Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 5

Kabihasnang Klasiko Ng Greece

510 BC – 323 BC

Ang tawag ng mga Greek sa kanilang sarili ay Hellenes. Ito ay hango sa salitang
Hellas, na tumutukoy sa kabuoang lupain ng sinaunang Greece. Ang panahon ng
kasikatan ng Kabihasnang Greek hanggang sa pagtatapos nito noong 338 B.C.E. ay
kadalasang tinatawag na Panahong Hellenic.

Mahahalagang bahagi ng lungsod-estado sa Kabihasnang Greek:

Ang polis o lungsod-estado Ang acropolis ay tawag sa Ang agora o pamilihang


ay ang mga unang pinakamataas na lugar sa bayan na nasa gitna ng
pamayanan sa Greece. lungsod-estado. Dito lungsod ay isang bukas
Karaniwang binubuo ng matatagpuan ang mga na lugar kung saan
5000 na kalalakihan dahil matatayog na palasyo at maaaring magtinda o
noon ay sila lamang ang templo kaya ito ang naging magtipun-tipon ang mga
nailalagay sa opisyal na sentro ng pulitika at relihiyon tao.
talaan ng populasyon ng ng mga Griyego.
lungsod-estado.

Dalawang malakas na lungsod-estado na tanyag sa Greece:

Athens Sparta

Lenggwahe, sinasamabang Diyos, bumabasa at


nagbibigakas ng epiko ni Homer, at parehong
nakikipagkompetensya sa parehong larong pampalakasan

ATHENS
Naging sentro ng kalakalan at kultura sa Greece ang Athens. Ang Athens ay
tinaguriang demokratikong polis. Dahil direktang kabahagi ang mga taga-Athens sa
pagpili ng kinatawan at maaari rin silang manungkulan, direct democracy ang
ipinatupad ng Athens. Subalit hindi kabahagi sa demokrasya ng Athens ang mga babae
at banyaga. Ang mga sumusunod na pinuno ang nagpalawig ng democracy o
pamahalaan ng nakararami sa Athens:

Solon Inalis niya ang mga pagkakautang ng mga mahihirap at ginawang ilegal
ang pagkaalipin nang dahil sa utang.
Pisistratus Ipinagtanggol ang katayuan ng mahihirap at ipinamahagi ang mga lupain at
ari-arian ng mayayaman sa mahihirap at walang lupa.
Cleisthenes Sinimulan ang ostracism o ang sistema kung saan pinahintulutan ang mga
mamamayan na palayasin ang sinumang opisyal na sa kanilang paniniwala
ay mapanganib para sa Athens.
Pericles Sa kanyang panahon naranasan ng Athens ang tugatog ng demokrasya.
Itinaguyod niya ang pag-upo sa opisina ng pamahalaan ng mga
karaniwang mamamayan.

SPARTA
Nananakop ang Sparta ng mga karatig rehiyon nito upang mangamkam ng mga
lupain. Ang mga mamamayan ng kanilang lupaing sinakop ay ginagawa nilang taga
saka ng lupa na tinatawag na helots. Oligarkiya o oligarchy ang uri ng pamahalaan dito
kung saan binubuo ito ng isang lupon ng mga dugong bughaw upang palitan ang hari.
Sa mga lungsod-estado, ang mga lehitimong mamamayan ay binigyang karapatang
bumoto, magkaroon ng ari-arian, humawak ng posisyon sa pamahalaan, at ipagtanggol
ang sarili sa mga korte. Bilang kapalit, sila ay dapat na makilahok sa pamahalaan at
tumulong sa pagtatanggol sa mga polis sa panahon ng digmaan.
Ang Sparta ay isang mandirigmang polis. Nanatili itong isang oligarkiya at
isang estadong mandirigma. Sa lahat ng mga lungsod-estado, ang Sparta lamang ang
hindi umasa sa kalakalan. Ito ay may magandang klima, sapat na patubig at matabang
lupa na angkop sa pagsasaka. Pinalawak ng mga taga-Sparta ang kanilang lupain sa
pamamagitan ng pananakop ng mga karatig na lupang sakahan at pangangamkam
nito. Ang mga magsasaka mula sa nasakop na mga lugar ay dinala nila sa Sparta
upang maging mga helot o tagasaka sa malawak nilang lupang sakahan. Ang
pangunahing layunin ng Sparta ay lumikha ng magagaling na sundalo sa pamamagitan
ng mga sumusunod na hakbang:

• Ang mga bagong silang na sanggol ay sinusuri. Ang mahihinang bata o may
kapansanan ay hinahayaang mamatay. Tanging ang malalakas at malulusog na
sanggol lamang ang pinapayagang mabuhay.
• Pitong (7) taon – ang mga batang lalaki ay dinadala na sa mga kampo-militar upang
sumailalim sa mahigpit na disiplina at sanayin sa serbisyo militar. Malakas na
pangangatawan, katatagan, kasanayan sa pakikipaglaban, at katapatan ang ilan sa
pangunahing layunin ng pagsasanay.
• Dalawampung (20) taon – ang mga kabataang lalaki ay magiging sundalong
mamamayan at ipinapadala na sa mga hangganan ng labanan.
• Tatlumpung (30) taon – maaari na silang mag-asawa ngunit dapat na kumain at
manirahan pa rin sa kampo, kung saan hahati na sila sa gastos.
• Animnapung (60) taon – sila ay maaari nang magretiro sa hukbo.

Digmaang Kinasangkutan ng Greece


DIGMAAN SANHI BUNGA
Digmaang Greco-Persian:
Pagtulong ng Athens sa Nagkaroon ng pagkakaisa
mga rebelde ng Persia ang mga lungsod-estado ng
upang makatakas Greece lalo na ang Athens
at Sparta upang mapigilan
Digmaang Marathon ang Persia.
Natalo ang Persia.
Phidippides- Atheniano na
tumakbo upang ibalita sa
Athens ang pagkapanalo
Nais ipagpatuloy ni Xerxes, Maraming sundalo ng
anak ni Darius, ang Gresya ang namatay dahil
Digmaan sa Thermopylae pananako sa Greece sa pagtataksil ng isang
Greek ngunit hindi pa rin
sila nasakop ng Persia.
Dito lumipat ang mga Nanalo ang Greek dahil sa
Digmaan sa Salamis Greek at bumuo ng mas naging estratehiya ng
malakas na Navy na pinuno ng Navy na si
lalaban sa Persia Themistocles
Digmaang Sparta-Athens
Kinainggitan at naging Nagtatag ng kani-kaniyang
banta sa ilang lungsod- Alliances ang mga lungsod-
estado lalo na sa Sparta estado. Ang Sparta ay sa
ang kayamanan, Peloponnesian League at
Digmaang Peloponnesian kapangyarihan at ang Athens ay sa Delian
katanyagan ng Athens League upang protektahan
ang kanilang lungsod-
estado sa mga kaaway.
Nagaway-away ang mga
lungsod-estado ng Greece,
natalo ng Sparta ang
Athens

Pamana ng Kabihasnang Greek


Sa Panahong Hellenic ang pag-unlad ng kabihasnan ay nakapaloob lamang sa
Greece. Sa Panahong Hellenistic, kumalat ang kabihasnang Greek sa halos lahat ng
kilalang bahagi na daigdig. Pinalaganap ni Alexander the Great, ang pinuno ng
Imperyong Macedonia, ang Kabihasnang Hellenistic, ito ang pinagsamang kabihasnang
Asyano at Greek.

Mahahalagang Larangan Ambag o Pangunahing Tuklas


Tao
Pythagoras Agham Pinaunlad ang prinsipyo sa geometry, and
Pythagorean Theorem
Archimedes Agham Tinantiya ang paraan ng pagsusukat ng circumference
ng isang bilog
Euclid Agham Kinikilalang “Ama ng Geometry”
Erastosthenes Agham -Nagawa ang halos tumpak na tantiya ng
circumference ng daigdig
-Gumuhit ng mga linya ng latitude at longitude sa
mapa ng daigdig
Aristarchus Agham Nakatuklas na umiikot ang daigdig sa araw habang
umiikot sa sarili nitong axis.
Aeschylus Drama Prometheus Bound
Sophocles Drama Sumulat ng Oedipus Rex at Antigone
Euripides Drama Sumulat ng Trojan War
Aristophanes Komedya Ang kanyang mga isinulat ay pawing pagtatalakay sa
politika at kaganapan sa Athens sa nakakatawang
pamamaraan.
Hippocrates Medisina “Ama ng Medisina” at Sumulat Hippocratic Oath
Herophilus Medisina “Ama ng Anatomy”
Erasistratus Medisina “Ama ng Physiology”
Herodutos Kasaysayan “Ama ng Kasaysayan”
Thucydides Kasaysayan Sumulat ng History of the Peloponessian War
Socrates Pilosopiya Ayon sa kanya “The unexamined life is not worth living”
at “know thyself”
Plato Pilosopiya May-akda ng “The Republic” kung saan inilalarawan
niya ang isang ideyal na estado
Aristotle Pilosopiya May-akda ng “Politics”, kung saan tinatalakay ang iba’t
ibang uri ng pamahalaan
Zeno Pilosopiya - Ipininakilala ang pilosopiyang stoicism, ito ay may
malaking pagpapahalaga sa ddignidad, pagpipigil sa
sarili at katuwiran
Phidias Iskultura Obra maestro ang estatwa ni Athena sa Pathenon at ni
Zeus sa Olympia

Sa larangan ng Arkitektura
✓ Parthenon - ay isang marmol na templo sa Acropolis sa Athens. Ito ay inalay sa
diyosang si Athena na itinuturing ng mga mamamayan na kanilang patron. Itinuturing
itong simbolo ng Sinaunang Gresya, Demokrasyang Ateniano, Kabihasnang Kanluranin
at isa sa pinakadakilang mga monumentong pangkultura.
✓ Tatlong istilo ng haligi: Doric – ang pinakapayak, Ionic – mas payat ang haligi at
napapalamutian ng mga scroll, at Corinthian – pinakamagarbong dekorasyon sa lahat.
Sa Larangan ng Pananampalataya
✓ Ang tradisyonal na pananampalataya sa Greece ay pagsamba ng iba’t ibang diyos
sa pangunguna ni Zeus, ang diyos ng langit.
✓ Pinaniniwalaan ng mga Greek na naninirahan sa Mount Olympus ang diyos at diyosa
at maaaring pasayahin ang mga diyos sa pamamagitan ng pag-aalay ng mga hayop at
pagkain bilang sakripisyo, paglalagay ng palamuti sa kanilang mga templo, pagdarasal
at pagdaraos ng mga pagdiriwang.

✓ Pinarurusahan ng mga diyos ang tao sa pamamagitan ng taggutom, lindol, sakit at


pagkatalo sa digmaan.

You might also like