Escriba Asynch Activity 1

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Ipinasa ni: Abigail A.

Escriba

BSMarE 21-B2

Ipinasa kay: Gng. Socorro C. Domingo

FIL 223 – Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik

I. Ibigay ang hinihingi ng bawat isa.

1. Magbigay ng limang dahilan bakit Tagalog ang piniling wikang Pambansa.


 Ito ay wikang pinakamaunlad sa istruktura, mekaniks, at literatura.
 Ito ay wikang tinatanggap o ginagamit sa kasalukuyan.
 Malaki ang bahagdan ng mga nagsasalita ng Tagalog.
 Maraming salita sa Tagalog ang makikita rin sa ibang dayalekto.
 Kinailangan ng isang wikang magbibigkis sa himagsikan kaya napagkasunduan ng mga
Katipunero batay sa Saligang Batas ng Biak na Bato 1897 na gawing opisyal na wika ng
rebolusyon ang wikang Tagalog dahil karamihan sa mga nanguna sa rebolusyon ay mga Tagalog.

2. Magbigay ng limang dahilan ng pagpapatuloy ng Filipino bilang asignatura o kurso sa kolehiyo at


unibersidad.
 Higit na lalalim ang talakayan sa silid-aralan kung ang wikang pambansa ang gagamitin sa
pagtuturo ng iba’t ibang asignatura sa mga mag-aaral lalo na ngayong napanatili ang Filipino sa
kolehiyo.
 Ang pagtuturo asignaturang Filipino ay isang paraan na makatutulong sa pagpapaunlad ng
wikang Filipino.
 Kung hindi ito ipagpapatuloy, malaki ang magiging epekto nito hindi lamang sa mga magaaral
ngunit pati na rin sa mga gurong dalubhasa sa nasabing asignatura.
 Ito ay simbolo ng respeto sa ating kultura at pagmamahal sa kinagisnang wika na siyang naging
parte at humulma ng ating kasaysayan, kultura, at pagka-Pilipino.
 Susi ang paggamit ng wikang Filipino sa komunikasiyon sa pagkakaroon ng mas malalim at mas
makabuluhang pakikipanayam.

3. Ano-anong mga batas ang hindi nasunod nang pairalin ng CHED anf pag-alis ng kursong Filipino
sa kolehiyo? Patunayan (5 puntos)
 Konstitusyon ng 1935, Artikulo XIV, Seksyon 3 – “Ang kongreso ay gagawa ng mga hakbang
tungo sa pagpapaunlad at pagpapatibay ng isang wikang pambansa na batay sa isa sa mga
umiiral na katutubong wika.”
 Konstitusyon ng 1935, Artikulo XIII, Seksiyon 3 - Ang Pambansang Asemblea ay dapat gumawa
ng mga hakbang tungo sa pagpapaunlad at pagpapatibay ng isang komong wikang pambansa na
batay sa isa sa mga umiiral na katutubong wika.
 Commission on the Filipino Language (CFL) Act – Ayon sa mga petitioner, ang CFL ang may
mandatong magbalangkas at magpatupad ng mga patakarang pangwika kaya dapat na umiral
ang pasiya ng CFL na manatili ang siyam (9) na yunit ng Filipino sa GE Curriculum.
 Law Creating the National Commission for Culture and the Arts – Ayon sa mga petitioner, ang
pag-aalis ng Panitikan sa core courses sa antas tersiyarya ay paglabag sa tungkuling
preserbasyon at pangangalaga sa pamanang pangkasaysayan at pangkultura.
 Education Act of 1982 – Ayon sa mga petitioner, nakasaad sa Education Act of 1982 ang layon ng
antas tersiyarya na paunlarin ang pambansang identidad at kamalayang pangkultura. Sa
pagsusuri ng Korte Suprema, walang tiyak na probisyon ang mga nasabing batas na nagtatakda
na kailangang isama ang mga asignaturang Filipino at Panitikan sa core courses sa antas
tersiyarya. Binigyang-diin muli ng Korte Suprema ang awtoridad ng CHED na magtakda ng
General Education distribution requirements. Nilinaw ng Korte na maaaring isama ng mga
Higher Education Institution ang Filipino at Panitikan sa mga kurso sa antas tersiyarya. Ayon sa
Korte Suprema, ang CHED Memo Blg. 20 ay may bisa sapagkat hindi nito nilalabag ang
Konstitusyong 1987 at mga Batas Republika na sandigan ng mga petitioner. Hindi intensiyon ng
Korte Suprema na buwagin ang mga programang Filipino sa antas tersiyarya. Samakatwid, ang
mga ginagawa ng ilang kolehiyo at unibersidad na pagbuwag dito ay hindi batay sa pasiya ng
Korte Suprema at hindi rin sang-ayon sa anumang utos ng CHED.

4. Magmungkahi ng limang gawain o programa upang manatili at mapagyaman pa ang wikang


Filipino sa bansa.
 Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) – opisyal na lupong tagapamahala ng wikang Filipino at ang
opisyal na institusyon ng pamahalaan na inatasan sa paglilinang, pagpepreserba, at
pagtataguyod ng mga iba't ibang katutubong wika sa Pilipinas.
 Tanggol Wika – opisyal na lupong tagapamahala ng wikang Filipino at ang opisyal na institusyon
ng pamahalaan na inatasan sa paglilinang, pagpepreserba, at pagtataguyod ng mga iba't ibang
katutubong wika sa Pilipinas.
 Pagdiriwang ng Buwan ng Wika tuwing Agosto.
 Pagtuturo ng Asignaturang Filipino sa eskwelahan.
 Sumali sa isang organisasyon na may tema o tungkulin na pahalagagan ang ating wika.

You might also like