Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 15

MAKAPAGHIHINTAY ANG AMERIKA

ni Dionisio S. Salazar
MGA TAUHAN:

Ligaya Abad Cortez, ang dalubguro

Dr. Fidel Cortez, ang kanyang bana

Nora marta, ina ni Fidel, nagging patnugot ng isang kawanihan at sa kasalukuyan ay pensyunada na

Rosa at Boy, mga anak nina Fidel at Ligaya

Ilang Ekstra

Panahon: Kasalukuyan]

Tagpuan: Sa tirahan ng mga Cortez, sa Maynila

Unang Tagpo:

Pagbukas ng tabing ay makikita ang salas ng inuupahang aksesorya ng mga Cortez sa Sta. Cruz, Maynila.
Maluwang ang salas na kakikitaan ng mga mamamahali’t makabagong muwebles, telebisyon, hi-fi, at iba pa.
kaagad na mahihinuhang may mabuting panlasa ang mga nakatira rito. Si Ligaya, na nakadamit pambahay, ay
nakasandal sa sopa at bumabasa ng isang pocketbook. Propesor siya sa isang malaking pamantasan sa
Maynila. May 35 taon na siya, kaakit – akit, at mukhang matalino.

LIGAYA: (Iaangat ang ulo sa binabasa at titingnan ang kanyang orasan) Aba, mag – iikaanim at kalahati na’y
wala pa sina Mama. Tila sila nawili sa panonood. Si Fidel man ay wala pa rin. (Itutuloy ang pagbasa .) ( Sa
darating sina Rosa, Boy, at kanyang biyenan, si Nora Marta. Si Rosa ay siyam na taon, si Boy naman ay
magpipitong taon. Hahalik sa kanya ang dalawang anak. Siya nama’y magmamano sa may 56 taong matanda.)

BOY: (Masigla) Mommy, ang ganda – ganda ng napanood naming. Ganito “tsak, tsak, pak, bog!” (Ilalarawan
ang labanang napanood.)

ROSA: Biro mo, Ma, ibig pa ni Boy na ulitin. Ang bait – bait po niyan sa sine, talaga.

BOY: Pa’no ibig kong matuto ng karate.

ROSA: Kundi pa kami nag – aya ng loloa e ayaw pa niya.

MARTA: Ang totoo’y may kagandahan an gaming napanood, Gay. Mahusay nang gumanap ang mga artistang
Pilipino ngayon… Buweno, makapagbihis nga muna. ( Papasok sa pintuang nasa gawing likod, gitna ng
tanghalan. Maiiwan ang mag –iina.)

BOY: Ma, me pasalubong ako sa’yo. Heto, o… ( Aabutan ng isang chocolate candy ang ina.)

LIGAYA: Salamat, anak, pero tataba ako nito. Anong sa ni Papa n’yo? Huwag akong masyadong magkakain ng
matatamis para huwag tumaba.

ROSA: (Pabiro.) Hindi baling mataba, Mommy basta seksi.

BOY: Isa lang naman, Mommy, a. Saka, malapit na’ng pasukan, papaya ka na naman pag nagturo ka.

ROSA: (Dudukot sa kanyang bag) Mommy, pustahan at gusting – gusto mo’ng dala ko sa iy (Iaabot ang isang
putting supot sa naliligayahang ina) O, heto.

LIGAYA: (Matatawa pagkakita sa laman ng supot.) manggang manibalang. At may kasama pang bagoong. Ku,
talaga naming napakamaaalalahanin ng aking mga anak. (Yayakapi’t hahagkan ang mga anak.)

ROSA: Alam mo, Ma, paglabas naming sa sine, e nag – shopping pa kami sa Abenida. May binili si Lolang regalo
para s birthday ng Papa bukas.
LIGAYA: Ano ba yon?

ROSA: Babarunging – tagalong, Mommy.

BOY: Ang ganda – ganda po… Ikaw, Ma, ano ba’ng regalo mo sa Papa, ha?

LIGAYA: Bukas na n’yo malalaman. Baka pa masabi mo sa ‘yong Papa… Saka, Boy, hindi dapat malaman kaagad
ng reregaluhan ang ibibigay sa kanya kung di sa oras ng pagbigay.

ROSA: S’yanga, Boy, para sorpresa, dib a, Mommy?

BOY: Ano ba’ng ibig sabihin ng “sorpresa?”

LIGAYA: Gulat na nakatutuwa. Boy, Isang bagay na hindi mo akalaing darating.

BOY: A, gano’n pala… Ma, tama nab a ‘yung regaloi ko ke Papa?

LIGaYA: Oo. Natitiyak kong masisisyahan anng inyong Papa sa inyong mga handog sa kanya bukas, lalo pa’t
malalaman niiyang ang inyong binili’y galling sa inyong mga piggy bank.

ROSA: Ako’y me sampung piso pa, Mommy. Bukas, e magpasyal tayo sa Luneta, ha? Magbo- blowout ako ng
drumstick.

LIGAYA: ‘Yan ang ibig ko sa ‘king anak, galante.

ROSA: Kasi kayo ng Papa, e galante rin, e.

BOY: ( May maiisip) Mommy, asan bang Amerika?

LIGAYA: Doon sa ibayong dagat. Malayo… bakit mo naitanong, Boy?

BOY: Kasi nu’ng sang araw e sabi ng Papa, “ibig mong sumama sa akin sa Amerika?

LIGAYA: O, ano naman anng wika ng Papa?

BOY: Do’n na raw ako mag-aaral…Mahusay ba’ng titser do’n, ha, Ma?

LIGAYA: Kahit saan, anak, ay may mahusay at may mahinang klaseng guro. (Haharapin si Rosa) Ikaw, Rosa,
kung isasama ka ban g iyong Papa ay sasama ka sa Amerika?

ROSA: Sasama ako kung kasama ka at si Lola.

BOY: Sana, Mommy, Lahat tayo magpunta sa pinupuntahan ni Papa, kahit saan ‘yon.

ROSA: Saan – saan nab a napunta ang Papa, ha, Mommy?

LIGAYA: Sa Amerika, napinagdalubhasaan niya sa panggagamot, sa Vietnam at sa Laos nang sumama siya sa
Operation Brotherhood… sa Hapon, Hongkong, Thailand, espanya, Italya, Pransya, at marami pang iba.

BOY: Talagang sikat si papa. E, di ang dami – daming perang nagastos ng Papa, ha, Ma?

LIGAYA: Kaunti lang, kasi’y nakakuha siya ng tinatawag na fellowship grant at travel grant.

ROSA: Ano ba,’yon, Mommy?

LIGAYA: Libre, may gumasta para sa kanya.

ROSA: Dahil marooning siya?

LIGAYA: oo.

ROSA: Sana magbalediktoryan din ako paris ng Papa.

BOY: Ako man.

LIGAYA: Masipag mag – aral ang inyong Papa. Kayo man ay mag – aral na mabuti at malamang magtapos na
baledektoryan din, o kaya’y ibang mataas na karangalan. (Daratingn si Aling Martha na nakadamit pambahay
na.)
MARTA: Aba’y hindi pa pala nakapagpalit ng bihisan ang dalawang yan, a… O, sige, mga apo, bihis muna.
(Susunod ang dalwang bata, makikita ang aklat na ibinaba ni Ligaya sa sopa. Dadamputing iyon at babasahin
ang pamagat.) The Invisible Government.

LIGAYA: Iyan, Mama, ay tungkol ho sa Central Intelligence Agency o CIA, ang “Pamahalaang hindi nakikita. “
Bilyun-bilyong dolyarhu pala ang ginagasta niyan. At laganap pala sa buong daigdig ang mga ahente niyan.

MARTA: Huwag mong sabihin, gay, na mayroon niyan dito sa atin.

LIGAYA: Marami hu.

MARTA: Ha!… Nakapagtataka.

LIGAYA: HUwag kayong magtaka, Mama. Talagang ginagawa ng Amerika ang lahat ng paraan upang
mapalaganap at mapanatili ang kanayang impluwensya at kapangyarihan sa lahat ng dako.

MARTA: Pawang mga Kano ba ang ahente niyan?

LIGAYA: Hindi hu. Iba’ ibang uri ng tao ang mga tauhan niyan. Ngunit mahirap silang makilala. Marami raw
galamay sa Pilipinas ang CIA.

MARTA: (Isang mapait at makahulugang ngiti ang sisilay sa labi) May katwiran nga ang nagsasabing ang
Pilipinas ay hawak pa rin ng Amerika. Daang milyon nang utang natin sa kanya… Hindi tayo makakilos nang di
muna sasangguni sa Amerika. May suliranin tayo, kuha agad ng mga “ekspertong” kano gayong tayo ang higit
na nakauunawa sa ating mga suliranin mat mga lunas dito. Anong klaseng bansa tayo?… Republikang basahan?
… maiba ako, anak, nasabi mo na ba kay Fidel ang tungkol sa telegramang galling sa Malakanyang?

LIGAYA: Pagkabasa ko’y itinawag ko sa kanya ngunit nagkataong, okupado ang linya. Nang ulitin ko ang tawag
pagkaraan ng sampung minute ay wala nang dalayton. Hayaan at hanggang ngayo’y wala pa rin…

MARTA: Kakatwa naman talaga ang teleponong yan. Mas Madalas pang kasya buo. Dumayal ka ng isang
numero at iba ang sasagot. Uulitin mo, iba na naman. Suwerte mo nang makonekta sa unang dayal. Ku, kung di
nga lamang kailangan ay mabuti pang ipaputol na yan. kunsumisyon lang ang inaabot mo.

LIGAYA: (Ibabalik antg paksa sa dati.) Palagay kaya n’yo, Mama, ay may pag –asa si Fidel na makakuha yung
puwesto.?

MARTA: Kung ganyang pinaghahanda pa siya ng ibang kinakailangang papeles ay baka sakali.

LIGAYA: Ano pa kayang papeles ang kulang ni Fidel? Isang basta na ang naipadala niya roon.

MARTA: Alam mo naman, Gay, an gating gobyerno: maraming rekutitos na hinihingi sa mga aplikante.

LIGAYA: Mama, hindi hu kaya magbago ang loob ni Fidel kukng sakaling siya ang palaring mahirang na
pangalawang patnugot ng South General Hospital?

MARTA: Aywan ko nga bas a taong ‘yan.

LIGAYA: Ano hu ba’ng napag – usapan n’yo kahapon?

MARTA: Tila nawawalan na raw siya ng interes. Nayayamot na raw siya sa dami ng red tape. At kailangan pa
raw ng de – padrino. Mas malakas daw ang padrino. Mas malakas daw ang padrino, mas madali ang entra.

LIGAYA: Sakit ‘yan ng bayan.

MARTA: Ke ibigay raw kahit kanino ang puwestong ‘yun ay wala na siyang pakialam. Itutuloy raw niya’t itutuloy
ang pagpunta sa Amerika.

LIGAYA: Talagang napakatindi ng hinanakit ni Fidel sa pamahalaan. At, suyang – suya na siya. Kaya ibig niyang
layuan ang ayon sa kanya’y talamak at palala nang palalang mga kanser ng lipunan.

MARTA: May katwirang magkagayon ang iyong asawa. Ang isang tulad niyang mapagmasid, mapanuri,
matalino, at ideyalista ay hindi magkagusto sa uri ng lipunang ginagalawan: marumi, mapagkunwari,
materyalista, magulo…
LIGAYA: Sa kabila ng lahat ay umaasa pa rin ako, Mama, na mababago ko ang kanyang loob. May ilan pa akong
alas na hindi naisusugal, halimbawa’y ang tungkol sa pagkapunta ko sa klinika ni Doktora Samonte kaninang
umaga. (May ibubulong sa biyenan na ikaliliwanag ng mukha ng huli.)

MARTA: (Ngagalak) Makakapulitana ka riyan. Tama, bukas mo na sabihin sa kanya. Natitiyak kong malulundag
siya sa tuwa.

LIGAYA: (Lalamlam ang magandang mukha) Ngunit, Mama, tila hindi hu mapaglabanan ni Fidel ang
nakararahuyong alok ng isang ospital sa California.

MARTA: Ang anyaya ng pilak ay totoong mahirap tanggihan. Lubhang makapangyarihan ang salapi, anak.

LIGAYA: Biro n’yo, isang libo’t limang daan dolyar isang buwan. At libre pasahe pa. bukod sa iba pang
pribelihiyo.

MARTA: Katumbas na ‘yan halos ng anim na libong piso. ‘Yan ang isang bagay na maipupuri mo sa Amerika,
matatas magpasuweldo…O, e ano, papayagan mo ba siyang umalis na naman?

LIGAYA: ‘Yan ngna hu ang aking suliranin, Mama. Sabi ko’y bakit kailangan pa niyang mangibang bansa ay sa
hindi naman tayo kinakapos. Aming kita, siya sa panggagamot at ako sa pagtuturo, ay sapat naman sa ating
pangangailangan.

MARTA: Iba si Fidel, Gay. Nais niyang habang bata pa makaipon, makapagsarili, at makapag – ukol ng
mahabang panahon sa pagsasaliksik at pagtukalas ng gamut. Di ba’t mallimit niyang sabihing hindi magiging
ganap ang kanyang tagumpay hanggat hindi nakatutuklas ng mabisang gamut sa kanser?

LIGAYA: Sino hu bang hindi ibig makaipon. Ngunit sa patuloy na pananagutang sosyal at sibiko, matrikula, mag
aklat, at iba pa ay medyo may kahirapang makaipon.

MARTA: Kumusta ang inyong plano tungkol sa bahay?

LIGAYA: Kung si Fidel ang masusunod, Mama, ay mahihirapan tayong magkaroon ng sariling bahay. Takot
siyang mangutang

MARTA: Ang ibig nga raw niya’y yung kikitain sa Amerika ay siyang ipapatato ng bahay sa inyong lote sa
Quezon City.

LIGAYA: Ngunit ang paglayo…(Magbubuntunghininga) Kayo, Mama, matitiis ba n’yong hindi Makita at
makapiling sa loob ng tatlong taon o higit pa, ang iyong kaisa-isang anak na si Fidel?

MARTA: Ako’y isang matanda na. anuman sandali’y maaaring… Ngunit kung ibig ni Fidel, at papayagan mo
naman, sino akong pipigil?

LIGAYA: Sa dalawang pangingibang bansa ni Fidel ay hindi ako tumutol, at ni hindi ako nabagabag. Ngunit
ngayon, Mama, para akong kinakabahang kung paano.

MARTA: Ano’ng pinag-aalala mo, anak?

LIGAYA: Iba nap o ang panahon ngayon, Mama. Baka matukso si Fidel. At makalimot. Marami na akong
nabalitaang mag-asawang naghihiwalay…

MARTA: Nangangamba kang matulad sa iba si Fidel, gano’n ba?

LIGAYA: Isang kaibaigan ko’t dating kamag-aral sa UP, si Nenette, ang ngayo’y nagdadalamhati. Naghiwalay
silang mag-asawa, pagkatapos na matira ng dalawang taon sa Amerika si Ruby, na isang doctor.

MARTA: Hindi gagawa ng gano’n si Fidel.

LIGAYA: Mama, marami hu ang humahanga sa pamamahalan ni Nenette at ni Ruby. Kaya, hindi kami
makapaniwala na ang kanilang pagsasama’y hahantong sa paghihiwalay. Si Ruby, paris ni Fidel, ay isa ring
siruhano.

MARTA: Tila balak ni Fidel ay pasunurin tayo sa Amerika kung naroon na siya.
LIGAYA:Hindi ako mawiwili sa ibang lupain, Mama. At isa pa’y hindi ako makaalis sa aming pamantasan.
Masisira ang programang aking inihanda para sa aming kagawaran. (Tutungo sa bintana at tatanaw sa malayo;
halatang kinakainipan ang pagdating ni Fidel.)

MARTA: (Titindig at maglalakad-lakad upang mag-unat ng tuhod) Kung naro’n ka’y maari ka ring makapagturo.
At makapag-arl. Maaaring doon mo na tapusin ang iyong doctorate sa edukasyon.

LIGAYA: Matay ko mang isipin, Mama, ay nakatatawa rin ang bansang Amerika. Mapagkunwari rin. Magulo rin.
At wlang pagkakaisa. Nahahabag ako sa kalagayan ng mga Negro at ng mga Negro at ng mga Indiyan doon. At,
alam n’yo, saisang nabasa kong magasing Ingles ay nabatid kong patuloy ang pagdami roon ng mga dalagang-
ina.

MARTA: Dito man sa atin, ayon kay Fidel, ay dumadami rin ang mga sawimpalad na dalaga.

LIGAYA: Hindi sila sawi, Mama. Mga hangal sila. Mga uhaw sa kamunduhan. At karamihan sa kanil’y nabibilang
sa mataas na lipunan. Dapat silang kasuklaman, sapagkat sila’y batik sa kapurihan ng kababaihang Pilipina.

MARTA: Isa yan sa bunga ng sinasabing makabagong kabihasnan, anak.

LIGAYA: Oho, Mama, makabagong mapangwasak… Beatniks… hippies… a-go-go… mini-skirt… Ano pa kayang
putaheng Amerika ang pagkakamatayan ng mga Pilipino?

MARTA: Nakakahiya, ngunit totoong an gating panahon ay henerasyon ng panggagaya, panghuhuwad,


panloloko, krimen, pagsasamantala…

LIGAYA: Tingnan n’yo ang bansang ibig puntahan ni Fidel, ilan nang mabubuting lider ang kanilang pinatay?

MARTA: Kung sabagay, Gay, bawat bansa’y sadyang may kapintasan. Bawat lahi ay may kahinaan. Bawat
panahon ay may kanyang sakit.

LIGAYA: (Pagkaraan ng saglit na katahimikan.) Bata pa si Fidel, Mama. Bukas ay kwarenta na siya. Makisig siya.
At malapit sa kanya ang mga babae.

MARTA: Ngunit matibay ang kanyang puso. Nakita mo, sa loob ba ng labindalawang taon ng inyong
pagsasama’y naglukko na siya?

LIGAYA: Hindi nga ho, ngunit… Sa Amerika’y labis ang kalayaan ng mga babae, at alam nating ang lalaki’y lalaki
kailanman… At isa pa’y hindi ako payag na doon pag – aaralin ang mga bata.

MARTA: Kaisa mo ako riyan. Sabihin nang ako’y makaluma ngunit ibig kong sa sariling bayan tayo mabuhay at
mamatay. (Maririnig nila ang kiriring ng telepono.)

LIGAYA: Ayan, umandar na naman an gang sumpunging telepono. (Matatawa silang magbiyenan. Tutunguhin
niya’t iaangat ang awditibo ng telepono.) Hello… Oo, ito nga.. Oy, Ched, ikaw pala… Kailan ka dumating? O,
kumusta ang biyahe?… Mabuti naman…Wala, wala pang liwanag ang lakad ni Fidel… Oo,, tatlong buwan na
ngayong nakabitin na wika nga’y “balag ng alinlangan at pananabik”… Si Fidel nga ang most qualified sa tatlong
kandidato ngunit siya ang bukod tanging walang padrino. Nanghahawak siya sa kanyang sariling kakayahan…
Yun nga ang hirap sa asawa ko, ayaw kumuha n glider… Oo, Ched, malalakas ang padrino ni Dr. Loban,
dalawang cabinet members… Yung inaaanak ng Pangulo? Inutil daw, ngunit alam mo na sa ating gobyerno,
hindi kung sino ka kung di kung sino ang kinakapitan mo.” Di ba? …Mabuti nga. Siyanga pala, dine kana
mananghali bukas, birthday ni Fidel… Makakarating. Aasahan ka naming bukas, ha?… Babay… (Haharapin ang
biyenan) Si Ched, Mama. Kararating lang niya buhat sa paglilibot sa Amerika at Europa. Sabi ko’y pumarito siya
bukas.

MARTA: Mabuti… Tungkol sa kaso ni Fidel. Talaga bang mahigpit ang kanyang laban sa puwestong yaon?

LIGAYA: Mahigpit, Mama, bagaman siya ang rekomendado ng kanilang director sa South General Hospital.

MARTA: Para ko nang nakikiatang hindi si Fidel ang mahihirang.Maganda man ang kanyang record at
rekomendado man siya ng kanilang director ay mahihirapan siya. Basta’t pinasukan ng pulitika. Alam mo na.

LIGAYA: Ipinagkakapuri ko si Fidel sa kanyang paninindigan, Mama.


MARTA: (Makahulugan) Maniwala ka, anak, habang anng pulitika’y nakapangyayari sa ating bansa, hindi tayo
lalakas ni uunlad. Ang ating pulitika, na napakarumi, at balitang kapag hindi nasawata ay siyang lilingkis at
kikitil sa ating lahi. Ano na ang sabi ng isang kinatawang Muslim? “Na silang mga pulitiko ang sanhi ng
paglaganap ng krimen dito.”

LIGAYA: Tama sina Roces, Tanada, at iba pa sa pagsasabing “kailangan ang isang rebolusyon ng pagbabago.”
(Gagambalain niya ang pintuan. Lilitaw ang kanyang kabiyak, si Dr. Fidel Cortez.) (Matikas, masigla, at may
malakas na personalidad si Fidel. Nakabarong tagalong siya. Masuyo niyang hahagkan anng asawa at
pagkatapos ay magmamano sa ina.)

MARTA: (Sa gawing silid nakatingin) Rosa! Boy! Narito nang inyong Papa. (Patakbo naming lilitaw ang mga
tinawag. Nag – uunahan silang magmamano sa kanilang ama.)

FIDEL: KKUmusta’ng panonood ng sine? Maganda ba’ng inyong napanood?

BOY: Ang ganda, Papa. Ang husay – husay pos a karate nung bida. Ganito ( ilalarawan) “tsak, tsak, pak, bog.”
Bagsak ang kontrabida. Gusto mo, ibibida ko sa’yo, ha, Papa?

MARTA: Komiks! Di ba’t napag – uusapan nating puwera komiks muna?

FIDEL: Opo, Mama. Ngunit iba ang komiks na uwi ko. Akin na nga muna, Boy. (babawiin sa anak) O, tingnan
n’yo. (aabutan ng tig – iisa angn ina at ang asawa.)

LIGAYA: Noli Me Tangere. Mayro’n pala nito.

MARTA: At ire nama’y El Filibustirismo, isa sa mga nobela ni Rizal. At maganda nag pagkakadibuho, a.

FIDEL: Makatutulong yank ay Rosa at kay Boy nang maagang pagkaunawa sa mga sinulat ng ating bayani.

MARTA: Tila may nabasa akong manunulat na nagsabing “basura” raw ang komiks ngunit marami rin angn
kapupulutan ng mahalagang aral at kaisipan. (Ibabalik sa dalawang bata ang mga komiks magasin.)

MARTA: O, tena kayong dalawa sa loob. (Aakbayan ng dalawang apo at sila ay papasok. Maiiwan ang mag –
asawa.

LIGAYA: Hindi ka ba muna magpapalit ng samit, Del?

FIDEL: (Matappos tabihan at akbayan ang kabiyak) Alam mo, mayroon…

LIGAYA: (Mabibigla.) Ha! Sino? I-kaw?

FIDEL: Hindi. Si Dr. LOban.

LIGAYA: Hindi ka ba nagbibiro, Del?

FIDEL: Nanumpa na siya ngayong hapon. Buaks ay tiayk na nasa mga pahayagan ang balita. (Malulungkot ang
kausap) Huwag kang malungkot, Gay… ganyan lang talaga ang buhay.

LIgaya: Ngunit bakit tinelegramahan ka pa ng Malakanyang?

FIDEL: Kailan? Nahan?

LIGAYA: Kanina. Heto ( sabay dulot sa bulsa at abot sa asawa ng telegram).

FIDEL: (Babasahin nang malakas) “ Please come to Malacanang soonest with necessary papers re position
applied for.’… Alam mo ‘ling maging sa Malakanyang ay walang koordinasyon, kung minsan.

LIGAYA: Bigla naman yata ang pagkakahirang kay Dr. LOban, ha?

FIDEL: Mangyari’y nabigla raw ang Pangulo. Bukod daw sa dalawang miyembro ng gabinete ay isang malaking
delegasyon ng mga lider ng partido ang isinama ni Dr. Loban sa Malakanyang. At, nagsama pa rind aw ng
maraming reporter. Alam mo na, malapit na naman ang eleksyon.

LIGAYA: (Tatangong may mapait na ngiti) Ano naman ngayon ang gagawin mo sa telegramang yan?
FIDEL: (Magkikibit ng balikat.) “ Come to Malacanang… “Para ke pa. itong sinasabing iniinsulto ka na’y
sinasaktan ka pa. ang nakatatawa’y mapapailalim ako sa aming bagong assistant director na sa akin lamang
nangongopya noong kami’y nag – aaral pa sa U.P. at, kung hindi pa rin “nilakad” e, hindi pa papasa sa board
exam.

LIGAYA: (Parang wala sa loob) Mapalad si Dr. Loban.

FIDEL: Kaya, Gay, masisiis mo ba ako, kung naisin kong umalis sa Pilipinas? Dito, kahit saan ka tumingin ay wala
kang makikita kundi ang marungis na mukha ng pulitika.

LIGAYA: (Parang wala sa loob) Sa harap ng mga kasalukuyang pangyayari, hindi ko maubus – isipin kung paano
“mulling dadakila” ang Pilipinas.

FIDEL: Maaari, bakit hindi, ngunit tinitiyak ko sa yong hindi sa panahong ito. (Titindig at kukuha ng sigarilyo sa
isang lalagyan. Alam mo, Gay, nagkasundo na kami ni Dr. Bugarin na mag – sabay na tumungo sa Amerika. At si
Dr. Sitjafr nga pala, na isa ring disgustado, ay nagbaballik sumama sa amin. (Hindi kikibo si LIgaya,
mapapabuntinghininga lamang. Daraan ang ilang saglit na katahimikan.)

LIGAYA: Hindi kita masisisi, Del, na maghinanakit. Ngunit isip – isipin mo, ang paglayo mo ba, at ng mga pang
“disgustado” ay makabubuti sa mga “karamdamang” nais ninyong takasan?

FIDEL: Hindi ko na masikmura ang mga kabuluka’t katiwalliang aking nakikita, nadara, nababasa… Sayang at
hindi ako nagging nobelista, o mandudula. Kung nagkatao’y baka isang Noli rin, o isang Kahapon, Ngayon at
Bukas ang masusulat ko.

LIGAYA: At sapagkat hindi mo na masikmura ay lalayo ka, gano’n ba?(Magiliw na kakawitin sa bisig ang kausap
upang mapaharap sa kanya).

FIDEL: (Makahulugan) Ang Pilippinas ay nasa bingit na ng malaking panganib. Dito’y hindi na “lakas ng
katwiran” ang nananaig kundi “ katwiran ng lakas.” Ang mga batas ay wala nang ngipin. Lumuluha na ang
katarungan..

LIGAYA: Hindi ako nawawalan ng pag – asa.

FIDEL: Natatandaan mo bang sinabi ni Roces? Sabi niya, “Maging ang mga hukuman ay hindi nalilligtas sa mga
mantas ng kurapsiyon.”

LIGAYA: Ikaw ay isang tanyag na siruhano. Di ba’t ang isang maysakit,anuman kalubha ang karamdaman, ay
may pag – asang gumaling?

FIDEL: Depende sa karamdaman, Gay. Nakita mo, ako’y hindi nandiri kelanman sa anumang sakit, datapwat
ang nana n gating lipunan ay totoong napakalansa, nakaririmarim, nakasusuka!

LIGAYA: At ang naiisip ninyong mga doctor, sa harap ng ganyang mga sakit, ay mangingibang – bansa? Angn
gayon ba’y makatitighaw sa karamdamang inyong pinandidirihan? Ayokong marinig na tayo’y katulong sa
tinatawag na brain drain.

FIDEL: Kailangan natin, kung baga sa makina, ay complete overhaul. Kailangan ay pagbabagong – buhay ng mga
namumuno at pinamumunuan.

LIGAYA: Sang – ayon ako sa mga sinasabi mo, ngunit hindi ba higit na mabisa at kanais – nais ang pamunuang
may kasamang panlunas?

FIDEL: Tama, ang paggamot sa isang sakit nito at ito ang pagbuhusan ng lakas upang tuluyang mawala.

LIGAYA: Ikinagagalak kong marinig yan sa iyo.

FIDEL: Tayo rito’y salita nang salita ng demokrasya ngunit kakatwa an gating pagkakilala, at pagpapahalaga sa
diwa ng demokrasya.

LIGAYA: Matanong kita. Sa bansa bang pupuntahan mo’y may pagkakaisa? May pagkakapantay-pantay ba?
May pagkakapatiran?… (Bigla silang gugulantangin ng mga sigaw at pagpapagibik na mula sa anki’y
nangaghahabulang tao. Mapapatindig sila at sisilip sa bintana. Lahat ng salitang maririnig nila ay magmumula
sa llikod ng tabing, mula sa kaliwa, pakanan.)

MGA TINIG –LALAKI: Harangin ang isnatser nay an!

TINIG – BABAE: (Halos paos na) Magnanakaw!… Saklolo!…

IBA-IBANG TINIG: Isnatser!… Isnatser!… Kawatan… Harangin… Gulpihin…

ISANG TINIG – LALAKI: Hayun! Hayun ang walanghiya! Bilisan n’yung tugis!…

TINIG – BABAE: Dali kayo mamang pulis!…

TINIG – PULIS: Sa’n! Sa’n nagsuot?…

TINIG – BABAE: Do’n hu! Hayuuuuun!… Daliin n’yo! Ang bag ko!… Naro’n ang aking suweldo! O, Diyos ko!…

ISANG TINIG – LALAKI: Lumiko sa iskinita! Hayun!… Harangin n’yoo!… (Makaririnig ang mag – asawa ng tatlong
sunod – sunod na putok ng baril. Magpapalitan sila ng tingin.)

FIDEL: ( Sa tabi pa rin ng bintana) Nakita mo na, Gay… Pasasaan ka sa buhay na ito? … Nakawan at patayn kabi-
kabila… Lubhang malala na ang kasamaan.

LIGAYA: Kung tayo ba’y may sarili nang bahay sa UP Village…

FIDEL: Tingnan mo, ‘ling. Labindalawang taon na katang nagsasama, suballit nakaipon nab a tayo nng sapat
para ipagpatayo nng sariling bahay? Mangyari’y palaki nang palaki an gating mga gugulin; pataas ng pataas at
parami nang parami an gating pinagbabayaran ng buwis.

LIGAYA: Kkung nakinig ka sa akin, nakautang na tayo sa GSIS o sa SSS, nakapagpatayo na ng bahay, at baka
nabayaran na yon.

FIDEL: Anh kikitain ko sa Amerika sa loob ng isang taon lamang ay sapat nang makapagpatayo ng isang
bungalow. At gaano pa kung aabutin ako roon ng mga tatlo o apat na taon?

LIGAYA: (Lalakad na marahan patungo sa tabi ng “hi-fi” at hahawakan ang isang larawan ni Fidel na kasam ang
ilang paring taga – laos.) Del, napagwawari mo bang tuwing mangingibang – bansa ka’y nagiging hungkag at
tuyot ang buhay naming mag – iina? Noong magpakadalubhasa ka sa Amerika ay ilang taon kaming nakibaka sa
kalu ngkutan? At noong nasa Vietnam ka at Laos na kabilang sa Operation Brotherhood ay dalawang tao’t
kalahati kaming nagrorosaryo upang maligtas ka sa mga viet Cong o mga Pathet Lao.

FIDEL: (Lalapit kay Ligaya, pasiste) Panay naman ang pauwi ko ng pera.

LIGAYA: Del, ang salapi’y hindi siyang lahat sa buhay ng tao!

FIDEL: (Pabiro.) Alam ko ‘yan, mahal kong propesor!

LIGAYA: Kahit sapat lamang sa ating pangangailangan ang kinitang sinasahod ay di ba’t higit tayong maligaya
kung tayo’y palagiang magkasama?

FIDEL: Tami, ‘ling, sa alok sa ‘king isang libo’t limang daang dolyar sambuwan ay makukuro mo na kung gaano
ang maiipon ko roon. Pa’no ko kikitain ang gayong halaga rito?

LIGAYA: (Pipisilin ang palad ni Fidel at magiliw ring mamalasin ang kabiyak.) Kailangan ka naming dito, Del!…
Lumalaki ang mga bata. At saka – (mangingiti subalit biglang mauudlot.)

FIDEL: Saka, ano?

LLIGAYA: A, wala! Kailangan nating subaybayan sina Rosa at Boy…

FIDEL: Kahit ako’y wala… Malaki ang tiwala ko sa iyo, Gay. Isa kang ulirang ina at guro!

LIGAYA: Mahal mo ako, Del, diba?

FIDEL: (Tatawa ng maikli.) Kailangan pa bang itanong yan ay sa alam mo naming ikaw ang aking buhay at
inspirasyon.
LIGAYA: (Kukurutin sa pigi ang katabi) Talagang mahusay kang magpataba ng puso.

FIDEL: Kung akong masusunod ay ibig kong tumigil ka na sa pagtuturo. Sabi mo nga’y madali kang tatanda dahil
sa pahina nang pahina ang ulo ng mga estudyante ngayon.

LIGAYA: (Matatag) Magtuturo ako, Del, hanggang ako’y may lakas!… (wala sa loob ay mahahawakan ang
pahayagang uwi ni Fidel at mababasa ang ulo ng isang balita.) Ano!? Limampung namatay sa kolera?
(Patuluyan nang babasahin ang balita. Mapapailing at mapapakagat – labi.)

FIDEL: Isa pa ‘yang bunga ng kababayaan – ng pagwawalangbahala. Magpapakilos ‘yan, Makita mo. Ngunit
pagkaraan ng sigabo ay babalik sa dati…

LIGAYA: Ningas – kugon.

FIDEL: Tama, ningas – kugon. Isa pang sakit nating Pilipino’y ito: kaya lamangn magsususbaybay ng bahay ay
kung hinahagupit na ng bagyo.

LIGAYA: (May magugunita) Siyanag pala, Del, Kumusta ang balak ng Knoghts of Rizal na magpadala ng mga
doctor sa mga baryo? Ano’ng nangyari sa usapan n’yo ni Dr. Peralta, ang kanilang pangulo?

FIDEL: Tuloy ang kanilang balak. At ibig pa nga ni Dr. Peralta’y ako ang mamuno sa team na pupunta sa
Cagayan.

LIGAYA: Payag ka ba?

FIDEL: Sabi ko’y pagbalik ko na mula sa Amerika. (Tutunguhin ang isang cabinet at may kukuning liham.)

LIGAYA: Del, may kasabihang tayong “Aanhin pa ang damo kung patay na ang kabayo.”

FIDEL: (SA tabi pa rin ng cabinet; hawak ang liham) Ang kapalara’y bihirang kumatok. Ibig mong mangyariy
tanggihan ko ang alok na ito? (Itataas ang liham na air mail.)

LIGAYA: (Tatayo at maglalakad – lakad) Nag –iiba ang panahon, Del…Noon, pinayagan kitang sumama sa
Operation Brotherhood sa Vietnam at Laos – makatao ang misyon ng O.B. ngunit ngayon, sa ‘ting baya’y
dumarami ang naghihikahos, ang nagugutom, ang may sakit.

FIDEL: Na walang ibili ng gamot? Na walang makain dib a?

LIGAYA: Matitiis mo ba sila?… Natatandaan mo ba yung nabasa natin sa “Y” noong minsang magbadminton
tayo noon?

FIDEL: Allin? Yun bang “ When the great Scorer pens your name, he writes not if you won or lost but how you
played the game.”

LIGAYA: Yun nga. Kayganda ng mensahe niyon, ano?

FIDEL: Guro ka nga , Gay.

LIGAYA: (Hahawakan sa balikat si Fidel) Del, naghahamon ang “El Tor,” ang malaria, ang “Vietnam Rose,” at iba
pang karamdaman sa buong Kapuluan. Sumama ka sa pangkat ng Knights of Rizal!

FIDEL: (Patudyo.) Akala ko ba’y ayaw mo na ‘kong malayo sa piling ninyong mag – iina?

LIGAYA: Hindi bale kong dito sa Pilipinas, madlli tayong magkikita… A, lumalawig an gating usapan, mabuti’y
makakain muna. (Pipihit at akmang tutungo sa gawi kusina.)

FIDEL: Medyo nga kumakalam nang aking sikmura, e.

LIGAYA: Pihong gutom na rin ang Mama at ang mga bata.

FIDEL: Ibig kong mag – shower muna sandal, pwede ba?

LIGAYA: Walang tubig.

FIDEL: Ano! Walang tubig?


LIGAYA: May bagong sira raw na tubo.

FIDEL: Na naman! (Halatang yamot.) Kailan pa?

LIGAYA: Kaninang makapananghali lamang.

FIDEL: Teribleng talaga ang Nawasang ‘yan! Mabuting nmaniningil at maagap puputol ng koneksyon, subalit
kulang na kulang sa serbisyo!… Ngunit kung magpa-press release. A, paano ka bang maniniwala sa kanila!…

LIGAYA: Magpapapasok ako kay Karyas. (Biglang lilitaw ang magkapatid na Rosa at Boy. Iba na ang kanilang
suot.)

ROSA: Ma, Pa, kakain na raw, sabi nng lola.

BOY: (Hahawakan sa kamay ang ama) Tena, papa. Magbibidahan tayo pagkakain diba?

LIGAYA: Maliligo daw muna sandal ang inyong Papa.

FIDEL: Kung gutom na kayo’y mauna na kayo.

ROSA: Pero, Pa, walang tubig sa gripo!

LIGAYA: Magpapapasok ako kay Karyas sa kanto.

ROSA: O, sige, antayin na natin anng papa.

Boy: Basta bilisan mo, ha, Pa?

LIGAYA: (Kay Rosa). Sabihin mo, Rosa, kay Karyas na sumalok ng tubig. Dalian n’ya kamo, ha?

BOY: Pa, sunduin mo ako sa iskwelahan, Ha?

FIDEL: Oo, anak, tuwing may panahon.

BOY: Anong ibig sabihin, Pa, ng “tuwing may panahon?”

FIDEL: Hindi sa lahat ng araw, Boy.

BOY: Ba’t gano’n. gusto ko araw – araw. Paris ni Budyoy. Paris ni Jun. hinahatid pa sila at sinusundo ng kanilang
daddy.

FIDEL: Ibig na ibig ko nga sana, anak, ngunit ang dami – dami kong Gawain. Nar’yan naman si Karyas, a.

LIGAYA: (Aakbayan ang bunso.) Hamo, Boy, at pipilitin ng iyong Papa na siya nag makapaghatis at makasundo
sa inyong magkapatid.

BOY: Saka pala, Pa, bakit sina Jun, ang dalas nilang magpasyal sa Luneta? Tayo hindi.

LIGAYA: Magaan ang trabaho ng daddy nina Jun, di tulad ng inyong Papa. (Babalik si Rosa.)

BOY: Ate, dib a sina Budyoy, e madalas sa Luneta at sa Zoo, ano?

ROSA: Oo, sige, Pa, sa Lilnggo, e pasyal naman tayo sa Luneta. Saka sa Children’s Park, ha?

FIDEL: O, sige, sige… ( May magugunita) Hintay! Sa lingo nga pala ang pulong n gaming Medical associuation sa
Hilton.

ROSA: (Mananamlay) Meron akong sasabihin, pa, pero h’wag kang magagalit, ha?

FIDEL: Ba’t ako magagalit, Ano yun anak?

ROSA: sa tingin ko, mas mahal mo pa’ng trabaho mo kesa sa amin.

FIDEL: Uy! (Pangiting nailing, sabay pisil sa pisngi ni Rosa) Maliit pa’y sanay anag pumuna ang aking magandang
prinsesita!

LIGAYA: E kanino pa ba magmamana yan?


BOY: Ako, Ma? Ayokong maging doctor paglaki ko.

LLIGAYA: At bakit?

BOY: Kasi lagging wala sa bahay. (magkakatawanan sila.)

ROSA: Tama si Boy. Kahit gabi, umaalis. Kahit holiday, gano’n din.

FIDEL: (Pabiro.) Hala kayo, pagtutulungan na naman ninyo ko. Pero, hindi bali. Kahit n’yo ko kalabanin ay kayo
pa rin ang pinakamamahal ko sa bundong mundo!

ROSA: Artista ang Papa!

BOY: O.A.

LIGAYA: Teka nga pala, Boy. Sabi mo’y ayaw mong maging doctor. Ano’ng ibig mo paglaki mo?

BOY: Ibig ko Meyor, paris ni Meyor Villegas. O kaya’y president, paris ni Marcos! (matatawa na naman ang
lahat.)

FIDEL: Nakagugulat pala ang ambisyon ng aking anak. Dale nga, Boy, kung gatpuno ka na’y ano naman anng
gagawin mo, aber?

BOY: (May pagmamalaki) Siyempre, yayariin ko ‘ng anderpas. Saka yung mga kalye, aayusin ko para hindi
nasisira’ng ating kotse.

Rosa: Yan lang? Mahina kang klasengn alkalde!

BOY: Hindi pa ko tapos, Ate! Pahuhuli kong lahat – lahat ng magnanakaw, saka mandurukot, saka yung
nambabaril ng tao, saka – a basta lahat nng masama, pahuhulli ko sa pulis! (Habang nagsasallita si Boy ay
magtitinginan at magkakalabitan ang kanyang mga magulang.)

ROSA: Halilmbawa, BOY, e me nahuli kang magnanakaw. E, kunng suhulan ka?

BOY: Ano yung suhulan ka?

ROSA: Di suhol. Pabagsak. Lagay. Bibigyan ka ng maraming pera.

BOY: (mauunawaan; lalabi.) Hindi ko kukunin. Basta ibibilanggo ko’ng masasamang tao, tapos.

LIGAYA: Kahit na mga anak ng mga big shoot?

BOY: Miski na sino pa, Mommy!

ROSA: E, kung bigyan ka ng sanlaksa? O kaya sang milyong piso?

BOY: (Haharapin ang ina.) Ga’no ba karami yun ha, Mommy?

LIGAYA: Napakarami, anak, hindi mo kayang bilangin.

BOY: Kahit ‘sang milyon, Ate, ayoko rin. Kasi sabi ng Lola at ng Mommy masama raw yung masyadong
matakaw sap era, diba?

FIDEL: (Mangingiti nang lihim; si Rosa naman anng haharapin.) Ang prinsesa ko naman, anong ibig mong
trabaho paglaki mo?

ROSA: Titser s’yempre, paris ng Mama. Pero ayoko sa iskul na me lalaki.

FIDEL: At bakit naman?

ROSA: Kasi nakakatakot ang itsura ng ibang lalaki. Ang hahaba po ng buhok, ang kikipot po ng pantaloon.

LIGAYA: E, saan mo ibig magturo, anak, kung sakali?

ROSA: Sa isk’welahan ng mga babae, syempre. Saka ibig kong turuan, e mga bata.

BOY: Ayaw mong maging doctor, Ate? Bakit?


ROSA: Kasi natatakot ako sa dugo. Saka sa malalaking sugat.

MARTA: (Buhat sa loob; malakas) Rosa, Boy! Hindi na kayo bumalik?

ROSA: (Magugulantang.) Senga pala! Inutusan tayo ng Loloa! Kakain na raw.

LIGAYA: Sige, balik na kayo sa Lola. Sabihin n’yung patakpan muna kay Toyang ang pagkain.

FIDEL: Sabihin nyo sa Lolang malilligo lang ako sandal. Sige, lakad na kayo. (bago makatalikod ang magakapatid
ay biglang- bigla mamatay ang ilaw. Mapapasigaw ang dalawang bata. Maririnig din, buhat sa kusina, ang isang
“Ay”)

BOY: (Patakbong kakapit sa ama, hintakot.) Papa!…

ROSA: (Takot din.) Mama! Ang dilim!… natatakot ako!

FIDEL: (Magsisindi ng lighter. Huwag kayonng matakot, mga anak. (Kay Gay) Tamo, Gay, ba’t di ka mainis sa
buhay na ito. Ni walang abiso ay nag – blackout
“Makapaghihintay ang Amerika” ni Dionisio S. Salazar

Ang dulang aking nabasa ay ang “Makapaghihintay ang Amerika” ni Dionisio S. Salazar. Base sa aking
nabasa mangyaring dalawa ang aking perspektiba sa dulang ito. Una, nakapokus ang dulang ito sa mga
nangyayari sa lipunan kung gaano na katalamak ang mga krimen sa bansa, ang hindi makatarungang hustisya
sa gobyerno at ang hindi maayos na sistema ng bansa na nagiging sanhi ng kahirapan. Pangalawa, mayroon
isang linya sa dulang ito ang nakapukaw ng aking pansin ang mga salitang “Ang isang maysakit, gaanu man
kalubha ng karamdaman ay may pag-asang gumaling” dito naipahayag ng husto na kahit ang sakit ng isang
bansa ay makakayang maiahon ang lipunan kung magtutulungan ang bawat mamamayan. Kung mayroon
kooperasyon ang bawat isa ay maisasaayos ang bansa.

Ang pamagat nito ay angkop at wasto sapagkat naipakita sa dulang ito ang mga binipisyo na makukuha kung sa
Amerika magtratrabaho si Fidel, naipahayag din ang mga pupuwdeng mangyari kay Fidel sa Amerika. Ngunit,
may ibang bahagi sa pamagat nito ang hindi angkop dahil nakapokus ang dulang ito sa sakit ng lipunan na
nararanasan ng Pilipinas sa hindi makatuwirang pamamalakad ng mga politiko at hindi maayos na sistema ng
bansa.

Si Dionisio S. Salazar ay alagad ng Sining na tubong Nueva Ecija at hindi matatawaran ang kaniyang husay at
galing sa pagsulat ng mga nobela at dula. Marami na rin siyang natamong mga parangal sa Carlos Palanca,
National Balagtas at marami pang iba. Nakamit din ni Salazar ang unang gantimpala sa One- Act Play sa Filipino
noong 1968 ng kaniyang isinulat ang dulang “Makapaghihintay ang Amerika.” Naparangalan din siya bilang
Outstanding Filipino Awardee sa TOFIL noong 1994. Siya ay tunay na huwarang manunulat ng makabagong
panahon. Ang kaniyang mga dula ay isang obra maestrang maipagmamalaki nating lahat. Isa siyang premyado
at walang katulad ang husay na manunulat na dapat ipagmalaki sa lahat. Ang kaniyang mga isinulat ay dapat
tangkilikin sapagkat ito’y sariling atin.

BUOD

Sa bahay ng mga Cortez, sa Maynila ay makikita sa kanilang sala si Ligaya na nakasandal sa kanilang sofa at
bumabasa ng “pocketbook.” Isa siyang Propesor sa isang malaking pamantasan sa Maynila. Habang nagbabasa
ay maiinip siiya sa kahihintay sa byenan at mga anak na nanuod ng sine. Pagkaraan ng ilang minute ay
dumating na rin ang kaniyang byenan at mga anak. Ipinagmalaki ni Boy, ang kaniyang anak na lalaki ang
kanilang napanoud sa sine. Naipahayag din ni Marta, ang kaniyang byenan na mahusay na ang mga
gumaganap na artistang Pilipino ngayong panahon. Habang nagkukuwentuhan ay nabanggit ni Boy ang sinabi
sa kaniya ng kaniyang ama na si Fidel na kung gusto nitong pumunta sa Amerika.

Matapos ang kuwentuhan ay nagbihis ng pambahay ang mga anak ni Ligaya habang naiwan naman sa sala
ang magbyenan. Nagkuwentuhan sila tungkol sa pagbabalak ni Fidel na pumunta ng Amerika at ang mga
suliranin ng lipunan. Nag-isip sila ng paraan para sa darating na kaarawan ni Fidel bukas. Malungkot si Ligaya
dahil muling malalayo nanaman ang kaniyang asawa sa kaniyang piling kaya naman minabuti nan g
magbyenan na kausapin si Fidel sa balak nito. Napag-usapan din nila ang hindi patas na pagtalaga sa posisyon
sapagkat napili si Fidel sa isa sa mga itataas ang posisyon sa ospital. Ang pagbabalak ni Fidel na pumunta ng
Amerika ay labis na ipinag-aalala ni Ligaya dahil kakaiba ang uri ng pamumuhay ng mga tao doon at
panibagong buhay ang kanilang matatamasa kung doon magtratrabaho si Fidel. Naituon naman ang kanilang
usapan sa Amerika, kung anong klase ng pamumuhay mayroon sila at ang mga sawimpalad na mga dalagang
ina na bunga ng sinasabing makabagong kabihasnan. Ang katotohanang ang ating panahon ay henerasyon ng
panggagay, panghuhuwad, panloloko, krimen, pagsasamantala at iba pang mga sakit ng lipunan.

Dumating si Fidel na nakabarong Tagalog at masuyong hinagkan ang kabiyak nitong si Ligaya. Tinawag
naman ni Marta ang kaniyang mga apo upang magbigay galang sa kanilang kadarating pa lamang na ama.
Ikinumusta naman ni Fidel ang panonoud ng sine ng mga anak, aktibo naman itong ibinahagi ang kanilang
karanasan at napanood. Pagkatapos ay inalok naman ni Marta ang kaniyang mga apo upang magluto ng
hapunan. Naiwan ang mag-asawa sa sala. Sinabi naman ni Fidel na may naitalaga na bilang isang assistant
director sa ospital na kaniyang pinapasukan. Saka naman ipinilit uli ni Fidel ang kaniyang balak na pumunta ng
Amerika dahil mas giginhawa raw ang kanilang buhay sa Amerika kaysa sa Pilipinas. Hindi na masikmura ni
Fidel ang katiwaliang nagaganap sa bansa at ang kawalan ng hustisya.

Todo naman ang pagkumbinsi ni Ligaya na manatili na lamang sila sa Pilipinas hanggang sa may narinig
silang sumisigaw magnanakaw sa labas ng kanilang bahay hanggang sa may narinig silang putok ng baril.
Nagpapatunay ito sa mga sinabi ni Fidel na pasasaan ang kanilang buhay sa Pilipinas kung kabi-kabila ay may
krimeng nagaganap. Nang tinawag na sila ni Rosa, ang kanilang anak na babae upang maghapunan. Nabanggit
ni Boy na tuwing papasok na siya sa paaralan ay ihahatid at isusundo siya ng kaniyang ama naitanong ni Fidel
kung ano ang gustong maging ni Boy paglaki nito.

Matapos ang kumain ay naupo sa sofa si Fidel at nag-isip-isip tungkol sa mga nasabi ng kaniyang asawa at
ng kaniyang mga anak. Kinaumagahan ay lumabas ng bahay si Fidel upang ikuha ang kanilang dyaryo. Pagbalik
niya ay sinorpresa siya ng kaniyang pamilya. Masayang ibinigay ng kaniyang mga anak at ng kaniyang ina ang
kanilang regalo kay Fidel. Nakapagdesisyon na si Fidel na huwag nang pumunta ng Amerika at manirahan na
lamang sa Pilipinas. Masayang- masaya naman na ibinigay ni Ligaya ang kaniyang regalo kay Fidel sa
pamamagitan ng pagsabi nito na madaragdagan nanaman ang kanilang pamilya. Masaya namang naibigkas ni
Ligaya ang “Makapaghihintay ang Amerika.”

URI NG PANITIKAN

Ang nabasang teksto ay isang uri ng dula. Ang dula ay isang uri ng panitikan na pinakalayunin nito ay
maitanghal sa isang tanghalan, nahahati ito ilang yugto na maraming tagpo. Ang tagpo ay ang paglabas-masok
ng mga tauhan sa tanghalan. Ang yugto naman ay ang bahaging pinanghahati sa dula. Inilalahad ang tabing sa
bawat yugto upang makapagpahinga ang mga natatanghal gayon din ang mga manonood.

Ang patunay na isang uri ng dula ang “Makapaghihintay ang Amerika” ay sapagkat mayroon itong Simula,
Gitna at Wakas. Na kung saan sa Simula ay mayroon tagpuan at ipinakilala ang mga tauhan sa kuwento. Sa
Gitna naman ay ipinakita ang tunggalian na kung saan ipinahayag ang pagbabalak na manirahan ni Fidel sa
Amerika. Sa Wakas ay mayroon itong kakalasan at kalutasan na kung saan ay napagdesisyonan ni Fidel na
manatili na lamang sa Pilipinas. Isa pang patunay ay mayroon itong tagpuan, sa bahay ng mga Cortez, sa
Maynila at mayroon din itong diyalogo.

Ang espesipikong uri nito ay ang Melodrama sapagkat kasiya-siya ang wakas nito dahil napagdesisyonan ni
Fidel na manatili na lamang sa Pilipinas bagama’t may mga malulungkot na bahagi ito. Maaari rin itong Saynete
dahil karaniwang ugali ang paksa nito tungkol sa sakit ng lipunan na nararanasan ng Pilipinas sa kasalukuyan.
At pupuwede rin itong Parodia sapagkat tumutukoy ito sa tunay na buhay. Ang mga Teoryang Pampanitikan na
nagamit sa dulang ito ay ang Humanismo dahil nabigyang pansin ang mga saloobin ng bawat tauhan sa
kuwento. Ipinakita rin kung gaano katalino at may mabuting hangarin ang mga ito. Ang Peminismo dahil
ipinakita sa dula ang mga gawain ng isang babae sa isang tahanan. Isa rin itong Teoryang Sosyolohikal dahil
inilahad dito ang mga suliranin ng lipunan. Ang Teoryang Eksistensyalismo dahil malayang nailalahad ng bawat
tauhan ang kanilang opinyon tungkol sa mga nangyayari sa bansa. At ang Teoryang Realismo sapagkat ipinakita
rito ang mga karanasan ng may-akda patungkol sa lipunang kaniyang ginagalawan. Samakatuwid, ang dula ay
hango sa totoong buhay.
Base sa mga patunay sa itaas ay maituturing na isang dula ang “Makapaghihintay ang Amerika” ni Dionisio S.
Salazar.

ESTILO

Ang estilo ng pagkakasulat ng banghay sa kuwento ay mayroon kronolohikal na pagkakasunod-sunod dahil ang
paksa nito ay tungkol sa tao na mayroon mahahalagang impormasyon at pangyayari na nagaganap sa kanilang
paligid. Nagsimula ang dula sa pag-uusap nina Ligaya at ng kaniyang byenan na si Marta tungkol sa pagbabalak
ni Fidel na pumunta ng Amerika. Napag-usapan din nila ang mga bagay-bagay na nangyayari sa loob ng bansa,
kung gaano na katalamak ang mga krimeng nagaganap at ang hindi patas na pagtalaga sa posisyon. At sa
pagdating ni Fidel ay ito ang naging sanhi upang mag-usap ang mag-asawa ng masinsinan at magkasagutan.

Kapansin-pansin din na ang dula ay nakapokus lamang sa pag-uusap ng mga tauhan tungkol sa suliranin ng
bansa at ang kaganapan sa Amerika. Kakaiba ang naging paraan ng pagsulat ng banghay ni G. Salazar sapagkat
ang atensyon ng tema nito ay tungkol sa lipunan.

Nagsimula ang dula sa pagbukas ng tabing at makikita sa tanghalan si Ligaya na nagbabasa ng isang
“pocketbook” at hinihintay ang kaniyang pamilya na umuwi. Malungkot at puno ng aalalahin ang mukha ni
Ligaya. Nagtapos naman ito sa pagdedesisyon ni Fidel na naging sanhi upang maging masaya si Ligaya.

You might also like