Ang Punla Ni Jerico

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 7

Ang Punla At Si Jerico

“J-e-e-r-r-e-e-c-c-h-h-o-o! Tanghali na, bakit tulog ka pa rin?” Sigaw ni

Aling Belen sa anak nitong si Ikoy. “Iyan kasi palagi ka na lamang

nagpupuyat sa kakalaro ng Cellphone mo. Ilang beses ko pa bang dapat

ipaalala na ang Cellphone na iyan ay para lamang sa pag-aaral mo. At

natoto ka na rin makipagsabayan doon sa mga bata sa kanto. Ang bata-

bata mo pa mga online games na ang pinag-aaralan mo! Hindi ka pa

nagpapaalam tuwing aalis ka ng bahay,” dagdag pa ng galit nitong ina.

“Bumangon ka na riyan at tulungan ang iyong amang magtanim ng mga

Lansones sa ating bakuran,” huling sambit ni Aling Belen.

Agad namang pumunta si Ikoy sa kanilang bakuran at hinanap ang

kaniyang Ama. Minasdan ng siyam na taong gulang na bata ang

kaniyang ama kung paano nito itinatanim ang punong lansones.


“Ikoy! Halika rito anak at pumili ka ng isang puno at itanim. Aatasan

kitang alagaan mo ito at nang lumaking malusog at matatag upang

magbunga ng sagana,” payo ni Mang Ariel sa kaniyang anak na si Ikoy.

Mabilis na naghukay si Ikoy at itinanim ang punlang kinuha niya.

Pero mabilis ulit itong umalis na hindi nagpapaalam upang puntahan

ang kaniyang mga kaibigan para maglaro ng paborito nilang laro sa

cellphone. Hindi pa nga ito nagsisipilyo, kumain ng umagahan at naligo.

Tanghali o hapon ulit itong uuwing gutom, madungis at mabaho na

ikagagalit na naman ng kaniyang pagod na ina.

Pagkasunod na umaga ay nagising ulit si Ikoy sa kaparehong

dahilan, ang malakas na sigaw ng kaniyang Ina. Mabilis itong bumangon

at naghilamos. Pagkatapos ay napansin ni Ikoy ang kaniyang tanim na

lansones. Kaya mabilis siyang tumakbo palabas ng kanilang bahay

upang tingnan ito. Pero, bigla siyang nalungkot sa kaniyang nakita.


“Oh anak mabuti at hindi ka umalis. Pero bakit bigla kang nalungkot?”

Tanong ng kaniyang ina habang dala-dala ang gatas at tinapay na

inihanda nito para sa umagahan ni Jerico.

“Tingnan mo Mama ang tanim kong Lansones, tinumba ng alaga nating

mga manok kaya nalanta,” malungkot na sumbong nito sa kaniyang ina.

“Iyan kasi hindi mo nilagyan ng bakod, ni hindi mo nga ito diniligan

bago ka umalis kahapon,” paalala ng kaniyang ina. “Pero hayaan mo

anak babawi si Mama, tutulungan kitang lagyan ng bakod ang mga ito

at talian natin upang hindi na muling matumba. Kumain ka muna ng

tinapay kong dala at uminom ng mainit na gatas.” Pagpatahan ni Aling

Belen sa kaniyang anak habang hinahaplos ang likod nito.

Pagkatapos nga kumain ni Jericho ay kumuha ito ng pantali

habang ang kaniyang ina naman ay kumuha ng mga kahoy na

pambakod. Magkasama nilang inayos ang pagkatayo ng puno ng

Lansones. Nilagyan ng bakod at tinalian ito upang hindi na muling

matumba’t masira ng kanilang mga alagang manok. Masayang diniligan


ni Jericho ang kaniyang Lansones na tanim habang niligpit naman ni

Aling Belen ang kaniyang pinagkainan. Ngunit pagbalik ni Aling Belen ay

wala na naman ang anak nito at hindi na rin mahanap sa kanilang

bahay.Hindi talaga natototo si Jerecho at nawawalan na rin ng pag-asa

ang kaniyang mga magulang. Hindi nila alam kung anong pagtuturo pa

ang kanilang gagawin upang magbago lamang ito.

Pagkasunod na umaga, isang malakas na sigaw ulit ang binitawan

ng kaniyang ina ang gumising sa napakahimbing na tulog ni Jerecho.

“J-e-r-e-c-h-o! Tinanghali ka na naman! Araw-araw na lang ba tayong

ganito? Hindi ka pa ba napapagod at nagsasawa anak ko? Hindi ko na

talaga alam ang gagawin ko sa’yo Ikoy. At dahil matigas ang ulo mo,

hindi ka maaaring umalis ng bahay ngayon at ibibigay mo rin sa akin ang

iyong Cellphone,” galit na pagsabi ni Aling Belen sa kakagising pa

lamang na si Ikoy. Bumangon naman ito’t nagsipilyo. Malungkot na

binuksan ang kanilang bintana at habang naghihilamos ito ay bigla

niyang nakita ang tanim nitong Lansones. Maayos na ito at malago.


Hindi nga muling nasira ng alaga nilang mga manok. Naging mas luntian

na ang dahon at naging mas matatag na ang pagkatayo dahil sa

pagkatali nito at sa bakod na nakapaligid dito.

Agad na pinuntahan ni Jericho ang kaniyang tanim na Lansones.

Hanggang tainga ang kaniyang ngiti. Ngunit habang minamasdan nito

ang kaniyang tanim ay bigla na lamang niyang naalala ang mga

paghihigpit at pagbabawal na ginagawa ng kaniyang mga magulang sa

kaniya. Napaisip ito kung bakit nila ito ginagawa. Bakit marami silang

ipinagbawal. Bawal magpuyat sa paglalaro ng cellphone, bawal umalis

na hindi nagpapaalam, bawal magsinungaling, bawal makipag-away sa

paaralan at marami pang iba. Marami pa silang mga utos at paalala:

matotong pangalagaan ang sarili, kumain ng masusustansiyang mga

pagkain kagaya ng prutas at gulay, panatilihing malinis ang katawan,

mag-aral ng mabuti at iba pa. Ang mga ito ay parang mga bakod at tali

rin na tutulong sa kaniya upang lumago at tatatag na kagaya ng

kaniyang tanim na lansones. Mabilis na tumakbo si Jerecho papasok sa


kanilang bahay. Agad nitong hinanap ang kaniyang Ama at Ina. Niyakap

ng mahigpit ang mga ito at nagpasalamat.

“Alam ko na mahal na mahal ninyo talaga ako Mama at Papa,” sambit

ni Jerecho sa kaniyang mga magulang habang kayakap pa ang mga ito.

“Salamat anak. Basta lagi mong tandaan ang mga paalala namin ni

Mama ha,” sagot naman ng kaniyang Ama.

“Oo Pa, ngayon nauunawaan ko na kung bakit ninyo ginagawa ang lahat

ng mga ito. Dahil gusto ninyong mapabuti ako at lumaking matatag

upang makamit ko ang aking mga pangarap.” Kumalas ito sa

pagkayakap sabay lagay ng kaliwang kamay sa baywang at pagtaas ng

kanang kamay na tila siya ang paborito nitong superhero na si

Superman.

Simula noon ay naging mabuting anak na si Jerecho sa kaniyang

mga magulang. Naging mas masunurin na ito sa mga payo at utos nila.

Natutulog na siya at gumigising ng maaga. Kumakain na ng

masusustansyang pagkain. Naging malinis na rin siya sa kaniyang


pangangatawan. At nagpapaalam na rin siya kapag umaalis ng bahay.

Hindi naglaon ay lumaking matatag ang batang si Jerecho at tuluyan

nga niyang naabot ang kaniyang pangarap na maging isang magaling

Doktor.

You might also like