Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

UNIVERSITY OF SAINT ANTHONY

GRADUATE STUDIES AND RESEARCH


CITY OF IRIGA

Pangalan: Jely T. Bermundo Petsa: Disyembre 19, 2021


Propesor: Marinelle Dacunos

MAED Fil 205


(Mapanuring Pag-aaral ng Epikong Filipino at Maikling Kuwento)

I.
a. PAMAGAT: Paalam Patawad ni Marison O. Sumayo
b. TAUHAN:
LEA- Ang pangunahing tauhan sa kuwento
ROWEL- ang kasintahan ni Lea
ROSING- ang itinuturing na ina ni Lea
ROBERTO- ang itinuturing na ama ni Lea
MIYA at ALEXA- ang dalawang matalik na kaibigan ni Lea
c. TAGPUAN- Tahahan
Paaralan
Palengke
d. BANGHAY-
 Si Lea ay naging isang ganao na dalaga na
 Napapansin niya ang kakaibang ikinikilos ng kanyang ama ng mga nakaraang
araw
 Nakatulala lang si Lea habang kinakausap siya ni Rowel, ang kanyang
kasintahan
 Isang buwan ng hindi pumapasok si Lea sa kanilang paaralan
 Pinuntahan ni Rowel sa kanilang tahanan si Lea at nabigla siya ng sinampal
siya ng ina ni Lea at sinabing wala na ito.
 Natuklasan ni Rowel ang katotohanan, ang ginawang kababuyan ng ama ni
Lea sa kanya at pangungunsinte nman ng ina nito.
e. PAKSA- PAGSASAMANLATA
II.
a. BISANG PANGKAISIPAN
- naitatak ng maikling kuwento na ito sa akin na anuman na bagay na
gawin mo sa isang tao ay mayroong dulot maganda man o hindi ito. Sa maikling
UNIVERSITY OF SAINT ANTHONY
GRADUATE STUDIES AND RESEARCH
CITY OF IRIGA

kuwento ay ipinakita kung paano hindi na kinaya ng pangunahing tauhan ang hirap
at bigat na nararamdaman nito dahil sa pananamantala ng kanyang itinuturing na
ama at sa kabilang banda ay batid pa ito ng kanyang ina ngunit wala itong ginawa.
At dahil dito at tinapos nito ang sariling buhay pati ng kanyang anak dahil sa
depresyon na nararanasan nito. Nawa’y matigil na ang pananamantala sa mga
kahinaan ng mga kababaihan.
b. BISANG PANDAMDAMIN
- sa mga makakabasa ng akda na ito ay tiyak na aantigin ang inyong
puso at malulungkot sapagkat ito ay may malungkot na katapusan. Piniling sarilinin
ng pangunahing tauhan ang kanyang problema at kinitil niya ang kanyang sarili dahil
sa bigat na nararamdaman.
c. BISANG PANGKAASALAN/ PANGKATAUHAN
- tinuruan ako nito na maging Mabuti sa iba. Lagging piliin na irespeto
ang iba. Matuto rin tayong making sa mga tao sa ating paligid imbes na tayo ay
manghusga sapagkat minsan ay hindi natin batid na sila pala ay may malalim na
problem ana dinadala. Unawain natin ang bawat isa at matuto rin na ipagtanggol ang
sarili at ang iba.
III.
TEORYANG PAMPANITIKAN-
REALISMO- mapapansin na ang mga pangyayari sa kuwento ay totoong
nagganap sa totoong buhay at isa ito sa mga di kanais-nais na pagsasamantala sa
kahinaan ng mga kababaihan.
IV.
A. PORMAT AT PARAAN NG PAGKAKASULAT
- Ang kuwento ay sinulat sa payak na pananalita at punong-puno ng
pangyayari ang kuwento kung saan ay madali mong mauunawaan ang nais ipabatid
ng kuwento.
B. GAMIT NG WIKA/ KAANGKUPAN NG MGA SALITA
- Gumamit ng mga payak na salita at madaling maunawaan. Walang paligoy
ligoy at direkta ang pagkakalahad.

Sinipat at Siniyasat ni:

JELY T. BERMUNDO 47
MAED- FILIPINO Rate
UNIVERSITY OF SAINT ANTHONY
GRADUATE STUDIES AND RESEARCH
CITY OF IRIGA

KRAYTERYA PUNTOS
NILALAMAN NG KUWENTO 19
PAKSA 10
PAGKAMALIKHAIN 9
KAANGKUPAN NG WIKA/SALITA 9
KABUUAN: 47

You might also like