Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 8

IPINASA NI: Jovina C.

Dimacale BLOCK A – BS in CRIMINOLOGY

Kabanata VII: Pelikula Hinggil sa Kalikasan

Gawain

Antas ng Pag-unawa
Panuto: Basahin ang artikulong “Isang Pagsisid sa Pelikulang Muro-Ami” ni Esmilita G.
Casaljay. Matapos mabasa ay gumawa ng isang repleksyon at tingnan kung papaano
binigyang katarungan ng may-akda ang usapin ng kalikasan sa loob ng artikulo. Sipatin
ang ilang mga mahahalagang bahagi sa teksto at punan sa sariling pagpapakahulugan
tungo sa isang mabisang pagtalakay sa isyu ng likas na yaman. Isulat ang iyong
repleksyon sa patlang na makikita pagkatapos ng artikulo.

Isang Pagsisid sa Pelikulang Muro-Ami


Ni Emelita G. Casaljay
Cayetano Arellano High School
Pinagdadamutan ako ng dagat. Bakit wala tayong
mahuli? Bakit nawawala tayo? Bakit niya kinuha ang
mag-ina ko? Wala na siyang makukuha sa 'kin! Ito ang
makahulugang pahayag ni Fredo. Ramdam ang kanyang
pagtatampo at panunumbat sa kalikasan. Ang Muro-ami
ay isang pelikula noong 1999 na inilabas ng GMA Films
sa direksyon at panulat ni Marilou Diaz-Abaya at
pinagbidahan ni Cesar Montano. Tungkol ang pelikulang
ito sa isa sa mga malalang uri ng trabahong pambata
kaugnay ng ilegal na pamamaraan ng pangingisda, ang
muro. ami (https://t1.m.wikipedia.org).
Hindi maikakailang ang husay ng pagkakabuo ng pelikulang ito ay buhat sa
isang multi-awarded film director at manunulat URO- na si Marilou Diaz-Abaya,
ipinanganak sa Quezon City noong Marso 30, 1955, siya ang nagtayo at naging
pangulo ng Marilou Diaz- Abaya Film Institute and the Arts Center, isang film school na
nasa Antipolo. Nakapagtapos siya ng kanyang kolehiyo sa Asuncion ng Bachelor of
Arts Major in Arts Communication noong 1976. Itinuloy niya ang kanyang pag- aaral sa
Loyola Marymount University sa Los Angeles ng kursong Master of Arts in Film and
Television noong 1978 at muling nag-aral sa London ng kursong Film sa London
International Film School nang nasabi ring taon. Ang kanyang mga anak ay sina Marc
Abaya, isang aktor/mang-aawit at David, isang cinematographer. Siya ay kabiyak ng isa
ring cinematographer at gurong si Manolo Abaya. Karaniwang tampok sa kanyang mga
likha ang suliraning panlipunan kahirapan ng buhay ng mga Pilipino, usaping
pambabae, hindi magandang kondisyon ng mga bata at politika dahil sa hangaring
ipamulat sa lahat at maprotektahan ang demokrasya ng ating bansa
(https//t.m.wikipedia.org).
Ilan sa kanyang mga parangal ay nagmula sa Metro Manila Film Festival, Urian
Awards, Film Academy of the Philippines, FAMAS, Star Awards, Catholic Mass Media
Awards, British Film Institute Award, International Federation of Film Critics Award, at
Network of Pan Asian Cinema Award para sa kanyang obrang Karnal (1983), Jose
Rizal (1998) at Muro. ami (1999). Natapos ang kanyang karera sa edad na 57 sa sakit
na breast cancer (Lago, 2012). Ang nasabing pelikula ay nagkamit 21 karangalan at 19
na nominasyon kabilang ang Pinakamahusay na Batang Artista (Rebecca Lusterio),
Pinakamahusay na Kuwento (Marilou Diaz-Abaya, Ricardo Lee Jun Lana) at
Pinakamahusay na Screenplay (Ricardo Lee at Jun Lana) at Pinakamahusay na
Pelikula. Nakatanggap rin ito ng parangal sa Jury at Public Marilou Diaz-Abaya Choice
Award sa Benodet Film Festival sa France (https://m.imdb.com/title/tt0256213/awards).
Ang pelikulang Muro-ami ay umikot sa buhay sa barko ng mga mangingisda,
karamihan ay mga batang sangkot sa ilegal na pangingisda, sumisisid sa ikalaliman ng
dagat nang walang ano mang proteksyon sa katawan. Gamit ang mga inihandang bato,
ipinupukpok nila ang mga iyon sa mga coral reef nang maitaboy ang mga isda sa net
upang mahuli. Umikot ang istorya sa buhay ni Fredo, maestro sa kanyang barkong
nagngangalang Aurora (sunod sa pangalan ng kanyang asawa) na may taglay na galit
sa kalikasan sanhi ng pagkamatay ng kanyang mag-ina sa dagat. Hindi naging
makatarungan ang pagpapatrabaho niya sa kanyang mga manggagawang wala halos
tigil sa pagsisid upang makahuli ng isda. Iyo'y dala na rin ng kakapusan sa huli at
pagnanais na maabot ang kota, pati na rin ang ambisyong makabili ng bagong barko,
dagdag pa ang dala-dala niyang galit sa kanyang kalooban. Nagdulot iyon ng
pagkakasakit ng marami at pagkamatay ng isang kasama. Ang pangyayaring iyon ang
nagtulak sa ilang mangingisda upang planuhin nilang patayin si Fredo at ang kanyang
ama sa pamumuno ni Botong, kanang-kamay ni Fredo na una pa man ay gumagawa na
ng anomalya bilang katiwala ng maestro. Ang mag-ama ay pinagtulungang bugbugin at
itinapon sa dagat. Masuwerteng nakaligtas si Fredo at nakabalik sa barko. Hindi
paghihiganti ang nais niyang gawin kay Botong, Ang gusto niya ay magkaayos sila.
Subalit sanhi na rin ng pagkagulat sa pagkabuhay ng akala niya'y namatay na o
sadyang taglay ni Botong ang kasamaan sa kanyang pagkatao, nakipagbuno siyang
muli kay Fredo. Ang labanan ng lakas ng dalawa ay naging sanhi ng pagkasunog ng
barko. Nakaligtas ang mga mangingisdang sakay ng barko, karamihan ay mga bata.
Ngunit, huli na para kina Fredo at Botong. Sa huling hininga niya, ninais pa rin niyang
mailigtas sa nagngangalit na apoy si Botong.
Nararapat lamang na mapanood ito lalo na ng mga kabataan. Makabuluhan ang
kwentong nakapaloob sa pelikulang Muro-ami. Tumatalakay ito hindi lamang sa isyung
panlipunan kundi maging sa usaping pangkalikasan. Ito ay mabibilang sa uring
trahedya. Ayon kay Sauco (1978), ang dulang trahedya ay may mahigpit na tunggalian,
mapupusok ang mga tauhan at ginagamitan ng masisidhing damdamin. Ito'y
nagwawakas sa pagkasawi o pagkamatay ng mga pangunahing tauhan.
Malinaw na makikita sa pelikulang ito ang tatlong uri ng tunggaliang naranasan
ni Fredo - tao laban sa kalikasan, tao laban sa sarili at tao laban sa kanyang kapwa. Sa
diyalogong ito, mahihiwatigan ang tunggaliang tao laban sa kalikasan. Ang poot na
nararamdaman ni Fredo ay sanhi ng pagkamatay ng kanyang mag-ina dulot ng
malakas na bagyo: Pinagdadamutan ako ng dagat... Bakit wala tayong mahuli? Bakit
nawawala tayo? Bakit niya kinuha ang mag-ina ko? Wala na siyang makukuha sa 'kin.
Mararamdaman dito ang paninisi niya sa kalikasan ng trahedyang iyon dagdag pa ang
suliraning kinahaharap nila sa kanilang paglalayag. Bilang pinuno ng mga mandaragat,
hindi niya alintana ang masamang epekto sa kalikasan ng paraan ng kanilang
pangingisda na pagsira sa coral reefs makahuli lamang ng mga isda.
Nagkaroon ng paglalaban ng kalooban si Fredo na masasabing tunggaliang tao
laban kanyang sarili sa eksenang iniisip niyang pinagdadamutan siya ng kalikasan kaya
naman kailangan niyang muli't muling pasisirin ang kanyang mga mangingisda na
nagbunga ng pagkakasakit ng ilan at pagkamatay ng isa. Nagdulot Scene in Muro Ami
iyon upang maghimagsik ang kalooban ng kanyang mga tauhan laban sa kanya. Kaya
nga nagplano ang ilan sa pamumuno ni Botong na siya ay patayin maging ang kanyang
ama. Ang pangyayaring iyon ay nagpapakita naman ng tunggalian ng tao laban sa tao.
Sa mahusay na panulat, pagdidirehe at pag-arte ng mga aktor kaakibat ng
angkop na epektong tunog at sinematograpiya, ramdam na ramdam ang bigat ng
damdaming kumukubkob sa karakter ni Fredo - antagonista sa katauhang protagonista.
Makakaramdam ng galit sa mga eksenang walang puso niyang pagmamando sa
kanyang mga mangingisda na tila batong hindi nakararamdam ng pagod. Kung lisipin,
ang karamihan sa kanila'y mga paslit na dapat ay naglalaro at nag-aaral, ngunit buwis-
buhay sa muli't muling pagsisid sa dagat, kumita lamang ng kakarampor na salaping
maluuwi sa naghihintay na pamilya. Karagdagan pa ang masamang dulot sa karagatan
dahil sa maling pamamaraan ng pangingisda magpapatuloy ay tiyak na wala nang
mahuhuli dahil wala nang mga isdang mabubuhay pa sa karagatan.
Subalit hindi rin naman maiiwasang madurog ang puso sa sanhi ng pagiging
gayon ni Fredo, maging sa pagsilip ng kabutihang mayroon sa kanyang pagkatao.
Mahihiwatigon lyon sa diyalogong ito: Ang gusto ko lamang ay matuto kayo dahil kahit
saan ako, ganoon din ang gagawin ko ta kanya (sa kanyang anak).
Mahihiwatigang mayroon siyang malasakit sa bawat bata, ngunit taliwas nga
lamang ang kanyang ipinadarama. Marahil, nakadagdag ang pisikal na sugat na
kanyang iniinda mula sa pagkahulog sa barko. Patunay ang diyalogong ito ng batang
babae: ...madalas kang magalit sa 'min, siguro dahil may sugat ko. Mas nakacantig pa
ang sumunod sa diyalogong ito na isinagot ni Fredo sa bata: Hindi ko na hahayaang
may kunin 'uling bata ang dagat. Maging ang eksenang inililigtas niya si Botong sa
nagniningas na apoy sa kabila ng pagnanais niyong mapatay siya ay nagpapakita lalo
ng kabutihan ng kanyang kalooban.
Ayon kay Bazin (sa https://www.goodread.com), isang film critic, theorist,
philosopher, the human being is all important in the theater. The drama on the screen
can exist without the actors. A banging door, a leaf in the wind, waves beating on the
shore can heighten the dramatic effect. Some film masterpiece use man only as an
accessory, an extra or in counterpoint to nature which is the true leading character. Ito
ay napatunayan sa pelikula. Sa kahusayan nito sa sinematograpiya, sa mga tagpuan pa
lang sa dagat, sa loob ng barko at sa ilalim ng dagat - ay madamdamin na itong
nakapaglalahad. The cinema is inherently realistic because of the mechanical mediation
of the camera, dagdag pa ni Bazin.
Ayon naman kay Fellini (sa Bordwell, et al., 2017), isang direktor, light is
everything. It expresses ideology, emotion, colour, depth style. It can efface, narrate,
describe. With the right lighting expression can radiate with beauty or intelligence. Hindi
maitatangging mabisang naipakita ito sa pelikula. Malaking tulong din ang tamang
pagpili ng epektong tunog sa pelikula. Ayon nga kay Eisenstain (sa Bordwell, et al.,
2017), direktor ng Soviet, synchronization of senses, making a single rhythm or
expressive quality bind together image and sound. Kitang-kita ito sa simula ng Muro-
Ami. Nanunuot sa laman ang maririnig na himig - nagdadalamhati at animo'y
nagbababal kasabay ang makikitang imahen sa ilalim ng nakamamangha at mayamang
karagatan na tila nagbabadya ng masalimuot na kapalarang haharapin ng pangunahing
tauhan.
Ayon kay Greig (sa Bordwell, et al., 2017), art director ng Nothing Hill, the best
sets are the simplest most 'decent' ones; everything should contribute to the feeling of
the story and anything that does not do this has no place.
Sa loob ng barkong kinalululanan ng mga mangingisda, siksikan sila sa kanilang
tinutulugan at maliit ang pasilyong dinaraanan. Nakadagdag ito upang mailarawan ang
kalunus-lunos na kalagayan ng mga mangingisda sa barko. Ang mga mangingisda,
mapabata o mapamatanda, ay nakasuot ng lumang kamiseta, sando at shorts, minsan
ang ilan ay walang pang-itaas. Ang ganitong kasuotan ay angkop at nagdulot ng
pagiging makakatotohanan ng pelikula. Ayon nga kay Ford (sa Bordwell, et al., 2017),
isang aktor, the costume is a very important thing. It speaks before you do. You know
what you're looking at. You get a reference and it gives context about the other
characters and other relationships.
Naging mahusay ang pagganap ng mga pangunahing tauhan sa pelikula - nina
Fredo (Cesar Montano), Botong (Jhong Hilario), Dado (Pen Medina), Susan (Amy
Austria) at Kalbo (Rebecca Lusterio), kaya naman humakot ito ng parangal sa
kategorya ng pag-arte sa iba't ibang award-giving bodies. Ayon kina Bordwell, et al.
(2017), the most expressive parts of the face are the mouth, eyebrows, and eyes. The
eyes hold a special place in the film. In any scene, crucial story information is conveyed
by the direction of a character's glance, the use of the eyelids and the shape of the
eyebrows. Kahanga-hanga ang mga eksena sa ilalim ng dagat. Walang salita, ngunit
damang-dama ang emosyong kubkob sa mukha ng bawat tauhan. Halimbawa nito ang
pag-aalala at pagsisikap ni Fredong iligtas ang isa niyang mangingisda natrap sa net
habang sila'y nasa ikalaliman ng dagat subalit naging huli na dahil ang mangingisda ay
binawian ng buhay. Ang isa pang eksena ay nang halos isuko na ni Fredo ang kanyang
buhay. Sumisid siya sa dagat at inilabas ang sama ng loob. Sa kabutihang palad, siya
ay sinundan at nailigtas ng kanyang ama.
Ayon kay Reyes (1992), base sa mga kritiko, nagkakaroon ng mga pagbabago
hindi lamang sa antas ng pangkabuhayan - ang pagdami ng gitnang uri dahil na rin
naman sa paglakas ng sistemang kapitalista at ang epekto nito sa pagbabago sa
balanse ng kapangyarihan sa lipunan. Nagkakaroon din ng mga pagbabago sa
sistemang pilosopikal na ang realidad ay hindi na sinusuri bilang di nagbabagong
kategorya kundi bilang isang proseso - palaging nagbabago, dumaranas ng
metamorposis at binubuo ng pag-iba-iba, baha-bahaging yunit ng panahon.
Kaugnay ng pananaw na ito ang eksenang mismong pamilya ng mga paslit ay
legal na pinapayagan ang kanilang anak sa ilegal na gawaing ng babae sa barko.
Kaugnay ng paniniwalang ito ang paghagis ni Fredo kay Kalbo sa dagat matapos na
malamang siya ay isang babae. Si Kalbo, muro-ami, masakit man sa kanilang
kalooban. Isang patunay ang diyalogong buong sitio. Panahon na naman ng muro-ami
at gaya ng dati, lahat ng pamilya, isang batang mangingisda, ay nagpanggap na lalaki
upang makasama buhay ang ito: Bago mag-Disyembre tuwing lalaot ang Maestro,
nagugulantang ang nagdarasal na makuha ang anak nila para sa taunang ekspedisyon
sakay ng malahiganteng Aurora. Ipinakita pa sa eksena ang pagkahimatay ng isang ina
habang nagpapaalam sa kanyang anak. Kahirapan sa nagtutulak sa kanila sa
desisyong ito. Kapansin-pansing bukal sa loob ng ibang paslit ang kanilang pagsama,
kaiba sa ilan na kitang may pangamba at napilitan lamang upang makatulong sa
pamilya.
Sa katunayan, napabalita sa isang artikulo sa Philstar Global noong 2004 na
may 21 batang mangingisda buhat sa Negros Occidental ang nasagip mula sa barkong
F/B San Pio na nagsasagawa ng ipinagbabawal na muro-ami matapos ang ilang araw
na pagmamanman ng CIDG (https:// www.philstar.com, 2019).
Kaya nga ayon kay Reyes (1992), sa realismo, malinaw na maipamamalas ng
manunulat ang mahalagang papel ng kapaligiran - hindi lamang detalye ng pook at
panahon kundi ang mga puwersang panlipunan na siyang nagtatakda sa kilos, gawi at
pag-iisip ng tao.
Samantala, sa diyalogong ito ni Botong mahihiwatigan ang realidad ng
pagkabagot sa gawaing pangingisda at pag-aasam ng mas maginhawang buhay sa
pamamagitan ng pangingibang-bayan: Kaya nga gusto kong umalis. Sa Saudi. Doon
ginto ang lupa. Doon ang totoong trabaho. Sigurado ang oras, sigurado ang pasahod,
mabilis ka pang yayaman.
Kita ang katotohanan ng buhay na mahina ang pisikal, emosyonal at mental na
estado ng mga paslit. May pagkakataong nag-aaway ang mga batang mangingisda
dahil sa kakulangang mayroon sa barko gaya na lamang ng tubig. Sa paulit ulit na
pagpapasisid ni Fredo sa kanila, may ilang nagkakasakit. Sa kabila ng hirap na
nararanasan sa barko at sa pagmamando ni Fredo sa pagtatrabaho, malaki ang tiwala
at respeto nila sa kanya dahil sa sabi-sabing siya ay may kapangyarihan, paniniwalang
gawa ng paslit nilang pag-iisip.
Kultura ng Pilipino ang pagiging mapamahiin at ipinakita rin ito sa ilang eksena.
Hindi nagustuhan ni Dado ang pagsakay ni Susan sa barko. Bukod sa dahilang ito si
Susan ay isang prostityut na 'di bagay sa anak niyang si Fredo, may paniniwala ring
malas ang pagpapaakyat ng babae sa barko. Kaugnay ng paniniwalang ito ang
paghagis ni Fredo kay Kalbo sa dagat matapos na malamang siya ay isang babae. Si
Kalbo isang batang mangingisda, ay mapagpanggap na lalaki upang makasama sa
ekspedisyon ng barkong Aurora. 'Di inalintana ng posiit ang hirap na kahaharapin bilang
mangingisda ng muro-ami. May layunin siya 'di para sa kanyang sarili bagkus para sa
kanyang pamilya. Nais niyang mabigyan ng kabuhayan ang kanyang ina at maisaayos
ang puntod ng kanyang ama.
Naramdaman ni Fredo ang pagpupursigi at tapang na taglay ng batang babae.
Nagpalambot lyon sa kanyang puso. Nakita kasi niya sa bata ang kanyang namatay na
anak.
Ayon kay Rickman (sa http://www.google.com), actors are agents of change. A
film, a piece of theater, a piece of music, or a book can make a difference. It can
change the world. Sadya, malaki ang naging bisa ng pelikulang ito sa ating lipunan.
Bukod sa pagmumulat ng kaganapan sa buhay ng mga batang mangingisda na
nakararanas ng child labor, naging bukas din ang usapin tungkol sa mga gawaing
nakasisira ng kalikasan gaya na lamang ng muro-ami. Kaya naman noong Setyembre
6, 2000, sinimulang ipatupad ang Fisheries Administrative Order No. 203, series of
2000 na nagbabawal sa pangingisda gamit ang paraang muro-ami at iba pang katulad
nitong nakasisira sa coral reefs and other marine habitat (https:// www.bfar.da.gov.ph).

REPLEKSYON
Batay sa aking nabasa na artikulo, na pinamamagatang “Isang Pagsisid
sa Pelikulang Muro -Ami” ang mga nangyayari sa buhay ni Fredo ay isang resulta ng
kanyang paninira sa kalikasan. Nanghuhuli sila ng mga isda sa illegal na pamamaraan
na siyang naging dahilan kung bakit uni-unting nauubos ang mga coral reefs na tirahan
ng mga isda. Hindi niya lubos naisip ang mga magiging sanhi ng kanyang ginagawa.
Nagalit pa siya sa kalikasan dahil sa nangyari sa kanyang buhay. Peron ang hindi niya
alam, siya mismo ang dahilan kung bakit naging ganyan ang kanyang buhay at kung
bakit namatay ang mag- ina niya. Siya rin lang ang makakasagot sa kanyang mga
katanungan.
Ang pelikulang Muro- Ami ay nagbibigay kaalaman sa bawat tao na kung ano
ang ginagawa nating masama o mabuti sa kalikasan ay babalik at babalik rin sa atin
ang mga resulta o epekto nito. Naiintindihan ko na ang sitwasyon na kinatatayuan ni
Fredo ay hindi madali at ito lamang ang kanyang paraan ng pamumuhay, ngunit alam
nating lahat ang kahihinatnan ng kaniyang ginagawa. Sa huli tayo parin ang magsisisi.
Isang halimbawa na lamang ang pagkamatay ng kaniyang mag-ina sa dahilang sila ay
nalunod sa dagat. Dahil sa pagsira nila sa mga coral reefs ay naglalakihan na ang mga
alon dahil wala ng sumasangga sa tubig dagat. Ang pagkawala ng mga isda, dahil sa
pagkasira ng kanilang tirahan. Tayo din mismo ang sumisira sa ating pangkabuhayan.
Ang mga bata na sumisisid sa ilalim ng dagat ay napapahamak ang kanilang buhay.
Imbes na ang kanilang mga magulang ang nag-aalaga sa kanilang mga anak ay ang
mga anak na ang naghahanap ng trabaho, ngunit sa delikadong paaran. Ito ang
reyalidad ng ating mundo. Sa pagkasira ng kalikasan, dito nila makikita ang kaisa- isang
paraan ng pamumuhay.
Maraming aral ang matututunan sa pelikulang ito. Ipinapakita dito na hindi
dapat nating abusuhin ang kalikasan dahil kayamanan ito ng ating bansa. Huwag nating
hayaang maubos ito at tuluyan nang mawala dahil baka dumating ang araw na ang
mga susunod na henerasyon ay wala ng aabutan na magandang kalikasan. Huwag din
nating hayaan na ang mga musmos na bata ay abusuhin. Sila ay hindi dapat
pinagtratrabaho lalo na at napaka delikado. Ang dapat na ginagawa ng mga kabataan
ay nag aaral sa paaralan upang pagdating ng panahon ay sila ang magtataguyod ng
ekonomiya ng ating bansa. Ayon nga kay Dr. Jose Rizal “Ang kabataan ay ang pag-asa
ng ating bayan.”

You might also like