Ap2 q2 m8 Pagkakakilanlang-Kultural-ng-Komunidad

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 12

Republic of the Philippines

Department of Education
Regional Office IX, Zamboanga Peninsula

2 Zest for Progress


Z Peal of artnership

Araling Panlipunan
Ikalawang Markahan- Modyul 8:
Pagkakilanlang Kultural ng Komunidad

Name of Learner: ___________________________


Grade & Section: ___________________________
Name of School: ___________________________
BumuosaPagsusulat ng Modyul
Manunulat: Mercedes P. Bantilante, Flordemay Candelanza
Editor: Maria Fe G. Florida
Tagasuri: Lindo O. Adasa Jr.
Florence S. Gallemit
Dr. JephoneYorong
Tagaguhit/Tagakuha ng Larawan:
Tagalapat: Flordemay Candelanza and Maria Fe G. Florida
Tagapamahala: SDS Felix Romy A. Triambulo, CESO VI
ASDS Oliver B. Talaoc, Ed.D.
Dr. Ella Grace M. Tagupa
Dr. Jephone P. Yorong
Florence S. Gallemit
Belen R. Talic
Alamin
Pagkatapos mapag-aralan ang modyul na ito, ikaw ay inaasahang:
 Nabibigyang halaga ang pagkakakilanlang kultural ng komunidad-
AP2KNN-llj-12

Balikan

Piliin at isulat ang titik ng tamang sagot sa inyong notbuk.

1. Ang mga Pilipino ay kilala sa mga katangian na kahit anong


problema ang dumating, nagagawa pa rin nating ngumiti?
A. matulungin B. masayahin C. magalang D. matapat

2. May gagawing pag-aaral tungkol sa paghahanda ng mga pagkain na


maging pagkakilanlan ng iyong lugar, alin sa mga sumusunod ang
gagawin mo?
A. Hindi ako sasali dahil wala akong pera
B. Talagang sasali ako upang matuto
C. Sasabihin kong hindi ako marunong
D. Matutulog na lang ako

3. Ito’y produktong kinalulugdan ng lahat maging sa ibang bansa na


nagmula sa likas yaman na yamang lupa na pinalalago ng lungsod.
Alin sa mga sumusunod ito?
A. banana chips at cassava chips B. potato chips
C. chicharon D. salad

4. Alin sa mga sumusunod ang maari mong gawin kung may mga
turista na darating galing sa ibang lugar at nagtanong sa tanawin?
A. Sasabihing hindi mo alam ang kwento
B. Hayaang silang malaman nila ang kwento
C. Ipadakip sila sa mga polis
D. Magkwento tungkol sa istorya nito

5. May taong nagtatanong kung saang lugar makikita ang museo ni


Dr. Jose Rizal. Alin sa mga sumusunod ang isasagot mo?
A. Rizal Park C. Simbahan ng Dapitan
B. Gloria’s Fantasyland D. Plasa ng Dapitan
6. Gustong sumakay ng ibat-ibang rides ang iyong mga kaibigan. Alin
sa mga sumusunod na lugar mo sila dadalhin?
A. Dapitan City Plasa C.Lumang Bahay ng Dapitan
B. Gloria’s Fantasyland D.Simbahan ng Dapitan

7. Alin sa mga sumusunod ang festival na dinarayo ng maraming tao


tuwing ipinagdiwang ang kapistahan ng Dapitan?
A. Bangus Festival C.Kinabayo Festival
B. Ulang Festival D.Handuraw Festival

8. Ito’y kilala sa buong mundo bilang “tourist destination” na resort na


Dapitan matatagpuan sa lungsod ng Dapitan. Alin sa mga
sumusunod ito?
A. Dakak Beach Resort C.Plasa ng Dapitan
B. Munisipyo ng Dapitan D.Ilihan Hill ng Dapitan

9. Saang lugar ng Dapitan makikita ang Rizal Landing Site/Punto


Desembarco?
A. Sta.Cruz B. Dawo C.Bagting D. Banonong

10. Alin sa mga sumusunod na pangalan ang nagpatanyag sa


lungsod ng Dapitan?
A. Andres Bonifacio C. Dr. Jose P. Rizal
B. Apolinario Mabini D. Juan Luna

Aralin
8
Pagkakilanlang Kultural ng Komunidad

Tuklasin
Ang Pagkakilanlang Kultural sa Lungsod ng Isabela

Ang Isabela ay isang pang-apat na klase ng siyudad, at ito ay ang


dating kapital ng Basilan, Pilipinas (Philippines ) na isang isla sa
Mindanao. Kilala rin ito bilang Isabela de Basilan upang makilala ang
pangalan ng lungsod mula sa lalawigan ng Isabela sa Luzon. Dahil sa
ang lungsod ay pinamumugaran ng iba’t ibang lahi, ang mga
mamamayan ng lungsod ay nagkakaroon ng magkahalo-halong
kultura.
Ang kultura ng Isabela ay binubuo ng tatlong etnolingwistikong
pangkat : ang Yakan, ang Tausug at ang Zamboangueño. Ang mga
Yakan at Tausug ay mga Muslim, samantalang Kristiyano ang mga
Zamboangueño. Sila ang kumakatawan sa Basilan tri-people o tri-
ethnic group na komunidad.
Ang Yakan ay isang grupong etniko sa Arkipelago ng Sulu
na kilala sa makukulay na kasuotan. Sila ay kilala bilang
manghahabi ng pangarap na sumusunod sa paniniwalang
Islam. Sila ay may tradisyonal na kulturang kabayo (Yakan
people-Wikipedia). Sila ay m a ba ng is at ma ra nga l, m a pa ya pa
a t m ag ala ng , pa lipat - lipa t sila ng lug ar u pa ng ma nira ha n .
A ng mga Y a ka n a y ma hilig sa sining at sa m u sika . A ng
ka nila ng sining ay ma kikit a sa ka nila ng mg a ka ga m ita n sa
ku sina a t sa ka nila ng baha y . Ang ka nila ng ma yam a n na
t ra disy on sa mu sika a y na ha hat i sa da la wa : ins tr u me n tal a t
v oc al .
Ang kanilang instrumentong pangmusika ay gawa sa kawayan
kahoy, at metal. Ang kanilang musika ay may ibat-ibang uri para sa
ibat-ibang gamit tulad ng sa pagbasa ng Koran, pang- solo, at pang-
duet. Mayroon din silang musika na inaawit nila habang gumagawa sa
pang-araw-araw na gawain.
Tradisyon ng mga Yakan ang tinatawag na “tennun” na
nagpapakita sa kanilang kakaibang galing sa paghahabi gamit ang
iba’t-ibang kulay ng sinulid upang makabuo sila ng kakaibang disenyo
ng mga tela.

Ang Tausug o Suluk ang tawag sa pangkat ng mga Islam sa


Arkipelago ng Sulu. Sila ay kilalang nakalalamang sa mga kapwa
Pilipino Muslim dahil sa katapangan at nananatiling naniniwala sa
kasabihang “Hanggang may buhay, may pag-asa”(Ronald de Jong).

Ayon sa kaugalian, ang mga Tausug ay mandaragat/marino,


maninisid ng perlas, at mangangalakal. Sila rin ay sumusunod sa
paniniwalang Islam.
Ang mga Tausug ay mayaman sa mga kwento mula sa mga
ninuno. Ang kanilang paniniwala ay makikita sa kanilang ritwal at
sayaw kung saan ipinakita ang mga alon sa dagat na tinutukoy sa
kanilang paglalakbay.
Pangalay ang kilalang sayaw sa kasal ng mga Tausog. Ito ay
natatangi dahil ang mga kamay ng mga mananayaw ay may kukong
pampahaba gamit ang ginto o metal na tinatawag na janggay. Ang pis
syabit – makulay na tela na isinusuot ng mga lalaki sa ulo- ay sa
kasalukuyan ay ginagamit na rin ng mga kababaihan at mga mag-
aaral. Dati ito ay karaniwang gamit lamang ng mga kalalakihan
Ang kasalan sa Tausog ay pinagkasundo ng mga magulang sa
mga anak ng kanilang unang pinsan at pangalawang pinsan upang
mapangalagaan ang kanilang kayamanan.
Ang pangatlong pangkat naman ay ang Zamboangueño. Ang
katangian ng mga taong Zamboangueño ay natatangi tulad ng
kanilang sistema ng pamilya ng pagkakamag-anak, pagmamahal sa
isang pamana sa kultura, pagkahilig sa labis na pamumuhay, fiesta at
siestas, pati na rin ng maharlikang ugali. Karamihan sa kanila ay mga
debotong Romano Katoliko.
Chavacano ang wika ng mga Zamboangueño. Ang kanilang
tradisyon sa panliligaw ay ibinabase sa mahabang listahan ng mga
biyayang panlipunan. Isang halimbawa, ang isang Zamboangueño na
manliligaw ay hindi pwedeng umupo hanggat hindi sinasabi ng mga
magulang ng dalaga. Kailangan pang sagutin ang mga katanungan
tungkol sa kanyang sariling pamilya, at trabaho. Sa sayaw, kilala ang
Jota Zamboangueña. Ito ay bersiyon ng mga Zamboangueño sa
mabilis na hakbang na flamenco.
Gayundin, ang mga tradisyonal na kasuotan ng Zamboangueño
ay malapit na nauugnay sa pormal na pananamit ng Espanya. Ang
mga kalalakihan ay nagsusuot ng malaparang leeg na mga dyaket na
tinatawag nilang camiseta Zamboangueña, de bastón pantalon, at
sapatos na pang-European style, kumpleto sa de-rigueur bigotillos
(bigote). Inaangkin naman ng mga kababaihang Zamboangueño ang
pagmamay-ari ng mascota, isang pormal na gown.

Sa kasalukuyan, ang mga Zamboangueños de Basilan ay


nagkakaroon na ng modernong panlasa sa pagkain, kasuotan at
kultura mula sa mga piling modelo.
Suriin
Sagutin Mo
Isulat ang inyong sagot sa inyong kwaderno.
1. Saang lalawigan ng Pilipinas matatgpuan ang lungsod ng
Isabela?
2. Anu-anong pangkat etniko ang ang bumubuo sa kultura ng
lungsod?
3. Ano-ano ang kultura ng mga Yakan?
4. Ano-ano ang kultura ng mga Tausug?
5. Ano-ano ang kultura ng mga Zamboangueño?

Pagyamanin

Panuto: Isulat ang titik A kung ito ay tama at titik B naman


kung hindi. Isulat sa inyong notbuk ang sagot.
_____1. Ang Isabela ay matatagpuan sa probinsya ng Isabela.
_____2. Karamihang sa mga naninirahan sa lungsod ng Isabela ay mga
Kastila.
_____3. Chavacano ang pangunahing wika ng lungsod.
_____4. Iisang pangkat etniko lamang ang nainirahan sa Isabela.
_____5. Ang lalawigan ng Isabela ay matatagpuan sa Visayas.
_____6. Ang Isabela ay isang isla.
_____7. Ang “tennun” ay ang kakaibang galing sa paghahabi gamit ang
iba’t-ibang kulay ng sinulid upang makabuo ng kakaibang disenyo ng mga
tela.

_____8. Tinatawag nga Isabela de Basilan ang lungsod ng Isabela upang


maiba sa lalawigan ng Isabela sa Luzon.

_____9. Sa kasalukuyan, ang pis syabit ay isinusuot ng mga kababaihan at


mga mag-aaral.

_____10. Ang mga Yakan ay kilala sa paghahabi.


Gawain
A. Panuto: Tukuyin kung ang inilalarawan sa bawat bilang ay
naglalarawan sa kultura ng Yakan, Tausog o Zamboangeño.

1. Ang kanilang pangkat ay karaniwang mga kristiyano.

2. A ng ka ram ihan sa kulturang material na kanilang tinataglay


o ginagamit ay makasining na ginawa at makulay na
pininturahan

3. Kilala sila sa sayaw ng Pangalay.


4. Ang mga kalalakihan ay nagsusuot ng malaparang leeg na mga
dyaket na tinatawag nilang camiseta Zamboangueña.

5. Ang pis syabit, isang multi-kulay na habi na tela na tradisyonal na


isinusuot ulo o kagamitan ng mga kalalakihan

B. Magtanong sa mga nakatatanda at isulat kung ano ang


natatanging kultura sa inyong komunidad.

Isaisip

Ano ang aking natutunan?

Panuto: Punan ng angkop na salita ang mga patlang sa loob ng mga


sumusunod na pangungusap. Pumili ng tamang sagot mulasa loob ng
kahon at isulat sa inyong kwaderno.

Basilan Yakan Tausug Zamboangeño


Isla Muslim Kristiyano

Ang lungsod ng Isabela ay isang ____1__________ na matatagpuan sa


lalawigan ng _____2____________ sa Mindanao.
Ang lungsod na ito ay binubuo ng tatlong mga pangkat etniko na mga
________3______, _______4______, at ________5_________. Ang mga Yakan at
mga Tausug ay mga ___6____________, samantalang ang Zamboangeño ay
mga _____7_______________.
Tayahin

Panuto: Basahing mabuti ang mga katanungan at isulat ang titik


ng tamang sagot sa iyong notebook.

1. Aling lalawigan dati naging kapital ang lungsod ng Isabela?


A. Lamitan B. Zamboanga C. Isabela D. Basilan

2. Paano nakilala ang lungsod ng Isabela upang mapaiba sa


lalawigan nga Isabela sa Luzon? Nakilala ito sa pamamamgitan ng
pangalang

A. Basilan de Isabela
B. Isabela de Basilan
C. Isabela de Zamboang
D. Zamboanga de Isabela

3. Ilang kultura mayroon ang lungsod ng Isabela?


A. Isa B. Dalawa C. Tatlo D. Apat
4. Aling pangkat ang napakahusay na mandirigma at artesano?
A. Tagalog B. Zamboangueño C. Tausog D. Yakan
5. Paano isinasayaw ang pangalay?
A. Paglalagay ng mga baso sa ulo at kamay na may mga
nakasinding kandila.
B. Pagsasayaw gamit ang mga kawayan.
C. Ang mga babaeng mananayaw ay nagsusuot ng artipisyal na
pinahabang mga kuko na gawa sa tanso o pilak.
D. Sa pamamagitan ng paggamit ng mga matatalas na mga
bagay.
6. Saan nahahango ang tradisyonal na kasuotan ng
Zamboangueño?
A. sa Espanya B. sa Tsino C. sa Amerikano D. sa Hapon
7. Alin sa mga sumusunod ang kultura ng Zamboangueño sa
panliligaw?
A. hindi makaupo hanggat hindi masagot ang mga katanungan
ng mga magulang ng dalaga
B. kakain sa pagkaing inihanda
C. makikisayaw sa mga pamilya nga dalaga
D. aalukin ang dalaga ng mamahaling alahas
8. Paano mo bigyang halaga ang ibat-ibang kultura ng iyong
komunidad?
A. Pagbibigay respeto sa ibat-ibang tradisyon ng bawat kultura.
B. Isawalang bahala ang mga pagdiriwang ng ibang kultura.
C. Pagtatawanan ang kulturang kinagisnan ng iyong kaklase
dahil iba sa iyo.
D. Tangkilikin lamang ang sariling kultura.
9. Alin sa mga sumusunod kasabihan ang nananatiling
pinaniniwalaan ng mga Tausug?
A. Hanggang may buhay may pag-asa
B. Habang buhay may pag-ibig
C. May pag-asa ang umibig
D. Umiibig ang umaasa
10. Bakit tinataguriang may tradisyonal na kulturang kabayo
ang mga Yakan?
A. dahil sa kanilang makulay na sining
B. dahil sa makukulay na kasuotan
C. dahil sa palipat-lipat sila ng lugar upang manirahan
D. dahil palipat-lipat sila ng bahay

Karagdagang Gawain
Panuto: Gumupit ng mga larawan na nagpapakilala sa lungsod
ng Isabela at idikit sa inyong kwaderno.
Susi sa Pagwawasto

Balik-aral: Pagyamanin Tayahin:


1. B 1. B 1. D
2. B 2. B 2. B
3. A 3. A 3. C
4. D 4. B 4. A
5. A 5. B 5. A
6. B 6. A 6. C
7. C 7. A 7. A
8. A 8. A 8. A
9. A 9. A 9. A
10. C 10. A 10. C

Gawain:
1. Zamboangueño Isaisip:
2. Yakan 1.Isla, 2. Basilan,
3. Tausog 3.Tausog, 4. Yakan,
4. Zamboangeño 5. Zamboangeno,
5. Tausog 6. Muslim, 7. Kristiyano

Sanggunian:

https://en.wikipedia.org/wiki/Isabela,_Basilan

http://www.isabelacity.gov.ph/history-of-isabela-city/
https://en.wikipedia.org/wiki/Yakan_people

https://en.wikipedia.org/wiki/Isabela,_Basilan
Region IX: Zamboanga Peninsula Hymn – Our Eden Land

Here the trees and flowers bloom Gallant men And Ladies fair
Here the breezes gently Blow, Linger with love and care
Here the birds sing Merrily, Golden beams of sunrise and sunset
The liberty forever Stays, Are visions you’ll never forget
Oh! That’s Region IX
Hardworking people Abound,
Here the Badjaos roam the seas
Every valleys and Dale
Here the Samals live in peace
Zamboangueños, Tagalogs, Bicolanos,
Here the Tausogs thrive so free
Cebuanos, Ilocanos, Subanons, Boholanos,
With the Yakans in unity
Ilongos,
All of them are proud and true
Region IX our Eden Land
Region IX
Our..
Eden...
Land...

The Footprints Prayer Trees by Joyce Kilmer


One night I had a dream. I dreamed I think that I shall never see
that I was walking along the beach A poem lovely as a tree.
with the LORD.
A tree whose hungry mouth is prest
In the beach, there were two (2) sets Against the earth’s sweet flowing
of footprints – one belong to me and breast;
the other to the LORD.
A tree that looks at God all day,
Then, later, after a long walk, I And lifts her leafy arms to pray;
noticed only one set of footprints.
A tree that may in Summer wear
“And I ask the LORD. Why? Why?
A nest of robins in her hair;
Why did you leave me when I am sad
and helpless?”
Upon whose bosom snow has lain;
And the LORD replied “My son, My Who intimately lives with rain.
son, I have never left you. There was
only one (1) set of footprints in the Poems are made by fools like me,
sand, because it was then that I But only God can make a tree.
CARRIED YOU!

You might also like