Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

B.

TATCO COMPOUND HOMEOWNERS


ASSOCIATION
MGA NAIPASANG ORDINANSA NG BOARD OF MEMBERS:

1. “TAPAT MO LINIS MO”: Ito ay pinapatupad upang manatiling malinis at maayos


ang bawat tapat ng bahay sa loob ng compound.

2. “ASO MO, TALI MO”: Pagtali ng mga alagang aso o pagkulong sa loob ng bahay
upang maiwasan ang pagkalat ng rabies at dumi nito sa kalsada.

3. “CURFEW” Ang pagtatalaga ng curfew o limitadong oras para sa mga bata, videoke
o pag papa tugtog ng malakas, pagpapatakbo ng motor na may malakas na tunog at
pagpapasok ng mga “outsider” o hindi residente sa loob ng compound.

 Curfew o oras ng paglabas ng mga bata ay hanggang 10 am to 5pm lang

 Ang pagpapatakbo ng mga motor sa alanganin oras o oras ng pahinga ay pinag


babawal (12am to 5am)

 Ang Videoke o Pagpapatugtog, Pag inom sa labas ng bahay at pagpapatambay ng


outsider ay hanggang alas diyes (10PM) ng gabi lamang.

4. “DRAINAGE”: Isa o dalawang beses na paglilinis ng kanal sa isang buwan upang


maiwasan ang pagbabara at pagbaho nito.

5. Paglalagay ng _________________ sukat para sa mga residenteng may tindahan o


motorsiklo o gamit na hindi maaaring ilagay o hindi kasya sa loob ng kanilang bahay.

6. “BASURA MO, TAPON MO”: Pagtatapon ng basura sa oras o araw ng schedule


nito.

7. Pagpapalaam sa mga opisyales tuwing may gaganapin okasyon o selebrasyon sa


loob ng compound.

8. Ang Pag attend tuwing may meeting sa compound ay mahigpit na pinatutupad.


Meron kaukulan parusa sa laging absent o wala sa meeting. Ang pagtatalaga ng
representative o proxy ay pinahihintulutan, miski ang mga tenant o nangungupahan
ay inaanyahan umattend.

 Unang di pag attend– Warning


 Pangalawang di pag attend – Warning
 Pangatlong di pag attend – Isang oras kada araw na paglilinis sa buong
compound sa loob isang linggo

9. Maging responsable sa pagbabayad ng BUTAW at RIGHTS kada buwan.

10.Mahigpit na pinagbabawal ang pagbebenta o pag sanla ng rights ng lupa ng walang


alam ang president ng asosasyon at may ari neto.

PASSED BY:

You might also like