Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

PAG-UULAT PARA SA LINGGO 10:

Teoryang Post-Kolonyalismo

Bahagi ni: Rosemarie Seraga

ANG PAGTATAMAAN NG NASYUNALISMO SA PANULAT NI

AMADO V. HERNANDEZ AT BIENVENIDO L. LUMBERA

AT ANG DISKURSONG POSTKOLONYAL

Maikling impormasyon ng mga awtor:

Si Amado Vera Hernández (13 Setyembre 1903 – 24 Marso 1970) ay isang makata at manunulat
sa wikang Tagalog. Kilala rin siya bilang "Manunulat ng mga Manggagawa", sapagkat isa siyang pinuno
ng mga Pilipinong manggagawa at sa kaniyang mga pagpuna at pagsusuri sa mga kawalan ng
katarungang naganap sa Pilipinas noong kaniyang kapanahunan. Nakulong siya dahil sa
pakikipagugnayan niya sa mga kilusang makakomunista. Siya ang punong tauhan sa isang bukod-tanging
kasong panghukuman na tumagal ng 13 taon bago nagwakas.

Si Bienvenido Lumbera ay isinilang noong ika-11 ng Abril taong 1932 sa Lipa at kilala bilang isang
makisig na makata, liberista, iskolar, kritiko, at dramatista sa kasaysayan ng sining at panitikan ng
Pilipinas. Kinilala rin siya bilang isang Pambansang Alagad ng Sining sa Panitikan noong 2006. Naging
malaking impluwensya ang ambag ni Lumbera sa larangan ng panitikan. Pinakita niya sa sambayanang
Pilipino, sa pamamagitan ng kanyang sining, na ang identidad ng isang Pilipino ay nasa sarili nilang
kultura.

Ang artikulong ito ay nagpapakita ng Teoryang Post-Kolonyalismo sapagkat ang mga nabanggit na
manunulat ay bukod sa mga Pilipino na ay nagbibigay diin pa sa pagkamakabayan ng isang Pilipino. Kung
saan tinuligsa ang kolonyal na mentalidad at binigyang pansin ang ang pag-aaral ng ating kasaysayan,
paglalahad sa sariling kultura at tradisyon,mga natatanging bayani, at nag-aalab na pagmamahal para sa
kababayan at sa sariling bansa.
Post-Kolonyalismo

- Ang post-kolonyalismo ay naglalayon na gisingin ang

ating pagkatao bilang isang malaya mula sa

impluwensiya ng kolonisasyon na pilit ibinibigay ng mga

mananakop sa atin. Ang post-kolonyalismo ay ang

pagkaraan ng pananakop ng isang bayan. Ito ay ang

epekto ng Imperyalismo sa ating mahal na bansa.

Naisusulat ang mga akdang kabahagi ng postkolonyalismo pagkatapos ng kolonyal na panahon. Ibig

sabihin nito, ang mga literaturang kakikitaan ng

nasyonalismo ay maihahanay sa post-kolonyalismong

kategorya kung ito ay ini-akda pagkatapos ng

pananakop.

Mahahalagang salita sa Post-Kolonyalismo

Nasyonalismo

- makabayang pilosopiya ay tumutugon hindi lamang sa

pagiging makabayan kundi sa pagkakaroon ng

paninindigan, karapatan, diwa, at pakikisangkot para sa

lipunan. Layunin ng pilosopiyang ito na iangat at

mapaunlad ang pamumuhay ng isang tao.

Kolonyalismo

- Ang Kolonyalismo ay isang sistema ng pag-domino sa

politika at militar kung saan ang isang kapangyarihan, na

kilala bilang isang metropolis, ay nagpapatupad ng

pormal at direktang kontrol sa ibang teritoryo . Ang

kolonyalismo ay tinatawag ding tendensiyang maitatag


at mapanatili ang mga kolonya.

Imperyalismo

- batas o paraan ng pamamahala kung saan ang malalaki


o makapangyarihang mga bansa ang naghahangad

upang palawakin ang kanilang kapangyarihan sa

pamamagitan ng pagsakop o paglulunsad ng mga

pagtaban o kontrol na pangkabuhayan at pampolitika sa

ibabaw ng ibang mga bansa. Ilang malalaki o malalakas

na mga bansang kumukontrol sa ibang mga rehiyon

upang makalikha ng isang mas malaking imperyo.

Layunin ng Teoryang Post-Kolonyalismo

a. Paggising sa diwa ng mambabasa ukol sa pagiging malaya ng isang pangkat.

b. Pagkilala bilang isang nasyon na may iisang kultura mula sa katutubong pinanggalingan.

c. Mailathala ang mga hindi maka-nasyonalismong pangyayari sa iisang pangkat.


Paano malalaman na ang akda ay nasa hanay ng PostKolonyalismo?

a. Nagpapakita ba ito ng pagka-nasyonalismo?

b. Nagkaroon ba ng tunggalian laban sa dalawang magkaibang lahi?

c. Nanaig ba ang pagpapalitaw ng kultura?

d. Nailathala ba ito pagkatapos ang kolonyal na panahon?

Mga Natutunan:

Masasabing Teoryang Post-Kolonyalismo ang isang panitikan o akda kung ito ay...

- nagpapakita ng pagiging makabayan at pagmamahal sa bayan

- may layuning gisingin ang natutulog na pagkapilipino

-naglalahad ng mga kultura at tradisyon ng isang bansa

-nagbibigay halaga sa sariling wika at natatanging pagkakakilanlan

-tumatangkilik sa sariling produkto at tumutuligsa sa kolonyal na pag-iisip

...at iba pa na sumasalamin sa patriotismo at pagmamahal sa sariling bayan.

You might also like