6fc22ewn4 Modyul 8 Filipino Sa Piling Larangan Akademiko Replektibong Sanaysay

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 7

METRO MANILA COLLEGE

U-Site Brgy. Kaligayahan, Novaliches, Quezon City


BASIC EDUCATION DEPARTMENT
Senior High School (Grade 11)
S.Y. 2020 - 2021

AKADEMIKO

MODYUL 8
REPLEKTIBONG SANAYSAY

Inihanda ni:

BB. STEPHANIE
FILIPINO P.(AKADEMIKO)
SA PILING LARANGAN MONTERO
MODYUL 8
REPLEKTIBONG SANAYSAY

Mga Layunin:

Sa pagtatapos ng modyul na ito, ikaw ay inaasahang:


A. Nabibigyang-kahulugan ang mga terminong akademiko na may kaugnayan sa piniling sulatin

Simulan Natin!

Ang araling ito ay sanayay na nagmumuni sa karanasan ng manunulat nito ang replektibong
sanaysay. Inilalahad ng sanaysay ang karanasan ng nagsusulat, kasama ang mga katotohanan ng
kaniyang karanasan na sumasagot sa sino, ano, saan, kalian, at paano.

Inaasahan sa araling ito na makabubuo o makakasulat ng isang replektibong sanaysay gamit ang
mga gabay sa pagsulat at pagbuo nito.

Tandaan Mo!

Basahin at Suriin Natin

A. ANG REPLEKTIBONG SANAYSAY:


KAHULUGAN AT KALIKASAN

Ang replektibong sanaysay o repleksyong papel (tinatawag ding Reflective Paper o


Contemplative Paper) ay isang pasulat na presentasyon ng kritikal na repleksyon o pagmumuni-muni
tungkol sa isang tiyak na paksa. Ang repleksyong papel ay maaaring isulat hinggil sa isang itinakdang
babasahin, sa isang lektyur o karanasan katulad ng internship, volunteer experience, retreat and
recollection o educational tour. Kadalasan, ang repleksyong papel ay naglalaman ng mga reaksyon,
damdamin at pagsusuri ng isang karanasan sa napakapersonal na paraan, kakaiba sa paraan ng
pormal na pananaliksik o mapanuring sanaysay (Bernales and Bernardino, 2013).

Ang repleksyong papel ay hindi dayari o dyornal, bagaman ang mga ito (dayari at dyornal) ay
maaaring gamiting paraan sa pagpoproseso ng mga repleksyon bago isulat ang repleksyong papel.
FILIPINO SA PILING LARANGAN (AKADEMIKO)
Ito ay isang impormal na sanaysay, at kung gayon, nangangailangan ng sumusunod: 1) introduksyon
2) katawang malinaw at lohikal na naglalahad ng iyong mga iniisip at/o nadarama, at 3) konklusyon
(http://www.une.edu).

Kadalasan, ginagamit ang unang panauhan (ako, tayo, kami) sa repleksyong papel dahil
nirerekord dito ang mga sariling kaisipan, damdamin, at karanasan. Tandaan lamang na maaaring
kailanganin ng in-text references kung gumamit ng mga ideya ng ibang tao, at kung gayon, ang
sanggunian ay kailangang maitala sa katapusan.

B. ANG PAGSULAT NG REPLEKTIBONG SANAYSAY

Si Maggie Mertens (sa http://www.ehow.com) ay nagbigay ng sumusunod na Tips sa pagsulat


ng repleksyong papel:

1. Mga Iniisip at Reaksyon. Kapag nagsusulat ng repleksyong papel hinggil sa literature o


karanasan, kailangang maitala ang iyong mga iniisip at reaksyon sa binasa o karanasan.
Maaari mong ilahad at ipaliwanag ang iyong mga damdamin hinggil o karanasan. Maaaring
gamitin ang repleksyong papel upang suriin ang isang binasang literature. Katulad ng ibang
papel o sanaysay, kailangang may kaisahan ang papel. Tukuyin ang mga ispesipikong bahagi
ng binasa o karanasang nagging inspirasyon ng damdamin. Maaari ring maglahad ng mga
personal ng karanasan, ngunit huwag umasa sa mga ito, dahil nararapat na ibatay ang papel
sa iyong reaksyon at repleksyon sa material na iyong paksa.

2. Buod. Hindi simpleng pagbubuod ng binasa o karanasan ang repleksyong papel. Ito ay isang
malayang daloy ng mga ideya at iniisip. Ang ideya ng repleksyong papel ay makasulat ng
isang sanaysay na naglalarawan ng mga reaksyon at pagsusuri ng isang binasa o iba pang
karanasan, ngunit higit na pormal ito kaysa dyornal entri, kaya hindi angkop ang impormal
na wika at anyo.

3. Organisasyon. Ang repleksyong papel ay kailangang maisaayos katulad ng iba pang uri ng
pormal na sanaysay. Maglaan ng introduksyon, katulad halimbawa ng paglalarawan ng iyong
mga inaasahan bago magbasa o gawin ang isang bagay. Ang katawan naman ng papel ay
maaaring magpaliwanag sa mga konklusyong nabuo mo at kung bakit at paano, batay sa
mga konkretong detalye mula sa pagbabasa o karanasan. Maaaring tapusin ang papel sa
pamamagitan ng pagbubuod ng iyong mga natamo mula sa binasa o karanasan. Maaaring
iugnay iyon sa iyong mga inilahad na inaasahan o ekspekstasyon, o humantong sa ibang
konklusyon o analisis ng binasa o karanasan kaugnay ng iyong mga damdamin at reaksyon.

FILIPINO SA PILING LARANGAN (AKADEMIKO)


Ganito naman halos ang paglalarawan sa proseso ng pagsulat ng repleksyong papel sa
http://www.helium.com:

Ang paggawa ng repleksyong papel ay bahagyang naiiba sa iba pang uri ng papel sapagkat ang
konklusyon ay sumusunod sa serye ng mga kontemplatibong narasyon. Ang unang hakbang ay pagpili
ng paksang may malalim na personal na kahulugan sa awtor. Ang unang talata ay maaaring ilaan sa
kaswal na obserbasyon sa paksa nang wala pang bahid ng ano mang emosyon.

Matapos, dalhin ang mambabasa sa isang emosyonal na paglalakbay. Maaaring buuin ito ng
tatlo o apat na talataang nag-uugnay, halos katulad sa isang panaginip, ng mga impresyon,
obserbasyon, emosyon, o ideya.

Tapusin ang repleksyong sanaysay sa katulad na masining na talatang naglalahad ng imaheng


vividly graphic na nag-aanyaya sa mambabasa sa karagdagang introspeksyon. Bilang kongklusyon,
maaaring i-shift ang pokus sa mambabasa sa pamamagitan ng paglalahad ng personal na inkwiri kung
paanong ang paksa ay nakaapekto sa kanyang pag-iisip sa intelektwal o emosyonal na lebel.

Narito naman ang gabay para sa repleksyong papel na hinalaw mula sa


http://pinoynivlad.multiply.com:

1. Bigyan ng pansin ang panahong saklaw ng repleksyon.

2. Mula sa saklaw na panahon, maaaring pansinin at pagmuni-munihan ang mga


sumusunod.

a. Mga kopseto o aralin na lubhang sinasang-ayunan o tinututulan.


b. Mga gawain sa klase, mga pinanood, pinarinig, at iba pa na lubusang nakakaapekto
o nakapagpaisip;
c. Mga liksyon, konsepto, at iba pa na lubos na nakapukaw ng interes at nais saliksikin
o aralin pa;
d. Mga leksyon, konsepto, at iba pa na agad na nahanapan ng paglalapat sa sariling mga
karanasan;
e. Mga leksyon, konsepto, at iba pa na nagdulot ng mga tanong na nais iharap ng mag-
aaral para sa klase.

3. Isa hanggang dalawang pahina lamang ang repleksyong papel. (Hindi masama kung
aabot ng tatlo. Kung higit pa sa tatlo ay labis na.)
4. Dahil sa hindi mahaba ang repleksyong papel, inaasahang hindi na magpapaligoy-ligoy
pa. Maaari naming maglaro sa anyo upang magkaroon ng sariling estilo.

FILIPINO SA PILING LARANGAN (AKADEMIKO)


5. Maaaring gumamit ng wikang pormal o kumbersasyonal, basta tiyaking malinaw kung
ano ang mga puntong pagmumulan ng repleksyon at masusuportahan ito ng mga
konkretong paliwanag.

6. Malaking tulong din ang pagbibigay ng mga halimbawa o aplikasyon ng mga konseptong
natutuhan sa klase. Dito papasok ang kaalaman sa context o intertext. Dapat ay may
mga halimbawang ibigay na hindi natalakay sa klase.

7. Laging isaisip na ito ay papel na gagradohan para sa talas ng inyong pagmumuni-muni.


Kung gayon, maaaring simple lang ang wika at nagpapatawa o magaan ang tono, pero
hindi nangangahulugang hindi ito magiging seryoso.

8. Bagama’t personal na gawain ang repleksyong papel, hindi ibig sabihin na maaari nang
balewalain ang mga tuntunin sa gramatika, wastong baybay at pagbabantas, lalo na kung
ito ay isang mamarkahang gawaing pasulat bilang isang rekwayrment sa kurso sa wika.

9. Ipaloob ang sarili sa micro at marco na lebel na patingin sa mga konseptong tinalakay sa
papel. Maaaring magsimula ang pagpapaliwanag sa sariling karanasan, pagtapos ay sa
mga napag-aralan sa ibang klase, pagkatapos ay sa mga usaping pambansa, at iba pa.

10. Kung gagamit ng mga impormasyong galling sa mga website, libro, panayam, at iba pa,
siguraduhing mababanggit sa papel ang mga nagging sanggunian (maaaring sa huling
bahagi o sa katawan mismo na papel.)

11. Magpasa sa tamang oras at tamang lugar. Ito ay itinakda ng guro nang may sapat na
pag-aabiso, kaya walang dahilan para hindi ito magampanan. Kung hindi makakapasok,
ipakisuyo ang iyong ginawa sa kaklase.

12. Maaaring maglagay ng pamagat na angkop sa ginawang repleksyong papel. Kung walang
maisip na pamagat, ilagay na lamang ang “Sulatin Big. ____”) o kung pang-ilang sulatin
ito.

FILIPINO SA PILING LARANGAN (AKADEMIKO)


Kayang kaya Mo!

Gawain 1:

Panuto: Magbigay ng repleksiyon batay sa napapanahong kalagayan ng bansa katulad ng


pandemyang lumalaganap sa buong mundo.

1. Bilang isang mag-aaral,

___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

2. Bilang isang mamamayan,

___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

3. Para sa pamilya

___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

FILIPINO SA PILING LARANGAN (AKADEMIKO)


Gawain 2:
1. Mula sa Paksang KAMUSTA KA BILANG ANAK, Maglaan ng ilang minute para sa pagmumuni-
muni hinggil sa paksa. Isulat ang burador ng iyong repleksyong papel sa yellow pad. Ipakritik
ang iyong burador sa kaklase. Matapos ay isulat ang inedit at nirebisang repleksyong papel sa
hiwalay na papel para sa komposisyon.

Sanggunian:

Bernales, R., Ravina, E.& Pascual, M.E. (2017) Filipino sa Larangan Akademiko. Mutya Publishing
House. Inc: Malabon City, Philippines

Acopra, J., Catipon, L., Lazaro, N., Enrile, A., Armendares, J., Zagado, T., Guttan, O., Soriano, M.,
Paulmitan, M., Ruiz, M., Barrios, N & Mercado, M. (2016) Akademikong Filipino sa Piling Larangan.
Mindshapes Co. Inc: Intramuros, Manila City, Philippines

Evasco, E.& Ortiz, W. (2017) Filipino Pagbasa at Pagsulat sa Piling Larangan Akademiko. C & E
Publishing House. Inc: South Triangle Quezon City, Philippines

Self-Power Cover Photo: retrieved from:


https://www.google.com/url?sa=i&url=https%3A%2F%2Fhbr.org%2F2018%2F09%2Fgive-yourself-
a-break-the-power-of-self
compassion&psig=AOvVaw1PxzbTGEMiZeQ8DC7n524J&ust=1597334071863000&source=images&c
d=vfe&ved=0CAIQjRxqFwoTCKDfrqeDlusCFQAAAAAdAAAAABAD

FILIPINO SA PILING LARANGAN (AKADEMIKO)

You might also like