Professional Documents
Culture Documents
G7 1st QTR MODULE 3WEEK 4 Final
G7 1st QTR MODULE 3WEEK 4 Final
EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO
QUARTER 1 – MODULE 3
Week 4
1
Modyul 3: Tiwala sa Sarili para sa Pag-unlad ng Talento at Kakayahan
UNANG BAHAGI
Sa modyul na ito ay higit pang madaragdagan ang iyong kaalaman upang mas makilala ang iyong
sarili bilang nagdadalaga/nagbibinata na may mga talentong dapat tuklasin, kakayahang dapat linangin at
mga kahinaang kailangang lampasan.
TALENTO AT KAKAYAHAN
Ayon sa Webster Dictionary, ang talento ay kasingkahulugan ng biyaya at kakayahan na kung saan ito
ay likas na kakayahan na kailangang tuklasin at paunlarin. At tulad ng isang biyaya, dapat itong ibahagi sa iba.
Ayon naman kina Thorndike at Barnhart, mga sikolohista, mula sa kanilang “Beginning Dictionary”, ang
talento ay isang pambihira at likas na kakayahan. Samantalang ang kakayahan ay kalakasang intelektuwal
(intellectual power) upang makagawa ng isang pambihirang bagay gaya ng kakayahan sa musika o sa sining.
Ayon sa mga sikolohista, ang talento ay may kinalaman sa genetics o pambihirang katangiang minana
sa mga magulang. Samantalang ang kakayahan ay likas o taglay ng tao dahil sa kaniyang intellect o
kakayahang mag-isip. Halimbawa rito ay si Brian Green, isang atleta na naniniwala sa teoryang ito. Naniniwala
siya na, “ang pagtutuon ng atensiyon nang marami sa talento sa halip na sa kakayahan ay isang hadlang
tungo sa pagtatagumpay.”
Si Sean Covey ay nagbahagi tungkol sa pagtuklas ng talento sa kaniyang aklat na Seven Habits of
Highly Effective Teens, naniniwala siya na bawat tao ay may talento at kakayahan. Magkakaiba nga lamang
ng paraan ng pag-usbong ng talento sapagkat bawat tao ay may kaniya-kaniyang panahon ng pagsibol, ang
iba ay tinatawag na late bloomer. Kaya dapat tandaan, espesyal ka dahil ikaw ay likha ng Diyos.
2
THEORY OF MULTIPLE INTELLIGENCES
(Dr. Howard Gardner)
1. Visual/Spatial
2. Verbal/Linguistic
3.Mathematical/Logical
4. Bodily/Kinesthetic
5. Musical/Rhythmic
6. Intrapersonal
7. Interpersonal
8. Existential
9. Naturalist
2. VERBAL/LINGUISTIC - talino sa pagbigkas o pagsulat ng salita. Kadalasan ang mga taong may
taglay na talinong ito ay mahusay sa pagbabasa, pagsusulat, pagkukuwento, at pagmememorya ng
mga salita at mahalagang petsa.
Larangang tinatahak: abogasya, pamamahayag, politika, pagtula at pagtuturo
3
7. INTERPERSONAL - talino sa interaksiyon o pakikipag- ugnayan sa ibang tao.
Larangang tinatahak: nagiging matagumpay sa kalakalan, politika, pamamahala, pagtuturo o
edukasyon at social work
Ang Teorista (Theorist) ang binibigyang pansin nito ay ang pagbibigay ng malinaw na
paliwanag tungkol sa mga pinagmumulan ng mga bagay-bagay sa paligid.
IKALAWANG BAHAGI
GAWAIN I
PANUTO: Gawin ang mga sumusunod na gawain sa iyong sagutang papel.
___________________________________
4
1.B. Magtala ng isa sa iyong mga kakayahan.
______________________________________________________________
______________________________________________________________
________________
GAWAIN II
PANUTO: Gumuhit ng hugis puso sa sagutang papel at sa loob ng puso ay isulat ang isang taong nakatulong
sa iyo upang mapaunlad ang iyong talento at kakayahan.
iyo?
5
SUSI SA PAGWAWASTO
SANGGUNIAN
Kagawaran ng Edukasyon. 2017. Edukasyon sa Pagpapakatao-Ikapitong Baitang Modyul para sa Mag- aaral.
Unang Edisyon.Pasig City , pahina 35-54
Covey, Sean (1998), The 7 Habits of Highly Effective Teens. Fireside: Simon and Schuster Inc. N.Y., pahina
73-104
Abiva, Thelma G (1993), Learning Resource for Career Development. Abiva Publishing House, I
6
Republic of the Philippines
Department of Education
Region I
Division of Pangasinan II
Binalonan
GAWAIN A.1
PANUTO: Anong Multiple Intelligences sa Hanay B ang binabanggit sa Hanay A? Isulat ang letra ng
tamang sagot sa sagutang papel.
HANAY A HANAY B
1. Ginaya ko ang ginagawa ng batang naglalaro. a. Naturalist
2. Ako ang contestant ng klase sa larong dama. b. Verbal/Linguistic
3. Gusto kong maging musikero. c. Mathematical/Logical
4. Sumusulat ako ng mga tula. d. Bodily/Kinesthetic
5. Masaya ako sa pag-aalaga ng aso at pusa. e. Musical/Rhythmic
GAWAIN A.2
PANUTO: Magsulat ng maikling salaysay ng sariling karanasan gamit ang tatlong (3)
talento/kakayahan at salungguhitan ang mga ito. Ang maikling salaysay sa ibaba ay
maaari mong gamiting gabay. Gawin ito sa sagutang papel.
Halimbawa:
Nagyaya ang aking mga kaibigan na magbisekleta sa malayo.
Nag-ehersisyo muna ako para nakakondisyon ang aking katawan. Habang
tinatahak namin ang daan, napapaawit ako sa ganda ng tanawin.
7
Ikaw naman
______________________________________________________
______________________________________________________
______________________________________________________
______________________________________________________
______________________________________________________
______________________________________________________
_____________________________________________________ .
GAWAIN A.3
PANUTO: Gumuhit ng bagay na sumisimbolo sa iyong talento o kakayahan. Gawin ito sa sagutang papel.
Pamantayan sa Paggawa
Organisasyon ng mga ideya - 10
Nilalaman - 10
Kalinisan at kaayusan - 5
Kabuuan - 25 puntos