Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 2

Republika ng Pilipinas

Kagawaran ng Edukasyon
REHIYON III-GITNANG LUZON
SANGAY NG LUNGSOD NG SAN JOSE
Unified Learning Assessment Tool in
FILIPINO 8
Quarter 2 Week : 3 at 4
Pangalan:_______________________ Nakuha:_____________
Pangkat:________________________ Petsa:_______________
I. Pagtaya sa Nilalaman:
PANUTO: Sagutin nang wasto ang sumusunod na mga tanong,piliin ang titik ng
tamang sagot at isulat sa inyong sagutang papel (8 puntos).
1. “Tama ang iyong sinabi hinggil sa bagay na iyon.” Ang pangungusap ay nagpapakita
ng pahayag na ______________
a. Pagsang-ayon b. Pagsalungat c. Pagtanggi d. Wala sa nabanggit
2. Ito ay paraan ng paglalahad na naglalayong mapaniwala o mahikayat ang mga taong
kausap tungkol sa ideya, o ano pa mang kaisipang maaaring mayroon ang
tagapagsalita.
a. Argumentative b. expository c. descriptive d. narrative
3. Punan ng angkop na hudyat ng pagsang-ayon at pagsalungat ang pangungusap.
________________ sa batas na iyan sapagkat makasasama ito sa taong bayan lalo
na sa mga mahihirap.
a. Tunay b. Iyan ang nararapat c. Bakit di natin d. Hindi ako sang-ayon
4. “Sige, ibili mo rin ako ng bibilhin mong meryenda.” Ang pangungusap ay nagpapakita
ng pahayag na ______________.
a. Pagsang-ayon b. Pagsalungat c. Pagtanggi d. wala sa nabanggit
5. Isang komedya o melodramang may kasamang awit at tugtog na ang pinakalayunin
ay itanghal sa tanghalan. Ito ay nahahati sa ilang yugto.
a. Sarsuwela b. Tula c. Balagtasan d.Maikling kuwento
Mula sa pinag-aralang akda, “Dalagang Bukid”. Tukuyin ang hinihingi ng bawat
pahayag.
6. Bakit napilitang nalagay si Angelita sa sitwasyong kailangan niyang piliin si Don
Silvestre?
a. dahil malaki ang pagkakautang ng pamilya niya rito
b. dahil mahal niya ito
c. dahil pangarap niyang mapangasawa si Don Silvestre
d. dahil alam ni Angelita na magiging maligaya siya sa piling ng Don
7. Ang pahayag na “Ang pag-aasawa’y hindi biro, hindi kaning isusubo at iluluwa pag
napaso” ay binanggit ng sinong tauhan?
a. Cipriano b. Don Silvestre c. Angelita d.Teroy

8. Ang ibig sabihin ng pahayag sa ikalawang bilang ay__?


a. Ang pag-aasawa ay pwedeng maging biro, ayawan mo kung ikay magsawa.
b. Ang pag-aasawa ay katumbas ng habambuhay
c. Ang pag-aasawa ay hindi madali at kailangang pinag-iisipan
g mabuti dahil ito’y hindi basta basta sinusukuan kung makaranas ng mga
pagsubok sa inyong pagsasama.
d. Ang pag-aasawa ay kailangang palaging may kaning mainit

II Pagtataya sa Pagganap

Awit Mo, Isulat Mo! (9-20)

Panuto:Ipagpalagay na isa kang kompositor ng awit, at ikaw ay naatasang bumuo


ng awit na gagamitin sa isasagawang sarsuwela. Ang tema ng iyong awit
ay papaksa at sasalamin sa sitwasyon ng pamilyang Pilipino sa panahon
ng pandemya o mga kalamidad.

Ang gawain ay tatayahin sa pamamagitan ng sumusunod:

Orihinal 4

Kaugnayan sa paksa 5

Kahusayan sa pagkakabuo 3

Kabuuan 12 Puntos

You might also like