Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Tulang Damdamin o Tulang Liriko

Mula sa pangalan ng uri, ito ay sumasalamin lamang sa damdamin ng makata o sumusulat ng tula. Walang
anumang konsiderasyon sa pagsulat nito ngunit ang damdamin o emosyon lamang ng sumusulat.

Hindi nito kinakailangan na mayroong tauhan o karakter sa isusulat na tula. Tumatalakay lamang ang tulang
ito sa perspektibo, pagpapahalaga, emosyon, o iniisip ng makata.

Mayroong iba’t ibang uri ang tulang liriko: Awit, soneto, oda, dalit, elehiya.

Awit

Ito ay isang tula na may tig-aapat na taludtod bawat saknong. Ang bawat taludtod naman ay binubuo ng
labindalawang (12) pantig. Iisa rin ang tugma ng bawat taludtod. Katumbas nito sa kasalukuyan ang awit o
mga kantang mayroong liriko.

Soneto

Ito ay isang mahabang tula na binubuo ng 14 na linya. Karaniwang tumatalakay naman ito sa kaisipan, diwa
ng makata.

Oda

Nakatuon naman sa pagbibigay ng papuri o dedikasyon sa isang tao, bagay, o anumang elemento ang oda.

Elehiya

Isang uri naman ng malungkot at pagdadalamhating babasahin ang elehiya. Ito ay tulang damdamin na
may temang kamatayan o pagluluksa.

Dalit

Tumutukoy naman ito sa isang uri ng tulang damdamin na nagpapakita ng luwalhati, kaligayahan, o
pagpapasalamat. Karaniwang para ito sa mga diyos o pinaniniwalaang panginoon upang magpakita ng
pagsamba. Karaniwan din itong isang saknong lamang.

Tulang Pasalaysay
Ito naman ay nakatuon sa pagkukuwento o pagpapakita ng balangkas ng isang pangyayari. Walang bilang
ng taludtod, saknong, o pantig ang tulang pasalaysay.

Maaari itong mga akdang mahaba o maikli na nagbibigay ng simple o komplikadong mga pangyayari tulad
ng daloy ng buhay pag-ibig o pakikipagsapalaran ng isang tao o bayani.

Mayroong dalawang uri ng tulang pasalaysay: ito an gang mga epiko at awit o korido.

Epiko

Ito ay isang napakahabang tula, isang uri ng kuwento tulad ng mga nobela, na nakasulat nang patula.
Karaniwang ang bida o pangunahing tauhan sa epiko ay isang bayani o mahalagang tao sa isang lipunan.
Mahalagang bahagi ng isang bansa, pangkat etniko, o lipunan ang epiko. Binibigyang halaga rin ng mga
tao sa isang lipunan o pangkat ang pangunahing tauhan sa isang epiko.

Awit o korido

Ito naman ay karaniwang may walong sukat o kung minsan ay hindi sinusunod. Ito ay karaniwang ginagawa
sa ibang bansa tulad ng Europa, Espanya, Gresya, at Pransya.

Karaniwang Tulang Pasalaysay


Ito ay pagsasalaysay pa rin naman ng isang pangyayari ngunit nakatuon na lamang sa mga pang-araw-araw
na karanasan o pakikipagsapalaran ng isang tao. Ito ay maaaring simpleng tula na likha ng isang bata o
mag-aaral. Karaniwan din itong nababasa sa mga dyornal o diary.

Tulang Patnigan (Joustic Poetry)


Ito naman ay isang uri ng tula na nakatuon sa pagbibigay ng damdamin habang mayroong kapalitan ng
opinyon o kuro-kuro. Karaniwang tinitignan ito bilang isang tulang nasa anyong padebate o pagtatalo. Ang
kaibahan lamang nito sa karaniwang debate ay gumagamit pa rin ito ng tugma, ritmo, at taludturan.

Mayroong apat na uri ng tulang patnigan ang kinikilala: ang Balagtasan, Karagatan, Duplo, at ang
kontemporaryong FlipTop Battle o Battle Rap.

Balagtasan

Ito ay ipinangalan kay Franciso ‘Balagtas’ Baltazar. Ito ay isang uri ng pagtatalo ng dalawa o tatlong
manunula sa iisang paksa. Magsasalitan ng pagsagot ang bawat panig na pinagigitnaan ng isang lakandula
o lakambini.

Karagatan

Ito ay isang uri naman ng paligsahan sa pagtutula. Kilala rin ito sa tawag na libangang tanghalan.
Nagmumula sa isang alamat ang paksa ng tula.

Duplo

Ito ay isa namang paligsahan sa pangangatwiran sa anyong patula. Hango ito sa Bibliya na binubuo ng mga
mahahalagang salita at kasabihan.

Fliptop o Battle Rap

Isang modernong uri ng Balagtasan ang FlipTop kung saan nagsasagutan din ang dalawang panig
patungkol sa isang paksa. Kailangan din itong may tugma na binibigkas lamang nang mas mabilis.

Tulang Pantanghalan o Padula


Ito ay mga piyesa o tulang itinatanghal sa mga dulaan o teatro. Karaniwan itong binibigkas ng patula sa
saliw ng tunog o musika upang mas maging kagiliw-giliw sa mga manonood.

You might also like