Pananaliksik Senior High School 2

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 26

Republic of the Philippines

Department of Education
Region IV-A CALABARZON
DIVISION OF BATANGAS
District of Calaca
CALACA SENIOR HIGH SCHOOL
Madalunot, Calaca, Batangas

EPEKTO NG MAAGANG PAGPASOK SA RELASYON NG ABM BAITANG 11


NG CALACA SENIOR HIGH SCHOOL SA KANILANG
PAG-UUGALI AT PAG-AARAL: 2019-2020

MGA MANANALIKSIK

ALARAS, KYLA MHAE L.

CARANDANG, CYBELL B.

CLAROS, KAYE ANGELUS M.

CASANOVA, REINALYN E.

VALVERDE, BERNADETTE M.

Baitang 11 Accounting, Business and Management (ABM 1104)

GNG. GERALDINE D. MAULLON

GURO SA PAGBASA AT PAGSUSURI SA IBA’T IBANG TEKSTO TUNGO SA


PANANALIKSIK, GURO II

14
DAHON NG PAGPAPATIBAY

Bilang pagpapatupad sa isa sa mga pangangailangan ng asignaturang


Pagbasa at Pagsusuri tungo sa Pananaliksik, ang pamanahong- papel na
ito ay pinamagatang “Epekto ng Maagang Pagpasok sa Relasyon ng ABM
Baitang 11 ng Calaca Senior High School sa Kanilang Pag-uugali at Pag-aaral:
2019-2020” ay inihanda at iniharap ng pangkat ng mga mananaliksik mula sa Pangkat
3 na binubuo nina:

ALARAS, KYLA MHAE L.

CARANDANG, CYBELL B.

CLAROS, KAYE ANGELUS M.

CASANOVA, REINALYN E.

VALVERDE, BERNADETTE M.

Gng. GERALDINE D. MAULLON

GURO SA PAGBASA AT PAGSUSURI SA IBA’T IBANG TEKSTO TUNGO SA


PANANALIKSIK, GURO II

__________________ ____________________ ___________________

_______________________________________________

G. GODOFREDO P. MARASIGAN
PUNONG-GURO II

14
PASASALAMAT

Taos pusong pasasalamat ang aming ipinaaabot sa mga naging bahagi ng


aming pag-aaral. Sa mga taong walang sawang tumulong upang mapagtagumpayan at
maisagawa ng ayos ang aming pananaliksik na ito.

Sa mag-aaral na aming naging respondente, sa mga magulang na gumabay, sa


mga guro at higit sa lahat sa ating Panginoon.

Sa mga naging respondente, lubos kaming nagpapasalamat sa paglalaan ng


inyong mga oras para sa pagsagot ng tapat sa mga kwestyuner at serbey.

Sa aming kapwa kamag-aaral na laging andiyan para tumulong, magbigay ng


dagdag na impormasyon at todo suporta para matapos ang aming pananaliksik.

Sa mga magulang na tumulong at umintidi sa amin sa mga panahong abala kami


sa paggawa ng pag-aaral na ito. Sa pagmamahal, suporta at moral na pinansiyal na
siyang naging inspirasyon namin para matapos ito.

Kay Sir Godofredo Marasigan, na aming pinakamamahal na punongguro,


ipinaaabot namin ang aming pasasalamat dahil sa pagbibigay ng pahintulot na
makapagbigay ng mga talatanungan sa mga napili naming respondante upang
makakuha at makakalap ng impormasyon.

Kay Gng. Geraldine Maullon, nais po naming magpasalamat sa pagsagot sa


aming mga tanong na may kinalaman sa pananaliksik na siyang nakatulong samin para
maisagawa ito ng maayos.

Sa ating Poong Maykapal, sa pagbibigay sa amin ng karunungan, lakas at


determinasyon upang maisagawa ang pag-aaral na ito. Sa patuloy na paggabay at sa
walang sawang pakikinig sa aming mga dalangin lalong-lalo na sa mga oras na
pinanghihinaan kami ng loob na matapos ito sa takdang panahon.

Muli, maraming-maraming salamat sa inyong lahat.

-MGA MANANALIKSIK

14
TALAAN NG NILALAMAN

KABANATA I: ANG SULIRANIN AT KALIGIRAM NITO -------------------------------------- 1

Introduksyon---------------------------------------------------------------------------------------- 1

Layunin ng Pag-aaral-----------------------------------------------------------------------------
2

Kahalagahan ng Pag-aaral---------------------------------------------------------------------
3

Saklaw at Limitasyon ---------------------------------------------------------------------------- 3

Depenisyon at Terminolohiya------------------------------------------------------------------ 4

KABANATA II: MGA KAUGNAY NA PAG-AARAL AT LITERATURA--------------------- 5

Kaugnay na Pag-aaral at Literatura ----------------------------------------------------------


5

KABANATA III: DISENYO AT PARAAN NG PANANALIKSIK------------------------------- 9

Disenyo ng Pananaliksik -------------------------------------------------------------------- 9

Respondente ng Pananaliksik----------------------------------------------------------------- 9

Instrumento ng Pananaliksik------------------------------------------------------------------ 10

Tritment ng mga Datos------------------------------------------------------------------------- 11

KABANATA IV: PRESENTASYON AT INTERPRETASYON NG MGA

DATOS ----------------------------------------------------------------------------------------------------- 12

Iskala at Kwalipikasyon ng Datos ----------------------------------------------------------- 12

KABANATA V: LAGOM, KONKLUSYON AT REKOMENDASYON--------------------- 17

Lagom---------------------------------------------------------------------------------------------- 17

14
Konklusyon -------------------------------------------------------------------------------------- 18

Rekomendasyon ------------------------------------------------------------------------------- 18

TALAHANAYAN AT GRAP

TALAHANAYAN 1: DISTRIBUSYON NG MGA

RESPONDENTE SA BAITANG 11 NG ABM STRAND------------------------------------- 10

TALAHANAYAN 2: POSITIBONG EPEKTO NG MAAGANG

PAKIKIPAG-RELASYON SA PAG-UUGALI AT PAG-AARAL------------------------------ 12

TALAHANAYN 3: NEGATIBONG EPEKTO NG MAAGANG

PAKIKIPAG-RELASYON SA PAG-UUGALI AT PAG-AARAL------------------------------ 14

TALAHANAYAN 4: DAHILAN NG MAAGANG

PAKIKIPAG-RELASYON SA PAG-UUGALI AT PAG-AARAL----------------------------- 15

GRAP

GRAP 1: POSITIBONG EPEKTO NG MAAGANG

PAKIKIPAG-RELASYON SA PAG-UUGALI AT PAG-AARAL-----------------------------13

GRAP 2: NEGATIBONG EPEKTO NG MAAGANG

PAKIKIPAG-RELASYON SA PAG-UUGALI AT PAG-AARAL--------------------------- 14

GRAP 3: DAHILAN NG MAAGANG

PAKIKIPAG-RELASYON SA PAG-UUGALI AT PAG-AARAL--------------------------- 16

14
KABANATA I

ANG SULIRANIN AT KALIGIRAN NITO

Ang kabanatang nito ay naglalaman ng panimula, layunin ng pag-aaral,


kahalagahan ng pag-aaral, saklaw at limitasyon, depenisyon at terminolohiya. Ang mga
ito ay makakatulong sa pananaliksik.

PANIMULA

Ang pakikipagrelasyon ay isang interaksyon ng dalawang tao na kung saan


ipinadadama ng isang indibidwal ang kaniyang saloobin na gusto nitong ipahayag. Sa
pamamagitan nito maipalabas natin ang ating emosyon, may mapagsabihan tayo ng
ating mga problema, mababahagihan ng ating karanasan at makapagpapahayag ng
sariling opinyon sa bawat isa.

Ito ay hindi minamadali, kailangan ito ng isang matalinong pagdedesisyon ng


isang tao. Sa modernong panahon ngayon, ang mga kabataan ay masyadong nakatuon
sa pakikipagrelasyon. Minsan ay mas binibigyang pansin nila ito kaysa sa kanilang pag-
aaral. Hindi nila iniisip kung magiging maganda ba ang magiging resulta nito sa
kanilang pag-aaral at bilang isang estudyante. Masasabi na ang pagpasok sa maagang
pakikipagrelasyon ay may dahilan, positibo, at negatibong epekto sa mga kabataan.

Ang epekto ng maagang pakikipagrelasyon ng ABM Baitang 11 ng Calaca


Senior High school sa kanilang pag-uugali at pag-aaral ang aming inaral sapagkat
napapasin namin na halos lahat ng mga estudyante ng Baitang 11 ABM sa Calaca
Senior High School ay mayroong mga karelasyon na lagi nilang pinupuntahan sa tuwing
oras ng tanghalian at tuwing tapos na ang klase. Ang aming sariling interes ang

14
nagbunsod sa amin upang ito ang aralin, dahil gusting malaman ng mga mananaliksik
kung ano ang epekto ng maagang pakikipagrelasyon sa pag-aaral at pag-uugali ng mga
mag-aaaral. Ang gagawin naming upang ito ay masolusyonan ay magbibigay kami ng
rekomendasyon na magkaroon ng isang seminar o symposium tungkol sa maaaring
maging epekto ng maagang pakikipagrelasyon sa pag-aaral at pag-uugali ng mga mag-
aaral, marahil itong problemang ito ay napakaliit ngunit dito nagsisimula ang
pagkakaroon ng mga batang ina dahil sa hindi malimitahang pakikipagrelasyon.

Marahil sa iba ay hindi nila ito maiituring na isang problema, sapagkat hindi
naman masamang magmahal at ito ay normal lamang. Ngunit ang iba ay sobra ng
lumalampas sa limitasyon nila pagdating sa pakikipagrelasyon, sila ay nagbubulag-
bulagan na lamang at sa pangyayaring ito marami ang naaapektuhan. Maliit man ang
suliraning kaakibat nito ay kapag hindi nagabayan ng maayos ito ay magiging malaki
narin at makakaperwisyo sa kanilang pag-aaral.

LAYUNIN SA PAG-AARAL

Ang mga katanungang ito ay magsisilbing gabay sa pananaliksik upang


makakalap ng maraming impormasyon ukol sa “Epekto ng maagang pagpasok sa
relasyon ng ABM 11 ng Calaca Senior High School sa kanilang pag-uugali at pag-aaral:
2019-2020”

1. Ano ang epekto ng maagang pakikipagrelasyon sa mga Baitang 11 at sa kanilang


pag-aaral?

2. Paano nila pinagsasabay ang pakikipagrelasyon sa kanilang pag-aaral?

3. Ano ang dahilan ng maagang pakikipagrelasyon?

4. Ano ang mga paraan upang maiwasan ang maagang pakikipagrelasyon?

KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL

14
Ang pag-aaral na ito ay makakatulong sa mga mag-aaral, guro, magulang, at sa
mga susunod pang mananaliksik.

Para sa mga mag-aaral. Ang pag-aaral na ito ay makakatulong upang mamulat sila sa
magiging epekto ng maagang pakikipagrelasyon sa kanilang pag-aaral.

Para sa mga Guro. Ang pag-aaral na ito ay makakatulong upang magabayan nila ng
tama ang mga estudyante tungkol sa pakikipagrelasyon.

Para sa mga magulang. Ang pag-aaral na ito ay makakatulong sa kanila upang


maging handa sila sa epekto ng maagang pakikipagrelasyon, upang mabantayan at
maturuan nila ang mga estudyante sa kung ano ba ang tamang gawin.

Para sa mga mananaliksik. Ang pag-aaral na ito ay magsisilbing gabay upang


kanilang mapagkuhanan ng mga mahahalagang impormasyon at mapagbabasehan sa
mga katulad o kakonektado nitong pag-aaral.

SAKLAW AT LIMITASYON

Ang pag-aaral na ito ay gagawin lamang sa mag-aaral ng Baitang 11 ABM sa loob


ng paaralan ng Calaca Senior High School.

Saklaw ng pag-aaral na ito ay ang dahilan, positibo at negatibong epekto ng


maagang pakikipagrelasyon sa pag-aaral at pag-uugali ng isang mag-aaral. Kung ang
mga ito ba talaga ay naaapektuhan kapag nakipagrelasyon ng maaga sa kanilang
murang edad o kung nakatutulong pa ito para magkaroon ng inspiration ang mga mag-
aaral.

Ang mga Baitang 10 pababa, elementarya, at ang mga mag-aaral ng ibang


paaralan ay hindi kabilang sa pananaliksik na ito. Ngunit kahit mayroong Baitang 11
ABM sa ibang paaralan, Baitang 11 ABM lamang ng Calaca Senior High School ang
sumasaklaw sa pag-aaral na ito.

14
Depenisyon at Terminolohiya

Interaksyon- pakikipagugnayan ng tao sa ibang tao at ang pakikipagugnayan ng mga


nabubuhay na organism sa kanilang kapaligiran.

Namo-motivate- nagsisilbing lakas upang magpatuloy sa isang gawain o landas na


tinatahak

Makabuluhan- may saysay o kaya ay may kwenta

Mababahaginan- mahahatian o mabibigyan

Makakalap- makakuha

Sumasaklaw – pumapaloob o sumasakop

14
KABANATA II

KAUGNAY NA LITERATURA

Ang kabanatang ito ay tumatalakay patungkol sa pag-aaral at mga


babasahin na may kaugay sa paksa ng pananaliksik na ito. Ang mga ito ay
makakatulong upang mapagbasehan at mapagkuhanan ng mga impormasyon
kauganay ng gagawing pananaliksik. Ang mga kaugnay na literaturang ito ang magiging
tulay upang mas mapadali ang gagawin pag-aaral.

KAUGNAY NA PAG-AARAL

Ayon kay Cantomayor et al. (2012), nakikipagrelasyon ng maaga ang isang


mag-aaral sapagkat tunay nitong mahal ang isang tao, gusto nila na maranasan ang
pakiramdam na may karelasyon na maaari nilang magamit sa kanilang pagtahak sa
kanilang landas na napili. Masasabing ang pakikipagrelasyon ay ginagawang
inspirasyon ng mga mag-aaral upang mas lalo pa silang ganahan sa pag-aaral. Ngunit
kaakibat ng positibong epekto na ito ay nagiging distraksyon din sa mga mag-aaral ang
pagpasok sa isang relasyon. Nawawalan sila ng oras na makagpag-aral ng maayos
sapagkat pinagtutuunan lamang nila ng pansin ang kanilang karelasyon. Ayon sa pag-
aaral maiiwasan ang negatibong epekto na maagang pakikipagrelasyon kapag
binalanse ng isang mag-aaral ang kaniyang oras sa pag-aaral at sa kaniyang
karelasyon. Ang pakikipagrelasyon ay hindi malaking kawalan sa pagkatao sa isang
tao. Hindi ito magiging sukatan ng kaligayahan ng ating buhay.

14
Sa kanilang pag-aaral, kanilang napagtanto na kalahati sa mga mag-aaral na
kabilang sa mayroong karelasyon ay naniniwalang ay pakikipagrelasyon kasabay ng
pag-aaral ay nagdudulot ng positibong epekto kaysa negatibong epekto sa kanilang
pang-akademikong perpormans. Ito ay kanilang kasiyahan at nagdudulot ng pagiging
masipag sa pag-aaral. Mas pinili nilang mag-aral ng maayos upang maging maganda
ang resulta ng kanilang marka dahil sa impluwensiya ng kaniyang karelasyon. Ngunit,
ang kalahati ng mag-aaral ay sumagot ng neutral o balanse lamang. Sapagkat ito ay
nakadepende sa mag-aaral na magkasintahan, kung gagawa sila ng mabuti upang
magdulot ng maganda sa kanilang pag-aaral at pag-uugali o gagawa sila ng masama
upang magkaroon ng masamang epekto na makasisira sa kanilang pag-aaral at sa
kanila mismong sarili. Sa pangkalahatan, ang pakikipagrelasyon ay nagdududulot ng
positibo at negatibong epekto sa kanilang pag-aaral. Nahuhubog ang kanilang pagkatao
at namomotivate na mas mag-aral pa ng mabuti, (Muychrea et al. 2018).

Bernales et al. (2011), sa pananaliksik na ito ay kanilang napagalaman na ang


pagbabalanse ng oras ng mga respondente ay hindi maganda sapagkat mas
pinagtutuunan nila ng pansin ang pakikipagrelasyon kaysa sa kanilang pag-aaral. Ang
kanilang oras ay iginugugol sa kanilang katuwang ay nauugnay sa kanilang pag-
akademikong perpormans. Ito ay nagkakaroon ng negatibong resulta sa kanilang pag-
aaral. Napag-alamanan na ang pagmomotivate ng kanilang kasintahan ay walang
koneksyon sa pagtaas o pagiging maganda ng kanilang marka sa pang-akademiko sa
loob ng eskwelahan. Bagkus ang oras na kanilang inilalaan sa pakikipagrelasyon ang
mayroong malaking epekto sa kanilang pag-aaral. Dahil sa halip na lahat ng oras nila
ay inilalaan nila sa pagaaral at sa kanilang sarili ay nahahati pa ito sa kanilang
karelasyon. Hindi sila makapagpokus sa kanilang pag-aaral sapagkat iniisip din nila
palagi ang kanilang mga kasintahan, na nagdudulot ng pagkababa ng kanilang mga
marka.

Sa pananaliksik ni (Xinying li et al. 2009), ang mga mag-aaral na kabilang sa


mayroong kasintahan ay may kaugnay na mataas na posibilidad sa depresyon.
Sapagkat nagkakaroon sila ng problema sa kanilang pag-uugali. Masasabi na ang
dalawang magkasintahan ay hindi magkaparehas ang pag-uugali, kailangan nila ng

14
isang malalim na pag-intindi sa isa’t–isa upang magkaroon sila sa isang malusog na
relasyon. Ngunit ayon sa pag-aaral, nagsisimula ang pagbabago ng ugali sa isang tao
kapag sila ay naghiwalay ng kaniyang kasintahan. Napagalaman na ito ay nagdudulot
ng isang negatibong emosyon at pag-uugali sa isang tao. Karaniwang mga babae ang
nakakaranas sumailalim sa depresyon at nagkakaroon sila ng hindi kaaya-ayang pag-
uugali at ang mga lalaki naman ay nagkakaroon ng problemang direkta sa ating
kapaligiran. Katulad halimbawa ng bigla na lamang siyang manununtok ng ibang tao sa
daan o di kaya ay magwawala siya sa labas. Upang doon mailabas ang kaniyang galit.
Samakatuwid ang pagkakaroon ng hindi magandang pakikipagrelasyon ng maaga ay
nagdudulot ng negatibong epekto sa pag-uugali ng isang tao.

Ang pagkakaroon ng relasyon ng isang mag-aaral ay may epekto sa pag-aaral.


Minsan kung ang kabataan ay masyadong nakapokus sa pag-ibig ay nakakalimutan na
nilang mag-aral ng mabuti o kung minsan ay nakakalimutan na talaga nila ang kanilang
pag-aaral. Nawawalan na sila ng oras sa pag-aaral dahil mas binibigyang pansin nila
ang kaniang karelasyon. Dahil sa pakikipagrelasyon, madami tayong makukuhang
epekto lalong lalo na sa pag-aaral. Mayroon ding mabuting epekto ang
pakikipagrelasyon habang nag-aaral. Kung minsan ay nagkakaroon pa ng inspirasyon
ang mga mag-aaral.At dahil dito, nagagawa mo ng maayos ang iyong pag-aaral. Kung
ang karelasyon mo ay masipag mag-aral siguradong sisipagin ka din mag-aral. Hindi
naman sa lahat ng oras ay nakakasama sa pag aaral ang pakikipag relasyon, sila din
ang nagbibigay ng inspirasyon at determinasyon sa isang estudyante na galingan sa
kanilang pag-aaral. Nakakatulong din ang pakikipagrelasyon para mapabuti ang ating
pag-aaral, Mallari et al. (2012)

KAUGNAY NA LITERATURA

Ayon sa eksperto, marami umanong naiidulot na maganda ang maagang


pakikipagrelasyon. Ito ay kadahilanang maraming kabataan ang namo-motivate ng
kanilang kasintahan pagdating sa paggawa ng magandang bagay tulad ng pag-aaral ng
mabuti at pag-aalaga sa sarilli. Ito ay nakadepende sa pagtrato ng iyong kasintahan.

14
Ayon sa pagsusuring ginawa nang Unibersidad ng Pilipinas (2002),
napapansin natin na sa paglipas ng panahon, pababa na ng pababa ang edad ng mga
estudyanteng nagkakaroon ng interes na pumasok sa pakikipagrelasyon. Subalit tama
ba pagsabayin ang pag-aaral at pakikipag-relasyon? Kapag pinagsabay ang dalawang
ito ay napakahirap. Lalo na kung ang isang tao ay hindi marunong kumontrol sa
kanilang bugso ng damdamin. Dahil darating at darating ang araw na magkakaroon ng
problema ang dalawang magkasintahan. Ito ay lubos na makakaapekto sa kanilang
pag-aaral dahil iisipin ng iisipin ang mga nangyayaring problema sa magkarelasyon.
Subalit mayroon din itong positibong epekto. Inspirasyon sa isang tao at nagiging
masaya sa pag-aaral. Kailangang hindi hayaang masira ng pakikipag relasyon ang
iyong pag-aaral. Base sa pag-aaral, hindi naman masamang pumasok sa isang
relasyon, subalit kailangan lamang mas bigyang halaga ang pag-aaral. Dahil dito
nakasalalay ang kinabukasan.Dapat ring isaalang-alang ang pagbalanse ng pakikipag
relasyon at pag-aaral. Ngunit hindi ito hadlang upang pigilin ang nararamdaman na
magmahal. Dahil mas lalo lamang mahihirapan at magkakaroon ng negatibong epekto.
Kailangan lamang magpakatotoo, hindi ito masama ito ay nakadepende sa tao at sa
plano sa buhay.

Ayon kay Sizer-Webb et al. (1999), lahat ng tao ay nangangailangan ng matibay


na pakikipagrelasyon sa kaniyang kapwa. Ayon sa isang mananaliksik na si Hongco
2001, ang pakikipagrelasyon ay hindi isang propesyon at sa halip ay isa lamang itong
pamamaraan kung paano natin masusukat ang ating kakayahan at silbi bilang tao, kung
paano mas magiging malawak at makabuluhan ang pananaw natin sa buhay. May mga
alaala ang bawat pangyayari na nagiging dahilan para higit pang magkaroon ng
katuturan sa buhay.

14
KABANATA III

DISENYO AT PARAAN NG PANANALIKSIK

Ang kabanatang ito ay naglalaman ng mga disenyo ng pananaliksik,


respondante, instrument ng pananaliksik, at tritment ng datos upang mabigyan ng tugon
ang pananaliksik. Ang mga ito ay nakatutulong upang malaman natin ang epekto ng
pakikipagrelasyon sa mga kabataan. Makatutulong din ito upang masolusyonan ang
mga nagiging problema o suliranin ukol dito.

DISENYO NG PANANALIKSIK

Isinisagawa ang pag aaral na ito sa disenyong pamaraang deskriptibo na


pananaliksik. Hangad ng pag aaral na ito na ilarawan at suriin ang mga “Epekto ng
maagang pagpasok sa pakikipagrelasyon ng ABM Baitang 11 ng Calaca Senior High
School sa kanilang pag-uugali at pag-aaral: 2019-2020”. Sa pamamagitan ng
pananaliksik na ginamit ng mga mananaliksik ay magkakaroon ng malinaw at maayos

14
na mga datos na kakailanganin para sa pangangalap ng impormasyon at iba pang
maaring pagkunan ng mga datos. Upang makatulong sa paggawa ng solusyon sa
nasabing suliranin.

RESPONDENTE NG PANANALIKSIK

Ang respondente na gagamitin para sa pananaliksik na ito ay may bilang na


119 mula sa Baitang 11 ng Accouting Bussiness and Management ng mataas na
paaralan ng Calaca Senior High School. Upang aming mapag-alaman kung ilan ang
kailangang bigyan ng talatanungan sa bawat seksyon ay kinuha naming ang 60% mula
sa kabuuan ng Baitang 11 ABM, upang malaman ang kanilang opinion ukol sa “Epekto
ng maagang pagpasok sa pakikipagrelasyon ng ABM Baitang 11 ng Calaca Senior High
School sa kanilang pag-uugali at pag-aaral: 2019-2020”

TALAHANAYAN 1

DISTRIBUSYON NG MGA RESPONDENTE SA BAITANG 11 NG ABM STRAND

SEKSYON BILANG NG MGA RESPONDENTE


1 42 x .60 = 25
2 39 x .60 = 23
3 40 x .60 = 24
4 39 x .60 = 23
5 40 x .60 = 24
KABUUANG DAMI 119

Makikita sa talahanayan ang mga kabuuang bilang ng mga respondent na kailangang


bigyan ng mga talatanungan. Ito ay upang matugunan ang pangangailangan ng mga
mananaliksik upan hindi sila mahirapan sa pananahagi ng mga talahanayan.

INSTRUMENTO NG PANANALIKSIK

14
Ang instrumentong ginamit ng mga mananaliksik upang makakuha ng
impormasyon ay ang talatanungan. Ang talatanungan na ito ang magsisilbing susi
upang malaman ang saloobin ng mga napiling respondent ukol sa kanilang naging
karanasan sa “Epekto ng maagang pagpasok sa pakikipagrelasyon ng ABM Baitang 11
ng Calaca Senior High School sa kanilang pag-uugali at pag-aaral: 2019-2020”. Ang
talatanungan na ito ay binubuo ng tatlong bahagi. Una ang positibong epekto ng
maagang pagpasok sa relasyon. Pangalawa, ang negatibong epekto ng maagang
pagpasok sa relasyon. Pangatlo, ang mga dahilan ng maagang pagpasok sa relasyon.
Sa pamamagitan ng mga ito ay makakabuo ang mga mananaliksik ng solusyon ukol sa
suliraning kinakaharap ng kanilang paksang sasaliksikin.

TRITMENT NG MGA DATOS

Ang tritment ng datos ay naglalaman ng pormulang gagamitin ng mga


mananaliksik upang makuha ang prosyento ng mga sagot batay sa opinion ng mga
respondente. Ito ay makakatulong upang malaman ng mananaliksik ang pinaka
maraming porsyento sa kanilang ginawang talatanungan na magiging basehan ng
paggawa ng konklusyon.

Ang porsyento ng bawat sagot ay makukuha batay sa pormulang:

Σf ( x )
x= N

- Bilang ng tugon ng mga mag aaral


X
Kabuuang tugon
Σ
Nagrepresenta ng indikasyon ng
Fx mag aaral
Kabuuang bilang ng mga mag
N aaral

14
KABANATA IV

PRESENTASYON AT INTERPRETASYON NG MGA DATOS

Ang kabanatang ito ay tumutukoy sa presentasyon ng mga grap at porsyentong


nakuha sa pagbibigay ng mga talatanungan sa mga respondente. Makikita dito ang
interpretasyon ng mga grap ng mga datos na nakalap.

Weighted Mean Description Rating

4:00 – 5:00 Higit na sumasang-ayon


3:00 – 3:99 Sumasang-ayon
2:00 – 2:99 Neutral
1:00 – 1:99 Hindi sumasang-ayon
0.00 – 0.99 Higit na hindi sumasang-ayon

WEIGHTED
MGA PAHAYAG MEAN KWALIPIKASYON
1. Nagkakaroon ng inspirasyon sa pag-aaral. 4.21 Higit na sumasang-

14
ayon
2. Nagiging masaya sa tuwing kasama ang 3
kasintahan sa paaralan. Sumasang-ayon

3. Ginaganahan sa pagpasok sa araw- araw. 2.86


Neutral
4. May napapagsabihan at nahihingian ng tulong 4.09
kapag may problema. Higit na sumasang-
ayon
5. Mas nakikilala ang sarili. 3.86
Sumasang-ayon
TALAHANAYAN 2: POSITIBONG EPEKTO NG MAAGANG PAKIKIPAG-RELASYON
SA PAG-UUGALI AT PAG-AARAL

4.5
4.21
4.09
4 3.86

3.5
3
3 2.86

2.5

1.5

0.5

0
Pahayag 1 Pahayag 2 Pahayag 3 Pahayag 4 Pahayag 5

KATEGORYA 1: POSITIBONG EPEKTO NG MAAGANG PAKIKIPAG-RELASYON


SA PAG-UUGALI AT PAG-AARAL

Sa unang talahanayan, makikita sa pahayag bilang 1 na 4.21 na porsyento ang


nakuha. Nangangahulugan na higit na sumasang-ayon ang Baitang 11 ABM na
mayroong positibong epekto ang maagang pakikipagrelasyon sa pag-uugali at pag-
aaral. Ang mga mag-aaral ay nagkakaroon ng inspirasyon sa kanilang pag-aaral.
Nakakuha naman ng 4.09 na porsyento ang pahayag bilang 4 na nagsasabing higit na

14
sumasang-ayon ang mga respondente na mayroon silang napapagsabihan at
nahihingian ng tulong kapag sila ay may problema. 3.86 naman ang nakuhang
porsyento ng pahayag bilang 5 na nangangahulugang sumasang-ayon ang mga
respondente na mas nakikilala nila ang kanilang sarili dahil ng pakikipagrelasyon. Ang
nakuha namang porsyento ng pahayag bilang 2 ay saktong 3 na nagsasabing ang mga
respondente ay sumasang-ayon na nagiging masaya sila sa tuwing kasama ang
kanilang kasintahan sa paaralan. Ang nakuha naman ng pahayag bilang 3 ay 2.86 na
porsyento na nangangahulugang neutral ang mga respondente na ginaganahan silang
pumasok sa araw-araw.

TALAHANAYAN 3: NEGATIBONG EPEKTO NG MAAGANG PAKIKIPAG-


RELASYON SA PAG-UUGALI AT PAG-AARAL

MGA PAHAYAG WEIGHTED KWALIPIKASYON


MEAN
1. Nagkukulang sa oras ng pag-aaral. 3.18 Sumasang-ayon
2. Naguudyok na gumawa ng hindi kanais-nais at 2.83 Neutral
hindi naaayon sa edad.
3. Nawawalan ng oras sa mga kaibigan at 2.79 Neutral
pamilya.
4. Nag-iiba ang pag-uugali dahil sa 2.79 Neutral
pakikipagrelasyon.
5. Nakakasagabal sa pangarap at plano sa 2.64 Neutral
buhay.

14
3.5
3.18
3 2.83 2.79 2.79
2.64
2.5

1.5

0.5

0
Pahayag 1 Pahayag 2 Pahayag 3 Pahayag 4 Pahayag 5

KATEGORYA 2: NEGATIBONG EPEKTO NG MAAGANG PAKIKIPAG-RELASYON


SA PAG-UUGALI AT PAG-AARAL

Para sa talahanayan bilang 3, nakakuha ng 3.18 na porsyento ang pahayag


bilang 1 na nangangahulugang sumasang-ayon ang mga mag-aaral sa Baitang 11 Abm
na ang negatibong epekto ng maagang pakikipagrelasyon ay nagkukulang sa oras ng
pag-aaral ang mga estudyante. Nakakuha naman ng 2.83 na porsyento ang pahayag 2
na nangangahulugang neutral ang mga respondente na nag-uudyok na gumawa ng
hinde kanais-nais at hinde nakaayon sa edad dahil sa maagang pagpasok sa relasyon.
Nakakuha ng 2.79 na porsyento ang pahayag bilang 3 na nangangahulugang neutral sa
kawalan ng oras sa mga kaibigan at pamilya ang mga mag-aaral na kasalukuyang nasa
relasyon. Nakakuha ng 2.79 na porsyento ang pahayag 4 na nangangahulugang neutral
ang mga mag-aaral sa pag-iiba ng ugali ng estudyante dahil sa pakikipagrelasyon.
Nakakuha ng 2.64 na porsyento ang pahayag 5 na nangangahulugang neutral ang mga
mag-aaral na nakakasagabal sa pangarap at plano sa buhay kapag maagang
pumapasok sa relasyon.

TALAHANAYAN 4: DAHILAN NG MAAGANG PAKIKIPAG-RELASYON

14
MGA PAHAYAG WEIGHTED KWALIPIKASYON
MEAN
1. Pumapasok sa isang relasyon upang mayroong 2.14 Neutral
maipagyabang.
2. Nakikipagrelasyon ng maaga upang malaman 2.52 Neutral
ang pakiramdam ng mayroong kasintahan.
3. Dahil sa udyok ng mga kaibigan kaya napilitang 2.39 Neutral
makipagrelasyon.

4. Nagrerebelde sa pamilya upang maibaling ang 2.14 Neutral


mga problema sa pakikipagrelasyon.

5. Pumapasok sa isang relasyon dahil minahal ang 3.76 Sumasang-ayon


isang tao.

4
3.76

3.5

2.52
2.5 2.39
2.14 2.14
2

1.5

0.5

0
Pahayag 1 Pahayag 2 Pahayag 3 Pahayag 4 Pahayag 5

KATEGORYA 3: DAHILAN NG MAAGANG PAKIKIPAG-RELASYON SA PAG-


UUGALI AT PAG-AARAL

14
Makikita sa talahayan bilang 4, sa pahayag na bilang 5 ito ay nakakuha ng
pinakamataas na porsyentong 3.76 na nangangahulugang sumasang-ayon ang mga
respondente ng Bitang 11 na pumapasok sila isang relasyon dahil minahal nila ang
isang tao. Ang nakuha naman ng pahayag bilang 2 ay 2.52 na porsyentong
nangangahulugan na neutral ang mga respondente na nakikipagrelasyon ng maaga
upang malaman ang pakiramdam ng mayroong kasintahan. 2.39 na porsyento naman
ang nakuha ng pahayag bilang 3 na nangangahulugang neutral ang mga respondente
sa dahil sa udyok ng mga kaibigan kaya sila napipilitang makipagrelasyon. Ang
pahayag bilang 1 ay nakakuha ng 2.14 na porsyento na nangangahulugang neutral ang
mga respondente na pumapasok sila sa isang relasyon upang mayroong
maipagyabang. At ang nakuha naman ng pahayag bilang 4 ay 2.14 na porsyento na
nangangahulugang ang mga respondente ay neutral na nagrerebelde sa pamilya upang
maibaling ang mga problema sa pakikipagrelasyon.

KABANATA V

LAGOM, KONKLUSYON, AT REKOMENDASYON

LAGOM

Ang naging kabuuang tugon ng isang daan at labing siyam na respondente ng


Baitang 11 sa ilalim ng strand na ABM, kung ang pag-uusapan ay tungkol sa positibong
epekto ng maagang pagpasok sa relasyon sa pag-aaral at pag-uugali ng ABM 11
lumalabas na 4.21 na porsyento ang pinakamataas na pumabor na respondente sa
pahayag na dahil sa pakikipagrelasyon ng maaga ay nagkaroon sila ng inspirasyon sa
pag-aaral. Ang pinakamababa namang nakuhang pagsang-ayon na may 2.86 ay ang
pahayag na ginaganahan sa pagpasok araw-araw dahil sa pakikipagrelasyon. Sa
negatibong epekto ng maagang pakikipagrelasyon, lumalabas na 3.18 ang
pinakamataas na porsyento ng mga respondenteng pumabor sa pahayag na
nagkukulang sila sa oras ng pag-aaral dahil sa pakikipagrelasyon. Pinakamababang
pagsang-ayon na may 2.64 na porsyento ang pahayag na nakakasagabal ang
pakikipagrelasyon sa pangarap at plano sa buhay ng mag-aaral. Samantalang, sa

14
dahilan ng maagang pakikipagrelasyon, lumalabas na 3.76 na porsyento ang may
pinakamataas na respondenteng pumabor sa pahayag na pumapasok sa isang
relasyon dahil mahal talaga nila ang isang tao. Pinakamababa naman ang mga
respondenteng pumabor na may 2.14 na porsyento ang pahayag na pumapasok sila sa
isang relasyon upang mayroong maipagyabang at nagrerebelde sa pamilya upang
maibaling ang mga problema sa pakikipagrelasyon.

KONKLUSYON

Batay sa mga datos na nakalap, ang mga mananaliksik ay nakabuo ng mga


ideya gamit ang mga pinagtagni-tagning opinyon ng mga respondente, ito ay ang mga
sumusunod:

a. Maraming mag-aaral ang ginagawang inspirasyon ang maagang pagpasok sa


pakikipagrelasyon. Ito ay lubos na nakakatulong sa kanilang pag-aaral.

b. Dahilan ng maagang pakikipagrelasyon ang mga mag-aaral ay nagkukulang ang


oras sa pag-aaral dahil nahahati ito sa kaniyang karelasyon.

c. Ang pagpasok sa maagang pakikipagrelasyon ay hindi nakakaapekto sa pag-uugali


ng isang mag-aaral. Bagkus ito ay nakadepende sa taong mayroong karelasyon.

d. Ang mga mag-aaral ay maagang pumasok sa pakikipagrelasyon sapagkat tunay


nilang mahal ang isang tao.

REKOMENDASYON

14
Batay sa nabuong konklusyon ng mga mananaliksik ang mga sumusunod na
rekomendasyon ay nabuo:

Para sa mga magulang

a. Pag-aaral

Obserbahan ang mga anak kung nagkukulang na ang oras sa pag-aaral dahil sa
pakikipagrelasyon at marapat na ito ay sabihan na limitahan ang pakikipagrelasyon.

b. Pag-uugali

Gabayan ang mga kabataan kung may masamang naging epekto ba sa pag-
uugali ang pakikipagrelasyon para sa kanilang mga anak.

Para sa mga Guro

a. Pag-aaral

Gabayan ang mga estudyante sa paaralan. Siguraduhin na maituturo ng maayos


ang mga posibleng maging epekto ng pagigipagrelasyon hindi lamang sa kanila kundi
pati na rin sa mga taong nakapalibot sa kanila.

b. Pag-uugali

Siguraduhin na magagabayan at maoobserbahan mabuti ang mga mag-aaral


upang malaman kung may pinagbago ba ang ugali ng mga ito kapag nagkakaroon sila
ng karelasyon, payuhan kung kinakailangan.

Para sa mga Mag-aaral

a. Pag-aaral

Siguraduhin na hindi maaapektuhan ang pag-aaral ng dahil sa


pakikipagrelasyon. Alalahanin na lahat ng bagay ay maylimitasyon. Siguraduhin na
kayang pagsabayin ang pag-aaral at pakikipagrelasyon.

b. Pag-uugali

14
Huwag hayaang magbago ang pag-uugali tungo sa masama ng dahil sa
pakikipagrelasyon. Huwag hayaang makaapekto ito sa pag-uugali at sa mga taong
nakapaligid sa iyo.

Para sa mga susunod na Mananaliksik

a. Pag-aaral

Ang pagpapatuloy ng ganitong uri ng pananaliksik ay isang mainam na paraan


upang mas mapalawak at mahanapan ng iba pang problema ang epekto ng
pakikipagrelasyon sa pag-aaral

b. Pag-uugali

Ang pag-aaral na ito ay magsisilbing gabay upang maipagpatuloy ang mga pag-
aaral na pwede pang gawin upang tuluyang mapunan ang mga pagkukulang sa
pananaliksik na ito ukol sa epekto ng pakikipagrelasyon sa pag-uugali ng mga ag-aaral.

TALASAGGUNIAN

https://www.academia.edu/22969795/PAG-AARAL_SA_PAKIKIPAGRELASYON_NG_MGA_MAG-
AARAL_NA_NASA_UNANG_TAON_SA_KOLEHIYO_AT_EPEKTO_NITO_SA_AKADEMIKONG_PERFORMANS

https://www.academia.edu/28842052/Thesis-Fil_Bas

https://www.academia.edu/7736954/The_Effects_of_Romantic_Relationships_on_the_Academic_Perfo
rmance_of_University_of_the_Philippines_Cebu_College_Students_ACKNOWLEDGMENTS

https://www.researchgate.net/publication/225456976_Romantic_Relationship_Aggression_and_Attitud
es_in_High_School_Students_The_Role_of_Gender_Grade_and_Attachment_and_Emotional_Styles

https://kupdf.net/download/the-effects-of-teenage-relationship-to-the-academic-performance-of-4th-
yr-hs-students-of-la-consolacion-college-iriga-city-s-y-2014-2015_59ba703b08bbc52131894d39_pdf

14
14

You might also like