Filipino G5 Q3 SumTest-4

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

SUMMATIVE TEST NO.

4
GRADE V – FILIPINO

Pangalan:_________________________________________________ Grade and Section:_________

I. A. Basahing mabuti. Isulat ang tamang pang -angkop sa bawat pangungusap.

_____1. Bago___ bili ni Kara ang bestida.


a. ng b. g c. na
_____2. Marami ang gusto___ makipagkaibigan sa mga mababait.
a. ng b. g c. na
_____3. Ang masipag ____ bata ay pinagpapala.
a. ng b. g c. na
_____4. Mayroon daw dadalo___ espesyal na bisita.
a. ng b. g c. na
_____5. Hugasan____ mabuti ang kamay bago hawakan ang pagkain.
a. ng b. g c. na

B. Basahin nang may pang-unawa ang teksto. Ibigay ang angkop na pamagat. Isulat ang titik ng
tamang sagot.

_____6. Nakatira sa isang bahay kubo si Lola Sela. Napaligiran ng mga punongkahoy ang kanyang
tirahan. Maraming tanim ang makikita sa kanyang likod-bahay. Talagang inaalagaan ni Lola
Sela ang kanyang halamanan. Madaling-araw pa lamang ay gising na si Lola Sela. Maaga niyang
dinidiligan ang kanyang mga tanim. Kung minsan, takipsilim na ay nasa halamanan pa siya.
Talagang mahal na mahal ni Lola Sela ang kanyang halamanan.
A. Ang Bahay ni Lola Sela
B. Ang Buhay ni Lola Sela
C. Ang mga Halaman ni Lola Sela

_____7. Ang magsasakang si Mang Lito ay napakasipag. Mayroon siyang malawak na bukirin.Ang
matabang kalabaw at ang mabigat niyang araro ay katulong niya araw-araw sa malayong bukid.
Dala-dala niya ang masarap niyang pagkaing pabaon ng kanyang mapagmahal na asawa. May
malinis na batis sa tabi ng kanyang bukid.May mayayabong na puno na kung saan siya
nagpapahinga sa hapon.. Ang masayang pagtatanim ay malapit na. Magkakaroon na naman ng
masayang pasalubong at bayanihan. Magiging masaya muli ang bukirin ng masipag na
magsasaka.
A. Ang Magsasaka
B. Ang Matabang Kalabaw
C. Ang Malinis na Batis

_____8. Ang Rizal Park ay magandang pasyalan sa Pilipinas.Ito ay nasa Lungsod ng Maynila.Dito
matatagpuan ang bantayog ni Dr.Jose P.Rizal ang ating pambansang bayani.Kung nasa tabing
dagat ka makikita ang maganda at makulay na pagsikat ng araw. Maraming tao ang
namamasyal at nagpipiknik at makalanghap ng sariwang hangin.Maraming halaman at malalagong
punongkahoy ang nkatanim sa buong parkena nagpapaganda sa paligid nito.
A. Ang Rizal Park
B. Pasyalan sa Pililipinas
C. Maraming Tao ang Namamasyal

_____9. May mga basurang napapakinabangan pa kahit na sa tingin mo’y patapon na talaga. Ang mga
diyaryong hindi na ginagamit ay maaari pang gawing palamuti sa pasko. Lagyan lang ito ng
samo’t-saring pinta ay magniningning na ito. Ang mga boteng nagkalat sa bahay ay
napapakinabangan din. Magkakapera tayo rito, kasi naibebenta ang mga ito sa junkshop.
Maaari rin namang gamitin ulit ang mga ito na lalagyan ng suka, toyo o kaya’y tubig.
A. Dyaryo at Bote
B. Mga Basurang Napapakinabanan Pa
C. Pera sa Basura
_____10. Umaga ng Hulyo 2003, araw ng lakbay-aral. Nagsimulang magdatingan ang mga mag-aaral
sa gate ng paaralan. Isa-isang sumakay sa air-con bus ang mga mag-aaral ni Bb. Eglip. Una
nilang narating ang Marikina Shoe Expo. Agad na nagbabaan at nagbilihan ang mga mag-aaral.
Sa ikalawang destinasyon nila ay ipinasyal sila ni Kapitan Moy sa kanyang pagawaan ng
sapatos. Tuwang-tuwang pinanood ng mga mag-aaral ang iba’t-ibang proseso sa paggawa ng
sapatos. Pagkatapos, pumunta sila sa Intramuros kung saan naka-display ang pinakamalaking
sapatos sa buong mundo.
A. Isang Lakbay Aral
B. Ang Paggawa ng Sapatos
C. Masasayang mga Bata

II. A. Pakinggang mabuti ang kuwentong babasahin ng guro. Sagutin ang mga tanong. Isulat ang titik
ng tamang sagot.

Isang matandang lalaki ang bumaba mula sa magarang kotse sa isang nagdarahop na lugar.
Iginala niya ang kanyang paningin sa mga batang nanlilimahid at marurungis na naglalaro sa daanan.
Tiningnan din niya ang mga kabataang may tulak-tulak na kariton na naglalaman ng bote, bakal at
dyaryo. Dumukot sa bulsa ang matanda. May perang iniabot sa mga batang naglalaro sa lansangan.
Pinagkaguluhan ang matanda ng mga taong nakasaksi ng kanyang pamimigay ng pera sa mga bata.

___11. Sino ang bumaba mula sa magarang kotse?


A. magandang dalaga
B. matikas na binate
C. matandang lalaki
___12. Ilarawan ang mga batang naglalaro sa lansangan.
A. mababait at magagalang
B. nanlilimahid at marurungis
C. matatapang at mayayabang
___13. Saan pumunta ang matandang lalaki?
A. sa malinis na parke
B. sa makitid na eskinita
C. sa nagdarahop na lugar
___14. Bakit pinagkaguluhan ang matandang lalaki?
A. Nangolekta siya ng basura.
B. Nanghingi siya ng pagkain sa mga bata.
C. Nagbigay siya ng pera sa mga batang naglalaro.
___15. Ano ang katangiang ipinakita ng matandang lalaki?
A. mayabang
B. mapagbigay
C. matapobre

B. Lagyan ng kahon kung ang may salungguhit ay buong simuno at bilugan kung buong panaguri.

16. Si Raven ay mabait na bata.

17. Ang mga bata sa paaralan ay masipag mag-aral.

18. Marunong magluto ng tinola ang aking nanay.

19. Naglalaro ng computer game ang aking kapatid.

20. Si Cristina ay isang dentista


ANSWER KEY:

1. A 11. C
2. A 12. B
3. C 13. C
4. A 14. C
5. B 15. B
6. C 16.
17.
7. A
18.
8. A 19.
9. B 20.
10. A

You might also like