Professional Documents
Culture Documents
Bokashi Composting
Bokashi Composting
4. Bokashi composting
materials: 1 balde na may selyadong takip at may gripo
1 improvised na takip (plastic na matigas) lagyan ng mga butas
ilagay ang improvised na takip sa ilalim. Ito ang magsasala ng bokashi tea na ihaharvest mo sa bawat ika 2 araw. Magagmit
ang bokashi tea as fertilizer, ihalo ito sa ididilig sa halaman 10ml na bokashi tea sa 10 litrong tubig.
Budburan ang ng bokashi bran, ipatong ang food scraps tulad ng balat ng gulay, itlog, lumang karne, mga buto ng karne,
mga tirang pagkain na hindi pa bulok. Budburan ng 2tbsp bokashi bran sa bawat 2 inches na food scrap. Pitpitin at
patungan ng isa pang improvised na takip o plastic bag upang maiwasan ang pagpasok ng hangin. Selyohan gamit ang takip
ng balde.
Ipunin ang lahat ng food scrap at biodegradable na ginamit mo maghapon bago ilagay sa composting bin upang maiwasang
macontaminate ito. Pag puno na wag buksan ng 2 linggo. Makikita mo ang mga puting amag at may konting amoy dahil ito
ay nasa proseso na ng decomposition.
Pagkalipas ng 2 linggo maaari mo ng ibaon sa lupa (trench method) o ilagay sa mas malaking composting bin na hinaluan ng
lupa upang magpatuloy ang proseso (2nd phase). Pagkalipas ng isang linggo maaari mo ng taniman ang lupa na ito.