Ang aking iginuhit ay nagprepresenta ng Kalayaan. Sa gitna ay inyong makikita ang
hugis puso na may ibon na matayog ang lipad sa tuktok. Ang ibong ito'y sumusimbolo ng kalayaan, tayong mga tao ay tulad din ng ibong ito, may kalayaang lumipad at taas-noong abutin ang ating mga pangarap sa buhay, tinatamasa din nating mga tao ang kalayaan na gawin ang lahat upang makamit ang kabutihang panlahat. Ngunit sa kabila ng nag-uumapaw at kaakit-akit na ibong ito ay sa ibaba na nasa loob ng hugis puso ay nga Pilipino at ang dati at kasalukuyang watawat ng Pilipinas. Sa likod ng nga mukha at watawat na ito ay may istorya, bago natin nakamtan ang kalayaan na atin ngayong tinatamasa ay madami munang dugo, pawis, at buhay ang inialay ng ating mga bayani kung kaya't iginuhit ko ang mga watawat pati na mga Pilipino dahil ito ay resulta ng kanilang sakripisyo. Matapos din ng Pilipinas na makuha ang kanilang kalayaan, isa sa pinaka-unang ginawa ng mga Pilipino ay ang pagtaas ng watawat ng Pilipinas bilang simbolo ng pagiging malaya sa Kastila. Dahil sa kanilang katapangan at hindi matatawarang pagmamahal sa bansa ay tayo ngayo'y namumuhay ng matiwasay bilang mamamayan ng bansang Pilipinas na may kalayaang gampanan ang mga tungkulin at tamasain ang ating mga karapatan. Ang puso naman ay sumisimbolo sa pagmamahal natin sa kalayaan kung kaya't naging ugat ito ng ating paglago at nagbunsod sa pamamayagpag ng mga Pilipino na sinisimbolo naman ng ibon. Ang libro naman sumisimbolo ng kalayaan nating ibahagi ang ating kaalaman at saloobin, kalayaang magpahayag ng ating ideya, opinyon para sa mas maunlad na Pilipinas. Ang mga iginuhit ko naman sa ibaba ay sumisimbolo ng ating kultura, at kalayaang ipagdiwang ang mga ito pati na rin ang ating mga tradisyon. Iginuhit ko ang mga ito sapagkat sumisimbolo pa rin ito ng kalayaan dahil kung walang kalayaan ay marahil hindi natin ngayon nararanasan ang ganda at kulay ng ating kuktura't tradisyon. Ang araw naman sa itaas ay hindi sumisimbolo ng kalayaan ngunit ito'y resulta ng kalayaan, ang muling pagsikat ng araw ay nangangahulugang muling pagbangon ng mga Pilipino at dahil sa kalayaan tayo'y nagniningning katulad ng araw.
Habang ginagawa o iginuguhit ko ito, ako'y lubusang nasiyahan sa kabila ng pagsubok
na aking naranasan sa paggawa nito. Masaya ako dahil nagawa ko ito ng maayos, hindi man tumugma o umayon sa aking unang naging plano ngunit dahil dito ay mas natuto akong maging maparaan at nangibabaw ang aking kagustugan na matapos ito ng mga kalidad. Kahit na ako'y nahirapan sa paggawa, ito pa rin ay isang prebilihiyo at karangalan dahil nagkaroon ako ng pagkakataon na ibahagi ang aking talento pari na rin ang aking ideya. Napakarami kong natutuhan sa mga ito, marami aking napagtanto habang ginagawa ang mga ito. Natutuhan ko ang kahalagahan ng kalayaan at kung ano ang magiging epekto nito kung gagamitin sa tamang paraan at hindi aabusuhin. MATHEMATICAL AND NATURE EVIDENCE:
Perhaps the most uncanny evidence of
design in a peacock's feather has to do with its intricate spiral design. Spirals like this are found throughout nature and are often described as the “Fibonacci Sequence” in mathematics. The peacock's feather forms a complex pattern with pairs of complementary spirals and opposing directions.
The peacock’s tail-feather geometry turns
out the shape is symmetrical phyllotaxis, which is somewhat surprising. Most phyllotaxis patterns in nature, like on sunflowers, have spirals of adjacent Fibonacci numbers, usually 5, 8, 13, or 21, but the peacock’s feathers have the same count of golden spirals in both directions.