Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

TUKURAN TECHNICAL – VOCATIONAL HIGH SCHOOL

Tukuran, Zamboanga del Sur


LEARNING ACTIVITY SHEETS NG ARALING PANLIPUNAN - GRADE 10
Unang Markahan – Ikatlong Linggo

Name of Learner: _________________________________ Grade Level: ______________________


Section: __________________________ Date: ______________ Contact Number: ___________________

I.Nilalaman: Paghahandang Nararapat Gawin sa Harap ng Panganib na Dulot Ng Suliraning Pangkapaligiran


II. Panimula o Susing Konsepto:
Kanino nga ba nakasalalay ang paghahanda para sa mga banta ng iba’t ibang hamong pangkapaligiran na ating nararanasan? Ito ba
ay tungkulin ng pamahalaan o ng mamamayan? Sa araling ito ay pagtutuunan mo ng pansin ang dalawang approach na ginagamit sa
pagbuo ng disaster management.
Ang Disaster Management, Kung sakaling magkakaroon ng kalamidad sa inyong lugar, alam mo ba iyong gagawin? Kung saang ligtas
na lugar ka maaaring lumikas? kung kanino ka hihingi ng tulong? Ang sagot sa mga tanong na ito ay ilan lamang sa mga dapat mong
malaman upang maging ligtas ka sa panahon ng kalamidad Ang pagiging ligtas ng isang komunidad sa mga sakuna ay nakasalalay sa
pagkakaroon ng isang mahusay na disaster management.
Ayon kay Carter (1992), ito ay isang dinamikong proseso na sumasakop sa sa pamamahala ng pagpaplano, pag-oorganisa, pagtukoy
ng mga kasapi, pamumuno at pagkontrol.
Sa pag-aaral ng disaster management, mahalagang alam mo ang pagkakaiba ng mga ginagamit na termino o konsepto.
Ayon naman kina Ondiz at Rodito (2009), ang disaster management ay tumutukoy sa iba’t ibang gawain na dinisenyo upang mapanatili
ang kaayusan sa panahon ng sakuna, kalamidad, at hazard.
1. Hazard – ito ay tumutukoy sa mga banta na maaaring dulot ng kalikasan o ng gawa ng tao.
1.1 Anthropogenic Hazard o Human-Induced Hazard – ito ay tumutukoy sa mga hazard na bunga ng mga gawain ng tao.
1.2. Natural Hazard – ito naman ay tumutukoy sa mga hazard na dulot ng kalikasan.
2.Disaster – ito ay tumutukoy sa mga pangyayari na nagdudulot ng panganib at pinsala sa tao, kapaligiran, at mga gawaing pang-
ekonomiya.
4. Vulnerability – tumutukoy ang vulnerability sa tao, lugar, at imprastruktura na may mataas na posibilidad na maapektuhan ng mga
hazard.
5. Risk –ito ay tumutukoy sa inaasahang pinsala sa tao, ari-arian, at buhay dulot ng pagtama ng isang kalamidad.
6. Resilience–ang pagiging resilient ng isang komunidad ay tumutukoy sa kakayahan ng pamayanan na harapin ang mga
epekto na dulot ng kalamidad.
Ang Philippine Disaster Risk Reduction and Management Framework Nakabatay ang Philippine Disaster Risk Reduction and
Management Act of 2010 sa dalawang pangunahing layunin: (1) Ang hamon na dulot ng mga kalamidad at hazard ay dapat
pagplanuhan at hindi lamang haharapin sa panahon ng pagsapit ng iba’t ibang kalamidad; at (2) Mahalaga ang bahaging
ginagampanan ng pamahalaan upang mabawasan ang pinsala at panganib na dulot ng iba’t ibang kalamidad at hazard. Ang mga
nabanggit na layunin ay kasama sa mga naging batayan sa pagbuo ng Philippine Disaster Risk Reduction and Management
Framework (PDRRMF). Binibigyang diin ng National Disaster Risk Reduction Framework ang pagiging handa ng bansa at mga
komunidad sa panahon ng mga kalamidad at hazard. Sa pamamagitan nito, ang pinsala sa buhay at ari-arian ay maaaring mapababa
o maiwasan. Sa kasalukuyan, isinusulong rin ng NDRRMC ang Community BasedDisaster and Risk Management Approach sa pagbuo
ng mga plano at polisiya sa pagharap sa mga suliranin at hamong pangkapaligiran.

III.Learning Competency: Natutukoy ang mga Paghahandang nararapat gawin sa harap ng panganib na dulot mga suliraning
pangkapaligiran.

IV: Panuto: Ang mga sumusunod ay mga mahahalagangbagay na dapat tandaan:


A. Gamitin ng maayos ang Learning Activity sheet/GawaingPagkatuto
B. Basahing Mabuti at sundin ang mga panuto sa bawat Gawain; at
C. Isulat ang inyong sagot sa isang malinis na sagutang papel.

V. Gawain:
Gawain 1. Larawan Suri
Tukuyin kung anong konsepto na may kaugnayan sa Disaster Risk Reduction and Management ang tinutukoy ng sumusunod na
larawan.

1.________________ 2. _________________ 3. ________________ 4. _ ____________ 5. _________________


Gawain 2. Konsepto , Tukuyin Mo!
Basahin ang sumusunod na pahayag ,tukuyin kun anong konsepto na may kaugnayan sa Disaster Risk Reduction and Management
ang inilirawan.
_________1. Nakatira ang pamilya ni Jess malapit sa dagat at ang kanilang bahay ay yari lamang sa magagaang materyales.
_________2. Maraming namatay ng tao dahil sa pandemya.
_________3. Nakikiisa ang mga mamamayan sa paglilinis sa mga baradong kanal sa kanilang lugar at isinisiguro na lahat ay may
kasanayan sa pagharap sa anumang panganib na darating.
_________4. Gumuho ang isang gusali dahil sa mahinang pundasyon.
_________5. Pinalilikas ng kinauukulan ang mga taong malapit sa paanan ng bundok.

Gawain 3. Ibigay ang sariling opinyon tungkol sa kahalagahan ng dalawang konsepto.

Philippine Disaster Risk Reduction and


Management Framework (PDRRMF)

Community-Based Disaster and Risk


Management

Rubrics sa Pagmamarka ng Gawain 1,2,3, at Pamprosesong Tanong


Nilalaman Wasto at makatotohanan ang mga 10
inpormasyon
Organisayon Kumprehensibo at malinaw ang daloy 10
ng ideya. Maayos na naipahayag ang
pagkakaiba at pagkakaugnay ng mga
tinalakay na konsepto.
Kabuuan na puntos 20

VI.Pamprosesong Tanong:
1.Ano ang Disaster Mangement?
2. Bakit kailangan ang CBDRM approach sa pagharap sa mga hamon at suliraning pangkapaligiran?
3. Bakit mahalaga ang partisipasyon ng lahat ng sector sa pagbuo ng Disaster Mangement Plan?

VII. Reflection/Pangwakas:
Bilang isang mag-aaral, suriin mo kung paano ka makatutulong sa pagharap sa mga suliranin at hamong
pangkapaligiran.

VIII. References/Mga Sanggunian:


Araling Panlipunan 10 Modyul Kontemporaryong Isyu(Draft),Pages 82-89
https://www.google.com/search?q=lindol+kalamidad&tbm=isch&ved=2ahUKEwjn-PmktI7zAhVWA

Inihanda Ni: Naitala Ni: Inaprobahan Ni:

MARIA ANGELICA C. EPANTO MERCEDITA I. FRIAS LUTHER D. CASTELO ,EdD


Guro Head Teacher- I Secondary School Principal-IV

You might also like