Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

INTRODUKSIYON SA PAMAMAHAYAG

YUNIT XI

LARAWANG PAMPAHAYAGAN
(Photojournalism)

Tungkol saan ang yunit na ito?


Kumusta ka kaibigan? Nalalapit na tayo sa huling bahagi ng asignaturang ito. Ngunit
bago iyon, tayo ay maglalayag na naman sa panibagong serye ng pagkatuto.
Mahilig ka bang kumuha ng larawan? Kung oo, ano ang huling larawan na kinunan mo?
Kahit ano pa ‘yan, paniguradong ikaw ay interesado sa paksa ng larawan.
Alam mo ba na mabisang pang-akit ng pansin ng tao ang mga larawan? Lalo na kung
ang mga larawan ay makahulugan at madulain.
Mayroon ka na sigurong ideya kung ano ang pag-aaralan mo sa araw na ito. Ngunit
bago ka magsimula narito ang mga inaasahang matatamo pagkatapos ng yunit na ito.

Ano ang inaasahang kawakasan?


Sa yunit na ito kaibigan, inaaasahang magagawa ang mga sumusunod:
 Natutukoy ang gamit ng larawan sa mga pahayagan at mga magasin;
 Nababatid ang mga uri, paksa at mapagkukunan ng mga larawan;
 Nalalaman ang mga katangian ng mga larawang umaakit sa kawilihan ng mga
mambabasa;
 Napapahalgahan ang mga larawan para sa mga taga-ukit nito;
 Nababatid ang mga uri ng larawan na dapat gamitin sa pahayagan; at
 Naisasagawa ang pagkrap ng larawan at ng paglagay ng kapsyon nito.
Alamin

Larawang Pampahayagn (Photojournalism)

Ang larawang pampahayagan ay isang sining at agham ng pagkuha ng larawan at


ang pagsasama ng larawan at ng sulatin tungkol ditto.

Kahalagahan ng mga Larawan sa Pahayagan at Magasin


1. Nakatutulong sa isang mabisang paglalahad ng balita.
2. Nagbibigay buhay sa kaanyuan ng pahina sa pamamagitan ng paghidwa sa abuhing
talataan (breaking up gray matter or solid types).
3. Nagbibigay ng buhay at sigla sa mga lathalain.
4. Nagiging makatotohanan ang mga balita sa mga mambabasa.
5. Pinaiikli ang teksto. Ang isang larawan, ayon sa isang kasabihang Instsik, ay
katimbang ng 10, 000 salita.

Katangian at Panghalina ng Larawan (Appeal of Pictures)


1. Tunggalian (Struggle)
2. Takot o Sindak (Fear)
3. Pagdamay o Simpatya (Sympathy)
4. Mga Bata (Children)
5. Mga Hayop
6. Kasarian (Sex)
7. Ganda (Beauty)
8. Lubos ng Pagkakilala (Familiarity)
9. Galaw, Aksyon (Action)
10. Kahalagahan ng Balita (News Value)
Mga Larawang Ukit (Types of newspaper art engravings in letterpress printing)
1. Half Tone
2. Line etching
3. Linoleum cut

Pamantayan sa Pagpili ng Larawan


1. Kahalagahan pangtekniko (Technical value) – Tumutukoy sa mga larawang ganap,
malinawag, walang dumi o mantsa at madaling kopyahin sa pamamagitan ng
kamera.
2. Kahalagahan pang-editoryal (Editorial value) – Tumutukoy sa mga larawang kawili-
wili at nagsasalaysay kahit sa unang sulyap pa lamang; may mga saglit na
katotohanan at kabuoan.

Mga Panutong Dapat Tandaan ng Potograpo


1. Kumuha ng larawang may kilos (action pictures) nang ilang tao lamang.
2. Tagubilinan ang mga kukunan ng larawan na huwag sa kamera tumingin. Ang mga
pangunahing tauhan ay kailangang siyang pagsasamahin at ayusin nang natural.
3. Maging maagap sa pagkuha ng larawan ng mga tagpong di-pangkaraniwan.
4. Kunan ng larawan ang mga makatawag pansin, makaaantig-damdaming mga tagpo.
5. Kunan ng larawan ang tagpong sa iyong pagpasya ay magsasalaysay ng isang
pangyayari.
6. Higit sa lahat, iwasan ang mga larawang nakikipagkamay, larawang nakaayos
(posed pictures or firing squad pictures) at mga nag-uumpukang larawan (crowded
pictures).

Tagubilin sa Pagpili ng Larawan Para sa Pahayagan


1. Isaisip ang mga sangkap na kailangan ng isang pamahayagang larawan.
2. Tandaan ang tungkulin ng larawan sa pahayagan.
3. Laging gamitin ang mga larawang may kaugnayan sa balita.
4. Pag-aralan kung saan ang mahalagang bahagi ng larawan.
5. Piliin ang mga larawang may aksyon at buhay.
6. Iwasan ang larawang nakaayos (posed) at ang larawang nag-uumpukan (crowded)
maliban lamang kung kailangang ipakita ang dami ng tao.
7. Piliin ang larawang maayos ang komposisyon.
8. Gamitin ang tamang proporsyon ng larawan.
9. Alamin ang kahalagang pang-editoryal ng larawan.
10. Alamin ang kahalagang pangteknikal ng bawat larawan.
11. Lalong mabisa ang malapitan ang kuha (close-up) na larawan.
12. Sa mga larawang sakuna, iwasang magtanghal ng mga tagpong kakila-kilabot.
13. Sikaping magkaroon ng mainam na larawan sa bawat pahina.

Mga Tuntunin sa Pag-aanyo at Paglalagay ng Larawan sa Pahina


1. Ang malalaking larawan ay kailangang ilagay sag awing itaas ng pahina at malapit sa
balitang kaugnay nito.
2. Ang larawan ay kailangang mailagay sa tabi ng balitang may kaugnayan dito at ang
pagkaugnay ay dapat maipakilala.
3. Ang tao sa larawan ay kailangang paharap sa pahina o sa balitang may kaugnay
dito (facing in).
4. Ang mga larawang di-magkaugnay ay di-dapat pagtabihin.
5. Sa pangmukhang pahina, hindi dapat mailagay ang larawan sa lupi (fold). Kung hindi
maiwasan ito, ang mata ng taong nasa larawan ay hindi dapat matama sa lupi.
6. Ang larawan ay hindi dapat matabi sa napakatingkad na anunsyo o sa ulo ng balita.
7. Ang larawang binubuo ng maraming kolum ay nararapat mailagay sa gawing
kaliwang itaas o sa alin mang sulok sa ibaba.
8. Kung ang larawan ay nasa gawing itaas, huwag lagyan ng oberlayn (overline /
caption), pamagat o paliwanag.
9. Isaisip ang haba ng kapsyon. Hanggat maaari, ay isang dali lamang ang lalim.
10. Kung ang mga larawan ay nakaharap palabras (looking out) ng pahina, tagubilinan
ang photo engraver sa letterpress printing o ang stripper sa offset printing na iharap
itong papasok (invert negative), subalit iwasan ang plap (flop).
11. Maglaan ng puwang sa dami (dummy) para sa kapsyon.
12. Ang likod ng larawan ay kailangang magtaglay ng tagubilin tungkol sa luwang
(width), taas (height or depth) at kung saang pahina nakalaan.

You might also like