Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 10

METRO MANILA COLLEGE

U-Site Brgy. Kaligayahan, Novaliches, Quezon City


BASIC EDUCATION DEPARTMENT
Senior High School (Grade 11)
S.Y. 2020 - 2021

AKADEMIKO

MODYUL 7

BB. STEPHANIE P. MONTERO


FILIPINO SA PILING LARANGAN (AKADEMIKO)
MODYUL 7
PANUKALANG PROYEKTO

Mga Layunin:

Sa pagtatapos ng modyul na ito, ikaw ay inaasahang:


A. Natutukoy ang katangian ng isang sulating akademiko

Simulan Natin!

Ang araling ito ay naglalaman ng pag aaral kung paano isinagawa ang isang panukalang
proyekto o project proposal. Kailangang itong marebyu ng isang indibidwal o grupo para sa kanyang
aprobal. Ang aprubal ay isang hudyat na opisyal na pagsisimula ng isang proyekto pinagplanuhan.
Karaniwang naghaharap ng mga panukalang proyekto para sa pinansyal na supporta sa paggawa nito.

Tandaan Mo!

Basahin at Suriin Natin

A. KAHULUGAN, URI, AT KATANGIAN


NG PANUKALANG PROYEKTO

Dahil kritikal ang preparasyon ng isang panukalang proyekto, makabubuting malinaw sa isipan
ng nagsasagawa nito kung ano ang maituturing na panukalang proyekto at kung ano naman ang hindi.
Mahalaga ding malaman niya kung paano ito inihahanda para maging malinaw at mahusay ang
pagkakabuo nito. Ayon kay Nebiu (2002), ang panukalang proyekto ay isang kumpletong deskripsyon
ng isang serye ng aktibidad na nagbibigay ng resolba sa isang tiyak na problema. Idinagdag pa niya
na sa isang panukalang proyekto (project justification), panahon sa pagsasagawa ng proyekto
(activities and implementation timeline), at kakailanganing resorses (human,material, and financial
resources required).

Hindi maituturing na proyekto ang mga dating aktibidad na nauulit sa eksaktong pamamaraan
at periodikong isinasagawa, ang mga aktibidad na walang depinido at malinaw na layunin, ang mga
aktibidad na maaaring maulit o mailipat kahit saan at sa ano mang oras, at ang mga regular na

FILIPINO SA PILING LARANGAN (AKADEMIKO)


aktibidad ng organisasyon (Nebiu,2002). Mahalagang matiyak kung gayon na ang panukala ay hindi
isa sa mga nabanggit na ito.

B. MGA TAGUBILIN SA PAGSULAT


NG PANUKALANG PROYEKTO

Ayon sa American Red Cross (2006), kapag susulat ng isang panukalang proyekto, kailangang
gawin ang mga sumusunod.

1. Magplano nang maagap. Wala pa ring kasinghalaga ang sapat na oras sa pagpaplano
sa isang proyekto. Kung maagap ang pagpaplano, mas nakakapagbigay ng magandang ideya ang
nagsasagawa upang makausap ang mga stakeholder, at mapag-usapan ang kanilang
pangangailanagan, at matiyak ng mabuti ang panukalang proyekto na may sapat na oras.

2. Pangkatang pagpaplano. Kung may kasama sa panukala, mas mainam na bigyan ng


tungkulin ang bawat miyembro upang maging kolaboratibo sa paghahanda ng proyekto. Mas
mabibigyan ang bawat isa sa pangkat ay naglalayong maging aktibo sa pakikilahok sa bawat na
gagawing proseso at pagsulat ng panulakang proyekto.

3. Maging realistiko sa gagawing panukala. Minsan, dahil sa kawalan ng magandang


pagpaplano, nagiging di-realistiko o di kapani-paniwala ang isang panukala. Laging isipin na isang
nagpapanukala kung ito ay kakayanin sa panahong nakatalaga at kung ano ang posibleng makamit
bay sa mga nag-e-exist na pagkukunan. Isipin na ang nilalaman ng panukala ay lagging SMART
(specific, measurable, attainable, realistic, time-bound)

4. Matuto bilang isa organisasyon. Matuto sa sariling karanasan at sa karanasan ng iba.


May maga pagkakataong binabalikan at sinuri ang mga naging resulta ng isang panukalang proyekto
sa organisasyon. Sa pamamagitan nito mas mabibigyan ng ideya ang proponent kung paano at ano
ang mga konsiderasyon ng organisasyon o indibidwal sa pagtugon sa mga naihahaing panukala sa
kanila.

5. Maging makatotohanan at tiyak. Huwag maging malawak sa mga pahayag sa


panukala. Mas maging tiyak sa mga ipinapanukala. Kaakibat ng isang panukala ang pagiging tiyak ng
mga ito, kailangan maging makatotohanan ang bawat elemento ng panukala.

6. Limitahan ang paggamit ng teknikal na jargon. Ang mga teknikal na jargon ay para
sa mga teknikal o espesyalisadong indibidwal. Mas mabuti na sa isang proposal naisulat ito sa isang

FILIPINO SA PILING LARANGAN (AKADEMIKO)


wikang pangkaraniwan at naiintindihan ng lahat. Hindi dapat ipalagay na nauunawaan ng nagbabasa
ng panukala ang lahat ng mga teknikal jargon na ginamit rito.
7. Piliin ang pormat ng panukalang malinaw at medaling basahin. Marahil, hindi
lamang iisang proposal ang naipadala sa organisasyon o sa indibidwal na target ng isang panukala.
Kung gayon, Makabubuting ang format na napili ay yaong mas maiintindihan at madaling mababasa.

8. Alalahanin ang prayoridad ng hihingian ng suportang pinansyal. Maliban sa


kawalan ng sapat na pagpaplano, ang dahilan ng di-pag-aproba sa isang proposal ay ang di-
magkatugmang organisasyong pinaglalaanan ng panukala sa mismong panukalang proyekto. Dahil
dito, siguraduhin na ang layunin ng panukalang proyekto ay isa sa mga top of the list na prioridad ng
hinihingian ng budget o ng mag-aapruba sa panukala.

9. Gumamit ng mga salitang kilos sa pagsulat ng panukalang proyekto. May


kakaibang dating kung mga salitang kilos ang gagamitin sa mga pahayag sa panukalang proyekto.
Dahil kailangan ng pag-apruba, mas mainam na may malaking epekto maging ang mga salitang
gagamitin. Kabilang sa mga salitang kilos na maaaring gamitin ang
simulan,ikumpara,maghandog,mangulo,magoraganisa, iba pa.

Sa pagsasaalang-alang sa mga ito, matutulungan kang maghanda ng isang panukalang


proyektong may malaking pagkakataon na mapili o maikonsidera ng pinag-aalukan. Sa pagbibigay
halaga sa mga gawaing ito, mas makatitiyak kang magiging epektibo ang proposal.

C. MGA DAPAT GAWIN BAGO ANG PAGSULAT


NG PANUKALANG PROYEKTO

Binalangkas ni Besim Nebiu sa kanyang aklat na Developing Skills of NGO’s Project Proposal
Writing (2002) ang mga hakbang na kailangang isagawa ng isang indibidwal o arganisasyong
nagnanais gumawa ng isang panukalang proyekto. Ayon sa aklat, kailangan ang:

1. Pag-interbyu sa inaasahang tatanggap ng benepisyo. Sa pamamagitan ng


pakikipag-usap, mag kakaroon ng mas magandang pagtingin sa aktuwal nilang pangangailangan.
Makatutulong ito upang maging mas malinaw at kapani-paniwala ang detalyeng susulatin sa panukala.
Nagkakaroon din ng mas malalim na pag-kakaunawa sa suliranin kung makausap ng personal ang mga
taong kaugnay ng proyektong nais gawin.

2. Pagbalik-tanaw sa naunang panukalang proyekto. Sa pamamagitan nito,


mabibigyang- pansin ang mga naging pagkakamali sa mga nauna nang panukala. Dahil dito,
mapapaganda ang mga susunod na gagawing panukala. Sa tulong ng proseso na ito, mas nabigyang
pansin ang isang granting organization.

FILIPINO SA PILING LARANGAN (AKADEMIKO)


3. Pagbalik-tanaw sa mga ulat sa ebalwasyon ng mga proyekto. Mabibigyan ng
tiyak na datos kung titignang muli ang ebalwasyon ng mga naaprubrahan na proyekto. Upang hindi
magkamali, o mailto, balikang muli ang mga ulat sa mga proyektong iniharap sa organisasyong
pinagpapanukalaan.
4. Pag-organisa ng mga focus group. Siguraduhin lamang na ang mga taong magiging
bahagi sa isang proyekto dapat may pagnanais na makisangkot at mag-ambag. Magiging malaking
problema kung walang pakikibahagi mula sa kanila.
5. Pagtingin sa mga datos estadistika. Maging tiyak sa mga datos na ibibigay. Huwag
hayaang ibang tao pa ang makaalaam sa mga kamalian sa mga estadistika at datos na inilagad.
Sikaping ibalita o sabihin ang ano mang datos na ginamit sa proposal.
6. Pagkonsulta sa mga eksperto. Mapatataas ang kredibilidad ng panukala kung ilalapit
ang mga ito sa mga eksperto. Ang kontribusyon mula sa mga eksperto ay makakatulong sa
pagpapabigat sa halaga ng panukala.
7. Pagsasagawa ng mga sarbey at iba pa. Magsaliksik ng preliminaryong impormasyon
at datos para ipakita ang komitment at dedikasyon sa panukalang proyekto. Malaking tulong din ang
mga prelimaryong datos upang mapabuti ang layunin ng isang panukalang proyekto.
8. Pagsasagawa ng mga pulong at porum sa komunidad. Makukuha ang
kooperasyon ng komunidad kung mayroong tuwirang pagsasangkot sa kanila.

Bilang paghahanda sa pagsulat ng panukalang proyekto, isagawa ang mga aksyong ito.
Mapatatatag nito ang mga prosesong gagawin at mapahuhusay nito ang mismong proyektong
ipinanunukala.

D. PAGSUSULAT NG PANUKALANG PROYEKTO


AT ANG MGA ELEMENTO NITO.

Sa panahong naisagawa na ang mga preliminaryong rekwisitos, handa na sa pagsulat ng isang


panukalang proyekto. Sa pagsulat nito, alamin ang mga elementong kasama sa proseso. Sa isang
masaklaw na pagtingin, karaniwang naglalaman ang panukalang proyekto ng pahina ng titulo, pahina
ng nilalaman, abstrak, konteksto, katuwiran ng proyekto, layunin, target na benepisyaryo,
implementasyon ng proyekto, badyet, pamonitor at ebalwasyon, pag-uulat, pangasiwaan at tauhan, at
mga lakip (Nebiu,2002).

Upang maunawaan ang mga bahaging ito ng isang panukalang proyekto, basahin ang mga
deskripsyon ng bawat bahagi.

I. Titulo ng Proyekto

Kasama sa pahinang ito ang titulo ng proyekto, pangalan ng nagpapanukalang organisasyon,


lugar at petsa ng preparasyon ng panukala at ahensyang pinaglalaanan ng panukala.

FILIPINO SA PILING LARANGAN (AKADEMIKO)


Tandaan lamang na ang titulo ng proyekto ay dapat maiksi at tuwiran, at dapat na tumutukoy
sa aktibidad o inaasahang resulta ng proyekto.
II. Nilalaman

Idagdag sa pahinang ito ang nilalaman ng proposal na aabot ng 10 o higit pang pahina.
Importante ang pahinang ito upang madaling mahanap ang mga bahagi ng proposal. Laman nito ang
titulo ng bawat seksyon at ang panimulang pahina ng mga ito.

III. Abstrak

Ito ang huling bahagi ng isang panukala. Inaasahang makikita sa abstrak ang pagtalakay sa
suliranin, layunin, organisasyon na resposable sa implementasyon, pangunahing aktibidad ng proyekto
at ang kabuuang badyet.

Ginagawa ang abstrak upang maging maikli lamang ang abstrak na ihahanda.

IV. Konteksto

Ang bahaging ito ay naglalaman sa sanligang sosyal, ekonomiko, politikal, at kultural ng


panukalang proyekto.

V. Katwiran ng Proyekto

Ito ang pinakarasyonal ng proyekto. Nahahati ito sa apat na sub-sekyon.

1. Pagpapahayag sa Suliranin. Sa bahaging ito tinatalakay ang tiyak na suliraning


pinagtutuunang solusyon ng isang panukala.
2. Prayoridad na Pangangailangan. Pinagtutuunan sa bahaging ito ang pagpapaliwanag
sa pangangailangan ng mga target na makikinabang dahil sa pagkakaroon ng suliranin.
3. Interbensyon. Ipinapakita sa bahaging ito ang estratehiyang napili kung papaano
sosolusyunan ang problema at gayon din tatalakayin kung papaanong magdadala ng pagbabago ang
gagawing hakbang.
4. Mag-iimplementang Organisasyon. Sa bahaging ito, ilalarawan ang kapabilidad ng
nagpapanukalang organisasyon upang tugunan ang suliranin inilalagad.

FILIPINO SA PILING LARANGAN (AKADEMIKO)


VI. Layunin

Ilalahad sa bahaging ito ang masaklaw na layon ng panukalang proyekto. Kaugnay ng


layong ito, iisa-isahin din ang mga tiyak na layuning nais makamit ng panukala.

Tandaan na sa pagbuo ng isang layunin, ikinokonsidera ang mga sumusunod.

1. Dapat isa lamang ang masaklaw na layunin ng panukala;


2. Dapat na konektado ang masaklaw na layunin sa bisyon ng pagpapaunlald o pagpapabuti;
at
3. Dapat napatutunayan ang merito ng kontribusyon ng layon sa bisyon.

VII. Target na Benepisyaryo

Ipakikita sa bahaging ito kung sino ang mga makikinabang sa panukalang proyekto
at kung paano sila makikinabang dito. Isasama rito ang detalyadong deskripsyon ng laki at
katangian ng mga benepisyaryo. Sa pagtukoy sa mga katangiang ito, maaaring gamitan ng
kriterya tulad ng etnisidad, edad, kasarian, at iba pa.

VIII. Implementasyon ng Proyekto

Ipakikita sa bahaging ito ang iskedyul at alokasyon ng resorses. Mahalagang maipakita


rito kung sino ang gagawa sa mga aktibidad, at kalian at saan ito gagawin. Mahahati sa
dalawang sub-seksyon ang bahaging ito:

1. Iskedyul. Ang detalye ng mga plinanong aktibidad ay dapat maipakita.


Magagamit ang mga talahanayan at Gantt Chart sa pagpapakita ng mga ito.

2. Alokasyon. Ipakikita ditto ang mga kakailanganin upang isagawa ang mga
aktibidad ayon sa iskedyul. Tinutukoy sa bahaging ito ang iba’t ibang kategoryan ng gastusin
upang magkaroon ng buod ng impormasyon ukol sa gastusin na kakailanganin para sa
pagbabadyet. Halimbawa ng mga aytem sa bahaging ito ang mga kagamitan, sahod, at mula
rito’y maiuugnay ang yunit, bilang, presyo at iba pa.

3. Badyet. Ito ang buod ng mga gastusin at kikitain ng panukalang proyekto..

4. Pagmonitor at Ebalwasyon. Nakabatay ang ebalwasyon at pagmonito sa


panukalang proyekto sa kung paano at kalian isasagawa ang mga aktibidad para mamonitor ang
pag-unlad ng proyekto.

FILIPINO SA PILING LARANGAN (AKADEMIKO)


5. Pangasiwaan at Tauhan. Naglalaman ito ng maikling deskripsyon ng bawat myembro ng
grupo na gumawa ng panukalang proposal.

6. Mga Lakip. Ito ang mga karagdagang dokumento o sulatin na kakailanganin upang lalong
mapagtibay ang panukalang proyekto.

Bagaman hindi istandard ang format na ito, maaaring makagabay ang suhestyon sa
mga nagsisimula pa lamang magsulat ng isang panukalang proyekto. Ang pinakamahalagang
tandaan ukol sa format ng isang proposal ay ang anyo kung saan malinaw na matatalakay ang
panukala at ang kahingian, kung mayroon, ng indibidwal o organisasyon kung saan ihaharap
ang panukala.
Kayang-kaya Mo!

Gawain 1:
1. Bumuo ng isang panukalang proyekto batay sa sitwasyon na makikita sa inyong barangay.
Pagkatapos maihanda ang panukalang proyekto makipagpalitan sa inyong kaklase upang masuri
ang inyong panukala. Gamitin ang format sa ibaba para sa inyong rekomendasyon.

Titulo ng Proposal:
Bahagi ng Proposal Mga Rekomendasyon sa Pagpapahusay
Titulo

Abstrak

Konteksto

Katuwiran ng Proyekto

Layunin

Benepisyo

FILIPINO SA PILING LARANGAN (AKADEMIKO)


Implementasyon

Badyet

Pagmonitor at Ebalwasyon

Tauhan

2. Matapos makuha ang komento ng kamag-aral ayon sa kanilang pagsusuri, pag-aralan ang mga
ito at rebisahin ang inyong panukalang proyekto ayon sa pangangailangan nito. Ipasa sa iyong
guro at ipresenta sa harap ng klase ang nabuong proposal.

Gawain 2:

1. Sumulat ng burador ng isang panukalang proyekto upang malutas ang isang suliranin sa inyong
lugar, barangay o maging sa paraalan. Isulat ang iyong burador sa loob ng kahon na makikita
sa ibaba.

FILIPINO SA PILING LARANGAN (AKADEMIKO)


Gawain 3:

Panuto: Sagutan ang mga sumusunod na tanong batay sa araling tinalakay. Isulat ang sagot sa
kasunod na patlang.

1. Ano ano ang mga halagang dapat tandaan sa paghahanda ng isang panukalang proyekto?
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________

2. Bakit mahalagang magbasa ng mga kaugnay na pag-aaral, bago magsagawa ng isang


panukalang proyekto?
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
________________________________________________________________________

3. Ano ang mga dapat isaalang-alang sa paggawa ng balangkas?


__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
______________________________________________________________________

Sanggunian:

Bernales, R., Ravina, E.& Pascual, M.E. (2017) Filipino sa Larangan Akademiko. Mutya Publishing
House. Inc: Malabon City, Philippines

Acopra, J., Catipon, L., Lazaro, N., Enrile, A., Armendares, J., Zagado, T., Guttan, O., Soriano, M.,
Paulmitan, M., Ruiz, M., Barrios, N & Mercado, M. (2016) Akademikong Filipino sa Piling Larangan.
Mindshapes Co. Inc: Intramuros, Manila City, Philippines

Evasco, E.& Ortiz, W. (2017) Filipino Pagbasa at Pagsulat sa Piling Larangan Akademiko. C & E
Publishing House. Inc: South Triangle Quezon City, Philippines

Panukalang Proyekto Cover Photo: retrieved from:


https://www.google.com/url?sa=i&url=https%3A%2F%2Feducation548118344.wordpress.com%2F2
018%2F08%2F12%2Fpanukalang-
proyekto%2F&psig=AOvVaw2ww4C3oFRg7VKI8mABsMq6&ust=1597034552670000&source=images
&cd=vfe&ved=0CAIQjRxqFwoTCNii9_SpjesCFQAAAAAdAAAAA

FILIPINO SA PILING LARANGAN (AKADEMIKO)

You might also like