Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 12

Araling Panlipunan 9

Ikalawang Markahan
Ika- Walong Linggo
Unang Araw

Pamantayan sa Pagkatuto

Napaliliwanag ang kahulugan ng pamilihan

I – LAYUNIN

1. Nabibigyang kahulugan ang pamilihan.


2. Nakabubuo ng pangkatang gawain tungkol sa konsepto ng pamilihan.
3. Napahahalagahan ang pamilihan na pangunahing pinagmumulan ng pangangailangan.

II- NILALAMAN

A. Paksa – Konsepto ng Pamilihan


B. Kagamitan: mga larawan, visual aids
C. Mga Sanggunian : K-12

III- PAMAMARAAN

A. Panimulang Gawain

1. Balik Aral – Ekwilibriyo sa Pamilihan

B. Panlinang na Gawain

1. Paglalahad

Gawain : PIK-TUKLAS ( Picture Analysis)

Gamit ang mga larawan, ipasuri sa mga mag-aaral kung ano ang mensahe ang nais iparating ng
mga sumusunod.
Sagutin ang mga pamprosesong tanong:

1. Tungkol saan ang ipinahihiwatig ng mga larawan?

2. Isa-isahin ang mga simbolismong ginamit at ang mensahe nito?

3. Alin sa mga larawan ang nakapukaw sa iyong interes? Bakit?

2. Pagtatalakayan

Pangkatang Gawain : WORD TO CONCEPT MAPPING- Hatiin ang klase sa apat na pangkat. Mula sa
tekstong nabasa mula sa kanilang modyul ukol sa konsepto ng pamilihan. Bawat pangkat ang magbibigay ng
apat (4) na pangunahing salita na maaaring maiugnay upang maipaliwanag ang kahulugan ng pamilihan.
Gamitin ang concept mapping chart.
Rubrics:

Pag-uulat 10 puntos

Presentasyon 5 puntos

Kooperasyon 5 puntos

3. Paglalahat

Ang pamilihan ay isang mahalagang bahagi ng buhay ng prodyuser at konsyumer. Ito


ang nagsisilbing lugar kung saan nakakamit ng isang konsyumer ang sagot sa marami niyang
pangangailangan at kagustuhan sa pamamagitan ng mga produkto at serbisyo na handa at kaya
niyang ikonsumo.

4. Pagpapahalaga

Bilang isang mag-aaral, paano mo maipakikita ang pagpapahalaga sa pamilihan na pinagmumulan ng


ating mga pangangailangan.

5. Paglalapat

1. Bakit mahalaga na may mga pamilihan ?


2. Nakatutulong ba ito sa pag-unlad ng ating bansa? Bakit?

6. Pagtataya:

Maikling Pagsusulit - 1-15

IV – Takdang Aralin:

1. Sinu-sino ang pangunahing actor sa pamilihan?

2. Ano ang gawain ang kanilang ginagampanan sa pamilihan?

3. Magdala ng mga lumang magazine, gunting, typewriting, paste at coloring


materials.

Inihanda ni:

Michelle A. Abanilla
Lutucan NHS

Araling Panlipunan 9
Ikalawang Markahan
Ika- Walong Linggo
Ikalawang Araw

Pamantayan sa Pagkatuto

Napaliliwanag ang kahulugan ng pamilihan

I- LAYUNIN
1. Naiisa-isa ang pangunahing tauhan sa pamilihan.

2. Natutukoy ang mga gawaing ginagampanan ng mga tauhan sa pamilihan.

3. Naisasabuhay ang mga gampanin ng mga tauhan sa pamilihan.

II- NILALAMAN

A. Paksa ; Konsepto ng Pamilihan

B. Kagamitan

C. Sanggunian

III – PAMAMARAAN

A. Panimulang Gawain

1. Balik -Aral – Kahulugan ng Pamilihan

B. Paglinang ng Gawain

1. Paglalahad

LARAWAN -SURI- Magpapakita ang guro ng larawan. Mula sa larawan magbibigay ay ang mag-aaral ng
kanilang sariling interpretasyon ditto.

2. Pagtatalakayan
Pangkatang Gawain – Ang klase ay mahahati sa apat (4) na grupo.
Bawat grupo ay bibigyan ng skit kung sinong tauhan ang kanilang gagawin
at kung anong uri ng pamilihan.

Group I – Konsumer – ( Mall)

Group 2 – Prodyuser – ( Mall)

Group 3 – Konsyumer ( Palengke)

Group 4 – Prodyuser ( Palengke)

3. Paglalahat

Sa pamilihan itinatakda kung anong produkto at serbisyo ang


gagawin at kung gaano ito karami. Mayroong dalawang
pangunahing tauhan sa pamilihan ang konsyumer at
prodyuser. Ang konsyumer ang bumibili ng mga produktong
gawa ng mga prodyuser, samantalang ang prodyuser naman
ang gumagawa ng mga produktong kailangan ng mga
konsyumer sa pamamagitan ng mga salik ng produksyon na
pagmamay-ari ng konsyumer.

4. Pagpapahalaga

Bilang isang mag-aaral, paano mo maipapakita ang isang responsableng mamimili o konsyumer?

5. Paglalapat

Mula sa mga lumang magazine, bumuo ng konsepto mula sa natapos na aralin sa pamamagitan
ng paggawa ng collage.

6. Pagtataya

Essay : Ipaliwanag

1. Bakit mahalaga ang mga actor sa pamilihan?

IV – TAKDANG ARALIN :
1. Magsaliksik tungkol sa uri ng pamilihan

2. Anu ano ang kaibahan ng mga ito?

3. Magdala ng mga larawan ng mga ibat ibang produktong lokal, panrehiyon, pambansa at
pandaigdigan.

Araling Panlipunan 9
Ikalawang Markahan
Ika- Walong Linggo
Ikatlong Araw

Pamantayan sa Pagkatuto

Napaliliwanag ang kahulugan ng pamilihan

I – LAYUNIN

1. Naiisa- isa ang istraktura ng pamilihan ayon sa lawak.

2. Nailalarawan ang mga istraktura ng pamilihan ayon sa lawak.

3. Naipagmamalaki ang mga lokal na produkto ng lalawigan.

II- NILALAMAN

A. Paksa:

B. Kagamitan:
C. Sanggunian:

III- PAMAMARAAN

1. Panimulang Gawain

A. Balik -Aral ( Aktor ng Pamilihan)

2. Paglinang ng Gawain

Magpapakita ang guro ng mga kilalang produkto sa ibat ibang lugar. Ang mga mag-aaral ay
bibigyang ng pagkakataon na makapagbigay ng kanilang opinion or interpretasyon batay sa larawang nakita.
2. Pagtatalakayan
Pangkatang Gawain- Matapos ang paglalahad,Ang klase ay hahatiin sa 4. Gamit ang
talahanayan, Pupunan ito ng mga angkop na impormasyon.

Istraktura ng Pamilihan Batay Mga Produkto Kapakinabangan


sa Lawak
Group 1 ( Lokal)
Group 2 ( Panrehiyon)
Group 3 ( Pambansa)
Group 4 ( Pandaigdigan)

3. Paglalahat

Ang pamilihan ay maaring lokal, panrehiyon, pambansa at pandaigdigan ang lawak. Ang
sari -sari store na matatagpuan saanmang dako ng ating bansa ay isang magandang
halimbawa ng lokal na pamilihan. Samantalang ang mga produktong abaka ng Bicol, dried
fish ng Cebu, Durian ng Davao at iba pang natatanging produkto ng mga lalawigan ay
bahagi ng pamilihang panrehiyon,. Ang bigas naman ay bahagi ng pambansa at
pandaigdigang pamilihan gaya ng mga prutas o produktong petrolyo at langis. Ang mga
nauusong on-line shops sa pamamagitan ng internet ay mga halimbawa ng pamilihang
maaaring lokal, panrehiyon, pambansa at pandaigdigan ang saklaw.

4. Paglalapat
Magpagawa ng album/clippings na mayroong 5 mga larawan ng mga produkto na mayroon sa
kanilang barangay .

5. Pagtataya ( 3 mins. Quiz)


Open -ended Question
Makatutulong ang mga kaalaman tungkol sa mga istraktura ng pamilihan ayon sa lawak upang
__________________________.

IV- TAKDANG ARALIN


1. Maghanda para sa mahabang pagsusulit.
Araling Panlipunan 9
Ikalawang Markahan
Ika- Walong Linggo
Ika-Apat na Araw

Pamantayan sa Pagkatuto

Napaliliwanag ang kahulugan ng pamilihan

I- LAYUNIN
1. Nasusukat ang kaalamang natamo ng mga mag-aaral sa mga paksang natalakay.

2. Naipapakita ang disiplina habang isinasagawa ang pagsusulit.

3. Napahahalagahan ang pagsusulit bilang batayan ng pagmamarka.

II -NILALAMAN
A. Paksa

B. Kagamitan

C. Sanggunian

III- PAMAMARAAN
A. Panimulang Gawain
1.Ihahanda ang mga mag-aaral sa gawaing pagsusulit.
2. Pagbibigay ng panuto sa mga mag-aaral
3. Pagbibigay ng mga kagamitan sa pagsusulit.

B. Paglinang ng Gawain

PAGSUSULIT
Panuto : Isulat ang tamang sagot sa patlang
___________1. Lugar kung saan nakakamit ng isang konsyumer ang sagot sa marami niyang pangangailangan
at kagustuhan.
___________2. Ayon kay Adam Smith ito ang instrument upang maging ganap ang palitan sa pagitan ng
konsyumer at prodyuser.
___________3. Tawag sa bumibili ng mga produkto sa pamilihan.
___________4. Aklat na sinulat ni Adam Smith na tumalakay sa ugnayan ng konsyumer at prodyuser .
___________5-8. Ibigay ang istraktura ng pamilihan ayon sa lawak
___________9. Gumagawa ng produkto na kailangan ng konsyumer.
__________10. Istraktura ng pamilihan na maaring mabili gamit ang internet.

11-20- Gamit ang Graphic Organizer- Ibigay ang mahalagang konsepto ng Pamilihan.

You might also like