalawa?! Hindi ako kasama dito. Walang umeeksena sa love story ko kasi wala
ako nun." Sabat ni Sab.
"Shut up! Walang humihingi ng opinyon mo dito. Magwawalk out walk out ka at gagawa
ka ng eksenang pangdrama tapos walang love story?"
"Ganun na rin 'yun. So ano nga? Nung sinabi ni Sab 'yun, nabwisit si Josh tapos
nagmura?"
"Nagmura siya?"
Tinusok tusok ni Zoe si Sab sa tagiliran, "Uyy. Curious. Affected pa. Oo. Nagmura
raw sabi ni Ayu. Drama kasi girl."
"E sa inyo ni Ken? Anong nangyari pagkatapos?" Nalipat ang atensyon ko kay Yannie
ng tanungin niya 'yan.
Kinagat ko ang labi ko na naging dahilan ng pagtili nilang tatlo. "Nagkiss kayo?!"
Sabay sabay na sigaw nila.
"Well... uhh. Kasi.. I was mad. I was mad at him. Sinisigawan ko na siya tapos sabi
ko sa kanya napapagod na ako. Susukuan ko na siya. Then pagsabi ko nun.. that..
that happened. Tapos sabi niya don't. Parang don't give up on me."
Nagtititili si Sab at Zoe habang nakakunot naman ang noo ni Yannie. Hindi lang
siguro ako ang nakapansin sa naging rekasyon ni Yannie kaya napahinto sa pagtili
ang dalawa at tinanong kay Yannie kung anong problema.
"Ramdam ko na mahal ka pa ni Ken. Kaya lang..." Ayan ang nakakatakot marinig. Ang
kaya lang. "He's too complicated. I don't get him. Nakipaghiwalay siya sa'yo tapos
nag-iba siya ng persona. It's like he wanted you to give up, but when you're about
to do that, he told you not to."
"Oo nga, ano?" Reaksyon ni Zoe at kinuha ang phone niya at parang nag-dial.
"Ginagawa mo?" Tanong ko sa kanya kaya lang sa halip na sagutin ay itinapat na niya
ang phone sa tenga.
"Hello? ... Hoy, Ken!" What the?! Si Ken ang tinawagan? "Bakit ang gulo mo? Ano
bang -- "
Bago pa man may masabing kung ano si Zoe, inagaw ko na ang phone nya at inend ang
call.
I gave her her phone. Nagdial siya ulit and this time si Ice na raw ang tinatawagan
niya, "May ginagawa ka? ... Nasaan ka ngayon? ... Punta ka dito. ... Okay. Ingat
pagdrive."
Hindi ko na lang pinansin ang pagtawag niya kay Ice at babalik na sana sa pagbabasa
ng libro, na ginagawa ko na talaga bago pa man nila ako pasukin sa kwarto, nang
biglang hilahin ni Yannie ang libro.
Sabi ko nga hindi pa tapos ang issue. "Sab came in the scene. Hinila niya ako
pabalik sa kotse."
After that incident, I was actually hoping he'll follow me or call me. He should've
text me, but he didn't. Kaya kahit nandun yung pagkapit ko, parang nandun din 'yung
doubt. Wala kasi siyang ginagawa.
***
Nag-iwas ng tingin si Ice kay Zoe ng tanungin niya yan. May alam si Ice?
Humarap sa akin si Zoe and mouthed the words Mission failed. Makamission failed e
siya lang naman ang nagpumilit magtanong kay Ice.
By the term boys.. kasama kaya si Ken? Gusto ko sanang itanong kay Ice pero hindi
ko na lang itinuloy. Mahirap na.
Tutulong sana ako sa kusina kila Yannie ng may magdoorbell. Lumakas ang kabog ng
dibdib ko. Sila na ba 'yan? Nakipag-away pa ako sa sarili ko kung bubuksan ko na
ang pinto o huwag muna. Pero bago pa ako makahanap ng sagot, inutusan na nila akong
buksan yun. So I did.
"Ram."
Hindi ko alam kung relief o disappointment ang naramdaman ko. Relief because it
wasn't Ken and disappointment because it wasn't him. Oo, magulo.
"You left this when we were at the park yesterday. I forgot to hand this to you
before we part ways."
Itinaas niya ang keychain na hawak niya. There are my keys. Hindi ko napansin na
nasa kanya ang mga susi ko.
"I'll go -- "
"Hi, Sab. Thank you na lang. May pupuntahan pa ako." At lumingon siya ulit sa akin.
"I'll go ahead. Bye."
"Thanks. Ingat ka." Nagulat na lang ako ng yakapin niya ako at ng makarinig ng
busina.
"May bisita pa pala kayo. Alis na nga ako." Pahabol pa niya at ginulo ang buhok ko
saka ako hinalikan sa noo na nagpagulat na naman sa akin, "You'll thank me one
day."
"Yo!" Sigaw ni Xander sa akin. Sila ang bumusina kasama si Josh at Ken.
Pinapasok ko sila at ng matingin ako kay Ken ay tiningnan niya lang ako. His eyes
is pure of coldness. Ghad. He's confusing.
Tahimik ang lahat habang kumakain. Ramdam ko naman na ako ang dahilan ng ganitong
atmosphere. Nadadamay pa ang barkada sa gulo naming dalawa ni Ken. Nakakaguilty.
"Let's -- " bago pa man matapos ni Ice ang sasabihin niya ay pinatahimik na siya ni
Zoe.
Mas okay na sigurong lumabas muna ako kahit saglit lang. Baka sakaling hindi na
maging ganto ang atmosphere.
Medyo awkward ang naging dating. Hindi na kami gumamit ng sasakyan kasi paglabas
lang ng village, nandun na yung bilihan. Ilang kanto lang naman ang iikutin.
Hindi kami nag-uusap hanggang makarating sa bilihan. Para lang akong hangin sa
kasama ko ngayon. Para akong wala dito.
"Anong flavor?" Tanong ko sa kanya pero mukhang di niya narinig kasi tulala lang
siya. "Ken. Anong flavor?"
Siya ang nagbitbit ng nabili namin. Hindi ko alam kung ano ang gusto ko. Ang
makarating ba sa bahay agad para matapos na ang ilangan na 'to o ang pabagalin pa
ang oras kasi nandito siya sa tabi ko.
Pero parang nananadya ang tadahana. Paano naman kasi itong si Ken binagalan pa ang
paglalakad. Ang bagal. Sobra. Kaya wala akong nagawa kundi ang sabayan siya.
"Ha?"
"Ah. Si Ram."
Bumilis ang tibok ng puso ko sa naging tanong niya. "Noon di pa masyado. Nakakausap
ko siya pero hindi yung parang pakikipag-usap ko sa mga real friend ko."
Tuluyan na akong napahinto sa naging tanong niya. Kung tama ang hinala ko,
nagseselos siya.
Napahinto rin siya at tiningnan ako. "Yes." His face fell. "As a friend."
Tumalikod na ulit siya sa akin at kung di ako namamalikmata, I saw him smiled.
Sumunod na ako sa kanya pero binagalan niya ulit ang paglalakad kaya naging
magkasabay kami.
"Good." Dinig kong sabi niya pero di ko na lang pinansin.
We're walking side by side until I felt his hand on mine. He intertwined our
fingers and I let him do that. Wala na rin naman ako sa katinuan para pigilin at
hilahin ang kamay ko.
Kaya lang tulad kanina, hindi kami nag-uusap. Pakiramdam ko nga sa sobrang tahimik
namin naririnig na niya ang tibok ng puso ko.
Nang makarating na kami sa tapat ng bahay, bumitaw na siya. Pakiramdam ko tuloy may
kulang.
Papasok na sana ako ng pigilan niya at iharap sa kanya. Hindi ko alam kung anong
trip niya at hinawakan niya ang noo ko saka ito pinunasan. Magrereklamo na sana ako
when I felt his lips on my forehead.
What just happened? He kissed me.. again. This time sa noo naman. Pakiramdam ko
lumulutang ako sa ere. Parang nawala ang utak ko sa mundo.
Until someone dragged me back. Ang pagsigaw ni Zoe, "Ayuuuu! Lusaw na yung ice
cream!!!"
Battle 31
Ken's POV
Damn it. Ken, control your feelings. Control your f*cking feelings.
Nang tawagin ni Zoe si Ayu, nakaramdam ako ng kaba. Para akong tanga. Gagawin gawin
ko 'yun tapos kakabahan ako. Gusto kong layuan ako pero ako hihila pabalik.
Kabobohan.
"Kainis. Lusaw na 'yung ice cream bago pa makarating dito. Bakit ba kasi ang tagal
niyo?"
Hindi ko pinansin ang reklamo ni Zoe at sumandal na lang saka pumikit. Nilalamon na
ako ng mga naiisip ko pero biglang tumunog ang phone ko.
"Who's Krista?"
Halos maihagis ko ang phone ko ng biglaang magtanong si Sab. Tss. Kahit kailan
hilig mangialam.
Hindi ko na lang siya pinansin at nagpunta sa may garden para sagutin ang tawag.
"Hello, Ken?"
"O?"
"Kailan ka raw pupunta dito? Gusto kang makausap nila Mama."
Hindi pa ako handa. Hindi ko pa sila kayang harapin. Pagkatpos ng nangyari, hindi
ko alam kung anong sasabihin ko kapag nakita ko sila.
"Ken?"
Napapikit at napabuntong hininga ako saka sinagot ang tanong niya, "Not now,
Krista."
And the call ended. Papasok na sana ako pero ang mukha ni Yannie ang sumulpot sa
harapan ko.
Napaiwas ako ng tingin sa tanong niya. Masyadong personal. Hindi ko pa ata kayang
sagutin.
"What the hell, Ken. So totoo nga? Totoong may ibang babae ka kaya ka
nakipaghiwalay kay Ayu?"
Isipin na nila gusto nilang isipin. Naguguluhan ako at hindi ko kayang magpaliwanag
sa kanila ngayon.
"Sorry. I shouldn't judge you. I just can't help it. Ang hirap kasi wala kaming
alam na rason kung bakit mo siya hiniwalayan."
"Ineexpect mo bang paniwalaan namin ang rason mo na 'yun. Ang talino mo, Ken. Kaya
lang ang bobo mo mag-isip ng rason. We all know you're so much more than that.
Umalis ka para patunayan ang sarili mo kay Ayu at sa pamilya niya kahit matagal mo
ng nagawa 'yun tapos makikipaghiwalay ka kasi pagod ka? Sinong maniniwala dun?"
"Oo, Ken! Oo! Tito Eric won't hand Ayu over you kung hindi mo pa napatunayan ang
sarili mo sa kanya. You're Ken Yu for crying out loud! Almost.. perfect."
Ken Yu. Almost perfect. Napangisi ako sa narinig kay Yannie. I'm far for being
perfect. "I'm not who you think I am. I don't even know myself. Paano ko
napatunayan ang sarili ko sa kanila kung hindi ko magawang patunayan ang sarili ko
sa akin mismo?"
"Alam mo, ang labo mo. Alam naming lahat na may problema ka pero ayaw mo namang
sabihin. Namimili ka ng sasabihan. Kaibigan mo rin naman kami pero hindi ka
nagtitiwala sa amin. Pero okay lang na hindi mo sabihin sa amin e. Pero kay Ayu? I
don't know, Ken."
Ilang beses na akong natempt sabihin sa kanya kaya lang nahihiya ako. Baka wala
akong mukhang maiharap sa kanya at sa daddy niya.
"Mahal mo pa ba siya? Kasi alam mo the way I see it, mahal mo pa. Hindi ko lang
alam bakit sinasaktan mo pa sarili mo sa pagpigil ng nararamdaman mo."
"Just so you know, she's really hurting. Kung ayaw mo na, let her give up. Huwag
mong hilahin pabalik tapos itulak ulit palayo. Hindi siya yoyo."
I know I'm confusing her. I can't help it. Kahit ayaw kong gawin ang isang bagay
nagagawa ko pa rin.
"Someone once told me that word without action is useless and action without words
is confusing. Litong lito na siya sa 'yo, Ken. Base sa ginagawa mo ayaw mo siyang
mawala sa 'yo. Kaya lang hindi niya magawang maniwala kasi hindi mo naman sinasabi
na ganun nga ang gusto mong mangyari. You left her hanging."
Napailing siya at tumayo pero bago pa siya umalis ay nagsalita ulit, "Ikaw nga si
happiness di ba? Ikaw lang naman makakapagpasaya sa kanya kaya lang tanga ka kaya
nasasaktan mo siya. By the way, kung gaganyan ganyan ka, huwag kang magulat kung
makita niya ang sinasabi mong happiness sa iba."
***
Para akong tanga na pabalik balik ng lakad sa kwarto. Magbuhat nung mauwi kami
parang gusto kong bumalik sa bahay nila Ayu.
Kung anu-ano kasi sinabi ni Yannie. Naglalaro na sa utak ko. Nakakabobo talaga.
Kinuha ko ang susi ko at nagtangkang sugurin sa bahay si Ayu pero inilapag ko lang
din ulit. Paniguradong wala akong masasabing matino kung haharap ako sa kanya
ngayon. Ano na bang gagawin ko?!
Sabi na nilamon na talaga ako ng mga naiisip ko. Nakalimutan kong nandito si Xander
sa bahay.
"Problema mo?"
Malamang kakampihan niya. Girlfriend niya 'yun e. Syempre may punto rin siya. Tama
rin si Yannie.
"Gusto kong puntahan sa kanila si Ayu, p're."
Nagpaka-OA si Xander at itinaas ang dalawang kamay, "Sa wakas! Sa wakas nabagok na
ang ulo at aayusin na ang mali niya."
"Tss. OA. Hindi pa naman ako pupunta. Hindi ko alam kung paano magpapaliwanag sa
kanya."
"Ha?!"
"Mauutal lang ako kapag humarap ako sa kanya. O kaya hindi ako makakapagsalita."
"Sus. Edi idaan mo sa sulat. Saan na napunta utak mo? Nilamon na ng puso mo?"
Tama! Tama si Xander! Isusulat ko na lang lahat ng gusto kong sabihin sa kanya.
***
Ayu's POV
"May nagpapaabot."
Inilapag niya sa kama ko ang isang envelope at lumabas na. Ano naman 'to?
I took the letter and when I opened it, my heart starts to beat real fast. Sulat
galing kay Ken. Nanginginig kong binuksan ang sulat niya at binasa.
Ayu,
You may think this is weird, but I decided to write a letter because I might choke
my words when I talk to you personally.
I wanted to say I'm really really sorry for all the pain I've caused you. Believe
me; everything kills me inside, too. I was so confused that time (until now) that's
why I decided to end everything between us. My life is a chaos and I don't want to
trouble you and drag you down in my world. I may have been too unfair to keep
things to you, but I don't know what to do. I'm ashamed. I'm insecure.
I told you before I left that I'll prove myself to you. Kaya lang paano ko pa
magagawa ko 'yun ngayon? Instead of proving that I'm worthy of you, the opposite
happened. Paano ko pa masasabing ako ang karapatdapat para sa'yo kung ako mismo
naguguluhan na sa nangyayari sa buhay ko? Ayokong ipasok ka sa problema ko kasi
ayokong mag-alala ka kaya pinili ko na lang na ilayo ka sa gulo ko sa paraang
masasaktan ka.. at ako.
Do you know how it feels to know that your life is a pure lie? It sucks. Big time.
Alam mo 'yung paggising mo isang araw nalaman mong hindi pala ito ang mundo mo.
Hindi pala ikaw ang ikanakala mong ikaw? Ayu.. I was adopted. Ampon. Lumaki ako sa
paniniwalang sila ang magulang ko pero hindi pala. Isn't it funny how Ken Yu turned
out to be Ken Nobody? I am nobody.
Hindi ko alam ang gagawin ko ng panahong nalaman ko ang totoo. Nagalit ako sa
kinilala kong pamilya. Wala akong malapitan. Ang layo ko. Ang layo ko sa mga
kaibigan ko. Ang layo ko sa'yo.
I did a research about my biological parents. Know what I found? Ex-convict ang
tatay ko. Hindi naman sa may issue ako sa mga ganun. Kaya lang naalala ko ang
estado ng buhay mo. Anong mukha ang maihaharap ko sa daddy mo? Matatanggap pa ba
niya ako? There are so many questions running in my head, but none of them were
answered. So, I decided to end things between us. Not because I stopped loving you.
I ended everything because I can't prove myself to be worthy of you. Instead of
lifting you up, I might drag you down. You may think I'm being unreasonable, but I
can't help being insecure. I don't know what to do and what to believe anymore.
Tinutulak kita palayo kaya lang ang pasaway mo. Ayaw mo. You keep waiting and I
can't help myself but to come back to you. I told myself to be contented loving you
from afar, but every damn time I'm seeing you with that Ram, I felt my chest being
stabbed a million times.. or worse.
Naging unfair ako sayo sa kagustuhan kong sarilinin ang problema ko kaya sa huli,
ikaw ang nasaktan ko. Kapag nakikita kita gusto kong yakapin ka agad kaya lang
natatakot ako na baka hindi na kita pakawalan. I'm sorry if it took me quite some
time to decide. I'm sorry for hurting you. I'm sorry for making you cry. Ngayon
sigurado na ako. Hindi na ako magpapakaduwag at haharapin ang nararamdaman ko.
Mahal kita, Ayu. Sana sapat na yun na dahilan para mapatunayan na karapat dapat ako
para sa'yo.
Yours,
Ken.
P.S. If you're ready to talk to me, I'm just outside your house. If not, I'll just
wait here until you become ready. I'll wait no matter what. I'll wait even until
forever. I love you and I mean it.
Ilang minuto siguro akong napatulala sa sulat niya at ng magsink in ang lahat,
inilapag ko ang sulat niya at tumakbo palabas ng bahay.
***
A/N: Sorry kung seenzoned kayo kapag nagtatanong kailan update. Stated naman na
kasi na araw araw ang update until June 2.
Battle 32
Ken's POV
"Naisulat mo ba lahat sa letter?"
Napaiwas ako ng tingin kay Xander. Bakit naman kasi ganun pa ang tanong niya.Bakit
nacurious pa siya?
"Hindi ano? Umayos ka, Ken! Kapag pinaiyak mo na naman si Ayu hindi ko na pipigilan
si Yannie na sugurin at bugbugin ka."
"Sabi niyo magpakatapang ako. Sabi niyo huwag akong maging duwag. Ayan na nga,
gagawin ko na. Gusto kong sabihin ng personal sa kanya ang iba pang dahilan. Kung
idadaan ko sa sulat, baka may mamisinterpret siya. Kailangan harapan ko mismo
sabihin ang bagay na 'to."
Napangiti siya at sinuntok ako ng pabiro. "You've grown. You're being a man."
E kung suntukin at bugbugin ko kaya 'to ngayon. Ibig sabihin noon ang tingin niya
sa akin ay bata pa rin? Peste!
"Lumayas ka na!"
Natatawa siyang umalis ng may maalala akong sabihin sa kanya, "Xander." Humintosiya
at nilingon ako. "Kung magtanong man sa inyo sila Yannie, okay lang na sabihin
niyo. Kaibigan ko rin naman sila kaya ayos lang na malaman nila."
Napatingin ako sa kwarto ni Ayu. Bukas ang ilaw. Siguro ngayon binabasa na niya ang
sulat ko. Sana maintindihan niya ako kahit hindi pa 'yun ang kabuuan ng kwento.
Siguro nga malaking pagkakamali ang itago ko kay Ayu ang problema ko. Kung siguro
sinabi ko na sa kanya 'to noon pa, hindi na sana lumaki pa ang gulo. Tama sila.
Saan ko ba ginagamit ang talino ko kung sa totoong buhay naman napakabobo ko?
Dapat kong pagbayaran ang katangahan ko kaya kahit abutin man ako ng pagsikat ng
umaga o paglubog ulit ng araw sa tapat ng bahay nila Ayu, wala na akong pakialam.
Maghihintay ako kahit sa manginig pa ang tuhod ko sa pagkangawit. Maghihintay ako
hanggang sa masabi ko na sa kanya ang buong kwento.
Kaya lang hindi koalam kung anong kabutihan ang ginawa ko noong past life ko at
ngayon ay nakikita ko na ang papalabas na si Ayu sa bahay nila. Lumabas na nga
angaraw; ang araw ng buhayko. Kinakabahan ako. Lintik na 'yan. Nasaan na naman ang
tapang ko?
Napalunok ako ng tumayo siya sa harapan ko. Hindi ko maaninag ang mata niya.
Masyado kasing madilim pero base sa ekspresyon ng mukha niya, wala..wala akong
mabasa.
"Stupid!"
Hindi ko na alam ang gagawin ko kasi bigla na lang siyang umupo sa daan. Nakapatong
ang dalawang siko sa tuhod at nakatikip sa dalawang mata ang mga kamay.
Napangiti ako at hinila siya palapit sa akin saka niyakap, "I love you too."
Nanatili kaming magkayakap ng di ko alam kung gaano katagal hanggang sa yayain niya
akong umupo sa damuhan sa tapat ng bahay nila.
"Paano mo nalaman?"
Ito na. Napakaagang tanong naman. Napabuntong hininga ako, "Hindi buong istorya ang
nasa sulat ko."
"Paanong hindi?"
"Nung nasa States ako, nagkaroon ng problema ang kumpanya. Sinubukan kong tumulong
kasi kahit papaano may napag-aralan na ako. Naayos ang ibang gusot kaya lang di ko
alam na may nautangan pala si Dad sa ibang kumpanya. Kapag di namin nabayaran 'yun,
babagsak ang negosyo namin. Kaya lang masyadong malaki ang halaga. Hindi namin kaya
kaya may naipropose yung CEO ng company na yun. Just like other rich parents, he
wants me to marry his daughter."
"Krista. Siya yung anak.Syempre hindi ako pumayag. Ikaw lang kasi ang gusto kong
pakasalan. Hanggang sa isang gabi narinig kong nagtatalo ang magulang ko. Doon ko
rin narinig na hindi pala nila ako tunay na anak. Ang sabi kasi ni Mom, hindi
pwedeng ako ang pagbayarin sa utang namin bilang unfair daw sa akin yun. Hindi ako
Yu pero ako ang sasagot sa utang nila. Hindi nila alam na nandun ako at narinig
sila."
"Nagalit ako sa kanila. Sinabi ko rin na hindi ako magpapakasal sa iba bukod sayo.
Kaya tinakot ako nung tatay ni Krista na sisirain ang negosyo ng daddy mo. Sa
sobrang takot ko na madamay ka, napa-oo na lang ako. Ang gulo ng isip ko nun. Nag-
aattend ako sa parties para makalimutan ang mga problema hanggang sa may ibagsak
akong subject. Nahiya ako sa sarili ko sa lahat ng nangyari. Nahiya ako kasi ampon
ako kaya nakipaghiwalay ako sayo. Pero ginawa ko rin yun kasi ayokong idamay kayo
sa gulo ko."
She held my face and wiped away my tears. I didn't know I was crying. "Hanggang
ngayon naguguluhan ako sa nangyari pero hindi pwedeng nakaupo na lang ako sa isang
tabi. Ayoko ng isuko ka. I'm miserable without you."
Nginitian niya ako, "We'll fight together, Ken. Aayusin natin lahat ng problema.
Huwag kang mahiya na magpatulong sa problema mo. Hindi ka nagiging pabigat. Noong
may problema ako sa daddy ko hindi mo ko iniwan. Kaya ganun din ang gagawin ko
sa'yo. Walang makakapaghiwalay ulit sa atin."
Napangiti ako at niyakap siya. Nababalot man ng dilim ang mundo ko ngayon, masaya
pa rin ako dahil lumitaw na ang liwanag sa buhay ko. Alam ko tuloy tuloy na 'to.
***
"Kuhanan ng class cards namin ngayon. Magkita na lang tayo after?"
"Pwedeng sumama?"
Napalingon kami kay Sab na halatang nagulat talaga sa nakita niya. Sino bang hindi?
Parang kahapon lang hindi pa kami nagpapansinan ni Ayu tapos ngayon balik na kami
sa dati. Balik na nga ba? Kami na nga ba ulit? Pati ako naguguluhan.
Hindi ko alam ang isasagot ko kasi hindi ko naman tinanong kay Ayu 'yan kagabi kaya
napatingin ako sa kanya. Nagkibit balikat lang siya at ngumiti.
"Kayo na lang naman ni Josh ang hindi e." bulong ni Zoe sa isang tabi pero narinig
ni Josh at Sab kaya parehas namula ang dalawa.
"Sabi na hindi totoo 'yung balitang naghiwalay na kayong dalawa e. I knew it.
Pinadalhan ka pa ng lunch ni Ken last time kaya imposibleng naghiwalay kayo. He
still cares. Chismis nga naman." Pailing iling na sabi ng kaklase ni Ayu at
nagpaalam.
Bakit napasok sa usapan 'yung loko lokong 'yun? "Ayu!" Speaking of the devil.
"Sinabi ko ba 'yun?"
"Oo!"
Natawa 'yung Ram at ginulo ang buhok ni Ayu. No one touches my girl. Especially not
him. Kaya agad kong hinila palayo sa kanya si Ayu at inakbayan.
The devil smirked, "Ang sabi ko lang sa'yo magpasalamat ka. Hindi ko sinabing
magpasalamat ka sa akin kasi ako ang nagbigay."
Magsasalita pa sana ang loko ng may tumawag kay Ayu. Kakausapin daw ng prof.
Naiwan kami nung Ram. Halata naman sa lalaking 'to na may gusto siya kay Ayu.
Habang maaga pa, ipapaalam ko na kung hanggang saan lang dapat siya.
"So what if I do?" Siraulo pala 'to e. "So what if I like her? Will she like me,
too?"
Ano?
"I may be making one of the biggest mistakes in my life. Maybe one day, I'll regret
this. But I won't try to steal her away from you. Para saan pa? She loves you.
Bakit pa ako lalaban kung 'yung mismong ipaglalaban ko gustong gusto manalo ang
karibal ko? Pero ito ang tandaan mo.. sa oras na paiyakin mo pa siya, hindi na ako
magdadalawang isip na agawin siya sa'yo. I'll make her love me. Kaya don't mess
this one up."
Hindi ko alam kung mapipikon ako sa kaangasan niya o maaawa sa kanya. Karibal nga
ang tingin ko sa kanya. Palibhasa, siya ang kasama ni Ayu noong mga panahong
sinaktan ko siya. Siya ang kasama nung mga panahong hindi ako makalapit kay Ayu.
Hindi siguro patas kung harangan ko pa siya sa pakikipagkaibigan niya kay Ayu kung
nagawa na niyang sumuko sa laban. Balato ko na 'to sa kanya kahit medyo mababagabag
ako sa tuwing magkasama sila. Pero ayos lang naman siguro. May tiwala naman ako kay
Ayu.
"Magulang mo ang mga 'yun. Malamang may rason sila kung bakit ka nila ipinaalagaan
sa iba."
Umiling ako, "I don't. Masakit lang kasi kapag naiisip ko na ipinamigay nila ako."
"We don't know the whole story. Sa tingin ko dapat mo silang kitain. Sabi mo
aayusin mo ang buhay mo. Simulan mo 'yan sa pagkilala sa nakaraan mo."
Kapag sa kanya nanggagaling ang mga salita, parang lahat ng mabigat na sitwasyon
gumagaan. Ewan ko kung may magic ba siya o sadyang siya lang ang nagagawang
magpagaan ng loob ko.
"I'll find them. Pupuntahan ko sila. But you're coming with me. I don't know what
will be the outcome. Pero kung kasama kita, ano man maging resulta, tatanggapin ko.
Kung wala ka sa tabi ko kapag hinarap sila, hindi ko alam kung anong pwedeng magawa
ko."
Nginitian niya ako at hinawakan sa kamay, "Sasamahan kita. I told you we'll fight
together di ba? Sasamahin kita hanggang maging okay na ang lahat ng problema."
She's definitely my strength. Cheesy as it may seem but in darkness, she is all I
see.
"Krista?"
Agad akong napatingin kay Ayu. Bakit ba kasi nandito ang babaeng 'to.
"Oh. Hi! Ikaw 'yung sinundan niya last time nung magkasama kami sa café di ba?"
Kung pwede lang tapalan ng tape ang bibig ng babaeng 'to ginawa ko na. "I'm
Krista."
"Tss."
"Grabe, Ayu. Alam mo ba sobrang naprepressure na ako. Bwisit kasi 'tong boyfriend
mo. Siguro naman nasabi na niya sa'yo yung gusto ni Papa, 'di ba? Alam mo ba,
pinipilit pa ako ng parents ko na tawagan 'tong si Ken kagabi. So tinawagan ko
naman. Ang sungit sungit nga lang. Hindi ko masagot sagot 'yung kasungitan niya
kasi nakikinig 'yung magulang ko. What am I going to do with my life?!"
"Uhh. Oo. Nakwento ni Ken ang nangyari. Kaya lang ayaw - "
"Yes! Ayaw niya akong pakasalan. Maski naman ako ayoko. Ang sungit sungit niyan
hindi ko magagawang pagtyagaan 'yan. No offense meant ha. Kaya lang, Ken!" nilingon
niya ako at napapalo pa siya sa lamesa, "Kausapin mo na ang magulang ko. Parang awa
mo na. Sabihin mo na sa kanila na ayaw natin sa isa't isa. Hindi ako makalabas para
makipagdate. Nasisira ang image ko!"
"Image?"
Aayain ko na sanang umalis si Ayu at iwan ang baliw na babaeng 'to ng may isa na
namang huminto sa tapat ng table namin, "Ram?" tawag ni Ayu sa kanya.
Tinanguan ko siya at hinayaan. "Who are you?" bastos talaga 'tong Krista na 'to e.
Walang manners.
Hindi pinansin ni Ram si Krista at kinain lang ang burger niya, "Bwisit, sungit.
Kala mo kung sinong kagwapuhan."
Sasagot sana si Ram pero biglang nagring ang phone ko kaya napatahimik silang
lahat. Tiningnan ko kung sino ang tumatawag. Si Josh. Humarap ako kay Ayu at
sinabing si Josh ang tumatawag.
"O? Bakit?"
Battle 33
Ayu's POV
Ilang beses na nila tinatanong 'to pero hindi ko talaga alam kung paano sagutin.
Ano na nga ba kami ni Ken? Hindi naman niya ako tinanong. Hindi naman namin napag-
usapan 'yun.
Napangiti ako sa sinabi niya. Feeling ko rin naman kasi doon nga ang uwi namin
parehas. Sigurado siya sa akin, sigurado ako sa kanya.
"Pupuntahan niyo na ba ngayon 'yung real parents niya?"
Tumango ako. Alam na ng barkada ang tungkol kay Ken. Sinabi na raw ng boys sa
kanila. Nalaman lang din pala ng boys yung tungkol dito nung araw na sinapak ni
Josh si Ken. To protect Ken's secret, they hid everything from us, too. Wala rin
naman sila sa posisyon para sabihin yun kaya naiintindihan ko naman.
"Kinakabahan na malamang yun ngayon. Ilang years na? Basta matagal na. Tapos yung
anak pa nila yung naghanap sa kanila."
"Sana nga. Ang sakit kung wala, di ba? Whatever happens, just stay by his side,
okay?"
Pagsagot ko kay Zoe ay may nagdoorbell, "Si Ken na 'yan. Ingat kayo." She waved and
I did the same.
Bago ko pa pihitin ang doorknob, napahinto na niya ako, "Everything will be alright
in the end."
"What if things won't turn out.. good? Paano kung hindi pa rin pala nila ako
tanggap? Paano kung palayasin nila ako sa harap nila? Paano kung nakalimutan na
pala nila na minsan sa buhay nila naging anak nila ako? Paano -- " I cut him off by
covering his mouth.
"We'll never know if we'll never try. We have to go there to figure out things.
Don't chicken out. I'm with you, okay?"
Napabuntong hininga siya at tumango. "Sana maayos ang kalabasan. Sana tanggap pa
nila ako. Sana maging magkasundo ang dalawang pamilya ko."
I'm so proud of him. Nakakatuwa na kahit hindi pa niya kilala ang totoong magulang
niya, tanggap na niya ang mga ito. Kahit hindi pa sila humihingi ng tawad,
napatawad na sila ni Ken.
Bago pa man kami makasakay, may isang sasakyan na ang bumusina sa amin.
Nasagot ang tanong ko ng bumaba sa sasakyan ang isang magandang babae. Si Krista.
"Na naman?! Kapal ng mukha ng lalaking 'to. Kailan ako nanggulo? Saka hindi ikaw
ang pakay ko dito. Tabi!" Itinulak niya palayo si Ken at hinawakan ang dalawang
kamay ko. "Ayu, parang awa mo na. Pilitin mo na 'yang masungit mong boyfriend na
kausapin magulang ko. Nakikita mo yung pangit na 'yun?" Napatingin ako sa tinuro
niya. Yung driver niya. "Ayaw niya akong papuntahin sa mga gusto kong puntahan.
Ikakasal na raw kasi ako kaya magpakabait na raw ako sabi nila Mama. Pero hindi ko
kaya!"
"Hoy tigilan mo yan. Umuwi ka na nga sa inyo!" Sigaw ni Ken kay Krista.
Pinanlakihan ko ng mata si Ken kaya tinigilan niya ang pagpapalayo kay Krista.
"Krista."
"Ohmyghad! Really? Thank you, Ayu!!" Sigaw niya at napatalon papayakap sa akin.
***
Nakatayo at nakatitig lang kami sa labas ng isang bahay. Alanganin si Ken kung ito
ba talaga ang bahay ng magulang niya.
"Subukan natin."
Napapikit siya saglit at nagdoorbell. May lumabas na isang matandang babae. Kung
hindi ako nagkakamali, kasambahay siya rito base sa uniporme niya.
Nakatitig lang si Ken sa kanya. Alam ko na ang umiikot sa utak niya. Malamang ko ba
tulad ko, tinitingnan din niya ng mabuti ang mukha ng matanda.
Nagulat ako sa naging tanong ni Ken kaya kinurot ko siya sa tagiliran niya. Wala
man lang pasintabi. Masyadong direct to the point.
Mukhang naguluhan ‘yung matanda kaya natagalan bago siya sumagot, “Wala naman. Wala
akong asawa, hijo. Hindi pinagpalang magka-anak.”
False alarm. Hindi siya ang nanay ni Ken?
Papaalis na sana kami ni Ken ng may biglang bumusina. Yung may ari ata ng mansyon.
Gumilid lang kami at pinaraan sila, “We’ll find them.” Bulong ko sa kanya.
Hindi pa kami nakakalayo ng biglang bumaba yung nasa sasakyan. Dahan dahan siyang
lumapit sa amin at tinitigan ng mabuti si Ken, “K..ken?”
“Ken.” Lumapit at niyakap nung babae si Ken habang umiiyak. “Anak ko. Anak ko.”
Siya ang nanay ni Ken? Agad siyang napatingin sa akin at halata sa mukha niya na
gulong gulo siya kaya tinanguan at nginitian ko siya.
Sabi nila totoo naman daw ang lukso ng dugo. Kaya kung ito ang magulang ni Ken,
mararamdaman niya naman ito.
Mula sa hindi kalayuan ay may isang lalaki ang lumapit. Kung hindi ako nagkakamali,
ito ang tatay niya. Maluha luha rin yung lalaki at nagulat na lang ako sa biglaang
pag-iyak niya kaya maski ako, hindi ko na napigilan ang pagluha ko.
***
Pinapasok kami sa bahay at hindi talaga lumalayo yung babae kay Ken. Hindi na rin
naman siya umiiyak ngayon pero namumula pa rin ang mata niya.
“Anak, patawarin mo ko.” Ayan. Naiyak na naman siya. Baka maiyak na naman ako nito.
“Patawarin mo kami ng Papa mo.”
Saglit na natahimik ang lahat pero binasag din niya ang katahimikan, “Napatawad ko
na po kayo. Aaminin ko noong una nagalit ako. Nasaktan. Kaya lang siguro naman may
rason po kayo ‘di ba? Hindi niyo naman ako ipinamigay lang dahil sa hindi niyo ako
gusto.”
Umiling-iling ‘yung mama niya, “Mahal ka namin, anak. Kaya lang noong ipinanganak
kita, nasa kulungan ang Papa mo samantalang nagkasakit naman ako. Walang wala kami
noon. Ayokong ipagdamot sa’yo ang karapatan mong mabuhay ng maayos. Hindi kita
kayang pakainin. Hindi kita kayang pag-aralin. Hindi ko maibibigay ang buhay na
karapat-dapat para sa’yo kaya ayaw man naming gawin, nagawa naming ang bagay na
‘yun.”
“Anak..” Dama ko sa boses ng Papa ni Ken ang pagkasabik na tawagin siyang anak.
“Noong panahong nasa mga Yu ka, lagi ka naming sinusundan. Lagi ka naming
binabantayan. Kaya ng makalabas agad ako ng kulungan sa salang hindi ko naman
ginawa, nagsumikap agad kami ng Mama mo. Gusto sana naming bawiin ka sa mga Yu kaya
lang noong nakita namin kung gaano ka kasaya sa tuwing kasama sila, hindi na namin
nagawa. Umasenso kami, anak. Kaya lang kulang pa rin dahil wala ka sa amin.”
Marami pang tanong ang ibinato sa kanila si Ken pero kada sagot ng magulang niya,
naiiyak lang ako.
Ramdam na ramdam ko kasi yung nag-uumapaw na pagmamahal nila kay Ken at ang
pagkasabik nila na makasama ulit siya.
***
Ilang araw na ang nakalipas magbuhat ng puntahan namin ang magulang ni Ken.
Nakausap na rin niya ang isa pa niyang magulang at nag-usap na rin ang dalawang
pamilya.
May kapatid din na babae si Ken. Mas matanda kami sa kanya ng dalawang taon.
Nakasundo rin naman agad siya ni Ken at maski ako. Ipinakilala na kasi ako niya ako
sa totoo niyang pamilya. Pormal na pakilala. Noong una hindi pa niya alam kung
paano niya ako ipapakilala kasi hindi naman namin alam kung ano na nga ba kami pero
sa bandang huli, nasabi rin niya ang salitang girlfriend na sinang-ayunan ko.
“And they all lived happily ever after.” Masayang sabi ni Zoe ng maikwento na namin
sa kanila ang lahat ng nangyari.
Kaya lang, may bigla na namang sumingit sa eksena.. Krista. Paano siya nakapunta
dito sa No Name? Hindi ko rin alam.
“Ken! Ano ba! May nakabuntot pa rin sa akin. May problema pa rin ako sa magulang
ko. Paano na ‘yan?!”
Natatawa si Ken at nagkibit-balikat, “I’m out. My real dad paid my other dad’s
debt. No more deal.”
Nanlaki ang mata ni Krista at napatakip sa bibig, “Ohmyghad! Does that mean I’m
free na rin?”
“I guess not. Nung isang araw pa nabayaran ang utang pero may buntot ka pa rin
ngayon.”
Nanlaki pa lalo ang mas nanlalaki niyang mata kanina, “What?! Sira na ang buhay
ko!! Justice, where art thou?!” Natawa na lang kami kasi papadyak siyang umaalis sa
table namin.
“Damn you, too! Shut up I’m having a bad day- a bad life.”
Nakasanayan na rin naman ng barkada paminsan minsan na kasama si Ram kaya wala ng
kaso sa kanila.
Nagkwekwentuhan ang lahat ng akbayan ako ni Ken at bulungan, “Ayos na ang lahat.
Thank you for being by my side. I don’t know what I’m going to do without you.”
I smiled and pinched his nose, “I told you we’ll get through this together. No more
secrets?”
Itinaas ko ang pinky finger ko at ganun din siya and we made a pinky promise.
“Hmm?”
I can’t help but smile too. I stared at him as he kisses me on my forehead, “And
one day, I’m going to say I will.”
***
Battle 34
Sab's POV
"Ah, si Krista?"
Napatango ako at pinilit halukayin sa kadulo duluhan ng utak ko kung saan ko nakita
yung mukha nung babaeng yun. Kaya lang hindi ko talaga mahukay e. Akala mo naman
napakaraming laman ng utak ko at natabunan na ng memorya ko yung babae.
Pero hindi pwede. Ang hirap kaya matulog kapag may pilit kang tinatandaan pero
hindi mo matandaan. Nakakaloka ang life.
Feeling ko may light bulb na umepek sa ibabaw ng ulo ko. Feelingera ko talaga.
Tama. Siya yung nasa cafe. So, siya pala. Kaya lang dalawa sila. Sino yung isa?
So.. kung si yung Krista ‘yung supposed-to-be fiancé ni Ken, and Josh is with them
plus yung isang other girl.. does that mean that.. Oh come on!
Napalunok ako at napatingin kay Ayu at Ken na kausap na ulit ‘yung iba. Itatanong
ko kaya? Huwag na lang nakakahiya. Pero sanay naman na akong gumawa ng kahihiyan
‘di ba? Pero huwag na. Madadagdagan pa.
Napalingon ako sa isang katabi kong si Ram. Ha! Sab, you’re so talino. Tama ‘yan
nasa isip mo. Ipatanong mo kay Ram.
“Hoy.” Tawag ko sa kanya kaya nilingon niya ako, “Tanungin mo nga si Ayu kung sino
pa ‘yung isang babae na kasama nila Ken sa café.”
“Ask her.”
Bwist ‘to. Ang sungit. Nagpapatanong lang ayaw pa. Kapag ako nainis nito sisipain
ko ‘to palabas ng No Name. Letse siya.
Sige na. Kikimkimin ko na lang. Akin na lang ‘tong tanong sa utak ko. Hindi na
lalabas pa. Ibabaon ko na lang ‘to hanggang pagtanda ko.
Medyo late na rin ng mapagpasyahan ng lahat na umuwi. Katwiran nila, sembreak naman
kaya ayos lang. True. One month na chill chill lang. Walang professor na magagalit
sa’yo at magtatawag para magtanong ng mga tanong na alam naman niya ang sagot.
Walang oras na dapat sundin kung kailan ka lang pwede lumabas ng room. Walang
everyday byahe papuntang school at pabalik sa bahay.
Puro pag rerelax lang. Chill lang kumbaga. Solo mo oras mo. Wala kang hahabulin.
Kaya lang one month lang na ganun at sad to say, nabawasan na ng kulang dalawang
linggo ang isang buwan na ‘yun. Buti pa si Phineas and Ferb forever bakasyon.
***
“Good morning, Sab.” Bati niya sa akin habang masayang nakaupo sa dining table.
“Tara, kain.”
“May itatanong ka raw sa akin. Kaya lang nakatulog at nagising na tayo’t lahat
hindi mo pa rin natatanong.”
Bastos talaga ‘yung Ram na ‘yun. Pahamak sa buhay. Manong siya na ang nagtanong.
Kabwisit pa.
Kainis. Nang-aasar pa talaga ‘tong si Ayu. “Pero tinatanong lang niya kung sino
yung isa pang babae na kasama ni Josh, Ken at Krista sa café noon.” And I’m..
doomed.
Nagtawanan ‘yung apat. Kaligayahan ba nilang bwisitin ako? Nasaan ba ang hustisya?
“So ngayon macucurious ka? Pagkatapos mo sabihan ng nakakalokang line mo na.. Hindi
mo na kailangang mag explain.”
Bakit ba bumababa baba pa ako at sumabay sa pagkain sa mga ‘to? Kung sana natulog
na lang ako e di sana hindi ako nabubully ngayon ng ganito? Life, why are you so
mean to me?
“Wanna know who’s that girl?” nakakalokong tanong ni Ken kaya tinaasan ko siya ng
kamay, “I don’t give a damn.”
Pinalapit ni Ken ang dalawa at may binulong. Napatango tango naman sila at
napailing. “Bagong nililigawan.”
Pakiramdam ko natigil ako sa paghinga ng marinig ang sinabi ni Zoe. So tama nga ang
hinala ko? Bago nga ni Josh ‘yung babae? Pakiramdam ko tinusok yung puso ko. Pero
ano nga ba namang pakialam ko. Hindi naman kami.
Hindi naman kagandahan ‘yung babae. Nakakasakit sa pride ko na ayun ang sumunod sa
akin. Sa ganda kong ‘to ipapalit niya ako sa isang hipon? Hindi ko siya masisisi.
Kapag nakuha mo na ang best, wala ka ng mahahanap na kagaya niya kaya magsesettle
ka na lang sa kung anong nakahain sa’yo. Ganun siguro ang nangyari kay Josh. Walang
taste. Nakakainis.
“Sab!”
Pakiramdam ko nabuhay ang katawang lupa ko ng sigawan ako ni Zoe sa mismong tapat
ng tenga ko.
“Edi ikaw. Ikaw naisip e.” Irap ko sa kanya at kumain na lang ulit.
Bago siya tumayo narinig ko pa yung pagbungisngis niya at pagbulong ng bitter. But
I’ll pretend I haven’t heard that. Hahaba lang at masasabihin akong defensive kung
sasagot pa ako. Besides, hindi naman totoo.
Dapat na ba akong mainis sa mga nakikita ko? Partner partner sila tapos ako extra.
Parang nangyari na ‘to nung highschool kami ha. Pero wala akong pakialam. Hindi
lang naman ako ang nakakaranas ng ganito sa mundo. At isa pa, ano naman? As if
affected ako. Duh!
Naligo at nag-ayos lang ako saglit. Bumaba rin naman ako agad kaya lang pagbaba ko,
may nakita akong hindi ko inaasahan na makikita ko dito.
“Nakikita ko. May mata ako.” Pagsusungit ko at umupo sa tabi nila para makigulo.
Pag-upo ko pa lang, nagbatuhan na agad sila ng unan. Parang mga bata. Nakakainis.
Bahala sila. Hindi ko sila papakialaman.
Pero ng tamaan ako ng unan na pinangbato ng kung sino man, aba, hindi ko na kayang
pigilan ang inis ko.
Narinig ko naman ang pagtawa nila Zoe, Yannie, Ayu at Ken. Anong nakakatawa?!
So siya pala ang master mind. Bakit ba akala nilang lahat masyado akong affected sa
existence ni Josh? Hindi naman. Binibig deal ba nila na naghiwalay kami kaya bawal
na kaming maging friends? Just so they know, open naman ako sa friendship with
Josh.. kaya lang.. hindi ko alam!
“No.”
Hindi sumagot si Ken at lumingon kay Josh na kasalukuyang nakatuon ang buong
atensyon sa chocolate na kinakain. Nang mapansin niyang nakatahimik na ang lahat at
nakatingin sa kanya, napahinto siya sa pagkain at napalingon sa amin.
“Sino? Kailan?”
Bakit niya tinatanggi ang nililigawan niya? Masakit kaya yun kapag nalaman nung
babae.
“Sinong Krista?”
Nanlaki ang mata ni Josh at napatingin sa kay Ken, “May naging fiancé ka? Bakit
hindi ko alam?”
Yung totoo, anong trip nila? Bakit parang naguguluhan ako sa usapan nila?
“Nakalimutan ko na. Ang alam ko nga may isa pa siyang babaeng kasama. Kaibigan daw
niya. Malay ko kung sino.”
“Sorry, Sab. Tinitingnan lang namin reaction mo. Hindi nililigawan ni Josh yun kasi
according to Ken, may boyfriend daw yung girl. Affected much?” bulong sa akin ni
Zoe.
“Peste naman! Makalayas na nga lang!” sigaw ko kaya napatingin sa akin ang lahat.
“Tabi! Lalabas ako!”
Nakakabwisit! Akala ko totoo tapos hindi naman pala. Mga bwisit talaga. Nag-eenjoy
talagang pagtripan ako. Nakakainis! Mag-iikot na lang ako sa village para mawala
inis ko.
Nanginginig ako habang binabasa ang message. Kung iba ang nagtext niyan wala akong
pakialam e. Kaya lang.. it was Josh.
***
A/N: Josh and Sab - 140. Xander and Yannie - 23. Ice and Zoe - 100.
Battle 35
Sab's POV
Magrereply ba ako? Kung oo, ano naman ang sasabihin ko? Ni hindi ko pa nga alam
kung handa na akong kausapin siya. Handa na nga ba ako?
"Am I ready?"
Nanlaki ang mata ko dahil sa gulat ng may biglang tumabi sa akin. Si Zoe and Ice.
"Yung lata."
"Halata naman 'di ba, Ice? Nakita mo naman reaction niya kanina 'di ba?"
Tumango si Ice which I already expected. Duh. Malamang mag aagree siya. Under kaya
siya kay Zoe. As if naman ako ang kampihan niya. Edi mabugbog pa siya ng napakabuti
niyang kasintahan. Myghad. Kasintahan.
"You still love him and he still loves you, too. I don't know why you're both
trying to make things complicated."
"Hindi sa ganun, Ice. Minsan kasi hindi naman dahil sa mahal mo ang isang tao at
mahal ka rin niya, okay na ang lahat. Hindi lang naman ang love ang bumubuo sa
isang relasyon."
"I get your point. Pero kayo lang din naman ang nahihirapan."
Napabuntong hininga si Zoe, "She is right, Ice. Medyo nagmamature na si Sab. Nakita
ko rin ang nangyayari sa relasyon nila ni Josh. Para kasing konting struggles lang
pwedeng mag-end lahat. Permanently. At least ngayon, pangsamantala lang ang
hiwalayan. Baka sa susunod, forever na."
Finally. Finally someone got my point. Ang iba kasing tao ngayon pakiramdam nila na
kapag mahal mo at mahal ka, go na. Hindi ganung kadali 'yun. Hindi pwedeng umikot
'yung relationship niyo sa love lang. Nasaan ang trust? Nasaan ang loyalty? Nasaan
ang understanding? Wala. Wala ng space para sa mga 'yun kasi nga binuo niyo ng puro
pagmamahal lang.
"Talk to him at least." Wow, Ice. Wow. Ayan ang kanina ko pa pinag-iisipan. So, ito
na ba ang sagot sa tanong ko kung dapat ko na siyang kausapin. "You said you want
the both of you to be matured enough to handle a relationship. You might as well
start by talking to him. Hindi 'yung nag-iiwasan kayo."
"True, Sab! You're both in the same place, but it feels like you're million miles
apart. Ni hindi niyo nga pinapansin ang existence ng isa't isa. Anong gusto mo,
iwasan na lang forever? Bukod sa nahihirapan kami sa sitwasyon niyo, alam din namin
na nahihirapan kayo."
Kakaiba talaga ang tandem ng dalawang 'to. Ang lakas manghikayat. Kahit na feeling
ko tama ako, paparamdam nila sa akin na hindi talaga which is very rare kong
maramdaman kasi aminado akong most of the time, feeling matalino ako at tama ang
pinipiling desisyon. Sige na, sorry na.
"Gusto niyang mag-usap kami kung handa na raw ako. And then all of a sudden, you
both came out of nowhere and lectured me about being mature and settling things
between us. Parang sinagot niyo yung tanong ko without you even knowing."
"Why are we so great?" baling ni Zoe kay Ice at nag high five pa ang dalawa. "Eh di
makikipag-usap ka na?"
"I guess. For the better naman 'to kaya go na 'di ba?"
"You should. Josh is not the typical Josh lately. Ayusin niyo ang gulo niyo.
Friends or lovers, I don't care. Basta ayusin niyo yan."
Nag-salute ako kay Ice at kinuha ang phone ko para i-text si Josh.
"Kailan at saan?"
Wala pang limang minuto ng sumagot siya, "Mamaya? 6pm. Sa café malapit sa No Name?"
Pagbalik namin nila Ice sa bahay, wala na si Josh. I mean, umalis na siya. Ang sabi
ng iba, kasi raw may inaayos na grades. Mali ata ang naibigay na grade sa kanya
kaya kinakausap daw yung prof nila.
After hearing from them his reason, I smiled. I'm just glad that he can finally
stand on his own. Hindi na siya aasa sa akin. Hindi na ako instant yaya.
Malamang hindi na siya aasa sa iyo. Bakit naman? Kayo ba? Ni hindi nga kayo nag-
uusap tapos hihingi pa siya ng pabor sa 'yo? Hindi naman ganun kadesperado ang ex
mo. May hiya rin naman siyang tinatago.
Pesteng konsensya 'yan. Ang sarap hatakin palabas ng katawan ko at itapon sa tabi
tabi. Hindi nakakatuwa e. Hindi ko alam kung ano ang laging pinaglalaban.
"Saan?"
Nang mag alas singko na, naligo ulit at nagbihis na ako para makipagkita kay Josh.
Nandun 'yung kaba kasi first time namin ulit mag-uusap pagkatapos naming
maghiwalay.
Habang papalapit ako ng papalapit sa café, pabilis ng pabilis ang tibok ng puso ko.
Pakiramdam ko nasa isa akong movie. Sakto kasing pagpasok ko sa café may tumunog na
song. At dahil sa feelingera at dala na rin siguro ng kaba, binagalan ko pa ang
laban ko para may drama.
Oh these times are hard. Yeah they're making us crazy. Don't give up on me baby. ♫
I searched for him all over the room and I saw him at the corner of the café.
Nakaupo at nakatulala lang siya habang nilalaro ang display sa table.
Naramdaman niya ata ang pagdating ko kaya napalingon siya sa direksyon ko. He
stared at me and after a while, ngumiti siya. Tipid na ngiti. Hindi 'yung ngiti na
talagang nilalaan niya para sa akin.
She needs me now but i can't seem to find the time... And we don't know how, how we
got into this mess is it a god's test. Someone help us cause we're doing our best.
Trying to make it work, but man these times are hard. ♫
Bumuntong hininga ako at nagsalita, "Ano ba ang dapat pag-usapan? Simulan na natin
kasi masyadong awkward. Nakakaloka. Baka hindi ko kayanin."
"Ano na?" tanong ko sa kanya ng makabalik siya at kinain ang order ko.
"Kamusta?"
"Fine. Ikaw?"
"Same."
Napangiti siya at ganun din ako. Bumilis na naman ang tibok ng puso ko. Masaya ako
na malaman na hindi lang ako nahihirapan. Hindi sa gusto ko rin siyang mahirapan.
Parang masaya lang ako that he feels the same way.
We're smiling but we're close to tears. Even after all these years. We just now got
the feeling that we're meeting for the first time. ♫
Tumango rin siya at napangiti, "This feeling is.. weird. This is how I felt when I
ran after you during our debate."
He cleard his throat, "Sa totoo lang, inaya kita dito para makapag-usap tayo ng
maayos. Months na magbuhat ng maghiwalay tayo. Three months."
Napatango ako at tinuloy niya ang sinasabi niya, "Pinag-isipan ko ng mabuti ang
gusto mong mangyari. Tama ka. Kailangan natin parehas magmature. Hindi ko natanggap
yun dati kasi.. it's so sudden. Walang signal. Biglang preno. Nakakagulat. Pero
narealize ko, may punto ka."
"It's fine. Tapos naman na. Hindi kita kinita para makipagbalikan kasi alam kong
tatanggihan mo lang ako kapag ginawa ko 'yun."
Buti ka pa alam mo ang gagawin ko. Ako kasi hindi. Gusto kong sabihin yan sa kanya
pero kinimkim ko na lang.
"I just want to settle everything between us. Medyo hindi maganda ang paghihiwalay
natin noon. May hard feelings kasi. Pero ngayon gawin nating pormal ang
paghihiwalay natin."
"Not that I don't have any feelings for you. It's still here, Sab. My feelings is
still here. You still occupy the space in my heart. But I want us to grow up. Ayun
din ang gusto mo. Hindi natin magagawa 'yun kung tayo pa rin. Kung may romantic
relationship pa rin tayong dalawa di ba? Pero I want us to grow up together. Not as
lovers, but as friends. Siguro naman okay lang 'yun sa'yo?"
I was silent for a moment at ng mag sink in na lahat ng sinabi niya, napatango ako.
"Yes. Friends. We can grow up together."
"Good. Pero kung sa process ng growing up natin, may makilala kang iba at
magkagusto ka sa kanya, I'll hunt and kill him." Magrereact palang sana ako ng
tumawa siya, "Joke lang. Tatanggapin ko na lang 'yun. I'll let you go. That's what
grown up man does. They'll let go of the person who aren't meant for them."
Tumango siya at kumain na ulit. We were quiet for a moment ng bigla na naman siyang
magsalita ng nakayuko, "But if I proved to you that I'm mature enough to handle a
relationship and the both of us still feel the same way," Tinitigan niya ako sa
mata which made me nervous, "I'll take you back."
***
Yung song, suggested by @allysakasandra yan. Title: For the First Time - The Script
(Boyce Avenue Cover)
Battle 36
Josh' POV
Napangiti ako ng taasan niya ako ng kilay. She's so cute. Nakakamiss din na inaaway
niya ko. "As friends. Tumatambay ang magkakaibigan 'di ba? Kung gusto mo magtawag
ka pa ng back up para may kasama tayo."
"Good idea." Taas niya sa tinidor niya at may tinawagan nga sa phone niya, "Hello,
Zoe? ... Anong ginagawa mo? ... Ice na naman? Kaninang umaga pa kayo magkasama. ...
Whatever. Tara. Tambay. ... I'm with Josh. ... Tss. Bye."
"Hindi pumayag, ano?"
"Halata naman di ba? Kainis. Tara na nga." Inis niyang sagot at tumayo para lumabas
pero bumalik din para kunin ang frappe niya, "Sayang."
Nasa may parking na kami ng mapansin kong wala ang sasakyan niya.
"Kotse mo?"
"Bahay. Mas trip ko magcommute kanina para mas matagal makarating sa cafe. Baka
sakaling mabawasan kaba ko."
“Nakakailang kasi ‘di ba nag break tayo tapos makikipagkita ako sa ‘yo e hindi
naman tayo nagpapansinan. Alam mo ‘yun. Kaya ayun. Mas kailangan ko ng time para
mag-isip isip ng mga bagay bagay.”
“Ayos na rin ako ngayon. Parang wala na lang kunyaring nangyari. Ang kaibahan nga
lang, wala na tayong title. Friends na lang. Tara na.”
Masaya niyang sagot at pumasok na lang sa sasakyan ko. I offered her friendship.
Sana tama pa rin ‘tong ginagawa ko. Sana wala akong pagsisihan hanggang sa huli.
Sana okay lang lahat. Sana okay lang kami.
Napagdesisyunan namin na tumambay sa isang plaza. Medyo fresh pa rin kasi yung
nangyari sa utak namin kaya para iwas ilangan, dito na lang kami nagpunta.
Parehas lang kaming nakatahimik. Hindi ako sanay. Nakakabanas. Gusto kong mag-ingay
pero wala naman akong masabi. Nasaan na napunta lahat ng kayabangan ko?
“Ang cute nila o.” turo niya sa dalawang bata na babae at lalaki. Mukhang mga 2 o 3
years old pa lang ang mga bata. “Kanina ko pa sila tinitingnan. Hindi naman sila
magkasama. Ngayon lang sila malamang nagkita pero nung lumapit ‘yung batang babae
sa batang lalaki, bigla na lang niyang niyakap ‘yung bata.”
Inobserbahan ko ang sinasabi niya. Mukhang unang beses pa lang nila nagkita. Sa
hindi kalayuan, nanunuod lang yung magulang nung dalawang bata. Hinahayaan ‘yung
dalawa.
“Sana lahat ng tao parang bata lang , ano?” Napatingin siya sa akin na nakakunot
ang noo kaya pinaraan ko ang kamay ko sa noo niya para madiretsyo ‘yun, “Ang mga
bata kasi mga walang pakialam. Hindi rin sila mapanghusga kaya kahit kakakilala pa
lang nila, parang buong buhay na silang magkasama.”
“Yes. Kaya madaling makipagkaibigan kapag bata ka pa. Wala kasing plastikan. Ang
cute ano? Para kasi sa mga bata lahat ng kaibigan nila special. Hindi tulad ng
definition ng friends kapag tumatanda ka na. Iba na.”
“Ikaw, special ba sa ‘yo ang friends mo?”
Sasagot sana siya pero napatikom ulit at tiningnan ako ng masama. Affected din
masyado ‘tong si Sab e. Binibiro lang naman seryoso masyado.
Pero ito ang namiss ko sa kanya. ‘Yung pagiging pikon. Inis ako sa taong pikon
kahit ako mismo pikon din kaya lang kapag siya ang napipikon, ayos lang sa akin.
“Bakit? Ano masama dun? Ikaw, special ka sa akin tulad ng pagiging special sa akin
nila Zoe at nila Ice.” Ngumiti siya at tinap ang likod ko.
Napailing ako na nangingiti. Gaya gaya talaga ‘to. “Pero.. ikaw ang pinakaspecial
sa kanila.” Sasagot pa sana siya ng tumayo na ako. “Mukhang uulan. Walang stars
saka malakas ang hangin. Tara na. Uwi na kita sa inyo.”
***
“Ano?”
“Tara.”
“Saan.”
“Bahay.”
“Ge.”
Baka mabaliw lang ako sa kakaisip ng kung anu-ano kung tatambay lang ako sa amin.
Bago pa man ako umalis, tiningnan ko ulit ang phone ko. Ano na? Itetext ko ba o
hindi? Napabuntong hininga ako at nagtype.
Tinitigan ko ang message. Hindi. Hindi pwede. Parang ibang tao ang nagtetext.
Masyadong pormal.
Bakit ba hindi ako pinagpalang makahanap ng tamang mga salita para sa magulong
panahon? Lagi na lang akong nangangapa ng sasabihin ko. Ang tanda tanda ko na pag-
iisip na lang ng mga tamang salita, palpak pa ko. Nasaan na ba kasi ang pesteng
maturity na hinahanap ko. Ayaw pang magpakita ng matapos na ang lahat ng ‘to.
Hinagis ko na lang ang phone ko at lalabas na sana ng kwarto ng bigla na lang ‘yung
tumunog.
Halos madapa na ako sa pagtakbo para makita kung sino ang nag text pero halos
maibato ko rin ang phone ko na makita na pangalan lang ni Ice ang nakalagay dun.
Taena! May cctv ba ‘tong kwarto ko at alam ni Ice ang ginagawa ko. G*gong ‘yun!
Dito ako nagbihihis ha. Baka mamaya..
“Ano na?”
Halos atakihin ako ng makitang nakatayo sa may pinto ng kwarto ko ‘yung tatlong
lalaki.
“Usapang tanga lang, Josh? Paano ba nakakapasok ang isang tao sa isang kwarto?”
Kailan pa nahawaan ni Sab itong si Xander ng pagkapilosopo niya.
Pero hindi ‘yun ‘yung punto dito e. Akala ko ba pupunta ako kila Ice? Bakit
baliktad?
Sa susunod talaga isasara ko na ang kurtina sa bintana ng kwarto ko. Nawawalan ako
ng privacy dito.
“I-text mo na.”
Napatahimik sila ng magsalita ng seryoso si Ice. “Kung gusto mong i-text, i-text mo
na. Baka mamaya inaabangan lang din niya message mo.”
“E – “
“Hindi pinaghihintay ang babae. Ikaw ang lalaki, ikaw gumawa ng first move.”
Peste talaga si Ice. Kung anu-ano sinasaksak sa utak ko. Peste rin ako at sinusunod
ko naman ang sinasabi niya. Kaya tinext ko nga si Sab.
Thank you kanina. Next time ulit labas tayo. Bilang magkaibigan lang huwag kang
mag-alala. Goodnight.
Send!
Minsan talaga may pagkachismoso rin ang mga lalaki e. Patago lang kaya hindi
halata.
“Okay na kami.”
Magsasalita pa sana si Ken ng singitan siya ni Ice, “You need to grow up. Both of
you should grow up. Kapag nagawa niyo na ‘yun, saka na kayo magbalikan.”
“Kung may babalikan.” Bulong ni Xander na narinig ko naman kaya binato ko ng unan.
Napatahimik ako sandali. Kanina ko pa rin yun tinatanong sa sarili ko. Pero alam ko
kaya ko naman.
Tinanguan ko sila, “Even if all we’ll ever be is just friends, I’ll still take
that. I‘d rather be her friend than nothing. Basta kasama pa ako sa buhay niya,
ayos lang. Kahit extra lang.”
***
Day 8! Last day para sa straight update. So goodbye everyday ud na. Pero mag-uud pa
rin ako every once in a while. Maybe 2-4 times a week. Again, please use the
hashtag #TeenClash2 or #BBHM para mairetweet at favorite ko ang tweets niyo. Thank
you! <3
Battle 37
Sab's POV
Ako, aminado akong leader ako ng mga chismosa. Kaya lang minsan naiisip ko na lang
bakit kami ganun.
Parang itong mga kaibigan ko. Mga nakaabang sa pinto nung hinatid ako ni Josh. Kala
naman nila hindi ko sila makikita. Mga nag-uunahan pang umupo ulit sa sofa pagpasok
ko. Patay malisya 'tong mga 'to ha. Sige. Sige lang.
Aakyat na sana ulit ako ng si Yannie naman ang pumigil sa akin, "Hindi ka ba
makikinuod dito?"
And.. I'm right. Sitting pretty ako sa kama ko habang naka de quatro pa at
nakacross ang arms. I smirked at them kaya tiningnan nila ako ng masama.
"Figures." Sabi ko feeling victorious. "O, bakit kayo nandito?" Pa-inosente kong
tanong.
Lumapit sila at umupo sa kama ko habang si Yannie ay umupo sa may upuan malapit sa
study table ko na hindi ko naman madalas magamit.
"Matutulog na nga lang ako. Ayaw niyo namang sabihin kailangan niyo."
Kukuha na sana ako ng pantulog na damit pero may humila sa braso ko kaya napaupo
ulit ako. Kung sino man humila sa akin, hindi ko na alam. Ang mga kaibigan ko,
bukod sa mga pa-hard-to-get, puro mga sadista. Paano na lang kung nagkapasa ang
maganda kong skin?
"Nasaan akong lupalop ng mundo ng mabalitaan niyong nagdate kami ni Josh? Hindi ako
nainform."
"Duh. Ano man ang sabihin mo, date na rin yun. Ano, nagkabalikan na ba kayo?" Itong
si Ayu porque nagkabalikan lang sila ni Ken gusto na kaming isunod ni Josh.
Ang love story nila, may second chance. Ang sa amin, wala pang kasiguraduhan.
"Nag-usap kami. Nag-usap lang kami. He offered me friendship. Tinanggap ko. No.
Hindi kami nagkabalikan. Yes. Ayos na kami sa ganun."
Tinitigan ako ni Ayu at Yannie na parang may sinabi akong hindi maganda samantalang
si Zoe ay nagkibit balikat lang.
"Anong kalokohan 'yan?" Inis na tanong ni Yannie, "You clearly love each other. Ano
pang problema?"
Mga ilang beses ko pa ipapaliwanag sa kanila na hindi nga lang pagmamahal ang
bumubuo sa isang relasyon?
"Ang hirap naman niyan. Mahal niyo ang isa't isa pero hindi kayo." Sabi pa ni Ayu.
"Hindi naman obligadong pumasok sa isang relasyon kapag nagmahal ka na. Minsan okay
na rin yung magkaibigan na lang muna kayo."
I would like to thank the universe for giving me one friend who actually uses her
brain. Lagi talagang kampi sa akin 'tong si Zoe e. Totoo naman ang sinabi niya.
"Oo naman. Hindi naman agad mawawala yun e. May feelings pa kami sa isa't isa. Kaya
nga tinanggap ko ang offer niyang friendship e."
Napangiti ako, "I love him and I don't want to lose him. And by being his friend, I
can still keep him close."
"That seems to hurt. Pero kung sa tingin mo dyan ka masaya, edi sige. But I tell
you, Sab, pwedeng hindi mo makuha ang ending na inaasam mo." Bilin sa akin ni
Yannie.
"It's not about the ending. It's about living the moment." Katwiran ko sa kanya.
Lahat sila ay nakatahimik ng may biglang tumawag sa akin. I checked my phone to see
Ice' name on the screen. Napatawag ata si Yelo?
"Give the phone to Zoe." Bossy ng bwisit na 'to ha. Babaan ko nga.
"Uy si Ice." Abot sa akin ni Zoe ng phone ko pero tinataboy ko lang ang kamay niya.
"Uy tinatawagan ka. Sagutin mo kaya."
She shrugged and answered the call, "Bakit? ... Iniwan ko sa kwarto 'yung phone ko.
... Kila Josh?" Masama ba kung sasabihin kong nilalamon ako ng curiosity kasi
narinig ko ang pangalan ni Josh?
Nag-usap pa ang dalawa ng ilang minuto. Feeling nila hindi nila iniistorbo ang
phone ko. Kapag ako naglobatt..
Sabagay, wala namang masama mawalan man ako ng battery. Wala naman ng function ang
phone ko bukod sa pagiging orasan at ilaw ko kapag madilim.
"The guys are going to fetch us tomorrow afternoon." Sabi ni Zoe sabay abot pabalik
sa akin ng phone ko.
"Bakasyon daw. Hindi ko alam kung saan. Basta sila na bahala. Baka 2-3 nights stay
lang naman tayo kung saan man tayo."
"Tayo tayo?"
"Yup. But Josh isn't sure yet. Kakarating palang kasi nila Ice sa bahay nila Josh.
Tatanungin pa lang kung gustong sumama."
Sana sumama siya. Not that I really want to be with him. Ayoko lang magmukhang
kaawa awa kapag nagbakasyon kami. Partner partner kasi sila. Kailangan ko lang ng
karamay na single. Oh, boy. Who am I kidding?
Nagkwentuhan lang kami saglit at ilang minuto lang ng lumabas na sila ng kwarto ko.
Ilalagay ko na sana sa side table pero naisipan kong tingnan muna kung anong oras
na. But instead na oras ang makita ko, pangalan ni Josh ang bumungad sa screen. He
texted me. He texted me after months.
Pero pwede namang kiligin di ba? Hindi pwede. Friends lang kayo.
Hindi ko hinihingi ang opinyon ng konsensya ko. Kung pwede lang, manahimik ka muna.
Ohmyghad. I’m really insane.
Thank you kanina. Next time ulit labas tayo. Bilang magkaibigan lang huwag kang
mag-alala. Goodnight.
Ay. Nag-goodnight na. Sige na nga. Goodnight na lang din sa kanya. So I typed on my
phone, “Goodnight” and send it to him.
Ilang oras na akong paikot-ikot sa kama pero I still can’t sleep. Napatingin ako sa
phone ko na orasan ko, and damn. Halos malapit na mag 1am. Halos dalawang oras na
pala ako nagpumipilit matulog.
Sinubukan ko ulit pumikit pero naramdaman ko ang pag-vibrate ng phone ko. Medyo
mabilis ang tibok ng puso ko habang kinukuha ang phone ko. It’s weird, I know. At
mas bumilis ang tibok ng puso ko ng makita ang pangalan ni Josh sa screen ng phone
ko.
Posible bang naramdaman ko na siya ang nagtext sa akin kaya bumilis ng ganun ang
tibok ng puso ko? Ang weird talaga ng mga bagay bagay sa mundo. Nakakaloka.
Ayan lang naman ang message niya pero ang bilis ng tibok ng puso ko. Peste. At
dahil hindi naman ako makatulog, nagreply na lang ako.
To: Josh
Wala pang isang minuto ng maramdaman ko na naman ang pag-vibrate ng phone ko.
From: Josh
To:Josh
From: Josh
Same reason. Alam mo ba sabi nila kaya raw hindi makatulog minsan ang isang tao
kasi may nag-iisip daw sa kanya.
To: Josh
From:Josh
Different theory. Ganun daw yun. Naisip ko tuloy.. siguro iniisip mo ako kaya hindi
ako makatulog.
Magrereply na sana ako pero bigla na naman siyang nagreply. Hindi makapaghintay.
From: Josh
At anong malay mo. Baka iniisip din kita kaya hindi ka makatulog.
Nanlaki ang mata ko at bumilis na naman ang tibok ng puso ko pero panira ang
kasunod niyang message.
From: Josh
To: Josh
Wala pa rin siyang reply. Siguro nakatulog na ‘to. I shrugged and placed my phone
on the side table. Napahikab ako and finally, sleep is approaching me. I was about
to close my eyes ng tumunog ang phone ko. Josh is calling me. Oh ghad.
“Inaantok ka na ba?”
“Kanina. Pero bigla kang tumawag. Nagulat ako sa sound ng phone kaya nagising ako.”
I heard him chuckled, “Sorry. Sasama ka ba?” Siguro yung tanong ko kanina yung
tinatanong din niya ngayon.
“Oo.” Sagot ko sa kanya. “Ikaw?”
“Oo, sasama ka na e.” Gusto ko mang kiligin alam kong isusunod na niya ang joke
lang. “Joke lang.” I knew it.
“A bit.”
Ang akala ko sasabihin niyang i-eend na niya ang tawag at matulog na ako pero mali
ako. He said something na never pa niya sinabi sa akin dati. Nag-alok siya ng bagay
na never pa niya ginawa noong kami pa.
Napapikit ako at aaminin kong kinikilig ako. Sino ba namang matinong babae ang
hindi kikiligin kapag ganun? Feeling ko tuloy ang ganda ganda ko. Pero joke lang
‘yun. Hindi ko feeling ‘yun. Kasi totoo namang maganda ako.
Napipikit na rin naman kasi ako kaya baka bago pa man niya matapos ang kanta, tulog
na ako.
Inside, told you liesI'm not proudI didn't mean to but I did
And all the tears you shed for me 'cause I thought I was right
And now I give up all my life for just a second of your time
Pahina ng pahina ang boses niya and before I knew it, nakatulog na ako.
***
Next update baka bukas or sa Sunday. Hindi ko mapost yung video so pakisearch na
lang ang Time Machine ni Nyoy Volante kung gusto niyong marinig.
And please use our hashtag #TeenClash2 when tweeting. For retweeting and favorite-
ing purposes. Lol. Thanks guys! <3
Battle 38
Sab's POV
Nagising ako na nakapatong pa rin sa tenga ko ang phone ko. Wow. Proof talaga 'to
na hindi ako malikot matulog. Sabagay, malikot na nga ako paggising ako, baka
exemption na kapag tulog ako. Hindi ko naman siguro pwedeng akuin lahat ng
kalikutan sa mundo.
Pagbaba ko inabutan ko na na nandun ang tatlong lalaki. Excited masyado ha. Aga aga
nag-iinit agad ulo ko sa hindi malamang dahilan.
"Anong nangyari sa sinabi niyong hapon niyo kami susunduin?" Biro ko sa kanila at
dumiretsyo sa dining na hindi pa hinihintay ang sagot nung tatlo.
"Lunch? Bakit ang aga e breakfast pa lang?" Tanong ko sa kanya at umupo na sana sa
pwesto ko para kumain.
Tatanungin ko sana siya pero nagpunta siyang sala para tawagin ang iba.
"Akala ko ba ulam natin 'to for lunch?" I asked habang kumukuha ng ulam.
Napahinto sa pagkain ang mga girls pero nagpatuloy sa pagkain ang boys.
Naalala ko na naman tuloy. Josh and I were texting. Then, he called me. Tapos..
tapos.. kinantahan niya ako. Shocks. Kinantahan nga niya pala ako.
Pakiramdam ko nagtaasan ang mga balahibo ko at napabilis na naman ang tibok ng puso
ko to the point na pakiramdam ko hinihingal na ako at hindi makahinga dahil sa
kilig sa ginawa niya.
Kinantahan niya ako until I fell asleep. Kinatahan niya ako. Kinantahan niya ako.
Okay. We get it. Kinantahan ka niya. Parang kinantahan lang. Ano naman?
Saan ba pwedeng magpatanggal ng konsensya? Basag trip palaga ‘tong isang ‘to.
"Huh?"
"Zoe's asking if you stayed up late last night? Anong oras ka ba natulog?"
Nakatanggap ako ng suspicious look sa kanila kaya ipinagpatuloy ko ang pagkain ko.
Sobrang thankful ko ng may biglang magdoorbell kaya nalipat ang atensyon nila doon.
Binuksan ni Zoe ang gate at ng bumalik siya, may kasama na siya. Si Josh.
"Late malamang natulog. What time ka ba natulog?" Tulad kanina, nagtanong na naman
si Ayu.
Alam ko na ang bituka ng mga ‘to. Alam ko na kung ano ang umiikot sa mga utak nila.
At gaya ko, alam kong alam na rin ni Josh. Nagkatinginan lang kami at we both
shrugged. Oh, what should I do with my friends?
***
“Saan ba tayo pupunta?” tanong ko sa kanila kasi lang oras na kaming nagbyabyahe.
“Hindi pa ba halata? Utak naman, Sab. Nasa Kennon Road tayo. Saan punta natin?
Cebu?”
Napairap ako sa naging sagot ni Josh. “Hindi. Malay mo sa langit na pala. Paakyat
tayo ‘di ba?”
“Oo. Hindi nga. Nakita kita e. Bakit ka nga naman makakasama sa langit? Wrong way
ka. Sa impyerno ang punta mo ‘di ba?”
Sinamaan niya ako ng tingin at ganun din ako sa kanya. Gantihan na ‘to. Pero ilang
segundo lang ata ang lumipas, hindi na rin namin napigilan na tumawa. Nag-apir kami
habang tumatawa tawa pa rin.
“Ako rin.”
“And they’re really really back.” Dinig kong sabi ni Zoe na nasa may harap.
Unang hinintuan namin ang hotel na tutuluyan namin. Sobrang antok na antok ako kasi
habang natutulog na ang lahat ay nagdadaldalan lang kami ni Josh. Bago ko pa kasi
malaman na papunta pala kaming Baguio ay si Josh na ang nagdradrive na pinalitan
lang ni Ice.
“Pahinga muna tayo, guys.” I checked my watch only to see na pa-late na pala. Halos
pa-midnight na.
Sumang-ayon ang lahat. Kasama ko sa room si Zoe at tulog na siya bago pa man din
ako makatulog.
When I woke up, I searched for her but she is nowhere to be found. I checked my
phone at malapit na palang mag 4am. Ang aga naman maglakwatsya ni Zoe?
I stepped out of the room and knocked on the others’ room pero walang sumasagot.
Did they seriously leave me?
“Gising ka na pala.” Paglingon ko, nakita ko si Josh na may hawak na kape. “Just so
you know they left us. Nag-iwan ng note sa kwarto namin si Ken. Sabi niya kanina
niya pa ako ginigising at kanina ka pa rin daw ginigising ni Zoe pero hindi raw
tayo magising kaya iniwan na lang nila tayo. Susubukan daw nila ang night life
dito.”
“Ginigising their face. Hindi naman talaga nila tayo ginising. Set-up ‘to. Halata
naman. Matutulog na nga lang ulit ako.”
Babalik na sana ako sa kwarto ng pigilan ako ni Josh, “Wait. Inaantok ka ba?”
“Hindi.”
“Edi huwag ka munang matulog. Maawa ka naman sa akin. Inip na inip na ako. Kulang
na lang katukin ko lahat ng kwarto sa hotel na ‘to para lang may magawa ako. Tara,
lumabas na lang tayo.”
Sabagay. Hindi naman ako inaantok at wala rin naman akong gagawin sa kwarto kasi
mag-isa lang ako. Tinanguan ko siya at sinabihan na hintayin ako sa baba at
magpapalit lang ako.
Nang makapagpalit na ako ay dinampot ko lang ang wallet ko at lumabas na. Inabutan
kong nag-aabang sa baba si Josh at ng makita niya ako ay umalis na kami.
But, wala nga palang sasakyan. Dala nila. “Anong gagawin natin?”
“Commute malamang.”
“Sige. Pero siguraduhin mo lang na hindi tayo maliligaw ha. Teka, saan nga pala
punta natin?”
Sino bang hindi? Bihira ako magising ng ganitong kaaga kaya susulitin ko na.
We were sitting side by side silently. Comfortable silence naman. Napangiti ako ng
unti-unting magkaroon ng orange na line sa langit. Paparating na ang araw.
Nakatitig lang kami sa may araw ng bigla siyang magsalita, “Alam mo ba ang
symbolism ng sunrise at sunset”
Tiningnan ko siya pero nakatitig pa rin siya sa langit, “Uhh. Patunay na umiikot
ang mundo?”
Ngumiti siya pero hindi pa rin inaalis ang tingin sa araw, “Sunrise symbolizes a
new beginning. Sunset symbolizes ending.”
Okay? Medyo weird na sinasabi niya sa akin ito at mas weird kasi parang ang lalim
naman ng sinasabi niya. Sa sobrang lalim hindi ko na mahukay.
Itatanong ko pa lang sana kung bakit niya sinasabi sa akin ang mga bagay na ‘to
pero lumingon siya sa akin at ngumiti, “You are my sunrise and I want you to be my
sunset, too.” Pagsabi niya nun ay tumayo na siya at nag-aya ng umalis.
Hindi ko na lang binuksan pa ang topic ng mag-aya siyang sumakay ng kabayo sa may
Wright Park. And being obedient, sumunod ako. Pumayag naman ako.
Hindi nga lang ako marunong sumakay ng kabayo kaya ang sabi ko sa kanya ay iwan na
lang muna ako.
“Hindi pwede. Anong iwan. Mamaya masipa ka ng kabayo dyan. Akalain nilang kapamilya
ka nila kaya tinapik ka.”
Inirapan lang ako ng bwisit na lalaking ‘to at hinila pasakay sa isang kabayo. Wala
na akong nagawa kundi sumakay sa kabayong napili niya kasi pinaandar na rin naman
niya.
Kaya lang shemay! Masyado kaming malapit sa isa’t isa. Baka marinig niya ang
heartbeat ko. Dyahe.
“Josh.” I called.
“O?”
Nang umalis kami sa may Park ay nadaanan namin ang The Mansion. Malaki. Syempre
kasi nga mansion.
Napailing ako, “Ayoko ng sobrang laki. Baka kasi hindi na kami magkakitaan ng
pamilya ko. Parang the smaller the house, the closer we’ll be.” Napatango siya sa
sagot ko, “Ikaw?” I asked.
“Bakit?” I always thought that he likes to live in a huge house na may sariling
game room.
Relax, Sab. Relax. At para maitago ang kilig na naramdaman ko sa biglaang banat
niya na ‘yun, inirapan ko na lang siya.
Marami rami pa kaming pinuntahan. Sa Mines View, Burnham Park, Botanical Garden,
Strawberry Farm, Lourdes Grotto at kung saan saan pa. Pakiramdam ko nga nilibot ko
na ang buong Baguio pero feelingera nga lang ako. Alam kong marami pa kaming hindi
napupuntahan.
He smiled and nodded. Habang nasa jeep kami pauwi, nagulat na lang ako ng hawakan
niya ang kamay ko. Ghad! Friends na holding hands?! Come on!
Pero assumera nga lang talaga ata ako kasi may inabot lang pala siya sa akin,
“Itago mo muna sa bag mo. Huwag mo munang titingnan.”
Parang tanga lang ‘tong si Josh. Manong siya na lang naglagay sa bag ko. Nalaman ko
pa tuloy na keychain yung binigay niya. Ramdam ko kaya.
Nang makarating kami sa may hotel, inabutan namin sa lobby yung anim. Nang makita
nila kami ay agad lumapit sila Ayu sa akin at yumakap. Okay? What’s going on?
“Ohmyghad, Sab! Sana naman nagpapaalam kayo kapag aalis kayo. We’re so worried.
Iniwan mo pa ang phone mo sa kwarto. Ito namang si Josh hindi sumasagot.” Sabi ni
Zoe.
Tiningnan naman ni Josh ang phone niya at nakitang tadtad nga ng missed calls at
messages galing sa kanila.
“Pare, para saan ba ang cellphone kung hindi mo naman titingnan?” tanong ni Xander.
Napatingin ako kay Ice at hinihintay ang sasabihin niya. Tiningnan niya kami ni
Josh at nagkibit-balikat, “Akala ko nagtanan kayo.” Nanlaki ang mata ko sa sinabi
ni Ice pero tinap niya lang sa shoulder si Josh, “But I’m glad both of you are
safe.”
Sa sobrang dami ng tanong nila at dahil sa nawindang ako sa statement ni Ice, hindi
na ako nakasagot kaya si Josh na lang ang nagpaliwanag sa lahat ng nangyari.
Magmula sa pag-iwan nila sa amin hanggang sa paglibot libot namin.
Nang maging maayos na ang lahat, nagsipagbalikan na kami sa kanya-kanyang room pero
bago pa ako makapasok sa kwarto ko, napigilan na ako ni Josh sa paghawak sa braso
ko.
“Sige na. Pasok ka na. Goodnight.” Sabay gulo niya sa buhok ko at umalis na.
Life. Oh life. Pakiramdam ko mababaliw na ako. Lalabas na ata ang puso ko.
Pumasok na ako at ihinagis ang bag ko kaya lang may naalala ako. Yung keychain na
binigay niya. Dali-dali kong kinuha ulit ang bag ko at chineck kung ano ang meron
sa keychain na ‘yun.
J ♥ S
Battle 39
Josh’ POV
“Tama bang pinasulat ko pa ‘yun sa keychain? Hindi kaya mabaduyan ‘yun sa akin?
Baka mandiri ‘yun sa ginawa ko?”
Nakatitig ako sa keychain na kamukha ng kay Sab. Syempre meron din ako. Couple
keychain ba. Kaya lang hindi nga pala kami couple. Friends nga lang pala. Kaya
sige, friendship keychain na lang. Tss. Niloloko ko lang sarili ko. Couple keychain
na nga lang. Doon lang din naman punta namin.
“Siguro okay lang. Minsan ko lang naman gawin ‘to kaya baka hindi niya masamain.”
“Tss.”
Napaupo ako sa kama at handa ng tumakbo ng umupo bigla si Ice sa kama niya at
tiningnan ako ng masama.
“Kung nagsisisi ka kasi may binigay ka, edi bawiin mo.” Inis na sagot niya sa akin.
At sinong nagsabi na nagsisisi ako? Hindi kaya! Nahihiya lang. Baka sabihan niya
akong baduy.
“Tingin mo ba Ice baduy ‘yung keychain na may carvings ng first letter ng names
niyo tapos may puso?”
“Baduy.” Walang buhay niyang sagot. “Kung galing naman sa taong gusto niya ang
regalo, kahit tig pipisong candy lang ‘yan okay na.”
Kung galing sa taong gusto? Napangiti ako ng malawak. Nagustuhan naman siguro ni
Sab ‘yung keychain kung ganun? Good job, Josh! I’m so proud of myself.
“Bakit, gusto ka pa ba niya?” sagot niya at humiga ulit sabay talukbong sa kumot.
Pesteng Ice ‘yan! Basag trip talaga! Panira ang kumag na ‘to. Pinapababa ang
confidence ko.
***
Kinabukasan, naglibot ulit kami sa Baguio. Kaya lang ngayon, kasama na ‘yung buong
barkada. Nasa may sakayan ulit kami ng kabayo at pinapanuod namin ni Sab yung iba
habang sumasakay sa kabayo.
Siniko niya ang tagiliran ko, “Malapit na tayong magpaalam sa pamilya mo. Hindi mo
sila mamimiss?”
Ako na naman ang nakita ng babaeng ‘to. Sabagay, ayos na rin ‘yun kesa may iba pa
siyang tingnan.
Inakbayan ko siya, “Hindi na siguro. Kasama ko naman ang nanay nila e.”
Nagtatawanan kami ng may humintong kabayo sa tapat namin at sakay si Ice at Zoe,
“Sasakay ba o maghaharutan?”
Mabilis lang na nagdaan ang oras. Parang kahapon lang. Ang dami na naming nalibot.
Nang nakaramdam na ng mga pagod ay bumalik na kami sa hotel. Para ayusin ang mga
gamit at makauwi na.
***
Sab’s POV
Ilang linggo pa ang nagdaan at naging mas close na nga kami ni Josh. Minsan tuloy
naiisip ko na lang na paano kung maging magkaibigan na nga lang kaya kami? Kaya
lang kapag naiisip ko ‘yun tinatanggal ko rin agad sa utak ko. Hindi ko alam kung
bakit. Ewan. Magulo.
“Bakit lagi niyong tinatanong kung kami na ba ulit? Friends na lang kami.”
“Muna. Friends muna. Magde-date kayo ngayon o. Balikan na rin ang uwi niyan.”
“Dumi ng utak ng tao. Kapag may isang babae at isang lalaki na magkasama at silang
dalawa lang ibig sabihin nagdedate na?”
“Wala.”
Habang nakatambay kami sa mall, pinapanuod ko ang mga tao. Naghahanap ako ng isang
babae at isang lalaki na magkasama. Nakakainis nga lang kasi kada babae at lalaki
kong nakikita kung hindi magkaholding hands, nakaangkla yung babae sa braso ng
lalaki. O kaya nakaakbay yung lalaki sa babae. Mukhang mga sweet pa. Wala ba ditong
babae at lalaki na sila lang magkasama pero friends lang?
“Bakit?”
“Wala.”
“Ayan ka na naman sa wala mo.”
Sinamaan niya ako ng tingin. Seriously? Am I a bad liar? Bakit ba hindi sila
naniniwala sa akin?
Anong connect ng pagiging babae ko dun? Lalaki nga siya. Ang gulo kasi niya.
“Ganyan kayong mga babae. Kapag sinabing wala, meron naman talaga. Kapag sinabing
meron, meron nga. Ang gulo ng dictionary niyo. Hindi ba pwedeng sabihin niyo na
lang ‘yung totoo? Hindi ‘yung manghuhula pa kami kung ano nga ba ang ibig niyong
sabihin.”
“Sila kasi. Kapag lumalabas tayo, hindi ‘yung labas na date ha. Labas na tambay.
Ganun. Basta. Kapag ganun tapos uuwi na ako, sasalubungin nila ako agad ng tanong
na ‘Nagkabalikan na kayo?’ Nakakainis at nakakapressure. Hindi ko alam bakit
naprepressure ako.”
Hindi siya nagsalita at nakikinig lang sa rants ko. Ni hindi rin siya nakatingin sa
akin at nakatingin lang sa mga nagdadaang tao.
"Good time?"
Tinanguan ko siya, "I think everything is in its proper place. My main priority
right now is to study hard and to have fun. Not to be in a romantic relationship
with anyone."
I mentally slapped my self when I heard his question. "I-I.. I mean --"
"Joke lang." Seryoso niyang sagot. "Kung ayan ang priority mo sa ngayon, hindi ako
magrereklamo. Kung tingin mo friendship natin ang importante sa yo ngayon, edi
sige. I can wait, Sab. I can wait until we both find the maturity we're looking for
and until you get finally ready to open up your heart again for me. Pero alam mo.."
He stopped and finally, tiningnan niya na ako. "If being your friend is the only
way to keep you close, I think I can settle being your friend forever. I'll take
what I can get."
Gusto kong maiyak. Gusto ko kaya lang nakakahiya kasi nasa mall kami. Hindi ko nga
rin alam kung bakit gusto kong umiyak e. Siguro kasi nag-eenglish siya. Dinudugo
utak ko.
"Napapagod na ko." Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. Kakasabi lang niya na
maghihintay siya tapos ngayon napapagod na? Wala pang 5 minutes ha? "Tara na. Uwi
na tayo. Mag-eenroll pa tayo for second sem bukas."
Crazy, Sab. Gusto mong maging kaibigan lang pero ayaw mo marinig na sumuko siya?
Selfish ka, Sab. Selfish ka.
Battle 40
Sab's POV
Nakaramdam ako na parang may basa na tumulo sa mukha. Wala namang butas ang kisame.
Wala rin namang butiki doon kaya imposibleng wiwi ng butiki tong nasa mukha ko. At
isa pa, umiihi ba ang butiki?
Ang kaninang isang patak lang ng tubig ay nadagdagan ng isa pa.. at isa pa.. at isa
pa hanggang sa nagtuloy tuloy na.
Nakakainis. Hindi ko alam kung bakit talaga ako umiiyak. Siguro dahil sa narealize
ko na ang selfish selfish ko. O kaya dahil sa naprepressure na ako sa nasa paligid
ko. Naprepressure ako sa lahat.
Ayoko naman kasing makipagbalikan agad sa kanya. Oo, gusto kong magkabalikan kami
pero kapag nakaayos na ang lahat. Nandun pa rin kasi yung takot.
Nagfail na ang relationship namin dati. Ilang beses kami nagcool off. Ilang beses
kami naghiwalay ng saglit. Ayokong maging ganun ulit karupok yung relasyon namin.
Nakakatakot na kasi. Sobrang hirap na mangyari ulit yung nangyari dati. Yung puro
away. Puro tampuhan. Puro bangayan. Bihira yung sweetness. Ngayon kasing
magkaibigan lang kami ni Josh mas nakakaramdam ako ng sweetness galing sa kanya.
Habang magkaibigan kami, pakiramdam ko parang sobrang importante ko. Parang lagi
niya akong pinapahalagahan. Parang takot siyang mawala ako. Parang winiwin back
niya ang puso ko kahit hindi ko naman binawi yun sa kanya. Parang nililigawan niya
ako kasi hindi naman niya nagawa yun dati.
Natatakot ako na kapag nagkabalikan na kami, baka mawala lahat. Mawala yung
sweetness. Mawala yung importansya. Mawala yung halaga. Mawala yung effort. Baka i-
take for granted na naman niya ako. Baka pabayaan na naman niya ako kasi alam
niyang hindi ako mawawala. Baka hayaan niya lang ako mag-isa kasi alam niyang sa
kanya ako.
Pinunasan ko ang luha ko at lumabas ng kwarto. Kakatok na sana ako sa kwarto ni Zoe
pero ayoko naman siyang istorbohin. Gabi na rin. Baka tulog na 'yun.
"Nah. A few seconds ago. Kumuha lang akong tubig sa baba. Bakit hindi mo tinuloy?"
Tango niya sa may pinto.
"Pasok na." Sipa niya sa akin at binuksan ang pinto ng kwarto niya.
"Bakit ka umiyak?"
“Spill.” Sabi ko nga hindi ko siya maiisahan. Napaupo ako sa kama niya at tumabi
siya sa akin, “Ano na?”
“Sa inyo ni Josh?” tumango ako. Napabuntong hiniga siya at humiga, “Well that
sucks.”
“I don’t know what to do. Nakokonsensya ako kasi pakiramdam ko nasasaktan ko siya
sa set up na ganito pero natatakot akong pumasok sa relasyon na hindi ko pa kayang
panindigan.”
“Kung ayaw mo pa, huwag ka munang pumasok sa isang relasyon. Kung mahal ka ni Josh,
magagawa ka niyang hintayin kahit gaano katagal.”
“Pero Zoe, nakakainis na rin e. Parang naprepressure ako. Parang prinepressure ako.
Parang lahat kayo ineexpect na magkakabalikan agad kami. Parang lahat kayo umaasa
na sa happy ending ang uwi naman. Kaya lang hindi ko magawang maibigay sa inyo ang
expectations niyo. Hindi naman dahil sa hindi ko na mahal si Josh. Hindi pa lang
talaga ako handa. At saka nandun yung takot. Parang sa akin tuloy ang sisi kung
bakit ganito pa rin ang estado namin.”
Napaupo siya at tiningnan ako saka ako binatukan, “Ganyan na pala ang tingin mo
sana sinabi mo na noon pa lang. Sorry kung ganyan ang dating ng mga sinasabi namin
sa ‘yo. Sorry kung sa tingin mo ikaw ang sinisisi namin. Maybe we’re just too
judgmental. We can’t get what we want that’s why we chose someone to blame. Come to
think of it, none of this is your fault. Ikaw na nga ang nasaktan, ikaw pa ba ang
masama?”
She smiled at tinuloy ang sinasabi niya, “Sorry, Sab kung naprepressure ka dahil sa
amin. Wala naman kaming karapatan na iparamdam sa ‘yo ‘yun. Syempre madali para sa
amin ang sabihin na makipagbalikan ka kay Josh kasi hindi naman ako ang
nadisappoint niya dati. Hindi naman kami ang natook for granted. Hindi naman kami
ang nakaranas ng lahat ng pinagdaanan mo.” Sabi pa niya at natawa ng bahagya, “Tao
nga naman. Mabilis maghanap ng masisisi. Mabilis manghusga. Paano kasi palaging
isang side lang ang nakikita. Kaya thank you Sab sa pagsabi nito sa akin. At least
kahit papaano, nabuksan yung utak ko.”
“Ano bang dapat kong gawin, Zoe? I still love him, pero hindi ko alam kung handa na
ba akong magcommit sa bagong relasyon sa kanya.”
“Alam mo ba kung paano mo malalaman na tama ang desisyon mo? Ayun ay kapag naging
isa ang sinisigaw ng utak at puso mo.” Nginitian niya ako at tinapik, “I’ll help
you figure out what you really want.”
Hindi ko nagets ang sinabi ni Zoe pero napatango na lang ako. Nagpasalamat ako sa
kanya at lalabas na sana ng kwarto ng pigilan niya ako. “Dito ka na lang matulog
kwentuhan pa tayo.”
It’s really nice to have someone you can count on. Yung hindi ka iiwan masaya o
malungkot man.
***
Kinabukasan, nag-usap usap kaming girls tungkol sa naging usapan namin ni Zoe
kagabi. Napalo at nasabunutan pa nga ako ni Ayu at Yannie kasi hindi ko raw agad
sinabi sa kanila ang nararamdaman ko. Kasalanan ko rin siguro na napressure ako.
Kasi hindi ko agad kinausap ang mga kaibigan ko tungkol dito.
“Gaga ka talaga. Sabihin mo agad kapag ganun na ang nararamdaman mo. We never meant
to pressure you in any way.”
“And sorry na rin kung ganyan ang nararamdaman mo. Hindi kasi kami ang nasa
posisyon mo kaya madali para sa amin ang magsalita.”
And things were settled just like that. Ganoon naman kapag magkakaibigan. Hindi na
pinapalaki ang usapan. Kapag kaya agad, solusyunan, edi i-solve na agad.
Matapos ng usapan namin ay nagpunta na kami sa school para mag-enroll for second
sem.
“Bwisit.” Napatingin ako kay Josh na bigla na lang nagbwibwisit sa tabi ko.
Nakakatuwa na kahit feeling ko medyo hindi kagandahan ang nangyari sa aming dalawa
kagabi, parang wala na lang ‘yun ngayon. Nag-sorry naman kasi ako agad sa kanya
kanina ng makita ko siya.
Nginitian niya ako at ginulo ang buhok ko, “Sisiw lang sa ‘kin ‘to. Kunyari na lang
kabayaran ‘to sa naging paghihirap mo sa akin noong mga panahong tayo pa.”
“Josh!”
“Pinapagaan ko lang loob mo. Parang ewan naman ‘to. Umayos ka nga. Ano bang kinain
mo kanina at ganyan ka? Nawawala na ba ang malokong Sabrina na kilala ko?”
“Tinatamad ako magpunta.” Sagot lang niya at binalik na sa bag ang phone niya.
Napangiti ako kahit hindi ko alam kung tama ba ‘tong nararamdaman ko. Para kasing
ngayon hindi na sa basketball lang umiikot ang mundo niya.
“Josh!” napalingon kaming anim sa sumigaw. Yung ka-varsity ni Josh. “May meeting
daw mamaya.”
“Loko mo! Umattend ka bro. Kapag kulang paniguradong papahirapan na naman kami ni
coach.”
“Hoy maawa ka sa amin! Kami ang magkakasakit sa parusa niya kapag kulang tayo.”
Tiningnan kami ni Josh. Tinanguan siya ni Ken, “Umattend ka na. Tatambay lang kami
sa No Name mamaya. Doon ka na lang sumunod kapag tapos na kayo.”
Matapos kumain ay naglalakad lakad kami ng barkada minus Josh, Ice at Zoe papuntang
No Name. Susunod na lang daw ang tatlo.
Napahinto kami ng may babaeng huminto sa tapat namin. May kasama siyang isang
lalaki. Ito ata yung kavarsity ni Josh na lumapit sa amin kanina.
“May babae sa varsity team?” tanong ni Xander dahilan para kurutin siya ni Yannie.
“E natatakot siyang baka hindi umattend si Josh. I assumed ayaw din niyang
maparusahan. Pwede ba yun? May teammate silang babae?”
Napafacepalm na lang kami kay Xander. “No. I’m just friends with the varsity team
and syempre worried ako na baka nga maparusahan sila.”
“Oh. Okay.” Lumingon siya sa kasama niya, “Mukhang wala kayong parusa. Pwede ka ng
umattend ng meeting.”
Naunang maglakad ang lalaki at iniwan yung babae, “Bastard.” Bulong nung babae.
Nainis atang iniwan siya.
“Nakita lang namin kayong naglalakad kaya pinuntahan na namin kayo. Bakit ba mga
nakalingon kayo dun?” tanong ulit ni Zoe.
“Ah. Tinitingnan lang namin yung teammate ni Josh pati yung isang kasama niyang
babae. They’re weird.”
Tiningnan ni Zoe ang hindi pa kalayuang teammate ni Josh, “Oh. Sila Sachi.”
“Yung lalaki hindi masyado. Pero si Sachi kilala ko. Cheerleader kasi siya.
Nakausap namin dati ni Ice habang nanunuod sa laro ni Josh.”
“May something ba sa kanila?” tanong ko. Hindi ko kasi mapigilang maging chismosa.
Paano ba tanggalin ‘to?
Napangiti ako. At least may nakita akong isang babae at isang lalaki na magkasama
at magkaibigan lang.
***
When tweeting please use #TeenClash2 Thanks for reading. :)
Battle 41
Josh' POV
Friends, eh? I can deal with that. Basta nakadikit pa ako sa kanya. Kaya lang
syempre umaasa pa rin akong lumevel up ang relasyon namin. Saklap naman nun kung
mauuwi lang sa ganto lahat ng pinagdaanan namin. Kaya ko pa namang maghintay sa
kanya. Ayos pa. Letse. Napakalakas kasi ng tama ko. Panang pana ako nung batang may
pakpak na nakadiapers.
Napaisip ako sa tanong nito. Lahat naman sila mukhang manika. "Sino dun?"
Inilagay niya ang daliri sa pisngi at parang nag-iisip, "Si Zoe lang kasi kilala
kong barkada mong babae. Tatlo sila kanina. Yung isa, yung super maputi. Mukhang
mataray hindi masyadong ngumingiti. Yung isa naman, yung mukhang mahinhin. May
maliit na dimple siya sa right side ng lips niya. Yung pangatlo, yung matangos
ilong. Yung litaw yung cheekbone. Yung pangatlo ba yung ex mo?"
Panira rin 'to e. Parang si Ice. Bakit ba kasi ang daming mga panira sa mundo?
"You, boys, are weird. Papaiyak-iyakin niyo tapos kapag hiniwalayan kayo hahabul-
habulin niyo. Do you enjoy the chase that much?"
Gusto ko mang salungatin yung sinabi niya, alam kong may punto siya. Alam kong tama
siya. Kung sa simula palang pinahalagahan ko na relasyon namin ni Sab, sana hindi
na kami umabot sa ganito. Sana hindi na kami naghiwalay. Kailangan ko pa palang
magpakatanga muna bago malaman kung ano ba talaga ang mahalaga.
"Nilagay niya ako sa friendzone ngayon. Well, I suggested it first. Kaya lang
ngayon nag-eenjoy na siyang maging kaibigan ko lang. Ano ng gagawin ko?"
"Tanga naman nito." Makapagsalita naman ang babaeng 'to. Kala mo ni minsan sa buhay
niya hindi nakagawa ng katangahan. "Let her go. Accept the fact na friends na lang
kayo."
"Hey, Sachi. Come one." Napalingon kami sa bestfriend niya. Tumayo si Sachi at
tinap ang balikat ko, "Joke lang. Bahala ka na sa buhay mo. Malaki ka na. Kaya mo
na yan."
Napakalaking tulong nun ha. Galing. Bwisit.
"Bye, Josh!"
***
Hanep! Parang napadaan lang 'yung sembreak. Parang pumikit lang ako, tapos pagdilat
ko pasukan na. Inam!
"Kanina ka pa ba nakalabas?"
"Ha! Katawa."
First day of second sem si Sab agad kasama ko. Pwede ng burahin lahat ng reklamo ko
kanina. If I'm going to spend my everyday with her, I wouldn't mind wherever we are
or wherever we go. Kahit sa dulo pa ng mundo.
"No."
"Hindi tayo kakain kung saan may fries. Lunch ngayon, Sab. Are you trying to starve
yourself? Fries lang ang kakainin mo?"
"What?! Gusto ko lang ng fries pero hindi ko sinabing ayun lang kakainin ko. Baliw
nito."
Okay. Pahiya ako kaya sa dulo, kumain na lang kami kung saan may fries.
Dalawa lang kami ngayon kasi may mga klase pa yung iba. Swerte ko lang talaga na
parehas kaming hanggang lunch lang ang sched ni Sab. Ito ang tinatawag na destiny.
Ha!
Tumango siya habang kumakain pa rin ng fries, "Inaantok ako e. Ikaw ba?"
Sasagot palang sana ako ng may biglang bumati sa akin. Yung kateammate ko na naman.
Di ko alam kung bakla to at type ako kaya lagi akong sinusundan. Lagi ko na lang
nakikita kung saan saan.
"G*go. Kung maging bakla man ako, sisiguraduhin kong hindi ikaw ang susundan ko."
"Tss. Gandang welcome sa pasukan niyan ha. Pawis at sakit ng katawan na naman."
Umubo si Sab kaya napatingin kami sa kanya, "May tao dito in case nakalimutan
niyo." Biro niya na ikinangiti ko.
Natawa naman ang teammate ko habang umiiling pa, "You're funny. I'm Jacob. You
are?"
"Sab."
Sasabihin ko bang ex? Hindi kaya weird ang dating. Baka maawkwardan si Sab. Kung
future girlfriend, baka lalo akong hindi sagutin ni Sab. Pero hindi ko naman
maalalang nangliligaw ako sa kanya?
"Friend."
"Nice. Sige, I'll go ahead. It was a pleasure to meet you, Sab. Bro, ge!" Saludo
niya sa amin at paalis na sana ng may isa na namang dumating, "Kainis. Kanina pa
kita hinahanap." Si Sachi.
"Bakit na naman?"
"Nakita mo ba si Josh?" Tanong niya kay Jacob. Ang bulag naman nito.
"Bakit?"
Sasagot na sana siya ng mapatingin siya sa direksyon ni Sab, "Oh, hi! Ikaw yung ex
ni Josh?"
"No. Siya yung ex. Natanong ko kasi last time kay Josh yun nung magkasama kami."
"Sab."
"Tara na, Sachi." Aya ni Jacob sa bestfriend niya.
"Epal naman, Jacob." Sabay irap niya pa. "Oy, Josh. Hinahanap nga pala kita kasi
may practice kayo mamayang --"
"Nasabi na ni Jacob."
"Okay. See you later na lang. Bye! Mwa mwa." Sabay hila niya kay Jacob.
Napatingin ako kay Sab na nakakunot ang noo. "Okay lang ba yun?"
Tumango ako, "Ganun talaga yun kahit kaninong varsity. Naging kaibigan na rin kasi
namin dahil bestfriend niya si Jacob."
"Ah. Okay." Kibit balikat niyang sagot at kumain na naman ng fries niya.
***
Lumipas ang mga araw at masaya ako na mas nagiging close kami ni Sab. Nandun pa rin
syempre yung bangayan namin sa maliliit na bagay pero hindi na madalas. Madalang na
lang.
"Kamusta kayo?" Tanong niya sa akin at tumango sa may direksyon sa kusina. Senyales
siguro na si Sab ang sinasabi niya.
"Yep. Kaya lang mas gusto niyang maging magkaibigan muna kami sa ngayon. Mahirap
maghintay pero kung alam mong may darating naman, ayos lang."
"Siguro tama ka. Ang pagpayag na lang naman ni Sab ang kailangan ko para
magkabalikan kami. Pero tulad nga ng sabi ko, kaya kong maghintay."
Hindi ko naintindihan ang sinabi niya. Ano ang hindi magtatagal? Weirdo talaga tong
si Ice minsan.
***
Nanunuod kami ng magtext sa akin ang isa kong teammate. Practice na naman. Istorbo.
Tinanguan ako ni Ice at Zoe habang si Sab ay nakatingin lang sa akin. Bakit parang
kinakabahan ako? Magagalit na naman kaya siya sa mga pagpratice practice ko? Kung
sakali, edi magskip ako ng practice.
"Ha?!"
Tama ba rinig ko? Sasama siya sa akin sa practice ko? Seryoso ba 'to? Hindi ba lagi
lang siyang naiinis at nababagot kakahintay kapag nagprapractice ako?
"Seryoso?"
Magsasalita sana siya pero tinikom din niya agad ang bibig niya. "Okay lang kung
hindi pwede."
Nanlaki ang mata ko at napatayo, "Hindi. Okay lang. Pwede kang sumama syempre.
Anong oras mo gusto umalis?"
Narinig ko ang tawa ni Zoe sa gilid at ang pagngisi ni Ice, "Chill, Josh."
Tinawanan lang din ako ni Sab kaya napakamot ako sa ulo. Masyado ba akong na-
excite?
***
"Seryoso ka? Ayaw ko nga dun. Mamaya pahirapan din ako ng coach niyo."
Sabagay. "Sige. Laro lang ako saglit ha?" Tumango siya at ngumiti.
Tumawa siya kaya napakunot noo ako. Medyo baliw din talaga tong babaeng to e.
Tumatawa mag-isa.
"Hindi ka ba binabakuran?"
"Ha?"
Tinaasan ko siya ng kilay at nang hindi ako makapagpigil ay natawa na lang ako sa
sinabi niya.
"May mga babaeng nagugustuhan mo dahil special siya sa puso mo at meron din namang
nagugustuhan mo bilang isang kaibigan lang. Nandun ka sa pangalawa." Biro ko sa
kanya.
Napatahimik siya at tumingin sa may bleacher. Teka. Baka mamaya may gusto sa akin
to at nasaktan kasi nasa friendzone siya ngayon?
"I guess you're right. Minsan ba sumagi sa isip mo na nasa pangalawa ka lang din?"
"Ha?"
Pabalik na ako sa paglalaro ng tinawag na naman niya ako kaya naagaw ng kateam ko
ang bolang hawak ko. Hinayaan ko na lang.
"Eyes on the ball, Josh." Sigaw ng ka-team ko pero tumingin pa rin ako kay Sachi
kasi parang may gusto siyang sabihin.
"Ingat sa bola. Kapag hawak mo na huwag mo ng hayaang mapunta sa kalaban. Own it.
Baka magulat ka sa isang iglap, wala na sayo ang bola." Sabi lang niya at umalis
na.
Anong ibig sabihin nun? Dahil ba sa inagaw ng kateam ko ang bola na hawak ko? Hay,
ewan! Gulo ng mga tao.
"Sab is nice."
"I know." Sabay lingon ko sa pwesto niya. "Nandun pala si Sachi. Mukhang magiging
close ang dalawa ha."
Nilingon ko ulit sila Sab. Nginitian at kinawayan ako ni Sachi kaya ngumiti rin
ako. Nang tingnan ko naman si Sab, mukhang nakatulala lang siya pero nang mapansin
sigurong nakatingin ako ay ngumit na rin siya.
I mouther the words "Okay ka lang?" at nag thumbs naman siya saka sinabing bumalik
na ako sa practice.
Sino may insta? Follow niyo ko. @heydangs I'll followback the first 25 na
magfollow. Pero wala pang laman yun. Lol. Thank you!
Battle 42
Josh’ POV
Hindi ko alam kung anong problema o kung meron nga ba pero bigla na lang naging
ilap sa akin si Sab matapos nung game. Hindi ko alam kung pagod lang ba siya at
napaparanoid ako o sadyang tama ang pakiramdam ko.
Nang matapos ang practice, nagpaalam ako sa kanyang magpapalit lang at tinanguan
lang niya ako. Nang hinatid ko na siya pauwi, buong car ride namin nakatahimik lang
siya. Ang paalam niya matutulog lang daw siya pero nung tiningnan ko yung side
mirror nakadilat lang siya at nakatingin sa kalsada. Pagbaba niya, isang “Bye,
ingat” lang ang sinabi niya at umalis na. Ni hindi man lang niya ako pinagsalita.
Kung iisipin, hindi talaga ako naparanoid. Talagang may mali at ang nakakabwisit,
hindi ko alam kung ano yun.
Ilang araw ko na siyang tinetext pero ang tipid ng mga reply niya. Kapag naman
tatawag ako madalas hindi niya sinasagot. Minsan naman sasabihin niyang may
ginagawa siyang project o requirement. I’m dumb, but I’m not that dumb. Project sa
unang buwan ng sem? Come on!
Nakatambay ako sa may gym at nag-iisip ng biglang tumabi sa akin si Sachi. Buti pa
‘to, palaging nandyan. Pasulpot sulpot lang.
“Don’t answer. Alam ko na. Same problem lang naman tayo. Parehas tayong
nafriendzone. At ang pinakamasaklap dyan, madalas magkasama ang nang friendzone sa
atin.”
Nabwibwisit na ako lalo pang nambwibwisit ‘tong babaeng ‘to. Natitiis ko na nga na
hindi ako pinapansin ni Sab pero ang makitang madalas na niyang kasama si Jacob?
Badtrip na ‘yan! Nakakabanas na ha! Durog na durog na ko.
“I know naman na walang something sa kanila pero the mere fact na makita silang
magkasama habang ako nanunuod lang sa gilid, medyo masakit pala. I’m in love with
my bestfriend. Cliché, right? And you’re in love with your friend slash ex. Ang
bestfriend ko at ang ex mo, madalas magkasama ngayon. Why is that?”
“Nasasaktan ka ba talaga? Bakit parang hindi naman?” inis na tanong ko sa kanya.
Nakakainis na kanina pa niya inuulit ulit ang bagay na ‘yan. Hindi naman ako bingi
para hindi marinig na madalas silang magkasama. Hindi naman ako bulag para makitang
madalas nga sila magkasama. Hindi rin naman ako manhid para hindi masaktan kapag
nakikita ko silang magkasama. Gaguhan lang ba?
“Masakit.”
“Hindi naman dahil sa nakakapagbiro at nakakangiti pa ako ibig sabihin hindi na ako
nasasaktan. It’s easy to pretend you’re happy even when you’re not. I don’t want to
act miserable in front of other people. What for? Para kaawaan nila ako. That’s the
least thing I need right now. Alam mo Josh, if you really love her, you’ll fight
for her.”
Fight? I’ve been fighting for her all this time. I’ve got no intentions on stopping
not even when she’s seeing Jacob frequently. Kaya lang paano ko lalaban kung hindi
niya ako kinakausap? Kung hindi niya ako pinapansin. I die every time she’s
ignoring me.
Ngumiti siya at itinaas baba ang kilay niya, “May plano ako.” Bakit parang hindi
maganda ang kutob ko sa plano nito? “Tayo na lang!”
I wasn’t informed she’s crazy. Kami? Magiging kami? Edi lalong lumayo si Sab sa
akin niyan.
“Seryoso ako.”
Magsasalita pa lang sana ako nang itaas niya ang kamay niya at itapat sa mukha ko,
“Hindi pa ko tapos. I don’t like you, okay? Not in a romantic way. Kaya chill ka
lang dyan. I like my bestfriend. And we have to make the them jealous so that Sab
will show her true feelings for you and give you another chance and for Jacob to
finally have the nerve to ask me out. Is that clear?”
“Clear na clear pero hindi ako papayag. Ayoko nga. Kung pagseselosin ko si Sab at
sakaling umepekto, masasaktan siya. Kung pagseselosin ko naman siya at hindi yun
umepekto, ako ang masasaktan. Either way, may masasaktan. Kaya ayoko. Bahala ka
dyan.”
Nilayasan ko si Sachi pero sumunod naman siya sa akin. Sanay na rin naman akong
nakabuntot sa akin na parang anino ang babaeng ‘to. Kasi nga raw, may ibang
pinagkakaabalahan ang bestfriend niya.
Magkasama na naman silang dalawa? Really?! Nakakainit ng ulo, “Hey, where are you
two going?” masayang bati ni Jacob.
“Kakain sana kami sa labas kaya lang..” tumingala siya para tingnan ang langit,
“Medyo makulimlim na. Kaya Josh decided to take me home.”
“Oops. Sorry, I forgot to tell you. We’re dating!” Nanlaki ang mata ko sa sinabi ni
Sachi. Sabi ko ng hindi ako pumayag ha! Anong date date sinasabi nito?!
“I..It’s nice to hear that. Bagay kayo.” What the f*ck? Napakunot ang noo ko sa
sinabi ni Sab. Hindi ba niya alam na masakit para sa akin ang marinig sa kanya ang
mga salitang ‘yun?!
“We're going – “
“To eat somewhere. Fastfood siguro. Nakakagutom kasi. Una na kami ha? Nice bumping
into you, guys.” Ngumiti si Sab at umalis na habang nagkibit balikat si Jacob at
nagpaalam na.
She shrugged at naglakad na, “Wala na. Nagawa ko na. Wala ka ng choice.”
Nginitian niya ako at huminto sa tapat ng kotse ko, “Malay mo tago lang reaksyon
nila. Hatid mo nga lang ako sa amin. Sa mga kasinungalingan na sinabi ko kanina
baka pwedeng meron namang isa doon ang maging totoo. Kaya ihatid mo na lang ako.”
***
Sab’s POV
“Now where’s the food we’re supposed to eat? Hindi ako nainform na may fastfood sa
gym?”
Napairap ako sa statement niya, “Shut up. Ako lang may karapatang magpakasarcastic
dito.”
“Are you stupid or something? Hindi ba halata? Kung ikaw kaya makita mo ‘yung ex mo
na may dinedate na iba? Anong mararamdaman mo? At bago ka sumagot, wait. Paano kung
ang sabi pa niya na maghihintay siya sa’yo? Hindi ba nakakainis ‘yun.”
He smirked and put his arm on my shoulder, “I hate to break it to you but boys
can’t wait forever. Lalo na kapag may magandang babae ang umaaligid sa kanya.
Bihira ang lalaking loyal.” At proud pa siya ha?!
“Just because hindi mo kayang maghintay, doesn’t mean that Josh can’t too.”
Tinanggal niya ang pagkakaakbay at tumingin sa akin habang nakataas ang isang
kilay, “Really? Sa pagkakatanda ko kasi nagdedate na si Josh at Sachi.”
Pumikit na lang ako at pinilit na huwag makipag-away kay Jacob. Hindi maganda ang
araw ko at ayokong dagdagan pa ang kapangitan nito sa pakikipagtalo sa isang tao na
hindi naman makaintindi.
Or maybe tama siya at ako ang mali. Baka kaya naiinis ako kasi alam kong nagsasabi
siya ng totoo. Baka naiinis ako kasi alam kong pinapaniwala ko ang sarili ko sa
bagay na gusto ko lang paniwalaan at hindi sa bagay na alam kong totoo.
“Just be happy for them. Maybe you’re just not meant to be.”
Posibleng tama siya. Pero sino ba naman ang nakakaalam kung sino ang nakatakda para
sa’yo at sino ang hindi? Wala naman siguro. I’ll still hold on to the tiny
possibility that maybe we’re really meant to be. Hindi siguro sa ngayon pero malay
ba namin, baka sa future, kami pa rin.
Napakunot ang noo niya at bigla na lang tumawa, “You’re funny. Ang ibig kong
sabihin, ang swerte niya kasi finally, nakuha na niya ang taong gusto niya. She
really like him..”
Napaiwas na lang ako ng tingin. Medyo hindi rin considerate ang lalaking ‘to.
Kitang ako yung ex nung dinedate ng bestfriend niya tapos gaganyan ganyan siya. Wow
naman. Palakpakan!
***
Nakatingin lang ako sa kawalan. Nagpipilit akong matulog pero ayaw akong dapuan ng
antok. Nakakainis.
Ito pa naman ang ayaw ko kapag gising na gising ako sa gabi. Kung anu-ano ang
pumapasok sa isip ko. Naiisip ko ang mga ayaw kong isipin. Naaalala ko ang ayokong
maalala.
Nagpapalamon ako sa mga thoughts ko ng biglang tumunog ang phone ko. A message from
Josh. I opened it at tanging, “Goodnight.” lang ang nakalagay sa text.
Nakakainis. Naalala ko na naman nung unang beses kong malaman na nagdedate sila.
I was at their practice nang bigla na lang umupo sa tabi ko si Sachi. “First time
ata kitang nakitang manuod ng practice niya. You’re more supportive kung kailan
friends na lang kayo.”
Hindi ko alam kung maooffend ako sa sinabi niya o hindi. Aminado naman kasi ako na
hindi ako naging supportive girlfriend. Naiinip ako manuod ng basketball kaya hindi
ko siya pinapanuod. Ngayon lang.
“He’s really good, you know.”
“Maybe it’s one of the reasons why I like him. Nag-iibang tao siya sa court.”
“Gusto mo siya?” gulat na tanong ko sa kanya. Malay ko ba baka mamaya may problema
na ako sa pandinig.
Pero tumango siya at ngumiti, “Of course I like him. I wouldn’t date him if I
don’t.”
Mas lalo akong nagulat sa sinabi niya. All this time dinedate niya ‘tong Sachi na
‘to? Kaya ba ngayon napapadalas ang pagkikita ko sa kanila na magkasama?
Ugh! Delete those scenes! Utak, makisama ka naman please. Huwag mong isipin ang mga
bagay na ‘yun. Please, huwag.
Just like an answered prayer, my phone rang which distracted me from “that”
thoughts. Jacob’s calling.
“Yes, gusto ko lang may makausap. Pwedeng kausapin mo ako hanggang sa makatulog na
ako?”
Battle 43
Josh’ POV
“Anong masamang hangin ang nagdala sa ‘yo dito?” tanong ko sa kanya at tinuro ang
sofa sa sala para paupuin siya.
She scowled and crossed her arms, “Wala bang ‘I miss you. It’s nice to see you
again.’ dyan?”
Hindi naman ako pumayag sa gusto niyang mangyari kaya bakit ako sasama sa kanya.
Isa pa, bakit kailangan pa mag-date? Akala ko ba kailangan lang namin pagselosin
yung dalawa? Paano magseselos kung hindi naman nila kami makikita? Abno ang babaeng
‘to.
Tumayo siya at nagkibit balikat, “Fine. Sayang. May lakad pa naman si Jacob at Sab
ngayon. Nagtext kasi si Jacob sa akin kagabi. May date ata yung dalawa. Sige, uuwi
na lang ako. Bye!”
***
Nililibot ko ang paningin ko sa pesteng lugar na ‘to at baka nandito sila Sab pero
wala naman akong makitang bakas ng pagkatao niya dito. Isang oras ng pagulong
gulong ang mata ko wala naman.
“Wow. After one hour you finally figured that out? Congratulations!”
Lumabas ako ng boutique pero sumunod naman siya at humawak pa sa braso, “Tanggalin
mo ‘yan.”
Tinanggal naman niya ang kamay niya at itinaas, “Sorry. Wala kasi akong kasama.
‘Yung parents ko parehas busy sa work. ‘Yung kapatid ko, hindi naman kami close.
‘Yung bestfriend ko, busy raw.”
“Puro varsity players ang kaibigan ko ‘di ba? May kanya-kanyang lakad. Ayokong mag-
aya ng ibang cheerleaders. Magplaplastikan lang kami ng mga ‘yun.”
Umaliwalas ang mukha niya at ngumiti, “Pwedeng manuod ng sine?” Ano pa nga ba?
At tulad ng ibang babae, romantic comedy ang pinanuod namin. Boring. Nakakaantok.
Hindi ko tuloy napigilan makatulog nung nasa sinehan. Kung si Sab ang kasama ko,
hindi ako malamang makakatulog kasi may papanuorin ako. Siya.
Gustong gusto ko kasi ang reaksyon niya kapag nanunuod kami ng mga ganitong
palabas. Yung mapapangiti bigla o kaya pilit iipitin ang tili niya huwag lang mag-
ingay sa sinehan. Kapag hindi naman siya makatiis hahawakan niya ako sa braso at
kukurutin saka magsosorry. Kapag may mga nakakaiyak na scene, hangga’t kaya niya
pipilitin niyang hindi umiyak. Sasandal siya sa balikat ko at ibabaon yung mukha
niya doon saka titingin ulit sa screen.
Iniwasan ko na lang siya ng tingin. Silence means yes sabi nila. At kung normal na
tao siya, alam na niya ang sagot sa sarili niyang tanong.
Hindi ko pinansin ang sinabi niya at niyaya na lang siyang magpuntang No Name na
tinanggap naman niya.
Nang makarating kami sa No Name, hindi ko ineexpect na nandun ang iba. Naalala ko
tuloy na sabado nga pala ngayon at dito kami madalas tumambay kapag sabado.
“Nice. Nandito ang ex.” Masayang sabi ni Sachi saka kumapit sa braso ko at nagpunta
sa tapat ng table ng barkada.
Napahinto sila sa pag-uusap at laking gulat nila ng makitang nasa tapat na nila
ako. O dahil sa may babaeng nakakapit sa braso ko? Napatingin ako kay Sab na
nakaiwas lang ang tingin.
“Hi! Nakita ko ulit kayo. I’m sorry hindi ko napakilala ang sarili ko sa inyo last
time. I'm Sachi."
"Hi, Sab!" Bati niya kay Sab ng si Sab na lang ang hindi nagsasalita. "Where's
Jacob?"
Naramdaman ko ang pagkurot ni Sachi sa braso ko nang marinig ang sagot ni Sab.
Kinurot na naman ako ni Sachi at mas dumikit pa sa akin. Hindi ba siya nasisikipan?
"Tss." Hindi ko alam kung ambisosyo lang ba ako o talagang narinig ko yun kay Sab?
Naiinis na ba siya? Totoong nagseselos na nga ba siya?
Natahimik ang buong table kaya binasag ni Sachi ang katahimikan, "Is it bad to date
him?"
Ramdam ko na nagtatantsyahan ang mga 'to kung sino ang sasagot pero si Zoe na ang
nagboluntaryo, "It's not like that. Ang akala lang namin -- "
Nakatitig lang ako kay Sab at binabantayan ang reaksyon niya. Masama ba kung
sasabihin kong parang natutuwa ako na mukhang naiinis siya?
"Sab is history. Past na siya. Josh deserves to move on naman 'di ba. And so is
Sab. Right, Sab?"
Tinitigan ni Sab si Sachi at pagkatapos ng ilang segundo ay ngumiti. I know her too
well. Alam ko kapag plastic ang ngiti niya o hindi. This time, fake ang ngiting
yun.
"Nauuhaw ako." Sabi ni Sachi at kinuha ang pitsel ng tubig katapat ni Sab pero
mukhang nabunggo niya ang baso ni Sab kaya tumapon sa kanya yung tubig.
"Sh*t."
"Joke ba 'to?"
I chuckled and raised my hand to stop them for asking so many questions.
Napaisip ako. Mukhang gumagana ang plano. Siguro okay lang din na ituloy ko na 'to.
Kung magtuloy tuloy, pwedeng mabalik ko na si Sab sa akin.
Kaya lang kung itutuloy ko ang plano, hindi pwedeng malaman ng girls 'to. Alam kong
sasabihin nila kay Sab ang plano kaya baka hindi pa matuloy.
"Isa-isa lang. Mahina kalaban. Hindi 'to joke. Hindi ko kayo ginugood time. We're
really dating." Inilabas ko pa ang ticket sa movie na pinanuod namin at pinakita sa
kanila. "She's not a bitch. She's pretty nice actually. Not all cheerleaders are
bitch. This isn't some american movie."
"Some people can't wait forever." Biglang sulpot ni Sachi at bumalik na sa tabi ko.
Napatingin ako sa kasunod niyang si Sab na nakasabukot ang mukha. Anong problema
nito?
Hawak niya ang keychain ni Sab, "Keychain. Tanga lang?" Napangiti ako sa sinagot ni
Sab. Lahat ata ng bagay na ginagawa niya namimiss ko.
"Wait. Does it stands for Josh ♥ Sab?" Tanong ni Yannie na mukhang walang pakialam
kahit na ang alam nila ay dinedate ko si Sachi.
Our eyes met. And at that very moment, I wanted to confirm Yannie's statement. Pero
ayokong pangunahan na naman ako ng emosyon ko. Baka masira lang lahat ng plano.
"How about Jacob ♥ Sab? Hindi naman malabo. Kasi di ba super close kaya nun
ngayon?" Panira si Sachi. Banas. "It's impossible naman na Josh ♥ Sab ang meaning
niyan kasi ex mo na siya at ex ka na niya. And actually.." may kinuha si Sachi sa
bag niya at itinaas at ipinakita yun. Teka. Keychain? "May ganyan din ako. It was
given by Josh. Josh ♥ Sachi ang meaning. Astig ano?"
Nagseselos na ba siya? Kung oo, I wanted to stop this plan immediately and comfort
her. But knowing Sab, alam kong kahit totoong nagseselos yan, itatanggi niya yan.
Battle 44
Sab's POV
"Delikado ang tumambay sa labas kapag gabi na. Babae ka pa. Baka mamaya may kung
anong hindi magandang mangyari sa 'yo."
Napatingala ako at nakita ang nakapamulsang si Jacob na nasa harap ko. Umupo siya
sa tabi ko kaya dalawa na kaming parehas na mukhang siraulong nakaupo sa damuhan.
"This isn't a safe place, Sab. Wala masyadong tao. If ever something bad happens,
no one will protect you."
"Yeah, right." Dama ko ang sarcasm sa boses niya. "You look miserable." Inabutan
niya ako ng panyo.
Para saan 'to? There, I've realized na umiiyak na pala ako. Is it possible to cry
without you even knowing?
"I wouldn't force you to talk, but whenever you need someone to listen, I'm just
here."
Hindi ko na naman napigilan ang pagtulo ng luha ko. Ang masaklap pa dyan, niyakap
niya ako kaya mas lalo lang akong naiyak.
Masakit pala. Masakit malaman na may iba na siya. He finally moved on, while here I
am, still stuck in the same place.
Nang mahimasmasan ako ay kumalas ako sa yakap at niyakap ang tuhod ko. Sa mga
ganitong panahon, minsan okay na kahit wala kang makausap e. May makasama ka lang
sapat na.
"She took my place. Your bestfriend took my place. I used to be that girl. I used
to be in her place. Pero ngayon.. I don't know anymore. Alam mo ba, nung natapunan
niya ako kanina ng tubig at sinamahan sa CR, tinanong niya ako kung okay lang ba sa
akin na i-date niya si Josh. Okay lang daw ba sa akin na iba na ang pinagtutuunan
ng atensyon ni Josh."
“Sabi ko okay lang. Wala naman na kako akong karapatan kay Josh.”
Kahit medyo masakit ang sinabi niya alam ko namang tama siya. Ako ang humingi ng
space. Ako ang gumawa ng issue. Ako ang unang nang-iwan. Nang alukin niya ako
bilang kaibigan, tinaggap ko yun para maging malapit pa rin sa kanya. Pero every
time na gumagawa siya ng move para maipakita niyang gusto niyang ibalik ang dati,
hindi ko siya pinapansin.
I pushed myself away from him. Tapos ngayong may kasama na siyang iba mag-iinarte
ako? Ang kapal din naman pala ng mukha ko. Kaya lang hindi ko talaga mapigilan
masaktan.
“You should have hold on a little longer. Hindi naman sa sinisisi kita kung bakit
ka umiiyak ngayon pero kung tutuusin, a part of it is still your fault.”
“Geez. Thanks.”
“Will it make you feel better if I’ll say that we’re actually in the same boat?”
Napangiti siya at humiga sa may damuhan, “Nasasaktan ka. Nasasaktan din ako.
Pakiramdam mo huli ka na. Pakiramdam ko rin huli na ako. Nanghihinayang ka kasi may
mga bagay na pwede kang sabihin sa kanya noon pero hindi mo nagawa. Ganun din ako.”
Teka. Naguguluhan ako. Isa lang ang pumasok sa utak ko. Kung tama ako…. “In love ka
ba sa bestfriend mo?”
“Cliché, right?”
Woah. Mahal niya ang bestfriend niya? Hindi ako makapaniwala. Hindi kasi halata. Sa
kaunting beses naming nagkita, hindi ko siya nakitaan ng affection kay Sachi.
Parang wala nga lang siya sa kanya e. Masabi lang na bestfriend.
“Ang gulo lang kasi ng feelings. Gusto kong umamin pero hindi ko magawa. Hindi
naman ang rejection ang ikinakatakot ko. Natatakot lang ako na mawala ang kung
anong meron kami. I’m afraid of changes. I’m scared to lose her before I could even
call her mine. Isn’t that odd? You’re afraid to lose someone who’s not even yours.”
“My fault. Masyado kasi akong natakot sa hindi magandang bagay na pwedeng mangyari.
My pessimism made everything worse. And now, she’s gone. She’s dating someone new.
I may act tough in front of her but everything just kills me inside. Alam mo bang
bago siya pumayag makipagkita kay Josh she asked me first kung okay lang ba ‘yun sa
akin. I said, yes. Stupid, I know. Kaya ngayon, ayan. Nababaliw na ako kakaisip
kung ano ang pwedeng nangyari kung sinabi kong hindi at umamin na lang ako sa
kanya.”
Hindi ko alam kung ano ang mas malala. Ang mabitawan ang bagay na hawak mo na o ang
mahawakan ng iba ang bagay na konti na lang ay maaabot mo na.
***
Hinatid ako ni Jacob pauwi at sobrang gulat ko na lang ng makita si Josh sa tapat
ng bahay namin. I was so shocked I can’t even move.
Tinanguan lang siya ni Josh. Lumapit ako ngayon sa kanya, “Anong ginagawa mo dito?”
“I’m just checking if you went home safely. Looks like you’re okay since hinatid ka
niya.”
“Oo nga.” I answered silently. “Pwede ka ng umuwi. Thanks for checking on me.”
"Sab."
Hindi. Hindi ako masaya. Gusto ko sanang sabihin yan pero hindi ko magawa. Hindi ko
kaya.
"Oo." I lied.
Ramdam ko ang pagtitig niya sa akin. Parang tumatagos kaya kahit nakatalikod ako
kinakabahan ako sa tingin niya, "Kung hindi ka masaya, ihihinto ko na ang lahat ng
'to. Kung hindi ka masaya gagawin ko ang lahat bumalik lang ang kaligayahan mo."
I'm not that selifsh, Josh. What if my happiness causes you sadness? Hindi ko kaya.
Napabuntong hininga ako, "Uwi ka na. Bye."
I don’t care if it’s rude pero bigla na lang akong pumasok sa bahay at iniwan
siyang nakatayo lang sa gilid. Hindi ko naman kasi kayang makita muna siya sa
ngayon. Kitang nagluluksa pa ang puso ko.
Nanlaki ang mata ko ng makita ‘yung tatlo na nakaupo sa may garden at nakatingin
lang sa akin.
“Ganun siguro talaga kapag nagseselos ano? Hindi na gumagana ang mga senses.
Palibhasa namanhid na.”
Kung pwede nga lang sana na mamanhid na lang. Kung pwede lang wala ng maramdaman.
Kung pwede lang.
"Mahirap bang magpanggap na masaya? Masakit bang makitang may kasama siyang iba?"
Dagdag ni Ayu.
Napapikit ako. Pinipigilan kong tumulo ang luha sa mata ko, "Mahirap. Masakit.
Sobrang sakit."
"Ang sabi mo dati hindi mo alam kung kailan ang tamang oras para makipagbalikan sa
kanya. Pinapangunahan ka kamo ng takot. Ngayon ba alam mo na?" Tanong ni Zoe.
I nodded, "Bago pa siya makuha ng iba. Too bad I'm too late."
***
Battle 45
Josh' POV
This isn't a good idea. I'm such a jerk. Ano bang pumasok sa makitid kong utak at
pumayag akong pagselosin si Sab? Hindi ko man sinabi ng diretsyo na payag ako sa
plano ni Sachi, pero parang ganun na rin 'yun kasi hindi ko siya pinipigilan kapag
gumagawa siya ng moves at nagsasabi ng kung anu-ano.
"Nandyan ba si Sab?"
Mukha mang naguguluhan, pinaghintay nila ako at tiningnan kung nandun nga si Sab.
Pinapasok nila ako sa bahay pero tinanggihan ko.
Napatingin sa akin ang tatlo na mukhang mga nagtatanong. Kung sana alam ko rin kung
nasaan siya.
Hindi na lang ako sumagot at iniwasan ang tanong niya. Maski kasi ako, hindi ko
alam. "Hihintayin ko na lang siya dito."
Hihintayin ko siya kahit na isang milyong lamok pa ang pumapak sa akin. Maghihintay
ako.
Hindi rin naman nagtagal ang paghihintay ko dahil dumating din siya. Ayun nga lang,
may kasama ng iba. Para nga lang pala talaga akong tanga na nagdodoorbell kanina
samantalang 'yung taong gusto kong lumabas may kasama palang iba.
Kaya lang wala naman ako karapatang magreklamo. Wala akong karapatan sa kanya. Kasi
kaibigan niya lang naman ako.
I asked her if she's happy. She said, yes. I was actually hoping for her to say no.
Kasi kung sasabihin niya 'yun, sa mismong pwesto at sa mismong oras na 'yun,
aaminin ko ulit sa kanyang mahal ko siya at gusto kong maibalik namin ang meron sa
aming dalawa. Kaya lang mukhang hindi na darating ang araw na 'yun.
Masakit, Sab. Masakit kasi ramdam kong mahal namin ang isa't isa pero may harang na
pumipilit maglayo sa aming dalawa.
"Anong problema natin?" bungad sa akin ni Xander pagpasok ko ng kwarto ko. Alam na
alam na talaga ng mga kaibigan ko kapag may problema ako.
"Bakit ka nagsisinungaling?"
"Ha?"
"Hindi mo naman talaga dinedate 'yung Sachi. It's obvious. Panay tingin mo kaya kay
Sab kahit na yung isa yung katabi mo. Lokohin mo lelang mo."
Buti pa sila nahalata.
Sasagot palang sana ako ng tumayo na si Ice at hilahin si Xander at Ken, "Let him
rest. Let's go." Weirdo talaga ang lalaking 'to.
Bago pa man sila tuluyang makalabas, lumingon ulit sa akin si Ice, "Hey, I -
Nothing. We'll go ahead." Ewan ko sa kanya.
***
Nagdaan pa ang mga araw. Madalang ko na makita si Sab. Madalas ko makita si Jacob
dahil sa practice pero hindi sila magkasama ni Sab. Pero syempre may mga
pagkakataon na nakikita ko pa rin na magkasama ang dalawa. Para akong paulit-ulit
na pinapatay. Nakakaloko lang kasi. Nasa akin na, nawala pa.
Ihinagis niya ang bola at nasalo ko naman. Drinibble ko ito pero nakatingin pa rin
ako sa kanya. "O?"
"Mahal mo pa." Ikinagulat ko ang sinabi niya kaya namali ang pagpapakaldag ko sa
bola pero nabalik ko naman sa normal na kaldag nito.
"You're dating my bestfriend while it's pretty clear that you're still in love with
your ex." Wala siyang alam. Mali ang iniisip niya. "I don't know what's happening
to you, Josh. Don't make her suffer. Don't make yourself suffer."
Iniwan niya akong mag-isa sa gym. Sinubukan ko ulit ishoot ang bola. Pasok.
Hinawakan ko ulit ito. Hindi ko magagawang ishoot ang bolang 'to kung nasa iba ang
atensyon ko.
Hindi ko pwedeng habang buhay ikaldag ang bola. I have to take the risk.
Sigurado na ako. Alam ko na ang dapat na tamang gawin. Kung dati pinagana ko ang
utak ko at sinubukan pagselosin si Sab, ngayon hindi. Kasi ngayon naisip at
nararamdaman ko na dapat ko siyang ipaglaban. Itulak man ulit niya ako palayo o
harangan man ulit ng mataas na pader, hindi ako titigil. Babalik at babalik ako sa
kanya.
Buong buhay ko ngayon lang ako nagmahal ng ganito. Hindi pwedeng isantabi ko lang
lahat ng 'to. Kung kinakailangan maghintay, maghihintay ako. Kung kinakailangan
lumaban, lalaban ako. I love her so much. So much. Kung gusto niyang maging
magkaibigan kami, edi sige. Maghihintay ako. Hindi ako susuko. Hindi ako gagamit ng
ibang tao.
Naligo at nagpalit ako ng damit saka nakipagkita kay Sachi. Itatama ko ang lahat ng
mali ko.
***
Sab's POV
Nagbabalak pa lang sana akong pumasok pero napahinto ako ng makita si Josh at Sachi
sa loob.
Seryoso ang mukha nila habang nag-uusap. Tumayo silang dalawa at nagyakap.
Pakiramdam ko hiniwa ang puso ko saka binuhusan ng alcohol. Nasasaktan na nga ako
pero tinitingnan ko pa rin.
"Stupid." Si Ice.
Nagpunta siya sa may hood ng sasakyan niya at medyo sumandal na umupo, "How long
are you going to endure the pain?"
"Are you willing to let him go again? Sabi mo dati gusto mong magmature kayong
dalawa. Nakita kong nangyari 'yan kaya lang parang may humaharang sa 'yo sa
pakikipagbalikan sa kanya. What is it?"
"Fears." Sagot ko. "Natatakot ako noon na bumalik ang dating Josh. Natatakot ako na
maulit lang yung nangyari dati. Natatakot ako na maisawalang bahala na naman."
Binalot ng katahimikan ang paligid hanggang sa basagin niya ito, "Are you afraid to
lose him?"
Tumango ako. Napakacross arms si Ice, "Ano ngayon ang mas ikinatatakot mo? Ang
maulit ang dati o ang mawala siya sa'yo?"
Napaisip ako sa sinabi niya. Sa totoo lang, sa ngayon, mas hihilingin kong ibalik
kami sa dati kaysa makita siyang may kasamang iba. Too bad, time machine doesn't
exists.
"You both have a fair share of mistake. It's up to the both of you to correct that
mistake. May mga bagay na akala mong huli na pero hindi pa pala. May mga bagay na
akala mo wala ng pag-asa pero pwede pa pala."
Tama si Ice. Ayokong pagsisihan ang bagay na 'to. Ayokong iwanang magulo ang kung
ano mang meron kami ni Josh. Sasabihin ko sa kanya ang nararamdaman ko. Ibababa ko
ang pride ko. Basta ang mahalaga, sa bandang huli, masabi ko sa sarili ko na nagawa
ko na ang parte ko.
"Thanks, Ice."
"Tayo?" I asked.
"Oo. Pupuntahan ko rin talaga si Zoe." Paraan.
***
Sinabi ko sa girls ang gagawin kong pag-amin kay Josh. Sinuportahan naman nila ako.
Ang sabi pa nila, ano man ang mangyari, nasa likod ko lang sila. Friends.
Nasa may No Name kami. Maya't maya kong tinitingnan si Josh. Ilang beses
nagkakasalubong ang paningin namin pero naiiwas ko rin ang tingin ko.
Pumikit ako at huminga ng malalim. Walang mangyayari kung uunahin ko ang kaba ko.
Dapat maging malakas ang loob ko.
Nagkatitigan kami. Ramdam ko rin ang tingin nung anim sa amin pero wala akong
pakialam sa kanila.
"True. Amin amin din." Nanlaki ang mata ko at agad na napaharap kay Sachi na
lumabas ng cubicle. "Hindi kayo papasayahin ng pride niyong 'yan."
Saktong pagbalik ko, binungaran agad ako ni Manager Ry, "Sab! Request ng mga
kaibigan mo 'to. Tara, kanta ka rito."
Pero masyado ata akong okupado kaya di ko napansin na nasa stage din si Josh.
♪ Hey, I was done playing games. Knew I needed to upgrade. So I went and walked
away, way, way. Now, you see I've been hanging out with another girl in town. At
least she doesn't bring me down, down, down. ♪
Naalala ko tuloy si Sachi. Pumikit na lang ako at sinimulan ang pagkanta ko.
♪ Remember all the things you and I did first? And now you're doing them with her.
Remember all the things you and I did first? You got me, got me like this. Now
you're taking her to every restaurant and everywhere we went, come on! Now you're
taking her to every restaurant. You got me, got me like this. Boy, you can say
anything you want. It don't mean a thing. No one else can have you. I want you
back, yeah. I want you back.♪
Hindi ko alam kung anong lakas ng loob ang sumapi sakin at tiningnan ko siya.
Lumakas lalo ang tibok ng puso ko ng tingnan niya rin ako nung turn na niya.
♪ I broke it off thinking you'd be fine, but now I feel sick looking at you cryin'.
And I want us back, yeah. I want us back. ♪
Pakiramdam ko tumatagos ang bawat linya. Nang linya ko na ang kakantahin ko,
sinigurado kong maramdaman niya na ito ang gusto kong sabihin sa kanya.
♪ Please, rid me of the jealousy. You know you belong with me. And I'm gonna make
you see, see, see. ♪
♪ You clearly didn't think it through. 'Cause I had everything for you. And now, I
don't know what to do, do, do. ♪
Kakantahin ko na sana ang kasunod ng linya ng itaas niya ang kamay niya, "Sandali.
Sandali."
Napatahimik ang buong No Name. Wala ni isa ang nagsasalita. Habang ang puso ko
naman, nagwawala.
Lalo akong kinabahan ng guluhin niya ang buhok niya at saka tumingin na naman sa
akin.
I wanted to break our eye contact pero ang lakas ng hatak ng mata niya. Hindi ko
maalis ang tingin ko sa kanya.
"Hindi ko na alam ang gagawin ko. Mababaliw na ako." Halos ibulong na lang niya sa
akin. Tumalikod siya at mas lalong ginulo ang buhok niya.
Pagharap niya, bakas ang kaba sa mukha niya. And longing. "Sab."
Nanlaki ang mata ko at parang tuluyan ng sumabog nag puso ko. Tinawag niya ulit
akong Halimaw.
"I was, I am, and still, deeply madly crazy in love with you."
Ohmyghad.
***
Anw.. thanks for reading. Who's next? I'll count the votes next time. Lol.
P.S. Want You Back ni Cher Lloyd pero version ng Boyce Avenue yung song. :)
Battle 46
Sab’s POV
Parang tumigil ang ikot ng mundo pero sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Tama ba
ang narinig ko? Hindi ba ako naghahallucinate lang? Posibleng dahil sa sobrang pag-
iisip ko sa mga nangyayari, nabuhay na ng utak ko ang mga scenario na gusto kong
mangyari. Totoo ba ‘to?
“A..anong.. paano..”
Itinaas niya ang kamay niya at itinapat sa mukha ko, “Huwag. Ako muna, please.
Habang hindi pa ako dinadaga at habang hindi ka pa tumatakbo papuntang CR.”
Napapikit siya saglit at napasuklay sa buhok niya, “Nakagawa ako ng katangahan nang
makipagbreak ako sa’yo noong mga panahong space lang ang hinihingi mo. Makitid ang
utak ko. Sarado ang isip ko. Kaya lang hindi ko kinaya ‘yung mga buwan na wala ka.
Minsan katabi na kita pero parang ang layo mo pa rin. Kaya gumawa ako ng isang
desperadong move. Nakipagkaibigan ulit ako sa’yo. Naisip ko kasi na, sige na, ayos
na kahit kaibigan lang. Kahit epal lang. Kaya lang habang nagtatagal, mas lalo lang
akong nahuhulog sa’yo. You’re like a never-ending cliff. Just when I thought I
finally reached the bottom, mas lalo pang lumalalim. Sa apat na taon na naging
girlfriend kita, akala ko sagad na ‘yung pagmamahal na nararamdaman ko. Pero hindi
e. Mas lalo kitang minamahal ngayon. Tapos na-realize ko.. I can’t be just friends
with you.”
Parang lalabas na ‘yung puso mo. Sobrang bilis na ng tibok nito. Mababaliw na ako
sa nararamdaman ko.
“Then Sachi entered the picture. Pati si Jacob.” Bakit pati si Jacob napasok sa
usapan?
“Nakagawa na naman tuloy ako ng katangahan. I pretended to date someone else just
to make you jealous. You’ll hate me, I know. But when I saw you with Jacob that
night, t*ngina. Ako ba talaga ang nagpapaselos? Bakit naging ako ang nagseselos?
Napagdesisyunan ko noon na ayokong magpanggap na may gusto akong ibang babae. Gusto
ko na lang na ipakita sa’yo sa lahat ng paraang alam ko na ikaw lang ang nag-iisang
babae sa puso ko. I am in love with you, Sab. I am. I love you, okay? And I can’t
see myself being in love with another girl other than you.”
“Sab, I’m sorry sa ginawa ko. I just.. I just.. I want you so bad. I love you so
much I’m going insane. Gusto ko lang sabihin sa’yo lahat ng nararamdaman ko.
Ayokong magsisi balang araw na hindi ko nasabi sa’yo ‘to. Please, just please. I’m
begging you. Ibalik mo na ako sa buhay mo. Kahit epal lang. Kahit mas mababa pa sa
kaibigan. Hindi ko na kaya ang hindi mo pagpansin sa akin. Sobrang sakit na Sab.
Sobra.”
Parang hiniwa na naman ang puso ko nang makita ang pagpatak ng luha sa mata ni
Josh. Umiiyak siya. Umiiyak siya sa harap ko at lahat ng tao dito. Nilunok niya ang
pride niya para sa akin.
Hindi ko na rin napigilan ang pagtulo ng luha ko. Sinubukan kong magsalita pero
hindi ko nagawa noong una. Parang may nakabara sa lalamunan ko. Pumikit ako at
lumunok. Sinubukan kong magsalita at sa awa ng Diyos, nagawa ko.
“Hindi lang ikaw ang nasasaktan, Josh. Ako rin. I wanted space because I thought
that’s what we need for us to grow up. Hindi lang ikaw ang nakagawa ng katangahan.
Ako rin. Kung sana inintindi kita. Ako naman ang unang humiling ng hiwalayan kaya
nagkagulo gulo ang lahat.”
“Sab..”
“I’m sorry, Josh. I thought all I wanted is a mature relationship with you. But I
guess I was wrong. Hindi iyon ang gusto ko.”
Parang piniga na naman ang puso ko nang tuloy tuloy na na bumabagsak ang luha sa
mga mata niya. He’s really hurting. “S..sorry..” sabi pa niya.
Masakit para sa akin na nasasaktan siya kaya napapikit ako at lumapit ng kaunti sa
kanya. Nang buksan ko ang mata ko, mukha agad niya ang una kong nakita. Medyo gulat
at mukha siyang naguguluhan.
Ngumiti ako, “All I really wanted is a relationship with you. Mature man o hindi.
I’d rather be in a childish relationship with you than to be in a mature
relationship with anybody else.”
Bakas sa mukha niya ang gulat. Nginitian ko siya kaya bigla na lang niya akong
hinila papalapit sa kanya at niyakap. “I love you so much, Sab.”
Napabitaw na lang kami sa isa’t isa nang biglang magpalakpakan ang mga tao.
Hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko at pinunasan ang luha ko, “I love you.”
“I don’t know. It just feels right saying those three words to you.”
“I love you, too.” Sagot ko sa kanya at pinunasan din ang luha niya.
We smiled at each other for I don’t know how long. He then kissed me on my forehead
and pulls me for another hug, “Nakakamiss ka kahit Halimaw ka.”
Parang ewan ‘yung anim na mga nakangiti ng nakakaloko sa amin. Nagsimulang magslow
clap si Ice na sinundan naman ni Xander tapos ni Ken at ng lahat na. Lumapit din si
Manager Ry at ginulo pa ang buhok namin ni Josh.
“Sabi na sa balikan din ang uwi niyo. Pinatagal niyo lang.” natatawang sabi ni
Manager Ry.
Uupo na sana ako ng may lumapit sa table namin at pumapalakpak pa. “So.. kayo na
ulit. Finally!” napakunot ang noo ko sa sinabi ni Sachi. Oo nga pala. Pinapagselos
niya lang kami.
Niyakap niya ako at bumulong, “Congrats. You finally got your.. man.”
“Yes. Nagpanggap lang kami para pagselosin si Sab until she finally gives in. Kaya
lang, kanina, pinutol na ni Josh ‘yung plan. Ayaw daw niyang pilitin si Sab na
bumalik lang sa kanya dahil sa selos. He’s man enough to realize na hindi magandang
move ang ginagawa namin.”
“Bakit ginawa niyo pa ‘yun e alam niyo namang hindi na pala magandang move ‘yun?”
tanong ni Ayu.
Napansin ko ang pagsulyap ni Sachi kay Zoe at tinign ulit kay Ayu, “Uhh. Kasi..”
“I asked her to do that. Sorry na, guys.” Nakataas na kamay na sabi ni Zoe.
So siya pala ang mastermind dito? Pero bakit? “Kasali ako.” Sabi rin ni Ice.
“Naguguluhan kasi dati si Sab. Napapangunahan siya ng takot niya. Alam ko namang
mahal niya at gusto na niyang balikan si Josh pero hindi niya magawa kasi nga takot
siya. Kaya para makapagdesisyon siya, nagpatulong ako kay Sachi na pagselosin si
Sab. Para lang matrigger siya. Sorry.”
Napatingin naman kaming lahat kay Ice. Baka kasi maisipan niyang magpaliwanag.
“I had a talk with Josh and I saw how much he’s hurting. He wanted to pursue Sab
but he can’t because he’s scared to lose the friendship you two have.” Sabay lingon
niya sa akin. “So I asked Jacob to look after you.”
Teka. Hindi nila alam? Wala silang alam na kasama si Jacob? Labo. Ang utak talaga
ni Zoe at Ice.
“I asked him to look after Sab. Dikitan lang niya. Buntutan hanggang magpakalalaki
na si Josh.”
“Pumayag naman si Sachi at Jacob. At syempre may kapalit din yung ginawa namin para
sa kanila.”
Nanlaki ang mata ni Jacob at nawala ang pagkakangisi, “Kasali ka rin? Akala ko
gusto mo talaga si Josh.”
Okay? Mukhang nagets ko na ang nangyari. Kinausap ni Zoe si Sachi para pagselosin
ako kapalit ng isang kondisyon. Kinausap naman ni Ice si Jacob para buntutan ako
kapalit din ng isang kondisyon. So..
“Jacob, Sachi.” Napalingon ang dalawa kay Zoe, “Dahil nagawa niyo na ang trabaho
niyo, gagawin ko na ang hinihiling niyo. Ilalakad ko kayo sa taong gusto niyo. Kaya
lang mukhang hindi na kailangan.”
Bakas sa mukha ng dalawa ang pagkalito sa sinabi ni Zoe, “Pakipot lang kasi kayong
dalawa. Gusto niyo naman ang isa’t isa. Ayan. Tapos na rin ang part ko. Everybody
happy!”
***
Ilang linggo na rin ang lumipas magbuhat ng magkabalikan kami ni Josh. Ramdam ko
‘yung pagbabago sa relasyon namin. Hindi nga lang siya major major na
transformation pero wala na akong pakialam.
“I’ve never felt this happy for a really really long time.”
He kissed my hand at humarap sa akin, “Parehas tayo. But come to think of it,
parang naging wake up call yung break up natin.”
“Naisip ko rin ‘yan. Kahit sobrang sakit ng pinagdaanan natin sa mga nakaraang
buwan, wala pa rin akong pinagsisisihan.”
“Alam mo ba, nung nagkahiwalay tayo, sobrang daming tanong ang umikot sa isip ko.
Wala akong naiintindihan nung mga panahong ‘yun. Parang lahat ng bagay naka
blurred. But one thing I am sure of.. I am in love with you. Tayo man o hindi.”
Kinikilig ako. Grabe. Lalabas na ata ang puso ko. Habang tumatagal parang lalo lang
lumalala ang epekto ni Josh sa akin.
Lumapit ako sa kanya at sumandal sa balikat niya. Hawak pa rin niya ang kamay ko at
nakahiga pa rin kami habang nakatitig sa langit, sa stars, sa moon.
“May realization din ako nung nagkahiwalay tayo.” Pinisil niya ang kamay ko kaya
napangiti ako, “I realized that you’re not the sweetest guy in the world. You’re
stubborn at times. You may be selfish, too. Insensitive. Childish. Immature.”
“Nakakasakit naman ‘yang realization mo. Huwag mo na kayong ituloy? Puro negative
ha.” Natatawa niyang sabi.
I chuckled and continue, “But I don’t care. I love you. I love your mistakes. I
love your flaws. I love you and that’s all that matters. I love everything about
you.”
Sheeet. Ako ba talaga ‘to? Napakacheesy ko. Pati rin pala siya. Sana hindi kami
langgamin.
Gumalaw siya at dumapa sa damuhan. Nakatitig siya sa akin at nilalaro ang buhok ko,
“Huwag ka na ulit mawawala. Huwag na ulit tayo maghiwalay. All those time na wala
ka, parang mababaliw na ako sa pagkamiss sa’yo. Sabi nila walang forever. Let’s
prove them wrong. We can have our own forever.”
Battle 47
Yep. Xander and Yannie won. Choice niyo 'to, okay? Four points lang ang lamang nila
kila Ice. Most of you ang reason ay para parehas ng pagkakasunod sunod sa Teen
Clash1 at save the best for last DAW.
Yannie's POV
Napapangiti na lang ako kapag napapatingin kay Sab at Josh. Pati na rin kila Ayu
and Ken. Parang kailan lang mga nag-iiyakan pa ang mga 'yan tapos ngayon ang saya
saya na naman. Masaya ako para sa kanila.
Ang saya talagang makahanap ng ganitong klase ng barkada. Parang ngayon lang.
Nakatambay kami sa bahay. Nasa garden kami at naglatag ng blanket. Picnic ang trip
namin ngayon. Pati jamming kaya ibinaba ni Sab ang gitara.
"Ganito?" Tanong ni Sab kay Josh. Itinatanong kung tama ba ang chords na
tinutugtog.
Umiling si Josh at inayos ang mga daliri ni Sab sa strum, "Ayan." Sagot niya at
ipinagpatuloy na ni Sab ang pagstrum.
Napangiti si Josh. Proud siguro sa ginagawa ng girlfriend niya kaya ginulo niya ang
buhok ni Sab at pinisil ang magkabilang pisngi ng humarap ito sa kanya na
ginantihan naman ni Sab ng pagpisil din sa magkabilang pisngi ni Josh.
I smiled sa sweet gestures nila sa isa't isa. Who would've thought na ang partners
na naghiwalay dahil sa immaturity ay magkakabalikan ulit at mas naging sweet pa sa
isa't isa?
Napatigil ako sa panunuod kila Sab ng biglang may humalik sa pisngi ko. Of course,
Xander. He is the kissing monster.
"Oo naman. Nakakatuwa lang kasi. Ang akala nating tapos na.. may karugtong pa
pala."
Napakunot ang noo ni Xander. Parang ayaw niya sa sinabi ko. O di kaya ay hindi siya
naniniwala. Pero totoo naman. Napansin ko kaya.
"Bakit?" Tanong ni Ayu pero iniabot naman ang kamay niya kay Ken.
Kinalabit ko si Xander at tinuro sila Ken at Ayu, “Tingnan mo sila Ken at Ayu.
Naghiwalay din sila di ba? Pero nagkabalikan din. Grabe ‘yung pinagdaanan nilang
dalawa pero nakahanap pa rin sila ng way para magkabalikan. Ang sweet lang.”
“Panuorin mo sila.”
Hindi ko man alam kung bakit, sumunod pa rin ako sa kanya. Nag-uusap lang ‘yung
dalawa at nagtatawanan.
Tinawag ni Ayu si Zoe kaya napatingin siya kay Ayu. Sinamantala ni Ice ang
pagkakataon at kinuha ‘yung camera niya saka itinutok kay Zoe para kuhanan siya ng
litrato.
Nagulat si Zoe sa flash ng camera ni Ice kaya agad siyang napatingin dito pero si
Ice naman nakatitig lang sa camera niya habang nakangiti.
“Kainis ‘to. Sabihin mo na lang kung kukuhanan mo ko ng litrato para handa ako.”
Nagkibit balikat si Ice, “I prefer candid photos. It just captures your beauty
naturally. Walang pretentions. Walang smile na pilit lang dahil alam mong kukuhanan
ka ng litrato. Just you. The real you.”
“Ha?”
“Hindi.”
“Sino ang mas sweet sa kanilang tatlo?” turo niya sa tatlong couples.
Meron bang mas sweet? Parang wala naman? Parang pantay pantay lang naman. Iba iba
sila ng sweetness.
Sila Ayu at Ken, medyo may pagkamature ‘yung sweetness. Sila ‘yung tipo ng couple
na alam at ramdam mong handang handa na sa future at sigurado na sa isa’t isa
simula pa lang. Sila ‘yung seryoso pero sobrang sweet.
Si Sab at Josh naman, medyo may pagkachildish noon ‘yung relasyon nila. Parang
hindi kayang ipakita ‘yung totoong nararamdaman nila. Ang tataas kasi ng pride. Sa
away dinadaan ang lambingan pero ngayon, parang hindi na mapaghiwalay.
Si Ice at Zoe naman, ‘yung loveteam na tahimik lang. Hindi mo makikitaan ng sobrang
cheesiness kapag maraming tao pero alam mong kapag sila lang, sweet sila sa isa’t
isa at kapag nilabas nila ang sweetness na ‘yun sa harap ng maraming tao, mababaliw
ka na lang.
Kung ganung klase ng sweetness ang ipinapakita nila – iba-iba, parang hindi mo
magagawang pagkumaparahin.
“Wala. Pantay pantay lang sila sa tingin ko.” Sagot ko kay Xander.
Napangiti siya at ginulo ang buhok ko, “Exactly. You can’t say that Love is sweeter
the second time around. Nakadepende lang sa tao ‘yan kung paano ipapakita ang
sweetness niya sa isang tao. Halimbawa sila Ayu, bago sila maghiwalay, sweet na
sila sa isa’t isa. Tapos nung nagkabalikan sila, napansin mong mas naging sweet
sila pero in reality, hindi naman. Parang nasanay ka lang kasi nung nag-break sila
na hindi na sila sweet sa isa’t isa kaya ganun ang tingin mo.”
Medyo naguluhan ako sa sinasabi niya at hindi ko magets kung bakit pinipilit niya
na hindi totoo ang kasabihan na ‘yun pero sige na lang. Tatango na lang ako para
mag-agree sa kanya.
***
“Class dismissed.”
Napaunat si Xander ng marinig ang sinabi ng prof ko. Finally. Tapos na. Nakakarindi
rin minsan making sa lectures niya na hindi ko naman alam kung tinuturo ba niya
talaga o binabasa lang.
“Okay.”
Nasa kalagitnaan kami ng pagkain ng may umupo sa tapat namin. Si Ram. Masyadong
feel at home ang loko at nakaspread pa ang arms sa ibang upuan, Minsan tuloy hindi
ko alam kung abnormal ang taong ‘to. Minsan sobrang yabang at playful. Minsan naman
sobrang seryoso. Pero most of the time talaga playful. Naging seryoso lang naman
siya nung naghiwalay si Ayu at Ken.
“Pa-upo lang saglit. Aalis din ako agad. May hinihintay lang ako.”
“Sino naman?”
“Si.. Tin? Rina? Tina?” napakamot siya sa ulo niya at nagkibit balikat,
“Nakalimutan ko pangalan.”
“Who cares about her name? Ngayon lang naman kami first time magkakasama. Pwedeng
last na rin ‘to kapag nagsawa ako agad sa kanya.”
Napatingin ako kay Xander na nakangisi. Parang hindi na rin siya nagugulat sa mga
pinagsasabi ng lalaking nasa harap namin ngayon. Ah! Oo nga pala. He’s a player
before. Bakit nga naman siya magugulat e gawain na niya ‘to?
"Titigil ka rin mambabae kapag nakita mo na 'yung taong katapat mo at alam mong
para sa'yo."
"Bading mo Xander!" Sigaw sa kanya ni Ram na hindi na lang pinansin nitong isa.
"Nga pala.."
"Sino?"
Tiningnan muna ako ni Ram at tumingin ulit kay Xander saka ngumisi at nagkibit
balikat. "Sino ba ang nawala noong mga nakaraang araw?"
"Hi, Ram!" Bati ng babae na bigla na lang sumulpot. Nang makita niyang may kasama
pa si Ram ay nginitian niya kami at inabot ang kamay niya, "Hi. I'm Trina."
Nagpakilala lang din kami at umalis na 'yung dalawa. Napansin ko namang nawala sa
mood si Xander. Baka ito pa rin yung sinabi ni Ram kanina.
Natapos kaming kumain ng hindi masyadong kumikibo si Xander. Nang makarating kami
sa bahay, hindi ko na mapigilang itanong kung sino yung sinasabi ni Ram. Kaya bago
siya umuwi ay tinanong ko na.
"Ang alin?"
"Sabi ni Ram lumipad daw sa States. I don't know the reason. Tapos ngayon, sabi
niya malapit na namang bumalik yung g*go."
Lumapit ako sa kanya and gave him a peck on the lips. "Dirty. Huwag kang magmura."
"So what kung bumalik siya ulit? Ni hindi ko nga napansin na nawala siya."
Tinitigan ako ni Xander at saka niyakap. He kissed me on the head and whispers,
"Akin ka lang ha."
"Oo naman. Di ba pinangako mong hindi mo ako papakawalan? Tuparin mo 'yun ha."
"Yes. I will."
Humiwalay siya sa yakap at hinawakan ako sa mukha, "Ma, kung magmumura ba ulit ako
hahalikan mo ko?"
Battle 48
Yannie’s POV
“Hinahanap ka ni Xander.”
Bungad sa akin ni Zoe pagpasok na pagpasok pa lang niya sa kwarto ko. Baliw talaga
‘yung Xander na ‘yun. Pwede naman na i-text na lang ako papadaanin pa sa iba ang
paghahanap niya sa akin.
Binatukan niya ako na ikinagulat ko. Aba! Nanahimik ako dito. Mapanakit din talaga
ang babaeng ‘to. “Anong trip mo at nangbabatok ka?”
Medyo makulit ang lahi nitong si Zoe. Hindi ko alam kung alin sa salitang ‘nasa
bahay lang ako’ ang hindi niya maintindihan.
Sinisigawan pa ko nito. Kaloka. “Hindi ako ang nagkamali ng intindi. Ikaw ang mali
sa pagkakadeliver ng message mo.”
Napakamot na lang siya sa ulo at tumalikod, “Ewan ko sa ‘yo,” saka siya lumabas ng
kwarto ko.
Napangiti ako at inayos kahit papaano ang sarili ko saka siya pinuntahan sa baba.
Pagbaba ko inabutan ko siyang kumportableng kumportable na nakaupo sa sala.
Nakaspread pa ang arms niya sa sandalan ng sofa. Feel at home na palibhasa halos
dito na siya tumira.
“Kahit na ba. Parang ewan ‘to. I miss you lang ipinagkakait pa. Pero joke lang.
Nagsimba ka na ba?”
“Yep. Kakatapos lang. Kaya nga dumiretsyo ako dito e. Date tayo.”
“Saan?”
Nginitian niya ako nagtaas baba lang ng kilay. Sinampal ko siya ng pabiro at
tinawanan, “Hindi cute. Tigilan mo.”
Napailing na lang siya at ihinarap ako sa hagdan saka dahan dahang tinulak paakyat,
“Bihis na.”
***
Hindi ko alam kung matutuwa ako o ano nang dalhin niya ako sa mall. Hindi naman sa
nagrereklamo ako kaya lang.. anniversary namin tapos sa mall! Hindi ko nga alam
kung naaalala ba niya na anniversary namin ngayon o nakalimutan na niya kasi
matagal tagal na rin naman kami. Baka napagod na siya kakabilang ng mga araw na
magkasama kami kaya ihininto na niya.
“Okay ka lang ba?” tanong niya habang naglalakad lakad kami sa mall.
Sus! Syempre hindi! Kaya lang ayaw ko naman na magreklamo pa kasi hahaba lang ang
usapan. Kaya kahit hindi okay, oo na lang.
Nagkwentuhan lang kami habang kumakain. Matapos naming kumain, nadaanan namin ‘yung
Blue Magic. May nakita akong cute na cute na stuffed toy pero hanggang tingin na
lang ako. Bibilhin ko na lang siguro sa susunod na araw.
Matapos ko magCR, inabutan ko siyang naghihintay sa akin sa labas kaya lang may
kausap na ibang babae. Ang hirap kapag gwapo ang boyfriend mo. Ang daming umaaligid
na aso.
“Tapos na ako.” Sabi ko kay Xander nang makalapit ako sa pwesto nila.
Mukhang nagulat ‘yung babae na makita ako. Ano ka ngayon. May girlfriend na ‘yang
inaano mo.
“Sister mo?” Aba! Ang epal ng babaeng ‘to! Mukha ba kaming magkapatid?!
Halos umusok na ang ilong ko dito pero narinig ko ang pagtawa ng mahina ni Xander.
Nang tingnan ko siya ng masama, tinikom niya ang bibig niya at mukhang pinipigilan
ang pagtawa. So, nag-eenjoy pa siyang akalaing magkapatid kami? Okay, fine!
“Yannie,” hawak niya sa braso ko pero hindi ako huminto sa paglalakad at hindi ko
siya tinitingnan.
Sumabay siya sa akin at inakbayan ako, “Ano ‘yun? Anong kapatid? Kailan pa kita
naging kapatid?”
Tiningnan niya ako saglit saka tumawa. Anong nakakatawa sa sinabi ko? Mukha ba
akong nagjojoke? Hindi ko alam na dapat kapag galit ang isang tao, tatawanan siya
ng kinakagalitan niya. Wow lang ha.
“Nagseselos ka ba?”
Hindi ko alam kung tanga ba ‘tong si Xander o talagang tanga. Mukha ba akong nag-
eenjoy? Malamang nagseselos ako. Kung siya nga may tumabi lang na lalaki sa akin
halos magalit na e. Siya pa kayang ineentertain pa ‘yung babaeng ‘yun.
“Nakipag-usap lang naman ‘yung babae. Hinihintay din kasi niya ‘yung kaibigan
niyang nasa restroom.”
“Kinausap mo naman.”
Inirapan ko ulit siya at hindi na lang siya pinansin. Kainis. Patong patong na ang
sama ng loob ko sa bwisit na ‘to.
“Yannie.”
“Yannie.”
“Ma.”
“Ma naman.”
“Yannie Seung.”
“Yannie Evans.”
Nabwisit ata kaya tinanggal niya ang pagkakaakbay sa akin at medyo lumayo. Para
kaming hindi magkasama. Parang nagkasabay lang na naglalakad. I tried to look at
him on my peripheral view. Nakayuko lang ‘yung loko pero ng may makitang babae na
makakasalubong namin na nakatingin at nakangiti sa kanya, biglang tumingala at
tumingin sa babae. Wow lang talaga! Sa gilid ko pa talaga naglumandi.
Hindi pa nakontento at nginitian pa niya ang babae kaya ito namang si ate, tuwang
tuwa at huminto pa sa tapat namin, “Hi!”
Bahala ang Xander na ‘yan landiin lahat ng makita niya sa daan! Basta hindi ko siya
papansinin.
“I’m Fiona. And you are?” Fiona niya mukha niya. Baka Shrek. Bwisit.
Nagulat na lang ako ng may humawak sa braso ko at ihinarap ako sa babaeng kamukha
ni Shrek. “I’m her boyfriend.”
Napatahimik na lang ako nang gawin ni Xander sa harap nung babae ‘yun. Natahimik na
lang din ‘yung babae at umalis na ng walang pasabi. Nahiya malamang. Landi pa kasi.
Sasagot palang sana ako ng lapitan na naman kami ng dalawang babae. ‘Yung isa ay
‘yung babae na kausap kanina ni Xander sa tapat ng restroom. Yung isa baka kaibigan
niya. Pero nakakapikon na talaga ha. May magnet ba sa mga babae ngayon ‘tong
boyfriend ko?
“It’s you again.. and your sister.” Walang sumagot ni isa sa amin ni Xander. “Are
you guys going home already? You wanna join us? Come! Let’s hang out for a bit so
that we can get to know each other.”
Pumagitan sa amin ni Xander ‘yung babae at kumapit sa braso niya. Grabe ang higad.
“Excuse – “
I was cut off by Xander by giving me a quick kiss on the lips. In front of all
these people. Ghad. Pakiramdam ko kasing pula ko na ang apple.
Hindi ako makapagsalita kasi hanggang ngayon kinikilig pa rin ako. Parang hanggang
ngayon namumula pa rin ang mukha ko.
Tahimik lang buong car ride. Gusto ko sanang itanong kung saan kami pupunta pero
hindi ko alam kung bakit hindi ko magawa.
Nasagot na lang ang tanong sa utak ko nang ihinto niya ang kotse. Nasa isang mataas
na lugar kami kung saan kita ang buong syudad. Wow lang. “Ganda,” bulong ko sa
sarili ko at lumabas ng kotse. Gustong gusto ko kasing nasa itaas at nakikita ang
mga buildings, bahay, malls at kung anu-ano pa.
“Palubog pa lang ang araw. Mas maganda dito kapag gabi na pero mas maganda ka.”
Hindi na niya ako pinasagot at bumalik sa kotse. Pagbalik niya may dala na siyang
blanket at basket ng pagkain.
“Picnic?”
“Galit ka pa?” Ang layo ng sagot niya sa sinabi pero inilingan ko na lang siya.
“Nagselos lang.”
Nginitian niya ako at ginulo ang buhok ko. Kumakain kami habang nanunuod ng sunset.
Ang romantic. Not bad for an anniversary.
“Ang ganda talaga.” Manghang mangha kong sabi habang pinapanuod ang paglubog ng
araw.
Masyado akong tutok sa panunuod kaya hindi ko agad napansin na pumunta siya sa
harap ko and gave me a peck on the lips. Sisitahin ko pa lang sana siya but he kept
on doing that. Ihinarang ko ang kamay ko sa bibig ko para matigil siya sa pag-kiss
sa akin. Nakaanim ata siya. Binilang ko.
“Nakakarami ka na.”
Nginitian niya ako at hinawakan ang kamay kong nakaharang sa bibig ko saka iyon
inalis at hinalikan na naman ako. Mas matagal.
I broke the kiss and he rested his forehead on mine, “Nakakaadik lips mo.” I
chuckled and playfully slap him. “I love you.”
“Bakit?”
“Pikit ka lang.”
Hindi ko man alam kung bakit, sinunod ko pa rin ang sinasabi niya. Pumikit ako at
naramdaman ko ang pagtayo niya at pag-alis sa pwesto. Ano na namang gagawin ng
taong ‘to?
“Pwede ka ng dumilat.”
Nang buksan ko ang mata ko, siya agad ang una kong nakita. May hawak siyang bouquet
of roses at teddy bear na halos kamukha nung tinitingnan ko kanina, bigger and
cuter version lang. Ngumiti siya at tumango sa likod ko kaya tiningnan ko kung ano
‘yung tinatanguan niya.
Inabot niya sa akin ang stuffed toy at bulaklak, “Ginamitan ko pa ng generator para
umilaw ang punong ‘yan.” Natawa ako sa sinabi niya.
Pakiramdam ko lalabas na ang puso ko sa katawan ko. Medyo nagtutubig na rin ang
mata ko. Akala ko nakalimutan niya. Akala ko wala na siyang pakialam pero hindi
pala. Meron pa pala.
Tinulungan niya akong tumayo, “Ten things, Ma. I’ll give you ten things I love
about you.”
Inalalayan niya ako papunta sa may puno at tumango siya sa mga nakasabit na papel
sa punong ‘yun.
Hinawakan ko ‘yung papel at nakitang may mga nakasulat palang number. Isa- isa ko
silang tiningnan.
1. When I’m with you, I feel like I’m the happiest. You gave happiness a whole new
meaning.
2. I love the way your eyes shine when you look at me. It’s like it’s reflecting
mine.
3. Your smile. I love it when you smile. It makes me wanna smile, too.
5. I love the way you say you love me. I love the way you say my name.
Hindi ko na napigilan ang pagtulo ng mga luha ko. Sobrang natouch ako sa ginawa
niya. Sobra.
I hugged him really really tight and whisper, “I love you. I love you. I love you.”
Bumitaw ako at kinuha sa bulsa ko ang regalo ko sa kanya. It’s a necklace na may
susi as a pendant.
“Here. Take this. Ikaw na maghawak ng susi sa puso ko para wala ng makapasok na
kahit na sino.”
Lumawak ang ngiti niya at may kinuha rin sa bulsa niya, “Looks like I’m giving you
my heart’s key as well.” Sabay taas niya ng kwintas na katulad ng kwintas na
binigay ko sa kanya. Destiny.
Pagkasuot namin ng kwintas, he held my face and stares at me for I don’t know how
long.
***
Kinuha ni Xander ‘yung gitara na dala ng isa sa kablock namin at humarap sa akin.
Bigla na lang siya naggitara at kumanta ng pabiro.
Oh
Oh
I know your love is such a sugar rush and I can never get enough
Yeah honey you're the sweetest thing I've ever seen before
I'm like a kid in a candy store ♫
Bagay sa kanya ‘yung kinakanta niya. Pinagtawanan ko siya at akmang kikilitiin niya
ako ng pumasok na ang prof namin. Nag-aayos pa ang prof ng attendance kaya
nagkulitan muna kami ni Xander. Parehas kaming nakayuko kasi baka marinig kami ng
prof.
“Late enrollee ka, kuya? Or irreg?” dinig kong tanong ng nasa likod namin ni
Xander.
Tumalikod ako para tingnan ‘yung bago naming kablock at agad akong napatingin kay
Xander nang makita kung sino ang bago naming kaklase.
“Tom.”
***
Battle 49
Yannie's POV
Halatang halata na nasira ang mood ni Xander dahil kay Tom. Kahit binigyan ko na ng
assurance si Xander na wala na akong nararamdaman kay Tom, nababadtrip pa rin siya.
Naghihintay kami ng prof para sa next class. Same room, same place, same seating
arrangement.
"Aray! Para saan 'yun?" Gulat na tanong niya habang nakahawak sa noo.
"Baka sakaling bumalik ang senses mo sa mundo." Hinawakan ko ang kamay niya at
nginitian siya, "Don't think too much. Huwag kang gumawa ng proproblemahin kasi
wala namang problema."
"Hayaan mo siya sa buhay niya." He chuckled. Tapos ginulo pa niya ang buhok ko.
"May tanong ako pero huwag kang magagalit." Tumango siya. "Bakit karamihan ng
boyfriend or girlfriend inis sa ex?" I asked using a voice that only us could hear.
Nagkibit balikat siya at ngumiti lang. Anong klaseng sagot 'yun? "Sagutin mo."
At swerte ko malakas ako kay Xander kaya sumagot naman siya, "Pumapasok kasi ang
imsecurity. Masyadong mahal ng present yung karelasyon niya kaya natatakot siyang
baka hindi pa siya sapat."
"Ha?"
"Ganito.. ako, kahit alam kong gwapo ako, naghahanap ako ng bagay na mali sa akin o
bagay na wala ako pero meron ang ex mo. Nakakainsecure kapag may makikita ako.
Natatakot ako na baka hindi ko maibigay ang bagay na naibigay niya sa'yo. Pero
hindi lang 'yun ang rason."
"Ano pa?"
"Alam kong minahal mo dati ang ex mo. At ayun ang pinakadahilan kung bakit ayoko sa
kanya. Kasi nagawa niyang paibigin ka. Kung nagawa niya yun dati, pwedeng magawa
ulit niya yun ngayon."
"So parang ang pinakareason ay natatakot ang mga present girlfriend or boyfriend na
hindi mapantayan 'yung ex?"
Tumango siya bilang sagot. I get his point. Sabagay kung ako man yun.. malaman kong
may ex si Xander na minahal niya ng sobra, ayokong palapitin siya sa babae. Kasi
baka marealize niya na hindi pa pala ako sa sapat. Na baka mas naging masaya siya
sa isa.
"But some exes are exes for a reason. Who knows, maybe they are just an instrument
used to help two people find each other."
"Siguro. Basta para sa akin.. akin ka lang. At wala akong balak isuko ka sa iba."
"Akin ka lang din para quits tayo." Taas baba kilay kong sabi sa kanya.
Nagulat na lang ako nang yumuko siya ang gave me a quick kiss. Napatingin ako agad
sa paligid. Baka nakita ng mga kaklase ko masabihan pa kaming PDA. Buti na lang may
kanya kanyang business ang mga to at ang malapit sa amin ay pinapalibutan si Tom
para interviewhin. Gawain ng blockmates ko.
***
"ANO?!"
"Teka. Teka. Teka. Blockmate niyo? Bumalik na naman? Nawala na yun di ba?" Sunod
sunod na tanong ni Sab.
"Kabute kasi." Cool na sagot ni Xander pero halatang inis pa rin. Hindi na ata
mawawala yun. "Kanina lang siya nagpakita ulit."
"Ewan."
Natahimik sila at mga nagkatinginan. Napatingin din ako kay Xander na mukhang
seryoso lang at malalim ang iniisip. Hindi naman ako manhid. Alam ko ang mga
umiikot sa mga utak nila. Alam ko kung ano ang mga iniisip nila. Alam ko naman na
ako ang tinutukoy ni Tom sa unfinished business niya. Siguro ‘yung kapatawaran ko
ang kailangan niya.
Hinawakan ko ang kamay ni Xander kaya napatingin na lang siya sa akin at napangiti,
“Don’t think too much, Da.”
“Pero alam niyo, medyo nacucurious ako kung bakit nawala si Tom.” Banggit ni Ayu.
“Di ba close si Ram at Tom? Bakit hindi mo tanungin?” sagot ni Sab na nagpa-ubo kay
Ken. “Magtatanong lang Ken. Huwag OA.”
Tinawanan lang namin si Ken sa pagiging possessive kay Ayu na hanggang ngayon ay
ayaw pa rin maiwan si Ayu at Ram na magkasama na silang dalawa lang. Dapat kasama
siya o may kasamang iba pa.
“I tried asking him before. No luck. Too confidential siguro? Or gusto niyang kay
Tom na manggaling ang reason.”
Kung sabagay. Malalaman at malalaman naman namin ang dahilan kung bakit nawala at
nagpanggap siyang patay na.
***
“Class dismissed.” Napaunat ako ng marinig ang dalawang salita na gustong gusto
kong marinig.
“You wanna watch movie tonight?” aya ni Xander.
Sobrang swerte ko talaga sa lalaking ‘to. Hindi ko talaga mapigilan ang pagngiti ko
kapag naaalala kong nasa akin na ata ang pinakasweet, pinakagwapo, pinakamabait,
pinaka-caring, at lahat ng positive na pinaka sa buong mundo. At least ayan ang
tingin ko sa kanya. Minsan natatanong ko na lang bakit sa akin pa siya napunta?
How could I be so lucky? I must have done something good in my past life.
Palabas na kami ng campus ng may makita kaming nakatayo lang sa gilid sa entrance
ng building. Napadiin ang hawak ni Xander sa kamay ko. May nasense na siguro siyang
mangyayari.
Hindi na dapat namin papansinin si Tom pero napahinto kami parehas ni Xander ng
tawagin ni Tom ang pangalan ni Xander.
“Bakit?”
I took a deep breath at napayuko. I’ve waited and waited until Xander finally came,
“Tara na?” Pero napahinto ako nang mapansin na kasama pa rin niya si Tom.
***
Battle 50
Yannie's POV
Ito na ata ang perfect definition ng awkward. Magkasama ang present boyfriend ko at
ex boyfriend ko. At ito namang ex ko, tinatanong ako kung pwede ba niya akong
kausapin sa mismong harap ng boyfriend ko. What in the world is happening?
"Uhh.." Way to go, Yannie! Ayan din abg pinakaawkward na sagot. "Can we talk?"
Tanong ko naman kay Xander.
Tumango siya at lumayo kami ng kaunti kay Tom. Napatingin ako sa direksyon ni Tom
at lumingon ulit kay Xander as I crosses my arms.
"Paano nagpaalam sa akin 'yung kumag na 'yan kung pwede raw ba kayong mag-usap."
"Pumayag ka naman?"
"Syempre hindi."
"Kasi nung una sabi ko ayoko. Tapos sabi niya payagan ko lang siyang kausapin ka
magtitigil na siya."
"Hindi pa rin."
Ha? Hindi ko maintindihan. Kung hindi siya pumayag, bakit magkasama silang nagpunta
sa akin? Bakit nung nagpaalam si Tom wala namang sinabi si Xander?
"Sabi niya kung di ako papayag, pipilitin niya ako hanggang pumayag ako. Kapag di
ako nakulit, maghahanap pa siya ng ibang paraan para makausap ka. Baka hindi ako
matuwa sa paraan na mahanap niya kaya napapayag na niya ako bigla kahit na ayoko
namang mag-usap kayo ngayon." Kunot noo niyang kwento.
"Mangungulit e."
"Bahala siya."
Nasa kalagitnaan kami ng panunuod nang mapansin ko na nakatahimik lang siya. Unlike
before na nagcocomment siya sa mga eksena, ngayon nakatahimik lang siya.
Mula sa pagkakaakbay at pagkakasandal ko sa kanya, tiningala ko siya.
Nilaro niya ang buhok ko at tiningnan ako saka umiling, "I don't know. I know you
told me not to think too much, but.."
"But what?"
"I can't help but be scared of what lies ahead. I am sure you love me. There's no
doubt. But.. Tom is another news."
"Don't worry over things that hasn't arrived yet. Thinking too much about the
future might spoil the present."
Masaya ako na nagawa ko siyang pangitiin sa sinabi ko. Niyakap niya ako at
hinalikan sa gilid ng noo ko.
***
Papasok pa lang kami ng room ni Xander nang mapansin namin na nakatayo si Tom sa
labas.
"Hayaan mo siya."
Nagpatuloy kami ni Xander pero bago pumasok sa room ay hinarang na kami ni Tom,
"Pwede na ba tayong mag-usap?"
Ilang araw pa ang nakalipas at puro ganoon lang ang nangyayari. Kapag papasok kami
sa room, nakaabang na si Tom. Kapag pauwi na kami, nakaabang parin siya. Walang
ligtas. Mapaumaga, hapon o gabi nakaabang siya. Nakakasawa na.
Nagpunta kami sa may parking lot para makauwi na only to find Tom standing beside
Xander's car.
Bago pa man din kami makarating sa parking spot niya, huminto na kami para mag-
usap.
"Sawang sawa na ako sa paghihintay niya." Sabi ko kay Xander. "Pwede bang kausapin
ko na siya para matigil na? Pero kung hindi okay sa'yo, okay lang din sa akin na
huwag na siyang kausapin."
Tumango lang si Xander at ginulo ang buhok ko, "Okay lang. We should stop running
from the truth. That just make us cowards. Let's find out why he left years ago."
I nodded. Nang makarating kami sa may kotse ni Xander, napatingin agad si Tom at
lumapit sa amin.
Lumawak ang ngiti niya at tumango. Tumingin ako kay Xander at nginitian niya lang
ako bago kami umalis ni Tom.
Mukha siyang nagulat sa tono ng pananalita ko. I don't mean to sound rude pero
nakakainis na kasi yung pagpupumilit niya.
"I miss you, Yan." Siya lang ang tumatawag sa akin ng pangalan na yan. Hindi na ako
sanay.
"Stop beating around the bush. Just tell me what you want to say. Xander is waiting
for me."
Napangiti siya pero halata pa rin ang lungkot sa mata niya, "Do you love him?"
Anong klaseng tanong 'yun? Syempre mahal ko si Xander. Sobra pa sa akala niya.
Napairap ako sa naging tanong niya, "Yes."
"I'm just wondering.. would you still love him if I haven't left years ago?"
"Ano pang point ng pag-iisip niyan? I love him now. I will still love him tomorrow
and the days after that. Who cares what could have happened if you haven't left?"
Nakakainis. Pasikot sikot. Hindi ko na alam kung ano pa ba ang pupuntahan ng usapan
na 'to.
I took a deep breath, "Kung wala ka naman palang mahalagang sasabihin, aalis na
lang ako." I was about to walk okay when he said something that made me stop.
"I was sick. Umalis ako at iniwan ka kasi may sakit ako. Binigyan ako ng taning ng
doktor. Dalawang taon? Isang taon? Hindi ko na alam. Hindi ko maalala.
Napagpasyahan ng magulang ko na dalin ako sa ibang bansa para magpagamot. Hopeless
ang kaso ko. Milagro na lang ang hinihingi nila."
Nanatili akong nakatahimik at pilit prinoproseso sa utak ko ang mga sinabi niya.
"That time, we were so young. So in love. My parents wanted to tell you that I'm
sick, but I asked them not to. I love you so much thinking you'll cry for me just
double the pain. So I decided to fake my own death."
"Sa tingin mo hindi ako umiyak noong panahon na iniwan mo ko? Wala kang alam sa
pinagdaanan ko nung iniwan mo ko." I told him furiously.
Ayaw niya akong umiyak kaya iniwan niya ako? Anong kalokohan yan?!
"I don't want to prolong your agony. I don't want to give you false hope. I don't
want you to believe I'll live when in reality, I wouldn't. I want to see and know
you're happy even before I could leave you permanently. But bullsh*t happens. I
survived. Miracle happened. The day the doctor told me that I could live a normal
life again was the very same day I received a news about you dating another guy.
Ironic, isn't it? The moment the doctor told me I could live longer is the moment
my heart died."
Hindi ko alam kung gusto ko pa ang mga naririnig ko pero hindi ako makaalis sa
pwesto ko at makatakbo.
"I decided to go back here months after. I was searching for you. I wanted to see
you even from afar. Then one day, I saw you with Xander. That was one of the
saddest moment in my life. It's sad to see you happy with someone else. I followed
you. I'm a creep, I know. I even enrolled to the nearest university. I'm fine with
what I'm doing until our paths crossed again. That time I told myself, I need to
talk to you. I need to clear things between us."
Napangiti siya at tinap ang balikat ko, "Don't worry. Gusto ko lang sabihin sa'yo
ang rason ko."
Sa totoo lang hindi na pumapasok sa utak ko ang ibang detalye. Masyadong magulo.
Akala ko nagsinungaling siya dahil gusto niya lang kaya lang hindi pala. Oo,
siguro, mababaw pa rin ang rason niya sa pagpanggap na wala na siya pero kapag
naiisip ko na nagkasakit siya, naaawa ako. I once loved him and I was lying when I
told him I don't care about what could've been.
Paano nga kaya kung hindi siya nagpanggap na patay? Paano kung hindi niya ako
iniwan? Paano kung hindi nangyari ang mga nangyari? Makikilala ko kaya si Xander?
Mamahalin ko kaya siya? Pero ano man ang mga naiisip ko, isa lang ang sigurado ako,
masaya ako kasi kami ni Xander. Mas masaya ako sa relasyon na nabuo namin kaysa sa
relasyon namin ni Tom dati.
Magsasalita pa sana si Tom ng may umakbay sa akin. Tiningnan ko kung sino at nakita
ko si Xander, "Medyo matagal na ata. Bawiin ko na ang akin."
***
Xander's POV
"Hindi mo tinanong?!"
Siguro ilang beses ko na inuulit-ulit sa kanya ang mga salitang 'yun. Hindi ko alam
kung bakit mas slow sa akin ngayon ang babaeng 'to.
Inabutan ko na lang siya sa bahay nila Ice. Pagkapapasok sa akin ni manang, nakita
ko na lang si Zoe na kumportableng nakaupo sa sala. Wala namang kasama.
"Ewan."
"Pero huwag mong baguhin ang usapan. Bakit nga hindi mo tinanong?"
Pasagot pa lang ako ng magsalita ang kakababa pa lang na si Ash, "Hindi tinanong
ang alin?"
"Huwag kang makisama dito. Bata ka pa." Sagot ko sa kanya.
"Push mo 'yang bata na 'yan. Tumatakbo ang oras. 3rd yr college na kayo. First year
na ako. Nasaan ang bata dun?"
Nagsama pa ang dalawang 'to. Kay Zoe pa nga lang nakukulitan na ako kay Ash pa
kaya. At pinagsama pa sila. Astig? Hindi!
"Ganto kasi Ash. Bumalik nga si Tom di ba? Ulit. Tapos nag-usap sila ni Yannie kasi
pursigido si Tom. Ngayon, tinanong ko kay Xander kung anong pinag-usapan nila. Sabi
nitong lalaking 'to, hindi niya alam kasi hindi naman niya tinanong."
"What?! Hindi mo tinanong, Kuya Xander? Hindi ka ba nacurious? Paano kung may
sinabi yung Tom na kung ano man para bumalik sa kanya si Ate Yannie? Paano?!"
Hindi ko na nga lang iniisip ang naging pag-uusap nung dalawa tapos ipipilit ngayon
nila Ash na pag-isipin ako ng hindi maganda.
"Badtrip. Mapagtutulungan ba ako dito? Hoy bata, tawagin mo na nga kuya mo."
"Bakit?" Napalingon ako sa front door nila. Kakapasok lang ni Ice. Wala nga pala
talaga kanina dito ang loko. Bakit hindi agad sinabi kanina ni manang bago ako
papasukin.
Nang makalapit siya sa amin ay agad na inabot kay Zoe ang dala niya, "Nandito ka
pala. Pupunta dapat ako bukas sa inyo."
"Pinapunta ako ni Ash. Ano 'to?" tanong niya at iniangat ang iniabot ni Ice.
"Chocolates."
Napakunot ng noo si Zoe at bigla na lang napangiti at yumakap kay Ice, "Thanks!
You're the best."
Hindi ko na lang inintindi ang sinabi niya. Nakatulala ako ng maibalik ng boses ni
Ice ang atensyon ko. Nakatingin 'yung tatlo sa akin na parang naghihintay ng
isasagot ko.
Pati pala si Ice ayun lang ang sasabihin. Napabuntong hininga ako at napasandal, "I
respect Yannie's privacy."
Tumango si Ice, "Don't ask her. Let her tell you willingly."
“Tingin mo dapat ganun?” nagtatakang tanong sa kanya ni Zoe. Sa wakas, may kakampi
rin ako.
“Oo.”
“Kunyari ikaw ang nasa katayuan ni Xander at ako ang nasa kay Yannie, hindi mo
talaga itatanong sa akin ‘yun? Hindi ka macucurious sa pinag-usapan namin?”
Napangiti si Ice at ginulo ang buhok ni Zoe, “Nilagay mo pa tayo sa posisyon nila.
Pero oo. Hindi ko itatanong. Hahayaan kong ikaw ang kusang magsalita. Tulad ng sabi
ni Xander, nirerespeto ko ang privacy mo. Girlfriend kita pero dapat may privacy ka
pa rin. At isa pa, may tiwala naman ako sa’yo. Macucurious ako syempre pero hindi
ako magtatanong.”
Hindi ko napigilan na mapatayo at ituro si Zoe at Ash, “Ha! Ano kayo ngayon?! Sabi
sa inyo okay lang na hindi ko tinanong e!”
Inirapan ako ni Zoe, “Whatever. Itatanong ko sa kanya ‘yung napag-usapan nila pero
hindi ko sasabihin sa’yo.”
***
Habang nagkaklase, hindi ko mapigilan ang mapasulyap kay Yannie. Kahit may tiwala
ako sa kanya, medyo naguluhan ako sa sinabi nila Zoe. May karapatan nga naman akong
malaman. Alam na kaya ni Zoe ang dahilan? Bakit hindi pa rin sinasabi ni Yannie sa
akin hanggang ngayon? Badtrip! Paranoid na ko.
Nang matapos ang klase, nagliligpit ng gamit si Yannie nang lumapit sa kanya si
Tom, “I’ll go ahead, Yan. Ingat kayo.” Yan? Anong Yan? Humarap sa akin si Tom at
tumango, “Una na ko, bro.”
“Yup! Ayun talaga tawag niya sa akin. Ewan ko ba. Hayaan mo siya.”
Parang nung isang araw lang nung nagkausap sila tapos close na pala sila ngayon.
Hindi ako aware.
Kwento lang ng kwento si Yannie hanggang maihatid ko siya sa kanila. Ako naman
tango lang ng tango. Nababadtrip na rin ako sa inaasal ko.
“Nga pala, nakalimutan kong i-kwento kung ano ‘yung napag-usapan namin ni Tom nung
isang araw.”
That caught my attention. Napatingin agad ako sa kanya para pakinggan ang sasabihin
niya.
“Sinabi niya sa akin ang rason niya. Sabi niya, iniwan niya ako at nagpanggap na
patay na kasi may sakit siya. Pero magaling na raw siya ngayon. Nung bumalik daw
siya dinedate na kita nun kaya hindi na siya nanggulo. Gusto lang din niya makipag-
usap sa akin para maipaliwanag daw niya ang nangyari. Nag-offer din siya ng
friendship.”
“Nginitian ko lang. Kaya lang may connections ata kaya nakuha niya ang number ko.
Nakatext ko siya nun tapos tinanong niya ulit ako. I said yes.”
Napatango na lang ako. Kahit na may relasyon kami wala naman ata akong karapatan
pagbawalan siya kung sino ang gusto niyang maging kaibigan. Ayokong sakalin si
Yannie sa akin. Baka hindi na siya makahinga at manghingi ng kaunting space. Basta
kami pa rin, ayos lang.
Niyakap niya ako at hinalikan sa pisngi. Nagkwentuhan pa kami bago ako tuluyang
umalis sa kanila.
Ilang araw pa ang nagdaan at wala namang nagbago sa relasyon namin ni Yannie. Kung
ano kami dati, ganun pa rin kami hanggang ngayon. ‘Yung sweetness namin sa isa’t
isa at time na magkasama ganun pa rin. Walang nagbago maliban sa isa.
“Pwedeng maki-share ng table?” tanong ni Tom kay Yannie. Tiningnan ako ni Yannie at
napatango na lang ako.
Hindi pa naman ako ganung kasama para hindi sila paupuin sa tabi namin e kitang
puno na ang lahat ng tables sa canteen.
Nagkwekwentuhan si Yannie at Tom nang sikuhin ako ni Ram, “Ano?” iritableng tanong
ko sa kanya.
“Mata mo, ayusin mo. Parang kakainin mo ng buhay ‘yang kaibigan ko.”
“Paki mo?”
Masyadong busy sa pagkwekwentuhan ang dalawa at hindi na nila naririnig ang pinag-
uusapan namin nitong si Ram.
“Chill, dude. Nag-uusap lang sila. Kung ayaw mo palang maging close sila, edi
sabihin mo.”
Hindi ko na lang sinagot si Ram at kumain kahit nakakawalang gana. Matapos kumain
at bumalik sa room ay hindi na ako nagsasalita. Nakakaramdam din siguro si Yannie
kaya hindi na niya ako kinukulit. Nakakabadtrip lang talaga.
Natapos ang buong araw na puro katahimikan lang. Wala talaga ako sa mood. Napanis
na nga ata ang laway ko.
“Wala,” pagsisinungaling ko para hindi na rin humaba ang usapan. Lilipas din siguro
‘tong nararamdaman ko.
“Wala nga.”
“Isa..”
“Yannie..”
Napabuntong hininga ako at napapikit sandali. Wala nga akong takas. Sasabihin at
sasabihin ko pa rin, “Nagseselos ako sa inyo ni Tom. Okay na ba?”
Battle 52
Xander’s POV
Wala siyang reaksyon sa sinabi ko. Nakatingin lang siya sa akin. Hindi siya
nagsasalita. Hindi siya nakasimangot. Hindi siya nakangiti. Pero maya maya ay
tumawa na lang siya. Tawa siya ng tawa at halos hindi na siya makahinga kakatawa.
Nasaan ang joke sa sinabi ko? Ano ang nakakatawa sa pagseselos ko?
“Nagseselos ako tapos tatawanan mo lang ako? Wow, Yannie. Wow!” sarkastiko kong
sabi sa kanya.
Huminto siya pagtawa pero halos maiyak na siya dahil sa pagpipigil niya. Medyo
nakakainis na. Ito ako na umaamin na nagseselos na tapos ganiyan lang ang magiging
reaksyon niya?
Kaya lang natanggal ang lahat ng inis ko ng unti-unti siyang lumapit sa akin at
yumakap. Ipinatong niya ang ulo niya sa balikat ko pero ramdam ko pa rin ang
pagtawa niya. Ayos na sana e. Kaya lang bakit may tawa na naman?
“Sorry, I can’t help it. You’re too cute, Da.” Cute? Pang-aso lang ang cute.
“Malamang papayag ako. Tinanggap mo na ‘yung alok niyang pagkakaibigan bago mo ako
tanungin. Kaya sinabi ko na lang na okay lang.”
“Sana sinabi mo na ‘yan nung una pa lang. Edi sana nilayuan ko na. Sige,
didistansya na ako. Ayun ang gusto mo e.”
Hinila ko siya papalapit at niyakap. Siguro ayos lang naman maging maka sarili
kahit sa bagay na ‘to lang. Kahit kay Yannie lang.
I kissed her forehead. It feels really nice knowing she’ll avoid Tom for me. I,
too, am willing to do anything for her. But maybe except for one: to let her go.
And when I say it, I really mean it. I’ll keep my words.
***
Lumipas pa ang mga araw at napansin ko nga ang pag-iwas ni Yannie kay Tom.
Sineryoso niya ang sinabi niya. Aaminin ko, mas napanatag ang loob ko.
Nakatambay kami sa may student’s longue nang umupo sa tabi namin ang dalawa naming
ka-block. Ang dalawang kaklase naming babae na medyo may magpaka liberated. Akala
ko makiki-upo lang talaga at makikipagkwentuhan pero makiki-usyoso lang pala.
“Yannie, friends kayo ni Tom ‘di ba?” tanong nung isa kay Yannie.
“Pansin ko lang kasi one week na siyang wala sa klase. Baka alam mo kung bakit?”
Napatingin ako kay Yannie at mukhang hindi na niya alam ang isasagot at gagawin
niya kaya ako na lang ang sumagot para sa kanya, “Ano bang trip niyong dalawa?
Hindi sila close kaya paano siya magkakanumber ni Tom?”
“Nagbabaka sakali lang naman kami. K, fine. Wala kung wala. ‘Yung sa ‘yo na lang,
pwede? Sungit mo kasi sa number mo. Tatlong taon na tayong magkakaklase tapos hindi
mo pa rin binibigay number mo.”
“Hindi rin naman ako nakikipagtextmate kaya wala rin use kung ibigay ko pa sa inyo
‘yun.”
Napaubo si Yannie kaya napatingin kami sa kanya. Ang kaninang mukhang cool at relax
na mukha niya, napalitan na ng mataray niyang mukha at taas na kilay, “Are you
planning to call him?”
“Uhh, yep.”
“What for?”
“Just to get to know each other. Alam mo na. Once na maghiwalay kayo, pwedeng – “
“Excuse me?! May girlfriend ‘yung tao tapos gaganyan ganyan ka. At anong maghiwalay
ang pinagsasabi mo? Lumayas ka lang sa lugar na ‘to kung ayaw mong ang ulo mo ang
ihiwalay ko sa katawan mo.”
Sa takot na rin siguro sa naging reaksyon ni Yannie, agad na na umalis yung dalawa.
Napatingin naman ako sa kanya at natawa sa inasal niya.
***
Pagdating ko sa room namin para sa first class, hinanap ko agad si Yannie pero wala
pa siya dito. Nakakapagtaka lang kasi sinabi niya sa akin na mauuna na siya.
Lumabas na lang muna ako ng room at naglibot libot sa campus tutal may 20 mins. pa
bago magklase. Nang mapagpasyahan kong bumalik na sa room, napahinto ako nang
mapansin ang dalawang pamilyar na tao sa loob ng isang bakanteng room.
Si Yannie at si Tom. Nakabalik na naman pala ang gago. Balak ko sanang puntahan
sila pero buti na lang at napigilan ko ang sarili ko at nagpatuloy na lang sa
pagbalik ng room.
Ilang minuto lang nang makabalik ako ay kasunod ko na si Yannie. Umupo siya sa tabi
ko at agad akong binati, “Hi!”
Sinubukan kong umakto na wala akong nakita at wala akong alam na kasama niya si
Tom, “Hi. Akala ko nauna ka na kaya hindi ka nagpasundo?”
“Ah, oo. May dinaanan kasi ako sa library. Pinabalik ni Ayu yung hiniram niyang
libro kasi wala silang pasok ngayon.”
Tumango na lang ako sa naging sagot niya. Bakit kailangan pa niyang magsinungaling?
Bakit hindi na lang niya sabihin sa akin ang totoo? Dapat ba akong may ikapagduda
dito?
Napatingin ako sa may pinto ng biglang pumasok si Tom. Napansin ko ang pagtingin
niya kay Yannie at pagtango. Tiningnan ko rin si Yannie na ngayon ay nakatalikod sa
akin at napatingin din sa kay Tom. Akala ko hindi niya papansinin si Tom pero
nagulat ako ng humarap siya sa likod pagkaupong pagkaupo ni Tom at nagsalita, “Tell
me if you need anything, okay?”
Tumango lang si Tom at napatingin sa akin. Napatingin din sa akin si Yannie at nang
mapagtanto niya ang ginawa niya ay humarap na ulit siya sa board at hindi na
nagsalita pa. Hinayaan ko na lang.
Ilang araw pa ang nagdaan at napapansin ko ang lalong pagiging malapit ng dalawa.
Nag-uusap sila ulit. Nagpapansinan. Minsan kapag hindi sasabay sa akin si Yannie ay
mapapansin kong kasama niya si Tom. Nababadtrip na ako sa totoo lang.
Tulad ngayon, hinihintay ko siya para maka-uwi na kami nang makita kong magkasabay
silang naglalakad ni Tom. Nang makita ako ni Yannie ay agad siyang nagpaalam at
lumapit sa akin.
Tahimik lang kami habang nagbyabyahe. Nang makarating kami sa kanila ay hindi ko na
napigilan ang magtanong bago pa man din siya makababa sa kotse, “Bakit kasama mo
siya?”
“Nagkasabay lang kami kanina. Nagkataon lang.”
“Xander, pagod ako. Pwedeng huwag muna ngayon?” sagot lang niya at lumabas na ng
sasakyan.
Dumalaw ako sa bahay nila para makipag-ayos sa kanya. Nagtalo na naman kami dahil
kay Tom.
Napansin ata niya na nasa likuran niya ako kaya agad niyang isinara ang laptop,
“Xander.”
Sumunod ako sa kanya. Nagpunta kami sa garden nila. Hindi pa rin siya makatingin ng
diretsyo sa akin. Itatanong ko palang sana ulit kung bakit sila magkausap pero
napahinto ako sa narinig kong sinabi niya sa akin, “Xander. Ayoko na.”
***
Xander’s POV
Tama ba ang naririnig ko? Ayaw na niya? Ayaw na niya saan? Posible kayang.. hindi.
Hindi pwede. Imposible.
“A..ayaw mo na saan?”
“Napapagod saan?”
Napapikit ako sa narinig ko. Sana nanaginip lang ako. Sana hindi ‘to totoo. Walang
totoo sa nangyayari ngayon. Hindi pwede ang ganito. Hindi pwedeng maghiwalay kami.
Hindi ko kaya. Hindi ko kakayanin.
“Tama na ang pagjojoke? Nag-jojoke ka lang ‘di ba? Hindi ‘to totoo? Yannie, alam
kong mahal mo ko. Mahal kita. Kaya bakit natin ititigil ‘to?”
Umiwas siya sa akin ng tingin, “Itigil na natin ‘to, Xander. Napapagod na ako.
Ayoko na talaga.”
Hindi ko na napigilan ang pagtulo ng luha ko. T*ngina naman! Anong kalokohan ‘to?
Ilang taon kaming magkasama tapos itatapon lang ng basta basta kasi pagod na siya?
Kasi ayaw na niya?
Tumayo ako sa upuan ko at lumebel sa kanya. Hinawakan ko ang kamay niya at patuloy
pa rin ang pag agos ng luha ko, “Yannie, please. Don’t do this. Kung ayaw mo ng
pagseselos ko, sige, hindi na ako magseselos. Kung ayaw mong nagtatalo tayo, hindi
na ako makikipagtalo. Lahat ng gusto mo susundin ko. Lahat ng ayaw mo iiwasan ko.
Gagawin ko lahat, Yannie. Huwag lang ang makipaghiwalay sa’yo. Yannie, please.”
Wala na akong pakialam kung magmukha man akong tanga sa harap niya. Wala akong
pakialam kung apakan ko pa ang sarili kong ego para lang huwag siyang mawala sa
akin. Sobrang mahal ko siya at hindi ko kaya ng wala siya.
Kaya lang binawi niya ang kamay niya. Napatingin ako sa kanya at katulad ko ay
umiiyak na rin siya, “S..sorry, Xander,” tanging nasabi niya at iniwan na akong
mag-isa.
***
Hindi ko pinansin sila Josh at tinitigan lang ang phone ko. Text ako ng text ng kay
Yannie pero hindi niya ako nirereplyan. Binuksan ko ang mga messages ko sa kanya..
I can’t let you go. Nangako ako sa’yo ‘di ba? Tutuparin ko ‘yun. Please, bumalik ka
na sa akin.
Hinagis ko ang phone ko at hindi ko na naman napigilan ang pagtulo ng luha ko. Wala
akong pakialam kung nakikita man ako ng mga kaibigan ko na nasa ganitong sitwasyon.
Wala na akong pakialam sa kahit na ano. Basta bumalik lang sa akin si Yannie.
Napaupo na lang ako sa sahig at napasandal sa kama ko saka yumuko at umiyak. Ano
bang nagawa kong mali? Ano bang mali sa akin?
“Pag-usapan niyo na lang ‘yan kapag parehas na kayong okay,” sabi pa ni Josh.
***
Kasalukuyan kaming nasa No Name nila Ice, Josh at Ken. Inom lang ako ng inom pero
parang hindi naman ako tinatamaan. Nakakainis ‘yung ganito. Pilit mong nilalayo sa
utak mo ‘yung nangyari pero kahit saan ka pumunta, kahit anong gawin mo, nandoon pa
rin palagi ‘yung sakit. Nandito pa rin. Hindi nababawasan. Lalo lang nadaragdagan.
“Hayaan na lang natin. Ganyan ka rin dati, Ice.” Sagot naman ni Josh kaya hinayaan
na nga lang nila ako.
“G*go ba ko?”
Nagkatinginan ‘yung tatlo sa itinanong ko. “Nakikita niyo pa rin ba ang dating
Xander? ‘Yung babaerong Xander? ‘Yung walang pakialam na Xander? ‘Yung napakag*gong
si Xander? Nakikita niyo pa ba siya sa Xander na nandito ngayon?”
Umiling ‘yung tatlo at napangiti na lang ako. “Wala na pala e. Bakit iniwan niya pa
rin ako?”
Hindi na nakasagot ang tatlo at napailing na lang ako at uminom ulit. May nagawa ba
akong masama sa buong buhay ko kaya sinasaktan ako ngayon ng mundo? Siguro karma ko
‘to sa lahat ng babaeng pinaiyak ko noon. F*ck karma! Lakas gumanti. Triple siguro
ang sakit na nararamdaman ko ngayon sa lahat ng sakit na pinaramdam ko sa ibang
babae noon.
“Hi, guys!” napatingin ako sa dumating na si Sab pero ng mapatingin siya sa akin ay
napasimangot siya. “What happened to you, Xander? Ayusin mo nga sarili mo.”
Napangisi na lang ako at hindi siya pinansin. Iinom na lang sana ulit ako ng
mapatingala ako at makitang pati si Yannie ay nandito na rin. Nakatingin siya sa
akin pero napaiwas din ng tingin nang tingnan ko siya. Hindi ako makagalaw. Hindi
ko alam ang gagawin ko. Text ako ng text sa kanya na mag-usap kami at tawag pa ako
ng tawag kahit hindi niya ako sinasagot tapos ngayong nasa harap ko na siya hindi
naman ako makakilos- hindi ako makapagsalita.
Ilang minuto na ata akong painom-inom dito at pasulyap sulyap sa kanya. Kanina pa
rin siya hindi nagsasalita at mukhang namamaga rin ang mata niya. Nasasaktan din
kaya siya?
“Bakit?”
Sobrang ingay sa No Name pero biglang nabalot ng katahimikan ang table namin dahil
sa isang salitang nabanggit ko. Sa wakas ay nagawa ko rin magsalita kahit papaano.
Umiwas siya ng tingin at napapikit. Mukhang wala siyang balak sagutin ang tanong
ko, “Bakit, Yannie?”
“Xander, please.”
Sumunod ako sa kanya. Kahit medyo nahihilo na ako dahil sa ininom ko, sumunod pa
rin ako.
Nang makarating kami sa labas ay hinarap na niya ako, “Stop this, Xander. Huwag mo
namang sirain ang sarili mo. Hindi ka pumapasok sa mga klase natin tapos
naglalasing ka pa.”
“Sino ba ang unang sumira sa akin?” napaiwas siya ng tingin nang sabihin ko ‘yan,
“Mahal kita, Yannie. Sobra sobra. Ikaw lang ang minahal ko pero bakit naman ganito?
Bakit naman iniwan mo ko?”
“P*t*nginang rason naman ‘yan, Yannie! Kung napapagod ka, hindi ka hihinto- hindi
ka titigil. Magpapahinga ka lang tapos aandar ka na ulit. Pero pinili mong huminto.
Pinili mong iwan ako. Pinili mong sukuan ako.”
Kalalaki kong tao pero napapadalas na ang pag-iyak ko. Oo, hindi ko na naman
napigilan. Masakit kasi pero mas dumoble ang sakit nang makita kong umiiyak na rin
siya. Kahit gaano pa niya ako saktan, ayoko pa rin makita siyang umiiyak.
Nagulat na lang ako nang bigla niya akong niyakap. Ibinaon niya ang ulo niya at
humagulgol na, “I still love you, Xander. Pero kailangan na nating maghiwalay.”
Bumitaw siya pagkasabi niya ng mga salitang ‘yun at paalis na sana ng humabol ako
at niyakap siya kahit nakatalikod pa rin siya, “Hindi ko na maintindihan, Yannie.
Wala na akong maintindihan. Siguro para sa ‘yo hiwalay na tayo. Pero para sa akin,
hindi pa rin. Sa ‘yo pa rin ako. Nangako ako sa ‘yo dati na hindi kita papakawalan
kaya asahan mo na hindi pa rin kita titigilan. Ipagtabuyan mo man ako hindi ako
titigil. Itulak mo man ako palayo, babalik at babalik pa rin ako sa’yo.”
***
Battle 54
Xander’s POV
Kung panaginip lang ‘to parang awa niyo na, gisingin niyo naman ako. Parang hindi
‘to totoo. Parang bangungot lang. Paanong nangyari ang ganito? Bakit sobrang bilis?
Bakit wala man lang babala? Wala man lang warning. Masyadong biglaan. Hindi ko man
lang nagawang paghandaan.
“Xander..”
“Pero—“
“Wala naman tayong magagawa para pagaanin ang loob niya. Bigyan na lang natin ng
kaunting panahon.”
Masyadong masakit ang lahat ng nangyari. Daig ko pa ang sinaksak. Daig ko pa ang
nabagsakan ng kahit na anong mabigat na bagay. Daig ko pa ang nahulog sa napakataas
na lugar. Parang walang makakagawang makapagpaliwanag ng sakit na nararamdaman ko.
Walang makakaintindi. Masyadong malalim. Masyadong masakit. Hindi ko alam kung
paano aahon.
Ilang araw na ba magbuhat nung huli kaming magkita? Ilan na nga ba? Hindi ko na
maalala.
Sabi nila isa sa pinakamasayang buwan ang Disyembre. Bakit hindi naman ako masaya?
Bakit puro lungkot ang nararamdaman ko? Bakit halos puro dilim lang ang nakikita
ko? Masyadong maraming tanong ang umiikot sa utak ko pero wala ni isa ang mabigyan
nila ng sagot.
Bakit sinabi niyang mahal niya ako pero wala siyang nagawa para ipaglaban ang
pagmamahal na sinasabi niya?
Anong ginawa kong mali para matanggap ang ganitong klaseng sakit? Ano pa bang
kulang?
Tiningnan ko ang litrato naming dalawa na magkasama. Kuha pa ‘to bago kami
maghiwalay. Masyado pa kaming masaya na hindi ko na namalayan na ito na ata ang
huling litrato naming dalawa.
***
“Ano bang pakialam niyo? Bakit ba nandito kayo? Doon na nga lang kayo sa kaibigan
niyo!” pagtataboy ko sa kanila.
Naramdaman ko ang pag-upo nila Zoe, Ayu at Sab sa tabi ko. Pareparehas na kaming
nakasalampak sa sahig. Iniwas ko ang tingin ko sa kanila. Sa itsyura ko ngayon
malamang ngang hindi nagsisisi siguro si Yannie at iniwanan niya ako.
“Kaibigan namin kayo parehas, Xander. Bilang kaibigan mo, ayaw ka naming makitang
ganyan.” Saglit kong tiningnan si Zoe pero binawi rin agad ang tingin na ‘yun.
“Sa totoo lang maski kami hindi namin alam kung bakit naging ganun ang desisyon ni
Yannie. Hindi kami nagpunta dito para ipagtanggol siya o kampihan ang sino man sa
inyo. Nandito kami kasi alam naming may mali. Alam naming hindi ganito lang ang
dapat kahinatnan ng relasyon niyo.”
“Tama si Zoe, Xander. Pareparehas nating hindi alam ang pinagdadaanan ni Yannie.
Siguro may mabigat siyang problema na hindi niya masabi.” Dagdag pa ni Sab.
Napabuntong hininga naman si Ayu, “Mahal mo siya at kahit hiwalay na kayo alam kong
walang nagbago dun. Nararamdaman ko rin naman na mahal ka niya at ayaw niyang
makitang ganyan ka. Kaya hangga’t kaya mo, sana ayusin mo ang buhay mo. Huwag mo
namang sirain.”
Matapos nila akong sermonan ay tinapik lang nila ako sa balikat at iniwan na akong
mag-isa.
Paano ko aayusin ang buhay ko kung hindi ko alam kung saan dapat magsimula? Paano
ko aayusin kung ‘yung pinakaproblema, hindi ko magawang maituwid? Paano?
***
Buong gabi ko pinag-isipan ang mga sinabi nila sa akin. Hindi ko man alam kung
paano at saan magsisimula, pinili ko pa rin huwag sirain ang buhay ko.
Halos dalawang linggo na akong hindi pumapapasok. Masyado ng marami ang klase na
hindi ko napakinggan, mga exam na hindi ko na-take, assignments at projects na
hindi ko naipasa. Ayoko naman ng dagdagan pa ‘yun kaya kahit pakiramdam ko durog na
durog ang pagkatao ko, pinili ko pa rin pumasok. Kahit alam kong makikita ko siya
dun.
Nang makarating ako sa classroom, agad akong napatingin sa upuan namin ni Yannie.
Nandun na siya at wala pa ring katabi. Dalawang linggo siya walang katabi? Pero sa
halip na umupo sa tabi niya ay mas pinili kong umupo sa bakanteng upuan sa
pinakalikod. Kung magtatabi kami, baka hindi ko na naman magawang kontrolin ang
sarili ko. Baka lalo lang akong lumubog.
“Xander, welcome back!” sigaw ng isang kaklase namin nang makita niya ako.
Tumango at ngumiti lang ako hanggang sa batiin na ako ng iba pa naming kaklase.
Hindi ko maiwasan ang mapatingin sa direksyon ni Yannie. Saglit na nagtama ang
tingin namin pero nang makitang nakatingin ako sa kanya ay iniwas niya ang tingin
sa akin.
Inirapan lang niya ako at inilapag na ang isang katerbang papel sa lamesa ko. “Iuwi
mo nga lang ang mga ‘yan.”
Tiningnan ko ang mga papel na nakalapag sa lamesa ko. Notes. Mga notes sa iba’t
ibang subjects. Agad akong napatingin kay Yannie pero nakatalikod siya sa akin.
Kilala ko siya. Alam ko ang sulat kamay niya. At sulat kamay niya ‘tong mga
nakasulat sa notes ko. Nag-aalala pa rin siya. Nararamdaman ko.
“Anong nangyari sa’yo?” Naputol ang pag-iisip ko palibhasa nandito pa rin ang
president namin at tinatanong ako. “Bakit parang may iba sa itsyura mo? Stress ka
ba?”
Nagkibit-balikat na lang ako at hindi siya pinansin. Nang mapatingin ako sa gawi
nila Yannie ay halos mag-init ang ulo ko sa nakita ko. Nag-uusap sila ni Tom pero
katulad ng dati, ay nasa likuran pa rin si Tom. Mabuti naman at marunong rumespeto
ang g*go at hindi umupo sa upuan ko.
“Class dismissed.”
Nakaraos ako ng isang araw sa lugar na ‘to. Nagawa ko. Nagawa at natiis ko rin na
hindi lapitan si Yannie at kausapin kahit na halos minu-minuto ata akong tumitingin
sa pwesto niya.
“Gago.”
Tinawanan lang niya ako at napansin kong halos kumpleto ang barkada, pwera lang
talaga sa isa. Si Yannie.
“May ano?” nakangiting tanong ko sa kanila nang makarating ako sa tinatayuan nila
sa may parking.
“Welcome back!” sabay sabay na sigaw nila at hindi pa nakuntento sa pagsigaw. Mga
nagsilapit pa at ginulo ang buhok ko. Nakatanggap naman ako ng batok, hampos at
suntok sa iba.
“Bakit ganyan kayong magwelcome? Nakakasakit na kayo ha!” medyo natatawa kong sagot
sa kanila.
Masaktan man ako at malaki man ang magbago sa buhay ko, isa lang ang sigurado. At
ayun ay ang kasama ko ang mga makukulit na ‘to sa kahit na ano mang pagdaanan ko.
“Anong pangalawa?”
“Ang magpagwapo!” sabay sabay na sigaw nung tatlong babae. Napatingin ako sa
tatlong lalaki na mga nagpipigil ang tawa. Anong ka-ewanan na naman ang naiisip ng
mga ‘to?
Nagtawanan na naman ang mga kumag. Ako na naman ang trip ng mga ‘to. Napangiti na
lang ako. Alam ko rin naman kasing ginagawa lang nila ‘to para sa akin. Para
mapasaya ako.
Hindi pa kami napapansin ni Yannie. Nakatulala lang siya at mukahang malalim ang
iniisip pero nang tingnan ko ang kasama niya, nagdilim na agad ang paningin ko sa
biglaang pagngisi niya saka tumingin kay Yannie at ibinalik ulit ang tingin sa
akin.
Ngumiti lang ang nakahigang sa sahig na si Tom at pinunasan ang dugo sa gilid ng
labi niya.
“Hayop ka!”
Napahinto ako nang sigawan ako ni Yannie. Masakit pa rin. Lalo lang sumasakit
ngayong alam ko na kinakampihan niya ang hayop na Tom na ‘yan!
Susugurin ko sana ulit ‘yung walanghiya nang pigilan na naman ako nila Josh,
“Xander, easy.”
Umiling na lang ‘yung hayop at ngumiti, “Papalagpasin ko ang isang suntok mo. Pero
kapag dinagdagan mo pa ‘to, asahan mong gaganti na ako.”
“Wala akong pakialam kung gaganti ka! Kung gusto mong makipagbasag-ulo hindi kita
aatrasan!”
“Xander! Please.”
Nakita ko ang pag-iling at pagngisi ni Tom, “Easy lang, p’re. Ge. Una na kami.”
Nagsimula na silang maglakad pero bago pa man din sila tuluyang makalagpas sa
pwesto namin ay binulungan ako nung hayop na Tom, “Una na kami ng girlfriend ko na
ex mo.”
***
Battle 55
Yannie's POV
Please.
Napahigpit ang kapit ko sa phone ko at napayuko. Sobrang hirap. Sobra na ang sakit.
A tear escaped from my eyes. I miss him, too. I miss him so bad and seeing him
miserable kills me. I know he's hurting. He's hurting so much and I can't do
anything about it.
Pakiramdam ko kasi kahit saan ako lumugar, mali. Hindi ko alam kung tama ba ang
desisyon ko pero ito ang tingin kong tama.
Naramdaman ko ang pag-akbay sa akin ni Tom. Hindi ako sumagot. Wala akong ginawa.
Umiling ako, "Ano.. maraming dapat gawin sa school. Kailangan kong tapusin 'yun."
"Ah, I see."
Kwento ng kwento si Tom habang ako ay nakatingin pa rin sa phone ko. Gusto kong
reply-an si Xander pero mas mahihirapan siyang mag move on kung magpaparamdam pa
ulit ako sa kanya. Mas madali siguro siyang makakamove on kung hindi ako
magpaparamdam sa kanya. I'll do that even if it means hurting myself. Siguro naman
once na masanay ako sa pain na mararamdaman ko mawawala rin 'to. Mababalewala rin.
Sabi nga ni Shakespeare, feel the pain until it hurts no more.
Naalala ko lang na magkasama pa nga pala kami ni Tom nang tapikin niya ako.
"O..oo naman. Iniisip ko lang 'yung special project na ipinagawa kay.. sa ano.. sa
akin."
"No, it's okay. I can do it on my own. Huwag mo na lang akong alalahanin. Mas
alalahanin mo ang sarili mo."
Hindi ko alam kung bakit nakatitig lang siya sa akin pagkasabi ko niyan. Tapos
bigla bigla na lang niya akong niyakap. Masyadong mabilis ang pangyayari kaya hindi
na ako nakagalaw.
Hindi ko alam ang gagawin ko kaya tinapik ko na lang siya sa likod niya.
Hindi ako sumagot. Hindi ko alam ang isasagot ko kaya hinayaan ko na lang siyang
yakapin ako.
***
Masaya ang December sabi nila. One of the happiest months. But I can't feel it. All
I could feel is coldness and emptiness. I am surrounded by a sea of people, yet I
feel so alone; I feel so lost.
"Good afternoon, ma'am, ito na po 'yung special project na pinagawa niyo last
time." Sabi ko sa prof namin nang puntahan ko siya sa faculty bago pa sila
magsipag-uwian.
"Ahh, may ano po.. may pinuntahan so nakisuyo lang pong ipasa ko 'yan."
"Good afternoon, ma'am," Medyo kinakabahan ako palibhasa ngayon ko lang siya
nakausap kasi bagong dean lang siya ngayong sem. At.. basta.
"Good afternoon," tango lang niya sa akin at paalis na sana pero napahinto na
naman. "Wait."
Kaya maski ako ay napahinto nang tawagin niya ako, "Are you Ms. Yannie Seung?"
"Yes, ma'am."
"I heard you're friends with Mr. Ken Yu. Your former blockmate?"
"Yes, ma'am."
"Can you please tell him to meet me at my office tomorrow? Tell him it's about his
learning experience last sem as an exchange student."
***
Habang pauwi at papunta sa parking, pakiramdam ko zombie ako. Nandito nga ‘yung
katawan ko pero lumilipad naman ang utak ko. Ewan ko na kung nasaang lupalop na
‘yun ng mundo. Spacing out is my new hobby,
“Yannie.”
Kilala ko ang boses na ‘yun. Kilalang kilala ko. Parang nadikit na ang paa ko sa
semento. Hindi ko magawang gumalaw. Hindi ako makakilos. Parang huminto ang oras.
Hindi ko alam ang gagawin ko. Tatakbo ba ako o haharapin ko siya.
Gusto kong kausapin si Xander. Gustong gusto ko. Kaya lang baka hindi ko mapigilan
ang sarili ko kaya kahit mahirap at kahit nakatalikod pa rin ako sa kanya ay
nagsalita na ako, “Continue to live, Xander. Don’t waste your time on me.” And then
I walk away.
Sa pag-alis ko hindi na napigilan ng mata ko ang pagtulo ng luha ko. Ang hirap
naman kasi ng ganito.
Dumiretsyo ako sa kwarto ko pagdating sa bahay. Doon ko binuhos ‘yung luha ko.
Akala ko naubusan na ako ng luha sa katawan sa lahat ng iniyak ko noong mga
nakaraang linggo pero hindi pa rin pala. Hindi pa rin nauubos.
I heard a knock pero hindi ko iyon pinansin at idinukdok pa rin ang mukha ko sa
unan. Naramdaman ko na may umupo sa kama ko. Hindi lang isa.
“Yannie, what’s wrong?” tanong sa akin ni Ayu at naramdaman ko pa ang paghawak niya
sa ulo ko.
Hindi ako sumagot at hinayaan lang nila ako. Hindi ko sila kinibo at umiyak lang ng
umiyak pero hindi nila ako iniwan. Nasa tabi ko pa rin silang tatlo. Binigyan nila
ako ng oras para ilabas ang mga luha ko.
Nang mahimasmasan ako ay umupo na ako at humarap sa kanila. Zoe wiped my tears away
at nginitian nila akong tatlo.
“I love him. I love him so much.” Sabi ko sa kanila. “I love him and I can’t do
anything about it.”
Hindi ko man nililinaw sa kanila kung kanino kay Tom at Xander ang tinutukoy ko,
alam kong alam na nila kung sino ang sinasabi ko.
“This is the right thing to do. Kaya lang nasasaktan ako. Nasasaktan din siya. I
thought that if you did the right thing, things will be fine. Pero hindi. Doing the
right thing feels so wrong.”
“Anong sinabi ni Tom?” tanong ni Sab. Kalmado lang ang pagkakasabi niya pero bakas
sa tono ng boses niya ang pagkairita.
Hindi agad ako nakasagot. Hindi ko alam kung tama bang sabihin ko sa kanila ‘to
kaya lang kung hindi ko sasabihin, baka sumabog ako.
“Nang maging magkaibigan ulit kami ni Tom, nagselos si Xander. Ayokong magselos
siya kaya nilayuan ko si Tom. Everything seems so easy kasi nawala naman siya. Tom
was gone. For a week. Nang bumalik siya, kinausap niya ako. Tumakas pa ako kay
Xander that time kahit ayoko kasi nagmakaawa siya. Importante daw. Nakipag-usap at
nalaman kong nawala siya ng isang linggo dahil bumalik siya sa doktor. Bumalik ang
sakit niya. I don’t know how it happened.”
“Then he asked you to stay with him at pumayag ka?” tanong ni Ayu.
Umiling ako dahil hindi naman ganun ang nangyari, “He did beg. But I love Xander so
much that’s why I told him I can’t be with him. Ayokong mag-stay ako sa kanya dahil
sa awa at ayokong paasahin siya na mahal ko siya kahit ang totoo, hindi naman siya
ang mahal ko.”
Napapikit ako sandali, “Naalala niyo ba nung simula nung first sem? Nagtaka tayong
lahat kung bakit nakapasok si Tom e late na siya ‘di ba?”
Sabay sabay na nagsasalita ang tatlo at wala na akong maintindihan sa mga sinasabi
nila kaya napasigaw ako para patahimikin sila na umepekto naman.
“Malakas ang kapit ni Tom at maaaring pakiusapan niya ang prof namin na ibagsak si
Xander. Nung una hindi ako naniwala hanggang sa pinatawag ako ng prof na ‘yun at
pinakita ang records ni Xander. Hindi nga maganda. Mukhang malulusutan ng prof
kahit na isumbong ko pa siya.”
“Bakit naman pumayag ang prof niya na ‘yan?! Anong klaseng prof ‘yan?!”
"I told you may koneksyon si Tom. Pamangkin siya ng dean. Tinakot niya ang isa sa
prof namin na kapag hindi niya sinunod ang gusto nito ay papakiusapan niya ang dean
na tanggalin ito sa trabaho. Syempre kung nasa normal na sitwasyon ay hindi ito
pagbibigyan ng dean. Kaya lang may sakit si Tom. Kaya raw niyang hindi uminom ng
gamot at hindi alagaan ang sarili para lang makuha ang gusto niya. At walang kamag-
anak ang papayag na gawin iyon ng kamag-anak nila. Ginamit ni Tom ang sakit niya
para makuha ang gusto niya."
"Wala akong magawa. Estudyante lang ako. Kaya nakipaghiwalay ako kay Xander at
bumalik kay Tom. Gusto kong makagraduate siya. Hindi ko pwedeng isakripisyo ang
pag-aaral niya dahil lang sa gusto kong makasama siya. I want to protect him kahit
na itaya ko pa ang sarili ko. Kaya nakipaghiwalay ako sa kanya.”
***
Battle 56
Yannie’s POV
“Seryoso?”
Hindi ko mapigilan ang pakinggan ang usapan nila Ice at Zoe. Hindi naman sa
chismosa ako pero sadyang malapit lang sila sa akin. Literal na malapit. Nakaupo
kami sa sofa at katabi ko lang silang dalawa. Para tuloy akong extra dito.
“Naninigurado lang. Biglaan kasi masyado. Hindi ba parang.. ang bilis naman? Kasi
wala pang isang linggo nang kausapin niya ‘tong isa at nang makita niyang magkasama
si ano at kuwan. Sinuntok pa nga niya ‘di ba? Tapos ngayon parang walang nangyari?”
“I don’t know. It’s so sudden. Maybe he finally accepts the fact that they can’t be
together.”
“What?! Duh, Ice. Of course, pwede pa sila. They’re destined for each other. This
is true love, Ice. True love for crying out loud! And true love can’t fade away in
an instant. True love is forever.”
“Since when did you become so hopeless romantic?” bakas sa tono ni Ice ang pang-
aasar at mukhang umepekto naman ‘yun kay Zoe. Paano kasi, nagkulitan na sila
pagkatapos nung outburst ni Zoe.
As for me, lutang pa rin ako. A part of me is happy kasi Xander finally found the
drive to move on and live his life. Pero hindi ko rin naman idedeny na masakit pa
rin ang nalaman ko kahit papaano. Sa totoo lang, ineexpect kong medyo matagal bago
siya bumitaw. Akala ko susuyuin niya pa rin ako. Itetext niya ako kahit na hindi
ako nagrereply. It’s not that I want him to suffer longer. Para kasing kung gagawin
niya ‘yun, it means na sobra ang halaga ko sa kanya kaya itutulak niya ang sarili
niya sa akin. Parang iyon na lang ang natitirang kinakapitan ko sa pag-asang pwede
pa kami kahit sobrang gulo na ng relasyon namin. Kaya lang mukhang okay na siya.
It’s fine. It’s okay. I’m happy he’s finally moving on. I think I’ll suffer alone.
Better naman din siguro na ako na lang ang nasasaktan kaysa kaming dalawa pa. It
will just double the pain.
“I’m happy if he’s happy.” Bulong ko na mukhang narinig nung dalawa kaya agad
silang napatingin sa akin na mga nanlalaki ang mata.
I was about to excuse myself nang may magdoorbell. I volunteered to open the door
pero inunahan na ako ni Zoe sa pagtakbo.
Nagkatinginan kami parehas ni Ice at saka tumakbo sa labas para tingnan kung sino
ang sinisigawan ni Zoe. Si Tom pala.
“I’m visiting – “
“Wala kang karapatang tumungtong sa bahay na ‘to. Maski yung hininga mo hindi dapat
makapasok dito kaya lumayas layas ka lang sa harap ko baka hindi pa kita
matantsya.”
“Shut up!”
Sasagot pa lang sana ako nang mapansin ko ang kakarating lang na tao. Nagwawala na
naman ang puso ko nakita ko pa lang siya. Si Xander. Parang nakain ko ang dila ko
at hindi ko na nagawang magsalita.
Lumapit siya sa amin. Tiningnan niya ako at si Tom pero saglit na saglit lang at
tumingin na kay Ice, “Uy pare! Kanina ka pa namin hinahantay sa No Name.”
“Ha? Bakit?”
Kinapa kapa ni Ice ang bulsa niya, “Naiwan ko pala sa bahay cellphone ko. Zoe,
punta na muna akong No Name. May tugtog pala kami.”
“Babye!” sabay kaway niya kay Zoe at napatingin sa akin at kay Tom saka tumango.
Napatingin din ako kay Xander pero nakatalikod na pala siya at paalis na. Totoo nga
pala. He seems fine. I’m happy for him.
“Yannie, tara sa No Name.” aya sa akin ni Zoe pagkaalis na pagkaalis nung dalawa.
Tumango ako at napatingin kay Tom, “You wanna come?” kahit naman papaano nag-aalala
ako kay Tom kahit sobrang selfish niya. Inaya ko siya hindi dahil sa gusto ko
siyang makasama. Inaya ko siya para lang magbigay respeto kahit papaano sa kanya.
“Nah. May pupuntahan pa ako. Dumaan lang ako para kamustahin ka.”
Lumapit sa akin si Zoe at umakbay nang makaalis na si Tom, “Mabait naman si Tom
dati e. Anong nangyari? Nakakapanghinayang din ‘yang isang ‘yan.”
“Bakit naman?”
“Kung hindi lang kayo naghiwalay noon malamang ko ba boboto pa rin ako para sa
inyong dalawa. Naghahabulan sila sa sweetness ni Xander. Parehas gwapo. Parehas
mabait. Mas matalino si Tom kay Xander. Kung ‘yung noon ang usapan, lamang na ‘yang
si Tom e. Kaya lang nagbago siya ngayon. Ewan ko kung anong trip sa buhay. Wala
siyang panama ngayon kay Xander. Xander is really the best fit for you.”
“Too bad hindi na kami.” I said sadly at pumasok na para magpalit na ng damit.
***
Saktong pagdating namin ay nasa mini stage sila Ice, Josh at si Xander. Si Xander
ang kumakanta sa kanila. Timing nga naman.
Hinanap namin ni Zoe ang iba at sa malapit sa stage ay nakita namin sila Ken, Ayu
at Sab.
Napatingin kami ni Zoe kay Sab at nginitian lang niya kami sabay peace sign.
Napatingin na naman ako sa may mini stage at naramdaman ko ang sobrang kabog ng
puso ko sa nakita ko. Xander is staring at me.
Please don't tell me that I'm the only one that's vulnerable
Impossible ♫
Napaiwas ako ng tingin at nang tingnan ko ulit siya ay hindi na siya nakatingin sa
akin at nakapikit na lang.
Wala pa rin kaalam-alam ngayon ang mga lalaki kung ano ang totoong rason kung bakit
ko hiniwalayan si Xander. Mas okay na rin na itago na lang namin para hindi na niya
malaman.
“Nakalimutan kong sabihin, Ken, hinahanap ka nga pala ni dean kahapon.” Pag-iiba ko
ng usapan.
Tumango siya at kumuha ng pagkain na nakahain na, “Yep. Kakagaling ko lang dun
kanina.”
I get a B in originality
Just because you were hurt doesn't mean you shouldn't bleed
“’Yung may sakit daw ‘yung magaling niyang pamangkin dati. Sus. E alam ko na ‘yun.
Tapos tuwang tuwa pa kasi nakarecover na raw ‘yung pamangkin niya. Milagro raw
‘yun. Tapos nung nakaraang nakaraang nakaraang nakaraang linggo nagpunta pa raw
sila ng ospital para i-check ‘yung kondisyon nung pamangkin niya. Sobrang saya raw
niya nang malaman na magaling na magaling na magaling na ‘yung pamangkin niya at
malakas na. Palibhasa raw paborito niyang pamangkin si Tom. Daldal nga. Hindi naman
ako interesado kaya tango na lang ako ng tango.”
Agad na nanlaki ang mata ko at nagkapalitan kaming tingin nila Zoe, Ayu at Sab.
Pareparehas ang reaksyon namin. Tama ba ang pinagkwekwento nitong si Ken?
♫Please don't tell me that I'm the only one that's vulnerable
Impossible♫
“Ang galing mo talaga, Xander!! Mas lalo kang gumagaling!” dinig naming sigaw ng
isang audience nila.
“Astig, bro! Mas nadagdagan ata fangirl mo.” Natatawang tukso ni Josh sa kanya
habang nakatapat pa ang bibig sa mic kaya rinig na rinig namin ang usapan nila.
“Bakit mas lalo kang gumagaling?!” sigaw pa nung isang nanunuod na halos maglupasay
na sa kilig.
Napatahimik saglit si Xander. Nagulat na lang ako nang pasadahan niya ako ng tingin
pero binawi rin naman agad ‘yun. Maya-maya, bigla niyang nginitian ‘yung nagtanong,
“Because this song speaks for me. If you can’t find the right words to express how
you feel, sometimes a song can speak for you.”
***
Battle 57
Yannie’s POV
“Anong nangyari sa inyong apat? Para kayong mga nakakita ng multo?” tanong ni Ken
sa amin.
Nakipaghiwalay ako sa taong sobrang mahal ko para iligtas siya not knowing na lahat
pala ng pananakot na sinabi sa akin ay walang katotohanan. Ilang balde ng luha ang
iniyak naming dalawa ni Xander dahil dun tapos hindi pala totoo? Nasaan ang puso ng
walanghiyang Tom na ‘yan? Hindi ako makapaniwala na siya ang taong minahal ko nang
sobra noon. Parang hindi na siya ‘to.
“Bullshit.” Bulong ko pero mukhang narinig nila dahil pagdilat ko ay mga nakatingin
na sila sa akin. Pati ang kaninang mga nasa stage na sila Ice, Josh at Xander ay
nakatingin na rin.
“Saan ka pupunta?”
“Hindi ko alam.”
“Kasi gulong gulo na ako! Gulong gulo na ako, okay?! Hindi ko na alam kung anong
dapat kong gawin. Hindi ko na alam kung anong totoo. Kung meron pa bang totoo.”
Pinilit kong pigilan ang maiyak. Masakit. Masakit maloko. Mas masakit na nalaman
kong nagsimula ang lahat na sakit na nararamdaman ko sa bagay na hindi naman totoo.
Masakit kasi nanahimik kami dito tapos biglang may darating at manggugulo.
Napaupo na lang ako sa semento kasi hindi ko na talaga alam ang gagawin ko. Parang
pinaglalaruan si Xander at ako ng mundo. Parang pinasok kami sa isang laro na hindi
naman namin gustong laruin.
“Ssh, Yannie. Tahan na.” naramdaman ko ang paghagod ni Zoe sa likod ko. Naramdaman
ko na rin ang pag-upo nilang tatlo kasama ko.
“At least alam natin na walang sakit si Tom. Walang mamamatay. Walang babagsak.”
“Tama si Sab, Yannie. Let’s look on the brighter side. Lahat naman ng sakit na
nararamdaman mo ngayon mawawala rin pagdating ng panahon. Malay mo konting panahon
pa okay na ulit ang lahat. Pwedeng bukas, pwedeng sa makalawa, pwedeng sa isang
linggo. Lahat naman ng bagay magiging maayos basta magtiwala lang tayo.” Payo naman
ni Ayu.
I am truly grateful to have a friend like them. Lagi na lang silang nasa tabi ko.
Masaya o malungkot man hindi nila ako iniiwanan. Mahirap maghanap ng tunay na
kaibigan sa panahon ngayon pero maswerte ako at nahanap ko sila- my true friends.
***
Kanina pa ako nakatayo sa harap ng pinto ng dean’s office. Hindi ko alam kung
kakatok na ba ako o ano. Nakakahiya kasi at saka baka mamaya maistorbo ko lang si
dean. Napabuntong hininga ako. Pinipilit kong ipunin ang lakas ng loob ko pero
hindi ko magawa. Nakakainis. Nasaang lupalop na ba nagtatago ang lakas ng loob at
kapal ng mukha ko?
“Kanina ka pa?”
“Hindi naman.”
“Nasaan si Zoe?”
Itinaas niya ang hawak niyang pagkain at inumin, “Just bought some snacks.”
Swerte talaga ni Zoe. Napakamaalaga ni Ice sa kanya. Para siyang prinsesa kung
ituring nitong isa.
Napakamot na lang ako sa ulo ko, “Hindi ko kasi alam kung papasok ba ako o hindi.”
“Is it important?” tanong niya at tumango naman ako. “Importante naman pala e.”
“Ah.. I see.”
Naghihintay pa ako kung may sasabihin siya pero hindi na siya nagsalita. Kainis
naman. Akala ko makakatulong sa akin ‘tong si Ice.
“Hindi mo man lang ba ako sasabihan kung dapat pumasok ako sa loob o hindi?”
Itinaas ko ang kamay ko para kumatok pero ibinaba ko rin agad. Kaya lang saktong
pagbaba ko ay bigla na lang kinatok ni Ice ang pinto sa dean’s office at binuksan
ng kaunti. Pakiramdam ko nagfreeze ako sa ginawa niya.
“Ask. If you want to know something, ask. Don’t be afraid. You might miss out
something big if you let fear run in your body.” Bulong niya at mas itinulak pa ang
pinto saka tumakbo.
Parang na-glue na ‘yung paa ko sa lupa. Hindi ko alam kung papasok ako o tatayo na
lang. Napatingin ako sa loob ng office at napansing nakatingin na sa akin si dean.
“Yes, Miss Seung?” tanong niya kaya pinilit kong pasunurin ang katawan ko at
pumasok na sa loob ng opisina niya.
“Yes?”
Ask. If you want to know something, ask. Don’t be afraid. You might miss out
something big if you let fear run in your body.
Parang nag-echo ang sinabi ni Ice kanina kaya napapikit ako at nang imulat ko ang
mata ko ay tiningnan ko nang diretsyo si dean.
Mukhang nagulat siya sa sinabi ko at tinitigan ako ng mabuti at parang may iniisip.
Ilang segundo siyang nakatitig sa akin at bigla na lang napangiti, “Yannie. Yannie
Seung, my nephew's ex –girlfriend. Nabanggit na niya ang pangalan mo dati noong
nagpapagamot siya sa States.”
“Po?”
“He’s madly in love with you, hija. Nakwekwento ka niya sa akin dati. He’s ecstatic
whenever he tells me stories about you. But just like everything else, good things
come to an end. We knew about his sickness. Then he made a very dumb move to fake
his own death. Foolish boy.”
“You knew?”
“Yes, hija. Nabanggit niya dati. Noong nasa States na kami, wala na siyang
nababanggit na kwento tungkol sa’yo. Siguro ayaw na rin niyang maalala kasi
nasasaktan lang siya. Masyado nang matagal ‘yun kaya hindi kita agad nakilala. We
may not have met personally before, alam ko naman ang pangalan mo. Kaya nagulat din
ako nung nalaman na naging magkaklase kayo.”
“We..we’re fine. Uhh, how is he po? I mean.. ‘yung ano po.. ‘yung tungkol sa sakit
niya?”
“Oh. That. Ayos na siya. Malusog na ulit. It’s a miracle, I know. Kakapacheck-up
nga lang namin nung nakaraan. Free na free na siya sa sakit niya.”
Ilang minuto pa akong nagtagal sa dean’s office at nang makalabas ako, pakiramdam
ko isa akong zombie na naglalakad. Tuloy tuloy lang ako hanggang sa may humawak sa
kamay ko, “Yan.”
Nanlaki ang mata ko nang marinig ang boses ni Tom. Gumalaw na lang nang kusa ang
kamay ko at bago ko pa malaman kung ano ang ginagawa ko ay nasampal ko na si Tom.
“Damn you!”
“T..teka. Ano?”
“You lying bastard! May sakit? Bumalik ang sakit mo?! Liar! How could you do that,
Tom! Ang kapal ng mukha mong iwan ako noon tapos ngayong masaya na ako ay babalik
ka at aangkinin na naman ako kahit anong mangyari. How could you be so selfish!
Wala kang puso! Sinaktan ko ang taong mahal na mahal ko dahil nagpa-uto ako dyan sa
kalokohan mo!”
Nakatitig siya sa akin at maya-maya ay ngumisi na mas lalong nagpainit ng ulo ko.
Hinawakan niya ang pisngi niya. “Wow. You finally figured it out.”
“Walanghiya ka! Ano bang ginawa ko sa’yo?! Bakit ginagawa mo ‘to?” hindi ko na
napigilan ang pagdaloy ng luha ko.
Hindi siya sumagot at tiningnan lang ako. Habang nakatingin siya nawala ‘yung ngisi
na nakadikit sa pagmumukha niya at napalitan ng malungkot na ngiti.
“You love him so much, Yan. You love him more than you loved me. I saw it. I felt
it.”
Bakas sa boses niya ang lungkot at sakit pero pinili kong huwag na ulit magpaloko
sa nararamdaman niya. Ano bang malay ko kung niloloko lang pala ulit ako nito?
Hindi pa man din sobrang layo nang napupuntahan ko nang marinig ko siyang
nagsalita.
“Next time use them both. Your mind and heart. Nasobrahan ang paggamit mo sa puso
mo, nakalimutan mo ng gamitin ang utak mo.”
***
Picture sa gilid: Hye Ju holding a pic of her and Ji Ho. (Yannie & Xander)
Battle 58
Yannie’s POV
Napatingin ako saglit kay Ayu at ibinaon ko ulit ang mukha ko sa unan ko. Ayos
naman kasi dapat lahat kung hindi lang nanggulo si Tom. Nakakainis siya! Kaya lang
ang mas nakakainis, alam kong may punto siya sa sinabi niya.
Nakakaloko talagang magmahal. Ang lakas makabobo. Feeling ko naman wala akong utak
at puro ‘yung puso ko lang ang pinairal ako. Paano ba kasi pagsabayin pagganahin
ang utak at puso? Posible ba ‘yun? Nakakainis talaga.
Tumango ako kahit na nakadukdok pa rin ang mukha ko sa unan. Naiirita na talaga
ako. Pero maya maya ay tumingala rin at tiningnan ‘yung tatlo.
“Hindi pala. Oo, nag-usap kami pero hindi kami nag-usap talaga.”
Napakamot ako sa ulo ko. Napakagulo ko. “Ganto, sinumbatan ko siya pero hindi naman
siya nakapag-explain sa mga ginawa niya.”
Sa totoo lang, hindi ko rin alam kung makikinig ako. Kasi bwisit na bwisit ako sa
kanya ngayon kaya lang kapag naaalala ko ‘yung ngiti niya kanina.. ‘yung malungkot
na ngiti niya, parang nakakaramdam ako ng awa. At naalala ko.. isa ang awa na
nararamdaman ko sa nagpahamak sa akin. Bwisit!
Ano bang gusto kong mangyari? Ano nga ba? Bukod sa gusto kong maging ayos ang
lahat, wala na.
“Isipin mo kung ano ang pinakagusto mo. Kapag naisip mo na, then do something about
it. After all, choice mo naman ‘yan e. Ikaw ang may hawak ng utak at puso mo. Kahit
mag-advice kami sa’yo, kung hindi ‘yun ‘yung gusto mong gawin, wala rin.” Payo ni
Zoe.
I took a deep breath and think. Ano nga ba talaga ang gusto kong gawin? Ano ang
gusto kong unahin? Habang nakapikit ako, tanging si Xander lang ang pumasok sa utak
ko. Gusto kong maayos namin ang gusot namin. Mukhang kailangan ko siyang harapin.
Kaya lang tingin ko dapat makapag-usap din kami ng maayos muna ni Tom. Para kapag
hinarap ko na si Xander, alam ko na ang lahat. Maayos na ang lahat.
***
Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko.
Ngayon na lang ulit niya ako kinausap. Daig ko pa ang highschool student na
kinawayan o nginitian ng crush niya sa sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Feeling
ko panalo na ang takbo ng puso ko kung sakaling may marathon man o ano.
Nakatingin pa rin siya sa akin at nakangiti. Siguro hinihintay ang isasagot ko.
Kaya lang hindi ko talaga alam. Para na akong naging tuod dito. Yannie, umayos ka
nga. Simpleng hi lang pwede na. Go na. Sabihin mo na. Dali.
Magsasalita na sana ako nang biglang may pumalo ng notebook sa ulo ni Xander.
“Tara na! Kainis. ‘Yung chocolate ko na ipinangako mo ha! Kung wala ‘yun..”
“Weh?”
“Huwag mo kong ma-weh weh dyan. Ipapakain ko sa’yo ‘tong notebook na ‘to.”
“Highblood naman agad.” Natatawang sabi ni Xander at may kinuha sa bag niya at
inabot sa president namin, “Ayan na! Dala ko ‘yung chocolates.”
Iniwas ko ang tingin sa kanilang dalawa at nagpatuloy na sa upuan ko. Bago umupo ay
tiningnan ko pa ulit sila at busyng busy sila sa pagkwekwentuhan.
Okay na siya. He finally moved on. Mukhang masaya na siya sa buhay niya. Siguro may
iba na ngang nagpapasaya sa kanya. Parang nung nakaraang linggo lang sinusulat ko
pa ‘yung mga notes namin kada subject at ibibigay sa president para ibigay kay
Xander ‘pag nakapasok na siya. Tapos ngayon, masaya na silang dalawa. Naging
sobrang close pa.
Napayuko ako at nakitang may basa sa table ko. A teardrop. Sino nga bang niloloko
ko? Hindi talaga okay ‘to. Kaya lang ano pa bang magagawa ko? Sa bandang huli ako
pa rin pala ang talo.
Salita nang salita ang prof namin pero parang walang pumapasok sa utak ko. Wala
akong naiintindihan. Nakakainis na. Hindi ako makapagfocus. Nasa university ako
para mag-aral at hindi para mag-emote. Dapat tigilan ko na ‘tong kaartehan ko na
‘to kasi nakakainis na talaga.
Tiningnan ko ang chair sa likod ko. Wala si Tom. Hindi pumasok. Paano ko siya
kakausapin ngayon kung wala naman pala siya? Ano ba! Wala nang matino ang
nangyayari sa akin ngayon.
Why?
Nandito naman pala siya e! Bakit pa siya umabsent? Nag-iinarte lang din? Kainis.
“Game.” Bungad niya pagdating na pagdating niya at inikot ang upuan sa harap ko
saka umupo. “Tell me how you hate me.”
“Hindi kita tinawag para dun. Gusto ko lang itanong bakit ginawa mo ang mga bagay
na ‘yun?”
Napasandal siya sa upuan at umiwas ng tingin. Nawala ‘yung cool na Tom kanina. “Ano
bang pinagkaiba kung malaman mo pa ang dahilan o hindi na?”
“Gusto kong malaman ang totoo para hindi na naman purong kasinungalingan ang
paniwalaan ko. Nakakasawa rin maging tanga, Tom. Tanga kasi naniniwala ako sa bagay
na hindi naman totoo. You fooled me twice already. Huwag mo naman akong lokohin sa
ikatlong pagkakataon.”
Ngumiti siya. ‘Yung genuine smile na ibinibigay niya sa akin dati. Walang
pagpapanggap. Walang lokohan.
“Tom!”
“Sabihin na lang natin na sa lahat ng kasingulingan ko, hindi kasama doon ‘yung
pagmamahal ko para sa’yo. I love you so much at ayokong mapunta ka lang sa tulad
ko.”
Hindi ko maintindihan. Kung ayaw niyang mapunta ako sa kagaya niya, bakit inagaw
niya ako kay Xander in the first place?
“Sa totoo lang, nagkaroon ako ng kahit katiting na pag-asa na pwedeng maibalik
natin ‘yung dati. Naramdaman ko naman yung concern mo sa akin kaya lang.. mas
nangingibabaw talaga ang pagmamahal mo sa kanya.”
Hindi ko nagawang magsalita sa sinabi niya. Kinausap ko siya para sana liwanagin
ang lahat kaya lang pakiramdam ko kapag mas itinulak ko pa ‘yung topic sa kanya,
parang masasaktan siya. Kahit na may ginawa siyang hindi maganda, ayoko rin naman
na masaktan pa siya.
“I hope you and Xander happiness. You deserve to be happy, Yan. I’ll miss you. And
I love you.” Hinalikan niya ako sa noo at lumabas na ng classroom.
***
“O, anong ineemote-emote mo dyan?” napapunas ako sa luha ko nang marinig ang boses
ni Sab.
“Wala.”
Dalawang araw na magbuhat nang huli kong nakausap ko si Tom. Magbuhat nung araw na
‘yun hindi na siya pumapasok. Gusto ko sanang itanong sa dean ang dahilan kaya lang
nahihiya ako.
At dalawang araw na rin ang nakakalipas pero parang mas nagiging close pa si Xander
at yung president namin.
“Tigilan mo lang ako sa wala mo. Magsinungaling ka na kahit kanino huwag lang sa
mga taong nagmamahal sa’yo.”
“Ano nga.”
Mukhang naiirita na siya kaya nagsalita na lang din ako. At mukhang mas mapapagaan
nga ang loob ko kapag nailabas ko ang nararamdaman ko.
“Mahal mo pa ba?”
Tiningnan ko ni Sab na parang nababaliw at umiling, “Mahal mo pala edi sabihin mo.”
“Hindi.”
“Assumera ka pala e. Wala naman pala siyang sinabi na masaya na siya sa iba kaya
sabihin mo na ‘yang nararamdaman mo. Wala naman siyang sinabing, ‘Uy Yannie, may
girlfriend na ako. Pinalit ko na ‘to sa ‘yo. Tara, party tayo.’ Napagdaanan ko na
‘yan, Yannie. Tamang hinala, maling akala naman pala. At isa pa, ang sabi ko,
sabihin mo lang ‘yang nararamdaman mo. Hindi ko naman sinabing sabihin mo ‘yang
nararamdaman mo tapos if ever girlfriend nga niya ‘yung akala mong girlfriend niya,
guluhin mo sila para sa ‘yo na ulit si Xander. Tom lang ang peg? Ganun? Hay nako!”
“At alam mo tama talaga ang sinabi ni Tom. Puro ka puso. Hindi na healthy ‘yan.
Binitawan mo pero ayaw mo naman palang may umangking iba. Nakakaawa kaya si Xander
nun pero mas naaawa ako sa’yo. Kasi siya, umiiyak kasi nasasaktan siya. Ikaw naman,
umiiyak para sa inyong dalawa. Mas doble sakit nung sa ‘yo e. Pero hindi ‘yun ‘yung
point dito. Ang punto dito, kung mahal mo sabihin mo. Huwag na munang mag-inarte.
Mamaya mahal ka pa rin pala edi pinahirapan niyo lang mga sarili niyo.”
Napakamot siya sa buhok niya saka tumayo at kinuha ang bag niya, “Layasan na nga
kita diyan. Baka mahighblood pa ako sa’yo. Pakigamit ang utak, Yannie.”
Sabagay. Tama nga naman si Sab. Paano ko malalaman kung girlfriend na nga niya ‘yun
kung hindi ko aalamin? Paano kung hindi naman pala? Pero kung sakaling girlfriend
niya ‘yun, tatanggapin ko na lang. Basta sasabihin ko na lang sa kanya ‘yung
nararamdaman ko okay na.
Kaya ko ‘to.
Iniligpit ko ang mga gamit ko at humugot ng hininga. Pinilit ko rin hugutin ang
lakas ng loob sa katawan ko. Nang pakiramdam ko ay ayos na ako at kaya ko ng
harapin si Xander ay hinanap ko siya. Sakto naman na nakita ko siyang mag-isang
naglalakad papunta ng classroom namin habang may nakasabit sa kanyang gitara.
“Uy, Yannie. Ikaw pala. Bakit?” Parang kinirot na naman ang puso ko pero hindi ako
pwedeng dagain ngayon.
“May sasabihin ako.”
Nanlaki ang mata niya sa sinabi ko. Sinamantala ko na ang pagkagulat niya para
sabihin ang mga nararamdaman ko, “Mahal kita, Xander. Kahit naghiwalay tayo hindi
nagbago ‘yun. Huwag mo rin sanang isipin na hiniwalayan kita dahil mas mahal ko si
Tom. I loved him. Past na ‘yun. Nakalipas na. I loved him pero ikaw na talaga ang
mahal ko ngayon. Hindi ko ginustong saktan ka pero kailangan kong gawin ‘yun para
sa ‘yo. Alam ko ang tanga ko kasi ginawa ko ‘yun pero natakot ako na baka may
mangyari ngang hindi maganda sa future mo. Sorry if I caused you too much pain.
Believe me, mahal kita. Hindi nagbago ‘yun kahit noong panahong break tayo. At
kahit hindi na tayo masaya pa rin ako basta alam kong masaya ka na.”
Napatingin ako sa babaeng naglalakad papalapit sa amin. Parang may kumurot sa puso
ko kaya tiningnan ko na lang ulit si Xander, “Sana maging masaya kayong dalawa.”
Huling sinabi ko at nagtuloy-tuloy na sa pagpasok sa classroom.
Hindi ko alam kung ilang minuto na ba akong nakayuko basta ang alam ko lang,
nasasaktan ako.
♫ Seems like so long since I last held your hand, kissed your lips, felt your touch
Inangat ko ang ulo ko dahil sa naririnig kong kanta. Pagtingin ko sa gilid ko,
nandun si Xander hawak ang gitara at kumakanta. Nakaupo siya sa upuan niya noong
kami pa.
Inilagay niya ang gitara sa gilid niya at tinitigan ako saka ngumiti. Sumandal siya
at tumitig ulit sa akin, “Bakit iniwan mo kong mag-isa sa labas?”
“H..ha?”
Napayuko na lang ako kasi hindi ko alam ang sasabihin ko. Nagulat na lang ako nang
hawakan niya ang baba ko at ihinirap sa kanya. Pero mas ikinagulat ako when he gave
me a quick kiss on the lips.
“Ha?”
“Kayo.. ni pres..”
Napahawak siya sa baba niya at kunyaring nag-iisip, “Ang naaalala ko lang, nakipag-
break ka sa akin. Hindi ko maalalang nakipag-break din ako sa’yo. Technically, tayo
pa.”
***
It’s about time maging masaya na sila. They suffered long enough. Lol.
Last one chapter pa kila Yannie and Xander after nun sila Ice and Zoe na. Konti pa.
Matatapos na Teen Clash 2. :)
Song title: Still in Love (Part 2) - Jason Chen. Yes, may part 2 talaga 'yan. Iba
ang mapapakinggan niyo kung hindi niyo ilalagay yung part 2.
Battle 59
Yannie’s POV
Wait. What? Am I hearing things correctly? Parang huminto ang ikot ng mundo at
tanging kaming dalawa lang ni Xander ang nandito. Hindi ako makapagsalita kaya
nakakatitig na lang ako sa kanya. Hindi ko alam kung ano bang sasabihin ko. Hindi
ko alam kung anong gagawin ko. Teka. Dapat bang may gawin? Dapat bang may sabihin?
Nakatitig lang ako sa kanya kahit na pinapaandaran na naman ako ng kayabangan niya.
Kaya lang aminin ko man o hindi, alam kong totoo ang sinasabi niya. Totoo na ngang
gwapo siya.
He shook his head and pulled me closer. He gave me a hug which I can’t return since
I’m still in a state of shock.
Hindi ko pa rin nagawang gumalaw kaya siya na ang humila sa dalawang kamay ko para
mayakap ko siya. And I did. I hug him back.
“I miss you, Ma.”
Ibinaon ko ang mukha ko sa balikat niya at hindi ko na naman napigilan ang maiyak.
This is too good to be true. Please don’t wake me up if I’m just dreaming.
“Why are you crying?” tanong niya nang humiwalay sa akin sabay hawak sa mukha ko at
pinunasan ang luha ko.
“Doing what?”
“This. Bakit ka ganyan? Pinaiyak kita ‘di ba? Sinaktan kita. Pero bakit hindi mo
man lang ako papahirapan? Bakit ang bait mo pa rin? Bakit bumabalik ka kaagad sa
akin?”
Ngumiti siya at pinisil ang ilong ko, “Hindi naman ako bumalik sa ‘yo kasi simula
pa lang naman, hindi na kita iniwan.”
“Hindi ka man lang ba nagagalit sa akin? Kahit konti lang? Iniwan kita ng hindi man
lang nagpapaliwanag.”
“Nasaktan ako, Yannie. Pero hindi ako nagalit. Besides, nalaman ko rin naman ang
dahilan mo kahit hindi mo sinabi.”
“H..ha? Paano?”
Magsasalita palang sana siya pero bigla nang dumating ang prof namin. Tumingin siya
saglit doon at tumingin ulit sa akin, “Mamaya na tayo magpaliwanagan. Makinig na
muna tayo. Baka mapagalitan tayo at mapalabas pa.”
Umayos siya ng upo at humarap na sa prof. Ginaya ko ang ginawa niya. Nagsimula ng
magsalita ang prof at magsabi ng kung anu-ano. Sa totoo lang, gusto ko talagang
makinig. Kaya lang hindi ko magawa. Masyadong maraming laman ang utak ko at kung
anu-ano ang mga pinapaalala nito. Kung kailan nga naman hindi ko kailangan
paganahin ang utak ko saka siya nagpapaka-active. Parang nangbwibwisit lang.
I took a deep breath at pinilit pakalmahin ang utak ko kaya lang may ginawa si
Xander na mas lalong nagpagulo sa utak ko kasabay ng pagwawala ng puso ko. Masyado
akong naging busy sa pakikipagtalo sa sarili ko na hindi ko na namalayan na unti-
unti na niyang hinahawakan ang kamay ko.
Napalingon ako sa kanya kaya lang patuloy pa rin siya sa pakikinig sa prof namin.
Nang mapansin niyang nakatingin ako ay lumingon siya sabay ngumiti at mas
hinigpitan sandali ang pagkakahawak sa kamay ko saka ibinalik ang atensyon sa prof
namin.
Nang matapos na ang klase ay hindi pa rin kami lumabas ng classroom ni Xander.
Nakatitig lang ako sa kanya habang hawak niya pa rin ang kamay ko at nakangiti sa
akin.
“Pwede na bang malaman ang dahilan kung paano mo nalaman?” nagtatakang tanong ko.
“Tapos.. ayun. Nalaman ko na hiniwalayan mo ako para protektahan sa kung sino mang
demonyo. Nakaka-guilty nga kasi nagsakripisyo ka para sa akin. Nasabi rin niya na
nag-request ka raw sa isang prof natin na pagawain ako ng special project para
hindi niya ako i-drop since hindi ako pumasok ng dalawang linggo without any valid
reason. Naipasa ko na nga raw ‘yung project kahit wala akong maalalang gumawa ako.
Then I remember you. Ikaw ang gumawa nun, ‘di ba?”
Napatango ako. Nabuko pa tuloy ‘yung paggawa ko ng special project para sa kanya.
Sana hindi nalaman ng prof para ligtas siya at hindi maipag-drop sa klase na ‘yun.
“Ang dami na ng isinakripisyo mo para sa akin. Kaya naisip ko.. ano ba naman ang
maghintay ako para sa ‘yo. Walang wala na nga ang gagawin kong ‘yun kumpara sa mga
ginawa mo. Naisip ko, pwede kitang bawiin kay Tom pero dapat talagang maghintay
muna ako para sa tamang panahon. Kaya ang ginawa ko, nag-aral ako, nag-review,
nagpatutor pa ako kay pres para maintindihan ko ang ibang lessons. Gusto ko kasing
ayusin na ‘yung grades ko para kapag ayos na ‘yun, babawiin na kita sa kanya.
Babawiin na kita kay Tom at wala na siyang magagawa pa para i-blackmail ka ulit
kasi maganda na ang grades ko.”
Naputol ang sasabihin ko nang halikan niya ako. He grinned after giving me a peck.
“Huwag ganun, Ma. Hindi ba nangako ako sa ‘yo dati na hindi kita bibitawan. Syempre
tutuparin ko ang pangakong ‘yun. Letting you go is not in my vocabulary.”
Hindi ko na naman nagawang magsalita kaya yumakap na lang ako sa kanya. I missed
him. I missed him so much. Ang sarap sa pakiramdam na pagkatapos ng lahat ng
pinagdaanan namin, lahat ng iyak na iniyak namin at mga sakit na naramdaman namin,
sa isa’t isa pa rin pala talaga kami babagsak.
“Ano ‘yun?”
“Kahit noong mga panahong gulong gulo na ako sa nangyayari sa atin, isa lang ang
narealize ko.”
Humiwalay ako ng kaunti pero nakahawak pa rin ako sa braso niya habang siya ay
nakahawak sa bewang ko, “I love you. You’re my great love. Siguro iisipin ng iba na
masyado pang maaga para sabihin ko na ikaw na nga ang great love ko pero pakialam
ko sa kanila. Basta ako, alam ko at sigurado ako na ikaw nga ‘yun. Kapag may
humigit pa sa pagmamahal na nararamdaman ko sa ‘yo, baka hindi na kayanin ng puso
ko. I love you. I love you so much. And thank you for staying. Thank you for
holding on. Thank you for loving me.”
Hinila niya pa ako lalo palapit sa kanya saka mas pinaliit ang pagitan sa aming
dalawa. He held my face and kisses me. Sweet and passionate. I can feel the love-
his love. After felt like eternity, I pulled away and let my forehead rest on his.
Pagdilat ko ay nakapikit pa rin siya pero nakangiti. I can’t help but smile, too.
Ang lakas makahawa ng ngiti niya. He gave me a peck on the lips then tousles my
hair.
“Tara na.”
Iniabot niya ang kamay niya sa akin na agad ko namang tinanggap. Bago pa man din
kami tuluyang makalabas ng classroom, napalingon ako sa pwesto namin kanina. Nandun
pa pala ang cellphone ko.
“Ano?”
“Hindi ko alam kung dapat bang ako ang magsabi kaya lang.. basta!”
Inabot ni Xander ang kamay niya sa akin at tinanggap ko naman ‘yun. Mukha namang
gulat na gulat si Sab at nakatitig sa kamay naming dalawa ni Xander. Kulang na nga
lang ata ang ngumanga siya para mas magmukha pa siyang gulat na gulat.
Itinaas ni Xander ang kamay namin, “Ah, ito ba? Wala lang ‘to.”
“Nag-break ba kami?”
***
“I’m thinking how much I love you.” Sagot ni Xander sa tanong ko at kumindat pa.
Baliw talaga ‘to. “Nasaan na sila?”
Umupo ako sa tabi niya at tiningnan ang mga bituin. It’s been 5 days since
magkabati kami. Ang sarap sa feeling. Sobra. Mas madalas na rin kaming magkasama
ngayon kasi wala na kaming masyadong ginagawa sa school. Malapit na rin kasi ang
Christmas break. Kaya nga nag sleepover dito ang apat na lalaki kasama si Manager
Ry at Ate Cass,
Pagtingin ko sa kanya, nakatitig siya sa akin. Nginitian ko siya at ganun din naman
siya.
“Seryoso. Dati ni hindi man lang sumagi sa isip ko ang magseryoso sa mga babae kasi
mas masaya kako kapag marami sila. Kaya lang bigla kang dumating. Narealize ko
tuloy na kahit gaanong karami pang babae ang dumaan sa akin noon, kahit triplehin
mo pa sila o higit pa, hindi nila mapapantayan ‘yung saya na binigay mo sa akin.
Tagos kasi dito.” Sabay turo niya sa dibdib niya. Tapat ng puso. “Naalala mo ba
noong nakulong tayo dati sa may room ng dance club?”
Tumango siya, “Sabi mo sa akin noon na palagi akong talo. Mukhang ngayon hindi na
totoo ang sinabi mo. Sa ‘yo palang panalong panalo na ako.”
Hinila niya ako at niyakap. Nakasandal ang ulo ko sa balikat niya at umakbay na
lang siya saka kami parehas na tumingin sa langit. Ganito rin kami dati. Noong bago
matapos ang deal. Nakakatuwang alalahanin ang mga nangyari noon.
“Tara na sa loob. Baka ginawin ka na.”
Pagpasok namin inabutan namin ‘yung iba na tulog na tulog na. Ibinaba kasi namin
ang mga kutsyon at inilagay sa sofa para tabi-tabi kaming lahat matulog.
Humiga na ako at tumabi sa akin si Xander. Pinahiga niya ako sa braso niya at
niyakap, “Goodnight, Ma.” Bulong niya at hinalikan ang ulo ko.
Kahit sobrang dami naming pinagdaanan namin ni Xander at kahit sobrang daming
maling liko ang nilikuan namin, nahanap pa rin namin parehas ang daan pabalik sa
isa’t isa. Masaya ako at nagtagpo pa rin kami sa dulo. Xander is my endpoint. He is
my destination.
***
Next update: Hindi ko alam. This week basta. Hindi na every other day ang update.
Para hindi agad matapos. (Kapag mabagal akong mag-update, nagrereklamo kaya. Kapag
mabilis, nagrereklamo pa rin. Kaya hindi na lang mabagal tapos hindi rin mabilis.)
Hahaha. Thank you guys. 14-15 chapters left. 13 chapters kila Ice at Zoe. The
remaining, lahatan na.
Battle 60
Zoe’s POV
Ugh. Bakit parang sobrang liwanag? Hindi ko ba napatay ang ilaw ng kwarto ko kagabi
o hindi ko nasarado ang kurtina kaya hindi na naharangan ang bintana.
Iminulat ko ang mata ko para masagot ang tanong ko. And then I remember, wala nga
pala ako sa kwarto ko. Nag-sleepover nga pala sila dito. Dahan dahan akong umupo at
isa-isa ko silang tiningnan. Lahat mga natutulog pa.
Si Xander at Yannie ang nasa pinakadulo. Matutulog na lang sobrang sweet pa rin.
Nakahiga sa braso ni Xander si Yannie at yakap yakap naman siya nito. Goodluck sa
braso ni Xander paggising niya. Pero sabagay. Hindi ko rin sila masisisi na ganyan
sila ka-sweet ngayon. Tinalbugan na ‘yung sweetness nila noon. Na-miss siguro nila
ang isa’t isa.
Katabi naman nila Yannie si Sab na sobrang himbing ng tulog. Katabi ni Sab si Josh
na nakayakap sa kanya. Napangiti na lang ako. Ang himbing ng tulog nung dalawa. At
ever since naging sila ulit, nabawasan na ‘yung bangayan nila. Pero syempre nandun
pa rin ‘yun paminsan minsan. But I can see them slowly maturing.
Si Ken naman ang katabi ni Josh. At syempre, kapag sinabi kong si Ken, si Ayu na
ang kasunod. Ang cute nilang dalawa. Nakasandal si Ayu sa balikat ni Ken at medyo
nakatagilid ang ulo ni Ken. Nakadikit sa ulo ni Ayu. They’re still the same mature
couple I know.
Ako na ang katabi ni Ayu at tiningnan ko ang nasa kaliwa ko. Si Ice na nakatagilid
at nakaharap sa akin. Tinitigan ko siya. Halos kabisaduhin ko na ang features ng
mukha niya. Ang himbing ng tulog niya. Kung paano siya kapag gising siya, ganun din
siya ngayon. Ang peaceful niyang tingnan. Pwedeng titigan ko lang siya buong araw.
Masyado akong busy sa pagtitig kay Ice na hindi ko na napansin na nagising na rin
pala si Ate Cass, “Picture-an mo pa ‘yan.” sabi niya using her sleepy voice.
Aga-aga nang-aasar agad. Ngumiti na lang ako at umiling. Uupo sana siya pero
napabalik siya sa paghiga kasi nakapatong pala yung paa ni Manager Ry sa kanya.
Natawa na lang ako at tumayo na nang dahan-dahan. Itinulak niya si Manager at hindi
naman siya nagising. Wow. Grabeng matulog.
“Kung sino pinakamatanda siya pinakamagulo.” Nailing niyang sabi nang makatayo.
“Good morning nga pala.”
Damn it! Ilang taon na kami pero bumibilis pa rin tibok ng puso ko kapag nandyan
siya. Idagdag pa ‘yung nakakalokang itsyura niya ngayon. Medyo nakapikit pa ang
mata at sobrang messy ng buhok niya pero ‘yung klase ng messy hair na mas lalong
nagpa-hot sa yelong ‘to. Medyo may patak pa ‘yung tubig sa buhok niya. Binasa niya
malamang nung naghilamos siya kanina. Napalunok na lang ako. I am checking him out.
Ugh.
Lumapit siya at tiningnan ang ginagawa ko. “Breakfast?” tanong niya kaya tumango
ako.
Nagulat na lang ako nang bigla niya akong yakapin kahit nakatalikod ako sa kanya at
ipinatong ang chin niya sa shoulder ko. Pero hinayaan ko na lang. Naglalambing na
naman malamang ‘tong yelong ‘to.
“Kunyari ikaw ang mommy.”
“Ha?”
“Ikaw ang mommy. Tapos ako kunyari ang daddy. ‘Yung mga natutulog naman sa sala ang
mga anak natin. Tapos si ate at si Kuya Ry ang lolo at lola.”
Natawa na lang ako sa mga iniisip at pinagsasabi niya. Baliw talaga minsan ang
lalaking ‘to.
“Ano na naman?”
Sumunod naman siya at bumitaw nga. Kinuha ko ang mga priprituhin ko. Typical
breakfast food. Ham, hotdog, bacon, egg. Bumalik ako sa counter para ayusin ulit
ang mga ‘yun habang si Ice ay sumandal sa counter at tumabi sa akin.
“Ano na?”
“Pakasal na tayo.”
Tinawanan niya ako sa sagot ko saka pinisil ang magkabilang pisngi ko, “Araaay.”
Nagsimula nang tumulong si Ice nang may biglang nagsalita sa likod namin, "Akala
niyo naman nag babahay bahayan lang kayo."
Tiningnan namin ang nagsalita. Si Ate Cass pala. Naglalakad naman papalapit si
Manager Ry, "Hayaan mo na. Para namang hindi natin nilaro 'yan dati."
Nagkatinginan kami ni Ice. Parehas nagpipigil ng tawa dahil sa pamumula ni Ate
Cass.
Nagtalo pa ang dalawa pero hindi na lang namin pinansin ni Ice at nagpatuloy sa
ginagawang pagluluto. Tinawag na namin ang lahat ng matapos kami sa pag-aayos.
Habang kumakain, hindi nawawala ang kwentuhan hanggang sa magtanungan kung ano ang
plans namin for today.
“Back to business. No name.” sagot ni Manager Ry at ininom ‘yung kape niya. “Sasama
sa akin si Cass.”
“Why?”
Magsosolo raw muna si Xander at Yannie. Magdedate ata kung saan man. Si Josh, Sab,
Ayu at Ken naman ay pupunta sa university. Mag-aayos si Ken ng requirements niya
habang si Ayu ay may aayusin din daw na article. May meeting naman ang varsity kaya
pupunta si Josh at sasamahan daw siya ni Sab. Makikipagkwentuhan din ‘yun malamang
kay Sachi at Jacob.
“Mukhang tayo lang walang sched ngayong araw. Saan mo gustong pumunta?”
“Wala naman.”
“Hindi ka pa uuwi?”
Napairap na lang ako kay Ice at nagpatuloy sa pagkain. Dinadaan na naman niya ako
sa mga pa-sweet niyang ganyan. Kainis. Pero joke lang. Nakakakilig.
“I get it. I get it. No need to remind me, Ayu. Pwede ka ng makaalis.”
“She’s like my mom.” Natatawang sabi ni Ice nang makaalis na sila Ayu.
Nagkwentuhan at nanuod lang kami ng movie ni Ice nang makaalis na silang lahat.
Magtatanghali na pero wala pa ni isa sa amin ni Ice ang kumikilos. Nagugutom na ako
pero nakakatamad magluto.
Tiningnan niya ako saglit at pinatay ang TV saka tumayo, “Tara na. Lunch tayo sa
labas.”
***
Kumakain kami ni Ice nang mapatingin ako sa isang lalaki na nakaupo sa dulong table
ng restaurant. Hindi naman siya kumakain at nakatunganga lang. Tinitigan ko siya
and there! Kilala ko pala kung sino ‘yun.
“Tom.”
Nakatingin lang kami ni Ice sa pwesto niya nang bigla siyang dumukot ng pera sa
wallet niya. Inilapag lang niya yun sa table at umalis na. Sayang ‘yung pagkain.
Hindi man lang ginalaw. Sana itinake-out man lang niya tapos pinakain sa mga bata
sa labas. Dami kayang nagugutom.
Matapos namin kumain ni Ice, naisipan ko siyang yayain sa kanila. Nandun daw kasi
si Ashley. Matagal na rin magbuhat nung huli kaming mag-usap kaya gusto ko sana
siyang makakwentuhan.
Nasa may parking lot kami nang makita ko na naman si Tom na mukhang wala sa sarili
at bigla na lang tumawid kahit na may dadaang sasakyan, “Watch out!” sigaw ko.
Hindi siya natinag pero napapreno naman agad ‘yung sasakyan. Tumakbo kami ni Ice
papalapit sa kanya at saka lang ata niya narealize na muntik na siyang
masagasaanan. Yumuko na lang ako sa driver bilang paghingi ng sorry para kay Tom.
Nagkatinginan kami ni Ice at tinanguan niya ako na para bang nabasa niya ‘yung nasa
utak ko. Inalalayan ko si Tom, “Where’s your car?” Itinuro niya ‘yung sasakyan na
katabi lang ng kay Ice.
Sumandal kami parehas sa sasakyan niya habang si Ice ay bumalik sa sasakyan niya at
hinayaan muna kami ni Tom mag-usap.
"Kung magpapakamatay ka, aba, huwag dito. Madadamay pa 'yung makakasagasa sa 'yo.
Punta ka na lang sa rooftop ng napakataas na building saka ka tumalon. Sure dead ka
dun."
Hindi niya pinansin ang sinabi ko kaya napabuntong hininga na lang ako, “Anong
problema mo?” tanong ko sa kanya.
Alam ko naman ‘yung ginawa niya kay Yannie. Aaminin ko nainis ako sa kanya kaya
lang napag-isip isip ko he just did that because he loves Yannie. So much.
“Huh?”
“Nabwisit ako sa ‘yo. But who am I to get angry? You did that for a reason. Hindi
ko lang alam kung ano ‘yun.”
“I love her, Zoe. I love her so much. I know they’ll figure out that I’m lying. But
I still did that because I want to feel loved by her again. Even just for a short
period of time. She cares. But she doesn’t love me anymore. I set them up.”
“Ha? Paano?”
“Tinakot ko si Yannie pero wala akong planong ipabagsak talaga si Xander. I just
want to test their love for each other. I tested Yannie’s love for Xander. She’s
willing to do anything for him. She’s even willing to sacrifice her happiness for
him. I tested Xander’s love for Yannie. I want to make sure he loves Yannie. And he
proved himself worthy by waiting and not throwing away his life for her. He didn’t
give up on Yannie.”
“Wala. Gusto ko lang maramdaman ulit ang pagmamahal ni Yannie na sa kamalas malasan
ay hindi ko nakuha at gusto ko lang din masigurado na sa tamang tao mapupunta si
Yannie. I love her so much, Zoe. At sobrang sakit na.”
Napaiyak na naman siya at hinayaan ko na lang. Hindi ko rin napigilan ang mapaluha.
Nakakaawa kasi si Tom. Nasa kanya na noon, nawala pa sa kanya ngayon. Ang sakit
siguro talaga nun.
“Things will get better in time. Someday, someone will walk into your life and make
you realize that the pain you’re feeling now is nothing compared to the happiness
she’ll bring. When you find that certain someone, don’t let her walk away.”
Nagkwentuhan pa kami sandali ni Tom at nang maging okay na siya ay bumalik na ako
kay Ice at nagpaalam na siyang umalis.
“Anong nangyari?”
Isusuot ko pa lang sana ang seatbelt nang bigla niya akong hilahin at yakapin,
“Well, I’m a hugger. And I’m proud of you.”
“Para saan?”
***
Hindi mas marami ang kila Ice at Zoe. Bilangin niyo isa-isa ang solo chapters nila.
Lahatan - Chapter 73
Nasobrahan ng isang chapter sila Ayu at Ken. Hayaan na at wala naman silang scene
masyado nung book 1.
Battle 61
Zoe’s POV
Napangiti ako sa bungad niya sa akin pagsagot na pagsagot ko ng tawag niya. Hindi
kami magkakasama ngayong pasko kasi nasa sarili sariling pamilya kami ngayon.
“Merry Christmas, Ice! Greet your parents and siblings for us!” sigaw ng mommy ko
nang marinig niya ang pagbati ko kay Ice.
We ended the call at lumabas na ako para maki-celebrate sa kanila. Sa labas kasi
naghanda ang mga pamilya namin nila Sab, Ayu at Yannie. Parang tradition na rin
naman ‘to every Christmas and New Year. Nagkakaingay na sa labas nang makarating
ako.
Kain na ng kain si Ayu at Yannie sa isang tabi kasama si Sab at Josh. Swerte lang
ni Sab na naging kapatid ni Josh si Ayu. Nagkakasama kasi sila kapag mga ganitong
holidays.
“Inam! Binati siya ni Ice tapos kaming mga kaibigan hindi man lang binati.” Reklamo
ni Josh na sinang-ayunan naman nila Ayu, Sab at Yannie.
“Hindi pa naman tapos ang pasko. 12 midnight pa lang. Huwag nga kayong excited.”
Nagkwentuhan kaming lima nang makisalo na sa amin ‘yung mga magulang namin.
Kwentuhan sila ng kwentuhan tapos kaming lima parang may sarili ring mundo.
“Uy, Bakulaw, pakuha nga nung tinidor ko. Nalaglag sa gawi mo.”
Kinuha naman ni Josh ‘yung tinidor at nang iabot na niya ‘yun kay Sab ay biglang
tumawa ‘yung mommy ni Sab. Napatingin kami sa kanya kasi wala naman daw nakakatawa
sa pinag-uusapan nila pero natatawa siya bigla.
“Ano nga ulit ‘yung tawagan niyo, hijo?” tanong niya kay Josh.
Napatingin sa amin si Josh at mukhang hindi niya alam kung sasabihin ba niya ‘yung
tawagan nila o hindi. Sino ba naman kasing magiging proud sa ganung tawagan? Pero
nadadala naman nila 'yun at isa pa, kapag sa kanilang dalawa, parang ang cute
pakinggan. Bagay kasi sa kanila. ‘Yung tipong hindi sweet na tawagan pero kapag
sila na ‘yung nagsabi parang.. sweet na rin. Ewan. Ang labo.
“Bakulaw at Halimaw po, tita.” Sagot ni Josh. Halata mong nahihiya siya dahil sa
pamumula ng tenga niya. Nagpipigil na lang kami ng tawa nila Ayu at Yannie sa mukha
ngayon ni Josh.
Walang nakasagot ni isa sa amin. Kung tutuusin hindi ko rin naman alam sagutin ‘yan
kasi wala kaming tawagan ni Ice. First name basis. Plain Ice and Zoe lang.
“Noong panahon namin, ang madalas tawagan ay honey, love, mahal, pangga.” Sabi
naman ni daddy.
“Ngayon nga iba-iba na. Noong isang araw, namili kami tapos may nakasabay kaming
dalawang magkasintahan. Tawag nila sa isa’t isa.. ano nga ba ‘yun?” tanong ng mommy
ni Sab sa daddy ni Sab.
Napatikom ako ng bibig at pilit pinipigil ang tawa ko sa mga pinagsasabi ng mga
magulang namin.
“Ayun, tapos ang tawag nila sa isa’t isa, asawa ko. Akala ko nga totoong mag-asawa.
Ang bata naman kako.”
Nagtawanan na naman ang mga magulang namin at palihim kaming napatingin nila Ayu
kay Yannie na pulang pula na ngayon. Parang mag-asawa na rin kasi ang tawagan nila.
Ma at Da. Mommy at daddy. Nagkatinginan kami ni Ayu at iisa ang reaksyon namin sa
mukha nila Josh, Sab at Yannie. Tulad namin ni Ice, sila Ken at Ayu lang din ang
walang tawagan.
Hindi sumasagot si Yannie kaya ako na ang sumagot para sa kanya, “Ma at Da po,
tita.” Naramdaman ko ang pagsipa ni Yannie sa paa ko pero hindi ko na lang siya
pinansin.
“Ikaw ba, hija, may tawagan ba kayo ni Ice?”
“Wala po. Parehas lang po kami nila Ayu. First name basis.” Sagot ko sa kanya.
Nagpatuloy kami sa pagkain at pagkwekwentuhan pero mapupula pa rin ‘yung mukha nung
tatlo kaya hindi na namin napigilan ni Ayu ang mapatawa.
Nang matapos na kami sa pagkain at nakapagligpit na kami, bumalik ako sa kwarto ko.
2 am na. Gising pa kaya si Ice? Hindi kasi ako makatulog.
But maybe tulog na siya. Itetext ko na lang ang ibang friends ko ng “Merry
Christmas”.
As I hit send, biglang lumabas ang picture ni Ice sa phone ko. He is calling me.
Gising pa nga ang loko.
“Hindi kasi ako makatulog.” Napairap na lang ako sa naging sagot niya kahit alam
kong hindi niya ako nakikita. Napakasarcastic nga naman ng taong ‘to.
“Right.”
Nagkwentuhan kaming dalawa sa nangyari ngayong Noche Buena at speaking of. Naalala
ko na naman ang kwentuhan kanina.
“Zoe!”
Napangiti at napailing ako sa sagot niya. Sabi nila ang suplado raw ni Ice kapag
hindi ka niya kilala at hindi ka niya close. Totoo naman ang mga sabi sabi pero
kapag sa barkada at kapag kami lang, napakamaloko at ang childish din niya. Parang
dalawa ang katauhan.
“Kanina habang nagkakainan may napag-usapan kami. ‘Yung mga call names, endearment.
Ganun.”
“O?”
Narinig ko ang pagtawa niya sa kabilang linya. Isa pa ‘yan. Ang hilig akong
pagtawanan. “Gusto mo ba meron?”
“Tinatanong lang naman kita.”
“Ano gusto mo.. baby? Babe? Love? Sweetheart? Honey? Mahal? Dear?”
“Baduy mo!”
Narinig ko na naman ang pagtawa niya. Nag-eenjoy pa siyang pinagtritripan ako ha.
“Ano nga ‘yung gusto mo? Game. Sabihin mo na.”
“Kainis.”
“Naiinis ka na ba?”
“Hindi.”
“Naiinis ka na e.”
I heard him chuckled on the other line. Mas nainis lang tuloy ako. Kasi naiinis na
nga pinagtatawan pa.
“Zoe.” Hindi ako sumagot. Kaya lang biglang bumilis ‘yung tibok ng puso ko nang
tawagin niya ako. Lagi namang ganito kaya hindi ko na lang pinapansin.
“Zoe.”
“Zoe.”
"Zoe."
“Bakit ba?” pinilit kong sabihin ‘yan na may tonong naiinis kahit ang totoo,
nawawala wala na ang inis ko sa kanya at hindi ko alam kung bakit ganun.
“Zoe.”
Pinagtritripan na naman talaga ako nito. Kaya para makaganti, tatawagin ko rin
siya, “Ice.”
“Zoe.”
“Ice.”
Napatahimik siya sandali. Akala ko ibinaba na niya ang phone pero pagtingin ko sa
screen ay hindi pa naman nag-e-end ang call. Magsasalita na sana ako ng makarinig
ako ng buntong hininga sa kabilang linya.
“Naramdaman mo ‘yun?”
“Ang alin?”
Pinakiramdaman ko ang tibok ng puso ko at tama nga siya. Mas mabilis ang tibok ng
puso ko kapag tinatawag niya ako.
“Your name sounds so special. Kaya bakit pa tayo gagawa ng endearment? I love your
name, Zoe. At ayokong palitan ang pangalan mo ng kahit na ano mang pangalan o
tawagan sa mundo. Kung may ipapalit man ako dyan, 'yun lang ay 'yung apelido mo at
gagawin kong apelido ko.”
Hindi na naman ako makapagsalita. Lagi na lang din siyang nambibigla na ganyan. One
moment nang-iinis, the next thing, naglalambing na. He is very spontaneous.
“And that’s also the reason why I don’t want us to have an endearment. Because I
love it when you say my name. Lakas makapagpabilis ng tibok ng puso. It sounds so
special when you’re the one who’s saying it.”
“Ice..”
“Hmm?”
“I am?”
“Whatever.”
“Kinikilig ka lang.”
“I love you.”
Natahimik siya ulit sandali pero alam kong napapangiti siya kahit hindi ko siya
nakikita, “Sino nga ulit ang kinikilig sa atin?”
***
Hindi kami umuwi ngayon sa bahay namin nila Sab dahil pinilit kami ng mga magulang
namin na mag-stay na dito hanggang new year. Hindi raw ‘yung uuwi kami tapos
babalik dito para mag new year. Nakakapagod na raw kasi ‘yun.
Sanay na kasi akong bumabalik kami sa bahay namin nila Sab after Christmas tapos
babalik na lang kami dito before mag New Year. Kaya nga lagi kaming
nakakapagcelebrate ng anniversary namin ni Ice. Kaya lang ngayon, mukhang hindi
kami makakapag-celebrate ng magkasama kasi ayaw akong pauwin nila mommy.
“Palibhasa kasi magkasama na kayo kaya okay lang sa inyo. Anniversary na kaya namin
ni Ice bukas pero hindi ko pa nasasabi sa kanya na hindi ako makakauwi. Baka
magtampo ‘yun.”
“Of course he’s not irrational. Maiintindihan nga niya ‘to for sure pero alam kong
malulungkot siya. Anniversary namin tapos computer screen ang kaharap namin? Sweet
lang ‘di ba?” sarkastiko kong sagot kay Josh.
“Ang dami dami kasi ng araw na pwedeng sagutin si Ice December 30 pa.”
“Alam niyo naman ang istorya ng pagsagot ko kay Ice, ano ba.”
"Diyan lang kayo." Sabi ko kila Josh at Sab saka pumunta sa kwarto ko para hanapin
ang phone ko.
Nagtatype na ako ng itetext ko kay Ice kaya lang naisip ko na parang mas maayos
kung tatawagan ko na lang siya. Gusto ko rin kasi malaman agad ang magiging
reaksyon niya.
Ilang araw na niya akong niloloko dahil sa sinabi ko sa kanya tungkol sa endearment
nung pasko.
"Shut up."
"Ano 'yun?"
Huminga muna ako ng malalim. Ang bilis ng tibok ng puso ko. Sobrang kinakabahan
ako.
"Ano.. kasi.. ayaw akong pauwiin muna nila mommy. So after new year na ako
makakabalik."
Hinihintay kong sumagot siya pero hindi siya nagsalita. Mas lalo lang akong
kinakabahan.
"Yes."
"Galit ka? Sorry. Pinilit ko rin silang pauwiin ako dyan pero hindi ko talaga sila
napapayag."
"Sure ka?"
"Yes."
Sinenyasan ko siyang susunod na lang ako. Nagpaalam lang ako kay Ice at bumaba na.
Hapon na when I texted Ice pero hindi siya nagreply. Busy siguro or hindi hawak ang
phone.
Nang maggabi na, chineck ko ang phone ko para malaman kung nagreply na si Ice pero
nadisappoint lang ako kasi hindi pa rin nagreply.
Nakahiga ako sa kama ko nang tumunog ang phone ko. Ineexpect kong si Ice ang
nagtext pero si Yannie pala.
Pumayag ako sa alok ni Yannie. Tinext ko pa si Ice na pupunta ako kila Yannie at
late na siguro uuwi sa amin kasi every time na nagmomovie marathon kami, 12:30-2 na
halos ako nauuwi pero okay lang kila daddy kasi magkakalapit lang naman kami ng
bahay at hindi delikado sa subdivision namin.Hinintay ko ang pagreply ni Ice pero
wala pa rin.
Habang nanunuod kami nila Yannie, chinecheck ko pa rin ang phone ko constantly.
Kaya lang wala pa rin siyang reply.
Napatingin ako sa oras. 11:43pm. Malapit na ang anniv namin pero hindi pa rin siya
nagtetext.
Sabi niya hindi siya galit. Sabi niya okay lang. Bakit parang hindi naman?
***
Next update: Kung kailan ko trip. Magreklamo na ang magrereklamo basta kung kailan
ko trip saka ako mag-a-update. Bahala kayo. :P
Battle 62
Zoe’s POV
Hindi raw galit pero hindi nagrereply. Hindi raw galit pero ni hindi man lang ako
binati maski simpleng “Happy Anniversary” na lang. Hindi raw galit pero hindi
tumatawag. Hindi raw galit pero biglang nawala.
Nakakakilig ang pinapanuod namin, or should I say nila, pero ito ako, ni hindi man
lang madapuan kahit isang segundong kilig lang. Nakakainis naman kasi. Alam ko
naman ang mali ko. Ayun ay ang hindi ako umuwi kung kailan anniversary namin. Kaya
lang as if namang choice ko ‘yun. Kung ako lang ang masusunod uuwi naman ako e.
Siya naman itong nagsabing okay lang, hindi siya galit pero hindi ako tinetext.
Hindi ako kinakausap.
“Huwag mo masyadong panggigilan ang unan ko, Zoe. Walang ginagawa sa ‘yo ‘yan.”
Ibinalik ko sa kama ni Yannie ang unan niya at sumandal. Napabuntong hininga ako at
pilit inaalis ang inis ko pero ayaw talaga. Sana sinabi na lang niya na naiinis
siya. Sana sinabi na lang niya na hindi okay. Hindi ‘yung sasabihin niyang okay
lang tapos hindi naman.
Ibinato ko kay Josh ang phone ko na agad naman niyang nasalo, “Tingnan mo. Ikaw na
mismo tumingin.”
“Mukhang hindi pa nga.” Kumento niya at inilapag ang phone ko sa kama ni Yannie.
“OA naman niyang matulog, Ayu. Kaninang tanghali hanggang ngayon tulog?”
“Baka nga nagalit.”
“Tinanong ko siya kanina kung galit siya. Sabi niya hindi naman. Okay lang naman
daw. Ay gaguhan?”
Natapos na rin pala ang pinapanuod nila kaya ginigisa na nila ako. Tiningnan ko
ulit ang orasan ni Yannie. Ala una na.
Nang makuha ko ang phone ko chineck ko ulit kung nagtext na ba ‘yung yelo o hindi
pa rin. At ano pa nga ba. Hindi pa rin. Kapag ako tuluyang nabwisit, lulusawin ko
siya e. Simulang simula ng isa sa pinakamahagalang araw sa buhay ko bad vibes na
agad ang salubong.
“Nag-effort pa naman akong gawan siya ng regalo tapos hindi naman pala niya ako
babatiin. Pwes magtigil lang siya at hindi ko na ibibigay sa kanya ‘yung regalo
ko.”
“Huwag ka ngang nega dyan, Zoe. Malay mo naman hindi nakalimutan. Simula pa lang
naman ng araw. Kapag hindi ka binati ng buong araw, saka ka magalit.” Sabi ni
Yannie.
Kinuha ko ang cellphone ko at tinawagan si Ice. Pero hindi pa rin siya sumasagot.
“See. Wala pa rin.” Hindi ko na sila hinintay magkumento at tinawagan ko na rin si
Ken at ilang ring pa lang ay sinagot na niya ang tawag ko.
“Hello?”
“Gising ka pa?”
Nagdaldalan pa kami nang biglang mapatalon si Ayu, “Gaah. Nakakagulat ‘yang phone
mo. Ang ganda ganda ng higa ko dito tapos biglang magvavibrate. Nakadagan pa naman
ako.” Tiningnan niya ang phone ko at ihinarap sa akin ito pagkatapos, “Ayan!
Tumatawag na ‘yung yelo mo.”
Kahit nabwibwisit ako kay Ice at kahit hindi naman niya sinasagot ‘yung tawag ko,
sasagutin ko pa rin ang tawag niya.
“Bakit?”
“Wow. Ngayon magrereact ka. Kaninang nagtetext ako sa ‘yo no comment ang drama mo.”
“Hindi ko chineck ang phone ko kanina. Isa pa, ano namang irereply ko sa messages
mo? Ingat? Lagi ko ng sinasabi ‘yun. Alam mo na ‘yun.”
Napatahimik ako saglit sa naging sagot niya. Sa tono niya siya pa ang mukhang
nagagalit.
Ramdam ko ang pagtingin nilang apat sa akin kahit nakapikit ako. Wala ako sa mood
makipag-usap kaya tumayo ako, “Uwi na ko.”
Hindi ako sumagot at lumabas lang pero bago pa man din ako tuluyang makalabas ng
kwarto ay narinig ko ang bilin nila Sab kay Josh na tingnan ako hanggang makapasok
ako sa bahay at huwag na rin magtanong tungkol sa phone call ni Ice.
Magkasabay kaming bumaba ni Josh at wala pang ilang minuto ay nakarating na kami sa
bahay. Nasa front door ako nang tawagin ako ni Josh.
“Alam kong sinabi nila na huwag kang tanungin tungkol sa tawag. Pero kung ano man
ang pinag-awayan niyo ni Ice, sana maayos niyo agad. Anniversary niyo pa naman.”
At least nandito ang mga kaibigan ko at iniintindi ako ngayong nag-iinit ang ulo
ko.
Dumiretsyo ako sa kusina para uminom ng tubig. Baka sakaling mapalamig nito kahit
papaano ang ulo ko. Kaya lang kung hindi ba naman ako tanga.. pagkainom ko ng
tubig, binuksan ko ang freezer at naghanap ng ice cream. Ice cream. Pati sa comfort
food ko kasama ang pangalan niya edi ayan. Naalala ko na naman ang nangyari kanina.
Dirediretsyo ako sa kwarto ko at nang buksan ko ang pinto, hindi na ako makagalaw
sa pwesto ko.
Oh my God. Oh my God. Oh my God. Nagtriple ata ang bilis ng tibok ng puso ko. Anong
ginagawa niya dito? Bakit siya nandito? Kailan pa siya nandito? Paano siya
nakapasok dito?
Gusto ko itanong lahat sa kanya 'yan pero hindi ko magawa kasi hindi ako
makapagsalita. Lumapit siya at hinawakan ang kamay ko saka ako niyakap.
"Sorry kung inaway kita kanina. Gusto lang talaga kitang sorpresahin. Parte ng
plano ko ang pang-away sa 'yo para mauwi ka na dito."
Hindi ko siya sinagot at idinikit lang ang ulo ko sa dibdib niya. Naramdaman ko ang
paghigpit ng yakap niya at paghalik sa ulo ko, “Galit ka?”
Kanina oo pero paano ba naman ako magagalit kung bigla siyang susulpot sa harap ko?
“Nakakainis ka!”
“O, bakit?”
“Akala ko kaya galit ka! Kakaisip ko na galit ka hindi ko man lang na-enjoy ‘yung
panunuod namin nila Yannie na movie. Kulang na lang din i-murder ko ang phone ko
kakahintay sa reply at tawag mo.”
Pinat niya ang ulo ko at ngumiti, “Sorry na. Kanina kasi bumabyahe kami papunta
dito. Tapos inayos ko pa ‘to.”
“Inayos ang?”
Parang kuminang ang mata ko pagkakita sa kwarto ko. Nakapatay kasi ang ilaw tapos
may mga maliliit na kandila. Maraming maliit na kandila. May dilaw na Christmas
lights na nakadikit sa pader. May mga petals pa na nakakalat. May mga lobo rin.
Sobrang nakakamangha.
“Wow.”
“Nagustuhan mo?”
“Oo. Pero tinulungan ako nila Ken at Xander. Kakapusin kasi ako sa oras kapag ako
lang mag-isa.”
“Nandito sila?”
Tumango siya at ikwinento kung paano niya nagawa ‘to. Nang malaman niyang hindi ako
makakauwi, nagpaalam agad siya sa magulang niya kung pwedeng pumunta dito. Hindi
siya pinayagan. Hindi raw siya pwedeng magpunta ng hindi sila kasama. Niyaya naman
niya sila Xander at Ken at agad naman sumama ang dalawa at syempre kasama rin ang
pamilya nila.
"Sila Xander at Ken nag-book ng hotel. Sila Mama at sila Ashley naman -- "
“Nandito!” nagulat na lang ako nang biglang sumulpot si Ash at niyakap ako. “Hi,
Ate Zoe.”
Lumabas din bigla si Ate Cass at kinawayan ako. Tiningnan ko ang mga nasa likod
nila. Ang parents ko at ang parents ni Ice. Shocks. Nahihiya ako.
“Hello, hija.” Bati sa akin ng mommy ni Ice kaya lumapit ako sa kanya para bumeso.
“Tinawagan kami ni Ice kanina at sinabi ang plano niya. It’s so sweet I can’t say
no to him.” Natatawang sabi ni mommy. “Sa guest room sila matutulog. They’ll stay
here until January 2, anak.”
Lahat tuloy ng inis ko kanina walang wala ng panama sa mga nabalitaan ko ngayon.
Sure ako na isa ‘to sa magiging pinakamasayang holiday sa buong buhay ko.
Nakaalis na ang mga babae pero nasa may pinto pa rin ang papa ni Ice at si Daddy.
“Saan kayo matutulog?” tanong ni Daddy. Pakiramdam ko tuloy namula ako sa tanong na
‘yun.
Dalawa kasi ang guest room sa bahay. Sa isa, baka doon ‘yung magulang niya at sa
isa pa, malamang silang tatlo na nila Ate Cass dun.
“Baka hindi na maghiwalay ‘yan.” Sabi naman ng papa ni Ice at alam kong mas lalo
akong namumula sa mga pinagsasabi nila.
“Ganun ba.” Tiningnan kami ni Daddy sandali at dinuro, “Kung wala kayong balak
maghiwalay, sige, pwede kayong matulog ng magkatabi. Pero tandaan mo Ice, nasa
pamamahay kita.”
Natawa ang papa ni Ice at tinapik si Daddy. Napatingin naman ako kay Ice at ‘yung
mukha niya, namumula na rin kagaya ko. “Tara na at hayaan na natin ang dalawa.”
Natatawa pa rin na sabi ng papa ni Ice.
“Huwag niyong isasara ang pinto.” Unti-unting sinara ni daddy ang pinto pero hindi
niya nilapat, “Ganyan lang!”
Nagkatinginan kami ni Ice at parehas na lang idinaan sa tawa ang mga pinagsasabi ni
Daddy. Nang masigurong umalis na sila ay niyakap na naman ako ni Ice, “I missed
you, baby.”
“Tigilan mo ko.”
“Oo na.”
Tiningnan ko pa rin ang ginawa niya sa kwarto ko. Parang pang fairytale ang dating.
Sobrang ganda. Parang magic lang.
Lumapit ako sa mga lobo kasi may mga nakasabit doon. Tiningnan ko ang laylayan.
Pictures ko. Puro stolen pictures ko.
Kinuha ko ‘yung scrapbook na ginawa ko para sa kanya. “Ayan. Nandyan ang mga
memories natin. Madadagdagan pa ang scrapbook na ‘yan. Sigurado ako.”
Tiningnan niya kada page. Nangingiti ngiti siya habang tinitingnan ‘yun. Kahit
nakakahiya, nilagay ko rin doon ‘yung mga nararamdaman ko. Lahat ng gusto kong
sabihin sa kanya para hindi niya makalimutan.
“Pahiram ballpen.”
Kumuha naman ako ng ballpen at iniabot sa kanya. Tiningnan ko kung ano ang ginagawa
niya. Sinulatan niya ‘yung huling page nung scrapbook pero nung babasahin ko ang
isinulat niya, bigla na lang niya inilayo sa paningin ko ang scrapbook.
“Ang daya.”
“Madaya talaga.”
“Mahal mo naman.”
Sasagot pa lang sana ako pero itinaas niya na ang pointing finger niya, “Na-ah.
Hindi ka pwedeng mag-deny. Nakasulat sa scrapbook ‘yun.”
Natawa siya sa sinabi ko at niyakap na naman ako. Pagbitiw niya ay inutusan niya
akong tumalikod na sinunod ko naman. Hanggang sa may maramdaman akong malamig sa
leeg ko.
Kwintas.
“Alam mo ba, ayan ‘yung dahilan kung bakit kami nag-extend sa States last time.”
“Pinagawa ko kasi ‘yan. Pinasadya ko. Nung kukunin na namin, biglang sinabi nila na
nagkaproblema at hindi agad nakuha ‘yung materials para gawin ‘yan. One month pa
bago makuha. Sabi nila mama pwede naman daw na umuwi na lang kami tapos ipadeliver
na lang sa bahay ‘yun kaya lang hindi ako pumayag. Gusto ko kako na makita ko
kaagad yung kwintas kapag gawa na. At kung sakaling may mali, maipaayos ko agad sa
kanila.”
Napatango na lang ako. Kaya pala siya nag-extend noon ay para sa akin din.
Hinawakan ko ‘yung kwintas at saka ko lang narealize na may naka-engrave na
pangalan naman ni Ice doon. “Ice loves Zoe” ang nakalagay sa isang side samantalang
“Zoe loves Ice” naman ang nasa kabila.
Battle 63
Ice’ POV
Hindi ko mapigilan ang mapangiti paggising na paggising ko. Sino ang hindi
mapapangiti kung magigising ka na katabi mo ‘yung taong mahal mo?
I am actually looking forward to that day when I’ll wake up beside her every
morning. Hindi naman ako nagmamadali. Alam kong masyado pa kaming bata para sa
bagay na ‘yun. Basta ang alam ko lang, sigurado ako na siya lang ang babaeng
gugustuhin kong makita na katabi ko sa araw-araw.
Dahan dahan kong binend ang braso ko para mas maayos ang pagkakahiga niya saka siya
tinitigan. She looks like an angel. I wouldn’t get tired staring at her lovely
face. Ang peaceful niyang panuorin.
Abala ako sa panunuod sa kanya habang natutulog nang biglang may nagtulak ng pinto.
Iniwan naming bukas ‘yun, utos na rin ng daddy ni Zoe. Pumasok si Ash at agad ko
siyang sinenyasan na tumahimik siya at baka magising si Zoe.
“I know you love staring at her pretty face, but just so you know, we’re going to
have our breakfast na. Kayo na lang hinihintay. Are you tired or something? You
know.. well.. you and Ate Zoe slept under one blanket..”
Nanlaki ang mata ko at gustong gusto ko siya balibagin ng unan kaya lang baka
biglaang magising si Zoe at isa pa, lumabas na rin siya bago ko pa man din siya
matorture.
Bakit ba minamasama minsan ng mga tao kapag magkatabing natulog ang babae at
lalaki? Tabi lang naman ha. Wala namang ginagawa.
Tinanggal ko na lang sa utak ko ‘yung mga naiisip kong iniisip ng mga tao. Hindi
naman mahalaga ‘yun, ano pang gagawin ko dun?
Ibinalik ko ang tingin kay Zoe at napangiti na naman ako. Kaya lang dapat nang mag
breakfast at ng magkalaman laman naman ‘tong Zoe ko. I kiss her forehead and let my
lips stay there for half a minute or less. Nang tingnan ko na siya, unti-unti
siyang ngumiti habang nakapikit pa rin. Napakaganda niya talaga.
Paano niya nagagawang maging ganito ka-cute ng wala man lang ka-effort effort?
Nagsisimula na silang kumain ng makababa kami ni Zoe. Nang mapansin nila ang
presensya namin ay nagsipagtahimikan sila at tumingin. Bakit ganito ang pamilya
namin parehas? Medyo baliw.
“Kain na kayo.”
Nagkwentuhan ang mga pamilya namin ng kung anu-ano hanggang matapos kami sa
pagkain. Pagkatapos namin ay inaya ako ni Zoe pumunta kila Yannie kaya sumama naman
ako. Dirediretsyo siya sa loob at nang makita niya ang mommy ni Yannie ay binati
niya agad.
“Good morning, tita!” sigaw ni Zoe sa mommy ni Yannie na nasa may kusina.
“Good morning po, tita. We’re going to spend the New Year here po.”
“Aba! Buti naman. Mukhang mas magiging masaya ang bagong taon natin ha.”
“Aba’y buong barkada pala ang nandito. Malamang pati si Ken. Nakakatuwa naman at
mas marami tayong magcecelebrate ngayon bagong taon. Makwekwentuhan na rin namin ng
mas matagal ang mga magulang niyo.”
“Oo nga po e. Hi nga raw po pala sabi ni mommy. Mamaya po pupunta siya dito. Nasa
hotel pa po kasi.”
“Huwag ka ng mahiya. Parang iba pa ‘to. Si Yannie nga pala, nasa itaas. Gisingin
niyo na lang.”
“Okay po.”
Sabay sabay na kaming tatlo nila Xander na nagpunta sa kwarto ni Yannie. Kakatok
sana si Xander pero dirediretsyo lang si Zoe at sinabing pumasok na lang kami.
Tulog na tulog pa si Yannie at nakakalat pa ang DVDs na pinanuod nila kagabi. Late
na siguro nag-uwian ang mga ‘to.
“Wake-y wake-y.” Gising ni Zoe kay Yannie at tinatapik tapik pa. “Wake up,
sleepyhead.”
“Okay, then. I guess, ako at si Ice na lang ang tatambay sa club house.” Hindi
sumagot si Yannie. “Syempre pati si Xander. Kawawa naman kung iiwan namin siya dito
e natutulog ka pa. Alis na kami, bye!”
“Xander?”
“Nandito ka?!” tanong niya kay Xander at inilipat ang tingin sa akin, “Pati ikaw?!”
“Hindi ba halata?”
Lumapit si Xander kay Yannie at niyakap ito sandali, “Bangon na. Tanghali na.”
***
Zoe’s POV
Masyadong mabilis ang oras kapag masaya ka. Kaya sa sobrang saya namin, parang mas
napabilis ang oras.
Sobrang saya ng naging celebration namin sa bagong taon. Kung masaya nung pasko,
mas masaya ngayon. Kung masaya nung mga nakakaraang bagong taon, pinakamasaya
ngayon. Ang sarap lang kasi talaga sa feeling na nakikita mo lahat ng taong mahal
mo na magkakasama. Buong pamilya namin magkakasama. Si Manager lang ang kulang.
Sama samang kwentuhan ang ginawa namin noong bagong taon. Si Ash, paminsan minsan
may kinakausap sa phone. Boyfriend niya malamang o di kaya ‘yung barkada niya. Si
Ate Cass naman ganun din. Kausap din siguro ang barkada niya at si Manger Ry.
Kung sobrang saya ko noong mga araw na ‘yun, ngayon naman tamad na tamad at
nayayamot ako kasi simula na naman ng klase. Walang patawad ang mga prof. Unang
linggo ng klase ngayon taon tapos pinaulanan kami ng mga requirements.
“May org meeting ng five, Zoe.” Salubong sa akin ng president ng org paglabas na
paglabas ko ng faculty dahil nagpasa ako ng mga inutos ng prof sa akin kanina.
Isa pa ‘tong org na ‘to. Buti na lang nag-eenjoy ako sa org kung hindi malamang
dagdag na naman ‘to sa problema ko.
“Sige.”
Pagdating ko ng classroom, wala na kaming mga kaklase halos. Mga lima na lang
siguro ang natitira kasama si Ice.
“Nasaan na sila?”
Napalingon siya sa akin at ngumiti, “Wala raw tayong prof ngayon. Buti na lang.
Uwian na natin.”
“Bakit?”
“Sorry to disturb you, Zoe pero kasama mo ba si Ice? Hindi niya kasi sinasagot
‘yung phone niya.”
Inilayo ko sandali ang phone sa tenga ko, “Hindi mo raw sinasagot ‘yung phone mo
sabi ni Ate Cass.” Sabi ko kay Ice.
Chineck niya ang phone niya pero ayaw magbukas, “Wala na kamo akong battery. Bakit
kamo?”
“Please tell him na huwag kalimutan na magkikita kita kami nila Ash sa No Name
after ng class niyo para sa surprise namin for mama and papa’s anniversary. 5 pm
sharp kamo.”
“Magkita kita raw kayo sa No Name ng five pm sharp para sa anniversary surprise
kila tita.”
“5? E di ba may meeting tayo nun? Hindi na lang ako pupunta sa No Name.”
“No, Zoe.”
“Ice. Isa!”
“Okay, ganito na lang. Sumama ka na lang sa akin. Huwag na tayo umattend ng org
meeting.” Natatawa niyang suggestion.
“Nope. May pinapagawa sa akin last time ‘di ba? Hindi ako pwedeng mawala.”
“Sige na nga. Pero sasamahan na muna kita hanggang magstart ang meeting tapos
pupunta ako ng No Name pero ako ang susundo sa ‘yo kaya i-text mo ako kapag patapos
na ‘yung meeting para punta na tayong No Name. Okay?”
“Fine.”
Naghintay kami hanggang sa mag ala singko. Nang magsisimula na ang org meeting ay
pinaalis ko na siya para makapunta sa usapan nilang magkakapatid.
"Kaya mo na?"
HInila niya ako at niyakap, "Sige na. Alis na ko. I love you." Extra sweet 'to
ngayon ha.
Nakinig ako buong meeting at nang malapit ng matapos ay tinext ko si Ice saka
itinago ang phone ko sa bag ko.
Chineck ko ulit ang phone ko nang matapos ang meeting para tingnan kung nag reply
si Ice. Hindi siya nakapagreply at hinayaan ko na lang. Basta hihintayin ko na lang
siya.
Medyo madilim na rin noon at ilalock na ang room kaya pinalabas na rin ako nung sa
utility. Hinintay ko na lang si Ice sa tapat ng building.
Tinawagan ko na siya para masabi na tapos na kami kaya lang patay ang phone niya at
saka ko lang naalala, wala na nga pala siyang baterya kanina pa. Bakit hindi ko
naisip ‘yun bago siya umalis? Inilibot ko na lang ang paningin sa mga tao sa labas
ng building. Mangilan ngilan na lang kami.
“Zoe, hindi ka pa uuwi?” tanong ng ka-org ko nang abutan niya akong nakaupo lang sa
tapat.
I decided to text Ate Cass pero hindi rin siya nagreply. Tinawagan ko rin siya pero
hindi naman siya sumasagot. Ganun din si Ash.
Ten minutes.
Thirty minutes.
One hour.
Isang oras na akong naghihintay pero wala pa rin siya. By this time dapat naiinis
na ako pero for some unknown reason, hindi ako naiinis. Baka naging super busy lang
siya sa pagplaplan.
Kaya nag-take na lang ako ng taxi para magpunta sa No Name. Nang makarating ako ay
hinanap ko agad sila at nakita ko naman agad si Ate Cass.
“Ate Cass, I’ve been calling you kanina pa. Bakit hindi ka sumasagot?” sabi ko agad
sa kanya pagdating na pagdating ko.
Kinuha naman niya ang phone niya sa bag, “Oh my God. Sorry, Zoe. Nakasilent kasi
ako and busy sa pagplaplan kaya hindi ko na na-check ang phone ko.”
“Nasaan nga pala ang magaling kong kapatid. Hindi man lang kami sinipot ni Ash
dito.”
“Oo nga, Ate Zoe. Kanina pa namin hinihintay. Kaming dalawa na lang tuloy ni ate
nagplan.”
Agad ng bumilis ang tibok ng puso ko nang marinig ang sinabi ni Ate Cass at Ash.
Imposible.
“W..what do you mean, Ate Cass? H..he already left three hours ago.”
Battle 64
Zoe’s POV
“W.. what do you mean, Ate Cass? H.. he already left three hours ago.”
Biglang napatingin sa akin si Ate Cass at Ashley. Mukhang naguguluhan sa sinabi ko.
Maski ako naguguluhan sa nangyari. Bigla akong kinabahan. Kung anu-ano na ang
pumapasok sa utak ko. Ayaw ko mang mag-isip ng hindi maganda, kusa pa rin pumapasok
ang mga ideyang ‘yun sa utak ko.
Umusad si Ash at umupo ako sa tabi niya. Agad kong ininom ‘yung tubig na nasa table
kahit hindi na ako nagpaalam sa kanila. Masyadong mabilis ang pagtibok ng puso ko
na parang kinakapos na ako ng hininga. Sobrang kaba.
“He left three hours ago, Ate Cass. Wala ba talaga siya dito?”
“He’s not yet here, Zoe. Kaya nga nagplano na kami ni Ash kahit wala pa siya. Saan
naman kaya nag punta ‘yung lalaking ‘yun?”
“Let’s call him para malaman natin kung nasaan na siya.” Suggestion ni Ash na
inilingan ko lang.
“Aba. Himala ba ‘to? Ang tahimik niyo namang tatlo?” tanong ni Manager Ry pagdating
niya at umupo sa tabi ni Ate Cass.
Narinig ko at alam kong narinig nila sa Manager Ry pero wala ni isa sa amin ang
sumagot.
Hindi niya kasama kahit sino sa mga boys. Nasaan ka na Ice? As if on cue, biglang
nag-ring ang phone ko. Nagulat ako at umaasang si Ice ang tumatawag. At hindi nga
ako nagkamali. Agad akong napangiti ng makita ang nasa screen ng phone ko.
Ice calling..
“Ice!” sigaw ko sa kanya pagsagot niya ng phone niya at naramdaman ko naman ang
pagtingin sa akin nung tatlo.
“We called to let you know that the owner of this number was caught in a car
accident. He is -- ”
Parang nagblangko ang utak at pandinig ko. Hindi na gumana ng marinig ko ang
salitang “accident”. Lalo bumilis ang pagtibok ng puso ko. Parang lalabas na siya
sa dibdib ko any moment from now. Parang iniipit din ang tiyan ko. Naramdaman ko na
lang ang sunod sunod na pagpatak ng luha ko at ng kamay na humila sa phone ko.
Hindi ko na alam ang nangyayari pero nakita ko na lang ang sarili ko na nakatayo
habang nakaalalay sa akin si Ash at sumusunod kami kila Manager Ry palabas ng No
Name. Anong nangyayari?
***
“Zoe, o.”
Inabutan ako ni Yannie ng tubig. Tiningnan ko lang ‘yun kaya napabuntong hininga
siya at binuksan na ang bote ng tubig para sa akin. “Drink, Zoe.”
Umiling ako at napayuko. Hinawakan ni Yannie ang kamay ko at inilagay ang bote ng
tubig, “Inumin mo ‘yan, Zoe. Nag-aalala na kami sa ‘yo. Huwag ka ng makulit,
please. Ang putla putla mo.” So I did.
Nang makarating kami sa ospital, saka lang nag sink-in sa akin ang mga nangyari.
Naaksidente si Ice.
“Warak ang kotse. Malakas ang impact.” Dinig kong sabi ni Ken sa iba. “Pero hindi
naman sa side ni Ice ang pinakatama.”
Nang makarating kami dito, isa isa na rin nagsulputan ang barkada at ang magulang
ni Ice. Pinaalam na ni Manager Ry sa kanila ang nangyari dahil na rin sa hindi kami
makakilos ng maayos nila Ash.
Naramdaman ko na naman ang pagtulo ng luha ko kaya agad ko itong pinunasan. Then,
someone holds my hand.
“He is going to be fine, hija. He’s strong. He’s our Ice, remember?” nakangiting
sabi ng mama ni Ice pero namumula rin ang mata niya.
Tinanguan ko siya pero hindi pa rin maialis sa akin ang kabahan. Niyakap ako ni
tita at tinapik tapik kaya mas lalo akong napaiyak, “Be strong, Zoe. Tahan na. We
know Ice. Hindi naman papataob ‘yan sa isang car accident lang. Kaya huwag ka ng
umiyak. Paggising niya hindi niya gugustuhing makitang maga ‘yang mata mo. Baka
pagalitan pa kami nun kasi hindi ka namin pinatahan.”
Nang dahil sa sinabi ng mama ni Ice ay pakiramdam ko mas lumakas ako. Tama siya.
Malakas si Ice. At ayaw niyang makitang nagpapakamiserable ako. Baka madamay pa ang
iba kakaiyak ko. Hindi dapat ako maging mahina ngayon. Naniniwala ako na mabilis
gagaling si Ice.
Napatayo agad kami ni tita at lahat kami ay lumapit sa doktor. Mukhang naguluhan
ang doktor dahil labing dalawang katao ang lumapit at pumalibot sa kanya.
“Ako po ang mama niya, doc. Kamusta na ang anak ko?” tanong ni tita.
“Stable na ang lagay niya at babantayan na lang kung kailan siya magigising.”
Nakahinga ako ng maluwag nang marinig ang sinabi ng doktor. Inakbayan ako ni Xander
at ngumiti na ginantihan ko naman ng ngiti rin. Masaya na rin ako dahil kahit
papaano ay ayos na si Ice. At ayun ang mahalaga.
***
Last 9 chapters na lang tapos end na ng Teen Clash 2. Pero may Teen Clash 3 KAYA
LANG HINDI SILA ICE ANG BIDA. K. Thanks! Hahaha.
Battle 65
Zoe’s POV
Tatlong araw na magbuhat nang maaksidente si Ice. Tatlong araw na siyang nasa
ospital. Tatlong araw na siyang natutulog. Tatlong araw ko ng hindi naririnig ‘yung
boses niya, ‘yung mga banat niya, ‘yung mga pang-aasar niya, ‘yung ‘I love you’s’
niya. Namimiss ko na siya kahit katabi ko lang siya. Sobrang lapit lang niya sa
akin pero parang ang layo layo pa rin.
Umupo ako sa tabi niya at hinawakan ang pisngi niya, “Ice, gumising ka na nga
diyan. Siguro nagkukunwari ka na lang na natutulog kasi tinatamad ka, ‘no?”
Napilayan ‘yung kamay niya at may mga galos pa siya. Maski sa mukha may mga sugat.
May benda rin ang ulo niya. Buti na lang din at hindi masyadong malala ang
kalagayan niya.
Hinawakan ko ang kamay niya at idinikit ito sa pisngi ko, “Wake up, my Ice.
Namimiss na kita.”
“Woah. Ikaw na naman? Ikaw na lang palagi kong inaabutan na nandito. Umuuwi ka pa
ba sa inyo?” tanong ni Ken pagpasok na pagpasok niya ng room ni Ice at inilagay sa
side table ang prutas na dala niya.
“Kakauwi lang nila. Maliligo lang si Ate Cass tapos babalik na rin dito.”
“1 pm na.” sabi niya sabay turo sa wrist watch niya, “Sabi ni Ayu may pasok ka raw
ng 2 pm. Pumasok ka na.”
“Wait lang. Magpapaalam lang ako kay Ice.” Reklamo ko sa kanya kaya binitiwan na
niya ako.
Lumapit ako kay Ice at hinalikan siya sa noo, “Papasok lang ako sandali Ice.
Babalik din ako. Pagaling ka na ha?”
***
“He’ll get better, Zoe.” sabi sa akin ng ka-block ko. I smiled at her.
Hindi talaga ako sanay na wala si Ice dito. Walang nangungulit. Walang
naglalambing. Wala akong katabi habang nagklaklase at magsasabing makinig ako sa
prof kapag inaantok na ako. Ang boring ng araw ko kapag wala siya.
Pagkatapos ng klase ko, balak ko na sanang hindi pumasok sa susunod na klase kaya
lang papalabas pa lang ako ng room, sinalubong na ako ni Yannie at Xander.
Ang weird lang na naghehello sila sa akin at inabangan pa nila ako sa labas ng
room. Sanay kasi ako na magtetext lang sila kapag makikipagkita tapos sasabihin
nila kung saan kami magkikita.
Gusto ko sanang sabihin na pupunta ako sa ospital para magbantay kay Ice kaya lang
alam ko namang pipigilan nila ako. Kilala ko na ang mga ‘to. Kaya ayaw ko mang
magsinungaling, mukhang mapipilitan ako.
“Sa student’s lounge. May one hour break kasi ako kaya gusto kong tumambay muna
dun.”
“Wait.” Pigil ni Xander, “Pwedeng dumaan muna tayo sa may fastfood. Nagugutom na
ako.”
“Oo nga. Let’s buy food first saka tayo magpuntang student’s lounge. What do you
think?” tanong ni Yannie sa akin.
Ang kulit. Sabi ko na ngang hindi ako nagugutom at mauuna na ako pero hindi pa rin
ako pinakinggan. Mukhang wala naman akong magagawa.
“Hindi ako nagugutom.” Sabi ko sa dalawa pero parang mga wala silang naririnig. “I
said I’m not hungry.”
“Nagugutom ako at nagkataon na may thirty minutes break pa ako kaya kakain muna
ako.” Sagot niya kaya kinuha niya ang pagkain ni Xander.
“Magtigil ka nga lang dyan, Zoe. Gutom ka pero hindi mo lang alam.”
Nagpaalam si Xander na bibili lang ng pagkain niya dahil inagaw ni Sab ang kaniya.
Sayang lang kasi. Dapat ‘yung akin na lang ang kainin niya. Hindi naman nga ako
nagugutom.
Hindi ako sumagot at tinitigan lang ang mga pagkain. Wala talaga akong gana.
“May isa ka pang choice, Zoe. Ako ang magpapakain sa ‘yo. Mamili ka na lang.” sabi
naman ni Sab.
“Look.. nag-aalala kami sa ‘yo. Hindi ka kumakain madalas. Kung kumain ka man
sobrang konti lang ng kinakain mo. Ano ba? Gusto mo bang tumabi pa kay Ice sa
ospital? Sa tingin mo ba kapag hindi ka kumain ng ganyan gigising na si Ice? Pwede
bang kumain ka kahit papaano habang hinihintay mo na dumilat na si Ice?”
Pinipigilan ko ang maiyak pero hindi ko magawa. Narinig ko ang pagbuntong hininga
ni Sab, “Tama naman si Yannie, Zoe, e. Sana kasi kumain ka na. Baka kaka-skip mo ng
pagkain ma-ospital ka pa. Paano na lang kung mangyari ‘yun? Kapag naospital ka baka
paggising ni Ice hindi ka niya makita kasi naconfine ka rin.”
“Stable na ang kalagayan ni Ice, Zoe. Naiintindihan naman namin na nag-aalala ka.
Kami rin nag-aalala pero hindi namin- natin- pwedeng ihinto ang mga buhay natin
dahil dun. Hindi dahil sa hindi natin mahal si Ice pero dahil alam natin na kapag
nalaman ni Ice na huminto tayo para sa kanya, masasaktan siya. Maiisip din niya na
magiging pabigat siya.” Dagdag pa ni Yannie.
“Kilala natin si Ice. Gusto niya na palagi kang masaya. Gusto niya na palaging
maayos ka. Kaya huwag ka namang magpakalugmok. He’ll get better. We know that. Kaya
sana pati ikaw rin. Three days na ang nakalipas pero parang lugmok na lugmok ka.
Bihira kumain. Bihira magpahinga at matulog. Madalas nasa ospital. Hindi ka pa
pumasok ng dalawang buong araw para bantayan siya dun. Kung hindi ka pa pinaalis ni
Ken, hindi ka aalis. Isipin mo na lang ang magiging reaksyon ni Ice kapag nalaman
niya ang mga ginagawa mo.”
“You love him and he loves you, too. Kaya sana ayusin mo ‘yang sarili mo.”
Para akong pinana sa mga sinabi nilang dalawa. Ngayon ko lang din napansin na hindi
ako masyadong nagkakakain at nagtututulog. Gusto ko lang na bantayan siya. Gusto ko
lang na nasa tabi niya. Ayoko ng umalis sa ospital kasi gusto ko lagi siyang
makita. Napabayaan ko na nga ang sarili ko at dalawang araw pa akong hindi
pumapasok sa mga klase ko.
Hindi nga gugustuhin ni Ice ‘tong ginagawa ko pero sobrang nag-aalala ako sa kanya.
Hindi rin naman ako makapag-focus kapag wala ako sa ospital. Parang umaalis lang
‘yung katawan ko sa tabi niya pero ‘yung puso at utak ko naiiwan.
“We have to go. May klase pa kami. Zoe.. Please go back to your senses.” Paalam ni
Yannie at pinuntahan na si Xander sa counter para umalis.
“Pwede ka ng pumasok,” sagot ko kay Sab pero hindi niya ako pinansin at nagpatuloy
lang sa pagkalikot sa phone niya.
Pagkalipas lang siguro ng ilang minuto, dumating si Ayu sa table namin at umupo sa
tabi ko, “I’m here. Pwede ka ng pumasok, Sab.”
“Okay. Thanks.” sabi niya kay Ayu saka humarap sa akin, “Pumasok ka ha.” Saka siya
umalis.
“You haven’t touched your food?” turo niya sa pagkain na nasa harap ko.
Naalala ko na naman ang mga sinabi nila Yannie at Sab kaya kahit pakiramdam ko wala
akong gana, kinain ko pa rin ‘yung binila nila.
“Dadalaw ako kay Ice after kitang ihatid sa room mo.” Aalma pa lang sana ako pero
itinaaas na niya ang kamay niya at itinapat sa mukha ko, “Wala ka ng say. Napag-
usapan na namin ‘to. Ihahatid kita sa room mo para siguradong papasok ka.”
“No need. Papasok naman ako. Kinausap na ako nila Yannie tungkol diyan.”
I am really fortunate to have them as my friend. Sobra ang concern nila at hindi
nila ako pinapabayaan. They are so nice kaya kahit papaano nababawasan ang pagka
depress ko sa nangyari kay Ice. I’m happy kasi nakaalalay silang lahat sa aming
dalawa. At ayoko na rin namang maging pabigat sa kanila kaya gagawin ko ang lahat
para lang maibalik ang dating sigla ko. Kahit mahirap kasi hanggang ngayon tulog pa
si Ice. Pero pipilitin ko.
Nang matapos kaming kumain ay hinatid na ako ni Ayu sa room. Akala ko pagkatapos
noon ay aalis na siya pero umupo pa siya sa tabi ko at sinabing hihintayin niya ang
pagdating ng prof bago umalis. Ayos na rin siguro ‘yun dahil kahit papaano ay may
naglilibang sa akin. Ang iba ko kasing kaklase siguro naiilang na makipagharutan sa
akin dahil sa nalaman nila ang nangyari kay Ice.
Nang mag dismiss na ang prof ay iniligpit ko na ang gamit ko saka lumabas ng room.
Nakayuko akong naglalakad ng marinig kong may tumawag sa pangalan ko.
“Zoe!”
Nilingon ko kung sino ‘yun at napangiti na lang ako ng makitang sila Xander,
Yannie, Sab at Josh ang mga tumawag. Nakatambay ata sila sa harap ng room namin.
“Bakit kayo nandito ‘di ba one hour ago pa natapos ang klase niyo?” tanong ko kila
Yannie at Xander saka humarap kila Sab at Josh, “Ikaw, Sab? ‘Di ba may klase ka pa?
At ikaw Josh.. well, uwian mo na. Pero bakit kayo nandito?”
Itatanong ko pa lang sana kung nasaan si Ayu at Ken pero naalala ko na nasa ospital
si Ken at sumunod naman si Ayu dun.
I really love my friends. Alam ko naman na ginagawa nila ‘to para sa akin. Para
hindi na ako malungkot.
“Sino?”
***
WALANG OFFICIAL FB ACCOUNT ANG CHARACTERS NG TC SA FB. PERO KUNG YUNG MGA INADD
NIYO NAMAN NA ACCOUNT E HINDI MAGUGULO AT HINDI NILILIKO ANG KWENTO, OKAY LANG
NAMAN. MABAIT NAMAN ANG IBA SA KANILA. :) THANK YOU! ;)
Battle 66
Zoe’s POV
Hindi na ako makapagsalita nang marinig ko ang sinabi ni Ate Cass. Ang alam ko na
lang, kailangan ko ng makita si Ice kaya tumakbo agad ako palabas ang campus.
Ni hindi ko na naalala na magkakasabay nga pala dapat kami papunta sa ospital. Ang
makita na kasi agad si Ice ang unang pumasok sa utak ko at parang wala na akong
pakialam sa mundo.
“Gising na si Ice!” sigaw ko pabalik sa kanila at maya maya lang ay naririnig ko na
rin ang pagtakbo nila.
"What’s with the rush?” naguguluhang tanong ni Ayu nang makita niya kami.
“Gising na si Ice.” Masayang sagot ni Xander sa kaniya. “Teka, hindi niyo alam?”
Nasa labas pa lang kami ng kwarto ay naririnig na namin ang ingay sa loob. Pagbukas
ni Josh sa pinto ay natahimik sila at napatingin sa amin.
“Oh my God. Finally! You’re all here!” masayang salubong sa amin ni Ash, “Gising na
si Kuya Ice!”
“Nakikita naman nila, Ash. No need to state the obvious.” Sagot ni Ate Cass sa
kanya.
“P’re! Buti naisipan mo ng gumising?” bungad ni Josh kay Ice. Nginisian naman siya
ni Ice.
“Baka nagutom na. Mamaya pagkakain niyan matutulog ulit ‘yan. Buhay baboy lang ha.”
Dagdag pa ni Ken.
Nagdaldalan ang apat at nakatitig lang ako kay Ice. Hindi ko magawang alisin ang
tingin ko sa kanya. And suddenly, his eyes met mine. I felt my heart skipped a
beat. Tingin pa lang niya ganito na ang epekto sa akin. Namiss ko ang mata niyang
‘yun.
Kaya lang, nakatitig lang siya sa akin at hindi ko mabasa kung ano ang sinasabi ng
mata niya. At sa tingin niyang ganun, bigla akong nakaramdam ng kaba.
“Very rude, Ice. Kausap ka namin pero sa iba ka nakatinign.” Biro ni Ken at hinila
ako papalapit sa kanya.
Grabe pa rin ang titig sa akin ni Ice kaya wala na akong magawa kundi ang mapalunok
na lang.
“Ano? Ngayon pa ba kayo magkakahiyaan dala – “
“Girlfriend mo?”
Nanlaki ang mata ko sa tanong ni Ice. Kasabay nun ang pagbilis ng tibok ng puso ko.
Binalot ng katahimikan ang buong kwarto. Lahat kami ay nakatingin lang kay Ice at
naghihintay na ibato niya ang punchline niyang ‘biro lang’ pero hindi niya ginawa.
Napatingin sa kanya si Ice at napakunot ang noon, “What did you just call me?”
Mukhang naguguluhan sa tanong si Sab pero sumagot pa rin siya, “Uhh, Ice? Bakit,
ano ba dapat? Superman? Batman? Wonderwoman?”
Ang mga salitang ‘yun. Narinig ko na ang mga salitang ‘yun. Parang nag flashback sa
utak ko ang nangyari years ako sa may parking lot ng Kingdom High. Sinabi niya sa
akin ang halos kaparehas ng sinabi niya kay Sab. Noong panahong may clash pa. Oh
God.
Ibinalik niya ang tingin sa akin at napakunot ulit ang noo niya saka niya tiningnan
isa isa ang mga tao sa loob ng kwartong ‘to.
“Teka lang. Teka lang, ha. Naguguluhan ako sa ‘yo, anak. Ganito, sino ako?”
pagsingit ng mama ni Ice sa usapan.
Parang wala siyang choice kaya kahit naiirita siya ay sumagot pa rin siya, “Si
Papa.”
“Itong dalawa?”
“Ma!”
“Xander, Ken and Josh. They’re my bestfriends of course I would know them.”
Sarkastikong sagot ni Ice.
“Siya?” turo ni tita kay Yannie. Hindi sumagot si Ice at nagkibit balikat.
Tinuro rin ni tita si Ayu at Sab pero ganun din ang naging reaksyon niya. Hanggang
sa ako na ang ituro ni tita, “Siya, anak? Sino siya?”
Napakunot ang noo ni Ice habang nakatingin sa akin. Lahat kami ay hinihintay ang
isasagot niya kahit parang alam ko na. Parang ito na ang pinakamahabang limang
segundo ng buhay ko.
“Ice.. tama na sa joke time. Magaling ka ng umarte, okay? Konti na lang maniniwala
na kami.” Sabi ni Ate Cass pero bakas sa boses niya na naguguluhan din siya.
“They are your friends, Ice.” Sabi pa niya. “And she,” sabay lapit at hila sa akin
ni Ate Cass, “is your girlfriend.”
Nanlaki ang mata ni Ice tapos bigla siyang napapikit at napahawak sa ulo niya.
Nagulat na lang kami ng bigla siyang napasigaw at parang namamalipit sa sakit.
Hindi ko alam ang gagawin ko kaya naiwan akong nakatayo at nakatingin sa kanya
habang umiiyak habang tinawag naman ng iba ang doktor.
May itinurok ang doktor kay Ice na nakapagpatulog sa kanya at ikwinento ni tita ang
nangyari bago mahilo si Ice.
“Retrograde amnesia. It will make him forget the recent activities he had before
the accident. That explains why he hasn’t recognized other people’s faces.”
Napahawak ako sa dibdib ko at napaupo. Inalalayan ako nila Ate Cass at inabutan ng
tubig na tinanggap ko naman at agad na ininom. Hindi ako makapaniwala. Nakalimutan
na ako ni Ice? Paanong nangyari ‘yun? He can’t forget me just like that!
“I-uwi niyo muna si Zoe. Hayaan na muna nating magpahinga si Ice. Silang dalawa.”
(If you don't like where the story is going because you think it's too common, you
can stop reading now. But if you don't mind reading a cliche story, you may
continue. Thanks.)
***
“What the hell just happened?” tulalang tanong ni Josh nang makarating kami sa
bahay.
Nakaupo ako sa sofa katabi si Yannie at Ayu. Si Sab naman ay nasa single na upuan
at katapat niya si Ken. Nakaupo naman sa hagdan si Josh at nakasandal lang si
Xander.
Wala ni isa ang nakasagot. Bakas sa mukha naming lahat na malalim ang iniisip
namin.
Akala ko ayos na. Ang akala ko okay na kasi nagising na si Ice. Akala ko kasi kapag
nagising na siya magiging masaya na ulit ang lahat. Mawawala na ‘yung pag-aalala ko
at babalik na ako sa dating Zoe na kilala nila. Kaya lang hindi e. Mali pala ako.
Kasabay ng paggising ni Ice ang pagkawala ng alaala niya. Ang mga alaala niya
kasama ako.
Nawala ang masasayang memorya niya noong mga panahong magkasama kaming dalawa.
Nawala ‘yung mga alaala niya sa aming dalawa. Nawala pati ang nararamdaman niya.
Nawala na ang lahat. Wala ng natira.
“Zoe.” bulong sa akin ni Yannie habang yakap yakap niya ako. Hindi ko na naramdaman
ang paggalaw niya at paglapit sa akin. Hindi ko rin alam na umiiyak na pala ako.
Sana pati ang sakit na nararamdaman ko mawala na lang. Ang hirap lang kasing
tanggapin na ang taong mahal mo nakalimutan ka na. Sa ilang araw lang nabura na ang
mga alaala ng ilang taon.
“Baliw ka ba?!” nabigla ako sa pagsigaw ni Ayu. “Anong gusto mong palabasin ngayon?
Na hihinto ka na? Na ayaw mo na? Na hahayaan mo na na ganito na lang kayo kasi
hindi ka naman niya maalala? My God, Zoe. Hindi kaya masyado pang maaga para sumuko
ka? Ni wala ka pa ngang ginagawa. Anong idadahilan mo? Kasi nakalimutan ka niya?
Come on! You’re better than that!”
“No, Ken. Hindi pwedeng ganito lang. Hindi pwedeng uupo lang ako sa isang tabi at
papanuorin ang kaibigan kong sumuko sa laban na hindi pa niya nasisimulan.”
Alam kong tama si Ayu at naiinis ako doon. Alam kong hindi dapat ganito ang
ikinikilos ko pero nahihirapan ako. Pakiramdam ko emotionally drained na ako. Hindi
ko naman alam ang gagawin ko. Sobrang dali lang na sabihin na huwag akong sumuko
pero anong magagawa ko kung ang utak na niya ang kalaban ko? Sensya na ang kalaban
ko. Anong panama ko?
Natahimik ang lahat pero binasag ni Xander ang katahimikan, “Tama si Ayu, Zoe.
Hindi pwedeng sumuko ka lang. Lagi kayong nandyan ni Ice noong panahong nagkakagulo
kaming lahat. Sumuko na kami pero hindi niyo kami sinukuan ni Ice. Kaya ngayon,
huwag kang umasa na susuko na lang din ako sa inyong dalawa.”
“I remember you once said that true love can’t fade away in an instant. Sabi mo
true love is forever. And I know that what you and Ice have is true love.” Sabi ni
Yannie.
“Naalala mo noong nagkagulo kami ni Ayu? Nasabi niya sa akin na sinabi mong kahit
anong mangyari manatili lang siya sa tabi ko hanggang sa maging ayos na ang lahat.
Sinunod niya ang payo mo kaya ngayon masaya na ulit kami.” Sabi pa ni Ken.
“Isa pa, ginawa niyo ni Ice ang lahat para magkabalikan kami ni Sab.” Dagdag pa ni
Josh.
“Tama. At alam mo ba ang sabi sa akin dati ni Ice, may mga bagay na akala mo wala
ng pag-asa pero meron pa pala. Tulad ngayon. Hindi dahil sa hindi ka na maalala ni
Ice ibig sabihin tapos na ang story niyo. Hindi ‘to pwedeng matapos lang dito.”
Pagsang-ayon ni Sab.
Napatingin ako sa kanilang anim. Kung ganyan ang tingin nila sa amin ni Ice, sa
tingin tama na nga sila. Hindi dapat ako basta sumuko na lang. Hindi pa nga ako
kumikilos tapos aayaw na agad? Ayokong pagsisihan na isinuko ko si Ice ng wala man
lang kalaban laban. Dapat may gawin ako.
Nginitian ko sila, “Anong plano niyo?” With that, nagsigawan sila at nagsipag-
apiran saka kami nag group hug.
Battle 67
Zoe’s POV
It’s a good thing na sabado ngayon. Maaga pa lang nagpunta na dito ang boys kasama
sila Ate Cass, Manager Ry at Ash. Lahat sila handang tumulong para makapagbalikan
kami ni Ice. Ang plano na sinasabi nila noong nakaraang araw ay ‘Operation: Make
Ice regain his memory’. It’s weird na pinangalanan pa talaga nila ang plano.
Dalawang araw na rin magbuhat nang malaman namin na hindi kami naaalala ni Ice.
Mahirap, oo, pero dapat maging matatag ako. Kaya kahit alam kong masasktan ako at
mahihirapan kapag nakikita siya, nagpunta pa rin ako sa ospital at dumalaw. Kada
punta ko naman doon ay hindi niya ako pinapansin. Sa totoo lang wala siya halos
pinapansin. Magbuhat nung nawala ang ilang parte ng memorya niya, parang bumalik
siya sa dating Ice. ‘Yung suplado, ‘yung masungit, ‘yung seryoso at kung minsan ay
harsh pa rin magsalita. Every time na makikita din niya ako, kukunot ang noo niya
at mukhang naiirita which doesn’t help kasi mas nasasaktan lang ako kapag
binibigyan niya ako ng ganun tingin.
Papunta kami sa bahay nila Ate Cass. Kakadischarged pa lang kay Ice kagabi kaya
malaki ang posibilidad na mabwisit siya sa gagawin namin.
Napatingin siya kay Josh at tumango pero nang makita niya kami nila Yannie na
nandito ay napakunot na naman ang noon, “Hanggang dito ba naman?!” inis niyang
tanong.
“Hoy, Ice, magtigil ka. Wala kang respeto sa bisita. Bisita ko rin sila kaya
manahimik ka dyan.” Suway sa kanya ni Ate Cass kaya napatahimik naman si Ice.
Umupo sa tabi ni Ice si Ate Cass, “Lagay mo ‘to sa bulsa sa likod ko.”
“Ano ba ‘yan?”
“Wallet mo.”
“Ayoko.”
“Edi huwag.” Binuksan ni Ate Cass ang wallet ni Ice, “Wala man lang picture.
Kainis. Ano ba, Ice. Hindi mo ba ‘to ilalagay o – “
Nag-thumbs up si Ate Cass sa akin at saka pinatay ang TV, “Ate naman! May nanunuod.
Ano ba.”
“Sasama ka sa amin.”
“Saan na naman?!”
“Sa No Name.”
Hindi na rin maalala ni Ice ang No Name pati na rin ang mukha ni Manager Ry.
Naaalala niyang nababanggit ni Ate Cass si Manager pero hindi niya alam ang itsyura
nito. It makes sense din naman kasi the day he met Manager Ry was the day he first
saw me. At sa No Name ‘yun.
Nang makarating kami sa No Name nakakunot na naman ang noo ni Ice. Masyadong
maraming alaala ang nasa No Name kaya sana may makapag-paalala dito kay Ice kahit
kaunti lang. Kahit katiting lang.
“Hindi pa rin.”
Plan A, failed. It’s okay, I guess. Marami pa akong kayang ipaalala sa kanya.
Pinapunta kami ni Manager sa stage at umupo siya sa isang table katabi si Ate Cass
at nasa tapat nila si Ice. Tumugtog kami nila Ayu at nag-drums ako. Ganito ang
ginagawa namin noong una niya akong makita. Noong naramdaman niya na na love at
first sight siya.
Matapos naming tumugtog ay bumalik kami sa table nila. Nakatingin ako kay Ice pero
nakatingin siya kay Ate Cass at nagkibit balikat, “Bakit nga pala tumutugtog sila?
Is to give me some entertainment? Well, okay. I’m quite entertained.” Bored na sabi
niya sa amin.
Pinalabas nila si Ice kahit ayaw nito. Nasa may likod ng pants ni Ice ang wallet
niya na hindi niya alam na kinabitan nila ng tali. Pagkapalabas kay Ice, saka nila
inutusang pumasok ulit ito sa No Name. Habang papasok siya ay hinila nila ang
wallet ni Ice at nalaglag ito ng hindi niya nalalaman.
Pinulot ko ang wallet at bago pa man din siya tuluyang makapasok sa loob, kinalabit
ko na siya. Tiningnan niya ako na mukhang naiinis pero bago pa man din siya
magsalita ay iniabot ko na ang wallet niya. Wala siyang sinabi pagkaabot ko noon at
tumalikod. Just like what he did before. So I shouted, “Thank you ha.” Pero hindi
niya ako sinagot at tinaas lang ang kamay. Ni hindi man lang niya sinabi ang
“You’re welcome” na linya niya.
We decided to take a break kaya kumain muna kami. Pero habang kumakain ay
isinasagawa pa rin ang plano. Pinapatugtog na background music ni Manager Ry ang
mga kantang kinanta na sa akin ni Ice. Ang Hanging by a Moment, I Could Not Ask For
More pati na rin ang I Promise You. Kaya lang parang wala pa rin pakialam si Ice.
Kumakain lang siya sa isang tabi at hindi man lang nakikipagkulitan sa amin.
“What should I call you again?” napatahimik kami ng magsalita si Ice at kinausap si
Manager.
“Kuya Ry ang tawag mo sa akin habang Manager Ry ang tawag sa akin ng mga kaibigan
mo.”
“May itatanong lang ako. ‘Yung mga kanta na pinapatugtog mo..” nakaramdam ako ng
kaba ng marinig ang sinasabi ni Ice. Medyo nakakaalala na kaya siya dahil sa mga
kanta? Sana naman. Please. Please. Please.
“Bakit..”
“Bakit ano?”
“Bakit parang paulit-ulit? Tatlong kanta lang ba ang meron kayo dito?”
Napapikit at napasandal na lang ako. Tulad ko, ganun din ang ginawa ng iba. Akala
ko pa naman may naalala na. Maski Plan D palpak din.
Para sa Plan E, dinala namin si Ice sa Kingdom High. Dahil na rin sa sabado ngayon
kaya mas madaling gawin ang mga plano namin. Walang nagklaklase. Wala rin
maiistorbo. Pumunta kami sa classroom namin noong fourth year pa lang kami. Umupo
kami sa dati naming mga pwesto. Mukha kaming tanga na nirireenact ang mga nangyari
noon.
Ang introduction namin noong first day pati ang paglagay nila ng paint sa damit
namin. Inulit namin ‘yung nahuli kaming nagkokopyahan ni Yannie kahit hindi naman
totoo. Inulit namin lahat ng nangyari sa room pati na rin ‘yung pagdating ni Ken
pero tulad ng mga naunang plano.. fail ang Plan E.
Pumunta kami sa parking lot. Nakatayo na sila doon at kami na lang ni Sab ang
hinihintay. Nang makarating kami ay inabutan ako ni Ayu ng baseball bat.
Ihahampas ko na sana sa bintana ang baseball bat pero bigla akong pinatigil ni Ice,
“Anong kalokohan ‘yan? Itigil na nga natin ‘tong kung ano mang ginagawa natin.”
Narinig ko pa lang ang sinabi niya.. alam ko na. Bigo kami maski sa Plan F.
Nainis ata si Ice kaya pumasok na lang siya sa sasakyan habang naiwan kaming lahat
na nasa labas ng sasakyan. Nginitian ko sila para ipaalam na okay lang ako kahit
medyo masakit. Pero totoo.. okay lang.
“Damn it!” sigaw ni Josh at saka binuksan ang pinto kung saan malapit na nakaupo si
Ice.
Nararamdaman ko ang mga pumapatak na luha sa mata ko. Nilapitan ako nila Yannie at
hinawakan. Napatingin sa akin si Ice at walang pagkakaiba sa mga naging huling
tingin niya. Ganun pa rin. Puro confusion. Mahirap para sa akin ang nangyayari at
alam kong mahirap din para sa kanya. Dapat akong maging malakas para sa kanya. Kaya
pinunasan ko ang luha ko at ngumiti na lang habang nakatingin pa rin siya sa akin.
“Posibleng hindi na bumalik ang alaala ko. At posibleng hindi na bumalik ang
nararamdaman ko sa ‘yo. Hindi kita pipigilan kung iyan ang gusto mo. Pero ngayon pa
lang sasabihin ko na sa ‘yo na wala na akong kasalanan kung sakaling hindi na
bumalik ang Ice na sinasabi mo.”
Aaminin ko na masakit para sa akin na marinig siyang sinasabihan ako ng mga ganung
salita. Pero kahit papaano, masaya na rin ako dahil hinayaan niya pa rin akong
maging girlfriend niya. Posible nga sigurong hindi na niya ako maalala. Pero
ngayon, gagawin ko na lang ang lahat para mahalin niya ulit ako hanggang sa
dumating ‘yung panahon na gugustuhin na niyang gumawa ng mga bagong alaala kasama
ako.
***
Battle 68
Zoe’s POV
Hindi ako makatulog. Ginugulo pa rin kasi ako nung sinabi ni Ice sa akin. Tanggap
ko naman na ganun ‘yung reaksyon niya kaya lang masakit pa rin. Parang sa isang
iglap lang nawala na ang lahat. Pero ayos na rin siguro ‘yun kasi kahit na hindi na
niya ako maalala, hindi pa rin kami naghiwalay. Sinabi niya na bahala akong gawin
kung ano ang gusto ko. At gusto ko na pabalikin ang memorya niya. Kung hindi ko man
magawa, gusto ko na lang na makatabi siya. Mas maayos na ‘yun dahil kahit papaano
may katiting pa na pag-asa. Hindi ‘yung itutulak na lang niya ako bigla paalis sa
buhay niya.
Nakatitig ako sa phone ko. Dati rati may random messages na lang na darating pero
ngayon wala na. Wala na ang goodnight messages. Nakakalungkot, oo. Kasi ngayon,
alam ko na hindi na ako ang huling taong laman ng utak niya bago siya matulog.
Hindi tulad ko na hanggang ngayon hindi pa rin niya pinapatulog.
Napatingin ako sa orasan sa phone ko. 1 am na pero gising na gising pa rin ako at
kung anu-ano na ang naiisip ko. Kapag hindi ako masaya, ayokong gising ako ng mga
ganitong oras. Pumapasok kasi sa utak ko ‘yung mga bagay na ayokong isipin- ‘yung
mga bagay na tinatakasan ko hanggang kaya ko. Kaya lang wala e. Wala pa rin akong
kawala. Makukulong pa rin ako sa mga alaala. At kapag mas lalo kong pinipilit ang
sarili kong matulog, mas lalo lang lumalala ‘yung mga senaryo sa utak ko.
Pakiramdam ko tuloy konti na lang mababaliw na ako.
Umupo ako at saka huminga ng malalim. Nangangati akong i-text si Ice pero baka
magalit lang siya.
Bumaba ako para uminom. Nakaupo ako sa dining at nakatitig sa baso. Nakatitig ako
doon pero hindi ko pa rin siya nakikita. Ewan ko. Ang gulo. Para lang ‘yung buhay
ko. Magulo rin.
“Matapang ka, Zoe. Umiyak ka man, lalaban ka pa rin. Hindi ka pwedeng sumuko sa
laban lalo na kapag ‘yung mahal mo na ‘yung pinag-uusapan.”
“Alam mo, friend, kung gusto mo ng kausap, pwede mo naman kaming katukin sa mga
kwarto namin. Hindi ‘yung makikipag-usap ka sa sarili mo o kaya kakausapin mo ‘yang
baso. Baka magulat ka bigla na lang sumagot ‘yan.” Biglang sulpot ni Sab na
ikinagulat ko. Halos maitapon ko na ‘yung tubig sa baso. Anong oras na kaya tapos
bigla bigla na lang siyang susulpot.
Kumuha siya ng tubig at tulad ng ginawa ko, umupo rin at nangalumbaba saka ako
sinimulan, “Bakit hindi ka na lang magkwento sa amin kung nahihirapan at nasasaktan
ka? Hindi ‘yung sosolohin mo na lang ‘yang nararamdaman mo.”
“Hindi ko alam. Siguro hindi lang ako handa pang pag-usapan ‘yung bagay na ‘yun.
Kasi kapag pinag-usapan na natin, alam ko ng totoo. Mawawala na ‘yung pag-asa ko na
baka sakaling joke lang ‘to o isang panaginip. Ewan ko ba kung bakit ginagawa kong
tanga ang sarili ko.”
“Kasi nga mahal mo. Kaya willing kang magmukhang tanga para sa kanya. Pero huwag mo
namang ipagkait sa sarili mo ang totoo. Sa halip na pinapaniwala mo ang sarili mo
na posibleng joke lang ‘to.. bakit hindi mo na lang tanggapin?”
“Oo. Mas maaga mong matanggap, mas maganda. Sa halip na magmukmok ka at isipin na
bakit nangyari sa inyo ni Ice ‘yun, sa tingin ko mas maganda kung gagawa ka ng move
‘di ba? Bago maging kayo, hindi ba ikaw ang hinahabol ni Ice? Ginawa niya ang lahat
para mahalin mo siya at nagawa niya ‘yun. Why don’t you do the same?”
Sa bagay. Tama si Sab. Napakarami na ang ginawa ni Ice para sa akin kaya ngayon,
ako naman ang gagawa ng lahat para lang mahalin niya ulit ako.
“Kahit siya ang babae? Siya pa rin ang manliligaw?” biglang sulpot ni Yannie kasama
si Ayu.
Bago pa man din kami makapagtanong kung bakit nasa baba sila, sumagot na si Ayu,
“Hindi ako makatulog. Bababa dapat ako to get some water kaya lang may naririnig
ako. Natakot ako kaya kinatok ko si Yannie para magpasama dahil siya ang may
pinakamalapit na room sa akin.”
Napatango na lang kami ni Sab. Hinarap ko si Yannie at ngumiti, “Okay lang naman
siguro na ako ang manligaw. Girlfriend naman niya ako. At isa pa, ‘di ba simula pa
lang naman pinaglalaban na natin ang pantay na tingin sa babae at lalaki? Kaya
tingin ko pati sa larangan na ‘to pantay lang din. Ang mga mata lang talaga ng tao
ang mapanghusga.”
“Ayos lang sa ‘yo na husgahan ka?”
“Judge me all they want. Hindi naman nila ikakayaman ang panghuhusga nila.”
***
Gumalaw siya ng kaunti pero hindi pa rin dumidilat. “Good morning!” sigaw ko ulit
at this time, unti unti na siyang dumilat. Nang makita niya ako ay agad na nanlaki
ang mata niya, “What the hell!”
“Yah, good morning to you, too.” Sarkastikong sabi ko. “Bangon ka na diyan.
Breakfast na raw.”
Tiningnan niya pa rin ako na parang nababaliw na ako, “Paano ka nakapasok dito?!”
sigaw niya.
Itinuro ko naman ang pinto as if obvious na obvious na ang sagot sa tanong niya,
“Dumaan ako sa pinto.” Sasagot pa sana siya pero inunahan ko na, “Kaya lang
syempre, pinihit ko muna ang doorknob para bumukas ang pinto. Ganun naman ang usual
na pagpasok.”
Nakaramdam ako ng kurot sa puso ko dahil sa sinabi niya pero isinantabi ko na lang
‘yun. Wala ng lugar sa puso ko para sa sakit.
“Bababa na ako. Sumunod ka na.”
“Ayoko.”
“Shut up.”
Ngumiti na lang ako at lumabas na. Dati rati ‘yung ‘shut up’ niyang ‘yan may
kasunod na ‘I love you’. Ngayon wala na. Shut up na lang talaga.
Nang makababa ako ay sinalubong agad ako ni Ate Cass at Ash, “Anong sabi?” ngumiti
lang ako sa kanila at umiling. Mukha namang nagets na agad nila ang ibig kong
sabihin.
“The same arrogant and cruel Ice.” Inis na sabi ni Ate Cass.
“Hayaan na lang natin, ate. Bago pa sa kanya ‘to. Nahihirapan din siya panigurado.”
“Ang swerte talaga ni Ice sa ‘yo, Ate Zoe.” sabi ni Ash na nginitian ko naman.
Sampung minuto na ang lumipas pero wala pa rin si Ice. Siya na lang ang hinihintay
para mag-agahan. Kapag ganitong Sunday, sabay sabay silang kumakain kaya dapat
talagang hintayin kung sino pa ang wala.
“Natulog na naman malamang ang batang ‘yun. Ash. Tumayo ka nga lang diyan at
gisingin mo ang kapatid mo.”
“Ako na lang po, tito.” Pagkukusa ko.
Hindi naman na nagpapilit si tito kaya umakyat na ako kaya lang hindi ako makapasok
sa kwarto niya. Naka-lock kasi ‘yung pinto niya. Ang bilis niya namang matuto.
Naglock agad ng pinto para hindi ako makapasok. Sana matutunan din niya agad ang
mahalin ulit ako.
Napabuntong hininga ako at kumatok, “Ice. Natulog ka ba ulit?” hindi niya ako
sinagot.
“Ice? Pinapatawag ka na.” wala pa rin. Hay. “Hindi raw sila kakain hanggang wala ka
pa.”
Katok ako ng katok pero hindi pa rin siya sumasagot. Bababa na sana ako pero nakita
kong nakasandal si Ash malapit sa hagdan. “Naka-lock?”
“Sirain mo na.”
“Ha?”
Tumango siya at ngumiti, “Ginawa na ni Ate Cass ‘yun dati. Si Kuya Ice na ang mag-
aayos ng doorknob once masira. Hayaan mo siya ng madala na siya. Hintayin na lang
namin kayo sa baba.”
Bumalik ako sa tapat ng pinto ni Ice. Sisirain ko nga kaya ‘to? Binigyan naman na
ako ng permiso ni Ash.. so why not?
Bumwelo lang ako saka sinipa ang pinto. Pagbukas na pagbukas nun, si Ice agad ang
bumungad sa akin. Ayun nga lang, topless siya.
Nanlaki ang mata niya ng makita ako pero nginitian ko lang siya. “Gising ka naman
na pala. Bakit hindi ka sumasagot. Ang rude ha.”
“Sinira mo ang pinto ng kwarto ko tapos ako pa ang rude?! Pinasok mo ko sa kwarto
habang nagbibihis ako tapos ako pa ang rude?! Alam mo ba ang privacy?!”
“Basically, kung sumagot ka naman agad hindi ko sisirain ang pinto. At saka huwag
kang mag-alala, ilang beses na kita nakitang nakatopless. Bumaba ka na!” sabi ko
saka tumalikod.
Bago pa man ako tuluyang makababa, narinig ko pa ang pagsabi niya ng “Bwisit.” Sa
tingin ko dapat na ata akong masanay na nasasabihan niya ng ganun.
***
Matapos kumain ay nagpunta kami sa sala. Aakyat na sana si Ice pero pinigilan siya
nila Ate Cass kaya ang nangyari, nag-stay siya sa baba at nanuod ng basketball
habang nagkwekwentuhan kaming tatlo.
“Naalala ko pa dati, lagi nating pinagtutulungan si Kuya Ice para lang makapanuod
ng Phineas and Ferb.” Sabi ni Ashley.
Natawa at nag-apir kaming tatlo hanggang sa nairita na si Ice, “May nanunuod dito.
Pwedeng manahimik lang kayo.”
Nag make face si Ate Cass habang napairap naman si Ash. Napatingin ako kay Ice na
mukhang busy na ulit sa panunuod ng basketball.
“Duh. Hindi mo ba alam na naadik ka sa Phineas and Ferb dati?” tanong naman ni Ate
Cass.
“Baliw! Hindi ‘to joke. Seryoso. Gustong gusto mo ng Phineas and Ferb tapos sabay
sabay pa tayong nanunuod kung minsan.”
“Impossible.”
“Nothing is impossible in love.” Tinaasan ng kilay ni Ice si Ate Cass. Hindi niya
nagets ang sinabi ni Ate Cass pero hindi ko siya masisisi kasi maski ako ay hindi
ko naintindihan. Parang.. anong konek? “Let’s just say that you love us kaya mo
pinanuod ‘yun.”
Hindi siya sumagot at binaling ulit ang atensyon sa TV pero hindi pa pala tapos
magsalita si Ate Cass, “And let’s just say that you love your girlfriend so much,
kaya pinanuod mo ‘yun. Sabi mo kasi mahal mo kung ano ang mahal niya. E mahal niya
ang Phineas and Ferb, kaya minahal mo na rin.”
Napatingin sa akin si Ice habang nakakunot ulit ang noo saka ako iniripan,
“Nonsense.”
***
Dumaan pa ang mga araw pero ganun pa rin si Ice. Malayo pa rin siya sa akin at
tanging sila Josh, Xander at Ken pa rin ang tingin niyang kaibigan niya. Parang
walang nag eexist na Ayu, Yannie, Sab at maski Zoe sa buhay niya.
Hindi na rin kami araw-araw magkasama dahil hindi na siya pumasok ulit magbuhat
nung naaksidente siya. Kung ako man kasi ang mama at papa niya, mukhang mahihirapan
akong papasukin ang anak ko sa university lalo pang alam ko na ilang parte ng
memorya niya ang nawala.
Every weekends, nasa bahay nila ako o di kaya ay nasa No Name basta napilit ng boys
na sumama si Ice. Kapag wala siya, sa bahay nila ang punta ko. Kapag naman maaga
ang uwian ko ay pupunta na rin ako agad sa kanila. Ramdam ko na nga na sawang sawa
na siya sa pagmumukha ko pero kahit papaano masaya ako sa ginagawa ko. Kahit
madalas, pinagtatabuyan niya ako.
“Nandito ka na naman?”
Iniripan niya ako at pumunta sa kusina nila. Nagpaalam ako kila Ash na susunod ako
kay Ice at pumayag naman sila. Umiinom siya ng lumapit ako.
“Ice.” Deadma.
“Ice.” Ayan, tumingin na. Pero hindi pa rin sumagot.
“Ice.” Ibinaba niya ang baso na hawak niya at tiningnan ako ng masama.
“Bakit ba?!”
“Ice.”
“Ano?”
Huminga siya ng malalim at uminom ulit. Nag-iinit na talaga ang ulo niya. Halata
kasi namumula na ‘yung tenga niya. Bwisit na bwisit na naman siya. “Ice.”
“ANO?!”
Napalunok ako sa sigaw niya pero ngumiti pa rin ako, “Wala ka bang nararamdamang
kakaiba kapag tinatawag ko pangalan mo?”
“Ice. Ice. Ice. Ice.” Pangbwibiwisit ko pa sa kanya. Pinapansin lang niya ako kapag
nabwibwisit siya kaya kahit ayokong inisin siya, ginagawa ko pa rin.
Sinamaan niya ako ng tingin, “Umuwi ka na nga, Zoe.” saka siya umalis ng kusina
habang naiwan akong nakatulala.
Hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman. Dapat ba akong mainis kasi
pinapauwi niya ako, o dapat akong matuwa kasi magbuhat nang maaksidente siya,
ngayon na lang niya ulit tinawag ang pangalan ko.
***
Battle 69
Zoe’s POV
“Nahihiya na ako e. Baka mabwisit na sila sa akin kasi lagi akong nandun.”
“Gaga! Anong mabwisit? Kulang na lang kaya ikaw ang gawin nilang anak at palayasin
si Ice sa kanila. Kita mo ngang sa ‘yo palagi naka-side ang mga ‘yun.”
Natawa bigla si Yannie at napailing, “Huwag kang maniwala dyan, Sab. Hindi ‘yan
nahihiya sa kanila. Nagpapamiss lang ‘yan kay Ice.”
Napasibi na lang ako at sumandal sa upuan. Kasama ‘yun sa rason ko pero totoong
nahihiya ako. Idagdag pa na nasasaktan din ako lalo na kapag pinagtutulakan niya
ako palayo. Tagos e. Sagad hanggang buto ang sakit. Pero hindi naman ako pwedeng
magreklamo. Ako naman ang nagpupumilit pa rin na pumasok sa buhay niya.
Tiningnan niya ako with his expressionless face. Lagi na lang ganyan ang tingin
niya sa akin. Nawala na ‘yung tingin niya na puro love ang makikita mo sa mata
niya.
Nagkatinginan silang anim saka mga nanlaki ang mata. Bigla na lang silang
nagtawanan kaya naguluhan naman ako sa nangyayari.
“Kaya ba kayo nag-aya kasi hindi niyo magawang ayain directly ang isa’t isa sa
labas? Gusto niyo pa pala group date.” Natatawang sagot ni Yannie.
Nanlaki ang mata ko at napatingin kay Ice na ngayon ay mukhang badtrip na badtrip
na. Napansin din ata ng iba ‘yun kaya napatahimik sila. Tiningnan ako ng masama ni
Ice.
Teka, ako? Bakit, ako? Aba, teka lang naman. Ako ba ang nanukso? Bakit parang ang
lumalabas sa akin siya nagagalit?
“Problema mo?” hindi ko napigilang sabihin ang mga salitang ‘yun. Kahit mahal ko si
Ice minsan napipikon din ako sa kanya ha. Minsan talaga hindi ko na rin mapigilan
sungitan siya.
“You’re everywhere. Umalis nga ako ng bahay para hindi ka makita tapos makikita pa
rin pala kita dito. Sinusundan mo ba ako?”
Napalunok ako sa sinabi niya. At aaminin ko..masakit. Ayaw pala niya akong makita?
Nakukulitan na nga siya sa akin. Hindi ko pinahalata na nasaktan ako at nag chin up
saka siya tiningnan ng diretsyo sa mata.
“A..ah, okay! Yehey! Lahat tayo nandito. Tara na, maglakwatsya na lang tayo.”
Pagsingit ni Sab sa usapan pero hindi pa rin napuputol ang tinginan namin ni Ice.
Masama pa rin ang tingin niya at pinipilit kong ipakita na ganun din ang tingin ko
sa kanya.
Wala pa sana akong balak bawiin ang tingin ko pero bigla na lang akong hinila nila
Yannie at hinila naman nila Xander si Ice. Magkakasama nga kami pero nasa likod
namin sila. Hindi ko pa rin maiwasan ang mainis at masaktan sa ginagawa ni Ice. Mas
nangingibabaw nga lang ang sakit.
Alam ko naman na kahit sabihin kong ayos lang ako, hindi sila maniniwala. Kaya ano
pa ba ang kaibihan kapag nag sabi ako ng totoo? “Hindi.Masakit. Pero kaya ko pa.”
Napatingin sa likod sila Ayu para tingnan si Ice pero hindi ako lumingon. Alam ko
naman kung bakit siya uuwi e. Kasi ayaw niya akong kasama.
“Bakit ka uuwi?” tanong ni Sab pero hindi ko narinig na sumagot si Ice. Siguro ayaw
din niya kila Sab kasi kaibigan ko sila. Ayaw niya sa kahit na anong may kinalaman
sa akin.
“Inaantok ako.”
“Hindi ka pwedeng umuwi. Niyaya yaya mo kami dito tapos bigla kang aalis? Huwag
ganun, ‘pre!”
Biglang humarap sa akin si Sab at umiling, “Hindi ka pwedeng umuwi. Niyaya yaya mo
kami dito tapos bigla kang aalis? Huwag ganun, friend.” Nakita ko naman ang pag
thumbs up ni Josh sa kanya.
***
Sa bandang huli ay sumama rin ang lahat. Majority gusto na mag picnic na lang kami
kaya namili lang kami ng foods saka umalis.
Sa totoo lang hindi ko alam kung ano ba ang mararamdaman ko dito. Masaya ako kasi
kasama si Ice at nakikita ko siya kaya lang malungkot din kasi alam kong hindi niya
ako gustong makasama. Minsan nga naiisip ko na lang na wala na ata talaga kaming
pag-asa.
“Paabot nga niyang chips sa tabi mo, Zoe.” paki usap ni Xander kaya inabot ko naman
sa kanya.
Natawa si Ken at tumango, “Oo, pero nakita ko na real parents ko at ayos na ang
lahat. Maiba lang.. alam mo ba na itong si Josh at Sab, parang aso’t pusa dati.
Hindi sila magkasundo pero hindi na rin kami nagtaka na nagkatuluyan sila. Kasi
halata namang gusto nila ang isa’t isa pero dinadaan lang nila sa barahan. Nung
college naman naghiwalay din ang dalawang ‘yan kasi hindi nila maiba iba yung ugali
nila. Pero nagkabalikan din dahil sa tulong niyo ni Zoe. Sinet up niyo kasi.”
Napatingin saglit sa akin si Ice pero bigla na lang akong inirapan. Ano na naman
ginawa ko? Bakit ako na naman?
“Tapos ito namang si Xander at Yannie,” panimula ni Ayu, “parang nagkaroon lang ng
deal. Kaya lang nagkadevelopan kaya nagkainlove-an. Pero biglang dumating ‘yung ex
ni Yannie kaya parang nagkaproblema sila. Nakipaghiwalay si Yannie pero para raw
kay Xander hindi sila naghiwalay kaya sa bandang dulo, naging maayos din ang
lahat.”
“Sa totoo lang ang dami na nating pinagsamahan. Para ngang wala ng titibag sa
samahan natin e. Sure na sure na nga ako na magkakasama tayo kahit hanggang
pagtanda kaya lang biglang.. alam mo na.. ‘yung nangyari sa ‘yo. Tapos kinalimutan
mo kami. Pero okay lang. Naniniwala naman ako na pwede pang bumalik ‘yang memory
mo.”
Walang nakasagot ni isa sa amin. Napailing na lang siya at kumain sandali saka ulit
nagsalita, “May mga bagay na kapag nawala na, wala na talaga.”
“May mga bagay na kapag nawala, pwede pang makita.” Sagot ko sa kanya. “Hindi mo na
ba gustong makaalala?” Nagkibit balikat lang siya at hindi sinagot ang tanong ko.
“Ice – “
“Alam niyo, minsan tanggapin niyo na lang kung ano man ang nangyayari. Hindi ba ako
ang nawalan ng alaala? Dapat ako ang mas malungkot at mahirapan. Pero bakit parang
mas kayo pa ang nahihirapan? Wala akong maalala pero kuntento na ako. Ang mahalaga,
may pamilya at mga kaibigan pa rin naman ako.” kaswal niyang sabi.
Binalot na naman ng katahimikan ang grupo namin. Sa pagsabi niya ng salitang
kaibigan, alam naming lahat kung sino ang tinutukoy niya. At hindi kami kasama sa
salitang ‘yun.
“Alam mo ba kung bakit kami ang mas nahihirapan?” hindi niya ako pinansin at
nagpatuloy lang sa pagkain. Gusto ko ng maiyak sa mga ikinikilos niya kaya lang
hanggang kaya kong pigilan, pipigilan ko pa, “Kasi kami ang may alaala. Mas mahirap
para sa akin ‘to kasi lagi akong binabalikan ng mga alaala. Umaasa ako na pwedeng
maibalik pa rin ‘yun. Na baka sakaling gusto mong balikan ‘yun. Pero mukhang hindi
na. Mukhang kuntento ka na. Kaya ngayon, ako na lang ang nakakulong sa nakaraan.”
Hindi niya ako pinansin at kumain pa rin, “It’s unfair, Ice. Kasi bigla ka na lang
nang-iwan. We were so happy then all of a sudden, bigla ka na lang magiging ganyan.
Bigla na lang akong mawawala sa buhay mo. Bigla mo na lang gustong umalis sa buhay
ko. You can’t just walk out of my life.”
Napalingon siya sa akin at tiningnan na naman niya ako gamit ang walang expression
niyang mukha, “You should move on. When you see someone walking away, will you just
stand there and watch him? No, you won't. You’ll walk away, too. You can’t stand on
the same ground forever.”
Umiwas ako ng tingin pero hindi ko napigilan ang pagpatak ng luha ko, “Fine. If
that’s what you want, then I’ll walk out of your life. Thank you for spending some
of your years with me. Kahit kinalimutan mo na ‘yun. Sana maging masaya ka, Ivan.”
Umalis ako sa lugar na ‘yun at kasabay ng pagtalikod ko ang tuloy tuloy na pagpatak
ng luha ko. Sinundan ako nila Yannie pero wala ni isa sa kanila ang magsalita kahit
hanggang makauwi na kami. Mas ayos para sa akin ang tumahimik na lang sila kaysa
sabihin nila na magiging ayos din ang lahat kahit alam kong hindi naman.
***
Dalawang linggo na ang nakalipas magbuhat nung nagkasagutan kami ni Ice. Hindi na
ako pumunta sa kanila. Hindi na ako nagparamdam sa kanya. Pati kila Ate Cass hindi
na rin ako nagpapakita. Maski anino ko hindi ko pinakita sa kanila kaya sana lang
maging masaya na siya.
Mahirap para sa akin pero nakakasanayan ko na rin. Nasanay na rin akong nasasaktan
at nahihirapan kaya hahayaan ko na lang. Mawawala rin naman 'to. Hindi ko lang alam
kung gaano katagal.
"Class dismissed."
Nagtayuan agad ang mga kaklase ko nang marinig ang favorite line ng prof namin.
Nagpaalam lang din sa akin ang iba kong kaklase saka lumabas.
Napatingin ako sa upuan sa tabi ko. Dati rati si Ice ang katabi ko pero ngayon
ibang kaklase na. Mukhang hindi kami sabay gagraduate next year. Paano na nga kaya
mangyayari sa studies ni Ice?
Napailing ako sa mga iniisip ko. Kaya ako nasasaktan kasi inaaalala ko pa siya e.
Ano kaya kung magpakaaksidente na lang din ako para makalimuntan ko narin siya?
Huwag na. Hindi naman ako desperada.
Kinuha ko ang gamit ko saka lumabas. Hindi pa man ako nakakalayo nang may tumawag
sa akin, "Zoe!"
Lumapit siya sa akin saka ginulo ang buhok ko at ngumiti, “You’re a bad liar, sis.
Tara.” Bago pa man din ako makasagot, hinila na niya ako paalis.
Nagpunta kami sa isang café. Hindi ko magawang tingnan ng diretsyo si Ate Cass.
Nahihiya kasi ako. Sinadya pa niya ako sa university, paano lagi ko kasi siyang
tinatanggihan kapag gusto niyang makipagkita sa akin.
Umorder siya at kumain kami pati kwentuhan pero hindi niya brinibring up ang issue
tungkol sa amin ni Ice.
Salita siya ng salita pero parang walang pumapasok sa utak ko sa mga sinasabi ni
Ate Cass. Lumulutang na naman ang isip ko. Nakakainis na. Siya na naman naiisip ko.
Si Ice na naman.
“Nakakapagod din pala magmahal minsan, ‘no?” bigla ko na lang nasabi sa gitna ng
pagdaldal ni Ate Cass. Napahinto siya sa sinasabi niya at tiningnan lang ako. “Ikaw
ba, Ate Cass. Ni minsan ba napagod ka na magmahal.”
Ngumiti siya saka nagpangalumbaba, “Dati.”
“Talaga?”
“Alam mo kasi, Zoe, lahat ng luhang iniyak ko noon worth it naman. Mas marami pa
rin ‘yung sayang naramdaman ko at nararamdaman ko pa hanggang ngayon. Kapag kasi
nagmahal ka, natural na ang masaktan. Love is a battle. Kapag mahina ka, talo ka.
Kapag natakot kang masugatan, bawal kang sumali sa laban. In love, you should be
ready to get some scars.”
“Pero paano kung ginawa mo naman ang lahat pero hindi ka pa rin nanalo? Paano mo
malalaman kung dapat mo nang isuko ang laban?”
“Kapag wala ka ng kayang ibigay. Kapag ang puso mo na ang kusang sumuko. Pero kung
kaya mo pa naman, ano ba naman kung lumaban ka pa? Kapag gusto mo ng bumitaw,
isipin mo na lang ang lahat ng pwedeng mawala sa’yo. At kung tingin mo hindi naman
‘yun mahalaga, edi sige, sumuko ka na.”
Parang tumagos sa akin ang lahat ng sinabi ni Ate Cass. Gustong gusto ko ng sumuko
pero.. hindi ko na alam. Masyadong magulo.
“Uhh, Zoe.” napahinto ako sa pag-iisip at tingnan si Ate Cass. Mukha siyang nag
aalala, “Nandito si Ice.”
Nanlaki ang mata ko nang marinig ang sinabi niya. Dalawang linggo kaming hindi
nagkita ni Ice at sa huling pagkikita namin nag-away at nagsagutan pa kami. Hindi
pa ata ako handang makita siya.
“Kasama niya si Xander. Papalapit na sila. Sorry, Zoe. Hindi ko naman alam na
pupunta sila dito.”
Naramdaman ko na na may nakatayong tao sa gilid ko pero hindi ako tumingala para
lingunin siya. Diretsyo lang ang tingin ko.
“Hi, Ate Cass! Sino ‘tong kasama – O, Zoe!” gulat na tawag sa akin ni Xander kaya
napatingin ako sa kanya. Tumingin naman siya kay Ice tapos ay sa akin ulit.
Dahil dun, hindi ko na napigilan ang mapatingin kay Ice. Napatigin siya sa akin
gamit pa rin ang expressionless face niya. Binawi ko agad ang tingin ko.
Hindi ko alam kung anong problema ko at parang tinortorture ko pa ang sarili ko.
Gusto ko na sanang umalis sa lugar na ‘to pero hindi ko naman alam kung papaano.
As if on cue, biglang may tumawag sa phone ko. Tiningnan ko ang screen at napag
alamang si Yannie ang tumatawag, “Hello, Yannie?” sagot ko sa kanya.
“What time uwian mo? Punta tayong No Name. Pupunta na after class si Ayu at Sab.”
“May lakad?”
Lumaki ang ngiti ni Ate Cass at tumayo, “Sama ako. Tara na.” Nilingon niya yung
dalawa, “Alis na kami ha.”
Hinihila na ako ni Ate Cass kahit hindi pa ako nagpapaalam sa dalawa. Mukha namang
okay lang sa kanila kasi naniningin na sila ng pwedeng orderin. Nasa may pinto na
ako ng café nang mapatingin ako kay Ice at halos lumabas ang puso ko sa dibdib ko
nang makita ko siyang nakatingin sa akin. And this time, hindi na expresisionless
ang mukha niya pero hindi ko pa rin ‘to magawang basahin.
Right there and then, nalaman ko na ang sagot sa tanong ko kay Ate Cass kanina.
Ngayon, alam ko na.. hindi pa ako pwedeng sumuko sa laban. Masyadong mahalaga si
Ice para bigla na lang bitawan.
***
Napangiti na lang ako habang nakapikit. Nakakatawa na lang din na kahit sobrang
sakit ang naranasan at nararanasan ko ngayon ng dahil kay Ice, isang kalabit niya
lang sa akin paniguradong babalik at babalik ako sa kanya. Hindi ko na makita ang
sarili kong in love sa iba. Masyado pa sigurong maaga para sabihin ko ‘to pero alam
kong sigurado na ako. Si Ice lang ang lalaking mamahalin ko ng ganito.
Sinabayan ko hanggang matapos ang kanta at nang dumilat na ako, nagulat na lang ako
na nadagdagan na pala kami dito ng hindi ko namamalayan. Sobra ba ang pag-iisip ko
kay Ice at hindi ko na naramdaman na nandito na sila sa harapan ko ngayon?
Nang magtagpo ang mata namin ni Ice, parang kinuryente ‘yung buong pagkatao ko.
Tuluyan na ngang nabura ang walang emosyon niyang mukha pero ngayon, hindi ko pa
rin talaga magawang basahin ang mata niya.
Nakipaglaban ako ng titigan sa kanya at mukhang wala ni isa sa amin ang may balak
magbawi ng tingin. Hanggang sa sinigawan na lang ako bigla ni Ayu.
“Zoe!”
Nagulat ako at agad napatingin sa kanya, “Bakit?” sa totoo lang, nacoconscious ako
kasi hanggang ngayon ramdam ko pa rin ang tingin ni Ice.
“Wala. Bakit?”
“Bumili kasi ako ng ticket para sa darating na concert malapit sa may seaside. 6pm.
Kaya lang nagkaroon kami ng biglaang meeting kaya hindi ako makakapunta. Sa ‘yo na
lang.”
Tumango lang ako sa kanya. Hindi pa rin ako makakilos ng maayos paano kasi itong si
Ice, ramdam ko pa rin ang pagtingin.
“Good. May isa pa ako. Sayang ‘to. Dapat sa amin ni Ken ‘to kaya lang panira talaga
‘yung meeting. Ano, Ken? Gamitin mo ‘tong isa?”
“May tinatapos kaming requirement ni Yannie para sa darating na finals e.” sagot ni
Xander.
Tiningnan ni Ayu si Sab at Josh at bahagyang itinigalid ang ulo niya na parang
nagtatanong. “Hindi ako pwede may laro ako ng sabado.” Sagot ni Josh.
“Okay lang naman kahit ako lang. Ano ba, guys. Ang laki laki ko na.” natatawa kong
sabi sa kanila kaya lang parang hindi nila ako narinig at mga nagsitinginan kay
Ice.
“Ikaw? Anong gagawin mo sa Sabado?” tanong ni Ayu kay Ice. At sa wakas, hindi na
siya nakatingin sa akin.
Hindi sumagot si Ice kaya si Ate Cass na ang nagsalita, “Wala naman ‘yang ginagawa.
Tambay lang ‘yan sa bahay. Iabot mo na lang sa kanya ‘yung ticket.” At tulad nga ng
sinabi ni Ate Cass, inilagay lang ni Ayu sa tapat ni Ice ang ticket.
Hindi ako sinagot ni Ice kaya kinuha na lang ni Manager Ry ang ticket saka tiniklop
at inilagay sa wallet niya, “Sayang ‘to. Mukhang ayaw niyo kaya ipaparaffle ko na
lang sa customers ko.”
***
PINOST KO NA RIN SA GROUP SA FB 'YUNG MGA NEW CHARACTERS FOR TEEN CLASH 3. PARA SA
MGA HINDI PA MEMBER NG GROUP, SALI NA LANG KAYO. Minsan mas advance din ako magpost
diyan about sa stories ko. iDangs Stories ang name ng group. MAY OFFICIAL TWITTER
ACCOUNT DIN ANG TC KAYA PARA SA TWITTER USERS DYAN, PWEDE NIYO 'YUNG I-FOLLOW FOR
UPDATES. @ClashOfficial UN. :)
Battle 70
Zoe’s POV
“Uy, Zoe. May show bukas sa may gawing seaside. Mukhang maganda. Manunuod ka? ‘Di
ba mahilig ka sa mga banda?” tanong sa akin ni Sachi.
“Manunuod ‘yan. Sa kanya napunta ‘yung biniling ticket ni Ayu e.” sagot ni Sab sa
kanya.
Tapos na ang klase naming tatlo at dahil sa Friday daw ngayon, bawal daw magsi uwi
ng maaga sabi lang nila Sab kaya niyaya niya akong manuod ng practice ni Josh.
Nagkataon naman na may practice din ang mga cheer leader that time kaya nang mag
break ay pinuntahan kami ni Sachi.
“May isa pang ticket kay Manager Ry sa pagkaka alam ko. Gusto mo?”
Mukhang patango na si Sachi pero bigla siyang inunahan ni Sab, “Pinaraffle niya
kagabi ‘yung ticket. Wala na.”
“Sayang.” Sabi ni Sachi. “Pero hayaan ko na lang. Kulang din naman ang isang ticket
para sa amin ni Jacob. Next time na lang kami siguro makakanuod. Sige, ha. Tapos na
break namin e. Balik na ko dun.”
Tumango kami ni Sab at tuluyan nang tumakbo pabalik sa mga kasamahan niya si Sachi.
Busy ako sa panunuod sa mga naglalaro ng basketball at ng mga nagsasayaw nang
biglang magsalita si Sab, “Sorry, Zoe.”
Napakunot noo na lang ako kasi hindi ko maintindihan ang gusto niyang palabasin.
Set up ang alin?
“’Yung ticket.. sinadya namin ‘yun nila Ayu. Gusto kasi namin kayong magkalapit
ulit ni Ice. Ilang linggo na kasi ang nakalipas tapos hindi pa rin kayo
nagpapansinan. Ang akala namin, tatanggapin ni Ice ‘yung ticket pero hindi e.
Naiparaffle na ni Manager Ry ‘yung ticket at may babae raw na nakakuha. Hanggang
dulo umasa kami na magbabago ang isip ni Ice at sasamahan ka pero hindi niya
ginawa.”
Napangiti na lang ako sa sinabi ni Sab. Hindi ko alam kung bakit pero hindi na rin
ako nagulat sa sinabi niya. Medyo inexpect ko na rin kasi na hindi pa sila tapos
gumawa ng move para maibalik ‘yung dating Ice at Zoe. Hindi na rin ako masyadong
nasaktan na malaman na ayaw ni Ice. Masakit pa rin kahit konti pero hindi na ‘yung
tulad ng dati. Siguro nakakasanayan ko na ‘yung sakit kaya baka unti unti na akong
namamanhid.
“I’m really blessed to have a friend like you.” Napalingon siya sa akin at parang
naguluhan.
“Hindi ka ba nagagalit?”
“Silly. Of course not. Bakit naman ako magagalit kung ang gusto niyo lang naman ay
makitang maayos na kami ni Ice at masaya? It’s fine. Really.”
“Pero hindi kami nakakatulong, Zoe. Wala kaming magawa para magkabalikan kayo.”
“Alam mo ba, Sab, naisip ko nang isuko si Ice pero nung nag-usap kami ni Ate Cass
last time, narealize ko na hindi ko rin pala kaya. Hindi na ako gagawa ng move para
pilitin siya pero maghihintay na lang ako. Anong malay natin.. baka isang araw
magising na lang siya tapos nalaman na niyang mahal niya pala ako. Wala kayong
kasalanan kung hindi man kami magkabalikan. Hindi naman kayo ang nagdesisyon ng
kahihinatnan namin. Kaya okay lang, Sab.”
Nagkwentuhan pa kami ni Sab hanggang sa matapos na ang practice nila Josh at umuwi
na kami.
Saturday came by. Tanghali na ako nagising at inabutan ko na na nasa kusina ‘yung
tatlo. They were so busy preparing our food kaya umupo na lang ako. Mabilis lang
din lumipas ang oras. Kumain kami, nagkwentuhan at kung anu-ano pa hanggang sa isa
isa na silang umalis sa bahay at naiwan ako para mag ayos papunta sa show.
Nang makapagbihis na ako, chineck ko muna ang bahay, lahat ng plugs and locks and
took my keys para makaalis na. I was about to enter my car when I decided to take a
cab. I think it’s easier this way. Hindi na ako mahihirapan maghanap ng paparking-
an.
Ibinaba ako ng driver sa may seaside. Tiningnan ko ang venue ng show at unti unti
ng nagdadatingan ang mga tao. Chineck ko ang orasan ko at sa tingin ko medyo maaga
aga pa. 1 hour before magsimula ang show kaya naisipan kong maglibot libot.
Nang mapagod ay umupo ako sa may gawing seaside at pinagmasdan ang mga nasa paligid
ko.
Ang daming nagkalat na tindahan at paniguradong kapag naggabi na, mas dadami pa ang
mga stalls na nasa gilid. Mag mumukhang night market ‘to for sure. Ang dami ring
mga tao na nagdadaan. May iba na pamilya ang kasama. Meron naman na kaibigan o ‘di
kaya ay karelasyon. Meron din naman na mag-isa lang. May mga mukhang naiinis, may
mga nagmamadali, may mukhang masaya.
♫ But now it's over, it's over. Why is it over? We had the chance to make it. Now
it's over,
It's over. It can't be over. I wish that I could take it back, but it's over.
I lose myself in all these fights; I lose my sense of wrong and right. I cry, I
cry. I'm
Shaking from the pain that's in my head. I just want to crawl into my bed and throw
away
The life I'd led. But I won't let it die. But I won't let it die.♫
I crinkled my nose when I enter the venue. Timing nga naman. Hindi ko alam kung may
galit ba sa akin ang mga tumutugtog na ‘to at feeling ko pinapatamaan nila ako sa
kanta nila. Ipamukha pa ba talaga sa akin na tapos na?
We could be over
Nagkakagulo na ang mga tao sa gilid ko. Sigawan na sila ng sigawan. Ang sikip pa
parang hindi na ako makahinga. Ang sakit sa ulo sa totoo lang.
♫ It's not over. It's not over, it's never over, unless you let it take you, it's
not over ♫
Umuusad ako ng kaunti dahil nagigitgit na ako ng katabi ko kaya lang may isang
nanunuod na umalis sa pwesto niya at naapakan ang paa ko kaya muntik na akong
mabuhal. Buti na lang may nakasalo sa akin at hinawakan ako sa braso ko. Napasandal
ako sa dibdib nung nakasalo. Tumingala ako para makita kung sino ‘yun kaya lang
pagtingala ko, parang mas lalo pang nawalan ng hangin sa lugar na ‘to. Nanlaki ang
mata ko at bumilis na naman ang tibok ng puso ko, “Ikaw.”
♫ It's not over, it's not over, unless you let it break you. It's not over. ♫
Hindi siya sumagot kaya ibinalik ko na lang ang atensyon ko sa mga tumutugtog.
Pinipilit kong alisin sa utak ko na nasa likod ko lang si Ice pero parang ang
imposible naman nun. Kapag wala nga siya sa tabi ko, lagi ko siyang naiisip. Paano
pa kaya ngayon na nasa likod ko lang siya?
Sinubukan kong magtagal sa lugar na ‘to kaya kahit nahihirapan na ako, nag stay ako
kahit hanggang makamaraming kanta muna sila. At nang feeling ko ay marami na ang
nakanta nila, napapikit na lang ako at nagdesisyon na lumabas na. Tumalikod ako at
naramdaman kong napatingin siya sa akin pero hindi ko siya tiningnan, at sa halip
ay naglakad ako papalabas ng venue. Hindi na ako nagpaalam sa kanya kasi pakiramdam
ko naman wala pa rin siyang pakialam.
Para akong nakahinga ng maluwag nang makalabas ako sa lugar na ‘yun at makabalik sa
may seaside. Bukod sa nakalayo na ako sa masikip at mainit na lugar na ‘yun,
nakalayo pa ako kay Ice. Hindi naman sa ayoko siyang makita. Parang.. how do you
put it this way? Ah! Ewan. My mind’s not functioning well.
“Miss! Aba. Gabi na. Hindi mo ba alam na masama lumabas ng bahay mag-isa ang babae
tuwing gabi? Tara. Samahan na kita.”
Napairap na lang ako sa lasing na nakasalubong ko. Hindi ko alam na ipinagbabawal
na pala ngayon umalis mag-isa ang mga babae.
Nararamdaman ko pa rin ang pagsunod sunod sa akin nung lasing. Salita pa rin siya
ng salita. Kapag ako nainis, makakasapak na ako ng lasing.
Hinawakan ako sa balikat nung lasing at ihinarap sa kanya. Hahawakan niya sana ako
at handa na dapat akong sapakin siya nang biglang may humawak sa braso niya.
Nanlaki ang mata ko nang makita si Ice na nasa pagitan na namin nung lasing. Halata
sa mukha niya ang pagkairita habang hawak hawak pa rin sa braso ‘yung nanggugulo.
Really, Ice? That’s the best thing you could do? Tatawag sa pulis? I mentally shook
my head while this crazy drunk man laughs. Gusto ko rin sanang matawa kung hindi
lang ako naunahan ng inis e.
“Alis na.”
Sa halip na umalis, hinawakan ako nung lalaki sa braso at tinamaan na niya ang
limit ko. Kung ang balak ni Ice ay tumawag ng pulis, ang balak ko, sapakin ang
lalaking ‘to. Sasapakin ko na sana siya kaya lang may kamao na na naunang tumama sa
mukha niya.
“Alis na sabi.”
Halos hindi magkandarapang tumakbo ‘yung lasing palayo sa amin. Tiningnan ko lang
si Ice at nagpasalamat. Tatalikod na sana ako nang hawakan niya ako sa braso.
Parang nag dadalawang isip siya kung magsasalita ba siya o hindi kaya tinanggal ko
na ang kamay niya na nakahawak sa braso ko, “Kung wala kang sasabihin, mauuna na
ko. Salamat ulit, Ivan.”
Nakakatatlong hakbang pa lang ako nang maramdaman ko na naman ang kamay niya sa
braso ko. ‘Yung totoo.. anong problema ng lalaking ‘to?
Inirapan ko siya, “Look, kesa masayang ang oras nating dalawa – “
“Uuwi ka na ba?”
Hinila na niya ako pagkasabing pagkasabi niya nun. Nagsalita na ba ako? Sumagot na
ba ako? Hindi pa naman ha. On the other hand.. sasamahan ko rin naman talaga siya.
Napangiti na lang ako habang hila hila niya pa rin. Ano bang gagawin ko sa ‘yo,
lalaki ka?
Hindi pa ako nagdidinner. Hindi naman nakakabusog ‘tong fishball pero okay na rin
‘to kesa sa wala akong makain. Hindi ko pa siya sinasagot sa tanong niya pero
kumuha na siya ng cup at stick saka nilagyan ng fishball at sauce at inabot na sa
akin.
Matapos naming kumain ay naglibot libot pa kami sa may seaside pero wala ni isa sa
amin ang nagsasalita. Hindi siya comfortable silence pero hindi rin siya awkward.
Hindi ko alam kung papaano i-describe.
“Pagod ka na ba?” wala namang bakas ng concern sa boses niya pero kinikilig pa rin
ako kasi kahit papaano, nag-aalala na siya sa tingin ko.
Hindi ko na kayang pigilan ang dila ko kaya bigla ko na lang siyang tinanong,
“Anong problema mo?”
“Ha?”
“Bakit bigla ka na lang naging mabait? Noong nakakaraan halos itulak mo na ako
palayo.”
Nagkibit balikat lang siya kaya hindi ko na lang din itinulak ang topic sa kanya.
“What.. what was I like when.. uhh.. before the accident?”
Napatingin ako sa kanya pero hindi ko agad nagawang mag react. Akala ko ba ayos
lang sa kanya na wala na siyang maalala?
“Ah, hindi. Paano ba? Hmm. Medyo masungit ka pa rin sa ibang tao pero sobrang kulit
mo na sa mga taong close sa ‘yo. Madalas kang nakangiti. Hindi mainitin ulo mo.
Siguro total opposite ng Ice- I mean Ivan- na ipinapakita mo ngayon.”
Napatahimik siya at diretsyo lang ang tingin niya sa dagat. Siguro nahihirapan
siyang i-process sa utak niya na sobrang magkaiba ‘yung Ice ngayon kaysa sa Ice na
naging siya.
“Ice.” Napalingon ako sa kanya nang tawagin niya ang sarili niya, “Pwede mo akong
tawaging Ice kung ayan ang nakasanayan mo.”
“Nakasanayan ko nga ang Ice pero hindi na ikaw ang Ice na kilala ko. Hindi na si
Ice ang nakikita ko sa ‘yo kundi si Ivan. Okay na ako sa Ivan. Masasanay na rin
naman siguro akong ayun ang tawag ko sa ‘yo kapag nagtagal.”
Hindi ulit siya nakasagot at nabalot kami ng katahimikan pero siya rin ang pumutol
nun, “Sino ba ang Ice na kilala mo? Sino ‘yung Ice na ako bago nung nangyari?”
“Hindi. Iba ‘yun. Ayun ‘yung Ice na nakikita niyong lahat. Pero sa ‘yo.. paano ako
makitungo sa ‘yo? Hindi pa ako nagkakagirlfriend buong buhay ko.. sa pagkakaalam
ko. Kaya paano ako sa ‘yo?”
“Ikaw.. sobrang sweet mo. Possessive pero in a good way. Ang spontaneous mo pa.
Palagi mo akong pinapakilig. Para sa ‘yo, wala ng ibang babae na sobrang special sa
‘yo. Ako lang. Syempre bukod dun ‘yung pamilya mo. Alam mo ba, bago ka..
maaksidente.. nag anniversary muna tayo. Sabi ko sa ‘yo hindi ako makakauwi dito
kaya pinuntahan mo pa ako sa totoong bahay ko. Sinurprise mo ako at nag-celebrate
tayo ng New Year together. Bago mangyari ang lahat ng ‘to, plano mo pa nga na
sunduin ako after ng meeting ko kaya lang … “
Buti na lang din at naisipan niyang mag-aya pauwi. Baka kasi mas mahirapan lang ako
kung magtatagal pa kami dito.
We took a cab. Natrauma siguro siya kaya hindi na siya nagdradrive ngayon. Mas okay
din na magcommute na lang kami kaysa ihatid niya ako at hayaan ko siyang magdrive
mag-isa pauwi.
Hindi ko na siya inalok pumasok sa loob dahil hinihintay siya nung taxi.
Nagpasalamat at nagpaalam ako sa kanya saka bumaba. I was about to open the gate
nang tawagin niya ako.
Nasa loob pa rin siya ng taxi pero binuksan niya ang bintana.
"Bakit?"
"Call me Ice. It's better that way." Sagot lang niya saka isinara ang bintana at
umalis.
Battle 71
Zoe's POV
"Ayun nga e. May pinagdadaanan siya. Kaya mas nakakatakot. Paano kung hindi na
kinaya ng utak niya lahat ng mga nangyayari sa buhay niya ngayon? Paano kung
bumigay na? Natanggalan na pala ng turnilyo sa utak?"
"Matindi naman siguro ang kapit ng utak niya. At saka, ano ka ba. Mas okay na ang
utak niya ang bumigay kaysa ang puso niya."
"Manahamik nga kayong dalawa! Kung anu-ano ang mga sinasabi niyo. Kung nilapitan
niyo at tinanong niyo kung ano ang problema.. eh 'di sana tapos na."
"Ingay kasi." Lingon niya kila Sab."O. Ano ng nangyari at tulala ka dyan?"
Napangiti na naman ako kasi naalala ko 'yung sinabi ni Ice bago siya umalis kanina.
Ice na raw itawag ko sa kanya. Grabe. Para akong baliw na kinikilig dito.
"Bakit ba kasi nakatulala ka kanina tapos bigla kang ngingiti na parang ewan dyan?"
Ngingiti pa lang sana ulit ako nang hawakan na ni Sab ang panga ko kaya hindi ko
natuloy ang pagngiti ko. "Huwag mo lang kaming sagutin ng pagngiti ngiti mo. Medyo
creepy ka na."
"Sabi niya Ice na lang itawag ko sa kanya." Napangiti na naman ako sa naalala ko.
Nanlaki ang mata nilang tatlo saka mga nag-uunahan na sumiksik sa akin. Ang luwag
luwag ng sofa pero ginigitgit ako. Kapag kwento talaga..
"Saan sinabi?"
"Paano sinabi?"
"Chill, guys. Isaisa lang. Pero ganito kasi.. sinabi niya 'yun kanina sa tapat ng
bahay natin. Ewan. Basta nung pagbaba ko ng taxi bigla na lang niya yun sinabi."
Pinaulanan nila ako ng tukso at lalo pang nagpakwento kung bakit kami magkasama
kaya kwinento ko naman ang lahat ng nangyari magbuhat nung sinalo niya ako nung
concert hanggang sa naging kwentuhan namin.
Pinipilit nila na naramdaman daw nila na sinundan talaga ako ni Ice dun. Maski ako
naman ayun din talaga ang una kong naisip. Hindi na ako magpapakaipokrita. Kaya
lang nakakatakot na rin umasa. Baka kasi mamaya mali naman pala ako ng akala.Baka
maging assumera lang ako at mamisinterpret ko ang nangyari. Basta sa ngayon go with
the flow na lang ako.
***
Nagdadaldalan kami ng biglang may tumawag kay Ken kaya nanahimik muna kami para
masagot niya ang phone niya.
"Bakit p're? ... Nakatambay ako sa 7/11 e. Kasama ko sila Xander. ... Huwag kang
clingy, p're. ... Ge. Daan ako dyan mamaya.Wag kang pa VIP. Bye!"
"Si Ice. Puntahan ko raw siya sa kanila at naiinip siya. Pero mamaya na."
Maya maya lang ay may tumawag kay Xander. Halos parehas lang sila ng sinabi ni Ken
kaya alam na rin namin na si Ice ang kausap niya.
Halos isang oras na ata kami dito pero wala pa rin kaming balak umalis kasi wala pa
'yung magkapatid. Hindi pa tapos ang klase.
"Sabi sa inyo bagong buhay na ko ngayong sem e. Halos i-perfect ko quiz kanina."
Titingin pa lang sana ako sa tinitingnan niya nang biglang may nagsalita, "Naiinip
na ko."
Bumilis ang tibok ng puso ko nang umupo siya sa bakanteng upuan sa tabi ko. Ramdam
ko ang awkward atmosphere. Hindi alam ng iba kung sino ang unang magsasalita at
mukhang wala rin balak magsalita ulit si Ice. Siguro tinitimbang pa rin nila kung
okay ba kami ni Ice. Ayoko namang mamisinterpret niya o isipin niya na hindi siya
welcome kaya kahit di ko sure kung okay na nga kami, kinausap ko pa rin siya.
"Uhh. Magdidinner kami pagdating nila Ayu at Josh. Sama ka?" Ang lame ko. Kainis.
Kinakabahan kasi ako.
"Maski merienda?"
"Hindi."
"Actually I'm quite hungry. Plano ko na rin namang kumain pagdating ko dito." Sagot
niya at saka nagpunta sa may counter.
"Anong ano?"
Kaya para sagutin ang tanong ni Xander, nagkibit balikat na lang ako.
***
Dalawang linggo na matapos nung concert. Isang linggo at dalawang araw na matapos
nung nangyari sa convenience store. Matapos ng mga pangyayaring 'yun, naramdaman ko
na okay na kami ni Ice. Okay as in friends pero hindi okay as in lovers. Naging
mabait na siya sa aming lahat. Well, not really super bait pero hindi na siya
masungit sa amin.. minsan.
Hindi ako makatulog at sa mga ganitong panahon, dapat kinakausap ko na si Ice over
the phone pero nasanay na rin ako na hindi siya kausap or ka-text. Ewan ko ba.
Basta ang gulo.
Ichecheck ko sana sa phone kung anong oras na pero 'yung notification na may
message ako ang unang lumabas. Unknown number, eh? Sino 'to?
Nanlaki ang mata ko at agad kong tinakpan ng unan ang mukha ko saka tumili.
Gumulong gulong pa ako sa kama ko dahil sa text niyang 'yun. Ang babaw ko na ata.
Buti na lang pala hindi ko siya tinetext magbuhat nung hindi niya ako naalala.
Magmumukha lang pala akong tanga kasi iba na ang number niya.
Can I call?
Hala. Hala. Hala. Tatawag siya. Anong gagawin ko? Boyfriend ko naman 'to pero
kinakabahan pa rin talaga ako.
Hindi pa ako nakakasagot, tumawag na siya. Napaayos ako ng upo at inayos ang sarili
ko, na hindi ko alam kung bakit ko ginawa e hindi naman niya ako makikita, saka
sinagot 'yung tawag.
Hindi ko alam ang isasagot kaya medyo nagkaroon ng awkward silence, "You know what.
Sa pagkakatanda ko ngayon lang ako tumawag sa 'yo but this feels so.. familiar?
Lagi ba kitang tinatawagan dati?"
"Hindi naman palagi pero madalas. Kapag parehas tayong hindi makatulog, it's either
tatawag ka o ako ang tatawag sa 'yo. Teka.. saan mo nga pala nakuha number ko?"
"Nakita ko lang siya sa phone ko. Baka nilagay ni Ash or ni Ate Cass."
"Ah..okay."
Wala ulit nagsalita. Ilang segundong sobrang tahimik kaya tiningnan ko ang phone ko
kung tinapos na niya ang call pero umaandar pa rin naman ang number.
Magsasalita na sana ako pero inunahan niya ako, "Can I tell you something?"
"Medyo weird lang. Pwede ko naman kausapin ang mga kapatid ko o kaya sila Josh pero
hindi ko alam bakit ikaw ang tinawagan ko. Naisip ko lang kasi.. ah wala. Wala."
"Ewan. Di ako sanay pag-usapan ang ganto pero..ang hirap pala na nagkaganto ko."
"Oo. Para kasing ang tagal kong nakatulog tapos paggising ko ibang mundo na ang
ginagalawan ko."
Hindi ko alam kung anong sasabihin ko sa kanya. Kasi ako.. alam ko na mahirap ang
pinagdadaanan niya. Kaya lang hindi ko alam kung ano nga ba ang mas mahirap. Ang
makalimot o ang ikaw lang ang nakakaalala.
He ended the call after that. Hindi man lang nagbabye? Anong problema nun? And
speaking.. biglang nagtext.
Sorry. I don't usually say that kind of things. I think? Wait. I don't, right?
Whatever. Goodnight.
***
Nagkaayaan ang barkadang magpunta sa bahay nila Ice. Napangiti na lang ako kasi
naalala ko ang pagtawag niya nung nakaraang gabi. Ever since that night hindi pa
kami ulit nagkikita. Nagkakatext kami pero hindi 'yung magdamagang text. Tuwing
gabi lang. One hour lang siguro.
Ayos lang naman na sumigaw siya palibhasa wala ngayon dito ang parents ni Ice.
Solong solo namin ang bahay.
Nagdrama pa si Xander na kesyo hindi na naawa si Ate Cass sa kanya kasi nagugutom
siya. Hindi na raw welcome ang bisita at sa lahat ng pinagdaanan nila pagkain lang
pala ang bubuwag sa kanila. Narindi si Ate Cass sa mga reklamo ni Xander kaya
sinabihan niyang sumunod na siya sa kusina at may meriendang nakahanda talaga.
Syempre hindi nagpaiwan ang iba kaya mga nag-uunahan na pumunta sa kusina.
Napailing na lang ako at susunod na sana nang mapansin kong pababa ng hagdan si
Ice.
"Saan sila?"Medyo nalilitong tanong niya nung wala siyang inabutan sa kusina kundi
ako lang.
"Kumakain na. Mga gutom. Wala e. Mas mahal nila ang pagkain kesa sa 'yo." Biro ko.
Natawa siya sa sinabi ko. Nakakamiss 'yung tawa niya. Ngayon ko na lang ulit siya
narinig tumawa.
"E bakit ikaw nandito pa?" Napatingin ako kay Ash na kakababa lang, "Does it mean
mas mahal mo si Kuya Ice kesa sa pagkain?"
Feeling ko namula ako sa sinabi ni Ash. Nahiya tuloy akong tumingin sa kanya.
Siguro naman halatang "oo" ang sagot ko kay Ash.
"Joke lang. Hindi na mabiro dalawang 'to. Mga pisngi niyo pwede ng ipalit sa
traffic lights sa sobrang pula." Natatawang dagdag niya at saka pumunta sa kusina.
Kung posible, baka mas lalo pa akong namula. Nakatingin lang ako sa floor sa
sobrang hiya, "Ahh. Ehh. Sige.. sunod na ako sa kanila." Lakad-takbo akong umalis
sa harap niya.
Matapos magsikain, una-unahan na naman ang lahat sa pagpunta sa sala para manuod.
Except siguro kay Ice na sobrang chill lang.
Wala akong naintindihan sa pinapanuod namin palibhasa kanya kanyang daldalan ang
nangyari. Ang hirap manuod kapag maingay ang mga kasama mo kaya naisipan ko na lang
lumabas at magpunta sa bakuran nila. At least dito tahimik.
Nang buksan ko ang mata ko naglalakad na papalapit si Ice at umupo na sa tabi ko.
"Nasanay akong maingay pero ngayong lumaki na ang group of friends ko, mas lalo
pang umingay."
"Ice."
Napatigil siya sa pagsipa sipa sa maliliit na bato at saka ako tiningnan, "Bakit?"
Napakagat ako sa labi ko at hindi ko sigurado kung dapat ko pang ituloy ang
sasabihin ko, but I did anyway,"Kahit konti.. kahit konting konti lang.. wala ka pa
bang matandaan?"
Napabuntong hininga siya at pumikit. Pagdilat niya puno na ng confusion ang mata
niya,"Wala pa. Nakakainis din. Parang wala akong kaalam alam sa mga nangyayari.
Naalala mo nung tumawag ako sa 'yo nung nakaraan? Ang alam ko first time kitang
tawagan pero pakiramdam ko ginagawa ko na 'yun dati. Then I remember, nawalan nga
pala ako ng alaala. It's a weird feeling and it frightens me. Para akong alien sa
sarili kong mundo."
Naawa ako sa kanya. Mukha siyang naliligaw. Gusto ko sanang magsalita para man lang
bigyan siya ng comforting words kaya lang natatakot ako na baka mali ang masabi ko.
Instead, hinawakan ko siya at ngumiti.
"Thanks for listening. That's all I need right now." At least I think I did the
right thing.
***
Habang dumadaan ang bawat araw, mas napapalapit pa ako kay Ice and vice versa.
Nagagawa ko na ulit siyang biruin at ganun din siya sa akin. Parang nandoon na
naman 'yung feeling ng pagiging kumportable namin sa isa't isa.
"Sandali naman. Nagsasapatos pa e. Saka paniguradong wala pa sila dun. May mga
klase pa 'yun."
Pupunta kasi ngayon sa No Name. Nagkataon na wala akong pasok kasi wala 'yung prof
ko sa nag-iisang subject ko ngayong araw. Ito namang si Ice, hindi na nag-aaral
kaya para raw hindi siya mainip, pupuntahan na lang niya ako sa amin. Kaya nandito
siya ngayon.
Nang makapagsapatos na ako ay hinila ko na siya sa labas para matigil na rin siya
sa kakamadali niya sa akin.
May magagawa pa ba kami. Syempre ano pa nga ba, edi mag-taxi. Kaya lang hintay kami
nang hintay wala pa ring dumarating na taxi. Bihira kasi ang taxi sa subdivision na
'to. Kaya sa bandang huli, napagdesisyunan na lang namin maglakad lakad hanggang sa
makaabot kami sa lugar kung saan maraming taxi ang dumadaan.
We walk in silence. It's not awkward or what. Kung tutuusin ang kumportable nga e.
Parang may pumasok na naman na kung anu-ano sa utak ko. Tulad na lang kung paano
naging sobrang gulo ng buhay ko noong mga nakaraang buwan. Nawala si Ice sa akin.
Nakalimutan na niya ako hanggang sa lagi niya akong sinusungitan at ngayon ayos na
ulit kami - pero as friends lang. Tapos hindi ko na rin siya makakasabay grumaduate
next year.
"Timing nga naman. Wala ng taxi, mauulanan pa." reklamo ni Ice saka ako hinila para
sumilong. "Magsa-summer na, umuulan pa?"
Hindi man lang kami nakaabot sa labas ng subdivision. Sa waiting shed kami
sumilong. Wala na rin masyadong tao kasi wala pa namang mga pinapatayo na bahay sag
awing 'to ng subdivision at saka halos gabi na tapos umuulan pa.
"Nasa No Name na kayo? Kakatapos lang ng klase ko. Kainis. OT na naman prof ko."
"Na-stranded kami sa ulan. Wala rin kaming masakyan na taxi. Flat pa kotse ko."
"Kawawa naman pala kayo." Narinig ko pa ang pagtawa niya sa kabilang linya. "Sige
na nga. Sabihin ko kay Josh daanan muna kayo bago tayo magpuntang No Name. Saan
ba?"
"Okay, bye."
"Ayan ha. May susundo na sa 'tin. Maghintay na lang tayo." Sabi ko pa kay Ice.
Tinanguan niya ako at nagkwentuhan lang kaming dalawa habang naghihintay kila Sab.
Hindi ko na maintindihan ang usapan namin paano una, tungkol sa photography,
hanggang sa napunta sa course ko at course din niya dati, tapos sa shows na
pinapanuod namin, sa bandang gusto namin. Basta ang layo na ng narrating ng
kwentuhan namin pero wala pa sila Sab.
Nakikinig ako sa kwento niya hanggang sa maramdaman kong may tumalon sa paa ko.
Pagtingin ko doon, para akong nakakita ng multo at tumili nang tumili.
"Palaka! Palaka! Palaka!" sigaw ako ng sigaw habang 'yung kasama ko tawa lang ng
tawa, "Paalisin mo 'yung palaka! Dali! Kadiri! Kadiri!"
Bukod sa ahas, ayoko talaga ng palaka. Kinikilabutan ako sa texture niya. Parang..
eek. Ewan, Kadiri talaga.
Dahil sa nakakakapit ako sa sleeves niya, nung lumingon siya, naging sobrang lapit
ng mukha niya sa mukha ko. Nahiya ako sa naging ayos namin kaya ako na unang
lumayo.
Tiningnan tingnan ko ang paligid. Iginala ko na ang mata ko kung saan saan pwera
kay Ice. Nakakahiya. Ang awkward na tuloy. Nasaan na ba kasi sila Sab? Ang tagal
nilang dumating.
Nacurious ako kung ano na ang ginagawa ni Ice kaya napatingin ako sa kanya. Nagtama
ang tingin namin. Wala ni isa ang nagbawi. Lumalakas at bumibilis na naman ang
tibok ng puso ko. Hindi ko na alam ang nangyayari.
We were both lost in each other's eyes. Unti unting lumapit ang mukha niya sa akin.
Nagtama na ang ilong namin at napapikit ako. Hinihintay kong maglapat ang labi
namin kaya lang hindi iyon nangyari kaya napadilat ako at nakita ko na naman ang
Ice na nakita ko dati pagkatapos noong aksidente. His eyes are so full of
confusion.
"Sorry. I shouldn't have done that. My mistake."
Anong ibig niyang sabihin? Tatanungin ko pa lang sana siya pero bigla ng bumusina
si Josh. Walang sabi sabi ay tumayo si Ice saka sumakay.
Nakarating kami sa No Name ng walang imikan. Hanggang sa No Name hindi niya ako
pinapansin. Wala siyang pinapansin. Bumalik siya sa pagkasuplado niya at walang
sabi sabi ay bigla na lang lumabas.
Nakatayo lang siya sa labas at parang inis na inis. Sumipa pa siya ng bato at nang
makita niya ako ay parang bumalik na naman 'yung tingin niyang walang emosyon.
"Ice."
Hindi niya ako sinagot kaya lumapit ako sa kanya. Hindi pa man din ako nakakalapit
ng sobra nang harapin niya ako at mukhang iritang irita, "Wala, okay?! Pwede bang
umalis ka muna?"
Nabigla ako sa sagot niya at pagsigaw niya sa akin. Hindi ako agad nakagalaw.
"Fine. Kung ayaw mong umalis, ako na lang ang aalis." Saka siya naglakad palayo sa
akin.
Hindi ko maintindihan. Ano bang nagawa ko? Okay naman kami dati ha. Ayos na kami
tapos biglang naging ganito na naman siya. Ice, gulong gulo na ako.
Battle 72
Zoe’s POV
Ever since nung naging pag-uusap namin ni Ice sa No Name, hindi na kami nagkita
ulit. Hindi na kami nagkausap. Hindi na siya ulit sumasama sa amin. Tinext ko siya
pero hindi niya ako nirereplyan. Sinubukan ko siyang tawagan pero hindi niya
sinasagot ang tawag ko. Hindi na rin ako magtataka kung malaman ko na nagpalit na
ulit siya ng number.
Para na akong desperada kakahabol sa kanya. Nakakapagod na rin talaga. Gusto kong
mainis kasi umasa ako e. Akala ko unti-unti na siyang nagiging okay. Akala ko may
pag-asa na ulit madugtungan ‘yung lovestory namin pero sa isang iglap lang bigla na
naman siyang nag-iba.
Iniisip ko kung ano pa ba ang kulang? Hinabol ko siya. Binigyan ko siya ng time
mag-isa. Lumayo ako. Nung lumayo naman ako bigla siyang lumapit. Tinanggap ko ulit
siya. Tapos ngayon lalayo na naman siya. At ang nakakainis pa, hindi ko alam ang
rason niya. Ginawa ko naman lahat ng gusto niya. Ano pa ba?
Pinunasan ko ang luhang tumulo at saka huminga ng malalim, “Last chance, Zoe. Kung
hindi maganda ang kalabasan nito, give up na.” bulong ko sa sarili ko at saka nag-
doorbell.
“Ate Zoe? Nadalaw ka?” tanong ni Ash nang mapapasok na niya ako.
“In his room. Speaking of Kuya Ice. He’s acting really weird lately. I wonder why.”
Napansin ni Ash na may something kaya agad siyang sumunod. Pinaupo muna niya ako
saka tumakbo paakyat para tawagin si Ice. Habang hinihintay ko sila, iniisip ko na
kung ano nga ba ang mga gusto kong sabihin. Inipon ko na lahat ng sakit kaya lang
hindi ko alam kung kaya ko bang ilabas ‘to kapag nakaharap ko na si Ice.
“Okay lang kung puntahan ko siya?” tumango si Ash kaya agad naman akong nagpunta sa
kwarto ni Ice.
Nakaupo siya sa sahig at naglalaro siya sa xbox niya nang abutan ko. Nakatalikod
siya sa akin pero alam kong alam niyang may pumasok.
Napahinto siya sa paglalaro pero hindi niya pa rin ako nilingon. “I just want to
talk. Pati ba naman ‘yun ipagkakait mo pa?”
“Mukha na akong desperada kakahabol sa ‘yo. I love you, Ice. I love you so much at
nasasaktan na ako sa mga ginagawa mo. Naiintindihan ko.. nawalan ka ng memorya.
Hindi mo ako maalala. Nahihirapan ka pero nahihirapan din naman ako. Hindi lang
ikaw ang naliligaw dito Ice. Pakiramdam ko nawawala na rin ako.”
Pinunasan ko ang mga luhang tumutulo sa mukha ko, “Ano bang problema Ice? Pagod na
pagod na akong intindihin ka. Binigyan kita ng oras sa sarili mo. Lumayo ako sa
‘yo. Nang makalayo na ako at unti unti ng nasasanay na wala ka sa tabi ko bigla ka
na lang babalik tapos lalapit lapit ulit sa akin. Bakit mo pa ginawa ‘yun kung sa
bandang huli gusto mo lang din naman palang layuan kita? If you have no intention
of loving me, please don’t set my hopes high. Ang hirap mo ng intindihan, Ice.
Hindi mo rin naman ako pwedeng sisihin na ganito ang nararamdaman ko. You made me
feel somehow special kaya umasa ako na pwede pa. Trinato mo akong iba sa kanila.”
“Ngayon, Ice.. tatanungin kita. Mahal mo ba ako o wala lang talaga ako para sa
‘yo?”
Hinintay kong sumagot siya pero nakalipas na ang sampung segundo, wala pa rin.
Napapikit na lang ako at napayukom. Ang sabi nila silence means yes. Pero sa
ganitong sitwasyon, hindi na yes ang ibig sabihin ng silence. You wouldn’t doubt if
you really love someone. Sasagot ka kaagad ng oo. Pero hindi niya ginawa. Hindi ko
alam kung ano ang mas masakit. Ang sagutin niya ng diretsyahang “hindi” ang tanong
ko o ang hindi niya ‘yun pansinin.
“I’ll take that as a no. Congratulations, Ice. I’m letting you go.”
***
Ice’ POV
“I’ll take that as a no. Congratulations, Ice. I’m letting you go.”
Ihinagis ko ang controller na hawak ko sa may pader. Pulang pula na rin ang kamay
ko sa sobrang higpit ng pagkakahawak ko sa controller.
Ano bang nangyayari sa akin? Ano na bang nangyayari sa buhay ko? Wala na akong
maintindihan. Gulong gulo na ko.
“No. Go away.”
“Anong hindi?” hinawakan ni Ate Cass ang kamay ko at ipinahawak sa akin ang mukha
ko, “Basa ‘di ba? Ano sa tingin mo ‘yan? Pawis galing sa mata?”
Tangina. Ano ba talagang nangyayari sa akin? Umiiyak ako ng hindi ko alam. Hindi
naman ako palaiyak na tao tapos dahil lang dun naiiyak ako. Nakakagago.
“What’s the problem, Ice? Alam kong may kinalaman ‘to kay Zoe. Umalis siya nang
umiiyak.”
“Yes. Hindi ko rin siya masisisi. Maybe napagod na. Ano ba kasing nangyari?”
How am I supposed to answer her question when I don’t even know what the f*ck I’m
feeling.
“Masakit ano?” As much as I want to deny it, I know I can’t. I’m crying for Pete’s
sake! Obviously it hurts. “Bakit ka umiiyak? Kasi masakit. Bakit ka nasasaktan?
Mahal mo ba?”
Mahal ko ba? Napapikit ako at nagflashback ang mga nangyari noong mga nakaraang
buwan. Isa na roon ang unang beses ko siyang nakita sa pagkakaalala ko. Sa ospital.
Ginugulo ako nila Xander tapos nadaanan ko siya ng tingin. Ang kakaiba nga lang
dun.. hindi ko na magawang bawiin ang tingin na ‘yun. Parang nadikit na ang mata ko
sa mata niya. Estranghero ang pakiramdam na ‘yun. Parang pinagbuhol buhol ang
bituka ko. Parang nakipagkarerahan ang puso ko. That moment naisip ko.. posible ba
ang love at first sight? Hindi ko siya kilala at unang beses ko lang siya nakita
pero halos magwala na ang buong pagkatao ko nang magkatinginan kami.
Nang sabihin nila sa akin na girlfriend ko siya, hindi ko talaga magawang maniwala.
Kumirot ang utak ko dahil sa impormasyon na narinig ko. Paanong nangyaring
girlfriend ko ang babaeng noon ko lang nakita? Masyadong masakit sa ulo i-process
lahat ng mga nangyari.
Nalaman kong may amnesia ako. Gulong gulo ako sa nangyayari sa paligid ko. Parang
ang tagal kong natulog tapos paggising ko ibang iba na ang lahat. Sobrang gulo na
ng utak ko. Hindi ko na alam ang gagawin ko.
Ipinagpatuloy ko ang ugali ng kilala kong Ice kahit na pakiramdam ko may mali.
Parang hindi ako ‘to. Parang hindi ko na kilala ang sarili ko. Parang lahat na ng
nasa paligid ko panaginip na lang. Pinilit nilang ipaalala sa akin ang mga nangyari
sa ilang taong nalimutan ko. Habang pinipilit nila, mas lalo lang akong walang
maalala. Kaya lang sa tuwing kinukulit ako ni Zoe, parang may kakaiba akong
nararamdaman. Masyadong kakaiba ang pakiramdam pero parang hindi na rin bago ‘yun.
Napakagulo. Iba ang tibok ng puso ko sa tuwing nandyan siya lalo na kapag tinatawag
niya ako sa pangalan ko.
Kaya lang sa ginawa niyang paglayo para rin akong masisiraan ng bait. Hindi ko na
alam kung saan ko pa ilulugar ang sarili ko. Sinunod ko na lang ang mga unang bagay
na maisip kong gawin kaya ang nangyari, napalapit ako kay Zoe. May iba sa kanya na
hindi ko alam kung ano pero parang hinihila niya ako palapit. Sinundan ko pa siya
sa concert na sinasabi nila. Ginawa ko pa ang lahat para lang makabili ng ticket
kahit na sold out na.
Buong panahon na kasama ko si Zoe at naging malapit kami, parang nag-iba ako.
Parang hindi na ako ang Ice na kilala ko pero gusto ko ‘yung kung ano mang
pagbabago sa akin. Hanggang sa bigla na lang may pumitik na naman sa utak ko.
Noong gabing nastranded kami sa waiting shed, tangina, hirap na hirap ako. Gustong
gusto ko siyang halikan pero nung gagawin ko na bigla na lang akong naduwag.
Natakot ako sa lahat ng pwedeng mangyari. Naguluhan ako sa nararamdaman ko. Sa
pagkawala ng parte ng memorya ko parang nawala rin ang parte ng pagkatao ko.
Naduwag ako na harapin ang nararamdaman ko kaya nilayuan ko siya.
Kung tatanungin ulit ako kung mahal ko ba si Zoe.. isa lang ang isasagot ko. Oo.
Mahal ko siya kahit hindi ko alam kung bakit. Kaya lang natatakot ako sa pwedeng
mangyari. Natatakot din ako kasi sa tingin ko hindi ako ang taong nararapat para sa
kanya. Puro sakit lang ang ibinigay ko sa kanya.
“Mahal ko,” sagot ko kay Ate Cass. “Kaya lang hindi ako ang nababagay para sa
kanya. Sinasaktan ko lang siya.”
“Kasi ayun ang pinili mong gawin sa paglayo mo. Alam mo Ice, kung mahal mo,
ipaglaban mo lalo na at alam mong mahal ka rin. Ayaw mo siyang masaktan ‘di ba?
Bakit ba siya nasasaktan ngayon? Kasi pinagtutulakan mo siya palayo. Kaya ano
ngayon ang dapat mong gawin para hindi na siya masaktan? Ang hilahin siya pabalik.
Nakita ko kung gaano kayo kasaya kapag kasama niyo ang isa’t isa. Parang kayo ang
pinakamasayang tao sa buong mundo. I can’t see the both of you being in love with
anybody else. Naniniwala ako na you two are meant for each other. Tingnan mo,
nakalimot ka na’t lahat pero hindi mo nagawang kalimutan ‘yung nararamdaman mo para
sa kanya. Kasi nga totoong mahal mo siya. At sa mundong ‘to, hindi lahat pinagpala
na magmahal ng taong mahal din siya. Kaya kung isa ka sa pinagpalang ‘yun, huwag mo
ng sayangin ang pagkakataon mo.”
***
“Ano?!” Napangiwi ako sa sigaw ni Josh. “Anong sinabi mo?!” Bwisit. Inulit pa.
“Bingi ka ba?”
Napaupo siya sa kama niya at sandaling natulala, “Mahal na mahal mo nga.” Unti-unti
siyang ngumiti at aaminin kong medyo nakakatakot ang itsyura niya. Para siyang
nasapian na hindi mo maintindihan. “Bro! Hindi ka naman pala nawala!” sigaw niya at
saka ako niyakap.
“Mag-away muna kaya kayo sa labas tapos balik na lang kayo kapag tapos na kayo.”
Lumapit si Xander kay Ken at saka siya niyakap, “I love you, pare,” at saka
lumingon sa akin, “Bati na kami. Ano na nangyari? Naaalala mo na ba sila? Naaalala
mo na ba ‘yung naging relasyon niyo ni Zoe?”
“Hindi pa.”
“Na love at first sight daw siya kay Zoe.” singit ni Josh.
“Teka teka. Na love at first sight ka kay Zoe? Naaalala mo na ‘yung nangyari dati?”
sulpot ni Ken. Napailing ako at saka sumagot, “Wala akong maalala hanggang ngayon.
Ewan ko ba kung anong nangyari basta pagkakita ko sa kanya, may naramdaman na akong
kakaiba.”
“Naguguluhan ako. Natatakot ako sa lahat ng nangyayari. Ikaw kaya, subukan mong
mawalan ng memorya. Parang naging joke ang buhay ko. Hindi ko alam ang totoo. Hindi
ko alam ang dapat.”
Napayuko ako, “I pushed her away. She freed me. She let me go.”
“ANO?!”
Halos mabasag ang eardrums ko nang sigawan nila akong tatlo. Hindi ko naman sila
masisisi kung naging ganun ang mga reaksyon nila. Napakalaking katangahan naman
kasi talaga ang ginawa ko at napakaduwag ko.
“Mahirap ‘yan. Mukhang may susuyuin tayo.” Mahinang sabi ni Ken. Umupo siya sa kama
ni Josh at mukhang nag-isip. Pati si Xander at Josh ay ganun din ang ginawa.
“Hahabulin natin si Zoe, Ice. Bawal sumuko. Okay?”
***
Zoe’s POV
“Ano ‘yun?”
Nagrereview ako para sa finals nang may narinig kaming kanta. Walang nagpaparty sa
lugar namin na nakahilera sa daan at nagvivideoke kaya bakit parang may tumutunog
sa labas?
“Oh. My. God.” Napatingin kaming tatlo kay Sab na nakatayo sa harap ng gate at
nakatakip pa ang kamay sa bibig. “You should see this girls.” Manghang mangha
niyang sabi.
Totoo ba ‘to? Hinaharana ba talaga ako ni Ice? O hinaharana ng isa sa boys sila
Sab? Parang napakaimposibleng haranahin ako ni Ice. Pagkatapos niya ako itulak
palayo bigla niya akong haharanahin? Impossible. Kaya lang bakit siya ang
kumakanta?
Huminto sila sa pagtugtog at parang tumalon ang puso ko nang ngitian ako ni Ice.
“Zoe.” Does it mean.. para sa akin talaga ang kanta? “I’m sorry. I’m really stupid
for pushing away. I was.. afraid. I don’t know what to do. Hurting you, making you
cry, is a big mistake. And I’m really ashamed I did those things to you. I want to
make it up to you, Zoe. This time I won’t hurt you.”
Napaiwas ako ng tingin at napapikit. Mabilis kong pinunasan ang luhang tumulo sa
mata ko. As much as possible hindi ko tiningnan si Ice. It hurts me to see him like
that, but I’m tired of getting hurt. Hindi pa magaling ang sugat. Hindi pa nawawala
ang sakit. Mahal ko siya pero nakakapagod na. Kaya wala akong nagawa kundi ang
talikuran siya.
***
“Ang aga aga may nag-iwan agad nito sa labas ng pinto.” Inabot sa akin ni Yannie
ang isang bouquet ng roses at isang chocolate. May card din na patangay kaya binasa
ko ang nakasulat doon.
Good morning, Zoe. I hope you had a nice sleep. May exam ka raw mamaya? Goodluck.
Ingat ka. – Ice
“Sweet. Malamang inakyat pa nun ‘yung gate para lang mailagay ‘yan sa harap mismo
ng pinto. May future siyang maging akyat-bahay ha.”
Why are you doing this Ice? Pagod na pagod na akong laruin ang laro na ikaw lang
ang nakakaalam. Ginusto mong layuan kita kaya ginagawa ko naman ‘yun. Maki-
cooperate ka naman sana. Please make this easier for me.
“Nasasaktan ka rin naman ngayon ‘di ba? Ano pa ba ang mawawala? Why don’t you give
him the benefit of the doubt?”
“Okay, I get it. The scar is too deep. Give yourself some time to think.”
Pagkatapos nang usapan namin ni Yannie ay pumasok na kami. Sobrang thankful na ako
kasi nagagawa ko pang mag-concentrate sa exam ko sa kabila ng lahat ng nangyayari
sa buhay ko. Pinasa ko agad ang papel ko nang masagutan ko na ang lahat at saka
kinuha ang gamit ko para makalabas.
Laking gulat ko nang abutan ko si Ice sa labas ng room namin. Ngumiti agad siya
nang makita ako at lumapit, “Hi, Zoe. Kamusta exam?”
“Ice? Ice! Ikaw ba ‘yan? Last January pa nung huli kitang nakita ha. Kamusta na?”
“Sinusundo mo ba si Zoe?”
Napansin kong parang gulong gulo na si Ice nang palibutan siya ng mga kaklase
namin, I mean ko, na mga nakatapos na exam. Nakakaawa naman kaya hinila ko na siya
palayo bago pa may hindi magandang mangyari.
“Blockmate ko.” Sagot ko sa kanya saka siya nilagpasan para makauwi na.
“Kumain ka na ba?” Sumusunod pala siya sa akin, “Gusto mong kumain muna tayo?”
“Busog ako.”
Huminto ako at hinarap siya, “Look, Ice. Kung hindi ka busy, pwes ako busy. May
exam ako bukas, may exam ako sa isang isang bukas. May exam ako hanggang next week
at may ibang requirements pa akong pinapasa. Kaya kung okay lang.. pwede bang umuwi
na ako para magawa ko na ang mga gagawin ko.”
Hindi ko gustong tarayan siya pero ayun lang ang alam kong paraan para hindi na
niya ako sundan.
Nakauwi ako na wala ng Ice ang nakabuntot sa akin. Wala na nga siya dito pero
ginugulo niya pa rin ang utak ko. Please naman, utak, makisama ka kahit hanggang
isang linggo lang. Magbabakasyon na kaya konting tiis na lang.
The following day, may nakita si Ayu na paperbag sa harap ng pinto. Para sa akin na
naman. Breakfast naman ang bigay niya sa akin ngayon. Medyo mainit pa ang cup ng
kape kaya baka kakalagay niya lang nun dito. Syempre, may card na naman na
nakalagay.
Huwag kang papalipas ng gutom. Busy ka hanggang isang linggo kaya dapat lagi kang
kumakain para may energy ka. Ingat ka pagpasok. :)
Tulad kahapon, isang subject lang ang meron ako ngayon. Hindi ko maintindihan ang
point kung bakit isang subject, isang araw ang ginagawa nila. Anong point? At
parang kahapon lang din, paglabas ko nakaabang na si Ice.
"Hi."
"Stalker ka ba? Bakit alam mo kung saan at anong oras klase ko?"
Isang buong linggo pang nagpatuloy si Ice sa ginagawa niya. Lagi akong may
nakikitang bagay na galing sa kanya tuwing umaga at kapag hapon o kaya gabi
pinupuntahan niya ako pwera noong Sabado at Linggo palibhasa wala akong pasok nun
at malamang alam niyang hindi ko naman siya papapuntahin sa bahay. Lagi rin niya
sinasabing "Ingat ka" sa mga card na pinapadala niya pero ni minsan hindi niya
nagawang isulat ulit doon na mahal niya ako.
Wednesday morning, lumabas ako para kunin ang bigay ni Ice pero wala akong
inabutan. Wala ata ngayon? Himala. Pumasok at umuwi rin ako galing school pero
hindi nagpakita sa akin si Ice. Maybe he got tired like me. Ayos 'yun. Mas
nakakabuti 'yun para sa aming dalawa.
Thursday, ganun pa rin. Wala siya at maski anino niya hindi ko nakita. Hindi rin
naman siya binabanggit nila Yannie maski nila Xander.
Hanggang sa mag-Friday na. Wala pa rin akong inabutan sa labas ng pinto. Siguro nga
tumigil na talaga siya.
Nagpakabusy na lang ako sa pag-ayos ng sarili ko para sa year-end party ngmga third
year college. After ng year-end party, may year-end fair bukas at pagkatapos ay
bakasyon na.
Nang matapos kaming apat mag-ayos ay nagpunta na kami sa venue. Partner partner
'yung mga kaibigan ko pero ako solo. Aaminin ko mas masaya kung nandito si Ice.
Pero mas nakakabuti na rin siguro 'to.
Inoccupy naming pito ang isang buong table. Kumakain at nanunuod ako sa mga
sumasayaw nang biglang may sumipa sa akin. Isa sa anim malamang. Napatingin ako sa
kanila pero mukhang hindi nila alam na nasipa ako ng isa sa kanila at
pinanglalakihan nila ng mata ang isa't isa.
Bakas ang gulat sa mga mukha nila ng magtanong ako. Nagpalitan na naman sila ng
tingin at parang nagtuturuan kung sino ang sasagot.
"A..ah. Kasi. Teka. Paano ba 'to?"Mukhang natatakot magsalita si Sab kaya sinamaan
ko siya ng tingin dahilan para mapapikit siya, "Hindi ka niya napapadalhan ng kung
anu-ano nung nakakalipas na araw kasi na-ospital siya." Mabilis niyang sabi.
Nanlaki ang mata ko at napatayo, "Ano?! Bakit hindi niyo man lang sinabi sa akin
'to? Alam niyong lahat tapos ako walang kaalalam alam?!"
"Hindi naman malubha. Parang hinimatay lang siya. Nakalabas na rin siya agad
kagabi.Ayaw rin kasing pasabi nila tita at baka mag-alala ka hindi ka pa makapag-
focus sa exams mo."
Napaupo ulit ako at napafacepalm. Hindi ba talaga malala ang nangyari sa kanya?
Paano kung hindi lang pala nila sinasabi sa akin kasi ayaw na naman nilang mag-
alala ako? Sana ayos lang nga talaga siya. Hindi ko na talaga alam ang gagawin ko
kung may mangyaring hindi maganda sa kanya. Napatayo na naman ako kaya napatingin
sila sa akin, "Aalis na ako."
"Kila Ice."
"Hi, Zoe." Hindi ako makapaniwala sa nakikita ko. Kaharap ko ngayon si Ice. Akala
ko ba.. paanong.. napailing na lang ako at tumakbo palapit sa kanya para yumakap.
Niyakap din niya ako ng sobrang higpit at nagsimula ng magpatakan ang luha ko.
"Ssh. Tahan na, Zoe. I'm fine. I'm here. Your Ice is here." Bumitaw siya sa yakap
at hinawakan ang magkabilang pisngi ko saka pinunasan ang luha ko gamit ang thumb
niya, "I'm sorry, Zoe. Sorry sa lahat ng ginawa ko sa 'yo. Sorry kung sinaktan
kita. Sorry kung pinaiyak kita. Sorry kung hindi ako naging mabait na boyfriend.
Sorry, Zoe. Sorry my Zoe. But I swear to God, hindi ako tumigil magmahal sa 'yo
kahit noong mga panahon nawala ang alaala ko. Dalawang beses na akong nalalove at
first sight sa 'yo kung posible man 'yun. Nakalimutan ka man ng utak ko noon, hindi
ka pa rin nawala sa puso ko. Hearts don't forget 'di ba? Kahit bumalik pa sa school
sila Phineas and Ferb."
Napangiti ako sa sinabi niya at ganun din siya. Magkatitigan kami nang biglang may
dumamba sa amin at nang group hug.
Hindi rin pala nila alam na nakakaalala na si Ice. Gusto pa pala niyang i-surprise
kaming lahat kaya niya hindi sinabi sa iba.
Didn't mean to make you cry, make your efforts all in vain
You were loving me so much but all I did was let you down ♫
"May I have this dance?" Masaya kong hinawakan ang kamay ni Ice at nagpunta kaming
dance floor. Ipinatong ko ang dalawang kamay ko sa balikat niya at pinalupot niya
ang kamay niya sa bewang ko dahilan para mas mapalapit ako sa kanya.
"Namiss kita."
"Namiss din kita, Ice."
"Zoe."
"Ice."
"Zoe."
"Ice."
Napangit siya at yumuko para mapagdikit ang noo namin, "I love you, Ice."
Ngumiti na naman siya, "I." Saka niya ako hinalikan sa noo. "Love." Sabay halik
niya sa ilong ko. Tinitigan niya ako at saka ngumiti, "You." He said and close his
lips with mine.
Pinagdikit niya ulit ang noo namin at saka pumikit. Ginawa ko rin ang ginawa niya.
Napapangiti ako sa pagsabay niya sa kanta. At nang matapos na ang kanta, inulit
niya pa ang ilan sa mga linya. "This time, I'm not gonna let go of your love. This
time, I promise you that we'll rise above it all. And I will never let you fall.
I'm gonna give you my all, this time." saka ako nginitian.
***
This Time by Freestyle- song nung nagsasayaw sila (nasa external link)
Battle 73
Yannie’s POV
Wait…
Paano kung natutulog pa pala silang tatlo? Paano kung pinasukan na kami ng
magnanakaw?
Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa naisip ko. Mabilis akong tumayo sa
pagkakahiga, sinuot ang tsinelas ko at pumunta sa kwarto ni Ayu. Kinatok ko siya at
wala pa halos tatlong minuto ay nasa harapan ko na siya, “Bakit?” inaantok niyang
tanong.
“We’ll know.” Sagot ko sa kanya at kumatok sa katapat niyang kwarto. Ang kwarto ni
Sab. Hindi siya sumasagot kaya pumasok na lang kami ni Ayu. Buti na lang hindi
naka-lock. “She’s here.” Bulong ko kay Ayu.
Naalimpungatan si Sab at nanlaki ang mata niya nang makita kami ni Ayu na nasa
tapat na ng kama niya, “What the. You scared me. Bakit?”
“May naririnig na ingay sa baba si Yannie and we thought na isa lang sa inyo ni Zoe
‘yun. Obviously hindi ikaw kaya malamang si Zoe.”
“Check her room.” Mahinang sagot ni Sab pero tumayo na rin para sumama sa amin
pagpunta ng kwarto ni Zoe.
After ilang katok, pinagbuksan na rin kami ni Zoe at nang makita namin siya ay
nagkatinginan kaming tatlo, “What the hell.” Bulong ni Sab.
“Good morning to you, too.” Sabay hikab ni Zoe, “Anong trip niyo?”
“May naririnig kaming noise sa baba.Akala namin ikaw. Nandito tayong lahat sa taas.
Sino ‘yun?”
Dahan dahan kaming bumaba. Sinigurado naming wala kahit isa sa amin ang gagawa
kahit sobrang katiting na ingay. Nasa hagdan na kami nang may maamoy ako na
mabango. Pagkain. Wow naman sa akyat-bahay na ‘to ha. Nagawa pang makiluto. E kung
ninakaw na niya ‘yung gasul at ‘yung pagkain pati na rin ‘yung stove at kaldero..eh
‘di sana hindi pa naman siya mahuhuli. Kaya lang ngayon wala na siyang kawala.
Makakarating na sana kami sa pinakababa kaya lang napahinto ako kasi parang hindi
lang isa ang magnanakaw. Sa iba-ibang side ng kusina, may naririnig akong ingay.
Maingat akong sumilip sa kusina at nanlaki na lang ang mata ko sa nakita ko. Hindi
ako agad nakapagsalita kaya nakisilip na rin ang tatlo.
“Paano kayo nakapasok dito?” tanong ni Sab kanila kahit alam ko naman ang sagot.
Binigyan din kasi namin sila ng duplicate key.
Napatikom ako ng bibig nang makita ko ang reaksyon nung apat. Si Xander na mukhang
nagtitimpla ng kape ay naitapon ang laman ng tablespoon na hawak niya. Si Ken at
Ice na nagluluto ay parehas na halos napalundag sa biglaang pagsalita ni Sab at si
Josh na naglalagay na ng pinggan ay napadulas ang kamay sa placemat.
“Grabe. Nanggugulat ba kayo?” tanong ni Josh habang hawak hawak ang dibdib niya.
“Parang mas nakakagulat na magigising ka na may ibang mga tao sa bahay mo, ‘di ba?”
“Ay teka.” Pinagpag ni Josh ang kamay niya saka itinaas ang parehas niyang kamay na
parang nangwewelcome, “Surprise!”
“Sabi na kasing huwag kang maingay kanina e. Kung ikalampag mo ‘yang mga gamit.Ayan
tuloy, nahuli tayo.” Pagsesermon ni Ken.
“Good morning, Zoe.” nakangiting bati ni Ice sa kanya at lumapit pa para yakapin
siya. Ewan ko sa kanila. “Natulog naman kami.Mga 3 hours. Ilang minuto pa lang
naman kami nandito.”
Humarap si Xander at saka inilagay ang mga cup ng kape sa lamesa, “Trip lang naming
pagsilbihan kayo ngayon. Saka mas gusto naming dito magbreakfast para sabay sabay
na tayong pumunta mamaya sa university para sa year-end fair. Tara na. Kain na
tayo.”
Hindi syempre mawawala ang kwentuhan habang kumakain kami. Para kaming mga baliw na
nagthrothrowback ng mga pinagdaanan namin nung nakaraang taon hanggang ngayon.
“Napakapa-cool kaya ni Ken noon. Ang sarap sapakin. Kung hindi ko lang nalaman agad
‘yung nangyari sa kanya nung nasa States siya baka binugbog ko na ‘yan e. Kinawawa
ba naman ang kapatid ko.” sabi ni Josh.
“Ang sabihin mo, gusto mong manapak noon kasi nag-break kayo ni Sab. At dahil wala
kang mapaglabasan ng sama ng loob, sa akin mo ilalabas ‘yun.” Sasagot sana si Josh
pero itinaas na ni Ken ang isang kamay niya, “Huwag ka nang magkaila. Aminin mo na.
Totoo naman. Nung nagalit ka nga noon sa No Name na nakipaghiwalay ako kay Ayu
tapos walang matinong dahilan. Alam mo pa nga kamo pakiramdam ng ganun ‘di ba?”
Hindi namin mapigilan ang matawa sa sinabi ni Ken at naging reaksyon ni Josh. May
sasabihin kasi dapat siya pero hindi niya itinuloy. Alam naman kasi ng lahat ng
nandito ngayon na totoo ang sinasabi ni Ken.
“Oo na. Oo na. Pero masaya na rin naman ako na nag-break kami ni Sab. Mahirap pero
kahit papaano naging malaking tulong ‘yun para maayos ang ugali namin parehas at
ang relasyon namin ni Sab.”
Maski naman kami ay napansin namin ang pagbabago na sinasabi nilang dalawa. Kung
dati away dito, away doon, ngayon hindi na. Nandoon ang pagtatalo nila pero hindi
na madalas at hindi na rin sila nagco-cool-off.
“’Yung isa nga diyan iyak pa ng iyak nung hiniwalayan siya ng girlfriend niya e.
Halos itapon ‘yung buhay niya kasi nag-break sila.”
Sinamaan ni Xander ng tingin si Josh, “Nasaktan ako malamang iiyak ako.” Napatingin
siya sa akin saka ngumiti, “But I became a better person because of that incident.”
And I agree. Simula pa lang naman ang tingin ko na sa kanya ay perfect boyfriend.
Kaya lang masyado niyang pinanindigan ang pagiging boyfriend ko kaya hindi na niya
ginawa ang trabaho niya bilang estudyante. At least ngayon, nagpapaka-estudyante na
siya. Petiks pa rin minsan pero nag-aaral na ng mabuti.
Napatingin ako kay Ice at Zoe na nasa isang sulok ng lamesa at kaya pala hindi
nakikisabat sa amin kasi may sarili na silang mundo. Para silang gumawa ng bubbles
tapos wala ng ibang tao sa bubbles na ‘yun kundi silang dalawa lang. Napangiti na
lang ako na makitang ayos na ulit sila. Kahit gaano kahirap nang pinagdaanan nila
hindi naman ako bumitaw sa paniniwala na magiging sila ulit.
Nang tingnan ko ulit ‘yung lima ay mga nakatinign na rin kila Zoe at nakangiti,
“They’re really back.” Masayang sabi ni Ayu na tinanguan namin.
“Paano ba ‘yan bro, mukhang hindi ka sasabay grumaduate sa amin next year?”
Oo nga pala. Ano na nga kaya ang mangyayari kay Ice. Isang sem din siya nahinto.
Mauuna kami ng isang sem sa kanya kaya hindi namin siya kasabay paggraduate.
Sayang. Akala ko pa naman pareparehas na kaming gagraduate next year.
Nagkibit balikat si Ice saka sumandal sa upuan niya at umakbay kay Zoe, “Kung may
mga lakad kayo ngayon summer baka hindi ako makasama sa ibang lakad.”
“Hindi.Kahapon, bago ‘yung party, nagsign up na ako ng form para sa summer. Kukunin
ko ‘yung subjects na hindi ko natapos last sem. Hindi ko nga lang nakuha lahat kasi
hindi inooffer pang summer ‘yung iba. Pero ite-take ko naman ‘yun sa first sem kaya
irreg ako nun. Ayos lang naman para makasabay ako kay Zoe sa OJT sa second sem.”
“Ibig sabihin sabay tayo gagraduate?” bakas sa mukha ni Zoe ‘yung sobrang tuwa sa
narinig kay Ice. Maski ako masaya sa gagawin ni Ice pero di hamak na mas masaya
siya.
Marami na ang tao nang makarating kami sa university. Naniningin ningin kami ng mga
booth nang makasalubong namin si Ash kasama ang dalawa niyang kaibigan.
“Ay, kaya. Kuya, hindi ako uuwi ha. Nagpaalam na ako kila Mama. Matutulog kami kila
Marga.” Si Marga ‘yung bestfriend ni Ash.
“Grabe ka naman, kuya! Pumayag na kaya sila mama. Alam nila na kasama ‘yung tatlo.
Kayo rin naman natutulog sa bahay nila Ate Zoe. Pinagbawalan ba kita?Hindi naman
ha.”
“Basta.Bawal.”
“Kuya!”
Mukhang malapit nang magtantrums si Ashley kaya hinila na ni Zoe ang braso ni Ice
at nginitian ito na parang sinasabing payagan na niya si Ash. Napapikit si Ice at
napabuntong hininga.“Fine.”
Napalingon ako sa pinuntahan ni Ash at nakita ko rin sila Drake doon na Jaydee kung
tawagin ng karamihan. Napalingon sa gawi namin si Phoenix at Drake saka kumaway
kaya kinawayan na lang din namin sila.
Ang barkada nila ang parang smaller and younger version ng barkada namin. Life is
really more fun when you have a set of friends – true friends.
Sinubukan na namin ang ibang booths at nagpasyang magpahinga muna sandali. Nakaupo
kami sa hindi masyadong mataong lugar ng university nang may tumawag kay Zoe,
“Hello? Manager Ry, bakit?”
Ah, si Manager pala. Hinayaan na lang naming makipag-usap si Zoe doon pero
napatingin na naman kami sa kanya nang bigla siyang tumili. Para siyang kinikilig
na hindi mo maintindihan sa inaasal niya ngayon kaya kahit ayaw man naming
makichismis, hindi namin mapigilan ang pakinggan siya. Malas nga lang at hindi
namin marinig ang nasa kabilang linya.
Nang ibalik niya sa bag niya ang phone niya ay uminom siya sandali at saka huminga
ng malalim saka kami tiningnan ng seryoso.
“Anong – “
Hindi ko rin napigilan mapatili nang marinig ang sinabi niya. Para kaming baliw na
apat kakatili. Kinikilig ako wala pa man din.
“Kailan daw?”
Sa lahat, tanging si Ice lang ata ang naging seryoso ang reaksyon. Hindi naman siya
masisisi kasi kapatid niya ‘yung magpapakasal.
“No. Masaya ako. Nagulat lang ako.” saka siya unti-unting ngumiti, “I can’t wait to
see my sister’s face when Kuya Ry finally ask for her hand in marriage.”
I am really happy for them. Isang couple na sa barkada ang ikakasal. Excited na
talaga ako. Sa tagal na rin naman ng pinagsamahan nilang dalawa it’s about time
para maging sobrang saya na nila.
Nag-isip kami ng kung anu-anong posibleng gimik para mas maging romantic ang maging
proposal ni Manager Ry. Ang goal namin ay gawing proposal of the year ang proposal
ni Manager. Nag-iisip pa lang kami ng kung anu-ano pero sobra sobra na ang kilig
ko. Nasasabunutan ko pa minsan si Xander at nakukurot o napapalo si Ice. Sorry
sila. Sila ang katabi ko e.
Nang mapagod na kami kakaisip ng pwedeng gawin, niyaya ko sila para maglibot ulit
at pumayag naman sila. Papunta sana kami sa kantahan na booth nang makasalubong
namin ‘yung magbestfriend.
“Sachi! Jacob!” sigaw ni Sab na kaagad na nagpatingin sa dalawa.
Kumaway sila at lumapit sa amin. Bakas sa mukha nila parehas na sobrang saya nila.
Nakaangkla pa si Sachi kay Jacob.At parehas malawak ang ngiti nila.
“Nag-finals. Alam mo naman na busy ang mga tao pag ganun. Naks. Magkasama na ulit
ha.” Baling ni Sachi kay Ice at Zoe, “Sabi na hindi kayo maghihiwalay e. Buti na
lang din.”
“Oo nga. Parang ang sama sa pakiramdam na ayos kami ni Sachi tapos kayo hindi. E
kayo pa naman gumawa ng move para maging kami.”
“Nag-trigger lang kami para maamin niyo feelings niyo sa isa’t isa pero dahil pa
rin sa inyo kaya naging kayo.”
“Salamat pa rin.” Tapik ni Jacob kay Ice at palo ni Sachi kay Zoe.
Nagpaalam na rin sila na aalis na sila. I really love their lovestory. ‘Yung all
along nasa tabi mo lang ‘yung right person pero wala kang kaalam alam at nang
marealize mo na mahal mo na pala siya hindi mo magawang sabihin ‘yung nararamdaman
mo sa takot na mareject. Not knowing na mutual naman ang feelings. I’m really happy
for the both of them.
Pagkatapos namin sa booth na sinuggest ko ay nag-aya naman si Sab mag ice cream.
Buti na lang at may nagtitinda ng dirty ice cream ngayon kaya doon na lang kami
bumili. Nakatayo kami sa gilid ni manong na nagtitinda ng biglang magdaan si Ram.
“Oy!” sigaw ni Ayu. Kabisado na siguro ni Ram ang boses niya kaya napatingin agad
siya sa gawi namin. “Ikaw lang mag-isa?”
“Mukha ba akong may kasama?” sagot ni Ram nang makalapit na siya sa amin.
Naging sobrang close na rin talaga ng dalawang ‘to ha. Hindi naman ganito makitungo
si Ram sa ibang babae pero pagdating kay Ayu nagiging makulit siya. Obvious naman
na may gusto ‘to kay Ayu e. Kaya lang wala. May Ken si Ayu.
“Hahanap ng babae.”
“Seryoso nga.”
“Makikipagbasketball kila Tom.Boring dito e. Ge. Una na ko.” Sabay gulo niya sa
buhok ni Ayu at tinapik si Ken, “’Tol.”
Gusto ko ang pagiging matured ni Ken tungkol kay Ram at Ayu. Hindi siya nagseselos
o ano sa dalawa at hinahayaan niyang maging close pa rin sila at magkwentuhan
minsan o magsama. Huwag nga lang syempre ‘yung silang dalawa lang. Most of the
time, dapat kasama siya. Minsan naman basta may ibang kaibigan na kasama.
Speaking of Tom. Ang tagal ko na nga siyang hindi nakikita. Magbuhat ata nung
magkabalikan kami ni Xander hindi ko na ulit siya nakita. Masakit ang ginawa niyang
panloloko sa amin. Naging makasarili siya. Kaya lang kung ano man ang ginawa niya
noon, pinapatawad ko na siya ngayon. Naging malaking parte pa rin siya ng buhay ko
at kahit ano man ang naging kasalanan o kasamaan na nagawa niya, hindi pa rin naman
nun mahihigitan ang mga kabutihan na ipinakita niya sa akin noong kami pa.
Bumalik kami sa paglilibot nang madaanan namin ang pamilyar na booth. Nagkapalitan
kami ng tingin nila Zoe, Ayu at Sab. Sa mga tingin na ganyan, mukhang iisa lang ang
naiisip namin. Ang pumasok sa loob.
“Pasok tayo?”
Halos walang pinagbago sa lugar na ‘yun. Ganun pa rin ‘yung design sa loob unlike
sa ibang booths na nag-upgrade ang mga design.
“O, long time no see.” Nakatalikod pa siya sa amin pero alam na niya na nandito
kami. Manghuhula nga talaga.“Nabalik ata kayo?”
“’Yung mga hula mo.. sabi mo hindi ka manghuhula. Bakit alam mo lahat ‘yun?Lahat
nang sinabi mo nangyari talaga.”
Humarap siya sa amin na nakangiti at saka itinuro ang salamin sa taas, “Bago niyo
pa sabihin na nahulaan ko ang pagdating niyo, gusto kong ipaalam na nakita ko lang
kayo sa salamin na ‘yan.”
Grabe. Akala ko naman may mata siya sa likod at nakikita niya ang paparating.
Bibilib na sana ako naatras pa.
“’Yung mga sinabi ko naman sa inyo, ‘yung apat..lahat naman ng bagay na ‘yun
nangyayari sa lahat ng tao hindi lang sa inyo. Sa totoong buhay palaging may
nagbabago at mayroong hindi nag-iiba. Palaging may dumarating at palaging may
nawawala. Hindi ko nahulaan ‘yun, nangyayari lang talaga siya sa lahat ng tao sa
iba’t ibang paraan.”
"E bakit nung nagbreak kami nung boyfriend ko alam mo? Alam mo pa 'yung rason?"
Come to think of it..oo nga naman. Hindi ko alam kung bakit naniwala kami sa hula
niya. Palagi nga namang nangyayari ‘yun sa kahit na sinong tao. Siguro naniwala
kami dala ng mga takot namin sa mga posibleng mangyari. Grabe.Naloko kami.Nagpaloko
kami.
“Ano na namang hula niya?” tanong ni Ice nang makalabas kami pero halatang
nangbwibwisit lang.
“Sabi sa inyo, e!” pagmamayabang naman ni Josh saka inakbayan si Sab at naglakad
na, “Photobooth, guys!”
Pinili muna namin na by partner ang pagtake ng picture. Naunang sumalang sila Ken
at Ayu. Nakakapit ang kamay ni Ayu sa braso ni Ken.
Habang pinapanuod ko sila naalala ko na naman ‘yung naging hula. May magbabago.
Nagbago si Ken nang makauwi siya galing sa States. Nawala ang maginoong Ken at
naging rude siya. Kung dati seryoso at alam mong sobrang gagalangin ang mga babae
lalo na si Ayu, naging bastos siya at palaging sinasaktan si Ayu. Pero noon
‘yun.Hindi naman kasi lahat ng pagbabago masama. Hindi lahat ng pagbabago walang
idudulot na maganda. Sa nangyari kasi kay Ken, sa pagbabago niya, nagbago rin ang
nararamdaman niya para kay Ayu. Bakit? Kasi mas lalo nang lumalim.
Tulad kila Ken, pumasok din dito ang isa sa mga hula. May mawawala. Nawala ang
alaala ni Ice. Nawala ang Ice na naging kaibigan namin at pinalitan ng dating Ice
na sobrang sakit kung magsalita. Ang akala pa nga namin ay nawala na rin ang
nararamdaman niya pero hindi pa rin pala. May mga bagay na pwedeng hindi na maalala
pero nandun pa rin ‘yung nadarama. Ang mga memories naman kasi binabaon sa utak at
tumutubo sa puso. Sa utak, doon mo inaalala ang mga alaala. Sa puso, doon mo naman
nararamdaman at pinapahalagahan ang memorya. At sa alaala ni Ice, pinatunayan
niyang umabot hanggang puso niya ang memorya niya sa pagsasama nila ni Zoe.
Sumunod ay sila Josh at Sab. Magkaakbay silang dalawa. Naka tongue out si Sab kay
Josh at ganun din si Josh sa kanya.
May hindi mag-iiba.Ang hulang ‘yan ang pumasok sa lovestory nila. Parehas silang
hindi nag-iba. They are the same Josh and Sab who graduated in highschool.
Tumatanda sila pero hindi kasabay noon ang pagmamature nilang dalawa. Away bati ang
nangyayari.Parang doon na lang umiikot ang relasyon nila. Sa paghihiwalay naman ng
dalawang ‘to, doon na pumasok ang maturity na hinahanap nila. At dahil doon, mas
naging maayos pa ang relasyon nilang dalawa.
Kami ni Xander ang huling sumalang. Hinila niya ako, umakbay saka ako hinalikan sa
pisngi dahilan ng pagngiti ko sa camera.
Parang nag-flashback ang mga nangyari noon. Akala ko magiging malungkot ang pasko
ko kasi magkahiwalay kami ni Xander at nakastuck ako sa taong hindi naman ako
masayang kasama. Pero sabi nga sa kanta, love moves in mysterious ways. Kung kailan
akala ko ay wala na talaga kaming pag-asa ni Xander, saka dumating ‘yung hope na
hinahanap ko. May dumating mang iba, may bumalik man, hindi niya pa rin nagawang
tibagin ang kung ano mang mayroon kami ni Xander.
Naalala ko dati, may nagtanong sa amin kung ano ang dapat mong sundin. Kung puso
raw ba o dapat ‘yung utak. Kung dati, malamang puso ang isasagot ko pero ngayon
hindi na. Wala naman tama o maling sagot. Hindi rin naman pwedeng 50-50 lang.
Minsan tama ang puso, minsan hindi. Ganun din naman sa utak. Pero ano man ang
piliin mo, ang mahalaga lang ay mapanindigan mo ang consequence ng lahat ng
desisyon mo.
If you ever find yourself lost in the dark and you can't see
Matapos namin ni Xander ay nagtake kami ng group picture. Hindi namin alam kung
paano pagkakasyahin ang mga sarili namin sa photobooth kaya nagkakaingay kami.
“Oy, sino ‘yun? Huwag kayong manulak! Nalalabas na ako ha!” sigaw ni Josh saka
gumitgit ulit pabalik.
Nang makuha namin ang litrato, sobrang gulo nga pala namin. Maayos na shot dapat
‘to pero lahat kami parang naka-wacky kahit hindi naman sadya. Pero ayos lang
naman. Ang litratong ‘to parang barkada lang din namin. Magulo man tingnan, may
kanya kanyang storya namang pinaglalaban.
Naglilibot na naman kami nang mapatid si Ayu sa bato at nadapa. Kahit mahal namin
si Ayu, hindi namin napigilang hindi matawa.
Inabot naman namin sa kanya ang kamay namin para tulungan siyang tumayo. At nang
makatayo na siya ay bigla na lang din siyang natawa sa sarili niya kaya mas lalo pa
kaming natawa.
Kahit naman pagtawanan namin ang kapalpakan ng isa o kahit ng lahat sa amin, sa
bandang huli, kami kami pa rin ang magiging kamay ng isa’t isa. Kapag may kailangan
sila, kahit sino man, asahan na nila na laging nandito lang ang barkada. At kapag
nalagpasan na niya ang kapalpakan at problemang hinaharap niya, sasamahan namin
siyang tawanan na lang ‘yun na parang walang nangyari.
I'll be there
You'll be there
Napahinto kami sa mga nagsisigawan at nagtatalunan na mga tao. May singing contest
pala.
“Singing contest, guys.” Turo ni Zoe.
Sa barkada rin namin uso ang sakitan. Walang ibang may karapatang manakit ng isa sa
amin kundi kami kami lang din.
Lumapit kami sa may stage at nanuod. Isang hilera kami na pareparehas nakangiti.
Narinig kong nakikisabay na si Zoe sa kanta kaya sumunod na rin ako. Inakbayan ako
ni Zoe at hinawakan naman ako sa bewang ni Xander. At napansin kong lahat na kami
ay nakikisabay sa kanta.
You know...
I'll be there
You'll be there
Nakisabay din kami sa palakpakan at pagsway ng mga tao. Damang dama namin ang kanta
kasi parang ito ang kanta ng buhay namin.
Hindi naging maganda ang simula naming lahat. Magkakaaway, may kanya kanyang
pinaglalaban. May kanya kanyang ipinipilit at kanya kanyang ugali.Pinagsamasama
kami ng isang bagay. Nagsamasama kami para protektahan ang bagay na pareparehas
naming mahal. Nabuo ang pagkakaibigan at ang pagkaka-ibigan.
Sinubok na kami ng panahon. Hinamon na kami ng pagkakataon. Maski buong mundo ang
kumalaban para paghiwalay hiwalayin kami, sapat na na mahal at pinahahalagahan
namin ang isa’t isa para manatili kaming matatag.
Ang barkada namin marami mang problema pero hindi papatumba. Marami mang pagsubok
pero kayang kaya namin ‘yang lagpasan na para lang alikabok. Hindi lahat ng tao sa
mundo nakakahanap ng mga tunay na kaibigan. Masaya ako kasi sa dinamirami ng tao sa
buong mundo, isa ako sa nakahanap ng tunay na kaibigan. Hindi lang isa. Pito pa. At
isa sa pitong ‘yun ay kaparehas ko pa. Sobrang pinagpala ko lang talaga.
Marami mang flaws ang barkada ko, hindi ko pa rin sila ipagpapalit sa kahit na
kanino. Masaya ako kahit iba ibang ugali ang meron kaming walo.
May suplado pero kung magmahal totoo, may palaban na hindi marunong sumuko, may
masungit na bookworm, may mayabang pero seryoso, may mahilig mangbara pero mahilig
din magpasaya, may mapang-asar pero palaging maasahan, may dating babaero pero
ngayon ay hindi na magawang mangloko at may mataray pero palaging nakagabay.
The end.
Thank you at nakarating kayo hanggang sa puntong ‘to. Thank you sa pagsubaybay at
pagpasok sa mundo nila Ice, Zoe, Xander, Yannie, Josh, Sab, Ken at Ayu. Thank you
sa pagsama sa kanila sa pagkakilig, pagkabigo, pag-iyak, pagsasaya at sa pagbangon
nilang muli sa tuwing nadadapa sila. Thank you sa pagmahal sa kanila pati na rin sa
kwento nila. From the bottom of my heart, thank you! :) <3
Nagtanong ako noong nakaraan kung anu-ano ang mga tanong niyo at ito ang ilan sa
nagcomment:
2. Story ni Ram.
3. Story ni Ash.
Related ba ang Teen Clash 1 at 2 sa Teen Clash 3/The Trouble with the Rule?
One child per couple lang. Bale 'yung apat, anak nila Ice. 'Yung dalawa, anak ng
kung sino.
Kasama ba sa Teen Clash 3/The Trouble with the Rule sila Ice?
Wala sila mismong POV sa 3 pero may konti silang exposure. Konti lang. As in konti.
Bakit Teen Clash 3 pa rin 'yun e hindi naman sila Ice na?
Kasi nasa Kingdom High pa rin tayo. TEENS pa rin ang characters. Barkada story pa
rin. Kaya hanggang may naiisip akong kwento tungkol sa barkada na sa Kingdom High
gagawin, tuloy tuloy lang ang Teen Clash.
Sino ang bida sa Teen Clash 3/The Trouble with the Rule?
Kailan ang simula ng Teen Clash 3/The Trouble with the Rule?
Same time setting ba ang Teen Clash 3/The Trouble with the Rule at ito?
Walang story sila Sachi at Jacob. Pwede akong gumawa ng special chapter sa kanila.
’Yung iba baka magkaroon ng side story.
Hindi na. Maawa na kayo sa kanila. New story about them means new trials. Trivia!
Muntik ng may mawalang bida ngayon Teen Clash 2 at kapag pinatuloy niyo pa ang
story nila, baka tuluyan na ngang mawala ang iniisip kong mawalang character na
‘yun. Mawala as in ma-deads. Hahaha.
May special chapter. Kaya lang itatype ko lang siya kapag may naisip akong
karugtong at kapag namiss ko lang sila. Ilan? Hanggang may naiisip ako. Kailan?
Walang specific date. Magkagulatan na lang tayo. Haha. Pero meron at may naiisip
ako.
Hindi ko alam pero matatagalan pa. Tatanggalin ko muna sa Wattpad ang ilang
chapters. Ititira ko lang ang prologue. Irerevise ko rin siya kaya baka maiba ‘yung
kwento. Iibahin ko rin ang title. Sorry sa mga readers ni Ash dyan.
Wala. Hahaha. Bigla na lang siya pumasok sa utak ko. Sinimulan ko ‘to na ‘yung kila
Yannie at kila Zoe lang ang may naisip ako na scenario pero nung nagtagal naman
buti na lang nagkaroon din silang lahat.
May hugot ba ang story mo? May nangyari na ba dito sa totoong buhay?
Wala akong hugot. Walang nangyari sa totoong buhay pero may ilang linya na nasabi
at nabanggit sa totoong buhay. ;)
Totoo bang si ganito si ganiyan ang gaganap sa Teen Clash movie? Sinu-sino ang
barkada?
Except movie-related questions nga po e. Bakit niyo pa 'yan tinanong? Hahaha.
Zo-wi.
Battle 25: Let Her Go by Passengers (Tyler Ward and Kurt Schneider Cover)
Battle 35: For the First Time by The Script (Boyce Avenue Cover)
Special Chapter 1
Cass’ POV
Na naman. Huwag na naman tumuloy. Hindi na naman kami tutuloy. Palagi na lang.
Napapadalas na ang pagcancel niya ng mga lakad namin. E kung i-cancel ko na lang
din kaya ‘yung relationship na ‘to? Pero joke lang. Hindi ko naman kaya ng wala ang
Ry na ‘to.
Kaya lang sayang ang outfit ko. Nag-effort pa akong magbihis kung hindi rin naman
pala kami aalis. Bakit hindi na lang niya sinabi agad? Sana nasabihan niya ako para
hindi na lang ako nag-ayos.
“Busangot mukha mo,” dinig kong sabi ni Ice pero hindi ko na lang pinansin. Naiinis
na nga ako kaya ayoko ng dagdagan pa ang inis ko. “Ano? Hindi na naman kayo tuloy?
Nag-cancel na naman? Baka naman busy na ‘yun sa iba?”
Kaya lang mukhang mapilit si Ice at nasa agenda niya ng lalong sirain ang araw ko.
Kung ayun ang gusto niya, then fine!
Paakyat na sana ako nang biglang may nag-doorbell. Ako naman itong si tanga, umaasa
pa rin na baka si Ry ‘yun. Na baka nagbago na ang isip niya at pwede na ulit kaming
tumuloy. Kaya kahit mainit ang ulo, nagmamadali pa rin akong buksan ang pinto.
“Uy.. Zoe.”
“Hi, Ate Cass! Tara – “ naputol ang sasabihin niya nang tingnan niya ang attire ko,
“Ay. Aalis ka?”
“Huwag kang maniwala dyan. Nagka-emergency lang si Kuya Ry. Nagpaalam naman siya.
Nag-iinarte lang si ate.” Pagsingit ni Ice sa usapan. Nakarinig lang ng Zoe nandito
na agad sa gilid ko. Kaya para mabawasan ang sama ng loob ko, siniko ko siya sa
tagiliran niya. “Aray!”
Hindi ko siya pinansin at saka tumingin kay Zoe, “Alis tayo. May kampon ng
kadiliman dito.”
“Hoy, ako ba ‘yan?” tanong ulit ni Ice pero tiningnan lang siya ni Zoe at nginitian
samantalang ako ay hindi ko siya pinansin. “Sama ako – “
Habang nasa sasakyan, pansin ko ang paglingon lingon sa akin ni Zoe. Nakakairita
naman kasi. Nasira na ang araw ko at kasalanan ‘to ng Ry na ‘yan. Hindi naman ako
magagalit ng ganito kung unang beses niya pa lang ‘to ginawa e. Kaya lang hindi!
Maraming beses na. Paano kung tama pala si Ice? Na may iba ng pinagkakabusy-han si
Ry? Paano kung nagsawa na siya sa akin kasi matagal na kami?
“Dito na tayo.” Natigil ang pag-iisip ko nang magsalita si Zoe. Dinala niya ako
sa.. kanila? “Mukhang may topak ka kasi ngayon. Kaya dito na lang tayo. Mahirap na
kung sa ibang lugar ka pa magkalat, ate.”
Okay lang sa akin. At least may mga makakasama ako at kahit papaano may malalabasan
ako ng inis ko.
Pagpasok ko ng bahay nila, sinalubong na agad ako ng ingay ni Sab, “Hello, Ate
Cass! Nasaan si Manager?” Hindi ko alam kung matutuwa ako na nagpunta ako dito e.
Nang nagpunta akong sala, sinalubong din ako ng bati ni Ayu at Yannie at hinanap
din nila sa akin si Ry. Hindi ko alam kung nang-iinis ang mga taong ‘to at sa akin
siya hinahanap.
Naghanda sila ng meryenda at tahimik akong kumain. Kinakausap nila ako at sumasagot
naman ako kaya lang halatang wala ako sa mood. Parang sasabog na ako sa inis.
“May sasabihin lang ako. Okay lang?” pagsingit ko sa pagdadaldalan nila na naging
dahilan para matahimik sila at tumingin sa akin. Tinanguan naman nila ako bilang
pagsang-ayon.
Sa halip na sumagot ay tiningnan lang nila ako. Siguro naramdaman nilang hindi
talaga ako okay. Kaya mapipikit na naman ako, “Pero hindi talaga okay.”
Seryoso sobrang nakakainis na. Ako, palagi akong nandyan para sa kanya pero siya..
nasaan na? Ni hindi na nga kami madalas magsama nung nakakaraan e. Minsan na lang.
At sa minsan na ‘yun, madalas niya pang sinasabing huwag na kami tumuloy kasi may
emergency. Bwisit na emergency na ‘yan.
“Nakakainis kasi talaga e. Hindi naman siya ganito dati. Baka dahil sa matagal na
kami, nagsasawa na.”
“Kinausap mo ba siya tungkol diyan?” tanong ni Zoe pero umiling lang ako. Tulad ko,
umiling din siya at napangiti, “Confront him, then. Maraming relasyon ang
nasasayang dahil hindi sila nag-uusap. Sa halip na pag-usapan at ayusin ang
problema, mas pinipili na lang baliwalain na lang ‘yun. Hindi sa kinakampihan ko si
Manager Ry, Ate Cass, kaya lang.. paano niya malalaman na ganyan ang nararamdaman
mo kung hindi mo naman sinasabi ‘yan sa kanya. Kapag tinatanong ka niya, puro ka
okay lang kahit hindi naman.”
May punto sila. Napakatanga ko rin talaga minsan. Kung makaadvice ako sa mga batang
‘to akala mo ako na ang pinakamagaling mag-advice sa lahat pero ngayon sila itong
nangangaral sa akin. Hay buhay.
“Alam mo, Ate Cass, ang tagal niyo na ni Manager Ry. Ang tagal na rin natin
magkakaibigan pero natutuwa pa rin ako sa love story niyo hanggang ngayon. Ang
tanda mo na nung nagkaroon ka ng boyfriend. Pero first mo siya and hopefully, last
na rin. Hinanap mo ba ‘yun?” tanong ni Ayu pero hindi ko naintindihan. Hinanap ang
alin?
Napansin ata niya na medyo naguguluhan ako kaya nginitian niya ako at nagpatuloy,
“Love. Hinanap mo ba ‘yun?”
Hinahanap ba ‘yun? Parang hindi naman. Kusa siyang dumating. Love come at the most
unexpected place, in the most unexpected time.
“Ry came out of nowhere. Hindi ko siya hiniling. Kusa siyang dumating. Hindi pa nga
ako handa nung dumating siya. Kaya lang, hinintay niya ako. Ganun talaga siguro,
ano? Kapag mahal mo ang isang tao, kahit gaano katagal hihintayin mo.”
***
Days passed pero mas lalong nawalan ng oras sa akin si Ry. Gusto ko man siyang
kausapin kaya lang mukhang busy siya.
Birthday ko nga ngayon e pero parang hindi naman siya masyadong nag-abala. Hindi ko
naman hinihiling na maghanda siya para sa akin at magbigay siya ng mamahaling
regalo. Okay na ako na makasama lang siya sa espesyal na araw ng buhay ko. Kaya
lang wala rin e. Binati naman niya ako at pinuntahan sa bahay. Kaya lang sobrang
saglit lang at umalis na ulit siya.
Naririnig ko ang ingay ng barkada sa baba. Party ko ‘to pero ito ako, nakakulong sa
kwarto. Kumpleto ang barkada. Nandito sila Zoe, pati na rin ang mga kaibigan ko
nung college. Sila Megan, sila Zac. Buti pa sila nandito ngayong birthday ko.
“Hoy! Iniwan mo mga bisita mo sa baba.” Tawag sa akin ni Ice kaya kesa magmukmok sa
kwarto, bababain ko na lang sila.
Quarter to 12. Fifteen minutes bago matapos ang birthday ko. Hindi ko pwedeng
tapusin ang araw na ‘to ng malungkot. Nandito naman ang pamilya at mga kaibigan ko
kaya wala talagang dapat ikalungkot.
Kasunod ako ni Ice na bumaba pero pagbaba ko, siya at si Zoe na lang ang nandun.
Nasaan na ang bisitang sinasabi niya?
Sa halip na sumagot ay nginitian lang ako nung dalawa. Nako. Ano na namang ang trip
ng dalawang ‘to sa akin?
“Matanda ka na, Ate Cass.”
Tinawanan lang niya ako at hinawakan sa kamay. Uhh. Anong nangyayari? Bago pa ako
magtanong ay umiling na siya. Hinawakan naman ako ni Ice sa kabila kong kamay at
inalalayan sa paglabas. Kaya ko naman maglakad mag-isa. Bakit kailangang alalayan
pa?
“Finally,” sabi ni Zoe nang makalabas kami at saka hinila si Ice palabas ng gate
habang ako ay naiwang mag-isa.
Hindi ko alam kung bakit pinalabas nila ako at kung bakit nawawala ang mga bisita
ko. Pero higit sa lahat, hindi ko alam kung bakit parang may nagtutulak sa akin
palabas. So, sinundan ko naman ang guts ko.
Automatic na napatakip ang kamay ko sa bibig ko nang makita silang lahat na nasa
labas. Mga nakatingin sa akin habang nakangiti. At sa gitna nila.. nandoon siya.
Ang lalaking kanina ko pa hinihintay bumalik. Si Ry.
Nagulat na lang ako ng unti-unti siyang lumapit sa akin habang kumakanta. Ano na
namang pakulo ‘to? Pambawi ba ‘to sa lahat ng atraso niya? Kasi kung oo, bawi na
siya ito pa lang.
Nang makatapat ko na siya ay hinawakan niya ang dalawang kamay ko saka ako
tiningnan ng diretsyo sa mata.
It's when you give your all, and give a little more
“Happy Birthday, Cass. Sorry ha. Kung saglit lang ako kanina. Iniisip ko kasi kung
anong pakulo ang gagawin ko. Kung anu-ano na nga ang pumasok sa isip ko. Kung anu-
ano na ang sinubukan ko kaya lang palaging dispalinghado. Naisip ko tuloy baka
hindi meant-to-be. Pero syempre joke lang. Hindi ko naisip ‘yun ni minsan. Sa dami
ng ginawa at pakulong naisip ko, ito ang sa tingin ko pinakaayos sa lahat.”
Natawa siya at hinigpitan ang hawak sa kamay ko, “Ilang taon na tayo, Cass. Matagal
tagal na rin kung tutuusin pero ni minsan hindi ako nagsawa sa’yo. Hindi ko
pinagsawaan ang presensya mo. Unang kita ko pa lang sa ‘yo alam ko na na malaki ang
magiging parte mo sa buhay ko. Matagal din tayong naghabulan. Marami na rin tayong
pinagdaanan. Napaiyak kita pero napaiyak mo rin ako. Kaya lang sa bandang dulo,
ikaw pa rin ang kasiyahan ko.”
Parang tumalon ng tumalon ang puso ko. Hindi rin naman malungkot ang eksenang ‘to
pero bigla na lang naglabasan ang luha ko. Nanatili lang akong nakatitig sa kanya
at pilit pinapasok sa utak ko ang mga narinig ko.
“Uhh, Cass. Kung hindi ka payag pwedeng sabihin mo na agad kasi medyo mabato dito
sa naluhuran ko. Pero please lang, pumayag ka na at maraming nakatingin sa atin.”
Natatawa niyang biro na nagpangiti sa akin at nagpatango. “Yes ba ‘yan?”
Tumango ulit ako bilang sagot kaya bigla na lang tumayo si Ry at niyakap ako sa
harap ng mga taong ‘to. Hindi na kailangan pang pag-isipin. Siya lang naman ang
gusto kong makasama hanggang dulo. Wala na. Siya lang.
***
Ice’ POV
Napatingin ako kay Kuya Ry na umiiyak habang naglalakad si Ate Cass papalapit sa
kanya. Ano nga kayang pakiramdam ng groom kapag nakatayo siya sa dulo ng aisle
habang pinapanuod na papalapit sa kanya ang taong mahal niya?
Nagmano siya kay Papa at humalik sa pisngi ni Mama. Pati ang magulang ko umiiyak na
rin. Maski si Ate Cass na hindi naman iyakan, umiiyik na rin. Masaya dapat 'di ba?
Bakit umiiyak?
Nakikinig lang ako buong ceremony pero nang magpalitan na ng vows si Ate Cass at
Kuya Ry ay napatingin ako sa kabilang gilid. And there, I saw my Zoe. Napangiti na
lang ako sa nakita kong reaksyon niya habang pinapanuod sila Ate Cass. Nakangiti
siya pero panay punas naman niya ng panyo sa mata niya. She must be so happy.
Napatingin siya sa gawi ko kaya nginitian ko siya pero dumila lang siya at binalik
ang tingin sa kapatid ko at sa brother-in-law ko. Cute.
“By the power vested in me, I now pronounce you husband and wife. You may now kiss
the bride.”
Nagpalakpalakan ang mga tao nang halikan ni Kuya Ry si Ate Cass at naghagis sila ng
petals nang papalabas na ang dalawa.
Nakasunod ang lahat sa kanilang dalawa. Pasunod na rin sana ako nang makita ko sa
dulo ng mga sumusunod si Zoe. Napangiti na lang ako at hinawakan siya sa braso.
"O? Bakit?"
"Sabay na tayo."
Sa labas, panay hiyawan ang mga tao. Kung anu-ano ang sinasabi nila kila Ate Cass
hanggang sa makaalis sila. Unti-unti na rin nagsunuran ang mga tao sa reception.
"Ice, sunod na kayo. Baka hinihintay na nila tayo doon." Bilin sa akin ni Mama saka
umalis.
Konti na lang ang tao sa simbahan. Nag-aya na rin si Zoe na sumunod pero bago pa
siya makahakbang ay hinawakan ko na ang kamay niya at dinala ulit sa loob ng
simbahan.
"Oo naman. Nanuod kaya ako the whole time. Ang ganda ng ceremony. Sobra. Dinaig pa
ang fairytale. Ang magical. Para pang nag slow motion yung paligid nung papunta na
si Ate Cass kay Manager. Grabe. Nakakakilig. Tapos yung wedding vows nila
nakakaiyak. Yung -- "
"Someday tayo naman ang mapupunta sa pwesto nila kanina. Hihintayin kita sa
kabilang dulo ng aisle. Papanuorin kita habang lumalapit ka sa akin. At tayo naman
ang mangangako sa harap ng altar."
Napatingin siya sa akin na may namumulang pisngi. Napangiti ako sa pagblush niya
saka pinisil ang magkabilang pisngi niya.
Nang makabawi siya sa pagkagulat sa sinabi ko ay pabiro niya akong pinalo, "Saka na
natin pag-isipan ang bagay na yan kapag nakagraduate na tayo. Okay?"
"Sige na nga. Pero someday ha?" Natawa siya sa sinabi ko at hinila na ako palabas
ng simbahan.
Pero habang naglalakad kami ay may narinig akong sinabi niya na nagpangiti sa akin.
"Yes. Someday."
***
Special Chapter 2
Sab’s POV
“Halimaw.”
Kanina pa ako tinatawag ng Bakulaw sa tabi ko pero hindi ko siya pinapansin. Busy
ako sa ginagawa ko. Nagskesketch ako ng bagong design. After nito mamimili pa ako
ng fabric pati ng color para sa mga ‘to. Ang hassle talaga kapag rush.
“Busy mo naman.”
“Grabe ‘to!”
Sorry, Josh, kailangan ko lang talagang maghabol ngayon. Baka bulyawan ako ng
customer kapag hindi ko ‘to natapos agad.
Inaayos ko pa ang lahat ng details nang makaramdam ako ng antok. Napatingin ako sa
orasan sa gilid ko at nanlaki na lang ang mata ko sa nakita kong oras. Ala una na
pero nasa may boutique pa rin ako. Sabi na nga ba dito na ako matutulog. O
makakatulog pa ba ako? Saklap.
Inilibot ko rin ang paningin ko pero wala na si Josh. Umuwi na pala ‘yung Bakulaw.
Baka nagpaalam ‘yun kanina hindi ko lang narinig.
“Ahh! Kaunti na lang, Sab! Keribels mo ‘to!” Para akong timang na chinicheer ang
sarili ko.
“Kaya mo ‘yan.”
“Ay shit ka!” sigaw ko dahil sa gulat. Akala ko ako na lang ang tao dito.
“Bwisit!”
“Joke lang. Pero ayoko pang umuwi. Kitang mag-isa ka lang dito. Mamaya may makita
ka pang multo matakot ka pa.”
Nako. Kilalang kilala ko na ang lalaking ‘to. Nag-aalala lang siya pero nahihiyang
aminin kaya idadaan sa biro. Kikiligin na nga ako, sige na.
Instead mainis sa sinabi niya ay napangiti na lang ako ng tuluyan at niyakap siya,
“Shy si Bakulaw aminin na nagwoworry siya?”
“Uy, shy nga,” natatawa ko pang biro sa kaniya habang nakayakap pa rin.
“Hindi nga sabi. Paraparaan ka lang e. Makayakap lang? Tsansing ka ‘no? Gusto mo
lang makahawak sa back muscle at abs ko.”
Kapal talaga ng pagmumukha ng lalaking ‘to. Hindi ko naman idedeny na may muscle at
abs siya kaya lang hindi ko rin syempre aaminin sa kaniya na may ganun siya.
“Puro ka naman fats,” bibitaw at lalayo na sana ako kaya lang ay hinila niya ako
payakap ulit sa kaniya, “Ako pala tsansing ha.”
Oo nga. Minsan na lang kami magkita kasi busy ako sa trabaho ko at siya ganun din
naman. Buti na nga lang nagagawa pa rin naming magkita kahit papaano despite our
busy schedule. Sana lang mas mapadalas pa ang pagsasama namin.
Ah! Alam ko na! Isusurprise ko na lang siya. Magleave ako next week para mas may
time kami. At oo nga pala, Christmas na rin that time. Kailangan na rin naming mag
Christmas party. Kami nila Zoe. Ever since din naging busy sa work ang lahat,
naging kakaunti na lang ang time namin isa isa’t isa. Magkakasama nga kami nila Zoe
sa iisang bahay pero parang ang layo layo rin naman kasi hindi nagtutugma ang sched
namin. Nagkikita kita lang ata kami kapag magbrebreakfast na e. Nakakamiss na rin
kakwentuhan ang mga bruhang ‘yun.
***
“Leave.”
“Ah. O sige. Tapusin mo na ‘yan. Nagdaan lang talaga ako saglit dito.”
Nagpaalam na ako para hindi na rin makaistorbo sa kaniya. Sinabi ko lang din na
pupuntahan ko sila Zoe pero hindi ko naman alam kung libre ba ‘yung babaeng ‘yun.
Paano producer na siya.
Sinubukan ko siyang tawagan pero hindi ko macontact ‘yung number niya. Sabi ko na
nga ba. Busy na naman ang bruha. Kung di siya maistorbo, si Yannie na lang ang
iistorbohin ko.
“Where are you?” tanong ko sa kaniya nang sagutin niya ang tawag ko.
“Office. Why?”
“Busy?”
“Sa tabi-tabi lang. Sige na nga at busy ka pa. Baka makaistorbo pa ako.”
“Arte nito. May nalalaman ka pang istorbo e parang hindi ka sanay na ginugulo ako.”
Secretary ni Xander si Yannie. Ayaw na ata talagang maghiwalay nung dalawa kaya
pati sa trabaho magkasama pa. So kung busy ‘yung secretary, malamang mas busy ‘yung
boss. Out na si Xander.
Si Ayu pa. Kamusta kaya ‘yung bruhang ‘yun? Sana hindi busy. Tinatawagan ko siya
pero hindi siya sumasagot. Ilang sandali lang ay may nagtext sa phone ko. Si Ayu
malamang.
Bawal din. Si Ken at Ice na lang ang pag-asa ko. Kaya lang paniguradong busy si
Ken. Siya ang nag-aayos ng business nila e. So si Ice na lang.
Tinawagan ko siya at sinagot naman niya. Kaya lang ang masaklap, wala pala siya
dito sa Pinas at bukas pa ang uwi. Wala na nga akong kasama, namahalan pa ‘yung
babayaran ko palibhasa nag-overseas ang call ko. Grabe na ‘to!
Lagi na lang busy ang mga taong ‘to. Wala na talaga kaming time para sa isa’t isa.
Last Christmas nakapagcelebrate naman kami together. ‘Yung after New Year ang wala.
Noong Valentine’s nakapagcelebrate naman kami ni Josh. Kapag naman may birthday,
hindi sa lahat ng araw na ‘yun nagkikita kita kami. Minsan out-of-town ‘yung
celebration ng isa. Minsan naman pareparehas busy kaya pinagpapabukas na kaya hindi
rin talaga nakakapagcelebrate ng mismong araw.
Sa totoo lang medyo nakakakaba rin. Kasi baka matuloy na maging magkakalayo kami. I
don’t think keri ko ‘yun. I value our friendship so much at ang dami na naming
pinagdaanan. Kaya lang ang sabi kasi ng iba, hindi naman daw sigurado na magiging
friends kami forever kasi syempre magkakaroon din kami ng kanya-kanyang buhay at
pamilya. At sa oras na ‘yun daw mas mawawalan na ng oras sa barkada hanggang sa
tuluyan ng malilimutan ang isa’t isa.
Asa pa silang mangyari sa amin ‘yun. Hindi uso sa barkada namin ang magkalimutan.
***
Two days bago mag Christmas, hinahapan ko pa rin sila ng oras. Kaya lang wala e.
Busyng busy pa rin sila.
Ilang beses ko na sila inaaya kaya lang ilang beses na rin nila ako tinatanggihan.
Ang cool lang naman ‘di ba. Nakakapagod na rin mareject. Naiintindihan ko naman na
busy sila kaya lang sana magkaroon sila kahit katiting lang na oras para magkasama
sama naman kami. Kaya lang wala talaga.
Makapagsolo na nga lang. Mag jojoy ride akong mag-isa. Drive lang ako ng drive
kahit wala naman talaga akong pupuntahan. Paminsan-minsan bababa ako sa madadaanan
ko sa kalsada tapos go na ulit. Basta dirediretsyo lang.
Napansin ko ‘yung lumang hotel sa tapat ko. Mukhang kahit holiday walang tao dito
kaya swerte na rin siguro kahit papaano.
“Excuse me. Room for one, please.” Inabot na sa akin ‘yung room key ko. “Ah. Meron
po ba kayong mekaniko dito? Nasira po kasi ‘yung kotse ko. Nasa tapat po.”
***
Nang magising ako kinabuksan at nag-out na, sinabi na rin sa akin na ayos na ang
sasakyan ko. Nag overheat lang daw pero ayos na.
Tanghali na rin naman kaya umuwi na ako. Pero syempre joke lang. Hindi ako
diretsyong umuwi kasi gutom na gutom na ako. Nang makakain na ako ay saka lang ako
umuwi. Bwenas nga at traffic pa. Palibhasa namimili na ng pang Noche Buena ang mga
tao kaya siksikan. Pasko na kasi bukas.
Siguro naman makakauwi ako bago mag pasko kahit sobrang OA ng traffic dito. Parang
ako.. OA lang.
After ilang oras, nakarating na rin ako sa bahay namin. Hinahanda ko na ang sarili
ko sa pagtatalak sa akin nila Yannie.
Dahan dahan akong pumasok sa bahay. Inabutan ko sa sala sila Ayu, Ken, Yannie at
Xander. Kita mo ‘tong mga ‘to. Kung kalian wala ako saka nagkita-kita. Tsk tsk.
“Sab!”
Hindi ko na natuloy ang sinasabi ko nang sumigaw sila at saka tumakbo papalapit sa
akin at niyakap ako. Problema ng mga ‘to?
“Bruha ka! Saan ka bang lupalop nanggaling? Kagabi ka pa namin hinahanap. Hindi ka
macontact. Hindi ka naman nagrereply sa mga messages namin. Kung saan saan na rin
kami naghanap pero wala ka.”
“Ha?” Sinasabi nitong si Ayu?
Gusto kong matawa sa sinabi nung dalawa kaya lang mas natouch ata ako. Akala nila
naglayas ako? Bakit naman ako maglalayas lalo na at malapit pa ang pasko.
Wala pang kalahating oras ay dumating na nga sila Josh, Ice at Zoe. Agad na tumakbo
sa akin si Zoe at yumakap. Si Ice naman ay ginulo lang ang buhok ko habang si Josh
ay nakatingin lang. Masyadong seryoso ang mukha niya. Ako na ang lumapit sa kanya
para yumakap.
“Sa susunod magpaalam ka na kapag aalis ka ha? Mababaliw kami kakahanap sa ‘yo.”
“Sorry. Pero kailangan ko lang pala mawala para makumpleto tayong lahat ha?” biro
ko pa sa kanila.
Habang hinahanap pala ako ng iba, nagluto na ng pang Noche Buena ang mga natirang
naghihintay sa akin makauwi ng bahay. Gusto raw nila na kapag dating ko ay handa na
ang lahat. May pagkain at kung anu-ano pa.
Ilang events ng buhay namin ngayong taon ang hindi namin napagsamasamahan dahil sa
sobrang busy ng mga schedule. Buti na lang sa araw bago magPasko, magkakasama na
ulit kami.
“You know what, guys. May narealize ako,” nakangiting sabi ni Yannie. “Kahit na
matagal tayong hindi magkasama-sama ng parang ganito, never na mawawala ‘yung bond
between us.”
“Sorry nga pala, guys, kung pinag-alala ko kayo. Aaminin ko na medyo nagtampo ako
kasi parang wala na kayong time. Kaya lang tumatanda na nga pala tayo. Kailangan
din natin magfocus sa ibang bagay. Hindi ‘yung puro barkada lang. Basta sana kahit
anong mangyari, hinding hindi masisira ‘yung friendship natin.”
Nilapitan ako ni Zoe at inakbayan, “Dapat, guys, at least once or twice a month
magdinner tayo together. ‘Yung as in lahat tayo.”
“Oo nga! Dapat never mawala ‘yun sa atin.”
Kaya sa bandang huli ay nagsipapayagan din ang lahat na gawin ang sinabi ni Zoe.
This way, magagawa naming mag catch up sa buhay ng isa’t isa.
“Merry Christmas!” sabay sabay na sigaw naming walo at itinaas ang mga inumin
namin.
Ngayong matanda na ako, ito na ang masasabi kong best Christmas gift na natanggap
ko. Sa araw ng pasko, kasama ko ang mga taong mahal ko. Ngayon, kasama ko ang mga
kaibigan ko. Bukas, kasama ko ang pamilya ko. Hindi ‘to matutumbasan ng kahit na
ano mang materyal na regalo.
Special Chapter 3
Ken’s POV
“Gago.”
“Maraming iiyak.”
Binalibag ko ng unan si Josh. Kanina pa ako kinukulit nito. Siguro nga maraming
iiyak. Kaya lang sigurado na talaga ako. Ayoko na.
Tatawa tawa siyang lumabas pero bago ‘yun ay tinapik niya pa ako sa balikat, “Kapag
iniwan mo ang buhay na ‘yun, wala ng balikan. Dahil oras na pinili mong balikan
‘yun, ako na mismo ang haharang sa ‘yo.”
Nakakabanas ‘yang si Josh. Balak pa atang guluhin ‘yung desisyon ko. Kahit naman
ano ang sabihin niya wala na siyang magagawa. Sobrang desidido na talaga ako. Ayoko
na. Ayoko na talaga.
Tulad kanina, may bigla na namang pumasok sa kwarto ko. Kanina si Josh. Ngayon ay
si Ice.
“P’re, umiiyak ‘yung mommy mo sa baba,” kaswal na sabi niya at saka umupo sa kama.
“Sino sa kanila?”
“Pareho.”
Napatingin ako sa gawi ni Ice na tingin lang ng tingin sa paligid ng kwarto ko.
Maya-maya lang ay tumayo siya at kinuha ang isa sa nakadisplay na picture frame sa
side table ko. Litrato namin ‘yung apat. Siya, ako, si Josh at si Xander.
“Tagal na nito.”
Noong lumalaki dumaan din kaming tatlo sa kabaduyan. Akala ko noon cool at malinis
tingnan kapag nakahati ang buhok mo. Si Xander naman kahit noon pa maloko at
gwapong gwapo na sa sarili niya. Samantalang si Josh nangingitim kakabasketball
niya.
Ibinalik niya ang picture frame sa side table at saka ako nginisian, “Shut up,
dude. Mas masaya ka ngayon.”
Lumapit si Xander at guguluhin sana ang buhok ko pero bago pa niya magawa ‘yun ay
nakalayo na ako.
Lumapit si Josh kay Xander saka ito inakbayan, “Ayos lang ‘yun, Xander. Basta
makapasok ka sa kainan.”
“Tigilan niyo na lang ‘yang si Ken. Pagbigyan niyo na at araw naman niya ‘to,”
depensa sa akin ni Ice.
“Oo nga naman. Kapag ako ginulo niyo ngayon, sisiguraduhin ko na kapag kayo naman
ang ikakasal guguluhin ko rin kayo. Lintik lang walang ganti.”
Siniko ni Josh si Xander at saka ginulo ang buhok nito. Hindi agad nakakilos si
Xander dahil na rin siguro sa gulat pero ilang saglit lang ay sinugod din niya si
Josh para guluhin ang buhok nito, “Gago ka. Hirap hirap mag-ayos ng buhok tapos
guguluhin mo lang.”
“Hindi naman ikaw ang ikakasal kaya ayos lang na hindi ka maayos tingnan. Tigilan
mo na ako,” natatawang sagot ni Josh habang patakbong umiikot sa kwarto ko.
“Ha. Ayan. Ayos na,” masayang sabi ni Xander nang nagulo na niya ang buhok ni Josh.
Alam ko na naiisip ng dalawang ‘to. Paniguradong si Ice naman ang guguluhin nila.
Napangiti na lang ako sa kanila at humarap na ulit sa salamin para ayusin ang
sarili ko. Kinakabahan talaga ako pero sobrang saya ko. Buti na lang tulad ko, ayaw
na rin ni Ayu na maging magboyfriend-girlfriend na lang kami. Buti na lang gusto na
rin niyang pakasalan ako. Ang tagal ko ng pinapangarap ‘to.
“Serious naman masyado nito. Tara na nga lang sa labas, Xander,” sagot naman ni
Josh saka ko narinig ang pagbukas at pagsara ng pinto.
Naiwan na naman akong mukhang tanga na pangiti-ngiti lang dito. Inilibot ko ang
paningin ko sa kwarto. Ilang taon din akong nabuhay na dito ako natutulog, dito ako
naglalagi, dito ang kwarto ko. Mamaya maya lang iba na ang uuwian ko. Mamaya maya
lang iba na ang kwarto ko at mamaya maya lang may kasama na ako.
“Tara na raw sa simbahan, Ken. Bilisan mo at nakakahiya naman kung mauna pa sa ‘yo
‘yung bride.”
Nasa labas ako ng simbahan at nakatingin lang sa daan. Baka mamaya bigla na lang
dumating si Ayu.
Napalingon ako sa tumapik sa akin. Si Manager Ry. “Easy lang, Ken. Huwag kang
masyadong kabahan. Relax lang dapat. Parang lahat ng mga nandito.”
“Paano ako magrerelax e ako ang ikakasal? Parang hindi mo pinagdaanan ‘to.”
Tumingin siya sa relo niya saka ako tiningnan ng masama, “Ayos lang na kabahan.
Hindi magpaka-OA. Maaga pa. May ten minutes pa siya.”
“I’m nervous.”
“Huwag mong ipahalata. Baka pati siya kabahan,” sabi ni Ate Cass na bigla na lang
sumulpot sa isang tabi. “Noong kinakasal kami ni Ry kinakabahan din ako noong
nakita ko siyang kinakabahan.”
Kung sinu-sino ang lumalapit sa akin para batiin ako at magcongratulate sa kasal ko
kahit hindi pa man din nagsisimula. ‘Yung iba kakilala ko. ‘Yung iba hindi na.
Malayong kamag-anak na kasi ni Ayu ang iba.
Kakabati lang ng isa sa kamag-anak ko nang may tumapik sa akin. Paglingon ko, si
Ram ang nakita ko.
Napailing siya, “Sayang. Sige, si Ayu na lang ang tatanungin ko. Aayain kong
magtanan bago pa man matali sa ‘yo.”
“Ga.. Asa ka pa.” Bwisit ‘tong si Ram. Muntik pa akong mapamura sa simbahan.
Natawa siya saka ako pabirong sinuntok sa balikat, “Biro lang. Tensyonado ka
masyado. Saan honeymoon?” natatawa na naman niyang tanong kaya sinamaan ko na lang
siya ng tingin.
“Balita ko lalabas ka raw ng bansa? Ano gagawin mo? Hahanapin ang sarili mo kasi
ikakasal na si Ayu?” biro ko sa kaniya. Matagal na rin naman magbuhat nang
magkagusto siya kay Ayu. Two years ago. Marami na siyang nakakadate kaya sabi niya
nakamove on naman na siya.
“Oo e. Masasaktan lang ako kapag nandito ako. Baka agawin ko pa asawa mo.”
Nagkwentuhan lang kami ng kung anu-ano nang dumating ang barkada. Binati nila kami
ni Ram at tinukso na naman nila ako dahil masyado akong kabado.
“Kapag kayo ikinasal, sisiguraduhin kong ganito din kayo o baka higit pa.”
“Gusto mo bang makitang ganyan kami?” tanong ni Ice at saka kinalabit si Zoe,
“Gusto mo bang sumunod na tayo sa kanila?”
“Ano ‘yan? Gusto mo lang bang maki-uso?” masungit na sagot ni Zoe kaya napakamot sa
ulo si Ice saka siya inakbayan.
Nag-agaw naman ng eksena si Josh. Paano bigla na lang siyang tumawa ng malakas,
“Sorry kayo. Mauuna kami ni Sab. Ngayong taon – “
“Sukob,” sagot ni Sab at saka kinurot si Josh sa tagiliran.
“Kahit na ba. Mas mabuti ng sigurado. Saka na kapag handa na tayong dalawa. Baka
sumabog lang magiging bahay natin kapag nagpakasal tayo ng ganitong kaaga.”
“We’re engaged.”
“What?!”
“Kailan pa?”
“Paano nangyari?”
“Kailan kasal?”
Itinaas ni Xander ang kamay niya para patahimikin kami, “Simpleng proposal lang
naman kasi ginawa ko. Noong nasa kanila ako kahapon. Doon ako nagpropose.”
“Hindi pa rin naman kami magpapaksal any time soon. Engaged pa lang.”
Ginigisa pa namin ang dalawa nang paayusin na kami at paparating na raw si Ayu.
Bumalik na naman ‘yung kaba ko na nawala na noong kinakausap ako ng barkada ko.
Pumwesto na ako at naglakad papunta sa may harap. Sunod sunod na rin ang mga abay
hanggang sa si Ayu na lang ang naiiwan sa dulo.
She’s so beautiful. Words aren’t enough to explain how beautiful she is. She is
beautiful beyond words. Ang ganda niya wearing her long white wedding dress.
Nahaharangan ng veil ang mukha niya pero kitang kita pa rin ang ganda niya behind
that veil. She’s so beautiful I’m blown away.
Nakatingin siya sa akin habang naglalakad papalapit. I smiled at her. And she did
the same. Masyadong overwhelming ‘to pakiramdam ko naiiyak na ako.
Naramdaman kong may tumapik sa likod ko pero hindi ko na ‘yun pinansin at tinitigan
lang si Ayu.
Habang papalapit siya parang lahat ng nangyari magbuhat nang nagkakilala kami ay
nagflashback. Since the very first time na nakita ko siya sa No Name. Nakataas man
ang kilay niya noon hindi pa rin nu’n nabura ang kagandahan niya.
♫ From the day that you arrived, I had no idea you'd be my life. But when I looked
into your eyes .. I knew someday you'd be my wife. ♫
Noong una naiinis ako sa kaniya. Pakiramdam ko kasi may naging kakumpitensya na
ako. Hanggang sa bigla na lang kaming pinagsama dahil sa quiz bee. Madalas kaming
nagkakasama at nalalayo sa barkada para makapagreview. Natutuwa ako sa kaniya.
Masarap siyang kausap. Masarap siyang kasama. Akala ko natutuwa lang talaga ako
hanggang sa naramdaman ko na lang na mahal ko na siya.
Hindi man naging maganda ang simula namin, hindi na rin mahalaga ‘yun ngayon.
♫ I know there are times when I am wrong. And you know there are times when I am
right. Just as long as we both give it all we can. And for both to see that we try.
♫
Nagsimula na ang seremonya. Nawala na ang kaba ko. Napuno na lang ng saya ang puso
ko. Kasi nandito na siya. Nandito na siya sa tabi ko
♫ You took my heart so unexpectedly. Who knew that you would be the one? But I
always knew that there was something special 'bout you from the day that you walked
into my life. ♫
“Since it is your intention to enter into marriage, with your hands joined,
declared your consent before God and his Church, this community of your family and
friends.”
Nginitian niya ako at diniinan pa ang paghawak sa kamay ko, “Ken. As I stand here
before you, I see all the things I ever want in life. You. Ito na. Ikinakasal na
tayo. College palang tayo I always knew na ikaw ang taong makakasama ko habang
buhay. Kaya kahit na marami mang dumaan at nangyari sa buhay natin, we never gave
up on each other. Because what we have is for keeps. What we have is forever. And
nobody can take that away from us. I love you so much, Ken, and I’m really happy
that I’m going to spend my everyday with you.”
Pinunasan ko ang luha niya at nagulat na lang ako na ganu’n din ang ginawa niya sa
akin. Ni hindi ko man lang alam na umiiyak na pala ako.
Nang ako na ang magsasalita, huminga muna ako ng malalim na nagpangiti kay Ayu. Sa
pagngiti niyang ‘yun, hindi ko na rin napigilan ang mapangiti.
“Ayu. I love you. I love you so much. Sobra pa sa inaakala mo at sobra pa sa akala
kong kaya kong ibigay. Thank you for choosing me to be your partner for the rest of
your life. Thank you for not giving up on me when I almost gave up on myself. Thank
you for leading me to the right path whenever I’m lost. Thank you for being the
light when all I see is darkness. Thank you for bringing happiness into my life.
And thank you.. thank you for loving me. Tulad mo, excited na rin ako sa mangyayari
bukas, sa isang bukas, sa susunod na bukas at sa lahat ng bukas sa buhay natin.
Bukas gigising ako nang nakangiti kasi kapag dilat ng mata ko, ikaw agad ang
makikita ko. They say that future is a very scary place. But since I’m going to
spend my future with you, I’m not scared anymore. Kasi nandiyan ka. Kasi kasama
kita. Kasi mahal kita. I love you, Ayu. So much.”
“And now, by the power versted in me, I hereby pronounce you husband and wife. You
may now kiss the bride.”
Napangiti agad ako sa narinig ko kay Father. Humarap ako kay Ayu at itinaas ang
belo niya. Nakangiti siya sa akin at ganu’n din ako sa kaniya. Naririnig ko ang
sigawan ng tao habang unti-unti akong lumalapit sa kaniya. At nang mahalikan ko na
siya, nawala na ang ibang tao. Pakiramdam ko kami na lang ang nasa mundo.
Special Chapter 4
Ito na ang promise kong special chapter sa inyo. May tatlo pang kasunod na special
chapter na nakafocus naman sa ibang couples. Will post those chapters soon. Sa
ngayon ito muna. :)
Yes, getting married with him is probably one of the biggest decisions I made in my
whole life. Kasi marriage na ang usapan dito. Kapag pinasok mo ang buhay na 'to,
hindi ka na makakawala. Though these days uso na ang divorce pero wala naman akong
plano na maging divorcee. Plus, hindi naman legal ang divorce sa Pinas. There is
annulment, but still...
Our first months of marriage were pure bliss. Para akong nasa romance novel na mga
binabasa ko or sa mga romance movies na napapanood ko. Sobrang saya namin
pakiramdam ko sasabog na ang puso ko.
Sobrang sweet ni Ken. Hindi naman siya nagbago kahit matapos naming ikasal. Sobrang
maalaga pa rin niya and I'm really blessed to have him as my husband.
During our first day of marriage, everything felt so surreal. I can still clearly
remember that day. Pagbukas ko ng mata ko mukha na agad ni Ken ang nakita ko.
Nakapalupot ang kamay niya sa bewang ko. Isa ang araw na 'yon sa pinakamasayang
araw sa buhay ko.
Noong araw na 'yon, siya ang una kong nakita at ako rin ang una niyang nakita. He
kissed me bago pa man niya ako mabati ng good morning. I don't mind though. Parehas
kaming nagluto ng almusal at sabay kumain. Dalawa rin kaming naghugas ng
pinagkainan at naglinis ng bahay. Inayos namin ang bahay namin na medyo magulo pa
since kakalipat palang namin. Bahay namin. Sa amin. Buong araw hindi kami
naghiwalay kahit hanggang pagtulog. At ang saya ko kasi siya rin ang huli kong
nakita bago ko ipikit ang mga mata ko.
Ganoon lang ang routine namin palagi. Sobrang saya. Parang sobrang perpekto na ng
lahat.
Kaya lang syempre hindi naman pwedeng perfect ang lahat ng araw namin bilang mag-
asawa.
"The early year of marriage is usually the hardest and most stressful." Tiningnan
ko si Sab na nakaupo sa sala namin at hawak ang phone niya habang nagbabasa. "Most
divorcees occur during the first five years of marriage (Kreider, 2005)."
Napairap ako sa narinig sa kaniya at sumandal sa sofa. Nang mapansin ni Zoe ang
reaksyon ko ay binalibag niya si Sab ng throw pillow.
"Ayos rin sa pagpapaganda ng mood niya 'yan, Sab," sarkastikong sabi ni Yannie at
nag thumbs up pa.
"Binabasa ko lang naman 'tong nakita ko. Nag-effort na nga akong mag-search tapos
babalibagin lang pala ako ng unan? Girls, appreciate my efforts naman."
Itinaas ni Zoe ang isa pang unan sa tabi niya at nagtangkang ibalibag kay Sab pero
naitaas na ni Sab ang kamay niya bilang panangga. Nang maiwasan niya ang pagtama ng
unan ay itinaas niya ang baba niya at ngumisi kay Zoe.
"Six months." Paglilipat ni Zoe ng atensyon niya sa akin. "Six months pa lang kayo
mag-asawa, Ayu."
"Hindi, ha!" Mabilis kong sagot sa kaniya. Napaupo pa ako ng diretsyo nang marinig
ang tanong na 'yon. Sa anim na buwan naming pagsasama ni minsan hindi ako nagsisi
na pinakasalan ko siya. "Weird lang pero kahit six months na since nagsama kami,
parang hindi pa rin ako sanay. Don't get me wrong. I always look forward to every
mornings na siya agad ang nakikita ko and every night where we'll cuddle to sleep.
May ilan lang bagay na parang hindi ko pa rin nakakasanayan."
"Tulad ng?"
"Medyo magulo siyang magtrabaho. Makalat? Ewan pero siguro parang ganoon ang term.
Kilala niyo ako. Mag pagka-OC ako. Gusto niyang mag-adopt ng aso pero ayoko.
Mahirap mag-alaga lalo na't parehas naman kaming may trabaho. At speaking of
trabaho, may pagkaworkaholic siya. Since pinapakita niya sa ibang board members na
worthy siya para sa position niya sa company nila, the last month madalas siyang
mag-overtime. Dinadala pa niya sa bahay ang trabaho."
Tumango silang tatlo at nanahimik. Napasandal na lang ulit ako at ipinatong ang
unan sa mukha ko. Medyo nakakastress.
"Ano?!"
"Hindi niya alam?!"
Sunod sunod na sabi nila sa akin. Napapikit na lang ako at napangiwi sa mga sigaw
nila.
"Baka kasi mag-away lang kami. For sure stress din siya sa work. Parehas kaming may
trabaho. Sa umaga at gabi na lang kami nagkikita. Ayoko naman na mag-away pa kami
kung bihira na nga lang kami magkita."
"Kahit na!" Mahinang palo sa akin ni Zoe sa balikat. "Dapat alam niya. Alam mo bang
isang rason sa pagfail ng marriage ang hindi pakikipagcommunicate sa partner mo."
"Agree," tango naman ni Yannie. "Paano maaayos ang problema kung hindi naman alam
ng isa na may problema pala?"
Gets ko ang point nila. Natatakot lang talaga ako sa pwedeng maging mangyari kapag
nakapag-usap kami. What if magalit siya sa akin? What if hindi namin maayos 'to?
What if maisip niya na mali ang desisyon niya na pakasalan ako kasi ang OA ko?
Okay, sobrang nga ang last statement ko kaya lang hindi ko na maintindihan.
Tinapik ako ni Zoe at nginitian, "Siguro natatakot ka. Huwag kang mag-aalala, si
Ken naman pinag-uusapan natin dito. Maiintindihan ka no'n."
Nginitian ko sila at nagpasalamat. Kahit medyo stress ako nitong mga nakakaraan,
nagagawa nilang pagaanin ang loob ko. Kung wala ang tatlong 'to baka nagbreak down
na ako.
"So, Yannie..." Napatingin kami kay Sab nang tawagin niya si Yannie. "Next month na
ang kasal niyo ni Xander."
"O?"
"Pwede ka pang umatras. Nakita mo naman ang nangyayari ngayon kay Ayu."
Binalibag ni Yannie kay Sab ang unan at saka siya inirapan, "Gaga ka. Walang
atrasan 'to." Nagkatinginan na lang kami ni Zoe at natawa sa inasal ng dalawa.
***
Kakapatay ko lang ng kalan nang marinig ko ang tunog ng sasakyan ni Ken. Tiningnan
ko ang orasan sa pader. Alas syete.
Kahit ang dami kong reklamo kila Zoe tungkol sa kaniya, natutuwa pa rin ako kasi
lagi siyang umuuwi para dito maghapunan. Minsan umaabot ng alas onse pero
sinisigurado niya na dito pa rin siya kakain. Sinisigurado niya na kakainin pa rin
niya ang niluto ko.
"Hi, Ayu. Nakauwi na ko," bati niya sa akin at inilagay sa bakanteng upuan ang
suitcase na hawak niya saka ako hinalikan. "Sakto. Naaamoy ko na 'yang luto mo."
Lumayo siya sa akin at naglagay ng mga pinggan sa lamesa. Napangiti na lang ako sa
ginawa niya at sinalin na sa pinggan ang ulam namin saka kumuha ng kanin.
Umupo ako sa tapat niya at saka kumain. Tulad ng mga nangyayari noong nakaraang
buwan, kumain kami ng tahimik. Walang nagsasalita. Walang nagtatanong kung ano ang
nangyari sa araw namin. Sa sobrang pagod, hindi na namin nagawang mag-usap. At
ayokong maging ganito lang kami palagi.
Matapos kumain, usually, ilalagay niya lang ang pinagkainan namin sa lababo. Kapag
hindi masyadong pagod ay lilinisan niya ang lamesa at ako ang maghuhugas ng mga
pinggan. Kaya lang ngayon kahit tapos na kami parehas kumain, walang tumatayo,
walang umaalis.
"Nandito kanina sila Sab." Tumango siya sa sinabi ko at huminga naman ako ng
malalim. "I asked them to come. Kasi... kasi kailangan ko sila."
"Kailangan mo sila?" Nakakunot ang noo niya at halatang naguguluhan sa sinasabi ko.
Kung kanina ay nakakunot ang noo niya, ngayon naman ay nakatingin lang siya ng
diretsyo sa akin. Hindi ko magawang basahin ang reaksyon niya.
Mabilis akong umiling, "Hindi. Hindi ako nagsisisi. Hindi ang pagpapakasal ko sa
'yo ang sinasabi kong problema. Feeling ko lang kasi hanggang ngayon nasa
adjustment phase pa rin ako. Sinusubukan ko pa rin intindihin ang differences
natin. But that's the least of my problem. Ang main problem ko lang ay ikaw at ang
pagiging workaholic mo."
Nag-iwas siya ng tingin dahil sa sinabi ko. Napalunok ako at inabot ang kamay niya
na nakapatong sa lamesa.
"I miss you, Ken. Bihira na tayo magkita. Nagkikita lang tayo sa umaga at gabi.
Magbabatian lang tayo ng good morning at goodnight, kakain ng sabay pero hindi
naman tayo nag-uusap. Nagsasalita tayo, oo, pero hindi 'yung seryosong usapan.
Parehas tayong pagod, naiintindihan ko. Kaya lang, Ken, namimiss na kita. Nasa
iisang bubong nga tayo pero parang ang layo mo at parang ang layo ko na rin sa
'yo."
I tried to search something in his eyes kaya lang bigla na lang niyang binawi ang
kamay niya, tumayo at umalis.
Parang nahati ang puso ko sa ginawa niya. Napatakip na lang ako sa mukha ko at
tuluyan nang naiyak. Sinusubukan ko naman ayusin 'tong relasyon namin kaya lang
bakit ganito? Bakit ang sakit?
Patuloy lang ako sa pag-iyak nang may humawak sa kamay ko at saka ako niyakap. Si
Ken.
Isinandal ko ang ulo ko sa balikat niya at hinimas niya ang ulo ko habang ang isang
kamay ay nakahawak sa likod ko. Naramdaman ko rin ang paghalik niya sa gilid ng noo
ko.
"I'm sorry, Ayu," bulong niya at hinigpitan ang yakap sa akin. "I'm sorry."
Nang wala na akong maiyak ay lumayo ako ng kaunti sa kaniya. Pinakawalan naman niya
ako mula sa pagkakayakap at hinawakan ang magkabila kong pisngi saka pinunasan ang
luha ko.
Binitawan niya ang mukha ko at niyakap ulit ako. "Pero wala ni isang araw ang
nagdaan na hindi kita inisip. Pagod na pagod ako sa trabaho pero lagi akong excited
umuwi dito. Excited akong umuwi sa 'yo. Nitong mga nakaraan lang masyado na siguro
akong nastress na hindi ko man lang nagawang kamustahin ang kalagayan mo. Kung
hindi ka pa kinamusta sa akin ni Papa hindi ko pa marerealize na maski ako wala ng
alam sa nangyayari sa 'yo. Sorry, Ayu."
Nginitian niya ako at may itinaas siyang dalawang papel. Kumunot ang noo ko at mas
lumaki ang ngiti niya.
"Narealize ko nga kasi na medyo malayo tayo sa isa't isa nitong mga nakakaraan kaya
nagfile na ako ng leave. Pumayag din naman agad sila kaya naisip ko na kung okay
lang sa 'yo, magbakasyon tayo. Nakabili na ako ng ticket. Kaya sana pumayag ka.
Sayang naman 'to kung hindi natin gagamitin."
Napangiti na rin ako dahil sa narinig sa kaniya. Tumalon pa ako para mayakap siya
at saka siya hinalikan. Naramdaman ko naman ang pagngiti niya dahil sa ginawa ko.
"Ayu?" tawag niya sa akin nang makalayo na ulit ako sa kaniya at habang nagliligpit
ng pinagkainan.
"Hmm?"
Nakatalikod ako sa kaniya at naramdaman ko na lang ang mga kamay niya sa bewang ko
kaya natigil ako sa ginagawa ko. Ipinatong din niya ang baba niya sa balikat ko.
Natawa ako sa tanong niya at napailing. Gusto talaga niya ng aso, ha.
Tama nga sila, Yannie. Kapag nagkaproblema at kapag may naramdaman akong hindi
maganda, dapat sabihin ko 'yon kay Ken. Dapat ipaalam ko sa kaniya ang mga naiisip
at nararamdaman ko. Hindi ko na dapat palakihin pa ang problema kasi madadaan naman
namin 'to sa maayos na usapan. Kami pa bang dalawa?
***
Next: Halimaw at Bakulaw
Special Chapter 5
Note: Malayo na ang time setting nito sa previous chapter. Yearsss after na.
Lost in the day, in a way, it's same as the one before this,
And I wish I could say that's it's all black and white
But it's gray, it's the same, it's the same and I'm so tired
Sobrang tambak ng mga gawain sa trabaho ngayon tapos kapag uuwi naman para
makapagpahinga pahirapan din. Paano palagi na lang traffic. Kada minuto ata kasing
haba lang ng isang ruler ang inaandar ng sasakyan ko. Dagdag perwisyo talaga 'tong
traffic na 'to.
"Welcome home!" sigaw din niya at sinalubong ako saka hinalikan sa pisngi.
Napangiti ako sa itsyura niya ngayon. Nakaapron pa at may hawak na sandok. Sino ba
naman ang hindi matutuwa kung ito ang uuwian araw-araw?
"Magpalit ka na, Bakulaw. Malapit na rin maluto pagkain natin. Maghahain na ako,"
sabi pa niya at tumatakbong bumalik sa kusina.
Oh and I'm thinking about a red wine buzz and takin' it easy,
Bago ako umakyat sa kwarto ay lumapit muna ako sa kaniya. Nakatalikod siya sa akin
at nakaharap sa niluluto niya. Kahit kailan talaga hindi ako magsasawa na makita
siyang ganito. 'Yung nagluluto para sa aming dalawa. Masyadong wife material ang
dating niya.
Sino nga ba naman ang mag-aakala na may tinatago pala siyang ganitong side?
Niyakap ko siya at ipinatong ang baba ko sa balikat niya saka pumikit. Naramdaman
ko naman ang paghinto niya sa pagluluto at bahagyang tumingin sa akin.
"Mhmm." Pero kahit paano okay na kasi nakauwi na ako dito... sa 'yo. Kaya lang
syempre hindi ko sasabihin 'yon sa kaniya baka kiligin lang siya.
And I'll say hey, you'll say baby, how's your day?
Nginitian ko siya bilang sagot. Ayos nga lang. Minsan kahit nakakapagod, ayos lang
kasi gusto ko naman ang ginagawa ko. Isa pa, karamihan naman ng trabaho nakakapagod
talaga. Ikaw na nga lang ang bahalang mamili kung saang trabaho ka magpapakapagod.
"Hindi masyado. Nag overtime kasi kami 'di ba kahapon kaya medyo kaunti na lang ang
ginawa namin ngayon. Though may ibang new customers pero hindi naman hassle."
"Baka nga pala may magpunta sa boutique mo this week na katrabaho ko."
"Nirecommend kasi kita. Binida ko mga gawa mo. Ikakasal na kasi 'yon kaya sabi ko
tingnan ang mga gawa mo. Kung sakaling magustuhan niya, doon na lang siya papagawa
ng wedding gown pati na rin ng gown at suit ng mga abay niya," casual na sagot ko
sa kaniya.
Nang tingnan ko ang reaksyon niya ay hindi ko na napigilan ang mapangiti. Nanlalaki
ang mata niya at nakataas pa ang hawak niyang kutsara at tinidor.
Nagulat na lang ako nang bigla siyang tumili at lumapit sa akin saka ako hinalikan.
"Thank you! Sobrang laking tulong niyan kung sakaling magustuhan niya 'yung mga
gawa ko. Sobrang blessing kapag sa akin niya pinagawa lahat ng kailangan niyang
damit. Sana magustuhan niya. At thank you talaga!"
"Magugustuhan niya mga gawa mo. Don't worry," sagot ko at ginulo ang buhok niya.
Wala akong alam sa mga gown gown na mga 'yan pero kapag nakikita ko ang mga
ginagawa ni Sab, nagagandahan ako. Hindi 'yon dahil sa girlfriend o live-in partner
ko siya. Sadyang maganda lang talaga ang mga gawa niya sa tingin ko. Nakikita ko
rin kasi kung paano niya pinaghihirapan ang mga 'yon. At sa pananaw ko, lahat ng
bagay na pinaghihirapan maganda.
***
Can't deny, by the end of the day that I'm running on empty but,
Nang magising ako ay agad akong tumingin kay Sab na nakahiga sa tabi ko at
nakayakap sa akin. Dahan dahan akong gumalaw para hawiin 'yung buhok na nakaharang
sa mukha niya kaya lang sa ginawa kong 'yon, nagising ko siya.
"Good morning, Halimaw," bati ko at hinalikan ang noo niya.
Sinilip ko ang alarm clock na nasa side table at sinagot si Sab, "6. Magbubukas ka
pa ng 8 'di ba? Maligo ka na."
Bahagya siyang tumingala para tingnan ako at saka pinisil ang ilong ko, "Lagi mo na
lang akong pinapauna para makatulog ka pa ulit ng ilang minuto. Alam ko na style
mo. Bulok na 'yan."
"Hindi ha," depensa ko kahit na medyo totoo naman ang sinasabi niya. Kalahating
oras din siya maligo kaya sayang din ang kalahating oras na extrang tulog. "Matagal
ka lang mag-ayos kaya baka hindi ka agad makapagbukas ng 8. Kawawa naman ang mga
naghihintay sa 'yo sa boutique mo."
Nang makaalis siya ay niyakap ko ang unan niya at pumikit ulit. Narinig ko naman
ang pagbungisngis niya bago siya tuluyang makalabas ng kwarto.
***
"Six months," kibit balikat na sagot ni Ice nang magtanong si Ken kung ilang months
na kami nagsasama ni Sab sa iisang bubong.
Halos dalawang taon na magbuhat nang ikasal si Ken at Ayu. Isang taon naman na ang
nakalipas nang maikasal na rin sila Xander at Yannie pati si Ice at Zoe. Nagbalak
din naman akong magpropose kay Sab kaya lang nang gagawin ko na 'yon ay bigla na
lang niyang inopen 'yung naging issue ng mga kaibigan namin noong mga naunang buwan
ng mga pagsasama nila.
Kaya ayon, natakot 'yung halimaw. Hindi tuloy ako nakapagpropose kasi mukhang
irereject niya lang din 'yon.
"Kasalanan niyo kasi 'to. Bakit ba hinayaan niyo pang sabihin ng mga asawa niyo
'yung mga issue nila sa inyo noong unang buwan ng mga pagsasama niyo? Ayan tuloy,
natakot si Sab."
Uminom lang si Ice ng kape at inirapan ako. Umiling naman si Ken at si Xander na
ang sumagot para sa kanila, "Normal naman kasi na manibago sa first few months ng
marriage. Nasa adjustment period kaya malamang may mga issue. Tingnan mo naman
ngayon, naaayos namin 'yung mga differences namin. Saka parang kahit sinong mag-
asawa naman ang tanungin mo paniguradong sasabihin nila na nanibago rin sila sa
simula."
"Hindi rin namin kasalanan na napagdesisyunan niyong dalawa na mag live-in para
makasanayan niyo na ang magsama sa iisang bubong bago pa man kayo magsettle down,"
katwiran naman ni Ken.
Ang harsh din talaga minsan ng mga 'to. Hindi man lang ako pinagbigyan manisi at
magdrama kahit isang beses lang.
Napakamot na lang ako sa ulo ko at kinapa ang bulsa ko. Ilang buwan ko nang pinag-
iisipan 'to. Bahala na!
***
'Cause I'll say hey, you'll say baby, how's your day,
Dahan dahan akong lumapit sa kaniya at hinawakang ang bewang niya. Napahinto siya
sa ginagawa niya at bahagyang itinagilid ang ulo.
"Problema mo?"
Ayos din talaga minsan sa pagsira ng mood 'tong si halimaw. Pero hindi pwede. Ako
bahala.
Ihinarap ko siya sa akin at hinawakan ang dalawang kamay niya saka iniligay sa
balikat ko. Pagkataos ay ibinalik ko ang kamay ko sa bewang niya. Nginitian ko siya
at sinundan ang tugtog.
Cheesy na kung cheesy. Corny na kung corny. Pero gusto kong isayaw si Sab ngayon.
Kahit wala namang dahilan.
Lumapit siya sa akin at isinandal ang ulo sa balikat ko saka nagtanong, "Anong
nakain mo atparang ang sweet mo naman ngayon?"
Natawa siya sa sinabi ko at kahit ang dalas ko nang marinig ng tawa niya, bumibilis
pa rin ang tibok ng puso ko. Hay, t*ngina mo, Josh. Parang hindi ikaw 'to.
"How's your day?" Napangiti ako dahil sa tanong niya. Kahit minsan iisa lang ang
sinasagot ko sa kaniya lagi pa rin niyang tinatanong sa akin 'to.
"Pagod." At tulad nang nakagawian, ito na naman ang sagot ko. Idinikit ko ang
pisngi ko sa ulo niya, "Alam mo excited ako palaging umuwi."
"Syempre. Para naman makapagpahinga ka na," sagot niya at naramdaman ko ang kamay
niya sa batok ko.
"Hindi. Kasi kapag nandito na ako sa bahay natin, nawawala na ang pagod ko."
Ito na. Ito na talaga. Para na akong aatakihin sa kaba. Kaya pumikit ako para kahit
papaano ay mapakalma ko ang sarili ko. Huminga ako ng malalim at sandaling nagdasal
na sana maging maayos ang kalabasan nitong gagawin ko.
Hindi ito ang plano ko. Hindi ito ang prinactice ko. Ang haba ng speech na nasa
isip ko kanina habang pauwi pero bakit ito ang nasabi ko? Masyadong
straightforward. Masyadong bigla. Out of the blue kumbaga. Hindi man lang ako
nakapagpalakas at nakapagpagwapo ng kaunti.
"Huh?" tanong niya at hindi pa rin bumibitaw sa akin.
Lumayo ako ng kaunti para makita ang mukha niya. Medyo nanlalaki ang mata niya at
halatang gulat na gulat sa tanong ko. Nandito na rin lang naman, pumalpak lang din
naman, ituloy ko na.
Nakatingin lang siya sa akin at mas lalo lang akong kinakabahan sa reaksyon niya.
"Ilang buwan na tayo nagsasama. Sabi mo noon gusto mong subukan mag live in tayo
para kahit papaano aware tayo sa mangyayari sa atin kung sakaling magpapakasal
tayo. Pero, Sab, noon pa man sigurado na akong gusto kitang pakasalan. Mas naging
sigurado pa ako magbuhat nang magsama tayo sa iisang bubong. Gusto kong maging
ganito tayo hanggang sa pagtanda. 'Yung paggising ko ikaw ang makikita ko. Pagtulog
ko ikaw ang katabi ko. Pag-uwi ko aabutan kita dito tapos tatanungin mo ako kung
kamusta ang araw ko. Gusto ko lagi tayong ganito."
"Uhh... lagi naman tayong ganito?" Parang wala sa sarili niyang sabi.
Umiling ako at saka siya pinitik ng mahina sa noo, "Gusto kitang maging asawa, Sab.
Gusto kong tawagin kang Mrs. Alonzo. Isa pa, dahil live in lang tayo, pwedeng
umalis ka pa ng bahay na 'to. Kung magpapakasal tayo, matatali ka na sa akin.
Gustuhin mo man umalis, mahihirapan ka na."
"So gusto mo akong pakasalan para hindi ako makaalis sa bahay na 'to?"
"Hindi syempre," mabilis kong sagot. Tinaasan niya ako ng kilay at parang sinasabi
niya na kakasabi ko lang kanina na gusto ko siyang matali sa akin. "Sige na. Kasama
na 'yon. Pero, Sab, gusto kitang pakasalan kasi mahal kita."
Magsasalita pa lang siya alam ko na ang sasabihin niya. Kaya bago pa niya ako
barahin ay itinaas ko na ang isang daliri ko at umirap. "Ano na, Sab? Papakasalan
mo ba ako? Kasi kung sasabihin mong hindi magtatanong lang ulit ako bukas kung
papayag ka na – "
Bago ko pa man matapos ang sinasabi ko ay hinawakan na niya ang mukha ko at saka
ako hinalikan. Napangiti ako sa ginawa niya. Nang bumitaw siya ay itinaas niya ang
kamay niya at ihinarap sa akin, "Isuot mo na 'yung singsing. Bilis. Bago magbago pa
isip ko."
"Psh. As if," biro ko sa kaniya at isinuot ang singsing sa ring finger niya saka
siya hinila palapit sa akin para yakapin.
***
Special Chapter 6
Napangiwi ako nang marinig ang boses ni Yannie. Araw-araw, gustong gusto kong
naririnig ang boses niya. Music to my ears kumbaga. Kaya lang hindi kasali sa mga
araw na 'yon ang araw ngayon.
"Yannie, please. Not now." Pumikit ako at sumandal sa sofa. Kakauwi ko lang galing
ng trabaho at sobra ang pagod ko kaya wala ako sa mood makipagtalo.
"Fine."
Hindi ko na alam kung ano ang reaksyon niya. Narinig ko na lang ang pagdadabog niya
sa kusina. Kung ibagsak niya ang kaldero parang ang gaan gaan lang no'n.
Kapag umuuwi ako galing sa trabaho, sanay akong sinasalubong ako ng malambing kong
asawa habang karga ang anak namin na si Zane. Sobra ang pagod ko ngayong araw kaya
gustong gusto kong makauwi agad para salubungin ng mag-ina ko kaya lang sa halip na
yakap at halik, masungit na Yannie ang inabutan ko. Natutulog pa si Zane kaya hindi
ko naman maistorbo.
Noong una ay hindi lang talaga niya ako pinapansin pero nang sabihan niya akong
kumain na at nang makaupo na ako sa hapag kainan para hintayin siya, bigla na lang
siyang nagpunta sa sala.
Nang tawagin ko siya, sinabi lang niya na nauna na siyang kumain. Saka ko lang
napansin na isa nga lang ang nakahandang pinggan sa lamesa. Doon ko na naramdaman
na may mali.
Quarter to 8 pm pa lang. Palagi niya akong sinasabayan kumain kahit na sobrang late
na ako makauwi. Pero hinayaan ko na lang kasi baka gutom lang talaga siya. Mas ayos
na na hindi kami magkasabay basta busog siya.
Nagsimula siyang magsungit. Nagpapahinga lang ako sandali pero padabog na siyang
nag-urong.
Nang sabihin ko na dahan dahan lang sa pag-urong dahil medyo masakit sa ulo ang
ingay ay hindi niya ako pinansin. Nagpatuloy siya na parang walang naririnig.
Baka nga hindi lang niya narinig. Kaya medyo nilakasan ko ang boses ko at sinabing
huwag siyang maingay. Pero tulad kanina, wala namang nangyari. Ganoon pa rin ang
ginagawa niya.
"Yannie, huwag kang maingay. Dahan dahan lang sa pag-uurong. Medyo masakit sa tenga
at isa pa ay natutulog si Zane. Baka umiyak at magising," sigaw ko sa kaniya.
"Ako ang nag-uurong kaya huwag kang magreklamo. Kung gusto mo ng tahimik, huwag ka
dito."
Para hindi lumaki ang usapan ay hindi na lang ako sumagot. Kaya lang hindi pa rin
siya tumigil. Kung anu-ano pa rin ang sinasabi niya at medyo maingay pa rin siya.
Sa totoo lang ilang araw na siyang ganito. Hinahayaan ko na lang pero dahil pagod
ako, parang lumipad at humiwalay sa akin ang pasensya ko.
Ngayon ay nag-iingay pa rin siya. Sa sobrang inis ko ay tumayo ako at kinuha ang
susi ng kotse pati na rin ang wallet at phone ko saka lumabas ng bahay.
Madalas kaming magtalo ni Yannie pero sobrang babaw lang lagi nang pinag-aawayan
namin. Normal 'yon sa mag-asawa. Hindi naman natatapos ang araw ng hindi kami
nagbabati. Kaya lang ito ang unang beses na iniwan ko siya sa bahay.
Hindi ko alam kung ano ang problema niya at ang sungit sungit niya sa akin.
Naging sobrang busy ako sa trabaho kaya hindi ko maalala kung ano bang kasalanan
ang ginawa ko sa kaniya. Kung meron man.
Hindi ako sigurado kung saan ako pupunta hanggang sa madaan ako sa pamilyar na
lugar.
No Name.
Alcohol lang siguro ang katapat nito. So I park my car and enter No Name.
Tuesday night ngayon kaya hindi na ako nagtaka nang makitang konti lang ang tao sa
No Name. Konti nga lang naman ang mga iinom sa ganitong araw dahil may mga pasok pa
kinabukasan. Kung hindi ko lang kailangan ng alcohol sa katawan hindi rin naman ako
pupunta dito. Kaya lang ito ang kailangan ko.
"Aba, nandito ka ata ngayon," bati sa akin ni Kuya Ry na pinalitan ang bartender
nila ngayon. "Buti pinayagan ka ni Yannie."
"Ah," tango niya at tinapik ako sa balikat. "Away mag-asawa. Anong nangyari?"
"Hindi ko rin alam. Pag-uwi ko kanina ang sungit sungit niya. Wala naman akong
maalala na may ginawa akong kasalanan sa kaniya."
Nagpangalumbaba ako at pinaglaruan ang susi na hawak ko. "I don't know. Anything
good. 'Yung magpapawala ng inis para kahit papaano gumanda naman gabi ko."
Nagtaka ako sa sinabi niya. Alcohol. Any kind of alcohol. Nasa No Name ako kaya
paanong mawawalan ng alcohol dito?
"Anong – "
Nagsalubong ang kilay ko sa sinabi niya. Nginitian na naman niya ako, "Maraming
klase no'n."
"Long kiss or just a chaste kiss full of love, warm hug, a cuddle, fond stare and
smile. Xander, that's the good stuff. Hindi alcohol o ano man."
His words are so simple. Sobrang simple pero para akong binuhusan ng malamig na
tubig. Oo nga naman. Ang tanga ko para isipin na alcohol ang magiging sagot sa inis
ko. Posibleng mas magalit pa si Yannie kung uuwi akong lasing. Bakit hindi ko agad
naisip 'yon?
Sa unang beses ngayon gabi ay ngumiti ako. "I'll have some of that."
Inilapag niya sa harap ko ang isang baso ng juice at kumuha rin siya ng isa para sa
sarili niya.
"Hindi ko rin alam. Kung anu-ano lang. Madalas hindi naman masyadong big deal.
Lumalaki lang kasi wala sa amin ang nagpapatalo."
Sa mukha ni Kuya Ry, sobrang halata ang fondness niya kay Ate Cass. Wala dito ang
asawa niya at nagkwekwento lang siya tungkol dito pero kung makangiti siya pati na
rin ang spark sa mata niya akala mo magkatabi lang sila.
"Nag-away kami ni Cass, umalis siya ng bahay at umalis din ako pero magkaiba ang
pinuntahan namin dahil lang sa mali ang nabili kong shampoo niya."
Tinitigan ko siya at naghihintay na magsabi siyang joke lang ang kwinento niya pero
naghintay at naghintay ako pero walang naging kasunod. Wala siyang sinabing joke.
Hindi kaya nagalit din si Yannie dahil sa mali ang shampoo na binili ko? Kaya lang
hindi naman siya nagpabili ng shampoo, toothpaste o sabon sa akin kaya imposible na
ayon ang dahilan.
"Hindi ko na maalala. Medyo matagal na rin kasi. Pero huwag mo nang hintayin na
mauna siya. Siguro pag-uwi mo, sasalubungin ka ng sorry niya. Magsorry ka rin kasi
umalis ka. Kung hindi man agad siya magsorry sa 'yo, magsorry ka pa rin."
Oo nga. Oo nga umalis ako. Bakit ba ako umalis? Sa halip na pag-usapan namin ni
Yannie 'to, umalis ako. Iniwan ko silang mag-ina ko sa bahay.
Nang mapansin ni Kuya Ry ang reaksyon ko ay ginulo niya ang buhok ko at kinuha ang
baso ng juice na naubos ko na, "It's on the house. Go home, Xander. There you'll
find the good stuff you've been asking for."
Lagpas 9 pm na nang makarating ako sa bahay. Bukas pa ang ilaw sa sala. SIguro
naghihintay siya. Iniisip ko pa lang na naghihintay siya sa pagbalik ko para nang
nagwawala ang puso ko. Ilang taon na pero ganito pa rin ang epekto niya.
Dahan dahan kong binuksan ang pinto. Pagpasok na pagpasok ko ay nakita ko na agad
siya. Nakaupo siya sa sala at nang marinig ako ay agad siyang tumayo.
Mas humigpit ang yakap niya sa akin at umiling, "No. Sorry sa inasal ko."
We stayed like this for I don't know how long. Hanggang sa lumayo na siya pero
hinawakan ang kamay ko at hinila ako para umupo sa sala.
"I'm really sorry, Xander. Alam ko na nga na pagod ka sa trabaho pero hindi pa kita
inintindi. Sa halip na makapagpahinga ka dito, sinungitan pa kita."
"I'm sorry, too, Yannie. Kung ano man ang ginawa ko para magsungit ka, sorry
talaga."
"It was actually my fault, too. Dapat pinaalala ko. It's my parent's anniversary
today kaya nag-expect ako na uuwi ka ng maaga para makapagdinner tayo sa kanila.
Hindi kita niremind yet nag-expect ako."
Magsasalita pa lang sana ako nang takpan na ni Yannie ang bibig ko.
"It's okay. They're okay. Kinakamusta ka nga rin pala nila. Ayos lang na hindi mo
naalala kasi sabi ni mommy, dati raw maski si daddy nakalimutan ang anniversary
nila. That's worse," tawa niya.
Niyakap ko siya at hinalikan ang gilid ng noo niya, "Bisitahin natin sila bukas."
"No, it's okay. I'll take a leave. Lagi na lang ako busy sa trabaho. Namimiss ko na
rin ang mag-ina ko."
Bumitaw sa akin si Yannie at hinawakan ang magkabilang pisngi ko. "I missed you,
Da."
Nginitian ko siya at hinalikan niya naman ang ilong ko. "I love you."
Mas lumawak ang ngiti ko dahil sa ginawa at sinabi niya. Hinalikan ko siya at
kinurot ang pisngi niya.
***
Susubukan kong isunod kaagad ang special chapter nila Ice at Zoe. And yes, buhay na
dito si "Kuya Zane" ng second gen.
Merry Christmas! :)
Special Chapter 7
Ihininto ko ang pagbabasa sa mga papel na uwi ko galing trabaho nang may marinig
akong sasakyan sa tapat ng bahay. Tiningnan ko ang orasan na nasa may dining. It's
almost 10 p.m. Malamang si Zoe na 'yon.
Magulo ang schedule ni Zoe. Minsan maaga siyang umuuwi, minsan naman late. Kapag
late ang uwi niya, mas panatag ang loob ko kapag ako ang sumusundo sa kaniya.
Ayokong mag-isa siyang bumabyahe. Kahit na nga ba alam kong kaya niyang depensahan
ang sarili niya may mangyari man, mas gusto ko pa rin ang maprotektahan siya.
Tiningnan ko ang phone ko para tingnan kung may text o tawag ba si Zoe kanina para
sunduin ko na siya kaya lang wala naman akong nakita. Lumapit ako sa may bintana at
sinilip kung sino ang nasa tapat ng bahay.
Bakit may kasama siyang lalaki? Bakit hinatid siya ng kung sino mang lalaki na
'yon? Ang sabi ko sa kaniya itext niya ako kapag uuwi na siya at pupuntahan ko
naman agad siya.
Matamlay siyang naglalakad at nang malapit na siya ay lumapit na rin ako sa pinto
at pinagbuksan siya bago pa man niya buksan 'yon.
"Oh, Ice. Bakit gising ka pa? Dapat natulog ka na." Lumapit din siya sa akin at
hinalikan ako sa pisngi.
Tumango siya at tinapik ako sa likod saka nagtuloy-tuloy. "I'm going to sleep, Ice.
I'm so tired."
Huminto siya sa paglalakad at tumingin sa akin. Kumunot ang noo niya nang marinig
ang tanong ko. "Workmate."
Oh. Okay. Her line of work is really tiring. Maybe she really needs to sleep.
***
"I might go home late again. We're in a rush. If hindi kakayanin ang oras baka mag-
overnight na ako."
She didn't even give me a goodbye kiss. Hell, she didn't even say goodbye. Sobrang
pagod pa rin ba siya para gawin 'yon?
Being true to her words, hindi nga umuwi si Zoe. It's almost 3 am at hanggang
ngayon gising ako, nagbabaka sakali na umuwi siya pero mukhang malabo na. Ni hindi
man lang siya tumawag maski magtext man lang. Ganoon ba talaga siya ka-busy?
Ilang araw pa ang lumipas at ganoon pa rin si Zoe. Sobrang naging busy sa project
na hinahabol nila. Hindi naman na naulit ang hindi niya pag-uwi ng bahay. Palagi na
siyang umuuwi pero madalas ay late pa rin. Kaya lang hindi na siya nagpapasundo sa
akin.
Minsan makikita ko siyang hinahatid ng mga katrabaho niya. Minsan siya lang mag-
isa. May isang beses pa nga na nakita kong si Josh ang naghatid sa kaniya.
"Sab asked him to fetch me since on the way naman." Ayon ang rason niya nang
magtanong ako.
Kapag nasa bahay naman siya, madalas mainit ang ulo niya. Lagi niyang rason ay
pagod siya sa trabaho kaya maiksi na ang pasensya niya. Minsan kahit wala naman
akong ginagawa bigla na lang siya magagalit.
Ice, hindi ako makatulog. Huwag ka na dito magbasa. Patayin mo ang ilaw.
Lahat na lang may reklamo siya. Lahat na lang pinapansin niya. Kulang na lang
magreklamo siya kung bakit ako humihinga. Hindi ko na lang siya kinikibo para hindi
na humaba ang usapan. Kapag sumagot din naman ako siya pa rin ang panalo.
It's a weekend at ngayon ay parehas kaming walang pasok pero hanggang ngayon ay
hindi ko pa rin siya kinikibo. Hindi naman sa pagmamataas ng pride pero minsan
nakakasawa na rin mabungangaan at nakakasawa na rin laging umintindi. Kailangan ko
naman ng pahinga kahit sandali lang.
Hindi ko rin alam pero baka nakasanayan ko na lang din na manahimik kasi bihira rin
naman kami magkita.
Nanunood ako sa sala nang marinig ko ang pagtakbo niya kaya agad akong napatingin
sa kaniya. Nakapang-alis siya at may dala pang bag. Akala ko ba wala siyang trabaho
ngayon? Wala naman siyang sinabing may pupuntahan siya.
"Zoe."
"I'm going to work. May hinahabol nga kami 'di ba? We have to shoot something. Just
cook if you're hungry. Whatever. Bye."
Naiwan akong nakatitig sa pinto nang tuluyan na siyang makaalis. Ibinalibag ko ang
hawak kong unan dahil sa inis. It's been days pero ganito pa rin kami. Hindi ko
talaga alam kung bakit kami biglang naging ganito. Wala naman kaming pinag-awayan
sa pagkakatanda ko.
Naisipan ko na lang magluto dahil baka sakaling mawala ang inis ko kapag nagkalaman
ang tiyan ko pero nang buksan ko ang ref ay mas nainis pa ako dahil wala na 'yung
laman.
I was about to say sorry nang makita kong ang nakabangga ko ay 'yung lalaking
naghatid kay Zoe ilang araw na ang nakalipas.
"Sorry, bro. Hindi ko – teka," tigil niya at tinitigan akong mabuti. "Ikaw ba 'yung
asawa ni Zoe?"
"Ah, baka nagtataka ka kung bakit ko alam. Nakita ka na kasi namin sa phone ni
Zoe."
Hindi pa rin ako tiwala sa taong 'to. Magtatanong pa sana ako nang may lumapit na
babae sa kaniya at kumapit sa braso niya. "Ito na pinapabili ni Zoe," lagay niya ng
prutas sa cart na tinutulak ng lalaki. "Kumpleto na lahat ng pinapabili nila.
Magbayad na tayo para makabalik sa set. Sandali lang – " Huminto sa pagsasalita ang
babae nang matingin sa akin. "Teka. Parang nakita na kita?"
"Asawa ni Zoe."
Parang may pumitik sa utak ng babae at tumango. Nagpakilala siya at nag-sorry. Nang
tanungin ko kung bakit, sinabi lang niya na kasi madalas ma-late ng uwi si Zoe
dahil sa trabaho nila.
"I feel bad kasi nagkasakit ako recently kaya ang ilan sa dapat ginagawa ko ay
inako ni Zoe. The least I could do is to ask my boyfriend to bring her home which
she gladly accepted kasi ayaw ka na nga niyang mapagod. Since may naghahatid na sa
kaniya, hindi ka na raw maiistorbo at mag-aalala."
Matapos din noon ay nagpaalam na ang dalawa para makabalik daw agad sa set at
makauwi silang lahat ng maaga.
Matagal akong nakatayo at nakatingin lang sa mga gulay dahil sa narinig ko sa mga
katrabaho ng asawa ko. Bigla akong nakonsensya dahil sinabayan ko pa ang inis niya.
Hindi ko alam na halos nadoble pala ang trabaho niya at inaalala lang niya ako kaya
hindi na siya nagpapasundo.
***
Nang marinig kong may nagbubukas ng pinto ng bahay ay tumayo na ako kaagad dahil
sigurado akong si Zoe 'yon. Tulad nga ng sinabi ng katrabaho niya, mas maaga silang
makakauwi ngayon.
"Welcome home, love," salubong ko ng yakap sa kaniya bago pa man siya tuluyang
makapasok ng bahay. "Let's eat dinner." Hindi ko na hinintay na makasagot siya.
Hinila ko na siya papuntang dining.
Bago pa man siya tuluyang umupo ay kinuha ko na ang bitbit niyang bag at jacket at
inilagay 'yon sa isang bakanteng upuan.
Nang tingnan ko siya ay nakakunot ang noo niya at halatang nagtataka sa inaasal ko.
Kanina lang ay hindi pa kami nagkikibuan tapos ngayon ganito na ako. Sino nga ba
naman ang hindi maguguluhan kapag ganoon?
Lalong kumunot ang noo niya pero kumain din naman. Tahimik kaming kumakain.
Paminsan-minsan ay natitingin siya sa akin at nagtataka pa rin sa inaasal ko. Sa
tuwing titingin siya ay ngingiti lang ako.
Nauna akong matapos kumain sa kaniya at nang makita kong tapos na rin siya ay
nagsalita na ako.
Bumalik na naman ang pagkunot ng noo niya. "Weird," bulong niya at umiling. Kinuha
niya ang pinggan niya at pati na rin ang sa akin saka tumayo para magpunta sa
kusina para hugasan ang mga 'yon.
Kukunin pa lang niya ang sponge nang magprisinta ako, "Ako na maghuhugas. Umupo ka
na lang doon."
Binawi niya ang kamay niya at huminga ng malalim saka humarap sa akin. "Okay, what
is this?!" kunot noong tanong niya sa akin.
"Ang alin?"
"Why are you so nice all of a sudden?" Nagpamaywang siya at tiningnan ako ng
masama. "Nitong mga nakakaraang araw lang hindi tayo nagpapansinin. Hindi ka
nagsasalita. Ilang words lang ang lumalabas sa bibig mo. Bago ako umalis ng bahay
hindi rin naman tayo okay. Bakit bigla na lang pag-uwi ko ganyan ka na? Sinalubong
mo ko ng yakap, nagluto ka pa ng dinner at ngayon gusto mo pang maghugas at paupuin
lang ako. May ginawa ka bang kasalanan? Ginagawa mo ba 'to kasi – "
Hindi ko na siya pinatapos magsalita. I held her cheeks and gave her a peck on the
lips. That made her shut up.
Lumayo ako ng kaunti sa kaniya pero hindi ko pa rin inaalis ang kamay ko sa pisngi
niya. I pecked the tip of her nose.
"I'm sorry kasi sinabayan ko ang inis mo. Kasi magbuhat nang makita kong may
maghatid sa 'yong lalaki isang beses, nagselos ako. Kaya nang mainis ka sa akin sa
hindi ko naman malamang dahilan, nainis na rin ako."
"Alam ko. Forgive me, please? Bati na tayo. Ilang araw na tayong hindi okay."
"In one condition." This time, tuluyan nang lumawak ang ngiti niya.
"Anything."
"Sing me to sleep."
"And I'm sorry, too. Hindi ko alam pero nitong nakakaraan ang bilis kong mainis sa
'yo."
Again, instead of answering, I just kissed her temple. Just like that, okay na ulit
kami.
"Josh!" sigaw ni Zoe nang makitang pumapasok si Josh at Sab ng bahay namin. Kasunod
nilang dalawa sila Ayu, Yannie, Xander at Ken. Lumapit siya dito at kinurot ang
magkabilang pisngi.
Dahil Sunday ngayon at walang trabaho ang lahat at nasa bahay ng magulang ni Xander
si Zane, naisipan nilang sa amin na lang mag-dinner para na rin makapagkamustahan
sa kung anong nangyari sa amin buong linggo.
"O, ito na pinabili mong orange, Zoe," lagay ni Ayu ng prutas sa lamesa.
"I told you," dinig kong bulong ni Yannie kay Xander. "Zoe, samahan mo nga ako
sandali."
"C.R."
"Problema mo?" tanong ko sa kaniya pero sa halip na sumagot ay mas lumawak ang
ngisi niya.
"Ice, anong problema ng asawa mo? Kung magkaaway kayo, huwag niyo akong idamay at
mukhang sa akin siya may galit. Ang sakit na ng anit at pisngi ko ha," reklamo ni
Josh.
Umiling ako bilang sagot. Magsasalita pa lang sana ako nang dumating na si Yannie
at pumalakpak ng isang beses dahilan para malipat sa kaniya ang atensyon namin.
"You already said you're pregnant again a month back," sabi naman ni Ken.
"Uhm, Ice." Napatingin ako kay Zoe na namumula ang mata at parang galing iyak.
Nagmamadali akong lumapit sa kaniya at hinawakan ang magkabila niyang balikat. "Why
are you crying? May masakit ba sa 'yo? Are you okay?"
Sa halip na sumagot, nagulat na lang ako nang bigla niya akong halikan at ngitian
ng sobrang laki. "Tears of joy," dinig ko pang sabi ni Yannie.
"Malapit na tayo maging magulang."
"I'm pregnant."
***
FIRST GENERATION:
Sa Kingdom High kung saan magkakaaway ang mga lalaki at babae, posible bang may
mabuong relasyon at pagkakaibigan?
Just when you thought they finally got their happily-ever-after, a twist in the
story will occur.
SECOND GENERATION:
THE TROUBLE WITH THE RULE (BOOK 1)
An ordinary school with ordinary students following an ordinary rule. What's the
rule? Simple. Stick to how things stand. A story about love, friendship and family.
Every relationship has its ups. It's all about flowers, butterflies and rainbows.
Every relationship has its downs. The flowers will wither. The butterflies will
die. The rainbows will disappear.
THIRD GENERATION:
Melody is a dreamer. Gusto niyang gumawa ng sarili niyang pangalan. Kaya kahit
maraming tutol ay sinunod niya pa rin ang pangarap niya. She entered Concordia
Academe - a school for dreamers like her; a school for those who want to be a
singer, a dancer, an actor or someone famous. Alam niyang mahihirapan siya sa
pagtupad ng pangarap niya pero sumubok pa rin siya.
Achieving your dream is not easy, that's given. Pero ang subukang tuparin ang
pangarap mo habang naiipit ka sa alitan ng dalawang grupo (lalo na ng dalawang
tao), ang magkaroon ng bestfriend na parang may galit sa mundo, ang pag-initan ng
taong hindi mo naman inaano, ang kulitin ng bestfriend ng taong naging malapit sa
'yo... that... that is chaos.
OTHER STORIES:
Kung ang lahat ng tao sa paligid mo masaya, parang automatic na nagiging masaya ka
na. Kung lahat naman sila malungkot, mararamdaman mo yung lungkot na nararamdaman
nila. E paano kung lahat sila in love? Maiinlove ka rin ba? SYEMPRE HINDI. Kasi
aminin mo man o hindi, inggit ang mararamdaman mo.
Paano gagalaw ang lovestory ng dalawang tao kung si torpe, hindi maamin ang
nararamdaman niya kay manhid, at si manhid, hindi maramdaman na mahal siya ni
torpe? An ordinary manhid-torpe story.
(One shot)
Bakit sabi nila ang love daw parang ulan? Hindi ko pa gets noong una, pero nang
dumating ka, alam ko na.
ON HOLD STORIES:
KISS OF FATE
In a quite expected place, at a quite expected time, the most unexpected person
came.
a) I-type mo lang ang title sa search bar na nasa taas. Kapag may kaparehas na
title, tingnan mo na lang kung same 'yung cover sa nakalagay dito pati na rin ang
author.
b) Minsan hindi ata siya lumalabas kaya pumunta ka na lang sa profile ko. Makikita
mo na doon 'yung "Stories by iDangs". Click mo lang 'yung "Show more" kapag hindi
mo agad nakita.
Hi, guys!
I just want to announce that Teen Clash 2: Battle Between Heart and Mind is now
published under Pop Fiction.
Pwede siyang mabili sa mga bookstores at convenience stores or kahit saan man may
Summit stand. Hindi ko nga lang sure kung saan saan na siya available ngayon but if
wala kayo makita sa bookstore na napuntahan niyo, magtanong kayo sa customer's
service nila para sure. Haha.