Q 2 - Summative Test - AP 8

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 11

SUMMATIVE TEST

ARALING PANLIPUNAN 8
MELCs ALIGNED
QUARTER 1
IV. Basahin at unawain mong mabuti ang bawat pahayag. Piliin mo ang titik ng tamang sagot at isulat
ito sa iyong sagutang papel. (20 puntos )
1. Ito ang tawag ng mga Greek sa kanilang sarili.
A. Hellas B. Hellenes C. Hellenic D. Polis
2. Dagat na matatagpuan sa silangang bahagi nito Greece.
A. Aegean B. Ionian C. Mediterranean D. Red
3. Ito tawag sa gitnang bahagi ng lungsod–estado na isang bukas na lugar kung saan
maaring magtinda o magtipon – tipon ang mga tao sa Greece.
A. Acropolis B. Agora C. Burol D. Polis
4. Sila ang pangkat ng tao na nagturo sa mga Greek sa paggamit ng barya sa
pakikipagkalakalan.
A. Lydian B. Phoenician C. Romano D. Sumerian
5. Sa anong rehiyon sa sinaunaang Greece nanirahan ang mga Athenian?
A. Attica B. Crete C. Mt. Olympus D.Peloponnesus
6. Sa lipunang Spartan, sa anong edad inaasahang papasok sa kampo-militar ang isang
lalaki?
A. 60 B. 30 C. 20 D. 7

V. Piliin kung Athens o Sparta ang tinutukoy sa bawat pangungusap. Isulat ang tamang sagot sa
iyong sagutang papel.
7. Ang mga kababaihan ay hindi nabigyan ng pagkamamamayan at hindi maaaring
makibahagi sa pamahalaan.
8. Buo ang paghubog sa kakayahan ng mga mag – aaral at hindi lamang ang kaisipan
ang nililinang nito kundi pati na ang lakas ng katawan.
9. Ang responsable sa pagkakaroon ng pinakamahusay na sandatahang lakas
sa buong daigdig.
10. Ang mga lalaki ay pinag – aaral sa mga pribadong paaralan kung saan sila ay
natuto ng pagbabasa, matematika, musika at mga obra ni Homer na Iliad at Odyssey.

VI. Hanapin sa Hanay B ang tinutukoy na pangyayari ng mga labanang nasa Hanay A. Isulat mo ang
titiik ng tamang sagot sa iyong sagutang papel.
VII. Basahin at unawain mong mabuti ang bawat pahayag. Piliin mo ang titik ng tamang sagot at
isulat ito sa iyong sagutang papel.
14. Ang sinaunang Greece ay binubuo ng iba’t-ibang polis o lungsod-estado na
karaniwan ay pinamumunuan ng isang hari. Alin sa mga pagpipilian ang naging
dahilan nang pagkakatatag ng hiwa-hiwalay na lungsod-estado?
A. Iba’t ba ang pinagmulan ng mga sinaunang mamamayan ng Greece.
B. Iba’t-iba ang kulturang nabuo sa Greece kaya iba’t-ibang kabihasnan ang
umusbong dito.
C. Ang Greece ay nasa Timog na dulo ng Balkan Peninsula sa Silangan ng
Europe na isang mabundok na lugar.
D. Mahaba ang mga daungan ng Greece kaya nagkaroon ng maraming
mangangalakal sa bawat lungsod-estado.

15. Bakit mahalaga ang pakikipagkalakalan para sa mga Greek?


A. Naging dahilan ito ng digmaang sa pagitan ng Athens at Sparta
B. Nagbigay-daan ito upang makapanakop sila ng mga lupain/teritoryo.
C. Natutuhan ng mga Greek ang mga bagong ideya at teknik mula sa ibang pangkat
ng tao.
D. Ito ang naging dahilan kung bakit umusbong ang magkakahiwalay at nagsasariling
lungsod-estado

16. Ang mga polis sa sinaunang Greece ay inilalarawan bilang malaya at may sariling
pamahalaan at ang pamumuhay ng mga tao rito ay nakasentro sa isang lungsod kung
saan ang lehitimong mamamayan nito ay nagtataglay ng mga karapatan. Alin sa mga
pagpipilian ang HINDI kabilang?
A. Karapatang magkaroon ng ari-arian
B. Karapatang ipagtanggol ang sarili sa mga korte.
C. Karapatang bumoto at humawak ng posisyon sa pamahalaan
D. Karapatan sa edukasyon para sa lahat ng naninirahan sa Greece

17. Bakit naging estadong militar ang Sparta?


A. Para lalo pang umunlad ang kanilang kabuhayan.
B. Ang makapanakop ng mga lupain ang naging dahilan nito.
C. Upang tanghalin na pinakamapangyarihang lungsod – estado ng Greece.
D. Binigyang – halaga ng Sparta ang pagkakaroon ng malalakas at magagaling na
sundalo upang mapigilan ang pag – aalsa ng mga helot

18. Alin sa mga talata sa ibaba ang HINDI totoo sa paglalarawan ng edukasyon sa
Athens?
A. Ang mga lalaki ay pinag – aaral sa mga pribadong paaralan kung saan sila ay
natuto ng pagbabasa, matematika, musika at mga obra ni Homer na Iliad at
Odyssey.
B. Tanging ang mga anak ng mga mamamayang Athenian ang nakapag – aaral.
C. Kakaunti lamang ang mga kababihan ang nakakapag-aral at ang iba ay natututo
na lamang sa bahay.
D. Ang palakasan ay bahagi ng kanilang pag – aaral. Sa edad na 16 taong gulang,
ang mga lalaki ay nagsasanay sa militar ng 2 taon.

19. Ang Peloponessian War ay labanan sa pagitan ng Delian League sa pangunguna ng


Athens at Peloponessian League ng Sparta. Ano ang naging implikasyon nito sa Greece?
A. Nagwagi ang Sparta at nagkaroon ng kapayapaan sa buong Greece.
B. Nagpatuloy at umunlad ang pakikipagkalakalan sa mga karatig lugar.
C. Nahati ang Greece sa maraming magkakaribal na polis at kalaunan’y naging
bahagi ng Imperyong Macedonia.
D. Bumuo ng kani-kaniyang liga ang ibang polis upang maprotektahan sila sa
panibagong pananakop o kaguluhan.

20. Ang Demokrasya ay literal na nangangahulugang “people government” na kumikilala sa pantay


na karapatan at kalayaan ng bawat mamamayan sa bansang kanyang kinabibilangan. Sa
kasalukuyang panahon, paano itinataguyod ng mga bansang demokratiko ang kabuluhan nito.
A. Ang mga mamamayan ay maaaring bumoto, tumakbo bilang kandidato at maluklok sa posisyon.
B. Ang mga mamamayan ay may karapatang bumuo ng samahan at malayang magpahayag ng
saloobin.
C. Ang pamahalaan ay bubuo ng organisasyon upang manmanan ang gawain ng mga taong
kumakalaban dito.
D. Tama ang A at B
E. Tama ang A at C

VIII. Basahin at unawain mabuti ang bawat katanungan. Piliin ang titik ng tamang sagot at isulat ito sa
sagutang papel. (15 puntos)
1. Ang bansang ito ay maihahalintulad ang hugis o anyo sa isang bota.
A. England B. France C. Greece D. Italy

2. Ang mga sumusunod ay paglalarawan sa heograpiya ng Rome MALIBAN sa isa.


A. Matatagpuan ang Rome sa gitna ng Italy.
B. Iniuugnay ng Tiber River ang Rome sa Mediterranean Sea.
C. Sagana ang kapatagan sa Rome.
D. Isang tangway na nakausli sa Mediterranean Sea.

3. Ang uri ng pamahalaang ipinalit ni Lucius Junius Brutus matapos na maitaboy ang
huling haring Etruscan.
A. Diktaturya B. Monarkiya C. Republika D. Tribune
4. Tinaguriang lakas ng imperyo ang mga plebeian dahil_________________.
A. Sila ang tagapaglingkod ng mga patrician.
B. Sila ang nagbabayad ng buwis.
C. Sila ang naglilingkod bilang mga sundalo at tagagawa sa mga proyektong imprastruktura
D. Tama ang B at C

5. Karaniwang mga kriminal, alipin o bihag na nakikipaglaban sa isa’t isa o laban sa isang
mabangis na hayop.
A. Consul B. Gladiator C. Patrician D. Plebeian
6. Ang ampitheter na matatagpuan sa Rome na ginawa para sa mga labanan ng mga
gladiator.
A. Basilica B. Colosseum C. Forum D. Pantheon

7. Bakit mahalaga ang pagkakaroon ng nakasulat na batas (Twelve Tables) para sa mga
plebeian?
A. Sa bisa nito, napahintulutan ang mga plebeian na mahalal bilang konsul at maging
kasapi ng Senado.
B. Sa pamamagitan nito, itinanghal na pinakamakapangyarihang pangkat ang mga
plebeian.
C. Ito ang nagbigay ng proteksyon sa mga plebeian laban sa mga hindi
makatarungang pasya ng mga patrician laban sa kanila.
D. Tama ang A at C

8. Ito ang digmaang naganap sa pagitan ng Carthage at Rome mula 263 – 146 BCE. Sa
digmaang ito, napagpasyahan kung sino ang mamumuno sa Mediterranean.
A. Cheronea
B. Peloponnesian
C. Persian
D. Punic
9. Alin sa mga sumusunod ang pangunahing dahilan ng pag – usbong ng Rome bilang
pinakamakapangyarihan sa Mediterranean?
A. Naging maunlad ang ekonomiya ng Rome.
B. Nakipag – alyansa ang Rome sa Greece.
C. Pinaunlad ng Rome ang kulturang Greek.
D. Natalo at nasakop ng Rome ang malalakas na kabihasnan sa Mediterranean tulad
ng Carthage at Greece.

10. Ang mga sumusunod ay mga negatibong epekto ng paglawak ng kapangyarihan ng


Rome MALIBAN sa isa. Alin ito?
A. Pagbaba ng moralidad ng mga tao at pamahalaan.
B. Paglala ng katiwalian sa pamahalaan dulot ng monopolyo ng kapangyarihan ng
Senate.
C. Higit na paglaki ng agwat sa pagitan ng mayayaman at mahihirap.
D. Pag – unlad ng Rome sa iba’t ibang larangan.

11. Piliin ang HINDI kabilang sa First Triumvirate.


A. Julius Caesar
B. Marcus Licinius Crassus
C. Octavian
D. Pompey

12. Ang Labanan sa Actium na naganap sa Actium, Greece noong 31 BCE ay ang labanan
sa pagitan nina Octavian at pinagsanib na pwersa nina Mark Antony at Cleopatra. Bakit
mahalaga ang labanang ito sa kasaysayan ng Rome?
A. Lalong tumatag ang Roman Republic.
B. Naipaghiganti ni Octavian ang kanyang kapatid na si Octavia.
C. Nasakop at naging lalawigan ng Rome ang Egypt.
D. Naging hudyat ito ng pagbagsak ng Republika, nagbigay-daan sa pagkakatatag ng
imperyo at pagkahirang kay Octavian bilang emperador.

13. Inilatag ni Augustus Caesar ang isang panahon ng katahimikan sa Imperyong Romano
na tinawag na Pax Romana. Sa panahong ito, naganap ang mga sumusunod MALIBAN
sa isa. Alin ito?
A. Umunlad ang panitikan.
B. Umunlad ang kalakalan sa loob ng imperyo.
C. Nagkaroon ng masaganang kalakalan sa pagitan ng Imperyong Romano at mga
bansa sa Asya gaya ng China at India.
D. Sumalakay ang mga barbaro sa mga lugar na sakop ng Imperyong Romano.

14. Ang mga Romano ay kinilala bilang pinakadakilang mambabatas sa sinaunang


panahon na naging pamantayan ng mga sumunod pang panahon. Paano mo
mailalarawan ang katangian ng isang natatanging batas?
A. Kinikilala ng batas ang pantay na karapatan ng bawat indibidwal.
B. Higit na pinoprotektahan ang karapatan ng kabataan at kababaihan
C. Kinikilala ang karapatan at pribilehiyo ng mga kalalakihan sa pamumuno sa kanilang
bansa.
D. Binibigyan ng oportunidad ang dayuhan na nanirahan at linangin ang likas yaman na
mayroon ang Pilipinas.

15. Ang pagkakaroon ng mahusay na pinuno ay isang mahalagang sangkap sa pag – unlad
ng isang bayan / lungsod. Kung ikaw ay may posisyon sa pamahalaan, alin sa mga
sumusunod ang dapat na isulong mo para sa kapakanan ng iyong mga kababayan?
A. Pagbibigay ng mga scholarship programs sa mga mag – aaral na hikahos sa buhay.
B. Paglikha ng mga trabaho para mabawasan ang mga walang hanapbuhay.
C. Paggawa ng mga kongkretong solusyon para malutas ang problema COVID-19.
D. Tama ang lahat ng nabanggit.

IX. Basahin at suriin mong mabuti ang bawat pahayag. Isulat mo sa iyong sagutang papel ang
tinutukoy sa bawat bilang. (5 puntos)
1. Ito ang sentro ng pamayanan sa Polynesia
2. Siya ang Spanish conquistador na nagpabagsak sa imperyong Inca.
3. Mga pinunong Mayan na tinawag na "tunay na lalaki"
4. Pangkat na nakatulong sa pagpapalaganap ng Islam sa Kanlurang Africa
5. Lugar sa disyerto na may matabang lupa at tubig

X. Basahin at suriin mong mabuti ang bawat pahayag. Isulat mo ang TITIK ng tamang sagot sa iyong
sagutang papel. (5 puntos)
1. Ang kabihasnang Maya at Aztec ay umusbong sa rehiyon ng Mesoamerica
samantalang ang kabihasnang Inca ay umusbong sa _________.
A. Timog Amerika C. Mesoamerica
B. Hilagang Amerika D. Yucatan Peninsula

2. Alin sa mga sumusunod ang HINDI tumutukoy sa Kalakalang Trans – Sahara?


A. Lumaganap ang Islam sa Africa.
B. Ito ang masaganang kalakalan na umunlad sa pagitan ng Hilagang Africa
at Kanlurang Sudan.
C. Tinawid ng mga nomadikong mangangalakal ang Sahara sa pamamagitan ng
caravan.
D. Nakarating sa Europe at iba pang bahagi ng Asya ang mga produktong African.

3. Aling pahayag ang maaaring magpaliwanag kung paano naging makapangyarihan


ang mga imperyo ng Ghana, Mali at Songhai?
A. Nagsilbing natural na proteksiyon ng imperyo ang malawak na disyerto ng
Sahara.
B. Napalilibutan ito ng mga anyong – tubig na nagbigay – daan sa pag – unlad ng
pagsasaka.
C. Nakatulong ang kanilang lokasyon upang mapanatili ang kalayaan at
kaligtasan mula sa banta ng mga mananakop.
D. Nagsilbi silang tagapamagitan ng kalakalan ng ginto, asin at iba pang produkto
sa pagitan ng kaloob – loobang bahagi ng Africa at ng mga Arab sa Sahara.

4. Alin ang naglalarawan sa sinaunang kabuhayan ng mga tao sa mga pulo ng


Pacific?
A. Ang sinaunang relihiyon ng mga tao sa mga pulo ng Pacific ay animismo.
B. Ang mga sinaunang pamayanan sa mga isla ay matatagpuan sa mga lawa o
dagat – dagatan.
C. Ang pangunahing kabuhayan ng mga tao sa mga pulo ng Pacific ay
pagsasaka at pangingisda.
D. Ang mga sinaunang mamamayan ng mga pulo ng Pacific ay naniniwala sa
banal na kapangyarihan o mana.

5. Ang Imperyong Mali ang pinakamalaki at pinakamakapangyarihan sa buong


Kanlurang Sudan. Isa sa mga naging pinuno nito ay si Mansa Musa. Bakit naging
tanyag si Mansa Musa?
A. Nakilala si Mansa Musa dahil sa pagpapahalagang ibinigay niya sa
karunungan.
B. Lalo pang lumawak ang teritoryo ng imperyo sa panahon ng kanyang
panunungkulan.
C. Pinalaganap niya ang Kristiyanismo sa buong imperyo ng Mali.
D. A at B

XI. Para sa aytem bilang 1-5: Magbalik tanaw sa pinakamahahalagang tao na nagiwan ng hindi
matatawarang kontribusyon sa pag-unlad ng kabihasnan sa daigdig. Punan ng tamang sagot ang
bawat pahayag. Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel ( 5 puntos )
1. Si Plato ang may akda sa “The Republic,“ isang talakayan tungkol sa katangi-tanging
polis at ang uri ng pamahalaan na makapagbibigay ng kaligayahan sa mga
mamamayan nito. Si_____naman nakilala sa kanyang paraan ng pagtatanong na kilala
sa tawag na Socratic Method. Sa paraang ito, natutong mag-isip nang malalim at
magsuri ang mag-aaral bago niya sagutin ang anumang tanong at tanggapin ang
alinmang kaisipan at paniniwala. Ayon sa kaniya, mahalaga na kilalanin mo ang iyong
sarili (know thyself).

2. Si Pythagoras ay nagpaunlad sa prinsipyo sa Geometry na taglay ang kanyang


pangalan, ang Pythagorean theorem. Samantalang si _____ ipinaliwanag niya ang
pag–angat ng mabibigat na bagay sa pamamagitan ng pingga. Sa kanyang “Principle,”
ipinaliwanag niya kung paano nalalaman ang tiyak na bigat ng isang bagay kumpara sa
tubig.

3. Si Herophilus ay tinaguriang “Ama ng Anatomy.” Si ______ay tinaguriang “Ama ng


Medisina.”

4. Si Myron ay nakilala sa kanyang iskultura na Discobolus o Discus Throw. Si


______naman ay nakilala sa kanyang likhang sining na Estatwa ni Athena sa
Parthenon at ni Zeus sa Olympia.
5. Si Chares ay nakilala sa kanyang likhang sining na Colossus of Rhodes. Si ______ ay
nakilala sa pagiging mahusay na arkitekto sa paggawa ng Parthenon,
pinakamahalagang templo sa Greece na laan kay Athena, ang diyosa ng karunungan
at patrona ng Athens.

XII. agbalik tanaw sa mga pinakamahahalagang ambag ng iba’tibang kabihasnan klasikal. Punan ng
tamang sagot ang bawat pahayag.Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel. (5 puntos)
6. Ang mga Minoan ay nakilala sa larangan ng pagpipinta sa mga dingding na isisagawa
sa mga sariwang iilalagay o basa na plaster. Ito ay tinatawag na _______

7. Ang mga Minoan ang unang nakagawa ng ______ sa buong daigdig kung saan
nagsasagawa ng mga labanan sa boksing.

8. Isang kaisipang pampulitika na nagmula sa mga Griyego. Ito ay ang _____na kung
saan ang kapangyarihan ay nagmumula sa mga mamamayan. Ang nakapangyayari sa
loob ng estado ay ang mga mamamayan hindi lamang ang iilan o isang tao lamang...

9. Ang pinakamahalagang templo sa Greece na laan kay Athena, ang diyosa ng


karunungan at patrona ng Athens. Ito ay ang _______

10. Isa itong bukas na teatro (ampitheater) na disenyong Griyego ang mga kolumna. Ito ay
ipinatayo sa panahon ng flavian emperor ng Roma. Ang arkitekto nito ay si
Vespacian.Dito ginaganap noon ang labanan ng mga gladiator. Ito ay ang _____

11. Kinikilalang pinakamagandang modelo ng hugis ng babae na likhang sining ni.


Alexandros of Antioch. Ang pangalang ibinigay sa estatwang ito ay __________

12. Palaro na namana natin sa mga griyego na hanggang ngayon ay ginaganap pa rin ng
mga bansa sa daigdig.Ito ay ang ______

13. Ang floating garden sa gitna ng lawa ay isang pamana mula sa Mesoamerica.
Ginagamit pa rin ito hanggang sa kasalukuyan sa rehiyon ng Xochimilco sa Mexico.
Ang tawag dito ay _______.

14. Sa kaharian ng Axum sa Africa, may mga _______ o haliging batong may disenyo na
itinayo bilang pananda ng libingan ng mga namatay na hari. Ito ay itinayo upang
parangalan ang kadakilaan ng isang pinuno.

15. Pamana ng mga Romano sa larangan ng pagbabatas. Tinawag itong ________.


XIII. Basahin at unawain ang Gawain. ISULAT ANG SAGOT SA IYONG SAGUTANG PAPEL.
Basahin at suriin mong mabuti ang bawat pahayag. Alamin ang tinutukoy sa bawat bilang.
1. Siya ang tinaguriang “Emperor of the Holy Roman Empire”
2. Ito ang sistemang politikal, sosyo – ekonomiko at militar na nakabase sa
pagmamay-ari ng lupa.
3. Anak ni Charlemagne na humalili sa kanya noong 814 CE.
4. Isang seremonya kung saan inilalagay ng vassal ang kaniyang kamay sa pagitan
ng mga kamay ng lord.
5. Seremonya kung saan binibigyan ng lord ang vassal ng fief.
6. Mga matatapang at malalakas na kalalakihan na nagkusang loob na maglingkod
sa mga hari at sa mga may – ari ng lupa.
7. Taong hindi namamana ang kanilang posisyon dahil hindi sila maaaring mag –
asawa.
8. Ito ang bumubuo ng masa ng tao noong Panahong Medieval.
9. Sentrong pangkabuhayan na pinamumunuan ng panginoong nakatira sa kastilyo.
10. Ang tanging institusyong hindi pinakialaman ng mga barbaro, ang nangalaga sa
pangangailangan ng mga tao.

XIV. Basahin at suriin mong mabuti ang bawat pahayag. Alamin sa mga pagpipilian ang tamang
sagot
1. Alin sa mga sumusunog ang HINDI kasali sa hirarkiya ng simbahang katoliko?
A. Kardinal B. Mga Kabalyero C. Obispo D. Papa
2. Ang monghe ay binubuo ng isang pangkat ng mga pari na tumalikod sa
makamundong pamumuhay at nanirahan sa mga monasteryo upang mamuhay sa
panalangin at sariling disiplina. Alin sa mga sumusunod ang gawain nila?
A. Nangalaga sa mga maysakit at kumupkop sa mga taong nais makaligtas sa
kanilang mga kaaway.
B. Ang pagpapalaganap ng Kristiyanismo sa utos ng Papa sa iba – ibang dako ng
Kanlurang Europe.
C. Gumawa sila ng mga kopya ng mga mahahalagang aklat.
D. Tama ang lahat ng nabanggit.

3. Ang Krusada ay isang ekspedisyong militar na inilunsad ng Kristiyanong Europeo


dahil sa panawagan ni Pope Urban II noong 1095. Ito ay isang banal na labanan
ng mga relihiyosong Europeo laban sa mga Turkong Muslim na sumakop sa banal
na pook sa Jerusalem. Alin sa mga ito ang HINDI resulta ng Krusada?
A. Nabigo ang mga Krusada na makamit ang pangunahing layunin na bawiin ang
Jerusalem at sirain o talunin ang Islam.
B. Nanalo ang Krusada na makamit ang kanilang layunin laban sa mga Islam.
C. Ang mga Krusada ay nagdulot ng panibagong sigla sa paghahanap ng mga
bagong ruta ng kalakalan at pag – usbong ng mga bayang pangkomersyo
gaya ng Venice.
D. Tama ang C.

4. Alin sa mga Pinuno ng Simbahan ang nagbigay diin sa Pectrine Doctrine na ang
doktrinang nagsasabing ang Obispo ng Rome, bilang tagapagmana ni San Pedro,
ang tunay na pinuno ng Kristiyanismo.
A. Constantine the Great C. Papa Gregory I
B. Papa Leo the Great D. Papa Gregory VII

5. Alin sa mga sumusuond na pangungusap ang naglalarawan sa Epekto at


kahalagahan ng Pyudalismo?
A. Mahina ang kapangyarihan ng hari.
B. Yumaman at naging makapangyarihan ang mga maharlikang may-ari ng
lupain.
C. Nakatulong ang piyudalismo sa Europe sa pagpapanatili ng katahimikan at
kaayusan ng lipunan noong panahon ng kaguluhan.
D. Napag –isa ng mga kasunduang pyudal ang mga panginoon ng lupa at
kabalyero sa pagtatanggol sa kanilang lupain.
E. Tama ang lahat ng nabanggit.

XV. TAMA O MALI: Suriin mong mabuti ang bawat pangungusap. Piliin ang TAMA kung tama ang
pangungusap at MALI naman kung mali ang pangungusap.
1. Ang Piyudalismo sa Gitnang Panahon ay nag-ugat sa paghahati-hati ng Banal
na Imperyo ni Charlemagne batay sa Kasunduan sa Verdun.

2. Magagaling ang naging tagapagmana ni Charlemagne kya ang mga opisyal ng


pamahalaan at may-ari ng lupa ay nagbuklod-buklod.

3. Ang mga Pari ay namamana nila ang kanilang posisyon at nakakapag-asawa.


4. Ang Krusada ay isang banal na labanan ng mga relihiyosong Europeo laban sa
mga Turkong Muslim na sumakop sa banal na pook sa Jerusalem.

5. Nakatulong ang piyudalismo sa Europe sa pagpapanatili ng katahimikan at


kaayusan ng lipunan noong panahon ng kaguluhan.

Prepared By:

Belinda Marjorie L. Pelayo


Araling Panlipunan Coordinator
Panipuan High School
SDO-City of San Fernando, Pampanga

You might also like