bansa, isa na rito ayang bansang Pilipinas na binubuo ng maraming lungsod. Bawat lungsod ay maykanya- kanyang politisyang namumuno para sa kani- kanilang mamamayan.Ngunit, sa ating mga itinalagang pinuno na siyang magsisilbi para sa ating bayanay siya rin pala ang magbubulsa ng ating mga pinaghirapan. Pinaghirapan natanging dugo at pawis ang nagsilbing puhunan pero ang mga kurap na politisyaang nakikinabang. Marahil pansarili lamang ang kanilang iniisip, at isinasawalangbahala na lamang ang kalagayan ng ating bayan at mga mamamayan. Bunga ngkorapsyon. Bunga ng korapsyon ng mga taong naka-upo sa ating politika,maraming tao ang namamatay ng dahil sa kahirapan. Sa panahon kasi ngayon,makapangyarihan ka kapag marami kang pera at lahat ay kaya mo baguhin opaikutin sa iyong palad. Halimbawa nito ay ang pagharap sa korte, kahit ikaw ayinosente ngunit wala kang pera para depensahan ang iyong sarili, lalabas atlalabas pa rin na ikaw ang gumawa kahit wala ka naman talagang kasalanangdapat pagbayaran. Isa lamang iyan sa masasakit na katotohanan na bunga ngkorapsyon. Ang mga pagmamay-ari ng ating bansa ay dapat sa atin lamang hindina pinapautang o isina-sarili ng mga namumuno upang mabigyan ng sapat napangangailangan ang ating mga mamamayan at para lalo pang mapaunlad angbansang Pilipinas. Nararapat na tayo bilang mga mamamayang Pilipino ayhuwag magpapasindak sa mga pangbobola (tulad ng pagbibigay ng pera kapalitang boto, pamimigay ng mga bigas o kung ano-ano pang pagkain kapalit angboto at ang pagsasabi ng mga mahahalimuyak na salita sa mga botante) ng mgagustong umupo at kumuha ng mataas na pwesto sapagkat tayo ay magisip ngmabuti, maging mapagmatyag at maging wais sa pagpili ng pinuno. Siguraduhinnatin na kayang kaya nila tuparin ang kanilang mga binitawang salita at plataporma noong sila ay nangangampanya pa. Nang sa gayon, ang ating bansaay tuluyang umunlad at para na rin hindi tayo makatanggap ng mga panlalaitmula sa mga banyaga.