Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 9

Kagawaran ng Edukasyon

Rehiyon III
SANGAY NG LALAWIGAN NG TARLAC

Pangalan: ________________________________ Baitang at Pangkat: ___________


Paaralan: ______________________________________ Petsa: ___________________

GAWAING PAMPAGKATUTO
Homeroom Guidance Program 11
Unang Markahan - Unang Linggo
Pagpapahalaga sa Sarili
Pagtukoy sa mga Kalakasan at Kahinaan (Unang Bahagi)

I. Panimula
Sino nga ba ako? Ano ang kabuluhan ko sa mundo? Marahil ay
naitanong mo na sa iyong sarili ang mga ito. Minsang nasabi ng Griyegong
pilosopo na si Socrates ang mga katagang, “Alamin mo ang iyong sarili.”
Gayunpaman, ang tinutukoy na pag-alam sa sarili ay higit sa intelektwal na
pagkilala sa sarili. Nangangailangan din ito ng pag-alam tungkol sa mga hilig
o interes at damdamin ng isang indibidwal.

Ang bawat tao ay may kanya-kanyang katangian na


nakakapagpabukod-tangi sa kanya bilang isang indibidwal. Kailangan
lamang ay matuklasan natin ang mga ito at malaman kung ano ang
maaaring maibahagi sa ating kapwa at sa lipunang kinabibilangan.

Mahalaga ang pagpapahalaga sa sarili sapagkat ito ang nagbibigay


direksyon sa buhay ng isang tao. Ito ang daan upang matuklasan ang sariling
kakanyahan o talento, maging ng kanyang kahinaan. Ang pagkilala sa mga
ito ang magiging tulay sa pagtanggap at pagmamahal sa iyong pagkatao.

II. Kasanayang Pampagkatuto


Natutukoy ang mga kalakasan at kahinaang taglay.
Koda: HGSPS-Ie-4

III. Mga Layunin

Sa pagtatapos ng gawaing pampagkatuto na ito, ikaw ay inaasahang:


1. matatalakay ang kahalagahan ng pagtukoy sa sariling kalakasan at
kahinaan;
2. masusuri ang mga paraan na nagpapakita kung paano malaman
ang angking kalakasan at kahinaan; at
3. maipapakita ang pagtanggap sa sariling kalakasan at kahinaan
bilang tanda ng pagpapahalaga sa sarili.

IV. Pagtatalakay

Narinig mo na ba ang mga katagang “walang tao ang magkatulad”?


Ayon kay Judith Rich Harris, awtor ng Child development textbooks at isang
social scientist, ang isang indibidwal ay may katangi-tanging personalidad na
nagpapabukod-tangi sa kanya bilang isang tao. Sa katunayan, kahit na ang
mga kambal ay magkakaiba ng pag-uugali, kakanyahan, pananaw, at
paninindigan. Iba-iba ang kalakasan at kahinaan nating lahat. Ito ay isa sa
mga bagay na nagpapatunay na tayo ay mga tao.

Mahalagang maunawaan ang pagkilala sa sarili sapagkat ito ay isang


paraan upang mas matanggap ang mga kalakasan at limitasyon na mayroon
ka. Kung kilala mo ang iyong sarili, maiiwasan mo na mabuhay sa isang
kasinungalingan, imahinasyon, o pagpapanggap. Kung tanggap mo kung
sino at ano ang mayroon ka, mas magiging kaaya-aya ang pagtingin mo sa
buhay at mas magiging maayos ang pakikitungo mo sa kapwa mo.

Ang mga nakapaloob sa pagkilala sa sarili

Kasama sa pagkilala sa sarili ang pag-unawa sa iyong sariling mga gawi,


mga pangangailangan, mga hangarin, mga lakas at kahinaan, at lahat ng
bagay na mahalaga sa iyong pagkatao. Matamang makinig ka sa iyong
damdamin at kung paano nito naaapektuhan ang iyong pag-uugali. Sa
pamamagitan nito, mas maunawaan mo kung bakit mo ginagawa ang mga
bagay na madalas mong gawin. Kung mas nauunawaan mo ang tungkol sa
iyong mga kinahihiligan, mas madali mong maisasaayos ang maraming
bagay ukol sa iyong pagkatao. Ang pag-alam sa mga bagay na malakas ka
at sa mga bagay na kailangan mo ng tulong ay makakatulong sa iyong
patatagin ang iyong personal na buhay at pangalagaan ang iyong
pakikipag-ugnay sa iba.

Mayroong ilang mga hakbang na maaari mong gawin upang makilala


ang iyong mga kalakasan at kahinaan. Mayroon ding ilang mga tips na
ibinahagi ni Trudi Griffin, isang lisensyadong propesyonal na tagapayo ng
Wisconsin na nagdadalubhasa sa pagkagumon at kalusugan sa pag-iisip, na
makakatulong sa iyo na gamitin ang mga diskarteng ito sa isang praktikal na
lugar kung saan sila pinaka-kailangan.

2
Mga hakbang upang makilala ang iyong mga kalakasan at kahinaan

1. Pag-unawa sa iyong mga kasanayan o kalakasan at limitasyon.


- Isulat ang mga aktibidad na iyong ginagawa. Upang makilala
ang iyong kalakasan at kahinaan, dapat mong isipin ang tungkol
sa mga aktibidad kung saan ka nakikilahok nang higit o sa mga tila
mas kasiya-siya sa iyong gawin. Alamin din ang mga bagay na hindi
ka masyadong interesadong gawin o gawain na nahihirapan kang
tapusin. Gumugol ng isang linggong pagsulat ng lahat ng mga
aktibidad na iyong ginagawa kada araw. Lagyan ng bilang ang mga
ito mula 1 hanggang 5 batay sa kung gaano ka nasisiyahan sa
paggawa o paglahok sa mga ito.

2. Pagsiyasat sa kalakasan at kahinaan mula sa tulong ng iba.


- - Humanap ng taong tatanungin. Ang gawaing ito ay makakatulong
- sa iyo na matuklasan kung ano ang iniisip ng iba patungkol sa iyo.
- Mag-isip ng mga tao na makakatulong sa pagbibigay ng kanilang
-
opinyon sa nakikita nilang kakanyahan o kalakasan at kahinaan na
taglay mo. Maaaring sila ay iyong kapamilya, kaibigan, kaklase o guro
at iba pang taong malapit sa iyo. Humingi ng puna mula sa kanila.

3. Pagsamahin ang mga bagay na pareho ang tugon at tukuyin ang


anumang mga sorpresa o hindi pagkakatugma.
- Tignan ang listahan na iyong nagawa. Pagnilayan ang mga dahilan
kung bakit sa tingin mo ang ilan sa mga kalakasan at kahinaan na
iyong natagpuan ay maaaring naging iba sa pagtingin ng mga taong
malapit sayo. Halimbawa, naniniwala ang ilan na marunong kang
kumanta, subalit ang iba naman ay hindi ito itinuturing na kalakasan
mo.

4. Ibuod ang pinagsamang listahan ng nasuring kalakasan at


kahinaan mo at ng taong nakakakilala sayo.
- Sa gawaing ito, oras na upang ituon ang pansin sa kung ano sa
tingin mo ang iyong mga kalakasan at kahinaan. Tandaan na walang
humuhusga sa iyo batay sa iyong mga sagot o paniniwala, kaya't
maging matapat ka sa iyong sarili. May mga bagay ba na maaaring
hindi mo matanggap sa resultang nakuha mo? Pag-isipan kung bakit
kaya may mga aspeto na hindi tugma sayong paningin.

3
5. Pagnilayan ang iyong konklusyon
- Matapos suriin ang iyong mga kalakasan at kahinaan, maglaan ng
kaunting oras upang matukoy kung ano ang iyong naramdaman sa
iyong natuklasan. Magpasya kung kinakailangan mong magsanay
upang mapagtagumpayan ang iyong mga kakulangan at pag-
isipan kung ano ang kailangan mong gawin upang baguhin o
mapaghusayan ang mga limitasyon na nadiskubre..

Tandaan na ang kamalayan sa sarili ay magiging daan upang gumawa


ng mga personal na pagpapabuti sa sarili. Ito ay sa pamamagitan ng
pagpapaunlad pa sa iyong mga katangiang taglay at pagtukoy sa mga
aspeto na dapat mo pang pagsikapang paunlarin. Samakatwid, ang
pagpapabuti ng sarili ay tila imposible kung walang kamalayan sa sariling
kalakasan at limitasyon o kahinaan.

V. Mga Gawain
Gawain 1: Pasulat na Gawain
A. 1 Panuto: Lagyan ng √ (tsek) ang mga pangungusap na nagpapakita
ng positibong pagkilala at pagpapahalaga sa pagkatao at X (ekis)
naman kung hindi.

__________1. Ipagkait sa iba ang talentong mayroon ka.

__________2. Ang kamalayan sa sarili ay daan upang gumawa ng mga


personal na pagpapabuti sa sarili.

__________3. Ang pagpapanggap sa mga kakayahan ay makatutulong


sa pag-unlad ng iyong pagkatao.

__________4. Ang pagpapabuti ng sarili ay imposible kung walang


kamalayan sa sariling kalakasan at limitasyon o kahinaan.

__________5. Ang pag-alam sa mga bagay na malakas ka at sa mga


bagay na kailangan mo ng tulong ay makapagdudulot lamang ng
kalituhan sa isang tao.

A. 2 Panuto: Isulat ang pagkakasunud-sunod ng mga hakbang upang


makilala ang sariling kalakasan at kahinaan ayon sa natalakay na aralin.
Lagyan ng letrang A ang una, B, ang ikalawa, C, ikatlo, D, ika-apat at E
ang ika-limang bilang ng mga sagot.
__________ 1. Pagnilayan ang konklusyon

4
__________ 2. Pagsiyasat sa kalakasan at kahinaan mula sa tulong ng
iba.

__________ 3. Pag-unawa sa iyong mga kasanayan o kalakasan at


limitasyon
__________ 4. Ibuod ang pinagsamang listahan ng nasuring kalakasan at
kahinaan mo at ng taong nakakakilala sayo.
__________ 5. Pagsamahin ang mga bagay na pareho ang tugon at
tukuyin ang anumang mga sorpresa o hindi pagkakatugma.

Gawain 2 : Gawaing Pagganap


B. 1 Panuto: Gumawa ng paraan kung paano matutuklasan ang sariling
kalakasan at kahinaan gamit ang graphic/concept organizer. Maaaring
magdagdag ng diagram kung kinakailangan.

RUBRIK SA PAGGAWA NG GAWAIN Puntos

Pamantayan
Nakapagbigay ng kompletong sagot na akma sa aralin 10
Nakapagbigay ng kompletong sagot ngunit may maling ideya 7
Nasagutan ngunit hindi kompleto at walang kinalaman sa aralin 5
*Paalala: HUWAG SAGUTAN ANG RUBRIK. (Ito ay batayan lamang ng guro sa pagbibigay ng puntos para sa gawain.)

B.2 Self-Portrait
Panuto: Ilarawan ang natuklasan tungkol sa sariling kalakasan at kahinaan.
*Mamili ng gawain sa mga sumusunod na paraan:

5
a. Gumuhit sa papel ng sariling larawan na nagpapakita ng
natuklasang kalakasan at kahinaan sa sarili.
b. Gumupit ng pinagsama-samang larawan na sumisimbolo sa natukoy
na kalakasan at kahinaan ng sarili.
c. Iba pang paraan na nais mong gawin na naglalarawan ng iyong Self-
Portrait mula sa natalakay na aralin.
* Huwag kakalimutang maglagay ng maikling paliwanag kung ano ang
ibig sabihin ng nabuong Self-Portrait. Maging malikhain sa paggawa
nito.

Iginuhit na larawan ni Bb. Razel Espinosa, tagaguhit/ilustrador

RUBRIK SA PAGGAWA NG GAWAIN Puntos

Pamantayan
Nakapagbigay ng kompletong sagot na akma sa aralin 10
Nakapagbigay ng kompletong sagot ngunit may maling ideya 7
Nasagutan ngunit hindi kompleto at walang kinalaman sa aralin 5
*Paalala: HUWAG SAGUTAN ANG RUBRIK. (Ito ay batayan lamang ng guro sa pagbibigay ng puntos para sa gawain.)

VI. Pagsusulit
Panuto: Piliin ang pinakatamang sagot sa loob ng kahon. Isulat ang titik sa
patlang.

A. Kalakasan
B. Kahinaan
C. Judith Harris
D. Socrates
E. Trudi Griffin
F. Pagpapabuti o paghahalaga sa sarili
G. Paraan upang makilala ang sarili

6
__________ 1. Ito ay tumutukoy sa kasanayan o potensyal na taglay ng isang
tao.
__________ 2. Ito ay isa sa mga layunin ng pag-alam sa kalakasan at kahinaan
ng sarili.
__________ 3. Nagpapahiwatig ito ng mga bagay na nahihirapang gawin ng
isang tao.
__________ 4. Siya ay nagbigay ng ilan sa mga hakbang upang makilala ang
ating kalakasan at kahinaan.
__________ 5. Ayon sa kanya, ang isang indibidwal ay may katangi-tanging
personalidad na nagpapabukod-tangi sa kanya bilang isang tao.

VII. Pangwakas
Panuto: (Positive Self-Talk) Pagnilayan ang mga bagay na sasabihin mo sa
iyong sarili upang mas maipakita ang pagpapahalaga sa iyong katangian.
Isulat ang mga pahayag na nagpapakita ng positibong pakikipag-usap mo
sa sarili. Iayon ang iyong mga pahayag mula sa nararanasan sa kasalukuyan.

Halimbawa ng pahayag

Larawan mula sa
www.canva.com
Positive Self-Talk

1._________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
2._________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
3._________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

7
VIII. Sanggunian

Department of Education. (2020). K to 12 Most Essential Learning


Competencies with Corresponding CG Codes. Pasig City: Department of
Education Curriculum and Instruction Strand.

MyInfoBasket.com (2021). Pagkilala sa Sarili: Mahalaga sa Pansariling Kaunlaran


(Personal Development). https://myinfobasket.com/pagkilala-sa-
sarili-pansariling-kaunlaran-personal-development/

Trudi, G, LPC. (2012). Paano makikilala ang iyong mga kaakasan at


kahinaan. https://tl.cathedralcollege.org/identificar-tus-fortalezas-y-
debilidades-5247

https://www.canva.com/design/DAEmJ0E2DnM/V5Gg0BzXyacwmudfdJjZDg
/edit

https://www.canva.com/design/DAEmJ9kneNM/UoYGHWndIfkRBxETXFcIQ/e
dit

IX. Susi sa Pagwawasto


Gawain 1 Gawain 2 Pagsusulit

C 5.
D 4.
A 3.
B 2.
E 1. ibaba.
sagot. Tsek ang rubrik sa
A. 2
Maaaring magkaiba ang

B. 2
5. X
4. √ 5. F
3. X ibaba. 4. E
sagot. Tsek ang rubrik sa 3. B
2. √ 2. C
1. X Maaaring magkaiba ang
1. A

A.1 B.1 A.

8
X. Grupo ng Tagapaglinang

Bumuo sa Pagsusulat ng Gawaing Pagkatuto

Manunulat: Ana Gracia G. Catalan, PhD


Patnugot: Ana Gracia G. Catalan, PhD
Tagapagsuri ng Nilalaman: Mylene N. Aguayo
Patnugot ng Wika: Noel A. Quirante
Grupo ng Tagapaglinang: Dionisio D. Madriaga, PhD
Aurora S. Francia
Hazel Vi D. Corpuz

You might also like